Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Edukasyon Sa Pagpapakatao IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-11 23:53:36

Description: Open High School

Search

Read the Text Version

EDUKASYON SAPAGPAPAKATAO IV

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 1 Isang Buhay, Isang DiyosI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nasa ikaapat na taon ka na sa haiskul! Ilang buwan na lamang at haharap ka na sa panibagong yugto ng buhay—bilang mag-aaral sa kolehiyo pang-akademiko o pangbokasyonal. Kung sakaling matamo mo ang lahat ng iyong mga pangarap sa buhay, lubos na kaya ang iyong kaligayahan? Ano nga ba ang kabutihan ng iyong buhay? Kanino nga ba nagmula ito? Marahil ay nararapat mong malaman kung sino ang nagbigay ng iyong buhay at gaano Siya kadakila. Nararapat ding malaman mo ang iyong kahalagahan sa mundo. Tuklasin mo kung bakit bukod-tangi ka: wala kang kapareho sa mundong ito. Sana ay masiyahan ka sa pagpapalawak ng iyong diwa gamit ang modyul na ito. Tuklasin ang halaga ng iyong buhay at ang kadakilaan ng Diyos. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: LC 1.1 at 1.2 Nakikilala ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos A. Nakikilala ang kapangyarihan ng Diyos mula sa Kanyang mga nilikha B. Napahahalagahan ang buhay bilang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao sa pamamagitan ng pangangalaga dito C. Natutukoy ang mga paraan ng pagpapasalamat sa Diyos sa buhay na ipinagkaloob sa kanya Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.1 / 14

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno ng Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang a. kawangis ng Diyos b. kamukha ng Diyos c. kamanlilikha ng Diyos d. katuwang ng Diyos 2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay: a. higit na mabuti ang magpakatotoo ka. b. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa kanya. c. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto. d. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.2 / 14

3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya anga. kasipagan.b. katalinuhan.c. kabutihan.d. kagandahan.4. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.”a. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay.b. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo sa kanya.c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos.d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito.5. Ano ang kahulugan ng pahayag? Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya. a. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba. b. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos. c. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay. d. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.B. Lagyan ng tsek () ang kolum ng antas ng iyong pagpapahalaga sa buhay. Gawain Hindi Minsan Palagi1. Iniiwasan ko ang mga bisyong Kailanman makasisira sa aking katawan.2. Naniniwala akong mayroong Diyos na nagbibigay –kahulugan sa buhay.3. Nagsisikap akong mag-aral nang mabuti.4. Sinisikap kong mapanatli ang aking pakikipag-ugnayan sa kaibigan.5. Ginagamit ko ang aking mga natutuhan upang paunlarin ang sarili.6. Naipahahayag ko nang maayos ang aking damdamin.7. Natutulog ako nang maaga upang hindi ako mahuli sa klase.8. Naniniwala ako na hindi ako pababayaan ng Diyos.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.3 / 14

9. Iniiwasan ko ang magalit tuwina upang hindi ako lubhang mag-alala. 10. Pinipili ko ang mga salitang aking binibitiwan upang hindi ako makasakit ng damdamin ng iba. Madali ba ang panimulang pagsusulit? Simulan mo na ngayon ang mga gawain upang matuklasan mo ang kahalagahan ng buhay na mula sa Diyos.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. I Panuto: 1. Magdala ng bond paper, lapis at krayola. 2. Pumunta sa isang ligtas at tahimik na lugar (Halimbawa: hardin o bukid) kung saan madarama ang kapayapaan. 3. Ituon mo ang iyng pansin sa mga bagay na may buhay tulad ng bulaklak, puno, halaman, o hayop. Pagnilayan ang mga bagay na ito. 4. Idrowing ang mga bagay na pinagnilayan na tulad ng isang litrato. 5. Kung may kamera ka, maaaring kunan mo ng litrato ang mga lugar na pinagnilayan mo. Halimbawa: Sagutin Mo 1. Ilarawan ang drowing mo sa dalawang pangungusap. 2. Anong damdamin ang nangingibabaw sa iyo habang pinagmamasdan mo ang mga buhay na bagay? Ipaliwanag. 3. Naalala mo ba ang Diyos sa iyong pagninilay? Ipaliwanag. 4. May kaugnayan ba ang mga bagay na iyong pinagnilayan sa lumikha ng mga ito? Pangatwiranan. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.4 / 14

Gawain Blg. 2:Buhay ko: Pangangalagaan KoPanuto:1. Paano mo pinangangalagaan ang iyong buhay? Ilista ang mgaparaan sa iyong kuwaderno. Halimbawa: Pagkain ngmasusustansyang pagkain tulad ng gulay at isda.2. Gumuhit ng isang Kalasag sa isang bond paper. Ito ay karaniwang ginamit ng mga mandirigma noong unang panahon bilang proteksyon sa pakikidigma. Maaari mong gayahin ang larawang nasa ibaba.3. Iguhit ang bawat paraan ng pangangalaga mo sa iyong buhay sa kalasag sa pamamagitan ng mga simbolo sa kalasag. Isulat ang mga kahulugan ng bawat simbolo. Kulayan ang mga ito.4. Sa tabi ng kalasag, isulat mo ang kahulugan ng bawat simbolo na iginuhit mo.5. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba pagkatapos ng gawain.Halimbawa ng kalasag: Anghel – simbolo ng kapayapaan ng puso at isipan. Ito ang aking pananggalang sa mga lungkot at pagsubok sa buhay. Krus – simbolo ng pag-ibig at katatagan ng pananampalataya. Ang aking pag-ibig at pananampalataya sa Diyos ang nagbibigay-lakas sa buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.5 / 14

Sagutin Mo1. Ginagawa mo ba ang lahat ng paraan ng pangangalaga ng iyong buhay? Ipaliwanag.2. Bakit nararapat na pangalagaan ang iyong buhay?3. Ano pa ang ibang paraan ng pangangalaga sa ating buhay?Gawain Blg. 3: SALAMAT PO!A. Patotohanan o pabulaanan: Hingin ang opinyon ng limang kabataang katulad mo kung sila ay naniniwala sa pahayag ni Fulton Sheen. Itala ang kanilang paliwanag sa talahanayan sa ibaba: “Ang pagpapasalamat ay natutuhan na lamang sa huling yugto ng buhay ng mga kabataan. Kaya’t nararapat na sila ay turuan na magpasalamat dahil kung hindi, aakalain nilang ang mundo pa ang may utang na loob sa kanila.” -- Fulton Sheen Pangalan Sang-ayon Opinyon Paliwanag1. Hindi2. Sang-ayon3.4.5.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.6 / 14

B. Itala sa tsart sa ibaba ang mga paraan ng iyong pasasalamat sa Diyos sa buhay na kaloob niya. Lagyan ng tsek () ang dalas ng iyong paggawa nito: Mga Paraan ng Pasasalamat sa Diyos sa Hindi Minsan Palagi Buhay na Ipinagkaloob Niya sa Akin KailanmanHalimbawa:Tuwing umaga ay nagdarasal ako ngpasasalamat sa Diyos dahil binigyan paniya ako muli ng dagdag na araw sa akingbuhay.1.2.3.4.5.Sagutin Mo1. Bakit nararapat na magpasalamat ka sa Diyos sa buhay na ibinigay Niya sa iyo?2. Bakit ang pangangalaga, pagtulong sa iba at mabubuting gawain ay mga paraan din ng pasasalamat sa buhay na bigay ng Diyos?3. Ano pa ang nararapat mong gawin sa mga naitala mong minsan mo lamang matupad? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.7 / 14

IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Tapusin ang bawat pangungusap: 1. Ang kapangyarihan ng Diyos ay makikita sa Kanyang mga ______________ 2. Ang ating buhay ay pinakadakilang kaloob ng Diyos sa tao kaya _____________________ 3. Ang pangangalaga sa buhay ay paraan ng ___________________________ 4. Upang higit na maging makabuluhan ang aking buhay ay aking ___________________ 5. Masaya ako dahil ako ay natatanging nilalang kayat ______________________V. Pagpapatibay Ang ating buhay ang pinakadakilang kaloob ng Diyos sa atin. Mahalaga na maunawaan natin ang layunin ng ating pagkakaroon ng buhay. Ang pagpapahalaga sa ating buhay ay pagpapakita ng ating pagtanggap sa biyayang ito mula sa ating Maykapal. Ayon kay Leo Buscaglia, isang manunulat, “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano at gaano kabuti isasabuhay ang biyayang iyan ang iyong isusukli o ihahandog sa Kanya Mapalad rin ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay, ginawa rin siyang kawangis ng Diyos. Sa gayon, biniyayaan siya ng mga sumusunod: 1. Kapangyarihang mag-isip. Ang tao ay maaaring makaunawa, makaalam, magbigay-katwiran, malutas ang suliranin at baguhin ang sarili. Dahil dito, ang tao ay may konsensya upang malaman ang tama o maling gawain. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.8 / 14

2. Kapangyarihang umibig. Maaring naisin ang mabuti at kabutihan ng kapwa, makatulong sa pagunlad ng kapwa o makalikha ng kapaligirang mabuti ang nagaganap.3. Kalayaan. May kakayahan ang tao na pumili at gumawa ng pasya. Maaari siyang magpasya gamit ang kanyang konsensya.4. Kabutihan. Ang tao ay may likas na kabutihan. Siya ay may kapasidad na gumawa ng mabuti at umiwas sa masama. Dagdag pa rito, ang tao ay ipinanganak na natatangi. Huwagmong pangaraping maging ibang tao. Ginawa ka ng Diyos ayon sakanyang plano kayat mahalaga ka. Ayon nga kay J. C. Macaulay:Mahalin mo ang iyong buhay pagkat iyan ang ipinagkaloob Niya sa iyo.Huwag mong hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo angkatangian ng ibang tao. Ang bawat tao ay mayroong mga katangiangnatatangi lamang sa kanya kaya nararapat niyang tuklasin ang mga itoupang gamitin sa kanyang pag-unlad. Higit sa lahat, ang tao ay mayroong katawan at kaluluwa.Bagamat bahagi ng materyal na daigdig ang tao, higit na nakaaangatang tao sa mga materyal na bagay. Ang tao ay may kapasidad namarating ang buhay na walang hanggan at makapiling ang lumikha sakanya, ang Poong Maykapal. Nararapat lamang na pasalamatan at gamitin sa kabutihan angbuhay na ito. Mahalaga ang magkaroon ng magandang relasyon saPoong Lumikha. Ang mga biyayang bigay Niya ay magagamit naparaan ng pasasalamat sa Kanya. Gamitin ang mga ito nang maayosupang magampanan mo ang misyon niya para sa iyo. Angpangangalaga sa buhay ay paraan ng pagdakila sa Kanya. Matutongmanalangin at kilalanin ang kadakilaan ng Poong Maykapal.Mapahahalagahan pa rin natin ang ating buhay sa pamamagitan ngpangangalaga nito. Ayon kay Orbeta, hindi basta malusog ka kundimayroon kang mabuti at maayos na pamumuhay (wellness). Matatamoito sa pananatili ng kaayusan sa ating buhay sa pamamagitan ng: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.9 / 14

• Pagkain ng almusal araw-araw• Pagkain ng meryenda kung nagugutom• Hindi paninigarilyo• Hindi pag-inom ng alak• Pag-ehersisyo ng katawan• Pagtulog nang sapat sa oras• Pag-inom ng walong basong tubig araw-araw• Pagkain ng gulay at prutas Bigyang-pansin ang kabuuan ng maayos na pamumuhay(wellness) na binubuo ng sumusunod:• Pangkatawan. Ang kakayahang magawa ang mga pang-araw-araw na gawain ay nagpapamalas ng maayos na pangangatawan. Kung sa loob ng labindalawa hanggang labing-apat na oras ay kaya mo pang magtrabaho sa kabila ng maraming hirap at pagod, malakas at maayos ang iyong katawan.• Intelektwal. Gamitin ang mga kakayahan at talino nang maayos upang umunlad ang sarili, pamilya at kabuhayan. Gamitin ang mga kaalaman para sa ikauunoad ng buhay.• Emosyonal. Pamahalaan nang maayos ag mga nararamdamang pagod at hirap sa buhay upang mapangalagaan ang sarling kalusugan. Ang kakayahang maipahayag nang maayos ang damdamin o emosyon ay isang palatandaan ng kalusugan sa emosyon.• Panlipunan. Bahagi ng buhay ng tao ang makapiling ang iba. Indikasyon ng maayos na panlipunang pamumuhay ang kakayahang magkaroon at mapanatili ang kaibigan.• Ispiritwal. Ang paniniwalang mayroong makapangyarihang lumkha sa lahat ang nagbibigay ng kahulugan sa buhay at nagbibigay ng lakas sa iyo upang harapin ang mga pagsubok at hamon sa buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.10 / 14

VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo Marahil ay nabatid mo na ang kahalagahan ng iyong buhay at ang kadakilaan ng Diyos mula sa mga naging gawain. At dahil nasa ikaapat na taon ka na at nasa pagbibinata o pagdadalaga, maraming biyaya at pagpapala ka ng natanggap sa iyong buhay. Kaya’t pagnilayan at isabuhay mo ang sumusunod: 1. Isulat ang iyong pangalan at edad sa patlang na nakalaan. 2. Punan ang scroll. Itala sa unang hanay ang lahat ng mga biyaya at pagpapala mong natanggap mula sa Diyos. Sa ikalawang hanay, itala o isulat kung paaano mo ito ibabalik o ihahandog sa Diyos gaya ng nasa pahayag ni Leo Buscaglia. Salamat Panginoon!!! Pangalan ____________________ Mga Biyayang Natanggap sa loob ng ___ (edad)  ..  ..  .. Paraan ng Pagbabalik at Pasasalamat sa mga Biyayang Natanggap  ..  ..  .. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.11 / 14

VII. Gaano ka Natuto A. Basahin ang sitwasyon. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Mapalad ang tao dahil bukod sa binigyan siya ng buhay ay ginawa siyang a. kawangis ng Diyos b. kamukha ng Diyos c. kamanlilikha ng Diyos d. katuwang ng Diyos 2. Huwag mo nang hangaring tumulad pa sa iba o hangaring mapasaiyo ang katangian na nasa ibang tao. Ang ibig sabihin ay: a. higit na mabuti ang magpakatotoo ka. b. ang bawat tao ay mayroong mga katangiang natatangi lamang para sa kanya. c. ang tao ay magiging maligaya kung susundin niya ang kanyang gusto. d. marami ang katangian ng tao kaya huwag kang mainggit sa iba. 3. Ang tao ay biniyayaan ng talino at kalayaan. Likas sa kanya ang a. kasipagan. b. katalinuhan. c. kabutihan. d. kagandahan. 4. Ano ang diwa nag pahayag na ito ni Leo Buscaglia? “Ang iyong buhay ay biyayang galing sa Diyos. Kung paano mo isasabuhay ang biyayang iyan ay iyong ihahandog sa Kanya.” a. Ang paraan ng pagsasabuhay ng tao ang ibabalik sa lumikha ng buhay. b. Higit na matutuwa ang nagbigay ng buhay kung magpapasalamat tayo sa kanya. c. Mabuti lamang ang buhay na ihahandog natin sa Diyos. d. Kailangang ibalik natin ang buhay sa lumikha nito. 5. Ano ang kahulugan ng pahayag? Ang mga biyayang bigay ng Diyos ay isang paraan ng pasasalamat sa Kanya. a. Ialay ang mga biyayang mula sa Diyos sa tuwing nagsisimba. b. Kailangang mag-aral tayo habang buhay para ialay sa Diyos. c. Kailangang paunlarin natin ang ating sarili habang buhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.12 / 14

d. Mahalagang gamitin natin ang mga biyayang kaloob ng Diyos sa pag-unlad ng sarili at pagtulong sa kapwa.B. Lagyan ng tsek () ang kolum ng antas ng iyong pagpapahalaga sa buhay. Gawain Hindi Minsan Palagi1. Iniiwasan ko ang mga bisyong Kailanman makasisira sa aking katawan.2. Naniniwala akong mayroong Diyos na nagbibigay –kahulugan sa buhay.3. Nagsisikap akong mag-aral nang mabuti.4. Sinisikap kong mapanatli ang aking pakikipag-ugnayan sa kaibigan.5. Ginagamit ko ang aking mga natutuhan upang paunlarin ang sarili.6. Naipahahayag ko nang maayos ang aking damdamin.7. Natutulog ako nang maaga upang hindi ako mahuli sa klase.8. Naniniwala ako na hindi ako pababayaan ng Diyos.9. Iniiwasan ko ang magalit tuwina upang hindi ako lubhang mag-alala.10. Pinipili ko ang mga salitang aking binibitiwan upang hindi ako makasakit ng damdamin ng iba.VIII. SanggunianAberion, E. et. al. (2004). Kaganapan ng Buhay. Manila: Pamantasan ng Centro Escolar.Kagawaran ng Edukasyon, Kultura at Isports -IMC. (1994). Edukasyon sa Pagpapahalaga IV Sangguniang Aklat. Maynila: Rex Bookstore.Gonzales, E., et. al. (l998.) Valuing Myself. Manila: Vibal PublishingWarren, R. (2002). The Purpose Driven Life. Manila: OFM Literature, Inc.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.13 / 14

Susi sa PagwawastoHanda ka na ba?A. Palagi = 3 Minsan = 2 Hindi = 1 Score Antas ng pagpapahalaga sa buhay 21-30 Mataas ang antas ng pagpapahalaga sa buhay 11-20 Katamtaman ang antas ng pagpapahalaga sa buhay 0-10 Katamtaman ang antas ng pagpapahalaga sa buhayB.1. a2. b3. c4. a5. dGaano Ka Natuto?A. Palagi = 3 Minsan = 2 Hindi = 1 Score Antas ng pagpapahalaga sa buhay 21-30 Mataas ang antas ng pagpapahalaga sa buhay 11-21 Katamtaman ang antas ng pagpapahalaga sa buhay 0-10 Katamtaman ang antas ng pagpapahalaga sa buhayB. 1. a 2. b 3. c 4. a 5. d Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 1, ph.14 / 14

EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 2 Angat Ka!I. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Salamat at naunawaan mo na ang halaga ng iyong buhay at ang kadakilaan ng diyos. Hindi masasayang ang mga natutuhan mo sa humigit kumulang na sampung taon na pananatili sa paaralan. Marahil ay nasa isipan mo na rin ang nais mong kurso sa kolehiyo. Sana ay handa ka na sa pagharap sa bagong yugto ng iyong buhay sa hinaharap. Ano nga ba ang iyong gagawin kung maiiba ang mga pananaw ng taong iyong makakasam sa bagong kapaligirang iyng tutunguhin. Paano kung nais mo silang tanggihan subalit nag-aatubili kang gawin? Anong prinsipyo ang maaari mong gamitin at panghawakan upang manatili ka sa mabuting landas? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, natutuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Nasusuri ang moral at ispiritwal na kalikasan ng tao mula sa mga pasyang ginagawa B. Napatutunayan na ang tao ay may kapasidad na umangat mula sa kanyang material na kalikasan C. Napaninindigan ang paggawa ng tama at pag-iwas sa masama bilang isang moral at ispirtiwal na nilalang Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga I kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat ang sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.1 / 9

mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Subukan mong tukuyin kung ang sumusunod ay moral at ispiritwal na kilos. Isulat ang MI kung ito ay moral at ispiritwal at DMI kung hindi. 1. Nagugutom si Ana kaya siya ay kumain. 2. Nagpakasal si Jose at Maria sa simbahan kahit kulang ang pera nila. 3. Natutulog si Gina ng higit sa walaong oras upang mapangalagaan ang kalusugan. 4. Dinidiligan ni Mila ang kanyang mga halaman araw araw upang mapanatili ang ganda ng mga bulaklak nito. 5. Umiinom si Rea ng gatas. 6. Naghanda si Yna dahil kaarawan niya. 7. Ibinahagi ni Fred ang perang galling sa panalo niya sa sabong. 8. Pinaliliguan at binibihisan muna ni Sabel ang kanyang kapatid bago siya pumasok sa paaralan. 9. Si Myrna ay nahuli sa klase pero mayroon siyang takdang aralin. 10. Pagkatapos ng klase ay kinakausap ni Miss Dela Cruz ang mag- aaral niyang may problema. Nasagot mo ba nang maayos ang panimulang pagsubok. Kung ganoon, umpisahan mo na ang mga gawain.III. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1: Sukatin Mo 1. Mula sa panukat na 0-10, kulayan mo ang inaakala mong antas ng iyong: 2. Ang bilang ng hangganan ng iyong kulay ang maglalarawan ng iyong antas ng kaalaman sa moral at ispiritwal na kilos. 3. Tandaan na ang 0 ay nangangahulugan ng walang kalaman sa moral at ispiritwal na kilos. Habang ang 10 ang pinakamtaas na antas ng kaalaman o paggawa. Kaya’t maging mapanuri at maayos sa paggkulay dahilan. 4. Sagutin ang mga tanong sa ibaba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.2 / 9

Sagutin mo1. Magkaiba o magkapareho ang sukat ng temperatura sa mga prinsipyo opahayag mula sa alam mo at sa ginagawa mo? Bakit?2. Bakit maari kung minsan ay alam mo ng mali ang isang aksyon o gawainay itutuloy mo pa rin?3. Ano ang iyong ginagamit na batayan upang masabi mong tama ang iyongginagawa o pasya?4. Ano ang moral na alinlangan para sa iyo?Gawain 2: Alin sa Dalawa? Isulat sa ibaba ng bawat sitwasyon ang iyong maaaring gawin batay sadalawang nagtutungaling sagot, pagkatapos ay isulat sa panghuling guhit angiyong napiling sagot.1. Ang huling araw ng pagpapasa ng book report ay sa Biyernes na kaya nagagahol ka sa panahon si Ana dahil Miyerkules na ngayon. Nakita niya sa lagayan ng kanilang aklat ang book report ng kanyang ate noong nakaraang taon na ganoon din ang paksa. Naisip ni Ana na marahil hindi na ito matatandaan ng kanyang guro kaya… A. Kinuha niya at pinalitan ang pangalan, pagkatapos ay ipinasa sa guro dahil hindi na maalala ng guro na book report ito ng aking ate. B. Hindi niya kinuha dahil kaya kong gumawa ng sarili kong book report. Higit sa lahathindi tama na angkinin at ipasa ang gawa ng iba. C. Ang pinili kong sagot ay ang titik _______ dahil __________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.3 / 9

2. Ang guro sa matematika ay nagbigay ng isang mahirap na “problem solving” na dapat sagutin. Sinikap ni Jose na sagutin ito subalit hindi siya sigurado sa kanyang sagot. Nasilip niya ang sagot ng katabi niya na mahusay sa Matematika at iba ang kanyang sagot. Tinawag si Jose ng guro kaya’t tumayo siya at … A. Isinulat sa pisara ang solusyon ng kanyang kaklase na mahusay dahil magaling iyon kaya masa tama ang kanyang sagot. B. Isinulat sa pisara ang solusyon ayon sa kanyang sariling ginawang paglutas dahil ito ang kanyang sariling pagkaunawa. C. Ang pinili kong sagot ay ang titik _______ dahil __________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________3. Pauwi na mula sa paaralan sina Lito nang maisipan ng tatlo niyang kamag-aral na dumaan muna sa bahay ng isa pa nilang kamag-aral. Ibinilin ng isa sa kanyang mga kasama na huwag sasabihin sa kanyang ina kung saan siya nagpunta. Malapit na siya sa kanilang bahay nang biglang dumungaw sa bintana ang ina ng kanyang kaklase at tinanong kung nasaan ang kanyang anak kaya… A. Itinuro niya ang pinuntahan ng kanyang kaklase dahil kawawa naman ang ina nito kung ito ay mag-aalala. B. Hindi niya itinuro ang pinuntahan ng kaklase dahil baka magalit sa kanya ang kanyang kamag-aral. Bahala na ang nanay niyang hanapin siya. C. Ang pinili kong sagot ay ang titik _______ dahil __________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________ ________________________________________________________Sagutin Mo1. Nahirapan ka bas a pagsagot sa Gawain? Bakit?2. Bakit nagtutunggali ang iyong pasya sa bawat sitwasyon?3. Anu-ano ang dapat gawin upang mapanindigan mo ang paggawa ng tama bilang isang moral at ispiritwal na nilalang? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.4 / 9

Gawain 3: Ang Sarap ng Feeling!Isulat sa tapat ng bawat sitwasyon ang maaari mong maramdaman kungganito ang iyong gagawin:1. Ibinigay mo ang iyong upuan sa isang matandang sumakay dahil ang busay siksikan na.2. Sinikap mong sagutin ang buong pagsusulit ng hindi ka nagtatanong attumingin sa papel ng iba.3. Sinabi mo sa iyong ina na nais kang ligawan ng is among kamag- aral.4. Nagluto ka ng almusal at sinabi ng iyong tatay, nanay, at mga kapatid namasarap ang iyong niluto.5. Nakita mo ang iyong guro na maraming dala at walang pagaalinlangan nasiya ay iyong tinulungan.Sagutin mo1. Bakit sa iyong palagay masarap at napakagaan ng pakiramdam kapagnakakagawa ka ng kabutihan?2. Sa iyong palagay saan nagmula ang pagnanasa na gumawa ka ngkabutihan sa iba?3. Maniniwal;a ka bang mar ispiritwal na kalikasan ang tao? Bakit?IV. Ano Ang Natuklasan Mo?Buuin ang pangungusap ng lumabas ang diwa nito.1. Ang tao ay may kakayahang gumawa nang mabuti dahil_____________________________________________________________.2. Ang taong gumagawa ng kabutihan sa kanyang kapwa ay nagkakaroon ngmabuting pakiramdam dahil _____________________________________________________________________________________________________.3. Kung magkakaroon ng pagkakataong gumawa ng kabutihan sa akingkapwa ay ______________________________________________________.4. Ang moral at ispiritwal na nilalang ay_______________________________.5. Dahil sa ispiritwal na kalikasan ng tao, naiangat niya ang kanyang materyalna kalikasan, dahil ditto nais kong ________________________________________________________________________________________________. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.5 / 9

V. Pagpapatibay Makamit man ng tao ang lahat ng bagay dito sa mundo ay mawawalannaman ito ng saysay o halaga kung hindi ito nailaan sa isang mabuti atmaayos na layunin o patutunguhan. Tandaan na hindi mahalaga angmateryal na bagay, maging ang pisikal o materyal na kalikasan dahil ang mgaito ay lumilipas. Ang tao ay moral na ispiritwal na nilalang. Siya ay may kapasidad namaiangat ang kanyang sarili mula sa kanyang pisikal o materyal na kalikasano kalagayan. Ang materyal na bagay ay madaling makamit at ang mga luho atsarap ng katawan ay mga panandalian lamang. Ang kanyang materyal opisikal na katawan ay mamatay subalit ang ispiritwal na kalikasan aynangangailangan ng mabuting patutunguhan. Higit sa lahat, ang ispiritwal na kalikasan ay ang kapasidad namagmahal at makaalam. Ito ang nagbibigay halaga sa material na kalikasan.Walang kabuluhan ang katawan kung hindi nito malalaman ang mgakahalagahan nito para sa kanya. Ang kapasidad sa pagpapasya ay nasapaggamit ng kanyang rasyonal na pag- iisip at kalayaang maunawaan,isabuhay at itangi ang mga moral na pagpapahalaga. Ang tinutungo nito kungganoon ay ang moral na tao na kumikilos kung ano ang tama at kung ano angdapat. Ang kilos ay moral kung naaayon ito sa kalikasan niya. Dahil nga likasna mabuti ang tao, kinikilalaniya ang kikta ng kanyang kaisipan, kalooban atkonsensya. Ang pagiging moral ay may kaugnayan sa pagkaispiritwal. Angpagkaisipirtwal na kalikasan ang siyang nag-aangat mula sa pagkamoralhanggang sa sukdulang ispiritwal. Moral ang isang asawa kung tinutupadniya ang kanyang obligasyon bilang asawa at ama ng kanyang mga anak.Subalit maiaangat niya ang kanyang pagiging moral patungong ispiritwal kungmananatili siyang tapat sa kanyang asawa at huwarang ama sa kanyang mgaanak. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.6 / 9

VI. Pagnilayan At Isabuhay Mo Mula sa mga naging Gawain ay tunghayan at pagnilayan ang tatlong larawan sa ibaba. Sundin ang mga sumusunod: 1. Ang mga larawan ay sumisimbolo ng mga moral at ispiritwal na pagpapahalaga. 2. Umisip ng isang moral at ispirtwal na pagpapahalagang maaaring sumimbolo ng larawan. 3. Sa tapat nito, isulat kung paano mo ito maisasabuhay. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.7 / 9

VII. Gaano Ka Natuto?Muli ay subukan mong tukuyin kung ang sumusunod ay moral at ispiritwal nakilos. Isula ang MI kung moral at ispiritwal at DMI kung hindi moral atispiritwal. 1. Nagugutom si Ana kaya siya ay kumain. 2. Nagpakasal si Jose at Maria sa simbahan kahit kulang ang pera nila. 3. Natutulog si Gina ng higit sa walaong oras upang mapangalagaan ang kalusugan. 4. Dinidiligan ni Mila ang kanyang mga halaman araw araw upang mapanatili ang ganda ng mga bulaklak nito. 5. Umiinom si Rea ng gatas. 6. Naghanda si Yna dahil kaarawan niya. 7. Ibinahagi ni Fred ang perang galling sa panalo niya sa sabong. 8. Pinaliliguan at binibihisan muna ni Sabel ang kanyang kapatid bago siya pumasok sa paaralan. 9. Si Myrna ay nahuli sa klase pero mayroon siyang takdang aralin. 10. Pagkatapos ng klase ay kinakausap ni Miss Dela Cruz ang mag- aaral niyang may problema.VIII. Mga Sanggunian Abangan, Bella Angeles. 1986. Lakbay Diwa. Quezon City: Lakbay Diwa Enterprises. Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Sangguniang Aklat, SEDP-IMDC. 1994. Manila: Rex Bookstore. Esteban, Esther J. 1990. Education in Values: Manila: Sinagtala Publishers, Inc.Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba? 1. DMI 2. MI 3. MI 4. MI 5. DMI 6. DMI 7. DMI 8. DMI 9. DMI 10. MI Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.8 / 9

Gaano Ka Natuto? 1. DMI 2. MI 3. MI 4. MI 5. DMI 6. DMI 7. DMI 8. DMI 9. DMI 10. MI Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 2, ph.9 / 9



































EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA IV Yunit I Modyul Blg. 4 Manampalataya Ka at KumilosI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Mahal kita! Kumain ka na ba? Napakasarap pakinggan.ang pagmamahal at pagmamalasakit sa mga katagang ito. Subalit higit na makatotohanan ang mga ito kung maipakikita sa kilos. Sapagkat ang pagsasabuhay ng anumang pagpapahalaga ay nagpapamalas ng taos na pananampalataya sa Diyos at nag-aangat ng iyong ispiritwalidad. Kailan ka huling gumawa ng kabutihan sa iyong kapwa? Mabuti ang lagi kang nagdarasal at umasa, ngunit kailangan mo ring kumilos at gumawa nang mabuti para sa iba. Sa modyul na ito, makikilala moang kahalagahan ng pagkilos upang iangat ang iyong pananampalataya tungo sa tunay na ispiritwalidad. Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: Naipakikita ang pagsasabuhay ng pananampalataya sa mga gawaing nakatutulongsa kapwa at kapaligiran (LC 1.10) 1. Nakikilala ang iba’t ibang paraan ng pagsasabuhay ng pananampalataya 2. Nasisiyahan sa pagsasabuhay ng pananampalataya 3. Natutukoy ang ang mga pamamaraan ng pag-angat ng ispiritwalidad Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 1 / 18

Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mongmabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga IV kahit hindika makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos angiyong pag-unawa sa mga nilalaman ng aralin, sundin mo nang tapat angsumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at ibang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 2 / 18

II. Handa Ka Na Ba? A. Basahin ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang titik na may tamang sagot. 1. Ano ang kahulugan ng pahayag na “patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa”? a. Mahirap maligtas ang iyong kaluluwa kung magdarasal ka lamang. b. Nasa pagtulong sa kapwa ang pagsasabuhay ng pananampalataya. c. Ipagdasal nating ang mga taong nagugutom. d. Nalalapit sa Diyos ang taong kumikilos. 2. “Nag-iiwan tayo ng marka sa bawat kabutihang ating ginagawa.” Ano ang ibig sabihin nito? a. Iginuguhit sa palad ng tao ang kanyang mga ginagawa. b. Nakikilala ang ginawang kabutihang ginagawa natin sa ating kapwa. c. Nararamdaman ng tao ang iyong kabutihan. d. Ang gawang mabuti ay nakaguhit sa ating buhay. 3. Likas sa tao ang pagiging maka-Diyos at ang patunay nito ay: a. ang pagtatanong ng tao ukol sa kapangyarihan ng Diyos. b. ang pagdududa ng tao sa kapangyarihan ng Diyos. c. ang pagtanggap niya sa kanyang mga lakas at kahinaan. d. ang patuloy niyang pag-aaral at pananaliksik sa katotohanan 4. Isinilang ang tao na hindi perpekto katulad ng Diyos subalit maaari siyang: a. sumunod sa kapangyarihan ng Diyos. b. tumulad sa kabutihan ng Diyos. c. manalangin upang maging perpekto tulad ng Diyos. d. magsaliksik upang maging perpekto tulad ng Diyos. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 3 / 18

5. Hindi maaaring sabihin sa isang taong nagugutom na ipagdasal niya ang kanyang pagdurusa. Kailangan ay: a. manalangin ka rin upang maibsan ang kanyang gutom. b. makiramay ka sa kanyang gutom na nadaraman. c. may gawin ka upang maibsan ang kanyang gutom. d. tumawag ng ibang taong maaaring tumulong sa kanyang pagdurusa.B. Lagyan ng tsek ang kolum ng dalas ng pagsasabuhay ng iyong pananampalataya.Mga Paraan ng Pagsasabuhay Minsan Madalas Palaging Pananampalataya 1 2 31. Pagsali sa mga gawaingpansimbahan2. Pagbibigay ng limos3. Pakikinig sa kaibigang maysuliranin4. Pagsali sa mga gawaingpampamayanan5. Paglilinis ng bahay6. Pagtuturo sa kamag-aral ngmga araling hindi nilamaunawaan7. Pagninilay-nilay bagomatulog sa gabi8. Pagtulong sa nasalanta ngkalamidad9. Pagbabasa ng Bibliya10. Paggawa ng gawaing bahayProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 4 / 18

II. Tuklasin MoGawain Blg. 1Basahin ang bawat sitwasyon. Kilalanin ang paraan ngpagsasabuhay ng pananampalataya ng bawat tauhan. Pagkatapospunan ang tsart sa ibaba.Pangunahing Tauhan Mga Katangian Paraan ng Pagsasabuhay sa Kwento ng PananampalatayaA. Ang mayamanB. Ang banalC.Gng. SantosD.Pamilyang GomezA. Isang mayaman ang kilala sa pagiging mabait. Isang lalaki ang nagnais na malaman kung paano niya ito ginagawa. Siya ay nagtungo sa bahay ng mayaman at siya naman ay pinatuloy nang maayos. Tinanong ng lalaki kung ano ang sikreto niya subalit sinabi ng huli na wala. Pinilit pa rin siya ng lalaki kaya sinabi niyang pinatutuloy niya ang lahat ng mapadaan sa kanila. Hindi niya minamaliit ang mahihirap at pantay ang kanyang pakikiharap sa lahat.B. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 5 / 18

Isang banal na matandang lalaki ang kailangang tumigil ng ilang araw sa Paris. Pumunta siya sa isang malaking simbahan na may panuluyan. Binigyan siya ng pari ng isang maliit na kuwarto sa pinakataas ng ikaaanim na palapag. Dumaan ang ilang taon at dumating ang pagkilala at kanonisasyon ng banal na ito. Sinabi ng pari na kung nalaman lang niyang magiging santo siya ay hindi sana niya pinatuloy sa ikaanim at dulong palapag.C. Si Gng. Santos ay hindi makatulog sa gabi. Nararamdaman niyang may ipinapagawa sa kanya ang Diyos. Ngunit hindi niya ito maisip. Siya naman ay aktibo sa gawing pangsimbahan. Miyembro siya ng mga samahang tumutulong sa mahihirap. Naglilimos siya sa mg pulubi. Isang araw ay naalala niya si Ela, kanyang labandera na may apat na anak na nag-aaral. Naisip niyang hindi sapat ang kanyang ipinasusuweldo kahit na hindi ito umaangal. Naisip niyang marahil, ito ang mensahe ng Diyos kaya’t tinaasan niya ang suweldo ni Ela. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 6 / 18

D. Malaki ang pamilya Gomez. May walong anak at nakikipanirahan pa ang lola at isang tiyahin. Maliit lamang ang kanilang tirahan. Lahat ng bata ay nag-aaral ngunit bawat isa ay mayroong gawain sa bahay. Si Gng. Gomez ay nagluluto ng mga pagkain na ibinibenta sa kapitbahay. Lagi silang masaya.Sagutin Mo 1. Paano ipinamalas ng mga tauhan ang kanilang pagsasabuhay ng kanilang pananampalataya? 2. Sa apat na tauhan, kanino ka higit na humanga? Ipaliwanag. 3. Anu-ano ang mga katangiang nararapat upang maisagawa mo ang mga gawaing mag-aangat ng iyong ispiritwalidad? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 7 / 18

Gawain Blg. 2 May mga gawaing ayaw mong gawin dahil maaaring nahihirapan osadyang hindi mo nais gawin ang mga ito. Subalit ang pagtitiis atpagtitiyagang tapusin ang isang gawaing ayaw mo ay paraan ngpagsasabuhay ng iyong pananampalataya. Maaaring ialay mo angisang gawain sa makabuluhang bagay upang maging magaan angpagtupad nito.Ngayon ay subukin mong gawin ang sumusunod:1. Sa unang kolum, isipin at isulat ang:A. gawaing ayaw mong gawin sa inyong tahananB. gawaing ayaw mong gawin sa inyong paaaralanC. taong ayaw mong kausapin at pakitunguhan2. Sa ikalawang kolum, isulat kung kanino mo maaaring ialay anggawaing isinulat mo sa A at B ng unang bilang. Kungkakausapin mo ang taong isinulat mo sa C, kanino mo iaalay ito?Isulat ang sagot sa hanay ng titik C.3. Itala sa huling kolum ang pakiramdam pagkatapos ng gawain. Gawaing ayaw gawin sa: Iniaalay ang gawaing Nadama PagkataposA. tahanan: ito kay ng gawainB. Paaralan:C. Taong ayaw kausapin at pakitunguhan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 8 / 18

Sagutin Mo 1. Nahirapan ka ba sa gawain? Bakit? 2. Paano naging inspirasyon ang mga taong pinag-alayan mo ng gawain? 3. Paano isinabuhay ang iyong pananampalataya mula sa mga gawain at taong iyong pinakitunguhan?Gawain Blg. 3 Maaaring hindi pa sapat ang isang araw na gawaing iyongnatapos upang isabuhay ang iyong pananampalataya. Hindi rinmasasabing ganap na ang iyong buhay ispiritwal pagkatapos nggawain. Kaya ngayon, narito ang gawain na tutukoy sa mgapamamaraan ng pag-angat ng kalikasang ispiritwal. Basahing mabuti ang pahayag mula sa Banal na Kasulatan(Santiago 2:14-17): “Pananampalataya at mga Gawa Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sasabihin niyang siya’y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya pinatutunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng gayong pananampalataya? Halimbawa: ang isang kapatid na walang maisuot at walang makain. Kung sasabihin ng isa sa inyo, “Patnubayan ka nawa ng Diyos. Magbihis ka’t magpakabusog.” Ngunit hindi naman siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang maidudulot sa kanya iyon? Gayon din naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga IV, Modyul Blg. 4, ph. 9 / 18


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook