EDUKASYON SAPAGPAPAKATAO III
Edukasyon sa Pagpapahalaga III Yunit I Modyul Blg. 1 Lipunan…Para Kanino Nga Ba?I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Nang likhain ng Diyos ang unang tao sa mundo, nakita Niya na hindi magiging maligaya at makabuluhan ang buhay nito kung walang makakasama. Dahil dito nilikha Niya ang unang babae upang maging katuwang nito sa pagsasagawa ng misyong ninais Niya para sa tao. Subalit hindi sapat na sila lamang dalawa. Pinagbilinan silang humayo at magpakarami. Sa paglipas ng panahon, dumami ang tao at dito na nagsimula ang pagkakaroon ng lipunan. Alam mo ba kung ano ang lipunan? Para kanino ito? Sa pagtunghay mo sa mga pahina ng modyul na ito, matutuklasan mo pa ang maraming bagay ukol sa lipunan, ang kahulugan at layunin nito sa buhay nating mga tao. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan mo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: A. Naipaliliwanag ang tunay na layunin ng lipunan B. Nasusuri ang kahalagahan ng lipunan sa pagkakamit ng kaganapan ng pagkatao C. Nahihinuha ang mga pagpapahalagang dapat linangin upang maging makabuluhan ang pakikitungo sa lipunan Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.1/12
1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang lipunan ay nilikha ng: a. Diyos b. Tao c. Mga mambababatas 2. Maaaring uriin ang lipunan sa dalawa, artipisyal at natural. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng natural na lipunan; a. korporasyon b. pamilya c. unibersidad 3. Ang pangunahing layunin ng lipunan ay ang: a. kasaganahang pangkabuhayan b. kabutihang panlahat c. pangkalinangang pag-unlad 4. Ang lipunan ang tumutugon sa pangangailangan ng taong: a. makipag-ugnayan sa kanyang kapwa b. makapagpahayag ng kanyang opinyong politikal c. makapagtrabaho at umunlad Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.2/12
5. Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi siya makihalubilo sa iba subalit: a. tatanda siyang walang karamay sapagkat wala siyang kapwa- tao b. kulang ang kanyang magiging kaalaman sa mga pangyayari sa paligid c. hindi magiging ganap ang kanyang pagiging taoB. Pagtapat-tapatin. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga sa hanay A ang tinutukoy ng mga kahulugan sa hanay B. Titik lamang ng wastong sagot ang isusulat.Hanay A Hanay B1. Pakikibagay a. Isinasaalang-alang ang magiging2. Paggalang damdamin ng kanyang kapwa3. Pagmamalasakit4. Pakikiramay b. Handang tumulong sa panahon ng5. Pakikiisa kagipitan c. Tumutulong sa ikapagkakamit ng layunin ng pangkat ng kinabibilangan d. Pinag-aaralan kung paano magiging maayos ang pakikitungo sa mga kapangkat. e. isinasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa tulad ng pagsasaalang-alang sa sa sariliIII. Tuklasin MoGawain Blg.1 Basahin mo ang mga sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mgakatanungan.Sitwasyon Blg 1 Matalinong bata si Hannah. Sa tulong at paggabay ng kanyangmagulang ay natuto siyang bumasa at sumulat. Subalit dumating angpanahon na ang mga aklat at ang itinuturo ng kanyang ina ay hindi na sapatsa kanyang mabilis na pagkatuto. Dahil dito, ipinasya ng kanyang ina naipasok na siya sa paaralanSa ibinigay na pagsusulit, natuklasang mentally gifted ang bata. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.3/12
Inerekomenda na ipasok siya sa isang SPED school upang matugunan ang kanyang pangangailangang intelektwal, emosyonal at sosyal. May mga samahang pribado tulad ng Ayala Foundation na tumutulong sa mga batang tulad ni Hannah. Isa sa inisyatibo ng samahang ito ang CENTEX o Center for Excellence sa mga piling paaralang pampubliko sa lunsod ng Maynila. Sagot nila lahat ang gastos mula sa uniporme, aklat at iba pang gamit sa paaralan ng mga mahihirap ngunit matatalinong bata. Nasalanta ng matinding bagyo ang malaking bahagi ng Quezon noong Disyembre 2, 2004. nang daanan ng bagyong Yoyong. Marami ang namatay dahil sa landslide, maraming imprastraktura ang nasira at libo-libong mamamayan ang nawalan ng tirahan. Agad rumisponde ang maraming non-government organizations upang tumulong. Ang Metrobank ay nagbigay ng 1 milyong donasyon sa Kapuso Foundation ng GMA-7. Ang ABS-CBN ay naglunsad ng telethon upang malakikom ng pondo para sa mga naging biktimaProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.4/12
Sitwasyon 3 Sa isang malayong probinsya ay may isang maliit na barangay na lagi na lamang namumrublema sa taas na presyo ng mga pataba (fertilizer) at iba pang gamit pangsakahan. Walang mangyari sa kanilang kinikita tuwing anihan dahil sa mataas na puhunan. Sa tulong ng isang kababayan na nakapagtapos ng pag-aaral sa isang mahusay ng pamantasan sa Maynila, itinuro sa kanila ang prinsipyo ng kooperatiba. Napagpasyahan ng pangkat na subukan ang ideyang ito upang malutas ang kanilang suliranin. Buhat ng itatag ang kooperatiba ay naibsan ang kanilang suliranin. Nadagdagan ang kanilang kita at unti-unti silang nakalasap ng kaginhawahan.Sagutin Mo 1. Sa tatlong sitwasyong iyong binasa, ano ang mahalagang salik na nakatulong sa paglutas ng suliranin? 2. Sa palagay mo, malulutas ba ang mga sitwasyong ito kung nag-iisa lamang at walang kapwa-taong tutugon sa kanya/kanila? Patunayan. 3. Paano ipinakita ang kahalagahan ng lipunan sa mga sitwasyon inilahad? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.5/12
Gawain Blg.2 Marahil alam mo na ang mga pangunahing institusyong panlipunan hindiba? Tingnan ko nga kung masasagutan mo ang mga hinihinging impormasyon.Sundin ang pormat sa iyong pagsagot.Institusyong Panlipunan Tungkulin Kabutihang dulot sa tao Hal. Nakahuhubog ng mga Turuan ang mga anak mamamayang may ng pagmamahal at taglay ng mga kagandahang asal pagpapahalaga at pagmamahala sa kapwaPamilya Paaralan SimbahanPamahalaanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.6/12
Sagutin Mo 1. Ano ang maaaring maging epekto sa buhay ng isang tao kung walang mga tao o institusyong panlipunang aagapay sa kanyang pamumuhay? 2. Ano ang layunin ng lipunan? 3. Paano naitataguyod ng lipunan ang kabutihang panlahat? Magbigay ng patunay sa iyong kasagutan.IV. Ano ang Iyong Natutuhan? Batay sa iyong natutuhan sa mga natapos na gawain, anong mahalagang konsepto ang mabubuo mo? Iugnay mo ang mga salitang nasa hugis upang makabuo.PAGKAKAMIT LIPUNAN KABUTIHANG LAYUNIN PANLAHATNabuongkonsepto:______________________________________________________________________________________________________________________Anu-anong mga pagpapahalaga ang nararapat mong linangin upang magingmakabuluhan ang iyong pakikipag-ugnayan sa iba’t-ibang uri ng tao salipunan? Isulat mo ang iyong sagot sa mga nakasabit na hugis sa ibaba. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.7/12
V. Pagnilayan at Isabuhay Mo Ayon kay Aristotle, ang tao ay isang nilikhang panlipunan ( social being) . Totoo ito. Ang kalikasan natin ay nagpapakita na hindi sapat na matugunan lamang ang mga materyal na pangangailangan, mayroon ding mga di-materyal na pangangailangan na nararapat makamtan upang makamit ng tao ang kanyang kaganapan. Sabi nga ni Abraham Maslow, isang kilalang sikolohista na nagpakilala ng teorya ng mga pangangailangan ng tao (Hierarchy of human needs), mayroon tayong mga pangangailangang sekundarya tulad ng pangangailangang mapabilang, mahalin, igalang at kilalanin. Ipinapakita nito ang dimensyong panlipunan ng tao. Paano natin matutugunan ang mga pangngailangang ito? Sa pamamagitan ng lipunan. Tulad ng nabanggit ko sa iyo sa panimula ng modyul na ito, layunin ng Diyos na magkaroon ng lipunan upang ito ang maging daan sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Dahil iba’t-iba ang talino at lakas na kaloob ng Diyos sa tao, nangangailangan tayong makipag-ugnayan sa ating kapwa sa lipunan. May mga pangangailangan tayong maaari nilang matugunan at may mga pangangailangan din naman silang maaaring tayo ang makatutugon Ayon kay Fr. De Torre, maaaring mauri ang lipunan sa dalawa, natural at artipisyal. Natural ang isang lipunan kung ito’y kusang naitatag dahil sa likas na pangangailangan ng tao, tulad ng pamilya at lipunan sibil (civil society) . Artipisyal ang isang lipunan kung ang intensyon sa pagtatatag nito ay para sa kapakanan ng isang tiyak na pangkat. Ilang halimbawa nito ay ang paaralan, samahang pangnegosyo, non-government oraganizations at iba pa. May binanggit pang mga kahalagahan ng lipunan si Fr. Michael Moga: Ayon sa kanya, sa lipunan nakakamit ng tao ang kahulugan ng kanyang mga pangarap, pakikipag-ugnayan, pagpapahalaga, tungkulin at hamon (challenges). Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.8/12
Tingnan mo ang halimbawang ito, ang isang mag-aaral na katulad mo aynangangarap na makatapos ng pag-aaral, hindi ba? Bakit mo nais makatapos?Para sa sarili mo lamang ba? Hindi ba’t nais mong makatulong sa iyongpamilya? Anong pagpapahalaga ang dapat mong linangin upangmaisakatuparan ang pangarap na ito? Pagsisikap, pagsasakripisyo,pagmamahal sa pamilya. Ano ngayon ang iyong gagawin upang makamit ito.Hindi ba’t pagbubutihin mo ang iyong pag-aaral at titiisin ang anumang mgapagsubok upang makamit mo lamang ang iyong pangarap. Saan nag-ugat ang kahulugan ng mga ito? Sa mga taong mahalaga saiyo, Mga taong bahagi ng lipunang ginagalawan mo. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.9/12
VI. Gaano Ka Natuto? Basahing mabuti ang mga pangungusap at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang lipunan ay nilikha ng: a. Diyos b. Tao c. Mga mambababatas 2. Maaaring uriin ang lipunan sa dalawa, artipisyal at natural. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng natural na lipunan; a. korporasyon b. pamilya c. unibersidad 3. Ang pangunahing layunin ng lipunan ay ang: a. kasaganahang pangkabuhayan b. kabutihang panlahat c. pangkalinangang pag-unlad 4. Ang lipunan ang tumutugon sa pangangailangan ng taong: a. makipag-ugnayan sa kanyang kapwa b. makapagpahayag ng kanyang opinyong politikal c. makapagtrabaho at umunlad 5. Maaaring mabuhay ang tao kahit hindi siya makihalubilo sa iba subalit: a. tatanda siyang walang karamay sapagkat wala siyang kapwa- tao b. kulang ang kanyang magiging kaalaman sa mga pangyayari sa paligid c. hindi magiging ganap ang kanyang pagiging tao Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.10/12
B. Pagtapat-tapatin. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga sa hanay A ang tinutukoy ng mga kahulugan sa hanay B. Titik lamang ng wastong sagot ang isusulat. Hanay A Hanay B5. Pakikibagay a. Isinasaalang-alang ang magiging6. Paggalang damdamin ng kanyang kapwa7. Pagmamalasakit8. Pakikiramay b. Handang tumulong sa panahon ng5. Pakikiisa kagipitan c. Tumutulong sa ikapagkakamit ng layunin ng pangkat ng kinabibilangan d. Pinag-aaralan kung paano magiging maayos ang pakikitungo sa mga kapangkat. e. isinasaalang-alang ang kapakanan ng kapwa tulad ng pagsasaalang-alang sa sa sariliC. Ipaliwanag: 1. Paano nakakamit ang kabutihang panlahat sa pamamagitan ng lipunan? 2. Bilang isang kabataan na kasapi ng lipunan, paano ka makatutulong sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat?Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.11/12
D. Mga Sanggunian de Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila: Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. _______________Christian Philosophy. Manila: Vera-Reyes Publishers. 1980 Moga, Michae Dl. What makes man truly human. Makati: St. Pauls. 1995Susi sa Pagwawasto Handa ka na ba? A. 1.a 2. b 3. b 4. a 5. c B. 1. d 2. a 3. e 4. b 5. c Gaano ka natuto? A. 1. a 2. b 3. b 4. a 5. c B. 1. d 2. a 3. e 4. b 5. c Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg 1, pah.12/12
Edukasyon sa Pagpapahalaga III Yunit 1 Modyul Blg. 2 Magtulungan Tayo… Magkaisa !I. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Taong grasa, pulubi, mga batang kalye…nakasalubong mo na ba sila sa daan? Mag-anak na natutulog sa karton, mga batang naghahalungkat sa bundok ngbasura, mga taong nakatira sa gilid ng sea wall. Natitiyak ko na nakita mo na sila,maaaring personal o sa napanood mo sa telebisyon. Ano ang nararamdaman mo kapag nakakakita ka ng tulad nila? Sa palagay mo,ang kanila bang dignidad bilang tao ay nababawasan dahil sa kanilang kalagayan? Subukan mo naman na magmasid sa ibang bahagi ng ating lipunan. Pumunta kasa Dasmarinas Village sa Makati, sa Ayala Alabang sa Muntinlupa o di kaya ay saCorinthian Gradens sa Ortigas…naglalakihan at mga malapalasyong tahanan, iba’t-ibangmodelo ng sasakyan, saganang hapag kainan at salaping halos wala ng paglagyan. Ano naman ang damdaming naghahari sa iyo kapag nakakakita ka ng ganito? Tila hindi makatarungan ang buhay ano? Kulang na kulang ang marami, labis-labisnaman ang iilan. Kung ikaw ang nasa kalagayan ng huli, ano kaya ang maaari mong gawin upangmatulungang itaas ang kalagayan ng mga taong kapus-palad? Sa pagtunghay mo sa mga gawain ng araling ito, umaasa akong higit mongmauuunawaan ang kahalagahan ng papel mo sa pagtataguyod ng kabutihang panlahat. Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matututuhan moang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C Napahahalagahan ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity sa pagkakamit ng kabutihang panlahat A. Nabibigyang- kahulugan ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity B. Napahahalagahan ang dignidad ng tao sa pamamagitan ng pagsasabuhay ng mga gawaing makatutulong sa pag-aangat Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.1/ 16.
C. Nakababalangkas ng mga tiyak na hakbang kung paano maitataguyod ang kabutihang panlahat sa pangkat na kanyang kinabibilangan. Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang-alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.Handa Ka Na Ba? A. Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang bayanihan ay isang pagpapahalagang Pilipinong nagpapakita ng: a. pagkamakabayan b. pagkakaisa c. pagkamalikhain 2. Mahalaga sa pagkakamit ng principle of solidarity ang: a. mahusay na pinuno b. pagsunod ng bawat kasapi c. pagkilos bilang isang pangkat 3. Mahalagang ang sama-samang pagkilos tungo sa pagkakamit ng : a. iisang mithiin b. kabutihang panlahat c. kaunlaran Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.2/ 16.
4. Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkilos ng: a. bawat pangkat gaano man ito kaliit b. mga pinuno ng bawat pangkat c. mga mamamayan at lahat ng kasapi 5. Ang dignidad ng tao ay nag-uugat sa kanyang: a. kalagayang pangkabuhayan b. taglay na kagandahang asal c. pagiging natatanging nilikha B. Sagutan nang buong katapatan ang mga pahayag sa pamamagitan ng paglalagayng tsek (/) sa angkop na kolum . Tama Mali1.Ang kalagayang pangkabuhayan ay nakatutulong sapagpapataas ng dignidad ng isang tao.2. Ang pagkakaisa ay nakatutulong sa pagkakamit ng mithiin ngisang pangkat.3. Bawat tao ay may angking dignidad.4. Ang labis na pamumulitika ay tanda ng kasiglahan ngdemokrasya ng isang lipunan.5. Ang ginagawang pagtulong ng mga NGO o Non GovernmentOrganization sa mga mahihirap nating kababayan ay isanghalimbawa ng pagsasabuhay ng Principle of Subsidiarity.6. Ang Principle of Solidarity ay paraan ng pagtataguyod ngkabutihang panlahat.7. Ang kabutihang panlahat ay matutugunan lamang kung laginating isasaisip ang makabubuti sa ating sarili at ng pamilya.8 Ang tiyaking iginagalang ang dignidad ng bawat tao aypananagutan lamang ng mga cause oriented groups.9. Maaring mapataas o mapababa ang dignidad ng tao dependesa kanyang kalagayan sa buhay.10. Nag-uugat ang dignidad ng tao sa kanyang kakanyahan bilangisang nilalang.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.3/ 16.
I. Tuklasin Mo Gawain Blg.1 Sa mga nagdaang aralin na natapos mo sa yunit 1, naging malinaw sa iyo na ang lipunan ay instrumento sa pagkakamit ng kaganapan ng isang tao. Tingnan mo ang puzzle sa ibaba. Ano ang ibig nitong ipakita?P SIMBAHANA PAMAHALAANMILYA PAARALANProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.4/ 16.
Ano kaya ang maaaring mangyari kung hindi gagampanan ng mga sumusunod angkanilang mga tungkulin? Isulat mo ang iyong sagot sa kaukulang espasyo sa ibaba.Magulang Pinuno ng bayan Manggagawa NegosyanteHal.Kung magpapabaya angmga magulang sa pagtuturosa kanilang mga anak ngkabutihang asal, maramingkabataan ang maliligaw nglandas. Sagutin Mo 1. Bakit may nakatakdang gawain para sa iba’t-ibang institusyong panlipunan? 2. Bakit mahalaga ang gawain ng bawat isa? 3. Batay sa natapos na gawain, paano mo bibigyang kahulugan ang Principle of Subsidiarity? Gawain Blg. 2 Nakakita ka na ba ng walis tingting? Bakit mahalaga ang bigkis na nagtatali sakanila? Maiwawalis mo ba ito kung iisa lamang tingting ang gagamitin? Anong aral angmaaari mong matutuhan sa walis na ito? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.5/ 16.
Anu-anong mga suliraning panlipunan ang nakikita mong sanhi ng kawalan ng pagtutulungan at pagkakaisa. Isulat ito sa mga islang nasa mapa ng Pilipinas.Sagutin Mo 1. Paano nakahahadlang ang mga suliraning ito sa pagkakamit ng kabutihang panlahat? 2. Paano nagiging balakid ang mga ito sa pagkilala at pagtataguyod ng dignidad ng tao? Isulat mo ang iyong sagot sa mga arrow na nakapaligid sa larawan ng tao sa susunod na pahina. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.6/ 16.
Nagsisilbing balakid ang mga ito sa pagkilala at pagtataguyod ng dignidad ng taosapagkat___________________________ ______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.7/ 16.
Gawain Blg.3 Ipagpalagay nating Pangulo ka ng Pilipinas. Nais mong makahikayat ng mga foreign investors upang magkaroon ng maraming trabaho ang iyong mga mamamayan, ngunit maraming cause-oriented groups ang tumututol sa pagtatayo ng mga multi-national companies sa bansa. Araw-araw ang demonstrasyon sa kalye. Ano ang iyong gagawin upang maitaguyod ang kabutihang panlahat? Bilang pangulo ng bansa, ito ang aking gagawin: ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.8/ 16.
Sagutin Mo 1. Anu-ano ang isinaalang-alang mo sa nabuo mong pasya? 2. Masaya ka ba sa naging pasya mo? Bakit? 3. Ano ang mahalagang salik na makatutulong sa tagumpay ng iyong mga gagawin? 4. Batay sa gawain 3, paano mo bibigyang kahulugan ang Principle of Solidarity? Ano ang Iyong Natutuhan? Ano ang mahalagang konseptong nauugnay sa Principle of Subsidiarity at Solidarity ang naging naglinaw sa iyobunga ng araling ito? Isulat mo ang nabuo mong konsepto sa ibaba.Ang Principle of Subsidiarity Ang Principle of Solidarityay________________________ ay_________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ _________________________Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.9/ 16.
Mahalaga ang dalawang prinsipyong ito sa pagkakamit ng kabutihang panlahat sapagkat_________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________ __________________________________________________V. Pagnilayan at Isabuhay Mo “May sakit ang mundo. Ang sakit na ito ay sanhi ng hindi produktibong monopolyo ng yaman ng iilan at ang kawalan ng pagkakapatiran ng mga indibidwal at mamamayan.” Ito ang sinabi ni Papa Pablo VI sa kanyang Popularium Progressio. Binibigyang puna niya ang katotohanang kulang tayo sa pagsasabuhay ng pagkakaisa at pagtutulungan upang maitaguyod ang kabutihang panlahat. Ang pahayag ng ito ay nauugnay din sa pagsasabuhay ng prinsipyo ng solidarity at subsidiarity na unang binanggit ni Papa Pius XI sa kanyang Quadragesimo Anno at muling binigyang diin ni Papa Juan Pablo II sa kanyang Centesimus Annus. Ayon dito: Ang lipunan ay uunlad lamang kung kikilalanin ng mamamayan na ang mga institusyon at samahang panlipunan ay may ibat-ibang gawain. Hindi nararapat pakialaman ng isang nakatataas na institusyon o organisasyon ang maliit niyang nasasakupan maliban na lamang kung kakailanganin ang kanyang tulong at koordinasyon upang higit na maging epektibo ang pagbibigay serbisyo nito sa mga mamamayan na magiging daan sa pagkakamit ng kabutihang panlahat. Isinilang ang bawat tao ng may taglay na dignidad. Nag-uugat ito sa katotohanang siya’y isinilang na natatangi at itinalaga sa paggawa ng mabuti. May angkin siyang talino at malayang loob (will). Ang pagkakamit ng kanyang kaganapan bilang natatanging nilikha ay mahalagang isaalang-alang. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.10/ 16.
Walang isinilang na perpekto. Lahat tayo’y may kakulangan at mgapangagailangang maari lamang nating matugunan sa pamamagitan ng ating kapwa.Dahil dito, napakahalagang magtulungan ang bawat isa tungo sa pagkakamit ng atingkaganapan bilang tao. Dito papasok ang prinsipyo ng solidarity at subsidiarity. Upang higit mo pang maunawaan ang dalawang prinsipyong ito, tingnan mo angpaglalahad na ginawa ni Fr. Joseph M. de Torre: Prinsipyo ng Solidarity Prinsipyo ng SubsidiarityNagbibigay diin sa: Nagbibigay diin sa: • Kabutihang panlahat • Katauhan ng isang indibidwal • Tungkulin • Karapatan • Kooperasyon • Privacy • Pagkakapantay-pantay • Kalayaan Ayon pa sa kanya, mahalagang panatilihin ang balanse ng dalawang ito upang higitna mabigyang pansin ang pagkakamit ng kabutihang panlahat at pagkilala sa dignidad ngtao. Idinagdag pa niya: What must be done in order to avoid this error is: • efine the person as related to the common good, and to define the common good as related to the person. Ang prinsipyo ng solidarity ang mag-aakay sa estado upang itaguyod angkabutihang panlahat kahit na kung minsan ay maisakripisyo ang kapakinabangan ng ilangindibidwal. Ang prinsipyo ng subsidiarity ang mag-aakay sa estado na igalang at pangalagaanang mga likas na karapatan ng bawat indibidwal at ng pamilya na naaayon sa kabutihangpanlahatProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.11/ 16.
Basahin mo at unawain ang kuwento . Paano mo ito maiuugnay sa natapos naaralin? Kooperasyon ng mga bahagi ng katawan Isang araw, si Kamay, Bibig, at Ngipin ay nagsimulang magtalo. Nagrereklamo sila sapagkat nakikita nila ng walang ginagawa si Tiyan, samantalang sila ay hirap na hirap magtrabaho. Ang nakikita nila ay ang kani-kanilang paghihirap samantalang si Tiyan ay nagpapahinga lamang at tanggap ng tangap ng lahat ng kanilang pinagpaguran. Dahil sa kanilang paniniwalang ito, nagkasundo sila Kamay, Bibig at Ngipin na titigil sila sa kanilang gawain. Kinabukasan, hindi na dinala ni Kamay ang pagkain kay Bibig, Wala ng ipinasang pagkain si Bibig kay Ngipin, at wala ng nginuyang pagkain si Ngipin. Hindi nagbilang araw, dahan-dahan nanghina ang buong katawan at naramdaman ni Kamay, Bibig at Ngipin na sila man ay nanghihina na rin. Dahil sa walang tinunaw na pagkain si Tiyan, walang enerhiyang maipamahagi sa buong katawan kung kaya’t nakaramdam ang buong katawan ng panghihina. Ito ang naging daan upang magbago ang dating pananaw nila Kamay, Bibig at Ngipin. Napagtanto nila na si Tiyan man pala ay may mahalagang gawain bagaman di nila napapansin. Mahalagang magkaisa ang bawat isa upang mapanatiling malusog hindi lamang ang mga bahagi kundi maging ang buong katawan. Halaw mula sa 500 Stories ni Frank Mihalic Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.12/ 16.
Bilang isang kabataan, paano ka makatutulong sa pagtaguyod ng kabutihangpanlahat at pagkakaisa sa pangkat na iyong kinabibilangan? Isulat sa mga hugis oblongsa ibaba ang tiyak na hakbang na iyong isasagawa upang maisakatuparan ito. KABUTIHANG PANLAHAT Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.13/ 16.
VII. Gaano Ka Natuto? Basahing mabuti ang mga pahayag at piliin ang titik ng pinakawastong sagot. 1. Ang bayanihan ay isang pagpapahalagang Pilipinong nagpapakita ng: a. pagkamakabayan b. pagkakaisa c. pagkamalikhain 2. Mahalaga sa pagkakamit ng principle of solidarity ang: a. mahusay na pinuno b. pagsunod ng bawat kasapi c. pagkilos bilang isang pangkat 3. Mahalagang ang sama-samang pagkilos tungo sa pagkakamit ng : a. iisang mithiin b. kabutihang panlahat c. kaunlaran 4. Ang prinsipyo ng subsidiarity ay nagpapakita ng kahalagahan ng pagkilos ng: a. bawat pangkat gaano man ito kaliit b. mga pinuno ng bawat pangkat c. mga mamamayan at lahat ng kasapi 5. Ang dignidad ng tao ay nag-uugat sa kanyang: a. kalagayang pangkabuhayan b. taglay na kagandahang asal c. pagiging natatanging nilikha Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.14/ 16.
B. Ngayon nakarating ka na sa katapusang bahagi ng modyul na ito, inaasahan kongmalinaw na sa iyo ang konsepto ng aralin. Lagyan ng tsek (/) ang wastong sagot. Tama Mali1.Ang kalagayang pangkabuhayan ay nakatutulong sapagpapataas ng dignidad ng isang tao.2. Ang pagkakaisa ay nakatutulong sa pagkakamit ng mithiin ngisang pangkat.3. Bawat tao ay may angking dignidad.4. Ang labis na pamumulitika ay tanda ng kasiglahan ngdemokrasya ng isang lipunan.5. Ang ginagawang pagtulong ng mga NGO o Non GovernmentOrganization sa mga mahihirap nating kababayan ay isanghalimbawa ng pagsasabuhay ng Principle of Subsidiarity.6. Ang Principle of Solidarity ay paraan ng pagtataguyod ngkabutihang panlahat.7. Ang kabutihang panlahat ay matutugunan lamang kung laginating isasaisip ang makabubuti sa ating sarili at ng pamilya.8 Ang tiyaking iginagalang ang dignidad ng bawat tao aypananagutan lamang ng mga cause oriented groups.9. Maaring mapataas o mapababa ang dignidad ng tao dependesa kanyang kalagayan sa buhay.10. Nag-uugat ang dignidad ng tao sa kanyang kakanyahan bilangisang nilalang.Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.15/ 16.
VIII. Mga Sanggunian Beabout, Gregory R. Markets Morality. http://www.acton.org./publicat/m_and_m/1988_oct/beabout.html Mihalik, Frank, SVD. 1000 Stories You Can Use. Vol. II. Manila: Divine Word Publications. 1989.pp. 763 de Torre, Joseph M. Roots of Society. Manila:Sinag-Tala Publishers, Inc. 1977. pp. 21-23Susi sa PagwawastoHanda Ka Na Ba?/ Gaano Ka NatutoA.1. b2c3. b4. a5. cB. Tama Mali1 /2/3/ /45/ /6/ /7 /8910 / Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga--III, Modyul Blg 2, pah.16/ 16.
EDUKASYON SA PAGPAPAHALAGA III Yunit I Modyul Blg. 3 Magandang Bukas, Handog sa InyoI. Ano Ang Inaasahang Matututuhan Mo? Pagsulong at pag-unlad… ang gandang pakinggan ano? Sa mga nakikitamo sa iyong paligid at sa kabuuan ng ating lipunan, masasabi mo bang nakamit nanatin ito? Ano ang naging batayan mo? Kung sa tingin mo ay malayo pa tayo sa landas ng kaunlaran, ano kayaang mga hakbang na dapat nating gawin upang makamit ito? Kung ikukumpara sa ibang mga bansa, masasabing higit tayong pinagpala.Mayaman tayo sa mga likas na yaman at yamang pantao. Ngunit angnakapagtataka ay bakit tila ba napag-iwanan na tayo ng ating mga kalapit-bansa. Narinig mo na ba ang sustainable development? Sa iyong pagtunghay saaralin at gawain ng modyul na ito, higit mong mauunawaan ang konseptong ito.Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan atpagpapahalaga: L.C 1.6 Naisasabuhay ang mapanagutang pamamahala sa mga materyal na bagay A. Nasusuri ang kahalagahan ng wastong pamamahala sa mga materyal na bagay sa pagkakamit ng pag-unlad B. Nakagagawa ng planong pangkaunlaran na isinasaalang-alang ang wastong paggamit at pangangalaga ng mga yamang kaloob ng Diyos C. Natutukoy ang mga hakbang tungo sa likas kayang pag-unlad (sustainable development) Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Upang maging lubos ang iyong pag-unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.1/17
1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang-aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sarilling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang mga gawain sa modyul, sagutin mo ang mgasumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? A. Sanhi at Epekto. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa Hanay A at tukuyin ang magiging epekto nito sa Hanay B. Hanay A Hanay B1. Maitim na usok ng mga a. Pagliit ng sukat ng mga sasakyan lupang sakahan2. Pagtatapon ng basura sa ilog at b. Pagbagsak ng local na dagat industriya3. Walang tigil na pagtotroso c. Red tape4. Pagkuha ng mga corals sa ilalim d. Pagkaubos ng lahi ng mga ng dagat upang gawing kakaibang halaman at hayop dekorasyon e. Pagkaubos ng pondo para5. Panghuhuli at pagbebenta ng mga exotic na halaman at hayop sa mga proyektong6. Pangungurakot sa kaban ng pampubliko bayan f. Red tide7. Hindi pagpansin sa mga g. Pagkawala ng tirahan ng suhulang nakikita sa tanggapan mga maliliit na isda ng pamahalaan h. Pagkakalbo ng kagubatan8. Pagpapaliban ng trabaho sa i. Pagkakasakit sa baga opisina na maaari namang gawin j. Paglaganap ng katiwalian sa kaagad mga tanggapan ng9. Pagpapatayo ng mga subdivision pamahalaan sa probinsya k. Paglaganap ng kriminalidad10. Maluwag na pagpasok ng mga produktong dayuhan sa ating pamilihanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.2/17
B. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot1. Ang yaman ng mundo ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang: a. magamit sa negosyo b. kilalanin Siya at dakilain ng kanyang mga nilikha c. gamitin at pamahalaan nang wasto d. pagmasdan at hangaan2. Mahalagang salik sa pagkakamit ng pangkabuhayang kaunlaran ng bansa ang: a. pagkakasundo ng mga pinunong pang relihiyon b. mapanagutang pamamahala ng mga likas na yaman c. pagbaba ng mga presyo ng bilihin d. pag-iipon ng pera ng mga mamamayan3. Nahihirapan ang pamahalaan na lutasin ang illegal logging sapagkat : a. maraming taga probinsya ang walang trabaho b. mahina ang batas upang parusahan ang mga illegal loggers c. malawak ang kagubatan sa Pilipinas d. kulang sa impormasyon ang mga awtoridad4. Ang pagpapahalagang dapat linangin upang mapangalagaan ang mga yamang kaloob ng Diyos sa tao ay: a. paggalang b. mapanagutang pamamahala c. pagiging masinop d. pagiging masipag5. Ano ang pinakamakatwirang dahilan kung bakit ang katiwalian ay isang palatandaan na hindi maayos ang pamamahala sa kaban ng pamahalaan? a. Nasasayang ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. b. Hindi naibibigay sa mga mamamayan ang proyekto at serbisyong panlipunan na makatutugon sa kanilang pangangailangan. c. Nawawala ang tiwala ng mamamayan sa mga pinuno. d. Hindi maitaas ang suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.3/17
III.Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Basahin mong mabuti ang kuwento at suriin ang aral na maaaring mapulot dito. Ang Mahiwagang Lawa Sa isang malayong probinsya ay may isang maliit na bayang naging tanyag dahil sa isang lawa. Tanging ang lugar lamang ito ang may ganitong anyong tubig. Napabantog ang lawang ito hindi lamang sa linis ng tubig kundi maging sa dami ng isdang nahuhuli dito. Tahimik na nabubuhay ang mga mamamayan ng bayang ito. Nabubuhay sila sa pangingisda sa lawa at sa pagsasaka sa kani- kanilang bukirin. May isang lalaking naninirahan din malapit sa lawa. Siya ay may kakaibang kapangyarihang taglay. Kaya niyang humigop ng maraming tubig sa loob ng ilang minuto. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.4/17
Kinabukasan, sa oras na itinakda, nagdatingan ang kanyangmga kababayan. Dito niya ipinagtapat ang kanyang kakaibangkapangyarihan at ang layunin niyang makatulong sa lumalalangtaggutom sa kanilang lugar. “ Mga kasama,” pasigaw niyang tawag, “alam kong maramisa atin ang halos wala ng makain dahil sa taggutom sa atingbayan. Kahapon pinagdala ko kayo ng mga maaaring pagsidlan ngisda at nagdala naman kayo. Ganito ang gagawin, pag itinaas koang aking kanang kamay, hihinga ako ng malalim at hihigupin angtubig ng lawa. Sa loob ng tatlong minuto, humuli na kayo ng mgaisda. Kapag muli kong itinaas ang aking kamay, senyas na ito namagsialis na kayo sapagkat ibabalik ko ng muli ang hinigop kongtubig. Tatlong minuto lamang ang kaya ng aking hininga, kayanakikiusap akong dinggin ninyo ang senyas ko. Maliwanag ba?tanong niya. “Oo, malinaw ang direksyon,” tugon ng marami. Pumusisyon ang marami at naghanda sa gagawingpaglusong sa ilalim ng lawa. Pagbilang niya ng tatlo ay hinigop nganiya ang lahat ng tubig ng lawa. Sa isang iglap ay natuyo ito. Agadlumusong ang mga tao at humuli ng maraming isda sa ilalim nito.Pagsenyas niya, muling nag-akyatan ang mga tao sa itaas. Masayang-masaya ang lahat dahil sa biyayang kanilangtinanggap. Maraming beses na ginawa nila ito at nakatulong nangmalaki sa pagtawid-gutom sa araw-araw. Nabalita sa mga karatig-bayan ang biyaya ng mahiwaganglawa. Minsan, nakiusap sila sa lalaking may kakaibangkapangyarihan na magtakda ng araw upang sila man ay mayipantawid gutom. Pumayag ito, at tulad ng dati, ibinigay niya nangmalinaw ang kanyang pakiusap. Nang dumating ang takdang araw ay nagdatingan angmaraming tao buhat sa mga karatig-bayan. Marami silang dalangsisidlan. Bumilang ang lalaki. Huminga nang malalim, sabay higopsa tubig ng lawa. Agad itong natuyo. Hindi magkamayaw angmaraming tao dahil sa dami ng nakita nilang isda sa ilalim nglawa. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.5/17
Dumaan ang isang minuto, tuloy pa rin ang mga tao sa pagkuha ng isda…lumipas ang dalawa…hanggang tatlong minuto at hindi pa rin sila tumigil. Sumenyas ang lalaki pagbabadya na hindi na niya makakayanan pa. Ngunit hindi pinansin ng mga tao ang kanyang senyas. Nang hindi na niya makayanan ay ibinuga na niya ang tubig. Tumaas ang tubig at muling nabalik sa dating anyo ang lawa. Marami ang nalunod dahil sa pagpipilit nilang makakuha ng labis-labis na isda. Hindi sila namatay sa gutom…namatay sila dahil sa pagiging makasarili. Halaw sa: Parables of the Barrio, Vol. I Juan M. FlavierSagutin Mo 1. Ano ang aral na mapupulot mo sa kuwento? 2. Naging mapanagutan ba ang mga tao sa pagkakataong ipinagkaloob sa kanila? Patunayan. 3. Paano mo ito maiuugnay sa mga suliraning pangkapaligirang nagaganap sa kasalukuyan? 4. Anong pagpapahalaga ang nararapat pairalin upang higit na pakinabangan ng mga susunod na henerasyon ang biyaya buhat sa lawa? Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.6/17
Gawain Blg. 2 Mayaman at sagana ang ating bansa sa likas na yaman. Yamang maaaripang pakinabangan ng mga susunod na henerasyon kung iaayos lamang ngmga tao sa kasalukuyan ang paggamit nito. Anu-ano ang mga pagpapahalaganag nararapat isabuhay ng mga Pilipinoupang ang likas na yaman ng ating bansa ay pakinabanagan pa ng mgasumusunod na salinlahi tulad ng iyong mga anak at apo. Isulat mo ang iyongsagot sa tapat ng mga larawan sa kaliwa. Hal. Mapangangalagaan ko ang mga ibon sa pamamagitan ng hindi panghuhuli sa mga ito lalo na ang mga exotic species nito. ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ ________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ _____________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.7/17
Sagutin Mo 1. Mula sa talaan ng mga sagot mo, ipaliwanag kung bakit mahalagang isabuhay ang mga pagpapahalagang ito? 2. Paano mapangangalagaan ang ating mga likas na yaman at yamang pantao?Gawain Blg. 3 Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Ano ang iyong gagawin kung ikaw angnasa sitwasyong ganito? Sa iyong pagsagot, isaalang-alang ang mgasumusunod na katanungan. 1. Paano mo babalansehin ang kapakanan ng iyong mga mamamayan at ang kaunlarang pangkabuhayan ng iyong bayan? 2. Anu-ano ang dapat isaalang-alang sa mga ganitong sitwasyon? Bakit? 3. Ang pagpapasya mo bang ito’y magtataguyod ng pag-unlad hanggang sa mga susunod pang henerasyon. Ang probinsyang iyong kinalakihan ay napakaganda at malaparaiso. Angdalampasigan ay napapalibutan ng puting buhanginan. Malinis at kulay bughawang karagatan at masagana ang yamang tubig. Dahilan sa kalayuan nito sa kabihasnan, napanatili nito ang kagandahan.Ang distansya ring ito ang dahilan kung bakit marami sa iyong mga kababayanang nanatili na lamang sa isla at hindi na naghangad pang makapag-aral. Sapatna para sa kanila na may bigas at isda sa hapag-kainan. Isa ka sa mapalad na nakapag-aral sa Maynila at ngayon ay punongbayan sa lugar na ito. Mahalaga sa iyo na umunlad ang iyong bayan lalo na angkalagayan ng kabuhayan ng mga mamamayan. May mga dayuhang nagpunta at nagbalak magtayo ng resort sa inyonglugar. Makalilikha ito ng trabaho para sa iyong mamamayan at magiging tanyagang inyong lugar hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa. Malaking tulong ito sa kita ng inyong bayan subalit nangangahulugan dinitong malaking bahagi ng inyong isla ay hindi na magagamit ng inyong mgamamamayan dahil sa ito’y isasara na sa kanila sapagkat exclusive resort ito parasa mga mayayamang club members. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.8/17
IV. Ano ang Iyong Natuklasan? Sa natapos na gawain, natitiyak kong may mga bagay at kaisipang naging malinaw sa iyo. Isulat mo sa kaukulang espasyo ang konseptong mabubuo mo bunga ng araling ito. Gamiting gabay ang mga salitang nasa kahon.pangalagaan mahalaga kapaligiran susunod na henerasyon Konsepto: __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________ __________________________V. Pagpapatibay Ang pag-unlad ng isang lipunan ay hindi lamang masusukat sa daming kita ng mga mamamayan at nagtataasang mga gusali. Ang tunay na pag-unlad ay holistiko. Makikita dito ang pag-unlad hindilamang ng antas ng kabuhayan kundi maging ang pagtaas ng antas ngmoralidad at ispiritwalidad ng mga tao. Napapaloob din dito ang pamamaraanng pagtugon sa mga pangangailangan sa kasalukuyan na hindi namannaisasakripisyo ang kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. Nararapat dito ang matalinong paggamit ng mga likas-yaman upangpatuloy nitong matugunan ang pangangailangan ng tao hindi lamang ngayonkundi sa mga taon pang darating. May mga likas na yaman na kapag naubos o inabuso ay hindi namapapalitan pa. Sabi nga sa awitin, “ hindi masama ang pag-unlad kung hindinakasisira sa kapaligiran.” Nagpapahiwatig ito ng kahalagahan ng Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.9/17
mapanagutang pamamahala sa mga materyal na bagay na kaloob sa atin ngDiyos. Ang lahat sa daigdig ay magkakaugnay. Naniniwala ka ba dito?Anuman ang gawin natin sa kalikasan at sa lahat ng materyal na bagay naipinakaloob ng Diyos sa atin ay tiyak na babalik rin sa atin? Pamilyar ka marahil sa red tide, landslide at iba pa. Hindi ba’t resultaang mga ito ng hindi wastong pamamahala sa likas na yamang ipinagkaloobsa atin. Hindi dapat maisakripisyo ang likas na yaman kapalit ng pag-unlad.Maaari namang makamit ang pag-angat ng kabuhayan ng hindiisinasakripipsyo ang kalikasan. Makikita sa pahayag ni Punsalan kung paano matatamo ng likaskayang pag-unlad ang pagsasabuhay ng mapanagutang pamamahala samateryal na bagay. Ang mga ito ay ang: 1. Pagbabago ng pananaw sa pamamagitan ng pagtataguyod sa kahalagahan ng simpleng pamumuhay at hindi maaksayang pagkonsumo 2. Wastong paggamit at tamang pangangalaga sa kalikasan, paggalang at pagtataguyod ng pagpapalit ng mga nagamit na bahagi ng kalikasan 3. Pakikibahagi sa paglutas ng mga suliranin ng kapaligiran 4. Paggamit ng mga teknolohiyang hindi nakasisira sa kalikasan 5. Pagtataguyod ng responsableng pamumuno sa lahat ng antas ng pamayanan o bansa 6. Pagtulong sa maliliit na pamayanan o bansa na magkaroon ng mga programang tutugon sa kanilang pangangailangan 7. Pagkuha ng suporta mula sa malalaking sektor ng lipunan tulad ng mga industriya, pamahalaan, mga institusyon at media Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.10/17
Narito ang sipi ng Kontrata sa Mundo. Basahin mo at sikaping isabuhay ang mga isinasaad dito. KONTRATA SA MUNDO Kasunduang Pangmamamayan Para sa Pangkalahatang kaligtasan ng Ekolohiya Preamble Kami, mga mamamayan ng dagdig ay nagagalak sa kagandahan at kahiwagaan ng lupa, langit, tubig, at buhay na iba’t ibang uri. Ang Daigdig ang aming tahanan. Ibinabahagi namin ito sa iba pang nabubuhay na nilalang. Subalit magagawa naming ang daigdig ay maging hindi karapat-dapat na pamayanan o tirahan ng tao at iba pang uri ng nilalang. Nababaog ang mga lupain, dumudumi ang mga papawirin, nalalason ang mga tubigan. Naririnig sa buong mundo ang hinaing ng mga taong may nawawasak na lupain, kabuhayan at kalusugan. Ang daigdig mismo ang nananawagan upang tayo’y gisingin. Tayo at ang lahat ng nabubuhay na nilalang ay umaasa sa daigdig at sa bawat isa para sa ating pangkalahatang pagkabuhayan, kapakanan at kaunlaran. Ang ating kinabukasa’y nakabatay sa muling pagsisiyasat ng ating mgapinakabatayang paniniwala hinggil sa relasyon ng sangkatauhan sa daigdig. Kailangang buuin natin ang pangkalahatang prinsipyo at sistema upang hubugin ang ating kinabukasan alinsunod sa daigdig. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.11/17
Mga Prinsipyo at Panata PangkapaligiranBilang pakikipagkasundo sa bawat isa at sa ngalan ng buong pamayananng daigdig, itinatalaga namin ang aming sarili sa sumusunod na prinsipyo at aksyon: Relasyon sa daigdig: Bawat buhay ay sagrado. Bawat tao ay isangnatatangi at integral na bahagi ng pamayanan ng buhay sa daigdig at may isang tanging responsibilidad na pangalagaan ang buhay sa iba’t ibang anyo nito.Samakatwid, kikilos tayo at mamumuhay sa isang paraang magpapanatilisa likas na mga proseso ng buhay sa daigdig at igagalang namin ang lahat ng uri ng nilalang at ang kanilang paninirahan. Kikilos tayo upang mapigil ang pagkawasak ng ekolohiya. Relasyon sa bawat isa: Bawat tao ay may karapatan para sa isang kapaligirang angkop sa kalusugan at sa mga pagkakataong matamo ang biyaya ng daigdig. Bawat isa rin ay may patuloy na tungkuling gumawa para sa katuparan ng mga karapatang ito para sa kasalukuyan at sa susunod pang salinlahi. Samakatwid, dahil sa pagmamalasakit ng bawat tao ay magkakaroon ng pagkain, tahanan, malinis na hangin, malinis na tubig, edukasyon, hanapbuhay, at lahat ng kailangan upang lubos na matamasa ang mga karapatang pantao. Tayo’y kikilos para sa higit na pantay-pantay na mga pagkakataon sa mga pinagkukunang-yaman ng daigdig. Relasyon sa kaligtasang pang-ekonomiya at pang-ekolohiya: Sapagkat ang buhay ay nakabatay sa likas na proseso ng daigdig, ang kaunlarang pang-ekonomiya, upang magiging matatag ay dapat magpanatili ng nagbibigay buhay na sistema sa daigdig. Samakatwid, gagamitin natin ang mga teknolohiyang nagbibigay proteksyon sa kapaligiran at tutulong upang mapalaganap ang mga iyon Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.12/17
sa mga tao sa bawat panig ng daigdig. Kung nag-aalinlangan ukol sa kalalabasan ng mga layuning pang-ekonomiya at ng mga teknolohiyahinggil sa kapaligiran, tutulutan natin ang karagdagang hakbangin para sa pangangalaga sa kalikasan. Pamamahala at kaligtasang pang-ekonomiya: Ang pangangalaga at pagpapalawig ng buhay sa daigdig ay nangangailangan ng sapat na mga sistemang panglehislatura, pang- administrasyon at pang-hudikatura sa mga angkop na antas lokal, pambansa, pangrehiyon at pandaigdig.Upang maging mabisa, ang mga sistemang ito ay kailangang mabigyan ng kapangyarihan o kinatawan, may pakikilahok at nakabatay sa pagiging bukas ng mga impormasyon. Samakatwid, kikilos tayo para sa pagpapatupad ng mga batas na nangangalaga sa kapaligiran at itataguyod ang pagtalima sa mga iyon sa pamamagitan ng mga gawaing pang-edukasyon, pampulitika at panglegal. Isusulong natin ang mga patakaran sa pagpigil o prevention sa halip na reaksyon lamang sa pagkapinsala ng ekolohiya. Nagpapahayag ng ating pakikipagkasundo sa isa’t isa at sa daigdig. Sumusumpa tayong magiging tapat sa mga nabanggit na panata. ________________ Lagda Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.13/17
VI. Pagnilayan at Isabuhay Mo A. Alin sa mga binanggit sa Kontrata sa Mundo ang maaari mong maging kontribusyon sa pagpapairal ng mapanagutang paggamit ng likas na yaman? B. Ipagpalagay nating kasama ka sa lupong naatasang gumawa ng Ten- Year Development Plan para sa Pilipinas. Ano ang mga hakbang at programang iyong gagawin upang makamit natin ang pag-unlad na hindi naisasakripisyo ang kapakanan ng kalikasan at iba pang yamang kaloob ng Diyos? TEN YEAR DEVELOPMENT PLAN Ang mga hakbang at programang aking isasagawa upang mapangalagaan ang kapaligiran ay ang mga sumusunod: ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.14/17
VII. Gaano Ka Natuto? A. Sanhi at Epekto. Basahing mabuti ang mga pangungusap sa hanay A at tukuyin ang magiging sanhi nito sa hanay B.Hanay A Hanay B1. Maitim na usok ng mga a. Pagliit ng sukat ng mga lupang sasakyan sakahan2. Pagtatapon ng basura sa ilog b. Pagbagsak ng local na at dagat industriya3. Walang habas na pagtotroso c. Red tape4. Pagkuha ng mga corals sa d. Pagkaubos ng lahi ng mga ilalim ng dagat upang gawing kakaibang halaman at hayop dekorasyon e. Pagkaubos ng pondo para sa5. Panghuhuli at pagbebenta ng mga exotic na halaman at mga proyektong pampubliko hayop f. Red tide6. Pangungurakot sa kaban ng g. Pagkawala ng tirahan ng mga bayan7. Hindi pagpansin sa mga maliliit na isda suhulang nakikita sa tanggapan h. Pagkakalbo ng kagubatan ng pamahalaan i. Pagkakasakit sa baga8. Pagpapaliban ng trabaho sa j. Paglaganap ng katiwalian sa opisina na maaari namang gawin kaagad mga tanggapan ng pamahalaan9. Pagpapatayo ng mga k. Paglaganap ng kriminalidad subdivision sa probinsya10.Maluwag na pagpasok ng mga produktong dayuhan sa ating pamilihanProject EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.15/17
B. Basahin ang mga pangungusap at piliin ang titik ng wastong sagot 1. Ang yaman ng mundo ay ipinagkaloob ng Diyos sa tao upang: a. magamit sa negosyo b. kilalanin Siya at dakilain ng kanyang mga nilikha c. gamitin at pamahalaan nang wasto d. pagmasdan at hangaan 2. Mahalagang salik sa pagkakamit ng pangkabuhayang kaunlaran ng bansa ang: a. pagkakasundo ng mga pinunong pang relihiyon b. mapanagutang pamamahala ng mga likas na yaman c. pagbaba ng mga presyo ng bilihin d. pag-iipon ng pera ng mga mamamayan 3. Nahihirapan ang pamahalaan na lutasin ang illegal logging sapagkat : a. maraming taga probinsya ang walang trabaho b. mahina ang batas upang parusahan ang mga illegal loggers c. malawak ang kagubatan sa Pilipinas d. kulang sa impormasyon ang mga awtoridad 4. Ang pagpapahalagang dapat linangin upang mapangalagaan ang mga yamang kaloob ng Diyos sa tao ay: a. paggalang b. mapanagutang pamamahala c. pagiging masinop d. pagiging masipag 5. Ano ang pinakamakatwirang dahilan kung bakit ang katiwalian ay isang palatandaan na hindi maayos ang pamamahala sa kaban ng pamahalaan? a. Nasasayang ang buwis na ibinabayad ng mga mamamayan. b. Hindi naibibigay sa mga mamamayan ang proyekto at serbisyong panlipunan na makatutugon sa kanilang pangangailangan. c. Nawawala ang tiwala ng mamamayan sa mga pinuno. d. Hindi maitaas ang suweldo ng mga empleyado ng pamahalaan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.16/17
Mga SanggunianFlavier, Juan M. Parables of the Barrio Vol. 1. ManilaPunsalan, Twila, et al., Buhay. Manila: Philippine Normal University ValuesEducation Faculty. 1999Susi sa PagwawastoHanda ka na ba?/ Gaano ka natuto?A. 1. i 2. f 3. h 4. g 5. d 6. e 7. j 8. c 9. a 10. bB. 1. c 2. b 3. b 4. b 5. b Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga III, Modyul Blg.3 pah.17/17
Edukasyon sa Pagpapahalaga III Yunit I Modyul Blg. 4 Serbisyong TotooI. Ano ang Inaasahang Matututuhan Mo? Narinig mo na ba ang islogang “mamamayan muna bago mamaya na”? Sa palagay mo bakit ito ipinapapaskil ng Civil Service Commission sa mga tanggapan ng paamahalaan? Naranasan mo na bang pumunta sa isang tanggapan ng pamahalaan? Ano ang napansin mo sa mga kawani na nagtatrabaho dito? Ginagawa ba nila ang tunay na pagseserbisyo sa mga mamamayang pumupunta sa kanila, o may pinagkakaabalahan silang iba at hinahayaang maghintay ang mga tao? Ano kaya ang mararamdaman mo kung paghintayin ka ng matagal o di kaya ay ituro kung kani-kanino para lamang mapapirma ang isang opisyal ng pamahalaan sa iyong papeles? Sa pagtunghay mo sa mga gawain sa modyul na ito matutuklasan mo ang tunay na layunin kung bakit may pamahalaan at may mga tanggapan ito. Inaasahang malilinang sa iyo ang mga sumusunod na kasanayan at pagpapahalaga: L.C 1.7 Nakikilala na ang pamahalaan at lahat ng tanggapan nito ay itinatag upang maglingkod sa mamamayan A. Natutukoy ang layunin sa pagkakatatag ng pamahalaan at mga tanggapan nito B. Nasusuri ang sanhi ng hindi kanais-nais na persepsyon ng mamamayan sa mga kawani ng pamahalaan C. Napahahalagahan ang tunay na diwa ng serbisyo publiko sa pamamagitan ng paglilingkod sa kanyang kapwa sa lahat ng pagkakataon Ang modyul na ito ay sadyang binuo upang maunawaan mong mabuti ang mga aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga III kahit hindi ka makapasok sa paaralan nang regular. Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 1/11
Upang maging lubos ang iyong pag- unawa sa mga nilalaman ng mga aralin, sundin mo nang tapat ang mga sumusunod na tagubilin: 1. Basahin ang modyul ayon sa pagkakasunud-sunod ng mga gawain. 2. Unawaing mabuti ang nilalaman ng paksang aralin. 3. Basahin at sundin ang mga panuto at iba pang tagubilin. 4. Pag-isipang mabuti ang mga sagot sa bawat tanong bago ito isulat sa tanging kuwaderno sa Edukasyon sa Pagpapahalaga. 5. Maging tapat sa iyong sarili sa lahat ng pagkakataon. Laging isaalang- alang ang iyong puso at damdamin sa pagsagot sa mga tanong. Gamiting gabay ang layuning matuto at mapaunlad ang sariling pagkatao sa lahat ng mga gawain. 6. Magtanong sa guro, magulang, kamag-aral o kaibigan kung kailangan. 7. Maging matiyaga sa pag-aaral. Huwag mawalan ng pag-asa kahit nahihirapan. Bago mo simulan ang gawain sa modyul, sagutin mo ang mga sumusunod na panimulang pagsubok.II. Handa Ka Na Ba? Panuto: Basahin ang mga sumusunod na pangungusap at isulat ang titik ng pinakawastong sagot. 1. A public office is a public trust. Anong pagpapahalaga ang napapaloob dito? a. paggalang b. pananagutan c. pakikiisa 2. Serbisyo publiko ang tawag sa gawain ng mga kawani ng pamahalaan sapagkat: a. ang mamamayan ang kanilang pinaglilingkuran b. tumutulong sila sa kaunlaran ng bansa c. pinatatakbo nila ang mga ahensya ng pamahalaan 3. Ang ipinasusuweldo sa mga kawani ng pamahalaan ay nanggagaling sa: a. kongreso b. mamamayan c. pangulo 4. Naitatatag ang isang tanggapan ng pamahalaan depende sa: a. kagustuhan ng pangulo b. pagpapasya ng kongreso c. pangangailangan ng mamamayan Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 2/11
5. Ang tanggapan ng pamahalaan na tumatanggap ng mga reklamo laban sa mga kawani ng iba’t-ibang tanggapang pampamahalaan ay ang: a. Commission on Human Rights b. Commission on Cultural Affairs c. Civil Service CommissionIII. Tuklasin Mo Gawain Blg. 1 Tunghayan mo ang mga sitwasyon na nagaganap sa ilang tanggapan ng pamahalaan. Ikawalo ng umaga pa lamang ay pumunta na si Badong sa munisipyo upang pumila at kumuha ng mahalagang dokumento para sa kanyang nalalapit na pagpapakasal. Maraming tao at mahaba ang pila. Nang magbigay ng numero ay pang 187 siya. Nagtiyaga pan rin siya sapagkat kailangang-kailangan niyang makuha ang mga nabanggit na dokumento. Nang siya na ang nasa harapan ng counter ay biglang sinabi ng kawani ng munisipyo na:Ms. baka naman pwede Alas 10:00 na po, closepakiayos mo na, muna counter ko,nagmamadali rin ako, breaktime po namin.kanina pa akong alas Maghintay na lang pootso dito. Isa pa may kayo, 10:30 babalik akopasok din akoSagut1.A Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 3/11
Sagutin Mo1. Ano ang mararamdaman mo kung ikaw si Badong?2. Kung ikaw ang empleyada, uunahin mo pa ba ang mag-break time kaysa asikasuhin ang mga nakapila? Bakit?3. Ano ang maaari mong gawin upang makapagbigay ng serbisyong totoo sa publiko?Sitwasyon Blg. 2 Kinakailangan ni Mario na makakuha ng birth certificate upang maprosesoang kanyang pasaporte. Nagpunta siya sa tanggapan ng pamahalaang nakasasaklaw sa gawaingito. Matapos ibigay ang mga kinakailangang impormayon, binigyan siya ng slip nanakasulat na babalik siya matapos ang tatlong araw. Nagtaka siya dahil ang alamniya, batay sa anunsyo ng tanggapang ito, isang araw lamang ang paghihintay atmakukuha na kinabukasan.Bakit tatlong araw, di ba isang Marami ho kasingaraw lang makukuha na? Iyan ang papeles nanakalagay sa anunsyo ng ahensya pinoproseso.ninyo sa diyaryo di ba? Bakit Basta tatlong arawganoon? Ano ba ‘yan? mula ngayon saka kayo bumalik…Next in line Project EASE: Edukasyon sa Pagpapahalaga-III, Modyul Blg. 4, pah. 4/11
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258