Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 1

FILIPINO 4 part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:28

Description: FIL4part1

Search

Read the Text Version

Modyul Mga Kasanayan Blg. Pagsasalita Pagbasa Pagsulat Pampanitikan Pamagat Genre2 Naipaliliwanag Nabibigyan- Nakasusulat ng i Nasusuri ang Kay Liham ang kahulugan ang isang talata akda batay sa Estella kahalagahan ng mga pahayag tungkol sa paglalarawan ng Zeehandelaar pagmamala- at mga salita paglalarawan tauhang babae sakit sa na ginamit sa ng katangian sa akda karapatan ng akda ng kadakilaan kapwa ng isang babae Natutukoy ang mahahalagang detalye at kaisipan sa akda Natutukoy ang Naibibigay ang Naisusulat ang Nasusuri ang Si Kesa at Maikling Kwento kahalagahan kahulugan ng tungkol sa kwento batay Si Morito ng pag-iingat sa pahiwatig sa pagkakaiba ng sa paglalarawan dangal o akda mga babae ng tauhang kapurihan ng noon at ngayon babae at lalaki isang tao Nailalahad ang mahahalagang impormasyon ukol sa kwento 39

Modyul 8 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Romantesismo at Eksistensyalismo Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Sadyang inihanda para sa iyo ang modyul na ito. Marami kangmatututuhan sa mga aralin. Alam kong pinagsikapan mo na masagot ang bawat gawain. Kungnaibigan mo ang mga nakaraang akda, tiyak na lalo mong magugustuhan ang dulang babasahin mongayon. Mayroon ka na bang namasid na may kapansanan? Marahil mayroon nga. At kundi mansila bulag, pilay, pipi o bingi, matatag at malakas ang loob ng mga iyan. Karaniwan sa kanila aymakikita mo sa daan nang nag-iisa. Ngunit may ilan namang tao diyan na ang tulad nila aysinasalbahe pa. Dahil kailangan nilang lumabas at makihalubilo sa iba napipilitan silangmakipagsapalaran ngunit ibayo rin ang kanilang pag-iingat. Ito ang paksa ng dulang inyongbabasahin. “Plop! Click! ni Dobu Kacchiri. Maiibigan mo ang kakaibang tema ng dulang ito. Ang isa namang kuwento na kasama ng modyul na ito ay “Aanhin Nino ‘Yan?” na sinulatni Vitas Manwat. Naniniwala ka ba na masarap mabuhay basta’t ang salaping iyongpinaghanapbuhayan ay mula sa malinis na paraan.. Napakasarap ding tumulong sa kapwa. Hindi salahat ng pagkakataon ay ang kumita ng pera ang iisipin. Ang nararapat ay bigyan ng pagkakataon angsarili na makapagpahinga at pag-ukulan ng pagmamahal ang pamilya. Sang-ayon ka ba rito? Ngunitmay isa pa ring pangyayari na nalagay sa panganib ang buhay ng pangunahing tauhan. Tiyak namaiibigan mo ang bahaging ito ng kuwento. Sino kaya ang magdudulot ng panganib? Iyan ang iyongtutuklasin! Ang iyong kaalaman sa pagsusuri—panlingguwistika, pangnilalaman at pampanitikan aylalo pang mahahasa sa araling ito. Maiuugnay mo rin ang mga dati mo ng kaalamang natutuhan.Kasama mo rin dito ang mga karanasang pansarili at pang-iba na maaari mong paghanguan ng iyongmga kasagutan. Tutulungan ka muli ng aking mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mongsagutin ang mga ito. Kaibigan, kaya mo ‘to. Handa ka na ba? Simulan mo na.

Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaking kapakinabangan sa iyo ang modyul na ito. Higit na magiging maayos angiyong pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto sa paggamit nito. Alam mo bang sadyanginihanda ito para sa iyo para madali ang iyong pagkatuto? 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit sa bahaging “Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot.. Hingin sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung marami kang mali. Tutulungan kang linawin ito sa “Pagpapayaman”. 3. Basahin mong mabuti ang mga akda. May mga kaugnay na gawain ang mga ito at iyon ang iyong isasagawa. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sa bawat aralin ay may mga pangwakas na pagsusulit, Sasagutin mo ang mga ito. Mayroon ding pagsubok sa kabuuan sa “Gaano Ka na Kahusay ?”. Ikaw ang magwawasto. Kukunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Nabanggit ko na sa iyo na kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong susulatan at ingatang huwag masira. 2

Ano ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat mo ang titik ng tamang sagot na nagbibigay-kahulugan sa mga ito.1. Parang mga trigong - nagbagsakan sa harap ng mga armas – pandigma ang mga nagaping sundalo. a. itinanim b. bumagsak c. nangamatay d. tumapon2. Kalunus-lunos ang pagdanak ng dugo noong panahon ng digmaan. a. maraming namatay b. tumulong dugo c. di mabilang na sugatan d. duguang sundalo3. Maraming oras ang nakabitin sa kanyang mga kamay kung kaya’t wala siyang panahong magliwaliw. a. maraming orasan na hawak. b. maraming gawain c. abala sa tungkulin d. hirap sa paghahanapbuhayIsulat ang titik T kung ang malupit na nagdaraan ang tinuran, M kung sina Koto atKikuichi at O kung si Nai Pan.4. pagpapatawad sa nagkasala5. pagtakas sa pinag-away na mag-amo6. pag-unawa sa lalaking desperadoIsulat ang titik N kapag ang pahayag ay katanggap-tanggap sa katotohanan at Y kung dikatanggap-tanggap.7. pamamasyal ng bulag sa malayong lugar8. pagpapakain ng walang bayad sa tuwi-tuwina sa mga mamimili9. pagtawid sa dagat ng dalawang bulag 3

Panuto: Piliin ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit. Titik lamang ang isulat. 10. Likas kay Koto ang magmagandang-loob, ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. tumulong b. magtiis c. magpakumbaba d. magkawanggawa 11. Pasanin ng mundo ang mga taong ayaw maghanapbuhay, ang kahulugan nito’y… a. kaisa b. sakim c. pabigat d. kaagapay 12. Di dapat pairalin ang karumihan ng isip sa pakikitungo sa mga taong naliligaw ng landas. Marumi ang isip ng tao kung: a. nag-iisip ng mabuti b. masamang paratang c. pagtitiwala sa iba d. pagsang-ayon sa sinabiARALIN 1: Plop! Click! Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Natutukoy ang mga pahayag na hyperbole/pagmamalabis 2. Naibibigay ang mga ideya/kaisipang nagpapakilala ng pagiging malupit/maawain sa kapwa 3. a. Nakikilala ang mga kaisipang batay sa teoryang Romantisismo b. Naipahahayag ang reaksyon sa kagandahan/kahinaan ng akda 4. Nahahango sa akda ang mga gawing pagkamaawain sa kapwa 4

5. Nakasusulat ng isang episod sa dramang napanood sa telebisyon Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Ayusin at buuin ang mga salitang nasa loob ng kahon upang mabuo ang diwang ipinapahayag. Bilang lamang ang isulat. may kapansanan di-pinababayaan 12 kahit kabuhayan 3 4 Nasagutan mo bang lahat ang gawain? Kayang-kaya mo hindi ba? Kunin mo saiyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan.2. Basahin mo… Isang libangan ang pagbabasa. Mahilig ka bang magbasa ng dula? Mapalalawak moang iyong kaalaman at marami kang matututuhan tungkol sa buhay. Napatawa ka na ba onapaiyak ng isang dulang binasa? Babasa ka ngayon ng isang dula na sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawain moitong mabuti. Maligayang pagbabasa! Plop! Click! Ni Dobu KacchiriMga Tauhan:KOTOKIKUICHIISANG NAGDARAANKOTO : Isa akong Koto na nakatira sa pook na ito. Ngayon tatawagin ko si Kikuichi para konsultahin siya. Nariyan ba si Kikuichi? 5

KIKUICHI : Nariyan na!KOTO :KIKUICHI : Nasaan ka?KOTO : Heto na ‘ko.KIKUICHI :KOTO : May mahalaga akong kailangan sa iyo. Dahil matagal na rin naman akongKIKUICHI : hindi nakalalabas ng bahay, ang daming oras na nakabitin sa kamay ko.KOTO : Gusto kong magbiyahe at nang makapagmasid naman ng mga tanawin.KIKUICHI : Ano sa tingin mo?KOTO : Sa totoo lang, imumungkahi ko nga sana sa iyo, Ekselenteng ideya.KIKUICHI : Ano pang hinihintay natin kung Ganoon. Maghanda ka ng sake.KOTO :KIKUICHI : Ngayon din, Nakahanda na ang bote ng sake.KOTO :KIKUICHI : Umalis na tayo agad. Halika na!KOTO : Nakahanda na ako.KIKUICHI : Ano sa palagay mo? Nagtatawanan na siguro ang mga taong makita ang dalawang paris natin na namamasyal at nagmamasid sa mga tanawin. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo. Wala naman sa palagay kong mag-iisip na para tayong gago. Kaya, kapag nararamdaman mong gusto mong magbiyahe, dapat lang na ilang ulit tayong magbiyahe. Nakabubuti iyon sa inyo, Amo. Nasa labas na tayo ng nayon. Marahil nasa gitna tayo ng bukirin. Ang lungkot dito. Nasa gitna nga tayo ng bukirin. Kapag nasa kapatagan ako, parang lumalawak ang aking puso at gumagaan ang pakiramdam ko. Gaya ng sabi mo, kasiya-siya ang magbiyahe. Makinig ka! Noon ko pa gustong sabihin sa iyo na hindi sa habambuhay ka na lamang umaawit ng mga maiikling awit o bumibigkas ng mga kuwento. Bakit di mo ensayuhin ang Labanan sa Heike, ang pamosong epiko? Gusto ko nga sanang hingin ang tulong mo tungkol diyan. Masuwerte na lang at ikaw mismo ang nagbukas tungkol diyan. Kung maituturo mo sa akin ‘yan, tatanawin kong malaking utang-na-loob. 6

KOTO : Ituturo ko kung ganoon. Wala rin lang tao sa paligid, bibigkasin ko sa iyoKIKUICHI : ang isang berso.KOTO : Sadyang kay buti mo. Sige, makikinig ako.KIKUICHI : “Umabot sa krisis ang labanan sa Ichi no Tani, at nauwi sa isang malakingKOTO : giyera. Natalo ang mga dakilang Hieke, at nagsisugod ang mgaKIKUICHI : mandirigma ng Genji—silang sabik sa kabantugan. Parang mga trigongKOTO : nagbagsakan sa harap ng mga armas-pandigma. Kalunus-lunos naKIKUICHI : pagdanak ng dugo! Walang katapusang kaguluhan! Putol ang baba ng ilan,KOTO : at ang iba nama’y talampakan. Sa gitna ng nakakukuliling mga daing atKIKUICHI : pananangis, pilit pinaglalapat ang kanilang mga sugatang talampakan saKOTO : duguang baba, ang sugatang baba sa duguang talampakan. Ay, kahabag-KIKUICHI : habag na tanawin! Tatlo o apat na raang mga mandirigma ang nagkalat saKOTO : kapatagan!…”KIKUICHI :NAGDARAAN: Kagila-gilalas palang talaga ang epikong ‘yan. Nagagalak akong marinig. Halika’t pumunta tayo doon sa malayu-layo pa. Sumunod ka sa ‘kin! Sige lang, sumusunod ako. Maraming bumibigkas ng Heike, pero wala akong alam na nakabibigkas ito nang mainam. Kaya kailangang pag-aralan mo itong mabuti. Iinsayuhin ko itong mabuti, at inaasahan kong tuturuan mo akong muli. Sakali’t maitalaga ako sa posisyon ng “Kengyo”. Gagawin kitang isang “Koto”. Napakabuti mo ngang talaga. Ano ‘yon? Nakakarinig ako ng alon ng tubig. Siguro’y malapit tayo sa dagat. Oo nga, pakiramdam ko’y dagat nga ‘yon. Kailangan nating tawirin ito. Ano’ng dapat nating gawin? Ano nga bang dapat nating gawin? (Sa mga manonood) Dito lang ako nakatira. Dahil sa may lalakarin ako sa kabila ng bundok, kailangan kong magmadali. Ano itong nakikita ko? Dalawang bulag ang nagbabalak lumusong sa dagat. Paano kaya nila magagawa ‘yon? Titigil muna ako rito at panonoorin sila pansumandali. 7

KOTO : Halika! Maghagis ka ng bato para matantiya natin ang lalim ng dagat.KIKUICHI :KOTO : Sige. Ayan, naghagis na ako. PLOP!KIKUICHI : Malalim doon.KOTO :KIKUICHI : Malalim na malalim doon.KOTO :KIKUICHI : Subukan mo sa ibang direksyon.KOTO :KIKUICHI : Sige. Ayan, naghagis ulit ako. CLICK!KOTO :KIKUICHI : Mababaw doon.KOTO :KIKUICHI : Mukha ngang mababaw doon.KOTO : Kung gayon, lumakad na tayo nang painut-inot. Halika na!KIKUICHI : Pero amo, teka muna sandali.KOTO : Bakit?KIKUICHI : Sandali, bubuhatin ko kayo.NAGDARAAN: Naku, hindi na kailangan. Basta sumunod ka sa akin.KIKUICHI : Pero kaya nga ako naririto para pagsilbihan kayo. Para na rin sa kabutihan ng aking kaluluwa. Hayaan niyo ng buhatin ko kayo. Hindi, huwag na. Dahil hindi ka rin nakakakita, baka maaksidente pa tayo. Maghawakan na lang tayo sa isa’t isa saka lumakad nang painut-inot. Pero ito ang pagkakataon ko para makatulong sa inyo. Kailangang mabuhat ko kayo sa aking likuran. O sige, sige. Dahil mapilit ka, papayag akong buhatin mo ako. Pero kailangang maghanda na muna tayo. Ihanda mo na rin ang sarili mo. Salamat, nakahanda na ako. Mautak ang mga bulag na ‘yon. Sinusubukan nila ang lalim ng dagat sa pamamagitan ng paghahagis ng bato. Masuwerte talaga akong aso. Ako ang magpapabuhat patawad sa dagat. (Papatong siya sa likod ni KIKUICHI) Humawak kayong mabuti. Ngayon sisimulan ko nang magpainut-inot sa dagat. Sana naman hindi masyadong malalim. Ayan nakarating na ako sa kabila. Nagawa ko ito nang walang kahirap-hirap, at natutuwa ako’t wala ring disgrasya. 8

NAGDARAAN: (Sa mga manonood) Hindi ko inaasahan ang suwerteng ito. Tuwang-tuwa ako.KOTO : Ano Kikuichi? Nakahanda ka na ba? Walang sumasagot? Hindi ko itoKIKUICHI : maintindihan. Ki-ku-i-chi! Na-sa-an ka?KOTO :KIKUICHI : Na-ri-to a-ko!KOTO : Bakit di mo pa ako buhatin patawid?KIKUICHI : Pero kabubuhat ko lang sa inyo.KOTO : Kabubuhat lang sa akin? Pero naghahanda pa lang ako. Hindi mo pa akoKIKUICHI : nabubuhat. Ang hayop na ‘yon mag-isa palang tumawid.KOTO : (Magmamadaling tumawid sa pinanggalingan) Kailan kayo tumawid naKIKUICHI : mula rito amo?KOTO :KIKUICHI : Kailan? Aba’t walanghiya ‘tong taong ito. Umaayaw na yata. Madali ka’tNAGDARAAN: buhatin mo na ako agad.KOTO : Hindi ko maintindihan ito. Di bale, tatawid na lang uli ako. Kumapit naKIKUICHI : kayo sa likod ko.KOTO : Huwag kang magalaw.KIKUICHI : Lalakad na ako nang painut-inot. Mukhang napakalalim dito. Basta mag-iingat ka at huwag kang masyadong magalaw. Opo, opo. Ang lalim naman nito! Naku, tulungan ninyo ako, saklolo! Nakakaaliw pagmasdan ang kawawang mga bulag! Nakakapanggalit itong nangyayari sa atin. Basang-basa na ako. Kaya nga ba tumanggi na akong pabuhat sa iyo noong una pa. Ipagpaumanhin ninyo. Patutuyuin ko kayo. Talaga namang nag-iingat ako, pero natalisod ako. Patawarin ninyo ako. Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon. May nangyari ba sa sake? Ano’ng sabi n’yo? Ah, ang bote ng sake. Heto, hindi nadisgrasya. 9

KOTO : Giniginaw na ‘ko. Tagayan mo ako.KIKUICHI :NAGDARAAN: Sige po.KIKUICHI :KOTO : Aba’t may isa pa pala akong suwerte. Ako’ng iinom noon.KIKUICHI :NAGDARAAN: Nagtatagay na po ako. Glug, glug!KOTO :KIKUICHI : Tama na ‘yan. Mawawala rin ang ginaw ko pag nainom ko na ito.KOTO :KIKUICHI : Sigurado, amo.KOTO : (Sa mga manonood) Ang sarap nito!KIKUICHI :NAGDARAAN: Ano na, Kikuichi? Bakit di mo ako tinatagayan?KOTO : Pero, katatagay ko lang po’t binigay ko sa inyo.KIKUICHI :KOTO : Iyon din ang aakala ko, pero wala ni isang patak ang baso ko.KIKUICHI :KOTO : Talagang hindi ko maintindihan ito. Magtatagay uli ako. Heto, pupunuin ko na ang baso.KIKUICHI : Sige, bilisan mo.KOTO : Eto na. Glug, glug! (Sa mga manonood) Aba’t may kasunod pa! Walang kasinsarap ang sakeng ito! Tama na ‘yan. Uminom ka rin nang kaunti. Puwede po ba? Salamat sa kabaitan ninyo. Napakasarap ng sake, di po ba? O, bakit hindi mo pa ako tinatagayan? Pero katatagay ko lamang po ng isang punong baso para sa inyo. Akala ko nga, pero ni isang patak, wala pa rin ang baso ko. Kamuhi-muhi kang tarantado ka. Ni isang patak di mo man lang ako pinatikim, kasi sinosolo mo’ng pag-inom. Naku, hindi ganyang magsalita ang amo ko. Bakit ko naman sosolohin ito nang hindi inuuna ang amo ko? Mali ang akusasyon ninyo sa akin. Nakadalawa na po kayong tagay. Aba’t talaga bang ginagalit mo ‘ko? Hindi ka lang gago, dinadaya mo ‘ko at 10

KIKUICHI : pinalalabas na iniinom ko’ng tinatagay mo nang di mo alam. Tagayan moKOTO : ako ulit.NAGDARAAN: Gusto ko po sana. Pero, ipagpaumanhin ninyo! Wala na pong natira.KOTO : Ano? Ni isang patak wala nang natira?KIKUICHI :KOTO : (Sa mga manonood) Talagang nakaaaliw ito. Pag-aawayin ko sila. Bang!KIKUICHI : Bang!KOTO : Aray, array ko! Aba’t sobra na ito. Matapos mo akong gawan ng inumin.KIKUICHI : Ngayon naman may gana ka pang bugbugin ako.KOTO : Ano’ng sabi ninyo? Bugbugin?KIKUICHI :KOTO : Sinaktan mo na ako, ulol!KIKUICHI :KOTO : Itinatabi ko lang po ang bote ng sake. Ni hindi nakaturo sa direksyon ninyoKIKUICHI : ang mga kamay ko.KOTO :KIKUICHI : A, hindi pala? At sino pang mananakit sa akin, aber? Sino, sabi?KOTO :KIKUICHI : Aray, array ko po! Inaakusahan n’yo na nga ako ng kung anu-anong hindiKOTO : ko naman ginagawa, ngayon naman sinasaktan n’yo pa ako. BakitKIKUICHI : binubugbog ninyo ang isang walang kasalanang katulad ko? Aba’t ni hindi nga nakatutok sa iyo ang mga kamay ko. Hindi nakatutok? Sino’ng nanakit sa kin? Magsalita kayo, sino pa? Aray, aray ko! Kikuichi, ano ba? Bakit mo ba ako sinasaktan? Nasa binti ko ang mga kamay ko. Nasa binti mo? Kaninong mga kamay ang sumuntok sa akin? Aray, tama na ! Huwag ninyong abusuhin ang inosenteng tulad ko, Amo. Ano? Abusuhin? Ano pa nga bang ginagawa ninyo? Ni hindi nga dumadapo ang mga kamay ko sa iyo. Di dumadapo? Kung gayo’y sinong nanununtok sa akin? Aray, ano ba? Aray ko po, tama na! 11

NAGDARAAN: Nakakatuwa talaga ito. Paiikutin ko sila sa iba’t ibang pakana. Pero teka! Aba’t tinutuluyan na nilang magsuntukan. Delikado na ang manatili pa rito. Kailangang makaalis na ako habang may araw pa.KOTO : Nauubos nang pasensiya ko. Hindi kita patatakasin lintik ka!KIKUICHI : Bakit ako sinasaktan?SILANG DALAWA: A-a-ray…KIKUICHI : Ikinahihiya ko kayo Amo. Hawak ko na kayo ngayon. Nagpapanggap lang pala kayong mabait. Santo-santito!KOTO : Huwag, sandali lang! Matapos mo akong bugbugin, tatakbuhan mo ako. Wala bang ibang tao rito? Hulihin n’yo siya, hulihin n’yo! Huwag n’yo siyang patatakasin! ---W A K A S--- Nasiyahan ka ba sa dulang binasa mo? Naramdaman mo ba ang emosyong nagharisa mga tauhan ng akda? Kung naunawaan mong mabuti ang binasang dula, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mga ito.Matutulungan ka nito kung uunawain mong mabuti ang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa mga tayutay na hyperbole o pagmamalabis na kungminsan ay mahirap unawain. Narinig mo na ba ang tungkol sa tayutay na hyperbole o pagmamalabis? Isa ito sanakatutulong upang maging masining ang akda. Tulad ng tayutay na hyperbole/pagmamalabis,ginamit ito sa akda upang bigyang-diin ang pagtukoy sa kahulugan na binibigyan ng labis-labisna paglalarawan. Naliwanagan ka na ba? Makatutulong ang iyong nabasa sa pagsagot mo sa unanggawain. 12

3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlingguwistika Panuto: Piliin mo ang titik na nagpapaliwanag sa sumusunod na mga tayutay na hyperbole/pagmamalabis. 1. mga trigong nagbagsakan sa harap ng armas-pandigma 2. pagdanak ng dugo 3. nakakukuliling na mga daing at panangis 4. nagkalat sa kapatagan Pagpipilian: a. maraming sugatan na namatay b. mga mandirigmang nangamatay c. hinaing at hinagpis ng mga sugatang nangamatay d. mga mandirigmang nangamatay at matatagpuan kahit saan. Madali lamang ang unang gawain kaya alam kong nasagutan mo ito. Kunin mo saiyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong ginawa. Ano ba ang pagkakaunawa mo tungkol sa dula? Kilos. Pananalita. Pangyayari.Suliranin. Kilos uli. Ito ang dula. Ang dula ay anyo ng panitikan na may katangiang kanyang-kanyalamang. Ang tunay na kariktan nito ay ipinakikita sa tanghalan. Ipinaririnig nito ang mga usapan atpinakikilos ang tauhang nagsisiganap. Pasalaysay na pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa dula ang banghay. Angmga kilos at insidenteng inilalarawan sa dula ay isinasalaysay ng mandudula. Nahahati ang banghaysa mga yugto. Ang dula ay karaniwang nahahati sa tatlo o dalawang yugto ngunit maaari ring lima ohigit pa. Nagtataglay ang lahat ng dula ng tunggalian, kaigtingan, kagila-gilalas napangyayari at kalutasan sa suliranin. O hayan, marami ka nang natutuhan tungkol sa dula. Tiyak na mawiwili kang magbasa nito dahil hahanapin mo na ang ukol sa mga kilos at insidenteng inilalarawan sa dula. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! 13

b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin ang mga ideya/kaisipang nagpakilala ng pagiging malupit/maunawain sa kapwa. Titik lamang ang isulat. Malupit na 1. nagdaraan 2. Pagsasamantala Pinag-aaway ang iba3. 4.Mga pagpipiliang sagot: a. pagsuntok sa dalawang bulag b. nagpabuhat patawid sa dagat c. tinakasan ang nag-aaway d. ininom ang buong sake ng dalawang bulag e. namasyal sa malayong lugar 14

Maawain (Koto at Kikuichi) 1 2 3 4 a. Makabayan b. paghingi ng paumanhin c. pagpapatawad sa iba d. matulungin e. pagpapatuyo sa nabasang amo Natutuhan mo ang ilang mga impormasyon tungkol sa dula. Alam kong nakatulongito sa iyo upang masagot mo ang gawain sa pagsusuring pangnilalaman. Ngayon, madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mauunawaan atmapahahalagahang mabuti ang isang akda kung alam mo ang kaisipang batay sa teoryangromantisismo. Narinig mo na ba ito? Madali lamang makilala ang teoryang Romantisismo, inspirasyon angpangunahing kasangkapan nito upang mabatid ng tao ang katotohanan, kabutihan o kagandahan. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isasalang-alang mo ang iyong natutuhan. Masasagot mo iyan. Subukin mo. 15

c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Tukuyin sa mga bahagi ng akda na nagpakilala ng di-pagtanggap sa katotohanan at hindi kapani-paniwala. Titik lamang ang isulat. 5 Dula 1 6 Di pagtanggap sa47 katotohanan Hindi kapani- 2 paniwala 3 8Mga Pagpipilian a. Pamamasyal ng bulag sa malayong lugar b. Pagtatalaga sa posisyong “Kengyo” c. Pagsali sa bigkasan d. Pagsisikap na gawing normal ang buhay sa kabila ng kapansanan e. Pagtawid sa dagat f. Magpainut-inot sa tagal g. Walang disgrasya h. Pagbubuhat sa likod 16

Madali mo bang nakilala ang teoryang Romantisismo. Tingnan mo nga kung tamanglahat ang iyong sagot. Itsek mo muli ito. 4. Palalimin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) ang mga pahayag na tumutugon sa mga pagbabagong naganap sa iyo matapos mong mabasa ang dula. 1. Nalibang ako sa binasang dula. 2. Naging maganda ang pananaw ko sa buhay. 3. Napag-isip-isip ko na hindi hadlang sa pagtatagumpay ang kapansanan. 4. Nagkaroon ako ng ideya kung paano pahahalagahan ang dula. 5. May epekto ang dula sa sarili kong pagbabagong pangkaisipan at damdamin. Tiyak na marami nang nabago sa iyo. Tama bang lahat ang sagot mo? Iwasto mo. 5. Gamitin mo… Panuto: Piliin sa susunod na oahina at isulat ang tamang sagot na pantulong na kaisipan na hinihingi sa dayagram. Titik lamang ang isulat sa iyong sagutang papel.Plop! Click! KAISIPAN Ang kapansanang pisikal ay hindi hadlang sa pagtatagumpay Pantulong na kaisipan 1 2 3 17

Mga Pagpipilian:a. Magandang kaasalan sa kapwab. Masinop sa mga gamitc. Nagsisikap gawing normal ang buhayd. Nabubuhay nang malinise. Nagpapalawak ng kaalaman Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tamang lahat ang iyong mga sagot. Hinginmo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Alam kong ginagawa mong lahat ang iyong makakaya para masagutan ang mgagawain. Ngayon naman susulat ka na. Tiyak na magugustuhan mo ang paksa at madali langito. Handa ka na? 6. Sulatin mo… Panuto: Sumulat ng isang episod sa dramang napanood sa telebisyon. Iugnay ang susulating katulad na episod sa buhay ng isang may kapansanan. Patunay lamang ito na di hadlang ang kapansanan upang matamo ang mithiin sabuhay. 7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek (/) sa tabi ng bawat bilang ang tumutugon sa mga matututuhan mo sa aralin.1. pagsusunud-sunod ng mga pangyayari2. nakatutukoy ng mga pahayag na hyperbole3. kaalaman sa teoryang romantisismo4. kahulugan ng dula5. kagandahan at kahinaan ng akda6. naisasadula ang piling bahagi ng akda7. nakikilala ang bahagi ng dula8. naipaliliwanag ang ilang bahagi ng akda na taglay ang tayutay na hyperbole9. maawain sa kapwa 18

10. di hadlang ang kapansanan sa tagumpa Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Kayang-kaya mong sagutin ang mga ito.Hiramin mong muli sa iyong guro ang mga kasagutan at iwasto mo ang iyong mga sagot. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong mga matututuhan sa aralingtinalakay. Unawain mo itong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na. 8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang kahulugan ng pahayag. Titik lamang ang isulat. 1. “Ang daming oras na nakabitin sa kamay ko” a. maraming orasan ang hawak b. abala sa tungkulin c. maraming gawain d. hirap sa paghahanapbuhay 2. Pero ang pagbibiyahe sa bagong lugar ang nakapagpapagaan ng pakiramdam bukod pa sa kasayahang nalalasap mo”. a. nakapagpapaluwag ng pakiramdam b. nakababawas ng sakit ng katawan c. nakapagpapaligaya ng kalooban d. nakapag-aalis ng sama ng loob 3. “Nagsisugod ang mga mandirigma ng Genji—na sabik sa kabantugan”. a. nagnanais na makilala ng madla b. naghahangad na magpasikat c. nagsisikap na magkapangalan d. nagpapamalas ng kasikatan 4. ”Ang malupit na nagdaraan ay mapagsamantala kaya .“ a. nagnakaw ng gamit b. nang-umit ng salapi c. nagpabuhat patawid sa dagat d. nanghingi ng peraPiliin ang angkop na sagot sa pahayag. Titik lang ang isulat. 5. Maawain si Kikuichi, nagawa niya ang bagay na ito sa kanyang amo. Anong bagay ang ginawa niya? a. pagbugaw ng lamok sa pagtulog b. pagpapatuyo sa nabasang amo c. pagpapainom ng tubig d. pagtulong sa pagbibihis 19

6. Si Koto ay gayundin. Tulad ni Kikuichi maawain kaya, naipakita niya ito nang: a. pinaalis ang kausap b. pinagbayad ng salapi c. pinalayas sa tirahan d. pinatawad ang utusan 7. Bahagi ito ng akda na tumutukoy sa di pagtanggap sa katotohanan a. pagkain nang nag-iisa b. pagsisikap na gawing normal ang buhay c. pagpapaakay sa pamamasyal d. pagsali sa dula-dulaan 8. Ang bahaging ito ng akda ay maituturing na di kapani-paniwala. a. pagtawid sa kalye b. pagpanhik sa mataas na gusali c. pag-inom ng sake d. pagtawid sa dagat 9. Sa kabuuan ng akda, anong pagpapahalagang kaasalan ang nais palutangin ng may-akda? a. pagkagiliw sa kapwa b. pagkamasunurin c. pagmamahal sa bayan d. pagkamaawain 10. Piliin sa pahayag ang gawaing pagkamaunawain. Titik lamang ang isulat. a. “Mabuti at nakadalo ka sa pagtitipong ito.” b. “Huwag kang mag-alala nauunawaan ko ang lahat.” c. “Bakit ngayon ka lang?” d. “Dapat mong gawin ay magsikap ka!” Mataas ba ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot, gawin mona ang susunod na aralin ngunit kung 6 pababa, may susunod ka pang gawain. Kaya mo ito sapagkatkaugnay pa rin ito ng araling pinag-aralan mo. Maaari mo na itong simulan. 20

9. Paunlarin mo… Panuto: Iangkop ang tema sa larawang nakapaloob sa literary poster (stick drawing) a. Tulungan ang may kapansanan b. Akayin ang may kapansanan c. Itawid sa daan ang may kapansanan d. Bigyan ng upuan ang may kapansanan e. Unawain ang may kapansanan Ano ba ang alam mo? Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng bawat pangungusap. Piliin at isulat angtitik ng tamang sagot ayon sa hinihingi ng bawat bilang. 1. “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.” Nais ipahayag ng pahiwatig na: a. ayaw niyang magtrabaho b. di lahat ng oras ay ilalaan sa pagkita ng salapi c. masarap matulog d. tinatamad siyang magtrabaho 21

2. “Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala” Ang ibig sabihin ng may salungguhit ay: a. patitikman ng tingga b. pakakainin ng mga bala c. babarilin d. papatayin sa saksak 3. Si Nai Phan ay kilala sa kanyang sinangag at kape at pagbubukas-palad.. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: a. maawain b. palakaibigan c. mabuting tao d. matulunginPagkilala kay Nai Phan bilang pangunahing tauhan: 4. Hanapbuhay – a. may sariling tindahan b. nag-oopisina c. naglalako ng paninda d. tagapagluto 5. Kalagayan sa buhay a. mahirap b. may sapat na salapi c. ubod ng yaman d. maraming utang 6. Paniniwala a. ibuhos ang buong panahon sa pagkita ng salapi b. di kailangan na kumita ng maraming salapi c. tulungan ang lahat ng nangangailangan d. pagbutihin ang pakikipagkapwa 7. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo, Sir?” tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabas ng baril ang estranghero. Mahihinuha na ang estranghero ay isang ____. a. pulis b. sundalo c. kagawad d. holdaper 22

8. Parang nakikipag-usap lang si Nai Phan sa estranghero. “Ibibigay ko sa iyo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa iyo dahil mukhang kailangang-kailangan mo.” Patunay ito na _______________ si Nai Phan. a. takot b. desperado c. kalmante d. padalus-dalos 9. Ano ang ipinarating na damdamin ng pangunahing tauhan sa mambabasa? a. pag-unawa sa kapwa b. pagtulong kahit kanino c. pagsisikap na mabuhay d. panatag na kalooban 10. Si Nai Phan ay isang taong taglay ang – a. katatagan ng loob sa oras ng panganib b. pagbibigay ng salapi sa nangangailangan c. pagpapakain sa nagugutom d. pangungutang ng puhunanARALIN 2: Aanhin Nino ‘Yan? Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunodna kasanayan1. Nabibigyang-kahulugan ang mga matalinghagang salitang ginamit sa akda2. Nasusuri ang tauhan batay sa kanyang mga saloobin at paniniwala3. Natutukoy at nabibigyang-halaga ang mga bahagi sa akda na nagpapakita ng kapangyarihan ng tao4. Napatutunayan na may kabutihan ding taglay ang mga naliligaw ng landas 23

5. Naibabahagi ang sariling panlasa sa akda at nakabubuo nang pasulat na balita hango sa paksa  Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Piliin ang titik ng mga angkop na reaksyon ng mga taong nakagawa ng kabutihan sa kapwa batay sa ulo ng balitang… “Taxi Driver, nagsauli ng isang bag ng dolyar” Naramdaman 1____________________________ 2____________________________ Iniisip 3____________________________ 4____________________________ Gustong Gawin 5_____________________________ 6_____________________________Mga Pagpipiliang angkop na reaksyon a. masayang pakiramdam b. ipagmamalaki ng kaanak c. pagkakatiwalaan ng iba d. magiging huwaran e. isauli sa tunay na may-ari 24

f. makilala ng tunay na may-ari Nasagutan mo bang lahat ang gawain? Kaya mo hindi ba? Kunin mo sa iyong guroang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo. 2. Basahin mo… Marami ka na bang nabasang kuwento? Maganda itong libangan, di ba?Bukod sa nadaragdagan ang iyong kaalaman, marami ka pang natututuhan tungkol sa buhay. Sa mgakuwentong iyong binasa, naranasan mo na rin ba na ikaw ay mapaiyak o mapatawad nito? Ngayon, isa na namang maikling kuwento ang iyong babasahin. Maiibiganmo ito. Unawain mo itong mabuti. Maligayang pagbabasa! AANHIN NINO ‘YAN ? Vilas Manwat Salin ni Lualhati Bautista Si Nai Phan ay isa sa mga sikat sa kapitbahayan. Hindi dahil isa siyang mananayaw na angpaa’y singgaan ng saboy ng bituin; hindi rin dahil ginawa niyang bukod-tangi ang sarili sa laranganng pulitika o panitikan. Marahil, ang kanyang talino sa pagsasangkap sa isang masarap na luto ngsinigang ang kanyang naging tuntungan sa kawalang-hanggan, pero kahit hindi naging katangi-tangiang nalalaman niya sa pagluluto, magiging tanyag pa rin siya dahil handa niyang pahintulutan angkanyang mga parukyano sa walang limitasyonng pangungutang. Mahilig siyang mamigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Mangyaripang dahilan ito lagi para magreklamo ang kanyang asawa, pero sasabihin niya “Ang dalawampungsatang na halagang matamis ay hindi ipinaghihirap ng pamilya”. Pag ang Than Khun , isang mataasna opisyal na naninirahan sa may iskinita, ay gusto ng isang masarap na kape, sasabihin nito sa anak:“Magdala ka rito ng kape mula sa tindahan ni Nai Phan. Marami siyang maglagay ng gatas; iisipinmong nag-aalaga siya ng baka para doon!” Sa iskinita ding iyon ay naninirahan ang isang lasenggo na hilig nang lumitaw sa kainan attumula ng mga berso mula sa kuwento nina Khun Chang at Khun Phaen; makikinig si Nai Phan nangtaimtim ang atensyon. Pagkatapos magpalabas, hihingi ang lasenggo ng isang libreng baso ng tsaangmay yelo, na malugod namang ipagkaloob ni Nai Phan, na may kasama pang doughnut parakumpleto. Pag maulan, sasabihin ni Nai Phan sa mga estudyanteng dalagita: “Mga binibini, nahihirapanna kayo sa pagtatampisaw sa putik. Mula ngayon, puwede n’yong bitbitin ang inyong sapatoshanggang sa aking tindahan at doon n’yo isuot”. Lagi niyang binibigyan ang mga ito ng malinis natubig para panghugas ng paa. 25

Pero eksaktong ikawalo gabi-gabi, isasara niya ang kanyang tindahan. Sasabihin sa kanya ngmga kaibigan niya, “Dapat kang magbukas at magsilbi sa gabi; diyan maganda ang negosyo, masmadali kang yayaman”. Masayang tatawa si Nai Phan at sasabihin,“Mas masarap matulog kaysa magpayaman nangmabilis”. Ang sagot na ito’y may pinupukaw sa puso ng mga nakakarinig na mas mayaman kaysa kayNai Phan, pero hindi pa rin kuntento sa yaman nila, bagkus ay nagkukumagkag pang makapagpundarng mas malaki pang kayamanan. Ang mga taong naninirahan sa iskinita, pauwi sa kani-kanilang bahay sa kalaliman ng gabipagkaraan ng maghapong ginugol sa paghahabol ng pera, ay makatatanaw kay Nai Phan na nakahiligsa kanyang maliit na silyang de-tiklop, kuntentong nakikipag-usap sa asawa. At maiisip nila sakanilang sarili: “Ang saya-saya nilang tingnan, malaya sa paghahangad sa kayamanan. Mas mabutipa sila sa amin”. Isang gabi ay nagpunta sa sinehan ang kanyang asawa, at nag-iisa si Nai Phan. Papadilim naat naghahanda na siyang magsara ng tindahan nang mabilis na pumasok ang isang kabataang lalaki. “Anong maipaglilingkod ko sa inyo, sir?, tanong ni Nai Phan. Sa halip na sumagot, naglabasng baril ang estranghero at itinapat iyon sa puso niya. Hindi ito maunawaan ni Nai Phan peronadarama niya na hindi maganda ang mga pangyayari. “Iabot mo ang salapi mo,” marahas na sabi ng kabataang lalaki. “Lahat, kung anuman meronka. Mukhang ang patayan ang uso sa mga panahong ito; nagbabarilan ang mga tao araw-araw. Pagpinatay kita, wala nang ispesyal d’on at pag napatay mo ‘ko, hindi na rin masyadong nakapagtataka,kaya bilisan mo na. Pag hindi ko nakuha ang salapi, patitikimin kita ng mga bala”. Hindi nanginig si Nai Phan. Kalmante siyang nakatayo at sabi niya sa tinig na parangnakikipag-usap lang ; “Ibibigay ko sa’yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo, ibibigay ko sa’yodahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon. Baka nakasalalay dito’y buhay at kamatayan. Eto…lahat ng perang meron ako ay nandito. Kunin mo na at umuwi ka na agad. Sinong nakakaalam?Siguro’y may sakit ang iyong ina; siguro’y maraming araw na siyang hindi tumikim ng pagkain.Bilisan mo; baka nga maraming taong naghihintay doon, iniisip kung pag-uwi mo na may dalangpera. Hindi ko sasabihin sa mga pulis. Mga siyam na raan ang cash dito; higit pa… kunin mo na”. Inilagay niya ang salapi sa mesa pero ang binatang holdaper ay tila hindi maglakas-loob nahipuin iyon. “Bakit hindi mo kunin?” tanong ni Nai Phan. “Tingnan mo, bakit kita lolokohin? Alam konghirap na hirap ka na. Hirap tayong lahat sa mga araw na ito. Hindi ako naniniwalang masama kangtao. Sino ang gustong maging magnanakaw kung maiiwasan niya? Maaari ding nagkaatake ang iyongama at kailangan mo siyang alagaan, dalhin mo sa kanya ang perang ito, pero wag mong ubusin lahatsa gamot. Maniwala ka sa akin, magagamot ng doktor ang katawan, pero kailangan ng tao ang lunaspati sa kanyang isip at kaluluwa. Bumili ka ng ilang mababangong bulaklak, isang kuwintas ngbulaklak para sa iyong ina na mailalagay niya sa harap ng sagradong imahen sa bahay. Iyon ang 26

ginagawa ko gabi-gabi. Hindi mo kailangang malaman kung ano ang kabanalan o kung saan itonananahanan. Sapat na ang makadama ka ng kapayapaan sa iyong sarili. Iyon ang langit. Ay! – atitabi mo ang iyong baril – giginhawa agad ang pakiramdam mo. Ang isang lalaking may dalang barilay hindi nakakilala ng kapayapaan, ang puso niya’y naghihirap sa takot at pag-aalinlangan, at saamoy ng panganib. Hindi tayo liligaya habang ang ating mga kamay ay nagsisikip sa mga sandata”. Inilagay ng kabataang lalaki ang baril sa kanyang bulsa, tulad ng isang masunuring bata.Itinaas ang mga kamay sa pagpupugay sa wari kay Nai Phan, na kilala sa kanyang sinigang at kapeat pagbubukas-palad. “Dapat na barilin ko ang aking sarili imbis na barilin ka,” sabi ng kabataang lalaki. “Huwag kang magsalita na parang baliw,” sabi ng tagapamahala ng tindahan, habang inaabotang pera sa binata. “Ito na lahat iyon. Dalhin mo, iyo nang lahat. Hindi ito pagbibigay na ginawa sagalit. Alam ko na puno ang mga bilangguan, pero hindi ng mga kriminal. Isa kang lalaking tulad ko,tulad ng ibang lalaki, kahit sinong lalaki, kahit isang ministro, ay ganyan din ang gagawin kungdesperado”. Naupo ang kabataang holdaper. “Hindi pa kita nakita kailanman, at hindi pa ako nakikitakailanman ng gaya mo kung magsalita. Hindi ko kukunin ang pera mo, pero itinabi ko na ang akingbaril. Ngayo’y uuwi na ako sa aking ina na gaya ng sabi mo,” umubo siya nang ilang ulit bagonagpatuloy. “Masama akong anak. Lahat ng perang ibinigay sa akin ng aking ina’y inubos ko sakarera ng kabayo; ‘yong kakaunting natira’y inubos ko sa pag-inom “Lahat ng tao’y nagkakamali. Ano ba ang buhay kundi magkakahalong eksperimento,pagkakamali’t mga kabiguan?” sabi ni Nai Phan. “Hindi malakas ang katawan ko, alam mo, “ pagpapatuloy ng kabataang lalaki. “Narinig moba ang ubo ko? Natatakot ako na may’ron na akong T.B. Iyon ang dapat sa akin, sa palagay ko, dahilmeron akong mga ginagawang masama – Dapat talagang mamatay na ako agad-agad. Hindi akodapat mabuhay, pasanin lang ako ng mundo. Salamat, at Paalam!” Walang pag-asang umiling ang kabataang lalaki. “Hindi ko alam kung saan ako pupuntangayon. Saan ako maaaring pumunta? Ano ang mga paniniwalaan? Hindi ko alam. Mukhang walanang ano pa man sa mundong ito na karapat-dapat paniwalaan. Naging isang miserableng nilikha naako mula nang araw na ako’y ipanganak; hindi nakapagtataka na hindi ko gusto ang aking mgakapwa-tao. Minsan, ang tingin ko’y pananagutan ng lahat ang mga kamalasan ko. Ayokongmakisalamuha sa mga tao. Hindi ako nagtitiwala kahit kanino. Kinasusuklaman ko ang paraan ngpakikipag-usap ng tao sa isa’t isa, kung paano nila gugulin ang kanilang buhay, kung paano nilamahalin at purihin ang isa’t isa, kung paano sila tumawa at ngumiti. Tumango nang may pagkaunawa si Nai Phan. “Lahat ng tao’y gan’on ang pakiramdam kungminsan.” “Kaya mo ba akong paniwalaan? Hindi ako interesado sa kahit ano. Sawang-sawa na ako salahat. Ang buong mundo’y parang hungkag. Walang kahulugan, walang anupaman namapapagkapitan o maigagalang na tao. Kung talagang gusto kong magtrabaho, sa palagay ko’ymaaari akong humanap ng gawain. Pero nasusuklam akong makita ang sangkatauhan, ayokong 27

tumanggap ng kahit na anong pabor mula sa kanila. Mananatili ako ng isang linggo sa isang trabaho,dalawang linggo, sa isa pa-hindi ako nagtatagal kahit saan” “Nagbabasa ka ba ng libro?” “Dati. Pero umayaw na ako. Ni hindi na ‘ko nagbabasa ng diyaryo ngayon. Bakit pa? Alam naalam ko kung ano’ng laman nila. Wala kundi barilan, nakawan, patayan! Binabago nila ang mgalugar at mga pangalan pero ganun’t gan’on din ang mga istorya.” Hinimas ng kabataang lalaki ang kanyang baba at masusing naningkit ang mga mata kay NaiPhan” Swerte mo na hindi ka nagpakita ng anumang takot o galit nang pagbantaan kita ng baril, tiyakna papatayin kita. Ang daigdig na ito’y punung-puno ng mga lalaki na gustong magpakita ng galit,mga lalaking marurumi ang isip, na laging bumubulalas na nabubulok na raw ang sibilisasyom atmoralidad. Hindi ako naniniwala na dahil ang daan-daan o libu-libo ang napasama, gan’on na rindapat gawin ng lahat ng tao. Alam ko na ngayon na hindi ako naparito dahil sa pera kundi parapatunayan sa sarili ko na tama ang aking paniniwala. Naiisip ko lagi kahit pa nawawalan na ng pag-asa ang mundo at lumulubog na sa kailaliman, pinarumi at dinungisan ng kasalanan ng tao, maymatitira pa rin kahit isang tao na hindi tao dahil lang gan’on ang itsura niya, kundi isang tunay nataong nilalang. Alam niya kung paano magmahal ng iba, kung paano mapagwawagian ang paggalangng ibang tao. Pero hindi ko ganap na pananaligan iyon dahil wala pa kong nakitang gan’on. Sa loobng maraming taon ay iniisip ko: “Sana’y makakita ako ng isang tao na hindi pa naging buktotkasabay ng kabuktutan ng mundo, para mapaniwalaan ko na may natitira pang kabutihan, paramagkaroon ako ng lakas para patuloy na mabuhay.” Ngayo’y nakatagpo ako ng isang taong gan’on.Ibinigay mo sa akin ang lahat ng hinahangad ko. Wala ka nang dapat ibigay. Uuwi ako ngayon.Mangyari pa, sa isip ko, hindi ko na kamumuhian uli ang daigdig. Natuklasan ko sa wakas ang uri ngbuhay na gusto kong tuntunin.” Mukhang nagiging mas masigla na ang estranghero. Tumindig na siya para umalis atpagkaraan, naalaala niya, inilabas niya ang baril, iniabot niya iyon sa may-ari ng tindahan. “Sana’y kunin mo ito. Hindi ko na ito kailangan. Iyan ang tatak ng mababangis. Sinumanglalaki na magdala ng baril ay walang awa o paggalang sa iba, wala siyang iginagalang kundi angbaril. Ang mga bandido’y maaaring mabuhay sa kanilang baril, pero ang buhay nila’y laginggagambalain ng katotohanan na ang mga kaaway nila’y maaaring sumalakay sa kanila nang walasilang kahandaan. Wala silang panahon para panoorin ang paglubog ng araw o para umawit. Pag angtao’y walang panahon para umawit, mabuti pang maging kuliglig na lang o ibong mynah.” Ngumiti nang masaya ang holdaper, at kumakaway ng pamamaalam, idinugtong nito:“Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril. “Yan angkaaway ng isang malinis na buhay. Paalam.”Nawala sa dilim ang estranghero. Yumuko na si Nai Phan, ang may-ari ng tindahan, para bisitahinang pinakabago niyang pag-aari. Iniisip niya na bukas ay ipagbibili niya iyon. Kailangang-kailanganniya ng bagong pansala ng kape ---W A K A S--- 28

Naibigan mo ba ang kuwentong binasa? Naramdaman mo rin ba ang emosyongnaghari sa mga tauhan sa akda? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang kuwento, masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Madali lamang ang mga ito. Unawain mong mabuti ang mgapanuto. Ang unang gawain ay pagsusuri sa mga salitang/pariralang ginamit sa akda batay sakahulugan nito sa teksto. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Punan ng tamang letra upang mabuo ang kahulugan ng sumusunod:1. nagkukumagkag g a i a t2. kinamumuhian iai i3. desperado L ng- a -4. bukas-paladma u u g5. buktot ak A Nasagutan mo ba? Kunin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Iwasto mo angiyong mga sagot. Ano ba ang pagkakaunawa mo tungkol sa maikling kuwento? Ito ay isang uri ngpagsasalaysay na maikli ang kaanyuan. May mga bahagi rin ang maikling kuwento. Sa pagbubuod ng kuwento, maaaring gamitin ang “story grammar”. Ito ay binubuong tagpuan. Sa tagpuan, nariyan ang mga tauhan sa kuwento, ang panahon nang ito’y maganap at angpook na pinagganapan. Ang mga pangyayari ay paglalahad ng panimula, suliranin, reaksyon, layunin,ginawa/binalak at resulta/kinahinatnan. Ang huling bahagi naman ay ang wakas ng kuwento. 29

Marahil naman, marami ka nang alam tungkol sa maikling kuwento. Kawiwilihanmo ang pagbabasa nito dahil hahanapin mo na iyong mga bahaging ipinaliwanag ko. Handa ka na bang gawin ang susunod na gawain? Pagbutihin mo! b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin mo sa Hanay B ang mga kasagutang tumutugon sa Hanay A. Titik lamang ang isulat. A Ganito ang dapat na maging ayos ng iyong sagutang papel:1. tagpuan tauhan __________ panahon _________ pook ____________2. pangyayari panimula _________ suliranin _________ reaksyon _________ layunin __________ ginawa/reaksyon _________ resulta/kinahinatnan ______3. wakas _________ B. Mga Pagpipilian: 30

1. Tagpuan a. sa loob ng tindahan b. habang hinoholdap si Nai Phan c. Nai Phan 2. Pangyayari a. pagdating ng holdaper b. ipinaunawa sa holdaper ang ginawa nito c. paglalarawan sa talento ng tauhan d. binaril ang tindero e. nais makatulong sa kapwa f. natauhan ang holdaper kaugnay ng kamalian g. sumuko sa pulis h. kalmante sa pakikipag-usap sa holdaper 3. Wakas a. di na tinuloy ng holdaper ang balak b. nabaril ni Nai Phan Natutuhan mo ang ilang impormasyon tungkol sa maikling kuwento. Alam kongnakatulong ito sa iyo upang masagot mo ang gawain sa Pagsusuring Pangnilalaman. Madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mapahahalagahan atmauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo ang ilang mga prinsipyo, mga paniniwala,ideyang makatutulong sa pagpapaliwanag ng isang akdang pampanitikan. Ang teoryang pampanitikang binigyang-diin sa kuwentong “Aanhin Nino ‘Yan?” ayteoryang Eksistensyalismo. Eksistensyal – napapanahon, nananatili at patuloy na nangyayari.Samakatwid, tinutukoy nito ang nais ng isang tao. Madali lamang makilala ang teoryang eksistensyalismo. Ito ay nagbibigay-halaga sanilalayon ng isang tao. Isang mithiin na nais makamit at maisakatuparan sa lahat ng kaparaanan. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyongnatutuhan. Masasagot mo iyan. Subukin mo. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Tukuyin sa sumusunod na pahayag mula sa akda na nagpapakita ng kapangyarihan ng tao. Lagyan ng tsek ang pipiliing sagot.________ 1. Handa si Nai Phan na pahintulutan ang kanyang parukyano sa walang limitasyong pangungutang.________ 2. “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis.”________ 3. “Ibibigay ko sa ‘yo ang pera, pero hindi dahil sa baril mo. Ibibigay ko sa iyo dahil mukhang kailangang-kailangan mo iyon.” 31

________ 4. “Babalik ako para makita ka uli, pero huwag mo nang ipakikita uli sa akin ang baril.”________ 5. “Dapat talagang mamatay na ‘ko agad-agad. Hindi ako dapat mabuhay, pasanin lang ako ng mundo!” Madali mo bang nakilala ang teoryang eksistensyalismo? Itsek mo muli ito attingnan ko kung tama lahat ang sagot mo. 4. Palalimin mo… Matapos mong mabasa ang iyong aralin, anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo? Panuto: Isulat mo ang mga titik na tumutugon sa mga pagbabagong naganap sa iyo. a. naging maayos ang panuntunan ko sa buhay b. kinagiliwan ko ang pagbabasa ng kuwento c. nagkaroon ako ng ideya kung paano pahahalagahan ang kuwento d. napagwari ko na di dapat padalus-dalos sa pagdedesisyon e. naging halimbawa sa akin ang kabutihan ng pangunahing tauhan. 5. Gamitin mo… Panuto: Piliin sa susunod na pahina at isulat ang tamang sagot na hinihingi sa dayagram. Nai Phan Positibong 21 Pagpapahalaga34 32

Mga Pagpapahalaga: a. matulungin sa kapwa b. magandang panuntunan sa buhay c. mapagpahalaga sa hanapbuhay d. maghanapbuhay nang sagad sa oras e. maunawain sa kalagayan ng kapwa Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tamang lahat ang iyong mga sagot. Hinginmo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Nahirapan ka ba sa mga nauna mong mga gawain? Batid ko na ginawa mong lahatang iyong makakaya para masagutan ito. Susulat ka naman ngayon at madali lang ito. Balita ang iyong isusulat. Sa pagsulat ng balita, dapat payak ang mga salita at pangungusap. Ito’y sumasagotsa tanong na Sino, Ano, Saan, kailan, Bakit at Paano. 6. Sulatin mo… Panuto: Ayusin mo ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga talata. Pagkatapos isulat mo ito. 1. Pamagat: Nasaan ang Magulang? 2. Isang mag-aaral ang nahuling nang-uumit ng isang notebook at mamahaling ballpen sa Tutuban Center Mall. 3. Nahuli sa aktong nang-uumit si Crisanta de Leon ng 2578 Tayuman, Tundo Maynila 4. Ayon sa salarin, nagawa lamang niya ang gayon dahil sa kailangan niya ang gamit sa pag- aaral. 5. Dinala sa presinto ang bata at pinagbigay-alam sa paaralang pinapasukan. 6. Kaagad pinatawag ng pinuno ng paaralan ang magulang ng bata at nakipagtulungan upang mapalaya ang salarin. May pagkakatulad ba ang binasa mong akda sa balitang sinulat mo? Tingnan mokung tamang lahat ang sagot. Itsek mo muli ang iyong mga kasagutan. 33

7. Lagumin mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek sa tabi ng bawat bilang na tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. 1. kahulugan ng maikling kuwento 2. kaalaman sa pagsulat ng balita 3. kabatiran tungkol sa teoryang eksistensyalismo 4. pagiging matulungin 5. magandang panuntunan sa buhay 6. halimbawa ng pananaw eksistensyalismo 7. pagbibigay-kahulugan sa matatalinghagang salita 8. pagsusuri sa tauhan batay sa saloobin at paniniwala 9. pagtukoy sa bahagi ng akda na nagpapakita ng kapangyarihan ng tao 10. pagbabahagi ng sariling pananaw sa akda Sa natapos mong gawain, nadalian ka ba? Alam ko naman na kaya mong sagutinang mga ito. Hiramin mo muli sa iyong guro ang mga kasagutan. Susukat muli sa iyong mga natutuhan sa araling tinalakay ang susunod nagawain. Unawain mo itong mabuti. Kayang-kaya mo ito. Simulan mo na. 8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Bukas-palad si nai Phan sa balana. Ang kahulugan ng may salungguhit ay ___ a. maawain b. palabati c. matulungin d. mapagmahal 2. Ang buktot na hangarin ay di naisakatuparan. Nangangahulugan ng ________ ang may salungguhit. a. mabuti b. makatao 34

c. masalimuot d. masama3. Desperado lang ang gumagawa ng panghoholdap. Ang nais ipakahulugan sa desperado ay ___________ a. walang pag-asa b. sira na’ng pag-iisip c. kulang sa pangaral d. walang hanapbuhay4. Si Nai Phan ay isang _________ a. sundalo b. pulis c. tindero d. abogado5. Mahusay/Masarap siyang magluto ng _______ a. kakanin b. ulam c. merienda d. sinangag6. may ugali si Nai Phan na _____ a. namimigay ng pera b. matulungin sa kapwa c. mapagmahal na asawa d. maagang matulog7. Naniniwala si Nai Phan na hindi _______ a. masamang tao ang holdaper b. nakikinig sa payo ng magulang c. babarilin ng holdaper d. babalikan at papanagutin8. Sa ikinikilos at pananalita ni Nai Phan ay ________ ang holdaper. a. napasuko b. namaril c. humingi ng pera d. napaalis9. May pagpapahalaga sa kapwa si Nai Phan kaya maituturing siya na: a. mahusay makitungo sa kapwa b. masalapi c. may tindahan d. madaling utangan 35

10. Hindi ngayo’t holdaper ay masama na. Kaya sa pagkakataong makaengkuwentro niya ang ganito, parang nakikipag-usap lamang siya. Patunay ito na si Nai Phan ay: a. palasigaw b. bugnutin c. mahinahon d. matiisin Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong tamang sagot, gawin mo naang susunod na aralin. Kung 6 pababa, may ipagagawa ako sa iyong gawain. Kayang-kaya mo itosapagkat kaugnay naman ito ng iyong aralin. Maaari mo na itong simulan. 9. Paunlarin mo… Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa aralin. Hanguin at ayusin mo ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon.1. sa salapi ay higit pa ang pakikipagkapwa ang halaga2. ang isang tao gaano man kasama ring kabutihan may taglay Gaano ka na kahusay? Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat mo ang titik ng tamang sagot na nagbibigay-kahulugan sa mga pahayag. 1. Sa gitna ng nakakukuliling na mga daing at pagtangis patuloy pa rin ang labanan. a. hinagpis ng mga kalaban b. panaghoy ng mga sugatan c. panawagan ng mga naulila d. panangis ng mga duguan 36

2. “Mas masarap matulog kaysa magpayaman nang mabilis”. Nais ipahayag dito na: a. ayaw magtrabaho b. di lahat ng oras ilalaan sa pagkita ng salapi c. masarap matulog d. tinatamad magtrabaho 3. Si Nai Phan ay kilala sa kanyang sinangag at kape at sa pagiging bukas-palad. Ang may salungguhit ay nangangahulugang: a. maawain b. palakaibigan c. mabuting tao d. matulungin 4. Kilalanin sina Kikuichi at Koto bilang pangunahing tauhan ayon sa kanilang paniniwala. Piliin ang titik ng may wastong sagot. a. magtatawid-dagat b. mamasyal sa malayong lugar c. di madidisgrasya d. nagsisikap na gawing normal ang buhay sa kabila ng kapansanan 5. Makikilala naman si Nai Phan bilang pangunahing tauhan ayon sa kalagayan sa buhay. a. mahirap b. may sapat na salapi c. ubod ng yaman d. maraming utang 6. Hanapbuhay a. may sariling tindahan b. nag-oopisina c. naglalako ng paninda d. tagaluto Ano sa palagay mo, kapani-paniwala ba o hindi ang sumusunod na ginawi ng mgatauhan? Isulat mo ang titik K kung kapani-paniwala at D kung hindi. 7. Pagtawid sa dagat ng dalawang bulag 8. Walang limitasyong pangungutang ng mga parukyano ni Nai Phan. 9. Namimigay ng matamis sa mga bata nang hindi naghahanap ng pera. Piliin ang titik ng may wastong sagot na angkop sa pahayag. 10. “Bubuhatin ko na kayo sa likod ko.” Ang pahayag ay nangangahulugang _______________ ang naghandog ng tulong ay: 37

a. maawain b. mabait c. masipag d. maagap 11. “Nauunawaan kita, sinumang desperado ay gagawin din ang ginawa mo.” Ito ay patunay na ang nagwika ng naturan ay ____ a. may katwiran b. may pagpapahalaga sa tao c. may malasakit sa kapwa d. may nilalayon sa tao 12. Ano ang nais ipahiwatig ng pahayag na: “Nauunawaan kong aksidente ang nangyari, at wala tayong magagawa roon” Ang nagsasalita ay ____ a. mapagpaumanhin b. marunong umunawa sa pangyayari c. may malasakit d. mapagkumbaba Madali lang ang gawaing ito. Nasagutan mo bang lahat? Kunin mo ang Susi saPagwawasto at itsek mo ang mga kasagutan. 38

Modyul Blg. 9 Pagsusuri Batay sa Realismo at Sosyolohikang Pananaw Tungkol saan ang modyul na ito?Mahal kong Mag-aaral, Magandang araw sa iyo, kumusta ka? Muli na naman tayong magkakasama. Inaasahan kongnatulungan ka ng mga naunang modyul na ginawa ko para sa iyo. Muli, naghanda na naman ako ng modyul na tutulong sa iyo upang lalo mong mapaunlad atmapayaman ang iyong mga kasanayan sa pagsasalita, pagbasa, at pagsulat. Sa mga araling inihanda ko, matutukoy mo ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapatunayng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan at mailalahad mo ang bisa ng mga kaisipanginilahad sa akda batay sa refleksyon nito sa lipunan. Mapatutunayan mo rin ang kabanalan ng pagpapatawad sa magulang. Ano ang matututunan mo? Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay; Nailalapat ang mga kaalaman sa iba’t ibang pananaw pampanitikan sa mapanuringpagbasa. Paano mo gagamitin ang modyul na ito Patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kagamitan mo ito bilang gabaysa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito,kinakailangang maging malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat mong sundin. 1

Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo? Layunin nitong masukat ang lawak ng kaalaman mo sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung magkakaroon ka man ng maraming mali, okay lang iyon. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko. 3. Pag-aralan mong mabuti ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda ko. Unawain mong mabuti ang bawat panuto. Mahalaga ito upang masagot mo nang wasto ang mga pagsasanay. 4. Matapos mong gawin ang mga Pagsasanay tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging, Ano Na Ba Ang Alam Mo? Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Gamitin mo nang wasto ang modyul na ito. Kaibigan mo ito. 6. Pag-isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutin ang mga ito. 7. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng sagutang papel o notebuk. Pahalagahan mo ang modyul na ito. Ito’y iyong kaibigang tunay na nagmamalasakit sa iyo. Ano na ba ang alam mo?Panuto: Isulat ang F sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay mula sa wikang Filipino at D kung ang salita ay mula sa wikang dayuhan. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.1. Ang may ari ng pabrika ay nagdesisyon na muling kunin ang ama upang magtrabaho sa kanya.2. Ang munting abuloy ay ibinigay niya sa asawa ng lalaki.Panuto: Isulat ang letra ng kahulugang napapaloob sa pahayag sa bawat bilang.3. Takot ang kambal na hipuin ang laman ng supot nang walang ano mang senyas mula saama.a. Hindi gumagalaw ang kambal ng ano mang dala ng ama kung walang pahintulotito.b. May disiplina ang kambalc. Takot sa ama ang kambald. Lahat ng nabanggit4. Sinuntok ng ama si Mui Mui at ito’y nawalan ng ulirat. Nahimasmasan naman ito ng inasa pamamagitan ng malamig na tubig, subalit pagkaraan ng dalawang araw, namatay ito.Ang ikinamatay ni Mui Mui ay ____a. malamig na tubig. c. suntok ng ama 2

b. himas ng ina d. lahat ng nabanggitPanuto: Isulat ang E kung ang transpormasyon ng tauhan ay emosyon at IS kungispiritwal.5. Ngayon ay doble ang awa ng ama sa sarili dahil sa pagkamatay ng sariling dugo at laman.6. Ang ama na dati’y hindi nagdarasal, ngayo’y nakaluhod at taimtim na umuusal ng dasal.Panuto: Isulat ang refleksyon sa lipunan ng mga sumusunod na pangyayari. Titik lamangng tamang sagot ang isulat.7. Kahit buntis ay kinarga ni Lian-Chiao sa pingga ang dalawang balde ng tubig pauwi.Ang lipunang kinabibilangan ni Lian-Chiao ay walang _____a. katarungan b. kaunlaran c. kagandahan d. kapayapaan8. Si Li Hua, ang asawa ni Lian-Chiao ay larawan ng tunay na manghihitit ng opyo.Namamayani sa lipunan ang _____a. bisyo b. trabaho c. edukasyon d. lahat ng nabanggitPanuto: Isulat ang P kung ang pahayag ay naglalahad ng positibong kaisipan at N kung negatibo.9. Dapat na maging maingat sa pagkilos ang mga magulang dahil sila’y huwaran ng mga anak.10. Walang maibubungang mabuti ang bisyo.Aralin 1 - Ang Ama Teoryang Realismo (Singapore) Salin ni M. R. AvenaA. Anu-ano Ang Mga Tiyak na Matututunan Mo Sa Araling Ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga salitang may likas na pinagmulan (etimoloji) 2. Natutukoy ang mga tiyak na bahagi na nagpapatunay ng pagkakaroon ng transpormasyon ng tauhan batay sa; a. pisikal b. emosyon c. intelektwal d. espiritwal 3. Napipili ang mga bahaging magpapakita ng pagkamakatotohanan ng; - tauhan - pangyayari - tagpuan - kapaligiran 3

- paksa at tema - 4. Napatutunayan ang kahalagahan ng pagpapatawad sa magulang. 5. Naisusulat ang kaisipang angkop sa akda. Mga gawain sa pagkatuto 1. Alamin Mo. . . Ang haligi, ayon sa kahulugang denotasyon nito, ay isang poste o tukod na magdadala ng buong bigat ng isang gusali tulad halimbawa ng bahay, paaralan, ospital at iba pang inprastraktura tulad ng tulay. Para sa iyo, anu-ano ang mga katangiang dapat taglayin ng isang haligi,kung dito nakasalalay ang katatagan ng isang gusali? Isulat ang sagot sa ikaapat nabahagi ng papel.1.a. Panuto: Lagyan ng tsek () ang bilang na nagtataglay ng dapat na maging katangian ng isang haligi. 3) makapal2) marupok 4) madulas1) matatag haligi 5) matibay 8) masinsin 6) mabuway 7) mumurahin Sa lipunang Pilipino, ang ama ay itinuturing na haliging tahanan. Kung siya ay haligi ng tahanan, samakatwid, sakanya nakasalalay ang buhay at kinabukasan ng kanyangbuong pamilya na tulad din ng haligi, dito nakasalalay angkaligtasan ng buong gusali. 4

1.b Panuto: Piliin sa dakong ibaba ang letra ng mga dapat na maging katangian ng isang ama ng pamilya. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1) _____ 2) _____8) _____ AMA 3) _____7) _____ bilang 4) _____ H T A A L ng H I A G N I A N 6) _____ 5) _____ a. Huwaran sa kabutihan at kagandahang-asal b. Dapat na katakutan ng mga anak c. Handang ipagkaloob ang sariling buhay para sa pamilya d. Nagkakaloob ng pangangailangan ng mag-anak e. Ginagamit ang lahat ng oras sa paghahanapbuhay f. Naglalaan ng sapat na panahon para sa buong pamilya g. Walang bisyo h. Mapagmahal sa asawa’t anak i. May pananalig sa Diyos j. Idolo ng mga anak Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyongguro. Ang mga Pagsasanay na iyong sinagot ay may malaking kaugnayan sa akdangiyong babasahin. Suriin mong mabuti kung ang mga katangian ng isang mabuting ama ay taglayng ama sa akda. 5

O, ano, handa ka na ba? Sige na, simulan mo na ang pagbasa!2. Basahin Mo. . . Ang Ama (Maikling Kwento) MAGKAHALO LAGI ANG takot at pananabik kapag hinihintay ng mga bata ang kanilang ama. Ang takot ay sa alaala ng isang lasing na suntok sa bibig na nagpapatulo ng dugo at nagpapamaga ng ilang araw na labi. Ang pananabik ay sa pagkain na paminsan-minsa’y iniuuwi ng ama – malaking supot ng mainit na pansit na iginisa sa itlog at gulay. Ang totoo, para sa sarili lang niya ang iniuuwing pagkain ng ama, lamang ay napakarami nito upang maubos niya nang mag-isa; pagkatapos ay naroong magkagulo sa tira ang mga bata na kangina pa aali-aligid sa mesa. Kundi sa pakikialam ng ina na mabigyan ng kaniya-kanyang parte ang lahat – kahit ito’y sansubo lang ng masarap na pagkain, sa mga pinakamatanda at malakas na bata lamang mapupunta ang lahat, at ni katiting ay walang maiiwan sa maliliit. Anim lahat ang mga bata. And dalawang pinakamatanda ay isang lalaki, dose anyos at isang babae, onse anyos; matatapang ang mga ito kahit na payat, at nagagawang sila lang lagi ang maghati sa lahat ng bagay kung wala ang ina upang tiyaking may parte rin ang maliliit. May dalawang lalaki, kambal, na nuwebe anyos, isang maliit na babae, otso anyos, at isang dos anyos na paslit pa, katulad ng iba, ay maingay na naghahangad ng marapat niyang parte sa mga pinag-aagawan. Natatandaan ng mga bata ang isa o dalawang okasyon na sinorpresa sila ng ama ng kaluwagang-palad nito – sadyang nag-uwi ito para sa kanila ng dalawang supot na puno ng pansit guisado at masaya nilang pinagsaluhan ang pagkain na hirap nilang ubusin. Kahit na ang ina nila’y masayang nakiupo sa kanila at kumain ng kaunti. Pero hindi na naulit ang masayang okasyong iyon, at ngayo’y hindi na nag-uuwi ng pagkain ang ama; ang katunaya’y ipinapalagay ng mga batang mapalad sila kung hindi ito umuuwing lasing at nanggugulpi ng kanilang ina. Sa kabila niyo’y umaasa pa rin sila at kung gising pa sila sa pag-uwi sa gabi ng ama, naninipat ang mga matang titingnan nila kung may brown na supot na nakabitin sa tale sa mga daliri nito. Kung umuwi 6

itong pasigaw-sigaw at padabug-dabog, tiyak na walang pagkain, at angmga bata’y magsisiksikan, takot na anumang ingay na gawin nila aymakainis sa ama at umakit sa malaking kamay nito upang pasuntok nadumapo sa kanilang mukha. Madalas na masapok ang mukha ng kanilangina; madalas iyong marinig ng mga bata na humihikbi sa mga gabingtulad nito, at kinabukasan ang mga pisngi at mata niyon ay mamamaga,kaya’t mahihiya iyong lumabas upang maglaba sa malalaking bahay nakatabi nila. Sa ibang mga gabi, hindi paghikbi ang maririnig ng mga batamula sa kanilang ina, kundi isang uri ng nagmamakaawa at ninenerbiyosna pagtawa, at malakas na bulalas at pag-ungol mula sa kanilang ama, atsila’y magtatanong kung ano ang ginagawa nito. Kapag umuuwi ang ama na mas gabi kaysa dati at mas lasing kaysadati, may pagkakataong ilalayo ng mga bata si Mui Mui. Ang dahila’y siMui Mui, otso anyos at sakitin at palahalinghing na parang kuting, aymadalas kainisan ng ama. Uhugin, pangiwi-ngiwi ito at mahiligmagtuklap ng langib sa galis na nagkalat sa kanyang mga binti, na nag-iiwan ng mapula-pulang mga patse, gayung paulit-ulit siyangpinagbabawalan ng ina. Pero ang nakakainis talaga ay ang kanyanghalinghing. Mahaba at matinis, iyon ay tumatagal ng ilang oras, habangsiya ay nakaupo sa bangko sa isang sulok ng bahay, o namamaluktot ngpaghiga sa banig kasama ng ibang mga bata, na di makatulog. Walangpasensya sa kanya ang pinakamatandang lalaki at babae, na malakassiyang irereklamo sa ina na pagagalitan naman siya sa pagod na boses;pero sa gabing naroon ang ama, napaliligiran ng bote ng beer na nakauposa mesa, iniingatan nilang mabuti na hindi humalinghing si Mui Mui.Alam nila na ang halinghing niyon ay parang kudkuran na nagpapangilosa nerbiyos ng ama at ito’y nakakabulahaw na sisigaw, at kung hindi paiyon huminto, ito’y tatayo, lalapit sa bata at hahampasin iyon ng buonglakas. Pagkatapos ay haharapin nito at papaluin din ang ibang bata na satingin nito, sa kabuuan, ay ang sanhi ng kanyang kabuwisitan. Noong gabing umuwi ang ama na masamang-masama ang timpladahil nasisante sa kanyang trabaho sa lagarian, si Mui Mui ay nasa gitnang isang mahabang halinghing at di mapatahan ng dalawangpinakamatandang bata gayong binabalaan nilang papaluin ito. Walanganu-ano, ang kamao ng ama ay bumagsak sa nakangusong mukha ng batana tumalsik sa kabila ng kwarto, kung saan ito nanatiling walang kagalaw-galaw. Mabilis na naglabasan ng bahay ang ibang mga bata sa inaasahanggulo. Nahimasmasan ng ina ang bata sa pamamagitan ng malamig natubig. 7

Pero pagkaraan ng dalawang araw, si Mui Mui ay namatay, at angina na lamang ang umiyak habang ang bangkay ay inihahandang ilibing sasementeryo ng nayon may isang kilometro ang layo, doon sa tabi nggulod. Ilan sa taga-nayon na nakakatanda sa sakiting bata ay dumatingupang makiramay. Sa ama ng buong araw na nakaupong nagmumukmokay doble ang kanilang pakikiramay, dahil alam nilang nawalan ito ngtrabaho. Nangulekta ng abuloy ang isang babae at pilit niya itong inilagaysa mga palad ng ama na di-kawasa, puno ng awa sa sarili, ay nagsimulanghumagulgol. Ang balita tungkol sa malungkot niyang kinahinatnan aymadaling nakarating sa kanyang amo, isang matigas ang loob pero mabaitna tao, na noon di’y nagdesisyong kunin uli siya, para sa kapakanan ngkanyang asawa at mga anak. Dala ng kagandahang-loob, ito ay nagbigayng sariling pakikiramay, kalakip ang munting abuloy (na minabuti nitongiabot sa asawa ng lalaki imbes na sa lalaki mismo). Nang makita niya angdati niyang amo at marinig ang magaganda nitong sinabi bilangpakikiramay sa pagkamatay ng kanyang anak, ang lalaki ay napaiyak atkinailangang muling libangin. Ngayoy naging napakalawak ang kanyang awa sa sarili bilang isangmalupit na inulilang ama na ipinaglalamay ang wala-sa-panahongpagkamatay ng kanyang dugo at laman. Mula sa kanyang awa sa sarili aybumulwak ang wagas na pagmamahal sa patay na bata, kaya’tmadalamhati siyang nagtatawag, “Kaawa-awa kong Mui Mui! Kaawa-awa kong anak!” Nakita niya ito sa kanyang libingan sa tabi ng gulod –payat, maputla at napakaliit – at ang mga alon ng lungkot at awa nanagpayanig sa matipuno niyang mga balikat at brasong kayumanggi aynakakatakot tingnan. Pinilit siyang aluin ng mga kapitbahay, na ang iba’ylumayo na may luha sa mga mata at bubulong-bulong, “tunay na lasenggonga siya at iresponsable, pero tunay na mahal niya ang bata”. Tinuyo ng nagdadalamhating ama ang kanyang mga luha at sakatumayo. Mayroon siyang naisip. Mula ngayon, magiging mabuti nasiyang ama. Dinukot niya sa bulsa ang perang ibinigay ng kanyang amosa asawa (na kiming inabot naman nito agad sa kanya, tulad ng nararapat.)Binilang niya ang papel-de-bangko. Isa man dito ay hindi niya gagastahinsa alak. Hindi na kailanman. Matibay ang pasiya na lumabas na siya ngbahay. Pinagmasdan siya ng mga bata. Saan kaya ito pupunta, tanong nila.Sinundan nila ito ng tingin. Papunta iyo sa bayan. Nalungkot sila dahiltiyak nila na uuwi itong dalang muli ang mga bote ng beer. 8

Pagkalipas ng isang oras, bumalik ang ama. May bitbit itongmalaking supot na may mas maliit na supot sa loob. Inilapag nito ang dalasa mesa. Hindi makapaniwala ang mga bata sa kanilang nakita, pero iyonba’y kahon ng mga tsokolate? Tumingin silang mabuti. Mayroong supotng ubas at isang kahon yata ng biskwit. Nagtalo ang mga bata kung anoang laman niyon. Sabi ng pinakamatandang lalaki’y biskwit; nakakita nasiya ng maraming kahong tulad niyon sa tindahan ni Ho Chek sa bayan.Ang giit naman ng pinakamatandang babae ay kendi, ‘yong katulad ngminsa’y ibinigay sa kanila ni Lau Soh, na nakatira doon sa malakingbahay na pinaglalabahan ng nanay. Ang kambal ay nagkasya sa pandidilatat pagngisi sa pananabik,; masaya na sila ano man ang laman niyon.Kaya’t nagtalo at nanghula ang mga bata, takot na hipuin ang yaman nawalang senyas mula sa ama. Inip silang lumabas ito ng kwarto. Di nagtagal ay lumabas ito, nakapagpalit na ng damit, at dumiretsosa mesa. Hindi dumating ang senyas na nagpapahintulot sa mga batangilapat ang mga kamay sa pinag-iinteresang yaman. Kinuha nito angmalaking supot at muling lumabas ng bahay. Hindi matiis na mawala samata ang yaman na sa wari’y kanila na sana, nagbulungan ang dalawangpinakamatanda nang matiyak na hindi sila maririnig ng ama. “Tingnannatin kung saan siya pupunta”. Nagpumilit na sumama ang kambal, at angapat ay sumunod nang malayu-layo sa ama. Sa karaniwang pagkakataon,tiyak na makikita sila nito at sisigawang bumalik sa bahay, pero ngayo’ynasa isang bagay lamang ang isip nito at hindi man lang sila napuna. Dumating ito sa libingan sa tabing-gulod. Kahuhukay pa lamang ngpuntod na kanyang hinintuan. Lumuhod ito at dinukot ang mga laman sasupot na dahan-dahang inilapag sa puntod, habang pahikbing nagsalita,“pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundiang mga ito. Sana’y tanggapin mo”. Nagpatuloy itong nakipag-usap saanak, habang nagmamasid sa pinagkukublihang mga halaman ang mgabata. Madilim na ang langit at ang maitim na ulap ay nagbabantangmapunit anumang saglit, pero patuloy sa pagdarasal at pag-iyak ang ama.Naiwan itong nakaluhod kahit bumagsak na ang ulan. Pagkuwa’y umalisito, naninikit sa katawan ang basang kamisedentro. Sa isang iglap, angkangina pang inip na inip na mga bata ay dumagsa sa yaman. Sinira ngulan ang malaking bahagi niyon pero sa natira sa kanilang nailigtas,nagsalu-salo sila tulad sa isang piging na alam nila na di nilamararanasang muli. 9

Upang malaman mo kung naunawaan mo ang iyong binasa gawin mo ang sumusunod na pagsasanay. 3. Linangin Mo. . . a. Pagsusuring Panlinggwistika Patuloy na umuunlad at nabubuhay ang wikang Filipino dahilan sa patuloy nitong paghihiram ng mga salita sa ibang wika dahilan na rin sa pangangailangan ng panahon at pag- unlad ng agham at teknolohiya. Panuto: Isulat sa patlang ang F kung ang salitang sinalungguhitan sa pahayag ay mula sa wikang Filipino at D kung ang salita ay mula sa wikang dayuhan Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____ 1. Ang mga bata ay nagkakagulong umaali-aligid sa hapag ng pagkain._____ 2. Kahit kakaunti ang pagkain, sinisiguro ng ina na ang lahat ng mga anak ay mabibigyan ng kani-kanilang mga parte._____ 3. Dose anyos ang pinakamatanda sa anim na magkakapatid._____ 4. Ang malaking kamao ng ama ay dumapo sa mukha ng natutulog na bunsong anak._____ 5. Namatay ang bunsong anak at marami ang nagbigay ng abuloy b. Pagsusuring Pangnilalaman Ang lahat ng tao ay dumarating sa yugto ng kanyang buhay na nagkakaroon siya ng pagbabago o tranpormasyon, positibo man o negatibo. Ang ama sa akda ay masasabing walang pangalawa sa kasamaan. Subalit gaano man siya kasama ay dumating ang panahong siya ay nagkaroon ng pagbabago dahil sa sinapit ng anak. 10

b.1. Panuto: Piliin ang letra sa loob ng kahon ng naging pagbabago ng ama mula sa dati nitong ugali. A. Dating Ugali / Anyo B. Transpormasyon1) Mabalasik at matipunong pangangatawan2) Madalas na sinisigawan at pinapalo ang kaawa-awang si Mui Mui Madalas na3) inuubos ang pera sa alak Madalas na ang iniuuwi niyang4) pagkain ay para sa sarili lamang at di binibigyan ang mga anak Lagi itong umuuwi ng pasigaw-sigaw5) at padabug-dabog a. Umuuwi itong tahimik at malungkot b. Hapis ang mukha at laylay ang balikat c. Hindi na bumili ng alak at hindi na lasing d. Pagsisisi at pagmamahal ang inialay sa anak e. Ang iniuwing pagkain ay inialay sa puntod ng anakb.2. Panuto: Isulat ang E sa patlang kung ang pagbabagong naganap sa pangunahing tauhan ay pang-emosyon, P kung pampisikal, I kung pang-intelektwal at IS kung pang- ispiritwal. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____ 1. Inisip ng ama na magbabago na siya at magiging mabuting ama._____ 2. Isa man sa perang natanggap niya bilang abuloy ay hindi niya gagastahin sa 11


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook