Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 3 part 2

FILIPINO 3 part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:50:56

Description: FIL3part2

Search

Read the Text Version

5. Pagkalat ng mga Pinagkakakitaan nila ang Yumayaman Dakpin at ikulong ang sindikatong mga kabataang ang mga mga sindikato. gumagamit ng mga namamalimos at sindikato kabataan sa panlilimos nagnanakaw at pagnanakaw.1. c 5. f Gamitin mo…2. b 6. l 1. A, B3. a 7. g4. aSulatin mo… Kuwardo 2 Kuwadro 1 Tauhan Si Adong ang pangunahing Tagpuan tauhan. Siya ay matapang. Sa Naganap ang kuwento sa palagay ko si Adong ang may Quiapo noong gabing katangiang matatag at matibay madilim. Ipinahihiwatig ang paninindigan dahil sa ito ng mga salitang bagol. paghihimagsik kay Bruno.Lagumin mo… Kuwadro 3 Banghay Nagsimula ang kuwento sa paglalarawan sa Quiapo. Pagkatapos pagpapakilala sa pangunahing tauhan. Sinundan ito ng pagpapakita ng pangit na mukha ng Quiapo. Pagkatapos ay pagpapakita ng pagbabago ng pangunahing tauhan. Nalutas ang paroblema ng panindigan ni Adong na ipagpatuloy niya ang kanyang paghihimagsik. Nagwakas ang kuwento ng mamatay si Adong. 50

Sadyang kailangan ang tibay at katatagan ng loob sa buhay upang sa pakikipagsapalaran ay manaligsa Diyos.Pagsisikap at katatagan at hindi pang-aabuso sa kapwa ang susi sa pag-unlad ng sarili at buhay.Subuki mo… a Paunalarin mo… a1. a 6. c Namamalimos si Adong at Aling Ebeng sa2. c 7. c Quiapo na parehong pulubi. Si Bruno ay3. c 8. d nangingikil sa kanila. Itinakbo ni Adong ang4. a 9. napalimusan. Naabutan siya ni Bruno at5. c 10. binugbog.Aralin 2Mga Gawain sa PagkatutoAlamin mo… Pagsusuring Pampanitikanb, c, e, a, d Tema/Paksa Maling Paghatol Suliranin Pagkawala ng Kalupi Tauhan Protagonista - Andres Reyes Antagonista - Aling Marta Tauhang bilog - Aling Marta Tauhang lapad - Andres Reyes Tagpuan Pamilihang Bayan sa Tundo Banghay Pangyayari 1 Pamimili ni Aling Marta. Pangyayari 2 Pagkawala ng kalupi ni Aling Marta. Pangyayari 3 Pagdala kay Andres Reyes sa presinto. Kasukdulan Pagtakas ng bata kay Aling Marta. Kakalasan Pagkamatay ng bata. Wakas Pagkawala ng ulirat ni Aling Marta. 51

Linangin mo… Pagsusuring Pampanitikan 6. g1. tanghali 1. a 1. b 1. T2. maingay 2. f 2. c 2. T3. nagmamadali] 3. c 3. a 3. M4. nalungkot 4. b 4. d 4. T5. nainip 5. d 5. f 5. T6. mabilis 7. h 7. T 6. M7. takotHalagang Pangkatauhan Palalimin mo…1. c 1. P 6. P2. d 2. P 7. P3. b 3. N 8. P4. a 4. P 9. K5. c 5. N 10.N6. a7. cGamitin mo…Sitwasyon ASasabihin ko ang totoo upang malinis ko ang aking pangalan.Sitwasyon BSasabihin ko sa pulis ang totoo.Sulatin mo…Nag-usap ang magkapatid sa kanilang tahanan. Galit na galit si Anselmo dahil sa pagkawala ngminana niyang kuwintas sa kanyang ama. Pinipilit niyang paaminin si Enrico na siya ang kumuha ngkuwintas sapagkat siya lamang ang tao ng mga oras na iyon sa kanilang bahay. Ngunit ayawtalagang umamin ni Enrico kaya’t napilitan si Anselmo na ipahuli at ipakulong si Enrico. Dahil sahindi pag-amin ni Enrico sa kasalanan. Nang hindi umamin si Enrico siya ay nakulong. Lumipasang ilang araw, nang naglilinis si Anselmo ng kanilang tahanan siya’y namangha sapagkat nakitaniya ang kuwintas na kaniyang hinahanap ay52nakalagay sa box ng kanyang sapatos. Laking

sisi niya sa kaniyang nagawa.Lagumin mo…Napag-isipan kong sa buhay, may mga taong sadyang mapanghusga.Nakadama ako ng awa kay Andres.Nais kong ipaalala na huwag tayong manghusga nang hindi tayo mahusgahan.Subukin mo,,, Paunlarin mo…1. b 1. Huwag kang manghusga nang hindi ka mahusgahan.2. b 2. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang kakayahan,3. a nasa atin kung paano ito pauunlarin,4. b 3. Ang lahat ng iyong nakikita ay totoo, maaaring5. b ito’y panlabas na anyo lamang.6. d7. b8. d9. a10.a Gaano ka na kahusay?1. c 532. c3. a4. d5. c6. b7. c8. a9. d10.c

Modyul 15 Pagsusuri ng Akda Batay sa Panlipunan o Sosyalismong Pananaw Tungkol saan ang modyul na ito? Marami-rami na rin ang paksang natalakay natin at ngayong araw na ito ay may panibagongaralin akong inihanda para sa iyo. Isang aralin na tiyak kong maiibigan mo sapagkat may kaugnayanito sa katayuan ng iyong pamumuhay sa lipunang iyong kinabibilangan. Maitanong ko lang… Saan ka ba nabibilang sa uri ng mga mamamayang naninirahan sa atingbansa, sa mahihirap ba? Sa mayayaman? O sa mga mamamayang nasa katamtamang antas ngpamumuhay? Minsan o kadalasan, may mga pinagbabatayan tayo kung kailan masasabing mayaman omahirap ang isang indibidwal. Kailan nga ba talagang masasabing mayaman o mahirap ang isangtao? Makikita ba ito sa uri ng pamumuhay na taglay nila? Sa paraan ng kanilang pananalita? Samga pagkaing natitikman sa araw-araw? Tama! Ilan lamang ito sa ating ginagawang batayan kungkailan masasabing ang isang tao ay mayaman o mahirap. Bawat taong naninirahan sa mundong ibabaw ay may kani-kaniyang katangian, pananaw atpaniniwala sa buhay. Sa ganang akin, higit kong pinupuri at hinahangaan ang mga taong may sariling paninindigansa buhay. Yaong uri ng taong ipinaglalaban ang kanyang karapatan sa alam niyang tama atmakabubuti hindi lamang para sa kanya kundi pati na rin sa iba. May mga kakilala ka bang tao nataglay ang ganitong katangian? Katulad ka rin ba nila? Ang mga bagay na ito ang may kaugnayan sa paksang iyong matutunghayan sa modyul na ito.Katulad ng nasabi ko kanina, tinitiyak kong magugustuhan mo ang nobelang ito ni Lope K. Santos,ang Banaag at Sikat. 1

Ano ang matututunan mo? Nasusuri ang akda batay sa mga tiyak na pamantayan ayon sa iba’t ibang pananaw sapanitikan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay isang gabay tungo sa pansariling pagkatuto. Gagamitin mo ito bilangpatnubay sa tulong ng mga tuntunin. Narito ang ilang bagay na maaari mong sundin at gawin upang maging makabuluhan at wastoang iyong paggamit sa modyul na ito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging Ano Ba ang Alam Mo? Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Isagawa mo ang Panimulang Gawain. Makatutulong itong mabuksan ang iyong isipan tungkol sa pakikipaglaban sa karapatan at wastong paninindigan 3. Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman ng akda. 4. Pag-aralan at isagawa mo ang mga gawaing inihanda ko kaugnay ng araling ito. May mga panuto kang mababasa kung paano ito isasagawa. 5. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung magtamo ka man ng mga kamalian. May ilan pang gawain na magpapalalim at magpapaunlad ng iyong kaalaman. 6. Suriin mo kung madaragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang iyong pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng susi na nasa iyong guro. Maging tapat ka sa pagwawasto. 7. Gamitin mo nang wasto ang modyul sapagkat makatutulong ito upang mapalawak ang iyong kaalaman. Sagutin mong mabuti at huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o papel sa pagsagot. 8. Kaibigan mo ang modyul na ito. Ang isang kaibigang nagmamalasakit ay dapat mong pahalagahan sapagkat mahalaga ka rin dito. 2

Ano na ba ang alam mo?• Layo ng pagsusulit na ito na masukat ang dati mo nang kaalaman sa paksa. Huwag kang matakot na sagutin ang mga ito.Sige simulan mo na!Piliin at isulat mo ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.1. Tinuligsa ng mga manggagawa ang pamamalakad ng administrasyon. Ano ang ginawa ng mga manggagawa?a. sumalungat b. pumanig c. naghamon d. tumutol2. Ang salitang ugat ng salitang may salungguhit sa unang bilang aya. tulig b. ligsa c. tinulig d. tuligsa3. Mga tungayaw at kalaswaan ang lumalabas sa bibig ng senyora. Samakatuwid, siya’ya. nagtitimpi b. nagagalit c. naiinis d. nanlilibak4. Madalas binubugbog ng amo ang kanyang utusan sa tuwing nalalasing. Ang pambubugbog ng amo ay nagpapatunay ng _____ ng kanyang pagkatao.a. kalakasan b. katapangan c. karahasan d. kalupitan5. Sa kabila ng pambubugbog ng amo ay pilit pa rin itong pinagtitiisan at pinagpapasensyahan ng utusan. Ito ay nagpapakita ng kanyang pagiginga. matiisin b. matimpi c. maamo d. mahina6. Ang taong may paninindigan ay :a. nag-iisip b. sunud-sunuran c. hindi umaayaw d. may prinsipyo7. Taglay niya ang katangiang :a. matatag b. matapang c. may isang salita d. lahat ng nabanggit 3

8. Bawat mamamayan ay nasasakop ng batas na pinaiiral sa pamayanan. Ito ay pananaw :a. pambansa b. pangkultural c. panlipunan d. panrelihiyon9. Sa kasalukuyan, maraming suliraning panlipunan ang ating bansa. Ito ay tumutukoy sa pananaw :a. pangkultural b. pansosyal c. panrelihiyon d. pang-emosyonal10. Ang kuwento ay kinapapalooban ng sumusunod maliban sa:a. simula b. wakas c. tagpuan d. balik-gunitaIwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kumusta ang nakuha mong iskor? Naging mahirap ba o madali para sa iyo ang paunangpagsusulit? Huwag kang mag-alala sa naging resulta nito o iskor na iyong nakuha. Sinusukat lamangng pagsusulit na ito ang dati mo nang taglay na kaalaman tungkol sa paksa.V. Aralin 1 – Banaag at SikatA. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo?1. Nasusuri ang pagkakabuo ng salita at nabibigyan ng tamang kahulugan.2. Nasusuri ang positibo/ kalakasan at negatibo/ kahinaang taglay ng tauhan batay sakanyang kilos, paniniwala, at gawi.3. Nasusuri ang akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapahayagng panlipunan o sosyalismong pananaw4. Napapatunayang ang pagkakaroon ng sariling paninindigan sa buhay ay mahalagasa pakikibaka sa lipunang ginagalawan 4

5. Nakabubuo ng isang kuwento batay sa mga klung ibinibigay.Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… • Nakasaksi ka na ba ng welga ng mga manggagawa? Ano ang karaniwang nakasulat sa kanilang mga plakards? Piliin mo ang titik sa loob ng kahon sa ibaba na maaaring maging laman ng sumusunod na plakards. 123 456 a. Huwag matakot! Makibaka! b. Gutom na kami noon, gutom pa rin ngayon! c. Itaas ang suweldo ng mga mangagawa! d. Patalsikin ang naghaharing uri sa paggawa! e. Kapitalismo – kinikitil ang sector ng manggagawa! f. Welga kami! Welga kami! g. Juan dela Cruz, Alipin ng Kapitalista! h. Mahal ka namin Pangulong Arroyo! i. Sabwatang Amerikano Pilipino, Pumapatay sa Kasarinlan ng Pilipinas! • Nasikil ba ang iyong kalooban? Makapigil hininga ba ang iyong mga nabasa? Huwag kang 5

kabahan! Isa lamang itong paraan ng pagpaparating ng hinaing sa mga kinauukulan.Ngayon, hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong mga sagot.2. Basahin mo…• Bagamat ang akdang iyong mababasa ay buod na, ito ay nagmula sa isang nobela ni Lope K. Santos. Punung-puno ito ng mga panlipunan at sosyalismong pananaw. Mapatutunayan mo rin sa akdang ito na ang pagkakaroon ng sariling paninindigan sa buhay ay mahalaga sa pakikibaka sa lipunang ginagalawan.Handa ka na ba?Simulan mo na! Banaag at Sikat Lope K. Santos 1. Ang nobela o kathangbuhay ay nagsasalaysay ng higit na malawak napangyayari sa maikling kuwento. Binubuo ito ng isang kawil ng mga kawili-wiling pangyayaringsumasaklaw sa isang mahabang panahon. Hinabi ito sa isang mahusay na balangkas na nagtataglayrin ng tagpuan, mga tauhan, kasukdulan at pinakapangunahing sangkap, ang pagkakalaban ng mgahangarin ng bayani sa isang dako at ng hangarin naman ng kanyang katunggali sa kabila. 2. Ipinapalalagay na ang Banaag at Sikat ni Lope K. Santos ay isangnobelang panlipunan, sapagkat itinampok dito ang mga suliranin ng lipunan, tulad ng pagsasamahanng puhunan at paggawa, pag-aasawa ng isang mahirap sa isang anak-mayaman, mga kaugalian sapaghahanda at pagdalo sa handaan. Tinalakay rin dito ang tungkol sa pananampalataya at kaugaliannito. Ito ang nobelang unang bumandila sa sosyalismo sa Pilipinas. Narito ang buod ng nobela. 3. Mayo, 1904. Panahon ng paglalakbay sa Antipolo. Kabilang sa mga taga-Maynilang naroon ang mga mag-anak nina Don Ramon Miranda at Don Filemon Borja. Kasama niDon Ramon ang dalawang niyang anak na sina Talia at Meni. Kasama rin ni Don Filemon angkanyang asawang si Ñora Loleng at ang kaisa-isang anak nila, si Isiang. 4. Habang ang ibang taga-Maynila ay nagsisipaligo sa batis, sina Talia atMeni ay nanguha ng duhat. Dumating sina Felipe at Delfin. Si Felipe ay inaanak sa kumpil ni DonRamon. Pinabayaan na ito ng amang mayamang taga-Laguna dahil sa pagpapabaya nito sa pag-aaral.Kina Don Ramon nakatira si Felipe. Siya ay manlilimbag samantalang si Delfin ay manunulat sapahayagang Bagong Araw. Sila’y matalik na magkaibigan at kapwa kasapi sa union ng mgamanggagawa.5. Tinuligsa ng dalawang Don ang masasamang gawi ng mga manggagawatulad ng pagsasabong, pagsusugal, kahambugan sa pagkain ng masasarap at pagbibihis ng marikit nadaig pa ang mayayaman. 6

6. Inamin ni Delfin ang pagtataglay ng masasamang hilig ng ilangmanggagawa datapwa’t hindi raw lahat ay gayon. Karalitaan na rin daw ang ipinagkakagayon ngmaraming manggagawa. Natalakay ang pagpapasunod sa mga manggagawa sa mga alila, at sa mgakasama sa bukid. Ang salitaan ay uminit. Nagdamdam ang dalawang matandang mayaman sa mgasinabi ni Delfin. Sa lakas ng kanilang pagsasagutan ay nangapadalo ang mga naliligo. Ang pag-uusap ay napayapa ni Honorio Madlang-layon, isang abugadong katipan ni Talia. Sina Delfin atFelipe ay nahimok na lumayo. Si Delfin ay lumuwas sa Maynila ngunit naiwan si Felipe. 7. Pagkalipas ng apat na araw, si Felipe’y may taglay na sulat mula kay Menipara kay Delfin. Ipinagbilin sa sulat na huwag munang dadalaw si Delfin sa tahanan ng dalaga dahilsa matinding galit ni Don Ramon. Ngunit sa tulong ni Felipe ay nakuhang magkita nina Delfin atMeni sa Gloryeta sa halamanan nina Meni. Sinundan pa ito ng maraming pagtatagpo kung gabi. SiFelipe naman at si Tentay na anak ni Mang Andoy ay magkasintahan. Bago namatay ang ama niTentay ay ipinagbilin ng mag-asawa kay Felipe ang dalaga. 8. Marangal ang kasal nina Talia at Yoyong. Nalungkot si Meni. Hindi nilakaya ni Delfin ang gayong kasalan. 9. Isang masayang hapunan at isang regodon de honor ang idinaos sa bahayni Don Ramon. Maraming mga panauhing kilala at mayayaman ang nagsidalo. Masaya si DonRamon sapagkat gusto niya si Honorio Madlang-layon na maging asawa ni Talia. Sa pagkakataongyaon ay nagkaroon ng alingasangas likha ng mag-inang Ñora Loleng at Isiang. Nahuli niya ang anakna kausap sa sutea ang binatang manliligaw na si Marti Morales. Mga tungayaw at kalaswaan anglumabas sa bibig ni Ñora Loleng. Mabuti’t napayapa ni Don Ramon ang galit na ina. 10. Si Felipe, matapos kumain ay pumanhik na sa kanyang kuwarto. Binulay-bulay niya ang gayong pagwawaldas ng mga mayayaman, samantalang ang mga mahihirap aydumaranas ng di hamak na kagipitan. 11. Pagkalipas ng ilang buwan ay nakita ni Talia ang pagbabago sa katawan niMeni. Tinangkang magtanan ni Meni sa takot sa ama subalit nahikayat ni Talia na ipaubaya sakanilang mag-asawa ang malaking suliranin ng dalaga, ang pagdadalang-tao. 12. Kinausap muna ni Talia at ni Yoyong si Delfin. Si Delfin ay nangakongpananagutan niya ang lahat. Ngunit si Don Ramon ay tutol na makasal si Meni kay Delfin.Dinaluhong nito’t sinampal at sinipa si Meni.13. Si Don Ramon ay kina Don Filemon nakatira. Kung wala si Felimon aynagkakasundo sina Ñora Loleng at Don Ramon habang sina Morales at Isiang ay nagkakaigihan ngusapan. Umabot ito sa kaalaman ni Don Filemon sa tulong ng isang sulat na walang lagda. Gawaito ni Julita, isang dalagang kalaguyo ni Don Ramon. Sinaktan ng Don ang asawa subalit nagkaila siÑora Loleng. Ipinatawag ni Don Filemon si Don Ramon na noon ay nasa piling ni Julita sa SanMiguel. Nagkaila rin si Don Ramon. 7

14. Si Don Ramon ay umuwi sa kanila at naratnan niyang nasa silid ni Meni siDelfin. Mabilis na nakaalis ang lalaki kung kaya si Talia ang napagbuntunan ng galit. Mula noontanging si Madlang-layon lamang ang kinakausap ni Don Ramon. Lingid sa kaalaman ng kanyanganak ay binalak niyang mangibang bansa upang doon na hintayin ang kanyang kamatayan. Nahimokni Madlang-layon ang Don sa pagpapakasal nina Delfin at Meni. Pumayag ang matanda sakasunduang hihiwalay na sa kanila si Meni. Ang kasalan ay kabaligtaran ng kasal nina Talia atYoyong. Ang mag-asawang Delfin at Meni ay sa tiya ni Delfin tumira. 15. Samantala, si Felipe na ipinagsama ng amang si Kapitan Loloy saprobinsya ay patakas na bumalik sa Maynila, kasama ang isang alila. Kina Delfin siya tumuloy.Nang dalawin niya ang kasintahang si Tentay ay hiniling ng kasintahang magsama na sila bilangmag-asawa kahit na hindi sila kasal sapagkat hindi siya naniniwala sa kasalan. Hindi sana payag angdalaga sa simula subalit umayon din ito. 16. Buo na sa isip ni Don Ramon ang maglakbay ng ibang bansa. Isinasaayosnito ang mga kasulatan tungkol sa kanyang kayamanan at mga ari-arian sa tulong ni Madlang-layonna dati’y may magandang loob ay naging sakim sa kayamanang mamanahin nila ni Talia. Naglakbaysi Don Ramon na kasama ang alilang si Tikong. 17. Si Madlang-layon ay ginigiyagis ng sariling budhi sa simula dahil saginawang kasulatan ni Don Ramon na nag-alis ng mana kay Meni. Alam niyang iyon ay labag sabatas sapagkat walang batayan. 18. Labis na ipinagdamdam ni Meni ang pag-alis ng ama, lalo na ang mabatidna hindi siya isinama sa testamento. Nagkagalit sila ng kanyang kapatid na si Talia at ng asawanitong abogado. Nasabi ni Meni kay Delfin na mabuti’y maghabol sila sa hukuman. Ngunit para kayDelfin ay masarap pa ang mabuhay ng maralita kaysa gawin ang gayon bagama’t alam niyang sila’ynasa matuwid. 19. Hindi nagtagal at nagsilang si Meni, lalaki. Si Felipe ang naging ninongng bata. Masaya sila sa binyagan. Subalit sa gitna ng gayong galak ay dumating ang balita buhat saAmerika. Si Don Ramon ay pinatay ni Tikong, ang alilang kasama sa paglalakbay. 20. Ang bangkay ng Don ay inuwi ng pamangking si Doroteo Miranda na nag-aaral sa Madrid. Kasama ang isang binata, si Ruperto, na naglilingkod sa isang bar habang nag-aaralsa Amerika. Si Ruperto ay kapatid ni Tentoy na nakipagsapalaran sa paglalayas. Si Ruperto angnakakaalam kung bakit pinatay ni Tikong si Don Ramon. Napuno ang utusan sa ginagawangpaglalasing at pambubugbog ni Don Ramon. Natutulog si Don Ramon ng patayin ni Tikong. SiTikong ay hindi matunton, nangibang-lupain ito. 21. Ang bangkay ay inilibing-hari sapagkat ang namatay ay si Haring-salapi,lakas-ginhawa, gat-yaman, at apu-puhunan. 8

22. Hindi nakasama sina Talia at Meni. Naiwan sila sa bahay kasama si ÑoraLoleng. Sa libingan ay nawili sa pag-uusap ang magkumpareng Delfin at Felipe tungkol sasosyalismo. Samantala, si Ruperto ay nagtapat ng pag-ibig kay Marcela na kapatid ni Felipe habangnaroon sila sa libingan. 23. Sa bahay ng namatay ay nahalata ni Delfin ang matinding galit sa kanyanina Kapitan Loloy at Doroteo nang ipakilala siya ni Madlang-layon sa mga ito. Sa tulong niRuperto ay nalaman ni Delfin ang lahat ng pagtuligsa sa kanyang pagkatao nina Don Felimon,Madlang-layon at iba pang nagtitipon sa bahay nina Talia. Nalaman din ni Delfin ang balak na siMeni ay pahiwalayin sa kanya. Si Meni ay nagtanggol sa asawa. Tinukoy din niya ang taong maykagagawan upang sila’y hindi magkamit ng mana. Lumubha ang pag-uusap. Napahinto ang hapunanng di pa oras. 24. Nang hilahin ni Delfin ang asawa upang umalis na sila ay pinagtulungansiya nina Madlang-layon at Siyano. Sa gayon ay lumantad si Felipe at sinabi kay Delfin na hindi itonag-iisa. Binalaan ni Felipe ang mayayaman hinggil sa aabutin ng mga ito. Sinampal siya ngkanyang ama. Ipinamukha naman niya sa ama at sa lahat ng naroroon ang mga kamaliang kanilangginagawa. • Nabago ba ang iyong paninindigan sa buhay matapos mong mabasa ang akda? Gawin mo angiba’t iba pang gawain na higit na magpapalawak at magpapalalim sa iyong kaalaman. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika • Basahin mo ang sumusunod na mga pangungusap. Pagkatapos isagawa mo ang hinihingi ng tsart sa ibaba. 1. Nakipagsapalaran siya sa magulong buhay ng paglalayas sa Amerika. 2. Binulay-bulay ni Felipe ang ginawang pagwawaldas sa kanilang kabuhayan ng mga mamamayan. 3. Ang bangkay ay binigyan ng libing- hari sapagkat ang namatay ay si Haring – salapi, lakas – ginhawa, gat-yaman at apu-puhunan. 4. Si Madlang- Layon ay ginigiyagis ng sariling budhi dahil sa kasulatan ni Don Ramon na nag-aalis ng mana kay Meni. 5. Napuno ang utusan sa ginawang paglalasing at pambubugbog ni Don Ramon. 9

• Isulat mo lahat ng mga salitang nakaitalika sa hanay ng mga salita. Pagkatapos suriin itoayon sa hinihingi ng tsart. Sundin mo ang halimbawa.Mga Salita Salitang-ugat Panlapi Anyo Kahulugan pa-in maylapi paalisinPatalsikin talsikb. Pagsusuring Pangnilalaman • Isulat mo ang P kung nagpapakita ng positibo o kalakasan sa kilos,paniniwala o gawi ng tauhan ang sumusunod na mga pahayag. At N kung nagpapakitang negatibo o kahinaan.1. Pagpapabaya ni Felipe sa pag-aaral.2. Pagsasabong, pagsusugal, kahambugan sa pagkain ng masarap at pagbibihis ng marikit ng mga manggagawa na daig pa ang mayayaman.3. Pagmamalasakit ni Felipe sa kalagayan ng mahihirap taliwas sa mayayaman.4. Pangako ni Delfin na pananagutan niya ang pagdadalan tao ni Meni.5. Pagkakaroon ng kalaguyo ni Don Ramon.6. Panghihimok ni Madlang-layon kay Don Ramon na pumayag nang pakasal si Delfin at Meni.7. Pag-aaya ni Felipe sa kasintahang si Tentay na magsama na sila kahit di pa kasal sapagkat di siya naniniwala sa kasalan.8. Pagpatay ng utusan kay Don Ramon dahil sa ginawangpaglalasing at10pambubugbog nito sa kanya.

9. Pagkukunwari ni Don Felipe na di niya alam na may kalaguyo o kerida ang kaibigang si Don Ramon. 10. Pagkamaringal ng kasalang Talia at Yoyong kung kaya’t namangha ang mga tao sa karangyaan ng handaan.• Paghambingin mo ang mga tauhan sa akdang ito ayon sa kanilang kilos, gawi atpaniniwala. Gamitin mo ang venn diagram sa ibaba.Don Ramon Talia Meni Don Felipe Delfin Felipe c. Pagsusuring Pampanitikan Bago mo isagawa ang gawain sa ilalim nito mahalagang pag-aralan mo munaang nasa loob ng kahon. Higit na makatutulong ito sa iyo sa lubusan mong pag-unawaukol sa panlipunan at sosyolismong pananaw. Batid mo ba na ang isang akdang pampanitikang tumatalakay sakalagayang panlipunan sa isang tiyak na panahon ay humihingi ng pamaraangsosyolohikal. Dito’y mahalagang mabatid mo ang kapaligirang sosyolohikal ngakda upang maipaliwanag ang kahulugan ng seleksyon. Sa pamamagitan din ngpagdulog na ito ay maipakikita ang iba’t ibang katauhan at pagpapahalagang maykaugnayan sa sektor ng lipunang ipinakikita sa akda. Dapat mo ring tingnan dito ang interaksyon ng tao sa tao, ng tao salipunan. Ang kilos o motibasyon ng isang karakter ay dapat na maayos sakanyang kapaligiran (environment), edukasyon, mga institusyong panlipunan atiba pang pwersang sosyal. Ang nobelang Noli Me Tangere ni Dr. Jose Rizal, Sa Mga Kuko ngLiwanag ni Edgardo M. Reyes at Banaag At Sikat ni Lope K. Santos ay ilanlamang sa mga akdang nagpakita ng kontradiksyong panlipunan. 11

• Muli mong balikan ang binasa mong buod ng akda. Ito ay binubuo ng dalawapu’t apat (24)na talata. Sa talahanayan sa ibaba nakatala ang mga kontradiksyong panlipunang ipinakita sa akda.Isulat mo ang bilang ng talata at bilang ng pangungusap na katatagpuan nito. Kontradiksyong Panlipunan Talata Pangungusap1. Pakikipaglaban ng mga Bilang Bilang manggagawa sa kanilang mga karapatan bilang manggagawa.2. Pag-aasawa ng isang mahirap sa isang anak- mayaman.3. Pagsasamahan sa puhunan at paggawa o ng kapitalista at manggagawa.4. Marangal na kasalan, paghahanda at pagdalo sa handaan.5. Pagkakaroon ng kerida kahit di lingid sa kaalaman ng iba. • Ngayon naman isulat mo ang Oo kung ang bilang ng sumusunod na mgapangungusap ay nagpapatunay sa panlipunan o sosyalismong pananaw at Hindi kung dinagpapatunay.1. Pagbibigay –halaga sa emosyon ng isang nilalang.2. Pagkakaroon ng malinis na puso’t isipan ng isang indibidwal.3. Hindi paniniwala ni Delfin sa bisa ng kasal.4. Pagbubuntis na walang bisa ng kasal.5. Pakikipaglaban ng mga manggagawa sa kanilang mga karapatan bilang manggagawa.6. Pag-aasawa ng isang mahirap sa isang anak mayaman. 12

7. Mabuting pagtitinginan ng mga kapitalista at mga manggagawa. 8. Magarbong paghahanda at pagdalo sa handaan. 9. Ipagbigay alam sa taong kinauukulan ang pakikiapid ng isang kaibigan sa isang kerida. 10. Pagpapahalaga sa karapatan ng mga manggagawa. d. Halagang Pangkatauhan • Maraming “values” ang lumutang sa araling ito. Ang iba’y maaaring nagaganap atginagawa pa sa kasalukuyan. Basahin mo ang sitwasyong nasa loob ng kahon. Pagkatapos, ilagay mo sa loob ng caravankung alin ang una mong dapat gawin. Bilang lang ang dapat mong isulat. Isa kang lider manggagawa. Nais ng mga kasamahan mo na itaas ang iyong suweldo subalit hindi kayo pinaunlakan ng inyong kapitalista. Nais nilang magwelga! 1. Ilapit ang suliranin sa DOLE. 2. Makipagbargain hinggil sa kalagayang nais itaas sa suweldo. 3. Makipag-usap sa kapitalista o namumuhunan. 4. Pulungin ang kapwa manggagawa at iplano ang hakbang na gagawin. 5. Dumulog at humingi ng payo sa isang abogado. • Marami ka bang natutuhan? Nasiyahan ka ba sa mga inihanda kong gawain? 13

Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong mga sagot. Kungang sagot mo sa paghahambing ng tauhan sa ilalim ng pagsusuring pangnilalaman ay katulad ng nasasusi ito ay katanggap-tanggap. Maging matapat ka sana sa pagwawasto. 4. Palalimin mo… • Matapos mong masagutan ang mga naunang gawain, bibigyan kita ng mga suliranin na nais kong bigyan mo ng solusyon. Tinatawag itong P-Solve. Unawain mong mabuti ang suliranin para mabigyan mo ito nang angkop na solusyon. a. Pareho kayong manggagawa ng iyong matalik na kaibigan sa isang pabrika. Magkababata pa kayo. Minsan, natuklasan mong naglalabas pala siya ng mga gamit na pag-aari ng pabrika. Kasabwat niya ang inyong gwardya. Ano ang gagawin mo? b. Bago ka pa lamang sa kompanyang pinagtratrabahuhan mo. Nagkataong may gumagalang papel na nangangailangan ng pirma ng mga empleyado para mapaalis ang inyong “supervisor” sa kanyang pwesto. Ano ang gagawin mo? c. Malinis ang record mo sa kompanyang iyong pinapasukan. Katunayan noong nagdaang taon, pinarangalan ka bilang “Employee of the Year” dahil masipag ka at di ka lumiliban. Subalit, tila may kapalit na di maganda ang award mo. Napagbintangan kang kumuha ng cellphone ng inyong boss dahil ikaw lang daw ang naiwan sa kwarto. Alam mong hindi ito totoo! Ano ang gagawin mo? 14

• Hindi ka ba nalito? Sa tingin mo ba’y naibigay mo ang tamang solusyon sa problema? Kung gayon, kunin mo ang susi sa iyong guro at iwasto mo ang iyong sagot. Kung ang sagotmo’y katulad ng nasa susi, ito ay katanggap-tanggap. Maaari ka nang tumungo sa susunod na gawain. 5. Gamitin mo… Piliin mo sa loob ng kahon sa ibaba ang tumutugon sa mga sumusunod na kaisipan. Bilang lamang ang iyong isulat. a. Ang mayayaman ay lalong yumayaman at ang mahihirap ay lalong naghihirap. b. Dahan-dahan ang pag-akay sa mga tao upang mapawi ang kamangmangan ng masa at kasakiman ng ilang manggagawa. c. Kabulukan ng sistema ng lipunan na pinangungunahan ng mayayamang walang kapararakang lumustay ng salapi samantalang libu-libong mamamayan ang salat sa pagkain at iba pang pangunahing pangangailangan sa buhay. d. Kailangan ang malawakang reporma upang malihis ang bansa sa marahas na paraan. e. Hindi lahat ng tao ay nabibili ng salapi. f. Ang buhay ay isang pakikibaka. g. Ang isang adhika, matatamo lamang sa sikap at tiyaga. 15

1. Gradwal lamang ang pagpasok ng mga simulain ng sosyalismo.2. Pangarap na dumating ang araw na magkaroon ng pagkakapantay- pantay at matamasa ang lubos na kalayaan at patas na ginhawa sa buhay.3. Kasalukuyang sistema ng pamumuhay sa lipunang ginagalawan.4. Pagkakaroon ng kalayaan ng mga manggagawa na iparating ang kanilang hinaing sa mga kapitalista sa maayos at mapayapang paraan.5. Puno ng pagsubok at suliranin ang ating buhay.6. Maging matatag at ipaglaban ang sariling paninindigan.7. Ang tao ay may sariling isip, talino at kakayahan.• Naiangkop mo ba ang mga pahayag sa mga kaisipan? Kunin mo sa iyong guro ang susi at iwastomo ang iyong mga sagot.6. Sulatin mo… Nais mo bang maging isang kwentista? May kakayahan ka ba sa pagsulat?Subukan natin ang iyong galing sa pagsulat ng isang kuwento. Madali lang dahil may padronkang susundin. Pumili ka ng isa sa sumusunod na mga paksa at bumuo ka ng banghay ng isangkuwento. Pagproprotesta ng mga Pagpapatupad sa batas ng manggagawa tungkol sa mga kapitalista, pagtaas ng kanilang magandang benepisyo suweldo para sa mga manggagawa Pagtratrabaho ng mga menor de edad (pagpapalimos, pagtitinda ng dyaryo atbp.) 16

Matapos kang makapamili ng paksa, gamitin mo ang tsart ng banghay sa ibaba sa pagbuo ngkuwento. Gamitin mo ang mga pahiwatig na salita. May isang taong ( Nagnanais, nangangarap) Ngunit (But ) Kaya (So) • Maituturing mo na ba ang iyong sarili bilang isang kwentista? Natitiyak kong malapit na! Kung nasundan o nagamit mo nang maayos ang mga pahiwatig na salita sa pagbuo ngbanghay ng isang kuwento, ang iyong isinulat ay katanggap-tanggap. Tingnan mo rin ang padron sasusi ng pagwawasto mula sa iyong guro. 7. L agumin mo… Marami ka bang natutunan sa araling ito? Napukaw ba ang iyong kamalayan sa relasyon ng kapitalista sa mga manggagawa? Kung gayon, lagumin mo ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng sumusunod na gawain. Punan mo ng angkop na salita ang bawat patlang upang maging buo at ganap ang diwa ang pangungusap. Piliin mo ang angkop na salita sa loob ng kahon sa ibaba. 17

Bilang isang __1__ napakahalagang magkaroon ng sariling paninidigan sa _2___ upang mapaglabanan ang mga pakikibakang pagdadaanan sa __3__ ginagawalawan. Ang pagkakaroon ng paninindigan ay isang patunay ng pagkakaroon ng katatagan ng __4__at tibay ng __5__ na tumayo sa __6__ ipinaglalaban at alam na tama. Nararapat ding ilagay sa __7__ at maayos na paraan kung kailan nararapat at hindi nararapat ipaglaban ang prinsipyo ng isang __8__ upang maging maayos ang __9__ ng mga taong naninirahan sa isang lipunan. loob indibidwal lipunan tama buhay prinsipyo pagsasamahan mundo damdamin pagtutulungan • Muli mong iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi na nasa iyong guro. Upang lubos mong masukat kung hanggang saan ang iyong natutunan, sagutin mo angpangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Gaano ka na kahusay?ibaba. Basahin mo ang sumusunod na pangungusap. Pagkatapos sagutin mo ang tanong sa Piliin ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang. Mga tungayaw at kalaswaan ang lumalabas sa bibig ni Nyora Loleng. 18

1. Ang salitang-ugat sa salitang sinalungguhitan.2. Mga panlaping ginamit sa salitang ito.3. Ang kahulugang taglay ng salita.4. Ipinakita ni Don Ramon na siya’y may negatibong pag-uugali o taglay ang pagiging mahina nang:a. nagkaroon ng kalaguyob. ayaw ipakasal si Meni kay Delfinc. palagiang pambubugbog sa utusand. lahat ng nabanggit5. Masasabi namang ang kalakasang taglay ni Delfin ay pagkakaroon ng:a. sipag at tiyaga b. pakikipagtalo kay Don Ramonc. pagtatanan kay Meni d. pakikipagkaibigan kay Felipe6-7. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng panlipunang pananaw?a. Pinipilit n’yang matamo ang lahat ng karangyaan.b. Sinusunod ng mga mamamayan ang batas na pinaiiral sa pamayanan.c. Tumutulong ang pamahalaan sa simulain ng tao.d. Mataas ang pananalig ng mga tao sa Diyos.e. Maayos na pamamalakad ng mga kapitalista sa larangan ng paggawa.8. Kailangang lumaganap ang kaisipang sosyalista hindi lamang sa isang bansa kundi sa daigdig. Kapag ito’y naisakatuparan ang tagumpay ay maihahalintulad sa:a. buhay na malaya b. demokrasyang tunayc. pagkapantay-pantay ng mamamayan d. lahat ng ito9. Maraming mahirap na ang nagtatagumpay sa buhay at kilala sa lipunan. Puhunan nila ang sipag at _____.a. talino b. tiyaga c. pag-uugali d. lahat ng ito 19

10. Ang pagkakaroon ng sariling paninindigan sa buhay ay tanda ng isang mabuting nilalang. Ang pahayag ay: a. katotohanan b. kasabihan c. paniniwala d. opinion• Naging madali na ba sa iyo ang pagsagot? Kung ang iskor na nakuha mo ay 7-10, maaarika nang tumungo sa susunod na modyul. Kung 6 pababa, isagawa mo pa ang sumusunod nagawain.VII. Paunlarin mo Bumuo ka ng kaisipan kaugnay ng naging paksa ng araling iyong binasa. Gamitin moang mga sumusunod na mga susing salita sa pagbuo.1. Manggagawa 6. Anakpawis2. Pawis 7. Kaagapay3. Palad 8. Pamahalaan4. Kaunlaran 9. Lingapin5. Bansa 10. SalalayanHalimbawa: Ang manggagawa ang salalayan ng kaunlaran ng bansa. 20

Modyul 15 Susi sa Pagwawasto Ano na ba ang alam mo?1. d 6. a2. d 7. d3. d 8. c4. d 9. b5. d 10 dMga Gawain sa PagkatutoAlamin mo… Sulatin mo1. a 6. e Si Anselmo ay nangangarap2. c makapaghanapbuhay upang maiahon sa3. f kahirapan ang kanilang pamilya.4. d5. g Ngunit siya’y di matanggap dahil sa menor de edad pa siya.Linangin mo…Pagsusuring Panglinggwistika Kaya naisipan na lamang niyang sumama sa ama at mamasukang kargador sa palengke. Mga Salita Salitang-ugat Panlapi Anyo Kahulugan1. nakipagsapalaran Palad Naka Maylapi sinubok ang kapalaran2. binulay-bulay bulay-bulay In Inuulit nag-isip-isip Waldas Pag Inuulit Paglustay Pagwawaldas Hari tambalan marangyang-libing3. libing-hari tambalan taong masalapi Yaman in tambalan buhay na maginhawa haring-salapi Giyagis maylapi Maylapi sobrang yaman lakas-ginhawa Puno Maylapi Sinusumbatan gat-yaman Na di nakapagtimpi Ginigiyagis Napuno 21

Pagsusuring pangnilalaman1. N 6. P Don Ramon at Don Felipe2. N 7. N Delfin at Felipe3. P 8. N Talia at Meni4. P 9. N5. N 10. NPagsusuring Pampanitikan Kontradiksyong Panlipunan Talata Pangungusap 1. Pakikipaglaban ng mga Bilang Bilang 1-2 Manggagawa sa kanilang 6 1 mga karapatan bilang 8 manggagawa. 6 2 2. Pag-aasawa ng isang 9 3 mahirap sa isang anak- 13 mayaman. 3. Pagsasamahan sa 22 puhunan at paggawa o ng kapitalista at manggagawa. 4. Marangal na kasalan, paghahanda at pagdalo sa handaan. 5. Pagkakaroon ng kerida kahit di lingid sa kaalaman ng iba.1. Oo 6. Oo2. Oo 7. Oo3. Hindi 8. Hindi4. Hindi 9. Oo5. Oo 10. OoGamitin mo… e. 7a. 2 f. 5b. 1 g. 6c. 3d. 4

Halagang Pangkatauhan Palalimin mo1. 5 a. Kakausapin ko siya at hihimuking2. 3 itigil na ang ginagawa.3. 24. 1 b. Hindi ako pipirma sapagkat5. 4 wala pa akong sapat na dahilan upang makiisa sa kanila. c. Magpapaliwanag ako at patutunayan kong inosente ako.Lagumin mo1. indibidwal/tao2. buhay3. lipunan/mundong4. loob5. damdamin6. prinsipyo7. tama8. indibidwal9. pagsasamahan Gaano ka na kahusay?1. laswa2. ka-an3. hindi maganda4. d5. a6. c7. e8. d9. a10. aPaunlarin mo- Ang mga manggagawa na binubuo ng mga anak pawis ay kaagapay ng bansa sa kaunlaran.- Lingapin ng pamahalaan ang mga anak pawis.- Nasa palad ng mga manggagawa ang kaunlaran ng bansa.- Sa pawis ng mga manggagawa ang 23 salalayan ng kaunlaran ng bansa.

Talahanayan ng IspesipikasyonModyul Mga Kasanayan Pamagat Genre BanaagBilang Pagsasalita Pagbasa Pampanitikan Pagsulat at Sikat Nobela Nasusuri ang15 Napatutunayan na Nasusuri ang akda Nakabubuo ng sa pamamagitan ang pagkakaroon pagkakabuo ng ng isang kuwento batay sa mga ng sariling salita at pagtukoy sa mga klung paninindigan sa bahaging ibinibigay nabibigyan ng buhay ay mahalaga tamang nagpapahayag ng sa pakikibaka kahulugan Panlipunan o sa lipunang sosyalismong Ginagalawan Pananaw Nasusuri ang Positibo/ kalakasan at Negatibo/ kahinaang taglay ng tauhan batay sa kanyang kilos, paniniwala, at gawi 24

25

Modyul 16 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Eksistensyalismo at Elemento Nito Tungkol saan ang modyul na ito? Mabuhay! Narito akong muli upang gabayan ka sa dalawang akda na iyong pag-aaralan atsusuriin. Kung naibigan mo ang mga nakaraang aralin, matutuwa ka naman sa dula na babasahin mongayon na pinamagatang “Sa Pula, Sa Puti”. Ito’y isang komedya. Ang komedya ay isang dulangnagpapatawa, nang-aaliw at may masayang wakas. Sa pamagat pa lang ay matutukoy mo na ito’ytungkol sa sabong. Ang sabong ay ang paglalaban ng dalawang manok na tandang na nilalagyan ngtari. Ang tari ay isang matulis na patalim na inilalagay sa paa ng panabong na manok. May pusta otaya sa sabong. Panalo ang may taya sa nagwaging manok. Ang ikalawang akda na iyong babasahin ay isa namang maikling kuwento na pinamagatang“Matigas ang Ulo” ni Mar Al Tiburcio. Ito’y tungkol din sa ipinagbabawal na sugal ang Beto-beto.Ito’y isang uri ng sugal na ginagamitan ng tatlong dais na tinatakpan at kinakalog at ang mganakataya sa numero na lumabas sa dais ang siyang mananalo. Ang dalawang akdang ito ay kapwa mo kapupulutan ng aral. At siyempre naghanda pa rin akong iba’t ibang gawaing hahamon sa iyong kakayahan at isipan. Ngunit huwag kang mag-alalatutulungan kita. Magiging magaan ang mga ito at madali mong mauunawaan. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’t ibanggenre ng panitikan. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaking tulong ang maibibigay sa iyo ng modyul na ito. Patnubay mo ito sa pansarilingpagkatuto. Kaya upang maging maayos at epektibo ang iyong pag-aaral, sundin mo ang mgasumusunod na tagubilin. 1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo?. Ito’y gabay upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 1

2. Sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong sagot. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin. 4. Gawin at sundin mo ang mga panuto. 5. Isulat mo ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk. 6. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay?. Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 7. Maging matapat ka sa pagsagot at pagwawasto ng iyong mga gawa. 8. Ingatan ang modyul na ito. Panatilihin mong walang punit ang bawat pahina. Ano na ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Nagmamadali si Kulas dahil sa may katrato siya sa susunod na sultada. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay____ a. labanan b. karera c. bilang d. petsa 2. Sa kasasabong ni Kulas ay baka dumating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Ang may salungguhit na pahayag ay nangangahulugang ______ a. kumain ng asin b. magkasakit c. magtiis ng hirap d. di kumain 3. Kinakatkat ng mura ng ama nang umagang iyon ang kanyang anak. Ang kahulugan ng kinakatkat ay ___ 2

a. pinagagalitanb. pinagmumurac. hinahamakd. dinuduro4. Ang malimit na matalo sa sabong ay si ____a. Celing c. Kulasb. Teban d. Castor5. Ang nagturo kay Kulas ng paraan upang manalo ang tinali nito ay si ___a. Teban c. Castorb. Sioning d. Celing6. Ang nagpahuli sa sugalan ay ang ____a. Ina c. Lolab. Ama d. Kapitan ng Barangay7. Ang tinutukoy sa akda na matigas ang ulo ay ang ____a. Anak c. Amab. Ina d. Lola8. Pinatunayan sa akdang “Sa Pula, Sa Puti” na ______a. ang pagsusugal ay paggawa ng desisyonb. ang pandaraya ay di magtatagumpayc. nasa pagsusugal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan nitod. lahat ng nabanggit9. Kung ibig mong guminhawa ang buhay o magkaroon ng grasya / swerte. Ano ang gagawin mo?a. Magsisikap at magtitiyagab. Hihingi ng tulong sa magulangc. Mananalangin sa Diyosd. Tataya sa Lotto10. Bakit nalilihis ng landas ang mga kabataan??a. dahil sa nakikitang halimbawa sa matatandab. dahil sa lumaki ito sa mga lola at loloc. dahil sa di nakapag-arald. dahil sa mga magulang 3

- Iwasto mo ang iyong mga sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Aralin 1: Sa Pula, Sa Puti? Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod sa kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga natatanging pahayag na ginamit sa akda. 2. Nailalahad ang mahahalagang detalye sa akda. 3. Nasusuri ang akda batay sa mga bahaging nagpapakita ng pagbubuo ng desiyon at pagtanggap ng kinahinatnan. 4. Natutukoy ang mga masasamang epekto ng pagsusugal sa indibidwal at sa pamilya. 5. Nakabubuo ng isang maikling talatang nauukol sa epekto ng pagsusugal.  Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo … Ano ang inilalarawan sa mga sumusunod: Bakit maraming Pilipino ang nahihilig sa sugal? May kaugnayan sa isa sa mga sugal na itoang babasahin mong akda. 4

Kaya kung handa ka na, basahin mo na. 2. Basahin mo … Sa Pula, Sa Puti Ni Francisco ‘Soc’ RodrigoKULAS : A… hem! E, kumusta ka ngayong umaga, CelingCELING : Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kumustahin.KULAS : Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?CELING : Sapagkat pagkadilat ng mga mata mo sa umaga, wala ka nang iniisip kumustahin at himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.KULAS : Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi ang asawa. (Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).CELING : Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig ko ng kung minsang mainggit at magselos.KULAS : Nguni’t Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga tinaling iyon ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.CELING : Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?KULAS : Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga’y napagtalo noong mga nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.CELING : At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba alamang mga bagong sistemang iyan.KULAS : Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip ako. Napanaginipan kong ako’y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti, Celing!CELING : E ano kung puti?KULAS : Ang pilak ay puti, samakatuwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako’y hinahabol… Hinahabol ako ng pilak… ng kuwarta!CELING : Ngunit ngayon ay wala ng kuwartang pilak.KULAS : Mayroon pa, nakabaon lang. Kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakakuwarta tayo.CELING : Ngunit Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nataon sa a-8 ng Pebrero, at sabi mo’y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.KULAS : Nagkamali ako sa pakahulugan ng numero 8. Ang kailangan pala ay sa ikawalong sultada ako pumusta.CELING : At nagkamali ka rin ba noong managinip ka ng pusang pula? Pinustahan mo ang manok na pula at nadisgrasya na naman ang walong piso, at ngayon ay kalabaw na puti. 5

KULAS : Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito’y walang pagkatalo, Celing.CELING Ipinapangako ko sa iyo, walang salang tayo ay mananalo. : Kulas, natatandaan mo bang ganyang-ganyan din ang sabi mo sa akin noong isangKULAS Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo ng pakang na manok.CELING : Sinabi ko nang iyon ay disgrasya! (Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. MaiinipKULAS si Kulas) Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako magsasabong.CELING : Totoong-totoo?KULAS : Totoo, sige na, madali ka at nagsusultada na. Sige na, katrato ako sa susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya. (Titingnan ni Celing angSIONING pagkabalisa ni Kulas at maiisip na walang saysay ang pakikipagtalo pa, iiling-ilingKULAS na dudukot : O, buweno, kung sa bagay, tagatago lamang ako ng pera. O heto. Huwag mo sanaCELING akong sisisihin kung nauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.SIONING : (Kukunin ang salapi) Huwag kang mag-alala, Celing, ito’y kuwarta na. Siguradong-CELING sigurado! O, buweno, diyan ka muna. (Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunitTEBAN masasalubong si Sioning sa may pintuan.)CELING : Kumusta ka, Kulas? : (Nagmamadali) Kumusta…e…eh, Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ayTEBAN nagmamadali. Eh…este…eh… nandiyan si Celing…Celing! Heto si Sioning.SIONING Buweno diyan ka na. (Lalabas si Kulas.)CELING : Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.SIONING : Celing talaga bang…CELING : Sandali lang ha, Sioning. (Sisigaw sa gawing kusina) Teban! Teban! Teban!SIONING : (Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo) Ano po iyon, Aling Celing?CELING : (Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Teban) O, heto, Teban, limang piso.SIONING Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta mo ito. Madali at bakaCELING mahuli! : (Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas) : (Lalabas si Teban) Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba’y naging sabungera na rin? (Magugulat) : Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay pumupusta rin ako. : A… Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano ba ang pinagsasabi mo? : O, buweno, Sioning, maupo ka’t ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang ipaalam kaninuman. : Oo, huwag kang mag-alala sa akin. : Alam mo, Sioning, ako’y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo. : Ay, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing, pinaglalaruan mo yata ako. : Hindi. Alam mo’y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas. Nag-aalala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong siya’y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May 6

SIONING isang buwan na ngayon, na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ayCELING pinapupusta ko si Teban sa sabungan upang pumusta sa manok ng kalaban. : (May kahinaan din ang ulo) Sa anong dahilan?SIONING : Puwes, matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama’y matalo ayCELING nanalo si Kulas, kaya’t anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang amingSIONING kuwarta.CELING : Ay siya nga. Siya nga pala naman. (Mag-uumpisang maririnig ang sigawan buhat saSIONING sabungan.) : Hayan, nagsusultada na marahil. Naku sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.CELING : Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.SIONING : Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ngCELING simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan. : (Lalong lalakas ang sigawan). Ah, siya nga pala, Celing, naparito ako upangTEBAN ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng sabon sa tindahan ni Aling Kikay.CELING Baka tayo maubusan.SIONING : Ay salamat at nagkasabon na rin. Makapaglalaba na ako. : Ngunit baka tayo maubusan.CELING : Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumareKULAS namin. (Dudungaw si Celing) O heto na nga si Teban. Tumatakbo. (Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).CELING : (Tuwang-tuwa) Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo! (Ibibigay ang salapi kayKULAS Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)CELING : Mabuti, Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalataKULAS ang ating ginagawa. (Magmamadaling lalabas si Teban.)CELING : O, buweno, lumakad na tayo, Celing (Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si Kulas na tila walang kasigla-CASTOR sigla.)KULAS : Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti. : (Mainit ang ulo) Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako’y malas. Celing, iyo’y disgrasya lamang. Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte! : Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinanghahawakan kundi suwerte! : Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang makita ang anino ng sabungang iyan. : Nawa’y magkatotoo na sana iyan, Kulas. : Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman. : Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay upang bumili ng sabon. (Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindahan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihitit at pagkatapos ay ihahagis sa sahig ang natitira at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may kalumbayan.) : Hoy, Kulas kumusta ka? : Ay, Castor… at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako’y malas! Akalain mo bang kanina’y natalo ako? Tingnan mo lang, Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at nagigirian na parang boksingero. Biglang sabay na lumundag at nagsagupaan sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa hangin, at 7

CASTOR tumaas ang balahibo. Unang lumagpak ang aking manok. Walang sugat at patayo,KULAS ngunit alam mo kung saan lumagpak?CASTOR : O saan?KULAS : Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.CASTOR : Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.KULAS : Ano bang walang marami? Halos, tutong na lamang ang natitira sa aming natitipon.CASTOR : Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong. : Ano bang hindi tama?KULAS : Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay talagang patuluyan nang perdida ang kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaringCASTOR makabawi? : Hindi, Castor, lalo lamang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-KULAS suwerte lamang, at masama ang aking suwerte. : Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, hindi akoCASTOR natatalo sa sabong. : Mano ngang magtigil ka Castor, kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manokKULAS mo ay laging nakabitin kung iuwi.CASTOR : Itong si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manokKULAS ngunit nananalo ako sa pustuhan!CASTOR : Nguni’t paano iyan?KULAS : Taong ito… pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.CASTOR : Eh kung magkataong ang manok mo ang manalo.KULAS : Hindi maaaring manalo, ang aking manok, ginagawan ko ng paraan.CASTOR : Hoy, Castor, paano mangyayari iyan?KULAS : Talaga bang gusto mong malaman?CASTOR : Aba, oo. Sige na. : O, buweno, kunin mo ang isa sa iyong tinali at ipaliliwanag ko sa iyo.KULAS : Kahit ba alin sa aking mga tinali?CASTOR : Oo, kahit alin, sige kunin mo. (Lalabas si Kulas patungo sa kusina. BabalikKULAS na may dalang tinali.)CASTOR : (Ibibigay ang tinali kay Castor) O heto, Castor.KULAS : Ngayon, kumuha ka ng isang karayom. : Karayom!CASTOR : Oo, karayom. Iyong ipinananahi! : Ah… (Pupunta sa kahong kinalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isangKULAS karayom.) O heto ang karayom. : (Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.) O halika rito at magmasidCASTOR ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro ay hihina ang paa. Tingnan mo… (Anyong duduruin ni Castor ang hita ng tinali.) Hayan! (Ibababa angKULAS tinali) Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi makapapalo. : Samaktuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan… Siguradong matatalo. : Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang manok na iyan…at pumusta nang palihim sa kalaban. : Siya nga pala. Magaling na paraan! 8

CASTOR : Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.KULAS : (Balisa) Ngunit, Castor hindi ba iya’y pandaraya?CASTOR : Oo, pandaraya…ngunit por Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi gumagamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito’yKULAS gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?CASTOR : Siya nga, Castor, kung sabagay, malaki na ang natatalo sa akin.KULAS : At akala mo ba’y sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.CASTOR : Kung sabagay…KULAS : Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.CASTOR : Siya nga, may katwiran ka.KULAS : O…eh… ano pa ang inaantay mo? Tayo na.CASTOR : Este… Castor…eh…hintayin lang natin si Celing, ang aking asawa.KULAS : Bakit, ano pa ang kailangan?CASTOR : Ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito. : Naku itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno,KULAS Hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makatipakCASTOR tayo nang malaki-laki.KULAS : Oo…Este…Castor… : O, ano na naman?CASTOR : Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo’y ayaw kong makita ka niyamo. rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na. : (Tatawa) Oo… aalis ako. Mabuti nga ang makahanap na ako ng kareto ng manokKULASCASTOR Sumunod ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan. : Oo, Castor, susunod ako.CELING : Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak, ha? (Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahawakan ang nadurongKULAS hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning)CELING : (Pagkakita sa tinali) Ano ba iyan, Kulas? At akala ko ba’y isinusumpa mo na angKULAS sabungan? : (Lulundag na palapit.) Celing, ngayon lamang. Walang salang tayo ay makababawi.CELING : Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras nagbabago.KULAS : Celing talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na lahat ngSIONING aking tinali. Ipinapangako ko sa iyo.CELING : Ngunit baka pangako na naman na napapako.KULAS : Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang ating testigo.CELING : (Kinindatan si Celing) Siya nga naman , Celing bigyan mo na, ako ang testigo.SIONING : O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang, ha?KULAS : Eh…dalawampung piso lamang.SIONING : Dalawampung piso?CELING : Susmaryosep! : Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi. (Mag-aatubili si Celing.)KULAS : Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.magsisisi. : O, buweno, heto. (Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul.) : (Kukunin ang salapi) Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito’y kuwarta na. Hindi ka 9

CELING O, buweno, diyan na muna kayo, hane? (Magmamadaling lumabas si Kulas na dalaSIONING ang kanyang tinali.)TEBAN : (Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na) Teban! Teban!CELING : Teban, madali ka? (Papasok si Teban buhat sa kusina).SIONING : Opo, opo Aling Celing.TEBAN : O heto ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.CELING : Madali ka. Teban. Ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.TEBAN : (Magugulat sa dami ng salapi) Dalawampung piso ito a…SIONING : Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.TEBAN : (Hindi maintindihan) Ito ba’y itotodo ko?CELING : Oo, todo.SIONING : Opo, naku! Malaking halaga ito… (Lalabas si Teban)CELING : Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?SIONING : Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.CELING : Kung sa bagay. Nguni’t hindi lamang kuwarta ang aking ipinagdaramdam. : Eh ano pa?SIONING : Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyoCELING ay nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo ay ang pagdaraya, pagnanakaw…atSIONING kung anu-ano pa. : Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.CELING : Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan. (Lalong, lalakas ang sigawan) : Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. NoongSIONING ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub at sa harap ng lahat ay minura ko siya mula ulo hanggang saCELING talampakan. E, di mula noo’y hindi na siya nakalitaw sa klub. : Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama’y hindi nakalabas ng bahay nangSIONING may limang araw, hindi ba dahil sa nangitim ang buong mukha mo?CELING : Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokalate naSIONING naman kami.CELING : Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis na lamang.TEBAN (agad huhupa ang sigawan.)CELING : Ayan tila yata tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo? : Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya’y mapagkakatiwalaan.SIONING : Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay mainit kapag nasa palad na ng tao.CELING : Huwag kang mag-alala…(Papasok si Teban)SIONING : (Walang Sigla) Aling Celing, natalo po tayo.CELING : A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, ,magpuntaSIONING ka na sa kusina at baka dumating ang iyong amo. (Lalabas si Teban). : Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.CELING : (Nalulungkot) Siya nga. : O, Celing bakit ka nalulungkot?KULAS : Dahil sa nanalo si Kulas. : O. e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay nanalo ka, hindi naman mababawasan ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin ang naghahawak ng supot. : Oo nga, ngunit ang alaala ko’y …Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa sabungan. (Papasok si Kulas na nalulumbay). : Ay, Celing, talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong 10

SIONING kailanman.CELING : Ha?KULAS : Ano kamo?CELING : Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!KULAS : Ngunit, Kulas hindi ba’t nanalo ka?CELING : Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!KULAS : (May himala) Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka. : Sino ba ang may sabi sa iyong ako’y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na siCELING Castor.KULAS : Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.CELING : Diyos na maawain, saan ako kukuha? : (Lalo pang maghihinala) Teka, baka kaya ikaw, Kulas, mayroon nang kulasisi…ayKULAS mayroon nang kulasisi… at pinatuka ang dalawampung piso. : Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. SinoCELING baga ang nagkuwento sa iyo na ako’y nanalo.SIONING : Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.CELING : (Magliliwanag ang mukha) A teka, Celing baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.SIONING : Siya nga pala. : Sinabi ko na sa iyo, huwag kang mayadong magtitiwala. (Pupunta si Celing saCELING pintuan ng kusina.)TEBAN : Teban! Teban! (Lalabas si Teban)CELING : Ano po iyon?TEBAN : Teban, hindi ko akalaing ikaw ay magnanakaw.CELING : Magnanakaw? Ako? Bakit po?TEBAN : At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.CELING : Alin pong pera?TEBAN : Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.CELING : Aba e, natalo po, e. : Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit nataloTEBAN si Kulas, samakatwid nanalo ka.KULAS : (Hindi naiintindihan) Ha? Ano po? Kung ako’y natalo…ay... : ‘Tay kayo, ‘tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba’y pumusta saTEBAN sabong kangina?KULAS : Opo.TEBAN : Saan ka nagnakaw ng kuwarta?KULAS : Kay Aling Celing po.TEBAN : Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?KULAS : E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing. : A ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsasabong, ha? Ikaw pala’ySIONING sabungerang pailalim.KULAS : Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.CELING : (kay Celing) A…at ako pala’y kinakalaban mo pa, ha? : Huwag kang magalit. Kulas. Ako’y pumupusta sa manok na kalaban para kahitKULAS ikaw ay manalo o matalo ay hindi tayo mawawalan.SIONING : Samakatwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin. : Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din. 11

KULAS : E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng aso sa manok. Ako pala’yparang ulol na…CELING : Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo dinala ang pera?TEBAN : Aba, e…KULAS : Hintay muna, Celing. Talagang si Teban ay natalo.CELING : Ha?KULAS : Oo, sapagka’t pumusta siya sa manok ng kalaban at natalo ang manok na iyon.CELING : (Kay Kulas) Kung gayo’y ibigay rito ang pera.KULAS : Celing, ako man ay natalo sa pustahan sapagkat sa manok ng kalaban din akoSIONING pumusta.CELING : Naku, at lalong nag-block-out.KULAS : (kay Kulas) Pumusta ka sa kalaban ng manok mo? : Oo, alam mo’y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumustaCELINGKULAS sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskengSIONING manok ng kalaban at nanalo ang aking manok.CELING : A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope. (Tatawa) : Aba, at nagtawa pa.KULAS : Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?CELING : (Tumatawa pa) Sapagkat ako’y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan Mamayang gabi. At anyayahan mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan.TEBAN Ako’y maghahanda.KULAS : Ha! Maghahanda? : Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni AteCELING Nena.KULAS : Opo, opo. (lalabas sa pintuan ng kusina)CELING : Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigit apatnapung piso.KULAS : Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.CELING : Huling paalam? : Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang bumili ng ulam. : Bakit? : Mayroong pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo’y sasabawan. (Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na kailanman ay hindi na siya magsasabong.) 3. Linangin mo… a. Pagsusuring PanlinggwistikaPanuto: Hanapin sa mga nakatala sa ibaba ang kahulugan ng mga sumusunod na matatalinghagangpahayag. Isulat ang titik lamang. 1.. tila pupunta sa sunog 12

2. magdildil ng asin 3. asawa ang may hawak ng supot 4. pagdilat ng mga mata 5. itaga mo sa bato 6. isulat mo sa tubig 7. sabungerang pailalim 8. lalong maninikit sa sabungan 9. tutong na lamang ang natitira 10. manok na laging nakabitin kung iuwi b. may hawak ng pera c. tumataya nang lihim d. nagmamadali e. kalimutan f. talunan g. magpatuloy sa pagsasabong h. paubos na i. tandaan j. pagkagising k. magtiis ng hirap - Tingnan mo kung tama ang ibinigay mong kahulugan ng mga matatalinghagangpahayag. Itsek mo sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayong naunawaan mo na ang mahihirap na salita at pahayag, tiyak kong higitmong naunawaan ang binasa mong akda. Kaya handa ka nang gawin ang mgasumusunod na gawain b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Gumawa ng buod ng dula sa tulong ng dayagram. Saan naganap ang akda? Sinu-sino ang mga tauhan? Ano ang suliranin? Anu-ano ang mga mahahalagang pangyayari? 1. 2. 3. 4. 5. Ano ang naging wakas? 13

C. Pagsusuring Pampanitikan Basahin at pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon bago isagawa ang gawain sa bahaging ito.Makatutulong ito nang malaki sa iyong pang-unawa. Sa pagbasa sa isang akda sa pananaw eksistensiyalismo, maaari pa ring tingnan ang akda batay sa mga bahaging nagpapamalas ng kalakasan ng tauhan sa pagbubuo ng desisyon. Bahagi rin ng kalakasan ng tauhan ang pagtanggap ng kahit anumang kahihinatnan ng desisyong kanyang binuo. Panuto: Suriin mo ang akda batay sa pananaw eksistensiyalismo. Isulat ang titik lamang. 1. Ano ang pangunahing desisyon ni Kulas? a. Paminsan-minsan na lang magsasabong b. Hindi na magsasabong kahit kailanman c. Lilipat na ng bahay na malayo sa sabungan d. Magiging mabuting asawa 2. Ano ang naging bunga ng desisyong iyon kay Kulas? a. malalayo na siya sa sabungan b. hihiwalayan na siya ni Celing c. ipagbibili na ang mga sasabunging manok d. lulutuin na ito ni Celing 3. Paano natanggap ni Kulas ang naging bunga ng kanyang desisyon? a. Tinanggap niya nang buong puso na di na siya magsasabong kailanman b. Nalungkot siya sapagkat di na siya makapagsasabong c. Nagalit siya kay Celing d. Nagalit siya kay Castor sapagkat di na siya makapagsasabong 4. Ano naman ang desisyon ni Celing? a. dahil di mapigilan ang asawa kaya sasabayan na lang niya ito sa pagsusugal. b. Hayaan na lang ni Kulas kasi may kasamang masasamang bunga ang bisyo tulad ng pagdaraya at pagnanakaw c. Huwag nang bigyan ng pera si Kulas para walang pansugal 14

d. Sugurin si Kulas sa sabungan at murahin mula ulo hanggang talampakan para mapahiya at tigilan na ang pagsasabong 5. Ano ang naging bunga ng desisyon ni Celing sa kanyang sarili at sa kanyang kapwa? a. Di na siya nahirapan pa sapagkat makikita kay Kulas na di na ito magsasabong kailanman. b. Masaya na si Celing sapagkat may dahilan na siya para lutuin ang mga alagang tinali ni Kulas. c. Masaya na rin si Kulas sa nangyari dahil naisip din niya na ang kanilang kabuhayan ay mauubos sa pagsasabong niya. d. Lahat ng nabanggit d. Halagang Pangkatauhan 1. Anu-ano ang masamang epekto ng pagsusugal sa sarili, sa pamilya at sa bayan. Hanapin sa mga nakatala sa ibaba. Isulat ang titik lamang. a. gumiginhawa ang buhay b. malimit na pagmulan ng pag-aaway ng mag-asawa c. dumarami ang kaibigan d. natututong magnakaw may ipansugal lang e. naghirap sa buhay f. nakulong g. nakarating sa ibang lugar h. nahahasa ang isipan i. nahinto sa pag-aaral dahil sa halip na pumasok, pagsusugal ang inatupag j. nag-aasawa nang maaga k. nakalilibang lalo na kung may suliranin l. gumaling ang kakayahan sa pagsusugal 2. Kung may magulang kang sugarol, ano ang gagawin mo upang matigil ang kanyang bisyo? a. tatawag ako ng pulis at ipahuhuli ko ang sugalan b. kakausapin ko siya at sasabihin ang masasamang epekto ng pagsusugal c. ipagdarasal ko na sana’y matigil na sa pagsusugal ang tatay ko. d. Lahat ng nabanggit - Nasagot mo bang lahat ang mga gawain. Kung gayon, iwasto mo ang iyong sagot sa susi sapagwawasto na nasa iyong guro. Ngayon naman ay may mga karagdagan akong gawaingmagpapalawak ng iyong isipan. Kung handa ka na isagawa mo na. 15

4. Palalimin mo … Panuto: Basahin at unawain ang bawat sitwasyon. Napakahirap ng buhay sa kasalukuyan. Kung ang bansa ay nagdaranas ng financial crisis tayopa kayang karaniwang mamamayan ang di makadama ng kahirapan? Pangarap mong guminhawa.Naghahanap ka ng suwerte . Libu-libo ang premyo sa Bingo sa SM. Milyun-milyon na ang premyo saLOTTO. Pupunta ka ba sa SM para mag-Bingo? Tataya ka ba sa LOTTO? Anu-ano ang isasaalang-alang mo kung ikaw ay magbibingo at tataya sa Lotto? Piliin sa mga nakatala sa ibaba. Titik lamangang isulat. A. Maaaring malulong na sa pagbibingo dahil sa paghahanap ng suwerte. B. Na ang pagsusugal ay paggawa ng isang desisyon. C. Nasa pagsusugal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan D. Na walang yumaman sa pagsusugal E. Na ang suwerte ay hinahanap at di darating nang kusa F. Na bago ka tumama sa LOTTO, malaking pera ang kakailanganin G. Na sa halip na magsugal ay mag-isip na lang nang mapagkakakitaan. H. Na sa Lotto ay suwertihan lamang I. Na ang Lotto ang magbibigay ng suwerte sa tao at sagot sa kahirapan. - Itsek mo sa susi sa pagwawasto kung tama ang iyong mga sagot. 5. Gamitin mo…Panuto: Lagyan mo ng tsek (√) ang mga pahayag na sa tingin mo ay katanggap-tanggap at ekis (X)kung hindi. _____1. Paniniwala sa panaginip bilang suwerte sa pagtaya sa sugal. _____2. Pagsusugal ay paggawa ng isang desiyon. _____3. Nasa pagsusugal ang pagtanggap sa anumang kahihinatnan nito. 16

_____4. Kaginhawahang dulot ng ginawang pagsasabong._____5. Ang sabong ay isang sugal._____6. Gulo ang idudulot ng sabong sa isang pamilya._____7. Pagtaya ni Celing laban sa manok ni Kulas._____8. Pagpilay ni Kulas sa kanyang manok upang manalo._____9. Ang pagpayag ni Celing sa pagsusugal ni Kulas.____10. Ang sugal ay suwertihan lamang.-Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin mo …Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang talata. Piliin ang tamangsagot sa mga salitang nakatala sa ibaba. Titik lamang ang isulat.Ang pagsusugal ay isang malaganap na ____1____ na patuloy na nakaaapektosa maraming ___2____, ___3____ at lipunan sa buong daigdig. Maraming may-sapat-na gulang ang ___4___ upang humanap ng ___5___ . Mayroon namangnagsusugal upang ___6___. Walang magawa kaya nagsusugal. Ngunit di nilanapapansin na ___7___ na silang nagugumon hanggang sa hinahanap na ito ngkanilang ___8___. At dahil dito naubos ang kanilang mga ___9___ at tuluyan nangnasira ng sugal ang kanilang ___10___.a. indibidwal d. pamilya g. suwerteb. nagsusugal e. gawain h. katawanc. unti-unti f. maglibang i. ari-arian j. buhay - Nasagutan mo bang lahat? Iwasto mo ang sagot sa susi sa pagwawasto nanasa iyong guro. 17

7. Lagumin mo… Anu-anong mga kaisipan ang natutunan mo sa akda. Lagyan mo ng star (*) angmga ito. ______1. Walang yumaman sa sugal ngunit marami ang naghirap. ______2. Ang pandaraya kailanma’y di magtatagumpay. ______3. Walang lihim na di mabubunyag. ______4. Kung di mo mapigilan, sayawan mo na lang. ______5. Kung may tiyaga may nilaga. ______6. Ang sugal ay di sagot sa kahirapan. ______7. Nasa sugal ang suwerte ______8. Maniwala sa panaginip dahil ito ang magdadala ng suwerte. ______9. Ang maniwala sa sabi-sabi walang bait sa sarili. _____10. Kung may isinuksok, may madurukot. - Kumusta na? Tama bang lahat ang iyong sagot? Itsek mo sa susi sapagwawasto.8. Subukin mo … Subukin natin kung hanggang saan sa kabuuan ang iyong natutunan. Sagutinmo ang pangwakas na pagsusulit. Titik lamang ang iyong isulat.1. Pagdilat pa lang ng mata ni Kulas ay mga manok na agad ang hinihimas nito.a. pagkauwi c. pagkatulogb. pagkagising d. bago mag-almusal2. Hindi makapaniwala si Kulas kay Castor dahil laging nakabitin ang manok nito kung iuwi.a. panalo c. di nanalo at di rin talunan 18

b. talunan d. wala sa nabanggit3. Isulat mo sa tubig ang sinabing iyan ni Kulasa. tandaan c. kalimutanb. paanurin sa tubig d. ilista4. Ang dahilan kaya napagtatalo si Kulas nang mga nakaraang araw ay ____a. malas siyab. di pa siya bihasa sa pagpili at paghimas ng manokc. dinaya siyad. mali ang pinatayaan sa kanyang manok5. Sabungerang pailalim si Celing sapagkat ____a. Lihim siyang tumataya sa kalabang manok ni Kulasb. Sa ilalim ng sabungan siya tumatayac. Di siya ang tumataya kung di si Teband. Di alam ni Kulas na sabungera rin si Celing6. Di mananalo ang manok ni Castor sa dahilang _____a. Hindi ito sinasanay bago ilaban.b. Hindi ito gaanong hinihimas o nahihimas.c. Bago ito ilaban ay dinuduro ang litid sa paa nito upang manghina at di makapalo.d. Bago ilaban ay di ito pinakakain upang mahina at di makapalo.7. Tinuruan ni Castor si Kulas ng paraan upang manalo ngunit di pa rin ito nanalo. Dito pinatunayang _____a. Walang segurado sa sugalb. Ang pandaraya ay di nagtatagumpayc. Mahirap ang sugald. Ang pagsusugal ay paggawa ng isang desisyon8. Ano ang ipinangako ni Kulas kay Celing?a. Ibibili siya ng bahay at lupa na malayo sa sabungan.b. Di na magsasabong kailanmanc. Ipagbibili na ang lahat ng kanyang tinalid. Lalayuan na si Castor na mandaraya9. Bakit sa halip na malungkot ay natuwa pa si Celing at maghahanda, ano ang ipinaghahanda nito? 19

a. Ang pamamaalam ni Kulas sa sabungan b. Ang pagkatalo ni Kulas sa sabong c. Ang di na pagsasabong ni Celing d. Ang paglayo nila sa sabungan 10. Pinatunayan sa akdang “Sa Pula, Sa Puti”, na a. Ang pagsusugal ay paggawa ng isang desisyon. b. Nasa pagsusugal ang pagtanggap sa anumang kinahinatnan. c. Pagsusugal din ng asawa kung hindi nito mapigil ang asawa sa pagsusugal. d. Lahat ng nabanggit. - Nasagot mo ba nang tama ang pagsusulit? Itsek mo sa susi sa pagwawasto ang iyong mga sagot. Kung ang iyong iskor ay 7 pataas, tumungo ka na sa susunod na aralin. Kung ang nakuha mong iskor ay 6 pababa, gawin mo muna ang sumusunod na pagsasanay. 9. Paunlarin mo … Ayusin ang mga sumusunod ayon sa pagkakapangyari sa akda. Isulat ang titik lamang. (1-5) A. Tinuruan ni Castor si Kulas ng paraan upang manalo. B. Nangako si Kulas na pag natalo pa ang manok ay hindi na ito magsasabong kailanman. C. Kapwa natalo sa sabong sina Celing at Kulas. D. Ipagdiriwang ni Celing ang pamamaalam ni Kulas sa sabungan. E. Ilang linggo nang napagtatalo sa sabong si Kulas.- Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. ARALIN 2: Matigas Ang Ulo Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 20

1. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita na ginamit sa akda.2. Nailalahad ang mahahalagang detalye sa akda.3. Nasusuri ang akda batay sa mga elemento nito.4. Napatutunayan ang pahayag na ang matitigas ang ulo ay napapahamak.5. Nakabubuo ng mga kasabihang angkop sa akda. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo…Magbigay ng mga salita o parirala na maaaring iugnay sa larawang nasa loob ng bilog.Hanapin ito sa mga nakatala sa ibaba. LOLAtagapag-alaga tagabantay ng bahay ibinibigay ang layawtagapagtanggol ina tagapaglutonagtuturo matanda tagasaway2. Basahin mo … Matigas Ang Ulo Ni Mar Al. Tiburcio 21


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook