Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 4 part 1

FILIPINO 4 part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:52:28

Description: FIL4part1

Search

Read the Text Version

alak._____ 3. Madilim na ang langit at nagbabanta ang malakas na ulan subalit patuloy pa rin sa pagdarasal at pag-iyak ang ama._____ 4. Lagi nang malungkot at nagdadalamhati ang ama._____ 5. Naging hapis ang dating mabalasik na mukha ng ama matapos mailibing ang anak. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.c. Pagsusuring Pampanitikan Ang pagtalakay sa mga suliraning panlipunan sa isang tiyak na panahon at lugar ang pangunahing layunin ng realismo. Sinusuri nito ang mga sistema at pwersang panlipunan na patuloy na nagpapahirap sa bawat nilikha. Ang “tunay” na larawan ng mundo ang pinag-uukulan nito ng pansin. Ang isang realistang manunulat ay ginagawang makatotohanan ang kanyang tauhan, pangyayari, tagpuan, kapaligiran, paksa at tema. Panuto: Isulat sa patlang ang M kung makatotohanan ang inilalahad na tauhan, pangyayari, tagpuan, kapaligiran, paksa at tema, DM kung di makatotohanan. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1) Tauhan _____ a. Ang totoo, para sa sarili lang ng ama ang iniuwi niyang pagkain, na kaya lamang nakatitikim ang mga anak ay kung hindi na niya kaya itong ubusing mag-isa. _____ b. Ang kambal ay nagkasya na lamang sa pandidilat at pagngisi sa pananabik; masaya na sila ano mang pagkain ang laman ng kahon. 2) Pangyayari _____ a. Walang anu-ano, ang matitigas na kamao ng ama ay bumagsak sa mukha ng natutulog na si Mui Mui at tumalsik ang sakitin at mahinang-mahinang bata sa kabilang kwarto, kung saan nanatili itong walang kagalaw-galaw. Pagkaraan ng dalawang araw, namatay si Mui Mui. _____ b. Ang ina lamang ang umiyak habang ang bangkay ni Mui Mui ay inihahandang ilibing. _____ c. Lumuhod ang ama sa harap ng puntod ng anak at inialay dito ang dalang 12

mga pagkain at pahikbing winika ito, “Pinakamamahal kong anak, walang maiaalay sa iyo ang iyong ama kundi ang mga ito. Sana’y tanggapin mo.” _____ d. Minsan, nag-uwi ng dalawang supot ng pansit guisado ang ama at masaya nila itong pinagsaluhan. Pilit nila itong inubos. Subalit hindi na naulit ang masayang okasyong ito at ngayon ay hindi na nag-uuwi ng pagkain ang ama. _____ e. Lumabas mula sa pinagtataguan ang mga bata, at nang umalis na ang ama pinag-agawan ng mga ito ang pagkaing inialay sa patay na kapatid na si Mui Mui. 3) Paksa _____ a. Ang taong masama ay maaari pa ring magbago kung gugustuhin nito. _____ b. Kahit magulang, minsan ay natitiis nitong maghirap ang mga anak. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. d. Halagang Pangkatauhan Ang magulang kahit gaano kasama ito ay dapat pa ring igalang ng mga anak. Panuto: lagyan ng tsek () ang bilang kung ito ay nagpapahayag ng katanggap-tanggap na asal ng anak sa magulang at ( ) kung hindi ito katanggap-tanggap. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. _____ 1. Mabuti man o masama ang isang magulang dapat pa rin itong igalang ng anak. _____ 2. Hindi na dapat pang kalingain ng anak ang isang magulang na nagmalupit sa kanya. _____ 3. Sa pagtanda ng mga magulang, dapat nang kalimutan ng anak kung ano man ang mga kasalanan nito sa kanya. _____ 4. Hindi dapat iasa ng anak sa kanyang magulang ang pagpapaunlad sa kanyang buhay. _____ 5. Tungkulin ng mga magulang na bigyan ng mabuting buhay ang mga anak kaya’t hindi na dapat pang tulungan ng anak ang mga ito. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo. . . 13

Sa ilalim ng ating batas, maraming tungkulin ang mga magulang sa anak na dapat sundin at tuparin.4. a. Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na sa palagay mo ay tungkulin ng magulang sa anak. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Bigyan ang anak ng pangalan at pagkakakilanlan. 2. Pag-aralin ang anak kahit nagluluko ito sa pag-aaral. 3. Pakainin ang anak nang sapat na pagkain. 4. Palakihin nang may mabuting asal ang anak. 5. Sustentuhan ang anak hanggang ito ay mag-asawa. Kung ang magulang ay may tungkulin sa anak, maytungkulin din ang anak sa magulang. Sinasabing ang anak ay dapat na maging gabay ng magulang sapagtanda.4. b. Panuto: Isulat ang P kung positibo ang gawaing inilahad sa pahayag at N kung ito ay negatibo. Isulat ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____ 1. Mga dapat gawin _____ 5. ng anak saHayaan silang Igalang at sundinmamuhay nang magulang kung ito ang kanilang mgahiwalay sa anak. ay matanda na. payo at mga pinag- uutos._____ 2 _____ 3 _____ 4Kailangang Dulutan sila ng Ilagay sila sapagsilbihan kaligayahan at mga bahay-na ng mga kapayapaan. ampunananak.Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 14

5. Gamitin Mo. . . Kung dumating ang panahon na ang iyong magulang na nagmalupit sa iyo ay nagsisiat humingi ng tawad ano ang iyong gagawin?Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ang mga pahayag sa bawat bilang ay katanggap- tanggap at DK kung di-katanggap-tanggap. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____ 1. Ipamumukha ko sa kanya na ang ginawa niya sa akin ay walang kapatawaran._____ 2. Tatanggapin ko ang paghingi niya ng tawad._____ 3. Kalilimutan ko na ang mga kalupitan na ginawa niya sa akin._____ 4. Hindi ako magtatanim ng galit sa kanya._____ 5. Patatawarin ko siya subalit hindi na ako titira sa piling niya. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo. . .Panuto: Bumuo ng mga kaisipang kaugnay ng binasang akda buhat sa mga salitang nasa loob ng kahon. Isulat ang sagot sa kalahating papel. pagtanda mga gabay ay anak1. ang magulang sa ng2. Kailanman dapat sa di mawala ang puso pagpapatawad ating ay3. Bahala magparusa nagkasalang na sa magulang ang Diyos mga7. Lagumin Mo. . . Ang pagbabasa natin ng isang akda ay nagbibigay sa atin ng mga kaalaman at nagpapadama sa atin ng iba’t ibang damdamin. 15

Panuto: Itsek () ang mga bilang ng pahayag na natutunan at nadama ninyo matapos mabasa ang akda. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Matapos kong mabasa ang akda; Nalaman ko Nakadama ako na. . . ng . . .1) May mga magulang 1) Poot sa malulupit na ama. palang malupit sa anak 2) Awa sa mga anak na2) Ang alak ay nagiging pinagmamalupitan ng dahilan upang maging magulang. bayolente ang isang tao 3) Panghihinayang dahil3) Dapat na maging dapat sana bago huwaran ng anak ang namatay ang anak ay ama sa lahat ng bagay nakahingi ng tawad ang ama4) Kailangang labanan ng anak ang malupit 4). Pagkainis sa anak dahil na magulang. hindi niya nilabanan ang malupit na ama.8. Subukin Mo. . . Hanay BPanuto: Piliin sa Hanay B ang tinutukoy sa Hanay A. a. kambal na anak Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. b. gutom na aso at pusa c. pansit Hanay A d. pagkain e. Mui Mui 1. Ito ang madalas na pinananabikan ng mga anak f. dalawang araw sa pagdating ng kanilang ama g. tatlong araw 2. Sa anim na magkakapatid siya ang madalas na kainisan ng ama. 3. Bilang ng araw bago mamatay si Mui mui matapos pagmalupitan ng ama 4. Ito ang inialay ng nagsisising ama sa puntod ng anak. 16

5. Sila ang kumain ng pagkaing inialay ng ama sa puntod ng patay na anak.9. Paunlarin Mo. . . Kung ang iskor mo sa Pagsasanay Blg. 8, Subukin Mo, ay 3 pataas, huwag mo nangsagutin ang bahaging ito, kung 2 pababa, gawin mo ito.Panuto: Isulat ang T kung ang pahayag ay totoo batay sa akda at M kung mali. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._____ 1. Pagsusugal ang bisyo ng malupit na ama._____ 2. Ang paghalinghing ni Mui Mui ang madalas na makapagpagalit sa ama._____ 3. Sa lagarian nagtatrabaho ang ama._____ 4. Hindi kailanman nagsisisi ang ama sa ginawa kay Mui Mui._____ 5. Naghandog ng bulaklak ang ama sa puntod ng anak. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.Aralin 2 - Tahanan ng Isang Sugarol (Maikling Kwento – Malaysia) Salin ni Rustica CarpioA. Anu-ano Ang Mga Tiyak na Matututunan Mo sa Araling Ito? Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mgasumusunod na kasanayan.1. Natutukoy ang bisa ng paggamit ng mga salitang tago ang kahulugan.2. Nailalahad ang bisa ng mga kaisipang inilahad sa akda batay sa refleksyon nito sa lipunan.3.a. Nakapagbibigay-patunay na ang buhay ay tila isang mabangis na lungsod at walang awang kagubatan. b. Nabibigyang-puna ang pakikipagsapalaran ng tao na binibigyang-diin sa akda.4. Napatutunayan ang katotohanan na ang paggalang sa ama ay dapat taglayin ng lahat ng anak.5. Nabubuo / naisusulat ang mga kaisipang angkop sa akda. 17

Mga gawain sa pagkatuto1. Alamin Mo. . .1. a. Ang PAGCOR ay isang korporasyon ng pamahalaan na kumikita dahil sa iba’t ibang uri ng sugal. Malaki ang naitutulong ng PAGCOR o “Philippine Gaming Corporation” sa ekonomiya ng bansa.Panuto: Lagyan ng () tsek ang bilang ng pahayag na naglalahad ng positibong nagagawa ng sugal sa mga mamamayan sa pamamagitan ng PAGCOR. Isulat mo ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 4. Nagbibigay ng pondo sa mga nasalanta ng kalamidad5. Anu-ano ang 3. naitutulong ng Nagkakaloob PAGCOR sa Nagbibigay ng ng tulong malaking buwis bansa? sa pamahalaan pinansyal samga mahihirap1. Umaakit sa mga 2. Tumutukso sa maraming turista na pumunta sugarol na Pilipino na sa ating bansa isugal ang kanilang sweldo.1. b Kung nakatutulong ang sugal sa ekonomiya ng bansa, higit naman ang pinsalang magagawa nito sa kabuhayan ng isang mag-anak. 18

Panuto: Isulat ang P sa patlang kung ang isinasaad ng pahayag sa bawat bilang ay positibo, at N kung ang isinasaad ay negatibo. Kasamaang dulot ng sugal sa buhay ng mag-anak1_____ 2 _____ 3 _____ 4 _____ 5_____Nagiging Sanhi ng di Napapabayaan Nagiging Minsandahilan ng pagkakaunawaan ang mga anak dahilan ng nakatutulongpaghihirap sa kabuhayanng buhay ng mag-anak krimen ang perang napanalunan sa sugal Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. Ang mga pagsasanay na iyong sinagutan ay may malaking kaugnayan sa akdangiyong babasahin.Handa ka na ba?Kung gayon, simulan mo na!1. Basahin Mo. . . Tahanan ng Isang Sugarol (Malaysia) Salin ni Rustica CarpioANG MAPUTING ULAP sa maaliwalas na langit ay matingkad nanakukulayan, parang bahaghari. Mabilis na pupunta sa kanluran anglumulubog na araw. Dahil tapos nang maglaba, mabagal na tumayo si Lian-chiao sa tabi ngbalon. Sandali siyang napapikit nang maramdamang tila may mga bituinglumilipad sa harap niya, gusto niyang mawala ang mga bituing nakahihilo. 19

Si Siao-lan, ang anak niyang babae na tatlong taong gulang ay hubad nanakaupo sa tabi ng palanggana at naglalaro ng tubig. “Inay, tapos na po ba kayong maglaba? Ako na ang magsasampay.” Si AhYue iyon na mas matanda kay Siao-lan nang mga tatlo o apat na taon.Nagdidilig siya ng mga gulay na Chai-sim sa kabilang gilid. Nang makitangtapos nang maglaba ang ina, mabilis siyang tumakbo para kunin ang mgalabada at isampay sa mga alambreng nakatali sa dalawang poste sa loob ngkubong walang dingding. Hindi sinagot ni Lian-chiao si Ah Yue. Tumango lamang siya, nakatayopa rin at nakapikit – nagpipilit na mabawi ang lakas. Payat siya at maliit, mgabeinte singko anyos, at nakasuot ng kupas na asul na sam-fu. Medyonakangiwi ang kanyang mga labi. May pangit at nangingitim na bukol sakanyang noo. Halatang napalo siya ng isang matigas na bagay kamakailanlamang. Malaki ang kanyang tiyan. Madaling mapansing nagdadalantao siya atmalapit nang manganak. Nang dumilat si Lian-chiao, nakatayo na si Ah Yue sa isang bangkito atisa-isang isinampay ang mga damit sa alambre. Dahil mataas ang alambre,kailangang tumingkayad siya at tumingala. Habang minamasdan ang maliit nakatawan niyon at ang alanganing paraan ng pagsasampay ng mga damit saalambre, biglang nahabag si Lian-chiao. Mahina niyang sinabi, “Ah Yue, mag-iingat ka. Baka ka mahulog!” “Opo!” sagot ni Ah Yue. Bigla itong pumihit, nangangambang tuminginat nagtanong, “Inay, luto na ba ang hapunan? Kung hindi, kagagalitan atbubugbugin na naman tayo ni Itay!” Nakapukaw kay Lian-chiao ang huling sinabi niyon. Bigla siyangkinabahan. Kahit mayroon pang kaning lamig na natira sa pananghalian,lulutuin pa ang mga gulay. Kapag walang nakain pag-uwi ang asawa niyangsugarol, tiyak na may mangyayari. Hindi sinasadya’y nahipo niya angnamamagang bahagi ng noo. Tumahip ang kanyang puso. Nagmamadalisiyang naligo sa tabi ng balon at pagkatapos ay tinulungan si Siao-lan sapaglilinis ng katawan nito. Pinuno niya ang dalawang balde ng tubig at kinargaang mga ito sa pingga pauwi. Ang nakalihis na sinag ng lumulubog na araw ay tumama sa kanyangkatawan, sa malaki at bilog na tiyan, sa dalawang umuugang balde ng tubig sapingga, sa umiika niyang paa, at sa hubad na si Sioa-lan na naglalakad sakanyang likuran, palinga-linga. Pagod na si Lian-chiao sa walang tigil na pagtatrabaho, ngunit hindi siyapuwedeng magbagal ng kilos. Mabilis niyang sinidihan ang apoy sa pugon,hiniwa ang mga gulay, pinakulo ang tubig, nilinis ang mga kawali at iba pangkasangkapan sa kusina. 20

Ang pugon ay yari sa luwad at may mga gatla na sa iba’t ibang bahagi. Satabi ng pugon ay may maliit na lalagyan ng panggatong. Wala na iyong laman.Kinakailangang isantabi muna ni Lian-chiao ang sipit ng kalan para manguhang panggatong. Tumulong si Siao-lan at may dalang isa o dalawang pirasotuwing papasok, ikinakalat sa lahat ng lugar. Abala sa gawain si Lian-chiao. Tinanglawan ng liwanag na nagmumula saapoy ang mga guhit ng pagod at puyat sa kanyang mukha. Walang makasisi sakanya. Mula alas sais ng umaga, nang bumangon siya para maghanda ngalmusal, hindi na siya natigil sa paggawa hanggang ngayon, maliban sasandaling pahinga noong tanghalian. Noong umaga’y nanguha siya ng mgapunla ng palay at itinanim sa bukid, at noong hapon ay nagsibak siya ng kahoyna panggatong at namitas ng ta-feng-ho, isang damong panggamot nagagamitin niyang pampaligo pagkapanganak. Malapit nang isilang ang sanggolat hindi maaaring hindi siya handa. Kung hindi niya ihahanda agad ang mgakailangan, anong mangyayari sa bahay kung bigla na lang siyang ipasok saospital? Walang alam ang sugarol niyang asawa kundi humilata sa kama sakuta ng opyo at magmadyong araw-araw sa Hsiang Chi Coffee Shop. Kunghindi niya aasikasuhin ang mga bagay-bagay ngayon, sino ang tutulong sakanya? Bukod sa gawaing bahay, kailangan niyang lagyan ng pataba ang mgagulay at pipino na nakatanim sa gilid ng bahay, at bunutin ang ligaw na damo.Kung hindi ay bubugbugin siya ng kanyang asawa kapag naging masama angani. Masakit pa nga ang kanyang noo dahil sa suntok nito dalawang araw naang nakararaan dahil nagkamali siyang sagutin ito. “Sssst…” Inilagay niya sa kawali ang mga dahon ng kamote. Ang buongbahay ay napuno ng bango ng nilulutong gulay. Nakaupo si Siao-lan sa loob ng bahay, dinidilaan ang mga labi attinitingnan ang nakatatandang kapatid na nakatayo pa rin sa kwadradongbangko sa labas. Di kaginsa-ginsa’y isang tinig na tila tunog ng basag na kampana nanagbuhat sa labas ng pinto. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot na mahulog diyan?Ang taas ng naakyat mo, ha? Gusto mo na bang dalawin ang hari ngkadiliman?” “Itay… nagsasampay lang ako…” kiming sagot ni Ah Yue. Halos kasimbilis ng kidlat, isang parang kawayang lalaki ang pumasok sabahay at sandaling tumayo, galit. “Lintik! Gabi na’y hindi pa luto anghapunan. Umalis ka ba para hanapin ang kalaguyo mo?” “Sandali na lang maluluto na… ipiprito ko na lang ang inasnang isda.Pagkatapos… pagkatapos ay puwede na tayong… maghapunan.” Walang lakasng loob si Lian-chiao na tumingala man lamang. Inilagay niya sa isang platoang pinipritong talbos ng kamote at naglagay pa ng ilang patak ng langis sa 21

kawali. Bahagyang nanginginig ang kanyang kamay habang hinuhugasan anginasnang isda. Hindi siya naglakas-loob na tumutol sa ingay ng kanyangasawa.. Si Li Hua, ang asawa ni Lian-chiao, ay larawan ng isang tunay namanghihitit ng opyo; payat at matangkad, may maiitim na ngipin atnamumulang mga mata. Matapos na nakapamaywang na sigawan ang bawatisa, nagsimula siyang maghubad at marahas na nagtanong, “handa na ba angtubig na pampaligo?” “Ihahanda ko na ang tubig, ihahanda ko na…” Mabilis niyang itinabi ang siyansi, ibinuhos ang isang kaldero ngkumukulong tubig sa isang balde na kauuwi lamang niya. Pagkatapos aybinuhat iyon ng dalawang kamay sa luma at sira-sirang banyo. Yukung-yukosiya dahil sa bigat ng tubig. Umaalog ang malaki niyang tiyan, at nakangiwiang maputla niyang mukha, nagpapakita ng hirap at marahil ay kawalang-pag-asa. Sumagitsit sa kawali ang inasnang isda dahil sa init ng mantika. “Masusunog na ang inasnang isda. Hindi mo ba naaamoy? Napakabagalmong kumilos. Wala kang alam kundi kumain” Walang tigil sa pagmumura saasawa si Li Hua habang ang babae’y papunta sa banyo. Nagtago sa isang sulok ng bahay ang dalawang bata, nanginginig sa takot.Hindi sila naglakas-loob na magsalita. Kabisado na nila ang nangyayari, bakanatalo na naman sa sugal si Li Hua. Pagkatapos kumain at habang pinupunasan ang namamantikaang nguso,kinuha ni Li Hua ang lalagyan ng tsa. Humigop siya ng kaunting tsa atpagkatapos ay “pwe!” lumura sa lupa. Niligis ng kanan niyang paa angmalapot na laway sa sahig. Inaakalang aalis na naman ang lalaki, mabilis na ibinaba ni Lian-chiao, nakumakain pa, ang mangkok at chopsticks, at nagkakandautal na, “Ama ni AhYue, aalis ka na naman? Ako’y…” “Ano? Hindi ako aalis? Napakalakas ng boses ni Li-Hua . “Natalo ako ngbeinte dolyar ngayong hapon sa Hsiang Chi Coffee Shop. Bakit hindi akobabalik para mabawi ang natalo sa akin? Pag hindi ako nanalo ngayong gabihindi ko na tatawagin ang sarili kong eksperto sa madyong!” “Pwede bang bigyan mo ako ng ilang dolyar? Nag-order ako ngdalawampung itlog kay Ying… malapit na akong manganak. Kailangan bumiliako ng ilang itlog para lutuin sa luya at alak.” Minamasdan ni Lian-chiao angmalaki niyang tiyan. Masyadong mahina at mababa ang kanyang boses. Nang marinig na kailangan niya ng pera, biglang nagtaas ng kilay si LiHua. Lalong pumula ang mga mata niyang dati nang namumula. Ibinuka niyaang bibig, ipinakikita ang dalawang hanay ng bungi-bungi at maiitim na 22

ngipin. “Hindi! Hindi! Sinong may sabi sa iyong bumili ka ng masarap napagkain kung wala kang pera? Kung kaya mong mag-order, bakit hindi mokayang magbayad?” Lumura na naman sa sahig ang lalaki at dinilaan ang nguso. Humakbangang mahahaba niyang binti at lumabas ang tila-kawayan niyang katawan. Nakatayo sa gitna ng bahay si Lian-chiao, nakabuka ang medyo laylay nabibig, natitigilan at hindi makakilos. Mahangin at maginaw nang gabing iyon. Habang nakahigang walangtinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao.Naglalakbay ang kanyang isip. Kahit pagod na pagod siya at mabigat na angmga mata pagkatapos ng maghapong pagtatrabaho, gising na gising pa rin angkanyang isip. Ang mga lumipas na pangyayari ay parang ulap sa bundok na mabagal napumapailanlang sa lambak, naaanod, naaanod – kasinggaan ng usok. Sa lahatng mga taong patay na o buhay pa, ang larawan ng kanyang ina angnamumukod na lumalantad. Sa kagustuhang magkaapo, kaagad pinag-asawanito ang tila bulaklak na anak niya – si Lian-chiao na kinse anyos pa lamangnoon. At ang masama pa, sa kasabikang magkaroon ng mainam na buhay sapagtanda niya, at laban sa payo ng mga kamag-anak at kaibigan niya paramaging manugang si Li Hua na anak ng noo’y isang mayamang negosyante.Lahat ng kanyang pag-asa ay nabigo. Isang taon pagkaraang makasal si Lian-chiao at lumipat ng bahay, ang ina’y namatay sa kanser sa dibdib. Paano niyamalalaman na dahil sa ipinagkasundong kasal, mawawala sa kanyang anak angkatahimikan at kaligayahan sa buong buhay nito? Nagbuntung-hininga nang malalim si Lian-chiao. Nanlabo ang kanyangmga mata dahil sa luhang napigil sa pagpatak. Ngayon, ang taong lumilitaw saisip niya ay ang kanyang asawa, ang walang silbi at tila kawayang si Li Hua .Winaldas niyang lahat ang manang iniwan ng ama niya. Marami siyang bisyo:pagsusugal, paglalasing, paghitit ng opyo, pagpunta sa bahay-aliwan…expertosiya sa lahat ng ito. Ang pinakamalakas na dagok kay Lian-chiao ay angpagkamapamahiin ni Li Hua. Naniniwala ito sa manghuhulang nagsabi napulos babae ang isisilang ni Lian-chiao at hindi ito kailanman maghahatid sakanya ng yaman o suwerte. Sa madaling sabi, si Lian-chiao angpinanggagalingan ng kasawiang-palad. Dahil dito, napakasama ngpakikitungo niya kay Lian-chiao. Walang magawa si Lian-chiao kundi tahimik na pagtiisan ang hindimakatwiran at kung minsan, ay malupit na pakikitungo nito sa kanya. Kungnagkaroon siya ng lakas ng loob na magmaktol at mangatwiran, mandidilatagad iyon, at luluran siya sa mukha mismo, humihiyaw, “Ikaw ang sumpa ngpamilya! Sinong may sabi sa iyong magpakasal ka sa akin? Luka-luka! Kung 23

gusto mong lumayas, puwede ka nang umalis ngayon din. Alis! Alis! Sinongpumipigil sa iyo? Tumulo sa pisngi ang luha ni Lian-chiao. Dahan-dahan siyang bumaling. Nasipa na nina Ah Yue at Sioa-lan ang kumot. Mahimbing na natutulogang dalawa, magkayakap. Kinuha ni Lian-chiao ang kumot at itinakip sakanila. Pumikit siya ngunit hindi pa rin makatulog. Nag-aalala siya. Malapit nasiyang manganak. Makukunan kaya siya? Mahirap sabihin. Sa kabila ngkanyang pagbubuntis, kailangan niyang magbuhat ng mabibigat na bagay –kasimbigat ng animnapu o pitumpung katies araw-araw. Mga ilang araw palang ang nakararaan ay bumagsak siya habang nagsisibak ng kahoy napanggatong. Sino ang gagarantiyang hindi naaapektuhan ang bata sa loob ngkanyang tiyan? Halimbawang malaglag ang bata, at mamatay siya, sino angmag-aalaga sa dalawa niyang anak na babae? At kung maayos siyangmakapanganak, ano ang mangyayari kung iyo’y babae na naman? Hindi kayasiya palayasin ng kanyang asawa? Ang inam sana kung sa pagkakataong ito’ylalaki naman ang isilang niya. Sa gayon ay hindi na siya gaanongpagmamalupitan ng asawa niya. Kahit papaano’y gaganda na ang hinaharap.Alam na niyang habang buhay nang magiging miserable ang kanyang buhay.Ang tanging pag-asa na lamang niya ay ang kanyang mga anak. Malupit angbuhay. Unti-unti, nagdilim ang paningin ni Lian-chiao. Inaantok na siya. Perobiglang naging kakaiba ang pakiramdam niya sa kanyang tiyan. Sumasakit naiyon. Natanto niyang lalabas na ang bata. Pero gabing-gabi na, at wala pa sabahay ang asawa niya! Ano ang gagawin niya ngayon? Naisip niyangpapuntahin si Ah Yue sa Hsiang Chi Coffee Shop para sunduin ang kanyangama, ngunit nang makitang nahihimbing ng tulog si Ah Yue, nag-atubili siyanggisingin ang bata. Naisip niya: hindi ba si Ah Yue ay nagdaranas din ng hirapsa buhay tulad niya? Bagama’t bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ngmabibigat na bagay at gumagawa ng trabahong para sa matanda lamang. Bakithindi bayaang matulog muna siya? Bukod doon, mahangin sa labas. Kunggigisingin niya ito at palalabasin, tiyak na sisipunin ito. Kung magkasakit siAh Yue, sino ang mag-aalaga sa kanya? Sino ang mag-aalaga kay Siao-lan?…Wala nang malamang gawin si Lian-chiao. Tumitindi na ang hilab ng kanyang tiyan. Nanlalamig na sa pawis angpalad niya. Wala na siyang magagawa. Nagpumilit siyang bumangon. Hawak angisang gasera, nagpasiya siyang magtungo sa Hsiang Chi Coffee Shop parahanapin ang asawa. 24

Pagbukas niya ng pinto, nahagip siya ng malakas na hangin. Nanginigsiya at halos mamatay ang ilaw niya. Isinara ni Lian-chiao ang pinto atmabagal na lumakad papunta sa kapihan. Bagamat hindi kalayuan sa bahay nila Hsiang Chi, sa katayuan niya’yparang kung ilang milya ang layo noon. Walang buwan nang gabing iyon, iilang bituin ang kumikislap sa langit.Napakadilim at walang makikita sa lampas sa sampung yarda. Basa ngpanggabing hamog ang daan at madulas. Idiniin ni Lian-chiao ang kaliwang kamay sa kanyang tiyan, umuusad ngmga dalawa o tatlong hakbang. Sa malamlam na ilaw, ang mukha niya’yninenerbiyos sa sakit at butil-butil na pawis ang tumutulo mula sa kanyangnoo. “Kokak, kokak…” umiiyak ang mga palaka sa pilapil sa gawing kaliwang maliit na kalsada. Binasag ng malungkot nilang pagkokak ang katahimikanng gabi. Muling bumugso ang hangin. Tuluyan nang namatay ang ilaw sa gasera.Si Lian-chiao, at ang lahat ng bagay sa kanyang paligid, ay dagling nakulongsa kadiliman. Hindi siya makasulong at hindi rin makaurong. Ilang sandalisiyang tumayo roon, walang tinag at hindi malaman ang gagawin. Paranghinihiwa ng isang matalin na kutsilyo ang tiyan niya. Natutuliro siya atnahihilo. “Kras.” Nalaglag ang gasera mula sa nanginginig niyang mga daliri,nagkapira-piraso. Hindi na maisip ni Lian-chiao kung ano ang nangyayari.Sinapo niya ng dalawang kamay ang kanyang ulo, nagpupumilit na manatilisiyang nakatayo. Pagkalipas ng ilang sandali, medyo nanumbalik ang lakas ni Lian-chiao,at unti-unting nasanay ang mga mata niya sa dilim. Lumakad siyang muli,mabagal, hindi matatag. Kung ilang beses na halos madapa siya dahil samadulas na kalsada. Madalas siyang huminto dahil sa sumusumpong na sakit.Tatayo siya, yuyuko nang mababa hanggang ang sakit ay humupa…ngunitilang sandali lamang. Narating din sa wakas ni Lian-chiao ang Hsiang Chi Coffee Shop.Napakaliwanag sa loob at maingay: ang kalantog ng mga pitsa ng madyong samesa, ang maingay na boses ng mga sugarol, umuungol o tumatawa… Nanghihinang itinaas ni Lian-chiao ang kaliwang kamay at kumatok sapinto. Marahil ay buhos na buhos ang isip ng mga tao sa pagsusugal, o bakanaman napakahina ng katok niya. Walang lumapit para buksan ang pinto.Hindi na matiis ni Lian-chiao ang sakit, at kumatok uli siya nang buong lakas. 25

Isang matabang babae ang nagbukas ng pinto. Iyon ang maybahay ng mayari ng kapihan. Si Lian Chiao na nakasandal nang husto sa pinto ay bumagsaksa loob. Noong una ay nagulat ang matabang babae sa biglang pagpasok niya.Ngunit nang matanto niya kung sino ang babae, maliksi niya iyong tinulunganat inakay papasok. Si Li Hua, na dadampot na lamang ng pitsa, ay namangha rin sa biglangpagdating ni Lian-chiao. Ngunit nakapagpigil siya at mabagsik na nagtanong,“Anong nangyari? Bakit gabing-gabi na’y narito ka pa? Pung! Teka, teka! RedCenter ba ‘yon” Ha! Maganda!” Magaganda ang pitsa niya at medyoninenerbiyos siya, matamang nakatingin sa mesa. Tinulungan ng maybahay ng towkay si Lian-chiao na maupo sa silyangrattan. Sapo ng dalawang kamay ni Lian-chiao ang kanyang tiyan,humahalinghing. “Ang tiyan ko… masakit…dalhin agad… dalhin ninyo ako saospital…” “Ano? Ngayon na? Mananalo ako sa larong ito. Sandali. Pung! Anggaling! Ang gandang pitsa nito. Ito talaga ang kailangan ko. Ha, ha!Quadruple! Unang apat, pangalawang apat…Isang libo dalawandaan atwalumpu at dalawang libo limang daan at animnapu!” Malaki ang panalong iyon. Nagsimula siya sa ilang chips lamang, ngunitngayon ay isang bunton na ang nasa harap niya. Tuwang-tuwa si Li Hua athindi niya mapigil ang katatawa, maluwang na maluwang ang nangingitim nabibig. Habang sinasamsam at inaayos ang mga chips, ngumiti siya sa taongnakaupo sa harap niya. “Ha,ha, Lumpong Chun! Napakagaling nitongsiyamnapung libong galing sa iyo! Napakagaling! Ha,ha…” “Ai-yo…yo…” “Hoy, lumakad ka na. Manganganak na ang misis mo!” May humimokkay Li Hua. Walang magawa si Li Hua kundi hilingin sa isang miron na maglaro parasa kanya. Galit na tiningnan niya si Lia-chiao at nag-aatubiling tumayo.Pumayag ang maybahay ng towkay na ipaarkila sa kanya ang Morris Minornito sa dalawang dolyar bawat oras at dodoblehin sa gabi. Tinulungan ng maybahay si Lian-chiao na makasakay sa kotse. Si Li Hua,na umuungol pa, ay nagpunta sa kasilyas sa likod ng kapihan. Bagamat hindi na gaanong humihilab ang tiyan, balisa si Lian-chiao.Bigla siyang nakakita ng ilaw na mabilis na papalapit sa dako nila. Bahagyangkumislap ang munting ilaw, dahil marahil sa hangin. Habang papalapit iyon,ay nakita niya si Ah Yueng pangku-pangko ang nakababatang kapatid. Kapwasila umiiyak at namumula na ang kanilang mga mata. 26

“Ah Yue, Ah Yue! Bakit dinala mo rito ang kapatid mo? Sisipunin kayo!”Lumabas sa kotse si Lian-chiao, nilapitan ang maliliit na batang babae, hindimalaman kung ano ang gagawin. Humagulgol ng iyak si Siao-lan…kaagad siyang inaliw ni Lian-chiao. Habang pinapahiran ang luha at ilong, marahang nagsalita si Ah Yue,“Nagising ako sa iyak ni Siao-lan. Hinahanap niya ang Nanay. Hindi komakita si Nanay sa bahay. Naisip kong baka narito kayo, kaya dinala ko siyarito…” Nang malaman ni Ah Yue na pupunta sa ospital ang kanyang ina, kumibotng kaunti ang ilong niya at ang bibig niya ay lumaylay sa mga sulok. Luhaanang mga mata niya. “Ah Yue, huwag kang umiyak. Mabait ka di ba? Aalagaan mong mabutiang kapatid mo. Uuwi ang Nanay pagkaraan ng dalawa o tatlong araw.Pagkahatid sa akin sa ospital, uuwi ang Tatay ninyo…” Habang inaaliw si AhYue, napaiyak na rin Lian-chiao. Hindi niya makayang isipin na aalis siya ngilang araw, iiwan ang dalawang munting bata sa bahay na walang mag-aalagasa kanila. Ibinaba ni Ah Yue ang nakababatang kapatid, at sa pagitan ng mga hikbi,“Inay, dadalawin ko kayo bukas, kasama ang kapatid ko. Sasabihin ko kay Itayna isama kami roon. May isa pang dolyar sa aking lata ng sigarilyo. Dadalhinko iyon para magamit mo muna…” Magiliw na hinawakan ni Lian-chiao ang munting ulo ng anak. Hindi siyamakapagsalita dahil sa pag-aalala. Lumabas si Li Hua. Kinagalitan ang dalawang bata gaya ng dati.Pagkatapos ay pumasok sa kotse, binuhay ang makina at pinatakbo. Patuloy ang madyong sa Hsiang Chi. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ngpitsa, “Khe-ta…khe-ta…” at paminsan-minsan ng malakas na pung! Malamig na kumislap ang mga bituin sa langit. Malakas ang hihip nghangin. Isang munting ilaw ang mabagal na kumilos sa daan. Si Ah Yue,pangko sa likod ang umiiyak at inaantok na kapatid, mabagal at atubilingnaglalakad patungo sa kanilang luma at hungkag na bahay…. 3. Linangin Mo. . . a. Pagsusuring Panlinggwistika Ang paggamit ng mga salitang tago ang kahulugan sa pagbubuo ng akda ay isa sa mga paraan upang maging masining ito. 27

Panuto: Piliin ang letra ng pahayag na nagbibigay pahiwatig sa nais ipakahulugan ng bawat pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel.1. Matapos maglaba nang napakaraming damit sandaling napapikit si Lian-chiao, naramdaman niyang tila may mga bituing lumilipad sa harap niya. Si Lian-chiao ay; a. inaantok b. nagugutom c. nahihilo d napapagod2. “Ah Yue! Hindi ka ba natatakot mahulog diyan! Ang taas na ng naaakyat mo, ha? Gusto mo na bang dalawin ang hari ng kadiliman? Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kay Ah Yue? a. Mahulog at mapilayan. b. Madapa at mapaupo. c. Mahulog, mamatay at mapunta sa impiyerno. d. Mahulog, mamatay at mapunta sa langit.3. Habang nakahigang walang tinag sa matigas na higaang kahoy, hindi makatulog si Lian-chiao, naglalakbay ang kanyang isip. Ano ang nangyayari kay Lian-chiao? a. nag-iisip nang malalim b. hindi makatulog c. natatakot sa paligid d. lahat ng nabanggit4. Parang hiniwa ng isang matalim na kutsilyo ang tiyan niya. Ano ang nararamdaman ni Lian-chiao? a. nahihilo b. nasasaktan c. nagugutom d. lahat ng nabanggit5. Ang gabi ay ginulo ng mga tunog ng pitsa ng madyong. Ang mga tunog ng pitsa ay; a. nagdulot ng ingay sa paligid b. tahimik ang gabi c. tulog na ang mga ito d. lahat ng nabanggitb. Pagsusuring Pangnilalaman Ang bawat pangyayari sa isang akda ay malinaw na refleksyon ng lipunang kinabibilangan. 28

Panuto: Piliin at isulat ang letra ng uri ng lipunang malinaw na ipinakikita sa bawat pahayag. Piliin ito sa kanang bahagi ng dayagram. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Mga pangyayari sa akda na malinaw narefleksyon sa uri ng lipunang umiiral dito. Mga Pangyayari Uri ng Lipunang Umiiral Batay sa mga Pangyayari1. Kapag dumating ang asawa nang hindi pa luto ang pagkain tiyak na a. Namamayani sa lipunan ang kagagalitan at bubugbugin ang kalupitan ng tao sa kapwa. kanyang asawa at anak. b. Puno ng bisyo ang kapaligiran2. Mula umaga pagkagising, wala siyang tigil sa paggawa; nagtanim c. Naghahari ang takot at pangamba sa bukid, nagsibak ng kahoy, sa lipunan. naglagay ng pataba sa tanim, naglaba at nagluto. d. Walang paggalang sa kapwa ang mga tao sa lipunang ito.3. Walang alam na gawin ang asawa ni Lian-chiao kundi ang humilata e. Ang tao sa lipunang ito, upang sa kama, kumain at humitit ng mabuhay ay dapat na magtrabaho opyo. nang walang humpay.4. Nang ipakasal ng ina si Lian- chiao kay Li Hua, nawala sa una ang kaligayahan at kapayapaan.5. Kung mangangatwiran si Lian- chiao kay Li Hua, mandididilat ito tatadyakan siya at duduran sa mukha. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.c. Pagsusuring Pampanitikan Minsan para sa ilang mga nilikha, angbuhay ay tila isang mabangis na lungsod atwalang awang kagubatan. 29

c.1. Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na nagpapakita ng kabangisan ng mundo. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Kabangisan ng Mundo. Pagod na pagod 5 4.1. na si Lian-chiao Ayaw ni Lian- Bagamat bata pa si pero hindi siya chiao na Ah Yue ay puwedeng magtrabaho nagbubuhat na ng magbagal ng dahil malapit mabigat na bagay kilos at gumagawa ng na siyang trabahong para sa manganak matatanda lamang2. Binuhat niya ang balde ng 3. Pinaarkila ng may-ari tubig. Yukung-yuko siya ang sasakyan kina Lian- dahil sa bigat ng tubig. chiao sa pagdadala dito sa ospital basta bayaran Umaalog ang malaki niyang nila ang arkilang 2 tiyan, at nakangiwi ang dolyar bawat oras at maputlang mukha doble sa gabi. nagpapakita ng hirap at marahil ay kawalang pag-asa. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. d. Halagang Pangkatauhan Ang lahat ng tao, dahil nilikha sila ng Diyos ay may katutubong kabutihan. 30

Panuto: Isulat ang P sa patlang kung positibo ang ipinakikitang ugali ng mga tauhan sa bawat bilang at N kung negatibo. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. _____ 1. Sa kabila ng hirap na dinaranas ng mga anak sa kamay ng malupit na ama, iginagalang pa rin nila ito. _____ 2. Kahit naistorbo sa pagsusugal ang may ari ng pasugalan ay pinatuloy pa rin nito sa loob ng sugalan si Lian-chiao nang makita niyang malapit na itong manganak at humihingi ng tulong sa kanya. _____ 3. Sugapa man sa bisyo ng sugal si Li Hua, nanaig pa rin ang damdamin nito sa asawa at dinala sa ospital ang malapit nang magsilang na si Lian-chiao. _____ 4. Sa murang gulang ng batang si Ah Yue, tinitiis nito ang hirap dahil sa pagmamahal sa ina. _____ 5. Kahit buntis ang asawa, ito pa rin ang nagsasalok ng tubig at nagsisibak ng kahoy na panggatong. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo. . . Panuto: Isulat ang T sa patlang kung sa palagay mo ay tama ang kaisipan ng pahayag sa bawat bilang at M kung mali. _____ 1. Maaaring ihabla ng babae ang asawang nagmamalupit sa kanya. _____ 2. Dapat na matutong ipagtanggol ng babae ang sarili laban sa pagmamalupit ng asawa. _____3. Sa panahon ngayon hindi na praktikal na manatili na lamang ang babae sa tahanan at pagsilbihan ang lalaki. _____4. Upang hindi lumaking nakikita ng mga anak ang kalupitan ng ama sa kanilang ina, dapat na humiwalay na lang ang babae sa kanyang asawa. _____5. Maipagtatanggol ng mga anak ang kanilang ina laban sa kalupitan ng ama kung lalabanan at pagtutulungan nilang magkakapatid ang ama. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 31

5. Gamitin Mo. . . Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag sa bawat bilang ay katanggap-tanggap, DK kung di-katanggap-tanggap. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Gaano man Paano dapat 2. Itakwil ang kalupit ang pakitunguhan malupit na ama, dapat ng anak ang ama igalang ito ng mga anak pabaya at Huwag malupit na alagaan ang Magdasal ama kapag5. upang ama? 3. ito’y matanda na magbago ang at may sakit iresponsableng ama4. Pakitaan ng pagmamahal ang malupit na ama. Magbabago din ito kapag nadama ang pagmamahal ng mga anak Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo. . . Panuto: Isaayos ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang kaisipang angkop sa binasang akda. 1. hindi tadtarin man ang mga makababayad at ka sa iyong magulang ay buto laman pa rin 32

2. pangalawang lupa sa dito ay Diyos ang mga magulang 3. kanilang ang sa anak ng magulang gabay ay pagtanda Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.7. Lagumin Mo. . . Panuto: Itsek ang bilang ng pahayag na naglalahad ng iyong natutunan at nadama matapos basahin ang akda. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. Matapos kong basahin ang akda… Nalaman ko na. . . Nakadama ako ng. . .1. Ang sugal ay lason sa mabuting 5. Poot sa sugal at malupit na ama samahan ng mag-anak2. Nawawala ang paggalang ng mga 6. Pag-asa na maaari pang magbago ang ama gaano man ito kalupit. anak sa ama ng tahanan kung ito ay iresponsable. 7. Paghanga sa anak na dumaramay sa3. Dapat na ipagtanggol ng babae ang ina. sarili laban sa pagmamalupit ng asawa. 8. Pagmamalaki para sa mga babae4. Dapat labanan ng anak ang malupit na dahil nananatili silang tapat sa asawa ama. kahit pagmalupitan sila. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.33

8. Subukin Mo. . . Panuto: Isulat ang letra na tinutukoy ng pahayag sa Hanay A sa Hanay B. Hanay A Hanay B1. Kinatatakutan ni Ah Yue ang gagawin ng ama sa a. namumula ang mata kanilang mag-ina kapag dumating itong walang b. Hsiang Chi Coffee Shop lutong pagkain. c. panggugulpi d. Sia-lan2. Materyales na ginagamit sa paggawa ng e. itlog pugon na tulad ng ginagamit ni Ah Yue. f. Ta-feng-ho g. luwad3. Damong ginagamit ni Lian-chiao matapos manganak h. opyo4. Sugal na kinahihiligan ni Li Hua. i. madyong5. Halamang nagdudulot ng pagkasugapa ng isang tao j. Morris Minor6. Lugar kung saan nagsusugal si Li Hua.7. Siya ang bunso sa dalawang anak ni Lian-chiao.8. Isa sa mga palatandaan na ang isang tao ay sugapa sa bawal na gamot.9. Inorder ni Lian-chiao na ayaw bayaran ni Li Hua10. Tatak ng kotse na ginamit sa pagdadala sa ospital kay Lian-chiao. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.9. Paunlarin Mo. . . Kung ang iskor na nakuha mo sa Pagsasanay Blg. 8 o ang bahaging, Subukin Mo ay 5 pataas, huwag mo nang sagutin pa ang bahaging ito. Subalit kung 4 pababa gawin mo ito. Panuto: Isulat ang T sa patlang kung ang kaisipan sa bawat bilang ay tama batay sa akda at M kung mali ito. ____ 1. Ang binasang akda ay mula sa Indonesia. ____ 2. May tatlumpung taong gulang si Lian-chiao. ____ 3. Mula ikaanim ng umaga ay walang tigil sa pagtatrabaho si Lian-chiao. ____ 4. Si Lian-chiao pa ang naghahanda ng tubig na ipaliligo ng asawa. ____ 5. Umorder ng dalawampung lata ng gatas si Lian-chiao na gagamitin sa panganganak. ____ 6. Tulog na tulog si Lian-chiao nang gabing iyon dahil sa pagod. ____ 7. Si Li Hua ay dating mayaman.34

____ 8. Winaldas ni Li Hua ang minana niyang yaman sa sugal. ____ 9. Si Ah Yue ang pinaniniwalaang nagdadala ng malas sa pamilya. ____10. Nang gabing iyon ay dinala si Lian-chiao sa hilot dahil manganganak na ito. Gaano ka na kahusay? Panuto: Isulat ang F sa patlang kung ang salitang may salungguhit ay mula sa wikang Filipino at D kung ang salita ay mula sa wikang Dayuhan. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. ____ 1. Lagi nang pinananabikan ng magkapatid ang dalang pansit guisado ng kanilang ama. ____ 2. Anim lahat ang mga batang maghahati-hati sa uwing pansit ng ama. Panuto: Isulat ang letra ng kahulugang napapaloob sa bawat pahayag sa bawat bilang. 3. Bagamat batang-bata pa, si Ah Yue ay nagbubuhat na ng mabibigat na bagay at gumagawa ng mga trabahong para lamang sa mga matatanda. a. Si Ah Yue ay matulungin sa pamilya. b. Gusto ni Ah Yue na magtrabaho ng para sa matatanda. c. Takot lamang si Ah Yue na mapalo. d. Lahat ng nabanggit. 4. Isa man sa mga perang abuloy ay hindi niya gagastahin sa alak. a. iipunin b. itatago c. titipirin d. lahat ng nabanggit Panuto: Isulat ang I kung ang transpormasyon ng tauhan sa pahayag ay intelektwal IS kung ispiritwal. 5. Nang mamatay lamang ang anak natanto ng ama na kailangang baguhin na ang pakikitungo niya sa pamilya. 6. Natutong magdasal ang ama at humingi ng awa sa Maykapal. Panuto: Isulat ang refleksyon sa lipunan ng mga sumusunod na pangyayari. Piliin ito mula sa loob ng kahon. 7. Kumatok si Lian-chiao sa bahay-sugalan subalit walang makarinig sa kanya dahil ang lahat ay abala sa pagmamadyong. 8. Ang renta ng kotse na gagamitin sa pagdadala kay Lian-chiao sa ospital ay dalawang dolyar tuwing isang oras at doble naman kung sa gabi. a. Ang lipunan ay puno ng bisyo. b. Ang lipunan ay abala sa iba’t ibang gawain. c. Ang lipunan ay binubuo ng mga taong walang pagpapahalga sa kapwa. d. Namamayani sa lipunan ang pagpapahalaga sa pera at materyal na bagay. 35

Panuto: Isulat ang P kung ang pahayag ay positibo at N kung ang pahayag ay negatibo. 9. Hindi kailanman nahuhuli ang pagbabago lalo pa’t kung ito ay para sa kabutihan ng nakararami. 10. Dapat na iwasan ng lahat ang sugal dahil wala itong idudulot na mabuti sa lipunan. 36

Ikaapat na Taon – ANG AMA Modyul 9 Aralin 1IV. Ano Na Ba Ang Alam Mo? b.1. Pagsusuring Pangnilalaman 1. F 2. D 1. B 3. D 4. C 2. D 5. E 6. IS 3. C 7. B 8. A 4. E 9. P 10. N 5. A B. Mga Gawain sa Pagkatuto b.2 1. I 1. Alamin Mo. . . 2. I 1.a. 1.  3. IS 2. – 3.  4. E 4. – 5.  5. P 6. – 7. – c. Pagsusuring Pampanitikan 8.  1) a. DM 1.b. 1. A b. M 2. C 3. D 2) a. M 4. F 5. I b. DM 6. H 7. I c. M 8. J 3. Linangin Mo. . . d. M a. 1. F e. DM 2. D 3. D 3) a. M 4. F 5. F b. M d. 1.  2. x 3.  4.  5. x 4. Palalimin Mo. . . 4.a. 1.  2.  3.  4.  5x 4.b. 1. N 2. P 3. P 4. N 5. P 37

Aralin 15. Gamitin Mo. . . 8. Subukin Mo. . . 1. C1. DK 2. E 3. F2. K 4. D 5. A3. K 9. Paunlarin Mo. . .4. K 1. M 2. T5. DK 3. T 4. M6. Sulatin Mo. . . 5. M1. Ang mga anak ay gabay ngmagulang sa pagtanda.2. Kailanman ay di dapat mawala saating puso ang pagpapatawad.3. Diyos na ang bahalang magparusasa mga nagkasalang magulang.7. Lagumin Mo. . .1.  1. 2.  2. 3.  3. 4. – 4.  38

Ikaapat na Taon – Ang Ama Modyul 9 Aralin 2 B. Mga Gawain sa Pagkatuto 4. Palalimin Mo. . . 1. Alamin Mo. . . 1. T 1.a. 9.  2. T 10. – 11.  3. T 12.  13.  4. T 1.b. 5. M 9. N 10. N 5. Gamitin Mo. . . 11. N 12. N 6. K 13. P 4. Linangin Mo. . . 7. DK a. Pagsusuring Panlinggwistika 8. DK 6. C 7. C 9. K 8. A 9. B 10. K 10. A 6. Sulatin Mo. . . b. Pagsusuring Pangnilalaman 1. Tadtarin man ang iyong mga buto at 6. A laman hindi ka pa rin makababayad 7. E 8. B sa iyong mga magulang. 9. A 10. D 2. Ang mga magulang ay pangalawang. c. Pagsusuring Diyos dito sa lupa. Pampanitikan 3. Ang mga anak ay gabay ng magulang 14 sa kanilang pagtanda. 25 7. Lagumin Mo. . . 3 5.  1. -- 6.  2. d. Halagang Pangkatauhan 7.  3.  1. P 4. P 6. P 5. N 4. – 8. Subukin Mo. . . 6. C 6. B 7. G 7. D 8. F 8. A 9. I 9. E 10. H 10. J 9. Paunlarin Mo. . . 6. M 6. M 7. M 7. T 8. T 8. T 9. T 9. M 10. M 10. M IV. Gaano Ka Na Kahusay? 1. D 6. IS 2. F 7. A 3. A 8. D 39

3. P 4. D 9. P 5. I 10. P 8. Subukin Mo. . . 11. C 12. E 13. F 14. D 15. A 9. Paunlarin Mo. . . 11. M 12. T 13. T 14. M 15. M 40

Modyul 10 Pagsusuri sa akda batay sa Teoryang Eksistensyalismo TUNGKOL SAAN ANG MODYUL NA ITO? Isang magandang araw sa iyo. Kumusta ka na? Heto na naman ako ang iyongkaibigan. Marami na ba akong naitulong sa iyo? Marahil sanay na sanay ka na sa paggamit ng mgamodyul. Tiyak na malaki na ang iniunlad mo hindi lamang sa pagsusuri ng mga akdang iyongbinabasa kundi pati pagpili ng mga tamang pagpapahalaga. Hindi lamang iyan, alam kong patikasanayan mo sa pagsulat ay nalinang na rin. Sana’y maipagpatuloy mo ito. Isang kakaibang nobela ang iyong babasahin sa modyul na ito. Bagamat bahagilamang ito ng nobelang Asyanong, “Mabuhay Ka Anak Ko” ni Pin Yathay. Ito ay isinalin sa Filipinong isang batikan ding manunulat si Ruth Elynia Mabanglo. Ang akda ay tungkol sa pagkakadawit ngbansang Cambodia sa digmaan sa Vietnam. Kakaibang senaryo ang iyong makikita sa paglalarawanng may-akda. Tiyak na marami kang matututunang mga dagdag kaalaman tungkol sa bansangCambodia. Magandang subaybayan kung paano haharapin ng pangunahing tauhang si Pin Yathay angdigmaang naganap sa kanilang bansa. Sa mga ganitong pagkakataon masusubukan ang tunay napagkatao ng isang nilalang tulad ni Pin Yathay. Makatutulong sa iyo ang modyul na ito sa pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sapamamagitan ng kritikal na pagbabasa at pag-unawa ng panitikang Asyanong nakasalin sa Filipino.Alam kong maninibago ka sa akdang iyong babasahin dahil medyo mahaba ito ngunit angkapakinabangan ay para rin sa iyo. Mahalagang unawain mo ang bawat detalye sa akda.Kakailanganin mo ang mga ito sa iyong pagsagot sa mga gawain. Makatutulong din sa iyo ang mgadati mong kaalaman. O, ano kaibigan naliwanagan ka na ba? Huwag kang mag-alala, pinadali ko lamangang mga gawain at tiyak na makakaya mong sagutin. Good luck! ANO ANG MATUTUTUNAN MO? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan

PAANO MO GAGAMITIN ANG MODYUL NA ITO? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabang ang iyong pag-aaral kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito. Ito’ysadyang inihanda para sa madali mong pagkatuto. 1. Sagutin mo nang maayos ang panimulang pagsusulit sa bahaging “Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang kaalaman mo tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Hingiin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. 3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain. Mababasa mo kung paano ito gagawain. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit. Kunin mong muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. 5. Tulad ng nasabi ko, kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. ANO BA ANG ALAM MO? A. Panuto: Piliin mo sa ibaba ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa bisang inihatid ngmga salita sa pangungusap. 1. Nakarinig ako ng pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay, isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa’y dumating ang mga ambulansya at bumbero, nagtunugan ang mga kampana. 2. Popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umunlad ang bansa at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ng Amerika sa Southeast Asia. 3. Bumalik ako sa Cambodia nang 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministry of Public Works at nagpakasal sa una kong asawa si Thary. a. nagbibigay-kabatiran sa pinuno ng bansa b. nagbibigay-babala sa mga pangyayari c. naglalarawan ng kapaligiran o senaryo ng isang digmaan d. nagpapakilala sa tauhan o ilang kaalaman sa kanya 2

B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 4. Nagtangay din ako ng ilang bagay na magagamit ko sa propesyon, mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pabai-baitang ng lupa, isang diksyunaryong French-English at mga bolpen at papel. Para sa akin ang pangunahing tauhan ay lubhang a. mapagmalaki b. mayabang c. kahanga-hanga d. lubhang kakaiba 5. Naniniwala akong babalik din sa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago magkaroon ng digmaang bayan. Naipakita dito, para sa akin na ang tauhan ay a. pesimistik b. optimistik c. impresyonistik d. patalistik 6. Ako ay sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawag naming Bees Club; isang propesyonal ng magkaparehong kaisipan. Naniniwala akong ang tauhang si Pin Yathay ay a. aktibo sa iba’t ibang samahan b. kahanga-hanga ang katalinuhan c. isang modelong mamamayan d. may pakikisangkot sa nangyayari sa pamahalaan 7.-8. Piliin ang mga titik ng tamang sagot na tumutukoy sa pagiging makapangyarihan ng tauhan batay sa kilos o paninindigan. a. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pakikiisa at kung posible, isang koalisyong pamahalaan kasama ang Khmer Rouge b. Hinintay ko ang pagtatapos mg digmaan at umasang magkakaroon ako ng bahagi sa pagkabuo ng bagong Cambodia c. Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. d. Ginising ako ng ingay ng digmaan, ng sipol at ugong ng mga tingga. 9.-10. Tunay na mahirap masangkot ang bansa sa isang digmaan sapagkat dito masusubok ang a. katalinuhang taglay ng tao b. personalidad ng tao c. saloobin/paninindigan ng tao d. kapangyarihan ng taoAralin I: MABUHAY KA ANAK KO A. ANU- ANO ANG MGA TIYAK NA MATUTUNAN MO? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nasasabi ang bisa ng ginawang pamimili ng salita sa pagbubuo ng akda 2. Nailalapat ang pansariling interpretasyon sa akda batay sa paniniwalang pinanindigan 3

3. Napipili ang mga bahagi ng akdang nagpapakita ng pagiging makapangyarihan ng tao batay sa kanyang kilos, paniniwala o paninindigan 4. Napatutunayang mahalaga ang tibay ng loob at tamang pagpapasya sa oras ng digmaan 5. Nakabubuo ng mga tema/konseptong hinango sa akdaMga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Punan mo ang patlang ng tamang mga titik upang makabuo ang salita batay sa tinutukoy ng bawat bilang sa ibaba.1. D o2. I3. G ab y4. M y a5. A6. A pm il7. N m an e rs p ti1. dumadanak kapag may labanan2. pagpapaalis sa mga kaaway3. pagkakagulo, pagsabog, labanan4. mapang-alipin5. paglusob ng magkabilang kampo6. ginagawa kapag natatalo sa labanan7. isang maling sistema ng mag-kakaanak sa pamahalaan Nahirapan ka ba? Gumana bang mabuti ang iyong isipan? Talagang ganoon. Kailangangpag-iisipan mo itong mabuti sapagkat ito ang panimulang hakbang sa iyong pagkatuto. Hindi nabaleng may mga mali ka. Ang mahalaga ay malaman mo kung bakit ka nagkamali, hindi ba? 2. Basahin Mo… Isang kakaibang akda ang iyong babasahin. Ito ay isang bahagi ng nobelang Asyanong mulasa Cambodia na isinalin sa Filipino. Marami ka ring dagdag-kaalamang matututuhan sapagkattungkol ito sa pagkakadawit ng bansang Cambodia sa digmaan sa Vietnam. Alamin mo kung paanoito haharapin ng ating pangunahing tauhang si Pin Yathay. Ang pagbabasa mo ng akdang ito ay maging panimula sanang hakbang upang makahiliganmo ang pagbabasa ng mga nobela. Magandang libangan ito. Subukan mo!Handa ka na ba? 4

Mabuhay Ka Anak Ko ni Pin Yathay Salin ni Ruth Elynia Mabanglo Ginising ako ng ingay ng digmaan, sipol at ugong ng mga tingga. Habang nakahiga’ynamalayan ko ang iba pang ingay; ngalngal ng mga kotseng nagliligid, ingit ng mga karetang hila ngbaka, mga manaka-nakang sigaw. Tiningnan ko ang aking relo. Alas singko ng umaga. Bumangonako, dumungaw sa bintana at minasdan ang paligid nang buong pagtataka. Ang kalye ay bumabaha satao at sasakyang mabagal na naglalakbay sa maputlang liwanag ng bukang liwayway. Waringlumuwas na sa bayan ang buong bansa. Abril 17, 1975 noon, napagtanto kong patapos na angdigmaang-bayan. “Thay, dear?”Gising na si Any, tahimik na nakahiga sa dilim. Siguro’y pinanonood niya ako,naghihintay ng reaksiyon ko. “Dali ka, Any.” Hindi ako nakaramdam ng takot, bagkus ay tensiyon na pinatitindi ngkaalamang oras na para kumilos. Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan.“Katapusan na ito. Ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.” Naintindihan agad ni Any ang sinabi ko. Mabilis siyang tumayo’t nagbihis; maliksi ngunitmalamyos ang kanyang kilos at sa isang wagwag ng kanyang ulo’y naiayos ang buhok niyanghanggang balikat. “Anon’ng mangyayari?”tanong niya. “Huwag kang mag-alala.” Sabi kong nagmamadaling pumunta sa sala para kunin ang mgagamit namin. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat.” Nagising sa bosesnamin ang mga bata. Nagsimulang maghabulan ang dalawang nakatatanda – ang siyam-na-taong siSudath at si Nawath na limang taon – sa loob ng dalawang kuwartong apartment na bumubuo nglugar namin sa bahay ng aking biyenan. “Kailangang mabihisan muna ang mga bata at pumunta natayo agad sa bayan bago makarating dito ang sundalo.” “Nawath!” tawag ni Any. Narinig ni Nawath ang tawag dahil nakikipagbuno ito kay Sudath sakama. “Nawath, lalapit ka pag tinatawag ka! Muling tawag ni Any na lalong nilakasan ang boses.Kung minsa’y iniisip kong medyo mabagsik sa mga bata, pero talagang malilikot ang dalawa kayakailangang higpitan nang kaunti. Nahagip niya ang papatakbong si Nawath at binihisan, hindiiniintindi ang pag-angal nito. Naghihikab na bumangon ang beybi pang si Staud, at saka inaantok nanagpalinga-linga. “Sige na, Sudath,” sabi ko sa panganay na lalaki. “Magbihis ka na. Hindi mo banakikitang nagmamadali tayo? Hindi naman mahirap balutin ang kakaunting kailangan namin. Isang linggo na naming alam,mula nang mag-alisan ang mga Amerikano noong Abril 12, na halos tapos na ang limang taonglumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldeng Khmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernongRepublikano ni Marshal Lon Nol. Hinihintay na lang namin kung saan magmumula at kailan daratingang Khmer Rouge. Dalawang araw bago ito, nagbanta na ang ingay ng papalapit na giyera paramaghanap na kami ng pansamantalang malilipatan sakaling tamaan ng bala. Pinuntahan ko ang akingmga magulang at nakipagkasundong magkita-kita ang buong pamilya sa bahay ng pinsan kong si Oanna nakatira sa malapit sa bayan, sakaling lumubha ang sitwasyon. Pinuno na namin ng gasolina anglahat ng kotse. Wala na kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng dalawang maletang 5

damit, kasama ang mga alahas ni Any, ang mga naipon namin at ang aking mga dolyar – tatlonglibong lahat na puro tig-iisang daan. Dinala ko ang isang maliit na radyo para makarinig ng mgabalita – at isang cassette recorder na may kasamang reserbang baterya. Nagtangay din ako ng ilangbagay na magagamit ko sa propesyon – mga librong teknikal ukol sa irigasyon at pagbabai-baitang nglupa, isang diksiyunaryong French-English, at mga bolpen at papel. Sipa ng sipa si Nawath habang pilit siyang sinasapatusan ni Any. Nang mga sandali ring iyon,pumasok si Anyung na nakatatandang kapatid na babae ni Any. Sinabi nitong handa na sa pag-alisang kanilang mga magulang. Habang binibihisan ni Anyung si Staud ng t-shirt at shorts, nagbalotnaman si Any ng mga biskwit at kendi para sa mga bata. Siniyasat ko ang aking dadalhin – mga libro,relo, pera, mga papeles na mapagkikilanlan, radyo – at minsan ko pang tiningnan ang paligid, iniisipkong mas mabuti kaya kung pinaalis ko ng bansa ang aking pamilya. Hindi, katulad ng lahat,ayokong-ayoko sa bulok na rehimen ni Lon Nol. Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge. Inapura ko ang aking pamilya para sumama na sa mga magulang ni Any na noo’y sakay na ngkanilang Austin. Ikinarga ko ang mga bagahe namin sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilinsa kabila ng kaguluhan sa siyudad – ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo, atpatuloy na andar ng mga sasakyan. Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwag na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ng mgatao, kotse, bisikleta, trak, motorsiklo, at ilang karetang puno ng tao at kagamitan, nag-uunahan samaputlang liwanag ng madaling-araw. Ang ilang pamilya’y naglalakad; inaakay ng mga ama angmga bisikletang puno ng mga kagamitang pambahay, may kilik namang bata ang mga ina. Kitang-kitang balisa ang lahat, malungkot ang mga mukha, ngunit kakatwang tahimik. Waring hindi naturalang pagkapasensiyoso ng mga nagmamaneho ng kotse, sumasabay sa lakad ng mga tao nang hindiman lang bumubusina, isang bagay na hindi nangyayari noong nagsisikip ang trapik sa Phnom Penh,ilang araw pa lang ang nakararaan. Mayroon pang ilang grupo ng mga sundalo ng bumagsak naRepublika ang naglalakad nang tatlu-tatlo o apat-apat, nakasakbat sa balikat ang mga ripple, walangtakot na nagbibiruan pa, natutuwang tapos na ang giyera. May isandaang yarda na ang nalalakad namin, mga taong parang duming lumulutang sa ilog,nang makarinig ng isang pagsabog. Sa gawing kanan ko, sa may kantong malapit sa aming bahay,isang balumbon ng usok ang lumabas. Ilang minuto pa’y dumating ang mga ambulansiya at bumbero,nagtunugan ang mga kampana at nagkikindatan ang mga ilaw. Humarang sila sa aming daraanan atwala kaming nagawa kundi tumigil muna. Sa kabila ng pagmamadali ng mga taong nakapalibot sa amin, sa kabila ng kalapit ng labanan,nadama kong malayo kami sa panganib. Kahit tapos na ang maraming taon ng digmaang-bayan at sakabila ng mga babala ng aking ama ukol sa kalikasan ng Khmer Rouge, naniniwala akong babalik dinsa dati ang lahat, gaya ng nakilala kong Cambodia bago nagkaroon ng digmaang bayan. Buhat ako sa Oudong, isang nayong may dalawampu’t limang milya ang layo sa hilaga ngPhnom Penh. Doon namuhay ang ama kong si Chhor bilang isang maliit na negosyante. Hindi siyamayaman – tatlo lamang ang kuwarto ng bahay naming, may bubong na pulang tisa at sahig namatigas na lupa – ngunit mataas ang pangarap niya at ng aking inang si Loan para sa akin, angpanganay sa limang magkakapatid. Ipinadala nila ako sa Phnom Penh para magkaroon ng magandang 6

edukasyon sa haiskul. Magaling akong estudyante. At nang ako’y edad disisiete, ako angpinakamahusay sa matematika sa buong bansa. Hindi ko iniisip ang pulitika noon. Maituturing na karurukan ng katatagan ang mga taon ngaking kabataan kung ikukumpara sa mga sumunod na panahon. Walang kinikilingan ang Cambodia,popular ang aming pinunong si Prinsipe Sihanouk, tila walang kahirap-hirap na umuunlad ang bansa,at waring napakalayo ng digmaan sa Vietnam. Wala ring usap-usapan tungkol sa pakikisangkot ngAmerika sa Southeast Asia. Bilang isang matalinong estudyante, naging karapat-dapat akong iskolar ng gobyerno sa ibangbansa. Nakaugalian nang papag-aralin sa France ang estudyanteng Cambodian, ngunit naging sentrong oposisyon laban kay Sihanouk ang France, kaya sa Montreal ako ipinadala kasama ng iba. Doonako nag-aral ng inhenyeriya. Bumalik ako sa Cambodia noong 1965, sa isang bagong buhay. Nagtrabaho ako sa Ministryof Public Works, at nagpakasal sa una kong asawa, si Thary. Tulad nang karaniwang nangyayari samga bagong kasal, tumira kami sa bahay ng mga magulang ni Thary. Malaking bahay iyon dahilisang mayamang opisyal sa Ministry of Finance ang kanyang amang si Mr. Khem. Ipinanganak angpanganay naming si Sudath noong 1967. Mukhang patungo na kami noon sa isang magandangkinabukasan. Gayunman, kung babalikan ko ang nakaraan, mangilan-ngilan nang palatandaan ng kawalang-kasiyahan sa paligid. Itinuring ni Sihanouk ang sarili bilang ama ng bansa. Hindi nagtagal atumugong ang usapan tungkol sa nepotismo at kabulukan. Sumabay dito ang lumulubhang digmaan saVietnam. Dahil masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyangmakapangyarihang kapitbahay, lihim siyang nakipagkasundo na magagamit ng mga NorthVietnamese ang malalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo atarmas sa Southeast Vietnam. Naging dahilan ito ng pagtuligsa ng Estados Unidos. Nalagay saalanganin ang tradisyunal na niyutralidad ng Cambodia. Bilang reaksiyon sa mga pangyayaring ito, sinuportahan ng mga di-nasisiyahang Cambodianang maliit na grupo ng mga rebeldeng Khmer Rouge na ang karamiha’y pinangungunahan ng mgaintelektuwal na nag-aral sa France. Hindi ito gaanong nakaapekto sa aming buhay. Ako mismo’y maraming problemangpansarili. Dumating sa buhay ko ang isang trahedya noong 1969. Habang hinihintay namin angpagsilang ng aming pangalawang anak, nagkasakit ng hepatitis si Thary na noo’y beinte kuatro anyoslang. Hindi na siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anak nang manganak siya. Isang taon kosiyang ipinagluksa, Umasa na lamang ako sa dalawang nakababatang kapatid ni Thary si Anyung,beinte uno, at lalo na kay Anu, disinuebe, sa pag-aalaga kay Sudath habang ako’y nasa trabaho. Nang lumaon, at parang iyon na ang pinakanatural na mangyayari, umibig ako kay Any.Maganda siyang babae, maitim ang buhok na hanggang balikat at balingkinitan ang katawan. Sa edadna beinte, naging kaligayahan na niyang balikatin ang trabahong-bahay at minamahal niya si Sudathna parang sariling anak. Nagpakasal kami. Noong 1971, ipinanganak ang aming anak na lalaki, siNawath. At noong 1973, si Staud naman. 7

Noong unang taon ng dekada sitenta, nataas ako ng puwesto at posisyong director ngDepartment of New Works and Equipment sa ministry. Ang posisyong ito ang nagbigay sa akin at saaking pamilya ng proteksiyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan na bunga nglumalaganap na digmaang-bayan. Walang nalalaman si Any kundi ang aking mga paniniwalangpampulitika. Sa aking palagay, masyado kaming kampante, tulad ng iba pang kilala ko. Naging kapansin-pansin na ang pagkawala ng niyutralidad nang panahong ito dahil sa nagingpatakaran ng Sihanouk na bigyang kasiyahan ang lahat. Dumarami ang mga North Vietnamese sabansa – humigit-kumulang sa apatnapung libo – kaya ipinag-utos ni Presidente Nixon na bombahinang mga ito, isang lihim na ekstensiyon ng digmaang sa huli’y makakasira sa kanya at sa amin.Taliwas sa inaasahan ang naging epekto ng mga pagsalakay – lalo nitong inakit ang pagpasok ng mgakomunista sa Cambodia. Noong 1970, pinabagsak ni Lon Nol, na Punong Ministro at pinuno ng armi si Sihanouk.Nangako itong lilinisin ang kabulukan at palalayasin ang mga Vietnamese. Tumakas si Sihanoukpatungong Peking, at ang nakapagtataka, nagpahayag siya ng suporta sa mga gerilyang Khmer Rougena dati niyang kalaban. Tinawag niyang tagapagpalaya ang mga rebelde na karamiha’y binubuo ngmga magsasaka, at hindi na niya binigyang halaga ang ideolohiyang komunista ng mga ito. Sa simula’y malaki ang pag-asa namin kay Lon Nol. Ngunit sa pagdaraan ng panahon, nagingmalinaw na hindi niya kayang gampanan ang tungkuling ipinataw niya sa sarili. Inatake siya atnaparalisado ang kalahati ng kanyang katawan. Nagpatulo’y sa kabulukan at pagwawalambahala angadministrasyon at sandatahang lakas. Nabigo ang arming sugpuin ang alinman sa mga NorthVietnamese at Khmer Rouge sa kabila ng tulong ng Estados Unidos. Walang nakinabang kundiKhmer Rouge na tinangkilik ng mga Intsik. Bumagsak ang bansa sa isang panglahatang digmaang-bayan. Sinabayan ito ng nakasasakal na inflation na pumuwersa sa aming mga maaaring mangibang-bansa at magtago ng salaping dayuhan, lalo na ng dolyar. Noong 1970, umabot sa 60 riel ang kapalitng isang dolyar, at 2,000 naman noong 1975. Kakatwang kaming mga propesyunal at intelektwal sa Phnom Penh ay naniniwala rin sapalagay ni Sihanouk na makabayan at hindi komunista ang mga rebelde. Dahil na rin ito sa mga hindimaikakailang pagkukulang ni Lon Nol. At totoo namang ang kanilang programa, na itinaguyod dinng United Front of Kampuchea ni Sihanouk na nakabase sa Peking, ay hindi bumanggit ngkomunismo. Sa halip, gumagamit sila ng mga nakapagpapahinahong salita gaya ng “Ang mgamamamayang Cambodian,” “Pambansang Kalayaan,” “Kapayapaan,” “Niyutralidad,” “ Kalayaan,”at “Demokrasya”. Ako ma’y sumapi na rin sa oposisyon kay Lon Nol. Nagtatag ako ng organisasyong tinawagnaming Bees Club, isang propesyunal na may magkakaparehong kaisipan – mga opisyal ng mgagobyerno, propesor sa unibersidad, mga opisyal, at ilang oposisyunistang pulitiko. Laban kami samga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol, ngunit wala kaming tintangkilik. Itunuturingnaming ang mga Amerikano ay magkahalong biyaya – laban sila sa komunista pero sinusuportahannila ang bulok at walang-silbing si Lon Nol. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na maypambansang pagkakaisa, at kung posible, isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang KhmerRouge. 8

Naniniwala akong higit sa lahat, bayani ang Khmer Rouge dahil marami akong kilalangnagtataguyod sa kanila at sumapi sa kanila. Ulit-ulit na sinabi ni Ama na nagkakamali ako dahilnakita at nakausap niya ang di mabilang na nagsitakas bago sila lumipat sa siyudad, kasama angbuong pamilya, noong 1972 madalas ko siyang sabihan noon na huwag mawalan ng pag-asa; iginigiitko pang nabubulagan lang siya sa propaganda ng pamahalaan. Tutal, sabi ko pa, may sariling tauhansa mga gerilya si Sihanouk at tiyak na hindi nila susuportahan ang mga taong pumapatay ng mgakababayan at naninira ng mga pagoda. Maaaring komunista ang iba, sabi ko, pero higit sa lahat,Cambodian silang gaya namin. Noong mga unang araw ng Marso 1975, nagkaroon ng pala-palagay na magbabago angpamahalaan; na pupuwersahin ng Khmer Rouge si Lon Nol na magbitiw, at inisip naming susundanito ng maayos na pagtatag ng isang bagong rehimen. Kahit papaano, inakala kong magiging isa siSihanouk sa solusyong pulitikal, kung ano man iyon. Ngunit noong ika-isa ng Abril, nahikayat naumalis si Lon Nol, at nawala ang huling sagabal sa pagkakaroon ng maaayos na kasunduan. Naiwanang pamumuno ng gobyerno sa mga kamay ni Long Boret. Alam kong wala akong dapat ikatakotnang bumagsak ang dating rehimen. Isa lamang akong karaniwang inhinyero. Hindi naminkailangang umalis ng bansa. Hinintay ko ang pagtatapos ng digmaan at umasang magkakaroon akong bahagi sa pagbubuo ng bagong Cambodia. Sa kakapalan ng tao, inabot ng dalawang oras bago namin nalakbay ang dalawang milyangdistansiya papunta sa Psar Silep, isang residensiyal na lugar malapit sa ilog. Ito ang sentro ngsiyudad, ang pinakamagandang bahagi ng Phnom Penh – malalapad ang mga kalyeng natatamnan ngmga puno at magkakahiwalay ng mga villa na istilong French colonial. Malaki ang pook na ito, maysapat na lugar para sa mga puno at halaman. Dito nakatira ang pinsan kong si Oan. Dalawang palapagang bahay niya, protektado ng mataas na bakod na yari sa tisa at may pintuang bakal. Magandangtagpuan iyon dahil nag-iisa si Oan sa malaking bahay. May ilang linggo nang nakaalis ng bansa angasawa’t anak niyang lalaki, kasama ng kanyang mga biyenan. Nang makapunta sina Anyung at mga biyenan ko sa bahay ng isang tiyahin, ipinasok konaman ang Fiat sa kalsadang kinatatayuan ng bahay ni Oan. Nagulat ako pagkakita sa marami kongkamag-anak – si Oan at ang dalawa niyang kapatid na babae kasama ang kani-kanilang pamilya, angaking dalawang kapatid na babae, dalawang lalaki at mga pamilya nila, at ang aming mga magulang– tatlumpo lahat. Naglapitan ang lahat sa amin, tuwang-tuwa nang makita kami. May isang oras nasila roon at nag-aalala na sa amin. Nang nakikipaglaro na sa mga pinsan nila ang mga bata, naghanda ng pagkain ang mgababae. Gumagawa ang lahat maliban kay Vuoch na nakikipaghuntahan sa mga lalaki . Si Vuoch,dalawampu’t isa, ang intelektuwal ng pamilya. Nasa ikatlong taon na siya sa unibersidad, nag-aaralng inhenyera na pambihira para sa isang babaing Cambodian. Nakahiligan niya ang simplengpananamit at mabigat na pagsasalita, wari’y determinadong takasan ang tradisyunal na papel ngbabae at igiit ang sarili sa daigdig ng mga lalaki. Magiliw siyang gaya ng nakatatandang kapatid nababaeng si Keng kung nakikipag-usap sa aming ina, kay Any o sa mga bata, pero madaling mapakoang atensiyon niya sa mga usapang pampulitika. May bukas na radyo sa isang mesa, pero walang balita, puro tugtog military. Tinanong ako ngkapatid kong lalaking si Theng kung ano sa palagay ko ang nangyayari sa bayan. Dalawang taon langang kabataan sa akin ni Theng, may asawa siya at tatlong anak, dalawang lalaki at isang sanggol na 9

babae.. Medyo bilib siya sa akin sa mga usaping pampulitika, hindi lamang dahil nakatatanda ako sakanya, kundi dahil sa posisyon ko sa ministry. Titser siya sa primarya, nakatira sa mga magulangnamin, at mas interesado sa basketbol kaysa pulitika. Bagay naman iyon sa katawan niya kaya masnapakikinabangan siya kung may mabigat na trabahong dapat gawin. A, sabi kong nakatitiyak, pag-uusapan siyempre ‘yan ng mga opisyal ng magkabilang panig. “E bakit hindi pa nila ibalita sa radyo?” sabat ni Vouh. “Nakapagtataka nga.” sabi kong hindi tumitingin sa kanya para makaiwas. “pero wala namangdapat ipag-alala. Hindi magtatagal at magkakaroon ng isang bagong gobyerno at muling mamumunosi Prinsipe Sihanouk.Makikita mo.” “At makabubuti sa kanyang huwag na niyang ulitin ang mga dating pagkakamali niya.” Bahagyang katahimikan ang nagdaan. Para maputol ito, may isang nagsabi. “Ano sa palagaymo, Sarun?” Nagkatinginan kaming lahat. Kawawang Sarun. Titser siya doon bago maaksidente sa isangmotorsiklo na ikinabagok ng kanyang ulo, dalawang taon na ang nakararaan. Hindi na siya katulad ngdati. Dati’y masayahin siya at mapaglaro, ngayo’y lagi siyang malungkutin at mainisin. Kadalasan aymahiyain siya na parang bata, pero minsa’y galit na galit o nagsasalita ng mga bagay na walangkaugnayan sa pinag-uusapan. Sabihin pa’y naalis siya sa eskuwela, pero hindi maunawaan kungbakit. Ang hindi nagbago sa kanya’y ang pagmamahal niya sa asawang si Keng at sa limang-taonganak na babaing si Srey Rah. “Ano sa palagay ko?” ani ni Sarun sa dating matamlay na ngiti. “Ewan ko . Pero kungmababalik si Sihanouk, siguro makukuha ko uli ‘yung dati kong trabaho. Ano sa palagay mo Thay?’ Naniniwala siyang naging biktima siya ng isang sabwatan at hindi makabubuting pag-usapanpa ang tungkol doon. Ngumiti ako’t nagkibit-balikat. “Ano ang inginiti-ngiti mo riyan, Thay?” tila nanunumbat ang boses ni Keng mula sa kusina.“Siguradong mababalik sa trabaho si Sarun pag maayos na ang lahat. Sarun, dear, puwede bangtawagin mo na si Srey? Maghahain na kami.” Bilib kaming lahat kay Keng. Mapalad si Sarun dahil sa kanyang katapatan at pangangalaga. Noon dumating ang pinsan kong si Sim. Nakangisi siya na para bang kababalik lang mula sapamamasyal sa buong bayan. “Sim!” tawag ni Oan nagulat na gulat. “Ba’t nag-isa ka? Nasa’n ang mga magulang mo?” “Wala pa ba sila dito? Akala ko’y …” napahinto siyang nakasimangot. “Halika na, Sim,” sabi ng tatay ko na kilalang-kilala si Sim mula pagkabata. Disiotso na siSim at nasa haiskul, pero hindi siya matalino. Wala siyang ginawa kundi maglakwatsa kasama ngmga kaibigan. “Akala ko’y naririto na sila, tiyong. Nanood ako ng nasusunog na bahay, tapos, hindi ko silamakita kaya nagpunta na ‘ko rito. Aalis uli ako’t hahanapin ko sila.” “Loko ka ba, tumigil ka na lang dito. Hindi sila maaano. Peligroso nang lumabas uli.” 10

Doon nga kami pumirimi, paupu-upo kahit saan, pakain-kain ng kanin, ulam at prutas nainihanda ni Any at ng iba pang nasa kusina. Pinag-usapan namin ang mangyayari sa kabila ng ingayng mga nagsisitakas sa labas at ng tugtog ng radyo. Inulit o nananahimik lang ang iba. Kapag tutol siTheng, lalong maraming angal ang isa ko pang kapatid na si Thoeon. Hindi siya lumaki sa amin,Nakisama siya sa kanyang mga biyenan, kaya medyo malayo ang kanyang loob. Sumasali rin sausapan si Vouch. Samantala’y nanonood lang si Any, tahimik at minamasdan kung sino angnagsasalita, na karaniwan niyang ginagawa kapag maraming tao. Bahagya ring sumasali si Oan kahitnasa bahay niya kami. Mayaman nga siya pero hindi siya gaanong matalino. Sinuwerte siyangmakapag-asawa ng may-kaya – may-ari ng ilang sinehan ang biyenan niyang lalaki. Ngunit hindi madaling papaniwalaan ang aking ama. Paulit-ulit ang babala niyang komunistaang Khmer Rouge. Mataas siya, malakas at may matatag na pagkatao, gayundin sa pangangatawan.Hindi siya masalita at inirerespeto siya sa kanyang paniniwala. Pero naiinis ako sa mga prediksyonniya. Narinig ko noon. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walang dapat ipag-alala. “Tsimis lang ‘yan, tay, propaganda,” sabi kong ipinahahalata ang pagkainis. “Wala namangbinabanggit tungkol sa komunismo ang kanilang programa. Mayaman ang ating bansa. Hindi nilakailangang gumawa ng kalupitan para pakainin ng taumbayan.” Tumahimik ang aking ama. Ang aking ina naman ang nagsalita. Mukha siyang mahina, maliit,kung ikukumpara sa mga anak niyang babae. Buong buhay niya’y nagugol sa pag-aalaga sa pamilyasa nayon. Pero kung narinig mo siyang magsalita, mahuhulaan mong sa kanya nagmana si Vouch. “Igalang mo naman ang tatay mo, Thay.” Aniyang mahina pero matigas. “Nakausap naminang mga taong nagsisitakas, napatay ang kanilang pamilya, sinunog ang kanilang mga bahay. Malupitang Khmer Rouge . Komunista sila., gaya ng mga tauhan ni Mao sa China. Kapag sila ang namuno,katapusan na ng relihiyon natin. Kalimutan mo na ang kaligayahan.” “Ang inay naman!” sabi ko. “Anong komunista ang sinasabi n’yo? Iyong iba sa kanila siguro,pero alam nilang napakarelihiyoso ng mga Cambodian at mapagmahal sa buhay para tanggapin angkomunismo. Makabayan muna sila bago komunista. Susundin nila ang gusto ng mga tao.” Alamkong tama ako. Mga tanging impormasyon ang ibinigay sa akin ng mga kakilala ko. Isa pa’ynakapangibang-bansa na ako’t may malawak na pananaw. At ano’ng nalalaman ng mga magulang ko,na simpleng negosyante lang, tungkol sa tunay na sitwasyon? May isang oras kaming nag-usap-usap. Maya’t maya’y natitigil kami dahil sa sigaw ng mgabata at manaka-nakang pagsabog sa may kalayuan. Pagkatapos, nang bandang alas diyes, isang bosesna noon lamang namin narinig ang nagpatigil sa tugtog-militar sa radyo: “Makinig kayo! Abanganang isang importanteng pahayag!” napatigil ang lahat tinawag ang mga kamag-anak na nasa kusina atbakuran. Kinawayan ko si Any na mabilis namang pumasok matapos tingnan si Nawath nanakikipaglaro sa kanyang mga pinsan. Namayani ang katahimikan. Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkong Budhista na si Huot Tat. Nagkatinginankaming lahat at tiwalang napangiti. Hindi lamang siya ang may pinakamataas na awtoridad napanrelihiyon, ang simbolo ng katatagan; miyembro rin siya ng aming pamilya, amain ng aking ama. 11

Malapit ako sa kanya. Sinubaybayan niyang mabuti ang aking pag-aaral at dahil na rin ditokung bakit nakatagpo ako ng lakas na mag-aral ng Buddhismo noong estudyante pa ako. Waringangkop iyon sa aking mga asprirasyon at pagkatao. Nakasalalay sa sarili ang kaligtasan, turo niBuddha. Walang magagawa ang Diyos kung di ka magkukusa. Lahat ng kabutihan at kasamaan aymagbubunga, maaaring sa buhay na ito o sa susunod, ngunit laging malaya ang taong paunlarin angsarili, magpakabuti, pagandahin ang ugali, sa pamamagitan ng pagdarasal na patnubayan siya atbigyan ng malinaw na pananaw sa paggawa ng mabuti, at mahusay na paggamit ng kakayahan attalinong kaloob sa kanya. Natitiyak kong nagawa ko ang pinakamabuting magagawa ko, maramingsalamat sa impluwensya ni Huot Tat. Kaya tulad ng iba’y sabik akong marinig ang sasabihin ng matanda, marahil ay mas sabik pa –at makatagpo ng katiyakan sa sasabihin ng kagalang-galang na matandang hindi mapag-aalinlanganang kalagayan, na ang patnubay ay tiyak na kakailanganin ng bagong rehimen. “Huwag kayong mag-alala,” sabi niya. “Itigil na ang labanan. Darating na ang kapayapaan.Nakaraan na ang ating bansa sa isang mahirap na pagsubok. Kailangang muli natin itong.” Iyonlamang, at iyon lamang naman ang kailangan. Pagkaraa’y isa pang boses ang narinig. Kay Heneral Mey Sichan iyon, ang puno ngsandatahang lakas ng Republikano. “Dapat nang sumuko ang lahat ng sundalo.” sabi niya, “paramaiwasan ang pagdanak ng dugo samanatalang ipinagpapatuloy ang pakikipagnegosasyon sa atingmga kapatid.” Tapos na ang lahat, naisip ko. “Mabuti,” bulong ko kay Any sabay yakap. Lumuwag angpakiramdam naming lahat. Ngunit ilang sandali at natabunan ang boses ng heneral ng di maunawaang ingay. Pagkaraa’yisa pang boses ang sumagot, mas malakas na parang may umagaw sa mikropono. “Ang digmaan aynaipanalo sa pamamagitan ng sandata, hindi ng negosasyon! Sumuko na ang mga puwersa nggobyerno! Nanalo ang mga rebelde! Tapos na ngayon ang digmaan!” Pagkaraa’y nakatatakot na katahimikan. Walang musika, lahat ay natigil. Nawala ang mgangiti namin. May nagpatay at muling nagbukas ng radyo, tinesting. Wala. Naglalakihan ang mgamatang nagkatinginan kami. Sa katahimikan, namalayan ko ang tinig ng mga tao sa kalye, at ang ingay ng mga makina.Panatag kaming nakakulong sa bahay, gayundin ang mga kapitbahay. Pero sa labas, libu-libong mgatao ang nagsisiksikan patungo sa sentro ng Phnom Penh. Saan sila pupunta? Naipalagay ko lang natutuloy sila sa mga pagoda, sa mga unibersidad o sa bakuran ng mga gusaling pampubliko, hanggangsa matapos ang labanan. Isang oras ang lumipas. Patuloy na naglaro ang mga bata samantalang mahinang nag-usap-usap ang matatanda. Pagkaraa’y narinig namin ang sigaw ng pagsasaya sa kalayuan. Tumalongpalabas ng bakod si Sim para alamin kung ano ang nagyayari, pagkatapos ay mabilis siyang bumalikat sumigaw, “Ang mga Khmer Rouge!” 12

Talaga nga palang tapos na. Nagmamadali naming binuksan ang pinto para manood. Sa buong paligid, nagbitin ang mga puting tuwalya, kumot, damit at anumang putingmaiwawagayway ng mga tao. Nagsimulang dumami ang mga tao sa kalye, palayo sa amin. Isang uring prusisyon ang wari’y panonoorin nila sa Preah Monivong, isang pangunahing kalyeng nagmumulasa timog at kumukrus sa tabing kalye namin, may ilang yarda ang layo...Matapos isenyas kay Any nabantayan ang mga bata, nakipagsiksikan ako sa mga taong nasa harap kasama ang iba pa. Noon akounang nakakita ng mga sundalong Khmer Rouge. Malinis ang kalye, lahat ng tao ay nakatayo sa bangketa. Sa gitna ng kalsada, isa-isangnaglalakad ang mga sundalong noon ko lamang nakita, nahahati sa pangkat ng tig-lilimampu. Lahatsila ay nakaunipormeng itim na tila padyama ang yari, walang dekorasyon pero maayos nanakabutones. Nakasumbrerong Intsik sila at sandalyas ng Ho Chi Ming na yari sa gulong ng kotse.Ang ilan ay may dalang AK47, ang iba nama’y mga rocket launchers. Lahat sila’y may tsekerd nakramar – mga bandanang nakapalupot sa kanilang leeg o sumbrero. Hindi sila sa unahan ng linya,walang kangiti-ngiti. Lahat sila’y mukhang wala pang disiotso anyos. Ang tanawing ito ay magigingpamilyar pagkaraan sa buong mundo sa pamamagitan ng mga retrato at pelikula, ngunit ni walakaming babala kung ano ang itsura nila. Hindi ako nabigla o nangamba; gayunma’y nakadama ako ng pag-aalala sa katigasan ngmukha ng mga kabataang sundalo, lalo na ng makita ko ang magandang pagtanggap sa kanila ng mgatao. Nagpapalakpakan at walang takot na sinundan ng mga tao ang hanay ng mga sundalo, ngunit angkasabikan at kasiglahan nila’y walang epekto sa mabalasik na mga kabataan. Nakatanaw lamang silasa malayo, walang damdamin, blangko, parang mga robot. Ngunit masyado kaming nasisiyahan para bigyang pansin ang kanilang inuugali. Tapos naang giyera. Ni hindi kami nasaktan. Kaya nagyayakapan ang mga tao at nagwawagaywayan ng mgaputing tela. Sa halip na matakot, kaming lahat ay nagtiwala sa kawalang – pakialam ng KhmerRouge. Minsan lang akong ninerbyos. Isang trak ng militar na minamaneho ng isang sundalongRepublikano ang biglang lumitaw sa daan, pauwi na siguro at natutuwang tapos na ang labanan.Isang Khmer Rouge ang sumenyas at nag-utos na siya’y bumaba. Mabilis na tumalon at tumakbongpalayo ang lalaki ngunit maagap siyang hinabol at nahuli ng isang Khmer Rouge na may kipkip nabaril. Isinalya nito sa pader ang sundalo at tinutukan ng ripple. Pagkaraa’y mahinahon nitonginutusan ang sundalong hubarin ang kanyang uniporme at iwan ang sasakyan. Sumunod naman anglalaki at lumayo na ang Khmer Rouge. Muli akong nakahinga, mas nakasisigurong maayos ang lahat. Masaya kaming bumalik sa bahay ni Oan, nagbibiruan, nagkukuwentuhan, nagpaplano. Sabiko’y iuuwi ko na ang aking pamilya. May ibang nagsabing pupunta sila sa tabing-dagat at magsaya.Mukhang pabalik na sa normal ang lahat. Sakay ng kanilang Austin, dumaan sa bahay ang mgamagulang ni Any para sabihing babalik na sila sa kanilang bahay. Kami man ay paalis na ng sabihinni Oan, “Bakit hindi pa kayo rito mananghalian?” Bakit nga ba hindi. Matitingnan naman ng mgabiyenan ko ang bahay namin habang wala pa kami. Naglalaro ang mga bata sa bakuran. Mag-aalasonse pa lamang, walang dahilan para magmadali. Naiwan kami, masayang nag-uusap. Nanananghalian kami at nag-iisip ako kung papasok na ako sa trabaho kinabukasan, nangisang lalaki ang dumating. Halos hindi makahinga. Siya ay katiwala sa bahay ng mga biyenan ni Oan 13

na nakatira may isang milya ang layo, sa gawing dinaanan ng Khmer Rouge. Ipinagkatiwala nila sataong iyon ang bahay nang umalis sila sa Cambodia kasama ang asawa at nag-iisang anak ni Oan.Nakatayo ito ngayon sa may pintuan, takot na takot at gulung-gulo ang ayos. “Pinalayas kami ng mgaKhmer Rouge sa aming bahay! Pinagsabihan kaming umalis ng siyudad!” sabi nitong halos hindimakapagsalita. “Ano’ng gagawin ko?” Agad nagbago ang pakiramdam namin. Nahinto kami sa pagkain at pinagtatanong siya: “Sigurado ka ba?” “Bakit?” “Baka nagkamali ka lang ng pag-intindi?” “Wala kaming narinig na sinabi nilang gano’n.” Nagbibiro ba siya? Mag-alisan kami, parang hindi kapani-paniwala! Kailangang malaman namin ang totoo kaya nagtanong kami sa mga kapitbahay para malamanang mga pangyayri. Sila ma’y nakarinig ng mga usap-usapan sa ebakwasyon. Pero walang balita saradyo parang nakabubuhay ng loob ang kawalan ng opisyal na babala. Hindi namin alam ang mga gagawin. Aalis ba kami sa bahay ni Oan? Desperado na kamingmakasagap ng impormasyon para makapagplano. Iminungkahi kong konsultahin namin ang amingamain, ang Patriarkang si Huot Tat na nakatira sa Onalon Pagoda sa tabi ng ilog dalawang milya anglayo . Tiyak na alam niya kung ano ang nangyayari. Hihingi kami ng payo sa kanya, makakukuha rinkami ng proteksiyon. Wala nang makaisip kung ano ang mga mabuting gawin. Sumakay kaming lahat sa tatlongkotse – sa aking Fiat, sa Puegeot ng aking kapatid na si Theng, at sa Mercedez Benz ni Oan. Muli,napasama kami sa mabagal na prusisyon ng mga tumatakas. Nagsisikip pa rin ang mga kalye.Napasama na sa mga papunta sa sentro ng bayan ang mga taong pinalayas sa kanilang mga bahay.Tila tulala ang lahat ngunit walang kaguluhan o ingay, isang pulutong lamang ng mabagal naumuusad patungo sa kung saan, mga taong naglalakad, nagbibisikleta, sakay ng trishaw, at mgakotse. Paminsan-minsa’y isang putok ang nariring mula sa kalayuan. Ang mga ganitong pagunita salabanan ay nagpaalisto sa amin dahil hindi namin alam kung sino ang binabaril nino. Kakatwangagad-agad ay naging masunurin at magalang ang lahat, maingat na sinusunod ang tuntunin sa daan,takot waring makaaksidente, takot waring mapansin. Nang sumunod na isang oras, minsan lamang akong nakakita ng Khmer Rouge, nang lumabassa katabing kalye ang tatlumpu sa kanila, tahimik na nagmamartsa sa isang hanay sa gitna ng daan,hindi alintana ang mga taong nakapaligid sa kanila. Pinaraan sila ng mga kotse at mga taongnagdaraan. Nagmartsa sila nang hindi kami pinapansin, wari’y iniiwasang mahawa sa amin. May sariling bakuran ang pagoda ng Patriarka. Isa iyong mataas, dalawang-palapag natemplong may bubong na tisang kulay dilaw. Nakatayo iyon sa tabing-ilog, tumutunghay sapinagtatagpuan ng ilog ng Mekong at Tonle Sap. Sa paligid niyon, kasama ng mga puno at hardin ng 14

mga bulaklak ay ang tirahan ng mga monghe. Ipinarada namin ang mga kotse, dinala ang mga bata atnagpunta sa bahay ng Patriarka. Matapos kaming ituro sa isang malaking bulwagang puno na rin ngmay isandaang katao, ilan sa amin – ang mga magulang ko, ako, si Oan, at ang mga kapatid konglalaki – ang nagpunta sa tanggapan ng Patriarka. Kakatwang malakas pa ang Patriarka sa kanyang walumpu’t limang taon, matatag na nakataasang ulo niyang ahit, at mukhang bata pa ang malapad niyang mukha. Nakasuot siya ng robang dilawna hantad ang isang balikat, at napaliligiran ng mga monghe at sibilyan. Malinaw na maraming taoang nag-isip nang katulad namin, ang magpunta sa pagoda para malaman kung ano ang awtoridad ngPatriarka. Sa kauna-unahang pagkakataon, napagtanto kong naipit kami. Tinangka kong tawagan ang mga biyenan ko at si Anyung sa bahay. Walang sagot. Walakaming magawa kundi maghintay. Nagpalakad-lakad ako, pilit na pinapayapa ang loob ni Any sapagsasabi ng tungkol sa mga tawag at sa pamamagitan ng bahagyang pakikipag-usap sa mga bata.Masasaya naman ang mga anak ko, nakikipaglaro sa mga kasing-edad nila. Nang magtakip-silim, mga alas sais, dumating ang kinatawan ng Patriarka. Sinundan ko siyahabang nakikipagsiksikan sa karamihan ng mga tao patungo sa Patriarka, na nagtaas ng kamay parapatahimikin ang lahat. Pinilit kong basahin kung may magandang mensahe sa kanyang mukha, ngunitblangko iyon. Sabi niya’y maraming mga nakatataas na opisyal na Republikano at mga ministro sa miting;naroon din ang Prime Minister na si Long Boret. Naupo ang monghe sa tabi ng isang opisyal ngKhmer Rouge na nakipag-usap naman sa kanya nang buong galang. Pinuri ng opisyal ang mgakabutihan ng Khmer Rouge at sinabing naisasagawa na ang muling pagtatatag ng bansa sa tulong ngmga dating opisyal, intelektuwal at teknisyan. Nang itanong ng isang monghe ang tungkol saebakwasyon, umiling ang opisyal. Wala raw kabuluhan ang ganoong utos. Bakit daw inuutos angpagpapalikas ng mga taong may malakas na pangangatawan gayong kakailanganin sila sapagsasaayos ng ekonomiya? “Sabi niya sa akin: nasa iyo ang aking palabra de honor, wala akongnarinig na ganoong utos. Isa lamang iyong maniobra ng imperyalista. Ibig lamang nilang matakot angmga taumbayan.” Nakahinga ako nang maluwag at ibabalita ko kay Any na hindi totoo ang usap-usapan ukol saebakwasyon, ngunit marami pang nagsisilikas ang dumating sa pagoda at nagsabing patuloy pa rinang pagpapaalis sa mga tao. Tumindi ang aking pag-aalala. Alinman sa nagsisinungaling o walangnalalaman ang opisyal. Tumanggi ang monghe nang tanungin ni Oan, hindi raw maaaringmagsinungaling ang opisyal. Ngunit maaari ring wala siyang nalalaman. Sumapit ang gabi. Muli kong tinawagan ang mga biyenan ko pero wala pa ring sagot.Nakikini-kinita ko ang pangit na larawan: ang mga magulang ni Any at ang kapatid niyang siAnyung, kasama ng agos ng mga nagsisilikas, hindi malaman kung saan patungo. Sinulyapan ko siyapara pumayapa ang kanyang loob. Dahil sa matinding pagod at pag-aalala, nakatulog kami sa mga banig na inilatag sa baldosangsahig ng pagoda – lahat kaming tatlumpu na nahahati sa iba’t ibang pamilya. Kakatwang pati angmga bata, pati na si Nawath, ay naging masunurin sa aming kakaibang kalagayan at kalituhan.Ibinalot ko ang aking ilang damit at binuksan sa Voice of America sa Cambodia para makibalita. 15

Wala. Pinatay ko ang radyo, pero hindi ako makatulog. Manaka-naka ang dating at alis ng mga taongnaghahanap ng matutulugan, at bawat dumating ay nagpapatotoong patuloy ang ebakwasyon. Daan-daan ang nagsisiksikan sa pagoda at bakuran nito, habang libu-libo naman ang mabilis na papalabasng bayan. Nang natutulog na kaming lahat – mga alas nuwebe siguro ng gabi – isang opisyal ng KhmerRouge na may hawak na pistola ang pumasok. Mga kasing edad ko siya mga treinta anyos. Samasakit na liwanag ng mga bombilya, naghihinalang tiningnan niya kami, nakatutok ang baril sa mganatutulog na parang may inaasahang lalaban sa kanya. Pagkaraa’y nakita niya ang anim na bisikletaat tatlong motorsiklong nakaparada sa may pintuan. “Kanino ang motorsiklong ito?” sigaw niya. Walang sumagot. Isinuksok niya ang baril atpinuntahan ang mga bisikleta. Isang asul na Honda na mukhang bagung-bago ang kinuha niya.Nakakadena ito sa dalawa pang motorsiklo. Dalawang beses niyang sinabi: “sino ang may-ari ngmotorsiklong ito?” At pagkaraan, “Kailangan ito ng Angkar!” Angkar – ang Organisasyon: iyon ang kauna-unahang pagkakataon na narinig kong ginamit saganoong paraan ang salitang iyon. Wala pa ring nagsalita. Inihiga ng opisyal ang motorsiklo, inilabas ang kanyang baril atitinutok sa kadena. Dalawang beses siyang nagpaputok, magkasunod. Naputol ang kadena.Nakatatakot ang pagpunit ng mga putok sa katahimikan, lalo’t iisiping, ilang saglit pa, sakay ngmotorsiklong umalis ang opisyal, iniwan kaming natitigilan. Tiningnan ko si Any. Sinenyasan kosiyang manahimik. Makailang sandali’y ibinulong sa akin ni Any, “Paano niya nagawa ang gano’n?” “Ano’ng magagawa natin?” sagot ko. Isang matagal na tingin ang ipinukol sa akin ng aking ama. “Siguro naman, hindi lahat sila’y gano’n,” nagtatanggol na sabi ko sa kanya, pabulong din. Labinlimang minuto pagkatapos, dalawa pang sundalo ang dumating at walang imik nakinuha ang dalawa pang motorsiklo. Naging maliwanag sa akin at sa lahat ng naroon, na hindi pagnanakaw o pang-aangkin lamangang mga kilos na iyon. May kahalagahan ang Patriarka na higit pa sa kanyang kalagayangpanrelihiyon. Iginagalang siya, maging sa pinakamalalayung kanayunan sa Cambodia, ngunit dito, saisang iglap ay napanood namin ang tatlong taong parang hindi alam kung saan sila naroon, wala nipaggalang para sa Patriarka. Iyon ang unang babala na mawawasak na ang mabubuting kaugaliangtaglay namin sa loob ng maraming dantaon. Bago muling nakatulog, itinanong ng panganay naming si Sudath, “Kailan tayo uuwi, itay?”Hindi ako nakakibo. Si Any ang sumagot, “Matulog ka anak, uuwi na tayo bukas.” Hindi ko na iyonmapaniwalaan, at siya man, sa palagay ko. 16

3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panglinggwistika Panuto: Piliin mo sa ibaba ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa bisang iniwan ng mgasalita sa pangungusap. 1. Halos tapos na ang limang taong lumalaganap na labanan sa pagitan ng mga rebeldengKhmer Rouge ng Cambodia at ng gobyernong Republikano ni Marshal Lon Nol. 2. Ang kalyeng iyon, na isa sa maluluwang na lansangan sa Phnom Penh ay isang agos ngmga tao, kotse, bisikleta, trak, motorsiklo at ilang karetang puno ng tao at kagamitan. 3. Ikinarga ko ang mga bagahe sa aking Fiat, habang isinisigaw ang mga habilin sa kabila ngkaguluhan sa siyudad ratatat ng machine gun, pagsabog ng mga bomba sa malayo at patuloy na andarng mga sasakyan. 4. Lihim na nakipagkasundo si Sihanouk na magamit ng mga North Vietnamese angmalalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa SouthVietnam na naging dahilan ng pagtuligsa ng Estados Unidos. a. nadama ang emosyong naghahari sa mga tauhan dahil sa kaguluhan b. naglalayong mag-iwan ng aral c. nagbibigay-impormasyon tungkol sa bansang Cambodia d. nakatulong sa pagbuo ng senaryo ng isang digmaan e. nakapaghatid ng Cambodia sa digmaan sa Vietnam f. nakapabigay-katwiran sa mga isyung pambansa Nasagutan mo bang lahat? Maaari mong balikan ang katatapos na gawain kung sa iyongpalagay ay di mo ito naunawaang mabuti. Handa ka na ba sa susunod na gawain? b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Basahin mong mabuti ang mga pangungusap. Piliin mo ang titik ng tamang sagot. 1. “Mahihirapan tayo sa umpisa, pero magiging normal din ang lahat.” Ang paniniwalang itong pangunahing tauhan para sa akin ay pagpapakita ng a. katapangan b. kaplastikan c. pagkukunwari d. pagka di makatotohanan 2. “Kailangang kumilos kami agad para maiwasan ang labanan. Naniniwala akong angpangunahing tauhan ay may a. kapangyarihan upang matigil ang digmaan b. magagawa upang masugpo ang digmaan c. kakayahan upang makausap ang mga lider ng bansa d. makikipag-usap sa mga kamag-anakan kung anong magagawa kaugnay ng digmaan 17

3. “Wala akong dapat ikatakot sa Khmer Rouge para sa akin, ang pangunahing tauhan ay a. nakikiisa sa mga Khmer Rouge b. may paniniwala sa Khmer Rouge c. higit na malakas kaysa sa Khmer Rouge d. di sasama sa Khmer Rouge 4. Magaling akong estudyante. At nang ako’y edad disisiete, ako ang pinakamahusay sa Matematika sa buong bansa. Naniniwala akong ang pangunahing tauhan ay a. may pagmamalaki sa kakayahan b. may himig pagyayabang c. nagmamalaki ngunit nagsasabi ng katotohanan d. mataas ang pagtingin sa sarili 5. Laban kami sa mga diktador, mga komunista at sa rehimen ni Lon Nol ngunit wala kaming tinatangkilik. Sa aking sariling interpretasyon, ang pangunahing tauhan ay a. may pinapanigan b. nagnanais ng matahimik na buhay c. pabor kay Sihanouk d. isang aktibista Tiyak na nadalian ka sa katatapos na gawain. Bagama’t hiningi ang sarili monginterpretasyon, dapat na iba ito ayon sa binasang akda. Higit mong mapahahalagahan at mauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo angilang mga prinsipyo, mga paniniwala, ideyang makatutulong sa pagpapaliwanag ng isang akdangpampanitikan. Ang tawag dito ay teoryang pampanitikan. Ang teoryang bibigyang-diin sa akdang iyong binasa ay teoryang eksistensyalismo. Para sa iyong kaalaman, nakapokus sa pagbuo ng paninindigan ng tauhan ang akdang maypananaw na eksistensyalismo. Ipinakikita rito ang lakas ng kanyang mga kilos, sa pananalita at mgapagpapasyang gagawin. Anuman ang maging bunga nito, makakaya niya itong tanggapin. Ang susunod mong gawain ay may kaugnayan sa teoryang eksistensyalismo. Isaalang-alangmo ang mga kaalamang natutunan tungkol dito. Madali lamang ito. Kailangan mo lamang ngmasusing pag-unawa sa mga pangungusap na iyong babasahin. Handa ka na ba? Simulan mo na. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Isulat mo kung ang tinutukoy ng pagiging makapangyarihan ng tauhan ay batay sakilos o paninindigan. 1. “Katapusan na ito. Dalian mo Any ilang sandali na lang at darating na ang Khmer Rouge.” 2. Pinuntahan ko ang aking mga magulang at nakipagkasundong magkikita-kita sa pinsan kong si Loan na nakatira sa malapit sa bayan, sandaling lumubha ang sitwasyon. 3. Pinuno na namin ng gasolina ang lahat ng kotse. Wala kaming dapat gawin ngayon kundi mag-empake ng 2 maletang damit, mga alahas ni Any, mga naipon namin at aking mga dolyar. 18

4. Ang posisyon sa Department of New Works and Equipment sa ministri ang nagbigay sa akin at sa aking pamilya ng proteksyon laban sa kahirapang pampulitika at pangkabuhayan bunga ng lumalaganap na digmaang-bayan.5. Ibig naming magkaroon ng isang pamahalaan na may pambansang pagkakaisa, at kung posible isang koalisyong pamahalaan, kasama na ang Khmer Rouge. Kayang-kaya ba? Marahil ay nagamit mo ang iyong natutuhan kanina. Isang paalaala langkaibigan, lagi mong tatandaan ang mga impormasyong pinag-aaralan. Magagamit mo ang mga ito sasusunod pang mga modyul. Okay, ba iyon?d. Halagang Pangkatauhan Panuto: Piliin mo at lagyan mo ng star ( ) ang mga pagpapahalagang binigyang-diin saakda.1. Pagiging matatag sa oras ng digmaan2. Pagiging mapagpasensya sa pagkakamali ng iba3. Pagiging mapagtiis4. Pagkakaroon ng tamang pag-iisip5. Pagiging matapang6. Pagiging maingat sa mga gamit7. Pagbuo ng desisyong pinag-isipang mabuti Tingnan mo ngayon kung ano ang naging resulta ng iyong pagsagot sa mga gawain. Hingiinmo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot.4. Palalimin mo…Panuto: Iguhit mo ang larawang ito kung sumasang-ayon ka sa mga nakatala saibaba. Kung hindi, ito ang iguhit . 1. Walang pinipili ang digmaan. Kahit sino ay maaaring mabiktima. 2. Ang pagkakaroon ng digmaan ay isang paraan upang mabawasan ang masasama sa mundo. 3. Ang pagkakaroon ng tamang takbo ng isipan at maingat na pagpapasya ay mahalagang taglayin ng bawat isa lalo na kung nasa krisis ang bansa. 4. Dapat na maging makapangyarihan ang isang bansa upang magtagumpay sa kanyang pananakop. 5. May mahalagang papel na ginagampanan ang mga namumuno ng bansa sa pagbuo ng magandang relasyon sa iba pang mga bansa. 6. Sa oras ng digmaan, mahalagang magkaroon ng katatagan ng loob sa anumang mangyayari sa pamilya. Nagustuhan mo ba ang ating gawain? Iwasto mo muli ang iyong mga sagot gamit ang Susi saPagwawasto. 19

5. Gamitin Mo... Panuto: Basahin mo ang tanong sa ibaba. Isulat mo ang hinihinging mga kasagutan. Tanong: Paano kaya maiiwasan ang pagkakaroon ng digmaan sa mga bansa? Isulat mo angtatlong solusyon sa suliraning ito. 1. . 2. . 3. . 6. Sulatin mo… Panuto: Bumuo ng mga tema/konseptong may kaugnayan sa akda gamit ang mga salitangnakatala sa ibaba.1. digmaan salot kapayapaan2. nakasalalay namumuno bansa ikasusulong3. matatag loob krisis bayan Naisagawa mo ba ang gawain? Kung nagamit mong lahat ang mga salitang nasa loob ngkahon sa pangungusap, tama ka. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto upang malamanmo kung wasto ang iyong mga sagot. 7. Lagumin mo… Panuto: Punan mo ang patlang ng tamang sagot. 1. Ang pagkakaroon ng matibay na paninindigan ni Pin Yathay sa oras ng digmaang-bayan saCambodia ang halimbawa ng teoryang . 2. Ang tauhang simbolo ng katatagan ng loob sa gitna ng digmaan sa bansa ay si . 3. Bansang napagitna sa dalawang bansang naghihidwaan ang . 4. Nakatulong ng pangunahing tauhan upang harapin ang mabigat na krisis na hinaharap ngpamilya si . 5. Ang binasang akda ay isang halimbawa ng salin sa Filipino na . Kunin mo muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong mga sagot. 20

 GAANO KA NA KAHUSAY? A. Panuto: Piliin mo sa ibaba ang titik ng tamang sagot na tumutugon sa bisang inihatid ngmga salita sa pangungusap. 1. Masigasig si Sihanouk na panatilihin ang magandang pakikipag-ugnayan sa kanyangmakapangyarihang kapitbahay. Lihim siyang nakipagkasundo na magamit ng North Vietnamese angmalalayong lugar sa silangang bahagi ng Cambodia sa paghahatid ng mga sundalo at armas sa SouthVietnam. 2. Nagkasakit ng hepatitis si Thary. Hindi siya gumaling. Namatay sila kapwa ng aming anaknang manganak siya. 3. Narinig sa radyo ang mahinang boses ng Patriarkang Budhista na si Huot Tat. Hindi langsiya ang pinakamataas na awtoridad na panrelihiyon, ang simbolo ng katatagan, miyembro rin siya ngaming pamilya, amain ng aking ama. a. nagbibigay ng sanhi at bunga ng mga pangyayari b. nagpapakilala sa pinagmulang angkan ni Pin Yathay c. naglalarawan ng digmaang naganap d. nagbibigay-kabatiran sa dahilan ng pagkakadawit ng Cambodia sa Vietnam e. nagpapakita ng isa pang krisis na pinagdaanan ni Pin Yathay B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. 4. Pero naiinis ako sa prediksyon niya. Paulit-ulit ko nang nasabi sa kanyang walang dapatipag-alala para sa akin, ang tauhan ay a. positibo ang pananaw b. madaling mainis c. ayaw nang paulit-ulit d. may pagtatampo 5. Mayaman ang ating bansa. Hindi nila kailangang gumawa ng kalupitan para pakainin angtaumbayan. Ang interpretasyon ko dito ay a. mayabang ang tauhan b. makabayan ang tauhan c. may himig pagmamalaki d. matibay ang paniniwala 6. Nagpatuloy sa kabulukan at pagwawalang bahala ang administrasyon at sandatahang lakas.Ang tauhan dito ayon sa aking interpretasyon ay a. waring naguguluhan sa nangyayari b. waring natakot sa digmaan c. labis na nalulungkot sa mga nangyayari d. wala nang makitang pag-asa 21


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook