Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Ekonomiks (AP) Grade 10

Ekonomiks (AP) Grade 10

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-20 00:10:10

Description: Ekonomiks (AP) Grade 10

Search

Read the Text Version

Paano makatutulong ang kaalaman sa konsepto ng pangangailangan at kagustuhan sa pagbuo ng matalinong pagdedesisyon? FINAL NA KAALAMAN _______________________________ _______________________________ _______________________________ _______________________________ MAHUSAY! Natapos mo na ang iyong mga gawain!DEPED COPYTransisyon sa Susunod na Aralin Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat mayroon ang isang tao para mabuhay, samantalang kagustuhan ang paghahangad ng higit pa sa mga ito. Ang kagustuhan ay maaaring maganap at magdulot ng kaginhawahan sa tao kung pag-iisipan at pag-aaralan ang mga ito. Ang pagkain, damit, at tirahan ay mga batayang pangangailangan sapagkat hindi mabubuhay ang tao kung wala ang mga ito. Ang edad, edukasyon, panlasa, kita, at hanap buhay ng tao ay ilan lamang sa mga salik na nakapagpapabago sa mga pangangailangan. Ayon sa teorya ni Maslow, habang patuloy na natutugunan ng tao ang kanilang pangangailangan ay nagkakaroon siya ng mas mataas na hangarin hanggang matamo niya ang inaasahang kaganapan ng kaniyang pagkatao. Inilahad sa ikatlong aralin ang pagkakaiba ng pangangailangan at kagustuhan at ang kaugnayan nito sa personal na kagustuhan. Ang pangangailangan ay mga bagay na dapat ay mayroon ang tao para mabuhay, at ang kagustuhan ay paghahangad ng mga bagay na higit pa sa batayang pangangailangan. Sa pagbuo ng desisyon sa pagkonsumo, mahalagang isaalang-alang ang pangangailangan batay sa isang herarkiya. Sinuri rin ang mga salik na nakakaapekto sa mga pangangailangan ng tao. 49 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Ang susunod na aralin ay tatalakay sa alokasyon. Ito ang naglalarawan kung paano tinutugunan ng tao ang kaniyang suliranin sa kakapusan. Ang mga suliranin sa pangangailangan at kagustuhan ng tao sa paglipas ng panahon ay nagbabago, ang mga salik na nakakaapekto sa kaniyang desisyon ay nagbabago rin. Wala itong katapusan at masalimuot o kumplikado. Ano kaya ang solusyon para dito? PANIMULA Isang katotohanan na dapat nating tanggapin na walang hanggan ang kagustuhan at pangangailangan ng tao sa harap ng kakapusan ng mga pinagkukunang- yaman. Isa ito sa mga pangunahing dahilan kung bakit pinag-aaralan natin ngayon ang ekonomiks. Ang mekanismo ng pamamahagi ng mga pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Kailangang isaalang-alang natin ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat na ito ay bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagsusuri sa kaugnayanDEPED COPYng alokasyon sa kakapusan, pangangailangan, at kagustuhan, mapahahalagahan ang paggawa ng tamang desisyon upang matugunan ang pangangailangan, at makapagsusuri ng mekanismo ng alokasyon sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya bilang sagot sa kakapusan. ARALIN 4: ALOKASYON ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa alokasyon at kung bakit kailangan ng mekanismo sa alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. 50 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Gawain 1: FOUR PICS ONE WORD Suriin ang apat na larawan upang mabuo ang hinahanap na salita. S QA L K O O NY I A BDEPED COPYPamprosesongTanong: 1. Alin sa mga larawan ang nagturo sa iyo sa tamang sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng salitang nabuo?Gawain 2: SISTEMA IKAMO? Piliin sa mga hanay ng salita sa ibaba ang angkop na kataga sa bawat larawan.Isulat ito sa kahon sa ilalim ng bawat larawan.Tradisyonal na Ekonomiya Mixed EconomyCommand Economy Market Economy 51All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Pamprosesong Tanong: 1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng sagot? 2. Sa iyong palagay, ano ang ibig sabihin ng sistemang pang-ekonomiya? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang entrance at exit slip upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa alokasyon.DEPED COPYGawain 3: ENTRANCEAT EXIT SLIP Punan ng matapat na sagot ang dalawang kahon sa ilalim ng entrance slip. Ang exit slip ay sasagutan lamang pagkatapos ng aralin.ENTRANCE SLIP EXIT SLIPAng alam ko tungkol sa alokasyon Ang natutuhan ko tungkol saay ... alokasyon ay ...Ang palagay ko tungkol sa alokasyonay ... Matapos mong maorganisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol saalokasyon, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higitmong maunawaan nang mas malalim ang konsepto nito. 52 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa alokasyon. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto upang masagot ang katanungan kung bakit kailangan ng mekanismo ng alokasyon ng pinagkukunang-yaman sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya? Halina’t umpisahan mo na muli ang iyong pag-aaral. KAUGNAYAN NG ALOKASYON SA KAKAPUSAN, PANGANGAILANGAN, AT KAGUSTUHAN Itinuturing na pangunahing suliraning pangkabuhayan ang kakapusan. SaDEPED COPYkatunayan, pinag-aaralan ang ekonomiks dahil may kakapusan ang karamihan sa mga pinagkukunang-yaman. Sabi nga ni John Watson Howe, “There isn’t enough to go around.” Ito ang kasabihang sumasalamin sa suliranin ng kakapusan. Ito rin ay naglalahad ng katotohanang limitado ang mga pinagkukunang-yaman kung kaya’t kailangang gumawa ng tamang desisyon kung paano gagamitin nang mahusay ang mga ito at upang matugunan ang nagtutunggaliang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang-yaman, produkto, at serbisyo ay tinatawag na alokasyon. Ang alokasyon ay isang paraan upang maayos na maipamahagi at magamit ang lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa. Ito rin ang paraan upang ang lipunan ay makaagapay sa suliraning dulot ng kakapusan. Kailangang isaalang-alang ang paggamit at paglinang ng lahat ng pinagkukunang-yaman ng bansa upang makamit ng tao ang pinakamataas na antas ng kasiyahan at kapakinabangan mula rito. Nararapat itong bigyang-pansin dahil sa katotohanang may kakapusan ang mga pinagkukunang-yaman. Ang mapanagutang paggamit nito ang titiyak na may magagamit pang pinagkukunang-yaman ang susunod na henerasyon. 53 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang- yaman, dapat itong sumagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Hindi makagagawa ang lipunan ng produktong kailangan ng tao ayon sa dami at uri na gusto ng lahat. Bahagi ito ng suliranin ng kakapusan. Ang desisyon kung anong produkto at serbisyo ang gagawin ay nakasalalay sa pangangailangan ng tao. 2. Paano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Kung paano isasakatuparan ang pagbuo ng produkto at serbisyo ay nakasalalay kung anong input ang gagamitin. Marami ring mga paraan na maaaring gamitin kung papaano isasakatuparan ang produksiyon. Maaaring gumamit ng teknolohiya o tradisyonal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Ang makikinabang sa pagbuo ng produkto o serbisyo ang nagsisilbing motibasyon sa pagpapatuloy ng produksiyon. Ang makikinabang sa produkto o serbisyo ay kung sino ang nangangailangan at may kakayahang makamit ito. Maaaring nasa loob o labas ng bansa ang gagamit ng gagawing produkto at serbisyo. 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Kailangang malaman ang laki ng pangangailangan ng ekonomiya upang makapagdesisyon kung gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo. AngDEPED COPYpotensiyal na makabuo ng produkto at serbisyo ay nakabatay sa gagamiting input. Gawain 4: TANONG AT SAGOT Punan ang kahon sa kaliwa ng apat na pangunahing katanungang pang- ekonomiko batay sa mga ibinigay na halimbawa sa kanang bahagi nito. » Palay, mais, kotse, o computer » Tradisyonal na paraan o paggamit ng teknolohiya » Mamamayan sa loob o labas ng bansa » 500 kilong bigas o 200 metrong tela Ang Sistemang Pang-ekonomiya Ang sistemang pang-ekonomiya ay tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari, at paglinang ng pinagkukunang-yaman at pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan. Mithiin ng bawat sistemang pang-ekonomiya na makaagapay ang lipunan sa mga suliranin ng kakapusan at kung paano episyenteng magagamit ang mga pinagkukunang-yaman ng bansa. 54 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Bawat lipunan ay may sinusunod na sistemang pang-ekonomiya upang matugunan ang mga suliraning nakapaloob sa produksiyon at alokasyon ng mga produkto at serbisyo. Maaalala na ang sistemang pang-ekonomiya ay sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko. Una, ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? Pangalawa, papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? Pangatlo, para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? Panghuli, gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Alokasyon sa Iba’t Ibang Sistemang Pang-ekonomiya Ang sumusunod ay ang iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa daigdig: Tradisyonal na Ekonomiya Ang unang anyo ng sistemang pang-ekonomiya ay ang tradisyonal na ekonomiya. Ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay nakabatay sa tradisyon, kultura, at paniniwala. Ang tanong na ano ang lilikhaing produkto ay hindi mahirap sagutin sapagkat ang pangangailangan ng tao ay umiikot lamang sa pangunahing pangangailangan tulad ng damit, pagkain, at tirahan. Maging ang suliranin kung paano lilikha ng produkto ay simple lamang na tinutugunan dahil ang paraan ng produksiyon ay batay sa sinaunang pamamaraan na itinuro ng matatanda sa pangkat. Sa tradisyonal na ekonomiya, bagama’t walang tiyak naDEPED COPYbatas ukol sa alokasyon, may maliwanag na pagkakaunawa ang mga tao sa paraan nito. Ang anumang produkto na kanilang malilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilang pangangailangan at kung sino ang dapat gumamit. Market Economy Sa market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungang pang- ekonomiko ay ginagabayan ng mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong sistema, ang bawat kalahok – konsyumer at prodyuser, ay kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang. Ang mga nasa lakas-paggawa ay maaaring makapamili ng kanilang nais na papasukang trabaho. Ang pangunahing katanungang pang-ekonomiko ay sinasagot ng puwersa ng pamilihan. Ang market economy ay nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain. Presyo ang pangunahing nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser. Sa kabuuan, ang dami ng produkto na nais ibenta ng mga prodyuser ay may katumbas na dami ng produkto na nais bilhin ng mga mamimili. Sa madaling sabi, presyo ang nagsisilbing pambalanse sa interaksiyon ng konsyumer at prodyuser sa loob ng pamilihan. 55 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Samantala, ang tungkulin naman ng pamahalaan ay ang pagbibigay ng proteksiyon sa kapakanan ng mga pag-aaring pampribado, kabilang ang mga batas na mangangalaga sa karapatan, ari-arian, at kontrata na pinapasukan ng mga pribadong indibidwal. Command Economy Sa command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies). Katunayan, ang pagpapasya sa proseso ng mga gawaing pang-ekonomiya ay sentralisado o nasa kamay ng pamahalaan lamang. Tinutukoy rin ang mga gagamiting pinagkukunang-yaman sa paglikha ng mga kapital. Samantala, madaling nalalaman ang distribusyon ng kita sa lipunan sa pamamagitan ng pagtatakda ng pasahod para sa iba’t ibang uri ng hanapbuhay. Ang kita naman sa mga lupang sakahan ay maaaring matukoy sa pamamagitan ng pagtatakda sa halaga ng mga produktong nagmumula rito. Ang mga patakaran sa command economy ay ipinatupad sa dating Soviet Union. Sa kasalukuyan, nananatiling may ganitong sistemang pang-ekonomiya angDEPED COPYCubaatNorthKorea. Mixed Economy Ang mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng market economy at command economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing pangkabuhayan. Ang salitang mixed economy ay nalikha upang tukuyin ang isang sistemang nabuo at may mga katangian na bunga ng pagsasanib o kombinasyon ng command at market economy. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado. May pribadong pagmamay-ari sa mga salik ng produksiyon, imprastraktura, at mga organisasyon. Ang sistemang mixed economy ay nagpapahintulot din na makagawa ng mga pribadong pagpapasya ang mga kompanya at indibidwal. Gayumpaman, ito ay hindi nangangahulugang ganap na awtonomiya para sa kanila sapagkat ang karamihan sa mga desisyong ito ay ginagabayan ng pamahalaan. Halaw: Balitao, B., Cervantes, M., Nolasco, L., Ong, J., Ponsaran, J., Rillo, J. (2012). Ekonomiks: Mga Konsepto at Aplikasyon. Quezon City: Vibal Publishing House. 56 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Gawain 5: DATA RETRIEVAL CHART Magsaliksik ukol sa mga bansang sumailalim sa mga sistemang pang-ekonomiya na nasa kaliwang bahagi ng tsart. Magbigay ng tatlo hanggang limangbansa at isulat ito sa kanang bahagi ng tsart. SISTEMANG PANG-EKONOMIYA MGA BANSATradisyonal na EkonomiyaMarket EconomyCommand EconomyMixed Economy Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa alokasyon, maaarika nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarilipara sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. PAGNILAYANDEPED COPY Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo, bilang mag- aaral, ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa alokasyon. Kinakailangan ang mas malalim na pagtalakay sa konsepto ng alokasyon upang maihanda ang iyong sarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.Gawain 6: REPLEKSIYON Ngayon ay maaari mo nang itala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyongnatutuhan sa aralin. Ilagay o isulat sa isang buong papel at ipunin sa inyong portfolioang naging kasagutan para mabasa ng guro at mabigyan ng grado. ANG AKING NATUTUHAN SA ARALIN_______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 57All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Gawain 7: DIALOGUE BOX Punan ng tamang sagot ang usapan ng dalawang tauhan sa bawat kahon.AnnoAAgnnnbennntooaarkgggAaobbeeeakdtetnnaarkrkkntAaiaaoskrooogoaanddatymnnnonnanokoiioosdosbgiggnanynymymbmeiataatokoksogarkii?ilaaanynyynymoianatataadaaagnaoaan??nlil?iionnsnagnynngymggnaaaakoiiaiaaany?lnnntaaa?lnngaian PaaPPPnaaaaoeaaanacPinnemglnnaaooaoeeacaoennnomPgccnlmmcoggoaaoomaigaolmnonnmoanmrmrnomoaoklnyoaoiioaallmema?ioeawaarlmmrrnatacklrklrymyamagklawkyoee?a?yrre?ntotaeanrmo?taowwntiawlmaaraklnnyane?rtawanDEPED COPY Sa command Bakit kaya economy, sino ito tinawagang nagpaplano na mixedng ekonomiya? economy? 58All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa usapan ng mga tauhan, anong sistemang pang-ekonomiya ang umiiral sa Pilipinas? 2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong pumili ng sistemang pang-ekonomiya na paiiralin sa ating bansa, anong sistema ang iyong pipiliin? Bakit?Gawain 8: ENTRANCE AT EXIT SLIP Punan ng matapat na sagot ang exit slip. Sa pagkakataong ito ay inaasahangmasasagot mo nang wasto ang gawain.ENTRANCE SLIP EXIT SLIPAng alam ko tungkol sa alokasyon Ang natutuhan ko tungkol saay ... alokasyon ay ...DEPED COPYAng palagay ko tungkol sa alokasyon ay ... Transisyon sa Susunod na Aralin Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng alokasyon sa ilalim ng iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya. Upang matiyak na efficient at maayos ang alokasyon ng mga pinagkukunang-yaman, dapat itong sumasagot sa apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko: 1. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin? 2. Papaano gagawin ang naturang produkto at serbisyo? 3. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo? 4. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo? Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng pagkonsumo. 59All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

PANIMULA Sa araling ito ay mauunawaan mo ang konsepto ng pagkonsumo. Inaasahang masusuri at matataya mo ang iyong mga pamantayan sa pagbuo ng matalinong desisyon tungo sa pagiging matalinong konsyumer. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay makapagpapaliliwanag ng konsepto ng pagkonsumo, makapagsusuri ng mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo, makapagpapamalas ng talino sa pagkonsumo sa pamamagitan ng paggamit ng pamantayan sa pamimili, makapagtatanggol ng mga karapatan, at magagampanan ang mga tungkulin bilang isang mamimili. ARALIN 5 PAGKONSUMO ALAMIN Ang mga gawain sa bahaging ito ay lilinang sa iyong kaalaman tungkol sa alokasyon at kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatagDEPED COPYnaekonomiya. Gawain 1: PAGBILHAN PO! Ipagpalagay na mayroon kang Php500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t ibang pagkain. Alin sa mga pagkain sa ibaba ang iyong bibilhin? 60 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Pamprosesong Tanong: 1. Ano-anong mga pagkain ang iyong bibilhin? 2. Ano ang iyong naging batayan sa pinili mong pagkain? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang dayagram upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa pagkonsumo. Gawain 2: WQF DIAGRAM Bigyang-pansin ang paksa sa pagbuo ng WQF Diagram na makikita sa ibaba. Itala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong Q (questions), bumuo ng tatlo hanggang limang tanong na nais mong masagot tungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts) isulat ang iyong mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. Sasagutan lamang ang bahaging F (facts) pagkatapos ng aralin. Lahat ng kasagutan ay tatanggapin ng iyong guro at hahayaan kayong magbigay ng sariling kaalaman tungkol sa paksa. Iwawasto ang iyong mga kasagutan sa huling bahagi ng aralin, ang PAGNILAYAN.DEPED COPYPAGKONSUMO WQ F_______________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ _______________ Matapos mong maisaayos ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa pagkonsumo, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang higit mong maunawaan ang konsepto ng pagkonsumo. 61All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

PAUNLARIN Matapos mong malaman ang mga paunang impormasyon tungkol sa aralin, ngayon naman ay iyong lilinangin ang mga kaalamang ito sa tulong ng mga teksto at mga gawain na inihanda upang maging batayan mo ng impormasyon. Ang pinakatiyak na layunin ng bahaging ito ay matutuhan mo bilang mag-aaral ang mahahalagang ideya o konsepto tungkol sa pagkonsumo. Inaasahang magagabayan ka ng mga inihandang gawain at teksto na masagot kung bakit mahalagang maitaguyod ang mga karapatan at magampanan ang katungkulan ng bawat konsyumer tungo sa isang matatag na ekonomiya. KAHULUGAN NG PAGKONSUMO Sinasabing ang lahat ng tao ay konsyumer. Ang pagkonsumo ay bahagi ng buhay ng tao simula nang kaniyang pagsilang sa mundo. Simula sa gatas, gamot, bitamina, lampin, bakuna, at marami pang iba ay mga bagay na kaniyang kinokonsumo.DEPED COPYHabang patuloy na nabubuhay ang tao ay patuloy pa rin siya sa pagkonsumo. Ang pagbili ng produkto at serbisyo ay nangangahulugan ng pagtatamo sa kapakinabangan mula rito bilang tugon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao. Ang napakaraming pangangailangan at kagustuhan ng tao ang dahilan kung bakit may pagkonsumo. Ayon nga kay Adam Smith sa kaniyang aklat na “An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations,” ang pangunahing layunin ng produksiyon ay ang pagkonsumo ng mga tao. Mga Salik na Nakakaapekto sa Pagkonsumo May iba’t ibang salik na nakaaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Ang pagkakaiba-iba ng kanilang katangian ang dahilan kung bakit nagkakaiba-iba ang paraan at dahilan ng kanilang pagkonsumo. Sa ibaba ay mababasa ang ilan sa mga salik na nakakaapekto sa pagkonsumo ng isang tao. Pagbabago ng Presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang binibili kung mataas ang presyo nito. 62 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Kita - nagdidikta sa paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes, isang ekonomistang British, sa kaniyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money” na inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kaniyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya, habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang kumonsumo. Kaya naman, mapapansin na mas maraming pinamimili ang mga taong may malalaking kita kung ihahambing sa mga taong may mababang kita lamang. Mga Inaasahan - ang mga inaasahang mangyayari sa hinaharap ay nakaaapekto sa pagkonsumo sa kasalukuyan. Halimbawa, kung inaasahan ng mga tao na magkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto dahil sa kalamidad, tataas ang pagkonsumo nito sa kasalukuyang panahon bilang paghahanda sa pangangailangan sa hinaharap. Gayundin naman kapag may banta ng kaguluhan sa isang lugar o may inaasahang pagkakagastusan sa hinaharap. Ang mga tao ay pinipilit na huwag munang gastusin ang salapi at binabawasan ang pagkonsumo upang mapaghandaan ang mangyayari sa mga susunod na araw o panahon. Kung positibo o maganda naman ang pananaw sa hinaharap, maaga pa sa inaasahan ay tumataas na ang pagkonsumo kahit hindi pa natatanggap ang inaasahang salapi tulad ng pagtanggap ng bonus at iba pang insentibo. Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ayDEPED COPYmagdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang. Demonstration Effect – madaling maimpluwensiyahan ang tao ng mga anunsiyo sa radyo, telebisyon, pahayagan, at maging sa internet at iba pang social media. Ginagaya ng mga tao ang kanilang nakikita, naririnig, at napapanood sa iba’t ibang uri ng media kaya naman tumataas ang pagkonsumo dahil sa nasabing salik. Ang mga taong hindi naman naiimpluwensiyahan ng nabanggit ay may mababang pagkonsumo lalo na sa mga bagay na uso at napapanahon lamang. Ang Matalinong Mamimili Bahagi na ng buhay ng tao bilang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng mga produkto at serbisyo, ano-ano ang isinasaalang-alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Binibigyan mo ba ng pansin ang kapakinabangan at kasiyahang nakakamit mo sa pagbili ng mga produkto at serbisyo? Anuman ang iyong dahilan sa pagbili ng mga produkto o serbisyo, kailangan mong isaalang-alang ang value for money. Basahin mo ang teksto upang magkaroon ka ng gabay at sapat na kaalaman upang maging matalino sa pamimili. 63 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Mga Pamantayan sa Pamimili Nais ng lahat na maging matalinong mamimili dahil ibig sabihin nito ay nasusulit natin ang bawat sentimong ating ginagastos para sa bawat produkto. Ang sumusunod ay ilan sa mga pamantayan sa pamimili: 1. Mapanuri Sinusuri ang produktong bibilhin. Tinitingnan ang sangkap, presyo, timbang, pagkakagawa, at iba pa. Kung may pagkakataon pa, inihahambing ang mga produkto sa isa’t isa upang makapagdesisyon nang mas mabuti at mapili ang produktong sulit sa ibabayad. 2. May Alternatibo o Pamalit May mga panahon na walang sapat na pera ang mamimili upang bilhin ang produktong dati nang binibili. Maaari ding nagbago na ang kalidad ng produktong dati nang binibili. Ang matalinong pamimili, sa ganitong pagkakataon, ay marunong humanap ng pamalit o panghalili na makatutugon din sa pangangailangang tinutugunan ng produktong dating binibili. 3. Hindi NagpapadayaDEPED COPYMay mga pagkakataon na ang mamimili ay mapapatapat sa isang tindero o tinderang may hindi magandang hangarin. Ang matalinong mamimili ay laging handa, alerto, at mapagmasid sa mga maling gawain lalo na sa pagsusukli at paggamit ng timbangan. 4. Makatwiran Lahat ng konsyumer ay nakararanas ng kakulangan sa salapi o limitadong badyet. Kaya sa pagpili ng isang produkto ay isinasaalang-alang ang presyo at kalidad nito. Isinasaisip din ang kasiyahan na matatamo sa pagbili at paggamit ng produkto pati na rin kung gaano katindi ang pangangailangan dito. Makatwiran ang konsyumer kapag inuuna ang mga bagay na mahalaga kompara sa mga luho lamang. 5. Sumusunod sa Badyet Ito ay kaugnay ng pagiging makatwiran ng matalinong konsyumer. Tinitimbang niya ang mga bagay-bagay ayon sa kaniyang badyet. Hindi siya nagpapadala sa popularidad ng produkto na may mataas na presyo upang matiyak na magiging sapat ang kaniyang salapi sa kaniyang mga pangangailangan. 64 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

6. Hindi Nagpapanic-buying Ang artipisyal na kakulangan na bunga ng pagtatago ng mga produkto (hoarding) ng mga nagtitinda upang mapataas ang presyo ay hindi ikinababahala ng isang matalinong konsyumer dahil alam niyang ang pagpapanic-buying ay lalo lamang magpapalala ng sitwasyon. 7. Hindi Nagpapadala sa Anunsiyo Ang pag-endorso ng produkto ng mga artista ay hindi nakapagpapabago sa pagkonsumo ng isang matalinong konsyumer. Ang kalidad ng produkto ang tinitingnan at hindi ang paraan ng pag-aanunsiyo na ginamit. Batas na Nangangalaga sa Kapakanan ng mga Mamimili Nakatakda sa Republic Act 7394 (Consumer Act of the Philippines) ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksiyon at nangangalaga sa interes ng mga mamimili. Isinusulong din ng batas na ito ang kagalingang dapat makamit ng lahat ng mamimili. Itinatadhana ng batas na ito ang mga pamantayang dapat sundin sa pagsasagawa at operasyon ng mga negosyo at industriya. Ang sumusunod ang binibigyang-pansin ng batas na ito:DEPED COPYa. Kaligtasan at proteksiyon ng mga mamimili laban sa panganib sa kalusugan at kaligtasan. b. Proteksiyon laban sa mapanlinlang at hindi makatarungang gawaing may kaugnayan sa operasyon ng mga negosyo at industriya. c. Pagkakataong madinig ang reklamo at hinaing ng mga mamimili. d. Representasyon ng kinatawan ng mga samahan ng mamimili sa pagbalangkas at pagbuo ng mga patakarang pangkabuhayan at panlipunan. WALONG KARAPATAN NG MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa pamilihan. 1. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay. 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

2. Karapatan sa Kaligtasan May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan. 3. Karapatan sa Patalastasan May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba. 4. Karapatang Pumili May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila. 5. Karapatang Dinggin May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ngDEPED COPYpamahalaan. 6. Karapatang Bayaran at Tumbasan sa Ano mang Kapinsalaan May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay sa pagkakamali, kapabayaan o masamang hangarin. Dapat na magkaroon ka ng walang bayad na tulong sa pagtatanggol sa hukuman o nang pag-aayos sa paghahabol. 7. Karapatan sa Pagtuturo Tungkol sa Pagiging Matalinong Mamimili May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili. 8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at kinabukasan ng ating saling lahi. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin ng limang pananagutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga pananagutang binabanggit: 1. Mapanuring Kamalayan - ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. 2. Pagkilos - ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal. 3. Pagmamalasakit na Panlipunan - ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa ibang mamamayan, lalong- lalo na ang pangkat ng maliliit o walang kapangyarihan, maging ito ay sa lokal, pambansa, o pandaigdig na komunidad. 4. Kamalayan sa Kapaligiran - ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na kayamanan para sa ating kinabukasan. 5. Pagkakaisa - ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroonDEPED COPYng lakas at kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan. CONSUMER PROTECTION AGENCIES Ang sumusunod ay mga ahensiya ng pamahalaan na tumutulong upang maisulong ang kapakanan ng mga mamimili: Bureau of Food and Drugs (BFAD) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng gamot, pagkain, pabango, at make-up. City/Provincial/MunicipalTreasurer - hinggil sa timbang at sukat, madayang (tampered) timbangan at mapanlinlang na pagsukat. Department of Trade and Industry (DTI) - hinggil sa paglabag sa batas ng kalakalan at industriya-maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal. Energy Regulatory Commission (ERC) - reklamo laban sa pagbebenta ng di- wastong sukat o timbang ng mga gasolinahan at mga mangangalakal ng “Liquified Petroleum Gas.” Environmental Management Bureau (DENR-EMB) - namamahala sa pangangalaga sa kapaligiran (polusyon-halimbawa ay pagsalaula sa hangin at tubig). 67 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Fertilizer and Pesticide Authority (FPA) - hinggil sa hinaluan/pinagbabawal/maling etiketa ng pamatay-insekto at pamatay-salot.Housing & Land Use Regulatory Board (HLURB) - nangangalaga sa mga bumibili ng bahay at lupa pati na rin ang mga subdibisyon.Insurance Commission - hinggil sa hindi pagbabayad ng kabayaran ng seguroPhilippine Overseas Employment Administration (POEA) - reklamo laban sa illegal recruitment activities.Professional Regulatory Commission (PRC) - hinggil sa mga hindi matapat na pagsasagawa ng propesyon kabilang na ang mga accountant, doctor, engineer, atbp.Securities & Exchange Commission (SEC) - hinggil sa paglabag sa binagong Securities Act tulad ng pyramiding na gawain.Halaw mula sa Leaflet ng Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) at Bureau of Trade Regulationand Consumer ProtectionGawain 3: WQF DIAGRAM Ngayon ay muli nating sasagutan ang WQF Diagram na nasa ibaba. Itala sa kahong W (words) ang mga salitang may kaugnayan sa pagkonsumo. Sa kahong Q (questions), ay muling bumuo ng tatlo hanggang limang tanong na nais mong masagotDEPED COPYtungkol sa pagkonsumo. Sa bilog na F (facts), isulat ang iyong mga bagong natutuhan tungkol sa paksa. PAGKONSUMOWQ F_______________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ _______________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ ______________________________ _______________ Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa pagkonsumo,maaari ka nang pumunta sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang mgaiyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konseptong ito. 68 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

PAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin ay palalawakin at pagtitibayin mo bilang mag-aaral ang mga nabuo mong kaalaman ukol sa pagkonsumo. Kinakailanganang mas malalim na pagtalakay sa pagkonsumo upang maihanda ang iyongsarili sa pagsasabuhay ng iyong mga natutuhan.Gawain 4: MATALINO AKONG KONSYUMER Ngayong alam mo na ang mga katangian ng isang matalinong konsyumer,suriin mo naman ang iyong sarili bilang isang konsyumer. Mahalagang sagutin mosa susunod na pahina ang tsart ng buong katapatan upang magsilbi itong gabay sapagpapaunlad ng iyong katangian bilang konsyumer.Markahan ang iyong sarili bilang konsyumer. Lagyan ng tsek () ang bawatpamilang:DEPED1 – napakatalino COPY3 – di-gaanong matalino 2 – matalino 4 – mahina 1. Madaling maniwala sa anunsiyo 43 2. Mapagmasid 213. Alam kung ano ang gagawin sa oras na makabili ng depektibong produkto4. Mahilig tumawad5. Matipid6. Alam ang karapatan at pananagutan7. May listahan ng bibilhin8. Mabilis magdesisyon9. Sumusunod sa badyet10. Mahilig sa mura ngunit de kalidad na bilihinHalaw mula sa Department of Education, Culture and Sports (DECS). (n.d.) Project EASE: Araling Panlipunan IV. DECS. Pasig City.Pamprosesong Tanong:1. Kung may mga sagot kang 3 at 4 sa tsart sa bawat isang katangian, ano-ano ang mga dapat mong gawin upang mabago ang mga katangiang ito?2. Kung may mga sagot kang 1 at 2 sa tsart, ano ang epekto sa iyo ng mga katangian mong iyon? Bakit? 69All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

Gawain 5: LIGHTS, CAMERA, ACTION! Gumawa ng dula-dulaan na magpapakita ng sumusunod na tema: (Maaaringang gawaing ito ay pauna nang ibinigay ng inyong guro upang mapaghandaan angdula-dulaan). Unang Pangkat – Katangian ng Matalinong Mamimili Ikalawang Pangkat – Mga Karapatan ng Mamimili Ikatlong Pangkat – Mga Tungkulin ng MamimiliGagamitin ang rubrik sa ibaba sa pagbibigay ng marka sa dula-dulaan:Iskrip Maayos at malinaw ang 5 puntos pagkakasunod-sunod ng mga ideya (pinakamataas)Presentation Nagpapakita ng pagkamalikhain 5 puntos(Pagpapalabas) (pinakamataas)Characters Makatotohanang pagganap 5 puntos(Tauhan) (pinakamataas)Theme May kaisahan at organisado ang diwa 5 puntos(Paksa) (pinakamataas) RelevanceDEPED COPY(Kaangkupan) Maaaring gamitin ang sitwasyon sa 5 puntos pang-araw-araw na pamumuhay. (pinakamataas)Pamprosesong Tanong:Para sa unang pangkat: • Ano-anong katangian ng matalinong konsyumer ang ipinakita ng unang pangkat? • Bakit kailangang magtanong-tanong muna ng presyo at lugar kung saan dapat mamili ng mga produkto o serbisyo?Para sa ikalawang pangkat: • Ano-anong karapatan ng mga konsyumer ang ipinakita ng ikalawang pangkat? • Bakit kailangang malaman natin ang ating mga karapatan bilang mga konsyumer? • Ano sa tingin mo ang karapatan ng konsyumer ang madalas na hindi napapahalagahan? Magbigay ng mga sitwasyon.Para sa ikatlong pangkat: • Ano-ano ang tungkulin ng konsyumer ang ipinakita ng pangatlong pangkat? • Ano-ano ang kahalagahan ng paghingi ng resibo sa mga produkto at serbisyong binili? 70 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

• Bakit kailangang umiwas sa pagbili ng mga produktong hindi kumpleto ang label na nakasulat sa pakete, halimbawa manufacturer, expiry date, at ingredients?Gawain 6: KARAPATAN MO, IPAGLABAN MO! Ipagpalagay na ikaw ay nakabili o nakagamit ng produkto o serbisyo nabinabanggit sa ibaba. Gumawa ng kaukulang letter of complaint na ipararating sakinauukulang ahensiya ng pamahalaan. Mamili lang ng isang sitwasyon. 1. Depektibong cellphone 2. Lip balm na naging sanhi ng pamamaga ng iyong labi 3. Double dead na karne ng manok 4. Maling timbang ng asukal 5. Serbisyong hair rebonding na naging sanhi ng pagkasunog ng iyong buhok Gawain 7: BABALIK KA RIN Ngayon ay maaari mo nang balikan ang unang gawain sa aralin upang maitala ang lahat ng bagay at impormasyon na iyong natutuhan. Ilagay o isulat ito sa isang buong papel at ipunin sa iyong portfolio ang naging kasagutan para mabasa ng guro atDEPED COPYmabigyannggrado.Mga paksang Mga paksangmalinaw na kailangan pa ngnatutuhan karagdagang paliwanag Transisyon sa Susunod na Aralin Binigyang-diin sa araling ito ang konsepto ng pagkonsumo kabilang ang mga karapatan at pananagutan ng isang konsyumer. Upang maitaguyod ang kagalingan ng mga konsyumer, ang pamahalaan ay nagtatag ng mga ahensiya na tutulong at gagabay para isulong ang kanilang kapakanan. Ang susunod na aralin ay tatalakay sa konsepto ng produksiyon. 71All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying without written permission from the DepEd Central Office.

DEYPuEDniCt OIIPY 101

DEPED COPY 102

PANIMULA AT MGA GABAY NA TANONG Ang pag-aaral ng Ekonomiks ay nahahati sa dalawang pangunahing sangay:ang microeconomics (microeconomics) at makroekonomiks (macroeconomics).Layunin ng mga ito na maunawaan ang ekonomiks sa pamamagitan ng maliit (micro)at malawak (macro) na dimensiyon ng ekonomiya. Kung kaya’t ang pag-aaral nitoay lubhang mahalaga para sa atin sapagkat ang anumang pagbabago sa galaw ngekonomiya, maging sa usaping lokal o internasyonal man, ay may malaking epekto saatin bilang mga tao na may pangangailangang dapat matugunan. Kaugnay ng pagtugon sa ating pangangailangan, naitanong mo na ba sa iyongsarili kung paano mo ito maisasakatuparan? Saan ka makakakuha ng mga ito? Sapuntong ito, malaking usapin ang apat na pangunahing katanungang pang-ekonomiko:1) Ano-ano ang produktong ipoprodyus? 2) Gaano karami ang ipoprodyus? 3) Paanoito ipoprodyus? at 4) Para kanino ito ipoprodyus?. Ang mga katanungang pang-ekonomikong ito ang siyang pinagmumulan kung bakit ang konsepto ng demand atsupply sa ekonomiks ay nagaganap at ang mabisang mekanismo para maunawaanDEPED COPYang takbo nito ay ang interaksiyon ng mga ito sa pamamagitan ng pamilihan. Ang pangunahing pokus ng modyul na ito ay ang ugnayan at interaksiyon ngdemand at supply, elastisidad, at pamilihan at iba’t ibang estruktura nito, at ang ug-nayan ng pamilihan at pamahalaan. Dahil dito, ikaw bilang bahagi ng pambansangekonomiya ay mahalagang masuri at matuklasan mo kung paano naaapektuhan angpangangailangan at kagustuhan ng sambahayan at bahay-kalakal tungo sa pagtamong pambansang kaunlaran. PAMANTAYAN SA PAGKATUTOPamantayang Pangnilalaman Pamantayan sa PagganapNaipamamalas ng mag-aaral Ang mga mag-aaral ay kritikalang pag-unawa sa mga pangunahing na nakapagsusuri sa mga pangunahingkaalaman sa ugnayan ng puwersa kaalaman sa ugnayan ng puwersang demand, supply, at sistema ng ng demand, supply, at sistema ngpamilihan bilang batayan sa matalinong pamilihan bilang batayan sa matalinongpagdedesisyon ng konsyumer at pagdedesisyon ng konsyumer at bahay-bahay-kalakal tungo sa pagtamo ng kalakal tungo sa pagtamo ng pambansangpambansang kaunlaran. kaunlaran.Sa araling ito, inaasahan na matutuhan mo ang sumusunod:ARALIN 1: » Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-DEMAND araw na pamumuhay ng bawat pamilya » Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa demand » Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga pagbabago ng salik na nakaaapekto sa demand 103

ARALIN 2: » Naiuugnay ang tugon ng mga mamimili sa pabago- ELASTISIDAD NG bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa DEMAND (PRICE konsepto ng price elasticity of demand ELASTICITY OF » Naiisa-iisa at nasusuri ang iba’t ibang uri ng elastisidad DEMAND) ng demand ARALIN 3: » Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa supply SUPPLY AT » Matalinong nakapagpapasya sa pagtugon sa mga ELASTIDIDAD NG pagbabago ng salik na nakaaapekto sa supply SUPPLY » Naiuugnay ang tugon ng mga mamimili sa pabago-(PRICE ELASTICITY bagong presyo ng mga produkto at serbisyo batay sa OF SUPPLY) konsepto ng price elasticity of supply » Naiisa-iisa at nasusuri ang iba’t ibang uri ng elastisidad ng supply » Naipaliliwanag ang interaksiyon ng demand at supply ARALIN 4: INTERAKSIYONNG DEMAND ATDEPED COPYSUPPLY sa kalagayan ng presyo at ng pamilihan » Nasusuri ang mga epekto ng shortage at surplus sa presyo at dami ng kalakal at paglilingkod sa pamilihan » Naimumungkahi ang paraan ng pagtugon/kalutasan sa mga suliraning dulot ng kakulangan at kalabisan ARALIN 5: » Naipaliliwanag ang kahulugan ng pamilihanANG PAMILIHAN AT » Napahahalagahan ang bahaging ginagampananMGA ESTRUKTURA ng pamilihan sa pagtugon sa pang-araw-araw na NITO pangangailangan ng mga tao » Nauunawaan ang konsepto ng estruktura ng pamilihan » Nasusuri ang iba’t ibang estruktura/sistema ng pamilihan na tumutugon sa maraming pangangailangan ng mga tao ARALIN 6: » Napapangatwiranan ang kinakailangang pakikialamUGNAYAN NG at regulasyon ng pamahalaan sa mga gawaingPAMILIHAN AT pangkabuhayan sa iba’t ibang estruktura ng pamilihanPAMAHALAAN upang matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan 104

GRAPIKONG PANTULONG SA ARALIN MAYKROEKONOMIKSSAMBAHAYAN BAHAY-KALAKAL PAMILIHANDEPED COPYDEMAND SUPPLY IBA’T IBANG ESTRUKTURAINTERAKSIYON NG DEMAND AT SUPPLY PAUNANG PAGTATAYABasahin at unawain ang sumusunod na pahayag/katanungan. Bilugan ang titik ngtamang sagot. (K) 1. Isa sa mahalagang elemento na sinusuri sa pag-aaral ng microeconomics ay ang konsepto ng demand na idinidikta o nagmumula sa mga konsyumer. Alin sa sumusunod ang tamang pagpapakahulugan sa konsepto ng demand? A. Ito ay tumutukoy sa mga produktong kahalili ng mga pangangailangan ng isang konsyumer. B. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa (willing) at kayang (able) bilhin ng mga konsyumer sa iba’t ibang halaga o presyo. C. Ito ay tumutukoy sa kabuuang dami ng produkto na mabibili sa bawat presyo kung ang konsyumer ay makakabili ng lahat ng kanilang pangangailangan. D. Ito ay tumutukoy sa dami ng produkto na handa at kayang bilhin ng prodyuser sa iba’t ibang presyo. 105

(P) 2. Ayon sa batas ng demand, alin sa sumusunod na pahayag ang malinaw na magpapaliwanag ng graph tungkol sa ugnayan ng presyo at demand ng mga konsyumer? PRESYO 21 DAMI 24 A. Kaunti ang mabibili ng mga konsyumer kapag mataas ang presyo B. Maraming mabibili ang mga konsyumer kapag mataas ang presyo C. Habang tumataas ang presyo, bumababa ang demand ng mga konsyumer D. Habang tumataas ang presyo, tumataas ang demand ng mga konsyumer (U) 3. Kapag ang kurba ng demand ay gumagalaw mula itaas, pababa, at pakananDEPED COPYo downward sloping, ito ay nagpapahiwatig ng ___________________. A. walang kaugnayan ang demand sa presyo B. hindi nagbabago ang presyo ayon sa demand C. negatibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand D. positibong ugnayan ng presyo sa dami ng demand (U) 4. Ang ganap na di-elastikong demand ay mayroong coefficient na zero. Ibig sabihin walang nagaganap na pagtugon ang quantity demand kahit pa tumaas ang presyo. Ano ang ipinapahiwatig nito? A. may mga produkto tayong madaling hanapan ng pamalit kaya kahit tumaas ang presyo nito makabibili pa rin tayo ng alternatibo para dito. B. kapag ang produkto ay labis na tumaas ang presyo at hindi naman masyadong kailangan maaari ng ipagpaliban muna ang pagbili nito. C. may mga produkto na kahit mataas ang presyo ay kailangan mong bilhin sapagkat wala itong pamalit. D. may mga produktong walang epekto sa atin kahit hindi natin ito bilhin. (U) 5. Si Juanito ay nakagawian ng bumili ng bananacue tuwing recess. Nang minsang tumaas ng tatlong piso ang paborito niyang bananacue, hindi na muna siya bumili at sa halip ay naghanap na lamang ng ibang mabibili sa canteen. Ano ang ipinahihiwatig ng demand ni Juanito para sa bananacue? A. ang demand sa bananacue ay hindi-elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue. B. ang demand sa bananacue ay elastiko sapagkat si Juanito ay tumugon ng malaki sa pamamagitan ng pagbabawas ng demand para sa bananacue. 106

C. ang demand sa bananacue ay unitary sapagkat ang dami ng ibabawas na demand sa bananacue ay kasing dami ng demand sa pamalit na bananacue ni Juanito. D. ang demand sa bananacue ay ganap na hindi-elastiko dahil hindi makakatagal si Juanito na hindi kumain ng bananacue sa loob ng isang linggo.(K) 6. Sa ekonomiks, pinag-aaralan kung paano matutugunan ang walang katapusang pangangailangan ng tao. Ang gawaing ito ay tungkulin ng prodyuser. Ano ang tawag sa dami ng produkto na handa at kayang ipagbili ng mga prodyuser? A. demand C. produksiyon B. ekwilibriyo D. supply(P) 7. May patahian si Aling Noemi ng mga kumot at punda ng unan sa Cagayan De Oro. Noon ay nakagagawa lamang siya ng 5 pirasong kumot at 10 pirasong punda ng unan sa isang araw. Ngunit nang gumamit siya ng hi-speed sewing machine ay halos magtriple ang kaniyang produksiyon kaya ibinaba niya angDEPED COPYpresyo. Piliin ang grapikong paglalarawan sa pagbabagong ito? A. C. B. D.(U) 8. Upang masabing supply, kailangang may kagustuhan at kakayahan na ipagbili ng prodyuser ang isang uri ng produkto. Halimbawa, may 30,000 lata ng sardinas ang kailangan sa pamilihan. Ayon sa datos, mayroong 10 kompanya ng sardinas ngunit sa bilang na ito, 6 lamang ang nais gumawa ng kabuuang 20,000 lata ng sardinas kung ipagbibili ito sa presyong Php10.00. Batay sa pahayag, ilan ang maitatalang supply ng sardinas? A. 6 C. 20,000 B. 10 D. 30,000(K) 9. Malaki ang papel ng pamahalaan upang mapanatili ang katatatagan ng presyo sa pamilihan. Alin sa sumusunod ang nagpapaliwanag nito? A. Panghuhuli sa illegal vendors na nagkalat sa paligid B. Pagtatakda ng price ceiling at floor price upang magkaroon ng gabay 107

sa presyo ng mga bilihinC. Pagtataguyod ng mga batas sa pangangalaga sa karapatan ng mga konsyumerD. Patuloy na panghihikayat sa mga maliliit na negosyante na palawakin pa ang negosyo(K) 10. Kung ang presyo ng isang pangunahing produkto ay labis na mataas at hindina makatarungan para sa mga konsyumer dahil sa mapang-abusong gawi ngmga may-ari ng prodyuser, gumagawa ng hakbang ang pamahalaan upangmatugunan ito. Nakikialam ang pamahalaan sa pagpepresyo sa pamilihan.Ano ang tawag sa patakaran ng pagtatakda ng pinakamataas na presyo ngmga produkto o serbisyo? C. market clearing price A. price ceiling D. price support B. floor prices (P) 11. Ang presyong mababa sa ekwilibriyo ay ipinatupad ng pamahalaan upang mabigyang-proteksiyon ang mga mamimili. Ano ang magiging epekto sa pamilihan kung ang pamahalaan ay magpapatupad ng price ceiling na Php1?DEPED COPYGamitin ang graph sa ibaba upang masagutan ang katanungan. A. Sa pagpapatupad ng price ceiling, ang pamilihan ay makararanas ng ekwilibriyo B. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekwilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng shortage na 12 yunit ng produkto C. Ang pagpapatupad ng price ceiling ay makapagdudulot ng disekilibriyo sa pamilihan. Ito ay lilikha ng surplus na 6 na yunit ng produkto D. Walang mangyayaring shortage at surplus sa pamilihan sapagkat mabisa ang polisiya ng pamahalaan.(P) 12. Ano ang nais ipakita ng tsart sa ibaba para sa konsyumer at prodyuser sa pagtatakda ng price control/price support ng pamahalaan? Nais ng pamahalaan na 108

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY (DTI) PAMILIHANPRICE CONTROL PRICE SUPPORTKONSYUMER MALIIT NA PRODYUSER AT MAGSASAKA A. kontrolin ang presyo ng mga bilihin sa pamilihan B. maipakita ng pamahalaan ang kanilang pagtupad sa tungkulin C. matamo ang layunin ng ekwilibriyo D. tulungan ang konsyumer at maliit na prodyuser(U) 13. Nagaganap ang ekwilibriyo sa pamilihan kapag sa iisang presyo pantay angDEPED COPYdami ng quantity demand sa quantity supply. Sa kalagayang ito, ano ang implikasyon ng pagkakaroon ng ekwilibriyo sa pamilihan? A. Sa presyong ekwilibriyo, parehong masaya ang konsyumer at prodyuser sapagkat ang dami ng nais bilhin ng mga konsyumer ay kasindami ng nais ibenta ng mga prodyuser. B. Sa presyong ito, may labis na supply sapagkat maaaring magtaas ng presyo ang mga prodyuser upang tumaas ang kita. C. Sa presyong ito, parehong nasiyahan ang konsyumer at prodyuser sapagkat tumaas man ang presyo, kaunti na lamang ang bibilhin ng mga konsyumer. D. Sa presyong ito, hindi masaya ang konsyumer dahil ang labis na demand ay hindi napupunan ng labis na supply.(U) 14. Alin ang nagpapaliwanag kung bakit mahal ang bulaklak na rosas sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso? A. Dahil sa okasyon, tumataas ang demand ng mga konsyumer sa rosas kaya lumilipat ang kurba ng demand sa kanan na nagreresulta sa pagtaas ng presyo nito. B. Dahil sa tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, nagkakasundo na ang mga konsyumer at prodyuser na itaas ang presyo sapagkat pareho naman silang nakikinabang dito. C. Tanggap ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng rosas tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso sapagkat hindi matatawaran ang kasiyahang natatamo ng mga konsyumer sa pagbibigay ng rosas sa kanilang mga mahal sa buhay. D. Tuwing sasapit ang Araw ng mga Puso, itinatago ng mga prodyuser ang panindang bulaklak upang lalong tumaas ang presyo nito. 109

(K) 15. Lahat tayo ay kinikilala bilang mga konsyumer na may mga pangangailangansubalit hindi lahat ay may kakayahang maging prodyuser o gumawa ng mgaprodukto o serbisyo na tutugon sa ating mga pangangailangan. Ano angtawag sa lugar kung saan ang mga konsyumer at prodyuser ay nagtatagpoat nagkakaroon ng palitan sa pamamagitan ng itinakdang presyo ng mgaprodukto? C. talipapa A. department store B. pamilihan D. tiangge(P) 16. Alin sa sumusunod na larawan ang industriyang hindi kabilang sa estrukturangoligopolyo?A. B. C. D.Pinagkunan: http://3.bp.blogspot.com/-sKmZsEUVBLI/UoLK7dyZI3I/AAAAAAAAJ88/FxkWDVS2f_8/s1600/telcoph+logo.pngRetrieved on: November 7, 2014 http://4.bp.blogspot.com/-xEQmgJXTrRw/Uml0-KcEoII/AAAAAAAAAAw/pxoQqzcIxUs/s1600/Shell-DEPED COPYLogo.jpg Retrieved on November 7, 2014; http://2.bp.blogspot.com/-S-wo-MsJijQ/T8kX87eYv3I/AAAAAAAAACo/Yv_hI-kHjeg/s1600/LunaJ_caltex.jpg Retrieved on November 7, 2014 http://bigbasket.com/media/uploads/p/l/161754_1-tide-plus-detergent-powder.jpgRetrieved on November 7, 2014• Para sa bilang 17 suriin ang sumusunod na larawan.Pinagkunan: http://m.abante-tonite.com/issue/dec2013/pictures/t-27-08-2.jpg Retrieved on November 7, 2014; http://media.philstar.com/images/pilipino-star-ngayon/bansa/20140917/pork-separate-from-non-pork-products-3.jpg Retrieved on: November 7, 2014;https://i1.ytimg.com/vi/GQXyH2XOcD8/hqdefault.jpg Retrieved on: November 7, 2014; https://i1.ytimg.com/vi/KhKdagSq1dc/hqdefault.jpg Retrieved on: November 7, 2014(P) 17. Batay sa iyong pagsusuri, sa anong estruktura ng pamilihan nabibilang angmga larawang nasa itaas?A. monopolyo C. ganap na kompetisyonB. oligopolyo D. monopolistikong kompetisyon 110

(P) 18. Kung iyong susuriin ang dalawang dayagram ng estruktura ng pamilihan sa ibaba, alin sa dalawang ito ang sa tingin mo ay may kakayahan na itakda ang presyo sa pamilihan? MONOPOLYO MONOPSONYO Iisa ang Kayang Kailangan Iisa angProdyuser hadlangan ng produkto konsyumer ang kalaban at serbisyo Walang pamalit Walang ibang na produkto at maaring bumili ng produkto at serbisyo serbisyoDEPED COPYA. monopolyo, sapagkat walang pamalit ang mga produkto B. monopsonyo, sapagkat iisa lamang ang konsyumer C. pareho lamang sapagkat ang mga katangian ng dalawang estrukturang ito ay kabilang sa hindi ganap na kompetisyon. D. wala ni isa man sa dalawang anyo ng pamilihan sapagkat ang pagbili naman ng produkto at serbisyo ay nasa desisyon pa rin ng konsyumer(U) 19. Ang pamilihang may ganap na kompetisyon ang sinasabing pinakamodelong estruktura ng pamilihan dahil sa dami ng nagbebenta o dami ng konsyumer. Ang sumusunod ay katangian ng estrukturang ito maliban sa A. malayang kalakalan sa bilihan B. may kakaibang produkto C. maraming prodyuser at konsyumer D. malayang paggalaw ng mga sangkap pamproduksiyon(U) 20. Ang pamilihan ay sinasabing may ganap na kompetisyon kapag ang sinumang prodyuser ay walang kapangyarihan na palitan o baguhin ang presyo sa pamilihan. Paano nakatutulong ang ganap na kompetisyon sa pamilihan? A. sumisigla ang kompetisyon sa pamilihan dahil marami ang konsyumer at prodyuser B. napapababa ng prodyuser ang kalidad ng kanilang produkto C. nakakakuha ng malaking tubo ng mga prodyuser D. hindi nakakahikayat sa mga prodyuser na magpasok ng produkto 111

PANIMULA Ang araling ito ay nakatuon sa pag-aaral ng demand bilang isa sa mga batayangkaisipan sa ekonomiks. Tinalakay sa naunang yunit na ang efficient na pagpili atpaggamit ng mga pinagkukunang-yaman ang diwa sa pag-aaral ng asignaturang ito.Sa yunit na ito, ipakikilala ang dalawang mahalagang konsepto sa ekonomiks, angdemand at supply.Sa pag-aaral ng demand, malalaman mo bilang isang mamimilikung paano maipakikita ang kagustuhan at kakayahang bumili ng mga produkto atserbisyo bilang tugon sa iyong pangangailangan. Matututuhan mo rin sa araling ito ang mga salik na nakaaapekto sa demandat kung paano ito nagbabago dahil sa presyo. May inihandang mga gawain na tataya sa iyong mga kaalaman hinggil sa aralin.Inaasahang ikaw ay mahihikayat na pagyamanin ang iyong kaalaman at maunawaankung paano ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinongDEPED COPYpagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran. ARALIN 1: DEMAND ALAMIN Matapos mong mapag-aralan ang konsepto ng produksiyon, mga salik nito, at ang mga organisasyon ng negosyo sa naunang mga aralin, sa bahaging ito naman ay iyong tutuklasin ang tungkol sa konsepto ng demand. Upang higit na maging masaya at makabuluhan ang bahaging ito ay simulan mong sagutin ang mga susunod na gawain.Gawain 1: BILI AKO NO’N, BILI AKO N’YAN Suriin ang nilalaman ng bubble thought na nasa kabilang pahina at sagutanang mga Pamprosesong Tanong: 112

Pamprosesong Tanong: 1. Ano-ano ang ipinahihiwatig ng mga bubble thought?DEPED COPY2. Anong konsepto sa ekonomiks ang inilalarawan sa bubble thought?Gawain 2: JUMBLED LETTERS Ayusin ang mga ginulong letra sa puzzle box upang maibigay ang hinihingingkasagutan sa mga gabay na tanong. Maaari mong balikan ang iyong mga napag-aralansa mga naunang aralin upang madali mong masagot ang katanungang nakapaloobdito. Kung maisasaayos mo nang tama ang mga letra sa puzzle ay may mabubuokang salita sa unang kolum nito. 1. A P Y G O D I R E M A 2. N I M E S O K O K 3. W A M O L S 4. A K Y O S N L A O 5. S O N G O Y E 6. T R I D I S B U S O Y N Mga Gabay na Tanong: 1. Ano ang tawag sa pag-aaral tungkol sa uri, kalidad, at balangkas ng populasyon? 2. Anong sangay ng agham panlipunan ang tungkol sa efficient na pagpili at paggamit ng mga pinagkukunang-yaman? 3. Sino ang isa sa bumuo ng teorya hinggil sa herarkiya ng pangangailangan ng tao? 4. Ano ang tawag sa pamamaraan ng paglalaan ng takdang dami ng pinagkukunang-yaman ayon sa pangangailangan at kagustuhan ng tao? 113

5. Ito ay tumutukoy sa anumang gawaing pang-ekonomiya na ang layunin ay magkamit ng kita o tubo. 6. Ano ang katawagan sa pamamaraan ng pagbabahagi ng kabuuang yaman o kita ng lipunan sa bawat indibidwal o sa mga salik ng produksiyon tulad ng lupa, paggawa, kapital at entrepreneurship? Pamprosesong Tanong: 1. Anong salita ang nabuo mula sa unang hanay pababa? 2. Ano ang iyong paunang pagkaunawa sa salitang demand? Sa susunod na bahagi ay sasagutan mo ang isang tsart upang inisyal na masukat ang iyong nalalaman tungkol sa konsepto ng demand.Gawain 3: I – R – F (Initial-Refined-Final Idea) Chart Isulat sa unang kolum (Alam ko ngayon) ng tsart ang iyong sagot sa tanongDEPED COPYnanasakahon. Paano ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran?Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko Matapos mong maibigay ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sapaksang demand at ang mga salik na nakaaapekto rito, ihanda ang iyong sarilipara sa susunod na bahagi ng aralin. Ito ay upang higit mong maunawaan angmalawak na konsepto ng demand. PAUNLARIN Matapos matiyak ang iyong inisyal na kaalaman, inaasahan sa bahaging ito na mas lalawak pa ang iyong kaalaman at pang-unawa tungkol sa konsepto ng demand. Basahin ang mga teksto at isagawa ang mga nakahandang gawain na makatutulong upang iyong masagot kung paano makatutulong sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser ang kaalaman sa puwersa ng demand sa pagkamit ng pambansang kaunlaran. Halina’t simulan natin ang mga gawain! ! 114

ANG KONSEPTO NG DEMAND May mga pangangailangan ang tao na dapat matugunan upang mabuhay.Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhinng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.Batas ng Demand Isinasaad ng Batas ng Demand na mayroong inverse o magkasalungat naugnayan ang presyo sa quantity demanded ng isang produkto. Kapag tumaas angpresyo, bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo,tataas naman ang dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang ceterisparibus ay nangangahulugang ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik nanakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindinagbabago o nakaaapekto rito. Ayon sa Batas ng Demand, sa tuwing ikaw at ang iyongpamilya ay magdedesisyon na bumili ng isang produkto o serbisyo, ang presyo anginyong pangunahing pinagbabatayan. Sa bawat pagbili mo sa tindahan, itinatanongDEPED COPYmo muna ang presyo bago ka magdesisyon kung ilan ang iyong bibilhin. May dalawang konseptong nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat oinverse na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demand. Ang unang konseptongmagpapaliwanag dito ay ang substitution effect. Ipinahahayag nito na kapag tumaasang presyo ng isang produkto, ang mga mamimili ay hahanap ng pamalit na mas mura.Sa gayon, mababawasan ang dami ng mamimiling gustong bumili ng produktong maymataas na presyo dahil maghahanap sila ng mas mura. Halimbawa, kung mahal angballpen maaring bumili ng lapis na mas mura. Ang ikalawa ay ang income effect.Ito ay nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa angpresyo. Kapag mababa ang presyo ng bilihin, mas mataas ang kakayahan ng kita ngtao na makabili ng mas maraming produkto. Kapag tumaas naman ang presyo, lumiliitnaman ang kakayahan ng kaniyang kita na maipambili. Lumiliit ang kakayahan ng kitana makabili ng mga produkto o serbisyo kaya mababawasan ang dami ng mabibilingprodukto.Demand Schedule Higit na mauunawaan ang konsepto ng demand sa pamamagitan ng demandschedule. Ang demand schedule ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya atgustong bilhin ng mga mamimili sa iba’t ibang presyo. Makikita sa susunod na pahinaang halimbawa ng demand schedule. 115

Demand Schedule para sa KendiPresyo bawat piraso Quantity Demanded Php 5 10 4 20 3 30 2 40 1 50 0 60 Ang schedule na makikita sa talahanayan ay tumutukoy sa quantity demandedpara sa kendi sa iba’t ibang presyo. Halimbawa, sa halagang piso (Php1.00) bawatpiraso ng kendi, limampu (50) ang dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Sapresyong dalawang piso (Php2.00) bawat piraso, apatnapung (40) piraso naman anggusto at kayang bilhin ng mga mamimili. Kung tataas pa ang presyo at maging limangpiso (Php5.00) ang bawat piraso, magiging sampu (10) na lamang ang magigingdemand sa kendi. Malinaw na ipinapakita ang magkasalungat na ugnayan ng presyoDEPED COPYat quantity demanded ng kendi para sa mamimili. Maliban sa demand schedule, maipakikita rin ang ugnayan ng presyo saquantity demanded sa pamamagitan ng isang dayagram o graph. Ito ay tinatawag nademand curve. Ito ay isang grapikong paglalarawan ng ugnayan ng presyo at quantitydemanded.Demand Curve Ang graph sa itaas ay batay sa demand schedule na nasa talahanayan. Kungilalapat sa graph ang iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at quantity demandeday mabubuo ang demand curve para kendi. Halimbawa, sa punto A na ang presyoay limang piso (Php5), sampu (10) ang dami ng kendi na gusto at handang bilhin ngmamimili; sa punto B na ang presyo ay apat na piso (Php4), dalawampu (20) angdami ng kendi na gusto at handang bilhin ng mamimili. Kung tutuntunin ang mgapuntong ito hanggang punto F ay makabubuo ng isang kurbang pababa o downwardsloping curve. Ang kurbang ito ay nagpapakita ng salungat na ugnayan sa pagitan ngpresyo at sa dami ng gusto at kayang bilhin ng mamimili. Halimbawa, ang paggalaw 116

ng kurba mula punto A papuntang punto B, makikita na sa pagbaba ng presyo mulalimang piso (Php5) pababa ng apat na piso (Php4), ang demand sa kendi ay tataas ngsampung (10) piraso. Kapag ang presyo naman ay tumaas ng piso makikita sa graphna bumababa ang quantity demanded sa sampung (10) piraso. Paggalaw ng Demand (Movement along the Demand Curve) Ipinapakita sa graph ang paggalaw sa demand curve. Mangyayari angDEPED COPYpaggalaw ng demand curve kung ang salik na nakaaapekto ay ang sariling presyong produkto. Kung ang presyo ng kendi ay bumaba mula Php5 sa Php4, makikita sagraph na lilipat ang punto mula A patungong B. Kung tataas naman ang presyo mulaPhp2 patungong Php3, lilipat ang punto mula C patungong D.Demand Function Ang demand function ay ang matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyoat quantity demanded. Maaari itong ipakita sa equation sa ibaba: Qd = f (P) Ang Qd o quantity demanded ang tumatayong dependent variable, at ang presyo(P) naman ang independent variable. Ibig sabihin, nakabatay ang Qd sa pagbabagong presyo. Ang presyo ang nakapagpapabago sa dami ng handa at kayang bilhin ngmga mamimili. Isa pang paraan ng pagpapakita ng demand function ay sa equationna: Qd = a - bP Kung saan: Qd = quantity demanded P = presyo a = intercept (ang bilang ng Qd kung ang presyo ay 0) b = slope= ∆Qd ∆P Nagpapakita ang slope ng pagbabago sa quantity demanded sa bawat pisongpagbabago sa presyo. 117

Upang mapatunayan na ang datos sa demand schedule sa itaas at angdemand function ay iisa, suriin at pag-aralan ang kompyutasyon sa ibaba.Demand Function mula sa Demand Schedule para sa kendi: Qd = 60 – 10PKapag ang P = 1 Qd = ? Kapag ang P = 5 Qd = ? Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10P Qd = 60 – 10 (1) Qd = 60 – 10(5) Qd = 60 – 10 Qd = 60 – 50 Qd = 50 piraso Qd= 10 piraso Gamit ang demand function ay maaaring makuha ang dami ng quantitydemanded kung may given na presyo. I-substitute ang presyo na piso sa variable naP at i-multiply ito sa slope na -10. Ang makukuhang sagot ay ibabawas sa 60. Mularito ay makukuha ang sagot na 50 na quantity demanded. Sa ikalawang halimbawanaman ay Php5 ang presyo kaya ang naging quantity demanded ay 10.DEPED COPYGawain 4: COMPLETE IT! Kompletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod napangungusap. Isulat ang mga tamang letra sa patlang upang mabuo ang salita.1. _ _ _ A _ _ tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang bilhin ng mga mamimili.2. _ _ _ A _ _ _ _ _ _ A _ _ nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng presyo at quantity demanded.3. _ _ _ _ A _ _ D _ _ _ _ _ grapikong paglalarawan ng presyo at quantity demanded.4. _ _ _ E _ _ _ _ _ _ I _ _ _ ipinagpapalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded, habang ang ibang salik ay hindi nagbabago.5. _ N _ _ _ _ _ _ _ _ _ T nagpapahayag na mas malaki ang halaga ng kinikita kapag mas mababa ang presyo.Gawain 5: DEMAND READING Lagyan ng () ang kolum ng sang-ayon, kung naniniwala ka na tama angpahayag ukol sa konsepto ng demand at lagyan naman ng (X) ang kolum ng Hindi-sang ayon kung hindi ka naniniwala. 118

Pahayag Sang-ayon Di-sang ayon1. Ang demand ay tumutukoy sa dami ng produkto o serbisyo na gusto at kayang bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo sa isang takdang panahon.2. Ang ugnayan ng presyo at quantity demanded ay maaaring ipakita gamit ang demand schedule, demand curve, at demand function.3. Ayon sa Batas ng Demand, ang presyo at quantity demanded ay mayroong tuwirang relasyon.4. Ang ceteris paribus assumption ay ginagamit upang ipagpalagay na ang presyo lamang ang salik na nakaaapekto sa pagbabago ng quantity demanded habang ang ibang salik ay hindi nagbabago o nakaaapekto rito.5. Ang income effect ay nagpapahayag na kapag tumaas ang presyo ng isang produkto, ang mgaDEPED COPYmamimili ay hahanap ng mas murang pamalit dito.Gawain 6: I3: I-DEMAND, ITALA, at IKURBA Ipagpalagay na katatapos lamang ng inyong klase sa P.E. Nagkataong maytinda sa kantina na buko juice. Ilang baso ng buko juice ang handa at kaya mong bilhinsa presyong Php6, Php8, Php10 hanggang Php14 kada baso? Itala ito sa kolum ngQd. Ilagay sa talahanayan ang dami ng quantity demanded sa bawat presyo upangmabuo ang demand schedule. Ipagpalagay na ang demand function mo ay Qd = 50 - 2P. Pagkatapos nitoay ipakita ito sa pamamagitan ng paggawa ng demand curve at sagutan ang mgapamprosesong tanong sa ibaba. Demand Schedule para sa baso ng Buko JuicePresyo Bawat Quantity Baso (Php) Demanded 6 8 10 12 14 119

Pamprosesong Tanong: 1. Ilan ang quantity demanded sa presyong Php6.00? 2. Ano ang naging pagbabago sa quantity demanded nang tumaas ang presyo mula Php8.00 papuntang Php14.00? Ipaliwanag ang sagot. 3. Ipaliwanag sa sariling pangungusap ang isinasaad ng batas ng demand batay sa nabuo mong demand schedule at demand curve.Gawain 7: MAG-COMPUTE TAYO! Mula sa datos na nasa ibaba, kompletuhin ang talahanayan upang maipakitaang demand schedule. A. Demand Function: Qd = 300 – 20P P QdDEP61 ED COPY200 100 15 B. Demand Function: Qd = 750 – 10P P Qd 600 30 300 60 0Iba Pang Salik na Nakaaapekto sa Demand Maliban sa Presyo Maliban sa presyo, may iba pang mga salik na nakaaapekto sa demand. Angpagsusuri sa mga salik na ito ay mahalagang malaman upang higit na maging matalinosa paggawa ng desisyon.• Kita- Ang pagbabago sa kita ng tao ay maaaring makapagpabago ng demand para sa isang partikular na produkto. Sa pagtaas ng kita ng isang tao, tumataas ang kaniyang kakayahan na bumili ng mas maraming produkto. Gayundin naman, sa pagbaba ng kita, ang kaniyang kakayahang bumili ng produkto ay nababawasan. Kapag dumadami ang demand sa mga produkto dahil sa pagtaas ng kita, ang mga produktong ito ay maituturing na normal goods. Sa kabilang banda, inferior 120

goods naman ang tawag sa mga produktong tumataas ang demand kasabay sa pagbaba ng kita. Ipagpalagay na ang karneng baka ay normal good para kay Alena. Sa pagtaas ng kita ni Alena ay tataas din ang kaniyang demand sa karneng baka. Kapag bumaba naman ang kita ni Alena, bababa rin ang demand niya para dito.Ipagpalagay naman na ang sardinas ay inferior good para kay Alena. Sa pagtaas ng kaniyang kita ay bababa ang kaniyang demand para sa sardinas. Sa pagbaba naman ng kaniyang kita, tataas ang kaniyang demand para dito.• Panlasa- Karaniwang naaayon sa panlasa ng mamimili ang pagpili ng produkto at serbisyo. Kapag ang isang produkto o serbisyo ay naaayon sa iyong panlasa, maaaring tumaas ang demand para dito. Kung naaayon ang pandesal sa iyong panlasa bilang pang-almusal, mas marami ang makakain mo nito kesa sa ensaymada.• Dami ng Mamimili- Maaari ding magpataas ng demand ng indibidwal ang tinatawag na bandwagon effect. Dahil sa dami ng bumibili ng isang produkto, nahihikayat kang bumili. Halimbawa, kapag ang isang bagay ay nauuso, napapagaya ang marami na nagdudulot ng pagtaas ng demand. Halimbawa, dahil nauuso ngayonDEPED COPYang smartphone, marami sa mga mamimili ang gustong makisabay sa uso kaya marami ang demand nito.• Presyo ng magkaugnay na produkto sa pagkonsumo – Masasabing magkaugnay ang mga produkto sa pagkonsumo kung ito ay komplementaryo o pamalit sa isa’t isa. Ang mga komplementaryo ay mga produktong sabay na ginagamit, ibig sabihin hindi magagamit ang isang produkto kung wala ang complement nito. Magkaugnay ang dalawa sapagkat anumang pagbabago sa presyo ng kaugnay na produkto ay tiyak na may pagbabago sa demand ng komplementaryong produkto. Halimbawa, sa kaso ng kape at asukal, kapag bumaba ang presyo ng kape ay tataas ang demand sa asukal. Kung tumaas naman ang presyo ng kape ay bababa ang demand sa asukal. Kapag ang ugnayan ng presyo ng isang produkto ay negatibo o taliwas sa sa demand para sa isang produkto, masasabing magkaugnay ang mga ito. Tinatawag itong produktong komplementaryo (complementary). Samantala, ang pamalit (substitute) ay mga produktong maaaring magkaroon ng alternatibo. Ang tubig o juice ay maaaring pamalit sa softdrinks sapagkat pareho itong pamatid-uhaw. Ipagpalagay natin na tumaas ang presyo ng softdrinks. Dahil dito, bababa ang quantity demanded ng softdrinks. Kasabay nito, tataas naman ang demand para sa juice. Kung ang pagtaas ng presyo ng isang produkto ay magdudulot ng pagtaas ng demand ng isang produkto, masasabing ang mga produktong ito ay pamalit sa isa’t isa (substitute goods). Ang iba pang halimbawa ng pamalit ay kape at tsa, keso, at margarine.• Inaasahan ng mga mamimili sa presyo sa hinaharap- Kung inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo ng isang partikular na produkto sa susunod na araw o linggo, asahan na tataas ang demand ng nasabing produkto sa kasalukuyan 121

habang mababa pa ang presyo nito. Halimbawa, ibinalita na may paparating nabagyo at tuwirang tatama sa Gitnang Luzon, na isa sa pangunahing pinagmumulanng bigas sa bansa, inaasahan na magkukulang ang dami ng bigas sa pamilihanat tataas ang presyo nito. Kaya ang mga mamimili ay bibili na ng marami habangwala pa ang bagyo at mababa pa ang presyo. Sa kabilang banda, kung inaasahanng mga mamimili na bababa ang presyo ng isang produkto, hindi na muna bibili ngmarami ang mga tao sa kasalukuyan. Maghihintay na lamang sila na bumaba angpresyo bago bumili ulit ng marami.Ang Paglipat ng Demand Curve (o Shifting of the Demand Curve)Paglipat ng Demand Curve Paglipat ng Demand Curvesa Kanan sa KaliwaDEPED COPY Ang graph ay nagpapakita ng paglipat ng kurba ng demand. Ang pagtaas ngdemand ay makapagdudulot ng paglipat ng kurba ng demand sa kanan. Mangyayariang paglipat ng demand sa kanan kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyoay nakapagdulot ng pagtaas ng demand. Ang pagbaba ng demand ay makapagdudulotng paglipat ng kurba ng demand sa kaliwa. Mangyayari ang paglipat ng demand sakaliwa kung ang mga pagbabago ng salik na hindi presyo ay nakapagdulot ng pagbabang demand.Matalinong Pagpapasya sa Pagtugon sa mga Pagbabago ng mga Salik naNakaaapekto sa Demand Batay sa ating talakayan, mayroon pang ibang mga salik na maaaringmakapagpabago sa demand maliban sa presyo. Papaano kaya tayo matalinongmakatutugon sa pagbabagong dulot ng mga salik na ito? 122

1. Kapag may pagtaas sa kita, maging matalino sa paggasta nito. Matutong pagplanuhan nang mabuti ang paggastos at unahin ang mahahalagang bagay na dapat bilihin. 2. Maghanap ng alternatibo o pamalit sa mga produktong may mataas na presyo. Maraming mapagpipiliang produkto sa mababang presyo sa iba’t ibang pamilihan. Ang anumang pagbabago sa mga nasabing salik ay may kaakibat na epektosa mga mamimili. Ang matalinong pagtugon ng mga mamimili sa mga nagbabagongsalik ay napakahalaga.Gawain 8: GRAPHIC ORGANIZER Punan ang graphic organizer sa ibaba at sagutin ang mga pamprosesongtanong:DEPED COPYPamprosesong Tanong: 1. Ano–ano ang salik na nakakaimpluwensiya sa demand? 2. Alin sa mga salik ang makapagdudulot ng paggalaw sa demand curve? Sa paglipat ng demand curve? Paano naiiba ang salik na presyo sa ibang salik? 3. Ano ang katangian na dapat taglayin ng isang mamimili sa pagtugon sa pagbabago sa mga salik ng demand?Gawain 9: DEMAND UP, DEMAND DOWN! Ipakita ang pagbabagong magaganap sa demand para sa isang produktobatay sa mga pagbabago ng sumusunod na salik. Isulat sa patlang ang ↑ kung tataasang demand at ↓ kung bababa ang demand. _____ 1. Bandwagon effect, mabilis na pagdami ng populasyon (potensyal na demand) _____ 2. Paglaki ng kita (nakatuon sa normal goods) 123

_____ 3. Pagbaba ng kita (nakatuon sa inferior goods)_____ 4. Pagiging lipas sa uso ng isang produkto_____ 5. Inaasahan ng mga mamimili na tataas ang presyo_____ 6. Pagbaba ng presyo ng produktong komplementaryo_____ 7. Pagtaas ng presyo ng produktong pamalit_____ 8. Inaasahan ng mga mamimili na bababa ang presyo_____ 9. Pagtaas ng presyo ng produktong komplementaryo_____ 10.Pagbaba ng presyo ng produktong pamalitGawain 10: SA KANAN O SA KALIWA?Gamit ang mga sitwasyong nakalahad sa talahanayan, suriin at ipaliwanagang maaaring maging epekto o kahihinatnan ng demand sa produkto. Gumuhit nggraph na lilipat sa kanan kung dadami ang demand at graph na lilipat sa kaliwa kungbababa ang demand. ProduktoDEPED COPY1.bigas Sitwasyon Graph Pananalasa ng malakas na P bagyo sa malaking bahagi D ng Luzon. Q2. gasolina Patuloy na pagtaas ng P D presyo ng gasolina sa P Q3. bakuna laban pandaigdigang pamilihan. D sa tigdas Qd Pagdeklara ng outbreak ng tigdas ng Kagawaran ng Kalusugan sa maraming lugar sa bansa.4. cellphone load Kabi-kabilang unlitext P at unli call promo ng mga telecommunication D companies sa bansa. Q5. corned beef Pagtaas ng kita P (ipagpalagay D na normal goods) Q 124

Gawain 11: I-R-F (Initial, Revised, Final) CHART Isulat sa ikalawang kolum ang sagot sa tanong na nasa loob ng kahon. Paanong ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran? Alam Ko Ngayon Nadagdag Kong Kaalaman Ito Na Ang Alam Ko Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman ukol sa demand at ang mga salik nito, maaari ka nang tumungo sa susunod na bahagi ng aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para sa mas malalim na pag-unawa ng konsepto ng demand.DEPED COPYPAGNILAYAN Sa bahaging ito ng aralin, ikaw ay tutungo na sa malalim na pag- unawa sa ating aralin. Kinakailangan ang iyong masusing pagsusuri, sariling pagbabalangkas at pag-oorganisa ng konsepto, at aktibo at produktibong pakikilahok sa mga talakayan at pangkatang gawain. Sa pagtatapos ng araling ito ay bubuuin natin ang kasagutan sa tanong na kung paanong ang demand at mga konsepto nito ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon ng konsyumer at prodyuser tungo sa pambansang kaunlaran.Gawain 12: BALITA–NALYSIS Basahin at unawain ang mga balita na nasa ibaba. Pagkatapos ay sagutanang mga pamprosesong tanong. Mas Mataas na Buwis sa Sigarilyo, Makapagliligtas ng 27M Buhay Ang mas mataas na presyo ng sigarilyo, bunsod ng pagtaas ng buwis naipapataw sa mga manufacturer, ay makapagliligtas ng mahigit 27 milyong buhaysa limang bansa sa Asia, ayon sa pagaaral ng Asian Development Bank na inilabasnitong Martes. Ayon sa ADB, ang pagtaas sa presyo ng sigarilyo ng 25 hanggang 100porsiyento ay magpapababa ng bilang ng maninigarilyo sa Pilipinas, China, India,Thailand, at Vietnam ng halos 67 milyon. 125

Tinukoy ng ADB na ang 50 porsiyentong karagdagan sa presyo ng sigarilyoay nangangahulugan ng pagtaas ng buwis ng 70 hanggang 122 porsiyento namakalilikom ng $24 billion sa karagdagang “Aggressive tobacco control via highertaxation enhances overall economic welfare,” ayon sa pagaaral ng ADB. Bukod sa madadagdagan ang kita ng gobyerno, binigyang diin din sa pag-aaral na ang paghimok sa mga naninigarilyo na itigil ang bisyo dahil sa kamahalannito ay magreresulta sa mas mataas na productivity at mababawasan ang gastusingpangkalusugan.
Kung hindi mapipigilan o masusugpo, maaaring umabot sa 267milyong naninigarilyo ang mamamatay sa sakit na dulot nito sa limang bansa sa Asia,ayon sa pag-aaral. – PNA/ XinhuaPinagkunan:http://www.balita.net.ph/2012/11/16/mas-mataas-na-buwis-sa-sigarilyo-makapagliligtas-ng-27m-buhay/Retrieved on: November 15, 2014 Anti-Smoking Ban, Paiigtingin sa Paaralan Upang maprotektahan ang kapakanan at kalusugan ng mga estudyante labanDEPED COPYsa masamang epekto ng paninigarilyo, pinaigting ng Metropolitan Manila DevelopmentAuthority (MMDA) ang anti-smoking campaign malapit sa mga eskwelahan sa MetroManila. Nirerepaso ng MMDA ang mga umiiral na ordinansa sa mga lungsod ng MetroManila para sa mas mahigpit na pagpapatupad ng kampanya kontra paninigarilyo.Maglulunsad din ng anti-smoking information drive ang MMDA sa mga paaralan,na madalas may nahuhuhuling naninigarilyo ang mga estudyante sa high school atmakikipag-ugnayan ang ahensiya sa mga opisyal ng eskuwelahan, Department ofHealth (DoH) at non-government organization. Noong Hunyo 6, nagpakalat ang MMDA ng apat na grupo upang sitahin angmga nagtitinda ng sigarilyo o mas kilala sa tawag na Takatak Boys, gayundin sa mgatindahang malapit sa paaralan. Huhulihin din ang mga naninigarilyo sa Maynila, Caloocan City, Quezon Cityat iba pang lungsod sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 21.Pagmumultahin ngPhp500 ang mga mahuhuli sa unang pagkakataon, o papatawan ng walong oras nacommunity service ang walang pambayad.Bumuo rin ng isang task force ang MMDAupang i-monitor ang mga establisimiyento at tinderong lalabag sa Republic Act 9211 oTobacco Regulation Act. Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na patuloy angpagbabawal sa mga cigarette vendor malapit sa eskwelahan at ipaiiral ang 100-meterradius ban sa sigarilyo buhat sa paaralan alinsunod sa nasabing batas.- Bella GamotePinagkunan:https://www.balita.net.ph/2013/06/11/anti-smoking-ban-paiigtingin-sa-paaralan/ Retrieved on: November 18, 2014 126

Pamprosesong Tanong: 1. Batay sa mga artikulo, ano ang dalawang paraan ng pamahalaan upang mabawasan ang bilang ng mga naninigarilyo? 2. Sa iyong palagay, ang pagpapataw ba ng mataas na buwis ay makatutulong sa pagbaba ng demand para sa sigarilyo? Bakit? 3. Paano makaaapekto ang anti-smoking ban sa pagbabawas ng demand sa sigarilyo? 4. Alin sa dalawang artikulo ang nagpapakita ng salik ng demand na epekto ng presyo? Alin naman ang salik na hindi epekto ng presyo? 5. Sa iyong palagay, alin sa dalawang pamamaraan ang mas mabisang paraan sa pagbabawas ng dami ng naninigarilyo? Ipaliwanag ang iyong sagot.Gawain 13: FOLLOW-UP CAMPAIGN Makibahagi sa iyong pangkat sa pagbuo ng isang signage ukol sa pagbabawalng paninigarilyo sa paaralan. Sa isang pahina, ipaliwanag ang kaugnayan ngpagbabawas sa mga bagay tulad ng sigarilyo sa pagkakaroon ng isang matalinongDEPED COPYdesisyon. Tingnan sa ibaba ang halimbawa ng signage upang makabuo ng kaisipanukol sa gagawin. THIS IS A SMOKE FREE SCHOOL SMOKING PROHIBITEDPinagkunan: http://retropilipinas.blogspot.com/2012/02/yosi-kadiri-department-of-healthshttp://www.seton.com/school-zone-signs-smoke-free-sp161.html Retrieved on: November 19, 2014Gawain 14:T-SHIRT DESIGN Magdisenyo ng t-shirt na may temang “Ang Pagiging Matalinong Mamimili:Susi sa Pagtamo ng Pambansang Kaunlaran”. Isulat sa kahon ang paliwanag tungkolsa mabubuong disenyo. Maging gabay sa paggawa ng disenyo ang rubrik. Paliwanag: ____________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ _______________________________________________________________________ 127


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook