xxviii NILALAMAN PAMANTAYANG PAMANTAYAN MGA KASANAYANG (Content Standard) PANGNILALAMAN SA PAGGANAP PAMPAGKATUTO All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means - (Content Standard)electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. (Performance ( Learning Competencies) Standard) 16.4 Nakabubuo ng matatag na posisyon tungkol sa mga isyu sa paggawa at paggamit ng kapangyarihan Paggamit ng Magkasalungat na CODE interes (Conflict of DKapangyarihan interest) at EsP10PI Paggamit ng -IVh-16.4 (Pakikipagsabwatan, Kapangyarihan Panunuhol, Bribery, (Pakikipagsabwatan , Panunuhol EKickback, (Bribery), Kickback, PED COPYNepotismo) Nepotismo).
xxix K to 12 BASIC EDUCATION CURRICULUM CODE BOOK LEGEND All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015. D Sample: EsP10PB-IIIg-12.1 EPFirst Entry LEGEND SAMPLE DOMAIN/ COMPONENT CODE Edukasyon sa PKP Learning Area Pagpapakatao Tungkulin Ko Sa Aking Sarili at Pamilya P and Strand/ PPP Subject or Baitang 10 Mahal Ko, Kapwa Ko PD Specialization PS EDUppercase Letter/s EsP Para Sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo PT 10 PB Paggawa ng Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos P Grade Level Pagkilala at Pamamahala sa mga Pagbabago sa IP Sarili PL Domain/Content/ Ang Pagpapahalaga PB Ang Pagkatao ng Tao TT Component/ at Birtud - KP Topic Ang Pagpapahalaga at Birtud Roman Numeral III PK *Zero if no specific Ang Pakikipagkapwa g MP Cquarter - Mga Isyu sa Pakikipagkapwa MK 12.1 PI Lowercase Letter/s Ang Papel ng Lipunan sa Tao *Put a hyphen (-) in Ang Tungkulin ng Tao sa Lipunan between letters to Mga Kaugnay na Pagpapahalaga sa Paggawa Oindicate more than a Mapanagutang Pagpaplano ng Kursong specific week Akademiko o Teknikal-Bokasyonal, Sining at Quarter Ikatlong Markahan Isports, Negosyo o Hanapbuhay Week Ikapitong linggo PYArabic Number Competency NakapagpapaLiwanag ng kahalagahan ng pangangalaga sa kalikasan Ang Moral na Pagkatao Ang Makataong Kilos Ang Aking Posisyon sa mga Isyung Moral
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 5: ANG PAGKUKUSA NG MAKATAONG KILOS AT MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PANANAGUTAN NG TAO SA KAHIHINATNAN NG KILOS AT PASIYA Bilang ng oras: 6I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa konsepto ng pagkukusa ng makataong kilos at mga salik sa nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsusuri ang mag-aaral ng: a. Sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. b. Sariling pasiya batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya.nang tama at mabuti Batayang konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag- aaral? a. Ang makataong kilos ay sinadya (deliberate) at niloob ng tao, gamit ang isip, kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kabutihan o kasamaan). b. Nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Nakapagsusuri ng (a) sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos at (b) sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya nang tama at mabuting kahihinatnan nito. Kakayahan Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Nakapagsusuri ng (a) mga kilos na may pananagutan at (b) mga sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa Kaalaman Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Natutukoy: a. na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. b. ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya. 50 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Pagtatasa (Assessment) Tandaan: Ang apat na KP ay nakaangkla sa apat na Kasanayang Pampagkatuto (KP) batay sa Apat na antas ng Pagtatasa (Four Levels of Assessment tools sa DepEd Order No. 73, s. 2012) at kraytirya sa pagtataya ng output sa Produkto/PagganapMga Kasanayang Pampagkatuto:DEPED COPY Pagtatasa:KP1: KP1:Natutukoy na: Alamin ang katuwiran ukol sa pagiginga. may pagkukusa sa makataong kilos kung mapanagutan sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga sitwasyon na maaaring may hindi nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng mabuting bunga/resulta. kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalamanb. ang bawat salik na nakakaapekto sa Pagtukoy sa mga salik na maaring makaa- pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng pekto sa mga sitwasyon kalimitang nangya- kaniyang kilos at pasiya yari sa tunay na buhay.KP2: KP2:Nakapagsusuri ng: Alamin ang mga kilos na umiiral ang isip ata. mga kilos na may panagutan kilos-loob at mapangatuwiranan ang pagka-b. isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa karoon ng kapanagutan sa mga ito. sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing Makapagpakita ng dula-dulaan na kung saan damdamin, takot, karahasan, at gawi. ang isip at kilos-loob ay ginagamit at bunga nito ang pagiging mapanagutan.KP3:Napatutunayan na: KP3:a. Gamit ang katwiran, sinadya (deliberate) Pagbuo at pagpapaliwanag ng Batayang Konsepto at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kahihinatnan KP4: nito (kawastuhan o kamalian) Makagawa ng isang malinaw na batayan sab. Nakaaapekto ang kamangmangan, ma- pagkakaroon ng mapanagutang pagpapasiya sidhing damdamin, takot, karahasan, at sa mga sitwasyong maaaring maranasan. gawi sa pananagutan ng tao sa kahihi- natnan ng kaniyang mga pasiya at kilos Makagawa ng isang pagninilay na naglala- dahil maaaring mawala ang pagkukusa man ng isang matatag na paninindigan/kap- ng kilos. anagutan sa mga kilos na maaaring gawin at paraan upang hindi maaapektuhan ng mgaKP4 salik na nakakaapekto sa makataong kilos.Nakapagsusuri ng:a. mga kilos na may pananagutan Makapagtala ng mga maling kilos na bungab. isang sitwasyong nakaaapekto sa ng maling pasiya. Makagawa ng paraan upang maibalik ang nasirang relasyon at pagkukusa sa kilos dahil sa kamangman- makapagtala ng tamang paraan kung paano gan, masidhing damdamin, takot. kara- naisaayos. hasan, at gawi. 51 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 1. Talakayin ang panimula sa pahina 83 ng Modyul 5. Mahalagang mapukaw ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makukuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. 2. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin sa angkop na taon (B7, B8, o B9) upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto mula rito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang modyul. 3. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang konteksto (thesis statement) na naglalarawan sa paksa at dapat bigyang-tuon. 4. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang Mahalagang Tanong na dapat sagutin sa modyul. 5. Ipabasa sa mga mag-aaral ng paisa-isa ang mga layuning pampagkatuto para sa modyul na ito. 6. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 5:4. 7. Tanungin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa?Mga Kasanayang Pampagkatuto Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 83. Isa-isahin ang mga layuningpampagkatuto para sa Modyul 5. Sa Modyul 4 natutuhan mo, na ang kalayaan ang nagbibigay sa tao ng kakayahang pumili at maging mapanagutan sa piniling pasiya. Kung lagi kang nagsisikap na piliin ang pasiya at kilos na nagpapakita ng pagmamahal at tumutugon ka sa mga sitwasyong nangangailangan ng iyong paglilingkod, anuman ang balakid, masasabing nagtataglay ka ng tunay na kalayaan. 52 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng ikatlong Kasanayang Pampagkatuto (KP3) o titik sa listahan ng mga layunin upang maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin mahihinuha ng mga mag-aaral ang batayang konsepto. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 5.1. Nakikilala: a. na may pagkukusa sa makataong kilos kung nagmumula ito sa malayang pagsasagawa ng kilos-loob sa pamamatnubay ng isip/kaalaman. b. ang bawat salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang kilos at pasiya. 5.2 Nakapagsusuri ng: a. mga kilos na may pananagutan. b. isang sitwasyong nakaaapekto sa pagkukusa sa kilos dahil sa kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi. 5.3 Napatutunayan na: a. Gamit ang katuwiran, sinadya (deliberate) at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya pananagutan niya ang kahihinatnan nito (kawastuhan o kamalian). b. Nakaaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kaniyang mga pasiya at kilos dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos. 5.4 Nakapagsusuri ng: a. sariling kilos na dapat panagutan at nakagagawa ng paraan upang maging mapanagutan sa pagkilos. b. sarili batay sa mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya at nakagagawa ng mga hakbang upang mahubog ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 5.4 Makagawa ng angkop na flow chart na magiging gabay at nagpapakita ng kilos kung ito ay mabuti o masama kasama na ang mga salik na maaaring makaapekto rito. Makapagbigay ng tiyak na mga hakbang sa paghuhusga ng isang kilos bilang mabuti o masama na nagsasaalang-alang ng mga salik na maaaring makaapekto. Maipaliwanag ang mga makataong kilos na nababawasan ang kapanagutan. Makapagtakda ng mga plano upang mapanatili ang kakayahan at ang kamalayan sa pagiging mapanagot sa makataong kilos. 53 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPaunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), at PAG-UNAWA (understanding of concepts). (KP1) 1. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya – upang mataya ang kanilang mga dating kaalaman lalo na sa nilalaman ng aralin na matatagpuan sa bahaging Pagpapalalim. 2. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 85 ng modyul. 3. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto. 4. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 - 15 minuto. 5. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 6. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 7. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang pagpapalalim. Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Pagpapalalim, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad sa kanilang pag-unawa sa pagkukusa ng makataong kilos at mga salik na nakaaapekto sa pananagutan ng tao sa kahihinatnan ng kilos at pasiya B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). (KP1)Gawain 1 Layunin ng Gawain: Tayahin ang antas ng kaalaman ng mga mag-aaral sa paghuhusga ng mapanagutang kilos lalo na kung ang mga ito ay may masamang epekto. 54 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag-aaral. 2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mga sitwasyong ibinigay. 3. Tanungin ang mag-aaral kung mayroon ba na kailangan na linawin sa Panuto? 4. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral, maaari nang dumako sa susunod na gawain. Panuto: 1. Suriin ang mga sitwasyon. 2. Sagutin ang mga tanong sa bawat sitwasyon na naglalayong matiyak ang kaalaman sa kapanagutan sa mga pangyayari. 3. Ipasulat sa kuwaderno ang mga sagot. 4. Matapos masagutan, maaaring palalimin pa ang kanilang sagot gamit ang sumusunod na tanong: a. Ano ang mga naging batayan sa pagpapasiya? b. Ano ang mga bunga na isinaalang-alang sa pagpapasiya? Gawain 2 Layunin ng Gawain: Tayahin ang kakayahan ng mga mag-aaral sa pagtuklas ng mga salik na maaaring makaapekto sa mga makataong kilos. Panuto: 1. Hatiin ang klase sa apat na grupo. 2. Bigyan sila ng sapat na panahon upang pag-usapan at siyasatin ang mga sitwasyong ibinigay. 3. Gamit ang talahanayan, kilalanin nila ang mga pangyayaring naapektuhan ng mga salik. 4. Kailangang isulat ang kanilang pangkatang sagot at paliwanag sa papel. 5. Bigyan ng sapat na panahon na magbahagi sa buong klase ng kanilang mga napagkasunduang sagot gamit ang mga gabay na tanong sa LM. Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mag- aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan sa kahulugan ng makataong kilos at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga sitwasyon, ito ay itatama ng guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. 55 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWALayunin: Tulungan ang mga mag-aaral sa pagsagot sa Mahahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. (KP2)Gawain 3Layunin ng Gawain: Tayahin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa pagkaka-iba ngkilos na mapanagutan o hindi mapanagutan (makataong kilos o kilos ng tao).DEPED COPYPanuto: Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral na suriin ang mgakaranasan.1. Gamit ang talahanayan, suriin ang mga kilos na gumagamit ng isip at kilos-loob at mapanagutang kilos sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek (P) .2. Pagkatapos ay hayaan magkapagbahagi ang ilang mag-aaral ng kanilang paliwanag/katwiran sa ginawa gamit ang mga gabay na tanong.Tandaan: Sa bahaging ito kinakailangan na matukoy ng mag-aaral sa kanilangmga pasiya ang kahalagahan ng presensiya ng isip at kilos-loob.Gawain 4 Layunin ng Gawain: Suriin ang isang sitwasyon na nagpapakita ng pag-iral ng isip at kilos-loob sa mga kilos kung kaya napangangatuwiranan ang kapanagutan sa mga ikinilos.Panuto: 1. Hatiin ang klase sa apat na grupo. 2. Mas mainam na pag-usapan muna ang Rubrik kung paano sila mamarkahan sa kanilang gagawin. 3. Bigyan sila ng sapat na panahon upang makapag-usap at magkaroon ng iisang pasiya sa kung ano ang ipapakita sa klase na dula-dulaan. 4. Ibigay ang sapat na oras sa pagpapakitang dula. 5. Pasagutan ang mga gabay na tanong pakatapos. Ibahagi sa klase ang mga sagot. 56 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP – Etika at Career Guidance (KP3). Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang-Aralin. 1. Sabihin: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahahalagang konsepto tungkol sa paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabago sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin. 2. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing). Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng babasahin at kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong nakaangkla sa pilosopiya. 3. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa sa paksa at paghinuha ng Batayang Konsepto. 4. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot- bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito. 5. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalaman ng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito. Mahalagang hindi pilitin na matapos sa iisang araw ang pagtalakay dito upang hindi magkaroon ng information overload ang mga bata at lalong hindi makamit ang layuning ganap na maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto. 57 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPaghinuha ng Batayang Konsepto Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic organizer Inilatag ang mga hakbang ayon sa hinihingi ng bahaging ito sa Modyul. E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Layunin: Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP o PRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang o pagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayat sa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa. (KP4)PagganapLayunin: Tayahin ang pag-unlad ng kakayahan ng mag-aaral na maging maingat sapagpapasiya dahil mapanagutan sila sa anumang pasiya nila.Sasabihin ng guro: Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng paggamit ng isip at kilos-loob sa mga ikinikilos at pagiging mapanagutan sa mga ito. Dahil dito ay kailangangmaging maingat sa pagpapasiya. Gamit ang mga halimbawang sitwasyon bigyan silang pagkakataong ipaliwanag ang magiging pasiya.Panuto: 1. Bigyan sila ng panahon na basahin at pag-isipan ang mga sitwasyon at hayaan bigyan ng tamang katwiran ang magiging pasiya. 2. Isulat ang kanilang sagot sa kuwaderno. 3. Pumili ng ilang mag-aaral na magbabahagi ng kanilang kapasiyahan.PagninilayAnyayahan ang mag-aaral na balikan ang mga karanasan nila na nagpakita ngpagiging marahas sa pagpapasiya at hindi nagsaalang-alang ng paggamit ng isipat kilos-loob. Gamit ang pagkakamaling ito, pagnilayan at bigyan pagtutuwid angginawa na nagpapakita ng isang tao na nagpapasiya na may pagsasaalang-alang ngkamalayan sa pagiging mapanagutan. 58 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawing gabay ang tanong na: Ano ang pagkatao ng isang tao na may paninindigan sa kaniyang kilos? Anyayahan din ang mag-aaral na balikan ang mga karanasan sa kanilang buhay na may maling pagpapasiya dahil sa mga salik na nakaaapekto sa mga ito. Kung magkakaroon ng pagkakataon na itama ito, ano ang mga paraan na maaaring gawin upang maiwasan ang maapektuhan ng mga salik na nakakapagpabago sa pasiya at pananagutan. Gawing gabay ang tanong na ito: Ano-ano ang mga paraan na maaaring gawin upang hindi maaapektuhan ng mga salik sa makataong kilos? Pagsasabuhay Layunin ng pagsasabuhay: Ang mahinuha ang mga pagkatuto mula sa mga karanasan. Ang hindi magandang karanasan dulot ng mga maling kilos ay maaaring magbunga nang hindi maaayos na relasyon sa kapuwa. Kailangang balikan ito at isaayos ang mga nasirang relasyon at kasama nito ang pagkakaroon ng bagong hakbangin sa pagpapasiya. Panuto: Bigyan sila ng kalayaang itala sa kanilang journal ang mga karanasan na kailangang isaayos ang hindi magandang bunga. Isulat din ang paglalayon nilang isaayos ito at isulat ang mga hakbang upang hindi na ito muling tahakin. Ang mga hakbang na ito ang magiging gabay nila sa pagkakaroon na parehong karanasan at pagiging maingat sa kanilang pagpapasiya. Mas mainam kung bibigyan sila mismo ng relasyon na maaaring naapektuhan sa mga maling kilos. Hal. Relasyon sa magulang, mga kapatid, kaibigan, kamag-aral, o kapitbahay. 59 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Rubric sa Dula-dulaan: Paglalarawan ng Gawain: Gumawa ng isang sitwasyon na kung saan ay nagpakita ng lubos na paggamit ng isip at kilos-loob. Ipakita ang pag-iral ng kusang-loob sa sitwasyon, kung kaya ang pananagutan ay naipapataw sa may gawa ng kilos. Mga BahagdanDEPEDKakaiba / NakaaangatKahanga-hanga Katanggap-tanggap NasubukanPamantayan COPY sa Lahat 30 20 10 40Pagkakaunawa 40% Ang katotohanan ng Karamihan ng Ang impormasyong Ang impormasyonsa Paksa 30% impormasyon ay impormasyong ibinahagi ay ay mali-mali. 30% wasto. ipinakita ay may maaaring tama oPakikisangkot katotohanan at wasto. Ang ipinakitasa Gawain Nakapagpapakita kawastuhan. ay malayo sa ng lubos na pag- May sapat na pag- paksa.Pagpapakita unawa sa paksa. Nakapagpapakita unawa sa paksa. ng pag-unawa sa Hindi nakibahagi Lubos na paksa. Walang ang lahat sa nakatatanggap kawilihan na gawain. ng mga ideya Nakatatanggap ng makipagkasundo. mula sa iba; may mga ideya mula Iisang tao lamang kawilihan na sa iba ng walang Hindi lahat ay ang gumawa ng makipagkasundo. negatibong nakibahagi sa buong Gawain. komento; may Gawain. Ang bawat kawilihan na Ang pagpapakita miyembro ay makipagkasundo. Walang ay hindi nakibahagi sa kaseguraduhan sa katanggap Gawain. Ilan sa mga responsibilidad. tanggap. miyembro ng Nakapagpapakita grupo ang Nakapagbahagi Kulang sa ng kompiyansa sa nakibahagi sa ng impormasyon impormasyon. sarili. Gawain. kahit paano. Hindi nakuha ang Naibigay ng buo ang Nakapagpakita Hindi lubusang pansin ng mga impormasyon. ng hindi lubos na nakuha ang manonood. tiwala sa sarili. pansin ng Nakawiwili; manonood. Ang Nakukuha Naibigay lamang pagpapahayag ang pansin ng ang bahagi ng Hindi madaling ay pabulong. manonood. impormasyon. mapakinggan. Kulang sa angkop Nakapagpapahayag Nakakuha ng Hindi lubos na na kilos ng ng malakas at pansin mula sa nagamit ang katawan. malinaw. manonood. angkop na kilos ng katawan. Lubos na nagamit Napakikinggan. ang angkop na Nakagamit ng kilos ng katawan. mga angkop galaw ng katawan.Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa Kasanayan Sagot1. Aristotle: Makataong Kilos Pagsusuri A2. Makataong Kilos Kaalaman C3. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Pagsusuri C Kapanagutan (Accountability) Paglalapat D4. Makataong Kilos at Obligasyon Pagsusuri C5. Kamangmangan (Ignorance) Kaalaman B6. Takot (Fear) Kaalaman D7. Karahasan (Violence) Kaalaman B8. Damdamin Pagsusuri B9. Habit Pagsusuri A10. Mga Salik na Nakaapekto 60 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYBALANGKAS Modyul 5 Ang Pagkukusa ng Makataong Kilos at Mga Salik na Nakaaapekto sa Pananagutan ng Tao sa Kahihinatnan ng Kilos I. Dignidad ng Tao: Balik-Tanaw a. Dignidad b. Kalayaan II. Makataong Kilos a. Pagkakaiba ng Kilos ng Tao sa Makataong Kilos b. Kilos ng Tao, paano nagiging Makataong Kilos III. Tatlong uri ng Kilos ayon sa Kapanagutan a. Tatlong uri i. Kusang-loob ii. Di kusang-loob iii. Walang kusang-loob b. Pamaraan ng kapanagutan i. Legal ii. Moral IV. Eksepsiyon V. Layunin: Batayan ng pagiging mabuti at masama ng kilos VI. Obligasyon: Kailan dapat isakatuparan? VII. Kabawasan ng Pananagutan: Kulang sa Proseso VIII. Mga Salik na Nakaaapekto sa Makataong Kilos a. Kamangmangan b. Masidhing Damdamin c. Takot d. Karahasan e. Gawi IX. Pagbubuod 61 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 6: LAYUNIN, PARAAN, SIRKUMSTANSIYA, AT KAHIHINATNAN NG MAKATAONG KILOS Bilang ng Oras: 4 I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa layunin, paraan, sirkumstansiya at kahihinatnan ng makataong kilos. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsusuri ang mag-aaral ng kabutihan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito. Batayang konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral? Ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may dilemma batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito. Kakayahan Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan nito. Kaalaman Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan, sirkumstansya, at kahihinatnan ng makataong kilos. 62 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa PagtatasaMga kakayahang Pagtatasa:Pampagkatuto: KP1: Pagbasa at pagsagot saKP1: Naipaliliwanag ang layunin, sitwasyon batay sa layunin, paraan, atparaan, sirkumstansiya, at sirkumstansiya.kahihinatnan ng makataong kilos Pagsulat ng mga konsepto tungkolKP2: Nakapagsusuri ng kabutihan sa kahulugan ng layunin, paraan, ato kasamaan ng sariling pasiya o sirkumstansiya.kilos sa isang sitwasyon batay salayunin, paraan, at sirkumstansiya KP2: Pagsusuri sa sitwasyon atat kahihinatnan nito pagtukoy kung ito ay mabuting kilos o masamang kilos at pagsulat sa paliwanag ukol dito.DEPED COPY KP3: Napatutunayan na ang Pag-iisip ng sitwasyon sa buhay kung layunin, paraan, sirkumstansiya, saan nagpapakita ng kilos at pagtukoy at kahihinatnan ng kilos ay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nagtatakda ng pagkamabuti o ng pasiya o kilos sa sitwasyon. pagkamasama nito KP3: Pagbuo at pagpapaliwanag ng . Batayang Konsepto. Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa KP4: Nakapagtataya ng karanasan na nabibigyan ng tamang kabutihan o kasamaan ng pasiya pagtukoy sa layunin, paraan, at o kilos sa isang sitwasyong may sirkumstansiya gayundin ang suliranin (dilemma) batay sa kabutihan o kasamaan nito. layunin, paraan, sirkumstansya, at kahihinatnan nito KP4: Nasuri nang maayos ang sitwasyong may suliranin (dilemma) batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. Natukoy ang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos. Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa karanasan na nabibigyan ng tamang pagtukoy sa layunin, paraan, at sirkumstansiya gayundin ang kabutihan o kasamaan nito. 63 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 1. Mahalagang mapukaw ang atensiyon (isipan at damdamin) ng mga mag- aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. 2. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin sa angkop na taon (B7, B8, o B9) upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto mula rito at ang kaugnay nito sa kasalukuyang modyul. 3. Ipatukoy sa mag-aaral ang konteksto (thesis statement) na naglalarawan sa paksa at dapat bigyan-tuon. 4. Ipabasa ang apat na Kasanayang Pampagkatuto (KP) at mga kraytirya sa pagtataya ng output sa ikaapat na kasanayang Pampagkatuto. Kilos ko … Pananagutan Ko! Mga salitang nagsasabi na bilang isang tao ay nararapat lamang na masuring mabuti ang bawat kilos na iyong ginagawa. Ikaw ba ay pamilyar sa iyong mga isinasagawang kilos? Nakikita mo ba ang mabuti o masama ng mga ito? Sa Modyul 5, nalaman mo na gamit ang katuwiran, sinadya at niloob ng tao ang makataong kilos; kaya anuman ang kalalabasan, nito mabuti man o masama ay pananagutan niya. Nakaaapekto rin ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at gawi sa kaniyang pananagutan dahil maaaring mawala ang pagkukusa ng kilos. Layunin naman ng modyul na ito na ikaw ay higit na makapagsuri ng kabutihan o kasamaan ng iyong isinasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan nito, matutulungan ka na lubos na mapagnilayan kung paano ka nakapagsasagawa ng makataong kilos at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Bakit mahalaga na maunawaan na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao? Tayo na! Simulan na nating tuklasin ang kahalagahan ng iyong pagkilos bilang isang tao. 64 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYMga Kasanayang Pampagkatuto 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 2. Isa-sahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 6. Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng ikatlong Kasanayang Pampagkatuto (KP3) o 6.3 sa listahan ng mga layunin upang maiwasan kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin mahihinuha ng mga mag-aaral ang batayang konsepto. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 6.1 Naipaliliwanag ng mag-aaral ang layunin, paraan, at mga sirkumstansiya ng makataong kilos. 6.2 Nakapagsusuri ng kabutihan o kasamaan ng sariling pasiya o kilos sa isang sitwasyon batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. 6.3 Napatutunayan na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos ng tao. 6.4 Nakapagtataya ng kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos sa isang sitwasyong may suliranin (dilemma) sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 6.3 Nasuri nang maayos ang sitwasyong may suliranin (dilemma) batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. Natukoy ang kabutihan o kasamaan ng pasiya o kilos. Nakapagbigay ng sariling sitwasyon mula sa karanasan na nabibigyan ng tamang pagtukoy sa layunin, paraan, at sirkumstansiya gayundin ang kabutihan o kasamaan nito. 65 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPaunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of concepts) (Maaaring 2 bahagi: Self-assessment sa mga kakayahan tungkol sa paksa at Multiple Choice Test gamit ang Blooms Taxonomy of Cognitive Objectives.) 1. Ipaunawa sa mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya. Ito ay upang mataya ang kanilang dating kaalaman na matatagpuan sa bahagi ng Pagpapalalim. 2. Ipabasa ang Panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 108 ng modyul. 3. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto. 4. Pasagutan ang bilang 1 hanggang 15. 5. Bigyan ng 15 minuto ang mag-aaral upang masagot ang mga tanong sa Paunang Pagtataya o maaaring depende sa guro kung ilang minuto ang kaniyang ibibigay na naaayon sa kakayanan ng mag-aaral. 6. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 7. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 8. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang Pagpapalalim. Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). (KP1) Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Pagpapalalim, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kanilang pag-unawa sa Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya. 66 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 Panuto: 1. Ipabasa sa mag-aaral ang mga sitwasyon sa Gawain 1. 2. Matapos mabasa ay ipatukoy kung ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat ipinakitang kilos. 3. Pasagutan ang mga tanong at ipasulat ito sa kuwaderno. 4. Matapos masagutan ay maaaring magbahagi ang mag-aaral ng kanilang sagot sa klase. 5. Gabay na Tanong: a. Ano-ano ang layunin, paraan, at sirkumstansiya sa bawat sitwasyon? b. May pagkakaiba ba ang kilos sa sitwasyon bilang 1 at 2 sa sitwasyon bilang 3 at 4? c. Kung ikaw ang tatanungin, ano ang mas tamang kilos, sitwasyon 1 at 2 o sitwasyon 3 at 4? Gawain 2 Panuto: 1. Anyayahan ang mag-aaral na muling balikan ang Gawain 1. Ipasulat ang kanilang konsepto tungkol sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos. 2. Matapos nilang maisulat ang kanilang konsepto ay magkakaroon ng pangkatang gawain. Maging malikhain sa pagpapangkat sa mag-aaral. 3. Ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang sagot sa kanilang pangkat. 4. Matapos magbahagi ay pasagutan sa pangkat ang mga tanong at bawat pangkat ay mag-uulat sa napagkasunduan nilang mga sagot. a. Ano ang inyong natuklasan sa kahulugan ng layunin, paraan, at sirkumstansiya ng makataong kilos? b. Bakit mahalaga na malaman ito ng tao? c. Paano ito nakatutulong sa tao sa kaniyang pagpili ng isasagawang kilos at pasiya? 5. Hikayatin ang mag-aaral na maging malikhain sa kanilang gagawing presentasyon o pag-uulat. Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mag- aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan sa kahulugan ng makataong kilos at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga sitwasyon, ito ay itatama ng guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. 67 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. (KP2)Gawain 3Panuto: 1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik- aral. 2. Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto ng mga mag-aaral upang maiuugnay nila ang mga ito sa susunod na gawain. 3. Ipabasa sa mag-aaral ang panuto bago isagawa ang Gawain 1. 4. Ipasuri sa mag-aaral ang bawat sitwasyon sa ibaba kung ang mga tauhan dito ay nagpapakita nang mabuti o masamang pasiya o kilos. 5. Kailangan din na maibigay ng mag-aaral ang kanilang paliwanag kung bakit sila sumasang-ayon o hindi sumasang-ayon. 6. Matapos masagutan ng mag-aaral ay magtatanong ang guro. Mga Tanong: a. Sino-sino sa tauhan ang nagpakita nang mabuting kilos? Sino-sino ang hindi? b. Ano ang masasabi mo sa bawat tauhan? Pangatuwiranan. c. Paano mo nahuhusgahan kung mabuti o masama ang pasiya at kilos na ginawa ng mga tauhan sa bawat sitwasyon?Gawain 4 Panuto: 1. Aanyayahan ng guro na mag-isip ang mag-aaral ng isang sitwasyon sa buhay kung saan nagsagawa ng kilos at pasiya. 2. Ipatukoy sa mag-aaral ang layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. 3. Maaring magkaroon ng pagbabahagi o dyad bago magtanong ng mga katanungan ang guro. 4. Tanungin ang mag-aaral. a. Ano ang masasabi mo sa iyong kilos mabuti ba o masama? Patunayan. b. Ano ang iyong reyalisasyon matapos mong gawin ang Gawain? Naging masaya ka ba o hindi? Ipaliwanag. c. Paano nakatutulong sa iyo ang pagsusuri ng kilos bago ito isagawa. 68 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan: Sa bahagi ng pagtatanong, maaaring gumawa ang guro ng malikhaing pamamaraan upang maging kawili-wili ang talakayan sa mga mag-aaral. D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP – ang Etika at Career Guidance. (KP3) Paalala: Makatutulong kung ang babasahin ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang-Aralin upang maging madali ang kanilang pagkaunawa rito. Sasabihin ng Guro: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahalagang konsepto tungkol sa paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabago sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin. 1. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing). Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng babasahin at ang kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong nakaangkla sa Pilosopiyang Moral. 2. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa sa paksa at paghinuha ng Batayang Konsepto 3. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot- bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito. 4. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. 69 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalamanng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaralsa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito.Mahalagang huwag pilitin na matapos sa iisang araw ang pagtalakay dito upanghindi magkaroon ng information overload ang mga bata dahil ang layuning ganapna maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto.Paghinuha ng Batayang KonseptoLayunin: Gabayan ang mag-aaral BsaatpaaygasnaggKoot nsaseMptaoh(aBlaKg)agnagmTiat naonnggg(rMapTh)icsoargpaanmizearm. agitan ng paghinuha ngDEPED COPYPanuto:1. Mula sa naisulat sa pisara na mga konsepto ay aanyayahan ang mag-aaral na bumuo ng isang malaking konsepto tungkol sa nahinuha sa babasahin.2. Hikayatin ang mag-aaral na gawin ito sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon at ipapakita sa klase.E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTOLayunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP OPRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang opagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayatsa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa(KP4).PagganapLayunuin: Ang pagpapamalas npgagmpgaapakhaakalaygaah.a(nGaatgaanwgiknoiptonsaakdiluorsantiaonlilningamnggaomagpapaunlad ng mga birtud oaraw para sa modyul.)Maaaring sabihin ng guro: Ngayon ay napatunayan mo na ang layunin, paraan, at sirkumstansiya aynakapagtatakda nang mabuti o masamang kilos ng tao. Ito ay isang hamon parasa iyo kung paano mo pag-iisipang mabuti ang pipiliin mong kilos sa araw-arawsimula sa iyong paggising hanggang sa iyong pagtulog.Gawain 5Panuto: 1. Ipabasa ang sitwasyon, at ipasulat kung ano ang nararapat na ikilos sa sumusunod na sitwasyon. 2. Matapos masagutan ng mag-aaral ay maaari nilang ibahagi ang kanilang sagot sa klase. 70 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay Layunin: Pag-ukol ng mag-aaral ng panahon para sa maingat at malalim na pag- iisip sa mga sitwasyong namasid at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay.Gawain 6Panuto 1. Anyayahan ang mag-aaral na balikan muli ang isinagawang kilos noong nakaraang linggo at mula dito ay ipasulat ang kanilang natutuhan sa modyul at ano ang kanilang naging reyalisasyon ukol dito. 2. Ang bahaging ito ay maaaring ipagawa sa bahay bilang takdang-aralin.PagsasabuhayDEPED COPYLayunin: Ang pagpapamalas ng mga kakayahan at angkop na kilos na lilinang omagpapaunlad ng mga birtud o pagpapahalaga. (Gagawin ito sa duration ng mgaaraw para sa modyul.)Gawain 7 Panuto 1. Sasabihin ng guro: Mag-isip ng isang sitwasyon mula sa iyong karanasan na may suliranin (dilemma) at tayahin ang kabutihan o kasamaan nito batay sa layunin, paraan, at sirkumstansiya nito. 2. Ipasulat din kung ito ba ay nakadadagdag o nakababawas ng kasamaan ng kilos. Rubric sa Pagsasabuhay1. Nasuri nang 10 Puntos 7 Puntos 3 Puntos maayos ang sitwasyong may Maayos na nasuri Maayos na Isa lamang suliranin (dilemma) ang sitwasyon batay nasuri ang ang nasuri sa batay sa layunin, sa layunin, paraan, at sitwasyon sitwasyon. paraan, at sirkumstansiya nito. ngunit kulang sirkumstansiya nito. ng isa ayon sa Hindi natapos hinihingi. ang gawain sa2. Natukoy ang pagtukoy ng kabutihan o Natukoy ang Natukoy kasamaan o kasamaan ng kabutihan o ngunit hindi kabutihan ng pasiya o kilos at kasamaan ng naipaliwanag. kilos o pasiya. nabigyan ito ng isinagawang kilos o paliwanag. pasiya at nabigyan ito ng paliwanag. 71 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
3. Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng Nakapagbigay Nakapagbigay sariling sitwasyon sariling sitwasyon ng sitwasyon ng sitwasyon mula sa karanasan ayon sa karanasan ngunit hindi ngunit hindi na nabibigyan ng at malinaw itong malinaw ang natapos. tamang pagtukoy naipahayag. pagpapahayag sa layunin, paraan, nito. at sirkumstansiya gayundin ang kabutihan o kasamaan nito.Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa DEPED COPY Kasanayan Sagot1. Kahulugan ng Kilos Kaalaman B2. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagtatasa C3. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagsusuri D4. Etika ni Sto. Tomas de Aquino Pagsusuri B5. Sirkumstansiya Pag-unawa B6. Layunin Pag-unawa C7. Sirkumstansiya Pagbubuo C A8. Sirkumstansiya Pagtatasa Pagtatasa A9. Sirkumstansiya Pagtatasa A10. Sirkumstansiya Pagbubuo B11. Kahihinatnan ng Kilos Pag-unawa D12. Kahihinatnan ng Kilos Pagsusuri B13. Kilos Kaalaman D14. Kilos Pag-unawa A15. Kilos Pag-unawaBatay sa Balangkas (Outline)Modyul 6: Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng makataongKilosI. Panimula • Maikling pagtalakay tungkol sa kilosII. Moral na Kilos – Ang Makataong Kilos • Panloob na kilos • Panlabas na kilosIII. Salik na Nag-uugnay sa Makataong Kilos • Layunin • Kilos (Paraan) • SirkumstansiyaIV. Iba’t Ibang Sirkumstansiya A. Sino – tumutukoy sa taong nagsasagawa ng kilos B. Ano – tumutukoy sa mismong kilos C. Saan – lugar kung saan ginawa ang kilos D. Paano – paraan kung paano isinasagawa ang kilos E. kailan – kailan isinasagawa ang kilos 72 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 7 ANG KABUTIHAN O KASAMAAN NG KILOS AYON SA PANININDIGAN, GINTONG ARAL, AT PAGPAPAHALAGA Bilang ng oras: 4 I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga. Pamantayan sa Pagganap: Naitatama ng mag-aaral ang isang maling kilos sa pamamagitan ng pagpapasiya gamit ang paninindigan, gintong aral, at mas mataas na Pagpapahalaga Batayang konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral? Kasama sa nararapat na gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos ang kautusang walang pasubali, gintong aral, at mga pagpapahalaga. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, gintong aral, at mas mataas na pagpapahalaga Kakayahan Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Natutukoy ang proseso ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, gintong aral, at mataas na pagpapahalaga Kaalaman Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga sa isang sitwasyon na may conflict 73 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa PagtatasaMga Kasanayang Pampagka- DEPED COPYPagtatasatuto KP1: Pagtatala ang mga kilos na isina-KP1: Natutukoy ang proseso sagawa sa bawat arawng paghusga sa kabutihan o Pagsusuri ng isang video.kasamaan ng kilos ayon sapaninindigan, Gintong Aral, at KP2: Pagsusuri ng mga sitwasyonmataas na pagpapahalaga KP3: Pagsagot sa mga tanong sa ba-KP2: Nakapagsusuri kung haging Tayahin ang Iyong Pag-unawapaano paiiralin ang mas mata- Pagbuo at pagpapaliwanag ng Ba-as na pagpapahalaga sa isang tayang Konsepto.sitwasyon na may conflict KP4: Paggunita sa mga kilos na itinu-KP3: Naipaliliwanag na kasa- turing na mali o hindi mabuti at pagsu-ma sa nararapat na gamiting lat ng mga paraan kung paano mo itobatayan sa paghusga ng kabu- maitatama sa pamamagitan ng pagbuotihan o kasamaan ng kilos ang ng mga pasiya gamit ang paninindigan,Kautusang Walang Pasubali, Gintong Aral, at mataas na pagpapa-Gintong Aral, at mga pagpapa- halagahalaga Pagninilay sa mga isinagawang kilos sa loob sa isang arawKP4: Naitatama ang isang ma- Paglikha ng pocket reminder.ling kilos sa pamamagitan ngpaggawa ng mga tiyak na hak-bang gamit ang paninindigan,Gintong Aral, at mas mataasna pagpapahalaga 74 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 1. Talakayin ang panimula sa pahina 125 ng Modyul 7. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin tungkol sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng kilos upang maipaunawa sa mga mag- aaral ang halaga ng pagkatuto mula sa mga ito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang modyul. 2. Mahalagang mapukaw ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makukuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. Maaaring tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang karanasan kaugnay ng naunang pangungusap sa bahaging ito. 3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong sa pahina 1. 4. Pagkatapos, ipabasa ang pahina 126 at isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto (kasanayang pampagkatuto) para sa Modyul 7. 5. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? Sa Unang Markahan, hinamon ka na sagutin ang tanong na, “Sa bawat kilos ko, anong uri ng tao ang binubuo ko sa aking sarili?” Ito ay isang paraan ng paghikayat sa iyo na balikan at pagnilayan mo ang iyong mga isinasagawang kilos. Mulat ka ba sa mga gawi mo bilang tao? Paano mo nalalaman kung mabuti o masama ang mga ito? Bilang persona na nasa proseso ng pagpupunyagi tungo sa pagiging personalidad, paano ka makatitiyak na mabuti ang bawat gawi at kilos mo? Naunawaan mo sa Modyul 6 na ang layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan o bunga ng kilos ay nagtatakda ng pagkamabuti o pagkamasama ng kilos. Ipinaliwanag sa iyo ang kahalagahan ng pagsusuri ng layunin, paraan o sirkumstansiya ng pagsagawa ng bawat kilos dahil dito masusukat kung naaayon ang mga ito sa kabutihan o hindi. Nalaman mo na ang mabuting kilos ay mahalaga sa pagkamit ng iyong kaganapan bilang tao. Ngunit naitanong mo na ba kung: sapat na ba ang pagsusuri sa layunin, paraan, sirkumstansiya, at kahihinatnan ng isang kilos upang mahusgahan ang kabutihan at kasamaan nito? Kung hindi sapat na batayan ang mga ito sa paghusga ng kabutihan o kasamaan, mayroon bang mas malinaw at matatag na pamantayan upang tayahin ang kilos ng tao? Sa pamamagitan ng modyul na ito, matutulungan kang lubos na mapagnilayan ang iyong kilos at mula rito ay masasagot mo ang Mahalagang Tanong na: Ano-anong turo o pananaw ang maaaring gamiting batayan sa paghusga ng kabutihan o kasamaan ng kilos? 75 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 7.1 Natutukoy ang proseso ng paghusga sa kabutihan o kasamaan ng kilos ayon sa paninindigan, Gintong Aral, at mataas na pagpapahalaga 7.2 Nakapagsusuri kung paano paiiralin ang mas mataas na pagpapahalaga sa isang sitwasyon na may conflict 7.3 Naipapaliwanag ang Batayang Konsepto ng aralin 7.4 Naitatama ang isang maling kilos sa pamamagitan ng paggawa ng mga tiyak na hakbang gamit ang paninindigan, Gintong Aral, at mas mataas na pagpapahalaga Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng KP3 upang maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin, mahihinuha nila ang Batayang Konsepto. Paunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of concepts) 1. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 2 - 4 ng modyul. Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. 3. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 4. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 5. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang Pagpapalalim. Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung ano man ang maging resulta ng Paunang Pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Paghinuha ng Batayang Konsepto, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang pagtataya upang malaman ang antas ng kaniyang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kaniyang kakayahan sa pagpapasiya at pagkilos batay sa paninindigan, Gintong Aral, at pagpapahalaga. 76 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Gawain 1 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral sa pahina 128 ng Modyul 7. 2. Ipabasa ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Bigyan ng 5 - 10 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain. 4. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 6, pahina 128. 5. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain. Gawain 2 1. Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral sa pahina 129 ng Modyul 7. 2. Ihanda ang video ng “The Unsung Hero” mula sa Youtube. (https://www. youtube.com/watch?v=cZGghmwUcbQ) 3. Maaaring isagawa ang gawain sa audio-visual room ng paaralan, kung mayroon. Kung walang kagamitan sa paaralan ay maaari naman itong ibigay na lamang na takdang-aralin sa mga mag-aaral. 4. Maaari rin namang i-share ang mga video na ito sa Facebook o sa iba pang social networking site. 5. Matapos mapanood ang mga video na ito, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 2, pahina 129. C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. 1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik-aral. Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto sa mga mag-aaral upang matiyak na maiuugnay nila ang pagkatuto rito sa susunod na gawain. Muling itanong sa mga mag-aaral ang kanilang mga pagtuklas sa naunang mga gawain. 2. Pagkatapos, ipabasa sa isang mag-aaral ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Ipagawa ang Gawain 3 sa bahaging Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag- unawa sa mga mag-aaral sa pahina 129 ng Modyul 7. 77 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY4. Bigyan ang mga mag-aaral ng 15 - 20 minuto upang isagawa ang gawain. 5. Pagkatapos, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 6. 6. Magsagawa ng paglalahat sa klase. Tiyakin na naitatala sa pisara ang lahat ng mga sagot mula sa mga mag-aaral upang mabigyang pansin ang mahahalagang konsepto na kanilang nabuo mula sa gawain. 7. Mahalagang maging bukas sa tanong ng mga mag-aaral. 8. Tiyakin na unti-unting nagagabayan ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto. Mahalaga na unti-unti nang nagkakaroon ng linaw ang Batayang Konsepto sa bahaging ito. 9. Maaaring ibigay na muli ang Mahalagang Tanong sa bahaging ito at pasagutan sa ilang mga mag-aaral. D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP – ang Etika at Career Guidance. (Ang manunulat ang bumuo ng babasahin gamit ang mga mapagkakatiwalaang aklat, print at non-print.) Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang-Aralin. 1. Bago simulan ang pagpapalalim ay maaaring balikan ng guro ang tanong sa bahagi ng Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? na “Paano ka matitiyak na mabuti ang bawat gawi at kilos mo?” 2. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kani-kanilang mga sagot. 3. Sabihin: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahalagang konsepto tungkol sa paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabago sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin. 4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 131 - 137. Bigyan sila ng 15 - 20 minuto upang basahin ito. 5. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing). Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng babasahin at ang kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong nakaangkla sa Pilosopiyang Moral. 6. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot- bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito. 78 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 7. Makatutulong ang pagsasagawa ng malikhaing presentasyon tulad ng pagre- record ng babasahin at paglalapat ng voice over dito upang maging kawili-wili ito sa mga mag-aaral at mapukaw ang kanilang interes o atensiyon. Ngunit mahalaga pa rin ang mabasa nila ang kabuuan ng sanaysay sa modyul upang mas maunawaan nila ang mahahalagang konsepto. 8. Bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral upang maisulat ang mga mahahalagang konsepto na kanilang nakuha sa babasahin. 9. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa ng paksa at paghinuha ng Batayang Konsepto. 10. Mahalagang tiyakin na sa bahaging ito ay handa na ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto. Maaaring magdagdag ng mga tanong kung ito ang makatutulong upang mas mahinuha ng mga mag-aaral ang konsepto. 11. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. 12. Magkakaroon ng malayang talakayan. Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalaman ng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito. Mahalagang hindi piliting matapos sa iisang araw ang pagtalakay dito upang hindi magkaroon ng information overload ang mga bata at lalong hindi makamit ang layuning ganap na maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto. Paghinuha ng Batayang Konsepto 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang bahaging Paghinuha ng Batayang Konsepto. 2. Atasan ang mga mag-aaral na basahin ang panuto at sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa panuto? 3. Muling ulitin sa klase ang mahalagang tanong. 4. Bigyan ng limang minuto ang bawat pangkat upang makagawa ng pangkalahatang sagot sa mahalagang tanong. 5. Atasan ang bawat pangkat na ipaskil sa pisara ang kanilang output. 6. Muling bigyan ng limang minuto ang klase upang makabuo ng pangkalahatang sagot ng klase. 7. Ipabasa ito sa isang mag-aaral. Matapos ito ay hingin ang impresyon ng ilang mag-aaral ukol sa naging pagkatuto nila mula sa babasahin. 79 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYPatnubay: Naghanda ang mga manunulat ng mga Batayang Konsepto upang magsilbing gabay ng mga guro. Ngunit hindi hinahadlangan ang mga guro na gumawa ng Batayang Konsepto o di kaya naman ay mga karagdagang konsepto na pinaniniwalaan na mahalagang maitanim sa puso at isip ng mga mag-aaral. Mahalaga lamang na ang bubuuing Batayang Konsepto ay tumutugon sa sumusunod na pamantayan (EDUP-R): Enduring. Hindi ito dapat niluluma ng panahon o di kaya naman ay maaaring maaanod sa pagbabago ng panahon. Discipline-based. Ito ay nangangailangan ng matibay na batayan na mula sa malalim na pag-aaral o pagsasaliksik. Sa EsP ang mga batayang disiplina ay Etika at Career Guidance. Needs Uncoverage. Ito ay mapalalawak pa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin. Ang malaking konsepto ay maaari pang mahimay sa maliliit na konsepto. Potentially Engaging. Nararapat na mapukaw nito ang interes at atensiyon ng mga mag-aaral upang matiyak na ito ay kanilang maaalala kahit pa lumipas ang matagal na panahon. Relationship between two variables. Ito ay dapat na pagsasalaysay ng ugnayan ng dalawang variable. Iwasan ang gumamit ng depinisyon sa pagbuo ng batayang konsepto. Halimbawa: Ano ang kabutihang maidudulot ng konsepto tungkol sa isip at kilos lNoaorbitosaanpgagBkaattaayoaantgbKuohnasyenpgtomsgaapmakasga-nagariasli?p at kilos-loob: Ang isip at kilos-loob ay nagpapabukod-tangi sa tao, kaya ang kaniyang mga pagpapasiya at pagkilos ay dapat patungo sa katotohanan at kabutihan. E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Layunin ng mga Gawain sa bahagi ng Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto na tayahin ang kaalaman, kakayahan, at pag-unawa ng mga mag-aaral na makagawa ng mga angkop na kilos batay sa paninindigan, Gintong Aral, at mga pagpapahalaga.Pagganap 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagganap. 2. Ipabasa nang tahimik ang Panuto. Bigyan sila ng 3 minuto sa pagbasa. 3. Mahalagang maunawaan nang mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin, kaya kailangang maging bukas sa kanilang mga katanungan. Tanungin sila: Mayroon bang hindi malinaw sa panuto? 4. Bigyan ang klase ng 10 - 15 minuto upang isagawa ang gawain. 5. Sa klase, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang natapos na gawain. 6. Matapos mapakinggan ang ilang pagbabahagi ng mag-aaral ay pakinggan naman ang kanilang pagninilay sa natapos na gawain. 80 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagninilay sa pahina 139. 2. Ipabasa ang mga panuto at sabihin: Mayroon bang hindi malinaw sa panuto? 3. Bigyan ng 10 - 15 minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang bahaging ito. 4. Pagkatapos, pakinggan ang sagot ng ilang mga mag-aaral, ipabahagi ito sa klase.Pagsasabuhay 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagsasabuhay. 2. Ipabasa nang tahimik sa mag-aaral ang panuto. Bigyan sila ng 3 minuto sa pagbasa at sabihin: Mayroon bang hindi malinaw sa panuto? 3. Ipakita sa klase ang katulad na pormat na nasa modyul. Ipaliwanag ang bawat bahagi nito. Gabayan ang mga mag-aaral upang mapahalagahan ang pagsangguni at pakikinig sa payo ng mga magulang at nakatatanda tungo sa pagkilos ng mabuti. 4. Bigyan ang mga mag-aaral ng sapat na panahon upang maisagawa ang gawain. 5. Papiliin ang mga mag-aaral ng kapareha upang maibahagi ang kanilang ginawa. Magandang pagkakataon din ito upang makapagbigay ang isa’t isa ng kanilang mga mungkahi. 6. Ipagawa ang prosesong ito sa loob ng sampung minuto.DEPED COPYTalaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa Kasanayan Sagot Kaalaman C1. Ang Kautusang Walang Pasubali Kaalaman A2. Pagpapahalaga: Batayan sa Pagsusuri D Paghusga ng Kabutihan o Pagsusuri C Kasamaan ng Kilos Paglalapat C3. Ang Kautusang Walang Pasubali Pag-unawa C Pag-unawa B4. Ang Kautusang Walang Pasubali Paglalapat A5. Ang Kautusang Walang Pasubali Pagsusuri D6. Ang Kautusang Walang Pasubali Pagtatasa C7. Pagpapahalaga: Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos8. Pagpapahalaga: Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos9. Ang Kautusang Walang Pasubali10. Pagpapahalaga: Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos 81 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYBalangkas ng PagpapalalimModyul 7: Ang Kabutihan o Kasamaan ng Kilos ayon sa Paninindigan,Gintong Aral, at PagpapahalagaI. PanimulaII. Ang Kautusang Walang Pasubali A. Universality B. ReciprocityIII. Ang Gintong Aral A. Ayon kay Confucius B. Ayon kay Hesus C. Ayon kay MuhammadIV. Ang Pagnanais: Kilos ng DamdaminV. Pagpapahalaga: Batayan sa Paghusga ng Kabutihan o Kasamaan ng Kilos A. Ang Limang Katangian ng Mataas na Pagpapahalaga ayon kay Max SchelerVI. Pagbubuod 82 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikalawang Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 8: MGA YUGTO NG MAKATAONG KILOS AT MGA HAKBANG SA MORAL NA PAGPAPASIYA Bilang ng Oras: 4 I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga konsepto tungkol sa mga yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya. Pamantayan sa Pagganap: Nakapagsusuri ang mag-aaral ng sariling kilos batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasiya. Batayang konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral? Ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at kilos-loob sa paggawa ng moral na pasiya at kilos. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasiya. Kakayahan Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos. Kaalaman Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos. 83 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa PagtatasaMga kakayahang Pagtatasa:Pampagkatuto: KP1:KP1: Pagbibigay ng kahulugan ngNaipaliliwanag ang bawat makatong kilos.yugto ng makataong kilos at Pagsagot sa mga sitwasyon atmga hakbang sa moral na pagbibigay ng personal na opinyonpagpapasiya ukol dito.KP2:DEPED COPY KP2:Natutukoy ang mga kilos at Pag-iisip ng sitwasyon sa buhaypasiyang nagawa na umaayon na hindi malilimutan at paanosa bawat yugto ng makataong nagsagawa ng pasiya at nagpakitakilos. ng makataong kilos.KP3: Pagtukoy sa bawat sitwasyon atNaipaliliwanag na ang bawat kung paano naging mapanagutan sayugto ng makataong kilos ay mga ito.kakikitaan ng kahalagahanng deliberasyon ng isip at KP3: ngkatatagan ng kilos-loob sa Pagbuo at pagpapaliwanagpaggawa ng moral na pasiya Batayang Konsepto.at kilos KP4:KP4: Nakabuo ng tatlong plano saNakapagsusuri ng sariling pagpapasiyang gagawin sa mgakilos at pasiya batay sa mga susunod na araw.yugto ng makataong kilos atnakagagawa ng plano upang Naisulat kung paano isasabalikat angmaitama ang kilos o pasiya pananagutan sa gagawing pasiya. Naipakita kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya. 84 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 1. Mahalagang mapukaw ang atensiyon (isipan at damdamin) ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. 2. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin sa angkop na taon (B7, B8, o B9) upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng pagkatuto mula rito at ang kaugnay nito sa kasalukuyang modyul. 3. Ipatukoy sa mag-aaral ang konteksto (thesis statement) na naglalarawan sa paksa at dapat bigyan-tuon. 4. Ipabasa ang apat na Kasanayang Pampagkatuto (KP) at mga kraytirya sa pagtataya ng output sa ikaapat na kasanayang Pampagkatuto. Pamilyar ba sa iyo ang mga salitang: “Bahala na nga,” “Sige na nga,” o kaya naman ay “P’wede na ‘yan?” Mga salitang nasasabi mo lalo na kung hindi ka segurado sa iyong pipiliing pasiya. Minsan, nasasabi mo ang mga ito lalo’t higit kung ikaw ay nagmamadali sa iyong isasagawang kilos at pasiya. Sa Modyul 7 ay natutuhan mo na maaaring makaapekto ang kamangmangan, masidhing damdamin, takot, karahasan, at ugali sa pananagutan ng tao sa kalalabasan ng kaniyang pasiya at kilos. Layunin naman ng modyul na ito na lalo pang mapalawak ang iyong kaisipan sa masusing paggamit ng iyong isip na kaloob ng Diyos at maging mapanagutan sa bawat isasagawang kilos at pasiya. Sa pamamagitan nito, magagabayan ka upang masagot ang mahalagang tanong na: Bakit mahalaga na gamitin ng tao ng tama ang isip at kilos-loob sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya? Handa ka na ba? Tara na! Simulan na natin ang pagtuklas ng mga hakbang sa pagsasagawa ng moral na pagpapasiya. Mga Kasanayang Pampagkatuto 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 143. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 8. Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa mga Kasanayang Pampagkatuto ang kabuuan ng Kasanayang Pampagkatuto KP3 upang maiwasan na mailahad kaagad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga Gawain, sa pag-unawa ng babasahin, sa Pagpapalalim, at kabuuan ng aralin, mahihinuha nila ang Batayang Konsepto. 85 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod nakaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 8.1 Naipaliliwanag ang bawat yugto ng makataong kilos at mga hakbang sa moral na pagpapasiya 8.2 Natutukoy ang mga kilos at pasiyang nagawa na umaayon sa bawat yugto ng makataong kilos 8.3 Naipaliliwanag na ang bawat yugto ng makataong kilos ay kakikitaan ng kahalagahan ng deliberasyon ng isip at katatagan ng kilos-loob sa paggawa ng moral na pasiya at kilos 8.4 Nakapagsusuri ng sariling kilos at pasiya batay sa mga yugto ng makataong kilos at nakagagawa ng plano upang maitama ang kilos o pasiyaNarito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 8.4 Nakabuo ng tatlong plano sa pagpapasiyang gagawin sa mga susunod na araw. Naisulat kung paano isasabalikat ang pananagutan sa gagawing pasiya. Naipakita kung ano ang mangyayari kung sakaling hindi magiging mapanagutan sa gagawing pasiya. Paunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of concepts) (Maaaring 2 bahagi: Self-assessment sa mga kakayahan tungkol sa paksa at Multiple Choice Test gamit ang Blooms Taxonomy of Cognitive Objectives.) 1. Ipaunawa sa mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya. Ito ay upang mataya ang kanilang dating kaalaman na matatagpuan sa bahagi ng Pagpapalalim. 2. Ipabasa ang Panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 144 ng modyul. 3. Itanong kung may nais linawin ang mga mag-aaral tungkol sa panuto. 4. Pasagutan ang bilang 1 hanggang 10. 5. Bigyan ng 15 minuto ang mag-aaral upang masagot ang mga tanong sa Paunang Pagtataya o maaaring depende sa guro kung ilang minuto ang kaniyang ibibigay na naaayon sa kakayahan ng mag-aaral. 6. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 7. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 8. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang Pagpapalalim. 86 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Pagpapalalim, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kanilang pag-unawa sa Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya. B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). (KP1) Gawain 1 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral. (Maaari din itong ibigay bilang takda, ngunit tiyakin na lubusang naunawaan ng mga mag-aaral ang panuto bago sila hayaang gawin ang gawain sa kanilang bahay.) 2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panimulang pangungusap. 3. Tanungin ang mag-aaral kung mayroon ba na kailangang linawin sa Panuto? 4. Matapos bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral, maaari nang isagawa ang gawain. Panuto: 1. Ano ang kahulugan ng Makataong Kilos para sa iyo? 2. Isulat sa loob ng parisukat ang iyong sagot. 3. Gawin ito sa kuwaderno. 4. Matapos masagutan ay tanungin ang mga mag-aaral. a. Bakit iyan ang salita o mga salita na nais mong ipakahulugan sa makataong kilos? Ipaliwanag. b. Kailangan ba na palaging isagawa ang makataong kilos sa lahat ng oras o pagkakataon? Bakit? c. Paano ito makatutulong sa iyong araw-araw na pamumuhay? 87 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYGawain 2Panuto: 1. Basahin ang sumusunod na sitwasyon. Isulat ang iyong opinyon ukol dito. 2. Sa ibaba ay lagyan ng tsek ( / ) ang loob ng panaklong kung ito ay nagpapakita ng makataong kilos at ( X ) kung hindi. 3. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot. 4. Matapos na maisulat ang iyong opinyon ay ibahagi sa katabi ang sagot. 5. Sagutin ang mga tanong: a. Anong mga letra ang nagpapakita ng makataong kilos at alin naman ang hindi? Bakit? b. Mahalaga ba para sa iyo ang pagsasagawa ng makatong kilos? Ipaliwanag. c. Paano nakatutulong sa isang tao ang pagsasagawa ng makataong kilos? Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mag-aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan sa kahulugan ng makataong kilos at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga sitwasyon, ito ay itatama ng guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN AT PAG-UNAWA Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. (KP2)Gawain 3Panuto: 1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik- aral. 2. Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto sa mga mag-aaral upang maiuugnay nila ang mga ito sa susunod na gawain. 3. Matapos ito ay ipabasa sa mag-aaral ang panuto bago isagawa ang Gawain 1. 4. Anyayahan ang mag-aaral na mag-isip ng sitwasyon sa kanilang buhay na hindi nila malilimutan at kung paano sila nagsagawa at nagpakita ng makataong kilos. 5. Punan ang hanay ng mga sagot. 6. Ipasulat ito sa kuwaderno. 7. Pagkatapos ng gawain, tumawag ng mga mag-aaral upang magbahagi ng kanilang sagot. Magkaroon ng malayang talakayan sa klase. 88 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 8. Sa bahaging ito pa lamang ay mahalaga na matiyak na nagagabayan na ang mga mag-aaral sa pagbuo ng batayang konsepto ng aralin. 9. Tanungin ang mga mag-aaral. (Maging malikhain sa pamamaraan ng pagtatanong) a. Ano ang natuklasan mo sa iyong isinagawang kilos at pasiya sa sitwasyon na iyong isinulat? b. Sa iyong palagay, bakit naging mabuti o masama ang epekto nito? c. May kinalaman ba ang pasiya ng tao sa kilos na kaniyang isasagawa? Ipaliwanag. Tandaan: Sa bahaging ito, kinakailangan na matukoy ng mag-aaral ang kanilang mga pasiya at kilos at kung ito ba ay umaayon sa makataong kilos. Gawain 4 Panuto: 1. Ngayon ay tatanungin ng guro ang mga mag-aaral na balikan ang mga sitwasyon sa kanilang buhay na isinulat sa Gawain 1. 2. Ipatutukoy sa mag-aaral kung naging mapanagutan ba sila sa kanilang piniling pasiya at ito ba ay nagpakita ng makataong kilos. 3. Ipasusulat ang sagot sa kuwaderno. 4. Pasagutan ang mga tanong. a. Ano ang napansin mo sa iyong sagot? Nakita mo ba ang mahalagang pananagutan mo sa bawat pasiya na iyong ginagawa? b. Matapos mong pagnilayan kung naging mapanagutan ka o hindi, ano ang naramdaman mo ukol dito. c. Sa iyong palagay, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang kabataan? D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP – ang Etika at Career Guidance. (KP3) Paalala: Makatutulong kung ang babasahin ay ipababasa sa mga mag-aaral bilang Takdang-Aralin. 89 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYSasabihin ng Guro: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahalagang konsepto tungkol sapaksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabagosa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin. 1. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing). 2. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa sa paksa at paghinuha ng Batayang Konsepto. Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng babasahin at ang kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong nakaangkla sa Pilosopiyang Moral. 3. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot- bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito. 4. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalaman ng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito. Mahalagang huwag pilitin na matapos sa iisang araw ang pagtalakay rito upang hindi magkaroon ng information overload ang mga bata dahil lalong hindi makamit ang layuning ganap na maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto.Paghinuha ng Batayang Konsepto Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mahalagang Tanong (MT) sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic organizer.Panuto:1. Mula sa naisulat sa pisara na mga konsepto ay aanyayahan ang mag-aaral na bumuo ng isang malaking konsepto tungkol sa nahinuha sa babasahin.2. Hikayatin ang mag-aaral na gawin ito sa pamamagitan ng isang malikhaing presentasyon at ipapakita sa klase. 90 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP O PRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang o pagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayat sa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa (KP4). Pagganap Layunin: Ang pagpapamalas ng mga kakayahan at angkop na kilos na lilinang o magpapaunlad ng mga birtud o pagpapahalaga. (Gagawin ito sa duration ng mga araw para sa modyul). Maaaring sabihin ng guro: Ngayon ay nabatid mo na ang kahalagahan ng pagkakaroon ng mabuting pasiya. Dito nakasalalay ang maaaring kahinatnan ng iyong buhay. Kaya’t ang wastong pagpili ay dapat pag-isipan at bigyan ng sapat na oras at panahon. Gawain 5 Panuto: 1. Isipin ang mga maling pasiya na naisagawa sa sumusunod: magulang, pag-aaral, kaibigan, kapatid. Isulat ito sa unang hanay. 2. Isulat naman sa pangalawang hanay kung paano mo ito iwawasto. 3. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Pagninilay Pag-ukol ng mag-aaral ng panahon para sa maingat at malalim na pag-iisip sa mga sitwasyong namasid at mga konseptong natutuhan tungkol sa moral na pamumuhay. Gawain 6 Panuto 1. Anyayahan ang mag-aaral na balikang muli ang isang karanasan sa kanilang buhay na labis nilang pinagsisihan dahil sa kanilang maling pasiya. 2. Anyayahan ang mag-aaral na magnilay at kung anuman ang kanilang napagnilayan ay ipasulat ito sa kanilang portfolio o kuwaderno. 3. Maaaring magpatugtog ang guro ng mga instrumental songs para mapukaw ang damdamin ng mag-aaral. 91 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagsasabuhay Layunin: Ang pagpapamalas ng mga kakayahan at angkop na kilos na lilinang o magpapaunlad ng mga birtud o pagpapahalaga. (Gagawin ito sa duration ng mga araw para sa modyul.)Maaaring sabihin ng guro:Sa pagpapasiya, kailangan mong magplano dahil ito ang makapagbibigay sa iyong tamang kaisipan sa iyong pagpili.Gawain 7Panuto 1. Anyayahan ang mag-aaral na bumuo ng kanilang sariling plano at kung paano isasabalikat ang pananagutan na sang-ayon sa makataong kilos. Ipasulat sa ikatlong kolum ang maaaring mangyari kung sakaling hindi sila magiging mapanagutan sa gagawing pasiya. DEPED COPYTandaan: Kailangang maipakita ng mag-aaral sa kanilang mga magulang angkanilang plano na ginawa upang sila ay magabayan sa kanilang isasagawangkilos at pasiya. Kailangan na palagdaan ito sa magulang at anyayahan sila namagbigay ng komento sa kanilang anak. Rubric sa Pagsasabuhay. 10 Puntos 7 Puntos 3 Puntos1. Nakapagsuri Nakabuo ng Nakabuo ng Nakabuo ng at nakabuo ng tatlong plano sa dalawang isang plano sa tatlong plano sa pagpapasiyang plano sa pagpapasiyang pagpapasiyang gagawin sa mga pagpapasiyang gagawin sa gagawin sa mga susunod na araw. gagawin sa mga susunod susunod na mga susunod na araw. araw. Nakasulat na araw. ng tatlong Nakasulat2. Naisulat pagsasabalikat Nakasulat ng isang kung paano sa bawat isang ng dalawang pagsasabalikat isasabalikat ang planong gagawin. pagsasabalikat sa planong pananagutan sa planong gagawin. sa gagawing gagawin. pasiya. Nakapagbigay Nakapagbigay ng Nakapagbigay ng isang3. Naipakita tatlong maaaring ng dalawang maaaring kung ano ang mangyari batay maaaring mangyari mangyayari sa tatlong plano mangyari sa plano na kung sakaling na isinulat. sa plano na isinulat. hindi magiging isinulat. mapanagutan sa gagawing pasiya. 92 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa Kasanayan Sagot 1. Yugto ng Makataong Kilos Kaalaman A 2. Yugto ng Makataong Kilos Pag-unawa B 3. Yugto ng Makataong Kilos Pag-unawa A 4. Moral na Pagpapasiya Paglalapat C 5. Moral na Pagpapasiya Paglalapat D 6. Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Pagbubuo B 7. Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Pagbubuo C 8. Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Pagsusuri A 9. Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Pagsusuri C 10. Hakbang sa Moral na Pagpapasiya Pagsusuri ADEPED COPYBatay sa Balangkas (Outline)Modyul 8: Mga Yugto ng Makataong Kilos at mga Hakbang sa Moral na PagpapasiyaI. Panimula • Kahulugan ng Makataong KilosII. Yugto ng Makataong Kilos ayon kay Sto. Tomas de Aquino • Isip • Kilos-loobIII. Moral na PagpapasiyaIV. Mga Hakbang sa Moral na Pagpapasiya 1. Magkalap ng kaalaman 2. Isaisip ang mga posibilidad 3. Maghanap ng ibang kaalaman 4. Tingnan ang kalooban 5. Umaasa at magtiwala sa tulong ng Diyos 93 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikatlong Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 9: ANG MAINGAT NA PAGHUHUSGA Bilang ng Oras: 4I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Pamantayan sa pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa maingat na paghuhusga (Prudence) Pamantayan sa Pagganap: Nakagagawa ang mag-aaral ng angkop na kilos upang maisagawa ang maingat na paghuhusga (Prudence). Batayang konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral? Ang maingat na paghuhusga ay mahalagang kasanayan sa tamang pagpapasiya upang higit na mapatingkad ang kabutihan ng pagkatao. Pagsasabuhay ng mga pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Nakagagawa ng angkop na kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga Kakayahan Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Nasusuri ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga Kaalaman Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Natutukoy ang mga kilos na nagpapakita ng maingat na paghuhusga 94 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa PagtatasaMga Kasanayang PagtatasaPampagkatuto KP1:KP1: Pagtatala ng mga mahahalagangNatutukoy ang mga kilos na pangyayari sa buhay nanagpapakita ng maingat na nangangailangan ng maingat napaghuhusga paghuhusgaKP2: KP2:Nasusuri ang mga kilos na Pagsusuri ng iba’t ibang sitwasyon nanagpapakita ng maingat na nagpapakita ng maingat na paghuhusgapaghuhusgaDEPED COPYKP3: KP3:Napatutunayan na ang Pagsagot sa mga tanong sa bahagingmaingat na paghuhusga Tayahin ang Iyong Pag-unawaay mahalagang kasanayansa tamang pagpapasiya Pagbuo at pagpapaliwanag ngupang mapaunlad Batayang Konseptoang paninindigan sapagpapakatao KP4: Pagsasabuhay ng maingat naKP4: paghuhusga sa mga kritikal naNakagagawa ng mga pangyayari o pagsubok na maaaringangkop na kilos na maranasan sa pamilya, paaralan, atnagpapakita ng maingat na lipunanpaghuhusga 95 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? 1. Talakayin ang panimula sa pahina 161 ng Modyul 9. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga modyul sa Ikalawang Markahan upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga ng pagkatuto mula sa mga ito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang modyul. 2. Mahalagang mapukaw ang isipan at damdamin ng mga mag-aaral sa panimula pa lamang upang matiyak na makukuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. Maaaring tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang karanasan kaugnay ng naunang pangungusap sa bahaging ito. 3. Ipabasa sa mga mag-aaral ang mahalagang tanong sa pahina 162. 4. Pagkatapos, ipabasa at isa-sahin ang mga Kasanayang Pampagkatuto para sa Modyul 9. 5. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng KP3 upang maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin, mahihinuha nila ang Batayang Konsepto. Paunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of concepts) 1. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 163 ng modyul. Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 15 - 20 minuto. 3. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 4. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 5. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang Pagpapalalim. 96 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung ano man ang maging resulta ng Paunang Pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Paghinuha ng Batayang Konsepto, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kanilang kakayahan sa pagpapasiya gamit ang maingat na paghuhusga. B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). Gawain 1 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral sa pahina 166 ng Modyul 9. 2. Ipabasa ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Bigyan ng 5 - 10 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang unang isahang gawain. 4. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 4, pahina 166. 5. Atasan ang mga mag-aaral na humanda para sa pangkatang gawain. 6. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain. Gawain 2 1. Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral sa pahina 167 ng Modyul 9. 2. Ipabasa ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Bigyan ng 10 - 15 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain. 4. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 5, pahina 168. 5. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain. 97 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314