Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 4

Filipino Grade 4

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 20:09:33

Description: Filipino Grade 4

Search

Read the Text Version

FILIPINO 4

DEPED COPY 4 Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino Kagamitan ng Mag-aaral Ang aklat na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko at pribadong paaralan, kole- hiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat namin ang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa sa Filipino – Ikaapat na BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon 2015 Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunman, kailangan muna ang pahintulot ngahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mgamaaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.” Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand names,tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ngkarapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay ng isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at FilipinasCopyright Licensing Society (FILCOLS), Inc. na ang FILCOLS ang kakatawan sa paghiling ng kaukulangpahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Pinagsumikapang matunton upangmakuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Tanging mga institusyon at kompanyang nakipagkontrata sa FILCOLS at yaong nakasaadlamang sa kasunduan, ang maaaring kumopya mula dito sa Kagamitan ng Mag-aaral. Ang hindinakipagkontrata sa FILCOLS ay dapat, kung ninanais makakopya, makipag-ugnay nang tuwiran sa mgatagapaglathala at sa mga may-akda. Maaaring tumawag sa FILCOLS sa telepono blg. (02) 439-2204 o mag-email sa [email protected] ang mga may-akda at tagapaglathala.DEPED COPYInilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim : Br Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim : Dina S. Ocampo, PhD Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaralPunong Tagapangasiwa: Angelika D. JabinesMga Manunulat: Sancho C. Calatrava, Modesta R. Jaurigue, Fragilyn B. Rafael, Dolorosa S. de Castro, Josenette R. Brana, Mary Ann H. Umadhay, Cynthia Reyroso, Arjohn Gime, Robena delos Reyes, Arabella Mae Z. Soniega, Fe Catalina Guinto, Yaledegler S. Maligaya, Anna Marie Aranzanzo, Maria Hazel J. Derla, Gratcielo Chiara D. Badillo, at Angelika D. JabinesMga Konsultant: Patrocinio V. Villafuerte, Concepcion U. San Antonio, at Voltaire M. VillanuevaMga Tagaguhit: Aristotle S. Daquioag at Jason O. VillenaTagatala: Ireen SubebeInilimbag sa Pilipinas ng Sunshine Interlinks Publishing House, Inc.Department of Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address : 5th Floor Mabini Bldg., DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax : (02) 634-1054 o 634-1072E-mail Address : [email protected] ii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY PAUNANG SALITA Kumusta? Sadyang isinulat at inihanda para sa iyo ang Kagamitan ng Mag-aaral (KM) na ito. Magiging kasama mo ito sa pag-aaral ng Filipino sa pagtuklas ng mga bagong konsepto at kaalaman sa paggamit ng mga kaalamang natutuhan sa pakikipagtalastasan sa kapuwa at magiging kaakibat sa pagpapaunlad ng bansang Pilipinas. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang ang kakayahan mo sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat, at panonood. Basahin mo at unawaing mabuti ang mga panuto sa bawat gawain upang makatugon ka nang wasto at angkop para maging matagumpay ka sa lahat ng mga gawain. Ang bawat aralin ay nahahati sa iba’t ibang gawain. Tuklasin Mo. Sa bahaging ito, lilinangin ang mga salita o konsepto na kailangan mong malaman upang lubos na maunawaan ang mga mapapakinggan o mababasa ng mga teksto. Basahin Mo. Dito mo mababasa ang mga kuwento, tula, balita at iba pang teksto na gagamitin natin sa pagtalakay ng aralin. iii All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin Natin. Ito ay nahahati sa Gawin Ninyo atGawin Mo na naglalaman ng mga gawaing magpapayaman ngmga konsepto, kaalaman at kakayahang natutuhan mo mula satalakayang ginawa sa klase. Ang mga gawain dito ay maaaringgawin mo kasama ang iyong mga kamag-aral at ang iba naman aygagawin mo nang nag-iisa. Isaisip Mo. Sa bahaging ito, lalagumin natin ang mga natutuhan mo sa mga araling pinag-aralan natin. Isapuso Mo. Ang mga gawain dito ay tutulong sa iyo upangmaisabuhay ang mga pagpapahalagang natutuhan mo sa bawataralin. Isulat Mo. Dito mo maipakikita ang lubos mong pagkaunawasa mga napakinggan o nabasa mong teksto sa pamamagitan ngiba’t ibang uri ng pagsulat. Makikita mo rin ang iba pang bahagi ng kagamitan tulad ng: Bokabularyong Pang-akademiko. Ito ay talaan ng mgasalitang binasa at pinag-aralan mo sa bawat yunit. Kalendaryo ng Pagbabasa. Isang buwang kalendaryong mga gagawin mo kaugnay ng isang babasahing pambata namapipili. Pagsulat ng Book Report. Makikita sa bahaging ito ang mgagabay na gagamitin mo sa paghahanda ng isang report kaugnayng isang chapter book na natapos mong basahin. iv All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Sana sa paggamit mo nito ay mas makilala mo pa ang iyong sarili bilang isang tunay na Pilipinong may kakayahan na gamitin ang wikang Filipino sa pakikipagtalastasang pasalita at pasulat na pamamaraan. Maligaya at maunlad na pag-aaral sa iyo! MGA MAY-AKDA v All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY TALAAN NG NILALAMANYunit I – Masayang Tahanan, Ating PahalagahanAralin 1 – Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid..............................................2 • Paggamit ng Pangngalang Pantangi at Pangngalang PambalanaAralin 2 – Sama-samang Pamilya............................................11 • Paggamit ng Pangngalan sa PagsasalaysayAralin 3 – Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan....................................................................17 • Paggamit ng Panghalip • Pagsulat ng BalitaAralin 4 – Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan................29 • Paggamit ng Panghalip sa Teksto • Paggawa ng BalangkasAralin 5 – Mabuting Pagkakaibigan..........................................37 • Bahagi ng Kuwento • Paggamit ng Panghalip Pananong*Bokabularyong Pang-akademiko.................................................43 vi All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Yunit I Masayang Tahanan, Ating Pahalagahan Tahanan… bukal ng pagmamahalan, inspirasyon ng bawat mamamayan tungo sa isang mapayapang pamayanan. 1 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Pangangalaga at Paggalang sa Sarili at sa mga Tao sa Paligid 1Paano mo maipakikita ang paggalang at pangangalaga saiyong sarili?Ano ang mga pangngalang pantangi? Pambalana?Kailan ito ginagamit? Paano ito isinusulat?DEPED COPYTuklasin Mo A. Basahin ang mga salita na mapakikinggan mo habang binabasa ng iyong guro ang kuwento natin sa linggong ito. Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakihanap ang kahulu- gan ng mga salitang ito. parachute hawlakandelabra baul Ngayon, kayang-kaya mo nang unawain ang kuwentong babasahin ng iyong guro. Humanda na sa pakikinig! 2 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Bago natin basahin ang kuwento ni Jose atin munang alamin ang kahulugan ng ilang salitang ginamit dito. Basahin ang mga pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng mga salitang-ugat nito. 1. Magtatanghalian ang buong mag-anak sa isang kainan na malapit sa kanilang bahay. 2. Bago umuwi, dumaan muna si Roy sa isang tindahan upang bumili ng kakailanganin sa kaniyang takdang- aralin. 3. Ang batang magalang ay kinagigiliwan ng lahat. Tandaan ang kahulugan ng mga salitang ito upang lubos mong maunawaan ang kuwento ni Jose. Basahin Mo Bakit kaya tinawag na batang magalang si Jose? Paano niya ipinakita ang pangangalaga hindi lamang sa kaniyang sarili kundi pati na rin sa mga taong nasa paligid niya? Alamin sa kuwento. Si Jose, Ang Batang Magalang ni Arjohn V. Gime Bukas ay araw na ng pasukan. Lahat ng mga mag-aaral ay sabik ng pumasok sa paaralan. Habang nag-aayos ng gamit si Jose para sa kaniyang unang araw sa ikaapat na baitang, bigla siyang tinawag ng kaniyang Nanay Lorna. Agad namang lumapit si Jose sa kaniyang ina. “Jose, magtatanghalian na, bumili ka muna ng mga kakailanganin natin para sa lulutuin kong adobong manok.” “Opo. Ano po ba ang bibilhin sa tindahan?” tanong ni Jose. 3 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY“Bumili ka ng paminta, mantika, suka, at toyo” tugonni Nanay Lorna kay Jose. “Sige po ‘Nay!” tugon ni Jose. Pumunta na si Jose sa pinakamalapit na tindahan ni MangMelchor. “Magandang tanghali po, Mang Melchor!” bungadng masiglang bata sa may-ari ng tindahan. “Magandang tanghali rin sa iyo. Ano ang bibilhin mo?”tanong ng tindero sa bata. “Pinabibili po ako ni Nanay ng halagang limang pisongpaminta, isang bote ng mantika, suka, at toyo.” “Magkano po lahat?” tanong ni Jose. “Limang pisong paminta, bente pesos ang mantika, sampungpiso ang suka at kinse pesos naman ang toyo. Kaya lahat-lahatay limampung piso,” ang tugon ng nakangiting tindero. “Salamat po, Mang Melchor.” “Walang anuman, Jose!” Sa kaniyang pag-alis ng tindahan, nakasalubong namanniya si Aling Helen na kanilang kapitbahay. “Magandang araw po, Aling Helen. Pupunta pala kayorito sana ako na lamang ang pinabili ninyo para hindi na kayonapagod.” “Naku oo nga e, may kulang pala ako sa akinglulutuing pananghalian. O di ba may pasok ka na bukas?” 4 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY “Opo, kaya nga po nag-aayos na ako ng aking mga gamit at hindi muna ako nakipaglaro sa aking mga kaibigan upang makapagpahinga. Maghapon na naman po kasing titigil sa paaralan at hindi na makatutulog sa tanghali. Sige po mauna na ako.” “Magandang araw po, Mang Caloy, pahinga muna kayo,” ang kaniyang bati sa kaibigang abala sa pag-aayos ng kaniyang sirang tricycle, sabay kaway. “Uy, Ben. Kumusta? Handa ka na bukas? Umuwi ka na at mainit na ang sikat ng araw. Pasukan na natin bukas. Sige ka, ikaw rin baka magkasakit ka e, mamis mo ang mga mangyayari sa unang araw ng pasukan natin,” ang paalala ni Jose sa kaniyang kaklase na abala sa pagbibisikleta malapit sa kanilang bahay. At sa wakas, nakauwi rin si Jose sa kanilang bahay. May ngiti sa labi dahil nakatulong siya sa kaniyang nanay at nakita niya at nabati ang mga taong malapit sa kaniyang puso. Sa isip niya, napasaya rin niya kahit papaano ang mga taong kaniyang nakita sa pagbili niya sa tindahan ni Mang Melchor. Paano ipinakita ni Jose ang pagiging magalang? 5 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagyamanin NatinGawin Ninyo A. Subukin nating sagutan ang ilang tanong na ito tungkol sa kuwento ni Jose. Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno?Ako at ang Aklat Sino ang pupunta ng tindahan?“Ang sagot ay (1 puntos)makikita sa aklat o Ano-ano ang ipinabibili ni Nanaykaya’y iisipin muna Lorna sa kaniya? (1 puntos)DEPED COPYbago hanapin.” Kaninong tindahan siya bumili? (1 puntos) Ano-anong pahayag ang ginamit ng bata na nagpapakita ng pagiging magalang? (3 puntos)Ako at ang May-akdaAng sagot ay nasa Ilarawan ang isang batang magalang.awtor at iyo o (4 puntos)kaya’y nasa isipan Kung ikaw si Jose, gagayahin mo rinmo. ba ang mga sinabi niya sa kaniyang Nanay Lorna at Mang Melchor? Bakit? (5 puntos)Ilang puntos ang nakuha mo?Kung mataas, binabati kita!Kung mababa naman, subukin mong basahin muli angkuwento ni Jose.May mga pangngalan ka bang nabasa sa kuwento natin?Ano-ano ito? 6 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Matapos mong mapag-aralan ang pangngalan, subuking buuin ang crossword puzzle. Tingnan natin kung talagang naunawaan mo kung paano isinusulat ang mga pangngalan. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno.DEPED COPYPAHALANG PABABA3 araw ng kapanganakan 1 kilalang boksingero at Kinatawan ng isang tao sa Kongreso5 Summer Capital ng Pilipinas 2 gumagabay sa mga bata sa paaralan upang matuto6 pananggalang ng mga paa sa init o lamig 4 Pambansang Bayani ng Pilipinas7 Pambansang Wika ng Pilipinas 5 uri ng anyong lupa na nagbubuga nang mainit8 sanggunian na ginagamit at kumukulong putik upang makakuha ng impormasyon 9 hayop na sinasabing matalik na kaibigan ng tao 7 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawin Mo A. Nagkaroon ng paligsahan sa paaralan nina Lino. Sino kaya ang nanalo? Ano kaya ang natanggap niya bilang premyo? Alamin natin sa usapang mababasa. Kompletuhin ito sa pamamagitan ng paglalagay ng angkop na pangngalan sa bawat pangungusap. Piliin ang sagot sa mga salitang nasa kahon.bigkasan G. Santos inamag-aaral Marco tropeyoDEPED COPYLino : Panalo si 1______ sa timpalak ng 2________.Nestor : Oo, binigyan nga siya ng isang malaking 3________.Lino : Tama si 4________. Mahusay nga siyang ________.Nestor : Kaya nga gusto kong maging tulad niya.Isaisip Mo A. Bumuo ng isang disenyo sa pattern na nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsulat kung ano ang mga salitang tinutukoy ng pangngalan. Kulayan ang mga sinulatang bahagi upang maipakita ang ginawang disenyo. Gawin ito sa isang malinis na papel. 8 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Gumuhit ng isang Venn diagram sa iyong kuwaderno. Gamitin ito upang maipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng pangngalang pambalana at pangngalang pantangi.DEPED COPYPangngalangPangngalang Pambalana Pantangi C. Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang kuwento? Isulat sa anyong tanong ang mga ito.Isapuso Mo Ginagawa mo ba ang mga ito? Kung OO ang iyong sagot,iguhit sa iyong kuwaderno ang  at  naman kung HINDI. 1. Gumagamit ako araw-araw ng magagalang na pananalita. 2. Iginagalang ko ang lahat ng nilalang ng Maykapal. 3. Lagi kong sinusunod ang utos ng aking mga magulang at mga nakatatanda. 4. Nagdarabog ako kapag inuutusan. 5. Hindi ko pinapansin ang ibang tao kapag may ginagawa ako. 9 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Isulat Mo Matapos nating mapag-aralan ang mga elemento ngkuwento at paano sumulat ng isang maikling kuwento, subukinnating punan ang Hagdan ng Kuwento na nasa ibaba.Sumulat ng isang kuwento mula sa sariling karanasan na maylima hanggang walong pangungusap tungkol sa pagpapakita mong pagiging magalang sa pamamagitan ng pangangalaga sa sariliat sa ibang tao. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Hagdan ng KuwentoDEPED COPY Wakas GitnaSimula 10 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Sama-samang Pamilya 2Bakit mahalaga ang sama-samang pamilya sa kulturangPilipino?Paano ginamit ang pangngalan sa mga tekstong atingmababasa at mapakikinggan sa araling ito?Ano ang paksa ng mga babasahing inihanda sa aralingito?DEPED COPYTuklasin MoA. Bago natin pakinggan ang tulang babasahin ng iyong guro, alamin muna ang kahulugan ng mga salitang nasa loob ng maliit na kahon. Aling pangkat ng mga salita sa malaking kahon ang maiuugnay mo sa mga nasa maliit na kahon? Isulat ang sagot sa kuwaderno. alagaan kalungkutan matatag sandigan tagumpay Mini-Diksiyonaryo ________ arugain, kalingain ________ pundasyon, batayan ________ pighati, panglaw ________ panalo, wagi ________ malakas, matibayHumanda na at makinig sa babasahin ng guro. 11 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Babasahin natin ang tulang “Pamilyang Pilipino.” Basahin ang mga pangungusap. Sagutin ng OO o HINDI ang mga ito upang matukoy ang kahulugan ng bawat isa. 1. Kapag ang pamilya ay nagbubuklod, ito ba ay nagkakaisa? 2. Kapag ang pamilya ay magkakaagapay, ito ba ay magkasama sa hirap at ginhawa? 3. Kapag dakila ba ang pagmamahal, ito ba ay may hangganan? 4. Kapag ang isang pamilya ay may kamalayan, may posibilidad bang alam nila ang katotohanan sa paligid? 5. Kapag ang isang pamilya ay nag-aatubili, ito ba ay may pag-aalangan sa buhay?Basahin Mo Ano-ano ang katangian ng bawat kasapi ng isang pamilyangPilipino? Ganito rin ba ang pamilyang iyong kinabibilangan? Pamilyang Pilipino ni Arjohn V. Gime PAMILYANG PILIPINO, tunay na huwaran Nagbubuklod, tunay na nagkakaisa Magkaagapay sa hirap at ginhawa Laging magkasama, sa lungkot o ligaya. Mapagkandiling INA’y, laging nakaagapay Sa pangangailangan, tunay na nakaalalay Dakilang pagmamahal, sa ami’y bumubuhayKaniyang payo at aral, gabay sa buhay. 12 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

AMAng haligi, di nagsasawang umintindi Sa pangangailangan ng pamilya, di nag-aatubili Gahol niyang panahon, pagal na katawan,Di naging hadlang, sa pamilyang nais paglingkuran. Masisipag na ANAK, tiyaga ang puhunan Karangalan para sa magulang, laging inaasam Pagsisikap sa pag-aaral, mulat na kamalayan Sandatang kaalaman, dala para sa bayan.DEPED COPYPagyamanin NatinGawin NinyoA. Katulad ba ng pamilya sa tula ang sa iyong sarili?Ilarawan ang sariling pamilya sa pamamagitan ng pagsulatng isang talata tungkol sa kanila. Gamiting gabay angorganizer upang mas madali mong maisulat ang iyongtalata. Paksang pangungusap Ano ang gusto mong sabihin tungkol sa iyong pamilya? Matapos mong punan ang mga kahon, subuking pagdugtung-dugtungin ang mga ideya mo upang makabuo ng mga pangungusap at makasulat ng isang talata. 13 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Gawin Mo A. Tukuyin kung tama o mali ang sumusunod na pangungusap batay sa napakinggang tula na may pamagat na “Halaga ng Pamilya”. Isulat ang letrang T kung tama at M kung mali. 1. Pundasyon ng lipunan ang ating pamilya. 2. Ang bawat isang kasapi ng pamilya ay may tungkuling ginagampanan. 3. Ang pagkakaniya-kaniya ay makatutulong sa pag-abot ng tagumpay ng bawat isa 4. Nagiging suwail tayo dahil na rin sa pag-aalaga ng ating mga magulang. 5. Matatag na ugnayan ng pamilya ang kailangan upang makamit ang tagumpay ng bawat kasapi nito.DEPED COPYB. Sino-sino at ano-ano ang dapat mong bigyan ng pagpapahalaga? Isulat ang ngalan ng mga ito ayon sa hinihingi ng talahanayan. Gawin ito sa sariling sagutang papel.Pambalana PantangiIsaisip Mo A. Gumawa ng ganitong coupon ticket sa iyong kuwaderno. Isulat sa loob nito kung gaano kahalaga sa iyo ang pamilya. Halaga ng Pamilya 14 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Lagyan ng marka ang iyong kakayahan sa pakikinig at sa pagsasagawa ng mga natapos na gawain sa araling ito. Gawin ang Iskala ng Kakayahang ito sa isang malinis na papel. Lagyan ng iyong pangalan at ihanda upang ipakita sa iyong mga kaklase. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10C. Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin? Isulat ang mga ito sa iyong kuwaderno gamit ang organizer na nasa ibaba. Tingnan Mo Ako!DEPED COPYNatutuhan Matapos ang Kaya…ko na… aralin, naramdaman Dahil dito ko na … Kaya… 15 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYIsapuso Mo A. Gumupit ng isang papel na hugis-puso. Sa loob nito, isulat ang ngalan ng isang kapamilya na gusto mong pasalamatan. Kulayan ito. Ibigay sa taong isinulat mo. B. Ibigay ang hinihinging impormasyon. Pamagat : ______________ May-Akda : ______________ Habang binabasa ang tulang “Pamilyang Pilipino,” naisip ko na ______________ Marka : ______________ Dahilan : ______________Isulat Mo Sumulat ng isang tugma tungkol sa kahalagahan ng pamilya. 16 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Halaga ng Paggalang sa Loob ng Tahanan 3Paano mo maipakikita ang pagiging magalangsa bawat kasapi ng iyong pamilya?Kailan ginagamit ang panghalip?Ano-ano ang panghalip na ginamit sa araling ito?Paano isinusulat ang isang balita?DEPED COPYTuklasin Mo A. May balitang babasahin ang iyong guro. Upang lubos mo itong maunawaan, pag-usapan muna natin ang kahulugan ng salitang nasa gitna ng bilohaba. Sa bandang itaas nito, gumuhit ng mga larawan na kaugnay ng salitang nililinang. Sa bandang ibaba naman ay ang mga larawan na kasalungat ng nililinang. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Oo huwarang pamilya Hindi Ngayong alam mo na ang kahulugan ng mga salitang huwarang pamilya, handang-handa ka na sa pakikinig ng balitang babasahin ng guro. 17 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Maibibigay ang kahulugan ng isang salita sa pamamagitan ng pagtukoy ng salitang kasingkahulugan o kasalungat nito. Gawin natin ito sa sumusunod na mga salitang nagmumula sa babasahing teksto. Isulat ang sagot sa sariling kuwaderno.Salita Kasingkahulugan KasalungatalintuntuninbenepisyaryomaitaguyodnagdarahopDEPED COPY Tandaan ang kahulugan ng mga salitang binigyangkahulugan habang binabasa ang susunod na teksto.Basahin Mo Bukod sa pamilya ni Manuelito, sino pa kaya ang nagawaranng pagkilala bilang huwarang pamilya? Alamin natin sapamamagitan ng pagbasa ng isa pang balitang ito. Pamilya Cuevas ng Navotas Pinarangalan bilang Huwarang Pamilya ng 4Ps ni Lucy F. Broño LUNSOD NG QUEZON, Set. 23 (PIA) -- Pinarangalanang pamilya Cuevas ng Barangay San Roque, Lungsodng Navotas sa isinagawang selebrasyon ng Family Week kahaponsa SM Mall of Asia. Sa 12 nominadong pamilya mula sa iba’t ibang lokalna pamahalaan sa National Capital Region (NCR), ang pamilyani Herminio at Norma Cuevas ang tinanghal na Huwarang Pamilyang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino (4Ps). Nahirang na Huwarang Pamilya ang pamilyang Cuevasdahil sa pagiging mabuting magulang, sa magandang pagsunodsa mga alituntunin ng programa, sa magandang serbisyosa komunidad, at sa magandang pagpapalaki ng mga anak. 18 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Ang pamilya ay naging benipisyaryo ng programa mula noong Disyembre 2008 at tumatanggap ng cash grant na nagkakahalaga ng Php1,100 para sa mga pangangailangan sa edukasyon at kalusugan. Sinabi ni DSWD Regional Director Alicia Bonoan na napiling Huwaran ang pamilya Cuevas dahil kahit kakarampot ang kita ng mag-asawa, naibuhos nila ang kanilang kakayanan at abilidad upang masuportahan ang pamilya kasabay ng pagiging aktibo sa mga gawaing komunidad at pagtupad ng mga alituntunin ng programa. Samantala, sinabi ni Abubakar Sansaluna ng National Commission for Muslim Filipinos na isa sa board of judges ng Huwarang Pamilya, na isang “epitome of a model family” ang Cuevas sapagkat kahit lubha silang naghihirap, naitanim nila ang kahalagahan ng edukasyon sa kanilang mga anak.” Ang pagtatakda ng Huwarang Pamilya mula sa mga benipisyaryo ng 4Ps ay isang paraan upang maitaguyod ang programa, ang pagkakaisa ng pamilya na malampasan ang mga unos sa buhay, at maging ehemplo sa iba pang mga benipisyaryo. Sa welcome speech ni Pasay City Mayor Antonino Calixto hinimok niya ang mga benipisyaryo na maging inspirasyon sa ibang pamilya sa kabila ng maraming pagsubok at ilagay ang Maykapal sa gitna ng kanilang buhay. Ang buong araw na selebrasyon ay isinagawa ng Regional Inter-Agency Committee on Filipino Family ng National Capital Region (RIAC-Filipino Family ng NCR) na pinangunahan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) kasama ang iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at mga non-government organizations (NGOs) upang maitaguyod ang kahalagahan ng pagkakaisa ng bawat pamilya at ang kontribusyon ng programang 4Ps sa pag-angat sa buhay ng mga lubhang nagdarahop. 19 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin NatinGawin Ninyo A. Pag-aralan ang mapa na ito. Subuking magbigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksiyon. Halimbawa: 20 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Ito naman ang gamitin mo sa pagbibigay ng mga panuto gamit ang mga pangunahing direksyon. C. Matapos nating talakayin kung paano makasulat ng isang balita, kaya mo na ngayong makasulat ng sariling balita. Gamitin ang mga impormasyon na nasa talaan upang makasulat sa iyong kuwaderno. Huwarang Pamilyang Pilipino Manuelito Villanueva - ama ng 5 anak - isang mangingisda Asawa ni Manuelito - boluntaryong guro sa Tulay ng Kabataan Foundation Nakatira sa Barangay Tanza, Lungsod ng Navotas Benepisyo ng Pamilya: Php1,400.00 kada buwan para sa edukasyon at kabuhayan ng pamilya Araw ng Pagpaparangal: Oktubre 1, kasalukuyang taon Navotas City Hall Ground Sigurado ka na ba sa isinulat mo? Hintayin ang hudyat ng guro upang maibahagi mo ito sa klase. May mga panghalip panao ka bang ginamit? Ano-ano ito? 21 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYD. Ang mga larawan ay nagpapakita ng pangyayari sa binasang balita. Gamitin ang mga ito upang maisalaysay muli ang binasang balita gamit ang sariling mga salita. 22 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

E. Buuin mo ang usapang ito sa pamamagitan ng pagpuno ng wastong panghalip panao sa bawat patlang. Kumuha ng kapareha at basahin nang malakas ang usapan.Bing : Magandang umaga sa1______ Denice.Denice : Magandang umaga rin 2______ Bing.Bing : Nakapunta ka na ba sa Encantadia?Denice : Hindi pa. 3______, nakapunta ka na ba?Bing : Oo, nakapunta na4______. Kasama ko ang aking mga magulang, sinaBing : Kuya Henry at Nene. 5______ pa nga angDenice : nagyaya sa akin pagpunta roon. Kasama rin ba ang lola at lolo mo?Bing : Hindi 6______ nakasama dahil nagbakasyon sila sa Quezon.Denice : Naku sayang naman. Kailan ulit 7 ______ pupunta roon?Bing : Hindi ko alam eh. Sasabihan kita agad kapagDenice : pupunta ulit 8______. Sana makasama ako sa pagpunta 9______ . O, sige. Sasabihin ko kina Mama at Papa. Natitiyak kong papayag at matutuwa10 ______.DEPED COPYGawin Mo A. Basahin kung paano ka magiging gintong hiyas ng iyong magulang. Matapos mo itong basahin, ibigay ang hinihiling ng talaan. Ang Gintong Hiyas ng Magulang Isang araw, ang magkapitbahay na sina Cita at Luisa aynag-uusap tungkol sa pinakamahalagang bagay sa kanilangbuhay. Para kay Cita, ang kaniyang kabuhayan, ginto, at alahasang pinakamahalaga. Para naman kay Luisa, ang kaniyangtatlong anak ang natatangi niyang hiyas. 23 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYTulad ni Aling Luisa, kahit sino pang magulang ay tiyak nasasabihing ang kanilang anak ang natatangi nilang hiyas atpag-asa sa kinabukasan. Bilang anak, paano mo masusuklian ang pagmamahal saiyo ng iyong mga magulang? Hindi sapat na batiin at bigyan silang regalo tuwing sasapit ang Araw ng mga Ina o Ama. Kailangangang anak ay maging masunurin sa mga magulang at magtapos sapag-aaral upang magkaroon ng matatag na hanapbuhay. Kung itoay maisasagawa ng mga anak, ano kayang damdamin angmangingibabaw sa kanilang tahanan? Ang pagmamahal sa magulang ay isang bagay na madalasnating ipagwalang-bahala. Kabaligtaran naman ang ginagawang ating mga magulang na walang sawang nagmamahal sa atin.Kung ginagabi tayo sa pag-uwi, di ba’t sila ang kauna-unahangsumasalubong sa atin? Kung tayo ma’y napagagalitan, ito’ybunga na rin ng pagmamahal nila sa atin. Ano kaya angmangyayari kung sakaling tayo’y pabayaan ng ating magulang sabawat maibigan natin? Kaya’t habang sila’y ating kapiling pa, mahalin natin atigalang ang ating mga magulang. Wala silang maaaring kapalit pasa daigdig na ito. Hinango sa Filipino 4, Sagisag ng Lahi, pp. 48 – 49 Angelita A. Sta. Ana Abiva Publishing House, Inc. 24 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Ngayon, kompletuhin ang talaan sa pamamagitanng pagbibigay ng hinihingi nito mula sa tekstong binasa.Gawin ito sa kuwaderno. Panghalip Kailanan Panauhan KaukulanDEPED COPYIsaisip Mo A. Punan ang Bintana ng Pag-unawa. Sa loob ng bawat kahon, gumuhit ng isang bagay na magpapaalala sa iyo kung ano ang hinihingi ng bawat bintana. Bintana ng Pag-unawa Panghalip Kailanan Panauhan Kaukulan B. Kompletuhin ito sa iyong kuwaderno. Nais kong maging mahusay na tagapagbalita, kaya dapat tandaan ko ang sumusunod: 1. _________________________________ 2. _________________________________ 3. _________________________________ 4. _________________________________ 5. _________________________________ 25 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYC. Basahin ang mga pangungusap. Sipiin sa iyong kuwaderno ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng balita. 1. Isulat ang buod ng balitang isusulat. 2. Itala ang mga pangyayari. 3. Ilagay sa hulihang talata ang pinakatampok ng balita. 4. Isulat ang balita ayon sa tunay na pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari nito. 5. Magbigay ng opinyon tungkol sa isinusulat. 6. Isulat ang buong pangalan ng tao sa unang pagkakataon. 7. Ilahad ang mga pangyayari nang walang kinikilingan. 8. Maging tumpak. 9. Banggitin ang pinagmulan ng impormasyon.Isapuso Mo A. Tukuyin kung gaano mo kadalas ginagawa ang sumusunod na mga pangungusap. Isulat ang 1 kung madalas, 2 kung minsan at 3 kung hindi. Gaano mo ito kadalas gawin? Sinusunod ko ang utos ng aking magulang. Iginagalang ko ang karapatan ng mga kapamilya ko. Iginagalang ko ang kanilang pagkakaiba-iba. Pinahahalagahan ko ang kakayahan at galing ng aming kapamilya Bumabati ako kapag may dumarating. Nagpapaalam ako kapag umaalis. Ipinaalam ko kung saan ako pupunta. Nagmamano / humahalik sa pisngi o kamay ng nakatatanda. 26 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Buuin ang pangungusap. Mahalagang maging mulat sa mga nangyayari sa kapaligiran, kaya mula ngayon, pagsusumikapan kong _____________. C. Ano ang dapat mong gawin upang maging gintong hiyas ng iyong magulang? Iguhit ang sagot mo sa isang malinis na papel. Isulat Mo Basahin ang mga pangungusap. Iayos ang mga ito upang makabuo ng isang balita. Pumili lamang ng isa upang isulat sa isang malinis na papel. Bilugan ang mga panghalip na ginamit sa isinulat. Balita 1 1 Bulkang Pinatubo, Gagawing Pook Panturista 2 Ipinanukala ang pagtatayo ng mga cable car pantawid sa tuktok ng bulkan. 3 Sinasabi ni dating Kalihim Mina Gabor ng Kagawaran ng Turismo na ipatutupad ang Php 1.5 milyong proyekto upang gawing isang pangunahing destinasyon ng mga turista ang Bulkang Pinatubo. 4 Ayon kay dating Kalihim Gabor, magtatayo ang DOT ng mga viewing deck na may teleskopyo sa paligid nito at gagawa ng tatlong daan patungo sa bulkan upang makaakyat at makapaligo ang mga turista sa bunganga nito. 27 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBalita 2 1 Mt. Arayat, Maaaring Sumabog? 2 Nasa Pampanga ang Bundok Arayat. Sinasabing maaaring ito’y pumutok. 3 Sinabi ni Kalihim Padolino na malaki ang kapinsalaang idudulot ng pagputok ng Mt. Arayat dahil nakatayo ito sa pagitan ng Pampanga at Nueva Ecija, mga lalawigang umaasa nang malaki sa agrikultura. 4 Ibinilang kamakailan ng Department of Science and Technology (DOST) sa watchlist ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang Mt. Arayat sa Pampanga upang maiwasan ang malaking sakuna sakaling biglaan itong pumutok. 28 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Paaralan Bilang Pangalawang Tahanan 4Sumasang-ayon ka ba na ang paaralan ang pangalawangtahanan?Ano ang mga panghalip na ginamit sa mga teksto?Paano ito ginamit?Paano gumawa ng isang balangkas?DEPED COPYTuklasin Mo A. Kilala mo ba ang nasa larawan? Siya ay si Tomas Cabili. Ano-ano ang alam mo tungkol sa kaniya? Isulat ang mga sagot sa iyong kuwaderno. Huwag kang matakot kung wala o kaunti lamang ang nalalaman mo tungkol sa kaniya. Sa babasahin sa iyo ng guro mas makikilala mo pa ang Pilipinong ito. 29 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Pahapyaw na basahin ang tekstong nasa susunod na pahina. Ano-ano ang salitang hindi mo nauunawaan? Pakikuha ang iyong diksiyonaryo at pakigawa ang Dictionary Dig upang matukoy ang kahulugan nito. Gawin ito sa iyong kuwaderno. Salita : ______________DEPED COPYUri ng salitaPormal na kahuluganKasingkahulugan KasalungatLarawan nito Gamitin sa pangungusap Maliwanag na ba ang mga salitang nakalista? Kung oo,basahin na ang teksto. 30 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo Ano ang nangyari sa klase ng Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan? Magtanim Upang Mabuhay Oras ng asignaturang Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan ng mga mag-aaral sa ikaapat na baitang. Nasa loob sila ng silid-aralan. Ganito ang sinabi ng guro. “Mga mag-aaral, kayo ay tuturuan kong maghanda ng tamang taniman ng gulay. Tuturuan ko rin kayo ng wastong pagtatanim at pag-aalaga ng mga gulay, halaman, at punongkahoy. Kailangan natin ang magtanim upang mabuhay.” Dinala ng guro sa halamanan ng paaralan ang mga bata. Dito niya itinuro ang wastong pagbubungkal ng lupa at ang paghahanda ng taniman. Binigyan din niya ng kani-kaniyang lugar na bubung- kalin ang bawat mag-aaral. Maayos na nagsigawa ang mga mag- aaral. Sa hindi sinasadyang pagkakataon ay nabagsakan ng asarol ang paa ni Efren. Nagdugo ang paa nito. Agad namang dinala nina Dodo at Bino si Efren sa klinika ng paaralan. Ginamot siya ng nars at pinayuhang umuwi at magpahinga. Hindi nakapasok nang ilang araw si Efren sapagkat namaga ang kaniyang paa. Nang magaling na ang kaniyang sugat ay saka pa lamang siya nakapasok sa paaralan. Ang halamanan ang una niyang tinungo upang makita ito. Anong laking pagkamangha niya nang makitang yari na ang kaniyang plot. Sanggunian: Filipino 4 Sagisag ng Lahi, Batayang Aklat sa Filipino-Pagbasa Angelita L. Sta Ana, pp. 24-25. 31 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYPagyamanin NatinGawin Ninyo A. Matapos makagawa ng balangkas tungkol sa binasang teksto, ngayon naman subuking mong gumawa nito batay sa mababasang teksto. Gamiting gabay ang padron sa susunod na pahina. Hindi Sagabal Isang masigabong palakpakan ang ibinigay ng mga nagsipagtapos at kanilang mga magulang nang umakyat si Maryann sa entablado upang tanggapin ang kaniyang diploma at medalya. Nagtapos bilang cum laude si Maryann Rosuman sa Pamantasan ng Northern Philippines. Pinalakpakan siya hindi lamang dahil sa kaniyang katalinuhan kundi dahil sa kakaiba siya sa lahat. Tatlong talampakan at limang daling lamang si Maryann. Isinil- ang siyang walang mga paa, 20 taon na ang nakalilipas. Katutu- bo siya ng Barangay Bayubay, San Vicente, Ilocos Sur. Nagta- pos siya sa kursong accounting. Hindi naging balakid ang kapansanan niya sa kaniyang pag-aaral. Naging valedictorian siya noon sa elementarya at sekundarya. Kahit hirap sa pagtindig at pagpunta sa klase, napagaan yaon ng pagiging matulungin ng kaniyang mga kamag-aaral. Hango sa: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication. 32 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPY Pamagat: ____________________ I. ________________________ a. ______________________ b. ______________________ c. ______________________ II. ________________________ a. ______________________ b. ______________________ c. ______________________ Gawin Mo A. Basahin ito at gumawa ng sariling balangkas na walang huwaran. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. Franz Liszt Itinuturing na “Pinakadakilang Piyanista sa Lahat ng Panahon” si Franz Liszt. Ipinanganak siya noong Oktubre 22, 1811 sa Lungsod ng Raiding, Hungary. Isa siyang huwarang anak at mabuting bata. Nahilig na si Franz sa musika sa gulang na lima. Tinuturuan siya ng kaniyang tatay na si Adam Liszt sa pagtugtog ng piyano. Nang sumapit na si Franz sa gulang na walo, nagsimula na siya gumawa ng mga komposisyon na may kinalaman sa simbahan. Nang makita at marinig ito ng mga taong- simbahan, binigyan siya ng pagkakataon na magkaroon ng isang konsiyerto. 33 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Maraming tao ang dumalo sa araw ng kaniyang palabas. Ibinuhos lahat ni Franz ang galing niya sa pagtugtog ng piyano gamit ang kaniyang mga komposisyon. Ang madla ay humanga, naiyak, at nagalak sa namalas nilang kahusayan ni Franz. Simula noon, marami ang nag-alok sa kaniya na magtanghal. Nakarating siya sa iba’t ibang panig ng mundo. Namalas ng karamihan ang kaniyang angking talento. Nahirang siya bilang isa sa mga pinakadakilang piyanista at kompositor. Pumanaw siya noong Hulyo 31, 1886. Hango sa: Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 4, St. Mary’s Publication.B. Naririto ang usapan ng makakaibigan. Punan ang mga patlang ng wastong panghalip na pamatlig. Isulat ang sagot sa iyong kuwaderno. DEPED COPYChristian : Halina kayo 1______. Tingnan natin ang mga larawan na nakapaskil sa bulletinCarlo board.ChristianHenry : Tungkol saan ang mga larawang 2______.Joan : Mga larawan 3____ ng nakaraangSunshine pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon.Gelord : Sino-sino ba ang nasa larawan? : Mga mag-aaral na lumahok sa paligsahan. Ang gagaling naman nila. : Tama ka Joan. Tingnan mo 4____ isang larawan. Siya ay mag-aaral mula sa ikaanim na baitang. Siya ay si Jobert. Ang husay niyang umawit. : 5_____ din sa pagdiriwang ang piling mga magulang. Tingnan ninyo sila. Ang sasaya nila di ba? 34 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Christian : Pagmasdan ninyo ang larawang 6_____. Makikita ninyo sa entablado ang mgaSunshine hurado. 7________ din ang punong-guro.Henry : 8_________ sa bandang likuran ngCarlo punong-guro ang ilang mga guro.Sunshine Ang sasaya rin nila.Henry : 9______ talaga ang pagdiriwang ng buwan ng nutrisyon sa ating paaralan. : Sana sa susunod na taon makasali na tayo sa mga paligsahan. : Sana nga. : Tayo na at hinihintay na tayo ng ating guro na kanina pa naghihintay 10 _______ sa silid-aklatan.DEPED COPYIsaisip Mo A. Ano-ano ang dapat tandaan sa paggawa ng isang balangkas? Isulat ang sagot sa organizer na ito. Pagsulat ng Balangkas 35 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYB. Ang panghalip na pamatlig ay ___________. Ito ay may tatlong panauhan na: a. ________ na ginagamit kung _________, b. ________ na ginagamit kung ________, at c. ________ na ginagamit kung ________.Isapuso Mo A. Kompletuhin ang komitment na ito. Ang paaralan ang aking pangalawang tahanan kaya mula ngayon __________________. B. Sampung taon mula ngayon, ano ang puwede mong iregalo sa iyong paaralan? Iguhit ang sagot mo rito. Gawin ito sa isang malinis na papel.Isulat Mo Kompletuhin ang pangungusap sa iyong Reader’s Response Journal. Nakikita ko ang aking sarili kay ____________ dahil ____________. 36 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

ARALIN Mabuting Pagkakaibigan 5Paano ka magkakaroon ng maraming kaibigan?Paano mo pinangangalagaan ang pagsasamahan ninyo?Ano ang panghalip pananong?Ano-ano ang bahagi ng kuwento?DEPED COPYTuklasin Mo Nakakita ka na ba ng hipon? Biya? Ang mga ito ang bida sa kuwentong babasahin ngayon ng iyong guro. Subukin nating bigyang katangian ang mga ito dahil sa kuwento hindi sila kinakain. Gamitin natin ang mga larawang ito. Ngayon, humanda na upang mas malaman kung paano naging mabuting magkaibigan sina Hipon at Biya. 37 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

DEPED COPYBasahin Mo Nakakita ka na ba ng batang inatake ng hika? Paano nitonapagbago ang ating bida sa kuwento? Parami nang Parami ni Ma. Hazel J. Derla Malungkuting mag-aaral si Lorena. Lagi lamang siyangnakaupo sa lilim ng isang punong mangga sa kanilang paaralan.Sapat na sa kaniya ang manood sa mga batang masayangnaglalaro sa malawak na palaruan. Isang araw, sa kaniyang panonood, isang mag-aaral angnapaupo sa tabi niya. Habol nito ang paghinga at bigla na lamangtumulo ang luha. Sa takot ni Lorena, nasabi niya sa mag-aaral,“Ano’ng nangyari sa iyo? May masakit ba sa iyo?” Inaatake pala ng hika ang mag-aaral na katabi niya. Tumayosi Lorena at nagtatakbo palayo sa mag-aaral. Pagbalik ni Lorena, kasama na niya ang kanilang nars. Mulanoon, naging matalik na silang magkaibigan. Masayahing mag-aaral na si Lorena. Lagi na siyang maykausap. Lagi na siyang may kalaro, hindi lamang isa kundi paramipa nang parami ang kaniyang nagiging kaibigan. Naging katulad kaya sila ng magkaibigang Hipon at Biya sauna nating kuwento? 38 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Pagyamanin NatinGawin Ninyo A. Matapos mapakinggan ang kuwentong binasa ng guro, ibigay ang hinihinging bahagi ng kuwento sa talaan. Pamagat: Simula Gitna KasukdulanDEPED COPYB. Natatandaan mo ba ang kuwento nina Hipon at Biya? Iguhit sa bawat kahon ang nagiging damdamin nila sa kuwento. Gawin ito sa iyong kuwaderno.Damdamin ni Hipon Gitna Huli SimulaDamdamin ni Biya Gitna Huli Simula 39 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

C. Gamitin pa ang dalawang kuwento sa araling ito, kompletuhin ang tsart sa ibaba. Sa ikalawang hanay, isulat ang pangyayaring hinihingi ng unang hanay. Sa ikatlong hanay naman, isulat ang isang tanong tungkol sa binanggit na pangyayari. Bilugan ang panghalip na pananong na ginamit. Gawin ito sa kuwaderno. Bahagi Pangyayari Tanong tungkol saUna pangyayariDEPED COPYKasukdulanKatapusanD. Natapos mo na ba ang iyong sulatin? Gamitin ang rubrics na ito upang maisaayos muli ang sulatin bago mo ipasa sa iyong guro.Naibigay nang buong linaw ang hangarin sa pagsulat 5 ptNagamit nang tama ang mga salita 3 ptNagamit nang wasto ang mga bantas 4 ptMay kalinisan at kaayusan sa pagkakasulat 3 pt Kabuuan 15 pt 40 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

E. Ano-ano ang pangyayari sa kuwento ng magkaibigang Hipon at Biya? Isalaysay muli ito. Gamitin ang rubrics na ito upang maging gabay. Pamantayan PuntosPangyayari Nagsimula sa panimulang gawain 1 oras at lugar na pinangyarihan 1Tauhan Pangalan at pangunahing ginampanan 1 Pagkilala sa iba pang mga tauhan 1Suliranin Nalalaman ang pangunahing suliranin 1Aksyon Nababalikan ang mga pangyayari sa kuwentoDEPED COPY 1Bunga/ Pagkilala paano nalutas ang suliranin 1Kinalabasan Naibibigay ang katapusan ng kuwento 1Pagkasunod- Naisalaysay nang tamasunod walang maipakita na tama 2 ang pagkasunod-sunodKabuuan ______________Gawin Mo A. Matapos mong mapakinggang ang kuwentong binasa ng iyong guro, sagutin ang sumusunod na mga tanong sa iyong Reader’s Response Journal. 1. Sino ang sumulat ng kuwentong napakinggan? Nabasa? 2. Ano ang suliranin sa kuwento? 3. Pumili ng isang pangunahing tauhan sa kuwento, ilista ang tatlong katangian niya. 4. Anong bahagi ang pinakagusto mo sa kuwentong napakinggan? Nabasa? 5. Ano ang markang ibibigay mo sa kuwentong ito? 6. Iguhit at kulayan ang bilang ng bituin na ibibigay mo. 41 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

B. Isulat sa iyong kuwaderno ang mga tanong sa isip mo bago, habang at pagkatapos mapakinggan ang kuwento nina Hipon at Biya. Bilugan ang mga panghalip pananong na ginamit.C. Sumulat ng limang salita mula sa napakinggang kuwento nina Hipon at Biya. Sa tapat nito, isulat ang kasalungat na kahulugan nito. Gawin ito sa iyong Pasaporte ng mga Salita.D. Natatandaan mo ba ang pyramid ng kuwento na ginamit natin sa talakayan sa klase, gamitin ito upang makasulat ng isang maikling kuwento tungkol sa iyo at sa iyong kaibigan. Paano mo ihahalintulad ang kuwento ninyo sa kuwento nina Lorena? Subuking gamitin ang mga salitang inilista sa naunang gawain.DEPED COPYIsaisip Mo Punan ang tsart na ito. Ano ang Ano-ano ang Kailan ito panghalip halimbawa nito? ginagamit?pananong?Isapuso Mo Gumawa ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalagasa isang kaibigan.Isulat Mo Sumulat ng isang liham para sa may-akda ng kuwento ninaHipon at Biya. Sabihin ang lahat ng natutuhan mo mula sakuwentong kaniyang isinulat. 42 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.

Subukin nating balikan ang mga salitang napakinggan atnabasa mo sa yunit na ito. Basahin ang bawat isa at alalahaninang kahulugan nito. Kung mayroon kang hindi maunawaan,gamitin ang mga estratehiya na natutuhan mo upang matukoy angkahulugan ng mga ito.DEPED COPYsawala tanongng ay tayona bawat waloang iyo amaat lahat anumankaniya lamang bagaymga naman baitangsiya natin bibilhinbata paa biglasi paaralan bigyanpamilya tindero dahilisa ano dinni bayan dinalaJose iba gabaymagulang kung binigyanaraw marami buhayanak naging gamitay parami gintokanila tugon gulangnang agad gulayniya barangay guropo bilang habanghindi dala halamananmay hiyas hiraparal kasama huwaranatin kay ibinigayito kaya ikaapatlagi kayo ilannanay ko ipinagdiwang 43 All rights reserved. No part of this material may be reproduced or transmitted in any form or by any means -electronic or mechanical including photocopying – without written permission from the DepEd Central Office. First Edition, 2015.


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook