PANIMULANG PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Alin sa mga sumusunod ang hindi maituturing na salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa ating lupain? A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa. B. Paglalakbay ni Marco Polo C. Krusada D. Pagbubukas ng Suez Canal2. Alin sa mga sumusunod na bansa sa Europa ang nanguna sa paglalakbay para maghanap ng ibang ruta papuntang Silangan? A. Espanya B. Ingglatera C. Pransya D. Portugal3. Si Magellan ang unang dayuhang Europeo na nakarating as Pilipinas at nakipag-ugnayan sa mga katutubo. Ang unang pulo kung saan siya dumaong ay ang: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan4. Alin sa mga sumusunod na pangyayari ang naging pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo? A. Ang pagkatuklas sa Pilipinas B. Ang patunay na ang mundo ay bilog C. Ang pagkatuklas ng mga rekado sa Moluccas D. Ang pagiging Kristiyano ng mga katutubo sa ating kapuluan5. Maraming ekspedisyon ang ipinadala ng Espanya sa Pilipinas. Sino sa mga namuno ng mga ekspedisyong iyan ang nagbigay ng pangalang Filipinas sa ating kapuluan? A. Loaisa B. Cabot C. Villalobos D. Saavedra 1
6. Alin sa mga sumusunod ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtungo at pagtuklas ng mga lugar sa Silangan? A. Ang pagpalaganap ng Kristiyanismo B. Ang pakikipagkalakalan at pagpapalawak ng kapangyarihan C. Ang pagpapasikat sa kapwa Europeong bansa D. Ang pagtulong sa mga at di maunlad na bansa para mapaunlad ang mga ito.7. Alin sa mga sumusunod na katangian ng Pilipino ang hinangaan ng mga Kastila noong sila ay dumaong sa ating kapuluan? A. Ang pagiging matapang B. Ang pagiging masunurin C. Ang mabuting pagtanggap sa mga dayuhan D. Ang pagiging masayahin8. Ang sanduguan ay kaugalian ng mga Pilipino upang ipakita ang… A. Kapangyarihan nila sa mga dayuhan B. Pakikipagkasundo sa mga dayuhan C. Pakikipagkasundo sa pangangalakal D. Pagtanggap ng relihiyon ng mga dayuhan9. Ang mga ipinadalang ekspedisyon ng Hari ng Espanya sa Pilipinas ay pinamunuan ng mga Kastila maliban kay: A. Loaisa B. Cabot C. Magellan D. Urdaneta10. Alin ang lugar na dinaungan ni Magellan kung saan nagkaroon ng pagbibinyag sa mga katutubo? A. Limasawa B. Cebu C. Mactan D. Homonhon11. Ang pulo kung saan nagsagawa ng sanduguan sina Magellan sa pinuno ng mga katutubo: A. Homonhon B. Limasawa C. Mactan D. Cebu 2
12. Ang “Islas del Poniente” ay walang iba kundi ang: A. India B. Tsina C. Siam D. Pilipinas13. Alin sa mga sumusunod ang hindi napatunayan ni Magellan sa kanyang paglalakbay sa Silangan? A. Ang mundo ay bilog B. Maaaring makarating sa silangan na ang daan ay kanluran C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas D. Sagana sa mga rekado at yamang likas ang Silangan.14. Pagdating ni Magellan sa Cebu, ano ang una niyang ginawa? A. Nakipagkaibigan siya kay Raha Humabon. B. Pinabinyagan niya si Raha Humabon at walong daang Cebuano. C. Binigyan niya ang asawa ni Raha Humabon ng estatwa ni Sto. Niño. D. Nagtayo ng simbahan para sa mga katutubo.15. Ang mga sumusunod tungkol kay Lapu-lapu ay totoo maliban sa: A. Siya ang kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan. B. Siya ang kauna-unahang Pilipino na tumangging magpasakop sa mga dayuhan. C. Siya ang pinunong katutubo na nakapatay kay Magellan. D. Siya ang pinunong katutubo ng Mactan.16. Nang tumulak sa Villalobos patungong Pilipinas, siya ay inatasan ng Hari ng Espanya na: A. sakupin ang Moluccas B. sakupin ang Pilipinas C. mangalakal lamang sa Pilipinas17. Siya ang nagpangalan sa kapuluan ng Felipinas, bilang parangal kay Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya. A. Ruy Lopez de Villalobos B. Sebastian Cabot C. Andres de Urdaneta D. Sebastian El Cano18. SA huling bahagi ng gitnang panahon, humina ang impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa dahil sa: A. Pagpapayaman ng mga prayle. B. Pagkasangkot ng mga pari sa imoralidad 3
C. Pagkakaroon ng mga maraming katiwalian at kurapsyon sa simbahan. D. Lahat ng dahilan sa itaas ay tama.19. Kung si Ruy de Villalobos ay nakarating sa Mindanao, bakit marami pa ring Muslim doon at hindi Kristiyano? A. Hindi siya nakipagsundo sa mga Muslim. B. Wala siyang kasamang mga paring Katoliko nang pumunta siya roon. C. Tumutol ang mga katutubong Muslin na masakop ng mga Kastila. D. Babalik pa sana siya sa Mindanao ngunit namatay na siya.20. Dahil sa malaking pagpapahalaga ng hari ng Espany sa Kristiyanismo, ang lahat ng ekspedisyong ipinadala sa Pilipinas ay may kasamang: A. historiador B. manunulat C. pari D. inhinyero 4
ARALIN 1MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTAANG KANLURANING KASTILA SA ATING LUPAIN Sa araling ito, tatalakayin natin ang mga pangyayaring nagaganap sa Europasa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500). Ang mgapangyayayaring iyan ang nagbigay daan sa paglalakbay ng mga taga- Europeoupang tuklasin at kilalanin ang Silangan. Isa sa mga bansang ito ay angEspanya. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Matutukoy ang mga pangyayaring naganap sa Europa noong panahong 1300 hanggang 1500;2. Masusuri ang bawat pangyayaring nakaugnay sa pagtuklas ng Espanya sa Pilipinas; at3. Matutukoy ang mga layunin ng Espanya sa paglalakbay sa Silangan. 5
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Pag-aralan mo ang mapang ito ng Kanlurang Europa. Matutukoy moba kung alin ang mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-1500?Isulat ang iyong sagot sa ibaba.Mga makapangyarihang bansa noong panahong 1300-15001. 2. 3._________________ _________________ _________________ 6
Mga Pangyayari sa Daigdig noong Gitnang Panahon Tingnan natin kung tama ang sagot mo sa Gawain 1. Sa huling dalawang taon ng gitnang panahon (1300-1500), maramingpangyayari ang naganap sa Europa na siyang nagbigay-daan tungo sapagbabago ng ibang bahagi ng mundo, kasama na ang Pilipinas. Una ay ang krusada, ang serye ng ekspedisyon na ginawa ng mgaKristiyano ng Kanlurang Europa (1096-1272) upang bawiin ang Jerusalem samga Saracens o mga Muslim. Ang mga ekspedisyong ito ang pumukaw nginteres ng mga Europeo sa mga Kulturang Silanganin. Kasama na rito anginteres sa mga yaman at produkto ng mga bansang Silanganin. Kahit tapos naang krusada, ang pakikipagkalakalan sa mga taga-Silangan ay ipinagpatuloy ngtaga-Europa. Ikalawa ay ang paghina ng impluwensya ng Simbahang Katoliko sa mgabansang Europeo. Ang mga opisyal ng Simbahang Katoliko ay nalulong sa mgaimmoral na gawain kasama na ang pagpapayaman ng kanilang mga sarili. Dahildito, nagsimulang mawalan ng tiwala ang mga tagasunod ng Simbahan atnabaling ang kanilang pansin sa Humanismo. Nagkaroon ng mulingpagpapahalaga sa katalinuhan at kakayahan ng tao sa pagtuklas sa larangan ngsiyensya at sa paghanap ng bagong kaalaman. Dahilan dito, bumilis angpagtuklas at pag-imbento ng mga kagamitang panlakbay tulad ng compass,teleskopyo, at ang mapa. Ikatlo, dahilan sa mga impormasyong lumaganap tungkol sa paglalakbayni Marco Polo sa Tsina (kung saan napag-alamang ang bansang Tsina aynapakayaman at ang kultura nito ay napakaganda), nagkaroon ng interes angmga Europeo sa iba pang mga bansa sa Asya. Ikaapat, ang dating daanan na ginagamit ng mga Europeo (daanangMediterranean at Byzantine Empire) ay naging mapanganib, magastos atmatagalan ang paglalakbay lalo na para sa mga Portuges at Espanyol. Minabutinilang maghanap ng ibang ruta patungong Kanluran na tumatawid ng dagatAtlantiko at Pasipiko upang mapadali ang kanilang paglalakbay. 1
Unang Paglalakbay ng Portuges at Kastila Sa pangunguna ni Prince Henry ng Portugal ay nagalugad ng mgaPotuges ang gilid ng Aprika para makatuklas ng daan patungong silangan.Noong taong 1487, naikot nila ang Cape of Good Hope. Pagkaraan ng ilangtaon, ginamit ni Vasco de Gama ang nasabing ruta papuntang India. SiChristopher Columbus naman na isang Portuges ay naglakbay sa ngalan ng Haring Espanya noong 1492 at siyang nakatuklas sa Amerika. Ang mga unang tagumpay sa pagtuklas ng lupain ay nauwi sa pagigingmagkaribal ng Portugal at Espanya. Namagitan si Papa Alexander VI noong1493 para maiwasan ang hidwaan sa dalawang bansa. Hinati ang mundo sadalawang bansa kung saan ang bansa sa guhit sa Kanluran ng Azores at IslaCape Verde ay napunta sa Espanya. Ang mga nasa Silangan ng guhit aynapunta naman sa Portugal. Sa pamamagitan Tratadong Tordesillas, napatibayang hatian at naging gabay sa mga susunod na paglalakbay.Layunin sa Paglalakbay ng Espanya Hindi maipagkakaila na ang mga pangunahing layunin sa paglalakbay ngEspanya ay pangangalakal. Ngunit sa lahat ng pagkakataon, habanghumahanap ng bagong ruta sa pangangalakal ang Espanya, naroon pa rin angmatinding pagnanais ng mga Espanyo lna palaganapin ang Kristiyanismo. Udyokito ng karanasan ng Espanya sa pananakop ng mga Muslim na nagtaposlamang noong mabawi ang Granada noong 1492. Ninais ng Espanya napalaganapin ang Kristiyanismo upang masiguro ang paglakas ng ImperyongEspanya. Bukod dito, maalab din ang pagnanais ng Espanya na mahigitan angkakayahan at lakas ng Potugal sa pagpapalawak ng mga kolonya. Nakakaungosang Portugal nang unang siglo ng pananakop, kayat nais pag-ibayuhin ngEspanya ang kanilang kakayahan sa pagtuklas ng iba pang lupain sa Asya. 2
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumuhit ng tatlong instrumento o kagamitang panlakbay. Sa bawat naiguhit na larawan, sabihin ang kahalagahan ng instrumentong ito. Tandaan Mo! Maraming pangyayari ang naganap sa Europa na naging dahilan kung bakit nagnais maglakbay at tumuklas ng mga lupain sa Silangan ang mga Europeo, kabilang na ang mga Kastila. Angmga sumusunod ay ang mga importanteng salik sa paglalakbay na ito: Krusada;paghina ng impluwensya ng simbahan; pagtuklas ng mga kagamitangpanlakbay, pagtuklas ng mas malapit na ruta sa dagat Atlantiko at Pasipiko, atpaglaganap ng mga impormasyon tungkol sa kagandahan at kayamanan ng mgabansa sa Silangan. Gawain 3: Paglalapat Napapansin mo marahil na sa kasalukuyang panahon, maramingdayuhang taga-Europa ang pumupunta sa ating bansa. Ilan sa kanila ay mgaAleman, Ingles, Franses, Italyano, At mga Espanyol. Maihahambing mo kayaang mga dahilan kung bakit interesado sa mga bansang Silangan ang mga taga-Europa. Magpahanggang ngayon? Nalaman mo na sa aralin ang mga salik nangpagpunta rito ng mga taga-Europa noong unang panahon. Ngayon naman aymagbigay ka ng tatlong dahilan o kuru-kuro kung bakit marami pa ring taga-Europa ang nagsisipunta sa Pilipinas. 3
ARALIN 2ANG EKSPEDISYON NI MAGELLAN Sa araling ito, kikilalanin mo si Magellan, na bagaman hindi Pilipino athindi rin Kastila ay may malaking bahagi sa ating kasaysayan. Tatalakayin natinang mga pangyayaring naganap sa pagdating niya sa ating lupain at ang nagingepekto nito sa ating buhay. Pagkatapos mong mabasa at gawin ang mga nakalaang gawain saaraling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Makikilala si Ferdinand Magellan;2. Matutukoy ang mga lugar na dinaanan ni Magellan hanggang makarating sa Pilipinas;3. Mapahahalagahan ang mga panganib at hirap na dinanas ni Magellan at ng kanyang mga tauhan sa paglalakbay;4. Matutukoy ang mga lugar na pinuntahan niya sa ating kapuluan; at5. Masusuri ang epekto ng pagdating ni Magellan sa buhay ng mga katutubo.Gawain 1: Pag-isipan Mo!A. Batay sa iyong nabasa o nakita sa mga babasahin, itala ang mgakatangiang pisikal na mapagkikilanlan sa kaanyuhan ng isang Kastila. Gumawaka rin ng talaan ng mga katangiang pisikal ng Pilipino. Kastila Pilipino1 ______________ 1. _________________2. ______________ 2. _________________3. ______________ 3. _________________4. ______________ 4. _________________ B. Batay sa iyong talaan, may kaugnayan kaya ang magandangpagtanggap ng mga Katutubo sa Kastila ayon sa pisikal na kaanyuan? Isulatang iyong paliwanag. 4
Si Ferdinand Magellan at ang Paglalakbay sa PilipinasSi Ferdinand Magellan ay isang Portuges nanakapaglakbay na sa India at Malacca. Ngunitinakala niya na hindi sapat ang pagkilala ng Hari ngPortugal sa kanyang nga nagawa. Dahil dito,lumapit siya sa Hari ng Espanya at inialok angkanyang serbisyo para sa paglalakbay patungongKanluran. Pumayag ang Hari ng Espanya atpinangakuan siya ng malaking gantimpala kapag Ferdinand Magellansiya ay nagtagumpay.Umalis si Magellan sa San Lucar, Espanya noong Setyembre 20, 1519.Limang barko ang naglulan sa kanya at kanyang mga kasama. Dumaan sila saTimog Amerika kung saan natuklasan niya ang isang landas sa dulo nito mulaDagat Atlantiko patungong Dagat Pasipiko. Tinawid nila ang masikip na daanangito na ngayon ay tinatawag na Strait of Magellan. Noong Nobyembre 20, 1520,nawala ang dalawa niyang kasamang barko. Ang natirang tatlong barko nalamang ang nakatawid ng Dagat Pasipiko. Noong Marso 16, 1521, ayon sa talani Pigafetta, ay natanawan nila ang Samar. Ito ay bahagi ng mga pulo ng tinawagniyang Kapuluan ni San Lazaro. Sila ay dumaong sa maliit na isla ngHomonhon, sa gawing timog ng Samar.Sa pagdaong ng Homonhon, sinalubong sina Magellan ng ilang katutubo.Nang mapansin ni Magellan ang kagandahang loob ng mga katutubo, pinabigyanniya ito ng mga pasalubong na sambalilo, salamin, suklay at iba pa. Sinukliannaman ito ng mga katutubo ng isda, alak ng palma, saging at niyog.Ang Pagmimisa sa Limasawa Mula sa Homonhon, nagpatuloy ang paglalayag ng pangkat ni Magellanhanggang sa makarating sila sa Limasawa noong Marso 28, 1521. Sa tulong ngaliping Malay na si Enrique na nagsilbing tagapagsalin, nakilala ni Magellan sinaRaha Kolambu at Raha Siagu. Nagkaroon ng sanduguan nang sumunod naaraw. 5
Noong Marso 31, 1521, kasabay ng Pasko ng Pagkabuhay, ginanap angkaunaunahang Misang Kristiyano sa ating kapuluan.Ang Pagiging Kristiyano ng mga Taga-Cebu Bago pa dumating dito si Magellan, ang Cebu ay isa nang maunlad nalugar na nakikipagkalakalan sa mga karatig na bansang Tsina, Siam, Borneo atiba pang lugar sa Asya. Nang mapag-alaman ito ni Magellan, ipinasya niya natumuloy dito para kumuha ng mga pangangailangan sa paglalakbay. Sa tulongpa rin ni Raha Kolambu at ng aliping si Enrique, nagtagumpay si Magellan namaging kaibigan ang pinuno ng Cebu na si Raha Humabon. Nahimok niMagellan si Raha Humabon na maging basalyo ng Haring Carlos ng Espanya.Kasunod nito ay nahimok niya ang mga pinuno at walong daang Cebuano namaging Kristiyano. Naganap ang binyagan noong Abril 14, 1521. Pinangunahanito ni Raha Humabon at ng kanyang asawa‘t pamilya kasama si Raha Kolambuat ng asawa nito. Ang asawa ni Raha Humabon ay binigyan ni Magellan ngestatwa ng Niño Jesus at nagtirik sila ng krus sa lugar kung saan naganap angbinyagan. Sa pagiging basalyo ng Hari ng Espanya, inaasahang magbibigayng buwis ang mga katutubo. Ipinabatid din ni Magellan sa ibang pinuno sa Cebuna magpakita sila ng paggalang bilang basalyo ng Hari.Ang Paglaban ni Lapu-lapu Sinunod ng ibang pinunong katutubo ang pahayag ni Magellan maliban sapinuno ng Mactan, isang maliit na pulo malapit sa Cebu, na nagngangalangLapu-lapu. Ipinabatid kay Magellan ni Punong Zula, kaaway ni Lapu-lapu, anghindi pagtanggap ni Lapu-lapu ng kapangyarihan ng dayuhan. Dahil dito,ipinahayag ni Magellan na haharapin niya si Lapu-lapu. Kasama ang mayanimnapung sundalo lamang, dumaong si Magellan sa Mactan noong Abril 27,1521. Bago pa man sila nakalapit sa pampang ng Mactan, sinalubong sila niLapu-lapu at isang madugong labanan ang naganap. Sinamang-palad namasugatan si Magellan na siya niyang ikinamatay. Dahil dito nagsiatras atnagsibalik ang kanyang mga tauhan sa Cebu. 6
Ang matagumpay na pagtatanggol ni Lapu-lapu sa kanyang pulo angnagmulat kay Humabon na hindi siya dapat nagpailalim sa mga Kastila. Lalosiyang nagbalak ng paghihiganti nang malaman niyang may mga kababaihangpinagsamantalahan ng mga tauhan ni Magellan. Noong Mayo 1, 1521, inanyayahan ni Humabon sa isang piging ang mganatirang tauhan ni Magellan. Nagsidalo ang may dalawampu’t pitong tauhan niMagellan. Nang kumakain at nagiinuman na sila ay sinalakay sila ng mgakatutubo hanggang mamatay, maliban sa mga pari. Dahilan sa hindi magandang karanasan nitong banding huli, ay nagpasyaang natirang tauhan ni Magellan na ipagpatuloy ang kanilang paglalakbaypatungong Moluccas at iwan ang Pilipinas. Nakarating sila sa Tidore, isang islasa Moluccas at namili sila ng mga paminta na sila nilang layon. Sa pamumuno niSebastian El Cano, ang barkong Victoria ang tanging nakabalik sa Espanya.Dumaan sila sa sa Indian Ocean at sa dulo ng Aprika Cape of Good Hopepapuntang Hilaga. Nakarating sila sa Espanya noong Setyembre 1522. Ito angunang paglalakbay na nakaikot sa buong mundo – at nagpatunay na ang mundonga ay bilog.Kahalagahan ng Paglalakbay ni Magellan Ang paglalakbay na ito ni Magellan aynakapagpatunay na maaaring pumunta sa Silangan na angdaanan ay sa Kanluran. Bukod sa pagpapatunay na ang mundo nga ay bilog,ang “pagtuklas” niya ng Pilipinas ay nagbigay-daan paramalaman ng mga Europeo ang tungkol sa ating kapuluan.Buhat sa mga tala ni Pigafetta, ang historiador na kasamaniya sa ekspedisyon, natambad sa Espanya ang kagandahan at likas na yamanng kapuluang ito sa Silangan. Naitala din ang mabuting pakikipagkaibigan ngmga katutubo s Homonhon, Limasawa, at Cebu at naabangan ng mga Espanyolna bagamat may ayaw pasakop, ay marami rin naming humanga at ngpasakopsa mga Kanluranin. 7
Utang rin kay Magellan ang tagumpay ng mga sumunod naekspededisyon sa Pilipinas. Nakatuklas siya ng mas madali at ligtas na rutapapuntang Silangan at nagkaroon ng patnubay para sa mga sumunod pangmanlalakbay dagat.Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Basain mo ang kwento ng labanan sa Mactan sa pagitan ni Magellan atLapu-lapu. Pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong sa ibaba. “Samantalang abalang-abala si Magallanes sa paghihikayat sa mga taga-Cebu na maging Kristiyano, ay isa sa mga datu ng Mactan na si Zulu, aynakikipagkagalit kay Lapu-lapu na isa ring puno ng barangay sa Mactan. Sapaghahangad na makatulong ang mga Kastila laban kay Lapu-lapu, nagsuplongsi Zulu kay Magallanes na umano’y ayaw kilalanin ni Lapu-lapu ang Hari ngEspanya. Kapagdaka’y nagpasya si Magallanes na ipakilala ang kanyangkapangyarihan sa pamamagitan ng pagsupil kay Lapu-lapu. Hindi niya tinanggapang alok ni Raha Humabon na tulungan siyang makipaglaban.” “Bukang-liwayway ng Abril 18 nang umahon sina Magallanes sa Mactan.Ang kanilang mga sasakyan ay hindi makalapit sa dalampasigan sapagkat bukodsa mababaw ang tubig ay mabato pa. Hiniling ni Magallanes na magbayad ngbuwis si Lapu-lapu bilang pagkilala sa kapangyarihan ng Hari ng Espanya,ngunitsi Lapu-lapu ay umismid lamang. Sumalakay sina Magallanes, ngunit may mgapatibong na inihanda. Nang magpaputok ang mga Kastila ay umiwas ang mgamandirigma ni Lapu-lapu. Pana, sibat, gulok ang ginagamit ng mga mandirigmani Lapu-lapu laban sa mga Kastila. Nasugatan si Magallanes at namatay salabanan. Sa pagkamatay ni Magallanes, ayon kay Pigafetta, ay nawalan sila ngilaw ng salamin ng kasiyahan, at ng patnubay” (Pinagkunan: Teodoro Agoncillo, Kasaysayan ng Bayang Pilipino (1979) 8
Mga Tanong: Batay sa maikling talata, ano ang ilang katangian ng mga katutubongpinunong Pilipino noong panahon ni Magellan? Bilugan ang lahat ng inaakalamong katangian nila: 1. Mga duwag at walang alam sa pagtatanggol ng kanilang lupain. 2. Watak-watak ang ibang mga pinuno at hindi nagkakaisa. 3. May mga pinunong madaling nahikayat ng mga dayuhan gaya ni Zulu at Humabon. 4. Si Lapu-lapu ay halimbawa ng pinunong hindi kaagad-agad nagpapasakop sa mga dayuhan. 5. May hidwaan ding nagaganap sa mga katutubong pinuno noon. Tandaan Mo! Si Magellan na isang Portuges ay nag-alok ng kanyang serbisyo sa Hari ng Espanya para maglakbay patungong Silangan na ang dadaan ay sa Kanluran. Naging matagumpay ang kanyang layunin at natuklasan niya ang kapuluan ng Pilipinas. Kahit na siya ay namatay dito, naipagpatuloy ng kanyang kasamahan ang paglalakbay hanggang sa makabalik sa Espanya. May mga pinunong katutubo na agad na tumanggap kay Magellan at nakipagkasundo sa mga Kastila. Si Lapu-lapu ang kauna-unahang bayaning Pilipino na tumangging magpasakop sa Espanya. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay isa sa mga pinuno sa iyong rehiyon, papayag ka bang pasakop sa mga dayuhan? Sino ang iyong gagayahin: siLapu-lapu o ang ibang mga pinunong nagpabinyag sa mga Kastila? Sumulat ngisang sanaysay na nagpapahayag ng iyong damdamin. 9
ARALIN 3PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPANYA Tutunghayan natin ngayon ang iba’t ibang ekspedisyon sa Pilipinas naipinadala ng Hari ng Espanya. Sa kabila ng pagkamatay ni Magellan sa Pilipinas noong 1521, ipinasyang Hari ng Espanya na muling magpadala ng mga ekspedisyon sa Silangan.Makatwiran kaya ito? Bakit naibigan ng mga Kastila ang maglakbay as Pilipinas?Sa araling ito, uunawain natin ang mga dahilan tungkol diyan. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Matutukoy ang mga ekspedisyon na ipinadala ng Hari ng Espanya sa Silangan; at 2. Maipaliliwanag ang naging resulta ng mga ekspedisyon na ito. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ipalagay mo na ikaw ay Hari ng Espanya. Gumawa ng maikling dulakung paaano mo uutusan ang mga manlalakbay mo na pumunta sa Silangan.Sinu-sino ang iyong pipiliing mga tauhan? Ano ang kanilang gagawin?Ekspedisyon ni Loaisa, Cabot at Saavedra Ikumpara natin ang iyong maikling dula sa mga nangyari sa Espanya. Noong 1525, sa pagnanais na lubusang maangkin ang Moluccas,inatasan ng Hari ng Espanya si Juan Jofre de Loaisa, na maglakbay sa Pilipinassa pamamagitan ng pagtahak sa landas ni Magellan. Ngunit bago pa mannalaman ang kinahinatnan ng paglalakbay ni Loaisa, isang ekspedisyon pa rinang ipinadala ng Hari sa pamumuno naman ni Sebastian Cabot na nakabalik saEspanya noong Agosto 1530. 10
Mula naman sa Mexico, ipinadala ng Espanya si Alvaro de Saavedranoong 1527. Nakarating nga ito sa Pilipinas, ngunit hindi naman nakatuklas ngkayamanan. Ang mga ekspedisyong ito ay nagdulot ng pagkalugi sa Espanya.Ipinasya ng Hari ng Espanya na ihinto ang pag-angkin sa Moluccas at ipaubayana lang ito sa Portugal. Sa Kasunduan sa Zaragoza, isinuko ng Hari ng Espanyaang Karapatan sa Moluccas sa halagang 350,000 gintong ducat. Inayos din angguhit kung saan ang Pilipinas ay masasakop ng Portugal. Kayat maraming taonding hindi nagpadala ng ekspedisyon sa Pilipinas ang Hari ng Espanya.Ekspedisyon Ni Villalobos Sa pamumuno ni Andres de Urdaneta, nakabalik ang ilang kasamahan niLoaisa sampung taon mula nang umalis sila sa Espanya. Inilathala ni Urdanetaang mga naitala niya tungkol sa ekspedisyon ni Loaisa. Dahil sa mga natuklasantungkol sa Pilipinas, nagpasiyang magpadalang muli ng ekspedisyon sa Silanganang hari ng Espanya. Sa pagitan ng 1538 at 1541, nakipagkasundo si HaringCarlos I sa Biseroy ng Mehiko sa panmamagitan ng kanyang Biseroy saGuatimala tungkol dito. Ang ekspedisyon na nagsimula sa Navidad, Mexico ay pinamunuan niRuy Lopez de Villalobos. Inutusan siyang sakupin ang Islas de Poniente oPilipinas. Ang ekspedisyong ito ay palihim na isinagawa dahilang ang Pilipinasay sakop ng Portugal batay sa kasunduang Zaragosa. Sumapit ang ekspedisyon ni Villalobos sa Mindanao noong Pebrero 1543ngunit hindi naging katanggap-tanggap sa mga tagaroong Muslim ang kanilangpagdating. Nagpatuloy sila sa pagtuklas ng iba pang lugar na mapagkukunan ngpanustos. Nakarating sila sa bandang Bisaya at doon ay nakatagpo ng mgapalakibigang katutubo. Pinangalanan nila ang kapuluan ng Felipinas bilangparangal kay Prinsipe Felipe, ang tagapagmana ni Haring Carlos ng Espanya.Ang Felipinas nang lumaon ang ipinangalan sa buong kapuluan. Katulad nina Loaisa at Saavedra, nabigo rin si Villalobos na sakupin angPilipinas dahil sa pagtutol ng mga katutubo. 11
Gawain 2: Pagpapalawak ng Kaalaman Sa pamamagitan ng isang sanaysay, isalarawan ang katauhan ng Hari ng Espanya batay sa mga kautusan niya sa mgamanlalakbay. Ipakita sa kanyang mga salita at sa sunud-sunod na pagpapadalaniya ng ekspedisyon sa Pilipinas ang kaniyang ugali. Tandaan Mo! Iba’t ibang ekspedisyon ang ipinadala ng Hari ng Espanya sa Silangan. Ang pinakalayunin ay ang makakuha ng rekado at iba pang produkto, at kung kinakailangan ay manakop ng mga lupain. Gawain 3: Paglalapat Ikaw ba ay may pangarap maglakbay at manakop ng ibang lupain? Saan mo gustong magpunta at ano ang iyong mga layunin? Gumawa ng “itinerary” o listahan ng mga lugar na gusto mong puntahan, at ang iyong layunin sa pananakop. 12
PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Alin ang pinakamahalagang salik sa pagpunta ng kanluraning Kastila sa ating lupain? A. Paghina ng impluwensya ng simbahang Katoliko sa Europa. B. Paglalakbay ni Marco Polo C. Krusada D. Paghihikahos ng Suez Canal2. Alin sa mga sumusunod na bansang Europeo ang naunang naglakbay dagat gamit ang daang pakanluran patungong Silangan? A. Espanya B. Portugal C. Ingglatera D. Pransya3. Ang unang pulo na dinaungan ni Magellan kung saan nakipagplitan siya ng mga handog sa mga katutubo: A. Samar B. Homonhon C. Cebu D. Mactan4. Alin sa mga na pangyayari ang pinakamahalagang resulta ng paglalakbay ni Magellan para sa mundo? A. Pagtuklas ng mga rekado sa Molucass B. Napatunayan na bilog ang mundo C. Pagiging Kristiyano ng mga taga-Cebu D. Pagtuklas sa Pilipinas5. Alin sa mga sumusunod ang tama tungkol ka Magellan A. Siya ay isang Espanyol na inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Pilipinas. B. Siya ay isang Portuges na nag-alok ng kanyang serbisyo sa Hari ng Espanya na mamuno ng ekspedisyon papuntang Silangan. C. Siya ang Portuges na naktuklas ng Amerika. D. Siya ang Espanyol na lumaban sa Krusda.6. Ang maliit na pulo sa Pilipinas kung saan unang bininyagan sa pagka- kristiyano ang ilang katutubo: A. Limasawa B. Homonhon C. Mactan D. Cebu 13
7. Ang Pulong dinaungan ni Magellan kung saan siya ay nakipagsanduguan sa pinuno ng mga ktutubo: A. Mactan B. Limasawa C. Bohol D. Homonhon8. Ang kahulugan ng sanduguan: A. Pakikipaglaban B. Pakikipagdwelo C. Pakikipagkaibigan D. Pakikipag-alitan9. Ang impluwensya ng Simbahang Katoliko sa huling bahagi ng gitnang panahon ay humina dahil sa mga sumusunod maliban sa: A. Pagpapayaman ng simbahan B. Pagkasangkot ng mga prayle sa kurapsyon C. Pagkasangkot sa digmaan sa Krusada D. Pagkasangkot ng mga pari sa Imoralidad10. Ang pangunahing layunin ng mga Kastila sa pagtuklas at pananakop ng mga lupain sa SIlangan: A. Palaganapin ang Kristiyanismo. B. Makipagkalakalan at magpalakas ng puwersa bilang makapangyarihang bansa. C. Magpasikat sa kapwa Europeong bansa. D. Matulungn ang di maunlad na mga bansa upang ang mga ito.11. Hinangaan ni Magellan ang mga naunang katutubong nakilala niya dahil sa: A. mabagsik sa pakikihamok B. mangmang at walang kulturang maipagmamalaki C. mahusay makipagkalakalan D. mayaman ang kultura at mabuting makipagkaibigan sa mga dayuhan12. Alin sa mga sumusunod ang hindi tama sa mga pangyayaring naganap sa ating kapuluan noong pagdating ni Magellan? A. Nabinyagan bilang Kristiyano ang mga taga-Cebu. B. Nagdaraos ng misa bilang paggunita ng Pasko ng Pagkabuhay ni Kristo. C. Nagbigay ng imahen ng Sto. Niño si Magellan sa asawa ni Humabon. D. Nagtayo ng simbahan si Magellan sa Homonhon. 14
13. Napatunayan ni Magellan sa kanyng paglalakbay s Pilipinas ang mga sumusunod maliban sa: A. Ang mundo ay bilog. B. Maaaring makarating sa Silangan na ang daan ay kanluran. C. Duwag at hindi sibilisado ang mga katutubo sa Pilipinas. D. Sagan sa yamang likas ang Pilipinas. 14. Nang mapatay ni Lapu-lapu si Magellan, ang naging epekto sa mga katutubong pinuno katulad ni Humabon ay: A. nanghina ang kanilang impluwensya sa Cebu. B. ipinaghiganti ang pagkamatay ni Magellan. C. nakapag-isip sila na hindi dapat magpasakop sa dayuhan. D. naghanda para sa pakikipaglaban kay Lapu-lapu. 15. Si Lapu-lapu ay itinuring na: A. Kahulihulihang Pilipino na nagpasakop sa mga dayuhan. B. Pinunong katutubo na nakipagsanduguan ka Magellan. C. Pinunong katutubong taga-Mindanao na hindi nagpasakop kay Magellan. D. Pinunong katutubo ng Mactan na nakapatay kay Magellan at itinuring na bayaning Pilipino na di nagpasakop sa mga Espanyol. 16. Ang paglalakbay ni Magellan sa Pilipinas ay naging mahalaga dahil sumusunod maliban sa isa: A. napatunayan niya na maaaring pumunta sa Silangan na dumadaan sa kanluran. B. napatunayan niya na bilog ang mundo nang makabalik sa Espanya ang isa niyang barko sa pamumuno ni Sibastian El Cano. C. natuklasan niya ang isang daanan sa dulo ng Aprika. D. nakilala ng mga Europeo ang kapuluan ng Pilipinas. 17. Si Villalobos ay inutusan ng Hari ng Espanya na sakupin ang Islas del Poniente. Ang tinutukoy na lugar ay: A. Moluccas kung saan nakukuha ang rekado na gusto ng mga Europeo. B. Tsina na may telang seda. C. Ang kapuluan na napuntahan ni Magellan na ngayon ay kilala bilang Pilipinas. D. Ang pulo ng Cebu kung saan maraming katutubo ang nabinyagan bilang Kristiyano.. 15
18. Alin sa mga sumusunod ang tama sa mga utos ng Hari ng Espanya kaugnay ng mga paglalakbay na ipinadala niya sa Silangan? A. sasakupin ang Moluccas B. sasakupin ang Pilipinas C. mangalakal lamang sa Pilipinas D. gamiting daanan ang Pilipinas patungong Moluccas19. Maraming ekspedisyon ang pinapunta ng Hari ng Espanya sa Pilipinas. Si Villalobos ang unang nakarating sa Mindanao ngunit hindi niya nasakop ang kapuluan dahil sa: A. tumutol ang katutubong Muslim na masakop ng dayuhan. B. naghihintay ng magandang pagkakataon si Villalobos. C. pinatay siya ng mga katutubo . D. nakipagkasundo siya sa katutubo kaugnay sa pangangalakal.20. Ang lahat ng ekspedisyon na ipinadala ng hari ng Espanya sa Silangan ay may kasamang pari. Ito ay nagpapahiwatig ng mga sumusunod maliban sa: A. malaking pagpapahalaga ng Hari sa relihiyong Kristiyanismo. B. paggamit sa relihiyon bilang pamamaraan ng pananakop. C. ang pari ay magaling sa paglalakbay dagat. D. matibay na paniniwala na ang paglalakbay ay gagabayan ng Panginoon. 16
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT1. D 6. B 11. B 16. B 12. D 17. A2. D 7. C 13. C 18. D 14. A 19. C3. A 8. B 15. A 20. C4. B 9. C5. C 10. BARALIN 1 MGA SALIK KUNG BAKIT NAPUNTA ANG KANLURANING KASTILASA ATING LUPAINGawain 1: Pag-isipan Mo!Mga Sagot: 1. Portugal 2. Espanya 3. Turko o Turkey (Ang nagpalaganap ng Islam sa Maraming bansa)Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanGanito ba ang iginuhit mo 1. Teleskopyo2. Kompas3. Mapa 17
Gawain 3: Paglalapat Alin dito ang mga isinagot mo? Lahat ng ito ay tama: Sa kalukuyan, pumupunta rito ang mga taga-Europa upang: 1. maglibang bilang turista 2. makipagkalakalan 3. nagtayo ng mga negosyong multinasyonal 4. manirahan dito sapagkat mura ang mga bilihin 5. magsagawa ng iba’t ibang gawaing pangkultura, pangkabuhayan at pampulitika.ARALIN 2 ANG EKSPEDISYON NI MAGELLANGawain 1: Pag-isipan Mo! PilipinoMga Sagot: 1. Di kataasan, depende sa Kastila pangkat etnikong 1. Matataas pinanggalingan 2. Mapuputi ang balat 2. Kayumanggi ang balat 3. Matatangos ang ilong 3. Pango o katangusan ng ilong 4. Malalaki ang pangangatawan 4. Maliit ang pangangatawanGawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMga Tamang Sagot:(2, 3, 4, at 5)Gawain 3: Paglalapat Ang iyong sagot ay depende sa iyong kuru-kuro. Ipatsek ang iyongsanaysay sa gurong tagapamahala ng modyul. 1
ARALIN 3 PAGSISIMULA NG MGA EKSPEDISYON MULA SA ESPAÑAGawain 1: Pag-isipan Mo! Ang iyong ginawang dula ay ikukumpara mo sa paksa ng teksto ng aralin.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Kinakailangan naisulat o naisama mo ang iyong sanaysay ang alinman samga sumusunod: 1. Mataas na ambisyong maghari sa mga bansa sa Silangan. 2. Hindi alintana kung ano ang maaaring mangyari sa kanyang mga tauhan o sa mga katutubo sa Silangan at higit na mahalaga ang maragdagan lamang ang mga teritoryong nasasakupan. 3. Diktador at walang makasusuway. Ang sai nga “Ang utos ng Hari, hindi mababali.” Gawain 3: Paglalapat Maaaring tanggapin ang alinmang bansa o lugar na iyong pinili subalitalalahanin mo sana na ang pananakop ng mga bansa ay maaaring makalabagsa mga karpatang pantao ng mgakatutubo roon. Kung ang hangarin sapananakop ay nagdudukot ng kabutihan at pagtaas ng pamumuhay, ito aymaaaring katangap-tanggap. Ngunit kung ang layunin ay payamanin ang sarili atpagsamantalahan o guluhin ang maayos na buhay ng mga katutubo, ito ay diktaanggap-tanggap.PANGHULING PAGSUSULIT:1. A 6. D 11. D 16. D 12. D 17. C2. A 7. B 13. C 18. B 14. C 19. A3. B 8. C 15. D 20. C4. B 9. C5. B 10. B 1
MODYUL 6 PANANAKOP NG KASTILA Tatalakayin sa modyul na ito ang mga patakarang kolonyal na ipinatupadng mga Kastila mula nang dumating si Miguel Lopez de Legazpi sa Pilipinasnoong 1565. Aalalahanin natin kung papaano isinulong ng mga Kastila angkanilang layunin sa Pilipinas. Gayundin, susuriin natin ang naging papel ngsimbahan sa panahon ng pananakop ng mga Kastila. Ang modyul na ito ay binubuo ng tatlong aralin: Aralin 1: Ang Pagdating ni Legazpi Aralin 2: Konsolidasyon at Integrasyon ng Imperyong Kastila Aralin 3: Ang Simbahan at Pagpapalaganap ng Kristiyanismo Pagkatapos mong basahin at tapusin ang mga gawain sa aralingnakasaad, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalarawan ang mga naganap simula sa pagdating ni Legazpi; 2. Mabibigyang puna kung paano ginamit ng mga Kastila ang krus at espada upang maisagawa ang pananakop sa mga katutubo; at 3. Masusuri ang papel ng Simbahan sa panahon ng Kastila.
PANIMULANG PAGSUSULIT:Panuto: Pagtapat-tapatin. Isulat ang titk sa patlang. Hanay A Hanay B___1. Ang misyon ng ekspedisyon ni Legazpi A. Ordeng Augustino___2. Nagpatibay ng pagkakaisa kina Legazpi at B. Unibersidad ng Sto.Sikatuna Tomas___3. Mga paring nanguna sa pagpapalaganap ngKristiyanismo pagdating ng mga Kastila. C. Pamahalaang___4. Pangunahing misyon ng mga pari sa Sentralisadopagdating sa Pilipinas. D. Raha Sulayman___5. Sa simbahan nakasalalay ang pagtatayo ngmalalaking pamantasang Katoliko sa Pilipinas. E. PamahalaangKauna-unahang itinayo ang pamantasang ito. Eklesyastikal___6. Ang pagtatatag ng Kabisera sa Maynila ang F. Sanduguannagsimula ng ganitong unang pamahalaan.___7. Isa sa pinakamagiting na Raha ng Maynila G. Cebubago dumating si Legazpi. H. Ayuntamiento___8. Tawag sa pamahalaang lungsod pagdating ni I. ArsobispoLegazpi.___9. Kauna-unahang kabisera sa Pilipinas. J. Mga misyonerong pari___10. Katawagan sa pamamahala ng mga pari K. Sakupin ang Pilipinasnang panahon ng pananakop. L. Mga paaralang Katoliko___11. Kauna-unahang pamayanang itinatag niLegazpi sa Bisaya. M. Maynila___12. Dalawang magkaugnay na kapangyarihan N. Miguel Lopez de Legazpinoong panahon ng mga Kastila. O. Krus at Espada___13. Lugar sa Mindanao kung saan maykasunduang naganap sa mga Kastila at mga P. Mapalaganap angMuslim. Kristiyanismo___14. Pinakamataas na pinuno ng simbahan Q. Maynilanoong panahon ng Kastila. 1
___15. Nahikayat nila ang mga katutubo na magpabinyag dahilan sa kanilangkahusayang magpaliwanag at makipag-usap sa mga katutubo.___16. Dito itinuro at binigyang-diin ang matapat na pagsunod sa mga dayuhangKastila at misyonaryo.___17. Ito ang naging kabisera sa buong kapuluan na itinatag ni Legazpi.___18. Sa ilalim ng kanyang pamamahala, naisakatuparan ang pagtatatag ngimperyong Kastila sa Pilipinas.___19. Itinuturing na pinakamahalagang ambag ng mga Kastila sa mga Pilipino.___20. Simbolo ng paraan ng mga Kastila sa pagsakop sa Pilipinas. 2
ARALIN 1ANG PAGDATING NI LEGAZPI Si Miguel Lopez de Legazpi ay inutusan ng Haring Felipe ng Espanya nasakupin ang Pilipinas. Katulad ni Magellan, naglakbay siya gamit ang daanpakanluran na tumatawid ng Dagat Atlantiko at Pasipiko. Tatalakayin natin sa modyul na ito ang panahon ni Legazpi. Inaasahang pagkatapos ng modyul ikaw ay: 1. Makatutukoy ng mga layunin ng ekspedisyon ni Legazpi; 2. Makapagpapaliwanag ng naging pagtanggap ng mga katutubo kay Legazpi; at 3. Makapagbibigay ng pagpapahalaga sa tradisyong sanduguan ng mga katutubo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago natin talakayin ang mga paksa sa aralin, gawin mo angsumusunod. Isulat ang iyong naging karanasan nang ikaw ay pumunta sa isanglugar na wala kang kakilala. Paano ka nakipagkilala doon at ano ang nagingdamdamin mo nang makaharap mo ang mga tao doon?Ekspedisyon ni Legazpi 3
Nang manungkulan si Felipe bilang Haring Felipe II ngEspanya, iniutos niya ang isang ekspedisyon na ang layon aykumuha ng rekado at tumuklas ng daan pabalik sa Espanyamula sa Pilipinas sa pamamagitan ng Dagat Pasipiko. Itinalaga ng Hari si Miguel Lopez de Legazpi bilangpinuno ng ekspedisyon. Tumulak si Legazpi mula Navidad,Mexico noong Nobyembre 21, 1564. Kasama niya sa ekspedisyong ito si Andresde Urdaneta na isa ng paring Augustino at magsisilbing pangunahing nabiganteat tagapayong ispiritwal. Ang ekspedisyon ay binuo ng apat na barko attatlongdaan at walumpung tauhan. Bago tumulak ang ekspedisyon, nakatanggap si Legazpi ng isangselyadong sobre mula sa hari na bubuksan lamang pag nasa laot na sila.Sinunod ni Legazpi ang tagubilin at namangha sila dahil nakasaad sa sulat angutos na “sakupin ang Pilipinas.” Wala silang magagawa kundi sundin ang utos.Binuo nila sa isip na ang pananakop na kanilang gagawin ay bilang “paglilingkodsa Diyos at sa Simbahan”.Sanduguan Nina Legazpi At Sikatuna Larawan ni Legazpi at SikatunaDumaong ang pangkat ni Legazpi noongPebrero 1565 sa isang pulo na malapit sa Cebu. Hindinaging maganda ang pagtanggap ng mga katutubokaya sila ay napilitang humanap ng mgapangangailangan sa mga karatig-pook hanggang samakarating sila sa Bohol. Doon ay tinanggap sila nangmaayos at noong Marso 16, 1565, may naganap na sanduguan sa pagitan niLegazpi at Sikatuna, isa sa mga pinuno sa Bohol. Ito ay sinundan ng sanduguandin kay Sigala, isa pa ring pinuno sa Bohol. 4
Si Legazpi Sa Cebu Tumuloy sina Legazpi sa Cebu subalit hindi naging maganda angpagtanggap ng mga tauhan ni Raha Tupaz, ang pinuno ng Cebu. Kinalaban ninaLegazpi ang mga katutubo na madali nilang nagapi. Pinatawad ni Legazpi angmga tauhan ni Tupaz. Di naglaon, noong Hunyo 1565, ay lumagda sa isangkasunduan sina Legazpi at Tupaz. Kikilalanin nina Tupaz ang kapangyarihan ngEspanya at bilang kapalit, bibigyan sila ng proteksyon at pangangalaga ng mgaKastila. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Sa pamamagitan ng isang pangungusap lamang, maaari mo bang sabihin ang namagitan kina Legazpi at ng sumusunod napinunong katutubo? Subukan mo. 1. Sikatuna – ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 2. Sigala – ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ 3. Tupaz – ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ ___________________________________________________________ Tandaan Mo! Gawain 3: Paglalapat Ilarawan ang pamamaraang ginamit mo sa kasalukuyan para makipagkaibigan sa mga kasing-gulang mo. Papaano ninyopinapagtibay ang inyong pagkakaibigan? Gaano kahalaga ang sanduguan? 5
ARALIN 2KONSOLIDASYON AT INTEGRASYONSA EMPERYONG KASTILA Tuluyang sinakop ni Legazpi ang malaking bahagi ng kapuluan ngPilipinas, sa pamamagitan ng krus at espada, napasailalim niya ang Pilipinas saImperyong Kastila. Alam mo ba ang mga pangyayaring naging daan sakonsolidasyon at integrasyon ng Pilipinas sa Imperyong Kastila? Tutuklasin natiniyon sa araling ito. Sa araling ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod:1. Mailalarawan ang pamamaraang ginamit ni Legazpi sa pagsakop sa Pilipinas;2. Maipaliliwanag ang lawak ng nasakop sa kapuluang Pilipinas;3. Mapahahalagahan ang mga desisyon ng mga pinuno ng mga katutubong Pilipino tungkol sa ginawang pagsakop ng Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Magbigay ng tatlong pangungusap upang ilarawan ang iyongBarangay, ilan ang mamamayan doon at paano kayo nakikipag-ugnayan saibang Barangay? 6
Unang Pamayanang Kastila Ang Cebu ang naging unang pamayanang Kastila at syudad sa Pilipinas.Una itong tinawag na San Miguel ngunit nang lumaon ay tinawag na Ciudad delSantisimo Nombre de Jesus. Natagpuan ang estatwa sa isang di nasunog nabahay nang maganap ang pagsalakay nina Legazpi noong Abril 1565 kaya’tipinangalan ito sa syudad. Maraming suliranin ang hinarap ni Legazpi sa Cebu. Nakaranas sila ngkakulangan sa pagkain, kahirapan at problema sa pagdidisiplina ng mgakatutubo. Minabuti ni Legazpi na tumungong Panay at noong 1570 ay inutusan siMartin de Goiti na galugarin ang ibang lugar sa Hilagang Luzon.Maynila: Kabisera ng Pilipinas Larawan ng lumang Maynila Si Martin de Goiti ay matagumpay na nakarating ng Maynila noong Mayo24, 1570. Ang Maynila ay pinamumunuan noon ni Raha Sulayman. Ito ay isanang maunlad na pook sa pamumuno ni Sulayman. Matagumpay na nasakop niLegazpi ang Maynila noong Mayo 19, 1571. Itinatag niya ang isangpamahalaang lungsod at ginawa niya itong kabisera ng Pilipinas. Noong Hunyo 1, 1574, sa bisa ng kautusan ni Haring Felipe, ang lungsodng Maynila ay tinawag na Insigne y Siempre Leal Ciudad (Distinguished andEver Loyal City). Nagtatag si Legazpi ng pamahalaang lungsod o ayuntamientona may dalawang alkalde, isang alguwasil mayor, 12 konsehal, at isang iskribanoo tagasulat. Ginawa niyang Kabisera ng Pilipinas ang Maynila. 7
Pananakop sa Luzon Mula sa Maynila, ang pagsakop sa ibang bahagi ng Luzon ay nagingmadali na para kay Legazpi. Nakatulong niya ang mga misyonero sa pagsakopsa Luzon. Madaling nakuha ng mga misyonero ang pagtitiwala ng mga katutubo.Marahil wala ring lakas ang mga barangay na labanan ang kapangyarihan ngmga Kastila. Sa Pangunguna ni Juan de Salcedo, isang apo ni Legazpi, at niMartin de Goiti, nasakop ng mga Kastila ang Timog at Kapatagang Luzon noong1572. Pagkaraan noon, nasakop din nila ang buong Hilagang Luzon.Tangkang Pagsakop sa Mindanao at Sulu Ang Sulu ay napuntahan naman ng mga Kastila noong 1636. Naitatag niGobernador Heneral Sebastian Hurtado de Corcuera ang isang kampaniento saJolo. Nagkaroon ng kasunduan ang mga Kastila at mga taga-Sulu namagtulungan kung may ibang dayuhang magtatangkang manakop sa naturangpook katulad ng mga Dutch o Portuges. Ang kasunduan ay naglalaman din ng pagkilala ng Pamahalaang Espanyasa lubusang kapangyarihan ng Sultan ng Sulu sa ilang mga pulo. Pinahintulutandin ng Sultan ang mapayapang pagpasok ng mga paring Hesuita sa Jolo. Hindi nagtagal ang bisa ng kasunduan. Noong 1647 ay sinalakay ng mgaSuluano ang Kabisayaan at ginipit ang mga mamamayan ng Zamboanga. Noong 1737, isang kasunduan ang pinagtibay naman ni Sultan Alimud Dinna nilagdaan nina Datu Mohammed Ismael at Datu Ja’far at Gobernador HeneralFernando Valdes y Tamon sa Maynila. Itinakda sa kasunduang ito angpagpapanatili ng katahimikan at kapayapaan sa pamamagitan ng mapayapangpaglutas ng anumang suliranin. 8
Nang mamatay ang amang si Sultan Alimud Din, ang kasunduan ayipinagpatuloy ni Israel, ang humaliling pinuno ng Sulu. Ang kasunduang nilagdaan noong Abril 1851 ay nagtakda ng haloslubusang pagsanib ng Sultanato ng Sulu sa Kaharian ng Espanya. Tumanggapang mga Suluanon ng pangangalaga at proteksyon ng Espanya at kanilangginamit ang bandila ng Kastila. Subali’t nagkaroon ng hindi pagkakaunawaan sapagitan ng dalawa hinggil sa pagpapatupad ng mga tadhana ng kasunduan.Dahil sa ito ay nakasulat sa Wikang Kastila at diyalekto ng taga-Sulu,natuklasang hindi naging tama ang pagsasalin ng mga salitang Kastila sadiyalektong Suluanon. Simula ng di pagkakaunawaang ito, nagpatuloy ang mgalabanan sa pagitan ng mga Muslim at Kastila at di gaanong nasakop ang TimogMindanao.Pagkamatay ni Legazpi Noong Agosto 20, 1572, namatay si Legazpi. Sinasabing naitatag niyaang Imperyong Kastila at malakas na ito nang siya ay pumanaw. Angpamahalaang itinatag niya sa Maynila ay ipinatupad din sa iba’t ibang bahagi ngkapuluan. Sa kabuuan, naging matagumpay ang pananakop ni Legazpi at ngkanyang mga tauhan. Ang pamamaraang ginamit ay ang “Krus at Espada” oang relihiyon (kinakatawan ng Krus) at paggamit ng dahas kung kinakailangan(kinakatawan ng Espada). Nagpakita ang mga Kastila ng kabutihan sa mgakatutubo, katulong ang mga paring misyonero, subalit gumamit din naman sila ngdahas sa pakikipaglaban sa mga katutubo. 9
Gawain 2: Pagpapalalim sa Kaalaman Sa pamamagitan ng mapang nakalarawan, tukuyin ang mgalugar na napuntahan ni Legazpi. Kulayan ng itim ang mga lugar na lubusangnasakop at lagyan ng pahalang na guhit ang mga lugar na hindi lubusangnasakop. 10
Tandaan Mo! Si Miguel Lopez de Legazpi ay nanguna sa pananakop sa iba’t ibang bahagi ng kapuluan, at nagtatag ng Imperyong Kastila. Ang sanduguan ay isang ritwal sa pagitan ng mga Espanyol at mga katutubo na nagpatibay ng kanilang pakikipagkaibigan. Ang Maynila ay naitatag na kabisera ng Pilipinas noong panahon ni Legazpi. Gumamit ng pamamaraang “Kus at Espada” ang mga Kastila. Gawain 3: Paglalapat Gumawa ng isang kasunduan sa isang klase na kapareho ng antas mo.Ang nilalaman ay ang pagtutulungan ng klase mo at klase nila para sa isangproyekto tungkol sa pangangalaga ng inyong paaralan laban sa masasamangelemento sa lipunan.ARALIN 3ANG SIMBAHAN AT ANG PAGPALAGANAP NG KRISTIYANISMO Magpatuloy tayong magpalawak ng ating kaalaman tungkol sa mgapatakarang ginamit ng Espanya sa ating kapuluan upang tayo ay sakupin . Saaraling ito ay malalaman natin ang papel na ginampanan ng simbahan sapanahon ng Kastila. Marahil, ito na ang pinakamahalagang kontribusyon ng mgaKastila sa ating pamumuhay. Kayat tatalakayin natin ito. 11
Pagkatapos ng aralin, ikaw ay inaasahang: 1. Makagagawa ng balangkas ng Pangasiwaang Eklesiyastikal; 2. Makatutukoy ng mga Orden ng mga pari na nagpalaganap ng Kristiyanismo sa ating kapuluan; at 3. Makapagbibigay ng pagpapahalaga sa mga nagawa ng Simbahan sa ating kapuluan. Gawain 1: Pag-isipan Mo! May kilala ka bang paring Katoliko sa lugar ninyo? Ilista mo sa isangpapel ang mga ginagawa niya para mapalaganap o mapangalagaan angrelihiyong Katoliko.Mga Orden ng Paring Dumating sa Pilipinas Nagsimula ang Kristiyanismo nang dumating ang mga Kastila sapamumuno ni Magellan noong 1521. Maaalala mo na nang dumating si Legazpinoong 1565 may kasama siyang limang paring Augustino na siyangnagpalaganap ng Kristiyanismo sa Cebu, Panay, Maynila, Pangasinan, Iloilo,Ilokos, Bataan at ilan pang lalawigan sa Bisaya. Sinundan ito ng pagdating ngiba pang Orden tulad ng Orden Franciscano noong 1577; Paring Hesuita noong1581; Paring Dominicano noong 1587; Recoleto noong 1606; at Benedictonoong 1895.Pangasiwaang Eklesiyastikal Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katoliko sa Pilipinas noongpanahon pa man ng Kastila ay ang Arsobispo. Sakop niya ang pangangasiwa salahat ng mg gawaing pangrelihiyon sa buong kapuluan. Ang Simbahan at angEstado ay may ugnayan. Ang lahat ng mga gawaing pangrelihiyon sa buongPilipinas ay sakop ng simbahan at ng estado. Ang pamamahala ng batas at angpagbibigay ng kaparusahan sa mga nagkasala ay sakop din ng Simbahan atEstado. Ang lahat ng opisyal ng Simbahan mula Arsobispo, Obispo at KuraParoko ay tumatanggap ng sahod buhat sa Estado. Ang simbahan ayitinataguyod sa pamamagitan ng buwis ng taongbayan. Ang Kura Paroko ay may 12
pribilehiyong opisyal sa kapuluan. Humahawak siya ng kapangyarihang pulitikalat mayroon siyang mataas na katayuan sa lipunan. Ang kapangyarihang panghukuman ng pangasiwaang eklesiyastikal aynasa hukuman ng Arsobispo. Ang hukumang ito ay nakipagtulungan sa HolyInquisition at may kapangyarihang dumakip ng sinumang Pilipino o Kastilangmapaghihinalaan ng pagtataksil sa Simbahan o Ereheya.Mga Nagawa ng Simbahan Napakalaki ng papel ng Simbahan noong panahon ng Kastila. Una, sa pamamagitan ng mga misyonero, naitatag ang pundasyon ngpangangailang ispiritwal ng mga katutubo. Pangalawa, ang mga misyonero ang nanguna sa pagtatatag ng mgakabayanan. Sa bawat bayan, ipinakilala nila ang mga bagong pananim athalaman tulad ng kamatis, kakaw, pinya, taiko, kamatsile, gayundin ang ilang uring hayop. Pangatlo, sa tulong ng mga manggagawang katutubo, ang mgamisyonero ay nagtayo ng mga tulay, gusali, lansangan, mga paaralan atsistemang pang-irigasyon. Sila rin ang nagpatayo ng malalaking simbahanghanggang ngayon ay nasa paligid natin, at nagtataguyod ng mga patakarangedukasyonal ng Espanya ayon sa batas noong 1555. Ang mga paaralang unangitinatag ay mga paaralang parokya na pinamahalaan ng mga pari. Kasama samga asignatura ang wikang Kastila, Relihiyon, pagbasa, pagsulat, aritmetika,musika at pangangalakal. Sinundan ito ng iba pang paaralan na mataas angantas katulad ng paaralang sekundarya, paaralang bokasyonal, at paaralan sapagkaguro para sa mga kalalakihan. 13
Di nalaunan ay nagtatag din ng mga pamantasan o unibersidad. AngUnibersidad de Santo Tomas ang itinuturing na pinakamatandang pamantasansa kapuluan na itinatag noong 1611. 14
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Gumawa ng balangkas ng mga itinalaga ng Simbahan noongpanahon ng Kastila upang mangasiwa sa ating kapuluan. Simulan sa maypinakamataas hanggang pinakamababang katungkulan. Saliksikin ang balangkas sa pangangasiwa ng Simbahang Katoliko saiyong lugar. Gumawa ng balangkas ng pamamahala sa kasalukuyan.Pagkatapos ay ikumpara ito noong panahon ng Kastila. Ano ang pagkakatulad?Ano ang kaibahan? Tandaan Mo! Pinakamahalagang ambag ng mga Kastila sa kulturang Pilipino ang Kristiyanismo. Ang Simbahan at ang Estado ay magkatuwang sa pamamahala noong panahon ng mga Kastila. Ang mga paaralang Katoliko ay itinatag ng mga paring Kastila. Binigyang diin sa mga paaralan ang pagdarasal, pagsunod sa nakatataas,di paglabag sa batas upang makapunta sa langit, at pagiging tapat sa mga Kastila. Gawain 3: Paglalapat Sa kasalukuyan, maraming paaralang Kristiyano sa ating bansa.Paano makatutulong ang mga paaralang ito sa pagpapaunlad ng bansa?Pangatwiranan mo kung dapat nilang gawin ang ginawa ng mga Kastila o hindi.Ano ang kanilang papel ngayon sa ating lipunan? 15
PANGHULING PAGSUSULIT: Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.1. Si Legazpi ang inatasan ng hari ng Espanya upang: A. dumiskubre ng mga lupain sa Pilipinas. B. mangalap ng mga rekado. C. sakupin ang Pilipinas. D. makipagkalakalan sa mga katutubo.2. Alin sa mga sumusunod ang pinuno ng Bohol na nakipagsanduguan kay Legazpi bilang pagpapakita ng pakikipagkaibigan dito? A. Sigala B. Tupas C. Sikatuna D. Sula3. Alin sa mga sumusunod na orden ng mga pari ang nanguna sa pagpapalaganap ng Kristiyanismo sa panahong Kolonyal? A. Recoletos B. Dominicano C. Augustino D. Franciscano4. Sa paglalakbay at pananakop ni Legazpi sa Pilipinas, kasama ang mga pari upang: A. magbigay ng payong ispiritwal. B. magpalaganap ng Kristiyanismo. C. makipagkalakalan. D. magbinyag ng mga Kristiyano. 16
5. Malaki ang nagawa ng simbahan sa ilalim ng pamahalaang Kastila sa edukasyon sa mga katutubo. Nagtayo sila ng mga paaralan. Alin sa mga sumusunod na paaralan ang hindi nila itinatag? A. Ateneo de Manila B. Unibersidad ng Pilipinas C. Unibersidad ng Sto. Tomas D. Kolehiyo de San Juan de Letran6. Ang pagiging kolonya ng Pilipinas ay naging dahilan ng mga sumusunod maliban sa: A. pagiging Kristiyano ng mga Pilipino. B. pagkakaroon ng pamahalaang sentralisado. C. paggalang sa imahen ng Sto. Nino. D. pagkakaroon ng kaalaman sa pangangalakal.7. Maunlad na ang Maynila nang sakupin ito ni Legazpi. Ang magiting na namumuno noon ay si: A. Sultan Alimud Din B. Raha Sulayman C. Datu Humabon D. Raha Lakandula8. Alin sa mga sumusunod ang tawag sa pamahalaang lungsod sa ilalim ng Pamahalaang Kolonyal? A. Barangay B. Siyudad C. Imperyong Kastila D. Ayuntamiento9. Sa pagtatayo ng Pamahalaang Sentral sa Maynila, ito ay naging: A. Kabisera ng Pilipinas B. Kabisera ng Luzon C. Punong-syudad pang-komersyo D. Punong-syudad ng Kristiyanismo 17
10. Ang pangangasiwa ng mga pari noong panahon ng Kastila ay tinaguriang: A. Orden B. Pamamahalang Eklesyastikal C. Ayuntamiento D. Pamamahalang Kolonyal11. Alin ang tama sa mga pangungusap na ito? A. Ang simbahan at pamahalaan noong panahon ng Kastila ay magkahiwalay na namamahala. B. Ang simbahan ay nasa ilalim ng pamamahala ng Gobernador- Heneral. C. Ang Simbahan at Estado ay parehong may kapangyarihan sa pamamahala. D. Ang Simbahan at Estado ay magkalaban.12. Ang unang pamayanang itinayo ni Legazpi sa kapuluan ay : A. Maynila B. Cebu C. Bohol D. Sulu13. Alin sa mga sumusunod na sagot ang naglalarawan ng naganap sa Mindanao sa panahon ni Legazpi? A. Hindi kailanman napasok ng Kastila ang Mindanao. B. Ang mga misyonerong Kristiyano ay hindi makapasok sa Mindanao C. Walang pinunong taga-Mindanao na nakipagmabutihan sa mga Kastilang opisyal. D. Nagkaroon ng kasunduang pangkapayapaan sa pamamagitan ng Kastila at Taga-Mindanao ngunit hindi ito nagtagal. 18
14. Sa pamahalaang Eklesyastikal sa Pilipinas ang pinakamataas na pinuno ay: A. Arsobispo B. Obispo C. Co-adjutor D. Cura Paroco15. Madaling nahikayat ang mga Pilipino na tanggapin ang Kristiyanismo dahil: A. Naaakit sila sa mapuputing misyonero. B. Magandang magpaliwanag at mababait ang mga naunang misyonero. C. Maraming magkatulad na paniniwala ang dati nilang pagsamba at ang Kristiyanismo. D. Nagustuhan nila ang Sto. Nino.16. Alin sa mga sumusunod na lugar ang ginawang kabisera ng Pamahalaang Kolonyal? A. Cebu B. Maynila C. Bohol D. Panay17. Alin sa mga sumusunod ang hindi naglalarawan ng sistema ng edukasyon noong panahon ng Kastila? A. Mga pari ang namamahala sa edukasyon. B. Ang edukasyon ay nakatuon sa relihiyon. C. Iminulat ang mga katutubo sa kahalagahan ng kalayaan. D. Binigyang-diin ang pagiging masunurin ng mga katutubo. 19
18. Ang konsolidasyon at integrasyon ng Imperyong Kastila ay naganap sa pangunguna ni : A. Magallanes B. Legazpi C. Pigafetto D. Martin de Goiti19. Ang Pinakamahalagang naiambag ng Kastila sa Pilipino ay sa larangan ng: A. Kalakalan B. Relihiyon C. Edukasyon D. Pamahalaan20. Bakit naging matagumpay ang pagsakop ni Legazpi sa maraming lugar sa Pilipinas? Lahat ay tama maliban sa: A. Nagtulungan ang mga misyonero at mga sundalo. B. Nakipagkasunduan ang mga Kastila sa mga pinuno ng mga katutubo. C. Gumamit ng puwersa lamang sa pamamagitan ng pagpatay, pananakot, at pagsunog sa lahat ng lugar at di naging mapayapa. D. Ginamit ang relihiyon bilang simbolo ng mabuting hangad. 20
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT 11. G 1. K 12. R 2. F 13. S 3. A 14. I 4. P 15. J 5. B 16. L 6. C 17. M 7. D 18. N 8. H 19. T 9. Q 20. O 10. EARALIN 1 ANG PAGDATING NI LEGAZPIGawain 1: Pag-isipan Mo!Itsek ang sarili. Ang mga pamaraan para makipagkilala sa mga dayuhan ay maaaringmapayapa o gamitan ng dahas. Mas malaki ang puntos kung mapayapang paraan angginamit.Gawain 2: Pagpapalalim sa KaalamanAng mga kasunduan sa tatlong pinuno ay naglalaman ng:Pagkakasundo ng pagkilala at pagpapasailalim ang mga katutubo sa kapangyarihan ngmga Kastila. Ang mga Kastila naman ay magbibigay ng proteksyon at ipagtatanggolang mga katutubo at ang kanilang pamayanan sa mga kaaway nila.Gawain 3: Paglalapat Maaaring magbigay ng iba’t ibang paraan ngunit mahalaga angpakikipagkasunduan.ARALIN 2 KONSOLIDASYON AT INTEGRASYON SA 21
EMPERYONG KASTILAGawain 1: Pag-isipan Mo!Ang mga sagot ay batay sa iyong mga nasaliksik. Maaaring marami ang tao sa inyongbarangay. Ang pakikipagkapwa-ugnayan ay sa pamamagitan ng: (1) pagkakaroon ng mga opisyal ng pamahalaan (2) pagpupulong (3) pagpaplano ng mga kasayahan at gawaing pang-barangay (4) dyaryong pambarangay (5) iba pa, depende sa iyong barangay.Gawain 2: Pagpapalalim ng KaalamanMga nasakop:Mga bayan sa Luzon at Visayas at Hilagang MindanaoMga di-nasakop:Mga lugar sa Timog MindanaoGawain 3: PaglalapatAng nilalaman ng kasunduan ay maaaring: (a) pagbubuo ng organisasyon at pagkakaroon ng mga tungkulin sa iba’t ibang gawang pamproteksyon (b) pangangako na gagawin ang mga tungkulin (c) pagbibigay ng mga paraan kung paano pangangalagaan ang paaralan (d) pagpirma sa lahat ng itinalaARALIN 3 ANG SIMBAHAN AT PAGPAPALAGANAP NG KRISTIYANISMOGawain 1: Pag-isipan Mo!Maaaring Sago tang mga sumusunod . Ang iba pa ay depande sa mga obserbasyonmo iyong lugar. 1. Pagsesermon sa misa. 2. Pagtatatag ng mga organisasyong pang-simbahan. 22
3. Pagbisita sa mga kaanib ng simbahan. 4. Pagpapaganda ng simbahan. 5. Pagtatatag ng mga gawaing katekismo.Gawain 2: Pagpapalalim sa Kaalaman Arsobispo Obispo Kura Paroko Gawain 3: Paglalapat Maraming maaring itulong ng mga paaralng Kristiyano sa bansa. Mahalaga ang papel nila ngayon sa kasalukuyang lipunan. 1. Pagpapalaganap ng mabuting kaugalian at mataas na moralidad ng pamumuhay. 2. Pagpapalaganap ng Kristiyanismo. 3. Pagtulong sa pamahalaan upang mapabuti ang lipunan Nararapat na hindi maulit ang ginawa ng mga Kastila na gamitin angrelihiyon sa gawaing pampulitika. Kaya’t dapat lamang na magkahiwalay angSimbahan at ang Estado.PANGHULING PAGSUSULIT:1. C 6. D 11. D 16. B 12. B 17. C2. D 7. B 13. D 18. B 14. A 19. B3. C 8. D 15. B 20. C4. C 9. A5. B 10. B 23
MODYUL 7 PAGBABAGONG DULOT NG KOLONISASYON Hinahangaan kita at nakarating ka na sa modyul na ito. Ibig sabihin aymarami ka nang natutuhan sa mga nakaraang modyul. Dadalhin ka ng modyul na ito sa mga pagbabagong naganap sa atingmga ninuno nang tayo ay sinakop ng mga Kastila. Ang mga pagbabagong iyanay makikita sa larangan ng pulitika, ekonomiya at buhay panlipunan.Maiintindihan mo rin kung bakit mahirap bigyang katuturan kung sino ang tunayna Pilipino at bakit iba’t ibang kultura ang ating kinagisnan. May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Pagbabagong Pulitikal Aralin 2: Pagbabagong Pangkabuhayan Aralin 3: Pagbabagong Panlipunan Pagkatapos ng mga aralin, inaaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Maiisa-isa ang mga pagbabagong naganap sa buhay ng mga Pilipino noong panahon ng mga Kastila sa larangan ng pulitika, kabuhayan at lipunan; 2. Mapaghahambing ang buhay ng mga Pilipino bago dumating ang mga Kastila at sa pagdating ng mga Kastila; at 3. Matutukoy ang kakanyahan ng mga Pilipino na dulot ng mga pagbabagong naganap sa kanya. 1
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412