Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore ARALING PANLIPUNAN I Part 1

ARALING PANLIPUNAN I Part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-12 00:31:02

Description: 1ARPA1-2

Search

Read the Text Version

D. Nalilinang ang ating damdaming makabayan at natatamo ang pagkakaisa tungo sa kapayapaan at pag-unlad10. Alin sa mga sumusunod na pagpapahalaga ang pinaka-angkop sa pag-aaral ng Kasaysayan? A. Maipagmalaki ang lahing Pilipino sa ibang bansa at sa mga dayuhang mamamayan B. Maipakita ang pagtangkilik sa mga produkto at serbisyong Pilipino kaysa sa mga dayuhan C. Maisabuhay ang damdaming makabayan at pagpapahalaga sa mga nagawa ng mga dakilang tao sa kasaysayan D. Makagawa ng mga likhang-sining na tumutukoy sa kahusayan ng lahing PilipinoIkalawang Bahagi:Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang una at ikalawang pangungusap. Isulat sa patlang ang titik: A, Kung ang parehong pangungusap ay TAMA B, Kung ang parehong pangungusap ay MALI C, Kung ang unang pangungusap ay TAMA, at ang ikalawang pangungusap ay MALI D, Kung ang unang pangungusap ay MALI, at ang ikalawang pangungusap ay TAMA11. ● Ang Agham Pampulitika ay tumutukoy sa pagsisimula, pagtatatag, at pagpapatupad ng mga alituntunin at batas ng isang pamahalaan. ● Ayon sa ating Saligang Batas, ang simbahan ay isang mahalagang elemento sa pagbuo ng Estado.Sagot:________ 26

12. ● Ang pag-aaral ng Antropolohiya ay nauuri sa sosyo-kultural, arkeolohikal, pang- biolohikal at wika. ● Ang “fossils” at “artifacts” ay ginagamit sa Antropolohiya upang makasulat ng kasaysayan. Sagot:________13. ● Ang mga anyong lupa at anyong tubig kasama na ang klima at panahon, ay mahalagang sinusuri sa Sikolohiya. ● Ayon sa mga dalubhasa ng Sikolohiya, may mga tao na magkatulad ang katangiang pisikal, ngunit di magkapareho ang mga personalidad. Sagot:________14. ● Itinuturo sa Ekonomiks na ang pangangailangan ng tao tulad ng pagkain, ay walang katapusan habang ang pinagkukunang yaman ay nauubos. ● Ang “import” at “export” ang tanging batayan sa pag-aaral ng ekonomiya at pag- unlad ng isang bansa. Sagot:________15. ● Ang Heograpiya ay ang pag-aaral na nakatuon sa mga katangiang pisikal ng kalawakan tulad ng mga planeta at bituin. ● Ang dalawang pangunahing sangay ng Heograpiya ay Heograpiyang Pisikal at Heograpiyang Pantao. Sagot:________16. ● Ayon sa Sosyolohiya, ang Barangay ang pangunahing institusyon sa lipunan na nangangalaga sa tao. ● Ang kooperasyon at kompetisyon sa lipunan ay mahalaga upang mapabuti ang kalagayan ng mga tao. Sagot:________ 27

17. ● Ang Agham Panlipunan ay magkakadugtong na kaisipang ating pinag-aaralan kaya ito ay tinawag na “multi-disciplinary”. ● Ang bawat disiplina sa Agham Panlipunan ay nakatutulong upang mapadali ang pag-aaral ng pagkilos at pag-iisip ng tao. Sagot:________18. ● Ang pamahalaan ay isang institusyon na nagpapatupad ng mga batas at alituntunin para sa kabutihan ng mga tao. ● Itinatadhana ng Saligang Batas ang mga probisyon bilang gabay o batayan sa iba pang batas na gagawin sa bansa. Sagot:________19. ● Sa Ekonomiks, ipinakikita na ang pambansang kita ay mahalaga sa pag-unlad ng isang bansa. ● Ang mabilis na pagkaubos ng ating mga likas na yaman tulad ng kagubatan ay patunay na maunlad na ang ating bansa. Sagot:________20. ● Ang heograpiyang pisikal ay tumutukoy sa pagbabahagi ng tao sa iba’t ibang lugar at sa mga katangian ng kanyang kultura. ● Ang tao ay may kakayahang ayusin ang mga anyong lupa at anyong tubig upang matugunan ang kanyang pangangailangan. Sagot:________ 28

GABAY SA PAGWAWASTO:PANIMULANG PAGSUSULIT1. D 11. C2. D 12. A3. B 13. B4. B 14. C5. A 15. D6. C 16. D7. D 17. A8. A 18. A9. B 19. C10. B 20. DARALIN 1 Mga Kwentong May SaysayGawain1: Pagisipan Mo!HERODUTUS LUMANG GAMIT HINAHARAP ORAL KASAYSAYAN FOSSILSTRADISYON KASALUKUYAN BATAYANG ARTIFACTS G PANGYAYARI PRIMARYA BATAYANGNAKARAANG SEKUNDARYAPANGYAYARI 29

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang Kasaysayan ay sistematikong pag-aaral ng mga nakaraang pangyayariupang maunawaan ang ating kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.Gawain 3: PaglalapatHalimbawa ng maaaring kasagutan: Mahalagang kasaysayan ng aking buhay: Pagkakamit ng ikalawang karangalan sa aking pagtatapos sa ika-anim na baytang. Mahalagang pa rin ba ang pangyayaring iyon hanggang ngayon? Bakit? Dahil sa pagkakamit ko ng karangalang iyon, nagkaroon ako ng inspirasyon sa aking pag-aaral. May maitutulong ba sa iyong pag-aaral o pamumuhay ang pangyayaring iyon? Paano? Nagdulot ito ng pagkakataon upang maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral kahit kami ay mahirap lamang. Kung wala akong naging karangalan, maaaring hindi na ako pinag-aral ng aking mga magulang dahil sa aming kahirapan.ARALIN 2: Kaugnayan ng mga Disiplinang Agham Panlipunan sa KasaysayanGawain 1: Pag-isipan Mo! Agham Antropolohiya Ekonomiks Heograpiya Kasaysayan Sikolohiya SosyolohiyaPanlipunan Atityud Institusyon/Estado Arkeolohikal Klima at Aral ng mga Samahan Produksyon Bayani PanahonPamahalaan Pagbabago Suplay at Heograpiyang Batayang Motibo Lipunan Ng Wika Demand Pantao Primarya at SekundaryaSaligang Sosyokultutal Panganga- Heograpiyang Mahahalagang Personalidad Pamilya ilangan at Pisikal Pangyayari Kakapusan 30

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman1. Agham Panlipunan : pag-aaral ng mga konsepto at prinsipyo tungkol sa pamamahala ng isang lipunan na may tiyak na teritoryo.2. Antropolohiya : pag-aaral ng simula, pag-unlad at katangian ng tao.3. Ekonomiks : pag-aaral tungkol sa produksyon, distribusyon, pagpapalitan ng kalakal at pagkunsumo.4. Heograpiya : pag-aaral ng katangiang pisikal ng daigdig.5. Kasaysayan : sistematikong pag-aaral ng mga nakaraang pangyayari upang maunawaan ang ating kasalukuyan at mapaghandaan ang hinaharap.6. Sikolohiya : pag-aaral sa pagkilos o paggalaw ng tao at pamamaraan ng pakikipag-ugnayan.7. Sosyolohiya : pag-aaral sa pakikipag-ugnayan ng tao sa ibang tao o pangkat, institusyon o samahan na kanyang kinabibilangan.Gawain 3: PaglalapatAng mga sumusunod ay halimbawa ng mga tanong na saklaw ng bawat sangay ngAgham Panlipunan. Iba’t ibang ang mga katanungan tungkol sa isang lipunan dependesa sangay ng agham panlipunan.Saan nagmula at kalian Anong lahi mayroon ang Paano nakikibagay sanakarating sa isla ang nga taong nakatira sa kapwa ang mga taomga ninuno ng mga sa isla? dito?isla? (ANTROPOLOHIYA) (SIKOLOHIYA) (KASAYSAYAN)Ano ang mga likas na Anu-ano ang mga Ano ang mgayaman sa isla? pagdiriwang na pangunahing produkto ginaganap sa isla? sa isla? (HEOGRAPIYA) (SOSYOLOHIYA) (EKONOMIKS) 31

ARALIN 3 Kaugnayan ng Kasaysayan sa LipunanGawain 1: Pag-isipan Mo!Mapapansin mo n amahalaga ang mga tao, pook, at mga pangyayaringnabanggit dahilan sa mga sumusunod:1. Tao - Kagaya ni Dr. Jose Rizal, malaki ang papel ng mga bayani natin sa paggising ng pambansang diwa.2. Pook - Ang mga makasaysayang pook ay nagpapaalala sa ating nakaraan.3. Pangyayari - Sa mga pangyayari sa nakaraan, nahuhubog ang mga mamamayan. Gabay din ang makasaysayang pangyayari ng mga desisyon pambansa.Gawain2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ang kasaysayan ay nakatutulong upang malaman natin ang ating nakaraan,maunawaan ang kasalukuyan, at mapaghandaan an gating hinaharap. Nakatutulongdin ito sa pagmumungkahi ng solusyon tulad ng digmaan at pagkagutom. SaKasaysayan din natin nakilala ang mga bayani na nag-alay ng buhay tungo sapagbabago at kalayaan ng bayan.Gawain 3: PaglalapatPangyayari / Kahalagahan 1. b 2. a 3. d 4. e 5. c 32

PANGWAKAS NA PAGSUSULIT1. C 11. C2. B 12. A3. A 13. B4. D 14. C5. D 15. D6. C 16. D7. D 17. A8. C 18. A9. D 19. C10. C 20. D 33

MODYUL 2 PILIPINAS: LUPAIN NG ATING L AH I Paano natin sisimulan ang pag-aaral ng Kasaysayan? Sa Modyul 1, nabatidnatin na isa sa mga sangay ng pag-aaral ng Agham Panlipunan ay Heograpiya.Nabatid din natin na may malaking kaugnayan ang heograpiya sa ang Kasaysayan. Sa modyul na ito, sisikapin nating unawain ang kahalagahan ng pisikal nakatangian o heograpiya ng ating bansa. May tatlong araling inihanda para sa iyo: Aralin 1: Katangiang Pisikal at Pinagkukunang Yaman ng Pilipinas Aralin 2: Ang Pambansang Teritoryo Aralin 3: Rehiyonalisasyon Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng mga aralin samodyul na ito.1. Masusuri ang katangiang pisikal ng Pilipinas tulad ng lokasyon, hugis, anyo, sukat, lawak at klima;2. Matutukoy ang mga likas na yaman ng bansa na nangangailangan ng wastong paggamit at pangangalaga;3. Maituturo sa mapa ang mga hangganan ng pambansang teritoryo ng Pilipinas ayon sa Saligang-Batas ng 1987;4. Maipaliliwanag ang mga probisyon ng Doktrinang Pangkapuluan (Archipelagic Doctrine) at ng Exclusive Economic Zone;5. Matatalakay ang mga layunin at dahilan ng rehiyonalisasyon ng Pilipinas; at6. Masusuri ang epekto ng pisikal na heograpiya sa mga pag-uugali at kamalayang pangkapaligiran at pag-unlad ng bawat rehiyon. Handa ka na ba? Bago ang lahat, sagutin mo muna ang panimulang pagsusulit.

PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Bilugan and titik ng tamang sagot.1. Ang klimang tropikal ng Pilipinas ay batay sa kanyang lokasyon na:A. malayong nasa itaas ng equatorB. mismong nasa equatorC. banayad na nasa ibaba ng equatorD. banayad na nasa itaas ng equator2. Ang Pilipinas ay binubuo ng _____________ pulo.A. 7,707 C. 7,701B. 7,107 D. 7,1093. Ito’y binubuo ng biyaya ng lupa, karagatan, ilog, kagubatan, at kapaligirangpangkalikasan.A. likas na yaman C. yamang pisikalB. yamang pantao D. lakas paggawa4. Kasama ng Pilipinas, ang bansang ____________ at iba pang mga estadongarkipelago ay namuno sa pagpapanukala at pagsasakatuparan ng pandaigdigangkumperensiya sa Batas sa Karagatan.A. Indonesia C. BruneiB. Malaysia D. Thailand5. Ang Saligang-Batas na nagtatadhana ng lawak na nasasakop ng Pilipinas ay ang:A. Konstitusyon ng 1972 C. Konstitusyon ng 1973B. Konstitusyon ng 1987 D. Konstitusyon ng 19356. Ang Pilipinas ay isang arkipelago dahil:A. ito’y binubuo ng mga isla na napapaligiran ng dagat sa lahat ng direksyon.B. ito’y napapaligiran ng dagat sa hilaga at timog.C. ito’y isang pulo na napapaligiran ng tubig.D. ito’y isang makipot na lupain na kakikitaan ng mga bundok at tubig.7. Apatnapu’t limang bahagdan ng kalupaan ng Pilipinas ay nagagamit sa:A. pagmimina C. agrikulturaB. komersyo at kalakal D. pangingisda8. Ito ang sentro ng kulturang Ifugao: 1

A. Autonomous Region of Muslim MindanaoB. Cordillera Autonomous RegionC. CARAGAD. Bicol Region9. Ang pinakamahabang kabundukan sa Pilipinas ay ang:A. Kabundukan ng ZambalesB. Kabundukan ng CaraballoC. Kabundukan ng Sierra MadreD. Kabundukan ng Ifugao10. Ang anyong tubig sa silangang bahagi ng bansa ay ang:A. Dagat Celebes C. Kanal ng BashiB. Timog Dagat Tsina D. Karagatang Pasipiko11. Ang Bikol o Ikalimang Rehiyon ay kilala sa buko, pili at abaka. Ang mga probinsiyangkatulad ng Albay at Sorsogon naman ay mahalagang pinanggagalingan ng _________A. enerhiyang geothermalB. enerhiyang solarC. enerhiyang hydro-electricD. enerhiyang bio-gas12. Batay sa P.D. 1596 na nilagdaan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ang Pilipinas ayumaangkin sa _______________ bilang bahagi ng pambansang teritoryo na nasasaligsa kasaysayan at titulong legal:A. Turtle IslandB. Scarborough ShoalC. SabahD. Mga Isla sa Kalayaan13. Sa Kanluran, anong bansa ang kalapit ng Pilipinas?A. Indonesia C. TaiwanB. Vietnam D. Malaysia14. Ang lalawigan ng rehiyong ito ay kadalasang daanan ng mga ulan at bagyo. Dahildito,kilala ang rehiyon sa pagiging mahirap at sa mababang produksyon.A. Rehiyon VII – Gitnang Bisaya B. Rehiyon VIII – Silangang Bisaya 2

C. Rehiyon VI – Kanlurang Bisaya D. Rehiyon I – Ilocos15. Ang mga sumusunod ay suliraning naidulot ng pagkakahiwa-hiwalay ng mga pulo ngPilipinas maliban sa:A. mabagal na sistema ng transportasyonB. kahirapan sa pangangasiwa at pamamahala sa kapuluanC. kawalan ng pagkakaunawaan ng mga Pilipino dulot ng maraming wikaD. pagpili ng mga pinuno sa bansa16. Ang matabang lupa mula sa bulkan sa lalawigan ng Davao ay lumilikha ng mgaproduktong pang-agrikultural. Nangunguna sa buong Mindanao ang Davao saproduksyon ng:A. orkidyas C. abakaB. bigas D. saging17. Alin sa listahan ang bansa na hindi umaangkin sa mga Isla ng Spratlys?A. Taiwan C. MalaysiaB. China D. Thailand18. Ang pangingisda at pagsisid sa mga perlas ang mga pangunahing ikinabubuhay sarehiyong ito. Tanyag din ang rehiyong ito sa makukulay na moske at vinta at mgabahay sa baybaying dagat:A. Rehiyon XIII – C.A.R C. Cordillera Administrative RegionB. ARMM D. Rehiyon IX - Kanlurang Mindanao19. Ang tropikal na klima ng Pilipinas ay may katangiang:A. maalinsangan at maulan C. mainit at mahalumigmigB. mainit at maulan D. maulan at mainit20. Ang mga Isla sa Kalayaan (Spratlys) ay bahagi ng ______________A. Mindanao C. PalawanB. Sulu D. BatangasARALIN 1KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN 3

Handa ka na bang magsimula? Ang araling ito ay tumatalakay sa lokasyon, lawak,hugis, topograpiya, klima at mga pinagkukunang yaman ng Pilipinas. Madali lamang, hindiba? Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng lokasyon, sukat, at hugis ng mga rehiyon sa kanilang pag-unlad;2. Maipaliliwanag kung paano nakatutulong sa pag-unlad ng bawat rehiyon ang mga pinagkukunang yaman nito;3. Maiisa-isa ang iba’t ibang klima sa Pilipinas; at4. Mailalarawan ang topograpiya ng Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: May mga salitang nabubuo mula sa letrang nakakahon.Bilugan mo ang mga nabuo mong salita na nakapaloob sa parisukat. Ito ay maaring pahalang o pahaba. Pagkatapos ay sagutin ang mga tanong sa ibaba. S H AP ON I X AV I Z LT S I NA A I YE DT N MAT I X GOXN YP A GTA AN N X AM OY B R UN E I K A PU L O1. Anu-ano ang mga lokasyong nasa parisukat? _______________________2. Ano ang mga bansang tinutukoy? ________________________________3. Mayroon din bang anyong lupa sa parisukat? _______________________ 4

Lokasyon, Lawak at Hugis ng Pilipinas Kung titingnan natin sa mapa, nasa Hilagang Silangan ng Asya ang Pilipinas. AngPilipinas ay matatagpuan sa pagitan ng 4° 23` at 21° 30` hilagang latitud at ng 116°E at127° silangang meridyan / longhitud. Ito ay napapaligiran ng Bashi Channel sa hilaga,Dagat ng Sulu at Celebes sa timog, Dagat Pasipiko sa silangan at Katimugang Dagat ngTsina sa kanluran. Ang Pilipinas ay may sukat na 1,150 milya (1,850 km) pahaba at 680milya (1,060 km) palapad. Ang isla ng Y’ami sa Batanes ang nasa dulong hilaga,samantalang Saluag, Sibutu ang isla sa dulong Timog. Ang mga bansang nakapaligid saPilipinas ay ang Taiwan, Tsina at Hapon sa hilaga; Vietnam, Laos, Kambodya, Thailand atMalaysia sa kanluran; at Borneo at Indonesya sa timog. Ang ating bansa ay tinatawag na arkipelago. 7,109 ang mga pulong bumubuo saPilipinas. 4,000 dito ay wala pang pangalan. Ang Pilipinas ay may pangkalahatang sukatna 300,000 kilometro kwadrado. Ito ay higit na malaki kaysa Gran Britanya at Ireland,ngunit higit na maliit kumpara sa Hapon at España. Ang mga pangunahing isla saarkipelago ng Pilipinas ay ang Luzon sa hilaga na may sukat na 141,395 kilometrokwadrado. Ang ilan sa mas maliliit sa isla ay ang Samar, Negros, Palawan, Mindoro,Leyte, Cebu, Bohol at Masbate. And Maynila ay itinatag ni Miguel Lopez de Legaspi bilang kabisera noong ika-24ng Hunyo, 1571. Ngunit noong ika-17 ng Hulyo, 1948 at sa bisa ng R.A 333, nagingkabisera ng Pilipinas ang siyudad ng Quezon. Muling naging kabisera ang Maynila noongika-14 ng Hunyo, taong 1976, sa bisa ng P.D 940.TopograpiyaA. Anyong Lupa Sa pangkalahatan, ang Pilipinas ay mabundok kaya’t sagana ito sa mga bundok, bulubundukin at lambak. Ang pinakamataas na bundok ay ang Apo na halos 2,926.82 kilometro ang taas. Tatlong malalawak na bulubundukin ang matatagpuan sa Luzon. Ito ay ang Caraballo Sur sa may Abra, Ilokos Norte, at Cagayan, ang Caraballos Occidental na nahahati sa Cordillera Norte at Cordillera Central, at ang Sierra Madre na siyang pinakamahabang tuluy-tuloy na Tsina 5Thailand

bulubundukin mula Cagayan hanggang Laguna de Bay. Ang bulubundukin ngZambales ay nagsisimula sa Bolinao (Pangasinan) hanggang sa may dalampasigan ngBataan. Bilang bahagi ng “Pacific Ring of fire,” ang Pilipinas ay kakikitaan ng halos 50bulkan. Labintatlo (13) dito ay aktibo. Ang mga pangunahing bulkan sa Pilipinas ay angMayon (Albay), Taal (Batangas), Bulusan (Sorsogon), Didicas, Kanlaon, Hibok-hibok,at Pinatubo. Ang mga pangunahing lambak o kapatagan naman ay ang Lambak ngGitnang Luzon at Lambak ng Cagayan sa Luzon, at ang Lambak ng Agusan atLambak ng Cotabato sa Mindanao. 6

B. Anyong Tubig Ang mahabang putul-putol na baybayin ng Pilipinas ay may sukat na 34,600 kilometro. Dalawang beses itong higit na mahaba sa baybayin ng Estados Unidos. Matatagpuan ang mga look, daungan at gulpo sa mga baybayin. Umaabot sa may 132 ilog ang nagagamit sa transportasyon. Ilan dito ay ang ilog ng Cagayan, ilog ng Pampanga, Agno at Pasig sa Luzon, ilog ng Agusan at Pulangi sa Mindanao. Ang Pilipinas ay may 59 na lawa. Anim sa pinakamalalaking lawa ay ang lawa ng Laguna, lawa ng Lanao, lawa ng Mainit sa Surigao del Norte, lawa ng Naujan, at lawa ng Bulusan.C. Klima Sa pangkalahatan, ang klima sa Pilipinas ay may kainitan. Ito ay pinahuhupa ng simoy ng hangin galing sa Dagat ng Tsina at Karagatang Pasipiko. May dalawang panahon sa bansa – tag-araw at tag-ulan. Mula Marso hanggang Hunyo ay tag-araw, kung saan pinakamainit ang buwan ng Mayo. Samantala, mula Hulyo hanggang Oktubre ay tag-ulan. Mula Nobyembre hanggang Pebrero ay ang malalamig na buwan. Enero ang pinakamalamig na buwan na may temperaturang 25.4 °C hanggang 26.5 °C. May pagkakaiba ang klima sa iba’t ibang rehiyon batay sa altitud o taas ng lugar. May pagkakaiba rin sa nararanasang ulan at sa tindi ng nararanasang mga bagyo. Pinagkukunang Yaman Palagay ko ay iyong nababatid na ang Pilipinas ay napakaraming likas na yaman. Matataba ang ating mga lupang matatagpuan sa mga kapatagan at lambak. Dahil dito, sagana tayo sa bigas, mais, buko, abaka, goma, tubo`, prutas, gulay at kape. Ang ating mga kagubatan ay kakikitaan ng 3,000 uri ng mga puno tulad ng apitong, almon, lawan, guijo, ipil, tangili, narra, tindalo at yakal. Marami rin tayong mineral na metalik gaya ng ginto, iron, tanso, pilak, platinum, chromium, manganese, lead at zinc. Mayroon ding mineral na hindi metalik tulad ng coal, langis, asbestos, clay, gypsum, lime, asin, buhangin, graba, sulfur, aspalto, adobe, at marmol. Bilang isang arkipelago, ang Pilipinas ay mayaman sa isda at produktong dagat. Dito ay may 7

2,400 uri ng isda, at 10,000 uri ng kabibe, mga perlas, at koral. Ang “coral reef” saTubbataha ay ika-apat na pinakamalaki sa buong mundo at likas na tahanan ng mgaisda. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pagtapat-tapatin. Hanapin ang epekto ng lokasyon, topograpiya atpinagkukunang yaman sa kasaysayang pangkabuhayan, pampulitikal at pangkultural ngPilipinas. Guhitan ang magkakatapat.A. Lokasyon 1. Mayaman sa lupain, mineral at iba’tB. Topograpiya ibang pagkain ang Pilipinas kaya’tC. Pinagkukunang Yaman naganyak ang mga dayuhang bansa na sakupin ito. 2. Ang pagiging mainit ng panahon sa bansa ay nakaimpluwensya sa ating mabagal na pagkilos at unang tinuligsa ng mga Kastila bilang katamaran. 3. Dahil sa ang Pilipinas ay binubuo ng mga watak-watak na pulo, naging mahirap ang pagkakaisa ng mga Pilipino at mga pangkat etniko.Tandaan Mo! Ang Pilipinas ay nasa Hilagang Silangan ng Asya. Ang Pilipinas ay isang archipelago na binubuo ng 7,109 na pulo. Mayaman ang Pilipinas sa iba’t ibang anyong lupa, anyong tubig atlikas na yamang galing sa kalikasan. 8

Gawain 3: Paglalapat Gumuhit ng mapa ng Pilipinas sa isang papel. Gawing makulay ang mapa, Punuin ito ng mga larawan ng likas na yaman na matatagpuan sa iba’tibang rehiyon. Upang magawa mo ito, kinakailangang magsaliksik ka ng mgapangunahing produkto at likas na yaman sa bawat rehiyon.ARALIN 2ANG PAMBANSANG TERITORYO Tatalakayin naman sa araling ito ang pambansang teritoryo ng Pilipinas. Nakabatayito sa Saligang-Batas ng 1987, Kasunduan ng Paris noong 1898, at P.D 1596 noong June11, 1978. Tatalakayin din natin ang kahalagahan ng ‘Exclusive Economic Zone (EEZ)’, atPandaigdigang Kumbensyon sa Batas sa Karagatan o “International Convention on theLaw of the Sea (1958).” Kung ikaw ay mahilig sa mga batas ang araling ito ay para sa iyo! Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Maiisa-isa ang batayan ng hangganan ng pambansang teritoryo;2. Maituturo sa mapa ang hangganan ng pambansang teritoryo; at3. Maipaliliwanag ang nilalaman ng Doktrinang Pangkapuluan at ng Exclusive Economic Zone. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: Suriin ang susunod na mapa. Matutukoy mo kaya ang mgabasehan ng ating Pambansang Teritoryo? Isulat sa patlang kung ang tinutukoy aySaligang-Batas ng 1987, EEZ, at mga Isla sa Kalayaan, Kasunod sa Paris. 9

AngMapa ng Pilipinas at Hangganan ng TeritoryoPambansang Teritoryo Batay sa Artikulo ng Saligang-Batas ng 1987 ang teritoryo ng Pilipinas aytumutukoy sa arkipelago, lahat ng mga isla at karagatan na bumabalot dito, at ang ibapang teritoryo kung saan may hurisdiksyon at makapangyayari ang Pilipinas. Ito aybinubuo rin ng kalupaan (terrestrial), katubigan (fluvial) at panghimpapawid (aerial) nahangganan. Kasama rin dito ang teritoryo ng karagatan, kalatagan at kailaliman ng dagat. 10

Ang mga tubig na nasa pagitan at nagdudugtong sa mga isla ng arkipelago, gaano mankalalim o kalawak ay bubuo bilang bahagi ng panloob na mga dagat ng Pilipinas. Sa kabuuan, ang hangganan ng teritoryo ng Pilipinas ay binubuo ng: 1. lahat ng mga isla ng arkipelago; 2. iba pang teritoryo kung saan may hurisdiksiyon o makapangyayari ang Pilipinas; at 3. mga panloob na karagatan.Doktrinang Pangkapuluan Ang Pilipinas, kasama ang Indonesya at iba pang archipelago, ay nagsulong ngdoktrinang pangkapuluan sa pandaigdigang kumperensiya hinggil sa batas ngkaragatan. Ito ay dahil lubhang mahalaga ang dahilang pangkabuhayan at pambansangseguridad ng mga bansa. Sa lumang batas ay maaaring magkaroon ng mataas na karagatan o “high seas”sa pagitan ng mga isla na may 24 milyon ang distansiya o layo sa bawat isa. Kaya’t angmga bayarang sasakyang dagat ay maaaring pumasok dito na walang pahintulot. ‘Di balubhang mapanganib ito sa seguridad ng estado? Sa isinulong na DoktrinangPangkapuluan, lahat ng dagat mula sa hangganan o ‘baseline’ ay itinuturing na panloobna karagatan gaano man kalalim at kalawak ito. Itinuturing itong bahagi ng arkipelagona kung saan may hurisdiksyon ang estado. Sa ganyang paraan, masisiguro angkaligtasan ng mga kapuluan.Exclusive Economic Zone Sa ginanap na Pandaigdigang Kumbensyon sa Doktrinang Pangkapuluan saGeneva noong 1958 pinalawak mula 3 milya hanggang 12 milya ang tinatawag na“economic zone” ng mga bansa. Nang lumaon, sa bisa ng P.D 1599 na nilagdaannoong Hunyo 11,1978, itinatag ang 200 milya notikal mula sa hangganan (o ‘baseline’)ng bansa, maliban sa mga lugar kung saan nagtatagpo ang ‘economic zone’ ng mgamagkakapitbahay na bansa. Sa ganitong pagkakataon, ang mga bansang apektado ay 11

binibigyang laya na magkasundo batay sa prinsipyo ng pandaigdigang batas sadelimitasyon. Samakatuwid, may hangganan ang mga lugar na maaaring gamitin samga gawaing pang-ekonomiya, halimbawa ang mga katubigan sa pangingisda, at anghimpapawid, sa pagtawid ng mga eroplanong pang-internasyonal.Pangkat ng mga Isla sa Kalayaan Ang mga Isla sa Kalayaan ay hindi orihinal na kasali sa teritoryo ng Pilipinasnoong iguhit ang Kasunduan ng Paris noong ika-10 ng Disyembre, 1898. Sa bisa ngP.D 1596 na pinirmahan noong ika-11 ng Hunyo, 1978, ay opisyal na ginawang bahaging hangganan ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan. Ibinatay ito sa karapatangpangkasaysayan at mga titulong legal. Ang Kalayaan ay isa nang munisipalidad ngPalawan. Sa pangkasalukuyan, hindi lamang Pilipinas ang umaangkin sa 53 isla ngKalayaan. Inaangkin din ito ng Tsina, Vietnam, Brunei, at Taiwan. Suliranin ng Pilipinaskung paano babantayan ang mga isla.Hindi pa nakakakuha ng rekognisyon mula saUnited Nations o Samahan ng mga Nagkakaisang Bansa. Ang Pilipinas ay hindi pakinikilala bilang nagmamay-ari ng mga islang ito. 12

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Pag-isipan mo ang mga sumusunod na tanong at isulat ang sagotsa iyong kuwaderno. Maaari kang magtanong sa mga nakatatanda sa iyo. 1. Makatutulong ba sa Pilipinas ang ipagpatuloy na angkinin ang mga Isla sa Kalayaan at ang Sabah sa Hilagang Borneo? 2. Ano ang kabutihan at kahinaan ng kapuluan o arkipelago bilang uri ng teritoryo ng isang bansa? 3. Nasagot mo ba ang mga tanong sa itaas? Ngayon naman ay sumulat ka ng isang sanaysay kung paano maayos at matahimik na maaangking muli ng Pilipinas ang mga Isla sa Kalayaan at ang Sabah.Tandaan Mo! Ang pambansang teritoryo ay tumutukoy sa nasasakupang kalupaan, katubigan, at panghimpapawid na hangganan ng bansa. Ang Exclusive Economic Zone ay nagtatakda ng hangganan ng mga magkakapitbahay na bansa upang isulong ang mga gawaing pang- ekonomiya. Ang Doktrinang Pangkapuluan ay nagsusulong ng batas pangkaragatan at nagtatalaga ng hurisdiksyon ng bawat bansa. May mga isla o grupo ng mga isla na tinatayang nasa teritoryo ng Pilipinas gaya ng Kalayaan at Sabah. 13

Gawain 3: Paglalapat Alam mo ba ang teritoryo ng inyong barangay? Pumunta sa inyong BarangayKapitan. Itanong ang hangganan at nasasakupan ng inyong barangay. Pagkatapos aygumuhit ka ng mapang nagpapakita ng nasasakupang lupa. Maaari kang magpatulong samga kagawad sa inyong Barangay Hall.ARALIN 3REHIYONALISASYON Nagtataka ka ba kung bakit may iba’t ibang rehiyon sa ating bansa? Sa araling ito,uunawain natin ang kalikasan, mga dahilan, mga layunin at mga suliranin sa pagtatatagng iba’t ibang rehiyon sa Pilipinas.Inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod pagkatapos ng araling ito:1. Maiisa-isa ang iba’t ibang rehiyon at mga lalawigan na napapabilang sa mga ito.2. Matatalakay ang mga dahilan, layunin at mga suliranin sa pagtatatag ng mga rehiyon. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Masasabi mo ba kung anu-ano ang mga rehiyon sa Pilipinas? Bilangpaghahanda, isulat sa patlang ang bilang o pangalan ng rehiyon na tumutukoy sa mgalalawigan.1. ______________2. ________________ 3. ________________ AklanAlbay Batanes Antique CapizCamarines CagayanCatanduanes Isabela4. ______________ 5. ________________ Ilocos Manila 14

La Union CaloocanPangasinan Makati Kung hindi mo nasagutan lahat ang mga patlang, makatutulong ang mgasumusunod na mga paksa.Ang Rehiyonalisasyon sa Pilipinas Ang Pilipinas ay nahahati sa 16 na rehiyon. Marami, di ba? Halos taun-taon aynadaragdagan ang bilang ng ating mga lalawigan at siyudad. Sa tala noong taong 2000 ngSenado, ang Pilipinas ay binubuo ng 7,109 kapuluan, 16 na rehiyon, 77 probinsiya, 67 nasiyudad, 1,540 na munisipalidad at 41,934 na baranggay. Napansin mo ba na napakaraming pulo, lalawigan, siyudad at bayan mayroon angbansa natin? Dahil diyan, isinulong ng pamahalaan ang rehiyonalisasyon. Pansinin mo namaraming mga dahilan sa pagtatatag ng mga rehiyon. Ito ay mga sumusunod:(1) Upang mapahusay ang administrasyon ng bansa;(2) Upang masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay at pangkabuhayan ng mga tao; at(3) Upang mapagbuti pa ang serbisyo ng mga ahensiya ng pamahalaan. Sa pagtatatag ng mga rehiyon noong administrasyon ni Pangulong Marcos, ibinase itosa mga sumusunod: (1) salik pang-heograpiko; (2) kakayahang pamunuan ito; (3) sosyo-ekonomik na debelopment; at (4) mga anyo ng transportasyon at komunikasyon. Sa pangkasalukuyan, mayroong 16 na rehiyon sa Pilipinas. Ang bawat rehiyon aymay angking likas na yaman at sariling produkto. Isa-isahin natin ang mga rehiyon:Rehiyon I – Ilokos Ilokos Norte, Ilokos Sur, La Union, Pangasinan 15

C.A.R – Cordillera Autonomous Rehiyon Abra, Apayao, Benguet, Ifugao, Kalinga, Mt. ProvinceRehiyon II – Lambak ng Cagayan Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva Vizcaya, QuirinoRehiyon III – Gitnang Luzon Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, ZambalesRehiyon IV – Katimugang Tagalog Aurora, Batangas, Cavite, Laguna, Marinduque, Mindoro Occidental, Mindoro Oriental, Palawan, Quezon, Rizal, RomblonRehiyon V – Bicol Albay, Camarines Norte, Camarines Sur, Catanduanes, Masbate, SorsogonRehiyon VI – Kanlurang Bisaya Aklan, Antique, Capiz, Guimaras, Iloilo, Negros OccidentalRehiyon VII – Gitnang Bisaya Bohol, Cebu, Negros Oriental, SiquijorRehiyon VIII – Silangang Bisaya Biliran, Silangang Samar, Leyte, Hilagang Samar, Katimugang Samar, Katimugang Leyte, SamarRehiyon IX – Kanlurang Mindanao Basilan, Zamboanga del Norte, Zamboanga del Sur. 16

Rehiyon X – Hilagang Mindanao Bukidnon, Camiguin, Misamis Occidental, Misamis OrientalRehiyon XI – Katimugang Mindanao Compostela Valley, Davao, Davao del Sur, Davao Oriental, Sarangani, Timog Cotabato, Sultan KudaratRehiyon XII – Gitnang Mindanao Lanao del Norte, CotabatoRehiyon XIII – CARAGA Agusan del Norte, Agusan del Sur, Surigao del Norte, Surigao del SurARMM – Autonomous Region of Muslim Mindanao Lanao del Sur, Maguindanao, Sulu, Tawi-tawiNCR – National Capital Region Manila, Caloocan, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, Quezon City, San Juan, Taguig, Valenzuela Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Sa iyong palagay, ano ang mga kahinaan at kalakasang dulot ng pagtatatag ng rehiyonalisasyon sa Pilipinas? 17

2. Pumili ng 2 reyihon at ikumpara ang katangiang kultural at pangkabuhayan ng mga ito. Kinakailangang magsaliksik ka upang masagutan mo ang mga ito. Maaari mong piliin ang rehiyon kung saan ka mabibilang. Tandaan Mo! Ang rehiyonalisasyon ay mahalaga upang mapahusay ang administrasyon ng bansa, mapagbuti ang mga serbisyo, at masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay sa bawat rehiyon. May 16 na rehiyon ang Pilipinas. Mapauunlad ang mga rehiyon kung malilinang ang mga likas na yaman at produkto ng bawat isa. Gawain 3: Paglalapat A. Saang rehiyon ka galing? Gumuhit ng mapa ng iyong rehiyon. Pagkatapos ay ipaliwanag ang mga aspetong sosyal, pangkabuhayan at pisikal ng iyong rehiyon. B. Tukuyin kung nasaang bayan sa mapa ng iyong rehiyon. Pagkatapos ay sumulat ka ng isang alamat tungkol sa iyong bayan. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO:Ang mga sumusunod ay pangunahing kaisipang natutuhan mo sa modyul na ito: 18

Ang pisikal na katangian ng bansang Pilipinas ay nakakaapekto sa paghubog ngkasaysayan, kabuhayan, kultura at pulitika nito.Ang Pilipinas ay isang arkipelago o kapuluan at sagana sa yamang lupa at yamangdagat.Dapat pangalagaan ng pamahalaan at ng mga tao ang mga likas na yaman ngating bansa at seguraduhing wasto ang nagaganap na paggamit ng mga ito.May kapangyarihan ang pamahalaang nasyonal at lokal na pangalagaan anghangganan ng bansa mula sa mga dayuhan at ilegal na mangingisda.Dahilan sa pagiging isang arkipelago ng Pilipinas, isinulong ang rehiyonalisasyonupang mapahusay ang administrasyon ng bansa, mapagbuti ang serbisyo sa mgamamamayan, at masiguro ang pantay na antas ng pamumuhay.PANGHULING PAGSUSULIT:Pagtapat-tapatin ang mga tinutukoy hanay A at hanay B. Isulat ang titik ngtamang sagot sa patlang. A B A. Pinakamalamig na buwan/panahon____1. Lungsod Quezon B. Pinasimulan niya ang rehiyonalisasyon o____2. Tropikal____3. Doktrinang Pangkapuluan pagtatatag____4. Enero ng mga rehiyon sa Pilipinas.____5. Cagayan 19 C. Pinakamataas na bundok D. Klima ng Pilipinas

P. Pinakamahabang ilog sa PilipinasQ. Sentro ng Kulturang MuslimR. 200 milya notikalS. Isa itong suliranin sa Pilipinas dulot ng pagkakahiwalay ng mga pulo.T. Mga isla na pinag-aawayan ng mga bansa. 20

GABAY SA PAGWAWASTO: PANIMULANG PAGSUSULIT1. D 6. A 11. A 16. D2. D 17. D3. A 7. K 12. D 18. D4. A 19. A5. B 8. B 13. B 20. K 9. C 14. B 21 10. D 15. D

ARALIN 1 KATANGIANG PISIKAL AT PINAGKUKUNANG YAMAN NG PILIPINASGawain 1: Pag-isipan Mo 1. Mga Lokasyon: Silangan, Timog 2. Mga Bansa: Hapon, Brunei, Asya, at Vietnam 3. Anyong Lupa: PuloGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanA. Lokasyon: 2B. Topograpiya: 3C. Pinagkukunang-Yaman 1Gawain 3: Paglalapat Ipatsek ang iyong ginawang mapa sa gurong namamahalang mga modyul.ARALIN 2 ANG PAMBANSANG TERITORYOGawain 1: Pag-isipan Mo A. Kasunduan ng Paris B. 200 NM EE2 C. Kalayaan/ SpratlyGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Oo, nakatutulong dahil karagdagan ito sa teritoryo ng Pilipinas, hindi dahil ito ay magiging sanhi ng sigulot. 2. Kabutihan ng pagiging arkipelago: Malaya at malayo sa iba’t ibang teritoryo. Kahinaan ng pagiging isang arkipelago: Mahirap para sa Hukbong Sandatahan para bantayan lahat ng isla. 3. Ipatsek ang iyong sanaysay sa gurong tagapamahala. 22

Gawain 3: PaglalapatIpakita at ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong ginawang mapa ng inyongbarangay.ARALIN 3 REHIYONALISASYONGawain 1: Pag-isipan Mo 1. Rehiyon V 2. Rehiyon II 3. Rehiyon VI 4. Rehiyion I 5. NCR (National Capital Region)Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman 1. Mga kahinaan sa pagtatatag ng mga rehiyon: a. Kakulangan ng pondo sa debelopment b. Pamunuan at kahusayan sa pamumuno c. Nagiging maka-rehiyon ang mga tao at nagkakaroon ng kompetisyon Mga kalakasan ng pagkakaroon ng mga rehiyon: a. Napagbubuti ang pagtugon sa mga pangangailangan ng bawat rehiyon. b. Napag-aaralan ang mga dapat gawin sa bawat rehiyon. c. Nagkakaroon ng masusing pagpaplano sa bawat rehiyon. 2. Maaaring magkumpara ng kahit anong rehiyon. Ipatsek sa gurong tagapamahala ang iyong sagot.Gawain 3: PaglalapatIpakita sa gurong tagapamahala ang mga ginawa mo sa Aat B, upang maiwasto.PANGHULING PAGSUSULIT1. H 2. L 3. E 4. A 23

5. O 9. D 13.I 17.S6. N 10.M 14.K 18.Q7. B 11.C 15.J 19.I8. G 12.F 16.F 20.M 24

MODYUL 3 IBA’T IBANG MUKHA NG ATING LAHI Isang pagbati! Ikaw ay nasa ikatlong modyul na! Pagkatapos mong pag-aralan and anyong pisikal ng ating bansa sa Modyul 2, tutuklasin naman natinngayon ang yamang tao at ang pinagmulan ng ating lahi. Makikilala mo angsinaunang Pilipino at ang kabihasnang kanilang binuo para sa mga sumunod nahenerasyon. Mababakas mo rin kung paano sila nagsikap na mabuhay upangmapangalagaan ang ating lahi. Kapag nalaman mo ang ating pinagmulan, tiyak na ipagmamalaki mo angating lahi! Kaya’t simulan na natin ang ating pag-aaral. May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Pinagmulan ng Lahing Pilipino Aralin 2: Ang Sinaunang Pilipino sa Panahon ng Metal Aralin 3: Pag-unlad ng mga Pamayanang Pilipino sa Panahong Metal Pagkatapos ng mga araling iyan, inaasahang magagawa mo ang mgasumusunod: 1. Masusuri ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino; 2. Mailalarawan ang kultura ng sinaunang Pilipino; at 3. Maipagmamalaki ang marangal na pinagmulan ng lahing Pilipino. Handa na ba para sa panimulng pagsusulit? Tandaan mo na kaya mo riyan gaya ng mga naunang pagsusulit. Kayat simulan mo na.

PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Piliin ang tamang sagot. Isulat sa patlang ang titiklamang._____1. Ang kauna-unahang tao na nakarating sa Pilipinas ay ang mga: A. Indones B. Malay C. Austronesyano D. Ita_____2. Ang pinagmulan ng lahing Pilipino ay A. iisa lamang B. dalawa lamang C. tatlo lamang D. marami_____3. Ang paggawa ng kagamitang metal ay laganap noong panahon ng A. paso B. paghahabi C. bagong bato D. lumang bato_____4. Ang mga Pilipino sa panahon ng metal ay A. nagtatanim na B. naghahabi na C. nangangaso D. pumipitas ng prutas at gulay_____5. Ang paglaganap ng tao sa Pilipinas ay A. nagpayabong ng kulturang Pilipino B. nag-udyok sa permanenteng paninirahan C. nagpalaganap ng paggamit ng metal D. nagpasimula ng paghahabi ng mga damit n gating mga ninuno_____6. Ang ebidensya ng pagkakaroon ng lider ay ang A. pagkakaroon ng buhay-pulitika B. di pagkakapantay-pantay ng mga dekorasyon sa libingan C. di pagkakapantay-pantay ng mga alahas D. di pagkakapantay-pantay ng mga libingang banga_____7. Ang mga bato ay mahalaga sa panahon ng A. pagtatanim B. pangangaso C. paghahabi E. paggawa ng paso 1

_____8. Ang ugat ng ating wika ay A. Austronesia B. Indones C. Malay D. Malayo-Polynesia_____9. Ang sentro ng kalakalan ng sinaunang lahi ay karaniwang sa A. kapatagan B. isla C. kabundukan D. karagatan_____10. Alin ang hindi kasama sa grupo? A. bato B. tanso C. bronse D. ginto_____11. Ang mga sinaunang Pilipino ay A. salat sa kultura B. may payak na kultura C. may simpleng kultura D. may mayabong na kultura_____12. Ang panahon ng metal ay panahon din ng mga sumusunod,maliban sa: A. kwintas B. relo C. hikaw D. pulseras_____13. Pangangaso ang ikinabubuhay ng mga tao noong panahon ng A. lumang bato B. bagong bato C. metal D. pag-usbong ng mga lungsod_____14. Ang buhay-pulitika ay nagsimula noong panahon ng A. lumang bato B. bagong bato C. metal D.pag-usbong ng mga lungsod_____15. Ang paggawa ng paso ay nagsimula pa noong panahon ng: A. lumang bato B. bagong bato C. metal D. pag-usbong ng mga lungsod 2

ARALIN 1PINAGMULAN NG LAHING PILIPINO Malalaman mo sa araling ito ang iba’t ibang teorya ng pinagmulan ng lahingPilipino. Ang mga teoryang ito ay nahahati sa dalawa: ang Teorya ng pandarayuhanat ang Teorya ng Paggalaw ng Tao sa Mundo. Bagamat parehong may ebidensyangipinakikita ang dalawang teorya, pareho din namang may hindi matatag naebidensya ang mga ito. Sa araling ito, susuriin nating mabuti ang mga teorya ng pinagmulan nglahing Pilipino. Pag-aaralan din natin kung alin sa mga ito ang mas makatotohanan. Pagkatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagpapaliwanag ng mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino; 2. Makasusuri ng mga ebidensya na nagpapatunay sa bawat teorya; 3. Makapagbibigay ng posisyon kung alin ang teoryang makatotohanan; at 4. Makapagmamalaki na ang Pilipino ay may pinagmulang lahi. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Panuto: 1. Kumuha ng isang puting papel at mga krayola. 2. Tiklupin ang puting papel sa apat na tiklop. Parang pamaypay ang kalalabasan. 3. Gumuhit ng mukha sa itaas na bahagi ng itiniklop na papel. 4. Itago ang nakaguhit na mukha. Pagkatapos, ipaguhit sa isang kalaro o isang kasambahay ang leeg at katawan hanggang baywang ng tao sa susunod na tiklop. 5. Itago muli ang mukha at katawan. Maghanap muli ng isang kasambahay na guguhit ng mula baywang hanggang tuhod na imahe ng tao sa ikatlong tiklop. 6. Muling itago ang ikatlong guhit. Pagkatapos, ipaguhit ang binti at paa sa isa pang kasambahay. 7. Buksan ang imahe ng taong naiguhit. 3

Suriin natin ang iyong ginawa: 1. Ano ang anyo ng nakaguhit? Iba’t iba, hindi ba? 2. Ano ang kaugnayan nito sa lahing Pilipino? May iisa ba tayongpinagmulan? 3. maisusulat mo ba ang iba’t ibang paglalarawan sa pisikal na anyo ng mgaPilipino? Subukan mo.________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________ 5.4 Ang mg aAng Lahing Pilipino Bakit iba’t iba ang hitsura ng mga Pilipino? Bago mo pag-aralan ang mgateorya ng pinagmulan ng Pilipino, mahalaga munang liwanagin kung bakit Pilipinoang itinawag sa ating lahi. Bago pa man dumating ang mga Kastila, may mga tao nang nakatira at maysariling kabihasnan sa mga pulo ng ating bansa. Iba’t ibang ang tawag sa mga taonoon. Depende ito kung saan sila nakatira. Nang dumating si Ferdinand Magellan sabansa, tinawag niyang Archipelago de San Lazarus ang bansa bilang pagbibigay-pugay kay Santo Lazarus. Felipinas naman ang itinaguri ni Ruy Lopez de Villalobossa ating bansa nang siya ay dumating noong 1542-1543 bilang parangal kay Felipena anak ni Haring Carlos ng Espanya. Pintados ang itinawag sa mga taga-Bisaya atindio ang sinumang makita nilang katutubo ng kapuluan. Ang tawag na Filipinonoon ay para lamang sa mga anak ng mga Kastila na nakatira sa Pilipinas. Isa sa pinakaunang tumawag ng Filipino sa mga mamamayan ng Filipinas aysi Dr. Jose Rizal. Ipinahayag niya ito sa kanyang tulang A La Juventud Filipina (SaMga Kabataang Pilipino). Nang dumating ang mga Amerikano, Philippines angitinawag sa Filipinas, at Filipino ang itinawag sa mga naninirahan dito. Mula noon,Filipino na ang itinawag sa ating lahi, o Pilipino, wikang pambansa. 4

Maraming pinuno ng bansa ang nagnais na palitan ang tawag na ito sa atin.Mga dayuhan naman daw ang nagpangalanng ng Filipino sa atin. Nais ng ilan angMaharlika, ngunit ito daw ay Sanskrito at galing sa India. Ang iba naman ay gustong Maynilad, ngunit marami din ang sumalungat. Ito daw ay para sa mga Tagaloglamang. Dahil dito, nananatiling Pilipino ang tawag sa atin. Mapapansin mo marahil na iba’t iba ang anyo nating mga Pilipino. Ang mgateorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ang makapagbibigay paliwanag kung bakit. May tatlong kilalang teorya kung saan nagmula ang lahing Pilipino. Ang mgaito ay ang Teorya ng Pandarayuhan, ang Teorya ng Paglipat-lipat ng Panirahanng Asyano at ang Teorya ng Ebolusyon.A. Ang Teorya ng Pandarayuhan Ang Teorya ng pandarayuhan ay tinatawag ding Teorya ng Migrasyon. Angteoryang ito ay nagsimula sa pagkakategorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ni J.Montano noong 1884-1885. Sinabi ni Montano na ang mga nakatira sa Pilipinas aybinubuo ng mga sumusunod: 1) Mga Negrito. Sila ay maliliit at may maitim at kulot na buhok. Nabibilang dito and mga Negrito ng Bataan, Ayta ng Luzon at Mamanwa ng Mindanao; 2) Mga Malay. Sila ay mga kayumanggi na kinabibilangan ng mga tao sa Bikol, Bisaya at Timog Luzon. Hinunuha ni Montano na sila ay may dugong Intsik, Arabo at Indonesian. 3) Mga Indones. Halos hawig ng mga Malay sa kulay ang mga grupong ito ay kinabibilangan ng Samal, Bagobo, Guianga, Ata, Tagakaolo, Tagbanua, Manobo, Mandaya, at Blaan. 5

Sinasabi rin ni Montano na ang mga Indones at Malay ay napadpad saPilipinas sa pamamagitan ng dalawang grupo ng migrasyon. Nauna ang Indones atsumunod ang mga Malay. Pinalawig ni Prof. O. H. Beyer ang teoryang ito nang sinabi niyang maypitong grupo ng tao ang napadpad sa Pilipinas dahil sa mirgasyon. Ito ay ang mgasumusunod: 1. Mga Primitibong Tao. Kapareho sila ng mga taong Java na namuhay mga 250,000 taon na ang nakaraan. Pinaniniwalaang sila ay nakarating sa Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa na nagdudugtong sa Pilipinas at Asya. 2. Ang mga Australoid-Sakai. Sila ang mga unang grupo ng pigmi na kamukha ng mga Negrito at tinaguriang proto-Malay (parang Malay). Dumating sila sa Pilipinas may 25,000 hanggang 30,000 taon na ang nakalilipas. 3. Indones A. Sila ay mga mandaragat na gumamit ng mga kagamitang bato at nakarating sa Pilipinas may 5,000 hanggang 6,000 taon na ang nakararaan. 4. Indones B. Mga mandaragat sila na nakarating sa Pilipinas mula Indo- Tsina mga 1,500 taon bago ipinanganak si Kristo. 5. Ang mga Taong Gumagawa ng Hagdang-Hagdang Palayan Galing sila sa Gitnang Asya at dumating sa Pilipinas mga 800-500 BK. 6. Mga Malay Nakarating sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng makalumang bangka. Nagdaan sila sa Borneo, Palawan at Mindoro mga 300-200 bago ipinanganak si Kristo. 6

7. Ang mga modernong Asyano. Nakarating sila sa Pilipinas sa panahon ng Kristiyanismo. Ang Teorya ng Migrasyon ay may malaking impluwensya sa atin. Subalitmay mga katanungang hindi masagot ng teoryang ito. Ilan dito ay ang mgasumusunod: 1. Paano maipaliliwanag ng teoryang ito ang pag-unlad at pagkakaiba-iba ng kultura ng mga tao sa bansa? Ang adaptasyon ng kultura ng mga tao sa lugar na may mga panirahan ay hindi maipaliwanag ng teoryang ito. 2. Ano ang ebidensya na ang pisikal na kaanyuan ng mga mandarayuhan ay katulad ng sa pag-unlad ng kanilang kultura? 3. Bakit ang pandarayuhan ng mga tao ay may eksaktong pagkakasunud-sunod na panahon? Bakit grupu-grupo ang pagdating nila? Nasaan ang ebidensya ng mga grupu-grupong pandarayuhan? 4. Bakit ang grupu-grupong pandarayuhan ay biglang dumami sa maikling panahon lamang? 5. Nasaan ang ebidensya ng ruta ng mga grupo ng migrasyon? Sapagkat hindi matugunan ang mga tanong na ito, maraming mgaiskolar ang nagsaliksik pa tungkol sa pagsisimula ng tao sa Pilipinas. 7

B. Ang Teorya ng Paglipat-lipat ng mga Asyano Naniniwala si Peter Bellwood (1985) sa paglipat-lipat ng panirahan ngunit hindi maramihan tulad ng Teorya ng Migrasyon ni Beyer. Ayon kay Bellwood hindi grupu-grupo ang dumating dito sa Pilipinas kundi mangilan- ngilan lamang. Ang mga taong ito ay hindi rin tinaguriang Malayo-Polynesia at hindi nanggaling sa bahaging Indonesia sapagkat napatunayang mas matanda ang kanilang wika kaysa sa mga Malayo–Polynesian. Ang grupong ito ay ang mga Austronesyano. Ang mga Austronesyano ay sinasabing nagmula sa Timog Tsina. Sa pamamagitan ng pagdaan sa Taiwan, sila ay nakarating sa Batanes mga 5,000-4,000 bago ipinanganak si Kristo. Sila ay may wikang Austronesyan at gumagamit ng mga kagamitang bato. Ang teoryang ito ay hindi sumasang-ayon sa teorya ni Beyer subalit ipinakikita dito na ang unang Pilipino ay produkto pa rin ng migrasyon. Gayunpaman hindi rin nito maipaliwanag kung paano kumalat ang populasyong Austronesyan sa buong kapuluan. Hindi rin nito maipaliwanag kung ano ang nangyari sa wika ng mga taong kanilang nadatnan nang sila ay dumating sa Pilipinas. Maaaring may mga Austronesyano nga na dumating sa Pilipinas ngunit hindi maipaliwanag kung paano mabilis na kumalat ang kanilang kultura sa buong kapuluan. 8

C. Teorya ng Ebolusyon Ang uri ng kapaligiran ng mga sinaunang tao ay maaring makapagbigay ng kaalaman kung paano nagsimulang manirahan sa Pilipinas ang ating mga ninuno. Sinasabing ang kapuluan ng Pilipinas ay dumaan sa malawakang pagbabago noong panahong Pleistocene. Ito ang panahon ng pagtunaw ng Ang mapa ng Pilipinas noong Panahon ng Pleistocene na nagpapakita ng pagkakadugtong nito sa Asya. mga yelo, bulkanismo, at pagbiyak ng mga lupa. Dahil dito, nagkaroon ng mga tubig at isla at naging arkipelago ang Pilipinas. Bilang katibayan na ang Pilipinas ay karugtong ng Asya, nakadiskubre ng mga ebidensya na makikita sa mga labi‘ ng tanim, hayop, at tao. Maniniwala ka ba na may mga tanim tayo na kapareho sa New Guinea, Australia, Formosa at iba pang bahagi ng kontinenteng Asya? Ang mga tanim sa Mindanao, halimbawa, ay katulad ng mga tanim sa New Guinea at Australya. Ang mga tanim sa Sulu ay katulad ng sa Borneo. 9

Marami ring nadiskubreng mga skeleton o buto ng hayop tulad ngelepante, riniceros at mga stegodon sa lalawigan ng Cagayan, Rizal,Batangas, Pangasinan, Pasig at mga lugar sa Mindanao. Ang mga hayop naito ay karaniwang makikita sa kontinente ng Asya. Nangangahulugan namalaki ang posibilidad na ang Pilipinas noon ay bahagi nga ng kontinentengAsya. Tinataya rin na may tao na sa Pilipinas mga 500,000 taon na angnakararaan. Pinakamahalaga sa mga nadiskubre ng mga antropolohiko ang bungoat ngipin ng tao sa Kuweba ng Palawan noong 1962. Tinatayang ang taongito ay nabuhay may 25,000-30,000 taon na ang nakaraan. Ang labi‘ na nakita ay walang kasamahan di tulad ng paglalarawan sa teorya ng migrasyon na grupu-grupo ng mga tao ang nakarating dito sa Pilipinas. Samakatwid, maaring may sinaunang tao na sa Pilipinas bago pa man dumating ang mga Negrito, Indones, at Malay. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Nauunawaan mo ba ang mga pagkakaiba ng mga ipinaliwanag nateorya? Sikapin mong ibigay ang mga kalakasan at kahinaan ng mga ito: Mga Teorya Kalakasan Kahinaan1. Pandarayuhan2. Paglipat-lipat ng tirahan3. EbolusyonAlin sa mga teoryang nabanggit ang iyong pinaniniwalaan? Bakit? 10

Tandaan Mo! Ang salitang Filipino ay unang itinawag sa mga Kastilang ipinanganak at nanirahan sa Filipinas noong panahon ng Kastila. Si Jose Rizal ang unang nagbansag sa mga katutubo na Filipino bataysa kanyang tulang A La Juventud Filipina (Sa mga Kabataang Filipino).Ipinagpatuloy ng mga Amerikano sa kanilang pagdating ang paggamit ngsalitang Filipino. Nangangahulugan itong mga mamamayan ng Pilipinas.May tatlong kilalang teorya kung saan nagmula ang Pilipino. Ang mga ito ay angTeorya ng Pandarayuhan, ang Teorya ng Paglipat-lipat ng Panirahan ngAsyano at ang Teorya ng Ebolusyon.Ang Teorya ng Pandarayuhan ay nagsasabing may tatlong grupo ng tao nanakarating sa Pilipinas na siyang naging unang tao sa Pilipinas; ang mgaNegritos, Indones at Malay. Sa pag-aaral ni O.H. Beyer, pito ang nandayuhan saPilipinas; mga Primitibong Tao, Australoid-Sakai, Indones A at B, ang mga taonggumagawa ng hagdang-hagdang palayan, mga Malay at ang mga modernongAsyano.Sa Teorya ng Paglipat-lipat ng mga Asyano, naniniwala si Peter Bellwood nananggaling sa mga Austranesyano ang mga Pilipino at hindi sa Malayo-Polynesia.Sa Teorya ng Ebolusyon, napatunayan sa pamamagitan ng mga labi‘ ng tao sakuweba ng Tabon sa Palawan at ng elephas Philipinensis na may tao na saPilipinas bago pa man nakarating dito ang mga unang grupo ng mganandayuhan. 11

Gawain 3: Paglalapat Ngayong nabasa mo na ang aralin, naunawaan mo na ba ang pinagmulan ng lahing Pilipino? Alin sa ating pinagmulan ang maaari mong ipagmalaki bilang isang Pilipino? 1.______________________________________________________________ 2. _____________________________________________________________ 3. _____________________________________________________________ 4. _____________________________________________________________ 5. _____________________________________________________________ARALIN 2ANG SINAUNANG PILIPINO SA PANAHONNG LUMANG BATO (50,000-500BK) Matutunghayan natin sa araling ito ang uri ng pamumuhay ng ating mganinuno noong 50,000 hanggang 500 bago ipananganak si Kristo (BK). Malalamandin natin ang uri ng mga kagamitan na ginamit nila upang sila ay mabuhay. Angpanahong ito ay tinawag na panahon ng lumang bato. Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagpapaliwanag ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino noong panahon ng lumang bato; 2. Makapaglalarawan ng mga kagamitang binuo at ginamit ng ating mga ninuno upang mapayabong nila ang kulturang Pilipino; at 3. Makapagbibigay ng mga paraan upang mapagyaman at maipagmalaki natin ang kalinangang Pilipino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Anong salita ang maaring mabuo sa mga sumusunod? Isulat din ang maaari mong masabi sa mga natukoy mong salita. 1. niLaw______________________________________ 2. naTob______________________________________ 3. lognMngua_________________________________ 4. kubaew____________________________________ 5. iiakbb______________________________________ 12

6. ospa_______________________________________ 7. atob_______________________________________ 8. wnlPaaa____________________________________ 9. lzRia_______________________________________ 10. Baatngsa___________________________________Panahon ng Bato at Paso Alam mo ba na nagging malawakan ang paggawa ng kagamitang bato sabansa noong 500,000 hanggang 10,000 taon bago ipinanganak si Kristo (BK). Angsinaunang kagamitang bato na nalinang ng ating mga ninuno ay ang industriyangLiwanian sa Hilagang Luzon may 500,000 taon na ang nakalilipas. May tatlong uring kagamitang bato ang natagpuan noon sa Pilipinas: 1. Mga magagaspang na bato na ginagamit sa iba’t ibang mga paraan: pambalat sa mga hayop, panghiwa ng karne 2. Mga pinatulis ngunit magagaspang na bato 3. Mga pinakinis at pinanipis na mga bato Ang mga magagaspang na bato ay tinatayang ginamit ng ating mga ninuno mga 10,000 hanggang 8,000 BK. Ang mga batong ito ay nakita sa Liwan sa Lambak ng Cagayan, sa Kuweba ng Tabon sa Palawan, at sa Batangas at Bulacan. Ang bato sa Liwan ay tinagurian ng mga arkeologong si Robert Fox na industriyang Liwanian.A. Mga Magagaspang na Bato Ang mga pinatulis at magagaspang na kagamitang bato ay mas maliliit kaysasa mga naunang kagamitang bato. Iba’t ibang na rin ang naging hugis ng mga ito.Alam mo ba kung ano ang gamit ng mga batong ito? May mga matatalas atmaninipis na bato na pambalat sa hayop. Ang iba naman ay hugis palakol na gamitsa pagtatanim. Ang iba pa ay hugis pakurba na ginamit sa pagkuha ng mga prutasat gulay. 13

B. Mga Makikinis na Bato Ang mga makikinis na kagamitang bato ay ginamit noong 8,000 hanggang500 taon BK. Ang ating mga ninuno ay madaling umakma sa kanilang kapaligiran.Napaghusay pa nila ang kanilang kagamitan upang magamit sa pang-araw-araw nagawain. Karamihan sa mga kagamitang bato ay natagpuan sa Bulacan, Batangas,Bataan, at Rizal. Ang ating mga ninuno ay gumamit din ng mga pinatalas na kabibi bilangpanghiwa. Ang mga ito ay natagpuan sa Palawan at sa Sulu. Tinatayang ito ayginamit ang mga ito noong 1,750 hanggang 500 BK.C. Ang Industriya ng Paso Bukod sa mga kagamitang bato, may mga ebidensya rin na ang mga ninunonatin ay gumawa ng mga kagamitang paso noong mga 1,500 BK. Iba’t iba ang hugisat disenyo ng mga paso. May mga pasong may dekorasyon. Mayroon ding walang disensyo at pinakintab. May mga pasong maliliit na ginamit na panluto ngunit lalagyan ng tubig. May mga pasong lalagyan ng mga patay. Ang mga ninunong patay sa Ifugao sa Kabundukan ng Cordillera ay inilalagay sa mga malalaking banga at kung sila ay naging buto na, sila ay inililipat sa mas maliliit na banga. Gayundin, ang Manunggul ang tawag sa banga na ginamit sa bahaging Mindanao bilang libingan ng mga patay.Ang banga ng Manunggul napinaglalagyan ng patay at ito ayinilalakbay sa karagatan. 14

Buhay sa Pamayanan A. Pamilya at Populasyon Marahil naisip mo kung paano namuhay ang ating mga ninuno,ano?Maliit lamang ang populasyon ng mga ninuno nating namuhay sa mga pamayanan. Sila ay karaniwang binubuo ng mga pamilya at karaniwang nakatira sa mga kuweba at di permanenteng tahanan. Ang mga labi‘ ng tao sa Kuweba ng Tabon sa Palawan ay isang halimbawa na nagpapakita ng pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino. B. Pangangaso, Pangingisda at Pagpitas ng mga Prutas at Gulay Ang ating mga ninuno ay nabuhay sa pamamagitan ng pangangaso atpagpitas ng gulay at mga prutas. Umiikot sila sa mga kabundukan upang mangasoat mamitas ng mga prutas at gulay. Sa mga ilog, sapa, lawa, karagatan at iba panganyong tubig, sila ay nangingisda o nangangalap ng mga suso at kabibi. C. Paggamit ng Apoy Tinatayang gumamit na ng apoy ang ating mga ninuno noong mga 5,000 BK.Ang ebidensya ng paggamit ng apoy ay nadiskubre sa iba’t ibang bahagi ng bansabatay sa mga labi‘ng nahukay ng mga arkeologo. Ang mga labi‘ng ito aykinabibilangan nga mga maiitim na kabibi at mga katabing uling. Dahil dito,masasabing gumamit na ng apoy ang ating mga ninuno. D. Pagtatanim May mga labi‘ng nadiskubre sa bahaging Andarayan, Solana sa lalawigan ngCagayan na nagpapatunay na ang mga sinaunang Pilipino ay bihasa nangmagtanim ng palay simula pa noong 1,720 hangang 1,380 BK. Nadiskubre rin nanagtanim din ng kamote at gabi ang ating mga ninuno. May mga ebidensya rin nanagsimula na silang mag-alaga ng mga hayop tulad ng baboy at mga manok.Tinatayang ito ang simula ng pagtatayo nila ng mga malapermanenteng tahanan. 15

Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Nasiyahan ka ba sa iyong natutuhan? Upang higit mo pang matandaan ang iyong pinag-aralan, gawin mo ang sumusunod. Bumuo ngtimeline na nagpapakita ng sa mga kagamitang ginamit ng ating mga ninuno sa iba’tibang panahon: Panahon Mga Kagamitan_______________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ ______________________________________________________________ _______________________________ Tandaan Mo! Ang sinaunang kagamitang batong ginawa ng ating mga ninuno ay ang industriyang Liwanian sa Hilagang Luzon mga 500,000 taon na ang nakalilipas.May tatlong uri ng kagamitang bato ang natagpuan noon sa Pilipinas: 1. Mga magagaspang na bato na ginagamit sa iba’t ibang paraan; pambalat sa mga hayop, at panghiwa ng karne 2. Mga pinatulis ngunit magagaspang na bato 3. Mga pinakinis at pinanipis na mga batoMay mga ebidensya din na ang mga ninuno natin ay gumawa ng mgakagamitang paso noong mga 1,500 BK.Maliit lamang ang populasyon ng mga ninunong namuhay sa mga pamayanan.Ang ating mga ninuno ay nabuhay din sa pamamagitan ng pangangaso atpagpitas ng gulay at mga prutas, at nang lumaon, sila ay nabuhay sapagtatanim. 16


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook