5. Si Gobernador Carlos Maria dela Torre Naniniwala siya sa liberalismo at ipinamalas niya ito sa pamamagitan ng mga patakaran at mahusay na pakikitungo sa mga Pilipino. Pantay-pantay ang pagtingin niya sa mga Espanyol at mga Pilipino.6. Ang Pag-aalsa sa Cavite noong 1872 Noong panahon ng pamamahala ni Goberdor Izquierdo naging mahigpit at nagdulot ng pahirap sa mga Pilipino ang kanyang mga kautusan. Inalisan niya ng karapatan at kabuhayan ang mga manggagawang Pilipino sa Cavite na hindi nagbabayad ng taunang buwis. Lumaki ang isyu tungkol sa pag-aalsa sa Cavite at sinabi ni Izquierdo na ito’y isang rebolusyong naglalayong pabagsakin ang pangunahing Espanyol sa Pilipinas. Ngunit sa katunayan, hindi rebolusyon ang naganap sa Cavite kundi isang protesta lamang ng mga sundalo at manggagawa.7. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir Ang pinakamalaking pagkakamali ni Gobernador Izquierdo ay ang pagpapabitay niya sa tatlong Pilipinong pari, sina Padre Gomez, Padre Burgos at Padre Zamora, ngayon ay kilala bilang Gomburza. Tumanggi si Gregorio Meliton Matinez na ipahubad ang abito ng tatlong pari bago sila patayin. Naniniwala siya na walang kasalanan ang mga ito. Iniutos niya na patunugin ang mga kampana sa lahat ng simbahan sa Maynila sa oras ng kanilang kamatayan. 13
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isulat ang tsek (√) sa patlang kung ang sumusunod ay salik nanakapagpausbong ng damdaming nasyonalismo. Lagyan ng ekis (X) kung hindi.________ 1. Republika ng Biak na Bato________ 2. Panggitnang uri ng lipunan________ 3. Kaisipang liberal sa Pilipinas________ 4. Ang Kilusang Sekularisasyon________ 5. Saligang Batas ng Malolos________ 6. Si Gobernador dela Torre________ 7. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan________ 8. Pag-aalsa sa Cavite noong 1872________ 9. Republika ng Malolos________ 10. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir Tandaan Mo! Maraming dahilan ang pag-usbong ng damdaming Pilipino: ang pagkamulat sa mga kaisipang liberal, paglawak ng pakikipagkalakalan.at pakikitungo sa mga taga-ibang bansa, pagkamulat ng panggitnang uri ngmamamayan (middle class) at mayayaman sa lipunan, at patuloy na pagmamalabis ngmga kastilang opisyal. Kung noong una ay hindi matanggap ng mga Pilipino ang hindi pantay na pagtingin sa ating lahi, lalong nagalit ang mga Pilipino sa pagkapatay sa tatlong paring Pilipino kaya’t itinuring silang martir. Ang pagtatanggollamang sa karapatan ng mga paring Pilipino ang kanilang kasalanan. Angpangyayaring ito ang lalo pang nagpagising sa damdaming nasyonalismo ng mgaPilipino. 14
Gawain 3: Paglalapat Ikumpara mo ang mga naganap sa panahon ng Kastila na nagpausbong ng damdaming Pilipino, at ang mga kaganapansa kasalukuyang panahon na nagpaunlad din ng damdaming Pilipino. Maymagkakatulad ba?Mga Nagpausbong ng Damdaming Pilipino Panahon ng Kastila Kasalukuyang Panahon1. _______________________________ 1. _______________________________2. _______________________________ 2. _______________________________3. _______________________________ 3. _______________________________Aralin 3ANG KILUSANG PROPAGANDA Umigting ang damdaming Pilipino at lumawak pa ang mga pag-aalsanang bitayin ang tatlong paring martir. Kaagad naming pinarusahan ng mgaEspanyol ang sinumang mahuling kumikilos laban sa mga Espanyol sapamamagitan ng pagpapatapon sa kanila sa labas ng Pilipinas. MaramingPilipino ang ipinatapon sa Islas Marianas noong 1872 dahil sa pag-aalsa labansa mga Espanyol. Dalawang uri ng paglaban sa mga Kastila ang namayani. Anguna ay ang pag-aalsang rebolusyunaryo, at ang kilusang propaganda.Tatalakayin sa araling ito ang kilusang propaganda. Pagkatapos ng aralin, inaasahang malilinang ang mga sumusunod mongkasanayan:1. Makapagbibigay ng pagpapahalaga sa mga isinulat ng mga propagandista;2. Makapagtatalakay ng mga nagawa at ibinunga ng Kilusang Propaganda; at3. Maihahambing at makapagpapaliwanag ng mga layunin ng Kilusang Propaganda at La Liga Filipina. 15
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Subukan mong ilarawan ang mga sumusunod na bayani natin ayonsa iyong pagkakakilala.Graciano Lopez Jaena Dr. Jose Rizal Marcelo H. del PilarAng Pagsibol ng Kilusang Propaganda Naging tambad sa mga Pilipinong ilustrado o nakapag-aral ang mgatiwaling pamamahala ng mga Kastila. Nakita nila ang pangangailangan sapagbabago ng pamamalakad o reporma. Isinulong nila ang pagmumungkahi ngmga reporma na sinikap nilang maiparating sa mga opisyal ng pamahalaan saEspanya. Nabuo ang kilusang propaganda at nakilala sina Jose Rizal, GracianoLopez Jaena at Marcelo H. del Pilar bilang mga pangunahing propagandista.Mga Layunin ng Kilusang Propaganda Nilayon ng mga propagandista na gumamit ng mapayapang paraan upangmatamo ang kanilang karapatan. Nagmungkahi sila ng mga sumusunod para sakalutasan ng mga suliranin sa Pilipinas:1. Magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga Pilipino at Espanyol sa harap ng batas.2. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas.3. Magkaroon ng kinatawan ang Pilipinas sa Kortes ng Espanya.4. Sekularisasyon ng mga pari o parokya sa Pilipinas. 16
5. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pagsasalita, pamamahayag, pagpupulong at paghaharap ng mga karaingan laban sa mga pang-aabuso. 6. Bigyan ng pantay na karapatan ang mga Pilipino na maipagtanggol ang sarili sa mga kasalanang ipinararatang sa kanila. Nagtatag ng pahayagan ang Kilusang Propaganda. Ito ang LaSolidaridad. Nagsilbing instrumento ang pahayagan upang magsama-sama angating mga bayani at maipahayag ang kanilang damdamin. Si Graciano LopezJaena ang hinirang na patnugot ng nasabing pahayagan na naglabas ng unangisyu noong ika-15 ng Pebrero, 1889. Sa pagpapalaganap ng mithiing Pilipino ay kasama rin sina MarianoPonce, Antonio Luna, Jose Ma. Panganiban, at ilan pang hindi naging masigasigsa banding huli. Gumamit sila ng iba’t ibang sagisag upang hindi makilala atmailigtas ang kanilang mga kaanak kung sakaling paghigantihan sila ng mgaKastila. Dahilan sa sila ay mga anak-mayaman, ilan sa mga propagandista aynaging aktibo habang nasa Madrid at Europa.Ang mga Layunin ng La Solidaridad Nilayon ng La Solidaridad ang mga sumusunod: 1. Tumulong sa mapayapang paraan upang makamtan ang mga pagbabago sa pulitika at lipunan. 2. Ilantad ang nakalulunos na kalagayan ng mga Pilipino sa bansa upang mabigyang-lunas ng Espanya. 3. Hadlangan ang masasamang impluwensya ng nepotismo (paggamit ng impluwensya upang mapaunlakan ang isang kaanak) at konserbatismo (pagiging makaluma) sa pamamalakad ng pamahalaan. 4. Itaguyod ang mga kaisipang liberal at kaunlaran ng bansa. 5. Ipaglaban ang makatuwirang mga mithiin ng mga Pilipino sa buhay, demokrasya, at pamumuhay na mapayapa at maligaya. 17
6. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawi ng mga prayle at mga tiwaling patakaran ng simbahan. 7. Sikaping himukin ang mga Pilipino tungo sa pagkakaisa. Naging maayos ang unang isyu ng pahayagang La Solidaridad. Ang ikalawang isyu nito ay isinulat sa Madrid, Espanya. Ang unang patnugot na si Graciano Lopez Jaena ay sumulat ng Fray Botod na tumuligsa sa mga pang-aabuso ng mga prayleng Espanyol. Ang ikalawang patnugot ay si Marcelo H. del Pilar. Itinatag at pinatnugutan niya ang Diariong Tagalog noong 1882 kung saan inilathala niya ang karaingan at kahilingan para sa mga pagbabago ng mahihirap. Sa La Solidaridad, gumamit siya ng sagisag na “Plaridel”. Si Dr. Jose Rizal, ang ating Pambansang Bayani, ang sumulat naman ng nobelang Noli Me Tangere kung saan tinalakay niya ang maling sistema ng lipunan na nagpapahirap sa mga Pilipino noon. Sa kanyang akdang El Filibusterismo, tinalakay naman ni Jose Rizal ang mga gawain ng isang rebolusyonaryo. Sa pagsulat sa La Solidaridad, gumamit si Rizal ng mga sagisag sa panulat tulad ng “Dimasalang” at “Laong-Laan”. Ang iba pang manunulat at ang kanilang mga sagisag ay sina: Mariano Ponce (Tikbalang, Naning at Kalipulako), Dominador Gomez (Romiro Franco), Antonio Luna (Taga- ilog), at Jose Maria Panganiban (Jomapa). Hindi nalaunan at nagsara ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na kinaharap nito. Kulang ang pondo, walang kalayaan ang operasyon, at walang pagkakaisa ang mga Pilipino.Si Dr. Jose Rizal Naging pangunahing propagandista at nagbuwis ng kanyang buhay dahil sa kilusang propaganda si Dr. Jose Rizal. Nabanggit na natin ang mga isinulat niyang aklat: Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ang mga aklat na iyan ay nagsilbing tagabukas ng isipan ng maraming mamamayan. 18
Ipinadala si Jose Rizal sa Madrid at Europa ng kanyang kapatidupang si Paciano na mag-aral at paghandaan ang misyon ng propaganda.Si Paciano ay naiugnay sa tatlong paring martir sapagkat siya ay malapitna kaibigan ni Padre Burgos. Sa ibang bansa, bagamat maramingsumusuporta sa kilusang propaganda, nalimi ni Rizal na hindi lubusangmagtatagumpay ang kilusan kung hindi pag-iisahin ang mga Pilipino.Nadama din niya na kailangang bumalik sa sariling bansa upang pag-isahin ang mga Pilipino. Itinatag ni Dr. Jose Rizal ang samahang La Liga Filipina saPilipinas bunga ng pagkabigo ng Kilusang Propaganda sa Espanya namakamit ang mithiin nito. Ang La Liga Filipina ay isang pansibikongorganisasyong sinimulan ni Rizal pagbalik niya sa Pilipinas. Ang mgalayunin ng La Liga ay ang mga sumusunod:1. Magkaroon ng pagkakaisa ang buong kapuluan para sa kapakanan ng lahat.2. Matugunan ang bawat kaanib sa panahon ng pangangailangan.3. Makipaglaban sa lahat ng uri ng kasamaan at kawalang katarungan.4. Maisulong ang edukasyon, agrikultura, at pakikipaglaban.5. Maisagawa ang mga pagbabago o reporma sa pamahalaan. Ngunit hindi lumaganap ang adhikain ng La Liga. Dahilan sakanyang mga isinulat at mga gawaing pang-reporma, ipinahuli si JoseRizal ng pamahalaang Kastila, isinangkot sa mga pag-aalsa at ipinabarilsa harap ng madla noong Disyembre 30, 1896 sa Bagumgayan ngayon ayLuneta o Rizal Park. Kung nabigo man ang kilusang propaganda,nagkaroon naman ng damdaming makabayan na nagbunsod sahimagsikan. 19
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Isulat sa patlang ang mga sagisag ng mga sumusunod:___________________ 1. Dr. Jose Rizal___________________ 2. Antonio Luna___________________ 3. Dominador Gomez___________________ 4. Jose Ma. Panganiban___________________ 5. Marcelo H. del Pilar___________________ 6. Graciano Lopez-Jaena___________________ 7. Mariano PonceB. Pumunta sa alinmang aklatang malapit sa inyong bahay at magsaliksiktungkol sa buhay ng isa sa mga propagandista. Gumawa ng kanyangtalambuhay at lagyan ng larawan. Tandaan Mo! Hindi naging matagumpay ang La Solidaridad bunga ng maraming balakid na kinaharap nito tulad ng kakulangan ng pondo, kawalang kalayaan ng operasyon, at hindi pagkakaisa ng mga Pilipino. Nagtatag si Dr. Jose Rizal ng La Liga Filipina upang maging daan ng pagkakaisa ng mga Pilipino. Nabuwag ang samahan dahil sa kawalan ng tiwala ng mga kasapi sa mga layunin ng asosasyon. Ang pagkamartir kay Dr. Jose Rizal ang nagbigay ng lakas loob sa ibang Pilipino upang labanan ang mga Espanyol. 20
Gawain 3: Paglalapat Tinangka ng mga Propagandista na sa pamamagitan ng pluma at papel ay makamit ang kalayaang minimithi. Ipalagay mo na isa kang propagandista. Pumili ng isang isyu sa iyong lugar o sabuong Pilipinas na kailangang bigyang-pansin ng pamahalaan. Sumulat ng isangsanaysay o kolum sa dyaryo upang magmungkahi ng dapat gawin sa isyungmapipili mo. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang mga katiwalian ng mga Espanyol ang gumising sa diwa at puso ng mga Pilipino upang kumilos at magkaisa. Nilayon ng Kilusang Propaganda ang pagkakamit ng kalayaan at paglinang sa damdaming nasyonalismo, sa isang paraang mapayapa: ang paggamit ng mga panulat at pagmumungkahi ng mga solusyon sa pamahalaan. Sa pagbuo ng damdaming makabansa, mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa at matatag na simulain. Ang mga pangunahing mga bayani noong panahon ng propaganda ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar, Antonio Luna at Graciano Lopez Jaena. 21
PANGHULING PAGSUSULIT:1. Ang Gobernador Heneral na naniniwala sa liberalismo at nagpamalas ngmahusay na pakikitungo sa mga Pilipino ay si:A. Narciso Claveria C. Carlos Ma. dela TorreB. Izquierdo D. William Draper2. Ang gumamit ng sagisag na Taga-ilog: C. Mariano Ponce A. Dominador Gomez D. Jose Ma. Panganiban B. Antonio Luna3. Sino ang naging pinuno ng pag-aalsa sa Pampanga?A. Francisco Maniago C. Andres MalongB. Pedro Ladia D. Felipe Catabay4. Ang sagisag na ginamit ni Mariano Ponce: C. Plaridel A. Taga-ilog D. Tikbalang B. Jomapa5. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng pag-aalsa maliban sa: A. pagmamalupit sa mga katutubo B. di pantay na pagtingin sa mga Pilipinong Pari C. pang-aagaw ng mga lupain sa mga magsasaka D. pagpapaalis sa hari ng Espanya6. Ang pinunong tinanggihan na maging isang pari at nagtatag ng isangkapatirang panrelihiyon na tinawag na Confradia de San Jose:A. Hermano Pule C. PalarisB. Diego Silang D. Lakandula 22
7. Ang dahilan ng pag-aalsa ay dahil sa monopolyo ng pamahalaan sapaggawa ng basi:A. Diego Silang C. GabrielaB. Francisco Dagohoy D. Pedro Mateo8. Ang samahang itinatag ni Jose Rizal upang magkaisa ang mga Pilipino:A. Kilusang Propaganda C. KatipunanB. La Liga Filipina D. Mason9. Ang katawagan o sagisag na ginamit ni Dr. Jose Rizal:A. Plaridel C. JomapaB. Taga-ilog D. Laong-Laan10. Ang sumulat ng nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo at siyanating pambansang bayani:A. Marcelo H. del Pilar C. Graciano Lopez-JaenaB. Jose Rizal D. Antonio Luna11. Ang susunod ay mga hangarin ng mga repormista o kilusang propaganda maliban sa isa: A. Gawing lalawigan o bahagi ng bansang Espanya ang Pilipinas. B. Pagkalooban ang mga Pilipino ng kalayaan sa pamamahayag, pagpupulong at pagharap sa mga karaingan sa pamahalaan. C. Itaguyod at palaganapin ang himagsikan. D. Ilantad ang mga di kanais-nais na gawain ng mga prayle.12. Ano ang pinakamahalagang salik na nagpausbong sa damdaming nasyonalismo? A. Pagbubukas ng Pilipinas sa pandaidigang kalakalan. B. Pagsibol ng kaisipang liberal ng Pilipinas. C. Pagpatay sa tatlong paring martir o GOMBURZA. D. Pangingibang-bansa ng mga mahistrado. 23
13. Ang diyaryong itinatag ng Kilusang Propaganda: A. La Independiente B. Manila Bulletin C. La Solidaridad D. La Liga Filipina14. Kilusang itinaguyod ng mga paring Pilipino upang ipagtanggol angkanilang karapatan:A. LiberalisasyonB. KristiyanismoC. PilipinisasyonD. Sebularisasyon15. Ang mga Pilipinong maykaya at nakapag-aral na siyang bumuo ngpanggitnang uri ng lipunan o middle class noong panahon ng Kastila:A. Ilustrado C. SekularB. Propagandista D. Indio16. Ang Gobernador Heneral na nagpatibay sa Gumburza:A. Carlos Ma. dela Torre C. PolaviejaB. Narciso Claveria D. Izquierdo17. Naging adhikain ng mga Pilipinong ngunit di pinahintulutan ng mgaKastila:A. Lubusang paglaya sa mga Kastila C. Makapag-aralB. Representasyon sa Cortes D. Makapunta sa Espnaya18. Mga kalayaang ninais makamit ng mga Pilipino ngunit di pinahintulitan ngmga Kastila:A. Matutong bumasa at sumulatB. Magsuot ng damit ng EuropaC. Mamahala sa sariling bansaD. Maging Katoliko 24
19. Ano ang ikinaiba ni Dr. Jose Rizal sa mga Pilipinong propagandista? A. Ninais niyang bumalik sa sariling bansa B. Ninais niyang sa Espanya manirahan habambuhay C. Ninais niyang magsulat D. Ninais niyang magkaroon ng pagbabago sa Pilipinas20. Ano ang pinakamahalagang dahilan kung bakit hindi nagtatagumpay ang kilusang propaganda? A. Kakulangan ng pagkakaisa ng mga Pilipino sa Pagsusulong ng reporma. B. Kakulangan ng mga lider. C. Kakapusan sa katalinuhan at kahusayan sa pagsulat. D. Katamaran ng mga Pilipino. 25
GABAY SA PAGWAWASTOPANIMULANG PAGSUSULIT PANGHULING PAGSUSULIT1. K 11. C 1. B 11. C2. B 12. B 2. D 12. C3. A 13. C 3. A 13. C4. D 14. D 4. D 14. D5. K 15. B 5. A 15. D6. A 16. D 6. K 16. D7. D 17. D 7. A 17. A8. B 18. A 8. K 18. B9. D 19. D 9. B 19. A10. B 20. A 10. K 20. AARALIN 1 PAG-AALSA LABAN SA ESPANYOLGawain 1: Pag-isipan Mo! 1. “Walang mang-aalipin kung walang paaalipin” – Ang ibig ipahiwatig nito ay huwag tayong paalipin at dapat nating labanan ang hindi kanais-nais na gawi na ito. Nararapat ding ituring natin na tayo’y pantay-pantay at di kinakailangang magpa-alipin sa iba. 2. “Nasa pagkakaisa ang tagumpay” – Pinapakahulugan lamang nito na ang susi sa tagumpay ay ang pagkakasundo at maayos na pagpaplano ng bawat isa tungo sa isang mithiin.Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman1. D 6. K2. L 7. G3. B 8. M4. H 9. A5. I 10. E 26
Gawain 3: PaglalapatMaaaring ipakita ang iyong ginawa sa gurong tagapamahala para sapagtatama.ARALIN 2 ANG NASYONALISMONG PILIPINOGawain 1: Pag-isipan Mo! Pagkakaroon ng pagkakaisaPagtangkilik sa Pagtutol sa disariling kultura makatarungang pamamahalaPagtangkilik sa NASYONALISMO Pagmamahal sasariling produkto bayan o Pagtutulungan ng mga mamamayan pagkamakabayan ng isang bansaGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman1. X 6. √2. √ 7. √3. √ 8. √4. √ 9. X5. X 10. √ 27
Gawain 3: Paglalapat Kasalukuyang PanahonMaaring Sagot: 1. Kawalan ng hustisya paraPanahon ng Kastila sa mahihirap. 2. Katiwaliaan sa pamahalaan. 1. Pagmamalupit ng mga 3. Tiwaling gawain ng mga Kastila lalo na sa mga pari. mahihirap. 4. Pag-aabuso ng military. 5. Di-pantay ng karapatan sa 2. Di pagkakapantay-pantay ng mahirap at mayaman. mayaman at mahirap. 3. Katiwaliaan sa pamahalaan. 4. Pag-aabuso ng mga prayle/simbahan. 5. Pag-aabuso sa mga kababaihan.ARALIN 3 ANG KILUSANG PROPAGANDAGawain 1 Pagisipan Mo!Graciano Lopez Jeana – tanyag na mamamahayagDr. Jose Rizal – Pambansang BayaniMarcelo H. del Pilar – kilala bilang patnugot ng La SolidaridadGawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman1. Laong-Laan 6. Fray Butod2. Taga-ilog 7. Tikbalang3. Romiro Franco 8. La Solidaridad4. Jomapa 9. Diaryong Tagalog5. Plaridel 10. Noli at FiliGawain 3: PaglalapatMaaaring ipakita ang iyong ginawa sa gurong tagapamahala para sapagtatama.
MODYUL 10 TUNGO SA PAGTATATAG NG PAMAHALANG PILIPINO Tatalakayin sa modyul na ito ang pagtatatag ng iba’t ibang pamahalaan; angPamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite; at ang Unang Republika sa Malolos. May tatlong aralin sa modyul na ito: Aralin 1: Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura Aralin 2: Pamahalaang Rebolusyunaryo sa Cavite Aralin 3: Ang Unang Republika sa Malolos Pagkatapos ng modyul, inaasahang iyong: 1. Mabibigyang puna ang pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura at Pamahalaang Rebolusyunaryo; 2. Mabubuod ang mahahalagang probisyon ng Saligang-Batas ng Malolos; at 3. Maipaliliwanag ang kahalagahan ng Unang Republika sa Malolos.
PANIMULANG PAGSUSULIT:A. Direksyon: Itambal ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik sa patlang.A B._____1. Hulyo 12, 1898 a. Gumawa ng watawat_____2. Apolinario Mabini ng Pilipinas_____3. Ambrosio Bautista b. Alagad ng Musika sa_____4. Antonio Luna Panahon ng Rebolusyon_____5. Emilio Aguinaldo k. Naglapat ng lirika sa_____6. Felipe Calderon Pambansang Awit ng Pilipinas_____7. Jose Palma d. Pinakamagaling na_____8. Juan Pelipe Heneral ng Republika ng_____9. Julio Nakpil Pilipinas_____10.Marcela Agoncillo e. Pangulo ng Unang_____11.Ang sumulat ng saligang- Republikabatas na nagtadhana ng isang f. Sumulat ng “ Batas saRepublikang Pederal Pagpapahayag ng Kasarinlan”_____12.Ang nagpayo kay Aguinaldo g. Sumulat ng Pambansangna itatag ang Pamahalaang Awit.Diktadura. h. Sumulat ng Saligang_____13.Noong Hunyo 12, 1898, Batas ng Malolosipinahayag ni Heneral Aguinaldo i. Pagpapahayag ng Kasarinlanang ________ sa Kawit, Cavite. ng Pilipinas sa Kawit, Cavite_____ 14. Ang pamangkin ni Dr. Jose j. Utak ng HimagsikanRizal na tumulong sa k. Ambrosia Bautistapagtahi ng ating watawat l. Apolinario Mabini_____ 15. Ang tinaguriang “Dakilang m. Mariano PonceLumpo” n. Kongreso ng Malolos_____ 16. Ang unang republika sa o. Kasarinlan ng PilipinasAsya p. Pamahalaang Rebolusyunaryo_____ 17. Ang Kongresong q. Pamahalaang Diktadurapinasinayaan noong r. Josefina HerbosaSetyembre 15, 1898 sa s. Unang Republika ng PilipinasMalolos, Bulacan t. Republika ng Malolos_____ 18. Ang Republikang pinasinayaansa simbahan ng Barasoainnoong Enero 23, 1899._____ 19. Pamahalaang itinatag ni Aguinaldopagbalik niya mula Hongkong._____ 20.Ang ipinalit sa PamahalaangDiktadura. 1
ARALIN 1ANG PAMAHALAANG DIKTADURA Pag narinig mo ang salitang diktadura, ano ang sumasagi sa iyong isipan?Tinatalakay dito ang dahilan ng pagtatag ng Pamahalaang Diktadura ni Aguinaldo.Bakit kailangang gawin niya ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang mga paksa sa araling ito, ikaw ay inaasahang: 1. Makapagsusuri ng mga salik o dahilan ng pagkakatatag ng Pamahalaang Diktadura ni Aguinaldo; at 2. Maipaliliwanag ang kahalagahan at mga simbolo ng kasarinlan para sa mga Pilipino. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Proklamasyon ng Kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite Pag-aralan ang larawan. Pagkatapos ay ilarawan ayon sa iyong sariling pang-unawa ang mahalagang pangyayaring nasa larawan. Isulat ang sagot sa iyongkwaderno. 2
Ang Pagtatatag ng Pamahalaang Diktadura Ang tagumpay ni George Dewey sa labanan sa Manila Bay ang nagbadya ngwakas ng pananakop Espanya. Kayat nang malaman ito ni Aguinaldo na kasalukuyangnasa Hongkong, siya’y labis na natuwa. Hihingi siya ng tulong sa Amerika upangmatamo ang kasarinlan! Dahil sa paniniwalang ang mga Amerikano ang siyang magpapalaya sa Pilipinas,umuwi agad sa Pilipinas si Aguinaldo. Dumating siya sa Cavite noong Mayo 19, 1898. Sa Modyul 9, naunawaan natin kung bakit napadpad sa Hongkong si Aguinaldo.Dahilan sa Kasunduan sa Biak-na-Bato, hindi ba? Nang siya ay nasa Hongkong,ipinagpatuloy niya ang pagbabalak upang maging malaya ang Pilipinas mula sa Kastila. Taglay ni Aguinaldo mula Hongkong ang isang saligang-batas na nagtatadhanang isang republikang pederal. Ang saligang-batas na ito ay isinulat ni Mariano Ponce.Ngunit hinikayat siya ni Ambrosio Rianzares Bautista, ang kanyang tagapagpayo, nahindi pa handa ang bansa para sa isang republika. Ayon kay Bautista, kinakailangangmagkaroon ng diktadura upang lubos na magtagumpay sa labanan. Dahil dito, itinatag ni Heneral Aguinaldo noong Mayo 24,1898 ang PamahalaangDiktadura. Siya mismo ang diktador. Ipinahayag niya na ang kanyang pamahalaangdiktadura ay pansamantala lamang at mananatili hanggang sa maitatag ang republika. Ang pinakamakabuluhang natamo ng Pamahalaang Diktadura ay angpagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12,1898.Dahilan sa walang maaaring sumalungat sa kanyang mga plano, naisulong at namadalini Aguinaldo ang pagdedeklara ng kasarinlan. Ito ay sa kadahilanang nais niyangmaging lubusang malaya sa Espanya bago pa dumaong dito ang mga Amerikano. Ang madulang bahagi ng seremonya ay ang pormal na pagwawagayway ngwatawat ng Pilipinas. Puno ng kaligayahan ang mga tao. Kasabay nito, tinugtog ngbanda ang Pambansang Awit ng Pilipinas. Taimtim na binasa ni Ambrosio RianzaresBautista ang “ Batas sa Pagpapahayag ng Kasarinlan.” Nilagdaan ng 98 katao angdeklarasyong ito. 3
Ang Watawat at Pambansang Awit Ang watawat ng Pilipinas na iwinagayway sa seremonya ay ginawa ni Gng. Marcela de Agoncillo, maybahay ni Don Felipe Agoncillo. Sa Hongkong nayari ang watawat. Katulong si Gng. Josefina Herbosa de Natividad, pamangkin ni Dr. Jose Rizal. Ito’y idinisenyo ni Heneral Aguinaldo mismo. Yari ito sa seda, may puting tatsulok sa kaliwa na may isang araw sa gitna. May walong sinag ang araw, may bituin sa bawat sulok ng tatsulok, may pahalang na bughaw sa itaas at pahalang na pula sa ibaba. Kumakatawan ang puting tatsulok sa pagkakaisa; ang pahalang na bughaw sa itaas ay para sa kapayapan, katotohanan at katarungan; at ang pahalang na pula sa ibaba ay para sa pagkamakabayan at kagitingan. Ang araw na may walong sinag sa loob ng tatsulok ay kumakatawan sa unang walong lalawigang nakipaglaban sa Espanya.Kumakatawan ang tatlong bituin sa Luzon, Visayas,at Mindanao. Ang watawat na ito ay siya nating watawat hanggang ngayon. Ang Watawat ng Pilipinas Ang Pambansang awit ng Pilipinas ay isinulat ni Julian Felipe, isang Pilipinong guro sa musika. Tinapos niya ito noong Hunyo 11, 1898. Ang magandang himig ng awit ang nagpaalab sa makabayang damdamin ng mga mamamayan. 4
Nanatiling walang lirika ang awit sa loob ng mahigit ng isang taon. Noong Agosto1899, isinulat ni Jose Palma ang isang tula na pinamagatang “Filipinas” at ito angnaging lirika ng awit. Nasasaad sa Pambansang Awit na handa ang bawat Pilipino namamatay alang-alang sa bayan. Ito pa rin ang ating pambansang Awit hanggang sangayon. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong:1. Habang naghahanda ang mga Amerikano upang sakupin ang Maynila, paanonaihanda ni Aguinaldo ang pagproklama ng kasarinlan ng Pilipinas?2. Ano ang ipinahahayag ng mga linya ng ating Pambansang Awit? Isulat mo okaya’y kumuha ka ng isang sipi ng Pambansang Awit. Idikit sa iyong kwaderno atsa ibaba nito, ipaliwanang ang bawat linya nito.B. Pagtapat-tapatin ang tungkol sa pambansang watawat. Guhitan ng linya angmagkakabagay. AB1. puting tatsulok a. Luzon, Visayas, Mindanao2. bughaw b. walong lalawigan3. pula c. kagitingan4. araw d. kapayapaan5. tatlong bituin e. pagkakaisa TANDAAN MO! Ang nais na itatag na pamahalaan ni Emilio Aguinaldo ay ang Pamahalaang Pederal na naaayon sa Saligang-Batas na isinulat ni Mariano Ponce. Ngunit sinabi ni Ambrosio Rianzares Bautistana hindi pa handa ang Pilipinas kayat kailangan ang diktadurang pamahalaan.Pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas sa Kawit, Cavite ang makabuluhangnatamo ng Pamahalaang Diktadura.Unang naideklara sa Kawit, Cavite noong Hunyo 12, 1898 ang kasarinlan ngPilipinas. Sa isang madamdaming seremonya, iwinagayway ang pambansangwatawat at inawit ang pambansang awit. 5
Gawain 3: Paglalapat Ngayong tayo ay lubusan nang isang malayang bansa, ano ang mga natatamasa mong epekto ng pagkakaroon ng kasarinlan? Sumulat ng isangsanaysay na may pamagat na “Ang Maging Malaya”.ARALIN 2ANG PAMAHALAANG REBOLUSYUNARYO Mula sa isang pamahalaang diktadura, nagtatag ng pamahalaangrebolusyunaryo si Aguinaldo. Bakit mahalaga ang yugtong ito ng ating kasaysayan?Sa araling ito, tatalakayin ang mga kontribusyon ng pamahalaang ito tulad ng Kongresong Malolos at ang pagpapatibay ng Konstitusyon bilang patunay ng pagsasarili ngbansa. Pagkatapos ng aralin, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Masusuri ang tunay na layunin ng pagtatatag ng Pamahalaang Rebolusyunaryo; 2. Mabibigyang puna ang partisipasyon ng mga Pilipinong bumuo ng pamahalaang ito; at 3. Matatalakay ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos. 6
Gawain 1: Pag-isipan Mo! Bago ka magsimula ng aralin, subukin mo kung makikilala mo ang ilan sa mgaPilipinong may mahalagang ginampanan sa ilalim ng Pamahalaang Rebolusyunaryo.Hanapin at buuin ang mga sagot. T AVE RAAD T RI AS L KE MA B I N I O L MN S P D E C P L E GARDAI U T F J H G ML NAVQRXP A AT BCF I OR Pagbabago ng Pamahalaang Diktadura Pagkatapos ng pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas, naging tagapayo ni Heneral Aguinaldo si Apolinario Mabini, ang Dakilang Lumpo. Dahil sa kanyang angking talino, tinawag siyang Utak ng Rebolusyon ng Pilipinas. Sa payo ni Mabini, binago ni Aguinaldo ang Pamahalaang Diktadura at ginawang Pamahalaang Rebolusyonaryo noong Hunyo 23, 1898. Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo Ang unang gabinete ng Pamahalaang Rebolusyunaryo ay binubuo ng mga sumusunod: Baldomero Aguinaldo, Kalihim Panloob; at Mariano Trias, Kalihim ng Pananalapi. Hinirang na Kalihim ng Katarungan si Gregorio Araneta at si Pardo de Tavera bilang Direktor ng Diplomasya. Itinadhana ni Aguinaldo ang halalan para sa kinatawan sa Kapulungang Republikano na bubuuin ng kapulungang maghahanda ng Saligang-Batas ng bansa. Ang kapulungang iyon ay ang Kongreso ng Malolos. 7
Ang Kongreso ng Malolos Noong umaga ng Setyembre 15, 1898, pinasinayaan ang Kongreso ng Malolossa Simbahan ng Barasoain, Malolos, Bulacan sa makulay na pagdiriwang. Nangsumunod na araw, inihalal ang mga pinuno ng Kongreso. Sila ay sina: Pedro PaternoPangulo; Benito Legarda, Pangalawang Pangulo; at Gregorio Araneta at PabloOcampo, mga Kalihim. Mahalaga ang Kongreso ng Malolos. Kabilang sa mga naisagawa ng Kongresoang mga sumusunod: 1. Ratipikasyon ng kasarinlan ng Pilipinas noong Setyembre 29, 1898. 2. Pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos. Binuo ng 19 na mga kagawad ang tatlong sipi ng Saligang-Batas na isinumite upang pag-aralan. Ang mga ito ay ang Plano ni Mabini, Plano ni Paterno, at Plano ni Calderon. Pagkatapos ng isang masusing pag-aaral, napili ng komite ang Plano ni Calderon. 3. Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso ang konstitusyon. Sa wakas, noong Enero 21, 1899 ipinahayag ni Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos bilang Saligang-Batas ng kapuluan. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Ipaliwanag ang iyong mga sagot sa mga sumusunod na katanungan: 1. Bakit binago ni Aguinaldo ang Pamahalaan mula sa diktadura tungo sa Rebolusyonaryong Pamahalaan? 2. Ano ang kahalagahan ng Kongreso ng Malolos? 3. Bakit sinasabing pinaka-unang mahalagang dokumento ng mga Pilipino ang Saligang-Batas ng Malolos? 8
Tandaan Mo! Dahil sa angking talino, tinawag si Mabini na Utak ng Himagsikan. Noong Nobyembre 29, 1898, pinagtibay ng mga kagawad ng kongreso ang Konstitusyon ng Malolos. Noong Enero 21, 1899 idineklara ni Pangulong Aguinaldo ang Konstitusyon ng Malolos bilang Saligang-Batas ng kapuluan. Ang mahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay ang pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos. Ang Saligang-Batas ng Malolos ang siyang nagdisenyo ng demokrasyang pamahalaan ng Pilipinas. Gawain 3: Paglalapat Nakakita ka na ba ng Saligang-Batas? Bakit mahalaga ito sa isang bansa? Bilang miyembro ng isang asosasyon, paano mo sinusunod ang isang Saligang-Batas? Mag-interbyu sa iyong lugar ng isang asosasyon o kooperatiba sa iyongbarangay. Ipaliwanag kung ano ang papel ng isang Saligang-Batas sa isangasosasyon o kooperatiba. 9
ARALIN 3PAGSILANG NG UNANG REPUBLIKA NG PILIPINAS Palagay ko ay unti-unti mo nang naliliwanagan ang pinagdadaanang pagbabagong pamamahala ng Pilipinas. Ngayon naman, matatalakay sa araling ito ang pagsilangng unang Republika ng PIlipinas na tinaguriang Unang Republika sa Asya. Halika na’ttalakayin natin ang mga mahalagang kontribusyon sa ilalim ng Republikang ito. Pagkatapos ng pag-aaral, inaasahang iyong: 1. Matatalakay ang kahalagahan ng pagtatatag ng unang Republika ng Pilipinas; 2. Masusuri ang mga kontribusyon sa ilalim ng Unang Republika; 3. Mailalarawan kung paano lumaban ang mga Pilipino laban sa mga Amerikano upang mapanatili ang kasarinlan ng republika ng Pilipinas; at 4. Maipaliliwanag kung paano at sa anong dahilan bumagsak ang isinilang na Unang Republika ng Pilipinas. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ang mga sumusunod ay may papel na ginampanan sa pagtatatag ngUnang Republika. Isulat ang mga nawawalang titik sa bawat bilang upang mabuo angkanilang mga pangalan. Matutulungan ka ng pahiwatig sa kanang hanay. 1. F___________ Makabayang guro ng musika. 2. G___________ Biyuda ni Andres Bonifacio 3. L___________ Matapang na Heneral 4. M___________ Dakilang Lumpo 5. N___________ Napangasawa niya si Gregoria De Jesus 6. P___________ Naglapat ng lirika ng Pambansang Awit ng Pilipinas 10
Ang Republika ng Malolos Noong Enero 23, 1899, sa pamamagitan ng makulay na pagdiriwang aypinasinayaan sa Simbahan ng Barasoain ang bantog na Republika ng Malolos. Ito aykinilala ring Unang Republika sa Asya. Ang Unang Republika ng Pilipinas, kahit na hindi kinilala ng Amerika at iba pangbanyagang bansa, ay isang tunay na Republika ng Pamahalaang Pilipino, at para samga Pilipino. Ito’y ipinagmamalaki ng karaniwang Pilipino. Ang kapangyarihan nito aykinilala hindi lamang sa Luzon, kundi sa Visayas, Mindanao at Palawan.Pahayagan ng Rebolusyon Upang maiparating ang adhikain ng mga Pilipino sa Republika, ang pamahalaanay nagtatag ng pahayagan. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinasay ang El Heraldo de la Revolucion (Pahayagan ng Rebolusyon). Maraming mga pribadong pahayagan ang lumabas noong panahon ng Republika.Ang La Independensia (Kalayaan), ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna. Ang LaRepublica Filipina (Republika ng Pilipinas), ay pinamatnugutan ni Dr. Pedro A. Paterno.Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang El Nuevo Dia (AngBagong Araw), na pinamatnugutan ni Sergio Osmeña.Mga Manunulat ng Unang Republika Ginamit ng mga manunulat na Pilipino ang kanilang panulat upang pukawin angdamdaming makabayan ng mga tao. Ang tatlong pangunahing manunulat ng tula aysina Jose Palma (1876-1903), Fernando Ma. Guerrero (1873-1929) at Cecilio Apostol(1877-1938). Ang bantog na tulang Filipinas ay isinulat ni Jose Palma. Ang tanyag natula ni Guerrero ay ang Mi Patria (Ang Aking Bansa). Ang A Rizal (Para kay Rizal), angbantog na tula ni Apostol. Si Apolinario Mabini naman ang pinakadakilang manunulat napulitikal nang panahon iyon. Kabilang sa kanyang mga sinulat ay: 11
1. Constitutional Programme of the Philippine Republic 2. The True Decalogue 3. The Philippine Revolution Ang Pambansang Awit ng Pilipinas ang pinakadakilang pamana na isinulat niJulian Felipe. Sumulat din siya ng komposisyong musikal, gaya ng Un Recuerdo, awithandog sa Labintatalong Martir ng Cavite, Responso, isang parangal kay Heneral Luna.Si Julio Nakpil ay sumulat ng isang awiting pinamagatang Marangal na DalitangKatagalugan at pahimakas.Ang Edukasyon sa Unang Republika Isang sistema nang walang bayad at sapilitang edukasyong elementarya angitinadhana ng Konstitusyon ng Malolos. Itinatag sa Malolos ang isang kolehiyo, MilitaryAcademy para sa mga Hukbo, at ang pinakamataas na institusyon ng pag-aaral, angLiterary University of the Philippines. Si Dr. Joaquin Gonzales ang unang rektor. Si Dr.Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rektor.Ang Pagbagsak ng Unang Republika Mahusay na sana ang pagpapatakbo ng Unang Republika. Subalit di itonagtagal. Sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Pilipino at Amerikano. Mulingnakipaglaban ang magigiting na pinuno ng Republika. Subalit malakas ang puwersa ngmga Amerikano. Nadakip si Aguinaldo sa Palanan, Isabela noong Abril 1901. Bunganito, bumagsak ang Unang Republika. 12
Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman A. Narito ang talaan ng mga manunulat at ang kanilang mga isinulatnoong panahon ng Unang Republika. Iugnay ng guhit ang mga pamagat sa hanay A samga sumulat sa hanay B. Hanay A Hanay B1. Filipinas a. Apostol2. Mi Patria b. Jose Palma3. Rizal c. Guerrero4. True Decalogue d. Nakpil5. Pahimakas e. Mabini6. Un Recuerdo f. Julian FelipeB. Punan ng tamang sagot ang mga sumusunod na tanong: 1. Pinasinayaan sa Simbahang Barasoain noong Enero 23, 1899 ang ___________. 2. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay ang __________. 3. Ang Pahayagang ______________ ay pinamatnugutan ni Heneral Antonio Luna. 4. Ang pinakabantog sa mga panlalawigang pahayagan ay ang ________________. 5. Si ________________ ang dakilang manunulat ng pulitikal ng panahon ng Unang Republika. 6. Isang awit na handog sa Labintatlong Martir ng Cavite: _____________________C. Ipaliwanag sa iyong kwaderno ang mga sumusunod na tanong: 1. Alamin at ipaliwanag ang mga pamantayan tungo sa pagtatatag ng Unang Republika ng Pilipinas. 2. Papaano naibahagi ng Republika ang rebolusyonaryong adhikain sa mga mamamayang Pilipino? 13
Tandaan Mo! Ang bantog na Republika ng Malolos ay itinuring na kauna-unahang Republika sa Asya. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas upang maipahayag ang damdaming makabayan ng mga Pilipino ay ang El Heraldode la Revolucion.Si Dr. Leon Ma. Guerrero ang ikalawa at huling rector ng pinakamataas nainstitusyong Literary University of the Philippines.Ang pagkadakip o pagkahuli ng mga Amerikano kay Pangulong Aguinaldo saPalanan, Isabela ang dahilan ng pagbagsak ng Unang Republika ng Pilipinas. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ay nabuhay noong panahon ng Unang Republika, ano ang gagawin mo upang ipagtanggol ang iyong pamahalaan? Magbigay ngtatlong bagay na iyong gagawin. MGA DAPAT TANDAAN SA MODYUL NA ITO Ang rebolusyong Pilipino ay nagsimula sa mapayapang paglaban hanggang sa radikal na paglaban. Nagkaroon ng iba’t ibang uri ng pamahalaan mula sa Biak-na- Bato hanggang sa pagsilang ng Unang Republika. Nang mapaalis ang mga Kastila, pumalit naman ang mga Amerikano. Nakipaglaban ang mga Pilipino ngunit hindi rin sila nagtagumpay sa maraming kadahilanan. Muli, nahadlangan ang pagsisikap at pagnanais ng mga Pilipino na makamit ang kalayaan. 14
PANGHULING PAGSUSULIT:Panuto: Upang matiyak ang mga natutuhan mo sa araling ito sagutan moang mga sumusunod na gawain. Bilugan ang tamang sagot.1. Ito ay naglalarawan ng katipunan ng mga karapatan ng tao ayA. Biak-na-Bato C. KongresoB. Saligang-Batas D. Hukuman2. Ang pagtatatag ng Diktadura ay nagbigay-daan upang:A. madeklara ang kasarinlan sa KawitB. W\walang tumuligsa kay AguinaldoC. tumapang ang mga PilipinoD. mabawi si Aguinaldo3. Alin ang tama? Ang Pamahalaang Rebolusyunaryo ayA. itinatag sa Kawit.B. itinatag sa malolos.C. itinatag sa Hongkong.D. itinatag sa Maynila.4. Ang unang pagdiriwang ng kasarinlan:A. Hulyo 4, 1946 C. Hunyo 12, 1898B. Hulyo 12, 1899 D. Disyembre 30, 18965. Si Aguinaldo ay nagpatapon saA. Bulacan C. HongkongB. Mindanao D. Mindoro6. Ang ___ ang siyang nagdisenyo ng pamahalaang demokrasya sa PilipinasA. Kasunduan sa Biak-na-BatoB. Saligang-Batas ng MalolosC. Pamahalaang DiktaduraD. mga Amerikano7. Isang pambansang selebrasyon ang araw at buwan ng Hunyo 12 dahil saA. bumalik si Aguinaldo mula Hongkong.B. pagpapahayag ng kasarinlan ng Pilipinas.C. pamahalaang Diktadura.D. pamahalaang Sibil. 15
8. Ang Kawit, Cavite ay isang makasaysayang lugar dahil sa A. Himagsikan. B. Pamahalaang Diktadura. C. Rebolusyong Pamahalaan. D. dito ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas.9. Alin ang tama? Ang tatlong bituin sa pambansang watawat ay kumakatawan sa A. Luzon, Visayas at Mindoro B. Cebu, Mindoro at Panay C. Luzon, Visayas at Mindanao D. Cebu, Palawan at Panay10. Ang maybahay ni Don Felipie Agoncillo na gumawa ng watawat ng Pilipinas A. Josefina Agoncillo B. Marcela de Agoncillo C. Josefina Herbosa D. Marcela de Natividad11. Ang guro sa musika na sumulat ng pambansang awit ng Pilipinas A. Jose Palma B. Julian Felipe C. Pardo de Tavera D. Pedro Paterno12. Si Apolinario Mabini ay tinawag “utak ng Rebolusyon” dahil sa A. siya’y dakilang lumpo B. tagapayo siya ni Aguinaldo C. kanyang talino D. mahusay na rebolusyonaryo13. Ang lirika na inilapat ni Jose Palma sa Pambansang Awit ng Pilipinas ay mula sa tulang pinamagatang A. Bayan Ko. B. Sa Mahal Kong Bayan. C. Filipinas. D. Bayan Kong Mahal. 16
14. Makasaysayan ang pagkatatatag ng Unang Republika ng Pilipinas dahil sa ito’yunang RepublikaA. sa buong mundoB. laban sa mga AmerikanoC. sa AsyaD. na nakalaya sa Espanya.15. Ang pinakamahalagang kontribusyon ng Kongreso ng Malolos ay angA. pagbubuo ng kasunduan sa mga Amerikano.B. pagpapatibay ng Saligang-Batas ng Malolos.C. paghahalal ngmga pinuno.D. pagbubuo ng sanggunian.16. Sa talumpati ni Aguinaldo, sinabi niya na “ Dakila ang Araw na ito” dahilA. panibagong himagsikan ito laban sa Amerikano.B. pinasinayaan ang Simbahang Barasoai.C. isinilang ang Unang Republika ng Pilipinas.D. malaya na ang mga Pilipino.17. Ang opisyal na pahayagan ng Unang Republika ng Pilipinas ay angA. La Independencia C. El Heraldo de la RevolucionB. Kalayaan D. Republika18.Ang pinakabantog na panlalawigang pahayagan na pinamamatnugatan niSergio OsmeñaA. Filipinas C. Mi PatriaB. El Nuevo Dia D. Un Recuerdo19.Si Julio Nakpil ang sumulat ng Awit ng Katipunan na pinamagatangA. Himagsikan C. Marangal na Dalitang KatagaluganB. Kundiman D. Pahimakas20. Bumagsak ang Unang Republika ng Pilipinas dahil saA. malakas ang mga Amerikano.B. namatay si Heneral Antonio Luna.C. nadakip at sumuko si Aguinaldo sa mga Amerikano.D. nagkawatak-watak ang mga Pilipino. 17
A. GABAY SA PAGWAWASTO1. I Panimulang Pagsusulit2. J3. F 11. M4. D 12. K5. E 13. O6. H 14. R7. K 15. L8. G 16. S9. B 17. N10. A 18. T 19. Q 20. P PANGHULING PAGSUSULIT 11. B1. B 12. C2. A 13. C3. B 14. C4. B 15. B5. C 16. C6. B 17. C7. B 18. B8. D 19. C9. C 20. C10. B 18
MODYUL 11 ANG LABANAN SA PAGITAN NG ESPANYA AT ESTADOS UNIDOS Nagtagumpay ang pakikihamok ng mga Pilipino laban sa mga Kastila. Saunang tingin, malapit na ang tagumpay, at ang Republikang itinatag sa Malolosay isa nang katotohanan. Subalit bakit hindi natuloy ang nakatakdang pagsasariling ating bansa? Sa araling ito, sikapin mong unawain ang mga pangyayaring nag-uugnaysa atin sa mga Amerikano pagkatapos ng pananakop ng mga Kastila. Tatalakayin sa modyul na ito ang mga sumusunod: Aralin 1: Ang Estados Unidos at Espanya Aralin 2: Ang Estados Unidos at Cuba Aralin 3: Ang Estados Unidos at Pilipinas Pagkatapos ng modyul na ito, inaasahang magagawa mo ang mga sumusunod: 1. Mailalahad ang sitwasyon bago nasakop ng Estados Unidos ang Pilipinas; 2. Maiuugnay ang sitwasyon sa mundo noong huling bahagi ng ika- labimpitong siglo sa pananakop ng Estados Unidos sa Pilipinas; at 3. Matutukoy ang mga interes ng Estados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas. Bago ang lahat, gawin mo muna ang panimulang pagsusulit. Huwag kangmangamba kung may kakulangan ay iyong nalalaman. Gagabayan ka ngmodyul na ito sa pagtuklas mo ng tamang kasagutan a mga tanong. Kayatmagsimula ka na!
PANIMULANG PAGSUSULIT I. Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Ang kasunduang naglilipat ng pamamahala sa Pilipinas mula sa mga Espanyol papunta sa Estados Unidos: A. Tratado ng Paris B. Pakto ng Warsaw C. Teller Amendment D. Batas Militar2. Ang lugar daungan kung saan lumubog ang pandigmang barko ng Estados Unidos na Maine: A. Manila Harbor B. Havana Harbor C. Cebu Harbor D. Davao Harbor3. Ang bansag sa pag-aalsang pinamunuan ni Calixto Garcia, para sa kalayaan ng Cuba, na madaling nasupil ng mga Espanyol sa loob lamang ng ilang buwan. A. La Guerra Chiquita B. The Ten Year War C. The Boxer Rebellion D. The EDSA Revoution 4. Ang kumatawan sa Pilipinas para sa usapin ng pagbuo ng Tratado ng Paris: A. Jose Rizal B. Emilio Aguinaldo C. Felipe Agoncillo D. Andres Bonifacio 5. Ang bansang sumunod na umangkin sa Pilipinas bilang kolonya matapos ang mga Kastila: A. Estados Unidos B. Hapon C. Pransya D. Indonesia 6. Ang ibinansag ng mga sundalong Kastila sa mga nag-alsang Cubano para sa kanilang kalayaan: A. Mambises/Mambies B. Little Brown Americans C. Indians D. Rebolusyunaryo 1
7. Petsa nang magdeklara ang Estados Unidos ng digmaan laban saEspanya:A. 25 Abril 1898 C. 30 NobyembreB. 10 Disyembre 1898 1898 D. 15 Pebrero 18988. Ang nag-organisa ng pangalawang malakihang pag-aalsa ng mgaCubano laban sa mga Kastila para sa kanilang kalayaan.A. Antonio Maceo C. Calixto GarciaB. Jose Marti D. Che Guevarra9. Ang bansang binayaran ng Estados Unidos ng $20 milyon ayon sakasunduan sa ilalim ng Tratado ng Paris.A. Hapon C. PilipinasB. Cuba D. Espanya10. Dami ng taon na itinagal ng unang malaking pag-aalsa ng mgaCubano laban sa mga Kastila para sa kanilang kalayaan.A. 11 C. 10B. 15 D. 19II. Isulat sa patlang ang tamang sagot._________1. Ang pangulo ng Pilipinas nang panahon ng pananakop ng mga Amerikano._________2. Ang pangulo ng Estados Unidos sa panahon ng digmaan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos._________3. Beterano ng Sampung Taong Digmaan sa Cuba (The Ten Year War) na namuno rin ng binansagang La Chiquita Guerra._________4. Ang bansang sinisi sa paglubog ng USS Maine._________5. Taon nang tuluyang maging malaya ang Cuba bilang kolonya ng Espanya._________6. Bilang ng nasawi sa paglubog ng USS Maine._________7. Ang manipesto na nagbalangkas ng mga polisiya ng ikalawang malakihang pakikidigma ng mga Cubano laban sa mga Kastila._________8. Ang kasunduang tumapos sa Sampung Taong Digmaan._________9. Ang Cubanong kilala rin sa tawag na “El Apostol”._________10. Ang Kastilang heneral na kilala sa tawag na “The Butcher”. 2
Pagtanaw Ang USS Maine na pinalubog noong Pebrero 1898. Ang daungan ng Havana circa 1850’s. Kuha ni Charles DeForest Fredrick 1
ARALIN 1ANG ESTADOS UNIDOS AT ESPANYA Noong 25 ng Abril taong 1898, nagdeklara ng giyera ang Estados Unidos labansa Espanya. Ito’y nangyari matapos na ibintang ngEstados Unidos ang pagsabog atpaglubog ng kanilang barkong pandigmang may pangalang Maine noong ika-15 ngPebrero taong 1898 sa daungan ng Havana. (Hindi na nalaman ang dahilan at kungsino ang dahilan ng pagsabog subalit ibinintang pa rin ito sa mga Espanyol). Angpangyayaring ito ay nauwi sa pagkamatay ng 260 na katao. Ang nasabing digmaan ay nagtapos lamang sa pirmahan ng isang kasunduansa pagitan ng dalawang bansa, ang Tratado ng Paris, noong ika-10 ng Disyembretaong 1898. Sa ilalim ng kasunduang ito, naging malaya ang Cuba, ngunit ibinigayng Espanya ang Pilipinas, Guam at Puerto Rico sa Estados Unidos. Tumanggap angEspanya ng $20 milyon sa kasunduang ito. Ang Espanya ang kauna-unahang bansang Europeo na naglakbay pakanluransa karagatang Atlantiko, upang mag-eksplor at manakop ng mga nasyong Amerindiansa Kanlurang Hemisphere. Ang pinakamalawak na naabot ng kapangyarihan ngEspanya ay umabot mula sa Virginia sa silangang baybayin ng Estados Unidospatimog hanggang sa Tierra del Fuego na nasa dulo ng Timog Amerika, at pakanluranpapunta sa California at Alaska. Sa Pasipiko naman, nasakop nito ang Pilipinas at ibapang grupo ng mga isla. Nang taong 1825, karamihan ng mga ito ay napunta na sakontrol ng ibang bansa. Kinilala ng Espanya ang kalayaan ng ilan sa mga nasakopnito na sa kasalukuyan ay nasa Estados Unidos (na dati ay nasa kapangyarihan ngMexico) at timog na nasa dulo ng Hilagang Amerika. Ang mga nanatili lamang sakontrol nito ay ang Cuba at Puerto Rico sa kanlurang Hemisphere, at ang Pilipinas,mga isla ng Carolina, Marshall at Mariana (kasama ang Guam) sa Micronesia. 2
Inaasahan na pagkatapos mo sa araling ito ay: 1. Mailalahad mo ang sitwasyon sa panahon bago nasakop ng Estados Unidos ang Pilipinas; 2. Maikukumpara mo ang sitwasyon ng Estados Unidos at Espanya na naging dahilan ng pagbitaw ng Espanya at pagsakop ng Estados Unidos sa Pilipinas; at 3. Matutukoy ang dahilan ng pagbagsak ng Pilipinas sa kamay ng Estados Unidos. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ano sa palagay mo ang dahilan para ang mga bansa ay magnais namanakop at kumontrol ng ibang bansa? Tanungin ang iyong sarili at tanungin angiyong mga magulang, kaanak, at kapitbahay. Matapos makipagkuwentuhan sa kanilatingnan mo kung may pagkakahawig ang iyong dahilan sa dahilan ng mga Amerikanosa pagsakop ng mga bansa sa Asya at Aprika.Ang Estados Unidos at Espanya Noong ika-19 na siglo, bumangon ang Estados Unidos mula sa digmaang sibilat naging isa sa pinakamalakas na bansa sa mundo sa larangan ng industriya atkalakalan. Nakita ang kanyang kapangyarihan sa pakikipagtunggali sa malalakas nabansang nakikipagkalakalan sa Timog Amerika. Sa panahong ito sumali na rin ang Estados Unidos sa Europa sa kanilang pananakop ng mga bansa sa Asya at Aprika upang magkaroon sila ng bentahan ng kalakal, lagakan ng kanilang puhunan, at pinagkukunan ng hilaw na materyales. Nagkataon naman na ang Espanya, na isa sa pinakamalakas na bansa simula noong ika-15 siglo, ay nagsimula nang bumagsak. Nagsisimula nang maghimagsik sa kanyang pananakop ang mga kolonya nito. Ito ay sinamantala ng Estados Unidos at nagkaroon ng digmaan sa pagitan ng 3
Estados Unidos at Espanya. Noong 1898, nanalo ang Estados Unidos, at lahat ngnalalabing kolonya ng Espanya ay napasailalim sa pamamahala nito. Sa pagtatapos ng ika-19 na siglo, ang Estados Unidos ay hinog na sa laranganng ekonomiya at pulitika upang maging isa sa pinakamalakas na bansa sa buongdaigdig. Ito ay isa nang ganap na mananakop. Mapa ng Kanlurang Hemisphere noong taong 1546 Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isa-isahin ang mga hinihingi:1-6 Ang mga bansang nanatili sa ilalim ng kapangyarihan ng Espanya pagsapit ng 18257-9 Dahilan ng pagsama ng Estados Unidos sa mga bansang Europeo sa pananakop ng mga bansa sa Asya at Aprika10 Taon nang nakuha ng Estados Unidos sa Espanya ang Pilipinas Tandaan Mo! Mga dahilan ng Estados Unidos sa pagsakop nito ng mga bansa sa Asya at Aprika ay upang may pagbentahan ng kalakal; upang may mapaglagakan ng kanilang puhunan; at upang magkaroon ng pagkukunan ng hilaw na materyales.Gawain 3: Paglalapat 4
Sa kasalukuyan, patuloy na nakikidigma ang Estados Unidos saibang bansa. Ito kaya ay upang manakop din? Pangatwiranan at magbigay ng mgadahilan kung bakit nagkaroon ng giyera ang Estados Unidos at Iraq.ARALIN 2ANG ESTADOS UNIDOS AT ANG CUBA Ang Cuba ay isa sa mga naging kolonya ng Espanya. Noong taong 1898,katulad ng Pilipinas, naging malaya ito mula sa Espanya. Sa araling ito, uunawainnatin ang pagkakatulad ng kapalaran ng Cuba at ng Pilipinas. Magkatulad kaya angmga ito? Pagkatapos ng araling ito, inaasahan na ikaw ay magkakaroon kakayahan na: 1. Makapaglahad ng kuwento ng pag-aalsa ng mga Cubano mula sa Espanya; 2. Matukoy ang mga salik sa pagkatalo ng Espanya sa Cuba at sa Pilipinas; at 3. Matukoy ang pagkakahawig at pagkakaiba ng sitwasyon ng Cuba sat Pilipinas sa mga huling taon ng ika –19 siglo. Gawain 1: Pag-isipan Mo! Ano ang mga posibleng suliranin ng mga nag-aalsa? Ano ang maaaringdahilan ng pagkatalo ng Espanya na naging dahilan ng pagkawala ng kontrol nito saCuba, Pilipinas at iba pa nitong kolonya? Itala ang iyong kasagutan at suriin mo itohabang binabasa ang laman ng seksyong ito.Ang Cuba Ang kalayaan sa Espanya ay mahigit isang daang taon nang hinihingi ng mgaCubano bago pa ang digmaan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos. Noongpanahon ng pananakop ng Britanya sa Havana noong Hunyo 1762, mataposmagdeklara ang Britanya ng digmaan laban sa Espanya, nagkaroon ng pagkakataonang mga magsasakang Cubano na ibenta ang kanilang mga pananim sa isang bukas 5
na pamilihan sa unang pagkakataon. Dito, ang presyo ay naging mas mataas dahil sakompetisyon. Ang sitwasyong ito ay higit na paborable sa mga Cubano sapagkat bagoito, napilitan silang ibenta ang kanilang mga anis sa pamahalaan sa presyong idiniktanito. Ibinenta naman ng pamahalaang Espanya sa bukas na pamilihan ang produktong Cuba sa mataas na halaga, at pagkatapos ay kanilang sinarili. Nakita ng mga mga Cubano na mas maganda ang kanilang kita kung ibebentanila ang kanilang mga produkto sa mas maraming mamimili. Noong 1763,sumakamay ng mga Kastila ang Cuba. Ang Florida, na dating nasasakupan ngEspanya, ay napasakamay naman ng Britanya bilang kapalit ng Cuba. Bumalik sa datiang buhay at kalagayan ng mga Cubano. Gaya ng Pilpinas, dinanas nila ang isangmapang-aping sistema sa ilalim ng Espanyol. Dito nagsimula ang paghibik nila parasa kalayaan ng kanilang bansa. Noong 1825, lahat halos ng kolonya ng Espanya sa bagong mundo aynakalaya na maliban sa Cuba at Puerto Rico. Binalak ng Mexico at Colombia namagsama sa isang ekspedisyong militar upang tulungang lumaya ang Cuba at PuertoRico noong 1824. Subalit, nagpadala ang Estados Unidos na kaalyansa ng Britanya,ng mga mensahe sa Mexico at Colombia na ang nilalaman ay: “Mas gugustuhin ngbansang ito (ng Estados Unidos) na manatiling nasa ilalaim ng Espanya ang Cuba atPuerto Rico. Nais ng pamahalaang ito na walang magiging pagbabagong pulitikal sasitwasyong ito.”Noong 1868, isinigaw ngCubanong si Carlos Manuel de Céspedesang makasaysayang “Grito de Yara”(Sigaw ng Yara). Kasabay nito pinawalanniya ang kanyang mga itim na mga alipinat sinimulan ang unang pakikidigma parasa kalayaan ng Cuba. Tumagal ito attinawag na “Ang Sampung TaongDigmaan” (The Ten Year War). Ang mga MambiesPinangunahan ang digmaang ito mgaMambises, ang itinawag ng mga espanyol sa mga rebeldeng Cubano. Nagkaroon ng 6
maraming tagumpay at hitik sa suporta ng mga tao, ang hukbong gerilyang Mambisesay naging malaking pwersa ng mga manghihimagsik. Ang katawagang mambises aygaling sa pangalan ni Juan Erminus Mamby, isang itim na Espanyol na sumama samga Dominikano ng Sto. Domingo sa kanilang himagsikan noong 1846. Sa kalaunan, di rin nagtagumpay ang mgaMambises. Hindi organisado ang ilang aspeto ngrebolusyon at binigyan ng Estados Unidos ng mgamakabagong armas ang Espanya. Noong 1878 nagkaroonng Pakto ng Zanjon. Tinapos ang digmaan at binigyan ngkapatawaran ang mga itim na alipin na nakipaglaban.Noong 1880, naghanda na ang Estados Unidos parasa pagpapalawak ng kanyang kapangyarihan. Kasabay ngpagtatapos ng giyera sibil sa bansa, lumakas ang kanyang Calixto Garciahukbong pandagat. Mabilis ding lumaki ang kanyangpamumuhunan sa Cuba. Habang anim na porsyento (6%) ng eksport ng Cuba aynapunta sa Espanya, walumput-anim na porsyento (86%) naman ay napunta saAmerika. Sa panahong ito ang La Guerra Chiquita (Ang Maliit na Digmaan) ay naganap. Ito ay pinamunuan ni Major Calixto García, isang kilalang beterano ng Sampung Taong Digmaan. Ngunit ang bagong paghihimagsik na ito para sa kalayaan ng Cuba ay mabilis na nasupil sa loob lamang ng ilang buwan. Noong 1894, wala pang dalawampung porsyento ang Cubanong nagmamay-ari ng mga kabyawan (sugar mill) sa Cuba. Samantala, siyamnapu’t limang porsyento (95%) ng lahat ng eksport ng asukal ng bansang ito ayJose Marti napupunta sa mga Amerikano.Naglunsad muli ng ikalawang himagsikan si Marti, kasama ang mga beteranong Sampung Taong Digmaan na sina Antonio Maceo, Calixto Garcia, Maximo Gomezat iba pa. Sa ilalim ng patnubay ni Marti, ang mga rebelde ay may pagkakaisa at 7
nagbalak na may kasamang isang pamahalaang sibil ang siyang hahalili kapag sila aynagtagumpay na. Sa mga naunang buwan ng taong 1892, itinuon ni Marti ang pansin sapaghahanda para sa pakikipaglaban sa mga Espanyol. Humingi at tumanggap siya ngtulong pinansyal mula sa mga Cubanong ipinatapon. Pinagplanuhan niya ang bawatdetalye ng itinatag niyang Partido ng mga Rebolusyonaryong Cubano. Pagsapit ng taong 1894, nagmadali at pinagpunyagian ni Marti ang mabilis napaglulunsad ng rebolusyon. Ito ay dahil sa kanyang obserbasyong may bagongdireksyon ng kolonyalismong umuusbong ng panahong iyon - ang pagpapalawig ngkapangyarihan at imperyo ng Estados Unidos. Natakot siya na baka maunangmasakop ng Estados Unidos ang Cuba bago pa man magwagi ang kanilangrebolusyon. Sa araw na nakatakda ang paglalakbay ng rebolusyunaryong pangkat ni Martimula Florida, noong 25 Enero 1895, kinumpiska ng Estados Unidos ang tatlongbangkang may lamang mga armas at iba pang mga pangangailangan. Ipinaalam itong Estados Unidos sa Espanya. Hindi pinanghinaan si Marti at ang mga kasamang rebolusyunaryo. NoongMarso 25, 1895, ibinaba niya ang Proklamasyon ng Montecristi (Manifesto deMontecristi) na bumabalangkas ng mga patakaran ng pakikidigma ng Cuba para sakalayaan nito: 1. Ang digmaan ay ilulunsad ng parehong mga itim at puti; 2. Ang partisipasyon ng lahat ng itim ay kailangan para sa tagumpay; 3. Ang mga Espanyol na hindi tutol sa nasabing pakikidigma ay hindi sasalingin; 4. Ang mga pag-aaring pribado sa mga lugar na rural ay di nararapat na masira; at 5. Ang rebolusyon ang bubuhay sa ekonomiya ng Cuba. Noong 1895 ay bumalik sina Antonio Maceo, Maximo Gomez at Marti sa Cubaupang ilunsad na ang rebolusyon. Nang magsimula ang digmaan noong unang bahagi ng 1895, bumilang ng80,000 ang puwersa ng mga Espanyol. 20,000 dito ang bahagi ng regular na 8
puwersa samantalang ang 60,000 ay mga boluntaryong Espanyol at Cubano. Angmga mayayamang nagmamay-ari ng lupa ay nagboluntaryo naman ng kanilang mgaalipin. Pagdating ng Disyembre 98,412 ang ipinadalang regular na tropa at ang mgaboluntaryo naman ay naging 63,000. Nang taong 1897, umabot na sa 240,000 angregular at 60,000 ang di-regular na Espanyol sa isla. Sa usapin ng bilang, lamang nalamang ang puwersang Espanyol. Ang naging problema ng mga rebelde ay ang lubhang kakulangan nila sasandata at amyunisyon. Nang matapos ang Sampung Taong Digmaan, hindi napinayagan na magkaroon ng armas ang mga pribadong mamamayan kayat ang mgamay armas lamang ay ang mga Espanyol at sundalong Espanyol. Dahil dito, walangnagawa ang mga rebelde kundi gumamit ng estilong gerilya. Ginamit ang kapaligiran,elemento ng gulat, mabibilis na kabayo, at maliliit na palakol. Karamihan ng mgaarmas at amyunisyon na kanilang ginamit ay nakuha nila sa mga Espanyol sakanilang mga pag-atake sa mga hukbo nito. May matatag na hukbong pandagat dinang Espanya noon kaya hindi rin makapagpasok ng mga armas ang mga rebelde. Mula Hunyo 11, 1895 hanggang Nobyembre 30, 1897 ay may animnapungekspedisyon para madalhan ang mga rebelde ng mga armas at amyunisyon Subalitisa lamang ang nagtagumpay. Sa unang pakikipaglaban niya sa puwersa ng mga Espanyol sa Dos Rios, siMarti ay sinawimpalad na napatay. Sinikap ng mga rebelde na bawiin ang kanyangbangkay subalit hindi sila nagtagumpay. Inilibing ng mga Espanyol si Marti. Ngunit sahalip na panghinaan ng loob ay lalo namang nag-alab ang damdamin ng mga Cubanoupang ipaglaban ang kanilang kalayaan. Upang supilin ang pag-aalsa, si Heneral Martinez Campos (na kinilala sapagkakasupil ng mga Espanyol sa naunang pag-aalsa ng mga Cubano) ay mulingnaatasang tapusin ang pag-aalsa. Subalit sa dami ng suportang nakuha ng mgarebelde, hindi na siya nagtagumpay. Dahil sa kahihiyan, napilitan siyang magbitiw sakanyang tungkulin. Ang ipinalit sa kanya ay si Heneral Valeriano Weyler na kilalabilang The Butcher. Noong Disyembre 1896, si Antonio Maceo naman ang namatay sapakikipaglaban. Subalit hindi naging dahilan ito para umatras o di kaya ay matalo angmga mambies. Nakialam ang Estados Unidos noong Enero 1898, at tuluyan itong 9
sumali sa digmaan noong Abril 1898. Lubhang malaki na ang pinsala sa puwersa ngmga Espanyol at sigurado na sana ang panalo ng mga Cubano. Nang taong ding ito ay nagdeklara ang Pilipinas ng kanyang kalayaan mula saEspanya. Nakaamba din ang pag-aalsa ng mga taga-Puerto Rico. Dahil dito lubusanghumina ang noon ay di na matatag na ekonomiya ng Espanya. Noong Abril 25, 1898 ay nagdeklara ng digmaan ang Estados Unidos laban saEspanya. Ibinintang nito sa Espanya ang paglubog ng USS Maine noong Pebrero ngtaong ding iyon kahit walang sapat na ebidensya. Dahil lubha nang mahina angEspanya, tinanggap na nito ang mga termino ng kapayapaan na inalok ng EstadosUnidos at nakasaad sa Tratado ng Paris. Ayon dito, sasailalim sa kontrol ng EstadosUnidos ang Cuba, Guam, Pilipinas at Puerto Rico. Bagaman at nasa kasunduan naibibigay na ang kalayaan ng Cuba, ang bandila pa rin ng Estados Unidos angiwinagayway sa Havana at hindi ang sa Cuba. Tumanggap ang Espanya ngdalawampung milyong dolyar sa kasunduang ito. Salungat sa napagkasunduan, hindi nakamit ng Cuba ang kalayaan nito. Sahalip ang mga Amerikano ay nagtatag ng isang pamahaalaang militar sa Cuba. Gawain 2: Pagpapalalim ng Kaalaman Isulat sa patlang ang sagot sa mga sumusunod na tanong hango saiyong binasa: ____________1. Ang nag-organisa ng ikalawang pag-aalsa ng Cuba laban sa mga Espanyol. ____________2. Ang heneral na Espanyol na siyang itinuturing na dahilan ng tagumpay ng Espanya na supilin ang unang pagtatangka ng Cuba na kumawala sa kapangyarihan nito. ____________3. Ang bansang nagbabala sa Mexico at Colombia tungkol sa plano ng dalawa na tulungan ang mga Cubano na makalaya sa mga Espanyol. ____________4. Ang tawag sa mga rebeldeng Cubano. ____________5. Ang sumabog na barko sa Havana Harbor na isinisi sa mga Espanyol sa kabila ng kawalan ng ebidensya. ____________6. Ang kasunduan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos na nagbigay ng kalayaan sa Cuba. 10
____________7. Taon nang inilunsad ang ikalawang pag-aalsa ng mga Cubano laban sa mga Espanyol. ____________8. Uri ng pamahalaan na itinatag sa Cuba matapos ang deklarasyon ng kalayaan nito mula sa mga Espanyol. ____________9. Ang manipesto na iginuhit ni Marti na nagbalangkas ng patakaran ng ikalawang pakikidigma ng mga Cubano laban sa mga Espanyol para sa kalayaan nito. ____________10. Taon nang tuluyang pumasok sa digmaan sa pagitan ng Espanya at Cuba ang Estados Unidos. Tandaan Mo! Sampung Taong Digmaanang itinawag sa unang malakihang pag-aalsa ng mga Cubano laban sa Espanya para sa kalayaan ng kanilang bansa. Si Jose Marti ang nag-organisa ng pangalawang malakihang pag-aalsa ng mga Cubano laban sa Espanya para sa kalayaan ng Cuba. Tratado ng Paris ay kasunduan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos na nagbibigay ng kalayaan sa Cuba, ngunit nagsalin sa Estados Unidos ng pagmamay-ari ng Pilipinas, Guam, Cuba at Puerto Rico. Gawain 3: Paglalapat Kung ikaw ang nasa kalagayan ng mga Cubano, itataguyod mo ba ang kanilang pag-aalsa? Pangatwiranan. Magbigay ng tatlong kadahilanankung bakit mo susuportahan o hindi susuportahan ang pag-aalsang isinagawa. 11
ARALIN 3ANG ESTADOS UNIDOS AT PILIPINAS “When next I realized that the Philippines had dropped into our laps I confess Idid not know what to do with them....I walked the floor of the White House night afternight until midnight; and I am not ashamed to tell you, gentlemen, that I went down onmy knees and prayed to Almighty God for light and guidance....And one night late itcame to me this way....McKinley (1) That we could not give them back to Spain--that would be cowardly and dishonorable; (2) That we could not turn them over to France or Germany-- our commercial rivals in the Orient--that would be bad business and discreditable; (3) That we could not leave them to themselves--they were unfit for self-government--and they would soon have anarchy and misrule worse than Spain's war; (4) That there was nothing left for us to do but to take them all, and to educate the Filipinos, and uplift and civilize and Christianize them as our fellow men for whom Christ also died. - President Mc Kinley Mula ito sa talumpati ni Pangulong William McKinley ng Estados Unidos noongNobyembre 1899 sa harap ng mga delegado ng pinuno ng mga Metodista. Sakanyang pagpapaliwanag, waring may relihiyoso at moral na dahilan sa pananakop ngEstados Unidos sa Pilipinas. Ngunit maliwanag din na may iba pang motibo angEstados Unidos sa pagsakop sa Pilipinas. Iyan at iba pa ang paksa ng araling ito. Inaasahan na matapos ang aralin ikaw ay:1. Makapaglalahad ng mga salik sa pagkatalo ng Espanya sa Pilipinas;2. Matutukoy ang mga salik sa pagpasok ng Estados Unidos bilang bagong mananakop ng Pilipinas; at3. Maipaliliwanag ang pagkakahawig at pagkakaiba ng kalagayan ng Cuba at Pilipinas na naging dahilan ng paglabas ng Espanya at pagpasok ng Estados Unidos bilang kolonista ng dalawang bansa.Gawain 1: Pag-isipan Mo! 12
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412