Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 3

Filipino Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:51

Description: Filipino Grade 3

Search

Read the Text Version

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipabasa ang mga detalye sa organizer. Paano natin ito isusulat nang patalata? Gamitin ang organizer na ito: Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat o balita? 4. Pagpapayamang Gawain Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang alalahanin ang mga nasaksihan nilang pangyayari sa pamayanan na may kaugnayan sa paglilinis nito. Bigyan ng oras ang mga bata na makasulat ng isang ulat tungkol sa nasaksihang pangyayari. Ipabasa ang sulatin na natapos. Gamitin ang rubric sa p. 31. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang balita o ulat? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli ang talata. Isaalang-alang ang mga puna na nakuha sa ginamit na rubrics at sa mga ibibigay ng guro. Aralin 27 Paunlarin Natin!Lingguhang LayuninPag-unawa sa PakikinigDRAFTNapagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwentong napakingganGramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawiKamalayang Ponolohiya Napapalitan at nadaragdagan ang mga tunog upang makabuo ng bagong salitaPag-unlad ng TalasalitaanApril 10,2014Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salitaPag-unawa sa Binasa Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng timelinePagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglat at ang salitang hiramPaunang Pagtataya A. Palitan ng angkop na pang-abay ang mga salitang may salungguhit. 1. Mabilis umalis ang magkakaibigan. 2. Lumalakad nang mabagal ang mga bata papasok sa paaralan. 3. Nagsasalita siya nang marahan. 4. Masayang umaawit ang mga ibon sa parang. 5. Malimit silang mamasyal sa parke.   201    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   B. Isulat nang padaglat ang mga salitang may salungguhit. Bumisita sa aming paaralan kahapon si Gobernador Ruiz. Kasama niya sina Attorney Cruz at Ginoong Salazar. Sinalubong sila ng aming punungguro na si Ginang Reyes. Sila ay nag-usap tungkol sa ipatatayong karagdagang gusali.Unang ArawLayunin Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ng kuwentong napakingganPaksang-Aralin Pagsusunod-sunod ng mga PangyayariPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaiba ng siyudad at ng baryo. 2. Paglalahad Itanong: Saan mo nais manirahan? Bakit? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin sa mga bata ang maikling kuwento. Doon na Lamang Buo na ang desisyon ni Doding Daga. Gusto niyang subukan ang buhay sa siyudad. Para naman maiba. Baka doon magbabago ang buhay. Kinuha niya ang maliit na lagayan ng damit at nag-umpisa siyang maglakad. DRAFTHindi nagtagal, sinapit niya ang dati’y tinatanaw lamang na lugar. Madilim na noon kaya humanga si Dodi sa mga naggagandahan at nagkikislapang ilaw. Dahil wala pa naman siyang matutuluyan, nagpasya na muna siyang matulog sa isang maliit na upuan sa tabi ng kalsada. Hindi pa nagtatagal sa kaniyang pagtulog bigla siyang nagising. Isang malakas na sigawan ang kaniyang narinig. Mga katulad niya ang nagtatakbuhan atApril 10,2014nag-aagawan sa pagkaing nakalagay sa isang malaking plastic bag. Nagpasiya si Dodi na maghanap ng trabaho. Nakakita siya ng isang malaking gusali. Dito siya magbabaka-sakali. Pero kinailangan niyang makipagpatintero sa mga sasakyan para lang makarating dito. Nakakabinging busina ang narinig niya mula sa mga naiinis na tsuper. Muntik na siyang maipit ng otomatikong pintuan nang papasukin siya ng guwardiya kahit wala siyang ID. Matapos makipag-usap sa isang kahon na nagsasalita, pinaakyat siya sa ikalawang palapag. Kahit takot ay sumakay pa rin siya sa gumagalaw na hagdan. Hapon na ngunit wala pa siyang trabaho. Hapon na pero wala pa siyang bahay. At hapon na ay wala pa siyang pagkain. Sa kaniyang pag-upo sa ilalim ng puno, muli niyang nasulyapan ang mundong kaniyang pinanggalingan. “Doon na lamang ako. May trabaho. May bahay. May pagkain.”   202    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang tauhan sa kuwento? Saan ito naganap? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Ipasulat ang sagot ng mga bata sa metacard. Ipabasa ang mga pangungusap na nakasulat sa metacard. Ipaayos nang may wastong pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari sa kuwento. 4. Pagpapayamang Gawain Gamit ang iniayos na mga pangungusap, muling ipasalaysay ang napakinggang kuwento. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng filmstrip para sa kuwentong muling isinalaysay.Ikalawang ArawLayunin Naisasalaysay muli ang binasang teksto nang may tamang pagkakasunod-sunod sa tulong ng timelinePaksang-Aralin Muling PagsasalaysayDRAFTPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ano-ano ang ginagawa mo pagkagising at bago pumasok sa eskuwela? Iayos ang mga larawan ayon sa pagkakasunod-sunod. (Ipaskil ang mga larawan sa pisara. Maghanda ng isang timeline upang doon idikit ng mga bata ang mgaApril 10,2014larawan.) Hayaang isalaysay ng mga bata ang kuwento mula sa mga larawang isinaayos. 2. Paglalahad Ano ang magagawa mo upang makatulong sa pagpapaunlad ng inyong pamayanan? Pag-usapan ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang “Doon na Lamang,” p. 106 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang tauhan dito? Ilarawan siya.   203    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ano-ano ang mga pangyayari sa kuwento? Isulat ang pangyayari sa bawat kahon ng organizer. Tumawag ng mag-aaral na muling magsasalaysay ng kuwento gamit ang timeline na natapos. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.110. Tumawag ng ilang bata upang isalaysay ang binasang kuwento gamit ang natapos na timeline. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata na magawa ang mga panuto sa Pagyamanin Natin, pp. 108.Ikatlong ArawDRAFTLingguhang LayuninLayunin Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawiPaksang-Aralin Pang-abayApril 10,2014PanlinangnaGawain 1. Tukoy-Alam Papunan ang puwang ng mga angkop na salitang naglalarawan upang mabuo ang bawat pangungusap. 1. Si Dickson ay __________ na sumagot sa tanong ng guro. 2. __________ na nagpaliwanag si Lee sa kaniyang ina. 3. Ang pagong ay __________ na naglakad patungo sa dagat. 4. Magluluto nang ___________ ang lola sa pagdating ng kaniyang mga apo. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kailangan Lima,”sa Alamin Natin, p. 108 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano-ano ang pandiwang ginamit sa kuwento? Ipasulat ang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga salitang nasa pisara. Ano-anong salita ang naglalarawan sa bawat kilos sa kuwento?   204    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipasulat ang mga ito sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Ano ang tawag sa mga salitang ito? 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p.109. 5. Paglalahat Ano ang pang-abay? Ang pang-abay ay salitang naglalarawan ng kilos. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang gawain sa Pagyamanin Natin, p. 109.Ikaapat na ArawLayunin Nababaybay nang wasto ang salitang dinaglatPaksang-Aralin Mga Salitang DinaglatPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga katulong sa pamayanan. Pagbigayin ang mga bata ng pangngalang pantangi sa bawat isa. Isulat ang sagot ng mga bata sa tapat ng bawat larawan na nakapaskil sa pisara. Ipabasa ang isinagot ng mga bata. 2. Paglalahad DRAFTSino-sino ang magkakaibigan sa “Kailangan Lima?” Kilalanin ang mga ito matapos ang ilang taon. Ipabasa ang Alamin Natin, p. 109-110. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang naging hanapbuhay ng bawat tauhan sa kuwento? Isulat ang sagot sa pisara.April 10,2014Ipabasaangmgaito. Paano ito isusulat nang padaglat? Ipabasa ang mga salitang dinaglat. Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito isinusulat? Ano ang ginagawa ng bawat isa sa pagpapaunlad ng pamayanan? Sino ang wala sa magkakaibigan? Kung ikaw si Rose, ano ang gusto mong maging paglaki mo? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot gamit ang salitang dinaglat. 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 110 5. Paglalahat Itanong: Paano isinusulat ang salitang dinaglat? Inaasahang sagot: Ang mga salitang dinaglat ay isinusulat nang pinaikli, pero pareho pa rin ng ibig sabihin nito.   205    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin , p. 110.Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may tatlo hanggang limang pangungusap. Ikuwento dito ang isang pangyayaring naobserbahan na may kinalaman sa isang katulong sa pamayanan. Bilugan ang mga pang-abay na ginamit. Guhitan ang salitang dinaglat sa talata. Matapos ang inilaang oras, bigyang-puna ang natapos na sulatin upang maisulat muli ito nang wasto. Aralin 28 Mahalin NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto sa tulong ng timelineGramatika Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawiPag-unawa sa BinasaDRAFTNapag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang tekstoEstratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyong kailanganPaunang PagtatayaApril 10,2014Ipasurianglarawan. Ano kaya ang sanhi nito? Ang bunga?   Pasulatin ang mga bata ng pangungusap na sagot sa mga tanong na ibinigay. Ipabasa ang mga pangungusap. 206    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang ArawLayunin Naisasalaysay ang napakinggang teksto sa tulong ng timelinePaksa Pagsasalaysay Muli ng Napakinggang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga papel na nakasulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang Filipino. Bigyan ng hudyat ang mga pangkat upang isaayos ang papel at mabuo ang inaasahang salita. Ano ang nabuong salita? Ipasulat sa paligid nito ang nalalaman nila sa salitang Filipino. Ipaulat ang natapos na gawain. 2. Paglalahad Ano ang gagawin mo kung hindi mo maintindihan ang wikang ginagamit ng kausap mo? Ipakita ang larawan ng isang tagak. Pag-usapan ito. Ipagawa sa mga bata ang tunog na nagagawa nito. DRAFTBasahin nang malakas sa mga bata. Si Gandang Tagak May isang tagak. Siya ang pinakamagandang tagak sa kaniyang lugar. Lahat ay gusto siyang maging kaibigan. Lahat ay gusto siyang makasama. Isang araw, nakasalubong siya ni Bibe. Binati siya nito ngunit hindi niya pinansin. Ganoon din ang ginawa niya kina Gansa at Pugo. “Ano kaya ang kaniyang problema?” ang sabi ng dalawang magkaibigan. Minsan, nagkaroon ng pagtitipon ang lahat ng mga ibon sa kanilang lugar.April 10,2014Isang gabi iyon para sa mga ibon na mula pa sa silangan kaya hindi nag-atubili si Tagak na dumalo. Suot niya ang pinakamagandang damit at ang pinakamahal na mga alahas kaya lahat ay napalingon sa pagdating ni Tagak sa pagtitipon. Umupo siya sa tabi ng isang grupo ng mga ibon at nagsimulang makipagkuwentuhan. Tawa dito. Ngiti dito. Tango doon. Nang magsimula na siyang magsalita gamit ang wikang kanina pa niya naririnig, biglang nagtawanan ang mga kausap niya. At sabay-sabay na nag-alisan sa kaniyang tabi. Sa hiya ni Tagak, patakbo siyang umalis sa lugar na iyon. At nakasalubong niya sina Bibe, Gansa at Pugo na yumakap sa kaniya nang mahigpit. Sabay-sabay nilang sinabi, “Tayo nang umuwi, kaibigan.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Tungkol saan ang napakinggang kuwento? Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento? Ilarawan siya.   207    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Isulat ang mga pangayayari gamit ang organizer . (Isulat ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa loob ng bawat kahon.) Ipakuwento nang muli ang napakinggan gamit ang natapos na organizer.4. Pagpapayamang Gawain Alisin sa pisara ang natapos na timeline. Magpagawa sa mga bata ng sariling timeline ng napakinggang kuwento. Ipasalaysay ang napkinggang kuwento gamit ang natapos na timeline. Gamitin ang rubric para sa pagmamarka. 4 3 21- May umpisa, gitna at katapusan- Nailarawan nang kumpleto angDRAFTtagpuan - May umpisa, - May mga - Hindi malinaw gitna at katapusan nabanggit na ang mga detalye na wala pangyayari sa - Nailarawan nang sa orihinal na kuwento kumpleto ang tagpuan- Nailarawan nang - Nailarawan nang kuwento - Nagbigay ng maayos ang mga tauhan- Natukoy ang suliraninApril 10,2014- Naisalaysaynang maayos ang mga - Hindi naibigay kakaunting tauhan nang wasto ang detalye sa - Natukoy ang mga detalye sa kuwento suliranin tauhan, tagpuan - Naisalaysay nang - Ang pagtulongmay wastong may wastong ng kuwentopagkakasunod- pagkakasunod- na ibinigay aysunod ng mga sunod ng mga - Wala sa tamang hindi sapatpangyayari pangyayari pagkakasunod- upang- Naipaliwanag - Naipaliwanag sunod ang mga maisalaysay nang maayos ang nang maayos ang pangyayari na nang ayos at solusyon sa solusyon sa nabanggit wasto ang suliranin sa suliranin sa - Nangailangan napakinggang kuwento kuwento ng 3-4 na tulong kuwento  - Hindi - Nangailangan ngnangailangan ng 1-2 na tulong upang maalalatulong upang upang maalala ang mga bahagimaalala ang mga ang mga bahagi ng kuwento bahagi ng kuwento  ng kuwento    208    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng timeline ng isang napakinggang kuwento. Ipakita ito sa kaklase at hayaang isalaysay niya ang mga ito nang may wastong pagkakasunod-sunod.Ikalawang ArawLayunin Napag-uugnay ang sanhi at bunga sa mga pangyayari sa binasang talataPaksang-Aralin Sanhi at BungaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong sa mga bata ang dahilan kung bakit nagiging makalat sa loob ng silid- aralan. Itanong din sa kanila ang magiging bunga kung hindi lilinisin ang mga kalat na ito. 2. Paglalahad Itanong: Ano ang pumapasok sa isipan sa salitang ilog? Bakit dapat mapanatiling malinis ang ating mga ilog? Ipabasa ang kuwento ni “Mariang Tilapya” sa Alamin Natin, p. 111. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga DRAFTItanong: Ano ang pamagat ng kuwento? Sino ang may-akda nito? Saan naganap ang kuwento? Sino-sino ang tauhan? Ilarawan ang bawat isa.April 10,2014Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Ano ang sumunod na pangyayari? Ano ang huling pangyayari sa kuwento? Ipagawa nang pangkatan. Bigyan ang bawat pangkat ng organizer.Sanhi Ano ang BungaSanhi suliranin BungaSanhi Bunga nina Mariang Tilapya?   209    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Sanhi Paano BungaSanhi nasolusyonan BungaSanhi ang suliranin Bunga nina Mariang Tilapya? Pag-uulat ng bawat pangkat. Ano ang ibig sabihin ng sanhi? Bunga? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 112. Matapos ang nakalaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa natapos na gawain. Ano-ano ang kilos na naganap sa kuwento? Ano ang dahilan ng bawat pagkilos? Ano ang naging sanhi nito? 5. Paglalahat Ano ang sanhi? Ano ang bunga? Ang sanhi ay ang dahilan ng kilos o pangyayaring naganap. Ang bunga naman ay ang epekto ng kilos o pangyayaring naganap.DRAFT6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 113. Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain.Ikatlong ArawLayuninApril 10,2014Nagagamit nang wasto ang mga pang-abay na naglalarawan ng kilos o gawiPaksang-Aralin Pang-abayPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: Ano-ano ang ginagawa mo sa bahay? Ipagawa sa mga bata sa pamamagitan ng pagkilos ang sagot sa tanong. Itanong habang isinasagawa ng ibang bata ang kilos. Paano isinagawa ang kilos? 2. Paglalahad Ano ang problema ni Mariang Tilapya? Nabigyan ba ito ng solusyon? Paano? Ipabasang muli ang kuwentong “Si Mariang Tilapya” sa p. 111. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano-ano ang salitang kilos na ginamit sa kuwentong binasa?   210    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipatala ang mga sagot sa pisara. Paano ito isinagawa sa kuwento? Ipabasa ang mga itinalang salita. Alin sa mga ito ang nagsasabi ng kilos? Naglalarawan ng kilos? Ipahanap sa kuwento ang sasagot sa: Anong salita ang naglalarawan kung paano - naglakad si Rosa? - hinanap ni Rosa ang munting tinig? - nagising si Rosa? - napangiti si Rosa? Ipabasa ang mga salitang isinagot sa mga tanong na ibinigay. Ano ang ginagawa ng mga salitang ito sa pangungusap? Sa pandiwa? Ano ang tawag sa mga salitang ito? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 114. Isunod ang pag-uulat sa natapos na gawain. Ano-anong pang-abay ang ginamit sa kuwento? 5. Paglalahat Ano ang pang-abay? Ang pang-abay ay salitang naglalarawan sa kilos o gawi. 6. Karagdagang Pagsasanay Pasagutan ang pagsasanay sa Pagyamanin Natin, p. 117. Ipasuri ang mga larawan. Pagawain ang mga bata ng isang pangungusap na DRAFTmaglalarawan ng kilos sa larawan. Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap.Ikaapat na ArawLayunin Nagagamit ang mga nakalarawang balangkas sa pagtatala ng impormasyon oApril 10,2014datosnakailanganPaksang-Aralin Paggamit ng Balangkas sa Pagtatala ng ImpormasyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-alam Magparinig ng isang balita sa mga bata. Ano-ano ang mahahalagang detalye na napakinggan? Paano mo ito natandaan? 2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang nakasulat sa activity sheet na matatanggap. Punan ang hinihingi ng graphic organizer batay sa kuwentong “Mariang Tilapya.”   211    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  I– Tagpuan Tauhan Pamagat Suliranin Solusyon AralII – Huling DRAFTPamagat Pangyayari Gitnang Pangyayari Unang PangyayariApril 10,20143. PagtalakayatPagpapahalaga Pag-uulat ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Ano ang kahalagahan ng paggamit ng nakalarawang balangkas sa pagtatala ng mga impormasyong kailangan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, 115. Ipatala ang mahahalagang impormasyon na makukuha dito. Pag-uulat ng sagot sa natapos na gawain. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ang nakalarawang balangkas ay ginagamit sa pagtatala ng impormasyon o datos na kailangan. 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 116.   212    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaSalungguhitan ng isa ang bahaging nagpapahayag ng sanhi at dalawa ang nagpapahayag ngbunga sa mga pangyayari. 1. Dahil sa walang tigil na pag-ulan kaya bumaha sa kapatagan. 2. Mataas ang marka ni Harold dahil masipag siyang mag-aral. 3. Nabali ang sanga ng mga puno sa lakas ng hangin kahapon. 4. Masayang umuwi ang mga manlalaro dahil nanalo sila. 5. Nabusog ang mga bata sa masarap na handa ng kaniyang kamag-aaral.Bilugan ang pang-abay sa pangungusap. 6. Siya ay mabagal kumilos kaya naiwan ng barkada niya. 7. Pasuray-suray lumakad ang lasing na nakita ko. 8. Sumagot sila nang pasigaw sa guro kaya naparusahan. 9. Kami ay payukong lumakad para hindi mauntog. 10. Ang mga bata ay matuling umakyat sa puno ng bayabas. Aralin 29 Ipagmalaki NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa PinakingganDRAFTNakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balita Nakapagbibigay ng wakas ng binasang kuwentoGramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para saPag-unawa sa BinasaApril 10,2014Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggo Nakikilala na ang dalawang salita ay maaaring maging tambalang salita na nananatili ang kahuluganKomposisyon Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo, salitang hiram, mga salitang dinaglat Nakasusulat ng isang talata nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa, isyuPaunang Pagtataya Ano ang naramdaman mo sa pagbasa ng kuwento ni “Mariang Tilapya?” Sumulat ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol dito.   213    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang ArawLayunin Nakapagbibigay ng sariling wakas sa napakinggang kuwento Naiuulat nang pasalita ang mga napakinggang balitaPaksang-Aralin Pagbibigay ng Sariling Wakas sa Napakinggang KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang magagandang tanawin. Papiliin ang mga bata kung aling tanawin ang nais nilang puntahan. Sabihin kung bakit nila nais itong puntahan. Ano-ano ang magagandang tanawin na makikita sa ating bansa? Ipabigay pa ang ibang nalalaman ng ibang bata. 2. Paglalahad Itanong: Anong lugar na ang napasyalan mo? Hayaang magbahagi ang ilang bata ng kanilang karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Bakit kaya lakbay-aral? Isulat ang mga sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. Lakbay-Aral DRAFTni Florenda B. Cardinoza Oktubre 19, 2013 ang araw na pinakahihintay ni Marc. Pinayagan siya ng kanyang ina na sumama sa field trip ng kanilang paaralan. “Marc matulog ka na ngayon at huwag mong kalilimutang isuot ang iyong pajama. Maaga kayong aalis bukas,” wika ng kanyang ina. “Opo, Inay” ang mahinahong sagot niya. Kinabukasan, maagang gumising si Marc. Inihanda na ng kaniyang ina angApril 10,2014dadalhin niyang mga baon tulad ng spaghetti, sandwich na may palaman na keso. Pinadala rin ang cellphone niya. “Marc mag-ingat ka at huwag lalayo sa mga kaklase mo, ” ang bilin at paalala ng kaniyang ina. “Opo, Inay, iingatan ko po ang aking sarili,” ang sagot ni Marc. Una nilang pinuntahan ang Pambansang Museo at dito niya nakita ang magagandang tanawin sa ating bansa. Habang sila ay naglalakad, natanaw niya ang malalaking picture frame na nakasabit at may nakaukit. “Wow! Ang ganda talaga ng Pilipinas!” wika ni Marc. “Dito matatagpuan ang Bulkang Mayon, Boracay na may pinong buhangin, Hagdan-hagdang Palayan na ginawa ng mga ninuno, Underground River sa Palawan, at marami pang iba. Narito rin ang iba’t ibang pera ng ating bansa na may mga larawan ng mga taong nagbigay ng karangalan sa ating bansa tulad nina Juan Luna, Sen. Ninoy Aquino at kaniyang asawa na si Pang. Cory Aquino, Jose Rizal, Emilio Aguinaldo, at marami pang iba.   214    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   “Dapat nating ingatan at ipagmalaki sa iba,” wika ni Dino, ang kaniyang kaklase. “Oo nga, bukod sa mga magagandang tanawin na iyan at kilalang Pilipino,” napatigil si Marc sa paglalakad at napabuntong-hininga naalaala pala niya ang kaniyang ama. “Marami na ring mga Pilipino ang nagbigay ng karangalan sa ating bansa, tulad ng tatay ko na nagtatrabaho sa ibang bansa. Saludo ako sa kaniya,” wika ni Marc. Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento. Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong: Tama ba ang hula mo? Ipagawa nang pangkatan. I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento II – Isadula ang wakas ng kuwento III – Kumpletuhin ang graphic organizer. Wakas DRAFTGitna Simula Itanong: Ano ang pamagat ng kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Saan naganap ang kuwento?April 10,2014(Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na sumagot nito.) Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit? Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa? Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa?   215    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   4. Pagpapayamang Gawain Ipasadula sa bawat pangkat ang napagkasunduang wakas ng napakinggang kuwento. Pagsasadula ng bawat pangkat. Talakayin ang ipinakita ng bawat pangkat. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Sabihin din sa kanila na humanda para ipakita ito sa harap ng klase. Pangkat-pangkatin ang klase. Tumawag ng isang bata at ipakuwento ang karanasan niya sa lakbay-aral. Ano-ano ang nararamdaman ng isang taong nakapagbigay ng karangalan sa ating bansa? Kung ikaw ay hindi pa nakaranas na ipagmalaki ang bansang Pilipinas sa iba, ano ang gagawin mo?Ikalawang ArawLayunin Nababasa ang mga salitang klaster at may diptonggoPaksang-Aralin Mga Salitang may Klaster at DiptonggoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam DRAFTDugtungan. Sabihin... Pinayagan si Marc na sumama sa field trip. Tumawag ng ilang bata na magdudugtong sa kuwento hanggang sa matapos ito. 2. Paglalahad Saan-saang lugar sa Pilipinas ang nais mong marating? Bakit nais mong makarating dito?April 10,2014Ipabasa“SakayNa,”pp.116–117. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bakit “Sakay Na” ang pamagat ng teksto? Saan-saang lugar nagpunta ang dyip? Ilarawan ang bawat lugar na binanggit. Ipaturo ito sa mapa. Ipakita ang mga inihandang larawan ng mga lugar na nabanggit. Pag-usapan ang mga makikita sa larawan. Alin sa mga ito ang nais mong marating? Ipaliwanag ang dahilan. Ipabasa muli ang teksto. Ipatala ang mga salitang may klaster at diptonggo. Ipabasa ang mga itinalang salita. Ipasulat ito sa pisara. Ipabasa ang mga salita sa pisara. Ano-ano ang salitang may klaster? May diptonggo? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 117-118.   216    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? May diptonggo? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin p 119. Bigyang-puna ang natapos na sulatin. Ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat nang wasto.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon saPaksang-Aralin Wastong Gamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay, at ayon saPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang mga salitang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa na nakasulat sa flash card. Ipabasa ang mga ito. Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito. Ipabasa ang naisulat na pangungusap. 2. Paglalahad Magpakita ng isang puting sobre. Ano kaya ang laman nito? Pahulaan sa mga bata at isulat ang kanilang sagot sa pisara. DRAFTIpabasa “Puting Sobre, “ pp. 118-119. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang laman ng sobre? Tama ba ang hula ninyo? Kilalanin ang mga tama ang hula. Sino ang sumulat ng liham? Kanino ito ipinadala?April 10,2014BakitsumulatsiMaricel? Ano ang ibinalita niya? Pansinin ang pagkakagamit ng tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa. Paano ginagamit ang tungkol sa, tungkol kay, ayon kay at ayon sa 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin p. 119. Ipabasa sa mga bata ang sulat na ginawa nila. Bigyang puna ang pagkakagamit ng mga pang-ukol. Kung may nakitang mali, itanong sa mga bata kung paano ito iwawasto. 5. Paglalahat Ano ang pang-ukol? Pang-ukol ang tawag sa mga salitang kataga, salita, o pariralang nagsasaad ng kaugnayan ng pangngalan sa iba pang bahagi ng pangungusap. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin p. 119.   217    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikaapat na ArawLayunin Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang hiram Nakasusulat nang may wastong baybay, bantas, gamit ng malaki at maliit na letra upang maipahayag ang ideya, damdamin o reaksyon sa isang paksa o isyuPaksang-Aralin Pagsulat ng Salitang Hiram at TalataPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may salitang katutubo, salitang hiram, mga salitang dinaglat natutuhan sa naunang aralin. Ipagawa ito sa show-me-board. Ipabasa ang ginawang talaaan. Pabigyang puna sa ibang bata ang ipinakitang gawain ng kaklase. 2. Paglalahad Ipabasa ang “Puting Sobre.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipatala sa mga bata ang mga salitang hiram na ginamit dito. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Isulat sa pisara nang may wastong baybay. Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita. Ipabasang muli ang mga salita. Itanong: Paano binibigkas ang mga hiram na salita? DRAFTPaano isinusulat ang mga hiram na salita? Ipabasang muli ang “Puting Sobre.” Paano isinulat ang talata? Paano isinulat ang pangungusap? Ano-anong bantas ang ginamit? Ano ang ipinahihiwatig nito?April 10,20144. PagpapayamangGawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 120. 5. Paglalahat Paano isinusulat ang mga hiram na salita? Binibigkas ang mga salitang ito ayon sa bigkas sa wikang Ingles. Isinusulat ang mga salitang hiram sa dating alpabeto at marami ring salitang hiram na hindi binabago ang baybay. 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata sa paggawa ng Pagyamanin Natin, p. 120.Ikalimang ArawPanligguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang talata tungkol sa isang karanasan sa paglalakbay o pamamasyal. Paguhitan ang mga salitang may klaster. Bilugan ang salitang hiram.   218    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Aralin 30 Ikarangal NatinLingguhang LayuninPag-unawa sa Pinakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwentoGramatika Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para saPag-unawa sa Binasa Naibibigay ang lagom ng binasang tekstoKasanayan sa Aklat at Limbag Naikukumpara ang mga kuwento sa pamamagitan ng pagtatala ng pagkakapareho at pagkakaiba batay sa temaKomposisyon Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysayPaunang Pagtataya Ipabasa ang “Mariang Tilapya.” Magpasulat ng isang talata na may dalawa hanggang apat na pangungusap bilang buod nito.DRAFTUnang ArawLayunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwentoPaksang-Aralin Pagbibigay ng Katumbas ng Napakinggang KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-AlamApril 10,2014Ipagawa sa mga bata ang Travel Planner. Ipasulat sa isang papel ang limang lugar sa Pilipinas na nais nilang puntahan. Ipabasa sa mga bata ang ginawang talaan. Ipaturo sa mapa ng Pilipinas kung saan makikita ang mga tinukoy na lugar. (Gabayan ang mga bata sa pagtukoy ng lokasyon ng mga piniling lugar.) 2. Paglalahad Itanong: Anong lugar na ang napasyalan mo? Hayaang magbahagi ang ilang mga bata ng kanilang karanasan. Sabihin ang pamagat ng kuwento. Itanong: Bakit kaya kakaibang paglalakbay ang pamagat ng kuwento? Isulat ang mga sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata.   219    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Kakaibang Paglalakbay Angelika D. Jabines Magmula nang magkaisip ako, lagi kong nakikita si Tatay na pumupunta sa aming bodega sa likod-bahay. Pero hindi ako nagtanong kung bakit siya laging naroon. Ang natatandaan ko lang, sa araw ding iyon, magkukuwento siya sa akin tungkol sa magagandang lugar, natatanging tao, mga kaugalian at kung ano-ano pang tungkol sa Pilipinas at maging sa ibang bansa. Dahil sa kaniya, nalaman ko tuloy ang mas maraming kuwento tungkol sa Pagsanjan Falls sa Laguna, sa Maria Cristina Falls sa Mindanao, sa Krus ni Magellan sa Cebu at marami pang lugar sa bansa. Ikinuwento rin niya sa akin tungkol sa hari ng Pinoy Komiks na si Carlo Caparas, kay Nick Joaquin na ating Pambansang Alagad ng Sining para sa Literatura at marami pang Pilipinong may katangi-tanging ambag sa ating bansa. Sa kaniya ko rin nakilala ang iba’t ibang sayaw, laro, okasyon, kaugalian na hindi pa naituturo ni Teacher. Ang dami talagang nalalaman ni Tatay! Pero halos mag-iisang buwan na, hindi ko na nakikita si Tatay sa bodega. Hindi na rin siya nagkukuwento. Dinapuan kasi siya ng sakit at kailangan niyang tumigil sa ospital. Miss na miss ko na si Tatay. DRAFTSa pag-uwi ni Nanay pagkagaling ng ospital, may bilin daw sa akin si Tatay. Kaya pumunta ako sa bodega. Sa lugar kung saan laging pumupunta si Tatay. Doon ko nakita ang isang kahon na may nakalagay na pangalan ko. Binuksan ko ito. Ang daming selyo. Iba’t ibang selyo ng Pilipinas at ng ibang bansa. Binuklat ko ito isa-isa. Dito pala kumukuha ng kuwento si Tatay. At ngayon parang katabi ko pa rin si Tatay hanggang sa aking pagtulog. Balikan ang tanong na ibinigay bago basahin ng guro ang kuwento. Ipabasa ang mga sagot ng mga bata. Itanong:April 10,2014Tamabaanghulamo? Ipagawa nang pangkatan. I – Iguhit ang mga lugar na binanggit sa kuwento. II – Gumawa ng name tag ng mga tao na nabanggit sa kuwento. III – Kumpletuhin ang graphic organizer. Mga PangyayariPamagat Tagpuan Mga Tauhan   220    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Itanong Ano ang pamagat ng kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Ano ang unang pangyayari sa kuwento? Panggitna? Panghuli? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Ano-anong mga lugar ang nabanggit sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Saan makikita ang bawat isa? Ipaturo sa mga bata ang lokasyon nito sa mapa ng Pilipinas. Ipadikit sa mga bata ang iginuhit na larawan sa tamang lokasyon nito sa mapa. Sino-sino ang mga nabanggit na Pilipino sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa nito.) Dapat ba silang ipagmalaki? Bakit? Ano-ano pa ang dapat nating ipagmalaki sa ating bansa? Paano mo ipagmamalaki ang ating bansa? 4. Pagpapayamang Gawain DRAFTPangkat-pangkatin ang klase. Pabilugin ang mga bata kasama ang kanilang pangkat. Bigyan ang bawat isa ng oras upang makapagkuwento sa mga kasama ng isang karanasang hindi niya malilimutan tungkol sa kaniya at sa sinumang miyembro ng kaniyang pamilya. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Sabihin sa mga bata na magbabahagi sila ng isang karanasan nila sa pamamasyal sa isang magandang lugar sa pamamagitan ng pagguhit.April 10,2014Sabihin din sa kanila na humandang ipakita ito sa harap ng klase.Ikalawang ArawLayunin Naibibigay ang buod ng binasang tekstoPaksang-Aralin Pagbubuod ng Binasang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakuwento sa mga bata ang napakinggang kuwento noong unang araw sa pamamagitan ng tatlo hanggang apat na pangungusap. 2. Paglalahad Paano mo ipinagmamalaki na ikaw ay isang Pilipino? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat,” p. 120.   221    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Itanong: Ano ang pinag-uusapan sa teksto? Saan-saan ginagamit ang tula? Paano naisasalin sa mga bata ang kultura sa pamamagitan ng tula? Paano mo ikararangal ang pagiging mayaman ng Pilipinas? Ano ang pangunahing ideya ng teksto? Ano-ano ang mahahalagang impormasyon na nakuha sa teksto? Ipatala ang mga ito sa mga bata. Ipabasa ang mga pangungusap na isinulat. Sa pamamagitan ng mga pangungusap, gabayan ang mga bata na makagawa ng isang paglalagom tungkol sa binasang teksto. Pasundan ang pattern. Ang ____________ ay tungkol sa ____________________. Ayon sa teksto, ang _____________________________, ______________________, _______________ at _______________________. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa sa mga bata ang Linangin Natin, p. 121. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng natapos na gawain. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng buod ng isang teksto? Ang buod ng isang teksto ay ang pinaikling nilalaman ng isang kuwento o babasahin. Ito ay maaaring tatlo o higit pang pangungusap. 6. Karagdagang Pagsasanay DRAFTIpagawa ang Pagyamanin Natin, p. 121. Matapos ang inilaang oras, ipabahagi ang buod na natapos. Bigyang-puna ang pagkakasulat nito. Ibalik sa mga bata upang muling maisulat.Ikatlong ArawLayuninApril 10,2014Nagagamit nang wasto ang pang-ukol na laban sa, ayon sa, at para saPaksang-Aralin Wastong Gamit ng laban sa, Ayon sa, at Para saPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa? Pasulatin ang mga bata ng pangungusap gamit ang mga ito. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Kayamanan sa Lapis.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pasulatin ang mga bata ng mga pangungusap batay sa binasang teksto. Ipagamit ang laban sa, ayon sa, at para sa? Ipabasa sa mga bata ang sinulat na pangungusap. Itanong: Tama ba ang pagkakagamit ng laban sa? Ayon sa? Para sa? Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa?   222    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ipabasang muli ang mga pangungusap na ginamit sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang pagkakagamit ng pang-ukol? Paano iwawasto ang mga mali? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sagot. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang laban sa? Ayon sa? Para sa? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang dugtungan sa Pagyamanin Natin, p. 122.Ikaapat na ArawLayunin Napagsasama ang mga dalawang pantig upang makabuo ng salitang may klaster Nakasusulat ng isang talatang nagsasalaysayPaksang-Aralin Mga Salitang May KlasterPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Pasulatin ang mga bata ng limang salitang may klaster. Ipabasa ang ginawang talaaan. Itanong: Ano ang klaster sa bawat salita?DRAFT2. Paglalahad Ipabasa ang “Kayamanan sa Pagsulat.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipatala sa mga bata ang mga salitang may klaster na ginamit sa teksto. Linangin ang bawat salita. Ipagamit sa sariling pangungusap ang bawat salita.April 10,2014Ipabasangmuliangmgasalita. Itanong: Ilang pantig ang bumubuo sa bawat salita? Ano-anong pantig ang bumubuo sa bawat salita? Ano ang klaster sa bawat salita? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 122. Bigyang-puna ang naisulat na talata matapos itong maibahagi sa klase. 5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Ang klaster ay dalawang katinig na magkadikit sa isang pantig. Ito ay tinatawag ding kambal-katinig. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 123.   223    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikalimang ArawPanligguhang PagtatayaIpasipi sa mga bata at paguhitan ang lahat na pang-ukol na ginamit. Lahat ng bata ay kinukumbinsi ng kanilang mga magulang at guro na mag-aralupang magkaroon ng maayos na buhay. Batay sa datos ng pamahalaan hindi lahat ng batasa ngayon ay nagsisikap makapag-aral dahil sa kahirapan ng buhay ng iba natingmamamayan. Sa kabila nito maraming programa laban sa kahirapan ang patuloy naipinapatupad ng ating pamahalaan kaya ang mga bata ay nagsusumikap din ayon sakanilang kakayahan. DRAFTApril 10,2014   224    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON IKATLONG MARKAHAN Antas ng Pagtatasa Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ KinalalagyanKAALAMAN ng ng Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Araw AytemPag-unawa sa NapakingganNagagamit ang naunang 1 1 1 1kaalaman o karanasan sanapakinggang tekstoGramatikaNagagamit ang angkop 2 2 2 2-3na pagtatanong tungkolsa tao, bagay, lugar, atpangyayariPag-unlad sa TalasalitaanNakagagamit ng mga 1 1 1 4pahiwatig upangmalaman ang kahuluganng mga salita (contextclues)Kaalaman sa Aklat at LimbagNahuhulaan ang 11 1 5DRAFTNaipamamalas ang 6-7nilalaman/paksa ng aklatsa pamamagitan ngpahapyaw na pagbasaPagpapahalaga sa Wika at Panitikan 2 2 2paggalang sa ideya,damdamin, at kultura ngmay-akda ng tekstongAprilnapakinggan onabasa 110,120148 Proseso/Kakayahan 1 Gramatika Nagagamit ang angkopna pagtatanong tungkolsa mga tao, bagay, lugarat pangyayariPag-unawa sa BinasaNasasagot ang mga 1 1 1 9tanong tungkol sabinasang tekstong pang-impormasyonPagpapahalaga sa Wika at PanitikanNagagamit ang wika 1 1 1 10bilang tugon sa sarilingpangangailangan ositwasyon   225    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Antas ng Pagtatasa Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ KinalalagyanPag-unlad ng Talasalitaan ng ng Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Araw AytemNakikilala na ang 1 1 1 11dalawang salita aymaaaring magingtambalang salita nanananatili ang kahuluganPag-unawa sa BinasaNasasabi ang paksa o 1 1 1 12tema ng binasang tekstoPagsulat at KomposisyonNagagamit ang malaki at 1 1 1 13maliit na letra at mgabantas sa pagsulatPag-unawa sa NapakingganNakasusunod sa 11 1 14panutong may tatlohanggang apat nahakbangPang-unawaPagpapahalaga sa Wika at LiterasiNakadarama ng 21 1 15pagbabago sa sariling 1 1 1 16damdamin ay pananawbatay sa binasang tekstoPag-unawa sa NapakingganDRAFTNakasusunod sapanutong may tatlohanggang apat nahakbangKamalayang Ponolohiya 1 1Nakapagbibigay ng mgasalitang magkakatugmaApril 10,2014Pag-unladngTalasalitaan 1 17Nakagagamit ng mga 11 1 18palatandaang nagbibigayng pahiwatig (contextclues) upang maibigayang kahulugan ng salitaPag-unawa sa BinasaNaibibigay ang mga 1 1 1 19sumusuportang kaisipansa pangunahing kaisipanng binasang tekstoPagsulat at PagbabaybayNagagamit ang wastong 1 1 1 20bantas, malaki at maliitna letra sa pagsulatPag-unawa sa NapakingganNapagsusunod-sunod ang 2 4 4 21-24mga pangyayari sakuwentong napakinggan Antas ng Pagtatasa   226    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ KinalalagyanProdukto/Pagganap ng ng Kakayahan unawa Pagganap ng Bilang Araw Aytem 8 25-32Komposisyon 8 8 33-40 40Nakasusulat ng isang tula 3 8na may tamang tema attugma 40Pag-unawa sa NapakingganNakapagbibigay ng 4sariling wakas sa 35napakinggang kuwentoKABUUAN DRAFTApril 10,2014   227    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Basahin ang talata at sagutin ang mga tanong. Bilugan ang letra ng sagot. Pag-aalaga ng mga Hayop Modesta R. Jaurigue Sabado ng umaga, nagmamadaling bumaba ng bahay si Mang Carlos upangpumunta sa likod-bahay. Doon, makikita ang kaniyang inaalagaang iba’t ibang alaganghayop. May mga bibe, manok, kambing at mga baboy. Ito ang nagsisilbi niyang libanganmula nang tumigil siya sa pagiging kawani ng gobyerno sa edad na animnapu at lima. Ditolumalakas ang kaniyang katawan at nagsisilbing ehersisyo sa araw-araw. Bukod dito,nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita.1. Ano ang nagsisilbing libangan ni Mang Carlos?A. Paghahalaman C. PagtitindaB. Paghahayupan D. Pangingisda2. Saan makikita ang mga alagang hayop ni Mang Carlos?A. sa harapan ng bahay C. sa likuran ng bahayB. sa may bakanteng lote D. sa may tumana3. Pag-aalaga ng hayop ang nagsilbing libangan ni ______.A. Mang Oscar C. Mang ReyB. Mang Carlos D. Mang CesarDRAFTA. trabaho/ pinagkakakitaan4. Bukod dito, nagsisilbi pang hanapbuhay na may malaking kita. Ang kahulugan ngsalitang may salungguhit ay _____. C. ehersisyoB. libangan D. aralin5. Ang paksa ng talata ay ______.A. paghahanapbuhay C. pangingisdaApril 10,2014B. PagkamapagbigayB. pagtitinda ng mga Produkto D. pag-aalaga ng hayop6. Anong ugali ang ipinakita ni Mang Carlos sa kuwento?A. Pagkamatapat C. Pagkamaalaga D. Pagkamapagkakatiwalaan7. Paano kaya inaalagan ni Mang Carlos ang kaniyang mga hayop?A. pinakakain nang mabuti C. nililinis na mabuti ang tirahan nitoB. pinaiinum nang tama D. lahat ng nabanggit Pagtupad sa Pangarap ni Modesta R. Jaurigue Bata pa lamang si Marlon ay pangarap na niyang makatapos ng kursonginhinyero. Bagamat ulila na siya sa mga magulang ay hindi ito naging hadlangupang ipagpatuloy niya ang kaniyang pag-aaral. Nagtatrabaho siya sa yelohansa piyer simula dapithapon hanggang alas 8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ngmadaling-araw hanggang alas 6:00 ng umaga. Hindi kaagad siya pinag-aral ng kaniyang mga magulang kaya sa gulangna labindalawa ay nasa ikatlong baitang pa siya pero hindi niya ito ikinahihiyabagkus mas lalo pa siyang nagiging pursigido sa pag-aaral.   228    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  8. Anong uri ng mag-aaral si Marlon?A. masikap C. magalangB. matapat D. maalalahanin9. Bakit kaya hindi pinag-aral agad si Marlon ng kanyang mga magulang?A. Mag-aalaga sa mga kapatid C. Kapos sa peraB. Dahil hindi pa handang mag-aral D. Hindi sila bilib kay Marlon10. Kung ikaw si Marlon, ano ang gagawin mo?A. Magtatrabaho na lamang upang kumita ng peraB. Ipagpapatuloy ang pag-aaral habang nagtatrabahoC. Tumigil muna sa pag-aaral.D. Humanap ng taong susuporta sa pag-aaral.11. Ikahon ang dalawang tambalang-salita mababasa sa pangungusap. Nagtatrabaho siya sa yelohan sa piyer simula dapit-hapon hanggang alas8:00 ng gabi at babalik ng alas 4:00 ng madaling-araw hanggang alas 6:00ng umaga.12. Ang talata ay tungkol sa ______.A. Pagtatrabaho ni Marlon C. Pagsisikap sa pag-aaralB. Pagiging ulila sa magulang D. Pagsuko sa buhay13. Ano ang kahalagahan ng pag-aaral sa isang tao?DRAFT14. Sundin ang panuto:A. Nakatutulong sa pag-unlad ng tao C.Nagkakaroon ng magandang trabahoB. Nabubuo ang tiwala sa sarili D.Lahat ng nabanggitMagdrowing ng dalawang bilogSa isang bilog isulat ang pangarap ni Marlon. Sa pangalawang bilog naman ay ang dapat niyang gawin upang matupad iyon. Biyaya ng MaykapalApril 10,2014ni ModestaR.Jaurigue Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan, Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan, Nagbibigay-halaga sa kagandahang taglay, At dulot nitong yaman sa bawat nilalang. Atin laging isaisip, kapakanan ng kapaligiran, Upang tayo’y makinabang, pagdating ng araw, Iya’y adhikain ng Poong Maykapal, Ang maibigay sa atin, biyaya ng kalikasan.15. Bakit dapat pangalagaan ang kalikasan? C. Regalo ito ng Diyos A. Nagbibigay ganda sa kapaligiran D. lahat ng nabanggit B. Nagdudulot ng yaman sa mga tao   229    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  16. Gumuhit ng isang bilog at isulat sa gitna ang biyayang ating natatanggap sa kalikasan.17. Guhitan ang katugma sa ikalawang linya ng salitang may salungguhit Kay gandang pagmasdan, nitong kalikasan, Lalo’t mga tao’y tulong-tulong sa kalinisan.18. Iya’y adhikain ng Poong Maykapal. Ang kahulugan ng salitang may salungguhitay:A. layunin C. pangakoB. dasal D. sumpa19. Bilang isang mag-aaral, ano ang maitutulong mo sa ating kalikasan?A. Pagtatapon ng basura kahit saan C. Pagtatanim ng puno at halamanB. Pagsusunog ng mga plastik, styro at iba pa D. Paggamit ng plastik20. Isulat ng tama ang lipon ng mga salita na may wastong bantas. aba kaygandang pagmasdan na ating kalikasan21-24 Pagsunud-sunurin ang mga ideya tungkol sa pagtatanim ng halaman. Isulat namuli sa patlang.A. Itanim ang halaman sa parteng hapon upang hindi malanta.B. Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan.C. Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging kung araw.DRAFTD. Bungkalin ang pagtataniman ng lupa at pinuhin ito.PRODUKTO/ PAGGANAP Gumawa ng isang talata na may tatlo hanggang apat na pangungusap mataposbasahin ang kuwento. Ang MagkakaibiganApril 10,2014Magsasaliksik ang magkakaibigan na Criselle, Dexter, Brando, at Gracia. Sumakaysila sa dyip ni Mang Primo. “Mamang Primo, para na po diyan sa tapat ng Premiere Restaurant.” Nang pumasok sila sa computer shop, maraming estudyante ang gumagamit ngcomputer. Sa isang tabi, nakita nila si Trisha na nagpi-print ng pina-scan ng isang mag-aaral. “Oy mga bata, nandito pala kayo. Ano ba ang gagawin ninyo?” tanong ni AlingGloria. “Magre-research po kami,” wika ni Gracia.   230    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Pamantayan sa Pagsulat 5 8 2Walang paksang Hindi malinaw ang pagkakasulat ng Kumpleto at malinaw angpangungusap. paksang pangungusap. paksang pangungusap.Hindi magkakaugnay ang May isang pangungusap na walang May pagkakaugnay angmga pangungusap. kaugnayan sa paksang pangungusap. mga pangungusap.May 3- 4 na salita na mali May 1- 2 na salita na mali ang Walang mali ang pagkakabaybay,ang pagkakabaybay, pagkakabaybay, pagkakagamit ng pagkakagamit ng mga malaking letra at bantas.pagkakagamit ng mga mga malaking letra at bantas.malaking letra at bantas.Gawaing PagganapMakapagbigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwentong “AngMagkakaibigan” sa pasalitang pamamaraan. Gagampanan ng bawat pangkat na may 10mag-aaral. Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “AngMagkakaibigan”. Sa loob ng 5 minuto, mag-iisip ang bawat pangkat ng wakas ng kuwento.DRAFTPamantayan sa PagsasagawaPUNTOS PAMANTAYAN 8 Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan. Nakagagamit ng malaki at maliit na letra at mgaApril 10,2014bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram. Nakagagamit ng mga salitang klaster o may diptonggo. Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan. Nakagagamit nang malaki at maliit na letra at 5 mga bantas sa pagsulat ng mga salitang katutubo o salitang hiram. Nakapagbibigay ng orihinal o sariling wakas sa napakinggang kuwento sa pasalitang pamamaraan. 2   231    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  1. B SUSI SA PAGWAWASTO2. C3. B madaling‐araw 4. A5. D6. C7. D8. A9. C10. B11. dapithapon12. C13. D inhinyero  Magsisikap 14.15. DDRAFT16. pagkain  o puwedeng tumanggap ng malapit na kasagutan o puwedeng tumanggap ng ibang kasagutan17. kalikasan, kalinisan18. A19. CApril 10,201420. Aba! Kay gandang pagmasdan ng ating kalikasan.21-24. a. Bungkalin ang lupa na pagtataniman at pinuhin ito. b. Haluan ng pataba ang lupa bago ito tamnan. c. Itanim ang halaman ng parteng hapon upang hindi malanta. d. Diligan kaagad ang halaman pagkatapos itanim at takpan ng saha ng saging kung araw.   232    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Aralin 31 Kakayahan Ko, Ibabahagi Ko Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga tanong ukol sa napakinggang usapan Gramatika Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayari Pag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa balitang binasa Komposisyon Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Estratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan Paunang Pagtataya Ipasuri ang larawan. (Ilagay ito sa isang malaking papel o kaya naman ay iguhit ang larawang ito o gumamit ng anumang larawan na may katulad na paksa.) DRAFTApril 10,2014 Pasulatin ang mga bata ng dalawang tanong tungkol sa larawan. Ipabasa ang isinulat na mga tanong. Ipaskil ang mga papel na pinagsulatan ng mga bata ng tanong upang sila na rin ang magsuri kung tama o mali ang mga ito sa susunod na aralin. Unang Araw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang usapan Paksang-Aralin Pakikinig sa Isang Usapan 233      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Tutukuyin ng mga bata kung kaya o hindi nila kayang gawin ang makikita sa mga larawang ipakikita. Kung kaya, tumayo sa tapat ng paskil na KAYA KO at kung hindi naman ay sa tapat ng HINDI KO KAYA. Gamitin ang mga larawan na sumusunod. Maaari rin naman na gumamit ng mga larawan na mayroon na.2. Paglalahad Linangin ang salitang talento. Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng kanilang talento. Ano ang ibig sabihin ng salitang talento?3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. DRAFTSi TheaTuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa bahay-ampunan. Dumating na ang mga mag-aaral sa kalapit na paaralan upang magkaroon ng isang maikling palatuntunan. Ilang minuto na lang magsisimula na ang palabas, pero hindi pa rinApril 10,2014dumarating si Nerry. Siya pa naman ang unang kakanta bilang pambukas ngpalatuntunan.Bb. Hilario : Naku, nasaan na kaya si Nerry? Magsisimula na tayo, naiinip na ang mga bata.Bunny : Opo nga, e. Andito na ang lahat ng magsisiganap at ang lahat ay handa na. Si Nerry na lang talaga ang kulang.Bb. Hilario : Ano ba ang maganda nating gawin?Trining : Alam ko na po, baka puwedeng si Thea na ang gumanap ng parte ni Nerry. Pag nag-eensayo kasi tayo lagi ko siyang nakikitang nakikisabay kay Nerry sa pag-awit. Malugod na tinanggap ni Thea ang alok ng kaniyang guro at mgakaibigan. Buong husay siyang umawit sa harap ng mga bata. Lalo siyang 234      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 ginanahan nang makita niya na tuwang-tuwa ang lahat ng mga bata sa loob ngbulwagan.Sino-sino ang nag-uusap?Ano ang pinagkakaabalahan ng lahat?Ano ang naging suliranin nila?Ano sa palagay mo ang nangyari kay Nerry?Paano nabigyan ng solusyon ang kanilang suliranin?Paano mo ilalarawan si Thea?Gagawin mo rin ba ang ginawa ni Thea? Ipaliwanag ang sagot.Paano mo ibabahagi sa iba ang iyong talento?4. Pagpapayamang GawainPangkat-pangkatin ang klase.Paghandain ang bawat pangkat ng isang usapan tungkol sa kani-kanilangtalento o kakayahan.Tawagin ang bawat pangkat upang iparinig ang kanilang usapan.Magtanong sa mga bata tungkol sa napakinggang usapan.5. PaglalahatAno ang natutuhan mo sa aralin?Natutuhan ko sa araling ito ang pagsagot nang wasto sa mga tanong tungkol sa napakinggang usapan. 6. Karagdagang Pagsasanay DRAFTIpaulat ang isang usapang napakinggan mula sa mga kaibigan.Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong binasa Paksang-Aralin Pag-unawa sa BinasaApril 10,2014PanlinangnaGawain 1. Tukoy-AlamAno-ano ang kaya mong gawin?Hayaang ipakitang-kilos ito ng mga bata.Tutukuyin ng mga bata ang kilos na ipinakita ng kaklase.Itanong: Nagagawa ninyo rin ba ito?2. PaglalahadIpasulat sa mga bata sa mapa na nasa pisara ang naaalala nila sa salitangkariton. kariton Ano? Sino? Iguhit 235      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipabasa at pag-usapan ang mga salitang naisulat ng mga bata sa mapa. Ipabasa ang pamagat ng teksto sa Alamin Natin, p. 125. Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang “Natatanging Regalo” sa p. 125. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tungkol saan ang balitang binasa? Bakit “Natatanging Regalo” ang pamagat ng teksto? Ano ang regalong binanggit sa teksto? Paano ito dapat gamitin? Ano ang ibubunga kung gagamitin ito nang tama sa sarili? Sa kapwa? Sa bansa? Ilarawan ang Pilipino na binanggit sa teksto. Bakit siya dapat tularan? Paano mo siya matutularan? Bakit siya dapat ipagmalaki? Ano-ano ang kakayahan mo na dapat mo ring ibahagi sa iba? Paano? 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan sa pangkat ang organizer na makikita sa Linangin Natin, p. 126. Pag-uulat ng bawat pangkat. Talakayin sa klase ang tamang sagot sa mga tanong na makikita sa organizer. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? DRAFTNatutuhan ko sa araling ito na masasagot nang wasto ang mga tanong tungkol sa aking binasa kung uunawain nang mabuti ang nilalaman nito at tatandaan ang mahahalagang impormasyon na nakapaloob dito. 6. Karagdagang Pagsasanay Gumawa ng ilang news room sa loob ng silid-aklatan. Gumupit ng ilang kopya ng balita. Idikit ito sa manila paper at sulatan ng limang tanong.April 10,2014Ipaskil ang mga ito sa loob ng silid. Pangkat-pangkatin ang klase. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 126. Papiliin sila ng isang news room. Ipabasa ang balitang nakapaskil dito at pasagutan din ang inihandang katanungan. Matapos ang ilang minuto, bigyan ng hudyat ang bawat pangkat na makapunta naman sa ibang news room. Gawin ito hanggang sa makabalik sa orihinal na news room ang bawat pangkat. Matapos ang inilaang oras, ipaulat sa bawat pangkat ang sagot sa mga tanong na binasa sa news room na unang napuntahan. Pag-usapan ang sagot ng mga bata. 236      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayari Paksang-Aralin Wastong Pagtatanong Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang pumili ang mga bata ng isang bagay o larawan mula sa kanilang gamit. Pagbigayin sila ng isang tanong at pasagutan sa isang kaklase. Isulat sa pisara ang tanong na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ang mga tanong na isinulat sa pisara. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang teskto na nasa Alamin Natin, p. 125. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang tanong na ginawa ng mga bata tungkol sa kanilang binasa. Isulat ang mga ito sa pisara at ipabasa sa mga bata. Paano sinimulan ang mga tanong? Paano ito tinapos? DRAFTAno-anong salita ang ginamit upang simulan ang tanong? Kailan ginagamit ang ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan? Ano ang sagot na ibinibigay sa tanong na nagsisimula sa ano? Saan? Sino? Kailan? Ilan? Ano ang ibig sabihin kapag ang ano/saan/sino ay inuulit? Balikan ang mga tanong na ibinigay sa pag-uumpisa ng klase. Tama ba ang pagkakagawa ng mga ito? Ano ang dapat tandaan kapag magtatanong sa ibang tao? 4. Pagpapayamang GawainApril 10,2014Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127. Ipabasa ang mga ito at tumawag ng ibang bata upang sagutin ito. Talakayin kung tama ang pagkakagawa ng mga tanong. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagtatanong? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.127. Pag-uulat ng sagot sa pagsasanay. Pabigyang-puna ang ginawang tanong ng mga bata sa kanilang kaklase. Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga talata Nagagamit ang pangkalahatang sanggunian batay sa pangangailangan 237      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Paksang-AralinPagsipi ng mga TalataPanlinang na Gawain1. Tukoy-AlamAno-ano ang pangkalahatang sanggunian?Anong impormasyon ang makukuha sa bawat isa?2. PaglalahadIpabasang muli ang talata sa Pagyamanin Natin, p. 131.3. Pagtalakay at PagpapahalagaAno ang tinutukoy na natatanging regalo?Paano ito dapat gamitin?Bakit kailangang ibahagi ang mga ito?Paano mo mapapaunlad ang kakayahan mo?Ipabasa muli ang “Natatanging Regalo.”Ano ang pamagat nito?Paano ito isinulat?Ilang talata ang bumubuo dito?Paano sinisimulan ang talata?Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata?4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 127. Ipasuri ang natapos na gawain gamit ang rubric sa Patnubay ng Guro, p. 170.5. PaglalahatDRAFTAno ang natutuhan mo sa aralin?6. Karagdagang PagsasanayIpagawa ang Pagyamanin Natin p. 128. Bigyan ng sapat na oras ang mga bata upang maisagawa ang mga ito. Matapos ito, bigyang-puna ang sagot na ipapasa ng mga bata.April 10,2014IkalimangArawPanlingguhang PagtatayaMagpatukoy ng isang natatanging Pilipino na nais makapanayam ng mga bata.Bigyan ng ilang minuto ang mga bata upang magbasa tungkol sa napilingnatatanging Pilipino.Magpagawa ng tatlong tanong na nais ibigay ng mga bata sa natatangingPilipinong nais nilangmakapanayam.Ipagamit ang format na ito. Pamagat ng Binasa Sanggunian Siniping talata mula sa binasa 238      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Aralin 32Batang Pinoy Ako, Matatag AkoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwentoGramatika Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar, at pangyayariPag-unawa sa Binasa Nasasagot ang tanong na bakit at paanoPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinKomposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahanPaunang Pagtataya Pag-usapan ang larawan na nasa gitna. Pasulatin ang mga bata ng tanong na nagsisimula sa paano at bakit.DRAFTPaano? Bakit?  April 10,2014Ipabasa sa mga bata ang nakasulat na mga tanong.   Unang Araw Layunin Nakabubuo ng isang kuwentong katumbas ng napakinggang kuwento Paksang-Aralin Pagbuo ng Katumbas na Kuwento Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam A. Magdikta ng mga limang salita na natutuhan ng mga bata sa mga aralin. Tingnan kung tama ang pagkakabaybay nila. (Gawin ang Horn Method sa linggong ito. Bago simulan ang klase sa araw-araw. Lunes – pre-test Martes – ituro ang mga salita 239       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Miyerkules – test Huwebes – muling ituro ang mga salita sa unang araw Biyernes – mastery test) B. Nakaranas ka na hindi makasali sa isang paglalaro ng mga kaibigan? Ano ang naramdaman mo nang mangyari ito?2. Paglalahad Sabihin ang pamagat ng kuwento. Ano kaya ang nangyari sa kuwento? Isulat sa pisara ang magiging sagot ng mga bata. Hula Ko…Hula  Hula Tu nay na Tunay na Nangyari NangyariHula  Tunay na Tunay na Nangyari Nangyari Hula DRAFTBasahin ang kuwento sa mga bata.   Pastol Man ay Mabuti Rin (Pagpapaunlad ng Kasanayan sa Pagbasa 3, St. Mary’s Publishing House) “Juan, bakit ka masaya?” tanong ng kaniyang nanay nang umuwi si Juan isang hapong iyon.April 10,2014“Kasali po ako sa dula-dulaan namin sa paaralan para sa Pasko,” sagot ni Juan. “Anong papel ang iyong gagampanan sa dula-dulaan?” tanong ng Nanay. “Hindi ko po alam. Bukas pa po ibibigay ng guro ang aming mga papel.” Masayang-masaya si Juan nang matulog. Sabik na sabik siyang malaman ang papel na kaniyang gagampanan sa dula-dulaan. Kinabukasan, maaga siyang gumising at naghanda sa pagpasok. Masigla siyang nagpaalam sa kaniyang nanay at saka tumungo sa paaralan. Natutuwa rin ang kaniyang nanay. Ngunit malungkot nang umuwi si Juan noong hapong iyon. Matamlay siyang lumapit sa kaniyang nanay. “Anong nangyari, Juan? Wala ka bang papel sa dula?” “Mayroon po, Nanay.” 240      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  “Ganoon naman pala. Bakit ka malungkot?” “Mangyari po, isang pastol ang ibinigay sa aking papel. Ayaw ko po ng papel na pastol. Ang gusto ko po ay maging anghel. Hindi nila ako binigyan ng papel na anghel.” “Alam mo, Juan, hindi natin laging natatamo ang lahat ng ating naisin. At mainam naman ang papel ng pastol. Mahalaga ang ginampanang papel ng mga pastol. Hindi ba mga pastol ang nakakita sa tala at sila ang unang pumunta sa sanggol na Jesus?” Napangiti si Juan. “Siyanga po pala, Nanay. Mainam nga ang papel na pastol.” 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Balikan ang organizer na “Hula Ko.” Ano-ano ang tunay na nangyari sa kuwento? Pasagutan muli sa mga bata ang organizer. Ano ang pamagat ng kuwento? Sino-sino ang tauhan? Tungkol saan ang kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kuwento? Bakit mahalaga ang mga pastol? Ano ang nangyari kay Juan sa kuwento? DRAFTAno-ano ang damdamin ni Juan sa kuwento? Ano ang dahilan ng kaniyang mga naging damdamin sa kuwento? Tama ba ang nagiging damdamin niya? Paano nagbago ang kaniyang damdamin? Ano ang mensahe ng kuwento? Paano mo dapat tanggapin ang pagkabigo? 4. Pagpapayamang Gawain May karanasan ka bang tulad ng kay Juan? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng sariling karanasan na katumbas ng napakinggang kuwento.April 10,20145. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Iguhit ang tauhan na nais mong gampanan sa dula-dulaan na sinalihan ni Juan. Matapos ang ilang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit at bigyan ng paliwanag ang ginawa.Ikalawang Araw  Layunin Nasasagot ang tanong na bakit at paano tungkol sa binasang tekstoPaksang-Aralin Pagsagot ng bakit at paanoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Balikan ang kuwento na ipinarinig sa mga bata noong unang araw. 241    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Itanong: Bakit masaya si Juan? Bakit nalungkot si Juan? Paano napawi ang kaniyang lungkot? 2. Paglalahad Ipakuwento sa mga bata ang pag-aalagang ginagawa sa kanila ng mga magulang. Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 128-129. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Sino ang bida sa teksto? Ilarawan siya. Ano ang katangian ni Kano? Dapat ba siyang tularan? Paano ka magiging isa ring Kano? Isulat ang mga tanong na ito sa pisara. Ipabasa sa mga bata. Sa tapat nito, isulat ang sagot na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ito sa mga bata. Bakit siya naging inspirasyon sa buhay ni Titser Blu? Paano naging matatag si Kano sa kabila ng mga paghihirap niya? Ano ang isinasagot sa tanong na bakit? Paano? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 134.DRAFTTumawag ng ilang bata upang basahin ang kanilang mga ginawang tanong. Tama ba ang pagkakagamit ng bakit at paano? 5. Paglalahat Ano ang sagot sa tanong na bakit? Paano? 6. Karagdagang Pagsasanay Gabayan ang mga bata na maisagawa ang Pagyamanin Natin, p. 129. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanagApril 10,2014angkanilangginawa.Ikatlong Araw  Layunin Nagagamit ang angkop na pagtatanong tungkol sa mga tao, bagay, lugar at pangyayariPaksang-Aralin Paggamit ng Angkop na PagtatanongPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga papel na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa aralin. Ipalaro sa mga bata ang “Pinoy Henyo.” Gabayan ang mga bata na makapagtanong nang maayos upang mahulaan ang nakasulat sa papel. 242    

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad   Ipagawa ang organizer na makikita sa Alamin Natin, p. 130. Ipabasang muli ang kuwento ni Kano. Ipatapos ang organizer na unang ginawa. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagawain ang bawat pangkat ng klase ng mga tanong tungkol sa binasang kuwento. Ipabasa sa bawat pangkat ang ginawa nilang katanungan. Pasagutan sa ibang pangkat ang ginawang mga tanong. Ano-anong salita ang ginagamit sa pagtatanong? Kailan ginagamit ang ano-ano? Sino-sino? Saan-saan? Kailan? Ilan? Ano pa ang mga salitang ginagamit sa pagtatanong? Kailan ito ginagamit? 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang mga tanong na ginawa ng mga bata. Pabigyang-puna ito sa ibang bata. Ipasulat muli ang nagawang tanong. Ipagawa ang Linangin Natin, p. 130. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ano, sino, saan, ilan, kailan, ano-ano at sino-sino? DRAFT6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 130. Bigyang-puna ang ginawa ng mga bata upang maisulat muli ang mga ito nang wasto at tama. Ikaapat na Araw Layunin Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring naobserbahanApril 10,2014Paksang-Aralin Paggamit ng mga Salitang Natutuhan sa Talata Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magdikta ng mga salitang natutuhan ng mga bata kuwento ni Kano. Ipasulat sa pisara ang mga idiniktang salita. Tingnan kung tama ang pagkakasulat ng mga ito. 2. Paglalahad Dalhin ang mga bata sa labas ng silid-aralan. Papaglaruin ang mga bata ng larong takbuhan. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pagbalik sa loob ng silid-aralan, pag-usapan ang natapos na gawain. Isulat ang mga pangungusap sa pisara hanggang sa makagawa ng isang talata. Matapos isulat ang talata, itanong: May nais pa ba kayong idagdag? Alisin? Paano isinusulat ang isang talata? 243       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ano-anong bantas ang ginamit sa talata? Ano ang ipinahihiwatig ng mga bantas na ginamit? 4. Pagpapayamang Gawain Pasulatin ang mga bata ng sariling talata tungkol sa isang pangyayaring naobserbahan sa natapos na paglalaro ng klase sa labas ng silid-aralan. Bigyang-puna ito gamit ang rubric na nasa p. 195. 5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng talata? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipasulat muli sa mga bata ang talata na binigyang-puna ng guro.Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Inaasahang hindi matatapos ang mga gawain sa Ikaapat na araw. Ipagpatuloy angmga hindi natapos. Aralin 33 Pilipino Ako May Mayamang KulturaLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang tekstoDRAFTWikang Binibigkas Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyuPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinGramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayananApril 10,2014Pag-unawasaBinasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasanEstratehiya sa Pag-aaral Nabibigyang-kahulugan ang graphPaunang Pagtataya Sumulat ng tatlong pangungusap na naglalarawan ng isang pagdiriwang nanasaksihan sa sariling pamayanan. Salungguhitan ang ginamit na pang-uri.Unang arawLayunin Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa sa napakinggang teksto Naipapahayag ang sariling opinyon o reaksyon sa isang napakinggang isyu 244      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Paksang-Aralin Pagbibigay-Reaksyon sa NapakingganPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Palakihin ang larawan sa ibaba. Kung hindi naman kaya, gumamit ng larawan na may katulad na tema. Ipakita at pag-usapan ito. Kunin ang reaksyon ng mga bata sa ipinakikita ng larawan. 2. Paglalahad   Linangin ang salitang kultura. Ipaguhit sa mga bata ang pagkakaunawa sa salita. Tumawag ng ilang bata upang magpakita ng iginuhit. Pag-usapan ang mga ipinakita ng mga bata. DRAFTAno ang ibig sabihin ng salitang kultura? Basahin nang malakas.April 10,2014KulturangPilipino Ma. Luisa O. Felicia http://www.emanilapoetry.com Ang bansa nati’y mayaman sa katutubong wika Kaya mamamayan nati’y iba-iba ang salita Ngunit bawat isa nito’y dapat bigyang-halaga Upang bansa nati’y magkaunawa at lumigaya. Kung ang bawat Pilipino’y may pagpapahalaga Sa mga kulturang Pilipinong ating minana Sa mga ninunong sinauna Tiyak na lalago ang ating kultura. Hindi ko naman sinasabing mabubuti ang lahat nito Ngunit manahin sana natin ang makabubuti sa ating pagkatao At iwaglit naman ang hindi makabubuti sa tao Upang sumulong din ang bansa nating mga Pilipino. 245       

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ang salitang opo ay nakakalimutan na Pati na rin ang pagmamano sa mga nakatatanda Ngunit mga kagawiang ito'y napakaganda Maipamulat sana natin sa mga bata.3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Anong mga salita ang hindi nauunawaan sa napakinggang tula? Linangin ang bawat salita na mangggagaling sa mga bata. Ano ang tinatalakay sa napakinggang tula? Ano ang isinasaad ng unang taludtod? Pangalawa? Pangatlo? Pang-apat? Saan mayaman ang Pilipinas? Ano-ano ang kultura ng mga Pilipino? Ano ang mangyayari kung pahahalagahan natin ang ating kultura? Paano natin mapahahalagahan ang ating kultura? Ano-anong kultura natin ang nakabubuti sa pag-unlad ng bayan?4. Pagpapayamang Gawain Pag-usapan ang sagot nang pangkatan. Totoo ba na nakalimutan mo na ang paggamit ng po o opo? Pag-uulat ng bawat pangkat sa napag-usapan sa pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.5. Paglalahat Ano-ano ang dapat tandaan sa pagbibigay ng reaksyon sa isang paksa o isyu?6. Karagdagang PagsasanayDRAFTBalikan ang naibigay na reaksyon sa simula ng klase. Palagyan sa mga bata ng marka ang kani-kanilang sarili. Gamitin ang rubric na ito.   4 3 2     Naipahayag nang wasto ang damdamin.    April 10,2014Naipakitaangkaalamansaisyu o paksa na pinag-uusapan.Nagamit nang wasto ang   wika sa pagpapahayag ngsariling kaisipan.Ano ang marka na ibinigay mo sa sarili?Hayaang ipaliwanag ng mga bata ang dahilan sa pagbibigay ng marka sasarili. 246      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Ikalawang Araw Layunin Nasasabi ang mga pangyayari sa usapang binasa Nakapagbabahagi ng sariling kuwento kaugnay ng binasang usapan Paksang-Aralin Mga Pangyayari sa Isang Usapan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-alam Nakasali ka na ba sa Santacruzan o sa isang reynahan? Hayaang pag-usapan ng mga bata ang kanilang karanasan. 2. Paglalahad Linangin ang salitang Santacruzan. Ikuwento kung bakit ito ipinagdiriwang. Ipakita ang larawan ni Reyna Elena at ni Prinsipe Konstantino. Sabihin sa mga bata ang mahalagang ginagampanan ng mga ito sa Santacruzan. Ipabasa sa mga bata ang usapan sa p. 131. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bakit kakaiba si Prinsipe Konstantino? Sino-sino ang nag-uusap? DRAFTAno ang pinag-uusapan nila? Bakit pinakahihintay ng lahat ang Mayo 31? Ano-ano ang pangyayari sa usapang napakinggan? Dapat pa bang ipagpatuloy ang kaugaliang ito? Pabigyan ng katwiran ang sagot na ibibigay ng bawat bata na tatawagin. Paano mo pahahalagahan ang mga pagdiriwang sa bansa na tulad nito? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132. Pag-usapan ang ibinigay na pangungusap ng tinawag na mga bata.April 10,20145. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 132. Matapos ang inilaang oras, tumawag ng ilang bata upang ipakita ang iginuhit. Ipabasa rin ang pangungusap na nasulat. Ikatlong Araw Layunin Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao, at lugar sa pamayanan Paksang-Aralin Pang-uri 247      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng flashcard ng mga salita. Siguraduhin na may nakasulat na mga pang-uri. Ipabasa ito sa mga bata at tutukuyin din nila kung pang-uri o hindi ang bawat salita. 2. Paglalahad Pangkat-pangkatin ang klase. Ipaguhit sa isang pangkat ang damit para kay Angela at sa isang pangkat naman ay ang korona na kaniyang gagamitin. Pagpapakita ng natapos na gawain. Ipalarawan sa ibang bata ang ipinakitang damit at korona. Ano ang pang-uri? Ipagawa ang panuto sa Alamin Natin, p. 132. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano-ano ang pang-uri na ginamit sa usapan? Itala ang sagot ng mga bata. Ano ang inilarawan ng bawat isa? Ipabasang muli ang inilistang mga salita. Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. Tama ba ang pagkakagamit ng pang-uri? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 132. Pag-uulat ng bawat pangkat. DRAFTAno-ano ang pang-uring ginamit? 5. Paglalahat Ano ang pang-uri? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133. Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng gallery walk. Pag-usapan ang mga nakita. Magpabigay ng isang pang-uri para sa isangApril 10,2014pangngalan na nakita mula sa mga iginuhit.Ikaapat na ArawLayunin Nabibigyang-kahulugan ang graph Nakabubuo ng sariling graph upang maibigay ang impormasyon na nakalapPaksang-Aralin Pagbibigay-kahulugan sa graphPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipaawit: “Lubi-lubi” Pag-usapan ang awit. 2. Paglalahad Ipabasa muli ang usapan nina Angela at Aiah. 248      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino sa mga tauhan dito ang nais mong tularan? Pabigyang-katwiran ang pagpili na ginawa. Maghanda ng cut out ng simbolo para sa mga babae at para sa mga lalaki. (Malaya sa pagpili kung ano ito. ) Itanong muli: Sino sa mga tauhan sa usapan ang nais mong tularan? Igawa ng graph ang makukuhang impormasyon . Ipakita sa mga bata ang paggawa ng pictograph. Ano ang ipinakikita ng graph? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 133. Tumawag ng bata upang magbahagi ng kaniyang isinulat na pangungusap. 5. Paglalahat Ano ang pictograph? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 133. Pag-uulat ng natapos na gawain. Tumawag ng ilang bata upang magsabi kung ano ang natutuhan nila sa nakitang pictograph.DRAFTIkalimang Araw Panlingguhang Pagtayaya Sumulat ng tatlong pangungusap na maglalarawan ng isang prusisyon, reynahan o parada na maaaring nasaksihan o nasalihan. Ilarawan ito at guhitan ang pang-uri na ginamit. Aralin 34April 10,2014Bata Man Ako, Kaya kong Maging Hero Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Napakinggan Naibibigay ang paksa ng kuwento o sanaysay na napakinggan Gramatika Nakapaglalarawan ng mga bagay, tao at lugar sa pamayanan Kamalayang Ponolohiya Nakapagbibigay ng salitang magkakatugma Pag-unawa sa Binasa Nagbabago ang dating kaalaman base sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Pagsulat atPagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga salitang natutuhan 249      

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Komposisyon Nakakasulat ng isang talataPaunang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na may magkatugmang salita. Bilugan ang mga magkakatugmang salita na ginamit. Ipabasa at ipasulat sa pisara ang natapos na pangungusap.Unang ArawLayunin Naibibigay ang paksa ng tekstong napakingganPaksang-Aralin Paksa ng Tekstong NapakingganPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang ilang larawan ng mga bayani. Bakit sila naging bayani? 2. Paglalahad Paano magiging bayani ang isang bata? Basahin nang malakas. DRAFTGrade 5 pupil, Pinarangalan Online Balita; Dec. 12, 2011 Itinuring na bayani ang isang Grade V pupil sa nangyaring pagbagsak ng light cargo plane na ikinamatay ng 14 katao at ikinasugat ng maraming iba pa sa Brgy. Don Bosco, Parañaque City. Ang pagkilala ay ginawa ni Pangulong Benigno S. Aquino III at Department of Education (DepEd) matapos nitong iligtas ang isang bata habang nagaganap ang sunog.April 10,2014Dinalaw ni DepEd Secretary Armin Luistro sa Makati Medical Center (MMC) ang estudyanteng si Rodielyn Molina na una nang kinilala ng Pangulo. Sinasabing nagtamo ng second-degree burn si Molina habang isinasalba ang isang bata sa nasusunog na bahay. Si Rodielyn, 11, ay mag-aaral ng F. Serrano Elementary School na kasamang naabo sa sunog bunga ng pagbagsak ng eroplano. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Pangkat-pangkatin ang klase at pasagutan ang organizer na nasa ibaba. Paksa Mga Pangyayari Saan, Kailan at Ano ang Nangyari? Pangunahing Tauhan 250      


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook