PANIMULANG PAGSUSULITI. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap._____1. Naging masaya ang buhay ng mga Pilipino noong panahon ngKastila._____2. Ang mga datu ay naging gobernadorcillo sa ilalim ng mga Kastila._____3. Nanatiling Pilipino ang ating kultura sa pananakop ng mga Kastila._____4. Umangat ang kabuhayan ng mga Pilipino dahil sa patakaran ng mgaKastila._____5. Hindi iginalang ng mga Kastila ang karapatang pantao ng mgaPilipino._____6. Malaking porsiyento ng teknolohiya ng Pilipinas ay nanggaling samga Kastila._____7. Ang mga alamat, bugtong at salawikain ay kulturang Pilipino._____8. Nabuo ang mga barangay bilang isang bansa dahil sa mga Kastila._____9. Pantay ang karapatan ng mga kababaihan at mga kalalakihan.____10. Ang tanging naiangat ng mga Kastila sa kanilang pananakop ay angedukasyon ng mga piling Pilipino.II. Piliin ang tamang sagot. Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang._____1. Ang mga namuno sa mga lalawigang hindi pa mapayapa ay angmga A. Alcaldes Mayores B. Cabeza de Barangay C. Corregidores D. Gobernadorcillo_____2. Ang naglitis ng mga kaso ay ang A. Gobernador Heneral B. Regidores C. Royal Audiencia 2
D. Visitador _____3. Ang mga patakaran ng mga Kastila ay A. demokratiko. B. liberal. C. mapanikil. D. progresibo. _____4. Ang ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila ay A. nasa kamay ng mga Kastila lamang. B. napaunlad ng mga Pilipino. C. napaunlad ng mga Kastila. D. nagpahirap sa kabuhayan ng mga Pilipino. _____5. Ang kulturang Kastila ay A. umakma sa kulturang Pilipino. B. madaling natutuhan ng mga Pilipino. C. nakapagpaangat ng kulturang Pilipino. D. malayo ang kaibahan sa kulturang Pilipino. _____6. Noong panahon ng pananakop, ang Pilipinas ay pinamahalaan ngmga A. Kastila. B. Mehikano. C. Pilipinong Datu. D. Halong Mehikano at Kastila. _____7. Ang transportasyon at komunikasyon noong panahon ng Kastila ay A. naging maunlad. B. nagpalaganap ng mga produktong Pilipino. C. nagpalaganap ng mga produktong Kastila. 3
D. naging sanhi ng paglawak ng industriya ng mga Pilipino. _____8. Ang likas na yaman ng Pilipinas ay nalustay dahil sa mgapatakarang A. pangkabuhayan. B. pangkultura. C. pulitikal. D. pulitikal at pangkabuhayan. _____9. Ang patakarang pangkultura ng mga Kastila ay A. nagpayabong ng kulturang Pilipino. B. nagpatatag ng kulturang Pilipino. C. nagpayabong ng kulturang Kastila. D. naging salik kung bakit naging payak ang kulturang Pilipino. ____10. Ang pananakop ng mga kastila sa Pilipinas ay A. nakapagpasigla sa mga Pilipino. B. isang malungkot na karanasan para sa mga Pilipino. C. walang epekto sa buhay ng mga Pilipino. D. isang mabuting karanasan para sa mga Pilipino. 4
ARALIN 1PAGBABAGONG PULITIKAL Tatalakayin natin sa araling ito ang organisasyon ng pamahalaan sapagdating ng mga Kastila sa Pilipinas. Uunawain natin kung ano ang mga resultang pagbabago sa pulitika. Ito kaya ang dahilan kung bakit nawala ang kalayaanng ating mga ninuno? Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makaguguhit ng dayagram na nagpapakita ng organisasyon ng pamahalaang sentral at lokal ng Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila; 2. Makapagpapaliwanag ng mga tungkulin at kapangyarihan ng mga Kastila o ilang Pilipino na humawak ng mga tungkulin sa pamahalaan; 3. Makapagsusuri ng mga naging resulta ng pagbabago sa buhay ng mga Pilipino; at 4. Makapaglilista ng mga dapat gawin upang hindi na muling maranasan pa ang hirap na dinanas ng ating mga ninuno sa ilalim ng mga Kastila. Gawain 1: Pag-isipan Mo!A. Subukan mong ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod:1. ayuntamiento __________________________________________________2. royal audiencia _______________________________________________3. visitador __________________________________________________ 5
4. alcaldia __________________________________________________5. corregimiento __________________________________________________6. alguacil mayor __________________________________________________7. gobernadorcillo __________________________________________________Pulitikang Kastila Mula 1565 hanggang 1821, ang Pilipinas ay pinamahalaan ng Hari ngEspanya sa pamamagitan ng Viceroy ng Mehiko. Lahat ng lupain ng Espanya aypinamahalaan ng Real Y Supremo Consejo de las Indias (Royal and SupremeCouncil of the Indies) na napalitan naman ng Ministerio de Ultramar (Ministry ofColonies) noong 1863. Ang consejo ang siyang tagagawa ng batas at direktibasa pamamahala kayat tinawag itong Recopilacion de las Leyes de los Reynos delas Indias. Ang pamahalaang Pilipinas sa ilalim ng mga Kastila ay nahati sapamahalaang sentral at pamahalaang lokal.Ang Pamahalaang SentralAng pamahalaang sentral ay pinamumunuan ng Gobernador Heneral. AngGobernador Heneral ang siyang pinuno ng Royal Audiencia. Ang kanyang mgakilos ay sinusubaybayan ng Residencia at Visitador. 6
Ang Organisasyon ng Pambansang Pamahalaan sa Ilalim ng mga Kastila Residencia Visita (Hinirang ng Hari) Gobernador Heneral Royal Audiencia Gobernador Heneral 3 Mahistrado 1 piskal Ang gobernador heneral ang tumatayong kinatawan ng hari ng Espanyasa Pilipinas. Bilang pinuno, siya ang tagapangasiwa ng pamahalaang sentral atlokal sa Pilipinas. Siya rin ang pinuno ng hukbong militar, Royal Audiencia atvice real patron. Bilang vice real patron, siya ang may kapangyarihangmagtalaga ng pinunong prayle sa mga parokya sa bansa. Ang kapangyarihan nggobernador heneral ay nililimitahan ng hari ng Espanya. Subalit maykapangyarihan siyang tinaguriang cumplase kayat maari niyang ipatupad o diipatupad ang mga utos ng hari batay sa kanyang kagustuhan. Ang residencia ay hinirang ng hari ng Espanya upang suriin ang mgaginawang pamamahala ng gobernador heneral pagkatapos ng kanyangpaglilingkod. Kung gobernador heneral ay gumawa ng labag sa batas atpagtitiwala ng publiko, maaari siyang pagmultahin. Maaaring kumpiskahin angkanyang ari-arian, ipakulong siya, o ipataw ang lahat ng parusang nabanggit.Ang residencia ay tumagal sa Pilipinas hanggang 1799. Ang visitador ay may tungkuling gaya ng sa residencia. Subalit pabigla-bigla at walang tiyak ang oras ng kanyang pagpunta sa Pilipinas upang mahuli 7
niya sa akto ang gobernador heneral. Kapag nahuli niya na gumagawa nganomalya ang gobernador heneral, maaari niyang patawan ng parusa anggobernador heneral na kapareho ng ibinibigay ng residencia.Ang Pamahalaang Lokal Ang pamahalaang lokal ay nahahati sa panlalawigan o corregidor,panlunsod, pambayan at pambarangay. Organisasyon ng Pamahalaang Lokal sa Panahon ng KastilaLalawigan o Alcadia Corregimiento(Alcaldes Mayores) (Corregidores o Gobernadores) Lungsod o Ayuntamiento Munisipyo o bayan (Alcaldes Ordinario) (gobernadorcillo)6-12 Regidores o Mga tinyente:Konsehal Tinyente Mayor1 Kalihim Tinyente ng Pulisya1 Alguacil Mayor o Tinyente ng Sakahan atPunong Konstable Panghayupan Barangay (Cabeza de Barangay) Pag-aralan mo ang dayagram na nasa itaas. Ang pamahalaangpanlalawigan ay pinamumunuan ng alcalde mayor; ang corregidor naman aypinangangasiwaan ng mga corregidores. Ang mga corregidores ay mgalalawigang may pag-aalsa pa laban sa mga Kastila tulad ng Mariveles, Mindoroat Panay. Maraming Pilipino ang namatay dahil sa paglaban sa mga Kastila. 8
Ang alcalde mayor at corregidor ay may kapangyarihang mamahala atmaging hukom sa mga lalawigan. May pribilehiyo din sila ng indulto decomercio o ang pribilehiyo na makipagkalakalan sa kalakalang Galleon. Angposisyong ito ay pinag-aagawan ng mga Kastila dahil sa indulto de comercio.Ang pribilehiyong ito ay kanilang natamasa mula 1751 hanggang 1844. Nabago ng pamamahalang Kastila ang pamumuhay ng mga Pilipino. Ang ayuntamiento o mga lungsod ay pinamumunuan ng dalawangalcalde ordinario na inihahalal ng mga kastilang residente. Kasama nila ang 6-12konsehal o regidores at alguacil mayor o hepe ng pulisya, na namamahala samga lungsod. Ang kalihim ang siyang nagsusulat at nagtatago ng mgamahahalagang libro ng lunsod. Ang gobernadorcillo ay maaring Pilipino o Intsik, may 25 taong gulang,nakapag-aral sa mababang paaralan, at naging cabeza de barangay nanghumigit kumulang na apat na taon. Ito ang pinakamataas na posisyon namaaaring makamtan ng isang Pilipino ngunit kadalasang ito ay nasa kamay ngmga Kastila. Makapangyarihan ang gobernadorcillo sapagkat siya angnamamahala sa pamahalaang pambayan. Siya rin ang naghahanda ng listahanng dapat magbayad ng buwis, nagtatalaga ng mga Pilipinong puwersahang 9
nagsisilbi bilang trabahador o polo y serbisyo, sundalo at kartero. Hukom dinsiya sa mga kasong kinasasangkutan ng hindi tataas sa P44.00. Ang gobernadorcillo ay tinutulungan ng mga teniente: teniente dejusticia na mamamahala sa mga kaso; teniente de policia na namamahala sakapayapaan ng bayan; at teniente de agricultura na namamahala sa mgapananim at hayop. Ang pinakamakapangyarihang tungkulin ng cabeza de barangay aymangolekta ng buwis. Sila naman ay libre sa pagbabayad ng buwis. Ang cabezade barangay ay namamahala sa kapayapaan at kaayusan ng mga barangay atsa pagtitipon-tipon ng mga manggagawa sa ilalim ng polo y servicio. Ang mgadatu sa sinaunang pamayanan ang siyang nahirang na cabeza de barangay. Samakatuwid, nawalan ng karapatan ang mga Pilipino sa kanilang sarilingbayan sapagkat diniktahan lamang sila ng mga pinunong Kastila. Kung mayPilipino mang namuno, ang mga masang Pilipino ay inabuso rin nila tulad ngpang-aabusong ginawa ng mga Kastila. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Punan ang TsartMga Pinuno Mga Tungkulin Pang-aabuso 10
Mga Tanong:1. Anu-ano ang ginawa ng mga Kastila sa mga Pilipino na nagpabago ng takbong kanilang pamumuhay?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________2. Sino sa mga namuno ang mas maraming nagawang pang-aabuso? Bakit?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________3. Madali bang inabuso ng mga Kastila ang mga Pilipino? Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 11
Tandaan Mo! Ang pamahalaang Pilipinas sa panahon ng mga Kastila ay may dalawang sangay: ang pamahalaang sentral at pamahalaang lokal. Ang pamahalaang sentral ay pinamunuan ng gobernador heneral. Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng mga lalawigan. Ang isang lalawigan ay binubuo ng lungsod o munisipyo at ang lungsod at munisipyo ay binubuo naman ng mga barangay. Ang mga lalawigan ay pinamunuan ng mga alcaldes mayores at corregidores. Ang mga lungsod ay pinamunuan ng mga alcaldes ordinario. Ang mga munisipyo o bayan ay pinamunuan ng gobernadorcillo. Ang mga barangay ay pinamunuan ng mga cabeza de barangay. Ang mga cabeza de barangay ay ang mga dating datu sa sinaunang pamayanang Pilipino. Gawain 3: Paglalapat1. Kung ikaw ay mahalal na pinuno, ano ang iyong panukala para bigyangproteksyon ang karapatan ng iyong mga nasasakupan?________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________2. Kung tayo ay muling sakupin sa kasalukuyang panahon, papayag ka ba?Ipaliwanag.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 12
ARALIN 2PAGBABAGONG PANGKABUHAYAN Aalamin naman natin sa araling ito ang mga patakarang pangkabuhayansa panahon ng mga Kastila. Susuriin natin ang naging epekto ng bawat isa sapamumuhay ng nakararaming Pilipino. Pagkatapos ng araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maipaliliwanag ng mga patakarang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas; 2. Masusuri ang mga epekto ng mga patakarang pangkabuhayan sa pamumuhay ng mga Pilipino; at 3. Makapagbibigay ng mga mungkahi upang mapabuti ang ating kasalukuyang kabuhayan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magtanung-tanong sa iyong mga lolo at lola kung may natatandaan silang kuwento ng kanilang mga lolo o lola tungkol sa buhay ng Pilipino sa panahon ng Kastila. Ipakuwento sa kanila ang mga panahong iyon. Pagkatapos ay sagutin ang mga sumusunod na tanong: 1. Anong uri ng kabuhayan mayroon ang iyong mga ninuno? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 2. Naging masaya ba sila sa kanilang buhay? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 3. Anong ang buhay na inasam nila? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 13
Patakarang Pangkabuhayan Ng Mga KastilaAt Ang Epekto Sa Buhay Ng Mga Pilipino Sa simula, nahirapan ang mga Kastila sa pagpapalaganap ng kanilangmga patakaran dahil sa dami at pagkakawatak-watak ng mga barangay sa iba’tibang bahagi ng kapuluan. Ngunit sa pamamagitan ng pamamaraangreducciones, napag-isa ang mga barangay upang maging pueblo at natiponang mga Pilipino sa kapatagan. Napilitan ang mga Pilipino na tumupad sa mgapatakarang ito. Binago ng mga Kastila ang sistemang pangkabuhayan sa mga nabuongpueblo. Nagkaroon ng sapilitang pagbubuwis, bandala, polo y servicio,encomienda, at kalakalang Galleon. Nagtatag din ng mga ahensiya tulad ngReal Sociedad Economica de Amigos del Pais at Real Compania deFilipinas. Nagtayo ng mga istrukturang pang-telekomunikasyon, serbisyopubliko, agrikultura, industriya at pagbabangko.Pagbubuwis at Bandala Alammo ba na na kahit isang kolonya ng Espanya ang Pilipinas, ang mgaKastila ay walang pondong nakukuha mula sa Espanya? Upang matustusan nilaang kanilang paninirahan sa Pilipinas at kumita ang bansang Espanya,ipinatupad nila ang paniningil ng mga buwis sa mga Pilipino. Sapilitan silanghumingi ng mga buwis mula sa personal na kita, importasyon, kalakal sa nganga,alak, tabako, paputok, at opium. Maaaring magbayad ang mga Pilipino ng pera ong kanilang produktong palay, manok, tabako, tela at iba pa. Ang bandala ay isang uri ng pagbubuwis sa pamamagitan ng sapilitangpagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa mababang halaga. Madalas nadinadaya ang mga Pilipino sa pag-uuri ng mga produkto upang mas mababa angmaging halaga ng produkto. Madalas ding hindi na nagbabayad ang mga Kastila. 14
Polo y Servicio Ipinatupad ng mga Kastila ang sapilitang paggawa ng mga kalalakihangPilipino mula 16 hanggang 60 taong gulang sa loob ng 40 araw sa bawat taon,na walang suweldo. Ang mga gawaing kasama dito ay ang pagtatayo ngsimbahan, pagputol ng mga puno, paglaban sa digmaan at pagsama sa mgaekspedisyon. Maaari din namang hindi magtrabaho ngunit kailangang magsuholng 1 ½ reales sa bawat araw na dapat ipagsilbi. Maraming Pilipino ang napahiwalay sa kanilang pamilya. Maraming bukidang hindi natamnan, at maraming kalalakihan ang namundok dahil sapatakarang ito. Nagtrabaho ang mga Pilipino sa mga bukirin para sa mga Kastila 15
Encomienda Ang encomienda ay ang pagbibigay ng hari ng Espanya ng karapatangmamahala ang isang Kastilang sundalo sa mga pamayanan at lupaing kanilangnapayapa at nasakop sa Pilipinas. Ang mga sundalong ito ay tinawag na mgaencomendero. Nang lumaon, naging encomendero din ang mga hindisundalong Kastila ngunit naglingkod sa Espanya. Ang encomendero ay may tungkuling pangalagaan ang kanyangnasasakupan laban sa mga kaaway, panatilihin ang kapayapaan at kaayusan, attulungan ang mga misyonero na mapalaganap ang relihiyong Katoliko. Ang mgaencomendero ay binigyan ng karapatang maningil ng buwis na 8 reales sakanilang nasasakupang may 19 hanggang 60 taong gulang na kalalakihan. Ditonagpayaman ang maraming encomendero. Nangolekta sila ng buwis na masmalaki kaysa sa ipinataw ng pamahalaan. Lubhang nahirapan ang mgaPilipinong magbayad ng buwis at marami sa kanila ang lubhang naghirap atnagutom.Pagsali sa Kalakalang Galleon (1565-1815) Ang Kalakalang Galleon ay galing sa pangalan ng barkong may dala-dalang kalakal na tumatawid ng Dagat Pasipiko mula Acapulco, Mexicopatungong Maynila. Dahil sa kalakalang ito, may palitan ng produkto na naganapsa pagitan ng Asya, Mexico, at Amerika. Maraming mga Kastila ang sumali dito at umigting ang sapilitang paggawang mga Pilipino lalo na sa larangan ng paggawa ng barko at ng langis para dito.Dahil sa kalakalang ito, nagkaroon ng mga bagong tanim ang Pilipinas tulad ngavocado, bayabas, papaya, pinya, at langka. Ang mga kabayo at baka aydumating din sa Pilipinas dahil sa Kalakalang Galleon. Dahil dito, nahalinhanhindi napaunlad ang agrikultura at industriya ng bansa. Bukod dito,napasakamay ng mga Intsik ang kalakalang tingi. 16
Monopolyo ng Tabako (Tobacco Monopoly) Sa pagnanais na madagdagan ang kita ng pamahalaan, si GobernadorHeneral Jose Basco y Vargas ay nagtatag ng sistemang monopolyo ng tabakonoong 1782. Sa sistemang ito, ang mga lalawigan ng Iloko, Cagayan, NuevaEcija at Marinduque ay sumailalim ng pamahalaan upang mapamahalaan angmaramihang pagtatanim ng tabako. Binigyan ng kota ang bawat pamilya ng40,000 puno bawat taon at ito ay binili ng pamahalaan. Ang hindi nakatugon sakota ay pinagmulta. Kung sumobra naman ang ani sa nakatakdang kota, angmga ito ay ipinasunog. Dahil kontrolado ng pamahalaan ang dami ng tabako,nakontrol din nila and presyon at nakinabang sila nang malaki. Ang monopolyo ay tumagal ng may isandaang taon. Ipinabuwag ito niGobernador Heneral Primo de Rivera. Ang mabuting naidulot ng monpolyong itoay ang paglaki ng kita ng pamahalaan at para sa Pilipno naman, ito aynakapagpatunay na kayang tugunan ng kolonya ang kanyang pangangailangan.Sa kabilang dako naman, ang monopolyong ito ay naging daan ngpagmamalabis ng mga opisyal para mapayaman ang sarili, panloloko sa mgamagsasaka sa pagbabayad ng kanilang produkto, at ang paglaganap ngsuhulan, pagpupuslit ng kalakalat “black market”.Pagtatatag ng mga Samahang PangnegosyoAng Real Sociedad Economica de Amigos del Pais Ito ay samahan ng mga propesyonal at negosyante na hinimok niGobernador Jose Basco Y Vargas na itatag. Layunin nito na pasiglahin angekonomiya ng Pilipinas subality naabuso naman ang likas na yaman ng bansa.Naging daan din ito ng pang-aabuso sa mga manggagawang Pilipino na nagingdahilan ng kanilang pag-aaklas. 17
Ang Real Compania de Filipinas Ang kompanyang ito ay itinatag ni Haring Carlos III noong 1785 upangmagkaroon ng tuwirang kalakalan ang Amerika at Tsina. Malaki ang pakinabangng mga Kastila sa kompanyang ito dahil kumita sila sa pagbebenta mga produktotulad ng indigo, asukal, bulak at mga tela. Subalit naghirap naman ang mgaPilipino.Obras Pias Ito ay itinatag ng mga prayle upang may maitustos sa gawaingpangkawanggawa. Humingi ang mga prayle ng kontribusyon sa mgamayayamang mangangalakal. Hindi rin ito nagtagal sapagkat sa halip na ibigaysa mga mahihirap, ipinautang ng mga prayle ang mga salaping nakalap ngunithindi naman sila nabayaran. Walang pa ring pakinabang ang mga Pilipino dito.Samahang Pangkabuhayan ng mga Kaibigan ng Bayan (Economic Societyof the Friends of the Country) Itinatag ito ni Gobernador Heneral Jose de Basco y Vargas noong 1781.Ang samahan ay nagkaloob ng mga gantimpala sa mga imbensyon sa laranganng agrikultura, sa tagumpay ng pagtatanim ng tubo, at sa pagpapakilala ng ilanguri ng halaman tulad ng bulak, indigo, opyo, at iba pa.Pagbabangko Kaugnay din ng pamumuhunan, itinatag ni Gobernador Heneral Antoniode Urbiztondo ang Banco Espanol de Isabel II noong Agosto 1, 1851. Ito angunang naging regular na banko sa Pilipinas na ngayon ay kilala bilang Bank ofthe Philippine Islands. 18
Transportasyon at Komunikasyon Nabago din ang pamumuhay ng mga Pilipino dahil sa transportasyon atkomunikasyon. May ilang transportasyon at tren ang gumagana bago sumiklabang Rebolusyong Pilipino. Itinatag ang Ferrocaril de Manila na nakaratinghanggang Dagupan, Pangasinan. Noong 1885, itinatag nina Jacobo Zobel deZangroniz at Adolfo Bayo ang tramvia. Noong 1892, may limang linya ngtramvia, Intramuros, Malate at Sampaloc na hila ng kabayo samantalang saMalabon at Binondo ay pinaandar naman ng singaw (steam). Itinayo rin ang kauna-unahang tulay sa pagitan ng Quiapo at Arrocerosna ngayon ay tinatawag na Quezon Bridge. Sumunod dito ang Jones Bridgepatungong Divisoria kayat naging sentro ng kalakalan ang Escolta sa Maynila. Ang mga barko ay regular na nagbiyahe linggu-linggo mula Maynilapatungong Hongkong. May ilan ding biyahe mula Maynila patungong Hapon atEuropa. Ang barkong Nippon Yusen Kaisha ay nagsimulang magbiyahe nangregular noong 1891. May mga steamers at steamboats na naglayag saKabisayaan at Mindanao. Nagsimula ang serbisyo ng telepono noong 1890. Samantala ang unanglinyang pangtelegrama ay nagsimula sa pagitan ng Maynila at Corregidor noong1872. Taong 1893 naman, nagkaroon ng kuryente sa pamamagitan ngkompanyang La Electricista de Manila. Dahilan sa pagbabago sa larangan ng transportasyon at komunikasyon,nagkaroon ng panibagong organisasyon ang pangkabuhayang institusyon. Angdating iisang lugar na tiangge o palengke ay umiikot na sa bawat bayan ngisang lalawigan sa loob ng isang linggo. Ang ganitong pagbabago ay nagpasiglasa mga pueblo kung saan dinadala ng mga tao ang kani-kanilang produkto. Angdating barter o palitan ng produkto ay napalitan na. Nagsimula nang gumamit ngpera at kahit papaano ay napasali na sa pandaigdigang kalakalan ang mgapueblo. (Ito ang dahilan kung bakit ang pera ng mga Pilipino ay hiram sa mgakastila gaya ng piso, centimo, at pesetas). Subalit ang ganitong sistema aynagpalawak sa mga produktong tinatangkilik lamang ng mga mangangalakal na 19
Kastila at ng iilang mayayamang Pilipino. Ang pang-aabuso sa mga Pilipino sapamamagitan ng buwis at bandala ay lumawak pa sa maraming pueblo. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Isulat sa bawat puno ang ilang patakarang pangkabuhayannoong panahon ng Kastila. Isulat nman sa dahon ang naging resulta ngpatakaran.Sagutin ang mga sumusunod, ayon sa iyong natutuhan sa araling ito. 1. May mabuti bang naidulot ang pagsakop ng mga Kastila sa ating bansa?Ipaliwanag mo. ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ 20
2. Ayon sa natalakay na mga paksa mahalaga ba ang mga pagbabagongekonomiya para sa ating bansa? Bakit? Pangatwiranan mo.______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang sistemang pangkabuhayang ipinatupad ng mga Kastila sa Pilipinas ay kinapapalooban ng mga sumusunod: sapilitang pagbubuwis, bandala, polo y servicio, encomienda, kalakalang Galleon, monopolyo ng tabako, pagtatatag ng Real Sociedad Economica de Amigos del Pais, Real Compania de Filipinas, Obras Pias, Samahang Pangkabuhayan ng mga Kaibigang Bayan, at iba pang ahensiya pagtatayo ng mga inprastrukturang, pang-telekomunikasyon, serbisyo publiko, agrikultura, industriya at pagbabangko. Ang buwis ay sapilitang pagsingil ng mga mga Kastila ng pera bilang kontribusyon sa pamahalaan. Isang uri ng buwis ay ang bandala o ang sapilitang pagbili ng pamahalaan sa mga produkto sa mababang halaga lamang. Bagamat maraming programang pangkabuhayan ang isinulong ng mga Kastila, hindi naibsan ang paghihirap ng mga katutubo. Bagkus, ang likas na yaman ng bansa ay nalustay at ang mga Pilipino ay patuloy na naghirap. 21
Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay isang pinuno ng bansa, anu-ano ang iyong gagawinupang tulungang umunlad ang mga sariling mamamayan? Tutularan mo ba angginawa ng mga Kastila? Paano mo babaguhin ang kanilang sistema? Sumulat ngisang planong pangkabuhayan na nagpapakita ng iyong mga gagawin._______________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ARALIN 3PAGBABAGONG PANLIPUNAN Sa araling ito, uunawain natin ang mga naganap na panlipunangpagbabago sa Pilipinas sa panahon ng mga Kastila. Sinasabing naging kolonyalang edukasyong natanggap ng mga nakaririwasang Pilipino. Naging halongPilipino at Kastila ang maraming aspeto ng ating kultura. Ngunit angnakalulungkot na nangyari sa Pilipino ay ang pagbaba ng antas ng kanilangkalagayan sa sariling bayan. Masidhi ang mga natanggap nilang paglabag sakanilang mga karapatan bilang tao at bilang Pilipino. Sa araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagpapaliwanag ng mga pagbabagong panlipunan sa larangan ng edukasyon at iba pang larangan ng kultura tulad ng sining, wika, panitikan, paglilimbag ng aklat , agham, libangan at laro; 2. Makapagsasabi ng naging antas ng pamumuhay ng mga Pilipino at matutukoy ang mga karapatang pantao na nilabag ng mga Kastila; at 3. Makapagbibigay ng sariling rekomendasyon upang ang karapatang pantao ay hindi malabag. 22
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Gumupit o gumuhit ng mga gamit na kumakatawan sa mgasumusunod na kulturang Kastila at idikit ang mga ito sa mga kahon. Isulat sablangko ang epekto nito sa kulturang Pilipino. Lakihan at gawin sa isangmalaking papel o kartolina ang iyong sagot.1. sining ___________________________________________ ___________________________________________2. laro ___________________________________________ ___________________________________________3. agham ___________________________________________ ___________________________________________4. paaralan ___________________________________________ ___________________________________________ 23
Mga Pagbabagong Panlipunan sa Ilalim ng mga Kastila Ang mga pagbabagong panlipunan sa buhay ng mga Pilipino noongpanahon ng Kastila ay makikita sa mga sumusunod na larangan: edukasyongkolonyal, sining, wika, panitikan, paglilimbag ng aklat, agham, libangan at laro.Subalit kahit maraming pagbabago sa ganyang mga larangan, nadama ng atingmga ninuno ang higit na pagbaba ng kanilang kalagayan sa lipunan lalung-lalona ang mga kababaihan. Isa-isahin natin ang mga nangyaring pagbabago.Edukasyong Kolonyal Noong Ika-17 ng Hulyo, 1550, ipinalabas ni Haring Carlos V ang dikretoukol sa edukasyon ng mga Pilipino. Laman ng dikreto ang pagtuturo ng wika,alpabeto, doktrinang Kristiyano, mga kultura at patakarang Kastila upang gawingKristiyano ang mga batang Pilipino. Ang mga anak na lalaki ng mga gobernadorcillo at cabeza de barangayang pinagtuunan ng pansin ng mga Kastila. Itinatag noong 1596 ang Colegio deNiños na sangay ng Colegio de Manila. Ngunit limang taon lamang ito nagtagalsapagkat naubusan ng pondo. Ang Samahan ni Hesus ang unang nagtatag ng mga paaralang kolehiyoat mataas na paaralan para sa mga lalaki. Ang Colegio Maximo de San Ignacioay sumunod noong 1589 at ang Colegio de San Ildefonso (ngayon ayPamantasan ng San Carlos) sa Cebu ay binuksan noong 1599. Binuksan din angColegio de San Jose na noon ay may 13 mag-aaral lamang. Ang Escuela Pia ay itinatag ng mga Heswita para sa mga mahihirap nanang lumaon ay naging Ateneo Municipal de Manila noong 1865. Itinatag namanng mga Dominikano ang Colegio De Nuestra Señora Del Santisimo Rosarionoong 1611. Ito ngayon ang Pamantasan ng Sto. Tomas. Ang Colegio de SanJuan de Letran na dating Seminario de Ninos Huerfanos de San Pedro y SanPablo ay itinatag din para sa mga ulilang batang lalaking Kastila noong 1640. 24
Marami pang mga paaralan ang itinatag ngunit pawang para sa mgakalalakihan lamang. Ang mga kababaihan ay walang karapatang makapag-aral,at kung mayroon man ay para lamang sa mga anak na babae ng mgamayayaman. Ang kurikulum sa mga beateryong itinatag para sa mgakababaihang ito ito ay binubuo lamang ng pagsasanay sa mga kababaihan namaging madre de familia, magluto, gumawa ng mga gawaing pambahay, atmaglingkod sa mga simbahan. Ilan sa mga ito ay ang Beaterio de la Companiade Jesus (1684) na ngayon ay Religious of the Virgin Mary, Sta. Catalina deSena (1696), San Sebastian de Calumpang (1719, ngayon ay Sta. Rita College),Colegio de Immaculada Concepcion Concordia (1892); Assumption (1892), atEscuela Normal Superior de Maestras.Kulturang Pilipino-Kastila Nahaluan ng kulturang Kastila ang kulturang Pilipino dahil sa pang-araw-araw na ugnayan ng bawat isa. Ang kulturang ito ay nasa larangan ng sining,wika, panitikan, paglilimbag ng aklat , agham, libangan at laro.Wika Maraming salitang Kastila ang naidagdag sa wikang Filipino. Kasama ritoang mga salaping ginagamit natin hanggang ngayon (piso, sentimo); mga gamitsa bahay (silya, mesa, plato, baso, kutsara, tinidor, at iba pa), pamamahala atpamahalaan (alkalde, teniente, munisipyo, cedula at iba pa), maging sa mgasayaw awit, pananamit at pangangalakal.Panitikan Ang mga katutubong salawikain, alamat, epiko at kwentong bayan aynaragdagan ng teosentrikong panitikang kagaya ng sa Kastila. Ang mga ito ayang awit at korido, mga salaysay na patula tulad ng Ibong Adarna, pasyon, 25
moro-moro, senakulo, komedya at sarsuela. Kinahiligang panoorin ng mgaPilipino, lalo na sa kapistahan, ang mga dula at sarsuela.Paglilimbag ng Aklat Mahalaga ang mga palimbagan sa paglaganap ng kulturang Kastila.Madaling naikalat ang mga aklat sa iba’t ibang panig ng kapuluan. Nagingmoderno ang limbagan noong 1604. Lumaganap ang mga kasulatan tungkol sarelihiyon. Ang mga naunang aklat na nilimbag ay ang Doctrina Christiana enLengua Española y Tagala; Wu-chi T’ienchu Chen-Chiao Chen-C`huanShih-iu (Sanaysay ng Totoong Tradisyon sa Pagpapalaganap ng TotoongRelihiyon) ni Padre Cobo, at ang Doctrina Christiana en Letra y LenguaChina. Sining Lumaganap din ang Kastilang sining sa larangan ng pagpipinta atiskultura. Karaniwang tema ng mga ito ay ang relihiyon, tulad ng SedesSapientes at San Jose na kasama si Santo Nino ni Faustino Quitang noong1820, mga dibuho nina Damian Domingo, Juan Arceo, Juan TransfiguracionNepomuceno, Severino Flavier, at marami pang iba. Marami ding nagtagumpay na Pilipinong pintor, na nagsipag-aral saAcademia de Dibujo y Pintura. Isa sa pinakamagaling na obra maestra ay angSpolarium ni Juan Luna. Si Felix Resurreccion Hidalgo na may obra maestrangVirgines Cristianas Expuestas Al Populacho (Virtuous Women Exposed to theMob), 1885 ay may malaki ring ambag sa larangan ng pagpinta. Ang iskulturang Kastila ay hindi lamang matatagpuan sa mga simbahankundi pati na rin sa mga alahas, payneta at iba pang bagay na pandekorasyonsa katawan at mga tahanan. 26
Sa larangan ng sayaw at musika, naidagdag ang cariñosa, pandango,surtido, La Jota at marami pang iba. Lumaganap din sa buong bansa ang mgamusikang pangrelihiyon.Agham Ilan sa kontribusyon sa agham ay ang Aklat ng mga Halaman saPilipinas ni Padre Blas de Madre De Dios noong 1611. Inilathala naman niPadre Manuel Blanco ang iba’t ibang uri ng mga bulaklak noong 1837. Mga uring kemikal ang ambag naman nina Anacleto del Rosario, Antonio Lim, atMariano Del Rosario. Ang unang obserbatoryo ay itinatag ng mga Heswita sa ilalim ni PadreFaura. Ang unang sundial ay itinatag ni Padre Juan Sorolla. Ang sinaunangkalendaryo ay napalitan ng Gregorian. 27
Libangan at Laro Ang mga larong Kastila gaya ng karera ng kabayo, juego de toro, atloterya ay kinawilihan din ng mga Pilipino. Ang sabong ay larong Pilipino nanagustuhan ng mga Kastila bilang pampalipas oras kayat ito ay ginawang legalnoong 1861. Ang mga larong ito ay libangan ng mga kalalakihan. Kinawilihan naman ng mga matatanda ang mga laro sa baraha. Harana,santacruzan at flores de Mayo naman ang kinahiligan ng mga dalaga’t binata..Ang mga bata naman ay nahilig sa patintero, pagpapalipad ng saranggola,habulan, taguan at iba pa.Panlipunang Kalagayan at Karapatang Pantao ng Pilipino Sa kabuuan, napakalaki ng pagbabago sa kalagayang panlipunan ng mgaPilipino noong panahon ng Kastila. Ang mga Pilipinong dati-rati aynakapangyayari sa kanilang tahanan, lupain at iba pang ari-arian ay nawalan ngkapangyarihan sa sariling bayan. May mangilan-ngilan na napasali sa mataas naantas ng lipunan ngunit lahat halos ay nawalan ng karapatan. Ang mga Pilipinong napasali sa mataas na lipunan ay ang mga nasaprincipalia. Sila ang mga Pilipinong naging aktibo sa pulitika at kalakalan. Angkanilang kapangyarihan ay nagsimula nang maging cacique (o katiwala) angkanilang mga ninuno sa mga lupain na inagaw ng mga Kastila sa mga katutubo.Nang naging hacienda ang sistema ng pagsasaka, naiiwan naman sa mgainquilino ang mga lupain sa malalayong lugar. Ang mga inquilino ang siyangnamahala at nagpasaka ng mga lupain. Sila ay nagpayaman sa pamamagitan ngpagbebenta ng mga produkto sapagkat hindi naman alam ng mga may-ari nglupa sa kabayanan kung gaano karami ang naani sa mga malalayong lugar. Silarin ang nangolekta ng mga buwis sa mga magsasaka. Kadalasang kinukunan nanila ng porsiyento ang mga buwis na ito. Dahil sa sila’y yumaman, nakaya ng 28
mga inquilinong ito na magpaaral ng kanilang mga anak sa mga pamantasan saPilipinas at Europa. Samantala, ang masang Pilipino ay nanatiling magsasaka, manggagawa,utusan at mistulang alipin sa sariling bayan. May mga Pilipinong hindimatanggap ang pang-aalipusta sa kanila kayat sila ay namuhay na lamang samga kabundukan. Marami din sa kanila ang tinugis ng mga sundalo kayat sila aynangasawi. Ngunit sa kabila nito, marami rin ang nakipaglaban. Ang higit namasakit, ang mga sundalong tumutugis ay mga Pilipino rin na naging bayaran ngmga Kastila upang tumugis sa kapwa Pilipino. Kung maraming karapatan ang inalis sa mga kalalakihan, mas maramingkarapatan ang naalis sa mga kababaihan. Ang dating pantay na karapatan natinatamasa ng mga Pilipinong babae at lalaki bago dumating ang mga Kastila aylubhang nabawasan. Ginawang pambahay lamang ang mga babae samantalangang mga kalalakihan ay maaring mag-aral, magmay-ari at, mangasiwa ng mgalupa, maghanapbuhay at maging testigo sa mga korte. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Bumuo ng timeline ng mga paaralang naitatag ng mga Kastila sa Pilipinas.1500 1600 1700 1800 29
Mga Tanong: 1. Anu-anong uri ng paaralan ang itinatag ng mga Kastila sa Pilipinas? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________ 2. Ano ang naging epekto ng mga paaralang ito sa mga kalalakihan at kababaihan? ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________ B. Punan ang dayagram ng mga kulturang galing sa mga Kastila.Sining PanitikanAgham Libangan at LaroC. Ihambing ang mga karapatang natamasa ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila sa panahon ng KastilaKarapatang Tinamasa ng mga Pilipino Karapatang Tinamasa ng mga PilipinoBago Dumating ang mga Kastila Noong Panahon ng Kastila 30
Mga Tanong: 1. Ano ang kaibahan sa mga karapatang tinatamasa ng mga Pilipino sa dalawang panahon? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Bakit maraming naranasang paglabag sa kanilang mga karapatan ang mga Pilipino sa ilalim ng mga Kastila? ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Tandaan Mo! Ang mga anak na lalaki ng mga gobernadorcillo at cabeza de barangay ang mga natatanging pinag-aral ng mga Kastila. Ang mga paaralang naitatag ay ang: Colegio de Niños na sangay ng Colegio de Manila (1596), Colegio Maximo de San Ignacio (1589) at ang Colegio de San Ildefonso (ngayon ay Pamantasan ng San Carlos) sa Cebu (1599), Colegio de San Jose, Ateneo Municipal de Manila (1865), Colegio De Nuestra Senora Del Santisimo Rosario (1611), na ngayon ay ang Pamantasan ng Sto. Tomas), Colegio de San Juan de Letran na dating Seminario de Niños Huerfanos de San Pedro y San Pablo (1640). Ang mga kababaihan ay walang karapatang makapag-aral. May mga beateriong itinatag para sa mga anak na babae ng mga mayayaman. Ang kurikulum sa mga beateryong ito ay pagsasanay sa mga kababaihan na maging madrede familia, magluto, gumawa ng mga gawaing pambahay at maglingkod sa simbahan. Ang pinagsamang kulturang Kastila-Pilipino ay makikita sa sining, wika, panitikan, paglilimbag ng aklat , agham, libangan at laro. Bumaba ang antas ng kalagayan ng nakararaming Pilipino sa lipunan sa panahon ng Kastila. Marami sa ating mga ninuno ang naging biktima ng paglabag ng karapatang pantao. 31
Gawain 3: Paglalapat Naunawaan mo ba ang mga ginawang paglabag ng mga Kastilasa mga karapatang pantao. Maglista ka ngayon ng mga paraan na dapat monggawin upang hindi malabag ang iyong karapatang pantao. 1. _______________________________________________________ 2. _______________________________________________________ 3. _______________________________________________________ Mga Dapat Tandaan Sa Modyul Na Ito Ang pamahalaan sa Pilipinas sa pagsakop ng mga Kastila ay may dalawang sangay: ang pamahalaang sentral at pamahalaang lokal. Ang pamahalaang sentral ay pinamunuan ng gobernador heneral ngunit may residencia at visitador na sumusubaybay kung tama o mali ang kanyang pamamahala. Ang pamahalaang lokal ay binubuo ng mga lalawigan. Ang isang lalawigan ay binubuo ng lungsod o munisipyo at ang lungsod at munisipyo ay binubuo naman ng mga barangay. Ang mapayapang lalawigan ay tinatawag na alcaldia at ang lalawigang may pag-aalsa ay ang mga corregidor. Ang mga lalawigan ay pinamumunuan ng mga alcaldes mayores at corregidores. Ang mga lungsod ay pinamunuan ng mga alcaldes ordinario katulong ang mga regidores o konsehal, kalihim at alguacil mayor. Ang mga munisipyo o bayan ay pinamunuan ng gobernadorcillo sa tulong ng mga teniente mayor, at ng teniente ng pulisya, sakahan at paghahayupan. Ang mga barangay ay pinamunuan ng mga cabeza de barangay na mga dating datu sa sinaunang pamayanang Pilipino.. 32
Ang sistemang pangkabuhayan na ipinatupad ng mga Kastila saPilipinas ay kinapapalooban ng mga sumusunod: sapilitangpagbubuwis, bandala, polo y servicio, encomienda, kalakalang Galeon,pagtatatag ng Real Sociedad Economica de Amigos del Pais, RealCompania de Filipinas, pagtatayo ng mga inprastukturangpangtelekomunikasyon, serbisyo publiko, agrikultura, industriya atpagbabangko.Ang mga sistemang pangkabuhayang itinatag ng mga Kastila aynaglayong tumulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga Pilipinongunit ang nakinabang lamang ay ang mga Kastilang negosyante.Napaunlad ng mga Kastila ang transportasyon, kominikasyon,kuryente, telepone at pagbabangko ngunit pawang kontrolado ng mgaKastila ang Mga negosyong ito.Ang likas na yaman ay nalustay at ang mga Pilipino ay naghirap.Ang mga anak na lalaki ng mga ilustrado, at mga gobernadorcillo atcabeza de barangay ang mga natatanging pinag-aral ng mga Kastila.Ang pinagsamang kulturang Kastila-Pilipino ay makikita sa sining,wika, panitikan, paglilimbag ng aklat, agham, libangan at laro.Sa kabuuan, ang antas ng kalagayan ng nakararaming Pilipino salipunan 33
PANGHULING PAGSUSULIT: I. Tama o Mali. Isulat ang T kung tama at M kung mali ang mga sumusunod na pangungusap:_____1. Mahalaga sa kulturang Pilipino ang mahaluan ng kulturang Kastila._____2. Malaki ang ipinagbago ng pamahalaang Pilipino dahil sa pananakop ngmga Kastila._____3. Napasama ang kalagayang pangkabuhayan ng mga Pilipino sa mgakamay ng mga Kastila._____4. Naging makapangyarihan ang mga kalalakihan kaysa sa mgakababaihang Pilipino dahil sa patakarang pang-edukasyon ng mga Kastila._____5. Ang sistemang polo y servicio ay sistema ng pagbubuwis._____6. Dahil walang pondong ibinigay ang España, umasa ang mga opisyal naKastila sa Pilipinas sa mga buwis na siningil nila sa mga Pilipino._____7. Naging mala-Kastila ang lahat ng mga Pilipino dahil sa impluwensya ngkulturang Kastila._____8. Mahalaga ang kalakalang Galleon sa mga gobernadorcillo._____9. Maraming lupain ang hindi natamnan noong panahon ng Kastilasapagkat naging abala ang mga Pilipino sa Kalakalang Galleon._____10. Mehikano ang kadalasang namamahala sa Pilipinas noong panahonng Kastila.II. Isulat ang titik ng hindi kasama sa pangkat. Isulat din ang katwiran kungbakit hindi ito kasama sa pangkat.____________________1. A. bandala B. buwisC. polo y servicio D. pagnenegosyo____________________2. A. edukasyon B. residenciaC. awit at sayaw D. beaterio____________________3. A. flores de Mayo B. sineC. harana C. santacruzan____________________4. A. pisika B. heografiaC. kemistri D. pananahi 34
____________________5. A. indio B. principaliaC. inquilino D. cacique____________________6. A. pagbabayad ng buwis B. pagputol ng punoC. paggawa ng mga barko D. pakikipagdigmaan____________________7. A. Real Sociedad Economica de Amigos del PaisB. Real Compania de FilipinasC. Obras PiasD. Kalakalang Galleon____________________8. A. buwis B. encomienda C. beaterio D. bandala____________________9. A. gerilya B. huramentadosC. remontados D. tulisan____________________10. A. alcaldes mayores B. cabeza de barangayC. gobernador heneral D. corregidores 35
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT 6. MI. Tama o Mali 7. T1. M 8. T2. M 9. M3. M 10. T4. M5. T 6. AII. Piliin ang titik ng tamang sagot 7. B1. C 8. D2. C 9. D3. C 10. B4. D5. DARALIN 1 PAGBABAGONG PULITIKALGawain 1: Pag-isipan Mo! I. Tukuyin ang mga sumusunod: 1. Ayuntamiento –mga lungsod noong panahon ng Kastila 2. Royal Audiencia- ang korte suprema noong panahon ng Kastila 3. visitador- Kastilang ipinadala ng hari ng Espanya upang tingnan kung maayos ang pamamalakad ng gobernador heneral 4. alcaldia- mga lalawigang napayapa na ng mga Kastila 5. corregimiento- mga lalawigang hindi pa napayapa ng mga Kastila 6. alguacil mayor- ang constable o pinunong pulis ng isang bayan 7. gobernadorcillo- namamahala sa mga bayan 36
Gawain 2. Pagpapalalim ng KaalamanGawain 3. Paglalapat Ang sagot sa mga tanong ay depende sa sagot ng mga mag-aaral at ang ibaay matatagpuan sa teksto ng Aralin 1.ARALIN 2 PAGBABAGONG PANGKABUHAYANGawain 1: Pag-isipan Mo!Ang mga sagot ay depende sa mga nasaliksik ng mga mag-aaral.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanAng mga sagot ay matatagpuan sa teksto ng Aralin 2Gawain 3: PaglalapatAng mga sagot ay depende sa larawang iginuhit o ginupit ng mag-aaral.ARALIN 3 PAGBABAGONG PANLIPUNANGawain 1: Pag-isipan Mo!Ang mga sagot ay depende sa ibibigay ng mga mag-aaral. Maaaring itsek nilaang ginawa sa teksto ng Aralin 3.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanAng mga sagot ay maaring ibatay sa teksto ng aralin 37
Gawain 3: PaglalapatAng mga sagot ay batay sa teksto ng aralin subalit kailangang nakabatay sapangkasalukuyang sitwasyon.PANGHULING PAGSUSULITI. Tama o Mali 6. T1. M 7. T2. T 8. T3. T 9. T4. T 10. M5. MII. 1. d – ang lahat ay sapilitang ipinagawa sa mga Pilipino maliban sa pagnenegosyo 2. b – ang lahat ay patakarang pangkabuhayan maliban sa b 3. b – ang lahat ay pangkultura maliban sa b 4. d – ang lahat ay kurso para sa kalalakihan maliban sa d 5. a – ang lahat ay mga Kastila maliban sa a 6. a – ang lahat ay polo y servicion maliban sa a 7. d – ang lahat ay kompanyang Kastila maliban sa d 8. c – ang lahat ay pangkabuhayan maliban sa c 9. a – ang lahat ay mga taong kalaban ng mga kastila maliban sa a 10. b – ang lahat ay pinamunuan ng mga Kastila maliban sa b 38
MODYUL 8 PAGSIBOL NG KAMALAYANG PILIPINO Ang Pilipino ay likas na mapagtiis at mapagbigay kung kaya’t ang mgapagmamalabis at pang-aabuso ng mga Espanyol sa kanilang karapatan ay tiniisnila sa mahabang panahon. Subalit dumating ang sandali at nagising ang mgaPilipino sa katotohanan. Sa araling ito, makikita natin na handa na silangipaglaban ang kanilang kalayaan at karapatan. Ang pagmamahal sa bansa at sakapwa ay lubos na nalinang dala ng pang-aabuso at pagmamalupit nanaranasan nila sa kamay ng mga mananakop. Sa modyul na ito ay iyong malalaman kung paano sumibol angdamdaming makabansa na nakapagpausbong ng kamalayang Pilipino. May tatlong araling inihanda para sa iyo. Aralin 1: Pag-aalsa laban sa Espanyol Aralin 2: Ang Nasyonalismong Pilipino Aralin 3: Ang Kilusang Propaganda Pagkatapos ng modyul na ito ay inaasahang malilinang sa iyo ang mgasumusunod na kasanayan: 1. Maipaliliwanag ang paraan ng pakikitungo at pagtutol ng mga Pilipino sa mga mananakop na kastila; 2. Mabibigyang puna ang reaksyon ng mga Pilipino sa ibang dayuhang nagtangkang manakop sa Pilipinas; 3. Masusuri ang epekto ng patakarang kolonyal sa pag-usbong ng nasyonalismo; at 4. Mailalarawan ang Kilusang Propaganda batay sa uri ng pamumuno, mga nagawa at kinahinatnan. Ngunit bago ang lahat, sagutin mo muna ang ihihandang panimulangpagsusulit.
PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto. Suriin at ibigay ang tamang kasagutan. Bilugan ang titik.1. Ano ang pinakamahabang pag-aalsang naganap laban sa Kastila?A. Magat Salamat C. TablotB. Dagohoy D. Bankaw2. Saan naganap ang pag-aalsa sa Bankaw?A. Cagayan C. BoholB. Hilagang Luzon D. Leyte3. Sino ang ikalawang patnugot ng La Solidaridad?A. Marcelo H. del Pilar C. Jose RizalB. Graciano Lopez Jaena D. Mariano Ponce4. Sino ang sumulat ng “Fray Botod” na tumutuligsa sa mga pang-aabuso atgawaing di-mabuti ng mga prayle?A. Jose Rizal C. Mariano PonceB. Marcelo H. del Pilar D. Graciano Lopez Jaena5. Ano ang itinatag at pinamatnugutang pahayagan ni Marcelo H. del Pilar?A. Diariong Tagalog K. KalayaanB. La Solidaridad D. La Independencia6. Ano ang pahayagan ng Kilusang Propaganda?A. Kalayaan K. La SolidaridadB. War Bulletin D. La Independencia7. Sino ang gumamit ng sagisag na Plaridel?A. Marcelo H. del Pilar K. Dr. Jose RizalB. Graciano Lopez Jaena D. Mariano Ponce8. Ano ang pangunahing dahilan kung bakit bigo ang mga naunang pag-aalsa?A. Pera K. Kawalan ng Pambansang PagkakaisaB. Armas D. Tao9. Sino ang sumulat ng nobelang Noli at El Fili?A. Marcelo H. del Pilar K. Graciano Lopez JaenaB. Jose Rizal D. Antonio Luna 1
10. Alin sa mga sumusunod na pag-aalsa ang hindi nakabatay sa pagnanaisng kalayaan sa pananampalataya?A. Igorot K. LakandulaB. Tamblot D. Bankaw11. Ang mga dahilan ng hindi pagtatagumpay ng mga naunang pag-aalsa ayang mga sumusunod maliban sa:A. Kulang as armas at sandata ang mga PilipinoB. Hindi pa nagkakaisa ang mga PilipinoC. Walang karanasan ang mga Pilipino sa pakikihamokD. Watak-watak ang mga ginawang pag-aalsa12. Piliin kung alin ang hindi tama sa mga sumusunod na pangungusap.A. Ninais ni Dr. Jose Rizal na magkaisa ang mga Pilipino.B. Ninais ni Dr. Jose Rizal na maging isang opisyal sa pamahalaangKastila.C. Ninais ni Dr. Jose Rizal na baguhin ang pamamalakad ng mga prayle.D. Ninais ni Dr. Jose Rizal na bumalik sa Pilipinas upang tumulong samga kapwa Pilipino.13. Liberalismo ang tawag sa kaisipang galing sa Europa na nagpapakita ng:A. Pagbibigay ng pagkakataon sa pagpapalayas ng mga prayle saPilipinas.B. Pagpapalaya sa mga nasasakdalC. Pagbibigay ng kalayaan sa pagpapahayag ng damdamin at kaisipanD. Pagpapahayag ng pagkamuhi sa mga Kastila14. Ang pinakamahalagang pangyayari na nagpaigting sa pagkagalit ng mgaPilipino sa mga Kastila:A. Pagpapataw ng buwisB. Pangingibang-bansa ni Jose RizalC. Pagbabawal sa pakikipagkalakalanD. Pagpatay sa Tatlong Paring Martir 2
15. Ang ikinaiba ng Kilusang Propaganda sa kilusang pag-aalsa: A. Paggamit ng marahas na paraan B. Paggamit ng mapayapang paraan C. Pangingibang-bansa ng kasapi D. Pag-aaral upang maging matalino16. Sina Gomez, Burgoz at Zamora ang: A. Tatlong Paring taga- Cebu B. Tatlong paring ipinatapon sa ibang bansa C. Tatlong Paring IloKano D. Tatlong Paring Martir ng Cavite17. Ang mga sumusunod ay naging mga bayani ng Kilusang Propaganda maliban kay: A. Jose Rizal B. Graciano Lopez Jaena C. Marcelo H. del Pilar D. Andres Bonifacio18. Ang asosasyong itinatag ni Dr. Jose Rizal upang tulungang magkaisa ang mga Pilipino. A. La Liga Filipina B. Plaridel C. La Independencia D. Dimasalang19. Isulat kung alin ang hindi tama sa mga sumusunod: A. Nilayon ng mga propagandista na gawing lalawigan ng Espanya ang Pilipinas B. Nilayon ng La Solidaridad na mailantad ang pagmamalabis ng mga Kastila C. Nilayon ng mga paring Pilipino na isulong ang kanilang karapatan sa pamamahala ng Simbahan D. Nilayon ng mga manghihimagsik na palitan ang Hari ng Espanya.20. Maipakikita natin ang damdaming nasyonalismo sa pamamagitan ng: A. Pakikiisa at pagtataguyod ng mga pagbabago sa lipunan B. Hindi pakikialam sa mga nangyayari sa bansa C. Pag-alis sa bansa sa panahon ng krisis D. Hindi pakikisama sa mga gawain tungo sa pagbabago. 3
ARALIN 1PAG-AALSA LABAN SA MGA ESPANYOL Noong una, naging maganda ang pagtanggap ng mga Pilipino sa mgaEspanyol. Nakipagkaibigan sila sa mga ito at tinanggap ang mga handog ngpakikipagkaibigan. Nadama nila ang paggalang ng mga Espanyol sa kanilangkaugalian pati ang pamumuno ng matatanda sa barangay. Hindi inakala ng mga Pilipino na ang magandang pakikipagkaibigan aypalabas lamang ng mga Espanyol upang makuha nila ang tiwala at kalooban ngmga Pilipino. Sa kanilang pamamahala, kapansin-pansin ang mga patakaranghindi makatao. Ikinagalit ito ng maraming Pilipino na naging daan ng mga pag-aalsa. Di ba’t ito’y nagpapakita ng kagitingan ng mga Pilipino? Sasagutin natiniyan sa araling ito. Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mongkasanayan: 1. Mailalahad at masusuri ang pagkabigo ng pag-aalsang naganap; 2. Maipaliliwanag ang pakikitungo ng mga Pilipino sa mga mananakop; at 3. Makapagbibigay ng sariling reaksyon sa mga ginawa ng Espanyol mga sa Pilipino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago tayo magsimula, mag-isip muna tayo. Mayroong mga kasabihan saibaba. Maaari mo bang ipaliwanag ang mga ito? 1. “Walang mang-aalipin kung walang paalipin”. __________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. “Nasa pagkakaisa ang tagumpay”. ____________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 4
Naipaliwanag mo ba ang mga kaisipang iyon? Talakayin naman natinngayon ang kaugnayan ng mga kasabihang iyan sa mga nangyaringpakikipaglaban ng ating mga ninuno. Tinalakay sa mga naunang modyul ang maraming katiwalian sapamamahala ng mga Espanyol. Dahil sa mga katiwaliang iyan, nagsimula angmaraming pag-aalsa. Isa-isahin natin ang mga dahilan: 1. Hindi nagkaroon ng pantay na karapatan ng mga Pilipino sa ilalim ng pamahalaang Espanyol. Nagbunga ito ng mga pansariling pagnanais na maipaghiganti ang sarili, kamag-anak o kababayan sa pagmamalupit ng mga Kastila. 2. Ninais ng mga Pilipino na magkaroon ng kalayaan at pagsasarili. Napakatagal nang panahon na sila ay naging sunud-sunuran sa mga dayuhan. 3. Dumanas ng paghihirap sa kamay ng mga Espanyol ang mga katutubo bunga ng paniningil ng buwis, sapilitang pagtatrabaho, at iba pang patakaran ng pamahalaan. Nakadama ng masidhing paghihikahos ng mga Pilipino. 4. May mga opisyal na Espanyol at ng simbahan ang naging lubhang mapagmalabis. Napakaraming naitalang pag-aalsa sa panahon ng mga Kastila. Suriin moang mga ito batay sa sumusunod na talahanayan.Talahanayan. MGA PAG-AALSA NG PILIPINO LABAN SA MGA ESPANYOLPag-aalsa Taon Pook na Dahilan Pinuno Resulta Pinangyarihan ng Pag-aalsaLakandula 1574 Tondo, Navotas Di pagtupad ni Gob. Lakandula Bigo. Lavesarez sa mga pangakong binitiwan ni Legazpi kay LakandulaPampanga 1585 Pampanga Pagmamalabis ng mga Bigo. encomendero Ipinagkanulo ng 5
isang babae ang balak na pag- aalsa. Hinuli ang mga pinuno.Tondo 1587-88 Tondo; Cuyo; Hangarin sa kalayaan Magat Bigo. Natuklasan CalamianesCagayan- 1589 Salamat, nang maaga angIlocos Cagayan; IlocosMagalat 1596 Norte Martin Pangan, balak ng maaga.Igorot 1601 CagayanIrrayas 1621 Hilagang Luzon Juan Banal, Ipinapatay o Lambak ngTamblot 1621-22 Cagayan Pedro Balingit ipinatapon angBankaw 1621 Bohol mga pinuno.Cagayan 1625 1627 Leyte Pagtangging magbayad Bigo. MadalingCaraga 1639Cagayan 1629-31 Caraga ng tributo, nasugpo ang 1639 Cagayan pagmamalabis ng mga pag-aalsa. kolektor ng tributo Pagmamalabis ng mga Magalat Bigo. Ipinapatay kolektor ng tributo ang mga pinuno. Pagnanais ng kalayaan Bigo. sa pananampalataya Pagmamalabis at pang- Felipe Napigil dahil sa aapi ng mga pinunong Catabay, pagsesermon ni Espanyol sa sapilitang Gabriel Dayag Padre Santo paggawa at Tomas pagbubuwis Pagnanais na iwanan Tamblot Nasugpo ng mga ang katolisismo at Espanyol at bumalik sa katutubong Krsitiyanong relihiyon. Cebuano. Pagnanais ng kalayaan Bankaw, Pagali Bigo. sa pananampalataya Pagnanais ng Miguel Lanab, Bigo. Pinatawad kalayaan; pagpaparusa Aldaban ang mga pinuno. sa isang babae ng ilang Pinatay nang Espanyol na opisyal muling mag-alsa. Kawalang kasiyahan ng Bigo. mga mamamayan sa pamahalaang Espanyol Kawalang kasiyahan sa Bigo. 6
pamahalaang EspanyolLadia 1643 Malolos, Bulacan; Pagkagalit sa pang- Pedro Ladia Bigo. Pinatay angBisaya 1649-50 Timog Luzon aapi ng mga Espanyol mga pinuno. Silangang Pagtutol sa Sumuroy, Juan Hinuli at Visayas; pagpapadala ni Gob. Ponce, Pedro pinugutan ng ulo Hilagang Fajardo ng mga Caamug ang mga pinuno. Mindanao; manggagawang Bisaya Zamboanga sa Cavite upang gumawa ng mga barko.Pampanga 1660-61 Bacolor, Hindi pagbabayad ng Francisco Pagkakaloob ng Pampanga mga opisyal sa biniling Maniago pangkalahatang palay; paulit-ulit na amnestiya sa pag-uutos na magbigay mga rebelde. ng personal na Pagbibigay ng paglilingkod. kabayaran sa paglilingkod.Pangasinan 1660-61 Binalatongan, Alitan sa pagitan nina Andres Bigo. Pangasinan Padre Gorospe at Malong, Pedro Malong GumaposIlocos 1661 San Nicolas Pang-aapi ng mga Juan Masanap, Bigo. Pinatay angPanay 1663 Barraca Laoag Espanyol Pedro Almazan mga pinuno. Oton, Panay Pagnanais na magtatag Tapar Bigo. ng sariling uri ng KristiyanismoAgraryo 1745-46 Bulacan, Morong Pang-aagaw ng mga Matienza Bigo. (Rizal) Cavite, lupaing ari ng mga Laguna, magsasaka ng mga Batangas ordeng relihiyosoDagohoy 1774- Bohol Pagtanggi ni Padre Francisco Bigo. Pinatawad 1828 Morales na ilibing ang Dagohoy ang mga kapatid ni Dagohoy sa nagrerebelde. sementeryo ng mga Katoliko. Maituturing na pinakamahabang pag- aalsa na naganap sa kasaysayan ng 7
Pilipinas.Silang 1762-63 Ilocos Pagnanais na Diego Silang, Bigo. Pinatay si palayasin ang mga Gabriela Silang Silang ni Miguel Espanyol sa bansa. Vicos, isang kaibigan. Ipinagpatuloy ni Gabriela ang pag- aalsa, ngunit siya’y nahuli at pinugutan ng ulo.Palaris 1762-64 Pangasinan Sapilitang paghingi ng Juan de la Bigo. Nasugpo ng reporma lalung-lalo na Cruz pamahalaan. ng pagpapalit ng mga Pagpatay kay local na opisyal. Palaris.Banal 1807 Ilocos Monopolyo ng Pedro Mateo Bigo. Natalo ang pamahalaan sa mga rebelde ng paggawa ng basi. mga sundalong Espanyol.Hermano 1840-41 Quezon Dahil sa pagiging Apolinario dela Bigo.Pule katutubo, si Pule ay Cruz o tinanggihan ng mga Hermano Pule Kastila na maging isang pari. Nagtatag si Pule ng isang kapatirang panrelihiyon, ang Confradia de San Jose, na hindi pinayagan ng pamahalaan at iniutos na buwagin. Napansin mo marahil na puro bigo at hindi naging matagumpay ang mganaitalang pag-aalsa. Nangangahulugan ito na sa mga panahong iyon, hindi palubos na handa ang mga Pilipino. Watak-watak kung sila ay kumilos. Karamihanay walang armas at angkop na panlaban sa mga baril at kanyon ng mga Kastila. 8
Higit sa lahat, mas matapat ang maraming Pilipino sa Kastila kaysa sa kapwanila Pilipino. May mga Pilipinong naging taksil at isinuplong ang mga kasamahan. Marubdob man ang pagnanais na labanan ang mga mananakop, ang mgapag-aalsa ay may iba’t ibang dahilan naman. Hindi rin lubos na nakiisa sa mgakatutubo ang mga mayayamang angkan na nagtatamasa ng kaginhawaan sailalim ng mga Kastila. Higit pa riyan, ang mga nagbangon ay nakipaglaban samga Kastila hindi bilang Pilipino, kundi bilang Ilokano, Kapampangan o Bisaya.Samakatwid, di pa nabubuo ang isang diwang Pilipino. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Subukan mo kung iyong natatandaan ang mgahalimbawa ng mga pag-aalsa. Pagtapat-tapatin ang Hanay A at Hanay B sapamamagitan ng paglalagay ng guhit sa magkatugmang bilang at titik. Hanay A Hanay B1. Dagohoy A. Pagmamalabis ng encomendero2. Lakandula B. Hangarin sa kalayaan3. Tondo K. Pagmamalabis ng mga kolektor ng tributo4. Pangasinan D. Maituturing na pinakamahabang pag-aalsa5. Bankaw E. Pagpaparusa sa isang babae ng ilang Espanyol6. Magalat G. Nagtatag ng isang kapatirang panrelihiyon na hindi7. Hermano Pule8. Banal pinayagan ng pamahalaan9. Pampanga H. Alitan sa pagitan nina Padre Gorospe at Malong10. Cagayan I. Pagnanais ng kalayaan sa pananampalataya L. Di pagtupad ni Gob. Lavesarezsa pangakong binitiwan ni Lagaspi kay Lakandula M. Monopolyo ng pamahalaan sa paggawa ng basi 9
Tandaan Mo! Dahil sa pagiging masunurin at matapat ng mga Pilipino sa mga Espanyol, naging mapagsamantala ang mga Espanyol sa kapangyarihan. Di nabigyan ng katarungan ang mga Pilipino sa maraming larangan, kahit sa relihiyon. Ito ang naging hudyat para sila ay lumaban sa Espanyol. Hindi naging matagumpay ang mga naunang pag-aalsa dahilan sa kawalan ng pambansang pagkakaisa. Wala pang nabuong iisang diwang Pilipino, kulang sa mga lider na may kakayahang pag-isahin ang mga katutubo, athindi sapat ang katapatan sa kapwa-Pilipino. Gawain 3: Paglalapat 1. Kung ikaw ay isang batang mag-aaral noong panahon ng Kastila, paano mo maipapakita ang iyong pakikiisa as pagtataguyod ng kalayaan? Idrowing mo ang iyong sarili sa kahon noong panahon ng Kastila at punan mo ang bilog ng iyong mga iniisip na plano. 10
ARALIN 2ANG NASYONALISMONG PILIPINO Ang bunga at epekto ng mga patakarang kolonyal sa Pilipinas, angmatagal na panahon ng pananakop, at pang-aapi at katiwalian ng mga pinunongEspanyol ang unti-unting nagbuklod sa isipan at puso ng mga Pilipino upangmalinang ang damdaming makabansa. Bagama’t bigo ang mga naunang pag-aalsa, unti-unti silang nagkaroon ng lakas at pagnanasang maging malaya atmakapagsarili. Tatalakayin sa araling ito kung ano ang nagbigay-lakas upang magkaisaang mga naaaping Pilipino sa panahon ng mga Kastila. Handa ka na ba? Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mongkasanayan: 1. Matatalakay ang pagdating ng kaisipang liberal sa bansa; 2. Maipaliliwanag ang mga pangyayaring nagbigay daan sa paglinang ng damdaming nasyonalismo; at 3. Masusuri ang mga epekto ng patakarang kolonyal sa pag-usbong ng nasyonalismo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Isulat mo ang sarili mong pagkaunawa sa salitang “nasyonalismo”.Maglagay sa bilog ng mga salitang maiuugnay sa kaisipang iyan. NASYONALISMO 11
Mga Salik na Nakapagpausbong ng Damdaming Nasyonalismo Ang damdaming nasyonalismo ay ang pagkakaroon ng iisang adhika parasa Inang Bayan: ang mapabuti ito. Anu-ano ang mga salik na nagbunsod sa mgaPilipino upang isulong ang adhikaing iyan? 1. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaigdigang kalakalan: Dahil dito, maraming nakarating sa ibang bansa. Namulat ang mga Pilipino sa sariling kalagayan at natutong makisalamuha sa ibang dayuhan. Dahil sumigla rin ang kalakalan sa Maynila, naganyak ang halos lahat ng uri ng tao sa pangangalakal. 2. Pagkakaroon ng pang-gitnang uri ng lipunan (middle class): Dulot ng kanilang kalagayan sa buhay kinalaban ng mga Pilipino ang mga Espanyol at prayle at humihiling ng mga pagbabago. Ipinadala nila sa Espanya at iba pang bansa ang kanilang mga anak upang mag- aral. Sila ang bumuo sa pangkat ilustrado, na siyang nagpasimula ng paghiling ng pagbabago at nagtanggol sa mga karapatan ng mga Pilipino. 3. Pagsibol ng kaisipang liberal sa Pilipinas: Dala ng Espanyol ang mga kaisipang liberal na ito buhat sa Europa. Ipinamalas nila ito sa kanilang malayang pagkilos at pananalita. Ang ganitong kaisipan, bagamat hindi tuwirang ipinalaganap ay tumimo sa isipan ng mga katutubong Pilipino. 4. Ang Kilusang Sekularisasyon Ang kilusang sekularisasyon ay itinatag upang ipagtanggol ang karapatan ng mga paring sekular sa mga parokya. Mayroong dalawang uri ng paring katoliko sa ating bansa noon. Ang regular at ang sekular. Ang paring regular ay kabilang sa isang orden tulad ng Agustinian, Pransiskano, at iba pa. Ang paring sekular naman ay hindi kabilang sa kahit anong orden. 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412