Mother Tongue Teacher's Guide Grade 1 Part 2
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 21)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 21) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 21)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-21 LinggoI. Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto 5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang - unang baitang 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay 8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa 10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay 11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa tunay na karanasan 12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat, pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita sa paaralan, at pamayanan 13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat 14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong 15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal 16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwentoII. Paksa A. Tema: 1. Pabigkas na Wika: Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan. 1. Pagkilala ng Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag- aralan. 1
2. Katatasan: a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto. b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang. 3. Pagbaybay: a. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga salitang natutuhan. b. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. 4. Pagsulat: Pagsulat ng payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan. 5. Pagkatha: Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa. 6. Kamalayan sa Gramatika: Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. 7. Talasalitaan: Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan nang pagbibigay kahulugan ayon sa karanasan. 8. Pag-unawa sa Binasa: a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat. b. Pagturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong. c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal. a. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.B. Sanggunian: - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) - Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010) - Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-MLE ConsultantsC. Kagamitan: - Larawan, tsart, flashcard, patpat, graphic organizerD. Paksa: Ang ating katutubong sayaw. 2
III. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng balakid sa pamamagitan ng larawan a. Patimpalak( Gumuhit ng larawan ng batang lalaki at batang babae na sumasayaw ng Subli sa stage. Ang stage ay may nakasulat naPatimpalak) b. Sublian (Gumuhit ng mga batang lalaki at mga batang lalaki na sumasayaw ng subli at mga batang naglalaro ng palasebo) c. Sumbrero(Gumuhit ng larawan ng sumbrero na gawa sa buli) 2. Pagganyak a. Magpakita ng larawan ng isang lalaki at babaeng sumasayaw. (Tanungin kung ano ang masasabi nila sa larawan). b. Film Viewing – Ipapanood sa mga bata ang Sublian Dance. Itanong: Ano ang nais ipabatid ng sayaw na ito? Sabihin: Marami tayong katutubong sayaw na nagpapakita ng kaugalian, tradisyon, at pinagmulan ng isang lugar. Itanong: Ano pang katutubong sayaw ang alam ninyo? 3. Pangganyak na tanong Ano ang Subli? Paano ito isinasayaw? 4. Pagbibigay ng pamantayan sa pagbasa B. Gawain habang nagbabasa Babasahinng guronang malakas ang lathalaing nakasulat sa tsart nang may tamang bigkas at tono. Babasahin ulit ng guro ang lathalain. Magtanong pagkatapos basahin ang bawat talata upang mataya ang pang-unawa ng mga mag-aaral. Ipabasa sa mga bata nang may tamang bigkas at tono nang pangkatan, dalawahan, at isahan. Ang Subli ni Nida C. Santos Ang Subli ay isa sa mga kilalang sayaw sa Pilipinas at paborito ng mga taga-Batangas. Ang sayaw na ito ay isang seremonya na itinatanghal bilang paggalang saMahal na Poong Santa Krus. Ang banal na krus ang sentro ng sayaw na Subli. Nagmula ito sa baryo ng Dingin, Alitagtag, Batangas. Ang salitang Subli aymula sa dalawang salitang Tagalog na subsob at bali. Ang mga mananayaw aygumagamit ng isang paa at nakasubsob na may sumbrero. Sa Batangas ay maySublian Festival, isang patimpalak sa pagsayaw ng Subli at palaro ng lahi. Layunin ng Sublian Festival na buhayin ang mga larong kinalakihan ng atingmga magulang.Ikalawang Araw C. Gawain pagkatapos bumasa 1. Ugnayang Gawain Pangkat I:Kilalanin Natin! 3
Bumuo ng ‘Concept Map’ na tumatalakay sa Subli gamit ang mga flashcard. Subli Pangkat II:Gumuhit Tayo Gumuhit ng malaking krus sa isang kartolina. Isulat sa ilalim nito ang, ‘Ang banal na krus ang sentro ng sayaw na Subli.’ Pangkat III:Gawin Natin Gawin ang pangunahing galaw ng Subli. 2. Pagtalakay a. Anong lathalain ang ating binasa? b. Ano ang sayaw na ito? c. Ano-ano ang mahalagang detalye tungkol dito? Pakinggan natin ang ulat ng Pangkat I. d. Ano ang sentro ng sayaw na ito?Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat II. e. Ano ang pangunahing galaw ng Subli?Panoorin natin ang Pangkat III.3. . Karagdagang Gawain Sublian Festival a. Panoorin Natin Panoorin kung paano sayawin ang Subli. b. Sundan Natin Sundan ang guro kung paano sayawin ang Subli. c. Sayawin Natin Pagpapakitang sayaw ng bawat pangkat. Basahin ang sumusunod na pangungusap: a. Nakapagpapalakas ng katawan ang pagsayaw. b. Maipakikita ang kultura natin sa pamamagitan ng iba’t ibang sayaw.Ikatlong araw Kasanayang Pangwika 1. Balik-aral Ano ang sayaw na ating napanood at pinag-aralan? Saan nagmula ang Subli? Sino-sino sa kamag-aral mo ang nagpakita ng galing sa pagsayaw ng subli? Ano ang isinusuot ng mga babae sa sayaw na ito? (Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata.) 2. Pagganyak Itanong: Paano ninyo isinusulat ang unang letra ng inyong pangalan? 4
Sabihin: Ating alamin kung paano nagsisimula ang mga salitang nakasulatsa pisara.3. Paglalahad Ipabasa sa mga bata ang mga salitangnakasulat sa pisara.Halimbawa: Dingin Baro’t Saya Alitagtag Karen Batangas Danilo Ben4. Pagtalakay Pag-usapan ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay na nasa tsart. Ipabasa sa mga bata. Itanong: Ano ang tinutukoy ng mga salitang nasa Unang hanay? Ikalawang hanay? Ikatlong hanay? Ano ang napapansin ninyo sa unang letra ng bawat salita sa hanay ng ngalan ng tao, sa ngalan ng lugar, sa ngalan ng bagay? Pagbigayin ang mga mag-aaral ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. Ipagamit ito sa pangungusap.5. Paglalahat Kailan natin masasabi na tiyak ang ngalan ng tao, lugar, at bagay? Paano natin isinusulat ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay?Ang tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay ay nagsisimula sa malaking letra.Halimbawa: Nicole, Batangas, AdidasIkaapat na araw6. Pinatnubayang Pagsasanay a. Usapan ng magkapareha/diyalogo (Hihikayatin ng guro ang mga bata na magbigay ng ngalan ng bagay na nasa loob ng bag. Pag-usapan ang mga bagay na ito.)b. ‘Partner Talk’ Pag-usapan Natin Unang Bata: Karpintero ang tatay ko. Ramon ang pangalan niya. Pangalawang Bata: Pulis ang tatay ko. Nestor ang pangalan niya. Unang Bata: Mabait si tatay Ramon. Kasama ko siya sa paglalaro. PangalawangBata: Pareho pala tayo. Mabait din ang tatay Nestor ko.c. Mahiwagang Kahon (Magic Box) (Naglalaman ang kahon ng mga bagay na may tiyak na ngalan)Itanong: Ano-ano ang bagay na nasa loob ng mahiwagang kahon? Ano ang tiyak na ngalan ng bawat bagay na iyong nakita? Bigkasin at isulat sa pisara ang sagot ng bata. Ipagamit sa pangungusap ang ngalan ng bagay na nakita ng bata sa mahiwagang kahon. 5
7. Malayang Pagsasanay (Sumulat ng mga tiyak na ngalan sa flashcard.) Sabihin: Basahin ang mga salita sa inyong flashcard at isulat ito sa tamang kahon. Ngalan ng tao Ngalan ng lugar Ngalan ng bagayIkalimang araw 8. Paglalapat “Gumalaw at Sumayaw” Igalaw ang katawan at sumayaw sa saliw ng nilikhang ritmo ng inyong pangkat. Ipakita ang inyong “lame steps”. 9. Pagtataya Tingnan at pag-aralan ang larawan. Sagutin ang mga tanong upang mabuo ang mga pangungusap.Pasig Catholic Church Maykee shoes1. Ano ang pangalan ng simbahan? ________________ ang pangalan ng simbahan.2. Ano ang pangalan ng lapis? ________________ ang pangalan ng lapis.3. Ano ang pangalan ng batang lalaki. Si ________________ ang batang lalaki.4. Ano ang pangalan ng batang babae. Si ________________ ang batang babae.5. Ano ang pangalan ng sapatos? _________________ang pangalan ng sapatos.6
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 22)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 22) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 22)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka- 22 LinggoI. Layunin Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa nang pabigkas sa tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto 5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang - unang baitang 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 7. Nakababaybay nang wasto ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay 8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa 10. Nakatutukoy ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay 11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa tunay na karanasan 12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat, pangyayari,usapin,kalalagayan,pahayag sa radio,at lokal na balita sa paaralan, at pamayanan 13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat 14. Nakatutukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong 15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal 16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan nang pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwentoII. Paksa A. Tema: 1. Pabigkas na Wika: Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan. 2. Pagkilala ng Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag- aralan. 1
3. Katatasan: a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto. b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang.4. Pagbaybay: a. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga salitang natutuhan. b. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.5. Pagsulat: Pagsulat nang payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento nang sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at kaayusan.6. Pagkatha: Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa.7. Kamalayan sa Gramatika: Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay.8. Talasalitaan: Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa karanasan.9. Pag-unawa sa Binasa: a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat. b. Pagtukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong. c. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal. d. Pahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.B. Sanggunian: a. K to 12Curriculum b. Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) c. Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from RAP)Conventions -Vol. 1)C. Kagamitan: a. Lathalain sa paggawa ng pamaypay o abaniko, glue, scotch tape, bond paper, krayola b. Tunay na likhang sining tulad ng pamaypay o abaniko c. Wall décor, placemat, lalagyan ng prutas at iba pa.D. Paksa: Ang ating lokal na sining at kagalingan.E. Pagpapahalaga : 2
Tangkilikin ang sariling produkto.III. Pamamaraan Unang Araw A. Gawain bago bumasa1. Paghahawan ng balakidpamamaypay (sa pamamagitan ng paggamit ng tunay na pamaypay na gawa sa sariling lugar)pulgada (sa pamamagitan ng pagpapakita ng tamang sukat gamit ang panukat ) dekorasyon (sa pamamagitan ng larawan/tunay na bagay)2. Pagganyak: Magkaroon ng eksibit ng lokal na likhang sining tulad ng placemat, fruit tray, fan, wall décor, pamaypay at iba pa.(Gawin ito isang araw bago talakayin ang aralin.Ilagay ito sa isang sulok sa loob ng silid- aralan.Magpatulong sa mga mag-aaral sa pagsasaayos ng eksibit.Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang dahilan kung bakit ito ginagawa na hindi tinutukoy ang aralin.Kung maiaangkop ito sa ibang asignatura tulad ng Araling Panlipunan ay gawin upang higit na maging makabuluhan ito.)Kinabukasan sa oras ng asignaturang ito ipatuon ang atensiyon ng mga mag-aaral sa eksibit. Itanong: Nakikita ba ninyo ang mga ito sa ating pamayanan? Alin sa mga ito ang nakita na ninyo sa inyong pamayanan? Kilala nyo ba ninyo ang gumawa ng isa sa mga bagay rito? Sino-sino sila? Mag-anak ba sila? May kaibigan ka ba sa mag- anakna ito? Sino?Ano ang masaabi mo tungkol sa kanya? Alin sa mga nasa eksibit ang ginagawa nila? Kailan pa sila gumagawa ng mga ito? Sino kaya ang nagturo sa kanila ? Gusto mo bang gumawa rin ng isa sa mga nandito sa eksibit? Alin dito ang nais ninyong gawing proyekto? Bakit? (Ituon sa paggawa ng pamaypay ang nais nilang proyekto)3. Pangganyak na tanong: Kung pamaypay ang nais ninyong gawin,anong tanong ang makapagtuturo sa inyo nang tamang paraan ng paggawa nito. Buuin ang tanong.Tanong; Papaano gumawa ng pamaypay o abaniko?B. Gawain habang nagbabasa 1.Pagbasa ng guro sa pamaraan ng paggawa ng pamaypay na nakasulat sa tsart nang tuloy tuloy at may tamang bigkas ng mga salita,intonasyon at tono. 2.Pagbasa ng guro kasama ang mga mag-aaral na may tamang bigkas,ng mga salita,intonasyon at tono ngunit may paghinto sa tamang daluyan ng paghahati upang magtanong o sumagot sa tanong. 3
Ang Paggawa ng Pamaypay ni Nida C. Santos Kilala ang lugar nina Allan at Aloha sa paggawa ng magagandanggamit na yari sa kawayan tulad ng pamaypay, dekorasyon sa bahay, lagayanng prutas at iba pa. Kahit nasa unang baitang pa lamang sila ay marunong narin silang gumawa ng pamaypay at pandekorasyon gamit ang mga kawayan. Ating alamin kung paano gumawa ng pamaypay sina Allan at Aloha. Paggawa ng PamaypayMga gagamitin: 1. mainipis na piraso ng kawayan na may 7 pulgada ang haba 2. karton 3. plato (katamtaman ang laki) 4. manipis na pisi, 10 pulgada ang haba 5. krayola 6. gunting Pamamaraan: 1. Bakatin ang plato sa karton. 2. Gupitin ito gamit ang gunting. 3. Guhitan ng nais na disenyo ang bilog na karton gamit ang krayola. 4. Ilagay ang 7 pulgadang haba ng manipis na kawayan sa gitnang bahagi ng karton para maging tangkay. 5. Talian ng pisi ang dulong bahagi na nag-iipit sa karton.Ikalawang arawC. Gawain pagkatapos bumasa (Magbalik-aral sa Paggawa ng Pamaypay. Magkasamang basahing muli ang pamaraan na nasa tsart) Tukuyin ang gawain sa mga mag-aaral.Pangkatang gawainHatiin ang klase sa 5 pangkat at bigyan ng gawainPangkat I – “Iguhit Natin”Iguhit ang mga produkto sa lugar nina Allan at Aloha na yari sa kawayan.Ilarawan ang gamit nito.Produkto mula sa kawayan Ginagamit saPangkat II – “Sundin Natin”Talakayin at ipakita ang paraan ng paggawa ng pamaypay. Paggawa ng pamaypay 1. 2. 3. 4. 5 4
Pangkat III – “Alamin Natin” Isulat kung ano ang maaaring mangyari kung: Sinasanay ang mga bata sa paggawa ng mga bagay na yari sa kawayan. Isulat ang dahilan kung bakit natutuwang bumili ang mga turista ng produkto natin. Kaya maraming turista ang bumibili ng produkto natin. Pangkat IV – “Gamitin Natin” Bukod sa mga nabanggit na produktong yari sa kawayan, ano pang mga bagay ang yari sa kawayan? Iguhit ang mga ito. Marami pang bagay ang maaaring gawin mula sa kawayan Pangkat V – “Gawin natin, Ipagmalaki” Kung ikaw si Allan at Aloha, paano mo ipagmamalaki ang mga produktong gawa natin? Gumawa ng patalastas tungkol sa produkto na nais mong ipagmalaki 1. Pagtalakay 1.Ano ang mga likhang sining at produkto na ginagawa sa lugar nina Allan at Aloha? Pakinggan ang Pangkat I sa paglalarawan nila ng iba’t ibang produktong yari sa kawayan. 2. Sa edad na anim sina Allan at Aloha at mga batang kasing-edad nIla ay sinasanay na na maging mahusay sa paggawa ng pamaypay. Tingnan natin kung paano ang paggawa nito. Pakinggan natin ang Pangkat II. 3. Kapag patuloy ang pagsasanay at ginagawa ito nang maayos, maganda ang kalalabasan.Totoo kaya ito Pakinggan ang ulat ng Pangkat III. 4. Bukod sa pamaypay na inyong ipinakita, ano pang bagay ang gawa sa kawayan?Pakinggan ang ulat ng Pangkat IV. 5. Kailangan nating tangkilikin at ipagmalaki ang sariling produkto. 5
Ang Isang paraan upang mahikayat ang iba sa pagbili ng produkto ay sapamamagitan ng patalastas. Tingnan natin kung ano ang ginawangpatalastas tungkol sa mga produktong gawa sa kawayan.Pakinggan ang ulat ng Pangkat V. Talakayin ng guro ang isinagawa ng 5 pangkat, Isulat ang mga sagot sa tsartPangkat Gawain Kasanayang binigyang pansinIkatlong arawKasanayang Pangwika 1. Paghahanda: Anong produkto at pamamaraan ng paggawa nito ang binasa natin? (Magpakita ng malaking larawan ng isa sa produkto ng Pilipinas)Sabihin:Bukod sa pamaypay may iba tayong produkto. Tingnan ang larawan. Alin ang gusto mo sa mga larawang ito? Bakit? Halimbawa: bag, sapatos, hikaw, pulseras, sinturon, mesa, silya, silyang umuuga, banig, cabinet 2. Paglalahad Gamit ang tunay na bagay, ipakikita ng guro kung paano ginagamit sa pangungusap ang mga panghalip na pantukoy. Ito ay bag. Ito ang paborito kong bag. Ito ay gawa sa kawayan. (Hawak ng guro ang bag) Iyan ay mesa (Ituturo ng guro ang mesa na malapit sa kinakausap) Iyan ang mesa na aking ginagamit. Matibay ang mesa na iyan. Iyon ang malaking pamaypay.(Ituturo ng guro ang dekorasyon na malayo sa kanya at sa kausap) Iyon ang dekorasyon na ibinigay sa akin ng kaibigan ko. Gawa iyon sa kawayan. Kailangang ilahad din ng guro ang iba pang panghalip na pantukoy; dito, diyan, doon. 3. Paglalahat Itanong: Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon? Kailan ginagamit ang dito? Diyan? Doon? Panghalip na Pantukoy 6
Hawak ng nagsasalita Ito Malapit sa Ditoang bagay na tinutukoy Iyan nagsasalita DiyanItinuturo ng nagsasalita Iyon Malapit sa Doonang bagay na malapit sa kinakausap kinakausap Malayo Malayo ang bagay sa nagsasalita at sa kinakausapIkaapat na araw4. Pinatnubayang PagsasanayGawain sa LabasIsama ang mga bata sa labas ng silid-aralan(sa hardin o sa palaruan)a. Pangkatang gawain Hayaang pag-usapan ng mga bata ang mga bagay na kanilang nakita, nahawakan, at narinig sa hardin o sa palaruan gamit ang panghalip na pantukoy.b. Dalawahan Hayaan ng guro na mag-usap ang mga bata ng may kapareha tungkol sa nakita nila sa labas ng paaralan gamit ang panghalip sa pantukoy.5. Malayang PagsasanayPanuto: Gamitin sa pangungusap ang sumusunod na panghalip napantukoy. Iguhit ang iyong kasagutan. Ito Dito Iyan Diyan Iyon DoonIkalimang araw 6. Paglalapat Isulat natin Sumulat ng awit/ tula/ biro/ bugtong/ o maikling kuwento tungkol sa pagbili ng pagkain/ damit/ laruan at iba pa sa tindahan, palengke o mall gamit ang panghalip na pinag-aralan.Tingnan ang tamang gamit ng bantas, gamit ng malaking letra, tamang pasok, at kaayusan. Isulat ito sa malinis na papel at salungguhitan ang lahat ng panghalip na ginamit sa pangungusap. (Hayaang basahin ng isang bata ang ginawa niya sa klase. Titingnan ng guro kung tama ang ginawa at bigyan ng angkop na komento. Ipaskil ang sinulat ng mga bata.7. PagtatayaPanuto: Sumulat ng pangungusap tungkol sa larawan gamit ang tamang panghalip na pantukoy.1. 2. 7
3. 4. 5.IV. Takda Magdala ng produktong sariling atin na nasa inyong bahay. Humanda sa pagpapakita at paglalarawan nito. 8
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 23)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 23) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 23)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-23 LinggoI. Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang: 1. Nakapag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na antas ng salita at mga salitang dapat pang pag-aralan 4. Nakababasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto. 5. Nakababasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang - unang baitang 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang napag-aralan 7. Nakababaybay nang wasto ng mga panghalip 8. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 9. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa 10. Nakatutukoy ng mga panghalip sa pangungusap. 11. Nakatatalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa tunay na karanasan. 12. Nakahuhula ng nilalaman ng kuwento, pabula, alamat, pangyayari/usapin/kalalagayan/pahayag sa radyo/at lokal na balita sa paaralan, at pamayanan 13. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat 14. Nakatuturo ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong 15. Nakahihinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal 16. Nakapagpapahayag ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng pagbabasa-basa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwentoII. Paksa A. Tema: 1. Pabigkas na Wika: Pag-uusap tungkol sa pamilya, kaibigan, natatanging tao, paaralan, at lugar ayon sa sariling kultura o kalinangan 2. Pagkilala ng Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan ng dagdag na dahon ng aklat. 1
b. Pagbasa ng mga parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan. 3. Katatasan: a. Pagbasa nang pabigkas ng tekstong pang-unang baitang sa antas na 60 salita bawat minuto. b. Pagbasa ng tatlo hanggang apat na parirala na may wastong tono, pagpapahiwatig ng damdamin, at gamit ng bantas sa tekstong pang -unang baitang. 4. Pagbaybay: a. Pagsulat nang may wastong baybay ng mga salitang natutuhan. c. Pagsulat ng may wastong baybay ng mga tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. 5. Pagsulat: Pagsulat nang payak na parirala, pangungusap, talata, at kuwento na sinusunod ang wastong gamit ng bantas, malaking letra, wastong pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan. 6. Pagkatha: Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa. 7. Kamalayan sa Gramatika: Pagkilala ng tiyak na ngalan ng tao, lugar, at bagay. 8. Talasalitaan: Pagtalakay ng mga salita sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ayon sa karanasan. 9. Pag-unawa sa Binasa: a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa kuwento, pabula, at alamat. b. Pagtukoy ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang makita ang wastong sagot sa payak na tanong. a. Paghinuha kung ano ang susunod na mangyayari sa isang sitwasyon, sa paaralan at pamayanan, sa mga usapin, balita sa radyo, at balitang lokal. b. Pagpahiwatig ng pagkagiliw sa kuwento sa pamamagitan ng pagbabasa (browsing) at paghiling na dalasan ang pagbabasa ng maraming kuwento.B. Sanggunian - K to 12 Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and Dennis Malone, 2010) - Developing Comprehension in Young Readers (Lesson Plans from RAP Conventions -Vol. 1)C. Kagamitan: Lathalain: “Pansit habhab”; larawan ng mga sangkap na ginagamit sa pagluluto ng pansit habhab 2
D. Paksa: Ang Ating Paboritong Pagkain: Katutubong Pagkain (halimbawa, bagnet, diningding, pinangat, kilawin) E. Pagpapahalaga: Wastong NutrisyonIII. Gawain sa Pagkatuto Unang ArawA. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng balakid Ibigay ang kasingkahulugan ng sumusunod na salita (Gamitin sa pangungusap ang bawat salita) pinakamahusay ipinagkakapuri halo-halong sangkap sangkap 2. Pagganyak: Sabihin: Anong produkto ang pinag-usapan at ginawa natin noong isang linggo.Ang isa pang produkto na natatangi at kina gigiliwan ay mga pagkain. Itanong: Anong pagkain ang paborito mo? Bakit? ( Gumawa ng paraan ang guro ana sabihin ng isa sa mga bata na ang paborito ay pansit.Kung wala pa ring magsabi sabihin ng guro na ang pansit ang paborito niya.) (Pansit Habhab) Ano ang paborito mong luto ng pansit? Ano-anong sahog ang inilalagay sa paborito mong luto ng pansit? 3. Pangganyak na tanong Itanong: Kung paglulutuin natin ng Pansit Habhab ang iyong nanay sa iyong kaarawan,paano mo malalaman ang tamang sahog. Anong tanong ang itatanong mo sa nanay mo? Tanong: Ano-ano ang sahog ng Pansit Habhab? Sagutin nga natin. Isulat ito sa loob ng mga bilog. 3
Sabihin: Mamaya tingnan natin kung tama ang mga isinulat ninyo sa loob ng mga bilog. 4. Pagbibigay pamantayan sa pagbasaB. Gawain habang nagbabasa 5.Pagpapakilala ng guro sa lathalain. Magbigay ng ilang kaalaman kung ano ang lathalain. 6.Pagbasa ng guro sa lathalain na nasa tsart nang tuloy tuloy at may wastong tono at tamang bigkas ng mga salita. Pansit Habhab Ang Quezon ay isang lalawigang sakop ng Rehiyon IV-A. CALABARZON. Dito matatagpuan ang bayan ng Lucban, isang tanyag na lugar dahil sa Pahiyas Festival at ang ipinagmamalaking masarap na Pansit Habhab. Ito ay pansit na may halong tinadtad na baboy at mga gulay. Ang paglalagay ng suka ay nakada dagdag ng sarap sa pagkaing ito.Gayundin and kakaibang pamaraan ng pagkain nito na pahabhab. Ganito ang wastong pagluluto ng Pansit Habhab. 1. Hiwain ang karne ng baboy at iprito 2. Igisa ang bawang at sibuyas. Isama ang sayote, carrot, at baguio beans. 3. Lagyan ng sabaw ng pinakuluang buto-buto ng baboy. 4. Ihalo ang pritong baboy. 5. Ilagay ang Pansit Lucban. 6. Haluin hanggang maluto ang pansit. 7. Ilagay sa dahon ng saging. 8. Lagyan ng suka para mas sumarap. 9. Kainin nang mainit pa.Ikalawang araw Magbalik-aral sa lathalaing binasa na tungkol sa Pansit Habhab ng Lucban, Quezon. Basahin itong muli. 6. Ugnayang Gawain; 1.Balikan ang hinuhang sagot ng mga bata tungkol sa mga sangkap sa pagluto ng Pansit Habhab.Iugnay ito sa binasang lathalain upang malaman kung tama ang kasagutan ng mga mag-aaral.Isulat sa bilog ang kulang na sagot.Ipabasa ito sa mga bata. 7.Pangkatin ang mga mag-aaral at bigyan ng gawain ang bawat pangkat.Pangkat I – “Bilhin natin” Sa pagluluto ng Pansit Habhab, kailangan natin ng pansahog. Gumawa ng listahan ng pansahog sa Pansit Habhab. 4
Mga Sahog sa Pansit Habhab ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ ___________________________________________ Pangkat II – “Sundin Natin” Isulat ang pamamaraan sa pagluluto ng Pansit Habhab. Paraan ng pagluluto ng Pansit Habhab Una: Ikalawa: Ikatlo: Ikaapat: Pangkat III – “Ipagmalaki Natin” Ang Lucban, Quezon ay naging tanyag dahil sa Pansit Habhab. Pahalagahan natin ang lalawigan ng Quezon Bigyan natin ng sertipiko ng pagkilala.Punan ang patlang sa loob ng Sertipiko ng Pagkilala SERTIPIKO NG PAGKILALA Ipinagkakaloob sa lalawigan ng _____________________________bilang pagkilala sa tanyag na pagkaing _______________________ naipinagmamalaki ng mga taga Lucban.Ipinagkaloob ngayong ika ____, buwan ng __________, 2012 sa PaaralangElementarya ng ____________________________________ Pangkat IV – “Bigyan ng Pangalan” Kung papalitan ninyo ang pangalang “Pansit Habhab,” anong pangalan ang inyong ipapalit? Bakit? _____________________ PangalanDahilan: 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 7. Pagtalakay: a. Anong lathalain ang binasa natin? Saang lugar ito pangunahing pagkain? Ano-ano ang sahog ng Pansit Habhab? Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I b. Ano ang nagpapasarap sa pansit habhab? Paano niluluto ang pansit habhab? Ang pamamaraan sa pagluluto ay sasabihin sa atin ng 5
pangkat II c. Sapagkat ang Pansit Habhab ay katangitanging pagkain at sa Lucban ,Quezon lamang makikita,ano ang dapat nating gawin? Tingnan natin kung ano ang ginawa ng Pangkat III. Pagkalooban ng sertipiko ng pagkilala ang Lucban, Quezon na ibibigay ng Pangkat III. d. Kung nais ninyong magnegosyo ng pagkaing tulad ng pagluluto ng pansit anong pangalan ang ibibigay mo sa iyong nilutong pansit? Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat IV.Ikatlong arawKasanayang Pangwika 1. Balik-aral: Wastong paggamit ng pantukoy na Ito, Iyan, Iyon: Dito, Diyan, Doon sa pamamagitan ng pagtukoy ng mga nakikita ng mga mag-aaral sa loob at labas ng silid-aralan. 3. Aralin: Pagganyak: Magpapaskil ng larawan ang guro sa iba’t ibang bahagi ng silid-aralan. Sabihin: Nais kong tumayo kayo at umikot sa loob ng ating silid-aralan. Hanapin ninyo ang larawan ng mga pagkaing nais ninyong kainin. Ipakita ito sa klase at ilarawan. (Bigyan ng pagkakataon na ang lahat ng bata ay makapagsalita tungkol sa paborito nilang pagkain) Itanong: Masustansiya ba ang mga paborito ninyong pagkain? Ano-ano ang magandang dulot nito sa inyong katawan? 1. Paglalahad Magpakita ng larawan ng suman at latik.(Maaring ding ibang pagkain) Itanong: Sino sa inyo ang may gusto ng suman at latik? Ikaw ba ang inuutusang bumili nito? Lahat ba kayo ay kumakain ng suman at latik? May baon ka bang suman at latik? Kung tatanungin mo ang kaklase mo ng baon niya,ano ang itatanong mo? Sino sa kasapi ng iyong pamilya na ang paboritong kainin ay suman at latik? Saan siya bumubili nito araw araw? Sino-sino pa ang may paborito ng suman at latik sa inyong mag- anak? Sino-sino ang umuubos sa latik na binili ng tatay. (Isusulat ng guro ang mga pangungusap ayon sa sagot ng mga bata ) Ipabasa ang sumusunod na pangungusap a. Gusto ko ang suman at latik. b. Ako ang laging inuutusan ni nanay upang bumili nito. 6
c. Lahat kami sa bahay ay kumain ng suman at latik.d. May baon akong suman at latik.e. Ikaw, ano ang baon mo?f. Paborito rin ni tatay ang suman at latik. Bumibili siya sa palengke araw-araw.g. Paborito rin ito ni ate at kuya, sila ang palaging umuubos sa suman at latik na binili ng tatay.2. Pagtalakay Ipabasa ang mga salitang may salungguhit Ako Kami Ikaw Kayo Siya SilaSabihin: Ang mga ito ay panghalip.Itanong: a. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan ng taong nagsasalita? b. Anong panghalip ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay ngalan ng iyong kausap? c. Anong panghalip ang ginagamit kapag ang tinutukoy ay ngalan ng taong pinag-uusapan? d. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan ng ma higit sa isang taong nagsasalita? c. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan nang mahigit sa isang taong kinakausap? d. Anong panghalip ang ginagamit na pamalit sa ngalan nang mahigit sa isang taong pinag-uusapan?Gabay na dapat tandaan sa paggamit ng mga panghalip:Ako – sa taong nagsasalitaIkaw – sa taong kinakausapSiya – sa taong pinag-uusapanKami – higit sa isang taong nagsasalitaKayo – higit sa isang taong kinakausapSila – higit sa isang taong pinag-uusapan3. Paglalahat Itanong:Ano ang panghalip? Ano-ano ang mga panghalip? Kailan ginagamit ang panghalip na ako/ikaw/siya? Kailan ginagamit ang paghalip na kami, kayo, at sila? Panghalip – Pamalit sa ngalan ng tao Panghalip GamitAko, Ikaw, Siya Pamalit sa ngalan ng isang tao.Kami, Kayo, Sila Pamalit sa ngalan ng higit sa isang ngalan ng tao.Ikaapat na araw 7
1. Pinatnubayang pagsasanay a. Usapang magkapareha Hihikayatin ng guro ang mga mag-aaral na magkuwento tungkol sa kanilang paboritong pagkain, o paboritong pagkain ng kanilang mag-anak. Halimbawa: Kapareha 1: Paborito ko ang _______. Palagi akong ipinagluluto ni nanay ng masarap na ______. Ikaw, ano ang paborito mo? Kapareha 2: Mahilig akong kumain ng minatamis na saging. Tuwing linggo ay ipinagluluto ako ni nanay nito, kaya mahal na mahal ko siya. Kapareha 1: Mahal ko si nanay, mahal ko si tatay. Mahal ko silang dalawa. 8
b. Lobong Nagsasalita Sabihin: Isulat ang nawawalang panghalip sa loob ng lobo upang mabuo ang usapan ng nanay at ng anak.Pupunta ___ ng Opo, sasama ____ate mo sagrocery.Sasama ka ba?Huwag ka ____ na lang po ninang ate ang pumuntasumama.Hindi sa grocery.rin sasama sina Maglalaro na langtatay at kuya . po ___ ni bunso.____ na angmagbantaykay bunso. Mag-ingat po ____.Aalis na _____. 9
c. Pag-isipan agad Sabihin: Gamitin ang panghalip sa sumusunod na sitwasyon. 1. Nais mong makipagkilala sa iyong bagong kamag-aral, ano ang sasabihin mo? 2. May dumating na bagong guro sa inyong paaralan, nais mong tanungin kung siya ang magtuturo sa inyong klase, ano ang sasabihin mo? 3. Nakita mong basag ang paso sa harapan ng inyong bahay, may mga batang naglalaro, ano ang itatanong mo? 1. Malayang pagsasanay Mahiwagang mga Kahon Sabihin: Kumuha ng larawan sa loob ng mga kahon . Magbigay ng mga pangungusap ayon sa larawan gamit ang panghalip.Ikalimang araw 1. Paglalapat: Sumulat ng awit/ tula/ biro/ bugtong o maikling kuwento tungkol sa inyong naging karanasan sa paghahanda o sa pagluluto ng iyong mga paboritong pagkain. Gumamit ng wastong panghalip. Gumamit ng tamang bantas, malaki at maliit na letra at wastong ayos ng mga salita. Tatawag ang guro ng bata upang basahin ang kanyang ginawa. 2. Pagtataya Panuto: Sumulat ng pangungusap gamit ang tamang panghalip 10
a. Ako/ko b. Ikaw c. Siya d. Kami e. SilaIV. TakdaIguhit ang inyong paboritong pagkain at magkuwento tungkol dito. 11
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 24)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 24) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Mother Tongue Based Multilingual Education – Grade 1Teacher’s Guide: Tagalog (Unit 3 – Week 24)First Edition, 2013ISBN: 978-971-9981-69-5 Republic Act 8293, section 176 indicates that: No copyright shall subsist inany work of the Government of the Philippines. However, prior approval of thegovernment agency or office wherein the work is created shall be necessary forexploitation of such work for profit. Such agency or office may among other things,impose as a condition the payment of royalties. The borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brandnames, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respectivecopyright holders. The publisher and authors do not represent nor claim ownershipover them.Published by the Department of EducationSecretary: Br. Armin A. Luistro FSCUndersecretary: Dr. Yolanda S. QuijanoAssistant Secretary: Dr. Elena R. Ruiz Development Team of the Teacher’s GuideConsultant : Rosalina J. VillanezaAuthor : Mrs. Minerva David, Ms. Agnes G. Rolle,Editor Nida C. Santos, Grace U. SalvatusGraphic Artist : Minda Blanca Limbo, Lourdez Z. HinampasLayout Artist : Erich D. Garcia, Noel Corpuz, Ampy B. Ampong, Deo R. Moreno : Anthony Gil Q. VersozaPrinted in the Philippines ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600TelefaxE-mail Address : (02) 634-1054, 634-1072 :[email protected]
Banghay Aralin MTB-MLE 1 – TagalogIka-24 Linggoa. Layunin: 1. Nakagagamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipakita ang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa isang paksa o mga paksang tinalakay 2. Nakababasa sa unang kita ng mga salitang nasa talaan sa dagdag na dahon ng aklat 3. Nakababasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan 4. Nakababasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas ng 100 bahagdan sa unang kita. 5. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan 6. Nakababaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginagamit sa pangungusap 7. Nakasusulat ng mga payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento na sinusunod ang tamang bantas, gamit ng malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata, at may kaayusan 8. Nakasusulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa 9. Nagagamit ang mga salitang pautos sa pagbibigay ng dalawa hanggang tatlong payak na panuto sa angkop na pamamaraan 10. Nakatutukoy at nakagagamit ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasing-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan 11. Nakahihinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi 12. Nakapagpapahayag ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang maipakita ang sagot sa mataas na antas na tanong. 13. Nakasasagot ng mga mataas na antas na tanong tungkol sa mga pangyayari sa paaralan, pamayanan, kalagayan, usapin, balita sa radyo, at balitang lokalII. Paksa A. Tema: 1. Pabigkas na Wika : Paggamit ng angkop na nakaugaliang pahayag upang maipakita ang pagsang-ayon at di pagsang-ayon sa isang paksa o mga paksang tinalakay. 2. Pagkilala ng Salita: a. Pagbasa sa unang kita ng mga salita sa talaan ng dagdag na dahon ng aklat. b. Pagbasa ng parirala, pangungusap, at maikling kuwento na may matataas na uri ng salita at mga salitang dapat pag-aralan. 3. Katatasan: Pagbasa nang kusa, wasto, may tamang diin at tono ng mga salitang pang-unang baitang na may mataas na antas nang 100 bahagdan sa unang kita. 4. Pagbabaybay: a. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang natutuhan. b. Pagbaybay nang wasto ng mga salitang pautos na ginamit sa pangungusap. 1
5. Pagsulat: Pagsulat ng payak na pangungusap, parirala, talata, at kuwento gamit ang wastong bantas, malaking letra, pasok ng unang pangungusap sa talata at may kaayusan. 6. Paglikha: Pagsulat gamit ang kaalaman sa palatinigan ng wika para sa iba’t ibang layunin ng pangungusap, biro, tula, awit, bugtong, maikling kuwento at iba pa. 7. Kamalayan sa Gramatika: Paggamit ng mga salitang pautos sa pagbibigay ng dalawa hanggangtatlong payak na panuto sa angkop na pamamaraan. 8. Talasalitaan: Pagtukoy at paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan, magkasalungat, magkasim-bigkas, at mga salitang marami ang kahulugan. 9. Pag-unawa sa Binasa: a. Paghinuha ng damdamin ng mga tauhan ayon sa kanilang kilos o sinasabi. b. Pagpapahayag ng tiyak na kaalaman o impormasyon sa teksto upang maipakita ang sagot sa mataas na antas na tanong. c. Pagsagot ng mga mataas na antas na tanong tungkol sa mga pangyayari sa paaralan, pamayanan, kalagayan, usapin, balita sa radyo, at balitang lokal.B. Sanggunian: - K to 12Curriculum - Two-Track Approach to Teaching Children to Read and Write - - Their First Language (L1): A Guidebook for Trainers (Susan and - Dennis Malone, 2010) - Activities for Early Grades of MTB-MLE Program (Susan Malone, 2010) - Language Curriculum Guide by SIL International and SIL Philippines MTB-MLE ConsultantsA. Kagamitan: Larawan, tuntunin sa paaralan, diyaryoB. Paksa: Pagiging mabuting mamamayan (Pagsunod sa mga tuntunin sa trapiko, tuntunin sa tamang paraan ng pagtatapon ng basura, recyling, at curfew)III. Gawain sa Pagkatuto Unang Araw A. Gawain bago bumasa 1. Paghahawan ng Balakid a. Pag-awit ng Lupang Hinirang (sa pamamagitan ng kilos) Itanong sa mga bata kung ano ang tamang kilos kapag inaawit ang Lupang Hinirang. b. Wastong pag-aalaga ng halaman(sa pamamagitan ng larawan) c. Paano ang wastong pag-aalaga ng halaman d. Palakaibigan(sa pamamagitan ng contextual clues) 2
e. Magkaibigan sina Mark at Luis. Kaibigan din ni Mark si Tony at Peter. Palakaibigang bata si Mark. 2. Pagganyak Magpakita ng larawan ng isang paaralan Itanong: Ano ang ginagawa ng mga bata sa paaralan? Dapat bang nasa paaralan ang mga batang katulad ninyo? Bakit? 3. Pangganyak na Tanong Itanong : Alam ba ninyo ang mga tuntunin sa ating paaralan? Ano- ano ang mga ito?B. Gawain habang nagbabasa a. Basahin ng guro ang mga tuntuning nakasulat sa tsart nang may wastong bigkas, lakas ng boses, at gamit ng wastong bantas. b. Babasahin muli ng guro ang mga tuntunin. Gagayahin ng mga bata kung paano binasa ng guro ang mga tuntunin. c. Babasahin ng mga bata ang mga tuntunin nang may wastong bigkas, lakas ng boses, at gamit ng wastong bantas nang pangkatan, dalawahan at iisahan. Mga Tuntunin sa Paaralan May mga tuntunin ang bawat paaralan. Tuntunin ang nagsasabi kung ano ang dapat gawin at hindi dapat gawin sa loob ng paaralan. Ang mga sumusunod ay mga tuntunin ng ating paaralan. 1. Pumasok sa takdang oras. 2. Magsuot ng tamang uniporme. 3. Igalang ang mga kawani ng paaralan tulad ng guro, punong-guro,diyanitor, guwardiya, at mga kawani sa kantina. 4. Gamitin nang wasto ang mga kagamitan sa paaralan . 5. Huwag tapakan o sirain ang mga pananim sa paligid ng paaralan. 6. Makiisa sa pagpapanatili sa kalinisan ng paaralan. 7. Itapon ang mga basura sa tamang basurahan. 8. Mahalin at igalang ang kapwa mag-aaral. 9. Awitin nang may paggalang ang Lupang Hinirang.Ikalawang ArawC. Gawain Pagkatapos Bumasa 1. Ugnayang Gawain Pangkatin ang mga bata at bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat I: ” Alamin Mo!” Isulat sa loob ng kahon ang mga tuntuning dapat sundin ng mga mag-aaral. 3
Paano mo Ako Paano moipapakita ang ay______ ipakikita angpagmamahal sa paggalang sakaibigan? Saan dapat mga guro? itapon ang mga basura? Pangkat II: “Iguhit Mo”Gumuhit ng larawang nagpapakita ng inyong pagsunod sa mga tuntunin sa paaralan.Pangkat III: “Pangako ” Sa isang kartolina, sumulat ng isang pangako tungkol sa pagsunod sa tuntunin sa paaralan. Isulat ang inyong pangalan sa ibaba nito.2. Talakayan a. Ano- ano ang tuntunin sa paaralan? b. Dapat bang sundin ang mga ito? Bakit? Pakinggan natin ang pag-uulat ng Pangkat I. c. Sumusunod ba kayo sa mga tuntunin sa paaralan? d. Ano-anong tuntunin ang inyong sinusunod? Tingnan natin ang ginawa ng Pangkat II. e. Bilang mag-aaral, nangangako ba kayong magiging masunurin sa mga alituntunin ng paaralan? Pakinggan natin ang pangako ng Pangkat III.Ikatlong ArawKasanayang Pangwika 1. Pagganyak Sabihin: Kung ang inyong pangkat ay inatasang maglinis ng ating silid - aralan, paano mo bibigyan ng kanya-kanyang gawain ang iyong mga kasama? Isusulat sa pisara ng lider ng bawat pangkat ang dapat gawin. Halimbawa Walisan nang maayos ang sahig. Itapon ang mga basurang papel sa tamang basurahan. Punasan nang maayos ang mga bintana at mesa. 4
2. Paglalahad/Pagtalakay Itanong: Kung nais mong utusan ang iyong kasama upang walisan ang paligid ng paaralan paano mo ito sasabihin? Nakita mong may papel na nakakalat sa ilalim ng upuan ng iyong kamag-aral, ano ang sasabihin mo? Inutusan ka ng iyong guro na punasan ang mga bintana, ano kaya ang sasabihin ng guro? (Isusulat ng guro ang sagot ng mga bata sa pisara.) Paano ang tamang pag-uutos? Ano-anong salita ang dapat gamitin kapag nag-uutos? 3. Paglalahat Itanong: Anong salita ang ginagamit kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap. Ginagamit ang mga salitang “Paki”, Maaari po ba?” at “Puwede po ba?” kapag ang pangungusap ay nagsasaad ng pag-uutos o pakikiusap.Ikaapat na araw 4. Pinatnubayang Pagsasanay A. Hikayatin ang mga batang makiisa sa gawaing pang-isahan Paggawa ng bangkang papel a. Kumuha ng isang pirasong papel. b. Itiklop ang gitnang bahagi ng papel. c. Itiklop nang patatsulok ang kaliwa at kanang bahagi ng papel. d. Maaari ring tiklupin nang pabaliktad ang ibabang bahagi ng papel. e. Itiklop nang patatsulok ang papel at hilahing pabukas upang maging anyong bangka. 5. Malayang Pagsasanay Magpasulat sa mga bata ng 5 pangungusap na pautos o pakiusap.Ikalimang Araw 1. Paglalapat “Sasabihin ko, Sundin Mo!” Humanap ng kapareha. Ang unang bata ay magbibigay ng utos gamit ang salitang “paki”, “maaari ba?” at “puwede ba?”. Ang ikalawang bata ang susunod sa mga utos. 2. Pagtataya A. Basahin ang pangungusap. Iguhit ang masayang mukha kung ang pangungusap na pautos ay ginamit nang wasto at malungkot na mukha kung hindi. 1. Pakilagay ang baso sa mesa. 2. Bilisan mo ang paghuhugas, ang bagal mo! 3. Maaari bang damputin mo ang basurang papel sa ilalim ng upuan? 4. Pakikuha ang lapis ko sa bag. 5. Magpalit ka ng damit. 5
B. Pag-aralan ang larawan. Sumulat ng pangungusap na pautos ayon sa larawan. Iguhit ang larawan ng 2 batang nagdidilig at nagtatanim ng mga halaman sa hardin.3. Kasunduan Gamitin ang salitang “Paki” , Maaari po ba?”, at ”Puwede po ba?” sa inyong pang araw-araw na gawain. 6
For inquiries or feedback, please write or call: DepEd-Bureau of Elementary Education, Curriculum Development Division 2nd Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex (ULTRA) Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600 Telefax: (632) 638-4799 or 637-4347 E-mail Address: [email protected], [email protected]: 978-971-9981-69-5
Mother TongueTeacher’s GuideTagalog (Unit 3 – Week 25)
1 Mother Tongue Teacher’s Guide Tagalog (Unit 3 – Week 25) This instructional material was collaborativelydeveloped and reviewed by educators from public andprivate schools, colleges, and/or universities. Weencourage teachers and other education stakeholders toemail their feedback, comments, and recommendationsto the Department of Education at [email protected]. We value your feedback and recommendations. Department of Education Republic of the Philippines
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220