IV
AKO, IKAW, SIYASa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang magagamit moang angkop na panghalip sa pangngalan hinahalinhan ako, ikawat siya. Pagbalik-aralan MoA. Piliin ang titik ng mga pantawag sa tao. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.Hal.: a. babae b. bukas c. anakSagot: a cMagsimula rito:a. nars e. guro i. Tatayb. bibe f. Nanay j. Loloc. dito g. Sabado k. Josed. ale h. Mama l. peraNaaalala mo pa ba ang mga salitang pantawag sa tao?Hanapin mo ang mga ito sa ibaba. 1
B. Piliin ang bilang ng mga pantawag sa tao. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.Halimbawa:1. marami 3. damit Sagot: 22. Nanay 4. Ana 4Magsimula rito:1. Binibining Cruz 6. bata2. Ate 7. tumakbo3. Lola 8. masaya4. Mang Ben 9. guro5. bumasa 10. pera Pag-aralan Mo Ako.A. Pag-aralan mo ang kasunod na mga usapan. Sino ang sasama? Ana Rudy Pepe1. Sino ang sumagot sa tanong ni Ana? (Si Pepe)2. Ano ang sagot niya? (Ako)3. Bakit Ako ang sinabi ni Pepe? (Dahil ang tinutukoy niya ay ang kanyang sarili.) 2
B. Pag-aralan mo ang mga kasunod na larawan. Sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.Sino ang taya? Ako. Sino ang hahabol kay Rod? Ako.1. Sino ang tinatanong ni Pepe? Si Rod2. Ano ang sagot ni Rod? Ako3. Sino ang tinatanong ni Nena? Si Ana4. Ano ang sagot ni Ana? Ako5. Sino ang gumagamit ng ako? Ang nagsasalitaNarito pa ang ibang sinabi ni Rod at Ana.1. Ako si Rod.2. Ako ang taya.3. Ako naman si Ana.4. Ako ang hahabol kay Rod. Ang ako ay ginagamit sa pagtukoy sa sarili.Ikaw ba angkuya ni Ana? Fe Boy Ana 3
Tinatanong ni Fe si Boy: Ikaw ba ang kasama ni Ana? Ikaw ba ang kuya niya? Ikaw ba ay dito rin nag-aaral? 1. Ano ang ginamit ni Fe sa pagtatanong kay Boy? (Ikaw) 2. Sino ang tinutukoy ng salitang ikaw? (Ang kausap) Ginagamit ang ikaw sa pagtukoy sa kausap.Siya ang kapatidko, Tony. JP BB Tony1. Sino ang kausap ni JP? (Si Tony)2. Sino ang pinag-uusapan nila? (Si BB)3. Ano ang ginagamit ni JP sa pagtukoy kay BB? (Siya)4. Bakit siya ang ginamit ni JP?(Dahil tumutukoy ito sa taong pinag-uusapan.)Isaisip MoAko ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang sarili.Ikaw ang ginagamit kung ang tinutukoy ay ang kausap.Siya ay ginagamit kung ang tinutukoy ay taong pinag-uusapan. 4
Pagsanayan MoA. Aling larawan ang tumutukoy sa pangungusap sa kahon? Piliin ang titik ng tamang sagot.Halimbawa: Ako si Pepe. A B CMagsimula rito: Sagot: B 1. Ikaw ba si Pilar?ABC Sagot: _____ 2. Siya si Nena.ABC Sagot: _____ 5
3. Ako si Ana. ABC Sagot: _____ 4. Ikaw si Totoy. ABC Sagot: _____B. Hanapin ang pangungusap tungkol sa larawan. Isulat ang titik nito. Halimbawa:a. Ako ang Lolo. Sagot: ab. Siya ang Lolo.c. Ikaw ang Lolo. 6
Magsimula rito: Sagot: _____1. a. Ako ang sasama. b. Siya ang sasama. c. Ikaw ang sasama.2. a. Siya ang kapatid ko. Sagot: _____ b. Ikaw ang kapatid ko. c. Ako ang kapatid niya.3. a. Siya ang guro. Sagot: _____ b. Ako ang guro. c. Ikaw ang guro. 7
4. a. Ikaw ba ang pumitas ng bulaklak? Sagot: _____ b. Ako ng pumitas ng bulaklak. c. Siya ang pumitas ng bulaklak.5. a. Ako ay aawit. Sagot: _____ b. Siya ang sasayaw. c. Ikaw ang tutula.C. Pag-aralan mo ang sumusunod na usapan. Punan mo ang patlang ng ako, o ikaw, o siya.Halimbawa: Ikaw pala, Rosel. Siya ang kapatid Kumusta? ko Romy, si Alma. 8
Magsimula rito: 2. ______ ba ang 1. ______ si Ben. kuya ni Tes?3. ______ ang kapatid ko, Ed.4. ______ si Mario. 5. ______ nga Ben ang hinahanap ko. Tingnan ang larawan. Piliin ang titik ng wastong sagot. a. Ako b. IkawHalimbawa: c. Siya__a__ si Bong. 9
Magsimula rito: a. Ako 1. _____ si Fe. b. Ikaw 2. _____ ang Nanay ko. c. Siya 3. _____ si Jose. 4. _____ ay pinsan ko. a. Ako b. Ikaw c. Siya a. Ako b. Siya c. Ikaw a. Ako b. Siya c. Ikaw a. Ako b. Ikaw c. Siya5. _____ ba si Edna? 10
Subukin Mo Ako si Tess.A. Buuin ang usapan. (3) Isulat ang ako, ikaw o siya sa patlang. Halimbawa: Hay, ako si Rose. (1) Ikaw, sino ka? (2) Magsimula rito: ____ si Romy.Hay, ___ pala si. (2) (1) kapatid ____ ni Leo.Nardo. (3)____ pala si Romy. (4)____ naman si Belen. (5) 11
B. Tingnan ang larawan. Piliin ang titik ng wastong sagot sa patlang. Isulat sa sagutang kuwaderno.1. ______ ang bago kong kaibigan, Inay.a. Ako b. Ikaw c. Siya2. ______ ang maglampaso ngayon.a. Ako b. Ikaw c. Siya3. ______ na po ang magluluto, Inay.a. Ako b. Ikaw c. Siya4. Mario, _____ pala ang tinawag ng guro, ah!a. Ako b. Ikaw c. Siya 12
5. Bing, binigyan ko na ______ ng pera.a. Ako b. Ikaw c. SiyaC. Pag-aralan ang larawan at ang pangungusap. Piliin ang titik ng wastong sagot na dapat ilagay sa patlang.Magsimula rito:1. “______ pala ang kapatid ni Jose.”a. Akob. Ikawc. Siya2. “______ ang guro ko,” sabi ni Nene kay Ando. a. Ako b. Ikaw c. Siya3. “Maiwan ka na, Linda, ______ na lang ang sasama,” sabi ni Rosa kay Linda. a. Ako b. Ikaw c. Siya 13
4. “Tayo na! Ibig mo pa bang isama ______?” a. Ako b. Ikaw c. Siya5. “______ ang ibig kong kasama,” sabi ni Leo. a. Ako b. Ikaw c. SiyaD. Pag-aralan ang sumusunod na mga usapan. Piliin ang bilang ng wastong sagot sa tanong. Halimbawa: “______ na ang bumili ng suka, Totoy,” utos ng Nanay sa anak. Ako Ikaw SiyaSagot:Magsimula rito:1. Ang utos ng Nanay kay Rene, “Patulugin mo nang maaga ang kapatid mo. Pagkagising, _____ ay isasama ko sa pagsisimba bukas.” Ako Ikaw Siya2. Ang sabi ni Nora kay Ted, “_____ na ang maglilinis ngayon. Bukas, ______ naman ang maglilinis.” Ako Ikaw Siya 14
3. “Dely, _____ na ang maghatid kay Boy sa paaralan,” utos ng Ate. Ako Ikaw Siya4. “______ ba ang sasama sa akin?” tanong ni Mario kay Dino. Ako Ikaw Siya5. “______ ba ang kumuha ng lapis ko?” tanong ni Boy kay Bong sabay turo sa bata. Ako Ikaw SiyaE. Pagkatapos ng araling ito, ipakita ang mga naisagawa sa guro para sa susunod na aralin.Binabati kita at matagumpay mongnatapos ang modyul na ito! Maaari mo nangayong simulan ang susunod na modyul. 15
ANG PANGUNAHING DIWA Kamusta ka na? Sa modyul na ito, inaasahang matutukoy mo ang mga paksang pangungusap sa seleksiyong binasa, magagamit ang pangngalan bilang paksa ng pangungusap at makasusulat ng paksang pangungusap. Pagbalik-aralan Mo Basahin ang seleksiyon. ANG SUNDUAN Noong araw, hindi umaalis ng bahay ang mga dalaga nang nag- iisa. Sinusundo sila kapag mayroon silang pupuntahan. Ito ay naging ugali na ng mga tao sa Parañaque noon. Tinatawag nila itong Sunduan. Ang Sunduan ay isang matandang kaugalian. 1
Tuwing pista sa bayan ng Parañaque, ang Sunduan ay kanilang binubuhay. May komite na namamahala sa mga gawain at pagtatanghal kung pista. Ang puno o chairman nito ay hermano mayor. Kung babae ang chairman tinatawag itong hermana mayor. Ang komite ang pumipili ng mga dalaga at binata na gaganap sa sunduan. Magagandang dalaga at makikisig na binata na may kasiya-siyang ugali ang pinipili. Isang karangalan para sa mga dalaga at binata ang mapabilang sa Sunduan. Sa kaarawan ng pista, sinusundo ng mga binata ang mga dalaga, kasama ang banda ng musiko. Lumalakad sila sa mga pangunahing lansangan ng bayan. Makikisig ang mga binata sa kasuotang barong at naggagandahan naman ang mga dalaga sa kanilang baro at saya. Makukulay ang payong nila. Nagtatapos ang masayang paglalakad sa bahay ng hermano mayor. Isang masaganang salu-salo ang naghihintay sa kanila roon. Basahin ang sumusunod na tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang Sunduan? a) Parada ng mga mag-aaral b) Paggunita sa isang matandang kaugalian c) Timpalak ng kagandahan kung pista d) Pamamasyal sa iba’t ibang pook sa Pilipinas 2. Kailan ginagawa ang Sunduan? a) Tuwing pista sa bayan b) Tuwing Linggo c) Tuwing mahal na araw d) Tuwing Pasko at Bagong Taon 3. Ano ang pangunahing katangian ng gumaganap sa Sunduan? a) Dalaga at binata, mayaman b) Babae at lalaki, tapos sa pag-aaral c) Anak ng mga pinunong bayan d) Dalaga at binata, may kasiya-siyang ugali 2
4. Paano pinipili ang kasali sa Sunduan? a) Ayon sa laki ng ambag sa pista b) Ayon sa dami ng naipagbiling tiket c) Pinagkasunduan ng komite ng pista d) Pinili ng taong bayan5. Ano ang isinusuot ng mga kasali sa Sunduan? a) Kasuotang pampaligo b) Amerikana at gown c) Barong Tagalog, baro at saya d) Pantalong maong at t-shirt6. Saan nagtatapos ang Sunduan? a) Sa bahay ng hermano mayor b) Sa loob ng simbahan c) Sa plasa ng bahay-pamahalaan d) Sa bahay ng kapitan ng barangay7. Bakit nanaisin ng isang babae o lalaki na makasali sa Sunduan? a) Ito ay isang karangalan. b) Malalaking gantimpala ang ipinagkakaloob. c) Pagkakataon na makuhang artista. d) Upang makilala at maging popular.8. Saan nagmula ang pagdiriwang ng Sunduan? a) Sa isang matandang kaugalian b) Sa kagustuhan ng mga magulang c) Sa kagustuhan ng mga dalaga at binata d) Sa pista ng bayan9. Ano ang kahulugan ng hermano mayor? a) Alkalde ng Bayan b) Pangunahing tagapangasiwa ng pista c) Pinakamayamang pamilya sa bayan d) Bagong halal na pinuno ng barangay 3
10. Ang Sunduan ay isang __________? a) awiting bayan b) kaugaliang bayan c) pamahiin sa bayan d) kasunduan sa bayan Pag-aralan Mo Pag-aralan ang sumusunod na seleksiyon. Isang natatanging pagdiriwang ang sunduan. Nagmula ito sa kaugaliang hindi umaalis sa bahay ang dalaga nang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan. Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing sasapit ang pista ng bayan ng Parañaque.Alamin NatinAno ang pinag-uusapan sa buong talata? Tungkol sa sunduanAno naman ang mga sinasabi tungkol sa sunduan? Nagmula ito sa kaugalian na ang dalaga ay hindi umaalis sa bahaynang nag-iisa. Sinusundo at sinasamahan siya sa kanyang pupuntahan.Ano pa ang ibang sinasabi tungkol sa sunduan? Binubuhay ang kaugaliang ito tuwing pista ng bayan ng Parañaque.May pangungusap ba sa talata na nagsasabi ng buong diwa ng lahat ng sinabitungkol sa sunduan? Mayroon! 4
Alin ang pangungusap na ito? Isang natatanging pagdiriwang ang sunduan.Bakit nasasabi na natatanging pagdiriwang ang sunduan? Sapagkat nanggaling ito sa matandang kaugalian. Sapagkat binubuhay ito tuwing pista ng Parañaque.Ang pangunahing diwa ng talata ay tinatawag na paksang pangungusap.Saan natatagpuan ang paksang pangungusap sa ating halimbawa? Tingnan mong muli ang ating talata sa pahina 4. Nasa unahan ito ng talata. Basahin ang sumusunod na talata. Matalino si Jose Rizal. Natuto siyang bumasa sa gulang na tatlong taon. Nagtapos siya ng edukasyong elementarya at sekundarya na nangunguna sa klase. Marami siyang kursong natapos. Nag-aral siya ng medisina, pagpipinta, paglililok at pagsulat. Naging matagumpay siya sa mga kursong ito. Hanapin ang paksang pangungusap sa talata. Alin ang paksang pangungusap ng talatang binasa? Ito ba ang napili mo? Matalino si Jose Rizal. Ang mga pangungusap sa buong talata ay nagsasabi tungkol sa katalinuhan ni Rizal. 5
Narito pa ang isang talata. Basahin Mahirap ang magulang ni Andres Bonifacio. Hindi siya nakapag-aral. Maaga siyang naulila. Siya ang nagpalaki at nag-aruga sa kanyang mga kapatid. Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at sumulat. Tinuruan muna siyang bumasa ng kanyang ate. Napaunlad niya ang kaalamang ito. Nakabasa at nakasulat siya gaya ng nagtapos sa paaralan. Ano ang pinag-uusapan sa talata? Tungkol sa sariling pagsisikap ni Andres Bonifacio na matutong bumasa at sumulat. Bakit nagsikap siyang matutong bumasa at sumulat? Sapagkat ulila at mahirap siya. Paano siya natuto? Nagpaturo muna siya at saka siya nagsikap sa sarili. Alin ngayon ang paksang pangungusap? Ngunit sa sariling pagsisikap natuto siyang bumasa at sumulat. Saan ito matatagpuan? Sa gitna ng talata. 6
Basahin natin ang isa pang talata. Pinagyaman ng mga Ifugao ang kanilang kabundukan. Binungkal nila ang gilid nito. Nakalikha sila ng makikitid na taniman sa paligid ng bundok. Parang hagdan patungo sa langit ang makikitid na taniman. Tinataniman nila ito ng palay. Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-kahangang tanawin. Alin ang paksang pangungusap ng talata? Ang hagdan-hagdang palayan ng mga Ifugao ay isang kahanga-hangang tanawin. Bakit? Sapagkat ito ang nagsasabi ng pangunahing diwa ng lahat ng pangungusap sa buong talata. Saan ito matatagpuan? Sa hulihan ng talata. Isaisip MoAng pangunahing diwa ay maaaring isa sa mga pangungusap ng talata.Paksang pangungusap ang tawag sa pangungusap na nagsasabi ngpangunahing diwa ng talata.May pangunahing diwa ang bawat talata.Ang ibang talata ay may paksang pangungusap.Ang paksang pangungusap ay maaaring nasa unahan, gitna, o hulihan ngtalata. 7
Pagsanayan MoA. Basahin ang talata. 1Itinatag ni Andres Bonifacio ang Katipunan. 2Ito ay noong kumalatang balita na hinuli at ibinilanggo ng mga Espanyol si Jose Rizal. 3Kaya’tnang gabi ng Hulyo 7, 1892 nagpulong sina Andres Bonifacio, DeodatoArellano, Valentin Diaz, Ladislao Diwa at Jose Dizon. 4Nagkasundo silana gumawa ng paraan upang lumaya ang Pilipinas. 5Nilagdaan nila angkasunduan ng sarili nilang dugo. 1. Ano ang sinasabi ng talata? a) Kung ano ang Katipunan b) Kung paano natatag ang Katipunan c) Mga gawain ng Katipunero d) Kung bakit hinuli si Jose Rizal 8
2. Alin ang paksang pangungusap ng talata?a) Pangungusap 1 c) Pangungusap 3b) Pangungusap 2 d) Pangungusap 43. Saan matatagpuan ang paksang pangungusap?a) Unahan c) Hulihanb) Gitna Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. Isinilang siya sa maliit na dampa sa Tondo, Maynila. Ang kanilang bahay ay nasa tapat ng kasalukuyang istasyon ng tren ng Tutuban. Ang kanyang ama si Santiago Bonifacio ay isang sastre. Ang kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay. Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio.4. Ano ang tinutukoy ng talata? a) Ang bahay nina Andres Bonifacio b) Ang ayos ng paligid ng Tondo noon c) Ang pinagmulan ni Andres Bonifacio d) Ang hanapbuhay ng kanyang magulang5. Alin ang paksang pangungusap ng talata? a) Si Andres Bonifacio ay isinilang noong Nobyembre 30, 1863. b) Ang kanyang ama, si Santiago Bonifacio ay isang sastre. c) Ang kanyang ina, si Catalina de Castro ay isang karaniwang maybahay d) Tunay na mula sa masa si Andres Bonifacio. 9
6. Saang bahagi ng talata naroroon ang paksang pangungusap?a) Unahan c) Hulihanb) Gitna Melchora Aquino ang tunay na pangalan ni Tandang Sora.Tinawag siyang “Tanda” sapagkat nang magsimula ang himagsikannoong 1896, siya ay talagang matanda na. Siya ay nakatira sa gulod ng maliit na burol sa Balintawak. May isasiyang maliit na tindahan ng sarisari. Isang araw ng Agosto 1896, libu-libong mga taong sandatahan angnagtipon sa Balintawak. Kabilang doon ang mga ina ng tahanan na dalaang kanilang mga bunso. Ang mga taong iyon ay mga kasapi sa lihim nasamahang kilala sa tawag na Katipunan. Inaanyayahan ni Tandang Soraang mga pagod na tao sa kanyang munting tindahan. Naghanda siya ngmaraming pagkain para sa kanila hanggang maubos ang lahat ng panindaniya.Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa iyongsagutang kuwaderno. 1. Ano ang pinag-uusapan sa talatang binasa? 2. Alin ang paksang pangungusap ng talata? 3. Saan ito natatagpuan? Sa unahan, sa gitna o hulihan? 10
Subukin MoA. Basahin ang bawat talata. Piliin ang paksang pangungusap ng bawat isa. Isulat kung saang bahagi ng talata ang paksang pangungusap. 1. Panganay si Andres Bonifacio sa anim na magkakapatid. Naulila sila noong 14 na taong gulang pa lamang. Gumawa siya ng paraan upang buhayin ang mga nakababatang kapatid. Gumawa at nagtinda sila ng mga abanikong papel at tungkod na kahoy. Pumasok siyang mensahero sa isang kumpanya. Naging ahente din siya sa iba namang kumpanya. Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan? __________ a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan 2. Isinilang si Jose Rizal sa Calamba, Laguna noong Hulyo 19, 1861. Mayaman ang kanyang ama. Malawak ang kanyang taniman ng palay at tubo. Buhat sa mariwasang angkan ang kanyang ina. Mataas ang pinag-aralan nito. Si Jose Rizal ay tunay na mula sa nakaririwasang angkan. Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan? __________ a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan 11
3. Mataas ang pinag-aralan ni Jose Rizal. Nagtapos siya sa mahusay na paaralang Ateneo de Manila. Nagtapos siya ng medisina sa Pamantasan ng Sto. Tomas. Nag-aral pa siya ng pilosopiya, panitikan, pagpipinta at paglilok sa Unibersidad Central ng Madrid. Alin ang paksang pangungusap? ___________ Saan ito matatagpuan? __________ a) sa unahan b) sa gitna c) sa hulihan Maaaring nagtataka kayo kung bakit hiwalay ang pagdiriwang ngmga Intsik ng kanilang Bagong Taon. Dahil ito sa ginagamit nilangkalendaryo. Ang kalendaryong ito na ayon sa buwan, ang sanhi kungbakit hindi pare-pareho ang petsa ng pagdiriwang ng Bagong Taon ngmga Intsik. May mga kaugalian ang mga Intsik kaugnay sa pagdiriwang ngkanilang Bagong Taon. Naghahain at kumakain sila ng tsai tao ke (isangkakaning gawa sa labanos) at tikoy upang magkaroon ng pagpapala. Nagsusuot rin ng pulang mga damit o mga damit na may bilog-bilogang mga Intsik upang sila raw ay pagpalain. Gumagamit rin sila ng mgapaputok upang itaboy ang mga masasamang ispiritu. Karaniwan ding naglilinis sila ng buong kabahayan bago sumapitang kanilang Bagong Taon.Sagutin ang mga katanungan at isulat sa inyong kuwadernong sagutan. 1. Ano ang pinag-uusapan sa binasa? 2. Alin ang paksang pangungusap nito? 3. Saang bahagi ng talata naroroon ang paksang pangungusap? Mahusay! Binabati kita sa iyong pagtatapos sa modyul na ito. Maaari ka nang magpatuloy sa iyong susunod na modyul. 12
13
KAHULUGAN NG MATATALINGHAGANG SALITA Pagkatapos ng modyul na ito ikaw ay inaasahang makapagbibigay ng kahulugan ng matatalinghagang salita.Pagbalik-aralan MoBago mo pag-aralan ang kahulugan ng matatalinghagang salita,balikan mo muna ang kahulugang literal ng mga tambalang salita.Natatandaan mo pa ba ang kahulugang literal ng mga tambalangsalita?Sagutin mo nga ang mga pagsasanay sa ibaba.Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga salitang tambalanna nasa Hanay A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.Isulat ang mga ito sa sagutang kuwaderno.HANAY A HANAY B_____ 1. silid-aklatan a. pulot na mula sa pukyutan_____ 2. punong-guro b. silid ng mga mag-aaral_____ 3. dalagang-nayon c. silid na maraming aklat_____ 4. bahay kubo d. bumalik sa bayan_____ 5. silid-aralan e. pinuno ng mga guro_____ 6. hugas-bigas f. paglakad na tulad ng pagong_____ 7. lakad-pagong g. dalagang taga-nayon_____ 8. ningas-kugon h. pinaghugasan ng bigas_____ 9. pulut-pukyutan i. bahay na kubo_____ 10. balikbayan j. ningas ng kogon 1
Kung ang sagot mo ay ang mga sumusunod: 1. c 6. h 2. b 7. f 3. g 8. j 4. i 9. a 5. e 10. dTama ka! Maaari mo nang pag-aralan ang tungkol sa pagbibigay-kahulugan samatalinghagang salita. Pag-aralan MoBago ka magsimula sa pagbasa ng kuwentong “At Nalunod ang mga Salot,”basahin mo muna ang mga katanungan tungkol sa kuwento.Pansinin mo rin ang mga salitang may salungguhit.Itala mo ito sa iyong kuwaderno.Mga tanong:1. Sino si Dagambu?2. Paano siya naging pinuno ng mga dagang bukid?3. Anong ginagawa ng mga dagang bukid sa taniman? Tama ba ito? Bakit hindi?4. Bakit nag-away ang pangkat ng mga dagang bukid at dagang lungsod?5. Kung ikaw si Metromaws, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa? Pangatwiranan mo ang iyong sagot.6. Anong magandang aral ang natutuhan mo sa kuwento?7. Ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng pagmamalasakit sa kapwa?8. Paano mo ipinakikita ang pagmamalasakit sa iyong kapwa? 2
At Nalunod ang mga Salot Ni Jong del Fierro Pinuno ng mga dagang bukid si Dagambu. Mula nang mamatay angkanyang ama, pikit-matang tinanggap niya ang pamumuno sa mga dagangbukid. Nililibot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin at gubat. Ang mgataniman ay sinisira nila. Si Metromaws naman ang kinikilalang pinuno ng mga dagang lungsod.Sanay sila sa pasikut-sikot. Laman sila ng mga imbakan at bodega. Teritoryonila ang mga pagawaan, supermarket at restoran. Nakatira sila sa mgamalalaking imburnal na nakabaon sa ilalim ng mga kalsada, mga pagawaan atmga butas sa loob ng bahay. Si Metromaws ay pinunong taga sa panahon kahitdi pa siya matanda. Isang araw, nagkatagpo ang pangkat nina Dagambu at Metromaws samalaking imburnal sa lungsod.Huwag kayong mag- Akala ninyo dahil malakiober da bakod sa aming ang lungga ninyo ay hi-teritoryo. Di kayo tech na kayo! Hmmmp,maaaring tumira rito. sukal sa ilong itong tinitirhan ninyong amoy estero. 3
Kapit sa patalim ka ngayon. Bato ang puso mo, Metromaws.Para kayong mga basang Wag, naman. Tumakas kami dahilsisiw na walang mapuntahan. sa mga lason at kampanya ng mgaDi kayo puwede rito. magsasaka laban sa mga daga.Magdaraan muna kayo sa Giniba na nila lahat ang tirahanibabaw ng aming bangkay. namin. Nag-aapoy ang kanilang mga damdamin. Dito na rin kami titira sa ayaw mo’t sa gusto. Ayaw pumayag ni Metromaws na tirahan ng mga dagang bukid ang malalakingimburnal na nakabaon sa mga kalsadang lungsod. Parang langis at tubig angkanilang paninindigan. Nagkainitan ang dalawang pangkat. Parang nagdelubyo sa malalakingimburnal sa sagupaan ng mga dagang lungsod at mga dagang bukid. Hindi nila namalayan na malakas ang buhos ng ulan sa lungsod. Sinlakas nghampas ng malaking alon ang agos ng tubig ulan patungong mga imburnal. Paranghagupit ng tadhana ang pangyayari. Tinangay ng agos sina Dagambu atMetromaws. Huli na ang lahat. Wala silang pagkakataong makatakbo sa matataasna bahagi ng malalaking imburnal. Nalunod ang di mabilang na mga daganglungsod at dagang bukid. Pagkaraan ng malakas na ulan, para silang mga waterlilyna nakalutang sa lagusan ng tubig patungong dagat. Mga salot na wala nangbuhay. 4
Maaari mo na ngayong sagutin ang mga tanong tungkol sa kuwento. Balikan mo ang mga salitang may salungguhit sa loob ng kuwento. Sipiin mo ang pangungusap na kinapapalooban ng mga salitang may salungguhit. Ganito ba ang ginawa mo? 1. Mula ng mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat sa kanya ang pamumuno sa mga dagang bukid. 2. Nililibot nila ang di-maliparang uwak na bukirin at gubat. 3. Laman sila ng mga imbakan at bodega. 4. Si Metromaws ay pinunong taga sa panahon kahit di pa siya matanda. 5. Huwag kayong mag-ober da bakod sa aming teritoryo. 6. Hmmmp, sukal sa ilong itong tinitirhan ninyong amoy estero. 7. Kapit sa patalim ka ngayon. 8. Para kayong mga basang sisiw na walang mapuntahan. 9. Bato ang puso mo, Metromaws.10. Magdaraan muna kayo sa ibabaw ng aming bangkay.11. Nag-aapoy ang kanilang mga damdamin.12. Parang langis at tubig ang kanilang paninindigan.13. Parang nagdelubyo sa malalaking imburnal sa sagupaan ng mga dagang lungsod at mga dagang bukid.14. Parang hagupit ng tadhana ang pangyayari. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit? Tama ka. Ang mga salitang may salungguhit ay mga matatalinghagang salita. Malalaman mo ang kahulugan ng salitang matalinghaga ayon sa gamit nito sa pangungusap. Balikan mo ang mga pangungusap na ito at ibigay mo ang kahulugan. Subukan mong unawain ang mga salita o lipon ng mga matatalinghagang salita. 5
A. Piliin ang titik ng tamang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Mula nang mamatay ang kanyang ama, pikit-matang nailipat kay Dagambu ang pamumuno sa mga dagang bukid. a) Walang kabuluhan b) Sapilitan c) Kagustuhan 2. Libot nila ang di-maliparang uwak na mga bukirin at gubat. a) Maraming tanim b) Walang makikitang uwak c) Malawak 3. Kapit sa patalim ka ngayon. a) Kahit anong mangyari b) Hahawak ng patalim c) Natatakot 4. Parang hagupit ng tadhana ang nangyayari. a) Parusa ng langit b) Hampas na malakas c) Hanging malawak 5. Laman sila ng mga imbakan at bodega. a) Nakatira sa imbakan b) Ipinanganak sa imbakan c) Madalas na nasa imbakan 6. Si Metromaws ay pinunong taga sa panahon. a) Hinog sa karanasan b) May agimat ng panahon c) Matanda na 7. Hmmmp, sukal sa ilong itong pugad ninyong amoy estero. a) Marumi b) Mabango c) Mabaho 6
8. Para kayong mga basang sisiw na walang mapuntahan. a) Kaawa-awa b) Mayayabang c) Maiingay 9. Magdaraan muna kayo sa ibabaw ng aming bangkay. a) Sa ibabaw ng puntod b) Sa paglalamay sa patay c) Mangyayari lamang kung patay na ang kausap. 10. Bato ang puso mo, Metromaws. a) Walang alam b) Matigas ang loob c) Mapagbigay B. Tingnan kung tama ang iyong sagot. 1. b 2. c 3. a 4. a 5. c 6. a 7. c 8. a 9. c 10. b Pagkaraan mong malaman ang tunay na mga kahulugan ng mga salita. Gamitin ang mga ito sa pangungusap. Isaisip Mo Sa ating nabasang akda may mga salitang masasabi nating di-tuwiran ang kahulugan, malalim kaya’t mahirap unawain. Matalinghaga ang mga salitang ito.Ngayon subukin mo ang iyong natutuhan. Maibigay mo kaya angkahulugan ng iba pang matalinghagang salita? Gawin mo ang bahaging“Pagsanayan Mo.” 7
Pagsanayan MoA. Basahing mabuti ang mga pangungusap. Kopyahin sa iyong notbuk ang mga salita o lipon ng mga salita na matatalinghaga. 1. Nagbunga ng mabuti ang kanyang pagsusunog-kilay. 2. Di maliparang uwak ang kanilang palayan. 3. Nagdilang anghel ang batang nakausap niya. 4. Walang itulak-kabigin sa mga kagandahang nakita niya. 5. Pasang krus sa puso niya ang alaala ng lumipas. 6. Siya ang tupang itim sa kanilang pamilya. 7. Maaliwalas ang bukas para sa taong masipag at matiyaga. 8. Hinahabol ng karayom ang suot niyang damit. 9. Hindi na niya makasundo ang mataas ang lipad na kapatid.10. Ang abuloy niya sa samahan ay patuka lang sa manok.B. Basahing mabuti ang mga salitang matatalinghaga sa Hanay A. Hanapin ang kahulugan nito sa Hanay B. Isulat ang titik ng sagot sa kuwadernong sagutan. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno.HANAY A HANAY B_____ 1. pagsusunog ng kilay a. maganda ang hinaharap_____ 2. di-maliparang uwak b. masama ang ugali_____ 3. nagdilang-anghel c. maliit na halaga_____ 4. walang itulak-kabigin d. nagkatotoo ang sinabi_____ 5. pasang-krus e. malawak_____ 6. tupang itim f. pag-aaral nang mabuti_____ 7. maaliwalas ang bukas g. masakit sa damdamin_____ 8. mataas ang lipad h. tastas ang tahi_____ 9. hinahabol ng karayom i. di alam ang pipiliin_____ 10. patuka sa manok j. mabuting bata k. mayabang l. maingay magsalitaKung tama lahat ang iyong sagot, maaari mo nang gawin ang pagsuboksa bahaging “Subukin Mo.” 8
Subukin MoA. Hanapin sa Hanay B ang kahulugan ng mga matatalinghagang salita na nasa Hanay A. Isulat ang sagot sa sagutang kuwaderno. HANAY A HANAY B_____ 1. malaking puso a. makinis ang balat_____ 2. matang ahas b. nanliligaw_____ 3. kisap mata c. gumagawa ng walang nag-uutos_____ 4. mahabang dila d. maramdamin_____ 5. laki sa layaw e. sunod lahat ng gusto o nais_____ 6. naniningalang pugad f. mapagbigay at maawain_____ 7. nagmumurang kamyas g. matabil o madaldal_____ 8. kutis porselana h. matang mabalasik at matalas_____ 9. kusang palo i. sa isang iglap_____ 10. pusong mamon j. matandang nagkikilos bataB. Basahing mabuti ang maikling talata sa bawat bilang. Hanapin sa loob ng kahon ang angkop na matalinghagang salita para sa pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang kuwaderno.kapit-tuko hilong-talilongtaingang-kawali balat-kalabawpasang-krus nakalista sa tubigkuskos-balungos suntok sa buwankapit-bisig mataas ang lipadulilang lubos isang kahig, isang tuka1. Nalalapit na ang pista. May mga patimpalak ang barangay. ___________ ang kailangan ng magkakapit-bahay upang maging maayos at malinis ang kanilang kalye.2. Madaling-araw pa lamang ay gumagayak na si Mang Pido upang magsaka ng kanyang lupain. Kailangan niyang madoble ang kanilang ani. Ninanais niyang maiahon ang kanilang buhay na ___________. 9
3. Dating pangkaraniwan lamang ang pamumuhay ng pamilya Abaruray. Isang araw tumaya sa lotto si Ginoong Abaruray. Nang manalo ng milyong salapi ay naging __________ ng kaniyang pamilya.4. Umalis sa nayon ng Maasin si Piryong. Makikipagsapalaran siya sa Maynila. Hindi niya alam na isang __________ ang naghihintay sa kanyang buhay.5. Matagal nang nanunungkulan sa barangay si Kapitan Uy. Inabot na siya ng 15 taon sa posisyong iyon. Lahat ay kaniyang gagawin upang hindi mapalitan sa kaniyang posisyon. Ayaw niyang siya ay mapalitan. Ganoon na lamang ang pagiging __________ sa posisyon ni Kapitan Uy.6. Si Mang Manuel ay kasapi sa Kapisanan ng mga magkakapitbahay sa kanilang nayon. Sa tuwing magpupulong, lagi siyang may reklamo. Napagsabihan tuloy siya ng mga kasapi ng kapisanan na wala ng __________ at umayon na lamang sa napagkasunduan ng nakararami.7. Naligaw sina Ana at Ben sa Maynila. Palibhasa’y unang punta lamang nila sa Maynila, hindi nila alam ang pasikut-sikot sa lungsod. Lahat na yata ng paraan ay ginawa na nila. Para na silang __________ sa kahahanap ng lugar ng kamag-anak.8. Sa tatlong anak ni Aling Sepa, si George ang laging nag-uuwi ng gulo sa kanilang bahay. Bukod sa batugan si George ay palaaway pa lalo na kung ito ay lasing. Talagang __________ sa buhay ni Aling Sepa ang anak na si George.9. Sa araw-araw na lamang ay pinapangaralan ni Aling Anching ang kanyang anak na si Eric. Masyado kasi itong mapangbuska. Lagi na lang siyang napapaaway sa kanyang mga kalaro. Walang silbi ang mga pangaral ni Aling Anching dahil may _________ si Eric.10. Sa tuwing magigipit si Fermin ay lumalapit siya kay Tiya Ofel. Bukas- palad ang kaniyang tiyahin lalo na pagdating sa pangangailangan ni Fermin. Hindi naman sinisingil si Fermin ng kaniyang tiya. Alam ni Fermin na ito ay _________. Para kay Tiya Ofel, ito ay tulong na niya sa nag-iisang pamangkin. 10
KATANGIAN NG MGA TAUHAN SA KUWENTO Magandang araw sa iyo! Sa modyul na ito’y inaasahang maibibigay mo ang mga detalye at mga katangian ng tauhan sa kuwento. Pagbalik-aralan Mo Basahin ang kuwento. Batang MaaasahanSabado ng umaga. Maagang lumabas si Roland para maglaro. Sa tarangkahanay nabungaran niya ang isang matandang nakahandusay.“Totoy, Totoy! Tulungan mo naman akong makatayo rito,” pagmamakaawa ngmatanda kay Roland. Nilapitan ni Roland ang matanda at inalalayan niya ito.Nakita niyang dumurugo ang tuhod ng matanda. 1
“Inay! Inay!” ang palahaw ni Roland. Napatakbong lumabas ng bahay si AlingAson at dinaluhan ang matanda.“Naku, ipagpaumanhin ninyo at ako’y nadulas at napatama ang aking tuhod samatutulis na bato,” paliwanag ng matandang babae. Iniupo nila ang matanda atipinatong ang dalawang paa nito sa mesitang nasa kanyang harapan.Pag-aralan Mo Ano ang ginawa ni Roland nang humingi ng tulong ang matandang nakahandusay? Ano ang nangyari sa matandang babae? Ano ang ginawa ni Aling Ason nang marinig ang palahaw ni Roland?Ganito ba ang iyong mga sagot? Tinawag ni Roland ang kaniyang Nanay pagkatapos niyang lapitan at alalayan ang matanda. Ang matandang nadulas ay napatama ang tuhod sa matutulis na bato. Dumugo ang kaniyang mga tuhod. Napatakbong lumabas ng bahay si Aling Ason at dinaluhan ang matanda.Magaling!Balikan muli ang buong kuwento at bigyang-pansin ang mga ipinakitang asal ngbawat tauhan sa kuwento. Ibigay ang katangian ni Roland Ibigay ang katangian ni Aling Ason Ibigay ang katangian ng matandang babaeIsulat ang mga ito sa tsart. Sipiin ang tsart sa kuwadernong sagutan at punanito. Tauhan Katangian Patunay na Pangyayari1. Roland2. Aling Ason3. Matandang Babae 2
Isaisip Mo Ang katangian ng mga tauhan sa kuwento ay kabilang sa mahahalagang detalye na kinakailangang mabigyang-pansin ng isang mambabasa. Ito’y makatutulong sa pag-unawa sa nilalaman ng kuwento.Ngayong alam mo na kung papaano mo maibibigay ang katangianng mga tauhan sa kuwento maaari mo nang sanayin ang iyongsarili sa susunod. Pagsanayan Mo Basahin ang parabula. Ang Alibughang Anak (Hinalaw mula sa Lucas 15:11-32) Isang mayamang ama ang may dalawang anak. Ang bunsong anak ay nagsabi sa ama ng ganito, “Ama, ibigay mo na sa akin ang aking mana!” Hinati ng ama ang kanyang kabuhayan at ibinigay ang kalahati sa bunsong anak. Wala siyang magawa sa matigas ang loob na anak. Nang makuha ng bunso ang kanyang mana, naglayas siya at nagpunta sa malayong lugar. Doon ay ginasta nang walang habas sa rangya at luho ang kanyang mana. Nang maubos ang kanyang minana, nagkaroon ng taghirap sa pinuntahang lugar. Ang bunsong anak ay namasukan bilang tagapakain ng mga baboy. Naranasan ang lahat ng hirap. Kung minsan ang tirang pagkain ng baboy ang kinakain niya. Para siyang pulubi. Gusgusin ang damit at walang sapin sa paa. 3
Naalala niya na sa bahay ng kanyang ama masasarap ang kinakain ng mgaalipin. Nagpasiya siya na bumalik sa kanyang ama. Humingi siya ng tawad.“Ako’y di na karapat-dapat bilang iyong anak. Ama, gawin mo na lang po akobilang isa sa iyong mga alipin.” Subalit inutusan ng ama ang kanyang mga tagapamahala. “Kumuha ngmagandang damit at bihisan ang aking anak. Lagyan ng singsing ang kanyangdaliri. Suotan ng sandalyas ang kanyang mga paa. Katayin ang pinakamalusogna batang baka. Ipagdiwang natin ang pagdating ng aking anak!” Nang dumating ang panganay na anak mula sa bukid nagtaka siya saginagawang paghahanda. Ang sabi niya sa kanyang ama, “Ako Ama ay hindisumuway sa mga utos mo. Sa lahat ng pagkakataon pinagsilbihan kita. Kapagnagdiriwang ako at mga kaibigan ko kambing lang ang ipinakakatay mo. Ngayonna dumating ang anak na naging suwail sa iyo, nagwaldas ng iyong mgaipinamana ipinaghanda mo pa siya nang marangya.” Nagpaliwanag ang ama, “Ipinagdiriwang natin ang pagdating ng iyong kapatiddahil namatay na siya at muli pang nabuhay! Nawala na siya ngunit ngayo’ymuling nagbalik! Nararapat lang na tayo ay magsaya at magdiwang!”Sagutin mo ang mga sumusunod na tanong:1. Ilan ang mga anak sa kuwento?2. Sino sa mga anak ang humingi ng kanyang mana? Saan siya nagtungo?3. Bumalik ba siya sa kanyang ama? Bakit?4. Wasto kaya ang ginawang paghingi ng tawad ng bunso sa kanyang ama? Bakit?5. Ano ang sabi ng panganay na kapatid?Bigyang-pansin ang mga ipinakitang asal ng mga tauhan sa parabula. Isulat itosa paraang talahanayan sa iyong kuwadernong sagutan. Tauhan Katangian Patunay na Pangyayari1.2.3. 4
Basahin ang talata.Nanalangin si David bago dumating ang takdang oras ng pagtutuos nilang higanteng si Goliath. Iginayak niya ang mga batong makikinis at angkanyang tirador. Ngayo’y handa na siyang humarap sa higante.Anong katangian meron si David?____________________________________________________________________________________________________________________________Hinuli si Bartolome ng mga Romano. Kinuha ang lahat niyang kagamitanat sinaktan. Hindi man lang lumaban si Bartolome bagkus ayipinanalangin niya pa ang mga ito.Anong katangian ang ipinakita ng mga tauhan?Bartolome __________________________Mga Romano __________________________ Subukin MoA. Basahing mabuti ang mga seleksyon. Isulat sa iyong kuwadernong sagutan ang bawat katangian ng mga tauhan sa binasa. 1. Naglaro sa sala si Maima kahapon. Iniligpit niya ang kanyang manika, inilagay niya sa kahon ang mga laruang pang kusina at ibinalik sa lalagyang malapit sa may hagdanan. Ano ang katangian ni Maima? ________________________________________________________ 5
2. Si Pedro Penduko Kumain ng tuyo Di naliligo, Iniwan ng kalaro. Ano ang katangian ni Pedro Penduko? ________________________________________________________3. Hindi marunong biruin si Alma. Agad siyang umiiyak sa isang tukso lamang ng kanyang mga kaibigan. Ano ang katangian ni Alma? ________________________________________________________4. Isang taas lang ng kamay ni Haring Butiki ay di na magkamayaw ang kanyang mga alipin. Takot silang maparusahan at ipatapon ng hari sa dagat-dagatang apoy. Ano ang katangian ni Haring Butiki? ________________________________________________________5. Mahilig magbasa ang magpinsan na Milo at Ninoy. Madalas ay nasa silid-aklatan sila, dito nila ginagamit ang kanilang mga bakanteng oras. Sila ang pinupuntahan ng kanilang mga kaibigan upang makinig sa bago nilang kapanapanabik na karanasan. Ano ang katangian ng magpinsan? ________________________________________________________B. Bigyan ng katangian ang mga sumusunod na tauhan at bagay. 1. _____________________ 6
2. _____________________ 3. _____________________ 4. _____________________ 5. _____________________7
6. _____________________ 7. _____________________ 8. _____________________ 9. _____________________8
10. _____________________Tama ba ang iyong mga sagot? Kungganon, binabati kita. Ngayong natapos mona ang modyul na ito, maaari ka nangmagpatuloy sa susunod mong modyul. 9
KAYARIAN NG PANGUNGUSAPSa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahang mauuri mo angmga pangungusap ayon sa kayarian: payak, tambalan athugnayan Pagbalik-aralan Mo Magkaiba ‘yan! Basahin mo ang dayalogo. Samantalang Pangungusap ba ang ang parirala? pangungusap Tama, ang parirala ay ay binubuo ng lipon ng mga salita. isa o higit sa Karaniwan ay binubuo ng isang salita. Ito pangalan at panuring. ay may buong Hindi buo ang diwa nito. diwa. Kilalanin ang lipon ng mga salita. Isulat sa sagutang papel kung parirala o pangungusap. 1. Pumutok ang Bulkang Pinatubo noong Hunyo 12, 1991. 2. Napinsala ang maraming ari-arian. 3. Ang mga tao ay nabulabog. 4. Makapal ang usok. 5. Mainit na putik. 1
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257