Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Ekonomiks (AP) Grade 10

Ekonomiks (AP) Grade 10

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-20 00:10:10

Description: Ekonomiks (AP) Grade 10

Search

Read the Text Version

(U) 18. Piliin sa sumusunod ang pinakatamang paliwanag sa graph. P AS Php 120 Php 100 AD2 AD1 Q40 50A. Ang paglipat ng kurba ng demand pakanan ay magdudulot ng kakulangan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.B. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng pagtaas sa mga gastos ng produksiyon na ipapasa ng prodyuser sa mga mamimili.C. Ang paglipat ng kurba ng supply pakanan ay magdudulot ng kalabisan sa supply na hahantong sa pagtaas ng presyo.D. Ang pagtaas ng presyo ay bunga ng kakulangan ng supply ng produkto sa pamilihan na hahantong sa pagtaas ng presyo. (U) 19. Bilang isang mamimili, papaano ka makatutulong sa paglutas ng suliranin sa implasyon?DEPED COPYA. Bumili lamang kung bagsak ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan. B. Bumili lamang kung kakilala at suki ang nagtitinda sa pamilihan. C. Bumili lamang sa mga supermarket o grocery upang matiyak ang presyo. D. Bumili lamang ng sapat sa pangangailangan upang hindi magkaroon ng kakulangan.(U) 20. Kung ikaw ay prodyuser ng produktong may kakulangan ng supply sa pamilihan, dapat bang ang malaking kita lamang ang pagtutuunan mo ng pansin? A. Oo, dahil ito na ang pagkakataon upang kumita at tumubo ng malaki. B. Oo, dahil malaki ang inilabas na puhunan kaya’t nararapat na kumita rin ng malaki. C. Hindi, dahil malaki rin ang buwis na sisingilin ng pamahalaan sa pagtaas ng presyo. D. Hindi, dahil hindi kakayanin lalo ng mga mahihirap ang napakataas na presyo.328

Yunit IVDEPED COPY 329

DEPED COPY 330

YUNIT IV MGA SEKTOR PANG- EKONOMIYA AT MGA PATAKARANG PANG- EKONOMIYA NITOPANIMULA AT GABAY NA TANONG Matapos matalakay ang mga batayang konsepto sa ekonomiks, nararapat dinna makilala ang iba’t ibang sektor ng ekonomiya. Ang mga sektor na tinalakay sa mganakaraang aralin ay may kinalaman sa sektor ng pananalapi. Ang daloy ng pananalapisa ekonomiya ang pinakapangunahing pokus ng naging talakayan. Samantala, angmga sektor pang-ekonomiya ay nakapokus sa daloy ng mga produkto at serbisyoat ang kaugnayan nito sa kabuuang kita ng bansa. Ang ugnayan na nagaganap saloob at labas ng mga sektor ay inaasahang nakaaapekto sa bansa. Ito ang isa mgaindikasyon ng isang matatag at malusog na ekonomiya. Ayon na rin sa mga ekonomista,ang bansang may matatag na mga sektor ay may potensiyal na makapagtamo ngkaunlaran. Mas mataas na empleyo at malaking ambag sa pambansang kita aymaaaring maghatid tungo sa mas maayos, maunlad, at may kalidad na pamumuhay. Ngunit sa katotohanan, hindi madali ang daan para maabot ang kaunlaran.Hindi ito kayang gawin ng isang sektor lamang. Bawat isa ay may napakahalagangpapel na ginagampanan upang masiguro ang maayos na takbo at daloy ng ekonomiyang bansa. Sa ganitong perspektibo, patuloy na nagsisikap ang pamahalaan namatugunan ang mga pangangailangan ng bawat sektor. Ngunit sapat ba ang mgaDEPED COPYprograma at batas na isinusulong ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mganasabing sektor pang-ekonomiya? Ano-ano ba ang kinakaharap na hamon ng bawatsektor? Ang mga patakarang pang-ekonomiya bang ito ay talagang nakatutulong sakanila upang maabot ang matagal nang pinapangarap na kaunlaran? Dahil dito, bilang isang mamamayang Pilipino na nagnanais na makaranasng kaunlaran, halina at samahan mo ako sa pagtuklas at pagsuri sa kung paanohinaharap ng mga sektor pang-ekonomiya ang mga hamon tungo sa pambansangpagsulong at pag-unlad.PAMANTAYAN SA PAGKATUTO Pamantayang Pangnilalaman Pamantayang PagganapNaipamamalas ng mag-aaral ang pag- Ang mga mag-aaral ay aktibongunawa sa mga sektor ng ekonomiya nakikibahagi sa maayos naat mga patakarang ekonomiya nito sa pagpapatupad at pagpapabuti ng mgaharap ng mga hamon at puwersa tungo sektor ng ekonomiya at mga patakarangsa pambansang pagsulong at pag- ekonomiya nito tungo sa pambansangunlad. pagsulong at pag-unlad.331

Sa araling ito, inaasahang matutuhan mo ang sumusunod: • Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa pambansang kaunlaran. • Nasisiyasat ang mga palatandaan ng pambansangARALIN 1: KONSEPTO kaunlaran. NG PALATANDAAN • Natutukoy ang iba’t ibang gampanin ng NG PAMBANSANG KAUNLARAN mamamayang Pilipino upang makatulong sa pambansang kaunlaran. • Napahahalagahan ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Pilipino para sa pambansang kaunlaran. • Nakapagsasagawa ng isang pagpaplano kung paano makapag-ambag bilang mamamayan sa pag-unlad ng bansa. • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa ekonomiya at sa bansa.ARALIN 2: SEKTOR NG • Nasusuri ang mga dahilan at epekto ng suliranin ngAGRIKULTURA sektor ng agrikultura, pangingisda, at paggugubat sa bawat Pilipino.DEPED COPY• Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiya na nakatutulong sa sektor ng agrikultura. • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektor ng industriya tulad ng pagmimina, tungo sa isangARALIN 3: SEKTOR NG masiglang ekonomiya. INDUSTRIYA • Nasusuri ang pagkakaugnay ng sektor agrikultural at industriyal tungo sa pag-unlad ng kabuhayan. • Nabibigyang-halaga ang mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng industriya. • Nasusuri ang bahaging ginagampanan ng sektorARALIN 4: SEKTOR NG ng paglilingkod. PAGLILINGKOD • Napahahalagahan ang mga patakarang pang- ekonomiyang nakatutulong sa sektor ng paglilingkod: Batas na nagbibigay proteksiyon at nangangalaga sa mga karapatan ng Manggagawa. • Nakapagbibigay ng sariling pakahulugan sa konsepto ng impormal na sektor. • Nasusuri ang mga dahilan ng pagkakaroon ngARALIN 5: IMPORMAL impormal na sektor. NA SEKTOR • Natataya ang mga epekto ng impormal na sektor ng ekonomiya. • Napahahalagahan ang pagsunod sa mga patakarang pang-ekonomiya tungo sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. 332

ARALIN 6: • Nasusuri ang ugnayan ng Pilipinas para saKALAKALANG kalakalang panlabas nito sa mga samahan tulad ng World Trade Organization at Asia-Pacific Economic PANLABAS Cooperation tungo sa patas na kapakinabangan ng mga mamamayan ng daigdig. • Napahahalagahan ang papel na ginagampanan ng pamahalaan kaugnay ng mga patakarang piskal na ipinatutupad nito. • Nasusuri ang mga patakarang pang-ekonomiya na nakatutulong sa patakarang panlabas ng bansa sa buhay ng nakararaming Pilipino. GRAPIKONG PANTULONG PAGLILINGKODDEPED COPYINDUSTRIYA IMPORMAL NA SEKTORAGRIKULTURA KAUNLARAN KALAKALANG PANLABAS 333

PANIMULANG PAGTATAYAIsulat ang titik ng pinakatamang sagot sa sagutang papel. (K) 1. Ang sumusunod ay ang mga salik na maaaring makatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa maliban sa: A. likas na yaman B. yamang- tao C. teknolohiya D. kalakalanPara sa bilang 2, basahin ang sumusunod na talata at sagutin ang mga tanong saibaba nito. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 porsiyento ang ekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinig ang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindi makapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma sa laging sinasabi ng pamahalaan, gumanda ang ekonomiya ng bansa.(http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless) (U) 2. Kung ang konsepto ng kaunlaran ang pagbabasehan, malinaw na inilalahadDEPED COPYsabalitana: A. Ang pag-angat ng ekonomiya ng bansa ay hindi nangangahulugan ng pagtaas ng kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan. B. Hindi sapat na batayan ang paglago ng ekonomiya upang masabing ganap na maunlad ang bansa. C. Ang bansa ay patuloy pa ring nakaasa sa mga manggagawang Pilipinong nakabase sa ibayong-dagat. D. Hindi sapat na sukatan ng kaunlaran ang mga tradisyonal na panukat gaya ng GDP. (U) 3. Datapwa’t patuloy ang pagtaas ng mga pigura na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya ng bansa, marami pa ring Pilipino ang hindi naniniwala rito. Isa sa mga dahilan nito ay ang patuloy na korapsyon. Paano kumikilos ang mga mamamayang Pilipino upang tuluyan nang matuldukan ang napakatagal na problemang ito? A. Hinahayaan na lamang ng mga Pilipino na ang pamahalaan at ang mga hukuman ang umusig sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. B. Idinadaan na lamang nila sa samu’t saring protesta ang kanilang mga hinaing ukol sa talamak na korapsyon sa pamahalaan. C. Mulat ang mga Pilipino sa mga anomalya at korapsyon, maliit man o malaki, kaya’t nakahanda silang ipaglaban kung ano ang tama at nararapat. 334

D. Ipinagsasawalang-kibo na lamang ng mga mamamayan ang mga maling nagaganap sa ating bansa.(U) 4. Hindi sapat na iasa sa pamahalaan ang laban sa kahirapan at ang mithiing kaunlaran. Bilang isang mamamayang Pilipino, may obligasyon ka ring dapat gawin upang makatulong sa pag-abot sa kaunlaran. Bilang isang mag-aaral, ano ang bagay na maaari mong gawin upang makatulong sa bansa? A. Maging mulat sa mga anomalyang nangyayari sa lipunan. B. Makisangkot sa pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa paaralan at sa komunidad. C. Tangkilikin ang mga produktong sariling atin. D. Wala sa nabanggit(K) 5. Sinasabing malaking bahagdan ng mga Pilipino lalong-lalo na sa mga probinsiya ang nakaasa sa agrikultura para mabuhay. Alin sa sumusunod ang hindi nabibilang sa sektor ng agrikultura? A. pagmimina B. pangingisda C. paggugubat D. paghahayupan(P) 6. Isang pangunahing suliraning kinakaharap ng sektor ng agrikultura ayDEPED COPYang pagkabulok o madaling pagkasira ng kanilang mga ani o produktong agrikultural. Bakit nangyayari ito? A. Hindi marunong mag-imbak ang mga magsasaka. B. Kawalan ng mga mamimili sa pamilihan C. Kawalan ng maayos na daan patungo sa pamilihan (farm-to-market road) D. Likas sa mga Pilipino ang pagiging tamad.(U) 7. Noong Hunyo 2014, natapos na ang Comprehensive Agrarian Reform Program Extension with Reforms (CARPER). Kaya ang iba’t ibang samahan at ang Simbahang Katolika ay nagkapit-bisig upang hilingin sa pamahalaan na dagdagan pa ng dalawang taon ang implementasyon nito. Gaano ba kahalaga ang repormang agraryo ng pamahalaan para sa mga magsasaka? A. Nagkakaroon ng sariling lupa ang mga magsasaka. B. Natutugunan ng pamahalaan ang mga hinaing at problema ng sektor ng agrikultura. C. Nabibigyang-pansin ang mga magsasaka sa pamamagitan ng maayos na sistema ng pautang, mga proyektong pang-imprastruktura, redistribusyon ng lupa, at iba pa. D. Lahat ng nabanggit 335

Para sa bilang 8, suriin ang sumusunod na datos at sagutin ang tanong sa ibaba nito. Talahanayan 2 Distribusyon ng mga Sektor ng Pang-ekonomiya 2005 – 2010 (In-Million Pesos)SEKTOR 2005 2006 2007 2008 2009 2010Agrikultura 778,370 853,718 943,842 1,102,465 1,138,334 1,182,374Industriya 1,735,148 1,909,434 2,098,720 2,347,803 2,318,882 2,663,497Paglilingkod 2,930,521 3,268,012 3,606,057 3,959,102 4,221,702 4,667,166Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB), January 31, 2011(P) 8. Ang Pilipinas ang isa sa pinakamayayamang bansa kung ang pag-uusapan ay likas na yaman. Mataba ang mga lupain at hitik ang ating mga anyong- tubig sa iba’t ibang yamang-dagat. Ngunit kapansin-pansin sa mga datos sa itaas na ang sektor ng agrikultura ang may pinakamaliit na ambag sa ekonomiya ng bansa mula 2005- 2010. Ano ang nais ipahiwatig nito? A. Kulang ang mga pasilidad at imprastruktura na tutulong sa agrikultura. B. Mas prayoridad ng pamahalaan ang sektor ng industriya at serbisyo. C. Kulang ang suporta na tinatanggap ng mga kababayan nating nasa sektor ng agrikultura. D. Lahat ng nabanggit(K) 9. Alin sa sumusunod na sektor ang namamahala sa pagpoproseso ng mgaDEPED COPYhilaw na materyal upang ito ay maging isang produkto? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor(P) 10. Itinuturing ang agrikultura bilang primaryang sektor ng ekonomiya samantalang ang industriya naman ang tinatawag na sekondaryang sektor. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng dalawang sektor na ito sa pagsulong ng ekonomiya ng bansa. Alin sa sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng epektibong ugnayan o interaksiyon ng dalawang sektor? A. Sa malalawak na lupain nagaganap ang mga produksiyon ng agrikultura samantalang ang industriya ay sa mga bahay-kalakal. B. Ang magsasaka ang pangunahing tauhan ng agrikultura samantalang ang mga entreprenyur naman ang kapitan ng industriya. C. Ang mga hilaw na materyales na nagmumula sa sektor ng agrikultura ay lubhang mahalagang sangkap sa sektor industriya upang gawing panibagong uri ng produkto. D. Ang industriya ay gumagamit ng mga makinarya samantalang ang agrikultura ay nanatili sa tradisyonal na pamamaraan ng pagsasaka. 336

(P) 11. Ang industriyalisasyon, sa kasalukuyan, ang nagsisilbing batayan ng kaunlaran ng isang bansa. Sa pananaw na ito, nagaganap lamang ang kaunlaran kung nagkakaroon ng pagbabago mula sa pagiging agrikultural patungo sa pagiging industriyal. Ngunit marami ring limitasyon ang industriyalisasyon. Alin sa sumusunod na pahayag ang HINDI nagpapatotoo rito? A. Ang pag-unlad ng teknolohiya ay nakatutulong upang makagawa pa ng mas maraming produkto at serbisyong kailangan at gusto ng mga tao. B. Ang malawakang paggamit ng teknolohiya katulad ng mga makinarya ay nakaaapekto sa availability ng hanapbuhay para sa mga manggagawa. C. Unti-unting nasisira ang ating kapaligiran dulot ng polusyon at masyadong mabilis na industriyalisasyon. D. Nakatutulong sa pagbabayad ng utang panlabas ng bansa bunga na rin ng mataas na pambansang kita. (K) 12. Alin sa sumusunod na sektor ang binubuo ng mga pormal na industriya tulad ng pananalapi, insurance, komersiyo, real estate, kalakalang pakyawan at pagtitingi, transportasyon, pag-iimbak, komunikasyon, at mga serbisyong pampamayanan, panlipunan, at personal? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkodDEPED COPYD. impormal na sektor (U) 13. Isa sa mga napakalaking problemang kinakaharap ng sektor ng paglilingkod ang suliranin sa kontraktuwalisasyon. Maraming kompanya ang humahanap lamang ng mga manggagawang handang magtrabaho sa kanila nang hindi lalampas sa anim na buwan. Alin sa sumusunod na pahayag ang dahilan kung bakit patuloy pa rin ang contractualization sa kabila ng kabi-kabilang protesta ng mga manggagawa? A. Mas makatitipid ang mga kompanya kung ang mga manggagawa ay kontraktuwal dahil wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth. B. Dahil mababa lamang ang mga pasahod sa mga manggagawang kontraktuwal, lumiliit ang gastusin ng mga kompanya. C. Ang mga manggagawang kontraktuwal ay hindi maaaring tumanggi sa mga overtime na trabaho lalo na sa mga peak season kahit na lumagpas pa ito sa itinakdang oras ng paggawa sa batas. D. Lahat ng nabanggit 337

(U) 14. Ang kakayahan ng sektor ng paglilingkod na matugunan ang pangangailangan ng lipunan ay isang palatandaan ng masiglang ekonomiya ng bansa. Bakit itinuturing na mahalaga ang papel na ginagampanan ng sektor ng paglilingkod? A. Sila ang nagkakaloob ng lakas-paggawa, kasanayan, kaalaman, at serbisyo upang matugunan ang mithiin ng pangangailangan. B. Sila ang namumuhunan sa mga bahay-kalakal. C. Sila ang dahilan upang magkaroon ng oportunidad sa pagkakaroon ng trabaho sa isang bansa. D. Larawan sila ng mataas na antas ng pamumuhay sa isang bansa.(K) 15. Alin sa sumusunod na sektor ang hindi nakarehistro sa pamahalaan, hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita sa operasyon ng negosyo, at hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo? A. agrikultura B. industriya C. paglilingkod D. impormal na sektor(P) 16. Ayon sa IBON Foundation, ang impormal na sektor ay kabilang sa “isang kahig, isang tuka”. Ano naman ang positibong epekto ng paglaganap ng impormal na sektor?DEPED COPYA. Sumasalamin ito sa paglaganap ng backyard industries. B. Ito ay larawan ng pagiging industriyalisado ng bansa. C. Maraming mamamayan ang umaasa na lamang sa pamahalaan. D. Ito ay manipestasyon ng pagiging mapamaraan ng mga Pilipino upang tugunan ang pangangailangan sa kabila ng krisis sa buhay.(P) 17. Isa sa mga epekto ng impormal na sektor sa ekonomiya ay ang paglaganap ng mga ilegal na gawain gaya ng pamimirata. Laganap ang pamimirata sa halos lahat ng puwesto ng palengke sa buong kapuluan. Ang patuloy na paglaganap ng pamimirata sa bansa ay maaaring bunga ng sumusunod MALIBAN SA ISA. A. kakulangan ng maigting at komprehensibong kampanya at edukasyon sa mga tao ukol sa masasamang bunga nito B. kakulangan ng mahigpit na implementasyon ng mga batas na laban sa pamimirata C. kakulangan ng mapapasukang trabaho D. pagnanais ng ilang negosyante na kumita nang malaki kahit sa ilegal na pamamaraan 338

(K) 18. Ang mga bansa ay makikinabang sa isa’t isa ayon sa konsepto ng comparative advantage. Alin sa sumusunod na paraan sila makikinabang? A. trade embargo at quota B. kasunduang multilateral C. espesyalisasyon at kalakalan D. sabwatan at kartel(U) 19. Hindi maiiwasan na makipag-ugnayan ang mga bansa sa ibang bansa lalo na sa panahon ng globalisasyon. Alin sa sumusunod na pangungusap ang pinakaakmang dahilan ng pakikipag-ugnayan ng mga bansa sa daigdig lalo na sa larangan ng pakikipagkalakalan? A. Madaragdaganangpantugonsamgapanustosparasapangangailangan ng lokal na ekonomiya. B. Abot-kamay na ang angkat na produkto sa lokal na pamilihan. C. Upang dumami ang mga produktong banyaga na maaaring gayahin D. Maipagmamalaki ang kanilang produkto sa pandaigdigang pamilihan.(P) 20. Ang globalisasyon ay sumasakop sa malawak na dimensiyon ng lipunan at panig ng daigidig. Bagama’t hinihikayat nito ang pag-uugnayan ng mga bansa lalo na sa aspekto ng kalakalan, maraming mga bansang papaunlad pa lamang ang nakararanas ng masamang epekto nito. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng paghina ng kalakalang lokal at panlabas ng mga bansang naapektuhan ng globalisasyon?DEPED COPYA. ang patuloy na pag-unlad at paglawak ng mga korporasyong transnasyonal B. ang pagtambak ng mga labis na produkto o surplus sa mga pamilihan C. ang mas malayang pagdaloy ng puhunan at kalakal sa mga bansa D. ang pagbabago sa kabuuhang pamumuhay ng mamamayan 339

PANIMULA Pinagtuunan sa nakaraang markahan ang pambansang ekonomiyabilang kabahagi sa pagpapabuti ng pamumuhay ng kapwa mamamayan tungo sapambansang kaunlaran. Sa dahilang ito ang pinakamithiin ng lahat sa atin, lubhangmahalaga ang maayos na ugnayan ng lahat ng sektor ng ekonomiya upang ganap namatamo ang tunguhing ito. Ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod, gayundin ng impormalna sektor at kalakalang panlabas, ay may mahahalagang papel na ginagampananupang maisakatuparan ang pagkakamit ng pambansang kaunlaran. Higit sa lahat,ikaw bilang isang mag- aaral at mamamayang Pilipino ay may mga tungkuling dapatgampanan. Subalit ano nga ba ang magagawa mo para sa bayan sa ngalan ngkaunlaran? Sa ganitong aspekto papasok ang konsepto ng aktibong pakikisangkot atpagsusulong nito. Kung kaya’t ang pangunahing pokus sa araling ito ay ang konseptoat palatandaan ng pambansang kaunlaran. Pag- aaralan mo rin kung ano ang iba’tibang tungkulin ng mga mamamayang Pilipino upang makatulong sa sama- samangpagkilos para sa pagsulong at pag-unlad ng bansa. Sa iyong pagtahak sa landas ng kaalaman sa araling ito, ikaw ay haharapsa mga tekstong magbibigay-kabatiran at mga mapanghamong gawain na sadyangpupukaw ng iyong interes at magbibigay sa iyo ng kaalaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagbigay ng sarilingpakahulugan sa pambansang kaunlaran at masiyasat ang mga palatandaan nito.Inaasahan ding matukoy mo ang iba’t ibang gampanin ng bawat mamamayan tungoDEPED COPYsa sama- samang pagkilos at pagplano kung paano makapag- aambag sa mithiing ito. ARALIN 1 KONSEPTO AT PALATANDAAN NG PAMBANSANG KAUNLARAN ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran at kung papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito.Gawain 1: INSTA-SAGOT Pansinin ang mga larawan sa susunod na pahina. Suriing mabuti angkalagayan ng bawat larawan. Bigyan ng malikhaing pamagat ang bawat larawan. 340

DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong napuna sa mga larawan? Alin ang higit na nakapukaw ng iyong pansin? Bakit? 2. Alin sa malikhaing pamagat na ibinigay mo sa mga larawan ang ninais mong maging kalagayan ng iyong lipunan at ng ating bansa? Ipaliwanag.Gawain 2 : ANG SA AMIN LANG Mula sa Gawain 1, bumuo ng pangkat na may tatlong miyembro. Magkaroonng isang maliit na pangkatang diskusyon tungkol sa mga nakita sa larawan. Tukuyinang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga ito gamit ang speech balloon sa susunodna pahina. Anong mga konsepto tungkol sa pamumuhay ng mga tao ang maaaringmabuo mula sa mga larawan? 341

Batay sa mga larawan, malinaw na ang buhay sa Pilipinas ay _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ _________________________ Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran.Gawain 3 : EBOLUSYON NG MGA IDEYA Muling balikan ang mga konseptong iyong nakuha mula sa gawain 1 at 2. - Isulat sa unang kahon kung ano lamang ang iyong nalalaman sa paksa.DEPED COPY- Isulat naman sa ikalawang kahon ang mga bagay at konsepto na nais mo pang matutuhan. - Ang huling kahon naman ay sasagutin mo lamang kung tapos na ang pagtalakay sa paksa. Huwag kang mag-alala dahil babalikan mo ang gawaing ito sa tulong ng iyong guro bago matapos ang PAUNLARIN. Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng kaunlaran. 342

PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa kaunlaran. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang Gawain at teksto upang masagot kung papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansa bilang mabuting mamamayan nito. Halina’t umpisahan mo na. KONSEPTO NG PAG-UNLAD Batay sa diksiyonaryong Merriam-Webster, ang pag-unlad ay pagbabago mulasa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay. Isa itong kaisipang maaaringmay kaugnayan din sa salitang pagsulong. Sa aklat ni Feliciano R. Fajardo na Economic Development (1994), malinawniyang inilahad ang pagkakaiba ng pagsulong at pag-unlad. Ayon sa kanya, ang pag-DEPED COPYunlad ay isang progresibo at aktibong proseso. Ang pagsulong ay ang bunga ngprosesong ito. Kung gayon, ang pagsulong ay produkto ng pag-unlad. Halimbawa,ang makabagong pamamaraan ng pagtatanim ng palay ay kinapapalooban ng isangproseso, at ito ang pag-unlad. Ang resulta nito ay mas maraming ani, at ito angpagsulong. Ayon pa rin kay Fajardo, ang pagsulong ay nakikita at nasusukat. Ang mgahalimbawa nito ay mga daan, sasakyan, kabahayan, gusali, pagamutan, bangko,paaralan, at marami pang iba. Ang mga ito ang resulta ng pag-unlad. Subalit hindi doonnagtatapos ang pag-unlad. Dapat itong makalikha ng mas marami at lalong mabutingprodukto at serbisyo. Dagdag pa niya, ang pag-unlad ay isang progresibong prosesong pagpapabuti ng kondisyon ng tao, gaya ng pagpapababa ng antas ng kahirapan,kawalan ng trabaho, kamangmangan, di-pagkakapantay-pantay, at pananamantala. Inilahad nina Michael P. Todaro at Stephen C. Smith sa kanilang aklat naEconomic Development (2012) ang dalawang magkaibang konsepto ng pag-unlad:ang tradisyonal na pananaw at makabagong pananaw ukol dito. Sa tradisyonal napananaw, binigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ngantas ng income per capita nang sa gayon ay mas mabilis na maparami ng bansaang kaniyang output kaysa sa bilis ng paglaki ng populasyon nito.Sa makabagongpananaw naman, isinasaad na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakangpagbabago sa buong sistemang panlipunan. Dapat na ituon ang pansin sa iba’t ibang 343

pangangailangan at nagbabagong hangarin ng mga tao at grupo sa nasabing sistemaupang masiguro rin ang paglayo mula sa di-kaaya-ayang kondisyon ng pamumuhaytungo sa kondisyon na mas kasiya-siya. Sa akdang “Development as Freedom” (2008) ni Amartya Sen, kanyangipinaliwanag na ang kaunlaran ay matatamo lamang kung “mapauunlad ang yamanng buhay ng mga tao kaysa sa yaman ng ekonomiya nito”. Upang matamo ito,mahalagang bigyang pansin ang pagtanggal sa mga ugat ng kawalang kalayaan tuladng kahirapan, diskriminasyon at hindi pagkakapantay-pantay at ng iba pang salik nanaglilimita sa kakayahan ng mga mamamayan.Gawain 4: POWER OF TWO Basahin at suriin ang mga nilalaman ng dayagram na “Power Thinking”.Humanap ng isang kamag-aral upang mabuo o makompleto ang mga kasagutansa bawat kahon. Dito sinusubok ang iyong kakayahan na balangkasin ang mgaimpormasyon/ konseptong iyong nabasa . Maaaring dagdagan ang mga power boxayon sa pagkaunawa ng mag-aaral sa tekstong binasa. Konsepto ng Pag-unladDEPED COPYDiksyunaryoKahulugan ayon sa Kahulugan ayon kay Kahulugan ayon kina Kahulugan ayon Todaro at Smith kay Sen Feliciano FajardoKailan masasabing Kailan masasabing Kailan masasabing Kailan masasabing may pag-unlad? may pag-unlad? may pag-unlad? may pag-unlad?Kailan masasabing Kailan masasabing Kailan masasabing Kailan masasabing may pag-unlad? may pag-unlad? may pag-unlad? may pag-unlad?Gawain 5: TEKS-TO-SURI Sagutin ang sumusunod batay sa iyong binasang teksto. 1. May pagkakatulad ba ang pagsulong at pag-unlad? Ipaliwanag. 2. Kailan masasabing maunlad ang isang bansa? 3. Ano ang pagkakaiba ng tradisyonal na pananaw ng pag-unlad at makabagong pananaw nito? 4. Sang-ayon ka ba sa konsepto ni Todaro na ang pag-unlad ay dapat na kumatawan sa malawakang pagbabago sa buong sistemang panlipunan? Pangatwiranan. 5. Sa iyong sariling pagtataya, maunlad na ba ang Pilipinas? Pagtibayin. 344

Gawain 6: OO O HINDI? Bago dumako sa susunod na aralin, sagutin muna ang sumusunod na tanongna may kinalaman sa pag-unlad. Lagyan ng tsek (√) ang kolum na sinasang-ayunanmo. PAHAYAG OO HINDI1. May pag-unlad kung may mga nagtataasang gusali at naglalakihang kalsada.2. May pag-unlad kung lumalaki ang GNP at GDP ng isang bansa.3. May pag-unlad kung may mga makabagong teknolohiya at makinarya.4. May pag-unlad kung may demokrasya.5. May pag-unlad kung napangangalagaan ang kapaligiran.6. May pag-unlad kung tumataas ang export ng isang bansa.7. May pag-unlad kung dumarami ang dayuhang mangangalakal.8. May pag-unlad kung ang bayan ay naging lungsod.9. May pag-unlad kung may mataas na pasahod.10. May pag-unlad kung may trabaho ang mga mamamayan.Pamprosesong Tanong: 1. Alin sa mga pahayag ang higit mong nararanasan sa iyong lipunan? 2. Sa iyong palagay, ano kaya ang nagiging mga balakid sa pagpapatuloy ngDEPED COPYpag-unlad sa sumusunod na aspekto: • kultural • sosyal (lipunan) • politikal 3. Balikan natin ang mga larawan sa Gawain 1. Maaari mo bang sabihin kung ano ang mga palatandaan ng pag-unlad sa isang bansa? Ipaliwanag. 4. Paano mo nakikita ang iyong sarili limang taon mula ngayon bilang kabahagi ng mga palatandaan ng pag-unlad na iyong natukoy? Matapos mong maunawaan ang konsepto ng kaunlaran, ngayon naman ihanda mo ang iyong sarili upang maunawaan at suriin ang iba’t ibang palatandaan nito.Mga Palatandaan ng Pag-unladPagsulong Maaari kayang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Maramingbansa sa kasalukuyan, tulad ng China at Malaysia, ang sinasabing progresibo.Maraming modernong gusali ang naitatayo sa mga nasabing bansa. Maraming mgakorporasyon ang kumikita nang malaki subalit karamihan sa mga ito ay pagmamay-ari at pinamamahalaan ng mga dayuhang mamumuhunan. Sa katunayan, sa kauna-unahang pagkakataon ay naiulat ng United Nations Conference on Trade andDevelopment (UNCTAD) na noong 2012 ay mas malaki ang bilang ng mga dayuhangmamumuhunan (FDI) sa mga papaunlad na bansa kompara sa mauunlad na bansa. 345

Developed economies Developing economies Transition economies Pigura 1: Global FDI inflows, developed, developing and transition economies, 2000- 2012 (Billions of US dollars) Pinagkunan: UNCTAD. 2013. Global FDI inflows, developed, developing and transition economies, 2000- 2012. Retrieved from http://unctad.org/en/PublicationsLibrary/webdiaeia2013d1_en.pdf on November 2, 2014 Ang pagpasok ng mga dayuhang mamumuhunang ito ay nakapagtataguyodng mas mabilis na paglago at pagsulong ng kanilang ekonomiya. Subalit, laganap parin ang kahirapan, kawalan ng sapat na edukasyon, at patuloy na pagbaba ng antasng kalusugan sa mga nasabing papaunlad na bansa. Maliban sa mga mamumuhunan, malaki rin ang naitulong ng mga likas naDEPED COPYyaman tulad ng langis sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Karamihan ngmga bansa sa Gitnang Silangan tulad ng UAE, Qatar, at Saudi Arabia ay nagtamo ngmabilis na paglago ng ekonomiya dala ng kanilang kita mula sa langis ayon na rin saulat ng International Monetary Fund noong 2013. Nakapagpatayo sila ng maraminggusali at imprastraktura na talaga namang nakatulong sa pag-unlad ng mga nasabingbansa. Bunga nito, nakapag-angkat sila ng mga makabagong teknolohiya, magagalingna manggagawa, at mga dekalidad na hilaw na materyales mula sa ibang bansa. Bukod pa sa mga likas na yaman, may iba pang mga salik na maaaringmakatulong sa pagsulong ng ekonomiya ng isang bansa. Sa librong Economics,Concepts and Choices (2008) nina Sally Meek, John Morton at Mark Schug, inisa- isanila ang mga ito. 1. Likas na Yaman. Malaki ang naitutulong ng mga likas na yaman sa pagsulong ng ekonomiya lalong-lalo na ang mga yamang-lupa, tubig, kagubatan, at mineral. Subalit hindi kasiguraduhan ang mga likas na yaman sa mabilis na pagsulong ng isang bansa. 2. Yamang-Tao. Isa ring mahalagang salik na tinitingnan sa pagsulong ng ekonomiya ang lakas-paggawa. Mas maraming output ang nalilikha sa isang bansa kung maalam at may kakayahan ng mga manggagawa nito. 3. Kapital. Sinasabing lubhang mahalaga ang kapital sa pagpapalago ng 346

ekonomiya ng isang bansa. Sa tulong ng mga kapital tulad ng mga makina sa mga pagawaan ay nakalilikha ng mas maraming produkto at serbisyo. 4. Teknolohiya at Inobasyon. Sa pamamagitan ng mga salik na ito, nagagamit nang mas episyente ang iba pang pinagkukunang-yaman upang mas maparami pa ang mga nalilikhang produkto at serbisyo.Gawain 7: GRAPHIC ORGANIZER Itala ang mga salik na nakatutulong sa pagsulong ng ekonomiya ng bansagamit ang concept mapping chart. Gamit ang mga salik na iyong naitala, ipaliwanagnaman sa text box kung paano pa mapagbubuti ng Pilipinas ang pagsulong ngekonomiya nito. ? Pagsulong ng ? Ekonomiya ?DEPED? COPYPag-unlad Masasabing ang pagsulong ay isa lamang aspekto ng pag-unlad. Sapagsulong, sinusukat ang halaga ng mga produkto at serbisyong nalikha sa loob ngisang panahon. Sa pagsukat nito, ginagamit ang Gross Domestic Product (GDP),Gross National Product (GNP), GDP/ GNP per capita at real GDP/ GNP. Sa kabilangbanda, hindi sapat na panukat ang kabuuang halaga ng mga produkto at serbisyodahil hindi nito naipakikita kung paano naipamamahagi ang kita at yaman ng bansasa mga mamamayan nito. Samakatuwid, hindi sapat ang mga numero, makabagongteknolohiya, at nagtataasang gusali upang masabing ganap na maunlad ang isangbansa. Higit pa rito ang kahulugan ng pag-unlad. Higit pa ito sa mga modernongkagamitan at mga makabagong teknolohiya sapagkat kasama rito ang mga pagbabagosa lipunan at paraan ng pamumuhay ng mga tao. Ayon kay Fajardo, ang pagsulongng isang ekonomiya dulot ng mga dayuhang mamumuhunan at ang pag-unlad nainangkat ay walang kahulugan sa masa kung ang mga ito ay hindi nararamdamanng mga pangkaraniwang tao. Ayon pa kina Todaro at Smith sa kanilang aklat naEconomic Development, ang pag-unlad ay isang multidimensiyonal na prosesongkinapapalooban ng malaking pagbabago sa istruktura ng lipunan, gawi ng mga tao atmga pambansang institusyon, gayundin ang pagpapabilis ng pagsulong ng ekonomiya,pagbawas sa di pagkakapantay- pantay at pag-alis ng kahirapan. 347

Gawain 8: PAGKAKAPAREHO AT PAGKAKAIBA Sa tulong ng isang kamag- aral, ilahad ang pagkakapareho at pagkakaiba ngpagsulong at pag-unlad. Gamitin ang Venn diagram sa ibaba.PAGSULONG PAG-UNLADPamprosesong Tanong: 1. Ano ang kaibahan ng pagsulong sa pag-unlad? 2. Maaari bang magkaroon ng pagsulong kahit walang pag-unlad? Ipaliwanag. 3. Maaari bang magkaroon ng pag-unlad kahit walang pagsulong? Pagtibayin. Human Development IndexDEPED COPY Maliban sa paggamit ng GDP at GNP, ginagamit ang Human DevelopmentIndex bilang isa sa mga panukat sa antas ng pag-unlad ng isang bansa. Ang HumanDevelopment Index (HDI) ay tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isangbansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan,edukasyon at antas ng pamumuhay. Sa pagsukat ng aspektong pangkalusugan,ginagamit na pananda ang haba ng buhay at kapanganakan. Ipinapahiwatig dito angbilang ng taon na inaasahang itatagal ng isang sanggol kung ang mga umiiiral nadahilan o sanhi ng kamatayan sa panahon ng kaniyang kapanganakan ay mananatilihabang siya ay nabubuhay. Sa aspekto naman ng edukasyon, ang mean years ofschooling at expected years of schooling ang mga ginagamit na pananda. Ang meanyears of schooling ay tinataya ng United Nation Educational, Scientific, and CulturalOrganization (UNESCO) batay sa mga datos mula sa mga sarbey at sensus ukol saantas ng pinag- aralan ng mga mamamayan na may 25 taong gulang. Samantala, angexpected years of schooling naman ay natataya base sa bilang ng mga nag-aaral salahat ng antas ng edukasyon. Itinakda ang 18 taon bilang expected years of schoolingng UNESCO. Ang aspekto ng antas ng pamumuhay ay nasusukat gamit ang grossnational income per capita.Kahalagahan ng HDI Ang HDI ay nilikha upang bigyang-diin na ang mga tao at ang kanilangkakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unladng isang bansa, hindi lang ang pagsulong ng ekonomiya nito. Tinatangka ng HDI na 348

ihanay ang mga bansa mula 0 (pinakamababang antas ng kaunlarang pang- tao) at 1(pinakamataas na antas ng kaunlarang pantao). Maaari itong gamitin upang suriin atbusisiin ang mga patakarang pambansa ng dalawang bansang may parehong antasng GNI per capita ngunit magkaibang resulta hinggil sa kaunlarang pantao. Bawattaon, ang United Nations Development Programme (UNDP) ay naglalabas ng HumanDevelopment Report ukol sa estado ng kaunlarang pantao sa mga kasaping bansanito. Sa pinakaunang Human Development Report na inilabas ng UNDP noong1990, inilahad ang pangunahing saligan ng sumunod pang mga ulat na nagsasabing“Ang mga tao ang tunay na kayamanan ng isang bansa.” Sa pamamagitan ng mgapahayag na ito, na kinatigan pa ng maraming empirikal na datos at makabagongpananaw ukol sa pagsukat ng kaunlaran, ang Human Development Report aynagkaroon ng mahalagang implikasyon sa pagbuo ng mga polisiya ng mga bansa sabuong mundo. Ang Human Development Report ay pinasimulan ni Mahbub ul Haq noong1990. Ayon sa kaniya, ang pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin angpamimilian (choices) ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan. Angmga pamimiliang ito ay maaaring walang katapusan at maaaring magbago. Madalasna pinahahalagahan ng mga tao ang mga bagay na nakamit na hindi kayang ipakitang mga datos at impormasyon tungkol sa kita at pagbabago. Ilan sa mga ito angmas malawak na akses sa edukasyon, maayos na serbisyong pangkalusugan, masmatatag na kabuhayan, kawalan ng karahasan at krimen, kasiya-siyang mga libangan,kalayaang pampolitika at pangkultura, at pakikilahok sa mga gawaing panlipunan.DEPED COPYAng layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataonsa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog, at maayos na pamumuhay. Ang Human Development Report Office (HRDO) ng United NationsDevelopment Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaanupang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay (Inequality-adjusted HDI), kahirapan(Multidimensional Poverty Index) at gender disparity (Gender Inequality Index). AngInequality-adjusted HDI ay ginagamit upang matukoy kung paano ipinamamahagiang kita, kalusugan, at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa. AngMultidimensional Poverty Index naman ay ginagamit upang matukoy ang paulit-ulitna pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon at antas ngpamumuhay samantalang ang Gender Development Index ang sumusukat sa puwango gap sa pagitan ng mga lalaki at babae. Ang pagbibigay pansin sa kaunlarang pantaoay lubhang mahalaga sa paghahanap ng pamamaraan upang mas mapabuti pa angkalagayan ng mga tao. Ang human development ay hindi nakapako sa iisang konseptolamang. Bagkus, habang nagbabago ang mundo ay patuloy ring nagbabago angpamamaraan at konseptong nakapaloob dito. Tanging ang katotohanang ang pag-unlad ay tunay na nasusukat lamang sa pamamagitan ng epekto nito sa pamumuhayng mga tao.Pinagkunan:Fajardo F. (1994) Economic Development, 3rd Edition. Manila: Navotas Press; Todaro, M. P., Smith S. C.(2012) Economic Development,11th Edition. USA: Pearson; Meek, S., Morton, J., Schug, M.C.(2008) Economics Concepts and Choices.Canada:McDougal MifflinCompany; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrieved from http://hdr.undp.org/en/content/human-development-index-hdi on July 28, 2014; United Nations Development Programme. Human Developemnt Reports. Retrievedfrom http://hdr.undp.org/en/humandev on July 31, 2014 349

Gawain 9: GRAPHIC ORGANIZER Buuin ang graphic organizer na matatagpuan sa ibaba batay sa isinasaad ngtekstong iyong nabasa. Upang higit na maunawaan ay sagutin ang mga pamprosesongtanong na susukat sa antas ng iyong kaalaman at pang-unawa.Panukat ng Aspekto ng HDI IndicatorPag-unladPamprosesong Tanong: 1. Ano ang tatlong aspektong sinusukat ng Human Development Index? 2. Sa iyong palagay, sapat na kaya ang mga aspekto at pananda ng HDI upang ganap na masukat ang antas ng pag-unlad ng isang bansa? Patunayan. 3. Bakit mahalagang pagtuunan ng pansin ng mga pamahalaan ng iba’t ibangDEPED COPYbansa ang mga aspekto at indicators ginagamit sa HDI?Gawain 10: JUMBLED LETTERS Gamit ang mga pinaghalo-halong letra, tukuyin ang mga konsepto at salitanginilalarawan ng sumusunod na pahayag. Isulat ang nabuong salita sa kahon sa ibaba.1. Sangay ng United Nations na naglalabas ng ulat ukol sa estado ng human development sa mga kasaping bansa nito PNDU2. Ang nagpasimula ng Human Development Report. BAHBUM LU AQH3. Ang itinuturing na tunay na yaman ng isang bansa OTA4. Nilikha upang bigyang diin na ang mga tao at ang kanilang kakayahan ang dapat na pinakapangunahing pamantayan sa pagsukat ng pag-unlad ng isang bansa NHMUA OPETENDVMLE EDIXN5. Palatandaang ginagamit upang masukat ang kahirapan sa mga bansang kasapi ng UN DNMMLTNUOALIISEI RTYOVER DIXNE 350

Gawain 11: KAHON-ANALYSIS Basahin at suriin ang sumusunod na pahayag. Ipaliwanag ang iyong sagot saloob ng kahon sa susunod na pahina. Ang mga tao ang Ang layunin ng pag-unlad ay Ang pag-unlad ay tunaytunay na kayamanan makalikha ng kapaligirang na nasusukat lamang sa nagbibigay ng pagkakataon pamamagitan ng epekto nito ng isang bansa sa mga tao na magtamasa_______________ ng matagal, malusog, at sa pamumuhay ng mga tao._______________ maayos na pamumuhay _________________________________ _________________________________ _____________________ _________________________________ __________________ _____________________ _____________________Gawain 12: PAGSUSURI NG TSARTAng sumusunod na tsart ay galing sa United Nations Development Programme(Human Development Report 2014). Dito makikita ang kasalukuyang estado ng mgabansa batay na rin sa iba’t ibang panukat ng pag-unlad na ginagamit ng United Nations.Suriing mabuti ang nilalaman ng tsart at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod nakatanungan.DEPED COPY1NorwayVery high human High human Medium human Low human development development development development 50 Uruguay 103 Maldives 145 Nepal2 Australia 51 Bahamas 104 Mongolia 146 Pakistan3 Switzerland 52 Montenegro 103 Turkmenistan 147 Kenya4 Netherlands 53 Belarus 105 Samoa 148 Swaziland5 United States 54 Romania 107 Palestine, 149 Angola6 Germany 55 Libya State of 150 Myanmar7 New Zealand 56 Oman 108 Indonesia 151 Rwanda8 Canada 57 Russian 109 Botswana 152 Cameroon9 Singapore Federation 110 Egypt 153 Nigeria10 Denmark 58 Bulgaria 111 Paraguay 154 Yemen11 Ireland 59 Barbados 112 Gabon 155 Madagascar12 Sweden 60 Palau 113 Bolivia 156 Zimbabwe13 Iceland 61 Antigua and (Plurinational 157 Papua New14 United Barbuda State of) GuineaKingdom 62 Malaysia 114 Moldova 158 Solomon Islands15 Hong Kong, 63 Mauritius (Republic of) 159 ComorosChina (SAR) 64 Trinidad and 115 El Salvador 160 Tanzania (United16 Korea Tobago 116 Uzbekistan Republic of)(Republic of) 65 Lebanon 117 Philippines 161 Mauritania 66 Panama 118 South Africa 162 Lesotho 67 Venezuela (Bolivarian Republic of) 351

Very high human High human Medium human Low human development development development development17 Japan 68 Costa Rica 119 Syrian Arab 163 Senegal18 Liechtenstein 69 Turkey Republic 164 Uganda19 Israel 70 Kazakhstan 120 Iraq 165 Benin20 France 71 Mexico 121 Guyana 166 Sudan21 Austria 72 Seychelles 122 Vietnam 167 Togo22 Belgium 73 Saint Kitts and 123 Cape Verde 168 Haiti23 Luxembourg Nevis 124 Micronesia 169 Afghanistan24 Finland 74 Sri Lanka (Federated 170 Djibouti25 Slovenia 75 Iran (Islamic States of) 171 Côte d’Ivoire26 Italy Republic of) 125 Guatemala 172 Gambia27 Spain 76 Azerbaijan 125 Kyrgyzstan 173 Ethiopia28 Czech 77 Jordan 127 Namibia 174 MalawiRepublic 78 Serbia 128 Timor-Leste 175 Liberia29 Greece 79 Brazil 129 Honduras 176 Mali30 Brunei 80 Georgia 130 Morocco 177 Guinea-BissauDarussalam 81 Grenada 131 Vanuatu 178 Mozambique31 Qatar 82 Peru 132 Nicaragua 179 Guinea32 Cyprus 83 Ukraine 133 Kiribati 180 Burundi33 Estonia 84 Belize 134 Tajikistan 181 Burkina Faso34 Saudi Arabia35 Lithuania36 PolandDEPED COPY37Andorra 85 The former 135 India 182 Eritrea Yugoslav 136 Bhutan 183 Sierra Leone Republic of 137 Cambodia 184 Chad Macedonia 138 Ghana 185 Central African38 Slovakia 86 Bosnia and 139 Lao People’s Republic39 Malta Herzegovina Democratic 186 Congo40 United Arab 87 Armenia Republic (DemocraticEmirates 88 Fiji 140 Congo Republic of the)41 Chile 89 Thailand 141 Zambia 187 Niger42 Portugal 90 Tunisia 142 Bangladesh43 Hungary 91 China 143 Sao Tome44 Bahrain 92 Saint Vincent and Principe45 Cuba and the 144 Equatorial46 Kuwait Grenadines Guinea47 Croatia 93 Algeria48 Latvia 94 Dominica49 Argentina 95 Albania 96 Jamaica 97 Saint Lucia 98 Colombia 98 Ecuador 100 Suriname 101 Tonga 102 Dominican Republic 352

Pamprosesong Tanong: 1. Aling sampung mga bansa ang itinuturing na maunlad sa taong 2014? 2. Saang kontinente matatagpuan ang karamihan sa mga bansang maunlad? 3. Pang-ilan ang Pilipinas batay sa talaang inilabas ng United Nations Development Programme (Human Development Report 2014)? Paano inilarawan ng nasabing ulat ang antas ng pag-unlad ng bansa? 4. Bilang isang Pilipino, ano ang maaaring gawin ng bawat mamamayan upang matamo ang pambansang kaunlaran? 5. Ano ang maaari mong maging bahagi sa pagtatamo ng pambansang kaunlaran?Gawain 13: SURIIN NATIN! Bumuo ng isang triad. Muling balikan ang mga palatandaan ng pag-unlad.Kumuha ng mga datos mula sa inyong lokal na pamahalaan o sa mismong ahensiyaupang lubos na makita ang tunay na kalagayan sa mga aspekto ng kalusugan,edukasyon, at pamantayan ng pamumuhay ng inyong komunidad at ganap na matukoyang antas ng kaunlaran nito. DEPED COPYPalatandaanPaliwanag Upang matamo ang kaunlaran, bawat isa sa atin ay mayroong kakayahanna makatulong sa pagkakamit nito. Basahin at unawaing mabuti ang teksto.Iminumungkahing isulat sa iyong kuwaderno ang mga importanteng salita o konseptongiyong mababasa.Sama-Samang Pagkilos para sa Pambansang Kaunlaran Hindi uunlad ang isang bansa kung hindi tutulong ang kaniyang mgamamamayan. Bawat isa ay may gampanin sa pag-unlad ng bansa. Maaaring angpagbibigay ng kontribusyon sa pag-unlad ng bansa ay sa pamamagitan ng pansarilingpagsisikap o sama-samang pagtutulungan. Ang paglaya sa kakapusan ng bawatisa ay isang paraan na maaaring gawin ng isang indibidwal sa pamamagitan ngmatalinong pamamahala ng pananalapi. Kailangan ng sama-samang pagkilos nglahat ng mamamayan. Maaaring gawin ang sumusunod bilang ilan sa mga estratehiyana makatutulong sa pag-unlad ng bansa: MAPANAGUTAN 1. Tamang pagbabayad ng buwis. Ang pagkakaroon ng kultura ng tamang pagbabayad ng buwis ay makakatulong upang magkaroon ang pamahalaan ng sapat na halagang magagamit sa mga serbisyong panlipunan tulad ng libreng edukasyon, murang programang pangkalusugan, at iba pa. 353

2. Makialam. Ang mali ay labanan, ang tama ay ipaglaban. Paglaban sa anomalya at korapsyon maliit man o malaki sa lahat ng aspekto ng lipunan at pamamahala. Mahalagang itaguyod ng mga mamamayan ang kultura ng pagiging tapat sa pribado at publikong buhay. Hindi katanggap-tanggap ang pananahimik at pagsasawalang-kibo ng mamamayan sa mga maling nagaganap sa loob ng bahay, sa komunidad, sa paaralan, pamahalaan, at sa trabaho. MAABILIDAD 1. Bumuo o sumali sa kooperatiba. Ang pagiging kasapi ng kooperatiba ay isang paraan upang magkaroon ng pagkakataon ang bawat isa na maging kasapi sa paglikha ng yaman ng bansa. Ang kooperatiba ay ang pagsasama-sama ng puhunan ng mga kasapi upang magtayo ng negosyo na ang makikinabang at tatangkilik ay mga kasapi rin. Ang kanilang kita ay sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dibidendo o hati sa kita batay sa bahagi sa kooperatiba. Ang nagpapatakbo ng kooperatiba ay mga kasapi ring naniniwala sa sama-samang pag-unlad. 2. Pagnenegosyo. Hindi dapat manatiling manggagawa lamang ang Pilipino. Dapat nating sikapin na maging negosyante upang tunay na kontrolado ng Pilipino ang kabuhayan ng bansa at hindi ng mga dayuhan. MAKABANSADEPED COPY1. Pakikilahok sa pamamahala ng bansa. Ang aktibong pakikilahok sa pamamahala ng barangay, gobyernong lokal, at pambansang pamahalaan upang maisulong ang mga adhikain at pangangailangan ng mga Pilipino ay kailangang gawin ng bawat mamamayan upang umunlad ang bansa. 2. Pagtangkilik sa mga produktong Pilipino. Ang yaman ng bansa ay nawawala tuwing tinatangkilik natin ang dayuhang produkto. Dapat nating tangkilikin ang mga produktong Pilipino. MAALAM 1. Tamang pagboto. Ugaliing pag-aralan ang mga programang pangkaunlaran ng mga kandidato bago pumili ng iboboto. Dapat din nating suriin ang mga isyung pangkaunlaran ng ating bansa upang masuri kung sinong kandidato ang may malalim na kabatiran sa mga ito. 2. Pagpapatupad at pakikilahok sa mga proyektong pangkaunlaran sa komunidad. Ang pag-unlad ay hindi magaganap kung ang pamahalaan lamang ang kikilos. Maaaring manguna ang mga mamamayan sa pagbuo at pagpapatupad ng mga programang pangkaunlaran. Dapat ay magkaroon tayo ng malasakit sa ating komunidad upang makabuo at makapagpatupad ng mga proyektong magpapaunlad sa ating komunidad.Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS. 354

Gawain 14: AKO BILANG MAG- AARAL Sagutin ang sumusunod na tanong gamit ang mga konseptong iyong natutuhanmula sa binasang teksto. 1. Datapwat seryoso ang pamahalaan na labanan ang korapsyon, patuloy pa rin ang maling paggasta ng kaban ng bayan. Bilang isang mapanagutang mag- aaral, paano ka makatutulong upang masugpo ito? 2. Maraming tao na ang nagpatunay na hindi hadlang ang kahirapan upang magtagumpay sa kahit anumang negosyo. Ilan sa mga ito sina Lucio Tan, Henry Sy, at Manny Villar. Bilang isang maabilidad na mag-aaral, paano ka makapag-aambag sa ekonomiya ng bansa kahit sa maliit na pamamaraan? 3. Maliban sa mga nabanggit na halimbawa, paano mo ipinakikita ang iyong pagiging makabansa? 4. Ang pagboto ay isang obligasyon ng mga mamamayan ng bansa. Hindi natatapos sa pagboto ang obligasyong ito. Kinakailangang makilahok ang bawat isa sa mga proyektong pangkaunlaran. Bilang isang mag- aaral, paano mo ginagamit ang iyong pagiging maalam sa pagpili ng mga pinuno at pakikilahok sa mga gawaing pampaaralan at pampamayanan?DEPED COPYGawain 15: KAPIT- BISIG! Bumuo ng apat na pangkat. • Unang Pangkat- Mapanagutan • Ikalawang Pangkat- Maabilidad • Ikatlong Pangkat- Makabansa • Ikaapat na Pangkat- Maalam Balikan muli ang tekstong binasa. Magsagawa ng brainstorming upang masurinang mabuti ang paksa. Ipakita sa klase ang resulta ng pagsusuri ng ilan sa mgaestratehiyang makatutulong sa pag-unlad ng bansa sa pamamagitan ng: • Role Playing - para sa unang pangkat • Jingle - para sa ikalawang pangkat • Interpretative Dance - para sa ikatlong pangkat • Pantomime - para sa ikaapat na pangkat Gamiting batayan sa pagsasagawa ng mga gawain ang mga tanong sa Gawain14. Gawin ring batayan ang rubrik sa susunod na pahina. 355

RUBRIK PARA SA PAGTATANGHALPamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang Puntos Naipakita sa pamamagitan ng ginawang 30Nilalaman pagtatanghal ang pagsusulong sa sama- samang pagkilos para sa pambansang kaunlaran. Ang mga konsepto at simbolismong 20 ginamit ay naging makabuluhan upangPagkamalikhain lubos na maipakita ang sama-samang pagkilos sa aktibong pakikisangkot tungo sa pambansang kaunlaran. Ang mensahe ng ginawang pagtatanghal 20Mensahe ay direktang nakatugon sa mga estratehiyang inilahad sa aralin. Naipaloob nang wasto ang konsepto 15Pamagat ng sama-samang pagkilos tungo sa pambansang kaunlaran sa pamagat ng ginawang pagtatanghal. Ginawa ng bawat kasapi ng grupo 15 ang mga iniatang na gawain para sa 100 ikagaganda ng pagtatanghal. KABUUANG PUNTOSPakikisangkotDEPED COPYsagrupoGawain 16: ANG PANATA KO Ang pagkakaroon ng maunlad na ekonomiya ang hangarin ng maramingbansa sa daigdig.Ilan lamang sa maraming gampanin ang inilahad sa teksto. Sa mgagampaning inisa-isa sa iyong tekstong binasa, pumili ka ng isang gampanin. Gumawaka ng isang panata at isulat mo ito sa loob ng status box sa ibaba.Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mo napiling gawing panata ang nasabing gampanin? 2. Ano-ano ang handa mong gawin para sa ikauunlad ng ating bayan ? Pangatwiranan. 3. Paano mo maihahanda ang iyong sarili para maging isang mapanagutan, maabilidad, makabansa, at maalam na mamamayan ng Pilipinas sa hinaharap? 356

Gawain 17 : EBOLUSYON NG MGA IDEYA Sa pamamagitan ng mga talakayan sa klase at mapanghamong mga gawain,inaasahang makokompleto mo na ang huling kahon sa gawain. Isulat ang iyongmahahalagang pang-unawang natutuhan mo sa ating aralin sa loob ng titik L. Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa iba’t ibang palatandaan ng kaunlaran at mga gampanin mo bilang isang mamamayang Pilipino, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng mga ito.DEPED COPYPAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang mag-aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa konsepto at palatandaan ng pambansang kaunlaran. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa mga konsepto at palatandaang ito upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.Gawain 18: MAGSURI! Basahin at unawain ang editoryal. Gamit ang mga pamprosesong tanong,bigyang puna ang nilalaman ng artikulo. Tara na’t magbasa! EDITORYAL - Umangat ang ekonomiya, dumami ang jobless  (Pilipino Star Ngayon) | Updated February 13, 2014 Hindi tugma ang nangyayari sa bansa kung ang kalagayan ng buhay ng mgaPilipino ang pag-uusapan. Noong nakaraang taon, umangat daw ng 7.2 percent angekonomiya ng Pilipinas at pumangalawa sa China. Maraming nasiyahan nang marinigang balitang ito. Napakagandang balita dahil pangalawa sa magandang ekonomiya. Pero nang lumabas ang survey ng Social Weather Stations (SWS) kamakailan 357

na 12.1 milyong Pilipino ang walang trabaho, maraming nadismaya at hindimakapaniwala. Nasaan na ang sinasabing magandang ekonomiya. Hindi ito tugma salaging sinasabing pamahalaan,gumanda angekonomiya ngbansa. Noong2012, umangatdaw ng 6.6%ang ekonomiya.Tuwang-tuwaang pamahalaansapagkatngayon lamangumigpaw nangmalaki angekonomiya ngbansa. Sabi,ang pag-angatng ekonomiya ay dahil sa maayos at mabuting pamamahala. Maaaring tama na kaya gumaganda ang ekonomiya ay dahil sa maayosna pamumuno pero ano naman kaya ang dahilan at marami ang walang trabahosa kasalukuyan. Noong Martes na magdaos ng meeting sa Malacañang, maski siDEPED COPYPresident Noynoy Aquino ay nagtaka kung bakit tumaas ang unemployment rate.Hiningan niya ng paliwanag ang mga miyembro ng Cabinet kung bakit maraming Pinoyang jobless. Katwiran ng isang miyembro ng Cabinet, ang sunud-sunod na kalamidadna tumama sa bansa ang dahilan kaya tumaas ang bilang ng mga walang trabaho.Binanggit ang pananalasa ng Yolanda sa Visayas at pagtama ng lindol sa Bohol. Ang problema sa unemployment ang nagbubunga ng iba pang problema.Tiyak na tataas ang krimen at marami ang magugutom. Sa nangyayaring ito, dapatnang tutukan ng pamahalaan ang pagpapaunlad sa agricultural sector para makalikhang mga trabaho. Sa sector na ito maraming makikinabang. Nararapat din namangrebisahin o ibasura ang contractualization. Maraming kompanya ang hanggang animna buwan lamang ang kontrata sa manggagawa kaya pagkatapos nito wala na silangtrabaho. Lalo lang pinarami ng contractualization ang mga walang trabaho.Pinagkunan: http://www.philstar.com/psn-opinyon/2014/02/13/1289713/editoryal-umangat-ang-ekonomiya-dumami-ang-jobless Retrieved on January 5, 2014Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nilalaman ng editoryal? 2. Sa iyong palagay, ano-ano ang posibleng dahilan kung bakit maraming Pilipino pa rin ang walang trabaho sa kabila ng sinasabing pag-angat ng ekonomiya ng bansa? 3. Batay sa iyong nabasang artikulo, masasabi bang may pag-unlad sa bansa? Ipaliwanag ang sagot. 358

Gawain 19: AWITIN MO AT GAGAWIN KO! Maraming mamamayang Pilipino ay patuloy na umaasang matatamo ng bansaang hinahangad nitong kaunlaran. Patuloy tayong nangangarap na minsan ay makaahonang karamihan sa atin sa kahirapan at magkaroon ng maayos na pamumuhay. Ngunitbago ito mangyari, kinakailangang magising tayo sa katotohanang may obligasyono responsibilidad tayong dapat gawin. Upang matamo ang pambansang kaunlaran,napakahalaga na magtulungan tayo at magbahagi ng ating panahon at kakayahantungo sa pag-abot nito. Sa gawaing ito, susuriin mo ang isang awiting pinasikat ni Noel Cabangon.Inilahad sa awitin ang mga simpleng pamamaran upang matawag tayong “MabutingPilipino”. Ang mga simpleng bagay na ginagawa natin sa araw-araw ay maaaringmakatulong sa unti-unti nating pag-abot sa pinapangarap nating kaunlaran. Bawat isasa atin, kahit ano pa man ang papel mo sa lipunan, ay may magagawa upang maabotang mithiing ito. Gawing gabay ang mga pamprosesong tanong sa gilid ng mga kahon sa pag-unawa at pagninilay sa ating aralin.Ako’y Isang Mabuting Pilipino Maaaring panoorin ang video sa Noel Cabangon Youtube upang masundan ang himig ng awit. Ako’y isang mabuting Pilipino COPYDEPEDMinamahal ko ang bayan ko http://www.yo.utube.com/watch?v=hkfO Tinutupad ko ang aking mga uCzJl78 tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin Tumatawid ako sa tamang tawiranSumasakay ako sa tamang sakayan Pumipila at ‘di nakikipag-unahanAt ‘di ako pasiga-siga sa lansangan Sumasakay at Bumababa’t nagsasakay ako sa tamang bumababa ka ba sakayan (Nagbababa ako sa tamangsa tamang sakayan babaan) ‘di nakahambalang parang walang at babaan? pakialam Pinagbibigyan kong mga tumatawid sa Ano- anong mga kalsada tuntunin at Humihinto ako ‘pag ang ilaw ay pula alituntunin sa [chorus] paaralan ang ‘pagkat ako’y isang mabuting Pilipino ssiinnuussuunnoodd mmo? Minamahal ko ang bayan ko Tinutupad ko ang aking mga tungkulin Sinusunod ko ang kanyang mga alituntunin 359

Paano ka ‘Di ako nangongotong o nagbibigaymakatutulong sa ng lagaypangangalaga ngating kapaligiran? Tiket lamang ang tinatanggap kong ibinibigay Ako’y nakatayo doon mismo sa kanto At ‘di nagtatago sa ilalim ng puno ‘Di ako nagkakalat ng basura sa lansangan ‘Di bumubuga ng usok ang aking sasakyan Inaayos ko ang mga kalat sa basurahan Inaalagaan ko ang ating kapaligiranGaano kahalaga [repeat chorus]ang pag- aaral Lagi akong nakikinig sa aking mga sa iyo? magulangPangatwiranan. Kaya’t pag-aaral ay aking pinagbubutihan ‘di ako gumagamit ng bawal na gamotDEPED COPYO kaya’y tumatambay at sa eskwela’y ‘di pumapasokIpinagtatanggol ko ang aking karangalan ‘pagkat ito lamang ang tangi kong Bakit mahalaga ang kayamanan pagkakaloob ng tapat na serbisyo‘di ko ibinebenta ang aking kinabukasan sa mga tao? Ang boto ko’y aking pinahahalagahan [repeat chorus] Ako’y isang tapat at totoong lingkod ng bayan Pabor o lagay ay ‘di ko pinapayagan Tapat ang serbisyo ko sa mamamayan ‘Di ko ibinubulsa ang pera ng bayan Ipinagtatanggol ko ang mamamayang Pilipino Mga karapatan nila’y kinikilala ko Iginagalang ko ang aking kapwa-taoIpinaglalaban ko ang dangal ng bayan ko. [repeat chorus twice] 360

Nasagot mo ba ang katanungan? Kumusta ang iyong kasagutan? Bilangpanghuling gawain, muli mong balikan ang mga sagot mo sa mga pamprosesongtanong sa awit. Pagkatapos, punan ang inilaang patlang sa ibaba ng mga kaalamangiyong natutuhan mula sa ating aralin.Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangkalahatang mensahe ng awitin? Paano mo maiuugnay ito sa pagtatamo ng kaunlaran? Ipaliwanag. 2. Kanino kayang mga tungkulin ang inilahad sa awitin? Ano ang implikasyon nito sa pambansang kaunlaran? 3. Paano ka makatutulong sa pag-unlad ng bansa bilang isang mabuting Pilipino? Pagtibayin.Gawain 20: IKAMPANYA MO NA! Bilang isang Pilipino, papaano ka makapag-aambag sa pag-unlad ng bansabilang mabuting mamamayan nito? Ilahad ang iyong kasagutan gamit ang isangcampaign slogan. Gamiting gabay ang rubrik sa susunod na pahina sa pagsasagawaDEPED COPYnggawain. 361

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG CAMPAIGN ISLOGANPamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuhang PuntosNilalaman Ang ginawang campaign slogan ay 20 mabisang nakapanghihikayat sa mga makababasa nito.Pagkamalikhain Ang paggamit ng mga angkop at 15 malalalim na salita (matalinghaga) ay akma sa mga disenyo at biswal na presentasyon upang maging mas maganda ang islogan.Kaangkupan sa Angkop sa tema ang ginawang 10tema islogan.Kalinisan Malinis ang pagkakagawa ng islogan. 5 KABUUANG PUNTOS 50 DEPED COPYMAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain!Transisyon sa Susunod na Aralin Inilahad sa aralin na ito ang konsepto at palatandaan ng pambansangkaunlaran. Natalakay rin ang iba’t ibang gampanin ng mamamayang Pilipino atsama-samang pagkilos ng mga ito tungo sa inaasam na pambansang kaunlaran.Bilang mga mamamayan ng Pilipinas, nararapat lamang na makiisa at aktibongmakisangkot sa mga gawain at tungkulin ng bawat mamamayan upang makapag-ambag tayo sa pag-unlad ng bansa. Sa mga susunod na aralin, ating tutuklasin at aalamin ang iba’t ibang sektor ngating ekonomiya at ang mga patakarang pang-ekonomiyang maaaring makatulongsa bawat sektor. Ngayon ay may sapat kang kaalaman tungkol sa konsepto at palatandaan ngkaunlaran. Gamit ang mga konsepto at pag-unawang iyong natutuhan mula sa mgagawain sa araling ito, magiging madali na lamang para sa iyo ang mga susunodpang aralin! Napagtagumpayan mo ang unang aralin kaya mas paghusayan mo pasa mga susunod na gawain! 362

PANIMULA Sa nakaraang aralin, tinalakay natin ang kahulugan at palatandaan ngkaunlaran. Ipinaunawa sa atin ang kahulugan at mahahalagang impormasyong dapatmakita upang masukat ang kaunlaran ng isang bansa. Ipinakilala rin ang iba’t ibangelemento sa buhay at kapaligiran bilang indikasyon ng kalidad sa pamumuhay ngmga tao. Kaugnay nito, ating kikilalanin at aalamin ang kalagayan ng mga sektor ngekonomiya na batayan sa pagsukat ng mga produkto at serbisyo na nagagawa ngbansa, gayundin ang kontribusyon ng mga ito sa pagtatamo ng kaunlaran. Sisimulan natin ang pagtalakay sa Sektor ng Agrikultura. Ating susuriin kungano ang kahalagahan ng sektor na ito sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.Iisa-isahin din natin ang mga suliraning kinakaharap nito at ang mga patakarang pang-ekonomiyang itinataguyod ng pamahalaan upang mapalakas ang sektor. Sama-samanating unawain ang papel ng agrikultura at ang kaugnayan nito sa pagkakaroon ngmatiwasay na pamumuhay ng bawat mamamayan. Bago ka tuluyang tumungo sa mga talakayan ay aalamin muna ang iyong mgapaunang kaalaman hinggil dito. Kaya ano, handa ka na ba? Tara at umpisahan na! ARALIN 2 SEKTOR NG AGRIKULTURADEPED COPYALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay tutuklas sa iyong kaalaman tungkolsa sektor ng agrikultura at kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor naito sa ekonomiya ng bansa.Gawain 1: KANTANG BAYAN – ALAM KO! Mag-isip ng limang bagay o anoman na pumapasok sa isip mo kapag binabasa,naririnig o inaawit ang ‘Magtanim ay ‘Di Biro’?Magtanim ay di biro Kay-pagkasawing-palad Halina, halina, mga kaliyag,Maghapong nakayuko Ng inianak sa hirap, Tayo’y magsipag-unat-unat.Di naman makatayo Ang bisig kung di iunat, Magpanibago tayo ng lakasDi naman makaupo Di kumita ng pilak Para sa araw ng bukasBisig ko’y namamanhid Sa umagang pagkagising (Braso ko’y namamanhidBaywang ko’ynangangawit. Lahat ay iisipin Baywang ko’y nangangawit.Binti ko’y namimintigSa pagkababad sa tubig. Kung saan may patanim Binti ko’y namimintig May masarap na Sa pagkababad sa tubig.) pagkain.Pinagkunan: Retrieved from http://tagaloglang.com/Filipino-Music/Tagalog-Folk-Songs/magtanim-ay-di-biro.html on January 13, 2015 363

Pamprosesong Tanong: 1. Bakit ang limang bagay na ito ang naisip mo kaugnay ng awiting “Magtanim ay Di Biro”? 2. Ano ang nabubuo o pumapasok sa isipan mo habang inaawit ang “Magtanim ay Di Biro”? 3. Anong sektor ng ekonomiya nabibilang ang tema ng awitin? Ipaliwanag.Gawain 2: KILALA KO ANG SEKTOR NA ITO! Balikan natin ang awiting “Magtanim ay ‘Di Biro”. Kumuha ng isang bagay saloob ng silid-aralan o paaralan na sa iyong palagay ay maglalarawan o nagmula sasektor ng agrikultura. Humanap ng ka-triad at talakayin ang bagay na napili at angkaugnayan nito sa sektor.Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang naging batayan mo sa napiling bagay? 2. Paano mo ito iniugnay sa sektor ng agrikultura? 3. Para sa iyo, ano ang kahalagahan ng sektor na ito at sa buong bansa upang matugunan ang pangangailangan ng bawat isa? Patunayan. Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa sektor ng agrikultura.DEPED COPYGawain 3: IDEYA-KONEK!Ihalintulad ang sarili sa isang puno na nasa larawan. Sukatin natin ang iyong kaa-laman tulad sa lalim ng ugat ng puno. Kung gaano kalalim ang ugat ng isang puno,ganoon din kalalim ang kaalaman mo sa sektor ng agrikultura. Sagutin ang tanongsa ibaba. Ano ang alam ko sa sektor ng agrikultura? Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa sektor ng agrikultura, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ng mas malalim ang konsepto ng sektor na ito. 364

PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutunan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa sektor ng agrikultura. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan na kung ano ang bahaging ginagampanan ng sektor ng agrikultura sa ekonomiya ng bansa. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng gawain na nasa ibaba. ANG SEKTOR AGRIKULTURA Humigit kumulang na 7,100 isla ang bumubuo sa Pilipinas. Dahil sa lawakat dami ng mga lupain, napabilang ang Pilipinas sa mga bansang agrikultural dahilmalaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultura. Sa katunayan,malaking bilang ng mga mamamayan ang nasa sektor na ito ng ekonomiya tulad ngipinakikita sa Talahanayan 1. Makikita na sa taong 2010, nasa mahigit 12 milyongPilipinong manggagawa ang kabilang dito, pangalawa sa sektor ng paglilingkod naDEPED COPYnakapagbibigay ng hanapbuhay sa mga Pilipino. Talahanayan 1. Kabuuang Trabaho ayon sa Sektor at Kabuuang Lakas Paggawa (Total Employment by Industry and Total Labor Force) 2000-2010 (numbers in thousands)Total Labor 2000 2001 2002 2003 2004 2005 2006 2007 2008 2009 2010Force 30,908 33,354 33,674 35,120 35,629 35,494 35,806 35,919 37,058 38,196 39,289Total 27,775 30,085 30,251 31,553 31,741 32,875 33,185 33,671 34,533 35,478 36,489EmployedAgriculture 10,401 11,253 11,311 11,741 11,785 12,171 12,164 16,364 12,328 12,062 12,260Industry 4,444 4,682 4,669 4,948 4,880 4,883 4,895 4,849 5,076 5,144 5,364Services 12,929 14,151 14,271 14,865 15,076 15,820 16,126 12,458 17,128 18,271 18,865Pinagkunan: Labour Force Survey, National Statistics Office. www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri.asp. Retrieved on October 12, 2014 Malaking bahagi ng ekonomiya ay nakadepende sa sektor ng agrikultura.Sinasabing ito ang nagtataguyod sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil anglahat ng sektor ay umaasa sa agrikultura upang matugunan ang pangangailangan sapagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon. Nahahati ang sektor ng agrikultura sa paghahalaman (farming), paghahayupan(livestock), pangingisda (fishery), at paggugubat (forestry). 365

• Paghahalaman. Maraming mga pangunahing pananim ang bansa tulad ng palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako, at abaka. Ang mga pananim na ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), tinatayang umabot ang kabuuang kita ng sekondaryang sektor na ito sa Php797.731 bilyon noong 2012. Ito ay nagmula sa mga produktong palay, mais, at iba pang pangunahing pananim ng Pilipinas. Kasama rin dito ang produksiyon ng gulay, halamang- gubat, at halamang mayaman sa hibla (fiber). Gayundin ang mani, kamoteng kahoy, kamote, bawang, sibuyas, kamatis, repolyo, talong, at kalamansi.• Paghahayupan. Ang paghahayupan naman ay binubuo ng pag-aalaga ng kalabaw, baka, kambing, baboy, manok, at pato. Ang paghahayupan ay nakatutulong sa pag-supply ng ating mga pangangailangan sa karne at iba pang pagkain. Ang paghahayupan ay gawaing pangkabuhayang kinabibilangan ng ating mga tagapag-alaga ng hayop. Mayroon ding mga pribadong korporasyon na nasa ganitong hanapbuhay.• Pangingisda. Itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa mga pinakamalaking tagatustos ng isda sa buong mundo. Isa sa pinakamalalaking daungan ng mga huling isda ay matatagpuan sa ating bansa. Samantala, ang pangingisda ay nauuri sa tatlo - komersiyal, munisipal at aquaculture. Ang komersyal na pangingisda ay tumutukoy sa uri ng pangingisdang gumagamit ng mga bangka na may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan oDEPED COPYpagnenegosyo. Sakop ng operasyon ay 15 kilometro sa labas ng nasasakupan ng pamahalaang bayan. Ang munisipal na pangingisda ay nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo at gumagamit ng bangka na may kapasidad na tatlong tonelada o mas mababa pa na hindi nangangailangan na gumamit ng mga fishing vessel. Ang pangisdang aquaculture naman ay tumutukoy sa pag-aalaga at paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig pangisdaan - fresh (tabang), brackish (maalat-alat) at marine (maalat) (BOI, 2011). Sa mga ito, ang aquaculture ang pinakamalaki ang naitala sa kabuuang produksiyon ng pangisdaan na umabot sa Php92,289.9 bilyon noong 2012. Kasunod nito ang pangisdaang munisipal na may Php79,527.4 bilyon at komersyal na may Php65,894.2 bilyon. Bahagi din ng gawaing pangingisda ay ang panghuhuli ng hipon, sugpo, at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman.• Paggugubat. Ang paggugubat ay isang pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura. Patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos ng mga yaman nito. Mahalaga itong pinagkukunan ng plywood, tabla, troso, at veneer. Bukod sa mga nabanggit na produkto, pinagkakakitaan din ang rattan, nipa, anahaw, kawayan, pulot-pukyutan at dagta ng almaciga. 366

Makikita sa Talahanayan 2 ang natamong kita ng sektor ng agrikultura parasa taong 2012. Batay rito, ang 50% ng kabuuang ani ay mula sa iba’t ibang tanimkung saan ang may pinakamataas na bahagdan ay palay na nasa 20%. Samantala,nasa 6% naman ang pinagsama-samang dami ng tubo, mangga, at pinya. Angpaghahayupan naman ay nakapagtala ng 13% kung saan ang pagmamanukan aymay 11% na bahagi. Sa aspeto naman ng pangisdaan, mayroong 19% na kinita parasa nasabing taon. Sa kabuuan, nakapag-ambag ang sektor ng agrikultura ng Php1,247 bilyon(current prices) sa buong GDP ng bansa (Php10,565 B). Ito ay malaking bagay saPilipinas na may malaking populasyon at umaasa sa bigas at pagkaing nagmula satubig at pagsasaka.Talahanayan 2. Kabuuang kita ng Agrikultura sa Taong 2012GNI (at current prices): Php12,609 billion(at constant 2000 prices): Php 7,497 billion GDP (at current prices): Php10,565 billion(at constant 2000 prices): Php 6,312 billionShare of agriculture in GDP 11%GVA in agriculture and fishing Php 1,247 billion Php 695 billion Crops:  50%:   palay 20% , corn 6%, coconut  4%, banana 5%    (at current prices): (at constant 2000 prices):DEPED COPYDistribution by sub-sector: sugarcane 2%, mango 2%, pineapple 2%,  others  9% Livestock: 13% Poultry: 11% Fishery: 19% Agricultural activities and services : 7%Pinagkunan: Bureau of Agriculture. 2012. Retrieved from countrystat.bas.gov.ph. on September 14, 2014Kahalagahan ng Agrikultura Ang pag-unlad ng isang bansa ay nakabatay sa laki at taas ng kita ng mgasektor ng ekonomiya. Mahalagang mapagtuunan ng pansin ng pamahalaan ang lahatng sektor, partikular ang agrikultura sapagkat dito nagmumula ang mga pagkain natumutugon sa pangangailangan ng mamamayan. Dahil dito, ang agrikulura ay nararapat na bigyang-pansin upang mapalakas atmaging katuwang ng pamahalaan sa pagkakamit ng kaunlaran ayon sa sumusunodna kahalagahan: 1. Ang agrikultura ay pangunahing pinagmumulan ng pagkain. Ang lupain ng Pilipinas ay akma na tamnan ng mga produktong tulad ng palay, mais, tubo, patatas, at iba pa. Mayroon ding inaaning mga prutas tulad ng mangga, pinya, kopra, at saging. Mainam din ang temperatura dito bilang lokasyon sa pag aalaga ng mga hayop na ginagamit sa mga pang-araw-araw na pangangailangan ng mga tao. Mayroon ding sapat na 367

mapagkukunan ng mga pagkaing mula sa katubigan. Ang agrikultura ay isang napakahalagang sektor sa bansa dahil ito ang pinagmumulan ng mga pagkain ng mamamayan. 2. Pinagkukunan ng materyal para makabuo ng bagong produkto. Nagmumula sa sektor na ito ang mga hilaw na sangkap mula sa kagubatan, kabukiran, at karagatan na maaaring gamitin sa produksiyon. Halimbawa, ang puno na pinagmumulan ng goma ay gamit para sa paggawa ng gulong; bulak at halamang mayaman sa hibla para sa tela at sinulid; kahoy para sa mga muwebles; at dahon at ugat para sa pagkain, kemikal, o gamot. 3. Pinagkukunan ng kitang panlabas. Isang mahalagang pinagkukunan ng dolyar ng Pilipinas ay mula sa mga produktong agrikultural na naibebenta sa pandaigdigang pamilihan. Kabilang sa mga iniluluwas ng bansa na pinagmumulan ng kitang dolyar ang kopra, hipon, prutas, abaka, at iba pang mga hilaw na sangkap na ginagamit sa pagbuo ng iba’t ibang produkto. 4. Pangunahing nagbibigay ng trabaho sa mga Pilipino. Ayon sa National Statistics Office (NSO) para sa taong 2012, 32% ng mga Pilipinong may trabaho ay nabibilang sa sektor ng agrikultura. Karaniwan silang nagtatrabaho bilang mga magsasaka, mangingisda, minero, o tagapag- alaga sa paghahayupan. 5. Pinagkukunan ng Sobrang Manggagawa mula sa Sektor AgrikulturalDEPED COPYpatungo sa Sektor ng Industriya at Paglilingkod. Sa patuloy na pag- unlad ng teknolohiya na ginagamit sa agrikultura at ang patuloy na pagliit ng lupa para sa pagtatanim dahil sa paglaki ng populasyon, ang mga sobrang manggagawa ay pinakikinabangan ng sektor ng industriya at paglilingkod batay sa laki ng demand sa mga ito. Sa pangkalahatan, ipinakikita nito na ang sektor ng agrikultura ay isangmahalagang tagapagtaguyod ng ekonomiya ng bansa. Katuwang ito ng pamahalaansa pagpapalakas at pagtugon sa mga pangunahing pangangailangan ng mamamayanmula sa mga pagkain hanggang sa mga sangkap ng produksiyon. Ang kasiguraduhangsapat ang kalakasang pisikal at kasaganaan sa bawat tahanan ay maaaring maypositibong epekto sa isang bansa. Samantala, kung hihigit sa pangangailangan ngbayan ang magagawa, maaari itong maging mga produkto na ikakalakal sa labas ngbansa. Sa gayon, ang sektor ay magiging isang matibay na sandigan ng bayan upangmakamit ang inaasam nitong kaunlaran.Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.,Habito C. And Briones, R Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, (2005. Retrieved from https://www.google.com.ph/ search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Years%3A+Performan ce%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+C.+=chrome..69i57. 2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93 &ie=UTF-8 on August 11, 2014,Albert, J. R. (2013). How Important is Agriculture in the Economy, retrieved from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers /2013/04122013_jrga_agri.aspPulse. 2013. Retrieved from http://pulse101.hubpages.com/hub/The-Importance-of-Agriculture-to-the-Philippine-Economy on August12,2014.Oxford Business Group. 2013. Retrieved from www.oxfordbusinessgroup.com/economic_updates/philippines-targets-sustainable-growth-agriculture on August 13, 2014,National Statistics Coordination Board. (n.d.). Retrieved from www.nscb.gov.ph/secstat/d_agri.asp on August 12 2014Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,Philippines: Vibal Publishing House, Inc. 368

Gawain 4: CONCEPT DEFINITION MAP Mula sa mga impormasyon tungkol sa sektor ng agrikultura, bumuo ng ConceptDefinition Map gamit ang modelo sa ibaba.Ano ang mga Ano ito? Ano ang mgakahalagahan nito? bumubuo dito? ________________________________ ________________ ________________________________ ________________ ________________ _________ ____________ ________________________________ ________________________________ ______ ______ ________________DEPED COPY________________ ______ Sektor ng ________________ Agrikultura ________________ ______ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ________________ ______ ______ ______Pamprosesong Tanong: 1. Bakit mahalagang sektor ng ekonomiya ang agrikultura? 2. Sa iyong palagay, paano ka magiging kaakibat upang maitaguyod ang sektor ng agrikultura? Ipaliwanag. 369

GAWAIN 5: Larawan! Kilalanin! Batay sa iyong binasa, isulat ang bahaging ginagampanan ng bawat gawaingnakapaloob sa sektor ng agrikultura.AG GAWAIN _________________R ____IK GAWAIN _________________U ____L T GAWAIN _________________ U ____DEAR PED COPYGAWAIN _________________ ____Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang bumubuo sa sektor ng agrikultura? 2. Paano nakatutulong ang sektor ng agrikultura sa pamumuhay ng tao sa komunidad? 3. Sa iyong palagay, sapat ba ang naitutulong o pagtugon ng sektor ng agrikultura sa mga pangangailangan ng maraming Pilipino? Bakit? 4. Iugnay ang papel ng sektor ng agrikultura sa pagkakamit ng kaunlaran ng bansa.Suliranin sa Sektor ng Agrikultura Malaki ang kontribusyon ng agrikultura sa ating pambansang ekonomiya.Para sa taong 2012, ang 11% ng kabuuang kita ng ekonomiya ay nagmula sa sektorna ito (NSCB). Sa pangkalahatan, kung ating titingnan ang talahanayan 3, makikitaang naging kontribusyon ng agrikultura sa kita ng bansa sa iba’t ibang panahon.Gayumpaman, kapuna-puna mula rito ang mabagal na pag-unlad kung ikokomparasa sektor ng paglilingkod. Ilan sa kadahilanan ay ang sumusunod: 370

Talahanayan 3. Gross Domestic Product by Industrial Origin 1st Qtr 2000 - 4th Qtr 2010 (in million Php) At Current Prices At Constant 1985 PricesPeriod Agriculture,  Service Agriculture, Industry Service Fishery and Industry Fishery and Forestry Forestry2000  528,868 1,082,431 1,743,428   192,457  345,041  435,4622001   548,739 1,191,707 1,933,241   199,568  348,165  453,9822002   592,141 1,308,219 2,122,334 206,198 361,167  478,7182003 631,970 1,378,870 2,305,562 215,273 363,486 506,3132004 734,171 1,544,351 2,593,032 226,417 382,419 545,4582005 778,370 1,735,148 2,930,521 230,954 396,882 583,6162006 853,718 1,909,434 3,268,012 239,777 414,815 621,5642007 943,842 2,098,720 3,606,057 251,495 442,994 672,1372008 1,102,465 2,347,803 3,959,102 259,410 464,502 693,1762009 1,138,334 2,318,882 4,221,702 259,424 460,205 712,4862010 1,182,374 2,663,497 4,667,166 258,081 515,751 763,320Details may not add up to totals due to rounding. Data are as of 31 January 2011.Pinagkunan: National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013.Retrieved from http://www.nscb.gov.ph/secstat/d_accounts.aspon September 12, 2014 A. PAGSASAKA 1. Pagliit ng lupang pansakahan.DEPED COPYAng patuloy na paglaki ng populasyon, paglawak ng panirahan, komersiyo, at industriya ay nagdudulot ng pagliit ng mga takdang lupain para sa pagsasaka. Dahil dito, kinakailangang mapalakas ang pagiging produktibo ng mga natitirang lupain sa agrikultura upang makaagapay sa patuloy na paglobo ng populasyon ng bansa na nasa 100 milyon ngayong 2014. Kaakibat ng suliraning ito ang conversion o pagpapalit ng mga kagubatan at kabundukan upang maging pansakahan na nagiging dahilan sa pagkasira ng natural na tahanan (natural habitat) ng mga hayop at halaman (Adler, 2002). Ang ganitong sistema ay nakapagdudulot ng higit pang mga suliranin kung hindi magkakaisa ang mamamayan at pamahalaan na mapabuti ang kalagayan ng ating kapaligiran. 2. Paggamit ng teknolohiya. Ang kakayahang mapataas ang produksiyon ng lupa ay higit na makakamit sa pamamagitan ng paggamit ng teknolohiya. Ang makabagong kaalaman sa paggamit ng mga pataba, pamuksa ng peste, at makabagong teknolohiya sa pagtatanim ay magiging kapaki-pakinabang lalo sa hamon ng lumalaking populasyon. Ayon kay Cielito Habito (2005), ang kakulangan ng pamahalaan na bumalangkas ng isang polisiya na magbibigay-daan sa isang kapaligirang angkop sa pagpapalakas ng ating agrikultura ang isa sa mga kahinaang dapat matugunan. Dahil dito, ang pagpapatatag sa antas ng teknolohiya sa sektor ng agrikultura ay nangangailangan ng agarang atensiyon ng pamahalaan. 371

3. Kakulangan ng mga pasilidad at imprastruktura sa kabukiran. Isa rin sa mga dapat na mabigyan ng atensiyon ay ang kakulangan sa mga imprastrukturang magagamit ng ating mga magsasaka. Isa ito sa mga nakita nina Dy (2005), at Habito at Bautista (2005) batay sa isinulat nina Habito at Briones (2005) na kinakailangang matugunan. Ang Batas Republika 8435 (Agriculture and Fisheries Modernization Act of 1997) ay naghahangad ng modernisasyon sa maraming aspekto ng sektor upang masiguro ang pagpapaunlad dito. Inaasahang sa wastong pagpapatupad ay matutugunan ang ilang suliranin sa irigasyon, farm-to-market-road, at iba pa. Sa panahon ng panunungkulan ni Pangulong Benigno S. Aquino III, ang pamahalaan ay nakapagsagawa ng mga kalsada at iba pang kaugnay na proyektong nagkakahalaga ng P8.3 B. May kabuuang 1,147 na pamayanan ang naikonekta sa mga pangunahing daanan mula noong 2011. 4. Kakulangan ng suporta mula sa iba pang sektor. Ang pagtutulungan sa loob at labas ng sektor ay magtutulak upang higit na maging matatag ang agrikultura. Ayon sa Batas Republika 8435, ang pagtutulungan ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan ay binigyang- diin bilang suporta sa implementasyon ng modernisasyon sa agrikultura. Ang pagsusulong sa batas na ito ay isang pagkilala sa napakaraming pangangailangang maaaring hindi kayanin ng departamento nang mag- isa. Ang suliranin sa irigasyon, enerhiya, komunikasyon, impormasyon, at edukasyon ay mga tungkulin na maibibigay ng mga ahensyang angDEPED COPYpangunahing responsibilidad ay tungkol sa mga nabanggit. Halimbawa, ang Land Bank of the Philippines ay partikular na makatutulong upang makapagpautang sa mga magsasaka upang tugunan ang mga pangunahing pangangailangan sa pagtatanim tulad ng gastusin sa abono, butil, at iba pa. 5. Pagbibigay-prayoridad sa sektor ng industriya. Isa sa mga nagpahina sa kalagayan ng agrikultura ayon kina Habito at Briones (2005) ay ang naging prayoridad ng pamahalaan sa pagbibigay ng proteksiyon sa mga favored import sa pandaigdigang pamilihan. Ito ay nabanggit din sa website na oxfordbusinessgroup.com. Ang kawalan at pagbibigay ng bigat sa industriya ang nagpahina sa agrikultura. Mas binibigyan ng pamahalaan ng maraming proteksiyon at pangangalaga ang industriya. Dahil dito, nawawalan ng mga manggagawa at mamumuhunan sa sektor ng agrikultura. Mas pipiliin pa nila ang pumunta sa industriya dahil sa mga insentibo rito na nagbunga sa pagbaba ng produksiyon at kita sa agrikultura. 6. Pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Isang malaking kompetisyon ang kasalukuyang hinaharap ng bansa dulot ng pagdagsa ng mga dayuhang kalakal. Maraming magsasaka ang nahihirapang makipaglaban sa presyo ng mga murang produkto mula sa ibang bansa. Bunga ito ng pagpasok ng pamahalaan sa World 372

Trade Organization (WTO) kung saan madaling makapasok ang mga produktong mula sa mga miyembro nito. Dahil dito, maraming magsasaka ang naapektuhan, huminto, at sa kalaunan ay ipinagbili na lamang ang kanilang mga lupa upang maging bahagi ng mga subdibisyon. 7. Climate Change. Ang patuloy na epekto ng Climate Change ay lubhang nakaaapekto sa bansa tulad ng pagdating ng bagyong Yolanda na may pambihirang lakas noong 2013. Milyon – milyong piso ang halaga ng mga nasirang kabuhayan at personal na mga gamit. Maaaring mabawasan ang epekto ng pagbabagong ito sa klima ng mundo kung magkakaisa ang mga bansang iwasan ang mga dahilang nagpapalala at nagpapabago sa klima ng mundo. B. PANGISDAAN 1. Mapanirang operasyon ng malalaking komersiyal na mangingisda. Mula sa aklat nina Balitao et al (2012), ang malalaki at komersiyal na barko na ginagamit sa paghuli ng mga isda ay nakaaapekto at nakasisira sa mga korales. Bunga ito ng pamamaraang thrawl fishing na kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit man o malaki. Dahil dito, pati ang mga korales na nagsisilbing itlugan at bahay ng mga isda ay nasisira. Sinusugan ito ni Michael Alessi (2002) na nagsabi na sa kabila ng mga polisiya sa Pilipinas, bukas sa lahat at halos hindiDEPED COPYnababantayan ng mga namamahala ang mga mangingisda kaya marami ng reefs ang namatay o nasira. Kung hindi magbabago at mapipigilan ang mga mangingisdang ito, darating ang panahong mauubos ang mga isda na isa sa mga pangunahing pagkain ng mamamayan. 2. Epekto ng polusyon sa pangisdaan. Binanggit din sa aklat nina Balitao et al (2012) ang patuloy na pagkasira ng Laguna de Bay at Manila Bay dahil sa mga polusyon na nagmumula sa mga tahanan, agrikultura, at industriya. Ang mga dumi ng tao, mga kemikal na sangkap sa mga abono o pataba na gamit sa pagtatanim, at mga kemikal na mula sa mga pabrika ay pumapatay sa mga anyong-tubig ng bansa. Dahil sa polusyon, ang mga yamang-tubig ay naaapektuhan at maaaring makaapekto rin sa mga mamamayan sa pagdating ng panahon. 3. Lumalaking populasyon sa bansa. Ang patuloy na pagtaas sa bilang ng mga mamamayang Pilipino ay nagdudulot ng mataas na pressure sa yamang tubig ng bansa at sa lahat ng yamang-likas, sa kabuuan. Kung hindi magkakaroon ng patuloy na pag-unlad, halimbawa sa teknolohiya, mahihirapang makaagapay ang bansa sa lumalaking pangangailangan ng mamamayan dulot ng pagdami ng tao. Kung magkagayon, maaaring maganap ang sapantaha ni Thomas Malthus na ang patuloy na paglaki ng populasyon ay maaaring 373

magdulot ng kahirapan na sa kalaunan ay kakulangan sa pagkain. Dahil habang lumalaki ang bilang ng populasyon, unti-unti rin ang pagbaba sa bilang ng mga yamang-dagat at lahat ng likas na yaman dahil sa dami ng kumokonsumo. 4. Kahirapan sa hanay ng mga mangingisda. Ang mga magsasaka at mangingisda ay isa sa may pinakamababang sahod na natatanggap. Dahil dito, sila ay nabibilang sa mga pangkat na hikahos sa buhay. Ayon kay Jose Ramon Albert (2013), ‘hindi kataka- taka na sa lahat ng sektor, ang mga mangingisda (41.4%) at magsasaka (36.7%) ang may pinakamataas na poverty incidence noong 2009. Ito ay kapansin-pansin na mas mataas nang bahagya sa  kabuuang populasyon ng mahihirap sa ating bansa (26.5%)’. Ang mababang kita sa uri na ito ng hanapbuhay ay hindi naghihikayat sa mga batang miyembro ng kanilang pamilya na manatili sa sektor. Dahil dito, karaniwan ng makikita ang kanilang pagpunta sa mga kalunsuran upang makipagsapalaran. C. PAGGUGUBAT 1. Mabilis na pagkaubos ng mga likas na yaman lalo na ng kagubatan. Malawakan ang paggamit sa ating mga likas na yaman. Mabilis na nauubos ito dahil sa mga pangangailangan sa mga hilaw na sangkap sa produksiyon tulad ng mga troso at mineral. a. Dahil dito, nababawasan ang suplay ng mga hilaw na sangkap naDEPED COPYginagamit ng mga industriya. b. Sa pagkawala ng mga kagubatan, nawawalan ng tirahan ang mga hayop kaya hindi sila makapagparami. c. Nagiging sanhi rin ito ng pagbaha na sumisira sa libo-libong ektaryang pananim taon-taon. d. Naapektuhan din ng pagkaubos ng mga watershed ang suplay ng tubig na ginagamit sa irigasyon ng mga sakahan. e. Ang pagkaubos ng kagubatan ay nagdudulot din ng pagguho ng lupa. Dahil sa kawalan ng mga puno, natatangay ng agos ng tubig ang lupa sa ibabaw, kasama ang sustansiya nito. Hindi nagiging produktibo ang mga pananim na itinatanim dito.Pinagkunan: Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.). Project EASE Module. Pasig City: DECS.Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,Philippines: Vibal Publishing House, Inc.Briones, Roehlano M. 2013. Philippine Agriculture to 2020: Threats and Opportunities from Global Trade. Retrieved from www.pids.gov.ph/dp.php?id=5145&pubyear=2013 on August 14, 2014Philippine Agriculture over the Years: Performance, Policies and Pitfalls, Habito C. And Briones, R (2005. Retrieved from https://www.google.com.ph/search?q=Philippine+Agriculture+over+the+Years% 3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls%2C+Habito+ C.+And+Briones%2C+R&oq=Philippine+Agriculture+ over+the+Years%3A+Performance%2C+Policies+and+Pitfalls %2C+Habito+C.+And+Briones%2C+R&aqs=chrome..69i57.2239j0j8&sourceid=chrome&es_sm=93&ie=UTF-8 on August 11, 2014Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or Perpetuating Poverty?. London: Profile Books Ltd.National Statistical Coordination Board (NSCB). 2013. Retrieved from www.nscb.gov.ph/beyondthenumbers/2013/04122013_jrga_agri.asp on July 7, 2014 374

Ang Kahalagahan ng Likas Kayang Paggamit sa Pangingisda at Pagtotroso Mula kina Balitao et al. (2012), kabilang sa kanilang iminumungkahi upangmatiyak ang likas-kayang paggamit sa pangisdaan ay ang tuwirang ugnayan sa pagitanng lokal na pamahalaan, samahang mangingisda, at ang mga miyembro ng kapulisanupang matiyak ang tamang paraan ng pangingisda. Ang samahang ito ay maaaringbumuo ng isang pangkat na ang pangunahing adbokasiya ay pangalagaan angkaragatan at iba pang anyong tubig na pangunahing pinagmumulan ng mga yamang-tubig, kasama ang mga bakawan kung saan madalas na mangitlog ang mga isda.Kabilang sa mga dapat na mabantayan ay ang paggamit ng mga lambat na masyadongpino, pagbabawal sa pamaraang thrawl fishing, at paggamit ng mga pampasabogna nagdudulot ng malaking pinsala sa karagatan. Dapat ding maging mahigpit angpamahalaan sa pabibigay ng mga lisensiya at pagkilala sa malalaking kompanya napangingisda ang negosyo. Siguraduhin na sila ay susunod sa itinatakdang pamaraanng pangisdaan at hindi manghuhuli ng mga isdang nanganganib nang maubos. Ito aymangangahulugan ng tunay at tapat na implementasyon ng mga panuntunan upangmasiguro ang kaligtasan ng ating katubigan. Sa isyu ng pagtotroso, mahalagang maipaalam sa bawat Pilipino angkahalagahan sa pag-iingat ng ating mga kagubatan. Ilan sa mga inisyatibong maaaringgawin ay sa pamamagitan ng pagpapasok sa kurikulum tungkol sa pag-iingat at likas-kayang paggamit sa mga produktong mula sa kagubatan. Maaari ding gamitin angmga social networking sites at media upang maipabatid ang papel ng bawat isa upangmapangalagaan ang mga likas na yaman.DEPED COPYMuling binigyang-diin nina Balitao et al. (2012) na ang pagkakaisa ng mgamamamayan ay isang mahalagang hakbang upang masiguro ang kaligtasan ng atingmga yaman mula sa kabundukan. Kanila ring kinikilala ang kakayahan ng mga katutubosa pag-aalaga sa kalikasan na nagpasalin-salin na sa maraming henerasyon. Isa samga rekomendasyon na kanilang iminungkahi ay ang gampanin ng pamahalaan namakabuo at tunay na maipatupad ang isang polisiya na magpoprotekta sa ating mgakagubatan. Sa lahat ng ito, inaasahan din na ang mamamayan ay maging kabahagi sapaggamit ng tama at matalino para sa mga susunod na salinlahi ng mga Pilipino.Ayon kay Michael Alessi (2002), ang pagbibigay-karapatan sa mga mamamayan napangalagaan ang mga natatanging yaman bilang pangunahing pinagmumulan ngkanilang ikinabubuhay ay makapagtutulak sa kanila na ingatan ang mga ito. Dahil kungdito sila kumukuha ng kanilang kita, malaki ang kanilang interes na mapangalagaanang mga ito.Gawain 6: CONCEPT WEB Batay sa binasang teksto, punan ang kahon ng mga salita sa susunod napahina na may kaugnayan sa suliranin ng sektor. 375

SULIRANIN NG AGRIKULTURAPamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang suliranin ng sektor ng paghahalaman, paggugubat, paghahayupan, at pangingisda? 2. Ano-ano ang kasalukuyang solusyong ginagawa ng pamahalaan, mga magsasaka, at mga nasa pribadong sektor?DEPED COPY3. Sa iyong palagay, paano mahihikayat ang kabataan na gumawa ng mga hakbang na makatutulong sa sektor ng agrikultura? 4. Ano ang iyong maaaring maiambag upang maging kabahagi sa pagtugon sa mga suliranin sa sektor ng agrikultura?Pinagkunan: Pulse. 2013. Retrieved from http://pulse101.hubpages.com/hub/The-Importance-of-Agriculture-to-the-Philippine-Economy on August 12,201.Balitao, B., Ong, J., Cervantes, M., Ponsaran, J, Nolasco, L, & Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City,Philippines: Vibal Publishing House, Inc.Morris, J. (2002). Sustainable Development: Promoting Progress or Perpetuating Poverty?. London: Profile Books Ltd.Mga Patakaran at Programa upang Mapaunlad ang Sektor ng Agrikultura Maraming batas at programa ang pamahalaan na ginawa upang mapalakas angsektor ng agrikultura. Hindi maitatanggi ang kasalukuyang kalagayan ng agrikulturaat ng mga mamamayang dito umaasa. Ang mga suliraning kinakaharap nito ay bungang mga nakaraan at kasalukuyang desisyon na ginawa ng mga mamumuno ng bayan,gayundin ng mga mamamayan na naging mapang-abuso sa likas na yaman ng bansa.Dahil dito, dapat nang mapag-ibayo ang implementasyon ng mga batas at programaupang masiguro ang kaayusan sa sektor ng agrikultura. 376

MGA BATAS TUNGKOL SA SEKTOR NG AGRIKULTURA1. Land MGA BATAS TUNGKOL SA LUPA Registration Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop Act ng 1902 ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay2. Public Land ipinatalang lahat. Act ng 1902 Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing3. Batas pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang Republika bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 Bilang 1160 na ektarya ng lupain. Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.4. Batas Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang-Republika Blg. aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng1190 ng 1954 lupa sa mga manggagawa. Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ariDEPED COPY5. AgriculturalLand Reform nito. Kabilang din sa inalis ng batas ang sistemang kasama. Ang pagbili ng pamahalaan sa mga lupang tinatamnan ngCode mga magsasaka ay sinimulan. Ang mga lupang ito ay muling ipinagbili sa mga magsasaka sa paraang hulugan at katulad ng presyong ibinayad ng pamahalaan sa may-ari ng lupa.6. Atas ng Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma saPangulo Blg. 2 lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.ng 19727. Atas ng Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad Pangulo Blg. ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga 27 magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim. Ang mga magsasaka ay binigyan ng pagkakataong magmay-ari ng limang ektarya ng lupa kung walang patubig at tatlong ektaryang lupa kapag may patubig. Ito ay kanilang bubungkalin. 377


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook