Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FIL2part2

FIL2part2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:48:56

Description: FIL2part2

Search

Read the Text Version

Sub-Aralin 2-BLayunin - Natutukoy ang tekstong ekspositoriAlamin Ang Sining ng Asya Ang Humanidades (humanities) ay isang malawak na pag-aaral sa saloobin o damdamin at kalikasan ng tao. Ginagamit na batayan sa ganitong pag-aaral ang mga gawa o likhang – sining na itinuturing na pinakamabisa ang paraan ng pagpapahayag ng kamalayan. Sa pamamagitan ng mga ito, mababakas din ang kultura ng isang lahi. Sinasabing ang sining ay “durungawan ng mundo’. Sa pamamagitan nito, nakikita angkagandahan, katotohanan, at kabuluhan ng buhay. Sa pamamagitan ng sining, naipahahayag ngtao ang kanyang kaisipan, damdamin at mga pangarap. Ang likhang sining ay nagpapakita ngkaibahan ng tao sa hayup dahil sa paglikha ng kakailanganing pagkamalikhain, talino,kahalagahan, diwa, pag-unawa, at pagpapahalaga sa damdamin. Sa sining naipakikita ng tao angkawalang-hanggan. Kahit wala na ang may likha, nandoon pa rin ang kanyang obra maestra.Mayaman ang sining ng Asya. Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng sining na tanging-tanging sa Asya lamangmakikita. Kabuki isa sa mga klasikong sining sa tanghalan ng Hapon. Pawang mga kalalakihan ang gumaganap dito. 36

- pinagkunan: Ang Hapon Ngayon p.121 Isang halimbawa ng arkitekturang Muslim ang Moske sa Kaliran, Bukhara,Uzbekistan. Sa kanlurang Asya, ang mga moske na tulad nito ay mahahalagang gusali. Pinagkunan: All Area Travel Guide,1995 p.161 Rabendranath Tagore: Unang Asyanong pinarangalan ng Nobel Prize para sa Panitikan noong 1918. -pinagkunan: Chronicles of theWorld,1999 p.10 56 37

Isa sa mga bagong tuklas na halimbawa ng iskulturang Tsino ay ang nahukay na mgapigurang isang hukbo ng mga sundalo (terra-cotta army) na isinama sa libingan ni EmperadorQin Shihuang di. hango sa: Wika at panitikan sa Makabagong Henerasyon Fil.II ,2003 Sa pamamagitan ng mga paliwanag na nabasa mo mula sa iba’t ibang paglalahad sabahaging ito, natitiyak ko na bahagya mo nang nauunawaan ang ilang mahahalagang bagaytungkol sa sining sa Asya. Upang lubusan mong maunawaan ang tungkol sa sining sa Asya, basahin mo at unawainang susunod na teksto na nagpapaliwanag sa nabanggit, ang sining sa Asya. Handa ka na ba? Simulan mo na!Linangin Ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag ng mga bagay - bagay. Ang halimbawa ng ganitong uri ng teksto ay tula, balita, pitak, at sanaysay ay naglalahad ng kaisipan, kaalaman, damdamin.at saloobin tungkol sa mga bagay at pangyayari sa paligid. Basahin mo ang sumusunod na tekstong ekspositori at tingnan mo kung taglay nito angkatangiang binanggit sa unahan. 38

Ang Panitikan sa Asya Umusbong sa Sumer, Mesopotamia (na ngayon ay Iraq) ang unangsibilisasyon sa daigdig noong 3500 B.C. Ang mga Sumerian din ang unangnakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitannito, binibigkas at naisulat ang unang panitikan sa daigdig na binubuo ng mgaalamat, epiko, tula, pabula, kawikaan, awit, at dasal. Isa sa pinakamahalagang naisulat sa Mesopotamia ang Epiko ni Gilgamesh.Natagpuang nakaukit ang epikong ito sa 12 lapida sa mga labi ng palasyo niAsurbanipal. Bagaman nagmula sa kwentong Sumerian, sinasabing isinulat ito sawikang Akkadian noong 2000 B.C. Ayon sa alamat, si Gilgamesh ay hari ng Uruk,isang estadong lungsod sa Mesopotamia. Nakipaglaban siya sa kaaway na tribo nakinalaunan ay kanyang naging kaibigan. Isa sa nakawiwiling kwento sa epiko angtungkol sa malaking delubyo o baha na nakatatak sa Lapida XI. Halos katulad ngnasabing kwento ang malaking pagbaha sa Lumang Tipan kung saan si Noah atang kanyang pamilya lamang ang nakaligtas. Samantala, nakasulat sa Sanskrit, ang sinaunang wika ng India ang dalawangdakilang epikong Mahabharata at Ramayana. Itinuturing na pinakamahabangtulang epiko sa daigdig ang Mahabharata. Binubuo ito ng may 10 000 couplet nakinapapalooban ng mga alamat, kasaysayan, at pilosopiyang Hindu. Ang epikongRamayana naman ay sinulat noong 500 B.C. Tungkol ito sa kabayanihan niPrinsipe Rama na pinaniniwalaang nagtataglay ng mga kapangyarihan ng Hindu.Batay sa salaysay, itinakas ng demonyong hari na si Ravana si Siva, ang asawa niRama. Sa tulong ng kanyang kapatid, nagpagawa ng tulay patungong Ceylon (SriLanka ngayon) si Rama upang iligtas ang asawa. Mula sa: Ang Panitikan sa Asya p. 281 Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Diwa Publication Bago mo suriin ang teksto, gawin mo muna ang mga sumusunod na gawain upanglubusan mong maunawaan ang nilalaman nito. Gawin mo na!TalasalitaanA. Matatalinghagang Salita at IdyomaA.1.Matalinghagang pahayag Ang matalinghagang salita ay nagtataglay ng nakatagong malalim na kahulugan at kaisipan. Ang paggamit nito’y nakadaragdag ng kalinawan, kapamitagan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat. Hal.”Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan.” “ Ang tunay na bakal ay napatutunayan sa apoy.” 39

Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay - kahulugan sa mga matatalinghagang pangungusap. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot. Ang mga sumusunod na matatagpuang pahayag ay iniukol sa kariktan ng musikana isa sa mga sining sa Asya.1. 2. “Hindi kita malilimot “Kapag kita’y naririnig, nadarama habang ang mundo’y ko na iniaakyat mo ako sa kataas- taasang pedestal ng kaligayahan.” umiikot.”Ang paglimot ay magaganap lamang Alin sa mga sumusunod ang angkopkapag ang nagsasalita ay; na paglalarawan ng nararamdamang kaligayahana. tumanda na ng nagsasalita?b. namatay na a. maligaya c. maligayang-maligayac. nag-asawa na b. medyo maligaya d. lahat ng nabanggitd. nagkasakit na Musika Bilang Sining sa Asya “Kung naririnig kita ay tila ba “Ikaw ay wika3. pinagkalooban ako ng Diyos ng ng kaluluwa” lakas at sigla upang magampanan ko ang lahat ng aking gawain.”Para sa nagsasalita ang musika ay Sa pamamagitan ng musika _______ ng nagsasalita ang kanyang nadaramanagsisilbing _____ sa kanya a. naipakikita c. naipahahayag b. naiparirinig d. naipadaramaa. inspirasyon c. gamotb. pagkain d. gamit Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.A.2. Pagpapakahulugan sa mga Idyoma May mga pahayag na kung matamang susuriin ang kahulugan ng bawat salita’y waring mali kundi man sa likas na tuntunin ng gramatika. Ito’y tinatawag na idyoma. Ang kahulugang ibinibigay ng ganitong pagpapahayag ay di-tuwiran o di-nauukol sa kahulugan ng bawat salita. Hal. “TAinnggnpaunrimnog dkualnagganaauyutnilaawbaaabnasmaogianngg–gkarniisttoanl.g” uri ng pahayag. Gawin mo angsumusuUnpoadngnamgaagwtaaginu.mpay, dapat na maging buhay ang loob ng bawat isa sa atin. 40

Tingnan mo kung nauunawaan mo ang ganitong uri ng pahayagPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga ginamit na idyoma na sinalungguhitan sa bawat pahayag . Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot.1. Naging pasang-krus para sa mga Asyanong artista ang pamamayagpag ng mga kanluraning pelikula sapagkat nawala ang interes ng mundo sa kanilang palabas.2. Nagbibig-anghel ang mga Hapones nang sabihin nilang ang kanilang sining na “ANIME” ay kikilalanin sa buong mundo.3. Di-mahulugang karayom ang loob ng coliseum na pinagtatanghalan ng mga mang-aawit na Tsino na miyembro ng Meteor Garden.4. Litaw na tao sa larangan ng musika ang mga mang-aawit na Pilipinang sina Regine Velasquez at Jolina Magdangal.5. Mababaw ang luha ng mga artistang Asyano kaya’t hinahangaan sila sa mga drama.madaling umiyak kilala maraming tao pahirapnagkatotoo ang sinabi walang utang na loob Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayong naunawaan mo na kung ano ang kahulugan ng idyoma at matatalinghagangsalita, alam kong handa ka na upang suriin ang katangian ng teksto. Handa ka na ba? Simulan mo na!B.2. Pagsusuri ng tekstong Ekspositori Gaya ng ibinigay na katangian ng tekstong ekspositori sa unang bahagi ng araling ito,sinasabing ang tekstong ekspositori ay;B. 2.1. nagpapaliwanagHal.1.a. Ang Humanidades (humanities) ay isang malawak na pag-aaral sa saloobin o damdamin at kalikasan ng tao. Ginagamit na batayan sa ganitong pag- aaral ang mga gawa o likhang – sining na itinuturing na pinakamabisang paraan ng pagpapahayag ng kamalayan. Sa pamamagitan ng mga ito, mababakas din ang kultura ng isang lahi.1.b. Umusbong sa Sumer, Mesopotamia ang unang sibilisasyon sa daigdig noong 3500 B.C. Ang mga Sumerian din ang unang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitan nito, binalangkas at naisulat ang unang panitikan sa daigdig na binubuo ng mga alamat, epiko, at tula, pabula, kawikaan, awit, at dasal. 41

b. 3. Ang sinaunang musika sa Asya ay binuo sa pamamagitan ng pinagsama-samang ideya ng relihiyon, pilosopiya, kalawakan, at agham.b. 4. Binigyang-diin sa sining ng pagpipinta ng mga Asyano ang mga simbolong kumakatawan sa paksang inilarawan. Karaniwan dito ay nauukol sa Diyos, hayop o bulaklak. Dahil sa kanilang paniniwala na hindi sentro ng sandaigdigan ang tao, hindi kailanman naakit ang mga pintor na Asyano sa pigura ng tao. Batay rin sa kanilang paniniwala, ang tao ay isa lamang pansamantalang tahanan ng kaluluwa sa paglalakbay patungong kabanalan.b.2.2. nagbibigay-kaalaman Nakasulat ang sinaunang wika ng India ang dalawang dakilang epikong Mahabharata at Ramayana. Itinuturing na pinakamahabang tulang epiko sa daigdig ang Mahabharata. Binubuo ito ng 10 000 couplet na kinapapalooban ng alamat, kasaysayan at pilosopiyang Hindu.b.2.3. Ang musikang Tsino ay naiiba sa musikang kanluranin dahil sa pagkakaiba ng iskalang ginagamit. Gumagamit ng limang tono ang mga Tsino samantalang gumagamit naman ng walong tono ang kanluraning musika.b.2.4. Ang arkitekturang India katulad ng iba pang bansang Asyano, ay may impluwensya ng mga relihiyong Budismo, Hinduismo, Jainismo at Islam. Ang templo ng Borobudur sa Java, Indonesia at Angkor Wat sa Cambodia ay halimbawa ng mga obra maestra ng arkitekturang India. Mula sa:: Wika at Panitikan Fil.2 Diwa Publication Matapos mong suriin ang katangian ng tekstong ekspositori, gawin mo ang sumusunodna mga gawain upang masubok mo ang iyong kakayahang kumilala sa tekstong ito.Simulan mo na. 42

GamitinPanuto: Basahin at unawain sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito. Wayang Kulit, Bakas ng Palabas Isang pagtatanghal pangkultura sa Indonesia ang Wayang Kulit. Kakaiba itodahil gumagamit ito ng mga anino sa paglalahad ng isang kwento. Sa wikangIndones, nangangahulugang anino ang salitang wayang at balat naman ang kulitdahil gawa sa balat ng hayop ang ginagamit na mga puppet sa palabas na ito. Sinasabing nagmula pa ang palabas na Wayang Kulit noong ikasampungsiglo. Dinala ng mga mangangalakal at paring Hindu ang mga unang puppet saIndonesia. Ginaya ito sa mga madulang pagtatanghal ng India. Layunin ng palabasna ito na makapagbigay ng aral tungkol sa Hinduismo. Sa kabila ng paglaganap ngIslam noong ika- 15 hanggang ika-16 na siglo, nananatili ang kulturang Hindu saJava, Indonesia.hanggang ngayon. May mga pagtatanghal din ng Wayang Kulit saTsina at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya, ngunit higit na natatangi ito saisla ng Java. Tinatawag na dalang ang taong nagpapagalaw ng mga puppet. Hinihingingmaging mahusay na tagapag-aliw ang dalang. Siya ang taga-salaysay, taga-awit atmakata ng palabas. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga pagsasalita at awitinng lahat ng mga tauhan sa kwento. Upang magawa ito, dapat mahusay ang dalangsa pagbagu-bago ng kanyang tinig.Ginagabayan din niya ang mga manunugtog ng gamelan (mga instrumentongpangmusika na kinabibilangan ng mga gong, xylophone,at mga metalphone o isanguri ng instumentong gawa sa metal at pinapalo upang makagawa ng tunog) satamang saliw ng musika. Mahalaga rin na nasa mabuting kalusugan ang isangdalang upang makayanan niya ang isang mahabang oras ng pagtatanghal.Maraming tradisyon ang nakaugnay sa pagiging isang dalang. Sa umpisa ngpagtatanghal, Kailangang mayroon lamang isang lugar na pinapasukan ang dalangat ginagawa niya ito sa tamang oras. Kinikilala rin ang dalang na isang pinuno ngrelihiyon na nakikipag-ugnayan sa mga espiritu sa panahon ng pagtatanghal. Parasa pagtatanghal, nakasuot ang dalang ng katutubong damit at may nakasabit nakris, isang katutubong espada sa kanyang baywang,Nasa kaliwang gawi ng dalang ang kotak, isang malaking kahong nilalagyan nggagamiting mga puppet. 43

Pamana ng India Karaniwang halaw sa mga epiko ng India na Ramayana at Mahabharata angkwentong itinatanghal sa Wayang Kulit. Batay sa mga epikong ito angpinakamahalagang kwento sa Wayang Kulit ay ang tinatawag na Wayang Purwa.Sa paglipas ng panahon mula nang unang dumating ang impluwensiya ng India saIndones noong mga unang siglo A.D., nagkaroon na mga maraming pagbabagoang mga epiko. Napalitan na maging ang lugar na pinangyarihan at mga pangalanng mga tauhan sa kwento. Naiangkop na ang epiko sa kwentong Indones. Umabotsa 200 lakon o kwento ang nabuo mula sa Ramayana at Mahabharata para saWayang Kulit. Ginagawa ang palabas ng Wayang Kulit sa palasyo ng hari at sa mgakapistahan ng bayan, kasalan, pagdiriwang ng kaarawan, pista-opisyal, at magingsa araw ng pagsunod sa labi ng isang namatay. Umaabot ng siyam na oras angisang pagtatanghal ng Wayang Kulit. Karaniwang nagsisimula ng hatinggabi atnatatapos pagsikat ng araw ang palabas. Isang malaki at manipis na puting-tabingna tinatawag na kelir ang ginagamit sa palabas. Inilalagay sa likod ng tabing angblencong, isang de-langis na gasera. Dito ipinaaaninag ang mga naggagalawanganino ng puppet. Nakikita ng mga manonood ang gumagalaw na anino ng mgapuppet kasabay ng paglalahad ng mga pangyayari sa isang kwento. Itinutusok ngdalang sa isang sanga ng puno ng saging ang mga puppet na gagamitin para sakwento. Yari ang mga puppet sa pinatuyong katad ng kalabaw o kambing. Katulad itong mga manikang papel ngunit may mga kamay na gumagalaw. May maselanitong mga ukit at makukulay na pinta. Nilalagyan ng kebu, mahahabang sungay ngkalabaw na pinakinis, o patpat mula sa kawayan ang mga puppet. May sukat angmga puppet na sampu hanggang 30 piye. Umaabot sa 500 ang puppet sa mgapalasyo ng hari. Samantala, hanggang 100 puppet naman ang ginagamit sa mganayon. Bukod sa mga tao at diyos ng Hindu, may mga puppet ding ibon, kabayo,kalabaw, tigre, at elepante. Umaabot ng ilang lingo ang paggawa ng puppet. Hango sa: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Filipino II Diwa Publication 44

Gawain1A. Pagpapaliwanag sa mahahalagang tala tungkol sa “Wayang Kulit”. a. Ano ang Wayang Kulit? Saan ito nagmula? _________________________________________________ _________________________________________________ b. Ano ang kahulugan ng Wayang kulit? _________________________________________________ _________________________________________________ c. Paano napunta sa Indonesia ang palabas na “Wayang Kulit?” _________________________________________________ _________________________________________________ d. Anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng Wayang Kulit? Bakit? _________________________________________________ _________________________________________________ e. Bakit mahalaga ang “dalang” sa isang relihiyon?B. Pagbibigay ng mahahalagang impormasyon tungkol sa Wayang Kulit Ibigay ang sumusunod:a. Pinaghalawan ng mga epikong itinatanghal sa Wayang Kulit. ____________________________________________________ ____________________________________________________b. Saan ipinalalabas ang Wayang Kulit? ____________________________________________________ ____________________________________________________c. Sa anu- anong okasyon ipinalalabas ang Wayang Kulit? ____________________________________________________ ____________________________________________________d. Ilang oras tumatagal ang palabas na Wayang Kulit? ____________________________________________________ ____________________________________________________e. Paano ginagamit ang kelir at blencong sa palabas ng Wayang Kulit? ____________________________________________________ ____________________________________________________ Iwasto ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong gawin ang lahat ng gawain sa bahaging ito. Alam kong handa ka na upanggawin ang susunod na gawain. Simulan mo na! 42

LaguminA. Ibigay ang katangian ng tekstong ekspositori Tekstong ekspositoriB. Lagyan ng tsek (√ ) ang mga pahayag na ekspositori._____1. Vedic ang isa sa mga tawag sa sinaunang relihiyon ng mga Indian. Hinango ito sa salitang Vedas na pinaniniwalaang isinulat sa pagitan ng mga taong 3000 B.C. at 1000 B.C. Binubuo ito ng apat na gawang pampanitikan tulad ng Vedas, Brahmanas, Arankayas, at Upanishads._____2. Si Robindranath Tagore ang pinakatanyag sa mga kontemporaryong manunulat ng India. Nakamit niya ang Gawad Nobel sa panitikan noong 1913. Ipinakilala ni Robindranath Tagore ang mayamang kultura ng India sa mga bansang kulturang kanluranin._____3. ang Raga ay isang uri ng musikang Indian na pinaniniwalaang nakapagpapagaling ng anumang karamdaman. Tinutugtog lamang ang awiting ito sa takdang oras at panahon. Kung hindi susunod sa itinakdang oras, pinaniniwalaang maaaring magdulot ito ng panganib sa nakikinig at sa tinutugtugan._____4. Naimpluwensiyahan ng arkitekturang Tsina ang arkitekturang Hapones sapagkat naging modelo ng Hapon ang mga lungsod ng Tsina sa pagbubuo ng sarili nitong lungsod. Ang templo ng relihiyong Budismo at Shintoismo ang modelo ng Hapon. Ang templo ng relihiyong Budismo at Shintoismo ang modelo ng kanilang arkitektura. Naiuugnay ito sa mga disenyo at estilo sa kalikasan dahil dito nalinang ang sining ng landscape._____5. Maliit man o malaki, may magkakatulad na disenyo o hitsura ang sinaunang bahay sa Hapon. Parihaba ito, na karaniwang may isang palapag lamang. May malalaking poste ang bubong at nahahati ang loob ng bahay sa pamamagitan ng fusumi, mga pintong nasa loob ng mga magaan na dinding. Ang bawat bahay ay napaliligiran ng mga hardin. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong makilala ang tekstong deskriptiv at tekstong ekspositori, makatutulong saiyo nang malaki ang mga kaalamang ito upang masuri mo ang iba’t ibang katangian ng tekstotulad ng susunod na gawain. Handa ka na ba sa susunod na aralin? Sige magsimula ka na! 43

Sub-Aralin 3Layunin Katangian ng Teksto Natutukoy ang relasyon ng teksto sa mambabasa - nakikilala ang bisang pangkaisipan at pandamdamin ng teksto.AlaminA. Ang pagbabasa ay nagbibigay ng kaalaman, impormasyon at kaliwanagan ng mga bagay-bagay at pangyayari. Pinakamalaki sa Ang Ama ng Wikang lahat ng kontinente Pambansa ay si Pangulong ang kontinente ng Manuel L. Quezon. Asya “Anything and Pinagdiriwang natin ang Ang sining saeverything around Buwan ng Wika tuwing Asya ay binubuo us is made up of sasapit ang buwan ng ng panitikan, matter.” Agosto. sayaw, Ang mga arkitektura, dula pagbabago sa at iba pa. Asya ay dulot “The four na rin ng fundamental teknolohiya at operation in Mathematics agham. are addition, subtraction, multiplication and division. 44

B. Dahil sa pagbabasa, naantig ang iba’t ibang damdamin ng tao.Pagmamalaki Pagkapoot PagdadalamhatiPagkatuwa Pagmamahal Pagkainis Tunay na ang pagbabasa ng iba’t ibang uri ng teksto ay nagdudulot sa tao ng di mapapantayang karunungan at di mapipigil na damdamin. Upang lubusan mong maunawaan ang natatamong bisang pangkaisipan at bisang pandamdaming idinudulot ng pagbabasa, gawin mo ang susunod na gawain. Sige, magsimula ka na!LinanginA. Sa bisang pangkaisipan na idinudulot ng pagbabasa sa bumabasa ng akda o teksto, iba’t ibang impormasyon at kaalaman ang kanyang natatamo. 45

Panuto: Basahin nang tahimik at unawain ang umusunod na teksto, pagkatapos ay magtala ng mahahalagang impormasyong nakuha dito. Chinese-speaking Mickey Mouse para sa kabataang AsyanoSingapore (dpa) – isang Chinese-speaking Mickey Mouse ang kabahagi ng kampanya ng Disneyna ibagay ang cartoon charactes sa Asian market, sabi ng isang executive sa isang nailathalang ulatnoong Martes. Ito ay parte ng planong doblehin ang kontribusyon sa kabuuang kita sa loob ng limang taon,ani Douglas Miller, executive vice president at managing director ng Walt Disney International(Asia Pacific). “Kapag ang mga cartoon character “ tulad nina Mickey at Minnie Mouse, ay nagsasalita ngkatutubong wika ng bansang kanilangn kinaroroonan, nagiging katutubo rin sila ng bansang iyonat nararamdam nila ang sintemyento ng mga mamamayan,” pahayag ni Miller. Ang Singapore ay gagamitin bilang test market sa susunod na taon para sa bagong range ngmga adapted electronic products.“Kabilang sa mga ito ang radio at mga kasangkapan sa bahay,” ani Miller. Susunod dito ang mgamobile phone,DVD player, at TV set. Ang mga disenyo sa gadget ay magtatampok ng mga karakter mula sa tatlong signature lineng Disney: Mickey Mouse and Friends; Princess; at Winnie the Pooh. Ang Singapore, China at South Korea ay ginagamit bilang mga test market para saelectronics na mayroong mga localized design at content upang bumagay sa panlasa ng mgakabataang Asyano. Bubuksan ng Disney ang kanyang $13 bilyon theme park- na siyang kauna-unahan salupaing Chinese- sa Setyembre 12. Hango sa: Pilipino Ngayon 46

Sa bisang pandamdaming natatamo ng bumabasa ng isang akda o teksto, iba’t ibangdamdamin ang naaantig sa kanya.Panuto: Basahin nang tahimik at unawain ang teksto, pagkatapos ay sagutin ang tanong dito. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot. Pinakamaliit na flute sa buong mundo , tinutugtog ng Pilipino. Isang tunay na maipagmamalaking kalahi ang maaaring ituran sa 64-anyos na maginoonglalaki kung saan siya lamang ang tanging taong kayang tumugtog ng pinakamaliit na pluta sabuong mundo. Ang empleyado ng gobyernong si Manny dela Rosa ay isinilang noong Disyembre 7, 1940sa Sampaloc, Manila at ngayon ay naninirahan sa BF Homes, Parañaque. Panganay sa anim na magkakapatid, sa kanilang lahat, siya lamang ang hindi pinalad namakatapos ng pag-aaral, ngunit siya naman ay biniyayaan ng talentong kanyang angkin na tangingsiya lamang ang nakagagawa. Una ng sinanay at tinuran si Mang Manny ng kanyang yumaong amang si Tomas delaRosa sa pagtugtog ng piano, ngunit sa higpit at pagiging perfectionist nito ay hindi na niya tinuloyat minahal ang pag-aaral nito. Sa halip, mas minahal niya ang pagtugtog ng flute. Aniya, hindisiya maalam bumasa ng mga nota at walang anumang alam sa musika, ngunit taong 1995 nangmatiyaga niyang pag-aralang tipain ang pluta. Si Mang Manny ay tumutugtog sa mga branch ng King Flute Philippines na pagmamay-aring kanyang amo na si Dante Ursua. Aniya, walong taon na ang nakararaan nang lumikha ngtinatawag na micro-flute o mini-flute ang kanyang amo, nilikha ito upang maging simbolo ngkanyang produktong ibinebenta, aniya, mono o pare-pareho ng tunog ang ibinebenta niyang flute,na may sukat na 9-1/2 sentimetro liban pa rito, taglay nito ang anim na hole sa halip na pito.Pantay-pantay ang mga butas nito na dapat ay hindi. 47

Nadiskubre ng isang miyembro ng Phil. News Agency ang kanyang angking galing sapagtugtog ng micro-flute at nai-feature na siya sa ibang mga programa sa telebisyon, aksidente rinsiyang napanood at napakinggan ng namayapa at batikang Filipino musician na si Levi Celerio,habang siya ay tumutugtog sa isang branch ng King Flute Philippines, kung saan personal siyangbinati ni Celerio sa mahusay niyang pagtugtog sa pinakamaliit na pluta sa buong mundo.Binanggit din ni Mang Manny na dahil sa fascination niya sa pagtugtog ng pluta, kusa niyangisinuko ang paghithit ng sigarilyo na dati ay nakauubos siya ng isa’t kalahating kaha sa isangaraw. Ang naturang micro-flute ay matatagpuan sa anumang branch ng King Flute Phil. Sahalagang limampung piso. O, laban kayo? Hango sa AbanteSagutin: Anong damdamin ang iyong nadama matapos mong basahin ang teksto? _________________________________________________________ _________________________________________________________Gamitin:Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bisang pangkaisipang iyong natamo matapos mong basahin ang teksto sa;A.1. “Chinese-speaking Mickey Mouse para sa mga kabataang Asyano”_____1. Mahalaga ang katutubong wika sa isang bansa._____2. Maunlad ang sining sa Asya lalung-lalo na sa larangan ng paggawa ng mga palabas na ang mga tauhan ay kartun._____3. Malaki ang nagagawa ng teknolohiya sa pagpapaunlad ng sining._____4. Nakikiisa na ang Tsina sa pandaigdigang kalakalan._____5. Hindi na dapat pang pag-ukulan ng malaking halaga ang sining, sa halip iukol ang pera sa ibang larangan, upang umunlad ang bansa.A.2. “Pinakamaliit na flute sa buong mundo, pinatutugtog ng Pilipino.”_____1. Matatagpuan sa Pilipinas ang pinakamaliit na flute._____2. Bihira lamang ang marunong tumugtog ng flute._____3. Makaluma nang instrumento ang flute kaya’t hindi na ito makapagpapaunlad ng sining ng pagtugtog sa Asya._____4. Ang sukat ng pinakamaliit na flute sa buong mundo ay 9 ½ sentimetro._____5. Maaaring ipalit sa bisyo ng paninigarilyo ang pagtugtog ng flute. 48

Panuto: Bilugan ang mga bilang na nagsasaad ng mga positibong bisang pandamdaming iyong natamo matapos basahin ang tekstong;B.1. “Chinese-speaking Mickey Mouse para sa mga kabataang Asyano” 1. Masaya ako dahil patuloy sa pag-unlad ang sining sa Asya lalo na ang larangan ng “animaton” o paggawa ng kartun. 2. Nababagabag ang damdamin ko dahil kahit komunismo ang Tsina ay nakikibahagi na rin sila sa kalakalang kanluranin. 3.Naiinis ako dahil di na dapat pasukin ng Disneyland International ang China dahil baka mawala ang kanilang katutubong sining. 4. Pangamba ang nadarama ko dahil malaki na ang impluwensya ng kanluran sa sining sa Asya. 5. Dapat na maging bukas ang isip natin sa pagdating ng kaunlaran sa sining sa Asya kahit pa ito ay buhat sa Kanluran.B.2. “Pinakamaliit na flute sa mundo, tinugtog ng Pilipino.” 1. Nakadarama ako ng _____ matapos kong basahin ang teksto. a. pagmamalaki; dahil nakilala sa buong mundo sa larangan ng musika ang mga Pilipino. b. pagkasuya dahil narito sa atin ang pinakamaliit na flute, di tayo uunlad sa lahat ng bagay na maliit. c. pagkatuwa dahil ang mga Pilipino ay punung-puno ng talento lalo na sa musika. d. pagmamahal sa taong marunong tumuklas ng kaniyang kakayahan. e. panghihinayang dahil nauuubos sa pagtugtog ng flute ang panahon ng taong tulad ni Mang Manny, sa halip na magtrabaho siya, pagtugtog lamang ng flute ang kanyang pinagkakaabalahan. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong sagutin ang mga pagsasanay sa bahaging Gamitin, alam kong handa ka naupang gawin ang susunod na gawain.LaguminPanuto: Isulat sa patlang ang BPK kung ang pahayag ay nagbibigay ng bisang pangkaisipan at BPD kung ang pahayag ay nagbibigay ng bisang pandamdamin._____1. Ang mga pagbabagong nagaganap sa asya ay di maiiwasan dahil dulot ito ng agham, teknolohiya, at globalisasyon._____2. Dapat na isaisantabi muna ng bawat pulitiko ang pansariling ambisyon upang makamit ang tunay na pagkakaisa._____3. Ang pagbabago sa uri ng pamahalaan ng Pilipinas mula Presidensyal patungong Parliyamentaryo ay magiging daan upang makausad na ang ekonomiya ng bansa._____4. Sa pamahalaang Presidensyal, pangulo ang namamahala ng pamahalaan habang sa Parliyamentaryo naman prime minister ang nangunguna._____5. Kahanga-hanga ang mga Asyano dahil sa kanilang kasipagan, pagpapahalaga sa kalayaan at pagmamahal sa paggawa. 49

Iwasto ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong lagumin ang mga aralin sa bahaging ito, subukin mo ang iyong kakayahansa pagkilala sa dalawang bisang ipinagkakaloob ng pagbabasa sa tao. Simulan mo na ang susunod na gawain!SubukinPanuto: Lagyan ng (√) tsek ang mga bilang ng pahayag na naglalahad ng bisang pangkaisipan at bilugan ang mga bilang ng pahayag na naglalahad ng bisang pandamdamin._____1. Ang sining ng mga Asyano ay inilaan lamang para sa relihiyon._____2. Kahanga-hanga ang kaakit-akit na kagandahan ng mga likhang-sining na gawa ng mga Tsino._____3. Sa Tsina nagsimula ang unang pagpapalabas ng drama sa Asya noong panahon ng Dinastiyang Yuan._____4. Ang Raga ay isang musikang Indian na di-umano’y nakapagpapagaling ng lahat ng sakit._____5. Ang palasyo ng Taj Mahal ay matatagpuan sa India. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo ay 4 pataas, huwag mo nang gawin ang susunod na gawain, ibigsabihin natutunan mo ang aralin. Kung ang iskor mo naman ay 3 pababa, gawin mo ang susunod na gawain. Kailangan mopa ng dagdag na pagsasanay upang lubusan mong maunawaan ang paksa. Simulan mo na!PaunlarinPanuto: Piliin ang letra ng damdaming napapaloob sa bawat pahayag. Piliin ito sa loob ng kahon.1. Malaki at malawak ang kontinente ng Asya, dahil dito mayaman ito sa mga likas na yaman. Bilang Asyano, __________ko ito.2. Sagana nga sa likas na yaman ang Kontinente ng Asya subalit hindi naman pantay ang distribusyon nito sa mga bansa sa kontinenteng ito. Ano kaya ang nadarama ng mga Asyano sa pahayag na ito?3. Matataba ang lupang sakahan sa Pilipinas, dahil dito, maraming produkto ang tutubo rito na maipagbibili sa magandang presyo. Dahil dito, sapat ang kinikita ng mga magsasaka kaya’t nakadarama sila ng____________.a. kapayapaan b. ipagmamalaki c. pagkabahalad. pagkalito e. pagmamahal 50

(4-5). Itsek ang bilang ng pahayag na nagbibigay ng wastong impormasyon at lagyan ng ekis ang maling impormasyon.4. Ang sining ng Sarsuela ay katutubo sa Pilipinas.5. Si Dean Lucresia Kasilag ay “national artist” sa larangan ng pelikula. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa guro mo. Matapos mong mapag-aralan ang lahat ng aralin sa bahaging ito, alam kong handa ka naupang gawin ang susunod na Gawain. Sige, simulan mo na!Sub-Aralin 4 Pagsulat-Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng magkakaugnay na kaisipan.-Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon. • Wastong baybay • Wastong bantas • Wastong istruktura • Wastong gramatika-Nakapag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa pagbubuo ng talata.Alamin Basahin nang tahimik at unawain ang sumusunod na teksto, pagkatapos ay suriin kung itoay nakasunod sa pamantayan sa pagsulat ng pasulat na komunikasyon. Ang APEC at Ang Malayang kalakalan Ang APEC ay akronim sa Asia Pacific Economic Cooperation. Binubuo ito ng mga bansasa Asya tulad ng Pilipinas Hongkong Chile Canada Indonesia Japan Korea at iba pang bansa saAsya. Isa itong asosasyon ng mga ekonomistang bansa sa rehiyon ng Asia-Pacific. Nakatulong ba ang APEC sa ekonomiya ng Pilipinas? Sa ngayon ay hindi pa natinmasasabi kung nakatulong o hindi ang APEC sa kabuhayan o ekonomiya ng ating bansa. NoongNobyembre, 1996 lamang ito ginanap. Ang target ng pamahalaan na makuha ang resulta nito saekonomiya ng bansa ay taong 2010. Ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang hakbang paramatupad ang layuning maging industriyalisado ang bansa sa taong 2000. Naglalayon itong mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ngmalayang kalakalan at pamumuhunan sa loob ng rehiyon ng pasipiko o ang tinatawag na “FreeTrade and Investment’ Ang pag-aalis ng taripa sa ilang produkto ng pangangalakal ay isa sa naging layunin ngAPEC. Makatutulong rin ito sa pag-unlad ng mga bansang kabilang sa tinatawag na “third world.” 51

Dahil sa pagdaraos ng APEC dito, ang Pilipinas ay itinuturing na “ The Little Tiger ofAsia” na nalagay sa Newsweek. Ano ang naging kahalagahan ng pagdaraos ng APEC sa Pilipinas? Nagkaroon ng malaking paglalantad ng ating bansa sa ibat- ibang panig ng dai-gdig.Umangngat ang dating mababang pagtingin sa ating bansa dahil sa hindi magandang pangyayaringnagaganap sa ating bayan na naging dahilan upang masira ang pangngalan ng Pilipinas. mula sa:: Sandigan ng Wika ni: Reynaldo CruzPanuto: Suriin natin ang teksto batay sa mga sumusunod; a. wastong istruktura b. wastong gramatika Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong masuri ang teksto, gawin mo ang susunod na gawain upang lubusan mongmaunawaan ang katangian ng isang mahusay na pasalitang komunikasyon.Linangin Ang isang mahusay na teksto ay nagtataglay ng; a. ugnay-ugnay na kaisipan b. wastong baybay c. wastong bantas d. wastong istruktura. e. wastong gramatika f. ugnay-ugnay na makabuluhang impormasyon. Balikan ang teksto sa bahaging Alamin. Suriin ito batay sa mga sumusunod na katangianng isang mahusay na teksto. 1. ugnay-ugnay na kaisipan Kung ang bibigyang diin natin sa pagbuo ng teksto ay ang pagkakaugnayan ng mgakaisipan, ganito ang dapat na maging nilalaman ng tekstong nabanggit. 52

Gamitin Ang APEC at Malayang Kalakalan. Ang APEC ay acronym sa Asia Pacific Economic Cooperation. Isa itong asosasyon ngmga ekonomistang bansa sa rehiyon ng Asia-Pacific. Binubuo ito ng mga bansa tulad ng Pilipinas,Hongkong, Chile, Canada, at iba pang bansang Asyano. Naglalayon itong mapaunlad ang ekonomiya ng bansa sa pamamagitan ng pagkakaroon ngmalayang kalakalan at pamumuhunan sa loob ng rehiyon ng pasipiko o ang tinatawag na “ FreeTrade Investment.” Ang pag-aalis ng taripa sa ilang produkto ng pangangalakal ay isa rin salayunin ng APEC. Makatutulong rin ito sa pag-unlad ng mga bansang kabilang sa tinatawag nathird world. Nakatulong ba ang APEC sa Pilipinas? Sa ngayon ay hindi pa natin ito masasbi. Noong Nobyembre,1996 lamang ito ginanap.Ginagawa ng pamahalaan ang mga kaukulang hakbang para sa layuning, “ Industrialized 2000.”Inaasahan na ang pagdaraos ng “Summit Conference” sa ating bansa ay nagiging susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Ano ang kahalagahan ng pagdaraos ng APEC sa Pilipinas? Nagkaroon ng paglalantad ng ating bansa sa iba’t ibang panig ng daigdig. Umangat angdating mababang pagtingin sa ating bansa dahil sa mga hindi magandang pangyayari nanagaganap sa ating bayan na naging dahilan upang masira ang pangalan ng Pilipinas. Malalagay sa magandang pagtingin sa ibat ibang panig ng daigdig ang Pilipinas at ito aymagiging hudyat upang maakit ang ibang bansa na makipagkalakalan sa atin at hindi rinmaglalaon, tayo ay magiging maunlad tulad ng Japan at Amerika.b. wastong baybay Nagkaroon ng malaking paglalantad ng ating bansa sa ibat- ibang panig ng daig-dig.Ito ang wastong baybay ng mga salitang “iba’t iba” at “daigdig”Dahil sa pagdaraos ng APEC sa bansa, umangngat ang pangngalan ng Pilipinas sa mundo.Ang wastong baybay ng pangngalang ginamit ay pangalan atAng wastong baybay ng umangngat ay umangat.Isa sa mahahalagang sangkap ng mabuting talataan ay ang wastong baybay. 53

Subukin mo kung kaya mong baybayin nang wasto ang mga sumusunod.GAMITINPanuto: Piliin sa loob ng panaklong ang salitang wasto ang baybay. Kumuha ng sagutang papel sa pagsagot.1. Noong (ika-tatlo, ikatlo) ng Disyembre dumating sa bansa ang mga delegado ng APEC.2. Ang mga dumalo ay (ka-isa, kaisa) sa layunin ng APEC.3. (Iba-iba, Iba iba) ang bansang pinanggalingan ng delegasyon.4. (Maka-bayan, Makabayan) ang mga delegadong sumapi sa APEC sapagkat makabubuti ito sa kanilang bansa.5. Ang (pangulong, Pangulong) Clinton ng Amerika ay isa sa mga dumating sa Pilipinas noong APEC summit sa bansa. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.c. wastong bantas Ang APEC ay binubuo ng mga bansang Asyano tulad ng Pilipinas Korea Japan Hongkong Chile at Indonesia. Dapat gumamit ng kuwit (,) upang paghiwalayin ang mga pangalan ng bansa tulad ng”Pilipinas, Korea, Japan, Hongkong, Chile at Indonesia.” Nakatulong ang pagdaraos ng APEC dito sa atin upang malantad ang Pilipinas sa iba’t ibang panig ng mundo. Ang salitang “iba’t iba” ay binabaybay nang walang gitling at nilalagyan ng kudlit sapagitan ng a at t. Nakatulong ba ang APEC sa ekonomiya ng Pilipinas. Ano ang naging kahalagahan ng pagdaraos ng APEC sa Pilipinas. Ang bantas na dapat ilagay sa katapusan ng pangungusap ay tandang pananong (?) dahilang pangungusap ay nagtatanong. “Nakatulong ba ang APEC sa ekkonomiya ng Pilipinas ?” “Ano ang naging kahalagahan ng pagdaraos ng APEC sa Pilipinas?” Mahalaga ang paggamit ng wastong bantas sa ikalilinaw ng kaisipan ng talata. Dahil sabantas nagkakaroon ng iba’t ibang kahulugan ang isang pahayag. Subukin mo ang iyong kakayahan sa paggamit ng bantas. 54

GAMITINPanuto: Lagyan ng wastong bantas ang sumusunod na pahayag .1. Ang mga kasapi ng APEC ay ang Pilipinas Korea Hapon Vietnam Taiwan at Hongkong.2. Sa panahon ng Pang. Ramos naganap ang APEC Summit sa bansa.3. Matandat bata ay makikinabang sa tagumpay ng APEC.4. Sa palagay mo ba ay kailangan ng mga bansa sa Asya ang APEC5. Saan saan ba makikita ang mga bansa na kasapi ng APEC. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.GAMITINd. wastong istruktura “ Umangat ang dating mababang pagtingin ng ibang bansa sa ating bansa dahil sa hindi magandang pangyayaring magaganap dito.” Mali ang aspekto ng pandiwang ginamit na “magaganap.” Dahil ito ay nasa aspektonggaganapin. Dapat ay “nagaganap” dahil ang kilos ay kasalukuyang nangyayari. Ganito ang dapat, “ Umangat ang datingt mababang pagtingin ng ibang bansa sa atingbansa dahil sa hindi magandang pangyayaring nagaganap dito.” Nagiging malinaw ang diwa ng isang talata kapag ang mga pandiwang ginamit dito aynasa wastong aspekto. Subukin mo ang iyong kakayahan sa paggamit ng mga pandiwang nasa wastong aspekto.GAMITINPanuto: Ibigay ang wastong aspekto ng pandiwang nasa loob ng panaklong na dapat gamitin sa pangungusap upang maging malinaw ang diwa nito.1. Ang APEC ay (buo) ng mga bansa sa Asya.2. Noong 1996 (ganap) ang Apec sa Pilipinas.3. (Gawa) ng pamahalaan ang lahat upang matupad ang layunin nito.4. (Unlad) ang bansa kung ito ay kasapi sa APEC.5. Ang pagsapi ng mga bansa sa APEC (bigay) sa mga ito ng pagkakataong umunlad. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 55

e. wastong gramatika.Error! Ang pag-aalis ng taripa sa ilang produkto ng pangangalakal ay isa din sa naging layunin ng APEC. Nakatutulong rin ito sa pag-unlad ng mga bansang kabilang sa tinatawag na “Third World.” Sa dalawang pahayag na ito, mali ang gamit ng “din” at “rin”.Ganito dapat ang gamit sa mga ito. “ Ang pag-aalis ng taripa sa ilang produkto ng pangangalakal ay isa rin sa mga layunin ngAPEC. Makatutulong din ito sa pag-unlad ng mga bansang kabilang sa tinatawag na “ThirdWorld”.Ang rin ay ginagamit kapag ang salitang sumunod dito ay nagtatapos sa patinig- (a, e, i, o, u)hal. Kami rin ay kabilang sa miyembro ng APEC. Dumalo rin sa pulong ng APEC ang pangulo ng Amerika.Ang din ay ginagamit kapag ang salitang sumunod dito ay nagtatapos sa katinig- (b, k,d, l, r, s, t)hal. Mapalad din ang mga bansang kasama sa Third World dahil napasama sila sa APEC. Balak din ng mga pinuno ng APEC na himukin ang mayayamang bansa na tulungan angmahihirap na bansa. Gawin mo ang susunod na pagsasanay upang masubok mo ang iyong kakayahan sapaggamit ng daw - din, raw at rin.GAMITINPagsubok: Punan ng daw - din, raw at rin ang patlang upang mabuo ang diwa ng pahayag.1. Mahalaga _____ ang pagsapi sa APEC ng mga bansang papaunlad pa lamang.2. Naging abala _____ ang bansa noong gawin dito ang pagpupulong ng APEC.3. Nasiyahan _____ naman ang mga delegado sa APEC sa ginawang paghahanda ng bansa sa kanilang pagdating.4. Gumasta _____ ng malaking halaga ang Pamahalaan ng Pilipinas nang gawin dito ang pulong ng APEC.5. Ang lahat _____ ng bansa sa Asya ay nagnanais na makasali sa APEC. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.f. ugnay - ugnay na makabuluhang impormasyon Upang maging malinaw ang mensaheng napapaloob sa talata kailangan ugnay-ugnay angmga makabuluhang impormasyong napapaloob dito.GAMITINPanuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang mga impormasyong dapat makita sa tekstong tumatalakay tungkol sa APEC. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot._____1. Petsa kung kalian ginanap ang APEC dito sa Pilipinas._____2. Kahulugan ng APEC_____3. Mga bansang bumubuo ng APEC_____4. Pinuno ng America na dumalo sa APEC? 56

_____5. Layunin kung bakit tinatag ang APEC? Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.Lagumin Ang isang malinaw, wasto at may ugnay-ugnay na kaisipan ng talata ay nagtataglay ng;magkaugnay na kaisipan, wastong baybay, wastong istruktura, wastong gramatika at ugnay-ugnayna makabuluhang impormasyon.SubukinPanuto: Basahin nang tahimik at unawain ang talata, pagkatapos ay suriin kung ito’y nagtataglay ng mga katangiang dapat taglayin ng isang malinaw at wastong talata na binanggit sa unahan. Kung ang Kastila ay gumamit ng relihiyon upang alipinin ang Pilipinas, ang mgaAmerikano naman ay gumamit ng edukasyon upang epektibong mapahina ang damdamingmakabayan ng mga Pilipino. Sa unang tingin, maganda ang ipinakitang “malasakit” ng mga Puti:pagpapaaral ng mga Pilipino, pagpapatayo ng paaralan at unibersidad, at pagbabago ng uri ngpamahalaan. Ngunit sa kabila ng mga “biyayang” ito, ang kanilang tunay na pakay aykolonyalismo - ang maangkin ang katauhan ng Pilipino upang sa kalaunan at kabuuan aymaangkin ang buong bansa.a. magkaugnay na kaisipan ____________________________________________________ ____________________________________________________b. wastong baybay ____________________________________________________ ____________________________________________________c. wastong istruktura ___________________________________________________ ___________________________________________________d. wastong gramatika ___________________________________________________ ___________________________________________________e. ugnay-ugnay na makabuluhang impormasyon ___________________________________________________ ___________________________________________________ Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung nasagot mo nang wasto ang bahaging ito, huwag mo nang gawin ang susunod nabahagi, ibig sabihin ay sapat na ang iyong kaalaman sa aralin, subalit kung marami kang hindinasagot, gawin mo ang susunod na bahagi. Kailangan mo pa ang dagdag na kaalaman. Sige, simulan mo na. 57

Paunlarin Sa malawakang pagbabago at kaginhawaan na ating inaasam totoong tayo’y nawalan ngsariling tatak na pagkakakilanlan. Hindi na naging dalisay ang ating balat na tanda ng pagkahawasa malakas na kulay ng impluwensya ng mga dayuhan. Masasabi nga na sa bawat pagbabagong hangarin resulta’y pagbabago pa rin, dahilsadyang walang permanente sa mundo kundi pagbabago.Basahin ang talata sa dakong itaas, pagkatapos ay suriin kung ang kaisipan ay ugnay-ugnay. ________________________________________________ _________________________________________ _________________________________________ Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong gawin ang mga aralin sa Modyul na ito, alam kong handa ka na upanggawin ang susunod na bahagi. Magsimula ka na. Gaano ka na kahusay?A.1. Mga Pangungusap na Nagpapahayag ng Pagtanggap at PagtanggiPanuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga salitang nagpapahayag ng pagtanggap at pagtanggi na ginamit sa bawat pahayag.1. Totoong ang kabuhayan ng mga Asyano ay patuloy sa pag-unlad.2. Ang mga Pilipino, tulad din ng ibang mga Asyano ay di papayag kailanman na yurakan ang kanilang dangal.3. Di totoo na ang mga bansang Asyano na ang kabuhayan ay agrikultural ay walang pagkakataong umunlad tulad ng mga bansang industriyal.4. Tunay na nakababahala ang patuloy na pagbaba ng antas ng kabuhayan ng maraming bansa.5. Ayaw ng mga Asyano na manatiling umaasa na lamang sa bansang kanluranin pagdating sa teknolohiya.A.2. Mga Pangungusap na Naghahayag ng PagsalungatPanuto: Piliin at isulat ang mga salitang ginamit upang ipahayag ang pagsalungat.1. Mabubuti ang mga programang pangkabuhayan ng mga bansang Hapon at Korea ngunit marami pa rin ang tumututol dito.2. Bagamat maunlad na maunlad ang teknolohiya sa Korea at Hapon, napapabayaan naman nila ang ibang aspeto ng kanilang kabuhayan tulad ng agrikultura.3. Taliwas sa ibig mangyari ng mga nangangalaga sa mga lugar na panturismo sa Pilipinas, 58

patuloy pa ring sinisira ito ng teknolohiya.4. Ang katutubong sining ng isang bansa ay dapat na pagyamanin, subalit dapat din nating hayaang pumasok sa ating bansa ang sinag ng kaunlaran.5. Pinipigilan ng mga alagad ng musika sa maraming bansang Asyano ang sobrang impluwensya ng mga musikang kanluranin datapwat marami sa kanilang mga mamamayan ang patuloy na tumatangkilik dito.B. PagbasaB.1. Pagbibigay kahulugan sa matatalinghagang salita at idyomPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng kahulugang napapaloob sa matatalinghagang salita at Idyom.1. Maraming katutubong likhang-sining ang naabo sa maraming bansa sa Asya nang sumiklab ang ikalawang digmaan.2. Maraming Asyanong kilala sa iba’t ibang larangan ang umani ng papuri dahil sa taglay nilang galing.3. May mga Asyanong may ginintuang puso ang nag-alay ng kanilang sining sa kanilang bansa.4. Sa kabila ng pagbabagong pangkabuhayan na nagaganap sa ilang bansa sa Asya, may mga mamamayan pa ring isang kahig, isang tuka.5. Sanay magbatak ng buto ang mga Asyano kaya’t papaunlad na ang mga bansang ito.a. magtrabaho c. dakila e. nagsimula ang giyerab. naghihirap d. pinahalagahanB.2. Paglikha ng Bagong Salita Mula sa Dalawang Salitang Pinaikli at PinagsamaPanuto: Piliin sa Hanay B ang mga salitang pinagmulan ng mga may salungguhit sa loob ng pahayag sa Hanay A. Hanay A Hanay B1. Nagbagong-buhay ang mga hukbalahap nang a. tula, himig, sayaw b. hukbong bayan laban sa Hapon umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas. c. tapa, sinangag, itlog2. Ang mga bansang nais maging maunlad ay dapat d. punla ng buhay e. siyasat, saliksik na maglunsad ng programa tungkol sa siyensya, ang siyasik3. Ang terminong punlay ay ginagamit sa mga family planning sa maraming bansa sa Asya.4. Ang negosyo ng tapsilog sa Pilipinas ay maunlad.5. Ang tumigyaw ay isang sining ng tanghalan.B.3. KasingkahuluganPanuto: Ayusin ang mga letrang ginulo upang mabuo ang salitang kasingkahulugan ng maysalungguhit sa bawat pahayag.1. Dahil sa malawakang pagkasira ng mga anyong lupa sa maraming bansa sa Asya, nagkaroon ng mga malawakang pagbaha. d l b ou y e 59

2. Sa Tsina nagsimula ang sining ng iskulturang gawa sa kahoy. t k i u a g p3. Sa Tsina nagsimula ang drama noong panahon ng Dinastiyang Yuan. a u d l4. Ang mga puppet na ginagamit sa mga palabas ng Hapon ay yari sa katad ng hayop. t b l a a5. Hanggang sa modernong panahon kilala pa rin ang kabuki sa bansang Hapon. g y a n t aB.4. KasalungatPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng kasalungat ng salitang may salungguhit sa bawat pahayag.1. Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, masasabing halos lahat ng bansa sa Asya ay nagsasabing halos lahat ng bansa sa Asya ay nagsikap upang makabangon.2. Hindi rin malayong sumunod sa landas ng kaunlaran ang mga bansang kasapi ng ASEAN.3. Isa ang Hapon sa mga bansang pinakamayaman sa Asya.4. Sagana sa mga produktong agrikultural ang maraming bansa sa Asya.5. Sa Timog Korea naman, pinalakas ang produksyon ng pagsasaka upang hindi manghina ang ekonomiya nito. a. pinahihina b. salat c. pinakamahirap d. kahirapan e.malugmokB.3. Mga Salitang Magkahawig ang KahuluganPanuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang pahayag kung ang salitang maysalungguhit ay magkahawig ang kahulugan at ekis (x) kung hindi.1. Madamdamin ang mga awitin sa Asya kaya’t napapaiyak nito ang mga taong maramdamin.2. Maraming malalawak na lupaing agrikultural ang mga bansa sa Asya sa lupaing ito nagmumula ang malalapad na tabla na ginagamit sa pagtatayo ng gusali.3. Dahil sa sobrang laki ng populasyon sa ilang bansa sa Asya sumisikip at kumikitid ang mga pangunahing lansangan dito.4. Matapos dumaan sa maraming pagsubok sa kamay ng mga mananakop ang Asya, nakita na ng kanilang mamamayan ang ningning at liwanag ng kanilang paglaya.5. Nagtutulungan ang mga Asyano kaya’t umuunlad ang kanilang bansa.C. Uri ng TekstoPanuto: Lagyan ng tsek (√ ) ang mga bilang ng pahayag o tekstong deskriptiv at bilugan ang bilang ng pahayag o tekstong ekspositori.1. Sa India, daan – daang mga bagong silang na sangggol na babae ang pinapatay ng kanilang mga ina. Ginagawa nila ito dahil ayaw ng mga magulang na magkaroon ng mga anak na babae. Mas ibig nilang magkaroon ng mga anak na lalaki.2. Ginagawa ng mga babae ang dalawang – katlo ng mga gawain sa daigdig at ginagawadin nila ang animnapu hanggang walumpung bahagdan ng pagkain sa Asya. Gayun pa man,sampung bahagdan lamang ng pagkain ang napupunta sa kanila at wala pang isang bahagdanng mga pag-aari sa daigdig ang pag-aari nila. Sila ay kabilang sa pinakadukha sa mga dukha 60ng daigdig.

3. Umusbong sa Sumer, Mesopotamia ( na ngayon ay Iraq) ang unang sibilisasyon sa daigdig noong 3,500 B.C. ang mga Sumerian din ang unang nakatukalas ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitan nito, binibigkas at naisusulat ang unang panitikan sa daigdig na binubuo ng mga damit, epiko, tula, pabula, kawikaan, awit at dasal.4. Isa sa pinakamahalagang naisulat sa Mesopotamia ang Epiko ni Gilgamesh. Natagpuang nakaukit ang epikong ito sa 12 lapida sa mga labi ng palasyo ni Assurbanipal. Bagaman nagmula sa kwentong Sumerian, sinasabing isinulat ito sa wikang Akkadian noong 2000 B.C. Ayon sa alamat, si Gilgamesh ay hari ng Uruk, isang estadong lungsod sa5. Nakasulat sa Sanskrit, ang sinaunang wikang India ang dalawang dakilang epikong Mahabharata at Ramayana. Itinuturing na pinakamahabang tulang epiko ang Mahabharata. Binubuo ito ng may 10,000 couplet na kinapapalooban ng mga alamat, kasaysayan at pilosopiyang Hindu.D. Katangian ng TekstoPanuto: Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang letra ng tono na nangingibabaw sa bawat pahayag.1. Hindi matatawaran ang kahusayan at kasiglahan ng iskulturang Tsino noong panahon ng Dinastiyang Shang.2. Ang mga kababaihan sa India noong unang panahon ay nabibilang sa pinakadukha sa mga dukha ng daigdig. Sa maraming bansa sa Asya, nabibilang ang kababaihan sa habambuhay na pang-aapi at kawalan ng pag-asa.3. Sa lumipas na mga taon, nagkaroon ng malaking pag-unlad ang kalagayan ng buhay ng mga babae sa mga bansang Asyano. Ayon sa mga dalubhasa, maaaring iugnay ang pagbuti ng kalagayan ng kababaihan sa pag-unlad ng kabuhayan.4. Ipinagbabawal sa mga bansang Asyano ang pag-aasawa ng mga babae ng walang pahintulot ang magulang.5. Noong unang panahon, daan-daang mga bagong silang na sanggol na babae ang pinapatay ng kanilang mga ina.a. damdamin ng pagkagimbal d. katuwaanb. damdamin ng paggalang e. pagkapootc. kalungkutan61

SubukinA. Panuto: Salungguhitan ng minsan ang pahayag na sumasalunggat sa unang kaisipan. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot. 1. Matibay ang pagkakaisa ng mga Hapon, subalit nababakas pa rin sa kanilang panitikan ang pagsasalungatan ng kanilang kaisipan. 2. Ang itinuturing na isa sa pinakamatandang musika sa daigdig ay nagmula sa Tsina kahit na ang ganitong paniniwala ay di lubusang tinanggap ng marami. 3. Naiiba ang arkitekturang kanluranin subalit hindi ito nangangahulugang higit na magaling ito. 4. Ang Templo ng Borobodur sa Java, Indonesia at Angkor Wat sa Cambodia ay mga halimbawa ng obra maestra ng arkitekturang India subalit hindi ito lubusang napagyayaman ng pamahalaan ng India. 5. Ang Taj Majal sa India ay pinakamarangyang palasyo sa India na kinabuburulan ng emperador at ng kanyang asawa kahit sa kamatayan ay hindi naghihiwalay. Iwasto mo ang iyong sagot, kung ang iskor mo ay 4 pataas huwag mo nang gawin pa angsusunod na bahagi, ibig sabihin ay natuto ka nang lubos. Subalit kung 3 pababa naman ang iskormo, gawin mo ang susunod na bahagi, ibig sabihin dapat mo pang pagyamanin ang iyongkaalaman sa araling ito.PaunlarinPanuto: Dugtungan ang bawat kaisipan ng pahayag na nagpapakilala ng pagsalungat sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat na nasa dakong ibaba sa loob ng kahon. 1. Likas ang hilig ng mga Asyano sa paglilibang at paglalaro (datapwat) _______________________________________________ 2. Kailangan ng bawat Asyano ang paglalaro bilang ehersisyo ng katawan (subalit) _______________________________________________ 3. Sinasabing sa Martial Arts nakasentro ang palakasan sa Asya (huwag naman) _______________________________________________ 4. Itinatag ang mga samahang pampalakasan upang magkaroon ng pagkakaisa at pagtutulungan ang mga bansang Asyano (ngunit) _______________________________________________ 5. Noong 1998 ginanap sa Bangkok Thailand ang huling Asian Games (kahit) _______________________________________________ Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa guro mo. Makatutulong sa iyong pag-unawa sa susunod na aralin ang mga natutuhan mong salitangginagamit sa pagtanggap at pagtanggi at mga salitang nagpapahayag ng pagsalungat. Handa ka na ba? Gawin mo na ang susunod na aralin. 22

Sub-Aralin 2.A. Tukuyin ang TekstoLayunin - Natutukoy ang mga katangian ng tekstong deskriptiv - Natutukoy ang kahulugan ng salita - Magkasingkahulugan - Magkasalungat na kahulugan - Magkahawig na kahuluganAlamin Ang Asya sa kasalukuyan ay sumasailalim sa maraming pagbabago dulot ng iba’t ibang salik o puwersa. Ang mga pagbabagong ito ay maaaring nagaganap sa ekonomiya, pamahalaan, relihiyon, kapaligiran, pamilya, at sa iba pang aspeto.a)Ekonomiya- mataas na ang antas Pamahalaan-maraming bansa sa Asyang pag-unlad at pagsulong ng ang nagpalit na ng uri ng kanilangkabuhayan ng mga bansa sa Asya pamahalaan. Tulad sa Pilipinas, muladahil sa globalisasyon. sa Presidensyal, binabalak itong gawing Parlyamentaryo.Relihiyon-iba-iba ang Mga pagbabagong nagaganap Kapaligiran- Angrelihiyon sa Asya. Sa sa Asya sa iba’t ibang Aspeto maraming lupaingPilipinas dumarami na ang agrikultural salumilipat sa iba’t ibang maraming bansa sasekta; Mula sa Katolisismo, Asya ay nagingnaging Born Again ang iba, residensyal na.ang ilan ay nagingAdbentist, Iglesia at iba pa.Pamilya- dati ay walang anumang paraan Sining- nagbabago na rin angupang ang mga mag-asawa sa mga mga sining sa mga bansangbansang Asyano ay mapaghiwalay. Asyano.Tinanggap na rin angSubalit dahil sa pagkakaroon na ng sining ng mga kanluranin.analment at diborsyo, ang dating mag-asawang nagmamahalan at nagsasama nanang matagal ay naghiwalay. 23

Sagutin:1. Paano inilalarawan ang mga pagbabagong nagaganap sa ib’t ibang aspeto sa mga bansang Asyano?2. Anu-anong mga salita ang ginamit upang ilarawan ang mga pagbabagong nagaganap?3. Anong uri ng pahayag/teksto ang binasa? Upang malaman ang uri ng tekstong naglalarawan ng mga bagay-bagay, dumako ka sasusunod na bahagi.Linangin Deskriptiv ang isang teksto kung ito ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangian ng isang bagay, lugar at maging ng mga katangiang taglay ng isang tao o pangkat ng mga tao, kalimitang tumutugon ito sa tanong na Ano.Panuto: Basahin nang tahimik at unawain ang sumusunod na teksto, pagkatapos ay gawin ang mga gawaing nauukol dito. Bago mo basahin ang teksto, basahin ang pamatnubay na tanong na iyong sasagutinpagkatapos mong basahin ang buong teksto.Pamatnubay na Tanong: Saan inihambing ang bansang Hapon? Karapat-dapat kayang dito ihambing ang bansangHapon dahil sa kanyang napaka-unlad na ekonomiya? Hala na, basahin mo ang sumusunod na teksto. Ang Antas ng Pagsulong at Pag-unlad ng Asya Ang kabuhayan o ekonomiya ng mga bansa sa Asya ay hindi magkakatulad.Nahahati sa ekonomiyang agrikultural at industriyal ang kabuhayan ng mga ito.May mga bansa rin namang may ekonomiyang agro-industriyal tulad ng Pilipinas.Kabilang ang mga bansa sa Timog Silangang Asya sa mga bansang agrikultural.Ang Korea, Taiwan, Hapon, at Tsina naman ay mga bansang may ekonomiyangindustriyal at komersyal.Karaniwang nabubuhay sa pagsasaka ang mga bansa sa Asya noon at ngayon. Sabansang Hapon, umuunlad ang pagsasaka sa paggamit ng makabagongteknolohiya, patabang kemikal, at mabuting binhi. 24

Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagkakatuklas at pagpapaunlad ngagham at teknolohiya. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaanang mga gawain at higit na dumami ang produkto. Dahil sa pananaliksik sa aghamng mga Hapones, umunlad ang kanilang bansa. Ang Hapon ngayo’y isang“higante” sa Asya kung pag-uusapan ang mauunlad na bansa. Isa ang Hapon sapinakamayamang bansa sa Asya at maging sa buong daigdig. Tumutulong ito sabuong mundo sa pananaliksik sa larangan ng agham. Nakikipag-ugnayan din ito saiba’t ibang institusyon ng pananaliksik sa ibang bansa. Dahil dito, nakapag-ambagito sa ikauunlad nang malaki ng agham at teknolohiya. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore, at Timog Koreaay nagbibigay-sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo angganitong tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan sa buong daigdig. Ang mga bansang kasapi ng ASEAN (Association of Southeast AsianNations) ay kabilang sa mga bansang naghahangad na makamtan ang isangmabuting ekonomiya. Ang mga bansang ito, gayong maunlad kung ihahambing samga karatig-bansa na may kaunting likas na yaman. Ang kalagayang ito angnagbunsod sa kanila upang magtayo ng isang sona ng malayang kalakalan (freetrade zone) kung saan makikinabang ang mga bansang kasapi ng ASEAN.Nangangahulugan ito ng higit na murang sangkap sa paggawa at bagong mgaproduktong panluwas. Sa panig ng mga mamimili, mangangahulugan ito ng higitna mura at maraming uri ng mga produktong mapagpipilian. May mga bansa namang paunti-unting pinauunlad ang mga industriya,gayundin ang agrikultura. Sa Taiwan, parehong binibigyan ng pansin angpagpapaunlad ng agrikultura at industriya sa paniniwalang kailangan ito ng bansa.Sa Timog Korea naman, pinalalakas ang produksyon ng pagsasaka upang hindimanghina ang ekonomiya nito. Iniisip nito na hindi na kailangan ng bansa naumangkat ng mga produkto kung marami at sagana ang produksyon ng agrikulturasa bansa. Sa Malaysia, unti-unting nagkakaroon ng iba’t ibang kabuhayang maykaugnayan sa industriya. Ang mga bansang Asyano ay gumagawa ng hakbangtungo sa pagiging agro-industriyal. Mula sa: Wika at Panitikan, Sa Makabagong Henerasyon Filipino II Diwa Publication p. 238Bago mo gawin ang susunod na gawain, sagutin mo muna ang Pamatnubay na Tanong.Gawin mo na ang susunod na gawain matapos mong sagutin ang pamatnubay na tanong.Upang maging lubusan ang pag-unawa mo sa teksto, gawin ang sumusunod. 25

A.Pagtalakay sa talasalitaanA.1. Mga Salitang magkasingkahulugan Ang mga salitang magkasingkahulugan ay magkatulad at magkapareho ang kahulugan. Hal. a) mahinhin - mabini b) matangkad - mataasPanuto: Hanapin sa pangkat ng mga letra sa dakong ibaba ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pahayag. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot.1. Ang kalagayan ng mga bansang di- maunlad ay nagbigay-daan upang buuin ng mga Asyano ang ASEAN.2. Nakahihigit ang mga bansang may maunlad na ekonomiya sa Asya.3. Ang pananaliksik ng mga Hapones sa larangan ng agham at teknolohiya ay nakapag-ambag nang malaki sa kaunlaran ng kanyang kabuhayan.4. Mahalaga sa bawat bansang Asyano ang agham at teknolohiya.5. Mahigpit ang kumpetisyon ng bawat bansa sa larangan ng ekonomiya. K A B CDE F GKHI S NJ K I MA N OP QRS AAUI AV WX Y Z B ABCDE BF GYGH I J K L MUNOP QURS E BT U V WP A L I GS AHANNUB D L X Y A BCDE F AGHS NL J R N A R AKAGXYUVYS WZ V Z L MNOP QRAS T AOT R S L MA KAP AT NDL ODR S Y MP R S NAKAP AGDUL O TA.1.2.Panuto: Isulat sa patlang ang M kung ang mga salitang may salungguhit sa loob ng pahayag ay magkasingkahulugan at MD kung hindi magkasingkahulugan.6. Nasangkot sa digmaan ang mga bansang Hapon at Pilipinas at sa giyerang ito ay dumanas ng matinding kahirapan ang mga Pilipino.7. Ilan sa mga pagbabagong pangkaunlarang naganap sa ilang bansa sa Asya ay pag-aangkat nila ng mga dayuhang produkto at ang pagluluwas nila ng kanilang sariling produkto.8. Iba-ibang lebel na ng pagsulong ang nagaganap sa Asya at darating ang panahon na aabutin na nito ang pinakamataas na antas ng kanyang pag-unlad.9. Maraming bansa sa Asya ay nabubuhay sa pamamagitan ng agrikultura habang ang iba naman ay nabubuhay sa industriya.10.Magpapatuloy sa kanyang pagsulong at pag-unlad ang mga bansa sa Asya sa darating na mga panahon. 26

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ang sumusunod ay karagdagang gawain upang lalo mo pang maunawaan ang kahuluganng mga salitang ginagamit sa teksto. Sige, simulan mo na.A.2. Mga Salitang Magkasalungat ang Kahulugan Ang mga salitang magkasalungat ay magkataliwas ang kahulugan. Hal. kabutihan - kasamaan, kataasan - kababaanA.2.1. Panuto: Piliin sa Hanay B ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa Hanay A. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot. Hanay A Hanay B1. Dahil sa makabagong teknolohiya, maraming a. kapos gawain ang gumaan. b. makaluma2. Maraming natamong tagumpay ang bansang c. pinahina Hapon sa larangan ng siyensya.3. May mga produktong panluwas ang d. pang-angkat maipagmamalaki ng Pilipinas tulad ng kopra4. Sa Timog Korea pinalakas ang produksyon ng pagsasaka.5. Ang mga bansa sa Asya ay sagana sa likas na yaman.Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.A.2.2. Panuto: Punan ng nawawalang letra ang kahon.upang mabuo ang kasalungat na kahulugan ng salitang may salunguhit sa loob ng pahayag.6. Malalawak ang lupang kapatagan sa maraming bansa sa Asya.U UBU UK N7. Umuunlad ang mga bansa sa Asya dahil ginagawa nilang modelo sa kasipagan ang mgaHapones. A A A AN8. Ang ibang bansa sa Asya ay sumusunod na sa iba pang prinsipyo ng pag-unlad .A U AD9. Hindi rin malayong sumunod sa landas ng kaunlaran ang mga bansang kasapi ng ASEAN.AL IT 27

10.Totoong malaki ang epekto ng bagong kaganapan sa mundo sa mga pagbabagong nagaganap sa Asya. A IIT Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.A.2.3. Kung ang mga salita ay may kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan, mayroon din itong kahawig na kahulugan. hal. Ang salitang kaligayahan at kasiyahan ay magkahawig ng kahulugan, nagsasaad ito ng katuwaan, subalit higit na malalim ang damdaming napapaloob sa salitang kaligayahan sapagkat ito’y dulot ng mga bagay na hindi nabibili ngunit mahirap makamit tulad ng tunay na pagmamahal ng kapwa. Sa kabilang dako, ang kasiyahan ay paimbabaw na damdamin lamang; maaaring ang damdaming ito ay dulot ng materyal na bagay na nabibili ng salapi, tulad ng alahas, mamahaling damit at masasarap na pagkain.Panuto: Isulat sa patlang ang MK kung ang mga salitang may salungguhit ay magkahawig ang kahulugan at H kung hindi magkahawig ng kahulugan._____1. Inis at suklam ang nadama ng mga Asyano nang sila’y ituring na mababang uri ng lipi ng mga kanluranin._____2. Matalino at matalas ang isip ng mga Hapones dahil sila’y bihasa sa siyensya at teknolohiya._____3. Matipuno at matikas ang pangangatawan ng mga Asyano na nabubuhay sa pagsasaka._____4. Masarap at masustansya ang mga produkto na naaani ng mga Asyano sa kanilang bukirin._____5. Mamahalin at mataas ang halaga ng mga produkto ng teknolohiya tulad ng kompyuter at cellphones. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayong nagawa mo na ang mga aralin sa Talasalitaan, sigurado ako na handa ka naupang suriin ang uri ng teksto na pinamagatang , “Mga Pagbabagong Nagaganap sa Asya;Pagsulong at Pag-unlad Nito.” Simulan mo na.B. I. Pagsusuri ng Tekstong Deskriptiv Batay sa kahulugang ibinigay sa unahang bahagi ng araling ito, na ang tekstongdeskriptiv ay nagtataglay ng mga impormasyong may kinalaman sa pisikal na katangiang taglayng isang tao, bagay, lugar, at pangyayari. Ito’y paglalarawan ng mga nabanggit . 28

Halimbawa:1. Paglalarawan ng tao a. Masisipag at matitiyaga sa gawain ang mga Asyano. b. Marami sa mga Asyano, tulad ng Hapones at Koreano ay eksperto sa teknolohiya. c. Di pahuhuli sa kahusayan ang mga Pilipino pagdating sa teknolohiya.2. Paglalarawan ng Lugar a. Dahil sa pinakamaunlad na bansa ang Hapon, itinuturing itong “higante” sa Asya. b. May mga bansa sa Asya na kahit na mayaman sa mga likas na yaman ay di – gaanong maunlad kung ihahambing sa mga karatig – bansa na may kakaunting likas na yaman. c. papaunlad ang mga bansa sa Asya na ang ikinabubuhay ay agrikultura at industriya.3. Paglalarawan ng Bagay a. Matataba ang mga produktong maaani sa maraming lupain sa mga bansang Asyano. b. Mataas ang kalidad ng mga panindang iniluluwas ng mga bansang Asyano sa ilang karatig-bansa sa Asya. c. Pawang produktong teknolohikal ang produksyon ng bansang Korea at Hapon.4. Paglalarawan ng Pangyayari a. Umunlad ang industriya sa Asya dahil sa pagtuklas at pagpapaunlad ng Agham at teknolohiya. b. Sa paggamit ng makabagong teknolohiya, sadyang gumaan ang mga gawain at higit na dumami ang produksyon. c. Ang tagumpay naman sa ekonomiya ng Taiwan, Singapore at timog Korea ay nagbigay - sigla sa iba pang bansang Asyano upang magsikap na matamo ang ganitong tagumpay sa harap ng papalakas na paligsahan ng buong daigdig. Matapos mong masuri at mapatunayan na ang tekstong binasa ay deskrptiv sa tulong ngmga halimbawang ibinigay, alam kong handa ka nang gawin ang mga gawaing kaugnay nito. Simulan mo na.GAMITIN Ang mga sumusunod na teksto ay naglalarawan ng mga pagbabagong nagaganap sa Asyasa iba’t ibang larangan .Panuto: Basahin ang sumusunod na mga teksto pagkatapos ay ilarawan sa sariling pangungusap ang mga pagbabagong naganap sa Asya na tinalakay dito.1. Sa paglipas ng mga panahon, nagkaroon ng malaking pag-unlad ang kalagayan ng buhay ng mga babae sa mga bansang Asyano. Ayon sa mga dalubhasa, maaaring iugnay ang pagbuti ng kalagayan ng kababaihan sa pag-unlad kabuhayan. Nakatulong ang pag-unlad ng kabuhayan sa pagkakaroon ng mataas na edukasyon ng kababaihan. Ito ang tumitiyak sa pagkakaroon ng mga babae ng proteksyon sa lipunan.Sariling Paglalarawan: ___________________________________________________________________ ___________________________________________________________________ 29

2. Nagsulputan ding parang kabuti ang maraming mga samahan at organisasyon na nagsusulong sa pagkakaroon ng pantay na karapatan ng mga babae. Itinawag ng pansin din ng mga pangkat na ito ang kawalang - katarungan , mahirap na pamumuhay, at di pantay na trato ng lipunan sa kababaihan. Nakatulong ito upang mamulat ang kababaihan sa kanilang mga karapatan at maitaas ang kanilang kalagayan.Sariling Paglalarawan: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________3. Ang mga Asyano ay nag-aangkin ng mayaman at mataas na antas ng kultura. Higit na mauunawaan ang mga gawi at kalinangan nila mula sa kalipunan ng kanilang kaasalan, sining, pamahalaan, relihiyon, saloobin at pananaw. Ang pananakop ng mga Europeo ay hindi nagtagumpay na wasakin ang kalinangang kinamulatan ng mga Asyano. Nanatili ang sarili nitong kakanyahan na kakaiba sa kulturang kanluranin.Sariling Paglalarawan: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________4. Ang pamilyang Pilipino ay bantog sa pagmamagandang-loob sa mga panauhin, pamilya man itong Kritiyano o Muslim, tagalunsod man o taganayon, tagapatag man o tagabundok, laging bukas ang kanilang tahanan sa sinumang panauhin o nangangailangan. Umunlad at nagkaroon ng iba’t ibang mga balangkas ng pamilya sa Asya dahil sa mga pagbabagong nagaganap. May malaking kinalaman dito ang pagkakaiba-iba ng antas ng kultura o kalinangan at paraan ng pamumuhay ng mga Asyano.Sariling Paglalarawan ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________5. Itinuturing ng mga bansang Asyano ang edukasyon bilang isang mahalagang pwersa sa pagkakamit ng kaunlaran kaya itinutuon nila ang kanilang pansin at salapi sa pagpapaunlad nito. Kadalasan, naaayon sa kalagayang pangkaunlaran ng isang bansa ang antas ng kamuwangan. Kung may sapat at maayos na pasilidad ang isang bansa, matagumpay nitong maisusulong ang pagtaas ng kamuwangan ng bawat mamamayan. Sa katunayan halos lahat ng bansa sa Asya ay naghahangad na makamit ang mataas na antas - pangkamulatan sa pamamagitan ng iba’t ibang programang pang-edukasyon na inilunsad ng pamahalaan. -ang lahat ng tekstong ginamit ay hango sa, “Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon, FilipinoII”Sariling Paglalarawan: ____________________________________________________________________ ____________________________________________________________________ 30

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong mapag-aralan ang bahaging ito, handa ka na upang gawin ang susunod nabahagi.Simulan mo na.Lagumin1. Sa pagbibigay ng kahulugan ng salita, maaaring ibigay ang kasingkahulugan, kasalungat at kahawig na kahulugan nito.2. Ang tekstong deskriptiv ay nagbibigay ng impluwensyang may kinalaman sa pisikal na katangiang taglay ng isang tao, bagay, lugar o pangyayari. Ito’y naglalarawan ng mga nabanggit. Matapos malagom ang mga araling natalakay, tingnan mo kung magagawa mo na angsusunod na gawain.Magsimula ka na.SubukinPanuto: Ibigay ang _____ng mga salitang may salungguhit sa loob ng pahayag.a. Kasingkahulugan_____1. Ang mga Asyano ay may matatag na paninindigan._____2. Kahit babae, pinaninindigan ng mga Asyano ang kanilang paniniwala._____3. Ang mga sinaunang musika sa Asya ay walang katulad sa kagandahan._____4. Itinuturing na ang pinakamatandang musika sa daigdig ay nagmula sa Tsina._____5. Tunay na naiiba ang musikang Tsina.walangkatulad matibay pinakamatagal prinsipyo pinakaunab. Kasalungat_____6. Noong unang panahon, ipinagkait sa mga babae ang wastong pagkain at edukasyon._____7. May panahon din sa kasaysayan ng India na tinatanggihan ng mga magulang ang anak na babae._____8. Isang malaking tagumpay para sa mga kababaihang Bumbay ang makaraos sa panganganak._____9. Sa Pakistan ipinagbabawal sa mga anak na mag-asawa nang walang pahintulot ang mga magulang.____10. Nagsulputang parang kabuti ang mga organisasyong mangangalaga sa kapakanan ng mga kababaihan.ibinunyag nagtago kabiguan pinayagan tinatanggap 31

c. Kahawig na KahuluganPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang pahayag na ginamitan ng salitang magkahawig ang kahulugan.____11. Ang ambon at bagyo ay nagdudulot ng baha sa ilang bahagi ng kapatagan.____12. May mga bansa sa Asya na nagkakaroon ng digmaang sibil dahil sa pagkakaiba at nagsasalungatang ideya ng mga mamamayan.____13. Matatag at matibay ang mga bahay at tahanang Asyano.____14. Tahimik at payapa ang buhay ng mga Asyano.____15. Mahusay at mabuting manggagawa ang mga Asyano. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo ay 13 pataas, huwag mo nang gawin pa ang susunod na bahagi, ibigsabihin natutuhan mo nang lubusan ang mga aralin. Kung ang iskor mo naman ay 8 pababa,gawin mo ang susunod na gawain. O, simulan mo na.PaunlarinPanuto: Basahin ang sumusunod na teksto at pagkatapos ay sumipi ng mga pahayag na deskriptiv. Lumaki ang pagkakautang ng Pilipinas dahil sa maling patakaran ngpamahalaan sa sobrang paggugol sa mga proyektong wala namang pakinabangpara sa mamamayan. Isang halimbawa nito ang Bataan Nuclear Power Plant(BNPP) na ginastusan ng $2 bilyon upang maipatayo ngunit ipinasara lamang.Pinananagutan din ng pamahalaan ang utang ng mga kumpanya sa pribadongsektor. Inako ng pamahalaan ang pagbabayad ng utang ng mga pribadongkumpanya sa ibang bansa at mga ahensya ng pananalapi. Nang hindimakapagbayad, sinasalo ng pamahalaan ang pagbabayad sa mga utang ng mgakumpanyang ito. Nakapagpalala pa sa suliranin ang malawakang katiwalian. Malaking bahaging mga inutang na salapi ang napunta lamang sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ngpamahalaan. Dahil dito, hindi nagamit sa dapat paglaanan ang mga inutang ngpamahalaan. Hango sa: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon p. 1921. Mga pahayag na deskriptiva.__________________________________________________________ __________________________________________________________b.__________________________________________________________ __________________________________________________________c.__________________________________________________________ __________________________________________________________d.__________________________________________________________ ________________________________________________ 32

2. Ibigay ang a) kasingkahulugan, b) kasalungat, at c) kahawig na kahulugan ng sinalungguhitang salita sa loob ng pahayag.a. kasingkahulugan 1. Lumaki ang utang ng gobyerno ng Pilipinas dahil sobrang paggugol. 2. Nakapagpalala pa ng suliranin ng bansa ang malawakang kurapsyon.b. kasalungat 3. Inako ng pamahalaan ang mga pagkakautang ng mga kumpanya sa mga pribadong institusyon. 4. Maraming maling proyekto ang pinagkagastusan ng pamahalaan kaya’t lumaki ang gastos nito.c. kahawig na kahulugan 5. Malawak ang naging katiwalian sa bansa. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayong nakilala mo na ang uri ng tekstong deskriptiv, handa ka na upang kilalanin angisa pang uri ng teksto. Handa ka na? Simulan mo na!Sub-Aralin 2-BLayunin - Natutukoy ang tekstong ekspositoriAlamin Ang Sining ng Asya Ang Humanidades (humanities) ay isang malawak na pag-aaral sa saloobin o damdamin at kalikasan ng tao. Ginagamit na batayan sa ganitong pag-aaral ang mga gawa o likhang – sining na itinuturing na pinakamabisa ang paraan ng pagpapahayag ng kamalayan. Sa pamamagitan ng mga ito, mababakas din ang kultura ng isang lahi. Sinasabing ang sining ay “durungawan ng mundo’. Sa pamamagitan nito, nakikita angkagandahan, katotohanan, at kabuluhan ng buhay. Sa pamamagitan ng sining, naipahahayag ngtao ang kanyang kaisipan, damdamin at mga pangarap. Ang likhang sining ay nagpapakita ngkaibahan ng tao sa hayup dahil sa paglikha ng kakailanganing pagkamalikhain, talino,kahalagahan, diwa, pag-unawa, at pagpapahalaga sa damdamin. Sa sining naipakikita ng tao angkawalang-hanggan. Kahit wala na ang may likha, nandoon pa rin ang kanyang obra maestra.Mayaman ang sining ng Asya. 33

Ang mga sumusunod ay iba’t ibang uri ng sining na tanging-tanging sa Asya lamangmakikita. Kabuki isa sa mga klasikong sining sa tanghalan ng Hapon. Pawang mga kalalakihan ang gumaganap dito. - pinagkunan: Ang Hapon Ngayon p.121 Isang halimbawa ng arkitekturang Muslim ang Moske sa Kaliran, Bukhara, Uzbekistan. Sa kanlurang Asya, ang mga moske na tulad nito ay mahahalagang gusali. Pinagkunan: All Area Travel Guide,1995 p.161 34

Rabendranath Tagore: Unang Asyanong pinarangalan ng Nobel Prize para sa Panitikan noong 1918. -pinagkunan: Chronicles of theWorld,1999 p.10 56 Isa sa mga bagong tuklas na halimbawa ng iskulturang Tsino ay ang nahukay na mgapigurang isang hukbo ng mga sundalo (terra-cotta army) na isinama sa libingan ni EmperadorQin Shihuang di. hango sa: Wika at panitikan sa Makabagong Henerasyon Fil.II ,2003 Sa pamamagitan ng mga paliwanag na nabasa mo mula sa iba’t ibang paglalahad sabahaging ito, natitiyak ko na bahagya mo nang nauunawaan ang ilang mahahalagang bagaytungkol sa sining sa Asya. Upang lubusan mong maunawaan ang tungkol sa sining sa Asya, basahin mo at unawainang susunod na teksto na nagpapaliwanag sa nabanggit, ang sining sa Asya. Handa ka na ba? Simulan mo na! 35

Linangin Ang tekstong ekspositori ay nagpapaliwanag ng mga bagay - bagay. Ang halimbawa ng ganitong uri ng teksto ay tula, balita, pitak, at sanaysay ay naglalahad ng kaisipan, kaalaman, damdamin.at saloobin tungkol sa mga bagay at pangyayari sa paligid. Basahin mo ang sumusunod na tekstong ekspositori at tingnan mo kung taglay nito angkatangiang binanggit sa unahan. Ang Panitikan sa Asya Umusbong sa Sumer, Mesopotamia (na ngayon ay Iraq) ang unangsibilisasyon sa daigdig noong 3500 B.C. Ang mga Sumerian din ang unangnakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitannito, binibigkas at naisulat ang unang panitikan sa daigdig na binubuo ng mgaalamat, epiko, tula, pabula, kawikaan, awit, at dasal. Isa sa pinakamahalagang naisulat sa Mesopotamia ang Epiko ni Gilgamesh.Natagpuang nakaukit ang epikong ito sa 12 lapida sa mga labi ng palasyo niAsurbanipal. Bagaman nagmula sa kwentong Sumerian, sinasabing isinulat ito sawikang Akkadian noong 2000 B.C. Ayon sa alamat, si Gilgamesh ay hari ng Uruk,isang estadong lungsod sa Mesopotamia. Nakipaglaban siya sa kaaway na tribo nakinalaunan ay kanyang naging kaibigan. Isa sa nakawiwiling kwento sa epiko angtungkol sa malaking delubyo o baha na nakatatak sa Lapida XI. Halos katulad ngnasabing kwento ang malaking pagbaha sa Lumang Tipan kung saan si Noah atang kanyang pamilya lamang ang nakaligtas. Samantala, nakasulat sa Sanskrit, ang sinaunang wika ng India ang dalawangdakilang epikong Mahabharata at Ramayana. Itinuturing na pinakamahabangtulang epiko sa daigdig ang Mahabharata. Binubuo ito ng may 10 000 couplet nakinapapalooban ng mga alamat, kasaysayan, at pilosopiyang Hindu. Ang epikongRamayana naman ay sinulat noong 500 B.C. Tungkol ito sa kabayanihan niPrinsipe Rama na pinaniniwalaang nagtataglay ng mga kapangyarihan ng Hindu.Batay sa salaysay, itinakas ng demonyong hari na si Ravana si Siva, ang asawa niRama. Sa tulong ng kanyang kapatid, nagpagawa ng tulay patungong Ceylon (SriLanka ngayon) si Rama upang iligtas ang asawa. Mula sa: Ang Panitikan sa Asya p. 281 Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Diwa Publication Bago mo suriin ang teksto, gawin mo muna ang mga sumusunod na gawain upanglubusan mong maunawaan ang nilalaman nito.Gawin mo na! 36

TalasalitaanA. Matatalinghagang Salita at IdyomaA.1.Matalinghagang pahayag Ang matalinghagang salita ay nagtataglay ng nakatagong malalim nakahulugan at kaisipan. Ang paggamit nito’y nakadaragdag ng kalinawan,kapamitagan at kagandahan ng isang katha, pasalita man o pasulat.Hal.”Ang sakit ng kalingkingan ay dama ng buong katawan.” “ Ang tunay na bakal ay napatutunayan sa apoy.”Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay - kahulugan sa mga matatalinghagang pangungusap. Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot. Ang mga sumusunod na matatagpuang pahayag ay iniukol sa kariktan ng musikana isa sa mga sining sa Asya.1. 2. “Hindi kita malilimot “Kapag kita’y naririnig, nadarama habang ang mundo’y ko na iniaakyat mo ako sa kataas- taasang pedestal ng kaligayahan.” umiikot.”Ang paglimot ay magaganap lamang Alin sa mga sumusunod ang angkopkapag ang nagsasalita ay; na paglalarawan ng nararamdamang kaligayahana. tumanda na ng nagsasalita?b. namatay na a. maligaya c. maligayang-maligayac. nag-asawa na b. medyo maligaya d. lahat ng nabanggitd. nagkasakit na Musika Bilang Sining sa Asya “Kung naririnig kita ay tila ba “Ikaw ay wika3. pinagkalooban ako ng Diyos ng ng kaluluwa” lakas at sigla upang magampanan ko ang lahat ng aking gawain.”Para sa nagsasalita ang musika ay Sa pamamagitan ng musika _______ ng nagsasalita ang kanyang nadaramanagsisilbing _____ sa kanya a. naipakikita c. naipahahayag b. naiparirinig d. naipadaramaa. inspirasyon c. gamotb. pagkain d. gamitIwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 37

A.2. Pagpapakahulugan sa mga Idyoma May mga pahayag na kung matamang susuriin ang kahulugan ng bawat salita’y waring mali kundi man sa likas na tuntunin ng gramatika. Ito’y tinatawag na idyoma. Ang kahulugang ibinibigay ng ganitong pagpapahayag ay di-tuwiran o di-nauukol sa kahulugan ng bawat salita. Hal. “TAinnggnpaunrimngo dkaulnagganaauyutnilaawbaaabnasmaogianngg–gkarniisttoanl.g” uri ng pahayag. Gawin mo angsumusuUnpoadngnamgaagwtaaginu.mpay, dapat na maging buhay ang loob ng bawat isa sa atin. Tingnan mo kung nauunawaan mo ang ganitong uri ng pahayagPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang kahulugan ng mga ginamit na idyoma na sinalungguhitan sa bawat pahayag . Gumamit ng sagutang papel sa pagsagot.1. Naging pasang-krus para sa mga Asyanong artista ang pamamayagpag ng mga kanluraning pelikula sapagkat nawala ang interes ng mundo sa kanilang palabas.2. Nagbibig-anghel ang mga Hapones nang sabihin nilang ang kanilang sining na “ANIME” ay kikilalanin sa buong mundo.3. Di-mahulugang karayom ang loob ng coliseum na pinagtatanghalan ng mga mang-aawit na Tsino na miyembro ng Meteor Garden.4. Litaw na tao sa larangan ng musika ang mga mang-aawit na Pilipinang sina Regine Velasquez at Jolina Magdangal.5. Mababaw ang luha ng mga artistang Asyano kaya’t hinahangaan sila sa mga drama.madaling umiyak kilala maraming tao pahirapnagkatotoo ang sinabi walang utang na loob Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayong naunawaan mo na kung ano ang kahulugan ng idyoma at matatalinghagangsalita, alam kong handa ka na upang suriin ang katangian ng teksto. Handa ka na ba? Simulan mo na!B.2. Pagsusuri ng tekstong Ekspositori Gaya ng ibinigay na katangian ng tekstong ekspositori sa unang bahagi ng araling ito,sinasabing ang tekstong ekspositori ay; 38

B. 2.1. nagpapaliwanagHal.1.a. Ang Humanidades (humanities) ay isang malawak na pag-aaral sa saloobin o damdamin at kalikasan ng tao. Ginagamit na batayan sa ganitong pag- aaral ang mga gawa o likhang – sining na itinuturing na pinakamabisang paraan ng pagpapahayag ng kamalayan. Sa pamamagitan ng mga ito, mababakas din ang kultura ng isang lahi.1.b. Umusbong sa Sumer, Mesopotamia ang unang sibilisasyon sa daigdig noong 3500 B.C. Ang mga Sumerian din ang unang nakatuklas ng sistema ng pagsulat na tinatawag na cuneiform. Sa pamamagitan nito, binalangkas at naisulat ang unang panitikan sa daigdig na binubuo ng mga alamat, epiko, at tula, pabula, kawikaan, awit, at dasal.b. 3. Ang sinaunang musika sa Asya ay binuo sa pamamagitan ng pinagsama-samang ideya ng relihiyon, pilosopiya, kalawakan, at agham.b. 4. Binigyang-diin sa sining ng pagpipinta ng mga Asyano ang mga simbolong kumakatawan sa paksang inilarawan. Karaniwan dito ay nauukol sa Diyos, hayop o bulaklak. Dahil sa kanilang paniniwala na hindi sentro ng sandaigdigan ang tao, hindi kailanman naakit ang mga pintor na Asyano sa pigura ng tao. Batay rin sa kanilang paniniwala, ang tao ay isa lamang pansamantalang tahanan ng kaluluwa sa paglalakbay patungong kabanalan.b.2.2. nagbibigay-kaalaman Nakasulat ang sinaunang wika ng India ang dalawang dakilang epikong Mahabharata at Ramayana. Itinuturing na pinakamahabang tulang epiko sa daigdig ang Mahabharata. Binubuo ito ng 10 000 couplet na kinapapalooban ng alamat, kasaysayan at pilosopiyang Hindu.b.2.3. Ang musikang Tsino ay naiiba sa musikang kanluranin dahil sa pagkakaiba ng iskalang ginagamit. Gumagamit ng limang tono ang mga Tsino samantalang gumagamit naman ng walong tono ang kanluraning musika.b.2.4. Ang arkitekturang India katulad ng iba pang bansang Asyano, ay may impluwensya ng mga relihiyong Budismo, Hinduismo, Jainismo at Islam. Ang templo ng Borobudur sa Java, Indonesia at Angkor Wat sa Cambodia ay halimbawa ng mga obra maestra ng arkitekturang India. Mula sa:: Wika at Panitikan Fil.2 Diwa Publication 39

Matapos mong suriin ang katangian ng tekstong ekspositori, gawin mo ang sumusunodna mga gawain upang masubok mo ang iyong kakayahang kumilala sa tekstong ito.Simulan mo na.GamitinPanuto: Basahin at unawain sumusunod na teksto at pagkatapos ay sagutin ang mga tanong tungkol dito. Wayang Kulit, Bakas ng Palabas Isang pagtatanghal pangkultura sa Indonesia ang Wayang Kulit. Kakaiba itodahil gumagamit ito ng mga anino sa paglalahad ng isang kwento. Sa wikangIndones, nangangahulugang anino ang salitang wayang at balat naman ang kulitdahil gawa sa balat ng hayop ang ginagamit na mga puppet sa palabas na ito. Sinasabing nagmula pa ang palabas na Wayang Kulit noong ikasampungsiglo. Dinala ng mga mangangalakal at paring Hindu ang mga unang puppet saIndonesia. Ginaya ito sa mga madulang pagtatanghal ng India. Layunin ng palabasna ito na makapagbigay ng aral tungkol sa Hinduismo. Sa kabila ng paglaganap ngIslam noong ika- 15 hanggang ika-16 na siglo, nananatili ang kulturang Hindu saJava, Indonesia.hanggang ngayon. May mga pagtatanghal din ng Wayang Kulit saTsina at iba pang bansa sa Timog Silangang Asya, ngunit higit na natatangi ito saisla ng Java. Tinatawag na dalang ang taong nagpapagalaw ng mga puppet. Hinihingingmaging mahusay na tagapag-aliw ang dalang. Siya ang taga-salaysay, taga-awit atmakata ng palabas. Siya rin ang nagbibigay ng buhay sa mga pagsasalita at awitinng lahat ng mga tauhan sa kwento. Upang magawa ito, dapat mahusay ang dalangsa pagbagu-bago ng kanyang tinig.Ginagabayan din niya ang mga manunugtog ng gamelan (mga instrumentongpangmusika na kinabibilangan ng mga gong, xylophone,at mga metalphone o isanguri ng instumentong gawa sa metal at pinapalo upang makagawa ng tunog) satamang saliw ng musika. Mahalaga rin na nasa mabuting kalusugan ang isangdalang upang makayanan niya ang isang mahabang oras ng pagtatanghal.Maraming tradisyon ang nakaugnay sa pagiging isang dalang. Sa umpisa ngpagtatanghal, Kailangang mayroon lamang isang lugar na pinapasukan ang dalangat ginagawa niya ito sa tamang oras. Kinikilala rin ang dalang na isang pinuno ngrelihiyon na nakikipag-ugnayan sa mga espiritu sa panahon ng pagtatanghal. Parasa pagtatanghal, nakasuot ang dalang ng katutubong damit at may nakasabit nakris, isang katutubong espada sa kanyang baywang,Nasa kaliwang gawi ng dalang ang kotak, isang malaking kahong nilalagyan nggagamiting mga puppet. 40

Pamana ng India Karaniwang halaw sa mga epiko ng India na Ramayana at Mahabharata angkwentong itinatanghal sa Wayang Kulit. Batay sa mga epikong ito angpinakamahalagang kwento sa Wayang Kulit ay ang tinatawag na Wayang Purwa.Sa paglipas ng panahon mula nang unang dumating ang impluwensiya ng India saIndones noong mga unang siglo A.D., nagkaroon na mga maraming pagbabagoang mga epiko. Napalitan na maging ang lugar na pinangyarihan at mga pangalanng mga tauhan sa kwento. Naiangkop na ang epiko sa kwentong Indones. Umabotsa 200 lakon o kwento ang nabuo mula sa Ramayana at Mahabharata para saWayang Kulit. Ginagawa ang palabas ng Wayang Kulit sa palasyo ng hari at sa mgakapistahan ng bayan, kasalan, pagdiriwang ng kaarawan, pista-opisyal, at magingsa araw ng pagsunod sa labi ng isang namatay. Umaabot ng siyam na oras angisang pagtatanghal ng Wayang Kulit. Karaniwang nagsisimula ng hatinggabi atnatatapos pagsikat ng araw ang palabas. Isang malaki at manipis na puting-tabingna tinatawag na kelir ang ginagamit sa palabas. Inilalagay sa likod ng tabing angblencong, isang de-langis na gasera. Dito ipinaaaninag ang mga naggagalawanganino ng puppet. Nakikita ng mga manonood ang gumagalaw na anino ng mgapuppet kasabay ng paglalahad ng mga pangyayari sa isang kwento. Itinutusok ngdalang sa isang sanga ng puno ng saging ang mga puppet na gagamitin para sakwento. Yari ang mga puppet sa pinatuyong katad ng kalabaw o kambing. Katulad itong mga manikang papel ngunit may mga kamay na gumagalaw. May maselanitong mga ukit at makukulay na pinta. Nilalagyan ng kebu, mahahabang sungay ngkalabaw na pinakinis, o patpat mula sa kawayan ang mga puppet. May sukat angmga puppet na sampu hanggang 30 piye. Umaabot sa 500 ang puppet sa mgapalasyo ng hari. Samantala, hanggang 100 puppet naman ang ginagamit sa mganayon. Bukod sa mga tao at diyos ng Hindu, may mga puppet ding ibon, kabayo,kalabaw, tigre, at elepante. Umaabot ng ilang lingo ang paggawa ng puppet. Hango sa: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Filipino II Diwa Publication 41

Modyul 20 Mga Pangungusap na Nagpapakilala ng Alternatibong Solusyon- Pabuod at Pasaklaw Tekstong Argumentativ at Informativ Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay tungkol sa; - pangungusap na nagpapakilala ng alternativ na solusyon - pangungusap na pabuod at pasaklaw - pagtukoy kung ang teksto ay argumentativ at informativ - paglikha ng bagong salita mula sa dalawang salitang pinaikli at pinagsama - pagbibigay – kahulugan ng mga piling pahayag / parirala batay sa konteksto ng pagkakagamit nito - pagbuo ng kaakit–akit na simula at wakas ng isang akda Ano ang matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. nakabubuo ng mga salita /pahayag na nagpapakilala ng alternativ na solusyon 2. nakabubuo ng mga pangungusap na pabuod at pasaklaw 3. natutukoy kung ang teksto ay argumentativ at informativ 4. nakalilikha ng bagong salita mula sa salitang pinaikli at pinagsama 5. nabibigyang – kahulugan ang mga piling pahayag / parirala batay sa konteksto ng pagkakagamit nito 6. nakabubuo ng kaakit–akit na simula at makabuluhang wakas Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod;1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung sinumang may ganap na kaalaman.2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba. 1


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook