PAG-ARALAN MOA. Suriin ang mga larawan. Maiiwasan ang paglaki ng mga sira ng mga kasangkapan at kagamitan sa bahay kung malimit mong gagawin ang pagsusuri sa mga ito. Madali mo ring matitiyak ang mga materyales at kasangkapang gagamitin sa pagkukumpuni dahil tiyak mo ang sira at mga kailangang gawin. Ilan sa mga karaniwang depekto ng mga kasangkapan at kagamitan sa tahanan ay mga sumusunod: a. Mga nakausling pako o turnilyo sa mesa, bangko o silya. Ito ay dahil sa kalawang o nabubulok na ang kinalalagyan. Maaari rin namang dahil sa malimit at di maingat na paggamit o ang pinagdaanan ng pako o turnilyo ay lumuwag na. 3
b. Mga basag o bulok na bahagi ng upuan, mesa at iba pa. Ang pagkabasag o pagkabulok ay maaaring dahil sa kahinaan. Isang dahilan ang palaging pagkabasa nito. Maaari rin naman dahil sa bukbok. c. Mga natutuklap na swelas ng sapatos, basag na plorera, mga natatanggal na bahagi ng bakod, dingding at pinto, at iba pa. c. Mga maluluwag o natatanggal na hawakan ng kaserola, kaldero, o kawali. Ang mga suliraning ito maaaring dahil din sa pagkabulok ng turnilyo o pagluwag ng butas na pinagdadaanan ng turnilyo. Maaari rin naman na ang dahilan ay bali o tanggal ang ulo ng rematse. e. Mga bali o tanggal na hawakan ng sandok, kutsara at iba pang kasangakapan sa kusina na maaaring nag-uumpisang masira dahil sa pagkabulok, tanggal na turnilyo, rematse at iba pa.4
Ang mga depekto o kasiraang nabanggit ang ilan lamang sa karaniwang suliraningmakikita sa loob ng tahanan. Sa pamamagitan ng pagsusuri ay maaari ka pang makakitang iba pang bagay na nangangailangan ng pagkukumpuni.Maaaring ang mga depektong nabanggit ay hindi mo magagawang lahat pero maaari monaman ipaalam sa iyong kuya o tatay ang mga dapat kumpunihin.B. Pag-aralan at sagutin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa “notebook”. 1. Ano-ano ang mga kagamitang nasisira sa iyong bahay? 2. Paano naaayos ang mga ito? 3. Nakapag-ayos ka na ba ng sirang kasangkapan? 4. Paano nakaapekto sa badyet ng pamilya ang mga sirang kasangkapan? 5
C. Gumawa ng Talaan ng mga Sirang Kagamitan sa Tahanan. Ipakita kung ito ay naaayos ng kasambahay o umuupa ng mag-aayos nito. Maaaring gamitin ang tsart sa ibaba.May halimbawang maaaring sundan: Sirang Kasangkapan Inayos ng Kaya kong Humikayat ng Kasambahay Kumpunihin Mag-aayos1. kalderong butas2. bisagra ng bintana at pintuan3. baldeng walang hawakanD. Magtanong sa isang karpintero. Ano-ano ang gamit niya sa paggawa? Kilala mo ba ang mga gamit na ito? Mayroon ba kayo nito sa tahanan? Kasangkapan sa Paggawa Mayroon Alam kong Gamitin1. paet2. lagare3. martilyo4.5.6.E. Pag-aralan ang mga hakbang sa pag-aayos ng mga mesa o silya na may nakausling pako.Sundin mo ang mga hakbang sa ibaba.1. Ihanda ang mga kasangkapan at kagamitan.martilyo pangmasilyapako barnis/pintura 6
2. Suriin at tiyakin ang dahilan ng pag-usli ng pako. Tiyakin kung dapat nang palitan ang pako.3. Bunutin nang tuluyan ang pako sa pamamagitan ng martilyo. 7
4. Magpako ng panibago sa lugar di kalayuan sa dating butas.5. Lagyan ng masilya ang dating butas na pinag-alisan ng lumang pako. Tiyakin kung matibay na ang pagkasugpong.6. Barnisan o pinturahang muli upang mapawi ang bakas ng pagkakaalis ng lumang pako. 8
PAGSANAYAN MOA. Humanap ng sirang gamit sa bahay. Humikayat ng kakilala na may kasanayan na maipakikita ang pag-aayos nito. Magmasid sa pag-aayos na ginawa. Kilalanin ang mga kagamitang ginamit. Tandaan ang paraang ginawa sa pag-aayos ng bawat sirang gamit.B. Isulat sa “kuwaderno” ang paraang ginawa sa pag-aayos ng sumusunod:1. 2.3. 4. 9
C. Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Anong kasangkapan ang ginamit? 2. Paano ang paggamit nito? 3. Ano ang mga hakbang sa pagkukumpuni? 4. Ano ang pagkakasunud-sunod ng mga hakbang? 5. Ano ang pamamaraang ginawa tungo sa ligtas na paggawa? 6. Mahalaga bang sundin ang pamantayan sa paggawa? Bakit? Ipakita sa guro ang sagot sa mga tanong.D. Pag-aralan ang mga sumusunod na sirang bagay. Pumili ng isa upang ayusin. Siguruhing masusunod mo ang mga panuntunan sa ligtas na paggawa • Kilalanin ang mga kagamitan na gagamitin sa pag-aayos ng sirang bagay na napili. • Ipaliwanag ang paraan na gagawin sa pag-aayos ng sirang bagay na pinili. Itanong sa guro kung tama ang paliwanag na ibibigay. Gawin ang pagwawasto na ibinigay ng guro. • Gumawa ng pamantayan sa paggawa na susundin. 10
TANDAAN MO• May iba’t ibang pamamaraan na dapat sundin sa pagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan. Kailangang malaman din ang mga kasangkapang gagamitin at ang sunud-sunod na hakbang tungo sa matagumpay at ligtas na paggawa.• Mga dapat tandaan sa pagkukumpuni 1. Balakin at pag-aralan ang proyekto. Mamili ng gagawin. 2. Suriin ang mga kasangkapan at alamin ang sira ng mga ito. 3. Pag-aralan ang kayarian ng katulad na kasangkapan upang sundan at tularan ito. 4. Ihanda ang kakailanganin. 5. Mag-ingat sa paggamit ng mga kasangkapang tulad ng lagare, martilyo, plais, at iba pa. 6. Magtanong at magpatulong sa nakaaalam. 7. Linisin ang lugar-gawaan. Iligpit ang mga ginamit.ISAPUSO MOKopyahin ang tseklist. Sagutin ang mga tanong. OO HINDI TANONG 1. Pinag-aralan mo ba kung ano ang dapat kumpunihin sa sirang kagamitan? 2. Sinunod mo ba ang wastong pamantayan sa pagkukumpuni? 3. Ginamit mo ba ang angkop na kagamitan? 4. Sinunod mo ba ang tamang hakbang sa pagkukumpuni? 5. Sinunod mo ba ang paraan ng paggamit ng kagamitan? 6. Makatutulong ba sa iyong mag-anak ang natutuhan mong pagkukumpuni? 7. Nasiyahan ka ba sa iyong ginawa? 11
GAWIN MOA. Hanapin ang mga bagay na sira sa bahay. Piliin kung alin sa mga ito ang kayang ayusin. Iguhit sa isang Manila paper ang mga hakbang sa pagkukumpuning ginawa.B. Pagsanayang awitin ang tugma sa ibaba sa himig na “Bahay Kubo.” Hahayaan ba natin Na mayroong masaktan Bago kumpunihin Sirang kasangkapan Mga kababayan Halina’t maglibang Sa pag-aayos ng Sirang kasangkapan Karanasan sa paggawa Di dapat ikahiya Batang Pilipino Matiyaga sa paggawa PAGTATAYAA. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa iyong “kuwaderno”. 1. Bakit kailangang kumpunihin ang sirang kagamitan sa loob ng tahanan? 2. Bakit dapat sundin ang wastong pamamaraan sa pagkukumpuni ng sirang bagay? 3. Bakit kailangang malaman ang angkop na kagamitan sa pagkukumpuni? 4. Paano nakatutulong ang pagkukumpuni ng sirang kasangkapan sa pagtitipid ng mag-anak? 5. Paano nakaaapekto sa badyet ng pamilya ang mga sirang kasangkapan? 12
B. Basahin ang kaisipan sa bawat bilang. Isulat sa sagutang kuwaderno ang W kung wasto ang kaisipan at D naman kung hindi. 1. Higit na madaling bumili ng gamit kaysa magkumpuni ng sira. 2. Ang mga kasangkapang sira ay kailangang palitan ng bago. 3. Maging mapagmasid sa kalagayan ng mga kasangkapan sa bahay. 4. Mas mabuti na maagapan kaysa lumala ang kasiraan ng kasangkapan. 5. May mga gawain na kaya kahit ng babae. 6. Suriin at pag-aralan ang sira bago ito ibalik sa dati. 7. Nasisiyahan ang isang nagkukumpuni. 13
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236