V
PANGNGALAN / PAGSULAT NG BIRO Sa pag-aaral ng modyul na ito ikaw ay inaasahangmakagagamit na ng pangngalan bilang iba’t ibang bahagi ngpangungusap at makasusulat na ng biro.Pagbalik-aralan MoA. Tingnan kung natatandaan mo pa ang pang-ukol. Piliin ang angkop na pang-ukol sa loob ng kahon upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. alinsunod sa para sa tungkol saan ayon sa para kay hinggil sa1 Tulungan mo nga ako, Ate. Pinahahanap ako ng titser ko ng Romy : larawan, e. ____________? Ate : Tungkol sa pagtutulungan ng mga kasapi ng mag-anak. Romy :2 Hindi ka raw dapat maligo sa gabi Bakit? Belen : ____________ Nanay ko, magkakasakit daw kapag naligo Faye : sa gabi. Belen : Hindi totoo iyon. Faye : 1
3 Joshua : Halika, samahan mo akong bumili ng regalo. Joyce : Para kanino? Joshua : __________ Nanay. Joyce : Bakit, bertdey ba ng nanay mo? Joshua : Araw ng mga nanay bukas, di ba? 1. Tungkol saan 3. Para kay 2. Ayon saB. Lagyan ng pangungusap ayon sa anyo ang lobo ng mga salita sa larawan. Ito ay maaaring payak, tambalan at hugnayang pangungusap. Larawan 1 Larawan 2Halimbawa ng mga sagot ay ganito :Larawan 1. Tingnan mo si Pedro nasa taas ng puno. Hoy, Pedro ingat baka madulas ka!Larawan 1. Mando, bumaba ka muna at alisin ang sapatos mo. Baka madisgrasya ka sa ginagawa mo!Larawan 2. Sino kaya ang mananalo sa kanila? Siyempre ang mabilis at may resistensya ang mananalo. 2
Larawan 2. Malapit na sila sa linyang patapos pero parang hindi pa sila pagod. Pag nadapa ang dalawa, panalo na ang isa.Pag-aralan Mo Paminsan-minsan kailangan mong tumawa o ngumiti. Malaki angmagagawa ng pagtawa at pagngiti sa buhay ng tao. Nakapapawi ito nglungkot, nakaaalis ng mga problema at nakapagpapabago ng anyo ng inyongmukha. Tingnan nga natin kung matawa o mangiti ka. Basahin mo ang usapang ito. Marunong ang Anak koNag-aaral si Berto at palaging ipinagmamalaki ng kanyangNanay dahil marunong siya. Minsan, siya ay biglang tinanong ngkanyang guro:Guro : Berto, ano sa Ingles ang bulak?Berto : Cotton po, madam!Guro : Beri gud, Berto! O, ang bulaklak, ano ito sa Ingles?Berto : Madali lamang po ang sagot….. e, di cotton-ton po! Simple lang ang biro, pero nakatatawa, di ba?Isang maikling katha lang ang biro na nagbibigay ng saya at galak. May pangngalan bang ginamit sa biro? Anu-ano ito?Anak, Berto, Nanay, guro, bulak, Ingles, bulaklak ang mga pangngalang ginamit,di ba? Tama ba ang iyong sagot. Ngayon ay isa pang biro ang babasahin mo. Sana ay maging bihasa ka sapagsulat nito. Bakit di mo kami isinama 3
Pagud na pagod sina Rene, Orlando at Richard matapos magdilig nghalaman sa bakuran ng paaralan. Umupo sila sa ilalim ng puno habang umiinomng malamig na buko na binili sa kantina. Tahimik ang magkakaibigan nangbiglang magsalita si Rene.Rene : Alam niniyo nanaginip ako kagabi, nagpunta raw kaming mag-anak sa Manila Zoo.Orlando : Sa Manila Zoo lang pala! Sa panaginip ko nagpunta kami sa Enchanted Kingdom.Richard : Nanaginip lang pala kayo, ako talagang nagpunta sa Enchanted Kingdom kasama ng aking Papa at mga kapatid.Rene : Bakit hindi mo kami isinama?Orlando : Nakatulog kayo, eh!Itala mo muli ang ginamit na pangngalan dito._______________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ _______________________Ganito ba ang iyong sagot. Magaling!mag-anak Papa buko punoManila zoo kapatid magkakaibigan Rene, Orlando, RichardEnchanted Kingdom punobakuran paaralanNgayon kaya mo na rin bang sumulat ng biro?Isaisip Mo Ginagamit ang pangngalan sa pagsulat ng biro. Ang biro ay maikling katha na naglalayong magpatawa o magpasaya ngkausap. 4
Pagsanayan MoA. Basahin mo ang birong ito at iyong dugtungan o tapusin. Bakit Nakayuko Lagi ang Baboy? Habang lumalakad sina Perlie at Faye, nakasalubong sila ng isangbaboy. Perlie : Tingnan mo ang baboy, laging nakayuko habang naglalakad. Faye : Oo nga, ano. Bakit kaya? Parlie : Baka naghahanap siya ng makakain Faye : Hindi, kasi nahihiya siya dahil _____________ .B. Isulat mo ang mga pangngalang ginamit sa biro sa iyong sagutang papel. __________________ __________________ __________________ __________________C. Sumulat ng isang biro na iyong naisip o nabasa na. ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ ____________________________________________ Nasa kahon ang sagot. B. Perlie Faye baboy 5
Subukin Mo Sumulat ng isang malinis na biro na ginagamitan ng mga pangngalan. ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga ginawa.Kapag binasa niya at natawa siya magaling binabati kita. Makasusulat ka na ngsariling mga biro. 6
MGA DETALYE NG ULAT O BALITA AT PAGSULAT NG PATALASTAS AT BALITA Magandang araw! Sa pagtatapos ng modyul na ito ikaw ay makakasagot na sa mga tanong tungkol sa detalye ng ulat / balita at makasusulat na ng mga patalastas at balita. Pagbalik-aralan Mo Handa ka na ba? Anu-ano ang mga tanim mong gulay sa iyong bakuran?Paano mo ito itatanim? May mga larawan dito sa ibaba, ayusin mo ang mga ito ayonsa tamang pagkakasunud-sunod. Lagyan ng a b c d ang iyong sagot sa sagutangpapel._____1. _____2._____3. _____4. 1
Ganito ba ang iyong sagot? Magaling!1. c2. d3. a4. bB. Ano ang pista ng Quiapo? Kailan ito ipinagdiriwang? Saan matatagpuan ito? Narating mo na ba ang Quiapo? Ito ay ilan lamang sa mga tanong na iyong masasagot matapos mong mabasa ang araling ito. Gusto mo bang malaman ang mga impormasyong ito? Sige basahin mo na. Ang Quiapo ay matatagpuan sa Maynila, ito ay tinatawag nilang downtown noong mga nakaraang panahon na hindi pa uso ang mga mall. Maraming lugar dito ang mabibilhan ng iba’t-ibang paninda tulad ng mga damit, sapatos at kasangkapan. Dito rin matatagpuan ang simbahan ng Quiapo na lalong nagpatanyag sa pook na ito. Masayang ipinagdiriwang ang pista ng Quiapo tuwing ika-9 ng Enero. Sa nakakarami, ang araw na ito ay araw ng pasasalamat at pagdarasal. Libu-libong tao ang sumasama sa prusisyon. Karamihan ay mga lalaki na pawang deboto ng Poong Nazareno na kilala sa tawag na Nazareno. Dinudumog ng mga deboto ang imahen. Karaniwan nilang ipinapahid ang kanilang mga panyo sa katawan nito. Upang maiwasang mahulog ang mga nasa unahan ng karo dalawang mahahabang lubid ang ipinaiikot sa karosa. Walang sinuman ang pinahihintulutang lumampas sa lubid. Tinatahak ng prusisyon ang mga lansangan ng Quiapo.Ngayon sagutin mo ang mga sumusunod na pangungusap.1. Kailan ang pista ng Quiapo?2. Ano ang tawag sa Quiapo?3. Ano ang turing ng karamihan sa pista ng Quiapo?4. Sino ang patron ng Quiapo?Ang mga sagot ay nasa loob ng kahon. 1. tuwing ika-9 ng Enero 2. downtown 3. araw ng pasasalamat at pagdarasal 4. Poong Nazareno 2
Pag-aralan Mo “ANG PAGBABASA AY KARUNUNGAN”, isa ito sa magandangpanuntunan sa buhay ng isang mag-aaral, bakit di mo subukan? Kung walakang libro sa bahay, maaari mong gamitin ang mga lumang dyaryo o kahit anongbabasahin, nasasanay ka pang bumasa nang mabilis, nadadagdagan pa angiyong kaalaman, nahahasa pa ang iyong pang-unawa.Tulad nito….A. Basahin mo ang siniping balita sa pahayagan at sagutin ang mga tanong na kasunod. Isulat ito sa kuwaderno.QC gov’t nagbigay ng computer sa city jail Upang madali at maging maayos Nabatid na ang bagong rekordang paghahanap ng mga rekord ng mga management program ay sama-samangpreso sa Quezon City Jail, nagbigay ng proyekto ng Supreme Court, BJMP,dalawang computer set si QC Mayor Humanitarian Legal AssistanceFeliciano Belmonte, Jr. sa mga opisyal Foundation at the Asia Foundation.ng nasabing piitan. (Doris Franche) Tinanggap nina BJMP-NCRDirector Chief Supt. ArmandoLlamasares at QC Jailwarden Supt.Ignacio Panti ang mga computers namagsisilbing ‘notebook’ ng mga presoupang malaman ang kani-kanilang mgarecords. Ayon kay Belmonte, sacomputerized system na ito madalingmalalaman kung anu-ano ang estado ngmga bilanggo at mga kasong nakabinbinlaban sa kanila. Layunin din ni Belmonte namaibsan ang pagsisikip ng kulungan nakadalasang nagiging dahilan ng riot atpagkakasakit ng mga preso. Nagpahayag naman ngpasasalamat si Panti kay Belmonte sapagbibigay nito ng prayoridad sapangangailangan ng city jail. 3
1. Ano ang ibinigay ng pamahalaan ng Quezon City sa piitan ng kanilang siyudad?2. Sino ang nagbigay at tumanggap nito?3. Ano ang layunin ng Quezon City Mayor Belmonte sa computerized system na ito?4. Sino ang nagpahayag ng pasasalamat kay Mayor Belmonte?5. Kaninong proyekto ang management program na ito? Madaling malaman ang mga kasagutan kung nauunawaan mo ang balita.Ito ay mapatutunayan mo, kung ganito ang sagot mo…. 1. Dalawang computer set ang ibinigay ng pamahalaan ng Quezon City sa piitan ng kanilang siyudad. 2. Si Mayor Feliciano Belmonte ang nagbigay nito at tinanggap nina BSMP-NCR Director Chief Supt. Armando Llamasares at QC Jailwarden Supt. Ignacio Panti. 3. Dahil sa computerized system na ito, madaling malaman kung anu- ano ang estado ng mga bilanggo at mga kasong nakabinbin sa kanila. 4. Nagpahayag ng pasasalamat si Jailwarden Supt. Igancio Panti kay Mayor Belmonte sa pagbibigay niya ng prayoridad sa pangangailangan ng City Jail. 5. Ang proyekto ng management program ay sama-samang proyekto ng Supreme Court, BSMP, Humanization Legal Assistance Foundation at Asia Foundation. Magaling, di ba? Sa pagsagot mo sa mga tanong tungkol sa ulat obalitang iyong binasa, para ka na ring nagbalita o nag-ulat muli. Sa ganitongparaan, makasusunod ka sa layunin ng modyul na ito. Ang pagsulat ng balita ay di-tulad ng pagsulat ng kuwento na kasukdulanang nasa huli. Sa isang balita ang pinakamahalagang bahagi ay nasa simulatungo sa di-gaanong mahalaga.B. Paano kaya kung mangailangan ng empleyado ang opisina ng isang piitan para sa computer program na ito, maaaring mag-anunsyo o magdikit ng ganitong patalastas upang matugunan ang pangangailangang ito. 4
NANGANGAILANGAN Encoder (lalaki / babae) Gulang : 25 – 35 Pinag-aralan : Tapos ng Bokasyonal o dalawang taon sa kolehiyo May kaalaman sa Kompyuter : Microsoft Word, Lotus. Excel Mag-aplay sa : Tanggapan ng Piitang Lungsod Quezon City, April 25 – 30, 2005 (Hanapin si Jailwarden Supt. Ignacio Ponti) Ito ay halimbawa ng patalastas kung saan nagpapabatid ng mahalagangimpormasyon tungkol sa pangangailangan sa hanapbuhay. Pansinin na angpatalastas na ito ay sumasagot sa tanong na ano, saan at kailan, halimbawa: Ano ang kailangan? encoder Saan dapat mag-aplay? Tanggapan ng Piitang Lungsod, Quezon City Kailan dapat mag-aplay? Abril 25 – 30, 2005 Ang patalastas ay kailangang maliwanag at maikli. May mga ekspresyon na maaari mong gamitin sa pagsulat ng patalastas.Gusto mo bang malaman ito? Kung oo, Ilagay mo sa Word Map ang mga ito.Isulat ito sa iyong sagutang papel.Makikita ito sa kasunod na pahina. 5
EKSPRESYON1. ATENSYON! Nangangailangan ng….2. Marunong ka bang magpinta…..3. Sa lahat ng interesado….4. Halinang sumali….5. Balita…. Balita….6. Natagpuang aklat….7. Sumali…. sumali…. 6
Isaisip Mo Ang patalastas ay maikling mensahe na nagpapabatid ng mahalagang impormasyon tungkol sa - gaganaping palatuntunan / iba pang gawain - panawagan sa madla - kautusan ng paaralan / bayan - pangangailangan sa hanapbuhay - nawawala Kailangang maikli ang patalastas at maliwanag ang mensaheng sumasagot sa tanong na Ano, Saan at Kailan. Ang balita ay maikli at maliwanag na paglalahad. Sinisimulan ang balita sa pinakamahalagang impormasyon tungo sa di-gaanong mahalagang detalye. Ang patnubay o unang talataan ang sumasagot sa mga tanong na ano, sino, kailan, saan, bakit at paano. Ang pamagat ng balita ay batay sa uri ng talataan o patnubay. Ito ay isinusulat sa malalaking titik upang makatawag pansin. Pagsanayan Mo I-aplay mo ngayon sa bahaging ito ang iyong napag-aralan sa modyul. A. Basahin mo ang ulat o balita. Sagutin ang mga tanong na sumusunod at isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Pacific Plans binira Kinastigo kahapon ni Senate Majority Leader Francis Pangilinan angpamunuan ng Pacific Plans Inc. (PPI) dahil sa paninisi nila sa deregulation policy nggobyerno sa tuition fee increase bilang dahilan ng pagtagilid ng kalagayan ng pre-need companies. Ito ang naging reaksyon ni Pangilinan matapos ipahayag ni Atty. JeanetteTecson, tagapagsalita ng Pacific Plans, na ang pagtanggal ng gobyerno sa CAP satuition fee increase noong 1990 ang pinagsimulan ng unti-unting pagkamatay ng pre-need industry sa bansa. “Pacific Plans, Inc. should not be allowed to make such remarks. The blameon the tuition fee deregulation law is “unwarranted,” anang mambabatas. (Boyet Jadulco) 7
1. Anong insurance ang kinastigo ni Sen. Majority Leader Francis Pangilinan?2. Bakit ito kinastigo?3. Sino ang tagapagsalita ng Pacific Plans?4. Kailan tinanggal ng gobyerno ang CAP sa tuition fee increase?B. Matapos mong mabasa ang balita mula sa pahayagan at masagot ang mga tanong ukol dito, marahil ay may kakayahan ka nang sumulat ng balita. Gawin mo ito at patunayan mong kaya mo! May ilang detalye kang mababasa sa ibaba, dito mo ibabatay ang iyong isusulat na balita. Simulan mo na…. ENROLMENT SINIMULAN NA Nagsimula ang enrolment May 22-26, 2005 Alagao Elementary School Nagpaenrol – Gr. I to Vi Greg Reyes, punungguro ng paaralan Unang araw – kaunti ang nagpa-paaral Huling araw dumagsa ang mga nagpaenrol Humigit kumulang 400 bata ang nag-enrol.C. May mga paksang nakasulat sa kahon. Basahin ito at sumulat ng isang patalastas kaugnay sa paksang mapipili mo.PALIGSAHAN SA WANTED PAG – AWIT MANANAHI 8
LIBRENG PAG-AARAL PABORITONG PAGKAING SA KOLEHIYO PILIPINOKayang – kaya mo na ang mga pagsasanay.Talagang mahusay kang bata!Subukin MoA. Basahin mo ang usapan sa ibaba pagkatapos ay sumulat ng patalastas. Gamitin mo ang kaalamang iyong natutuhan sa modyul na ito. Kaya mo yan kid, di ba?Inay, kailangan kong dumalo Maglagay ka ngsa seminar bukas. Sino ho patalastas sa harap ngang mag-aalaga kay R.J. bahay natin.wala na si Aling Isyang. 9
Ganito bang ginawa mo? NANGANGAILANGAN Kasambahay na BabaeGulang 20 pataasPinag-aralan Tapos sa sekondarya Makipagkita kay Gng. Ana Cabañal Blk. 6 #20 Palmera Nothwings Sto. Cristo, San Jose del Monte City o tumawag sa telepono 098 – 486 – 4556 sa lalong madaling panahonB. Basahin mo ang balita at sagutin ang mga tanong sa iyong sagutang papel. mula sa Abante Drug scam bubusisiin ni Eralyn Prado Pinaiimbestigahan ng dalawang kongresista ang napaulat na malawakanganomalya sa pagbili ng mga gamot at iba pang supply sa mga ospital ng gobyerno. Sa pamamagitan nina Reps. Ferjenel Biron at Imee Marcos, isang resolusyonang inihain ng mga ito upang hingin sa Kongreso na imbestigahan ang nasabinganomalya sa mga ospital ng gobyerno. Ayon sa dalawang solon, panahon na upang pag-ukulan ng pansin ngKongreso ang naturang anomalya hindi lamang para makatipid kundi para maputolna ang katiwalian na kagagawan ng ilang tiwaling empleyado at opisyal nanakikipagsabwatan sa mga kinatawan ng mga kumpanya ng gamot. Nakakaapekto na umano sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan parasa mga mahihirap na mamamayan ang naturang katiwalian kung kaya’t dapat naitong sugpuin. Parikular sa mga ospital ng pamahalaan na nais paiimbestigahan ng mgasolon ay ang East Avenue Medical Center; Vicente Sotto Medical Center; BatangasRegional Hospital: Jose Reyes Memorial Medical Center; Dr. Jose Fabella MemorialHospital at ang National Children’s Hospital.1. Ano ang nais paimbistigahan ng dalawang kongresista ayon sa balita?2. Ano ang naging dulot ng katiwaliang ito sa mga mahihirap na mamamayan?3. Sino ang nais magpaimbestiga dito?4. Anu-anong ospital ng pamahalaan ang nais paimbestigahan? 10
Ganito ba ang iyong sagot? 1. Anomalya sa pagbili ng mga gamot at iba pang kagamitan sa mga ospital ng gobyerno. 2. Nakakaapekto sa pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan 3. Representante Ferjenel Biron at Imee Marcos/ 4. East Avenue Medical Center, Vicente Sotto Medical Center, Batangas Regional Hospital, Jose Reyes Memorial Medical Center, Dr. Jose Fabella Memorial Hospital, National Children’s Hospital.C. Matapos mo ang maraming pagsasanay, ngayon naman ay susulat ka ng isang balita tungkol sa isang pangyayari na naganap sa inyong lugar, tandaan mo na dapat kang magsimula sa pinakamahalagang pangyayari tungo sa di- gaanong mahalaga. Ipabasa sa guro ang iyong ginawa. Kapag pumasa ka sa kanya binabati kita at napagtagumpayan mo ang mga pagsasanay at pagsubok sa modyul na ito! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 11
PAGSULAT NG LIHAM PANGKAIBIGAN GAMIT ANG IBA’T-IBANG URI NG PANGNGALAN Magandang Araw sa Iyo! Pagkatapos mo ng modyul na ito, inaasahang magagamit mo na ang iba’t-ibang uri ng pangngalan sa pagsulat ng liham pangkaibiganPagbalik-aralan MoA. Basahin ang tula at isulat sa sagutang papel ang mga pangngalang binanggit dito.Mahal ko ang Pilipinas (hango sa teksbuk na Filipino)Bansang Pilipinas sa dakong Silangan Lupa’y pulu-pulo wika’y halu-haloPulo’y pinagpala ng Poong Maykapal Isipa’t ugali’y di magkakalayoDuyan ng magiting, maginoo, marangal Puso’t damdamin ay nagkakasundoSa wika’t tradisyon, kultura’y mayaman Sapagkat nagbuhat sa iisang ninunoGanda ng tanawin hinahangaan Bansang Pilipinas bayang sinilanganKabigha-bighani sa mga dayuhan Kaloob ng langit isang tunay na yamanTunay na sagana sa likas na yaman Ipinagmamalaki kailanman, saanmanKaya’t ang taguri’y Perlas ng Silangan Di ipagpapalit, handang ipaglabanGanito ba ang sagot mo? Kung oo, mahusay ka!Pilipinas, pulo, tanawin, dayuhan, likas na yaman, ninuno, silangan, PoongMaykapal, duyan, wika, tradisyon, kultura, lupa, puso, langit, damdamin, bansaat bayan. 1
B. Tukuyin ang sumusunod na bahagi ng liham. 321 Gabihan, San Ildefonso, Bulacan (1) April 18, 2005 Mahal kong Imelda, (2) Labis na naligayahan ang aking ina sa iyong pagdalo sa kanyang kaarawan. Naibigan niya ang regalo mong makulay at magandang damit. Isinuot niya ito noong siya ay nagsimba sa Baclaran noong(3) nakaraang Huwebes. Lahat ng kanyang mga kaibigan at kamag-aral ay humanga sa kanyang kasuotan. Dahil dito ang buong pamilya ay nagpapasalamat sa iyo. (4) Ang iyong kaibigan Mira (5)1. ___________________2. ___________________3. ___________________4. ___________________5. ___________________Ganito ba ang sagot. Magaling!PamuhatanBating PanimulaKatawan ng lihamBating PangwakasLagda Pag-aralan MoA. Narito ang isang liham pangkaibigan. Basahin at pansinin ang mga salitang may salungguhit. 143 Kalye Buendia Taft Avenue, Pasay City Pebrero 24, 2005 Mahal kong guro, Ipagpaumanhin po ninyo ang pagliban ko sa klase ngayong Huwebes. Dumating po ang aking Nanay galing sa Hongkong. Nagbalikbayan po siya at darating po ngayon ang pamilya ng Lolo at Lola ko mula sa Bulacan. 2
Sisikapin ko pong makapasok bukas upang hindi ako mahuli sa mga aralin. Ang inyong eskuwela, Rowell Santos Anong uri ng liham ang binasa mo? *Liham na Humihingi ng Paumanhin Buo ba ang bahagi ng liham? *Sagot… opo di ba? Ano ang napansin sa mga salitang may salungguhit? Ganito ba *Nagsisimula sa maliit at malaking titik, tiyak at di-tiyak na pangalan ng tao, pook, o lugar at pangkat ng tao. Tama : Magaling kang bata! B. Narito ang isang liham pangkaibigan. Sipiing muli ang liham sa isang malinis na papel at punan ng angkop na pangngalan ang patlang mula sa kahon sa ibaba. 168 Sampaguita Street Sampaloc, _________ Marso 28, 2005 Mahal kong Rosa, Malugod kitang inaanyayahan sa nalalapit kong __________ saika-1 Abril, sa ganap na ika-3 ng hapon sa aming tahanan. Ipaghahanda ako ngaking mga __________ sapagkat ako ay labingwalong taong gulang na. Masayang-masaya ako dahil darating din ang aking mga __________ at __________ . Isama mo na rin ang inyong kuya __________ . Aasahan koang iyong pagdating. Ang iyong kaibigan CamilaNandirito ba sa kahon ang mga inilagay mo sa patlang? Iayos mo kung mali ka.Manila kaibigan pinsan kaarawanmagulang Paulo 3
C. Basahin ang liham pangungumusta 3 Illosmere Road, Victoria Park Scarborough Ontario, Canada Marso 30, 2005 Mahal kong Carlos, Kumusta na kayong lahat? Matagal na kaming hindi nakababalita sa inyo kaya minabuti kong sulatan ka. Pakisabi kay Tita na huwag siyang mag-alala sa kanyang kapatid. May hanapbuhay si Papa rito. Maraming nagpapagawa ng plano ng bahay sa kanya. Si Mama naman ay permanente na sa ospital na kanyang pinapasukan. Kaya naman may sarili na kaming bahay st sasakyan. Marami rin palang magagandang pasyalan dito, katulad sa Pilipinas, alam mo bang dalawang beses na kaming nakapamasyal sa Disneyland? Narating na rin namin ang New York. Dinalaw namin dito ang pinsan ni Mama. Isa siyang nars sa isang malaking ospital. Sabi ni Papa, magbabalikbayan kami riyan. Sa pagba- balikbayan namin, sana’y makaakyat tayo sa Baguio kasama ang ating mga kabarkada noong tayo’y nasa elementarya pa. Hihintayin ko ang iyong sagot. Nagmamahal, Ate RosaBasahin ang mga salitang ginamit sa liham. A B Cospital Tita Disneyland lahatpinsan Papa Baguio kabarkada nars Mama Ate Rosaospital PilipinasAno ang tawag sa mga salitang nakalagay sa bawat hanay? Ano angpagkakaiba ng mga ito sa isa’t-isa?Pangngalan, di ba? Kung ganito ang sagot mo, magaling! Ang hanay A ay tinatawag na pangngalang pambalana, nagsisimula samaliit na titik. Ang hanay B ay pangngalang pantangi. Isinulat ito sa malalaking titik attumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay, at pook. Ang hanay C ay pangngalang lansakan. Kumakatawan ito sa pangkat ogrupo. 4
Isaisip Mo Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, hayop, bagay, pook atpangyayari. Mauuri sa tatlo ang pangngalan. Tinatawag na pangngalang pambalanaang karaniwang ngalan ng tao, bagay, hayop, pook at pangyayari. Nagsisimulaito sa maliit na titik. Pantangi ay tanging ngalan ng tao, bagay, hayop, pook atpangyayari. Nagsisimula ito sa malaking titik. Lansakan ay nagpapakilala okumakatawan sa isang pangkat o grupo ng mga tao, bagay, hayop, pook atpangyayari. Ang iba’t ibang uri ng pangngalan ay magagamit natin sa pagsulat ngliham pangkaibigan. Pagsanayan Mo Basahin mo ang liham sa ibaba. Salungguhitan ng minsan angpangngalang pambalana, dalawang beses ang pantangi at bilugan angpangngalang lansakan. 178 Tambubong, San Rafael, Bulacan Abril 18, 2005 Mahal kong Sarah, Nabalitaan ko kay Aling Lourdes ang pagkamatay ng iyong kapatid noong nakaraang Sabado. Ipinaabot ko sa inyong pamilya ang taos na pakikidalamhati. Lubos ang aking paniniwalang masaya na ang iyong Kuya Noel sa piling ng ating Panginoon. Umasa ka na patuloy ko siyang ipagdarasal, gayundin kayong mga kamag-anak niya. Ang iyong kaibigan, Vangie 5
Subukin MoA. Ipagpalagay mong ikaw ay taga-Quezon. Subukin mong sumulat ng liham para sa isang kaibigan. Sabihin mo sa kanya ang iyong pag-aalala at pagmamalasakit sa nangyayaring trahedya sa lalawigan. Sikaping gumamit ng mga pangngalang pambalana, pantangi at lansakan sa iyong pagsulat ng liham na ito. Maaari mong gamitin ang impormasyon sa ibaba. Isulat sa kuwadernong sagutan ang iyong liham. Ang Lalawigan ng Quezon Malagim na trahedya ang naganap sa Lalawigan ng Quezon noongnakaraan. Malawakang pagbaha ang dumating kasabay ng malakas na pag-ulan. Libu-libong pamilya ang naapektuhan at nawalan ng tirahan. Maraminggusali ang nasira lalo na ang mga paaralan. Ipakita mo sa iyong guro ang nagawang liham. Kapag pumasa ito sakanya, binabati kita nakatapos ka na sa modyul na ito. 6
PAGBUBUOD AT MGA KAYARIAN NG PANGNGALAN Magandang Araw: Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang mabubuod mo ang nabasang teksto at mapag-uuri-uri ang pangngalan ayon sa kayariang payak, maylapi, inuulit at tambalan. Pagbalik-aralan Mo A. Natatandaan mo pa ang pangngalan di ba? Ngayon punan mo ng pangngalan ang mga larawan sa ibaba upang mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. 1. Ang _________ ay lumilipad sa kalawakan. 2. Ang _________ ay nananahi ng bestidang isusuot ni Fe. 3. Nagtatanim ng petsay ang mga ________ sa kanilang likod bahay. 1
4. Bumili ng __________ ang kanyang ate dahil sa kanyang kaarawan ngayon.5. Ang __________ ay naglalaro ng basketball.Nasa loob ng kahon ang sagot. Tama ka ba? Magaling!ibon cakenanay mag-amamag-aaralPag-aralan MoA. Kapag nakakakita ka ng langgam, ano ang ginagawa mo? Bakit? May alam ka ba tungkol sa kanila? Basahin ang lathalaing nasa ibaba.Bakit Hindi Naliligaw ang mga Langgam? (ni Jojo Briones-Cruz)1. Ang mga langgam, ay kung 2. Kung paano sila nakakauwisaan-saan napupunta sa pag- mula sa pagkuha ng mgahahanap ng kanilang makakain. pagkain ay palaisipan pa rinPero kapag oras na para buma- sa mga siyentipiko. Ngayonlik sila sa kanilang lungga bumabalik ay ipinahihiwatig ngsila sa nakakabilib na diretsong linya. mananaliksik na German at Swiss na ang aspeto ng gawaing ito ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Nalaman nila na ang mga langgam kapag 2
pinawalan sa patag na kalupaan ay nagsisimulang maghanap ng dis- tansiya mula sa kanilang lungga.3. Pinag-aralan ng pangkat ni Sandra Wohlgemuth mula sa Humbolt University sa Berlin ang mga langgam sa disyerto ng Sahara at tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain.4. Ipinakikita nito na ang mga langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya ng lupa , imbes na ang kabuuang distansiya na nalakbay sa taas-babang terrain.5. Naniniwala ang mga mananaliksik na ang mga langgam ay posibleng ma- hulaan ang kanilang gagawing pag- kilos sa iniisip nilang pahalang na daanan at pagkatapos naitatala ang distansiya ng lupa patungo sa kanilang lungga sa kapatagan. Sagutin ang mga tanong na sumusunod batay sa lathalaing binasa mo.Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 1. Bakit nagpupunta kung saan-saan ang mga langgam? 2. Paano sila bumabalik sa kanilang lungga? 3. Paano pinag-aralan ng mga mananaliksik kung paano nakakauwi ang mga langgam? 4. Ano ang kinalabasan ng pagsasaliksik? 5. Ano ang posibleng nagagawa ng langgam? Ganito ba ang iyong sagot? 1. Ang mga langgam ay kung saan-saan nagpupunta sa paghahanap ng kanilang makakain. 2. Bumabalik sila sa kanilang lungga sa diretsong linya. 3. Tinuruan nilang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok para kumuha ng pagkain. 4. Nalaman nila na ang langgam, kapag pinawalan sa patag na lupa ay naghahanap ng pagkain sa pinakamalapit na distansya mula sa lungga. Ipinakikita nito na ang langgam ay may kakaibang uri ng odometer na nagtatala sa distansya ng lupa. 3
5. Ang mga langgam ay posibleng makahula sa kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daan at naitatala ang kanilang posisyon tungo sa kanilang lungga sa kapatagan.Wasto ba ang iyong sagot? Magaling! Balikan natin ang lathalain. Bigyan pansin ang bilang na nakasulat saunahan ng mga talata. Paano mo paiikliin ang talata 1? _____________________________________________________ _____________________________________________________ Ganito ba ang iyong sagot? Ang langgam ay pumunta kung saan-saan at nakababalik sa lungga sa diretsong linya Paano mo paiikliin ang talata 2: _____________________________________________________ _____________________________________________________ Ganito rin ba ang sagot? Ang kanilang pag-uwi sa lungga ay gawa raw ng matalas at malikhaing pagkilos. Paano mo paiikliin ang talata 3: ______________________________________________________ ______________________________________________________ Magkatulad ba tayo nang sagot? Pinag-aralan ang mga langgam na tinuruang maglakad sa itaas at ibaba ng bundok. Mapaiikli mo ba ang talata? Paano mo ito ginawa? Nakuha mo baang pangunahing kaisipan ng talata? Kung nagawa mo ang mga gawain,binabati kita! Siguradong nakilala mo ang pangunahing diwa ng talata. 4
Isaisip Mo Ang bawat talata ng sanaysay o kuwento ay maaaring mapaikli omabigyan ng buod, sapagkat ang buod nito ay ang kabuuang nilalaman ng iyongbinasa. Nagsasaad ito ng pangunahing ideya ng talata. O, kaya mo na bang magbigay ng buod ng talata sa seleksyon? Balikanmong muli ang iyong binasa. Isulat mo sa sagutang papel ang buod ng:talata 4: _____________________________________________________________________________________________________________.talata 5: _____________________________________________________________________________________________________________.Ganito ba ang iyong sagot?talata 4: Ang langgam ay may odometer na nagtatala sa distansiya ng lupa.talata 5: Posibleng mahulaan ng langgam ang kanilang gagawing pagkilos sa iniisip nilang pahalang na daanan.B. Pag-aralan mo at suriin ang mga pangngalang nakasulat sa tsart . A B C D langgam kalupaan batang-bata batang-kalye lungga kapatagan anak-anakan anak-araw linya makakain tau-tauhan hanapbuhaysiyentipiko gula-gulanit hatinggabi tauhan Anong anyo ng pangngalan ang nasa HANAY A? sa HANAY B? HANAYC? sa HANAY D? Ang mga salitang makikita sa Hanay A ay mga salitang-ugat lamang atwalang kasamang ibang salita. Ang mga ito ay tinatawag na payak napangngalan. Halimbawa: patag 5
Ang mga salita naman sa Hanay B ay nabuo sa pamamagitan ngpagdugtong ng salitang-ugat at panlapi. Ang mga ganitong kayarian ngpangngalan ay tinatawag ng maylapi.Halimbawa: ka + lupa + an = kalupaan ka + patag + ang = kapataganTinatawag namang inuulit ang kayarian ng pangngalan sa Hanay C.Mapapansin na ang mga ito ay nabuo sa pamamagitan ng pag-uulit ng buongsalitang-ugat o ganap na inuulit.Halimbawa:buo-buo baku-bakosama-sama tuhug-tuhogkanya-kanya isa-isaMay mga pangngalang, inuulit ngunit maaaring di ganap ang pag-uulit. Diganap ang pag-uulit kung bahagi lamang ng salita ang nauulit. Halimbawa: pali-paligid pira-piraso baha-bahagi kasa-kasama makiput-kipot madilim-dilimAng mga salitang nasa Hanay D ay tinatawag na tambalan. Binubuo ito ngdalawang magkaibang salitang pinagsama o pinag-isa. Ang dalawangsalitang pinagtambal ay maaaring mapanatili ang kahulugan ng bawat salita. Halimbawa: batang-kalye (batang laging nakikita sa kalye) taong-bundok (taong nakatira sa bundok)May mga dalawang salitang pinagtambal na parehong may ibang kahulugan atnang pinagsama ay nakabuo ng bagong kahulugan. Halimbawa: anak-araw balat-sibuyas buhay-alamang kapit-tuko 6
Pagsanayan MoA. Pag-aralan mo ang mga sumusunod na talatang bumubuo sa isang talambuhay. Sa mga kasunod na mga pangungusap na may titik ay piliin mo ang katumbas ng buod. Isulat ang bilang at katumbas na titik sa iyong sagutang papel.______1. Itinuring ng ating kasaysayan bilang “Tunay na Bayani ng Masa.”______2. Maraming taguri kay Andres Bonifacio. Tinatawag siyang “Ang______3. Dakilang Mahirap.” Nakikilala na siya bilang “Ama ng Katipunan” at` “Ama ng Demokrasyang Pilipino.______4. Isinilang si Andres Bonifacio sa Tondo, Maynila noong Nobyembre______5, 30, 1863. Maralita ang angkang kanyang pinagmulan. Maaga siyang naulila. Labing-apat na taong gulang siya nang mapaatang sa kanyang balikat ang pangangalaga sa lima niyang kapatid. Gumawa siya ng mga baston, tungkod at pamaypay na naging mabili sa mga nakaririwasang angkan at maging sa mga Español. Nagtrabaho siya bilang mensahero sa istasyon ng tren sa Tutuban at isa ring bodegero. Upang maragdagan ang kanilang pang-araw- araw na panustos, nagtitinda siya at nag-aahente ng iba’t-ibang paninda at produkto. Hindi siya nagkapalad na makapag-aral at makatungtong ng kolehiyo. Gayunpaman, buong tiyaga niyang binasa ang ilang mga aklat pangkaisipan. Ilan sa mga ito ang History of the French Revolution at ang Noli at Fili ni Rizal. Noong gabi ng Hulyo 17, 1892, itinatag ni Bonifacio ang isang makabayang samahan. Tinawag niya itong KKK sagisag ng Kataastaasan, Kagalanggalangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan . Layunin nito na mapalaya ang mga Pilipino sa mapaniil na pananakop ng mga Español. a. Mga gawaing ginampanan at trabahong pinasukan ni Bonifacio b. Ang pagkakatatag ng samahang katipunan c. Kapanganakan at Kabataan ng Dakilang Maralita d. Mga taguri kay Andres Bonifacio e. Mga akdang binasa ni Bonifacio 7
Ganito ba ang iyong sagot? Magaling! 1. d 2. c 3. a 4. e 5. bB. Uriin ang mga kayarian ng bawat pangngalan. Isulat ang - kung payak - kung maylapi - kung inuulit at - kung tambalan. Isulat ito sa iyong kuwaderno. 1. pag-ulan 2. parke 3. residente 4. tabing-ilog 5. kabi-kabila 6. kalye 7. dapit-hapon 8. kwentuhan 9. palaruan 10. dagsa-dagsaNasa kahon ang sagot. Tama ka ba? Mahusay kang bata. 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 5. 10.C. Uriin ang bawat pangngalan. Isulat ang bawat salita sa tamang hanay satalahanayan sa ibaba.1. bulaklak 6. ari-arian2. madaling-araw 7. matanda3. pampang 8. nakatira4. pagtulong 9. tubig5. pagbaha 10. agam-agamPayak Maylapi Inuulit Tambalan 8
Ganito ba ang sagot mo?Ang bulaklak, tubig, pampang ay payak na pangngalan.Ang pagtulong, pagbaha, matanda, nakatira ay mga pangngalang maylapi.Ang ari-arian, agam-agam ang mga inuulit na tambalang pangngalan.Tama ka. Natutuwa ako at nakuha mo ang aralin natin ngayon. Subukin MoA. Malinaw na ba sa iyo ang aralin? Subukin mong muli ang pagsasanay na ito. Pangkatin mo ang mga sumusunod na salita ayon sa kanilang kayariang payak, maylapi, inuulit, o tambalan sa larawan sa ibaba, ihanay mo ang mga ito. minahal anakpawis kuru-kuro ulap guniguni ama-amahan bahay-kubo laruan ina bukang-liwaywaypayak maylapi inuulit tambalan 9
Ang tumpak na kasagutan ay ganito…Payak - ina, ulap, guniguniMaylapi - minahal, laruanInuulit - kuru-kuro, ama-amahanTambalan - bahay-kubo, anak-pawis, bukang liwaywayB. Basahin mo ang talata. isulat mo sa iyong sagutang papel ang titik ng tamang buod nito.1. Isang umaga, dinala ni Bb. Lopez ang kanyang mga mag-aaral sa isang “dairy farm”. Ginamit nila ang sasakyan ng paaralan at nanatili sila roon hanggang tanghali. Nagdala ang mga bata ng kanilang baon at binigyan naman sila ng libreng gatas sa “dairy farm”. a. Nagdala ang mga bata ng baon at binigyan sila ng libreng gatas. b. Dumalaw ang mga mag-aaral sa isang Dairy Farm at nabigyan sila ng libreng gatas. c. Si Bb. Lopez at kanyang mga mag-aaral ay namasyal.Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang modyul na ito. 10
Baitang 5 IBA’T-IBANG ASPEKTO NG PANDIWA/ PAGSULAT NG BALITA Narito na naman ako upang samahan ka sa iyong pag-aaral upang sa katapusan ng modyul na ito ikaw ay inaasahang Makagagamit ng pandiwa sa iba’t ibang aspekto nito Nakasusulat ng maikling balita tungkol sa pangyayaring nagaganap sa paligid Pagbalik-aralan MoMay tatlong aspekto ng pandiwa. Alam kong napag-aralan mo na ang mga ito.Pag-usapan nating muli bilang paghahanda sa mga susunod na aralin. • Ang aspektong pangnagdaan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyari o naganap na. Hal. Si Ramon ay nagkasakit ng tuberculosis. • Ang aspektong pangkasalukuyan ng pandiwa ay kilos o galaw na nangyayari o nagaganap. Hal. Siya ay nagpapagamot sa Ospital ng Maynila. • Ang aspektong panghinaharap ng pandiwa ay kilos o galaw na hindi pa nangyayari o nagaganap. Hal. Iinom siya ng gamot at kakain ng masusustansyang pagkain upang gumaling sa kanyang karamdaman.Subukin natin ang iyong kakayahan sa pagkilala ng mga pandiwa sa iba’t ibang aspekto. 1
Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang pandiwa at isulat angaspekto nito. 1. Nagdulot ng malaking baha ang magdamag na ulan. 2. Lumutang sa tubig-baha ang mga plastic at iba pang basura. 3. Ang mga kabahayan ay nalubog sa tubig-ulan. 4. Ang mga sasakyan ay naiwan sa lansangan. 5. Itinutulak ng mga tao ang mga tumirik na sasakyan upang hindi makaabala sa lansangan. 6. Isinasakay sa bangka ang mga pangunahing kakailanganin ng mga tao. 7. Ang mga taong nalubog sa tubig-baha ang mga tahanan ay isinasakay sa baha. 8. Ang pamahalaang-bayan ay maghahanap ng lugar na paglilipatan sa mga taong nasalanta ng bagyo. 9. Maghahandog ng tulong ang Red Cross sa mga biktima ng kalamidad. 10. Ang iba’t ibang organisasyon ay mangangalap ng pondo upang makatulong sa mga biktima. Pandiwa Aspekto1. -2. -3. -4. -5. -6. -7. -8. -9. -10. -Iwasto mo ang iyong mga sagot. 2
Basahin aPnaggk-aurwaleantMo.oIpagpatuloy mo ang iyong pag-aaral.Ngayon ay handa ka na sa ating aralin. Basahin ang usapan. Pangalagaan ang KapaligiranJulie: Mon, nabalitaan mo ba na pinayagang muli ng DENR ang pagtotrosoMon: sa ibang lugar ng bansa?Julie: Nabasa ko nga sa isang kolum ng pahayagan. Kaya nga laganap naMon: naman daw ang pagtotroso sa mga lugar na iyon. Libo-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.Julie: Hindi ba nila nauunawaan ang epekto ng pagpuputol ng puno saMon: kabundukan? Wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mgaJulie: kabundukan tuwing uulan. Aagos ang tubig sa mababang lugar atMon: tiyak na babaha sa kapatagan.Julie: Maaaring mangyari sa atin ang naganap sa Quezon, Aurora at Nueva Ecija, di ba?Mon: Oo,at hindi lamang tubig ang darating sa atin. Maging putik at bato ay dadaloy sa ating pamayanan. Tama ka. Maiiwasan ito kung tayo ay magtutulungan. Sige, tutulong ako. Magtatanim ako ng mga punungkahoy. Tinutulungan ko si Tatay sa kanyang mga itatanim na puno. Dinidiligan ko ang mga ito araw-araw. Babakuran ni kuya ang mga ito. Mabuti yan, gagaya na ako sa iyo. Siguro gagaya na rin ang iba nating kamag-aral.Sagutin ang mga sumusunod na tanong.1. Ano ang nabasa ni Mon sa pahayagan?2. Ano ang epekto ng malawakang pagputol ng mga puno?3. Paano maiiwasan ang mga kalamidad na dulot nito?4. Paano ka makatutulong sa pangangalaga ng kapaligiran?Hindi lamang malawakang pagputol ng mga punungkahoy ang sanhi ng pagbaha. Paanoka makakatulong upang maiwasan ang mga kalamidad na dulot ng kalikasan? 3
Basahin mong muli ang mga pangungusap na hango sa usapan.Pansinin ang mga pandiwang ginamit at ang aspekto ng mga ito. 1. “Nabalitaan mo ba na ibinalik na ng DENR ang pagtotroso sa ibang lugar sa bansa?” 2. “Nabasa ko nga sa isang kolum sa pahayagan.” 3. “Libu-libong ektarya na naman ng kagubatan ang makakalbo.” 4. “Hindi ba nila nauunawaan na kapag ang mga puno sa kabundukan ay naputol, wala nang pipigil sa tubig na aagos mula sa mga kabundukan tuwing uulan.” 5. Aagos ang tubig sa mababang lugar sa kapatagan at tiyak na babaha.Itala sa iyong sagutang papel ang mga pandiwa at isulat ang aspekto ng mga ito.Pandiwa Aspekto__________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ ____________________________________ __________________Maaari ba nating gamitin sa pagsasalaysay ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa?Wasto bang lahat ang iyong sagot? Alam kong kayang-kaya mo ito. Bukod sapagsasalaysay, magagamit ba natin ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ngbalita? Oo, maaari rin nating magamit ang mga ito, di ba?Isaisip MoMagagamit ang iba’t ibang aspekto ng pandiwa sa pagsulat ng balita at pagsasalaysay. 4
Pagsanayan Mo Pera sa Basura Patuloy na namumulot ng basura para may ikabuhay ang ilang residente ang Barangay Cyterus, San Jose Del Monte City, Bulacan sa ginawang dumpsite. Hindi naman alintana ng mga residente ang nakaambang panganib sa kanilang kalusugan.Tingnan mo ngayon kung makabubuo ka ng mga pandiwa sa iba’t ibang aspekto.Gamitin ang balangkas na inihanda upang magkaroon ng patnubay sa pagsulat.Maaari kang magdagdag ng iba pang kaisipang kaugnay sa paksa. 5
itinapon sa lansangan basurang pakikinabangan maaaring ipagbilikaraniwang Basuranakikita magandataong hindi nagmamalasakit at malinis na kapaligiran mapananatili natin ang kalinisan mapapanatili natin ang kagandahan ng paligidIsulat mo ang iyong talata sa iyong sagutang papel.__________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________. Pera sa Basura Bawat isa sa atin ay naghahangad na makapamuhay sa isang maganda at malinis na kapaligiran. Makakamit natin ito kung tayo ay magtutulung-tulong magsinop ng ating mga basura. Ang mga basurang karaniwang nakikita sa mga lansangan ang nagpapapangit sa ating kapaligiran. Alam mo ba na maaaring ipagbili ang mga basurang itinapon sa lansangan? Kung puputulin o itatabi ang mga basurang pakikinabangan pa, nakatutulong tayo sa pagpapanatili ng kalinisan ng ating paligid. Bukod dito, maaari pang pagkakitaan ang mga basura. 6
Nakasulat ka ba ng talata tulad ng aking isinulat? Ngayon, handa ka na ba sa ating pangwakas sa gawain? Subukin ang sariliTingnan ang larawan. Sumulat ng isang balita tungkol dito. Dahil sa matinding init ng panahon, hindi na alintana ng mga batang ito ang masamang maaaring maidulot sa kanilang kalusugan ng maruming tubig sa Navotas. 7
Narito ang ilang katanungan na makatutulong sa iyo sa pagsulat ng balita. 1. Ano ang kalagayan ng ilog? 2. Bakit naging marumi ang ilog? 3. Ano ang masamang epekto ng maruming tubig sa mga isda at sa kalusugan ng mga batang naliligo? 8
Natutuwa ako at natapos mo ang mga gawain sa modyul na ito.Inaasahan kong natutuhan mo ang mga kasanayang nakapaloob dito.Ipagpatuloy ang pag-aaral sa susunod na modyul 9
SALITANG-UGAT AT ANG KAHULUGAN NG TAMBALANG SALITA Hello! Magandang araw sa iyo. Sa pagtatapos ng modyul na ito inaasahang matutukoy mo ang mga pandiwa sa kuwentong binasa, ang salitang-ugat at kahulugan ng tambalang salita at makagagamit ng panipi at kuwit sa tuwirang sinasabi ng tauhan. Pagbalik-aralan MoA. Pagmasdan mong mabuti ang larawan. 1
Isulat mo sa kuwaderno ang ginagawa ng bawat isa. Tatay _______________________________ Nanay _______________________________ Kuya _______________________________ Bunso _______________________________Ganito ba ang isinulat mo? Ang tatay ay nag-aayos ng mesa at silya. Nagluluto ang nanay. Nagdidilig ang kuya. Naglalaro si bunso.Wow! Ang galing mo!B. Basahin mo nang tahimik ang kuwento. Ang Palusong ni Danny Bakasyon. Naghahanap ng kalaro si Romy. Wala siyang makita isa man kina John, Carlo at CJ. Nagtungo siya kina Danny. Naroong lahat ang kanyang hinahanap, si John ay siyang tagahukay ng balon. Si Carlo ay nagtitilad ng kawayan para sa sirang bakod at tinatambakan naman ni CJ ang maliit na hukay sa bakuran. “Uy, ang sisipag ninyo,kaya pala wala kayo sa inyong bahay”, sabi ni Romy. “Okey!” sagot ni Carlo. “Salamat, mabuti at marami tayo, madali tayong makatatapos,” wika ni John. Nagpatuloy sa masayang paggawa ang mga bata. Maya-maya ay dumating ang ate ni Danny. May dala siyang isang bilaong bibingka. “Mga bata, halina kayo at nang makapagmeryenda,” ang masaya niyang tawag sa mga bata. 2
Sagutan ang mga tanong. Isulat ang sagot sa kuwaderno.1. Anu-ano ang mga salitang kilos o pandiwa sa kuwento?2. Ano ang aspekto ng bawat pandiwa sa kuwento.3. Anu-anong panlapi ang ginamit dito?4. Ano ang isinasaad ng pandiwa?5. Ano ang kahalagahan ng pandiwa sa pangungusap?6. Anu-anong mga pangungusap ang gumamit ng panipi at kuwit.Siguro, ganito ang iyong isinagot. Wow! Ang galing mo talaga.1. naghahanap nagtitilad tinatambakan nagtungo hinahanap tulungan makatatapos tagahukay nagpatuloy dumating makapagmeryanda2. Mga aspekto ng pandiwa sa kuwento ay ginagawa, gagawin pa at nagawa na.3. Mga panlaping ginamit sa mga pandiwa sa kuwentonag um ma tag anmag in nina maka4. Ang pandiwa ay nagsasaad ng kilos.5. Ang pandiwa ay mahalaga sa pangungusap dahil ito ang nagbibigay kilos sa isang tauhan.6. Ang mga pangungusap na gumagamit ng panipi at kuwit ay angmga sumusunod: “Uy, ang sisipag ninyo, kaya pala wala kayo sa inyong mga bahay.” sabi ni Romy. “Ikaw pala, Romy, halika’t tulungan mo kami,” sabi ni John. “Okey!” sagot ni Romy. “Salamat, mabuti at marami tayo, madali tayong makatatapos.” wika ni John. “Hoy, mga nagsisigawa, halina kayo at nang makapagmeryenda,” ang masaya niyang tawag sa mga bata. 3
Pag-aralan MoGawain IBasahing mabuti ang isinasaad ng kuwento. Handa ka na ba? Maagang gumising si Mang Ambo. Pupunta siya sa bukid. Tatapusinkasi niya ang ginagawang __________ . Tataniman niyaang paligid ng mga __________ . Aalisan niya ito ngmga __________ , lalung-lalo na ang__________ upang hindi panirahan ng __________ . Sagutan mo ang mga tanong. Piliin sa kahong kasunod ang tamang sagot.Humanap ng salitang maaaring pagtambalin. Isulat mo ito sa iyong kuwaderno. 1. Bakit maagang gumising si Mang Ambo? 2. Ano ang kanyang dahilan nang pagpunta sa bukid? 3. Ano ang kanyang itatanim sa paligid? 4. Aling bahagi ang aalisan niya ng damong-ligaw? 5. Ano ang maaaring manirahan sa likod-bahay? 4
kubo bukid damong kugonligaw kahoy ahas bahaylikod bahay punongningasGanito ba ang isinagot mo?1. bahay – kubo2. punungkahoy3. damong – ligaw4. likod – bahay5. ahas – bukidBilib talaga ako sa iyo!Sige ipagpatuloy mo…Gawain 2A. Basahin ang mga sumusunod na salawikain. Sipiin sa kuwaderno ang mga pandiwa. 1. Ang hindi magmahal sa sariling wika ay higit sa hayop at malansang isda. 2. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan, hindi makararating sa paroroonan. 3. Kapag may isinuksok, may madudukot. 4. Ang hindi naghirap magtipon, walang hinayang magtapon. 5. Habang maikli ang kumot, magtiis mamaluktot. 6. Kung ano ang masama sa iyo, huwag mong gawin sa kapuwa mo. 7. Ubus-ubos biyaya, kapag wala na ay nakatunganga. 8. Langaw na nakatuntong sa likod ng kalabaw, palagay sa sarili ay mas malaki pa sa kalabaw. 9. Mahalin mo ang iyong kapitbahay sapagkat siya ang una mong karamay. 10. Walang matimtimang birhen sa matiyagang manalangin. Nasisiguro kong una sa iyong talaan ang salitang magmahal. mahal – ang salitang ugat at mag – ang panlapi 5
B. Buhat sa binasang salawikain, sipiin sa iyong kuwaderno ang sumusunod na tsart. Isulat sa unang hanay ang mga pandiwang ginagamit, sa ikalawang hanay ang salitang-ugat at sa huling hanay ang panlaping ginagamit dito. Ang unang bilang ay ginawa na para sa iyo. Pandiwa Salitang-ugat Panlapi mahal mag1. magmahal2.3.4.5.6.7.8.9.10.C. Buhat sa salitang-ugat na iyong itinala, pumili ng 2 at bumuo ka ng iba’t ibang pandiwa sa tulong ng mga panlapi tulad ng nasa halimbawa. Subukin mo.Halimbawa:mahal – mahalin minamahal nagmahal magmahal nagmamahal magmamahal nagmamahal nagmahalan nagmamahalan magmamahalan1. _________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ _________________ 6
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220