Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 3

Filipino Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:51

Description: Filipino Grade 3

Search

Read the Text Version

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Pag-uulat ng bawat pangkat ng sagot sa natapos na gawain. Sino ang tinukoy na bayani sa balita? Bakit siya itinuring na isang bayani? Paano binigyang-halaga ang kaniyang ginawa? Kung ikaw si Rodielyn, gagawin mo rin ba ang kaniyang ginawa? Ipaliwanag ang sagot. Paano ka magiging munting bayani? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng isang puzzle na katulad ng nasa ibaba. Siguraduhin na ang bahagi ng puzzle ay katumbas ng bilang ng mga bata na nasa klase. DRAFTBigyan ang bawat bata ng bahagi ng puzzle upang isulat dito ang paksa ng   napakinggang balita. Tumawag ng bata upang basahin ang isinulat at ipadikit sa tamang puwesto nito sa puzzle. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Magpagawa sa mga bata ng isang poster na nagpapakita kung paanoApril 10,2014maiiwasan ang paksa sa napakinggang balita. Ikalawang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Nakapagbibigay ng mga salitang magkatugma Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Paksang-Aralin Pag-unawa sa Tekstong Binasa Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng pares ng salitang magkatugma. Ipabasa ito sa mga bata. Itanong sa mga bata kung tama o mali ang pares na ibinigay ng tinawag na kaklase. 251       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Sino ang bayani sa napakinggang balita sa unang araw? Bakit siya naging bayani? Kaya mo ba siyang tularan? Pangatwiranan ang ibinigay na sagot. Ipabasa sa mga bata ang tula sa Alamin Natin, p. 134. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng tula? Bakit itinulad ang mga bayani sa mga bulaklak? Saan-saan makikita ang mga bayani ng bayan? Ano ang kabayanihan nilang ginagawa? Paano maging bayani? Bilang isang bata, paano ka magiging isang bayani? Ano ngayon ang pakahulugan mo sa kabayanihan? Ipabasang muli ang tula. Magpasulat ng dalawang pares ng mga salitang magkakatugma na ginamit sa tula. Hayaang magbigay ang mga bata ng katugmang salita ng bawat pares na unang tinukoy. Kailan sinasabing magkatugma ang mga salita? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 135. Ipabasa sa mga bata ang sagot sa Tanikala ng mga Magkakatugmang Salita. 5. Paglalahat DRAFTKailan nagiging magkatugma ang mga salita? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 135. Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap. Bigyang-puna ang ibinigay na mga pangungusap at salitang magkakatugma.April 10,2014IkatlongArawLayunin Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, lugar at pangyayariPaksang-Aralin Paglalarawan ng mga Bagay, Tao, Lugar at PangyayariPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang nasa paligid mo? Pumili ng isa. Ilarawan ito at pahulaan sa klase. Ano-anong pang-uri ang ginamit sa paglalalarawan na isinagawa? 2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kabayanihan” sa Alamin Natin p. 136. Ipagawa sa mga bata ang panuto na nakasulat dito. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang pangngalan na ginamit sa tula? Ano ang pang-uring ginamit sa bawat salita? 252      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipagamit ang mga tinukoy na pang-uri sa sariling pangungusap. Ipabasa muli ang mga pangngalan na naitala. Ipahambing ito sa isa/dalawa o higit pang pangngalan gamit ang angkop na pang-uri. Ano ang nangyayari sa pang-uri kapag dalawa/higit sa dalawa ang pinaghahambing?4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 136. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot sa pagsasanay. Bigyang-halaga ang ginawa ng mga bata.5. Paglalahat Kailan ginagamit ang pang-uri?6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 136. Bigyang-puna ang isinulat ng mga bata. Ipasulat muli ang mga ito nang isinasaalang-alang ang mga puna na ibinigay ng guro. Ikaapat na Araw Layunin DRAFTNagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan Nakakasulat ng isang talata Paksang-Aralin Pagsulat ng Talata Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng isang bayaning Pilipino. Tutukuyin ng sa mga bata ang ngalan nito at ang kabayanihang nagawa.April 10,20142. Paglalahad Linangin ang salitang bayani. Paano ka naging bayani? Itala ang mga kaisipang ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Gamit ang mga kaisipang nakatala sa pisara, hayaang sumulat ng talata na may apat hanggang limang pangungusap ang mga bata. Bigyan ang mga bata ng sapat na oras para sa gawaing ito. 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa nang mahina ang natapos na talata. Pabigyang-puna ang pagkakabaybay ng mga salita, ang pagkakagamit ng mga bantas, ang pagkakasulat ng talata. Sabihin sa mga bata na makipagpalit ng papel sa kaklase. Pabigyang-puna ang natapos na sulatin ng kaklase. 253      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  5. Paglalahat Ano ang natutuhan sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talata na binigyang puna ng kaklase at guro.Ikalimang ArawPanligguhang Pagtataya Inaasahang hindi matatapos ng mga bata ang mga gawain sa Ikaapat na Arawkaya’t ipagpatuloy ito. Pabilugan ang mga pang-uri na ginamit sa talata. Aralin 35 Karapatan Mo, Karapatan Ko, Pantay TayoLingguhang LayuninPag-unawa sa Pinakinggan Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakingganWikang Binibigkas Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastasGramatika Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayananPag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunodDRAFTsa tulong ng balangkasPagsulat at Pagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang lihamPaunang Pagtataya Ipasulat ang mga gawain sa araw-araw. Ipagamit ang format na nasa ibaba.April 10,2014Pabilugan ang pandiwa na ginamit sa pangungusap.Araw Gawain 254      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang Araw   Layunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakinggan Paksang-Aralin Pagsusunod-sunod ng mga Pangyayari ng Kuwentong Napakinggan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga larawang nagpapakita ng mga karapatan ng batang Pilipino. Ipakita sa mga bata at tukuyin ng ang bawat isa. Ano-ano ang karapatan ng isang batang Pilipino? Alin sa mga ito ang natatamasa mo? 2. Paglalahad Ano ang gagawin mo kung walang gamit na katulad ng sa iyo ang kapatid mo? Sabihin ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Basahin sa mga bata. Isa…. Isa…. Isa…. Isa…. DRAFTAngelika D. Jabines Sa murang edad ay naulila na agad ang batang si Myrna. Kaya inaruga siya ng mga magulang ni Luz. Isang araw, dumating ang ninang ni Luz. May dala itong malaking kahon para kay Luz. Agad-agad niya itong binuksan. Isang bestida. Isang bestida. Isang manika. Isang manika. Isang aklat. Isang aklat. Isang tsokolate. Isang tsokolate.April 10,2014Isang pares ng sapatos. Isang pares ng sapatos. Isang kahon ng pangkulay. Isang kahon ng pangkulay. Nagtataka tuloy na lumapit ang kaniyang ninang. “Bakit pinagbubukod mo ang mga dala ko sa iyo?” “Ito pong isa sa akin, ito naman pong isa para kay Myrna. Pagdating niya po ibibigay ko ito sa kaniya. Dapat kasi lagi kaming hati.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng kuwento? Bakit “Isa…. Isa…. Isa…. Isa….” ang pamagat ng kuwento? Balikan ang isinagot ng mga bata bago basahin ang kuwento. Tama ba ang hula ninyo? Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Kung ikaw si Luz, gagawin mo rin ba ang ginawa niya? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ang sagot ng mga bata sa organizer na nasa susunod na pahina. 255       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Mga PangyayariMga Pangyayari Tagpuan Pamagat 4. Pagpapayamang Gawain Ipasalaysay muli sa mga bata ang napakinggang kuwento nang may wastong pagkakasunod-sunod sa tulong ng nakalarawang balangkas. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?DRAFT6. Karagdagang Pagsasanay Kadena ng Kuwento. Pangkat-pangkatin ang klase. Paupuin nang pabilog ang bawat pangkat. Magtalaga ng Simula na bata sa bawat pangkat. Siya ang magsisimula ng pagsasalaysay ng kuwentong napakinggan. Susundan siya ng bata sa kaniyang kanan sa pagsasabi ng sunod na pangyayari sa kuwento. Ipagawa ito hanggang sa matapos ng pangkat angApril 10,2014pagsasalaysay ng napakinggang kuwento.Ikalawang Araw  Layunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng balangkasPaksang-Aralin Pagsasalaysay sa Tulong ng BalangkasPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga metacard na nakasulat ang sumusunod: - Isa... Isa... Isa... - Luz - Myrna - Ninang 256    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   - Dumating ang ninang. - Naulila si Myrna. - Binuksan at pinagbukod-bukod ni Luz ang mga dala ng kaniyang ninang. - Inalagaan ng mga magulang ni Luz si Myrna. - Nagtaka ang ninang ni Luz sa kaniyang ginagawa. Ipabasa ang bawat isa sa mga bata. Ipapaskil ang bawat metacard sa wasto nitong label. (Pamagat, Tauhan, Pangyayari) Ipasalaysay muli ang kuwento sa pamamagitan ng natapos na gawain. 2. Paglalahad Ipakita ang larawan ng isang silid-aklatan. Ano-ano ang ginagawa ninyo sa lugar na ito? Ipakita ang sagot sa pamamagitan ng Piping Palabas. Tutukuyin ng mga mag-aaral ang mga nakitang kilos. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga naisulat. Ipabasa ang “Si Chelly at ang Aklat” sa pp. 136 – 137. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga DRAFTAno ang pamagat ng kuwento? (Isulat ang sagot sa tamang lagayan.) Tungkol saan ang unang talata? Pangalawang talata? (Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.) Ano ang sumusuporta sa kaisipan sa unang talata? Pangalawang talata? (Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang kalalagyan sa balangkas.) Pamagat _________________ I. ______________________________ a. ___________________________ b. ___________________________April 10,2014c. ___________________________ II. ______________________________ a. ___________________________ b. ___________________________ c. ___________________________ Ipasalaysay muli ang nabasang teksto sa tulong ng natapos na balangkas. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 137. Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay muli ng napakinggang kuwento sa tulong ng balangkas. Kung kaya ng panahon, tawagin ang lahat ng bata. Gamitin ang rubric sa pagmamarka. 257      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  4321Pagkakasunod Naisalaysay Naisalaysay Naisalaysay Naisalaysay-sunod ng mga ang ang ang angPangyayari napakinggang napakinggang napakinggang napakinggang kuwento nang kuwento nang kuwento nang kuwento nang wasto at may wasto at may wasto at may hindi ayon sa tamang tamang tamang tamang pagkakasunod pagkakasunod pagkakasunod pagkakasunod -sunod ng -sunod ng -sunod ng -sunod ang lahat ng mga mga mga mga pangyayari pangyayari pangyayari pangyayari Nailalarawan ngunit may isa ngunit may ang tagpuan at na hindi dalawa ang lahat ng nabanggit hanggang tatlo tagpuan na hindi nabanggitTauhan at Nailalarawan Nailalarawan Nailalarawan HindiTagpuan ang tagpuan at ang lahat ng ang tagpuan nabanggit ang ang lahat ng tauhan ngunit hindi tauhan at tagpuan lahat ng tagpuan ngPaggamit ng DRAFTNagamit nang May isang tauhan napakinggangBalangkas wasto ang datos sa kuwento Binasa lamang Hindi nagamit ang balangkas ang balangkas balangkas sa balangkas na sa pagsasalaysay hindi pagsasalaysay nabanggit 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 137.Ikatlong ArawLayunin Naiuulat nang pasalita ang mga napanood na patalastas Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan at pamayananPaksang-Aralin Paggamit ng PandiwaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano ang mga patalastas sa TV na inyong napapanood? Alin ang inyong paboritong patalastas? Bakit ninyo ito paborito? 258      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  (o kaya naman)   Maghanda ng isang larawan ng patalastas na ginupit sa dyaryo o magasin. Ipakita at pag-usapan ito sa klase. 2. Paglalahad Dapat bang tularan si Chelly? Bakit? Ipagawa sa mga bata ang Alamin Natin, p. 38. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat ng klase upang maisagawa ang panuto dito. 3. Pagtalakay Matapos ang inilaang oras, hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Ano ang paksa ng mga patalastas na napanood? Ano-ano ang kilos na ipinakita sa bawat patalastas? Itala ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Ano ang kahalagahan ng pagbabasa? Paano mo mahihikayat ang ibang bata na magbasa ng aklat? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138. Ipabasa sa mga bata ang naisulat na pangungusap. 5. Paglalahat Ano ang pandiwa? DRAFT6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa Pagyamanin Natin, p. 138. Matapos ang inilaang oras, hayaang ibahagi ng mga bata ang isinulat na mga pangungusap. Ikaapat na ArawApril 10,2014Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang liham Pakasang Aralin Wastong Pagsipi ng Liham Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Nakatanggap ka na ba ng isang liham? Ano ang nilalaman nito? Ipakita ang balangkas ng liham. Palagyan ng label sa mga bata ang bawat bahagi nito. 2. Paglalahad Ipakita muli ang balangkas ng kuwentong “Si Chelly at ang mga Aklat.” Ipasalaysay muli ang kuwentong ito sa tulong ng balangkas. Ipagawa ang Alamin Natin, p. 138. 3. Pagtalakay/Pagpapahalaga Sama-samang paggawa ng liham para sa isang kaibigan. 259       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Saan kaya nakatira si Chelly? (Isulat ang pamuhatan.) Sino ang susulatan niya? (Isulat ang bating panimula.) Ano-ano ang laman ng kaniyang sulat? (Isulat ang laman ng liham) Ano-ano ang nais ninyong sabihin kay Chelly? Isulat ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga pangungusap. Alin sa mga ito ang una nating isusulat sa pag-uumpisa? Alin ang susunod? (Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng mga pangungusap na ibinigay.) Paano niya wawakasan ang kaniyang sulat? (Isulat ang bating pangwakas.) (Isulat ang lagda.) Ano-ano ang bahagi ng liham? Paano isinusulat ang liham? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 138. Bago ipapasa ang papel ng mga bata. Itanong ang sumusunod: Kumpleto ba ang mga bahagi ng aking liham? Tama ba ang pagkakasipi ko ng ngalan ng mga lugar, bagay, at tao? Tama ba ang mga bantas? 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng isang liham? 6. Karagadagang Gawain Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 138. DRAFTIpaalala sa mga bata na bigyang pansin ang mga puna na ibinigay ng guro.Ikalimang ArawPanligguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang maikling liham na may tatlo hanggang apat napangungusap. Ikuwento sa kaibigan ang mga ginagawa ng mga tao sa sarilingtahanan, paaralan o pamayanan sa pangangalaga sa iyong karapatan. Paguhitan angApril 10,2014pandiwanaginamit. Gamitin ang KKK sa pagmamarka ng natapos na gawain. Kalinisan – limang puntos Kumpleto – limang puntos Kawastuhan – limang puntos Aralin 36 Pamilyang Pinoy, May PananagutanLingguhang LayununPag-unawa sa Napakinggan Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbangPag-unawa sa Binasa Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwento 260      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Gramatika Nagagamit ang mga salitang kilos sa pag-uusap tungkol sa iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan Pagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Komposisyon Nakasusulat ng talatang nagsasalaysay Paunang Pagtataya Ipasulat sa mga bata ang mga gawain nila sa paghahanda sa paaralan sa anyong patalata. Pasalungguhitan ang mga pandiwang ginamit. Tumawag ng ilang bata upang basahin ang natapos nilang talata. Unang Araw Layunin Nakasusunod sa panutong may tatlo hanggang apat na hakbang Paksang-Aralin Pagsunod sa Panuto Panlinang ng Gawain DRAFT1. Tukoy-Alam Magsagawa ng isang maikling ehersisyo. Maaaring gamitin ang warm-up exercise na ginagamit sa Physical Education na klase. Obserbahan ang mga bata kung sino ang nakasusunod at kung sino ang hindi. 2. Paglalahad Nakasunod ka ba sa isinagawang ehersisyo? Bakit ? Bakit hindi? Ibigay ang sumusunod na panuto: 1. Gumuhit ng isang hugis na may tatlong sulok. Pumadyak. Pumalakpak ngApril 10,2014tatlongbeses. 2. Ipakita ang pinakamaliit na daliri sa kanang kamay. Ikaway ang kaliwang kamay at pumadyak ng dalawang beses. 3. Sabihin nang malakas ang pangalan ng nanay mo. Sabihin nang mahina ang pangalan ng tatay mo. Ibulong ang pangalan mo. 4. Umikot ng tatlong beses. Bumalik sa sariling upuan at maupo nang tahimik. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Nasunod mo ba ang mga ibinigay na panuto? Bakit nasunod ang lahat ng mga ibinigay? Bakit hindi? Anong katangian ang ipinapakita kung sinusunod mo ang lahat ng mga panuto na ibinigay sa iyo o kaya ay napakinggan o nabasa? Paano mo maipakikita ang pagiging masunurin sa tahanan? Paaralan? Sariling pamayanan? 261      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 4. Pagpapayamang GawainMaghanda ng limang panuto na nais ipagawa sa bawat pangkat.(Maging malaya sa paggawa nito.)Ibigay sa bawat pangkat ang kopya ng mga panuto.Ipabasa sa pinuno ng bawat pangkat ang nakasulat na mga panuto.Matapos ang inilaang oras, sabihin sa mga bata na bigyan ng marka angkanilang natapos na gawain. 5 4 32 1Nasunod ko Nasunod Nasunod ko Hindi ko Hindi akonang wasto ang ko nang nang wasto nasunod nakinig salahat ng mga wasto ang ang mga nang aking leaderpanuto. lahat ng panuto ngunit wasto ang kaya hindi akoTumulong pa mga kailangan ko mga nakasunod saako sa aking panuto. pa itong panuto. mga panutongkaklase na hindi ipaulit muli sa kaniyangalam ang aking leader. ibinigay.gagawin. 5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaaan upang makasunod sa mga panuto? 6. Karagdagang Pagsasanay Ulitin ang warm up exercise na ginawa sa simula ng klase. Gamitin ang DRAFTrubric na nasa itaas upang bigyan ng marka ang ginawa ng kaklase.Ikalawang ArawLayunin Nakapagbibigay ng wakas ng binasang teskto Napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng pagbubuo ng mga bagongsalita mula sa isang salitang-ugatApril 10,2014Paksang-Aralin Pagbibigay ng WakasPanlinang ng Gawain 1. Tukoy-Alam Ilarawan ang sariling pamilya. Hayaang magbahagi ang mga bata ng isang karanasang hindi nila malilimutan kasama ang sariling pamilya. 2. Paglalahad Ano ang ibig sabihin ng huwarang pamilya? Pag-usapan ang mga ibibigay na sagot ng mga bata. Ipagamit sa sariling pangungusap ang huwarang pamilya. Ipabasa ang “Huwarang Pamilya” sa p. 139. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang binasang tula? Sino-sino ang binanggit sa tula? 262      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ilarawan ang bawat isa. Bakit sinabing huwaran ang kanilang pamilya? Paano magiging huwarang anak? Paano magiging huwaran ang sariling pamilya? Ipabasang muli ang tula. Pangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng katulad ng nasa ibaba. Ipasulat ang hinihingi ng organizer.    Pangalan ng Kasapi ng Pamilya Posibleng Mangyari batay sa tula Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano kaya ang nangyari sa huwarang pamilya? DRAFT4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 140. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang sagot. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang PagsasanayApril 10,2014Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 140. Magsagawa ng gallery walk upang makita ang natapos ng mga bata. Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang mga salitang kilos sa pagtalakay ng iba’t ibang gawain sa tahanan, paaralan, at pamayanan Paksang-Aralin Pandiwa Panlinang ng Gawain 1. Tukoy-Alam Ipasuri ang larawan. Pagawain ang mga bata ng pangungusap tungkol sa kilos ng bawat kasapi ng mag-anak sa larawan. 263      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Huwarang Pamilya.” Itala ang mga salitang nagpapakita ng kilos. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino-sino ang kasapi ng pamilya? Ano ang ginagawa ng bawat kasapi? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Saan nila ito ginagawa? Ano ang dapat nating gawin sa mga tungkulin at gawain natin? Paano tayo magiging huwaran sa ating sariling tahanan? Paaralan? Pamayanan? Ipabasang muli ang talaan ng mga gawain ng bawat kasapi ng pamilya. Ano ang tawag sa mga salitang ito?DRAFTIpagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Ipabasang muli ang pangungusap na isinulat sa simula ng klase. Ano-anong pandiwa ang ginamit? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 140. Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangpandiwa? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 141. Tumawag ng bata upang magbahagi ng sagot.Ikaapat na ArawLayunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Nakasusulat ng talatang nagsasalaysayPaksang-Aralin Pagsulat ng Talatang NagsasalaysayPanlinang ng Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang tungkulin mo sa bahay? Sa paaralan? Sa pamayanan? 264      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Kumuha ng kapareha. Ipakita at pag-usapan ang ginawang talaan ng mga gawain nang nakaraang araw. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata na makagawa ng isang talatang nagsasalaysay ng kanilang karanasan sa pagtupad ng mga gawain sa tahanan/bahay/paaralan na naitala sa natapos na talaan. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang natapos na sulatin. Ipasagot sa mga bata habang hawak ang kanilang natapos na sulatin. - Paano mo isinulat ang pamagat ng iyong talata? - Paano mo sinimulan ang talata? - Paano ito winakasan? - Paano mo isinulat ang mga ngalan ng tao/bagay/hayop/lugar? Tumawag ng bata upang magbigay ng isang pangungusap mula sa sulatin. Isulat ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Paano pa ito mapapabuti? Gabayan ang mga bata para makagawa ng isang mabuting pangungusap. Gawin ito sa iba pang pangungusap. 4. Pagpapayamang Gawain DRAFTMakipagpalit ng papel sa kaklase. Bigyang-puna ang sulating isinulat ng bawat isa. 5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talatang ginawa. Ipasaalang-alang ang mga puna na ibinigay ng guro at ng kaklase. Ikalimang Araw Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na Araw, kaya’tApril 10,2014ipagpapatuloyito.Aralin 37Kaligtasan Ko, Kaligtasan Mo, Atin ItoLingguhang Layunin  Pag-unawa sa Pakikinig Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwentoWikang Binibigkas Nagagamit ang magagalang na pananalita sa pagtanggap ng panauhinGramatika Nagagamit nang wasto ang pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawiPag-unawa sa Binasa Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba nito 265    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit nang wasto ang electronic na kagamitan sa silid aklatanPaunang PagtatayaIpasulat sa mga bata sa isang malinis ang kanilang sagot sa tanong na: Ano ang gagawin mo kung may dumating na panauhin sa inyong bahay atikaw ang nakapagbukas ng pintuan?Pagbabahagi ng mga bata ng kanilang sagot.Unang ArawLayunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang tekstoPaksang-Aralin Pagbibigay ng WakasPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga traffic sign. Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang bawat larawan. 2. Paglalahad Paano magiging ligtas sa kalsada? Basahin nang malakas sa mga bata. DRAFTKaligtasan sa mga Kalsada, Tiniyak Online Balita; June 12, 2013 SAN FERNANDO CITY, La Union – Pinaigting ng Department of Public Works and Highways (DPWH)-Region I ang pagsasaayos sa mga kalsada upang matiyak ang kaligtasan ng mga motorista at pedestrian,April 10,2014partikular ang mga mag-aaral, sa mga lugar na malapit sa mga eskuwelahan. Sa pahayag ni Esperanza Tinaza, Information Officer II ng DPWH 1, kasabay ng pagbubukas ng klase ay magkakabit at magpipinta ng mga guardrail, lilinawan ang centerline pedestrian crossing/lane marking, at paluluwangin ang mga entrance sa mga paaralan, partikular sa LaregLareg National High School sa Villasis-Malasiqui-San Carlos Road sa Malasiqui, Pangasinan. Pinatag din ang mga lubak, inaspalto ang mga kalsada, nilinis ang mga daluyan, binaklas ang mga delikadong billboard at signage at nagkabit ng mga warning sign sa mga pangunahing kalsada sa buong Region 1. – Liezle Basa Iñigo 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga   Itanong: Ano ang nilalaman ng teksto? Saan ito naganap? 266    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ano-ano ang ginawa upang maging ligtas ang kalsada? Sino-sino ang makikinabang sa sinabing proyekto? Ano ang mangyayari sa mga bata matapos ang proyekto? Sa mga matatanda? Sa iba pang tao sa pamayanan? Ano ang gagawin bago magsimula ang klase? Ano ang susunod na mangyayari dito? Ano ang magiging wakas ng mga pangyayaring nabanggit? Isulat ang sagot ng mga bata sa tamang bahagi ng organizer.Simula Gitna Wakas 4. Pagpapayamang Gawain DRAFTSabihin ang maaaring mangyari kung hindi susundin ang mga makikitang babala. 5. PaglalahatApril 10,2014Anoangnatutuhanmosaaralin? 6. Karagdagang Pagsasanay  Ipakita ang larawan sa ibaba. Ano ang susunod na mangyayari? 267      




























































Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook