1Araling Panlipunan
Araling Panlipunan Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 1 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayatnamin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon namag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ngEdukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i
Araling Panlipunan – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral: TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-51-0 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng BatasPambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akdang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaano tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa pagkakakitaan angnasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ngprodukto o brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sanagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi angpahintulot ng mga may karapatang-ari upang magamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkinni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) at may-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Mga Consultant: Maria Serena I. Diokno, PhD. at Marie Yvette Concepcion-Alcazar Mga Manunulat: Maria Vanessa P. Lusung-Oyzon at Czarina B. Agcaoili Mga Tagasuri: Haydee Alipustain, Thea Joy G. Manalo, Rodel C. Sampang, Minda Blanca Limbo, Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, Grace U. Salvatus Gumuhit ng mga Larawan: Erica Villanueva, Eric S. de Guia, Erich D. Garcia, at Jayson R. Gaduena Mga Naglayout: Allan R. Thomas, Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue. Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054, 634-1072E-mail Address: [email protected] ii
TALAAN NG MGA NILALAMANYunit 1: AKO AY NATATANGI 2 Aralin 1: Pagkilala sa Sarili …………………………………..……. 3 Aralin 1.1: Ang Aking Sarili ………………………………….…. 10 Aralin 1.2: Ako ay Katangi-tangi ........................................... 17 Aralin 1.3: Ang Aking Pangangailangan .............................. 21 Aralin 1.4: Ang Aking mga Paboritong Bagay ……………. 32 Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng Buhay …….... 33 Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki ………………...……………….. 38 Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking Sarili ........................... 41 Aralin 3: Pagpapahalaga sa Sarili ............................................. Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa Sariling 42 Katawan ........................................................................... Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking Kakayahan ......... 43 Aralin 3.3: Ang Aking mga Pangarap .................................. 45iii
Yunit 1: AKO AY NATATANGIPanimulaMga Layunin: Matapos ang pag-aaral ng Yunit 1, inaasahangmagagawa mo ang sumusunod: 1. naipakikilala ang iyong sarili; 2. nasasabi mo ang mga bagay na nanatili at nagbago sa iyong sarili mula nang isilang ka hanggang sa kasalukuyan; 3. naihahambing mo ang iyong sariling kuwento ng buhay sa kuwento ng iyong kamag-aral; at 4. napahahalagahan at naipagmamalaki mo ang iyong sarili. 1
Aralin 1: Pagkilala sa SariliPanimula 2
Aralin 1.1 : Ang Aking SariliPag-isipan Ano ang alam mo tungkol sa iyong sarili?Gawain 1 Maglaro muna tayo.Makinig sa panuto ng guro. Magpapangkat-pangkat kayo ng iyong mga kamag-aral ayon sasasabihin ng inyong guro. Sa larong ito, dapat aymasasabi mo ang iyong pangalan, kaarawan,edad, at tirahan. Ano ang mga sinabi mo sa iyong mgakamag-aral habang naglalaro? Anong mga pagkakataon kailangan mongsabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad attirahan? Bakit dapat na alam mo ang iyongpangalan, kaarawan, edad, at tirahan? 3
Gawain 2 Magpangkat ng tig-aapat. Makinig nangmabuti sa babasahin ng iyong guro. Ipakita sapamamagitan ng pagsasadula kung paano mosasabihin ang iyong pangalan, kaarawan, edad,at tirahan. Bibigyan kayo nang sapat na orasupang maghanda at mag-ensayo. Ibahagi sa klase ang inihandang dula. Ano ang naramdaman mo matapos ibahagisa iyong mga kamag-aral ang inyonginihandang dula? Ikaw, naranasan mo na ba ang sitwasyonginyong ipinakita sa dula? 4
Gawain 3 Isulat sa patlang ang hinihingingimpormasyon tungkol sa iyo.Bago ka ba rito? Ang pangalan ko ayAnong pangalan _________________.mo?Kailan ka Ipinanganak akopinanganak? noong _________. 5
6
Gawain 4 Upang lubusang makilala ang iyong sarili,alamin ang pinagmulan ng iyong pangalan.Tanungin ang iyong magulang o tagapag-alagakung bakit ito ang ibinigay nilang pangalan saiyo. Isulat sa loob ng bituin ang iyong unangpangalan. Halimbawa, Jose. Isulat naman saloob ng bilog ang dahilan kung bakit ito angibinigay sa iyong pangalan. Halimbawa, parehoang araw ng kapanganakan namin ni Jose Rizal,isang maipagmamalaking Pilipino. 7
Humingi ng tulong sa iyong magulang okasama sa bahay sa pagsagot nito. 8
Gawain 5 Ano ang mga pangalang itinatawag sa iyong iyong magulang o mga kaibigan bukod saunang pangalan mo? Sa mga pangalang ito,alin ang pinakagusto mong itinatawag sa iyo? Sa isang malinis na papel, gumawa ngname tag na nakasulat ang pinakagusto mongpangalan. Kulayan ito ng iyong paboritong kulay.Magpatulong sa iyong guro sa paglalagay ngtali. Isuot ito tuwing oras ng klase. JOSE Tandaan Mahalagang malaman mo ang iyong pangalan, kaarawan, edad, at tirahan. Magagamit mo ang mga ito sa pagpapakilala sa mga bagong kaibigan, kamag-aral, at kalaro. 9
Aralin 1.2 : Ako ay Katangi-tangiPag-isipan Paano mo ilalarawan ang iyong sarili? Anong pisikal na katangian mo ang naiiba sa ibang tao sa iyong paligid?Gawain 1 Kumuha ng isang malinis na papel at iguhitang iyong sarili. Pagkatapos mong gumuhit, isulat ang iyongpangalan sa ibabang bahagi ng iginuhit nalarawan. Ibahagi sa klase ang iyong ginawa. 10
Kasama ang iyong mga kamag-aral, ipaskilang inyong iginuhit sa isang bahagi ng silid-aralan.Ano ang naramdaman mo habang – a) iginuguhit ang iyong sarili? b) ibinabahagi ang iyong iginuhit? c) nakikinig sa pagbabahagi ng iyong mga kamag-aral? Ano ang napansin mo sa iyong iginuhit?Ilarawan ito. Bakit hindi magkakapareho ang inyongiginuhit? Ano ang kaibahan ng iginuhit mo sa mgaginawa ng iyong mga kamag-aral? 11
Gawain 2 Napagmasdan mo na ba ang iyong mgadaliri sa kamay? Tingnang mabuti ang mga guhitsa iyong hinlalaki. Lahat tayo ay may thumb print tulad ngnasa larawang tinitingnan ng imbestigador.Subukin mong ikumpara ang iyong thumb print saiyong mga kamag-aral. Bumuo ng isang pangkat na may limangkasapi. Kumuha ng isang malinis na papel atmaghanap ng maaaring ipangkulay sa inyonghinlalaki. Matapos kulayan ang inyong hinlalaki,idiin ang mga ito sa isang malinis na papel tuladng nasa larawan. 12
Tingnang mabuti ang mga guhit sa inyonghinlalaki. Ano ang nalaman mo? Magkaparehoba ang thumb print ninyo ng iyong mga kamag-aral? Bukod sa thumb print, may iba ka pang mgapisikal na katangian na naiiba sa iyong mgakamag-aral. May naiisip ka pa ba? Tandaan: Mayroon kang mga pisikal na katangian na naiiba sa iyong mga kamag- aral tulad ng thumb print, sukat o laki ng katawan, hugis ng mukha, tangos ng ilong, hugis at kulay ng mata, at ang kulay at anyo ng buhok. Nararapat lamang na ipagmalaki mo ang iyong mga angking katangian. Bawat isa sa iyong kamag-aral ay natatangi rin. Dapat mong igalang at pahalagahan ang kanilang angking katangian. 13
Gawain 3Masdan ang nasa larawan. Ipinakikita sa larawan ang iba’t ibangdamdamin ng tao tulad ng masaya, malungkot,nagulat at galit. Kailan mo nararamdaman ang mgadamdaming ito? 14
Maglaro tayo. Bumuo kayo ng dalawangpangkat na may magkasindami ng kasapi. Bawatpangkat ay bubuo ng isang bilog. Gayahin ninyoang nasa larawan. Babasahin ng inyong guro ang iba’t ibangpangyayari. Pagkatapos niyang mabasa ang isangpangyayari, bibilang siya ng isa hanggang sampuhabang ang dalawang pangkat ay umiikot nangmagkasalungat. Pagkabilang ng sampu, ipakita saiyong katapat na kamag-aral ang iyong damdaminsa binanggit na pangyayari ng inyong guro. Ulitin ang gawaing ito sa susunod pangpangyayaring babasahin ng guro. Ano ang naramdaman mo habang ikaw aynaglalaro? Magkatulad ba ang damdamin mo at ngiyong katapat na kamag-aral sa iba’t ibangpangyayaring nabanggit? Oo o hindi, bakit? 15
Gawain 4 May mga mukha sa loob ng kahon nanagpapakita ng iba’t ibang damdamin. Tingnanang mga mukha sa loob ng bawat kahon.Kulayan ang bawat mukha ng kulay na iyongnaiuugnay sa iba’t ibang damdamin. Iguhit dinang mga bagay kung bakit ka masaya,malungkot, nagugulat, at nagagalit sa paligid ngmukha na nasa loob ng kahon.Ang Aking DamdaminMasaya MalungkotNagulat Galit Tandaan Mayroon kang sariling damdamin. Mayroon ka ring sariling dahilan kung bakit ka masaya, malungkot,nagugulat at nagagalit. Katulad mo, angibang bata ay may sariling damdamin nakailangan mong igalang at kilalanin. 16
Aralin 1.3: Ang Aking PangangailanganPag-isipan Ano ang iyong pangangailangan sa araw-araw?Gawain 1 Tingnan ang mga pangyayari sa larawan.Pagsunod-sunurin ang mga larawan ayon sapangyayari. Isulat sa loob ng bituin ang bilang1-4, 1 para sa pinakaunang pangyayari at 4naman para sa pinakahuli. Bakit ito ang naisip mong pagkakasunod-sunod ng larawan? Ang tawag sa iyong nabuo ay timeline.Ipinapakita sa atin ng isang timeline kung kailannaganap ang mga pangyayari at ano-ano angmga bagay na nagbago. Upang makagawa ngtimeline, isipin ang pagkakasunod-sunod ng mgapangyayari. 17
Gawain 2 Narito ang timeline ng iyong ginagawa saaraw-araw. Iguhit ang iba’t ibang bagay nakailangan mo sa mga gawaing nakasulatMga Pang-araw- Mga Bagay naaraw na Gawain Kailangan Paggising saumagaPaliligoPagbibihisPagpasok sapaaralan 18
Mga Pang-araw- Mga Bagay naaraw na Gawain Kailangan Pag-uwi mula sa paaralan Pagkain ngha hapunan Paghahanda bago matulog sa gabi Tingnan muli ang timeline at ang mgabagay na iyong iginuhit. Sa iyong mga iginuhit, alin sa mga bagay naito ang iyong kailangan upang mabuhay? Alinnaman sa mga iginuhit mo ang maaari kangmabuhay kahit hindi mo ito makuha o magamit? Pumili ng isang kamag-aral at ibahagi sakaniya ang iyong sagot. Pagkumparahin anginyong sagot. Ibahagi sa buong klase ang napag-usapanninyo ng iyong kamag-aral. 19
Gawain 3 Tingnan ang larawan na nagpapakita ngmga bagay na ginagamit sa araw-araw. Biluganang mga bagay na iyong kailangan upang lagikang malakas at malusog. Tandaan: May iba’t ibang pangunahing pangangailangan ang bawat bata tulad ng pagkain, damit, tirahan, at mga gamit sa paaralan. Iba-iba ang pangangailangan ng bawat bata ayon sa lugar na kinabibilangan at sitwasyong nararanasan. 20
Aralin 1.4: Ang Aking mga PaboritongBagayPag-isipan Ano ang paborito mong pagkain, damit, laruan, lugar na pinupuntahan, at gawain sa araw-araw?Gawain 1 Mula sa mga lumang diyaryo o magazine,gumupit ng larawan ng mga pagkain, damit,laruan, lugar, at gawain na gustong-gusto mo atnagpapakilala sa iyo. Dalhin ito sa klase. Humingi ng isang malinis na papel sa iyongguro. Gamit ang ginupit na larawan, idikit angmga ito sa malinis na papel. Huwag kalimutangilagay ang iyong pangalan at ang pamagat na“Ito ang Gusto Ko.” 21
Alam mo ba kung ano ang tawag dito?Collage (ko-láds) ang tawag sa gawaing ito. Angcollage ay pinagsama-samang larawan nanagpapakita ng isang malaking ideya. Ibahagi ang iyong ginawang collage saklase.Gawain 2 Gupitin ang mga larawan ng pagkain. Idikitang mga ito sa plato. Iguhit sa plato ang iyongmga paboritong pagkain. 22
23
Ang Aking mga Paboritong Pagkain Kulayan ang iyong ginawa. Ibahagi ito saklase at sabihin kung bakit ito ang iginuhit mongmga paboritong pagkain? 24
Gawain 3 Magdala ng mga paborito mong bagaytulad ng aklat, damit, at laruan. Ipakita at ibahagi sa klase ang iyong dalangpaboritong bagay. 25
Gawain 4 Pahulaan sa iyong mga kamag-aral angpaborito mong gawain o bagay sapamamagitan ng larong charades. Alam mo baang larong ito? Ang charades ay pagpapahula ng isanggawain o bagay sa pamamagitan lamang ngkilos nang hindi nagsasalita. Ang gagawingpagpapahula ng bawat isa ay oorasan ng iyongguro. Matapos ang larong charades, sumama saiyong mga kamag-aral na may paboritonggawaing katulad ng sa iyo. Maghanda ng isangmalikhaing presentasyon na magpapakita nginyong paboritong gawain. Tandaan: Ang bawat bata ay may kaniya- kaniyang paboritong bagay, gawain, at pagkain. Ang mga ito ang nagpapakilala sa iyo bilang natatanging bata. 26
Gawain 5 Sina Ana at Mara ay matalik na magkaibigan.Lagi silang magkasama. Palagi rin silangnagtutulungan. Pareho nilang gusto ang paglalarong piko at bahay-bahayan. Sina Jun, Anton, at Paco ay matalik namagkakaibigan. Madalas silang makikitangmasayang naghahabulan, naglalaro ng sipa, atnagtataguan. Palagi rin nilang ipinahihiram angkanilang mga laruan sa isa’t isa. 27
Ikaw sino ang iyong mga matalik na kaibigan?Bakit mo sila naging kaibigan? Ano ang mgakatangian nila na nagustuhan mo?Sumulat ng isang katangian nila sa nakalaang hugissa ibaba. Pagkatapos, gupitin ito at idikit sanakapaskil na larawan sa silid-aralan na inihanda nginyong guro.Matapos ang gawain, awitin ang kantang “Ako’yNatatangi” sa saliw ng awiting “Are You Sleeping?” Ako’y natatangi Ako’y natatangi Ikaw rin Ikaw rin Maglaro na tayo Gumawa na tayo Araw-araw Araw-araw 28
Gawain 6Tingnan at suriin ang larawan ni Jose. Makikita sa larawan na may nakasulat sasombrero ni Jose. Mapapansin na ang mganakasulat ay naglalarawan kay Jose. Ang tawagdito ay graphic organizer. Isa itong paraan ngpagbabahagi at pagsasaayos ng mga ideya saisang malikhaing paraan. 29
Upang lubos na maipakilala ang iyong sarili,isiping muli ang mga paborito mong bagay. Ipakitaito sa pamamagitan ng graphic organizer na kamay.Iguhit ang mga ito sa larawan ng isang kamay tuladng iyong paboritong gawain, pagkain, at matalik nakaibigan. Isulat mo rin dito ang iyong pangalan atedad. Ang Aking mga Paboritong Bagay at Matalik na Kaibigan Pag-aralan ang graphic organizer. 30
Pagkatapos gawin ang graphic organizer,bumuo ng pangkat na may sampung kasapi. Alaminkung mayroon sa iyong mga kasama sa pangkatang may katulad ng nilalaman ng iyong graphicorganizer.Bakit walang katulad ng iyong mga isinagot?Tandaan: Ikaw ay natatangi. May mga katangian ka na naiiba sa iyong mga kamag-aral.Ang mga katangiang ito angnagpapakilala sa iyo. Nararapat lamangna ipagmalaki mo ang iyong mgaangking katangian. 31
Aralin 2: Pagbabahagi ng Sariling Kuwento ng BuhayPanimula 32
Aralin 2.1: Ang Aking Paglaki Pag-isipan Anong mga bagay ang nagbabago?Gawain 1 Tingnan mo ang timeline na nagpapakita ngpaglaki at pagbabago ng isang agila.Ano ang napansin mo sa agila?Ano ang napansin mong pagbabago?May alam ka pa bang ibang hayop o insekto naganito rin ang pagbabago?Paano mo maihahalintulad sa tao ang mgapagbabagong pinagdadaanan ng mga insekto ohayop na natalakay sa klase?Ano-ano ang pagkakatulad ng pagbabagongnangyayari sa tao at hayop o insekto na natalakaysa klase? Ano-ano naman ang pagkakaiba? 33
Gawain 2 Masdan at ilarawan ang dalawang timeline nanagpapakita ng pagbabago sa buhay ni Buboy atMimi. Ano ang napansin mong pagbabago sa mgalarawan sa dalawang timeline? 34
Ano ang napansin mong pagbabago sa anyonina Mimi at Buboy? Bakit kaya nagbago ang kanilang anyo? Nakararanas ba lahat ng tao ng ganitong mgapagbabago? Pag-aralan ang sumusunod na larawan. Gupitinat idikit sa tamang kahon ang bawat larawan ayonsa pagkakasunod-sunod ng mga pagbabagongnagaganap sa isang tao. Ilagay sa kahon na maybilang 1 ang dapat na maunang larawan at ilagaynaman sa kahon na may bilang 5 ang dapat namahuli. 35
Ang mga Pagbabagong Nagaganap sa Buhay ng Isang Tao 36
Gawain 2 Makinig nang mabuti sa ibabahagi ng inyongguro tungkol sa mga pagbabagong naganap atnaranasan niya sa kaniyang buhay. Tingnan angtimeline ng buhay ng iyong guro. Ano ang mga pagbabagong naganap sabuhay ng iyong guro? Tandaan: Ang bawat tao ay nakararanas ng pagbabago sa kanyang pisikal na anyo. Kasabay ng mga pagbabago sa kanilang katawan ang pagdami ng mga kaya nilang gawin. 37
Aralin 2.2: Ang Pagbabago sa Aking SariliPag-isipan Anong mga pagbabago ang napansin mo sa iyong sarili simula nang ikaw ay ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyang edad?Gawain 1Ipakuwento sa iyong mga magulang otagapag-alaga kung anong mga pagbabago saiyong sarili ang kanilang napansin mula nang ikaway ipinanganak hanggang sa iyong kasalukuyangedad. Naku, anak! Napakaraming Ano-ano po nagbago sa iyo ang nagbago simula nang sa akin? maipanganak ka hanggang ngayon. Mula sa impormasyong nalaman mo tungkol samga pagbabago sa iyong sarili, gumawa ng isangtimeline ng mahahalagang pangyayari sa iyongbuhay mula noong ikaw ay isang taong gulang palamang hanggang sa kasalukuyan mong edad.Iguhit ito sa film strip. 38
Ang Mahahalagang Pangyayari sa Aking Buhay Isalaysay sa klase ang mga pagbabagongnaganap sa iyong sarili ayon sa binuong timeline.Gawain 2 Ipakita sa iyong mga kamag-aral ang dinalamong personal na gamit o iparinig ang kuwentongibinahagi sa iyo ng iyong magulang o tagapag-alaga tungkol sa sarili mo. Iugnay rin ito sa timelinena iyong ginawa sa Gawain 1. 39
Gawain 3 Anong mga bagay ang nagbago sa iyo mulanoong ikaw ay sanggol hanggang sa kasalukuyan?Mayroon bang mga bagay tungkol sa iyo nanananatili at hindi nagbago kahit lumipas ang mgataon? Sa tulong ng iyong guro o magulang, isulatang iyong sagot sa nakalaang kahon. Ang mga Bagay na Nanatili at Nagbago sa Aking BuhayMga bagay na Mga bagay na nanatili nagbagoTandaan: Ang bawat bata ay dumaraan at nakararanas ng pagbabago sa katangiang pisikal at kayang gawin.Sa kabila ng pagbabagong ito, mayroon pa ringmga bagay na nananatili tulad ng pangalan atpetsa ng kapanganakan. 40
Aralin 3: Pagpapahalaga sa SariliPanimula 41
Aralin 3.1: Ang Aking Pagpapahalaga sa Sariling KatawanPag-isipan Paano mo pinahahalagahan ang iyong katawan?Gawain 1 Tingnan ang mga larawang nasa loob ng kahon.Lagyan ng tsek () ang larawang nagpapakita ngwastong pangangalaga sa katawan. Lagyannaman ng ekis (X) ang nagpapakita ng hindiwastong gawi. Tandaan: Mahalagang pangalagaan ang iyong katawan. May iba’t ibang gawain na maaari mong gawin upang mapanatiling malusog ang iyong katawan. 42
Aralin 3.2: Ang Pagpapaunlad sa Aking KakayahanPag-isipan Ano ang kaya mong gawin? Paano mo pinauunlad ang iyong kakayahan?Gawain 1 Kilala mo ba angbatang nasa larawan? Makinig sa kuwento ngkanyang buhay. Bakitnabulag si Roselle? Ano ang iyong naramdaman pagkataposmong malaman ang kuwento ng buhay ni Roselle?Ano ang mga nakamit niyang tagumpay? Paano siya nagtagumpay bilang mag-aaral? Ano-anong katangian ni Roselle ang maaarimong tularan? 43
Gawain 2 Sagutan ang mga patlang sa tulong ng iyongguro o magulang. Ako si ________________________________ . Kaya kong ______________________ . Upang maging mas magaling, ako ay ______________________________ . Tandaan: Mahalagang paunlarin ang iyong mga kakayahan. May iba’t ibang gawain na maaari mong gawin upang mapaunlad ang iyong mga kakayahan. 44
Aralin 3.3: Ang Aking mga PangarapPag-isipan Ano ang mga nais mong gawin, makamit, o matupad sa iyong buhay?Gawain 1Pagmasdan ang mga taong nasa larawan sa ibaba.Haja Amina Lea Salonga Socorro Josette Biyo Appi Ramos Kenneth Manny Tony Tan Jose RizalCobonpue Pacquiao Caktiong Katulad mo, minsan din silang naging bata. Sakanilang pagsisikap, natupad nila ang kanilang mgapangarap. Ang pangarap ay mga bagay na naismong gawin, makamit o matupad sa iyong buhay.Ano ang iyong mga pangarap? 45
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194