PAMANTAYAN DESKRIPSIYON PUNTOS NAKUHANG PUNTOSPaglalahad ng Masusing sinuri at tinimbang pananaw ang mga pananaw na inilahad. Nakabatay sa moralidad, ebidensiya, at sariling pagsusuri ang paglalahad ng pananaw. Hindi nagpakita ng pagpanig sa sino mang personalidad o pangkat. Malinaw na naipabatid ang mensahe ng pagsasaliksik. Naimulat ang mga manonood sa mga katotohanan at maling pananaw ukol sa paksa ngMensahe pagsasaliksik. Nakabatay ang mensahe sa mga nilalaman ng sangguniang ginamit. Nahikayat ang mga manonood na kumilos ayon sa mensahe ng pagsasaliksik. Organisado, malinaw, simple, at may tamang pagkakasunod-DEPED COPYsunod ang presentasyon ngPresentasyon mga pangyayari at ideya sa pagsasaliksik. Malinaw ang daloy ng istorya at organisado ang paglalahad ng mga argumento at kaisipan. Malikhain, malinis, at kumprehensibo ang nabuong pagsasaliksik. Gumamit ng iba pang midya o teknolohiya bukod sa hinihingi ng gawain upang masPagkamalikhain maging kaaya-ayang panoorin ang ginawang pagsasaliksik. Nakatulong ang mga ginamit na midya o teknolohiya upang makakuha ng karagdagang impormasyon na nagpayaman sa pagsasaliksik. KABUUANG PUNTOS 100 428
Gawain 13 : CALLOUT Balikan mo ang iyong inilagay sa una at pangalawang speech balloon atkompletuhin mo na ang callout speech balloon na ito sa pamamagitan ng paglalagaymo ng iyong mahalagang natutuhan sa aralin na ito. Isulat mo ito sa ikatlong speechballoon. Ang aking paunang nalalalaman ay_________ _________________________ Ang aking gustong ______________________ Ang aking mgamalaman ay ____________ ____ nalaman ay____ ______________________________________ _____________________________ __________________DEPED COPY MAHUSAY! Natapos mo na ang mga gawain!Transisyon sa Susunod na Aralin Inilahad sa aralin na ito ang bumubuo, naging bahaging ginampanan, atkontribusyon ng sektor ng paglilingkod sa pambansang ekonomiya. Natalakayrin ang mga katangian ng mga manggagawang Pilipino na kabilang sa sektor naito na kinikilala sa buong mundo at mga suliraning kinakaharap nila. Sa gitna ngmga hamon na ito, ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa para sakanilang kapakanan sa tulong ng mga ahensiyang may kaugnayan sa kanila atmga batas na kumikilala sa kanilang karapatan. Sa susunod na aralin ay tatalakayin ang isa pang sektor pang-ekonomiyana patuloy na lumalago sa ating bansa – ang Impormal na Sektor. Tatalakayin saaralin na ito ang mga kadahilanan, epekto, at kung paano pahahalagahan angsektor na ito. 429
PANIMULA Ang pagkamit ng pambansang kaunlaran ay hinahangad ng bawat mamamayan.Ang hangaring ito ay makakamit lamang kung ang lahat ng bumubuo sa sektor ngekonomiya at ang pamahalaan ay magtutulungan. Sa nakaraang mga aralin, iyong naunawaan ang mga bahaging ginagampananng mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod upang matugunan ang mgapangangailangan ng ekonomiya at makamit ang pambansang kaunlaran. Subalit, hindimasasabing komprehensibo ang pag-aaral ng ekonomiya ng isang bansa kung hindinatin maibibilang ang pagsusuri ng tinatawag nating impormal na sektor sapagkatmaraming mga mamamayan ang kabilang dito. Kaugnay nito, ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal na sektorng ekonomiya. Upang higit mong maunawaan ang mga konseptong nakapaloob sapaksang ito, ikaw ay haharap sa mga impormatibong tekstong siyang magbibigaysa iyo ng mga impormasyon at mga mapanghamong gawain na pupukaw sa iyonginteres at magdudulot ng kaalaaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagsusuri ng mga dahilanat epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa ekonomiya at mapahahalagahanang mga patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa impormal na sektor. ARALIN 5 ANG IMPORMAL NA SEKTOR:DEPED COPYMGA DAHILAN AT EPEKTO NITO SA EKONOMIYA ALAMIN Matapos mong matutuhan ang mga konsepto at kung paano nakatutulong ang mga sektor ng agrikultura, industriya, at paglilingkod sa ekonomiya ng ating bansa, ngayon naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa impormal na sektor. Upang higit na maging masaya ang iyong paglalakbay upang maunawaan ang tungkol sa paksang ito, halina’t simulan mo munang maglaro at sagutin ang mga susunod na gawain.Gawain 1: SHAPE’S TEXT BOX Ayusin ang sumusunod na titik na nasa loob ng shape box upang mabuo angsalita o konsepto na tumutukoy sa iba’t ibang gawain o hanapbuhay. Isulat ang iyongsagot sa patlang na nasa ibaba at pagkatapos ay sagutin ang mga pamprosesongtanong. 430
EARLANBDA ATHO ABULT EVNDOR EODRNV ABCEPID REVIDR KLWAIDES NVORDEPamprosesong Tanong: 1. Ano ang pagkakatulad ng mga nabuo mong uri ng hanapbuhay? 2. Alin sa mga salitang ito ang bago o hindi mo ganap na nauunawaan? Bakit? 3. Sa iyong palagay, maituturing ba silang bahagi ng ekonomiya ng bansa? Bakit?Gawain 2: PHOTO-BUCKETDEPED COPYSuriin ang photo-bucket na nasa ibaba at sagutin ang Pamprosesong Tanong: Pinagkunan: http://watwatworldcom.c.presscdn.com/wp-content/uploads/underground-economy.jpg Retrieved on November 7, 2014Pamprosesong Tanong: 1. Patungkol saan ang mga larawan? 2. Saang lugar mo madalas makikita ang mga ganitong sitwasyon? 3. Paano mo maiuugnay ang mga larawang ito sa ekonomiya at pamumuhay ng mga tao? 431
Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pamilihan.Gawain 3: PYRAMID OF KNOWLEDGE CHART Ang gawaing ito ay naglalayong matutukan ang baitang ng inyong kaunlaransa pagkatuto. Sa aspektong ito ay pupunan mo ang pinakaibabang bahagi ngpyramid of knowledge chart upang masukat ang inisyal na kasagutan mo (initial idea)bilang mag-aaral sa katanungang nasa ibaba. Ang gitnang bahagi ay pupunan molamang pagkatapos ng paunlarin at ang pinakaitaas na bahagi ay pupunan molamang pagkatapos ng gawain sa pagnilayan. Iyong ingatan ang iyong pyramid ofknowledge chart, maaari mo itong ilagay sa iyong portfolio o kuwaderno dahil ito ayiyong kakailanganin hanggang sa dulong bahagi ng araling ito. Ano-ano ang dahilan at epekto ngDEPED COPYpag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya? Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa paksang pamilihan at mga estruktura nito, ihanda ang iyong sarili para sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor. PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa paksang-aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaisipan/ kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawaing sadyang inihanda upang maging sanggunian mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa impormal na sektor. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot kung ano ang dahilan at epekto ng pag-iral ng impormal na sektor ng ekonomiya. Halina’t umpisahan mo sa pamamagitan ng unang babasahing nasa susunod na pahina. 432
ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG Sa inilahad na economic development model ni W. Arthur Lewis sinasabingnagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor. Inilarawan niya ito bilanguri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developingcountries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng makabagongsektor ng industriya. Subalit, ang pormal na pagsisimula ng mga ekonomista at iskolarsa paggamit ng konseptong ito ay nagsimula noong 1970’s dahil sa isinagawangpag-aaral ni Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaingpang-ekonomiya ng mga taong naninirahan sa Acrra, Ghana. Ginamit ni Hart angkonseptong ito upang ilarawan ang uri ng hanapbuhay ng mga tao rito. Ito ay sinang-ayunan ng International Labour Organization (ILO) batay sa kanilang isinagawangFirst ILO World Employment Mission sa Kenya, Africa noong 1972. Batay sa resultang kanilang misyon, nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labasng regular na industriya o ng itinatakda ng batas. Kaugnay nito, ang International Labor Organization (ILO) ay gumawa ngresolusyon upang magkaroon ng pandaigdigang batayan sa paglalarawan ng impormalna sektor. Sa isinagawang 15th International Conference of Labor Statisticians noongEnero 19-28, 1993 sa Geneva, Switzerland, ayon sa ILO, ang impormal na sektor aynagtataglay ng malawak na katangian. Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawang pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabahoat magdulot ng kita sa taong lumalahok dito. Ang mga gawain dito ay naisasagawaDEPED COPYdulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital atpamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon. Ang mga kasapi sa pagsasagawang mga gawain sa produksiyon sa ilalim nito ay kadalasang mga kamag-anak omalalapit na kaibigan. Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakdang pamahalaan. Kaugnay nito, noong Abril 2008, nagsagawa ang National Statistics Office(NSO) ng Informal Sector Survey (ISS). Ito ang kauna-unahang pambansang sarbeytungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas. Batay rito, lumabas na mayroong halos10.5 milyong tao ang kabilang sa impormal na sektor. Ang tinatawag na self-employeday humigit-kumulang 9.1 milyong katao at ang mga employers ay nasa 1.3 milyongkatao. Maliban pa rito, sa isinagawang Labor Force Survey (LFS) ng taong ding iyon(Abril 2008), lumabas na mayroong 36.4 milyong tao ang kabilang sa lakas-paggawaat 30% nito ay kabilang sa mga informal sector operator. Sa kabuuang bilang na ito,2/3 ay mga kalalakihan at, kung ibabatay naman sa edad o gulang, ¾ o 75% ay nasa35 gulang pataas. Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng NationalEconomic and Development Authority (NEDA), na pinamagatang “The Informal Sectorand Non-Regular Employment in the Philippines”, sa isang kumperensiya sa Tokyo,Japan noong Disyembre 15-17, 2009, kaniyang binigyang-diing ang impormal nasektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga 433
mamamayan. Ito ay nagdudulot din ng pagkakalikha ng mga produkto at serbisyongtutugon sa ating mga pangangailangan. Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross DomesticProduct (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyomula rito ay nasa 30%. Ito ay mabisang maipapaliwanag gamit ang talahanayan saibaba na mula sa ulat ng Congressional Planning and Budget Department (Houseof Representatives) noong Nobyembre 2008. Ito ay nagsasaad ng Informal SectorsShare in Selected Asian Countries sa loob ng mga taong 2001-2006 ayon sa datos ngBLES NSO 2007. INFORMAL SECTOR SHARE IN GDP IN SELECTED ASIAN COUNTRIES Countries (years) Percent of Percent of Non- Total GDP Agricultural GDP Philippines (1995) 25.4 32.5 Philippines (2001-2006) 20-30 - Korea (1995) 15.9 16.9 Indonesia (1998) 25.2 31.4 Pakistan (1997) 21.2 28.7 India (1990-91) 32.4 48.1 Source: Charmes 2000, BLES, 2007 Samantala, ayon naman sa IBON Foundation, isang non-governmentorganization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, atekonomiko ng bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan laloDEPED COPYna ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ngkabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban padito, inilalarawan din nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapanang siyang nagtutulak sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon. Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer(PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdanng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektorbilang underground economy o hidden economy. Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mganagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor), pedicab driver, karpintero, at mga hindirehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). Kabilang din sasektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng prostitusyon, ilegalna pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng compact disc (CD)at digital video disc (DVD). Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal nasektor: Hindi nakarehistro sa pamahalaan; Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita; Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo. 434
Sa pangkalahatan, hindi lamang sa ating bansa mayroong impormal na sektor.Ito ay nagaganap kahit sa iba pang bansa sa daigdig. Ayon nga kay Hedayet UllahChowdhury, Assistant Professor, Kazakhstan Institute of Management, Economics,and Strategic Research, sa kaniyang papel na nailathala sa Philippine Journal ofDevelopment, ang paglaganap ng impormal na sektor ay isang global phenomenon.Ang pag-iral nito sa iba’t ibang bansa ay kakikitaan lamang ng pagkakaiba-iba nitoayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng operasyon. Gayumpaman, hindimaikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa, partikular nasa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga mamamayan.Gawain 4: PROJECT R.A.I.D. (READ, ANALYZE, INTERPRET, & DRAW) Batay sa tekstong iyong nabasa, sagutin mo ang pamprosesong tanong.Pagkatapos ay punan mo ang tri-linear model chart na nasa ibaba.Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang nais iparating/ipahayag ng teksto? 2. Sumasang-ayon ka ba sa pangkalahatang mensahe o ideya ng teksto? Bakit? 3. Mula sa datos na nakalap mo sa teksto, iguhit at punan mo ng kasagutan sa iyong kuwaderno o papel ang dayagram na nasa ibaba.DEPED COPY TRI-LINEAR MODELGawain 5: WORDS/CONCEPT OF WISDOM! Sabi Nila! Isulat Mo! Layunin ng gawain na ito na mabigyang diin sa pamamagitan ng pagpunansa boxes ang mahahalagang konseptong sinabi ng ilang piling tao o organisasyontungkol sa impormal na sektor mula sa tekstong iyong nabasa. 1 W. ARTHUR LEWIS 2 HEDAYET ULLAH CHOWDHURY 435
3 CLEOFE S. PASTRANA4 INTERNATIONAL LABOR ORGANIZATION (ILO)5 CIELITO HABITO6 IBON FOUNDATION7 HOUSE OF REPRESENTATIVES8 INFORMAL SECTOR SURVEY/ NATIONAL STATISTICS OFFICE (NSO) Matapos mong maunawaan ang konsepto ng impormal na sektor at mga dahilan at epekto ng pag-iral nito sa ekonomiya ng bansa, ngayon naman ay ihanda mo ang iyong sarili upang maunawaan at mapahalagahan mo ang mga patakarang pang-ekonomiyang may kinalaman dito.Dahilan at Epekto ng Impormal na Sektor sa Ekonomiya Maraming mga magkakaugnay na salik ang itinuturong dahilan kung bakitDEPED COPYpatuloynalumalaganapangimpormalnasektorsaiba’tibangbansa.Sapangkalahatan,sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi pantay na pag-unlad ng mgasektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng sapat na hanapbuhay okung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas tungkol sa paggawa ay ilansa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor. Samantala, ayon sa aklat na “Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon” (2012)nina Balitao et al., ang sumusunod ay ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakitpumapasok ang mga mamamayaan sa impormal na sektor: Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan; Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape. Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan; Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at programa ay hindi naipapatupad nang maayos; Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o puhunan; at Mapangibabawan ang matinding kahirapan. Maliban pa rito, ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo saMetro Manila at iba pang malalaking lungsod ay isa ding dahilan kung bakit patuloy nalumalaki ang impormal na sektor. 436
Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektoray nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upangmapaglabanan ang hamon ng kahirapan. Ipinapakita rin nito ang pagiging matataglaban sa mga suliraning pangkabuhayan, gaya ng mataas na presyo ng bilihin,kawalan ng trabaho, maliit na pasahod, at mababang antas ng edukasyon. Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ngsumusunod na epekto sa ekonomiya: Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis mula sa kanilang kinikita o operasyon. Ito ay nangangahulugan ng malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan sa pangongolekta ng buwis. Banta sa kapakanan ng mga mamimili – Dahil ang mga bumubuo sa impormal na sektor ay hindi rehistrado at hindi sumusunod ayon sa itinatalaga ng batas tungkol sa kanilang operasyon, maaaring ang mga produkto o serbisyo ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan. Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Dahil sa kagustuhan na kumita nang mabilisan, ang mga tao ay nauudyok na pumasok sa impormal na sektor na kung minsan ay mga gawaing ilegal o labag sa batas. Halimbawa ng mgaDEPED COPYgawaing labag sa batas ay ang prostitusyon, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at ang pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit na isyu ngayon ay ang pamimirata partikular na ang software piracy. Ayon sa Microsoft Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamay- ari nito (Intellectual Property Rights---IPR).Gawain 6: TEKSTO-SURI Batay sa tekstong iyong binasa, sagutin ang mga pamprosesong tanong nanasa ibaba at punan ang radial cycle.Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang pangkalahatang tema ng teksto? 2. Isa-isahin ang mga inilahad na dahilan kung bakit umiiral o lumalaganap ang impormal na sektor. Isulat ang iyong kasagutan sa radial cycle na nasa ibaba. 437
3. Sa iyong palagay, makatuwiran ba ang mga dahilan kung bakit pumapasok ang isang tao sa loob ng impormal na sektor? Bakit? 4. Gamit ang cycle matrix chart, isa-isahin at ipaliwanag ang mga epekto ngDEPED COPYimpormal na sektor. 438
Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormalna Sektor Ang ilan sa mga batas, programa, at mga patakarang pang-ekonomiya na maykaugnayan sa impormal na sektor ay ang sumusunod: 1. REPUBLIC ACT 8425 Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997. Ito ay nilagdaan noong Disyembre 11, 1997 at pormal na ipinatupad noong Hunyo 3, 1998. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan, pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor. Upang maisakatuparan ang mga probisyon ng batas na ito ay itinatag ang National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa. Maliban pa rito, ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 842,5 ang mga bumubuo sa basic at disadvantaged sectors ng lipunang Pilipino ay ang sumusunod; magsasaka, mangingisda, manggagawa sa pormal na sektor, migrant workers (OFW), kababaihan, senior citizens, kabataan at mga mag-aaralDEPED COPY(15-30 taong gulang), mga bata (minors - 18 taong gulang pababa), urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang kita ay lubhang mababa), mga manggagawa sa impormal na sektor, mga katutubo, mga may kapansanan (differently-abled persons), non-governmental organizations (NGO’s), at mga kooperatiba. 2. REPUBLIC ACT 9710 Ang batas na ito ay nilagdaan noong Agosto 14, 2009 at kinilala bilang Magna Carta of Women. Ayon sa batas na ito, ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN) para sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW). Kumikilala ito sa ambag at kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran. Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay, pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba pang panlipunang aspekto. Ang batas na ito ay malaking tulong 439
sa impormal na sektor sapagkat ayon sa datos na inilabas ng National Statistics Office (NSO), halos kalahati ng mga bumubuo sa sektor na ito ay kababaihan. 3. PRESIDENTIAL DECREE 442 Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code na naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa “espesyal na manggagawa”---kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal na sektor. Batay sa Book 2, Title II of the Labor Code, ito ay may probisyon tungkol sa pagsasanay na dapat ipagkaloob sa mga manggagawa upang mapaghusay pa ang kanilang mga kasanayan. 4. REPUBLIC ACT 7796 Ito ay ang Technical Education and Skills Development Act of 1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994. Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa. Sa ilalim din nito ay itinalaga ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang ahensiya ng pamahalaang itinatagDEPED COPYupang makapagbigay ng edukasyong teknikal. 5. REPUBLIC ACT 8282 Ito ay tinatawag din bilang Social Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa. Higit sa lahat kung sila ay dumanas ng pagkakasakit, kapansanan, panganganak, pagsapit sa katandaan (old age), at kamatayan. Upang maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security System (SSS) bilang ahensiya ng pamahalaan na may tungkulin para itaguyod ang Panseguruhan ng Kapanatagang Panlipunan ng mga Pilipino. Sa pamamagitan ng mga personal na kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring magamit sa oras ng kanilang pangangailangan. 6. REPUBLIC ACT 7875 Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala bilang National Heath Insurance Act of 1995. Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa 440
programang ito na ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at hospitalization program. Maliban pa sa mga nabanggit na batas, may iba pang ipinatutupad para samga partikular na sektor ng manggagawang Pilipino tulad ng Magna Carta for SmallFarmers (R.A. 7607), Magna Carta for Small Enterprises (R.A. 6977), at BarangayMicrobusiness Enterprises Act (R.A. 9178). Samantala, ang sumusunod ay ilan samga programa at proyekto ng pamahalaan para sa mga mamamayan na bumubuo saimpormal na sektor: 1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP) Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay. 2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K) Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang saDEPED COPYmga kasapi gaya ng Self-Employment Kaunlaran Associations (SKA’s). 3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA) Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay. Maliban pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda at kanilang pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing pangkabuhayan na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita. 4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP) Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay ipinatutupad ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit na sitwasyon. 441
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 471
Pages: