Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 3

Filipino Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:51

Description: Filipino Grade 3

Search

Read the Text Version

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 86. Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya Sumulat ng isang pangungusap sa bawat larawan gamit ang nito, niyan, at niyon. Pumili ng isang pares ng salita na iisa ang baybay ngunit magkaiba ang bigkas at gamitin sa sariling pangungusap. DRAFTApril 10,2014 151     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Suriin ang pictograph. Sagutin ang mga tanong tungkol dito. Paaralan Bilang ng Mag-aaralPaaralang Babae LalakiElementarya ngMagtalasSinukuan ES Paaralang Elementarya ng Pinagpala Paaralang Elementarya ng ItinalagaDRAFT1. Anong paaralan ang may pinakamataas na bilang ng mag-aaral?2. Ano naman ang may pinakamababa?3. Sa iyong palagay, may epekto ba ang bilang ng mag-aaral sa husay ngApril 10,2014paaralan? Patunayan ang iyong sagot sa tatlong pangungusap. 152     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3 Ikalawang Markahan Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Antas ng Pagtatasa Produkto/ KinalalagyanKAALAMAN ng ng Proseso/ Pang- Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Araw AytemPag-unawa sa NapakingganNasasagot ang mga 22 2 1-2tanong tungkol sanapakinggangtula/kuwentoWikang BinibigkasNagagamit ang 1 1 1 3magagalang na pananalitasa angkop na sitwasyonsa pagpapaliwanagGramatikaNagagamit ang mga 1 1 1 4salitang pamalit sa ngalanng taoKamalayang PonolohiyaNatutukoy ang mga 11 1 5 6salitang magkakatugma 1 1 1Napapantig nangpabigkas ang mga salita 1PROSESO/KAKAYAHANDRAFTPag-unawa sa NapakingganNagagamit ang naunang 11 7kaalaman o karanasan sapag-unawa saAprilnapakinggang teksto 3 10,20143 3 8-10 Gramatika Nagagamit ang mga salitang pamalit sa ngalan ng taoKamalayang PonolohiyaNapapalitan at 1 1 1 11nadadagdagan ang mgatunog upang makabuo ngbagong salitaPag-unlad ng TalasalitaanNagagamit ang mga 2 2 2 12-13pahiwatig upang 1 1 1 14malaman ang kahuluganng mga salita tulad ngpaggamit ngkasignkahulugan atkasalungat na mga salitaNapagyayaman angtalasalitaan sapamamagitan ngpaggamit ngmagkasingkahulugan atmagkasalungat na salita 153     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Bilang Bilang Kaalaman Antas ng Pagtatasa Produkto/ Kinalalagyan ng ng Proseso/ Pang- Pagganap ng Bilang Mga Layunin Kakayahan unawaPag-unawa sa Binasa Araw AytemNailalarawan ang mga 1 1 1 15bahagi ng kuwento 1 1 1 16Naisasalaysay muli nangmay wastongpagkakasunod-sunod angnapakinggang kuwento sapamamagitan ngpamatnubay na tanongPag-unawaGramatikaNagagamit ang 2 2 2 17-18pangngalan sapagsasalaysay tungkol satao, bagay, at lugar sapaligidKaalaman sa LimbagNahuhulaan ang 11 1 19 20nilalaman/paksa ng aklatsa pamamagitan ngpagtingin sa mga larawanNaikukumpara ang mga 1 1 1kuwento sa pamamagitanng pagtatala ngpagkakapareho atpagkakaibaDRAFTPag-unawa sa BinasaNaiuugnay ang binasa sa 1 1 1 21sariling karanasan 10,20142 22-23 1 24AprilNasasagot ang mga 2 2 1 1tanong tungkol satekstong binasaPagsulat at PagbabaybayNagagamit ang malaki atmaliit na letra, at angwastong bantas sapagsulat ng salita,parirala, at pangungusapEstratehiya sa Pag-aaralNagagamit ang 1 1 1 25pangkalahatang 1 1 1 26sanggunianNagagamit ang iba’tibang bahagi ng aklat sapagkalap ngimpormasyonKomposisyonNasisipi nang wasto ang 1 1 1 27parirala at pangungusap 1 1 1 28Nakasusulat gamit angwastong bantas, malaki atmaliit na letra sa pagsulatng pangungusap 154     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Antas ng Pagtatasa Produkto/ Kinalalagyan ng ng Proseso/ Pang- Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Aytem 29-40 Araw PRODUKTO/PAGGANAP Pag-unawa sa Napakinggan Naiguguhit o naibibigay 2 2 2 ang mensahe ng 1 1 1 napakinggang teksto Nakasusunod sa mga panutong may 2-3 hakbang Naisasakilos ang tulang napakinggan Nakikinig at nakikilahok sa talakayan ng pangkat o klase sa pagbibigay ng pangunahing ideya ng tulang napakinggan Wikang Binibigkas Naisasagawa nang maayos ang pagpapakilala ng ibang tao Naiuulat nang pasalita 11 1 ang mga naobserbahang DRAFTPalabigkasan at Pagkilala sa Salita pangyayari sa pamayanan Nagagamit ang 1 1 1 magagalang na pananalita sa pagpapaliwanag Nababasa ang mga 22 2 salitang may klaster Pag-unawa sa BinasaAprilNakasusunod sa 11 0,2011 4 nakasulat na panuto 1 Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod- sunod sa tulong ng pamatnubay na tanong Nakapagbibigay ng 11 1 wakas ng binasang kuwento Nagbabago ang dating 1 1 1 kaalaman base sa natuklasang kaalaman at binasang teksto Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto 2 2 2 ang mga salitang natutuhan sa aralin Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan 40 40 6 10 12 12 ang graph KABUUAN  155     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  FILIPINO 3 IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULITBasahin ang tula at sagutin ang mga tanong tungkol dito. Isulat ang letra ng napilimong sagot. Ang Aming Pamayanan Dolorosa S. de Castro Halina’t ating balikan, malinis na kapaligiran. Sagisag ng kaunlaran nitong ating inang bayan. Dito matatagpuan, bayang sinilangan, Ng bayaning Dr. Jose Rizal ang ngalan. Mga kaminero, pulis pantrapiko, arkitekto, Inhinyero at mga gurong dedikado Patuloy na sumusuporta at nangangalaga Makamit lamang kaunlarang ninanasa. DRAFTDi pahuhuli mga kapitalista, mangingisda, magsasaka at iba pang manggagawa Ang dito’y makikitang nakikiisa Sa pagtataguyod ng bayang sinisinta.1. Anong lugar ang tinutukoy sa tula?April 10,2014bayangsinisinta?A. Calamba, Laguna C. LunetaB. Dapitan, Zamboanga D. Tanauan2. Ano ang kaugaliang ipinakikita sa ikatlong saknong upang maitaguyod angA. pagsunod C. pakikiisaB. pagsuporta D. pangangalaga3. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng magalang na pagpapahayag ngkaisipan?A. Sino ka para sabihing dapat nating igalang ang paniniwala o prinsipyo ngbawat tao?B. Masakit mang isipin subalit tama ba na igalang ang paniniwala o prinsipyong bawat tao?C. Ano ba ang dahilan at kailangan nating igalang ang paniniwala o prinsipyong bawat tao?D. Dapat nating igalang ang prinsipyo o paniniwala ng bawat tao upangmapanatili ang kapayapaan. 156     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 4. Ang mga kaminero ay sumusuporta sa pagpapaunlad ng bansa. ____ rin aynangangalaga sa kalikasan.A. Kami B. Nila C. Sila D. Tayo5. Sa ikalawang saknong, ano-ano ang salitang magkasintunog?A. arkitekto- sumusuporta C. nangangalaga-ninanasaB. kaminero-inhinyero D. dedikado-pantrapiko6. Ilang pantig mayroon ang salitang kapaligiran? C. lima A. apat D. Tatlo B. dalawaBasahin ang kuwento upang masagutan ang mga inihandang tanong tungkol dito. Palaruan sa Liwasang-Bayan Dolorosa S. de Castro“Ang palaruang ito ay atin. Ipinagawa ito hindi para lamang sa atingkabataan kundi sa lahat upang may mapuntahan at makapaglibang nanglibre. Ang hiling ko lamang sa inyo ay pakaingatan at alagaan ito,” wika ngDRAFTPunong-Lungsod ng Agoncillo nang pasinayaan ang bagong liwasang-bayansa kanilang lugar. Tuwang-tuwa ang magkakaibigan na sina Anton, Jemar, Luisa atAngeline sa kanilang narinig. Sa wakas may palaruan na rin sa kanilanglugar. Hindi na sila tatambay sa mall na nasa kabilang bayan upangmagpalipas ng oras. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan namin ito,” ang kanilang nasambit nang makalapit sila sa Punong-Lungsod at makakamay sa kaniya.April 10,20147. Bakit nagpasalamat ang magkakaibigan sa Punong Lungsod?A. may bagong palaruan sa kanilang bayanB. dumalo ang Punong Lungsod sa okasyon sa kanilang lugarC. may inilaang pondo ang pamahalaan para sa kabataanD. namigay siya ng tiket para sa libreng sine sa mall na malapit sakanilang lugar8. Nagpunta ang magkakaibigang Anton, Jemar, Luisa at Angeline saliwasang-bayan. Natuwa ____ sa sinabi ng Punong-Lungsod. Anongsalita ang angkop na ilagay sa patlang?A. kami B. sila C. sina D. tayo9. Nanguna ang Punong-Lungsod sa pagpapasinaya ng bagong palaruan.Nagbigay _____ ng mensahe para sa lahat na ingatan ang palaruang parasa lahat.A. kami B. sila C. siya D. tayo 157     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 10. “Salamat po, Mayor. Makakaasa po kaya na pag-iingatan naming ito.”Ano ang tinutukoy ng ito sa sinabi ng mga bata kay Mayor?A. Liwasang-Bayan C. mallB. libreng laruan D. palaruan11. Kapag pinalitan ang huling pantig ng salitang libre, ano ang bagongsalitang mabubuo?A. libri B. libro C. libru D. liblib12. Nasaksihan ng magkakaibigan ang pagpapasinaya ng bagong palaruan.Ano ang kasingkahulugan ng may salungguhit na salita.A. nabalitaan B. nalaman C. napanood D. napansin13. Anong salita ang kasingkahulugan ng ingatan?A. alagaan C. makapaglibangB. makakamay D. mapuntahan14. Ang magandang palaruan sa liwasang-bayan ay dating isang lugar na pangitsa paningin. Ano ang mga salitang magkasalungat sa pangungusap na ito?A. liwasan-bayan C. maganda- pangitB. lugar-palaruan D. palaruan-liwasan15. Alin sa sumusunod ang huling pangyayari sa kuwentong “Palaruan saLiwasang Bayan?”A. Nagpasalamat ang magkakaibigan. B. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod. C. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan. D. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor.DRAFT16. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwentong binasa?1. Nagpasalamat ang magkakaibigan.2. Nagbigay ng mensahe ang Punong-Lungsod.April 10,2014A. 3-1-4-23. Nagpunta ang magkakaibigan sa liwasang-bayan.4. Natuwa ang magkakaibigan sa narinig nila mula sa Mayor. B. 1-2-3-4 C. 3-1-2-4 D. 3-2-4-1Basahin upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Ang Nawawalang Patak ng Tubig  Maagang nagising si Lilibeth upang maligo at tulungan ang kaniyang nanay sapagtitinda ng mga gulay sa palengke. Maaga rin ang kaniyang Kuya na tumutulongsa kanilang ama sa paglalagay ng mga paninda sa lumang jeep na nakaparada sa maytarangkahan. Pagpasok ni Lilibeth sa kanilang paliguan, “Tubig! Tubig! Wala na namangpumapatak sa gripo.” Sabay labas sa kanilang kusina. Dala ang timba, unti-unti siyang naghakot ng tubig mula sa dram ng tubig nainipon ng kaniyang nanay nang nagdaang gabi. “Talaga nga yatang nararamdaman na natin ang epekto ng pagkasira ng atingkapaligran. Bihira nang umulan kaya nagkukulang na ang tubig. Kailangan na natingbumili pa ng ilan pang ipunan ng tubig,” ang narinig niyang sabi ng kaniyang Tatay. 158     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  17. Ano ang gagawin ng mag-anak upang hindi maghirap sa kawalan ng tubig sa gripo? Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel. 18. Sumasang-ayon ka ba sinabi ng Tatay sa kuwento? Suportahan ang iyong kasagutan. 19. Sumulat ng isang pangungusap na nagsasabi ng epekto ng mga gawain na ipinapakita ng sumusunod na larawan mula sa isang aklat.20. Muling balikan ang mga kuwentong binasa sa pagsusulit na ito. Ibigayang hinihiling na impormasyon ng talaan na nasa ibaba.Pamagat Tauhan Tagpuan DRAFT 21. Ano ang naramdaman mo matapos mong mabasa ang kuwento? Bigyang-katwiran ang sagot. 22. Bakit naghakot ng tubig si Lilibeth?April 10,201423. Ano ang gagawin mo upang makatulong sa paglutas ng suliranin na ipinakita sa kuwentong “Ang Nawawalang Patak ng Tubig.”24. Isulat nang wasto ang pangngusap. ang pag-abuso sa kalikasan ang nagiging sanhi ng ating kapahamakan25. Nais mong malaman ang epekto ng climate change. Anong sanggunian ang gagamitin mo?26. Hindi maunawaan ni Mark ang salitang climate change. Anong bahagi ng aklat niya makikita ang kahulugan nito?27. Sipiin ang pangungusap. Tumulong si Lilibeth sa kaniyang nanay sap ag-iipon ng tubig sa kanilang bagong biling dram.28. Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa pangangalaga sa ating kalikasan. 159     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Susi ng Pagwawasto1. A2. B3. D4. C5. B6. C7. A8. B9. C10. D11. B12. C13. A14. C15. A16. D17. Mag-iipon ng tubig sa dram at magtitipid sa paggamit nito.18. (depende sa sagot ng mga bata) DRAFTPalaruan sa19. Ang kalbong kagubatan ay nagdudulot ng baha sa pamayanan.20. PAMAGAT TAUHAN TAGPUAN Anton, Jemar, liwasang bayan Liwasang Luisa at Bayan Angeline Nawawalang sa bahay nina LilibethApril 10,2014PatakngTubig Mark, Lilibeth, Nanay at Tatay21. (depende sa sagot ng mga bata)22. Walang pumapatak na tubig sa gripo.23. (depende sa sagot ng mga bata)24. (depende sa sagot ng mga bata)25. Encyclopedia26. Glossary o talahuganan27. (depende sa sagot ng mga bata)28. (depende sa sagot ng mga bata) 160     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Gawain sa PagganapLayunin Makapagbigay ng sariling wakas sa binasang kuwentoGagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na nakasulat sa isangpapel. Pag-uusapan ng bawat pangkat ang nais nilang maging wakas ng napakinggangkuwento. Matapos ang limang minute, maghahanda ang bawat pangkat ng isang dula-dulaan tungkol sa napagkasunduang wakas ng kuwento.Kalagayan Magbibigay ang mga mag-aaral ng sariling wakas sa napakinggang kuwento.Pagkakasunduan sa pangkat ang isang wakas na napili ng pangkat upang isadula. Itoay tatasahin sa pamamagitan ng nakalakip na rubric.Bunga Maikling dula-dulaan ng sariling wakas ng napakinggang kuwento . Pamantayan sa Pagsasagawa 4321Malinaw at malakas ang boses.Nagampanan at naipakita nang maayos ang mga dapat gampanan ngmga tauhan sa pagtatanghal.Malinaw na naipakita ang sariling wakas sa napakinggang kuwento.DRAFTNakuha at napanatili ang interes ng mga manonood. Kamang Puti Nagmamadaling umuwi si Andrew sa kanilang bahay upang sabihin sa kaniyang tatay ang isang magandang balita. Hindi niya tuloy napansin ang isangApril 10,2014mabilis at paparating na sasakyan. Nasa isang puting kuwarto na nang siya ay magising. Nakahiga sa isang kamang puti at may kumot pang puti sa kaniyang katawan. Kinusot niya ang kaniyang mga mata at naaninag ang isang babaeng nakaputi rin ng suot. Kukulbitin na niya ang babaeng nakaputi nang biglang pumasok ang pawisan at takot na takot niyang tatay. “Tatay, nasa langit na ba ako?” “Naku hindi. Naandito ka sa ospital.” Lumapit ang nars kay Andrew at iniabot ang isang maliit na kahon. Binuksan niya ito at kinuha ang laman. “Tatay, para sa iyo ang medalyang ito. Nanalo po ako sa paligsahan sa pagguhit.” Hindi napigilan ni Mang Ramon ang kaniyang luha at napayakap siya nang mahigpit sa kaniyang anak na nakahiga pa rin sa kamang puti.   161     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Aralin 21 Kilalanin NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nagagamit ang dating kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang tekstoGramatika Nagagamit ang angkop na salita sa pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayariKamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugmaPag-unlad ng Talasalitaan Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay ng kahulugan ng isang salitaPag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasanPagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talataPaunang Pagtataya Palakihin ang mga larawan sa ibaba. (Maaari rin namang gumamit ng ibang larawan.) Ipakita sa mga bata ang mga larawan. Pagawain ang mga bata ng tanong tungkol sa bawat larawan.DRAFTIpabasa ang ginawang mga tanong sa mga bata. Isulat ito sa pisara.April 10,2014 Tumawag ng batang sasagot sa mga ibinigay na tanong. Isulat din ang sagot sa tapat ng bawat tanong.Unang ArawLayunin Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong ukol sa tekstong napakingganPaksang-Aralin Pagbibigay ng Detalye ng Napakinggang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipalaro ang “Ang Bangka ay Lumulubog.”   162    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Magbigay ng ilang mga kategorya na magiging batayan ng pagsasama-sama ng mga bata. Ihuli ang pagsasama-sama ayon sa buwan ng kanilang kaarawan. 2. Paglalahad Ano ang gusto mo sa susunod mong kaarawan? Basahin nang malakas sa mga bata. Pasagutan sa mga bata ang tanong matapos ang bawat linya ng kuwento. Tatlo… Walo… (Tungkol kaya saan ang kuwento?) X… X… X… X… X…X… (Para saan ang X?) Isa, dalawa, tatlo… ( Ano kaya ang binibilang niya?) Pagkagising sa umaga, unang pupuntahan ni Jenny ang isang kalendaryo na malapit sa pintuan ng kanilang kuwarto. Kukunin ang pulang krayola at magsusulat ng isang malaking ekis. (Bakit niya sinusulatan ng X ang kalendaryo?) Bibilang ng isa… dalawa… tatlo… (Bakit kaya siya nagbibilang?) Dumating ang ikatlong araw. Wala nang susulatan. (Bakit wala nang susulatan?) Wala nang bibilangin. (Bakit wala nang bibilangin?) Dali-daling lumabas si Jenny sa kaniyang kuwarto. Wala si Tatay. DRAFTWala rin si Nanay. Wala si Ate. Wala si Kuya. (Nasaan kaya sila?) Isa.. dalawa… tatlo.. biglang pumatak ang kaniyang mga luha. Nang biglang, (Ano kaya ang nangyari?) “Maligayang Kaarawan, Jenny!” Isa, dalawa, tatlo, apat, lima, anim, pito, walo. (Alin ang walo?) Walong kandila ang kaniyang hinipan. Walong halik. Walong yakap mula kay Tatay, Nanay, Ate, Kuya, Lola, Lolo, Tiyo at Tiya.April 10,2014Walong ensaymada na kanilang pinagsaluhan. (Ano ang okasyon?) Salamat Tatay. Salamat Nanay. Salamat Ate. Salamat Kuya. Salamat Lola. Salamat Lolo. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang nangyari bago sumapit ang kaarawan ni Jenny? Sa araw ng kaniyang kaarawan? Pangkat-pangkatin ang klase sa dalawa. Ipagawa sa bawat pangkat ang “Buhay na Larawan.” Tawagin ang unang pangkat. Kapag sinabi ng guro na action ang mga bata sa unang pangkat ay magpapakitang- kilos ng mga nangyari bago dumating ang kaarawan ni Jenny.   163    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Kapag sinabi ang cut hihinto ang mga bata at ipi-freeze ang katawan sa kilos na huling isinagawa. Itanong : Ano-ano ang nangyari? Ipagawa naman sa susunod na pangkat ang mga nangyari sa araw ng kaarawan ni Jenny. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Anong pag-uugali mayroon si Jenny? Dapat ba siyang tularan? Bakit? Paano ka magiging Jenny sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipaguhit sa mga bata ang isang hindi malilimutang pagdiriwang ng kanilang kaarawan. Ipagawa ito sa isang malinis na papel. Magpasulat ng dalawang pangungusap tungkol dito. 5. Paglalahat Itanong: Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Magpaguhit ng isang cake sa mga bata. Lagyan ito ng disenyong nais para sa susunod na pagdiriwang ng kanilang kaarawan.Ikalawang ArawLayunin Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugma Nagagamit ang mga salitang kasingkahulugan at kasalungat sa pagbibigay-kahuluganDRAFTsa isang salitaPaksang-Aralin Salitang MagkakatugmaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita Ihanda ang mga larawan sa ibaba at ipakita sa mga bata.April 10,2014Tukuyin nila ang ngalan ng bawat isa. Pagsamahin ang mga larawan na magkakatugma. Magbigay ng isang pangungusap tungkol sa bawat larawan.   164    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  (Dagdagan pa ang mga larawan, lalo na kung makikita na marami pang bata angmay maling kasagutan.)2. PaglalahadIlarawan ang isa sa mga kaibigan mo.Taglay mo ba ang katangian ng isang Pilipino? Pasagutan ang tseklist na ito. Lagi Minsan Hindi kailanman1. Nagpapasalamat ako araw-araw sa Maykapal.2. Ipinaghahanda ko ng miryenda ang mga nagiging panauhin sa aming bahay.3. Tinutulungan ko ang aking mga magulang at mga kapatid sa mga gawain sa bahay. 4. Iginagalang ko ang mga nakatatanda sa akin. Talakayin ang sagot ng mga bata sa bawat criterion.DRAFT3. Pagtatalakay at Pagpapahalaga Ipa basa Basahin nang malakas ang “ Si Linong Pilipino” sa Alamin Natin, p. 87. Pasundan ito nang tahimik na pagbasa sa mga bata. Itanong: Sino ang inilalarawan sa tula? Paano siya inilarawan?April 10,2014Ano-ano ang bilin ng kaniyang mga magulang? Paano niya pinagmamalaki na siya ay Pilipino? Ipabasang muli ang tula. Ano-ano ang katangian ng isang Pilipino? Itala ang mga sagot ng bata. Itanong: Taglay mo ba ang mga katangiang ito? Paano mo maipagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino? Ipabasang muli nang malakas ang tula. Basahin ang mga salitang magkakatugma na ginamit sa tula. Paano sila naging magkatugma? Ipabasa muli sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. Papiliin ng isang pares ng salita ang mga bata. Hayaang magbigay sila ng mga salitang katugma ng napili.   165    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipasuri ang mga pangungusap. Kayumanggi si Lino. Hindi siya kaputian sa pamilya. Isa siyang Pilipino. Nakatira siya sa Pilipinas. Itanong: Ano-ano ang salitang may salungguhit? Ano ang ibig sabihin ng kayumanggi? Ng Pilipino? Saan mo nakuha ang kahulugan ng mga salitang ito? Ano ang salita o mga salita sa kasunod na pangungusap na nagsasabi ng kahulugan ng kayumanggi? Pilipino? Kasalungat ba ito o kasingkahulugan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.88. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng mga bata ang kanilang sagot. Talakayin kung tama o mali ang kanilang kasagutan. 5. Paglalahat Itanong: Kailan nagiging magkatugma ang mga salita? Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ng huling tunog. 6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang Pagyamanin Natin, LM p 88. Magsagawa ng isang gallery walk upang makita ang mga natapos na gawain ng kaklase. Pabigyang-puna ang mga natapos na trabaho ng kaklase. DRAFTPag-usapan ang mga salitang nakasulat sa bawat kulay ng bahaghari. Kung kaya pa ng oras, pag-usapan kung bakit may bahaghari.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa tao, bagay, lugar, at pangyayariApril 10,2014Paksang-Aralin Pagtatanong Tungkol sa Tao, Bagay, Lugar at PangyayariPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasang muli ang tula sa Alamin Natin sa p. 87. Hayaang gumawa ang mga bata ng ilang tanong tungkol sa binasa. Ipabasa at ipasulat sa mga bata ang kanilang ginawang tanong sa pisara. 2. Paglalahad Itanong: Sino-sino ang Pilipino? Ipakita ang ilang larawan ng mga Pilipino. Tukuyin kung sino ang nasa larawan. (Pangkat-etniko) Saan sila nakatira? Ituturo sa mapa kung saan nakatira ang tinukoy na Pilipino. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang talata na “Pilipino Sila” sa Alamin Natin, p. 88.   166    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Pangkatin ang klase. Pasagutan ang sumusunod na tanong: - Ano ang pangkat-etniko? - Saan-saan makikita ang pangkat-etniko? - Sino-sino ang pangkat-etniko? - Ano-ano ang pagkakatulad nila? - Ano ang mga pagkakaiba-iba nila? Pag-uulat ng bawat pangkat sa kanilang sagot sa bawat tanong. Isulat sa pisara ang sagot sa bawat tanong. Paano mo ipakikita ang pagpapahalaga sa mga pangkat-etniko? Dapat ba silang ikahiya? Bakit? Saang pangkat ka kabilang? Paano mo ipagmamalaki ang pagiging Pilipino? Balikan ang mga tanong at sagot sa naunang gawain. Paano isinusulat ang tanong? Ano ang tinutukoy ng tanong na ano? Saan? Sino? Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Ipabasang muli ang mga tanong at sagot na ginawa sa bahaging paglalahad. Tama ba ang mga sagot sa bawat tanong? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 89. Ipabasa sa mga bata ang mga tanong na isinulat. Itanong: DRAFTTama ba ang mga ginawang tanong? Kung mali, paano natin ito iwawasto? 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ano? Sino? Saan? Kailan? Ginagamit ang sino kung ang itinatanong ay ngalan ng tao. Ginagamit ang ano kung ang itinatanong ay bagay, hayop at pangyayari. Ginagamit ang saan kung ang itinatanong ay lugar.April 10,2014Ginagamit ang kailan kung ang itinatanong ay panahon. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 89. Ipabasa ang mga tanong na isinulat. Pag-usapan kung tama ang mga tanong na ginawa ng mga batang nagbasa ng kanilang isinulat.Ikaapat na ArawLayunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talataPaksang-Aralin Pagsipi ng TalataPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa natutuhan nila sa “Pilipino Sila.” Ipasulat ito sa show-me-board.   167    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipataas sa mga bata ang natapos na pangungusap. Umikot upang tingnan kung sinoang tama at sino ang mali ang pagkakasulat.Tumawag ng ilang bata upang isulat ang kanilang pangungusap sa pisara.(Huwag iwawasto ang mga nakitang mali ang pagkakasulat)2. PaglalahadIpabasang muli ang “ Pilipino Sila, p. 88.”3. Pagtalakay at PagpapahalagaItanong:Ano ang bumubuo sa isang talata?Paano isinulat ang simula ng pangungusap?Paano ito tinapos?Ilang talata mayroon sa binasang teksto?Paano isinulat ang bawat talata?Ano-anong bantas ang ginamit?Ano-ano pa ang dapat tandaaan sa pagsulat ng isang talata? (Margin)4. Pagpapayamang GawainIpagawa ang Linangin Natin, p. 90.Matapos ang inilaang oras, ipasuri sa mga bata ang natapos na sulatin.Ipagamit ang rubric sa pagsusuri ng natapos na gawain. 1 2 34DRAFTHindi nakapasokang simulangpangungusap.Maraming mali sa Hindi nakapasok ang Nakapasok ang Nakapasok ang simulang simulang simulang pangungusap. pangungusap. pangungusap. May 3- 4 salita na May 1-2 salita na Walang mali sapagkakabaybay mali ang mali ang pagkakabaybay.ng mga salita. pagkakabaybay. pagkakabaybay. May 1-2 salita na mali ang paggamit ng malaking letra. Maraming mali sa Walang mali sa paggamit ng pagkakagamit ng malakingApril 10,2014malakingletra. letra. May 3- 4 salita na mali ang paggamit ng malaking letra.Maraming mali sa May 3- 4 na May 1-2 na Walang mali sapagkakagamit ng pangungusap na mali pangungusap na pagkakaganitbantas. ang pagkakagamit ng mali ang ng bantas. bantas. pagkakagamit ng bantas.Ipapasa ang sulatin ng mga bata, at pagkaraan, bigyang-puna ang mga ito.5. PaglalahatItanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang talata?Inaasahang sagot: Sa pagsipi ng talata, dapat na tandaan ang sumusunod: - tamang pagkakabaybay ng mga salita - wastong pagkakalagay ng mga bantas - nakapasok ang unang pangungusap ng talata - sapat na layo ng mga salita sa isa’t isa - pantay na pagkakasulat   168    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 90.Ikalimang ArawPanligguhang Pagtataya Mula sa mga nabasang talata sa LM, papiliin ang mga bata ng isang talata namay mga salitang magkatugma. Ipasipi ito sa malinis na papel. Bilugan at pag-ugnayin ang mga salitang magkakatugma. Ipagamit muli ang rubric sa pagsusuri ng siniping talata. Hayaang magpalitan angmga bata ng kanilang papel para sa gawaing ito. Ipawasto sa mga bata ang mga nakitang pagkakamali sa kanilang sulatin. Bigyan ng puna ang ipapasang sulatin ng mga bata upang maisulat muli ito. Aralin 22 Pangalagaan NatinMga Lingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbangGramatika Nagagamit ang angkop na pagtatanong gamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano,DRAFTsino-sinoPag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagbibigay-paliwanagPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinKomposisyonApril 10,2014Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahanPaunang Pagtataya Ipakita ang larawan. Pagawain ang mga bata ng dalawa hanggang tatlong tanong tungkol dito.   169    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Matapos ang inilaang oras, ipabasa sa mga bata ang ginawang tanong.Tumawag ng ibang bata na sasagot sa bawat tanong na binasa.Unang ArawLayuninNakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbangPaksang-AralinPagsunod sa Panutong may Tatlo hanggang Apat na HakbangPanlinang na Gawain1. Tukoy-AlamIpaturo ang kaliwang kamay ng mga bata sa kaliwang bahagi ng silid-aralan.Itanong: Ano ang nasa kaliwa ninyo?Ipaturo naman ang kanang kamay ng mga bata sa kanang bahagi ng silid-aralan.Itanong: Ano ang nasa kanan mo?2. PaglalahadPangkat-pangkatin ang klase.Ipaguhit sa bawat pangkat ang mapa ng sariling silid-aralan. (Ipagawa ito sa manilapaper o sa isang malaking papel.)3. Pagtatalakay at PagpapahalagaGamit ang mapang natapos gawin, ipagawa sa bawat pangkat ang sumusunod:DRAFT- Lagyan ng tsek (/) ang pintuan. Kulayan ng berde ang pintuang may nakasulat na seksyon ng klase.- Lagyan ng palaso ( ) ang bintana. Guhitan ito ng kurtinang kulay berde.- Lagyan ng dalawang guhit ang mesa ng mga bata. Bilugan at isulat ang ngalan ng guro sa isang mesang kulay dilaw.- Lagyan ng dalawang guhit na pahilis ang pisara. Isulat din dito ang ngalan ng paaralan. Bigyan ng pagkakataon na ipakita ng bawat pangkat ang mga natapos na gawain. Tumawag ng ilang volunteer upang magwasto ng mga sagot ng bawat pangkat.April 10,2014(Tiyakin na ang magwawasto sa isang gawain ay hindi kabilang sa pangkat na nagpakita ng gawa.)Banggiting muli nang isa-isa ang mga panutong ibinigay.Itanong: Tama ba ang sagot ng bawat pangkat?(Bigyan ng isang puntos ang bawat tamang sagot.)(Gawin ang proseso hanggang sa matapos lahat ang mga panutong ibinigay.)(Ang may pinakamaraming puntos ang mananalo.)Nagawa ba nang maayos ng bawat pangkat ang mga panutong ibinigay?Bakit oo? Bakit hindi?Ano ang ginawa ng pangkat upang maayos at wastong masunod ang mganapakinggang panuto?Paano natin pangangalagaan ang ating silid-aralan?4. Pagpapayamang GawainItanong : Paano ba natin pangangalagaan ang mga ilog sa ating kapaligiran?Bigyan ng kopya ng larawan ang bawat pangkat. O kaya naman ay magpaguhit nglimang puno sa isang malinis na papel.   170    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   1. IMCS Image Bank Basahin nang malakas ang panuto. Ulitin nang dalawang beses upang mas maunawaan ng mga mag-aaral ang dapat gawin. Maglaan ng ilang minuto para maisagawa nila ang binanggit na panuto bago ibigay ang susunod. 1. Gumuhit ng isang parisukat. Isulat dito na BAWAL MAGTAPON NG BASURA. 2. Lagyan ng tree guard ang bawat puno. Kulayan ito ng pula. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan upang makasunod sa mga panutong pabigkas? Upang makasunod sa mga panutong pabigkas, dapat na pakinggan at unawain nang DRAFTmabuti ang mga panuto. 6. Karagdagang Pagsasanay Bigyan ang bawat mag-aaral ng sipi ng larawang ito.April 10,2014 IMCS Image Bank Basahin nang malakas sa mga bata ang sumusunod na panuto. Ulitin nang dalawang beses. 1. Iguhit kung paano mo aalagaan ang mga tanim na halaman. 2. Iguhit kung ano ang gagawin ni Tatay upang mapangalagaan ang bahay.   171    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   3. Kulayan ang bubong ng bahay at isulat dito ang apelyido mo. 4. Bilugan ang mga halamang inaalagaan mo. Kulayan ang mga maaari nang anihin. 5. Iguhit ang mga kapatid mo na naglilinis ng kapaligiran. 6. Iguhit at kulayan ang araw.Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagpapaliwanagPaksang-Aralin Pag-unawa sa mga Tekstong NagpapaliwanagPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang mga larawang ito. Tukuyin sa mga bata kung ano ang ginagawa nila sa dalawang panahong ito.2. PaglalahadDRAFTPasagutan sa mga bata ang KWL Chart.KWLAno-ano ang uri ng Ano ang nais mongApril 10,2014klimasaPilipinas? malaman sa “Ang Klima at ang Aking Bansa?”Ipasulat sa mga bata ang kanilang mga nalalaman sa K na kolum.Ipasulat sa mga bata ang nais nilang malaman tungkol sa klima sa W na kolum.Ipabasa sa mga bata ang talata sa Alamin Natin p. 90. Habang binabasa, ipasulat saL na kolum ang mga natutuhan sa sanaysay.3. Pagtalakay at PagpapahalagaIpabasa sa mga bata ang mga isinulat sa W na kolum.Nasagot ba ang mga ito sa pagbasa ng sanaysay?Ano-ano ang natutuhan mo sa sanaysay?Ipabasa ang mga isinulat sa L na kolum.Tungkol saan ang binasang talata?Bakit hindi katulad ng sa ibang bansa ang klima sa Pilipinas?Bakit may tag-ulan?Bakit may tag-araw?Ano-ano ang puwede mong gawin kung tag-ulan? Kung tag-araw?Paano mo mapapangalagaan ang iyong sarili kung panahon ng tag-ulan? Tag-araw?   172    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91. Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa iginuhit. Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Natutuhan ko sa araling ito na masasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong nagpapaliwanag sa pamamagitan ng pag-unawa nang mabuti sa nilalaman ng binasang teksto. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipabasa sa mga bata ang talata sa Pagyamanin Natin p. 91. Pasulatin ang mga bata ng isang tanong tungkol sa isinulat. Ipabasa ito sa mga bata at tumawag ng ibang sasagot nito.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit nang angkop ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sinoPaksang-Aralin Ano, Sino, Ilan at Saan, Kailan, Ano-ano, at Sino-sinoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam DRAFTIpakita ang larawan sa mga bata.April 10,2014 Hayaang gumawa ang mga bata ng tanong tungkol sa larawan. Ipabasa at ipasulat sa pisara ang tanong na ginawa ng mga bata. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang teksto sa Alamin Natin , p. 90. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga (Isulat ang mga tanong na ito sa istrip ng papel. Ipaskil ang mga ito matapos itanong sa mga bata. Isulat sa tapat nito ang sagot na ibibigay ng mga bata.)   173    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Itanong: Ilan ang klima sa Pilipinas? Ano-ano ito? Ilan sa ibang bansa? Ano-ano ito? Kailan ang tag-ulan sa Pilipinas? Sa ibang bansa? Kailan ang tag-araw sa Pilipinas? Sa ibang bansa? Ano-ano ang puwedeng gawin sa tag-ulan? Sa tag-araw? Ipabasa ang mga tanong sa mga bata. Itanong: Paano isinulat ang mga tanong? Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Anong impormasyon ang ibinibigay sa tanong na ilan? Kailan? Saan? Ano? Ano- ano? Sino-sino? Alin sa mga salitang ginagamit sa pagtatanong ang tumutukoy ng isahan? Pangmaramihan? Paano mo pangangalagaan ang sarili mo kung tag-ulan? Kung tag-araw? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 91. DRAFTTukuyin sa mga bata kung tama ang mga ibinigay na mga tanong. Bago magsimula ang klase, gumawa ng isang malaking dice. Isulat sa bawat mukha nito ang mga tanong na ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano, at sino-sino. Ihanda rin ang istrip ng mga papel na kinasusulatan ng pangalan ng lahat ng bata sa klase. Ihagis ang dice upang malaman kung anong tanong ang ibibigay ng bata tungkol sa paksa. Bumunot ng isang pangalan ng bata upang siya ang magbigay ng tanong. Gawin ito hanggang sa ang lahat ay makapagbigay ng tanong. 5. PaglalahatApril 10,2014Ano ang sagot sa tanong na ano? Sino? Saan? Ilan? Kailan? Ilan? Ano-ano? Sino- sino? Ginagamit ang ano sa pagtatanong tungkol sa isang bagay. Ginagamit ang sino sa pagtatanong tungkol sa tao. Ginagamit ang saan sa pagtatanong tungkol sa lugar. Ginagamit ang kailan sa pagtatanong tungkol sa araw, linggo, buwan, oras, at taon. Ginagamit ang ilan sa pagtatanong tungkol sa bilang. Ginagamit ang ano-ano sa pagtatanong tungkol sa maraming bagay. 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 91.   174    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikaapat na ArawLayunin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahanPaksang-Aralin Pagsulat ng TalataPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila sa sumusunod na sitwasyon. - May nakita kang basura sa dadaanan mo. - Tinatapakan ng kaibiganmo ang bagong sibol na halaman. - Itinapon kung saan ng kaibigan mo ang balat ng kendi na kaniyang kinain. 2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang ginagawa sa inyong pamayanan upang pangalagaan ang kalikasan? Gamitin ang “Isa, Dalawa, Tatlo” sa p. 111. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bago magsimula ang klase maghanda ng mga papel na kulay pula, kahel at berde, at Traffic Light Chart.  Ipaliwanag sa mga bata na ang kulay berdeng papel ay para sa paksang DRAFTpangungusap; kahel na papel para sa mga sumusuportang pangungusap; at pulang para sa katapusang pangungusap.  Balikan ang tanong na sinagot sa bahaging paglalahad. Ang sagot ng mga bata sa gawaing ito ang gagamitin sa susunod na gawain.  Ano ang magiging paksang pangungusap natin? Isulat ito sa kulay berdeng papel sa Traffic Light Chart.  Ano-ano ang pangungusap na maaari nating isuporta sa naunang pangungusap? Isulat ang mga ito sa kahel na papel. (Isang papel, isang pangungusap.)  Ano ang magiging katapusang pangungusap? (Isulat sa pulang papel.)April 10,2014Ipabasaangnataposnatalata. Itanong: May nais pa ba kayong idagdag? (Isulat kung may ibibigay pa ang mga bata.) May nais ba kayong alisin? (Alisin kung may napagkasunduang alisin.) Tama ba ang pagkakasunod-sunod natin ng mga pangungusap na nakasulat sa kahel na papel? (Isaayos ang mga ito sa paraang napagkasunduan.) Basahin muli sa mga bata ang mga pangungusap. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? Ng mga salita? Paano natin isasaayos ang mga ito sa anyong talata? Hayaang galawin ang mga papel upang maidikit ito sa anyong talata. Ipaalala sa mga bata na hindi puwedeng baguhin ang puwesto ng pula at berdeng mga papel. Ipabasang muli ang nagawang talata. Tama ba ang pagkakaayos ng mga pangungusap? Ano ang dapat tandaan upang maging maganda at maayos ang talatang susulatin? Paano natin pangangalagaan ang ating paaralan?   175    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 92. Ipagawa ito sa Traffic Light Chart ng bawat pangkat. Pagbasa ng mga naisulat ng bawat pangkat. Pabigyang-puna ang natapos na sulatin sa ibang pangkat. Gamitin ang rubric na naunang ginamit. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata? Sa pagsulat ng talata, dapat na tandaan ang wastong baybay ng mga salita, at ang wastong gamit ng bantas, at malaki at maliit na letra. Nakapasok ang unang pangungusap, nagsisimula sa malaking letra ang unang salita at nagtatapos sa tamang bantas. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 93.Ikalimang ArawPanligguhang Pagtataya Gamit ang Traffic Light Chart, pasulatin ang bawat bata ng isang talata tungkol samga gawain ng bawat kasapi ng pamilya sa pangangalaga ng kalikasan. Matapos ang inilaang oras, ipagamit ang rubric upang masuri ang sariling sulatin. Ipasulat muli ang talata at iwasto ang nakitang kamalian. Bigyang-puna ang ipinasang papel ng mga bata. Isauli ito upang maisulat nila angDRAFTtalata ayon sa ibinigay na puna. Aralin 23 Pagyamanin NatinLingguhang LayuninApril 10,2014Pag-unawasaNapakinggan Nasasagot ang tanong tungkol sa nabasang balita/anunsyoKamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng mga salitang magkakatugmaPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinGramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayananPag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahuluganPag-unawa sa Binasa Nababago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang tekstoEstratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graph   176    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Paunang Pagtataya Sumulat ng limang pangungusap tungkol sa nagdaang pagdiriwang na ginanap sa sariling bahay. Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Tutukuyin din ang mga pang-uring ginamit.Unang ArawLayunin Nasasagot ang tanong tungkol sa napakinggang balita/anunsyo Nakikilala na ang tambalang salita na nananatili ang kahuluganPaksang-Aralin Pakikinig ng BalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: Anong balita ang inyong napakinggan ? Hikayatin ang mga batang ibahagi ito sa katabi. Tumawag ng ilang batang magbabahagi nito sa harap ng klase. 2. Paglalahad Magsagawa ng isang karera ng mga bangka. Pag-usapan ang palagay at damdamin ng mga bata tungkol sa karanasang ito. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga DRAFTBasahin nang malakas sa mga bata. Tinanghal na namang kampeon si G. Eric Latoza sa katatapos lamang na Karera ng Bangka sa bayan ng San Ildefonso. Ito ay taunang paligsahan upang bigyan ng pagkilala ang hanapbuhay sa bayan na malaki ang naitutulong sa pag- unlad ng naturang bayan. Madaling-araw pa lamang ng Lunes, ang dalawampung bangkero na kasaliApril 10,2014sa naturang paligsahan ay nagtipon-tipon na sa pantalan ng naturang bayan. Sakay ng kanilang naggagandahan at mga bagong bangka, nagsimula ang karera sa ganap na 5:00 ng umaga. Samantala, tila tumigil ang mundo sa naturang bayan dahil sa ang lahat ng magkakapitbahay ay nakaabang sa kung sino ang unang makararating sa pantalan. Tumagal din ng mahigit isang oras bago tinanghal ang Bangkero ng Taon. Ang kampeon sa taong ito ay tumanggap ng cash prize at ang disenyo ng kaniyang bangka ay gagawing modelo ng isang malaking kumpanya na gumagawa at nagdidisenyo ng mga bangka na ikakalakal sa ibang bansa. Itanong: Tungkol saan ang balita? Bakit ipinagdiriwang ang Karera ng Bangka? Sino ang naging kampeon? Bakit siya tinanghal na kampeon? Ano-ano ang naging gamtimpala niya?   177    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Paano natin pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa ating pamayanan?Nakasali ka na ba sa isang paligsahan?Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan.Ipabasa ang ilang mga salita buhat sa napakinggang balita:- hanapbuhay -kapitbahayLinangin ang mga salita.Ano ang kahulugan ng hanapbuhay? Ng kapitbahay?Ano ang napansin sa mga salita?Ano-anong salita ang bumubuo sa hanapbuhay? Sa kapitbahay?Ano ang nangyari sa kahulugan ng mga salitang pinagsama?Ano ang tawag sa mga salitang ito?4. Pagpapayamang GawainPangkat-pangkatin ang klase. Pagawain ng isang pagbabalita (live reporting) angbawat pangkat tungkol sa isang nasaksihang pagdiriwang.Talakayin sa klase ang napakinggang pag-uulat ng bawat pangkat.5. PaglalahatAno ang natutuhan mo sa aralin?6. Karagdagang PagsasanayPumili ng kapartner.Gumawa ng sariling balita tungkol sa ginawang pagdiriwang sa inyong lugar.Ikalawang ArawLayuninDRAFTNasasabi ang mga pangyayari sa balitang binasaNakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang balitaPaksang-Aralin Pagbasa ng BalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-AlamApril 10,2014Magsagawa ng munting balitaan tungkol sa napakinggang balita ng mga bata. 2. PaglalahadItanong:Ano-ano ang ginagawa ninyo sa pagsalubong sa Bagong Taon?Tama pa bang ipagpatuloy ito? Bakit?3. Pagtuturo at PaglalarawanIpabasa ang “Kultura sa pagsalubong sa Bagong Taon palitan na – DOH”sa Alamin Natin, p. 93.Pangkatin ang klase.Pasagutan ang organizer sa bawat pangkat.   178    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Tungkol kanino? Anong nangyari?Saan ito Paksa Kailan ito nangyari?nangyari? Bakit ito Paano itoBakit mahalaga nangyari? nakaapekto sa mgaang balitang ito? tao/pamayanan?Bigyan ng pagkakataong mag-ulat ang bawat pangkat.Tungkol saan ang balita?May ganito ka rin bang karanasan tuwing Bagong Taon?Pagbabahagi ng mga bata ng sariling karanasan.Sang-ayon ka ba sa nais ng Department of Health?Ipaliwanag ang sagot.4. Pagpapayamang GawainIpagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94.Isulat ang planner na ito sa malaking papel. Ito ang magiging gabay ng mga bata sapagbabahaging gagawin nila. Pamagat DRAFTPanimula : __________________ : Sino, ano, saan, kailanUna kong naobserbahan : __________________Pangalawa : __________________ : __________________ : __________________ Sumunod Panghuli 5. PaglalahatApril 10,2014Itanong:Ano ang natutuhan mo sa aralin?Dapat basahin nang mabuti ang isang balita upang maibahagi ito sa iba.6. Karagdagang PagsasanayIpagawa ang Pagyamanin Natin, p. 96.Ikatlong ArawLayunin Nailalarawan ang tao, bagay, hayop, at lugar Nababaybay ang mga salitang natutuhan sa tekstong binasaPaksang-Aralin Salitang NaglalarawanPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang magmasid ang mga bata sa kanilang paligid.   179    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipalarawan ang isang nakita (gamit ng mag-aaral, gamit ng guro, gamit sa pagkain) at pahulaan ito sa kaklase. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang balita sa Alamin Natin, p. 93. Ipatala ang mga pangngalan na ginamit dito. Sa tapat nito, isulat ang salita na naglalarawan nito. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pagdiriwang na binanggit sa balita? (Isulat sa bilog sa loob.) Ilarawan kung paano ito ipinagdiriwang? (Isulat sa bilog sa labas.) Gamitin ang “Loob, Labas na Bilog” para dito.   Bagong Taon Ano ang salitang ginamit? Sino ang nabibiktima ng paggamit ng paputok? DRAFTIlarawan ang nabibiktima. (Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”) Ano ang bagay na ginagamit sa pagdiriwang ng Bagong Taon? Ilarawan ito. (Gamitin ulit ang “Loob, Labas na Bilog.”) Ipabasa ang mga salita sa labas na bilog. Ano ang tawag sa mga ito?April 10,2014Papiliin ang mga bata ng isang salita at ipagamit sa sariling pangungusap. Ano ang gagawin mo upang hindi mapahamak tuwing darating ang pagsalubong sa Bagong Taon? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 94-95. Pagbabahagi ng natapos na gawain. 5. Paglalahat Itanong: Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay o pook. 6. Karagdagang Pagsasanay Basahin nang malakas ang isang teksto sa mga bata. Gamitin kung ano ang naririyan. Tiyakin na may mga pang-uring ginamit. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 95.   180    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikaapat na ArawLayunin Nabibigyang-kahulugan ang isang graph Nagagamit ang graph sa pagpapakita ng isang impormasyong nakalapPaksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa GraphPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipatala sa mga bata ang ginagawa tuwing sasapit ang Bagong Taon. Ipabasa sa mga bata ang natapos na talaan. 2. Paglalahad Itanong sa mga bata kung ilan ang gumagamit ng paputok at ilan ang hindi sa pagsapit ng Bagong Taon. Gumawa ng graph tungkol sa makakalap na impormasyon mula sa mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang graph? Ilang babae ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit? Ilang lalaki ang gumagamit ng paputok? Hindi gumagamit? Ano ang kaalamang nakuha mo sa graph na ipinakita? 4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Sa loob ng pangkat, magsagawa ng isang mini-survey tungkol sa mga okasyong DRAFTipinagdiriwang ng bawat pamilya. Ipakita ang impormasyong nakalap sa pamamagitan ng isang graph. Maghanda ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa. Matapos ang inilaang oras, ipakita sa klase ang graph at sabihin ang mga tanong na ginawa. Tumawag ng ibang bata para sumagot sa mga tanong. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosaaralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng isang survey. Magtanong sa limang kaklase upang makagawa ng isang graph. Maghanda rin ng tatlong tanong tungkol sa graph na ginawa. Ano ang handa ninyong pagkain tuwing Bagong Taon? Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita sa klase ang natapos na gawain.Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Ibalik sa mga bata ang natapos na gawain na binigyang-puna. Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay napuna.   181    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Aralin 24 Tangkilikin NatinLinguhang LayuninWikang Binibigkas Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyuGramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayananPagpapaunlad ng Talasalitaan Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghanap ng maikling salita na matatagpuan sa loob ng isang mahabang salitaPag-unawa sa Binasa Nasasabi ang paksa o tema ng binasang tekstoPagsulat at Pagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan sa aralin (mga salitang dinaglat)Komposisyon Nasisipi nang wasto at maayos ang isang lihamPaunang Pagtataya Papiliin ang mga bata ng isang gamit o bagay na makikita sa loob ng kanilang bag. Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap tungkol sa napiling gamit o bagay.DRAFTTukuyin ang pang-uri.Unang ArawLayunin Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu Nasasagot ang mga tanong tungkol sa isyung napakingganApril 10,2014Paksang-Aralin Pagpapahayag ng Sariling Opinyon o ReaksyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang isang larawan. (Gumamit ng isang larawan na nakahanda na. Tiyakin na may suliranin/isyu ang larawang ipakikita.) Kunin ang reaksyon ng mg bata sa ipinakitang larawan. 2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang mga bata batay sa nais nilang awit: Ingles o Filipino. Paghandain ang bawat pangkat na iparirinig sa klase. Bigyang halaga ang ginawang pag-awit ng mga bata. Alin ang mas masarap pakinggan? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin sa mga bata.   182    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Papahinang Tinig ng Musika Tunay ngang ang musika ay parte ng buhay ng bawat Pilipino. Ano man ang okasyon may katapat na awitin. Sa panliligaw, sa pagpapakasal, sa pagsilang ng sanggol, sa pagpapatulog ng bata, lahat may katumbas na awit. Maging sa kasayahan o sa kalungkutan, sa iba’t ibang gawain o sa iba’t ibang kahilingan, may awit din. Pero ang tanong alam mo ba ang mga ito? May alam ka bang awitin para sa isa sa mga okasyong ito? Ano nga ba ang mas inaawit mo ngayon? Ano ang mas nais mong pakinggan? O kaya naman ay sabayan ng sayaw? Para sa iba ang mga awiting Pilipino ay para lamang sa mga may edad, para lamang sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Sa panahon natin sikat na sikat ang mga dayuhang mang-aawit. Dahil na rin sa impluwensiya ng ibang kultura, mas nakikilala ang mga dayuhang awitin na para sa ilang kabataan ay mas madaling matutuhan at masabayan ng indak ng katawan. Kaya nga ang mga manunulat ng musikang Pilipino ay muling isinasabuhay ang mga lumang musika o kaya naman ay isinasalin na lamang ang mga awiting Ingles upang tumama sa panlasa ng mga Pilipino. Kung magpapatuloy ang ganito sa ating bansa, baka dumating ang panahon na ang tinig ng musikang Pilipino ay unti-unting manghina. Itanong: Ano ang pamagat ng napakinggang teksto? Tungkol saan ito? Ano ang pinagkukumpara? DRAFTAno ang sinabi tungkol sa musikang Pilipino? Sa dayuhang musika? Bakit ito nangyayari sa bansa? Ano ang nangyari sa musikang Pilipino? Sang-ayon ka ba dito? Ipaliwanag ang sagot. Bakit pinamagatan itong “Papahinang Tinig ng Pilipino?” Paano mo maipakikita ang pagtangkilik sa musikang Pilipino? 4. Pagpapayamang GawainApril 10,2014Pangkat-pangkatinangklase. Hayaang magpahayag ang bawat kasapi sa pangkat ng kanilang reaksyon sa: Aling awitin ang mas dapat ilagay sa iyong mp3, dayuhan o Pilipino? Pagbabahagi ng napag-usapan sa buong klase. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang isyu? 6. Karagdagang Pagsasanay Hayaang magbigay ng kanilang reaksyon ang mga bata tungkol sa pagtangkilik ng mga Pilipino, partikular na ang mga kabataan, sa mga musikang dayuhan.Ikalawang ArawLayunin Nasasabi ang paksa o tema ng binasang teksto Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paghahanap ng maikling salita na matatagpuan sa loob ng isang mahabang salita   183    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Paksang-Aralin Paksa ng Isang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga produktong gawa sa Pilipinas. Hayaang magbigay ng kanilang nalalaman ang mga bata tungkol sa larawang ipakikita. 2. Paglalahad Patingnan sa mga bata kung saan gawa ang mga gamit nila. Ipatala ang gamit at kung saan ito gawa. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot. Magpakita ng ilang bagay na Made in ______ (ibang bansa) at Made in the Philippines. Papiliin ang mga bata ng gusto nila. Itanong kung bakit gayon ang kanilang pagpili. - tsokolate - laruan - pagkain (prutas) 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang talatang “Tatak Pinoy” sa Alamin Natin, p. 95. Itanong ang sumusunod matapos basahin ng mga bata ang talata. Ano ang tinatalakay sa teksto? Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit? Paano ito inilarawan? DRAFTDapat bang tangkilikin ang mga ito? Bakit? Paano mo tatangkilikin ang mga produkto ng Pilipinas? Ipabasa nang muli ang teksto. Itanong: Tungkol saan ang teksto? Ilang talata mayroon ang teksto? Ano ang paksa ng unang talata? Ng pangalawa? Pangatlo? Pang-apat?April 10,2014Ipabasa ang ilang salita buhat sa binasang talata. - sasabayan - matamis - manggagawa Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap. Ipabasa ang salitang sasabayan. Ano-anong salita ang mabubuo sa salitang ito? Isulat ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mahabang salitang pinagkunan ng mga salita. Ipabasa ang mga salitang ibinigay ng mga bata. Gawin ang proseso para sa salitang matamis at manggagawa. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga talata sa Linangin Natin, p. 96. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain.   184    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   5. Paglalahat Ano ang paksa ng isang teksto? Paksa ang tawag sa pinag-uusapan sa teksto. 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa ang Pagyamanin Natin p. 96-97.Ikatlong ArawLayunin Nailalarawan ang mga bagay, tao, at lugar sa pamayananPaksang-Aralin Paglalarawan ng Bagay, Tao, at LugarPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipaskil ang ilang larawan sa pisara. Hayaang sumulat ang mga bata ng isang salitang maglalarawan dito.IIpabasa ang mga salitang itinala.DRAFTAngkop ba ang mga ito sa bawat larawan?Ano ang tawag sa mga salitang ito?2. Paglalahad Itanong: Tungkol saan ang binasang teksto noong ikalawang araw? Ipabasang muli ang “Tatak Pinoy.”April 10,20143. PagtalakayatPagpapahalagaPasagutan ang sumusunod. Ipasulat ang sagot sa talaan.Ano-ano ang produkto ng Pilipinas na binanggit?Ano-ano ang pagkaing binanggit?Paano ito inilarawan? Produkto Pang-uring Ginamit Tumawag ng ilang bata upang iulat ang natapos na gawain.   Itala sa katulad din na talaan ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga salita sa unang hanay. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipabasa ang mga salita sa ikalawang hanay. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ipagamit ang pares ng mga salita sa talaan sa sariling pangungusap. 185    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 97. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk. Pabigyang-puna kung tama o angkop ang salitang ginamit sa paglalarawan. 5. Paglalahat Ano ang pang-uri? Ang pang-uri ay salitang naglalarawan ng tao, hayop, bagay, pook, at pangyayari. 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata upang maisagawa nang wasto ang Pagyamanin Natin p. 97.Ikaapat na ArawLayunin Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang dinaglat Nasisipi ang isang lihamPaksang-Aralin Pagsulat ng Salitang DinaglatPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasa ang ilang salitang dinaglat na nakasulat sa flash card. Gawin ito sa pamamagitan ng isang paligsahan. 2. Paglalahad Ilarawan ang pamayanang kinabibilangan. DRAFTAno-ano ang pang-uring ginamit? Child-friendly ba ang barangay na iyong kinabibilangan? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang isang liham na nasa Alamin Natin, p. 97- 98. Itanong: Para kanino ang liham?April 10,2014Sinoangsumulatnito? Ano ang laman ng sulat? Sino-sino ang dumalo sa pagtitipon? (Isulat nang padaglat ang sagot ng mga bata.) Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Bakit ito dinaglat? Paano isinusulat ang mga salitang dinaglat? Ipabasa muli ang liham. Ano-ano ang bahagi ng liham? Paano isinusulat ang liham? 4. Pagpapayamang Gawain Ipasipi sa mga bata ang liham na nasa Alamin Natin p. 98. Ipagamit sa mga bata ang rubric upang masuri ang siniping liham.   186    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   4321Bahagi ng Naisulat lahat May isang mali May dalawang May tatlongLiham ng bahagi ng ang mali ang mali ang liham. pagkakasulat. pagkakasulat. pagkakasulat.Paggamit ng Walang mali sa May isang mali May dalawang May tatlongMalaking paggamit ng ang mali ang mali angLetra at malaking letra pagkakagamit. pagkakagamit. pagkakagamit.Bantas at mga bantas.Pagbabaybay Walang salita May isang May dalawang May tatlong na mali ang salita na mali salita na mali salita na mali pagkakabaybay. ang ang ang pagkakabaybay. pagkakabaybay. pagkakabaybay.5. Paglalahat Itanong: Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham at sa pagsulat ng mga salitang dinaglat? Sa pagsipi ng liham at pagsulat ng mga salitang dinaglat, dapat tandaan ko ang paggamit ng wastong bantas, malaki at maliit na letra.6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang siniping liham. Ipasaalang-alang ang mga sagot sa pamatnubay na mga tanong.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaDRAFTIbalik sa mga bata ang siniping liham na binigyang-puna.Ipasulat nang muli ito. Ipaalala sa mga bata na isaalang-alang ang mga ibinigay napuna. Aralin 25April 10,2014Ipagtatanggol NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakingganGramatika Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasanPag-unlad ng Talasalitaan Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kahulugan ng mga salita batay sa pinaggamitanPag-unawa sa Binasa Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa   187    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Estratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graphPaunang Pagtataya Ipabasa “Ang Klima at ang Aking Bansa.” Sipiin ang dalawang pangungusap na sumusuporta sa pangunahing kaisipan nito.Unang ArawLayunin Naibibigay ang paksa ng kuwentong napakingganPaksang-Aralin Pagbibigay ng Paksa ng Kuwentong NapakingganPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: Para sa iyo, ano ang super hero? Ipaguhit ang sagot dito. Tumawag ng ilang bata upang ipakita ang natapos na gawain at ipaliwanag ang iginuhit. 2. Paglalahad May superpowers ka ba? Gusto mo bang magkaroon nito? Bakit? Sabihin ang pamagat ng kuwentong babasahin. DRAFTItanong: Tungkol saan ang kuwento? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. Super PinoyApril 10,2014JezreelM.Margallo Wooshhh. Kablam. Pow. Blag. Ito ang mga naririnig ko sa tuwing panonoorin ko ang paborito kong superheroes. Pero may isa akong pinakapaborito sa lahat ng superheroes. Kakaiba ang kapangyarihan niya. Superpinoy ang tawag ko sa kaniya. Kakaiba siya sa lahat ng superheroes na napapanood ko. Kapag kailangan ko ng tulong sa aking takdang-aralin, nariyan siya palagi. Kapag nagugutom ako, isang magic lang niya ay may pagkain sa mesa namin. Kapag maraming kalat sa bahay, ang kaniyang mahiwagang walis ang katu- katulong ko. Kapag may naririnig siyang umiiyak na bata, simbilis ng kidlat, nariyan siya para patahanin ito. Kapag may nagugutom , kakainin na lang niya ibinibigay pa. Kapag inaawit ang Pambansang Awit sa aming paaralan, isang senyas lang niya titigil ang lahat sa paglalakad. Siya si Rufino, ang aking tatay. Ang aking Super Pinoy.   188    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Tungkol saan ang kuwento? Sino ang tinutukoy na superhero sa kuwento? Bakit siya naging superhero? Katulad din ba niya ang tatay mo? Paano? Sino ang superhero para sa iyo? Paano ka magiging superhero? Paano mo ipagtatanggol ang ibang bata? Ang ibang tao? 4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase. Paghandain ang bawat pangkat ng piping palabas tungkol sa powers ni Super Pinoy. Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang inihanda. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipaguhit sa mga bata ang ilang paraan na kaya nilang gawain upang maging DRAFTsuperhero. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na gawain.Ikalawang ArawLayunin Naibibigay ang mga sumusuportang kaisipan sa pangunahing kaisipan ng tekstong binasa Natutukoy ang kahulugan ng salita ayon sa mga sitwasyong pinaggamitanApril 10,2014Paksang-Aralin Mga Sumusuportang KaisipanPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga pangunahing pangangailangan ng bata tulad ng pagkain, bahay, damit. Ipakita ang bawat isa sa mga bata. Pag-usapan kung natatamasa ito ng mga bata o hindi. Sino ang nagbibigay nito sa inyo? Bakit ito ibinibigay? 2. Paglalahad Linangin ang salitang karapatan. Ano-ano ang karapatan mo? Ipasulat ang sagot sa isang sagutang papel. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang kanilang sagot at ipapaskil sa pisara.   189    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang “Ang Batang may K” sa Alamin Natin, p. 99. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang hindi nila nauunawaan sa talata. Isulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga naitalang salita. Linangin ang bawat salitang sasabihin ng mga bata. Ipabasa sa mga bata ang pangungusap kung saan ginamit ang tinukoy na salita. Batay sa pangungusap, ano ang ibig sabihin ng salitang naulila? Ng Bahay ampunan? Itanong: Ano ang pamagat? Ano ang pinag-uusapan dito? Ano ang karapatan na ipinakita sa kuwento? Ano-ano ang karapatan ng mga batang Pilipino? Balikan ang sagot ng mga bata sa naunang gawain. Ipabasa ang mga ipinaskil na karapatan ng mga bata. Tukuyin kung alin sa mga ito ang tama at alin ang hindi. Natatamasa mo ba ang mga ito? Ano ang gagawin mo upang maipagtanggol ang karapatan ng bawat bata? Paano mo mahihikayat ang ibang tao na igalang ang karapatan ng mga bata? Ipabasang muli ang talata. Ano ang paksa ng talata? DRAFTAno ang pangungusap na nagsasabi ng paksa ng talata? Ano-ano ang pangungusap na sumusuporta sa paksa ng talata? Ipabasa ito sa mga bata. Isulat ang sagot ng mga bata gamit ang organizer. SumusuportangApril 10,2014kaisipan Paksa Sumusuportang kaisipan Ipabasa at pag-usapan ang laman ng organizer. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100. Ipagamit ang organizer. Ipasulat ang paksa sa upuan at sa mga paa nito, isulat naman ang sumusuportang kaisipan.   190    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Paksa Sumusuportang kaisipan Pag-uulat ng bawat pangkat ng natapos na organizer. Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat. 5. Paglalahat Ano ang sumusuportang kaisipan sa isang talata? Ito ay ang mga pangungusap na kaugnay ng paksa ng isang talata. 6. Karagdagang Pagsasanay DRAFTBigyan ng sapat na oras ang mga bata na magawa ang Pagyamanin Natin, p.100. Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Bigyang-puna ang natapos na sulatin. Ibalik sa mga bata upang muling maisulat ito nang wasto.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang tamang salitang kilos o pandiwa sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasanApril 10,2014Paksang-Aralin Mga Salitang KilosPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasa ang liham sa p. 98. Sipiin ang mga pandiwa na ginamit dito. Ipabasa ang sagot ng mga bata. Ipatukoy sa mga bata kung tama o mali ang sagot ng tinawag na bata. 2. Paglalahad Ipatanghal sa mga mag-aaral ang karapatan ng mga bata. Tukuyin sa iba ang isinakilos na karapatan. Ipabasa muli ang Alamin Natin, p. 99. Pangkat-pangkatin ang klase. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang mga salitang kilos na ginamit sa kuwento? Isulat ang sagot ng mga bata sa pisara.   191    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipabasa ang lahat ng mga salitang isinulat sa pisara. Itanong: Kailan ginawa ang bawat kilos? Alin-alin ang mga salitang kilos na tapos na? Gagawin pa lamang? Ginagawa pa lamang? Pumili ng isang salitang kilos na ginamit sa kuwento. Paano sasabihin ang pandiwang ito kung tapos nang gawin? Ginagawa na ? Gagawin pa lamang? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 100. Ipabasa sa klase ang ginawang pangungusap. 5. Paglalahat Ano ang pandiwa? Pandiwa ang tawag sa mga salitang kilos sa pangungusap. Ito ay may tatlong panahunan – pangnagdaan, pangkasalukuyan at panghinaharap. 6. Karagdagang Pagsasanay Tumawag ng ilang bata upang magkuwento ng isang personal na karanasan na may kinalaman sa pagtatamasa ng karapatan. Ipagawa sa mga makikinig ang Pagyamanin Natin, p. 100.Ikaapat na ArawLayuninDRAFTNabibigyang-kahulugan ang graphPaksang-Aralin Pagbibigay-Kahulugan sa GraphPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita muli ang graph na nasa p. 85 ng LM.April 10,2014Ano ang impormasyong makikita sa graph? Anong karapatan ang tinatamasa rito ng mga bata? 2. Paglalahad Itanong: Ilan na sa inyo ang naospital? Bakit kayo dinala sa ospital? Hayaang magbahagi ng karanasan ang mga bata. 3. Pagtalakay/Pagpapahalaga Ipasuri ang graph na makikita sa Alamin Natin, p. 101. Itanong: Ano-ano ang naging sakit ng mga bata? Ano ang nangungunang sakit ng mga bata ayon sa graph? Ano ang masasabi mo sa bilang ng mga babae kumpara sa bilang ng mga lalaking nagkakasakit? Ano ang impormasyong makikita sa graph?   192    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  4. Pagpapayamang Gawain Pangkat-pangkatin ang klase at ipagawa ang Linangin Natin, p. 101. Pagpapakita ng bawat pangkat ng natapos na graph. Ano ang impormasyong ipinapakita ng graph na ibinahagi ng pangkat?5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Mabibigyang-kahulugan ang graph sa pamamagitan ng pag-unawa sa legend at pagsagot sa mga tanong tungkol dito.6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 101. Ipabasa sa mga bata ang nasulat na pangungusap. Pag-usapan ang sagot ng mga bata.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaPasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggangg limang pangungusaptungkol sa isang karanasan na siya ay dinala sa ospital. Tukuyin sa talata ang karapatan nanatamasa. Bilugan ng kulay pula ang mga pandiwa sa pangnagdaang panahunan, berde sapangkasaluluyan at asul sa panghinaharap.Gamitin ang rubric sa pagmamarka ng natapos na sulatin. Ipaliwanag ito sa mga bataDRAFTPaksabago pa man sila magsimula ng pagsulat. 4 3 2 1 Malinaw na Hindi Hindi malinaw Walang naipahayag ang masyadong ang paksang paksang paksa ng talata. malinaw ang pangungusap. pangungusap. paksang pangungusap. May pagkakaugnay-April 10,2014kaisipanSumusuportang May May Walang pagkakaugnay- kaugnayan ang pagkakaugnay- ugnay ang mga ugnay ang mga ugnay ang mga mga pangungusap sa pangungusap, pangungusap, pangungusap sa bawat isa at sa maliban sa isa maliban sa bawat isa. paksang na walang dalawa pangungusap. kaugnayan sa hanggang tatlo paksa. na walang kaugnayan sa paksa.   193    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Paggamit ng Naisulat ang May isang mali May isa May tatlomalaki at maliit mga salita nang sa hanggang hanggang apatna letra, bantas may wastong pagkakagamit dalawang mali na mali sa gamit ng malaki ng malaki o sa pagkakagamit at maliit na letra maliit na letra at pagkakagamit ng malaki o at mga bantas. bantas. ng malaki o maliit na letra at maliit na letra at bantas. bantas. Aralin 26 Pahalagahan NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang tekstoWikang Binibigkas Nagagamit ang pananalita ng paggalang sa pag-aanyayaPag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang tekstoGramatika Nagagamit ang tamang salitang kilos (pandiwa) sa pagsasalaysay ng mga personalDRAFTna karanasanEstratehiya sa Pag-aaral Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatanPagsulat at Pagbabaybay Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napanoodApril 10,2014PaunangPagtataya Pasagutan sa mga bata ang organizer. Kumpletuhin ang kaisipan sa mga speech bubble tungkol larawan na nakakahon. Sa Palagay Ko…Kapag nakakakita ako Naiisip ko na….ng ganito… dahil …..   194    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang ArawLayunin Naibibigay ang sariling hinuha bago, habang, at pagkatapos mapakinggan ang tekstoPaksang-Aralin Pagbibigay-HinuhaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang isang larawan. Itanong: Ano kaya ang susunod na mangyayari dito? IMCS Image Bank 2. Paglalahad Saan mo inilalagay ang balat ng iyong kinain na kendi? DRAFTIpakita ang larawan ni Rumi.April 10,2014 IMCS Image Bank Ano kaya ang sumunod na nangyari sa kuwento sa larawan? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang bawat linya ng kuwento. Basahin din ang tanong matapos ang bawat linya. Tumawag ng ilang bata upang sumagot. Magpatuloy ng pagkukuwento. Si Rumi ay mahilig magtapon ng basura kung saan-saan. Kahit may basurahan na sa tabi niya, hindi pa rin niya ito ginagamit. (Ano kaya ang mangyayari?) Bumara tuloy ang kanal sa kanilang lugar. (Ano ang susunod na mangyayari?) Isang gabi, habang siya ay mahimbing na natutulog, bumuhos ang napakalakas na ulan. (Ano kaya ang mangyayari?) Paggising niya, laking gulat   195    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  niya. (Bakit siya nagulat?) Ang mga basura niyang itinapon, nakita niya sa loob ngkanilang bahay. Paghupa ng baha, (Ano kaya ang ginawa ni Rumi?) kinuha ni Rumi angwalis at tumulong sa paglilinis ng kanilang bahay at ng kanilang barangay. Mula noon, hindi na siya nagtapon ng basura kung saan-saan.http://sherinabarcelona.blogspot.com/2011 Itanong: Tama ba ang mga hula mo sa mga itinanong habang binabasa ang kuwento? Balikan ang tanong bago basahin ang kuwento. Tama ba ang sagot mo? Sino si Rumi? Ilarawan siya. Ano ang nagpabago sa kaniya? Kung maraming bata ang katulad ni Rumi, ano ang mangyayari sa ating pamayanan? Tama ba ang tularan siya? Bakit?4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang organizer na ito, matapos basahin nang malakas ang kuwento ni Rumi.DRAFTNatutuhan ko mula sa aking binasa na … Sa pagkakaalam ko… Kaya… Tumawag ng bata upang ibahagi ang kanilang natapos na organizer. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosaaralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipakumpleto ang organizer.Tanong Mula sa Mula sa akin… Kaya nga… aralin…Bakit bumabahasa pamayanantuwingumuulan?Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot.   196    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikalawang ArawLayunin Nakapagbibigay ng angkop na pamagat sa binasang tekstoPaksang-Aralin Pagbibigay ng Angkop na PamagatPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magpaguhit sa mga bata ng isang bagay na nais nilang mangyari sa kanilang kapaligiran. Palagyan ito ng pamagat. Ipakita sa klase ang natapos na gawain. Ipaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na napili. 2. Paglalahad Ano-ano ang kayamanan ng Pilipinas? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang teksto sa Alamin Natin, p. 102. Itanong: Tungkol saan ang binasa? Ano ang paksa ng unang talata? Ikalawang talata? Pangatlo? Ikalima? Panghuling talata? Bakit mayaman ang Pilipinas? Paano mo pahahalagahan ang yaman ng bansa? Ano ang angkop na pamagat sa binasang talata? DRAFTIpaliwanag kung bakit iyon ang pamagat na napili. Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat sa isang talata o kuwento? 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasang muli ang teskto sa p. 102 upang magawa ang Linangin Natin, p. 103. Magsagawa ng gallery walk upang makita ang mga pamagat na ibinigay ng bawat bata.April 10,2014Matapos ito, magsagawa ng botohan kung alin ang may pinakamagandang pamagat para sa talatang binasa. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng pamagat? 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 103.Ikatlong Araw  Layunin Nagagamit ang tamang salitang kilos sa pagsasalaysay ng mga personal na karanasanPaksang-Aralin Paggamit ng PandiwaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga ginupit na dahon na sapat para sa lahat ng mga bata sa klase. 197    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Isulat sa ilang dahon ang isang pandiwa. At ang iba naman ay sulatan ng pangngalan. Idikit ito sa ilalim ng upuan ng mga bata. Sabihin sa mga bata na hanapin sa loob ng klase ang mga dahon na may nakasulat na pandiwa. Sabihin sa mga bata na ang sinumang makakakuha ng dahon na may pandiwa ay maghahanda ng isang pangungusap na magsasabi ng personal na karanasan gamit ang pandiwang nakuha. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng pangungusap. Tukuyin sa ibang bata ang pandiwang ginamit. 2. Paglalahad Itanong: Ano-ano ang yaman ng Pilipinas? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Paano mo pahahalagahan ang likas na yaman ng bansa? Pagawain ang mga bata ng pangungusap na sasagot sa ibinigay na tanong. Ipabasa sa mga bata ang isinulat na pangungusap. Ipasulat o ipapaskil sa pisara ang pangungusap nila. Ipabasa ito sa buong klase. Tutukuyin nila ang pandiwa na ginamit sa ibinigay na pangungusap. Nasa anong panahunan ito? DRAFTIpabasa ang lahat ng mga nakapaskil na pangungusap. Itanong sa mga bata kung paano nila aayusin ang mga pangungusap upang makabuo ng isang talata. Ipabasa ang nabuong talata at pabigyan sa mga bata ng pamagat. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 103. 5. PaglalahatApril 10,2014Ano-ano ang iba’t ibang panahunan ng pandiwa? Ang pandiwa ay nasa pangnagdaan kung ginawa na,pangkasalukuyan kung ginagawa pa lamang at panghinaharap kung gagawin pa lamang. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, 104. Tumawag ng ilang bata upang ibahagi ang natapos na gawain. Bigyang-puna ang natapos na gawain ng bawat bata.Ikaapat na ArawLayunin Nagagamit nang wasto ang mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatanPaksang-Aralin Paggamit ng mga Nakalimbag na Kagamitan   198    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano ang mga dapat tandaan sa paggamit ng silid-aklatan? Dalhin ang mga bata sa silid-aklatan (kung mayroon) at dito magklase. 2. Paglalahad Ano-ano ang makikitang kagamitan sa silid-aklatan? Magpakita ng mga nakalimbag na kagamitan sa silid-aklatan. Tukuyin kung saan at paano ito ginagamit. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng paksa para sa pagsasaliksik. - Yamang Lupa - Yamang Tubig - Yamang Tao Hayaang pumili ang bawat pangkat ng kakailanganin nilang kagamitan (atlas, encyclopedia, mga aklat, magasin, news clips) Gamitin ang format na ibibigay para sa pagtatala ng mga impormasyon. Paksa Sanggunian Mga Impormasyon na Nakalap DRAFTPag-uulat ng bawat pangkat sa natapos na gawain. Ano ang ginamit ng pangkat upang makakuha ng impormasyong kinakailangan sa paksang napili? Hayaang ipakita ito at ipaliwanag kung paano nila ito nahanap at ginamit sa pagsasaliksik. Paano natin pangangalagaan ang mga gamit sa loob ng silid-aklatan? 4. Pagpapayamang GawainApril 10,2014Magbasa tungkol sa yaman ng Pilipinas. Gamitin ang format sa pagsulat ng mga impormasyon na makukuha sa kagamitan na mapipili.Detalye Detalye Paksa Detalye Detalye Pag-uulat ng bawat pangkat. 199      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Sanhi Solusyon   5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Magsaliksik tungkol sa climate change. KahuluganEpekto Climate ChangeIkalimang ArawLayunin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahanPaksang-Aralin Pagsulat ng Isang UlatPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang nakita mong mga pangyayari sa iyong paligid? Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang mga nasaksihan. 2. Paglalahad DRAFTAno-ano ang makukuha natin sa puno? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Bataan, Nilinis, Tinamnan ng Puno” na nasa Alamin Natin, p. 104. Itanong: Ano ang laman ng balita? Ano-anong tanong ang sinasagot ng balitang nabasa?April 10,2014Ganito rin ba ang ginagawa sa inyo? Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang pangyayaring naobserbahan sa sariling pamayanan. Isulat ito sa pisara. Ipabasa ang mga pangungusap sa pisara. Sino, Saan Unang at Kailan Pangyayari Paksa/ Ano  Sumunod Huling na Pangyayari Pangyayari   200    


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook