Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 1

FILIPINO 4 part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:28

Description: FIL4part1

Search

Read the Text Version

mahihirap atmayayamanNapatutunayang Napipili ang mga Nabibigyang- Nakasusulat ng Babang- Tulaang pagkakaroon salitang magkaka- halaga ang iba't tula na kapaksa Luksang katatagan ng ugnay ang ibang damdaming ng akdangkalooban ay lubhang kahulugan napapaloob sa binasamahalaga sa akdapanahon ng Natutukoy angkalungkutan at mga bahagingkapighatian nagpapakita ng talinghaga at larawang-diwa 33

Modyul 4 Pagsusuri ng Akda Batay sa Pananaw Sosyolohikal Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Narito akong muli upang patnubayan ka sa iyong pag-aaral sa modyulna ito. Isa na namang akda ang iyong babasahin at susuriin. Tiyak kong magugustuhan moito. Isa itong sarswela. Marahil itatanong mo kung ano ang sarswela. Ito ay isangmelodrama o komedyang binubuo ng tatlong yugto at tungkol sa damdamin ng tao tuladng pag-ibig, galit, paghihiganti, kalupitan, paghihimagsik o kaya’y mga suliraningpanlipunan at pampulitika noong panahon ng kastila. Ang kathang pantanghalang ito aynaiiba sa mga dramang napapanood mo sa kasalukuyan sa puntong may mga bahagi odayalogong inaawit. Noon, isang mabisang kasangkapan sa pagpapahayag ng isipin at damdamingmakabayan ang dula. Isinisigaw nito ang pagmamahal sa bayan at paghihimagsik laban samga mananakop na dayuhan, tulad ng akdang babasahin mo na pinamagatang “WalangSugat” ni Severino Reyes. Ito’y naglalarawan sa kalupitan ng mga kastila sa pagpaparusasa mga mamamayang wala namang pagkakasala. Ipinakita sa dulang ito ang kagitingan ngmga kawal na Pilipino. Ibinabandila nito ang paghihimagsik sa pamahalaan at praylengKastila. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa akda. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tutulungan ka ng modyul na ito. Magiging maayos at epektibo ang iyong pag-aaralkung susundin mo ang mga sumusunod na tagubilin: 1

1 Sagutin mo ang panimulang pagsusulit o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo?. Ito’y gabay upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2 Sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong sagot. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3 Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin.4 Gawin at sundin mo ang mga panuto.5 Isulat mo ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notbuk.6 Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay?. Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.7 Maging matapat ka sa pagsagot at pagwawasto ng iyong mga gawa.8 Ingatan ang modyul na ito. Panatilihin mong walang punit ang bawat pahina. Ano ba ang alam mo? Ang sumusunod ay ang panimulang pagsusulit na susukat sa lawak ng iyong kaalaman sa pag-aaralang akda. Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. May buhay-pusa si Kapitan Inggo. Ang pahayag ay nangangahulugang si Kapitan Inggo ay ____ a. mahaba ang buhay b. matatag c. may pagkapusa d. malakas 2. May Diyos na totoo na nakakakita sa lahat ng gawa ng prayleng kuhila. Ito’y nangangahulugang nakikita ng Poong Maykapal ang lahat ng ginagawa ng mga prayleng ________ a. taksil sa tungkulin b. masama c. mabait d. abusado 2

3. Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaping Ina. Ang tinutukoy na Ina ay ang ______ a. Espanya b. Pilipinas c. Juana d. Kapitana Putin4. Pinarurusahan ang mga nahuhuli sa pamamagitan ng ______ a. pagbaril b. pagpugot ng ulo c. pagpalo habang nakagapos d. pagkakulong nang matagal5. Nang malamang namatay si Inggo, si Tenyong ay ______ a. natakot b. nangibang -lugar c. naghimagsik d. nalungkot6. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay ____ a. Miguel b. Tenyong c. Marcelo d. Tadeo7. “Ano sa akin kung di sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Dagdagan ang rasyon ng palo, maraming palo. Walang awa-awa”, Sa bahaging ito ng dula, ipinakita ang ______ a. ang paghahari ng mga prayle b. pagmamalupit ng mga prayle c. pagmamalabis sa tungkulin ng mga prayle d. wala sa nabanggit8. Nagbago na ang lakad ng panahon, ngayo’y kung may lalaking nangingibig ay tinatanggap ng mga mata at itinutuloy dito, dito sa isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin; ang puso sa panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingalay na … Pinatunayan ng bahaging ito ng dula na noon ay _______ a. Nangingibabaw ang isip kaysa puso sa pagpili ng manliligaw. b. Na ang magulang ang pumipili ng magiging asawa ng anak. 3

c. Na ang mahihirap ay nakapag-aasawa ng mayaman. d. Na kahit hindi nagmamahalan ay nagiging mag-asawa. 9. Iniwan ni Tenyong ang ina at kasintahan upang tugunin ang panawagan ng Inang Bayan. Si Tenyong ay _________ a. makabayan b. makaina c. makalipi d. makamahirap 10. Ipinakita ng mga mamamayan ang kanilang pagkakaisa sa nangyari kay Inggo nang _________ a. sumama sa libing ni Inggo b. pumunta sa kwartel at kunin ang bangkay ni Inggo c. sumama kay Tenyong sa paglaban sa mga prayle/kastila d. lahat ng nabanggit -Iwasto mo ang iyong mga sagot. Tutulungan ka ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Naging madali ba sa iyo ang pagsusulit? Huwag kang mag-alala, panimula pa lamang naman iyan. Sinusukat lamang ang taglay mong kaalaman tungkol sa paksa. Tutulungan kitang malinang ang iba’t ibang kasanayang dapat mong matutunan at ang magagandang ugaling makapagpapaunlad ng iyong katauhan sa pamamagitan ng mga gawaing aking inihanda.Aralin : Walang Sugat Ni Severino Reyes Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag at mahihirap na salita sa akda. 2. Natutukoy ang mga mahahalagang pangyayari sa akda. 3. Nasusuri ang akda batay sa sosyolohikal na pananaw. 4. Naisa-isa ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan o pagkamakabayan. 5. Nakabubuo ng isang awiting makabayan. 4

 Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo … Kilalanin ang mga nasa larawan. Sinu-sino sila? Anu-ano ang mga taguri sa kanila? Saan sila nagkakatulad? Hanapin sa mga nakatala sa ibaba ang sagot. Titik lamang ang isulat. 1 2 3 5 4 6 7 A. Emilio Jacinto E. Pambansang Bayani B. Jose Rizal F. Utak ng Himagsikan C. Andres Bonifacio G. Utak ng Katipunan D. Apolinario Mabini H. Ama ng Katipunan I. Sila’y mga propagandistang humihiling ng pagbabago sa pamamalakad ng mga Kastila sa Pilipinas. J. Sila’y mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa kalayaan ng bayan. - Tingnan mo sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro ang tamang sagot. Ang natapos na gawain ay may kaugnayan sa akdang iyong babasahin at susuriin.Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman nito. Handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbabasa. 2. Basahin mo … WALANG SUGAT (Ni Severino Reyes) Unang Bahagi 1 Tagpo(Tanggapan ng bahay ni Julia. Si Julia at ang mga bordador Musika) 5

Koro: Ang karayom kung iduroJulia: Ang daliri’y natitibo,Koro: Kapag namali ng duroJulia: Burda nama’y lumilikoKoro: Anong dikit, anong inam Ng panyong binuburdahan, Tatlong letrang nag-agapay Na kay Tenyong na pangalan. Ang karayom kung itirik Tumitimo hanggang dibdib Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot, Kalakip ang puso’t loob, Ng kaniyang tunay na lingkod. Si Tenyong ay mabibighani Sa rikit ng pagkagawa Mga kulay na sutla, Asul, puti at pula. Panyo’t dito ka sa dibdib, Sabihin sa aking ibig Na ako’y nagpapahatid Isang matunog na halik. Ang karayom kung iduro Ang daliri’y natitibo. Hoy tingnan ninyo si Julia Pati panyo’y sinisinta. Kapag panyo ng ibig Tinatapos ng pilit Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan: Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal. At ang magandang pag-ibig Kapag namugad sa dibdib Nalilimutan ang sakit Tuwa ang gumigiit. Mga irog natin naman 6

Sila’y pawang paghandugan Mga panyong mainam Iburda ang kanilang pangalan.Julia: Piyesta niya’y kung sumipot Panyong ito’y iaabot Kalakip ang puso’t loob Ng kaniyang tunay na lingkod.Koro: Nang huwag daw mapulaan Ng binatang pagbibigyan Ang panyo pa’y sasamahan Ng mainam na pagmamahal.SalitainJulia: Ligpitin na ninyo ang mga bastidor at kayo’y mangagsayaw na. (Papasok ang magsisikanta). (Lalabas si Tenyong). II TAGPO(Tenyong at Julia…)Tenyong: Julia, tingnan ko ang binuburdahan mo…Julia: Huwag na Tenyong, huwag mo nang tingnan, masama ang pagkakayari, nakakahiya.Tenyong: Isang silip lamang, hindi ko na hihipuin, ganoon lang?… ay…Julia: Sa ibang araw, pagkatapos na, oo, ipakikita ko sa iyo.Tenyong: (Tangan si Julia sa kamay) Ang daliri bang ito na hubog kandila, na anaki’y nilalik na maputing garing. Ay may yayariin kayang hindi mainam? Hala na, tingnan ko lamang.Julia: Huwag mo na akong tuyain, pangit nga ang mga daliri ko.Tenyong: (Nagtatampo) Ay!…Julia: Bakit Tenyong, napagod ka ba? (Hindi sasagot). Masama ka palang mapagod.Tenyong: Masakit sa iyo!Julia: (Sarili) Nagalit tuloy! Tenyong, Tenyong… (sarili) Nalulunod pala ito sa isang tabong tubig!Tenyong: Ay!Julia: (Sarili) Anong lalim ng buntong hininga! (Biglang ihahagis ni Julia ang bastidor). (Sarili) Lalo ko pang pagagalitin.Tenyong: (Pupulutin ang bastidor at dala). Julia, Julia ko. (Luluhod) Patawarin mo ako; Hindi na ako nagagalit…Julia: Masakit sa aking magalit ka at hindi. Laking bagay!Tenyong: Lumalaganap sa dibdib ko ang masaganang tuwa, narito at nakikita ko na minarapat mong ilimbag sa panyong ito ang pangalan ko.Julia: Hindi ah, nagkakamali ka, hindi ukol sa iyo ang panyong iyan…Tenyong: Sinungaling! At kaninong pangalan ito? A. Antonio N. Narciso, at F. ay Flores.Julia: Namamali ka, hindi mo pangalan iyan.Tenyong: Hindi pala akin at kanino nga? 7

Julia: Sa Among! Iya’y iaalay ko sa kanya ngayong kaarawan ng pasko.Tenyong: Kung sa among man o sa demonyo, bakit ang letra’y A, N, at F?Julia: Oo nga sapagkat ang A, ay Among, ang N, Natin at ang F ay Frayle.Tenyong: Among Nating Frayle, laking kaalipustaan! Huwag mo akong aglahiin ng tungkol sa mga taong iyan at madaling magpanting ang tainga ko.Julia: Nakaganti na ako! (Dudukutin ni Tenyong sa kanyang bulsa ang posporo at magkikiskis ng maraming butil at nag-aalab na magsasalita).Tenyong: Julia, magsabi ka ng katotohanan, para sa kura nga ba? Kapag hindi ko sinilaban, ay… sinungaling ako… mangusap ka. Susulsulan ko na? (Anyo nang sisilaban).Musika No. 2Julia: Huwag mong silaban ang tunay mong pangalan.Tenyong: Sa pagkakasabi mong sa kurang sukaban nagising ang galit at di mapigilan.Julia: Hindi maghahandog sa lahi ni Satan, ang panyong iyan ay talagang iyo, sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo.Tenyong: Salamat, salamat, Juliang poon ko.Julia: Oh, Tenyong ng puso, Oh, Tenyong ng buhay ko.Tenyong: Pag-iibigan ta’y kahimanawari lumawig na tunay at di mapawi paglingap mo sa akin kusang mamalagi huwag malimutan sa tuwi-tuwi…Tenyong: Julia ko’y tuparin adhikain natin.Julia: Tayo’y dumulog sa paa ng altar.Tenyong: Asahan mo.Sabay: Di mumunting tuwa dito’y dumadalaw, ano pa’t wari di na mamamatay sa piling mo oh! (Tenyong) niyaring buhay (Julia) maalaalang may kabilang buhay… (Lalabas si Juana). III TAGPO(Tenyong, Julia, at Juana mamaya’y Lukas)SalitainJuana: Julia, Julia, saan mo inilagay ang baro kong makato? (Nagulat si Julia at si Tenyong) (Lalabas si Lukas)Lukas:Tenyong: Mamang Tenyong, Mamang Tenyong…!Lukas: Napaano ka, Lukas?Tenyong: Dinakip po ang Tatang mo ng Boluntaryo ng Santa Maria.Lukas: Diyata dinakip si Tatang?Tenyong: Opo.Lukas: Saan kaya dinala?Tenyong: Sa Bulakan daw po dadalhin.Juana: Tiya, ako po’y paparoon muna’t susundan si Tatang. Hintay ka sandali at kami’y sasama. Julia, magtapis ka… (Magsisipasok sina Juana,Tenyong: Julia, at Lukas). Oh, mundong sinungaling! Sa bawat sandaling ligayang tinatamo ng dibdib, ay tinutunungan kapagdaka ng matinding dusa! Magdaraya ka! Ang tuwang idinudulot 8

mo sa amin ay maitutulad sa bango ng bulaklak, na sa sandaling oras ay kusang lumilipas.(Telong Maikli)Kalye IV TAGPO (Musika) Koro at LukasLukas: Tayo na’t ating dalawin mga tagarito sa atin.Koro: Dalhan sila ng makakain at bihisan ay gayundin.Isang Babae: Naubos na ang lalaki.Lahat ng Babae: Lahat na’y hinuhuli mga babae kami.Lukas: Marami pang lalaki.Lahat ng lalaki:Huwag malumbay… kami nasasa bahay at nakahandang tunay, laan sa lahat ng bagay…Lahat ng Babae:(Sasalitain) Mga lalaking walang damdam, kaming mga babae’y pabayaan, di namin kayo kailangan.Isang Lalaki: Makikita ko si Tatang.Isang Lalaki: Kaka ko’y gayundin naman.Isang Babae: Asawa’y paroroonan.Isang Babae: Anak ko’y nang matingnan.Lahat. Tayo na’t sumakay sa tren bumili pa ng bibilhin at sa kanila’y dalhin masarap na pagkain.Mga Babae: Tayo na, tayo na.Lahat: Sumakay na sa tren.Mga Lalaki: Doon sa estasyon.Lahat: Ating hihintuin. (Papasok lahat) (Itataas ang telong maikli) V TAGPO(Bilangguan sa Bulakan, patyo ng Gobyerno, maraming mga bilanggong nakatali sa mga rehas).SALITAINRelihiyoso 1.0: Ah, si Kapitan Luis! Ito tagaroon sa amin; maraming tao ito…Marcelo: Mason po yata, among?Relihiyoso 1.0:Kung hindi man mason, marahil filibustero, sapagka’t kung siya sumulat maraming K, cabayo K.Marcelo: Hindi po ako kabayo, among!Relihiyoso 1.0:Hindi ko sinasabing kabayo ikaw, kundi, kung isulat niya ang kabayo may K, na lahat ng C pinapalitan ng K. Masamang tao iyan, mabuti mamatay siya.Relihiyoso 2.0:Marcelo, si Kapitan Piton, si Kapitan Miguel, at ang Juez de Paz, ay daragdagan ng rasyon. 9

Marcelo: Hindi sila makakain eh!Relihiyoso 1.0:Hindi man, ang rasyon na sinasabi ko sa iyo na dagdagan, ay ang pagkain, hindi, ano sa akin kundi sila kumain? Mabuti nga mamatay silang lahat. Ang rasyon na sinasabi ko sa iyo ay ang palo, maraming palo ang kailangan.Marcelo: Opo, among, hirap na po ang mga katawan nila at nakaaawa po namang magsidaing; isang linggo na pong paluan ito, at isang linggo po namang walang tulog sila!Relihiyoso 2.0:Loko ito! Anong awa-awa? Nayon wala awa-awa, duro que duro awa-awa? Ilan kaban an rasyon? Ang rasyon nan palo, ha!Marcelo: Dati po’y tatlong kaban at maikatlo sa isang araw na tinutuluyan, ngayon po’y lima ng kaban, at makalima po isang araw.Relihiyoso 2.0:Samakatuwid ay limang beses 25, at makalimang 125, ay huston 526 (binibilang sa daliri). Kakaunti pa! (bibigyan si Marcelo ng kuwalta at tabako).Marcelo: Salamat po, among!Relihiyoso 1.0:Kahapon ilan ang namatay?Marcelo: Wala po sana, datapwa’t nang mag-uumaga po ay pito lamang.Relihiyoso 1.0:Bakit ganoon? (gulat)Marcelo: Dahil po, si Kapitan Inggo ay pinagsaulan ng hininga.Relihiyoso 1.0:Si Kapitan Inggo pinagsaulan ng hininga! Narito si Kapitana Putin, at ibig daw makita si Kapitan Inggo na asawa niya. Kung ganoon ay hindi mamamatay si Kapitan Inggo.Marcelo: Mamamatay pong walang pagsala: wala na pong laman ang dalawang pigi sa kapapalo, at ang dalawang braso po’y litaw na ang mga buto, nagitgit sa pagkakagapos.Relihiyoso 1.0:May buhay-pusa si Kapitan Inggo! Saan naroroon ngayon?Marcelo: Nariyan po sa kabilang silid, at tinutuluyan uli ng limang kaban.Relihiyoso 1.0:Mabuti, mabuti, Marcelo huwag mong kalilimutan, na si Kapitan Inggo ay araw-araw papaluin at ibibilad at buhusan ng tubig ang ilong, at huwag bibigyan ng mabuting tulugan, ha?Marcelo: Opo, among. (Sa mga kasama niya) Companeros, habeis traido el dinero para el Gobernador?Relihiyoso 2,3,4:Si, si, hemos traido.Relihiyoso 1.0:Marcelo, dalhin dito si Kapitan Inggo.Marcelo: Hindi po makalakad, eh!Relihiyoso 1.0: Dalhin dito pati ang papag.Relihiyoso 2.0: Tonto.Tadeo: Bakit ka mumurahin?Juana: Kumusta po naman kayo, among?P. Teban: Masama, Juana, talaga yatang itong pagkabuhay namin ay lagi na lamang sa hirap, noong araw kami ay walang inaasahan kundi kaunting sweldo dahil sa kami’y alipin ng mga prayle, ngayon nga, kung sa bagay ay kami na ang namamahala, wala naman kaming kinikita; wala nang pamisa, mga patay at hindi na dinadapit; ngayon napaglirip na ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.Juana: Totoo po ba ang sabi mo.P. Teban: Kaya, Juana, di-malayong kaming mga klerigo ay mauwi sa pagsasaka, tantuin niyong kaming mga pari ay hindi mabubuhay sa panay na hangin.Juana: Bakit dami mo pong mga pinakaing mga pamangking dalaga?P. Teban: Siya nga, ulilang inaampon ko. 10

Miguel: Ay! Aling Julia… ay…ma…ma… malapit na po…Julia: Alin po ang malapit na?Miguel: Ang…ang…ang…Julia: (Sarili) Ano kaya ang ibig sabihin nito?Tadeo: Miguel, tayo na’t nagkayari na kami ng kaniyang ina.Miguel: Ay…salamat (tuwang-tuwa.)Julia: (Sarili) Ipinagkayari na pala ako ni Inang?Tadeo: Ano ba ang sinabi mo?Miguel: Sinabi ko pong… ay Julia! Ay! Aling Julia! Ay, Julia ko!Tadeo: Wala ka nang nasabi kundi pulos na “ay”? Hindi ka nagpahayag ng pagsinta mo?Miguel: Sinabi ko pong malapit na…Tadeo: Malapit na ang alin?Miguel: Itinatanong nga po sa akin kung alin ang malapit na eh, hindi ko po nasagutan…Tadeo: Napakadungo ka! Ay Ige, tayo na’t baka ka pa mahalata…Relihiyoso 1.0: Kapitan Putin, mana dalaw, parito kayo.(Magsisilabas ang mga dalaw). VI TAGPO(Mga Relihiyoso, Putin, Juana, Julia, Tenyong, at mga dalaw, babae at lalaki).SalitainRelihiyoso 1.0: Kapitana Putin, ngayon makikita ma na ang tao mo, dadalhin dito, at sinabi ko sa Alkalde na huwag nang paluin, huwag nang ibibilad at ipagbilin ko na bibigyan na ng mabuting tulugan…Putin: Salamat po, among.Relihiyoso 1.0: Kami ay aakyat muna sandali sa Gobernador at sasabihin naming pawalan, lahat ang mga bilanggo,kaawa-awa naman sila.Putin: Opo, among, mano na nga po… Salamat po, among. (Magsisihalik ng kamay, si Tenyong ay hindi at ang mga ibang lalaki).Relihiyoso 1.0: (Sa mga kasama) Despues de ver el Gobernador… a Manila, cogemeros el tren la Estacion de Guiguinto, es necesario deciral General que empiece ya a fusilar a los ricos e ilustrados de la provincia, porque esto va mal.Relihiyoso 2.0: Ya lo creo que va mal.Los 3: Si, si a fusilar, a fusilar. (Papasok ang mga pare). VII TAGPO(Sila rin, wala na lamang ang mga relihiyoso)SalitainPutin: Tenyong, kaysama mong bata, bakit ka hindi humalik ng kamay sa among? 11

Tenyong: Inang, ang mga kamay pong… namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan, huwag pong maniniwalang sasabihin niya sa Gobernador na si Tatang ay pawalan, bagkus paPutin: ngang ipagbibiling patayin na ngang tuluyan. (Sarili) Kung nababatid lamang ng mgaTenyong: ito ang pinag-usapan ng apat na lilo! Nakalulunos ang kamangmangan!Julia: (Ipapasok si Kapitang Inggo na nakadapa sa isang papag na makitid).Tenyong: Inggo ko! Tatang! Kaawa-awa naman! Mahabaging Langit!Musika Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang mga buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal! Ay! Ang anyo ni Amang! AngTenyong: lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay Satang malupit nakikiugali…Ah, kapag namatay ka, oh, amaSalitain kong ibig, asahan mo po at igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit, sa ulo ng prayle isa sa kikitil.Tenyong:Inggo: Tatang, ikaw po’y ititihaya ko nang hindi mangalay… Huwag na… anak ko… hindi na maari… luray luray na ang katawan… Tayo’yTenyong: maghihiwalay na walang pagsala! Bunso ko, huwag mong pababayaan ang Inang mo! Putin, ay Putin… Juana-Julia… kayo na lamang ang inaasahan kong kakalinga sa kanila… Ang kaluluwa ko’y inihain ko na ka’y Bathala. Adyos mga kaputol ng dibdib! Adyos mga kababayan! Ako’y inyong patawarin… Naluoy na yata ang puso ng mga Kastila. Diyos na may kapangyarihan! Ano’t inyong ipinagkaloob ang ganitong hirap? (Dito lamang ang pasok ng kantang “Ang dalawang braso’y…)Musika No.2Tenyong: Ang dalawang braso’y gitgit na ang laman, naglabas ang buto sa mga tinalian, lipos na ng sugat ang buong katawan, nakahahambal, ay! Ang anyo ni Amang! Ang lahat ng ito’y gawa ng pari na sa Pilipinas siyang naghahari, lalang ni Lucifer sa demonyong lahi kay satang malupit nakikiugali. Ah! Kapag namatay ka, oh, ama kong ibig, asahan mo po’t igaganting pilit kahit na ano ang aking masapit sa ulo ng prayle, isa sa kikitil.Julia: Taya ang loob ko at binabanta-banta mga taong iya’y tadtarin man yata lahat ng niyang laman, buto sampung taba, di makababayad sa utang na madla.(Mga Babae at Lalaki) Di na kinahabagan kahit kaunti man, pariseos ay daig magpahirap.Tenyong: Oo’t di matingnan puso ko’y sinusubhan sa ginawa kay Amang ng mga taong hunghang…ang awa’y nilimot sa kalupitan…Lalaki’t Babae: Wari mukha nang bangkay…Tenyong: Inang, masdan mo po… at masama ang lagay ni Tatang, Inang, tingnan mo’t naghihingalo… Tatang, tatang…Putin: Inggo ko…Inggo…Tenyong: Patay na! 12

(Mangagsisihagulgol ng iyak)Telong Maikli VIII TAGPO(Sila ring lahat, wala lamang si Kapitang Inggo, ang Alkalde, at mga bilanggong nangakagapos).SalitainPutin: Tenyong, hindi yata ako makasasapit sa atin! Julia, nangangatal ang buong katawan ko! Nagsisikip ang aking dibdib! Ang sakit ay tagos hanggang likod! Ay, Tenyong, hindi ako makahinga! Ang puso ko’y parang pinipitpit sa palihang bakal! (Si Putin ay mapapahandusay).Tenyong: Langit na mataas! (Papasok lahat) IX TAGPO(Tenyong at mga kasamang lalaki, mamaya’y si Julia).SalitainTenyong: Mga kasama, magsikuha ng gulok, at ang may rebolber ay dalhin.Isa: Ako’y mayroong iniingatan.Isa pa: Ako ma’y mayroon din.Tenyong: Tayo na sa estasyon ng Guiguinto.Isa: Nalalaman mo bang sila’y mangasisilulan?Tenyong: Oo, walang pagsala, narinig ko ang salitaan nila, at nabatid ko tuloy na sasabihin daw nila sa Heneral na tayo’y pagbabarilin na.Isa: Mga tampalasan.Isa pa: Walang patawad!(Nang mangagsiayon, si Tenyong ay nakahuli sa paglakad, sa lalabas si Julia).Julia: Tenyong, Tenyong!Tenyong: Julia!Julia: Diyata’t matitiis, na Ina’y lisanin mo sa kahapis-hapis na anyo? Di ba nalalaman mong sa kaniya’y walang ibang makaaaliw kundi ikaw, at sa may damdam niyang puso, ay walang lunas kundi ikaw na bugtong na anak? Bakit mo siya papanawan?Tenyong: Julia, tunay ang sinabi mo; datapwa’t sa sarili mong loob, di ba si Inang ay kakalingain mong parang tunay na ina; alang-alang sa paglingap mo sa akin? Sa bagay, na ito, ano ang ipag-aalaala ko?Julia: Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko. Tenyong, huwag kang umalis!Tenyong: Julia, hindi maaari ang ako ay di pasa-parang; ako ay hinihintay ng mga kapatid, Julia, tumutugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina, sa pinto ng nagpaubayang anak; ang Ina natin ay nangangailangan ng tunay nating pagdamay; dito sa dibdib ko’y tumitimo ang nakalulunos niyang himutok, ang nakapanlulumo niyang daing: “Mga anak ko,” anya, “ngayo’y kapanahunang ako’y ibangon na ninyo sa pagkalugami. Oras na, Julia ko, ng paglaot sa matibay na tanikalang mahigit sa tatlong daang taong 13

Julia: sinasangayad; hindi dapat tulutang… mga iaanak natin ay magising pa sa kalagim- lagim na kaalipin.Tenyong: Wala akong maitututol, tanggapin na lamang ang huling tagubilin! (Huhubarin angJulia: garantilyang may medalyita; tangnan at isusuot kay Tenyong ang garantilya.) AngTenyong: larawang ito’y aking isasabit sa tapat ng puso’y huwag iwawaglit at sa mga digma,Julia: kung siya’y masambit ipagtanggol ka sa mga panganib. Kung saka-sakaling irog ko’yTenyong: masaktan, pahatid ka agad sa aking kandungan. Ang mga sugat mo’y aking huhugasanJulia: ng masaganang luhang sa mata’y nunukal.Tenyong: Sa Diyos nananalig. Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis.Julia: Huwag mamanglaw. Huwag ipagdusa ang aking pagpanaw. Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.Tenyong: Ang ulap Julia ko’y di mananatili. Darating na ibig, ang pagluluwalhati.Julia: Tenyong na poon ko’y kahimanawari. Magliwayway uli’t dilim ay mapawi.Tenyong: Huwag nang matakot, huwag nang mangamba. Ako’y tutupad lang ng aking panata saJulia: pakikianib sa mga kasama. Aming tutubusin, naaliping Ina. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib, sa tabi ng puso. Nang hindi malubos ang pagkasiphayo sa mga sakuna, ikaw’y kalaguyo. (Titigil) Yayao na ako! Ako’y lilisanin? Balot yaring puso ng matinding lumbay, bumalik ka agad nang di ikamatay. Juliang aking sinta! Oh, Tenyong ng buhay! (Anyong aalis) (Sarili) Kaawa-awa! (Tuluyang aalis). (Biglang lilingon Te…! Yumao na! (papasok) X TAGPO(Tugtuging nagpapakilala ng damdamin. Pagdating ng bahaging masaya ay maririnig ang sigawan saloob. Mga prayle at mga kasama ni Tenyong at si Tenyong.)Sa loob.Mga lahi ni Lucifer! Magsisi na kayo’t oras na ninyo! Ikaw ang pumatay sa ama ko – Perdon! Walangutang-na-di pinagbabayaran! (Hagaran at mapapatay ang mga prayle, isa ang mabibitin na sasama satren).TelonWakas ng Unang Bahagi Ikalawang Bahagi I TAGPO(Bahay ni Julia)Julia at Juana 14

SalitainJuana: Julia, igayak ang loob mo; ngayon ay paparito si Miguel at ang kanyang ama, sila’y pagpapakitaan ng mainam.Julia: Kung pumarito po sila, ay di kausapin mo po!Juana: Bakit ba ganyan ang sagot mo?Julia: Wala po!Juana: Hindi naman pangit, lipi ng mabubuting tao, bugtong na anak at nakaririwasa, ano pa ang hangarin mo?Julia: Ako po, Inang ko, ay hindi naghahangad ng mga kabutihang tinuran mo, ang hinahangad ko po ay…Juana: Ay ano? Duluhan mo, sabihin mo at nang matalastas ko.Julia: Ang tanggapin pong mahinusay ng puso ko.Juana: (Natatawa) Julia, ako’y natatawa lamang sa iyo, ikaw ay bata pa nga – anong pusu- puso ang sinasabi mo? Totoo nga’t noong unang dako, kapag may lalakingJulia: mangingibig ay tinatanggap ng mga mata at tinutuloy dito (hihipuin ang noo) dito saJuana: isip at di na sa puso; at kung ano ang pasya ng isip ay siyang paiiralin: ang puso saJulia: panahong ito ay hindi na gumaganap ng maganda niyang katungkulan, siya’y nagpapahingala’y na…Juana: Nakasisindak, Inang ko, ang mga pangungusap mo!Julia: Siyang tunay!Juana: Ako po’y makasunod sa masamang kalakaran ng panahon, dito po ako makatatakwil sa tapat na udyok ng aking puso.Julia: Julia, tila wari… may kinalulugdan ka nang iba. Wala po! Kung wala ay bakit sumusuway sa aking iniaalok? Nalaman mo na, ang kagalingan mong sarili ang aking ninanais. Ang wika ko baga, ay bukas-makalawa’y mag-aasawa ka rin lamang…ay kung mapasa-moro, mapasa-Kristiyano na! (Sarili) Moro yata si Tenyong! II TAGPO(Julia at Monica)SalitainJulia: Monicaaaaaaaaaa, Monicaaaaaaaaaa.Monica: (Sa loob) Pooo!Julia: Halika (Lalabas si Monica) Pumaroon ka kay Kulas, sabihin mong hinihintay ko siya; madali ka…Monica: Opo (Papasok) III TAGPO(Julia, mamaya’y Miguel, Tadeo, Pari, Teban, at Juana)Musika Dalit ni Julia 15

Oh, Tenyong niyaring dibdib, Diyata’ ako’y natiis Na hindi mo na sinilip Sa ganitong pagkahapis. Ay! Magdumali ka’t daluhan, Tubusin sa kapanganiban, Huwag mo akong bayaang Mapasa ibang kandungan. Halika, tenyong, halika, At baka di na abutin Si Julia’y humihinga pa… Papanaw, walang pagsala! At kung patay na abutin Itong iyong nalimutan Ang bangkay ay dalhin na lamang Sa malapit na libingan. Huling samo, oh Tenyong, Kung iyo nang maibaon Sa malungkot na pantiyon, Dalawin minsan man isang taon.Salitain (Pumalakpak) Mabuti ang dalit mo Julia…datapwa’t napakalumbay lamang…P. Teban: (gulat) Patawarin po ninyo at hindi ko nalalamang kayo’y nangagsirating…kahiya-Julia: hiya po. Hindi; hindi kahiya-hiya, mainam ang dalit mo. Ang Inang mo?P. Teban: Nariyan po sa labas: tatawagin ko po (Papasok).Julia: Magandang bata si Julia, at mukhang lalabas na mabuting asawa… Marunong kangP. Teban: pumili, Miguel. Ako, among, ang mabuting mamili, si Miguel po’y hindi maalam makiusap. (LalabasTadeo: si Juana). Aba, narito pala ang among! Mano po, among!Juana: Ah, Juana, ano ang buhay-buhay?P. Teban: Mabuti po, among.Juana: (Kay Miguel) Lapitan mo.Tadeo: Baka po ako murahin ah!Miguel: May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman at bugtong na anak ngunit dungo.Payo ni Aling Juana:”Ang pag-ibig ay tinatanggap ng mata at itinutuloy sa isip at di sa puso” Tutol siJulia kay Miguel. Ngunit ipinagkayari siya ng ina sa ama ni Miguel. Hindi alam ni Juana ang ukol saanak at pamangking si Tenyong. Nagpadala ng liham si Julia kay Tenyong sa tulong ni Lukas. 16

Si Tenyong ay kapitan ng mga naghihimagsik. Walang takot sa labanan. Natagpuan ni Lukasang kuta nina Tenyong. Ibinigay ang sulat ng dalaga. Isinasaad sa sulat ang pagkamatay ng inang siKapitana Putin at ang araw ng kasal niya kay Miguel. Sasagutin na sana ni Tenyong ang sulat ngunitnagkaroon ng labanan. Ikatlong Bahagi Sinabi ni Lukas kay Julia ang dahilan nang di pagtugon ni Tenyong sa liham. Nagbilinlamang ito na uuwi sa araw ng kasal. Minsan habang nanliligaw si Miguel kay Julia ay si Tenyongnaman ang nasa isip ng dalagang ayaw makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan ng ina. Si Tadeona ama ni Miguel ay nanliligaw naman kay Juana, na ina ni Julia. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lukas na tumakasupang pumunta kay Tenyong. Ngunit di alam ni Lukas kung nasaan na sina Tenyong kaya walangnalalabi kay Julia kungdi ang magpakasal o magpatiwakal. Pinayuhan ni Lukas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel aybuong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!”. Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay naman sasama ng loob ang kanyang ina. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Tenyong na sugatan.Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para makapangumpisal si Tenyong. Kinumpisal ng kura si Tenyong. Ipinahayag ng kura ang huling hiling ng binata – na sila niJulia ay makasal. Galit man si Juana ay pumayag ito. Maging si Tadeo ay pumayag na rin sa hulingkahilingan ng mamamatay. Gayun din si Miguel. Matapos ang kasal, bumangon si Tenyong.Napasigaw si Miguel ng “Walang Sugat”. Gayundin ang isinigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng Heneral at ni Tenyong ang lahat. -Nauunawaan mo ba ang iyong binasa? Naramdaman mo ba ang mga emosyong naghari sa mga tauhan sa akda? Kung naunawaan mong mabuti ang akda, masasagutan mo ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mga ito. Unawain mong mabuti ang mga panuto. Sa ibaba ay nakatala ang mga piling pahayag na ginamit sa akda. Tulong ito sa ganap mong pag-unawa sa iyong binasa. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlingguwistika Panuto: Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na pahayag batay sa pagkakagamit sa akda. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 17

1. May buhay-pusa si Kapitan Inggo.2. Ang kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan.3. Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.4. May Diyos na totoo na nakakakita lahat ng gawa ng prayleng kuhila. Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina.5. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib sa tabi ng puso nang di malubos ang pagkasiphayo.6. Mangungulimlim na ang sa matang ilaw.7. Ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.8. Nakalulunos ang kamangmangan.9. Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina.’10. Magliliwayway ulit dilim ay mapapawi.A. B. C.Ikaw, Mahal ay lalaging Nakakaawa ang mga Mawawala na ang ligayanasa puso upang di mangmang. sa aking mga mata.makadama ng kalungkutan.D. E. F. na angMahaba ang buhay ni Di dapat igalang ang Matatapos at makalayaKapitan Inggo. mamamatay-tao. kaalipinan nang muli.G. H. Ang mga tao ay I.Ibinigay ko na sa Diyos nagsisimba at nagbibigay ng Ang puso’y nakadaramaang aking buhay. tulong sa simbahan dahil sa ng kalungkutan na takot sa mga prayle. maaaring ikamatay. 18

J. K.May Diyos na nakakikita Panahon na parasa mga kataksilan at ipagtanggol ang Pilipinaskasamaang ginagawa ng mula sa pagkakaalipin.mga prayle. -Bukod sa mga pahayag, may mga mahihirap na salita rin na ginamit sa akda.Hanapin mo sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga nasasalungguhitang salita saHanay A. Titik lamang ang iyong isulat. Hanay A Hanay B1. huwag aglahiin a. nakakaawa2. kurang sukaban b. manggagaling3. nakahahambal c. nagpapahinga4. mga tampalasan d. hamakin5. taong hunghang e. tanga/tunggak6. sa mata’y nunukal f. malupit7. puso’y nagpapahingalay g. taksil - Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Tiyak kong ngayon ay nauunawaan mo nang mabuti ang iyong binasang akda, kaya handa kanang gawin ang mga susunod na gawain. Higit itong makatutulong sa iyo sa pagpapaunlad ngiba’t ibang kasanayan. Unawain mong mabuti ang panuto at maging maingat sa pagsasagawa ng mga ito.b. Pagsusuring Pangnilalaman Ibuod mo ang dula sa tulong ng sumusunod na “story board”. Piliin mo sa mga nakatala sa ibaba ang mga pangyayari. Isulat lang ang tamang titik sa loob ng kahon. 19

Tagpuan: Pangyayari 1Tauhan: Tenyong, Julia,Juana, Kap. Inggo, Kap.Putin, Lukas, Miguel,Tadeo, P. Teban, Monica,Kura234 567 8 9 10A. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.B. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.C. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.D. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.E. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.F. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalita ang pagkamatay ni Kapitana Putin at ang pagpapakasal niya kay Miguel.G. Matapos ang kasal ay bumangon si Tenyong at ang lahat ay napasigaw ng “Walang Sugat”.H. Ibinilin ni Tenyong na darating siya sa araw ng kasal ni Julia.I. Hinuli ng mga boluntaryo ng Sta. Maria si Kapitan Inggo.J. Si Tenyong at ang mga kalalakihan ay humandang makipaglaban upang mapalaya ang Inang Bayan. 20

muna - Nadalian ka ba sa nakaraang gawain? Kung gayon, higit na magiging madali sa iyo ang pagsasagawa ng mga susunod na gawain. Ngunit bago mo isagawa ito, iwasto mo ang iyong kasagutan gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro: Hanapin mo sa mga nakatala ang mga kaisipang nakapaloob sa akda. Isulat mo lamang ang bilang sa loob ng dayagram. Kaisipan Kaisipan Walang Kaisipan Sugat Kaisipan 1. Handang ibuwis ang buhay makamit lamang ang kalayaan. 2. Tinalikuran ang mga mahal sa buhay nang dahil sa pag-ibig sa bayan. 3. Nasa pagkakaisa ang lakas upang maisagawa ang layuning mahango sa kaalipinan ang bayan. 4. Pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang. 5. Isasakripisyo ang sarili nang dahil sa pagmamahal sa magulang. 6. Tuso man ang matsing, napaglalalangan din. 7. Daig ng maagap ang masipag. - Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 21

c. Pagsusuring Pampanitikan Bago mo gawin ang susunod na gawain, basahin at unawain mo ang nasa loob ng kahon. Makatutulong ito upang madali mong maisagawa ang susunod na pagsasanay. Bukod sa mga impormasyong nabasa mo na sa panimula ng modyul na ito, ang ilan pang mahahalagang tala ukol sa sarswela ay mababasa mo sa loob ng kahon. Ang Sarswela ay isang uri ng dulang hinango ng mga Kastila saopera ng Italya. Magkahalo ang dayalog na ginagamit dito – patula atpasalita. Ang patulang bahagi ay dayalog ng mga pangunahing tauhan,samantalang ang pasalita o tuluyang bahagi ay ginagamit naman ng mgakatulong na tauhan. Ang patulang bahagi ay hinahaluan ng komposisyon namaaaring awitin. Ang sarswela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo rito aymagkahalong seryoso at katawa-tawa. Ipinakilala ang sarswela noong panahon ng Kastila, ngunit sumikatlamang ito noong panahon ng himagsikan ng mga Pilipino laban sa mgaAmerikano. Si Severino Reyes na kilala sa tawag na Lola Basyang angpangunahing manunulat ng sarswela. Pinakakilala sa kanyang mga akda ang“Walang Sugat”. Patunayan mo na taglay ng akdang “Walang Sugat” ang mga sumusunod na katangian ng isang sarswela. Piliin ang titik ng dayalog na tumutugon sa mga sumusunod: 1. Magkahalong patula at pasalitang dayalog a. Hindi maghahandog sa lahi ni Satan: Sampu ng nagburdang si Juliang iniirog mo. b. Julia, magsabi ka ng katotohanan: para sa Kura nga ba? Kapag di ko sinilaban ay sinungaling ako… mangusap ka, susulsulan ko na? c. Oo nga, Tenyong, ngunit hindi kaila sa iyo na ang maililingap ng isang lalaking kamukha mo ay di maititingin ng isang babaing gaya ko.Tenyong huwag kang umalis. d. Puso ko’y dinadalaw ng malaking hapis. 2. Magkahalong seryoso at katawa-tawa sa mga tagpo. a. Bahaging ibig makita ni Tenyong ang binuburdahang panyo ni Julia. b. Ang panliligaw ni Miguel kay Julia. c. Ang pag-alis ni Tenyong patungo sa labanan. d. Ang pag-uusap ng mag-inang Juana at Julia tungkol sa pagpili ng magiging asawa. 22

-Higit na mapadadali ang pagsusuri mo sa akda kung babasahin at uunawain mong mabuti ang nakasaad sa loob ng kahon. Ang Teoryang Sosyolohikal Itinuturing ng teoryang sosyolohikal ang mga akda sa panitikan bilangmga produkto ng mga pwersang historical na maaaring analisahin sapamamagitan ng pagtingin sa mga kondisyong materyal kung saan sila nabuo. Ang teoryang ito ay batay sa mga ideya ni Karl Marx. Dahil ditotinawag din itong Teoryang Marxismo. Sa ideolohiyang Marxist, ang kadalasang iniuuring pandaigdigangpananaw ay mga pagpapahayag ng mga dominanteng uri. Kadalasan,nakapokus sa banggaan ng dominante at aping uri. Para sa mga Marxist, ang panitikan ay maaaring isang reaksyonaryongnarativ na naglalayon na ibenta at isulong ang ideolohiya ng naghaharing uri.Maaari rin itong isang progresibong narativ na sumusuporta sa mga api sakanilang mahaba at mapait na pakikipaglaban sa mga naghaharing uri. -Nauunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, handa ka nang sagutinang mga sumusunod na tanong.1. Anong mga pwersang hitorikal ang nagbunsod sa may-akdang gawin ang “Walang Sugat”?a. Malabis na pagmamalupit ng mga prayleng Kastila sa mga Pilipino.b. Pang-aabuso sa kapangyarihan ng mga Kastila .c. Suliranin sa sekularisasyon ng mga kura paroko sa Pilipinas.d. Di pantay na pagtingin sa harap ng korte.2. Sa akda, alin ang dominanteng uri?a. Kastila c. Katutubob. Pilipino d. Intsik3. Alin ang aping uri?a. Kastila c. mahirapb. Pilipino d. katutubo4. Paano nagbanggaan ang dominante at aping uri?a. Sa pagpili ng kakasamahin sa buhay/asawa.b. Naparurusahan ang mahihirap kahit walang kasalanan. 23

c. Ginagawang mangmang ang mga Pilipino ng mga Prayleng Kastila. d. Paghahari ng mga prayle. e. Pagsasamantala sa mga Pilipino ng mga mapang-abusong Kastila.- Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto. Kunin mo ito saiyong guro. d. Halagang Pangkatauhan Piliin mo sa mga sumusunod ang mga paraan ng pagpapakita ng pag- ibig sa bayan. Titik lamang ang isulat mo sa iyong sagutang papel. A. Pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa. B. Pananatili sa Pilipinas kahit malaki ang kikitain sa ibang bansa. C. Pagbabayad ng buwis. D. Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa. E. Pagsunod sa batas. F. Pagtulong sa kapwa. G. Matapat na pagtupad sa tungkulin. H. Paggalang sa watawat. I. Pangangalaga sa mga likas na kayamanan ng bansa. J. Pagsunod sa mga magulang. -Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong gawa. Ngayong natukoy mo na ang mga paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa bayan. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng susunod na gawain. 24

4. Palalimin mo … Lagyan ng puso ♥ kung ang pahayag ay katanggap-tanggap at bilog O kung di katanggap-tanggap. ______1. Ang pagbibigay ng alaala sa isang minamahal. ______2. Ang pagpapadama ng paninibugho sa kasintahan. ______3. Ang pagtalikod sa mga minamahal sa buhay para sa bayan. ______4. Pagtawag ng Pilibustero sa taong kung sumulat ay maraming K. ______5. Ang pagpaparusa sa mga bilanggo sa pamamagitan ng pagpalo habang nakagapos. ______6. Ang pagkakaisa upang maghimagsik laban sa mga prayle. ______7. Ang paggamit ng isip sa halip na puso kapag may lalaking mangingibig. ______8. Ang pagpapasa-Diyos sa mga mapang-abuso. ______9. Ang pagpili ng magulang ng mapapangasawa ng anak. _____10. Pag-iisip ng paraan upang mahadlangan ang pagpapakasal ng kasintahan. -Ngayon, ilapat mo naman ang iyong mga natutunan. Ngunit bago iyon,iwasto mo ang iyong gawa sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 5. Gamitin mo… Sa tulong ng mga sitwasyon sa ibaba, tingnan ko kung mailalapat mo sa iyong sarili ang mga kaisipang iyong natutunan sa araling ito. Ibigay mo ang maaaring ibunga ng mga sumusunod na sitwasyon. Piliin mo ang titik na sa tingin mo’y tamang sagot. 1. Mayaman ang dalawang pamilyang ito. Ipinagkasundo ng mga magulang ang kani-kanilang mga anak; kahit na di nagkakagustuhan ang mga ito. Ayon sa kanila, matuturuan ang puso. Darating ang oras na matutunan ding mahalin ng mga ito ang bawat isa, kaya ipinakasal ang kanilang mga anak. a. Magiging maligaya ang pagsasama ng mag-asawa. b. Mamumuhay nang mariwasa ang mag-asawa dahil sa kapwa mayaman. c. Maghihiwalay din agad ang mag-asawa. 25

d. Magulo ang magiging pagsasama ng mag-asawa sa dahilang di sila nagmamahalan. 2. Napakahirap ng buhay. Maliit ang sahod ng mga manggagawa. Humihiling ang mga ito na itaas ang kanilang sahod ngunit bingi ang mga may-ari ng kumpanya. Nagwelga ang mga manggagawa. Hinarang sila ng mga pulis, binomba ng tubig at hinuli ang mga lider. a. pagbagsak ng ekonomiya ng bansa b. pagsapi sa NPA ng mga welgista c. patuloy na paglala ng suliranin sa kahirapan d. kawalan ng hanapbuhay ng mga welgista - Muli, iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Pagbuo naman ng awiting makabayan ang iyong susunod na gagawin. Alam mo itosapagkat ito’y sikat na awitin. Ang marubdob na pag-ibig sa bayan at sa kalayaan angpinakadiwa ng awiting ito. 6. Sulatin mo … Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang. Piliin sa mga nakatala sa ibaba at isulat ang titik lamang. Bayan Ko Ang bayan kong _________1_________; Lupain ng ginto’t _________2________; _____3______ ang sa kanyang palad, Nag-alay ng ganda’t ______4_____. At sa kanyang yumi at _____5______, _____6______ ay nahalina; Bayan ko, binihag ka, Nasadlak sa ___7____! Ibon mang may layang _____8_____, Kulungin mo at umiiyak; Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang _____9_____… Pilipinas kong minumutya, Pugad ng _____10____ ko’t dalita Aking adhika; Makita kang sakdal ____11____! 26

a. Pag-ibig g. gandab. dayuhan h. bulaklakc. dilag i. makaalpasd. Pilipinas j. dusae. lumipad k. sakdalf. luha l. laya - Naibigan mo ba ang nakaraang gawain? Kung gayon,, naging madali sa iyoang pagsagot. Kaya kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto ang iyonggawa.7. Lagumin mo… Bago mo gawin ang susunod na gawain, basahin at unawain mo munaang nasa loob ng kahon.Dalawa ang malaking tungkulin ng panitikan sa tao. Nakikilalaito sa pamamagitan na rin ng bisa sa mambabasa. Ayon kay Plato, ang panitikan daw ay dapat na maging“utile”. Naniniwala si Plato na ang pagbabasa ay dapat namagbunga ng kaliwanagan at karagdagang kaalaman. Para sakanya, ang panitikan ay may tungkuling magturo atmagpaliwanag. Ayon naman sa kanyang paboritong estudyanteng siAristotle, ang panitikan ay dapat na maging “dulce”.Naniniwala si Aristotle na ang pagbabasa ay dapat namagbunga ng kalibangan at aliw sa mambabasa. Para sa kanya,ang panitikan ay may layuning magbigay ng aliw at kasiyahan. Pinagsama naman ni Horatio ang dalawang kaisipan sapagbibigay niya ng tungkulin ng panitikan sa mambabasa. Parasa kanya ang panitikan ay “dulce” at “utile”. Naniniwala siHoratio sa dalawang kaisipang nabanggit. Parehong tama atdapat na magkasama. Para kay Horatio, ang pagbabasa ay dapatna magbunga ng kaliwanagan sa kaisipan, magpaliwanag atmagturo at magdulot ng aliw o kalibangan sa mambabasa. Parasa kanya, ang panitikan ay dapat magturo at magbigay ng aliw. -Nauunawaan mo ba ang iyong binasa? Kung gayon, handa ka nang sagutinang mga sumusunod na tanong: 27

1. Anu-ano ang mga bagay na naituro sa iyo ng akda? Piliin sa mga nakatala ang iyong sagot. Titik lamang ang isulat. a. Na may mga tao na isasakripisyo ang lahat ng dahil sa pag-ibig sa bayan. b. Na tuso man ang matsing napaglalalangan di. c. Ang tapat at wagas na pag-ibig kailanma’y di mapaghihiwalay ng kamatayan. d. Na kapag kayo ang pinagtiyap ng Diyos, sa wakas kayo pa rin. e. Kung may tiyaga, may nilaga. f. Kapag puno na ang salop dapat nang kalusin 2. Anong bahagi sa dula ang nagbigay sa iyo ng aliw? a. Mga tagpong katawa-tawa b. Patulang bahagi na hinahaluan ng awitin. c. Ang paksa na hango sa tunay na buhay. d. Mga seryosong tagpo.- Ngayon naman, iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasaiyong guro. Tingnan ko kung talagang nauunawaan mong mabuti ang araling ito. Gaano ka na kahusay?Piliin ang titik ng wastong sagot.1. Nakahahambal ang ayos ng mga bilanggo. Ang kahulugan ngnasasalungguhitang salita ay ____d. nakasusuka c. nakadidirie. nakaaawa d. nakagagalit2. Ang mga ito’y gawa ng mga kurang sukaban. Ang ibig sabihin ng salitang sukaban ay ______a. malupit c. bastosb. taksil d. hunghang3. Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala. Ang pahayag na ito’y nangangahulugang ____a. ang nagsasalita’y patay nab. ayaw pa niyang mamatayc. ibinigay na niya kay Bathala ang kanyang buhay. 28

d. nangako siya kay Bathala na magbubuwis siya ng buhay4. Ang nagbunsod kay Tenyong upang maghimagsik ay ____ a. pagkamatay ng ama b. sobrang pagpapahirap ng mga prayle c. pagpapakasal ni Julia d. pang-aabuso ng mga prayle5. Para kay Juana, sa pagpili ng mangingibig kailangang paghariin ang _______ a. puso b. isip c. mata d. lahat ng nabanggit6. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalitang ________ a. namatay ang inang si Kapitana Putin nang araw na umalis ito b.ikakasal siya kay Miguel c.a & b d.wala sa nabanggit7. Sa akdang “Walang Sugat” inilarawan ang ___ a. kagalingan ng pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas b. kahinaan ng pamamahala ng mga Kastila c. kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga Pilipinong wala namang pagkakasala d. kabaitan ng mga Kastila sa mga Pilipino8. Ipinakita rin dito ang paghahari ng ____ a. dominanteng uri/mayayaman b. aping uri/mahihirap c. mga maghihimagsik d. wala sa nabanggit9. Nakasal si Julia kay Tenyong sa tulong ng Heneral ng mga Katipunero. Sa pangyayaring ito napatunayan ang kasabihang ______ a. kapag may tiyaga, may nilaga b. Tuso man ang matsing napaglalalangan din c. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa d. Walang imposible sa daigdig 29

10. Iniwan ni Tenyong ang mga mahal sa buhay upang tugunin ang panawagan ng Inang Bayan. Sa ginawang ito ni Tenyong, masasabing siya’y____ a. makaina b. huwaran c. mabuting mamamayan d. makabayan -Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Kung ang iyong iskor ay 7-pataas. Binabati kita, lubos mong naunawaan ang aralin.Kung 6 pababa naman ay isagawa mo muna ang susunod na gawain.Paunlarin mo… Anong kaisipan ang nilinang ng dula? Anong mga detalye ang sumusuporta sa mgakaisipang ito? DetalyeKaisipan Detalye Detalye -Inaasahan kong naging mabunga ang pag-aaral mo sa modyul na ito.Hanggang sa muli. 30

Modyul 4 Susi sa PagwawastoIV. Ano Na Ba Ang Alam Mo1. a 6. a2. a 7. c3. b 8. a4. c 9. a5. c 10. c1. Alamin mo…1. B 5. A2. E 6. G3. C 7. J4. H3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlingguistika 1. D 6. C 2. E 7. H 3. G 8. B 4. J 9. K 5. A 10. F 1. d 5. e 2. g 6. b 3. a 7. c 4. f b. Pagsusuring Pangnilalaman 1. C 6. F 2. I 7. H 3. E 8. B 4. J 9. A 5. D 10. G Mga Kaisipan: 1, 2, 3, 6 c. Pagsusuring Pampanitikan 1. a, c 2. a, 31

1. a, c 2. a, b 3. c 4. a, b, c, e d. Halagang Pangkatauhan A, B, D, E, G, H, I4. Palalimin mo…1. ♥ 6. ♥2. ♥ 7. ο3. ♥ 8. ♥4. ο 9. ο5. ο 10. ♥5. Gamitin mo… 1. d 2. a, c6. Sulatin mo… 7. j 1. d 8. c 2. h 9. i 3. a 10. f 4. c 11. l 5. g 6. b7. Lagumin mo… 1. a, b, d 2. a, bVI. Gaano Ka Na Kahusay?1. b 6. a2. b 7. c3. c 8. a4. a 9. b5. b 10. dVII. Paunlarin Mo… Kaisipin: Kagitingin ng mga kawal na PilipinoDetalye 1: Nagkaisa upang labanan ang mga mapang-abuso at malupit na Kastila 2: Iniwan ang mga mahal sa buhay 3: Nakipaglaban sa mga Kastila para sa Inang Bayan 32

Modyul 5 Pagsulat ng Liham-Pangangalakal na Nag-aaplay sa Trabaho Tungkol saan ang modyul na ito? Sa tulong ng agham at teknolohiya, malayo na ang narating ng ating kabihasnan.Makabagong kagamitang nagpapadali ng mga gawain. Hindi naging mahirap angpakikipagkomunikasyon sapagkat maraming maaaring gamitin gaano man kalayo ang kinaroroonan.Nariyan ang internet, fax, cellphone, telepono liham at iba pa. Maraming nakapagtatrabaho sa ibangbansa, nakahihiling, nakapagtatanong, nakapag-aanyaya at iba pang bagay na may kaugnayan ditodahil lamang sa tulong ng iba’t ibang teknolohiya. Subalit, gaano pa man kamoderno ang sistema ngkomunikasyon, hindi rin maipararating sa kinauukulan kung hindi tayo marunong bumuo ng liham nanagsasaad ng mga bagay na nais nating iparating. Mahalagang malaman o matutunan ang mgaimpormasyong nararapat na maging sangkap ng liham na ipadadala upang makatiyak ng maagap napagtugon. Sinasabing salamin ng pagkatao ang liham. Mababakas dito ang pag-uugali ngsumulat sapagkat ito ang ekspresyon ng damdamin at kaisipan kaya’t kung liliham tayo, tiyakingito’y malinis at nasa maayos na kalagayan. Ano ang matututunan mo? Nakasusulat ng liham-pangangalakal na nag-aaplay sa trabaho 1

Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gabay sa pansariling pagkatuto ang modyul na ito. Gamitin mo ito bilang patnubay satulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang iyong paggamit, kailangangmaging malinaw sa iyo ang mga nararapat gawin. Huwag kang mag-alala, sundin mo ang mgasumusunod: 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok, ang bahaging “Anu-ano na Ba ang Alam Mo?” Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung nagkaroon ka man ng maraming mali, huwag mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Pag-aralan mo na ang paksang-aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo ang mga dapat gawin. 4. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging “Gaano ka na Kahusay?” Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng Susi. 5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Sagutan nang mabuti. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na papel o kaya ay notbuk. 6. Ang isang kaibigang nagmamalasakit ay dapat mong pahalagahan sapagkat mahalaga ka rin para rito. Ano ba ang alam mo? Huwag kang matakot sa pagsusulit na ito. Layon lamang nitong mataya ang dati monang kaalaman tungkol sa paksa. Handa ka na ba? Magsimula ka na! 2

Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang liham- pangkalakal na liham pag-aaplay. Isaalang-alang ang pagtatalata. Bilang lamang ang isulat.1. Teresa’s Flower Shop P.O. Box 1020 Manila2. 24 Dalaga Street Balut, Tondo, Manila Agosto 20, 20053. Ako po ay labing-anim na taong gulang at nasa ikaapat na taon ng mataas na paaralan. May karanasan po ako sa pagtatanim at pag-aalaga ng iba’t ibang uri ng halaman noong ako’y nakatira pa sa probinsya. Sa palagay ko po’y makatutulong ang karanasan kong ito sa pakikipag-usap sa mga taong namimili sa inyong shop.4. Lubos na gumagalang, Riza Polison5. Nabasa ko po sa pahayagan ang inyong anunsyo hinggil sa pangangailangan ninyo ng isang receptionist na tatao sa inyong shop kung Sabado at Linggo. Nais ko pong magpresinta sa trabahong iyon.6. Ginang:7. Makatitiyak po kayong magiging mabuti akong receptionist. Hinggil sa aking magiging kakayahang makisalamuha sa ibang tao, makapagtatanong po kayo sa prinsipal ng aming paaralan, si G. Teofilo del Mundo, at aking gurong tagapayo na si Bb. Emerlita Bulacan ng Mataas na Paaralang Gregorio Perfecto.8. Sanggunian: Gng. Eugenia R. Gorgon Prinsipal, G. Perfecto High School Ricafort St., Tondo, Mla. Gng. Jean Marquez Barangay Chairwoman 373 Zone 38 Tondo, Manila Nakahanda po akong makipanayam sa inyo sa anumang oras na inyong naisin. 3

Iwasto mo ang iyong mga sagot. Tutulungan ka ng Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro.ARALIN 1: Paglalapat ng mga Batayang Kaalaman at mga Tiyak na Pamantayan sa Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Liham- pangangalakal Anu-ano ba ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunodna kasanayan. 1. Nakikilala ang iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal 2. Nakapaghahanay-hanay ng mahahalaga at magkakaugnay na impormasyon 3. Natutukoy ang mahahalagang detalye o impormasyon sa binasa 4. Nakapagbibigay-reaksyon sa isang tiyak na modelo Anu-ano ang mga tiyak na alam mo? Bawat liham na ating ginagawa ay may iba’t ibang bahagi. Alam mo ba ang mga ito? Piliin sa ibaba ang salitang tumutugon sa bawat bahagi ng balangkas ng liham 1. _________ _________ _________ 2. _________, 3. _______________________ _______________________ _______________________ 4

4. __________,5. __________Mga Pagpipilian:Tirahan PetsaPamuhatan Bating PangwakasLagda Katawan ng LihamBating Pambungad Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito sa . Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Sa hirap ng buhay ngayon, maraming naghahanap ng trabaho subalit walangmapasukan. O, kung mayroon man, masyado silang mapili. Ang gusto’y sa malalakingtanggapan at ayaw sa mga ordinaryo lamang. Sa tulad mong mag-aaral, maaari ka ring kumitakung sasamantalahin ang pagkakataon. Maliit nga lamang ang suweldo subalit malakingtulong naman sa kabuhayan. Basahin mo ang anunsiyong matatagpuan sa kasunod na pahina. Gugustuhinmo bang magtrabaho sa ganitong uri ng hanapbuhay? Subukin kung masasagot mo ang mga katanungang may kaugnayan dito. 5

Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na katanungan. 1. Ang trabahong papasukan ng mag-aaplay ay __________ 2. Ang bag ay gawa sa __________ 3. Kung hindi makatatawag sa telepono upang makausap ang may-ari, maaari namang __________ 4. Magsisimula ang trabaho sa __________ 5. Ang anunsyo ay nakasulat sa __________ Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro. Gawain 1: Pagkilala sa iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal Marahil ay naitanong mo: “Bakit kailangan pa akong mag-aral sumulat ng liham-pangangalakal? Hindi naman ako mangangalakal!” 6

Hindi nangangahulugang ang mga mangangalakal lamang ang kailangang mag-aralsumulat ng liham-pangkalakal. Maraming pagkakataong kailangan mong magsanay sa pagsulat ngganyang uri ng liham. May iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal. Pag-aralan mo ang halimbawa ng bawatisa at alamin kung anu-ano ang pagkakaiba ng bawat isa. Liham sa patnugot- layunin ng liham sa patnugot ay makapagmungkahi ng mga bagay na makapagpapabuti sa mga pamamalakad, kilusan, patakaran o kalagayan ng iba’t ibang larangan ng buhay maging ito’y pampamahalaan, panlipunan, pampaaralan, pansining o pang-agham. Kung minsan, sumasalungat o tumutuligsa sa isa o ilang bahagi ng isang isyu na sa palagay ng sumulat ay labag sa kapalaran ng maraming mamamayan. May mga pagkakataong nag-aanyo ito na papuri o dumadakila sa magigiting na lider- sibiko, pinuno ng pamahalaan, mga manunulat, pintor at iba pang alagad ng sining. Liham-kahilingan- ang intensyon ng ganitong uri ng liham ay magpahayag ng isang tiyak na kahilingan. Nakasaad dito nang malinaw kung ano ang hinihiling at kung bakit ito hinihiling. Kailangan ding banggitin ang posibleng maging bunga kung ipagkakaloob ng sinulatan ang kahilingan ng sumulat. Lihim-subskripsyon- ang liham na ito’y ipinadadala sa mga tanggapan ng mga pahayagan, magasin at komiks. Humihingi ito na padalhan ang lumiham ng babasahing lilimbag ng isang publikasyon sa loob ng panahong hinihiling niya na babayaran ayon sa itinakda ng publikasyon. Liham-pag-aaplay- intensyon ng ganitong uri ng liham na makapasok sa trabahong nais aplayan. Dapat na maging maayos ang pagkakasulat nito dahil ito ay nag-iiwan ng magandang impresyon na nagnanais maglingkod. Liham-pagtatanong- ang ganitong uri ng liham ay may intensyong maglinaw ng mga tiyak na impormasyon mula sa mga eksperto. Bahagi ng paglilinaw na gagawin ang paghingi ng mga kaukulang dokumento sa ikalilinaw ng isyung tinatanong. Liham-pahintulot- ang intensyon ng ganitong uri ng liham ay magpahayag ng isang tiyak na kahilingan. Nakasaad dito nang malinaw kung ano ang hinihiling at kung bakit ito hinihiling. Kailangan ding banggitin ang posibleng maging bunga kung ipagkakaloob ng sinulatan ang kahilingan ng sinulatan. 7

Liham-paanyaya sa isang panauhin- ang mga impormasyong dapat taglayin ng liham na ito ay matapat, malinaw at maayos upang maging handa ang inaanyayang panauhin. Liham sa puno ng barangay- ang liham na ito’y matapat, magalang at maayos na isinusulat. Ito’y maaaring humingi ng tulong, naglalahad ng suliranin, nangangailangan ng aksyon, nagpapasalamat o bumabati sa nagawang tulong ng lider. Naunawaan mo ba ang mga kaalamang inilahad ko? Kung mayroon kang hindinaunawaan, muli mo itong balikan at basahin upang maging malinaw ang lahat bago mo sagutin anggawaing inihanda ko para sa iyo. Handa ka na ba? Maaari ka nang magsimula! Panuto: Isulat kung saang uri ng liham mababasa ang mga sumusunod na pahayag. 1. Ako po ay labing-anim na taong gulang at kasalukuyang nag-aaral sa Mataas na paaralang Magsaysay. 2. Dito po sa aming pook ay napakaraming mga kabataang tumigil sa kanilang pag-aaral. Kadalasa’y maghapon silang nakaistambay sa kalye kaya hindi maiwasang sila ang karaniwang pinagmumulan ng gulo. 3. Nais ko pong ipaabot sa inyong tanggapan ang pasasalamat dahil sa pagtalakay ninyo sa karagdagang buwis na nais ipataw ng pamahalaan sa mga alak at sigarilyo. Panahon na upang mamulat ang ating mga mamamayan sa iba’t ibang sakit na dulot ng mga bisyong ito. Kung mataas nga naman ang presyo’y siguradong magdadalawang-isip na silang bumili. 4. Kayo po ang napili naming anyayahan dahil batid po namin ang inyong kakayahan at lawak ng karanasan sa paksang tungkol sa mga batas sa paggawa. 5. Nais po sana naming magamit ang silid-aralan upang pagdausan ng halalan para sa kinatawan ng samahang Gabay ng Wika. Gawain 2: Paghahanay ng mahahalaga at magkakaugnay na impormasyon. Kung naging madali para sa iyo ang pagsulat ng liham-pangkaibigan, magiging madali rin sa iyo ang pagbuo ng liham-pangangalakal. Halos pareho ang anyo o bahagi subalit iba ang tono at nilalaman. Pormal ang liham-pangangalakal at iba-iba rin ang nilalaman ayon sa uri nito . Alam mo ba kung anu-ano ang bahagi ng liham-pangangalakal? 8

Basahin mo ang mga paliwanag sa ibaba upang maragdagan ang iyong kaalaman. 1. Pamuhatan- nasusulat dito ang numero, kalye at lungsod at ang petsa kung kailan isinulat ang liham. Halimbawa: 1004 Pilar St., Tondo, Manila Agosto 15, 2005 2. Patutunguhan- isinusulat sa bahaging ito ang pangalan ng sinulatan, katungkulan, departamentong nasasakop at kung saan ito matatagpuan (kalye at siyudad). 3. Bating pambungad- sinusulat sa bahaging ito ang pagbati sa taong susulatan. Halimbawa- Mahal na Gng. Reyes: Mahal na Dr. dela Cruz: 4. Nilalaman- nasusulat sa bahaging ito ang intensyon ng sumulat. Naaayon ito sa uri ng liham-pangangalakal. 5. Bating pangwakas- bating pagpapasalamat ng lumiham. Halimbawa: Lubos na gumagalang, Pauline Garcia 6. Pangwakas na pananalita- nasusulat dito ang paghiling sa pakikipag-ugnay. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Masasagot mo na kaya ang gawaing inihanda kopara sa iyo? Magsimula ka na! Panuto: Isulat sa dayagram na matatagpuan sa kasunod na pahina kung saang hanaynabibilang ang mga sumusunod na impormasyon. 1. G. Cristobal Perez Punong Barangay Baranggay 373, Sona 38 2. Mahal na G. Perez: 9

3. Lubos na gumagalang,4. Hinihiling ko po, sampu ng mga kaibigan namin dito sa aming pook, na kung maaari ay magtayo kayo ng isang Center para sa mga kabataang huminto na sa pag-aaral.5. Salvador Villanueva Pangulo, Samahan ng mga kabataan6. Kami po ay umaasang inyong pauunlakan ang aming kahilingan.7. 2005 Tayuman St., Sta. Cruz, Manila Agosto 20, 2005 PangwakasPamuhatan Patutunguhan Bating Nilalaman na Bating Lagda Pamdungad Pananalita PangwakasGawain 3: Pagtukoy sa mahahalagang detalye o impormasyon sa binasa Panuto: Basahin muna ang liham-pag-aaplay. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan sa kasunod na pahina. Blk. 38, Lot 17 Area 3 Bgy. San Miguel I Dasmariñas, Cavite Santos Engineering Fairview, Quezon City Mahal na Ginoo: Nabasa ko ang inyong palathala sa Daily Bulletin, Hulyo 10, 2005 na nangangailangan kayo ng mekaniko. Nais ko po sanang mamasukan sa inyong tanggapan. Nag-aaral po ako ng pagmemekaniko sa Guzman Institute of Technology at nakapagtrabaho bilang mekaniko sa loob ng 2 taon sa Motorworks na matatagpuan sa Tundo, Maynila. 10

Handa po akong humarap sa inyong interbyu sa araw at oras na inyong itatakda. Lubos na gumagalang, Cesar Domasian 1. Ang sumulat ng liham ay nakatira sa __________ 2. Ang kumpanyang sinulatan ay matatagpuan sa _________ 3. Nabasa ng sumulat ang anunsiyo noong __________ sa pahayagang __________ 4. Ang papasukang trabaho ay __________ 5. Ang sumulat ay nakaranas nang makapatrabaho bilang mekaniko sa tanggapang__________ 6. Ang pangalan ng sumulat ay __________ 7. Ang uri ng liham-pangangalakal na nabasa ay isang __________ 8. Ang bahagi ng liham na binasa ay binubuo ng __________ 9. Ang dapat na paghandaan ng sumulat sa pakikipagharap sa may-ari ng tanggapan ay __________Gawain 4: Pagbibigay ng reaksyon sa isang tiyak na modelo Setyembre 5, 2005 Dr. Dolores S. Abad Puno, Sangay ng Edukasyong Sekundaryo Pambansang Punong Rehiyon Kagawaran ng Edukasyon Misamis St., Quezon City Mahal na Dr. Abad: Sa ngayon po ay kumukuha ako ng Bachelor of Science in Education sa Philippine Normal University. Ako po ay nagpapakadalubhasa sa Filipino. Bahagi po ng aking pag-aaral ay pagtuklas sa mga naging epekto ng patakarang bilinggwal sa pagtuturo ng Filipino sa hayskul. Sanhi po nito, nais ko po sanang magkaroon ng kabatiran kung ako ay may mga mga talang makukuha sa inyong tanggapan tungkol sa nabanggit na paksa. Nais ko rin po sanang mabatid kung mayroon na pong mga kaukulang batas na ipinatutupad tungkol dito. Batid ko po na kayo’y lubhang abala sa inyong mga gawain subalit ang inyo pong kasagutan sa aking mga tanong ay makapagbibigay sa akin ng mga sapat na impormasyong kailangan sa aking pag-aaral. Sana po ay huwag ninyo akong bibiguin. Umaasa at nagpapasalamat, 11

Arturo S. Cabuhat Mula sa “Komposisyon… Sumulat ka” Ikaapatna na taon ni: Arturo S. CabuhatPanuto: Piliin at isulat ang letra ng pinakawastong sagot sa bawat bilang1. Ang binasang liham ay liham-pangangalakal na: a. humihingi ng pahintulot b. naglalahad ng suliranin c. nagtatanong sa isang eksperto d. humihiling ng trabahong mapapasukan2. Alin sa mga sumusunod ang nararapat ilagay o isulat pagkatapos ng bating pangwakas atlagda? a. patutunguhan c. sangguniang tao b. katungkulan d. hanapbuhay3. Sa simula pa lamang ng pangungusap ay mahihinuha nang ang sumulat ay isang taong: a. matalino c. mapagpaumanhin b. masipag d. magalang4. Ano ang maaaring isulat sa itaas ng petsa? a. 1420 Molave St., Tondo Manila b. Manila Science High School P. Faura, Taft Ave., Manila c. Western Police Dept. U.N. Ave., Manila d. Philippine General Hospital Cor. P. Faura, Taft Ave., Manila5. Ang mga pahayag ng sumulat ay may himig: c. pakikiusap a. pagmamakaawa d. pagpapakababa b. pagdaramdam6. Nagtatanong ang sumulat tungkol sa paksang kanyang sasaliksikin upang: a. magbakasakali c. makauna b. makatiyempo d. makatiyak7. Ang sumulat ay gumamit ng salitang: c. matatalinghaga a. malalalim d. kolokyal b. payak 12

2. Lagumin mo… Subukin mo kung gaano ang kaalamang iyong natutunan sa mga isinagawanggawain sa pamamagitan ng pagsagot sa pagsasanay na aking inihanda.Panuto: Basahing mabuti ang halimbawang liham-pangangalakal. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan. Letra lamang ang isulat.1388 Pagkakaisa St.,Makati, RizalAgosto 27, 2005Ang PatnugotThe Philippine PanoramaMahal na Ginoo:Ang pelikula ni Lino Brocka, Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag ay isangpambihirang paglalahad ng katotohanan. Inilarawan ang tunay na Maynila.Nagtagumpay ang palabas at nagbigay ng malaking karangalan sa Pelikulang Pilipinohindi dahil sa husay ng kanyang mga artista kundi dahil sa diwa at sa namatnugot nito.Ipinamalas ang kahalayan sa gitna ng isang trahedya. Patuloy na ang pag-unlad ngating pelikula at unti-unting nawawala ang maraming iyakan at sa wakas, nagkaroonng matataas na uri ng trahedyang batay sa mga kauri nito sa Gresya.Bagama’t may kahinaan ang palabas, gaya ng pagkahumaling sa homosekswal,mababagal na mga tagpo, maraming paulit-ulit na flashback, at ang ingay ngpagpapatayo ng gusali na nakagagambala sa mga diyalogo, ang pelikula ay mabisangpaglalahad ng kapalaran ng mga manggagawa, ng mga umaalingasaw na amoy ng tao,ng hiyawan sa mga grasang pintura ng lunsod sa araw. Malungkot nga ang Maynila,subalit sa labis na sigla ng direktor, ang tubig, ang wika nga ay tumapon sa baso.Iniwan ng mga manonood ang teatro nang may lumbay sa panimdim.Kapuri-puri ang mga artista at kapani-paniwala ang kanilang pagganap. Bagamat siRafael Rocco ay baguhan, napaniwala niya ang mga manonood sa kanyang kahusayansa pagganap. Gaya ng iba pang pelikula ni Brocka, ang Maynila: Sa Kuko ng Liwanagay nakaantig ng damdamn at naanod ang manonood sa pagdidilidili.1. Wala pang kapantay ang Tinimbang ka Ngunit Kulang,a. puno ng barangay c. pagpupurib. patnugot d. paanyaya2. Ang layunin ng liham ay: c. magbigay-puna a. magbigay-papuri d. magpaunawa b. magmungkahi 13

3. Binanggit sa liham ang: a. kalakasan at kahinaan ng palabas b. kabutihang dulot sa buhay c. katangian ng industriyang Pilipino d. kaunlaran ng mga pelikulang Pilipino4. Ang unang talata ay tumalakay sa: a. pagsulong ng mahuhusay na pelikula b. pagpapahalaga sa pelikula c. pagpuna sa magagandang bahagi ng pelikula d. pagpapabuti ng mga pelikula5. Ang nagsulat ng liham ay nagmula sa: c. Panorama a. Rizal d. Maynila b. patnugot6. Ang talatang bumubuo sa liham ay: c. 5 a. 3 d. 6 b. 47. Ang mga sumusunod ay binanggit sa liham maliban sa: a. Maihahanay na ang ating mga pelikula sa gawa ng Gresya. b. Inilarawan sa pelikulang “Maynila: Sa mga Kuko ng Liwanag” ang tunay na larawan at kalagayan ng siyudad na ito. c. Itinampok sa pelikula ang kapalaran ng mga manggagawa, mga mapagsamantalang mangangalakal at patuloy na paghihirap ng mga mamamayan. d. Mahusay ang pagkakaganap ng mga artista sa papel na kanilang ginampanan.8. Inilahad ng sumulat ang kanyang saloobin ayon sa: a. pagpapangkat-pangkat ng kaisipan b. sanhi at bunga ng mga pangyayari c. kaugnayan ng mga impormasyon sa paksa d. paglalarawan ayon sa emosyon9. Nasunod ng liham-pangangalakal ang wastong sangkap nito:a. sumasang-ayon c. labis na di-sumasang-ayonb. di-sumasang-ayon d. labis na sumasang-ayon10. Kung ikaw ang magwawakas ng liham, alin sa mga sumusunod ang sa tingin mo ang angkop sa liham-pangangalakal na ito? a. Karapat-dapat lang papurihan ang lahat ng mga taong nasa likod ng pelikulang “Maynila….” b. Panoorin ninyo ang pelikulang “Maynila…” tiyak na di kayo magsisisi 14

c. Subukan ninyo at mapatutunayan ninyo ang lahat ng aking sinabi d. Ito lamang ang pelikulang tutugon sa inyong panlasa.2. Subukin mo… Panuto: Isulat kung anong uri ng liham-pangangalakal ang nararapat na isulat ng taong nahaharap sa iba’t ibang sitwasyon o kalagayang binabanggit sa mga sumusunod na bilang. 1. Nabasa niya sa pahayagan ang isang anunsiyo tungkol sa pangangailangan ng tagapagtinda sa isang panaderya. Bakasyon naman, wala siyang ginagawa at nais niyang kumita. 2. Naghahanda ang mga mag-aaral para sa pagdiriwang ng palatutunan ng Buwan ng Wika. Isa sa kanilang problema ang pagkuha ng panauhing tagapagsalita. 3. Laging marumi sa kanilang pamayanan. Hindi nahahakot ang mga basura kaya’t dumarami ang langaw. Alam nilang kapag nagpatuloy ang ganitong sitwasyon, tiyak na kakalat ang iba’t ibang uri ng sakit. Isang tao lamang ang alam nilang makatutugon sa kanilang suliranin. 4. Nais ng mga mag-aaral na magdaos ng pulong sa awditoryum ng paaralan. Alam nila ang prosesong nararapat isagawa upang maisakatuparan ang kanilang plano. 5. Nagustuhan niya ang nilalaman ng magasing kanyang binasa. Nais din sana niyang magkaroon ng kopya sa bawat buwan. Nabasa na niya kung magkano ang dapat ibayad sa kompanyang naglilimbag nito. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro.3. Paunlarin mo… Panuto: Isulat ang letra ng wastong sagot na makikita sa kasunod na pahina na tumutugon sa iba’t ibang uri ng liham-pangangalakal na isinasaad ng bawat bilang. 1. Hinihingi ko po ang inyong kapahintulutang magamit ang inyong aklatan upang makapanaliksik. 2. Nais ko po sanang magkaroon ng kabatiran kung ako po’y may makukuhang impormasyon sa inyong tanggapan tungkol sa talambuhay ng mga piling manunulat noong pagkatapos ng himagsikan. 15

3. Nais ko pong magkaroon ng sipi ng babasahin ninyong Banawag. Kalakip po ng liham nito ang tsekeng may halagang P200 gaya nang halagang inyong itinakda. 4. Sana’y maaksyunan po ninyo ang suliraning iniluhog namin upang maging mapayapa at ligtas sa kapahamakan ang lahat ng mamamayang inyong nasasakop. 5. Lubos naming ikasisiya ang inyong pagdalo sa pagdiriwang ng aming Foundation Day. Pagpipilian: A. Liham sa patnugot B. Liham-kahilingan C. Liham-subskripsyon D. Liham-pag-aaplay E. Liham-pagtatanong F. Liham-pahintulot G. Liham-paanyaya H. Liham sa puno ng barangayARALIN 2: Pagsulat ng isang Liham-pangangalakal na nag-aaplay Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunodna kasanayan. 1. Naisasagawa ang pagsulat ng isang liham-pangangalakal na nag-aaplay sa tulong ng kaalaman sa wastong pormat at nilalaman 2. Nagagamit nang wasto ang mga kaalaman sa: 2.1. wastong gamit ng bantas 2.2. wastong baybay 2.3. kawastuang gramatikal 3. Nakasusunod sa tiyak na modelo 4. Nakasusulat ng isang maayos na liham-pangangalakal na nag-aaplay Anu-ano ang mga tiyak na alam mo? 16

Ang isang taong nag-aaplay ng trabaho ay kailangang gumawa ng isang “bio-data”. Dito isinusulat ang mga personal na datos gaya ng pangalan, tirahan, pag-aaral, atkaranasan sa trabaho. Nakakita ka na ba ng halimbawa nito? Alam mo ba kung ano ang pormat nito? Sagutin at punan mo ang may tsek ( / ) ng kinakailangang impormasyong makikita saibaba ng hinihingi sa bio-data upang malaman kung gaano kalawak ang iyong kaalaman tungkol dito. Handa ka na ba? Magsimula ka na!I. Mga Datos na Personal A. Pangalan: _____/____________/______________/__________________ (Apelyido) (Pangalan) (Gitnang Pangalan)B. Tirahan: ______/________ _______/________ ______/________(numero) (kalye) (lunsod)C. Petsa ng kapanganakan: _____/_____ ____/______ ____/______ (buwan) (araw) (taon)D. Katayuang Sibil: __________ Lahi: ________E. Taas: _______ Timbang: _____F. Mga Magulang: Ama: ___________________ Hanapbuhay: _____________ Ina: ____________________ Hanapbuhay: _____________II. Pag-aaral Paaralan A. Elementarya: _________/_________ Taon nang matapos: __/___ B. Sekundarya: _________/__________ Taon nang matapos: __/___ C. Kolehiyo: ________________ Kurso: ______________ D. Mga Karangalang Natamo: 1. ___________________________________ 2. ___________________________________ 17


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook