Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P IV

E.P.P IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:00:30

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

2. Gupitin nang bahagya ang mga sulok na parisukat 2½ mm ang haba.3. Tupiin papaloob ang apat na gilid. Diinan ang tupi upang maging lapat at tuwid.4. Kunin ang retasong gagawing panagpi at gupitin nang parisukat (5 cm ang laki kaysa butas).5. Ilagay sa ilalim ng butas ang panagpi. Ihilbana ang panlabas na gilid bago tahian ng slip stitch. 5

6. Baligtarin sa karayagan ang damit. Tahian ng slip stitch ang gilid.Siguraduhing pulido ang pagkakatagpi upang hindi ito pagmulan ng panibagong punit.Mahalagang malaman mo ang tamang paraan ng pagsusulsi ng iba’t ibang uri ng punit. • pahilis na punit • punit na hugis tatsulok • pagtatagpi ng punit Magiging tagumpay ka sa iyong pagsusulsi kung susundin mo ang tamang hakbang sapagsasagawa nito. SUBUKIN MO Subukan mong magsulsi ng iba’t ibang punit sa iyong kasuotan. Pagkatapos mongmaisagawa ipakita mo sa iyong guro para markahan. TANDAAN MO Dapat sundin nang buong husay ang mga paraan sa pagsusulsi ng bawat uri ng punit para makamit ang tunay na tagumpay sa pagsusulsi. 6

ISAPUSO MO Anong kagandahang ugali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap? Isulat mo angiyong kasagutan sa kuwadernong sagutan. 1. Hindi ikinahihiya ni Ramon ang pagsusuot ng kasuotang may tagpi. 2. Sinunod ni Lea ang tamang hakbang na natutunan sa pagsusulsi ng pahilis na punit sa kanyang palda. 3. Sa ilalim ng laylayan ng damit kinuha ni Benny ang panagpi para sa kanyang damit panlakad. 4. Sinisikap ni Loleng na maging malinis ang mesang pinaggawaan. 5. Pinag-iingatan niyang walang sinulid na naglawit sa tinagpiang t-shirt. GAWIN MOBasahin ang maikling tula. Sa Gusaling Pantahanan, maraming matutunan Katulad ng pagsusulsi na tiyak na kagigiliwan Mga damit na may punit ay muling mapapakinabangan Kung tamang paraan ng pagtagpi ay iyong isaalang-alang Gamit ang pinong karayom at sinulid na kakulay Sinulsihang damit ay magagamit nang mahusay Maging kawili-wili rin sa tingin ng karamihan Kung ang telang ginamit sa kulay kaugnay. 7

PAGTATAYAHumanap ka ng kasuotang may punit. Sulsihan mo ito na sinusunod ang tamangparaan ng pagsusulsing natutunan mo sa modyul. Ipakita mo sa guro upang kanyangmarkahan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 8

GRADE IV MGA BAHAGI NG MAKINANG PANAHI ALAMIN MO Sa kasalukuyang panahon, napakarami ng makinang panahi ang ibinebenta sa ibatibang pamilihan ng “appliances,” lalo na sa lungsod. Ibat iba ang mga “brand” o tataknito. Mahalagang piliing mabuti ang bibilhing makinang panahi. Kinakailangang mahusayang pag-andar nito habang ginagamit at mahusay ang resulta ng tahi sa tela. May iba’t ibang makinang panahi na mabibili. May yaring high speed, monomural,electric, at motor. Ang modyul na ito ang tutulong sa iyo upang makilala ang mga bahagi ng makinangpanahi. 1

PAG-ARALAN MOAno ang nasa larawan? Piliin at isulat ang iyong sagot sa kuwadernong sagutan. a. masining panahi b. makinang panahi c. matining panahi d. mariing panahi 2

Nakakita ka na ba nito? Mayroon ba kayo nito sa bahay? Pag-aralan ang nasalarawan.Narito ang itaas na bahagi ng makina. Pag-aralan mo. 3

BAHAGI NG MAKINANG PANAHIItaas na Bahagi Bahagi Ang Gamit Nito1. Lalagyan ng sinulid o spool pin Pinaglalagyan ng karte ng sinulid sa itaas2. Gulong sa ibabaw o balance wheel na bahagi ng ulo ng makina Nagpapaandar sa makina katulong ang3. Ikitan ng sinulid o bobbin winder gulong sa ilalim. Dito sinisimulan ang pagpapatakbo ng makina4. Bobina o bobbin Bahaging malapit sa balance wheel na5. Kaha ng bobina o bobbin case ginagamit upang lagyan ng sinulid ang6. Kulintang o belt bobina. Pinaglalagyan ng sinulid sa ilalim ng7. Patnubay ng sinulid o thread guide makina. Pinaglalagyan ng bobina sa ilalim ng8. Presser foot o pandiing pisador makina9. Presser bar lifter o tagataas-babang Bahaging nagdudugtong ng maliit na gulong sa ibabaw sa malaking gulong sa pisador ilalim.10. Tension regulator o itaas na pangdiin o Kalawit na alambre na pumapatnubay sa sinulid mula sa spool pin hanggang pambanat karayom.11. Ngipin ng makina o feed dog Bahaging pumipigil at gumagabay sa tela12. Needle bar o kabilya ng karayom habang nananahi. Nagbababa o nagtataas ng presser foot o13. Stitch regulator o pangontrol ng tahi pangdiing pisador.14. Stop motion screw o tagatigil Inaayos ang luwag at higpit ng sinulid.15. Plato ng makina o throat plate Bahaging nasa ilalim ng presser foot na nag-uusad ng tela habang nananahi. Hinahawakan ang karayom at dinadalang paitaas at pababa ang sinulid sa damit na tinatahi. Kinokontrol ang haba at laki ng tahi Itinitigil ang galaw ng makina kapag linuluwagan at pinaaandar naman kapag sinisikipan. Pumapatnubay sa karayom upang makuha ang sinulid ng bobina. 4

Bahagi Ang Gamit Nito16. Kama o Bed Patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaaandar ang kahang may17. Slide plate bobina na nagdadala ng sinulid sa ibabaw. Makinis at makintab na metal sa kaliwa ng kama. Maaari itong buksan upang mailagay o matanggal ang kaha ng bobina.Basahin at pag-aralan ang susunod na ibabang bahagi ng makina. 5

1. Band Wheel o Bigkis ng Gulong • Malaking gulong na pagkakabitan ng kulindang at nagpapaikot ng7. Band Wheel Crank balance wheel• Nagpapaikot samalaking gulong 2. Belt Shiftersa ilalim • Inaakma ang bigkis na gulong sa gulong6. Belt Guide Ibabang Bahagi 3. Pitman Rodo • Pumapatnubay sa ng Makina • Iniuugnay ang kulindang upang pedal sa gulong di mawala sa lugar5. Legs o Paa • Umaalalay sa mesa ng makinang panahi 4. Treadle or apakan • Inaapakan ng paa upang umandar ang malaking gulong sa ilalim sa tulong ng pitman rod 6

SUBUKIN MOA. Isulat sa kuwadernong sagutan ang bahagi ng makina na tinutukoy sa bawat bilang. 1 2 4 3 5 6 7 9 8 11 10 12 14 1513 16 17 7

B. Iguhit ang kung tama ang pangungusap at naman kung mali.Kung mali, iwasto ito.1. Ang band wheel crank ang nagpapaikot sa gulong sa ilalim.2. Gumagamit ng treadle o patungan ng paa upang umandar ang malaking gulong sa ilalim ng makina.3. Ang band wheel ay malit na gulong na nakikita sa ilalim ng makina.4. Pumapatnubay ang belt guide sa kulindang upang hindi ito mawala sa lugar.5. Pitman rod ang tawag sa bahaging nagdudugtong ng treadle sa band wheel crank.6. Pinaglalagyan ng karete ng sinulid ang spool pin sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.7. Ang kaha ng bobina ang lalagyan ng bobina sa itaas ng makina.8. Pinaandar ng balance wheel ang makina katulong ang gulong na malaki sa ilalim.9. Inaayos ng tension regulator ang luwag at higpit ng mga tahi ng makina.10. Ang stitch regulator ang kumukontrol sa haba o laki ng tahi.TANDAAN MOMahalagang malaman ang iba’t ibang bahagi ng makina at wastonggamit ng mga ito bago mag-aral manahi. 8

ISAPUSO MO Bilang isang mabuting kaibigan, ibahagi mo sa iba ang kaalamang natutunan mo ngayon. SALAMAT! GAWIN MO1. Bakatin sa puting papel ang larawan ng makina. Gupitin ito at idikit sa matigas na karton. Ikwadro ito nang wasto at palamutian ang mga gilid sa pamamagitan ng mga materyales na makikita sa inyong bakuran tulad ng dayami, walis tingting, tuyong sanga, dahon, o bulaklak. Dalhin sa paaralan at ipakita sa guro.2. Bumuo ng isang “jingle” tungkol sa mga bahagi ng makina na natutunan mo. 9

PAGTATAYAA. Tukuyin ang bahagi ng makinang panahi na tinutukoy ng bawat pangungusap. Pumili ng iyong mga sagot sa mga salita o parirala sa loob ng kahon. Isulat ang titik ng sagot sa kuwadernong sagutan.a. gulong sa ibabaw o balance wheel f. spool pin o lalagyan ng sinulidb. ikitan ng sinulid o bobbin winder g. slide platec. stitch regulator o pamputol ng tahi h. kama o bedd. needle bar o kabilya ng karayom i. plato ng makina o throat platee. tension regulator o itaas na pang- j. ngipin ng makina o feed dog igting o pambanat1. Makinis at makintab na metal ito sa kaliwa ng kama. Maaari itong buksan upang ilagay o matanggal ang kaha ng bobina.2. Pinaglalagyan ito ng karete ng sinulid sa itaas na bahagi ng ulo ng makina.3. Patag na bahagi ng ulo ng makina. Sa ilalim nito pinaaandar ang kahang may bobina na nagdadala ng sinulid sa ibabaw.4. Ito ay pumapatnubay sa karayom upang makuha ang sinulid ng bobina.5. Ito ang nagpapaandar sa makina katulong ang gulong sa ilalim. Dito sinisimulan ang pagpapatakbo ng makina.6. Bahaging malapit sa balance wheel na ginagamit upang lagyan ng sinulid ang bobina.7. Kinokontrol nito ang haba at laki ng tahi.8. Hinahawakan nito ang karayom at dinadalang paitaas at pababa ang sinulid sa damit na tinatahi.9. Inaayos nito ang luwag at higpit ng sinulid.10. Ito ay bahaging nasa ilalim ng pressure foot na mag-uusad ng tela habang nananahi. 10

B. Isulat sa kuwadernong sagutan ang bahagi ng makina na tinutukoy ng bawat bilang. Piliin ang sagot sa mga nakasulat sa ibaba.a. balance wheel o gulong sa ibabaw f. needle bar o kabilya ng karayomb. band wheel o bigkis ng gulong g. pressure bar lifter o tagataas-c. bobbin winder o ikitan ng sinulidd. belt guide babang pisador h. stitch regulator o pamputol nge. legs tahi i. spool pin o lalagyan ng sinulid j. treadle o apakan 1 8 9 2 10 3 11 4 12 5 13 146 157 16 17 Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 11

GRADE IV WASTONG PANGANGALAGA NG MAKINA ALAMIN MOMay makina ba kayo sa bahay? Pinapayagan ka bang gamitin ito? Kung maganda ang takbong makina habang ikaw ay nananahi, ano ang pakiramdam mo? Kung pauntol-untol angtakbo nito, nasisiyahan ka ba sa pananahi?Pag-aralan mo ngayon kung paano pangangalagaan ang makinang panahi. Ang modyul naito ang magtuturo sa iyo ng wastong pangangalaga ng makina upang ito ay magtagal atmaging magaan gamitin bukod pa sa magiging maganda at maayos ang iyong mga tatahiin. PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang nasa larawan? Isulat ang mga bahagi at gamit nito sa iyong kuwadernong sagutan. 1

PAG-ARALAN MOBasahin mo ang sumusunod na talataan:Hindi maganda ang kalalabasan ng tinatahi kung palaging nasisira ang makinang panahi.Ngayon pag-aralan mo ang mga paraan ng pangangalaga upang mapanatiling malinis atmaayos ang takbo nito.Narito ang ilang tuntunin na dapat isagawa upang mapanatiling maayos ang makina atmapakinabangan sa mahabang panahon.1. Ingatan ang pagtaas at pagbaba ng ulo ng makina kapag ito ay ginagamit. Huwag itong ibabagsak sapagkat maaaring lumuwag ang mga bahagi nito.2. Punasan at alisin ang alikabok at himulmol ng sinulid sa makina bago at matapos itong gamitin.3. Lagyan ng kapirasong tela ang pagitan ng feed dog at presser foot upang hindi pumurol ang mga ngipin nito.4. Alisin ang kulindang at itabi ito nang maayos kapag hindi ginagamit ang makina upang hindi ito maputol.5. Lagyan ng angkop na langis ang mga gumagalaw na bahagi.6. Linisin ang bawat bahagi.7. Takpan ang makina kapag hindi ginagamit.8. Kumpunihin ang karaniwang sira ng makina.9. Gamitin nang wasto ang makina at iwasang paglaruan ito. 2

SUBUKIN MOIdrowing ang  kung tama ang mga pangungusap at  naman kung mali sakuwadernong sagutan.1. Dapat linisin ang makinang panahi bago at pagkatapos itong gamitin.2. Inaalis ang kulindang kapag hindi ginagamit ang makina.3. Nilalagyan ng retaso sa pagitan ng feed dog at presser foot kapag hindi ginagamit ang makina.4. Ginugupit ang mga himulmol ng sinulid pagkatapos manahi.5. Hayaang nakahayag sa araw ang makinang panahi upang di ito pagpawisan. Huwag itong takpan. TANDAAN MO Mapapakinabangan mo nang matagal ang makinang panahi kapag ito’y gagamitin sa wastong paraan at pangangalagaan itong mabuti. PAHALAGAHAN MOIsulat ang sagot sa kuwadernong sagutan sa mga tanong sa ibaba.1. Nakita mong pinaglalaruan ng iyong kapatid ang inyong makina. Ano ang gagawin mo?2. Tinatakpan agad ng kapitbahay ninyo ang katatapos niyang gamiting makina. Ano ang masasabi mo? 3

GAWIN MOMag-imbita ng isang mananahi sa inyong lugar. Ipakitang-gawa mo ang wastongpangangalaga ng panahing makina. Tanungin mo siya kung tama ang iyong mgaipinakita. Ipasulat sa isang papel ang namasid niya sa ipinakita mo. Pagkatapospapirmahin siya sa ibaba nito. PAGTATAYAIsulat ang T kung tama ang mga pangungusap at M naman kung mali. Kung mali, iwastoito. Gamitin ang kuwadernong sagutan1. Linisin at langisan ang makina minsan sa isang lingo.2. Huwag tanggalin ang karayom, bobina, plato at iba pang bahagi kapag nililinis ang makina.3. Lagyan ng langis pangmakina ang mga butas turnilyo at iba pang bahaging gumagalaw.4. Alisin ang alikabok sa mga bahaging gumagalaw.5. Ibalik nang maayos ang mga bahaging kinalas matapos itong linisin. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 4

GRADE IV MGA PANGUNAHING PAGKAIN ALAMIN MOAng katawan natin ay kailangan ng masustansyang pagkain upang ito’y magingmalakas at malusog. Sa modyul na ito matututunan mo ang mga pangunahing pangkat ng pagkain nakailangan ng katawan at kung paano naisasagawa ang mga payak na gawaing-kamaytulad ng pagbabalat, pagtatalop, paghihiwa at iba pa. PAG-ARALAN MOMga Pangkat ng Pagkain May tatlong pangunahing pangkat ng pagkain na kailangan ng katawan para ito’y maging malakas at malusog. Pangkat 1 - Mga Pagkaing Tumutulong sa Paglaki o Grow Foods – Mayaman sa protina ang mga pagkain sa pangkat na ito. Ang protina ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan, nagpapapula ng dugo, nagpapatigas ng kalamnan at nagpapatibay ng mga kuko at ngipin. 1

Pangkat II - Mga Pagkaing Nagbibigay Lakas o Go Foods – Sagana sa carbohydrates, langis at taba ang mga pagkain sa grupong ito. Ito ang mga sustansiyang nagbibigay ng init at lakas ng katawan.Pangkat III - Mga Pagkaing “Glow Foods”- tagapagsaayos ng katawan o “Regulating Foods.” Ito ay nagsisilbing pananggalang sa mga sakit at impeksiyon. Napapaloob sa pangkat na ito ang mga gulay at prutas na nagtataglay ng ibat ibang bitamina at mineral. Ang mga prutas at gulay na madidilaw at maberde ay sagana sa Bitamina A, Calcium at Iron. Ang mga ito ay nangangalaga ng kalusugan ng ating mata, ngipin at buto. Ang mga prutas at gulay na sagana sa Bitamina C naman ay nakapagpapalakas ng resistensiya ng katawan laban sa sakit tulad ng sipon. Kasama rin sa pangkat na ito ang iba pang mga prutas at gulay na tumutulong sa pagtunaw ng pagkain at pagbawas ng dumi. 2

Ang mga pagkaing kasama sa tatlong pangunahing pangkat ay kailangang maginggabay sa paghahanda ng pagkaing mura, wasto at masustansiya nang maging malusog atmalakas.• Paghahanda ng Pagkain Narito ang mga payak na gawaing-kamay na maaari mong maitulong sapaghahanda ng pagkain. Kailangang malaman mo ang wastong paraan ng bawatgawain at mga panuntunang pangkaligtasan upang maiwasan ang sakuna.1. Pagtatalop - Kapag nagtatalop, dapat na hindi nakaharap sa katawan mo ang talim ng kutsilyo.2. Paghihiwa - Sa paghihiwa ng pagkain, karaniwang3. Pagsasala ginagamitan ng sangkalan. Ang sangkalan ay yari sa matigas na uri ng kahoy o kaya’y makapal na plastic. - Salaan at kolander ang ginagamit kung ibig salain o patuluin ang ibat ibang sangkap sa pagluluto kapag natapos itong hugasan. 3

4. Pagsusukat - Karaniwan ay isang set ng panukat ang ginagamit sa kusina kung wala nito5. Palilinis ng maaaring gamitin ang tasa o kaya’y isang Pagkain Karne kutsara o kutsarita. - Ang wastong paglilinis ng karne ay sa pamamagitan ng pagdampi lamang dito ng malinis at basang tela. Kung hindi maiwasan padaluyan na lamang ito ng tumutulong tubig sa gripo.6. Isda - Sa pamamagitan ng talim ng kutsilyo, alisin7. Gulay ang kaliskis ng isda. Hawakan ang ulo ng isda ng kaliwang kamay at ang kutsilyo naman sa kanang kamay. Putulin ang buntot at mga palikpik. Alisin ang bituka at hasang nang dahan-dahan upang hindi mapisa ang apdo. Gilitan ang isda at hugasan nang malinis. Maging maingat sa paggamit ng kutsilyo upang hindi masugatan. - Ang mga gulay ay dapat hugasan para maalis ang mga dumi at kemikal na kumapit sa mga ito. Hugasan ang mga ito nang buo bago hiwain. Kung ito ay tatalupan alisin ang balat ng gulay nang manipis lamang. Iwasan ang pagbabad ng mga gulay sa tubig upang di mawala ang sustansiya. 4

8. Prutas - Hugasan ang prutas sa dumadaloy na tubig para matanggal ang dumi o kemikal, bago ito hiwain o talupan Tiyaking malinis ang mga pagkaing inihahanda ngunit isaalang-alang din na angsustansiya ng mga ito ay hindi mawawala o masisira. PAGSANAYAN MOA. Ipakita mo sa kasambahay o grupo ang mga sumusunod. 1. Pagtatalop 2. Paglilinis ng: - Pagkaing karne - Isda - Gulay 3. Paghihiwa 4. Pagsasala TANDAAN MO Kailangan ng katawan ang tatlong pangunahing pagkain upang maging malusog at malakas. Kailangan din sundin ang mga payak na gawaing-kamay sa paghahanda ng pagkain upang maging maayos, malinis at higit sa lahat masustansiya ang pagkain. 5

ISAPUSO MO Bakit kailangan kumain ng masustansiyang pagkain? Upang maging malusog angkatawan. Kapag malusog ang katawan, mahirap dapuan ng sakit.GAWIN MOA. Gumawa ng halimbawa ng sangkalan na yari sa kahoy o plastic.B. Gumawa ng salaan na yari sa kawayan, malinis na tela (cotton) o telang yari sa gasa.C. Kantahin sa himig ng “Leron Leron Sinta”Ang gatas at ang itlog Kumain ka ng kaninPagkaing pampalusog Prutas at gulayAng saging at papaya Samahan ng isdaPagkaing pampaganda Katawan ay sisiglaPAGTATAYAA. Gumawa ng tsart. Itala ang mga pagkaing sagana sa protina, carbohydrates, mineral at bitamina. Gawin sa kuwadernong sagutan. Protina Carbohydrates Bitamina at Mineral1. 1. 1.2. 2. 2.3. 3. 3.4. 4. 4.5. 5. 5. 6

B. Isulat sa kuwadernong sagutan ang titik T kung ang binabanggit ay totoo at titik H kung hindi. 1. Lahat ng kinakain ay masustansiya. 2. Ang protina ay sustansiyang tumutulong sa pagpapatubo at pagpapalaki ng mga buto at kalamnan. 3. Ang mga gulay at prutas ay nagtataglay ng ibat ibang bitamina at mineral. 4. Hindi natin kailangan ang mga pagkaing nagbibigay ng init at lakas ng katawan. 5. Sayang ang salapi kung ang binibili ay halos walang sustansiya. 6. Kailangan matutunan ang mga payak na gawaing-kamay sa paghahanda ng pagkain. 7. Hindi kailangan hugasan ang mga prutas bago kumain. 8. Kailangan ibabad sa tubig ang gulay kung huhugasan. 9. Sa pagtatalop, dapat nakaharap sa katawan mo ang talim ng kutsilyo. 10. Sa paghihiwa ng mga pagkain, karaniwan ginagamitan ng sangkalan. 7

GRADE IV KAGAMITAN AT KASANGKAPAN SA PAGHAHALAMAN ALAMIN MOMagiging kawili-wili ang anumang gawain kung nakadarama ng ginhawa atkasiyahan habang gumagawa. Nais ninuman na ang kanilang gawain ay magingmagaan, mabilis, at maayos. Sa tulong ng mga kasangkapan, dadali ang ating gawainsa halamanan. Subalit sa paggamit ng mga ito, kinakailangan ang ibayong pag-iingat. Sa araling ito ay matututuhan mo ang iba’t ibang kagamitan at kasangkapan sapaghahalaman at kung paano ang tamang paggamit nito. PAG-ARALAN MO Ang paghahalaman ay napadadali at napagagaan sa tulong ng mga kasangkapan.Pag-aralan mo kung paano mapakikinabangan nang mabuti ang mga ito. Mga kagamitan sa paghahalaman. 1. Ang dulos ay maaaring gamitin sa • pagbubungkal ng lupa • paglinang ng lupa sa paligid ng tanim • paglilipat ng punla • paghuhukay ng butas na tatamnan 1

2. Ang pala ay maaaring gamitin sa: • pagbubungkal ng lupa • pagdurog o pagbubuhaghag ng lupa • paghahalo ng pataba sa lupa • paggawa ng kanal sa pagitan ng mga kamang taniman3. Piko at Asarol Ang asarol at piko ay pambungkal ng lupa. Puwede ring pandurog ng malalaking kimpal ng lupa, o panghukay ng matigas na lupa.4. Kalaykay Ito ay ginagamit sa pagdudurog ng lupa at pagpapantay ng lupang taniman o kamang taniman. 2

5. Ang regadera ay gamit sa pagdidilig ng halaman, dapat tandaan na higit na mabuti kung pino ang mga butas ng gagamiting pandilig.6. Kartelya Kailangan ito sa pagbubuhat ng lupa at iba pang kailangan sa halamanan.7. Ang itak o karet Pamputol ng malalaking kahoy, sanga at malalaking halaman.8. Kailangan din ang tamang sukat sa pagtatanim. Ang metro o panukat, pisi at mga tulos ay kailangan dito upang masukat ang gagawing halamanan. 3

Ngayon alam mo na ang mga ibat ibang kagamitan at kasangkapan sapaghahalaman – dapat mo ring alamin ang wastong pangangalaga sa mga ito. Saganitong paraan ay makatitipid sa perang pangkupuni o kaya ay pambili ng bagonggamit. Narito ang ilang paalala na kailangang isagawa lagi ng sino mangnaghahalaman. Pag-aralan mo ito. 1. Maglaan ng sadyang lugar o tool rack na taguan ng mga kagamitan. Bigyan ng lugar ang bawat kagamitan. 2. Gamitin ang angkop na kagamitan para sa gawain. 3. Linisin ang mga kagamitan at kasangkapan pagkatapos gamitin. Patuyuin ito nang mabuti bago itago. 4. Itago nang maayos sa angkop na lugar o tool rack ang mga kagamitan. Madaling matutukoy ang kailangang kagamitan kung lalagyan ng karatula tulad ng: • pambungkal ng lupa • pandurog o pagbubuhaghag ng lupa • paghahalo ng pataba sa lupa • panggawa ng kanal sa pagitan ng mga kamang taniman  Kung hindi pa ginagamit ang mga kasangkapan, hahayaan mo ba na nakakalat ang mga ito sa daanan ng mga tao?  Ang mga kasangkapang may talim katulad ng itak, asarol at piko ay nakasusugat. Paano mo ito dadalhin o gagamitin?  Kapag di na ginagamit ang kalaykay, paano mo ito itatabi? Paano mo masisiguro na walang maaaksidente kung sakaling may dumaan?SUBUKIN MOA. Isulat mo sa iyong kuwaderno ang tamang sagot.1. Kailangang sundin ang mga panuntunan sa paggawa upang ito ay maging __________.a. maganda c. kawili-wilib. maayos d. wasto 4

2. Sa paggawa, laging isaisip ang __________.A. pagtatanim C. makataposB. pagpapahinga D. pag-iingat3. Dapat gumagamit ng kasangkapang __________.A. matibay C. matigasB. angkop D. luma4. Upang maging maayos at maginhawa sa paghahalaman, gumamit ng __________ na damit.A. manipis C. mahabaB. matibay D. maluwag5. Mag-ingat sa paggamit ng __________. It ay maaaring makalason.A. pampataba C. pantubigB. kemikal D. pambuhosB. Kopyahin sa kuwaderno at tapusin ang talahanayan ng kasangkapan sa paghahalaman. Pambungkal Pamutol Pandilig1. piko 1. itak 1. rigadera2. 2. 2.3. 3. 3.4. 4. 4.5. 5. 5. 5

TANDAAN MO • Ang paghahalaman ay isang uri ng gawaing mapagkakakitaan. • May mga kagamitang angkop sa paghahalaman. Gamitin ang bawat kagamitan sa naaangkop na gawain. • Pangalagaan ang mga kasangkapan sa paghahalaman upang ito ay tumagal. • Laging sundin ang mga tuntuning pangkaligtasan at pangkalusugan sa paggamit ng mga kasangkapan. ISAPUSO MO1. Ano sa palagay mo ang magandang ibubunga ng pagsunod sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paghahalaman?2. Paano mo ito maibabahagi sa mga kaibigan lalo na ang wastong paggamit ng mga kasangkapan o kagamitan sa paghahalaman? GAWIN MOA. Awitin sa himig ng “Bahay Kubo.” Pala, piko, Asarol, kalaykay, Rigadera, timba Dulos at tinidor Palakol at itak Kartelya’t karet Gamitin mo Sa paghahalaman 6

B. Gumuhit ng mga kagamitan o kasangkapan sa paghahalaman na nakapaloob sa awit. PAGTATAYAA. Lagyan ng tsek (√) ang kasagutan ng bawat kriterya. Mga Tuntunin Oo Hindi1. Ang talim ng kasangkapan ay nakaturo sa lupa.2. Lumalakad nang marahan at maingat habang may dalangkagamitan.3. Hindi nilalaro ang kagamitan.4. Sapat ang layo sa kapwa habang gumagawa.5. Inaalis sa daanan ang hindi pa gagamiting kasangkapan.6. May sadyang lugar na pinagkukunan ng kasangkapan.7. Angkop sa gawain ang ginamit na kasangkapan.8. Nililinis ang kasangkapan bago itinago.9. Tinutuwid ang nabaluktot na ngipin ng palang tinidor.10. Hinahasa ang mapurol na gulok at asarol bago gamitin.B. Itambal ang Hanay B sa Hanay A Isulat ang titik ng wastong sagot sa iyong kuwaderno. A B1. Ginagamit sa pagbubungkal ng lupa upang bumuhaghag a. pala ito b. regadera2. Pantipon ng mga kalat sa halamanan tulad ng mga tuyong c. dulos damo3. Angkop na pambungkal ng lupa sa paligid ng halamang d. asarol e. kalaykay tanim4. Pandurog ng malalaking tipak ng lupa upang pinuhin ito.5. Pandilig ng mga halamang tanim Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 7

GRADE IV KAHALAGAHAN NG PAGTATANIM NG IBA’T IBANG GULAY ALAMIN MONakaupo ang Tatay sa may bintana ng bahay. Nakatingin siya sa kanilang muntingbakuran. Katabi niya ang anak na si Harold.“Ano po ang iniisip ninyo? Mukha pong napakahalaga?” tanong ni Harold.“Ibig kong pakinabangan nang mabuti ang ating munting bakuran. Napakamahalng bilihin. Laging kulang ang dalang pamalengke ng nanay mo. Nahihirapan siyana mapaghusto ang kaunti kong kita. Hindi lamang makakatulong sa atin, kundimagkakaroon pa tayo ng sariwang gulay araw-araw. Ang gulay ay napakahalagapara sa ating kalusugan. Magiging maganda ang ating paligid at maymapagkakakitaan pa tayo dahil ‘yong ibang produkto nating gulay aymaipagbibili,” sabi ng Tatay. 1

PAG-ARALAN MOAlam mo ba na ang pagtatanim ng gulay ay maraming dulot sa atin?1. Pinagkukunan ng Masustansyang Pagkain Ang gulay ay pinagkukunan ng sustansiya na kailangan ng ating katawan. Kailangan ang gulay upang tayo ay lumaking malakas at malusog. May mga gulay na mainam pagkunan ng protina. Ang protina ay pagkaing pampalaki. Makukuha ito sa sitaw, munggo, mani at ibang butong gulay. May gulay na mainam pagkunan ng carbohydrates. Ang carbohydrates ay pagkaing pampalaki. Nakukuha natin ito sa kamote, kamoteng-kahoy, gabi, saba, saging, dilaw na mais at iba pang halamang ugat. Ang ibang gulay naman ay mainam pagkunan ng bitamina. Ang bitamina ay sustansiyang pampalusog. Matatagpuan ito sa kalabasa, kamatis, okra, sibuyas, bawang at iba pang bungang gulay. 2

2. Mabuting Hanapbuhay Alam mo ba na may mga taong ang hanapbuhay ay paghahalaman? Sa lahat ng lugar may mga nagtatanim sa mga bakanteng lote nila at ang ani nila ay ipinagbibili sa pamilihan. Kumikita sila rito. Sa ilang malalaking bukid, may mga upahang manggagawa sa halamanan. May mga tao namang kumikita sa pag- aangkat at pagtitinda ng inaning gulay. Ang paghahalaman ay nakatutulong sa paglutas ng mga suliraning panghanapbuhay.3. Nakadaragdag sa Kita ng Pamilya Nakatutulong sa isang pamilya ang pagtatanim ng halaman sa likod ng bahay. Dapat magsama-sama sa pagtatanim ng halaman ang buong pamilya. Kailangan nilang magtanim ng madahon at mabungang gulay, bungang-kahoy, at iba pa. Makakain nila ang ibang ani at maipagbibili naman ang sobra. Sa ganitong paraan sila ay palagiang nakakakain ng sariwang gulay at prutas at makaiipon pa ng pera mula sa kanilang pinagbilhan. 3

4. Isang Mabuting Paraan ng Pag-lilibang Isang mabuting paglilibang ang paghahalaman sa likod ng bahay. Nakatutulong nang malaki sa katawan ang ehersisyong dulot ng pagbubungkal ng lupa. Sa halaman ay may masasagap na sariwang hanging maaaring makapawi ng mga suliraning nasa isip at ito ay makapagpapalusog ng katawan. Ang paghahalaman ay kawili-wili, kapakipakinabang at isang matalinong pampalipas ng oras. PAGSANAYAN MOBasahin ang mga sumusunod na kalagayan at isulat sa inyong kuwaderno ang titikng tamang sagot. 1. Nawalan ng trabaho si Mang Abe. Hindi niya malaman kung paano niya maitataguyod ang kanyang pamilya sa kaunting perang kanyang natanggap buhat sa opisina. Naisip niyang magtanim ng gulay sa kanilang bakuran. Alin ang di dapat makasama sa mga kahalagahang naidudulot ng pagtatanim sa mag-anak? A. Karagdagang kita B. Karagdagang sustansiya C. Nalilibang ang pamilya D. Madadagdagan ang gagawin nila 4

2. Nahinto sa pag-aaral si Henry kaya naisipan niyang maghalaman upang maging kapaki-pakinabang ang kanyang oras. Alin sa mga sumusunod ang di-dapat makasama sa mga kahalagahang maidudulot ng paghahalaman sa kanya? A. Kumita siya B. Lumusog siya C. Malibang siya D. Magkasakit siya3. Nag-aani ng mga prutas si Aling Norma sa kanilang halamanan upang makain ng kanyang mga anak. Anong kahalagahan ang naidudulot ng kanyang mga halamang prutas sa kanyang mga anak? A. Karagdagang kalat sa bakuran B. Karagdagang gawain sa kanila C. Tatamarin sa pag-aaral D. Karagdagang sustansiya4. Nagtungo sa kanilang taniman ang mag-amang Bernabe at Teodulo. Humukay sila ng halamang ugat ng ubi, gabi, kamoteng kahoy at kamote. Ipinagbili nila ang mga ito sa palengke. Anong kahalagahan ang ibinigay nito sa kanila? A. Walang sustansiyang makukuha B. Hindi magandang hanapbuhay C. Nagpapahina ng katawan D. Karagdagang kita5. Nagtanim ng gulay ang mga batang nasa ikaapat na baitang. Anong kabutihan ang maidudulot nito sa kanila? A. Makagaganda sa kanilang katawan B. Mabuting gawain C. Nalibang sila D. Lahat ng ito 5

TANDAAN MO Ang paghahalaman ay isang kapakipakinabang na gawain na pagkukunan ngmasustansiyang pagkain, para mapabuti ang hanapbuhay, karagdagang kita ngpamilya at isang mabuting libangan. ISAPUSO MO- Ano ang kahalagahan sa iyo ng paghahalaman?- Sa palagay mo ba ito ay nakakatulong sa inyong pamilya?- Nakakalibang ba ang mga halaman sa paligid ng inyong bakuran? GAWIN MOIsaulo mo ang awit. A. Awitin sa himig na Paru-parong Bukid Tayo ay magtanim ng mga halaman Iba’t ibang gulay sa ating bakuran Nang upang katawa’y sumigla’t yumaman Sa mga pagkain dala’y kalusugan Tayo ay magtanim iba’t ibang gulay Ito ay katulong sa ating kalusugan Kabuhayan nati’y uunlad nang labis Tayo’y giginhawa sa mga halaman 6

B. Pagguhit ng mga sumusunod. 1. Mga bungang kahoy na mayaman sa bitaminang A at C. Kulayan ito. 2. Mga halamang ugat na mayaman sa calcium at carbohydrates na iyong kinakain. 3. Mga dahong gulay na mayaman sa bitamina A, iron, at calcium na kadalasan mong kinakain. 4. Mga halamang gulay na mayaman sa protina at bitamina B. PAGTATAYAKunin mo ang iyong kuwaderno. Basahin ang mga sumusunod na sitwasyon at isulatsa iyong kuwaderno ang titik ng wastong sagot. 1. Ibig magtanim ng halamang gulay ni Henry sa kanilang looban. May nagsabi sa kanya na dapat niyang piliin iyong mapagkukunan ng masustansiyang pagkain. Alin sa mga sumusunod ang dapat niyang itanim? a. mustasa at petsay b. atis c. mangga d. lanzones 2. Napagkaisahan ng mga bata sa ikaapat na baitang na magtanim ng mga bungang kahoy na mayaman sa bitamina A at C sa looban ng paaralan dahil makabubuti ito sa katawan. Alin sa mga ito ang kanilang pipiliin? a. kamote b. gabi c. bayabas d. bataw 7

3. Nais din nilang magtanim ng mga halamang ugat dahil mayaman ito sa calories at carbohydrates. Alin sa mga ito ang dapat nilang piliin? a. sitaw b. gabi c. sibuyas d. luya4. Napili mong itanim sa looban o bakuran ninyo ay butong gulay na mayaman sa protina at bitamina B. Alin sa mga ito ang butong gulay? a. kalamansi b. kalabasa c. mongo d. labanos5. Lahat ng ito ay kahalagahan ng pagtatanim ng gulay maliban sa isa - a. Pinagkukunan ng masustansiyang pagkain b. Dagdag na gawain c. Mabuting hanapbuhay d. Karagdagang kita sa pamilya e. Mabuting paraan ng pag-aliw Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 8

GRADE IV PAGHAHANDA SA LUPANG PAGTATANIMAN ALAMIN MOIsa sa mga salik na dapat isaalang-alang sa pagtatanim ng halamang gulay ay angpaghahanda ng kamang taniman. Ang paraang ito ay higit na makatutulong upangmapangalagaan at matiyak ang mabilis na pagtubo at pagdami ng mga halamang-gulay. Kailangan lamang ang masusing pagpaplano at pagsunod sa mga hakbang nadapat sundin. Pagkatapos ng araling ito, matututuhan mo ang maghanda ng lupangpagtataniman ng gulay o mga halaman. PAGBALIK-ARALAN MO Magbugtungan tayo. Isulat sa iyong kwaderno ang kagamitan at kasangkapan sapaghahalaman na tinutukoy sa bawat bilang. 1. Ako ang pampatag ng kamang taniman, Tinitipon ko ang dumi o lagas na dahon sa halaman Sino ako? ________________ 2. Sa pagdilig ako’y maasahan, Katulad ng takuri, ako’y may hawakan Sa maliliit kong butas tubig ay lumalabas Halamang tuyo sisiglang tiyak Sino ako? ______________ 3. Parang tinidor ang aking hitsura Pang alis ng damo ang aking kapara Lupa sa paligid ng tanim aking hinuhukay Upang halama’y yumabong na tunay Sino ako? _____________ 1

4. Kamang tanima’y matitiyak ang sukat at ayos Kung sa apat na tulos ako ay itatali mo nang maayos Sino ako? ______________ 5. Dinurog na lupa aking hinahalo Ang paghuhukay ay kabisado ko rin lalo Kapara ko ay sampi sa inyong kusina Mabisa akong kasangkapan sa paglilipat ng lupa. Sino ako? _________________ PAG-ARALAN MO Maraming mga bagay ang maingat at masusing pinag-aaralan bago simulan angpaghahalaman. Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman. 1. Tukuyin ang lugar na pagtataniman. Ang mga sumusunod ay dapat maging gabay. - Sapat na laki ng lugar - May sapat na hangin at sikat ng araw ang lugar - Ang lupa ay angkop para sa taniman - May sapat na patubig ang lugar - May mabuting daluyan ng tubig upang hindi magbaha ang lugar Handa ka na ba sa iyong gagawin? Maaari mo nang simulan ang paggawa ng kamang taniman. Sundin mo ang mgasumusunod na hakbang. Maging maingat sa pagsasagawa ng mga ito lalo na sa paggamitng mga kagamitan at kasangkapan sa paghahanda ng kagamitan. a. Linisin ang lupang gagawing taniman. Alisin ang mga damo, bato at iba pang kalat. 2

b. Sukatin ang kamang pagtataniman ayon sa planong ginawa. Gumamit ng tulos at mahabang pisi sa pagmamarka ng kama.c. Bungkalin ang lupa upangmaging buhaghag ito. Dapatgawing malalim angpagbubungkal upang mabigyanng pagkakataon ang mga ugat nghalaman na tumubo nang maayosat masipsip ang sustansiya nglupa. Maging maingat sapaggamit ng asarol upangmaiwasan ang disgrasya.d. Durugin ang mga malalaking tipak ng lupa upang maging pino at buhaghag. Siguraduhing may suot na sapin sa paa upang maiwasan ang matinik o mabugoge. Lagyan ng pataba ang bawat kama. Gumamit ng abonong mula sa nabubulok na organikong bagay tulad ng tuyong dahon at dumi ng hayop. Mas mainam na gumamit ng “gloves” o guwantes sa pag lalagay ng organikong pataba. 3

f. Ilatag ang pataba sa ibabaw ng kama at ihalo sa lupa sa pamamagitan ng pala. Tiyakin na ang pataba ay nakahalong mabuti sa lupa. SUBUKIN MO 1. Ano ang una mong ginawa sa paghahanda ng kamang taniman? 2. Paano mo susukatin ang kamang taniman? 3. Paano mo bubungkalin ang lupa? 4. Anu-ano ang mga kagamitan para sa mga gawaing ito? 5. Bakit kailangang bungkalin nang malalim ang lupa? 6. Paano mo lilinisin at gagawing pino ang lupa? 7. Anong uri ng pataba ang ilalagay sa ginawa mong kamang taniman? 8. Paano mo ilalagay ang patabang organiko? 9. Bakit kailangang may sapat na hangin at sikat ng araw ang lugar? 10. Ano sa palagay mo ang mabuting maidudulot ng ating gagawing kamang taniman sa mga halaman na itatanim?Pagkatapos itong mapag-aralan subukin mong gumawa ng sariling kamang taniman sainyong bakuran o kaya sa mga bakanteng lote ng pamayanan na maaaring gawingtaniman ng ibat ibang uri ng gulay. TANDAAN MO Isang mahalagang hakbang na dapat tandaan sa paghahalaman ay ang wastong paghahanda ng kamang taniman. Ito’y dapat bigyan nang ibayong pansin upang ang mga halaman ay mabilis lumaki tungo sa masaganang ani. 4

ISAPUSO MO 1. May bakanteng lugar sa inyong bakuran o sa malapit sa inyong bahay, ano ang iyong gagawin para mapakinabangan ito? 2. May pulong sa inyong barangay at isa sa mga pinag-uusapan ay kung paano magkakaroon nang malinis at maayos na paligid, ano ang iyong gagawin? 3. Paano mo ibabahagi sa kapwa mo bata ang kaalaman sa paghahanda ng lupang taniman? Magbigay ng sitwasyon. 4. Ano ang dapat gawin para maging modelo ka sa inyong lugar? GAWIN MOA. Awitin ang awit sa himig na Paru-parong Bukid Tayo ay maghanda ng lupang taniman Sa paligid-ligid ng ating bakuran Upang ang katawa’y sumigla’t yumaman Sa mga pagkain sa halamanan. Linisin ang lupa, alisin ang damo Sukatin ang kamang ating pagtatamnan Bungkalin ang lupa upang mabuhaghag Diligin ang lupa, lagyan ng pataba.B. Gumuhit ng isang magandang halimbawa ng halamanan na may sari-saring tanim. 5

PAGTATAYALagyan ng tsek (√) kung naisagawa ang mga sumusunod na hakbang sa paghahanda nglupang taniman at ekis (x) kung hindi. Kriterya Oo HindiHakbang sa paggawa1. Naihanda ko ba ang mga kasangkapang kailangan?2. Nagamit ko ba nang wasto ang mga ito?3. Nilinis ko ba ang lupang gagawing taniman bago bungkalin?4. Nabungkal ko ba ang lupa upang maging buhaghag ito?5. Sapat ba ang lalim ng lupang binungkal?6. Nadurog ba ang lupa at naging pino at buhaghag?7. Wasto ba ang pagkalagay ng abono?8. Nalagyan ba ng pataba sa ibabaw ng kama at naihalo nanghusto sa lupa ang pataba?Asal at Gawi 1. Gumamit ba ako ng “working clothes”? 2. Nilinis ko ba ang kasangkapan bago ito iligpit sa lalagyan? 3. Nilinis ko ba ang lugar na pinaggawaan? 4. Nilinis ko ba ang aking katawan pagkatapos ng paggawa? 5. Natutuwa ba ako sa aking ginawa? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6

GRADE IV PARAAN NG PAGTATANIM ALAMIN MOMagkaiba ang paraan ng pagtatanim ng mga gulay na may maliit na buto at yaongmay malaking buto. Ginagawa ang paglilipat-tanim sa petsay, talong, mustasa,kamatis at iba pang gulay na may maliliit na buto. Ang direct planting o diretsongpagtatanim ay ginagawa naman sa mga gumagapang na gulay na may malalakingbuto gaya ng ampalaya, patola, sitaw, sigarilyas, kalabasa, alugbati at upo. Ito’ymaaari mong itanim sa mga lumang lata, kaldero o mga palanggana kung walanglugar na mapagtataniman. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyongkuwaderno. 1. Ang lugar na mainam pagtaniman ay kailangan __________. A. nasisikatan ng araw B. malilim at mahangin C. masikip at mausok D. malapit sa kalsada 2. Ang mahusay na lupa na pagtataniman ay kailangang __________. A. buhaghag, patag at mataba B. malagkit, mataas at payat C. matigas, mababa at tuyo D. maputik, baliki 3. Ang halamang malapit sa pinanggagalingan ng __________ ay mananatiling sariwa. A. tubig B. araw C. hangin D. buhangin 4. Ang lupang inihanda upang pagtaniman ay ginagamitan ng __________ upang maging malusog ang pagtubo ng halaman. A. pataba B. pausok C. patubig D. lahat ng nabanggit 5. Ang punlang bagong lipat ay tinatakpan ng saha ng saging upang hindi ganap na mahantad sa __________. A. hangin B. araw C. ulan D. buwan 2

PAG-ARALAN MOA. Ang tuwirang pagtatanim ay ang pinakapayak na paraan dahil sa ihinuhulog lamang ang mga buto o binhi sa lupang pagtatamnan. Ginagawa ito sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang. 1. Maghanda ng malalaking sisidlang paso, lata o plastic bag para sa diretsong pagtatanim ng malalaking buto ng gulay. 2. Lagyan ng butas ang ilalim ng mga lata o plastic bag bago lagyan ng magkahalong lupa at compost. Piliin muna ang butong itatanim. Kailangan hindi bulok at kulubot ang mga buto. 3. Itanim ang mga buto sa lalim na 2 hanggang 3 sentimetro. Sa isang sisidlan, maaaring magtanim ng 3 buto sa patatsulok na paraan. Lagyan ng katamtamang pagitan ang bawat buto. 3


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook