4. Diligan ng kaunting tubig ang mga bagong tanim na buto. Pagkaraan, ilagay ang tanim sa lugar na naaarawan gaya ng hardin o tabi ng bintana. 5. Kapag lumaki na ang mga gumagapang na gulay tulad ng sitaw, ampalaya, patola o kalabasa maglagay ng balag na maaaring kapitan ng mga ito.B. Di-tuwirang pagtatanim o paglilipat ng tanim na punla. Ang tagumpay sa pagtatanim ng punla gaya ng mustasa, talong, kamatis, petsay, repolyo, sili ay iyong matututuhan. Sundin ang mga hakbang. 1. Ihanda ang kahong punlaan. Lagyan ng lupa na hinaluan ng compost. Diligin ng pinakuluang tubig upang mamatay ang pesteng maaaring sumira sa buto. 2. Lagyan ng maliit na kanal na may pagitang isang pulgada. Dito ilagay ang mga butong ipupunla. 4
3. Maghanda ng sisidlang paso, lata o plastic bag na paglilipatan ng sibol ng maliit na buto. Lagyan ng butas ang ilalim ng lata o plastic bag upang hindi maipon ang tubig sa loob nito kapag dinidiligan ang tanim.4. Lagyan ng magkahalong lupa at compost ang mga sisidlang lata, plastic bag o paso.5. Dahan-dahang bunutin ang sibol mula sa binhiang kahon. Ingatan ang pagbunot para hindi maputol ang mga ugat nito.6. Itanim ang sibol sa ginawang hukay sa sisidlan. Tabunan ng lupa ang lahat ng bahagi ng ugat nito pati na ang neck root o pinakapunong ugat. 5
7. Diligan ng kaunting tubig ang bagong lipat na sibol at ilagay ang sisidlan nito sa isang malilim na lugar.SUBUKIN MOA. Ngayon ay napag-aralan mo ang dalawang paraan ng pagtatanim. Subukan itong gawin. - Maghanda ka ng dalawang malaki-laking paso o lata - Sundin ang hakbang sa paghahanda ng lupa ayon sa napag-aralan mo - Sa isang paso o lata, ibaon ang dalawa o tatlong buto ng gulayB. Isaayos ang mga sumusunod na paraan ng tuwirang pagtatanim. Lagyan ng bilang 1 – 5 ayon sa pagkakasunod-sunod nito.__________ 1. Diligan ang lupang tinaniman upang mapangalagaan ang mga buto o binhing bagong tanim.____________________ 2. Gumawa ng butas mula sa mga hanay na ginawa. 3. Maglagay ng mga panandang hanay sa pamamagitan ng tulos o____________________ pisi 4. Diligin ang lupang pagtatamnan. 5. Lagyan ng buto ang bawat butas, tabunan ng tuyong lupa at bahagyang pipiin ng kamay. 6
C. Itala ang mga halaman na maaaring itanim ng tuwiran lamang, di-tuwiran lamang o maaaring sa parehong paraan. Gayahin ang halimbawa. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Tuwiran Di-Tuwiran Sa Parehong Paraan Mangga Mangga1. Mangga2. Sitaw3. Palay4.5.TANDAAN MO Ang paraan ng pagtatanim ng gulay ay batay sa uri ng halaman at lupang pagtataniman. Mayroong mga halaman na mas mabilis lumaki kung ito ay itinatanim ng di-tuwiran. Ngunit ang karamihan sa ating halaman ay itinatanim ng tuwiran. ISAPUSO MO1. Ano ang naramdaman mo tungkol sa iyong napag-aralan?2. Ano ang kahalagahan nito sa iyong pamilya?3. Natutuwa ka ba sa natutuhan mo? Isulat sa kuwaderno ang iyong pahayag. 7
GAWIN MOA. Awitin sa himig ng Paru-parong Bukid Tayo ay magtanim Upang may makain Sa mga paraan Na yong natutuhan Di tuwirang paraan At tuwirang pagtanim Ay dapat lang sundin Upang may anihin Maghanda ng taniman Plastik bag o lata man Lagyan mo ng butas At lupang mataba Piliin ang buto Na iyong itatanim Upang mga punla’y Tutubong mahusayB. Kumuha ng isang dahon ng halaman at bakatin ng krayola. 8
PAGTATAYALagyan ng tsek ang kasagutan sa kriterya. Pamantayan Oo HindiA. Hakbang sa paggawa1. Naihanda ang sisidlang paso, lata, o plastic bag2. Nalagyan ng butas ang mga sisidlan ng lupa3. Maingat na binunot ang sibol mula sa punlaang kahon4. Itinanim ang sibol sa ginawang hukay sa sisidlan at tinabunanng lupa ang lahat ng bahagi ng ugat5. Diniligan ng kaunting tubig ang bagong lipat na sibol atinilagay sa malilim na lugar6. Napili ang mga butong itinanimB. Kagamitan 1. Gumamit ng akmang kasangkapan 2. Naghugas ng kamay pagkatapos gumawa 3. Nilinis ang pinagawaang lugar pagkatapos ng gawain Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE IV PAGPAPARAMI NG HALAMAN ALAMIN MOSa modyul na ito tatalakayin ang mga hakbang sa pagpaparami ng mga halaman.Ipapaliwanag ang mga hakbang na naaangkop sa natatanging uri at pangkat ng mgahalaman. Bibigyang-diin ang mga hakbang sa pagpaparami, sa pamamagitan ngpagpapatubo ng buto, sa pagpuputol ng sanga, at sa paghihiwalay sa lamang-ugat. Tatalakayin din dito ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sapagnanarseri. Matututuhan mo ang mga dapat gawin upang maging matagumpay anggagawin mong pagpaparami ng halaman. Magpatuloy upang matutuhan mo. 1
PAGBALIK-ARALAN MOIsulat sa iyong kuwaderno ang tamang sagot ng mga sumusunod: 1. Ang lugar ay angkop pagtamnan kung __________. A. masikip B. lubak-lubak C. nasisikatan ng araw D. lahat ng nabanggit 2. Ang lupang pagtatamnan ay dapat __________. A. Pino B. magaan C. buhaghag D. lahat ng nabanggit 3. Ang sukat ng halamanan ay naaayon sa laki ng bakuran at __________. A. payo ng kaibigan B. katulad ng sa kapit-bahay C. kagustuhan ng mag-anak D. wala sa mga nabanggit 4. Mahalaga ring ang lugar ay malapit sa __________. A. palaruan B. bahay ng kaibigan C. pinagkukunan ng tubig D. lahat ng nabanggit 5. Kung ang lugar ay angkop sa pagtatanim __________. A. Tutubo at lalaking malulusog ang mga pananim B. Magiging maunlad ang paghahalaman C. Magiging kawili-wili at kasiya-siya ang paghahalaman D. Lahat ng mga nabanggit 2
PAG-ARALAN MOMaraming paraan ng pagpapatubo ng bagong halaman para sa inyong bakuran. Ilan samga paraan na ito ay ang mga sumusunod: 1. Mula sa Buto Ang mga buto na nanggagaling sa bulaklak o bunga ng mga halaman ay karaniwang nagiging bagong halaman kung ibabaon sa lupa. Ang butong itatanim ay dapat na nanggaling sa malusog at magulang na halaman. Ibabad nang magdamag ang mga buto upang palambutin ang bahaging panlabas nito bago itanim sa lupa. Halimbawa ng mga gulay na tumutubo nang mahusay sa pamamagitan ng buto ay ang petsay, ampalaya, sitaw, kamatis, kalabasa, patani, sigarilyas, bataw at upo. 2. Mula sa Sanga May mga halamang tumutubo sa pamamagitan ng pagputol ng sanga. Kinakayasan ang dulo at ibinabaon sa lupa. Ito ang tinutubuan ng ugat at nagiging bagong halaman. Kapag sanga ng halaman ang itatanim, piliin ang pinakamagulang na bahagi nito. Tapyasin nang pahilis ang dulo at ibaon nang patayo sa lupa hanggang sa kalahatian ng sanga. Ang talinum, kamote, kangkong, malunggay at alugbati ay napaparami sa pamamagitan ng kanilang talbos. Pitasin ng mga isang dangkal ang talbos at itanim ito. Tabunan ito nang maayos at diligin. Ang mga halamang bulaklak na napaparami sa pamamagitan ng sanga ng Bougainvilla, San Francisco, Santan, Rosas, Sampaguita, Yellow Bell at kamoteng kahoy. 3. Mula sa Bunga Ang mga halamang may bungang-ugat ay karaniwang itinatanim sa pamamagitan ng pagbabaon ng kanyang bunga sa lupa. Ang bungang-ugat na gagamitin ay dapat malusog at magulang upang ang pag-usbong ng bagong halaman ay maging mabilis. Ang halimbawa ng mga ito ay ang patatas, ube at gabi. 4. Mula sa Ulo ng Halaman Ang mga halaman tulad ng bawang at sibuyas ay halimbawa ng mga halamang may ulo. Mula sa mga ito tumutubo ang mga bagong tanim. 3
SUBUKIN MOA. Ngayon ay alam mo na ang ilang gawain sa paghahalaman, hindi ba? Maaari ka nang magparami ng mga halaman sa inyong bakuran. Kopyahin mo sa kuwaderno at ituloy ang talahanayan. Isulat kung ano ang halamang itinatanim. Mula sa Buto Mula sa Sanga Mula sa Bunga Mula sa Ulo1. petsay 1. kamote 1. gabi 1. sibuyas2. 2. 2. 2.3. 3. 3. 3.4. 4. 4. 4.5. 5. 5. 5.B. Basahin ang sumusunod na mga pangungusap. Piliin at isulat ito sa iyong kuwaderno.1. Ang mahusay na lupang pagtataniman ay kailangang _____.A. malagkit at matabaB. matigas at mabutiC. buhaghag, at matabaD. mabato at magaspang2. Aling bahagi ng kamote ang angkop na itanim _____.A. talbosB. bulaklakC. lamang ugatD. magulang na sanga3. Ang lugar na mabuting pagtaniman ng mga punla ay _____.A. malilimB. masikipC. nasisikatan ng arawD. nadadaluyan ng tubig 4
4. Ang bagong lipat na punla ay tinatakpan ng saha ng saging upang hindi malantad sa _____. A. ulan B. hangin C. araw D. hamog5. Ang lupang pinagtataniman ng punla ay ginagamitan ng _____ upang maging malusog at mabilis ang pagtubo ng halaman. A. abono B. ilaw C. plastik D. kawayan6. Ang malunggay ay pinatutubo sa pamamagitan ng _____. A. ugat B. talbos C. pagpapaugat D. sanga at buto7. Ang okra, sayote, upo at patani ay _____. A. lamang-ugat B. bungang-kahoy C. bungang-gulay D. dahong gulay8. Ang ampalaya at munggo ay pinatutubo sa pamamagitan ng _____. A. buto B. ugat C. sanga D. talbos9. Ang San Francisco, Santan, Rosas at Sampaguita ay pinararami sa pamamagitan ng _____. A. buto B. ugat C. talbos D. sanga 5
TANDAAN MO May iba’t ibang paraan ng pagpaparami ng halaman na dapat gawin sa wastong paraan. May mga halaman na pinaparami sa pamamagitan ng buto. Mayroon naman sa pamamagitan ng sanga o talbos at mayroon din sa ulo at lamang-ugat. PAHALAGAHAN MO1. Anu-ano ang mga napag-aralan mong paraan ng pagpaparami ng halaman?2. Sa mga paraang natutuhan mo, ano ang gusto mong gawin na paraan?3. Nakakatulong ba ito para sa ikauunlad ng kabuhayan?4. Kung ikaw ay papipiliin, anong gusto mong paramihin? Bakit?5. Isulat ang iyong katwiran sa kuwaderno. GAWIN MO• Awitin sa himig ng “Paru-parong Bukid.” Magparami tayo ng mga halaman Halamang gulay sa ating bakuran Maraming paraan maaaring sundin Mula sa sanga, bunga at buto Ating paramihin ang mga halaman Ito ay katulong sa ating pamumuhay Kabuhayan nati’y uunlad nang lubos Tayo’y giginhawa’t magiging masaya 6
• Mangolekta ng mga iba’t ibang buto. Gumawa ng isang maganda at kaaya-ayang album sa pamamagitan ng mga buto na iyong nakolekta. Kulayan ito para maging maganda. Idikit ito sa isang kartolina.• Kumuha ng dahon ng gulay na may magandang hugis at kulay at ilagay sa isang album. PAGTATAYAMarkahan ang sarili ayon sa iyong nagawa sa pamamagitan ng tseklist. Mga Kriterya Oo Hindi Hindi Tiyak1. Malusog at magulang ang ginamit na butongpararamihin2. Nabababad nang magdamag ang buto bago itanim upanglumambot3. Ang butong ginamit ay tiyak ang pinanggalingan4. Ang sanga ng halaman ay may usbong sa tagiliran atdulo5. Naputol ang isang dulo ng sanga nang pahilis bagotinanim sa lupa6. Ang bungang-ugat ay malusog at magulang7. Gumamit ng akmang kasangkapan sa pagpaparami nghalaman8. Gumamit ng tamang kasuotan sa pagpaparami nghalaman9. Nilinis ang kasangkapang ginamit bago itago10. Natutuwa sa ginawang pagpaparami ng halaman 7
GRADE IV MGA KASANGKAPAN/KAGAMITAN SA PAGNANARSERI ALAMIN MOIba’t iba ang mga gawain sa pagnanarseri. Bawat gawain ay dapat maisagawa nangwasto at maayos. Upang makatiyak, kailangang makilala at matukoy ang angkop nagamit ng mga kagamitan at kasangkapan na gagamitin sa paggawa. Pag-aralan mo sa modyul na ito, ang mga kasangkapan at mga kagamitan sapagnanarseri 1
PAGBALIK-ARALAN MOSubukin mong pagbalik-aralan ang mga gawaing kaugnay sa pagnanarseri.Isulat sa papel ang sagot sa bawat patlang ng sumusunod na mga pangungusap.Pumili ng sagot sa mga nakasulat sa loob ng kahon. 1. Ang _____ ay maaaring gawin sa pamamagitan ng pagbibilad sa araw, pag- iinit, pagsusunog at paggamit ng kemikal. 2. Ang pagbibigay ng karagdagang sustansya sa lupang taniman ay ginagawa sa pamamagitan ng paglalagay ng _____. 3. Mahalagang maihanda muna ang _____ bago ito taniman. 4. Ang paglilipat ng _____ ay ginagawa ng buong ingat upang hindi mapinsala ang mga ugat. 5. Ang wastong paraan ng _____ ay dapat tandaan, dahil sa ang sobrang tubig ay makasasama sa punla. Abono o pataba kamang taniman punla padidilig pagiisterelisa ng lupa Abono o pataba Kamang taniman Punla Pagdidilig Pagiisterelisa ng lupa 2
PAG-ARALAN MO Sa pagnanarseri, iba’t iba ang mga gawaing napapaloob. Bawat gawain merongangkop na kagamitan o kasangkapan na gagamitin sa paggawa. Basahin ang kuwento sa ibaba at sagutin ang mga tanong pagkatapos. Ang Huwarang Pamilya ng Bayan Magsasaka ang mag-asawang Mang Dante at Aling Dory. Noong nagsisimula pa lamang sila, nagiging problema nila ang pagkukunan ng mga punla at iba pang mga pananim. Kung kaya’t naisipan ni Mang Dante na magtayo ng sarili nilang narseri. Humanap si Mang Dante ng pook o lugar na pagtatayuan nila ng narseri. Isinaalang-alang niya ang mga salik sa pagnanarseri. Nilinis muna niya ang lugar na gamit ang itak at bolo sa pagputol ng mga damo at iba pang halaman. Tinanggal niya ang mga ugat sa pamamagitan ng asarol at piko. Ginamit din niya ang piko sa pagtanggal ng malalaking bato. Isinunod naman niya ang paggawa ng mga hanay. Naglagay siya ng tulos at pisi bilang gabay sa kanyang gagawing mga hanay. Ginamit niya ulit ang piko at asarol sa pagbungkal at pagdurog ng lupa. Ang malalaking tipak ng lupa ay ginagamitan naman niya ng palang tinidor. Tinipon niya ang mga matitigas na lupa, bato at iba pang kalat o dumi sa lugar sa pamamagitan ng kalaykay. Hinakot niya ang mga ito na gamit ang karetilya. 3
Pinatag ni Mang Dante ang ibabaw ng mga ginawa niyang hanay gamit muli angkalaykay. Nilagyan niya ang mga hanay ng patabang organiko at mga dumi ng hayop.Pinaghalo-halo niya ang mga ito gamit ang pala. Habang abala si Mang Dante sa paglilinis at pag-aayos ng mga hanay, nag-ipon siAling Dory ng mga lalagyan tulad ng mga paso, lata, mga supot na plastik at iba pangmga bagay na maaaring pagtamnan upang alagaan at palakihin. Gumawa si Mang Dante ng mga kahong punlaan na yari sa kahoy. Ginamitanniya ng martilyo at lagare ang paggawa ng mga ito. Madaling nagawa ni Mang Ikoy at Aling Dory ang kanilang narseri, dahiltinutulungan sila ng kanilang 5 anak na mga lalaki kapag ang mga ito ay walangpasok. Nagtutulungan din ang buong mag-anak sa pamamahala at pangangalaga ngmga punla at iba pang halaman sa narseri. 4
Naging usap-usapan ang paglago ng narseri ni Mang Dante at Aling Dory sakanilang bayan. Marami ang namimili sa kanilang mga punla dahil kapag sa kanilangnarseri nagmula ang mga punla o kahit anong pananim siguradong tutubo at magigingmabunga ang mga ito. Alagang-alaga ng mag-anak ni Mang Dante ang kanilang narseri. Sa pagdidilig,gumagamit sila ng rigadera. Sa pagbubungkal ng lupa sa paligid ng halamanginagamitan nila ito ng dulos. Dahil sa tamang pamamahala at pangangalaga ng kanilang narseri nagingmatagumpay at maunlad and buhay nila. Ang kanilang pag-unlad sa hanapbuhay aynaging dahilan din upang tanghalin sila na Huwarang Pamilya ng Bayan. A. Ano-anong kasangkapan o kagamitan ang ginamit ni Mang Ikoy sa paggawa ng sumusunod na mga gawain? Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno. 1. Paglilinis ng lugar o pook na pagtatayuan ng narseri 2. Pagtanggal ng malalaking ugat at bato 3. Gabay sa paggawa ng hanay 4. Pagbubungkal at pagdurog ng lupa 5. Pagdurog ng malalaking tipak na lupa 6. Pagtipon ng mga matitigas na lupa, bato at iba pang dumi 7. Paghahakot ng mga bato at dumi 8. Pagpatag o pagpapantay ng ibabaw ng hanay 9. Paghahalo ng mga patabang organiko, dumi ng hayop at lupa sa mga ginawang hanay 10. Pagdidilig 11. Paggawa ng mga kahong punlaan B. Ano-anong mga lalagyan na maaaring pagtaniman ang tinipon ni Aling Dory? 5
SUBUKIN MOA. Kung ikaw ay nasa paaralan, hiramin sa guro na tagapag-ingat ng mga kagamitan at kasangkapan ang mga sumusunod na kagamitang nakatala. Sa loob ng dalawampung minuto, pagsanayan ang paggamit ng nahiram na mga kasangkapan. 1. pala 2. asarol 3. dulos 4. lagadera 5. kalaykayB. Kung ikaw naman ay nasa bahay, tingnan kung ang mga nakatalang limang (5) kagamitan ay meron kayo at pagsanayang gamitin ang bawat isa. Paalala: Sa paggamit ng anumang kasangkapan o kagamitan, laging isaisip o isaalang-alang ang mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan. TANDAAN MO Ang mga kasangkapan at kagamitan na ginagamit sa pagnanarseri ay dapat ingatan, gamitin nang wasto at pangalagaan upang magamit sa mas mahabang panahon. 6
ISAPUSO MO Batay sa kuwentong binasa sa modyul na ito, anu-ano ang mga katangiang taglay niMang Dante at ni Aling Dory na dapat mong tularan? Isaisip at isabuhay ang iyong mga sagot. GAWIN MO Sa isang malinis na papel, pumili ng sampung (10) kagamitan sa pagnanarseri at iguhit ang mga ito. Lagyan ng pangalan ang bawat isa. PAGTATAYA A. Kilalanin ang sumusunod na mga kasangkapan at kagamitan. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno. (1) (2) 7
(3)(4)(5)(6) 8
(7)(8) Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE IV PANGANGALAGA NG MGA HALAMAN ALAMIN MOTulad ng tao, kailangan din ng mga halaman ang kalinga at sapat na panahon para sapag-aalaga. Sa isang magsasaka, ang pagtatanim ay isang gawaing maipagmamalakilalo na kapag maunlad ang ani. Naririto ang ilang paraan upang matiyak angmaunlad at masaganang ani. Matututuhan mo ang lahat ng ito sa modyul na ito.Magpatuloy ka. PAG-ARALAN MOA. Pagbubungkal Ito ay isang paraan ng pagpapaluwag ng lupa. Kapag maluwag na ang lupa madaling bunutin ang mga damo. Kailangang alisin ang damo upang hindi nila maagawan ng sustansiya ang mga tanim. 1
- Madaling darami ang mga ugat ng tanim - Madaling mararating ng tubig ang mga ugat. Higit na malusog ang halaman kapag maraming ugat - Maluwag na makakapasok ang hangin sa halaman Bungkalin ang lupa kung ito ay mamasa-masa. Ito ay ginagawa kung hapon o kaya sa umaga. Gawing katamtaman ang pagbubungkal. Dapat bungkalin nang mababaw lamang ang mga halamang gulay.B. Pagdidilig Ang mga halamang gulay ay kailangang diligin araw-araw. Ang mga halamang ugat naman ay kaunting tubig lamang ang kailangan. Diligin ang mga halaman sa hapon o sa umagang-umaga. Ingatan ang pagdidilig upang hindi mapinsala ang halamang didiligan. Iwasang malunod ang halaman, lalo na yaong mga bagong lipat na punla. Iwasan ang malakas na pagbuhos ng tubig. Kung ang gamit mo ay lagadera kailangan iyong maliliit lamang ang butas. Upang manatiling mamasa-masa ang lupa, diligin din ang lupang nakapaligid sa mga tanim. 2
C. Paglalagay ng Abono Nakadaragdag sa sustansiya ng lupa ang paglalagay ng abono. Isa ito sa mga paraan ng pagpapataba ng mga halaman. Maaaring gumamit ng abonong organiko o komersyal. Ang organikong abono ay maaaring dumi ng hayop o compost. Maaari mong gawin ang sarili mong compost o kaya ay bumili ng abonong komersyal. Hugasang mabuti ang iyong mga kamay pagkatapos maglagay ng abonoD. Pag-aalis ng Damo sa Halamanan 3
Dapat laging alisin ang mga damong tumutubo sa paligid ng halaman upang hindi nila maagawan ng sustansiya ang mga tanim. Nagdadala rin ito ng mga kulisap at sakit. Ang damo ay dapat alisin paglitaw sa lupa.E. Sinsinin ang Lupa Pagkatapos mong alisin ang mga damo sa paligid ng halaman kailangan mong takpan ng lupa ang ugat at sinsinin ang lupa sa pagitan ng tanim.F. Paglalagay ng Tabing 4
Ingatan ang mga bagong tanim laban sa init ng araw, hangin at sa lamig. Ang papel, dahon o saha ay pwedeng gamitin. Huwag pabayaan ang mga ito na nakatakip sa halaman kung hindi na kailangan.G. Paglalagay ng Bakod o Tulos Lagyan ng harang ang paligid ng pananim. Ang paligid ng taniman ay dapat bakuran. Ang bakod ay humahadlang sa pagpasok ng mga hayop na sumisira at kumakain ng mga alagang tanim.H. Paglalagay ng Tabing Puksain ang mga peste at kulisap. May mga insekto at kulisap na maaaring tanggalin sa pamamagitan ng mga kamay. Ang mga itlog nito ay maaaring tanggalin ng ating kamay o maaari ring budburan ng pulbos ng tabako sa magkabilang gilid ng dahon kung basa ito ng hamog. May mga insekto ring dumadapo sa pananim na kailangang puksain sa pamamagitan ng pagbobomba ng mga gamot laban sa mga ito. Gawing maingat ang paggamit ng mga pambombang gamot. Lagyan ng takip ang ilong at bibig upang hindi malanghap ang kemikal na ginagamit na maaaring magdulot sa ating ng sakit kapag hindi wasto ang paraan ng paggamit nito. SUBUKIN MOBasahin ang mga sitwasyon at isulat ang titik ng wastong sagot.Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Sa paghahalaman, binibigyan ng pansin ang wastong paghahanda at pangangalaga ng tanim upang maging mabuti ang pagtubo ng mga halaman. Alin sa mga sumusunod ang inilalagay sa lupa upang magkaroon ng sustansiya ang mga pananim? A. Mga kahoy B. Mga bulok na binhi C. Abonong organiko D. Mga nasirang pagkain 5
2. Maayos na ang punlang pananim na inaalagaan ng mga bata ngunit ibig pa nilang maging malago ang mga ito. Ano ang dapat nilang gawin? A. Diligin ng sobrang tubig B. Sugpuin ang mga peste’t kulisap C. Bisitahin ito ng madalas D. Hayaan ang mga damong tutubo sa paligid nito3. Ang mga nasa ibaba ay ilan sa mga natutuhan mong wastong pangangalaga ng mga halaman. Alin ang di dapat? A. Paglagay ng sobrang tubig B. Pagpuksa sa mga peste at kulisap C. Paggamit ng pataba mula sa mga nabubulok na bagay D. Paglagay ng bakod4. Mahilig sa paghahalaman si Mang Abe. Marami siyang ipinunlang buto ng talong. Upang pangalagaan ang mga ito sa init ng araw, alin sa mga sumusunod ang tamang oras ng paglilipat ng punla? A. Pagsikat ng araw B. Katanghaliang tapat C. Hapon o kulimlim na ang araw D. Sa pagitan ng ika-10 at ika-11 ng tanghali5. Lalong kailangan ng mga pananim ang wastong pagdidilig upang sila ay maging malusog at lumaking malago. Kailan at anong oras dapat magdilig ng pananim? A. Araw-araw sa may bandang umaga at hapon B. Araw-araw tuwing tanghaling tapat C. Minsan isang lingo at maaga D. Bago sumapit ang ika-12 ng hapon TANDAAN MO • Sundin ang mga paraan ng pangangalaga ng halaman o tanim • Gamitin ang angkop na kagamitan at kasangkapan sa pangangalaga ng tanim • Mag-ingat sa paggamit ng gamot 6
ISAPUSO MO Pagkatapos mong pag-aralan ang wastong pangangalaga ng halaman, ano ang dapat mong gawin para maibahagi ang iyong kaalaman sa kaibigan? GAWIN MOA. Awitin sa himig ng Paru-parong Bukid. Alagaan natin ang mga halaman Ito ay katulong sa ‘ting kalusugan Kabuhayan natin ay madaragdagan Sa halamang ating inaalagaan. Damo ay alisin sa paligid nito Diligin ng tubig lagyan ng pataba Sinsinin ang lupa matapos bungkalin Ating mga tanim tataba’t lulusog.B. Iguhit sa iyong kuwaderno ang mga kagamitan sa pangangalaga ng halaman at ilagay sa album. 7
PAGTATAYALagyan ng tsek (√) ang hanay ng OO kung nagawa mo ang isinasaad sa bawat bilango di kaya lagyan ng tsek (√) ang hanay ng HINDI kung hindi mo nagawa angisinasaad sa bawat bilang. Pamantayan Oo Hindi1. Naalis mo ba ang mga damong tumutubo sa paligid ng halaman?2. Nalagyan ba ng pataba ang lupa bago taniman?3. Sininsin mo ba ang lupa sa paligid ng halaman?4. Nilagyan mo ba ng tabing ang mga bagong tanim na halaman?5. May harang ba ang mga halaman para hindi sirain ng mga hayop?6. Inalis mo ba ang mga itlog ng insekto at kulisap na dumikit samga dahon ng halaman?7. Diniligan mo ba ang halaman sa tamang dami at tamang oras?8. Gumamit ka ba nang wastong kagamitan sa pag-aalaga nghalamanan?9. Nilinis mo ba ang mga ito pagkatapos mong gamitin?10. Naghugas ka ba ng kamay pagkatapos mong gumawa? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 8
GRADE IV PAGSUGPO SA MGA PESTE, PAGGAMIT NG PATABA AT PAGGAWA NG KOMPOST ALAMIN MOKailangang sugpuin ang mga peste at sakit na sumisira sa kalusugan ng halamang-gulay at sa kalidad ng mga dahon at bunga nito. Sa modyul na ito ay mapag-aaralanmo ang mga paraan ng pagsugpo sa mga peste gaya ng manwal na pag-alis ng pestemula sa halaman, paggamit ng pinaghalong sabon at tubig, at paggamit ng katas ngupos ng sigarilyo. Matututuhan mo rin dito ang paraan ng paggamit ng dalawang uring pataba (fertilizer). Magpatuloy upang malaman mo. PAGBALIK-ARALAN MO Basahin ang mga sitwasyon at piliin ang bilang ng tamang sagot. Gawin ito sa iyong kuwaderno. 1. Nais ni Mang Peping na magkaroon ng magandang binhi ng letsugas. Nagtungo siya sa Panlalawigang Narseri upang bumili ng punla. Ano ang maitutulong sa kanya ng Panlalawigang Narseri? A. nagbibigay ng payo B. nagtuturo kung paano magtanim C. nakatutulong sa pagpapalaganap ng magagandang uri ng binhi D. nagpapahiram ng puhunan sa paghahalaman 1
2. Retiradong guro si G. Arellano. Upang malibang nagtayo siya ng sariling narseri. Siya ang nangangasiwa nito at ito’y kanyang napaunlad. Anong pakinabang ang kanyang natamo sa pagnanarseri? A. mahusay na libangan B. mabuti lamang kaysa walang magawa C. nakakatulong siya sa pagpaparami ng mabubuting uri ng halaman D. nakakatulong upang maging sikat sa pamayanan3. Namasukan sa pabrika si Henry. Nais niyang maipagpatuloy ang kanyang pag-aaral, ngunit hindi sapat ang kanyang pera. Nagtayo siya ng sariling narseri at sa tubo niya ay nakatapos siya ng pag-aaral. Anong tulong ang naibibigay sa kanya ng pagnanarseri? A. dagdag na gawain B. dagdag na kita C. dagdag na libangan D. dagdag na pagkain4. Inaalis ni Mang Dencio ang makapal na damo sa kanyang gulayan. Maraming damo ang naalis niya at ito’y dadalhin niya sa kompost pit. Alin sa mga ito ang dapat niyang gawin upang siya’y mapadali sa paghakot? A. gumamit ng itak B. gumamit ng kutsilyo C. gumamit ng karatilya D. gumamit ng pala5. Nais ni Mang Abe na magpatubo ng mustasa at petsay para sa kanyang taniman. Alin sa mga sumusunod ang gagawin niya? A. ipunla ang buto sa kahong punlaan B. ipunla ang buto kahit saan C. ipunla ang buto sa buhangin D. ipunla ang buto sa daluyan ng tubig6. Kailangan ni Harold bungkalin ang lupang taniman? Ano ang gagamitin niya? A. asarol B. kalaykay C. dulos D. karatilya 2
7. Naghahanap si Henry ng lupang gagamitin sa kanyang punlaan. Saang pook siya dapat kumuha ng lupa? A. lupang matigas B. lupang mapula C. lupang pinagbulukan ng halaman, damo at iba pa D. lupang pinag sunugan ng plastic na basura8. Nilagyan muna ni Amorsolo ng mabuhanging lupa ang kayang punlaan bago niya ito nilagyan ng buhaghag at matabang lupa. Bakit niya ginawa ito? A. upang madaling bungkalin ang lupa B. upang tumagos sa ilalim ang tubig na idinidilig C. upang madaling lumusot ang ugat ng halaman D. upang madaling kapitan ng abono9. Gumagawa ng punlaan sa narseri ng paaralan si G. Quibuyen at ang mga batang mag-aaral sa ikaapat na baitang. Anong uri ng lupa ang dapat gamitin? A. lupang buhaghag B. lupang mabato C. lupang puro buhangin D. lupang maputik10. Nais ni Mang Abe na diligan ang mustasa at petsay sa kanyang taniman. Alin sa mga sumusunod ang gagamitin niya? A. hose B. rigaderang may maliit na butas C. palanggana D. rigaderang may malaking butas 3
PAG-ARALAN MOBasahin mo ang kabuuan ng aralin upang matuto. A. Mga Paraan ng Pagsugpo sa Peste 1. Kung kakaunti pa lang ang mga peste sa halaman, alisin na kaagad ito ng kamay. Huwag itong hayaang dumami pa. 2. Kung ang mga halaman ay kinakapitan ng maruming aphids, sugpuin ito ng pesticide o pamatay-kulisap na gawa sa pinaghalong sabon at tubig. a. Maghanda ng pulbos na sabong panlaba at isang bote o tabo na may lamang kaunting maligagam na tubig. b. Ihalo ang 1 kutsaritang sabon sa maligamgam na tubig. c. Bahagyang haluin at pabulain ang sabon. Pagkaraan, ipahid ito sa apektadong bahagi ng halaman. Hayaan ng ilang araw at tingnan kung matatanggal ang mga kulisap. Kung hindi pa, ulitin ang pagpahid ng sabon. 4
3. Maaaring gumawa rin ng pesticide mula sa upos ng sigarilyo. Ganito ang paggawa at paggamit nito. Sa isang lalagyan na may kaunting tubig, ihalo ang 5 upos ng sigarilyo. Pagkaraan, hayaan ang mga ito nakababad sa tubig sa buong magdamag. PAGSANAYAN MOPagkatapos mong mapag-aralan ang wastong paraan ng paggawa ng sarili mongpansugpo sa peste gumawa ka ng sarili mong pamuksa ng peste. Maaari ka na ringgumawa ng sarili mong pataba na magmumula sa nabubulok na bagay sa inyongtahanan. 5
TANDAAN MO • Ang pestisidyong gawang-bahay ay mabisang pamatay kulisap na madaling isagawa’t hindi nakakaapekto sa kalusugan ng tao. Ugaliin ang paggawa at pagbobomba ng mga halaman at huwag nang hintayin pa ang pagdating ng mga peste. • Sundin ang mga hakbang sa paggawa ng pestisidyong gawang-bahay. Iwasan ang paggamit ng kemikal na pestisidyo na lubhang nakapipinsala sa ating kalusugan. • Ang paggawa ng pataba mula sa nabubulok na bagay ay nakatutulong at nakapagpapaganda sa kalidad ng lupa. ISAPUSO MO- Ano ang benepisyong makukuha kung ang basurang nabubulok ay gagawing pataba?- Ano ang iyong gagawin upang mamulat ang iyong kasambahay sa kahalagahan ng paggawa ng kompost at mga pestisidyong gawang-bahay?- Nang maalis mo kaagad ang mga peste sa halaman ano ang naramdaman mo?- Natutuwa ka bang makita na ang mga halamang iyong itinanim ay lumago dahil sa paglalagay mo ng patabang organiko na iyong ginawa?- Ipahayag ang iyong naramdaman tungkol sa bagay na iyong ginawa. 6
GAWIN MOA. Awitin Himig – “Atin Ko Pong Singsing” Ating alagaan, ating mga tanim Lagyan ng pataba ang mga halaman Puksain ang pesteng kanilang kalaban Upang ang halaman, tumubong mayabong.PAGTATAYALagyan ng tsek (√) ang napiling sagot.Gawin mo sa iyong kuwaderno.Mga Gawain Oo Hindi Hindi GaanoA. Hakbang sa Paggawa 1. Naihanda ang mga kagamitan sa paggawa 2. Naihalo ng husto ang sabon sa tubig 3. Naipahid ang pesticide sa bahagi na may peste 4. Naihalo ang upos ng sigarilyo sa tubig at nababad sa buong magdamag 5. Gumamit ng pataba sa wastong paraan 6. Nailagay ang tamang pataba sa halamanB. Asal at Gawi 1. Nilinis ang mga kagamitan sa paggawa 2. Nailigpit sa tamang lalagyan ang mga kagamitan 3. Gumamit ng tamang kasuotan sa paggawa 4. Naghugas ng kamay pagkatapos gumawa 5. Nagpamalas ng kasiglahan at kasiyahan sa paggawaKung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nangpag-aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE IV PAG-AAYOS AT PAGBIBILI NG PRODUKTO ALAMIN MOMalaking kasiyahan sa nagtanim ang maunlad na ani. Mahalagang anihin ang mgaprodukto sa wastong paraan at panahon upang maiwasan ang pagkabulok ng mgasobrang inani na nagiging dahilan ng pagkalugi. Sa modyul na ito, mapag-aaralan mo ang wastong pag-aani, pag-aayos atpagbibili ng produkto. Magpatuloy ka upang malaman mo ang mga salik na dapatmong sundin. PAGBALIK-ARALAN MO Sagutin mo ang mga tanong. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ano-ano ang mga paraan ng pangangalaga sa mga halaman? 2. Bakit kailangang alisin ang mga ligaw na damo? 3. Paano mo didiligin ang bagong tanim na halaman? 4. Ano ang inilalagay sa bagong tanim na halaman para hindi matuyo sa sikat ng araw? 5. Ano ang gagawin sa puno ng halaman pagkatapos itong bungkalin? 1
PAG-ARALAN MOA. May mga dapat isipin at tandaan sa pag-aani. Mahalaga ito upang makamit ang mataas na uri at presyo ng produkto. 1. Anihin ang tanim sa takdang panahon. Malalaman ito sa tulong ng kalendaryo sa pagtatanim. Kitang-kita rin kung dapat nang pitasin o sungkitin ang pananim. Malalaki at berdeng-berde na ang mga madahong gulay. Malalaki na rin ang mga bunga. Hindi dapat hayaang tumanda o gumulang ang aanihin. Titigas ang laman at buto ng mga ito. 2. Higit na mainam na mag-ani sa umaga o kaya sa hapon. Maiiwasan ang mabilis na pagkalanta ng ani. 3. Ibagay ang paraan ng pag-aani sa uri ng tanim. Ang petsay, repolyo at mga kauri nito ay maingat na bunutin. Ipagpag upang maiwan ang lupa. Putulin ang ugat at hugasan. Putulin at iayos sa basket o bilao. Takpan ng dahon ng saging o telang basa upang manatiling sariwa hanggang sa pamilihan. Maingat na pinipitas ang mga bungang-gulay tulad ng kamatis, okra at talong. Ibinubukod ang mga hinog sa hilaw na kamatis upang hindi mapisa. Inilalagay ito sa mga basket o kahon. Ang mga upo at patola ay pinipitas sa pagkakabitin sa balag. Binabalot ito sa mga lumang dyaryo upang hindi magasgas. 4. Hinuhukay naman ang kamote, gabi, ube, sibuyas, singkamas, at iba pang bumubunga sa ilalim ng lupa. Maingat na iayos ang inani sa mga angkop na lalagyan. Mailalagay sila sa basket, kahon, sako at supot. Ang mga aning di magkatulad ang laki ay dapat timbangin. Isupot ang gabi, kamote, kamatis at sibuyas. 2
B. May mga paraan ng pag-iimbak at pagsasapamilihan ng mga ani. Mga Halamang-Gulay at Prutas 1. Pag-iimbak ng mga inaning bungang-halaman Maraming paraan ng pag-iimbak ng mga ani. Maaaring gumamit ng lata, mag-imbak ng pagkain sa palamigan at gumamit ng pamamaraang dapat gamitin. Sa ganitong pamamaraan, maiiwasan ang pagkasira o pagkabulok ng mga inaning gulay at prutas 2. Pagsasapamilihan ng mga inaning bungang-halaman Ang pagsasapamilihan sa isang pook ay maaaring di tulad sa ibang lugar. Ang tagumpay ng pagsasapamilihan ay nakasalalay sa katangian ng mga gulay at prutas. Ang maingat na pagmamasid sa mga katangian ng bungang- kahoy na itinitinda sa palengke ay isang paraan na may kaugnayan sa pagsasapamilihan. Ang sariwa, tamang gulang, pag-iimpake, at tamang timbang ay ilan lang sa mga katangiang dapat bigyan-pansin. Ang gulay na madaling mabulok ay kailangan ipagbili kaagad o itabi sa imbakan ilang araw bago dumating ang pagkakahinog. 3
3. Paglilinis Ang kalinisan ay nakadaragdag sa kaayusan ng bungang-kahoy. Ang paglilinis at paghuhugas sa malamig na tubig ay pagpapaganda sa sariwang bungang-kahoy at nagpapanatili sa kasariwaan ng mga ito. 60.00/kilo4. Sisidlan Ang sisidlan ay gumaganyak sa mga mamimili upang bumili ng marami. Kailangang ang lalagyan ay kaakit-akit at nakapangangalaga sa produktong ipinagbibili. Ang mga kagamitang nakatutulong upang mapanatili ang hamog ng mga gulay gaya ng kagamitang nanganganinag ay kailangang gamitin sa karot, kamote at iba pa. 4
5. Pag-iimpake Kailangang maging tama sa bilang o timbang ang bawat impake ng prutas at gulay. 6. Pagpapangalan Hindi na kailangan pang pangalanan ang mga ipinagbibiling gulay na hindi nakabalot o nakalagay sa lalagyan. Kapag ang mamimili ay hindi pamilyar sa uri ng gulay na ipinagbili, ang pangalan na ginagamit ay kailangang maikli at kaakit-akit. SUBUKIN MOBasahing mabuti ang mga tanong at isulat sa iyong kuwaderno ang iyong sagot. 1. Ano ang maaari mong gamitin upang mabantayan ang takdang panahon sa pag- aani? 2. Bakit mas mainam mag-ani sa umaga o sa hapon? 3. Bakit kinakailangang ibagay ang pag-aani sa uri ng tanim? 4. Anu-ano ang pamamaraan ng pag-iimbak ng mga inaning bungang-halaman? 5. Anu-ano ang mga katangiang dapat bigyang-pansin sa pagsasapamilihan ng gulay? TANDAAN MO May mga salik na dapat isaalang-alang sa pag-aani at pagsasapamilihan ng mga produkto. 5
ISAPUSO MO Pag-aralan ang mga sumusunod na kalagayan. Sagutin ang mga ito nang buong katapatan sa iyong kuwaderno. A. Gusto ni Nanay ang magluto ng gulay Ikaw ay inutusang pumitas ng gulay sa bakuran. Ano ang iyong gagawin? Gaano karami ang dapat mong pitasin? Bakit? B. Umani ng maraming halamang-gulay si Mang Andres. Ayon sa kanya kailangang ipagbili ang mga ito. Bakit kaya? GAWIN MOA. Awitin sa himig ng “Leron Leron Sinta”. Halina na kaibigan Sa aming bakuran Pipitasin natin Mga gulay namin Magdala ng buslo Na ating lalagyan Upang di masira Gulay na sariwa Kung maraming ani Tayo’y sumagana Pag-iimbak nito’y Ating magagawa Ang araw ng bukas Ating ipaghanda Nang ating pamilya’y Di maging kawawaB. Iguhit ang mga sari-saring gulay na pinitas sa inyong bakuran. 6
PAGTATAYAA. Lagyan ng tsek (√) kung ito ay nagawa mo at ekis (x) kung hindi. Mga Gawain Oo Hindi1. Pinitas ang katamtamang dami ng kailangang gulay.2. Pinitas ang gulay habang mura at sariwa.3. Binalot nang maayos ang mga bungang-gulay.4. Gumamit ng maliit na kutsilyo sa pagpitas ng bunga ng gulay.5. Inalis ang mga lupa at ugat ng mga dahong-gulay bago imbakin.6. Nilinis ang mga prutas bago imbakin.7. Nahugasan ang lamang-ugat na inani bago dalhin sa pamilihan.8. Inilagay sa mga tamang lalagyan ang inaning gulay.9. Laging tama ang bilang at timbang ng mga paninda.10. Nilagyan ng pangalan ang mga panindang ipagbibili.B. Isulat ang tsek (√) kung ang tinutukoy ay salik na dapat isaalang-alang sa pag-aani ng produkto at ekis (x) kung hindi sa iyong kuwaderno. 1. oras at panahon 2. uri ng gulay 3. sukat at laki ng gulay 4. gulang at edad ng gulay 5. petsa ng pag-aaniC. Isulat sa iyong kuwaderno ang W kung wasto ang paraan ng pag-aani ng mga produkto at M kung hindi wasto. 1. Ang pag-aani ay mabuting gawin sa umaga. 2. Ang anumang sobra sa aanihin ay maaaring ipagbili. 3. Ang kamatis ay inaani kapag ito’y hinog na. 4. Inaani ang mga dahong-gulay kapag magulang na. 5. Mabuting anihin ang karot at labanos habang mura pa.Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nangpag-aralan ang susunod na modyul. 7
GRADE IV MGA SALIK NA DAPAT ISAALANG-ALANG SA PAGNANARSERI ALAMIN MO Alam mo ba na ang narseri ay isang lugar kung saan ang mga buto at ibapang uri ng mga pananim ay pinatutubo at inaalagaan hanggang sa mga ito ayhanda nang ilipat sa permanenteng taniman? Kaya, dapat mong alamin angmga salik na dapat isaalang-alang sa pagnanarseri upang matugunan angpangangailangan ng pananim at ang kasiyahang nais matamo sapaghahalaman. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Bago simulan ang pag-aaral sa modyul na ito, lagyan mo ng bilog ang mga bilang nanagsasaad ng mabuting naidudulot ng pagnanarseri. Gawin sa sagutang kuwaderno. 1. Ang pagnanarseri ay nakalilibang na gawain. 2. Natutugunan din nito ang mga magsasakang nangangailangan ng mga punla o binhing itatanim. 3. Natutugunan din nito ang mga pangangailangan ng mga taong nais mag- alaga ng punla. 4. Nagiging isang uri din ito ng paghahanapbuhay. 5. Nakatutulong ito sa pagsulong ng mga nais mangibang bansa. 6. Nakatutulong din ito sa pagsulong ng kabuhayan. 7. Natutulungan nito ang mga taong nais magtanim at agad silang may mapagkukunan ng mabuting uri ng binhi. 8. Natutugunan din nito ang mga suliranin na dulot ng basura. 9. Ang pagnanarseri ay nakapagpapaganda ng paligid. 10. Ito ay pananggalang sa polusyon na dulot ng mga usok ng mga sasakyan. 2
PAG-ARALAN MOPagmasdan at pag-aralan ang larawan.Sa larawang napagmasdan, nakita mo ba ang mga salik sa pagnanarseri?Mahalagang malaman ang mga salik na kailangan sa pagnanarseri. Narito isa-isahinmo: 3
1. Matabang lupa. Ang lupa sa pook ng binhian ay dapat na maging mataba (ibig sabihin, madali itong durugin at sagana sa humus) upang ang halaman ay tumubo. Ang katabaan ng lupa ay nangangailangan ng isang uri ng pagkaing halaman sa anyong humus, na matatagpuan sa lupa. Ang loam o lupang buhaghag, ang banlik o putik ay mga uri ng lupa sa binhian.2. Pagkakaroon ng Daluyan ng Tubig. Ang lupa na pagtatayuan ng narseri ay kinakailangan bahagyang nakahilig upang dumaloy ang tubig, lalo na kung malakas ang ulan.3. Malapit sa Pinagmulan ng Tubig. Ang narseri ay dapat na malapit sa pinanggalingan ng sapat na dami ng tubig, sapagkat ito ay kinakailangan sa pagpapatubo ng halaman. Higit na kinakailangan ang tubig kung tag-araw. 4
4. Maayos na Bakod. Ang narseri ay dapat mayroong maayos na bakod upang mapangalagaan ang mga halaman at mga pinaraming punla sa mga nakawala o ligaw na hayop.5. Pagkakaroon ng Pananggalang sa Malakas na Hangin. Ang malakas na hangin ay nakakapinsala sa maliit na halaman. Kung kaya’t ang narseri ay dapat mayroong likas na pananggalang sa hangin tulad ng mga punongkahoy o burol. 5
6. Nasisikatan ng Araw. Ang sikat ng araw ay kailangan ng halaman sa paggawa ng pagkain. Dapat nasisikatan ng araw sa maghapon ang napiling lugar na pagtatayuan ng narseri.7. Maaayos na Daan. Kailangan ding malapit sa maayos na daan ang narseri upang madaling maisapamilihan angmga punla at maging magaan ang paghahatid ng mga ito. 6
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236