EDUKASYON SAPAGPAPAKATAOPatnubay ng Guro Grade 7
Gabay sa Pagtuturo MODYUL 1: MGA ANGKOP AT INAASAHANG KAKAYAHAN AT KILOS SA PANAHON NG PAGDADALAGA/PAGBIBINATAI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga angkop naunawa sa mga inaasahang kakayahan hakbang tungo sa paglinang ng apat naat kilos sa panahon ng pagdadalaga inaasahang kakayahan at kilos/pagbibinata, sa kanyang mga talento, (developmental tasks) sa panahon ngkakayahan, at kahinaan, hilig, at mga pagdadalaga/pagbibinata.tungkulin bilangnagdadalaga/nagbibinataBatayang Konsepto: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahangkakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa:pagkakaroon ng tiwala sa sarili,paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sapaghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), atpagiging mabuti at mapanagutang tao.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: a. Mga Layunin ng mga Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos (Developmental Tasks) sa Bawat Yugto ng Pagtanda ng Tao b. Mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga / Pagbibinata at mga Panuntunan sa Paglinang ng mga ito c. Mga Hakbang Tungo sa Pagtamo ng Bago at Ganap na Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad d. Mga Hakbang tungo sa Paglinang ng Tiwala sa sarili 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagkilala sa mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata b. Pagbibigay-katwiran kung bakit kailangang linangin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata
c. Pagtukoy ng mga hakbang tungo sa paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata d. Pagtukoy ng mga pagbabago sa kanilang sarili mula sa gulang na 8 - 9 hanggang sa kasalukuyan sa aspetong: (a) Pakikipag- ugnayan (more mature relations) sa mga kasing edad, (b) Papel sa lipunan bilang babae o lalaki, (c) Asal sa pakikipagkapwa / sa lipunan, at (d) Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya e. Pagbibigay-katwiran kung bakit mahalagang kilalanin ang mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa aspetong: Pakikipag-ugnayan sa mga Kasing-edad, Papel sa Lipunan, Asal sa pakikipag-kapwa, Kakayahang makagawa ng maingat na pagpapasya f. Pagpapatutunay kung nakatutulong ang paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa pagkakaroon ng tiwala sa sarili (self-confidence) at sa pagiging mabuti at mapanagutang tao g. Pagpapaliwanag ng kaugnayan ng paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata sa paghahanda sa susunod na yugto ng buhay (sa paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa at pagpapamilya) h. Pagsasakatuparan ng mga sariling paraan sa paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata i. Pagbuo ng talaan ng mga positibong self-talk o affirmation tungo sa paglinang ng tiwala sa sarili j. Pagbibigay ng mga puna sa paraan ng ibang kabataan sa paglinang ng mga inaasahang kakayahan at kilos sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinataB. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 1- 2. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 1 na nasa loob ng kahon.Sabihin:Mayroon bakayonggustonglinawintungkol samga layuningbinasa?
II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 2-5. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaringmangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Mga Hakbang: 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral sa pahina 5 ng Modyul 1. 2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Ipabasa ang halimbawa sa pahina 6.
4. Ilagay ang mga kagamitan sa ibabaw ng mesa ng guro at sabihing ito ay maaring gamitin ng lahat ng mag-aaral. Ipaalala ang halaga ng pagbibigayan at pagtitiyaga sa paggamit ng mga kagamitan.5. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito.6. Matapos ang 15 minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang basahin ang kanilang mga pagbabagong itinala sa kuwaderno.Gawain 2 Paalala sa Gawain 2 pahina 8-9Mga Hakbang1. Idikit sa pisara ang inihandang “Tsart Matapos ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto at ang ng Profayl Ko, Noon at Ngayon”. Sa halimbawa ng “Profayl Ko, Noon tulong ng mga mag-aaral, punan ang at Ngayon” sa Gawain 2, maaari tsart ng mga halimbawa ng pagbabago itong gawing Takda o Gawaing na itinala sa pisara sa unang gawain. Bahay bilang kasunduan.2. Ipabasa ang Panuto at halimbawa ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 7. Papunan ang Tsart sa pahina 8. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 minuto upang buuin ang tsart.
3. Matapos ang 15 minuto, pangkatin ang mga mag-aaral. Hindi dapat hihigit sa lima ang kasapi sa pangkat. Gamit ang binuong “Profayl Ko, Noon at Ngayon”, iisa-isahin at ipaliliwanag ng lider ng bawat pangkat ang mga nilalaman nito sa kanyang pangkat.4. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa “Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon”. Ipabasa ang ibinigay na halimbawa sa pahina 7. Paalala: Makatutulong kung mayroong nakapaskil o nakaguhit na kopya ng Linya ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pisara. Gamit ang halimbawang tsart ng “Profayl Ko, Noon at Ngayon” sa pahina 8,suriin ang halimbawang Linya ng Profayl Ko, Noon at Ngayon sa pahina 9. Halimbawa:Pakikipag-ugnayan sa Ako Noon (Gulang na Ako Ngayon mga kasing-edad 8-11) Hal. Karamay ko ang Hal. Kalaro ko ang mga kaibigan ko sa aking mga kaibigan. mga hinaharap na suliranin. Sa halimbawang ito, masasabing positibo ang pagbabago sa sarili saaspetong, pakikipag-ugnayan sa mga kasing-edad. Hayaang magtungo sa pisaraang isa sa mga mag-aaral upang ilagay ang unang guhit sa Linya. Isusulat sa tapatng guhit ang aspeto ng pagbabago ukol dito. Gayundin ang gawin sa mgasumusunod pang halimbawa.
Dito ka Pakikipag-ugnayan sa kasing-edad magsimulaIpagawa angLinya ng ProfaylKo, Noon atNgayon sa pahina9. Sa paggamit ng pahina 9-10: Maaaring ipagawa bilang takdang aralin ang Pagninilay pagkatapos ipaliwanag ang panuto. Ipasulat ito sa kanilang dyornal.
B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA 2.1 Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga palatandaan ng pag-unlad bilang isang nagdadalaga/nagbibinata sa pahina 11-13. Iisa-isahin ng guro ang mga palatandaang ito. 2.2 Ipatukoy sa mga mag-aaral kung ang bawat palatandaan ay positibo o negatibo. Hayaang ipaliwanag nila ito at pangatwiranan ang kanilang mga sagot. 2.3 Bigyang-diin na bagamat maaaring totoo o naglalarawan sa kanila ang ilan sa mga palatandaang ito, hindi nangangahulugan na tama ang mga ito. Maaaring ang ilan dito ay hindi nila dapat gawin o ipamalas. Kaya nga’t sa huling bahagi ng pag-aaral sa Modyul 1 ay inaasahang mapamamahalaan nila ang mga pagbabagong ito sa iba’t ibang aspekto ng kanilang pagkatao.Paalala: Maaariing gumamit ng ibang kwento o pelikula tungkol sa pagdadalagaat pagbibinata para sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan atPag-unawa. Tiyakin lamang na ang ipinakikita rito ay ang mga angkop atepektibong pamamaraan ng pamamahala sa mga pagbabagong pinagdaraananng mga nagdadalaga at nagbibinata.
Sa paggamit ng pahina 12: Mas makabubuti kung sama-samang panonoorinng klase ang pelikula. Mamamasid ng guro ang reaksyon ng mga mag-aaraldito. Mas makatutulong din kung pagagawain ng “movie review” o pagsusuri ngpelikula o kwento ang mga mag-aaral gamit ang mga gabay na tanong sapahina 14. Mahalagang talakayin ang mga naging pagsusuri ng mag-aaral saklase. Gamitin ang rubric sa pagtataya ng pagsusuri ng aklat o pelikula nainihanda sa Annex 2.
C. PAGPAPALALIM Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang Aralin.1. Magpaskil ng katulad na paglalarawan at mga dialogue boxes sa pahina 13 sa pisara. Sabihin: Tingnan ang larawan at ang mga sinasabi ng babae dito sa mas nakababatang babae. Sino sa inyong palagay ang babaeng nagsasalita? Sino naman ang kanyang kausap? Basahin nga ang sinasabi ng babae.2. Ipabasa sa ilang mag-aaral ang sinasabi sa mga dialogue boxes. Sabihin: Pansinin ang reaksyon ng batang babae sa larawan. Ano kaya ang iniisip niya?3. Tumawag ng ilang mag-aaral at hinging pangatwiranan ng mga ito ang kanilang naging mga tugon.4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 13-20. Bigyan sila ng 15 minuto upang basahin ang sanaysay.5. Matapos ang 15 minuto ay pangkatin ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit sa sampu ang bilang ng kasapi sa pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag- aaral ng lider at tagapag-ulat.6. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat. Activity Cards Activity Card 1 Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 13 – 14. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto Iulat ang inyong output sa klase.
Activity Card 2Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mgakonseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphic organizer,isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto.Iulat ang inyong output sa klase.Activity Card 3Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer, tukuyin at isa-isahiinang mga konseptong nabasa mula sa pahina 15 – 20. Sa ibaba ng graphicorganizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa.Oras na ilalaan sa gawain: 15 minutoIulat ang inyong output sa klase.
Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat.Maariing gawing dalawang kopya ng Activity Cards 1 at 3 at ang Activity Card 2 aytatlo o higit pa.7. Ipapaskil ang mga output ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.8. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 21. Bigyan sila ng 5minuto upang gawin ito. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 21.Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mgaoutput ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapitsa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba: Ang paglinang ng mga angkop na inaasahang kakayahan at kilos (developmental tasks) sa panahon ng pagdadalaga / pagbibinata ay nakatutulong sa: pagkakaroon ng tiwala sa sarili , paghahanda sa susunod na yugto (stage) ng buhay (paghahanda sa paghahanapbuhay at paghahanda sa pag- aasawa / pagpapamilya), at pagiging mabuti at mapanagutang tao.
D. PAGSASABUHAY Pagganap Ipagawa ang “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata” Sa paggamit ng pahina 22: Ang Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang ng…ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo.
Paalala: Magtalaga ng kapareha ang bawat mag-aaral upang tiyaking nasusundan at natataya ang mga tala sa Tsart ng bawat mag-aaral. Pagawin ang bawat isa ng ulat ng mga pagbabago sa mga kilos at gawi ng kamag-aral bunga ng pagsunod sa “Tsart ng Aking Paraan ng Paglinang sa mga Inaasahang Kakayahan at Kilos sa Panahon ng Pagdadalaga/Pagbibinata”. Ipapasa ng mga mag-aaral ang kanilang dyornal. Basahin ang kanilang pagninilay at mamarkahan ito gamit ang kraytirya sa Annex 2.Pagsasabuhay 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 24. 2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang katanungan tungkol sa panuto? 3. Makatutulong kung magpapaskil ng katulad na halimbawa na nasa Modyul. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa pisara.
4. Pagkatapos, ipabasa naman ang mga hakbang para sa kanilang pansariling pagsusuri na nasa pahina 25.5. Matapos ang panahon na ibinigay sa mga mag-aaral ay tumawag ng ilan na magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase.6. Ibigay bilang takdang aralin ang isa pang gawain na nasa pahina 25, bilang 3.7. Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong. Kailangan itong mabasa bago nilang isagawa ang panayam.8. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang panayam.
Plano ng Pagtuturo Modyul 2: TALENTO MO, TUKLASIN, KILALANIN AT PAUNLARINI. MGA LAYUNINMga Pamantayan sa PagkatutoPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga kilos tungo saunawa sa mga konsepto tungkol sa pagpapaunlad ng mga talento attalento, kakayahan at kahinaan kakayahan at paglampas sa mga kahinaanBatayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talentoat kakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kungpauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng tiwala sasarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, atpaglilingkod sa pamayanan.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: 1. Talento at Kakayahan 2. Iba’t ibang talino ayon kay Howard Gardner 3. Ang Pagkilala sa Sariling Talento, Kakayahan at Kahinaan 4. Tiwala sa Sarili 5. Ang Paglampas sa Sariling Kahinaan 6. Plano sa Pagpapaunlad ng Sarili 7. Ang Kahalagahan ng Pagpapaunlad ng Talento at Kakayahan1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagpapaliwanag ng kaibahan ng talento sa kakayahan b. Pagtukoy sa kanyang mga katangian, talento, kakayahan gamit ang Multiple Intelligences Survey Form ni Walter Mckenzie c. Pagpapaliwanag ng kahalagahan ng kaalaman sa talento at kakayahan d. Paglalarawan ng iba‟ t ibang uri ng talino ayon kay Howard Gardner e. Paghinuha kung bakit dapat: (a) paunlarin ang mga sariling talento at kakayahan at (2) malampasan ang mga kahinaan f. Paglalarawan ng kalikasan ng tiwala sa sarili g. Pagtukoy sa mga aspeto ng sarili kung saan kulang siya ng tiwala at nakikilala ang mga paraan kung paano lalampasan ang mga ito h. Paggawa ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan i. Pagbuo ng paglalarawan ng mga konseptong nahinuha sa binasang sanaysay tungkol sa talento at kakayahan
j. Pagsasakatuparan ng Plano ng Pagpapaunlad ng mga Talento at Kakayahan B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 31. Isa-sahin ang mga layuningpampagkatuto para sa Modyul 2 na nasa loob ng kahon.Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA Ipagawa sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa pahina 32-34.Hayaang sagutan ng mga mag-aaral sa kanilang sagutang papel sa oras na itinakda.
Matapos mabigyan ng sapatna panahon ay atasan ang mga mag-aaral na markahan ang kanilangginawa gamit ang susi ngpagmamarka sa Annex 1. Maaari rinnaman isulat sa pisara ang susi sapagmamarka. Ipabilang sa mga mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Sapamamagitan ng pagtataas ng kamay ay tukuyin kung ilan ang nakakuha ng iskor na14. Isulat lahat sa pisara ang kabuuan ng mga marka ng mga mag-aaral, 9-13, 4-8 at0-3. Kung ang halos lahat ng mga mag-aaral (95%) ay makakuha ng 14, maaaring dumako sa bahaging paglinang.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO A. Pagtuklas ng Dating KaalamanMga Hakbang: 1. Maaaring ibigay bilang takdang gawain ang nasa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa pahina 34 – 35. 2. Sa muling pagkikita ay talakayin ang kinalabasan ng kanilang gawain. 3. Bigyan ng pakakataon ang ilang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang mga sagot sa mga tanong batay sa nabasa.
4. Sa proseso ng pagtalakay, mahalagang maiugnay ang nagdaang aralin sa aralin na ito. Sa ganitong pamamaraan ay makikita ng mga mag-aaral ang pagkakaugnay ng bawat aralin. Higit na makabubuti kung gagawa ng mas malikhaing presentasyon upang mas mahikayat ang mga mag-aaral na basahin ito. Maaaring gumawa ng comic strips o kaya naman ay magrecord ng salaysay ng kuwento at iparinig sa mga mag-aaral. Pakinggan ang sagot ngilang mga mag-aaral sa mgatanong na ito. Hayaan silangmagbahagi ng kanilangpaliwanag. Ang bahaging ito sa Pagtuklas ng Dating Kaalaman ay makatutulong upang mataya kung ano ang nagbibigay sa kanila ng motibasyon upang pagyamanin ang kanilang talento. Sa tulong nito ay matataya kung tama ba ang motibasyon ng mga mag- aaral o kung nangangailangan na maitama ito sa tulong ng mas malalim na pagtalakay sa bahaging ito.
Ibahagi sa mga mag-aaral: “Ang motibasyon ni Haring David sakaniyang pagsusumikap na mapaunlad at magamit nang mahusay angkaniyang mga talento at kakayahan ay ang kaniyang pananampalataya saDiyos. Si Bill Bradley naman ay ang tinuruan ni Macauley tungkol sapagpapaunlad ng kakayahan. Ikaw ano ang iyong motibasyon?” B. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA 1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Multiple Intelligence Survey sa pahina 37 – 40. 2. Mahalagang ipaalala sa mga mag-aaral na magkakaroon lamang ng kabuluhan ang gawaing ito para sa kanilang sarili kung unawaing mabuti ang mga pangungusap at kung magiging matapat sa pagsagot. 3. Ipaliwanag sa mga mag-aaral na malaki ang maitutulong ng gawaing ito upang matuklasan ang kanilang talino batay sa Teorya ng Multiple Intelligence ni Howard Gardner. 4. Atasan silang itala ang bilang na angkop na paglalarawan sa kanilang sarili. Ang interpretasyon ng mga bilang ay matatagpuan sa unang bahagi ng gawain.
5. Pasagutan ang gawain sa mga mag-aaral gamit ang Sagutang Papel sa pahina 40 – 41. Maaari silang gumuhit ng katulad nito sa kanilang kuwaderno.6. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain.7. Matapos ang ibinigay na panahon ay ipagawa sa kanila ang ikalawang bahagi ng gawain sa pahina 41. Muli ay bigyan sila ng sapat na panahon upang isagawa ito.
Ipaliwanag samga mag-aaral kungpaano isasagawa angikatlong bahagi ngPaunang Pagtataya.Ang mahalaga aymailapat ng mga mag-aaral sa isang bargraph ang kanilangmga marka upang masmaging madali para sakanila na makita angkanilang mgakalakasan at kahinaanbatay sa sinagutangMultiple IntelligenceSurvey. Maaaringmagpaskil sa pisara nghalimbawa.C. PAGPAPALALIMPaalala: Makatutulong kung ang sanaysay sa bahaging pagpapayaman ay ipababasa sa mga mag-aaral bilang Takdang Gawain.Mga Hakbang 1. Buksan ang talakayan sa klase sa pamamagitan ng pagbibigay ng panimulang tanong na katulad ng nasa unang bahagi ng Pagpapalalim sa pahina 43.
2. Linawin sa mga mag-aaral ang pagkakaiba ng talento at kakayahan. Tumawag ng ilang mag-aaral upang isulat sa pisara ang mga natalakaya na pagkakaiba sa babasahin. Atasan din sila na magdagdag ng bagong ideya o konsepto kung mayroon silang ninanais na idagdag.Ang pahina 44 - 51 aypagpapalawak para sanaging resulta ngMultiple IntelligenceSurvey na ginawa ngmga mag-aaral. Kapagtinalakay ang bahagingito, mahalagang iugnaysa naging gawainupang ganap namaunawaan ng mgamga-aaral angkahulugan ng nataposna gawain. Magkaroon ng talakayan sa klase tungkol sa kabuuan ng babasahin.3. Matapos ang pagtatalakayan, tumawag ng ilang mag-aaral upang sagutin ang mga tanong sa bahaging Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 51.
4. Pasagutan ang Paghinuha ng Batayang Konsepto sa pahina 52. 5. Magpaskil sa pisara n g replica ng graphic organizer sa pahina 52. 6. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto at saka itanong: “Mayroon bang hindi malinaw sa panuto?”. 7. Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na gawin ang gawain. 8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral, tumawag ng ilan na magbabahagi ng kanilang ginawa sa harap ng klase. 9. Tumawag ng ilang mag-aaral upang punan ang graphic organizer na nasa pisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng graphic organizer na nasa pisara. 10. Piliin ang konseptong pinakamalapit sa Batayang Konsepto.Batayang Konsepto: Ang pagtuklas at pagpapaunlad ng mga angking talento atkakayahan ay mahalaga sapagkat ang mga ito ay mga kaloob na kungpauunlarin ay makahuhubog ng sarili tungo sa pagkakaroon ng kumpiyansa sasarili, paglampas sa mga kahinaan, pagtupad ng mga tungkulin, at paglilingkodsa pamayanan.
D. PAGSASABUHAY PAGGANAPMga Hakbang 1. Ipagawa ang Pagganap sa bahaging “Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto” sa pahina 52-53 bilang takdang gawain. 2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto. Tiyakin na malinaw na naunawaan ito ng lahat. 3. Gabayan ang mag mag-aaral sa paggawa ng bar graph. 4. Makatutulong kung magpapaskil ng halimbawa o kaya naman ay aktuwal na gagawa sa pisara. 5. Tiyakin din na naunawaan ng lahat ang ikalawang bahagi ng gawain. 6. Kapag muling nagkita sa klase ay atasan ang ilan sa mga mag-aaral na ibahagi sa klase ang kanilang ginawang takda.
7. Matapos ito, ipagawa sa kanila ang “Tsart ng mga Kakayahan (Chart of Abilities)” sa pahina 54. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto upang matiyak ang pag-unawa. Bigyang diin ang kahalagahan ng pagiging totoo sa pagsagot sa gawain. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga nito para sa kanilang sarili.8. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na isagawa ang Gawain ay tumawag ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa klase.9. Pagkatapos, pasulatin ang mga mag-aaral ng pagninilay gamit ang mga gabay na tanong sa pahina 55 sa kanilang journal.
10. Mahalagang mapagtibay ang tunay na kabuluhan ng pagsasagawa ng ganitong gawain para sa kanilang isasagawang pagpili ng kurso o trabaho sa hinaharap. Tiyakin na maipauunawa ito sa mga mag-aaral.PAGSASABUHAY 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pagsasabuhay sa pahina 55. 2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto at itanong kung mayroong tanong tungkol dito. 3. Ipaskil sa pisara ang halimbawa na nasa modyul upang mas magabayan ang mga mag-aaral. 4. Matapos ito, bigyan sila ng sapat na panahon upang isagawa ang gawain gamit ang pormat na nasa pahina 55. 5. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral upang ibahagi ang kanilang ginawa sa harap ng klase. 6. Ipaunawa sa kanila na hindi nararapat na huminto sa pagsusulat lamang ng mga hakbang kundi ang pinakamahalaga ay mailapat nila ito sa araw-araw hanggang sa ito ay maging bahagi na ng kanilang buhay. 7. Ipaunawa rin sa kanila na magandang hakbang ito upang mahubog ang kasanayan sa pagpapalakas ng mga kahinaan. 8. Ipaskil sa pisara ang rubric na nasa Annex 1 na gagamitin sa pagmamarka ng gawain na ito.
Gabay sa Pagtuturo Modyul 3: PAGPAPAUNLAD NG MGA HILIGI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga kilos tungo saunawa sa mga konsepto tungkol sa hilig pagpapaunlad ng kanyang mga hiligBatayang Konsepto: Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sapagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon,kursong akademiko o teknikal-bokasyonal, negosyo o hanapbuhay, pagtulongsa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: a. Kahulugan ng Hilig b. Kahalagahan ng Hilig? c. Ang Dalawang Aspekto ng Hilig d. Ang Sampung Larangan ng mga Hilig e. Ang Apat na Tuon ng mga Hilig f. Pagsusuri ng Sariling mga Hilig g. Pagpapaunlad ng mga Hilig 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Paghinuha ng kahalagahan ng pagtuklas ng sariling mga hilig b. Pagsusuri ng sariling mga hilig ayon sa larangan at tuon ng mga ito c. Pagbuo ng batayang konsepto tungkol sa kalikasan ng mga hilig d. Pangangatwiran kung bakit dapat paunlarin ang sariling mga hilig e. Pagpapaliwanag sa kahalagahan ng hilig sa pagpili ng mga gawain o trabaho at pagpapaunlad ng pagkatao f. Pagbuo ng “Tsart ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig” g. Pagbibigay ng tulong sa isang tinedyer tungkol sa pagpapaunlad ng kanyang mga hilig.B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 59. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 3 na nasa loob ng kahon.
Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 66-69. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataasang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito.Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang.Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos.Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10,maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim.
Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaringmangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Mga Hakbang: 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral sa pahina 62-63. 2. Ipabasa ang mga Panuto A at B at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa mga Panuto? 3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para gawin A at B. 4. Ipasulat ang kanilang sagot sa kanilang kuwaderno. 5. Matapos ang 15 minuto ay tumawag ng ilang mag-aaral upang ibahagi ang kanilang mga sagot sa bawat bilang. Paalaala: Mahalagang gamitin ang resulta ng gawain sa bahaging Pagtuklas upang tayahin ang kanilang dating kaalaman. Makatutulong ang bahaging ito sa pagdidisensyo ng mga kinakailangang gawain at pagpapalalim ng pagtalakay sa batayang konsepto.
Gawain 2 Paalala sa Gawain 2 pahina 7-8Mga Hakbang1. Ibigay sa mga mag-aaral ang Matapos na maipabasa ang panuto ng Gawain 2 ay maaari na itong katulad na tanong na nasa ibigay bilang takdang aralin. Tiyakin pahina 64. lamang na malinaw sa lahat ng mag-aaral2. Sa halip na hintayin ang sagot ang panuto. ng bata ay iatas sa kanilang ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman.3. Sa muling pagkikita ay ipabahagi sa klase ang kanilang ginawa. Maaaring tumawag ng ilang mag-aaral na magsusulat sa pisara ng kanilang ginawang pagraranggo.4. Matapos ito, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong na nasa pahina 71.Paalala: Gamitin ang sagot ngmga mag-aaral upang sila ayihanda para sa bahagingPaglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa.Magagamit na halimbawa sapagtalakay sa Mga Larangan ngHilig ang mga sagot ng bata sanagdaang gawain. B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA 1. Ipabasa sa mga Larangan ng Hilig na nasa pahina 65-68. Paalala: Mas nakatutulong kung magpapaskil sa pisara ng mga katulad na larawan na magsisilbing halimbawa. Maaari rin naman gumawa ng PowerPoint Presentation at ipakita ito sa klase gamit ang LCD Projector.
2. Sa bawat larangan at halimbawa na maipakikita sa mga mag-aaral, tumawag ng ilan na mabibigay ng kanilang sariling halimbawa. Mahalaga ito upang mataya ang kanilang pag-unawa sa tinatalakay.3. Matapos matiyak na naunawaan na ng mga mag-aaral ang Mga Larangan ng Hilig ay talakayin naman ang iba’t ibang Tuon ng mga Hilig. Ipaliwanag ito gamit ang mga halimbawa sa pahina 69. Maaari rin namang magpakita ng bagong halimbawa, lalo na yaong batay sa hilig na ibinigay ng mga bata sa nagdaang gawain.
4. Matapos ang pagtalakaay ay ipagawa sa mga mag-aaral ang “Imbentaryo ng mga Hilig-Tuon” (Interest-Focus inventory) sa pahina 70. Maaari itong ibigay bilang takdang aralin. Ipagawa ang katulad na pormat sa kanilang kuwaderno.5. Ipasulat din sa kanilang kuwaderno ang mga sagot sa tanong na nasa pahina 71.6. Sa muling pagkikita ay pakinggan ang kanilang mga sagot.7. Muli ay gamitin ang mga sagot sa tanong na ibinahagi ng mga mag-aaral upang iugnay ito sa Pagpapalalim.
C. PAGPAPALALIM Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag- aaral bilang Takdang Aralin.1. Tumawag ng ilang mag-aaral na aatasan na maglarawan ng kanilang damdamin habang ginagawa nila ang bagay na kanilang kinahihiligan. Makatutulong ang mga halimbawa na ito upang masimulan ang pagtalakay sa mga sumusunod: a. Kahulugan ng Hilig b. Kahalagahan ng Hilig? c. Ang Dalawang Aspekto ng Hilig d. Ang Sampung Larangan ng mga Hilig e. Ang Apat na Tuon ng mga Hilig f. Pagsusuri ng Sariling mga Hilig g. Pagpapaunlad ng mga HiligTayahin ang Iyong Pag-unawa1. Pasagutan ang Tayahin ang Iyong Pag-unawa sa pahina 74. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito.2. Pakinggan ang sagot ng ilang mga mag-aaral upang mas mapalawak ang talakayan at magkaroon ng pagkakataon na maitama ang ilang maling konsepto, kung mayroon man.
3. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replica ng graphic organizer sa pahina 75.Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer.Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mgaoutput ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptongpinakamalapit sa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba: Ang pagpapaunlad ng mga hilig ay makatutulong sa pagtupad ng mga tungkulin, paghahanda tungo sa pagpili ng propesyon (kursong akademiko o teknikal-bokasyonal), pagtulong sa kapwa at paglilingkod sa pamayanan.D. PAGSASABUHAY Sa paggamit ng pahina 76: Ang Tsart Pagganap ng Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig 1. Ipagawa ang “Tsart ng ay ipagagawa sa loob ng 2 linggo. Pagpapaunlad ng Aking mga Hilig” na nasa pahina 76. 2. Maglagay ng katulad na halimbawa sa pisara. Basahin ang nilalaman ng bawat kolum. Maaarin ring magbigay ng bagong halimbawa kung hindi pa malinaw sa mga mag-aaral ang gagawin.
Pagninilay1. Ipagawa sa mga mag- aaral ang bahaging Pagninilay bilang takdang aralin. Ipabasa sa mga mag- aaral ang panimulang talata at ipakita ang replica ng diary na nasa pahina 77.2. Inilarawan sa pahina 77 ang magiging pormat ng kanilang gagawing pagninilay.Pagsasabuhay1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 77.2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang katanungan tungkol sa panuto?3. Atasan silang mamili sa Gawain A at B.4. Bigyan ng sapat na panahon upang gawin ito bilang takdang gawain.5. Para sa Gawain A: Paghandain ang mga mag-aaral ng Plano ng Pagsasagawa ng pagtulong sa pagpapaunlad ng hilig.6. Para sa Gawain B: Paghandain ang mga mag-aaral ng mga gabay na tanong. Kailangan itong mabasa bago nilang isagawa ang panayam.7. Atasan ang mga mag-aaral na magbigay ng mga patunay sa pagsasagawa ng gawain. Maaaring larawan o video habang isinasagawa ang pagtulong at panayam.8. Markahan ang awtput ng mga mag-aaral gamit ang Rubric na nasa Annex 1 ng Modyul 3.
Gabay sa Pagtuturo Modyul 4: ANG AKING TUNGKULIN BILANG KABATAANI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga kilos tungo saunawa sa mga hakbang tungo sa maayos na pagtupad ng kanyang mgamaayos na pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang nagdadalaga /tungkulin bilang nagdadalaga / nagbibinatanagbibinataBatayang Konsepto: Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mgatungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan,mananampalataya, kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasanay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunodna yugto ng buhay.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Magabayan ang mga mag-aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: a. Kahalagahan ng Pagtupad sa mga Tungkulin Bilang Kabataan b. Mga Tungkulin ng mga Kabataan i. Sa Sarili ii. Bilang Anak iii. Bilang Kapatid iv. Bilang Mag-aaral v. Bilang Mamamayan vi. Bilang Mananampalataya vii. Bilang Konsyumer ng Media viii. Bilang Tagapangalaga ng kalikasan 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: a. Pagtaya sa kasalukuyang kakayahan sa pagtupad sa mga tungkulin bilang kabataan b. Pagtukoy sa mga tungkulin na inaasahang gagampanan bilang kabataan mula sa mga kapamilya at kakilala c. Pagtukoy sa magiging kahihinatnan ng di pagganap o pagtupad ng isang kabataan sa kanyang mga tungkulin d. Pagtukoy sa mga gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata e. Paghinuha sa kahalagahan ng kanyang mga gampanin tungo sa pagkamit ng kanyang kaganapan bilang tao Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 1
f. Pagtukoy sa kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin bilang nagdadalaga / nagbibinata g. Paghinuha kung ano ang magiging epekto sa kanya bilang nagdadalaga / nagbibinata kung di niya nagagampanan ang kanyang mga tungkulin sa bawat gampanin h. Pagtukoy sa mga bagay na dapat niyang pagbutihin sa pagtupad niya ng mga tungkulin sa bawat gampanin i. Paggawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga / Nagbibinata j. Pagsulat ng pagninilay sa (a) mga dapat niyang paunlarin sa pagtupad ng kanyang mga tungkulin bilang isang kabataan at (b) ang mga taong makatutulong sa kanya sa bagay na ito. k. Pagsasagawa ng Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Nagdadalaga / NagbibinataB. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 91-92. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 4 na nasa loob ng kahon.Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 2
II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 92-95. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang gawin ito. Pagkatapos, hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayundin ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaring dumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. Maaaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaringmangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 3
III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Mga Hakbang: 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral sa pahina 83-84. 2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Ipagawa ang gawain. Bigyan sila ng 15 minuto para sa gawaing ito. 4. Matapos ang 15 minuto ay ipabilang sa kanila ang mga tsek na kanilang nailagaya sa bawat tungkulin. Gabayan silang alamin kung ano ang antas ng kanilang pagtupad sa tungkulin gamit ang interpretasyon na nasa pahina 85. Ang bahaging ito ang magbibigay ng interpretasyon sa nakuhang kabuuang marka ng mga mag-aaral. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 4
5. Matapos maibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na gawin ito, tawagin ang ilan sa kanila upang ibahagi ang resulta ng kanilang pagtataya.6. Pagkatapos, pasagutan sa kanilang mga tanong na nasa pahina 85.7. Iugnay ang sagot ng mag-aaral sa mga tanong sa susunod na gawain. Sabihin: Patuloy nating tayain ang iyong kakayahang tumupad sa iyong tungkulin sa pamamagitan ng mga speech balloon na nasa Gawain 2.Gawain 21. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto sa Gawain 2 sa pahina 97. Itanong: Naunawaan ba ang Panuto? Sabihin: Mahalagang maging tapat sa isusulat na tugon. Dito lamang magkakaroon ng saysay ang Gawain na ito, na ang tunay na layunin ay tayain ang kasalukuyang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin. Ang magiging resluta ng Gawain na ito ay magagamit ninyong batayan kung ano pa ang mga dapat gawin at mga pagpapahalagang dapat taglayin upang mapagyaman ang kakayahan sa pagtupad ng tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.2. Bigyan sila ng 15 minuto upang sagutan ang gawain. (pahina 85-88)3. Pagkatapos, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang ginawa sa klase. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 5
4. Pansinin na may nakalaan na aytem para sa bawat isang gampanin na tatalakayin sa klase. Matataya rin sa pamamagitan ng gawain na ito kung saang gampanin mas naisasakatuparan ng mga mag-aaral ang kanilang gampanin.5. Pasagutan ang mga tanong na nasa pahina 88. Ipasulat ang kanilang sagot sa kanilang kuwaderno.6. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral ay tumawag ng ilan upang magbahagi ng kanilang sagot. Pagyamanin ang pagtalakay sa pamamagitan ng pagbabahaginan ng opinyon at pananaw.B. PAGLINANG NG KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWAMga Hakbang1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang Panuto para sa gawain sa bahaging “Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa”. Tiyakin na malinaw ang Panuto sa lahat. Maging bukas sa mga paglilinaw.2. Ibigay ang gawain bilang takda ngunit kailangan ng patunay sa pagsasagawa ng panayam. Maaaring larawan, tape recorder o video.3. Ilapat sa graphic organizer na nasa pahina 89 ang nakuha mula sa panayam. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 6
4. Maaari nila itong ipasulat sa kalahati ng cartolina. Magagamit ito bilang paalala sa mga mag-aaral sa mga inaasahan ng mga mahahalagang tao sa lipunan na isasakatuparan nilang tungkulin bilang nagdadalaga/nagbibinata.5. Ipabahagi sa klase ang ilan sa mga gawain ng mga mag-aaral. Ipaskil sa pisara ang kanilang awtput upang makita ng mga kapwa mag-aaral.6. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang tanong sa pahina 101-102.C. PAGPAPALALIM Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag- aaral bilang Takdang Aralin.1. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 89-96. Pagkatapos, pangkatin ang mga mag-aaral. Tiyaking hindi hihigit sa sampu ang bilang ng kasapi sa pangkat. Hayaang magtalaga ang mga mag-aaral ng lider at tagapag-ulat.2. Bigyan ng activity card, Manila paper at pentel pen ang bawat pangkat. Activity Cards Activity Card 1 Panuto: Gamit ang overlapping concepts graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 102-105, bilang 1 hanggang 3. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto Iulat ang inyong output sa klase. Activity Card 2 Panuto: Gamit ang idea web graphic organizer, tukuyin at isa- isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 105 – 108, bilang 4 hanggang 6. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto. Iulat ang inyong output sa klase. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 7
Activity Card 3 Panuto: Gamit ang organizational outline graphic organizer, tukuyin at isa-isahiin ang mga konseptong nabasa mula sa pahina 108 – 110, bilang 7 hanggang 8. Sa ibaba ng graphic organizer, isulat ang maikling paglalagom ng mga konseptong nabasa. Oras na ilalaan sa gawain: 15 minuto Iulat ang inyong output sa klase. Paalala: Maaaring makakuha ng magkatulad na activity card ang ilang pangkat. Maariing gawing dalawang kopya ang mga Activity Cards upang dalawang magkaibang interpretasyon ang maibahagi sa klase.3. Ipapaskil ang mga awtput ng bawat pangkat sa pisara at ipaulat ito.4. Matapos ng mga pag-uulat, tiyaking magbigay ng paglilinaw sa ilang mga mahahalagang konspetong hindi naipaliwanag nang wasto at sapat.5. Atasan ang ilang mga mag-aaral na buuin at pagtibayin ang mga konseptong tinalakay.Tayain ang Iyong Pag-unawa1. Pasagutan ang mga tanong sa bahaging “Tayain ang Iyong Pag-unawa” sa pahina 97. Bigyan sila ng 5 minuto upang gawin ito. Ipasulat sa kanilang kuwaderno ang mga sagot.2. Magpaskil o gumuhit sa pisara ng replika ng graphic organizer sa pahina 97. Basahin ang tanong: Ano ang iyong naunawaang mahalagang konsepto sa aralin? Pasagutan ang tanong na ito gamit ang graphic organizer. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 8
Tumawag ng ilang mga mag-aaral upang punan ang graphic organizer sapisara. Ipasulat sa mag-aaral ang nabuong konsepto sa ilalim ng nakapaskil na mgaoutput ng bawat pangkat na graphic organizer. Piliin ang konseptong pinakamalapitsa Batayang Konsepto na nasa kahon sa ibaba: Ang pag-unawa ng kabataan sa kanyang mga tungkulin sa sarili, bilang anak o kapatid, mag-aaral, mamamayan, mananampalataya, kosyumer ng media at bilang tagapangalaga ng kalikasan ay isang paraan upang maging mapanagutan bilang paghahanda sa susunod na yugto ng buhay. D. PAGSASABUHAY Pagganap 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang Pansariling Plano ng Maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan. 2. Ipaliwanag na: a. Magsisilbi itong gabay sa pagganap ng iyong mga tungkulin bilang kabataan. b. Magsisilbi din itong pagtatalaga sa iyong sarili tungo sa maayos na pagganap ng bawat tungkulin. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 9
Pagninilay 1. Pasulatin ng pagninilay ang mga mag-aaral tungkol sa: a. Mga dapat nilang paunlarin sa pagtupad ng kanilang mga tungkulin bilang isang kabataan at; b. Mga taong makatutulong sa kanila sa mga bagay na ito. 2. Ipaskil sa pisara ang katulad na pormat na nasa pahina 99.Pagsasabuhay 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang “Pansariling Plano ng maayos na Pagtupad ng mga Tungkulin Bilang Kabataan” sa bahaging Pagsasabuhay sa pahina 99.2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang panuto. Paalala: Magtalaga ng Pagkatapos, sabihin: Mayroon bang kapareha ang bawat mag-aaralkatanungan tungkol sa panuto? upang tiyaking nasusundan at3. Makatutulong kung magpapaskil ng natataya ang mga tala sa Tsart katulad na halimbawa na nasa Modyul. ng bawat mag-aaral. Pagawin Bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na basahin ang halimbawa na nasa ang bawat isa ng ulat ng mga pisara. pagbabago sa mga kilos at gawi ng kamag-aral bunga ng pagsunod sa “Pansariling4. Matapos ang panahon na ibinigay sa Plano ng maayos na Pagtupad mga mag-aaral ay tumawag ng ilan na ng mga Tungkulin Bilang magbabahagi ng kanilang ginawa sa Kabataan”. Ipapasa ng mga harap ng klase.5. Atasan ang mga mag-aaral na mag-aaral ang kanilang magbigay ng mga patunay sa dyornal. Basahin ang kanilang pagsasagawa ng gawain. Maaaring pagninilay at mamarkahan ito gamit ang kraytirya sa Annex 2.larawan o video habang isinasagawa ang panayam.Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo, Modyul 1 Pahina 10
Plano ng Pagtuturo Modyul 5: ISIP AT KILOS-LOOBI. MGA LAYUNINMGA PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPangnilalaman PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Naisasagawa ang mga pasyangunawa sa mga konsepto tungkol sa isip patungo sa katotohanan at kabutihanat kilos-loob. batay sa mga konsepto tungkol sa isip at kilos-loob.BatayangKonsepto:Ang isip at kilos-loob ang nagpapabukod-tangi sa tao.A. MGA LAYUNIN SA PAGTUTURO 1.1 Maagapan ang mga magiging kahirapan at magabayan ang mga mag- aaral sa pag- unawa sa mga sumusunod na paksa: Isip at Kilos-loob a. Ang Gamit ng Isip at Kilos-loob b. Ang Tunguhin ng Isip at Kilos-loob c. Ang Paglinang ng Isip at Kilos-loob d. Ang Isip at Kilos-loob ang Nagpapabukod-tangi sa Tao 1.2 Malinang ang mga sumusunod na kasanayan sa mga mag-aaral: Pagtukoy sa pagkakaiba ng tao sa ibang nilikhang may buhay Pagsuri ng sariling paraan ng paggamit ng isip at kilos-loob Paghinuha na ang gamit ng isip ay ang pag-unawa tungo sa katotohanan at ang gamit ng kilos-loob ay ang pagkilos o paggawa tungo sa kabutihan Pagpapakita ng pasya o kilos patungo sa paglinang ng isip at kilos- loob Pagsulat ng pagninilay tungkol sa pagkakaroon ng tao ng isip at kilos- loob at natuklasang katotohanan at kabutihan ng mapanagutang paggamit ng mga ito Pagsasagawa ng paraan ng pagsasabuhay upang maging tugma ang isip at kilos-loob at magampanan ng mga ito ang paghanap sa katotohanan at paggawa ng kabutihan Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 1
B. MGA LAYUNING PAMPAGKATUTO Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 101. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 5 na nasa loob ng kahon. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?II. PAUNANG PAGTATAYA Pasagutan ang paunang pagtataya sa pahina 101 - 103. Hayaang markahan ng mga mag-aaral ang kanilang sariling papel gamit ang susi sa pagmamarka sa Annex 1. Makatutulong din kung isusulat ng guro sa pisara ang susi sa pagmamarka. Ipabilang sa mag-aaral ang kabuuang iskor na kanilang nakuha. Ipataas ang kamay ng mga batang nakakuha ng iskor na 10 at bilangin ang mga ito. Itala sa pisara ang kabuuang bilang. Ipataas ang kamay ng nakakuha ng 5 hanggang 9 na puntos; bilangin at itala sa pisara ang kabuuang bilang. Gayun din ang gawin para sa 0 hanggang 4 puntos. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 2
Kung lahat halos ng mga mag-aaral (95%) ay nakakuha ng iskor na 10, maaringdumako na ang guro sa bahaging Pagpapalalim. Maaring gawing gawaing-bahay ang ilang mga gawain sa mga bahagingPagtuklas sa Dating Kaalaman at Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan at Pag-unawa para sa mga nakakuha ng 5-9 puntos. Ang mga nakakuha naman ng 0 hanggang 4 na puntos ay maaringmangailangan ng karagdagang gawain sa bahaging Paglinang ng mga Kaalaman,Kakayahan at Pag-unawa.III. PLANO NG PAGTUTURO-PAGKATUTO Pag-uugnay sa Nakaraang Modyul Sabihin: Naunawaan mo sa nakaraang aralin ang tungkulin mo bilang nagdadalaga/nagbibinata sa iyong sarili, sa iyong pamilya at sa pamayanan na iyong kinabibilangan. Sa araling ito tutulungan kang maunawaan ang kahalagahan ng paggamit ng iyong isip at kilos-loob upang magampanan ang iyong mga tungkulin bilang isang nagdadalaga/nagbibinata. Magiging malinaw din sa iyo kung ano ang tunguhin ng isip at kilos-loob na taglay mo. A. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Paalala: Ihanda ang katulad sa tatlong larawang ito - halaman, hayop at tao bago ang pagtalakay ng araling ito. Ipaskil ang mga larawang ng halaman, hayop at tao sa pisara. Edukasyon sa Pagpapakatao, Gabay Pampagtuturo Page 3
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212