Gawain 3: Paglalapat Palagay ko ay marami kang natutuhan tungkol sa ating sinaunang kalinangan. Ngayon ay maglista ka ng mga maaari mong gawin upangmaipagmalaki mo ang kalinangang Pilipino.1.________________________________________________________________2. ________________________________________________________________3. ________________________________________________________________4. ________________________________________________________________5. ________________________________________________________________ARALIN 3PAG-UNLAD NG MGA PAMAYANANG PILIPINOSA PANAHONG METAL (500 BK-1AD) Ang mga sumunod na taon sa ating kasaysayan sa pagitan ng 500BK (bagoipinanganak si Kristo) hanggang 1AD (sa panahon ni Kristo) ay nagdulot ngmalaking pagbabago sa pamayanang Pilipino. Nagsimula nang silang gumamit ngmga kagamitang metal ang ating mga ninuno na nagpabilis sa mga pagbabago sakanilang buhay. Sa araling ito, makikita natin ang mga pagbabago sa buhay ng ating mganinuno. Sa panahong tatalakayin, maaaninag mo ang kanilang pag-unlad sa pulitika,sa relihiyon, sa kabuhayan. Makikita mo na ang pag-unlad ng kanilang mgatradisyon, sining, wika, at antas ng lipunan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay : 1. Makapaglalarawan ng pamumuhay ng mga Pilipino sa pagyabong ng pamayanan at kalakalan sa panahon ng metal; 2. Makapagsusuri ng mga gawain ng ating mga ninuno sa pagpapaunlad ng kanilang pamayanan; at 3. Makagagawa ng plano upang mapanatili ang ating mayabong na kultura. 17
Gawain 1: Pag-isipan Mo!Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng gamit na metal. Pagkatapos ay sagutin moang mga tanong na ito:1. Sa iyong palagay, ano ang katangian ng gamit na metal?2. Matutukoy mo kaya ang kahalagahan ng metal sa pag-unlad ng isangpamayanan? Subukan mo.___________________________________________________________________Pagyabong ng Pamayanan at Kalakalan Ang mga labi‘ng nadiskubre ng mga arkeologo sa Batangas, Laguna,Mindoro, Iloilo, Masbate, Palawan, Cebu at Davao ay kinabitaan ng pagbabago ngmga pamayanan dahil sa pakikipagkalakalan ng ating mga ninuno. Ang mga datingdi permanenteng panirahan ay naging permanente. Natayo ang mga panirahang itosa mga tabing dagat at ilog (tinawag itong Ilud) o gilid ng mga bundok (tinawag itongIlaya). Uminog ang buhay sa mga pamayanan dahil sa pakikipagkalakalan.Nagkaroon ng palitan ng produkto ang mga taga-Ilaya at taga Ilud,Nakipagkalakalan din ang ating mga ninuno sa iba pang banyagang mangangalakal.Ang mga produkto sa mga kabundukan ay ipinagpalit sa mga produktong paso atiba pang gamit banyaga. 18
Paggamit ng Metal Tanso, bakal at bronse ang mga metal na Sinaunang produktong gintoginamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa noongpanahong ito. Bagamat may mga gumagamit pa rin ngbato, unti-unti itong napalitan ng mga metal. Naginglaganap ang teknolohiya ng paghinang ng metal kaya’tmarami sa gamit ng ating mga ninuno ay yari sa metal.Ang kanilang mga sibat, palakol, kutsilyo na may iba’tibang guhit, itak, mga lutuan at espada, ay yari sa metal.Paghahabi Ang pagsusuot ng mga dahon at sanga ng mga puno ay napalitan ng mgatela nang natutong maghabi ang ating mga ninuno. Ang paghahabi ay naginglaganap mula Luzon hanggang Mindanao. Ang teknolohiyang ito ay ginagamithanggang sa kasalukuyan ng ating mga katutubo.Industriya ng Paso Sa simula ay hindi pa gaanong maayos ang mga pasong ginawa ng atingmga ninuno. Sa panahong ito, ang paggawa ng paso ay naging malawakangindustriya. Ang mahuhusay na teknolohiya ng paggawa ng paso ay matatagpuan parin sa Tabon sa Palawan, Kalanay sa Masbate, Novaliches, at Maitum sa lalawiganng Saranggani. Ang paso ay naging bahagi ng ritwal sa patay at sa mga handaan ngating mga ninuno.Paggamit ng mga Hikaw, Pulseras, Kwintas at Iba Pa Naging kaugalian ng ating mga ninuno ang paggamit ng mga hikaw, pulseras,kwintas at beads, na yari sa ginto, buto, at mga kabibi. Tinatayang ang paggamitnito ay hindi lamang bilang palamuti sa katawan. May mga naniniwala na ang 19
paggamit ng mga metal o buto bilang palamuti sa katawan ay panlaban din samasamang espiritu. Ang kuwintas at pulseras ay pinaniniwalaang pampigil sakaluluwa ng isang tao upang hindi siya iwanan nito at hindi masingitan ng mgamasamang espiritu ang katabi niyang kaluluwa.Buhay Pulitika May mga ebidensya na sa panahong ito ay nagsimula nang magkaroon ngmga lider o pinuno sa mga pamayanan. Ito ay nakita sa mga ebidensya sa mgalibingan. May mga patay na mas maraming pabaon at may mga patay na kauntilamang. Isa pang ebidensya ay ang pag-oorganisa ng mga pamayanan. May mgapamayanan na hiwalay sa iba pang pamayanan. Ang mga ebidensyang ito aynagpapakita na may mga namumuno na sa mga pamayanan ngunit hindi pamasyadong maliwanag ang mga papel na ginagampanan ng mga pinuno. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Mas mapalalalim mo ang iyong kaalaman kung ikaw ay magsasaliksik. Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagpapakita ng uri ngpamumuhay ng ating mga ninuno sa panahong metal. Ipaliwanag ang iyongginawa. 20
Tandaan Mo! Ang mga dating di-permanenteng panirahan ay naging permanente na sa mga tabing dagat at ilog (tinawag itong Ilud) o gilid ng mga bundok (tinawag itong Ilaya). Nagkaroon ng palitan ng mga produkto ang mga taga-Ilaya at taga-sa-ilud gayundin sa iba pang banyagang mangangalakal. Tanso, bakal at bronse ang mga metal na naging laganap na ginamit sa iba’t ibang bahagi ng bansa noong panahong ito. Ang paghahabi ay naging laganap mula Luzon hanggang Mindanao kung saan ang teknolohiyang ito ay makikita pa rin hanggang sa kasalukuyan sa ating mga katutubo. Ang mahuhusay na teknolohiya ng paggawa ng paso ay matatagpuan sa Tabon sa Palawan, Kalanay sa Masbate, Novaliches, at Maitum sa lalawigan ng Saranggani. Ang mga hikaw, pulseras, kwintas at beads, na yari sa ginto, buto, mga kabibi ay laganap na ginamit ng ating mga ninuno. Nagsimula nang magkaroon ng mga lider sa mga pamayanan noong panahon ng metal. Gawain 3: Paglalapat Natuwa ka ba sa mga natutuhan mo tungkol sa pamumuhay ng ating mga pinuno noong panahon ng metal? Bumuo ng plano namagpapakita ng mga tiyak na hakbang upang mapanatili natin ang kulturangPilipino. Ipaliwanag sa isang talata ang iyong plano. 21
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO: Marami tayong tinalakay sa modyul na ito. Ang mga sumusunod ay dapatmong tandaan:Ang salitang Filipino ay unang itinawag sa mga Kastilang ipinanganak atnanirahan sa Filipinas noong panahon ng Kastila. Si Jose Rizal ang unangnagbansag sa mga katutubo na Filipino batay sa kanyang tulang A La JuventudFilipina (Sa mga Kabataang Filipino).Ipinagpatuloy ng mga Amerikano ang paggamit ng salitang Filipino nanangangahulugang mga mamamayan ng Pilipinas.May tatlong kilalang teorya kung saan nagmula ang lahing Pilipino. Ang mga itoay ang Teorya ng Pandarayuhan, ang Teorya ng Paglipat-lipat ng Panirahanng Asyano at ang Teorya ng Ebolusyon.May mga ebidensya na ang mga ninuno natin ay gumawa ng mga kagamitangpaso noong mga 1,500 BK. Ang mahuhusay na teknolohiya ng paggawa ng pasoay matatagpuan sa Tabon sa Palawan, Kalanay sa Masbate, Novaliches, atMaitum sa lalawigan ng Saranggani.Maliit lamang ang populasyon ng mga ninuno nating namuhay sa mgapamayanan. Ang mga dating di-permanenteng panirahan ay naging permanentena sa mga tabing dagat at ilog (tinawag itong Ilud) o gilid ng mga bundok(tinawag itong Ilaya).Ang ating mga ninuno ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso at pagpitasng gulay at mga prutas, at nang lumaon ay sa pagtatanim.Nagkaroon ng palitan ng mga produkto ang mga taga-Ilaya at taga-sa-iludgayundin sa iba pang banyagang mangangalakal.Tanso, bakal at bronse ang mga metal na ginamit sa iba’t ibang bahagi ng bansanoong panahon ng metal.Ang paghahabi ay naging laganap mula Luzon hanggang Mindanao. Kung saanang teknolohiyang ito ay ginagamit pa rin hanggang sa kasalukuyan ng atingmga katutubo. 22
PANGHULING PAGSUSULIT:I. Isulat ang T kung tama at M kung Mali ang mga sumusunod na pangungusap: _____1. Iisa lamang ang teorya hinggil sa pinagmulan ng lahing Pilipino. _____2. May mga alam nang teknolohiya ang mga sinaunang Pilipino. _____3. Ang nagpayabong sa kalinangang Pilipino ay ang pagdiskubre ng kabibi. _____4. Ang panahon ng lumang bato ay panahon din ng pagkatuklas ng apoy. _____5. Ang mga pamayanan ay mayabong na noong panahon ng lumang bato. _____6. Ang salitang Filipino ay isang modernong salita. _____7. Malalim ang pinagmulan ng kalinangang Pilipino. _____8. Maaaring nanggaling ang sinaunang Pilipino sa Austronesyano. _____9. Mas laganap ang metal kaysa paso noong panahon ng bagong bato. _____10. Ang pamilya ang pangunahing yunit ng lipunan ng sinaunang Pilipino. II. Isulat ang titik ng hindi kasali sa grupo. Isulat ang katwiran kung bakit ito ay hindi kasali sa grupo.__________1. A. hikaw B. pulseras C. kabibi D. kwintas__________2. A. Palawan B. Masbate C. Batangas D. Novaliches__________3. A. paghabi B. paggawa ng paso C. pangangaso D. paggawa ng metal__________4. A. Austronesyano B. Indones C. Malay D. Negritos__________5. A. elephas Philipinensis B. Taong Tabon C. kuweba ng Tabon D. metal 23
___________6. A. mga palakol B. mga magagaspang na bato C. mga pinatulis ngunit magagaspang na bato D. mga pinakinis at pinaninipis na mga bato___________7. A. permanenteng tahanan B. pakikipagkalakalan C. pangangaso D. pagtatanim___________8. A. teorya ng pandarayuhan B. teorya ng paglipat-lipat ng panirahan C. teorya ng ebolusyon D. teoryang “Divine Right”___________9. A. itak B. kutsilyo C. pamukpok na bato D. sibat___________10. A. Austronesyano B. Mga Primitibong Tao C. Australoid-Sakai D. Indones A at B 24
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT 9. a1. c 10. a2. d 11. d3. b 12. b4. b 13. a5. a 14. c6. b 15. a7. b8. aARALIN 1 ANG GAWAIN AY MAARING TINGNAN SA TEKSTO NG MODYULGawain 1: Pag-isipan Mo! 1. Iba’t ibang ang bahaging nakaguhit. 2. Sa ating lahi, iba’t iba ang anyo ng ating mga ninuno, kayat iba’t iba rin ang ating mga kaanyuan. 3. Mga halimbawa ng iba’t ibang paglalarawan sa pisikal na anyo ng mga Pilipino: a. May kayumanggi, may maputi. b. Mya kulot ang buhok, may unat ang buhok. c. May singkit ang mata at pango ang ilong. d. May mataas at mayroon din naming maliliit.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMga Teorya Kalakasan Kahinaan Hindi maipaliwanag ang ruta1. Pandarayuhan Natukoy ang mga ng mga dayuhan. Hindi maipaliwanag kung ano ang impluwensyang Malay, eksaktong pagkakasunud- sunod ng pagdating dito ng Indones at Primitibong 25 Tao sa ating kultura.
mga dayuhan.2. Paglipat-lipat ng Naipakita ang pagdating Hindi maipaliwanag kung tirahan ng mga dayuhan galling paano mabilis na kumalat3. Ebolusyon sa Timon Tsina kayat ang kulturang naipaliwanag kung bakit Austronesyano. may mga ninuno tayong Instik. Naipaliwanag na Naipaliwanag na may tao na karugtong ng Asya ang sa Pilipinas bago pa Pilipinas kayat dumating ang mga nakatawid dito ang iba’t mandarayuhan ngunit hindi ibang ninuno natin. maipaliwanag kung ano ang kultura ng sinaunang tao sa Pilipinas bago pa dumating ang mga dayuhan.Gawain 3: Palalapat 1. May mga nakatira na sa Pilipinas bago pa man nagsidating ang mga iba’t ibang lahi. 2. Ang mga Pilipino ay kaisang-lahi ng mga Asyano kayat pareho ang ating mga kultura. 3. Iba’t ibang lahi ang ating pinagmulan kayat mayaman ang ating kultura at wika. 4. Umunlad at nalinang ang ating mga wikain sa pagdaan ng mga panahon at dapat nating ipagmalaki ito. 5. Umunlad at yumaman ang kultura at mga kagamitan ng mga sinaunang Pilipino sapagkat marunong silang iangkop sa kanilang kultura ang kultura ng mga dayuhan. 26
ARALIN 2 ANG SINAUNANG PILIPINO SA PANAHON NG METALGawain 1: Pag-isipan Mo!1. Liwan 6. Paso2. Tabon 7. Bato3. Manunggol 8. Palawan4. Kuweba 9. Rizal5. Kabibi 10. BatangasGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Panahon Mga Kagamitan50,000 hanggang 10,000 BK Panahon ng bato at paso10,000 hanggang 5,000 BK Paggamit ng apoy8,000 hanggang 500 BK Makikinis na kagamitang bato1,750 hanggang 1,380 Bk Pagtatanim at pag-aalaga ng hayop1,750 hanggang 500 BK Paggamit ng pinatalas na kabibi bilang panghiwaGawain 3: PaglalapatMga halimbawa ng kasagutan: 1. Tangkilikin ang mga habing katutubo. 2. Ipagmalaki ang mga katutubong kwintas at hikaw at iba pang palamuti sa katawan. 3. Pansinin at ipagmalaki sa ibang rehiyon ang mga katutubong kagamitan at kultura ng ating rehiyon 4. Magbasa at magsaliksik pa tungkol sa katutubong kultura. 5. Ipagmalaki ang iba’t ibang pangkat etniko sa bansa. 27
ARALIN 3 PAG-UNLAD NG MGA PAMAYANANG PILIPINO SAPANAHONG METALGawain 1: Pag-isipan Mo! 1. Ang metal ay pangmatagalan ay pangmatagalan ang gamit. Gamitin din ito sa pagpaparami ng produksyon. 2. Nakikita sa antas ng teknolohiya ng metal ang bilis at lawak ng pag-unlad. Mas mayaman ang isang bansa kung mayaman ito sa kagamitang metal. Mas maraming produktong magagamit sa pagbebenta ng kalakal.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isangguni at ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong ginawang larawanng panahong metal.Gawain 3: PagpapalapatHalimbawa ang isang plano upang mapanatili ang kulturang Pilipino: Kinakailangang magkaroon ng patakaran ang pamahalaan sa paglusong ngkulturang Pilipino. Dapat palaganapin ang mga katutubong awitin, sayaw, mgakasuotan, at palamuti sa katawan. Sa mga paaralan, kailangang ipagdiwang angkulturang Pilipino. Sa mga barangay at munisipyo, maganda ring magdaos ng mgapalatuntunan na magpapamalas ng pagmamalaki sa ating sariling kultura.Pangwakas na Pagsusulit: 6. TI. Tama o Mali 7. T1. M 8. T2. T 9. T3. M 10. T4. M5. M 28
II. Alin ang hindi kasali sa grupo?1. C- Ang A, B, at D ay mga yari sa metal2. C- Ang A, B, at D ay mga lalawigang laganap ang paso3. C- Ang A, B, at D ay pawang sa mga panahon ng metal4. A- Ang B, C, at D ay mga nandayuhan sa Pilipinas ayon sa teorya ng migrasyon5. D- Ang A, B, at C ay pawang mga ebidensya ng sinaunang tao sa Pilipinas6. A- Ang B, C, at D ay mga kagamitan sa panahon ng lumang bato7. C- Ang A, B, at D ay pawang sa panahon ng metal8. D- Ang A, B, at C lamang ang bumubuo sa teorya ng sinaunang tao sa Pilipinas9. C- Ang A, B, at C lamang ang kasama sa panahon ng metal10. A- Ang A, B, at D ay hindi kasama sa Bellwood theory 29
MODYUL 4 ANG KALINANGANG PILIPINO SA PANAHON NG BARANGAY Ikaw ay nasa ika-apat na modyul na. Binabati kita! Sa mga sinundang aralin,natutuhan mo ang kahalagahan ng pag-aaral ng ating kasaysayan at ng ating lahingpinagmulan. Pinag-aralan mo rin ang heograpiya ng bansang Pilipinas kaya’tnatutuhan mo rin ang tungkol sa pisikal na katangian ng ating sariling bansa. Sa mga nakaraang modyul, napag-aralan mo na mayroong magandanglokasyon ang Pilipinas. Dahil dito, noong unang panahon pa man, mayroon nangnamamagitang ugnayang pangkalakalan ang Pilipinas sa mga karatig bansa saAsya tulad ng Tsina at Arabya. Nasa sangandaan ang Pilipinas ng rutangpangkalakalan kayat ang mga Pilipino, bago pa man nasakop ng mga dayuhan, aymayroon nang magandang ugnayan sa ibang bansa. Dahil dito, mayroon nangpagpapalitang nagaganap hindi lamang ng kalakal, kundi maging mga kultura atpaniniwala. Ano kaya ang kalagayan ng kultura ng mga Pilipino bago pa dumating ang mgaKastila? Mayroon na kaya tayong maunlad na kultura? Ano kaya ang nagingimpluwensya ng ating kultura sa mga bansang Asyanong nakipag-ugnayan sa atin? Sa modyul na ito, malalaman natin kung ano ang kalagayan ng kulturang Pilipinobago pa dumating ang mga Kastila. Matututuhan natin na maipagmamalaki natinang ating katutubong kulturang Pilipino dahil sa ating magaganda at kahanga-hangang mga gawi at tradisyon. Maipaliliwanag mo rin kung paano nakarating angmga Muslim sa Pilipinas at kung paano lumaganap ang relihiyong ito sa ating bansa.Sa huli, matutukoy mo kung paano nakaimpluwensya ang relihiyong Islam sakalinangan at pamumuhay ng mga Pilipino. 1
May limang aralin sa modyul na ito: Aralin 1 – Ang Panlipunang Pamumuhay ng mga Pilipino sa Panahon ng Barangay Aralin 2 – Ang Kalagayang Pangkultura mga Katutubong Pilipino Aralin 3 - Ang Pagdating ng Islam sa Pilipinas Aralin 4 – Ang Relihiyong Islam sa Panahon ng Barangay Aralin 5 - Impluwensya ng Islam sa Pamahalaan at Lipunang Muslim Pagkatapos ng modyul na Ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipagmamalaki ang pagkakaroon ng kultura ng mga sinaunang pamayanan; 2. Matatalakay ang paglaganap ng relihiyong Islam sa Pilipinas; 3. Masusuri ang mga katangian ng relihiyong Islam; at 4. Maipaliliwanag ang mga impluwensya ng Islam sa lipunang Pilipino. Handa ka na ba sa ating pag-aaral? Una sa lahat, sagutin mo muna angpanimulang pagsusulit. Sanay ka na dito, hindi ba? 2
PANIMULANG PAGSUSULIT: Ang pagsusulit na ito ay naglalayong tingnan kung hanggang saan ang iyongnalalaman tungkol sa paksang iyong pag-aaralan sa modyul na ito. Handa ka na ba?Unang Bahagi: Piliin ang wastong sagot sa mga tanong at bilugan ang titik nito.1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino? A. Nakikipagkalakalan na sila sa mga karatig-bansa at maunlad na ang pagsasaka B. Nabubuhay lamang sa pagkakaingin at pangangaso ang mga Pilipino C. Palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay2. Ano ang katangian ng barangay sa panahon ng sinaunang Pilipino? A. Mauunlad at nakapagsasarili ang mga bawat barangay B. Mayroon nang malalaking kahariang kinabibilangan ang mga barangay C. Madalas nakikidigma sa kapwa barangay3. Paano nagiging pinuno o datu ang isang tao noong sinaunang panahon? A. Kung siya ay nanalo sa digmaan o kung siya ay anak ng dating datu B. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay C. Kung siya ang inihalal ng mga kasapi ng barangay4. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa pamamagitan ng: A. Pagwawagi sa karera ng mga bangka B. Paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat C. Paninirahan sa tabing dagat5. Isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino noon ay ang: A. Paninirahan nila sa tabing dagat B. Pagkakaroon ng mga awit at tula C. Pagkakaroon ng maunlad na sistema ng pakikipagkalakalan6. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas? A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim B. Paglalakbay sa Arabya ng mga sinaunang Pilipino C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim7. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa teknolohiya? A. Kahusayan sa pangingisda B. Paggamit ng mga Pilipino ng sistema ng pagmimina ng metal C. Kahusayan sa pakikidigma8. Paano lumaganap ang Islam sa Mindanaw? A. Tinakot ang mga katutubong Pilipino B. Nakipag taling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga pinunong Pilipino C. Sinakop at binili ng mga mangangalakal na Arabe ang mga lupain sa Mindanaw 3
9. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw na bahagi nglimang haligi ng katotohanan ay tinawag naA. Salat o SalahB. SahadaC. Saum10. Isinasagawa ng mga Muslim ang pag-aayuno sa panahon ngA. Hari Raya B. Biyernes C. Ramadan11. Sa panahon ng barangay, ang tinuturing na sentro ng panrelihiyon, pampulitika atpanlipunang gawain ay ang:A. barangay B. Haj C. Moske12. Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sasistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ngA. May sari-sariling pamahalaan ang bawat barangay noonB. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansaC. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian13. Ipinakilala ang sistemang sultanato sa Pilipinas ni:A. Mohammed C. Rajah BaguindaB. Sharif Abu Bakr14. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ayA. hindi dapat magkasama.B. magkasama at pinag-isa.C. hindi pinahahalagahan.15. Ang Madrasah ay isang sistema ngA. panulat B. edukasyon C. pamamahalaIkalawang Bahagi: Tama o Mali? Isulat ang salitang Tama kung wasto angpangungusap at Mali kung ito ay hindi wasto. Kung mali ang pangungusap, ipaliwanagkung bakit ito mali.1. May malaking impluwensya ang relihiyong Islam sa lipunang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng buhay. __________________________________________.2. Nanatiling mababa ang antas ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang dumating ang mga Kastila. __________________________________________.3. Gumamit ng pangangalakal na pamamaraan ang mga Arabeng Muslim kayat madaling napalaganap ang Islam sa Mindanaw. _________________________.4. Naging malaki ang impluwensya ng Islam sa iba’t ibang aspeto ng lipunan. ____ ________________________________________________________________.5. Mayroon nang pederasyon at pagtutulungan ang mga barangay bago pa dumating ang mga Kastila. __________________________________________. 4
Aralin 1ANG PANLIPUNANG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA PANAHON NGBARANGAY Bago pa man dumating ang mga mananakop na mga Kastila, mayroon nangmaayos at maunlad na pamumuhay ang mga sinaunang Pilipino. Dahil dito, matatag atmatahimik ang kanilang lipunan. Ang kanilang panlipunang pamumuhay ay nagtataglayng magagandang pamamaraan na naging gabay ng mga sinaunang Pilipino sapagpapaunlad nila ng kanilang lipunan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang iyong: 1. Matutukoy ang mga katangian ng panlipunang pamumuhay ng mga Pilipino sa panahon ng barangay; at 2. Masusuri ang magagandang impluwensya ng panahon ng barangay sa kasalukuyan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Suriin ang larawan . Ito ay isangkaraniwang tanawin sa mga pamayanannoong panahon bago pa dumating angmga Kastila. Masasabi mo kaya kung anoang ginagawa ng mga sinaunangPilipino? Ilarawan din ang kanilang mgaanyo at kasuotan. Bakit kaya silanagkakatipun-tipon? 5
Pamumuhay sa Barangay Ang pamayanan ng mga sinaunang Pilipino ay may iba’t ibang laki atkinaroroonan depende sa bilang ng mga pamilyang naninirahan doon. Karaniwangmatatagpuan ang mga malalaking pamayanan sa mga baybaying dagat. Malalaki itodahil dito nagaganap ang pagpapalitan ng kalakal ng mga katutubo at ng mga taga-ibang bansa. Ang iba naming pamayanan ay matatagpuan sa mga kapatagan atkabundukan ng Pilipinas. Dito, ang mga sinaunang Pilipino ay nabubuhay sapamamagitan ng pangangaso, pagtatanim, at pagkakaingin. Malaki rin ang papel ngmga kababaihan sa mga gawaing pangkabuhayan sa kanilang pamayanan. Mayroonsilang mga tungkuling pangkabuhayan tulad ng pagmamanukan, pag-aalaga ng baboy,paglalala ng banig, paghahabi ng tela, o pagtatanim sa paligid ng tirahan. Pagsasaka ang pangunahing kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino. Ito ayisinasagawa sa dalawang paraan: sa pamamagitan ng pagkakaingin at pagtatanim ngpalay na gumagamit ng patubig. Bukod sa pagsasaka, ang mga sinaunang Pilipino aynangangaso, nagingisda, nagpapanday at nakikipagpalitan ng kalakal. Ang mgasinaunang Pilipino ay nakikipagpalitan din ng mga kalakal na ginagamitan ng gintobilang batayan sa pagpapalit. Maunlad ang pagpapalitan ng kalakal sa iba’t ibang lugarsa Pilipinas. Maunlad din ang pakikipagkalakalan sa mga karatig-bansa tulad ng Tsina,Hapon, Siam, Borneo, Sumatra at iba pang lugar sa Asya. Mayroon nang matatag na sistema ng pamamahalaang mga sinaunang Pilipino. Ang barangay ang itinuturingna yunit ng pamahalaan. Sa loob ng pamayanan aymaaaring magkaroon ng iba’t ibang barangay. Kadalasan,ito ay binubuo ng humigit kumulang na 30 hanggang 100pamilya. Ang mga barangay ay malaya sa impluwensya ngiba pang barangay. Ang bawat barangay ay nagsasarili atmay kani-kaniyang pamamaraan sa pamamahala. 6
Kadalasan, ang mga barangay ay magkakalapit upang matulungan ang isa’t isa sa oras ng pangangailangan tulad ng kung may digmaan. Ang barangay ay pinamumunuan ng datu isang na pinipili batay sa: pamanang pamumuno, gulang at malawak na kaalaman sa mga bagay-bagay sa loob ng barangay. Maaaring maging datu ang isang tao kung siya ay anak ng dating pinuno. Maaari ring maging datu ayon sa kakayahan o talino. Ang datu ay may tungkuling pamunuan at protektahan ang barangay sa ano mang panganib. Bilang kapalit, ang mga kasapi ay nagbibigay ng buwis sa datu.Tinutulungan din nila ang datu sa pagsasaka ng lupain at pagtatanggol sa barangay sapanahon ng digmaan. Mayroon na ring maayos na sistema ng paggawa ng batas sapanahon ng barangay. Tinutulungan ng konseho ng mga matatanda ang datu sapaggawa ng mga batas. Ang paghuhukom naman ay isinasagawa sa paraangpinagkasunduan ng mga kasapi ng barangay. Sinasabi ng mayroon na ring maunlad na ugnayan ang mga barangay tulad ngpakikipagpalitan ng mga kalakal, pagtutulungan sa panahon ng digmaan, at pakikiisa saritwal na tinatawag na sanduguan. Sa sanduguan, nagkakaroon ng ritwal ang dalawangpinuno. Gagawa sila ng maliit na hiwa sa kanilang mga bisig . Ang dugong magmumuladito ay ihahalo sa kaunting alak at iinumin ng dalawang pinuno. Sa pagkakataong iyon,itinuturing ang dalawang barangay na magkapatid sa dugo at kapwa sasailalim sa mgabatas at kautusan na itinakda ng dalawang barangay. 7
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ito ang taniman ng Palay sa Mt. Province na ginawa ng mgakatutubong Igorot sa Hilagang Luzon. Isa ito sa mga itinuturing na kahanga hangangtanawin sa Mundo. Ipinakikita nito ang kahusayan ng mga Pilipino na gumamit ngkanilang talino sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan sa kabuhayan. Mayroonka pa bang alam na kahanga hangang nagawa at naiambag ng mga sinaunang Pilipinosa ating bansa? Isulat sa talahanayan ang mga mahalagang aspeto ng pamumuhay ng mgasinaunang Pilipino. Pagkatapos ay tukuyin kung bakit sa palagay mo ay mahalaga ito.Mahalagang Aspeto ng Pamumuhay Bakit Mahalaga Ito?Hal. Pagsasaka na gumagamit ng Ginamit ng mga Pilipino angbaha-bahagdang taniman kahusayan nila sa pagsagot sa suliraning pangkabuhayan dala ng kapaligiran1.2.3. 8
Tandaan Mo! Mayroon nang maayos at maunlad na pamumuhay ang sinaunang Pilipino bago pa dumating ang mga Kastila sa Pilipinas. Ito ay pinatutunayan ng mga sumusunod: 1. Mayroon nang matatag na sistema ng pamamahala na tinatawag na sistemang barangay. 2. Mayroon na silang maunlad na pakikipagkalakalan hindi lamang sa loob ng Pilipinas kundi sa mga karatig-bansa nito. 3. Mayroon nang kahusayan sa paglikha tulad ng paggawa ng sasakyang pandagat at baha-bahagdang taniman.Ang maayos at maunlad na pamumuhay ng mga Pilipino ay nagpapakita nkahusayan ng mga sinaunang Pilipino sa pagtungo sa kanilang mga suliranin sapamumuhay sa panahong yaon.Gawain 3: Paglalapat Noong sinaunang panahon, ang barangay ang pangunahing yunit ngpamahalaan. Sa kasalukuyan, tayo ay nabibilang rin sa mga Barangay. Magkatulad baito o may pagkakaiba? Paano sila nagkakaiba? Punan ang sumusunod na tsart ukol sapagkakatulad o pagkakaiba ng mga barangay noon at ngayon.Batayan Barangay sa Sinaunang Barangay sa Kasalukuyan PanahonNamumunoKapangyarihan ngNamumunoAntas ng PagsasariliTungkulin o Gawainng Barangay Para saPamayananSakop ngKapangyarihan 9
ARALIN 2ANG KALAGAYANG PANGKULTURA NG MGA SINAUNANG PILIPINO Ang araling ito ay tumatalakay sa mga aspeto ng kulturang Pilipino nanagpapatunay na mayroon na tayong mataas na antas ng kultura sa panahon bago padumating ang mga Kastila. Ito ay pinatunayan ng mga kaalaman at kahusayan ng mgaPilipino sa paggawa ng mga armas, metalurihiya, sining, at agham. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang:1. Mailalarawan mo ang kalagayang pangkultura ng mga sinaunang Pilipino; at2. Mapangangatwiranan mo na mayroon nang maunlad na kultura ang mga sinaunang Pilipino.Gawain 1: Pag-isipan Mo! Kailan sinasabing mayroon nang mataas na antas ng kalinangan ang isang lipunan? Kung ang lipunan ay mayroon nang • sistema ng panulat • matatag na sistema ng pamamahala • sistema ng paniniwala • maunlad na sining at panitikan • agham at teknolohiya • mga mahuhusay na istruktura monumentoKung pagbabatayan natin ang mga palatandaan ng isang mataas na antas ng lipunan,masasabi ba natin na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga sinaunangPilipino? Anu-ano ang ating mga patunay dito? 10
Ang Maunlad na Kulturang Pilipino Nang dumating ang mga Kastila sa Pilipinas, natuklasan nila na ang mga Pilipinoay mayroon nang mataas na antas ng kalinangan at pamumuhay. Ibig sabihin, hindinahuhuli sa mga iba pang lipunan ang Pilipinas noong panahong iyon. Halimbawa, salarangan ng paggawa ng mga kagamitan, natagpuan nila na mahusay na ang mgaPilipino sa paggawa ng mga kagamitan sa pakikidigma at iba pang uri ng kagamitangmetal. Ang mga sinaunang Pilipino ay mahusay nang gumawa ng kanyon na yari satanso at bakal. Tinatayang si Raha Soliman mismo ay gumamit ng kanyon na mayroong17 talampakan ang haba. Ang lantaka ay isa sa mga kagamitang panlaban na nalikhang mga Pilipino samantalang ang mga Muslim naman ay mayroon nang mga kampilano kris . Natuklasan din ng mga Kastila sa kanilang pagdating na mayroon nang minahanng ginto, pilak at copper ang mga sinaunang Pilipino. Tinatayang ang mga gawaingmetal sa Pilipinas noong panahon iyon ay may mataas na uri, at maaring mas mahusaypa sa ginagamit sa Europa. Maging ang mananalaysay na si Pigafetta ay namangha samga bagay na gawa sa ginto tulad ng mga palamuting ginto, hawakan ng mgapanaksak, ginto sa ngipin, at maging ang mga dekorasyon sa kabahayan ng mgaPilipino. Sinasabing ang mga Pilipino ay nagpamalas din ng kahusayan sa paglalakbay-dagat . Ang mga mangangalakal mula sa Bisaya, Mindanao at Sulu ay kilala sa kahusayan sa paglalakbay sa malalayong lugar gamit ang kanilang mga sasakyang dagat tulad ng karakao at praos. Sila rin ay sinasabing gumagamit na ng kompas na tulad ng ginagamit ng mga manlalakbay sa Tsina at Borneo. Mayroon nang paniniwala sa isang makapangyarihang Diyos ang mga sinaunangPilipino. Makikita ito sa mga katutubong katawagang ginagamit nila tulad ng salitangBathala, Kabunian, Mansilatan, Makaptan, Laon, Lumauig, Mamarsua, at iba pa. Angkatawagan ay nagkakaiba-iba depende sa lugar. Ang kinikilalang makapangyarihangNilikha ay iginagalang at kinatatakutan. Mataas ang pagpapahalaga ng mga sinaunang 11
Pilipino dito. Mayroon din silang kinikilalang mga mas mabababang diyos nasinasamba at pinagdarasalan tulad ng mga diwa, diwata, tuhan at anito. Mayroon dingmasalimuot na sistema ng pagsamba ang mga sinaunang Pilipino. Mayroon din silangmga shaman o pari na nagsisilbing tagapamagitan sa kanilang mga diyos at sa mgakatutubong Pilipino. Naniniwala rin ang mga Pilipino sa mga ispiritu na nanahanan samga bagay sa paligid tulad ng mga puno, kabundukan, lawa, at mga bato. Dahil dito,karaniwan na sa mga sinaunang Pilipino ang mag-alay sa mga kalikasan o sa isipiritung kanilang mga ninuno. Sa larangan ng agham, sinasabing ang mga Pilipino ay mayroon na ringmahusay na sistema ng pagbibilang, pagtitimbang, at panukat. Gumagamit na sila ngsistemang decimal sa pagbilang at mayroon na silang mgakatawagan sa iba’t ibang sukat. Gumagamit na rin sila ng mgapantulong na gamit sa bilang tulad ng mga sungka at runo ngmga Ifugao. Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon na ringkabatiran sa astronomiya at pagbibigay kahulugan sa mgabituin at posisyon ng araw. Ang mga Ifugao ay may tinatayangkabatiran sa bilang ng mga taon batay sa inog ng araw at mgabatong kalendaryo. Sinasabi ni Morga, na halos lahat ng Pilipino aymarunong nang sumulat at bumasa noong panahong iyon.Gumagamit sila ng mga dahon at panulat na gawa sa matulisna bakal. Ang sistema ng panulat ay unang ginamit sapakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino. Gumagamit angmga Pilipino ng alibata bilang sistema ng panulat. Sakasalukuyan, ito ay ginagamit pa rin ng mga Tagbanua saPalawan at ng mga Mangyan sa Mindoro Mayaman din sa panitikan ang mga ninuno nating Pilipino. Mayroon silang mgaawitin o dalita, kasabihan, bugtong, salawikain, at mga duplo. Gumagamit din sila ngmga instrumento sa pag-awit tulad ng kudyapi, bangsi, subbing, gansa at colelong. 12
Maraming awitin ang mga katutubong Pilipino tulad ng kundiman, balitaw, at dalot.Masalimuot ang kanilang mga sayaw na kakikitaan ng kanilang pamumuhay at mgapaniniwala. Tunay na mayaman at may mataas na antas ang kultura ng mga sinaunangPilipino. Ito ay pinatunayan ng kanilang mahahalagang sistemang panlipunan tulad ngsistema ng panulat, sistema ng paniniwala, agham at teknolohiya at maging sa sining atliteratura. Gawain 2 : Pagpapalalim ng Kaalaman Marami ka bang natutuhan tungkol sa iyong mga ninuno? Punan mo ang tsart batay sa tinalakay nating mga katangian ng kulturang Pilipino. Ano angmasasabi mo sa bawat isa? Ang Pilipinas bilang isang lipunang may mataas na antas ng kultura Sistema ng panulat Sistema ng paniniwala Sistema ng pamamahala Agham at teknolohiya Panitikan Sining 13
Tandaan Mo! Mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga sinaunang Pilipino batay sa sumusunod na mga palatandaan: o sistema ng panulat – alibata o sistema ng pamamahala – barangay o sistema ng paniniwala – Bathala at iba pang mas nakabababang diyos o panitikan at literatura o agham at teknolohiya o sining at musikaAng kahusayan ng mga Pilipino at kayamanan ng kanilang pamanang kultura aymasasalamin sa iba’t ibang gawaing pangkultura na ipinamalas ng ating mganinuno.Gawain 3: PaglalapatA. Nakikilala mo ba kung sino ang gumagamit ng kasangkapangnakalarawan? Maraming mga pamanang pangkultura ang mgasinaunang Pilipino na naisalin sa ating henerasyon. Magbigay kanga ng limang gawi o pamana na nagmula sa mga sinaunangPilipino. Isulat mo sa patlang.1. _____________________ 4. _____________________2. _____________________ 5. _____________________3. _____________________B. Gumawa ka ng sanaysay na ang pamagat ay: Paano natin pangangalagaan at pauunlarin ang ating pamanang kultura. 14
ARALIN 3ANG PAGDATING NG ISLAM SA PILIPINAS Mahigpit ang pagkakaugat ng relihiyong Islam sa Pilipinas. Ito ay bunga ngmatapat at maigting na layunin ng mga misyonerong Muslim na mapalaganap angkanilang relihiyon sa mga lupain sa Mindanaw. Sa modyul na ito ay tatalakayin natinkung paano naitatag at napalaganap ang Islam sa Pilipinas. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang: 1. Maipaliliwanag mo kung paano dumating at lumaganap ang Islam sa Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan ang mapa ng Pilipinas sa ibaba. Tukuyin sa mapa kung saangmga lugar unang nakarating ang mga Arabeng Muslim. Tukuyin din ang mga unanglugar kung saan itinatag ang Islam. 15
Ang Pagdating at Impluwensya ng Islam Marahil naitatanong mo sa iyong sarili kung paano nakarating ang relihiyongIslam dito sa Pilipinas. Sa pakikipagkalakalan ng mga Arabeng Muslim at Tsino nadumaraan sa malapit sa Palawan, unti-unting napansin ng mga ito ang Pilipinas.Nagsimula silang makipagkalakalan sa Sulu at kainalaunan, ito ay umunlad. Dahil dito,umunlad at naging sentro ng kalakalan ang Sulu. Dumami ang mangangalakal naArabe na nakarating dito. Ang Islam ay pinaniniwalaang nakarating sa Pilipinas noong mga kalagitnaan ngika-14 na siglo. Ito ang panahon ng pagtatatag at pagpapalawak ng Islam sa MalayPeninsula. Ang mga mangangalakal at mga gurong Arabe ang nagpakilala ng Islam samga Malayo. Sinasabi na ang pangangalakal ang siyang nagbigay-daan upangmapalaganap ang pananampalatayang Islam sa Pilipinas at sa iba pang bahagi ngAsya. Si Mukdum, na isang Iskolar na Muslim, ang pinaniniwalaang nagdala nito saSulu. Siya rin ang pinaniniwalaang unang nagtayo ng moske sa Buansa at sa PulongSimunol. Pagkatapos ng sampung taon, dumating sa Sulu ang pinuno ng Menangkabaw,Sumatra na nagngangalang Rajah Baguinda. Siya ang nanghikayat sa mga katutubongPilipino na maging Muslim. Ang mga gawain ni Rajah Baguinda ay ipinagpatuloy namanni Abu Bakr na naging asawa ng anak ni Rajah Baguinda na si Paramisuli. Nangyumao si Raha Baguinda, si Abu Bakr na ang naging sultan. Itinatag niya angpamahalaang sultanato at sinunod niya ang sistema ng pamamahala sa Arabia. Sapamamagitan nito, mabilis na lumaganap ang Islam sa lahat ng bahagi ng Sulu. Ayon sa kasaysayan, muling dumating ang isang pangkat ng mgamangangalakal na Muslim sa Cotobato at Malembang noong huling mga taon ng ika-labinlimang siglo. Ito ay pinamunuan nina Sharif Auliya at Sharif Maharajah na nagmulanaman sa Malacca. Si Sharif Auliya ay nakapag-asawa ng isang anak ng pinuno ngPulangi. Ang anak nitong babae ang naging kabiyak naman ni Sharif Maharajah. Sa ilang bahagi ng Mindanaw, ang Islam ay itinatag at pinalaganap naman niSharif Muhammad Kabungsuwan, anak ng isang prinsesa ng Malacca. Ayon sa mgasalaysay, nagdaan sila sa Brunei, Cagayan de Zulu at Zamboanga kung saan nagawa 16
niyang hikayatin ang mga katutubong tribo na tanggapin ang relihiyong Islam. Siya aynakapag-asawa ng isang nagmula sa makapangyarihang pamilya sa Mindanaw. Angilan sa mga alagad niya ay nakapag-asawa rin ng mga katutubo. Ito ang naging dahilankayat matagumpay niyang napalaganap ang Islam sa Mindanaw na mula noon aykumalat naman sa Kabisayaan at Luzon. Ayon sa kasaysayan, ang pagdating at paglaganap ng Islam sa ating bansa aymayroong pinagdaanang hakbang na katulad ng naganap sa ibang bansang Asyano: 1. Pagkakaroon ng pamayanang Muslim na nanggaling sa ibang bansa; 2. Pagdating ng mga misyonerong Islam sa Pilipinas 3. Pagiging Muslim ng mga opisyal ng pamahalaan; 4. Pagpapapakilala ng mga institusyong pang Muslim; at 5. Pagpapatindi ng pakikipag-ugnayan sa ibang bansang Muslim. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang sumusunod na timeline ay nagpapakita ng pagkakasunud-sunodng mga pangyayari kaugnay ng pagdating ng Islam sa Pilipinas.1380 Dumating sa Pilipinas si Mukdum, isang iskolar na Arabe upang palaganapin ang aral ng relihiyong Islam.1390 Dumating si Rajah Baginda at bininyagan ang mga katutubo sa Jolo ayon sa relihiyong Islam.1400-1440 Napalaganap ni Kabungsuwan ang Islam sa iba’t ibang panig ng Mindanaw sa pamamagitan ng diplomasya.1450 Dumating si Abu Bakr sa Sulu at napangasawa ni Prinsesa Paramisuli, anak ni Rajah Baguinda. Itinatag ang Sultanato.1460 Lumaganap ang Islam sa Timog Mindanaw at Sulu.1470 Dumating si Serif Kabungsuwan mula sa Johore at naging unang sultan ng Mindanao. Lumaganap ang Islam sa Visayas at Luzon.1480-1520 Mabilis na lumaganap ang Islam sa buong Mindanao dahil sa madaling pagtanggap dito ng mga pinuno. 17
1521 Nagtayo ng matatag na tanggulan at pamayanan ang mga Arabe sa Mindanao kaya hindi sila nasakop ng mga Kastila nang dumating ang mga ito sa Mindanao. Suriin natin ang mga datos sa timeline. Ano ang ipinakikita nito tungkol sapagpapalaganap ng Islam sa Pilipinas? Kung susuriin mo ang timeline, mapapansin mo na ang pagkakatatag atpaglaganap ng Islam ay naganap sa mapayapang pamamaraan. Ginamit ng mgaMuslim ang pangangalakal bilang pamamaraan upang mapalapit sa mga katutubo.Kadalasan ding nagaganap ang pag-aasawa ng mga Arabe o Muslim ng mga anak okaya’y malapit na kamag-anak ng pinuno ng pamayanan. Sinasabi na ang ganitongpagkakaisa sa pamamagitan ng pag-aasawa ay nakatulong sa kanilang katanyagan,kapangyarihan, at kayamanan. Ganito rin kaya ang naganap sa ibang pamayanan saAsya noong panahong iyon? Maliwanag na ang dedikasyon ng mga misyonerongMuslim ang nagpasigla sa pagtatatag nito sa maraming pamayanan, hindi ba? 18
Tandaan Mo! Ang mga mangangalakal na Arabe ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Naging instrumento ang pangangalakal at pakikipagtaling-puso ng mga Arabeng Muslim sa pagpapalaganap ng relihiyong Islam. Ang iskolar na Arabeng is Mukdum ang nagpakilala ng Islam sa Pilipinas. Malalim ang pagkakaugat ng relihiyong Islam sa lipunang Muslim sa Mindanaw dahil ito ay naitanim sa pamamagitan ng maayos na pakikipag-ugnayan ng mga misyonerong Muslim sa mga katutubo. Gawain 3: Paglalapat Marahil ay mas naintindihan mo na ngayon kung paano lumaganap angIslam sa Pilipinas. Sagutin mo ang mga sumusunod na mga katanungan upangmatukoy mo ang kahalagahan ng Islam sa ating lipunan.1. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas? Paano ito napalaganap sa kabuuan ng Mindanao at bakit madaling nangyari ito?2. Sa iyong palagay, malaki ba ang naitulong ng pagpapakasal ng mga Arabeng Mulsim sa mga katutubo sa Mindanao sa pagpapalaganap ng Islam? Ipaliwanag ang iyong sagot.3. Nakatutulong ba sa relasyon natin sa iba’t ibang bansa sa Asya ang pagkakaroon ng Islam sa ating bansa? Ipaliwanag. 19
Sariling Pagwawasto: Ganito ba ang iyong sagot?1. Nakarating ang Islam dahil sa mga mangangalakal na Arabe at mga iskolar na nakapag-asawa ng mga katutubo o mga kapwa Muslim na naunang nanirahaan sa Mindanaw. Dinala nila ang kanilang kulturang Muslim at ibinahagi sa mga kapamilya nila bago hinikayat ang iba na tanggapin ang kanilang aral2. Oo, dahil madali sa kanila na maipaabot o maipakita ang kanilang mga aral. Ang naging asawa nila ay kalimitang kabilang sa mataas na antas ng lipunan at mga anak ng mga pinuno, sultan o datu. Ang katayuan nila sa lipunan ay may impluwensya sa mga nasasakupan3. Marahil, nakakatugon ang relihiyong ito sa mga mithiin at pangangailangan ng mga mamamayang Muslim 20
ARALIN 4ANG RELIHIYONG ISLAM SA PANAHON NG BARANGAY Nasa ika-apat na aralin ka na! Bibabati kita! Dito ay tatalakayin natin ang mganilalaman, aral at turo ng Islam bilang isang relihiyon. Mahalaga na maunawaan natinang katangian ng relihiyong Islam upang magkaroon tayo ng mas malalim napagkakaunawa sa lipunang Muslim. Pagkatapos ng araling na ito, inaasahang: • Maibibigay mo ang mga katangian mo ng relihiyong Islam sa Panahon ng Barangay Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pamilyar ka ba sa relihiyong Islam? Tukuyin mo nga ang mga mahahalagangbagay sa larawan na maiiuugnay mo sa relihiyong Islam? Anu-ano ang sinisimbolo nitosa Islam?MOSKE KORAN BUWAN AT BITUIN 21
Ang Relihiyong Islam Tunay na maraming magaganda at mahahalagang aral ang relihiyong Islam. AngIslam ay nangangahulugan ng “lubos na pagsuko ng sarili sa kagustuhan ng Diyos nasi Allah.” Ang pagsasagawa nito ay napapaloob sa mahalagang aral ng Islam natinaguriang Limang Haligi ng Katotohanan na nasusulat sa Koran , ang banal na aklatng mga Muslim. Isa-isahin natin ang mga ito: a. Sahada. Si Allah lamang ang Diyos at si Mohammed ang propeta. b. Salat o Salah. Ang regular na pagdarasal ay bahagi ng nakagawiang buhay. Itinuturo sa Islam na kailangang magdasal ng limang beses sa loob ng isang araw. Kung araw ng Biyernes, sama-samang nagtutungo ang mga Muslim sa moske o masjid at nagdarasal ng Janna-ah. Ang salat ay isang ritwal ng mga iniuutos na dasal na sinasabayan ng maindayog na pagkilos, pagyuko, pagpapatirapa at pag-upo. Kapag nasa moske, sama-sama ang pagdarasal sa pamumuno ng imam. Para sa mga Muslim, sagrado at dapat igalang ang moske. Mapupuna na walang anumang imahen o estatwa sa loob nito. Bilang tanda ng paggalang, kailangang bawat papasok na magdarasal ay maglilinis ng kanilang sarili sa pamamagitan ng paghihilamos ng mukha, paghuhugas ng mga kamay, tainga, bibig, mata, at ilong. Iniiwan din nila sa may pintuan ang mga sapin sa paa. c. Zakat o Sakah Ito ay tumutukoy sa pagbibigay ng tulong sa mga nangangailangan, gaya ng mga sinalanta ng bagyo, lindol, maysakit, naulila at naghihikahos. Ang pagtulong ay sa pamamagitan ng pagbibigay sa sambahan ng 22
dalawa’t kalahating bahagdan ng kanilang sahod sa buong taon sa tuwing sasapit ang RAMADAN. d. Saum Ito ang pag-aayuno kung buwan ng Ramadan. Ito’y isa sa pinakabanal na pagdiriwang ng mga Muslim. Ang sinumang nasa hustong gulang na ay inaasahang magsasagawa ng saum. Ang pag-aayuno ay ginagawa mula sa pagsikat ng araw hanggang sa paglubog nito. Sa mga oras na sakop nito, ipinagbabawal ang sobrang kasayahan at iniiwasan ang gawaing mabigat. Pagkalubog ng araw, maaari na silang kumain at gawin ang pangkaraniwang gawain sa araw araw. Sa pagwawakas ng pagdiriwang (Hariraya Puasa), nagkakaroon ng masaganang pagdiriwang at nag-aabot ng mga tulong pananalapi para sa mahihirap. e. Haj Ito ay paglalakbay sa banal na lupain ng Mecca na dapat isagawa minsan man lamang sa kanilang buhay. Ang sinumang nakapaglakbay na ay tinatawag na Hadji, isang tawag ng paggalang. Maraming inaasahan sa isang Muslim na nananampalataya.Kinakailangang magsagawa siya ng mga bagay namakatutulong upang lalong maging matatag ang pagkakaisa ngkanilang pamayanan. Kinakailangan na siya ay kakitaan ngmga nalinang na katangiang Islam tulad ng katapangan,kalinisan, tiyaga, katapatan, karangalan, pakikiramay atkagandahang asal. Mahalaga sa isang muslim na isabuhay angmga aral ng Koran. Sa panahon ng barangay, ang moske ay hindi lamanglugar dalanginan kundi sentrong pampulitika at panlipunan ng 23
mga debotong Muslim. Ang istruktura nito ay naaayon sa salat ( panalanging Islam).Maraming ritwal na isinasagawa rito tulad ng pagsasagawa ng tagubiling dasal nabinubuo ng mga maindayog na pagkilos tulad ng pagtayo, pagyukod, pag-upo atpagpapatirapa. Kasama rin dito ang pangkatang pagsamba. Ayon sa mga Muslim,nilikha ni Allah ang komunidad at ang moske ang nagsisilbing daan sa pagkakaisa ngmga Muslim at sa paniniwala sa kaisahan ni Allah. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang kahanga-hangang debosyon ng mga Muslim sa kanilang pananalig sa Islam ay naipapakita sa pamamagitan ng kanilang pagdarasal ng limangbeses sa isang araw. Paano kaya nila isinasagawa ito? Suriin ang mga sumusunod nalarawan at bigyang katangian ang paraan ng pananalangin ng mga Muslim.(Magsaliksik at alamin ang tamang pagkakasunud-sunod.) ( A) (B) (C) (D) Anu-anong mga gawi at pamamaraan sa pagsamba ang sa palagay mo aymakatutulong din sa pagpapatatag ng ating sariling pananalig? Ano ang natutunan mosa kanilang pamamaraan sa pagsamba na nakatulong din sa pag-unawa sa iyongsariling pananalig? 24
Tandaan Mo! Ang Islam bilang isang relihiyon ay nagsilbing mahalagang instrumento sa pagpapatatag at pagkakaisa ng mga pamayanan at lipunang Muslim.Maraming kapuri-puri at kahanga hangang mga aral at turo ang Islam tulad ngLimang Haligi ng Katotohanan, na nakatulong sa pagpapatatag ng pananalig ngmga Muslim kay Allah Gawain 3: Paglalapat A. Ihambing ang Islam sa iyong sariling relihiyon. Gamitin ang Venn diagram na nasa ibaba.Katangian ng Pagkakatulad KatangianIslam ng sariling relihiyonB. Paano natin igagalang ang pagkakaiba ng relihiyon ng mga Pilipino?C. Kung ikaw ay Muslim, paano mo pa mapatatatag ang iyong pananalig sa Islam? 25
ARALIN 5IMPLUWENSYA NG ISLAM SA PAMAHALAAN AT LIPUNANG MUSLIM Malaki ang impluwensya ng relihiyong Islam sa pagkakabuo ng ating kultura.Maraming bagay and naibahagi nito sa mga Pilipino lalo na sa ating mga kapatid naMuslim. Maging sa kasalukuyan, bagamat marami nang iba’t ibang relihiyon angnaitatag sa bansa, nananatiling buhay at may malaking impluwensya ang relihiyongIslam sa ating lipunan. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang • Masusuri mo ang impluwensya ng Islam sa Pamahalaan at Lipunang Muslim. Gawain 1: Pag-isipan Mo!Suriin mo ang mga larawan. Alin sa palagay mo ang mga bagay sa larawan nanagpapakita ng impluwensya ng kulturang Muslim o ng relihiyong Islam? Masasabi moba kung anu-ano ang mga ito? 26
Impluwensya ng Islam sa Pamahalaan at Lipunang Muslim Ang pagdating ng mga Arabeng Muslim sa Pilipinas dala ang relihiyong Islam ayisang malaking impluwensya sa pagkakabuo ng ating kultura at pamamahala.Maraming bagay ang naibahagi nila sa mga sinaunang Pilipino lalo na sa ating mgakapatid na Muslim. Sa kasalukuyan, nananatiling buhay at may malaking impluwensyaang relihiyong Islam sa ating lipunan lalung-lalo na sa pamamala at pamumuhay. Ang sistemang sultanato ay dinala dito nina Sharif Kabungsuwan at Abu Bakrnoong ika 15-siglo. Dahil sa paniniwalang inapo ni Mohammed ang Sultan, hindilamang kinikilalang pinunong tagapagpaganap ang sultan kundi pinunong pangrelihiyondin. Sa sistemang ito, ang pamahalaang sultanato at relihiyong Islam ay itinuturing naiisa. Ang posisyon ng sultan ay namamana, di tulad ng datu. Ganoon pa man, maaarisiyang pumili ng papalit sa kanya subalit pagtitibayin muna ito ng mga datu. . Nang si Sharif Abu Bakr ay naging datu, hinikayat niya ang mga tao namanampalataya sa Islam. Ipinakilala niya ang Shari’a o banal na kautusan. Siya angnaging kauna-unahang sultan ng Sulu. Dahil sa impluwensya ng islam, nagkaroon ngbagong istruktura upang mapanatili ang pamumuno sa iisang tao. Naging mahigpitang batayan sa pagpili ng datu na papalit sa sultan. Kailangang galing sa angkan niMohammed ang pangkat na kinabibilangan na kung tawagin ay lider pampulitika(panglima), lider panrelihiyon (imam), ang mga timawa at alipin. 27
Malaki rin impluwensya ng Islam sa kaugaliang pangkalinangan. Makikitaito sa mga sumusunod na aspeto.Edukasyon Madrasah ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga Muslim.Nakatuon ito sa pagtuturo ng Koran at ng kulturang Muslim. Bukas ang pag-aaral sa elementarya sa lalaki at babaeng Muslim ngunit para lamang sa lalakiang pag-aaral sa mataas na antas. Ang madrasahs ay mga paaralang Qu’ranikokung saan sinasanay ang mga Muslim na nagnanais magturo ng mga aral ngIslam.Sining Nagpapakita ng kanilang paniniwala ukol sa pinagmulan ng mundo angsining ng Islam.Nauuri ang sining ng mga Muslim sa mga sumusunod: a. pag-ukit ng kahoy b. paggawa ng metal c. paghahabi at pagbuburda d. paggawa ng banig at basket Sa nakaraang panahon, iniwasan ng mga Muslim ang paggamit ng mgaimahen o larawan ng tao o hayop. Sa kasalukuyan, bagaman at heometriko angdisenyo ng mga inukit may mga gumagamit din ng modelo ng hayop o tao.Makikita ito sa kanilang okir at sarimanok. Ang okir ay isang magandang lapida na inihahandog sa isang mahal sabuhay na namatay na. Maaring ito’y okir-a-dato (yari sa metal, kahoy o matitigasna bagay) at okir-a-bai (yari sa banig o tela). Batay sa kalikasan ang kanilangginagawa at kinukulayan ng pula, berde, dilaw o asul. Nakapaloob sa okir angelementong tulad ng matilak (bilog), dapal (dahon), naga (anyong ahas napigura), onga (prutas), piomas (buto ng bunga), piako (pako) at obodobid(disenyong tulad ng lubid). 28
Musika Iniuugnay ng mga Muslim ang kanilang musika sa kanilang sayaw na inaangkop sa kanilang mga ritwal at pagdiriwang. Maaring instrumental o inaawit ang kanilang musika. May iba’t iba rin silang instrumentong pangmusika tulad ng kulintang, kudyapi, at kubing. Sayaw Katatampukan ang kanilang sayaw ng mga galaw ng katawan at mga kamay na nagbabadya ng isang kasaysayan o pakikipagsapalaran ng mga bayani sa mga epiko. Pagliligawan / Pag-aasawa Kapag may ang lalaking Muslim, nakikipagkasundo siya sa pamilya ng babae sa pamamagitan ng isang kamag-anakan. Nagbibigay siya ng bigay-kaya sa babae at nangangakong bubuhayin ang babae hanggang kamatayan. Pinangagasiwaan ng ama, ina at mga pinunong pangrelihiyon ang seremonya ng kasal. Pinapayagan ang isang lalaking Muslim na magkaroon ng hanggang apat na asawa kung kakayanin niyang buhayin ang mga ito. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Higit mong matatandaan ang iyong binasa kung gagawin mo ang sumusunod. Isulat sa talahanayan ang mga tiyak na pangkulturangimpluwensya ng relihiyong Islam sa mga nakasulat na aspeto ng ating lipunan: Larangan Impluwensya ng IslamUri ng pamamahalaEdukasyonSiningPag-aasawa at pagpapamilyaMusika at sayaw 29
Tandaan Mo! Malaki ang naging impluwensya ng relihiyong Islam sa kultura, pamumuhay, sining, edukasyon at pamamahala ng lipunan ng sinaunang Pilipino. Ang relihiyong Islam ay nakapagpabago sa uri at kalagayan ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. Gawain 3: Paglalapat Batay sa iyong nabasa, sagutin mo nga ang mga sumusunod:A. Sino ang nagdala o nagtatag ng sultanato sa Mindanao? Paano ito natanggap ng mga katutubo sa Mindanao?B. Bilang sultan, ano kaya ang kanyang mga tungkulin at karapatan? Paano ka magiging sultan?C. Anong pagbabago ang naidulot ng Islam sa larangan ng sining, edukasyon at pamamahala sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino?D. Kung ikaw ay isang sultan, anong mga pagbabago ang isusulong mo sa iyong barangay? 30
MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:Ang mga sinaunang Pilipino ay mayroon nang maayos at matatag napamumuhay at sistema ng pamamahala bago pa dumating ang mga Kastila.Mataas ang antas ng kultura ang mga sinaunang Pilipino. Ang panlipunangkalagayan ng mga sinaunang Pilipino ay nagpapakita ng kahusayan ng mgaPilipino na tugunan ang mga pangangailangan at suliranin ng kanilang lipunan.Malalim ang pagkakaugat ng relihiyong Islam sa Lipunang Muslim saMindanaw dahil ito ay naitanim sa maayos na pakikipag-ugnayan ng mgakatutubo sa mga misyonero at mangangalakal na Muslim sa mga katutubo.Ang Islam ay nagsilbing mahalagang Instrumento sa pagkakaisa ng mgapamayanang Muslim sa Pilipinas.Malaki ang naging impluwensya ng relihiyong Islam sa pagpapayaman ngkultura, pamamahala at kabuhayan ng mga sinaunang Pilipino. 31
PANGWAKAS NA PAGSUSULIT: A. Piliin ang wastong sagot sa mga tanong. Bilugan lamang ang titik.1. Alin sa mga sumusunod ang katangian ng barangay sa panahon ng mga sinaunangPilipino: A. Ang lahat ng barangay ay nasa ilalim ng pamumuno ng isang sultan o datu lamang B. Hindi mauunlad at hindi nakapagsasarili ang mga barangay C. Malaya at nagsasarili ang bawat barangay2. Alin sa mga sumusunod ang tamang paglalarawan sa kabuhayan ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila? A. makaluma at naghihikahos ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino B. palipat-lipat ng tirahan at di pa sapat ang kanilang kaalaman sa pamumuhay C. may agrikultura at maunlad na kalakalan na ang mga sinaunang Pilipino3. Kailan nagiging pinuno o datu ang isang tao sa panahon ng mga sinaunang Pilipino? A. Kung siya ay nanalo sa digmaan B. Kung siya ay anak ng dating datu C. Kung siya ang pinakamayaman sa barangay4. Ang isang katibayan na mayroon nang mataas na antas ng kultura ang mga Pilipino noon ay ang: A. sistema ng panulat na tinatawag na alibata B. paninirahan nila sa tabing dagat C. pagkakaroon ng mga awit at tula5. Naipamalas ng mga sinaunang Pilipino ang kahusayan sa paglalakbay sa pamamagitan ng: A. Paggawa ng mahuhusay na sasakyang dagat B. Pagwawagi sa karera ng mga bangka C. Paninirahan sa tabing dagat6. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na maunlad na ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa agham at matematika? A. Kahusayan sa pangingisda B. Paggamit ng mga Pilipino ng sistemang decimal C. kahusayan sa pakikidigma sa karatig-Barangay7. Paano nakarating ang Islam sa Pilipinas? A. Pangangalakal ng mga Arabeng Muslim B. Paglalakbay sa Arabia ng mga sinaunang Pilipino C. Pananakop ng mga Arabeng Muslim8. Bakit madaling napalaganap ang Islam sa katimugan ng Mindanao? A. wala pa kasing relihiyon ang mga katutubong Pilipino B. pakikipagtaling-puso ng mga misyonerong Muslim sa mga anak ng mga pinunong Pilipino C. pananakot at pananakop ng mga Arabeng Muslim 32
9. Ang regular na pagdarasal ng limang beses sa loob ng isang araw ay bahagi ngpangunahing aral ng Islam na tinaguriang:A. Limang Haligi ng KatotohananB. Walong Daan sa KaliwanaganC. Sampung Utos ng Diyos10. Ang pag-aayuno ay isinasagawa ng mga Muslim sa panahon ngA. Hari Raya C. RamadanB. Biyernes Santo11. Sa panahon ng barangay ang moske ay tinuturing na sentro ng:A. panrelihiyong gawainB. pampulitika at panlipunang gawainC. panrelihiyon, pampulitika at panlipunang gawain12. Sa paanong paraan napapatatag ng relihiyong Islam ang pagkakaisa ngpamayanan?A. Ang sama-samang pagsamba ang nagpalakas sa pagkakaisa ng mga MuslimB. Ang mabilis na pananakop ng mga Arabeng Muslim ng iba pang pamayananC. Ang takot na sila ay magapi ng mga Kristiyano13. Sa sistemang sultanato, ang pamahalaan at relihiyon ay:A. hindi dapat magkasamaB. magkasama at pinag-isaC. hindi pinahahalagahan14. Ang sistema ng edukasyon na ipinakilala ng mga Muslim ay angA. alibata B. madrasah C. Ramadan15. Ang sistemang barangay sa panahon ng mga sinaunang Pilipino ay naiiba sasistemang barangay sa kasalukuyan sa pamamagitan ng:A. May sari sariling pamahalaan ang bawat barangay noon.B. Lahat sila ay napapailalim sa pangulo ng bansa.C. Nabibilang ang mga unang barangay sa mga kaharian.B. Tama o Mali. Isulat ang salitang Tama kung wasto ang pangungusap at Mali kung itoay hindi wasto. Kung mali ang pangungusap, ipaliwanag kung bakit ito mali.1. May malaking impluwensya ang relihiyong Islam sa lipunang Pilipino sa iba’t ibang larangan ng buhay.____________________________________________________2. Nanatiling mababa ang antas ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino nang dumating ang mga Kastila.______________________________________________3. Walang pagtutulungang naganap sa mga karatig-barangay dahil na rin sa palagi nilang pakikidigma sa isa’t isa. __________________________________________4. Gumamit nang marahas na pamamaraan ang mga Arabeng Muslim kayat madaling napalaganap ang Islam sa Mindanao._____________________________________5. Dahil sa pananakop ng mga Kastila, hindi naging malaki ang impluwensya ng Islam sa ating lipunan______________________________________________________ 33
GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT: 6. A 11. CUnang Bahagi 7. B 12. A 8. B 13. B 1. A 9. A 14. B 2. A 10. C 15. B 3. A 4. B 5. BIkalawang Bahagi 3. Mali- walang pagtutulungnTama o Mali 4. Mali – marahas na 1. Tama pamamaraan 2. Mali- mababang antas ng 5. Mali- malaki pamumuhayARALIN 1 ANG PANLIPUNANG PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SAPANAHON NG BARANGAYGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatARALIN 2 ANG KALAGAYANG PANGKULTURA MGAKATUTUBONG PILIPINOGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatARALIN 3 ANG PAGDATING NG ISLAM SA PILIPINASGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatMungkahing Sagot: 1. Nakarating ang Islam dahil sa mga mangangalakal na Arabe at mga katutubo o mga kapwa Muslim na naunang nanirahan sa Mindanao. 34
Dinala nila ang kulturang Muslim at ibinahagi sa mga kapamilya nila bago hinikayat ang iba na tanggapin ang kanilang asal. 2. Malaki ang naitulong ng pagpapakasal ng mga Arabong Muslim sa mga katutubo sa Mindanao sa pagpapalaganap ng Islam. Ang naging asawa nila ay kadalasang kabilang sa mataas na lipunan at mga anak ng mga sultan o datu. Ang katayuan nila sa lipunan ay may impluwensya sa mga nasasakupan. 3. Nakakatulong nang malaki sa pakikipagugnayan natin sa ating bansa lalung-lalo na sa mga Muslim na bansa sa Asya. Nauunawaan ng mga kapwa Muslim na bansa ng ating mga suliraning pang kabuhayan at tayo’y natutulungan sa aspetong ito. Nakakatulong din ang relihiyong Muslim sa mga mamamayang Muslim sa Mindanao.ARALIN 4 ANG RELIHIYONG ISLAM SA PANAHON NG BARANGAYGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatARALIN 5 IMPLUWENSYA NG ISLAM SA PAMAHALAAN ATLIPUNANG MUSLIMGawain 1: Pag-isipan Mo!Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3: PaglalapatGanito ba ang iyong sagot? Maaring kahawig o katulad ng ibig sabihin nito.A. Sina Kabungsuan at Abu Bakr ang nagdala at nagtatag ng sultanato sa Mindanao. Sinasabi nila na sila ay inapo ni Mohammad at nag-aasawa ng mga katutubong prinsesa kaya madaling natanggap ng mga katutubo.B. Bilang sultan: • Maaring mamana o piliin ng sultan Karapatan • Makipagkalakalan o makipagkaibigan • Pumili ng papalit sa kanya Tungkulin 35
• Pamunuan ang kanyang hukbo• Pamunuan ang mga gawaing panrelihiyonC. Nabago ang sistema ng edukasyon ng mga lipunang Muslim nang ipinakilala ang madrasah. Naimpluwensyahan din ang mga sining, sayaw at musika nang ipinakilala ng islam ang kulturang arabe at gawing pangmuslimPANGHULING PAGSUSULITA. Piliin ang tamang sagot1. c 6. b 11. c2. c 7. a 12. a3. b 8. b 13. b4. a 9. a 14. b5. a 10. c 15. aB. Tama o Mali 1. Tama 2. Mali- mababang antas ng pamumuhay 3. Mali- walang pagtutulungan 4. Mali- marahas na pamamaraan 5. Mali- malaki 36
MODYUL 5 ANG PAGDATING NG MGA KASTILA Matututuhan mo sa modyul na ito ang mga dahilan kung bakit napuntaang mga Kastila sa ating lupain. Malalaman mo rin ang pamamaraang ginamitnila para matanggap ng ating mga ninuno ang pagpunta nila dito. Handa ka naba sa pagtalakay ng paksang iyan? Tatlo ang mga aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Mga Salik kung Bakit Napunta ang Kanluraning Kastila sa Ating Lupain Aralin 2: Ang Ekspedisyon ni Magellan Aralin3: Pagsisimula ng mga Ekspedisyon mula sa España Pagkatapos mapag-aralan at gawin ang nilalaman ng modyul, inaasahangmagagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang mga layunin ng Espanya sa pagtungo at pagsakop sa Pilipinas; at 2. Mabibigyang puna ang naging reaksyon n gating mga ninunong katutubo nang dumating ang mga Kastila.
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412