Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 1

FILIPINO 4 part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:28

Description: FIL4part1

Search

Read the Text Version

_________________________________________________________________ _________________________________________________________________ ____________________________________________________d. Halagang Pangkatauhan:Piliin ang titik ng tamang sagot na may kaugnayan sa pahayag:1. Mahalagang malaman mo ang kaalamang pandaigdig sapagkat: a. maipaglalaban mo ang sistema b. magkakaroon ka ng kamalayan sa mga nangyayari c. maaaring makisangkot ka sa mga nangyayari d. makapagbigay impormasyon sa nangyayari2. Maipakikita ko ang pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng: a. pagsunod sa mga tuntunin b. pagkakaroon ng proyekto c. pagsunod sa batas-trapiko d. pagiging bayani3. Bago matawag na bayani ang isang mamamayan dapat ay: a. mamatay muna para sa bayan b. manguna sa mga pulong c. maging huwaran sa mabuting gawa d. maging malakas sa pamahalaan4. Palalimin mo… Dugtungan mo ang sumusunod na mga pahayag. Matapos mong mabasa ang akda:Nalaman ko na ______________________________________________________Naramdaman kong _____________________________________________________Masasabi ko na ________________________________________________________ - Iwasto mo ang iyong sagot. Hiramin sa guro ang susi ng pagwawasto. Kung angiyong sagot ay malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. - - 13

5. Gamitin mo…Lagyan mo ng star ( ) ang mga pahayag na sa tingin mo’y positibo at bilog ( ) kungnegatibo.1. Pangalagaan ang moralidad sa pagbibihis.2. Sumunod sa pamamalakad ng batas-trapiko.3. Lagyan ng upuang may kiluhan ang iyong sasakyan.4. Dapat ay magkaroon ng bukod na batas ang mayayaman at ang mahihirap.5. Ang mga opisyal ng bansa ay katiwa-tiwala.6. Karaniwan na rin ngayon ang kick-back.7. Gumawa tayo ng mga legal na bagay lamang.8. Ang bawat kandidato ay kailangang magsinungaling at mangako kahit di matupad.9. Humingi ng pahintulot bago magsagawa o tumawag ng pulong.10. Huwag aksayahin ang kaban ng bayan. - Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin ang susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Mataas ba ang nakuha mong iskor? Kung mataas ang iyong iskor. Magaling! Gawin mo na ang susunod na pagsasanay.6. Sulatin mo… Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang kaisipan.Piliin ang angkop na sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Nagkasayahan sila. Makisali na nga. Magandang panukala. Isang pulong ang kanilang isinasagawa. Mga kabataang may magagandang __1___,maasahan sila sa __2___. May kanya-kanyang __3___ para sa ikauunlad ng _4____. Di___5__ kung mapagkaisahan at maisakatuparan ang kanilang balak. Natatanaw na ang___6__. Isa itong malaking __7___, isang kaganapa’t maraming __8___. 9 10 - - 14

Makikiisa kayo. Naiisip ko, laking _____ ang matatamo sa _____ na isasagawa nila.Pakinabang proyekto kaunlaranMungkahi pagbabago maglalaonBalak pamayanan pangarappamamalakad abala makakamtan Iwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Nakakuha kaba ng iskor na 5 pataas? Mahusay kung gayon.7. Lagumin mo… Naunawaan mo ba ang akda? Anu-anong aral ang inihatid nito sa iyo? Lagyan ng tsek( ) kung ang pahayag ay angkop.1. Sumunod sa batas at iba pang kautusan.2. Punahin ang sinumang lumabag sa ordinansa.3. Mahirap ka lang kaya papaapi ka sa mayaman.4. Kailanman, di mangingibabaw ang kasamaan.5. Laging tandaan, sa pagkakaisa layunin ay napagtatagumpayan. - Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot. Iwasto mo ito sa susi ng pagwawastona nasa iyong guro.8. Subukin mo… Natutunan mo na bang lubos ang kaalaman sa akda? Tingnan natin. Sagutin mo angpangwakas na pagsusulit. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Miliminas ang tawag sa mamamayan ng nasabing kapuluan; may pag-uugali sila sa pagsasalilta at kakaiba sa atin na naging dahilan sa pagiging huli nila sa: a. kabuhayan b. sibilisasyon c. edukasyon - - 15

d. tradisyon2. “Miliminas: Taong 0069”. Ang taong tinutukoy rito ay: a. Panahon ng Kastila b. Panahon ng Intsik c. Panahon ng Hapon d. Panahon ng Amerikano3. Laganap pa rin hanggang ngayon ang pagkakaroon ng kickback. Nangangahulugan itong: a. kitang paumi’t b. kitang-kita c. dagdag kita d. kayang-kaya4. Mik ang tawag sa kanilang pera, kaya kung marami kang mik o kaya’y milyong mik ikaw ay: a. milyonaryo b. mikinaryo c. makinarya d. mimikinaryo5. Ang tawag sa mataas na opisyal sa pamahalaan na karaniwang tumatanggap ng suhol sa mga transaksyon ay: a. kickback b. under the table c. buwaya d. mga illegal6. Sa mga pahayag na nakapaloob sa akda, ang di kapani-paniwala ay ang: a. pag-imbento ng tableta na kung iinumin ay magkakaroon ng instant baby b. pagpapatungkol ng papuri sa mga ismagler c. pagbabatuhan ng maaanghang na salita d. pagboto na ang isinusulat sa balota ay din na nila pag-iisipan7. Ang “Miliminas” ay isang ________ a. maikling kuwento b. nobela c. anekdota d. sanaysay - - 16

8. Sumisimbolo ang “Miliminas 0069” sa: a. isang pamayanan b. bagong lipunan c. Pilipinas noong unang panahon d. Mga katutubo9. Ano kaya ang iyong gagawin kung buhay ka na noong panahon ng Miliminas 0069? a. magkaroon ng sariling sistema b. matutong tanggapin ang pamamalakad c. makipagkasundo sa mga pinuno d. manguna sa pagbabago10. Pinatunayan sa sanaysay na may: a. pagkakahawig ang pamamalakad noon sa ngayon b. mga katiwalian ding nangyayari noon sa ngayon c. pinupuri at binabatikos noon at ngayon d. maaaring ang lahat ng nabanggit - Iwasto mo na ang iyong sagot. Hiramin ang susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong iskor ay 7-10, handa ka na sa susunod na aralin at kung ang iskor ay 6pababa, gawin mo ang sumusunod na pagsasanay.9. Paunlarin mo… Isulat mo sa ibaba ang pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan na napapaloobsa binasang akda. PANGUNAHING KAISIPANPantulong na Pantulong na kaisipan Pantulong na kaisipan - - 17 kaisipan

- Tingnan mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ito’y malapit sa tamang sagot ay katanggap-tanggap na ito. Alam ko handa ka na sa susunod na ikalawang aralin, kaya magsimula na tayo.III. ARALIN 2: Pagislam A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na mga kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag at mga salita na ginamit sa akda 2. Natutukoy ang mahahalang detalye at kaisipan sa akda 3. Nasusuri ang akda batay sa teoryang Formalismo sa tulong ng iba’t ibang tradisyon at paniniwala 4. Napatutunayang mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng iba upang makamit ang mithing kapayapaan at pagkakaisa. 5. Nakasusulat ng salawikain/sanaysay na may kaugnayan sa kaisipang hatid ng akda.  Mga Gawain sa Pagkatuto? 1. Alamin mo… Sa nakaraang modyul iba ang paraan ng pagpapakahulugan sa mga salita ang natutuhan mo. Ngayon madali mong mabibigyan ng kahulugan ang salitang may salungguhit dahil nasa loob na rin ng pahayag ang singkahulugan. Hanapin at isulat ang salita sa sagutang buklet. Simulan mo na. 1. Maraming seremonya ang isinasagawa at sa pagdiriwang na ito’y masasabi mong kakaiba sa lahat. - - 18

2. Ang pagislam ng mga Maguindanawon ay isinasagawa ng matandang babae na may kinalaman sa kaugaliang ito samantalang ang pagbibinyag ng mga katoliko ay isinasagawa ng pari. 3. Lahat ng mga paniniwala na ating kinagisnan ay mga tradisyong minana natin sa ating mga ninuno. – Ang bilis mo namang matapos. Nangangahulugan lamang na madali ang gawain para sa iyo. Hingin mo sa iyong guro ang susi ng pagwawasto. Iwasto mo na ang iyong sagot. Tama bang lahat ang iyong sagot? Kung ganon ay “Kay inam” naman. Tandaan mo ang iyong mga naging sagot at paghandaan ang babasahin. Handa ka na ba? Maaari ka nang magsimula. 2. Basahin mo…PAGISLAM: Ang Pagbibinyag ng mga Muslim (Sanaysay/Muslim) Salin mula sa Ingles ni Elvira B. EstravoNANINIWALA ANG MGA Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walangkasalanan, kaya di kailangang binyagan. Ganoon pa man, mayroon silang isangseremonya na kahalintulad ng binyag na tinatawag na pagislam. Pinaniniwalaang ito angpagbibinyag ng mga Muslim. Sa katunayan, mayroon silang tatlong uri ng seremonyang panrelihiyon nanapapaloob sa pagislam, na ginagawa sa tatlong magkakaibang araw sa buhay ng isangsanggol. Ang unang seremonya ay ginagawa ilang oras pagkapanganak. Isang pandita angbabasa ng adzan o kang sa kanang tainga ng sanggol. Ito’y ginagawa upang dito’yikintal na siya’y ipinanganak na Muslim at ang unang salitang maririnig ay angpangalan ni Allah. Ang pangalawang seremonya ay higit na kilala bilang penggunting o pegubad.Ginagawa ito pitong araw pagkapanganak. Naghahandog ang mga magulang ng kanduli,isang salu-salo bilang pasasalamat sa pagkakaroon ng anak. Dito’y inaanyayahan angmga kaibigan, kamag-anakan at pandita. Ang paghahanda ay ayon sa antas ng kabuhayan ng mga magulang sa pamayanan.Karaniwang nagpapatay ng hayop, kambing o baka. Ang hayop na ito ay tinatawag na - - 19

aqiqa, na ibig sabihi’y paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. Sa okasyong ito, ang binibinyagan o pinararangalan ay binibigyan ng pangalan ng isang pandita pagkatapos na makaputol ng ilang hibla ng buhok ng sanggol. Inilalagay sa isang mangkok na tubig ang pinutol na buhok. Ayon sa paniniwalang Maguindanao, pag lumutang ang buhok, magiging maginhawa at matagumpay ang tatahaking buhay ng bata. Ngunit kapag ito’y lumubog, siya’y magdaranas ng paghihikahos at paghihirap. Ang bahaging ito ng seremonya ay di kinikilala ng Islam ngunit bahagi ito ng tradisyon, patuloy pa ring ginagawa ng ilang Maguindanawon. Isa pa ring bahagi ng tradisyon na kasama ng seremonya ay ang paghahanda ng buaya. Ito ay kakaning korteng buaya na gawa sa kanin, dalawang nilagang itlog ang pinakamata at laman ng niyog ang ginagawang ngipin. Nilalagyan din ang buaya ng manok na niluto sa gatang kinulayan ng dilaw. Inihahanda ito ng isang matandang babaing tinatawag nilang walian, isang katutubong hilot na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ginagawa ito para sa kaligtasan ng bata kung naglalakbay sa tubig. Pinakakain sa mga batang dumalo sa seremonya ang buaya. Ang ikatlo at huling seremonya ay ang pagislam. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa pagitan ng pito hanggang sampung taong gulang. Tampok na gawain sa seremonyang ito ang pagtutuli. Tinatawag itong pagislam para sa mga batang lalaki at sunnah para sa mga batang babae. Ginagawa ito upang alisin ang dumi sa kanilang pag- aari. Ang pagislam ay ginagawa ng isang walian, na karaniwang isang matandang babae na may kaalaman sa kaugaliang ito. Ang seremonya ay karaniwang ginagawa sa araw ng Maulidin Nabi o sa ibang mahalagang banal na araw ng mga Muslim. Binasa mo bang mabuti ang akda? Naunawaan mo ba ang detalye at kaisipangnakapaloob sa akda. Kung naunawaan mo na ang mga detalye at kaisipan, sagutin mo na ang mgapagsasanay. Madali rin ang mga ito. Simulan mo na. 3. Linangin mo…a. Pagsusuring Panlinggwistika Piliin ang titik ng tamang sagot batay sa pahayag na sumusunod: 1. Kilala bilang Diyos ng mga Muslim. a. Penggunting b. Adzan c. Ama d. Allah 2. Ang tawag sa seremonya sa pagbibinyag ng isang Muslim. - - 20

a. Sunnah b. Pagislam c. Aqiqa d. Walian 3. Kilalang hayop na ang ibig sabihin ay paghahandog ng pagmamahal at pasasalamat. a. buwaya b. pegubad c. aqiqa d. adzan 4. Ito ang tawag sa katutubong hilot: a. aqiqa b. Pagislam c. Walian d. Sunnah 5. Isang uri ng kakaning korteng hayop na gawa sa kanin: a. Sunnah b. Pagislam c. Buwaya d. Aqiqab. Pagsusuring Pangnilalaman Suriin ang bawat pahayag. Isulat ang A kung dapat at B kung di dapat paniwalaan ang sumusunod: _____1. Ang pagbibinyag sa sanggol _____2. Mga pamahiin _____3. Ang pag-aalay ng buhay sa diyus-diyusan _____4. Pagsisimba o pagsamba _____5. Pagbibigay limos sa mga pulubi sa kalsada _____6. Lahat ng sinasabi ng kausap _____7. Mga ritwal at punsoy - - 21

_____8. Mga panaginip at guniguni _____9. Ang relihiyon ay naglalapit ng tao sa Panginoon _____10. Gabay ang panganay sa buhay Gamitin ang istratehiyang TAC (Think About Consequences) sa susunod napagsasanay. Sabihin kung ano ang mangyayari sakaling: a) hindi naihandog sa Diyos ang isang bata b) hindi sumunod sa pinag-uutos ng relihiyong kinaaaniban c) sumuway sa batas ng tao at ng Diyos d) maniwala sa mga pamahiin at panaginip e) kung magbago ng relihiyon ang isang tao - Isa pang gawain ang inihanda ko sa iyo. Gamitin dito ang graphic organizer. Suriin at pag-aralan ang ilang tradisyon at kaugaliang Pilipino na may kinalaman sapananampalataya. Para sa iyo, alin ang dapat na paniwalaan? Ang hindi dapatpaniwalaan? Alin naman ang sa palagay mo’y haka-haka lamang. DAPAT PANINIWALA HAKA-HAKAPANIWALAAN LAMANG DI DAPAT PANIWALAAN - - 22

c. Pasgsusuring Pampanitikan Bago mo isagawa ang sumusunod na pagsasanay, alamin mo muna ang isinasaad ng nasa loob ng kahon. FORMALISMO Ang formalismo ay tumutukoy sa isang uri ng kritisismo na nagbibigay-diin sa forma ng isang texto at hindi sa nilalaman nito. Binibigyan nito ng markadong atensyon ang kaayusan, istilo o paraang artistiko ng texto. Iniiwasan nito ang pagtatalakay ng mga elementong labas sa texto mismo, tulad ng histori, pulitika, at talambuhay. - Binasa mo na ba ang nakakahon? Naunawaan mo na? Kung gayon, suriin mo na ang akdang “PAGISLAM”. Isaalang-alang mo ang teoryang binasa na nasa loob ng kahon, ang Formalismo. 4. Mayroon bang maayos na simula, gitna, at wakas ang akda? Patunayan.MGA BAHAGI PATUNAYANSIMULAGITNAWAKAS - - 23

5. Bakit itinuturing na Teoryang Formalismo ang ganitong uri ng akda? _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________________________________________________________ 6. Ibigay ang pangkalahatang impresyon sa sinuring akda pati na ang istilo ng awtor at kayarian ng sanaysay. (Isa-isahin ang tiyak na pahayag na hinango sa akda upang maging mabisa ang pagsusuri) _____________________________________________________________________ _____________________________________________________________________ ____________________________________________________________d. Halagang Pangkatauhan: 1. Bakit mahalaga ang paggalang sa paniniwala ng iba? Ipaliwanag. 2. Paano mo maipakikita na hindi hadlang ang relihiyon at paniniwala sa ikabubuti ng lahat. 3. Naniniwala ka ba na hanggang ngayon ay may kinalaman pa rin ang paniniwalang Muslim at Kristiyano sa kaguluhan sa Mindanao? Bakit? 4. May kaibigan kang Muslim at nangunguna sa pagkakaroon ng kaguluhan sa Mindanao. Maaari mong mapagbago ang kanyang pananaw sa buhay kung iyong: a. hihikayatin siyang maging Kristiyano b. igagalang mo ang kanyang paniniwala c. bibigyan siya ng aral upang magbago d. ipakikita mong mabuti ang pagiging Kristiyano - Nasagutan mo na ba ang mga pagsasanay? Iwasto ang naging sagot mo. Hiramin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Kung ang sagot mo ay malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap. - - 24

4. Palalimin mo…Basahin at unawain mo ang sumusunod na sitwasyon.1. Kung isa sa kapatid mo’y sumali sa ibang paniniwala o relihiyon paano mo matutulungang magbalik sa kinagisnan niyang relihiyon? Lagyan ng tsek ( )ang maaari mong gawin at ekis (x) ang di mo gagawin. a. Pagpapayuhan ko siya b. Pababayaan na lamang c. Pagagalitan hanggang sa magsisi d. Paliliwanagan ko siya nang buong husay e. Ipadarama ko sa kanya ang pagmamahal f. Sasabihan ko siya na makiisa sa pamilya Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Iwasto mo ang iyong sagot sa tulong ng susi sapag-wawasto. Hiramin mo na sa iyong guro. 5. Gamitin mo… Magbigay ka ng ilang mungkahi upang ang ilan sa mga kaibigan mo’y tumibay angpananalig at kapit sa kanyang pananampalataya. - Iwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. 6. Sulatin mo… Sumulat ng isang sanaysay na may kaugnayan sa natatanging paniniwala tungkol sapistahan at kapayapaan. Pumili ng isa sa sumusunod na paksa. Ilapat ang teoryang iyongnapag-aralan. a. Ang Miyerkules sa Baclaran b. Ang Buling-buling sa Pandacan c. Pista ni Sto. Niño d. Flores de Mayo sa Amin - - 25

- Tingnan mo ang iyong gawa o nilalaman ng sanaysay na nasa iyong guro, kung malapitang iyong gawa ay maaari na ito. 7. Lagumin mo… Bumuo ng kaisipan tungkol sa paksa batay sa dayagram:KATUTURAN PAGISLAM KAHALAGAHAN - Tingnan mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyongsagot ay malapit dito; maaari na ito. 8. Subukin mo… Sapat na ba ang kaalamang natutunan sa akdang iyong pinag-aralan? Sagutin mo angpangwakas na pagsusulit. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Ano ang nais ipabatid ng pahayag na? “naniniwala ang mga Muslim na ang isang sanggol ay ipinanganak na walang kasalanan.” Na ang mga sanggol ay: a. katulad ng mga anghel b. di na kailangang binyagan c. sumailalim sa babasa ng adzan d. magkaroon pa ng seremonya 2. Sa pagbabasa ng “Kang” sa kanang tainga ng sanggol na Muslim kailangang: a. sabihin Muslim ka b. iparinig, binyagan ka na c. unang marinig ang pangalan ni Allah d. ibulong ang salitang pandita 3. Ang paghahanda ng Pagislam ng naaayon sa antas ng kabuhayan. Ang ibig sabihin: a. ang maykaya lang ang dapat maghanda nang maringal b. maghanda ang may ihahanda c. mayaman lamang ang may karapatang maghanda d. maghanda ang ibig maghandog ng pasasalamat sa abot ng makakaya - - 26

4. Sa simula pa lamang ay nababakas na ang istilo sa pagsulat ng may-akda hanggang sa pagsunud-sunurin ang tatlong hanay ng kanilang seremonya. Malinaw na kinababakasan ito ng: a. simula b. impresyon c. anyo at forms d. wakas5. May ilang taon ang batang Muslim bago isagawa ang ikatlong seremonya. Ginagawa ito kung ang bata ay nasa a. tatlo at apat na taon b. ikapitong taon c. pagsapit ng sampung taon d. pagitan ng pito hanggang sampung taon6. Tampok na gawain sa huling seremonya ang: a. pagbasa ng adzan b. pagbibigay pangalan c. paghahandog kay Allah d. seremonya ng pagtutuli7. Sa idinaraos na seremonya, inilalagay ang pinutol na buhok sa isang mangkok na tubig. Ito’y isang: a. paniniwala b. tradisyon c. kasabihan d. kausuhan8. Naghahanda ang mga Muslim ng kakaning korteng buaya, ito raw ay para sa kaligtasan ng bata sa paglalakbay sa tubig. Sa katoliko ang iba’y naniniwala pa sa pakikipag-uanahan sa paglabas ng simbahan. Ang bata na mauna sa paglabas ay magiging matalino sa pag-aaral at di patatalo sa labanan. Ito ay isang: a. katotohanan b. palagay c. kasabihan d. haka-haka - - 27

9-10. Ang aral na inihahatid sa atin ng akda ay: a. Pagkakaroon ng tiwala sa kapwa b. Pagkakaroon ng pananampalataya c. Matutong magmahal at magpasalamat d. Pagkilala sa may mataas na antas ng buhay - Iwasto mo na ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang susi sa pagwawasto na nasaiyong guro. Kung ang iyong iskor ay 7-10 gawin ang panghuling pagsusulit at kung 6pababa ang iyong nakuha, gawin ang inihanda ko pang pagsasanay.Paunlarin mo…Bumuo ng mga konseptong batay sa mga litang nasa loob ng kahon.at pinagkakakilanlan magagandaat mga piling tradisyonpinahahalagahan ang atingNg ating lahi - Iwasto mo ang nabuo mong konsepto sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Tama ba? Magaling!  Gaano ka na kahusay?Matapos ang iba’t ibang pagsasanay na ibinigay ko sa iyo, sagutin mo na ang huling pagsubok upangmalaman ko kung gaano ang natutunan mo sa modyul na ito. Handa ka na ba? Simulan mo na. Panuto: Piliin ang tamang sagot. Titik lamang ang isulat. 1. Alam nyo bang hindi lamang ang mga Kristiyano ang may binyag? Pagislam ang pinaniniwalaang pagbibinyag ng mga Muslim. Ang pahayag ay nangangahulugang: - - 28

a. matatapang ang mga Muslim b. di-patatalo ang mga Muslim c. magdiriwang ang mga Muslim d. may ritwal ang mga Muslim2. Ginagawa ang unang seremonya ilang oras pagka-panganak sa sanggol. Ibig sabihin a. maririnig na ang pangalang Allah b. maaari nang ihandog kay Allah c. babanggitin na ang unang salita d. pag-aaralan ang pangalang Allah3. Naghahandog ng salu-salo ang mga magulang. Ito’y isang a. pagdiriwang b. utang na loob c. antas ng buhay d. pasasalamat4. Ang seremonyang pagtutuli ay isinasagawa upang: a. maalis ang dumi ng pag-aari b. makilalang isa siyang Muslim c. ipahayag ang katapangan d. hugasan ang kasalanan5. Ang Pagislam ay isang: a. nobela b. maikling kuwento c. anekdota d. sanaysay6. Ang bagong Milimino, ang mga bayaning gumagala sa kapuluan; sila ang magigiting na tumatanggap ng: a. regalo b. batikos c. suhol d. papuri7. Upang umunlad ang mga tao, di sila dapat maging a. tamad b. palaasa c. makasarili d. pabaya - - 29

8. Kapag nagkaroon tayo ng pagsulong at pag-unlad tiyak na ikararangal tayo ng ating: a. bayan b. magulang c. kababayan d. paaralan 9-10. Isa kang Islam, naniniwala ka na matagumpay na buhay ang tatahakin kung lumutang ang buhok sa tubig na nasa mangkok ngunit ang buhok na ito’y lumubog, ano ang iyong gagawin? Piliin ang 2 titik. a. hihintayin kong lumutang ang buhok sa tubig sa mangkok b. kalilimutan kung ako’y may anak na maghihirap c. kalilimutan ko ang tungkol sa paniniwalang ito d. magsisikap ako upang di abutin ng pagdarahop - Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin ang susi sa pagwawasto na nasa guro mo.Inaasahan ko na naging produktibo ang pag-aaral sa modyul na ito. - - 30

Modyul 3 Pagsusuri ng Akda sa Teoryang Imahismo at Romantesismo Tungkol saan ang modyul na ito? Magandang araw sa iyo! Kumusta ka na? Siguro’y marami nang pagbabagongnaganap sa mga pananaw mo sa buhay mula nang unang makapagbasa ka nang modyul hanggang sahuling araling natalakay natin. Nasabi ko ito sapagkat ang mga araling inihahanda ko para sa iyo aytalaga namang makabuluhan at kapaki-pakinabang kung kaya’t ngayong araw na ito ay may panibagona naman akong araling inihanda para sa iyo. Tiyak na magugustuhan mo ito.Maitanong ko lang… Naranasan mo na bang lumuha? Marahil Oo… Ngunit anuman ang sanhi atbunga sa iyong pagluha ay hindi ko sinasadyang muling manariwa sa iyong isipan at damdamin.Naitanong ko lamang ito sapagkat may kaugnayan ito sa araling inihanda ko para sa iyo sa araw naito. Hindi naman siguro lingid sa iyong kaalaman na maraming sanhi o dahilan kung bakittayo lumuluha. Kung minsa’y dala ito ng sobrang kaligayahan at kadalasa’y sobrang kapighatian okalungkutan. Ang huling sanhi o dahilan ng pagluha ang bibigyang-pansin sa araling iyongmatutunghayan sa modyul na ito. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan 1

Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nito tungo saiyong pagkatuto. Nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos at makabuluhan ang iyongpaggamit. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “ Ano Ba Ang Alam Mo? “ Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan kang linawin ito habang sinusuri mo ang akdang babasahin. 3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa kabuuan sa “ Gaano Ka Na Kahusay? “ Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel o notbuk sa pagsagot. Ano ba ang alam mo? Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot. Pagsusuri sa taludturan na nasa loob ng kahon. 2

Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw?1. Ang taludturan ay masasabing may tugma sapagkat pareho ang: a. tunog sa hulihan c. nakapaloob sa diwa b. bilang ng pantig d. tono at diin sa hulihan2. Ang sukat ng taludturan ay: c. 12 a. 6 d. 24 b. 83. Ang kaugnay na kahulugan ng may salungguhit sa taludturan ay: a. kalangitan c. sangkatauhan b. sanlibutan d. langit at lupa4. Alin sa karanasang inilahad sa taludturan ang may kaugnay na pangyayari sa kasalukuyan? a. pagkakaroon ng higit sa isang hanapbuhay b. pagtanggap sa trabaho kahit maliit ang sahod c. pagtatrabaho sa ibang bansa upang kumita ng dolyar d. pagsanib sa mga sindikato kapalit ang malaking salapi5. Ang kasanayang nabanggit sa akda ay maaaring mangyari sa sariling karanasan dahilansa: a. kasamaan c. katiwalian b. kahirapan d. kasinungalingan6. “Ngunit ang puso ko’y sadyang naninimdim.” Ang larawang-diwang maaaring mabuo sapahayag ay larawan ng isang taong: a. nalilito c. malungkot b. lumuluha d. natatakot7. “Kaya kung isa kang kapus-kapalaran, wala kang pag-asang ‘makyat sa lipunan”. Ang pahayag na ito sa taludturan ay nagpapatunay lamang na: a. ang mga mayayaman ang lalong yumayaman b. mahirap makahanap ng trabaho kaya’t imposible silang umasenso c. mailap ang magandang pagkakataon sa mga mahihirap d. ang mga mahihirap ang lalong naghihirap sapagkat walang magandang opurtunidad para sa kanila8. Ang pahayag sa bilang pito ay may kinalaman sa kamalayang: a. pambansa c. pandaigdigan b. panrehiyon d. panlalawigan9. Ang pagkakapantay-pantay ng pamumuhay ng mga tao, mahirap man o mayaman ay maaaring mangyari kung iiwasan ang pagkakaroon ng: 3

a. inggit c. pang-aalipinb. kasamaan d. diskriminasyon10. Anumang oras ay maaring dumating sa ating buhay ang mga kalungkutan at kapighatian.Ang dapat nating pangibabawin sa mga pagkakataong ito ay pagkakaroon ng:a. katapangan c. lakas ng loobb. kahinahunan d. mababang kalooban Maaari mo nang iwasto ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Maganda ba ang naging resulta ng iyong iskor? Huwag kang mabahala sa kinalabasannito. Sinusukat lamang nito ang dati mo nang kaalaman kaugnay sa dalawang araling atingtatalakayin sa araw na ito. Makatutulong na maipaunawa sa iyo ng modyul na ito ang iba’t ibang kasanayan nadapat mong matutunan sa tulong ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo.ARALIN 1: Panambitan Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang modyul na ito ay inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang sukat at tugma ng tula 2. Naibibigay ang mga mensahe o kaisipang nakapaloob sa bawat saknong ng tulang binasa 3. Nakabubuo ng imahe sa akda sa pamamagitan ng bisa ng mga ginamit na salita 4. Napatutunayang nakatutulong sa pagkakaroon ng maayos na pagsasamahan ng mga mamamayan ang pagkakapantay-pantay ng uri ng pamumuhay sa pagitan ng mahihirap at mayayaman 5. Nakasusulat ng isang tula na kapaksa rin ng akdang tinalakay 4

 Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Panuto: Basahin at suriin ang mga balitang nasa loob ng news collage at isa-isahin ang anim na suliraning panlipunang makikita rito. Lulong sa Bawal Illegal na pagtotroso, pinahintoHalaga ng petrolyo, na MALAKAS NA BAGYO, PAPARATING!Tumataas! Gamot, Nag-amok Bangko, hinoldap! Pangulo nagtalaga ng Mga manggagawa muling nagbanta ng welga bagong opisyal Pagbaba ng piso laban sa dolyar, Patuloy Naisa-isa mo ba ang mga suliraning panlipunang nasa loob ng news collage? Kuninmo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Itsek mo ang iyong mga kasagutan at pagkatapos ayihanda ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo… Ang unang akdang iyong babasahin ay isang tula mula sa Bicol na isinalin sa Wikang Tagalog. 5

Sa palagay ko’y maiibigan mo ito. Unawain mo sanang mabuti. “PANAMBITAN” (Tula/Bikol) Salin ni Ma. Lilia F. Realubit ng “Panambitan” ni Myrna Prado Bakit kaya dito sa mundong ibabaw Marami sa tao’y sa salapi silaw? Kaya kung isa kang kapus-kapalaran Wala kang pag-asang makyat sa lipunan. Mga mahihirap lalong nasasadlak Mga mayayaman lalong umuunlad May kapangyarihan, hindi sumusulyap Mga utang-na-loob mula sa mahirap. Kung may mga taong sadyang nadarapa Sa halip tulungan, tinulak pa nga; Buong lakas silang dinudusta-dusta Upang itong hapdi’y lalong managana. Nasaan, Diyos ko, ang sinasabi Mo Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo? Kaming mga api ngayo’y naririto Dinggin Mo, Poon ko, panambitang ito. Nagustuhan mo ba ang tulang iyong binasa? Naramdaman mo rin ba ang damdamingnangibabaw sa nananambitan sa tula? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang tula, tiyak na masasagutan mo ang mgagawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lang ang mga ito. Makatutulongkung uunawain mong mabuti ang mga panuto sa bawat gawain. Ang unang gawain ay tungkol sa sukat at tugma na katangian ng isang tula. Alam mo ba na ang isang karaniwang tula ay nagtataglay ng mga sumusunod na katangian: sukat, tugma o sintunog, kariktan, himig at talinghaga? Ang sukat ay bilang ng pantig sa bawat tiyak na hati ng taludtod o mga taludtod. Sa tulang pampanitikan, paligiang lumilitaw sa ikaapat, ikaanim at ikawalong pantig ang likas na paghinto. 6

May mga sukat na wawaluhing pantig, ang hati ay 4-4; lalabindalawahing pantig, ang hati ay 6-6; lalabing-animin, ang hati ay 8-8; at lalabingwaluhin na ang hati ay 9-9 o 6-6-6. Tugma naman ang tawag sa pagkakatulad ng tunog ng mga huling pantig sa bawat taludtod. Nakagaganda ito sa pagbigkas ng tula sapagkat nagbibigay ito ng angking himig o indayog. May dalawang uri ng tugma; tugma sa patinig (a,e,i,o,u); tugma sa katinig. Ang tugma sa katinig ay nahahati sa; (a) unang grupo- b, k, d, g, p, s, t; (b) sa ikalawang grupo- l, m, n, ng, w, y. Naging maliwanag ba sa iyo ang tinatawag na sukat at tugma? Makatutulong sapagsagot mo sa unang gawain ang paliwanag na iyong nabasa kanina.3. Linangin mo…a. Pagsusuring PanlingwistikaPanuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay sagutin ang mga katanungang nakapaloob dito. Letra lamang ang isulat.1. Ang sukat na ginamit sa tulang Panambitan ay:a. 8 c. 16b. 12 d. 182. Ang hati o sesura ng tula ay:a. 4-4 c. 8-8b. 6-6 d. 9-93. Nakapaloob sa saknong 2 ang uri ng tugmang:a. patinig c. patinig-katinigb. katinig d. katinig-patinig4. Samantalang sa saknong 4 nakapaloob naman ang tugmang:a. patinig c. patinig-katinigb. katinig d. katinig-patinig5. Ang mga taludturang nakasulat ay may tugma maliban sa:a. Nasan, Diyos ko ang sinasabi mo, Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo? 7

b. Mga mahihirap lalong nasasadlak, Mga mayayaman lalong umuunlad c. Tapakan ng tao sa gitna ng daan, kung matalisod mo’y iila- ilandang, d. Ngunit pagkatapos, pag ika’y namatay, bato ang tatapak, mga bangkay nila b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Ibigay ang kaisipang nakapaloob sa bawat saknong. Piliin at isulat ang letra ng kaisipang nakatala sa kasunod na pahina. Saknon Kaisipa gn 1 2 3 4 Pagpipiliang Kaisipan: a. Pagpapahirap pang lalo sa pamumuhay ng mga api at naghihirap na mamamayan. b. Pagdarasal na magkaroon ng pantay-pantay na pamumuhay ang mayayama’t mahihirap. c. Pagkapit sa patalim ng karamihan sa mahihirap d. Pag mayaman ang isang tao ay hindi na maghihirap pa. e. Pagkawala ng oportunidad na makaahon sa buhay ang mahihirap kung kaya’t lalong naghihirap Binibigyang-diin sa akdang iyong binasa ang Teoryang Imahismo kung saan, ang tuon ay sa imahen o “images”. Pinaniniwalaan sa teoryang ito na ang imahen ang siyang nagsasabi ng kahulugan ng mga salita, pangungusap o pahayag na napapaloob sa isang akda. Ang paliwanag na iyong nabasa ay may kaugnayan sa susunod na gawaing inihandako para sa iyo. Isaalang-alang mo ang iyong mga natutuhan. Maaari ka nang magsimula. c. Pagsusuring Pampanitikan c.1. Panuto: Suriin at piliin ang letra ng sumusunod na imahe o larawan ng mga senaryong nagpapatunay sa kabuuan ng tulang binasa. 8

A. B. C.D. E. F.c.2. Panuto: Kaugnay ng mga senaryong napili, bumuo ng tatlong pangungusap na nagsasalaysay sa pangyayaring nakapaloob sa larawan na may kaugnayan sa akdang binasad. Halagang PangkatauhanPanuto: Ikonek sa mukhang masaya ang mga bilang ng pahayag na nagpapakita ng pagkakapantay-pantay ng mahihirap at mayayaman at sa mukhang malungkot ang mga bilang na hindi nagpapakita ng pagkakapantay-pantay. MGA PAHAYAG1. Diskriminasyon sa pagitan ng mahihirap at mayayaman.2. Kung ano ang ulam ng amo, siya ring ulam ng katulong.3. Kahit ang boss/manedyer ay gumagawa rin ng gawain ng trabahador.4. Ang mga anak ng senador ay nag-aaral sa pribadong paaralan at pampubliko naman ang anak ng ordinaryong mamamayan.5. Pareho ang pasok at pag-uwi ng empleyado at opisyal ng kumpanya.6. Ang hatian ng tenant at landlord sa kita ng lupang sakahan ay 50-50.7. May nakatira sa ilalim ng riles ng tren, iskwater, subdibisyon, kondominyum at ang iba’y sa mansyon.8. May patas na karapatan sa bayan ang mayayaman at mahihirap.9. Ang batas ay para sa lahat ngunit kung may katungkulan sa pamahalaan ay maaaring maabswelto sa kasalanan.10. Iisa ang libangan ng mamamayan, mahirap man o mayaman. Nasiyahan ka ba sa pagsagot sa mga gawain? Maaari mo nang kunin sa iyong guroang Susi sa Pagwawasto upang malaman mo ang iskor na iyong nakuha sa bawat gawain atpagkatapos ay sagutin mong muli ang kasunod na gawain.4. Palalimin mo… 9

Panuto: Isulat sa loob ng dayagram ang letra ng mga pahayag na sa palagay mo’y maaaring isaalang-alang upang magkaroon ng pantay-pantay na uri ng pamumuhay ang mga tao na siyang panambitan ng nagsalita sa tula. Maaaring isaalang-alang upang magkaroon ng pagkakapantay-pantay ng uri ng pamumuhay ng mga tao A. Iwasan ang dikriminasyon sa pagitan ng mahihirap at mayayaman. B. Sikaping maiwasan ang pang-aapi sa kapwa. C. Silawin sa salapi ang kapwa lalo na’t mahirap. D. Tulungang makaahon sa kahirapan ang mahihirap. E. Bigyan ng hanapbuhay ang nangangailangan ng trabaho na ang pasahod ay wala sa minimum wage. F. Igalang ang karapatan at kakayahan ng bawat indibidwal. G. Pangibabawin ang pagmamahal sa kapwa. H. Gamitin ang talino at lakas ng ibang tao kapalit ng pansariling interes. I. Tulungang maging produktibo ang buhay ng bawat isa upang maiwasan ang maging palaasa sa dagta ng iba. J. Magbukas ng maraming pagawaan upang magkaroon ng trabaho ang mga nangangailangan nito. Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang iyong mgakasagutan, pagkatapos ay sagutin mo ang kasunod na gawain. 5. Gamitin mo… Panuto: Buuin ang mga parirala sa dayagram mula sa sumusunod na pagpipilian upang mabuo ang pahayag. Bilang lamang ng pahayag ang isulat. 1. na bakit ang mahihirap ay patuloy na naghihihrap at ang mayayama’y lalong yumayaman. 2. na maiiwasan ang paggawa ng masama sa kapwa kung walang mahirap at mayaman at lahat ay may pantay-pantay na uri ng pamumuhay. 3. na maraming tao ang naghihirap sa buhay sa kasalukuyang panahon. 4. na mas masarap mamuhay sa mundo kung walang inaapakang tao. 5. na may mga taong pilit na nagtatanong sa Panginoon kung bakit may mahirap at 6. na kahit subsob na subsob sa hanapbuhay ang isang tao makaangat lamang sa Buhay ay hindi pa rin umaasenso. 10

Nasagot mo bang lahat? Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto atitsek mo kung tamang lahat ang iyong mga kasagutan. Ang susunod na gawain ay susukat sa kasanayan mo sa pagbuo ng tula. Samakatwid,susulat ka ng tula.6. Sulatin mo…Panuto: Punan ng mga angkop na taludtod ang bawat patlang upang maging ganap ang diwa ng tula. Piliin sa loob ng kahon ang taludtod na ipupuno sa Alam ko… Pinagtataka bawat patlang at ko… Natutunan ko… pagkatapos ay isulat mo nang buo ang tulaKAPALARAN Bakit ba ganyan buhay ng tao? _________________________ Kapalara’y hirap matagpuan _________________________ Bakit kaya may ligaya’t lumbay? ________________________ Pagsikapan sanang magtulungan 11

________________________ Mga tao sa sandaigdigan Minsa’y hinahanap nang di alam Mayroong mga bigo’t tagumpay Mayroong mayama’t api sa mundo Maayos mo bang nabuo ang tula? Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto upang maitsekang iyong isinulat. Ang susunod na gawain ay susubok naman sa lahat ng natutuhan mo sa aralin. Maaarika nang magsimula. 7. Lagumin mo… Panuto: Isulat sa loob ng dayagram ang bilang ng kaisipan, konsepto na tumutugon sa natutunan sa aralin. Kaisipan o Konsepto 1. Ang pagdadamayan ng mga tao’y lubhang mahalaga tungo sa pagkakapantay- pantay ng bawat isa. 2. Kapag ang tao’y ipinanganak na mahirap, hanggang sa kamataya’y hirap ang malalasap. 12

3. Tumawag at humingi ng tulong sa Maykapal ngunit samahan dapat ito ng pagsisikap.4. Ang taong nagigipit kahit sa patalim ay kumakapit.5. Pahalagahan ang tulong ng iba at magsumikap upang guminhawa. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang maitsek ang iyongmga kasagutan. Ang susunod na gawain ay inihanda ko upang lubusan mong masukat kung hanggangsaan ang iyong natutuhan.Maaari mo nang simulan.8. Subukin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.1. Ang tulang Panambitan ay binubuo ng _____ na saknong:a. 4 c. 16b. 12 d. 182. Binubuo ng _____ na taludturan ang bawat saknong ng tulang nabanggit.a. 4 c. 16b. 12 d. 183. Ang mga taludturang nakapaloob sa tula ay kinapapalooban ng sumusunod natugma maliban sa tugmang:a. patinig c. patinig-katinigc. katinig d. katinig-katinig4. “Kaya kung isa kang kapus-kapalaran, wala kang pag-asang maakyat sa lipunan”. Ang kaisipang nakapaloob sa taludturang ito ay: a. Ang mahihirap ay lalong naghihirap b. Kawalan ng pag-asa ng mahihirap c. Walang karapatang yumaman ang mahihirap d. Maliit ang opurtunidad na makaahon sa kahirapan ang mga kapus- palad5. “Kung may mga taong sadyang nadarapa, sa halip na tulungan, tinutulak pa nga”. Sa taludturang ito pinatutunayan ang katotohanan ng kaisipang: a. Mapang-api ang mayayaman b. Sagad hanggang buto ang kasamaan ng tao c. Mahirap makabangon sa problema at pagsubok sa buhay d. Kapag naungusan ng kapwa, pinipilit na silang hilahin pababa 13

6. “Nasaan Diyos ko, ang sinasabi Mo? Tao’y pantay-pantay sa balat ng mundo?” Nakapaloob sa taludturang ito ang kaisipang: a. May diskriminasyon ang mahirap at mayaman b. Pantay-pantay ang tao sa mata ng Diyos c. Ang tao’y ipinanganak nang walang mahirap at mayaman d. Iba-iba ang uri ng pamumuhay ng tao dito sa mundo7. Ang imaheng maaaring mabuo sa binasang tula ay larawan ng: a. Nagwewelgang mamamayan b. Nag-aaway-away na mayayaman at mahihirap c. Isang taong lumuluha habang nananalangin sa Panginoon d. Isang taong punung-puno ng galit sa Panginoon8. Ang lahat ng senaryo ay nakapaloob sa pangyayaring naganap sa akda maliban sa: a. naghihirap na mamamayan b. namumuhay nang masagana c. taong malungkot na nag-iisip d. taong nadapa at hindi tinulungan9. Magiging maayos ang pamumuhay ng mga tao sa sandaigdigan kung lahat aya. mahirap c. panta-pantayc. mayaman d. makapangyarihan10. Kahit iba-iba ang uri ng pamumuhay ng mga tao sa mundo, sa mata na Diyos aypantay-pantay, walang mahirap at mayaman. Ang pahayag ay isang:a. kasabihan c. opinyonb. paniniwala d. agarang kongklusyon Iwasto mong muli ang iyong mga kasagutan. Kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Kumusta ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong nakuha, nangangahuluganlamang na lubusan mong naunawaan ang aralin at maaari ka nang pumunta sa susunod na aralinngunit kung 6 pababa, kailangan mo munang sagutan ang kasunod na gawain. Kayang-kaya mo itosapagkat kaugnay pa rin ito ng ating aralin.Maaari mo nang simulan.9. Paunlarin mo… Panuto: Piliin ang letra ng limang larawan na nagpapakita ng pagkakaroon ng pagkakapantay-pantay.ab c. d 14

ef g Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at itsek ang iyong mga sagot. Maaari mo na ngayong simulan ang susunod na aralin.ARALIN 2: Babang-Luksa Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan matapos mapag-aralan angmodyul na ito: 1. Napipili ang mga salitang magkakaugnay ang kahulugan 2. Natutukoy ang mga bahaging nagpapakita ng talinghaga at larawang-diwa 3. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang damdaming napapaloob sa akda 4. Napatutunayang ang pagkakaroon ng katatagan ng kalooban ay lubhang mahalaga sa panahon ng kalungkutan at kapighatian 5. Nakasusulat ng tula na kapaksa ng akdang binasa  Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Suriin ang larawan at pagkatapos ay piliin sa kasunod na pahina ang limang letra ng mga damdaming nangingibabaw sa taong nasa larawan. 15

A. naiinis E. naghihirapB. nagdurusa F. nalulumbayC. nanlulumo G. nagdadalamhatiD. nagsasaya H. naghihinagpis Nasuri mo bang mabuti ang larawan at ang damdaming nangingibabaw sa taong nakitamo ? Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang maiwasto ang sinagutang gawain atpagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili sa susunod na gawain. 2. Basahin mo… Sinisiguro kong magugustuhan mo rin ang pangalawang akdang iyong babasahinsapagkat may kaugnayan din ito sa unang aralin na ating tinalakay. Isa itong tulang Pampango naisinalin sa Wikang Tagalog. Babang-Luksa (Tula/Pampango) Salin ni Olivia P. Dantes ng “PABANUA” ni Diosdado Macapagal Isang taon ngayon ng iyong pagpanaw Tila kahapon lang nang ika’y lumisan; Subalit sa akin ang tanging naiwan, Mga alaalang di-malilimutan. Kung ako’y nasa pook na limit dalawin Naaalala ko ang ating paggiliw; Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin Kung nagunita kong tayo’y magkapiling.Kung minsan sadya kong dalawin ang bahay Na kung saan unang tayo’y nag-ibigan; Sa bakura’t bahay, sa lahat ng lugar, Itong kaluluwa’y hinahanap ikaw. 16

Sa matandang bahay napuno ng saya Sa araw na iyo’y pinagsaluhan natin; Ang biyayang saglit, kung nababalik pa Ang ipapalit ko’y ang aking hininga. Bakit ba, mahal ko, kay-agang lumisan At iniwan akong sawing-kapalaran Hindi mo ba talos, kab’yak ka ng buhay At sa pagyaon mo’y para ring namatay? Marahil tinubos ka ni Bathala Upang sa isipa’y hindi ka tumanda; At ang larawan mo sa puso ko’t diwa Ay manatiling maganda at bata. Sa paraang ito, kung nagkaedad na Ang puting buhok ko’y di mo makikita: At ang larawan kong tandang-tanda mo pa, Yaong kabataan taglay na tuwina. At dahil nga rito, ang pagmamahalan Ay hanggang matapos ang kabataan; Itong alaala ay lalaging buhay, Lalaging sariwa sa kawalang, hanggan Kaya, aking mahal, sa iyong pagpanaw Tayo’y nagtagumpay sa dupok ng buhay; Ang ating pagsintang masidhi’t marangal Hindi mamamatay, walang katapusan. Ang kaugalian ng ninuno natin Isang taon akong magluluksa mandin Ngunit ang puso ko’y sadyang maninimdim; Hanggang kalangitan tayo’y magkapiling. Kumusta ang iyong pagbabasa? Naramdaman mo rin ba ang emosyong naghari sanagsasalita sa tula? Tiyak kong humanga ka sa kanyang ipinakitang wagas na pag-ibig sa yumaongkabiyak. Kung inunawa mong mabuti ang akda, tiyak na masasagutan mo ang mga gawainginihanda ko para sa iyo. Madali lamang ang mga ito at makatutulong sa iyong pagsagot ang pag-unawang mabuti sa mga panuto sa bawat gawain. Ang unang gawain ay tungkol sa mga salitang magkakaugnay ang kahulugan. 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika 17

Panuto: Basahin at unawain ang sumusunod na taludturan at pagkatapos ay hanapin ang kaugnay na kahulugan na mga salita o pariralang may salungguhit. Isulat sa sagutang-papel ang sagot.1. Isang taon ngayong ang iyong pagpanaw, Tila kahapon lang nang ikaw’y lumisan2. Tuwa’y dumadalaw sa aking paningin Kung nagunita kong tayo’y magkapiling3. Bakit ba, mahal ko, kay-agang lumisan? At iniwan akong sawing kapalaran4. Hindi mo ba talos, kabiyak ka ng buhay At sa pagyaon mo’y para ring namatay?5. Sa paraang ito, kung magkaedad na Ang puting buhok ko’y di mo makikita6. Itong alaala ay laging buhay Laging sariwa sa kawalang hanggan7. Isang taon akong magluluksa mandin Ngunit ang puso ko’y sadyang naninimdimb. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Piliin ang letra ng larawang-diwang matatagpuan sa Hanay B na tumutugon sa bahaging nagpapakita ng talinghaga sa tula na matatagpuan sa Hanay A.1. Kahapon lang nang ikaw’y a. lumisan2. Tuwa’y dumadalaw sa aking b. isipan3. Kabiyak ka ng buhay c.4. Pagsintang masidhi’t d. marangal5. Hanggang matapos ang e. kabataan Ang akdang katatapos mo lang basahin ay isang tula na katulad ng akdangbinasa at sinuri mo sa unang aralin ngunit ang binibigyang-diin dito ay TeoryangRomantesismo. Ang namamayani rito ay emosyon o likas na kalayaan. Pinaiiral 18

dito ang sentimentalismo at ideyalismo. Higit na pinahahalagahan ang damdaminkaysa ideyang siyentipiko. Sa teoryang ito, inspirasyon ang pangunahingkasangkapan upang mabatid ng tao ang katotohanan, kabutihan at ang kagandahan.Makatutulong sa iyo ang binasang paliwanag sa pagsagot sa susunod na gawain.Kung handa ka na, maaari mo nang simulan. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Piliin ang mga bahagi sa tula na makikita sa kasunod na pahina na nagpapakita ng iba’t ibang damdamin at pagsama-samahin ang mga pahayag na nagpapakita ng pare-parehong damdamin. Isulat ang letra ng pahayag sa loob ng dayagram.Masaya Malungkot A. Pagpanaw ng minamahal B. Saan mang lugar ang hinahanap-hanap ay mahal C. Iniwan ang sawing kapalaran ng minamahal D. Sa puso’y mananatiling bata at maganda ang minamahal E. Isang buong taong magluluksa F. Pagsintang masidhi’t marangal G. Pusong sadyang naninimdim H. Paggunita na sila’y magkapiling at magiliw sa isa’t isa Sa pagkakataong ito ay naghanda ako ng isang awiting may kaugnay sa akdang iyongbinasa. Maaari mo itong awitin ngunit sa iyong isipan lamang. Maganda ang mensaheng nakapaloobsa awiting ito at nababagay sa mga taong nakararamdam ng mga pighati , dalamhati at kalungkutan sabuhay. Nais mo bang mabasa ang mga linya ng awitin? Matutunghayan mo ito sa susunod na gawain. d. Halagang Pangkatauhan d.1. Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mensahe ng awitin at pariralang nakapaloob dito na nagpapakita kung anu-ano ang dapat gawin upang labanan ang mga pagsubok at hamon ng buhay. PAGSUBOK 19

Isip mo'y litung- lito Sa mga panahong nais mong maaliw Bakit ba bumabalakid Ang iyong mundong ginagalawan? Ang buhay ay sadyang ganyan Sulirani'y di mapigilan Itanim mo lang sa 'yong pusong Kaya mo yan.... Pagkabigo't alinlangang Gumugulo sa isipan Mga pagsubok lamang 'yan Huwag mong itigil ang laban Huwag mong isuko... at 'yong labanan Huwag mong isiping ikaw lamang Ang may madilim na kapalaran Hindi ikaw tatalikuran Ng ating Ama na siyang lumikha Hindi lang ikaw ang nagdurusa At hindi lang ikaw ang lumuluha Pasakit mo'y may katapusan Kaya mo 'yan.... d.2. Pumili ng 5 sa sumusunod na sitwasyon o pagkakataon sa buhay ng tao na kinakailangang ipakita ang katatagan ng kalooban. Bilang lamang ang isulat.1. Pumanaw ang taong minamahal2. Nakipag-away sa kaibigan3. Naghiwalay ang mga magulang4. Pagkakaroon ng sakit na di na malulunasan5. Kumpulan ng tukso sa paaralan6. Pagkakaroon ng patung-patong na problema7. Nagtampo ang isang kaibigan8. Nalulong sa masamang bisyo9. Nawalan ng hanapbuhay 20

10. Natalo sa paligsahan Nasiyahan ka ba sa mga gawain? Nakatulong ba ang mga ito sa iyong lubusang pag-unawa sa binasang akda? Kung gayon, kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro upangmaitsek ang iyong mga gawain at malaman kung hanggang saan ang iyong natutuhan. Ngayon ay muli mong sasagutin ang mga kasunod na gawain. Ihanda mo na ang iyongsarili. 4. Palalimin mo… Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at sagutin ang mga katanungan kaugnay nito. Isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang . Lahat tayo ay makararanas na mawalan ng mahal sa buhay, ano mang oras na gustuhin ng Panginoon. Sakaling mangyari ito sa iyo nang di inaasahan, ano ang gagawin mo bilang isang: Anak… _____. Magulang… _____ Asawa… _____ Kasintahan… _____ a. maluwag na tatanggapin kahit malungkot at itutuon na lamang ang pansin sa iba pang responsibilidad na naiwan sa aking mga balikat. b. pagsusumikapang tuparin ang mga plano sa buhay sa pamamagitan ng pagsisikap sa pag-aaral. c. Sisikaping maalis ang lungkot na nadarama at itutuon ang pansin sa iba pang bagay na maaring pagkaabalahan. d. Mananatili sa aking alaala ang kanyang pagmamahal sa buong panahon ng aming pagsasama at maghihintay na lamang na dumating ang pagkakataon na makapiling siya sa kabilang-buhay. 21

Tingnan mong muli kung ilan ang makukuha mong iskor. Kunin mo sa iyong guro angSusi sa Pagwawasto. 5. Gamitin mo… Panuto: Piliin ang mga larawang maaaring sumimbulo sa katatagan ng isang indibidwal sa panahon ng kabiguan at pagdadalamhati. Isulat sa patlang ang mga salita o pariralang maiuugnay sa larawang napili._________ __________________ __________________ _________matibay pagluhamatatag pag-asanakapagpapalubag ng kalooban nakapapawi ng uhaw Nahirapan ka ba sa huling gawaing iyong sinagutan? Alam ko namang ginawa monglahat ang iyong makakaya. Maaari mo nang kunin ang Susi sa Pagwawasto at itsek mo ang iyongmga kasagutan. Ang susunod na gawain ay hahamon naman sa kakayahan mo sa pagsulat ng tula.Tiyak na magugustuhan mo ang paksa ng iyong isusulat. Maaari mo nang simulan. 22

6. Sulatin mo… Panuto: Basahin ang sumusunod na linya ng awitin at pagkatapos ay bumuo ng tula kaugnay ng akdang binasa batay sa nakatalang pamantayan. PAGLISAN Kung ang buhay ay isang umagang nakangiti At ikaw ay ang lupang sinusuyo ng bituin Di mo man silip ang langit Di mo man silip ito'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Hmmm Sa pagbuhos ng ulan Sa haplos ng hangin Alaala mo ay nakaukit sa pisngi ng langit Di man umihip ang hangin ahhh Di man umihip ika'y nandirito pa rin Kung ang lahat ay may katapusan Itong paglalakbay ay makakarating din sa paroroonan At sa `yong paglisan Ang tanging pabaon ko Ay pag-ibig Ay pag-ibig Ay pag-ibig Ooh ooh ooh ooh • Lagyan ng maayos na pamagat • Binubuo ng dalawang saknong na may apat na taludturan • Ang sukat ay wawaluhin o lalabindalawahin • Maaaring gamitin ang mga salita sa awitin • Bigyang-pansin ang tugma sa hulihan Maganda ba ang nabuo mong tula? Nasunod mo naman ba ang mga pamantayan?Nawa’y nasiyahan ka sa gawaing ito. Susubukin naman ng susunod na gawain ang lahat ng natutuhan mo sa aralin. Kunghanda ka na, simulan mo na! 7. Lagumin mo… Panuto: Ilagay sa loob ng dayagram ang letra ng mga kaisipan o konseptong napapaloob sa araling tinalakay. 23

Pangunahing kaisipanPantulong na Pantulong na kaisipan kaisipanA. Ang pagluha’y kakambal na ng kalungkutan at kapighatian.B. Ang kamatayan ay yugto ng ating buhay at kusang dumarating di man natin asahan.C. Tanggapin nang maluwag sa kalooban kahit masakit mawalan ng minamahal sapagkat kasama ito sa Plano ng Kaligtasan ng Panginoon. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang maitsek ang iyongmga kasagutan. Ang susunod na gawain ay inihanda ko upang lubusan mong masukat kung hanggangsaan ang iyong natutuhan.Maaari mo nang simulan.8. Subukin mo…Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na sagot.1. “Kung ako’y nasa pook na limit dalawin…” Ang kaugnay na kahulugan ng salitang may salungguhit ay:a. bihira c. madalasb. minsan d. oras-oras2. Isang taon na ang nakalilipas nang pumanaw ang asawa. Ang lahat ay kaugnay na kahulugan ng salitang may salungguhit maliban sa:a. nawala c. lumisanb. namatay d. sumakabilang-buhay 24

3. Ang pagsinta ng nagsasalita sa tula sa kanyang asawa ay walang katapusan. Nangangahulugan lamang na ang kanyang pag-ibig ay:a. wagas c.matatagb. dakila d. makapangyarihan4. “Noong ako’y nasa pook na limit dalawin, naaalala ko pa ang ating paggiliw“ Ang larawang-diwa sa tagpong ito ay ang kanilang:a. pagniniig c. pagtutulunganb. pagsusuyuan d. paglalambingan5. Alin sa sumusunod na taludturan ang nagpapakita ng talinghaga?a. Naaalala ko ang ating paggiliwb. Itong kaluluwa’y hinahanap ikawc. Tuwa’y dumadalaw sa aking paningind. Kung nagunita kong tayo’y magkapiling6. “Bakit ba mahal ko, kay agang lumisan; at iniwan akong sawing-kapalaran?” Ang tagpong maaaring mabuo sa isipan sa pangyayaring ito sa akda ay isang taong:a. naguguluhan c. naghihinagpisb. nagsusumamo d. umasam-asam7. Ang emosyong nababalot sa damdamin ng lalaking nagsasalita sa akda ay:a. paghihinakit c. matinding pagdadalamhatib. puno ng pag-asa d. magkahalong lungkot at saya8. Ang damdaming nangingibabaw sa kabuuan ng akda ay:a. kasiyahan c. kalungkutanb. kasabikan d. kapighatian9. Sakaling dumating ang di inaasahang pagkawala ng isang taong minamahal, ang dapat na pangibabawin ay:a. poot at galit c. pagsasawalang-kibob. paghihinagpis d. pakatatagan ang kalooban10. Maraming pagsubok at dagok ang sa ating buhay ay darating anumang oras kung kaya’t dapat itong harapin nang may:a. kagalakan c. kahinahunanb. katatagan d. katalinuhan 25

Iwasto mong muli ang iyong mga kasagutan, kunin mo sa iyong guro ang Susi saPagwawasto. Ayos ba ang resulta ng iyong iskor? Kung7 pataas, maaari ka nang magsimula sakasunod na gawain ngunit kung 6 pababa, sagutin mo muna ang gawaing “Paunlarin mo…” Kayang-kaya mo ito sapagkat kaugnay naman ito sa katatapos lang na aralin, Maaari mo nang simulan. 9. Paunlarin mo… Panuto: Buuin ang kaisipang nasa loob ng kahon sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salita. Isulat sa loob ng kasunod na kahon ang iyong nabuong kaisipan. sa ‘ting kabigua’y buhay dumating Pag ng ay loob nating Tibay dapat taglay Madali lang di ba? Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwastomo ang iyong mga kasagutan. Sagutin mo ngayon ang susunod na pagsubok. Ang mga katanungan dito ay maykaugnayan sa dalawang aralin na tinalakay natin. Maaari ka nang magsimula.  Gaano ka na kahusay?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap at pagkatapos ay piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan.1. Ang dalawang tulang tinalakay ay kapwa may sukat na lalabindalawahin. Ang dapat na hati sa ganitong sukat ay:a. 4-8 c. 2-10b. 6-6 d. 0-12 26

2. Kapwa may tugma ang tulang “Babang-Luksa at Panambitan” sapagkat pareho ang tunog sa:a. gitna c. hulihanb. unahan d. unahan at hulihan3. Lahat ng nakatala ay may magkakaugnay na kahulugan maliban sa:a. masagana at umuunlad c. utang na loob at panambitanb. nasasadlak at nadarapa d. kapus-kapalaran at mahihirap4. Ang imaheng mabubuo sa iyong isipan matapos mabasa ang akda ay larawan ng isang taong:a. umaasa c. nagsisisib. natatakot d. lumuluha5. Ang mensahe o kaisipang nakapaloob sa mga akdang nabasa ay tungkol sa _________ ng buhay:a. hiwaga c. kalungkutanb. pagsubok d. kaligayahan6. Maaaring iangkop sa mga akdang tinalakay ang mensahe o kaisipang:a. dalawa ang mukha ng buhayb. makapangyarihan ang pag-ibigc. habang may buhay, may pag-asad. tawanan ang lahat ng problema6. Ang teorya ng akdang pampanitikan na nagbibigay-diin sa damdamin o emosyong naghahari sa pangunahing tauhan sa akda ay:a. Imahismo c. Romantesismob. Naturalismo d. Eksistensyalismo7. Kung ang nangingibabaw naman sa akdang binasa ay pagbibigay-diin sa larawang-diwa o imahen, ito’y nabibilang sa teoryang:a. Imahismo c. Romantesismob. Naturalismo d. Eksistensyalismo 27

9. Kapag dumarating ang mga pagsubok at hamon sa buhay, wag kalimutang hingin ang gabay ng ________ na maaaring pagkunan ng ating lakas. a. kapuso c. kapamilya b. kaibigan d. Panginoon 10. “Anumang problema ang dumating, nararapat natin ‘tong harapin,” Ang pahayag ay isang: a. opinyon c. paniniwala b. kasabihan d. katotohanan Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang itsek ang iyong hulinggawain. Nawa’y muling nagbigay sa iyo ng karagdagang kaalaman ang dalawang araling atingtinalakay. Hanggang sa muli! SUSI SA PAGWAWASTOANO BA ANG ALAM MO?1. a 6. b2. c 7. d3. b 8. a4. d 9. d5. b 10. cAralin 1: PanambitanAlamin mo… 1. Halaga ng petrolyo, tumaas! 2. Lulong sa bawal na gamot, nang-amok 3. Illegal na pagtotroso, pinahinto 4. Bangko, hinoldap! 5. Pagbaba ng piso laban sa dolyar, Patuloy 6. Mga manggagawa, muling nagbanta ng welga 7.Linangin mo… 28

a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. b 2. b 3. b 4. a 5. db. Pagsusuring Pangnilalaman Saknong Kaisipan 1c 2e 3a 4bc. Pagsusuring Pampanitikan c.1 a, c, e, f c.2 Pagbuo ng 3 pangungusap na nagsasalaysay sa pangyayaring nakapaloob sa larawan kaugnay sa akdang binasa. • Marami pa ring tao ang naghihirap sa mundo. • Manalangin at humingi ng tulong sa Maykapal. • Ang mga mamamayan ay lalong yumayaman. • Naglilingkod sa mayayaman ang mahihirap.d. Halagang Pangkatauhan Masayang mukha - 2, 3, 5, 6, 8, 10 Malungkot na mukha- 1, 4, 7, 9Palalimin mo… a, b, d, f, g, i, jGamitin mo…Alam ko… 2, 5Pinagtataka ko… 1, 6Natutunan ko… 2, 4Sulatin mo… KAPALARAN Bakit ba ganyan buhay ng tao? Mayroong mayama’t api sa mundo Kapalara’y hirap matagpuan Minsa’y hinahanap nang di-alam Bakit kaya may bigo’t tagumpay 29

Pagsikapan sanang magtulungan Mga tao sa sandaigdiganLagumin mo… Kaisipan o konsepto- 1,3,5Subikin mo…1. a 6. d2. a 7. c3. d 8. d4. d 9. c5. b 10. dPaunlarin mo…1. a2. c3. d4. e5. gAralin 2: Babang-LuksaAlamin mo…1. B2. E3. F4. G5. HLinangin mo…a. Pagsusuring Panlinggwistika 1. lumisan 2. nagunita 3. iniwan 4. namatay 5. puting buhok 6. laging sariwa 7. magluluksab. Pagsusuring Pangnilalaman 30

1. e 2. c 3. d 4. b 5. ac. Pagsusuring Pampanitikan masaya –D,F,H malungkot – A,B,C,E,Gd. Halagang Pangkatauhan d.1 kaya mo yan wag mong itigil ang laban wag mong isuko iyong labanan d.2 1. 1 2. 3 3. 4 4. 6 5. 9Palalimin mo…Anak – bMagulang – aAsawa – dKasintahan – cGamitin mo… Araw – pag-asa Kawayan – matatag Bato – matibay Bibliya – nakapagpapalubag ng kaloobanSulatin mo… Pagbuo ng tula batay sa ibinigay na pamantayanLinangin mo… Pangunahing kaisipan – B Pantulong na kaisipan – A, CSubukin mo…1. c 6. c 31

2. a 7. c3. a 8. d4. b 9. d5. c 10. bPaunlarin mo…Pag kabigua’y dumating sa ‘ting buhayTibay ng loob ang dapat nating taglayGaano ka na kahusay?1. b 6. c2. c 7. c3. c 8. a4. d 9. d5. b 10. d Mga KasanayanModyul Blg. Pagsasalita Pagbasa Pampanitikan Pagsulat Pamagat Genre3 Natutukoy ang Naibibigay ang Nakabubuo ng Nakasusulat Panambitan Tula sukat at tugma mga mensahe o imahe sa akda ng isang tula ng tula kaisipang naka- sa pamamagitan na kapaksa rin paloob sa bawat ng bisa ng mga ng akdang Napatutunayang saknong ng tulang ginamit na salita binasa nakatutulong sa binasa pagkakaroon ng maayos na pag- sasamahan ng mga mamamayan ang pagkaka- pantay-pantay ng uri ng pamumuhay sa pagitan ng 32


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook