Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 3

Filipino Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:51

Description: Filipino Grade 3

Search

Read the Text Version

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Kung tapos na ang mga bata sa kanilang pagsulat, banggitin muli ang parirala at pangungusap na ipinasulat. Ito ay gagawin upang mabasa ng mga bata nang tahimik ang kanilang isinulat at maitama ang kanilang isinulat. Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito. 2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Pag-usapan ang mga bilin ng mga magulang sa kanila tungkol sa pagpili ng magiging kaibigan. Isulat ang mga ito sa isang malinis na papel. Pag-uulat ng bawat pangkat. Ipapaskil ng bawat pangkat ang mga isinulat. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang mga ginawa ng bawat pangkat. Ano-ano ang napapansin sa mga isinulat? Alin sa mga ito ang parirala? Ipabasa ang mga parirala. Paano isinusulat ang parirala? Ipabasa ang mga pangungusap. Paano isinusulat ang pangungusap? DRAFTSabihin sa mga bata na pansisin ang pagkakasulat ng mga letra at mga salita. Itanong: Tama ba ang pagkakasulat ng mga letra at ng mga salita? Tama ba ang pagkakagamit ng malalaki at maliliit na letra? Ano-anong bantas ang ginamit sa mga pangungusap? Tama ba ang pagkakagamit nito? Ano ang ipinahihiwatig ng bawat bantas sa mga pangungusap? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 54. Ipapaskil ang mga ginawa ng mga bata sa pisara. Hayaang bigyang-puna ito ng ibang kaklase.April 10,20145. Paglalahat Ano ang dapat tandaan kung sumusulat ng parirala? Pangungusap? Ang parirala ay hindi nagsasaad ng buong diwa. Ang pangungusap ay sinisimulan sa malaking letra at nagtatapos sa bantas. Ito ay nagsasaad ng buong diwa. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55. Bigyang-puna ang natapos na gawain ng mga bata. Bigyang-puna lamang kung paano isinulat ang parirala o ang pangungusap. 101     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikaapat na ArawLayuninNagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyonPaksang-AralinPaggamit ng mga Bahagi ng AklatPanlinang na Gawain1. Tukoy-AlamMagpakuha sa mga bata ng isang aklat. Siguraduhing hindi ito ang ginagamitsa araw-araw na aralin sa klase. Maaaring kunin ito sa mini-library ng silid-aralan o kung wala, maaaring manghiram ang guro sa silid-aklatan.Hayaang ipakita nila ang bahagi ng aklat na babanggitin ng guro.Mas mainam kung ang aralin na ito ay sa silid-aklatan gagawin.Talaan ng NilalamanPabalatTalahuluganan2. PaglalahadTutukuyin sa mga bata ang mga bahagi ng aklat at ang gamit ng bawat isa.Pagawain ang bawat pangkat ng isang malikhaing pagtatanghal tungkol dito.3. Pagtalakay at PagpapahalagaIpabasa sa mga bata ang tulang “Mga Bahagi ng Aklat” sa Alamin Natin, p.8Saan mo ito makikita?Pamagat ng AklatListahan ng mga aralinDRAFTListahan ng mga salitang ginamit sa aklat at ang kahulugan nito.Pagpangkat-pangkatin ang klase.Hayaang maghanap ang mga bata ng paksa tungkol sa kapaligiran na makikitasa aklat na gagamitin ng bawat pangkat.Gamitin ang format na ito sa pag-uulat.April 10,2014Paksa/PamagatngTalata Bahagi ng Aklat na Nakita Ito Pag-uulat ng bawat pangkat.   Ano ang gamit ng bawat bahagi ng aklat? Paano mo aalagaan ang aklat? 4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin muli ang klase. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 55. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo tungkol sa mga bahagi ng aklat? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 55. Ito ay hindi matatapos ng isang araw. Bigyan ang mga bata ng sapat na oras 102   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  upang maisagawa ito. Matapos ang nakalaang araw, hayaang iulat ng mga bata ang kanilang karanasan sa paghanap ng impormasyong kailangan nila.Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya 1. Ipabasa sa mga bata ang tula. (Isulat ito sa tsart.) Si Dolly Dolorosa S. de Castro Ako ay may kaibigan Dolly ang pangalan Lagi kong kasama Saan man magpunta Araw at gabi Siya ay lagi kong katabi Sa pagkain at paglalaro Siya ang kasa- kasalo DRAFTMundo ko’y sumasaya Puno ng kulay tuwina Pagkat laging nandiyan Si Dolly kong kaibigan.April 10,2014Kaya’tatingpahalagahan Minamahal nating kaibigan Upang sa tuwina ay magkaunawaan Mundo’y mapuno ng pagmamahalan. 2. Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. 3. Ipagawa: Ulan ng Magkakatugmang Salita   Magkakatugmang  Salita            103     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  a. Ipaguhit ang larawan sa isang malinis na papel. b. Ipasulat ang mga natukoy na magkakatugmang salita sa bawat patak ng ulan. Isang patak ng ulan, isang salita. c. Pakulayan ang mga patak ng ulan. Magkakulay ang magkatugmang mga salita. 4. Ipapaskil ang natapos na gawain ng mga bata, matapos ipakita at basahin sa harap ng klase. 5. Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata.  Aralin 15 Maglaro TayoLingguhang LayuninPag-unawa sa Pinakinggan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstoPalabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkasPag-unawa sa Binasa Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento: tauhan, tagpuan at banghayKaalaman sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghayDRAFTWikang Binibigkas Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang taoGramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyonKomposisyon Nakasusulat ng talata na may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliitApril 10,2014na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksaPaunang Pagtataya Ihanda ito bago magsimula ang klase. Gawin na malaki ang mga kahon ng organizer upang magkasya ang mga isusulat ng mga bata. Ipakita ang organizer sa mga bata.   Pasulatin ang mga bata ng mga salita o parirala na angkop sa bawat kahon. Ipabasa ang mga naisulat. 104   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang isang tauhan, tagpuanat banghay na nakasulat sa organizer.Gamit ang natapos na organizer, hikayatin ang mga bata na buuin angkuwento.Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkasPaksang-Aralin Pag-unawa sa PinakingganPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasa nang malakas ang mga salitang nakasulat sa card na ipapakita. Siguraduhin na ang mga salita ay natutuhan na sa mga nakaraang aralin. 2. Paglalahad Itanong : May liga ba sa inyong barangay? Linangin ang liga ng barangay. Gamitin ang “Ito ay… Ito ay Hindi”DRAFTIto ay … Ito ay HINDI …. Ipaguhit sa unang kolum ang nakikita kapag may liga ng barangay. Ipaguhit naman sa ikalawang kolum ang mga walang kaugnayan sa liga ng barangay. Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata.April 10,2014Ano ang ibig sabihin ng liga ng barangay? Sabihin sa mga bata na may babasahin kang maikling talata tungkol sa liga ng barangay. Sabihin sa kanila na itaas ang kanilang kamay kapag may salitang hindi sila maunawaan. Kapag may nagtaas ng kamay, tumigil sa pagbasa at linangin ang salitang binanggit ng bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento. Liga ng Barangay ni Louigrace Margallo Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay. Dumating na ang mga manlalaro kasama ang kanilang mga taga-suporta. 105     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayundin ang mgacheering squad na pito ang miyembro bawat grupo. Nagsimula na ang laro at naging mainit ang bawat tagpo. “Lamang na tayo!” sigaw ng isang manlalaro. “Margallo, bumutas ng tres,” tawag ng referee sabay tayo ng mgatagapanood. Sa bawat bukas na pagkakataon ay pumapasok ang mga manlalaro paramakapuntos. Tila hindi na pantay ang sahig dahil sa umaatikabong takbuhan. Nataposang laro, panalo ang Barangay 2! Bagamat talo ang barangay namin sa larong ito, sinisiguro ng grupo nababawi sila sa susunod na araw.Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod.Pangkat 1- Ipakita sa pamamagitan ng piping palabas ang laro sa liga ng barangayPangkat 2 – Iguhit ang mga taong nasa liga ng barangayPangkat 3 - Isulat at ilagay sa frame ang ngalan ng nanalo sa laro Itanong: Ano ang naganap sa barangay? Ano ang laro dito? (Tawagin ang Pangkat 1.) Sino-sino ang nasa liga ng barangay? (Tawagin ang Pangkat 2.)DRAFTAno ang ginawa ng bawat isa? Sino ang nanalo sa laro? (Tawagin ang Pangkat 3.) Ano ang mga damdamin sa kuwento? Kailan ito naramdaman? Kung isa ka sa mga natalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo? Kung isa ka naman sa mga nanalo, ano ang gagawin mo? Mararamdaman mo? Ano ang magandang kaugaliang ipinakita sa kuwento?April 10,2014Dapatbaitongtularan? Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kuwento. Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat, maging ang puno ng aming barangay. Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din ang mga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.Ano ang napansin ninyo sa mga salitang ginamit sa bawat pangungusap?Ipabasa muli. Puno ng tao ang plasa kung saan maglalaro ng basketbol ang kabataan ng aming barangay. Abala ang lahat maging ang puno ng aming barangay.Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan angmga ito.Ano ang ibig sabihin ng puno sa unang pangungusap? Sa pangalawang 106     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 pangungusap?Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito.Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito?Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito?Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.Ipabasa.Nariyan na rin ang mga referee dala ang kanilang mga pito, gayon din angmga cheering squad na pito ang miyembro bawat grupo.Ano-ano ang salitang magkatulad sa mga pangungusap? Pasalungguhitan angmga ito.Ano ang ibig sabihin ng pito sa unang pangungusap? Sa pangalawangpangungusap?Ipabigkas ang mga salitang magkatulad sa mga pangungusap na ito.Ano ang pagkakaiba ng mga salitang ito?Ano ang pagkakatulad ng mga salitang ito?Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap.4. Pagpapayamang GawainAno ang ibig sabihin ng mga salitang may salungguhit sa bawat pares ngpangungusap? Isulat ang letra ng tamang sagot.1. Umakyat ng ligaw ang binata sa dalaga mula sa kabilang bayan. ____DRAFTLigaw ang laro ng aming koponan dahil wala ang aming captain ball.a. nanunuyo b. hindi maayos2. Tumalsik ang tapon ng bote nang buksan niya ito. ____Malayo ang tapon ng bolang inihagis ni Jeth. ____a. hagis b. takip na yari sa cork3. Mabilis gumaling ang paso niya sa braso. ____ Bumili ako ng limang malalaking paso. ____ a. sugat sanhi ng pagkasunog b. isang bagay na taniman ng halaman 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosaaralin?May mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba nang bigkas at kahulugan.6. Karagdagang PagsasanayPapiliin ang bawat mag-aaral ng dalawang pares ng mga salita na iisa angbaybay ngunit magkaiba ang kahulugan. Ipagamit ang mga napiling salita sasariling pangungusap.daan pasa baka upo huli piko tala baka bunot tala huli daanbunot piko upo pasaIpabahagi sa klase ang kanilang nagawa. 107     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalawang ArawLayunin Natutukoy ang bahagi ng kuwento Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang kuwento Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan, tagpuan at banghayPaksang-Aralin Mga Bahagi ng KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga card na may nakasulat na pangalan ng tao, lugar at mga pangyayari. Ilagay nang sama-sama ang magkakauring salita sa tatlong kahon. Sabihin sa mga bata na bubunot sila ng isang card sa bawat kahon. Ipagamit ang mga nabunot na salita upang makabuo ng isang maikling kuwento. Ipasulat ang nagawang kuwento sa isang papel at ipadikit sa pader. Bigyan ng pagkakataon ang mga bata na mabasa ang ginawang kuwento ng kaklase. 2. Paglalahad Nakaranas ka na bang makapaglaro ng tagu-taguan? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Ano kaya ang nangyari sa kuwento? DRAFTItala ang sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, LM pp. 55 - 56. Pagpangkat-pangkatin ang klase.April 10,2014Ipakumpleto ang hinihingi ng story map. Bakit AnoPaano Saan Sino Pamagat Tanong ng Kuwento  108     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Itanong:Ano ang pamagat ng kuwento?Sino-sino ang tauhan ng kuwento?Saan ito naganap?Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?Ano ang suliranin sa kuwento?Paano nalutas ang suliranin?Bakit nagtawanan sina Aiah?(Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang lugar sa graphic organizer.)Patingnan kung tama ang sagot sa organizer na ginawa ng pangkat.Ano kaya sa palagay mo ang naramdaman ni Von?Kung ikaw si Von, ano ang gagawin mo?Ano ang tawag sa bahagi ng kuwento na sinasagot ng tanong na sino? Saan?Kailan? Ano-ano?Kumpletuhin ang Banig ng mga Kuwento.Sabihin sa mga bata na hatiin sa 16 na kahon ang isang pirasong papel.Sa unang walong kahon, ipasulat ang hinihingi tungkol sa unang kuwento nabinasa (“Liga sa Barangay”) at ang ikalawang pangkat ng walong kahon aypara sa ikalawang kuwento naman (“Tagu-taguan.”)Pamagat Tagpuan Tauhan Pangyayari 1DRAFTLiga saBarangayPangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari 2 3  4  5 Pamagat Tagpuan Tauhan PangyayariApril 10,2014Tagu-taguan 1Pangyayari Pangyayari Pangyayari Pangyayari 2  3  4  5  Hayaang ipakita ng mga bata ang natapos na banig. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga sagot sa bawat kahon.4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 56. Pumili ng isang kuwentong binasa mula sa mga nagdaang aralin. Gumawa ng Story Pie para dito.5. Paglalahat Ano-ano ang bahagi ng kuwento? Ang mga bahagi ng kuwento ay pamagat, tauhan, tagpuan at banghay.6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin, p. 57. 109     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikatlong ArawLayunin Naisasagawa ang maayos na pagpapakilala ng ibang tao Nagagamit ang kami, tayo, kayo at sila sa usapan at sitwasyonPaksang-Aralin Gamit ng Kami, Tayo at SilaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Sabihin sa mga bata na ipakilala sa klase ang kasapi ng sariling pamilya sa pamamagitan ng pagkukuwento. Itanong: Ano-ano ang salitang ginamit sa pagpapakilala ng pamilya? 2. Paglalahad Paggawa ng quilt ng klase. Maghanda ng ginupit na papel na hugis parisukat. Bawat bata ay dapat may hawak nito. Bigyan nito ang bawat bata. Ipasulat ang kaniyang pangalan dito. Hayaang ipakilala ng bawat bata ang sarili sa klase. Matapos magpakilala, ipadikit sa kanila ang ginupit na papel sa isang malaking manila paper upang matapos ang quilt ng klase. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagpangkat-pangkatin ang klase. Gawin ang panuto sa Alamin Natin, p. 58. Bigyan ng sapat na oras ang pangkat upang mapaghandaan ang sagot dito. Pagtatanghal ng bawat pangkat. DRAFTPag-usapan ang mga usapan na napakinggan. Paano ipinakilala ang sarili sa ibang tao? Ang kaklase sa ibang tao? Paano maipakikita ang paggalang sa pagpapakilala? Kailan ginamit ang kayo? Sila? Kami? Tayo? 3. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 58April 10,2014Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang pangungusap. Patnubayan ang mga bata na nagkamali sa paggamit ng mga panghalip na tinalakay. 4. Paglalahat Kailan ginagamit ang tayo? Kayo? Kami? Sila? Ginagamit ang tayo at kami kung tumutukoy sa mga taong nagsasalaysay. Ginagamit ang kayo kung nauukol sa mga taong kinakausap. Ginagamit ang sila kung nauukol sa mga taong pinag-uusapan. 5. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 58. Kung handa na ang mga bata sa kanilang pangungusap, pabilugin ang mga bata. Balikan ang ginawang quilt ng klase. Tumawag ng isang “it” upang mamili ng kaklaseng tatawagin upang basahin ang ginawang pangungusap. Papikitin ang mata ng “it” at ipaturo ang ngalan ng tatawagin. Maaari rin namang lagyan ng piring ang mata ng bata. 110     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikaapat na ArawLayunin Nakasusulat ng talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksiyon sa isang paksa o isyuPaksang-Aralin Pagsulat ng TalataPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng isang talata na may mga mali ang pagkakasulat at pagkakabaybay. (Maaaring gumamit ng anumang talata na nagamit na sa mga nagdaang aralin o isang talata na hindi pa nababasa ng mga bata.) Ipabasa ito sa mga bata. Ano ang napansin mo sa talata? Ano-ano ang mali dito? 2. Paglalahad Ihanda ang tatlong card na may mga bilog na katulad nito. DRAFTApril 10,2014Isa, Dalawa, Tatlo…Sabihin sa mga bata na kapag ipinakita ng guro ang card na may isang bilog,mag-iisip nang nag-iisa ang bata ng sagot sa tanong na ibibigay.Kapag nakita ang dalawang bilog, hahanap ng kapareha at ibahagi sa kaniyaang sagot sa tanong.Kapag tatlo naman ang nakitang bilog, bumalik na sa upuan at humanda sapagbabahagi ng sagot sa buong klase.Itanong:Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahayninyo? Sa paaralan?Gamitin ang card para sa pagsagot ng mga bata. 111     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong muli. Ano ang mararamdaman mo kung isang araw hindi ka paglaruin sa bahay ninyo? Sa paaralan? Hayaang ibigay ng mga bata ang kanilang sagot sa tanong. Isulat sa pisara ang mga pangungusap na ibibigay ng bawat bata. Ipabasa ang mga pangungusap sa mga bata. Itanong: May gusto pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may idinagdag.) May gusto pa ba kayong alisin sa ating mga pangungusap? (Kung mayroon, itanong ang dahilan at kailangan itong alisin. Pag-usapan ng klase kung dapat o hindi nga dapat alisin.) Ano ang magandang pamagat ng ating talata? Ipabasa ang naisulat ng klase. Itanong: Paano isinulat ang pamagat? Paano inumpisahan ang talata? Pangungusap? Paano tinapos ang pangungusap? Ano-anong salita ang isinulat gamit ang malalaking letra? Maliliit na letra? Paano isinulat ang mga salita? Ano-anong bantas ang ginamit sa talata? Balikan muli ang talata na ipinabasa sa pag-uumpisa ng klase. Itanong: Paano natin ito itatama? DRAFTTumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipagawa ito sa pisara o papel kung saan nakasulat ang talata. Ipabasa muli ang talata. 4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabasa ang Alamin Natin, p. 59. Bigyan ang bawat pangkat ng sulatang papel. Pasulatin ang bawat pangkat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlongApril 10,2014pangungusap. Paksa: Bakit kailangang maglaro ang batang katulad mo? 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 59. Itanong sa mga bata: Ano ang larong nais mong matutuhan? Bigyan ng paliwanag ang pagpili nito. (Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang maisulat nila ito nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.) 112     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Maghanda ng mga salita na may kaugnayan sa tauhan, lugar, araw, bagay, at hayop. Isulat ang mga ito sa ilang roleta upang hindi magtagal ang mga bata sa paggamit nito. Gumawa ng isang bilog para sa tauhan, lugar, araw, bagay at hayop. (Magkakaiba ang laki ng mga bilog na ito.) Hatiin ito nang pantay-pantay at sapat upang maisulat ang mga salitang naunang inihanda. Pagpatung-patungin ang mga bagay at lagyan ng one-head fastener. Lagyan din ng panturo sa gitna . Ipakita ang Roleta ng mga Salita sa mga bata. Hayaang paikutin ito ng bata upang makakuha ng isang ngalan ng tao, lugar, araw, bagay, at hayop Ipagamit ang mga nakuhang ngalan sa pagpapaikot ng roleta upang makagawa ng isang talata. Subukang gamitin ang kami, tayo, kayo at sila. Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap. Ipabasa muli sa mga bata ang mga tanong na ginamit sa mga nagdaang aralin tungkol sa pagsulat ng talata. DRAFT(Bigyan ng puna ang isinulat na talata ng mga bata. Ibalik ang papel na may mga puna upang muling maisulat ng mga bata ang talata ayon sa patnubay ng mga puna na ito.) Aralin 16 Magsama-sama Tayo Lingguhang LayuninApril 10,2014Pag-unawasaNapakinggan Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanong Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyon Pag-unlad ng Talasalitaan Nakagagamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad ng sitwasyong pinaggamitan ng salita Pagsulat at Komposisyon Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinPaunang Pagtataya Maghanda ng isang tekstong babasahin sa mga bata. Maaari rin naman na magparinig ng isang balita sa radyo o kaya naman ay isang patalastas o drama. Kung wala pa rin ng mga ito, magparinig ng isang awit sa mga bata. Pag-usapan ang napakinggan ng mga bata sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga tanong. 113     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Obserbahan kung sino sa mga bata ang hindi makasagot sa mga tanong naibinigay. Gabayan sila upang maunawaan ang teksto na napakinggan atmaibigay ang tamang sagot sa tanong.Unang ArawLayunin Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng pamatnubay na tanongPaksang-Aralin Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang TesktoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipalarawan ang isang bahagi ng paaralan o ng silid-aralan. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pagandahin pa ito, ano-ano ang gagawin mo? 2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang malinis na papel. Itanong: Kung magkakaroon ka ng isang hardin, ano-ano ang nais mong ilagay dito? Pagawain ang bawat pangkat ng blueprint. Matapos ang inilaang oras, tawagin ang bawat pangkat upang ipakita ang ginawang plano ng kanilang hardin. DRAFTBasahin nang malakas ang kuwento. Si Mang Lino ay isang mabait na matanda. Mayroon siyang malawak na bakuran na maraming nakatanim na malalaking puno. May puno ng mangga, saging, tsiko, papaya at santol. Marami ring ibon ang tumitigil sa kaniyang bakuran. Palipad-lipad at umaawit pa ang mga ito. At madalas ay dumadapo sa mga puno.April 10,2014Pati mga bata ay dumarayo rin sa kaniyang bakuran. Gustong-gusto nilang maglaro dito. Tuwang-tuwa naman si Mang Lino na pagmasdan ang mga bata na nasa kaniyang hardin na tila paraiso. Isang araw, matagal nang naglalaro ang magkakaibigan, ngunit hindi pa rin siya lumalabas sa kaniyang bahay. Kaya’t naglakas loob ang magkakaibigan na katukin ang kaniyang pinto. May sakit pala si Mang Lino. Isa-isang lumabas ang magkakaibigan at humingi ng tulong sa kani-kanilang magulang. Nadala si Mang Lino sa ospital, naalagaan nang ayos at nakahigop ng mainit na sabaw. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ihanda ang Librong Parisukat. Gumupit ng isang papel at tupiin ang apat na dulo nito upang makagawa ng katulad ng nasa larawan. Sulatan ng bilang isa hanggang apat ang bawat sulok nito. 114     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Bigyan ng Librong Parisukat ang bawat pangkat. Ipagawa sa bawat pangkat: 1. Isulat sa labas na bahagi ng libro. a. Sa bilang 1, isulat ang pamagat ng kuwentong napakinggan. b. Sa bilang 2, isulat ang tagpuan ng kuwentong napakinggan. c. Sa bilang 3, isulat ang tauhan sa kuwentong napakinggan. 2. Isulat sa loob na bahagi a. Sa bilang 1, isulat ang unang pangyayari. b. Sa bilang 2, isulat ang suliranin. c. Sa bilang 3, isulat ang naging solusyon. d. Sa bilang 4, isulat ang naging katapusan ng kuwentong napakinggan. Pag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain. (Gabayan ang mga pangkat na hindi tama ang sagot upang masabi nila ang tamang sagot sa bawat bahagi ng parisukat.) Ipabasa ang mga tanong na nakasulat sa bawat metacard. Sino ang nagmamay-ari ng bakuran? Ano-ano ang makikita sa kaniyang bakuran? Sino ang tumitigil sa kaniyang bakuran? Ano ang ginagawa ng mga ibon sa kaniyang mga puno? Sino ang dumarayo sa kaniyang bakuran? DRAFTAno ang gustong-gustong gawin ng mga bata sa kaniyang bakuran? Ano ang nangyari kay Mang Lino? Paano siya gumaling? Tumawag ng ilang mga bata upang isalaysay ang napakinggang kuwento sa tulong ng mga ibinigay na tanong. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasang muli ang mga tanong. Ipahanda ang kagamitan sa Art. Gabayan ang mga bata na makagawa ng sarili nilang picture book ng napakinggang kuwento.April 10,2014Ipaalala sa kanila na magiging gabay nila ang mga tanong na nakasulat sa metacard. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk para sa mga natapos na picture book. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng ilang bata. Papiliin sila ng isang picture book na ginawa ng kaklase. Ipasalaysay ang napakinggang kuwento sa tulong ng aklat. Itanong sa ibang bata kung tama ang pagkakasalaysay niya ng kuwento. 115     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tekstong pang-impormasyonPaksang-Aralin Pagsagot sa mga TanongPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipaawit: “Magtanim ay Di Biro” Itanong: Bakit hindi biro ang pagtatanim? 2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Papunan ang organizer sa pamamagitan ng pagsulat ng mga bagay na kailangan sa pagtatanim. Maaaring magdagdag ang mga bata ng kahon kung kinakailangan. Kailangan sa   Pagtatanim  DR  AFT Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Talakayin ang mga sagot na ibinigay ng mga bata. Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa Alamin Natin, pp.59-60. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Maghanda ng dalawang malaking papel. Ipaskil ito sa pisara. Sulatan ngApril 10,2014NOON ang isang papel at NGAYON ang isa namang papel. Ipaguhit ang larawan noon at ngayon ng bakanteng lugar sa barangay sa inihandang papel sa pisara. Pag-usapan ang iginuhit sa NOON at NGAYON. Paano gumanda ang bakanteng lote? Tumawag ng ilang bata upang ipakitang kilos ang bawat hakbang. Itanong pagkakatapos magpakitang-kilos ang isang bata: Ano ang ginawa niya? Isulat ang sagot ng mga bata sa baitang ng isang hagdan. Ipaskil ito sa pagitan ng NOON at NGAYON. Panghuli… Sumunod … Pangalawa … Una … 116     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipabasa ang mga hakbang na isinulat sa pisara.   Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito? Ano-anong salita ang nagpapakita ng pagkakasunod-sunod na hakbang na isinagawa ng nagsasalita? Tumawag ng ilang bata upang maisalaysay ang nabasang teksto sa tulong ng mga sagot sa NOON at NGAYON. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa nang tahimik ang kuwento sa p. 60 at pasagutan ang mga tanong na kasunod nito. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Masasagot ang mga tanong tungkol sa binasa kung babasahin nang mabuti at nang may pang-unawa. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 61 Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang sitwasyong pinaggamitan ng mga salita sa pagtukoy ng kahulugan ng salita Paksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan ng mga Salita Panlinang na Gawain DRAFT1. Tukoy-Alam Saan ka nakatira? Ano-ano ang makikita rito? 2. Paglalahad Ano ang ibig sabihin ng bukid? Bigyan ang mga bata ng clay. Kung mayroon naman sila, ipakuha ito.April 10,2014Gamit ang clay, hayaang gumawa ang mga bata ng mga bagay na nakikita sa bukid. Pagpapakita ng natapos na bagay mula sa clay. Itanong: Nakikita ba ito sa bukid? Pagsama-samahin ang mga bagay na nabuo sa clay upang makagawa ng larawan ng isang bukid. Ano ang bukid? Ipagamit ang salita sa sariling pangungusap. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Ano ang ibig sabihin ng bukid? Ipagamit ito sa sariling pangungusap. Basahin ang pamagat ng tula. Tungkol saan ang tula? Basahin nang malakas ang tula sa mga bata. (Sabihin sa mga bata na sundan ito nang tahimik gamit ang kopya ng tula na nasa p. 62.) Tumawag ng ilang bata upang basahin ito nang malakas. 117     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Balikan ang mga hula na ginawa bago basahin ang tula. Tama ba ang mga ito? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasang muli ang tula sa mga bata. Ipapikit ang mata ng mga bata upang ma-visualize nila ang sinasabi sa tula. Itanong: Saan nais tumira ng nagsasalita sa tula? Paano inilarawan ang bukid sa unang taludtod? Paano binigyang-kahulugan ang palay sa tula? Anong salita ang pinatutungkulan ng pariralang/dalawang salitang walang amoy? Paano masasabing malinis ang tubig? Ano ang kahulugan ng sariwang prutas sa tula? Paano binigyang kahulugan ang mga salitang nakasalungguhit sa tula? Ikaw, nais mo rin bang tumira sa bukid? Bakit? Ipabasang muli ang tula. Tanungin ang mga bata kung may mga salita na hindi nila maunawaan. Linangin ang mga salitang sasabihin ng mga bata. Paano mo nasabi ang kahulugan ng mga salitang hindi nauunawaan ng kaklase? Ano-ano ang salitang may salungguhit sa tulang binasa? Ano ang ibig sabihin ng bawat isa? Itala at ipabasa sa mga bata ang kanilang sagot.DRAFTPaano mo nasabi ang kahulugan ng bawat isa? 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa at pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 62. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Maaaring makapagbigay ng kahulugan ng salita sa pamamagitan ng sitwasyong pinaggamitan.April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 63.Ikaapat na Araw  Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinPaksang-Aralin Pagbabaybay ng mga SalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magsagawa ng paligsahan sa pagbabaybay sa loob ng klase. Gamitin ang mga salitang natutuhan ng mga bata sa mga nagdaang aralin. Bigyang-halaga ang nanalo sa paligsahan. Sabihin nang dalawang beses ang salita. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na maisulat ito. 118   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Sabihin muli ang salitang ipinababaybay. Ipataas ang papel na pinagsulatan ng mga bata ng kanilang sagot. Tingnan kung sino-sino ang tama, sino-sino ang mali. Bigyan ng puntos ang mga may tamang pagkakabaybay ng salita. Tumawag ng bata upang isulat ang salita sa pisara. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang nakasulat sa pisara. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang tula sa p. 62. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Takpan ang ilang salita sa tula. Ipabasang muli ang tula. Ano-ano ang salitang nawawala sa tula? Ipasulat ito sa pisara. Ipabasa ang isinulat sa ibang bata. Tama ba ang kaniyang pagkakabaybay? Tanggalin ang takip ng salitang pinahuhulaan upang malaman kung tama o mali ang mga bata. Gawin ito sa iba pang salita sa tula. 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng mga card ng mga salitang natutuhan sa mga nagdaang aralin. DRAFTTiyakin na ang ibang salita ay mali ang pagkakabaybay. Ipabasa ang mga salita. Sabihin sa mga bata na isulat ang OK sa kanilang show-me-board (SMB) kung tama ang pagkakabaybay nito. Kung mali naman, ipasulat sa kanilang SMB ang wastong pagkakabaybay ng salitang ipinakita. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipabaybay ang sumusunod na salita.April 10,20141. kaibigan 2. bakuran 3. pamayanan 4. tahanan 5. barangayIkalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Basahin ang teksto upang masagot ang mga tanong tungkol dito.  Ang Guro Dolorosa S. de Castro  Maagang gumising si Anthony. Suot ang kaniyang pinakamaganda atpinakabagong damit, agad silang umalis ng kaniyang tatay. 119     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Pagdating sa Bulwagan ng Kagitingan, sinamahan sila ng isang babae saupuang nasa unahan ng malaking entablado. Ilang saglit pa ay nagsimula na angpalatuntunang kaniyang pinanabikan. Malakas na palakpakan ang kaniyang narinig nang tawagin ang “AnthonyBeltran.” Ito na ang pagkakataong kaniyang hinihintay. Taas-noo siyang umakyat ngentablado at nagsimulang magsalita. “Hindi naging hadlang ang paagkakaroon ng kapansanan upang marating koang mga pangarap sa buhay. Bulag man ako, nagkaroon ako ng maraming mata. Mgataong nakapaligid sa akin na nagsilbing aking inspirasyon. Una, ang aking mgamagulang, na laging nasa tabi ko. Hindi nila hinayaan na matalo ako ng paminsan-minsan kong pagkaawa sa sarili. Nariyan din ang aking guro, si Titser Ruby.Pinaniwalaan niya ang mga kakayahan ko. Tinulungan niya ako na malinang angaking talino at talento na naging susi sa tagumpay na mayroon ako ngayon. Sa kanilako natutuhan na, sa kabila ng aking mga kahinaan, may mga kalakasan pa rin akongtaglay na magagamit ko upang maging matagumpay at matulungan ang mga tao sapaligid ko. Ako ay ako ngayon, dahil sa inyo, Tatay at Titser Ruby, maramingsalamat po. Para sa inyo po ang aking tagumpay.” Inimbitahan niya ang kaniyang tatay at si Titser Ruby na samahan siya saentablado. Buong pagmamalaki niyang ipinakilala ang mga espesyal niyang guro.Malakas na palakpakan ang muli niyang napakinggan habang pinapahid ang luha naDRAFTunti-unti nang pumapatak sa kaniyang mga mata.April 10,2014 120     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Sagutan ang sumusunod na tanong na makikita sa loob ng bilog. Ano ang Saan naganap pamagat ng ang kuwento? kuwento?Ano ang aralng kuwento?Ano ang huling Sino-sino angpangyayari? tauhan?DRAFTAno ang solusyon? Ano ang unang nangyari? Ano angApril 10,2014suliranin?* Bigyan ang mga bata ng kopya nito.   121   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3              Aralin 17 Magtulungan TayoLingguhang LayuninPag-unawa sa Pakikinig Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbangGramatika Nagagamit ang kami, tayo, kayo at silaPalabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkasKaalaman sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhan at tagpuanPag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng pamatnubay na tanongPaunang Pagtataya Kumpletuhin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagsulat ng kami, sila tayoo kayo. Sina Tinoy, Miguel, Lito, Nonong, at ako ay pupunta sa ilog. DRAFT____ay tutulong sa pag- aalis ng mga basura. “_____ ba ni Tinoy ang magdadala ng kalaykay?” ang sabi ni Miguel kay Lito. “Oo magdadala ____ ng kalaykay,” tugon ni Lito. “____nang tumulong sa ating kabarangay na maglinis ng ating ilog. ____ ay nauna na sa atin na pumunta doon ,” ang sabi ni Nonong.April 10,2014“Oo nga, sumunod na tayo sa kanila. Madaling matatapos ang paglilinis kapag tulong-tulong ____.”Unang ArawLayunin Nakasusunod sa panutong may dalawa hanggang tatlong hakbangPaksang-Aralin Pagsunod sa PanutoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Laro: Kapit-kamay Kaibigan Hatiin sa apat na pangkat ang mga mag-aaral. Sabihin sa mga bata na kailangan nilang mag-unahang makagawa ng pinakamahabang linya gamit ang mga suot sa katawan at iba pang bagay na makikita sa loob ng silid-aralan. 122     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Kapag sinabi ng guro ang SIMULAN, ang lahat at magsisimulang gumawa nglinya. Kapag sinabi ng guro na TIGIL, kailangang huminto na ang bawatpangkat.Tapusin ang gawain sa loob ng 8 minuto.Itanong:Ano ang naramdaman ninyo habang isinasagawa ang gawain?Ano ang nagtulak sa inyo upang makabuo ng linya?Anong kaalaman ang natutuhan ninyo?2. PaglalahadIpakita ang ilang babala (traffic signs) na makikita sa kalsada.Ano ang gagawin mo kapag nakita ito?3. Pagtalakay at PagpapahalagaIpagawa sa mga bata ang sumusunod. Bigyan ng oras sa pagsasagawa nito.(Ito ay nakadepende sa kakayahan ng iyong mag-aaral)1. Hatiin ang isang papel sa apat na bahagi. Lagyan ng guhit ang bawat tupi.2. Isulat ang bilang isa hanggangg apat sa bawat kahon.3. Iguhit sa unang kahon ang ginagawa ng inyong pamilya tuwing araw ngSabado.4. Isulat sa ikalawang kahon ang pangalan ng bawat kasapi ng pamilya.Guhitan ang pangalan ni Bunso.DRAFT5. Sa ikatlong kahon, iguhit ang mga ginagawa ninyong magkakaklase nang tulong-tulong sa paaralan.6. Sa ikaapat na kahon, isulat ang iyong pangalan. Bilugan ito.Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng bawat bata ang kanilangnatapos sa kaklase. Gamitin ang card ng Isa, Dalawa, Tatlo… na nasa p, 111.Pagtalakayan ang sagot sa bawat kahon.4. Pagpapayamang Gawain Masunurin ka ba? 1April 10,2014Hindi 2 3 45 Hindi ko Nakasunod Nakasunod NakasunodPagsunod ako nasunod ako sa mga ako sa ako sasa Panuto nakinig ang mga panuto pero lahat ng lahat ng nang panuto. lagi akong panuto at panuto. mabuti Lagi kong nagtatanong natapos ko Natapos sa tinitingnan sa aking sa takdang ko sa ibinigay ang guro o oras. takdang na trabaho ng kaklase ng oras at panuto iba. gagawin. nakatulong kaya pa ako sa hindi ko iba kong ito kaklase. nagawa.Ano ang naging puntos mo? 123     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ano ang ibig sabihin nito? Bakit kaya naging ganito ang iyong puntos?5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?6. Karagdagang Pagsasanay Paano mo mababago o mapapanatili ang iyong puntos sa natapos na rubric? Ipabakat ang isang kamay sa malinis na papel. Ipagupit ito. Sa palad ng kamay na ginupit, isulat ang iyong pangako. Sundan ang format: Mula ngayon, para makasunod ako sa mga panuto _________.Ikalawang ArawLayunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto na may tamang pagkakasunod-sunod (sa tulong ng pamatnubay na tanong) Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkasPaksang-Aralin Pagsasalaysay Muli ng Nabasang KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Laro : Ikilos Mo at Huhulaan Ko Maghanda ng isang kahon na kinalalagyan ng mga metacard na may sulat ng DRAFTngalan ng katulong sa pamayanan. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ang bawat pangkat ay pipili ng isang kasapi na magsasakilos ng gawain ng katulong ng pamayanan na bubunutin sa kahong hawak ng guro. Mag-uunahan ang bawat pangkat sa pagsasabi kung sino sa mga katulong ng pamayanan ang inilalarawan.April 10,2014Ang pangkat na may pinakamataas na puntos ang panalo. Itanong: Madali ba ninyong natukoy ang tamang sagot? Sino-sino ang katulong ng pamayanan na pinahulaan? Ano ang naramdaman ninyo habang naglalaro? Paano ninyo natukoy ang tamang kasagutan? 2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento: “Si Arnold Magpapandesal.” Bago ipabasa ang kuwento, pagbigayin ng katanungan ang bawat mag-aaral na nais nilang masagot. Gabayan ang mga bata upang magawa ng tanong. Halimbawa: Sino-sino ang bumili ng pandesal kay Arnold? Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 64 - 65. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang ibinigay na tanong ng mga bata bago basahin ang kuwento. Pasagutan ito sa mga mag-aaral. Gawin ang “Itanong Mo, Kuwento Ko.” 124     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Bago magsimula ang klase,ihanda ang mga tanong sa istrip ng papel.Idikit ito sa isang malaking filmstrip.Ano ang unang Sino ang una Ano ang Sino-sino ang Sino ang huli ginawa ni niyang naging bonus iba pa niyang niyang Arnold? pinuntahan? pinuntahan? niya? pinuntahan?Bakit natigilan Ano ang Paano nagtapos Ano ang si Arnold? sumunod na ang kuwento? natutuhan sa nangyari? kuwento? Ipasuri ang mga pangungusap. Inilabas ni Aling Celia, ang pinuno ng barangay, ang kaniyang pinunong alkansiya para idagdag sa pambili ng mga papremyo. May pitong makukulay na pito na binili para sa mga barangay tanod. Nakakita si Mark ng lumang pako sa may taniman ng pako. Itanong: Ano ang magkatulad na salita sa unang pangungusap? Pangalawang DRAFTpangungusap? Pangatlong pangungusap? Paano sila nagkatulad? Ano ang ibig sabihin ng unang pinuno? Pangalawang pinuno? Unang pito? Pangalawang pito? Unang pako? Pangalawang pako? Pagbigayin ang mga bata ng pares ng salita na magkaiba ang bigkas pero iisa ang baybay. Ipagamit ang mga ito sa pangungusap. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 65- 66. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 66. Gabayan ang mga bata sa paggawa ng album sa loob ng klase. Magbigay din ng sapat na oras upang matapos ang gawain.Ikatlong Araw  Layunin Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at silaPaksang Aralin Gamit ng Kami, Tayo, Kayo at SilaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang kami, tayo, kayo, at sila. Isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata. 125   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa sa bawat pangkat. Pangkat 1 – Gumawa ng isang simpleng saranggola. Pangkat 2 – Magpaguhit sa mga bata ng hugis ng saranggola na nais nila. Pangkat 3 – Kulayan ang ibibigay na saranggola. Pangkat 4 – Ipakitang kilos kung paano magpalipad ng saranggola. Pagpapakita ng pangkat ng natapos na gawain. Ipabasa “Ang Lihim sa Likod ng Saranggola” sa Alamin Natin, p.67. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang lihim ng saranggola? Sino-sino ang mga nag-uusap? Ilarawan ang bawat tauhan sa usapan. Dapat ba silang pamarisan? Bakit? Bakit hindi? Ano ang pinag-uusapan nila? Bakit maganda ang saranggola? Ipabasang muli ang usapan. Tutukuyin ang mga salitang may salungguhit. Itanong: Sino ang tinutukoy ng kayo? Sila? Kami? Tayo? Paano at kailan ito ginagamit? Balikan ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata sa pag-uumpisa ng klase. DRAFTIpasuri sa mga bata kung tama ang pagkakagamit ng kayo, sila, kami, at tayo. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang tanong at gawain sa Linangin Natin, p. 68. Matapos ang nakalaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang natapos na gawain. Bigyang halaga ang ginawa ng bawat pangkat. 5. PaglalahatApril 10,2014Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 67 - 68.Ikaapat na ArawLayunin Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa tauhanPaksang-Aralin Ang mga Tauhan sa KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Basahan nang malakas ang mga bata ng isang kuwentong hindi pa nila naririnig. 126     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Maaaring gamitin kung ano ang mayroon ang guro, sa silid-aralan, sa silid- aklatan. Tutukuyin ang mga tauhan ng napakinggang kuwento.2. Paglalahad Ipabasang muli “Si Arnold Magpapandesal” at “Ang Lihim sa Likod ng Saranggola.”3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ihanda ang organizer para sa pagtalakay ng mga binasang kuwento.Pagkakaiba PagkakaibaSi Arnold Magpapandesal Ang Lihim sa Likod ng Saranggola Pagkakapareho DRAFT Ipatapos ang organizer sa bawat pangkat.April 10,2014Pag-uulatngbawatpangkat. Pag-usapan ang pagkakaiba/pagkakapareho ng dalawang kuwentong binasa. Sino sa mga tauhan ang nais mong tularan?Pangatwiranan ang sagot. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, pp. 68 - 69. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, pp. 69 - 70. Ipasulat sa kanang pakpak ang pamagat at mga tauhan ng isang kuwentong nabasa. Sa kabila namang pakpak isulat ang pamagat at mga tauhan ng ikalawang kuwento. 127     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya A. Alin sa mga larawan ang tumutukoy sa mga salitang may salungguhit sa bawat pangungusap? Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang sagot.a. b. c. d.DRAFTe. h. f. g. 1. Sa tindi ng pagbayo ng bagyong Yolanda maraming puno ang bumagsak. 2. “Anak kunin mo nga ang paso, maglilipat ako ng mga halaman.” 3. Masayang naglalaro si Arthur gamit ang kaniyang bagong kapa. 4. Nanalo sa takbuhan ni Paul dahil siya ay nakapaa.April 10,20145. Nakiisa sa panawagan ng pangulo ang masa. B. Punan ng kami, tayo, kayo, o sila upang mabuo ang diwa ng pangungusap. 6. Balak ng pamilya Zuñiga na magbakasyon sa Romblon. ____ nais ninyo bang sumama? 7. “Gusto namin, kaya lang pupunta ______ bukas sa Maynila.” 8. “Sayang! Mas masaya sana kung sama-sama _____.” 9. “Sa susunod na lang. Tanungin mo sina Amie, balita ko pupunta rin ____ .” 10. “Ganoon ba. Tatawagan ko_____ ngayon. Salamat.”Basahin nang mabuti ang bawat panuto simula bilang 11hanggang 20. Gawin kungano ang hinihingi nito. 11. Gamitin ang likurang bahagi ng sagutang papel sa pagsagot. 12. Sabihin ang: “Magandang umaga.” 13. Lagyan ng tsek (/) ang kanang bahagi ng sagutang papel. 14. Lumundag ng tatlong beses habang sumisigaw ng Yehey! 128     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 15. Kantahin ang “Lupang Hinirang” nang may pagmamalaki.16. Gumuhit ng tatlong bituin.17. Tingnan kung nagawa na ng mga kasapi sa pangkat ang ika-11 hanggang ika- 16 na panuto.18. Sabihin sa katabi na “Kaya mo iyan!”19. Isulat ang: “Mabuhay! Tunay na henyo ka.”20. Matapos mong mabasa ang lahat ng ito, isulat ang iyong pangalan sa kahit saang bahagi ng sagutang papel.Aralin 18Damdamin, Igalang Natin Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento Gramatika Nagagamit ang panghalip na kami, tayo, at kayo sa usapan at sitwasyon Kamalayang Ponolohiya Nahahati nang pabigkas ang isang salita ayon sa pantig Palabigkasan at Pagkilala sa mga Salita Nababasa ang mga salitang may klaster Pag-unlad ng Talasalitaan DRAFTNapagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng magkasingkahulugan at magkasalungat na salita Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang hiram Estratehiya sa Pag-aaralApril 10,2014Nabibigyang-kahulugan ang dayagram Paunang Pagtataya Basahin ang kuwento na nakasulat sa isang malinis na papel. (Siguraduhing malaki ang pagkakasulat ng mga salita upang mabasa ito ng lahat). Ipasipi ang mga salitang may klaster. Ipasulat ang sagot sa sagutang papel. Tumbang Preso Dolorosa S. de Castro “Cleto! Cleto! Cleto! Maglaro na tayo,” wika ni Trining. “Sandali lang magpapaalam lamang ako kay Nanay,” sagot ni Cleto samga kalaro. “Nanay, makikipaglaro lamang ako kina Trining, ” paalam niya sa Ina. “Sige pero huwag kang magtatagal, kakain na tayo ng hapunan,” bilin ngIna. “Ano ba ang lalaruin natin?” tanong ni Cleto sa mga kaibigan. 129     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  “Ano pa? E di tumbang preso,” sagot ni Brille. “Uy! Masaya yan.Ako na lamang ang taya,” wika ni Cleto. “Pung!” Natamaan ni Brille ang lata. Sabay takbo. Maliksing naitayo ni Cletoang lata at mabilis na nahabol si Brille. “Taya!” hinahapo-hapong sabi ni Cleto. “Pung!” Natamaan ni Cleto ang lata. “Pung!” Natamaan ni Trining ang lata. Habol dito habol doon ang ginawa niBrille subalit talagang maliliksi ang kaniyang mga kaibigan. Matapos ang isang oras, kahit gustong-gusto pa niyang maglaro,nagpaalam na si Cleto sa mga kaibigan sabay sabing, “Bukas uli ha?”Ipabasa sa mga bata ang kuwento.Tumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang naitala.Isulat sa pisara ang mga salita.Tama ba ang sagot ng bawat isa?Unang ArawLayunin Nasasagot sa mga tiyak na tanong sa kuwento Naibibigay ang mensahe ng napakinggang kuwentoDRAFTPaksang-Aralin Pagbibigay ng Mensahe ng Napakinggang KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-alam Ipakuha ang water color ng bata. Ano ang magiging kulay kapag pinagsama angApril 10,2014Pulaatasul(lila) Pula at dilaw (kahel) Berde at asul (blue green) Pula at berde (brown) Asul at dilaw (berde) Tingnan kung nakukuha ng mga bata ang tamang kulay. 2. Paglalahad Ipapikit ang mga mata ng mga bata. Sabihing pumasok sa isang kuwarto na ang mga bagay ay walang kulay. Gusto mo ba dito? Bakit ? Basahin nang malakas ang kuwento sa mga bata. May Magic ang Basahan Angelika D. Jabines Matagal nang hindi bumibisita sina Nando sa bahay nina Lola Maring. (Itanong: Bakit kaya walang bumibisita sa bahay nina Lola Maring? ) 130     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Bukod sa nag-aaral kasi silang magkakapatid ay malayo ang probinsiya ni Lola Maring. Ngunit, isang araw ng bakasyon, dinala ni Nanay Rosa si Nando sa bahay nina Lola Maring . (Itanong: Bakit kaya siya rinala dito? ) Siyempre excited si Nando. Tiyak masasarap ang pagkain at higit sa lahat makapaglalaro siya buong maghapon. Pagpasok niya ng pintuan ng bahay ni Lola Maring biglang nalungkot si Nando. (Itanong: Bakit kaya siya nalungkot?) Saan man siya tumingin, sa kanan , sa kaliwa, sa itaas, sa ibaba, kahit saan. Kahit aling bagay ay walang kulay. Nakakalungkot talaga. (Itanong: Bakit kaya walang kulay? Napaupo na lamang siya sa isang sulok. At sa sobrang lungkot hindi niya napansin na tumulo na pala ang kaniyang luha. Dali-dali niyang pinunasan ang patak ng kaniyang luha dahil sa takot na makita ito ng kaniyang Nanay. Pero laking gulat niya! (Itanong: Bakit siya nagulat?) May lumabas na kulay sa pagpunas niya ng ibabaw ng mesa. (Itanong: Ano kaya ang sumunod niyang ginawa?) Dali-dali siyang naghanap ng basahan, tubig at sabon. (Itanong: Ano ang DRAFTgagawin niya?) Punas dito, punas doon, punas kahit saan. Salamat nagkaroon na rin ng kulay ang kaniyang paligid. Tiyak magiging masaya na rin ang kaniyang pagbabakasyon. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Saan naganap ang kuwento? Sino-sino ang tauhan? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento?April 10,2014Ano ang nangyari sa unang araw ni Nando sa bahay ni Lola Maring? Gusto mo bang magbakasyon sa bahay ni Lola Maring? Bakit? Anong katangian ni Nando ang ipinakita sa kuwento? Kung ikaw si Nando, magpupunas ka rin ba ng mga gamit sa bahay? Ano kaya ang naramdaman ng lola at ng Nanay at ni Lola Maring? Talakayin sa klase ang tungkol sa kuwentong narinig. Bakit malungkot si Nando? Ano ang katangian ni Nando na dapat nating taglayin? 4. Pagpapayamang Gawain Ipaguhit sa mga bata ang isang bahagi ng bahay na paborito niya. Pakulayan ito. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at ipaliwanag kung bakit ito ang kanilang iginuhit. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 131     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 6. Karagdagang Pagsasanay Sumulat ng dalawang pangungusap kung paano ka magiging malinis sa bahay. Ipabasa sa ilang bata ang naisulat na pangungusap. Bigyang-puna ang mga pangungusap. Ibalik ito sa mga bata upang muli nilang maisulat nang isinasaalang-alang ang mga punang ibinigay.Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong nabasa Nababasa ang mga salitang may klaster Naibibigay ang kasingkahulugan at kasalungat na kahulugan ng mga salitaPaksang-Aralin Mga Salitang may KlasterPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Nagkaroon na ba kayo ng plano na hindi natuloy? Ano ang nangyari at hindi ito natuloy? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng karanasan. 2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento, “Muntik nang Hindi Matuloy.” Pag-usapan ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya muntik nang hindi matuloy ang kuwento? DRAFTIsulat ang hula ng mga bata gamit ang prediction chart. Hula Ko Tunay na NangyariApril 10,2014Ipabasa ang kuwento na nasa Alamin Natin, p. 70 – 72.3. Pagtalakay at PagpapahalagaBalikan ang mga hula na ibinigay bago basahin ang kuwento.Tama ba ang mga ito?Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento?Isulat ang mga sagot sa tamang kolum.Ano-ano ang salitang hindi naunawaan sa binasang kuwento?Isulat ang mga ito sa pisara sa paraang:Salitang Hindi Salitang SalitangMaunawaan Kasingkahulugan Kasalungat 132     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Basahin ang mga salitang hindi maunawaan. Linangin ang bawat salita sa talaan. Ano ang kasingkahulugan ng salitang ito? Kasalungat? Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap. Ipabasang muli ang kuwento. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sumusunod. (Bigyan ang bawat pangkat na mabubuo ng isang gawain.) Gawain I Ibigay ang hinihingi.Sino?Kailan? Pamagat Saan? ng Kuwento Bakit?DRAFTAno?Bituin ng Kuwento Gawain 2 Gumawa ng puppet para sa bawat kasapi ng mag-anak sa kuwento. Gamitin ang carboard, yarn, plastic na baso. Isulat sa baso ang pangalan ng bawat miyembro ng pamilya.April 10,2014(Inaasahang Produkto ng Pangkat) 133     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Gawain 3 Gumawa ng name tag para sa bawat ngalan ng mga larawan na nasa kuwento. (Pabalikin ang mga bata sa kanilang upuan matapos ang inilaang oras para sa dalawang gawain. ) Itanong: Ano-ano ang bahagi ng kuwentong binasa? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.) Tungkol saan ang kuwento? Bakit nalungkot ang mga bata? Paano napawi ang kanilang lungkot? Saan sila nagpunta matapos magawa ang dyip nila? Ano-anong katangian ang ipinakita ng bawat tauhan sa kuwento? Dapat ba silang tularan? Paano? Sino-sino ang bumubuo sa mag-anak sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.) Ano-ano ang ngalan ng mga larawan na nasa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.) Ipabasa sa mga bata ang mga salitang isinulat sa Gawain 2 at 3. Ano ang napansin sa mga salita? Halimbawa: Troy Ipabasa ang salita.DRAFTIpapantig ang salita. Ilang pantig ang bumubuo dito? Itanong: Ano-anong letra ang bumubuo sa salita? Alin-alin ang katinig? Patinig? Pansinin ang unang pares ng letra sa simula ng ngalan. Anong uri ng letra ang mga ito? Ano ang tunog ng t? R? Ano ang nangyari sa tunog ng dalawang letra nang pagsamahin sila sa isangApril 10,2014pantig? Ano ang tawag sa mga salitang ito? (Gawin ang proseso sa iba pang salita mula sa talaan. ) Kapag natapos na ang halos lahat ng salita, ipabasa muli ang mga salita. 4. Kasanayang Pagpapayaman Pasagutan ang mga gawain sa Linangin Natin, p. 72. 5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Ang klaster ay binubuo ng dalawang magkasunod na katinig sa loob ng isang pantig. Kailan nagiging magkasingkahulugan/magkasalungat ang mga salita? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipahanap at ipasipi ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon na makikita sa Pagyamanin Natin, p. 73. (plantsa, trak, klinika) 134     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikatlong Araw   Layunin Nagagamit ang kami, tayo, kayo, at sila sa usapan at sitwasyon Paksang-Aralin Gamit ng Kami, Tayo, Kayo, at Sila Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pasagutan sa mga bata. Isulat ang kami, tayo, kayo at sila sa angkop na pangungusap. Ako at ang aking mga kaibigan ay pupunta sa plasa. ____ ay maglalaro doon. Si Kuya Eddie at Tatay Rogel ay nasa likod bahay. ____ ay gumagawa ng saranggola. “ Tara na sa ilog at maligo _____ roon,” ang sabi ni Malou sa kaniyang mga kaibigan. “_____ na lang ang magpunta sa palengke. Hindi na ako sasama,” ang wika ni Kathy sa Nanay at kapatid niya. Ipabasa ang mga pangungusap. Pasagutan ito nang pabigkas at isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. DRAFT2. Paglalahad Balik-aralan ang mga pangyayari sa kuwentong “Muntik nang Hindi Matuloy.” Ipakita ang pinalaking mga larawan mula sa kuwento. Tutukuyin ng mga bata ang pangyayari/mga pangyayari sa kuwento na may kinalaman sa larawan. Ipabasa ang mga pangungusap sa Alamin Natin, p. 74. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong:April 10,2014Sino ang nagsabi ng unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Kanino kaya sinabi ang unang pangungusap? Pangalawa? Pangatlo? Pang- apat? Ipabasa ang mga salitang may salungguhit. Sino ang tinutukoy ng kayo? Tayo? Kami? Sila? Kailan ginagamit ang kayo? Tayo? Kami? Sila? Balikan ang mga pangungusap sa paunang pagtataya. Ipabasang muli ang mga ito. Sabihin kung tama o mali ang pagkakagamit ng kayo, tayo, sila at kami. 4. Pagpapayamang Gawain Papunan ng kami, tayo, kayo at sila ang usapan sa Linangin Natin, p. 75.   5. Paglalahat Kailan ginagamit ang kami? Tayo? Sila? Kayo? Ang kami ay pamalit sa ako at mga kasama. Ang kayo ay pamalit sa ikaw at mga kasama. Ang tayo ay pamalit sa akin at mga kasama. 135     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ang sila ay pamalit sa siya at mga kasama.6. Karagdagang Pagsasanay Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang panuto sa Pagyamanin Natin p. 75.Ikaapat na ArawLayuninNababaybay nang wasto ang mga salitang hiramNagagamit ang kaalaman sa pagbabaybay upang maisulat ang salita nang wastoPaksang-AralinPagsulat at Pagbabaybay ng mga Salitang HiramPanlinang na Gawain1. Tukoy-alamIlagay ito sa tsart.Ipagawa : Unahan Tayo!Pagpangkat-pangkatin ang klase. Pabilugan ang may tamang baybay.(Sabihin sa mga bata na ito ay gagawin sa pamamagitan ng paligsahan.)Miercoles Mierkoles Miyerkules Miyerculesatencion attensyon atension atensyonViernes Viernez Biyernes BiernesmeriendaDRAFT(Ang pangkat na may pinakamaraming puntos ang panalo)miryendamiryindameryenda zapatozzapatos sapatoz sapatosPagpapakita ng bawat pangkat ng kanilang mga sagot.Ipabasa ang mga salitang tama ang pagkakabaybay.2. Paglalahad Ipagawa ang Alamin Natin, p. 76. Ipabasa ang mga salitang nasa roleta. (Maaaring dagdagan pa ng ilan pangApril 10,2014salitanghiram.)                                                                                                           Linangin ang bawat salita sa roleta sa pamamagitan ng pagkuha sa mga dating kaalaman/karanasan ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tumawag ng bata upang magpaikot ng roleta. Ipabasa ang tinapatang salita. Ipagamit ito sa sariling pangungusap. Isulat ang mga pangungusap sa pisara. 136   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipabasa ang mga pangungusap. Itanong: Ano ang napansin sa mga salita sa roleta? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito binaybay? Alin-alin ang mabuti sa ating katawan? Alin-alin ang hindi? Pangatwiranan ang sagot. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 75. Basahin sa mga bata nang malakas. Sosorpresahin namin si Lola Susan. Birthday niya kaya’t ibinili namin siya ng cake. Pagdating naming doon, sa may gate pa lamang , dinig na namin ang lakas ng tugtog ng kaniyang radyo. Maraming pagkain sa mesa. At sa gitna nito ay may lechon pa. Kami at hindi si Lola ang nasorpresa. Ipasulat sa pisara ang mga salitang hiram na napakinggan. Tingnan kung tama ang kanilang pagkakabaybay. Kung mali, tulungan ang bata na makuha ang tamang pagkakabaybay sa pamamagitan ng dahan-dahang pag-uulit ng mga salita. 5. Paglalahat Paano binabaybay ang mga salitang hiram? Maaaring panatilihin ang orihinal na baybay ng salitang hiram. DRAFT6. Karagdagang Pagsasanay Ipakuha ang gamit ng mga bata sa Art. Ipabasa ang Pagyamanin Natin, p. 75. Pagawain ang bawat isa ng Picture Dictionary ng mga Salitang Hiram. Ikalimang ArawApril 10,2014PanlingguhangPagtataya A. Punan ang patlang ng kayo, tayo, sila at kami. 1. “Ikaw, si Myrna at si Janet ay dapat pumunta sa silid-aklatan. Magsaliksik ___ doon ng tungkol sa Rehiyon II.” 2. Sina Iking, Erik at Fermin ay pumunta sa gym. ____ ay mag-eensayo para sa darating na liga ng basketball. 3. Sina Ramon at Honesto ay dadalo sa pansangay na pagsasanay sa paggawa ng diyaryo sa Filipino samantalang ______ naman ay Ingles. 137     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  B. Bumuo ng 5 salitang may klaster sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga pantig na nasa loob ng kahon. tra ma pa yek so ra dya di ko to to ka pro ket gu le ba re gro ba ma la ho ma kli C. Babasahin ng guro ang talata nang malakas sa mga mag-aaral. Ipaguhit ang mensahe ng kuwentong narinig. Tasahin ito gamit ang nakalakip na pamantayan. Madilim-dilim pa ay pumapadyak na si Mang Allan. Pag-uwi niya sa bahay, masayang naghihintay ang kaniyang mga anak at asawa upang pagsaluhan ang masarap na hapunang inihanda ni Aling Jenny, ang kaniyang DRAFTmaybahay .April 10,2014 138     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Aralin 19   Magkuwentuhan Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang teksto Wikang Binibigkas Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan Gramatika Nagagamit ang panghalip bilang pamalit sa pangngalang nito, niyan, noon, at niyon Kamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salita Pag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento Komposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa kapaligiran Paunang Pagtataya DRAFTA. Piliin ang ang angkop na panghalip sa mga may salungguhit na salita sa bawat pangungusap. 1. Mag-ingat ka sa paggamit ng kutsilyo baka ka masugatan. (nito, niyan, niyon). 2. Edna, ‘ buti may pantasa ka. Puwede bang makahiram (nito, niyan, niyon)? B. Palitan o dagdagan ang unahan o hulihang pantig ng salitang may salungguhit upang makabuo ng bagong salita 3. Anong salita ang mabubuo kapag idagdag mo ang pantig na /ma/ sa unahan ng salitang laki?April 10,20144.Anong bagong salita ang mabubuo kapag idadagdag mo sa hulihan ng salitang tala ang pantig na /ba/? C. Isulat ang wakas. 5. Naglalakad pauwi ng bahay si Galileo. Biglang bumuhos ang malakas na ulan. Unang Araw Layunin Naiguguhit ang mensahe ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagtukoy sa Mensahe ng Kuwento Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magparinig ng ilang tunog mula sa mekanikal na bagay/sasakyan/kalikasan. Halimbawa : sirena ng ambulansiya, kulog, tunog ng alarm clock Itanong: Ano ang mensahe ng bawat tunog na napakinggan? 139     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Magpakita ng isang trumpo. (Maaaring tunay na bagay o larawan ang gamitin.) Itanong ang nalalaman ng mga bata tungkol dito. Tumawag ng bata upang ipakita kung paano ito laruin. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas. Araw ng Sabado. Walang pasok sa eskuwela. Matapos tumulong sa mga gawain sa bahay, nagpaalam si Roy sa kaniyang Nanay upang pumunta sa bahay nina Rogel. (Itanong : Pinayagan kaya siya? Alamin ang hula ng mga bata.) (Magpatuloy ng pagbasa.) Pagdating sa bahay nina Rogel, agad nitong ipinakita ang bago niyang laruan. Isang makintab na trumpo. Pasalubong ito ng kaniyang Ate. (Itanong: Bakit kaya siya pinasalubungan?) (Magpatuloy ng pagbasa.) Tinuruan ni Rogel ang kaniyang kaibigan kung paano ito laruin. Hindi naman ito mahirap matutuhan kaya masaya silang naglaro nito. Nakakaaliw ang pag-iiba-iba ng mga kulay nito. Ang sarap pagmasdan ang bilis ng pag-ikot nito!Nakakakaba kung gaano katagal ito iikot. Hanggang sa nakalimot ang dalawa sa oras. Amoy nasusunog! Ano kaya iyon? (Itanong: Ano kaya ang nasusunog?) (Magpatuloy ng pagbasa.) DRAFTBiglang, “Naku, ang sinaing. Nakalimutan ko.” (Itanong: Ano kaya ang ginawa ng magkaibigan?) (Magpatuloy ng pagbasa.) Dali-daling pumunta ang magkaibigan sa kusina upang tingnan ang sinaing. Siya namang pagdating ng Kuya galing sa palengke. (Itanong: Ano kaya ang sumunod na nangyari?) 4. Pagpapayamang GawainApril 10,2014Anoangaralngkuwento? Ipaguhit ang sagot sa mga bata. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang natapos nilang gawain. Gamitin muli ang Card ng Pakikipagtalasan sa p. 111. Ano ang dapat tandaan kung may ipinagbilin sa atin ang ibang tao? 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Itanong: Kung ikaw si Rogel, ano ang gagawin mo sa kuwento? Ipaguhit ang sagot sa tanong. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata. 140     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ikalawang Araw Layunin Naiuulat nang pasalita ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayanan Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring nasaksihan sa kapaligiran Paksang-Aralin Ulat sa Pangyayaring Nasaksihan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magpakita ng larawan ng namumulot ng basura. Pag-usapan ito. Hayaang makagawa ang mga bata ng kuwento tungkol dito. 2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento. Kung hindi basura, ano kaya ang napulot sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Ipabasa ang kuwentong “Hindi Basura” sa Alamin Natin, p.77. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang hula ng mga bata.. Itanong: Tama ba ang hula ninyo? DRAFTAno ang pinupulot ng bata? Bakit siya namumulot ng basura? Ipakita sa mga bata ang Story Pyramid na ginawa (ng guro) bago pa man magsimula ang klase. Ano-ano ang nangyari sa kuwento? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot.April 10,2014Ikatlong Pangyayari Ikalawang Pangyayari Unang pangyayari   Ipabasa ang mga naisulat sa pyramid. Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga ito? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 77. 141   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Papiliin ang mga bata ng isang napakinggang pag-uulat na naibigan nila. Isulat ito sa pisara sa tulong ng mga bata. Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap tungkol sa mga pangyayari sa napakinggan nilang pag-uulat. Gabayan ang mga bata upang maibigay ang mga ito nang may wasto at tamang pagkakasunod-sunod. Matapos ang gawain, ipabasa ang natapos na pag-uulat. Paano ito isinulat? Ano-ano ang bantas na ginamit? Paano ito sinimulan? Paano isinulat ang mga pangngalan? Lugar? Pangyayari? Bagay? Paano sinimulan at tinapos ang mga pangungusap?5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin?6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78. Bigyang-puna ang natapos na sulatin ng mga bata. Ibalik ito sa kanila upang muling maisulat na isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit nang wasto ang nito, niyan, at niyon Napapalitan o nadadagdagan ng tunog/pantig upang makabuo ng bagong salitaDRAFTPaksang-Aralin Gamit ng Nito, Niyan at NiyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng isang pangungusap gamit ang nito, niyan at niyon.April 10,2014isulatangmgaitosapisara. Ipabasa sa mga bata. 2. Paglalahad Nakatikim ka na ba ng buko pie? Ano ang lasa nito? Ipalarawan ang lasa nito sa malikhaing paraan. Ipalabas ang clay ng mga bata, at ipagawa ang kanilang sariling buko pie. Ipakita ang ginawa ng bawat isa at magbanggit ng isang pangungusap upang maibenta ito. Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 78. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino-sino ang nag-uusap? Ano ang pinag-uusapan nila? Paano inilarawan ang buko pie? Ano ang sikreto sa lasa ng buko pie? Ipabasa muli ang usapan. Tumawag ng bata na gaganap at babasa ng sinabi ni Ren, Cindy at Aling Tess. 142     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipabasa nang malakas ang mga pangungusap na ginamitan ng   nito/niyan/niyon. Ano ang tinutukoy ng nito? Niyan?Niyon? Kailan ginamit ang nito? Niyan? Niyon? Balikan muli ang mga pangungusap na ibinigay sa pagsisimula ng klase. Ipabasa ang mga ito. Tama ba ang pagkakagamit ng nito? Niyan? Niyon? Paano maitatama ang maling gamit? Ipabasang muli ang mga pangungusap. Ipabasang muli ang usapan. Ipabasa ang mga salita mula sa usapan. bata lasa Ilang pantig mayroon sa salitang bata? Ano-ano ang pantig na bumubuo dito? Papalitan ang unang pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong salita? Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata. Papalitan naman ang huling pantig ng salitang bata. Ano ang nabuo mong salita? Itala ang mga salitang ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga salitang nabuo. Gawin ang prosesong natapos sa salitang lasa. 4. Pagpapayamang Gawain DRAFTPasagutan ang Linangin Natin, p. 78. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang kanilang nabuo. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon? Ginagamit ang panghalip na nito kung malapit sa nagsasalita ang pinag- uusapan. Ginagamit ang panghalip na niyan kung malapit sa kinakausap ang pinag-April 10,2014uusapan. Ginagamit ang panghalip na niyon kung malayo sa nag-uusap ang pinag- uusapan. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 78 Ikaapat na Araw Layunin Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento Paksang-Aralin Wastong Wakas ng Kuwento Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano kaya ang sumunod na nangyari matapos ang usapan nina Cindy? Paano mo nasabi? 143     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 2. Paglalahad Magpakita ng larawan ng isang balete. Idikit ito sa isang malaking papel. Sabihin sa mga bata na kumuha ng isang kulay ng krayola. Gamitin ito sa pagsulat ng kanilang kaalaman sa puno ng balete. Basahin ang mga isinulat ng mga bata. Kung may makitang kakaibang kaalaman, tanungin ang bata ng dahilan ng kanilang pagkakasulat ng salita. Sabihin ang pamagat ng kuwentong “Sinong Takot sa Punong Balete?” Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p. 79-80.3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Bakit ayaw magbakasyon sa bahay ni Lola? Bakit pinakakinnatatakutan ang puno ng balete? Paano inilarawan ang balete? Tumawag ng ilang bata upang iguhit sa pisara ang dahilan ng pagkatakot sa puno ng balete? Ano ang sorpresa ng kaniyang lola? Ano-ano ang damdamin sa kuwento? Bakit nagbago ang damdamin ng bata sa kuwento? Ano kaya ang naging wakas ng kuwento?4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 80.5. PaglalahatDRAFTAno ang natutuhan sa aralin?6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 80-81.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaApril 10,2014Bigyan ng ilang minuto upang makalabas ng silid-aralan ang mga bata. Hayaan silang magmasid sa kaniyang kapaligiran. Gabayan ang mga bata kungsaan sila pupunta. (Huwag iiwan ang mga bata.) Matapos ang inilaang oras, pabalikin na ang mga bata sa kanilang sarilingupuan. Paghandain ang mga bata ng isang maikling pag-uulat tungkol sa isangpangyayaring kanilang naobserbahan sa labas.Pag-uulat ng bawat bata.Pamantayan sa Pagsasagawa 4321Pagiging Handang- Kailangan pa Medyo handa WalangHanda handa sa pag- ng ensayo sa pag-uulat kahandaan sa uulat na upang maging ngunit hindi pag-uulat. ginawa. Nag- maganda ang nag-ensayo. ensayo nang pag-uulat. mabuti 144     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Talasalitaan Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng Gumamit ng mga salitang mga salitang mga salitang mahigit sa angkop at angkop sa angkop ngunit limang salita nauunawaan mga may tatlo na hindi ng mga tagapakinig hanggang nauunawaan tagapakinig. ngunit may isa limang salita ng mga hanggang na hindi tagapakinig.Nakatutok 100% na nasa dalawang nauunawaansa Paksa paksa. salita na hindi ng Walang nauunawaan tagapakinig. kaugnayan sa ng paksa ang tagapakinig. 89%-75% na iniulat. 99-90% na nasa paksa. Hindi nasa paksa. nauunawaan ang paksa.Nilalaman Nagpakita ng Nagpakita ng Nagpakita nglubos na pag- pag-unawa sa napakaliit naunawa sa paksa. pag-unawa sapaksa. paksa.DRAFTAralin 20Magmahalan Tayo Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwentoApril 10,2014Gramatika Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyon Kamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita Pag-unlad ng Talasalitaan Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas Pag-unawa sa Binasa Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph 145     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Paunang Pagtataya Punan ng nito, niyan, at niyon ang bawat pangungusap. Corazon : Lily, mayroon ka na rin bang kopya _____ng kuwentong gagamitin natin sa dula-dulaan sa Huwebes? Lily : Naku, wala pa nga. Sige, pahingi _______. Salamat. Corazon : Walang anuman, sa uulitin. Ipabasang muli ang mga pangungusap. Tama kaya ang pagkakagamit ng nito/niyan/niyon?Unang ArawLayunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwentoPaksang-Aralin Pagbibigay ng Katumbas na KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga batang tumutulong sa kanilang pamayanan. Pag-usapan ang larawan. Itanong: Paano maipapakita ang pagmamahal sa sariling pamayanan? DRAFTIpasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa papel na hugis puso. Ibahagi ang sagot sa mga kaklase. 2. Paglalahad Ikuwento sa mga bata ang kuwentong nasa baba. Gamitin ang CABLA- Kuwento. Sa paraang ito, isasakilos ng mga bata ang mga maririnig nilang salitang kilos.April 10,2014GanitoKamisaPamayanan Sampung magkakaibigan (bigyan ng hudyat ang mga bata na magpangkat ng may tig-sampung miyembro) ang nag-usap-usap kung paano nila maipakikita ang kanilang pagmamahal sa kanilang pamayanan. Ang iba sa kanila ay nagwawalis ng bakuran. Ang iba naman ay namumulot ng basura sa tabing kalsada. Ang iba naman ay nagsabi na dapat rin pagbukod-bukurin ang mga basura. Mayroon din namang nagsabi na ilalagay na lang muna nila ang kanilang balat ng kendi sa kanilang bulsa kung walang makitang basura. Ganito sila sa kanilang pamayanan. Sa inyo ganito rin ba? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pinag-usapan ng magkakaibigan? Ano-ano ang ginawa ng magkakaibigan upang maipakita ang pagmamahal sa kanilang pamayanan? Tama ba ang ginawa nila? Dapat ba silang tularan? 146     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ano ang iniwang katanungan sa atin? Pasagutan ito sa mga bata. Hayaang ibahagi ng mga bata ang ginagawa rin nilang pagtulong sa kanilang pamayanan. Kung hindi mo ba ito ginagawa, ibig bang sabihin ay hindi mo mahal ang iyong pamayanan? 4. Pagpapayamang Gawain Hayaang iguhit ng mga bata ang mga kaya pa nilang gawin upang maipakita ang pagmamahal sa pamayanan. Ipabahagi ang iginuhit sa mga kaklase. Hayaang ikuwento nila sa tatlo hanggang limang pangungusap ang nilalaman ng kanilang iginuhit. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pagpangkat-pangkatin ang klase. Hayaang humanap ang bawat pangkat ng mga larawan sa lumang diyaryo o magasin na nagpapakita ng pagmamahal sa pamayanan. Gawin itong collage. Ipakita ang ginawa ng pangkat at hayaang ikuwento ng bata ang nasa larawan. Ikalawang Araw Layunin Napapalitan at nadadagdagan ang mga pantig upang makabuo ng bagong salita Nababasa ang mga salitang iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkasDRAFTPaksang-Aralin Pagbubuo ng Bagong Salita Salitang Iisa ang Baybay Ngunit Magkaiba ang Bigkas Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipabuo ang puzzle na ibibigay.April 10,2014Matapos ang ilang minuto, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang nabuong puzzle. Ipasulat ang ngalan ng nabuong larawan. 147     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipabasa ang ngalan ng bawat larawan. Itanong: Ano ang napansin ninyo sa mga binasang salita? 2. Paglalahad Basahin nang malakas ang tula sa mga bata. Pasundan ito sa mga bata sa pamamagitan ng pagbasa nang tahimik ng kopya nito sa Alamin Natin, p 81- 82. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Sino ang mag-ina sa tula? Ano ang pinagkakakitaan ng mag-anak? Paano dinala ni Nanay ang kaniyang paninda sa palengke? Saan nakatira ang mag-anak? Paano mo nasabi ito? Ipabasang muli nang malakas ang tula. Anong kaugalian ang ipinakita sa tula? Paano mo ito matutularan? Ipabasang muli ang tula. Ipabasa at ipatala ang mga salitang naka-bold ang sulat. Itanong: Ano ang napansin sa bawat pares ng mga salita? Ano ang nangyari nang palitan ang pantig ng bawat salita? Ano ang mabubuo kung papalitan ang unahan/hulihang pantig ng mga salita sa bawat pares na itinala mula sa tula? DRAFTIpabasa ang pangungusap sa mga bata. Tila matagal pa ang pagtila ng ulan. Ano ang napansin sa mga salita sa pangungusap? May mga salita ba na magkatulad ng baybay? Ano-ano ito? Ano ang kahulugan ng unang tila? Pangalawang tila? Hayaang magbigay ang mga bata ng salitang iisa ang baybay ngunit magkaibaApril 10,2014angbigkasnaginamitsatula. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 82. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang natapos na gawain. Tama ba ang mga salitang isinulat sa banderitas? Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 82-83. 148     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikatlong ArawLayunin Nagagamit nang wasto ang nito/niyan/niyonPaksang-Aralin Wastong Gamit ng Nito/Niyan/NiyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Tingnan ang larawan. Gamitin ang nito, niyan o niyon upang makabuo ng isang pangungusap na palagay mo ay sinabi ng babae. DRAFT2. Paglalahad   Pagawain ang mga bata ng bangkang papel. Palagyan ito ng disenyo. Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang makapaglaro ng paligsahan ng mga bangkang papel. Matapos ang paligsahan, ano ang naramdaman mo? Ipabasa sa mga bata ang usapan sa Alamin Natin, p. 83-84. 3. Pagtalakay at Paglalarawan Itanong:April 10,2014Saan nagkakayayaan ang magkakaibigan? Ano ang ginawa nila? Ano-ano ang damdamin sa maikling kuwento? Paano ito ipinakita? Ano ang katangian ng magkakaibigan? Dapat ba silang tularan? Bakit? Ano ang pinagtakhan nila? Kanino nga kaya ang makulay na bangkang papel? Basahin ang pangungusap sa unang larawan. Itanong: Ano ang itinuturo ng bata? Saan ito naroon? Anong salita ang ginamit upang ituro ang kinaroroonan ng tinutukoy na bagay? (Gawin ito hanggang sa mapag-usapan ang ikatlong larawan.) Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon? 149     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 4. Pagpapayaman ng Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang sinasabi sa Linangin Natin p. 82.5. Paglalahat Kailan ginagamit ang nito? Niyan? Niyon?6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 83.Ikaapat na ArawLayunin Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Nabibigyang-kahulugan ang pictographPaksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa PictographPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: Ano ang mga hilig ninyong laro? Bakit? Bigyan ng pagkakataon ang mga bata upang ipaliwanag ang kanilang sagot. 2. Paglalahad Itanong: Dapat bang maglaro ang mga bata? Pangatwiranan ang sagot. Bigyan ng pagkakataon na magbahagi ang mga bata ng kanilang sagot. DRAFTIpabasa ang maikling teksto sa Alamin Natin, p. 84. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang binasa? Ano-ano ang larong nabanggit sa seleksiyon? Bukod sa mga nabanggit, ano pang ibang laro ang inyong alam?April 10,2014Itala sa table ang sagot ng mga bata. Itanong kung ilan ang naglalaro ng mga binanggit na larong Pinoy. Ipaalala na pipili lamang ng isang laro. Gamit ang mga sagot ng bata, gumawa ng isang graph (maaaring bar graph o pictograph). Ipaliwanag din ang ilang bahagi ng graph tulad ng pamagat, label at legend. Itanong: Ano-ano ang larong Pinoy na nilalaro ng klase? Aling laro ang mas gusto ng mga lalaki? Mga babae? Aling laro ang hindi masyadong gusto ng mga lalaki? Mga babae? Ilan lahat ang mga bata sa klase? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 85 5. Paglalahat Ano ang pictograph? Ang pictograph ay isang paraan ng paglalahad ng mahahalagang impormasyon o tala tungkol sa isang ulat sa pamamagitan ng larawan. 150     


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook