Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FIL2part2

FIL2part2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:48:56

Description: FIL2part2

Search

Read the Text Version

Pansinin mo naman ang kasunod na pangungusap. Suriin mo ito pagkatapos. 1. Higit na nagdusa ang mga Pilipino sa kamay ng mga Hapon kaysa sa mga Amerikano. 2.Para sa akin, mabuting hamak ang pamamalakad ng mga Amerikano kaysa sa mga Kastila. Pansinin mo ang mga salitang may salungguhit. Ano ang masasabi mong inilalahad ngmga iyan? Tama ang iyong sagot. Ito ay nagpapakita ng hindi pagkakatulad ng pinag-uusapansapagkat iyan ay di magkatulad na hambingan. Upang matiyak natin kung naunawaan mo ang aralin, ipagpatuloy mo angpagbabasa.Sagutin mo ang kasunod na gawain na nasa GAMITIN. Huwag kang mag-alala. Angkasunod na gawain ay makatutulong sa iyong pagkatuto.Gamitin A. Basahin mo ang talataan. Pagkatapos, isulat mo sa iyong sagutang papel ang mga salita opangungusap na nagpapahayag ng pagtutulad ng mga ideya o kaisipan. Parehong masalimuot, magulo at walang kapayapaan ang buhay ng mga Pilipino sakamay ng mga dayuhan, sa kamay ng Kastila, Hapon at Amerikano.Tulad ng dapat asahan, higitna pinahahalagahan ng mga mapanakop na bansa ang kanilang kagalingan kaysa sa mga Pilipino.Noong panahon ng Kastila, hindi masasabing naibigay nila sa mga Pilipino ang tulongpangkaunlaran na ipinangako nila. Ang Pilipinas ay nagdusa at sa loob ng tatlong daangpananakop, ang bansa ay hindi nagbago sa paraan ng pamumuhay, bagkus ang dating payapangbuhay ay naging malaimpiyerno. Iyan ang dahilan kung bakit marami ang naghangad ngpagbabago sa pamamahala na ipinagwalambahala ng mga Kastila. Kung pag-uusapan nama ang panahon ng Hapon, may masasabi bang pagbabago sapamamalakad sa pamahalaan?Wala, sapagkat gaya ng nakaraang administrasyon, ito aypanibagong kalbaryo sa buhay ng mga Pilipino. Sila ay sinlupit ng mga Kastila. Lagingnakaumang ang panganib ng bawat isa. Maging ang mga kababaihan ay takot sapagkat maramina ang napagsamantalahan nong mga panahong iyon. tulad ng naisiwalat ng mga sinasabingComfort Women na nabubuhay pa sa kasalukuyan..Mas mabuti payata noong panahon ng Amerikano sapgkat nasusulat sa kasaysayan napinagkalooban tayo ng sampung taong paghahanda tungo sa ganap na kalayaan na siyangtinatamasa natin ngayon. Sa ngayon, ang bansa ay nasa krisis. Kung anuman ang magiging kinahinatnan ngbansa, manangan tayo sa sugat na iniwan ng nakaraang kasaysayan at sa pag-asa ng bukas nasinliwanag ng sikat ng araw sa silangan..Mga magkatulad na ideya: 8

1._______________________________________________________________________2._______________________________________________________________________3._______________________________________________________________________4._______________________________________________________________________5._______________________________________________________________________ Kung tapos ka na, iwasto mo ang iyong ginawa. Tama bang lahat ang sagot mo? Magaling . Kung may mali ka, hwag kang malungkot.Magpatuloy ka lamang . Muli mong basahin ang nakaraang teksto.B. Kung tapos ka na, ihanay mo ang mga salitang nagpapahayag ng pagtutulad na naitala mosa nakaraang gawain.MAGKATULAD HINDI MAGKATULADMadali mo bang naisagawa ang pagsasanay?Muli mong iwasto ang sarili mong s Magaling kung mataas ang iyong iskor. May kasunod na gawain na inihanda para sa iyo. Basahin mo ang talataan . Pagkatapos,punan mo ng angkop na salitang nagpapahayag ng pagtutulad ang patlang.Piliin mo sa ibaba angwastong sagot. C. Sa Hapon Kakaiba ang nasyonalismo ng Hapon ____1_____ sa ibang mga bansang Asyano.Hinangad ng ibang mga bansang Asyano na mapaalis ang mga Kanluranin sa kani-kanilang mgabansa.Sa kaso ng Hapon, ____2______ na masidhi ang nasyonalismo nito. Naging matagumpaysiya na bigyang-wakas ang pakikialam ng mga kanluranin sa kanya bago ang ika-20 dantaon Hindi lamang kalayaang pulitikal ang napagtuunan ng nasyonalismo ng Hapon. Ninaisdin niyang magkaroon ng katatagang pang-ekonomiya ___3_______ ng bansang kanluraninupang hindi ito makapanghimasok sa kanila.Ang pagsakop ng Hapon sa Korea at pagkontrolniya sa Timog Manhuria ay halimbawa ng masidhing nasyonalismo. Bunga ng masidhing nasyonalismo, naganap ang Digmaang tsino-Hapones at Ruso-Hapones na ____4______ nagpapatunay ng naiibang uri ng nasyonalismo na nagwakas sapagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 9

Ang nasyonalismo ng ibang bansang Asyano ay maituturing na defense mechanism omapagtanggol na nasyonalismo na _____5________ sa nasyonalismo ng Hapon , ito aymasasabing aggressive nationalism o mapusok na nasyanalismo. pareho kaysa kapwa tulad higit Kung tapos ka na, maaari mo nang iwasto ang iyong sagot. Kung tama ang lahat ng iyong sagot, ang husay mo! Kung may mali ka, muli mongbalikan at basahin ang nakaraang gawain.Lagumin A. Basahin mo ang kasunod na talata. Punan mo ng angkop na sagot ang patlang. Piliin saloob ng kahon ang sagot. Pagkatapos,punan mo rin ng sagot ang kasunod na tanong upangmabuo ang kaisipan nito. Ang unang pagpapakita ng nasyonalismo ng mga Indian ay ang pagkakatatag ng Indiannational Congress noong 1885.Humingi ang samahang ito nang _____1_____ malawak nakarapatan para sa mga Indian. ______2________, hiniling nito na bigyang-wakas angpagtatanging ginagawa ng mga Ingles laban sa mga Indian. Noong 1906, itinatag ang All – India Muslim League sa pangunguna ni Ali Jinnah. Sapananaw ng mga nagtatag nito, ang interes ng mga Muslim ay hindi napangalagaan ng IndianNational Congress. Inakusahan nila ang Kongreso ng ____3____na pagpabor sa mga Hindukaysa sa mga Muslim. Humiling ang mga samahang nasyonalismo sa India ng karapatang makapagsarili.____4_____ ng dapat asahan, ito ay hindi ipinagkaloob ng Ingles. Subalit, nagkaloob ito ng ilangpagbabago sa pamamalakad sa India. _____5______ na naging aktibo ang kilusangnasyonalismo sa India matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig.gayundin tulad higit mas lalong kaysa Kung tapos ka na, maaari mo nang iwasto ang iyong sagot. Marahil naman nauunawaanmo na ang aralin tungkol sa mga salita/pangungusap na nagpapahayag ng pagtutulad . Tingnanmo kung kaya mo ang susunod na gawain.A .Punan mo ng angkop na sagot ang patlang na kasunod nito upang mabuo ang kaisipan. 10

Ang mga salita/ pangugngusap na nagpapahayag ng pagtutulad ay mga pahayag na__________________.Ang bahagi ng pananalita na karaniwang ginagamit dito ay ang pang-uring _______________.Ito ay may dalawang uri: a. pahambing na magkatulad- ____________________________________ Halimbawa:________________________________________________ b. pahambing na di magkatulad-___________________________________. Halimbawa: _______________________________________________Subukin Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Punan mo ng wastong salitang nagpapahayag ngpagtutulad ang mga patlang. Ang pagpapahayag ng mga mamamayan ng kanilang pagkamakabayan sa Inang-bayan namagbubuklod sa kanila ay nagpapakilala ng dalawang pangunahing uri nito; ang aktibo atpasibong nasyonalismo. _____1______ ito nagpapamalas ng pagmamahal sa bansa ngunit sapamamaraang naiiba. Ang aktibong nasyonalismo ay mula sa pagbabanta ng isang makapangyarihang puwersang mga tao laban sa isang bansa. Ito ay _____2______ na marahas at malakonstitusyon. Samadaling salita, pinaiiral nito ang lakas laban sa lakas sa pamamagitan ng digmaan at pag-aalsa. Ang pasibong nasyonalismo naman ay nagpapahayag ng mga sentimyento ng tao ngunitang pamamaraan nito ay ____3______ mas payapa _____4____ tulad ng ipinamalas ni Dr. JoseRizal at ng iba pang manunulat na ipinahahayag ang saloobin sa pamamagitan ng literatura. Ang dalawang uring ito ng nasyonalismo ay _____5______ ginamit ng mga bayaningPilipino upang makamit ang tunay na kalayaan. Mula sa : Daloy ng Kasaysayan at Pamahalaang Pilipino nina Zenaida Q. Reyes,NerissaS. Tantengco Nadalian ka ba ? Kung tama ang lahat ng iyong sagot, magpatuloy ka sa sub-aralin 2.Kung hindi, sagutin mo ang kasunod na gawain.Paunlarin Basahin mo ang maikling usapan sa ibaba. Mula rito, dugtungan mo ang nasabingusapan na bubuo sa kaisipan ng paksa. 11

Sino nga ba ang Para sa akin, si Dr. dapat na ituring na Rizal. pambansang bayani, si sapagkat__________. Dr. Rizal o si Andres Bonifacio? Ay! sa akin naman, si Andres BonifacioSige nga, pakinggan dahil sa __________.nga natin bakit ninyosila nasabingpambansang bayani? Kung tapos ka na, ipakita mo sa iyong guro ang iyong ginawa upang mabigyan ka ngangkop na marka. Maaari ka nang magpatuloy sa sub-aralin2.SUB-ARALIN 2: Pagkilala at Pagsusuri sa Anyo ng Pahiwatig naKontekstwalLayunin: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga piling parirala/pahayag batay sa kontekstong pagkakagamit nito 2. Napipili ang mga salita sa pangungusap na nagbibigay-pahiwatig sa kahulugan ng mahihirap na salita o kaisipan ng pangungusap 3. Nakapag-uugnay – ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa pagbuo ng talataAlamin: 12

Basahin at unawain mobng mabuti ang teksto. Pagkatapos, sagutin ang kasunod na mgatanong. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel. SIGLA AT GITING PALAGING NAGNININGNING “Malayo ang tingin wala namang tinatanaw”. Bahagi ng isang awit na naglalarawan ngnangungusap na kasaysayan na sa puso ng bawa’t isa’y may panahong itinatak. Kasama kokayong silipin ang siwang ng dilim na giangalawan ng ating lahi na nakatalikod sa katotohanangbahagi ng lupit sa pakikitalad sa hamon ng buhay. Walang sigla… takot… pipingsaksi samadidilim na kaganapan sa kapaligiran. Pinahihintulutang Manahan ang dapo nang matagal sasariling puno. Niligkis ang sangang pinakasunuan at naghari-harian. Tama na !... Sobra na! Ito ang umaalingawngaw sa buong kapuluan. Naganap ang PeoplePower Revolution sa Edsa noong Pebrero 22, 1986 sa buwan pa ng puso. Buong sigla at giting na sinalubong nang mga mamamayan, pari at madre ang mgakanyon at tangke. Dala’y bulaklak, rosaryo at pagkaing ibinibigay sa mga sundalo ng rehimengMarcos. Taimtim na nagdasal at masayang nag-awitan ng makabayang awitin ang mga tao. Patuloy naman sa panawagan ng pagkakaisa si Jaime Cardinal Sin sa mga mamamayanna naging mahinahon at makipagtulungan. Tinatayang mga 3 milyon ang mga nagpunta saEDSA. Channel 4 at mga daang patungong Malacañang upang ipakita ang matinding pagsuportasa mapayapang rebolusyong nagpaalis sa kapangyarihan ng tinaguriang Diktador-PangulongFerdinand Marcos. Naganap ang apat na araw na rebolusyon sa EDSA. Nagtagumpay ang mga nabinhian ngdiwang nasyonalismo dahil sa kagitingang ipinamalas. Pebrero 25, 10:20 ng umaga, ipinoklama si Gng. Corazon C. Aquino bilang kauna-unahang pangulong babae ng bansa sa Club Filipino Greenhills, San Juan, Metro Manila. Ang mga pangyayaring isinalaysay ay bahagi na ng ating kasaysayang nakatatak sa pusong bawat Pilipino.1. Sa pahayag na “Malayo ang tingin, wala namng tinatanaw”. Bahagi ng isang awit nanaglalarawan ng nagungusap na kasaysayan na nasa puso ng bawat isa. Ang bahaging maysalungguhit ay nagpapahiwatig na :a. karanasang di malilimot c. dapat malaman ng Pilipino ang kasaysayanb. madugo ang karanasan ng bansa d. ang awit ay pangkasaysayan2. “Tama na!... Sobra na!” Ibig ipakahulugan ng pahayag ang_______________.a.galit nila sa sitwasyon c. pagtutol sa isang pangyayarib pagsuko sa kaganapan d. paghahasik ngn karahasan3. Taimtim na nagdasal at masayang nag-awitan ang mga tao.Sa pangungusap, makikita ang_______________.a. pagkakaisa ng mga tao b. pananalig nila sa Dakilang Lumikhac. pagkahilig nila sa awit d. pagiging relihiyoso ng mga tao.4. Ang teksto ay tumatalakay sa __________________a. panahon ni Dating Pangulong Marcos c. mapayapang himagsikanb. Si Gng. Corazon Aquino bilang pangulo d. isang madamdaming awit5. Ang nangingibabaw na kaisipan sa teksto ay ___________________.a. Di dapat kalimutan ang mga kasayasayan sa bansa.b.. Ang pagkakaisa ay mahalaga sa isang bansa.. 13

c. May magagawa ang mga mamamayan para sa bansa. d. Umasa sa magagandang kaganapan. Kung tapos mo nang sagutin ang pagsasanay. Kunin mo sa iyong guro ang susui sapagwawasto. Alam kong medyo naguluhan ka pero huwag kang mag--alala. May mga bahagikang di gaanong naunawaan ,di ba?Maging ang nilalaman ng teksto ay medyo humamon saiyong kaisipan. Tingnan mo pa ang kasunod na ipababasa ko sa iyo. Bahagi ito ng isang tula ni Marcelo H.del Pilar na may pamagat na “Isang Tula sa Bayan.” Ang kamusmusan ko kung aalalahanin, halaman at bundok, yaman at bukirin, na pawang naghandog ng galak sa akin, ay inaruga mo bayang ginigiliw. Ipinaglihim mo nang ako’y bata pa, ang pagdaralitang iyong binabata, luha’y ikinubli’t nang di mabalisa, ang inaandukha mong musmos kong ligaya. Ngayong lumaki nang loobin ng langit, maanyong bahagya yaring pag-iisip magagandang nasa;y tinipon sa dibdib pagtulong sa iyo bayang iniibig. Ngayon na nga lamang, ngayon ko natatap ang pagkadusta mo’t naamis na palad. Sa kaalipinan mo;y wala nang nahabag, gayong kay-raming pinagpalang anak! Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Pansinin mo ang bahaging “ Sa iyong kandungantinubuang lupa, pawang nalilimbag ang lalong dakila”.Isa pa, yaong bahaging “ Ngayon konatatap, ang pagkadusta mo’t naamis na palad”. Naunawaan mo ba ang nais ipakahulugan ngmga salitang ito? Alam kong maraming katanungan ang nabubuo sa iyong isipan kaya basahin mo angbahaging LINANGIN at tiyak may matututuhanan ka.Linangin 14

Sa pagkuha ng kahulugan, maaaring magamit ang pahiwatig na kontekstwal(Context Clues) sapagkat maaaring makuha ang kahulugan sa konteksto ogamit nito sa isang pahayag. Ang mga sumusunod ang anyo nito:1. Definition o kahulugan ng salita ay makukuha sa ibang bahaging pahayag o pangungusap.Halimbawa: Ang nasyonalismo ay marubdob na pagmamahalsa bansa na nagpapakita ng taos na paglilingkod at may kaakibat na pagpapakasakit.2. Karanasan- Sa karanasang nabanggit sa pangungusap, maaaringmatukoy ang kahulugan ng salita.Halimbawa: Labis siyang nababalisa sapagkat gabi na;y wala paang kanyang anak.3. Salungatan- Ang salita ay may kasingkahulugan ngunit ang malamanang kasalunagt na kahulugan ng salitang tinutukoy ay lalong mainam.Halimbawa: Sa kabila ng pagsugpo sa karahasan, patuloy paring umiiral ang kriminalidad.4. Pahiwatig- Kung ipinakikita ang sanhi at bunga ng pahayag,malalaman ang kahulugan ng salita.Halimbawa: Ang isang ugat ng pagkaalipin ay dahil sa kawalanng pagkakaisa ng bawat isang mamamayan.5. Tono- Kadalasan, ang himig at tono bilang paraan ng pagbigkasay nakatutulong upang maibigay ang kahulugan ng isang salita.Halimbawa: a. Mabuhay ang kabataang Pilipino!Ang pahayag ay may maigting na damdaming ipinadarama, nangangahulugan ng pagbubunyi. b. Mabuhay angt Pilipino?Ang pahayag ay nagsasaad ng pag-aalinlangan, walang katiyakan. c. Mabuhay ang Pilipino…Ang pahayag ay nagsasaad ng pagdaramdam, ng kalungkutansapagkat may kakulangan sa inaasahan..Basahin mo ang impormasyong nasa ibaba. Matapos mong basahin ang mga impormasyon, sagutin mo ang gawaingnasa GAMITIN. Huwag kang mag-alala, tiyak kayang-kaya mo ang mga ito kaya simulan mona.Gamitin A. Panuto: Ibigay mo ang kasingkahulugan at piliin sa loob ng pangungusap ang kahuluganng salitang may salungguhit. 1. Ang katampalasang ginawa ng mga dayuhan ay pagasasamntala sa kahinaan ng nalupig nabansa. 15

2. Ang pag-ibig ay makapangyarihang damdamin ng tao sa kanyang kapwa. 3. Ang pagkakaisa ng mga mamamayan ay nag-uugnay sa mga tao sa kanilang kasaysayan. 4. Sa pag-unlad ng kalakalan, lumawak ang agrikultura at napabuti ang sistema ngkomunikasyon. 5. Ang kasakiman sa kapangyarihan ay daan upang maging mapagbigay ang mamamayan. Naniwala ka na ba? Madali lang, di ba? Ngayon naman, subukin mo ang susunod nagawain. Hindi ito mahirap pero mag-iisip ka lamang nang kaunti sapagkat susuriin mo ang anyong pahiwatig na kontekstwal na ginamit upang makuha ang kahulugang nakapaloob sapangungusap. Handa ka na Ba? Kung gayon, simulan mo na.Basahin mo muna ang panuto. B.Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Pagkatapos, hanguin sa pangungusap angkasingkahulugan ng salitang may salungguhit. Isulat sa tabi ng iyong sagot ang anyo ngpahiwatig na kontekstwal. 1. Maraming konserbatibo o yaong mga taong may pagkiling sa tradisyon ang namayani bagoang rebulusyon. 2. Isang huwad na paglilitis ang naganap sapagkat ang mga hinarap na testigo binayaran upangidiin ang tatlong paring martir. 3. Nagdurugo ang puso ng ina sa pagkawala ng kanyang anak. 4. Ang pagpapatugtog ng plegaria ay simbolo ng pagdadalamhati ng sambayanan. 5. Ang tinuligsa ng mga manunulat ang di- makataong pamamalakad sa bansa sa paraangpinapurihan nito ang mga Pilipinong nagpamalas ng kadakilaan. Marahil tapos mo na ang gawaing ito, maaari mo nang iwasto ang iyong sagot. Nasaiyong guro ang susi sa pagwawasto.Kung tama ka sa lahat ng tanong, ang galing mo! Kung maymali ka pa, muli mong balikan at basahin ang knakaraang gawain. Kung hindi naman,ipagpatuloy mo ang pagbabasa at dumako ka na sa LAGUMIN.Lagumin:A. Panuto: Piliin mo sa loob ng pangungusap ang salita o mga salita na magbibigay ngpahiwatig na kahulugan sa mga salitang may salungguhit at ang anyo ng pahiwatig nakontekstwal na ginamit. 1. Masalimuot ang buhay ng mga Pilipino noon at naayos lamang ito nang matamo nila angganap na kalayaan. 2. Labis ang paghihimagsik ng kalooban ng mga Pilipino dahil sa wala silang kalayaan 3. “Sugod mga kapatid.” Ito ang sigaw ng mga Katipunero noong ang bansa ay nasa ilalim ngmapaniil na dayuhan. 4. Hindi makayanan ang hilahil ng kalooban dahil sa sobrang kahirapan.ipagpatuloy mo angpagbabasa. Kung hindi naman, balikan mo ang teksto at basahin mong muli. 5. Ang magbata ay magtiis ng hirap. 16

Matapos mong sagutin ang pagsasanay na ito, kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto.Kung tamang lahat ang iyong sagot,ipagpatuloy mo ang pagbabasa. Ngayon naman, punan ng angkop na sagot ang patlang upang mabuo ang kaisipan. A. Makukuha ang ______________ sa loob ng pangungusap sa pamamagitan ng_____________________.. Ito ay may _________ na anyo batay sa mga sumusunod: 1 __________________________________. 2.___________________________________ 3.__________________________________ 4.___________________________________ 5.___________________________________B. Tingnan nga natin kung alam na alam mo ang mga anyo ng pahiwatig na kontekstwal. Isulat mo sa iyong sagutang papel ang tinutukoy. 1. Kung ipinakikita ang sanhi at bunga ng isang pangyayari na nasasaad sa pangungusap. 2. Bawat salita ay may kasingkahulugan ngunit kung malalaman ang ___________ ay lalong mainam. 3. Sinasabing ang ____________o kahulugan ay makikita sa ibang bahagi ng pahayag o pangungusap. 4. Bawat tao ay may ____________ at mula rito, maaaring mapagkunan din kahulugan ang salita. 5. Ang bawat damdamin ng tao ay nagpapahayag ng tinatawag nating ___________sa pagsasalita na nagpapahiwatig ng kahulugan ng salita..Subukin: Isulat mo ang ipinahihiwatig na kahulugan ng mga salitang may salungguhit Pagkatapos,piliin sa loob ng pangungusap ang salitang nagbigay-pahiwatig sa kahulugan nito. .1. Sa kasalukuyan, mapapansin natin na watak-watak ang mga Pilipino sa pagpapasya samagiging kinabukasan ng bansa at ito ay nararamdaman natin dahil sa may kani-kanyangplataporma ang iba’ ibang grupo ng lipunan na pawang nagmumungkahi ng pagbabago.2. Noon, ang pagiging makabayan ay nasusukat sa armadong paghihimagsik sa ngalan ng Inang–bayan kung kaya nasulat sa kasaysayan na marami ang lumaban alang-alang sa kalayaan.3. Ang nasyonalismo ay hindi nangangahulugan ng madugong labanan kundi napakatindingpagmamahal o pag-ibig sa bayan.4. Napupukaw sa tao ang damdamin ng galit kapag ang mga ito’y minaliit o hinamak ng iba.5 -6.. Hindi pa huli ang lahat, may pagkakataon pa para sa maningning na kinabukasan sapagsikat ng araw kung hindi tayo pasusupil sa mapanakop na dayuhan.Salitang may Pahiwatig na Pahiwatig naSalungguhit Kahulugan Kontekstwal 17

123456 Matapos mong masagutan ang pagsubok, kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Kung marami ka pang mali, muli mong basahin ang sinagutang pagsubok at muliitong basahin.Kung wala ka namang mali, magpatuloy ka sa susunod na gawain.Paunlarin A. Basahin mo nang tahimik ang talataan. Pagkatapos, isulat sa hanay ang pahiwatig nakahulugan at ang pahiwatig na kontekstwal ng mga salitang may salungguhit. Ang anumang partido o lapian ay kasimbuti at kasinsama lamang ng mga taong umuugitat bumubuo ng partidong iyan;walang partidong lubos na mabuti at walang partido namang lubosna masama. Kung pagkatapos ng labanan sa pulitika, ang ating ipinunla sa ating damdamin at puso aypaghihinala’t paghahati-hati, paano pa nga magkakaroon ng pagkakaisa ang mga mamamayan?Bawat isa’y iba – iba ang nais na mangyari, pinagpipilitan ang kanyang sariling ideyolohiya sapananaw ng iba. Bunga nito, ibayong sigalutan, salungatan at walang humpay na batikusan Tayong lahat ay Pilipino. Iisa ang lahing pinagmulan natin kaya apuhapin sa ating pusoang pagkamakabansa na siyang susi sa tunay na pagkakaisa. B. Bumuo ka ng sariling talata na ginagamitan ng mga salitang may pahiwatig na kahulugan. Kung tapos ka na, muli mong kunin ang susi sa pagwawasto at nang malaman mop kungtama ang iyong sagot. Siguro naman, malinaw na sa iyo ang aralin sa modyul na ito. Maaari kanang magpatuloy sa susunod na modyul.SUB-ARALIN 3 Suriin ang Tekstong Argumentativ at ang Katangian nitoLayunin 1. Nakikilala at nasusuri ang tekstong argumentativ 2. Nasusuri ang teksto batay sa nilalaman a. tema at paksa b. pagpapahalaga sa kaisipan. 3. Nasusuri ang teksto batay sa tiyak na katangian nito: 18

a. Pagkilala sa tono ng teksto b. Pagtuloy sa layon ng teksto c. Pagtukoy sa relasyon ng teksto sa mambabasa 4. Nakabubuo ng isang tekstong argumentativAlamin Basahin mo ang teksto. Pagkatapos, sagutin mo ang kasunod na mga tanong. Isula mo sasagutang papel ang sagot. Noon sa Ngayon Marami nang panahon ang lumipas.Ang mga ninuno at magulang natin na kasama –sama sa dakilang pangyayaring yaon ng kasayasayan, sa panahong ang mga mamamayan aydumaranas ng labis na paghihirap sa kamay ng mga mapaniil na dayuhan ay wala na. Angkanilang boses ay di na natin maririnig, ang kanilang mga turo’y di na nila maihahatid kasamayaong mga kuwento ng himagsikan na nakakapagpatawa kung minsan at kadalasan naman aynakasisindak; ang kanilang mga katawan ay matagal nang inangkin ng lupa – ng lupang tinubuanna siyang ipinagtatanggol nila nang buong lakas. Marahil, ang uri ng digmaan na kanilang pinasukan noong panahong yaon ay hindi namauulit. Kung ang itak at gulok ay sapat upang sagipin ang kapurihan ng Inang Bayan sapanahon ni Rizal at ni Bonifacio, ang itak at gulok ay hindi maaaring gamitin sa uri ng digmaanngayon. Datapwa’t kung ang mga panlaban sa digmaan ay magkaiba, ang mga kasangkapan nalalong mahalaga – ang kagitingan, ang tapang, ang pagtatapat, ang pagtitiyaga at pagmamahal nawalang maliw sa Bayan – ay walang pagkakaiba. Totoong tayo’y nasa panahon ng kapayapaan ngayon, kahit na ang alapaap ng bagongdigmaan ay tila baga laging nakatapat sa atin. Panahon nga ng kapayapaan, datapwa’t ang mgasuliranin natin ngayon – ang suliranin ng madlang paghihirap at pahghihikahos, ang malaki atmalawak na agwat ng mga taong mayroon at mga taong walang-wala, ang suliranin ngpagwawaldas sa kabang-bayan, ang suliranin ng pagtataksil sa pagtitiwalang ipinagkaloob sakanyang mga pinuno – ang mga suliraning ito’y nangangailangan ng kagitingan, ng tapang, ngpagtatapat at pagsusumakit na katulad na ipinakita ng ating mga bayaning ating inaalaala atpinararangalan. Hango sa Living News & Good Educ Hulyo 20,2005, .Isang bahagi ng binigkas na talumpati ni Congressman SalongaMga Tanong: 1. Tungkol saan ang teksto? 2. Ano ang dalawang uri ng digmaan ang binabanggit sa teksto? 3. Ano lamang sa digmaan ang hindi naiiba?Ipaliwanag ang sagot. 4. Ano ang dalawang preposisyon ang inilahad sa teksto? 5. Ano ang paraan ng pagkakasulat ng teksto? 19

Nahirapan ka ba sa pagsagot? Hwag kang mabahala.Kung mali ka man o mababa angiyong iskor, tutulungan ka ng modyul na ito kaya kunin mo na sa iyong guro ang susi sapagwawasto. Tapos mo na bang iwasto ang iyong sagot? Kung mababa ang iskor mo, muli mong basahinang gawaing ito, Kung hindi naman, ipagpatuloy mo ang pagbabasa.Linangin A. Panuto: Ayusin mo ang mga ginulong letra upang mabuo ang salitang nakapaloob dito. GA V I TA N RE MTU Ano ang nabuong salita? Alamin mo sa iyong guro kung tama ang iyongsagot.Pagkatapos, basahin mo nang tahimik ang sumusunod na impormasyon. 20

A. Ang tekstong argumentativ ay nagpapakita ng proposisyon sa pagitan ng mga konsepto o iba pang proposisyon. Tumutugon ito sa tanong na bakit.Ito ay naglalahad din ng panig ng isiping pinaniniwalaan ng manunulat. Samakatwid, ito ay may pagpapaliwanag sa paksang pinagtatalunan o balangkas ng argrumento. May mga patunay ito na nagpapalakas ng panig na pinaniniwalaan. Ang argumentasyon din ay isang proseso ng pagsuporta o pagpapahina sa pahayag ng katalo kung saan ang baliditi nito ay pinag-aalinlanganan o maaaring hadlangan. B. Pagsusuri sa nilalaman: 1. Pagtalakay sa tema o paksa- Ito ay nababatay sa isang tiyak na bahagi ng teksto o sa kabuuan nito kinukuha ang tema o kisipan ng binasang aralin. 2. Pagpapahalaga sa kaisipan- Matapos malaman ang pangunahin at pantulong na kaisipan, pinalalawak ang pagtalakay upang mangibabaw ang kahalahgahan ng kisipang nakuha sa teksto. 3. Paghango sa kaisipang pinaniniwalaan at tinututulan- Bawat tao ay may mga panig na pinaninindigan at may mga sinasalungat. C. Pagsusuri sa ispesifik na katangian ng teksto- 1. Pagkilala sa tono ng teksto- Ang tono ay tumutukoy sa nagha haring damdamin sa teksto. Ito ay maaaring malungkot o masaya, nagagalit o natutuwa, nanlilibak o nagmamakaawa. Maaring makuha ito sa praan ng pagsasalita o maaaring sa kilos. 2., Pagtukoy sa layon ng teksto-Upang matukoy ang layon ng teksto, kinakailangang maisa-isa ang mga nais sabihin ng teksto sa mambabasa. 3. Pagtukoy sa kinakausap at nagsasalita sa teksto- Sa bahaging ito ng pagsusuri, malalaman kung para kanino ang teksto. Sa pagtukoy sa nagsasalita, malalaman ang pananaw ng sumulat.Matapos mong basahin ang impormasyong ibinahagi sa iyo, maaari ka nang magtungo sasusunod na gawain.Gamitin A. Panuto; Basahin mong mabuti ang talataan. Pagkatapos, sagutin mo ang kasunod namga tanong. Titik lamang ang isulat. Sa Panahon ng Kapayapaan Totoong tayo ay nasa panahon ng kapayapaan ngayon, kahit na ang alapaap ng bagongdigmaan ay tila baga laging nakatapat sa atin. Panahon nga ng kapayapaan, datapwa’t ang mgasuliranin natin ngayon—ang suliranin ng madlang paghihirap at paghihikahos , ang malaki atmalawak na agwat ng mga taong mayroon at mga walang-wala, ang suliranin ng pagwawaldas sakabang-bayan, ang suliranin ng pagtataksil sa pagtitiwalang ipinagkaloob sa kanyang mga 21

pinuno—ang mga sulioraning ito’y nangangailangan ng kagitingan, ng tapang, ng pagtatapat atpagpapakasakit na katulad na ipinakita ng ating mga bayaning ating inaalaala at pinararangalan. Sapagkat hindi sapat na tayo ay magbigay-parangal at papuri sa kanilang kagitingan; anglalong mahalagang katanungan ay kung papaanong ang kanilang alaala’y maaaring magingpatnubay natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Marahil, ang kabayanihang kailangan natin ngayon ay hindi ang sigabo ng katapangan napanandalian lamang, hindi ang kagitingan sa pakikipaglaban sa parang ng digmaan – isangpakikipaglaban na maaaring malutas sa loob ng isang oras, o ng isang araw ,o ng isang linggo;maaaring ang uri ng kabayanihan na kailangan ngayon ay yaong matahimik at matiyagangpagtatapat sa ating mga gawain, yaong may pagtitiis, walang katumbas na halaga at hindi para sasariling kabutihan. 1. Ang dalawang argumentong pinaksa sa teksto ay __________________. a. Panahon ng kapayapaan at suliranin sa kasalukuyan b. Suluranin ng pagwawaldas at kagitingan ng mamamayan c. Kabayanihang isinagawa noon at ngayon d. Pagpaparangal sa mga bayani at kaginhawahan sa buhay 2. Ang kaisipang nangingibabaw sa teksto ay ____________________. a. magtiis at magpakasakit b. magpakamatay para sa bayan c. sikaping maging payapa ang buhay. d. tularan ang mga namayapang bayani. 3. Layunin ng tekstong __________________________. a. maglarawan ng nakaraan b. magsalaysay ng karanasan c. maglahad ng pangyayari d. magbigay ng sariling panig 4. Ang tono ng teksto ay ________________________. a. nagdaramdam b. nababahala c. natatakot d. nagagalit 5. Ang teksto ay para sa ____________________. a. mga bayaning namatay para sa bayan. b. sa mga namumuno sa pamahalaan. c. sa mga mamamayang ng bansa d. mga mayayaman at nakaririwasa sa buhay. Kung tapos ka, maaari mong kunin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Kung ikaw ay may mali, muli mong basahin ang teksto. Kung tama ang lahat ng iyong sagot,magpatuloy ka sa susunod na gawain. 22

Lagumin A. Panuto: Sa tulong ng dayagram, ano ang relasyon ng teksto sa mambabasa? KABAYANIHAN Bisang Bisang BisangPandamdamin Pangkaisipan PangkaasalanB. Panuto: Punan ng angkop na sagot ang patlang: Ang tekstong ARGUMENTATIV ay ____________1__________ naglalahad ng_____2______ na pinaniniwalaan ng _______3__________. Ito ay _____________ sa _paksang________________. Upang malaman mo kung naunawaan mo ang aralin, gawin mo naman ang kasunod nagawain, ang SUBUKIN.Subukin Panuto: Basahin mo ang talataan. Pagkatapos, sagutin mo ang kasunod na pagsusulit.Titik lamang ang isulat. Bayan Muna Bago ang Sarili Unahin muna ang bayan bago ang sarili. Ilagay muna ang kapakanan at pangangailanganng bayan kaysa sariling kapakanan at pangangailangan. Isa lamang ang bayang pinaglilingkuran natin, isang bandila, isang sagisag, isang mithiin,isang pag-asa, isang pangarap—at kung ang Inang-bayan ay maging malaya, sagana at 23

matahimik, ang kapurihan ay hindi sa isang lapian o sa isang pangkat kundi sa ating lahat, saating pamahalaan at sa ating lahi. Kung ang bawat isa ay tuligsaan nang tuligsaan, itinatanim sa puso ay paghihinala’tpaghahati-hati, hindi natin inuuna ang ating bayan. Kung ang lahat ng magaling ay nasa atingpartido lamang at ang lahat ay masama ay nasa kabilang partido, humihina ang Inang –bayansapagkat nawawala ang katotohanan.Tandaan natin, ang anumang partido o lapian ay kasingbutiat kasingsama lamang ng mga taong umuugit at bumubuo ng partidong iyan, walang partidonglubos na mabuti at walang partidong lubos na madama. Kung inilalagay natin sa ating mga puso ang ikararangal at ikagagaling ng bayan kaysapansariling kasiyahan, inuuna nga natin ang Inang-bayan. Sa ganito, maigagalang na, magingang karapatan ng mga lalong aba, pinalalakas natin ang demokrasya at ang kalayaan na siyangdahilan ng paghihirap at pagpapakasakit ng mga namayapang bayani. Tahasang masasabi,inuuna nga natin ang bayan bago ang sarili.Kung hindi, paano na tayo sa kinabukasan?1. Ang paksa sa teksto ay tungkol sa ______________.a. bayan c. partidob. sarili d. kinabukasan2.. Binibigyang-linaw sa teksto na ____________________________.a. iisa lamang ang ating mga paniniwala.b. hindi dapat manuligsa matapos ang halalan.c. mahalagang unahin muna ang bayan.d.palakasin ang demokrasya at kalayaan3.Alin ang maaaring ibunga ng pahayag na “Tuligsaan nang tuligsaan, itinanim sa puso ay paghihinala’t paghahati-hati”. Ang pahayag ay nagpapahiwatug ng _____________. a. pagtatanim ng galit b. kawalan ng pagkakaisa c. awayan at babagan d. hindi pagkikibuan4. Sa pahayag na “Maigagalang na maging ang karapatan ng lalong aba. Ang aba aynangangahulugang __________________.a. mababa c. mahirapb. pulubi d. ulila5. Walang partidong lubos na mabuti at lubos na masama.Ang pahayag ay nangangahulugang __________________. a. Walang partidong nag-iisip para sa bayan. b. Walang partidong may ganap na kakayahan. c. Walang magagawa ang bawat partido. d. Walang perpektong partido.6. Layunin ng tekstong _____________________.a. manghikayat c. magbigay-linawb. mangaral d. maglarawan 24

7.. Ang tono ng teksto ay____________________. a. nababahala c. natatakot b. nalulungkot d. nalilito8. Ang bisang pangkaasalang nangingibabaw sa teksto ay ________________. a. Isaalang-alang ang sasabihin ng iba. b. Dapat na maging tapat ako sa bayan. c. Iiwasan ko na makatuligsa ako ng iba. d. Dapat marunong akong magpaliwanag.9. Alin sa mga sumusunod ang nagingibabaw na kaisipan ? a. Maging makabuluhang mamamayan ng bansa. b. Unahin muna ang bayan bago ang sarili. c. Walang partidong lubos na masama at mabuti. d. Ang lahat ay maaaring maging bayani.10. Sa kabuuan, ang teksto ay tekstong ________________. a. narativ c. informative b. argumentativ d. descriptiv Marahil, tama ang lahat ng iyong sagot. Kunin mo na sa iyong guro ang sagot. Kung maymali ka pa, basahin mong muli ang nakaraang gawain. Kung hindi nama, ipagpatuloy mo.Paunlarin Panuto; Sumulat ka ng isang tekstong argumentativ na may kaugnayan sa araling tinalakaynatin. Pagkatapos, ipabasa mo sa iyong guro upang malaman mo kung tama ang iyong ginawa. Kung tapos ka na, magpatuloy ka sa susunod na aralin.Sub-aralin 4: Sumulat KaLayunin 1. Nailalahad nang maayos ang pansariling pananaw, opinyon at saloobin 2. Nakikilala ang mga salitang kaugnay ng isang salita o paksang - ideya 3.. Nakapag-uugnay-ugnay ng mga makabuluhang impormasyon sa pagbubuo ng talata 4.. Nakasusulat ng isang tekstong argumentativ 5.. Nagagamit ang kaalamang gramatikal at teknikal sa pagsulatAlamin Panuto: Suriin mo ang talatan: 25

Ano na nga ba ang alam mo sa kasaysayan ng bansa? Alam mo ba ang hirap napinagdaanan ng mga namayapang bayani?ang kanilang paninindigan para sa bayan,alam mo ba? Bawat mamamayan ng isang bansa ay bahagi ng sinasabing pinagdaanang hirap atpagtitiis ng mga namayapang bayani. Sila ang tunay na makabansa na dapat dakilain. Sila angtunay na nagmahal sa bayan sapagkat sa kanilang laban, wala itong hinintay na kapalit kundimabawi ang bansa sa kuko ng mga mapagsamantala at nang-aalipin sa mga mamamayan.Sakanila nag-ugat ang tunay na nasyonalismo, ang tunay na pagmamalasakit sa bansa. Hindi silatulad ng iba na walang inatupag kundi ang magsasalita lamang at ipangalandakan angpagmamahal nila sa Inang-bayan. Sila ang ilan sa ngayon na mapagbalatkayo at ang tunay naintensyon ay lituhin ang sambayanan at mapaniwala ang nakararami na sila ang sasalba sapaghihirap sa kabuhayang na dinaranas ng bawat isa. Di sila tulad ng mga tunay na bayani nglahi na ipinakikita sa kilos ang talagang pakay nila sa bansa. Sa ngayon, ang bansa ay nasa krisis. Kung hindi pa tayo kikilos, kung patuloy pa tayo sasistema ng kanya-kanya,magigising tayo isang umaga na wala na ang ating kalayaan, wala angating pagkalahi at wala na tayong kinabukasan. Pansinin ang talataan. Paano ba ito sinimulan? Paano ba ito winakasan? Malinaw bangnailahad ang mga ideya? May pagtutulad bang nabanggit sa talata?Anong bahagi ang Malabo sa iyo.Upang maliwanagan ka, basahin mo ang kasunod naimpormasyon. Linangin Bago sumulat- Pumili ng paksa at saka manaliksik upang mapalawak ang kaalaman ukol dito. Gumawa ng balangkas nang maging organisado sa pagpapalawak ng kaisipan. Pagsulat ng burador- Bagamat may inihandang balangkas, maging flexible sapagkat habang sumusulat, maraming bagong kaisipang madaragdag sa iyong isinusulat. Sa pagsulat, alalahanin ang mga sumusunod: 1. sumulat nang parang nakikipag-usap lamang. 2. Alamin ang paksa. 3. maging matapat sa sarili. 4. Ipanatag ang kalooban. Hango sa Kakayahang Pilipino sa Komunikasyong Filipino ni Jose A. Arrogante at Lakandupil C. Garcia 26

Paraan ng pagsulat ng simula ng isang talata: 1. Isang katanungan 2. Isang makatawag-pansing panbgungusap 3. Isang pambungad na salaysay 4. Salitaan 5. Isang sipi 6. Isang makabuluhan at makahulugang pangungusap 7. Kasaysayan o pangyayari 8. Tahasang paglalahad ng suliranin Paraan ng pagwawakas 1.Paglalagom sa isang pangungsap ng buong nilalaman 2.Pagpapahayag ng punong kaisipan 3. Pag-iiwan ng isang katanungan sa isipan ng mambabasa 4. Pagpapahiwatig ng mga pasyang higit na hinihingi ng sinundang paliwanag 5. Paggawa ng isang parang panghuhula 6. Pagsariwa ng suliraning binanggit sa simula 7. Pag-uulit ng isang pangungusap o kawikaang ginamit sa bungad ng paglalahad o ng pamagat 8. Paggamit ng isang angkop na sipi sa isang akda na nasusulat sa tula o tuluyan. Naunawaan mo ba ang iyong binasa. Kung gayon, dumako ka sa susunod na gawain atgawin mo ang pinagagawa sa iyo. Hwag kang mag-alala, madali lang ito.Gamitin: Panuto: Ayusin ang ginulong talataan upang makabuo ng isang mabisang paglalahad.Isulat ang A-E sa iyong sagutang papel. 1. Dahil dito, maraming pulitiko ang hindi kuntento sa paraan ng pagpapahayag ngnasyonalismo. Dapat daw na magkaroon ng mga patakaran upang maipalaganap angnasyonalismo. 2. Sa kasalukuyan, may ilang Asyanong iskolar ang nag-akalang ang nasyonalismo aylipas na., ngunit ito ay hindi dapat paniwalaan sapagkat ang nasyonalismo ay may mahalagangpapel na ginagampanan sa pagsulong ng isang bansa sapagkat sa pamamagitan nito, makakamitang anumang programang pangkaunlaran. 3. Tingnan na lamang ang wikang Filipino na sinasabing dapat na siyang gamitingwikang panturo sa halip na wikang Ingles.. Sa bagay na ito, may nabuong katanungan. Totoobang mababawasan ang pagiging Pilipino kung Ingles ang gagamitin sa mga paaralan? Ang 27

paggamit ba ng Filipino ay sapat na dahilan upang ikaw ay tawaging nasyinalista?Kapag angisang Pilipino ay nagtungo sa ibang bansa , hindi na ba siya Pilipino? 4. Ang nasyonalismo ay konseptong nagsimula sa makatwirang pagkagalit ng mga taong iba’t ibang nasyon. Ito ang naghikayat sa mga bayani upang ipaaaglaban ang kasarinlan ngPlipinas, kahit na ang kapalit nito’y sarili nilang buhay. 5. Sa kabuuan, ang pagiging tunay na Pilipino ay nangangahulugang pagigingmakabansa sa isip, puso at kaluluwa. Katu7mbas din ito ng pagsisikap na matupad ang tungkulindahil ito ang kailangan ng bayan. Ikaw, masasabi mo bang tunay kang Pilipino? Naisagawa mo na ba ang gawaing? Kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto nang malaman mo kung tama ang iyong sagot. Kung may mali ka, muli mongbasahin ang gawain. Kung wala ka namang mali, ipagpatuloy mo ang pagbabasa.Lagumin Punan mo ng angkop na salita ang patlang na bubuo sa kaisipang nakalahad sa loob ngkahon. Ang ay isang kakayahan ngna makapagtala sa isang ng mgasalita, pangungusap at talata para sa makabuluhangBago magsulat, dapat na alam ang paksa at magkaroon ng panahon sa upang ang kaalaman.Kailangan ding sundinang tuntunin sa tulad paggamit ng ______._____._____?_____, _______!_______ at marami pang iba.Subukin; Mula sa dayagram sa ibaba , bumuo ka ng tekstong argumentativ.Gumamit ka ng mainamna simula at wakas sa isusulat na gagawin. 28

Alin ang higit na mahalaga, Filipino o Ingles? Filipino Ingles sagisag ng bansa tatak ng pagbabago pagkakakilanlan ng lahi kailangan sa kaunlaran gamit sa komunikasyon pandaigdigang ugnayan sa Pilipinas lamang pangkalakalan pangglobal mataas na lipunan Madali lang, hindi ba?Basahin mong muli ang iyong isinulat dahil sa baka mayroon kapang gustong baguhin. Kung tapos na, ipabasa mo sa iyong guro ang binuo mong talata. Upang lalo mong malaman ang kabisaan ng iyong natutuhan, gawin mo ang kasunodna gawain. Tiyak ko makakaya mo na ito.Paunlarin Panuto: Sumulat ka ng isang tekstong argumentativ na may mga pahayag napagtutulad. Isaalang-alang mo ang wastong gramatika at teknikal sa pagsulat.Pagkatapos,ipabasa sa iyong guro upang ito ay maiwasto.Gaano ka na kahusay ?Panuto: Piliin mo ang titik ng wastong sagot.A 1. Ang pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Kastila ay nagbigay-daan upang makuha ng mgamamamayan ang ganap na kalayaan.Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang____________. a.. pagkagalit c. paghihimagsik b. pakikipagsapalaran d. pagtutol2. Ang pahiwatig na kontekstwal na ginamit sa unang pangungusap ay ________. a. laban c. Kastila b. nagbigay-daan d. kalayaan3. Parehong masalimuot at walang kapayapaan ang buhay noong panahong ang bansa aysakop pa ng mga dayuhan.ngunit dahil sa diwa ng nasyonalismo, nagkaroon ng lakas angmga mamamayan upang lumaban kahit na ang kapalit nito ay higit na dusa at pagtitiis.Angsalitang masalimuot ay nangangahulugang_________________. a. nakalilito c. magulo b. maingay d.nakaiinis 29

4. Ang salitang nagpapahayag ng pagtutulad sa pangungusap blg. 3 ay _____________ a. pareho c. ngunit b. dahil sa d. higit5..Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga salitang pahambing na magkatulad maliban sa__________. a. ka_, Kasing_ c. paris, gaya b. kaysa d. kapwa6.Sina Rose at Ann ay ipinanganak noong Oktubre 20,1989. Sila ay ______________ ngkaarawan a. kapwa c. tulad b. pareho d. parisB.. Matamang basahin ang talataan: Ang lahat ay nangangamba nang mga panahong yaon. Ang babae;t lalaki, bata atmatanda ay waring nahihintakutan sa mga kaganapan.Paano nga naman kung magkagulo, kungpaputukin na ang mga tangke? Paano na nga naman ang mga inosenteng mamamayan. “Tama na, Sobra na! Hiyaw iyan sa Edsa ng mga naghahangad ng kapayapaan atnagmamalasakit sa kapwa mamamayan. Tama na nga naman ang pahirap sa mamamayan. Tamana nga naman ang pagsasamantala. Panahon na upang ang lahat ay kumilos tulad ng mga bayaninoon sapagkat ngayon nama’y maraming maituturing na buhay na bayani. Kung nag-iisip dawng para sa bayan, bayani yaon. Kung ang tao ay tumutupad sa kanyang tungkulin nang walangkatumbas na anuman, bayani rin yaon. Kung lahat tayo ay may disiplina, umaasam ng magandapara sa bansa,tiyak, na ang pag-unlad at wala ang problema sa kabuhayang.pambansa, lahat tayoay makabayan at nasa atin ang diwa ng nasyonalismo. Ikaw, kaya mo bang maging bayani?7. Ang teksto ay tekstong _________________. sapagkat may proposisyon itong umiiral.a. argrumentativ c. informativeb. narativ d. ekspositori8. Ang paksa ay tungkol sa _______________.a. EDSA Revolution noon c.pangamba ng nga taob. kayang gawin ng mamamayan d. mga namayapang bayani9. Layunin ng tekstong_______________a. mangaral c. maglarawanb. manghikayat d. magsalaysay10. Ang tono ng tekto ay ________________.a. nagagalit c. nangangambab. nalilito d. nalulungkot Tapos mo na ang modyul na ito. kaya binabati kita. Maaari mo nang iwasto ang hulingpagsusulit mo. pagkatapos nito, maaari ka nang magtungo sa kasunod na modyul. 30

Susi sa Pagwawasto Modyul 22 .Ano na ba ang alam mo? PagkakatuladA. Burma Pilipinas Nagsimula ang nasyonalismo noong unang dekada, ika-20 dantaonNagsimula ang nasyonalismonoong ika-19 na dantaon 1937 nahiwalay sa IndiaHindi naisakatuparan ang Maraming protesta sa Inglaterrahangad.Nag-alsa laban sa KastilaB. 6. pagsugpo D. 7. nasyonalismo 1. ekonomiya 8 pa niniil 1. Kapwa - kaysa 2. pag-aalsa 9. mananakop 2. naghirap - gayundin 3. umasam 10. martir 3. tulad 4. protesta 4. magkatulad 5. nakaantig 5. higitC. E 6. A 1 .OO 1. A 7. B 2. Hindi 2. B 8. C 3. Hindi] 3. C 9. B 4. OO 4. A 10. C 5. OO 5. BSub-aralin 1: Larawan 2:Alamin: Higit na maayos mapayapaLarawan 1: iniiwasan ang pagpatay panalangin ang sandata magulo ang senaryo marahas may patayan baril ang sandata 31

nakatatakot nakababagbag ng loobGamitinA. Mga magkatulad na ideya:1. Parehong magulo at walang kapayapaan ang buhay ng mga Pilipino.2. Tulad ng dapat asahan, higit na pinahahalagahan ng mapanakop na bansa ang kanilang kagalingan.3. Gaya ng nakaraang administrasyon, panibagong kalbaryo sa Pilipno ang bagong mananakop.4. Marami ang mapagsamantala tulad ng naisiwalat ng mga comfort women.5. Noon at ngayon ay magkatulad, nasa krisis ang bansa.B. Magkatulad Hindi MagkatuladParehong masalimuot Mas mabutitulad ng inaasahan Higit na pinahahalagahangaya ng nakaraantulad ng isiniwalatC. 1. kaysa 2. higit 3. tulad 4. kapwa 5. parehoLagumin A. mas Gayundin higit tulad higitB. pagtutulad pahambing pahambing na magkatulad – Kung ang pinaghahambing ay pareho ng uri o katangian.. Halimbawa – tulad, gaya, paris, kapwa pahambing na hindi magkatulad – kung ang pinaghahambing ay hindi magkapareho ng urio katangian. Halimbawa – kaysa, di tulad, di gaano , di gayaSubukin: 32

1. kapwa 2. higit 3. mas 4. tulad 5. parehoSub-aralin 2:Alamin:1. B 2. C 3. B 4. C 5. BGamitinA. 1. pagsasamantala – pagsasamantala B. 1. makaluma- definition o kahulugan2. pagmamahal – makapangyarihang lakas 2. hindi totoo-pahiwatig3. pagtutulungan – nag-uugnay 3. nagdadalamhati-karanasan4. lumaki – pag-unlad 4. tugtog sa patay-definition5. ganid/maramot- mapagbigay 5. pinupuna-salungatanLagumin:A. SALITA PAHIWATIG NA KAHULUGAN ANYO KONTEKSTWAL1. masalimuot naayos magulo kasalungat2. paghihimagsik wal;ang kalayaan pagkagalit pahiwatig3. Sugod mga kapatid sigaw paghahamon tono4. hilahil kahirapan pagdurusa pahiwatig5. magbata hirap magtiis definitionSubukin:Salitang may Pahiwatig na Kahulugan Pahiwatig na kontekstwal salungguhit1. watak-watak walang pagkakaisa kani-kanya2. paghihimagsik pakikipaglaban lumaban /kalayaan3. nasyonalismo pag-ibig sa bayan matinding pagmamahal4. napupukaw naaantig damdamin ng galit5. maningning maliwanag pagsikat ng araw6. pasusupil pagagapi mapanakopPaunlarin: Pahiwatig na KontekstwalPahiwatig na Kahulugan 33

lumilinang bumubuoitinanim damdaminpagwawatak-watak pagkakaisakaisipan pananawdamahin pusoSub-aralin 3:Alamin1. Ang kaugnayan ng buhay noon sa ngayon.2. marahas na digmaan at mapayapang digmaan3. suliranin sakahirapan4. ang pagpili sa dalawang uri ng digmaan5. pormal sapagkat pili ang salitang ginamitLinangin ARGRUMENTATIVGamitin1. C 2. A 3. D 4. B 5. CLagumin A. KABAYANIHANBISANG BISANG BISANG PANDAMDAMIN PANGKAISIPAN PANGKAASALANNakaaantig ng Bawat mamamayan ay dapat Tutupad sa tungkulin damdamin gumanap ng tungkulin Magmamalasakit saNabagbag sa Ang mamamayan ay dapat bansa. naganap. makilahok sa ikabubuti Hindi papayag na ng bansa. masakop muli ng dayuhan..B. 1. 1. teksto 2. panig 3. manunulat 4. nagpapaliwanag 5. pinagtatalunan 34

Subukin: 6. A 7. A 1. A 8. B 2. C 9. B 3. B 10. B 4. C 5. DSub-aralin 4:Gamitin : 1. C 2. B 3.D 4. A 5. ELagumin: Ang pagsulat ay isang kakayahan ng taona makapagtala sa isang papel ng mga salita, pangungusap at talata para samakabuluhang komunikasyon. Bago magsulat, dapat na alam ang paksa at magkaroon ng panahonsa_ pananaliksik upang lumawak ang kaalaman .Kailangan dingsundin ang tuntunin sa pagsulat tulad ng paggamit ng tuldok , tandang patanong,tandang padamdam at iba pa.Gaano ka na kahusay:A.1. C 6. B2. A 7. A3. C 8. B4. A 9. B5. B: 10. C 35

36

Pagsulat ng Isang Salaysay Tungkol saan ang modyul na ito? Bawa’t tao ay may kanya-kanyang kwento ng buhay. Kwentong kaysarap balik-balikan atdi-mawaglit sa isipan. Ikaw, anong pangyayari sa iyong buhay ang di-mo malilimutan? Bakit?Kaya mo ba itong isalaysay nang tuluy-tuloy? Madalas tayong magbahagi ng mga pangyayaring ating napanood o di kaya’y nabasa.Subalit higit na kasiya-siya kung ito’y naging bahagi ng ating karanasang nakakatuwa…nakakatakot… nakahihiya… Ito ang paksa ng araling pag-aaralan mo ngayon; ang pagsulat ng isang pagsasalaysay.Tungkol din ito sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon, pagbuo ngmagkakaugnay na kaisipan at impormasyon, pagpapahayag ng sariling opinyon, damdamin osaloobin sa isang halimbawang salaysay at pagbuo ng isang maayos na talatang nagsasalaysay. Tiyak na magiging kawili-wili ang bawat gawaing iyong pag-aaralan sapagkat kuwentoito ng bahagi ng buhay na maaaring mangyari rin sa iyo o kaya’y nangyari na. Handa ka na ba para sa pagsisimula ng iyong aralin? Ano ang matutunan mo? Inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul naito: A. Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pasulat na komunikasyon. 1. wastong baybay 2. wastong bantas 3. kawastuang gramatikal B. Naipahahayag ang pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modelo

C. Nasusuri ang sangkap at katangian ng mabuting pagsasalaysay 1. format 2. nilalaman D. Maipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng isang sulating nagsasalaysay na may magkaugnay na kaisipan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa sariling pagkatuto ang modyul na ito. Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulongng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang iyong paggamit kailangang magingmalinaw sa iyo ang mga nararapat gawin. Huwag kang mag-alala, sundin mo ang mgasumusunod: 1. Sagutin mo ang panimulang pagsubok; ang bahaging Ano na ba ang alam mo? Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Pag-aralan mo na ang paksang aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na Gawain. Mababasa mo ang mga dapat gawin. 4. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging Gaano ka na Kahusay? Pagkatapos iwasto ang iyong sagot sa tulong ng Susi. 5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Sagutin mo nang mabuti. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya ay notbuk. 6. Ang isang kaibigang nagmamalasakit ay dapat mong pahalagahan sapagkat mahalaga ka rin para rito. 2

Ano na ba ang alam mo? Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang dati monang kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? Magsimula ka na! A. Pamantayan sa Pasulat na Komunikasyon 1. Wastong baybay Panuto: Piliin at isulat ang salitang may wastong baybay sa talata. “Aba, Pare, hanga ako sa babaeng kasakay ko kanina sa _____1_____ (jip, dyip) biglang hinablot ng isang _____2_____ (isnatcher, isnacher) ang kanyang kuwintas at patalilis na bumaba. Agad ba namang pinatid ng babae ang paa niya. Na-off balance siya at nahulog. Putok ang kanyang ulo. Hawak pa niya ang kuwintas na hinablot nang damputin siya ng _____3_____ (pulis, police) Bale pare, ang kuwintas naman pala e _____4_____ (fancy, fansy) lamang. _____5_____ (Fake, Peke)! Hindi ginto!!! 2. Wastong bantas Panuto: Punan ng angkop na bantas ang bawat patlang. “Tuloy kayo, tuloy” sabi ni Gng ___1___ Francisco. “Ano po ba ang maipagllilingkod namin sa inyo ___2___” Napansin ni Kap. Academia ang mga muwebles sa bahay. “Naku, ang ganda ng mga ukit sa silya ninyo ___3___ Palagay ko’y nara ang mga ito. Matigas at tila matibay ang kahoy ___4___ e.” “Nara nga po,” tugon ng ginang. “Pasensya na kayo, ___5___ Wika ni Gng. Francisco. “Masyadong mainit. Brownout kasi, hindi tuloy namin mapaandar ang bentilador.” 3. Kawastuang Gramatikal Panuto: Piliin ang wastong salita sa loob ng panaklong Isang hapon, nagbabasa ng aklat si Liza. Nakarinig siya ng katok. Binuksan niya ang _____1_____ (pinto, pintuan). “Ay, Ninang, kayo pala. Tuloy po kayo,” sabi ni Liza. 3

“Nariyan ba ang nanay mo?” “Opo, maupo muna kayo at _____2_____ (tatawagin, tatawagan) ko.” Pumasok sa sala ang nanay ni Liza. “Mare, napasyal ka,” bati nito. “Oo, Mare. Kasi, aanyayahan ko kayong mag-anak sa bahay sa darating na Linggo sa ganap na ika-3:00 _____3_____ (ng, nang) hapon. Ika-14 na taong kaarawan kasi ng apo kong si Alice,” Wika ng bisita. “Ganoon ba? O sige, _____4_____ (sasabihin, sasabihan) ko sa pare mo.” Walang anu-ano, pumasok si Liza. May dala itong suman, matamis na makapuno at malamig na tubig. “Ninang, magmiryenda po muna kayo.” Alok ng bata. “Naku, salamat!!! _____5_____ (May, Mayroon) pamiryenda pa! “Sige kumain ka muna bago tayo magbalitaan.”B. Wastong Gamit ng Pandiwa Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong. Si Rodolfo, 19 na taong gulang na nawalan ng malay mula sa mga sugat na _____1_____ (tamo) dahil sa aksidente; ay nakahandusay sa kaliwang upuan sa harap ng isang station wagon na nag-aapoy sa likod at tagiliran. Si Renato, isang trabahador, 22 taong gulang, at isa pang lalaki ay patakbong _____2_____ (lapit) sa sasakyang _____3_____ (tanggal) na ang pintuan ng drayber. _____4_____ (kalat) na ang apoy sa may pintuan sa harap. Nakaluhod sa upuan, _____5_____ (buhat) si Renato at ng lalaki si Rodolfo at inalis ito sa sasakyang mabilis na nilamon na apoy.C. Pagpapahayag ng pansariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa halimbawang modelo. Panuto: Basahin muna ang salaysay. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan tungkol dito. Letra lamang ang isulat. Higit pa sa Kinang ng Ginto Sa ospital na Ortepedik, may isang mabait na seruhano. Nagpapakitasiya ng kabutihan sa mga pasyente. Naging interesado siya nang gayon nalamang kay Jimmy na nilumpo ng polyo. Natinag siya sa kalagayan niJimmy – parang ahas kung maglakad; ginagamit na paa ang puwit at mgakamay. 4

May tiwala ang seruhano na makalalakad si Jimmy kaya sinabi niyarito isang araw, “Jimmy, gusto mo bang gamutin ko ang mga paa mo paramakalakad ka’t makapaglaro tulad ng ibang bata?” “Doktor,” sabi ng bata, “Magiging masayang-masaya po ako. Peromahirap na mahirap lang po kami. Siguro, kailangang may tumulong saakin…” “Sagot ko na ang gamot. Libre ang ospital,” ang mabilis na wika ngduktor . Nagdaan si Jimmy sa apat na operasyong sa tantiya ay may isangmilyong piso ang halaga. Ngayon, kahit hindi siya magiging kasintaas ngtalagang taas niya, makatatayo naman siya sa pamamagitan ng kanyangsariling dalawang paa. Magsusuot siya ng mga brace habambuhay. Ngunithindi naman niya kailangan na ang mga saklay sa dakong huli. At ginawa ng seruhano ang lahat ng ito nang libre.1. Ano ang masasabi mo sa kabuuan ng kuwento?a. simple at malinaw c. maikli at masalimuotb. matalinghaga at mabisad. malalim at simple2. Matapos mabasa ang kuwento, ano ang naging damdamin mo sa ginawa ngseruhano?a. nanaghili c. nabahangab. natulala d. nainggit3. Ang mga tauhang ginamit sa kuwento ay masasabinga. guniguni lamang c. di-katanggap-tanggapc. kapani-paniwala d. mahirap paniwalaan4. Ang tagpuan ng kuwento ay saa. ampunan c. lalawiganb. bahay d. pagamutan5. Ang mga pangyayari sa kuwento ay masasabinga. samu’t sari c. makatotohananb. likhang-isip d. walang batayan 5

D. Pagsunod sa pamantayan sa pagsulat ng format Panuto: Isulat kung anong bahagi ng kuwento ang isinasaad ng mga pahayag sa bawat bilang 1. Ay mali! 2. Gayon na lamang ang kanyang pagsisisi nang mabatid ang tunay na pangyayari. 3. Katapatan sa kapwa. 4. “Aalis ako? Aba, saan ako pupunta?” tanong niyang may kahalong tawa. “Di na nga ako makakilos eh… diyaskeng rayuma ito! Aalis pa ko.” 5. Ilang kawal pa ang dumating na bumiling-baligtad sa bangkay ni Kardo upang tiyaking patay na nga ang matagal na nilang pinaghahanap.NilalamanPanuto: Pagsunud-sunurin ang mga sangkap ng kuwento ayon sa hinihingi ng bawat bilang. Piliin sa ibaba ang wastong sagot.wakas tauhantagpuan banghaykasukdulanE. Pagbuo ng isang sulating nagsasalaysay. Isaayos at isulat ang bilang ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang makabuo ng isang salaysay. 1. Isang babaeng may sakit na malubhang pagdurugo sa nakalipas na 12 taon ang pumunta sa likuran ni Hesus at kumapit sa gilid ng kanyang damit, sabi ng babae sa sarili, “kahit kumapit lang ako sa damit niya ay gagaling na ako.” 6

2. Pagkatapos, pumasok sa bahay ng opisyal si Hesus. Nang makita niyang nangakagayak ang mga musikero at mga tao para sa libing, sinabi niya, “Lumabas kayong lahat. Ang batang babae ay hindi patay – natutulog lamang siya.” 3. Habang nagsasalita si Hesus, isang opisyal na Hudyo ang lumapit sa kanya, lumuhod at nagsabing, “kamamatay lang ng anak kong babae ngunit halika at idampi ang mga kamay mo sa kanya at siya’y mabubuhay.” 4. Humarap si Hesus at nakita ang babae, at sinabi niya, “anak lakasan mo ang iyong loob. Nilulunasan ka ng iyong pananalig.” Sa sandaling yaon, gumaling ang babae. 5. Tumayo si Hesus at sinundan ang opisyal. Sumunod din ang mga desipulo ni Hesus. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Kungmataas ang iskor na iyong nakuha, nangangahulugan lamang na magiging madali para sa iyo angaraling pag-aaralan. Huwag ka namang mag-alala kung mababa ang iskor na nakuha. Tutulungan ka ng mgagawaing inihanda ko na malinang ng husto ang iyong kaalaman. Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1Layunin • Nakasusunod sa mga tiyak na pamantayan sa pagsulat na komunikasyon a. wastong baybay b. wastong bantas c. kawastuang gramatika 7

Alamin mo Pansinin mo ang mga larawan. Naging bahagi rin ba ng iyong karanasan ang mgapangyayari sa isinasaad ng larawan? Kaya mo ba itong isalaysay? Hindi lahat ng karanasan ay masaya. Dumarating ang mga pagkakataongnakadarama tayo ng kalungkutan, pagkapahiya sa harap ng ibang tao, pag-aalala,pagkatakot o kaya’y panghihinayang o pag-aalinlangan. Mahalaga lamang na mapulot natin ang mahahalagang aral mula sa mgakaranasang ito upang magamit sa ating pang-araw-araw na buhay. Upang mabigyan ka pang lalo ng mga impormasyon, basahin mo ang panayam naaking inihanda.Linangin Ang pagsasalaysay ay pagkukuwento. Ito ay pagpapahayag na naglalayongmaglahad ng sunud-sunod na pangyayaring palasak at madalas na kailanganin ito ng tao.Lahat ng tao ay nagkukuwento at naaaliw makinig o bumasa ng kuwento. Sa tuwingmagsisimula tayo ng “Noong araw…” o kaya’y “Alam mo ba kung ano ang nangyari?”tayo ay nasa landas na ng pagsasalaysay. Pagkagising mo pa lamang sa umaga atpagdulog sa hapag ng almusal sasabihin mo “Napangarap ko ba naman kagabi eh…” atgayun, nagsasalaysay ka na. May dalawang paraan ng pagsasalaysay. Maaaring pasalita o pasulat na maaaringmabatay sa alinman sa mga sumusunod: a. sariling karanasan b. pangyayaring nakita o nasaksihan c. pangyayaring narinig d. pangyayaring nabasa e. bungang-isip 8

Sa isang baguhan (tulad mong mag-aaral), mahalagang mabatid muna ang ilangmga hakbang sa pagsulat. Naririto ang ilang hakbang na maaari mong pagbatayan. A. Linawin mo kung anong paksa ang iyong tatalakayin. B. Gumawa ng isang balangkas. Ito ay isang iskeleton ng iyong gagawing pagtalakay sa paksa. C. Alamin mo rin kung paano mo ilalahad ang iyong salaysay. Nararapat na nakaayon ito sa tamang istruktura: 1. Introduksyon – dito inilalahad ang paksang tatalakayin. 2. Eksplorasyon – dito iniisa-isa ang mga kaalamang may kinalaman sa paksa. 3. Kongklusyon – dito inilalahad ng sumusulat ang sariling opinyon tungkol sa paksa. D. Alamin mo ang mga kaalamang teknikal tulad ng wastong baybay, bantas at pamimili ng angkop na salita. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sa bahaging ito ng iyong aralin,pagtutuunan natin ng pansin ang mga kaalamang teknikal.A. Wastong baybay – hindi ito maaaring ipagwalang-bahala upang maging wasto at maayos ang pagpapahayag lalo na kung ito ay pasulat. Kahit tumpak ang pagkakabuo ng mga pangungusap at wasto ang gamit ng mgasalita sa diwang nais ipahayag, hindi magiging ganap at mabisa ang pagpapahayag kungang mga salita ay hindi nasusulat sa patakaran at pamantayan sa wastong palabaybayansa wikang Filipino.Narito ang mga tuntunin sa panghihiram.1. Sundin ang mga sumusunod na tuntunin sa paghanap ng mga panumbas sa mga hiram na salita.a. Gamitin ang kasalukuyang leksyon ng Filipino bilang panumbas sa mgasalitang banyaga.Halimbawa:north – hilaga rule – tuntuninsouth – timog skul – kasanayanb. Kumuha ng mga salita mula sa iba’t ibang katutubong wika ng bansaHiram na salita - Filipinoimagery - haraya (Tagalog)husband - bana (Hiligaynon)muslim preist imam (Tausug) 9

c. Bigkasin sa orihinal na anyo ang hiniram na salita mula sa Kastila, Ingles at ibang wikang banyaga at saka baybayin sa Filipino.Halimbawa: Filipino Ingles FilipinoKastila tseke centripetal sentripetalcheque likido commercial komersyalliquido edukasyon advertising advertayzingeducationIba pang wika FilipinoCoup d’ etat (French) kudetaBlitzkrieg (German) blitzkregChinelas (Kastila) tsinelas2. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, X, F, J, V, Z kapag ang mga salita ay hiniram nang buo ayon sa mga sumusunod na kundisyon:a. Pantanging ngalanHalimbawa: - Quirino, AquinoTao - Sta. Cruz, CaviteLugar - Doña Margarita BuildingGusali - Mercedes Benz, Qatar AirlinesSasakyan - El Niño, First Quarter StormPangyayarib. Salitang teknikal o SiyentipikoHalimbawa:x-ray quartz enzymec. Salitang may natatanging kahulugang culturalHalimbawa:Cañao (Ifugao) - pagdiriwangSeñora (Kastila) - aleMasjid (Maguindanao) - pook-dalanginand. Salitang may iregular na ispeling o gumagamit ng dalawang letra o higit pa na hindi binibigkas ang mga letra ay hindi katumbas ng tunog.Halimbawa: zendesvouzbouquet plateauchampagne 10

e. Salitang may internasyonal na anyong kinikilala at ginagamitHalimbawa: exit faxtaxi3. Gamitin ang mga letrang F, J, V, Z para katawanin ang mga tunog /f/, /j/, /v/, /z/, kapag binaybay sa Filipino ang mga salitang hiram.Halimbawa: subject – subjeck fixer – fikser zipper – ziper vertical – vertical4. Gamitin ang mga letrang C, Ñ, Q, V sa mga salitang hiniram nang buo.Halimbawa: reflex cataluña cornice requiem xenophobia cellGawain 1 – Wastong baybayPanuto: Isulat nang wasto ang mga salitang may salungguhit May sakit ang bata. Dinala niya ito sa (1) _centro_ ng bayan upangipakonsulta sa (2) _doctor_ sumakay sila ng (3) _takxi_ kahit kaunti lamang angbaong pera dahil sa masama na ang lagay ng bata. Matapos masuri, nagtungo sila sa (4) _botica_ upang bilhin ang mgagamot na (5) _inireceta_ ng manggagamot.Gawain 2 – Wastong bantasPanuto: Bago mo sagutin basahin mo muna ang mga paliwanag upang magkaroon ka ng sapat na impormasyong iyong magagamit sa pagsagot sa gawain. Narito ang mga karaniwang bantas na madalas nating gamitin sa ating mga sulatin. 1. kuwit ( , ) a. sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay. Halimbawa: • Sila ay bumili ng aklat, notbuk at mga papel • Kung kasama ka, matutuloy sila b. Sa paghihiwalay ng Oo o Hindi sa iba pang bahagi ng pangunugsap. Halimbawa: • Oo, tayo ay tutulong sa ating kapwa • Hindi, ayokong sumama sa iyo 11

c. Sa pagitan ng petsa at ng taon. Halimbawa: • Hunyo 18, 2006 • Ika-20 ng Pebrero, 2006 d. Sa salitang pantawag. Halimbawa: • Nena, isulat mo sa pisara ang wastong sagot. • Renato, aalis ka na?2. Pananong ( ? ) a. Sa pangungusap na patanong. Halimbawa: • Sasama ba kayo sa amin? • Totoo bang maligaya ka sa iyong buhay? b. Sa bahaging pinag-aalinlanganan sa isang pangungusap. Halimbawa: • Ikakasal sila sa Linggo?3. Padamdam o paghanga a. Sa mga kataga, salita o pangungusap na padamdam. Halimbawa: • Naku! Nahulog ang bata! • Hindi ko akalain!4. Gitling a. Sa pagitan ng mga salitang inuulit. Halimbawa: • sama-sama tayo • araw-araw siyang nag-aaral b. Sa pagitan ng panlaping nagtatapos sa katinig na “g” at salitang-ugat na nagsisimula sa patinig. Halimbawa • Tag-ulan na naman. • Mag-anak ang bumubuo sa tahanan c. Sa pagitan ng dalawang salitang may nawawalang kataga sa gitna. Halimbawa: • Kapit-tuko • Bulaklak-parang 12

5. Kudlit a. Sa halip ng titik na nawawala sa loob ng salita. Halimbawa: • Sa halip nito’y iyan na lamang ang dalhin mo. • Ako’y magbabakasyon na lamang 6. Panipi a. Sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita. Halimbawa: • “Ibigin mo ang iyong kapwa nang higit pa sa iyong sarili,” sabi ni Bonifacio. b. Sa pamagat ng akda o paksa. Halimbawa: • Ang “Uhaw ang tigang na lupa” ay isang mahusay na akda. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, handang-handa ka na sa gawaingaking inihanda. Simulan mo na! Panuto: Isulat ang angkop na bantas sa bawat patlang sa talata. Nakita ni Kumander Matsing ang nangyari _1_ Ay Mali! Sabi niya at sana _2_ y babaguhin niya ang utos ngunit huli na. Isang tutubi ang dumapo sa ulo ni Kumander. Nakita ito ng isang susuray _3_ suray nang matsing at pinukpok ang tutubi. “BOG _4_ “ at sabay na nabuwal ang dalawang matsing _5_ Gawain 3 – Kawastuang Gramatika a. Aspekto ng pandiwa Sa pagsasalaysay o pagkukuwento lubhang mahalaga ang wastong paggamit ng iba’t ibang bahagi ng panalita, lalung-lalo na ang mga pandiwa. Ang angkop na aspeto ay makatutulong nang malaki sa wastong pagsasalaysay. Ano nga ba ang pandiwa? Pandiwa ang tawag sa mga salitang nagpapahayag ng kilos o galaw. Halimbawa: • Nagdiwang ang buong bansa sa pagkakapanalo ni Pacquiao. 13

Tatlo ang aspekto ng pandiwa: naganap, nagaganap, magaganap Naganap – nagsasaad na ang kilos ay tapos na Halimbawa: • Nagdaos sila ng palatuntunan kahapon. • Ipinagdiwang nila ang araw ng kalayaan. Nagaganap – nagsasaad na ang kilos ay kasalukuyang nagaganap Halimbawa: • Nagsisimula nang magdatingan ang mga panauhin. • Kumakain na sila nang kami’y dumating. Magaganap – nagsasaad na ang kilos ay di pa nagaganap o mangyayari pa lamang. Halimbawa: • Magsisimula ang palatuntunan. • Magtatanghal sila bukas.Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong na nababagay sa diwa ng pangungusap. Malakas ang naging halakhakan ng mga matsing nang marinig nila angpaghamon ni Haring Telbino. 1(Tanggap) ng mga matsing ang paghamon ng mgatutubi. Itinakda ang pook at oras ng paglalaban ng mga mandirigmang matsing atmanlilipad na tutubi. 2(Dating) ang takdang oras ng paglalaban. Nasa isang panig ngmalawak na parang ang mga matsing na pawang may dalang piraso ng kahoy napamukpok. Isa lamang ang 3(sigaw) na utos ni Kumander Matsing sa mgasandatahang kawal na 4(bantay). “Bawat makitang tutubi, pukpukin!” ganito ngaang kanilang 5(gawa). b. Wastong gamit ng salita Upang higit na maging mabisa ang isang pahayag, mahalagang wasto rin ang mgasalitang ating ginagamit. Ang salitang bunutin at bunutan ay may magkaibang kahulugan. Ang bunutin ay nangangahulugang alisin tulad ng damo.Samantalang ang bunutan ay alisan, tulad ng pag-aalis ng puti sa buhok. 14

Ang alisin ay nangangahulugang tanggalin ang buong bagay naipinaaalis. Halimbawa: • Alisin mo ang aklat sa mesa upang may magamit na sulatan ang mga mag-aaral. Ang alisan ay ang bahagi ng kabuuan na siyang tatanggalin. Halimbawa: • Alisan mo ng tuyong dahon ang halaman.Panuto: Piliin ang wastong sagot sa loob ng panaklong. 1. (Pahirin, Pahiran) mo ang iyong pawis sa iyong mukha. 2. Maaga siyang (bumangon, magbangon) upang makapasok nang maaga. 3. (Kung, Kong) darating siya nang maaga, tutuloy kami sa handaan. 4. Sasalubungin (nina, nila) ang kanilang mga panauhin. 5. (Nang, Ng) sila’y dumating, sinumulan agad ang palatuntunan.Lagumin moA. Panuto: Isulat ang bantas na kailangan sa bawat patlang at wastong pandiwa na nasa loob ng panaklong. Noong si Apolinario Mabini ay nag-aaral pa sa Maynila ay nagnais din siyang mamusturang gaya ng kanyang mga kamag-aral. “Inay _1_ “ ang sinulat niya sa kanyang inang nasa lalawigan, _2_ padalhan naman ninyo ako rito ng salapi upang maibili ko ng mga damit. Ako lamang ang hindi pustura rito. “Kaawa-awa naman ang aking anak.” Ang naibulong sa sarili ng ina… “ _3_ (Gawin) ko ang lahat upang mapadalhan ng salapi si Apolinario.” _4_ (Tiis) ng ina ang init ng araw sa gitna ng bukid nang mahabang panahon pati ang lamig ng ulan at ang hampas ng hangin sa paggawa sa bukid. _5_ (Bili) niyang lahat ang kanyang aning palay at kape. Ang mga pise _6_ piseta niyang naipon sa mahabang panahon ay _7_ (buhol) sa kanyang alampay at ipinadalang lahat iyon ng ina. Nang kalagin ni Apolinario Mabini ang buhol at nakita niya ang perang unti-unting _8_ (ipon) ng kanyang ina, nangilid ang kanyang mga luha. Hindi na salapi ang nakita niya sa alampay kundi hirap _9_ pawis at luha ng kanyang ina. Hindi niya nagawang gugulin sa pamumustura ang ipinadalang iyon ng ina. Nang mamatay si Mabini _10_ (kita) ng isa niyang kamag-anak ang mga piseta na nakabuhol pa sa alampay ng nasira niyang ina. 15

B. Panuto: Isulat ang wastong baybay ng nasasalungguhitang salita sa pangungusap. 1. Hindi pa uso ang cheque noon kaya barya-barya lamang ang ipinadala ng ina kay Mabini. 2. Walang gaanong komersyal na tindahan kaya’t limitado ang nabibiling gamit. 3. Naisip din niyang padalhan ng bagong chinelas ang anak. 4. Higit na mahalaga kay Mabini ang educasyon. 5. Madalas siyang umuuwi sa kanilang lalawigan dahil sa hirap ng transportation.Subukin moPanuto: Isulat ang mga tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag sa bawat bilang 1. Bantas na ginagamit kapag inuulit ang buong salita. 2. Bantas na ginagamit bilang pananda sa nawawala o higit pang salitang magkasunod. 3. Ginagamit na bantas sa paghihiwalay ng mga salita, parirala o sugnay. 4. Inilalagay ang bantas na ito sa tuwirang sinasabi ng nagsasalita. 5. Kapag humihingi ng sagot o paliwanag, ito ang bantas na ginagamit. 6. Bahagi ng panalita na nagsasaad ng kilos o galaw. 7. Kapag ang kilos na isinasaad ng pandiwa ay natapos na, ito ay nasa aspektong __________. 8. Kung ang kilos ay kasalukuyang nangyayari, ito ay nasa aspektong __________. 9. Kung gagawin pa lamang ang kilos, ito ay nasa aspektong __________. 10. Ang anyo ng salitang “kain” ay nagiging kumain kung ang kilos na isinasaad ay __________ na.PaunlarinA. Panuto: Isulat ang A kung wasto ang baybay ng mga nasasalungguhitang salita sa bawat bilang at B kung hindi. 1. Nagtutulungan ang mga tao sa komyuniti. 2. Isinasagawa ang cañao sa mga pagkakataong masaganang ani o di-kaya’y may nagbabantang panganib. 3. Marami silang aning piña sa taong ito kahit pa nga dumaranas ng El Niño ang bansa. 4. Inilagay nila ang mga huling isda sa bañera. 5. Umupa sila ng truk upang maibiyahe ang mga aning prutas at huling isda.B. Panuto: Isulat ang angkop na bantas sa bawat patlang sa pangungusap. 1. “Amang Abraham _____ kaawaan mo ako. Iyong sugurin si Lazaro. Utusan mo siyang isawsaw ang kanyang daliri sa tubig at patuluin ito sa aking dila upang ako ay malamigan nang kahit bahagya.” 2. “Bakit magkaiba ang aming kinalalagyan _____” 16

3. “Anak, tandaan mong noong ikaw ay nabubuhay ay lumasap ka ng lahat ng ginhawa, samantalang si Lazaro ay pawang hirap ang dinanas, sagot ni Abraham _____ 4. “Napakainit _____ Lubhang ako’y nagdurusa,” hinagpis ng mayamang lalaki. 5. “Hindi, Amang Abraham, _____ ang giit ng lalaki. Kapag may patay na nagpaalala sa kanila, sila ay walang sawang magsisisi. _____ C. Panuto: Isulat ang wastong anyo ng pandiwang nasa loob ng panaklong 1. Itinuro ni Hesus na malaking parusa ang naghihintay sa mga taong (buhay) lamang sa kalugurang dulot ng mundo. 2. At upang maunawaan mabuti ang nais niyang sabihin, (bigay) niya ang parabola ng taong mayaman na si Lazaro. 3. May isang mayamang lalaking lubhang marangyang namumuhay. (Bili) niya ang lahat ng maibigan. 4. Samantala naman, sa labas ng palasyo ng mayamang lalaki ay may isang pulubing laging (hintay) ng kahit na mga mumong nalalaglag sa mesang kinakainan ng mga nagpipiyesta. 5. Nang mamatay ang pulbi (dala) ng mga anghel ang kanyang kaluluwa sa kinaroroonan ni Abraham. Ngunit nang mamatay ang mayaman, siya ay ibinaon sa apoy ng impiyerno. D. Panuto: Piliin at isulat ang wastong salitang angkop sa pangungusap. Si Luisito ay anak-maralita sa kabila ng kahirapan ay sinisikap pa _1_ (rin, din) niyang makapag-aral kaya sa gabi siya nag-aaral upang makapaghanapbuhay naman sa araw. Kadalasan, sa hangad na kumita _2_ (ng, nang) malaki, naghahanapbuhay pa _3_ (siya, sila) pagkalabas sa eskwela at hatinggabi _4_ (kong, kung) dumating _5_ (ng, nang) bahay at hindi na makuhang mag-aral ng leksyon. Bunga nito ay madalas siyang makatulog sa loob ng klase at kalimitan ay hindi makasagot sa leksyon. Iwasto mo ang iyong sagot, hingin ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Kung hindimo naman makuha ang lahat ng tamang sagot, balikan ang mga bilang na ito at pag-aralanmabuti kung bakit ito ang naging sagot upang higit na maliwanag sa iyo ang aralin. Kung walaka mang mali, nangangahulugan lamang na sanay na sanay ka na sa kasanayang iyong pinag-aralan. Binabati kita. 17

Sub-Aralin 2Layunin • Naipahahayag ang sariling opinyon, damdamin, saloobin batay sa isang halimbawang modeloAlamin mo Ano ang nakikita mo sa larawan? Naranasan mo na rin ba ang mga pagkakataongito? Bawat tao sa mundo ay may kani-kaniyang makukulay na karanasan sa buhay.Ang karanasan ay maaaring makuha nang tuwiran. Tuwiran ito kung galing sa sarilingpagkasangkot. Matindi ang epekto nito sapagkat naaapektuhan ang buong pagkatao. Samantala, pamalit ito sa karanasan ng ibang tao kung ang kaalaman ay nakukuhalamang sa iba, maaaring nabasa sa mga aklat o mga babasahin, narinig sa kung sino,nabalitaan sa mass media o naikuwento ng kaibigan. Ang epekto nito ay depende na rinsa mga naging tuwirang karanasan o sa kakayahang dumamay, iyong paglalagay ng sarilisa katauhan ng iba; dahil kung hindi, ito’y walang halaga. Ang pagsasalaysay, samakatuwid ay pagkukuwento ng mga pangyayari tungkolsa mga naging karanasan ng tao sa sarili, sa kapwa at sa kapaligiran, sa layuningmakapagpahayag-loob, makapagsalitang-kuro, makapaghatid-impormasyon, makapag-bigay-aral, makapagdulot-tuwa, tungo sa kahalagahang ikapagpapalawak ng kaalaman,ikapagpapaunlad ng pang-unawa. Sa bahaging ito ng aralin, ikaw ay magbibigay ng pansariling-opinyon, damdamino saloobin hinggil sa nabasang salaysay.Linangin Tuwing tayo’y nakaririnig/nakababasa ng kuwento, hindi maiaalis ang pagbibigaynatin ng reaksyon/opinyon. Iba’t ibang anggulo o bahagi ang maaaring bigyang-tuon sapagbibigay ng sariling damdamin o opinyon gaya ng pagkamakatotohanan ng kuwento, 18

mga tauhang gumanap, kaangkupan sa kasalukuyang panahon, kilos o naging desisyonng mga nagsiganap o pagkakabuo ng kuwento. Ang pagbibigay ng opinyon ay batay sa sariling pananaw na naaayon lamang sanabasa o napakinggan.Gawain 1Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang isulat. Napagkamalan Isang araw ng linggo’y nagtungo ako sa Maynila at namili ng mgalibro. Natagalan ako sa paghahanap ng mga aklat na kailangan ko sa pag-aaralsapagkat napakaraming namimili. Isa pang dahilan ay masyadong masalimuot angdaloy ng trapiko, parang prusisyon ang usad ng mga sasakyan. Ginabi tuloy akong uwi. Habang naglalakad patungo sa amin, naulinigan ko ang mga yabag napapalapit sa akin. Bigla akong kinabahan. May taong sumusunod sa akin,naisaloob ko. Lumingon ako’t nakita ko nga ang isang lalaki. Noon di’y kumaripas ako ng takbo, ngunit mabilis din ang ginawangpagtakbo ng lalaki. Pagkaraa’y tumawid ako ng daan at natanaw kong nakasindiang ilaw sa aming bahay. Walang anu-ano’y bigla na lamang akong sinunggabanng lalaki. “Sabi ko na’t anak ka ni Kapitan, e,” anang lalaki at napangiti ito.“Kaya kita hinabol ay upang ibigay ang librong ito na nalimutan mo sa dyip.” At ako’y nagtaka at nasiyahan sa nangyari. “ Marami pong salamat,”nasabi ko na lamang. “Napakabuti po ninyo.”1. Ano ang iyong naramdaman habang binabasa ang kuwento?a. kinakabahan c. naaawab. naiinis d. kinukutuban2. Sa ikinilos ng nagsasalaysay, mahihinuhang siya’ya. naguguluhan c. natatakotb. nananabik d. nag-aalala3. Ang mga salitang ginamit sa salaysay ay masasabinga. imformal c. lalawiganinb. formal d. kolokyal 19

4. Ang mga pangyayari sa kuwento aya. di-makatotohanan c. imposibleb. walang batayan d. makatotohanan5. Naging maliwanag ang paraan ng pagsasalaysay dahil sa a. malikhaing pagkukuwento b. kawili-wiling paksa c. mga pangyayaring naganap d. mga payak na salitang ginamitLagumin moPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang salaysay. Pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang isulat. Medalyang Ginto Malaki ang naitulong ng palakasan kay Ernesto. Dahil sa matulinniyang pagtakbo, agad siyang pinatawag ng gurong-tagapagsanay sa takbuhan sakanilang paaralan. Naging daan ito upang malinang ang kanyang kakayahan.Bunga nito’y marami nang rekord sa pagtakbo ang napanalunan niya at sapamamagitan niya’y napatanyag ang kanilang paaralan. Sa iba’t ibang paligsahang pampalakasan, naging matunog atbukambibig ang kanyang pangalan. Lagi siyang nagwawagi sa mga palarongpanlalawigan, panrehiyon at maging pambansa. Sa tulong nito’y naitaguyod niyaang kanyang pag-aaral hanggang sa kolehiyo. Naglalaro siya sa umaga atkumukuha ng Arkitektura sa gabi. Habang dumarami ang mga paligsahangnilalahukan niya lalo ring dumarami ang medalyang gintong nagiging hiyas ngkanyang karangalan at tagumpay. Ngunit isang araw ng dalawin siya ng kanyang ama habangnagsasanay, bigla siyang nawalan ng malay. Noon di’y isinugod siya ng ama saospital ng kanilang pamantasan at nabatid nitong talamak na ang kanyangkaramdaman: kanser. Huli na nang ito’y malaman niya habang nag-uusap angkanyang ama’t ina. Gayunman hindi siya nawalan ng pag-asa. At upang mamalagiang kanyang alaala sa larangan ng palakasan at magsilbing halimbawa sa mgakabataang mag-aaral, ipinasya niyang ihandog ang lahat ng kanyang tinamongmedalyang ginto sa kanyang mahal na Alma Mater.1. Ano ang naramdaman mo sa ginawang pagkakaloob ni Ernesto ng lahat ngMedalyang ginto sa kanyang paaralan?a. paghanga c. pagkilalab. pagtataka b. panghihinayang 20

2. Sa pagtanggao ni Ernesto sa karamdamang dumapo sa kanya, masasabingsiya’y isang taonga. makapagkakatiwalaan c. matatagb. mapagkumbaba d. maunawain3. Mawala man si Ernesto mananatiling buhay ang kanyang alaala dahil sakanyanga. kagalingan c. kabantuganb. kabutihang-loob d. katalinuhan4. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Ernesto, alin sa mga sumusunod ang hindi mo gagawin? a. kahahabagan ang kalagayan b. ipagpapatuloy ang pang-araw-araw na gawain c. sasali pa rin sa iba’t ibang paligsahan d. makikihalubilo pa rin sa iba5. Alin sa mga sumusunod ang walang kaugnayan sa tekstong binasa? a. Habang may buhay, may pag-asa b. Hindi balakid ang karamdaman sa pagtatamo ng tagumpay c. Lahat tayo’y may karamdaman d. Maging matatag sa mga pagsubok sa buhaySubukinPanuto: Basahing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan na matatagpuan sa kabilang pahina. Letra lamang ang isulat. Sa Europa ay may isang babaeng halos mamatay na sa kanser. Isanggamot ang maaaring makapagligtas sa kanya. Ito’y isang anyo ng radium naipinagbibili ng parmasyotiko sa halagang $2,000, sampung beses ang taas kaysanagasta sa paggawa nito. Si Heinz, ang asawa ng may sakit, ay lumapit sa lahat ngkilala niya para mangutang; ngunit ang napagtipun-tipon niya ay kalahati lamangng presyo ng gamot. Sinabi ni Heinz na parmasyotiko na ang asawa niya aymalapit nang mamatay. Nakiusap siya rito na ibigay sa kanya ang gamot samurang halaga o kaya’y saka na lamang siya pagbayarin. Ngunit ang sabi ngparmasyotiko ay “Ayoko”. Naging desperado si Heinz at pinasok niya angtindahan ng parmasyotiko para nakawin ang gamot.1. Ano ang masasabi mo sa naging kapasyahan ni Heinz?a. marahas c. maagapb. mabilis d. matalino2. Ang ginawa ni Heinz ay maituturing na isang kasalanan dahil isa itonga. pamimilit ng tao c. pang-aapib. paglabag sa batas d. panlilinlang 21


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook