Modyul Pagsasalita Ikaapat Markahan Pagsulat Pamagat GenreBilang Kasanayan 20 Pagbasa Pampantikan Nailalarawan ang Nasusuri ang Nasusuri ang Nakabubuo S D pagkilos, pananalita, pagkakapili ang akda sa ng kaukulang I U dayalogo saloobin at ng salita sa pamamagitan batay N L Ng pagtukoy paniniwala ng mga akda at sa sa sitwasyon A A natutukoy Tauhan ang mga bahaging G ibig sabihin nagpapahayag nito. Ng panlipunan N o sosyalismong G pananaw. K Natutukoy ang bisa Natutukoy A ng pagpapatawad sa ang sanhi at R bunga ng I buhay ng tao mga M pangyayari sa L akda A N 36
Modyul Bilang 20 Pagsusuri Batay sa Panlipunan o Sosyalismong Pananaw Susi sa pagwawasto Ano na ba ang alam mo? 1. R - hindi na sinusumpa ko 2. L - Ilan ang iyong anak? Sino ang nag-aalaga? 3. B - Tumakas sina Silver Boy kagabi. 4. b 5. b 6. a 7-8. a-b 9-10. a-bMga Gawain sa PagkatutoAlamin Mo…Posas, sirena, kadena, silbato, batutaLinangin Mo…Pagsusuring panlinggwistika1. P2. R - Madali lang yan. Ang aking lolo sisenta na, nanganak pa.3. K - Ayoko nga! Kung naytklab pa. Kahit anong oras.4. R - Ang dami-daming nagsisimba, pero manloloko ng kapwa, nagnanakaw, nag-iismagel.5. B - Hinay-hinay lang kaibigan. 37
Pagsusuring PangnilalamanMga Tauhan Pagkilos Pananalita Paniniwala SaloobinTony Mula sa pagiging Mapusok Ang mundo ay puno Ang mundo masama patungo sa ng kasamaan. ay bat bat ng mabuti . kapangitan.Ernan Likas na mabuti. Mahinahon Kapag may buhay Laging may- may pag-asa. pag-asangDoming Mapusok Mapusok tatanawin, Ang pagtatangggol KungBok Marahas Balbal sa karangalan ay karangalan mabisang paraan. ang kinuha dapat Habang buhay ay pagbayaran. magpakasaya. Bahala na!Halagang Pangkatauhan1. Kapag siya ay humingi ng kapatawaran.2. Kapag iniwan na niya ang kanyang kerida.3. Kapag may pagbabagong nakita.Palalimin mo…a. Maaari siyang saktan at sumbatan nito.b. Maaari siyang makulong.c. Maghahanapbuhay ako upang mabuhay.d. Maaari mapabilang na rin sa kadilimang iyon.e. Maaari siya ay maging pusukal o umiwas doon.Gamitin mo…a. Tayo ay nagkakasala rin na pinatawad ng Diyos kaya dapat rin tayong matutong magpatawad.b. Ang isang mabuting Kristiyano ay marunong magpatawad sapagkat ang kanyang tinutularan ay ang Diyos.c. Ang taong marunong magpatawad ay ginagantimpalaan ng Diyos. 38
Sulatin mo…a. Anak: Sino po yang kasabay mo? Ama: Kaibigan ko. Anak: Bakit po magkahawak ang inyong kamay? Ama: Anak…b. Bata: Ale, yong bag n’yo nilalaslas ng batang katabi mo. Ale: Magnanakaw!!!c. Myrna : Kumusta ka na? Ang tagal nating di nagkikita, matagal na kitang hinahanap. Rudy : Bakit? Myrna : Nagkaroon kasi tayo ng reunion noong nakaraang Sabado, maraming nahanap sa iyo. Ano ba ang nangyari at hindi ka nakapunta? Rudy : Nagkasakit kasi ako. Myrna : Magkikita-kita ulit tayo sa kaarawan ni Remy. Sana makadalo ka na. Rudy : Hayaan mo, pipilitin kong makarating. Myrna : Sige, magkita na lang tayo sa kaarawan ni Remy. Rudy : Salamat ha!Lagumin mo... Matapos kong mabasa at makilala ang mga tauhan sa kuwento, nabatid kong dapat tayong matutong magpatawad. Matapos kong mabasa at makilala ang mga tauhan sa kuwento, nabatid kong dapat tayong matutong magpatawad. Gaano ka na kahusay?1. R - Isang araw, mula sa isang probinsya ay umuwi ako dahil sa isang bagyo.2. P3. B4. b5. a6. d7-8 . c-d9-10. a-b 39
Modyul Blg. 21 Pagsusuri ng Sanaysay Batay Sa Teoryang Dekonstruksyon Tungkol saan ang modyul na ito?Mahal kong Mag-aaral, Magandang araw sa iyo. Kumusta ka? Muli na naman tayong magkakasama. Inaasahankong natulungan ka ng mga naunang modyul na ginawa ko para sa iyo. Muli, naghanda na naman ako ng modyul na tutulong sa iyo upang lalo mong mapaunlad atmapayaman ang iyong mga kasanayan sa pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mga araling inihanda ko, masusuri mo ang akda batay sa mga nais sabihin nito sa mgamambabasa. Maiuugnay mo ang mga tiyak na karanasan sa akda sa pansariling karanasan at sakaranasan ng iba na nabatid at nasaksihan mo. Mapapatunayan mo rin sa pamamagitan ng akda na ang kasipagan at pagsisikap aymakapagpapaunlad sa tao. Ano ang matututunan mo? Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay: Malinang ang iyong kahusayang maging mapanuri sa akdang binasa. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kagamitan mo ito bilang gabaysa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito,kinakailangang maging malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat mong sundin. Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito. 1
1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo? Layunin nitong masukat ang lawak ng kaalaman mo sa paksa.2. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, okay lang iyon. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Pag-aralan mong mabuti ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda ko. Unawain mong mabuti ang bawat panuto. Mahalaga ito upang masagot mo nang wasto ang mga pagsasanay.4. Matapos mong gawin ang mga Pagsasanay tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging, Ano Na Ba Ang Alam Mo? Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging matapat ka sa pagwawasto.5. Gamitin mo nang wasto ang modyul na ito. Kaibigan mo ito.6. Pag-isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito.7. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng sagutang papel o notebuk.Pahalagahan mo ang modyul na ito. Ito’y iyong kaibigang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Ano Na Ba Ang Alam Mo?Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.A. Salungguhitan ang salita na may pantig na inulit sa loob ng pahayag. 1. Huwag kang mainggit sa nakikita mong kaunlaran ng ibang bansa. 2. Ang mga paghihirap at pasakit ng isang tao ay di dapat maging sagwil sa katuparan ng mga pangarap nito. 3. Ang mga kaunlarang naganap sa iyong paligid ay maliwanag na patotoo ng pagbangon ng iyong bansa.B. Piliin sa Hanay B ang letra ng kaugnay ng pahayag sa Hanay A.Hanay A Hanay B4. Sinakop ng mga dayuhan ang bansa a. Ang ibang Pilipino’y pumanig sa mga5. Ginawang alipin ng mga dayuhan ang dayuhan. mga Pilipino sa sariling bansa. b. Naging sunud-sunuran ang mga6. Nagkaroon ng pagkakahati- hati ang Pilipino sa bawat naisin ng dayuhan. damdaming–bayan. c. Nalugmok sa hirap ang bansa at ang mamamayanC. Panuto: Piliin at isulat ang maaaring kahinatnan ng isang taong binabanggit sa sitwasyon. 7. Ang mga bayani’y dumanas ng katakut-takot na hirap makamit lamang ang hinahangad na kalayaan. 2
a. Patuloy na sinisikil ng dayuhan ang kalayaan ng mga Pilipino. b. Lumaya ang mga Pilipino. c. Patuloy na naghari ang mga dayuhan sa bansa. d. Lahat ng binanggit. 8. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kamalayang panlipunan? a. Paghahangad ng kalayaan ng bansa b. Paghahangad ng personal na kaunlaran c. Paghahangad ng pagkakaunawaan sa pamilya d. Lahat ng nabanggit e.D. Panuto: Isulat ang P kung ang pahayag ay nagpapakita ng positibong pananaw at N kung negatibong pananaw. 9. Dapat na ang pamahalaan ay magbigay ng kaunlaran sa mga mamamayan. 10. Kailangang tumulong ang mga mamamayan sa ikauunlad ng bayan.II. Aralin 1. Si Rizal at Ang Sinasabing Katamaran ng mga PilipinoA. Anu-Ano Ang Mga Tiyak Mong Matututunan?Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang;1. Nabibigyang kahulugan mo ang mga pahiwatig.2. Nasusuri mo ang akda batay sa mga nais sabihin nito sa;- sarili - sa isang indibidwal- sa ibang tao - sa kalahatan3. Naihahanay mo ang mga tiyak na bahagi ng akda sa mga dati nang kaalaman tungkol sakasaysayan ng tao.4. Nakapagpapatunay ka na ang kasipagan ay nakapagpapaunlad sa tao.5. Nasusulat mo ang mga makahulugang pahayag / kaisipan na kaugnay ng binasang akda. Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin Mo… Dumarating sa isang tao ang panahon okalagayan na minsan ay ayaw niyang gumawa omagtrabaho. 3
Batay sa iyong sariling karanasan, anu-ano ang mga dahilan bakit dumarating sa iyo ang panahong ayaw mong gumawa o magtrabaho.A. Panuto: Isulat sa loob ng bilog ang maaaring mga dahilan kung bakit hindi gumagawa o nagtatrabaho ang isang tao na hindi maituturing na katamaran. Piliin ito sa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Mga Sanhi o dahilan ng hindi paggawa / pagtatrabaho ng isang tao.masama ang pakiramdam mahina ang resistensiyanapakainit ng panahon may pera na ibabayad sa katulongayaw pawisan kakulangan sa gamithindi kaya ng katawan ang trabaho 4
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ang sinagutan mong mga pagsasanay ay may kinalaman sa akdang iyong babasahin. Handa ka na ba? Basahin mo na!2. Basahin Mo… Si Rizal at Ang Sinasabing Katamaran ng Mga Pilipino (Sanaysay) Inakala kong isang mabuting patakaran ng isang bansang umiibig sabayan ang paggunita kung di man ang pagbuhay sa lahat ng mabubuting binhi,aral at simulain ng kanyang bayani. Ang martir ng Bagumbayan ay dinadakila,pinupuri at halos sinasamba ng sambayanang Pilipino dahil sa kanyangkagitingan at malaking pag-ibig sa tinubuang bayan, kaya’t hindi magigingkalabisan, manapa’y lalong angkop na halawin ang isa sa kanyang sinulat ukolsa isang paksa na iilang panahong pinag-ukulan ng pansin at pagkukuro ng atingmga palasuri at palaaral. Ang tinutukoy ko’y ang kanyang mga lathalain sa La Solidaridad na maykinalaman sa tinutuligsang umano’y katamaran ng mga Pilipino. Hindi marami ang nagkapalad na makabasa ng La Solidaridad, at angmga nakabasa ay yaong marurunong lamang ng wikang Kastila noong maymahigit na isang salinlahing nakaraan. At sapagkat ang paksang kanyang pinag-ukulan ng kuro ay mahalaga sa kasaysayan ng lahi, minarapat namingbumanggit nang pahapyaw sa makatwirang paninindigan ng bayani sa nasabingpaksa. May palagay ang ating bayaning Rizal na lahat ng pagtuligsa sasinasabing katamaran ng mga Pilipino ay anak lamang ng masamang palagay,maling pagkilala, kasahulan ng sariling kuro, kakapusan ngpagmamatwid,kamangmangan sa nakalipas, at iba pa. Sinasabi niyang ang pagtuligsa ay nag-ugat sa mga narinig lamang ng mga sumusulat at sa hilig na pagpapasama gayondin sa masamang kaugalian ng ilan na ipalagay na mabuti ang ganang kanila atmasama ang sa iba. Ngunit ang ating bayani, palasuri sa kabuhayan ng mga tao, bayan atlahi, gumagamit ng salaming walang kulay, may panukat na di madaya kundi 5
bagkus naglalantad ng kanyang kuro ay nagpapaliwanag sa isang paraangkasiya-siya. Hindi niya itinakwil na may matatagpuang katamaran sa mga Pilipino.Ipinahayag niyang sa pagsusuri sa lahat ng tao at sa lahat “Naming kilala simulasa kabataan ay nababakas ang isang katamaran.” Gayon man, gaya ngkatotohanan walang nangyayaring di may dahilan, hindi walang sanhi anggayong ugali ng mga kababayan natin. “Ang pangunahing sanhi, aniya, ay nag-ugat sa hilig dahil sa dinababagong takbo ng panahon.” Bilang isang paghahambing ay kanyang sinabi. “Ang mainit na singawng panahon ay pumipilit sa isang tao na manahimik at magpahinga, gaya rin ngpangyayaring ang lamig ay nagtataboy sa tao upang gumawa at maging masigla.Dahil dito, ang Kastila ay lalong tamad kaysa Pranses; ang Pranses ay lalongtamad kaysa Aleman.” At ang kanyang dugtong: “Ang Europeo ring ito nalabis-labis magparatang ng katamaran sa mga tao sa mga kolonya (at angbinabanggit niya na hindi na ang mga Kastila lamang kundi ang mga Aleman atIngles) ay paano nangamumuhay sa mga bayang mainit ang singaw? Naliligidng mga utusan, kailanman ay hindi sila naglakad kundi lulan ng mga sasakyan;at kinakailangan ang mga alila hindi lamang upang mag-alis ng kanilang botakundi upang sila’y abanikuhan o paypayan. Anupa’t sa kanyang pansin, sila’y nabubuhay na sagana, kumakain namabuti, at gumagawa sa kanilang sariling kabutihan, samantalang ang mgaPilipino ay di man makatikim ng masarap na pagkain; walang inaasahan atgumagawa para sa iba at gumagawang hirap at napipilitan. Marahil, aniya pa, ay sasabihin ng mga puti na sila’y sadyang hindihiyang sa panahon dito ngunit iya’y isang pagkakamali sapagkat ang tao’ymaaaring mabuhay sa alin mang singaw ng panahon. Ang pumapatay sa mgaEuropeo sa mga bayang mainit ay ang pagmamalabis sa alak, sapagkat ibignilang ugaliin sa ilalim ng ibang langit ang pinagkaugalian nila sa kanila. Ipinaliwanag ni Rizal sa mga bansang mainit at ang singaw ay hindi mabuti,ang mahihirap na gawain, samantalang sa mga bayang malalamig, ang hindipagkilos ay nangangahulugan ng paninigas sa lamig; ang hindi paggawa aykamatayan. Kaya naman ang kalikasan na nakaunang tulad ng isangmakatarungang ina ay nagdulot ng matabang lupain bilang gantimpala, at angpagbubungkal dito ng isang oras katumbas ng gawain sa isang araw sa mgalupaing malalamig. Gayunman ay sinasabi niyang hindi ligtas sa katamaran ang mga Europeo.At ang kanyang tanong: “Hindi ba natin nakikitang ang masiglang Europeo,yaong pinalakas ng taglamig ay nagsisilisan sa kanilang gawain sa maiklingpanahon sa kasasalita at kakukumpas sa lilim, at tabi ng isang kainan, 6
nagtutungo sa mga paliguan at nag-uupuan at pagpapalakad-lakad? Gaano pa samga bayang mainit na ang dugo ay pinususubo ng walang hulaw na init ng araw,at ang paggawa nakapanlalata sa pagod?” Bukod diyan ay may mainam siyang banggit sa mga bagay na nasaksihan saMaynila: “Sino ang tamad sa mga tanggapan ng Maynila, ang kawawangkawaning pumapasok mula sa ika-8 ng umaga o ang umuuwi bagomagtanghaling-tapat ang walang ginagawa kundi ang humitit, magkatang ngpaa sa silya o sa mesa at makipag-usap sa kanyang kaibigan ukol sa kasamaanng iba?” Palibhasa’y isa siyang manggagamot at dalubhasa, inihambing ni Rixal angkalagayan ng katamarang ipinararatang sa mga Pilipino sa isang maysakit,ngunit ipinakilalang ang pagkakasakit o paglubha ng karamdaman ay hindi dahilsa panghihina ng mga sangkap ng katawan kundi dahil sa masamang pagtinginng manggagamot o ng pamahalaan. Gayon man, ang sisi ay ibinubunton sabalana ay ayaw aminin ang sariling pananagutan. “Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindiminana.” At ang kanyang pahayag ay pinatunayan niya sa pagsasabing ang libu-libong Pilipino, bago dumating ang mga Europeo ay may masiglangpakikipagkalakalan sa lahat ng bansang karatig gaya ng Tsina, Borneo atMolukas. Ipinaliwanag niyang nang dumating si Pigafetta, kasama niMagallanes sa unang pagdaong sa Samar ay nakatagpo sila roon ng mgakalakal, samantalang sa Butuan ay nasaksihang ang mga tao’y gumagamit ngmga damit na yari sa seda at mga balaraw na may puluhang ginto. Ang kanilangpangunahing kalakal ay bigas, dalanghita, limon, at sagana sa kabuhayan sakapuluan, maging sa Palawan, bukod sa ang lahat halos ay gumagawa sakanilang sariling bukid. Sinabing limampung taon bago dumating ang mga Kastila sa Luzon, angmga mamamayan dito ay nakauunawa ng wikang Kastila. At ang ekspedisyonni Legaspi sa Butuan ay nakatagpo ng mga mangangalakal na taga-Luzon, namay paraw na puno ng pagkit, kumot, porcelana at iba pa, samantalang sa Cebuay may saganang mina at sangkap na yari sa ginto, matao at laging dinadatinganng mga sasakyang buhat sa Indiya. Nang sunugin ng mga Kastila ang mgakabuhayang ikinaramay ng maraming kaluluwa, ang kapintasan ay madalaingnalunasan ng saganang sangkap at ani sa mga pulong kanugnog. Bilang pagpapatotoo sa lahat ng iyan ay kanyang tinukoy hindi lamang siMorga, hindi lamang si Chirino, kundi pati sina Colin, Argensola, Gaspar de SanAgustin at iba pang nag-ukol ng pansin sa ating kalakal at kabuhayan ng mgapanahong yaon. 7
Lumilitaw na ang mga Pilipino sa kabila ng singaw ng panahon, sa kabila ngkanilang kaunting pangangailangang(kakaunti noon kaysa ngayon) ay hindi ngatamad na katulad ng mga Pilipino ngayon, at maging ang moral at ugali ay hindirin kagaya ng kanilang inaambil sa atin. At ang mahalagang suliranin ay ito: Ano ang dahilang nakatulong sa pagkakatulog ng nakamumuhing hilig naito ng mga Pilipino? Bakit ang sambayanang Pilipino, dating maibigin sakanilang kaugalian ay tumalilis sa dating hilig ssa paggawa, sa kalakal at sapaglalakbay sa ibang nasa hanggang sa lubusang malimot ang kanyangkahapon? “Ang ugat ng hilig na ito ngayon sa hindi paggawa ay ang kamatay-matayna dagok ng mga pangyayari, ang nabigong pagsisikap ng mga tao, angkadunguan at kamangmangan, mga maling simulain, at iba pang bunga ngkapusukan, na humahamon sa katamaran na naging malubha sapagka’t sa halipna lunasan sa pamamagitan ng katalinuhan, ng mga maingat na pagbubulay-bulay at pagkilala sa kamaliang nagawa ng masamang pulitika, sa kabulagan atkapabayaan ay lalo’t lalo pang lumala hanggang sa kasalukuyang kalagayan.” Sapagka’t dumating ang mga digma nagkaroon ng mga ligalig na bunga ngpagbabago ng mga pangyayari. Maraming labanan ang kinasuungan.Nagkaroon ng mga patayan at paghihinalaan ukol sa paghihimagsik. Atmaidaragdag pa riyan ang panunulisan ni Limahong at ang di matapus-tapos napakikipag-hamok na kumakaladkad sa mga Pilipino upang ipagtanggol angkarangalan ng Espanya, at ang pagpapalawak ng kapangyarihan ng mga Kastilasa Borneo, Molukas, Indo-China at ang bunga ng kanyang gawain ay magigingsanhi ng kanyang pagkasawi.” Sa dakong huli ng lathala ni Rizal ay sinasabing “gumagawa ang tao dahil saisang layunin; alisin mo ang layuning iyan at siya’y mananatili sa di paggawa.” Idinugtong pa niyang “ang pinakamasipag na tao sa daigdig aymaghahalukipkip ng kamay buhat sa sandaling makilala niyang kabaliwanlamang ang gumawa nang walang mapakikinabangang at ang bunga ng kanyanggawain ay magiging sanhi ng kanyang pagkasawi.” Ang mga Pilipino ayon sa bayani, ay nagsikap na ring magapi angnaghaharing katamaran; ngunit marami diyang kalaban at hindi siyanagtagumpay. Nagbigay pa nga ng masamang halimbawa ang pamahalaang nakasasakop,ayon kay Rizal, sapagkat sila’y naliligiran ng mga utusan at inaaring hamak sapaggawa. Hindi pa nasiyahan sa ganyang simulaing inihasik ay nagturo pa ng sugal atang sugal ay nakapagpapatamad. 8
Sa pangwakas na bahagi ng kanyang lathala ay sinabi ng bayani na kungwalang paturuan at laya, ang isang lupain ay hindi magkakaroon ngpagbabagong anuman, walang paraang maaaring magawa upang makapagdulotng pinakamimithing bunga. Matapos mong basahin ang akda, gawin mo ang sumusunod na gawainupang matiyak kung ito’y iyong naunawaan.3. Linangin Mo…a. Pagsusuring Panlinggwistika Ang kakayahang makapagbigay ng pahiwatig o konotasyon ay isang kasanayang dapat linangin sa isang mambabasa. Panuto: Lagyan ng tsek () ang patlang kung wasto ang pahiwatig sa bawat pahayag. 1. Gumagawa ang tao dahil sa isang layunin. _____ Pahiwatig: Nagsisilbing inspirayon sa tao upang gumawa o magtrabaho ang kanyang ambisyon sa buhay. 2. Ang pinakamasipag na tao sa daigdig ay maghahalukipkip ng kanyang kamay sa sandaling makilala niyang kabaliwan lamang ang gumagawa nang walang mapakikinabangan. _____ Pahiwatig: Kaya gumagawa o nagtatrabaho ang isang tao ay dahilan sa may kabutihan siyang matatamo mula rito. 3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang sakit na malubha ngunit hindi minana. _____ Pahiwatig: Likas sa Pilipino ang pagiging tamad. 4. Ayaw gumawa o magtrabaho ang isang tao kapag alam niyang hindi sapat . ang makukuha niyang pakinabang mula sa paggawa. _____ Pahiwatig: Ang ano mang gawain ay dapat na magkaroon ng karampatang pakinabang. 5. Ang taong walang laya sa paggawa nang ayon sa kanyang kagustuhan ay mawawalan ng gana sa pagtatrabaho. 9
_____ Pahiwatig: Kapag gusto ng isang tao ang kanyang ginagawa, magtatrabaho siya nang maayos. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.b. Pagsusuring Pangnilalaman Sinasabing ang isang mabuting akdang pampanitikan ay dapat na mag-iwan ng mensahe sa kanyang mga mambabasa. Panuto: Isulat ang M sa patlang kung ang mensahe o isang katotohanang nais sabihin ng akda ay para sa mag-aaral, P kung sa isang Pilipino at S kung para sa sambayanan. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel ______ 1. Ang isang mabuting patakaran ng bansang umiibig sa bayan ay paggunita kung di man ay pagbuhay sa lahat ng mabubuting binhi, aral at simulain ng kanyang mga bayani. ______ 2. Ang tao’y maaaring mabuhay sa alin mang singaw ng panahon. ______ 3. Ang katamaran ng mga Pilipino ay isang malubhang sakit ngunit hindi minana. ______ 4. Gumagawa ang tao dahil sa isang layunin; alisin mo ang layuning ito at siya’y mananatili sa hindi paggawa. ______5. Ang pagmamahal sa paggawa ay nagsisimulang sumapuso ng isang nilikha mula pa lamang sa kanyang paglaki. Iwasto mo ang iyong sagaot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. c. Pagsusuring Pampanitikan Sa pagdedekonstrak ng isang akdang binasa, maaaring tingnan ang mga tiyak na bahagi na posibleng may kaugnayan sa mga umiiral na kaalaman tulad ng kasaysayan. Sa ganitong pagbasa, inihahanay ang mga tiyak na kaalaman sa akda sa dati nang kaalaman Panuto: Suriin ang akda. Pag-ugnayin ang mga katotohanang inilahad sa akda sa 10
mga kaalamang pangkasaysayan na binanggit dito. Isulat ang letra ngpahayag sa Hanay B sa kaugnay ng pahayag sa Hanay A. Hanay A Hanay B Mga Kaalamang Binanggit sa Akda B. Kaalamang Pangkasaysayan1 Ang mga Pilipino ay di man a Hinayaan ng mga dayuhang Kastila makatikim ng masarap na pagkain; na manatili at maghari ang walang inaasahan at gumagawa para kamangmangan sa Pilipinas upang sa iba at gumagawang hirap at malaya nilang magawa ang balang napipilitan. naisin nila sa mga Pilipino.2 Ang libu-libong Pilipino, bago b Sa sandaling mapaunlad at dumating ang mga Europeo ay may mapagyaman ng isang Pilipino ang masiglang pakikipagkalakalan sa kanyang lupang sinasaka noon, ito lahat ng bansang karatig tulad ng ay kinakamkam ng mga Kastila at Tsina, Borneo at Molukas. kapag sila’y tumututol, kamatayan ang matatamo nila.3 Ang ugat ng hilig na ito ngayon sa hindi paggawa ay ang kamatay- c Pawang lumaking alipin at busabos matay na dagok ng mga pangyayari, ng mga dayuhang Kastila ang mga ang nabigong pagsisikap ng mga tao Pilipino. sa kadunguan at kamangmangan, mga maling simulain at iba pang d Dahilan sa mga kaapihan at bunga ng kapusukan, na kalupitang dinaranas ng mga humahamon sa katamaran na naging Pilipino sa kamay ng mga Kastila, malubha. maraming pag-aalsa ang naganap na naging dahilan ng kamatayan ng4 Ang pinakamasipag na tao sa mga Pilipino. daigdig ay maghahalukipkip ng kamay buhat sa sandaling makilala e Pinatunayan nina Morga at niyang kabaliwan lamang ang Chirino, na may masiglang gumawa nang walang kalakalan ang Pilipinas sa iba pang mapakikinabang at ang bunga ng bayan bago dumaong sa Pilipinas si kanyang gawain ay magiging sanhi Magellan. ng kanyang pagkasawi.5 Ang kamangmangan at paghihirap ay naging dahilan ng lalo pang pagkawala ng interes ng mga Pilipinong gumawa.Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.d. Halagang Pangkatauhan 11
Ang kasipagan ay kapatid ng kaunlaran.Panuto: Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng letra sa loob ng kahon ng kaisipan na bubuo dito. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 2. ________1. _______ _______ 3. Ang taong masipag ay . . 5. _______ ________ 4. a. matiyaga at masikap d. malayo sa sakit b. may mabuting kinabukasan e. dapat mangibang-bansa c. huwaran ng lahat f. hindi dapat tumulong sa kapwa4. Palalimin Mo… Panuto: Piliin sa dakong ibaba ang letra ang pahayag na magpapatotoo sa mga kaisipang 12
nasa loob ng kahon.a. “Ang pangunahing sanhi ng katamaran ay nag-ugat sa hilig dahil sa di nagbabagong takbo ng panahon.” Patunay: 1. _______ 2. _______b. “Ang mainit na singaw ay pumipilit sa isang tao na manahimik at magpahinga.” Patunay: 1. _______ 2. _______ “Gumagawa ang isang tao dahil sac. isang layunin.” Patunay: 1. _______ 2. _______d. “Ang mga Pilipino ay nagsikap na magapi ang naghaharing katamaran,” Patunay: 1. _______ 2. _______e. “Kung walang paturuan at laya, ang isang lupain ay hindi magkakaroon ng pagbabagong anuman.” Patunay: 1. _______ 2. _______ a. Ang mga paaralan ay nagbubukas ng isipan ng tao upang maghangad ng pagbabago. b. Maraming bisyo ang nagpapatamad sa tao upang gumawa. c. Pinapawisan nang matindi ang isang tao kapag mainit ang singaw ng panahon na nagpapahina sa kanya. d. Gumagawa ang tao para sa katuparan ng kanyang ambisyon. e. Nadadaig ng pagnanais ng kaginhawahan ng katawan ang isip ng tao. f. Isa sa mga kalaban ng tao sa paggapi ng katamaran ay ang nagkalat na bisyo. g. Ang pagyaman ay isa sa dahilan kung bakit gumagawa ang tao. h. Nakapagpapahina ng katawan ang init ng araw. i. Umuubos ng maraming oras ang di makatwirang hilig. j. Ang tao ay lagi nang naghahangad ng kalayaan. 13
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin Mo. . . Magagapi ng tao ang naghaharing katamaran kung magiging matatag lamang siya na ito’y labanan Panuto: Lagyan ng tsek () ang mga letra ng mga bagay na magagamit ng tao upang magapi niya ang katamaran. Mga sandatang a. dasalmagagamit ng tao b. pera c. determinasyon upang magapi d. ambisyon ang katamaran. e. edukasyon f. sakit g. karangalan h. kaibigan i. kasaganaan j. kamangmangan Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo. . . Panuto: Ayusin mo ang mga ginulong parirala upang mabuo ang kaisipang kaugnay ng binasang akda. 1. ang kahirapan / masipag at matiyaga / sa taong / walang puwang 2. sa kahirapan / ang kasipagan / lamang ang / maaaring panlaban. 3. ay malayo / ang taong masipag / sa kahirapan7. Lagumin Mo. . . Panuto: Buuin ang sumusunod sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng pahayag na bubuo 14
sa kaisipan nito.a. _______________ _______________ Matapos kong _______________ mabasa ang akda, nalaman ko na. . .a. Hindi likas sa Pilipino ang katamaran.b. Walang dahilan upang maging tamad ang Pilipino.c. Hindi papayagan kailanman ng ating bayani na aglahiin ang kanyang mga kababayan.d. Maraming dahilan upang hindi gumawa ang isang tao.e. Minana ng mga Pilipino sa kanilang ninuno ang katamaran.b. Matapos kong __________ mabasa ang akda __________ naramdaman ko . . __________a. Ang pagkahiya dahil tamad ang lahing pinagmulan ko.b. Pagmamalaki para kay Dr. Jose Rizal sa ginawa niyang pagmamalasakit para sa kapwa niya Pilipino.c. Kalungkutan dahil gumagawa ng dahilan ang iba kong kapwa Pilipino upang hindi magtrabaho.d. Natutuwa ako para sa ilang Pilipino na kahit maraming balakid upang magtrabaho ay nagsisikap sila.e. Pagkainis dahil mainit ang ating klima.8. Subukin Mo. . . Panuto: Isulat ang T kung ang kaisipan ng pahayag ay angkop sa kaisipan ng binasang akda at M kung hindi. ______1. Tinanggap ni Dr. Rizal na ma’y natagpuan ngang katamaran sa mga Pilipino, ngunit ayon sa kanya ito ay bunga ng maraming bagay na hindi nila kayang kontrolin. ______2. Tunay na masipag ang mga Europeo dahil maunlad ang kanilang buhay at 15
hindi sila umaasa sa Pilipino. ______3. Naging biktima ng pagsasamantala ng mga dayuhang Kastila ang mga Pilipino. ______4. Ang paggawa sa ilalim ng init ng araw ay nakapanlalata ng katawan. ______5. Lugmok ang Pilipinas sa kahirapan bago pa mandin dumating ang mga dayuhan sa Pilipinas. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo ay 4 – 5 , huwag mo nang gawin pa ang susunod na gawain. subalit kung 3 pababa, gawin mo ito.9. Paunlarin Mo. . . Panuto: Itsek ang bilang ng pantulong na kaisipang angkop sa punong kaisipan. 1-2. Maraming dahilan ang sinasabing katamaran ng mga Pilipino. a. Labis na mainit ang klima ng bansa. b. Ayaw gumawa o magtrabaho ng mga Pilipino sapagkat kinakamkam ng mga dayuhan ang kanilang kabuhayan oras na umunlad sila. c. Hindi kailanman umunlad ang Pilipinas dahil tunay na tamad ang mga Pilipino. d. Ang pagtatrabaho ay para sa matatanda lamang. 3-4. Gumagawa ang tao dahil sa isang layunin. a. Nagnanais ng kaunlaran ang isang tao kaya siya nagsisikap. b. Ambisyon ang nagsisilbing inspirasyon upang gumawa ang tao. c. Kapag walang hinahangad ang isang tao sa kanyang buhay hindi na dapat siyang magtrabaho. d. Huwag nang magtrabaho kung mayaman ang mga magulang.VI. Aralin 2 - Mga Latay (Sanaysay) ni: Conrado CastilloA. Anu-Ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo? Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mgasumusunod na kasanayan. 1. Nakikilala ang bisa ng pag-uulit ng mga salita, pantig o letra sa kabisaan at kasiningan ng akda. 2. Nakapag-uugnay ng mga tiyak na karanasan sa akda sa; - pansariling karanasan - karanasan ng ibang tao na nabatid - karanasan ng ibang tao na nasaksihan 16
3. a. Nakabubuo ng pansariling paghihinuha tumgkol sa kahihinatnan ng tauhan sa akda. b. Naiisa-isa ang mga kamalayang panlipunan na inilahad sa akda. 4. Napatutunayan na ang ikauunlad ng tao ay nasa sa kanya na ring pagsisikap. 5. Nakasusulat/nakabubuo ng mga pahayag na kaugnay ng paksang binasa. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo. . . Panuto: Isulat sa bawat panahong nakahanay ang mga pangyayaring naganap sa kasaysayan na nakatala. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Panahon ng Kastila Panahon ng Hapon Panahon ng Amerikano1. ________________ 1. __________________ 1. __________________2. ________________ 2. __________________ 2. __________________3. ________________ 3. __________________ 3. __________________ Mga Pangyayari sa Kasaysayan ng Pilipinasa. Opisyal na patakarang inilabas noong Disyembre 21, 1898 na tinawag na MakataongAsimilasyon na ang layunin ay sanayin ang mga Pilipino sa pagsasarili at gabayan ng demokratikong pamamahala.b. Itinatag ang pamahalaang sibil sa mga pook na humupa na ang pakikipaglaban ng mga Pilipino.c. Pinangunahan ni Diego Silang ang pag-aalsa sa Vigan, Ilocos Sur na umabot hanggang Pangasinan.d. Nahuli si Heneral Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong 1901.e. Ipinagamit sa Pilipinas ang salaping papel na tinawag na Mickey Mouse Money.f. Taong 1621 – 1622, si Tamblot ang nanguna sa panunumbalik ng katutubong relihiyon sa Bohol.g. Binomba ang mga pangunahing base ng Amerikano sa Cavite.h. Itinatag ang samahang MAKAPILI na magsusulong sa pamahalaan ng mga Pilipinong nag-aalsai. Pagkakatatag ng Batas – Militar.j. Taong 1574, matapos maitatag ni Legaspi ang paghahari ng Espanyol sa Maynila Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ang sinagot mong pagsubok ay may kaugnayan sa akdang iyong babasahin. 17
Handa ka na ba? Sige basahin mo na . . . 2. Basahin Mo. . . Mga Latay Conrado E. Castillo Napapawi ang latay sa katawan na ibinunga ng pamalo ngunit ang kirot at hapding ibinubunga ng hampas ng dila ay panghabang-buhay. Sinasabing mabuti pang ikaw ay suntukin o hagupitin at magkalatay-latay angbuo mong katawan kaysa ikaw ay pagwikaan ng masakit sa pandinig at damdamin,sapagkat ang latay sa katawan na ibinubunga ng panghagupit ay napaparampagdating ng takdang panahon, ngunit ang hapding ibubunga ng ulos ng dila aypanghabang-buhay. Ito ay umaalinsunod sa kasabihang “ang hampas ng pamalo aynakapangingitim, ngunit ang hampas ng dila’y dumudurog ng mga buto.” Ang ating kasaysayang pambansa’y isang mainam na halimbawa ngpagpapakahulugan sa kawikaang ito. Hindi kaila sa lahat na ang Pilipinas aynapasailalim ng pamamahala ng tatlong Pamalo – Kastila, Amerikano at Hapon. Ang una ay malupit at mapangamkam. Namayani ito sa atin sa loob ng mahigitna tatlong daang taon. Ang hapdi at kirot ng latay nito’y nadama natin hanggang sabuto. Hindi miminsang pinagtangkaan nating ito’y ampatin, ngunit tayo’y nabigo,Salamat na lamang at ang moog na naitayo nito ay naiguho at nadurog ng talim ngsalita at diwa ng isang Dakilang Bayani – si Dr. Jose Rizal. Ang ikalawa ay may anyong mapagbigay, maunawain at mapagkupkop,ngunit sa kabila ay mapang-angkin. Ang ating kabuhayang bansa at kalinangan ayinalipin hanggang sa iasa na natin sa kanya ang lahat. Tinuruan tayong mamuhay sapamamaraang hindi atin at gumamit ng mga bagay-bagay na sa kanya nagbubuhatngunit hindi tayo tinuruang gumawa. Ang tanikalang ginamit sa paggapos sa atinay nilagot ng ulos ng dila at diwa ng isang tagapagtaguyod ng kalayaan – si ManuelL. Quezon. Ang ikatlo, tulad din ng una ay malupit at walang pakundangan. Bagamatpanandalian lamang nadama rin natin ang latay nito. Ang diwa at salita ngDakilang Bayani at ng Tagapagtaguyod ng Kalayaan ang naging patnubay ng hindimabilang na lakas na natipon at nagkaisang ito’y buwagin. Ang ating bansa ngayon ay malaya. Sa buong daigdig ay kinikilala angPilipinas na isang bansang magiting, sapagkat ito’y lumaya sa pamamagitan nggiting, tiyaga, pagpapakasakit at pagkakabuklod-buklod. Ngunit tunay nga kayangmalaya na tayo? 18
Ang mga pamalo ay nag-iwan sa atin ng latay na nagpapaitim sa ating kalayaan.Ang hapdi at kirot nito ay nadarama pa rin natin hanggang ngayon. Marami pa rin saating mga Pilipino ang hindi nagpapaka-Pilipino. Ang kanilang gawa, diwa atsimulain ay naglalarawan pa rin ng pagkaalipin, na wari bang nasisiyahan na sila sagayong kalagayan. Kailan pa kaya mapapawi ang latay na ito? Gawin mo ang mga sumusunod na gawain upang masubok kung naunawaan mo ang iyong binasa. 3. Linangin Mo. . . a. Pagsusuring Panglinggwistika Isang paraan upang mabigyang-diin ang mensaheng nais ipahayag ng isang akda ay sa pamamagitan ng pag-uulit ng salita, pantig at letra. Panuto: Isulat ang S kung salita, P Kung pantig at L kung letra ang inulit sa salitang sinalungguhitan sa bawat pahayag. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Ang hapding ibunubunga ng ulos ng dila ay panghabambuhay. 2. Ang hampas ng pamalo, ay nakapangingitim ngunit ang hampas ng dila’y dumudurog sa buto. 3. Kahit sumailalim sa iba’t ibang dayuhan, buung- buo pa rin ang damdaming makabayan ng bawat Pilipino. 4 - 5 Tinuruan ng mga Amerikano ang mga Pilipino na mamuhay sa paraang hindi kanila at gumamit ng mga bagay-bagay na sa kanila nagbubuhat. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. b. Pagsusuring Pangnilalaman Ang isang akda, upang masabing makatotohanan, dapat ay naiuugnay ng mga bumabasa ang kanilang pansariling karanasan at karanasan ng iba na kanilang nabatid o nasaksihan sa akdang ito. 19
Panuto: Piliin sa Hanay B ang naging bunga ng mga karanasan ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang mananakop na nakalahad sa Hanay A. Hanay A Hanay B1. Pagpapamulat ng mga Espanyol sa mga a. Nagkaroon ng edukasyon sa bansa. Pilipino ng relihiyong Katolisismo. b. Napigilan ang pagsamba ng mga2. Pagpapadala ng mga Amerikano ng mga katutubong Pilipino sa mga anito. gurong Thomasites sa Pilipinas. c. Nasanay sa mga produktong3. Pagbabayad ng mga Hapon sa Mga imported ang mga Pilipino. Pilipino upang isuplong sa kanila ang d. Nawala ang pagkakaisa ng mga mga nag-aalsa laban sa kanilang pamahalaan. Pilipno. e. Tinamad na ang mga Pilipinong4. Pagpapagamit ng mga Amerikano ng kanilang produkto. magtrabaho. f. Nagkaisa at umunlad ang mga5. Kinamkam ng mga Espanyol ang mga lupaing napaunlad ng mga Pilipino. Pilipino.c. Pagsusuring Pampanitikan Ang kasanayan sa pagbibigay-hinuha sa kahihinatnan ng tauhan sa akda ay isang kasanayang dapat linangin sa mga mambabasa.Panuto: Piliin at isulat ang letra na nagsasaad ng kahihinatnan ng mga Pilipino sakaling hindi sila lumaya sa kamay ng malulupit na dayuhang mananakop. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1.________ a). Patuloy silang magiging alipin 5. ________ Maaaring kahinatnan 2. ________ ng mga Pilipino sa b). Pamumunuan kamay ng malulupit na c). Mawawalan ngnila ang malulupit na dayuhan kung hindi sariling pagkakakilanlan dayuhan sila lumaya. ang mga Pilipino 4. ________ 20 3. ________ d). Tuluyan nang e). Makikinabang masasakop ng mga ang mga dayuhan sa likas na yaman ng dayuhan ang Pilipinas bansa
Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo. . . Sa kabila ng mga dinanas ng mga Pilipino sa kamay ng mga dayuhang bansa tulad ng Hapon, Amerikano at Espanya, patuloy pa rin ang pagnanais ng mga ito na makarating at makapagtabaho sa mga bansang nabanggit.Panuto: Lagyan ng tsek () ang patlang kung wasto ang kaisipan sa bawat pahayag at ekis () kung hindi. Isulat sa ikaapat na bahagi ng papel ang sagot.Dapat na ang ______1. Magtapos ng pag-aaral sa Pilipinas at pagkatapos ay isang magtrabaho sa Amerika.Pilipino ay; ______2. Mag-aral sa Amerika at pagkatapos ay magtrabaho sa Pilipinas. ______3. Pumasok bilang entertainer sa Japan at aliwin ang mga Hapones matapos bayaran nang malaki. ______4. Tumangkilik sa sariling produkto upang paunlarin ito nang hindi na umasa sa produkto ng ibang bansa. ______5. Hindi na dapat pang pag-aralan ang wikang Kastila. Wala naman itong maitutulong sa bansa. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin Mo. . . Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig nagkamit nang labis na pinsala ang Plipinas sa kamay ng bansang Hapon.Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na nagsasaad ng dapat na gawin ng bansa matapos na ito’y magtamo ng kaapihan sa kamay ng mga Hapones. 1. Dapat na humingi ang pamahalaan ng Pilipinas ng bayad-pinsala sa Pamahalaang Hapon. 2. Putulin na ang pakikipag-ugnayan ng Pilipinas sa bansang Hapon. 21
3. Kalimutan na ang nakaraan at tanggapin ang pakikipagkaibigan ng Hapon sa Pilipinas. 4. Pag-aralan natin ang wikang Hapon dahil kailangan natin ito sa pakikipagkalakalan sa kanila. 5. Bigyan natin ng dignidad ang ating sarili bilang Pilipino kaya’t di dapat magtrabaho ang mga Pilipina bilang “entertainer.’ Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo. . . Panuto: Isaayos mo ang mga parirala upang mabuo ang kaisipang kaugnay ng binasang akda. Isulat mo ang iyong sagot sa kalahating papel. 1. walang paaalipin / sa bansang / walang mang-aalipin 2. sa kalayaan / ang bawat Pilipino / sadyang mapagmahal 3. na pansariling interes / may hinahangad / sa bansang / ang bawat mananakop / kanyang sinasakop 4. na isang lahing magiting / ang mga Pilipino / sa habang panahon / hindi pasasakop Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 7. Lagumin Mo. . . Panuto: Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng parirala na bubuo sa kaisipan nito. 1. Matapos kong basahin ang akda nalaman ko na. . . a. Magiting ang lahing Pilipino b. Hindi naghangad ng kalayaan ang mga Pilipino kailanman. c. Maraming pagsubok na pinagdaanan ang lahing Pilipino. d. Hinahangad ng bawat bansang sumakop sa Pilipinas ang kabutihan nito. e. Karapat-dapat tanghaling bayani ang bawat Pilipino na nagtanggol sa kalayaan ng bansa. 22
2. Matapos kong basahin ang akda, nadama ko … a. Ang galit sa mga dayuhang mananakop dahil sa pinsalang ginawa sa ating bansa. b. Ang pagmamahal sa alaala ng bawat Pilipinong nag-alay ng buhay upang lumaya ang Pilipinas. c. Ang panghihinayang dahil hindi tayo tuluyang nasakop ng Amerika. Sana’y bahagi na tayo ng bansang ito. d. Ang pagmamalaki dahil ako’y Pilipino. e. Ang pagkainis dahil hindi ko narating ang bansang Amerika at Hapon. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.8. Subukin Mo … Panuto: Ayusin ang mga letra ng salitang dapat ipuno sa patlang upang mabuo ang kaisipan nito. 1. Ang paghahangad sa ___________ ang dahilan upang magkaisa ang mga Pilipino na labanan ang mga dayuhang mananakop. AAKLYNA A 2. Ang mga ____________ ay mga Pilipinong nagpabayad sa mga Hapones upang isuplong sa kanila ang mga nag-aalsang kababayan. A AI I M K P L 3. Ang mga ___________ ay sumakop sa ating bansa nang mahigit na tatlong daang taon. A AS I T L K 4. Sa pamamahala ng mga ___________, hindi nila tayo tinuruang gumawa, sa halip pinagamit nila tayo ng mga bagay na galing sa kanila. Hangarin nila’y sa kanila tayo bumili ng ating pangangailangan. A RI MK O N E A 5. Sila’y tinaguriang mga _________ na pumatay ng napakaraming Pilipinong lumaban sa kanilang malupit na pamamahala. 23
S AK N A G Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor na nakuha mo sa bahaging ito ay 4 hanggang 5, huwag mo nang gawin ang susunod na bahagi. Ibig sabihin ay lubos mong naunawaan ang aralin. Subalit kung 3 pababa, gawin mo ito. Kailangan mo pa ng dagdag na pagsasanay upang lubusang maunawaan ang aralin.9. Paunlarin Mo. . . Panuto: Itsek () ang bilang ng pahayag na angkop ang kaisipan sa binasang akda. ______ 1. Hanggang sa kasalukuyang panahon, marami pa ring Pilipinong ang gawa, diwa at simulain ay alipin pa rin ng mga dayuhang mananakop. ______ 2. Bawat dayuhang mananakop ay naghahangad ng pansariling interes sa pananakop. ______ 3. Masakit isipin na marami ring Pilipino ang naghangad ng kasawian ng kanilang kababayan kapalit ng kanilang kasaganaan sa kamay ng dayuhan. ______ 4. Walang dumanak na dugo nang lumaban ang mga Pilipino sa mga dayuhang mananakop. ______ 5. Nabigyang hustisya ang ginawang maramihang pagpatay at pinsala ng mga Hapon sa ating mga kababayan at bansa. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Gaano ka na kahusay? Panuto: Ibigay ang hinihingi sa bawat bilang.A. Piliin sa loob ng kahon ang ipinahihiwatig ng bawat pahayag. 1. Ang kasipagan ay kapatid ng kaunlaran. 2. Sa pawis ng bawat tao dapat magmula ang kanyang kakainin. 3. Marangal ang taong masipag. a. Ang taong tamad ay dapat ikahiya ang sarili. b. Di dapat kumain ang taong tamad c. Ang katamaran ay lagi nang kakambal ng kahirapan. 24
B. Piliin at isulat ang salitang may pag-uulit ng pantig sa pahayag. 4. Buong sipag na binubungkal ng mga Pilipino ang kanilang lupain subalit kapag maunlad na, aagawin naman ito sa kanila ng mga Kastila. C. Suriin ang pahayag pagkatapos ay piliin ang letra ng pinatutungkulan nito. 5. Ang mga kabataan ang pag-asa ng bayan. 6. Ako ay Pilipino magtatanggol sa aking bayan sa lahat ng nais sumupil dito. a. sa ibang tao b. sa sarili c. sa bayanD. Isulat ang T sa patlang kung tama ang kaisipan ng pahayag batay sa akda at M kung mali. ______ 7. Wala nang iniwang ano mang bakas ng mga pananakop ng dayuhan sa ating kultura. ______ 8. Hanggang sa kasalukuyan ay alipin pa rin ng isipang dayuhan ang marami sa ating mga Kastila.E. Isulat ang K sa patlang kung ang pahayag ay katotohanan at O kung ito’y opinyon lamang. ______ 9. Ang sinasabing katamaran ng mga Pilipino ay dala lamang ng masamang karanasan nila sa mga dayuhang mananakop. ______10. Ang ikalawang digmaang pandaigdig ay nag-iwan sa bansa ng labis na pinsala. 25
MODYUL 21 Pagsusuri sa Sanaysay Batay sa Teoryang Dekonstruksyon SUSI SA PAGWAWASTO Aralin 1 A. 1. nakikita 2. paghihirap 3. maliliwanag B. 4. C 5. B 6. A C. 7. B 8. D 9. P 10. PB. Mga Gawain Sa Pagkatuto 1. Alamin Mo. . . Masama ang pakiramdamNapakainit ng Mga sanhi o dahilan Hindi kaya ngpanahon ng hindi katawan ang Paggawa/pagtatrabaho trabaho ng isang tao Kakulangan sa gamit3. Linangin Mo . . . b. Pagsusuring Pangnilalaman a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. S 1. 26
2. 2. P 3. P 3. 4. P 4. 5. M 5. c. Pagsusuring Pampanitikan d. Halagang Pangkatauhan 1. C 1. A 2. E 2. B 3. D 3. C 4. B 4. D 5. A 5.4. Palalimin Mo. . . 5. Gamitin Mo. . . a. b, f a. dasal b. c, h c. determinasyon c. d, g d. edukasyon d. e, I e. edukasyon e. a, j g. karangalan h. kaibigan6. Sulatin Mo. . .1. Sa taong masipag at matiyaga, walang puwang ang kahirapan.2. Ang kasipagan lamang ang maaaring panlaban sa kahirapan.7. Lagumin Mo. . .a). a b). b c c d d8. Subukin Mo.. . 1. T 2. M 3. T 4. T 5. M9. Paunlarin Mo. .. 1. a 2. b 3. a 4. bB. Mga Gawain sa Pagkatuto. Aralin 2 5. Gamitin Mo. . . 27
1. Alamin Mo. . . 2 1 (Panahon ng Kastila) 1. c 3 2. f 4 3. j 5 (Panahon ng Hapon) 1. g 2. e 3. h (Panahon ng Amerikano) 1. a 2. b 3. d3. Linangin Mo. . .a. Pagsusuring Panlinggwistika 6. Sulatin Mo. . .1. P 1. Sa bansang walang paaalipin,2. P walang mang-aalipin.3. S 2. Sadyang mapagmahal sa kalayaan4. S ang bawat Pilipino.5. P 3. May hinahangad na pansariling interesb. Pagsusuring Pangnilalaman ang bawat mananakop sa bansang1. B kanyang sinasakop.2. A 4. Hindi pasasakop sa habang panahon3. D ang mga Pilipino na isang lahing magiting.4. C 7. Lagumin Mo. . .5. E 1). ac. Pagsusuring Pampanitikan c1. A e2. C 2). a3. E b.4. D d.5.4. Palalimin Mo. . . 8. Subukin Mo. . .1. x 1. KALAYAAN2. 2. KASTILA3. x 3. MAKAPILI4. 4. AMERIKANO5. x 5. SAKANGGAANO KA NA KAHUSAY?A. 1. C B. 4. aagawin D. 7. M E. 9. O 2. B 3. A C. 5. A 8. T 10. K 6. B 28
29
Modyul 22 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Feminismo at Eksistensyalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Narito akong muli upang tulungan ka sa huling modyul na iyong pag-aaralan. Tulad ng mga nakaraan, dalawang akda ang iyong susuriin. Dalawang maikling kuwento nakapwa nagwagi ng Gantimpalang Palanca. Ang una’y ang ““Banyaga” ni Liwayway Arceo nanagkamit ng Unang Gantimpala noong taong 1961-1962. Tinalakay sa kwentong ito ang nagingdamdamin ng isang tagalalawigan. Sa muli niyang pagbabalik sa kanilang pook ay nadama niya angkahungkagan sa kanyang sarili. Tila hindi na siya nakikilala ng sinuman maging ng mgapinakamalapit niyang kamag-anak at mga kaibigan. Ito’y dala ng mga pagbabagong naganap sakanyang sarili sa panahong inilagi niya sa Maynila at sa Amerika. Tunay na maraming Pilipino ngayon ang maituturing na banyaga sa sariling bayan. Nanirahanlang ng ilang taon sa ibang bansa ay kakikitaan na ng transformasyon sa pisikal, sosyolohikal atintelektwal na kalagayan at maging sa saykolohikal na aspeto. Hindi masama ang maging makabago. At lalong di masama ang sumunod tayo sa mgapagbabagong dulot ng panahon. Ito’y tanda ng pag-unlad. Ngunit huwag nating kalilimutan angmagagandang kaugaliang-Pilipino. Mga kaugaliang maipagmamalaki saan man makarating sa iba’tibang sulok ng daigdig. Ang ikalawang akda’y ang “Kinagisnang Balon” ni Andres Cristobal Cruz na nagkamitnaman ng Ikalawang Gantimpala noong taong 1959-1960. Ito’y tungkol sa isang anak na ayawmaging isang aguwador na tulad ng kanyang ama. Pinanindigan niyang di siya matutulad sa ama.Pumunta siya sa Maynila at naghanap ng mapapasukan. Kahit na ano huwag lamang ang pag-aaguwador ngunit siya’y nabigo. Bumalik siya sa kanilang lugar at sa di inaasahang pangyayari aynadisgrasya ang kanyang ama. Kaya di man niya gusto ay wala siyang nagawa ,napilitan siyang mag-aguwador. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa akda. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? 1
Tutulungan ka ng modyul na ito. Magiging maayos at epektibo ang iyong pag-aaral kungsusundin mo ang mga sumusunod na tagubilin. 1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit o ang bahaging, Ano Na Ba Ang Alam Mo? Ito’y gabay upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong sagot. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin. 4. Gawin at sundin mo ang mga panuto. 5. Isulat mo ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk. 6. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging, Gaano Ka Na Kahusay? Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 7. Maging matapat ka sa pagsagot at pagwawasto ng iyong mga gawa. 8. Ingatan mo ang modyul na ito. Panatilihin mong malinis at walang punit ang bawat pahina.Ano na ba ang alam mo? Ang sumusunod ay ang panimulang pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sapag-aaralang akda.Panuto: Bigyang-kahulugan ang salitang may salungguhit.1. Ang kanyang baywang ay lalong pinalantik ng lapat na lapat na saya.a. maliit c.mahubogb. mabilog d. maliit2. Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan.a. mabuti c. paiwasb. paulit-ulit d. pasulyap3. Ang kanyang ama ay isang aguwador.a. tagaigib ng tubig c. nagbibili ng tubigb. naglalabada d. tagapagbalde ng tubig 2
4. Nagpupuyos ang kalooban ni Narsing.a. nag-aapoy c. naglalabanb. nagngangalit d. nagmamalakiII. Panuto: Unawaing mabuti ang bawat pangungusap at punan ng tamang sagot angbawat patlang. Titik lamang ang isulat.1. Napagkamalang artista ng mga tao si ___a. Duardo c. Nana Ibangb. Narsing d. Fely2. Hindi niya matatanggihan ang karangalang ibibigay sa kanya ng Samahan ng mga Nagsisipagtaposbilang unang babaing _____ na nagtapos sa Plaridel High School.a. manggagamot c. hukomb. inhinyero d. arkitekto3. Ang balon ay itinulad sa _____ sa Tibag.a. buhay-buhay c. kapangyarihanb. simbahan d. puno4. Ayaw ni Narsing matulad sa kanyang amang ___a. magsasaka c. aguwadorb. hilot d. tsuper5. “Sinabi ko naman sa Inso, ibigay na sa akin… papag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisa naman ako.Ang hirap sa kanila ayaw nilang maghiwalay…” Ang kaugaliang Pilipinong ipinahihiwatig sasinabing ito ni Fely ay___a. pagtutulungan ng magkakamag-anakb. pagkakalapit-lapit ng pamilyac. mainit na pagtanggap sa panauhind. pagpapahalaga sa kapwa6. Nagtungo si Narsing sa Maynila. Naglakad siya’t naghanap ng mapapasukan, kahit na ano, huwaglamang pag-aaguwador. Dito ipinakita ni Narsing ang kanyang paghahangad na____a. mabago ang kalagayan sa buhayb. pagpapahalaga sa trabahoc. pagpapahalaga sa sarilid. pagtakas sa kahirapan 3
- Iwasto mo ang iyong sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Naging madali ba sa iyo ang pagsusulit? Huwag kang mag-alala panimula pa lang namaniyan. Tutulungan kitang malinang ang iba’t ibang kasanayang dapat mong matutunan at angmagagandang ugaling makapagpapaunlad sa iyong pagkatao sa pamamagitan ng mga gawaing akinginihanda. Aralin 1 Banyaga Liwayway A. Arceo Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo?Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan:1. Nabibigyang-kahulugan ang matatalinghagang salita na ginamit sa akda2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang detalye sa akda3. Nasusuri ang akda sa pananaw feminismo4. Natutukoy ang mga magagandang kaugaliang-Pilipino na dapat panatilihin 5. Nakabubuo ng maikling talatang naglalarawan sa isang makabagong Pilipina Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Bigyang-pansin mo ang mga larawan. Bumuo ka ng sariling impresyon batay sa angkin mongkaalaman tungkol sa mga nasa larawan. 4
Kilalanin ang apat na babaing nasa larawan batay sa kanilang natatanging nagawa, nagingpapel sa lipunan, naging kabiguan, at naging tagumpay. Hanapin ang sagot sa mga nakatala sa ibaba. A. Cory Aquino B. Gloria Macapagal Arroyo C. Teodora Alonzo D. Mel Tiangco E. Melchora Aquino F. Unang Pangulong Babae sa Pilipinas G. Mabuting guro at ina sa kanyang anak H. Nakulong at napatay ang kanyang asawa I. Napagbintangang subersibo ang kanyang anak at ito’y nasintensyahang barilin sa Bagumbayan J. Kasalukuyang Pangulo ng Bansa K. Mapagkawanggawa L. Mahusay na brodkaster at Tagapangulo ng GMA Kapuso Foundation M. Mahusay na Ekonomista - Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Ang natapos nagawain ay may kaugnayan sa akdang iyong babasahin at susuriin. Basahin at unawain mong mabutiang nilalaman nito.2. Basahin mo… Banyaga ni Liwayway A. Arceo Mukhang artista! Artista nga ba? Artista? Mula nang dumating si Fely kangina ay hindi miminsang narinig niya ang tanong na iyon natila ngayon lamang siya nakita. Gayong umuuwi siya dalawang ulit isang taon: kung Araw ng mgaPatay at kung Pasko. O, napakadalang nga iyon, bulong niya sa sarili. At maging sa mga sandalingito na wala nang kumikibo at tumitingin sa kanya ay iyon din ang katunayang wari ay nababasa niyasa bawa’t matimping ngiting may lakip na lihim na sulyap. At mula sa salamin sa kanyang harapan ay nakita niya si Nana Ibang sa kanyang likuran.Hinahagod ng tingin ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi itomakapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya. - Serbesa ba ‘kamo bata ka, ha? Ngumiti siya, kasabay ang mahinang tango. At nang makita niyang nangunot ang noo nito,idinugtong niya ang paliwanag, - Hindi naman masama ang amoy, Nana. Ngayon sa kanyang pagtindig ay hindi maikaila sa kanya ang pagtuon ng tingin nito sakanyang suot. Sa leeg ng kanyang terno na halos ay nakasabit lamang sa gilid ng kanyang balikat attila nanunuksong pinipigil ang pagsungaw ng kanyang malusog na dibdib. Sa kanyang baywang nalalong pinalantik ng lapat na lapat na saya. Sa laylayan nito na may gilit upang makahakbang siya. - Ibang-iba na nga ngayon ang …lahat!... – at naulinigan niya ang buntunghininga nakumawala sa dibdib ng matanda niyang lola. 5
Napangiti siya. Alam niyang iyon din ang sasabihin ng kanyang ama na sa pagkaalam niya ayhindi naging maligoy minsan man sa pagsasalita. Iyon din ang narinig niyang sabi ng kanyang AteSedes. At ng kanyang Insong Edong, ang balo ng kanyang Kuya Mente. At ang kanyang apat napamangkin ay halos hindi nakahuma nang makita siya kanginang nakatoreador na itim atkamisadentrong rosas. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may talingbandana, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang mga kukong mapula sa paa, nanakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. - Sino kaya’ng magmamana sa mga pamangkin mo …matalino. - Sinabi ko naman sa Inso…Ibigay na sa akin… papapag-aralin ko sa Maynila. Nag-iisanaman ako. Ang hirap sa kanila…ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Kung sinunod ko ang gusto niInang…noon…kung natakot ako sa iyakan… -Tumigil siya sa pagsasalita. alam niyang hindimaikukubli ng kanyang tinig ang kapaitang naghihimagsik sa kanyang dibdib. - E…oo nga… - Walang anu-ano’y ayon ni Nana Ibang… Tigas nga namang iyakan nanglumuwas ka… - Noon pa man, alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon. Sasali ba ‘ko sa timpalak na‘yon kung hindi ako nakasisigurong kaya ko ang eksamen? Hindi sumagot si Nana Ibang. Naramdaman niyang may dumamping panyolito sa kanyangbatok. –Pinagpapawisan ka na, a. Ano bang oras ang sabi ni Duardo na susunduin ka? - Alas tres daw. Hanggang ngayon ba’y ganoon dito? - at napangiti siya – A las tres o a lassingko? A las kuwatro na, a! Kung hindi lang ako magsasaya, di dinala ko na rito ang kotse ko. Akona sanang magmamaneho. Sa Amerika… - Naiinip ka na ba? – agaw ni Nana Ibang sa kanyang sinasabi. - Hindi sa naiinip, e. Dapat ay nasa oras ng salitaan.Gusto kong makabalik ngayon saMaynila. - Ano? K-kahit gabi? Napatawa si Fely. – Kung sa Amerika…nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynilapa? Ilang taon ba ‘Kong wala sa Pilipinas? ang totoo… Biglang nauntol ang kanyang sasabihin nang marinig niya ang mahinang tatat ni Nana Ibang.At nang tumingin siya dito ay nakita niya ang kulimlim na mukha nito. At biglang-bigla, dumaan sakanyang gunita ang naging anyo nito nang makita niya kangina. Ang pinipigil na paghanga atpagtataka sa kanyang anyo. Ang walang malamang gawing pagsalubong sa kanya. At nang siya ayipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawangmantel. Hindi siya pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay.Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin na sa pangalan atlarawan lalo niyang kilala sapagkat patuloy ang kanyang sustento rito buwan-buwan. Ito ang maydalang platitong kinalalagyan ng isang sabong mabangong alam niyang ngayon lamang binili.Nakasampay sa isang bisig nito ang isang tuwalyang amoy moras. At napansin niyang nagkatinginanang kanyang mga kaharap nang sabihin niyang magkakamay siya. - Ayan naman ang kubyertos…pilak ‘yan… - hiyang-hiyang sabi ng kanyang hipag. – ‘Yanang uwi mo …noon…hindi nga namin ginagamit… Napatawa siya, - Kinukutsara ba naman ang alimasag? Nagsisi siya pagkatapos sa kanyang sinabi. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ngkanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. –Kung hindi ka ba nagbagong-loob, disana’y nalitson ang biik sa silong. Kasi sabi…hindi ka raw darating… Wala na siyang balak dumalo sa parangal. Ngunit naisip niyang ngayon lamang gagawin anggayon sa kanilang nayon. Sa ikalimampung taon ng Plaridel High School. Waring hindi niya 6
matatanggihan ang karangalang iniuukol sa kanya ng Samahan ng mga Nagsisipagtapos sa kanilangpaaralan. Waring naglalaro sa kanyang isipan ang mga titik ng liham ng pangulo ng samahan.Parangal sa unang babaing hukom na nagtapos sa kanila. Napakislot pa si Fely nang marinig ang busina ng isang tumigil na sasakyan sa harap ngbahay. Alam na niya ang kahulugan niyon. Dumating na ang sundo upang ihatid siya sa bayan, sagusali ng paaralan. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong. - Sa kotse na, - ang sabi niya kay Nana Ibang. Ang hindi niya sinabi: Baka akomasilat…Baka ako hindi makapanaog sa hagdang kawayan. Ngunit sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ngmatanda. Kasunod niya ito na bitbit ang kanyang sapatos. Sa paligid ng kotse ay maramingmukhang nakatingin sa kanya. Ang pinto ng kotse ay hawak ng isang lalaking nang mapagsino niyaay bahagya siyang napatigil. Napakunot ang noo niya. - Ako nga si Duardo! Pinigil niya ang buntunghiningang ibig kumawala sa kanyang dibdib. Nang makaupo na siyaay inabot ni Nana Ibang ang kanyang sapatos. Yumuko ito at dinampot naman ang tsinelas nahinubad niya. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. Bakit hindi ka rito? – tanong niya. – Masasal ang kaba ng kanyang dibdib. – May presidenteba ng samahan na ganyan? - A…e… - Hindi kinakailangang makita niyang nakaharap si Duardo. Napansin niya sapagsasalita nito ang panginginig ng mga labi – A…alangan…na ‘ata… Tumigas ang mukha ni Fely. Nagtiim ang kanyang kalooban. Si Duardo ang tanging lalakingnaging malapit sa kanya. Noon. Ngayon, nalaman niyang guro ito sa paaralang kanilangpinagtapusan. At ito rin ang pangulo ng Samahan ng mga Nagsipagtapos. - Natutuwa kami at nagpaunlak ka… Walang anu-ano’y sabi ni Duardo. Dalawampu’tdalawang taon na … - Huwag mo nang sabihin ang taon! – nagtatawang sabi ni Fely. – Tumatanda ako… - Hindi ka nagbabago, - sabi ni Duardo. – Parang mas…mas…bata ka ngayon.Sayang…hindi ka makikita ni Monang… - Monang? – napaangat ang likod ni Fely. - Ka-klase natin…sa apat na grado, - paliwanag ni Duardo. Kami ang … - at napahagikgikito. – Kamakalawa lang niya isinilang ang aming pang-anim… - Congratulations! – pilit na pilit ang kanyang pagngiti. Tila siya biglang naalinsanganan.Tila siya inip na inip sa pagtakbo ng sasakyan. - Magugulat ka sa eskuwela natin ngayon. – Patuloy ni Duardo nang hindi siya kumibo. –ibang-iba kaysa…noon. - Piho nga, - patianod niya. Hindi naman kasi ‘ko nagagawi sa bayan tuwing uuwi ako. Lagipa ‘kong nagmamadali… Bagung-bago sa kanyang paningin ang gusali. At nang isungaw niya ang kanyang mukha sabintana, ng sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang salamingmay kulay. Tila hindi na niya matatagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumasalubong sakanya. Pagtataka, paghanga, pagkasungyaw. Aywan niya kung alin. At nang buksan ni Duardo ang pinto ng kotse upang makaibis siya ay lalong nagtumining angkahungkagang nadarama niya kangina pa. At may sumungaw na luha sa kanyang mga mata. Tilahindi na niya nakikilala at hindi na siya makikilala pa ng pook na binalikan niya.- 7
- Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, masasagot mo ang mga gawainginihanda ko para sa iyo. Basta unawain mo lang mabuti ang mga panuto at maging maingat sapagsasagawa ng mga ito. Sa ibaba ay nakatala ang mga matatalinghagang salita na ginamit sa akda. Tulong ito sa ganapmong pag-unawa sa iyong binasa.3. Linangin mo…a. Pagsusuring PanlinggwistikaPanuto: Punan ng mga titik ang mga nasa kahon upang mabuo ang salitang kasingkahulugan ng mgasalitang may salungguhit sa parirala.1. nauntol sa pagsasalita HNO2. baywang na pinalantik U G M L3. matimping ngiti IN P4. nakatoreador ng itim LA5. masasal na pintig AB S - Iwasto mo ang iyong kasagutan gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Tiyakkong ngayon ay naunawaan mo nang mabuti ang iyong binasang akda, kaya handa ka nang gawinang mga susunod na gawain. b. Pasusuring Pangnilalaman1. Anu-anong mga bahagi sa akda ang nagsasaad na banyagang-banyaga si Fely sa kanyang mgakanayon. Piliin sa mga nakatala. Titik lamang ang isulat. a. Mukhang artista! Artista nga ba? Artista? b. Hinahagod ng tingin ni Nana Ibang ang kanyang kaanyuan. Matagal na pinagmasdan ang kanyang buhok. Hindi ito makapaniwala nang sabihin niyang serbesa ang ipinambasa sa buhok niya. c. Ibang-iba na nga ngayon ang …lahat!... at naulinigan niya ang buntunghininga na kumawala sa dibdib ng matanda niyang lola. d. Nang siya ay ipaghain ay hindi siya isinabay sa kanyang pamangkin. Ibinukod siya ng hain, matapos mailabas ang isang maputi at malinis na kumot na ginawang mantel. Hindi siya 8
pinalabas sa batalan nang sabihin niyang maghuhugas siya ng kamay. Ipinagpasok siya ng palanggana ng tubig, kasunod ang isa niyang pamangkin. e. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo. f. Sa kanyang pagyuko upang damputin ang kanyang sapatos ay naunahan siya ng matanda. g. At nang isinungaw niya ang kanyang mukha sa bintana ng sasakyan ay nakita niya ang mga matang nakamasid sa kanya. Isinuot niya ang salaming may kulay. Tila hindi na niya matagalan ang nakalarawan sa mukha ng mga sumalubong sa kanya. h. Napansin niyang lalong nahapis ang mukha ng kanyang Nana Ibang. Abot ang paghingi nito ng paumanhin. Kung hindi ka nagbagong- loob, di sana’y nalitson ang biik sa silong.2. Pangatwiranan ang mga sumusunod.Hanapin sa mga nasa ibaba. Simbolo lamang ang isulat. 2.1. Hindi ko hangad na magpakatalino upang paalipin lamang sa lahing hindi ko kinabibilangan. 2.2. Pantay-pantay ang mga tao kahit marunong o mangmang, mayaman o mahirap, maganda o pangit. 2.3. Hagdan sa pagtatagumpay ang pakakamit ng edukasyon. - Ang pagkakaroon ng edukasyon ang daan upang makahanap ng matatag na hanapbuhay nang maging maganda ang kinabukasan ng pamilya. - Ang lahat ng tao, anuman ang anyo, kalagayan sa buhay at isip ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos. Lahat ay isinilang nang walang damit at magbabalik sa alabok - Tayo’y Pilipino at walang magmamalasakit sa Pilipino kundi kapwa Pilipino. Kaya nararapat lang na gamitin natin ang ating talino rito sa Pilipinas at di sa ibang bansa. - Iwasto mo muna ang iyong kasagutan gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong gurobago mo isagawa ang mga susunod na gawain.c. Pagsusuring Pampanitikan Basahin at unawain mo ang nasa loob ng kahon. Makatutulong ito upang madali mongmaisagawa ang susunod na pagsasanay. 9
Paano ba binabasa ang isang akda sa pananaw feminismo? Binabasa ang isang akda sa ganitong pananaw sa pamamagitan ng masusing pagtingin sa pagkakabuo ng mga tauhang babae at ang mga naging dahilan ng kanyang pagbabago. Ang inilalabas sa akda ay ang taglay na kalakasan ng tauhang babae – kanyang paninindigan at paniniwala higit na nakapag-ambag sa kanyang pagbabago. Inilalabas sa akda ang mga katangian ng babae na nagsisilbing sandigan ng pagkamatatag ng kanyang katauhan. Wala na ang panahon ng Martir na tauhang babae. Sa kilusang feminismo, bumalikwas ang mga kababaihan. Ang tauhang nililikha ay babaing malakas at may pansariling paninindigan na nagpapatingkad sa kanyang pagiging babae o tao. Ngayon, handa ka nang suriin ang akda sa pananaw feminismo. Ipokus mo ang pagsusuribatay sa mga paniniwala ng tauhang si Fely.1. Humango ka ng mga tiyak na bahagi ng kuwento na hayagang nagpakita ng pagbabago sapaniniwala at paninindigan ni Fely.________________________________________________________________________________________________________2. Ilahad ang naging bunga sa pagkatao ni Fely dala ng kanyang paniniwala at paninindigan.____________________________________________________________________________________________________3. Bigyan ng kongklusyon ang mga sumusunod. Isulat ang titik lamang. 3.1. “Kung sinunod ko ang gusto ng Inay… “Kung natakot ako sa iyakan.” 3.2. “Noon pa man ay alam kong nasa Maynila ang aking pagkakataon!” 3.3. Kung sa Amerika, nakapunta ako at nakabalik nang nag-iisa.” a. Na malakas na ang kanyang loob. Na sa ibang bansa nakapagbiyahe siyang nang mag-isa, sa Pilipinas pa kaya. b. Na kung nagpapigil siya sa magulang ay di siya nakaalis sa kanilang lugar at di nakamit ang kanyang pangarap. c. Na nasa Maynila ang kanyang kapalaran. Kapalarang maging matagumpay sa buhay. 10
-Bago lubusang suriin ang akda, alamin muna ang ilan pang mahahalagang kaalaman na nasaloob ng kahon. Kung binabasa ang akda sa pananaw feminismo, ang focus ay ang transformasyon ng tauhang babae. Tinitingnan sa akda ang pagbabagong nagaganap sa pangunahing tauhang babae na nagtataas sa kalagayan nito. Maaaring ang pagbabago ay maging pisikal, saykolohikal, intelektwal at sosyolohikal. Aling mga tiyak na bahagi sa akda ang nagpapakita ng transformasyon ni Fely? Piliin sa mganakatala sa ibaba. Titik lamang ang isulat. 4.1. sa pisikal na kalagayan 4.2. sa saykolohikal na aspeto 4.3. sa sosyolohikal na kalagayan 4.4. sa intelektwal na kalagayan a. Noon pa man alam kong nasa Maynila ang aking kapalaran b. Dapat ay nasa oras ang salitaan c. Kung sa Amerika…nakapunta ako at nakabalik nang mag-isa, sa Maynila pa? Ilang taon ba ‘kong nawala sa Pilipinas? d. Pinagmasdan siya ng kanyang mga kanayon, mula sa ulong may takip na bandana, sa kanyang salaming may kulay, hanggang sa kanyang kukong maypula sa paa, na nakasungaw sa step-in na bukas ang nguso. - Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto. Kunin mo ito sa iyong guro. d. Halagang Pangkatauhan Piliin mo sa mga sumusunod ang mga magagandang kaugaliang-Pilipino na ipinakita sa akdana dapat panatilihin. Titik lamang ang isulat mo sa iyong sagutang papel. 11
A. Pagpapahalaga sa oras B. Mainit na pagtanggap sa panauhin C. Pagkakalapit-lapit ng pamilya D. Pagpaplano ng pamilya E. Paghanga sa kapwa F. Pagpapahalaga sa edukasyon G. Pangangalaga sa mga likas na yaman H. Pagpapahalaga sa kapwa I. Paggalang sa matatanda - Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong gawa. Ngayong natukoy mo na ang mga magagandang kaugaliang Pilipino na isinaad saakda. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ngsusunod na gawain.4. Palalimin mo… Matapos kong mabasa ang kuwentong “Banyaga” at makilala si Fely… 1. Nalaman ko na ang isang babae ay____ 2. Naramdaman ko na ang isang babae ay _____ 3. Masasabi kong ang isang babae ay _____ - Iwasto mo ang iyong gawa sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kungang iyong tugon ay malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap.5. Gamitin mo…1. Lagyan ng bilang 1-4 ang mga sumusunod ayon sa iyong prayoridad at isulat angiyong katwiran. Blg. KatwiranPropesyonEdukasyonKayamananKarangalan 12
2. Kung pamimiliin ka: buhay-lalawigan o buhay-lunsod, alin ang gugustuhin mo?Bakit? Titik lamang ang isulat. a. Buhay-lalawigan sapagkat kahit walang pera makakakain ka nang 3 beses sa isang araw dahil maraming pananim doon. b. Buhay-lunsod, sapagkat ang lunsod ang sentro ng edukasyon at komersiyo. - Muli, iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin mo… Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang paglalarawan saisang makabagong Pilipina. Piliin sa mga nakatala sa ibaba ang angkop na salita . Makabagong Pilipina Kilala ang mga Pilipina sa kagandahan, kagandahang __1__ at kagandahan ng__2__. Sila’y may makinis na __3__, along-along __4__, hugis-pusong __5__,maamong __6__ na nakaaakit, nakatutuwang biloy sa mga __7__ namumula at tilaiginuhit na __8__. Nagtataglay sila ng lakas ng __9__ at di natatakot namakipagsabayan sa mga __10__.kalalakihan buhok pisikal kaloobanmukha pisnging kilay loobbalat mata ilong pilikmata - Naging madali ba sa iyo ang nakaraang gawain? Kaya kunin mo sa iyong guroang susi sa pagwawasto at iwasto ang iyong gawa.7. Lagumin mo… Lagumin ang mga kaisipang nangibabaw sa akdang binasa. Piliin at isulat angtitik lamang . Kaisipan Kaisipan 13
Banyaga Kaisipan Kaisipan A. Hindi masamang yumakap sa pagbabago kung ito ay sa mabuti patungo. B. Ang ugali’t suot kahit pa baguhin sa puso’t diwa’y Pilipino pa rin. C. Hagdan sa pagtatagumpay ang pagkakamit ng edukasyon. D. Walang idinudulot na maganda ang modernisasyon sa buhay ng mga Pilipino. E. Ang “Filipino Time” ay ang pagdating nang maaga sa oras ng tipanan. F. Pilipino, sa sariling bayan ka muna maglingkod bago sa iba. G. Matutong magpahalaga sa oras, sapagkat ang oras ay ginto. - Ngayon naman, iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyongguro. Tingnan ko ngayon kung talagang naunawaan mong mabuti ang araling ito.8. Subukin mo… Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Ang bawat matimping ngiti ay may lakip na lihim na sulyap.a. bigay na bigay c. pigilb. matamis d. nakaw2. Ang kanyang baywang ay lalong pilantik sa lapat na lapat na saya.a. humubog c. lumakib. bumakat d. naaninag 14
3. Siya ay nakatoreador ng itim at kamisadentrong rosas.a. pantalon c. sayab. palda d. “short”4. Nang siya’y dumating ay napagkamalan siyang _____ ng kanyang mga kanayon.a. banyaga c. turistab. artista d. Amerikana5. Gumagamit siya ng _____,pambasa sa kanyang buhok.a. serbesa c. tubigb. langis d. “conditioner”6. Ang tanging taong naging malapit sa kanya noon ay si _____.a. Monang c. Sedesb. Nana Ibang d. Duardo7. Ang ibig ipakahulugan ng mga tinging iniukol kay Fely ay _____.a. paghanga c. kaligayahanb. pagtataka d. lahat ng nabanggit8-9. Ang bahaging nagsasaad na banyagang-banyaga si Fely sa kanyang mga kanayon ay_____ (pumili ng 2)a. Mukhang artista! Artista nga ba ? Artista?b. Tila hindi na niya nakikilala at hindi na siya nakikilala pa ng pook na binalikan niya.c. Isinara ni Duardo ang pinto ng kotse at sa tabi ng tsuper ito naupo.d. Hindi muna niya isinuot ang kanyang sapatos na mataas at payat ang takong.e. Hindi sa naiinip. Dapat ay nasa oras ang salitaan.f. Walang malamang gawing pagsalubong sa kanya.10. Sa muli niyang pagbabalik sa kanilang pook ay nadama niya ang kahungkagan sakanyang sarili dahil sa _____a. hindi na siya nakikilala ng sinuman maging ng mga pinakamalapit niyang kamag- anak at mga kaibigan.b. pagbabagong naganap sa kanyang sarilic. parangal na ibinigay sa kanya ng paaralang kanyang pinagtapusand. hindi na niya nakilala ang kanyang mga kanayon 15
- Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kungang iyong iskor ay 7 pataas. Binabati kita, lubos mong naunawaan ang aralin. Kung 6pababa naman ay isagawa mo muna ang susunod na gawain.9. Paunlarin mo…Ayusin ang mga salita upang mabuo ang kaisipanmaging sa bayan 1 iwasan banyaga sariling 2sa masamang kung ito’y patungo mabuti yumakap hindi pagbabago sa - Tingnan mo sa susi sa pagwawasto kung ang iyong gawa ay malapit sa tamangsagot. Ito’y katanggap-tanggap na rin. Aralin 2 KINAGISNANG BALON ni Andres Cristobal CruzAnu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod nakasanayan:1. Napipili at naipaliliwanag ang mga piling pahayag na pahiwatig2. Natutukoy ang nais sabihin ng akda sa isang tiyak na indibidwal3. Napipili ang mga bahagi ng akda na nagpapakita ng lakas ng paninindigan ng tauhan4. Naiisa-isa ang mga paraan ng pagpapahalaga sa hanapbuhay5. Nakabubuo ng isang paglalarawang-tauhan na may kaugnayan sa kanyang paniniwala at pagpapasyang ginawa Mga Gawain sa Pagkatuto 16
1. Alamin mo… Saan-saan maaaring kumuha nang malinis na maiinom na tubig ang tao? Piliin sa mga nasa larawan?2. Basahin mo… KINAGISNANG BALON ni Andres Cristobal Cruz1. Sinasabing walang lampin sa purok ng Tibag na hindi nilabhan sa tubig na sinasalok sa malalim, malaki’t matandang balon.2. Sinasabing walang nagluto ng pagkain at naghugas ng kinanan sa Tibag na hindi gumamit ng tubig sa balong iyon.3. Sinasabing walang naligo sa Tibag na hindi nagbuhos ng malinis at malamig na tubig na siyang biyaya ng matatandang balong tisa.4. Anupa’t masasabing walang isinilang at inilibing na taga-Tibag na hindi uminom o binindisyunan ng tubig na galing sa kanilang balon.5. Kung iisipin, masasabi rin na ang buhay at kamatayan ng mga taga-Tibag ay nasa balong iyon.6. Mahalaga nga ang gayon, ngunit ang bagay na ito’y hindi nila pinag-uukulang masyado ng pansin. Sa kanila, ang balon ay bahagi ng kanilang buhay at kapaligiran, bahagi na ng kanilang mga kinagisnang alamat at mga paniniwala’t pamahiing imumulat nila sa kanilang mga anak, at imumulat naman na mga ito sa susunod nilang salinlahi.7. Walang nakatitiyak kung kailan hinukay ang balong iyon.8. “Noon pang panahon ng Kastila,” anang matatanda.9. “Hindi pa kayo tao, nandiyan na ‘yan,” giit naman ng iba.10. At parang pagpapatunay, patitingnan ang mga tisang ginamit sa balon. Kauri raw at sintigas ng mga ginamit sa pader ng Intramuros o kaya’y sa mga pinakamatatandang simbahang katoliko sa Pilipinas.11. Ipaglalaban naman ng iba na ang balon ay hinukay, o sa lalong wastong salita ay ipinahukay ng mga maykapangyarihan noong panahon ng mga Amerikano. 17
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402