DEPED COPYMga Kasanayang Pampagkatuto 1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang pahina 255. Isa-isahin ang mga layuning pampagkatuto para sa Modyul 13 na nasa loob ng kahon sa naunang pahina. Itanong: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng ikatlong Kasanayang Pampagkatuto (KP3) o titik c sa listahan ng mga layunin upang maiwasang kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin mahihinuha ng mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman, kakayahan, at pag-unawa: 13.1 Natutukoy ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay 13.2 Nasusuri ang mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay 13.3 Napatutunayan na ang pagbuo ng posisyon tungkol sa mga isyung may kinalaman sa paninindigan ng tao sa pagmamahal niya sa buhay bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang mapatibay ang ating pagkilala sa Kaniyang kadakilaan at kapangyarihan at kahalagahan ng tao bilang nilalang ng Diyos 13.4 Nakagagawa ng sariling pahayag tungkol sa mga gawaing taliwas sa batas ng Diyos at sa kasagraduhan ng buhay Narito ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa KP 13.4 • May malinaw na posisyon tungkol sa mga isyu sa buhay na pumapanig sa kabutihan at ginamitan ng moral na pagpapasiya. • Makapagbigay ng tiyak na mga hakbang sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng buhay. • May kalakip na mga paliwanag at patunay ng pagsasabuhay. Paunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (process/skills), AT PAG-UNAWA (understanding of concepts) 146 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 1. Ipabasa ang panuto para sa Paunang Pagtataya sa pahina 255 ng modyul. Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 2. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya sa loob ng 10 hanggang 15 minuto. 3. Ipaskil o isulat sa pisara ang tamang mga sagot sa Paunang Pagtataya. 4. Gamiting gabay ang resulta nito upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 5. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa resulta ng pagsagot muli nito pagkatapos basahin ang Pagpapalalim. Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung ano man ang maging resulta ng Paunang Pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kaniyang pag-unlad. Pagkatapos ng Paghinuha ng Batayang Konsepto, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang pagtataya upang malaman ang antas ng kaniyang pag-unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kaniyang kakayahan sa pagpili ng tamang posisyon ukol sa mga isyu sa buhay. B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). Gawain 1 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral. Ipabasa sa kanila ang panimulang pangungusap. 2. Tanungin ang mag-aaral kung mayroon bang kailangang linawin sa Panuto. 3. Matapos bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral, maaari nang isagawa ang gawain. Gawain 2 1. Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman sa mga mag- aaral sa pahina 259 ng Modyul 13. 2. Ipabasa ang Panuto at saka tanungin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Bigyan ng 5 - 10 minuto ang mga mag-aaral upang maisagawa ang gawain. (Paalaala: Tiyaking naatasan ang mga mag-aaral na magdala ng mga kagamitan isang araw bago ang takdang pagsasagawa ng gawain.) 4. Pagkatapos ay hatiin ang klase sa apat na pangkat. Atasan ang mga mag- 147 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYaaral na ibahagi ang kanilang mga sagot sa pangkat na kinabibilangan at itala sa kuwaderno ng mahahalagang pangyayari na naganap sa isinagawang pagbabahagi. 5. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng isang graphic organizer. May halimbawang inihanda sa modyul para sa kanila. Mayroon silang 10-15 minuto upang maisagawa ito. 6. Atasan silang pumili ng isang tagapag-ulat ng nilalaman ng nabuong graphic organizer. Pakinggan sa klase ang natapos na gawain ng mga apat na pangkat. 7. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 8, pahina 259. 8. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain. Panuto: 1. Sa iyong kuwaderno, isulat ang mga kaalaman sa mga isyung nabanggit sa Gawain 1. 2. Matapos isulat ang iyong mga kaalaman, hahatiin ng guro ang klase sa apat na pangkat. 3. Ibahagi ang iyong mga sagot sa pangkat. 4. Pagsama-samahin ang magkakaparehong sagot at bumuo ng isang graphic organizer. May halimbawang inihanda sa ibaba para sa mga mag-aaral. 5. Maging malikhain sa gagawing presentasyon. 6. Maghanda sa pag-uulat sa klase. 7. Itala sa iyong kuwaderno ang mahahalagang pangyayari na naganap sa iyong ginawang pagbabahagi. 8. Matapos ito ay sagutan ang sumusunod na tanong sa kuwaderno: a. Ano ang iyong mga natuklasan sa natapos na gawain? Ipaliwanag. b. Ano ang nadarama mo sa tuwing pinag-uusapan ang mga isyung ito? c. Paano nakaaapekto sa buhay ng tao ang sumusunod na isyu? Ipaliwanag ang iyong sagot. Tandaan: Sa bahaging ito, tatanggapin ng guro ang anumang sagot ng mga mag- aaral. Kung sakaling mayroon silang maling kaisipan at pakahulugan sa iba’t ibang isyu sa buhay at mali ang kanilang opinyon tungkol sa mga ito, ito ay itatama ng guro sa bahagi ng Paglinang ng mga Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa at Pagpapalalim. 148 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Gawain 3 1. Maaaring simulan ang bahaging ito sa pamamagitan ng pagbabalik-aral. Mahalagang matiyak na nanatili ang pagkatuto ng mga mag-aaral upang matiyak na maiuugnay nila ang pagkatuto rito sa susunod na gawain. 2. Ihanda ang video ng sumusunod: a. Former drug addict shares life story, lessons (Posted July 9, 2013) http://www.youtube.com/watch?v=z25TmQk_AeM b. Pinay Alcoholics (Sandra Aguinaldo’s I-Witness Documentary) (Posted December 7, 2007) http://www.youtube.com/watch?v=XoJLkFa76Y8 c. Abortion in the Philippines documentary (1 of 2): Agaw-Buhay (Fighting for Life) (Posted August 24, 2010) http://www.youtube.com/watch?v=qUgZSBc_asc d. Abortion in the Philippines documentary (2 of 2): Agaw-Buhay (Fighting for Life) (Posted August 24, 2010) http://www.youtube.com/watch?v=HgKB_Z8p-DI e. Philippines has most cases of depression: NGO (Posted March 18, 2013) http://www.youtube.com/watch?v=AueZNzvMadE f. Euthanasia: Life In The Hands Of Others (Posted March 18, 2013) http://www.youtube.com/watch?v=ZEFRKYY_C7k 3. Maaaring madownload ang mga ito sa internet. 4. Makabubuting mag-isang masuri muna ng guro ang mga palabas na ito upang matiyak na walang bahagi na maaaring magdulot ng masamang epekto sa mga mag-aaral. 5. Maaaring isagawa ang gawain sa audio-visual room ng paaralan, kung mayroon. Kung walang kagamitan sa paaralan ay maaari naman itong ibigay na lamang na takdang-aralin sa mga mag-aaral. 6. Maaari din namang i-share ang mga video na ito sa Facebook o sa iba pang social networking site. 7. Matapos mapanood ang mga video na ito, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 2, pahina 260. 8. Tiyakin na unti-unting nagagabayan ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto. 149 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Gawain 4Pagsusuri ng mga Sitwasyon 1. Ipaliwanag ang Panuto. 2. Ipakita ang matrix sa ibaba bilang gabay nila sa pagsagot sa unang tatlong tanong.Isyu Paglalarawan Ng Mga Argumento Konklusyon IsyuDEPED COPY 3. Pangkatin ang klase sa apat. Papiliin sila ng lider at tagasulat. 4. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbibigay ng sitwasyon na susuriin. Papiliin ang mga lider gamit ang palabunutang papel. 5. Ipagawa ang pagsusuri ng sitwasyon sa loob ng 10 - 15 minuto. 6. Maglaan nang sapat na panahon sa paglalahad at pagpaliwanag ng ouput ng bawat pangkat. 7. Pagkatapos ay pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bilang 2, pahina 262 sa kani-kanilang kuwaderno. D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahin na naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP – ang Etika at Career Guidance. (Ang manunulat ang bumuo ng babasahin gamit ang mga mapagkakatiwalaang aklat, print at non-print.) Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang Takdang-Aralin. 1. Bago simulan ang pagpapalalim ay maaaring balikan ng guro ang tanong sa bahagi ng Ano ang Inaasahang Maipamamalas Mo? tungkol sa pinakamahalagang handog o kaloob na natanggap ng mga mag-aaral. (Halimbawa: pera, damit, o makabagong gadget 2. Hikayatin ang mga mag-aaral na ipaliwanag ang kani-kanilang mga sagot. 150 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 3. Sabihin: Ngayon, sisikapin nating unawain ang mga mahalagang konsepto tungkol sa paksa gamit ang isang babasahin. Tingnan natin kung magkakaroon ng pagbabago sa inyong mga sagot matapos na maunawaan ang nilalaman ng babasahin. 4. Ipabasa ang kabuuan ng sanaysay sa pahina 263-274. Bigyan sila ng 15 minuto upang basahin ito. 5. Ipabasa sa isang mag-aaral ang bawat bahagi at tanungin ang pagkaunawa niya rito. Kung mali ang kaniyang pagkaunawa sa anumang talata, magbigay ng tanong upang gabayan siya sa pagbuo ng tamang pag-unawa (o paraphrasing). Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral ang bawat bahagi ng babasahin at ang kabuuan nito dahil dito nila makukuha ang mga konseptong nakaangkla sa Pilosopiyang Moral. 6. Iminumungkahing gamitin ang pagkamalikhain upang hindi maging kabagot- bagot para sa mag-aaral ang bahaging ito. 7. Makatutulong ang pagsasagawa ng malikhaing presentasyon tulad ng pagre- record ng babasahin at paglalapat ng voice over dito upang maging kawili-wili ito sa mga mag-aaral at mapukaw ang kanilang interes o atensiyon. Ngunit mahalaga pa rin ang mabasa nila ang kabuuan ng sanaysay sa modyul upang mas maunawaan nila ang mahahalagang konsepto. 8. Bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral upang maisulat ang mga mahahalagang konsepto na kanilang nakuha sa babasahin. 9. Isulat sa pisara ang mga ideya na makatutulong sa pag-unawa ng paksa at paghinuha ng Batayang Konsepto. 10. Atasan ang mga mag-aaral na bumalik sa kani-kanilang mga pangkat sa isinagawang Gawain 4 sa bahagi ng Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. 11. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsusuri ng kanilang mga sagot sa gawaing ito at alamin kung ang mga ito ba ay tumutugon sa mga mahahalagang konseptong inilahad sa babasahin. 12. Bigyan ng pagkakataon ang bawat pangkat na makapaglahad kung sakaling may pagbabago sa mga naunang nailahad na kaisipan sa Gawain 4 sa bahagi ng Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa. 13. Matapos mabigyan ng pagkakataon ang lahat ng pangkat na makapaglahad ay maaari nang pasagutan ang mga tanong sa bahaging Tayahin ang Iyong Pag- unawa sa pahina 274. 14. Mahalagang tiyakin na sa bahaging ito ay handa na ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto. Maaaring magdagdag ng mga tanong kung ito ang makatutulong upang mas mahinuha ng mga mag-aaral ang konsepto. 15. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. 16. Magkakaroon ng malayang talakayan. 151 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Paalala sa Guro: Sa pagitan ng mga pagtalakay ay may mga kahon na naglalamanng mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaralsa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito.Mahalagang hindi piliting matapos sa iisang araw ang pagtalakay dito upang hindimagkaroon ng information overload ang mga bata at lalong hindi makamit anglayuning ganap na maunawaan ng mga mag-aaral ang kabuuan ng BatayangKonsepto.Paghinuha ng Batayang Konsepto Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa mahalagang Tanong (MT) sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic organizer.DEPED COPY1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto na nasa pahina 275 at tanungin: Mayroon bang hindi malinaw sa panuto?2. Magpaskil sa pisara ng katulad ng graphic organizer na nasa modyul o maaari ding lumikha ng sariling graphic organizer.3. Gabayan ang mga mag-aaral sa pagbuo ng Batayang Konsepto. Tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng nabuong Batayang Konsepto.Ang pagbuo ng ________ tungkol sa mga isyung may kinalaman sa____________ng sa niya sa bilang kaloob ng Diyos ay kailangan upang __________ang ating pagkilala sa Kaniyang __________ at __________ atkahalagahan ng bilang __________ ng Diyos. 152 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Patnubay: Naghanda ang mga manunulat ng mga Batayang Konsepto upang magsilbing gabay sa mga guro. Ngunit hindi hinahadlangan ang mga guro na gumawa ng Batayang Konsepto o di kaya naman ay mga karagdagang konsepto na pinaniniwalaan na mahalagang maitanim sa puso at isip ng mga mag-aaral. Mahalaga lamang na ang bubuuing Batayang Konsepto ay tumutugon sa mga sumusunod na pamantayan (EDUP-R): Enduring. Hindi ito dapat niluluma ng panahon o di kaya naman ay maaaring maaanod sa pagbabago ng panahon. Discipline-based. Ito ay nangangailangan ng matibay na batayan na mula sa malalim na pag-aaral o pagsasaliksik. Sa EsP ang mga batayang disiplina ay Etika at Career Guidance. Needs Uncoverage. Ito ay mapalalawak pa sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga aralin. Ang malaking konsepto ay maaari pang mahimay sa maliliit na konsepto. Potentially Engaging. Nararapat na mapukaw nito ang interes at atensiyon ng mga mag-aaral upang matiyak na ito ay kanilang maaalala kahit pa lumipas ang matagal na panahon. Relationship between two variables. Ito ay dapat na pagsasalaysay ng relasyon ng dalawang variable. Iwasan ang gumamit ng depinisyon sa pagbuo ng batayang konsepto Halimbawa: Ano ang kabutihang maidudulot ng konsepto sa pagkatao at buhay ng mga mag-aaral? Ang isip at kilos-loob ay nagpapabukod-tangi sa tao. E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Layunin ng mga Gawain sa bahagi ng Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto na tayahin ang kaalaman, kakayahan, at pag-unawa ng mga mag-aaral na makapaglahad ng sariling pananaw sa mga gawaing taliwas sa Batas ng Diyos at kasagraduhan ng buhay at makabuo ng posisyon na papanig sa kabutihan. Pagganap 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagganap sa pahina 276 . 2. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang Panuto. Bigyan sila ng 3 minuto sa pagbasa. Itanong: Mayroon bang nais na linawin sa Panuto? 153 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY3. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na ipahayag ang kanilang mga paglilinaw. 4. Ipaskil sa pisara ang ang pormat at rubric na gagamitin sa pagmamarka ng kanilang position paper upang maging malinaw sa mga mag-aaral ang gagamiting pamantayan. 5. Atasan ang mga mag-aaral na ibahagi sa klase ang kanilang nabuong position paper.Pagninilay 1. Maaaring ibigay ang gawaing ito bilang takdang-aralin. 2. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto na nasa pahina 277. Pagkatapos, tanungin: Mayroon bang hindi malinaw sa panuto? 3. Bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. 4. Ipaalam sa mga mag-aaral kung paano mamarkahan ang gawain sa pamamagitan ng pagpapaskil ng rubric ng pagtataya sa pisara. 5. Sa klase, tumawag ng ilang mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang output sa harapan ng klase. 6. Mahalagang tapusin ang bahaging ito sa pamamagitan ng paglalahat sa mga ibinahaging pagninilay at sa pagbalik sa Batayang Konsepto.Pagsasabuhay 1. Ipagawa ang bahaging Pagsasabuhay sa pahina 277 ng Modyul 13. 2. Ipabasa nang tahimik sa mga mag-aaral ang panuto sa loob ng 3 - 5 minuto. Tiyakin na malinaw na sa lahat ang nilalaman ng panuto. 3. Maging bukas sa mga tanong mula sa mga mag-aaral. 4. Tiyaking maayos na nakapili ang mga mag-aaral ng organisasyong nagtataguyod ng kasagraduhan ng buhay, gayundin kung nakipag-ugnayan na sila sa kinauukulan ng nasabing samahan. 5. Pag-usapan sa pangkat kung paano isasagawa ang mga gawain. 6. Bigyan ng sapat na panahon ang mga mag-aaral upang pagplanuhan ang gawain. Tiyakin na nagagabayan ang mga mag-aaral sa pagpaplano. 7. Atasan ang mga mag-aaral na lumikha ng photo journal bilang patunay ng kanilang isinagawang gawain. 154 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Talaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa Kasanayan Sagot1. Aborsiyon Kaalaman a2. Kahulugan ng Isyu Kaalaman b3. Buhay Para sa mga Di-Normal Pag-unawa c4. Buhay Para sa mga Di-Normal Ebalwasyon d5. Tao: May Isip at Kilos-loob Pagsusuri a6. Alkoholismo Pagsusuri a7. Paggamit ng Droga Paglalapat b8. Buhay Para sa mga Di-Normal Ebalwasyon c9. Euthanasia Paglalapat b10. Pagpapatiwakal Pagbubuod aDEPED COPYBalangkas ng PagpapalalimModyul 13: MGA ISYUNG MORAL TUNGKOL SA BUHAYI. Panimula (Pag-uugnay sa mga naunang modyul) A. Tao: May Isip at Kilos-Loob 1. Natatangi at naiiba sa mga nilalang na may buhay dahil pinagkalooban siya ng isip, kilos-loob, puso, kamay, at katawan. 2. May kakayahang hanapin, alamin, unawain, at ipaliwanag ang mga katotohanan, layunin, at dahilan ng mga bagay-bagay sa kaniyang paligid. 3. May kilos-loob na nagbibigay ng kakayahang gumawa, kumilos, pumili, at magmahal. 4. Ang kilos-loob ang nagdadala sa atin na piliin ang mabuti, magkaroon ng disiplina sa sarili, pagtibayin ang mga unibersal na katotohanan, at panatilihin ang pagsasagawa nito nang paulit-ulit. 5. May isip na gumagabay sa kilos-loob tungo sa kabutihan. 6. May kalayaan na mamili at mamuno sa ating paghusga, gawi, at kilos. 7. Dahil sa isip at kilos-loob, inaasahan na makabubuo at makagagawa ng mabuti at matalinong pagpapasiya sa kabila ng mga isyung umiiral sa lipunan. B. Kahulugan ng Isyu C. Buhay: Pangunahing Pagpapahalaga 1. Ang buhay ng tao ay maituturing na pangunahing pagpapahalaga. 2. Hindi makagagawa at walang maiaambag ang tao sa lipunan kung walang buhay. 3. Ang isang tao ay dapat unang isilang upang mapaunlad ang kaniyang sarili at makapaglingkod sa kapuwa, pamayanan, at bansa. 4. Ang tao ay may kalayaang mabuhay at pumili ng landas na ating tatahakin habang nabubuhay, hindi bahagi nito ang pagsira o pagkitil sa sariling buhay o ng ibang tao. 155 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY5. Tungkulin natin bilang tao na pangalagaan, ingatan, at palaguin ang sariling buhay at ng ating kapuwa.II. Mga Isyu Tungkol Sa Buhay A. Paggamit ng Droga 1. Kahulugan a. Ito ay isang estadong sikiko (psychic) o pisikal na pagdepende sa isang mapanganib na gamot, na nangyayari matapos gumamit nito nang paulit- ulit at sa tuluy-tuloy na pagkakataon. 2. Mga Dahilan ng Paggamit ng Droga a. Impluwensiya ng mga kaibigan o mga taong nakasasalamuha sa paligid. b. Nais mapabilang sa isang barkada o samahan. c. Nais mag-eksperimento. d. Nais magrebelde dahil sa problema sa pamilya. e. Nais makalimutan ang kahihiyan at pagtakpan ang sakit na kaniyang nararamdaman. 3. Mga Epekto ng Paggamit ng Droga a. Makaaapekto sa pag-aaral at personal na buhay. b. Nagdudulot ng masamang epekto sa isip at katawan. c. Ang isip ay nagiging “blank spot,” nahihirapang iproseso ang iba’t ibang impormasyon na dumadaloy dito – sanhi ng maling kilos at pagpapasiya. d. Nakararamdam ang tao na siya ay mabagal at mahina sanhi ng mga kabiguan sa buhay. B. Alkoholismo 1. Kahulugan a. Labis na pagkunsumo ng alak o anumang inuming may alkohol. 2. Mga Epekto ng Alkoholismo a. Nagpapahina ng enerhiya, nagpapabagal ng isip, at sumisira sa kapasidad na maging malikhain. b. Nababawasan ang kakayahan sa paglinang ng makabuluhang pakikipagkapuwa - nauuwi sa gulo, away, at krimen. c. Apektado rin ang kalusugan; kaya’t nagiging sanhi ng sakit tulad ng cancer, sakit sa atay at kidney na maaaring mauwi sa pagkamatay. d. Ang pag-inom ng alak ay hindi masama kung paiiralin ang disiplina at pagtitimpi. C. Aborsiyon 1. Kahulugan a. Ang aborsiyon o pagpapalaglag ay intensiyonal na pag-alis ng isang fetus o sanggol sa sinapupunan ng ina. 2. Ang isyu sa aborsiyon ay nagbigay-daan upang magkaroon ng dalawang magkasalungat na posisyon ang publiko: ito ay ang Pro-life at Pro-choice. a. Pro-life b. Pro-choice 156 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 3. Ang Dalawang Uri ng Aborsiyon a. Kusa (Miscarriage). Ito ay ang pagkawala ng isang sanggol bago ang ika- 20 linggo ng pagbubuntis. Ito ay tumutukoy sa natural na mga pangyayari at hindi ginamitan ng medikal o artipisyal na pamamaraan. b. Sapilitan (Induced). Ito ay ang pagwawakas ng pagbubuntis at pagpapaalis ng isang sanggol, sa pamamagitan ng pag-opera o pagpapainom ng mga gamot. 4. Pagsusuri ang sitwasiyon (Moral Dilemma) a. Talaan: Ang Layunin, Paraan, Sirkumstansiya, at Kahihinatnan ng Kilos 5. Ang Prinsipyo ng Double Effect (Resolusyon) a. Ang kilos na isasagawa ay nararapat na mabuti. b. Ang masamang epekto ay hindi dapat direktang nilayon ngunit bunga lamang ng naunang kilos na may layuning mabuti. c. Ikatlo, ang mabuting layunin ay hindi dapat makuha sa pamamagitan ng masasamang gawain. d. Ikaapat, kinakailangan ang pagkakaroon ng mabigat at makatuwirang dahilan upang maging katanggap-tanggap ang masamang epekto. D. Pagpapatiwakal (Suicide) 1. Kahulugan a. Ang pagpapatiwakal ay ang sadyang pagkitil ng isang tao sa sariling buhay at naaayon sa sariling kagustuhan. b. Dapat may maliwanag na intensiyon ang isang tao sa pagtatapos ng kaniyang buhay bago ito maituring na isang gawain ng pagpapatiwakal. c. Hindi itinuturing na pagpapatiwakal ang tuwirang paglalagay ng sarili sa panganib kung ito ay para sa isang mas mataas na dahilan. 2. Dahilan ng Pagpapatiwakal a. Ang kawalan ng pag-asa (despair) b. Matinding depresyon c. Kawalan ng tamang pag-iisip 3. Paraan upang makaiwas sa Depresyon at Pagpapatiwakal a. Panatilihing abala ang sarili sa mga makabuluhang gawain tulad ng paglilingkod sa kapuwa at pamayanan. b. Pagkakaroon ng matibay na support system (pamilya at mga kaibigan) E. Euthanasia 1. Kahulugan a. Isang gawain kung saan napadadali ang kamatayan ng isang taong may matindi at wala nang lunas na karamdaman. b. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga modernong medisina at kagamitan upang tapusin ang paghihirap ng isang maysakit. c. Tinatawag ding assisted suicide, sa kadahilanang may pagnanais o motibo ang isang biktima na wakasan ang kaniyang buhay, ngunit isang tao na may kaalaman sa kaniyang sitwasyon ang gagawa nito para sa kaniya. 157 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY2. Iba pang mahahalagang impormasyon tungkol sa Euthanasia a. Ang sakit o paghihirap ay likas na kasama ng buhay ng tao. Ang pagtitiis sa mga hirap at pagsubok ay pakikibahagi sa mga plano ng Diyos. b. Pagmamahal at pag-aalala ang ibigay sa ganitong pasyente hindi kamatayan. c. Hindi ipinipilit ang paggamit ng mga hindi pangkaraniwang mga pamamaraan at mamahaling mga aparato upang pahabain ang buhay ng isang tao. d. Ang pagpapatigil sa paggamit ng mga life support ay hindi itinuturing na masamang gawain. Ito ay maliwanag na pagsunod lamang sa natural na proseso. Ang ipinagbabawal ay ang mga gawain na tuwirang naglalayon na mapadali ang buhay tulad ng pagbibigay ng lason o labis na dosis ng gamot.III. Buhay Para Sa Mga Di-Normal (Persons with Disabilities o PWD) A. Ang buhay ng tao ay sagrado at banal. 1. Ang tao ay nilikhang kawangis ng Diyos; mayroon siyang espiritu - ito ang kakayahang mag-isip, pumili, magdesisyon, at makisama. 2. Ayon kay Papa Francis ng Roma: “Ang buhay ng tao ay napakahalaga; kahit na ang mga pinakamahihina at madaling matukso, maysakit, matatanda, mga hindi pa isinisilang, at mahihirap, ay mga obra ng Diyos na ginawa sa sarili Niyang imahe, laan upang mabuhay magpakailanman at karapat-dapat ng mataas na paggalang.” 3. Maging ang mga isinilang na may kapansanang pisikal o sa pag-iisip ay may karapatang mabuhay at bigyan ng paggalang. Nararapat nating isipin na bawat isa sa atin, normal man o hindi, ay maaaring makapagbigay ng kontribusyon at makapag-ambag sa pagbabago ng lipunan. 4. Dahil sa dignidad, nagiging karapat-dapat ang tao sa pagpapahalaga at paggalang mula sa kaniyang kapuwa. Lahat ng tao, anuman ang kanilang gulang, anyo, antas ng kalinangan at kakayahan ay may dignidad. 5. Ang buhay ay sagrado. Ito ay kaloob mula sa Diyos. Itinuturing na maling gawain ang hindi paggalang sa kabanalan ng buhay dahil ito ay indikasyon ng kawalan ng pasasalamat at pagkilala sa kapangyarihan ng Diyos. 6. Ang tao ay nilikha na may likas na pagkahilig sa kabutihan. Nararapat lamang na gamitin niya ang kaniyang mapanuring pag-iisip upang makabuo ng mabuti at tamang posisyon tungkol sa iba’t ibang isyung moral sa buhay na makatutulong sa pagpapanatili ng kasagraduhan ng buhay. 158 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Rubric sa pagtalakay ng mga Isyu sa Buhay Gamit ang Graphic Organizer (Pagtuklas ng Dating Kaalaman – Gawain 2) Kraytirya 4 3 2 1Organisasyon Mahusay na Maayos ang Masyadong Hindi inorganisa. pagkakalapat mahaba maayos ang Ang ng nilalaman at maligoy ang pagkakaorganisa pagkakaayos at ang daloy ng at daloy ng at istraktura ng impormasyon impormasyon. impormasyon. impormasyon ay dumadaloy ay nang maayos. mapanghikayat at dumadaloy nang maayos.DEPED COPYNilalaman Makahulugan May 1-2 salita May 3 o Hindi nabibigyan at puno ng na mahigit pang ng kahulugan impormasyon hindi salitang ginamit o paliwanag ang maipaliwanag na hindi ang mga pagkakalahad ang maipaliwanag impormasyon ng nilalaman tunay na ang tunay na sa graphic ng graphic kahulugan. kahulugan. organizer. organizer. Nakita ang Nakita ang Hindi Hindi nakagawa pagkamalikhain pagkamalikhain nakita ang ng malikhaing sa kabuuan ngunit hindi pagkamalikhain graphic at tunay na gaanong sa ginawang organizer. nakapupukaw nakapupukaw graphicPagkamalikhain ng ng pansin organizer. pansin ang ang nabuong nabuong graphic graphic organizer. organizer. 159 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Rubric para sa Pagsusuri ng mga Sitwasyon (Pangkatang Gawain) (Paglinang ng Kaalaman, Kakayahan, at Pag-unawa – Gawain 4) Kraytirya 4 32 1Komprehensibo Gumamit ng May 1-2 salita na May 3-4 na May 5 o mahigitang ginawang simple ngunit hindi maunawaan salita na hindi pang salita napagpapaliwanag malinaw na mga ang maunawaan hindi/ pag-uulat salita. tunay na ang tunay na maunawaan Maiksi ngunit kahulugan. kahulugan. ang tunay naNaipakita ang sapat ang Masyadong May kakulangan kahulugan.pagkamalikhain ginawang mahaba at maligoy sa ginawang Hindi malinawsa pagtalakay / pagpapaliwanag / ang ginawang pagpapaliwanag ang mensahe opag-uulat pag-uulat. pagpapaliwanag/ / pag-uulat. nilalaman ng pag-uulat. pagpapaliwanag DEPED COPY / pag-uulat. Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain Hindi nakagawa sa ngunit sa ginawang ng malikhaing kabuuan ng hindi gaanong pagtalakay. pagtalakay. pagtalakay at nakapupukaw ng tunay na pansin. nakapupukaw ng pansin ang kabuuan ng pagtalakayTugma ang mga Lahat ng May isang May dalawang May 3 onilalaman at nilalaman at nilalaman o nilalaman o mahigit pangpamamaraan sa pamamaraang pamamaraan pamamaraan na nilalaman opagpapaliwanag/ ibinahagi ay na hindi tugma. hindi tugma. pamamaraanpag-uulat batay tugma sa na hindi tugma.sa mga: gabay na mga1. Paglalarawan tanong. Ng Isyu2. Mga Argumento3. Konklusyon 160 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Rubric para sa Pagpapaliwanag ng Batayang Konsepto Gamit ang Graphic Organizer Kraytirya 4 32 1Paghinuha ng Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha ang Nahinuha angbatayang batayang batayang batayang batayangkonsepto konsepto nang konsepto ng konsepto ngunit konsepto sa hindi may kaunting kailangan ng paggabay ng ginagabayan ng paggabay ng labis na guro sa kabuuan guro. guro. paggabay ng nito. guro. Malinaw na Mayroong isang Mayroong May tatlo o higit naipaliwanag konsepto na dalawang pang ang lahat ng hindi malinaw na konsepto na konsepto na hindi mahahalagang naipaliwanag. hindi naipaliwanag. konsepto. naipaliwanag.Pagpapaliwanag ngDEPED COPYkonseptoPaggamit ng Nakalikha ng Ginamit ang Nakalikha ng Ginamit anggraphic sariling graphic graphic sariling graphic graphicorganizer organizer na organizer na organizer ngunit organizer na nasa ginamit upang nasa modyul at hindi modyul maibigay o maayos na malinaw na ngunit hindi maibahagi ang naibigay ang naibigay o malinaw na batayang batayang naibahagi ang naibigay o konsepto. konsepto gamit batayang naibahagi ang ito. konsepto gamit batayang ito. konsepto gamit ito. Rubric para sa Pagganap (Pagsulat ng Position Paper) Kraytirya 5 4 3 2 1Pormat Naipakita ang Naipakita ang Ang lahat Nawawala Nawawala• Title Page lahat ng mga lahat ng mga ng mga ang ilang mga ang mga• Panimula elemento; elemento; elemento ay elemento; elemento;• Mga lubos na mahusay ang naipakita; Di gaanong hindi mahusay ang organisasyon Di gaanong organisado organisado Argumento organisasyon; at dumadaloy organisado at maayos at walang sa Isyu maayos at nang maayos at maayos ang daloy ng tamang• Ang Sariling lohikal ang ang mga ang daloy ng impormasyon. daloy ng Posisyon sa daloy ng impormasyon. impormasyon. impormasyon. Isyu impormasyon.• Konklusyon• Sanggunian 161 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Kalidad ng Tumpak ang May kaunting Kapansin- Regular na Malimit naPagsusulat paraan ng pagkakamali, pansin ang pagkakamali pagkakamali pagkakasulat; ngunit hindi ilang mga na na mataas ang makaaapekto pagkakamali, nakaaapekto nakaaapekto kalidad ng sa kalidad ng at sa ilang sa daloy at sa daloy at gawa. gawa. pagkakataon kahulugan ng kahulugan ay papel. ng papel; nakaaapekto, mababa ang sa daloy o kalidad ng kahulugan ng gawa. papel.Pagsusuri ng DEPED COPYNagpapakitaMahusay ang Sapat ang Kulang ang Walangmga Argumento ng masusing pagsusuri ng pagsusuri pagsusuri ng pagsusuri pagsusuri ng mga argumento; ng mga mga argumento ng mgaPosisyon mga argumento; Nagpapakita argumento; maging ang argumento; mataas ang nang mataas Katamtaman paghahambing, Kulang ang antas ng na antas ng ang antas ng pag-iiba, at paghahambing, paghahambing, paghahambing, paghahambing, pagsusuri. pag-iiba, at pag-iiba, at pag-iiba, at pag-iiba, at pagsusuri. pagsusuri. pagsusuri. pagsusuri. Mahina at may kakulangan sa Hindi mabisa Komprehensibo, May katuturan, Bahagyang pagpapaliwa- at kulang ang may katuturan, tumpak, mahina o may nag ng sariling paliwanag at tumpak ang malinaw, at kakulangan sa posisyon. sa sariling pagkakapaliwa- mahusay na pagpapaliwa- posisyon. nag ng sariling ipinaliwanag ang nag ng sariling posisyon. sariling posisyon. posisyon. Rubric para sa Pagsulat ng Pagninilay Kraytirya 4 3 2 1Komprehensibo Gumamit ng May 1 - 2 salita May 3 - 4 na May 5 o mahigitang ginawang simple na salita na pangpagninilay ngunit malinaw hindi hindi salita na hindi na maunawaan maunawaan maunawaan mga salita. ang tunay na ang tunay na ang tunay kahulugan. kahulugan. na kahulugan. Maiksi ngunit sapat Masyadong May Hindi malinaw ang ginawang mahaba at kakulangan sa ang pagninilay. maligoy ginawang mensahe o Bumanggit ng ang ginawang pagninilay. nilalaman ng mga pagninilay. pagninilay. natutuhan at mga reyalisasyon mula sa mga gawing naranasan sa klase upang mapagtibay ang ginawang pagninilay. 162 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Tugma ang Lahat ng May isang May dalawang May 3 o mahigitmga halimbawang halimbawa na halimbawa na pangginamit na ginamit ay hindi hindi halimbawa nahalimbawa sa tugma sa tugma sa tugma sa hindipagninilay pagninilay. pagninilay. pagninilay. tugma sa pagninilay.Naipakita ang Nakita ang Nakita ang Hindi nakita ang Hindi nakagawapagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain pagkamalikhain ng malikhaingsa pagsulat sa kabuuan ngunit hindi sa sulatin. sulatin. ng sulatin gaanong at tunay na nakapupukaw nakapupukaw ng pansin. ng pansin ang kabuuan nito.DEPED COPY Rubric para sa Pagsasabuhay (Paglikha ng Photo Journal) Kraytirya 4 3 2 1Presentasyon Malinis, Malinis at Malinis at Hindi malinis malikhain, at angkop ang maayos ang at maayos angNilalaman angkop ang pabalat (cover) pabalat (cover) pabalat (cover)Kabuuan ng pabalat (cover) at tala ng mga ngunit mahirap at napakahirapphoto journal at tala ng mga pangyayari. basahin ang basahin angKalidad ng mga pangyayari. tala ng mga tala ng mgalarawan Karamihan sa pangyayari. pangyayari. Ang lahat ng nilalaman ng Higit pa sa 5 naPakikilahok nilalaman ng photo journal May 3 - 5 bahagi ng photosa pagbuo ng photo journal ay wasto. bahagi sa journal ay hindiphoto journal ay wasto. Isang bahagi nilalaman ay wasto. Kumpleto ay kulang. hindi wasto. Higit sa 2 bahagi lahat ng mga Dalawang ay kulang. larawan, petsa, Ang mga bahagi ay pati pabalat larawan ay kulang. Nawawala ang (cover). medyo tunay mga larawan. Ang mga at tugma sa Ang mga larawan ay nilalaman larawan ay Walang namasid tunay at may ng mga tala. hindi tapos at na positibong isang tiyak (entries). hindi magkasya damdamin na layunin na sa entry. at aktibong maayos na Nakilahok ng pakikilahok ipinakikita sa may positibong Kulang sa sa pangkat sa photo journal. damdamin ang positibong pagbuo ng photo May positibong karamihan sa damdamin at journal. saloobin at miyembro ng pakikilahok ang aktibong pangkat. mga miyembro pakikilahok sa ng pangkat. pangkat na nag-ambag ng malaki sa pagbuo ng photo journal. 163 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY Edukasyon sa Pagpapakatao Baitang 10 Ikaapat na Markahan Gabay sa Pagtuturo sa Modyul 14: MGA ISYU NG MORAL TUNGKOL SA SEKSUWALIDAD Bilang ng Oras: 4I. Pag-uugnay ng mga Pamantayan sa Pagkatuto at mga Kasanayang Pampagkatuto Mga Pamantayan sa Pagkatuto Pamantayang Pangnilalaman: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag- unawa sa mga isyu tungkol sa Kawalan ng Paggalang sa Dignidad at Seksuwalidad. Pamantayan sa Pagganap: Ang mag-aaral ay nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa isang isyu sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Batayang Konsepto Ano ang pinakamahalagang mensahe na dapat maunawaan at maipamalas ng mag-aaral? Ang malawak na kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad ay daan upang magkaroon ng malinaw na posisyon sa kahalagahan ng pagkatao ng tao at sa tunay na layunin nito. Pagsasabuhay ng mga Pagkatuto Ano ang patunay ng pag-unawa? Nakagagawa ng malinaw na posisyon tungkol sa mga isyu sa kawalan ng paggalang sa seksuwalidad. Kakayahan Anong kakayahan ang dapat maipamalas tungo sa pag-unawa? Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. Kaalaman Anong kaalaman ang kailangan upang maipamalas ang pag-unawa? Natutukoy ang mga isyung kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad. 164 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
II. Pag-uugnay ng mga Kasanayang Pampagkatuto sa Pagtatasa Mga KasanayangDEPED COPY Pagtatasa Pampagkatuto KP1: Natutukoy ang mga KP1: Pangangalap ng isyung kaugnay sa kawalan napapanahong balita ukol sa ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad at pagtukoy ng mga seksuwalidad isyung seksuwal na nakapaloob dito KP2: Nasusuri ang mga isyung kaugnay sa kawalan KP2: Pagsusuri ng mga pahayag ng paggalang sa dignidad at ukol sa seksuwalidad kung ang seksuwalidad mga mag-aaral ay sang-ayon dito o hindi; Pagtukoy ng mga KP3: Napatutunayan na: Sa angkop na kilos sa mga bilog ng pamamagitan ng malawak seksuwalidad na kaalaman sa mga isyung may kinalaman sa kawalan KP3: Pagpapaliwanag ng ng paggalang sa digniidad Batayang Konsepto gamit ang at sa sekswalidad ng tao, graphic organizer. magkakaroon ng malinaw na posisyon tungkol sa KP4: Pagsasagawa ng isang kahalagahan ng paggalang sa posisyon o pasiya tungkol sa pagkatao ng tao at sa tunay na isang isyung pangseksuwalidad; layunin nito. Paggawa ng isang malinaw na posisyon o commitment na hindi KP4: Nakagagawa ng malinaw kailanman gagawin ang mga isyu na posisyon tungkol sa isang tungkol sa seksuwalidad; isyu sa kawalan ng paggalang Paggawa ng plano na may sa dignidad at seksuwalidad kinalaman sa mga aspekto ng buhay; Paggawa ng isang. advocacy campaign laban sa pang-aabusong seksuwal sa pamamagitan ng pagdisenyo ng bulletin board o video presentation. 165 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYIII. Plano ng Pagtuturo-Pagkatuto A. ANO ANG INAASAHANG MAIPAMAMALAS MO? Layunin: Ipakilala ang paksa at ilatag sa mag-aaral ang dapat niyang maipamalas bilang indikasyon ng pag-unawa, ang apat na Kasanayang Pampagkatuto (KP) batay sa apat na Antas ng pagtatasa (Four Levels of Assessment sa DepEd Order No. 73, s.2012) at kraytirya sa pagtataya ng output sa Produkto/Pagganap 1. Talakayin ang panimula sa pahina 280 ng Modyul 14. Mahalagang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa mga nagdaang aralin (Modyul 10) noong sila ay nasa baitang 8 upang maipaunawa sa mga mag-aaral ang halaga ng pagkatuto mula sa mga ito at ang kaugnayan nito sa kasalukuyang mga modyul. Mahalagang mapukaw ang kanilang isip at damdamin sa panimula pa lamang upang matiyak na makuha ang kanilang interes para sa pagsasagawa ng mga gawain. 2. Ipabasa sa mga mag-aaral nang paisa-isa ang mga layuning pampagkatuto para sa modyul na ito. 3. Ipaliwanag sa kanila ang mga kraytirya ng pagtataya ng output sa Kakayahang Pampagkatuto 14.4. 4. Sabihin: Mayroon ba kayong gustong linawin tungkol sa mga layuning binasa? Tandaan: Hindi binanggit sa Modyul sa Pagkatuto ang kabuuan ng KP3 upang maiwasan na kaagad na mailahad sa mga mag-aaral ang Batayang Konsepto. Mahalagang matiyak na sa pagdaloy ng mga gawain at kabuuan ng aralin, mahihinuha nila ang Batayang Konsepto. Paunang Pagtataya Layunin: Tayahin ang kaalaman ng mag-aaral tungkol sa paksa sa antas ng KAALAMAN, KASANAYAN (Process/Skills), at PAG-UNAWA (understanding of concepts.) Self-assessment sa mga kakayahan tungkol sa paksa at Multiple Choice Test gamit ang Bloom’s Taxonomy. 1. Pasagutan sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya na nasa pahina 281 at 282 sa kanilang kuwaderno. 2. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang layunin sa pagbibigay ng Paunang Pagtataya. 3. Ipabasa ang Panuto sa bawat bahagi at sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 4. Maglaan ng 10 - 15 minuto para sa Pagtataya. Pagkatapos, iwasto ang kanilang mga sagot. 5. Gamiting gabay ang resulta ng Pagsusulit upang mataya ang mga kasanayang nangangailangan ng mas malalim na pagtalakay. 166 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY 6. Palagdaan sa mag-aaral ang ginawang pagtataya at atasan silang itabi ito upang magamit sa paghahambing sa Panghuling Pagsusulit. Tandaan: Mahalagang ipaunawa sa mga mag-aaral na kung anuman ang maging resulta ng paunang pagtataya, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay ng marka, kundi isang mahalagang pagbabatayan ng kanilang pag-unlad. Pagkatapos ng Paghinuha sa Batayang Konsepto, pasagutang muli sa mga mag-aaral ang Paunang Pagtataya upang malaman ang antas ng kanilang pag- unawa sa mga konsepto at kung nagkaroon ng pag-unlad ang kanilang kakayahan sa pagkamit at pagpapanatili ng kabutihang panlahat. B. PAGTUKLAS NG DATING KAALAMAN Layunin: Tayahin ang mga dating kaalaman ng mga mag-aaral tungkol sa paksa na nakabatay sa karanasan upang matukoy ng guro ang mga maling kaalaman ng mga mag-aaral (misconceptions o alternative conceptions). Gawain 1 Layunin ng gawaing ito na maipamalas ng mga mag-aaral ang kanilang natutuhan noong sila ay nasa Baitang 8 tungkol sa seksuwalidad. Layon nitong makita kung saan maaaring magsimula ang guro sa pagtatalakay ng mga isyung may kinalaman sa seksuwalidad. 1. Ipagawa ang Gawain 1 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman. (Maaari din itong ibigay bilang takda, ngunit tiyakin na lubusang naunawaan ng mga mag- aaral ang panuto bago sila hayaang gawin ang gawain sa kanilang bahay.) 2. Ipabasa ang Panuto at saka sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 3. Bigyan nang sapat na panahon ang mga mag-aaral na maisagawa ang Gawain 1. 4. Gumawa ng katulad na web map sa pisara. Tumawag ng mga mag-aaral na maaaring magbigay ng mga salitang may kinalaman sa Seksuwalidad. 5. Tumawag ng ilang mag-aaral na maaaring magpaliwanag ng kanilang web map. 6. Magkaroon ng maikling pagtalakay ng web map na nabuo sa pisara. Gawain 2 Sa gawaing ito ay inaasahang matukoy ng mga mag-aaral ang mga isyu sa seksuwalidad na nangyayari sa panahon ngayon na maaaring kinasasangkutan din ng mga kabataang katulad nila. Paghahanda ng Guro: Gumupit ng mga larawan mula sa diyaryo , babasahin, o di kaya’y mula sa internet na may kaugnayan sa bawat isang isyu ng Seksuwalidad. Pagsama-samahin ang mga larawang magkakaugnay na tumutukoy sa isang isyu. Ilagay ito sa isang 167 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPYenvelope. Maglagay din sa envelope ng pinaghiwa-hiwalay na letrang tumutugon saisyung ipinapakita sa mga larawan. 1. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat na grupo. Ipamahagi sa bawat isang grupo ang mga envelope. 2. Sabihin sa mga mag-aaral na sa loob ng envelope ay mga larawang tumutukoy sa isang isyu ng seksuwalidad. Tukuyin kung anong isyu ito. Pagkatapos na ito’y matukoy, buuin ang mga letrang kasama ng mga larawan. 3. Ipabasa ang Panuto at sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 4. Ipagawa ang Gawain 2 sa bahaging Pagtuklas ng Dating Kaalaman. Bigyan ng 5 minuto ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. Bigyan ng simpleng regalo ang grupong mauunang makabuo ng mga letrang tumutukoy sa isang isyu ng seksuwalidad. 5. Ipatalakay sa bawat isang grupo ang prosesong ginawa nila at ang nabuo nilang salita mula sa mga letra at larawang ibinigay sa kanila. 6. Pagkatapos ng bahaginan sa klase, pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa kanilang kuwaderno. Tumawag ng piling mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang sagot sa mga tanong. 7. Tiyaking magagamit ang pagkatuto sa mga nagdaang gawain upang maiugnay ito sa mga susunod na gawain.Gawain 3 Sa gawaing ito ay inaasahang masusuri ng mga mag-aaral ang mga pahayagat kung sila ba ay sang-ayon dito o hindi. Kailangan ding ipaliwanag ng mga mag-aaralkung bakit sa kanilang pagtingin ang mga pahayag ay nararapat na sang-ayunan ohindi.Paghahanda ng Guro: I-encode o isulat sa bond paper ang bawat isang pahayag. Tiklupin ito at ihandapara sa pagbubunot ng mga mag-aaral. Magtalaga ng isang mamumuno sa klase nasiyang magpapabunot ng mga pahayag. 1. Ipagawa ang Gawain 3. Ipabasa ang Panuto at sabihin: Mayroon bang kailangang linawin sa Panuto? 2. Tatawag ang namumuno ng isang mag-aaral na bubunot ng pahayag. Susuriin ngayon ng mag-aaral kung sang-ayon siya sa pahayag o hindi. Bigyan ng 1 minuto ang mag-aaral na sasagot. 3. Pagkatapos na ang pahayag, tumawag ng mga mag-aaral na magsusuri kung ang kasagutan ay tama. Hayaan ang mag-aaral na magbigay ng kaniyang katuwiran kung bakit nasabi niyang tama o mali ang sagot ng kaniyang kamag-aral. Itanong din ang mga katanungang nasa LM na may kaugnayan sa gawaing ito. 4. Gawin ang mga nabanggit na instruction sa mga bilang na 2 - 3 hanggang matapos ang 10 pahayag. 5. Kinakailangan ang paggabay ng guro sa gawaing ito lalo na sa pagkontrol ng oras sa bawat pagpapaliwanag na gagawin ng mga mag-aaral. 168 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY C. PAGLINANG NG MGA KAALAMAN, KAKAYAHAN, AT PAG-UNAWA Layunin: Tulungan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang mga kaalaman ng mag-aaral na hango sa karanasan. Gawain 4 Ang gawaing ito ay naglalayong makita ang kahandaan ng mga mag-aaral na magsagawa ng pasiya sa isang sitwasyong may kaugnayan sa isang isyu ng seksuwalidad. 1. Magtalaga ng mga mag-aaral na maaaring magsadula ng kuwento ni Bing at ng kaniyang kaibigang si Clarissa. Kung ito ay hindi magagawa, maaari na lamang itong basahin sa klase. 2. Matapos itong basahin, sagutan sa klase ang mga gabay na tanong. 3. Tumawag ng mga mag-aaral na magbabahagi ng kanilang mga sagot. Gawain 5 Sa gawaing ito ay inaasahan na makagagawa ang mga mag-aaral na gumawa ng isang pasiya tungkol sa isang isyung panseksuwalidad kung sila ang masasangkot dito. 1. Balikan ang Gawain 2. Ipaunawa sa mga mag-aaral ang Panuto. 2. Gamit ang graphic organizer na ipinakita sa modyul, ipaliwanag sa mga mag- aaral ang kanilang gagawin na nauukol sa pasiyang maaari nilang gamitin kung sila ay mahaharap sa kaparehong sitwasyon na gaya kay Clarissa. Ipasulat ito sa kanilang kuwaderno. 3. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong at talakayin ito sa klase. 4. Tiyakin na unti-unting nagagabayan ang mga mag-aaral sa paghinuha ng Batayang Konsepto. 169 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY D. PAGPAPALALIM Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) at paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang isang babasahing naglalaman ng mga kaalaman at malalim na paliwanag sa paksa batay sa mga disiplina ng EsP- ang Etika at Career Guidance. Paalala: Makatutulong kung ang sanaysay ay ipababasa na sa mga mag-aaral bilang takdang aralin. Mahalaga ang pagpapakita ng malikhaing presentasyon o video upang mapukaw ang kanilang interes sa paksa, ngunit kailangan pa ring malinang ang kanilang kakayahan sa pag-unawa sa paksa gamit ang sanaysay. 1. Talakayin ang napag-aralan ng mga mag-aaral tungkol sa seksuwalidad sa Baitang 8. Maaaring tumawag ng mag-aaral na magbahagi ng mga konseptong natatandaan pa nila tungkol sa seksuwalidad. 2. Tanungin ang mga mag-aaral kung ano ang maaaring mangyari kung ang seksuwalidad ay di mabuo o kaya’y malinang. 3. Ibahagi sa mga mag-aaral ang survey na isinagawa ng National Secretariat for Youth Apostolate tungkol sa pakikibaka ng mga kabataan sa seksuwalidad. Itanong sa mga mag-aaral kung ano-ano ang isyu tungkol sa seksuwalidad ang nararanasan ngayon ng kabataan. 4. Maghanda ng mga metacard at isulat ang mga isyung seksuwal na nakapaloob at tinalakay sa bahagi ng Pagpapalalim ng modyul na ito. 5. Isa-isahin ang pagtalakay sa mga isyung pangseksuwalidad at ang mga maling pananaw tungkol dito. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga nararapat at tamang pagtingin sa seksuwalidad upang hindi maganap ang mga isyung seksuwal na ito. Magiging mas kawili-wili ang pagtatalakay kung magpapakita ng mga larawan o video na tungkol sa mga isyung seksuwal na ito. Paalala: Mahalagang panoorin muna ng guro ang video upang masegurong kaaya-aya ang mga larawan at wikang ginamit. Maaari itong gawin sa loob ng 10 minuto lamang. Gayundin, maaaring mangalap ang guro ng mga datos sa women’s desk sa mga presinto ng pulis at sa mga ibang ahensiya ng gobyerno na humahawak sa mga problema at usaping ganito. Maaari itong gamitin para maipaalam sa mga mag-aaral ang kasalukuyan at tunay na nangyayari sa mga isyu tungkol sa seksuwalidad at ang epekto nito. Maaari din naman itong gawing extension activity para sa mga mag- aaral. 6. Maaaring gamitin ng guro ang batayan sa ibaba ukol sa tamang pasiya para sa sitwasyong ibinigay sa mga mag-aaral. 170 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
SitwasyonLayunin Mapatunayan na mahal Mapanatili ang kalinisan ng ang kasintahan. puri at reputasyon bilangMga isang lider ng kabataan atPagpipilian / tiwala ng pamilyaParaan Pagpayag na sumamang Pagpapaliwanag sa pumasok sa hotel kasintahan na hindi siya upang mapatunayan sasama dahil hindi pa sila ang pagmamahal sa kasal kung kaya’t hindi pa kasintahan. nila ito nararapat gawin.SirkumstansiyaDEPED COPYAng pagsama sa kaniyang Ang hindi pagpayag saKahihinatnan kasintahan ay kaniyang kagustuhan ng kaniyang gagawin dahil maaari siya kasintahan ay marapat nitong iwan at tuluyang lamang sapagkat wala magpakamatay. pa sila sa tamang gulang at maaaring makasira sa Ang pakikipagtalik ay maaaring kaniyang pag-aaral kahit pa mauwi sa pagbubuntis ng nga sobra niya itong mahal. wala sa panahon at pagtrato sa kasintahan bilang isang Maaaring makipaghiwalay sa materyal na bagay na kaniyang kasintahan. puwedeng gamitin kung kailan kinakailangan.• Ang pagpayag sa paanyayang makipagtalik upang patunayan ang pagmamahal sa simula pa lang ay isa ng maling kilos. Maraming paraan upang patunayan ang pagmamahal. Ang pakikipagtalik ay maaari lamang para sa isang babae at lalaking naikasal na. Ang sirkumstansiya ng kilos na maaaring magdala sa pagpayag sa maling gawaing ito ay ang pagbabanta na magpapakamatay ang kasintahan gayundin ang pakikipaghiwalay. Subalit, nararapat ding isaalang- alang na bilang isang lider ng kabataan, ikaw ay modelo nila. Anumang gawin mo ay maaaring maging isang statement na puwede nilang gayahin. Bilang anak na iginagapang sa pag-aaral, maaaring masira ang tiwala saiyo ng iyong mga magulang kung sakaling malaman nila ang iyong ginawa gayundin kung mayroong masamang mangyayari saiyo (halimbawa ay mabuntis). Ang pagbabantang makikipaghiwalay o magpapakamatay ang iyong kasintahan ay isang tanda ng kahinaan na maaari mong magamit sa pag-iisip kung mahal ka nga ba niya o hindi. Mahalagang tandaan na ang pagmamahal ay walang ibinibigay na mga kondisyon. Sa bahaging ito, nararapat na gamitin ng isang kabataang ang maingat na paghuhusga upang marating ang tunay at nararapat na layunin ng kilos na isasagawa. 171 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY7. Talakayin ang bahaging Pagbubuo ng Pagpapalalim. Maaaring gumawa ang guro ng isang presentasyon tungkol sa Pagbubuo na makapupukaw sa kanilang damdamin at magdadala sa kanila sa paggawa at pagpapasiya ng tama. 8. Maging malikhain upang hindi maging kabagot-bagot sa mag-aaral ang bahaging ito. Ito ang mahalagang nilalaman ng aralin dahil ito ang magbibigay ng mga etikal na konsepto tungkol sa paksa. 9. Mahalagang tiyakin na ang mga mag-aaral ang makatutuklas ng mga konsepto at hindi lamang tuwirang ibibigay ng guro. Sa pagitan ng mga pagtalakay ay mayroong mga tanong na magagamit upang mataya ang pag-unawa ng mga mag-aaral sa bawat bahagi ng babasahin. Nagsisilbing formative assessment ang mga ito. Mahalagang hindi piliting matapos sa isang araw ang pagtalakay dito upang hindi magkaroon ng information overload ang mga mag-aaral lalong hindi makamit ang layuning ganap na maunawaan ng mag-aaral ang kabuuan ng Batayang Konsepto. 1. Matapos ang pagtalakay ay pasagutan sa kanila ang mga tanong sa Tayahin ang Pag-unawa. Hinihikayat din ang guro na maging malikhain sa pagsasagawa ng bahaging ito. 2. Mahalagang unti-unting magabayan ang mga mag-aaral na mahinuha ang Batayang Konsepto sa bahaging ito. 3. Ibigay sa bahaging ito ang Mahalagang Tanong.Paghinuha ng Batayang Konsepto Layunin: Gabayan ang mag-aaral sa pagsagot sa Mahalagang Tanong (MT) sa pamamagitan ng paghinuha ng Batayang Konsepto (BK) gamit ang graphic organizer. 1. Pangkatin ang mga mag-aaral. Bawat pangkat ay nararapat na may limang miyembro. 2. Atasan ang mga mag-aaral na punan ang graphic organizer na nasa modyul at isulat ito sa ½ manila paper. Bigyan sila ng 15 minuto upang ito ay buuin. 3. Ipapaskil sa pisara o iba pang prominenteng lugar sa silid-aralan ang mga nabuong graphic organizer ng mga pangkat. 4. Tawagin ang mga pangkat upang magbahagi sa klase ng Batayang Konseptong kanilang nagawa. 5. Pagkatapos na magbahagi ng mga pangkat, ilagay ng guro sa pisara ang katulad na graphic organizer na bubuuin ng mga mag-aaral mula sa graphic organizer na kanilang nagawa. Gabayan ang mga mag-aaral sa paggawa nito. 6. Mula sa graphic organizer na nabuo, isalin sa pangungusap ang nabuong mga sagot upang maipakita ang Batayang Konsepto ng modyul na ito. 7. Mahalagang tandaan na hindi maaaring lagpasan ang bahaging ito. Sa pamamagitan lamang ng bahaging ito, matitiyak ang pag-unawa ng mga mag- 172 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
DEPED COPY aaral sa Batayang Konsepto. 8. Ang bahaging ito rin ang magdidikta kung maaari nang magtungo sa susunod na bahagi ng aralin o kailangang mas pagyamanin pa ang pagtalakay sa paksa. 9. Pasagutan sa mga mag-aaral ang mga tanong sa bahaging Pag-uugnay ng Batayang Konsepto sa Pag-unlad Ko bilang Tao. E. PAGSASABUHAY NG MGA PAGKATUTO Layunin: Gabayan ang mga mag-aaral sa pagsasagawa ng PAGGANAP o PRODUKTO, ang pagpapamalas ng mga angkop na kilos tungo sa paglinang o pagpapaunlad ng birtud o pagpapahalaga na nakapaloob sa paksa at paghikayat sa ibang kabataan na isabuhay ang mga pagpapahalagang nakapaloob sa paksa. Pagganap Gawain 6 Ang gawaing ito ay naglalayong makagawa ang mga mag-aaral ng isang malinaw na posisyon tungkol sa mga isyu ng seksuwalidad. 1. Pangkatin ang klase sa anim na grupo. 2 Ipabasa nang tahimik ang Panuto. Bigyan sila ng 2 minuto sa pagbasa. 3. Mahalagang maunawaan nang mabuti ng mga mag-aaral ang kanilang gagawin, kaya kailangang maging bukas sa kanilang mga katanungan. 4. Ipaalala sa mga mag-aaral na mahalagang mailapat ang mga pagkatuto sa modyul sa pagsasagawa ng gawaing ito. 5. Matapos bigyan ng panahon ang mga mag-aaral na mapag-usapan ang mga sitwasyong nabanggit, atasan silang gumawa ng isang matibay na posisyon tungkol sa mga isyung nabanggit. Paghahandain ang mga grupo ng mag-aaral sa pagbabahagi sa klase. 6. Pagnilayan sa klase ang naging karanasan sa pagsasagawa ng gawain at iugnay ito sa aralin. • Kung sakaling maraming hawak na klase ang guro, maaari niyang imbitahin ang dalawang mag-aaral sa bawat klase at doon ay pag-usapan ang mga posisyong kanilang napagnilayan. Ang lahat ng kaugnay sa gawaing ito ay gagawa ng isang posisyon (position statement) na may kaugnayan sa mga isyung napagnilayan. Maaari itong isulat sa maayos na papel at ipaskil sa bulletin board para sa Edukasyon sa Pagpapakatao upang makita at mabasa ng mga tao sa paaralan ang kanilang ginawa at posisyon sa mga isyung nabanggit. 7. Maaaring gamitin ng guro ang batayan sa ibaba ukol sa tamang pasiya para sa sitwasyong ibinigay sa mga mag-aaral. 173 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sitwasyon 1:Layunin Makakuha ng perang pambili Makakuha ng perang pambili ng ng gamot at pagkain sa gamot at pagkain sa madaling tamang paraan paraanMga Pagpipilian Maghanap ng Tanggapin ang alok ng kapitbahay na may asawa/ Paraan mapagkakakitaan ng peraSirkumstansiya Ang paghahanap ng trabaho Maaaring tanggapin ang alok ay magiging mahirap kung sapagkat ito ang pinakamadaling ikaw ay hindi nakapagtapos. paraan. Subalit, ang lalaki ay Bukod pa rito, walang may asawa at mga anak. maiiwan sa ina mong may sakit gayundin sa maliliit mo pang mga kapatid. DEPED COPYKahihinatnan Maaaring mapabayaan mo Maaaring malaman ng asawa ang iyong ina at mga kapatid ng lalaki ang inyong ginawa at sa paghahanap ng perang magdulot ng mas malaki pang maitutustos para sa gamot problema. Baka mawili ka sa at pagkain. gawaing paghahanap ng pera sa madaling paraan at malulong ka rito. Maaari kang mabuntis at magkaroon ng nakahahawang sakit.• Sa sitwasyong ito nararapat na suriin kung alin sa dalawang opsiyon ang dapat na mas pahalagahan. Dapat ding tingnan kung alin ang may mas mataas na halaga, buhay ng mga kapamilya o ang sariling puri.Sitwasyon 2Layunin Mapanatili ang kalinisan ng iyong puri. Sundin ang bilin ng ina na sundin at paglingkuranMgaPagpipilian / ang kaniyang kasintahan.Paraan Isumbong ang ginagawa ng amain sa Ilihim ang ginagawa ng kanya amain sa kanya. 174 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Sirkumstansiya Labis na pagmamahal ng iyong ina sa Mahal na mahal ng kaniyang kasintahan; maari din niya itong gawin sa iba mo pang kapatid na iyong ina ang kaniyang babae; maaaring lumala ang ginagawa ng iyong amain kasintahan; nagbibigay ito sa kaniya ng kaligayahan. Mahal mo rin ang iyong ina at magiging masaya ka kung siya ay maligaya.Kahihinatnan Maaaring masaktan ang iyong ina, Patuloy kang aabusuhin at maaari din nga siyang patayin ng ng iyong amain na kaniyang kasintahan. Mapapatunayan maaaring mauwi sa iyong dito kung tunay at tapat ang maagang pagbubuntis; pagmamahal ng kasintahan sa iyong maaari din niya itong ina. gawin sa iba mo pang nakababatang kapatid na babae.DEPED COPY• Marapat na piliin kung ano ang may mas mataas na pagpapahalaga. Sa parte ng ina, ang pagpipili ay sa gitna ng mga anak o kasintahan. Kung ikaw ay isang anak, ang kapakanan ng iyong ina o pansariling kapakanan. Ngunit dapat ding isaalang-alang na kapag nagpatuloy ang gawain ng iyong amain, maaaring madamay ang iba mo pang kapatid at puwede rin silang mapariwara. Ang tunay na pagmamahal ng ina ay hindi lamang para sa kaniyang sarili. Higit na mas dapat pahalagan ang pagmamahal sa mga anak na siyang tunguhin ng kaniyang pagiging ina.Gawain 7 Sa gawaing ito ay inaasahang makakagawa ang mga mag-aaral ng isang planopara sa kanilang kinabukasan lalo na sa mga mahahalagang aspekto ng kanilangbuhay. 1. Ang gawaing ito ay indibidwal. Ipabasa sa mga mag-aaral ang panuto at tanungin sila kung may hindi malinaw dito. Tanggapin ang mga paglilinaw mula sa mga mag- aaral. Ipaliwanag sa mga mag-aaral ang mga aspektong hindi nila naintindihan. 2. Ipakita o bigyan ng sipi ang mga mag-aaral ng pormat na gagamitin sa pagsasagawa ng gawaing ito. Tanungin ang mga ito kung may hindi malinaw sa pormat. 3. Ipaalala sa mga mag-aaral na kailangan nilang sagutin ang mga katanungang nakapaloob sa pagpaplanong kanilang gagawin. 4. Maaaring ibigay na takdang-aralin ang pagsusulat ng maikling sanaysay tungkol sa isang tanong na napili ng mag-aaral mula sa mga tanong 1 - 5. 5. Pagkatapos na gawin ang pagpaplano, maaaring pangkatin muli ang mga mag- aaral sa limang grupo. Mula sa kanilang mga plano ay gumawa ng isang 2 minutong advertisement na nagpapahayag ng kanilang mga plano sa buhay. 175 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Pagninilay 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagninilay. 2. Maaaring ibigay ang gawaing ito bilang takdang-aralin. Maaari din namang ipagawa ito sa klase. 3. Ipabasa nang tahimik sa mag-aaral ang Panuto. Bigyan sila ng 1 minuto sa pagbasa. Pagkatapos, sabihin: “Mayroon bang hindi malinaw sa Panuto?” 4. Bigyan nang sapat na oras ang mga mag-aaral upang isagawa ang gawain. 5. Ipasulat ang kanilang mga sagot sa kanilang kuwaderno.Pagsasabuhay Ang gawaing ito ay naglalayong makagawa ang mga mag-aaral ng isang bulletinboard o video presentation na magpapakita ng kanilang advocacy campaign laban samga isyung pangseksuwalidad. Maaari itong gawin sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang samahan sa paaralan tulad ng Student Council, Samahan ngmga mag-aaral sa Edukasyon sa Pagpapakatao, at iba pang mga samahan. Maaariring isama ng mga mga-aaral ang mga opisyal ng GPTA o iba pang magulang para sapagbubuo ng bulletin board o kaya ay pagbibigay ng pondo para sa mga materyal nakanilang gagamitin. 1. Ipagawa sa mga mag-aaral ang gawain sa bahaging Pagsasabuhay. Ipabasa nang tahimik sa mag-aaral ang panuto. Bigyan sila ng 2 minuto sa pagbasa. 2. Magtalaga ng mamumuno sa gawaing ito. Ang mga maitatalaga ang siyang makikipag-ugnayan sa mga samahan sa paaralan sa pagbuo ng bulletin board o video presentation gayundin ng pagbubuo ng mga konseptong ilalagay dito. 3. Ang mga napiling mamumuno ang siya ring mangunguna sa pagkalap ng mga konsepto at mga kawikaang maaaring ilagay sa gagawing output. 4. Ang rubric sa pagmamarka ng output na ito ay nakapaloob sa Appendix ng modyul na ito. 5. Tapusin ang aralin sa pamamagitan ng pagbabahagi ng halaga ng pagkatuto sa Batayang Konsepto.DEPED COPYTalaan ng Ispesipikasyon / Susi sa Pagwawasto Paksa Kasanayan Sagot Kaalaman b1. Pre-marital Sex Pag-unawa c Pag-unawa d2. Kahalagahan ng Pagsusuri b Seksuwalidad3. Kahalagahan ng Seksuwalidad4. Isyung Seksuwal 176 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314