Kinakatkatan ako ng mura ni Ama nang umagang iyon. Kaming dalawa lamang angnasa kubo. Nasa simbahan sina Ina at Lola Tinay at ang tatlo ko pang kapatid. “Kung di mo sinamahan ang Lola mo do’n, e, di ‘yon pupunta…” sabi niya mataposakong sabunin. “Siguro’y hilig mo rin ‘yon, ‘no? Nakatalungko ako sa sulok, minamalarya sa takot na baka upakan niya ako ng tukodng bintana. “Magkano ba’ng lagay n’ya sa ‘yo? Sabihin mo’t dodoblehin ko h’wag mo langsiyang samahan do’n!…” Ang doon na tinutukoy ni Ama ay ang hulo, kung saan may mgapabeto-beto kung gabi. “D-di ho a-ko binibigyan ni Lola,” sabi ko at nakahanda na akong sumibat kapagdinuhapang niya ang tukod ng bintana. “Kung gayon,” mahinahon ang kanyang tinig, “ba’t mo siya sinasamahan do’n?” “U-utos ho ni Ina, e!” mabilis ang pagkasagot ko. Nakita ko ang panlalaki ng kanyang mga mata at waring nag-iisip. “Sige, tumindig kana r’yan at maglinis ng bahay,” sabi niya makaraan ang ilang sandali. “H’wag kang aalis ditohanggang hindi pa dumarating ang nanay mo. Pasasabayan lang ako.” Nilampaso ko ang sahig nang manaog si Ama. Sinundan ko siya ng tanaw hanggangmakalabas ng bakuran. Mabuti na lamang at naisipan kong idahilan si Ina. Alam kong hindiniya mapagsasalitaan si Ina, sapagkat kahit minsan ay hindi ko nasaksihan na nagkagalit sila.Paminsan-minsan, naisip ko, na may nagagawa ring kabutihan ang pagsisinungaling. Alam kong ayaw ni Ama na magbeto-beto si Lola. Kamakailan lamang ay narinig koang pag-uusap nina Ama at Ina. Nasa balkon sila. Ang Lola ko naman ay katabing natutulogng mga kapatid ko. Nasa may bintana naman ako – kalikuran ng balkon – at kunwangnatutulog. Hapon noon at malamig ang simoy na nagbubuhat sa bundok. “Napapansin kong ginagabi-gabi na ng matanda mo ang pagbeto-beto sa hulo,Inyang,” sabi ni Ama. Buntunghininga ni Ina ang narinig ko. “Bawal ang sugal na ‘yon” sabi ni Ama, “at nakakahiya kapag nahuli si Nanay do’n.Pati ang anak mo’y madaramay. Kebata-bata pa naman, e, makukulong bukod pa sanatututong magsugal.” “Sinabi ko na sa Inay ‘yan,” sabi ni Ina. “Pero pag-aaliw-aliw daw lang ‘yon sakanya.” “E, kung h’wag mo kayang bigyan ng mapupuhunan?” “Sinubok ko na ‘yan, pero nagmukmuk at muntik pa akong awayin,” sabi ni Ina. Kinagabihan nang araw na iyon matapos kaming maghapunan ay nagulat ako nangabutan ni Ama ng pera si Lola. “Aba, anong nakain ng manugang ko?” sabi ni Lola at matamang tinitigan ang limangpisong iniabot ni Ama. “Himala ‘to, a!” Presko ang pook na kinalalagyan ng apat na mesa ng beto-beto. Nayuyungyungan itong mga punong mangga kung saan nakasabit sa mga nakalundong sanga ang nagliliwanag namga lampara. Sa hindi kalayuan ay may isang ilug-ilugan. Matao na nang dumating kami. “Mga ‘sang oras lang tayo, Indo,” sabi sa akin ni Lola. “Kasisimba ko lang kangina.Ipinangako ko sa Kanya,” at itinuro ang langit, “na manalo lang ako ngayon, e, paminsan-minsa na lang tayo pupunta rine.” Ngunit hindi pa kami nagtatagal ay nagkaripasan na ng takbo ang mga mananaya.May dumarating na mga pulis. Doon ko nakitang kahit matanda na si Lola ay mabilis pa ringtumakbo. Sinusundan ko siya. Dahil wala kaming ibang daraanan kundi ang ilug-ilugan, doon 22
kami tumawid. Subalit may kalaliman ang ilog. Halos malunod kami ni Lola kundi kamiinabot ng mga tumutugis na pulis. Sa piitan sa bayan kami dinalaw nina Ama at Ina. Magkasama kami sa selda ni Lola atng iba pang nahuli. Giniginaw kami dahil sa aming mga basang damit. Lumapit si Ina sa narerehasang pinto ng selda. May katigasan ang kanyang mukha,ngunit bakas ang habag na nalalarawan sa kanyang mga mata. “Matigas kasi ang ulo,e!” sabi niya sa Lola ko. “Nakakahiya tuloy ang nangyari.” Walang imik ang lola ko. Nagpupunas ng mata habang sumisinghot. Nakamatalamang ako sa kanila. “Buti na lang at me pera pa tayong pantubos sa inyo,” patuloy ni Ina, “kung di’ymagtatagal kayo riyan ni Indo.” Sa di kalayuan sa kinatatayuan kong rehas na pinto ay nakita ko si Ama. Kausap niyaang isang pulis. Dinig na dinig ko ang usapan nila kahit na mababa ang tinig. “Salamat, pare ko,” sabi ni Ama, “at nadale rin n’yo. Kung hindi’y baka pati si Indoko, e, matutong magsugal.” “Okey lang ‘yon, pare ko,” sabi ng pulis at tinapik sa balikat si Ama, “mabuti namanat itinip n’yo sa amin. Kung nagkataon, e, maraming maghihirap sa inyo dahil sa kasusugal!” Sa oras na iyon, nagliwanag sa akin ang lahat. Nagsuplong si Ama sa pulisya. 3. Linangin mo… A. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Ibigay mo ang kahulugan ng mga nasasalungguhitang salita. Piliin ito sa mganakatala sa ibaba. Titik lamang ang isulat. 1. Nakatalungko ako sa sulok at takot na takot kay ama. 2. Nakahanda na akong sumibat. 3. Nagmukmok si Lola nang di bigyan ni Inay ng pera. 4. Apat ang mesa ng beto-beto. 5. Nayuyungyungan ito ng mga puno. 6. Nagkaripasan ang mga mananaya nang dumating ang pulis. 7. Sa hulo pa dumadayo ng beto-beto si Lola. 8. Inabot ng mga tumutugis na pulis sina Indo. 9. Mababakas ang habag sa mukha ni Ina. 10. Habang nakamata ako sa kanila. 23
a. nakatingin f. nagtakbuhanb. humahabol g. gawing loob ng baryoc. umalis nang walang h. nakaupo nang lapat sa sahig i. sugal na ginagamitan ng 3 dais paalamd. nagwalang-kibo sa isang na kinakalog j. umiiyak nang malakas sulok k. nalililimane. awa-Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.B. Pagsusuring Pangnilalaman Ibuod mo ang akda sa tulong ng dayagram.Tagpuan:Saan:Tauhan:Suliranin: Mga Pangyayari: 1. 2. 3. 4. Resulta:-Iwasto mo ang iyong sagot. Kung ito’y malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap.
c. Pagsusuring Pampanitikan Basahin at pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon bago mo isagawa ang gawain sa bahaging ito. Makatutulong ito nang malaki sa iyong pag-unawa sa akda. Ang maikling kuwento bilang akdang pampanitikan ay dapat magtaglay ng sumusunod na katangian: kaikliang maaaring tapusing basahin sa isang upuan lamang; isang pangunahing tauhan; tagpuan at banghay na tuwang-tuwa na nagbubunga ng iisang kakintalan; at isang pangyayaring isinalaysay at ang pinagsikapang ipaliwanag na paksa o diwa nito. Bukod dito, katangian din ng kwentong masining na magkaroon ng kaisahan. Ang kaisahang ito ang nag-aangkop ng pangyayari sa tagpuan, gayundin ng tauhan sa pangyayari. Ang pagtataglay ng mga katangiang ito ng isang akda ang nakatutulong upang ito ay mag-iwan ng iisang impresyon o kakintalan sa mga mambabasa.Tauhan: 1. Sino ang pangunahing tauhan? Ano ang kanyang mga katangian? ________________________________________________________________ 2. Anong mga tungkulin ang ginagampanan ng ibang tauhan upang mapalabas ang mga katangian ng pangunahing tauhan. _________________________________________________________________ _________________________________________________________________Banghay: 3. Ano ang mga pangyayaring bumubuo ng banghay? Sagutin sa tulong ng dayagram. Hanapin sa mga nakatala sa ibaba. Titik lamang ang isulat.Pangyayari2 Kasukdulan Kakalasan 2
Pangyayari1 Wakas Suliranin Kongklusyon A. Si Ama ang nagsuplong sa sugalan sa pulisya B. Nahuli at nakulong sina Lola at Indo. C. Kinagalitan ni Ama si Indo dahil sa sinamahan nito ang lola sa pagbebeto- beto. D. Nahihilig sa pagsusugal ng beto-beto si Lola. E. Ni-raid ng pulis ang sugalan at nahuli sina Lola at Indo. F. Binigyan ni Ama ng perang panaya sa beto-beto si Lola. G. Halos malunod sina Indo at Lola kundi inabot ng mga tumutugis na pulis.4. Kapani-paniwala ba ang pagkadugtung-dugtong ng mga pangyayari? Ipaliwanag.Tagpuan:5. Saan naganap ang kuwento? a. sa isang baryo c. lalawigan b. sa lunsod d. sa subdibisyon6. Nakatulong ba ang tagpuan sa paglinang ng tema at sa paglalarawan ng mga tauhan? a. Oo, sapagkat isa sa libangan ng mga tao sa mga baryo ay ang pagsusugal na naging dahilan upang maghirap ang mga ito sa buhay. b. Oo, sapagkat ang mga tao sa mga lunsod ay pawang sugarol. c. Oo, sapagkat talamak ang mga sugalan sa lalawigan. d. Hindi, sapagkat walang mga sugalan sa baryo.Tema:7. Anong isang kakintalan ang naiwan sa iyong isipan ng kuwento? 3
a. na walang idudulot na mabuti ang sugal b. na ang matigas ang ulo ay napapahamak c. na kung ano ang ginagawa ng matanda, ginagaya ng bata d. na maraming naghirap sa sugal8. Anong malaking problema ng buhay ang inilantad sa akda? a. pagsusugal b. maling pagpapalaki sa anak c. di pagkakasundo ng magbiyenan d. paglalasing- Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto. Kung ang iyong tugon ay malapitsa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap. d. Halagang Pangkatauhan: Panuto: Basahin mong mabuti ang mga sumusunod at sagutin. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Anong aral ang napulot mo sa kuwentong binasa? Pumili ng 3. a. Ang matigas ang ulo ay napapahamak. b. Na kaya nalilihis ng landas ang mga kabataan ay dahil sa nakikitang halimbawa sa matatanda. c. Na walang idudulot na mabuti sa tao ang pagsusugal. d. Na marami ang naghirap sa sugal. e. Na pagbigyan na ang matatanda sa kanilang ibig. f. Igalang ang matatanda. 2. Anong mabuting halimbawa ang dapat nating tularan sa tauhan ng kuwento? a. Ang pagmamahal ng anak sa magulang, na para di sumama ang loob ay patuloy na binibigyan ng pansugal. b. Ang di pagpapabaya ni Indo sa kanyang lola. Na kahit bawal iyong pagsusugal ay sinasamahan pa rin niya. c. Ang pagmamahalasakit ni Ama sa kanyang biyenan at kababayan. Pinahuli ang sugalan upang mahinto na ang sugal sa kanilang lugar at di na malulon ang mga kababayan niya dahil masama ang dulot nito sa buhay ng tao. 4
- Tingnan mo kung tama ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto. -4. Palalimin mo… Marahil matapos ang ilang pagsasanay na iyong naisagawa ay naunawaan mo nang lubusan ang akdang iyong pinag-aaralan. Kaya madali na para sa iyo ang susunod na gawain. Sa sariling pangungusap, ibigay ang pangunahing kaisipan at mga pantulong na kaisipan na napapaloob sa akdang iyong binasa. Pangunahing KaisipanPantukoy Pantulong Pantulong Na Na NaKaisipan Kaisipan Kaisipan -Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto. Kung ang iyong tugon ay malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap.5. Gamitin mo… Panuto: Unawain mong mabuti ang bawat sitwasyon at sagutin. 1. Kahit kinagagalitan ng ama si Indo ay sinasamahan pa rin nito ang Lola sa pagbebeto-beto. Kung ikaw si Indo, sasamahan mo ba ang iyong Lola? Bakit? 2. Usung-uso sa inyong lugar ang jueteng. Wala nang makain ay itataya pa ang pera sa jueteng. Ang barangay chairman ay bulag sa talamak na sugal na ito sa dahilang sila’y nabibigyan ng mga namamahala. Ano ang gagawin mo upang matigil ang jueteng sa inyong lugar? 3. Mahal na mahal mo ang iyong ina. Ang lahat ay ibibigay mo para maging maligaya siya. Kaso ang perang ibinibigay mo sa kanya ay isinusugal. Kung di mo naman bibigyan ay magmamaktol.. Ano ang iyong gagawin upang matigil ito sa pagsusugal? 5
-Tingnan mo sa susi sa pagwawasto kung tama ang iyong tugon. Kung ito’y malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap.6. Sulatin mo… Panuto: Isaayos mo ang mga salita upang mabuo ang mga kasabihan. ano nakikita kung1. matatanda ang ginagaya ng bata sa2. kagitna naghangad ng ang isang salop nawala3. naging pa na Kuwarta bato4. matigas ulo ang napapahamak karaniwang ang5. na tandaan ang ang bigay ng pinagdaanan na aral lahat -Isulat mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Kung ang iyong tugon ay malapit sa susi sa pagwawasto, ito’y katanggap-tanggap.7. Lagumin mo… Panuto: Piliin mo sa mga nakatala ang mga kaisipang nakapaloob sa binasa mong akda. Isulat ang titik lamang. 6
A. May mga paraang tao’y magbabago maging sa ugali, gawain at bisyo.B. Kung ano ang nakikita sa matatanda, siyang ginagaya ng mga bata.C. Walang hinangad na masama ang magulang para sa anak.D. Walang yumaman sa sugal, ngunit marami ang naghirap.E. Anumang sobra ay nakasasama.F. Ang matigas ang ulo ay napapahamak.G. Anumang bawal ay masama.H. Di masama ang maglibang, ang masama ay ang mawili sa paglilibang.I. Ang lahat ng pinagdaanan, tandaan ang bigay na aral.-Madali mo bang nasagutan ang natapos na gawain? Magaling kung gayon. Hiraminmo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong mga natutunan sa aralingtinalakay. Unawain mo itong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na.8. Subukin mo…Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.1-2. Nakahanda na kong sumibat kapag dinuhapang niya ang tukod ng bintana. Ang kahulugan ng mga nasasalungguhitang salita ay ______a. umalis kaagad d. nahawakanb. umuwi e. nahulic. umiyak f. nahulog3. Nagmumukmok si Lola kapag di nakapagsugal.a. nag-iiiyakb. nagagalitc. nagmamaktold. nagwawala4. Ang nagsasalaysay sa kuwento ay si____a. Ama 7
b. Ina c. Indo d. Lola5. Ang ginagamit sa beto-beto ay ____ a. baraha b. manok c. kabayo d. dais6. Ang ayaw na magbeto-beto si Lola ay si_____ a. Ina b. Ama c. Lola d. Ate7. Ang maikling kuwento ay nag-iiwan ng ____ a. Kakintalan b. tauhan c. tema d. banghay8. Taglay ng kuwentong masining ang pagkakaroon ng _____ a. katangian b. kaisahan c. elemento d. pangyayari9. Isa sa dahilan kung bakit nalilihis ng landas ang mga kabataan ay sa dahilang _____ a. nakikitang halimbawa sa matatanda b. di sila nakapag-aaral c. nababarkada d. wala sa nabanggit10. Kung di pinahuli ng ama ang sugalan marahil ay_____ a. malululong na sa pagsusugal si Lola b. matututo na rin si Indo ng pagsusugal c. maraming maghihirap sa kanilang lugar dahil sa pagsusugal d. lahat ng nabanggit 8
- Iwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong iskor ay 7 pataas, tumungo ka na sa bahaging Gaano Ka Na Kahusay. Kung ang iyo namang iskor ay 6 pababa, gawin mo muna ang susunod na gawain.4. Paunlarin mo… Panuto: Ihanay mo ang mga positibo at negatibong katangian ng mga tauhan. Gamitin ang tsart sa ibaba. Piliin sa mga nasa loob ng kahon ang angkop na katangian.Tauhan Positibo Negatibo1. Lola2. Indo3. Ama4. Inamapagmahal mapagmuramapagmalasakit nagsinungalingmaunawain sobrang mapagbigaymaalalahanin sugarol matigas ang ulo -Tingnan mo sa susi sa pagwawasto kung tama ang iyong mga sagot. -Marahil ay handa ka na para sagutan ang panghuling pagsusulit upang malaman kung gaano ang natutunan mo sa modyul na ito. Gaano ka na kahusay?Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot.1. Di makatkat sa isipan ni Kulas ang nangyari. Ang kahulugan ng salitang maysalungguhit ay_____a. di maalis c. di malamanb. di makati d. di maunawaan2. Nagmamadali si Kulas sapagkat may kausap siya sa susunod na sultada. Angnasasalungguhitang salita ay nangangahulugang _____ 9
a. araw c. labanan ng manokb. linggo d. karera3. Ang bahay ay nayuyungyungan ng mga puno. Ang ibig sabihin ng nasasalungguhitangsalita ay ____a. natatabunan c. nalulukubanb. nalililiman d. nakakanlungan4. Ang magdadala ng suwerte sa mag-asawang Celing at Kulas ay ang ____a. sugal c. negosyob. sabungan d. manok5. Nagalit si Ama kay Indo sa dahilang ____a. di ito naglinis ng bahayb sinamahan ang Lola sa pagbebetoc .di pumasok sa paaraland. umalis nang walang paalam6 Nagulat si Indo nang _____a. hindi siya kinagalitan ng Amab. bigyan ng pera si Lola ng Amac. inaway ang Inad. pinahuli ang sugalan7. Ang Sa Pula, Sa Puti ay isang dulang _____a. trahedya c. komedyab. melodrama d. parsa 8. Ang maikling kuwento ay karaniwang nag-iiwan ng iisang _____ sa mga. mambabasa.a. aralb. impresyon/kakintalanc.kahalagahang morald. katangian9-10. Pinatunayan sa dalawang akda na _______. Pumili ng dalawa (2).a. maraming dulot na masama ang pagsusugalb. ginagawang libangan ng mga tao ang pagsusugalc.maraming naghirap sa pagsusugal 10
d. nasa sugal ang suwerte e. kailangan munang may mangyaring di maganda bago magising sa maling gawain ang tao. f. kung ibig umasenso ang buhay, iwasan ang sugal. g. nalululong ang tao sa sugal nang dahil sa paghahanap ng suwerte. -Muli kunin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang iyong gawa.-Inaasahan kong naging mabunga ang iyong pag-aaral sa modyul na ito.-Hanggang sa muli. MODYUL 16 Susi sa Pagwawasto Aralin 1: Sa Pula, Sa PutiIV. Ano Na Ba Ang Alam Mo? 1. a 6. b 2. c 7. d 11
3. b 8. d4. c 9. a5. c 10. aB. Alamin mo…Naghahanap ng suwerte.Gustong dumami ang pera.Paraan ng paglilibang2. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlingguwistika 1. c 6. d 2. j 7. b 3. a 8. f 4. i 9. g 5. h 10. eb. Pagsusuring Pangnilalaman: Saan naganap ang akda? Sa may sabungan Sinu-sino ang mga tauhan? Kulas, Celing, Teban, Castor, Sioning Ano ang suliranin? Nahihilig sa pagsasabong si Kulas. Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari? 1. Napagtatalo sa sabong si Kulas ng mga nagdaang araw 2. Muling humingi ng pera si Kulas kay Celing at nangakong kapag natalo pa ay di na magsasabong. 3. Lingid sa kaalaman ni Kulas ay tumataya naman si Celing sa kalabang manok sa pamamagitan ni Teban upang kung matalo si Kulas ay siya naman ang mananalo kaya’t hindi mababawasan ang pera nila. 4. Tinuruan ni Castor si Kulas ng paraan upang manalo. 5. Nanalo ang manok ni Kulas ngunit natalo silang mag-asawa sa sabong. Ano ang naging wakas? Niluto lahat ni Celing ang mga tinali ni Kulas at siKulas naman ay di na magsasabong kailanman.c. Pagsusuring Pampanitikan: 1. b 2. c 3. a 4. b 5. a 12
d. Halagang Pangkatauhan: 1. b, d, e, f, i 2. b4. Palalimin mo… 1. A, B, C, D, F, G, H5. Gamitin mo… 6. 1. X 7. X 2. 8. X 3. 9. X 4. X 10. 5. X6. Sulatin mo… 6. f 1. e 7. c 2.] a 8. h 3.] d 9. i 4. b 10. j 5. g7. Lagumin mo… 6. * 1. * 7. 2. * 8. 3. * 9. 4. * 10. 5.8. Subukin mo… 6. c 1. b 7. b 2. b 8. b 3. c 9. a 4. b 10. d 5. a9. Paunlarin mo… 1. E 2. A 3. B 4. C 5. D 13
Aralin 2: Matigas Ang Ulo1. Alamin mo… tagapag-alaga tagapag-tanggolLola ibinibigay ang laya tagabantay ng bahay matanda3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. h 6. f 2. c 7. g 3. d 8. b 4. i 9. e 5. k 10. a b. Pagsusuring Pangnilalaman Tagpuan- Saan sa baryo Tauhan- Indo, Ama, Ina, Lola Suliranin- Nahihilig sa pagbebeto-beto ang Lola Mga Pangyayari: 1. Kinagalitan si Indo ng ama dahil sa sinamahan nito sa pagbebeto- beto ang Lola 2. Laking gulat ni Indo nang bigyan ng pera ng ama ang lola 3. Ni-raid ng pulis ang sugalan 4. Nahuli sina Indo at lola ng pulis Resulta- Nakulong sina Indo at Lola c. Pagsusuring Pampanitikan 1. Si lola ang pangunahing tauhan. Sugarol si lola 2. Binibigyan ng pera ang lola kaya may pansugal ito. Indo- sinasamahan ang lola sa pagsusugal kaya patuloy ito sa pagsusugal Ama – naging instrumento upang mapagbago ang lola 14
3. Suliranin – DPangyayari 1- CPangyayari 2 - FKasukdulan - EKakalasan - GWakas- BKongkluyon - A 4. Oo, kapani-paniwala sa dahilang talagang may magagawang paraan upangmagbago ang tao.5. a6. a7. b8. a d. Halagang Pangkatauhan 1. a, b, c 2. c4. Palalimin mo… Pangunahing kaisipan – May mga paraang tao’y magbabago maging sa ugali, gawain, at bisyo. Pantulong Kaisipan – Ang matigas ang ulo napapahamak - Na marami ang maghihirap sa sugal - Na kaya nalilihis ng landas ang mga kabataan ay dahil sa nakikitang halimbawa sa matatanda.5. Gamitin mo… 1. Hindi dahil habang sinasamahan ko siya ay mawiwili ito sa pagsusugal. Marahilkapag wala siyang kasama di na siya magsusugal. 2. Tulad ng ginawa ng ama sa akda, lihim ko pong isusumbong sa pulis. 4. Maaari ko rin pong ipahuli ang sugalan. At marahil kung mahuhuli ito ay madadala na at di na magsusugal.6. Sulatin mo… 1. Kung ano ang nakikita sa matatanda, ginagaya ng bata. 2. Naghahangad ng kagitna, 15
isang salop ang nawala.3. Kuwarta na, naging bato pa.4. Ang matigas ang ulo, napapahamak.5. Ang lahat na pinagdaanan, bigay na aral, tandaan.7. Lagumin mo…A, B, D, F, I8. Subukin mo… 6. b 1. a 7. a 2. d 8. b 3. c 9. a 4. c 10. c 5. d9. Paunlarin mo… sugarol/matigas ang ulo 1. 2. maalalahanin mapagmura 3. mapagmalasakit sobrang mapagbigay 4. mapagmahalVII Gaano Ka Na Kahusay?1. a 6. b2. c 7. c3. b 8. b4. d 9. g5. b 10. e 16
Modyul 17 Pagsulat ng Buod ng Isang Akda Tungkol saan ang modyul na ito? Isa sa libangang kapaki-pakinabang ang pagbabasa. Pinalalawak nito ang kaalaman ng tao.Iba’t ibang bagay ang natutunan di-lamang sa sariling kultura, kapaligiran at pamumuhay kundimaging sa ibang bansa. Kung pagbabasa ang kinawiwilihan ng iba, mayroon namang higit na nais ang manood ngiba’t ibang palabas sa sinehan o telebisyon. Nakaaaliw nga naman kung nakikita mo na’y naririnigmo pa ang sinasabi ng nagsisipagganap. May mga pagkakataong ang anumang napanood o nabasa ay ibinabahagi sa iba. Subalit kungminsan, hindi ito maunawaan ng taong kinukuwentuhan. Bakit kaya? Alam mo ba ang dahilan?Minsan naman, parehong nakabasa o nakapanood, magkaiba ang paraan ng pagkukuwento at mgakaganapang ipinahahayag. Maaaring iba ang pag-unawa o pagtanggap ng bawat isa sa kanila. Itoang sinasabing sining ng pagpapahayag. Dito makikita ang kariktan ng wika kung paanong angmahabang kuwento o salaysay ay napaiikli nang di-nawawala ang kabuuang mensahe nito. Kaya moba itong gawin? Ano ang matututunan mo? Nakasusulat ng sariling pagbubuod sa akdang binasa
Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa pansariling pagkatuto ang modyul na ito. Gamitin mo ito bilang patnubay sa tulongng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang iyong paggamit, kailangang magingmalinaw sa iyo ang mga nararapat gawin. Huwag kang mag-alala, sundin mo ang mga sumusunod: 1. Sagutin mo ang panimulang pagsubok, ang bahaging Anu-ano Na Ba Ang Alam Mo? Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Pag-aralan mo na ang paksang-aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo ang mga dapat gawin. 4. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano ka na Kahusay? Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi. 5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Sagutan nang mabuti. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya ay notbuk. 6. Ang isang kaibigang nagmamalasakit ay dapat mong pahalagahan sapagkat mahalaga ka rin para rito. Ano ba ang alam mo? Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong masukat ang dati mo nangkaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? 2
Magsimula ka na! Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na pangyayari upang mabuo ang buod ng “Impeng Negro”. Bilang lamang ang isulat. 1. Pagkakataon na niyang sumahod subalit muling isiningit ni Ogor ang kanyang balde sapagkat malapit lamang ang pinagdalhan nito sa inigib na tubig. 2. Marami nang baldeng nakapila sa igiban nang umagang iyon nang dumating si Impen. 3. Nakaanim naman na siyang igib kayat ipinasya na lamang niyang umuwi upang maiwasan si Ogor at maging tampulan ng tuksuhan sa igiban. 4. Walang nagawa si Impen kundi ang magpaubaya kay Ogor. 5. Mahigpit ang bilin ng ina ni Impen bago siya bumaba ng bahay na huwag siyang makikipag-away na muli kay Ogor. 6. Nang siya’y paalis na, pinatid siya ni Ogor at tumama ang kanyang pisngi sa labi ng nabitiwang balde. 7. Sa labis na sakit na naramdaman niya ay tawanan pa sa paligid ang kanyang narinig. 8. Nakuha niya ang paghanga at paggalang ng mga taong nakapaligid sa kanila ni Ogor dahil sa nangyari. 9. Sumuko ang nanlulupaypay at duguang katawan ni Ogor. 10. Binalot ng poot ang kanyang dibdib laban kay Ogor kaya’t sinunggaban niya ito at walang habas na pinagsusuntok ang kalaban. Iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto. Hingin mo ito sa iyongguro. 3
ARALIN 1. Paglapat ng mga kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng buod ng isang akdang binasa Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunodna kasanayan. 1. Napipili ang mahahalagang detalye at impormasyon sa akdang binasa 2. Nasusunod ang mahahalagang hakbang sa pagbubuod 3. Nakabubuo ng tamang balangkas ng isang buod 4. Nakapagbibigay-reaksyon sa isang halimbawa ng buod na binasa Anu-ano na ang mga tiyak na alam mo? Sa pagbubuod ng akda, nararapat alamin ang mahahalagang detalyeng napapaloob ditoupang maging ganap ang kabuuan ng buod na isusulat. Alam mo ba kung anu-ano ang mga ito? Isulat ang 5 bilang ng mahahalagang detalyeng sa iyong palagay ay nararapat naipaloob sa iyong buod. 4
1. Mga pangunahing tauhan sa akda.2. Panahon kung kailan isinulat ang akda.3. Oras kung kailan natapos.4. Paksang iniinugan ng kuwento.5. Lugar na pinagganapan ng kuwento6. Pangunahin at mga pantulong na kaisipan.7. Pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari.Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto. Hingin mo ito sa iyongguro. Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Kaya mo bang bumuo ng isang kuwento sa pamamagitan ng mga larawan? Pagsunud-sunurin mo ang mga pangyayari sa loob ng kahon upang makabuo ng isangkuwento. Letra lamang ang isulat.Nagkasakit ang ama. Nagtapos sa kolehiyo Naglabada ang ina A ng may karangalan. upang siya’y mapag- aral B CNagtinda ng diyaryo Naging maunlad ang Namatay ang ama.upang makatulong sa buhay.ina.DE FIwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.Gawain 1: Pagpili sa mahahalagang detalye at impormasyon sa akdang binasa. 5
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang buod ng kuwento. Isang Kakaibang Pagbabalik Victoria I. Ramos Magkababata sina Ramon at Basilio. Magkatulad ang kanilang paniniwala at panuntunan sabuhay. Ang nabasa sa pahayagan ang nakapagpabago ng prinsipyo ni Ramon na ganito ang isinasaad:Walumpung libong piso bilang gantimpala sa sinumang makapagtuturo sa isang taong pinaghahanapng maykapangyarihan. Si Basilio na kanyang kababata ang tinutukoy ng panawagan. Pauwi na si Ramon mula sa bundok na dating pinagtataguan dala ang salaping natanggapbilang gantimpala. Sa halip na kasiyahan ang madama ay balisa siya at punung-puno ng alalahanin.Hindi nawala sa kanyang isipan ang katawang payat ni Basilio na pinaglagusan ng mga bala. Kinabukasan, hangos na kumatok sa pintuan ng pamilya ni Ramon ang asawa ni Basilio.Natagpuan daw niya ang supot ng salapi sa paanan ng kanilang hagdanan. Sino raw kaya angnagdala noon. Samantala, sa di-kalayuan, natagpuan ang bangkay ni Ramon. Bibitin-bitin sa isangpunungkahoy.Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot na tumutugon sa isinasaad ng nasa loob ng kahon. Ano ang Saan sila relasyon ni 2. nanirahan?1. Ramon at Basilio sa isa’t isa? a. kabundukan b. kabukiran a. magkapatid c. kanayunan b. magkaibigan c. magkamag-aral Paano natunton 4. ng mga sundalo3. Paano pinatay si Basilio? ang kinaroroonan ni a. pinahirapan Basilio b. pinagbabaril c. pinagtataga a. isinuplong ni Ramon b. natiktikan siya c. itinuro ng asawaBakit hindi Paano namataymapalagay si si Ramon?Ramon sakanyang ginawa? 6
5. 6.a. natatakot a. pinatay siya ng sundalob. nasasabik b. tumakas siyac. nakokonsensiya c. nagbigti siyaGawain 2: Pagsunod sa Mahahalagang Hakbang sa Pagbubuod. Hindi madali ang paggawa ng buod. Kailangang isaalang-alang ang mahahalaganghakbang upang ito’y maging malinaw at nauunawaan. Naririto ang mga hakbang sapagbubuod.1. Basahing mabuti ang buong akda upang maunawaan ito nang lubos.2. Tandaan ang mahahalagang detalye tulad ng tauhan, tagpuan at pangyayari.3. Suriin at pag-aralang mabuti ang mga kaisipang nais pagtuunan.4. Pagsama-samahin ang magkakaugnay na kaisipan at pangyayari batay sa pagkakasunud-sunod nito.5. Isulat nang maayos at malinaw ang buod.6. Huwag ding kalilimutan ang pamagat at may-akda ng kuwento/akdang binasa. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Sagutin mo ang inihanda kong gawain upangmalaman kung gaano mo naunawaan ang mga kaalamang aking inilahad.Panuto: Basahing mabuti ang kuwento. Pagkatapos, isulat ang hinihingi ng bawa’t bilang. Ang Pulubi Erlinda M. Santiago at Evelina T. Inocencio Siya ay palaboy. Malimit siyang matagpuang nakahilata o kung di-ma’y nakasubsob sa mgapang-ibabang baytang ng Luneta Grandstand. Sa mga dakong hatinggabi, makikitang banay-banaysiyang maglakad, wari’y hinahatak ang mga paa sa kalakhan ng damuhang pinagpapahingahan ngmga magkakatipan. Nanghihingi ng limos. Iniiwasan siya kung minsan, sanhi ng kanyang hindikanais-nais na amoy. Anong klase ang magiging amoy ng pulubing hindi naliligo? Unang oras ngmadaling-araw, sa damuhang hindi kalayuan na Chinese Garden sa Rizal Park, ilang pareha ng mga 7
kabataang lalaki at babae ang nagtitipon. May kung anong pinagkakaabalahan. Paika-ikangnakalapit sa grupo ang pulubi. “Hoy, Tanda, halika!” sigaw ng isang binatilyong medyo “high”. Atubili ang pulubi. Lumapit sa kanya ang binatilyo at itinulak siya palapit sa grupo. Sabi ngisa: “Gusto mong mamasyal sa langit, Tanda?” Nakamata lang ang pulubi. Sa kanyang mukha’y naroon ang pagkainosente. May nagsinding sigarilyo. Pinilit iduldol sa bibig ng pulubi. Pagkahitit nang kaunti, ang matanda ay sinasal ngubo. Tawanan ang grupo. Pagkaraan pa ng ilang gabi, nabuwag ang sindikato ng mga nagbebenta ngbawal na gamot na ang parokyano ay mga estudyante at kabataang naglalagi sa Luneta. Angmabaho, hindi naliligong pulubi ay naglahong parang bula.Panuto: Isulat ang hinihingi ng bawa’t bilang. 1. Isulat kung sino ang pangunahing tauhan sa kuwento. 2. Piliin at isulat ang letra ng mga pahayag na walang kaugnayan sa kuwento a. Nagpanggap na pulubi ang matanda b. Naghiganti ang pulubi sa mga kabataan c. Namulat ang mga kabataan sa kahalagahan ng edukasyon d. Wala nang kabataang nalululong sa mga bawal na gamot 3. Ang kaisipang tumutugon sa kabuuan ng kuwento ay a. Mahilig makipagsapalaran o sumubok sa iba’t ibang bagay ang mga kabataan b. Maraming kabataan ngayon ang nalululong sa ipinagbabawal na gamot c. Suliranin sa pamilya ang dahilan ng pagkakalulong ng mga kabataan sa iba’t ibang bisyo d. Mahirap unawain ang pag-uugali ng mga kabataan 4. Ang unang pangyayaring naganap sa kuwento ay a. Nilapitan ng pulubi ang ilang pareha ng mga kabataang lalaki’t babaeng nagtitipon di-kalayuan sa Chinese Garden b. Nanghihingi ng limos ang pulubi sa mga magkatipang nagpapahinga sa malawak na damuhan sa Luneta na nagsilbing tahanan niya c. Tinawag ng isang binatilyo ang matandang pulubi at itinulak siya palapit sa grupo ng mga kabataan d. Paika-ikang nakalapit ang pulubi sa grupo ng mga kabataan 5. Ang kuwento ay nagwakas sa a. Pagkakabuwag ng sindikatong nagbebenta ng bawal na gamot b. Pagkakahuli sa mga kabataang naglalagi sa Luneta c. Pagsuko ng matandang pulubi d. Pag-alis ng pulubi sa Luneta 8
Gawain 3: Pagbuo ng tamang balangkas ng isang buod. Alam mo ba kung paano gumawa ng balangkas ng isang ulat o buod ng kuwento? Bago mo sagutin ang gawaing inihanda ko, basahin at pag-aralan mo muna angpaksang ilalahad. Ano ang balangkas? Ang balangkas ay isang talaan ng mga impormasyong ilalahad o isusulat. Nakatalaang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga impormasyong nabanggit. Narito ang mga patnubay sa pagbabalangkas: 1. Isang pamagat lamang ang gagamitin sa balangkas 2. Bilang Romano ang gagamitin sa mga pangunahing paksa 3. Gamitin sa mga paksa sa ilalim ng mga pangunahing paksa ang malaking letrang A, B, C, D 4. Gamitin sa mga pantulong na detalye ang mga bilang Arabiko na 1, 2, 3, 4 5. Palugitan at ilinya nang sama-sama ang magkakatulad na pangkat 6. Gumamit ng tuldok pagkatapos ng letra o bilang ng bawat paksa 7. Gamitan ng malaking letra ang unang salita sa bawat paksa 8. Isulat na malalaking letra ang pamagat ng ulat o buod Upang madali ang gagawing pagbabalangkas ng mga impormasyon, pangkatin angmga impormasyong dapat magkakasama. Piliin ang mga pangunahing paksa. Sundin ang ayos na ito sa pagbabalangkas PAMAGAT I. Pangunahing Paksa A. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. pantulong na detalye 2. 3. B. Paksa sa ilalim ng pangunahing paksa 1. pantulong na detalye 2. 3. II. Pangunahing Paksa 9
Narito ang isang halimbawa ng balangkas ng isang ulat o buod. PAG-IINGAT SA LOOB NG TAHANAN I. Bakit kailangan ang Mabuting Pag-iingat sa Loob ng Tahanan? A. Upang maiwasan ang di-inaasahang gastusin B. Upang maiwasan ang mga aksidente II. Bakit Nagkakaroon ng Aksidente sa Tahanan? A. Nakaliligtaang pansinin ang mga pinagmumulan ng panganib 1. Madulas na sahig 2. Laruang nagkalat 3. Posporong hindi itinago 4. Gamot na walang pangalan B. Hindi tumpak na paggamit ng mga bagay 1. Kutsilyo 2. Matatalas o matutulis na bagay 3. Kalang de-koryente / de-gas 4. Plantsa C. Mga hindi nakukumpuning sira 1. Kawad ng kuryente 2. Sirang hagdan 3. Sirang silya/mesa III. Paano Makaiiwas sa Aksidente? 1. Pagbisita sa buong bahay at paligid 2. Pagtuturo sa mga bata ng mga dapat at di-dapat gawinMakatutulong sa pagpuna ng sariling ulat ang mga tanong na ito:1. Kapana-panabik ba ang pamagat ng aking ulat? Ito ba’y makatatawag ng pasin ng babasa o makikinig?2. Lubha bang malawak o kulang sa impormasyon ang aking paksa?3. Pinagsama-sama ko ba ang mga kaalamang magkakaugnay?4. Nakatulong sa pagbuo ko ng ulat ang ginawa kong balangkas? Magagawa ko kaya nang maayos ang ulat ko kung walang balangkas?5. Mahusay ba ang daloy ng mga kaalaman sa aking ulat mula sa simula hanggang huli?6. Nagawa ko ba ang nararapat sa pagwawasto ng mga kamalian, pagdaragdag o pagbabawas ng mga impormasyon? 10
Naging malinaw ba sa iyo ang mga impormasyong inilahad? Mayroon ka bang di-naunawaan? Balikan mo at muling pag-aralan upang malaman kung paano ang pagbuo ng isangbalangkas. Natitiyak ko ngayong handa ka na sa pagsagot sa gawaing aking inihanda. Maaari ka nang magsimula. Panuto: Piliin at isulat ang mga impormasyong nakasulat sa ibaba na nararapat sa mga blangkong bahagi upang makabuo ng isang maayos na balangkas ng isang sanaysay. PASINDI NGA PARE I. Panganib na Dulot ng Sigarilyo A. _____________________________________ 1. Asido 2. Alkohol 3. Idrokarbon 4. Phenol 5. Glycerol 6. Nikotina B. _____________________________________ 1. Pagbara ng usok sa daluyan ng hangin 2. Pag-iiwan ng latak sa baga na sanhi ng kanser 3. _____________________________________ 4. Pagkaramdam ng mabilis na pagkahapo C. _____________________________________ 1. Kinukulang ang bata ng kinakailangang dugo at oksihena 2. Kulang sa timbang/mahinang-mahina ang katawan II. ____________________________________ 1. Kanser sa baga, pantog, lapay 2. __________________________ 3. Emphysema III. Maling Paniniwala ng Tao A. ___________________________ B. Di-pagpansin sa Nalalanghap na Usok ng Sigarilyo IV. Pag-iwas sa Sakit na Dulot ng Sigarilyo A. ___________________________ B. Iwasang Makalanghap ng Usok ng Sigarilyo 11
Pagpipilian: Epekto sa Sanggol sa Sinapupunan Sakit sa Puso Taglay na kemikal Paggamit ng pipa Pagbilis ng Tibok ng Puso Sakit na Nakukuha sa Paninigarilyo Itigil ang Paninigarilyo Epekto ng Usok ng Sigarilyo sa KatawanGawain 4: Pagbibigay - reaksyon sa isang halimbawa ng buod na binasaPanuto: Basahing mabuti ang buod ng dulang “Sa Pula, Sa Puti.” Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat. Malapit lamang ang bahay ng mag-asawang Celing at Kulas sa sabungan kaya’t di-kataka-takang ito ang maging bisyo ni Kulas. Hindi maawat ni Celing ang asawa sa pagsasabong. Madalas silang magtalo dahildito. Minsa’y nagpumilit si kulas na pumunta. Walang nagawa si Celing kundi angmagbigay ng pantaya. Pagkaalis ng asawa, agad na tinawag ni Celing si Teban, ang kanilangkatulong, upang pumusta, subalit hindi sa manok ni Teban kundi sa kalaban. Matalo man angasawa’y bawi lamang ang pera. Kahit malasin sa katataya ay di pa rin sumuko si Kulas lalo na nang udyukan ngsabungero ring si Castor. Sinabi nitong wala silang pagkatalo sapagkat daraanin sapandaraya. Duduruin ng karayom ang paa ng manok na kanilang isasabong upang humina atdi na makapalo pa. Sa ginawang paliwanag ay naganyak na muling pumusta si Teban.Nangakong higit na malaki ang ipupusta sapagkat nakatitiyak na ng panalo. Nagingmapagbigay naman si Celing subalit gaya nang dati, sa kalabang manok din pumusta si Tebangaya ni Kulas. Kapwa talunan si Kulas at Celing sapagkat ang manok na kanyang pansabong angsiyang nanalo na hindi nila pinustahan.1. Sa iyong palagay, bakit inuna ang pangalan ng tauhan sa buod? a. sa kanila iikot ang kuwento o pangyayari b. ipinaaalala ang magsisiganap c. nakalimutang unahin ang lugar na paggaganapan ng mga pangyayari d. magandang basahin ang mga pangalan2. Ang buod ay winakasan sa a. panghihinayang ng tauhan b. kinahinatnan ng mga pangyayari c. naging kapalaran ng manok 12
d. paglalarawan ng katangian3. Ang suliranin sa dula ay binanggit sa talata a. 1 b. 2 c. 3 d. 44. Alin sa mga sumusunod ang di-binanggit sa buod? a. tagpuan b. suliranin c. wakas d. panahon5. Ang kabuuan ng buod ay malinaw sapagkat a. nababasa ang mga pahayag b. nahuhulaan ang wakas c. sunud-sunod ang pangyayari d. madaling maunawaan ang mga kaganapan2. Lagumin mo … Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay. Panuto: Basahing mabuti ang kuwento at pagkatapos sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Letra lamang ang isulat. Panaginip Lang Pala . . . Kaming magbabarkada ay masayang naglalakad patungo kina May. Si May ay kabarkada rin naming may niyugan sa Cavite. Kami ay inimbitahan niyang mamuko “yun bang magkakain ng maraming buko!” Sambit ng isang barkada “kakain na naman tayo ng maraming buko.” Nagtawanan kami habang patuloy na naglalakad, nang biglang may humarang sa amin. Isang pagkalaki-laking mamang may balak na masama! Natakot kami… nagtakbuhan… hindi malaman kung ano ang gagawin. Pinakamabagal akong tumakbo. Hingal na hingal na ako. Malayo na sina Cynthia, Guy at Perla. Papalapit na nang papalapit sa akin ang mama. “Inay!” ang nasambit ko. “Katapusan ko na yata!” 13
Nagsisigaw ako nang nagsisigaw. Ngunit tila walang nakaririnig sa akin.Isang hakbang na lang ay aabutan na ako ng mama. Nang ako’y mapasakamay na niya’ybigla akong nagulantang! Natabig pala ako ni Kathie. Nagising ako nang lubusan. Akalako’y talagang katapusan ko na. Di ko akalaing ang mga nangyari’y panaginip lang pala.1. Ang paksa ng unang talata ay tungkol sa a. pamamasyal sa niyugan b. paglalakad ng magkakabarkada c. pagkain ng maraming buko d. pakikipagsapalaran ng magkakabarkada2. Alin sa mga pangungusap ang nagpapahiwatig ng masayang tagpo? a. “kakain na naman tayo ng maraming buko.” b. “Nagtawanan kami habang patuloy na naglalakad.” c. “Si May ay kabarkada rin naming may niyugan sa Cavite.” d. “kami ay inimbitahan niyang mamuko.”3. Ang ikalawang talata ay tumutukoy sa a. Nakaaaliw na kaganapan b. Kamangha-manghang kuwento c. Nakakatakot na tagpo d. Kapana-panabik na pangyayari4. Isulat ang pahayag na walang kaugnayan sa kuwento a. Inimbitahang mamuko ang magbabarkada b. Masaya silang naglalakad sa niyugan c. Isang pagkalaki-laking mamang may balak na masama ang humarang sa kanila d. Nagtagumpay ang mama sa kanyang masamang balak5. Pangkatin sa dalawang hanay ang mga salitang magkakaugnay batay sa pagkakagamit sa kuwento.Masayang Tagpo Nakakatakot na Tagpomagkakainan masayanagtatawanan pinakamabagalnaglalakad pagkalaki-laking mamabalak na masama inimbitahan6. Ang pahayag na dapat isulat sa bilang Romano I ayon sa pabalangkas na ayos ay a. Pagkain ng Niyog b. Pagkatakot sa Mama c. Pag-anyaya ni May sa mga kabarkada d. Paglalakad sa Niyugan 14
7. Sa pahayag na “Panaginip Lamang Pala” ang pantulong na detalye nito ay a. Nagsisigaw ako nang nagsisigaw b. Akala ko’y talagang katapusan ko na c. Natabig pala ako ni Kathie d. Nagising ako nang lubusan 8. Kahit iisa lamang ang akdang ibinuod ay nagkakaiba-iba ang paraan ng presentasyon dahil sa a. kasaklawan ng paksa b. istilo ng sumulat c. karanasan ng tao d. pagkakaiba-iba ng interpretasyon3. Subukin mo . . .Panuto: Punan ng angkop na salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba ang bawat patlang sa talata upang mabuo ang diwang ipinahahayag nito. Ang unang dapat gawin sa pagbubuod ay 1 ng akda. Kailangang 2 ang magkakaugnay na kaisipan at pangyayari ayon na rin sa 3nito. Isaalang-alang din ang 4 detalye gaya ng 5 , tagpuan atsuliranin kung ito’y kuwento. Kung sanaysay naman, mahalagang isulat ang mga6 ginamit at ang 7 nito sa kabuuan ng akda kung igagawa ng8 , gamitan ito ng bilang 9 para sa mga 10 paksa atmalaking letrang A, B, C sa mga pantulong na paksa. Romano Tauhan mahahalagang pantulong terminong pagbasa pagsama-samahin pagkakasunud-sunod balangkas kaugnayan ulat pangunahing salitang4. Paunlarin mo . . . Kung ang iskor na iyong nakuha sa pagsubok ay walo (8), maaari ka nang magsimula sa Aralin 2, subalit kung mababa rito ang iyong iskor, kailangan mo munang sagutin ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na aralin. Handa ka na ba? Magsimula ka na! Panuto: Piliin at isulat lamang kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag na matatagpuan sa susunod na pahina. 15
1. Ang banghay ng mga impormasyong ilalahad. Nakatala ang mga ito ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga impormasyon.2. Pinaikling ulat ng isang teksto o akda.3. Ang mga numerong dapat gamitin sa mga pantulong na detalye.4. Ang nararapat isulat sa malalaking letra ng isang ulat o buod.5. Ang tawag sa pinagkunan ng buod ng isang akda o teksto.Pagpipilianbalangkas sipi Romano orihinal na akdamalaking letra buod pamagat arabikoARALIN 2: Pagsulat ng Buod ng Isang AkdaAnu-ano ang mga tiyak namatututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod nakasanayan: 1. Nahahango ang mga makabuluhang kaisipan sa akdang binasa 2. Nagagamit nang wasto ang mga kaalamang gramatika gaya ng pagbuo ng pangungusap at pagkilala sa maayos at mabisang pangungusap 16
3. Nakasusulat ng isang buod na may malinaw na presentasyon ng mga kaalaman4. Nakasusulat ng isang buod batay sa tamang format at pagbubuo Anu-ano na ang mga tiyak na alam mo? Sa pagbubuod ng isang akda, mahalagang malamang hindi kinakailangan angmaliligoy o paulit-ulit na paggamit ng mga salita. Dapat na ito’y maging tiyak, payak atmaayos upang madaling maunawaan ng sinumang babasa. Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko para sa iyo upang mataya kung gaano kakahusay bumuo ng mga pahayag.Panuto: Piliin at isulat ang mga salitang hindi na kailangan pa sa pangungusap at hindi makapagpapabago sa mensaheng nais nitong iparating.1. Pumasok siya sa loob ng silid at nagsimulang mag-ayos ng mga gamit.2. Naging abala siya ng mga nakaraang araw sa paghahanda sa nalalapit niyang kaarawan sa okasyon.3. Sinimulan niyang ayusin ang mga gamit na nakapatong sa ibabaw ng mesa.4. Nang kanyang buksan ang nakasarang kabinet, may lumabas na bubuwit.5. Mabilis ang karipas ng takbo ng bubuwit kaya’t hindi ito inabot ng kanyang pamalo. Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo . . . Minsan, nakabasa ka ng mga pahayag na masyadong matalinghaga o malalim ang kahulugan. Kung ito’y ginamit sa akdang igagawa mo ng buod, mahihirapan ka kung di-mauunawaan ang mga kaisipang nais nitong ipahayag. Mahalagang malaman ang mensaheng nais ipakahulugan ng mga salawikain o kasabihan upang di maging sagabal sa pag-unawa ng akdang binabasa. Kaya mo bang ibigay ang kaisipang napapaloob sa pahayag na nakasulat sa ibaba? Panuto: Isulat ang letra ng kaisipang tumutugon sa bawat pahayag. 1. Anak na di-paluin, ina ang patatangisin 17
2. Ang di marunong lumingon sa pinanggalingan, di makakarating sa paroroonan 3. Higit na matibay ang walis kung ito’y nabibigkis 4. Sa taong may hiya, ang salita’y panunumpa 5. Sa likod ng ulap, naroroon ang liwanag A. Pagkakaisa ng lahat B. Pagtupad sa pangako C. Pag-asa sa buhay D. Pagtanaw ng utang na loob E. Pakikitungo sa kapwa F. Pagdisiplina sa anakGawain 1: Paghango ng mga makabuluhang kaisipan sa binasa. Panuto: Basahing mabuti ang talata. Pagkatapos, piliin ang kaisipang mahahango rito. Letra lamang ang isulat. 1. Kung dumarating ang mga pagsubok, ito ay inyong harapin. Lagi ninyong gawin ang matuwid. Linangin ninyo ang mabuting gawi upang hindi laging humihingi ng paumanhin. Kung dumarating na ang mga kahirapan na wari ay humahadlang sa inyo, harapin ninyo ito at subukin ang lahat ng paraang maaaring ikalutas nito upang makapagpatuloy kayo sa inyong magagandang balak. a. Supilin ang sarili sa paggawa ng masama upang hindi makasakit ng kapwa. b. Humingi ng paumanhin sa mga taong nagawan ng pagkakamali. c. Huwag mawawalan ng loob sa tuwing mahaharap sa pagsubok upang makamit ang anumang minimithi sa buhay. d. Taglayin sa tuwina ang magagandang-asal upang patuloy na matamo ang mga biyayang kaloob ng Maykapal. 2. Kung ang mga tao’y marunong gumamit at mangalaga sa mga likas na kayamanan ng bayan, sila’y di mawawalan ng gawain. Ang paninira at walang patumanggang pagpuputol ng ating mga punungkahoy sa gubat. Ang pangingisda sa pamamagitan ng lason at dinamita at ang pagbibili ng ating lupain sa mga banyaga ay pawang nakapipigil sa pag-unlad natin. a. Nakaaapekto sa pag-unlad ng kabuhayan ang kawalan ng pagmamalasakit natin sa kalikasan. b. Nagbibigay ng iba’t ibang hanapbuhay sa mga mamamayan ang mga likas- yaman ng ating bayan. c. Nakaaapekto sa ating buhay ang pagpuputol ng mga punungkahoy, paggamit ng dinamita at pagbebenta ng mga lupain sa dayuhan. d. Nawawalan ng pag-asa ang mga mamamayan sa pagkasira ng ating kalikasan. 18
3. Kung ang bawa’t tao’y nakakikilala sa Diyos, wala nang digmaang magaganap, alitan at kaguluhan. Wala nang piitan sapagkat wala nang gagawa nang masama. a. Maiiwasan ang paggawa ng masama kung matututo lamang magdasal ang tao. b. Hindi kailan man makagagawa ng masama ang taong nakakikilala sa Diyos. c. Walang digmaang magaganap kung tatanggapin ng tao ang Diyos sa kanyang buhay. d. Namamayani ang kapayapaan at kabutihan kung ang bawa’t tao’y may takot sa Diyos.4. Hindi sapat na mabuhay lamang nang matagal. Kailangang maging kasiya-siya ang panahong itatagal natin sa daigdig. May malaking kinalaman dito ang pamimili ng wastong pagkain. a. Nakapagpapahaba ng buhay ang pamimili ng wastong pagkain. b. Gawaing kasiya-siya ang buhay na ilalagi sa mundo sa pamamagitan ng wastong pagkain. c. Nakatutulong nang malaki ang pamimili ng wastong pagkain sa pananatili ng mahaba at kapaki-pakinabang na buhay. d. Magiging kasiya-siya ang buhay kung mapananatili natin itong malakas at malusog.5. Magiging maligaya ang ating pamumuhay kung tayo’y magtataglay ng ganap na kalusugan – malusog na pangangatawan, isipan at emosyon. a. Matatamo ang kaligayahan sa buhay kung ang isang tao’y may malusog na pangangatawan at isipan. b. Kalusugan ng katawan, isipan at emosyon ang puhunan sa tagumpay. c. Magiging maligaya lamang ang tao kung siya’y malusog. d. Ang kalusugan ng isang tao’y matuturing na kayamanan.Gawain 2: Paggamit ng kaalamang gramatikal sa pagbuo ng pangungusap at pagkilala sa maayos at mabisang pangungusap.A. Pagbuo ng pangungusap Panuto: Isaayos ayon sa pagkakasunud-sunod ang lipon ng mga salita upang makabuo ng isang mabisang pangungusap. Mga letra lamang ang isulat. 1. Karaniwan lamang sa mga taong nakikipagtunggali sa buhay a. at matapos na b. ang maghangad na mawala c. ang mga suliranin sa buhay 19
d. nang lahat ang hirap2. Ang mumunting kabiguan a. ay nagbibigay-ningning b. sa mga mithiin c. at pangarap sa buhay d. ang pagkatalo pala3. Hanggang may nalalabing mga suliraning dapat lutasin a. at bahaginan ng kalinga at pagmamahal b. mga taong nararapat na tulungan c. ang kaganapan sa buhay d. ay hindi pa natatamo4. Ngayon ko napatunayang a. mga mahal sa buhay b. matamis palang c. makipagsapalaran d. nang dahil sa iyong5. Ngayon ko nalaman a. na hindi pala makakamit b. sa pamamagitan c. lamang ng tagumpay d. ang lubos na kaligayahanB. Pagkilala sa maayos at mabisang pangungusap. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng may pinakamaayos at mabisang pangungusap.1. a. Isang pagpapakilala ng kabutihang-asal ng mga anak at pagkilala sa kapangyarihan ng magulang ang paghalik ng kamay ng anak. b. Ang paghalik ng kamay sa magulang ng anak ay pagpapakilala ng kabutihang- asal ng mga anak at pagkilala sa kapangyarihan. c. Isang pagpapakilala ng kabutihang-asal at pagkilala sa kapangyarihan ang paghalik ng anak sa kamay ng kanilang mga magulang. d. Ang pagkilala sa kapangyarihan ng magulang at pagpapakilala ng anak ng kabutihang-asal ay maipapakita ng anak sa paghalik nila sa kamay ng kanilang magulang.2. a. Itinuturing na kalapastanganan ng isang bata ang tumawag sa kanyang b. nakatatandang kapatid nang hindi gumagamit ng mga ukol na paggalang. c. Ang tumawag sa kanyang nakatatandang kapatid ay itinuturing na kalapastanganan nang hindi gumagamit ng mga ukol na paggalang ng isang bata. Itinuturing na kalapastanganan sa kanyang nakatatandang kapatid ng isang bata nang hindi gumagamit ng mga ukol na paggalang. 20
d. Ang tumawag sa kanyang nakatatandang kapatid nang hindi gumagamit ng mga ukol na paggalang ng isang batang itinuturing na kalapastanganan sa kapatid. 3. a. Mabisang tagapagpaalala ang pagdarasal tuwing orasyon ng kanilang tungkulin sa pamilya sa lahat ng mga anak at sa mag-asawa. b. Mabisang tagapagpaalala ang pagdarasal ng orasyon sa lahat ng mga anak at sa mag-asawa ng kanilang tungkulin sa pamilya. c. Ang pagdarasal ng orasyon ay mabisang tagapagpaalala ng kanilang tungkulin sa pamilya sa lahat ng mga anak at sa mag-asawa. d. Sa lahat ng mga anak at sa mag-asawa ang mabisang tagapagpaalala ng kanilang tungkulin sa pamilya ay orasyon. 4. a. Ipinalalagay sa kawalang ng bait ng isang bata ay kakulangan sa pagtuturo ng magulang kung ang bata ay sumasali sa usapan ng matatanda. b. Kung ang bata ay sumasali sa usapan ng matatanda, ipinalalagay na kawalan ng bait ng bata at sa pagtuturo ng bata ay kakulangan. c. Kawalan ng bait ng isang bata at ipinalalagay na kakulangan sa pagtuturo ng magulang kung ang bata sa usapan ng matatanda ay sumasali. d. Kakulangan sa pagtuturo ng magulang at ipinapalagay na kawalan ng isang bata ang sumali sa usapang ng matatanda. 5. a. Naghangad ng masama sa kanyang mga anak, magulang ay wala. b. Magulang ay walang naghangad nang masama sa kanilang mga anak. c. Walang magulang naghangad nang masama sa kayang mga anak. d. Sa kanyang mga anak na naghangad nang masama, walang magulang.Gawain 3: Pagsulat ng buod na may malinaw na presentasyon ng mga kaalaman.Panuto: Piliin at isulat ang letra ng pahayag na angkop sa bawat patlang upang mabuo ang isang talatang naglalahad ng malinaw na presentasyon ng mga kaalaman. Ang walang halagang buhay ay isang maagang kamatayan. Isang kasabihan ang “marami ang may hininga subalit walang halaga.”Nabubuhay na walang katuturan at nagiging pasanin pa ng tahanan at lipunan ang mgasalarin at tamad ay kabilang sa malaking hukbo ng mga nakapagpapabigat sa kabuhayanng bansa 1. __________________________. Ang buhay na walang kinabukasan at pangarapin sa paggawa ng mabuti atpaglilingkod sa kapwa ay kawa-awang buhay. Ang taong nabubuhay sa sarili lamang aydi kataka-takang malimot ng tanan. 2.__________________________________. Hindi ang dami ng taon ng paninirahan sa daigdig ang uri ng buhay at nagawaang nagpapatingkad sa abang katauhan. Sina Rizal, Gregorio del Pilar at Wenceslao 21
Vinzons ay nagsiyao sa panahon ng kanilang kabataang gulang.3.___________________________________________Ang labis na nagpapahalaga sa pansamantalang buhay na ito ay siyang agadnawawalan. 4. ________________________________________. 5.__________________________________________________________.A. Ang buhay na handang magpakasakit alang-alang sa isang simulain sa karapatan at kaligayahan ng marami ay siyang walang kamatayan.B. Subalit sila’y magkakapatid na bituin sa kasaysayan ng maluwalhating labi na hindi malilimot kailanman.C. Kaya nga’t isang maagang kamatayan ang walang halagang buhay.D. Ang palad na inilaan sa paglilingkod sa bayan ay nananatiling kaluwalhatian.E. Sila ang mga patay sa gitna ng mga buhay.Gawain 4: Pagsulat ng isang buod batay sa tamang format at pagbubuo.Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na talata upang makabuo ng isang buod ng kuwento. Isaalang-alang ang tamang format at pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari. Isulat nang buo ang buod ng kuwento. Kuwento ni Mabuti Genoveva Edroza Matute1. Isang araw, habang siya’y tahimik na umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan, nadatnan siya ni Mabuti. Katulad niya, nagpunta rin doon ang guro upang umiyak. Hindi na siya nakaiwas pang di ipagtapat ang suliraning dinadala.2. Bukambibig ng guro ang salitang “mabuti” kaya ito ang itinaguri sa kanya ng kanyang mga mag-aaral. Isa sa kanyang mag-aaral ang lihim na humahanga sa kanya hindi sa panlabas na anyo kundi sa kabutihan ng kanyang pagkatao.3. Hanggang minsang narinig niya ang isang kamag-aral na may alam pala tungkol sa ama ng anak ni Mabuti, na ito ay isang doktor. Nabalitaan din niya ang tungkol sa pagpanaw nito.4. Dito niya lubos na naunawaan kung bakit iniiwasan ni Mabuti ang magbanggit ng kahit na ano tungkol sa kanyang asawa.5. Sa halip na pagkapahiya, dahil sa inaakalang walang halagang suliranin, pagmamalasakit ang kanyang nadama mula sa guro, sa pag-uukol nito ng panahon sa pakikinig.6. Na ito’y ibinurol hindi sa bahay ni Mabuti kundi sa ibang bahay. 22
2. Lagumin mo . . .A. Panuto: Piliin ang wastong sagot. Letra lamang ang isulat. 1. Ang pagkabigo sa isang hangarin sa buhay ay hindi nangangahulugan ng pagkabigo ng pangarap. Maraming lagusan ang isang tao na mataman at matapat niyang pagtugaygay sa kanyang layunin sa buhay. Tandaan lamang na ang Roma ay hindi naitayo sa isang araw. Anong kaisipan ang tumutugon sa talata? a. Unti-unti ang pagtatamo sa hinahangad na mga pangarap sa buhay. b. Mahirap ang mabigo sa mga layunin. c. Maraming pagtatangka ang nararapat gawin upang matupad ang mga pangarap. d. Huwag susuko sa mga suliranin sa buhay. 2. Sinasabing ang pagkasiphayo sa mga unang pagtatangka sa buhay ay nakapagpapahinahon sa isang tao upang sa mga susunod niyang pagbalangkas ay taglayin ang katalinuhan. a. Nakapagpapahinahon ang mga kabiguang nararanasan. b. Natututong magpakahinahon ang mga nakararanas ng pagkasiphayo c. Nagiging matalino ang isang taong nabibigo. d. Mabuting magturo ang karanasan. 3. Sinasabing ang lakas ng isang bansa ay nakasalalay sa kanyang mga mabuting mamamayan. Sila ang inaasahang magpapaunlad ng kanilang sariling bansa sa pamamagitan ng mabuting paglilingkod at pangangalaga sa kalagayan ng bayan. a. Sa mabuting mamamayan nakasalalay ang pagpapaunlad ng bansa. b. Mamamayan ang inaasahang mangangalaga sa bayan. c. Lalakas ang isang bansa kung pangangalagaan ang kalagayan ng bayan. d. Mapauunlad ang bayan ng kanyang mamamayan. 4. Alin sa mga pangungusap ang wasto? a. Sandigan ng kinabukasan sa bansa ang kabataan. b. Kabataan ang sandigan ng bansa sa kinabukasan. 23
c. Ang kinabukasan ay sandigan ng kabataan. d. Ang bansa sa kinabukasan ay sandigan ng kabataan. 5. Ang mga sumusunod na pangungusap ay wasto, maliban sa isa a. Dakilang mithiin ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng sambayanang Pilipino ng isang wikang pambansa. b. Pagkakaroon ng isang wikang pambansa ng sambayanang Pilipino ang dakilang mithiin ng Pangulong Manuel L. Quezon. c. Ang pagkakaroon ng sambayanang Pilipino ng isang wikang pambansa ang dakilang mithiin ng Pangulong Manuel L. Quezon. d. Mithiin ng Pangulong Manuel L. Quezon ang pagkakaroon ng dakilang sambayanang Pilipino ng isang wika.B. Basahin at unawaing mabuti ang buod ng “Sa Mga Kuko ng Liwanag”. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat. Nagpunta si Julio sa Maynila upang hanapin ang kasintahang si Ligaya Paraiso na napilitang sumama kay Gng. Cruz na nangakong magbibigay sa kanya ng hanapbuhay. Napag-alaman ni Julio na si Ligaya ay kinakasama ng isang Intsik, si Ah-tek. Nagkita ang magsing-irog at nagbalak na tumakas patungong Marinduque. Sa pagtatangkang pagtakas ni Ligaya nahuli siya ni Ah-tek at napatay si Ligaya sa sakal. Pagkatapos ng libing ni Ligaya, dali-daling nakipagkita si Julio kay Ah-tek upang maghiganti. Nagsisigaw ang Intsik kayat nakatawag ito ng pansin ng mga tao sa paligid. Sa pag-aakalang magnanakaw, hinabol siya ng taong bayan at binugbog hanggang sa mapatay. 6. Ang unang pangyayari sa kuwento ay a. pagsama ni Ligaya kay Gng. Cruz b. pagbibigay ng hanapbuhay ni Gng. Cruz c. pag-aasawa ni Ligaya d. paghahanap ni Julio kay Ligaya 7. Ang kuwento ay nagwakas sa isang a. melodrama b. komedya c. trahedya d. katatakutan 8. Ang suliraning binanggit sa kuwento ay tungkol sa a. pagiging mangmang ni Ligaya b. pagkawala ni Ligaya c. pagkapariwara ng buhay ni Ligaya d. pagkaligaw ni Ligaya 9. Ang halos kabuuan ng kuwento ay naganap sa a. Maynila b. Marinduque 24
c. Lalawigan d. Iskwater 10. Alin sa mga sumusunod na salita ang nagpapahiwatig na hindi naging maligaya sa buhay si Ligaya sa kabila ng karangyaan sa piling ni Ah-tek? a. pakikipagkasundo b. pagtakas c. pagpapakamatay d. paghihiganti3. Subukin mo . . . Isaayos at isulat ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ang buod ng kuwentong “Mabangis na Lunsod.” Isaalang-alang ang pagtatalata. 1. Sa bawat araw na pamamalimos ay kailangang magbigay siya ng piso kay Bruno, sapagkat kung hindi ay sasaktan siya nito. 2. Tanghali na’y ilang singkong bagol pa lamang ang nasa kanyang bulsa. Gutom na gutom na siya subalit kailangan pang mamalimos sapagkat pagdating ni Bruno’y tiyak na hihingin nito ang kanyang parte. 3. Buhay ni Adong ang simbahan ng Quiapo. Mawala na ang lahat huwag lamang ang simbahan at ang mga taong pumapasok at lumalabas dito. 4. Natulig siya. Nahilo at pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman ang kabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya. 5. Nahuli siya ni Bruno at dahil sa liit niya’y animo isang sisiw ang niluluray ng matitigas nitong bisig. 6. Pamamalimos ang kanyang ikinabubuhay at ito na rin ang nagsilbi niyang tirahan. 7. Ang araw na iyon ay tila ipinagkait kay Adong sapagkat kakaunti lamang ang nanlimos sa kanya. 8. Dito niya nakilala si Aling Ebeng at ilan pang pulubi. 9. Nang sabihin ni Aling Ebeng na dumarating na si Bruno, hindi takot ang kanyang naramdaman kundi paghihimagsik ng kalooban, ng pagnanais na makatakas sa anino ni Bruno, sa gutom, sa kabangisan at kapaligirang kanyang kinasusuklaman. 25
10. Tumakbo siya upang makalayo sa dumarating na si Bruno. Nagpasikut-sikot sa maliliit na iskinita.4. Paunlarin mo . . . Wasto ba ang lahat ng iyong naging kasagutan? Nangangahulugan lamang na naging maingat ka sa pagsusuri ng mga pangyayari upang maging maayos at malinaw ang buod na iyong isinusulat. Kung mayroon ka mang kamalian, muli mong balikan ang iyong ginawa upang malaman kung bakit iyon ang tamang sagot. Muli mong sagutin ang inihanda kong gawain upang mapalawak pang lalo ang iyong kaalaman. Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga pahayag upang makabuo ng isang mabisang buod ng sanaysay. Isulat ang buod. 1. Dapat nating isaisip na walang makatutulong sa ating sarili kundi tayo rin. 2. Maaaring ngayon ay malakas tayo ngunit bukas makalawa ay may mabigat na karamdaman na. 3. Kaya dapat ay mayroon tayong naitatabi upang may magamit sa oras ng pangangailangan. 4. Hindi lamang karamdaman ang dapat nating paghandaan kundi mga sakuna at di- inaasahang pangyayari. 5. Bawat tao ay kailangang matutong mag-impok para sa hinaharap. Gaano ka na kahusay?Panuto: Isaayos ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang mga pahayag upang makabuo ng isang talata. Bilang lamang ang isulat.1. Kaya dapat ay alagaan nating mabuti ang ating kalusugan.2. Kapag tayo ay may karamdaman, nauubos ang ating pera at kabuhayan sa pagpapagamot.3. Samantalang kung malusog ang ating katawan, bukod sa hindi tayo magkakagasta ay maligaya pa tayo.4. Ang kalusugan ng isang tao ay maituturing na isang kayamanan. 26
5. Hindi rin tayo makapaghanapbuhay. Susi sa Pagwawasto sa Modyul 17Anu-ano na ba ang alam mo? Gawain 21. 5 6. 6 1. pulubi2. 2 7. 7 2. C, B at D3. 1 8. 10 3. B4. 4 9. 9 4. A5. 3 10. 8 5. DAnu-ano na ang mga Gawain 3Tiyak na alam mo? I. A. Taglay na kemikal1. 12. 4 Kahit di sunud- B. Epekto ng Usok ng Sigarilyo3. 5 sunod sa Katawan4. 65. 7 C. Epekto sa Sanggol sa SinapupunanAlamin mo . . .1. A II. Sakit na Nakukuha sa Paninigarilyo2. F 2. sakit sa puso3. C4. D III.5. B A. Paggamit ng Pipa6. E IV. A. Itigil ang PaninigarilyoGawain 1 Gawain IV1. B 1. A2. A 2. B3. B 3. A4. A 4. D 27
5. C 5. C6. C 9. RomanoLagumin mo . . . 10. pangunahing1. A2. B Paunlarin mo . . .3. C 1. balangkas4. Nagtagumpay ang mama 2. buod 3. Romano sa kanyang masamang balak 4. pantulong na paksa5. Masayang Tagpo 5. orihinal na akda magkakainan Aralin 2 nagtatawanan Anu-ano ang mga Tiyan na Alam Mo? naglalakad 1. loob masaya 2. okasyon inimbitahan 3. ibabaw Nakatatakot na Tagpo 4. nakasarang 5. karipas Pinakamabagal6. Pag-anyaya ni May Alamin mo 1. F sa mga kabarkada 2. D7. Akala ko’y katapusan 3. A 4. B ko na 5. C8. B Gawain 4Subukin mo . . . Bukambibig ng guro ang salitang1. pagbasa2. pagsama-samahin “mabuti” kaya ito ang itinaguri sa kanya ng3. pagkakasunud-sunod kanyang mga mag-aaral. Isa sa kanyang4. mahahalagang mag-aaral ang lihim na humahanga sa kanya5. tauhan hindi sa panlabas kundi sa kabutihan ng6. terminong kanyang pagkatao.7. kaugnayan8. balangkas Isang araw, habang siya’y tahimik na umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatanGawain I nadatnan siya ni mabuti. Katulad niya, nag-1. C punta rin doon ang guro upang umiyak.2. A Hindi na siya nakaiwas pang di-ipagtapat3. D4. C5. AGawain 2A. 1. B D A C 2. D A B C 3. B A D C 4. B C D A 28
5. A D B C ang suliraning dinadala. Sa halip na pagkapahiya dahil sa ina-B. 1. C 2. A akalang walang halagang suliranin, pagma- 3. B malasakit ang kanyang nadama mula sa 4. A guro. Sa pag-uukol nito ng panahon sa paki- 5. C kinig .Gawain 3 Hanggang minsang narinig niya ang1. F isang kamag-aral na may alam pala tungkol2. A ama ng anak ni Mabuti, na ito ay isang dok-3. B tor. Nabalitaan din niya ang tungkol sa pag-4. C panaw nito.5. E Dito niya lubos na naunawaan kung bakit iniiwasan ni Mabuti ang magbanggit ng kahit na ano tungkol sa kanyang asawa. Na ito’y ibinurol hindi sa bahay ni Mabuti kundi sa ibang bahay.Lagumin mo . . .1. A2. B3. A4. B5. D6. A7. C8. C9. A10. BSubukin mo . . . Buhay ni Adong ang simbahan ng Quiapo. Mawala na ang lahat huwag lamang ang simbahanat ang mga taong pumapasok at lumalabas dito. Pamamalimos ang kanyang ikinabubuhay at ito na rin ang nagsilbi niyang tirahan. Dito niyanakilala si Aling Ebeng at ilan pang pulubi. Sa bawat araw na pamamalimos ay kailangang magbigay siya ng piso kay Bruno, sapagkatkung hindi ay sasaktan siya nito. Ang araw na iyon ay tila ipinagkait kay Adong sapagkat kakaunti lamang ang nanlimos sakanya. Tanghali na’y ilang singkong bago palamang ang nasa kanyang bulsa. Gutom na gutom nasiya subalit kailangan pang mamalimos sapagkat pagdating ni Bruno’y tiyak na hihingin nito angkanyang parte. 29
Nang sabihin ni Aling Ebeng na dumadating na si Bruno, hindi takot ang kanyangnaramdaman kundi paghihimagsik ng kalooban, ng pagnanais na makatakas sa anino ni Bruno, sagutom, sa kabangisan at kapaligirang kanyang kinasusuklaman. Tumakbo siya upang makalayo sa dumarating na si Bruno. Nagpasikut-sikot sa maliliit naiskinita. Nahuli siya ni Bruno at dahil sa liit niya’y animo isang sisiw ang niluluray ng matitigas nitongbisig. Natulig siya. Nahilo at pagkaraan ng ilang sandali, hindi na niya naramdaman angkabangisan sa kapayapaang biglang kumandong sa kanya.Paunlarin mo . . . Bawat tao ay kailangang matutong mag-impok. Maaaring ngayon ay malakas tayo ngunitbukas makalawa ay may mabigat na karamdaman na. Hindi lamang karamdamanang dapat natingpaghandaan kundi mga sakuna at di-inaasahang pangyayari. Dapat nating isaisip na walangmakatutulong sa ating sarili kundi tayo rin. Kaya dapat na mayroon tayong naitatabi upang maymagamit sa oras ng pangangailangan.Gaano ka na kahusay? 1. 4 2. 2 3. 5 4. 3 5. 1 30
Modyul 17 Pagsasalita Kasanayan sa Pagsulat Pagsulat Pagbasa Nakapagbibigay-reaksyon Napipili ang mahahalagang Nakabubuo ng tamang Pag sa isang halimbawa ng detalye at impormasyon sa balangkas ng isang isan buod na binasa akdang binasa buod Nasusunod ang mahahalagang hakbang sa pagbubuod Nagagamit nang wasto ang Nahahango ang mga makabu- Nakasusulat ng isang mga kaalamang gramatikal luhang kaisipan sa akdang buod na may malinaw gaya ng pagbuo ng pangu- binasa na presentasyon ng ngusap at pagkilala sa ma- mga kaalaman ayos at mabisang pangu- ngusap Nakasusulat ng isang buod batay sa tamang format at pagkakabuo 31
32
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402