Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FIL2part2

FIL2part2

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:48:56

Description: FIL2part2

Search

Read the Text Version

FILIPINO II PART 2

Modyul 14 Tekstong Argumentativ Pagkilala sa Wastong Gamit ng mga Pangatnig Tungkol saan ang modyul na ito? Ang modyul na ito ay tumatalakay sa; - pagkilala sa wastong gamit ng pangatnig - pagbubuo ang bagong salita mula sa ibinigay na salitang-ugat sa pamamagitan ng paglalapi pag-uulit at pagtatambal batay sa kahulugang nakasaad sa pahayag - pagtukoy kung ang teksto ay isang argumentativ - pagpapangkat – pangkat ng magkakaugnay – ugnay na ideya Ano ang matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang makakamit mo ang mga sumusunod na kasanayan. - nakikilala ang wastong gamit ng mga pangatnig - nakabubuo ng bagong salita mula sa ibinigay na salitang-ugat sa pamamagitan ng paglalapi, pag-uulit at pagtatambal batay sa kahulugang nakasaad sa pahayag - natutukoy kung ang isang teksto ay argumentativ - nakapagpapangkat-pangkat ng magkakaugnay na ideya- Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Ngayong hawak mo ang modyul na ito, gawin ang mga sumusunod; 1. Kung may malabong panuto o anumang bahagi ng modyul, magtanong sa iyong guro o kung sinumang may ganap na kaalaman. 2. Isulat sa hiwalay na papel ang iyong mga sagot sa mga pagsusulit at iba pang gawain. Huwag itutupi ang mga pahina ng modyul dahil gagamitin pa ito ng iba. 3. Itala ang mahahalagang impormasyon at kaisipan sa isang hiwalay na kuwaderno. 4. Basahing mabuti ang mga babasahin o teksto. Malaking tulong ito upang makamit ang mataas na antas ng kaalaman. 5. Ang mga tamang sagot (answer key) sa panimula at pangwakas na pagsusulit ay kukunin sa guro pagkatapos mong masagutan ang mga aytem. 1

Ano na ba ang alam mo?A. I. Pagkilala sa Wastong Gamit ng PangatnigPanuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga pangatnig na ginamit sa bawat bilang._______1. Gayundin, may mga pagkakataong gumagamit ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pang – espiya sa ilalim ng neo – kolonyalismo._______2. Dahil dito madaling impluwensiyahan ang pambansang interes ng mga neo- kolonyalista._______3. Ngunit ang dayuhang tulong ay nagagamit ng mga dating kolonyalista upang pasunurin ang mga tinulungang bansa sa kanilang kagustuhan, tahasan man o hindi ang pagpapasunod._______4. Ginamit lamang ang reporma sa lupa hindi upang tugunan ang hinaing ng mga magsasaka kundi upang sugpuin ang pagrerebelde nila._______5. Kung tutuusin higit na nakikinabang ang mga Amerikano sa kanilang pagtulong sa Pilipinas.II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra kung paano ginamit ang mga pangatnig na ginamit sa bawat bilang sa Pagsusulit A-I.1._______2._______3._______4._______5._______ a. ginagamit upang ipakita ang pagsalungat b. ginagamit upang ipakita ang paglilinaw c. ginamit sa pagsasaad ng alinlangan o pasubali d. ginamit upang ipakita ang kadahilanan ng pangyayari e. nag-ugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnayIII. Pagbuo ng Bagong Salita Mula sa Salitang-ugat sa Pamamagitan ng Paglalapi, Pagtatambal at Pag – uulit ng SalitaPanuto: Bumuo ng salitang dapat gamitin sa pahayag batay sa salitang – ugat na nasa loob ngpanaklong upang mabuo ang diwa nito._______1. Ang neo-kolonyalismo ay (gamit) ng pamamaraang pang – ekonomiya upang masakop ang maliliit na bansa._______2. (Silang) ang neo – kolonyalismo matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig._______3. (Tulong) ang mga mamamayan sa Pilipinas upang lubusang matamo ang pag-unlad lalo pa sa panahon ng kolonyalismo._______4. May mga bansang kolonyalista ang gumagamit ng (kamay) upang masupil ang pag- aalsa ng bansang kanilang sinasakop._______5. Hindi (tamo) ng ating bansa ang tunay na kasaganaan habang naririto ang mga neo – 2

kolonyalista.IV. Pagtukoy sa Tekstong ArgumentativPanuto: Lagyan ng tsek √ ang bilang ng pahayag na naglalahad ng argumento._______1. Ginamit lamang ang reporma sa lupa hindi upang tugunan ang hinaing ng mga magsasaka kundi upang sugpuin ang pagrerebelde nila._______2. Kahit sa unang malas ay may tulong iyon na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng gatas sa mga bata at pamamahagi ng mga aklat, sa totoo’y may kapalit din iyon._______3. Kung titingnang mabuti, ang mga tulong na ibinibigay ng United States ay napunta rin sa isa sa mga negosyanteng Amerikano._______4. Habang ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasa ilalim ng neo – kolonyalistang Amerikano at higanteng industriyal na bansa, hindi matatamo ng ating bansa ang tunay na kasaganaan._______5. Kinakailangang makaalpas ang Pilipinas sa kamay ng neo – kolonyalismo upang magtamo ng kalayaang pang – ekonomiya.V. PagsulatPanuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na dapat isama kung ang paksang tatalakayin ay tungkol sa “Kolonyalismo.”1. Ang neo – kolonyalismo ay ang di – tuwirang pagkontrol ng makapangyarihang bansa sa isang malayang bansa.2. Ang mga instrumentong ginamit ng neo – kolonyalismo upang makuha nito ang gusto sa malalayang bansang Asyano ang kinabibilangan ng mga pamamaraang pang – ekonomiya at pangkultura.3. Natural sa mga bansa sa daigdig ang humingi ng tulong sa ibang bansa.4. Ang mga tulong na ibinibigay ng mga Amerikano sa Pilipinas ay may kapalit, at ang mga kapalit na ito ay mangangalaga sa kanilang interes.5. Ang Amerika ay maunlad na bansa.  Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1Layunin Nakikilala ang wastong gamit ng mga pangatnigAlamin Sa lahat halos ng mga palengke at malls sa ating bansa ay nagtambak ang mga produktongdayuhan na tunay namang tinatangkilik ng ating mga kababayan. 3

Naririto ang ilan sa halimbawa ng mga produktong dayuhan na ibinibenta sa ating bansa. Anu – ano sa palagay ninyo ang mabubuti at di – mabubuting idudulot sa ating ekonomiya ng patuloy na pagdagsa sa ating pamilihan ng mga produktong dayuhan?Panuto: Lagyan ng M ang patlang sa bawat bilang kung sa palagay ninyo ay mabuti ang bunga ng pagdagsa ng dayuhang produkto sa ating bansa at DM kung masama._______1. Maraming mapagpipiliang produktong bibilhin ang mga mamamayan._______2. Mawawalan ng trabaho ang maraming mamamayan dahilan sa nabawasan ng malaking bilang ang produksyon ng lokal nating produkto. 4

_______3. Magiging malaki ang pagpasok ng buwis sa ating bansa na ibinabayad ng mga dayuhang mangangalakal._______4. Mababawasan ang mga mamamayang tatangkilik sa ating sariling produkto._______5. Bubuti ang relasyon natin sa iba’t ibang bansa sa daigdig. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.Linangin Ang pagdagsa ng mga dayuhang produkto sa ating bansa ay isang uri ng neo –kolonyalismo. Ang neo – kolonyalismo ay ang di – tuwirang pagkontrol sa isang malayang bansa ng isang makapangyarihang bansa ng pamamaraang pang – ekonomiya, pampulitika, pangkaisipan at pangkultura upang mapasailalim ang ibang bansa, lalo na ang mga bansang dating sakop. Sa pagsusuri natin ng naidudulot ng neo – kolonyalismo sa ating bansa, gumagamit tayo ngmga pangatnig. Basahin ang sumusunod na teksto, tingnan ang mga halimbawa ng pangatnig na ginamit sanabanggit na teksto. Mga Instrumento ng Neo-kolonyalismo Ang mga instumentong ginamit ng neo-kolonyalismo upang makuha nito anggusto sa malalayang bansang Asyano ay kinabibilangan ng mga pamamaraang pang-ekonomiya at pangkultura. Gayundin, may mga pagkakataong ginagamit ang militarat ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pang-espiya. Sa pananaw ng mga katutubong pinunong pampulitika at pang-ekonomiyanakaugnay ang pambansang (o pansarili lang) interes sa interes ng mga neo-kolonyalista. Dahil dito, madaling naimpluwensyahan nitong huli ang una upanggawin ang mga hakbang na nais nila. Natural sa mga bansa sa daigdig ang humingi ng tulong sa ibang bansa.Natural din na tumulong ang ibang bansa sa nangangailangan. Ngunit ang dayuhangtulong ay nagagamit ng mga dating kolonyalista upang pasunurin ang mga 5

tinulungang bansa sa kanilang kagustuhan, tahasan man o hindi ang pagpapasunod.Ibig sabihin, hindi libre ang pagtulong. May mga kondisyon ito. Sa panahon ng Cold War (ang tunggalian ng United States at ng datingUSSR), ang pagtulong ng United States at ng dating USSR ay may layuninghikayatin sa panig ng mga ito ang mga bansang tinulungan. Tinulungan ng MarshallPlan ng United States ang Europa na makabangon pagkatapos ng digmaan.Tinulungan din nito ang Japan na tuwirang nakapailalim dito pagkatapos ngdigmaan. Ito ang mga alyado ng United States laban sa nabuwag na USSR. Upang hikayating magpadala ng sundalo ang ibang bansa sa digmaan saKorea at Vietnam, nagbigay ng tulong ang United States sa kanila. Sa hangad nalabanan naman ang paglaganap diumano ng komunismo sa Pilipinas at Indochina,binigyan ng tulong ng United States ang mga pamahalaan dito para sa pagpapaunladng kanayunan at pagpapatupad ng reporma sa lupa. Nakikinabang sa tulong ang mgakapangyarihan sa bawat bansa na tumupad sa kagustuhan ng United States, subalitwalang pagpapaunlad na naganap sa kanayunan o pagpapatupad ng reporma sa lupana naganap. Ginamit lamang ito hindi upang tugunan ang hinaing ng mga magsasakakundi upang sugpuin ang pagrerebelde nila. Mahaba ang karanasan ng mga Pilipino sa tulong ng United States. Hindinakatulong ang tulong panlabas ng mga Amerikano para sa reporma sa lupa upangmabawasan ang paglakas ng komunismo sa mga kanayunan sapagkat ang layunin ngreporma ay hindi gaano sa pagbibigay o pagbabahagi ng lupa at sa pagtataas ngbahagdan ng produksyon. Iniingatan ng neo-kolonyalistang Amerikano na masalingang interes ng mayayaman at makapangyarihang may-ari ng malalawak na lupain. Hindi nagtangka ang mga Amerikano na maiahon ang kabuhayan ng mgaPilipino mula sa sistemang agrikultural tungo sa pagiging industriyal manapa’ypinilit na maitakda ang Pilipinas bilang agrikultural na bansa na maaaring pagkunannila ng mga sangkap sa kanilang industriya. Kahit sa unang malas ay mga tulong iyon na walang kondisyon, tulad ngpamimigay ng gatas sa mga bata at pamamahagi ng libreng aklat, sa totoo’y maykapalit din iyon. Bahagi ito ng pagpapaganda ng larawan ng United States sa mgasusunod na henerasyon sa mga bansang tinulungan. Kung titingnang mabuti, ang mga tulong na ibinigay ng United States aynapunta rin sa mga negosyanteng Amerikano. Malaking bahagi ng tulong aybinubuo ng mga kagamitang militar. Mga produkto at paglilingkod ng Amerikanoang binayaran sa mga tulong na ibinigay. Ibig sabihin, sa bawat pagbibigay ngtulong, nabibiyayaan ang mga kompanyang Amerikano. Sa kanila kinukuha ang mgaproduktong ipinamimigay o ginagamit sa anumang proyekto. Maging sapagsasagawa ng proyekto sa ibang bansa, ang paglilingkod ng mga kompanyangAmerikano ang ginagamit. 6

Ang tulong militar man ng United States ay hindi rin libre. Ang ipinamimigayng mga kagamitang militar ay mga surplus lamang. Pagkatapos ng digmaan,ipinamimigay nito ang mga natirang kagamitang militar. Una, nabayaran na ito samga korporasyong Amerikano ng buwis din ng mamamayang Amerikano; ikalawa,ang pagbibigay ay nakapagpapaganda ng tingin sa United States; ikatlo, ang mgabinigyan naman ay iyong mga hinihikayat na maging kapanalig sa Cold War; atikaapat, higit na magastos kung ibabalik pa ang mga ito sa United States o bastahahayaan na lamang masira. Ang pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa United States upang magsanayay may epekto na hubugin ang kaisipan ng mga ito ayon sa paniniwala ng mgaAmerikano. Tulad din ito ng pagpapaaral ng mga estudyante sa United States. Sapagbabalik sa kani-kanilang bansa, ang mga ito ang hahawak sa mga opisina ng mgapamahalaan mula sa pinakamataas hanggang sa pinakamababa. Dahil magiging mgapinunong pampulitika, pang-ekonomiya, pangmilitar, at pangkultura, madali saUnited States na impluwensyahan ang mga prinsipyo nito. Kung tutuusin, itong huli ay bahagi na ng imperyalismong pangkultura ngmga neo-kolonyalista. Sinasanay ang mga katutubo ng isang bansa – sapamamagitan ng pagpapaaral at pag-aaral sa United States, pagpapadala ng mgalibreng babasahin at panoorin, pamamayani ng mga produktong Amerikano sa mgabagay na maglalapit sa mga ito sa posisyon at naisin ng mga neo-kolonyalista.Habang ang ekonomiya ng Pilipinas ay nasa ilalim ng neo-kolonyalistangAmerikano at higanteng industriyal na bansa, hindi matatamo ng ating bansa angtunay na kasaganaan. Samakatwid, kinakailangang makaalpas ang Pilipinas sakamay ng neo-kolonyalismo upang magtamasa ng kalayaang pang-ekonomiya. Hango sa: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Filipino II Diwa Publication Ang mga sumusunod ay mga pahayag mula sa teksto kung saan ginamit ang mgapangatnig:1. Gayundin, may mga pagkakataong ginagamit ang militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pang – espiya.2. Ngunit ang dayuhang tulong ay nagagamit ng mga dating kolonyalista upang pasunurin ang mga tinutulungang bansa sa kanilang kagustuhan, tahasan man o hindi ang pagpapasunod.3 – 4 Hindi Nakatulong ang tulong panlabas ng mga Amerikano para sa reporma sa lupa upangmabawasan ang paglakas ng komunismo sa mga kanayunan sapagkat ang layunin ng reporma ayhindi gaano sa pagbibigay o pagbabahagi ng lupa at sa pagtaas ng bahagdan ng produksyon.5. Dahil magiging mga pinunong pampulitika, pang – ekonomiya, pangmilitar at pangkultura, madali sa United States na impluwensiyahan ang mga prinsipyo nito. 7

Upang masuri mo kung paano ginamit ang mga pangatnig sa mga pahayag sa dakong itaas,basahin mo ang susunod na bahagi. Pagkilala sa Wastong Gamit ng mga Pangatnig Mahalaga na ang bawat isa ay matutong gumamit ng mga pangatnig. Maaaring ang pangatnig ay isang kataga o salita na nag – uugnay ng salita sa kapwa o ng kaisipan sa teksto. Pinangkat sa anim ang uri ng pangatnig ayon sa kapakanan at katuturan nito. 1. Pangatnig na panimbang – ginagamit ito sa pag – uugnay ng magkasingkahulugan o magkatimbang na salita, parirala at sugnay. Halimbawa: at, saka, at saka, katulad, gaya ng, maging at gayundin 2. Pangatnig na paninsay – ginagamit ito kapag sinasalungat ang isang pahayag o kaisipan Halimbawa: bagama’t, subalit, ngunit, datapwat at pero 3. Pangatnig na pasubali – ginagamit ito sa pagsasaad ng alinlangan o pasubali. Halimbawa: kung, baka, hindi, sakali 4. Pangatnig na pamukod- ginagamit ito sa pagpapahayag ng pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, tao o pangyayari. Halimbawa: o, ni, man at maging 5. Pangatnig na panlinaw- ginagamit ito kapag binibigyang – linaw o paliwanag ang isang pahayag. Halimbawa: samakatuwid, kung gayon, magkagayon, ibig sabihin at sa ibang salita 6. Pangatnig na panapos- ginagamit ito sa pag-uugnay ng mga kaisipang nagsasaad ng kawakasan. Halimbawa: dahil dito, bunga nito, sa wakas, sa kabuuan at sa bandang huli 8

GamitinA. Panuto: Suriin kung anong uri ng pangatnig ang ginamit sa mga sumusunod na pahayag. Piliin ang letra nito sa loob ng kahon._______1. Gayundin, may mga pagkakataong ginagamit ang mga militar at ang mga pailalim na gawain ng mga institusyong pang – espiya._______2. Ngunit ang dayuhang tulong ay nagagamit ng mga dating kolonyalista upang pasunurin ang mga tinutulungang bansa sa kanilang kagustuhan, tahasan man o hindi ang pagpa- pasunod._______3 – 4. Hindi nakatulong maging ang tulong panlabas ng mga Amerikano para sa reporma sa lupa upang mabawasan ang paglakas ng komunismo sa mga kanayunan, ibig sabihin ang layunin ng reporma ay hindi gaano sa pagbibigay o pagbabahagi ng lupa at sa pagtaas ng bahagdan ng produksyon._______5. Dahil magiging pinunong pampulitika, pang – ekonomiya, pangmilitar at pangkultura, madali sa United States na maimpluwensiyahan ang prinsipyo ng mga pinunong nabanggit. a. panapos b. panimbang c. panlinaw d. paninsay e. pamukodB. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra kung paano ginamit ang pangatnig sa bawat bilang saGawain A.1.__________ 4.__________2.__________ 5. __________3.__________a. ginagamit ito sa pag-uugnay ng mga diwang nagsasaad ng kawakasanb. nagbibigay ito ng paliwanag o paglilinaw sa isang pahayagc. nag-uugnay ito ng magkasingkahulugan o magkatimbang na sugnayd. nagpapakita ito ng pagsalungat sa isang kaisipane. nagpapahayag ito ng pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, tao o pangayayari Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.LaguminPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng pahayag na nagsasaad ng gamit ng mga pangatnig._______a. Nagpapahayag ng pagkakaiba ng dalawa o higit pang bagay, tao o pangyayari_______b. Ginagamit sa pag – uugnay ng mga diwang nagsasaad ng kawakasan_______c. Nagpapakita ng pagsalungat sa isang kawakasan_______d. Nagbibigay ng paliwanag o paglilinaw sa isang pahayag_______e. Nagpapahayag ng pagkakaiba ng dalawa o higit pang sugnay 9

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.SubukinPanuto: Piliin at isulat sa patlang ang mga pangatnig na ginamit sa bawat pahayag._______1. Madaling maimpluwensiyahan ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa, samakatuwid, lagi na lamang sunud – sunuran ang mga bansang ito sa bawat naisin ng mga bansang imperyalista._______2. Mayaman man o maliit na bansa ay maaaring masakop kung hindi magkakaisa ang mga mamamayan nito sa pagtatanggol ng kanilang kalayaan._______3. Sakaling may magtangkang muli na lupigin ang Pilipinas ay hindi na sila magta- tagumpay._______4. Dahil muli at muling lalaban ang mga Pilipino sa pagtatanggol sa Inang – bayang Pilipinas._______5. Bagama’t maraming mga Pilipino ang nabibighaning mandayuhan sa ibang bansa, marami pa rin sa kanila ang bumabalik dito. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo sa bahaging ito ay 4 hanggang 5, huwag mo nang gawin ang susunodna bahagi, ibig sabihin ay lubusan mong naunawaan ang aralin. Subalit kung 3 pababa, gawin moang susunod na gawain. Kailangan mo pa ng maraming pagsasanay upang lubusan mongmaunawaan ang aralinPaunlarinPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang tamang pangatnig na dapat gamitin sa pahayag upang mabuo ang diwa nito._______1. Tumutulong ang mayayamang bansa sa mahihirap na bansa sa iba’t ibang paraang hindi dahil nais nitong mapaunlad ang kanilang ekonomiya _______upang madali nilang masakop ang mahihirap na bansang ito._______2. Maraming kondisyong dapat sundin ang mga bansang tinutulungan ng mayayamang bansa, _______hindi libre ang kanilang tulong na ibinibigay._______3. Nagbibigay ng mga tulong – pananalapi ang mayayamang bansa _______ matataas ang kanilang ipinapatong na interes sa mga pautang na ito._______4. Kung hindi nasakop ng mga imperyalistang bansa ang Pilipinas ay _______isa na ito sa mauunlad na bansa sa Asya. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. 10

Sub – Aralin 2 – Uri ng TekstoLayunin - Nabubuo ang bagong salita sa pamamagitan ng paglalapi, pag – uulit at pagtatambal batay sa kahulugang ipinapahayag sa tekstoAlamin Sa pagbibigay – kahulugan sa mga salita, mahalagang malaman kung paano ito nabuo. Pagbubuo ng Salitapaglalapi pag - uulit pagtatambal Linangin Iba – iba ang paraan upang mabuo ang salita: Una, upang maibigay ang kahulugan ng salita batay sa pahayag, gumagamit tayo ng mgapanlapi. Ang mga panlapi ay mga pantig na ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang – ugat. May tatlong uri ng panlapi; unlapi, gitlapi at hulapi. Ang mga sumusunod ay mga pahayag na hinango sa tekstong, “Mga Instrumento ng Neo –Kolonyalismo,” na nauna nang ginamit sa Sub – aralin 1.1. Panlapi a. Paggamit ng unlapi sa pagbuo ng salita Ang unlapi ay katagang ikinakabit sa unahan ng salita. 11

Halimbawa: a.1 Higit na magastos para sa Amerika kung ibabalik pa sa kanilang bansa ang kagamitang militar na ginamit sa pakikidigma nila sa ibang bansa. Ang salitang “magastos” na ginamit sa pahayag ay nangangahulugang “paggamit ng malaking halaga ng pera.” Ang unlaping ginamit sa salitang “magastos” ay ma – na ikinakabit sa salitang – ugat na gastos. a.2 Kinakailangang makaalpas ang Pilipinas sa kamay ng neo – kolonyalismo a.3 upang magtamasa ng kalayaang pang – ekonomiya. Ang kahulugan ng salitang “makaalpas” sa pahayag ay nangangahulugang “makaalis” at ang unlaping ikinabit sa sa salitang – ugat na alis ay maka – . Ang salitang “magtamasa” na ginamit sa ikatlong pahayag ay nangangahulugang magpasasa.” At ang unlaping ikinabit sa salitang – ugat ay mag – .b. gitlapi Ang gitlapi ay pantig na ikinakabit sa gitna ng salitang- ugat.Halimbawa:b.1 Ginamit lamang ang reporma sa lupa upang pigilan ang pagrerebelde ng mga mamamayan sa mga kanayunan. Ang salitang “ginamit” sa pahayag ay nangangahulugang “kinasangkapan.” Ang gitlapi ay – in na ikinabit sa salitang – ugat na gamit. 12

b.2 Ayon sa ilang bansang neo – kolonyalista, bumuti raw ang buhay ng mga mamamayan sa mga mahihirap na bansang kanilang sinakop. Ang salitang “bumuti” na ginamit sa pahayag ay nangangahulugang “umayos”, “gumanda.” Ang gitlaping ginamit ay – um na ikinabit sa gitna ng salitang – ugat na buti.b.3 Hinihikayat ng mga mayayamang bansa ang mahihirap na bansa na makipagkalakalan ang mga ito sa kanila. Ang kahulugan ng “hinihikayat” ay “hinihimok.” Ang gitlaping ikinabit sa gitna ng salitang – ugat na hikayat ay – in.c. hulapi Ang hulapi ay pantig na ikinakabit sa hulihan ng salitang – ugat.Halimbawa:c.1 Hinikayat ng Amerika ang ibang bansa ang mga sundalo sa digmaan sa Korea at Vietnam. Ang kahulugan ng “digmaan” na ginamit sa pahayag ay “labanan,” o “kaguluhan.” Ang hulapi na ikinabit sa hulihan ng salitang – ugat na digma ay – an. 13

c.2 Ginamit lamang ng mga Amerikano ang reporma sa lupa upang sugpuin ang pagrerebelde ng ilang mamamayan sa mga kanayunan. Ang hulapi na ikinabit sa hulihan ng salitang – ugat na sugpo ay – in. c.3 Maraming programa ang inilunsad ng mga Amerikano upang tugunan ang hinaing ng mahirap na bansa. Ang kahulugan ng “tugunan” ay “sagutan.” Ang hulaping ikinabit sa hulihan ng salitang – ugat na tugon ay – an. c.4 Ang pagpapadala ng mga pulis at sundalo sa United States ay upang magsanay, na may epekto na hubugin ang kaisipan ng mga ito sa kulturang Amerikano. Ang kahulugan ng “hubugin” ay “impluwensiyahan.” Ang hulaping ikinabit sa salitang – ugat na hubugin ay - in.2. Pag – uulit Inuulit ang salita kung ang kabuuan nito o ang isa o higit pang pantig nito sa dakong unahan ay inuulit at batay sa kung anong bahagi ng salita ang inuulit, may dalawang pangkalahatang uri ng pag – uulit ; a) pag – uulit na ganap at b) pag – uulit na di – ganap o parsyal. a. Pag – uulit na ganap – kung ang inuulit ay ang buong salitang - ugat a.1 Iba – iba ang paraang ginagawa ng mga mayayamang bansa upang maging kolonya ang mahihirap na bansa. Ang kahulugan ng iba – iba ay hindi pareho. Ang salitang – ugat na inulit ay iba – iba. 14

a.2 Napakadaling sakupin ng mga neo – kolonyalistang bansa ang mga hirap na hirap na bansa. Ang kahulugan ng hirap na hirap ay walang kaunlaran. Ang salitang – ugat na inulit ay hirap na hirap. b. Pag – uulit na di – ganap Tinatawag na di – ganap o parsyal ang pag – uulit kung ang inuulit ay bahagi lamang ng salita. Halimbawa: 1. Iniingatan ng mga neo – kolonyalistang Amerikano na masaling ang interes ng mayayaman at makapangyarihang may – ari ng 2. malalawak na lupain. 3. Hindi uunlad ang mga kanayunan kahit pa sinakop ng mga neo – kolonyalista ang bansa. Ang uunlad ay nangangahulugang bumubuti. Ang inulit sa salitang mayayaman ay ang unang pantig na ya- ng salitang – ugat na yaman. Ang inulit sa salitang malalawak ay ang unang pantig na la- ng salitang – ugat na lawak. Ang inulit sa salitang uunlad ay ang unang pantig na u- sa salitang – ugat na unlad. Tambalan Ang dalawang salitang pinagsama upang makabuo ng isa lamang salita ay tinatawag ana tambalang salita. May dalawang pangkat ang tambalang salita: 1) yaong nananatili ang kahulugan nggdalawang salitang pinagtambal at 2) yaong nagkakaroon ng kahulugang iba sa kahulugan ngmga salitang pinagsama. Ang unang pangkat ay maaaring tawaging tambalang di–ganap o tambalangkaraniwan, ang ikalawa ay tinatawag na tambalang ganap. Halimbawa: a. Tambalang salitang di – ganap 1. Lumaganap ang neo – kolonyalismo matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig. Ang tambalang salitang pinagtambal ay ang mga salitang “neo” na nangangahulu- gang “ bago” at “kolonyalismo” na nangangahulugang “ pagsakop”. Ang “neo – kolonyalismo” ay nangangahulugang di – tuwirang pagkontrol. 15

2. Sa panahon ng neo – kolonyalismo sa Pilipinas ang mga bahay – kubo sa mga kanayunan sa Pilipinas ay napalitan na ng mga bahay na yari sa bato. Ang tambalang salita sa pahayag ay bahay – kubo na nangangahulugang bahay na yari sa kubo. b. Tambalang ganap 1. Marami sa mga dayuhang mananakop ay asal – hayop. Ang tambalang ganap na salita sa pahayag ay asal – hayop. Ang kahulugan ng asal ay ugali at ang hayop ay nangangahulugang animal. Ang hayop sa tambalang salita ay naglarawan ng asal. 2. May mga Pilipinong naging hampaslupa dahil sa kawalan ng trabaho dahil marami sa trabaho sa Pilipinas ay nakontrol ng mga mananakop. Ang tambalang – ganap sa pahayag ay hampaslupa. Ang dalawang salitang pinag- tambal ay “hampas” at “lupa” na nangangahulugang mahirap. Matapos mong mapag – aralan ang iba’t ibang paraan ng pagbuo ng salita ay alam konghanda ka na upang gawin ang susunod na gawain.GamitinA. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng mga salitang may unlapi._______1. umasa_______2. magbasa_______3. isulat_______4. naglinis_______5. bumasaB. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng salitang ginamitan ng. gitlapi._______1. kumain_______2. inayos_______3. sinulat_______4. bumilang_______5. tumakbo 16

C. Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng tambalang salita._______1. kulay – dugo_______2. pamatid – uhaw_______3. silid – tanggapan_______4. basag – ulo_______5. laru – laruan Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.LaguminPanuto: Isulat ang W sa patlang kung ang pahayag ay wasto at M kung mali._______1. Ang panlapi ay pantig na ikinakabit sa unahan, gitna at hulihan ng salitang – ugat._______2. Ang unlapi ay sa unahan ng salitang – ugat ikinakabit._______3. Ang gitlapi ay sa gitna ng salitang – ugat ikinakabit._______4. Ang hulapi ay sa hulihan ng salitang – ugat ikinakabit._______5. Ang pag – uulit ng salita ay nagaganap lamang sa pag – uulit ng panlapi. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.SubukinA. Panuto: Isulat ang TG sa patlang sa bawat bilang kung ang salitang pinagtambal ay tambalang ganap at TdG kung ang salitang pinagtambal ay tambalang di – ganap._______1. basag – ulo_______2. silid – aralan_______3. bahay – ampunan_______4. ngiting – aso_______5. utak – lamokB. Panuto: Isulat ang u kung ang pantig na may salungguhit sa bawat salita ay unlapi, g kung gitlapi at h kung hulapi._______1. umawit_______2. tumakbo_______3. bilisan_______4. aklatan_______5. kinainC. Panuto: Isulat ang salitang – ugat ng sumusunod na mga salita._______1. pang – ekonomiya_______2. aklatan_______3. produksyon_______4. kabansaan_______5. kolonyalismo 17

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo sa bahaging ito ay 13 hanggang 15, huwag mo nang gawin ang susunodna bahagi, ibig sabihin lubusan mong naunawaan ang aralin. Subalit kung ang iskor mo ay 12 pababa, gawin mo ang susunod na bahagi, kailangan mopa ng mga karagdagang pagsasanay upang ganap mong maunawaan ang aralin.PaunlarinPanuto: Piliin sa Hanay B ang tambalang salita na tinutukoy sa Hanay A. Hanay A Hanay B_______1. Ito ay di – tunay na luha ng kalungkutan. a. ngiting – aso_______2. Pagkukunwaring hindi naririnig ang b. luha ng buwaya isang bagay. c. taingang – kawali_______3. Ito ay ngiti ng nang – iinis. d. pusong – mamon_______4. maawain e. kamay na bakal_______5. mahigpit magdisiplina Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong pag – aralan ang modyul na ito, sigurado akong handa ka na upang gawinang susunod na modyul.Sub – Aralin 3 – Uri ng TekstoLayunin - Nakikilala ang tekstong argumentativAlamin Malaya na nga ba ang Pilipinas? Oo Mga Patunay 1. May sariling watawat - 2. May wikang pambansa -- Wikang Filipino 18

3. May sariling pagkakakilanlan – Juan dela CruzBangus Barong Tagalog Sampaguita Narra4. May pamahalaan - Malacanang5. May konstitusyon -Hindi Mga Patunay1. Gumagamit ng wikang dayuhan –2. Dinidiktahan ng Amerika - Visiting Forces Agreement 19

3. Tumatangkilik sa produktong imported Sa argumentong, “Malaya na nga ba ang Pilipinas?” Alin sa dalawang panig, Ooat ang sinasang – ayunan mo? HindiPanuto: Lagyan mo ng tsek (√) ang bilang ng pahayag na nagbibigay ng katwiran sa panig na sinasang – ayunan mo?_______1. Oo, malaya na ang Pilipinas sapagkat may pangulo na tayo na siyang namamahala sa ating bansa._______2. Oo, malaya na ang Pilipinas subalit hindi pa niya kayang magsarili dahil mahirap lamang ang ating bansa._______3. Hindi pa talagang malaya ang Pilipinas dahil patuloy pa rin itong dinidiktahan ng Amerika sa iba’t ibang larangan tulad ng ekonomiya, pulitika at edukasyon._______4. Hindi pa tunay na malaya ang Pilipinas sapagkat malaki pa rin ang impluwensiya ng mga bansang sumakop dito lalung – lalo na sa kultura nito._______5. Hindi pa ring maituturing na malaya ang bansa dahil maraming Pilipino pa rin ang umalis dito at nagtutungo sa ibang bansa upang doon magtrabaho. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. 20

Linangin Ang tekstong argumentativ ay naninindigan sa sariling opinyon at hinihikayat na mapaniwala ang iba sa kanyang panig. Basahin nang tahimik ang sumusunod na teksto at pagkatapos ay suriin ang mga argumentong napapaloob dito. Ang Neo – kolonyalismo sa Asya Ang neo – kolonyalismo ay ang terminong ginagamit upang ilarawan angoperasyong ginagawa ng mga imperyalista matapos ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sinasabing ito ang ekstensyon ng kanilang paghahari sa mgamahihinang bansa upang mabigyan ang kolonya ng ilusyong sila nga ay malalaya nasa kamay ng mga mananakop. Sa katotohanan, ang neo – kolonyalismo ay isangpanibagong anyo ng imperyalismo. Sa halip na gumamit ng direktang pulitikal atmilitar na pananakop, minabuti nilang gumamit ng iba – iba at hindi gaanonghalatang istratehiya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng kapangyarihan atimpluwensyang pang – ekonomiko, pinansyal at mga polisiya sa kalakalan. Ayon sa teorya ni Karl Marx, ang mga maliliit na bansa ay nananatilingsatellite ng mga mauunlad na nasyon sapagkat ang istraktura ng kanilang ekonomiyaay idinisenyo upang magsilbi lamang sa internasyunal na kapitalismo. Samakatwid,ito ang dahilan kung bakit may eksployteysyon ng mga likas na yaman sa mgamaliliit at mahihinang bansa. Sinasabi ng mga tagapagtanggol ng kolonyalismo na kahit ano pa angkahinaan at pagkukulang nito, ang kolonisasyon pa rin ang nagpaliit ng ekonomikgap ng mga taga – Kanluran at mga taga – Asya . Una, ang mga Europeo raw angnagtanim ng binhi ng pag – unlad na materyal at intelektwal sa Asya. Nagamit rawnila ang malaganap na kamangmangan. Ikalawa, napigilan daw ng kolonyalismo angpang – aalipin at barbarikong uri ng pamumuhay tulad ng pagsamba sa mga anito.Ikatlo, natulungan daw ng formal na edukasyon at medisina ang mga katutubo namay limitadong kaalaman sa pagkontrol ng kapaligirang pisikal. Sa huli, nagkaroondin daw ng modernong uri ng komunikasyon na nagpadali sa pag – eksport ng mgaproduktong agrikultural. Bukod dito, nagtayo sila ng maliliit na industriya upangmaging pundasyon ng pag – unlad na ekonomik. Sa kabuuan, sinasabi nilang dapatpa ngang magpasalamat sa mga kolonisador sapagkat sila ang naging tagapaligtasng mga Asyano. 21

Mahigpit na tinutulan ng mga salungat sa kolonyalismo ang argumento ngmga tagapagtanggol. Ito raw ay racists. Pinanindigan nilang ang mga kolonya ayiniwan ng mga imperyalista na mas mahirap pa kaysa noong bago nila masakop.Hindi lamang ang pwersang paggawa at mga resorses ng bansa ang labis naeksployt, minaliit pa nila ang kakayahan ng mga Asyanong madevelop ang sarili. Higit pa rito, sa ilalim ng pamamalakad ng imperyalista, ang ekonomiya ngkolonya ay idinisenyo nilang maging dependent sa kanila. Ito lamang daw angtanging nagawa ng mga kolonisador na hanggang ngayon ay pinagdurusahan pa rinng mga mamamayan. Isang halimbawa nito, hindi tinuruan ng mga kolonisador angmga nasasakupan na magproseso ng kanilang mga hilaw na produkto. Sa halip,iniluluwas pa ito sa kanilang mga bansa upang doon iproseso. Samakatwid,nanatiling tagasuplay lamang ng kanilang pangangailangan ang mga mahihinangbansa. Ang mga imperyalista ang tanging nakinabang nang malaki at yumaman. Angpuhunang pawis at dugo ang tanging naiwan sa mga kolonya. Dahil dito, hindi silakumikita nang sapat upang sumagot sa kanilang sariling ekonomiya. Dito na ngayonpapasok ang pangungutang ng mga nasabing bansa upang masagutan ang kanilangpangangailangan. Ang International Monetary Fund at World Bank ay mga organisasyongnagpapautang upang umasiste sa mahihirap na bansa subalit sa ilalim ng mgakondisyong sila rin ang nagtatakda. Ang mga kondisyong ito ang siyangnagpapatindi ng pagiging dependent ng mga mahihirap na bansa sa mgamayayaman. Kung hindi susundin ang kanilang mga kondisyon ay hindi silamagbibigay ng tulong at pautang. Ito ang tinatawag na neo – kolonyalismo, angpananatili ng paghahari ng mga imperyalista sa bansang kanilang nasakop sapamamagitan ng hindi gaanong halatang paraan. Sa kasong ito, ang ginamit naparaan ay sa pamamagitan ng pagkontrol sa tulong na pinansyal at isyung pang –ekonomiko. Ganito ang nangyayari sa mga bansang Asyano. Ngayon, nananatili ang tanong: Nakabuti ba o Nakasama ang Kolonyalismosa mga Bansang Asyano?Panuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng argumento na nakapaloob sa binasang teksto._______1. Ang kolonyalismo ang nagpunla ng kaunlarang materyal at intelektwal sa mga bansang kanilang ginawang kolonya._______2. Dahil sa kolonyalismo lalong naghirap ang mga bansang ginawang kolonya ng mga mananakop kaysa noong bago pa nila itong ginawang kolonya._______3. Kolonyalismo ang naglapit ng ekonomiya ng mga bansang taga – Kanluran at taga – Asya._______4. Dahil sa kolonyalismo lumiit ang pagkakataon ng bawat bansang naging kolonya upang umunlad at matutong tumayo sa kanyang sariling resorses._______5. Maraming bansa sa daigdig ang naging kolonya ng mayayamang bansa. 22

GamitinPanuto: Isulat ang S sa patlang kung ang argumento ay sumasang –ayon sa neo – kolonyalismo sa Asya at DS kung di – sumasang – ayon._______1. Dahil sa kolonyalismo, bumuti ang pamumuhay ng mahihirap na bansa sa Asya._______2. Isa sa ibinunga ng kolonyalismo ay ang paglaki ng utang ng mahihirap na bansa na ginawang kolonya ng mga mayayamang bansa._______3. Dahil sa kolonyalismo nagkaroon ng maliliit ng industriya ng mga bansang kolonya kaya’t nagkaroon ng pag – unlad ang kanilang ekonomiya._______4. Maraming ibinubungang kasamaan ang kolonyalismo sa mga bansang ginagawa nilang kolonya._______5. Nagkakaroon ng pagkakataon ang mahihirap na bansa na makakuha ng mga produktong may kalidad dahil sa kolonyalismo. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Matapos mong sagutin ang nakaraang aralin sigurado akong handa ka na upang gawinang susunod na pagsasanay.LaguminPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng salitang kaugnay ng salitang, “argumentativ.”_______1. nanghihikayat_______2. tumututol_______3. nang – aakit_______4. sumasang – ayon_______5. nagsasalaysay Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.SubukinPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng pahayag na nagsasaad ng argumento._______1. Minaliit ng kolonyalismo ang kakayahan ng mahihirap na bansa na paunlarin ang kanilang pamumuhay._______2. Sinamantala ng kolonyalismo ang mga pwersang paggawa at yamang pangkalikasan ng mga bansang kolonya._______3. Dahil sa kolonyalismo napigil ang makalumang paraan ng pamumuhay ng mga bansang ginawa nilang kolonya._______4. Isa ang Pilipinas sa mga bansang naging alipin ng mayamang bansa tulad ng Hapon at Espanya._______5. Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng maraming pinsala sa lahat ng bansa sa daigdig. 23

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo sa bahaging ito ay 4 hanggang 5, huwag mo nang gawin pa angsusunod na bahagi, ibig sabihin lubusan mo nang naunawaan ang aralin. Subalit kung ang iskor moay 3 pababa, gawin mo ang susunod na bahagi. Kailangan mo pa ang karagdagang pagsasanayupang lubusan mong maunawaan ang aralin.PaunlarinPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang patlang sa bilang ng pahayag na naglalaman ng argumento tungkol sa paksang, “Neo – Kolonyalismo.”_______1. Ang mga bansang Amerikano, Hapon at England ay mga bansang nabibilang sa mga bansang kolonisador._______2. Ang globalisasyon ay maituturing na isang uri ng kolonyalismo._______3. Isang paraan pa rin ng kolonyalismo ang pagbibigay ng mga iskolarship sa ilang mamamayan ng mahihirap na bansa sa Asya dahil naiimpluwensiyahan ng mga bansang nagbigay ng iskolarship ang kultura ng kanilang mga dayuhang iskolar._______4. Hanggang sa kasalukuyan ay laganap pa rin ang kolonyalismo sa daigdig, iba’t iba nga lang ang paraan ng kolonyalisasyon._______5. Maunlad na rin ang mga bansa sa Asya sa kasalukuyan. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.Sub – Aralin 4 - Katangian ng TekstoLayunin: - Natutukoy ang tono ng tekstoAlamin Tukuyin kung anong damdamin ang nakapaloob sa bawat pahayag. Siguro mahal Wow! Ang ganda iyan? naman ng suot niya.Hmp! Mukhang Naiinggit ka lang eh!mayabang siya.Naku! May ganoon Hindi namans’yang cellphone eh, mukhang maya-bihira ang makabili bang. Siguro tala-ng ganoon. gang mayaman siya.Tumigil na nga kayo! Huwag n’yo na siyang pansinin. 24

Ano ang napuna ninyo sa mga pahayag? Ang bawat pahayag sa itaas ay nagtataglay ng iba’t ibang emosyon o damdamin at sapagbabasa natin ng isang teksto makikitaan din natin ito ng mga damdamin na tinatawag natingtono ng teksto. Alamin ang tungkol dito. Magpatuloy sa pagbasa at pag – aaral sa modyul na ito.Linangin Ano nga ba ang tono ng teksto? Ang tono ng teksto ay tumutukoy sa damdamin at kilos na nangingibabaw sa teksto. Maaaring ang teksto ay nanlilibak, nalulungkot, nagagalit, masaya o kaya ay mabilis, mabagal, papataas o pababa. Muli mong balikan ang tekstong binasa at suriin kung anu – anong damdamin o tono angnakapaloob sa tekstong ito. Ang Neo – kolonyalismo sa Asya Ang neo – kolonyalismo ay ang terminong ginagamit upang ilarawan angoperasyong ginagawa ng mga imperyalista matapos ang Ikalawang DigmaangPandaigdig. Sinasabing ito ang ekstensyon ng kanilang paghahari sa mgamahihinang bansa upang mabigyan ang kolonya ng ilusyong sila nga ay malalaya nasa kamay ng mga mananakop. Sa katotohanan, ang neo – kolonyalismo ay isangpanibagong anyo ng imperyalismo. Sa halip na gumamit ng direktang pulitikal atmilitar na pananakop, minabuti nilang gumamit ng iba – iba at hindi gaanonghalatang istratehiya. Maaaring ito ay sa pamamagitan ng kapangyarihan atimpluwensyang pang – ekonomiko, pinansyal at mga polisiya sa kalakalan. Ayon sa teorya ni Karl Marx, ang mga maliliit na bansa ay nananatilingsatellite ng mga mauunlad na nasyon sapagkat ang istraktura ng kanilang ekonomiyaay idinisenyo upang magsilbi lamang sa internasyunal na kapitalismo. Samakatwid,ito ang dahilan kung bakit may eksployteysyon ng mga likas na yaman sa mgamaliliit at mahihinang bansa. Sinasabi ng mga tagapagtanggol ng kolonyalismo na kahit ano pa angkahinaan at pagkukulang nito, ang kolonisasyon pa rin ang nagpaliit ng ekonomikgap ng mga taga – Kanluran at mga taga – Asya . Una, ang mga Europeo raw angnagtanim ng binhi ng pag – unlad na materyal at intelektwal sa Asya. Nagamit rawnila ang malaganap na kamangmangan. Ikalawa, napigilan daw ng kolonyalismo ang 25

pang – aalipin at barbarikong uri ng pamumuhay tulad ng pagsamba sa mga anito.Ikatlo, natulungan daw ng formal na edukasyon at medisina ang mga katutubo namay limitadong kaalaman sa pagkontrol ng kapaligirang pisikal. Sa huli, nagkaroondin daw ng modernong uri ng komunikasyon na nagpadali sa pag – eksport ng mgaproduktong agrikultural. Bukod dito, nagtayo sila ng maliliit na industriya upangmaging pundasyon ng pag – unlad na ekonomik. Sa kabuuan, sinasabi nilang dapatpa ngang magpasalamat sa mga kolonisador sapagkat sila ang naging tagapaligtasng mga Asyano. Mahigpit na tinutulan ng mga salungat sa kolonyalismo ang argumento ngmga tagapagtanggol. Ito raw ay racists. Pinanindigan nilang ang mga kolonya ayiniwan ng mga imperyalista na mas mahirap pa kaysa noong bago nila masakop.Hindi lamang ang pwersang paggawa at mga resorses ng bansa ang labis naeksployt, minaliit pa nila ang kakayahan ng mga Asyanong madevelop ang sarili. Higit pa rito, sa ilalim ng pamamalakad ng imperyalista, ang ekonomiya ngkolonya ay idinisenyo nilang maging dependent sa kanila. Ito lamang daw angtanging nagawa ng mga kolonisador na hanggang ngayon ay pinagdurusahan pa rinng mga mamamayan. Isang halimbawa nito, hindi tinuruan ng mga kolonisador angmga nasasakupan na magproseso ng kanilang mga hilaw na produkto. Sa halip,iniluluwas pa ito sa kanilang mga bansa upang doon iproseso. Samakatwid,nanatiling tagasuplay lamang ng kanilang pangngailangan ang mga mahihinangbansa. Ang mga imperyalista ang tanging nakinabang nang malaki at yumaman. Angpuhunang pawis at dugo ang tanging naiwan sa mga kolonya. Dahil dito, hindi silakumikita nang sapat upang sumagot sa kanilang sariling ekonomiya. Dito na ngayonpapasok ang pangungutang ng mga nasabing bansa upang masagutan ang kanilangpangangailangan. Ang International Monetary Fund at World Bank ay mga organisasyongnagpapautang upang umasiste sa mahihirap na bansa subalit sa ilalim ng mgakondisyong sila rin ang nagtatakda. Ang mga kondisyong ito ang siyangnagpapatindi ng pagiging dependent ng mga mahihirap na bansa sa mgamayayaman. Kung hindi susundin ang kanilang mga kondisyon ay hindi silamagbibigay ng tulong at pautang. Ito ang tinatawag na neo – kolonyalismo, angpananatili ng paghahari ng mga imperyalista sa bansang kanilang nasakop sapamamagitan ng hindi gaanong halatang paraan. Sa kasong ito, ang ginamit naparaan ay sa pamamagitan ng pagkontrol sa tulong na pinansyal at isyung pang –ekonomiko. Ganito ang nangyayari sa mga bansang Asyano. Ngayon, nananatili ang tanong: Nakabuti ba o Nakasama ang Kolonyalismosa mga Bansang Asyano? 26

Matapos mong basahin ang teksto, tukuyin mo ang mga tonong nakapaloob sa tekstongbinasa. O, sige simulan mo na!GamitinA. Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa ibaba ang angkop na damdamin o tono ng sumusunod na pahayag. 1. Ang pinakamahalagang pangyayaring naganap sa mga bansa sa Asya sa panahon ng neo – kolonyalismo ay ang pagkakaroon ng kalayaan mula sa kamay ng makapangyarihang kolonyal. 2. Kahit sa unang malas ay mga tulong iyon na walang kondisyon, tulad ng pamimigay ng bigas at pamamahagi ng libreng aklat, sa totoo’y may kapalit din iyon. 3. Ang pinamimigay na mga kagamitang militar ay mga surplus lamang. 4. Kailangang makaalpas ang Pilipinas sa kamay ng neo – kolonyalismo upang magtamasa ng kalayaang pang – ekonomiya. 5. Sinanay ang mga katutubo ng isang bansa, sa pamamagitan ng pagpapaaral at pag – aaral sa United States.a. tuwa d. galitb. inis e. lungkotc. pag – asam f. suklam Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Tama ba lahat ng sagot mo? Magaling! Magpatuloy ka sa pag – aaral. Kung hindi, balikan at basahing muli ang Linangin. Pagkatapos, sagutin muli angbahaging Gamitin. 27

LaguminPanuto: Iguhit ang masayang mukha  kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng positibong damdamin at malungkot na mukha  kung nagpapahayag ng negatibong damdamin._______1. Maraming Pilipino ang nagkaroon ng malawak na kaalaman at nadagdagan ang kakayahan sa panahon ng neo – kolonyalismo._______2. Hindi nagtangka ang mga Amerikano na maiahon ang kabuhayan ng mga Pilipino mula sa sistemang agrikultural tungo sa pagiging industriyal._______3. Nakilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansa sa Asya na mahusay sa Wikang Ingles dahil sa imluwensya ng mga Amerikano._______4. Tinulungan ng Marshall Plan ng United States ang Europa na makabangon pagkatapos ng digmaan._______5. Ang dayuhang tulong ay nagagamit ng mga dating kolonyalista upang pasunurin ang mga tinulungang bansa sa kanilang kagustuhan. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. Dumako ka na sa susunod na gawain.SubukinPanuto: Isaayos ang bawat pangungusap ayon sa tindi ng damdamin. 1. Kung titingnang mabuti ang mga tulong na ibinigay ng United States ay napunta rin sa mga negosyanteng Amerikano. 2. Hindi natamo ng ating bansa ang tunay na kasaganaan sa panahon ng neo – kolonyalismo. 3. Ang mga tulong na ipinagkaloob ng United States ay bahagi lamang ng pagpapaganda ng larawan nito sa mga bansang tinulungan. 4. Ipinamalas ng United States sa panahon ng neo – kolonyalismo ang pagiging ganid nito sa kapangyarihan sa hindi lantad na paraan. 5. Sa hangad na labanan ang paglaganap diumano ng komunismo sa Pilipinas at Indochina, binigyan ng tulong ng US ang pamahalaan dito para sa pagpapaunlad ng kanayunan at pagpapatupad ng reporma sa lupa, subalit walang pagpapatupad na naganap. Ginamit lamang ito upang sugpuin ang pagrerebelde nila. 28

Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ngayon alam mo na kung ano ang tono ng teksto. Handa ka nang sagutin ang pagsubok. Dumako ka na sa susunod na gawain.PaunlarinPanuto: Basahin at unawain ang sumusunod na teksto. Pagkatapos ay tukuyin ang tono na nakapaloob sa teksto. Napagkasunduan, Nagkadayaan Mga tropang Amerikano lamang ang pumasok sa Intramuros, sentro ngkapangyarihang pulitikal ng mga Espanyol sa Pilipinas, noong ika – 13 ng Agosto1898. Bunga ito ng lihim na pakikipagkasundo ng mga opisyal na Espanyol kayAdmiral Dewey upang sa kanilang pagsuko ay hindi sila mapahiya. Ayaw nilangang isang kapangyarihan o dating kapangyaring puti ay susuko sa mga pwersangkayumanggi. Dapat daw ay sa kapwa puti, na sa kanilang pagtingin ay mas mataasna uri ng tao sa daigdig kaysa mga kayumanggi at lalo na sa mga itim. Syempre pa,payag na payag ang mga Amerikano. Bunga nito, isang Heneral Anderson ang tumelegrama kay Aguinaldo atpinagbawalan siya at ang kanyang mga sundalo na tumawid ng Ilog Pasig patungongIntramuros. Pansinin nating Agosto na ito, dalawang buwan na ang nakalipasmatapos ideklara nina Aguinaldo sa kawit, Cavite ang kalayaan ng Pilipinas, “sailalim ng proteksyon ng makapangyarihan at makataong bansang HilagangAmerika.” Inutusan ng isang Amerikanong heneral ang “president ngindependyenteng Pilipinas” na sumunod sa kanya. May pangako naman daw angmga Amerikano na mauuna lamang sila at papapasukin na rin pagkatapos siAguinaldo at ang mga sundalong Pilipino. Madaling napaniwala ng mgaAmerikano.si Aguinaldo, ngunit maraming rebolusyonaryong Pilipino ang lumuhanang makita ang mga tropang Amerikano na pumapasok ng Intramuros atpagkatapos ay pinalitan ng bandila ng United States ang puting bandila ng pagsukong mga Espanyol. Hango sa: Wika at Panitikan sa Makabagong Henerasyon Filipino II Diwa Publication 29

Panuto: Piliin ang mga pangungusap sa tekstong binasa na nagtataglay ng sumusunod na tono o damdamin.A. Lungkot: 1._________________________________________________________________________ 2._________________________________________________________________________ 3._________________________________________________________________________B. Galit: 1._________________________________________________________________________ 2._________________________________________________________________________ 3._________________________________________________________________________Sub – Aralin 5 – PagsulatLayunin - Naipamamalas ang kahusayan sa pagbubuo ng magkakaugnay na kaisipanAlamin Basahin at unawain ang smusunod na talata. Neo – kolonyalismo sa Asya (Unang Bahagi) 1) Masasabing may kalayaan na ang mga bansa sa Asya lalo na ang mga bansang nagingsakop ng mga bansang Kanluranin, ngunit masasabing ito ay pampolitika lamang. 2) Malaya nanga ang mga bansang ito ngunit mabagal naman ang kanilang pag – unlad. 3) Ang Asya ay angpinakamalaking kontinente. 4) Mahihinuha na dahil sa mga pinsalang dulot ng IkalawangDigmaang Pandaigdig. 5) Sa panahong ito, nawasak ang mga imprastruktura at halos nahinto angmga gawaing ekonomiko, kaya marami ang naghirap at nagutom. 6) Ang taong nagugutom aynagkakasakit at minsan ay nawawala sa katinuan. 7) Upang kumita ng kailangang dayuhang salapiang mga bansang ito, naging tagasuplay sila ng mga hilaw na materyal sa mga bansang kanluranin,ang mga bansang sumakop sa maraming bansa sa Asya sa loob ng 500 taon. 8) Ang isang taon aybinubuo ng 12 buwan. 9) Ang mga kolonyalistang ito ang namahala sa mga likas na pinagkukunanng mga kolonya; kaya di nabigyan ng pagkakataon ang mga kolonya na pagyamanin ang mgapinagkukunan nito. Sa madaling salita, ang mga kolonyalista ang lubusang nakinabang sa mgakayamanan ng mga bansang sinakop. 10) Maraming bansa sa daigdig. 11) Ang daigdig ay binubuong mga tao. Suriin ang teksto, ugnay – ugnay ba ang mga kaisipang bumubuo rito? 30

Panuto: Isulat sa patlang ang mga bilang ng mga kaisipang di kaugnay ng talata.1._______________ 4._______________2._______________ 5._______________3._______________Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guroLinangin Ang isang mabuting talata ay dapat na magkaroon ng ugnay – ugnay na kaisipan upang ito’y magkaroon ng kaisahan at kalinawan. Basahin at unawain ang sumusunod na talata at pagkatapos ay suriin ang mga kaisipangdapat alisin upang magkaroon ito ng kaisahan at kalinawan. Neo – kolonyalismo (Ikalawang Bahagi) 1) Umunlad ang mga kolonyalista sa iba’t ibang larangan.2) Napayabong dinnila ang kalakalan, komunikasyon at transportasyon. 3) Ang taksi ay isang uri ngtransportasyon. 4) Ngunit ang lahat ay nawasak ng digmaan. 5) Dahil mga dayuhanang humahawak sa pamahalaan, kulang ang kakayahan ng mga lokal na pinunongpamunuan ang kanilang bansa. 6) Sila ay mistulang tau – tauhan sa kamay ng mgadayuhan. 7) May dalawang uri ng pinuno, ang isa ay pambansa at ang isa ay lokal. 8) Matapos ang digmaan, lugmok na sa hirap ang mga kolonya at dahil kulangang kanilang alam sa pamamahala, nahirapan silang muling ibangon ang kanilangbansa. 9) Matapos din ang digmaan. 10) Kaya, kahit malaya na, nagpatuloy saganoong kalagayan. Mahalaga ang kalayaan. 11) Dahil dito napilitan silangtanggapin ang alok na tulong ng mga bansang dating nanakop sa kanila. 12) Ngunit,ang mga dating mananakop ay nag – alok ng tulong upang maipagpatuloy nila angkanilang kontrol at impluwensya sa kanilang mga dating kolonya. 13) Ditosumulong ang neo – kolonyalismo. 14) May malalaki at maliliit na bansa sa daigdig.15) Upang makontrol ang mga dating kolonya, gumamit ang mauunlad na bansa ngmga paraang ekonomiko, politikal at kultural. Ang Estados Unidos, bilang isa sapinakamayaman at pinakamalakas na bansa ay naging pangunahing neo –kolonyalista pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. 31

Panuto: Piliin at isulat sa patlang ang mga bilang ng pahayag na hindi kaugnay ng talata.1.______________ 4.______________2.______________ 5.______________3.______________ Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.GamitinA.Panuto: Itsek (√) ang bilang ng pahayag na kaugnay sa ibinigay na paksa. Paksa: “Mga Paraan ng Pananakop”_______1. Pagpapagamit ng wika ng imperyalistang bansa sa mga sinakop na bansa._______2. Pagkontrol ng ekonomiya ng sumakop na bansa._______3. Pagbebenta ng mga produkto ng imperyalistang bansa sa kanyang kolonya._______4. Pagkakaroon ng kalayaan ang mga kolonyang bansa._______5. Pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan ang mga kolonyang bansa.B. Panuto: Lagyan ng (X) ang bilang ng pahayag na hindi kaugnay ng paksang ibinigay. Paksa: ”Katangian ng mga Bansang Kolonyalisador o Mananakop”_______1. May malaking impluwensya sa mga bansa sa daigdig._______2. Mayamang bansa._______3. Lubog ang ekonomiya._______4. Maunlad ang iba’t ibang negosyo tulad ng agrikultura, industriyal at iba pa._______5. Kaunti lang ang bilang ng mga mamamayan.Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.LaguminPanuto Isulat sa bilang ang salitang naglalarawan sa isang talatang binubuo ng ugnay – ugnay na kaisipan.Ang isang talatang binubuo ng ugnay – ugnay na kaisipan ay;malinaw mabuti informativmahaba mahusay may kaisahanmaraming talata maraming salita maraming bantas1.________________ 4._______________2.________________ 5._______________3.________________Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. 32

SubukinPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pahayag na kaugnay ng paksang, “Mga Kabutihang nagawa mg Neo – kolonyalismo.” a. Napaunlad nito ang bansang kanyang ginawang kolonya. b. Kontrolado ng mga kolonyalisador ang ekonomiya ng kanyang kolonya. c. Nagkakaroon ng pagkakataong magkaroon ng modernisasyon ang kanyang mga bansang kolonya. d. Nagkakaroon ng pagkakataong pumunta sa ibang bansa ang mga mamamayan ng bansang kanyang sinakop e. Gagamitin ng mga kolonyalisador ang likas na yaman ng kanyang mga bansang ginawang kolonya. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iskor mo sa pagsasanay na ito ay 4 hanggang 5 pataas, huwag mo nang gawinang susunod na pagsasanay. Ibig sabihin ay lubusan mong naunawaan ang aralin. Ngunit kung 3pababa ang iskor mo, gawin mo ang nabanggit na pagsasanay. Kailangan mo pa ang mgakaragdagang gawain upang lubusan mong maunawaan ang aralin.PaunlarinPanuto: Alisin sa loob ng talata ang bilang ng mga pahayag na hindi dapat isama dahil hindi kaugnay ng paksa. (1) Matanda na ang problema ng tunggaliang mayaman laban sa mahirap. (2) Sa hulingbahagi ng ika – 19 na siglo at ng unang bahagi ng ika – 20 siglo ay naresolba sana ito sapamamagitan ng kompromiso. (3) Ang mga salitang naresolba at kompromiso ay magkasalungat nasalita. (4) Bagama’t ito ay nabigo nang sari – saring teoryang panlipunan ang lumabas tulad ngimperyalismo, sosyalismo, nasyonalismo at komunismo. (5) Sa komunismo, sinisikil nito angkalayaan. (6) Marami pang iba – ibang ideya ang pinagbatayan ng mga lider ngunit walangmalinaw at tiyakang mabuting bunga. (7) Maaaring ang dahilan ay ang masamang mgamamamayang nagkukulang sa paggawa o ang mga mayayamang ayaw umalis sa kanilangkinalalagyan. (8) Dalawa ang uri ng mga mamamayan, mayaman at mahirap.Mga kaisipang dapat alisin1.______________________________________________________________________________2.______________________________________________________________________________3.______________________________________________________________________________ Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. 33

Ano na ba ang alam mo?A.I Pagkilala sa Wastong Gamit ng PangatnigPanuto: Piliin at isulat sa sagutang papel ang mga pangatnig na ginamit sa bawat bilang._______1. Gayundin, sinamantala ng malalaking bansa ang ekonomiya ng maliliit na bansa para sa kanilang pansariling interes._______2. Dahil dito, lalong nalugmok ang kabuhayan ng maliliit na bansang naging kanilang kolonya._______3. Ngunit dumating ang panahong natutong lumaban sa malalaking bansa ang maliliit na bansang ginawa nilang kolonya._______4. Tinulungan lamang ng mayayamang bansa ang maliliit na bansa hindi dahil sa naaawa sila sa mga ito, kundi upang makuha nila ang likas na yaman sa mga bansang nabanggit._______5. Kung tutuusin higit na malaki ang pakinabang ng mga imperyalistang bansa kaysa sa kanilang mga kolonya dahil mayaman sa likas na yaman ng mga ito.II. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra kung paano ginamit sa bawat bilang ang mgapangatnig sa Pagsasanay A.1.1._______________ 4._______________2._______________ 5._______________3._______________ a. ginamit upang ipakita ang pagsalungat b. ginamit upang ipakita ang paglilinaw c. ginamit sa pagsasaad ng alinlangan o pasubali d. ginamit upang ipakita ang kadahilanan ng mga pangyayari e. nag – ugnay ng magkatimbang na salita, parirala o sugnayIII. Pagbuo ng Bagong Salita Mula sa Salitang – ugat sa Pamamagitan ng Paglalapi, Pagtatambal at Pag – uulit ng SalitaPanuto: Bumuo ng salitang dapat gamitin sa pahayag batay sa salitang – ugat na nasa loob ng panaklong upang mabuo ang diwa nito._______1. Ang mga bansang naging kolonisador ay (laki) at (yaman) bansa._______2. Ang neo – kolonyalismo ay (mula) nang matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig._______3. Naging maayos ang (buhay) ng mga Pilipino dahil na rin sa_______4. (laya) nito sa kamay ng mga bansang imperyalista tulad ng Hapon at Amerika._______5. Naging parang aliping (sunod) sa mga dayuhang mananakop ang mga Pilipino sa panahon ng kolonyalismo. 34

IV. Pagtukoy sa Tekstong ArgumentativPanuto: Lagyan ng tsek (√) ang bilang ng pahayag na naglalahad ng argumento._______1. Kung walang paaalipin, walang mang – aalipin._______2. Ang Amerika ay tumutulong lamang kung sa palagay nila ay may makukuha silang interes sa mga bansang kanilang tinutulungan._______3. Sabihin pang mapagsamantala ang mga kolonisador, may naitulong naman ang mga ito sa bansang kanilang sinakop._______4. Maraming pinsalang idinulot ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig._______5. Nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig noong 1944.V. Pagkilala sa Tono ng TekstoPanuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng damdaming nababakas sa bawat pahayag._______1. Kung tinuruan lamang ng mga kolonisador na magproseso ng kanilang hilaw na produkto ang kanilang mga kolonya, sana’y naging maunlad na ang mga bansang ito._______2. Kahit nalugmok ang ekonomiya ng Pilipinas noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, natuto naman itong tumayo sa kanyang sariling paa._______3. Sana’y hindi na nagkaroon ng digmaan!_______4. Masisisi nating ang mga bansang Hapon at Espanya sa kanilang idinulot na kahirapan at kamatayan sa maraming Pilipino._______5. Dapat na isumpa ang kalupitang ginawa ng mga Imperyalistang Hapon sa Pilipinas. a. panghihinayang b. pagkapoot c. pagmamalaki d. pagkagalit e. panghihinayangVI. PagsulatPanuto: Itsek (√) ang bilang ng pahayag na kaugnay sa sumusunod na paksa. Paksa: “Ang Bunga ng Kolonyalismo sa Pilipinas”_______1. Sinikil ng mga mananakop ang ekonomiya ng Pilipinas._______2. Naging mabagal ang pag – unlad ng Pilipinas dahil sa pinsalang pangkabuhayang idinulot ng kolonyalismo._______3. Maraming Pilipina ang naging biktima ng panggagahasa ng mga dayuhang mananakop._______4. Matagal ding nasikil ang kalayaan ng mga Pilipino._______5. Ang Pilipinas ay nasa kontinente ng Asya. 35

Modyul 15 Kulturang Asyano Salita /Pangungusap na Nagpapakilala ng Paglalagom ng Kaisipan Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta! Sa pamamagitan ng modyul na iyong hawak ay muli na naman tayongmakapagtatalakay ng mga araling kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral na tulad mo. Nasabikong kapaki-pakinabang sapagkat ang apat na araling ating tatalakayin sa araw na ito aymakatutulong na mapalawak pa ang iyong kasanayan sa pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Maitanong ko lang, bilang isang kabataang Pilipino, malaki ba ang pagpapahalaga mo sapag-aaral o edukasyon? sa iyong pamilya? sa relihiyong iyong kinabibilangan? sa pag-aasawa?sa sining? pamahiin at tradisyon ng ating bayan? Masasabing isa kang tunay na Pilipino kungmalaki ang pagpapahalaga mo at paniniwala sa mga bagay na nabanggit sapagkat nasasalamin atnakapaloob sa mga ito ang kultura ng lahing Pilipino. Katulad ng mga Pilipino, ang iba pang bansang nakapalibot sa atin ay may kanya-kanyaring kulturang pinahahalagahan, ang iba’y may pagkakatulad sa atin at ang iba nama’y maymalaking kaibhan. Gayunpaman, kung susuriin natin, halos malaki ang pagkakatulad ng kulturao paraan ng pamumuhay nating mga Pilipino sa mga karatig bansa nating Asyano. Mababasa mo sa modyul na ito ang ilang bagay-bagay tungkol sa uri at paraan ngpamumuhay, paniniwala at tradisyon ng mga bansang Asyano. Samakatwid, iyo ngayongmasasalamin ang kulturang nangingibabaw sa bansang Asyano at kung paano pinahahalagahanng mga mamamayan at pamilyang Asyano ang kulturang sinusunod na magiging gabay sa pang-araw-araw na pamumuhay.

Anu-ano ang matututunan mo? Inaasahang matatamo mo ang sumusunod na kasanayan sa pag-aaral ng modyul na ito: 1. Napipili ang mga salita /pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom 2. Nailalahad ang mga patunay na makaiimpluensya sa pagbubuo ng desisyon 3. Naisasagawa ang iba’t ibang paraang ginagamit sa pagpapakahulugan sa salita ayon sa sitwasyong pinaggagamitan 4. Nakabubuo ng tekstong naglalahad na ginagamitan ng salitang hiram Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito sapagkat gagabayan ka nito tungo saiyong pagkatuto, nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos at makabuluhan angiyong pagbabasa. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mo itong dudumihan o susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutan/sulatang papel para sa pagsagot sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo at huwag lalaktawan ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “Ano ba ang alam mo?” Ito ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mo nang kaalaman sa paksang tatalakayin sa modyul na ito. 3. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo ang iyong sagot maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo, may inihanda akong mga Gawain at iba pang pagsasanay na tiyak na makakatulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito upang maging madali sa iyo ang pagsagot sa mga gawain. 2

5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit o ang bahaging “Gaano ka na kahusay ?” upang matiyak mo kung natutunan mo ang aralin, kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro.6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap kong matulungan kang matuto. Sige, maari ka nang magsimula. Ano na ba ang alam mo? A. Panuto: Basahin ang talataan. Piliin at isulat sa sagutang papel ang bilang ng limang (5) pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom na matatagpuan sa loob ng bawat talata. (1) Karamihan sa mga pamilyang Asyano ay monogamous, iisa ang asawa ng ama o ina tulad ng Hapon, Korea at Pilipinas. (2) May pamilyang polygamous, may higit sa isang asawa. (3) Ito ay may dalawang uri – Polygyny at Polyandry. (4) Ang Polygyny ay pinaniniwalaan ng mga Muslim ngunit tinututulan naman ito ng mga Kanluranin. (5) Ang polyandry naman ay umiiral sa Tribo sa Tibet sa kabundukan ng Himalaya. (6) Sa madaling salita, iba-iba ang katangiang taglay ng mga pamilyang Asyano na nahuhubog batay sa pangkat na kinabibilangan nito. (7) Nukleyar ang pamilya kapag binubuo lamang ng ama, ina at mga anak. (8) Pinalawak naman o extended family kapag ang mga anak kahit may asawa na, mga ninuno, pinsan tiyo at tiya at iba pang kamag-anak ay kabilang sa pamilya. (9) Sa pangkalahatan, ang balangkas ng pamilyang Asyano ay maaring nukleyar o pinalawak. (10) Ang tagapangulo sa pamilya ay ama o ang pinakamatandang lalaki na gumagawa ng mga pagpapasya para sa tahanan. (11) May mga gawaing nakalaan para sa mga kalalakihan, kababaihan at mga bata na kabilang sa tahanan. (12) Sa madaling salita, ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. (13) Kapansin-pansin sa pamilyang Asyano ang paggalang sa magulang, matatanda o ninuno, mag-asawa, pati ang katayuan ng kababaihan sa pamilya. (14) Sa kabuuan, ang mga tradisyunal na pamilyang Asyano ay maraming paniniwala at kaugalian. (15) Nakasaad sa mga turo ni Confucious na “tungkulin ng anak na mahalin at igalang ang kanyang mga magulang, tularan ang kanilang mga kilos at gawi at iwasang masaktan ang kanilang damdamin. (16) Ang pagtutol nang mahusay ay maaari ring magawa sa mga magulang. (17) Bilang paglalahat, si 3

Confucius ay nagpapahalaga sa kapangyarihan ng mga magulang at pagmamahalsa mga ninuno.B. Panuto: Piliin ang letra ng desisyong maaaring isagawa batay sa sitwasyong mababasa.Sitwasyon: Masarap maghanapbuhay sa ibang bansa sapagkat malaki at dolyar ang kikitain ngunit sa dalawang taong kontrata, mawawalay ka sa iyong pamilya at maaaring mag-alala sa kanilang kalagayan.1. Ano ang iyong gagawin? a. Hihingin ang payo at kagustuhan ng pamilya. b. Iiwan ang pamilya at makikipagsapalaran. c. Mananatiling kapiling ang pamilya kahit naghihirap d. Pag-iisipan munang mabuti ang maaaring kahinatnan ng gagawing desisyon.2. Ang maaari mong isaalang-alang sa gagawing desisyon ay:a. lakas ng katawan c. kapakanan ng bansab. katatagan ng kalooban d. kapakanan ng pamilya3. Sa ganitong sitwasyon, dapat na isaalang-alang ang mabuting:a. payo c. pamahiinb. desisyon d. paniniwala4. Kung ang iyong desisyon ay mananatili sa bayan kapiling ang pamilya, angnakaimpluensya sa pagbuo mo ng desisyon ay ang paniniwala sa:a. bigkis ng pamilya c. kalagayan ng panahonb. karanasan ng ibang tao d. mamamayan5. Kung ang iyong desisyon naman ay iwan na lamang ang pamilya kapalit ngmalaking halaga ng salaping kikitain, ang nakaimpluensya sa pagbuo mo ngdesisyon ay ang iyong estado o kalagayan sa:a. buhay c. edukasyonb. lipunan d. mamamayanC. Panuto: Piliin ang letra ng salita na nagbibigay ng angkop na pagpapakahulugan sa salitang sinalungguhitan ayon sa sitwasyong pinaggamitan.1. Sa kasalukuyang panahon, maraming naglipanang buwaya sa ating bansa. Ang salitang may salungguhit ay ginagamit sa pangungusap bilang: a. hayop na nabibilang sa pamilya ng reptiles b. taong sakim at mapagsamantala2. Karaniwang bisyo ng mga kalalakihang Pilipino ang pag-inom ng mganakalalasing na inumin at di alintana kahit sila’y mag-amoy tsiko. Angsalitang sinalungguhitan ay nangangahulugang amoy ng:a. lasing b. prutas 4

3. Walang humpay ang mga magulang sa pagbibigay ng payo sa mga anakupang sila’y makaiwas sa paggawa ng masamang bagay at mapasok sa loobkung saan naroroon ang mga taong nagkasala sa batas. Sa sitwasyongnabanggit, ang tinutukoy na loob ay bahagi ng:a. bahay b. bilangguan4. Laganap na sa buong bansa, mga karatig bansang Asyano at maging sa buong mundo ang paggamit ng bato na ipinupuslit ng mga tiwaling sindikato. Ang sinalungguhitang salita ay tumutukoy sa: a. matigas na bagay na kauri ng mga buhangin, semento at adobe b. kemikal na ginagamit ng mga taong nagbibisyo dahilan sa kakaibang epekto nito5. Ang mga mamamayang Pilipino na naghahanapbuhay sa Japan ay madalas nanagpapadala ng lapad sa kanilang mga mahal sa buhay. Ang sinalungguhitangsalita ay nangangahulugang:a. pera ng Hapon b. hugis ng isang bagayD. Panuto: Isaayos ang mga pangungusap upang makabuo ng isang mabisang talata. Buuin at isulat nang maayos ang talata.• Extended family o pamilyang pinalawak naman ang tawag kung ang iba pang kamag-anak ay kabilang sa pamilya.• Ang balangkas ng pamilyang Asyano ay maaaring nukleyar o pinalawak.• Nagpapakita ito ng sama-samang paninirahan at paggawa ng magkakamag- anak.• Pamilyang nukleyar ang tawag kapag ito’y binubuo ng ama, ina at mga anak.• Kung minsan nagdudulot ito ng masayang pagsasamahan ngunit kadalasa’y nagiging sanhi rin ng di-pagkakaunawaan sa pagitan ng kamag-anakang kabilang na rin sa pamilya. Tingnan mo kung wastong lahat ang iyong mga kasagutan. Kunin mo ang Susi saPagwawasto na nasa iyong guro. Huwag kang mag-alala kung mataas man o mababa ang markang iyong nakuha.Tutulungan ka ng modyul na ito sa lubusang pagkatuto sa mga araling dapat mongmatutunan. Sige, simulan mo na… 5

 Mga Gawain sa PagkatutoSub Aralin 1 Salita /Pangungusap na Nagpapakilala ng PaglalagomLayunin Napipili ang mga salita /pangungusap na nagpapakilala ng paglalagomAlamin Suriin mo ang mga larawan. Matutukoy mo kaya ang ilan sa mga kulturang Asyanong pinahahalagahanng mga Pilipino? Nasuri mo bang mabuti ang larawan? Ang apat na larawang iyong nakita (matrimonya ng kasal, mahigpit napagbubuklod ng mag-anak, respeto at paggalang sa matatanda at pagpapahalaga saedukasyon) ay ilan lamang sa mga kulturang Asyano na pinahahalagahan ng mga Pilipino. Basahhin mo ngayon ang kaugnay na teksto tungkol dito. 6

PAMILYANG ASYANO (1) Karamihan sa mga pamilyang Asyano ay monogamous, iisa ang asawang ama o ina tulad ng Hapon, Korea at Pilipinas. (2) May pamilyang polygamous, mayhigit sa isang asawa. (3) Ito ay may dalawang uri – Polygyny at Polyandry. (4) AngPolygyny ay pinaniniwalaan ng mga Muslim ngunit tinututulan naman ito ng mgaKanluranin. (5) Ang polyandry naman ay umiiral sa Tribo sa Tibet sa kabundukan ngHimalaya. (6) Sa madaling salita, iba-iba ang katangiang taglay ng mga pamilyangAsyano na nahuhubog batay sa pangkat na kinabibilangan nito. (7) Nukleyar ang pamilya kapag binubuo lamang ng ama, ina at mga anak.(8) Pinalawak naman o extended family kapag ang mga anak kahit may asawa na, mganinuno, pinsan tiyo at tiya at iba pang kamag-anak ay kabilang sa pamilya. (9) Sapangkalahatan, ang balangkas ng pamilyang Asyano ay maaring nukleyar o pinalawak. (10) Ang tagapangulo sa pamilya ay ama o ang pinakamatandang lalaki nagumagawa ng mga pagpapasya para sa tahanan. (11) May mga gawaing nakalaan para samga kalalakihan, kababaihan at mga bata na kabilang sa tahanan. (12) Sa madaling salita,ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. (13) Kapansin-pansin sa pamilyang Asyano ang paggalang sa magulang,matatanda o ninuno, mag-asawa, pati ang katayuan ng kababaihan sa pamilya. (14) Sakabuuan ang mga tradisyunal na pamilyang Asyano ay maraming paniniwala at kaugalian. (15) Nakasaad sa mga turo ni Confucious na “tungkulin ng anak namahalin at igalang ang kanyang mga magulang, tularan ang kanilang mga kilos at gawi atiwasang masaktan ang kanilang damdamin. (16) Ang pagtutol nang mahusay ay maaariring magawa sa mga magulang. (17) Bilang paglalahat, si Confucius ay nagpapahalaga sakapangyarihan ng mga magulang at pagmamahal sa mga ninuno.Linangin Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Magaling kung gayon! Suriin mo naman ngayon ang mga pangungusap bilang 6, 9, 12, 14 at 17. #6 Sa madaling salita, iba-iba ang katangiang taglay ng mga pamilyang Asyano na nahuhubog batay sa pangkat na kinabibilangan nito. #9 Sa pangkalahatan, ang balangkas ng pamilyang Asyano ay maaaring nukleyar o pinalawak. 7

#12 Sa madaling salita, ang bawat kasapi ng pamilya ay may bahaging ginagampanan. #14 Sa kabuuan ang mga tradisyunal na pamilyang Asyano ay maraming paniniwala at kaugalian. #17 Bilang paglalahat, si Confucius ay nagpapahalaga sa kapangyarihan ng mga magulang at pagmamahal sa mga ninuno. Masasabi mo ba kung ano ang ipinapahayag ng mga pangungusap naiyong binasa? Tama! Ang mga pangungusap na kababasa mo lamang ay nagpapahayag onagpapakilala ng paglalagom. Ang isang talata o tekstong binasa ay maaaring ilagom sa isa o dalawangpangungusap upang ipahayag o maibigay ang kabuuang diwa o mensaheng taglay nito. Balikan natin ang unang talata ng tekstong iyong binasa bilang halimbawa. Karamihan sa mga pamilyang Asyano ay monogamous, iisa ang asawa ng mga ama o ina tulad ng Hapon, Korea at Pilipinas. (2) May pamilyang polygamous, may higit sa isang asawa. (3) Ito ay may dalawang uri – Polygyny at Polyandry. (4) Ang Polygyny ay pinaniniwalaan ng mga Muslim ngunit tinututulan naman ito ng mga Kanluranin. (5) Ang polyandry naman ay umiiral sa Tribo sa Tibet sa kabundukan ng Himalaya. (6) Sa madaling salita, iba-iba ang katangiang taglay ng mga pamilyang Asyano na nahuhubog batay sa pangkat na kinabibilangan nito. Mababasa mula sa una hanggang ikalimang pangungusap ang paliwanagtungkol sa katangian ng pamilyang Asyano. Sa ikaanim na pangungusap matatagpuan ang paglalagom sa talata kungsaan inilahad na ang pamilyang Asyano’y iba-iba ang katangiang taglay batay sa pangkatna kinabibilangan. Kapuna-puna rin sa ikaanim na pangungusap ang paggamit sapariralang sa madaling salita na siyang naging pananda upang makilala na angpangungusap ay naglalagom o lumalagom sa kabuuan ng binasa. Samakatwid, may mga salita /pariralang maaaring gamitin sa loob ngpangungusap upang makilala ang pangungusap na naglalagom o nagbubuod. 8

Narito ang ilang mga salita /parirala na maaaring gamitin sa paglalagomupang makilala ang pangungusap na naglalagom. • sa pangkalahatan… • bilang pangkalahatan… • bilang paglalagom… • bilang paglalahat… • sa kabuuan… • sa madaling salita… Naunawaan mo ba ang mga paliwanag na iyong binasa? Marahil aynakatulong at nakapagbigay-linaw ang mga ito sa iyo. Ngayong alam mo na kung paano makikilala ang mga salita /pangungusapna naglalagom, maaari mo nang sagutin ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Maaari mo nang simulan.GamitinPanuto: Basahin at unawain ang bawat talata at pagkatapos ay hanapin sa mga pagpipilian ang letra ng mga pangungusap na maaaring maglagom sa bawat talata. 1. Ang pamilyang Pilipino ay may anyong patriyarkal kung saan ama ang ulo ng tahanan na naghahanapbuhay at nagtatanggol sa asawa at mga anak. Siya rin ang nasusunod sa mga bagay na dapat pagdesisyunan. Hinihingi at nakikinig din ang ama sa ilang ideya o mungkahi na ibinabahagi ng ina ngunit kadalasa’y nasa ama pa rin ang huling pagpapasya. 2. Ang ina ang nagsisilbing ilaw ng tahanan ng pamilya. Siya ang gumagabay, nag-aayos at nagyayaman sa bawat miyembro ng pamilya. Naniniwala ang pamilyang Pilipino na ang ina ay dapat na nasa bahay lamang upang pangasiwaan ang mga pangangailangan ng pamilya tulad ay pagluluto ng pagkain, pamamalengke at iba pang gawaing bahay. Ang buong oras ng kanyang maghapon ay dapat na nakatuon lang sa pag-aasikaso ng kanyang pamilya. 3. Magaan man o hirap ang uri ng pamumuhay ng isang pamilya, ang mag- asawa ay pilit na gumagawa ng paraan maigapang lamang ang pag-aaral ng mga anak. Naniniwala ang bawat pamilyang Pilipino na ang edukasyon ang Susi sa kahirapan at ang tangi lamang maipamamana ng mga magulang sa mga anak na hindi maaaring manakaw ninuman. 4. Pinag-aaral ng mga magulang ang mga anak sapagkat umaasa silang kapag nakatapos ay tutulong sa pagpapaaral ng iba pang nakababatang kapatid. Inaasahan din nilang madaling makahahanap at makapapasok ng trabaho kung may tinapos na kurso ang anak. Sa ganitong paraan ay maaaring makatulong 9

sa pinansyal na pangangailangan ng pamilya ang anak na nakapagtapos ng pag-aaral. 5. Nakaugalian na ng pamilyang Pilipino ang sama-samang pagkain, paglilibang, pamamahinga, pagdarasal, pasisimba at anumang nakasanayan nang gawin nang sama-sama. Kung minsan, hindi muna kakain ang nanay sa oras ng pagkain hanggat hindi pa dumarating ang tatay. Naghihintay ang isa sa kanila bago magsimula ng anumang gagawin. Madarama ang “bonding” na tinatawag sa bawat miyembro ng pamilya kung kaya’t minsan kahit nag- aasawa na ang isang anak ay pilit pa ring hindi humihiwalay sa poder ng mga magulang. Pagpipilian: A. Bilang patunay, pinag-iipunan o pinaglalaanan ng panahon ng mga magulang ang salaping gugugulin sa pag-aaral ng anak na kung minsan ay ipinangungutang pa ng mga ito. B. Sa kabuuan, ama ang itinuturing na makapangyarihan sa loob ng pamilya. C. Bilang paglalagom, masasabing matibay ang pagkakabuklod ng pamilyang Pilipino. D. Sa pangkalahatan, responsibilidad ng ina na mangalaga sa bawat kasapi ng pamilya. E. Sa madaling salita. Inaasahan ng mga magulang ang mga anak ay tutulong sa pinansyal na pangangailangan ng pamilya at tatanaw ng utang na loob sa mga darating na panahon at pagkakataon. Kunin mo ngayon ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyongmga kasagutan. Tama bang lahat ng sagot mo? Magaling kung tama lahat ngunit kung may kaunting kamalian ay huwag mag-alala sapagkat makatutulong pa sa iyong lubusang pagkaunawa ang mga kasunod napaliwanag na iyong babasahin.Lagumin Narito ang ilang puntong dapat mong tandaan. • Ang paglalagom ay isang paraan ng pagpapaikli ng anumang babasahin o teksto. 10

• Ang paglalagom ay kinakailangang payak, tuwiran at mahahalagang impormasyon lamang ang taglay upang madaling maunawaan. • Maaaring lagumin ang isang kuwento, ulat, balita, sanaysay at iba pang babasahin. • Pinaiikli lamang ang babasahin o teksto ngunit ang diwang tinataglay ay nararapat pa ring manatiling naroroon. • Ang pangungusap na naglalagom ay maaaring makilala sa pamamagitan ng paggamit ng mga salita /pariralang nagpapakilala ng paglalagom gaya ng: bilang pangkalahatan; sa kabuuan; bilang paglalagom; bilang patunay, sa madaling salita , bilang paglalahat at iba pang kauri nito. Nawa’y nakatulong sa iyong lubusang pagkaunawa ang mga paliwanag nakatatapos mo lamang basahin. Maari mo na ngayong umpisahan ang pagsagot sa mga pagsubok na akinginihanda.SubukinPanuto: Piliin sa loob ng bawat talata ang letra ng pangungusap na nagpapakita ng paglalagom. 1. (A) Isa sa makulay at masayang pagdiriwang ang pagdaraos ng pista bilang parangal sa patron ng pamayanan. (B) Bukas ang bawat tahanan. (C) Kilala man o hindi ay pinatutuloy at pinakakain. (D) Bilang paglalahat, masasabing ang mga Pilipino’y marunong makiisa’t may mabuting pagkikitungo sa kanilang kapwa. 2. (E) Isang malaking karangalan para sa isang pamilya ang sila’y bisitahin ng mga kamag-anakan, kaibigan o dayuhan, (F) Tinitiyak nilang masisiyahan ang kanilang panauhin sa mga oras o araw na ilalagi nila sa kanilang tahanan. (G) Naghahanda sila ng espesyal na mga pagkain at may pabaon pa silang ibinibigay sa oras at araw na pag-alis ng mga panauhin. (H) Sa kabuuan, ang mga Pilipino ay kilalang-kilala sa kanilang pagiging magiliw at mainit sa paraan ng pagtanggap sa mga panauhin. 3. (I) Moderno man ang panahon, marami pa ring nagsasagawa ng okasyon sa kani-kanilang tahanan. (J) Dito nagkakatipun-tipon ang buong mag-anak. (K) Pinatitibay ng sama-samang pagdarasal ang kanilang pag-ibig sa isa’t isa. (L) Napapawi ang anumang pagdaramdam sa puso ng bawat isa sa ganitong pagkakataon kaya naman lalong nagiging malapit sa isa’t isa ang buong pamilya. (M) Bilang paglalagom, ang pagtitipun-tipon ng mag-anak anumang 11

pagdiriwang o okasyon ang nagaganap ay nagpapatunay na may mahigpit na pagkakabuklod ang pamilyang Pilipino. 4. (N) Taglay ng Pilipinas ang mga kultura’t tradisyong hinahangaan sa buong mundo. (Ñ) Sadya naman itong isinasagawa ng bawat Pilipino upang di kumupas at patuloy pang lumaganap sa paglipas ng panahon. (NG) Sa pangkalahatan, ang mga Pilipino’y lubhang mapagmahal sa kulturang kanilang kinagisnan. 5. (O) Patuloy ang kabihasnan sa pagtuklas at paglinang ng angking kakayahan upang maipakitang kaya nilang lumikha ng sariling pagkakakilanlan. (P) Na kaya nilang tumbasan kundi man malagpasan, ang naabot na ng mga kalalakihan sa iba’t ibang larangan gaya ng paglilingkod, palakasan, pulitika at marami pang iba. (Q) Na hindi sila mahina gaya ng ipinahahayag ng iba sapagkat mayroon din silang katangiang magagamit sa pag-ukit ng sariling pangalan sa lipunan. (R) Sa madaling salita, nais patunayan ng mga kababaihan na kaya na nilang makipagsabayan sa mga kalalakihan anuman ang katayuan at kalagayan nila sa buhay at sa lipunang ginagalawan. Kunin mo ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto ang iyong mgakasagutan. Kumusta ang iyong iskor? Kung mahigit sa 4 ang nakuha mong marka ay maarika nang magsimula sa kasunod na aralin. Ngunit kung mababa sa 4, nangangailangangsagutin mo muna ang kasunod na gawain, ang bahaging “Paunlarin” kaugnay pa rin ito sakatatapos lang na gawain. Sige, magpatuloy ka...PaunlarinPanuto: Hanapin sa katatapos na talataang iyong binasa na matatagpuan sa bahaging SUBUKIN ang limang (5) mga salita /pariralang ginamit sa loob ng mga pangungusap na nagpapakilala ng paglalagom at isulat sa sagutang papel. 1. talata 1 ___________________ 2. talata 2 ___________________ 3. talata 3 ___________________ 4. talata 4 ___________________ 5. talata 5 ___________________ Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyongmga kasagutan. Maaari ka na ngayong magsimula sa kasunod na aralin. 12

Sub Aralin 2 Paglalahad ng mga Patunay na Makaiimpluwensya sa Pagbubuo ng DesisyonLayunin Nailalahad ang mga patunay na makaiimpluwensya sa pagbubuo ng desisyonAlamin Narito ang isang liham mula sa isang mag-aaral na kagaya mo. Basahinmo sana itong mabuti at unawain.Mahal kong kaibigan, Masaya akong nag-aaral dito sa Maynila kapiling ang mga bagongkaibigan, kamag-aral at mga guro. Madalas ko kayong naaalala diyan saprobinsya. Nakatanggap ako ng liham mula kina Itay at Inay, ayon sa kanila,pinag-iisipan daw nilang ibenta ang aming maliit na lupang sakahan upang maymaipantustos at maipagpatuloy ang aking pag-aaral dito sa Maynila. Natutuwaako sapagkat ipinadarama nila sa akin na gagawin nilang lahat na posiblengparaan makapagtapos lamang ako ng pag-aaral. Nangako naman ako sa kanila atsa aking sarili na hindi ko sila bibiguin kung kaya’t puspusan din talaga angginagawa kong pag-aaral. Gusto ko sanang sabihin kina Itay at Inay na huwag nang ibenta anglupang sakahan dahil ito lamang ang tanging maaasahan naming pamilya namapagkukunan ng pangangailangan sa araw-araw. Iniisip ko rin kasi kung saan pasila kukuha ng ikabubuhay kapag iyo’y naipagbili. Pinag-iisipang ko ngang mabuti kung hihinto na lamang ako ng pag-aaralat uuwi na lamang diyan sa probinsya o kaya nama’y magwoworking student akodito sa Maynila huwag lamang maibenta ang aming lupang sakahan. Ang mgabagay na ito ang madalas na gumugulo sa aking isipan sa kasalukuyan. Ikumusta mo na lamang ako sa ating mga kaibigan at huwag mo munasanang mabanggit kina Itay at Inay ang aking plano. Kailangan ko munang pag-isipang mabuti ang aking mga gagawing hakbang. Hanggang sa muli… Ang iyong kaibigan 13

Naunawaan mo ba ang liham na iyong binasa? Masasabi mo ba sa akin kung ano ang gumugulo sa kanyang kaisipan sakasalukuyan? Ano ito? Tama! Iniisip niya kung magpapatuloy pa siya ng pag-aaral omagwoworking student na lamang sa Maynila dahil hindi siya sang-ayon na ibenta angkanilang lupang sakahan na siya lamang pinagkukuhanan ng pinansyal napangangailangan ng kanilang pamilya. Sa sitwasyong ito, nahaharap ang sumulat sa isang suliranin at kailangangmagdesisyon nang tama. Ikaw, naharap ka na rin ba sa isang suliranin na kinakailangangpagdesisyunang mabuti? Atin ngayong pag-aaralan sa kasunod na bahagi ng modyul na ito ang mgabagay na makaiimpluwensya sa pagbuo ng desisyon.Linangin Sa ating pang-araw-araw na pamumuhay, madalas na tayo’y naiipit samga sitwasyong kinakailangan ang pagbubuo ng tama at maayos na desisyon. May mga magagaan na sitwasyon tayong pinagdedesisyunan tulad ngpamimili kung anong putahe ang ulam na lulutuin sa agahan, tanghalian at hapunan tungosa higit na masalimuot at kumplikadong sitwasyon kung ano ang uunahing bayaran, tubigba, kuryente, telepono o matrikula ng anak sa natitirang isanlibong piso sa budget pa saisang buong linggo ng pamilya. Talaga namang kinakailangang matutong mapag-aralan ng bawat isa kungpaano nga ba tayo makabubuo ng wasto at maayos na desisyon. Narito ang ilang mga salik na makaiimpluwensya sa pagbuo ng desisyon. Tayong mga Pilipino ay mabilis maimpluwensyahan ng mga tao at bagay-bagay na nakapaligid sa atin kung tayo’y bumubuo ng desisyon. Halimbawa, bago tayo makabuo ng desisyon, kadalasang hinihingi muna natin ang payo ng mga kaibigan, kapatid, magulang at mga taong nakatatanda sa atin na sa palagay nati’y makapagbibigay ng magandang payo. Sa ganitong paraan, ang anumang desisyon na maaaring mabuo sa suliraning dala-dala ay maaaring dahil sa impluensya ng isa o lahat ng mga nilapitan at hiningian ng payo. Samakatwid, isa sa maaaring nakaimpluwensya sa pagbuo ng desisyon 14


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook