Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FIL2part2

FIL2part2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:48:56

Description: FIL2part2

Search

Read the Text Version

mga tao. Nang mapalitan ng dinastiyang Han ang Ch’in ay saka lamang ngakapuwangang mga aral ni Confucius sa pamahalaan. Tumagal nang 400 taon ang dinastiyang Han sa kapangyarihan. Sa paghaharinito, naging opisyal na relihiyon ng Tsina ang Confucianismo at nagkaroon ng mgapantas na nagpalaganap ng mga turo ni Confucius. Bagama’t isinapi ang Confucianismo sa iba pang mga pilosopiya at relihiyon saTsina tulad ng Taoismo at Buddhismo, hindi ito nawala o natabunan. Noong sumapit angika-6 dantaon P.K., halos lahat ng mga distrito sa bansa ay katatagpuan ng mga templopara kay Confucius, na halos diidiyos na noon ng mga Intsik. Para kay Confucius, bagama’t may halaga ang pagsamba at ang mgaseremonyang panrelihiyon, higit na dapat unahin ang mga tungkulin ng tao sa lipunan.Dahil sa kaguluhan noong panahon nila, ang pangunahing layunin ni Confucius at ngkanyang mga tagasunod ay ang pagkakaroon ng maayos at masaganang buhay para samga tao. Ang moralidad at edukasyon, hindi ang pagsamba, ang siyang pinapuso ngConfucianismo. Sa halip na asikasuhin ang pagtatayo ng mga monasteryo at mga pook-sambahan, inuna nina Confucius ang pagpapatibay ng mga institusyong tulad ng pamilyaat maliliit na pamyanan. Ang mga turo ni Confucius, sa madaling salita, ay binubuo ng pagmamahal sakapwa, kawalan ng paghahangad na sumikat, kababaang-loob, paggalang sa kapwa,edukassyon upang mapaunlad ang kultura, at pagpapanatili ng kapayapaan. Ang rebolusyong komunista sa Tsina noong 1949 ay malaking dagok saConfucianismo. Sa ilalim ng pamumuno ni Mao Zedong (Mao Tse-Tung), ang mga turong Confucianismo ay ibinasura ng mga Intsik.1. Ang kanyang mga disipulo noon ay binubuo ng mga manunulat, aktibista, astronomo at tagapagtala ng kasaysayan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang __.a. alalay c. tagapayob. alagad d. panginoon 2. Sa pahayag na “ Ang moralidad at edukasyon, hindi ang pagsamba ang siyangpinakapuso ng Confucianismo “ , ay nangangahuilugang _____________.a. mahalaga ang moralidad at edukasyonb. hindi mahalaga ang Confucianismoc. hindi mahalaga ang pagsambad. walang silbi sa Confucianismo ang pagsamba3. Ang rebolusyong Komunista sa Tsina noong 1949 ay malaking dagok sa Confucianismo. Ang dagok ay nangangahulugan ______.a. babala c. suliraninb. panganib d. hadlang 29

4. Ang tekstong binasa ay tekstong ___________.a. ekspositori c. argumentativeb. narativ d. persweysiv5. Ayon sa teksto, naniniwala si Confucius na upang magkaroon ng matinong lipunan, dapat na ______________.a. maniwala ang mga tao sa kanyab. pahalagahan ang edukasyonc. maging matino ang tao.d. may mabuting pamamahala6. Nagsimula ang teksto sa pamamagitan ng ________________.a. paglalahad ng impormasyonb. pagbibigay ng opinyonc. pagsasalaysay ng pangyayarid. paglalarawan ng katotohanan7. Ang mga salitang ginamit sa teksto ay __________.a. pormal c. malayab. di- pormal d. karaniwan8. Layunin ng teksto na ______________.a. ipaalam ang kahalagahan ng Cunfucianismob. ipaliwanag ang Confucianismoc. ilahad ang pangayayri sa Tsinad. ilarawan ang buhay nila sa Tsina9. Ang nangingibabaw na kaisipan sa teksto ay ______________.a. mahalaga ang pagsamba at seremonyang panrelihiyon.b. dapat unahin ang tungkulin ng tao sa lipunan.c. malaman ng tao ang Confucianismo.d. kilalanin si Confucius.10. Ang tekstong binasa ay ________________. a. naglalarawan ng kasaysayan b. naghihikayat ng relihiyon c. nagbibigay ng impormasyon d. naglalahad ng opinyon. 30

C. Piliin mo sa Hanay B ang pahayag na bubuo sa kaisipang nasa Hanay A.HANAY A HANAY B1. Mabuti ang kalagayan ng Persia noon a. kapag ang isang tao ay ayaw na2. Ang 12 anak na lalaki ni Jacob na kilala mangilin sa Mahal na Araw.rin sa pangalang Israel at ang mga anakat apo ng mga ito ang siyang bumuo sa 12 b. kahit na mamatay tayo.tribo ng Israel. c. at papaunlad ang mga sentro3. Karaniwang naririnig ang pahayag na“Para ka namang Hudyo”. ng sibilisasyon nito.4. Ang Islam ay nanggaling sa salitang Sallam d. upang lalong mapabuti ang5. Ang mga ilusyong bumubulag sa taoang patuloy na naghihiwalay sa atin sa kal;uluwa.Diyos. e. na ang ibig sabihin ay6. Kasama ng pag-iisip ang pagsasakripisyong mga bagay na nakasanayan na o kapayapaan.hinahanap ng katawan. f. at dito nanggaling ang katawagan sa7. Ang pagiging magkasalungat nina kanila ng mga Israelita.Buddha at Brahman g. upang malaman kung talagang8. Umiiral na sa Tsina ang Confucianismo gusto nilang maging Kristiyano.9. Ang mga apostol ni Kristo ay binigyan h. kung bakit hindi nagtagal angng kapangyarihang magsalita sa iba’t ibangwika. Budhismo rito.10. Ang mga may nais na maging Kristiyano i. nang dumating ang Buddhismo.ay dumaraan sa mga pagsubok j. kaya nakapangaral sila kahit saan at kahit na kanino.D. Isulat mo ang uri ng kayarian ng pangungusap na sinasaad sa bawat bilang.1. Ang paglaganap ng Kristiyanismo ay naging mabilis at malawak pati ang mga Hudyoay naakit na sumapi rito.2. Ang mga unang tagasunod ng Kristiyanismo ay inusig dahil sa ang kanilangpananampalataya ay hindi sinasang-ayunan.3. Pinag-initan ng ulo ang mga Kristiyano dahil sa tutol sila sa relihiyong ito kaya sila aypinarusahan.4. Isa sa pinakamasipag sa pang-uusig sa mga Kristiyano ay si Pablo at ang dati niyangpangalan ay Saulo.5. Sa Jerusalem, maraming nakilalang mga dating Hudyo si Saulo at ito ang pinag-usig.6. Nagbago ng paniniwala si Saulo nang makakita siya ng liwanag at marinig ang titnigni Kristo.7. Naging kristiyano si Saulo at pinalitan niya ang kanyang pangalan ng Pablo.8. Nilibot ni Pablo ang lahat halos ng mga bansa upang ikalat an g pangaral ni Kristo nanagpapatunay na naisagawa niya ang kanyang misyon. 31

9. Ang muling pagkabuhay ni Kristo ang nagbigay sa mga disipulo upang magpatuloy sakanilang misyon.10. Nagtipun-tipon sila upang umawit at magdasal ng panalangin sa Panginoon.E. Sumulat ka ng talatang magbibigay ng impormasyon tungkol sa iyong relihiyonGumamit ka ng iba” ibang kayarian ng pangungusap. 32

Modyul 17 Pagsulat ng kathang-Buhay Tungkol saan ang Modyul na ito? Ang pagbabasa ay napakahalagang libangan sapagkat bukod sa naaaliw ka,nararagdagan pa ang iyong kaalaman lalo na’t ang binabasa mo ay may kinalaman sa buhay ngtao at ang mga taong ito ay kilala, may nagawang mabuti sa lipunan at totoo namang maaarimong gawing huwaran ng pagkatao at patnubay patungo sa matagumpay na kinabukasan. Talagang iba ang reaksyon ng tao kapag kapwa na niya ang paksa ng usapan. Nariyangnasisiyahan ka, nalulungkot, nababahala at kung anu-ano pa na masasabing depende sakaganapan ng buhay na inihahayag at iyan ang sentro ng modyul na ito. Mababasa mo rito angtungkol sa buhay-buhay ng ilang mahahalagang tao na naging bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas,nagpamalas ng kabayanihan at katalinuhan at gumawa ng kabutihan sa sarili nilang kaparaananpara sa kanyang kapwa at bayan. Dahil dito, tuturuan ka ng modyul na ito na sumulat ngkathambuhay na totoo namang magpapahalaga sa mga taong ito. Sa modyul na ito, mabibigyan ka ng kabatiran tungkol sa angkop na salita at bantas nakakailanganin mo sa pamamagitan ng iba’t ibang gawaing lilinang sa iyong kakayahang sumulato bumuo ng komposisyon. Malay mo, balang araw, kilalanin ka sa larangan ng pagsulat at itongpagsulat ng kathambuhay ay panimula lamang kaya pagbutihan mo.Kung handa ka na, simulanmo na. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang batayang kaalaman sa pagsulat ng kathambuhay. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Mahalaga ang modyul na ito kaya nararapat lamang na maingat ka sa paggamit nito.Naririto ang mga tagubilin na dapat mong sundin: 1. Huwag mong susulatan ang bawat pahina nito kaya gumamit ka ng hiwalay napapel sa pagsagot sa iba’t ibng gawaing inihanda para sa iyo. 1

2 Huwag mong lulukutin o sisirain ang bawat pahina nito.3. Sagutin mo ang mga gawain. Magsimula ka sa bahaging “Ano na ang alam mo?”Sa iyong pagsagot, unawain mong mabuti ang bawat panuto sapagkat iba’tibang gawain ang sasagutin mo.4. Pagkatapos mong sagutin ang bawat gawain, hingin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Kung mababa man ang iyong iskor, huwag kang mabahala. Tutulunganka ng modyul na ito.5. Pasusulatin ka ng isang halimbawa ng kathambuhay ngunit bago mo isagawa iyon,basahin mo at unawain ang mga impormasyong nakapaloob dito.May tanong ka pa ba? Kung wala na, simulan mo na.IV. . Anu-ano na ba ang alam mo? Ang pagsusulit na ito ay sukatan ng kung ano na ang alam mo kaya huwag kang mag-alala kung ang iskor mo man ay mababa. Handa ka na ba? Magsimula ka na.A. Panuto: Kilalanin mo ang tinutukoy sa Hanaya A. Piliin mo sa Hanay B ang sagot.HANAY A HANAY B1. Ang pambansang bayani a. Emilio Jacinto2. Ang ama ng katipunan b. Ramon Magsaysay3. Ang utak ng katipunan c . Francisco Balagtas4. Ang utak ng Himagsikan d . Andres Bonifacio5. Ang ama ngWikang Pambansa e . Gloria Arroyo6. Ang Idolo ng Masa f. Ferdinand Marcos7. Ang ama ng Makata g. Corazon Aquino8. Ang kauna-unahang Pilipina na naging h. Manuel L. Quezon i. Apolinario Mabini pangulo ng Pilipinas j. Jose Rizal9. Ang Pangulo ng Pilipinas na tinaguriang “Ang Diktador”10. Ang kasalukuyang Pangulo ng PilipinasB. Panuto: Basahin mong mabuti ang kasunod na talataan. Pagkatapos, punan mo angsumusunod na tala. Apolinario Mabini Mula sa maralitang angkan sa nayon ng Talaga, Tanawan, Batangas, si ApolinarioMabini, ang dakilang lumpo .Bata pa lamang siya ay ipinagkakapuri na siya ng buonglalawigan ng Batangas sa kasipagan, pagkamatapat, at kasinupan sa buhay. Ang kanyang angkanay isang dukha lamang, subalit may taglay na gintong ugali sa Diyos at sa kapwa tao. Mahilig mag-aral si Mabini kung kaya’t siya’y maagang pinag-aral ng kanyang mgamagulang. Sa simula pa lamang ng kanyang pag-aaral ay kinamalasan na siya ng katalinuhan.Nagtapos siya ng elementarya sa mababang paaralan ng Tanawan at nagpatuloy siya ng kanyang 2

pag-aaral sa mataas na paaaralang pribado na pinamamahalaan ni Padre Malabanan. Nakatapossiya sa mataas na paaralan ng San Juan de Letran. Upang huwag maging sagwil ang kahirapansa kanyang pag-aaral ay sinikap ni Mabini na mamasukan sa Maynila. Siya ay nakuha namaging isang guro sa isang pribadong paaralan. Muli niyang ipinagpatuloy ang pagsusunog ngkilay sa San Juan de Letran at nagtapos siya noong 1885 ng Batsilyer ng Sining. Sapagkat anghilig ni Mabini ay maging isang manananggol ay nagsumikap siyang ipagpatuloy ang pag-aaralsa pamantasan ng Sto. Tomas. Maraming hirap ang tiniis niya bago siya maluwalhatingnakatapos at naging isang ganap na manananggol. Sa panahon ng kanyang pagsasanay bilang isang manananggol, siya ay dinapuan ngsakit na pagkamatay ng katawan. Siya ay naging isang paralitiko ngunit ito ay hindi nagingsagabal upang maipadama at maipakita niya ang maalab na pagmamahal sa Inang-bayan Nang magsimula ang himagsikang Pilipino at kastila, dinakip siya ng mga kastila atibinilanggo sa pagiging maka-Bonifacio subalit noong Hunyo 1897. Si Mabini ay pinawalan.Nang ang Republika ng Pilipinas aynaitatag sa pamumuno ni Emilio Aguinaldo , siya ayginawang kanang kamay ng Heneral. Sinimulan niya nag pagtatag sa bayan-bayan at lalawiganng hukumang pamayapa at nga alagad ng batas. Siya ang pangunahing katulong sapagbabalangkas ng Saligang Batas ng Malolos kung kayat si Mabini ay tinaguriang “Utak ngHimagsikan” Sa panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano ay muli siyang hinuli ng mgaAmerikano at ibinilanggo hanggang Styembre 1900. Tunay isang pambansang dambana ng kabayanihan ang buhay na ito ng ating bayanisapagkat sa kanyang panahon, sumulat siya ng mga akdang pambayan tulad ng “AngHimagsikang Pilipino:, :El Verdadero Decalogo”(Ang Tunay na Sampung Utos), “Sa BayangPilipino” at marami pang iba kaya hanggang sa kasalukuyan ang kanyang alaala ay patuloy nadinadakila ng sambayanang Pilipino. Hango sa Panitikang Pilipino ni Ongoco Kung tapos mo nang basahin ang talataan, sagutin mo na ang gawain sa ibaba.Pangalan: _________________________________________Pangunahing katangian :____________________________Hanapbuhay :______________________________________kalagayan sa Buhay: ________________________________Pakikipagtunggali :__________________________________Mga magagandang akda:_____________________________C. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang salitang pupuno sa patlang upang mabuo angkaisipan. Ang kathambuhay ay ______1______ tungkol sa _____2_____ ng ________3_______.Ito ay ______4___________ ng _______5_________ ngunit ang ______6_______ nga lamang,higit na ______7_________ ang _______8___________ na ginagawa ng ______9_______ ng_____10__________. 3

sumulat katulad kathambuhay paglalahad kathabuhay tao kaibahan malalim talambuhayD. Panuto: Piliin ang titik ng wastong sagot. 1. Nagiging makabuluhan ang kathambuhay kung ___________. a. sariling-buhay ang inilalahad b. maayos ang pagkakalahad nito. c. nagtiis at nagtagumpay ang tinutukoy. d. buhay ng mga mayayaman ang paksa nito. 2. Karaniwang paksa sa kathambuhay ang mga bayani sapagkat __________. a. patay na sila b. kilala sila sa lipuann. c. maraming mailalahad tungkol sa kanila d. iyon ang hinihingi ng pagkakataon. 3. Ang buhay ng mga bayani ay ______. a. kalunus-lunos b. kapupulutan ng aral c. nasa lahat ng aklat d. alam ng lahat ng estudyante4-5. Upang m,akakuha ng impormasyon, dapat na ______. a. magbasa at magsalikisik b. makinig sa nakaaalam c. manood ng pelikula d. makipagkwentuhan sa kamag-aral e. sumama sa mga matatandaE. Panuto: Ayusin mo ang talataan ayon sa pagkakasunud-sunod. Si Emilio Jacinto . Maagang yamao ang kanyang ama. Siya ay kinupkop ng isang kamag-anak natumustos sa kanyang pag-aaral sa San Juan de Letran at sa Santo Tomas, na pinagtapusan niyang abogasiya. Ang mga aklat na kanyang binasa at ang mga pang-aaping tinamo niya sakamay ng mga kamag-aral na kastila ang siyang nagbunsod sa kanya upang sumapi sa katipunan 4

nang siya ay nasa ikalawang antas ng abogasya, sa kabila ng pagtutol ng kanyang amain sadahilang siya ang tanging pag-asa ng kanyang ina. Iyan si Emilio Jacinto na isinilang noong ika-15 ng Disyembre, 1875, sa Troso,Maynila na nagpakilala rin ng pagiging makabayan noong kanyang panahon.. Dito ipinakilala ni Jacinto ang kanyang mataos na pagmamahal sa bayan atwinika niya::Walang lalaki maliban sa isang duwag ang makatatagal na pagmasdan ang unti-unting pagkamatay ng kanyang lupang sinilangan. Ang isang tunay na lalaki ay dapat na maginghanda na ipagpakasakit ang kanyang tahanan, ang kanyang pag-ibig, ang kanyang upangmaghandog ng paglilingkod.” . Sa Unibersidad ng Santo Tomas ay naging kamag-aral niya sina Don JuanSumulong at Presidente Manuel L. Quezon. Dito ay ipinamalas ang kanyang pambihirangkatalinuhan na siyang kasiyahan ng kanyang mga guro at pagkainggit ng kanyang mga kamag-aral. Ang kasipagan niya sa kanyang pag-aaral ay maihahambing sa kanyang pagpupunyagi.Samantalang ang mga mamamayan sa Maynila ay nahihimbing sa kani-kanilang himlayan. Si Emilio Jacinto ay patuloy pa rin sa pagsasaliksik sa makakapal na aklat nanauukol sa mga kasaysayan at kung siya ay buhay pa sa ngayon, marahil ibayongpagmamalasakit ang ipakikita niya sa Inang- bayan. Hango sa Panitikang Pilipino ni Ongoco Nahirapan ka ba? Hwag kang mabahala. Tulad ng nasabi kanina, inaalam lang nitokung ano na ang alam mo. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.V. Sub-aralin 1: Ang Pagkilala sa Kathambuhay A. Anu-ano ang tiyak na matutunan mo? . 1. Nakikilala at nailalahad ang mga tiyak na impormasyon hinggil sa kathambuhay 2. Naiisa-isa ang mga katangiang dapat taglayin ng isang makabuluhangkathambuhay 3. Nakapagsusuri at naisusulat ang mahahalagang impormasyong dapat taglayin ng isangkathambuhay B. Mga Gawain sa Pagkatuto: 1. Alamin mo Bilugan mo sa loob ng kahon ang pangalan ng mga kilalang tao. 5

J OS E P HE S T RADAANAOT ANDANGS ORABIC C S D E F G H I J L K L MNI N O P Q R S T V MI S O O ON R E H R A MO S A O L Z O YT B A Y I I L H F C F E Y MAO MT Y N MJ K R D U L A F QGGGHJ KHAL QL E OE UI ME L D A MO L MA B I N IYF BAL AGT AS KE KUNY T U WY Y B O N I F A C I OCORAZ ONAQUI NOOIF E RNANDOP OE J RE F Nadalian ka ba? upang malaman mo kung tama ang iyong sagot, kunin mo na saiyong guro ang susi sa pagwawasto. 2. Linangin mo: Panuto; Basahin at unawain ang kasunod na impormasyon. Ang kathambuhay ay katha tungkol sa buhay ng tao. Maaaring maitulad ito sa talambuhay ngunit itong kathambuhay ay higit na malalim ang paraan ng paglalahad, pili ang mga salitang ginagamit at pili rin ang taong pinapaksa nito. Upang maging makabuluhan ang isang kathambuhay, dapat na pili ang taong isusulat ng kathambuhay lalo na kung ito ay tungkol sa taong dumanas ng maraming pakikipagsapalaran at nagwakas sa pagtatagumpay. Maaring ito ay dakilang tao tulad ng mga bayani na totoo namang kalimitan ay nagiging paksain ng kathambuahy dahil sa maraming makukulay at magagandang pangyayari sa buhay nila. Marami silang paniniwala at prinsipyo sa buhay na maaaring gawing gabay ng mga mambabasa na kapupulutan ng aral.3. Gamitin mo: Gawain 1. Basahin ang kasunod na talataan. Batay rito, isulat ang angkop na sagot sa bawat hanay. 6

Francisco Baltazar Kinilala siya ng madla sa tawag na kikong Balagtas nang kanyang katanyagan sapagka-makata. Kumita siya ng unang liwanag sa Panginay, Bigaa, Bulakan kung saan ang kanyangama ay panday ng nayon na dinarayo ng mga kanayon halos gabi-gabi at nagtatalakayan hinggilsa mga bagay-bagay kaugnay ng buhay ng mga Pilipino at ang mga bagay na naririnig niya angkinapulutan niya ng aral at pagkaunawa sa suliraning pambansa at nagbukas sa kanyang isipansa mga kaganapan nang panahong yaon.. Siya ay si Francisco Baltazar na matapos na mag-aral ng Katon at Katisismo ngDoktrina Kristyana ay naglingkod sa bahay ng isang kamag-anak sa Tundo, Maynila. Dahil sakanyang sipag at sikap na ipinakita, pinag-aral siya ng kanyang panginoong sa Colegio de SanJose. Pagkatapos , nag-aral din siya sa Colegio de San Juan de Letran. Nang manirahan si Balagtas sa Pandacan, nakilala niya ang isang dalagangngngangalang Magdalena Ana Ramos at nagbunsod upang lumikha ng sarili niyang tula nangsiya ay binigo ni Jose dela Cruz na tinatawag na Huseng Sisiw at bantog na guro ng mga makata,na siya ay igawa ng tala para sa kanyang nililigawan. Hindi naglaon, nagningning ang pangalan ni Kiko Balagtas sa langit-langitan ngPanulaang Tagalog at mahigitan niya si Huseng Sisiw. Lalo pa itong napatanyag nang siya aymapalipat ng tirahan sa arabal ng Pandahan kung saan nakilala niya si Maria Asuncion Rivera nasiyang Selyang tinutukoy ni Balagtas sa kanyang Florante at Laura. Sa kanyang panliligaw kay Maria Asuncion, mayroon ding masugid na manliligaw angdalaga, si Nanong Kapule. Dahil sa kapangyarihan nito, nagawan niya ng paraan na mahatulanat mabilanggo ang makata. Bilang pagsunod sa magulang, ang dalaga naman ay napakasal nakay Nanong Kapule. Sa loob ng bilangguan, sumulong ang Florante at Laura at sa kanyang paglaya,nanirahan siya sa Udyong Bataan kung saan nakilala niya si Juana Tiambeng at ito ang kanyangnapangasawa. Nagkaroon sila ng 11 anak. Sapagkat anak – mayaman ang babae, humawak siyang iba’t ibang matataas na tungkulin sa pamahalaan, ngunit muli siyang nahuli nang di umano’ypinutol niya ang buhok ng isang alilang babae ng isang mayaman. Muli siyang nakalaya nang hikahos sa buhay kaya nagpatuloy siya sa pagkatha ng mgamoro-moro upang maitawid-gutom ang kanyang pamilya. Yumao si Francisco Balagtas nang nagdadalamhati bunga ng masasaklap na karanasangdinanas niya ngunit sa pagyao niyang ito, nananatili pa rin siya sa puso ng bawat Pilipino at angkanyang mga akda ay patuloy na pinahahalagahan. Tapos mo na bang basahin ang akda? Kung gayon, ipagpatuloy mo na anggawaing inihanda para sa iyo. Batay sa nabasa mo, gawin mo na ang talahanayan.Alam na Nalaman Nais na malaman 7

Kung tapos mo nang gawin ang talahanayan, hingin mo sa iyong guro ang susisa pagwawasto. Pagkatapos, gawin mo ang kasunod na gawain. Gawain 2: Mula sa kathambuhay ni Fancisco Balagtas, na nasa Gawain 1, isulat mo anghinihingi sa bawat hanay.Impormasyong Mahalaga Hindi Gaanong Mahalaga Hindi Dapat isama Ano ang masasabi mo sa gawain? Madali lang hindi ba? Tingnan natin kungtama ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Gawain 3. Batay pa rin sa kathambuhay ni Francisco Balagtas., Bumuo ka ng sarilimong pagtatalata batay sa mga sumusunod.a. Tungkol sa kanyang kapanganakan:________________________________________________________________________________________________________________________________________________b. Tungkol sa kanyang pagpapaalila:________________________________________________________________________________________________________________________________________________c. Tungkol sa kanyang pagbibinata:________________________________________________________________________________________________________________________________________________d.Tungkol sa kanyang pagkabilanggo:________________________________________________________________________________________________________________________________________________e. Tungkol sa kanyang Florante at Laura: 8

________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Isang madaling gawain ang natapos dahil ito ay hango sa iyong binasa kayakunin mo na sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.4. Lagumin mo. Punan mo ng angkop na sagot ang mga patlang. Mahalaga ang __________ sapagkat nagbibigay ito ng ______________ tungkol samahahalagang _____________ na ang _____________ ay naging ________________dumanas ng maraming _______________ at ______________. Dahil sa pinaghandaang buhayng mga taong ito, nag-iwan sila ng makabuluhang _______________at _____________ sa_________________. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Marahil, maliwanagsa sa iyo ang kaalaman tungkol sa kathambuhay. Tingnan mo kung makakaya mo ang kasunodna pagsubok.5. Subukin mo: Basahin mo ang kasunod na talataan. Pagkatapos, batay dito, bumuo ka ng kathambuhaynang hindi mo kinokopya ang orihinal. Andres Bonifacio Ang panahong ng paghihimagsik ay nagdulot ng kapakinabangan sa larangan ngpanitikang Pilipino. Nangagsisulat ukol sa bayan sina Andres Bonifacio, Emilio Jacinto,Antonio Luna, Apolinario Mabini, Mariano Ponce, Jose Maria Panganiban at marami pang iba.Sa pamamagitan nila, nakilala at nadama ng sambayanang Pilipino ang kanilang kaapihan. Angtinig ng paghihimagsik at kabayanihan ay nag-anyaya sa maraming anak ng bayan. Sa panahongito, sapagkat may digmaan, ito ang unang hinarap ng tao, ay kakaunti ang mga akda. Ngunitmga dakilang akda ang nasulat sa panahong ito ng kabayanihan na naging makasaysayan sapanitikang Pilipino. Ang isang sangay ng panitikan noon. na hindi gaanong naisasama sa mgaganitong aklat dahil sa kakapusan ng mga ulat ay ang mga awiting-bayan na nakatulong sa pag-aalab ng kagitingan di lamang ng mga nagkawal o naghimagsik kundi gayundin angsambayanang nangailangan din ng giting at pagkabayani sa panahong iyon ng ating kasaysayan Si Andres Bonifacio ay bunga ng pag-ibig ng mag-asawang dukha; sumilang sa isang pookna dukha sa Tondo, Maynila, noong ika-3 ng Nobyembre, 1863. ang karalitaan ng kanilangpamila’y hidni nagpahintulot kay Andres Bonifacio upang makaakyat siya ng mataas sa pag-aaral. Natapos lamang niya ang mga unang titik ng abakada sa isang paaralan sa Meisik. Bunganito, siya’y masikhay na gumawa ng mga paraan upang mapabuti ang kanyang kalagayan.Lalong bumigat ang daigdig na pinapasan ni Andres Bonifacio nang maulila siya sa kanyangama’t ina , sa gulang na labing-apat na taon lamang. At sa kanyang pananagutan naiwan angdalawang batang kapatid na lalaki at isang babae. Wala siyang matakbuhang mga kamag-anakupang tumulong sakanilang pagdaralita sapagkat ang mga iyon ay mahirap din kagaya niya. 9

Kaya’t walang nagawa ang batang si Andres Bonifacio kundi harapin ang pakikibaka sa buahy.Hindi siya natakot sa paggawa bagkus ipinagkapuri niyang gumawa siya ng mga tungkod nakahoy at mga abanikong papel sa ganitong paraa’y siyang pag-agdong buhay nila ng kaniyangmga kapatid. siya’y naging mensahero rin, at naging kargador sa ilang bahay kalakal. Ang mababang napag-aralan ni Andres Bonifacio sa loob ng paarlan ay dinagdaganniya’t piñatas sa pamamagitan ng walang puknat na pagbabasa ng mabuting aklat na tumutugonsa kanyang hilig at panlasa. Napabuti niya ang kanyang kaalaman sa wikang kastila. Binasaniya ang Noli at ang Fili ni dr. Jose Rizal na kanyang idolo. Sumakamay din niya’y pinag-ukulan ng matamang pagdidili-dili ang mga Buhay ng mga Naging Pangulo ng Estados Unidos.Sa huling aklat na ito’y nabasa niya ang mga buhay nina Andrew Jackson., Abraham Lincoln atiba pang mahihirap na nahalal sa panguluhan ng Estados Unidos. Nabasa rin ni Bonifacio angLos Miserables, isang nobelang Pranses ni Victor Hugo. Binuksan sa kanyang isip angmalungkot na larawan ng mga taong dukha sa Pransya. Sinumpa’t kinasuklaman ng maliit naito ang mga pamilyang nangaghahari’t sumisiil sa mahihirap. Sila’y mga dukha at lagingnapaggugutom. Hindi bibigyan ng pagkakataong matamasa nila ang ilang kagandahang inilaaanng Diyos para sa lahat ng kanyang mag nilikha, at dahil sa kaalipinang itong sumuko na sasukdulan ang mga Pranses na mga maralita’y nagbangon, naghimagsik at ibinagsak angpamahalaang hindi tumutugon sa pangangailangn ng mga mamamayan. At kinamit nila angpagkakapantay-pantay at ang kalayaan. Ngunit si Bonifacio ay di kinasilan ng kapalaran. Naging mahina siyang heneral salabanan. Di tulad ni Aguinaldo na naging mapagtagumpay sa pamumuno/ naging isangtrahedya ang wkas ng buhay ni Bonifacio. Si Bonifacio ay namatay noong Mayo 10, 1897, sa Bundok Buntis ng Marogundon,Kabite, sa kamay ng mga kasama rin niya sa himagsikan, upang pagkatapos ay mabuhay angkanyang pangalan nang habang panahon bilang bayani ng lahi. Bilang pagdakila’t pagluwalhato kay Andres Bonifacio at sa kanyang mga kasama ayisang bantayog ang itinayo sa kanyang karangalan sa Grace Park, Siyudad ng Kalookan sa pookna malapit sa pinagsimulan ng himagsikan noong gabi ng Agosto 26, 1896, nang punitin nila angkanilang sedula personal na sagisag ng pang-aalipin ng mga kastila at kanilang isigaw ang mgakatagang”Mabuhay ang Republika ng Pilipinas.” . Hango sa Panitikang Pilipino ni Ongoco6. Paunlarin mo: Ayusin mo ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo mo ang kaisipan nito.buhay paglalahad nagtiis nagsikap taokathambuhay tagumpay gintong-aral huwaran iba 10

Maaari mo nang hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Salamat at tapos mo naang aralin ito ito. Lalo pang lalawak ang iyong kaalaman sa susunod na sub-aralin kayaipagpatuloy mo ang pagbabasa.VII.Sub-aralin 2: Sa Pagbuo ng Kathambuhay A. Anu-ano ang mga tiyak na natututunan mo 1. nagagamit ang wika sa paglalahad ng mga tiyak na impormasyong nabasa 2. nakabubuo ng magkakaugnay na kaisipan 3. nagagamit ang angkop na bantas, ang paggamit nag malaking letra sa pagbuo ng kathambuhay. 4. nasusunod ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat \B. Mga Gawain sa Pagkatuto: 1. Alamin mo Panuto: Kilalanin mo ang mga bayaning nasa larawan. Pagkatapos isulat sa hanay ang hinihinging imporamsyon tungkol sa kanila.Pangalan Paano sila nakilala Mahalagang kontribusyon sa bansa 11

Madali lamang ang gawain, hindi ba? Tiyak makakaya mo ang mga susunodpang gawain kaya ipagpatuloy mo ang pagbabasa.2. Linangin moBasahin at unawain mo ang kasunod na imporamsyon.Tiyak na Pamantayan sa Pagsulat ng Kathambuhay.1. Upang maging malaman ang kathambuhay, nararapat na magsaliksik atmagbasa ka.2. Kumuha ng iba’t ibang imporamsyon mula sa iba’t ibang aklat o magasin,maaaring narinig o natutuhan sa klase.3. Hindi mahalaga ang haba o iksi ng kathambuhay, ang mahalaga, tiyak at tamaang impormasyon.4. Iwasan ang paliguy-ligoy na paglalahad.5. Isaalang-alng din ang wastong gamit ng salita, wastong baybay, pati angpaggamit ng malaki at maliit na letra.6. Higit sa lahat, sumulat nag malinaw at malinis.Wastong gamit ng Malaking Letra.1. Pangngalang Pantangi. (tao, pook, bagay, pangyayari) Halimbawa: Francisco Balagtas, Luneta, Panahon ng Himagsikan2. Simula ng Pangungusap Halimbawa: Kumita siya ng unang liwanag sa Tanawan, Balagtas3. Mahahalagang salita sa pamagat Halimbawa : Florante at Laura4. Katawagan o taguring nagtatangi Halimbawa: Dr. Jose P. Rizal Ate Belen Kgg. Lito Atienza Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Tingnan nga natin kung masasagutan mo angmga gawaing inihanda para sa iyo.Simulan mo na.3. Gamitin mo:Gawain 1: Pag-ugnayin mo ang Hanay A at Hanay B upang mabuo ang kaisipan.HANAY A HANAY B1 Kahit na dalawampung taon lamang a. si Lope K. Santos naman ang siyanang sinulat ang “Banaag at Sikat. Ama ng Balarila2.Sa lahat ng kanyang mga naging ambag, b. na siya ang pinaka”Apo ng3. Kung si Manuel L. Quezon ay Ama ng lahat ng mga mananagalogWikang Pamabansa c. ang “Puso’t Diwa”, mga4. Tatlo ang tinipong aklat “Hamak na Dakila” at5. Si Lope K. Santos ay ipinalalagay ngayon “Sino ka? Ako’y si . . . 12

d. itinuring itong obra-maestra e. walang pag-aalinlangang pinakatampok siya sa kanyang panahon. Ngayong tapos ka na, maaari mo nang kunin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Madali langhindi ba ? . Subukin mo naman ang susunod na gawain kungmasasagutan mo.Gawain 2:Muli mong basahin ang mga pahayag sa Gawain 1. Ayusin ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod sa tulong ng ladder sa ibaba. 5 4 3 2 1 Tingnan mong muli kung tama ang iyong sagot. Kunin mo sa iyong guro angsusi sa pagwawasto.Gawain 3:Pag-aralan mo ang kathambuhay. Lagyan mo ng angkop na bantas at isaalang-alang angpaggamit ng malaking letra.Gumamit ka ng hiwalay na papel sa pagsagot. andres bonifacio andres bonifacio ang pangalang nakatatak na sa puso ng bawat Pilipinosiya ang tagapagtatag ng katipunan. ang bayaning ito ay nanggagaling sa maralitang angkan maaga siyang naulilasa mga magulang kaya naiwan sa kanya ang pangangalaga ng kanyang mga kapatidnaranasan niyang pasukin ang iba’t ibang hanapbuhay kaya di siya nakaakyat sa mataas napaaralan. sa sariling pagsisikap napalawak niya ang kanyang kaalaman sa pamamagitanng pagbabasa Binasa niya ang talambuhay ng mga naging pangulo ng estados unidosikaw kaya mo bang tularan si Andres bonifacio 13

Kung tapos ka na, hingin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto.Pagkatapos, gawin mo ang kasunod na gawain .4. Lagumin mo: Gawain 1:Punan mo ng angkop na sagot ang mga patlang. Piliin mo sa ibaba ang wastong sagot. Mahalaga ang ___1_____ sa ______2_______ ng _______3___________ upangmaging ____4_______ ito, punung-puno ng mga _________5_____ dapat taglayin na_______6____ sa _______7______. Iba nga ito sapagkat __8___________ ang pagtalakay nitosa mga ____9_____ , pinagdaanan sapagkat sa matamo ang _____10______. tagumpay pananaliksik karanasan nalaman malalim impormasyon talambuhay ikinaiba kathambuhay pagsulat Gawain 2: Piliin ang mga salitang dapat na nakasulat sa malaking letra.Gumamit ka nghiwalay na papel na gagamitin mong sagutan. 1. si apolinario mabini ang pinakakanang kamay ni heneral Emilio aguinaldo. 2. “dakilang lumpo” at utak ng himagsikan ang naging taguri sa kanya. 3. marami siyang naisulat na akda sa wikang kastila at ingles. 4. ang pinakamalapit na pampanitikang sinulat niya ay ang “el verdadero decalogo” o satagalong ay “ ang tunay na sampung otos. 5. noong siya ay ipinatapon sa guam ng mga amerikano, pinaglibangan niyang sulatin samakabagong baybay ang “florante at laura” ni francisco balagtas. Tapos ka na ba sa pagsagot? Kung gayon, hingin mo na sa iyong guro ang susisa pagwawasto. Kung mataas ang iskor mo, ang galing mo! Subukin mo namang sagutin angkasunod na pagsubok.5. Subukin mo: Mula sa kasunod na kathambuhay, bumuo ng sariling kathambuhay nang di mokinokopya ang orihinal nito. Manuel Luis Quezon Si Manuel L. Quezon, ang Unang Pangulo ng Commonwealth ay nagpamalas ngdi matatawarang paglilingkod sa bayan. Sa edad na lima, nalaman na niya ang wikang Kastila at katesismo na itinuro ngkanyang ina. Sa edad na siyam, namasukan siyang katulong sa isang prayleng Pransiskano na siRev. Fr. Teodoro Fernandez sapagkat di sapat ang perang pinadadala ng kanyang nanay nangnasa Colegio de San Juan de Letran siya. Ang paring ito ang nagturo sa kanya ng Latin, sarelihiyon, gramatika at kasaysayan.Nabalam lamang ang kanyang pag-aaral nang sumiklab ang 14

rebolusyong Pilipino-Kastila. Sumapi siya sa himagsikan ngunit nagpatuloy sa pag-aaral nangmatapos ang digmaan. Humawak siya ng iba’t ibang posisyon sa pamahalaan tulad ng pagiging piskal,pagkatapos ay gobernador. Nahirang din siyang Minority Floor Leader ng Phil. Assembly atnaging Resident Commissioner ng Estados Unidos. Naging kagawad din siya ng Batasan ngAmerika. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung maayos mong naisagawaang gawaing ito, magpatuloy ka sa kasunod na Modyul, kung hindi, sagutin mo ang kasunod nagawain.Paunlarin mo: Mula sa Subukin Mo, bumuo ka ng mainam na simula at wakas. . Ang susunod na sub-aralin ay susukat sa iyong kakayahang magsulat ngkathambuhay kaya simulan mo na ang pagbabasa.VIII. Sub-aralin 3: Pagsulat ng KathambuhayA. Anu-ano na ang tiyak na natututuhan mo?1. nailalahad ang mga tiyak na pamantayan sa pagsulat2. naipalilliwanag ang pagbubuo ng magkakaugnay na kaisipan3.. nakasusulat ng isang kathambuhay batay sa tiyak na katangian nito.B. Mga Gawain sa Pagkatuto:1. Alamin mo: Panuto: Buuin mo ang salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsagot sa mgatanong na nasa ibaba.2 1 4 35 B 6 8 97 15 10

1. kasingkahulugan ng salaysay 2. Ang gunita 3. listahan 4. kapalaran 5. mga naganap sa buhay ng tao 6. pagkakamit ng mga nais sa buhay 7. ang pinaghahandaan ng tao 8. isang tunggali 9. lahi 10. taglay ng tao 2. Linangin mo: Basahing mabuti ang kasunod na talataan. Tulad ng karaniwang komposisyon, ang kathambuhay ay binubuo ng tatlong bahagi, ang simula na nararapat na nakapupukaw sa kawilihan ng mambabasa, ang paglalahad ng mga detalye at kawili-wiling wakas .Ilang mungkahing paraan ng pagsisimula sa kathambuhay: 1. nagsisimula sa katanungan tungkol sa paksa ng kathambuhay. 2. isang sipi ng salawaikain, pahayag o simulain ng taong paksa ng kathambuhay. 3. isang makatawag-pansing pangungusap. 4. isang simpleng tugmaan 5. isang sipi ng tula, awit, pahayag o kaisipanIlang mungkahing paraan ng pagwawakas sa isang kathambuhay: 1. maaaring mag-iwan ng katanungang angkop sa paksa 2. bumuo ng kaisipang iiwan sa mambabasa 3. isang sipi ng salawikain na angkop sa paksa ng kathambuhay 4. pag-iiwan ng isang pagpapasya 5. pag-uulit ng isang pahayag o prinsipyo ng taong paksa ng kathambuhay 16

Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung naunawaan mo, ipagpatuloy mo angpagbabasa at sagutin mo ang kasunod na gawain.Gawain 1: Basahin mo ang kathambuhay ni _dating Pangulong Corazon Aquino. Baguhin moang simula at wakas nito nang hindi nawawala ang mahalagang impormasyon.Corazon Aquino Si Gng. Corazon Aquino ang kauna-unahang pangulong babae ng Republika ngPilipinas.Masasabing naugnay siya sa pulitika dahil na rin sa kanyang asawa, ang kilalang siSenador Benigno “Ninoy” Aquino na pinaslang dahil na rin sa pulitika.. Nang ideklara ang Martial Law noong 1972 ni Pres. Marcos ay ipinadakip si BenignoAquino Jr. o “Ninoy” at sinampahan ng kaso. Nagkasakit si Ninoy at ipinagamot sa Amerika.Nang magbalik si Ninoy sa Pilipinas noong 21 Agosto 1983, ay pinatay ito. At dito nagsimulaang buhay ni Corazon sa politika, na naging kilala sa tawag na “Cory” Noong Pebrero 7, 1986, naganap ang isang Snap Election at idineklara ng Namfrel(National Movement For Free Election) ; isang Civic Organization na nagwagi sapagkapresidente si Gng. Corazon Aquino, habang ang comelec naman ay idineklaranng panalosi Pres. Marcos. . Nagsimula ang EDSA Revolution o People’s Power, isang tahimik na rebolusyon, nanagtulak kay Presidente Marcos na lumisan kasama ang iba pa, at naiwan kay PresidenteCorazon Aquino ang pamahalaan. Nakatuwang niya ang kanyang Bise-Presidente na si SalvadorLaurel. Tulad ni Pres. Magsaysay ,binuksan ni Pres. Aquino ang Malacañang sa taong bayan atsa kanyang panunungkulan, ipinaglaban niya ang demokrasya. Siya ang unang presidente nahindi naghangad ng re-eleksyon. Bumaba siya sa pagkapangulo ng taong 1992 at nagpatuloy na naglingkod sa bayan kahitwala na siya sa pulitika. Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto nang malaman mo kungtama ang iyong ginawa.Gawain 2: Isulat mo nang wasto ang talataan.kaibigan siya ni Gregorio del Pilar na naging pinakabatang heneral sa hukbongmanghihimagsik. Siya ay si Jose Palma ang nagsulat ng mga titik ng pambansangawit ng Pilipinas. bukod sa pagiging makata, kilala rin siya bilang nobelista.ginugol niya ang kanyang panahon sa paglilibang ng mga sundalo sa pamamagitanng kanyang mag tula at awitin namatay siya noong ika-12 ng Pebrero 1903. Madali ang gawain, hindi ba? Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto nang makatiyak ka. May inihanda pang gawain para sa iyo kaya ipagpatuloy moang pagbabasa. 17

4. Lagumin mo: Isulat mo kung wasto ang mga bahaging may salungguhit. Kung mali., isulat mo angwastong sagot. ito. Kumuha ka ng sagutang papel. 1. Sinulat ni Andres Bonifacio ang pag-ibig sa tinubuang lupa. 2. Pinamatnugutan ni Emilio Jacinto ang pahayagang Kalayaan. 3. Ang mga akda ni Apolinario Mabini ay hindi sadyang pangpanitikan kundi hinggil sa pulitika, pamahalaan, lipunan at pilosopiya. 4. Si Jose Corazon de Jesus ay isinilang sa Sta. Cruz, Maynila 5. Si Joseph Estrada ang panglabing tatlong pangulo ng bansa. 6. Pilit na sinulong ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ang EVAT. 7. hindi malilimutan ng sambayan ang mga namayapang bayaning maymagawa para sa bansa. 8. Siya ay naglaan nang mahabang panahon ng pagtuturo at pagsisikap na mapabuti ang kanyang buhay. 9. Masisinag sa akda ni Dr. Jose Rizal ang pagnanais niyang mapalaya ang bansa sa mga dayuhan. 10. Matutularan ba ng Filipino ang kahalagahang ito? Kung tapos ka na, kunin mo na sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Pagkatapos, gawin mo ang kasunod na gawain.5. Subukin mo Panuto: Sumulat ka ng sarili mong kathambuhay. Lagyan mo ito ng mainam na simula atwakas. Kumuha ka ng hiwalay na papel na gagamitin mo sa kathambuhay na isusulat mo.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 18

IX. Gaano ka na kahusay? Pumili ka ng isang kilalang tao sa lipunan. Magsaliksik ka tungkol sa buhay niya atpagkatapos, sumulat ka ng kathambuhay niya. Isaalang-alang mo ang paggamit ng malaking letrana dapat mong gamitin pati ang wastong bantas. Tiyakin mo rin na ito ay may mainam na simulaat wakas.Panuto:____________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Kung tapos ka na, basahin mo nang tahimik ang iyong isinulat. Pagkatapos, ipabasamo sa iyong guro upang malaman mo kung tama ang iyong ginawa. Muli, binabati kita at natapos mo ang modyul na ito. 19

2 1 3 4 5 Susi sa Pagwawasto Modyul KathambuhayIII- Anu-ano na angalam mo?A. 6. B 1. J 7. C 2. D 8. G 3. A 9. F 4. I 10. E 5. H 20

6 B7 8 10 91. kasingkahulugan ng salaysay2. Ang gunita3. listahan4. kapalaran5. mga naganap sa buhay ng tao6. pagkakamit ng mga nais sa buhay7. ang pinaghahandaan ng tao8. isang tunggali9. laki10. taglay ng taoB. Mula sa mga nabuong salita, buuin ang nangingibabaw na kaisipan. 21

Modyul 18 Saya at Lungkot ng Aking Buhay Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw mahal kong estudyante. Pinupuri kita dahil maluwalhati mong natapos angpag-aaral sa naunang dalawang modyul tungkol sa Florante at Laura. Ngayon ay pupunta ka na saikatlong bahagi nito. Pag-aaralan mo sa modul na ito ang ilang pangyayari sa buhay ni Florante at ang mgakaisipang nakapaloob sa mga ito, Nahahati ang buong kwento sa pitong pinaikling kwento. Narito ang mga pamagat ng pitongkwento:  Ang Pag-aaral sa Atenas  Nabistong Pagkukunwari  Ang Pagkamatay ni Ina  Ang mga Tagubilin ng Maestro  Nasa Panganib ang Bayang Krotona  Ang Kagandahan ni Laura  Ang Pabaon ni Laura Ano ang matututunan mo? Narito ang mga kasanayang inaasahang matatamo sa modyul: 1. naibibigay ang punong kaisipan sa tulong ng pamagat 2. nakapag-uuri-uri ng mga kaisipang inilahad sa akda kung ito’y pampamilya, panlipunan, pampamahalaan, o pansimbahan 3. nasusuri ang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng may-akda O, ano sa tingin mo? Mahirap ba? Hindi mahirap iyan. Kayang-kaya mo iyan basta’t susundan mo lamang nang maayos ang bawat bahagi ng modyul. 1

Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Narito ang mga tuntuning dapat mong sundin sa paggamit ng modyul:1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan at susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit.2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit. Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito.3. Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto, ha? Huwag kang mag-aalala kung mababa ang markang nakuha mo. May inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makatutulong sa iyo.4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain.5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, magsimula ka na! 2

Ano na ba ang alam mo? Narito ang ilang tanong para mataya kung ano na ang alam mo sa modyul na ito. Tandaan: Hindi mo susulatan ang modyul na ito. Isusulat mo ang sagot sa sagutang papel.A. Basahin ang bawat saknong at piliin ang kaisipang angkop dito. Makatutulong ang pamagat sa pagpili ng angkop na kaisipan. Letra lamang ng tamang sagot ang isusulat mo sa sagutang papel. 1. Pamagat: Ang Pag-aaral sa Atenas 215 “Araw ay natakbo at ang aking kabataan sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw, bait ko’y luminis at sa karunungan, ang hubad kong isip ay kusang dinamtan.” a. Ang talino ay hinuhubog ng pag-aaral. b. Maaring tumalino kahit hindi nag-aaral. c. Hindi mahalaga sa buhay ang pag-aaral. 2. Pamagat: Nabistong Pagkukunwari 220 “Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalatkayo kahinhinang asal na pakitang-tao nakilalang hindi bukal kay Adolfo.” a. Pwedeng magkunwari basta’t hindi nabibisto. b. Ang pagkukunwari’y kailangan para dumami ang kaibigan. c. Malalaman ang pagkukunwari dahil ito’y pakitang-tao lamang. 3. Pamagat: Ang Pagkamatay ni Ina 239 “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam ay nanaw sa akin ang sandaigdigan; nag-iisa ako sa gitna ng lumbay ang kinakabaka’y sarili kong buhay.” a. Malungkot ang buhay kapag malayo ang kasintahan. b. Kapag namatay ang ina, kalugkutan ang nararamdaman. c. Iwasang malungkot kapag may namatay. 3

4. Pamagat: Ang Tagubilin ng Maestro 246 “Kung ang isalubong sa iyong pagdating, ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin.” a. Dapat pag-ingatan ang pakitang giliw ng kaaway. b. Huwag na lang pansinin ang pakitang giliw ng kaaway. c. Magulo ang buhay kapag may kaaway.5. Pamagat: Nasa Panganib ang Bayang Krotona 271 “Iyong kautangang paroong mag-adya, nuno mo ang hari sa bayang Krotona dugo kang mataas at dapat kumita ng sariling dangal at bunyi sa gera.” a. Dapat ay sariling tauhan ang makipaglaban sa mga kaaway. b. Kaharian ng ninuno’y dapat tulungan kung nasa kamay ng mga kaaway. c. Nakatutulong sa kaharian ang pananakop ng kaaway.6. Pamagat: Ang Kagandahan ni Laura 278 “Sa kaligayaha’y ang nakakaayos- bulaklak na bagong winahi ng hamog; anupa’t sinumang palaring manood, patay o himala kung hindi umirog.” a. Maraming nanliligaw kay Laura dahil sa kanyang kagandahan. b. Isang himala kung kay Laura’y may hahanga. c. Sinuma’y maaakit sa kagandahan ni Laura.7. Pamagat: Ang Pabaon ni Laura 295 “Ngunit kung ang oo’y di man binitiwan, naliwanagan din sintang nadirimlan,, at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng may hiyang perlas na sa mata’y nukal.” a. Wala pa sa puso’t isip ni Laura ang pag-ibig. b. Ang baon ay mahalaga kung pupunta sa malayo. c. Ang pabaong luha ng dalaga ay tanda ng pagmamahal. 4

B. Narito ang ilang piling kaisipan buhat sa akda. Tukuyin kung ang bawat isa ay: (a)pampamilya, (b) panlipunan, (c) pampamahalaan. 1. Kapag maganda ang pagpapalaki ng ama, lumalaki ring matino ang anak niya. 2. Ang gurong mabait at marunong, sa mga estudyante ay handang tumulong. 3. Pagkukunwari’y nabibisto, pagkat ito’y pakitang tao. 4. Nagbubunga ng masama, ang inggit sa kapwa. 5. Hatid ay kalungkutan, kapag ang ina ay pumanaw. 6. Tapat ang pakikiramay, sa estudyanteng may mabuting asal. 7. Dapat pag-ingatan, ang pakitang giliw ng kaaway. 8. Sa kalaban ay huwag ipahalata, Ang lihim na paghahanda. 9. Mabuting ugali’y kinalulugdan, ng guro at mga kamag-aral. 10. Nang makita ang kanyang ama, pagkamatay ng ina’y naalala. 11. Kaharian ng ninuno’y dapat tulungan kung nasa kamay ng mga kaaway. 12. Balita’y bihirang magkatotoo pagkat madalas ay may dagdag ito. 13. Sa panaginip ni Haring Linceo, si Florante ang mamumuno sa kanyang reyno. 14. Sinuman ay mahahalina, sa kagandahang taglay ni Laura. 15. Ang pabaong luha ng dalaga, ay tanda ng pagsinta. 5

C. Isulat sa sagutang papel ang tamang salita sa patlang. Piliin at isulat sa sagutang papel ang titikng tamang sagot sa bawat bilang.1. Sa isang dayalog, ang bilang ng tauhang nag-uusap ay _________________ a.) isa, b.) dalawa o c.) higit pa, d.) wala2. Para ipakita ang eksaktong sinabi ng nagsasalita, gumagamit ng ________________ a.)“ ” b.) ! c.)?3. Ang dayalog ay nakatutulong upang ________________ a.)makapagpahinga ang may-akda, b.) humaba ang kuwento, c.) sumigla ang pagsulong ng mga pangyayari).4. Sa isang monolog, ang bilang ng tauhang nagsasalita ay _________________ a.) isa, b.)dalawa, c.)tatlo.5. Ang monolog ay pananalitang ________________ a.) maiki, b.) mahaba, c.)matagal.6. May pamamaraan ng monolog na ang tauhan ay __________________ a. ayaw magsalita, b.) nagsasalita sa kanyang sarili, c.)nakikinig sa kausap.7. May pamamaraan ng monolog na ang tauhan ay __________________ a.) nagsasalita sa isa o higit pang tauhan. b.) nakininig sa isa o higit pang tauhan. c.) ayaw magsalita sa isa o higit pang tauhan.8. Sa tuwirang pagsasalaysay ng may-akda, tuwiran niyang _________________ a.) pinakikinggan, b.) ikinukwento, c.) pinanunood, ang mga pangyayari. Kung tapos ka na, kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Alam kong marami ka pang dapat malaman kaya sige, simulan mo na ang pag-aaral. 6

Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1: Pagsusuri sa mga KaisipanLayunin:Pagkatapos mo ng sub-araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. nakapagbibigay ng mga kaisipan sa tulong ng pamagat. 2. nakapag-uuri-uri ng mga kaisipang inilahad sa akda.Alamin Para tuluy-tuloy mong masundan ang kwento, narito ang karugtong ng mga nabasa mo sanaunang dalawang modyul. Nahahati ang buong kwento sa pitong sub-kwento. Mapapansin mong ang bawat sub-kwentoay may kasamang pamagat. Bakit sa palagay mo mahalagang isama ang pamagat? Ang pamagat ay nakatutulong paramaunawaan ang kwento, di ba? Malaki kasi ang pag-uugnayan ng pamagat at ng nilalaman ng akda. O ngayon, ipagpatuloy mo na ang pagbasa sa mga sub-kwento. Ang Pag-aaral sa Atenas Labing-isang taong gulang si Florante nang pumunta sa Atenas para mag-aral. Alam mo bakung sino ang isa sa kanyang mga naging kaeskwela? Sige nga, alamin mo sa mga saknong na ito. 205 “Pag-aaral sa akin ay ipinatungkol ng isang mabait maestrong marunong, lahi ni Pitano ngala’y si Antenor, lumbay ko’y sabihin nang dumating doon.” 207 “Sa dinatnan doong madlang mag-aaral kaparis kong bata’t kabaguntauhan, isa’y si Adolfong aking kababayan, 7

anak niyong Konde Silenong marangal.” Sino ang kanyang naging guro? Tama, si Antenor nga. Sino naman ang isa sa kanyangnaging kaeskwela? Kung ang sagot mo’y si Adolfo, tama ulit ang sagot mo. Bilang estudyante, ito palang si Adolfo ay nagpapakita ng kabaitan. Sa palagay mo kaya,alam ni Florante na nagkukunwari lamang si Adolfo? Magpatuloy ka sa pagbasa. 209 “Mahinhin ang asal na hindi magaso at kung lumakad pa’y palaging patungo, mabining mangusap at walang katalo, lapastanganin ma’y hindi nabubuyo. 210 “Anupa’t sa bait ay siyang huwaran ng nagkakatipong nagsisipag-aral, sa gawa at wika’y di mahuhulihan ng munting panira sa magandang asal. 211 “Ni ang katalasan ng aming maestro at pagkabihasa sa lakad ng mundo, ay hindi matarok ang lalim at tungo, ng pusong malihim nitong si Adolfo. Alam pala ni Florante ang lihim na pagkatao ni Adolfo. Hindi naman imposibleng malamanni Florante ang tunay na ugali ni Adolfo sapagkat sila’y magkababayan. Habang lumilipas ang mga araw, malaking tulong ang nagagawa ng kanyang talino atmagandang asal. Sa anim na taon niyang pag-aaral ay marami siyang natutuhan. 215 “Araw ay natakbo at ang kabataan sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw, bait ko’y luminis at sa karunungan, ang hubad kong isip ay kusang dinamtan. 216 “Natarok ang lalim ng pilosopiya, aking natutuhan ang astrolohiya, natantong malinis ang kataka-taka at mayamang dunong g matematika.” 219 “Kaya nga nang ako ang naging hantungan tungo sa salita ng tao sa bayan, mulang bata’t hanggang katanda-tandaan, ay nakatalastas ng aking pangalan.” 8

Nabasa mo na ba na nag-aral siya ng pilosopiya, astrolohiya at matematika. At alam mo bangsiya ang naging pinakamatalino sa klase? Dahil dito, siya ay naging popular. Heto ang karugtong ng kwento. Ano kaya ang mangyayari kay Adolfo? Mabibisto kaya angpagkukunwari niya? Oo ba ang sagot mo? Basahin mo ang mga saknong sa ibaba at malalaman mokung tama ka. Nabistong Pagkukunwari 220 “Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram niyang bait na binalatkayo kahinhinang asal na pakitang-tao nakilalang hindi bukal kay Adolfo. 221 “Natanto ng lahat na kaya nanamit, niyong kabaitang di taglay sa dibdib ay nang maragdag pa sa talas ng isip itong kapurihang mahinhi’t mabait.” Tama ang sagot mo. Nabisto nga ang pagkukunwari ni Adolfo. Alam mo ba kung paanonabisto si Adolfo? Dahil sa matinding inggit niya ay tinangka niyang patayin si Florante. Ganito ang buong pangyayari. Sa pagtatanghal ng isang dula, gumaganap si Florante bilangEtyokles at si Adolfo’y gumaganap naman bilang Polinese. Dito’y tinangkang totohahang patayin niAdolfo si Florante. Narito agn mga saknong na nagpapakita ng mga pangyayari: 227 “Nanlisik ang mata’t ang ipinagsaysay ay hindi ang ditsong nasa orihinal, kundi ang winika’y ikaw ang umagaw ng kapurihan ko’t dapat kang mamatay! 228 “Hinandulong ako, sabay nitong wika, ng patalim niyang pamatay na handa, dangan nakaiwas ako’y nabulagta, sa tatlong mariing binitawang taga.” Sino ang nagligtas kay Florante? Mabuti na lamang at nailigtas siya ni Menandro ano? Dahil sa pangyayari, umaliskinabukasan si Adolfo para umuwi na sa Albanya. Kaya hindi mabuti ang maging mainggitin, di ba?Ayon nga sa isang kasabihan, nagbubunga ng masama ang inggit sa kapwa. 9

Isang taon pang nanatili si Florante sa Atenas. Isang araw ay tumanggap siya ng sulat galingsa ama. Ayon sa sulat, namatay raw ang kanyang ina. Ano sa palagay mo ang naramdaman niFlorante? Tama, sobrang kalungkutan ang naramdaman niya. Tapat namang nakiramay ang kanyangguro at mga kaeskwela. Ganun naman talaga , di ba? Tapat ang pakikiramay sa estudyanteng maymabuting asal. Basahin mo ang mga saknong sa ibaba. Ramdam mo ba kung gaano kalungkot si Florante sa pagkamatay ng kanyang ina? Ang Pagkamatay ni Ina 238 “Nang mahimasmasa’y narito ang sakit dalawa kong mata’y naging puro batis, at ang ay, ay ina’y kung kaya napatid ay nakalimutan ang paghingang gipit. 239 “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam ay nanaw sa akin ang sandaigdigan nag-iisa ako sa gitna ng lumbay, ang kinakabaka’y sarili kong buhay.” Ipagpatuloy mo ang pagbasa para masundan ang takbo ng mga pangyayari sa buhay niFlorante. Pagkalipas ng dalawang buwan ay nakatanggap si Florante ng ikalawang sulat galing sakanyang Ama. May kasama pang sasakyan pagkat sinusundo na pala siya para umuwi sa Albanya.Bago umuwi ay binigyan siya ng mga tagubilin ng kanyang maestro. Ang Tagubilin ng Maestro 245 “Huwag malilingat at pag-ingatan mo ang higating handa ng Konde Adolfo, pailag-ilagang parang basilisko, sukat na ang titig na mata’y sa iyo. 246 “Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim, siyang isaisip na kakabakahin. 247 “Datapwa’t huwag kang magpapahalata tarok mo ang lihim ng kaniyang nasa, ang sasandatahi’y lihim na ihanda, 10

nang may ipagtanggol sa araw ng digma.” 248 “Sa winikang ito luha’y bumalisbis at ako’y niyakap na pinakahigpit, huling tagubilin, bunso’y katitiis at hinihintay ka ng maraming sakit.” Ano ang tagubilin ng maestro kay Florante? Kung kapareho ng mga sumusunod ang sagotmo, tama ang nalaman mo.  Pag-ingatan ang paghihiganti ng kaaway.  Pag-ingatan ang pakitang giliw ng kaaway.  Sa kalaba’y huwag ipahalata ang lihim na paghahanda.  Magtiis sa darating pang mga problema sa buhay. Dahil pauwi na nga si Florante as Albanya, labis na nalungkot si Menandro, ang kanyangkaibigan, at ang mga kamag-aral. Dahil sa labis na kalungkutan ni Menandro, pinayagan siya ngkanyang amaing maestro na sumama kay Florante. Nang dumating sina Florante sa Albanya ay nagkita sila ng kanyang amang si Duke Briseo.Alam mo ba ang nangyari kay Florante? Napaiyak siya. Bakit? Subukin mong alamin sa mgasaknong sa ibaba. Nasa Panganib ang Bayang Krotona 255 “Pag-ahon ko’y agad nagtuloy sa kinta, di humihiwalay ang katotong sinta, paghalik sa kamay ng poon kong ama, lumala ang sakit ng dahil kay ina. 256 “Nagdurugong muli ang sugat ng puso humigit sa una agn dusang bumugso, nawikang kasunod ng luhang tumulo ‘ay ama! Kasabay ang bating ‘ay bunso!” Nakuha mo ba ang dahilan ng pag-iyak ni Florante? Muli kasing nanariwa ang kalungkutangdala ng pagkamatay ng kanyang ina, di ba? Nang oras ding iyon ay may dumating namang sugo ni Haring Linseo. May dala itong sulatgaling naman sa Hari ng Krotona. Ang kaharian daw ng Krotona ay nasa panganib pagkat nilusob ni 11

Heneral Osmalik ng Persiya. Pangalawa ang Heneral na ito sa bantog na si Prinsipe Aladin. Malakiang paghanga ni Florante kay Aladin pagkat balitang kilabot ito sa buong mundo. Sang-ayon kaya si Aladin sa balitang ito? Narito ang sinabi niya kay Florante. 261 “Dito’y napangiti ang Morong kausap, sa nagsasalita’y tumungong banayad, aniya’y “bihirang balita’y magtapat kung magtotoo ma’y marami ang dagdag.” Hindi pala lubusang inaayunan ni Aladin ang sinabi ni Florante. Sa isang banda, tama siAladin, di ba? Madalas nga namang ang mga balita ay maraming dagdag. Nagpunta sa palasyo ang mag-ama at hinirang ng Haring Linseo si Florante na mamuno sahukbong tutungo sa Krotona. Naniniwala ang hari na si Florante ang karapat-dapat mamuno. Naritoang mga dahilan. • sa panaginip ni Haring Linseo, pagdating ng panahon ay si Florante ang mamumuno ng kanyang kaharian • ninuno ni Florante ang Hari ng Krotona kaya marapat na ito’y kanyang tulungan. Pinatototohanan ito ng mga saknong 267 at 271. 267 “Ang wika’y O Duke! Ang kiyas na ito, ang siyang kamukha ng bunying gerero, aking napangarap na sabi sa iyo, magiging haligi ng setro ko’t reyno.” 271 “Iyong kautangang paroong mag-adya, nuno mo ang hari sa bayang Krotona dugo kang mataas at dapat kumita ng sariling dangal at bunyi sa gera.” Nakilala ni Florante si Laura, ang magandang anak ni Haring Linseo. Sa kagandahan aykaagaw niya si Venus. Aba! Kung kaagaw niya sa kagandahan si Venus, e, talagang maganda siya,di ba? Narito pa ang ilang paglalarawan sa kagandahan ni Laura. Makikita ito sa mga sumusunod nasaknong. 12

Ang Kagandahan ni Laura 277 “Liwanag ng mukha’y walang pinag-ibhan kay Pebo kung anyong bagong sumisilang, katawang butihin ay timbang na timbang at mistulang ayon sa hinhin ang asal. 278 “Sa kaligayaha’y ang nagkakaayos- bulaklak na bagong winahi ng hamog; anupa’t sinumang palaring manood, patay o himala kung hindi umirog.” Saan inihambing ang mukha ni Laura? Napansin mo bang inihahambing ang mukha ni Laura sa bago pa lamang sumisikat na araw?Inihahambing din siya sa isang bulaklak na sinumang binata’y maaalit. Ganyan kaganda si Laura, diba? Ilang araw ding hindi nagkausap sina Florante at Laura. Isang araw bago pumuntang Krotonasi Florante, ay nakausap din niya ang dalaga. Nagtapat siya ng pag-ibig kay Laura. Ano sa palagaymo ang naging sagot ni Laura? Tinanggap kaya niya ang pag-ibig ng binata? Alamin mo nga sasaknong na ito. Ang Pabaon ni Laura 294 “Ang pusong matibay ng himalang dikit nahambal sa aking nalumbay na hibik, dangan ang kaniyang katutubong bait ay humadlang, disin sinta ko’y nabihis. 295 “Ngunit kung ang oo’y di man binitiwan, naliwanagan din sintang nadirimlan, at sa pagpanaw ko ay pinabaunan ng may hiyang perlas na sa mata’y nukal.” Siguro’y napansin mong hindi pala sumagot ng oo si Laura. Sa halip ay pinabaunan niya ngluha si Florante. Ang pagluha kaya ni Laura ay tanda ng pag-ibig niya sa binata? Kung oo ang sagot mo, tamaiyan. Sa ikinilos ng dalaga ay mababakas ang pagmamahal niya kay Florante. 13

Linangin Ngayo’y nalaman mo na ang ilang makukulay na pangyayari sa buhay ni Florante mula nangsiya’y mag-aral sa Atenas hanggang sa panahon ng pagpunta niya sa Krotona. Alam mo bang sa mgapangyayari sa buhay ni Florante ay marami kang mapupulot na magagandang kaisipan? Maibibigaymo kaya ang mga kaisipang ito? Huwag kang mag-alala. Hindi naman ganoon kahirap hanapin at intindihin ang mga kaisipansa bawat sub-kwento. Alam mo ba kung bakit? Nakatutulong nang malaki ang pag-uugnayan ngpamagat at ng kaisipan. Naaalala mo pa ba ang pamagat ng unang sub-kwento? Ang Pag-aaral sa Atenas, di ba? Sakwentong ito ay sinasabing malaking tulong ang nagawa ng kanyang pag-aaral sa Atenas. Sasaknong 215 ay binabanggit na siya’y tumalino at nagkaroon ng magandang asal. Kung gayon, isang magndang kaisipan ang ibinibigay ng saknong na ito: Ang talino at asalay hinuhubog ng pag-aaral. Napakagandang kaisipan, di ba? Angkop na maging patnubay ng mgakabataan. Pansinin mo naman ngayon ang ikalawang sub-kwento. Ano ba ang pamagat nito? Tama,Nabistong Pagkukunwari. Ayon sa saknong 220, sino ang nagkukunwaring mabait? Tama, si Adolfo nga. Angpagiging mabait niya ay pakitang-tao lamang. Anong kaisipan ang ibinibigay ng saknong? Tamaang kaisipang ito: “Pagkukunwari’y mabibisto pagkat ito’y pakitang-tao.” Tamang-tama, di ba? Ang ikatlong sub-kwento naman ay may pamagat na Ang Pagkamatay ni Ina. Ano nga angnaramdaman ni Florante nang mamatay ang kanyang ina? Sobrang kalungkutan ang kanyangnaramdaman, di ba? Naaalala mo pa ba kung saang saknong inilalarawan ang kalungkutang ito niFlorante? Pwede mong balikan at muling basahin. Ngayon, anong kaisipan ang inihahatid nito?Ganito ba ang nasa isip mo? Hatid ay kalungkutan kapag ina ay pumanaw? Kung oo ang sagot mo,tama ang nasa isip mo. Ang ikaapat na sub-kwento naman ngayon ang iyong bigyang pansin. Batay sa pamagat naAng Mga Tagubilin ng Maestro, malalaman agad na pinayuhan ng guro si Florante. Isa sa mgatagubilin ng guro ay makikita sa saknong 246. Batay sa saknong, ano kayang magandang kaisipan ang inihahatid nito? Kung ang sagotmo’y: Dapat pag-ingatan ang pakitang-giliw ng kaaway, tama ang iyong sagot. Para sa ikalimang sub-kwento na may pamagat na Nasa Panganib ang Bayang Krotona, anongkaisipan kaya ang ibinibigay nito? Natatandaan mo bang sa isang bahagi ng kwento ay sinabi ni Haring Linseo na ninuno niFlorante ang Hari ng Krotona? Dahil dito, marapat na ito’y kanyang tulungan. Kung ikaw rin ang 14

nasa kalagayan ni Florante, siguro’y tutulungan mo rin ang iyong ninuno o lolo para iligtas sapanganib, di ba? Kaya ang angkop dito ay ang kaisipang: Kaharian ng ninuno’y dapat tulungan kung nasakamay ng mga kaaway. Natatandaan mo pa ba ang pamagat ng ikaanim na sub-kwento? Tama, Ang Kagandahan niLaura. Sa saknong 278 ay inihambing si Laura sa isang magandang bagay. Anong bagay ito? Tama,bulaklak. Ano ang mangyayari kapag nakita ng sinuman ang kagandahan ng dalaga? Sinuman sa kanilaay mahahalina di ba? Dahil sa sobrang ganda ni Laura, talagang angkop ang kaisipang ito: Sinuman ay mahahalinasa kagandahang taglay ni Laura. Ang pamagat naman ng ikapitong sub-kwento ay Ang Pabaon ni Laura. Natatandaan mo pa ba kung ano ang pabaon ni Laura kay Florante? Tama, luha nga angkanyang pabaon. Natatandaan mo pa rin ba kung saan papunta si Florante nang lumuha ang dalaga? Tama kaulit, sa Krotona. Ano ba ang kahulugan ng pagluha ni Laura? Mahal din niya si Florante, di ba? Angkop bang kaisipan ng sub-kwentong ito ang: Ang pabaong luha ng dalaga ay tanda ngpagsinta? Talagang angkop na angkop! Ang mga kaisipan ay maaring uriin sa mga sumusunod: pampamilya, panlipunan atpampamahalaan. Pampamilya kung may kaugnayan sa mga bagay na pangmag-anak. Panlipunankung may kaugnayan sa mga interaksyon ng tao sa kanyang kapwa. Pampamahalaan kung maykinalaman sa pagpapalakad ng bansa, bayan, o lalawigan. Narito ang ilang halimbawa ng kaisipang kinuha sa iba’t ibang sub-kwento. Natatandaan mopa ba ang mga ito? • Nang makita ang kanyang ama, pagkamatay ng ina’y naalala. • Ang gurong mabait at marunong, sa estudyante’y handing tumulong. • Nagbunga ng masama 15

ang inggit sa kapwa. • Sa panaginip ni Haring Linseo, si Florante ang mamumusa kanyang reyno. Ang unang halimbawa ay tumutukoy sa pangyayaring may kinalaman sa pamilya ninaFlorante. Kung gayon, anong uri ng kaisipan ito? Kung ang sagot mo’y pampamilya, tama angsagot mo. Ang ikalawa at ikatlong halimbawa ay tungkol sa ugnayan ng tao sa kapwa. Anong uri ngkaisipan ito? Ang sagot mo ba’y panlipunan? Kung oo, tama ulit ang sagot mo. Ang ikaapat na halimbawa ay tungkol naman sa pamumuno ni Florante sa Albanya, ayon sapanaginip ng hari. Anong uri ito ng kaisipan? Pampamahalaan ba ang sagot mo? Kung oo, muli aytama ang iyong sagot. Mayroon pang isang uri ng kaisipan. Ito’y pansimbahan. Pansimbahan kung may kinalamansa relihiyon o pananampalataya. Walang ganitong kaisipang makikita sa bahaging ito ng modyul.Pero bilang karagdagang kaalaman, binanggit na rin ito para magkaroon ka ng ideya kung ano ito.Ang isang halimbawa nito ay ang saknong 395 na nasa ikaapat na bahagi ng modyul. Ganito angisinasaad ng saknong: 395 “Dinala sa reynong ipinagdiriwang sampu ni Aladi’t ni Fleridang hirang kapuwa tumanggap na mangabinyagan magkakaisang sinta’y naraos na kasal.” Anong kaisipang pansimbahan ang sa palagay mo’y inihahatid ng saknong? Ganito ba angnasa isip mo? Magkasintahang Moro, ngayo’y naging Kristiyano? Kung ganito, tama ang nasa isipmo.Gamitin 1. Narito ang ilan pang saknong buhat sa iba’t ibang sub-kwento. Tingnan nga natin kung makukuha mo ang mga kaisipang nakapaloob dito. 212 “Aking pagkabata’y ang kinamulatan kay ama’y ang bait na di paimbabaw, yaong namumunga ng kaligayahan nanakay sa pusong suyui’t igalang.” 16

245 “Huwag malilingat at pag-ingatan mo ang higanting handa ng Konde Adolfo pailag-ilagang parang basilisko, sukat na ang titig na mata’y sa iyo.” 270 “Patotohanan mong hindi ba at ikaw ang napangarap kong gererong matapang na maglalathala sa sansinukuban ng kapurihan ko at kapangyarihan.” Sa saknong 212 ay binabanggit ni Florante na maganda ang pagpapalaking ginawa sa kanyani Duke Briseo. Kung gayon, hindi kataka-takang lumaking matino ang anak, di ba? Angkop sabihin ang ganitong kaisipan: Kapag maganda ang pagpapalaki ng ama, lumalakiring matino ang anak niya. Ganito rin ba ang nasa isip mo? Sa saknong 245 naman ay pinapayuhan ng maestro si Florante. Kanino siya dapat na mag-ingat? Tama ka ulit, dahil baka maghiganti si Adolfo. Anong kaisipan ang inihahahtid ng saknong? Pag-ingatan ang paghihiganti ng kaaway. Ang saknong 270 ay halos kapareho ng saknong 267. Isinasaad ng saknong na si Florante angmatapang na gererong napanaginip ng hari. Sa pamamagitan ni Florante ay makikilala sa buongmundo ang kapurihan at kapangyarihan ni Haring Linseo. Nakuha mo ba ang kaisipang hatid ng saknong? Batay sa saknong, Ang tulong ni Florante’ymahalaga, upang Haring Linseo’y lalong makilala. 2. Ngayon naman ay tukuyin mo kung anong uri ng kaisipan ang nakapaloob sa bawat saknong. Ang kaisipan sa saknong 212 ay tungkol sa naging responsibilidad ng ama ni Florante napagpapalaki ng anak. Anong uri ng kaisipan ito? Tama, pampamilya. Ang saknong 245 naman ay tungkol sa magandang payo ng guro sa kanyang estudyante.Anong uri ng kaisipan naman ito? Tama ka ulit, panlipunan nga. Ang saknong 270 ay naglalaman ng tungkol sa magiging kalagayan ng pamumuno ni HaringLinseo sa tulong ni Florante. Kung gayon, anong uri ito ng kaisipan? Tama naman ang sagot mo.Ito’y pampamahalaan. Pareho ba tayo ng sagot? 17

Lagumin Narito ang mga kaisipang napag-aralan mo sa sub-araling ito. Tingnan mo nga kung naalalamo pa.1. Mga Kaisipang Kaugnay ng Pamagata. Pamagat: Ang Pag-aaral sa Atenas Kaisipan: Ang talino at asal ay hinihubog ng pag-aaral.b. Pamagat: Nabistong Pagkukunwari Kaisipan: Pagkukunwari’y mabibisto pagkat ito’y pakitang-tao.c. Pamagat: Ang Pagkamatay ni Ina Kaisipan: Hatid ay kalungkutan Kapag ina ay pumanaw.d. Pamagat: Ang mga Tagubilin ng Maestro Kaisipan: Dapat pag-ingatan Ang pakitang giliw ng kaaway.e. Pamagat: Nasa Panganib ang Bayang Krotona Kaisipan: Kaharian ng ninuno’y dapat tulungan Kung nasa kamay ng mga kaaway.f. Pamagat: Ang Kagandahan ni Laura Kaisipan: Sinuman ay mahahalina Sa kagandahang taglay ni Laura.g. Pamagat: Ang Pabaon ni Laura Kaisipan: Ang Pabaong luha ng dalaga ay tanda ng pagsinta.Subukin Handa ka na bang sagutin ang mga tanong sa ibaba? 1. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 220 “Dito na nahubdan ang kababayan ko ng hiram na bait na binalatkayo kahinhinang asal na pakitang-tao nakilalang hindi bukal kay Adolfo” 18

a. Sinong kababayan ni Florante ang tinutukoy rito?b. Anong klaseng asal ang kanyang ipinakita?c. Ibigay ang pamagat ng sub-kwentong pinagkunan ng saknong.d. Anong kaisipan ang ibinibigay ng saknong?e. Anong uri ng kaisipan ito? 247 “Datapwa’t huwag kang magpapahalata tarok mo ang lihim ng kaniyang nasa ang sasandatahi’y lihim na ihanda, nang may ipagtanggol sa araw ng digma.”a. Sino ang nagbigay ng tagubilin?b. Sino naman ang tinagubilinan?c. Ibigay ang pamagat ng sub-kwentong pinagkunan ng saknong.d. Anong kaisipan ang inibibigay ng saknong?e. Anong uri ng kaisipan ito? 271 “Iyong kautangang paraang mag-adya, nuno mo ang hari sa bayang Krotona dugo kang mataas at dapat kumita, ng sariling dangal at bunyi sa gera.”a. Sino ang nuno o lolo ni Florante?b. Nasa anong kalagayang ang kaharian ng Krotona?c. Ibigay ang pamagat ng sub-kwentong pinagkunan ng saknong.d. Anong kaisipan ang inibibigay ng saknong?e. Anong uri ng kaisipan ito? 295 “Ngunit kung ang oo’y di man binitiwan, naliwanagan din sintang nadirimlan, at sa pagpanaw ko ay pinabaunan, ng may hiyang perlas na sa mata’y nunukal.”a. Sinagot ba ni Laura ng oo si Florante?b. Ano ang pabaon ng dalaga kay Florante?c. Ibigay ang pamagat ng sub-kwentong pinagkunan ng saknong.d. Anong kaisipan ang inibibigay ng saknong?e. Anong uri ng kaisipan ito? 19

Paunlarin Basahin ang mga saknong at ibigay ang kaisipang isinasaad. Tukuyin din kung anong uri ngkaisipan ito. 215 “Araw ay natakbo at ang kabataan sa pag-aaral ko sa aki’y nananaw, bait ko’y luminis at sa karunungan, ang hubad kong isip ay kusang dinamtan.” 239 “Sa panahong yao’y ang buo kong damdam ay nanaw sa akin ang sandaigdigan; nag-iisa ako sa gitna ng lumbay, ang kinakabaka’y sarili kong buhay.” 248 “Sa winikang ito luha’y bumalisbis, at ako’y niyakap na pinakahigpit, huling tagubilin, bunso’y katitiis at hinihintay ka ng maraming sakit.”Mga sagot: 220 a. si Adolfo b. pakitang-tao c. Nabistong Pagkukunwari d. Pagkukunwari’y mabibisto pagkat ito’y pakitang tao e. panlipunan 247 a. ang Maestro b. si Florante c. Ang Mga Tagubilin ng Maestro d. Sa kalaban ay huwag ipahalata ang lihim na paghahanda e. panlipunan 271 a. ang Hari ng Krotona b. nasa panganib c. Nasa Panganib ang Bayang Krotona d. Kaharian ng ninuno’y dapat tulungan kung nasa kamay ng mga kaaway. e. pampamahalaan 295 a. hindi b. luha 20

c. Ang Pabaon ni Laura d. Ang pabaong luha ng dalaga ay tanda ng pagsinta e. panlipunanSub-Aralin 2 Mga Paraan ng PagsasalaysayLayunin Pagkatapos mo ng sub-araling ito, ikaw ay inaasahang nakapagsusuri ng paraan ngpagsasalaysay na ginagamit ng may-akda:1. tuwirang pagsasalaysay2. monolog3. dayalogAlamin Narito ang iba’t ibang paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng may-akda: 1. Tuwirang Pagsasalaysay ng may-akda. Sa paraang ito, tuwirang ikinukwento ni Balagtas ang mga pangyayari. Bakit si Balagtas ang nagkukwento? Tama, dahil si Balagtas ang may-akda. Ang magandang halimbawa nito ay ang mga saknong 1-12. Sa mga saknong na ito sinimulan ni Balagtas ang kanyang pagsasalaysay tungkol sa akda niyang Florante at Laura. Narito ang ilang piling saknong mula sa mga saknong 1-12. 1 Sa isang madilim, gubat na mapanglaw dawag na matinik ay walang pagitan, halos naghihirap ang kay Pebong silang, dumalaw sa loob na lubhang mapanglaw. 2 Malalaking kahoy ang inihahandog, pawang dalamhati, kahapisa’t lungkot huni pa ng ibon ay nakalulunos, sa lalong matimpi’t nagsasayang loob. 7 Ito’y gubat manding sa pinto’y malapit Abernong Reyno ni Plutong masungit, ang nasasakupang lupa’y dinidilig ng Ilog Kositong kamandag ang tubig. 21

8 Sa may gitna nitong mapanglaw na gubat may punong higerang daho’y kulay pupas; dito nakagapos ang kahabag-habag, isang pinag-usig ng masamang loob. 9 Makinis ang balat at anaki’y burok, pilik-mata’t kilay, mistulang balantok, bagong sapong ginto ang kulay ng buhok, sangkap ng katawa’y pawing magkaayos 2. Monolog- Ang monolog ay mahabang pananalita ng isang tauhan. Alam mo ba kung sa anong salita ito ibinase? Ibinase pala ang salitang monolog sa salitang-ugat sa Ingles na mono na nangangahulugang one. Kaya pag sinabing monolog, ilang tauhan lamang ang nagsasaslita? Tama, isang tauhan lamang. Ang kanyang eksaktong sinabi ay ikinulukong sa panipi (“ ”). May dalawang pamamaraan ng monolog: ang tauhan ay parang nagsasalita sa kanyang sarili at ang tauhan ay nagsasalita sa isa o higit pang tauhan. Sa unang uri, kanino nga parang nagsasalita ang tauhan? Oo, sa kanyang sarili nga siya parang nagsasalita. Bakit ganoon? Kasi, nag-iisa lamang siya at wala ni sinumang tauhan siyang kasama. Pero ang pananalita niya at iniisip ay hindi para sa sarili lamang. Ipinaaalam ito sa mga bumabasa. Narito ang halimbawa ng monolog na ang tauhan ay parang nagsasalita sa kanyang sarili.Hinango ang mga piling saknong na ito sa gawing unahan ng unang bahagi ng akda. 14 “Sa loob at labas ng bayan kong sawi, kaliluha’y siyang nagyayaring hari, kagalinga’t bait ay nalulugami, ininis sa hukay ng dusa’t pighati.” 15 “Ang magandang asal ay ipinupukol sa laot ng dagat ng kutya’t linggatong, baling magagaling ay ibinabaon, at inililibing na walang kabaong.” 16 “Nguni, ay ang lilo’t masasamang loob, sa trono ng puri ay iniluluklok at sa baling sukab na may asal hayop, mabangong insenso ang isinusuob.” 22

Matapos mong basahin ang halimbawa, siguro’y nalaman mo kung ilan ang tauhangnagssalita. Ilan nga ba ang tauhang nagssalita? Ang sagot mo ba’y isa? Kung ang sagot mo’y isa, tamaka. Sino namang tauhan ang nagsasalita? Si Florante ba ang sagot mo? Kung gayon, tama ulitang sagot mo. Okey ka kung oo. Noong nagsasalita si Florante, nasaan ba siya? Oo, nasa gubat siya. May kasama ba siya sagubat nang oras na iyon? Tama, wala nga siyang kasama. Para malaman ang eksaktong sinabi niya, anong bantas ang ginamit? Tama, panipi nga. Sa ikalawang pamamaraan ng monolog, kanino naman nagsasalita ang tauhan? Tama, sa isao higit pang tauhan at hindi sa kanyang sarili. May partikular na tauhan o mga tauhan siyangkaharap. Narito naman ang halimbawa. Hinango ang mga piling saknong sa ito sa sub-kwentongAng Pag-aaral sa Atenas. Sa buong sub-kwento ay isa lang ang nagsalita mula sa saknong 205- 219. 205 “Pag-aral sa akin ay ipinatungkol sa isang mabait maestrong marunong, Lahi ni Pilato ngala’y si Antenor, Lumbay ko’y sabihin nang dumating doon 206 “May sambuwan halos na di makakain, luha sa mata ko’y di mapigil-pigil, nguni’t napayapa sa laging pag-aliw ng bunying maestrong may kupkop sa akin. 207 “Sa dinatnan doong madlang pag-aaral kaparis kong bata’t kabaguntauhan, isa’y si Adolfong aking kababayan, anak niyong Konde Silenong marangal.” Naaalala mo pa kaya kung sino ang nagsasalita? Tama, si Florante nga. Sino ang kausap niya? Kay Aladin nga siya nakikipag-usap. Kung gayon, may partikular natauhang kaharap si Florante, di ba? Pero ang kaharap niya ay hindi nagsalita minsan man. Ang mgapananalitang ginamitan ng panipi ay pawang sinalita ni Florante. 23

3. Dayalog – Ang dayalog ay usapan o kombersasyon ng dalawa o higit pang tauhan sa akda. Ginagamitan din ito ng panipi o quotation marks (“ ”) para ipakita ang eksaktong sinabi ng nagsalita. Basahin mo ang halimbawang ito ng dayalog nina Florante at Aladin buhat sa sub kwentongNasa Panganib ang Bayang Krotona. 259 “Humihinging tulong at nasa pangamba ang Krotonang reyno’t kubkob ng kabaka, ang puno ng hukbo’y balita sa sigla, Heneral Osmalik na bayaning Pers’ya.” 260 “Ayon sa balita’y pangalawa ito ng prinsipe niyang bantog sa sangmundo, Alading kilabot ng mga gerero, Iyong kababayang hinnahangaan ko. 261 “Dito’y napangiti ang Morong kausap, sa nagsasalita’y tumugong banayad, aniya’y “bihirang balita’y magtapat magkatotoo may marami ang dagdag. 262 “At saka madalas ilala ng tapang ay ang guniguning takot ng kalaban; ang isang gererong palaring magdiwang mababalita na at pangingilagan.” Sinu-sino nga ulit ang nag-uusap? Tama, sina Florante at Aladin nga. Sa alin-aling saknong makikita ang mga sinabi ni Florante? Sa mga saknong 259-260, di ba? Sa alin-aling saknong naman makikita ang mga sinabi ni Aladin? Tama, sa mga saknong261-262. Gumamit ba ng mga panipi para ipakita ang eksaktong sinabi ng nagsasalita? Oo ba angsagot? Kung gayon, tama iyan.Linangin Sa bahaging Alamin ay tinalakay ang tatlong paraan ng pagsasalaysay na ginamit ng may-akda. Anu-ano nga ulit ang mga ito? Ito’y (1)tuwirang pagsasalaysay ng may-akda, (2) monolog, at(3)dayalog, di ba? 24

Sa unang paraan, ang tuwirang pagsasalaysay ng may-akda, sino ang nagsasalaysay?Siyempre ang may-akda, di ba? Kanino naman siya tuwirang magkukwento? Tama, sa ating mgamambabasa. Sa halimbawang ginamit na ilang saknong mula sa mga saknong 1-12, natatandaan mo pakaya ang mga isinalaysay ni Balagtas? Ganito ba ang mga natatandaan mo? • may isang madilim at mapanglaw na gubat • malapit ang gubat sa Aberno na pinamumunuan ni Pluto • may malaking punong higera sa gitna ng gubat • may malaking punong higera sa gitna ng gubat • may lalaking nakagapos sa punong higera Ano bang bahagi ng akda ang mga saknong 1-12? Tama, panimulang bahagi nga. Sapagkatpanimulang bahagi ito, hindi katakatakang si Balagtas muna ang nagssalaysay o nagkukwento. Saganitong bahagi kasi karaniwang binabanggit ang tagpuan gaya ng pagkakabanggit sa mapanglaw nagubat. Dito rin nagsisimulang magpakilala ang may-akda ng kanyang tauhan sa akda gaya ngbinabanggit sa saknong 8. Siguro may nabasa ka na ring iba pang mahahabang tulang pasalaysay. Napansin mo bang sabandang simula ay ang may-akda ang nagsasalaysay? Ang tuwirang pagsasalaysay ba ng may-akda ay sa dakong unahan lamang ginagamit ng may-akda? Hindi. Maari ring gamitin ito ng may-akda kahit sa gitna o sa huling bahagi ng akda. Basahin mo ang ilang halimbawang saknong na ito na halos nasa gitnang bahagi na ng akda.Dito’y isinasalaysay ni Balagtas na hindi na nakatiis ang gererong Moro sa taghoy na narinig kayahinanap niya ang pinanggagalingan ng tinig. Nailigtas niya sa dalawang leon ang lalakingnakagapos. 126 “Sa tinaghuy-taghoy na kasindak-sindak, gerero’y hindi na napigil ang habag, tinutunton ang boses at siyang hinanap, patalim ang siyang nagbukas ng landas. 127 “Dawag na masinsi’y naglagi-lagitik sa dagok ng lubhang matalas na kalis, Moro’y di tumugot hanggang di nasapit Ang binubukalan ng maraming tangis.” 134 “Inusig ng taga ang dalawang leon si Apolo mandin sa serpyente Piton, walang bigong kilos na di nababaon ang lubhang bayaning tabak na pamutol.” 25


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook