Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 3 part 2

FILIPINO 3 part 2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:50:56

Description: FIL3part2

Search

Read the Text Version

Modyul Blg. 18 Pagsusuri ng Nobelang Noli Me Tangere Batay sa paggamit ng Tunggalian, Tayutay, Matatalinhagang Pahayag at Simili Tungkol saan ang modyul na ito?Mahal kong Mag-aaral, Magandang araw sa iyo. Kumusta ka? Muli na naman tayong magkakasama. Inaasahankong natulungan ka ng mga naunang modyul na ginawa ko para sa iyo. Muli, naghanda na naman ako ng modyul na tutulong sa iyo upang lalo mong mapaunlad atmapayaman ang iyong mga kasanayan sa pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mga araling inihanda ko, masusuri mo ang akda sa pamamagitan ng pagbibigay ngpansariling interpretasyon sa kaisipang inilahad, pangyayaring inisa-isa at pagpapahalagangmoral nito. Makabubuo ka ng kritikal na pagpapasya batay sa epektibong paggamit ngtunggalian, simbolismo, tayutay at matatalinhagang kaisipan. Mapatutunayan mo rin na ang pagtataglay ng mabuting ugali at asal ay makapagpapaunladsa tao. Ano ang matututunan mo? Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay: Napahahalagahan ang akda batay sa mga tiyak na pamantayang pampanitikan. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kagamitan mo ito bilang gabaysa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito,kinakailangang maging malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat mong sundin.Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo? Layunin nitong masukat ang lawak ng kaalaman mo sa paksa. 1

2 Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro Kung magkaroon ka man ng maraming mali, okay lang iyon. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Pag-aralan mong mabuti ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda ko. Unawain mong mabuti ang bawat panuto. Mahalaga ito upang masagot mo nang wasto ang mga pagsasanay.4. Matapos mong gawin ang mga Pagsasanay tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging, Ano Na Ba Ang Alam Mo? Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging matapat ka sa pagwawasto.5. Gamitin mo nang wasto ang modyul na ito. Kaibigan mo ito.6. Pag-isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito.7. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng sagutang papel o notebuk.Pahalagahan mo ang modyul na ito. Ito’y iyong kaibigang tunay na nagmamalasakit saiyo. Ano na ba ang alam mo?Panuto: Sagutan ang mga sumusunod. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.A. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng ipinahihiwatig sa bawat pahayag. 1. Sa simula ng daigdig ay nagbaka na ang mga hayop at ang mga daig-daigan ay nangamatay at nangalipol. 2. Ang pakikibaka ay batas ng buhay. a. Ang tao upang mabuhay ay kailangang makipagsapalaran. b. Lagi nang namamayani ang malakas laban sa mahina. c. Ang tao ay dapat na makipaglaban sa maraming bagay.B. Piliin ang nais ipakahulugan ng paggamit ng mahaba, maiikling pangungusap at pag-uulit nito. 3. Lumayo kayo!. . . Lumayo kayo. . .! a. Binibigyang-diin ang kahalagahan ng paglayo. b. Ayaw magsilayo ng tao kaya inuulit-ulit ang pagsasabi. c. Napakahalaga ng madaling paglayo. d. Lahat ng nabanggit. 4. “Ang ayaw mamatay ay huwag lumapit, dinala siya ng Diyos sa akin; hinatulan siya ng Diyos!” Ang nagsasalita ay ______. a. napopoot b. nagmamakaawa c. nakikiusap d. wala sa nabanggit 2

C. Sabihin kung anong uri ng tunggalian ang nasa bawat pahayag. Piliin ang letra sa loob ng kahon. 5. Lagi na lang niyang iniisip ang sasabihin ng iba, kaya’t hindi makapagpasya si Tenyente Guevarra. 6. Si Donya Consolacion ay isa sa nagdulot ng mga kasawian ni Sisa. 7. Kamangmangan ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang alipin ng mga dayuhan. a. Tunggaliang tao sa sarili. b. Tunggaliang tao sa kapwa-tao. c. Tunggaliang tao sa lipunan.D. Piliin sa loob ng bilog ang letra ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag. 8. Malakas ang kabog ng pagbayo ni Ibarra sa ulo ni Padre Damaso. 9. Ang bayan ay nagtitiis ng hirap sa gitna ng karangyaan ng pamahalaan at simbahan. 10. Nagliliyab ang mata ni Ibarra sa galit.a. eksaherasyon d. similib. personipikasyon e. metaporac. onomatopeya Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.IV. Aralin 1. Batas ng Buhay (Kab. XXXII – XXXIX) A. Anu-Ano Ang Mga Tiyak na Matututuhan Mo Sa Araling Ito ? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan; 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga pahiwatig o konotasyon. 2. Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa; - kaisipang inilahad - pangyayaring inisa-isa - opinyong nangibabaw - paniniwalang pinaninindigan - argumentong inilahad - pagpapahalagang moral 3

- pagkamakatotohanan 3. Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya batay sa - epektibong paggamit ng tunggalian - epektibong paggamit ng tayutay 4. Napatutunayan na ang pagtanaw ng utang na loob ay gintong hiyas ng buhay na dapat taglayin ng lahat. 5. Nakasusulat/nakabubuo ng mga pahayag na may kaugnayan sa kaisipan ng akdang binasa. Mga Gawain sa PagkatutoA. Panimulang Gawain A.1 Alamin Mo… Ang mga Pilipino ay kilala sa pagiging mapahiin sa pagtatayo ng bahay o ng mga gusali. Ang sumusunod ay mga kaaniwang pamahiing tunay na sinusunod sa pagtatayo ng mga nabanggit a. Sa pagbubuhos o pagsesemento ng mga poste ng bahay. Sa araw na magbubuhos na o magsesemento ng mga poste ng bahay, dapat na magpatay ng manok upang may dugong tumulo.b. Kapag gumawa ng baytang ng hagdanan dapat na magsimula ito sa ORO – ginto, MATA susundan ito ng PLATA o pilak at PLATA magtatapos ito sa MATA o tanso. ORO 4

c. Dapat ang bintana ng bahay ay nakatapat sa Silangan upang ang sikat ng araw sa  umaga ay dito nakatapat.d. Huwag itapat ang pinto sa hagdane. --- --------------- Huwag itatayo ang bahay sa tumbok ng kalsada. 5

A. 2. Ano kaya sa palagay mo ang dahilan ng mga pamahiing nabanggit?Panuto: Itapat ang mga pamahiing nasa Pagsasanay A.1 sa mga dahilang nasa kanang bahagi. Pamahiin sa Mga DahilanPagsasanay A.1. - 1. Upang maiwasan ang mga disgrasya a b - 2. Upang swertihin ang buhay ng mga naninirahan sa bahay. c - 3. Upang huwag lumabas sa bahay ang d grasya. e - 4. Upang ang biyaya ng Diyos ay lumaganap sa buong kabahayan. - 5. Upang maging matibay ang mga pundasyon sa bahay. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasaiyong guro. May mga mali ka ba? Okay lang iyon! May mga pagsasanay pa naman akong inihandaupang lubos mong maunawaan ang mga aralin. Ang pagsasanay na iyong sinagot ay may malaking kaugnayan sa akdang iyongbabasahin. Ibig mo bang malaman ang kaugnayan? Kung gayon, simulan mo na ang pagbasa.2. Basahin Mo. . . Batas ng Buhay Nauwi sa paghuhugos ng panulukang bato para sa itatayong paaralanang atensyon ng lahat. Sa paghuhugos ay naroon ang Kapitan Heneral nasiyang panauhing pandangal. Ang karangalan na ilagay ang bumbong natingga ay ibinigay sa eskribano. Pagkatapos noon, lalagyan na ng sementoang kinalalagyan ng bumbong na tingga na siyang simbulo ng paghuhugos.Pagkatapos na makapaglagay ng semento ang mga kilalang tao kabilang naang Alkalde ay si Crisostomo naman ang siyang nasa ibaba. Sa isang iglap ay 6

biglang nagkagulo. Bumagsak ang malaking bato ng wala sa panahon.Natagpuang patay ang lalaking madilaw na siyang may tangan ng lubid namagpapakawala sa bato. Laking gulat ng bawa’t isa hinggil sa nasabingpangyayari. Magtatapos na si Crisostomo ng paghahanda sa sarili nang dumating siElias. Batid niyang ito ang siyang nagligtas sa kanya. Sa kanilang pag-uusapay pinaalalahanan ni Elias ang binata tungkol sa kanilang lihim na mgakaaway na siyang labis na ipinagtataka ng binata. Pinapag-iingat niya ito.Ayon sa kanya, nararapat siyang mabuhay alang-alang sa kapakanan ngbayan. Ipinagpatuloy ang nauntol na kasayahan. Isang pananghalian angnakatakdang pagsaluhan. Naroon ang lahat kabilang na rin sina Crisostomo atPadre Damaso. Sa kalagitnaan ng usapan ay muli na namang nilapastanganng pari ang pangalan ng ama ni Crisostomo. Dala ng maraming ulit napagkakataong nangyari ang ganoon ay nawalan ng panimbang si Crisostomo.Kinuha niya ang isang kutsilyo at iniumang iyon kay Padre Damaso. Salamatna lamang at nakapamagitan si Maria Clara. Ilang saglit ay tumalilis siCrisostomo at naiwan sa gitna ng kahihiyan si Padre Damaso. Agad na kumalat ang balita tungkol sa nangyari sa pananghalian. Iba’tibang palagay ang kumalat. May lumibak kay Crisostomo at may nagsabinamang tama lamang ang kanyang ginawa. Isa sa mga palagay na lumutangay ang pag-uugaling bata ng matanda at ang pag-uugaling matanda ng isangbata. Lumutang din ang palagay na tunay na walang magagawa ang bayansapagkat ang mga frayle naman ang siyang namamahala sa bayan. Labis na ikinalungkot ni Maria Clara ang nangyari. Higit na lumalaang kanyang kalungkutan sa ipinag-utos ni Padre Damaso sa kanyang ama nasirain nito ang kasunduan tungkol sa pag-iisang dibdib nina Maria Clara atCrisostomo. Upang mawala ang kalungkutan ay nasabi ni Kapitan Tiyago naihahanap naman daw ni Padre Damaso ng bagong katipan at mapapangasawaang dalaga . Dumating ang Kapitan Heneral at ginusto nilang makaharap angdalaga. Nagdahilan itong may sakit ngunit wala ring nagawa sapagkatnaipangako na ni Kapitan Tiyago sa Kapitan Heneral na makikipagkita sakanya ang dalaga. Ninais ng Kapitan Heneral na makaharap ang binatang si Crisostomo.Labis ang naging kainisan ng mga pari dahil sila ay pinaghintay ng Heneral atang unang kinausap ay si Crisostomo. Sa kanilang pag-uusap, nakilala nanglubusan ng Kapitan Heneral ang binata. Labis ang kanayang panghihinayangsa isang binatang katulad ni Crisostomo. Ayon sa kanya, “Kayo ang unanglalaking nakausap ko sa lupaing ito.” 7

Ang Kapitan Heneral ay naanyayahang manood ng prusisyon. Maraming santo ang isinama. Tumigil ang prusisyon sa tapat ng balkong kinaroroonan ni Maria Clara. Pagtapat ng Mahal na Birhen ay nagparinig ito ng isang awit. Ang tinig na kumalat sa katahimikan ay nakapanlulumo at nakapagpapaluha. Tila baga ito ay isang hinaing sa halip na maging isang panalangin. Nakapinid ang bahay ng Alperes. Naroroon ang kanyang asawa na hindi pinahihintulutang makasama sa kanya upang makiharap sa mga may sinasabi sa bayan ng San Diego. Sa katahimikan ay napaglaruan ni Donya Consolacion ang baliw na si Sisa. Pinakanta niya ito at pinasayaw. Sa ganitong kalagayan ay dumating ang Alperes. Pinauwi nito ang baliw at hinarap ang asawa. Matapos mong mabasa ang akda, gawin mo ang mga sumusunod na gawain upang matiyak mo kung naunawaan mo ito. Sakaling mababa ang mga makukuha mong marka, huwag kang mabahala. Marami pa namang pagsasanay ang inihanda ko para sa iyo.3. Linangin Mo. . . a. Pagsusuring Panlinggwistika Isa sa mga dahilan ng pinagiging masining ng isang akda ay ang pagkakaroon nito ng mga pahiwatig/konotasyon. Ibig sabihin ang mga kahulugan ay tago o di- tuwirang sinasabi ng may akda upang matutong mag-isip nang mataman ang bumabasa. 8

a.1. Panuto: Piliin sa Hanay B ang mga pahiwatig o konotasyong nakapaloob sa bawat pahayag sa Hanay A. HANAY A HANAY B1. “Ipakita ninyo sa amin ang paaralan ng a. Walang sinumang nilikha sa isang bayan at sasabihin naming kung daigdig ang maaaring pumantay anong uri ng bayan iyan!” o makalampas sa kapangyarihan Niya.2. “Ang di pagkakasundo ay siyang batas ng buhay. b. Ang anumang bagay na narinig ay nababawasan o nadaragdagan3. “Ang Diyos ang tanging hukom ng mga kapag sinabi na sa iba. tao, siya ang tanging makapagpapasya sa buhay, huwag tangkain kailanman c. Matutong tumayo sa sariling paa ng tao na siya’y halinhan sa gawain.” ang mga anak kapag hinayaan ng mga magulang ang mga ito na4. “bihirang balita ang matapat, magpasya para sa kanilang sarili. magkatotoo man, marami ang dagdag. d. Kung magaling ang paturuan5. “Ang mga anak ay dapat magnasang ngayon, bukas ay magkakaroon maging higit kaysa kanilang mga ng mabubuting mamamayan. magulang at sa piling ng mga magulang ang itinuturo nila ay maging musmos ang e. Mula sa kalikasan hanggang sa mga ito.” buhay ng mga nilalang ay naroroon ang pagbabaka o paglalabanIwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.b. Pagsusuring Pangnilalaman Upang magawang maiugnay ng mga mambabasa angkanilang mga karanasan sa akda, kailangang mailapat nila angkanilang pansariling interpretasyon dito batay sa kaisipanginilahad, opinyong nangingibabaw at argumentong inilahad.Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang kung tama ang interpretasyong ibinigay sa;b.1. Pangyayari 1. Kab. XLVII - Ang Dalawang Senyora  Napapayuko ang mga dalagang nakakasalubong ni Donya Victorina sa halip na tumingin sa kanya nang may paghanga. _____ Lihim na nagtatawanan ang mga iyon dahil sa kakatwang ayos nito. 2. Kab. XLVI - Ang Sabungan 9

 Hindi naghiganti ang magkapatid na Tarsilo at Bruno sa pagkamatay ng ama na pinalo ng mga sibil hanggang mamatay. _____ Inaalala nila ang kapatid na dalagang maiiwanan nilang mag-isa sakaling may masamang mangyari sa kanila. 3.  Hindi naniniwala si Kap. Pablo na matutulungan siya ni Ibarra sa gagawing paghihiganti sa humalay sa anak niyang dalaga at pumatay sa dalawa niyang anak na binata. _____ Duwag kasi si Ibarra. 4. Kab. XLIV - Pagsusuri sa Budhi  Hindi kilala ni Maria Clara ang kanyang ina. _____ Namatay ito matapos siyang isilang. 5. Kab. XLIII - Mga Balak  Umiyak nang matindi si Padre Damaso dahil sa pagkakasakit ni Maria Clara. _____ Mahilig umiyak si Padre Damaso.b. 2. Kaisipan 6. “Walang mangyayari sa balat ng lupa na di kaloob ng Diyos.” _____ Kaya ano man ang mangyari ay hindi dapat ipagtaka at kilanling kababalaghan sapagkat iyon ay naganap sa kagustuhan ng Lumikha. 7. “Ang paaralan ay aklat na kinatititikan ng sasapitin o kinabukasan ng bayan.” _____ Ang paaralan ay hubugan ng kabataan na bukas makalawa ay siyang magiging mamamayan ng bayan. 8. “Ikinalulugod kong ipagtanggol ng mga anak ang kanilang mga magulang kahit patay na!” _____ Lalong sagrado ang alaala ng mga magulang. Kahit sino ay walang karapatang lumapastangan sa alaala ng magulang!” 9. “Sa bayang walang napaloloko ay walang manloloko.” _____ Kung matututo lamang ang lahat na ipaglaban ang kanilang karapatan ay wala sa kanilang mang-aabuso. 10. “Sa dalawang bagay na kapwa masama, kailangang piliin ang hindi lubhang masama. _____ Huwag mo na lamang piliin ang kahit ano upang makaligtas ka sa responsibilidad.b. 3. Opinyon Panuto: Isulat ang M kung ang opinyong ipinahayag sa bawat bilang ay makatwiran at isulat ang DM kung di-makatwiran. 1. May kinalaman kaya si Padre Salvi sa muntik nang kamatayan ni Ibarra sa pagbagsak ng bato na ilalagay na panulukang bato ng itatayong paaralan? _____ (opinyon) Malamang na may kinalaman si Padre Salvi sapagkat siya ay nagpilit kay Ibarra na maglagay ng panulukang bato nang pasinayaan ang itatayong paaralan. 2. May katwiran kaya si Elias nang sabihin niyang, “Diyos ang pumatay sa taong madilaw?” _____ (opinyon) Maaaring kagustuhan na rin ng Diyos ang kamatayan ng taong madilaw dahil hindi niya pinahihitulutang mamatay ang isang mabuting tao 10

na tulad ni Ibarra. 3. Tama kaya si Elias sa pagsasabing nang, “Walang mangyayari na di kalooban o talaga ng Diyos.” _____ (Opinyon) Tama si Elias sapagkat lahat ng mangyayari sa balat ng lupa ay dahil sa kagustuhan ng Diyos. Kung ano ang dahilan, Siya lamang ang nakababatid. 4. May katwiran kayang magdamdam ang mga prayle nang hindi tumuloy sa kumbento ang Kap. Heneral nang pumunta ito sa Pilipinas sa halip ay sa bahay ni Kapitan Tiyago ito tumuloy? _____ (opinyon) Tama, dahil hindi naman Kastila si Kapitan Tiyago. 5. Tama kaya ang Kapitan Heneral nang sabihin niyang, “Dapat munang lingapin ang sarili bago ang iba.” _____ (opinyon) Tama, hindi natin dapat pakialaman ang kapakanan ng ibang tao.c. Pagsusuring Pampanitikan Mahalagang sangkap ng nobela ang tunggalian. Pinaiigting nito ang paglalahad ng isang manunulat ng mga tinipon nitong karanasan sa buhay ng bubuuin niyang katauhan sa akda. Nahahati sa tatlo ang tunggalian sa nobela, ang mga ito ay ang mga sumusunod; 1. Tao sa tao – Dulot ng kanyang kapwa ang mga kasiphayuan niya 2. Tao sa kanyang sarili – Ito ay ang paglalabang pangkatauhan ng pangunahing tauhan. Sarili niya ang kanyang kalaban. 3. Tao sa Lipunan – Magiting na nakikibaka ang pangunahing tauhan sa mga kasawiang dulot ng kapaligirang kanyang kinaaaniban 11

c. 1. Panuto: Isulat ang T kung ang tunggalian sa pahayag ay tao sa tao, S kung tao sa sarili at L kung tao sa lipunan.1). _____ 2). _____ 3). _____“Lahat po tayo ay “Napilitan “Sa kapal ngmay kalaban mula sa akong mga taong iyonpinakamaliit na maniwalang na iyongkulisap hanggang sa lubos sa Diyos inalipusta aytao, maging ang sapagkat wala ni isa manglalong salat o nawalan na ako kagaya mo.maging mayaman at ng paniniwala Hatulan ka!makapangyarihan sa mga tao Tunggalian Sa Nobela4. _____ 5. _____ 6. _____ Hindi maipaglaban Ang lipunan ay Amen nang ni Don Felipo ang lubos na amen si kanyang sumusunod sa Kapitan kapangyarihan ipinag-uutos ng Tiyago sa bilang tinyente- mga prayle bawat naisin mayor. Hindi niya kaya’t lahat ay ng simbahan alam kung kailan umaalipusta kay at niya dapat ipatupad Ibarra nang halos pamahalaan. ang batas. patayin niya si Padre DamasoIwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 12

Gumagamit ng tayutay ang isang manunulat upang higit namaging masining ang kanyang paglalahad ng mga pangyayari saloob ng kanyang akda. Ginagamit ang tayutay upang mapasidhi rin ang damdamin atguniguni ng akda. Narito ang ilang halimbawa ng mga tayutay. a. Simili – Isang payak na paghahambing ng dalawang magkaibang bagay. Ito’y gumagamit ng mga salitang para,gaya, tulad atbp. sa paghahambing. Hal. 1. Kaibigang tapat, magulang o maestro ang nakakatulad ng aklat kong ito. Kung may kalungkutan, inaaliw ako. Ang isip kong taglay, pinatatalino. 2. Si Rizal ay parang manghuhula na nakikita ang nangyayari sa hinaharap. b. Metapora – Ito’y tuwirang paghahambing ng dalawang bagay na magkaiba ang uri. Hindi ito gumagamit ng mga salitang naghahambing tulad ng, para, gaya, tulad. Hal. 1. Ikaw ay tala na nagbibigay-liwanag sa nadirimlan kong buhay. 2. Ang salita mo’y tabak na humiwa sa aking puso. c. Metonomiya – Ito’y paggamit ng pangalan ng isang bagay na ipinahihiwatig niyon, hindi upang paghambingin ang mga iyon, kundi upang ipakatawan ang isa sa isa batay sa pag-uugnayan bilang sagisag at sinasagisag. Hal. 1. Ang gintong medalya ay taglay sa dibdib ng anak na bangkay nang muling magbalik. 2. “Limang bibig ang umaasa sa kanya.” d. Personipikasyon – pagbibigay-buhay sa mga bagay na walang buhay. Hal. 1. Maganda ang buwan parang tumatawa sa hihigang pilak, kung nagpapahinga. 2. Ang bayani’y ikinulong sa bilangguang nagmalupit sa kanya. e. Pagmamalabis – Ito’y pahayag na ibayong matindi kaysa katotohanan o lagpas sa maaaring mangyari. Hal. 1. Maging ang kaaway ay hindi sumuko, kahit na nga sila lumutang sa dugo. 13

f. Onomatopeya – paggaya ng tunog ng kalikasan Hal. 1. Ibig kong marinig ang ugong ng alon, kung dumarating nang gumugulong. 2. Ang tikatik ng ulan ay nakapagpalamig ng panahon.Panuto: Piliin sa Hanay B ang uri ng tayutay na tinutukoy sa pahayag sa Hanay . HANAY A HANAY B1. Kab. XXIV – “Ang Pananghalian” a. onomatopeya b. metapora “Ang bibig mo’y binubukalan ng mga salitang c. metonomiya ika mo’y salita ng Diyos, ngunit ang ang puso d. simili mo’y lusak.” e. personipikasyon2. Kab. XXXIII – “Malayang Pagkukuro” f. pagmamalabis “Sa kawalang utang na loob ng bayan na minamahal ni Don Rafael, ito pa rin ang nagpabaya sa kanya.”3. Kab. XXX – “Ako’y nananalig sa Diyos, di miminsang naramdaman ko ang kanyang kamay.”4. Kab. XXXIII – “Malayang Pagkukuro” “Ang lagitlit ng lubid sa kalo at langitngitan ng mga kawayan at pag-igkas ng mga panali ay nakapagbigay sa kanya ng babala.”5. Kab. XXXIII – “Malayang Pagkukuro” “Ang tao ay gaya ng damo na nakikipag- agawan ng sustansiya sa lupa at init ng liwanang ng araw.” Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyonggurod. Halagang PamgkatauhanPanuto: Isulat sa patlang ang S kung sinasang-ayunan ninyo ang pahayag at HS kung hindi sinasang-ayunan ito._____ 1. Ang utang na loob ay walang kabayaran._____ 2. Sa isang taong makabayan ay uunahin ang kapakanan ng iba bago ang sarili._____ 3. Dapat lamang ipagtanggol ng anak ang malinis na karangalan ng magulang laban sa mga umaaglahi dito._____ 4. Ang kasamaan, kailanma’y di magtatagumpay laban sa kabutihan. 14

_____ 5. Lahat ng ipinag-uutos ng mga pari ay dapat sundin dahil sila’y alagad ng Diyos. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 4. Palalimin Mo. . . 4.a. Tunggaliang Tao sa Sarili Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang kung ang pahayag ay nagpapakita ng tunggaliang tao sa sarili. _____ 1. Pagsasawa niya sa kasalukuyang takbo ng kanyang buhay. _____ 2. Pinagsisihan niya ang ginawa niyang desisyon sa isang bagay na may kinalaman sa buhay niya sa hinaharap. _____ 3. Hindi niya malaman kung alin sa dalawang sitwasyon ang kanyang pagpipiliian. _____ 4. Ibig niyang labanan ang ginagawang pagyurak sa kanyang karangalan subalit naduduwag siya. _____ 5. Nakararanas siya ng pananakit ng kapwa. 4.b. Tunggaliang Tao sa Tao Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na nagpapakita ng tunggaliang Tao sa Tao. _____ 1. Naranasan niya ang pag-aglahi ng kapwa dahil sa kanyang kamangmangan. _____ 2. Madalas niyang matikman ang pananakit ng ibang tao dahil sinasamantala ng mga ito ang kanyang kaninaan. _____ 3. Kinuha sa kanya ng sapilitan ang mga ari-ariang naipundar niya. _____ 4. Nabilanggo siya dahil sa gawa-gawang kaso na ibinintang sa kanya ng kanyang kalaban. _____ 5. Laganap ang bisyo sa kanyang paligid. 4. c. Tunggaliang Tao sa Lipunan Panuto: Ikahon ang bilang ng pahayag na nagpapakita ng tunggaliang tao at lipunan. _____ 1. Dahil sa malabis na kahirapan natuto siyang mamalimos. _____ 2. Nasira ang kanyang pag-aaral dahil sa pagkagumon sa bisyo. _____ 3. Isa siya sa mga batang kalye kaya’t sa murang edad pa lamang ay nagkaanak na siya. _____ 4. Nabilanggo siya dahil sa kawalan ng hustisya sa bansa. _____ 5. Hindi niya alam kung paano lulutasin ang matinding problemang dumating sa kanya. 15

Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.5. Gamitin Mo. . . Ang mga tunggaliang kinakaharap ng tao aymaaring maiwasan kung magtataglay lamang siya ngmga kahandaanPanuto: Lagyan ng tsek () ang mga katangiang magagamit ng tao sa pakikibaka niya sa tunggalian ng buhay._____ 1. masusing pag-iisip_____ 2. mataas na pinag-aralan_____ 3. kababaang-loob_____ 4. matibay na pananalig sa Diyos_____ 5. kapangyarihan at kayamanan_____ 6. kagandahan at katanyagan_____ 7. kasipagan at pagtitiyaga_____ 8. pagiging palakaibigan_____ 9. kabutihan at pagkamagalang_____10. kalusugan at katinuan Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.6. Sulatin Mo. . .Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na parirala upang mabuo ang kaisipang kaugnay ng diwa ng binasang akda.1. a. ang pagbabaka o paglalaban 2. a. ng tao b. mula sa kalikasan b. kalaban din c. ay naroon c. ang kanyang kapwa d. ng mga nilalang d. sa kabuhayan e. hanggang sa buhay f. kaginhawahan at kaligayahan7. Lagumin Mo. . . Ang akda upang maging epektibo sa mga babasa ay dapat na magbigay ng mahahalagang impormasyon at nag-iiwan ng damdaming aantig sa kanila. 16

Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang na tumutugon sa pahayag.. Matapos kong mabasa ang akda . . .nalaman ko na . . . nakadama ako ng . . .7. a. 7. b1. Ang mga Pilipino ay marunong 1. pagkapoot sa taong madilaw dahil tumanaw ng utang na loob na tulad sa pagtatangka nito sa buhay ni ni Elias kay Ibarra. Ibarra.2. Ang paaralan ay siyang aklat na 2. paghanga kay Elias dahil sa kinatatalaan ng sasapiting kagitingan nito sa pagkakaligtas kinabukasan ng bayan kay Ibarra.3. Ang Diyos ang tanging hukom sa 3. pagkaawa kay Ibarra dahil balat ng lupa. inaglahi ang alaala ng kanyang ama.4. Ang gawang masama kailanma’y 4. pagkagalit kay Padre Damaso dahil di magtatamong pala. hindi niya iginalang ang karangalan ng isang patay.5. Ang di pagkakasundo ay siyang batas ng buhay. 5. pagkainis kay Elias dahil hindi niya ipinagpatuloy ang paghihiganti sa angkan ni Ibarra.8. Subukin Mo. . . Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tinutukoy sa bawat bilang. 1. Siya ang tinatawag na piloto. 2. Ayon kay Elias, siya ang pumatay sa taong madilaw. 3. Ang tanging umawat kay Ibarra sa tangkang pagpatay nito kay Padre Damaso. 4. Ayon sa kanya bihirang balita ang magtapat, magkatotoo man, marami nang dagdag. 5. Ito ang naging parusa ng mga prayle kay Ibarra dahil sa ginawa niyang tangkang pagpatay kay Padre Damaso..a. eskumulgado e. Ibarrab. inihabla f. Maria Clarac. Diyos g. Balagtasd. Elias h1.7 Tiya Isabel.

Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo sa Pagsasanay na ito ay 3 pataas huwag mo nang gawin pa ang susunod na pagsasanay, subalit kung 2 pababa, gawin mo ito.9. Paunlarin Mo. . . Panuto: Isulat sa patlang ang T kung ang kaisipan ng pahayag ay totoo, batay sa akda at M kung mali. 1. Hindi naniniwala si Elias na ang lahat ng tao ay magkalaban mula sa pinakamaliit na kulisap tungo sa pinakamakapangyarihang tao. 2. Si Donya Consolacion ay katangi-tanging Pilipina. 3. Humanga ang Kapitan Heneral kay Ibarra nang marinig nito ang kanyang pangangatwiran. 4. Kaisa ng damdamin ng Kapitan Heneral si Padre Damaso. 5. Sinang-ayunan ni Kapitana Maria ang ginawang pananakit ni Ibarra kay Padre Damaso. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang |Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. - Aralin 2 – Ang Kapangyarihan ay Lakas (Kabanata LVI - LXIII) A. Anu-ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo ? Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan; 1. Naibibigay ang sariling puna hinggil sa pagkakabuo ng mga pangungusap batay sa; - ikli o haba - pag-uulit 2. Nasusuri ang akda batay sa nais sabihin nito sa; - sarili - sa ibang tao - sa kalahatan 3. Nakabubuo ng kritikal na pagpapasya batay sa; - epektibong paggamit ng matatalinhagang kaisipan 18

- epektibong paggamit ng simbolo 4. Napatutunayan na ang pagkamarangal ng isang tao ay nababatay sa kanyang kilos at gawi. 5. Naisusulat ang kaisipan at pahayag na kaugnay ng akdang binasa. Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin Mo. . . Ang pagkakaroon ng prinsipyo ng isang tao aykatangiang hindi kayang pantayan ng ano mang yaman samundo.1.a. Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang mga katangian ng isangtaong may prinsipyo at buhay.1.__________ 5. ___________ Taong may prinsipyo2. _________ 4. __________ 3. __________a. may isang salitab. tinutupad ang pangakoc. di kayang diktahan ninumand. may mataas na “pride”e. may lalim ang mga sinasabif. walang pakialam kung makasakit sa iba ang binibitiwang salitag. kahit makasama ang prinsipyong pinaniniwalaan, paninidigan pa rin ito 19

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.1. b. Panuto: Lagyang ng tsek () ang kaisipang totoo batay sa pahayag at ekis () kung mali batay sa nabanggit. “Kung ayaw mo sa pangkat na iyong kinabibilangan, umalis ka dito, bago ka magsalita ng mga bagay na laban sa pangkat na ito.” _____ 1. Maging matapat ka sa pangkat na iyong kinabibilangan. _____ 2. Ipagtanggol mo ang pangkat na ito laban sa mga naninira dito. _____ 3. Dahil sa ikaw ay bahagi ng pangkat na ito, ang lahat ng kapurihan at kasamaan nito ay repleksyon sa iyo. _____ 4. Ikaw ay dapat magbigay ng karangalan sa pangkat na ito. _____ 5. Patunayan mo sa lahat ang kabulukan ng pangkat na ito. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ang mga pagsasanay na iyong sinagot ay may kaugnayan sa babasahin mong mga akda sa araling ito. Kung handa ka na ay simulan mo na ang pagbasa.2. Basahin Mo. . . Ang Kapangyarihan ay Lakas (Kabanata Xl – XLVII ) Nasa palabas ang lahat. Naroroon ang Alkalde at ang mga frayle sapamumuno ni Padre Salvi. Nanlumo si Don Filipo dahil tinanggihan nga rawng alkalde ang kanyang pagbibitiw. Isa pang dahilan ng kanyang panlulumoang iginawi ng mga pari sa pamumuno ni Padre Salvi. Nais nitong paalisin niDon Filipo si Crisostomo. Tumanggi ang matanda dahil malaki raw anginabuloy nito upang maisakatuparan ang palabas at hindi niya maaaringpaalisin ito. Ngunit ipinagpilitan pa rin ng pari. Ayon sa kanya ay nararapat naiwasan ang kaguluhan. Ayon naman kay Don Filipo hangga’t walangkaguluhan na si Crisostomo ang sanhi ay hindi niya ito mapaalis sa pagtitipong 20

iyon. Pinamili ni Padre Salvi si Don Filipo sa kanila ni Crisostomo. Iisa ang naging kasagutan ni Don Filipo. Kung siya ninyong nais mangyari. Ngunit iisa ang naging bulung-bulungan. Iniiwasan ng mga pari na makasama si Crisostomo dahil ito raw ay ekskomulgado. Dalawa ang bumisita kay Crisostomo ng araw na iyon. Si Elias na nagpaalamsa kanya dahil sa siya ay magtutungo sa Batangan at nagbalita sa kanya na may sakitsi Maria Clara. Dumating din sa kanyang bahay si Lucas, kapatid ng dalawanglalaking namatay sa kaguluhan ng nakaraan. Humihingi ito ng kabayaran hinggil sasinapit ng kanyang mga kapatid. Nagkaroon ng malaking diskusyon hinggil sanaging nakaraan ng mga nuno ni Crisostomo. Dumating sa bahay ni Kapitan Tiyago ang mag-asawang Donya Victorina atDon Tiburcio upang gamutin ng huli ang maysakit na si Maria Clara. Humingi ngpaumanhin ang Donya sa maybahay dahil sa hindi sila nakarating nang maaga sanhing maraming pasyente ang doktor. Napakapalad daw ni Kapitan Tiyago, dahilnapagbigyan siya ng kanyang asawa. Kasama rin ng mag-asawa ang binatang siLinares na sinasabing malayong kamag-anak ni Padre Damaso. Ipinakilala ngDonya kay Maria Clara ang kanyang pinsang kasama. Sa gitna ng pag-uusap aydumating si Padre Damaso na ibang-iba ang kalagayan. Walang pinansing sino man ang pari. Nilapitan nito ang dalagang maysakit.Sinapantaha na lamang ng lahat na labis na nalungkot ang pari dahil mahal na mahalnito ang maysakit. Ipinakilala ni donya Victorina si Linares sa pari. Ibinigay dinnito ang isang sulat. Matapos mabasa ng pari ay tinanong sa binata kung ano angmaitutulong dito. Nais ng sumulat na maihanap ng mapapangasawa ang binata.Tinawag ni Padre Damaso ang binata upang kausapin kapwa si Kapitan Tiyago.Laking kaba ng lahat nang nagpunta si Lucas, ang kapatid ng namatay noong pistakay Padre Salvi. Sinabi nitong nagtungo siya kay Crisostomo Ibarra upang huminging kabayaran subalit sinigawan lamang siya nito. Ayaw daw magbayad ng binata.Humingi ng payo ang lalaki sa kura subalit ipinagtabuyan din ito. Nag-uusap ang mga tauhan sa bahay ni Kapitan Tiyago. Nabanggit ni PadreSalvi ang nalalapit na paglilipat kay Padre Damaso sa isang parokya sa Tayabas.Nasabi ng lahat na labis iyong ipagdaramdam ni Maria Clara kapag iyon ay kanyangnalaman. Labis naman ang naging pagmamalaki ni Donya Victorina nang mabagoang kalagayan ni Maria Clara. Pasalamat daw si Kapitan Tiyago at nagamot ito ngkanyang asawa kundi baka ito ay mamatay. Nagkaroon din ng pagtatalo sina DonyaVictorina at Padre Salvi kung alin ang tunay na magpapagaling kay Maria Clara.Ipinilit ng pari na ang makagagaling dito ay ang pangungumpisal. Tumutol angbabae at sinabing ang panggagamot ng kanyang asawa ang magpapagaling kayMaria Clara. Inihanda ng Tiya Isabel ang dalaga sa gagawing pangungumpisal.Lumipas ang mga oras. Matagal ang naging pangungumpisal na labis na kinainipanng lahat. 21

Nagtungo si Elias sa gubat. Doon ay nakausap niya ang pinuno ng mgatulisan. Sinabi niya ang kanyang kabiguan sa matanda. Hindi niya makita angkanyang kinahanap. Sa kabilang dako, nabanggit din ng matanda ang mga bagay nanangyari sa kanilang pamilya. Ang kanyang mga naging kabiguan kung bakit siyanagpasyang magtungo sa gubat. Nabanggit ni Elias sa matanda na handa niyangkalimutang lahat ang kanyang mga kasawian. Hindi iyon magagawa ng matanda.Tumagos na sa kanyang buong pagkatao ang bunga ng kanyang mga kasawian dalang ibang tao. Bago umalis si Elias, nabanggit nito sa matanda ang tungkol kayCrisostomo at ang gagawin nitong pakikipag-usap sa Kapitan Heneral tungkol sakanilang mga binata. Bago tuluyang umalis ay niyakap ng matanda ang binata.Mahigpit na mahigpit. Nasa sabungan si Lucas. Naroon din sina Tarsilo at Bruno. Nalulong angmga ito sa sabong. Kailangan nila ng puhunan upang makabawi. Lumapit sila kayLucas. Noong una ay ayaw pumayag sa nais ng lalaki subalit sa bandang huli aynapapayag na rin ng magkapatid. Binigyan ni Lucas ng pera ang magkapatid atsabay sabing ang perang iyon ay galing kay Crisostomo Ibarra. Naglalakad ang mag-asawang de Espadana. Natapat ito sa bahay ng Alperes.Sa mga sandaling iyon, nakadungaw naman si Donya Consolacion. Nang makitanito ang mga naglalakad, ito ay nagparinig hanggang sa magkasagutan sila ni DonyaVictorina. Naghamunan. Bumaba ang asawa ng Alperes. Nilait-lait nito ang mganag-aaway. Nagalit si Donya Victorina at sinabihan ang asawang hamunin ngdwelo ang Alperes. Laking takot ng doktor. Sa inis ng babae ay hinablot nito angpustiso ng lalaki at pinagtatapakan sa lupa. Dali-dali itong bumalik sa bahay niKapitan Tiyago sa gitna ng pagtawa ni Donya Consolacion. Pagdating ni DonyaVictorina sa bahay ni Kapitan Tiyago, pinagsabihan nito si Linares na hamunin angAlperes. Kung hindi ito isasagawa ay nagbantang ibubulgar sa lahat ang tunaynitong pagkatao. Matapos mong basahin ang akda, gawin mo ang sumusunod na mga pagsasanay upang matiyak kung naunawaan mo ang iyong binasa. 3. Linangin Mo. . . a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. Panuto: Piliin ang letra ng nais ipahiwatig ng mga pangungusap na maikli at mahaba ang pagkakasulat. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Malalim na ang gabi, pinanonood ng mga tao ang mga huling pailaw na ang pinakahuli’y parang isang bulkang nakasiya sa mga tao. a. Inilarawan nito nang mahusay ang mga nagaganap. 22

b. Maligoy lamang sumulat ang awtor, si Rizal. c. Nais ulit-ulitin ng awtor ang paglalarawan d. Lahat ng nabanggit 2. Isang utusan ang humahangos na nagbalita kay Padre Salvi ng nangyayari kaya’t nagkakandahulog sa hagdanang pumanaog na ni walang sumbrero o baston, parang sira ang ulong tumakbo na ang nasa guniguni ay ang walang malay-taong si Maria Clara na nasa bisig ni Ibarra. a. Nais ipakita ang pagmamadali ni Padre Salvi b. Binibigyang-diin ang panibughong namamayani kay Padre Salvi. c. Ipinaalam ng awtor na madalas mawalan ng malay tao si Maria Clara. d. Lahat ng nabanggit 3. Nakatuon ang pansin ng lahat sa tanghalan maliban kay Pari Salvi na ang mga mata’y nakapako kay Maria Clara na ang lungkot na nakalambong sa mukha ay lalo pang nagpaganda rito. Binibigyang - diin sa pangungusap; a. ang kaakit-akit na mukha ni Maria Clara. b. ang labis na paghanga ni Padre Salvi kay Maria Clara c. hindi pinapansin ni Padre Salvi ang palabas d. Lahat ng nabanggit 4. Sumayaw ka. . . sumayaw ka. . . . ! ang pag-uulit ng pagsasalita ay nangangahulugang; a. Binibigyang-diin sa pangungusap ang galit ng nagsasalita. b. Pinipilit ng nagsasalita na sumayaw ang kausap c. Hindi makarinig ang kinakausap d. Lahat ng nabanggit 5. “Iba ka nga!” Ang maikling pangungusap ay nagbibigay diin sa; a. kahinaang magsalita ng kinakausap b. paghinga ng nagsasalita c. wala sa nabanggit e. naiibang katangian ng kausap Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.b. Pagsusuring Pangnilalaman Ang bawat akdang pampanitikan ay may nais sabihin sa mga mambabasa, sa sarili, sa isang indibidwal at sa kalahatan. Ang mga nais sabihing ito ay mga mensaheng kapupulutan ng mga gintong butil na magagamit ng bawat isa sa kanilang pakikibaka sa buhay. 23

Panuto: Isulat ang S sa patlang kung ang mga pahayag na kinuha sa iba’t ibang kabanata ay nais sabihin sa sarili at IT kung sa ibang tao o sa kalahatan. Pagkatapos ay piliin ang letra ng nais ipahiwatig ng pahayag._____ 1. Kab. XL - “Ang Katwiran at ang Lakas” Hindi daw makatulog ang alperes at ang alperesa kaya’t ginulo ng mga gwardiya sibil ang palabas sa pamamagitan ng pagpalo sa mga musikero. Nagalit ang mga tao at nais nilang patayin ang dalawang gwardiya sibil. Inawat sila ni Don Felipo at sinabing huwag ilagay ang batas sa kanilang mga kamay. 2. Ano ang mensahe ng kabanata blg. 1? a. Dapat parusahan ang mga lumalabag sa batas b. Batas ang dapat magparusa sa mga lumalabag dito. c. Ang batas ay para sa lahat d. Lahat ng nabanggit_____ 3. Kab. XL - “Ang Katwiran at Ang Lakas” Kung ang mga Pilipino lamang ay magtitigas-loob sa pagtatanggol sa inaakala nilang wasto at kanilang karapatan ang mga prayle at sibil noon ay di sana nakapagmalabis dahil may mga batas din naman at tuntuning noo’y pinaiiral ang pamahalaan. 4. Ano ang ipinahihiwatig ng pahayag sa blg. 3? a. Mapag-abuso ang mga prayle b. na ang mga Pilipino ay may mahinang kalooban c. Kung walang paloloko, walang manloloko d. Lahat ng nabanggit_____ 5. Kab. XL - “Ang Katwiran at ang Lakas” “Ang katwiran ay lakas” 6. Ang pahayag sa blg. 5 ay nagpapahiwatig ng; a. Ang katwiran kapag tama ay makapagbibigay sa tao ng kapanatagan. b. Kapag may katwiran, ipaglaban mo. c. Dapat panindigan ang katwiran lalo pa’t ito’y tama. d. Lahat ng nabanggit_____ 7. Kab. XL – Ang Katwiran at Lakas” “Kailanman ay pinanagutan ko ang ano mang bagay na galing sa sarili kong kapasyahan, Padre. Ngunit ang munti kong kapangyarihan ay hindi nagpapahintulot sa aking manghimagsik sa mga bagay-bagay ng tungkol sa panampalataya. 8. Pinatutunayan sa pahayag blg. 7 na; a. Kung ano lamang ang saklaw ng kapangyarihan ay iyon lamang ang dapat pakialaman. b. Kapag may kapangyarihan ang isang tao maaari na niyang ipatupad ang lahat ng naisin niya. 24

c. Ang simbahan at ang pamahalaan ay magkaibang ahensiya kaya’t di dapat manghimasok ang isa’t isa. d. Lahat ng nabanggit _____ 9. Kabanata XLIII - “Mga Balak” “Sa dalawang bagay na masama, kailangang piliin ang hindi lubhang masama.” 10. Pinatutunayan ng pahayag blg. 9 na; a. Lahat ng bagay ay may pagpipilian b. Dalawa lamang ang bagay dito sa mundo, masama at mabuti. c. Kapag wala ka nang pagpipilian, piliin mo na lamang ang may kaunting kasamaang maidudulot sa kapwa. d. Lahat ng nabanggit Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.c. Pagsusuring Pampanitikan Ang paggamit ng awtor ng matatalinhagang pahayag at mga simbolo sa pagbuo niya ng akda ay makatutulong sa mambabasa na gumamit ng kritikal na pag-iisip sa mga gagawin niyang pagpapasya. c. 1 Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng kaisipang nakapaloob sa bawat matalinhagang pahayag. 1. “Siya’y di kakainin ng isda na tulad ng kanyang ama.” 2. Sa Kab. XLV – “Ang Mga Pinag-uusig” Si Kapitan Pablo ay duwag na ama kaya’t itinuring siyang punong walang sanga.” 3. Kab. XL – “Ang Katwiran at Ang Lakas.” “Walang saysay ang tungkulin ni Don Felipo, may tungkulin siya’y walang kapangyarihan. 4. Kab. XL – “Ang Katwiran at Ang Lakas” “Sa bayang walang napaloloko, walang manloloko.” 5. Kab. XLII - “Ang Mag-asawang De Espadena” “Si Donya Victorina ay isang tangang nagdudunung-dunungan at nagmamataas na pusali..” a. Isang taong walang alam at isang mahirap na nagkukunwang mayaman. b. Ginusto na lamang ng tao kapag siya’y inapi. c. Taong walang karapatang mamuno at humawak ng kapangyarihan. d. Nawalan ng mga anak dahil sa di maipagtanggol ang mga ito. e. Sa ibang paraan mamam25atay si Ibarra. f. Di siya ililibing sa dagat.

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. c. 2. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pahayag na sinisimbolo ng mga taong inilalarawan sa bawat pahayag. 1. _____ 2. _____3. _____ Kab. XLII – “Ang Mag-asawang de Kab. XLI - “Dalawang Dalaw” Espadena”Kab. XLII – “Ang Si Elias na mula nang iligtas Dito’y inilalarawan si Kap.Mag-asawang De ni Ibarra sa buwaya ay naglaan Tiyago bilang isang sakristan na halosEspadena” na ng buhay para rito. humalik sa kamay ni Linares na isaLarawan si lamang yagit o “alabok” sa EspanyaDonya Victorina 5. _____ng isangnagdudunung-dunungang tangaat nagmamataas napusali. Mga tauhang inilalarawan sa bawat pahayag4. _____Kab. XLVII – “Ang Kab. XLIII –Sabungan” “Mga Balak” Tinaguariang Sa Pag-iyak ni“Juan Lunas” at Padre Damaso saMedikong Lucas” ni pagkakasakit niDonya Victorina si Maria Clara,De Espadena inilarawan siya bilang isang dakilang ama. a. Sumisimbolo sa isang magulang na nagmamahal nang labis sa anak. b. Simbolo ng isang lalaking kayan-kayanan ng asawa at ng isang huwad na manggagamot. c. Simbolo ng isang taong walang sariling paninindigan d. Simbolo ng isang mapagkunwaring marunong at mayaman e. Simbolo ng isang taong marunong tumanaw ng utang na loob 26

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.d. Halagang Pangkatauhan Ang tao’y lalong dumarakila dahil sa kanyang pinaninindigang prinsipyo sa buhay na sinasang- ayunan ng marami.Panuto: Isulat ang P kung positibo ang pahayag at N kung ito’y negatibo.____ 1. Noong bata pa si Kap. Pablo naniniwala siya na ang lahat ay may pagkakataong mamuhay nang mapayapa huwag lamang mang-aapak ng karapatan ng kapwa.____2. Tanging pamumundok o pagiging tulisan na lamang ang lunas kapag napagkaitan ng hustisya ang isang tao.____3. Ang tunay na lalaki ay masusubok sa panahong siya’y kinantiyawan at makipagbasag-ulo.____4. Hindi kaduwagan ang umiwas sa gulo, manapa’y tunay na katapangan.____5. Ang lahat ng pagbabagong ninanais ng isang tao ay dapat na magsimula sa kanyang sarili. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo. . . Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag sa bawat bilang ay katotohanan, O kung opinyon at A kung argumento. 1. Nagkakaroon ng di-pagkakaunawaan kapag sinasaklawan ng mga maykapangyarihan ang karapatan ng mga mamamayan. 2. Ang pagpapanggap ay kalimitang ginagawa upang mapagtakpan ang mga kakulangan at kahinaan. 3. Hindi makapagpapagaling sa isang taong maysakit ang pangungumpisal Sa halip, lalo lamang lulubha ang taong maysakit sapagkat iniisip niyang siya’y malapit nang mamatay 27

4. Hindi dapat isiwalat ang mga bagay na nalaman dahil sa pangungumpisal kahit pa makatutulong ang pagsisiwalat na gagawin upang lumabas ang katotohanan. 5. Kung ako ang tatanungin dapat ipagbawal ang ano mang uri ng sugal tulad ng sabong kahit ito’y makapagbibigay ng buwis. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin Mo. . . Sa Kabanata XL - “Ang Katwiran at Ang Lakas” Pinaniniwalaan sa kabanatang ito na ang katwiran ay lakas. Panuto: Lagyan mo ng tsek () ang patlang sa bawat bilang kung ito ay wastong paraan ng pakikipaglaban mo ng iyong katwiran at ekis () kung para sa iyo ito ay maling paraan. _____ 1. Ipakipaglaban mo sa mahinahong paraan ang iyong katwiran. _____ 2. Ipilit mo sa lahat ang iyong katwiran kahit ito’y hindi katanggap-tanggap sa lahat. _____ 3. Suportahan mo ng mga patunay ang iyong katwiran. _____ 4. Kung sa panahong ipinakikipaglaban mo ang iyong katwiran ay hindi pinahalagahan, huwag mawalan ng pag-asa, darating din ang panahong ito’y kikilalanin. _____ 5. Ang kalye ay tamang lugar upang ipaalam mo ang iyong katwiran sa isang isyung ipinatutupad ng pamahalaan Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Sa Kab. XLIII – “Mga Balak”, naniniwala si Padre Damaso na sa dalawang bagay na kapwa masama, kailangang piliin ang hindi lubhang masama. Panuto: Lagyan mo ng tsek () ang pahayag sa bawat bilang na nagsasaad ng wastong pagpili ng mga bagay na kapwa masama subalit kailangang mamili dahil hinihingi ng pagkakataon at ekis () kung mali. _____ 1. Piliin ang isang bagay na kahit masama ay pakikinabangan naman ng marami. 28

_____ 2. Kung may magagawa pang ibang paraan, huwag pumili sa dalawang masama kahit ang isa’y di lubhang masama. _____ 3. Huwag na lamang mamili nang hindi masisi sa bandang huli. _____ 4. Huwag ka nang makialam sa pagpapasya nang hindi ka madawit sakaling ang pinili mo ay di makabuti. _____ 5. Pakaisipin mong mabuti ang lahat ng gagawin bago magpasya. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo. . . Panuto: Isaayos mo ang pagkakasulat ng mga sumusunod na kaisipan kaugnay ng binasang akda. 1. ng katiwasayan sa buhay / sa puso ng isang tao / ay hindi magkakaroon ang namayani / kapag inggit at kapalaluan 2. ng karampatang lunas / ay dapat iparating sa pamahalaan / upang mabigyan/ ng mga sawimpalad / ang mga hinaing / 3. ng di marapat / ay nagtutulak sa isang tao / upang makagawa / ang pagkagahaman sa salapi Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.7. Lagumin Mo. . . Panuto: Piliin ang bilang ng pangungusap na bubuo sa pahayag sa bawat bilang. Matapos kong mabasa ang akdaNalaman ko na. . . Nakadama ako ng. . .1. Di dapat saklawan ng pamahalaan 1. Pagkagalit kay Donya Victorina ang karapatan ng mga mamamayan. dahil sa diwang dayuhan nito.2. Di dapat ibunyag ang lahat ng lihim na 2. Pagkainis kay Kap. Tiyago dahil sinabi sa pangungumpisal. sunud-sunuran ito sa lahat3. Ang tanging paraan upang marinig ng 3. Paghanga kay Elias dahil sa 29

pamahalaan ang hinaing ng taumbayan pagiging maginoo nito. ay sa pamamagitan ng panunulisan. 4. Pagkaawa kay Sisa dahil sa4. Ang pamahalaan at ang simbahan ay magkahiwalay na institusyon kaya’t di pananakit dito ni Donya dapat magpakialaman. Consolacion.5. Kung walang paloloko ay walang 5. Paghanga kay Ibarra dahil sa manloloko angking talino nito. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.8. Subukin Mo. . . Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pinakawastong sagot. 1. Naging parusa kay Ibarra dahil sa pananakit niya kay Padre Damaso. 2. Isang namundok at naging tulisan dahil sa paghihiganti sa sinapit ng mga anak sa kamay ng mga frayle. 3. Ayon sa Kapitan Heneral tanging “lalaking” nakausap niya sa Pilipinas. 4. Ito ay inawit ni Sisa 5. Siya ang naging asawa ng Alperes na dati niyang labandera.a. Donya Consolacion d. Kap. Pablo g. sonatab. Kundiman e. ekskomulgadoc. Ibarra f. Elias Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Paunawa: Kung ang iskor na nakuha mo matapos sagutan ang Pagsasanay Blg. 8 ay 3 pataas huwag mo nang gawin pa ang susunod na gawain subalit kung ang iskor mo ay 2 pababa, gawin mo ito.9. Paunlarin Mo. . . Panuto: Isulat ang W kung ang kaisipan ng pahayag ay wasto batay sa akda at M kung mali. _____ 1. Ang pangungumpisal ay ginagawa upang maibsan ang kasalanan ng isang taong nagkasala. _____ 2. Kapag inggit at kapalaluan ang namayani sa puso ng isang tao ay hindi magkakaroon ng katiwasayan sa buhay. _____ 3. Masama ang ibubunga sa tao ang pagkalulong niya sa bisyo. 30

_____ 4. Ang pagkukunwari ay pagtatago lamang ng kapintasan at kamangmangan_____ 5. Masasabing tunay na katangian ang kagalingang magkunwari ng isang tao. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Gaano ka na kahusay. . .? Panuto: Sagutan ang mga sumusunod, isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. A. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng ipinahihiwatig sa bawat pahayag. 1. Isang kisapmata ay nawala ang kausap ni Ibarra ang nakita niya ay galit sa kanyang mukha. 2. Hindi matingkalang tuwa ang nadama ni Ibarra nang makita niya si Maria Clara a. Mahal na mahal niya ang dilag b. Natakot ang kausap c. May nakitang kakilala ang kausap d. Matagal na niyang di nakita si Maria Clara.B. Suriin ang mga mahahaba at maiikling pangungusap at pagkatapos ay piliin sa kahon ang letra ng tamang sagot sa bawat katanungan.3. Kung ang isasalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t may pakitanggiliw, lalong pakaingata’t kaaway na lihim na siyang isaisip na kakabakahin.Ilang kaisipan mayroon ang pangungusap?a. 2 b. 3 c. 4 d. 54. “Ako’y duwag. . . duwag na ama. . . . !Ang nagsasalita ay;a. nagsisisi b. naninisi c. naduduwag e. nagagalitC. Sabihin kung anong uri ng tunggalian ang napapaloob sa bawat pahayag. Piliin ang sagot sa loob ng kahon sa dakong ibaba.5. Nag-aalinlangan sa sariling kakayahan si Kap. Pablo.6. Pinatay ng mga mapang-abusong gwardiya sibil ang mga anak ni Kap. Pablo.7. Ang pamahalaan ay pinamamahalaan ng mga mapang-abusong pinuno. 31

a. tunggaliang tao sa sarilib. tunggaliang tao sa taoc. tunggaliang tao sa lipunanD. Piliin sa loob ng kahon ang letra ng tayutay na ginamit sa bawat pahayag. 8. Parang palos sa bilis si Ibarra nang daluhungin niya si Padre Damaso. 9. Nawawala na sa katinuan si Padre Salvi dahil sa marubdob na pag-ibig kay Maria Clara. 10. Ang kalabog ng pagbagsak ng panulukang bato ay nakapagdulot ng takot sa mga dumalo ng pasinaya ng paaralan.a. Onomatopeya d. Metaporab. Simili e. Personipikasyonc. Eksaherasyon Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. 32

Aralin 1 Modyul 18 (Batas ng Buhay) 5. Gamitin Mo. SUSI SA PAGWAWASTOIV – Ano Na Ba Ang Alam Mo? 1. A. 1. B Noli Me Tangere 2.  3.  2. A ARALIN 1 4.  5. B. 3. D C. Pagsusuring . 4. A Pampanitikan 6.  7. C. 5. A c.1. 1. L 8. 2. T 9.  6. B 3. T 10.  4. S 7. C 5. L 6. Sulatin Mo. 6. SD. 8. C 1). Mula sa kalikasan c.2. 1. B 9. B 2. E hanggang sa buhay ng mga 10. A 3. C 4. A nilalang ay naroon ang pag-1. Alamin Mo. 5. DA. 1. E babaka o paglalaban d. Halagang Pangkatauhan 2. B 1. S 2). Kalaban din ng tao ang 2. S 3. D 3. S kanyang kapwa sa 4. C 4. S 5. HS kabuhayan, kaginhawaan 5. A 4. Palalimin Mo. at kaligayahana. Pagsusuring Panlinggwistika 4.a. 1. a.1. 1. D 7. Lagumin Mo. 2.  7.a. 1. 2. E 3.  4.  2. 3. A 5. 3.  4. B 4.b. 4.  5. C 1 5.  7.b. 1. b. Pagsusuring Pangnilalaman 2b.1 1.  2.  3 3.  2.  3.  4 4.  4.  5.  5 5. ---b.2. 6.  4.c. 7.  8. Subukin Mo. 8.  1 9.  1. D 10.  2b.3. 1. M 2. C 3 2. M 4 3. F 3. M 5 4. G 4. M 5. A 5. DM 9. Paunlarin Mo. 1. M 2. M 3. T 4. M 5. T 33

34

Modyul 19 Pagsusuri sa mga Akda Batay sa Teoryang Imahismo at HumanismoI. Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Marami ka na bang natutuhang aralin sa modyul na sadyang inihanda parasa iyo? Alam kong pinagsisikapan mong mabuti upang masagot ang mga gawain. Kung naibigan moang mga nakaraang akda tiyak na lalo mong magugustuhan ang mga tulang babasahin mo ngayon. Mayroon ka pa bang ina? Gaano mo sya kamahal? Paano mo ipinakikita o ipinadadama angpagmamahal mo sa iyong ina? Tunay na ang ating ina ay dapat na pahalagahan at mahalin dahil silaay may malaking bahagi sa ating buhay. Sabi nga, ang magkaroon ka ng isang ulirang ina ay isa ngkayamanan. Ito ang paksang iyong babasahin, “Ang Pamana” na sinulat ni Jose Corazon de Jesus. Isa pang tulang kasama sa modyul na ito ay “Ilaw sa Parol” na sinulat naman ni Cirio H.Panganiban. Naniniwala ka bang ang anak na pinalaki sa layaw ay walang magandang kinabukasan?Sang-ayon din ako sa iyo. Ito ang nangyari sa anak na nasa tula. Ngunit kahit na anong pagkakamaliang gawin ng isang anak ay hindi ito matitiis ng ina. Nariyan pa rin sya na laging nagmamahal saanak. Tiyak na maiibigan mo ang tulang ito. Ano kayang uri ng anak ang nasa tula. Iyan ang iyongalamin. Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panglinggwistika, pangnilalaman at pampanitikan ay lalopang mahahasa sa araling ito. Maiuugnay mo rin ang mga dati mong kaalamang natutunan. Kasamana rin dito ang karanasang pansarili at pang-iba na maari mong paghanguan ng iyong mga kasagutan. Tutulungan ka ng aking mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutin ang mgaito. Kaibigan, kaya mo ito. Handa ka na ba? Simulan mo na. II. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’t ibang genreng panitikan. 1

III. Paano mo gagamitin ang modyul na ito Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabangang iyong pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito. Ito’y sadyanginihanda para sa madali mong pagkatuto.1. Sagutin mo ng maayos ang panimulang pagsusulit sa bahaging ‘Ano ba ang alam mo?”. Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin.2. Iwasto mo ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali , huwag kang mag-alala.3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mag kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin.4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa bawat aralin at ganoon din ang pagsubok sa kabuuan sa “Gaano ka na kahusay”. Kunin mo muli sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto.5. Tulad ng nasabi ko, kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o sagutang papel.IV. Ano ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat mo ang titikng kasingkahulugan ng mga pariralang may salungguhit1. Ang kamay na laging nagsisindi ng ilaw sa parol ay kulubot at luoy.a. payat na payat c.maysakitb.matanda na d.tuyo at lanta2. Sugatan ang dibdib na laging naghihintay ang ina sa lumisang anak.a. malabo c.naghihinakitb.lumuluha d.maligaya3. Ang dibdib ng anak ay lalong kumaba nang makitang ang parol ay malamlam at ulila.a. malabo c. naghihimagsikb. nag-iisa d. maligaya 2

4. “Nang magbinata busog sa pangarap nilisan ang ina’t ang mundoy nilipad”a. ang anak ay lumisanb. nangibang-bansac. nagpakasarap sa buhayd. nanatili sa pamilya5. “Sa nasang makamtan ang sangmundong tuwa’y halos hindi ituntong ang paa sa lupa.”a. ang anak ay mayabangb. mapagkumbaba ang anakc. nais niyang makisalamuha sa ibad. may pakikisama sa iba6. “Pagkat di ka maaring pantayan ng daigdigan Pagkat ikaw o ina ko , ika’y wala pang kapantay”. Ang may salungguhit nagpapakita nga. pagsisisib. pagmamahal ng anak sa inac. pagkaawad. kabaitanB. Isulat ang titik ng tamang sagot.7. Ang sukat ng tulang Ilaw sa Parol aya. labing animanb. lalabing waluhinc. lalabindalawahind. lalabing apatin8. Naging masining ang tula sa tulong ng paggamit nga. tayutay c. sukatb. tugma d. malayang taludturan9. Nag-iisa na lamang ang iyong ina sa pagtataguyod ng iyong pag-aaral. Bilang anak paano mo maipapakita na pinahahalagahan mo sya? a. titigil sa pag-aaral b. hihingi ng tulong sa kamag-anak c. maghahanap ng trabaho d. pagbubutihin ang pag-aaral10. Sa tulang “Ilaw sa Parol” , angkop ang kasabihang, a. ang ina ang gabay natin b. nasa huli ang pagsisisi c. anak na di paluin, ina ang paluluhain d. walang inang magtuturo nang masama sa anak 3

ARALIN 1: Ang Pamana A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan .1. Natutukoy ang pangunahing kaisipan ng tula2. Natutukoy ang istraktura ng sukat at tugma ng tula3. Nasusuri ang tula batay sa teoryang imahismo4. Naiisa-isa ang mga bahaging nagpapakita ng pagmamahal ng anak sa ina.5. Nakabubuo ng isang maikling talata sa pagmamahal sa ina..Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo…Panuto: Piliin mo sa ibaba ang mga katangian ng isang ina na hinihingi sa bawat kolum.Positibo Kawili-wili Negatibo1. 1. 1.2. 2. 2.3. 3. 3. 4

Mapag-aruga mapagmalasakitMapagmahal matiisinPabaya mapagkalingaNamamalo dakila2. Basahin mo… Mahilig ka bang magbasa? Isa itong libangan di ba? Bukod sa nakakatulong ito upang lumawak ang iyong kaalaman, marami ka pang natututuhan sa buhay. Ngayon, babasa ka ng isang tulang sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain mo itong mabuti. Maligayang pagbabasa. “Ang Pamana” (Tulang Pandamdamin ni Jose Corazon de Jesus) Isa araw ang ina ko’y nakita kong namamanglaw Naglilinis ng marumi’t mga lumang kasangkapan. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan; Nakita ko ang ina ko’y tila bagay nalulumbay At ang sabi “itong piyano sa iyo ko ibibigay, Ang kubyertos nating pilak ay kay Itang maiiwan, Mga silya’t aparador kay Tikong nababagay Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman” Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa, Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa; Tila kami iiwan na’t may yari nang huling nasa At sa halip na magalak sa pamanang mapapala, Sa puso ko ay dumadalaw ang malungkot na gunita Napaiyak akong tila isang kaawaawang bata Niyakap ko ang ina ko at sa kanya ay winika. “Ang ibig ko sana, Ina’y ikaw aking pasayahin at huwag nang makita pang ika’y nalulungkot mandin, O, Ina ko, ano po ba at naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin?“Wala naman”, yaong sagot “baka ako ay tawagin ni Bathala mabuti nang malaman mo ang habilin! 5

Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw. “Ngunit Inang” ang sagot ko, “ang lahat ng kasangkapan Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Hinihiling ko sa Diyos na ang pamana ko’y ikaw Aanhin ko iyong piyano kapag ikaw ay namatay At hindi ko matutugtog sa tabi ng iyong hukay? Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman Pagka’t di ka maaring pantayan ng daigdigan Pagkat, ikaw O Ina ko, ika’y wala pang kapantay”. Nasiyahan ka ba sa tulang binasa mo? Naramdaman mo rin ba ang emosyong naghari sa anaksa tula? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang tula, masasagutan mo ang mga gawaing inihandako para sa iyo. Huwag kang mag-alala madali lamang ang mga ito. Makatutulong kung uunawain mong mabuti ang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa mga kaisipan ng tula.A. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang nilalaman ng mga pangungusap, pagkatapos ayusin ang mga letra upang matukoy ang kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan. A K N I A T 1. Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan.A L T U U N G L K L 2. Nakita ko ang ina ko’y tila baga nalulumbay.ALLAA 3. Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita.L M I H A N A M 4. Pamana ko sa iyo, bunsong ginigiliw.N A K T I P A N S A N 5. Pagkat di ka maaaring pantayan ng daigdigan. 6

Ano ba ang pagkakaunawa mo tungkol sa tula? Ito ay isang akdang pampanitikan na likha ng makata na hinahanap sa kalikasan at sa buhay ng tao. Ito ay naglalayong pumukaw sa damdamin ng bumabasa upang makilala ang kahulugan ng buhay. Ginagamitan ito ng apat na salik. Ang kariktan o paggamit ng pili at angkop na salita; kaisipan o diwa’t talinghagang likha ng matalinong kaisipan at guniguni ng makata; di ba magandang pakinggan ang tula kapag magkakasintunog ang mga huling salita sa bawat taludtod? Gumaganda rin ang isang tula kung ito ay may mga tayutay , ito ay mga pahayag na may nakatagong kahulugan. O, hayan, marami ka nang natutunan tungkol sa tula. Tiyak na mawiwili kang magbasa nitodahil hahanapin mo na iyong mga bahaging ipinaliliwanag ko. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! B. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin mo sa ibaba ang mga kasagutang tumutugon sa bawat pahayag o taludtod ng tula. 1. Sukat: 2. Kaisipan: 3. Mensahe: 4. Talinghaga: 5. Tugma: a. Sa puso ko ay dumalaw ang malungkot na gunita b. Tugmaang di-ganap c. Malayang taludturan o walang sukat d. Ang ina ay tanglaw natin sa ating buhay e. Dapat nating mahalin ang ating ina dahil sila ay nagsasakripisyo at nagmamahal sa ating tunay Kanina”y natutuhan mo ang ilang mga impormasyon tungkol sa tula. Alam kongnakatulong ito sa iyo upang masagot ang mga gawain sa mga Pagsusuring Pangnilalaman. Ngayon, madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mapahahalagahan atmauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo ang isang prinsipyo, mga paniniwala, mgaideyang makatutulong sa pagpapaliwanag ng isang akdang pampanitikan. 7

Ang teoryang pampanitikang binigyang-diin sa tulang “Ang Pamana” ay teoryangimahismo. Narinig mo na ba ito? Imahismo-imahe, isang salitang ingles na mahahango mo rito.Samakatwid, tumutulong ito sa isip. Madali lamang makilala ang teoryang imahismo. Ang tuon nito ay sa Imahen. Naniniwalang ang imahen ay nagsasabi ng kahulugan. Malinaw ang mga epekto ng mga ito. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang ang iyong natutuhan.Masasagot mo 'yan. Subukin mo. C. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Isulat ang I kung ang pahayag ay naglalarawan ng imahen at IH kung hindi. 1. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan 2. Pinilit kong pasayahin ang lungkot ng aking mukha Tinangka kong magpatawa upang siya ay matuwa 3. Subalit sa aking mata’y may namuong mga luha Naisip ko ang ina ko, ang ina ko na kawawa 4. Iyang piyano, itong silya’t aparador ay alaming Pamana ko na sa iyo, bunsong ginigiliw 5. Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang Madali mo bang nakilala ang teoryang imahismo? Tingnan ko nga kung tamang lahatang iyong mga sagot. Itsek mo muli.4. PALALIMIN MO. . . . Anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo matapos mabasa ang aralin? Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) kung ito ay tumutgon sa mga pagbabagong naganap sa iyo. 8

1. Nagkaroon ako ng malaking pagpapahalaga sa aking ina. 2. Nagkaroon ako ng interes na magbasa ng mga akda. 3. Napag-isip-isip kong dapat kong mahalin nang lubos ang aking ina habang siya’y nabubuhay pa. 4. Napag-isipan kong pahalagahan ang pagsasakripisyo ng aking ina. 5. Pagbubutihin ko ang aking pag-aaral upang mabigyan ko ng kasiyahan ang aking ina. Tiyak na marami ngang nagbago sa iyo! Tama bang lahat ang iyong mga sagot? Iwasto mo.5. Gamitin mo… Panuto: Piliin mo sa ibaba ang mga kaisipang angkop sa salitang nasa kaliwa. Isulat ito sa mga kahong nasa kanan. PAMANA1. Ang ina ay daapat na mahalin at pahalagahan.2. Ang ina ang siyang tunay na mapag-aruga at mapagmahal.3. Ang pagmamahal sa mga anak ay responsibilidad ng magulang.4. Ang pagmamahal ng isang ina ay hindi mapapantayan. 9

5. Tungkulin ng ina na alagaan ang mga anak. Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tama ang lahat ng iyong sagot. Hingin mo muli saiyong guro ang susi sa pagwawasto. Nahirapan ka ba sa mga nauna mong gawain? Alam kong ginagawa mong lahat ang iyongmakakaya para sagutan ang mga ito. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lamang ito. Tiyak na magugustuhan mo ang paksa. Handa ka na?6. Sulatin mo… Panuto: Ayusin mo ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga pangungusap. Pagkatapos, gawinmo itong talata. ANG AKING INA 1. Napakahusay niyang mag-alaga sa amin. 2. Kaya naman mahal na mahal namin siya. 3. Hinding-hindi ko ipagpapalit ang aming ina sa iba. 4. Tunay na mapagmahal siya dahil kami’y lumaking may disiplina sa sarili. 5. Wala siyang ibang iniisip kundi ang aming kapakanan. May pagkakatulad ba ang ina na nasa tula sa inang sinulat mo? Tingnan mo kung tamaang lahat ng isinulat mo? Tingnan mo kung tamang lahat ng sagot mo. Itsek mong muli ang iyongmga kasagutan.7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek ( / ) sa tabi ng bawat bilang ang tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. 1. Kahulugan ng tula 2. Kaalaman sa awtor 3. Kaalaman sa teoryang imahismo 10

4. Pagmamahal sa ina 5. Kaalaman sa istilo ng may-akda 6. Pagkuha ng pangunahing kaisipan 7. Mga uri ng tula 8. Pagiging mapagmahal sa anak 9. Pagkilala sa mga simbolo 10. Kaalaman sa tulang “Ang Pamana” Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong nakaya mong sagutin ang mga ito.Hiramin mong muli sa iyong guro ang kasagutan. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakay.Unawain mo itong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na.8. Subukun mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Sa pilak ng kanyang buhok na hibla ng katandaan Nabakas ko ang maraming taon niyang kahirapan. a. mahina at may sakit ang ina b. malapit na itong mamatay c. matanda na ang ina d. bata pa ang ina 2. Sa ganyan ko hinahati itong ating munting yaman a. naghahabilin ang nagsasalita b. hinahati-hati ang kayamanan c. nag-iiwan ng pamana d. lahat ng nabanggit 11

3. Ang lahat ng yaman dito ay hindi ko kailangan Ang ibig ko’y ikaw ina, ang ibig ko’y ikaw inang a. mapagmahal na anak b. ayaw magpaiwan ng anak c. ayaw tanggapin ang mana d. kulang pa ang mana4. Ang tula ay may sukat na a.14 na pantig b. 16 na pantig c.12 na pantig d.walang sukat5. Ang tula ay may tugmang a. ganap b. di-ganap c. malayang taludturan d. asonansya6. “ O Ina ko, ano po ba ang naisipang hatiin Ang lahat ng munting yamang maiiwan sa amin.” a. ang anak ay lungkot na lungkot b. hinagpis na hinagpis c. ang anak ay nalilito d. ang anak ay naiiyak7. “Ililimos ko sa iba ang lahat ng ating yaman” a. mabait ang anak b. mapagkawanggawa c. mapaglingkod d. matulungin8. Napaiyak ang anak at niyakap ang ina a. mahal na mahal ng anak ang ina b. mahal na mahal ng ina ang anak c. takot na takot ang anak d. takot na takot ang ina 12

9. Dapat nating pakamahalin ang ating ina. Ito ay isang a. maakatwirang opinyon b. makatotohanan c. di-makatwirang opinyon d. kongklusyon 10. Kahit na anong pagkakamali ang gawin ng isang anak at gaano man ito kasama ay naririyan pa rin ang ina na nagmamahal sa anak. a. ang ina ay ina b. dakila ang pag-ibig ng ina c. mahal ng ina ang anak d. mapagpatawad ang mga ina Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot, pumunta ka sasusunod na aralin. Kung 6 pababa, may ipagagawa ako sa iyong gawain. Kayang-kaya mo itosapagkat kaugnay naman ito ng ating aralin. Maaari mo na itong simulan.9. Paunlarin mo… Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa aralin. Hanguin at ayusin mo ang mga ginulong salita nanasa loob ng kahon. mahalin, nagsilang sa atin, ina, igalang, dakilainARALIN 2: ILAW SA PAROL A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Naikakabit ang ang mga salita sa mga titik na bumubuo sa salitang pinahahalagahan. 2. a. Natutukoy ang mga kaisipan sa tula b. Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa pagkamatotohanan 3. Natutukoy ang taludtod ng tula na nagpapakita ng teoryang humanismo 4. Nakabubuo ng mga konsepto o kaisipang kaugnay ng akdang binasa 13

Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Piliin sa ibaba ang mga salitang tumutukoy sa sumusunod na mga larawan. Isulat mo ito sa ilalim ng mga larawan.Liwanag Patnubay Pagpapakasakit Pag-ibig Pagamamahal Paghihirap Araw PagkalingaPag-aruga Sakripisyo Suliranin Gabay Nahirapan ka ba? Kaya mo di ba? Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwastomo ang iyong mga sagot. 1. Basahin mo… Panibagong tula na naman ang iyong babasahin. Katulad ito ng binasamo sa aralin I. Sa tulang ito, malalaman mo ang pagmamahal na ipinamalasng ina sa anak sa kabila ng ginawa nito. At kung ano yun, iyan angaalamin mo sa tulang babasahin mo. Kung paano mo naibigan at naantig ang iyong damdamin sa unangtulang binasa mo, tiyak na mas maiibigan mo at lalong maaantig angiyong damdamin dito. 14

ANG ILAW SA PAROL Cirio H. Panganiban Ilaw!… gabi-gabi, ang ilaw na yaon ay sinisindihan sa loob ng parol. Isang munting kamay, kulubot at luoy, ang di na nagsawang sa habang panaho’y laging nag-iilaw sa ulilang balkon… May pitong taon na ang nakalipas mula nang umalis ang bugtong na anak. Lumaki sa layaw, nagmana ng pilak, at nang magbinatang busog sa pangarap, nilisan ang Ina’t ang mundo’y nilipad! Kaya, buhat noon, ang Inang may hapis sa buntonghininga’y sugatan ang dibdib. Inang palibhasa’y Ina ng Pag-ibig nasa kanyang puso ang bunsong nawaglit; hinihintay-hintay na muling magbalik. Ang kanyang pag-asa’y darating sa bahay at nang magbinatang busog sa pangarap, Kaya gabi-gabi, ang Ina’y may tanglaw, Ilaw ng pag-big sa dating tahanan, Patnubay ng anak sa kanyang pagdatal! II Ibong nakukulong, kapag nakalaya, di ibig dumapo sa sangang mababa! Ito ang nangyari sa ating binata,sa nasang makamtan ang sangmundong-tuwa’y halos di ituntong ang paa sa lupa! Mabilis ang kampay ng kanyang pakpak na nakikihabol sa lipad ng limbas. Ibig na ang langit ay kanyang malipad kahit pagkatapos sa siwang ng ulap, magsabulalakaw na muling malaglag; Parang nabilanggo sa pulo ng Lagim, tumakas nang upang humanap ng Aliw Puso palibhasa’y uhaw sa Paggiliw, sa alak ng Buhay ay nagpakalasing, nangarap sa kislap ng mga Bituin! 15

Sa lalong malawak na dagat ng buhay ay pinapamangka ang murang isipan. Sinundan ang agos ng kaligayahan, at nang mapasadsad sa dalampasiga’y humabol sa bula ng alon sa pampang! Dati, sa bakurang alaga ni Ina, Lumuwal sa pinto ng pagkakasala. Humanap ng layaw sa mundong ligaya, At nang mahumaling sa bango at ganda’y Sumunod sa kaway ng maling pag-asa! Sa hardin ng kanyang mga panaginip, puso ay nagtanim ng unang pag-ibig. Ito’y namulaklak sa init ng halik, magandang bulaklak na wala raw tinik, bakit sumugat sa may sintang dibdib? III Sa mahabang k’wintas na pinagdasalan ng hirap na kanyang sinapit na buhay, ay ikasampu na ang yugto ng lumbay… Natapos ang pista! Wala nang tugtugan! Naubos ang handa, nabasag ang pinggan! Labong ng kawayang nagpakatingala, tunlan ng lumaki’t mahutok sa lupa. Ganyan siya ngayon: may sakit, maputla, wala ng salapi, kaibigan wala, may tinik sa puso’t sa mata’y may luha. Sa kanyang gunita’y nabalik ngayon ang masayang araw ng kanyang kahapon. nang siya’y mapilak, siya’y Panginoon, Dangal ng lipunan, Hiyas ng Panahon, Irog ng dalaga,Tagumpay ng layon…. Mataas na uri ng kanyang kilatis, Sapagkat makislap pati kanyang damit.Ang mundo nga naman, daig pa ng pikit!… Walang tinitignan kundi kaliskis. - Magara?…Tao ka, kahit walang bait! 16


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook