Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN 3 Part 2

ARALING PANLIPUNAN 3 Part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 04:30:33

Description: 3ARPA2-3

Search

Read the Text Version

Gawain 3: Paglalapat Panuto: Matapos mong mabasa at maunawaan kung paano nalinang ang diwa ng nasyonalismo sa Europa at mga kolonya dito, ay sikapin mong suriin ang pangyayari sa ating sariling bayan na nakatulong tungo sa paglinang ngnasyonalismo sa Pilipinas. Mahahalagang katangian ng isang Pangyayari sa ating bayan na nagbigay pinunong Pilipino na nagpasibol ng daan sa paglinang ng nasyonalismo nasyonalismo sa bansa: 1.1.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. 26

ARALIN 2REBOLUSYONG PANGKAISIPAN AT ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMO Ang araling ito ay tungkol sa kaugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa pag-unladng nasyonalismo sa mga bansang naging kolonya ng mga bansang Europeo. Anu-ano angmahahalagang kaganapan sa loob ng ika-19 at 20 siglo na may kaugnayan sanasyonalismo? Anu-ano rin ang mahahalagang kaisipang naging gabay sa mga gawaingpang-nasyonalismo noong mga panahong iyon? Ang mga tanong na ito ang sasagutin ngaralin. Matapos ang araling ito, inaasahan na iyong: 1. Maiisa-isa ang mga kaisipang lumaganap sa pag-unlad ng nasyonalismo; 2. Masusuri ang mga kaisipang napalitan at kaisipang umunlad dulot ng nasyonalismo; at 3. Maipapaliwanag ang mahahalagang pangyayari sa labas ng Europa noong ika-19 at 20 siglo na nagbigay daan sa paglaganap ng diwa ng nasyonalismo sa buong daigdig. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anu-ano kaya ang mga kaisipang lumaganap sa pag-unlad ng nasyonalismo sabuong daigdig? Talasan ang mga mata at bilugan ang mga salita na iyong makikita, maaringpatayo, pahalang o padayagonal. May 10 salitang maaring mabuo. 27

A S DF GR R R WAS F GHS A QF H K L R A S AKL APAG K A K AP A NT AYPANT AY BB KB P GA RD WV R EB U L OS GNJ K L I WE C VE A HNE X K MS I N I L I HA HK A S A S DF GNGA GDC A H J HA Y S I A S CA A B I U Y R CS K NGS V B H B AB E S A T S DB MA S A S V EDA L I A B U GP UL I T A K I V US F S B NMSGK I T F R E B O L U S Y ONJ K HK X DR T Y ARA B NY M T F J AY S J UNCOA C E S A RMOY P RA OP G S S AA E OUI S UY MA L A Y K OA A E NI O D A I RS I GUROI A E WA N K OHDN A GF U A Z K AL A Y A A NI NS I NI GN GF T SUDT S OL I B E RAL I SKI H EH AHEZ I V RS WM Z D EMOGRA S Y A N N NY A H AX ML I B E R A L I S MORONA L D D GA A X CCOB A DQ D A P AN GGI T NA NGP UR I MOB Y B Z RO N A L DE N J HA Y I GP U L I T I KRebolusyong Pangkaisipan at ang Pag-unlad ng Nasyonalismo Malawak at walang hangganan ang naging bunga ng Rebolusyong Pangkaisipan sadaigdig na nagsimula pa noong ika-labindawang siglo at nagpapatuloy hanggang sakasalukuyan. Ang rebolusyong ito ay nagsilbing binhi ng maraming pagbabago samakabagong panahon at sa ating hinaharap. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao samakabagong pananaw. Isinaisantabi nila ang mga lumang paniniwala at kaugalian.Hinalinhan nila ang mga ito ng mga bagong kaisipan na itinaguyod ng mga paham atpilosopong naging tanyag. May apat na larangan ang Rebolusyong Pangkaisipan: Agham,Pulitika, mga Sining, at Kabuhayan. 28

Ang makabagong agham ay nagsimula sa Rebolusyong Pangkaisipan. May iba’tibang siyentipiko na nakilala tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin, at iba pa.Marami sa kanilang nilikha ang nakapagdulot ng kabutihan sa kalusugan at kabuhayan ngtao. Umusbong din at nakilala ang gitnang-uri sa lipunan (middle class) at ang pangkat ngito ay naging bagong puwersang isinaalang-alang ng pamahalaan at pamayanan. Ang mgakaisipang kaugnay ng piyudalismo, absolitismo at kapangyarihan ng simbahan ay tinalikuranat napalitan ng sekularismo, pagkakapantay-pantay, at kalayaan para sa lahat. Sa laranganng pulitika ay lumaganap ang salitang liberalismo at demokrasya. Ang mga himagsikan aynaghatid ng pagbabago tungo sa mas malayang pamahalaan na ayon sa batas atkarapatang-pantao. Tunay na napaunlad ng Rebolusyong Pangkaisipan ang diwa ngnasyonalismo lalung-alo na sa mga bansang nasakop ng mga Europeo. Ang nasyonalismo ay damdaming nagpapahiwatig ng pagiging kaanib sa isangpangkat na may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay isang lahingpinagmulan at isang relihiyong sinasampalataya. Sinasaklaw nito ang pag-unlad ngkamalayang pambansa simula noong ika-labinlimang siglo hanggang sa ika-dalawampungsiglo sa mga pangunahing bansa ng Europa, Amerika, Asya, at Aprika. May isang pangyayari sa kasaysayan ng daigdig na higit na nakatulong sapaglaganap ng nasyonalismo o damdaming makabayan sa lahat ng dako. Ito ay angRebolusyong Pranses. Nakapaloob ito sa kanilang pambansang salawikain: “Kalayaan,Pagkakapantay-pantay, at Pagkakapatiran.” Noong Panahong Midyibal bago sumapit ang Ika-19 na siglo, laganap angpiyudalismo at ang kaisipan ng pagkamatapat sa isang pansariling bagay lamang. Angbasalyo ay matapat sa kanyang panginoon o sa pamilya ng kanyang panginoon. Nangmagwakas ang panahon ng piyudalismo at isinilang ang mga bansa, ang pangkaraniwangtao at ang sumisikat na panggitnang uri ng tao (middle class) ay bumaling sa hari para sakanilang pagkalinga. Ang pagkamatapat sa bansa, at hindi sa hari, ay isa sa mgakinahantungan ng Himagsikang Pranses. Ang pagpapaalis sa hari at ang pagkilala sakarapatan ng karaniwang tao upang pamahalaanang kanilang sarili ang nakapagpaunlad sadiwa ng nasyonalismo sa buong daigdig. 29

Noong Ika-19 na siglo, ang nasyonalismo ay isa sa mga katangian ng KanlurangDaigdig. Subalit lumaganap din ito sa Silangang Daigdig kung saan ang pambansangpagkakaisa ay naging mahalagang puwersa sa mga bansang sakop upang isulong angmithiing pambansa na magkaroon ng kalayaan at pagsulong. Ang mga pangunahingpangyayari na kaugnay sa pag-unlad ng nasyonalismo sa Europa ay mabubuod sa mgasumusunod: 1. Ang tagumpay ni Napoleon III ay nakapagpalakas sa nasyonalismong Pranses. Ang kanyang hukbong sandatahan ay siyang nagdala ng diwa ng nasyonalismo sa mga nasasakupan kahit saan sila magpunta. Ngunit si Napoleon din ang sumuway sa prinsipyo ng nasyonalismo nang ilagay niya ang kanyang kamag-anakang dayuhan sa trono ng ibang bansa. 2. Ang paghahangad ng mga nasasakupan na mamahala sa kanilang sarili ay naging malakas pagkatapos ng pagbagsak ni Napoleon, kahit na minaliit nila ang makabayang prinsipyo ng mga pinuno ng Kongreso ng Vienna at ng autokratikong pinuno noong panahon ni Metternich. 3. Ang rebolusyon noong 1830 at 1848 sa Pransya, Italya, Poland at Alemanya ay sumiklab dahilan sa umuunlad na diwa ng nasyonalismo at demokrasya. 4. Ang diwa ng nasyonalismo na lumaganap sa Italya at Alemanya noong kalahati ng ika-19 na siglo ay humantong sa pagsasa-isang bansa ng dalawang bansang ito noong 1870. 5. Lumaganap sa Gresya at mga bansa sa Balkan ang diwa ng nasyonalismo na siya ring nakatulong sa pagkakahiwalay nila sa kontrol ng bansang Turkey. 6. Sa Amerika naman ay nagkaroon ng mabilis na pagsulong ng pambansang pagmamalaki kahit na may Himagsikang Sibil noon. Ang nasyonalismo ng mga Amerikano ay nakita sa mabilis na pakanlurang pagpapalawak ng lupain sa ibang kontinente sa Pasipiko. Ang nasyonalismo rin ang nagpaloob sa kagustuhan ng batang Republikang Amerikano na isulong ang Himagsikan laban sa Britanya. Sa pagsapit ng ika-20 siglo, ang nasyonalismo ay higit pang lumakas bilangmahalagang puwersa sa pagbabago ng daigdig. 30

1. Ang diwa ng nasyonalismo sa mga nasasakupang bansa ang nakapaghihina sa patuloy na pananakop ng mga bansang kanluranin. Ang malalaking bansa kagaya ng Britanya, Pransya, Olandes at Estados Unidos ay napilitang palayain ang mga nasasakupang bansa nang ang mga ito’y kinakitaan ng nasyonalismo at pagkakaisa. 2. Ang nasyonalismo ang naging pangunahing dahilan ng mga Pandaigdigang Himagsikan. Ang mga kolonya ay nahikayat na naghiganti sa kanilang kalapit- bansa, sumakop ng ibang teritoryo, at sumalakay sa mga bansang dayuhan. Ginawa nila ito upang makuha ang pagtataguyod ng kanilang mamamayan at upang maragdagan ang katanyagan makapagdagdag sa ikatatanyag ng kanilang sariling lupain. Lumaganap din ang iba’t ibang uri ng panitikan sa panahong ito. Ilan sa mganakilalang pilosopo at manunulat ay sina: 1. Rene Descartes, ang Ama ng Rationalismo o modernong pilosopiya, at sumulat ng aklat na Discourse on Method. 2. John Locke, isang Ingles na pilosopo na nagpatanyag ng mga natural na karapatan ng tao at ng disbentaha ng limitadong pamahalaan. Siya ang nakaimpluwensiya kina Jefferson, Thomas Paine, at iba pa. 3. Voltaire, ang pangalang sagisag ni Francois Marie Arouet, ay isang pilosopong Pranses na nagpasikat ng ideya ni John Locke at Isaac Newton at nagsulong ng indibidwal na kalayaan. Ang kanyang talino ay nagbunsod ng Rebolusyong Pranses. 4. Adam Smith, kilalang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya at sumulat ng The Wealth of Nations. Naniwala siya sa kalayaang pang-ekonomiya (laissez-faire) at binatikos niya ang merkantilismo. Pinatanyag niya ang adhikain ng produksyon at paggawa sa pandaigdigang kalakalan. Tinutulan din niya ang pakikialam ng pamahalaan sa negosyo at kalakal. 31

5. Jean-Jacques Rousseau, isang Pranses-Swiss na awtor ng Social Contract (1716). Siya ang nagpanukala ng limitadong gobyerno at konsepto ng demokrasya. Itinanghal siyang Ama ng Modernong Demokrasya at Ama ng Romantisismo dahil sa kanyang nobelang Emile. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga konseptong nakasulat sa kahon at maglagay ng mag halimbawa sa ilalim ng bawat paksa. Ilista angmga kaisipang napalitan o kaisipang umunlad dahil sa Diwa ng Nasyonalismo. Balikan moang teksto ng aralin upang makapili ka ng angkop na kasagutan. Ang una ay ginawa na parasa iyo bilang halimbawa.Kaisipang Napalitan Kaisipang Umunlad1. Pagkamatapat sa isang panginoon, 1. Maaring pamahalaan ng mga tao anghari o pinuno. kanilang sarili.2. 2.3. 3.4. 4.5. 5. 32

Tandaan mo Ang Rebolusyong Pangkaisipan sa larangan ang Agham, Pulitika, mga Sining at Kabuhayan ang naging dahilan ng pagbabago ng pananawpagkamulat ng mga tao sa diwa ng nasyonalismo.Ang mga siyentistang tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin at iba pa, aynagtaguyod ng makabagong pagtanaw sa syensya at pulitika.Pinangunahan ng gitnang-uri (middle class) ng lipunan ang pagwawaksi ng mgakaisipang piyudalismo, absolutismo at bulag na pagsunod sa kapangyarihan ngsimbahan. Sa halip ay itinaguyod nila ang sekularismo, pagkakapantay-pantay, atkalayaan at pamahalaan para sa kagalingan ng lahat.Ang Nasyonalismo ay ang diwang pagpapahiwatig ng pagigiging kaanib sa isang pangkatna may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay paniniwala saisang lahing pinagmulan at isang relihiyong sasampalatayahan.Ang pambansang salawikain ng mga Pranses na: Kalayan, Pagkakapantay-pantay atPagkakapatiran ang nagsulong ng diwa ng nasyonalismo sa Europa at Amerikano.Ang tagumpay ni Napoleon ay nakapagpalakas sa nasyonalismong Pranses. Angrebolusyon noong 1830 at 1848 sa Pransya, Italya, Poland at Alemanya ay sumiklab atgumising sa diwa ng nasyonalismo at demokrasya.Lumaganap din sa Gresya at mga bansa sa Balkan ang diwa ng nasyonalismo atnagdulot ng pagkakahiwalay nila sa kontrol ng Turkey.Nasyonalismo rin ang diwang nagpasiklab sa Digmaang Ingles at Amerikano.Dahil sa paglaganap ng iba’t ibang uri ng panitikan na sinulat ng mga pantas at pilosoposa panahong ito, nalinang ang diwa ng nasyonalismo sa maraming bansang Europeo.Ilan sa mga nakilalang pilosopo at manunulat ay sina Rene Descartes, John Locke,Voltaire, Adam Smith at Jean-Jacques Rousseau. 33

Gawain 3: Paglalapat Panuto: Sa pamamagitan ng 3-5 pangungusap ay ipaliwanag mo ang kahalagahan ng mga pahayag ukol sa Rebolusyong Pranses at ang kaisipang pang-ekonomiya ni Adam Smith. Paano mo maiuugnay ito sa mganangyayari sa ating bansa sa kasalukuyan? Magbigay ka ng mga halimbawa sa iyongpaliwanag.A. Kalayaan, Pagkakapantay-pantay ,at Pagkakapatiran - Rebolusyong PransesPaliwang : _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________B. Pagbibigay ng kalayaang pang-ekonomiya (Laissez-faire) at pagtutol sa pakikialam ng pamahalaan sa negosyo at kalakalan. -Adam SmithPaliwang : _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ _______________________________________________________________ 34

ARALIN 3PAGLAGANAP NG NASYONALISMO SA IBA’T IBANG BANSA Ang araling ito ay tungkol sa pagpapahalaga ng iba’t ibang bansa sa diwa ngnasyonalismo. Matutukoy mo kaya kung ano ang mga pamamaraan na ginawa ng mgapinuno tungo sa pagkakamit ng kalayaan para sa kanilang bansa? Sisikapin ng araling ito naipaliwanag iyan sa iyo. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga pinuno at kanilang nagawa para sa pag-usbong ng nasyonalismosa kanilang bansa; 2. Masusuri ang mga mahahalagang pangyayari ng nakaimpluwensya sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang dating sakop; at 3. Mabibigyang halaga ang diwa ng nasyonalismo sa pagtataguyod ng kalayaan at pagkakapantay-pantay ng tao. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago tayo dumako sa pagtatalakay ng paksang-aralin, may nakikilala ka bang mgapinuno ng iba’t ibang bansa na nagtaguyod ng nasyonalismo sa kani-kanilang mga bansa? Panuto: Basahin at suriing mabuti ang mga pangungusap sa Hanay A at hanapin saHANAY B ang titik ng tamang sagot na tinutukoy sa bawat pangungusap. Isulat ang titik ngiyong sagot sa sagutang papel. Magkakaroon ka ng ideya kung sinu-sino ang nagpalaganapng diwa ng nasyonalismo sa Asya, Latin Amerika at Aprika. Itsek mo ang sagot sa Gabay saPagwawasto. 35

HANAY A HANAY B A. Abdul Rahman1. Isang sundalo na kinilala bilang B. Achmed Sukarno tagapagpalaya ng Venezuela. C. Aung San D. Benazir Bhutto2. Isang misyonero na nakarating at matagal na E. Corazon Aquino nanirahan sa loob ng Aprika. F. David Livingstone G. Ferdinand Marcos3. Kauna-unahang babaeng pangulo ng H. Ho Chi Minh Pilipinas at isa sa naging daan sa I. Jose De San Martin panunumbalik ng demokrasya sa bansa. J. Jose Simeon K. Miguel Hidalgo4. Siya ang nagtatag ng Democratic Republic of L. Mohandas Gandhi Vietnam at masigasig na nakipaglaban para M. Muhammad Ali Jinnah sa kalayaan ng Vietnam. N. Simon Bolivar O. Sirimayo Bandaranaike5. Ipinahayag niya ang kalayaan ng Indonesia P. Stephen Senanayake at naitatag ang republika sa pangunguna Q. U Thant niya. 366. Ang pinakamatagal na pangulo ng Pilipinas at maaalala sa maraming programang pangkabuhayan at ang deklarasyon ng Batas Militar sa bansa.7. Nahalal na Secretary General ng United Nations at masugid na tagapagtaguyod ng kapayapaan lalo na sa Burma (Myanmar).8. Isang paring nanguna sa himagsikan sa Mexico laban sa Espanya at nanguna sa pagkilos tungo sa katarungang panlipunan.9. Pinamunuan niya ang pagpapahayag ng kalayaan sa limang bansa sa Gitnang Amerika, ang Guatemala, Honduras, El Salvador, Nicaragua at Costa Rica.10. Pinamunuan niya ang “Non-violent Resistance” sa India laban sa Inglatera.

11. Hinirang na kauna-unahang Gobernador- Heneral na kumatawan sa korona ng Britanya at nagsulong sa paglaya ng Pakistan.12. Naluklok sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pwersa ng mga mamamayan subalit napaalis ng isang “Constitutional Coup” sa Pakistan. Nagtagal ang kaniyang panunungkulan sa loob lamang ng 20 buwan.13. Kinilalang “Ama ng Kalayaan” at naging unang punong ministro ng Ceylon (Sri Lanka).14. Kauna-unahang babae na naging punong ministro sa kasaysayan ng daigdig.15. Sinikap niyang makalaya ang Burma mula sa malupit na pamamahala ng Hapon at nagtatag ng Anti-Facists People’s Fredom League. 37

Ang Pag-unland ng Nasyonalismo sa iba’t ibang BansaAng Nasyonalismo sa Latin America Marami ang dahilan sa pagkakaroon ng digmaang pangkalayaan sa LatinAmerika at ang ilan dito ay ang mga sumusunod:1. Ang paglaganap ng kaisipang liberal mula sa Europa at Amerika na naging dahilan ng pagsiklab ng himagsikan sa Pransya at Amerika.2. Kawalang katarungan, mataas na buwis, at ang pang-aabuso ng pamahalaan sa mga mamamayan ng kanilang kolonya.3. Kahirapan ng mga karaniwang mamamayan at sobrang karangyaan ng ilan.4. Ang pagpapabaya sa mga karapatan ng mga bansang sakop.5. Hindi pagbibigyan ng pagkakataon at pantay na oportunudad sa pulitika at lipunan. Ang mga mananakop lamang ang may karapatang humawak ng mataas na tungkulin sa pamahalaan. Ang mga naantalang kalayaan sa Latin Amerika ay nagkaroon ng bagong siglanoong sakupin ni Napoleon III ang Espanya at Portugal. Noong 1808, napaalis niNapoleon si Ferdinand VII ng Espanya sa kanyang trono. Isang sundalo, si SimonBolivar, ang ipinahayag ng mga taga-Venezuela na \"Tagapagpalaya\" noong 1813.Lumakas ang pagnanasang makalaya ng mga mamamayan sa Timog Amerika kayamula sa Venezuela at Columbia, nagmartsa si Bolivar sa Andes, sa Ecuador, at saPeru. Nagtatag siya ng estado na pinangalanang Bolivia. Sa Peru, nakasalubong niyasi Jose de San Martin, isang taga-Argentina na nagpalaya sa Chile. Lumaban angEspanya sa kanyang mga kolonya sa Amerika hanggang 1824, ngunit papalubog nanoon ang kapangyarihan ng Espanya, kayat napilitan siyang kilalanin ang kalayaan ngmga bagong bansa sa Timog Amerika. Samantala, ang himagsikan sa Mexico laban sa Espanya ay sinimulan ni MiguelHidalgo, isang pari na matagal nang kumikilos para sa ikauunlad ng katarungangpanlipunan sa bansang ito. Pagkapahayag niya ng kalayaan noong 1810 ay tinalo silang mga hukbo ng Espanya. Bagamat dalawang magkasunod na pinunong pari ang 38

binitay, nagpatuloy ang himagsikan na nagtagumpay sa pamumuno ni Agustin deIturbide, isang Heneral na Kastila na tumalikod sa sariling bansa. Limang bansa naman sa Central America – ang Guatemala, Honduras, ElSalvador, Nicaragua at Costa Rica – ang nagpahayag ng kanilang kalayaan noong ika-15 ng Setyembre, 1821 sa pamumuno ni Padre Jose Simeon. Nasyonalismo sa Cuba. Ang mga Cuban ay naghimagsik noong 1895 sapamumuno ni Jose Marti ang tinuturing na bayani ng Cuba. Ang himagsikang ito aynagpatuloy hanggang ang Estados Unidos ay nagpahayag ng digmaan laban saEspanya noong 1898. Sa Treaty of Paris, noong ika-10 ng Disyembre, 1898, nagwakasang digmaan ng Amerika at Espanya at naging malaya ang Cuba. Nasyonalismo sa Haiti. Ang mga Pranses ay naging interesado sa yamang-taong Haiti. Sila ay umangkat dito ng mahigit isang milyong alipin noong ika-labingwalongsiglo. Nang sumiklab ang Himagsikang Pranses noong 1791, naghimagsik din ang mgaaliping Haitian. Ang hukbong Pranses ay ipinadala sa Haiti upang supilin anghimagsikang pinamunuan ni Toussaint L. Ouverture. Si Toussaint ang naging pinunong Haiti. Ang kanyang pamamahala ay nagwakas noong siya ay bihagin at dalhin saPranses. Ipinagpatuloy ni Dessalines ang paglaban sa Pranses para sa kanilangkalayaan. Ipinahayag niya ang kalayaan ng Haiti noong unang araw ng Enero, 1804. Nasyonalismo sa Brazil. Nang lusubin ni Napoleon ang Portugal noong 1808,tumakas si Haring John VI at tumira sa Rio de Janeiro, Brazil. Subalit si Haring John VIay bumalik sa Portugal noong 1821 at iniwan ang kanyang anak na si Pedro bilangregent. Noong 1822, ipinahayag na emperador si Prinsipe Pedro at nang sumunod nataon, nagpahayag sa Prinsipe Pedro ng saligang-batas na siyang uugit sa pamamahalang Brazil. 39

Nasyonalismo sa Japan. Noong ika-8 siglo ipinagbawal sa batas ng Hapon angpagdadala ng espada ng mga lalaki. Ang mga pinahihintulutan lamang ay ang mgaSamurai (two-sword men). Sa katunayan, ang Hapon ay isang bansang piyudal, angmga samurai ay sumumpang maglingkod sa kanilang panginoon. Ang mga kawal atmga panginoon ay itinataguyod ng matiyagang mga alipin at manggagawa at mayroonsilang kapangyarihan sa buhay ng mga ito. Ang Bushido o alituntunin ng mga samurai ay isang kodigo ng karangalan nanaglalagay sa mga kawal sa mataas na kalagayan kaysa sa mga mangangalakal atdalubhasa. Sila ay magalang sa mga aristokratikong babae bagamat itinuturing nilanghigit na mababa ang babae sa lalaki. Binibigyang diin din ang katapangan at katapatansa pinuno kaysa ibang katangian. Kung madungisan ang kanilang karangalan sila ayinaasahang magpapakamatay. Ito ay naisasagawa sa pagtatarak ng punyal sa kanilangtiyan at pinaiikot ayon sa dapat sunding ritwal, ang Hara-kiri. Ang tradisyong ito ngBushido ay sinusunod hanggang sa ngayon. Mula pa noong 1200 hanggang 1866, ang mikado ng Hapon ay emperadorlamang ang turing. Ang diktador na militar na tinawag na shogun ang naging tunay namakapangyarihan. Ang unang shogun ay isang makapangyarihang daimyo at angpanglulupig sa ibang daimyo ang nag-udyok sa emperador upang humirang ngshogun. Kahit na pinapayagan ng mga shogun na magkaroon ng kaunting ka-pangyarihan ang kanilang emperador, ginaganyak din nila ang mga tao na sambahinang tau-tauhang emperador, dahil ito ang simbolo ng bansa at may kapangyarihan satao. Noong 1549, ang Katoliko Romanong misyonero na si St. Francis Xavier, aymalugod na tinanggap ng mga Hapones. Maraming Hapones ang nahikayat saKristiyanismo. Pagkatapos ng 1616, lahat ng ito ay nagbago. Ang mga Kristiyano aypinagbintangang nakikialam sa pamamalakad ng pamahalaan upang mahati ang mgaHapones. Maraming Kristiyanong Hapones ang ipinapatay at ang Kristiyanismo ayhalos mawala sa Hapon. Ang mga Kristiyano ay pinagbawalang lumabas ng bansa atang mga dayuhan ay hindi pinapasok. Sa mga makabayang Hapones, lahat ng mgataga-kanluran ay mga barbaro. Natatakot silang masira ng Kristiyanismo ang Shinto. 40

Isang araw noong 1853, ang bapor ng Estados Unidos na pinamumunuan ni Com-modore Perry ay dumating sa Tokyo. Inutos ni Perry na alamin kung nais ng mgaHapones na makipagkalakalan ngunit ang shogun ay tumanggi. Noong sumunod na taonay naipakita ni Perry ang kabutihan ng pakikipagkalakalan sa mga taga-Kanluran.Nagdala siya ng mga baril, teleskopyo, makina sa pananahi at isang modelong riles. Angibang bansa ay sumunod sa ginawa ng mga Amerikano at nakipagkasundongmakipagkalakalan sa mga Hapon. Ang mga mangangalakal na Hapon ay lubhang umunlad. Sila ay naghanap ngmga bagong mamimili, isang palatandaan ng malaking pagbabagong nagaganap saHapon noong 1850. Ang Shinto ay nabuhay na muli, at ang pagbabalik ng pambansangrelihiyong ito ay nagganyak sa mga taong nais ibagsak ang mga shogun at ibalik angkapangyarihan ng emperador. Noong 1868, isang himagsikan ang naganap laban samga shogun, sa pamumuno ng ilang panginoon at ng kanilang samurai. Muli ay naibalikang emperador sa kanyang kapangyarihan. Sa taong 1914, ang Hapon ay naging isangmakapangyarihang bansa sa daigdig. Bagamat, nagwakas ang piyudalismo at pang—aalipin, ang pag-uugaling piyudal ay nanatili pa rin. Sa maraming siglo, nahubog angisipan ng mga Hapones na sundin ang may kapangyarihan - sa pamilya, sa angkan, sabansa, sa mayayaman at sa militar, at isaisantabi ang pansariling kapakanan. AngShinto ang naging relihiyon ng estado. Ang sistemang paaralang publiko ay naitatag, atnoong 1868 ay binigyang diin ang paggalang at paglilingkod sa emperador. Ang pagkakaroon ng isang makapangyarihang hukbo at hukbong-dagat aynakapagbigay kasiyahan sa mga ninuno ng mga samurai at daimyo. MaramingHapones ang napaniwala na sila ay maghihirap kung mawawala at pababayaan angkanilang malakas na hukbo at hukbong-dagat kaya't hindi sila nag-aatubiling gamitinang kanilang lakas upang magsimula ng digmaan. Sa pagitan ng una at pangalawangDigmaang Pandaigdig, nagkaroon ng pananaw ang mga Hapones na sila ang nararapatsumakop sa kalakhang Asya upang magtaguyod ng kaunlarang pang-ekonomiya sabuong kontenente ng Asya. 41

Nasyonalismo sa India. Ang malaking bahagi ng kaunlarang panlipunan atpangkabuhayan ng India ay utang nito sa Ingles. Sa kabila nito ay hindi rin nasiyahanang mga tao sa pagkakatali sa ibang bansa. Ikinalungkot nila ang pagkawala ngkanilang kalayaan at ang pagpapalagay ng mga Europeo na ang mga Hindu ay isangmababang uri ng lahi. Ang mga Hindung nagtapos ng pag-aaral sa mga unibersidad saInglatera ay hindi makakuha ng trabaho. Ang lahat ng mga pangunahing klaseng klub,tren, at otel ay hindi maaaring gamitin ng mga Hindu. Nadama ng mga Hindu angunang pagsilang ng damdaming makabayan noong kapaskuhan ng taong 1885 nangitatag ang Pambansang Kongreso sa Calcuta, India ni Allan Octabian Hume, isangnagretirong empleyado. Ang organisasyong ito ang siyang nanguna sa kampanya sapagkakapantay-pantay sa pulitika. Subalit may iba pang suliraning kinakaharap ang bansa. Noong 1906, ang mgapinuno ng mga Muslim na natakot sa katanyagan ng Indian National Congress nahawak ng mga Hindu ay nagtatag ng Liga ng mga Muslim upang pangalagaan ang mgakapakanan ng mga Muslim. Upang matigil ang pag-aalitan, ipinalabas ng Inglatera angrepormang Morly-Minto noong 1909 na nagdagdag ng representasyon ng mga taga-India sa Viceroy Legislative Council at sa panlalawigang Asembliya. Pansamantalangnahinto ang kilusan sa pagkamakabayan noong Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918). Tumulong nang lubusan ang India upang maipakita ang pagkamatapat nito saInang-bayang Inglatera. Pagkatapos ng digmaan, ipinagpatuloy ng Inglatera ang mahigpit at dimakatarungang pamamahala sa India. Inaasahan ng mga pinuno ng India na magigingmabuti na ang kanilang kalagayan dahil sa pagtulong noong digmaan ngunit sila’ynabigo. Ang kilusang makabayan ay muling sumiklab, at hiningi sa mga Ingles angkalayaan. Ito ay pinamunuan ni Mohandas Gandhi na nakilala sa kanyang Non-violentResistance Movement. Sa pamumuno ni Gandhi, nagkaroon ng mga demonstrasyon sa mga lungsod atang buong bansa ay masiglang nagpulong upang mapag-usapan kung paano silamakalalaya. Noong Abril 13, 1919 sa Amritsar, capital ng Punjab, ipinabaril ni HeneralDue ang pulutong ng mga lalaki, babae at batang tahimik na nagpupulong. Maramingnapatay, at nasugatan. Ito ang lalong nagpasiklab ng damdaming makabayan sa 42

kalakhang India. Ang katanyagan ni Gandhi ay nakatawag ng pansin sa mga batang makabayan.Isa sa mga ito’y si Jawaharlal Nehru 91889-1964) ang anak ng kaibigang matalik niGandhi, si Pandit Meilal Nehru. Naghirap sila sa pagsulong ng kalayaan ng India. SiGandhi at iba pang mga pinuno ay tumutol sa pagsali ng India sa digmaan, ngunitginamit din ng Inglatera ang mina, salapi at tao ng India sa pakikipaglaban. Pagkatapos ng digmaan, natalo ni Clement Atlee ng Partidong Manggagawa angPamahalaang Konserbatibo ni Winston Churchill sa Inglatera. Sang-ayon si ClementAtlee sa pagbibigay ng kalayaan sa India ngunit nais ng mga Muslim na magkaroon ngsariling bansa. Pagkatapos ng pagpapalitan ng kuro-kuro, naipasya ni Atlee na hatiinang bansa sa Hindu Indian at Muslim Pakistan. Ipinagdiriwang noong Agosto 15, 1947ang kalayaan ng India at Pakistan sa New Delhi at Karachi. Pagkatatag ng kalayaan, nagkaroon ng kaguluhan sa pagpapalitan ng mgaMuslim at Hindi sa India at Pakistan. Naglakbay at nagkolasyon si Gandhi upang matigilang kaguluhan ngunit noong siya ay nagdarasal sa Birla Mansion, binaril siya ng isangpanatikong Hindu, si Mathuran Vinayak Goose. Noong Enero 26, 1950, ika-20 anibersaryo ng Araw ng Kalayaan ng India,itinatag ang Republika ng India. Ang pangulo ng India ang isang panseremonyang punolamang, ang tunay na tagapamahala ng bansa ay isang punong ministro. Ang unangpangulo ng India ay si Dr. Rajenda Prasad. Ang ikalawa’y si Dr. Zakir Huain na naihalalnoong 1967, isang Muslim. Sa kasalukuyan, pinagsisikapan ng bansa na lunasan ang mga suliraning tuladng kagutuman, pagdami ng tao, kamangmangan, pagpili ng wikang opisyal at angtunggalian sa pag-aaral ng Kashmir. Ang India ay kaibigan ng lahat ng bansa malibansa Pakistan dahil sa usapan sa Kashmir, at ang kalakhang Tsina dahil sa RehiyongLadakh na pinagsimulan ng di pagkakaunawaan ng dalawang bansa. Nasyonalismo sa Pakistan. Nagnais din ang Pakistan na makalaya sapamahalaang Ingles. Sa pamumuno ni Aga Khan itinatag ang Muslim League noong1906, at ito ay nagpalaganap ng damdaming makabayan sa mga Muslim. Angmakabayang si Muhammad Ali Jinnah ang naging pinuno ng kilusan sa kalayaan ng 43

Pakistan nang siya’y mahalal na Presidente ng Muslim League noong 1916. Noong1940, itinaguyod niya ang hiwalay na malayang estado para sa mga Muslim ng India. Noong ika-15 ng Agosto, 1947, ipinagdiwang ng Pakistan ang kanyang kalayaansa Karachi. Ang Pakistan ay isang malayang Dominyon ng British Commonwealth ofNations. Ang pamahalaan ay pinamunuan ng gobernador heneral na kumakatawan sakorona ng Britanya. Ang kauna-unahang gobernador heneral ay si Muhammad AliJinnah. Namatay siya noong Setyembre 11, 1948 kaya hindi niya nakita ang pagigingrepublika ng Pakistan na itinatag noong Marso 23, 1956 at ang Saligang-Batas napinagtibay noong Pebrero 27, 1956. Si Gobernador Heneral Iskander Mirzan ay nagsilbing pangulo ng Pakistan mula1956-1958. Ang mga pandaraya sa pamahalaan at ang takot sa rebolusyon angnagbunsod sa kanya na ipasailalim ang bansa sa batas militar. Nagbitiw siya satungkulin noong Oktubre 27, 1958. Humalili sa kanya si Heneral Muhammad AyubKhan. Bilang diktador, itinigil ni Ayub Khan ang katiwalian sa gobyerno, winasak angsistema sa lupaing piyudal, pinagyaman ang sistema ng edukasyon at ibinalik angpagtitiwala ng tao sa pamahalaan. Noong Pebrero 17, 1960, siya ang kauna-unahanghalal na pangulo ng Pakistan. Binago ni Ayub Khan ang pamahalaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng higitna kalayaan pampulitika sa mga nayon. Naniniwala siya sa basic democracy. Ayon sakanya, ang katatagan ng mga nayon. Ito’y isang pilosopiya na ipinagaganap ng bagongSaligang-Batas ng Pakistan na pinagtibay noong Marso 1, 1962. Pinanumbalik ngbagong Saligang-Batas ang demokrasya sa Pakistan. Islam ang pananampalataya ngestado subalit may kalayaan sa relihiyon ang mga tao. Itinaguyod ng pamahalaan angpagkakapantay-pantay, kalayaan sa pagsasalita at pananampalataya, walang bayad atsapilitang pag-aaral, at pagbibigay ng mga lupain sa mga mahihirap. Sa kasalukuyan, ginagawa ng mga pinuno ng Pakistan ang maramingpagbabago upang malunasan ang pagdami ng tao, kamangmangan, karukhaan at angsuliranin sa Kashmir. Ngayon ang Pakistan ay may pakikipag-ugnayan sa lahat ngbansa bilang kasapi ng United Nations, British Commonwealth of Nations, at ColomboPlan. Ang silangang bahagi ng bansa ay humiwalay noong 1971 at naging Bangladesh. 44

Napailalim lamang sa isang pinunong sibilyan ang Pakistan noong 1990 nangmaluklok sa kapangyarihan si Benazir Bhutto sa bisa ng puwersa ng mga mamamayan.Si Benazir Bhutto ay anak na babae ni Zulfikar Ali Bhutto, isang dating pinunongministro ng Pakistan. Sa kasawiang palad, si Benazir Bhutto ay namuno lamang saloob ng 20 buwan. Noong ika 15- ng Agosto, 1991, siya ay biglang inalis sa tungkulindahilan sa sinasabing maraming katiwalian at nepotismo sa kanyang pamahalaan.Isang constitutional coup ang nangyari kay Benazir at paglabag sa Saligang-Batas. Ang pumalit bilang pinunong ministro ay si Pangulong Gulam Ishaq Khan.Ibinalik niyang muli ang mga institusyong military. Ipinalalagay na ang pagkakaalis kayBenizir ay pakana ng pangulo, militar, at ng oposisyon. Nasyonalismo sa Malaysia. Ang mga Portuges ang kauna-unahang taga-Europa na yumapak sa Malaysia. Sila ay nakipagkalakalan sa mga Malay sa loob ng130 taon. Hindi naibigan ng mga Olandes na noo’y may himpilang pangkalakalan saIndonesia ang pananatili ng mga Portuges sa Malaya kayat noong ika-14 ng Enero1641, sinakop nila ang Malacca at ito ang naging himpilan ng kalakalan ng mgaOlandes. Habang sila ay nagpapayaman sa Malacca, natuklasan din ng mga Ingles angmina sa pakikipagkalakalan sa Malacca at noong 1786, sinakop ni Francis Light angpulo ng Penang na may pagpapala ng Sultan ng Kedah. Ang Malaysia ay nagpasailalimnang ganap sa mga Ingles noong panahon ni Stanford Raffles na noo’y gobernador ngIndonesia. Sa ilalim ng pamumuno ng mga Ingles, ang Malaysia ay umunlad. Samantalang ang pakikipagkaibigan at pakikiisa ng mga Hapon ay nagbigay sakanilang matataas na tungkulin sa pamahalaan, ang karanasang pampulitika ayipinagkait ng mga Ingles sa mga Malay. Ang mga Indian sa Malaysia aypinakitunguhang tulad ng mga Malay; ang mga Intsik lalo na ang mga tagasunod niChiang Kai Shek ay pinarusahan at pinagpapatay. Noong panahon ng Hapa, nag-alsalaban sa pamamahala ng Hapon ang mga Instik at Hindu sa ilalim ng Malayan PeopleAnti-Japanese Army na itinatag ni Chen Peng. Nakamit nila ang kalayaan noongSetyembre 1945. Itinuturing silang tunay na mamamayan ng Malaysia at hindi mgaIntsik o mga Hindu. 45

Nakapagtayo ang mga Ingles sa Malaysia ng British North Borneo Companyhanggang 1946, at noong noong ika-1 ng Pebrero 1948 ay pinasinayaan angPederasyon ng Malaysia noong Hunyo, 1948 ay nagkaroon din ng pag-aalsa ang mgapinamumunuan ni Chen Peng at namahala ito sa bansa sa loob ng siyam na taonhanggang noong 1957. Habang sila ay nakikipaglaban sa mga komunista, nagkaroonsila ng inspirasyon na maghangad ng kalayaan dahil sa paglaya ng Pilipinas, ng Burmaat ng Indonesia. Pinamumunuan ni Tunko Abdul Rahman ang Malaysia at siya aytinawag na Yang di-Pertuan Agong (Permanent Ruler). Isang pamahalaangParlyamentaryo ang itinatag niya at noong ika 16-ng Setyembre 1963, pinasinayan angPederasyon ng Malaysia at si Abdul Rahman ang naging kauna-unahang PunongMinistro. Nasyonalismo sa Sri Lanka. Noong 1656, napasailalim ng kapangyarihan ngmga Olandes ang Sri Lanka, dating Ceylon mula sa kamay ng Portuges. Noong ika-18siglo, ang Dutch East India Company, ay nawalan ng interes sa Ceylon at noong 1796,ay isinuko ito sa mga Ingles. Sa loob ng isang siglo at kalahati (1796-1974) ang Ceylonay nasa kapangyarihan ng Ingles. Sa simula, and English East India Company ang namuno sa bansa, subalit angmga pinuno ay umabuso kaya’t naghimagsik ang mga Ceylonese. Sa kabila nito aypinaunlad ng mga Ingles ang mga daan at riles, pinaunlad ang pagsasaka, at ang mgapaaralan ay binuksan at ginamit and wikang Ingles sa pagtuturo. Natutuhan ng mgaCeylonese ang mga kaisipan ng mga kanluranin tungkol sa demokrasya. Pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinimulan ni StephenSenanayake ang kampanya para sa kalayaan. Ang mga Sinhalese at Tamil namagkaiba sa pananampalataya ay tumulong sa ikabubuti ng bansa. Noong Pebrero 4,1948 naging malaya na ang bansang Ceylon. Nagkaroon ng malaking kasiyahan atseremonya sa Colombo. Si Stephen Senanayake, kinilalang Ama ng Kalayaan ngCeylon, ang naging unang Punong Ministro ng Ceylon. Malaya man ang Ceylon ay namagitan pa rin ang hindi pagkakaunawaan ng mgaSinhalese na Buddhist at mga Hindung Tamil. Ang sigalot ay hindi nalutas ni S.W.E.R.Bandaranaike, pinuno ng Sri Lanka Freedom Party. 46

Noong Setyembre 25, 1959 si Bandaranaike ay pinatay ng isang baliw na parengBuddhist. Nagkaroon muli ng halalan at ang balo niyang si Madam SirimayoBandaranaike ang nagwagi. Siya ang kauna-unahang babae na naging punong ministrong isang bansa sa kasaysayan ng daigdig. Sa panahon niya bilang Punong Ministro, inilipat ni S. Bandaranaike sa kamayng mga Ceylonese and pangangasiwa sa mga industriya. Inalis niya sa kapangyarihanng mga dayuhan ang pag-aari ng kumpanya ng langis. Ginawa niyang pambansangwika ang Sinhalese. Nagalit dito ang mga Tamil at siya ay natalo noong halalan ng1965. Tulad ng isang bagong maunlad na bansa, marami ang suliranin ng Ceylon.Gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upang malutas, mabigyan ng sapat napagkain ang lumalaking populasyon. Marami sa mga tao ang walang hanapbuhay. Anghuling suliranin ay ang humigit kumulang na 1,000,000 Tamil sa Ceylon na biktima ngpang-aapi at kahirapan. Nasyonalismo sa Burma (Myanmar). Ang Burma ay tinatawag sa ngayon naMyanmar at isa sa pinakamalaking bansa sa Asya. Ito ay napasailalim ng impluwensiyang Tsina bago sinakop ng mga Ingles noong 1880. Ikinatuwa ng mga Burmese angpagkakasangkot ng Inglatera sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pinabayaan nilangmag-isang lumaban sa Hapon ang mga pinunong Ingles hanggang sa sila ay matalo.Tumulong si Aung San at ang kanyang mga gerilya sa pagsakop sa Hapon noongMarso 8, 1942. Kinilala ng Hapon ang kalayaan ng Burma noong Agosto 1942 atnagtatag ng pamahalaang pinamunuan ni Bamaw ngunit naging malupit ang mgaHapon. Nabatid ni Aung San na hindi tunay na mapagpalaya ang mga Hapon, kayatinatag ang AFPEL o Anti-Facists People’s Freedom League na binubuo ngmakabagong mamamayan at mga komunista. Sa pagbabalik ng mga sundalong Britishnoong 1945 tinulungan nila si Aung San at ng kanyang mga gerilya upang mapalayaang Burma sa mga Hapon. Malaking kapinsalaan ang naidulot ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig saBurma. Ang pagkasira ng Burma sa digmaan ay tinumbasan ng kalayaan ng mgaHapon at hindi na kailanman tinanggap ng mga Burmesa ang pamumuno ng Inglatera. 47

Ang digmaan din ay nagbigay sa mahihirap na Burmese ng pagkakataong makuha muliang mga lupain nila sa mga Hindu. Noong Pebrero 1946 naganap ang mahabang pakikipag-ugnayan ngpamahalaang British at ni Aung San para sa kalayaan ng Burma. Habangnakikipagtalastasan ang mga pinuno ng dalawang pangkat, at mga komunista aynanggulo upang makamit ang kalayaan. Ang Red Flags na pinamumunuan ni ThanThun. Noong Enero, 1947 isang kasunduan ang nilagdaan sa London na naghanda sakalayaan ng Burma at bumuo ng Saligang-Batas ng Burma. Ngunit noong Hulyo 1947namatay si Aung San at ipinagpatuloy ni U Nu ang gawain ni Aung San na dati aymatapat niyang kaibigan. Noong Setyembre 24, 1947 naitatag ang Saligang-Batas atnoong Enero 4, 1948 ang Republika ng Nagkakaisang Burma ay ipinagdiwang na si UNu ang Primyer. Ngayon, pagkatapos ng 63 taong pamamahala ng Ingles, ang Burmaay naging isa nang bansang malaya at naging isang masigasig na kasapi ng UN Bilangpagkilala sa mga paglilingkod niya sa kapayapaang pandaigdig, ang kanyang punongdelegado na si U Thant ay nahalal na Secretary General”ng UN. Noong 1962, naging magulo muli sa Burma. Nang masalin kay Ne Win angpamamahala, nagtatag siya ng gobyernong sosyalista at hindi siya tumanggap ngtulong sa mga dayuhang bansa. Nasyonalismo sa Indo-Tsina. Ang Indo-Tsina ay binubuo ng apat na datingmalalayang bansa tulad ng Cambodia, Laos, Hilagang Vietnam at Timog Vietnam nangayon ay pinag-isa na sa pamamahala ni Ho Chi Minh. Ang mga Indo-Chinese aymapagmahal sa kalayaan lalo na ang mga Vietnamese. Matagal ding nasakop ng Pransya ang mga bansa sa Indo-Tsina. Angmakabagong Vietnamese ay nagkaroon ng kalayaan. Noong Agosto 1945, sa pagsukong mga Hapon sa Allied Powers, itinatag ni Ho Chi Minh ang Democratic Republic ofVietnam sa kabundukan ng Tonkin na siya ang pangulo. Tinangkilik siya sa Vietnamdahil siya ay sagisag ng kalayaan . Umalis si Emperador Bao Dao sa kanyangpanunungkulan at sumama kay Ho Chi Minh. Sa takot ng mga hari ng Cambodia at 48

Laos sa muling pagsalakay ng mga Pranses, tinanggap nila ang pansamantalangkalayaan. Nasyonalismo sa Demokratikong Republika ng Vietnam. Ang mgaVietnamese ay nakipagtunggali na sa loob ng isang libong taon at handa pa siyanglumaban muli kung kinakailangan. Iyan ang sinabi ng mga Vietnamese na nagmamahalsa bayan. Noong Marso 6, 1946, natapos ang mahabang pakikipag-ugnayan. Lumagda siHo Chi Minh at ang mga pununong Pranses sa isang kasunduan na kinilala ng Pransyaang Demokratikong Republika ng Vietnam na isang bansang malaya sa loob ng FrenchUnion. Ngunit ang kasunduang nilagdaan ay sadyang balak ng Pransyang nawalangtunay na intensyong magkaloob ng kalayaan sa Vietnam. Noong Nobyembre 23, 1946, sinalakay ng mga Pranses ang Haiphong sa Tonkinat maraming sibilyan ang namatay. Gumanti ang mga Vietnamese at sinalakay anggarrison ng Pransya sa Hanoi. Ang dalawang pangyayaring naganap ang naging simulang digmaan para sa kalayaan ng Vietnam, na tinawag na Digmaang Indo-Tsina. Angmga sundalong Vietnamese na sinanay ng Kalakhang Tsina at Rusya ay hindi nagaping Pranses. Noong Mayo 7, 1954, ang Dien Bien Phu, pinakamalakas na kuta ng Pransya saHilagang Vietnam, ay sumuko kay Heneral Vo Nguyen Giap at nagwakas angkapangyarihang Pranses sa Asya. Ang pagbaksak ng Dien Bien Phu ay nakapukaw saisang pandaigdigang pulong na ginanap sa Geneva. Dito ay tinalakay ang suliranin ngIndo-Tsina. Matapos ang mahabang talakayan, na tumagal mula Abril 26 hanggangHulyo 21, 1954, ang pulong sa Geneva ay nagtakda ng sumusunod na mga kasunduan: 1. Lahat ng kaguluhan sa Vietnam ay ititigil. 2. Kikilalanin ng Pransya ang kalayaan ng Vietnam. 3. Lahat ng sundalong banyaga ay paaalisin sa Cambodia at ang mga gerilya ay isasama sa pambansang sandatahang lakas. 4. Lahat ng kawal na buhat sa ibang bansa ay paaalisin sa Laos at ang mga gerilya ay ililipat sa dalawang lalawigan ng Sam Nua at Saly. 49

Sa mga kasunduang pinagtibay ng Geneva noong 1954, hinati ang Vietnam sadalawang bahagi: ang Timog Vietnam sa ilalim ng maka-Kanluraning Vietnamese atang Hilagang Vietnam na napailalim ng komunistang pinamumunuan ni Ho Chi Minh.Ang paghahati ng Vietnam ay nagsilbing daan sa isa na namang digmaan – angdigmaang sibil ng Hilaga at Timog Vietnam na nagsimula noong 1956 at nagwakasnoong 1975. Nagtagumpay ang mga komunista at pinag-isa ang Hilaga at TimogVietnam. Ang Saigon ay tinatawag ngayong Ho Chi Minh City. Sinikap palawakin ngmga Vietnamese ang kanilang teritoryo sa pamamagitan ng pagsalakay sa Cambodiaupang patunayan na sila ay isa sa mga pinakamahusay na namumuno sa TimogSilangang Asya. Subalit hindi naging ganap ang katuparan ng kanilang pangarap dahilang mga tagasunod ng pininong Pol Pot sa Cambodia sa tawag na Khmer Rouge, aypatuloy na lumalaban sa mga Vietnamese sa pamamagitan ng samahang gerilya salahat ng sulok ng bansang Cambodia. Nasyonalismo sa Indonesia. Ang Indonesia na binubuo ng malalaking isla ngSumatra, Java, Sulawesi at iba pa. Higit na mahalaga sa mga Olandes ang Indonesiakaysa ang India sa mga Ingles. Ang pagsakop ng mga Hapon sa Indonesia noong1942 ay nakasira sa karangalan ng mga Olandes at pumukaw sa damdamingmakabayan ng mga Indones. Nang sina Achmed Sukarno, Hatta at iba pang pinuno ngIndonesia ay pinalaya ng mga Hapon sa bilangguan, sila’y nakipagsabwatan sa mga itoupang matamo nila ang kalayaan mula sa mga Olandes. Noong Agosto 17, 1945, ipinahayag ni Sukarno ang kalayaan ng Indonesia saBatavia. Malakas at masiglang sigaw na Merdeka ang narinig sa buong bansa. Naitatagang Republika sa pangunguna ni Sukarno. Di naglaon dumating muli ang mga Olandesat sinakop muli ang bansa. Matapos ang mahabang labanan ang pamahalaan ngNetherlands at mga pinuno ng Indonesia ay lumagda sa Linggadjati Agreement noongMarso 25, 1947. Ang kasunduang ito ay kumilala sa Republika ng Indonesia na binubuo ng Java,Mandura, at Sumatra. Ipinanukala ang pagtatag ng pambansang pederal na tatawagingUnited States of Indonesia na bubuuin sana ng Republika ng Indonesia, Borneo at iba 50

pang pulo sa pamamahala ng mga Indones at ang pagbubuo ng Netherlands-IndonesiaUnion sa ilalim naman ng pamamahala ng mga Olandres. Ang kasunduang Linggadjati ay di nagtagumpay sa paglutas ng kaguluhan. Sapagitan ng Indonesia at Olandes. Noong Hulyo 19, 1947 ipinagpatuloy ng mgaOlandres ang labanan. Ang makabayang Indonesian ay lubusang nakipaglaban. Sapamamagitan ng UN o mga bansang nagkakaisa, ang labanan ay natigil. Angikalawang kasunduan, ang Renville Agreement, ay naganap noong Enero 18, 1948. Muling sinalakay ng mga Olandes ang mga Indones noong Disyembre 19, 1948.Nabihag nila si Sukarno. Namagitan ang UN upang himukin ang mga pinunong Olandesna palayain si Sukarno. Noong Nobyembre 2, 1949, matapos ang sampung buwangpakikipag-ugnayan sa Hague ng Estados Unidos ang Indonesia ay naitatag. Ito angrepublikang pederal na binubuo ngayon ng 16 na estado. Noong Disyembre 27, 1949,kinilala ng Netherlands ang kalayaan ng Indonesia. Nasyonalismo sa Pilipinas. Sa huling bahagi ng ika-19 siglo, ang kalagayangsosyal, pulitikal at pangkabuhayan ng Pilipinas sa ilalaim ng mga Espanyol sa loob ngmahigit na 300 taon ay labis na nakabahala sa mga Pilipino. Ang mga kilusangpropaganda at ang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo, ang kamatayanng tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos at Zamora, at ang pagbaril kayRizal sa Luneta, ay pawang nakagising sa damdaming makabayan ng mga Pilipino.Ang paghahangad sa mapayapang pagbabago ay nabigo at sa ilalim ng pamumuno niAndres Bonifacio, nagtatag ng katipunan, ang rebolusyon ay inilunsad. AngRepublikang itinatag ni Heneral Aguinaldo noong Hunyo 12, 1898 ay nagingpanandalian lamang dahil sa pagsiklab ng digmaang Pilipino-Amerikano. Angmagigiting na Pilipino ay nasakop ng mga Amerikano at ang Pilipinas ay napasakamayng Amerikano dahil sa naganap na Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10, 1898. sapagitan ng Espanya at Amerika. Ang pamamahala ng mga Amerikano ay panahon ngreporma sa edukasyon, kalusugan, at pangkabuhayan. Noong 1907, inihalal ang mga kinatawan ng Unang Asembliya Nasyonal. SaBatas Jones 1916, ang batasan ay napasakamay ng mga Pilipino. Ang walang humpayna pagsisikap nina Quezon, Osmeña at Roxas upang ang Pilipinas ay lumaya ay 51

nakamtan nang itakda ng Batas Tydings-McDuffie ang kalayaan ng Pilipinaspagkatapos ng 10 taong transisyon sa Pamahalaang Komonwelt. Ang IkalawangDigmaang Pandaigdig ay naglagay sa bansa sa kamay ng mga Hapones sa loob ngapat na taon. Pagkatapos ng digmaan ang kalayaan ng Pilipinas ay nakamtan noongHulyo 4, 1946 sa ilalim ni Pangulong Manuel Roxas. Mula kay Pangulong Manuel Roxas ay naging pangulo ng bansa sina SergioOsmeña na pumalit kay Manuel Quezon sa Pamahalaang Komonwelt, at kasabay naumiral din ang pamahalaang papet ng mga Hapon sa pamumuno ni Jose Laurel. Nangbiglaang namatay si Manuel Roxas ay humalili si Elpidio Quirino. Sumunod naman angtanyag na idolo ng masa na si Ramon Magsaysay, subalit namatay sa isang aksidentesa eroplano at pinalitan ni Carlos Garcia. Matapos ang administrasyon ni Garcia aysumunod si Diosdado Macapagal. Pumalit kay Macapagal si Pangulong Ferdinand Marcos, ang tinuturing napinakamatagal sa posisyon at nagsulong ng maraming programang pangkabuhayan,pampulitika at higit sa lahat, ang naglagay sa bansa sa ilalaim ng Batas Militar noong1972. ang panahong ito ang muling humamon sa diwa ng nasyonalismo ng mga Pilipinona umabot sa EDSA Peoples Power Revolution noong 1986, kung kailan napaalis sahalos 20 taong panunungkulan si Marcos. Pumalit sa kanya si Corazon CojuangcoAquino, ang maybahay ng pinaslang na lider ng oposisyon na si Senador BenignoAquino Jr. noong 1983 sa Manila International Airport. Ang diwa ng EDSA ang nagbalik ng demokrasya at muling gumising sanasyonalismo ng maraming Pilipino. Matapos ang termino ni Corazon Aquino aysumunod si Fidel Ramos at makalipas ang anim na taon ay mapayapang naisalin angkapangyarihan kay Joseph Ejercito Estrada. Ngunit sa kabila ng kasikatan niPangulong Estrada ay hindi niya natapos ang kanyang termino dahil sa isyu ng plundero pangungurakot ng yaman ng pamahalaan. Sa isa na namang Peoples Power saEDSA noong 2000, napaalis sa puwesto si Pangulong Estrada at napalitan ni GloriaMacapagal Arroyo bilng pangulo ng Pilipinas. Sa kasalukuyan ay sinisikap ng mga Pilipino na maiangat ang kabuhayan nito sakabila ng maraming suliranin tulad ng malaking populasyon at kawalan ng hanapbuhay.Hangad din ng mga Pilipino ang pagkakaroon ng epektibong pamamahala sa bayan. 52

Nasyonalismo sa Aprika. Magtatapos na ang ika-18 siglo ay wala panggaanong nalalaman tungkol sa Aprika na dati'y tinatawag na madilim na kontinente.Nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagsimulang linangin ng mgamananakop ang kanilang mga kolonya upang magkaroon ng matatag na kabuhayan.Bago pa lamang nagsimula ang panahon ng pananakop ay nakuha na ng Pransya angAlgeria. Matapos ang taong 1874, ang Pransya at Italya ay sabay na naghangad sakatabing lupain ng Tunis. Nagmadali ang Italya at marami ang lumipat ng tirahan saTunis, kaya't sa katapusan higit ng malakas ang Pransya kaysa sa bago pa lamangnagkakaisang Italya, at ang Tunis ay napasama sa Imperyo ng Pransya. Upang maghilom ang sugat ng pagkatalo ay kinuha naman ng Italya ang paligidng Tripoli. Pinag-awayan rin ng Pransya at Alemanya ang Morocco at muntik nanghumantong sa isang digmaan. Ang kolonyang ito ay hindi lubhang mayaman sa mgamina. Ang Algeria lamang ang mahalagang pinanggagalingan ng phosphate na gamitbilang pataba ng lupa. Marami rin sa mga Pranses ang naninirahan sa mga lupaing itoat ang mga katutubo ay natuto ng mga kaugalian ng mga taga-Europa kaya nagingmagandang pamilihan ito ng mga produktong galing sa Pransya. Samantala, ang Britanya ay may mahalagang dahilan sa pagnanais nitongmasakop ang Ehipto. May malawak na taniman ng bulak dito at kilala ang bulak saEhipto sa mahaba at malasedang sutla nito. Pangalawa ay ang Suez Canal, nanagpatipid ng 4,000 milyang paglalakbay patungong India. Nagsimulang masakop itonang ang hari ng Ehipto ay nangailangan ng malaking halaga upang mapabuti angpagkakayari ng Suez Canal. Ngunit ang malaking bahagi ng salaping ito ay ginamitlamang ng hari sa sariling kapritso. Upang makabayad sa mga hiniram na salapi aynapilitang ipagbili ng Ehipto ang karapatan sa Suez Canal sa Britanya. Noong 1882 aynagkaroon ng kaguluhan laban sa mga Ingles at Pranses. Napilitang magpadala nghukbo ang dalawang bansa upang mapangalagaan ang kanilang mga mamamayan.Nang magkaroon ng katahimikan, ang mga tagapayong Ingles ay nagmungkahi naipaubaya ang kanilang pamahalaan sa kanilang pinagkakautangan. Hindi napilit ng Britanya ang mga katutubo na gamitin ang wikang Ingles. Hindirin nila napalitan sapagkat ang bansang Ehipto ay may makasaysayang tradisyon atkabihasnang ipinagmamalaki. Ngunit naging matagumpay na rin ang Inglatera sa 53

pagsakop sa Ehipto. Ang kanal o daang tubig sa Suez ang nagpaikli ng daanpatungong India at tinaguriang \"pag-asa ng Imperyo ng Britanya\". Ang gitnang grupo ng Aprika ay hindi gaanong kilala ng mga taga-Europa.Marami sa mga ilog doon ay malalakas ang agos at lubhang mapanganib at ang mgagubat ay madilim at maraming hayop na naglipana. Nagkaroon lamang ng kaalamandito nang marating sa Gitnang Aprika ang isang misyoneryong Ingles na si DavidLivingstone. Noong 1854, ginalugad ni Livingstone ang Ilog Zambesi at siya ang unangputi na nakamasid sa magandang talon ng Victoria, na ipinangalan niya sa Reyna ngInglatera. Nakita rin niya ang lawa ng Nyasa at Tanganyika. Dito na siya inabot ngpagkamatay dahil sa sakit na karaniwan sa pook na tropikal. Marami sa mga mangangalakal ang nakabatid sa kayamanang makukuha saCongo na maaaring magamit ng mga kalakal na nagmumula sa mga gubat gaya ngivory o garing na galing sa elepante, at goma na napipiga mula sa katas ng puno nggoma. Sa karurukan ng pananakop, ang pagkakalat ng relihiyon, ang pambansangambisyon, at mga pangkabuhayang pangangailangan ang nagbunsod sa mga taga-Europa upang pag-agawan ang Gitnang Aprika. Sa loob lamang ng tatlumpung taon,ang mga pook na dati'y hindi kilala ng tao ay naangkin na lahat ng mga kanluraningbansa. Ang pinakamalaking bahagi ng Congo Basin ay nakuha ng Belhika sapamumuno ng pinakatusong mangangalakal sa Europa, si Haring Leopoldo, hari ngBelhika noong 1885. Ang ibang bahagi ay pinaghatian ng Pransya, Britanya, Alemanya,Portugal at Italya. Ang kontinente ay pinaghati-hatian at binalangkas ang ekonomiya sang-ayon sasarili nilang kapakanan. Sila ay nagtayo ng mga daang bakal at industriya upangmapangalagaan ang kanilang kapangyarihan. Ang pagkakaiba-iba ng mga kultura ngmananakop ang siyang naging dahilan ng magkakaibang pag-unlad. Bago magsimulaang 1914 ay tatatlo lamang ang malayang bansa sa Aprika: ang Ethiopia, Liberia, atRepublika ng Timog Aprika. Ang nasyonalismo ay lumaganap pagkaraan ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Maraming bansa ang naging malaya nang walangkarahasan. May mga bansang nagdarak o dumanak ang dugo bago nakamtan angkalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria. Ang Rhodesia at Nyasaland ay nagingZimbabwe at Malawi. Ang Angola, Mozambique at Guinea Bissau ay lumaya noong 54

1975. Sa kasalukuyan, maraming proyekto ang isinasagawa upang umunlad ang mgabansa gaya ng mga patubig, paaralan, pagawaan, reporma sa lupa, transportasyon atkomunikasyon, subalit marami pa ring suliraning nakahadlang sa lubusang pag-unladng kontinente. Ang apartheid o diskriminasyon ng mga Aprikano ay isa sa mga ito.Kailangan din ang puhunan at mga inprastraktura para sa kaunlarang pang-ekonomiya. Halos lahat ng bansa sa Aprika ay nagtamo ng kanilang kalayaan pagkatapos ngIkalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit maraming mga bansa ang hindi pa lubusanghanda sa naturang kalayaan. Ilan sa mga maraming suliranin ng mga bansang Aprikaay ang sumusunod: 1. Kakulangan ng kaalaman ukol sa pagsasarili; 2. Kakulangan ng mga sinanay na tao ukol sa pamamahala ng bansa; 3. Kahirapan ng maraming tao na nabubuhay sa kahirapan at marami ang namamatay sa sakit at gutom; 4. Mataas ang antas ng kamangmangan kayat maraming tao ang hindi marunong sumulat at bumasa; at 5. Pagiging matapat sa tribo kayat laganap pa rin ang alitan sa pagitan ng iba’t ibang tribo at sa pagitan ng mga tribo at ng pamahalaan. Ang mga suliraning ito ay unti-unting nalulutas sa pagtulong na ginagawa ng mayayamang bansa sa Europa at ng UN o Samahan ng Bansang Magkakaanib. Darating ang pagkakataon na ang mga bansang ito ay makikilala sa mukha ng daigdig bilang mga malalakas at mauunlad na bansa. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panuto: Isulat sa ikalawang kolumn ang mahahalagang pangyayari namay kaugnayan sa pag-unlad ng nasyonalismo sa mga bansang dating sakop. Muli, 55

bago mo gawin ito ay pagbalik-aralan mo ang kahulugan ng nasyonalismo sapagsisimula ng Aralin 2. gawin mo itong gabay sa pagpili ng mga pangyayari atbayaning may kinalaman sa pag-unlad ng nasyonalismo sa iba’t iabng bansa. Lugar o Mga Bansa Mahahalagang pangyayari at katangian ng bawat bansa na nagpapakita ng pag-unlad ng nasyonalismoLatin AmerikaHaponIndiaPakistanMalaysiaSri LankaBurmaIndo-Tsina(Vietnam)IndonesiaPilipinas 56

Aprika Tandaan Mo! Sa pag-unlad ng kamalayan o diwang nasyonalismo, namulat ang mga bansang kolonya sa Amerika, Asya at Aprika tungo sa pagsasarili at kalayaan sa mga mananakop. Si Simon Bolivar, ang “Tagapagpalaya” ng Venezuela ay nagmartsa sa Andes, Ecuador, at Peru. Samantalang ang himagsikan sa Mexico laban sa Espanya ay sinumulan ni Miguel Hidalgo, isang paring matagal na kumikilos para sa ikauunlad ng katarungang panlipunan. Limang bansa nanman sa Gitnang Amerika: ang Guatemala, Honduras, El Salvador, Nicaragua at Costa Rica, ang nagpahayag ng kanilang kalayaan noong ika-15 ng Setyembre, 1821 sa pamumuno ni Padre Jose Simeon. Pinamunuan ni Mohandas Gandhi ang kilusang makabayan sa pamamagitang ng kanyang nonviolent resistance na nakatulong sa paglaya ng India laban sa mga Ingles. Gumising sa diwang makabayan ng mga taga-India ang mga diskriminasyon at karahasang nararanasan sa kamay ng mga mananakop na Ingles. Ang bansang Hapon ay nagkaroon ng ibang uri ng nasyonalismo na nakasalig sa pagsunod sa emperador sa angkan at sa bansa. Ito rin ang nagbigay daan upang manakop ng ibang bansa sa Asya ang mga Hapones. Malaki ang naging papel ng mga pinuno ng mga bansang kolonya sa pagganyak ng mga mamamayan upang ipaglaban ang mga karapatan nila ta makamit ang kalayaan at demokrasya ng mga nakilalang pinuno sa mga bansang dating sakop ay sina Muhammad Ali Jinnah at Benazir Bhutto ng Pakistan, Stephen Senanayake at Sirimayo Bandaranaike mula sa Ceylon (Sri Lanka), Aung San at U Thant ng Burma (Myanmar), Ho Chi Minh ng Vietnam, Achmed Sukarno ng Indonesia at sina Jose Rizal, Manuel Quezon at Corazon Aquino ng Pilipinas. Maraming bansa sa Asya ang sinakop ng iba’t ibang dayuhang kanluranin. Ang India, Sri Lanka at Pakista ay sinakop ng mga Ingles. Ang Pilipinas ay nasakop ng mga Espanyol at Amerikano, ang Vietnam, Indonesia, Laos, Cambodia at Malaysia ay nasakop ng mga Olandes. Sa ganitong sitwasyon, umsbong at umigting sa mga bansang ito ang diwa ng nasyonalismo. Maraming bansa sa Aprika ang pinaghati-hati ng mga bansang Euripeo at naging biktima ng pang-aapi subalit nagpunyagi rin ang kanilang pinuno makamtan ang 57

kalayaan tulad ng Ehipto, Congo (Zaire), at Algeria, Rhodesia at Nyasaland, Angola,Mozambique at Guinea Bissau.sa Timog Aprika, nagiging malibha ang isyu ngapartheid na nagbigay daan naman upang mabuklod ang mga katutubo doon. Gawain 3: Paglalapat Panuto: Gumawa ng isang tula na tumatalakay sa kahalagahan ng nasyonalismo tulad ng kalayaan at pagkakapantay-pantay. Ang tula ay kailangan may 3-5 saknong at ang bawat saknong ay may tig-apat nataludtod. Ikaw na ang pumili ng pamagat na angkop sa diwang iyong ipahahayag._________________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ ________________________________________________________________ 58

MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ngayong natapos mo na ang mga aralin sa modyul na ito, ano angmahahalagang kaalaman na dapat mong tandaan? Ang Nasyonalismo ay pagpapahiwatig ng pagigiging kaanib sa isang pangkat na may sariling mithiin, kaugalian, kalinangan, wika o kung minsan ay may isang lahing pinagmulan at relihiyong sinasampalataya. Sa Pransya sumibol ang diwa ng nasyonalismo. Ang Sandaang Taong Digmaan at Himagsikang Pranses ay naging mga hudyat na gumising sa mga bansang kanluran na sila ay magkaisa at ipaglaban ang kalayaan. Ang mga islogang Pranses na naging ispirasyon ng maraming bansa ay: “Vox populi, Vos dei.” “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran. Nangyari ang unipikasyon ng Italya sa ilalim ng pamumuno ni Napoleon I. Samantalang si Giuseppe Mazzini (1805-1872) naman ang naglunsad ng nasyonalismo sa pamamagitan ng kanyang islogan na Kalayaan, Pagkakapantay- pantay at Humanidad. Ang unipikasyon ng Alemanya ay naisagawa naman ni Otto Von Bismark (1815- 1833), isang minister ng Prussia. Noong 1815 hanggang 1860, maraming pangyayari ang nagbigay-daan sa unipikasyon ng Alemanya, tulad ng Pitong Linggong Digmaan (1866), Digmaang Austria-Prussia (1866) at Digmaang Franco- Prussian (1870). Ang Rebolusyong Amerikano ay nagsimula noong panahong 1763. Ang patakarang pang-ekonomiya ng mga Ingles ay lubos na nagpasidhi sa pag-aalsa ng 13 kolonya. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ang naging dahilan ng pagkamulat ng mga tao at ito ay may apat na larangan ang Agham, Pulitika, mga Sining at Kabuhayan. May iba’t ibang siyentipiko ang nakilala sa panahong ito tulad nina Newton, Descartes, Galileo, Darwin at iba pa. Marami sa kanilang nilikha ang nakapagdulot Mula sa Europa, lumaganap ang nasyonalismo sa mga bansang kolonya sa Asya, Aprika at Latin Amerika. Si Simon Bolivar ang itinuring na “Tagapagpalaya” ng 59

Venezuela at sinmulan naman ni Miguel Hidalgo, isang pari, ang pagkakaroon ng katarungang panlipunan sa Latin Amerika. Si Mohandas Gandhi ay nakilala sa kanyang \"nonviolent resistance\" sa India laban sa mga Ingles. Sa Asya, naging inspirasyon ang pamumuno nina Muhammad Ali Jinnah at Benazir Bhutto ng Pakistan, Stephen Senanayake at Sirimayo Bandaranaike ng Ceylon (Sri Lanka), Aung San at U Thant ng Burma (Myanmar), Ho Chi Minh ng Vietnam, Achmed Sukarno ng Indonesia, Tunku Abdul Rahman ng Malaysia at sina Jose Rizal, Andres Bonifacio, Manuel Quezon at Corazon Aquino ng Pilipinas. Maraming bansa sa Aprika ang naging alipin at nagtiis ng diskriminasyon sa mga dayuhang Europeo. Marami ang nagbuwis ng buhay sa iba’t ibang bansa bago nakamtan ang kalayaan tulad ng Congo (Zaire) at Algeria, Rhodesia at Nyasaland, Angola, Mozambique, at Guinea Bissau. 60

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT I. Panuto: Suriin at unawaing mabuti ang bawat katanungan atpangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katumbas na tamang titik.1. Ipinamalas niya ang kabayanihan na gumising sa damdaming makabayan ngmga Pranses nang kanyang pamunuan ang hukbong Pranses laban sa mgaIngles.A. Benazir Bhutto C. Joan of ArcB. Elizabeth I D. Sirimayo Bandaranaike2. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat ng Estates Generalnoong 1302, sa panahon ni Philip IV na kilala din bilang Philip the Fair?A. Ang mga Commoners C. Mga alagad ng simbahanB. Ang Maharlika D. Pangkat ng mga Franks3. Ang Unang Bibliya ng mga Karapatang Ingles ay isang kasulatan tungkol sa mga karapatan at kalayaan. Ito ay nakilala bilang A. English Common Law B. Magna Carta C. Habeas Corpus D. Katipunan ng mga Karapatan o Bill of Rights4. Saang bansa sumiklab ang himagsikan nang ipahayag ni Patrick Henry angkatagang “Give me liberty or give me death”?A. Alemanya C. Estados UnidosB. Indo China D. Italya5. Ito ay tumutukoy sa karapatan ng isang pinuno na mamahala ayon sa isangkilalang prinsipyo na Vox Populi, Vox Dei.A. Hinirang ng Diyos ang mga hari at reyna para mamuno.B. Kilalanin ang tinig ng nakakarami dahil ito ang tinig ng Diyos. 61

C. Mga maharlika ang pinagpala ng Diyos para sa tagumpay. D. Mga karaniwang tao ang hinirang ng Diyos para magpalaya.6. Ang Rebolusyong Pangkaisipan ay higit na nakaimpluwensya sa larangan ng: A. Alagad ng simbahan, mga Maharlika at karaniwang tao B. Edukasyon, kalakalang pandaigdig at kalusugan C. Gobyerno, sambayan, bansa at kalayaan D. Pulitika, kabuhayan, sining at agham7. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa mga pangyayaring nagpasiklab sa damdaming makabayan ng mga mamamayan sa India? A. Pagbaril sa mga taong mapayapang nagpupulong sa Amritsar, Punjab. B. Pagkakaroon ng diskriminasyon laban sa mga Hindu kahit na nakapag- aral ang mga ito sa Europa. C. Pagpapatatag ng Basic Democracy laban sa monarkiyal na pamamahala ng Britanya sa Muslim League. D. Pamumuno nina Allan Octabian Hume at Mohandas Gandhi sa mga samahan at usapin ukol sa paglaya ng India.8. Naghimagsik ang 13 kolonyang Ingles sa Amerika dahil sa mga pahirap at labis na patakarang pang-ekonomiya. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang dito? A. Ang hindi makatarungang paglabag ng mga Ingles sa karapatang Amerikano na tinawag na Intolerable Acts. B. Ang pagbubuwis sa mga dokumentong pangnegosyo tulad ng Stamp Act. C. Paglikom ng salapi at paghihigpit sa mga kolonya na kilala sa tawag na Townshend Acts. D. Pag-uutos ng Britanya na sila lamang ang maaaring bumili ng mga produkto ng kolonya at ito ay tinawag na Navigation Acts. 62

9. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang hindi kabilang sa mga dahilan ng panunumbalik ng demokrasya sa Pilipinas? A. Pagbaril kay dating Sen. Benigno Aquino sa Manila International Airport B. Pagdedeklara ng Batas Militar sa buong bansa C. Pagkakaroon ng bagong Saligang-Batas noong 1987 D. Pagpupunyagi ng mga Pilipino sa People’s Power sa EDSA10. Nanatiling palaisipan para sa mga taga-Europa hanggang sa pagsapit ng ika- 18 siglo ang gitna ng Aprika dahil sa kakaibang katangian nito tulad ng disyerto, mga ilog, kagubatan at mababangis na hayop. Dahil dito ay masasabi nating ang Aprika, bago dumating ang mga taga-Europa ay: A. Isang malawak na lupaing mapanganib para sa tao at walang pamayanan dahil sa kakulangan sa pagkain. B. May mahuhusay na sandatang pandigma at mga kaharian na hindi kinayang talunin ng mga taga-Europa. C. May ugnayan na sa ibang kabihasnan, may sariling pamumuhay at kultura bago pa dumating ang mga taga-Europa. D. Nagdulot ng mga digmaan sa mga taga-Europa dahil sa sapilitang pagpasok at pakikialam sa mga tribo ng Aprika.II. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang unaat ikalawang pangungusap. Isulat ang titik: A, Kung ang parehong pangungusap at TAMA; B, Kung ang parehong pangungusap at MALI; C, Kung ang unang pangungusap ay TAMA at ang ikalawang pangungusap ay MALI at D, Kung ang unang pangungusap ay MALI at ang ikalawang pangungusap ay TAMA. 63

____________ 11. Ang samahan ng mga Baron at alagad ng simbahan ay tinawag na House of Commons. Ang pagsasama ng mga kabalyero at burgesse sa mga usapin ng bansa ay tinatawag na House of Lords.____________ 12. Pinakadakilang reyna ng Inglatera si Elizabeth I at siya din ang pinakahuling pinuno naTudor. Naabot ang Ginintuang Panahon ng Inglatera sa ilalim ng kanyang panunungkulan.____________ 13. European Union ang tawag sa Gran Britanya at Hilagang Ireland kapag silang dalawa ay pinagsama. Ang Gran Britanya at Ireland ang pinakamalaki at pinakamahalagang teritoryo sa British Isles.____________ 14. Nakilala si Otto Von Bismarck na Iron Chancellor bilang pinuno ng Alemanya. Siya ay naniniwala na ang kasaysayan ay naisasagawa sa pamamagitan ng dugo at bakal.____________ 15. Ang Bushido ay tumutukoy sa mahuhusay na kawal sa bansang Hapon noong panahon ng piyudalismo sa kanilang bansa. Sa bansang Hapon, Samurai ang tawag sa isang kodigo ng karangalan para sa mga kawal.____________ 16. Naniwala si Adam Smith na ang laissez-faire ay kailangan upang hawakan ng pamahalaan ang usaping pangnegosyo para mapangalagaan ang yaman ng bansa. Siya ay kinilala bilang Ama ng Pulitikal na Ekonomiya, at may- akda The Wealth of Nations. 64

____________ 17. Ang usapin sa Kashmir ay nagdulot ng alitan sa pagitan ng Pakistan at India. Samantala ang relihiyon ay pinagmulan din ng sigalot sa Kalakhang Tsina dahil sa pag-agaw ng mga Instik sa Buddhismo na nagmula sa India.____________ 18. Sa kasaysayan ng daigdig, si Benazir Bhutto ang kauna- unahang babaeng Punong Ministro. Noong 1990 siya ay inaging pinunong sibilyan ng Pakistan subalit hindi nagtagal sa katungkulan dulot ng bintang na katiwalian.____________ 19. Noong 1956, ang digmaang sibil sa pagitan ng Hilaga at Timog Vietnam ay nagdulot ng pagkakahati ng bansa. Noong 1975 ang mga komunista ng Vietnam ay napasuko ng Estados Unidos at mula noon ay pinaunlad na ng Estados Unidos ang kabuhayan sa Vietnam.____________ 20. Maraming bansa sa Timog Silangang Asya ang dating kolonya ng mga taga-Europa at Amerikanong mananakop. Ang malalayang teritoryo ng Pilipinas, Malaysia, Indonesia at Thailand, ang kasalukuyang bumubuo sa Indo-Tsina. 65

GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. C 6. A 11. C 16. C 12. B 17. D2. C 7. A 13. A 18. C 14. A 19. D3. C 8. D 15. C 20. D4. D 9. B5. A 10. CARALIN 1 NASYONALISMONG NALINANG SA EUROPA AT SA MGA KOLONYAGawain 1: Pag-isipan Mo! Sa mapa ng daigdig na ito, ang mga naging mananakop ay nakalista sa ibaba. BelguimUnited State Netherland Germany Italy Great Britain France Spain Portugal 66

Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanAng mga sumusunod ay mga pangyayaring nakapagpapalaganap ngnasyonalismo sa Europa at mga kolonya nito:Inglatera Pransya Italya Alemanya AmerikaDito naganap Namuno si Si Giuseppe Nakilala si Otto Ditoang paglagda sa Charlemagne Mazzini ay Von Bismarck matatagpuanMagna Carta. bilang isa sa gumising sa bilang minister at ang Jamestown pinakadakilang damdaming tagapagbuklod na unang tirahanSimula ng Isang pinuno. makabayan at ng kanyang ng mga InglesDaang Taong tinawag na bayan. noong 1607.Digmaan (1337- Si Philip IX ang Propeta ng Pag-1453). tanging hari na iisa. Naitatag dito ang Ang rebolusyon naging santo ng Sa bansang ito Zollverein, isang ng 13 kolonya saNatamo ang Simbahang naitatag ang unyong bansang ito ayGinintuang Katoliko. Naging isang samahan pangkabuhayan dulot ngPanahon at mabuti siyang na ang slogan ay na pagnanais nanakilala ang pinuno na naging Kalayaan, nagpapahalaga lumaya saInglatera bilang daan upang Pagkakapantay- sa pagkakaisa at monarkiya ngMistress of the ipagmalaki ng pantay at pagtitiwala. Inglatera.Seas na mga Ingles ang Humanidad.ipinagmamalaki kanilang bansa. Umunlad ang Ang aklat ning mga Ingles. Ang palasyo ng Ang mga lugar bansang ito na Thomas Paine Versailles ay ng Sicily, Naples naging karibal ng na Common naging sentro ng at Venetia ay Britanya sa Sense ay mga pagtitipon at napasama sa larangan ng gumising sa karangyaan na teritoryo nito at kalakalan kayat damdaming nakapukaw sa nagkaroon ng naipagmalaki ng makabayan. mga karaniwang pagkakaisa o mga Aleman. mamamayan ay unipikasyon. pang-gitnang uri ng lipunan na maghimagsik sa umaabusong hari at reyna. 67

Gawain 3: Paglalapat Mungkahing sagot: Maaring ganito ang iyong sagot.Mahahalagang katangian ng isang Pangyayari sa ating bayan na nagbigaypinunong Pilipino na nagpasibol ng daan sa paglinang ng nasyonalismonasyonalismo sa bansa:1. Jose Rizal – mapagmahal sa kapwa 1. Pagkamartir / pagbubuwis ng buhayat sa bayan; naghangad ng ni Dr. Jose Rizal.pambansang pagkakaisa.2. Ninoy Aquino – naghangad ng 2. Pagkamartir / pagbubuwis ng buhaypambansang rekonsilyasyon. ni Ninoy Aquino.3. Corazon Aquino – pinahalagahan 3. Pakikiisa sa EDSA para sa ang demokrasya. mapayapang rebolusyon.4. Andres Bonifacio – paglaban ng 4. Diktadurya, paglabag sa may makataong layunin at hindi karapatang pantao na nilaban ng pansariling ambisyon. karamihan.5. Cardinal Sin – itinaguyod ang moral 5. Paglaban sa mga Hapon noong na batayan ng pamamahala ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. bansa sa makataong paraan.ARALIN 2: REBOLUSYONG PANGKAISIPAN AT ANG PAG-UNLAD NG NASYONALISMOGawain 1: Pag-isipan Mo!Ang mga salita ay - Agham, Kabuhayan, Kalayaan, Demokrasya, Liberalismo,Pagkakapantay-pantay, Panggitnang-uri, Pulitika, Rebolusyon, Sining. 68

P A GK A K APA NT AY PAN T A YA UGN L HKG IAG T BMI AI UT RE B OL US Y ON KHN SAA A SYNR IAG KAL A YAAN NUO IRM NLI B E R A L I SMO G DGawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Kaisipang Napalitan Kaisipang UmunladPiyudalismo LiberalismoAbsolutismo DemokrasyaKapangyarihan ng Simbahan SekularismoKatapatan sa Hari Pagkakapantay-pantayPananakop ng bansa Kalayaan para sa lahat 69

ARALIN 3 PAGLAGANAP NASYONALISMO IBA’T IBANG BANSAGawain 1: Pag-isipan Mo! 6. G 11. M 1. N 7. Q 12. D 2. F 8. K 13. P 3. E 9. J 14. O 4. H 10. L 15. A 5. BGawain 2: Pagpapalaganap ng KaalamanLugar o Mga Bansa Mahahalagang pangyayari at katangian ng bawat bansaLatin Amerika Tinalo ni Napoleon ang Espanya at Portugal at lumaganap angHapon kilusang himagsikan sa pamumuno ng mga tulad ni nina SimonIndia Bolivar at Jose De San Martin.Pakistan Pagpapalakas ng puwersa bilang isang nasyongMalaysia makapangyarihan sa Asya; pagsunod sa mga mithiin ng emperador at pinuno. Pagpatay sa mga lalaki, babae at batang tahimik na nagpupulong sa Amritsar at ang pamumuno ni Gandhi ang nagpaalab ng sa damdaming makabayan laban sa Inglatera. Nahiwalay ang bansang ito sa India dahil sa pagpapalitan ng teritoryo sa pagitan ng mga Hindu at Muslim. Kinalaunan ay humiwalay din sa bansang ito ang Bangladesh. Ang ilang bahagi ng bansang ito ay dating kontrolado ng British North Borneo Company hangang 1946 at nasakop at nasakop din ng Hapon noong iklaawang Digmaang Pandaigdig. Pinagsikapang makalawa sa impluwensya ng Inglatera at kahit magkakaibang lahi (Instik at Hindu) ay magkaisa sa pagkakamit ng kalayaan sa mga mananakop. 70

Sri Lanka Sa bansang ito lumaganap ang sigalot sa pagitan ng SinhaleseBurma Buddhist at mga Hindung Tamil. Dating sakop ng Ingles mulaIndo-Tsina (Vietnam) 1796-1974.Indonesia Kilala ngayon bilang Myanmar at isa sa pinakamalaking bansaPilipinas sa Asya na nagsikap makalaya laban sa Ingles at Hapon. Kilala rin sa bansang ito ang tagapagtaguyod ng NagkakaisangAprika Bansa (UN) na si U Thant. Binubuo ng Cambodia, Laos, Hilaga at Timog Vietnam na dating sakop ng Pransya. Nagsikap makapagsarili at kahit may madudugong labanan ay nagtagumpay din. Ilan sa kilalang pulo nito ay ang Java, Mandura at Sumatra na sumailalim sa pananakop ng Netherlands at ganap na lumaya noong Disyembre 27, 1949. Sa pamumuno ni Sukarmo, nakabangon sa pananakop ng mga Olandes at Hapon. Nakilala sa mga Kilusang Propaganda, Katipunan, Unang Republika sa Asya. Nagtaguyod ng kalayaan laban sa Espanya, Estados Unidos at Hapon. Nilabanan ang Batas Militar at naibalik ang demokrasya sa pamamagitan ng People’s Power sa EDSA. Dito matatagpuan ang Suez Canal na nagpapadali sa paglalakbay sa pagitan ng Europa at Asya. Pinaghati-hatian ang teritoryong ito ng mga Europeong mananakop tulad ng Pransya, Britanya, Alemanya, Portugal, Espanya, Belhika at Italya.Gawain 3: Paglalapat Ipatsek ang iyong tula sa gurong tagapamahala ng modyul. 71

PANGHULINGPAGSUSULIT1. C 6. D 11. B 16. D2. D 7. C 12. A 17. C3. B 8. A 13. D 18. D4. C 9. B 14. A 19. C5. B 10. C 15. B 20. C 72

(Effective Alternative Secondary Education) ARALING PANLIPUNAN IIIMODULE 17 Labanan ng mga Bansa sa Daigdig(Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig) BUREAU OF SECONDARY EDUCATION Department of Education DepEd Complex, Meralco Avenue Pasig City 1

MODULE 17 LABANAN NG MGA BANSA SA DAIGDIG (UNA AT IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG) Ang modyul na ito ay tungkol sa mahahalagang pangyayari hinggil sapagkakaroon ng Unang Digmaang Pandaigdig (1914-1918) at ng IkalawangDigmaang Pandaigdig (1939-1945). Ang mga digmaang ito ay nag-iwan ng malalimna sugat at aral sa kasaysayan ng sangkatauhan. Tatalakayin sa mga aralin samodyul na ito ang mga pangyayari at ang maraming pagbabagong idinulot ngdalawang digmaang pandaigdig na naganap sa kasaysayan. May apat na araling inihanda para sa inyo sa modyul na ito: Aralin 1: Mahahalagang Pangyayari na Nagdulot ng Unang Digmaang Pandaigdig Aralin 2: Mga Epekto sa mga Bansa ng Unang Digmaang Pandaigdig Aralin 3: Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig Aralin 4: Ang Pagwawakas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at mga Pagbabagong Dulot Nito Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang magagawa mo angmga sumusunod: 1. Mailalahad ang mga kritikal na pangyayari sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig; 2. Masusuri ang mga epekto ng Unang Digmaang Pandaigdig sa mga bansang nasangkot dito; 3. Mailalahad ang mga kritikal na pangyayari sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; 4. Masusuri ang epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Europa, Asya, 2

Aprika, mga kolonya at iba pang bansa sa daigdig; ng5. Mabibigyang-puna ang mga pagsisikap ng mga bansa na magkaroon kapayapaang pandaigdig upang maiwasan ang mga digmaan; at6. Makapagbibigay ng sariling pananaw hinggil sa pag-iwas sa digmaan. Handa ka na ba? Subukan mong sagutin ang mga sumusunod na tanong.Huwag kang mangamba sa pagsagot. May mga tulong sa pag-aaral na inihanda parasa iyo. 3


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook