Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore E.P.P IV

E.P.P IV

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-01 02:00:30

Description: Binder1

Search

Read the Text Version

IV

EDUKASYONG PANTAHANAN AT PANGKABUHAYAN IV TALAAN NG NILALAMANBilang ng Pamagat Bilang ng Modyul Pahina 1 Paglilinis at Pag-aayos ng Sarili 8 2 Paglilinis ng Tahanan at Bakuran 9 3 Uri ng mga Kasuotan 9 4 Kagamitan sa Pananahi sa Kamay 6 5 Mga Salik sa Pananahi at Panimulang Hakbang sa 6 Pananahi 6 Pagsusulsi ng Damit 6 7 Aktuwal na Pagsusulsi 8 8 Mga Bahagi ng Makinang Panahi 11 9 Wastong Pangangalaga ng Makina 4 10 Mga Pangunahing Pagkain 7 11 Kagamitan at Kasangkapan sa Paghahalaman 7 12 Kahalagahan ng Pagtatanim ng Iba’t-Ibang Gulay 8 13 Paghahanda sa Lupang Pagtataniman 6 14 Paraan ng Pagtatanim 9 15 Pagpaparami ng halaman 7 16 Mga Kasangkapan/Kagamitan sa Pagnanarseri 9 17 Pangangalaga ng halaman 8 18 Pagsugpo sa mga Peste, Pagamit ng pataba at paggawa ng 7 kompost 19 Pag-aayos at Pagbibili ng Produkto 7 20 Mga Salik na Dapat Isaalang-alang sa Pagnanarseri 9 21 Pangunahing Paraan ng Pagpaparami ng Halamang 5 Ornamental 22 Talaan ng Gastos at Kinita sa Paghahalamang Ornamental 10 23 Pag-aalaga ng Hayop 8 24 Panuntunang Pangkalusugan 5 25 Mga Gawaing sa Sining Pang-Industriya 4 26 Materyales at mga Kagamitan 13 27 Pagkukumpuni ng Sirang Kasangkapan 13 28 Paggawa sa Takdang Oras 10 29 Pakikipagsapalaran ng Tingiang Tindahan 4 30 Tingiang Tindahan 5 31 Pagpapahalaga sa mga Gawain 6 234 KABUUAN

GRADE IV PAGLILINIS AT PAG-AAYOS NG SARILI ALAMIN MOKawili-wiling tingnan ang isang bata kung malinis at maayos. Sa modyul na ito,matututunan mo ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili. Sa pag-aaral ng modyul na ito, matututuhan mo ang: • pagpili ng proyektong kapaki-pakinabang ayon sa materyales at kagamitang matatagpuan sa pamayanan • nakagagawa ng isang simpleng plano ng proyekto 1

PAG-ARALAN MOA. Ang mga sumusunod ay wastong gamit ng mga pantulong sa kalinisan.Tuwalya Ginagamit upang patuyuin ang katawan pagkatapos maligo. Ang maliit na tuwalya o bimpo ay pamunas sa mukha kapag naghihilamos. Maaaring pangkuskos ng katawan habang naliligo. Gumamit ng ibang pamunas o basahan na para sa paa lamang. Pagkatapos gamitin ay patuyuin lahat ng tuwalya at pamunasSabon Gumamit ng sabon na angkop para sa katawan. May mga sabon na panggamot na rin sa sakit ng balat. Iligpit ang sabon sa lalagyan nito na may butas at pansahod upang di kaagad lumambot at matunaw.Shampoo Ito ay para sa paglilinis ng buhok. Gugo ang tawag sa panlinis ng buhok na mula sa mga halaman. Gumamit ng shampoo na angkop sa iyong buhok.Sipilyo Ang maliit na panguskos sa ngipin ay kailangan pansarili lamang. Hindi ito hinihiram at di dapat ipahiram. Hugasang mabuti ito bago at matapos gamitin. Takpan at itago sa lugar na hindi madudumihan.Toothpaste Inilalagay ito sa sipilyo at ipinanlilinis ng ngipin.Suklay Ginagamit upang maging maayos at hindi buhul-buhol ang buhok.Suyod Dikit-dikit at pinung-pino ang ngipin nito. Panghuli ito ng kuto sa buhok. Parang suklay na may magkabilang ngipin ito.Nailcutter Pamutol ito ng kuko.Nail File Ginagamit ito na pangkuskos sa magaspang na dulo ng kuko. 2

B. Basahin ang wastong paraan ng paliligo. 1. Basain ang buong katawan. Tumapat sa shower o dutsa. Kung wala nito, gumamit ng tabo sa pagbubuhos ng tubig sa buong katawan. 2. Guguan o shampuhan ang buhok. Banlawang mabuti. 3. Lagyan ng sabon ang bimpo o munting tuwalya. Ihilamos sa mukha. Kuskusin ang leeg, braso, kilikili, katawan, mga singit, pababa hanggang paa. Kuskusin at hiluring mabuti ang mga tuhod, talampakan at sakong upang ito ay kuminis at pumuti. Linisin ang pagitan ng mga daliri. Banlawan ang katawan. Ulitin ang pagsasabon kung kailangan. 4. Magbanlaw at magpunas ng malinis na tuwalya.C. Paghihilamos 1. Basain ang mukha at leeg. Gawin ito sa lababo o gumamit ng palanggana. 2. Lagyan ng sabon ang bimpong binasa at ikuskos ito nang marahan sa noo, pisngi, tainga at leeg. 3. Banlawang maigi ang bimpo. Ikuskos muli sa mga bahaging may sabon pa. Ulitin kung kinakailangan. 4. Dampian at patuyuin ang mukha. Gumamit ng malinis at tuyong tuwalya. 5. Pulbusan nang kaunti ang mukha at leeg. 3

D. Pagsisipilyo 1. Hugasang mabuti ang sariling sipilyo. Lagyan ng kaunting toothpaste. Kung wala nito, maaaring gamitin ang pinong asin. 2. Ikuskos ang sipilyo nang pababa at pataas sa mga gilid ng ngipin. Labas- pasok naman ikuskos kapag bandang ibabaw ang lilinisin. 3. Marahan ding sipilyuhin palabas ang dila. 4. Diinan ang gilagid at puno ng ngipin ng pinung-pinong asin upang mamasahe ito. 5. Magmumog nang mabuti. Gumamit ng baso at hindi ang palad.E. Pagputol ng Kuko 1. Basain ang mga kuko upang lumambot. 2. Sabunin at linisin ang mga kuko sa pamamagitan ng nail brush o lumang sipilyo. 3. Maingat na gupitin nang maikling-maikli ang kuko. Higit na mabuting gamitin ang nail cutter sa halip na gunting. 4. Kinisin ang magagaspang na bahagi at mga sulok ng kuko. Gamitin ang nail file. 5. Itulak nang marahan ang cuticle o ang paligid ng kuko. 6. Punasan at patuyuin ang mga kuko. 4

F. Pag-aayos ng Buhok1. Nililinis din ang buhok upang maiwasan ang kuto, balakubak o sakit sa anit at masamang amoy sa ulo.2. Gumamit ng shampoo o gugo. Ito ay higit na mabuti kaysa buong sabon. Ilagay sa tabo ang kaunting shampoo. Haluin ito ng kaunting tubig bago ibuhos nang unti-unti sa buhok. Magiging pantay ang dami ng shampoo sa buhok. Kuskusin nang paikot ang buhok na tila nagmamasahe. Paabutin ang pagkuskos sa anit. Banlawang maigi upang walang maiwang shampoo.3. Pamalagiing maiksi ang buhok lalo na ng lalaki, upang mainam itong tingnan. Ang maikling buhok ay madaling linisin at madaling ayusin.4. Mag-brush ng buhok tuwina. Ito ay nagpapakintab at nagpapalusog ng buhok.5. Ang babaeng may mahabang buhok ay kailangang gumamit ng pang-ipit, laso, o kaya ay headband upang hindi pumunta sa mukha ang buhok.6. Kung may kuto at lisa, alisin ito. Gumamit ng suyod na pinahiran ng kaunting langis.SUBUKIN MOA. Magtawag sa mga kasambahay o mga kaibigan. Ipakita sa kanila ang wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tulad ng:paliligo paggugupit ng kukopaghihilamos pag-aayos ng buhokpagsisipilyo 5

B. Ipakitang-gawa ang mga sumusunod: 1. Paggamit ng suyod 2. Paglilinis ng kuko 3. Paggamit ng sabon at bimpo TANDAAN MOMay mga wastong pamamaraan ng paglilinis at pag-aayos ng sarili tulad ng:paliligo pagsisipilyo pag-aayos ng buhokpaghihilamos paggugupit ng kuko PAHALAGAHAN MOPaano nating pananatilihing malinis at maayos ang sarili?Dapat sundin ang wastong pamamaraan sa paglilinis at pag-aayos ng sarili.Kung susundin natin ang mga ito, ano ang nangyayari sa ating sarili? Magiging malinisat maayos ang sarili natin. 6

GAWIN MOA. Kantahin o basahin ang mga sumusunod na taludtod: Maghilamos ka sana At hugasan pati paa Suklayin ang iyong buhok At humanda sa pagpasokB. Gumuhit ng batang babae o lalaking malinis at maayos na handa sa pagpasok.C. Gumawa ng sariling lalagyan ng iyong mga pansariling kagamitan. Pagandahin ang isang munting kahon, lata, basket o bag at ilagay ang mga kagamitan. Dalhin sa guro at ipakita.PAGTATAYAA. Kopyahin sa kuwaderno at buuin ang mga sumusunod ayon sa iyong gawi. Lagyan ng tsek (√) sa kolum na inyong napili. Gawain Palagi Minsan Kung Ibig1. Paliligo2. Paghihilamos3. Paghihilod4. Pagputol ng kuko5. Pagpapagupit ng buhok6. Paglilinis ng kuko7. Paghuhugas ng kamay8. Pagsisipilyo ng ngipin9. Pagpapalit ng damit-panloob 7

B. Isulat sa kuwaderno kung Tama o Mali ang mga kaisipan. Kung Mali, isulat ang dahilan. 1. Ang mga kagamitan sa paglilinis at pag-aayos ay kailangang pansarili lamang. 2. Maraming uri ng suklay, brush, at tuwalya. 3. Ginagamit ang pangkaraniwang suklay sa pag-aalis ng kuto. 4. Ang panlinis at pamputol ng kuko ay hindi maaaring hiramin. 5. Hindi maaaring magsipilyo kung walang “toothpaste.” 6. Itago agad pagka gamit ang mga pantulong sa kalinisan. 7. Itinatago ang mga kagamitan sa isang lalagyan. 8. Higit na mabuting pamputol ng kuko ang gunting. 9. Kung magaspang ang dulo ng kuko, ginagamit ang nail brush. 10. Iwasang ipanghiram ang pansariling kagamitan. 8

GRADE IV PAGLILINIS NG TAHANAN AT BAKURAN ALAMIN MOItuturo ng modyul na ito ang mga gawaing pantahanan na maaaring gawin ngbuong mag-anak. Isa rito ay ang paglilinis ng tahanan. Ang malinis na tahananay nagpapakilala na ang mga nakatira rito ay masipag at may pagpapahalaga sasarili. Ituturo ng modyul na ito ang kagamitan sa paglilinis, wastong pamamaraan sapaglilinis, pag-aayos ng iba’t-ibang silid, at pagpapaganda ng tahanan. Kaya, sa pagtatapos ng araling ito, inaasahan na: 1. Magagamit ang mga angkop na kagamitan sa paglilinis. Matutukoy ang mga gawaing nauukol sa paglilinis ng tahanan. 2. Maipapakita ang wastong paraan sa paglilinis ng iba’t ibang bahagi ng bahay gaya ng kisame, dingding, at sahig. 3. Maisasagawa ang mabisang pag-aayos ng bawat silid ng tahanan, gaya ng salas, silid-kainan, silid-tulugan, paliguan, at palikuran. 4. Maisasaayos ang tahanan para ito’y maging kaakit-akit sa paningin. 1

PAG-ARALAN MOIlista ang mga kagamitan sa paglilinis at ilarawan ang mga ito.Alamin ang iba pang kagamitang ginagamit sa paglilinis ng kisame, dingding, atsahig.Paghambingin ang mga karanasan sa paglilinis ng tahanan.• Pareho ba ang mga paraan sa paglilinis ng tahanan?• Magkakatulad ba ang mga kagamitan sa paglilinis?• Magkakaiba ba ang iskedyul ng paglilinis sa mga silid?Talakayin ang mga bagay na nagpapaganda sa kaayusan ng bawat silid sa tahanan.Narito ang ilan:a) Walis tambo - Pang-aalis ng dumi, kalat at alikabok sa sahig na Walis tingting - makinis, semento man o kahoy. Pagtatanggal ng agiw sa kisame at dingding, dumi sa pagitan ng sahig na kahoy at pangwalis sa bakuranb) Bunot, tuyong Pangpakintab ng sahig na kahoy, kawayan o dahon ng saging, semento electric floor polisher -c) Basahang tuyo Pangpunas ng mga kasangkapan lalo na kung ang mga ito ay may shellacd) Basahang basa Pang-alis ng dumi sa sahig na kahoy at sementoe) Pandakot Pang-ipon at panghakot ng dumi sa sahig at bakuranf) Brush o eskoba Pangkuskos sa mga bagay na mahirap alisan ng dumig) Basurahan Lalagyan ng dumi at kalat na natipon sa paglilinish) Timba Lalagyan ng tubig 2

• Basahin ang sumusunod na impormasyon. Paraan ng Paglilinisa) Kisame - Gumamit ng walis tingting na may mahabang hawakan. Takpan ng diyaryo o iurong ang mga kasangkapan sa silid bago alisin ang mga agiw. Walisan ang silid.b) Dingding - Kuskusin ang dingding ng basahang may sabon. Maaaring gumamit ng eskoba. Banlawan ang basahan kapag marumi na ito. Kuskusin ang dingding hanggang maging malinis. Pahiran ng basahang tuyo ang malinis na dingding.c) Bintana - Para sa bintanang salamin, gumamit ng basang diyaryo. Kuskusin ang salamin hanggang maging malinaw ito. Para sa mga bintanang yari sa kapis, gumamit ng basahan. Alisin ang alikabok at agiw.d) Sahig - Walisan ang sahig simula sa mga sulok patungo sa gitna ng silid. Magwalis nang marahan upang di lumipad ang alikabok. Hakutin ang dumi sa pamamagitan ng pandakot. Kung ang sahig ay may putik o mantsa, punasan ito ng basahang basa. Alisin ang mantsa o putik. Patuyuin ang sahig bago lagyan ng floorwax. Para sa sahig na kawayan, kuskusin ito ng dahon ng saging. Bunutin ang sahig kapag tuyo na ang floorwax. Walisang muli ang sahig matapos magbunot. Punasang muli ito ng malinis na basahan.Ilang mahahalagang “tip” sa paglilinis:a) Pag-aalis ng papel na nakadikit sa kahoy – Patakan ng salad oil ang papel. Kuskusin ng basahang tuyo. Ulitin hanggang mawala ang pagkakadikit ng papel.b) Pag-aalis ng mantsa ng langis, mantika, wax, toyo, patis at ketsap – Alisin ng papel ang mantsa. Maghanda ng magkasindaming suka at tubig. Ito ang ipanlinis sa pinatakan ng mantsa.c) Kandelero – Kung ang kandelero ay puno ng wax, ilagay ito sa freezer nang isang oras. Ang wax ay madaling maaalis.d) Paglilinis ng artipisyal na bulaklak – Ilagay ang mga bulaklak sa plastic bag. Budburan ng asin ang mga bulaklak. Isara ang plastic at alugin ito ng ilang 3

beses. Buhusan ng tubig ang mga bulaklak. Banlawan ito nang paulit-ulit.Patuyuin ang mga bulaklak.SUBUKIN MO• Paggawa ng iskedyul ng paglilinis ng tahanan. Tapusin ang tsart.Gawain Araw-araw Lingguhan Ayon sa Panganga- ilangan1. Pag-alis ng agiw ng kisame at dingding2. Pagwawalis ng sahig na semento/ lupa3. Pagbubunot ng sahig sa salas4. Paglilinis ng mga muwebles5. Pag-aayos sa bawat silid ng tahanan6. Paglilinis ng palikuran7. Pagwawalis ng bakuran8. Pagdidilig ng halaman9. Pagpapalit ng kurtina10. Paglilinis ng mga bintana11. Pagtatapon ng basura12. Paglalagay ng floorwax 4

TANDAAN MO Ang malinis na tahanan ay susi upang maging ligtas sa mga mikrobyo at peste na pinanggagalingan ng sakit. May tatlong iskedyul ng paglilinis: araw-araw, lingguhan at paminsan- minsan. ISAPUSO MO Tungkulin ng mga nakatira sa isang tahanan ang linisin, ayusin, at pagandahin angkanilang tahanan. Ang kalinisan at kaayusan ay kasunod ng pagkamaka-Diyos. GAWIN MOPICTURE MOUNTING 1. Ihanda ang mga kagamitan. - glue - gunting - cardboard - mosaic picture - colored (construction) paper 2. Idikit ang mosaic sa cardboard, lagyan ng isang pulgadang sobra ang bawat paligid nito. Gupitin ang sobra. 3. Gumupit ng isang pulgadang lapad na cardboard, balutan ng colored paper at idikit sa paligid ng mosaic. 5

4. Maaaring balutan ng plastic upang di agad madumihan ang larawan.5. Isabit sa lugar na nararapat pagsabitan nito. Kung ibig mong magkaroon ng motif na katutubo ang inyong silid, maaari mong gamiting pang-dekorasyon ang mga katutubong sining tulad ng tinalak, malong o banig. Maaaring gawing pansapin sa mesa, upuan, at higaan ang mga hinabing bagay na gawa ng mga katutubo.PAGTATAYAA. Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Unawain at piliin ang titik ng tamang sagot.1. Ano ang ginagamit sa paglilinis ng kisame?A) Basahang basa C) FloorwaxB) Walis na tingting D) Pandakot2. Paano aalisin ang alikabok sa pigurin?A) Lagyan ng floorwax C) Punasan ng basahang tuyoB) Walisan ang pigurin D) Lampasuhan ang pigurin3. Ano ang ginagamit sa pagpapakintab ng sahig?A) Bunot C) BasahanB) Walis D) Pang-agiw4. Aling bahagi ng bahay ang karaniwang laging nililinis?A) Sahig C) KisameB) Dingding D) Bintana5. Alin ang mainam na pampakintab ng sahig?A) Tubig C) floorwaxB) Asin D) Barnis 6

6. Ano ang pinakamainam na itanim sa palibot ng bahay upang masangga ang maruming hangin?A) Mga gulay C) Mga halamang gamotB) Mga punong-kahoy D) Namumulaklak na halaman7. Kailan dapat linisin ang bakuran? C) Minsan isang linggo D) Minsan isang buwan A) Araw-araw B) Paminsan-minsan8. Paano lilinisin ang sahig upang hindi madulas ang dumaraan?A. Walisan, punasan ng basang basahan, pakintabinB. Walisan at lagyan ng plorwaksC. Punasan ng basang basahan at walisanD. Pakintabin at walisan9. Ano ang pinakamabuting gawin sa basurang di-nabubulok?A) Sunugin C) Ibaon sa lupaB) Itapon sa kanal D) Ipagbili sa junkshop 7

B. Pagtambalin sa pamamagitan ng guhit ang larawan ng kagamitan sa paglilinis at kung saan ito ginagamit. Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang kuwaderno. a) Pang-ipon ng alikabok at dumi 1. b) Pang-alis ng agiw sa dingding 2. 3. c) Pampakintab sa sahig 4. d) Lalagyan ng tubig 5. e) Pandakot sa alikabok at dumi 8

C. Kopyahin ang tseklist sa kuwaderno. Sagutin ang mga tanong.TSEKLIST Oo Hindi1. Inihanda ko ba ang angkop na kagamitang kailangan bagomagsimulang maglinis?2. Inisip ko ba ang wastong pagkakasunud-sunod ng mga hakbang sa paglilinis?3. Naglaan ba ako ng oras na gugugulin sa paglilinis?4. Ginamit ko ba ang angkop na kagamitan sa paglilinis?5. Naging maingat ba ako sa paglilinis?6. Tinapos ko ba ang mga gawain sa takdang oras?7. Isinauli ko ba ang mga kasangkapan sa taguan pagkatapos gamitin?8. Naglinis ba ako ng katawan pagkatapos ng gawain?9. Nasiyahan ba ako sa aking ginawa? KABUUAN• Sumali sa clean and green project ng barangay• Tumulong sa pagkakaroon ng “recycling center” sa barangay• Maglinis, ayusin at pagandahin ang sariling tahananKung nasagutan mo nang buong husay ang bahagingpagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nangpag-aralan ang susunod na modyul. 9

GRADE IV URI NG MGA KASUOTAN ALAMIN MO Ngayong tapos mo nang natutunan ang paglilinis ng iyong sarili, ang tungkolnaman sa kasuotan ang iyong pag-aralan. Malalaman mo sa modyul na ito ang uri ng mga kasuotan at mga bahagi nito PAG-ARALAN MOTingnan mabuti ang larawan.Ano-ano ang iyong mga nakita? Ilista ang mga ito sa iyong sagutang kuwaderno sa ayosna katulad ng nasa ibaba. 1

Panlalaki Pambabae Gamit ng ParehoAlam mo ba kung ano ang iba’t ibang uri ng kasuotan at kung kailan ang mga itonararapat gamitin? Mga Damit PanloobAng damit panloob ay ginagamit sa lahat ng panahon, babae o lalaki man. Nagbibigayang mga ito ng proteksiyon sa maseselang bahagi ng katawan. Ang brief at sando aypanlalaki. Ang panty, bra at kamison ay damit panloob ng mga babae. 2

Mga Damit PambahayAng damit pambahay ay kadalasang maluluwag at maginhawang isuot. Katulad nito ayang daster, t-shirts, shorts at palda. Ang mga lumang damit na yari sa telang bulak okoton ay karaniwang ginagamit na pambahay. Mga Damit PantulogMaluluwang at maninipis ang mga damit pantulog tulad ng pajama at nightgown. Angmga luma at malilinis pang mga damit ay maaari ring gamitin na pantulog. Kailangang 3

magpalit ng damit pantulog upang maging presko ang pakiramdam at maging mahimbingang pagtulog. Mga Damit Pansimba at Pang-natatanging OkasyonKapag may okasyon tulad ng kasalan, salu-salo o birthday party sinusuot ang damit namagara o naiiba kaysa karaniwang ginagamit sa pang-araw-araw. Espesyal din ang damitpansimba.Kapag dumarating ang panahon ng tag-init at tag-ulan, iba rin ang ating kasuotan.Kung tag-init, ang kasuotang ginagamit ay yaong yari sa koton o bulak. Simple lamangang yari, walang kuwelyo at walang manggas.Kung tag-ulan naman, makakapal at may mahabang manggas ang mga dapat na isuot.Dapat ay makapagbibigay-proteksiyon ito upang di ka malamigan at mabasa ng ulan. 4

Mga Damit PanlaroAng damit panlaro o pang-ehersisyo ay karaniwang t-shirt at shorts, jogging pants naterno. Sa mga babae naman ay fitted t-shirts at tights. Kung ang sports ay paglangoy,kailangan ang bathing suit para sa babae at swimming trunks naman para sa lalaki.Maaari rin ang bloomers. Mga Damit Pansimba at PantrabahoAng damit pantrabaho naman ay yari sa matitibay na tela gaya ng maong. Hindi rin itodapat dumihin. Ang mga nagtatrabaho sa pabrika at opisina ay may maayos atkomportable ring uniporme. Ang apron ay ginagamit na pangproteksiyon sa damit kungnagtatrabaho sa kusina. 5

Ngayong alam mo na kung ano at kailan ginagamit ang iba’t ibang uri ng kasuotan, dapatmo ring malaman ang mga bahagi ng kasuotan.Ang mga nakalarawan sa itaas ang iba’t ibang bahagi ng isang kasuotan. Maaari mo nangayong tukuyin ang mga bahagi ng suot mong damit. PAGSANAYAN MOBuksan ang iyong lalagyan ng damit at paghiwa-hiwalayin ang mga ito ayon sa uri atkagamitan. Ihiwalay ang pang-araw-araw na ginagamit, ang mga panloob, pang-espesyalna okasyon, at pansimba, pampasok sa eskwela, pangtag-ulan, at iba pa. TANDAAN MO Ang kasuotan ay may iba’t ibang mga uri at gamit. Hindi lahat ay maaaring isuot sa araw-araw o sa bawat oras. Kailangang nasa tamang ayos at malinis ang ating pananamit. 6

ISAPUSO MO Ang pagdadamit nang maayos at tama ay isang nararapat na gawain. Mainam naito’y maging kasanayan mo upang maproteksiyunan nang husto ang iyong katawan. GAWIN MO Pag-aralan ang awitin. Barong Tagalog Kung wariin ko sa ngayon ay muling nagbabalik Ang Barong Tagalog na sadyang makisig Mahaba-habang panahon nawaglit sa ating isip Na ito’y damit ng bansang kayhirap malupig Ang barong ito na Pilipinong talaga Dapat nating mahalin sa tuwi-tuwina Ikinararangal ng sariling bayan Itong ating pambansang kasuotan Ang Barong Tagalog kahit sinamay lang Magarang gamitin sa pormal na pagdiriwang Sa araw ng kalayaan at kahit sa Santakrusan Sa mga binyagan maging sa kasalan Barong Tagalog ang mga kasuotan Gumuhit sa iyong talaan ng tatlong larawan ng tao na may suot na damit ayon sa paggagamitan o okasyon. Kulayan ito at lagyan ng dereksyon. 7

PAGTATAYAA. Kailan at saan angkop na gamitin ang mga nasa larawan? Isulat sa sagutang kuwaderno ang iyong sagot. 1. 6. 2. 7. 3. 8. 4. 9. 8

5. 10.B. Sagutin ang puzzle. 1 2 34 2 3 5PAHALANG PABABA1. ang halfslip, pantylet at bra ay damit 1. damit pantulog panloob na ______ 2. isinusuot ito ng kapwa lalaki at2. ginagamit ito kung malamig at tag- babae lalo na kung naglalaro o nasa ulan lamang bahay3. damit panloob ng lalaki 3. araw-araw pinapalitan ito bago isuot ang sapatos4. isinusuot ng mga babae5. ang mga pambahay ay karaniwang gawa sa _____ 9

GRADE IV KAGAMITAN SA PANANAHI SA KAMAY ALAMIN MOMalaki ang maitutulong sa mag-anak kung marunong kang manahi sa kamay omakina. Makakatulong ito sa kabuhayan ng mag-anak. Sa modyul na ito malalaman mo ang pangangalaga sa mga kasangkapan okagamitan sa pananahi at mga uri ng tela. PAG-ARALAN MOA. Mga Kagamitan at Kasangkapan sa Pananahi 1. Gunting – ginagamit sa pagtabas ng tela o damit na tatahiin. 1

2. Karayom – May iba’t ibang laki ito. Matulis ang gagamitin sa pananahi upang hindi masira ang tela. Ang numero na ginagamit sa pananahi ay 7 – 9.3. Aspile – ginagamit na pampigil o panghawak sa telang tatahiin. Gumamit ng aspile na may matalas at matulis na dulo.4. Didal – ginagamit sa panggitnang daliri upang hindi ito matusok.5. Medida – ginagamit na panukat sa tela at katawan ng tao. May bilang na hanggang 60 pulgada ito. 2

6. Sinulid – ginagamit sa pagtatahi ng tela o gagawing proyekto. Ito’y may iba’t ibang kulay.7. Tusukan ng karayom o Emery bag – hasaan ito ng karayom at aspile. Iba- ibang hugis na nilalagyan ng dinurog na porselanang plato o buhangin sa loob.8. Kahong Panahian – lalagyan ito ng mga gamit sa pananahi. 3

B. Wastong Pangangalaga sa mga Kagamitan sa PananahiKailangang pangalagaan ang mga kagamitan at kasangkapan sa pananahi.1. Ilagay nang maayos ang mga kagamitan sa pananahi.2. Ang mga karayom at gunting ay langisan upang hindi kalawangin.3. Ang sinulid ay ingatan upang hindi magkabuhol-buhol.4. Ang aspile at karayom ay nakasuksok sa tusukan kung hindi ginagamit.C. Uri ng Tela Sa pananahi, ang pangunahing materyales na kailangan ay ang tela. Maraming uring tipo at kulay ang mga ito. Apat na uri ang mga natural na tela, ito ay koton, linen,lana at seda.Koton - madaling tahiin, malambot, at madulas. Ginagamit ito sa paggawa ng mga damit tulad ng bestida, duster, T-shirt, panyo, kumot at iba pa.Linen - Hindi ito madaling madumihan ngunit mabilis naman malukot. Matibay kaya mahal ang halaga.Lana - Tinatawag din itong wool. Galing sa balahibo ng tupa na ginugupit at ginagawang hibla. Ginagawa itong jacket, sweater, scarf at iba pang kasuotang panlamig.Seda - Galing sa bahay ng isang uri ng uod – na tinatawag na cocoon. Ang mga Tsino ang unang nakilalang gumamit nito.Sintetiko- Yari ito sa kemikal na likha ng tao. Hindi gusutin, madaling labhan at patuyuin. Kabilang dito ang nylon, rayon, dacron at banlon. PAGSANAYAN MOA. Ipakita sa kasambahay o mga kaibigan ang wastong pangangalaga ng mga kagamitan sa pananahi sa kamay tulad ng gunting, karayom at aspile.B. Ipakita ang wastong pag-aayos ng mga kagamitang pananahi sa kamay. 4

TANDAAN MO May iba’t ibang kagamitang kailangan sa panahi sa kamay tulad ng gunting, karayom, tela, atbp. Kailangang pangalagaan ang mga ito upang makatipid ng lakas, panahon at salapi. ISAPUSO MO1. Paano natin pangangalagaan ang mga kagamitang pananahi sa kamay? Mga gunting, aspile at karayom ay dapat langisan. Ilagay sa wastong lugar ang mga ito upang di mawala.2. Bakit dapat ilagay sa wastong lugar ang mga ito? Hindi tayo mahihirapan pang maghanap kung gagamitin na ang mga ito. GAWIN MOA. Kumuha ng lumang kahon. Lagyan ng disenyo at gawing kahong panahian.B. Gumupit ng malinis na tela. Lagyan ng disenyo at gawing tusukan ng karayom o emery bag. 5

PAGTATAYASa kuwadernong sagutan, lagyan ng tsek (√) ang napili mong sagot. Tama Mali1. Ang karayom at sinulid lamang ang kasangkapan sa pananahi.2. Langisan ang mga gunting, karayom at aspile.3. Kailangan ang medida sa pananahi.4. Ang aspile ay ginagamit sa panghawak ng telang tatahiin.5. Hayaan nating nakakalat ang mga kagamitang pananahi.6. Ang pangangalaga sa mga kagamitan sa pananahi ay nakatutulong sa pagtitipid ng lakas, oras at salapi.7. Kailangan gumamit ng didal habang nananahi sa kamay.8. Itusok ang aspile at karayom sa tusukan kung hindi ginagamit. 6

GRADE IV MGA SALIK SA PANANAHI AT PANIMULANG HAKBANG SA PANANAHI ALAMIN MO Kawili-wiling tingnan ang ginagawang proyekto kung malinis at maayos ang pagkagawa. Sa modyul na ito, matututunan mo ang mga salik na dapat isaalang-alang sa pagpili ng tatahiin/proyekto at mga panimulang hakbang sa paggawa ng napiling kagamitan na tatahiin. PAG-ARALAN MOA. Mga salik na tatandaan upang maging maayos at kapaki-pakinabang ang proyektong gagawin. 1. kahalagahan ng proyekto 2. halagang magagastos sa proyekto 3. mga kagamitan na kakailanganin 4. materyales na gagamitin 5. panahon na gugugulin sa paggawa ng proyektoB. Panimulang Hakbang sa Pananahi 1. Paggamit ng sinulid at karayom • Ihanda ang karayom na may tamang haba at laki, gayundin sa sinulid na angkop sa kulay ng telang tatahiin. • Putulin ang sinulid sa habang 18 – 25 pulgada. Ang haba nito ay abot hanggang siko lamang. • Isuot ang sinulid sa butas ng karayom. • Ikutin ang isang dulo ng sinulid upang makabuo ng silo sa dulo ng daliri at palabasin ang buhol sa pamamagitan ng hinlalaki at panggitnang daliri. 1

2. Paggamit ng Didal • Sa panggitnang daliri ng kanang kamay isusuot. • Hawakan ang karayom sa pagitan ng hinlalaki at hintuturo. • Itulak ng didal ang karayom sa bawat tusok sa telang tatahiin. 3. Paggawa ng Lupi – Ito’y ginagawa upang maging malinis at maganda ang gilid ng telang tinatahi. • Pantayin ang dulo ng tela. Ilupi nang makitid ang dulo ng tela sa kabaligtarang panig. • Diinan ng hinlalaki ang ginawang lupi. • Ilupi muli ayon sa gustong lapad sa tulong ng panukat na kardbord. • Aspilihan ang tupi sa magkabilang dulo at sa gitna. Iaspili ang iba pang bahagi ng lupi sa layong 8 sentimetro bawat pagitan. • Ihilbana, alisin ang aspili, at lilipan.C. Pangunahing Tahi May mga pangunahing tahi na kailangang matutunan. Ang hilbana ay isang pansamantalang tahi upang panatilihin sa lugar ang dalawang piraso ng tela. Paraan ng Paghihilbana 1. Pumili ng sinulid na kaiba ang kulay kaysa telang ihihilbana. 2. Ibuhol ang isang dulo ng sinulid. 3. Gumawa ng maliit na tahi na magkapatong. 4. Paayon sa hibla ng tela ang gawing paghihilbana. 5. Haplusin ng daliri ang bahaging tinahian upang lumapat sa tela ang hilbana bago isara ang hilbana. • Pagtututos – ginagamit ito sa pagsusulsi ng punit at sa pagbuburda. Ang ginagamit na karayom ay pino at mahaba. Itusok ito na papaloob at papalabas nang paulit-ulit sa isang linyang tuwid. Pantay-pantay ang haba at puwang ng tahi nito. 2

• Paglililip – ang karayom ay itutusok sa ilalim ng nakatuping dulo ng lililipang tela. Higitin ang karayom sa ibabaw ng tupi. Itusok muli ang karayom sa tahing pinagmulan. Gawing pantay-pantay ang lilip upang magandang tingnan ito.• Tahing Pabalik o Backstitch – ito’y kahalintulad ng tahing makina. Ito’y ginagawa upang maging matibay ang tahi at maging maayos ang dugtungan. Ito’y ginagawa sa pamamagitan ng pagtusok ng karayom pabalik at paglabas nito sa pinanggalingan. Ilabas ang karayom nang malayu-layo sa pangalawang butas ng tusok at ulit-ulitin hanggang matapos.• Blanket Stitch – ginagamit sa pagtahi ng gilid ng tela at sa pagbuburda. Ginagawa ito mula sa kanan, pakaliwa nang nakaharap sa tinatahi ang karayom at gilid ng tela. Ang tela ay itupi sa likod. Ang karayom ay itusok sa telang nakalupi at palabasin sa gilid, palusutin ang karayom sa tela mula sa nagawang tahi upang mabuo ang tahi sa gilid.• Overcasting – ito ay nagsisimula sa dalawa at maikling tahi pahilis mula sa dulo ng dugtungan o seam patungo sa ibaba. Ang tahi ay mula sa kanan pakaliwa. Pantay-pantay dapat ang laki at puwang sa pagitan at pare-pareho ang ayos ng tahi gayundin sa kabilang panig ng tela. 3

SUBUKIN MOA. Ipakita sa kasambahay ang wastong paggamit ng: 1. sinulid at karayom 2. didalB. Ipakita sa kasambahay/kaibigan/grupo ang mga pangunahing tahing 1. hilbana 2. pagtututos 3. paglililip 4. tahing pabalik 5. blanket stitch 6. overcasting TANDAAN MO Ang pananahi ay kawili-wili at kasiya-siya kapag may sapat na kasanayan at kaalaman at kung susundin ang mga panuntunang dapat tandaan sa pananahi. PAHALAGAHAN MO 1. Bakit dapat sundin ang mga panuntunan sa pananahi? 2. Ano ang maidudulot ng pagsunod sa mga panuntunan sa pananahi? 4

GAWIN MO1. Kumuha ng malinis na tela. Gupitin sa katamtamang sukat. Gumawa ng disenyo sa pamamagitan ng pagtututos, tahing pabalik, blanket stitch, at overcasting. Pagkatapos idikit sa bondpaper o malinis na papel.2. Basahin ang tula: Yes, Yes Yo, Manahi Tayo Karayom, sinulid, didal at medida Gunting na gagamitin sa tuwi-tuwina Sipag at tiyaga, kung ito’y kasama Mabubuhay muli damit na nasira Maayos lagi iyang pananahi Kung tamang haba lang ang sinulid natin Ilapat sa kulay na ‘yong tatahiin Upang di maiba ang daan ng tahi Sa butas ng karayom doon ay isusuot Dulo ng sinulid ay iyong buhulin At kahit ano pa ang iyong tatahiin Wag kalilimutang didal ay gamitin. 5

PAGTATAYAIsulat sa papel ang A kung sang-ayon ka sa mga sumusunod at H kung hindi. Gawinsa kuwadernong sagutan. 1. Ang pananahi ay maaaring gawin kahit walang makina. 2. Palaging magkasama ang karayom at sinulid. 3. Kapag kulang ang kasangkapan, hindi makapananahi. 4. Ang didal ay ginagamit upang hindi matusok ng karayom ang daliri kung nananahi. 5. Ang paglulupi ay ginagawa upang malinis at maganda ang gilid ng telang tinatahi. 6. Ang tutos ay hindi ginagamit sa pagususulsi ng punit. 7. Sa pagpili ng proyektong tatahiin, mga kagamitan na kakailanganin lamang ang dapat isaalang-alang. 8. Maayos at makinis ang gagawing proyekto kung susundin ang mga tuntunin sa paggawa. 9. Hindi kawili-wiling tingnan ang proyekto kung ito’y maayos at malinis. 10. Sa pananahi, kailangan ng kasanayan. 6

GRADE IV PAGSUSULSI NG DAMIT ALAMIN MOMahalaga ang magkaroon ng kaalaman sa pagsusulsi. Kung may tiwala ka sa iyongsarili ay makapagsusulsi ka ng mga damit na may punit. Alam mo na mahalaga itosapagkat ito’y paraan ng pagpapakita ng kalinisan at katipiran sa pamumuhay. Sa modyul na ito, maipakikita ang ibat ibang paraan ng pagsusulsi at pagtatagpi sadamit. Hangad ko na malinang at mapaunlad ang iyong kakayahan sa gawaing ito. 1

PAGBALIK-ARALAN MO Maglaro tayong dalawa. May mga bugtong na nakasulat sa kahon. Basahin mongmabuti. Isulat ang mga kasagutan sa kuwadernong sagutan.Ako ay lalagyan ng pinong buhangin Ang aking haba’y anim na pulgada oo kaya’y pinggang nadurog sa hangin humigit patusukan ng aspili at karayom mandin panggupit sa tela matalim at matalas pinatutulis, pinatatalas tanging hangarin. ingat ka lamang baka madulas. Ano ako? _____ Ano ako? _____Inilalagay ako sa gitnang daliri Kagamitan sa pananahi aking Pantulak sa karayom iingatan Habang nananahi Hahawakan at bubuksanAyaw na ayaw kong matusok ka Medida’t karayom, aspiling nasa Palagi cushionIpapayo ko’y ingat sa pananahi Sa akin itinabi pangako’y iingatan. Ano ako? _____ Ano ako? _____ Ako’y ginagamit sa pananahi Laki ko’y iba-iba gayundin ang uri Nilalagyan ako ng sinulid na pantahi Pagsusulsi’t, pagtatagpi aking nayayari Ano ako? _____ 2

PAG-ARALAN MOIpakikilala ko sa iyo ang mga uri ng punit. Pahilis na punit Gagamitin mo ay pinong karayom at kakulay na sinulid ng telang susulsihan Maliit na gunting ang gagamiting pamputol sa sinulid Pinong tahing patutos at palipat ang gagawinGawain 1 Sa pagsusulsi ng pahilis na punit, sundin ang mga sumusunod. 1. Bahagyang hilahin at paglapatin ang gilid ng punit at iayos ang hibla ng tela at disenyo kung mayroon. 2. Tahiin nang pinung-pino running stitches anim na milimetro mula sa dulo ng punit. 3. Gawin ang pinung-pinong running stitches sa paayong hibla ng tela na sinusundan ang direksyon ng punit. 4. Ipihit ang tela at gumawa ng pahalang na mga running stitches na lumalala o humahabi sa unang hanay ng mga running stitches. 5. Ibuhol ang sinulid sa kabila ng tela at putulin.Gawain 2 Ang pamamaraan ng pagsusulsi ng patatsulok na punit ay ang sumusunod. 1. Bahagyang hilahin at paglapitin ang gilid ng punit at iayos ang hibla ng tela at disenyo kung mayroon. 2. Simulang tahiin nang pinung-pinong running stitches anim na milimetro mula sa dulo ng punit. 3. Paglipat-lipatin ang mga pinung-pinong running stitches pakabila ng punit. Gawin ito hanggang sa dulo ng punit na lampas din ng anim na milimetro. 4. Ibuhol ang sinulid sa kabalikan ng tela at putulin. 5. Gawin din ito sa isa pang bahagi ng punit na ang mga running stitches ay magsasanib (overlapping) sa sulok ng punit. 6. Ibuhol ang sinulid sa kabalikan ng tela at putulin. 3

Pagtatagpi: Ginagamitan ng kapirasong telang katulad ng nabutas na damit. Kung wala nito maaaring kumuha ng maliit na retaso sa ilalim ng laylayan ng damit na kukumpunihin. Ang panagpi ay limang milimetro mahigit ang laki kaysa butas ng damit na tatagpian. PAGSANAYAN MOKumuha ka ng isang damit na may punit, pahilis man o tatsulok at iyong sulsihan.Pagkatapos mong maisagawa ipakita mo sa iyong guro para markahan. Rubrics: 5 - Lubos na kasiya-siya 4 - Higit na kasiya-siya 3 - Kasiya-siya 2 - Pagbutihin pa 1 - Nangangailangan pa ng tulong TANDAAN MO Magiging matagumpay ang pagsusulsi ng punit ng damit kung matamang sundin ang mga paraan sa pagsasagawa nito. 4

ISAPUSO MOAnong kagandahang ugali ang ipinahahayag ng bawat pangungusap? Isulat mo ang iyongkasagutan sa kuwadernong sagutan. 1. Gumamit si Karina ng sinulid na kakulay ng damit na kanyang sinulsihan. 2. Kahit may tagpi ang kanyang damit, sinusuot parin ito ni Alvin. 3. Isinaalang-alang ni Altea ang mga hakbang sa pagsusulsi 4. Inililigpit ng aking kapatid sa tamang lagayan ang kanyang mga ginagamit sa pagsusulsi Rubrics: 5 - Napakahusay 4 - Mahusay-husay 3 - Mahusay 2 - Kailangang pagbutihin pa 1 - Nangangailangan ng tulong GAWIN MO1. Awitin mo sa himig ng “O Maliwanag na Buwan.” ANG PAGSUSULSI Sa ating paaralan, matututong tunay Mga babae’t lalaki, mulat sa pagsusulsi Punit na kasuotan, wika ng gurong K.P. Kumpunihin agad ng hindi lumaki O anong ligaya ko, sa pagkukumpuni ng damit ko Pinong karayom lamang ang siyang gagamitin ko Dapat daw ang sinulid ay maging kakulay ng iyong damit Kung ito’y masusunod, tagumpay kang lubos. 5

2. Isulat sa kuwaderno ang tatlong salitang mahalaga sa pagsusulsi. 1. Pinong karayom 2. Sinulid 3. Kakulay PAGTATAYA Humanap ka ng kasuotang may punit. Sulsihan mo sa tamang paraan na natutunan mo sa modyul. Ipakita mo sa guro upang kanyang markahan. Kung nasagutan mo nang buong husay ang bahaging pagtataya ng modyul, binabati kita! Maaari mo nang pag-aralan ang susunod na modyul. 6

GRADE IV AKTUWAL NA PAGSUSULSI ALAMIN MOOo, batid kong marami ka ng kaalaman ukol sa pagsusulsi, kung kaya’t may tiwala kana sa iyong sarili na makapagsusulsi ng mga damit na may punit. Alam mo na rin angkahalagahan nito, sapagkat ito’y paraan ng pagpapakita ng kalinisan at katipiran sapamumuhay. Inaasahan ng modyul na ito, na maipakita ang iba’t ibang paraan ng pagsusulsi atpagtatagpi upang muling malinang at mapaunlad ang iyong kakayahan sa gawaingito. Hangad ko ang tagumpay mo sa paggawa. 1

PAGBALIK-ARALAN MOTukuyin kung anong kagamitan sa pananahi sa kamay ang tinutukoy sa bawat bilangSipiin sa iyong sagutang papel ang puzzle sa ibaba at doon isulat ang iyong sagot1. Matulis na bagay na ginagamit sa pananahi na may numero 7-9.2. Ginagamit sa pagtabas ng tela o damit na tatahiin.3. Ginagamit na pampigil o panghawak sa telang tatahiin.4. May bilang na 60 pulgada na ginagamit na panukat sa tela o katawan ng tao.5. Ginagamit sa panggitnang daliri upang hindi ito matusok. 14 2 4 3 2

PAG-ARALAN MOIpakikilala ko sa iyo ang mga uri ng punit. Ako ang pahilis na punit. Gagamitan mo ako ng pinong karayom at sinulid na kakulay ng telang susulsihan. Maliit na gunting ang gagamitin mong pamputol sa sinulid. Pinong tahing patutos at tahing palipat ang gagamitin mo.Gawain 1Pamamaraang Gagawin 1. Lagyan ng tahing palipat ang pinag-akmang puwang ng punit. 2. Simulan ang tahing patutos isang sentimetro ang lampas buhat sa punit. Paayon sa hibla ang gawin sa tahi. Punuin ng tutos ang kahabaan ng sira ng damit. 3. Pihitin ang damit at gawin ang pahalang na tutos. 4. Ibuhol sa kabaligtaran ng damit ang sinulid. 3

Ako ang tatsulok na punit. Katulad ng ibang punit, pinong karayom at sinulid na kakulay ang gagamitin mo. Pagmasdan mo rin ang tahi sa sulok ko. Nagpapatong ang tutos sa pahalang at patayong hibla ng tela.Gawain 2 1. Lagyan ng tahing palipat-lipat ang pinagtapat na puwang ng kasuotang may punit. 2. Ilampas ng isang sentimetro ang pagsisimulan ng tahing patutos. 3. Ang bahaging may sulok ay dapat may magkapatong na mga tahing tutos mula pahalang at pahabang tahi. 4. Ang mga tutos ay dapat salit-salit at pantay-pantay ngunit hindi tuwid ang mga dulo upang hindi pagsimulaan muli ng punit. Pagtatagpi ang tawag sa akin. Ginagamitan ako ng kapirasong telang tulad ng nabutas na damit. Kung wala nito maaaring kumuha ng maliit na retaso sa ilalim ng laylayan ng damit na kukumpunihin. Ang panagpi ay limang milimetro mahigit ang laki kaysa butas ng damit na susulsihan.Paraan ng Pagtatagpi 1. Maingat na gupitin ang mga himulmol sa gilid ng butas na hugis parisukat. 4


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook