Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 19:33:57

Description: Edukasyon sa Pagpapakatao Grade 3

Search

Read the Text Version

3Edukasyon sa Pagpapakatao

3 Edukasyon sa Pagpapakatao DRAFTKagamitan ng Mag-aaralApril 10, 2014PAG-AARI NG PAMAHALAAN HINDI IPINAGBIBILI INILAAN PARA SA Distrito/ Paaralan: _____________________________________ Dibisyon: ______________________________________________ Unang Taon ng Paggamit: ____________K__a_g_a__w_a__ra_n__n_g__E_d__u_kasyon Pinagkunan ngRPeopnudbolik(apantgi Pilipinas taon):________________________ 1

Edukasyon sa Pagpapakatao – Ikatlong BaitangKagamitan ng Mag-aaralUnang Edisyon, 2013ISBN: ___________ Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ngBatas Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipisa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailanganmuna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa angisang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilangsa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay angpatawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Dina S. OcampoKawaksing Kalihim: Dr. Lorna D. Dino Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Consultants/Reviewers: Dr. Fe A. Hidalgo, Dr. Erico M. Habijan, Ms. Irene DRAFTC. De Robles Content & Language Reviewers: Prof. Elanor O. Bayten, Dr. Corazon L. Santos Writers/Authors: Maria Carla M. Caraan, Rolan B. Catapang,April 10, 2014Rodel A. Castillo, Portia R. Soriano, Rubie D. Sajise,Victoria V. Ambat, Violeta R. Roson, Rosa Anna A. Canlas, Leah D. Bongat, Marilou D. Pandiño, Irene de Robles, Dr. Erico M. Habijan, Illustrator: Randy G. Mendoza Encoder: Gabriel Paolo C. Ramos Proofreader: Joselita B. Gulapa Focal Person: Marilou D. PandiñoInilimbag sa Pilipinas ng ____________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex Meralco Avenue, Pasig City Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected] 2

Paunang Salita Para sa katulad mong mag-aaral ang inihandang Kagamitan ng Mag-aaral na ito na magagamit mo sa pag- aaral ng Edukasyon sa Pagpapakatao sa Ikatlong Baitang. Layunin ng kagamitang ito na mapatnubayan ka sa paglinang ng iyong kakayahan gamit ang mga batayan at kaugnay na pagpapahalaga na magpapaunlad sa iyong pagkatao. Inaasahan na ang mga araling isinaayos at iniayon sa apat na kwarter ng iyong pag-aaral ay iyong kawiwilihan at tiyak na pinili ng mga manunulat ang iba’t ibang gawain at pagsasanay na maging orihinal mula sa karanasan sa tulong ng mga tula, awit, sanaysay, kwento, at sitwasyong susuriin ayon sa iyong gulang , interes, at DRAFTpangangailangan sa kasalukuyang panahon. Hinati sa apat na yunit ang kabuuan ng Kagamitan ng Mag-aaral na magiging kaibigan mo araw-araw. Yunit 1- Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Yunit 2- Mahal Ko Kapwa KoApril 10, 2014Yunit 3- Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Yunit 4- Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Katulad sa una at ikalawang baitang ginamit at nasundan mo ang mga hakbang at proseso sa paggamit ng Kagamitan ng Mag-aaral at paglinang ng pagpapahalaga. Nakahanda ang iyong guro na gabayan ka sa mga prosesong gagamitin sa pagsasagawa ng mungkahing gawain na maaring pang- indibidwal o pangkatan. Ginamit upang maging makahulugan ang sumusunod na hakbang o gawain sa pagkatuto: Alamin Natin, Isagawa Natin, Isapuso natin, Isabuhay Natin at Subukin Natin. 3

Inaasahang sa pagtatapos mo ng ikatlong baitang ,maipamamalas mo ang pag-unawa sa mga gawaingnagpapakita ng pagpapahalaga tungo sa maayos napamumuhay na may mapananagutang pagkilos atpagpapasya para sa sarili, kapwa, bansa, at sa Diyos. DRAFTApril 10, 2014 4

Talaan ng NilalamanYunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin . . . . Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! . . . . . . . . . Aralin 5 Malusog na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 6 Sama-sama…Kaligtasan, Panghawakan! . . . Aralin 7 Panalo Ako! Sa Isip, Salita, at Gawa . . . . . . . Aralin 8 Pamilyang Nagkakaisa, Tahanang Masaya . Aralin 9 Ako , Ang Simula!. . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Yunit II Mahal Ko, Kapwa KoDRAFTAralin 1Aralin 2Aralin 3 Mga May Karamdaman: Tulungan at Alagaan! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Mga May Karamdaman: Dalawin at Aliwin! . . Mga May Kapansanan: Mahalin at Igalang! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Aralin 5 Aralin 6April 10, 2014Aralin7 Kakayahan Mo, Pangangalagaan Ko! . . . . . . Maging Sino Ka Man, Dapat Igalang! . . . . . . . Kapwa Ko, Nauunawaan Ko! . . . . . . . . . . . . . . Magkaiba Man Tayo . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . .Aralin 8 Ikaw at Ako ay Masaya! Tayo’y Nagkakaisa! . .Aralin 9 Halina! Tayo’y Magkaisa . . . . . . . . . . . . . . . . . .Yunit III Para sa Kabutihan ng Lahat, Sumunod Tayo Aralin 1 Kaugaliang Pilipino, Mahalin at Panatilihin . . . Aralin 2 Kalugod-lugod ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . Aralin 3 Sumunod Tayo sa Tuntunin . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 4 Ugaling Pilipino ang Pagsunod . . . . . . . . . . . . . Aralin 5 Kalinisan, Nagsisimula sa Tahanan . . . . . . . . . . Aralin 6 Magtutulungan Para sa Kalinisan ng Ating Pamayanan . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 7 Ako: Tagapangalaga ng Kapaligiran . . . . . . . Aralin 8 Kaya Nating Sumunod! . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 9 Laging Handa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . 5

Yunit IV Paggawa nang Mabuti, Kinalulugdan ng Diyos Aralin 1 Pananalig sa Diyos . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 2 Paniniwala Mo, Iginagalang Ko . . . . . . . . . . . . . Aralin 3 Pag-asa: Susi para sa Minimithing Pangarap. . Aralin 4 Ang Pag-asang Mayroon Ako, Ibinabahagi Ko sa Kapwa Ko . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 5 Salamat O Diyos sa Pagmamahal Mo sa Akin. . Aralin 6 Tagumpay Mo, Kasiyahan Ko . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 7 Manindigan Tayo Para sa Kabutihan . . . . . . . . Aralin 8 Pagmamahal ng Diyos Ibinabahagi Ko Sa Aking Kapwa . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . . Aralin 9 Biyayang Kaloob ng Diyos, Pangangalagaan Ko DRAFTApril 10, 2014 6

Yunit I Tungkulin Ko sa Aking Sarili at Pamilya DRAFTApril 10, 2014 7

Aralin 1 Kaya Ko, Sasali Ako! Ang bawat tao ay may natatanging kakayahan.Bilang batang mag-aaral, unti-unti mong natututuhan atnalalaman ang mga kakayahang ito. Mahalaga na ito ayiyong mapaunlad. Alamin kung papaano mo ito gagawin. Alamin NatinGawain 1 Pagmasdan ang mga batang nakaguhit sa bawatDRAFTkahon.April 10, 2014 8

Nais kong tularan ang batang_____________________ _________________________________________________sapagkat ______________________________________________. DRAFTGawain 2 Ngayon naman ay tingnan mo ang mga batang nasa larawan. Ipinakikita rito ang kanilang mga natatangingApril 10, 2014kakayahan. 9

? DRAFT Bigyang-pansin ang kahong walang nakaguhit nabata kundi ang isang tandang pananong (?). Ito ay para sakakayahan mong hindi mo nakita sa mga kahon. Suriin moApril 10, 2014ang iyong sarili. Isipin mo ang iyong natatangingkakayahan. Isulat o iguhit ito sa iyong kuwaderno. Lagyan itong pamagat na “Ito Naman ang Aking NatatangingKakayahan!” o kung anong pamagat ang gusto mo. Ito Naman ang Aking Natatanging Kakayahan! 10

Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa mga kakayahang iyong inilista o iginuhit: 1. Sa mga itinala mong kakayahan, alin sa mga ito ang palagi mong ginagawa? 2. Masaya ka ba kapag naipapakita mo ang kakayahang ito sa ibang tao? Bakit? 3. Ano ang dapat mong gawin kapag medyo kinakabahan ka pa sa pagpapakita ng iyong kakayahan? Isagawa Natin DRAFTGawain 1 “Ano-ano ang mga kaya kong gawin kahit na ako ay nag-iisa?”April 10, 2014Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. Mga kaya kong gawin: 1. ________________________________________________ 2. ________________________________________________ 3. ________________________________________________ 4. ________________________________________________ 5. ________________________________________________ 11

Gawain 2 Magplano kayo! Alam na ninyo ang inyong mga kakayahan. Kaya naninyo ang magplano ng isang pagtatanghal o palabaspara maipakita ang inyong mga natatanging kakayahan.  Lahat ng mahuhusay sa pagguhit ay magsama- sama upang mag-isip at gumawa ng mga likhang- sining na maaaring maipaskil sa isang bahagi ng dingding o pader ng silid-aralan.  Ang mahuhusay umawit, sumayaw, tumula, at umarte ay magsama-sama upang magplano naman ng isang natatanging palabas o DRAFTpagtatanghal.  Magsama-sama naman sa isang grupo kung ang inyong mga kakayahan ay hindi nabanggit sa dalawang naunang pangkat. Umisip ng isang gawaing makapagpapakita ng natatangingApril 10, 2014kakayahan para sa isang palabas o pagtatanghal.Gawain 3Ang Araw ng Pagtatanghal Ipakita ninyo ang inyong napagkasunduang palabas opagtatanghal at pagkatapos ay sagutin ang sumusunod natanong. 1. Ano ang masasabi ninyo tungkol sa mga iginuhit ng inyong kamag-aral? Bigyan sila ng kaukulang pagsusuri. 12

2. Pansinin naman natin ang mga kumanta, tumula, sumayaw, at nagdula-dulaan. Naipakita ba ng inyong mga kamag-aral ang kanilang lakas ng loob sa pagtatanghal? Patunayan.3. Ano naman ang ipinakita ng ikatlong grupo? Suriin naman ang kanilang pagpapakitang gilas.4. Bakit kayo may lakas ng loob na ipakita ang inyong mga natatanging kakayahan?Isapuso NatinPunan ang kard sa ibaba. Gawin ito sa isang malinis naDRAFTpapel. larawanApril 10, 2014Ako si ___________________________________. Ako ay nasa____________________________________ (baitang) ng _____________________________________________. (paaralan) Kaya kong____________________________________ _____________________________________ _____________________________________ Ibabahagi ko ang aking kakayahan sa tuwing may __________________________________________ _______________________________________________ _______________________________________________ 13

Tandaan Natin Lahat tayo ay may kani-kaniyang kakayahan. Ilan sa mga ito ay ang kahusayan sa pag-awit, pag-arte, pagsasayaw, pagtula, pagsulat, pagguhit, isport, at iba pa. Ang kakayahan ng bawat tao ay isang biyaya mula sa Diyos. Ito ay dapat nating gamitin at linangin sapagkat nakapagbibigay ito sa atin ng sariling pagkakakilanlan. Maraming sikat na tao ang nakilala dahil sa kanilang kakayahan. Ilan sa mga halimbawa ay sina Liza Macuja bilang sikat na mananayaw, Leah Salonga bilang sikat na mang-aawit, Julian Felipe bilang sikat na kompositor, si Manny Pacquio bilang sikat na boksingero, at si Presidente Corazon Aquino bilang sikat DRAFTsa kaniyang demokratikong pamumuno. Mahalagang malaman mo ang iyong mga kakayahan bilang isang bata. Ang mga ito ay dapat na patuloy na nililinang o pinauunlad para higit naApril 10, 2014magkaroon ng tiwala sa sarili. Kailangan natin itong gamitin hindi lamang para sa ating sariling kapakanan kundi para din sa kapakanan at ikasisiya ng ibang tao. Palagi mong tandaan na ang anumang kakayahan na meron ka ay dapat ipinapakita upang ito ay higit na malinang. 14

Isabuhay Natin Pag-isipan mo ang tanong na ito. “Paano ko mapauunlad at magagamit ang aking angking kakayahan?” Sumulat ng isang maikling talata hinggil sa bagay na ito o gumuhit ng isang katumbas ng talata. DRAFTSubukin Natin A. Lagyan ng tsek () ang bilang ng mga kakayahang na kaya mo nang gawin at ekis (X) kung hindi mo pa ito kayang gawin o hindi mo pa ito nagagawa. Isulat ang sagot sa iyong papel.April 10, 20141. Maglaro ng chess 2. Sumali sa paligsahan ng pagguhit 3. Tumula sa palatuntunan 4. Sumali sa field demonstration 5. Sumali sa panayam/interview 6. Sumali sa paligsahan sa pagtakbo 7. Umawit sa koro ng simbahan 8. Makilahok sa paggawa ng poster 9. Sumayaw nang nag-iisa sa palatuntunan 10. Makilahok sa isang scrabble competition 11. Makilahok sa isang takbuhan 12. Maglaro ng sipa 13. Maglaro ng tumbang preso 14. Paglalahad sa paggawa ng myural 15

15. Umarte sa isang pang-entabladong pagtatanghal Kung wala ang iyong kakayahan sa mga nakasulat saitaas, isulat mo ito sa iyong kuwaderno. Naipakita mo ang natatangi mong kakayahan.Binabati kita. Isiping muli ang mga nagawa mo ukol sakakayahang itinala at naipakita. Isaalang-alang angkayang-kaya mong magawa nang nag-iisa. Patuloy moitong paunlarin. Maaari mo itong ibahagi sa kapuwa nangmay tiwala sa sarili. Sapagkat natapos mo nang may tiwala sa sarili angDRAFTaraling ito, maaari ka nang tumuloy sa susunod na leksyon.April 10, 2014 16

Aralin 2 Iniatang na Gawain, Kaya Kong Gawin Mayroong mga gawaing iniaatang sa bawat kasaping tahanan maging sa batang tulad mo. Kabilang dito angmga aksyong dapat isagawa sa loob ng iyong paaralan. Ang pagkukusa ay isang napakahalagang pag-uugalina dapat mong isakatuparan. Alamin Natin1. Isipin mo ang mga gawain na isinasakatuparan saDRAFTinyong tahanan.2. Gagabayan ka sa pagbuo ng isang Talahanayan tungkol sa mga gawaing nakaatang sa iyo.3. Sa ipapaskil ng guro na isang talahanayan, kukuha kaApril 10, 2014MgaGawainng hugis sa kahon at iyong ididikit sa tapat ngtungkuling iniatang sa iyo sa tahanan. Mga Ilalagay na HugisNaghuhugas ng pingganNagpapakain ng alaganghayopNagpupunas ng mgakasangkapanNagliligpit ng hinigaanNagtatapon ng basuraNagsasauli ng gamit sa angkopna lalagyanSagutin ang tanong:Ano ang nais ipakahulugan ng Talahanayan? 17

Isagawa NatinGawain 1Basahin ang tula. Kusa Kong Gagawin Sa aming tahanan may mga tungkulin Na dapat gampanan kasaping butihin Magaa’t mabigat kusa kong gagawin Tiwala at husay ay pananatilihin. Paglilinis ng bahay pati ng bakuran DRAFTPaghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, Pagpupunas ng alikabok, pagliligpit ng hinigaan Kusang-loob na gagawin na may kasiyahan.Sagutin ang mga tanong. 1. Ano ang mensahe ng binasa mong tula?April 10, 20142. Ano ang naramdaman mo matapos mong basahin ang tula? 3. Bukod sa mga nabanggit na gawain sa tula, ano- ano pang mga gawain ang maaaring ibigay sa iyo? 4. Paano mo maipakikita na pinahahalagahan ang mga gawaing ibinigay sa iyo? 5. Ipaliwanag ang iyong nararamdaman kapag ginagawa mo ang mga gawaing ibinigay sa iyo.Gawain 2Pangkatang Gawain – Paggawa ng Poster Ngayon ay ipakikita natin ang mga gawain natin sapaaralan sa pamamagitan ng poster. 18

Ito ang mga panuntunan na dapat tandaan sapaggawa. 1. Gumawa nang maayos at tahimik. Iwasan ang pag-iingay. 2. Iwasan ang paglipat-lipat sa ibang pangkat. 3. Iwasan ang pag-aaksaya ng gamit. 4. Panatilihing malinis ang gawain. 5. Kapag tapos na ang gawain, iligpit ang mga kagamitan at linisin ang lugar.Aming Gawain sa PaaralanMga kailangang kagamitan:DRAFTManila paper/cartolina pamburalumang magasin gunting pangkulay Pamamaraan: 1. Pag-usapan ang mga tungkuling isasaad sa poster at kung paano ito isasagawa. 2. Paghanap ng larawan sa lumang magasin naApril 10, 2014nagsasaad ng gawain sa paaralan. 3. Pagdikit ng ginupit o iginuhit na larawan 4. Pagpaskil ng natapos na poster.Suriin ang mga poster na ipinaskil. 1. Isa-isahin ang mga tungkuling makikita sa poster. 2. Ano ang isinasaad ng mga poster? 3. Ano ang iyong mga nararamdaman habang ginagawa ang mga ibinigay sa inyong gawain mula sa inyong pamilya? Sa inyong paaralan? Ipaliwanag. 4. Dapat bang magkaroon ng tungkulin ang tulad ninyong mga bata sa inyong sarili? tahanan? sa paaralan? Pangatwiranan. 19

Isapuso Natin Gumawa ng isang pangako tungkol sa gawaingibinigay sa iyo na nagpapakita ng tamang pagganap satungkulin. Ang Aking Pangako Ako, si _______________ ay nangangakong ______________________________________________ ______________________________________________ ________________________________________. DRAFT____________ Lagda Tandaan NatinApril 10, 2014Ang pagiging kasapi ng pamilya, paaralan, simbahan, o anumang organisasyon ay hindi gawang biro sapagkat ito ay nangangailangan ng kaukulang responsibilidad at pananagutan. Bilang isang kasapi, may mga gawaing naiaatang sa iyo na dapat gawin at pahalagahan. Dapat mong isapuso ang mga gawaing ibinigay sa iyo tulad ng paglilinis, paghuhugas ng pinggan, pagdidilig ng halaman, pagwawalis, at iba pa. Gawin mo ito nang kusang-loob at walang hinihintay na kapalit. Ang mga naiatang na gawain sa iyo bilang kasapi ng pamilya, paaralan, o anumang samahan 20

ay nagpapakita ng malaking tiwala sa iyong kakayahan kung kaya ay dapat mo itong ipagmalaki kanino man. Isabuhay Natin Gawain 1 Magpakita ng dula-dulaan ayon sa hinihingi sa bawat pangkat. Pangkat 1- Pagpapakita ng pagpapahalaga sa mga gawain sa tahanan: paglilinis, paghuhugas DRAFTng pinggan, pagliligpit ng pinagbihisan, pag-iigib, pagbili ng kakailanganin sa pagluluto ng Nanay o Tatay, at iba pa na inyong maiisip. Pangkat 2 - Pagpapakita ng pagpapahalaga ng mgaApril 10, 2014gawain sa paaralan: pagtatama ng papel, paglilista ng maingay sa klase, paglilinis sa silid-paaralan, pagbubura ng sulat sa pisara, pagtitinda sa kantina sa oras ng rises, at iba pang maiisip ninyong gawin. Pagkatapos ng palabas sagutin ang mga tanong:  Ano ang ipinahihiwatig ng bawat dula-dulaan?  Aling pangkat ang mas nagustuhan ninyo? Bakit? Subukin Natin Gumawa ng isang talaarawan sa iyong kuwaderno tulad ng nasa ibaba. Hayaan ang isang kamag-aral na 21

nakakita ng iyong kilos na may pagkukusa ang siyangmagtala ng iyong ginawa. Punan ang talaarawan para saisang linggo at ipasa. DRAFTApril 10, 2014 22

Aralin 3 Hawak Ko: Tatag ng Loob “Sa isang batang katulad mo, katatagan ng loob ay dapat na tangan mo!” Bilang bata, ano-anong mga damdamin at palatandaan ang makapagpapakita ng katatagan ng iyong loob? Pag-aralan ang mga gawain sa araling ito upang mas maging matatag ang iyong kalooban. Alamin Natin Pag-aralan mo ang sumusunod na larawan. Pumili ng DRAFTisa na maaari mong tularan. Ano kayang damdamin ang maaaring nararamdam ng mga batang tulad mo sa sandaling ito ay iyong ginagawa sa harapan ng maramingApril 10, 2014tao? AB 23

CD Isulat sa metacard ang iyong sagot. Pagkatapos,ipaskil ito sa tapat ng pinalaking larawan na idinikit namansa pisara ng inyong guro. Ihanda ang sarili para ipaliwanagDRAFTkung bakit ito ang mga napili mong kasagutan. Isagawa NatinApril 10, 2014Gawain1 Suriin at sagutin mo ang sumusunod na sitwasyon gamitang mga pananda. Gawin ito sa inyong papel. P- Palaging ginagawa M- Madalas ginagawa B- Bihirang ginagawa H- Hindi ginagawa 1. Tinatanggap ko ang aking pagkatalo nang nakangiti. 2. Sumasali ako sa mga palatuntunan at paligsahan kahit na kung minsan ako ay natatalo. 3. Umiiwas ako sa pakikipag-away. 4. Mahinahon ako sa pakikipag-usap sa nakasamaan ko ng loob. 5. Magsasabi ako ng totoo kahit ako ay mapagagalitan. 24

6. Humihingi ako ng patawad sa mga nagawa kong kasalanan.7. Pinipigilan ko ang aking sarili sa pagsunod sa di- mabuting udyok ng iba.8. Tinatanggap ko ang mga puna ng aking mga kaibigan nang maluwag sa aking puso.9. Tinatanggap ko kung pinagagalitan ako ng mga nakatatanda.10. Masigasig ako sa aking mga ginagawa para mapaunlad ang aking kakayahan. Markahan mo ang iyong sarili. Gamitin ang katumbas namarka at pagsama-samahin ang mga ito.P-5; M-3; B-2; H-0 Ibigay sa guro ang iyong papel, upang ito ayDRAFTmabigyan ng kahulugan. Ang natapos na gawain ay isa lamang pagtuklas sa iyong taglay na katatagan ng loob. Maaari ka nangApril 10, 2014tumuloy sa susunod na gawain.Gawain 2Pangkatang Gawain Pumili ng lider at tagasulat sa inyong pangkat. Pag-aralan ninyo ang komik- istrip at talakayin angmga pangyayari. Pagkatapos sagutin ninyo ang sumusunodna katanungan. Pumili ng isang miyembro na maglalahadng mga kasagutan ng inyong pangkat. 25

Isang tagpo sa paaralan ang nagaganap hinggil sapag-uusap nina Tom at Juan tungkol sa kanilang kamag-aral na si Allan. Suriin ang kanilang palitan ng mga salita. DRAFTApril 10, 2014 Sagutin ang sumusunod na tanong batay sa komik-istripna inyong binasa. 1. Ano ang paksa ng pag-uusap nina Tom at Juan? 2. Bakit nila pinag-uusapan si Allan? 3. Tama ba ang ginawa ni Allan sa kanila? Bakit? 4. Ano kaya ang pakiramdam nina Tom at Juan ukol sa sitwasyon? 5. Sino sa kanila ang may matatag na kalooban? Bakit? 6. Kung kayo ang nasa kalagayan nina Tom at Juan, ano ang inyong gagawin? Bakit? 7. Masasabi mo bang ang pagtitimpi ay palatandaan ng katatagan ng loob? 26

Isapuso Natin Ano ang mga natutuhan natin sa komik-istrip? Sino-sino sa mga bata ang may matatag na kalooban? Gawain 1 Pag-usapan sa inyong grupo ang sagot sa mga tanong. Isipin ninyo ang mga damdaming may kaugnayan sa pagiging matatag ang loob. Isulat ito sa loob ng bilog. Gawin ito sa inyong kuwaderno. Pumili ng mag-uulat sa DRAFTinyong grupo para ibahagi sa klase.April 10, 2014Katatagan ng Loob Gawain 2 Ngayon, gagawa kang mag-isa ng isang graphic organizer sa iyong sagutang papel. Gamiting gabay ang kalagayan sa ibaba. Kalagayan Magkakaroon ng paligsahan sa pagbigkas 27

ng tula. Napili kang kinatawan ng iyong paaralan. Ano-ano ang mga aksyon para maipakita mo na matatag ang iyong kalooban? Ilagay ang mga kasagutan sa graphic organizer sainyong kuwaderno. Mga Damdamin na Nagpapamalas ng Katatagan ng LoobDRAFT***Maaari mong dagdagan ang kahon. Tandaan Natin May mga palatandaang nagpapakita ng pagiging matatag ang loob. Ilan sa mga ito ang pagkakaroon ngApril 10, 2014lakas at tapang ng loob na harapin ang isang mabigat na problema, tibay ng loob kapag naatasan na ipakita ang anumang kakayahan, pag-iisip o pagninilay bago gumawa ng aksyon, at pagkakaroon ng kontrol o pagtitimpi sa kapwa. Bilang mag-aaral, makabubuting pagtuunan mo ng pansin ang mga gawain na magpapatatag sa iyong kalooban upang patuloy kang makagawa ng mga makabuluhang aksyon. Palaging isaisip na ang katatagan ng loob ay isang uri ng pagpapahalaga na kinakailangang isabuhay ng bawat tao. Isa sa mga tatak nito ang pagiging positibo sa lahat ng pagkakataon na kahit na mahirap gawin ay makakaya pa rin. Maaari 28

namang humingi ng tulong sa iba kung kinakailangan.Isabuhay Natin Sa iyong palagay, taglay mo ba ang katatagan ngkalooban? Basahin ang kalagayan at isulat ang sagot sasagutang papel.DRAFTKalagayan: Habang naglilinis sa silid-aralan ay nasagi ni Rio ang paso ng halaman at ito ay nabasag. Hinintay niya ang kanilang guro at sinabi niya ang nangyari.April 10, 20141. Ano-ano kaya ang kanyang mga naramdaman bagoat pagkatapos niyang magsabi sa guro ng totoongpangyayari?2. Paano naipakita ni Rio na matatag ang kaniyang kalooban? 29

Subukin Natin Sagutin ang sumusunod na katanungan. Ano-ano ang mga damdaming ipinamamalas ngisang batang may matatag na kalooban? Isulat sa loob nglobo sa sagutang papel ang iyong sagot. DRAFTApril 10, 2014 30

Aralin 4 Matatag Ako, Kaya Kong Gawin! Ang katatagan ng loob ng isang batang tulad mo ay maaaring ipakita sa iba’t ibang pagkakataon. Ngunit paano mo naman tinatanggap ang puna ng ibang tao sa mga pagkakamali mo o hindi magandang kilos, gawa, at gawi? Sasama ba ang loob mo o itatama mo ang mga ito? Alamin Natin Gawain 1 Basahin ang mga pangungusap. Isipin kung alin sa DRAFTsumusunod ang nangangailangan ng iyong katatagan. Isulat sa papel ang iyong kasagutan. 1. Hinahamon ka ng away ng iyong kamag-aral. 2. Magpapabakuna ka laban sa isang epidemya o sakit.April 10, 20143. Magwawalis ka ng bakuran. 4. Sasagot ka sa mahirap na tanong ng guro. 5. Mag-aalaga ka ng halaman. 6. Sasawayin mo ang mga maling ginagawa ng iba. 7. Maglalaro ka sa labas ng bahay kahit umuulan. 8. Matutulog ka nang mag-isa kung gabi kahit wala kang katabi. 9. Makikipag-usap ka sa punong-guro tungkol sa paglahok sa isang patimpalak sa labas ng paaralan. 10. Makikipaglaro ka sa iyong mga kababata. 31

Isagawa NatinGawain 1Basahin ang diyalogo. Nagbago Dahil sa Tamang Puna Oras ng rises, pinalabas na ng kanilang guro angmga mag-aaral sa ikatlong baitang pangkat Rosas.Nakapila ang klase subalit si James at Robert ay hindipumila. Nag-uunahan silang tumakbo sa labas.James: Dalian mo Robert! Mauunahan tayo ng ibaRobert: DRAFTsa pilahan sa kantina! Sige, sabay tayo! Baka tayo maubusan. (At nag-uunahan silang tumakbo sa kantina.)Robert: Ano ba ang bibilhin mo? James: Ang gusto ko ay pansit at sago. Ikaw? Robert: Banana cue at juice. (Hindi nila napansin si Gng. Gonzales kaya nabunggoApril 10, 2014nila ito. Agad silang pinigil ni Gng. Gonzales.)Gng. Mga bata, tigil muna kayo. Hindi ba ninyoGonzales: nabasa ang nakasulat na paalaala na nakapaskil sa pader? Bawal tumakbo sa pasilyo ng mga gusali. Baka kayo madulas at maaksidente. Dapat ninyo itong sundin para maiwasan ang anumang aksidente at makasakit ng ibang tao.James at Sori po, Ma’am. Nagmamadali lang poRobert: kami. Hinding-hindi na po kami uulit.(Hiyang-hiya) 32

Simula noon ay lagi nang pumipila ang dalawa kapag lumalabas ng silid-aralan kasama ng kanilang kamag-aral. At lahat ng tuntunin sa paaralan ay kanila nang sinusunod. Sagutin ang mga tanong. 1. Sino ang pumuna sa maling gawi nina Robert at James? 2. Anong mga katangian ang ipinakita ng dalawang bata na magpapatunay na matatag ang kanilang kalooban lalo na nang kausapin sila ng guro? DRAFT3. Patunayan na ang puna na ibinigay ng guro sa dalawang bata ay naging epektibo. 4. Bakit mahalaga ang pagtatama sa mga mali mong asal at gawi? 5. Kung ikaw ang isa sa mga mag -aaral, ano ang iyong mararamdaman kapag itinatama ka ng iyongApril 10, 2014guro? Ipaliwanag. 33

Gawain 2 Bumuo ng pangkat na may anim hanggang walongkasapi. Pumili kayo ng lider. Pag-aralan at talakayin angkalagayan. DRAFTApril 10, 2014 May proyekto tungkol sa paggawa ng accessory gayang kuwintas o pulseras ang mga bata. Gagamitin saproyekto ang mga kagamitang makikita sa kanilangpamayanan. Kabilang dito ang kabibe, mga buto ngprutas, o gulay. Nakasubaybay sa kanila si Gng. Magbuhat.Nagbibigay siya ng puna at mga mungkahi. Sinunod ngmga bata ang mga sinabi ng kanilang guro. Kahit na ito aymahirap gawin, hindi sila nagpakita ng sama ng loob opagtatampo sa kanilang guro, dahil alam nila na ito aytama. Alam din nila na ito ay para sa ikagaganda ngkanilang proyekto. Pagkaalis ng guro, patuloy nilang sinunodang habilin. Natapos ang proyekto at nakakuha sila ngmataas na marka. 34

Sagutin ang mga tanong. 1. Anong proyekto ang pinagagawa ni Gng. Magbuhat? 2. Bakit pinahahalagahan ng mga bata ang mga puna at mungkahi ng kanilang guro? 3. Sa iyong palagay, ang pagtanggap ba sa mga puna at pagsunod sa mga mungkahi ng mga nakatatanda tulad ng guro ay nagpapamalas ng katatagan ng loob? Ipaliwanag. Isapuso Natin DRAFTBasahin ninyo ang kalagayan. Magkaroon ng masusing talakayan tungkol dito at pag-usapan ang nararapat gawin. Kalagayan: Dumating ang mga kamag-aral ni Ana sa bahay. Inilabas niya ang kahon ng laruan at naglaro sila.April 10, 2014Matapos maglaro ay umuwi na sila. Naiwang nakakalat ang mga laruan, at si Ana naman ay nanood ng palabas sa telebisyon. Dumating ang kaniyang kuya at pinagsabihan si Ana. Ipinaliwanag ng 35

kaniyang kuya ang kaniyang dapat gawin kung sakalingtapos na ang kanilang paglalaro.Sagutin ang sumusunod na tanong: 1. Bakit pinagsabihan ni Kuya si Ana? 2. Tama bang iwanan ni Ana at ng mga kalaro niya na nakakalat ang mga laruan? Bakit? 3. Ano ang dapat ginawa ni Ana bago nanood ng telebisyon? Tandaan Natin Nasusubok ang katatagan ng ating loob sa pamamagitan ng:  pagtanggap sa puna ng ibang tao at DRAFTpagtatama sa mga hindi magandang kilos, gawa, at gawi bilang tao  pagtatama sa mga maling nagawa at pagsasakatuparan ng mga pagbabago mula sa mga mungkahi upang lalo pa itong mapagandaApril 10, 2014atmapabuti. Isa sa kasabihan ng mga nakatatanda ay ito: “ang pinakamagandang silid sa mundong ito ay ang silid ng pagbabago at pag-unlad.” Ang katatagan ng ating loob ay maipakikita ng isang tao sa pamamagitan ng payapang pagtanggap ng mga puna at puri sa ating buhay. Ang taong marunong tumanggap ng papuri ay dapat na marunong ding tumanggap ng puna para makamtan ang tunay na pagbabago. 36

Isabuhay Natin Kaya mo na bang tanggapin ang puna ng ibang tao sa maling kilos, gawa, o gawi na iyong ipinapakita? Kumuha ka ng iyong kapareha at pag-usapan ang sumusunod na kalagayan. Maaaring iguhit o isulat ang inyong gagawin kung paano tatanggapin ang iba’t ibang puna. Gawin ito sa inyong kuwaderno. 1. Pinagsabihan ka ng iyong kaibigan dahil palagi mong kinukuha ang kanyang lapis nang hindi ka nagpapaalam. DRAFT2. Sinabihan ka ng guro mo na magbasa ka palagi pagkatapos ng klase. 3. Pinagsabihan ka ng ate mo na dapat magpakita ng paggalang habang nakikipag-usap sa mgaApril 10, 2014nakatatanda. 4. Kinausap ka ng iyong guro at sinabihan na dapat palaging maligo bago pumasok sa paaralan. 5. Pinaalalahanan ka ng iyong Nanay dahil palagi mong inaaksaya ang tubig na iniigib ng iyong Kuya. 37

Subukin Natin Sipiin sa inyong papel. Lagyan ng tsek ( ) anghanay ng iyong sagot. Gawin ito sa sagutang papel.Ginagawa mo ba ang mga Palagi Bihira Hindiito?1. Tinatanggap nangmaluwag sa loob ang puna ng ibang tao sa iyong mga natapos na Gawain.2. Tinatanggap nangDRAFTmaluwag sa loob ang puna sa iyong naging gawi. 3. Nagkakaroon nang pagbabago sa gawa at 2014 gawi dahil sa puna.April 10,4. Binabago ang isang gawain kapag napagsabihanghindi ito nakasusunod sapamantayan.5. Naghahangad na higit namapabuti ang anumanggawa o gawi Magaling mong naisagawa ang katatapos na aralin.Tingnan mo naman ang susunod na aralin upang lalo pangmapatibay ang iyong kaalaman at pagpapahalaga. Sapagkat mahusay mong naisakatuparan ang aralingito, subukin mo nang alamin at sagutin ang susunod naaralin. 38

Aralin 5 Malusog Na Katawan, Damdamin, at Kaisipan: Pangalagaan Mahalaga ang kalusugan sa bawat isa sa atin. Matatamo ito kung maisasagawa ang iba’t ibang wastong kilos at gawi upang mapanatili ang malusog at ligtas na pangangatawan mula sa anumang karamdaman. Alamin Natin May kasabihan tayo na “Ang Kalusugan ay Kayamanan.” Naniniwala ka ba rito? Naalala mo pa ba ang iba’t ibang paraan na iyong ginawa para mapanatili DRAFTang iyong kalusugan? Awitin ang likhang-awit sa himig ng “Sitsiritsit Alibangbang.” Pagkatapos ay basahin naman ito ng pa-April 10, 2014rap. “Mga batang katulad ko Kalusuga’y ingatan nyo Kaligtasan ng isip ko Wastong gawi ang alay ko. Masustansiyang pagkain Ehersisyo’y dapat gawin Mapagpasensiyang damdamin Ang hinahon ay kakamtin” Sagutin ang tanong sa inyong kuwaderno. 1. Tungkol saan ang awit? 39

2. Ayon sa awit, ano-anong mga wastong kilos at gawi ang nabanggit tungkol sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman? 3. Ipaliwanag kung bakit ang pagiging mapagpasensiya at pagiging mahinahon ay may kinalaman din sa pagpapanatili ng ating kalusugan. 4. May mga gawi ka ba na hindi nabanggit sa awit/rap? Talakayin ang mga ito sa klase. Isagawa NatinGawain 1 DRAFTBumuo ng limang pangkat sa klase. Pumili ng inyonglider na magkukunwaring isang sikat na “host”. (Halimbawasi Mike Enriquez at Karen Davila o iba pa). Ang mganatitirang kasapi ng pangkat ay uupo sa harapan atiinterbyuhin ng inyong napiling host tungkol sa inyong mgaApril 10, 2014gawi sa pangangalaga ng kalusugan at kaligtasan ngkatawan mula sa karamdaman. Pagkatapos ng panayam,ang bawat host ay mag-uulat sa klase tungkol sa buod ngnapag-usapan. Isapuso Natin Gumawa ka ng isang pangako sa loob ng isangmalaking puso tungkol sa pangangalaga ng iyongkalusugan at kaligtasan ng katawan. Pagkatapos mo itonggawin, makipagpalitan ka sa iyong mga kaklase at 40

papirmahin mo sila sa loob ng puso tanda ng pagiging saksi nila sa komitment na iyong isinulat. Ako si ______ ay nangangakong ________________________________ _________________________. DRAFT Isabuhay NatinApril 10, 2014May kilala ka bang tao o grupo na palagiang tumutulong sa mga may sakit? Sa iyong palagay, bakit nila ito ginagawa? Sumulat ka sa tao o grupong ito ng Liham Pasasalamat hinggil sa kanilang mga ginagawang pagtulong. Tandaan Natin Ayon sa Kagawaran ng Kalusugan, ang kasabihang “Ang kalusugan ay Kayamanan” ay isang makatotohanang kaisipan na dapat paniwalaan. Ang isang batang malusog ay madaling 41

makagawa ng mga proyekto o gawain na maykahusayan. Ang paraan ng kaniyang pag-iisip aykahanga-hanga sapagkat nasasalamin sa kaniya angkatalinuhan. Masasabi ring malusog ang isang batakung naipakikita niya nang wasto ang kaniyangemosyon o damdamin. Ang katawan ay maaaring maging ligtas mula sakaramdaman kung nakagagawa ng mga wastong kilosat gawi tulad ng pagpapanatiling malinis ng katawan,tamang bilang at oras ng pagtulog, tamang pag-eehersisyo, pagkakaroon ng positibong pagkilala sasarili, pagiging masayahin, at pagkain ng tama atmasusustansiyang pagkain sa tamang oras. DRAFT Subukin Natin 2014April 10,Isulat mo sa loob ng bawatlobo ang natutuhang mga gawisa pangangalaga ng iyongkalusugang pisikal, mental,emosyonal. Gawin mo ito saisang malinis na papel.Binabati kita! Maaari ka nangmagpatuloy sa susunod na aralin.42

Aralin 6 Sama-sama… Kaligtasan, Panghawakan! Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang mga wastong kilos at gawi upang mapangalagaan ang iyong kalusugan at kaligtasan ng katawan sa anumang karamdaman. Sino- sino ang ibig mong bahaginan at hikayatin upang hawak- kamay kayong magtulungan tungo sa maayos na kalusugan at pangangatawan? Alamin Natin Gawain 1 DRAFTAwitin ang liriko sa ibaba sa himig ng “Hawak-Kamay.” Hawak-KamayApril 10, 2014Para sa ating kalusugan At ‘olrayt’ na kaligtasan, Hawak-kamay, Halina’t sumama Sa paglalakbay. Sagutin sa isang papel. 1. Ano ang pagkaunawa mo sa awit? 2. Sino-sino ang ibig mong hikayatin upang matamo ang mabuting kalusugan at kaligtasan ng katawan? Gawain 2 Masdan mo ang larawan sa loob ng kahon. Ipagpalagay mo na ikaw ay nasa gitna. Isulat mo sa ibabaw 43

ng larawan ang pangalan ng mga taong nais monghikayatin para matamo ang maayos na kalusugan atkaligtasan ng katawan. DRAFTSagutin ang mga tanong:April 10, 20141. Sino-sino ang mga taong nais mong isama tungo sa pagtamo ng maayos na kalusugan? 2. Bakit mo sila hinihikayat? Ano-ano ang iyong mga dahilan? 3. Paano ka manghihikayat? Itala ang mga paraang naiisip mo. 44

Isagawa Natin Narito ang isang tseklis. Ibigay mo ito at pasagutansa mga napili mong hikayatin upang malaman mo kunggaano nila kadalas ginagawa ang mga gawain. Lagyanito ng kaukulang tsek ().Mga Gawain Madalas Bihira Hindi1. Kumakain nang sapatsa tamang oras2. Nakikilahok sa mga laro3. Nakikilahok sa mga sayaw4. Kumakain ng mgaDRAFTgulay at prutas5. Umiinom ng tubig na hindi kukulangin sa walong baso sa bawat arawApril 10, 20146. Nag-iingatsapaglalakad atpagtawid sa daan7. Inililigpit ang mgakagamitang maaringmakadisgrasya8. Nakikisalamuha sa mgakaibigang maymabubuting gawi atkatangian9. Iniiwasang magpuyat10. Nagdarasal bilangpasasalamat sa mgabiyayang tinatanggap 45

Gawin ang sumusunod: 1. Itala mo at kunin ang bahagi ng bawat sagot sa tseklis. 2. Ano ang iyong gagawin sa mga sumagot nang bihira at hindi? Isulat ang inyong mga mungkahi sa inyong kuwaderno. 1. ______________________________________________ 2. ______________________________________________ 3. ______________________________________________ 3. Pag-usapan ang mga iminungkahi at papirmahin DRAFTsila sa kuwaderno bilang patunay ng pagsang-ayon. 4. Magkaroon ng pag-uulat hinggil sa napagkasunduang mungkahi. Iulat ito sa harapanApril 10, 2014ngklase. Isapuso NatinMay ideya ka ba kung ano ang networking? Halika! Magnetworking tayo! 1. Bumuo ng limang pangkat. Mula sa mga sagot na bihira at hindi, gumawa ng isang programa sa pamamagitan ng networking. 46

2. Pumili ng lider sa bawat pangkat. Kausapin ang mga kasapi upang makahikayat ng ibang miyembro hanggang sa lumawak ang adhikain upang mapangalagaan ang kalusugan at kaligtasan ng bawat tao laban sa sakit o anumang karamdaman. (Halimbawa: Oplan Walong Basong Tubig Bawat Araw) 3. Pag-usapan ninyo kung kailan kayo magkikita- kita upang maiulat ang listahan ng mga taong kanilang nahikayat at kung anong estratehiya ang ginawa nila para makahikayat ng iba. DRAFTMungkahi: Sa pagpupulong, maari kayong mag- anyaya ng mga resource speaker na magsasalita tungkol sa kahalagahan ng adhikaing inyong pinagkasunduan.April 10, 2014TandaanNatin Ang kaalaman sa mga wastong gawi sa pagkakamit ng wastong kalusugan at kaligtasan mula sa anumang karamdaman ay dapat ibahagi sa iba. Isa sa mga magagawa ng mga batang katulad mo ay ang sumali sa mga gawaing pambarangay o pampamayanan. Gawin mong advocacy ang pagpapanatili ng kalinisan sa inyong kapaligiran upang maging ligtas ang tao sa anumang sakit na dala ng hayop, maruming tubig at hangin. Maaari na sa inyong kapitbahayan ay magsama-sama kayong magkakalaro upang maglinis ng inyong kanal o estero 47

sa araw na walang pasok. Ang simpleng gawaing ito ay makatutulong para mapanatili ang kalinisan sa inyong lugar at maligtas sa anumang sakit na dulot ng maruming pamayanan. Nilalayon ng Kagawaran ng Edukasyon at ng Kagawaran ng Kalusugan na ang bawat mag-aaral ay maging bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman tungkol sa kalinisan at kalusugan. Sa Brigada Eskwela na ginagawa taon-taon, makikita na ang dalawang ahensiya ay nagtutulungan upang maging malinis at kaaya-aya ang bawat silid sa paaralan para sa madali at DRAFTepektibong pagkatuto ng mga mag-aaral.April 10, 2014IsabuhayNatin Magpaskil ng isang manila paper sa wall ng paaralanna may islogan na “Kampanya… Kalusugan at Kaligtasan,Halina… Sali Na! Kung nais ninyong sumama, isulat anginyong pangalan at pirma.” Ang lahat ng susuporta sa kampanya ay pipirma atmaglalagay ng maikling pahayag, pangungusap okomitment. Tatawagin mo silang mga tagapagtaguyod ngmabuting kalusugan at kaligtasan. Sa tulong ng inyong punong-guro, mga guro, at mag-aaral sa inyong paaralan, magkakaroon kayo ng isang 48

pagpupulong kung saan ay pag-uusapan ninyo ang gagawing proyekto para sa kalusugan at kaligtasan sa inyong paaralan o pamayanan. Subukin Natin Umisip o tumukoy ng mga taong ang advocacy ay tungkol sa kalusugan at kaligtasan ng katawan. Sino siya? Isulat ang pangalan sa frame. Maaari mo ring idikit ang larawan niya sa frame kung mayroon ka. Lagyan mo ng isang maikling paliwanag kung paano mo siya DRAFTnaging inspirasyon. Ipakita/iulat mo ito sa inyong klase.April 10, 2014 Kahanga-hanga ang iyong ginawa! Binabati kita sa araling iyong natapos. Ngayon, maaari ka nang tumungo sa susunod na aralin. 49


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook