SUBUKIN MOA. Pagtambalin ang hanay A at hanay B. Isulat lamang ang titik ng sagot sa kuwaderno._____ 1. matabang lupa a. Mga punongkahoy at burol_____ 2. maayos na daan b. Kailangan ito sa paggawa ng_____ 3. pananggalang sa hangin_____ 4. daluyan ng tubig pagkain ng halaman_____ 5. malapit sa tubig c. Pananggalang sa mga ligaw at_____ 6. kaayusan ng bakod_____ 7. sikat ng araw at nakawalang mga hayop d. Kailangan ito upang madaling maisapamilihan ang mga punla at maging magaan ang paghahatid ng mga ito e. Takbuhan ng tubig f. Kailangan ito sa pagpapatubo ng halaman lalo na kung tag-araw g. Nakapagdaragdag ng abono sa lupa h. Madaling durugin at sagana sa humusB. Bakit dapat isaisip ang mga salik sa pagnanarseri? Ipaliwanag ito. Isulat sa kuwaderno ang mga sagot. 7
TANDAAN MO May mga salik na dapat isaalang-alang sa pagnanarseri na dapat laging isaisip upang makatiyak sa maayos at matagumpay sa gawaing ito. ISAPUSO MOAng pagnanarseri ay nagiging isang uri ng hanapbuhay, nakadaragdag ng kita, isangmagandang libangan, nakapagpapaganda ng paligid, at nakaaaliw. Subalit ang mgamagagandang dulot ng pagnanarseri ay matatamo lamang kung ang moral sa paggawatulad ng kasipagan, pagiging matulungin at pakikiisa, katapatan at pagkamalikhain ayiyong taglay. GAWIN MO Iguhit sa isang malinis na papel ang anyo ng isang mainam o mahusay na lugarpara sa pagnanarseri. Isaalang-alang ang mga salik na natutunan mo. 8
PAGTATAYAIsulat sa papel ang sagot sa bawat patlang ng sumusunod na pangungusap. Pumiling sagot sa mga salita o parirala sa loob ng kahon. 1. Ang ___________ ang pinakaangkop ng lupang gagamitin sa paghahalamang gulay sapagkat ito ay buhaghag, magaan at madaling bungkalin. 2. Ang halaman ay dapat tumanggap ng sapat na ______________ sa maghapon dahil ito ay kailangan sa paggawa ng pagkain. 3. Ang narseri ay kailangan malapit sa maayos na daan upang madaling maisapamilihan ang mga ___________ at maging magaan ang paghahatid ng mga ito. 4. Ang mga punongkahoy o mga ___________ ay mga halimbawang pananggalang sa malakas na hangin. 5. Mapangangalagaan ang mga halaman sa narseri kung meron ito ___________. 6. Ang ___________ ay kailangan sa paghahalaman lalong lalo na kung tag- araw. 7. Ang lupa ay kailangang bahagyang ___________ upang may takbuhan ang tubig lalo na sa panahon ng tag-ulan. 8. Ang loam, banlik o ___________ ay mga uri ng lupa para sa binhian.burol maayos na bakodpunla tubigsikat ng araw nakahiligloam soil putikKung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 9
GRADE IV PANGUNAHING PARAAN NG PAGPAPARAMI NG HALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO Kung ikaw ay napapasyal o napapunta sa isang narseri, naiisip mo ba kungpaano napaparami ang mga halamang ornamental. Sa inyong bakuran, nakita moba ang ginagawang pagpaparami ng mga halaman ng iyong tatay at kuya? Samodyul na ito ay malalaman mo na isa sa mga gawain sa pagnanarseri ay angpagpaparami ng halamang ornamental. Kung ikaw ay may balak magparami nghalaman, kailangan mo ang sapat na kaalaman sa pangunahing pamamaraan. Itoay upang maging matagumpay ka sa gawaing ito. Isang hanapbuhay rin angpagpaparami ng halamang ornamental. Isang magandang hanapbuhay rin angpagpaparami ng halaman. 1
PAG-ARALAN MO Tingnan mo ang mga larawan. Pag-aralan kung paano napaparami ang mga halamang ornamental.1.2.3. 2
4.5. Sa palagay mo alin ang madaling pagpaparami ng mga halamang ornamental? Alin naman sa mga ito ang mahirap na pagpaparami? (Basahin ang isang pakikipanayam) Sa inyong barangay ang iyong kamag-aral na si Andro ay inanyayahan na makapanayam ang isang magaling na magsasaka ukol sa pagpaparami ng mga halamang ornamental. Narito ang mga payak na tanong ni Andro kay Mang Ruben. Andro : Ano-ano po ang paraan ng pagpaparami ng halamang Mang Ruben ornamental? : Marami ang mga paraan ng pagpaparami ng mga halaman tulad ng mga sumusunod: 1. pagpupunla sa pamamagitan ng buto 2. pagpuputol o pagtatanim ng mga sanga 3. pagpapaugat (pagmamarcot) 4. pagdurugtong (grafting) 5. pagpapabuko (budding) 3
Andro : Marami pala ang mga paraan ng pagpaparami ng mgaMang Ruben halamang ornamental.AndroMang Ruben : Oo, mayroon tayong limang mga pangunahing paraan ngAndro pagpaparami ng halaman.Mang Ruben : Ang sibuyas at bawang paano po pinadadami? : Ang sibuyas at bawang ay napararami sa pamamagitan ng ulo o tubers. Maaari rin sa buto. : Maraming salamat po at nalaman ko ang mga pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman. Maaari po bang magbigay kayo ng mga halimbawa ng mga halaman na angkop sa iba’t ibang uri ng pagpaparami. : Narito ang mga halimbawa. sa buto – ilang-ilang zinnia, tsitsirika sa sanga – Euphorbia, San Francisco, Rosal, Sampaguita pagdurugtong – gumamela, santan, white angel sa tubers o ulo – azucena, suhi, dwarf banana, bromeliad, iris lily, calla lilySUBUKIN MO Lagyan ng halimbawa ang mga puwang ng mga paraan ng pagpaparami nghalaman. Hal: zinnia – Buto 1. Rosal _________ 2. sampaguita _________ 3. calla lily _________ 4. tsitsirika _________ 5. San Francisco _________ TANDAAN MO Ang pangunahing paraan ng pagpaparami ng halaman ay ang pagpapaugat atpagpupunla. 4
ISAPUSO MO Mahalaga na matutuhan ang ibat ibang paraan ng pagpaparami ng halaman dahilmakatutulong din ito sa inyong kabuhayan. GAWIN MOSubuking magpatubo ng buto ng halaman na mayroon sa inyo. Itala kung ilang arawbago tumubo. PAGTATAYA Magtala ng limang halamang ornamental na nakikita mo sa inyong paligid namaaaring patubuin sa buto at lima din sa pagpapaugat. Kapag nakapagtala ka at natapos mo, maaari mo nang gawin ang susunod namodyul. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE IVTALAAN NG GASTOS AT KINITA SA PAGHAHALAMANG ORNAMENTAL ALAMIN MO Alam mo ba na napakahalaga ang pag-iingat ng talaan ng gastos at kinita ng anumanghanapbuhay? Sa ganitong pamamaraan makikita at malalaman mo kung magkano angmga ginastos at kinita. Pag-aaralan mo sa modyul na ito, ang pag-ingat ng gastos at kinita ng paghahalamangornamental. Talaan ng gastos, benta at kinita ni Mang Ador sa paghahalamang gulay sa loob ngtatlong buwan. BUWAN GASTOS BENTA KINITAPebrero P380.00 P998.00 P618.00Abril 250.00 942.00 692.00Hunyo 286.00 989.00 603.00Kabuuang kita P916.00 P2,929.00 P1,913.00 1
PAGBALIK-ARALAN MO Subukin ang iyong kaalaman sa ginagamit mong modyul na iyong napag-aralan. Sagutin ang sumusunod na mga tanong at isulat ang sagot sa iyong sagutangkuwaderno. A. Ano-ano ang mga palatandaang dapat isaalang-alang kung ang mga halamang ornamenal ay maari ng ipagbili? 1. 2. 3. 4. B. Ano –ano ang wastong pamamahala at pangangalaga ng mga halamang ornamental at halamang namumulaklak na ipagbibili? 1. 2. 3. 4. 5 2
PAG-ARALAN MOSa isang uri ng negosyo o hanapbuhay mahalagang malaman ang ginastos at kinita. Paghahalamang ornamental at pag-aalaga ng halamang namumulaklak angnakagisnang hanapbuhay nina Mang Rodel at Aling Alita. Naging kaugalian na nilaang mag-ingat ng talaan ng gastos at kinita. Pag-aralan ang kanilang talaan, nangmag-uumpisa sila sa kanilang hanapbuhay noong Enero,2005.Sa simula, bumili sila ng mga sumusunod: 100 supot na plastik______________ P25.00 8 sako organikong pataba________ 400.00 (50/ isa) 10 sako lupang mataba__________ 250.00 (25/isa) ibat ibang uri ng panamin_________ 80.00 kuryente at tubig_________________ 45.00 ________________ Kabuuang gastos P800.00Pagkaraan ng apat na buwan, halos naibenta nila lahat ang kanilang mga halaman.Dahil mataas ang uri ng mga ito, nakapagtakda sila ng mataas na presyo. Ito angtalaan ng kanilang naibentang halaman.8 Rose ( P15/isa)_____ P 96.0012 Palmera (P30/isa)______ 300.0010 Santan (P8/isa)_______ 60.0012 bonggabilya (P18/isa)______ 180.0015 Gumamela (P12/isa)______ 150.0010 Rosal (P125isa)______ 120.0018 Sampaguita (P12/isa)______ 180.0015 Dońa Aurora (P20/isa)______ 225.00 P 1,622.00 3
Habang inaalagaan nila ang unang pinatubong mga halaman, nagsimula uli sila magpatubo ng panibagong halamang ornamental at mga halamang namumulaklak. Inulit pa nila ito ng isang beses noong taon na iyon at iginawa nila ng kabuuang talaan katulad ng nasa ibaba. Pag-aralan ito. TALAAN NG MGA GASTOSMga Kailangang Panahon ng pag-aalaga Presyo Kabuang GastosBagay Una Pangalawa Pangatlo Bilang Halaga Bilang Halaga Bilang Halaga1. Matabang 5 sako P125.00 7 P175.00 8 P200.00 25/sako P500.00lupa2. Organikong 8 sako 400.00 10 500.00 12 600.00 50/sako 1,500.00pataba3. Supot na 100 25.00 200 50.00 250 62.50 100/piraso 137.50plastik4. Kuryente at - 45.00 - 60.00 - 75.00 - 180.00tubig5. Ibat ibang - 50.00 - 75.00 - 80.00 - 205.00pananim6. Upa sa -- -- - 100.00 - 100.00paggawa P645.00 P860.00 P1,117.50 P2,622.50 Batay sa talaan ng gastos nila Mang Rodel at Aling Alita gumastos sila ng anim na daan at apatnapu at limang piso (P645.00) sa unang pag-aalaga ng halamang ornamental, walong daan at animnapung piso (P860.00) sa pangalawa at isang libo at isang daan at labing pitong piso at limampung sentimo (P 1,117.50) sa ikatlong pag- aalaga. Ang kabuoang gastos nila sa isang taon ay dalawang libo anim na daan at dalawampu’t dalawang piso at limampung sentimo (P2,622.00) 4
Gumawa rin sila ng talaan ng kanilang mga naibentang halaman. TALAAN NG PINAGBILHAN Bilang at Halaga ng Nabentang HalamanHalamang Presyo Unang Pangalawa Pangatlong Kabuu KabuuangOrnamental ng ang Halaga/Namulaklak Bawat pagbe- ng pagbe- Pagbe- bilang Isa ng P705.001. Rose benta benta benta naben tang Halaga Halaga Halaga hala P360.00 man Bilang Bilang Bilang 47 P15.00 8 P120.00 15 P225.00 242. Palmera 30.00 12 360.00 25 750.00 30 900.00 67 2,010.003. Santan 30.00 10 80.00 30 240.00 38 304.00 78 624.004. Sampaguita 12.00 18 216.00 28 336.00 40 480.00 86 1,032.005. Bonggabilya 18.00 12 300.00 30 540.00 35 630.00 77 1,470.006.Gumamela 12.00 15 180.00 25 300.00 36 432.00 76 912.007. Rosal 15.00 10 150.00 28 420.00 34 510.00 72 1,080.008. Dońa Aurora 20.00 15 300.00 25 500.00 35 700.00 75 1,500.00Kabuuang P1,706.00 P3,311.00 P 4,316.00 P9,333.00Bilang atHalaga Ipinakikita ng talaan sa itaas ang mga halaga ng una, pangalawa at pangatlong benta. Ipinakikita rin ang kabuaang bilang ng bawat halamang naibenta. Upang malaman nina Mang Rodel at Aling Alita ang kanilang tubo o kinita, gumawa rin sila ng buod ng talaan ng gastos at kita. 5
Ito ang ginawa nila. Pag-aralan. KABUUANG GASTOS AT KINITAPanahon ng Kabuuang Benta Kabuuang Gastos Kabuuang tubo oPagtatanim kitaUna P 1,706.00 P 645.00 P 1,061.00Pangalawa 3,311.00 860.00 2,451.00Pangatlo 4,316.00 3,198.50 1,117.50Kabuuang halaga P9,333.00 P2,622.50 P6,710.50 Batay sa Buod ng Talaan ng Gastos at kinita na ginawa nina Mang Rodel at AlingAlita sa bawat panahon ng pagtatanim, ibinabawas nila ang kanilang gastos sa kanilangbenta. Halimbawa, sa unang pagtatanim at benta nila ay P 1,706.00 at ang gastos namannila ay P 645.00.Kung kaya : P1,706.00- benta - 645.00- gastos P1,061.00- kita o tubo.Pangalawang Pagtatanim: P3,311.00 - benta - 860.00 - gastos P2,451.00- tubo Pangatlong pagtatanim: P3,316.00- benta - 1,117.50- gastos P3,198.50- tubo Sa kabuuang taon ng paghahalaman, gumastos sila ng P2,622.50 at ang benta nilaay P9,333.00. Kumita ang mag-asawa ng P6, 710.50 sa loob ng isang taon. P 9,333.00- Kabuuang benta 2, 622.50- Kabuuang gastos P 6,710.50- Kabuuang kinita o tubo 6
Pagkatapos basahin at pag-aralan ang mga talaan, ipabasa sa kamag-aral kungikaw ay nasa paaralan, at sa kasambahay kung ikaw ay nasa bahay, ang sumusunod natanong. Sagutin sa harap ng bumasa: 1. Ano-anong mga bagay ang binili nina Mang Mar at Aling Korina nang magsimula sila sa kanilang paghahalamang ornamental? 2. Anong buwan ang pinakamalaking benta? Anong buwan naman mababa ang kanilang benta? 3. Sa palagay mo, bakit nakapagtakda sila ng mataas na presyo sa kanilang mga halaman? 4. Sa anong bagay sila merong malaking gastos? 5. Anong halaman ang may pinakamataas ang presyo? 6. Anong masasabi mo sa kanilang kinita? SUBUKIN MO A. Sa bayan ng Mababang Parang, mabiling-mabili ang halamang ornamental at mga bulaklak sa buwan ng Mayo. Kung kaya’t gumawa sina Mang Rodel at Aling Alita ng kanilang listahan sa lingguhan nilang napagbilhan. Igawa ito ng talaan, batay sa nakasulat na datos sa ibaba: Unang linggo: 10 Rose 12 Palmera 30 Santan 15 Dońa Aurora 10 Bonggabilya Pangalawang Linggo: 6 Palmera 20 Santan 10 Dona Aurora 15 Bonggabilya 20 Rose 7
Pangatlong Linggo: 15 Palmera 20 Bonggabilya 20 Santan 8 Dona Aurora 15 Rose Ikaapat na Linggo: 18 Palmera 25 Rose 10 Bonggabilya 25 Santan 15 Dona Aurora Ang presyo ng mga halaman ay Rose- P20.00 isa Palmera- P40.00 isa Santan- P5.00 isa Bonggabilya– P15.00 isa Dońa Aurora- 30.00 isa Gumawa rin ng Lingguhang Talaan ng Kita o Tubo batay sa datos ng lingguhannilang gastos: Unang Linggo___________P250.00 Pangalawang Linggo_____ P295.00 Pangatlong Linggo_______ P275.00 Pang-apat na Linggo_____ P305.00 B. Alamin din ang kanilang kabuoang gastos at kita sa loob ng isang buwan. Sundin ang mga pamamaraang natutunan. 8
TANDAAN MO Ang masinop na pag-iingat ng Talaan ng Gastos at kinita ay makatutulong upangmalaman ng naghahanap buhay o nagnenegosyo kung siya ay kumikita o tumutubo.Malalaman din niya ang mga paninda o mga halamang kumikita at ang mga hindikumikita ISAPUSO MO 1. Hindi maiiwasan ang malugi sa isang hanapbuhay o negosyo. Ano ang maaari mong gawain kung ito ay nangyari sa iyo? Dapat ka bang magpatuloy o huminto na sa paghahanapbuhay o pagnenegosyo? 2. Ano-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang naghahanap buhay o nagnenegosyo? Isapuso ang iyong mga ideya o sagot. GAWIN MO1. Interbyuhin ang iyong guro sa Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan o EPP tungkol sa kanyang ginastos at kita sa pagtatanim ng kahit na anong gulay o pananim sa inyong paaralan. Igawa ito ng Talaan ng Gastos at Kita o Tubo, ayon sa iyong natutuhan sa modyul na ito. Sundan ang pamamaraang iyong natutunan.2. Makipagpanayam din sa isang magsasaka o maghahalaman. Igawa ng talaan ang gastos at kinita nila, batay sa datos na iyong nakuha. Sundan muli ang pamamaraang natutunan. 9
PAGTATAYA1. Ang sumusunod na datos ay gastos at kinita nina Mang Mike at Aling Ditas sa kanilang paghahalamang ornamental. Alamin ang kanilang kinita o tinubo sa pamamagitan ng paggawa ng Talaan ng Gastos at Kita o Tubo. Gastos: Abril- P486.00 May- 378.00 Hunyo 655.50 Hulyo- 796.25 Agosto- 587.50 Pinagbilhan o Benta Abril – P1,896.00 May - 2,279.00 Hunyo - 3,645.00 Hulyo - 4,124.00 Agosto - 4,010.002. Isulat din ang kanilang kabuoang gastos, ang kabuoang pinagbilhan at kabuoang kinita. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag- aralan ang susunod na modyul. 10
GRADE IV PAG-AALAGA NG HAYOP ALAMIN MOPag-aralang mabuti ang mga larawan sa unahan ng Modyul, ano ang napapansin mosa mga ito? May iba pang uri ng hayop na puwedeng alagaan sa loob ng tahanan katulad ngaso, pusa at loro. Ang pusa ay tagahuli ng daga. Ang loro ay natuturuang magsalita.Nakapagbibigay ng kasiyahan at malaking tulong sa pamilya ang pag-aalaga nghayop. Ngunit dapat malaman ang wastong pag-aalaga at mga panuntunangpangkalusugan/pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop. 1
Sa Modyul na ito ay matututuhan mo ang: • Mga panuntunang pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop • Maipakita ang wastong pag-aalaga ng hayop na mapagkakakitaan PAGBALIK-ARALAN MO Natatandaan mo pa ba ang iyong modyul tungkol sa kahalagahan ng pag-aalaga nghayop? Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang iyong sagot sa iyongkuwadernong sagutan. 1. Bakit mahalaga ang pag-aalaga ng hayop? 2. Paano nakatutulong sa kabuhayan ng mag-anak ang pag-aalaga ng hayop? Ipaliwanag. 3. Ano-anong uri ng hayop ang maaaring alagaan at pakinabangan? 4. Paano ang pag-aalagang ginagagawa? 5. Ano-ano ang mga kapakinabangan mayroon sa pag-aalaga ng bawat hayop? PAG-ARALAN MOA. Wastong Pag-aalaga ng Aso Sa pag-aalaga ng aso dapat tandaan ang mga sumusunod na hakabang. 1. Panatilihing malinis ang kulungan ng aso. 2
2. Dapat magkaroon ng sapat na bentilasyon ang kulungan ng aso. 3. Bigyan ang aso ng gamot na kontra bulate makalipas ang isa o dalawang linggo. 4. Bigyan ng sapat at malinis na tubig na maiinom ang alagang aso.3
B. Wastong Pag-aalaga ng Kalapati Sa pag-aalaga ng kalapati, dapat tandaan ang mga mahahalagang salik at hakbang upang magtagumpay. Pag-aralan ang mga sumusunod na hakbang sa wastong pag-aalaga ng kalapati. 1. Ang bahay ng kalapati ay dapat nakaangat sa lupa upang hindi mapasukan ng daga. Ito ay dapat maluwag, mahangin, tuyo, at nasisikatan ng araw. Kung maaari, itayo ang bahay ng kalapati sa mga punong kahoy. 2. Gumawa ng pugad sa bawat isang inahin sapagkat mabilis silang mangitlog. Ang pugad ay maaaring yari sa dayami, tuyong dahon ng kugon o pinagkataman. Ang kahon ay dapat magkaroon ng taas na 72 sentimetro at lapad na 90 sentimetro. 4
3. Ang mga kalapati ay dapat pakainin ng palay, mais, munggo, tinapay at buto ng mirasol. Kailangan din silang bigyan ng pinaghalu-halo at dinurog na kabibi at uling na tinimplahan ng asin. 4. Pakainin sila sa pamamagitan ng pagsasaboy ng pagkain, pagpapatuka sa lupa, pagpapatuka sa palad o paglalagay ng patuka sa isang lalagyang malanday.5. Bigyan din ng sapat at malinis na tubig na inumin. Kailangang panatilihin ang kalinisan upang hindi magkasakit at dapuan ng mga peste ang mga ibon. Linisin ang kanilang bahay at pinagkakainan araw-araw. 5
C. Para sa isang kasiya-siya at mabungang paghahayupan, sundin ang mga pangkalusugan at pangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop. Ito ay ang mga sumusunod. 1. Itayo ang kulungan ng hayop ng walo hanggang sampung metro mula sa bahay. 2. Lagyan ng kanal na daluyan ng tubig ang paligid ng kulungan upang mapanatiling tuyo ang lugar na kinatatayuan. 3. Bigyan ng wastong pagkain at bitamina upang maging malusog ang mga alagang hayop. 4. Bigyan ng lagayang hayop ng gamot na kontra sa mga sakit. 5. Ang tirahan o kulungan ay dapat panatilihing malinis upang maligtas sa sakit at peste ang mga hayop. 6. Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila. 7. Mag-ingat sa pagpapakain ng pusa. Maaari silang makakagat o makasakit. 8. Maging makatao sa paghawak at pag-aalaga ng hayop. Marunong masaktan at lumaban ang mga hayop. 9. Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain at paglilinis. Tiyaking laging may sapin ang paa. 10. Maglinis nang mabuti ng katawan o maligo pagkatapos magpakain, magpaligo ng hayop, o maglinis ng kulungan nila. 6
PAGSANAYAN MO• Pumili ng isang uri ng hayop na maaari mong alagaan sa bahay o kaya sa likod bahay.• Gumawa ng plano upang masimulan ang proyekto. Itala ang mga paraan sa bawat gawain, ang petsa, at ang mga paraan ng pag-aalaga sa hayop na napili.• Itala din ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na sinunod sa pag- aalaga ng napiling hayop.• Pagkaraan ng 2 hanggang 3 buwan, mag-ulat sa klase tungkol sa proyekto. Maaaring magtakda ng oras o panahon para mabisita o madalaw ang iyong alagang hayop. TANDAAN MO • Para sa kasiya-siya at mabungang paghahayupan, marapat na sundin ang mga pangkaligtasan at pangkalusugang gawi o panuntunan. • Maaalagaang mabuti ang mga hayop na pinili kung magtutulong- tulong ang mag-anak. Hindi dapat magturuan kung sino ang magpapakain o maglilinis. Kailangan ay may tiyak na bahagi o tungkulin ang bawat kasapi. ISAPUSO MOSagutin nang buong katapatan ang mga sumusunod na tanong. 1. Nakita mong marumi at nangangamoy na ang kulungan ng inyong baboy sa likod bahay. Ano ang gagawin mo? Bakit? 7
2. Mahal na mahal ni Mang Tasyo ang alaga niyang pusa kaya lagi niya itong pinapakain sa tamang oras, at madalas kinakausap pa niya ito. Kung ikaw ay may alagang hayop gagawin mo rin ba ang katulad ng gingagawang pag-aalaga ni Mang Tasyo? Bakit? GAWIN MOMatapos mong mapag-aralan ang kahalagahan ng pag-aalaga ng hayop at ang tamangpag-aalaga, subukin namang gawin ang mga sumusunod. • Magsaliksik sa mga aklatan at iba pang Sanggunian ng mga Karagdagang Kaalaman sa wastong pag-aalaga ng mga hayop na tinatalakay sa araling ito. • Iguhit ang mga panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na dapat isaisip at isagawa sa pag-aalaga ng hayop. PAGTATAYASagutin ang sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. • Ano-ano ang mga hayop na maaaring alagaan sa bahay? Bakit? • Ano ang kapakinabangang makukuha ng mag-anak sa pag-aalaga ng hayop sa bahay? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 8
GRADE IV PANUNTUNANG PANGKALUSUGAN ALAMIN MOAng pag-aalaga ng hayop ay kasiya-siyang gawain. Nakatatanggal ito ng pagod atnakalilibang pa. Subalit, sa pag-aalaga ng hayop, maaari rin tayong magkaroon ngkapahamakan kung kaya kinakailangan ang pag-iingat. Sa modyul na ito matututunan mo ang mga panuntunang pangkalusugan atpangkaligtasan sa pag-aalaga ng hayop, sa gayon ang gawaing ito ay magiging tunayna kawili-wili. 1
PAGBALIK-ARALAN MO 1 2 34 5 6 7Hulaan kung anong hayop ang tinutukoy sa bawat bilang.Pahalang 4 Galit sa kanya ang mga tao dahil mapanira siya. Subalit kung puti ang kulay niya, siguradong magugustuhan ng bata’t matanda 6 Kaibigan ng amo, Kaaway ng manloloko, Marami ang natatakot sa kanyang kagat Subalit sa kasambahay dulot ay galak 7 Kulay ay nakatutuwa Kahit nasa hawla Sa awit sa tuwina Lahat ay nahahalina.Pababa 1 Kaaway niya’y daga Sa matutulis n’yang kuko sila ay kawawa 2
2 Kurokok! Kurukok! Ito ang kanyang tunog Sa mga paslit na bata Siya ay natutuwa 3 Malapad ang tainga ko Ngunit makinis ang balahibo ko Masarap akong kalungin Mag-ingat ka lang baka kita kagatin 5 Sa loob ng aquarium Ako lumalangoy Marami ang natutuwa Sa kulay kong iba-iba. PAG-ARALAN MOBasahin mo ang ilan sa mga panuntunang pangkalusugan sa pag-aalaga ng hayop katuladng pusa, kalapati, at iba pa. 10 Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan 1. Bigyan ng tirahan ang mga alagang hayop. Tiyaking palagi itong malinis, nahahanginan at nasisikatan ng araw. 2. Lubusin ang pag-aalaga sa hayop, hindi kung kailan lang ibig. Ilagay sa oras ang pagpapakain sa kanila. 3. Magsuot ng angkop na damit sa pagpapakain at paglilinis. Tiyaking laging may sapin sa paa. 4. Mag-ingat sa pagpapakain sa hayop. Maaari silang makakagat o makasakit. Huwag ding ilapit ang mukha sa mga ito. 5. Bigyan sila ng malinis na tubig sa lugar na maaabot nila. 6. Palagiang linisan ang kanilang kainan at inuman. 7. Turuan kung saan sila dudumi. Itapon o ibaon nang maayos ang kanilang dumi. Tiyakin na hindi ito nakakalat sapagkat maaaring magdulot ito ng sakit sa mga tao. Linisin naman ng tubig at sabon ang kanilang pinagdumihan. 8. Pabakunahan ang mga aso laban sa rabies. 9. Maging makatao sa paghawak at pag-aalaga ng hayop. Marunong masaktan at lumaban ang hayop. 10. Hugasan nang mabuti ang kamay o maglinis ng katawan pagkatapos magpaligo ng mga alagang hayop. 3
Sagutin ang mga sumusunod na tanong. • Bakit kinakailangang laging malinis, nahahanginan at nasisikatan ng araw ang kulungan ng mga hayop? • Bakit kailangan nating mag-ingat sa mga alaga nating hayop? Nangangagat din ba sila ng amo o tagapangalaga? • Ano ang iniingatan natin kapag nagsusuot tayo ng tsinelas sa pagpapakain ng mga hayop o kapag naglilinis ng kanilang kulungan? SUBUKIN MOIsulat sa kuwaderno ang Tama kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng panuntunangpangkalusugan at pangkaligtasan. Mali kung hindi nagpapahayag nito. 1. Puksain kaagad ang mga pesteng tulad ng kuto at hanip. 2. Bombahin ng pamatay-peste ang kulungan pagkatapos linisin. 3. Ihiwalay ng kulungan ang mga may sakit upang hindi makahawa. 4. Huwag palapitin sa nakataling hayop ang nakababatang kapatid. 5. Ang mga hayop ay puwedeng ibenta. TANDAAN MO Para sa kalusugan at kaligatasan ng mga nag- aalaga at alagang hayop, nararapat na sundin ang mga panuntunang mangangalaga sa kalusugan at kaligtasan ng bawat isa. 4
ISAPUSO MOKumuha ng coupon bond at lapis. Iguhit ang iyong alaga. Ipakita sa drowing kung paanomo siya pinananatiling ligtas at malusog. GAWIN MOSa pamamatnubay ng inyong kapatid na nakatatanda, isagawa ang natutuhan. Pakaininmo ang alaga mong hayop pagkatapos, linisin ang tirahan nito. PAGTATAYAIsulat ang titik ng tamang sagot sa patlang. Mamili ng sagot sa kahon. 1. Huwag __________ sa nguso ang alagang aso. Maaaring masalinan ka ng rabies nito. 2. Kapag lumipad sa bubong ng bahay ang kalapati, huwag itong __________ upang di ka mahulog. 3. Ugaliin ang pagpapalit ng __________ sa inuman. 4. __________ agad ang mga alagang pusa upang di kapitan ng rabies. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 5
GRADE IV MGA GAWAIN SA SINING PANG-INDUSTRIYA ALAMIN MOAng pagtatatag ng isang tingiang tindahan ay maaaring isang pakikipagsapalaran.Dapat mong malaman na hindi lahat ng nagtatayo ng tingiang tindahan aynagtatagumpay. Mayroong nalulugi kung hindi maayos ang pamamahala nito. Sa modyul na ito, malalaman mo ang mga pakikipagsapalarang kaakibat ngpagtayo ng isang tingiang tindahan. PAGBALIK-ARALAN MOBasahin ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwadernong sagutan. • Ano-ano ang mahahalagang dulot ng tingiang tindahan? • Ano-ano ang uri at pamamaraan ng pagtitinda ng mga tingiang tindahan sa inyong pamayanan? 1
PAG-ARALAN MOAng pagtatayo ng tingiang tindahan ay isang pakikipagsapalaran. Sa simula pa lang aydapat nang malaman ng isang nagbabalak ang maaaring mangyari kaugnay ng pagtitinda.Ngunit hindi dapat ikabahala ang pakikipagsapalaran. Dapat ay mayroong lakas ng loobang sinumang nagbabalak. Dapat din niyang malaman ang mga dahilan ng pagkalugi atkung paano ito lulutasin.Ang mga sumusunod ang maaaring dahilan ng pagkalugi. 1. Mahina o Matumal na Benta May mga panahon na matumal ang benta. Dapat itong tandaan. Sa muling pamimili, bawasan ang dami ng mga produktong matumal, mabenta. Alamin din ang mabiling produkto. Tiyakin na laging mayroong sapat na dami ng produktong mabenta. 2. Pagpapautang o Pagpapahulog Palasak ngayon ang pahulugang paraan ng pagtitinda. Marami ang tinderang nagbebenta sa paraang ito. Dapat piliin ang mga taong pagbibilhan sa paraang ito. 3. Mga Panindang Madaling Masira Huwag mag-imbak ng panindang madaling masira. Ang mga pagkain ay kalimitang mabilis masira. Ilagay sa freezer upang di agad masira. 4. Kumpetisyon Ang pagkakaroon ng kumpetisyon sa pagtitinda ay isa ring dahilan ng paghina ngbenta. Dapat maging magiliw sa mga kostumer upang mahuli ang kanilang loob upang disa iba bumili.Ang mga dahilang ito ang dapat pagtuunan ng pansin ng isang nagbabalak magtayo ngisang tingiang tindahan upang magtagumpay.Ayon sa iyong nabasa may apat na dahilan ang pagkalugi sa isang tingiang tindahan.Mayroon ka pa bang alam maliban dito? Paano mo malalagpasan ang mga dahilang ito?Dapat ka bang panghinaan ng loob dahil dito? Bakit? 2
PAGSANAYAN MOMaaari mong subukin kung natandaan mo ang binasa sa pamamagitan ng pagsagot samga tanong. 1. Nagbabalak kang magtinda ng mga bago at napapanahong damit ngunit maraming ukay-ukay sa iyong lugar, ano ang iyong gagawin? Bakit? 2. Uso sa inyong lugar ang nagpapahulugan ng mga paninda. Ano ang iyong gagawin kung mayroong lumapit sa iyong tindahan at umuutang ng hulugan? Bakit? 3. Mayroon ng nagtitinda ng bigas sa inyong lugar. May nag-alok sa iyong magtinda rin ng bigas at siya ang bahala sa suplay ng bigas. Ano ang iyong gagawin at bakit? 4. Ikaw ay nagbabalak ng pagtatayo ng tingiang tindahan ng mga kainan. Ano ang maaari mong gawin upang maiwasan ang pagkalugi dahil sa pagkasira ng mga paninda? TANDAAN MO Ang pagtatatag ng tingiang tindahan ay may kaakibat na pakikipagsapalaran. Kailangan lang ang tatag ng loob at lawak ng kaalaman upang malampasan ang pakikipagsapalarang ito. 3
ISAPUSO MOAno ang magandang dulot ng pakikipagsapalaran sa taong may lakas ng loob? Bakit?Paano mo maipakikita na ikaw ay hadlang magbakasakali upang magtagumpay sa balakna tingiang tindahan? GAWIN MOGumawa ng krokis ng iyong balak na tingiang tindahan. Itala ang mga ititinda at kungano ang maaaring sagabal dito? PAGTATAYASagutin ang mga tanong. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot: 1. Anong pakikipagsapalaran ang maaaring suungin ng isang nagtitinda? 2. Ano ang magandang katangian na dapat taglayin ng magtatayo ng isang tingiang tindahan? Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 4
GRADE IV MATERYALES AT KAGAMITAN ALAMIN MOAlam mo ba na sa bawat materyales na mayroon sa inyong pamayanan ay may kani-kaniyang gamit at angkop na kagamitan? Kapanayamin ang mga tao sa pamayananna may kaalaman at gumagawa ng iba’t ibang proyekto na yari sa mga materyales namayroon sa pamayanan gaya ng karpintero, furniture maker, guro sa mga siningpang-industriya, handicraft maker at iba pa. Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang mga kagamitan at gamit ngmateryales na mayroon sa pamayanan, at naiisa-isa ang mga paraan sa matipid napaggamit ng mga materyales, oras, lakas, salapi at iba pa. 1
PAGBALIK-ARALAN MO Basahing mabuti ang mga gabay na tanong upang mabuo ang palaisipan sa ibaba. (8) (1) (2) (9) (4) (3) (10) (6) (5)(7) PABABA PAHALANG 1 Ito’y ginagamit sa pagpapaluwag ng 2 Ito’y ginagamit sa pagguhit turnilyo 6 Ito’y ginagamit sa pag-ukit ng kahoy 3 Ito’y niluluwagan o hinihigpitan 8 Ito’y ginagamit na pamukpok 4 Ito’y pinapahid upang lalong gumanda ang yaring proyekto 10 Ito’y ginagamit sa pagpintura 5 Ito’y gamit pamutol ng kahoy at iba pa 7 Ito’y isang gamit panukat na may 90 degrado ang kanto 9 Ito’y ginagamit para pampakinis o pagbawas ng kapal ng kahoy 2
PAG-ARALAN MOMaraming proyekto ang magagawa sa pamamagitan ng gawaing kamay. May mgaproyektong binubuo ng iba’t ibang kagamitan na karaniwang matatagpuan sapamayanan.Bawat materyales ay may angkop na gamit na dapat alamin upang makagawa ng higit namaganda at matibay na proyekto.Ang paggawa ng alinmang proyekto ay hindi panandalian lamang. Ang maingat napagbabalak ng gagawing proyekto ay kailangan bago magsimula upang maiwasan angpag-aaksaya ng mga gagamiting materyales, lakas, salapi at panahong gugugulin sapaggawa.Ilan sa mga materyales na matatagpuan sa pamayanan ay ang mga sumusunod: 1. Tabla at Kahoy Saan mang lugar ay karaniwang makakakita ng mga bagay na yari sa kahoy at tabla. Ang mesang kinakainan, silyang inuupuan at aparador na pinaglalagyan ng iba’t ibang mga kagamitan, mga dingding at kisame ng bahay ay ilan lamang sa mga halimbawa. Ang kahoy at tabla ay nagmula sa mga puno ng narra, molave, yakal, kamagong, apitong at iba pa. May iba’t ibang sukat ang tabla at kahoy kaya makakapili ng sukat ayon sa proyekto. Tiyakin lamang na ang uri ng kahoy na gagamitin ay tuyung-tuyo upang maiwasan ang pag-urong, pagkiwal, at madaling pagbulok. 3
2. Pako Ito’y isang kagamitang yari sa metal gaya ng bakal, tanso at yaring galbanisado. Iba-iba ang uri ng mga pako, hugis at sukat ng ulo at ng katawan at sa hugis ng tulis o dulong talim nito.3. Turnilyo Ito’y singhalaga rin ng pako sa iba’t ibang gawain. Ito’y nauuri ayon sa pagdidikit ng dalawa o higit pang piraso ng kahoy. Mabuti itong gamitin sa pagdugtong ng tabla at kahoy at madaling alisin na hindi nasisira ang kahoy na pinag-alisan.4. Bisagra Mahalagang gamitin ang bisagra. Ito’y ipinagbibili sa iba’t ibang sukat na maliit sa kalahating pulgada hanggang apat na pulgada ang lapad. Ginagamit ang mga malalaking sukat sa pagkakabit ng mga bintana at pintuan. Ang maliliit naman ay ginagamit sa paggawa ng maliit na proyekto. Mabibili ito ng pares at may kasamang turnilyo. 4
5. Pintura Ito’y isang uri ng panapos. May iba’t ibang kulay ito na ipinapahid sa mga proyektong natapos upang higit na maging kaakit-akit ang anyo nito.6. Barnis Tulad ng pintura, ang barnis ay isang uri ng panapos na ginagamit upang maipakita ang magandang hilatsa ng kahoy at mga muwebles. 5
7. Alambre Karaniwang ginagamit ang alambre upang maitali ang mga bagay na pinagdurugtong. Bukod sa pagdurugtong, ginagamit din itong balangkas ng iba pang mga gawaing-kamay.Mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na ginagamit sa pagbuo ng proyekto: 1. Abaka Ito’y isang uri ng halaman na nahahawig sa puno ng saging maliban sa mga dahon, dahil higit na malalapad ang dahon nito kaysa sa dahon ng saging. Karaniwan itong makikita sa lalawigan ng Bicol, Silangang Visayas, at Mindanao. Ang lalawigan ng Davao ay kilala sa malawak na taniman ng abaka. Ang hibla nito ay ginagamit sa paggawa ng basket, punasan sa paa, tsinelas, sinturon, mga palamuti at iba pang kagamitang pambahay. Ginagawa rin itong lubid o pisi na ginagamit kahit sa ibang bansa. 6
2. Niyog Ang puno ng niyog ay tinatawag na Puno ng Buhay, dahil sa bawat bahagi nito ay may sadyang gamit. Ang ugat nito ay mainam na gawing gamot at maaari ring gamitin na pangkulay. Ang mga hibla ng bunot ay ginagawang lubid, bag at pahiran ng paa. Karaniwan ding ginagamit ang katawan ng puno ng niyog na haligi at sahig ng mga bahay at ng iba pang kagamitang pambahay. Ang bao naman ay ginagawang plorera, pulbura, butones, alkansya, sinturon, sandok, at iba pa. Ginagamit din sa paggawa ng sombrero at banig ang mga dahon at ang kanyang tingting ay walis, basket at iba pa. 7
3. Pandan Ang Pandan ay karaniwang tumutubo sa gilid ng pampang kung saan ay mabuhangin o sa gilid ng bundok o malapit sa lawa, ilog, at sapa. Hindi ito gaanong tumataas, malalapad at mahahaba ang mga dahon nito na nahahawig sa dahon ng pinya. Ginagawa itong banig, sapin sa plato, sombrero, bag, tsinelas, tampipi, at iba pa.4. Buri Ang buri ay isa sa pinakamalaking palmera na tumutubo sa ating bansa. Ang mga nalalang hibla ng buri ay kinukuha sa mga murang dahon at ginagawang banig, tampipi, sombrero, pamaypay, bag, lubid, basket, at iba pa. Ginagawa ring walis, basurahan, at kaha ng sigarilyo ang buong palapa nito. 8
5. Nito Ang Nito ay isang uri ng pako o fern na may mga dahon, ugat, at tangkay, ngunit walang bulaklak at buto. Makikita itong tumutubo nang pagapang at pumupulupot na animo’y baging. Ginagamit itong pantahi sa mga gilid ng bilao, basket, bag at iba pang gamit na pampalamuti.6. Nipa Ito ay isang uri ng palmera at tumutubo sa mga latian, o mamasa masang lugar. Ang mga mura at hindi pa bumubukang dahon ay tinitipon nang hiwalay at pinatutuyo sa araw. Ginagamit ang mga ito sa paggawa ng mga kapote at 9
pamaypay. Ang mga magulang na dahon naman ay ginagamit na pangbubong ng bahay. 7. Rattan Karaniwang ginagamit ang rattan upang maitali ang mga bagay na pinagdurugtong. Bukod sa pagdurugtong, ginagamit din itong balangkas ng iba pang mga gawaing-kamay.Dapat mo ring isaalang-alang ang mga sumusunod upang matiyak na hindi masayangang mga materyales, oras, at salapi sa paggawa ng proyekto. 1. Isipin ang mga kapaki-pakinabang na makukuha makukuha. Isipin kung ang napiling proyekto ay magagamit sa tahanan, paaralan o kahit pansariling gamit lang. Sa gayon ay lalong maging kasiya-siya at kawili-wili ang paggawa. Higit na mainam kung ang napili ay maaaring ipagbili. 2. Piliin ang payak o simpleng proyekto. Ang proyekto ay simple kung ang disenyo ay may payak na mga hakbang sa paggamit ng mga kasangkapan at kagamitan. Kung susundin ang plano at hakbang na ginawa madaling natatapos ang proyektong napili. Mangyayari ito sa takdang oras o maaaring higit na maaga pa. 3. Bigyang-pansin ang mga materyales na gagamitin. Gumamit ng mga materyales na madaling matagpuan sa pamayanan tulad ng mga katutubong materyales na bukod sa mabibili sa mura ay madali pang hanapin kaysa sa ibang uri ng materyales. 4. Alamin ang mga kasangkapang gagamitin. Bukod sa hakbang na dapat sundin sa paggawa at sa mga materyales na gagamitin, mahalaga ring isaalang-alang ang mga kasangkapan at kagamitang kakailanganin. Ang sapat na kaalaman at kahusayan sa paggamit ng mga kagamitan at kasangkapan ay nakatutulong nang malaki upang mapabilis at higit na mapaganda ang ginagawang proyekto. 10
SUBUKIN MOKopyahin at sagutan sa iyong kuwaderno ang mga sumusunod na tanong:1. Ano-anong mga materyales ang ginagamit sa paggawa ng iba’t ibang proyekto na karaniwang matatagpuan sa pamayanan?2. Ano-anong uri ng proyekto ang maaaring magawa sa sumusunod:a. abaka d. burib. pandan e. nitoc. niyog f. rattan3. Ano-ano ang mga matipid na paraan nang paggamit ng materyales, oras, lakas, salapi at panahon sa paggawa?4. Bakit mahalagang isaalang-alang ang mga materyales na gagamitin sa gagawing proyekto?5. Anong uri ng materyales ang mabuting gamitin sa paggawa ng proyekto.TANDAAN MO• Ang Pilipinas ay sagana sa mga likas na yaman na magagamit sa mga gawaing kamay kaya dapat lamang na pangalagaan natin ito.• May mga angkop na kagamitan at gamit ang mga materyales na mayroon sa pamayanan.• Ang materyales, oras, lakas, salapi at panahong gugugulin sa paggawa ng alinmang proyekto ay dapat gamitin sa mahusay at matipid na paraan. 11
PAHALAGAHAN MO1. Paano mo mapapahalagahan ang mga materyales na matatagpuan sa inyong pamayanan?2. Bakit mahalaga ang pagiging payak ng proyekto?3. Paano mo napapahalagahan ang mga matipid na paraan nang paggamit ng materyales, oras, lakas, salapi at panahon sa paggawa ng proyekto?GAWIN MOA. Gawin ang talahanayan sa ibaba. Isulat mo sa iyong kuwaderno.Uri ng Kagamitan Angkop na Gamit Paraan ng PagbiliB. Magtala ng iba pang mga paraan ng matipid na paggamit ng materyales, lakas, oras, salapi at panahon sa paggawa ng proyekto maliban sa napag-aralan na. Paghambingin. 12
PAGTATAYASagutin ang mga tanong ayon sa iyong niloloob. Isulat ang iyong sagot sa iyongkuwaderno: Batayan Lubhang Kasiya-Siya Pagbutihin Pa Kasiya-siya1. Nakarami ba ng naitala ayon sa nakapanayam?2. Nailista ba ang uri ng kagamitan ayon sa angkop na gamit?3. Naitala ba ang mga materyales na matatagpuan sa pamayanan na ginagamit sa pagbuo ng proyekto?4. Nagamit ko ba nang wasto ang mga kagamitan at materyales ayon sa angkop na gamit?5. Naisagawa ko ba ang panayam nang wasto at maayos?6. Naitala ko ba ang gamit ng nailistang proyekto?7. Kailangan bang isaalang-alang ang matipid na paggamit ng materyales, oras, lakas, salapi at panahon sa paggawa?8. Naging kawili-wili ba sa akin ang gawain?9. Napag-aralan ba lahat ng gamit ng materyales?10. Nakapagguhit ba ng disenyo? 13
GRADE IV PAGKUKUMPUNI NG SIRANG KASANGKAPAN ALAMIN MO Suriin ang larawan. Ano kaya ang dahilan ng pagbagsak ni JR?Hihintayin pa ba na mayroong masaktan bago kumpunihin ang mga sirangkasangkapan? Ang pamilyang may mabuting samahan ay nagmamalasakit sa isa’t isa. Ang bawatkasapi ay kusang gumagawa ng hakbang upang makatulong sa anumang paraan sapagpapabuti ng buhay ng mag-anak. Makikita rin ang pagmamalasakit sa pag-iingat sa mga kasangkapan. Angpagkukumpuni ng mga sirang kasangkapan ay pagpapakita ng pagmamalasakit samga ito. 1
Sa modyul na ito ay matututuhan mo kung paano maisasagawa angpagkukumpuni ng mga sirang kagamitan sa tahanan. Marami kang matututuhan sa pagkukumpuni. Matututo kang maging mapagmasidat mapanuri. Matututunan mo rin ang paggamit ng mga kagamitan sa pagbuo tuladng martilyo, lagare, plais at disturnilyador. Hindi maiiwasang magkaroon ng mga sira ang mga kasangkapang ginagamit satahanan. Mahalagang kumpunihin agad ito upang hindi na lumala pa ang sira. Tatagal ang paggamit ng mga kasangkapan at maiiwasan ang sakuna kung agadbibigyang-pansin ang mumunting sira. May mga sira sa tahanan na dinangangailangan ng serbisyo ng upahang tao upang magkumpuni. Maaaring mgakasapi na ang mag-anak ang mag-ayos nito. 2
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236