Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Filipino Grade 3

Filipino Grade 3

Published by Palawan BlogOn, 2015-12-07 22:57:51

Description: Filipino Grade 3

Search

Read the Text Version

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Itanong: May ipinadadala ang iyong guro pero nakalimutan mo, ano ang gagawin mo? 2. Paglalahad Ano ang nangyari kay Flor sa “Limang Tulog”? Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 29. Itanong:Ano kaya ang gagawin niya kung sa pasukan ay kulang ang kaniyang gamit sa paaralan pero may pinaglumaan naman ang kaniyang ate o kuya? Ano kaya ang sasabihin niya? Isulat ang sasabihin ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang mga pangungusap na ibinigay ng mga bata. Itanong: Alin sa mga pangungusap ang tamang pagsasabi na nais mong manghiram ng gamit? Ipabasa ang usapan sa Alamin Natin, p. 30. Bigyan ng pansin ang mga salita na nakasalungguhit sa usapan. Itanong: Ano-anong gamit ang hiniram ni Flor? DRAFTAno-anong salita ang ginamit niya sa panghihiram? Ano ang sasabihin mo kapag pinahiram ka? Anong salita ang ginamit sa pagtuturo ng mga gamit sa usapan? Ano ang tinukoy ng ito? Iyon? Iyan? Kailan ginamit ang ito? Iyon? Iyan? Nasaan ang bagay na itinuro nang gamitin ang ito? Iyon? Iyan?April 10,2014Ano ang karapatan ni Flor ang naipakita sa kuwentong binasa? Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa karapatan sa pag-aaral? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang pagsasanay sa Linangin Natin, p. 31. Pagawain ang bawat paresng bata ng isang usapan na gamit ang ito, iyan at iyon. Pagtatanghal ng bawat pares ng bata. Tama ba ang paggamit ng ito? Iyon? Iyan? 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 31. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 31. Humanap ng isang bagay na nakikita sa paligid. Ituro ito gamit ang wastong pamatlig na ito, iyan at iyon. 51

Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikaapat na ArawLayunin Nasisipi ang mga salita mula sa tekstong binasa Nababaybay at nasusulat nang wasto at maayos ang mga salita na may tatlo o apat na pantig Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyonPaksang-Aralin Paggamit ng Iba’t Ibang Bahagi ng AklatPaglinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipalaro : Pinoy Henyo Pahulaan ang bahagi ng aklat na nakasulat sa papel. 2. Paglalahad Ipaturo sa mga bata ang iba’t ibang bahagi ng aklat. Pag-usapan ang kahalagahan ng bawat bahagi. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipagawa sa mga bata ang panuto na mababasa sa Alamin Natin, p. 31. Pagtalakay sa mga sagot ng mga bata. Gabayan ang mga bata kung may maling kasagutan. Saan makikita ang pahina ng isang tekstong nais basahin? Saan makikita ang “Talaan ng Nilalaman?” DRAFTKung wala ang “Talaan ng Nilalaman,” ano pang bahagi ng aklat ang maaaring pagkunan ng pahina ng isang tekstong kailangan? Paano mo pangangalagaan ang mga aklat? Anong karapatan ang natatamasa mo kung nagkakaroon ka ng pagkakataon na makabasa ng aklat upang malibang? Upang makakuha ng impormasyon na kailangan mo sa pag-aaral?April 10,2014Ipabasa ang mga salitang inilista mula sa binasang akda. Ipasulat ito sa mga bata sa pisara. Ilang pantig mayroon ang bawat salita? Linangin ang bawat salita at ipagamit sa sariling pangungusap. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang mga panuto sa Linangin Natin, p. 32. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? Ipakumpleto ang pangungusap sa Tandaan Natin, p. 32. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 32. 52

Patnubay ng Guro sa Filipino 3Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayunin Makagawa ng album tungkol sa karapatan ng mga bataMagamit ang panghalip na ito, iyan o iyonGagampanan ng bawat mag-aaral Ang bawat mag-aaral ay inaasahang makagawa ng album ng larawangnagpapakita ng karapatan ng mga bata, at makasulat ng isang pangungusap tungkolsa larawang ginupit at idinikit sa album.Kalagayan Ang mga mag-aaral ay gagawa ng album na may tatlong larawan nanagpapakita ng karapatan ng mga bata. Inaasahan din na makasusulat sila ng isangpangungusap tungkol sa bawat larawang idinikit sa album.BungaAlbum ng mga Karapatan ng mga BataPamantayan sa PagsasagawaDRAFTPUNTOS 12 PAMANTAYAN Ang album ay malinis, maayos, makulay at naipakita ang mga larawan sa malikhain at orihinal na pamamaraan. Naidikit ang tatlong larawan sa isang malikhaing paraan at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito , iyon o iyan. 9 Ang album ay malinis, maayos, at makulay. Naidikit ang mga larawan nang maayos at nalagyan ng angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito , iyon o iyan. 6 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng tatlong larawan atApril 10,2014nakasulat nang angkop na pangungusap gamit ang panghalip na ito o iyon o iyan.3 Ang album ay maayos at makulay. Nakapaglagay ng dalawang larawan. Aralin 9 Tungkulin KoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tekstoWikang Binibigkas Naiuulat nang pasalita ang mga naobserbahang pangyayari sa pamayananGramatika Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyon 53

Patnubay ng Guro sa Filipino 3Pag-unlad ng Talasalitaan Nakagagamit ng pahiwatig sa pag-alam ng kahulugan ng mga salita (tulad ng paggamit ng mga salitang magkasalungat)Pag-unawa sa Binasa Nagbabago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang tekstoPagsulat at Pagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mga parirala at pangungusapPaunang Pagtataya Basahin sa mga bata. Galing sa tindahan si Terry. May nakasalubong siyang isang marungis na bata na kasa-kasama ang kaniyang maliit na kapatid. Ilang araw na raw silang hindi kumakain. Ipasulat sa mga bata ang sagot sa kanilang sagutang papel. 1. Sino ang nanggaling sa tindahan? 2. Ano ang nangyari sa magkapatid? 3. Ano kaya ang ginawa ni Terry? Basahing muli ang sitwasyon at mga tanong. Talakayin ang sagot sa bawat tanong.DRAFTTama ba ang pagkakasulat mo sa ngalan ng tao? Sa pangungusap?Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang teksto Naiuulat ang mga nasaksihang pangyayari sa pamayananApril 10,2014Paksang-Aralin Pag-unawa sa Napakinggang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng mga larawan ng mga gawain sa bahay, paaralan, at pamayanan. Ipakita ito sa mga bata. Pag-usapan ang bawat larawan. 2. Paglalahad Ipatala sa mga bata ang ginagawa nila sa bahay, paaralan, at sa pamayanan. Ipagamit ang talaan na ito. Ang mga ginagawa ko sa… tahanan paaralan pamayanan Ipabasa sa mga bata ang kanilang itinala. Itanong: Bakit mo ginagawa ang mga ito? 54

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa mga bata. May mga tungkuling na dapat gampanan sa paaralan, tahanan, at pamayanan. Ang sumusunod ay tungkulin sa tahanan: sumunod sa utos ng mga magulang, iayos at iligpit ang mga laruan pagkatapos maglaro; magpaalam sa magulang kung aalis; tumulong sa mga gawaing-bahay; at igalang ang mga magulang at kasama sa bahay. Tungkulin ng mga bata sa paaralan na: sumunod at makinig sa guro, gumawa ng takdang-aralin, sumunod sa mga batas at alituntunin sa paaralan katulad ng pagsusuot ng uniporme, paggalang sa watawat at pagpasok sa tamang oras. May mga tungkulin din sa pamayanan. Ang mga ito ay pagsunod sa batas trapiko, pakikiisa sa mga proyekto ng pamayanan, pagpapanatiling malinis sa lugar, at pakikipagkasundo sa mga kapitbahay. Mahalagang isagawa ang mga nabanggit na mga tungkulin para sa ikabubuti ng mga bata. Lalaki silang maayos, may respeto at may pagmamahal sa sarili, sa magulang at sa kanilang bayan. SES Teacher Nora http://rosericnors.blogspot.com/2012/02/tungkulin-ng-mga-bata-sa-paaralan.html DRAFTItanong: Batay sa binasa, ano ang ibig sabihin ng salitang tungkulin? Saan-saan may tungkulin na dapat gampanan ang bawat isa? Ano-ano ang tungkulin sa bahay? Paaralan? Pamayanan? Ginagawa mo ba ang mga tungkulin na nabanggit? Bakit? Bakit hindi? Hayaang magbahagi ang mga mag-aaral ng karanasan sa pagtupag ng tungkulin. Ano ang kabutihang dulot sa pagtupad ng mga tungkulin? Ano ang mangyayari kung hindi naman tutuparin ang mga tungkulin?April 10,2014Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng isang naobserbahang pangyayari sa tahanan/paaralan/pamayanan na may kinalaman sa pagsunod sa isang tuntunin. Ano ang dapat tandaan kung magsasalaysay ng isang pangyayari? Ano ang dapat gawin kung magmamasid ng isang pangyayari upang iulat? 4. Pagpapayamang Gawain Maghanda ng mga istrip ng papel na may nakasulat na mga karapatan ng mga bata. Pabunutin ang bawat pangkat ng isang istrip ng papel. Ipatanghal sa bawat pangkat ang tungkulin na katapat ng karapatang mabubunot. Tumawag ng isang bata upang isalaysay sa kaniyang sariling salita ang naobserbahang pangyayari. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pag-uulat ng isang pangyayaring naobserbahan? 6. Karagdagang Pagsasanay Papikitin ang mga bata. 55

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ipaisip sa kanila ang mga pangyayaring naobserbahan sa kanilang paglalakad o habang patungo sila sa paaralan. Ipamulat ang mga mata. Tumawag ng ilang bata upang magsalaysay ng kanilang naobserbahan. Itanong sa mga batang nakapakinig ng pag-uulat: Tama ba ang paraan ng kaniyang pagkakaulat?Ikalawang ArawLayunin Nababago ang dating kaalaman batay sa mga natuklasang kaalaman sa binasang teksto Nakagagamit ng pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng mga kasalungat na salitaPaksang-Aralin Paggamit ng mga Magkasalungat na SalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga pagkain sa iba’t ibang pangkat ng pagkain. Ibigay ang bawat larawan sa mga bata. Ipadikit ang mga ito ayon sa kanilang tamang kategorya. DRAFTSuriin ang pagpapangkat na ginawa. Ano ang go food? Grow food? Glow food? 2. Paglalahad Pagpapalawak ng talasalitaan Ipabigay ang kasalungat na kahulugan ng mga salitang may salungguhit. 1. Maraming kumain ng kanin ang nanay ni Rolly, kaya mataas angApril 10,2014cholesterol niya. Pinayuhan siyang kumain lamang ng kaunti upang maging mababa ang kaniyang kolesterol. (kasalungat- mababa) 2. Matapos kong kumain ng maalat na pagkain , kumain naman ako ng matamis na tsokolate. (kasalungat - maalat) 3. Nakakapagpapayat ang tsokolate, kabaliktaran sa pag-aakala ng marami na ito ay nakakataba. (kasalungat – nakakataba) 4. Ang tsokolate ay may antioxidants na maaaring makapagpakinis ng magaspang na kutis. (kasalungat – magaspang) Ipagamit ang mga bagong salita sa pangungusap. Mahilig ka ba sa tsokolate? Hayaang ibahagi ang karanasan ng mga bata na may kinalaman sa pagkain ng tsokolate. Ano ang alam mo tungkol sa tsokolate? Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata. 56

Patnubay ng Guro sa Filipino 3ALAM KO NA NGAYON KO LANG NALAMANAno pa ang nais ninyong malaman tungkol sa tsokolate?Isulat sa tamang kolum ang sagot ng mga bata.3. Pagtalakay at PagpapahalagaIpabasa nang tahimik ang teksto sa Alamin Natin, p. 32-33.Matapos basahin ang teksto, ipasulat ang mga bagong natutunan tungkol satsokolate.Ipabasa ang kasagutan sa mga bata.Ano-ano ang magagandang dulot ng pagkain ng tsokolate?Kailan nagiging masama sa katawan ang pagkain ng tsokolate?Ano-ano sa dating kaalaman mo sa tsokolate ang nagbago?Ano ang tungkulin mo sa iyong sarili pagdating sa pagkain?Paano mo maisasagawa ang tungkulin mo sa iyong sarili?4. Pagpapayamang GawainIpagawa ang Linangin Natin,p. 34DRAFTPapunan ang tsart sa ibaba tungkol sa paniniwala mo tungkol sa tsokolate bago atmatapos basahin ang teksto.NOON NGAYON Masama sa katawan Mabuti sa katawan * Siguraduhin na ang ilalagay ng mga bata ay magkakasalungat na ideya. Ipabasa sa mga bata ang natapos na gawain. Talakayin ang kanilang kasagutan. 5. Paglalahat Ano-ano ang natutuhan mo sa aralin?April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p.34. Magsagawa ng isang gallery walk na nagtatampok ng mga iginuhit ng mga bata. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat bata.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang mga panghalip na ito, iyan, at iyonPaksang-Aralin Paggamit ng Panghalip na Ito, Iyan at IyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Linangin ang salitang tungkulin. 2. Paglalahad Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? 57

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipasuri ang mga larawan na nasa Alamin Natin , p. 34. Ano ang ginagawa ng bata sa bawat larawan? Alin-aling larawan ang dapat magkakasama? Hayaang pagpangkat-pangkatin ng mga bata ang mga larawan. Tumawag ng ilang pares ng bata upang tukuyin ang mga larawan gamit ang salitang ito, iyan, at iyon. 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 35. Pabilugin ang mga bata. Sabihin sa kanila na sa pagtigil ng tugtog, ang batang may hawak ng bola ang magbibigay ng isang pangungusap na may gamit na ito, iyon at iyan. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyan?Iyon? 6. Karagdagang Pagsasanay Upang mapatibay at mapayaman ang nililinang na kasanayan, ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 35.Ikaapat na ArawLayuninDRAFTNagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusap.Paksang-Aralin Pagsulat ng mga PangungusapPanlinang na Gawain 1. Tukoy-AlamApril 10,2014Pasulatin ang mga bata ng ginawang tungkulin sa bahay nang nagdaang gabi. Ipapaskil ito sa inilaang paskilan sa loob ng silid-aralan. Bigyan ng tatlong minuto ang mga bata na makapaglibot sa loob ng silid upang mabasa ang ginawa ng mga bata. Matapos ang inilaang oras, itanong: Ano-ano ang ginawa ng mga kaklase ninyo? Itala ang mga pangungusap na ibibigay ng mga bata. Ipabasa ito . 2. Paglalahad Ipakitang muli ang mga larawan na ginamit sa Ikatlong Araw. Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata. Pasulatin sila ng isang pangungusap tungkol sa larawang ipinakita. Bigyang muli ng panibagong istrip ng papel ang bawat bata. Pasulatin ang mga bata ng isang pangungusap na nagpapahayag ng damdamin tungkol sa larawang ipakikita ng guro. Bigyan ng istrip ng papel ang mga bata upang isulat dito ang isang tanong tungkol sa larawang ipakikita ng guro. 58

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang mga nagawang pangungusap sa mga bata. Ipapaskil ang mga pangungusap sa pisara. Itanong: Alin-aling pangungusap ang dapat magkakasama? Ano ang napansin sa bawat pangkat ng pangungusap? Paano sinimulan ang mga pangungusap? Paano nagtapos ang pangungusap na nagsasalaysay? Nagsasaad ng damdamin? Nagtatanong? Anong tawag sa mga bantas na ginamit? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 36. Matapos ang inilaang oras, ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Tama ba ang pagkakasulat ng bawat pangungusap? Paano iwawasto ang mali ang pagkakasulat? 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas? Ginagamit ang malaking letra sa: unang letra ng unang salita sa pangungusap unang letra ng pangalan ng tao unang letra ng tanging ngalan ng hayop, lugar at iba pa DRAFTGinagamit ang maliit na letra sa karaniwang salita. Ginagamit ang tuldok (.) sa hulihan ng pangungusap na pasalaysay. Ginagamit ang panandang pananong (?) sa pangungusap na nagtatanong. Ginagamit ang panandang padamdam (!) sa pangungusap na nagpapahayag ng matinding damdamin. Ginagamit ang kuwit (,) bilang tanda ng pahinga o paghihiwalay ng mga salita.April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 36. Isulat nang wasto ang “Panatang Makabayan,” sa isang malinis na papel. Matapos ang inilaang oras para sulatin ito ng mga bata nang walang huwaran, ipakita sa mga bata ang wastong pagkakasulat nito. Hayaang makipagpalit ng papel ang mga bata sa kanilang katabi. Palagyan ng puna kung naisulat o hindi nang wasto ang teksto. Ipabalik ang papel sa sumulat upang maiwastoito nang isinasaalang-alang ang mga puna mula sa kaklase. Ikalimang Araw Panlingguhang Pagtataya A. Iparinig ang maikling talata. Sagutin ang mga tanong pagkatapos. Isulat ang letra ng tamang sagot. 59

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Isang maliit at magandang nayon ang aming lugar sa probinsiya. Sa bukidnagtatrabaho ang aming mga magulang. Sila ay magsasaka. Nagtatanim sila ngiba’t ibang uri ng mga halaman na ibinibenta sa bayan. Isang araw, habang sila ay nasa bukid, naiwan kaming magkakapatid sabahay. “Ella, ikaw ang maghuhugas ng pinggan sa umaga at si Nico naman sagabi. Ako na ang magluluto ng ating pagkain,” wika ni Ate Lany. Tulong-tulong ang magkakapatid sa mga gawain sa bahay, at ginagawa nilanang maayos ang kani-kanilang tungkulin. Pag-uwi sa bahay ng mag-asawa nghapong iyon, nawika ng ina,“ Salamat mga anak, napapanatili ninyong malinis atmaayos ang ating tahanan.”1. Sa bukid nagtatrabaho ang aming mga magulang, sila ay ___________.A. mangingisda B. magsasaka C. magtotroso D. magkakaingin2. Ang magkakapatid ay nagtutulong-tulong sa gawaing-bahay upangA. mapanatili ang kalinisan C. matuwa ang magulangB. papurihan sila D. mabigyan ng pabuya o regalo3. Tama ba ang ginawang pagpapalaki ng mga magulang ni Nico sa kanila? Bakit? A. Oo, dahil lalaki sila na responsableng mamamayan. B. Oo, dahil palaging matutuwa ang kaniyang mga magulang. C. Hindi, dahil inaabuso ng kaniyang mga magulang ang kanilang karapatan. D. Hindi, dahil hindi makatarungan na sila ay pagtrabahuhin sa loob ng tahanan.DRAFTB. Ibigay ang kasalungat na kahulugan ng salitang nakasalungguhit.4. Isang maliit na nayon ang tirahan namin sa probinsiya.5. Malumanay magsalita ang aking nanay.6. Ang magkakapatid ay tulong-tulong sa mga gawain sa bahay.7. Tungkulin ng bawat miyembro ng pamilya na magtulungan upang mapanatili ang kaayusan.April 10,20148. Napapanatiling malinis at maayos ang ating tahanan kapag sama-sama.C. Ipasulat muli ang talata gamit ang wastong bantas gayundin ang maliit at malaking letra. lunes maagang gumising si brille upang ihanda ang sarili sa pagpasok sa eskwela matapos maligo dumiretso siya sa kusina at kumain busog nabusog si brille sa napakasarap na umagahang inihanda ng ina humalik si brille sa pingi ng ina at nagpaalam aalis na po ako inay masayang wika ni brille mag-iingat ka anak ang tugon ng ina 60

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Aralin 10 Buhay Ko Lingguhang Layunin Pag-unawa sa Pinakinggan Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento Pag-unawa sa Binasa Natutukoy ang mga elemento ng kuwento Gramatika Nagagamit ang ito, iyon, at iyan Pag-unlad ng Talasalitaan Naibibigay ang kasingkahulugan ng salita Komposisyon Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan Paunang Pagtataya DRAFTBasahin ang kuwento upang masagot ang mga tanong tungkol dito. Nagmamadali Pa Naman Tinanghali ng gising si Rosa. Dali-dali siyang naglinis ng katawan at nagbihis ng uniporme. Patakbo siyang lumabas ng kanilang bahay. Tanghali na talaga siya. Malapit na siya sa gate ng kanilang paaralan, nang bigla siyang tumawid. Hindi na siya tumingin sa kaniyang kanan o kaliwa. Hindi na rin niya hinintay na makarating siya sa tamang tawiran. “Beep! Beep! Beep!” nagulat siya sa isang kotse na halos kadikit niya.April 10,2014Muntiknasiya. Pagtapat niya sa gate ng kanilang paaralan, sarado ito. Wala pala silang pasok nang araw na iyon. Nagmamadali pa naman siya. Ang dami pa naman niyang hindi ginawa nang umagang iyon, lalong-lalo na ang pagsunod sa tuntunin sa pagtawid sa kalsada. Isulat ang sagot sa isang malinis na papel. 1. Sino ang tauhan sa kuwento? 2. Saan-saan naganap ang kuwento? 3. Ano ang mga tungkulin na hindi nagawa ni Rosa? 4. Ano ang nangyari nang hindi siya tumawid sa tamang tawiran? 5. Bakit nagmamadali si Rosa? 61

Patnubay ng Guro sa Filipino 3Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga simpleng tanong tungkol sa napakinggang kuwento Nakabubuo ng isang kuwentong kahawig ng napakinggang kuwentoPaksang-Aralin Pagbibigay ng Kahawig na KuwentoPaglinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng isang larawan tungkol sa pamumuhay sa lungsod o sa baryo. Ipakita ito sa mga bata. Pag-usapan ang larawan. 2. Paglalahad papikitin ang mga bata. Kung maaari, magparinig ng musika sa mga bata habang ipinaalala sa kanila ang nagdaang bakasyon. Ipaguhit ang naalala noong nakaraang bakasyon. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Tumawag ng isang bata na magkukuwento sa buong klase ng sariling karanasan gamit ang larawang iginuhit. Pag-usapan ang napakinggang kuwento. Bakit hindi malilimutan ang karanasang napakinggan? Ano-ano ang kilos na ginawa sa kuwento? DRAFTAno-ano ang damdamin na nasa kuwento? May ganito ka rin bang karanasan? 4. Pagpapayamang Gawain Tumawag pa ng ilang bata upang magbahagi rin ng katulad na karanasan. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?April 10,20146. KaragdagangPagsasanay Magparinig sa mga bata ng isang kuwento. Hayaang magbigay ang mga bata ng orihinal na kuwento na may katulad na tema nito. Tumawag ng ilang volunteer para magbahagi sa buong klase.Ikalawang ArawLayunin Natutukoy ang mga elemento ng kuwentoPaksang-Aralin Mga Elemento ng KuwentoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Balikan ang napakinggang kuwento nang nagdaang unang araw. Itanong: Sino ang tauhan sa napakinggang kuwento? 62

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Saan ito nangyari? 2. Paglalahad Ano ang napanaginipan mo nang nagdaang gabi? Hayaang ikuwento ito ng mga bata. Puwede kaya itong magkatotoo? 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang kuwento sa Alamin Natin, p.37. Pangkatin ang klase. Ipagawa ang isang gawain sa bawat pangkat. Gawain 1 – Igawa ng stick puppet ang tauhan sa kuwento Gawain 2 – Iguhit kung saan naganap ang kuwento Gawain 3 – Isulat ang unang, panggitna, at panghuling pangyayari sa kuwento. Itanong: Tungkol saan ang kuwento? Sino-sino ang tauhan sa kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 1.) Saan naganap ang kuwento? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 2.) Ano ang napanaginipan ng tauhan sa kuwento? Ano-ano ang pangyayari sa kaniyang panaginip? (Tawagin ang pangkat na gumawa ng Gawain 3.) Ano ang isa mong panaginip na hindi mo malimutan? DRAFTIpabahagi ito sa klase. Nagkakatotoo ba ang panaginip? Ano ang dapat gawin kung may masamang panaginip? 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang kuwento sa Linangin Natin, p.38 at pasagutan ang mga tanong sa pamamagitan ng T-Model na nakasulat sa isang manila papel o saApril 10,2014cartolina. Bigyan ang bawat pangkat ng klase upang dito isulat ang kanilang sagot.Patnubay na Tanong Mga sagot 1. Ano ang pamagat ng kuwento 2. Sino-sino ang mga tauhan? 3. Saan ito naganap? 4. Kailan ito naganap? 5. Ano ang suliranin ng tauhan?Wakas Ibahagi sa bawat pangkat ang kanilang sagot. Talakayin ang kuwento sa pamamagitan ng pagtalakay sa kasagutan sa bawat tanong.5. Paglalahat Ano-ano ang elemento ng kuwento? 63

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Linangin Natin, p. 39. Tumawag ng ilang bata upang magbahagi ng kanilang natapos na balangkas.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang panghalip na ito, iyan, at iyonPaksang-Aralin Paggamit ng Ito, Iyan at IyonPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Hayaang magbigay ang mga bata ng pangungusap gamit ang ito, iyan at iyon. Itanong: Kailan ginagamit ang ito? Iyan? Iyon? 2. Paglalahad Ipabasa at ipagawa ang Alamin Natin, p. 39. Ipaguhit sa mga bata ang mga bagay na nakita ni Bernardo sa kaniyang panaginip. Pasulatin ang mga bata ng pangungusap upang maipakita ang wastong gamit ng ito, iyon at iyan.DRAFT3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang ginawang pangungusap. Ipasulat ito sa pisara. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? Paano maiwawasto ang mga mali ng pagkakasulat? Ano ang tinutukoy ng ito/iyon/iyan sa pangungusap? Nasaan ang tinutukoy na bagay/lugar/tao?April 10,2014Tama ba ang pagkakagamit ng ito? Iyan? Iyon? Kung may mali, paano ito maiwawasto? Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p.39. Ipaskil sa pisara ang mga larawang ginamit sa gawaing ito. Hayaang isulat ng mga bata ang pangungusap na ginawa nila sa tapat ng angkop na larawan. Ipabasa ito sa mga bata. Suriin kung tama ang pagkakagamit ng ito, iyon at iyan. 5. Paglalahat Kailan ginagamit ang ito? Iyon? Iyan? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 40. Pasulatin ang mga bata ng isang komik istrip gamit ang ito, iyan at iyon. 64

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Matapos ang inilaang oras, magsagawa ng isang gallery walk upang makita ng ibang bata ang ginawa ng kanilang kaklase at makapagbigay ng puna. Bigyan din ng puna ang natapos na komiks ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata upang maisaayos ang mga pangungusap na nangangailagan ng rebisyon. Ikaapat na Araw Layunin Nakasusulat ng isang ulat tungkol sa isang pangyayaring napakinggan Paksang-Aralin Pagsulat ng Ulat Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipabasa ang ilang pangungusap na nakasulat sa pisara. (Siguraduhin na isulat ang ibang pangungusap na may kamalian.) Sabihin kung tama o mali ang pagkakasulat ng bawat isa. 2. Paglalahad Ipagawa ang nakasulat sa Alamin Natin, p. 40. DRAFTPangkatin ang klase. Hayaang pag-usapan sa pangkat ang isang pangyayaring nasaksihan ng bawat isa. Papiliin ang pangkat ng pangyayaring isusulat. Ipasulat ito sa manila paper. Ipabasa ang natapos na talata sa klase. Gawin ito hanggang sa matapos ang lahat ng pangkat. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat. Tama ba ang pagkakasulat ng mga pangungusap? May pagkakaugnay-ugnay ba ang mga pangungusap?April 10,2014Tama ba ang pagkakagamit ng malaki at maliit na letra? Tama ba ang pagkakabaybay ng mga salita? Tama ba ang mga bantas na ginamit? Sapat ba ang pagkakalayo ng mga salita na ginamit sa pangungusap? Pantay-pantay ba ang pagkakasulat ng mga salita? Tungkol saan ang isinulat na teksto? Ipabasang muli ang talatang isinulat. May pagkakaugnay ba ang mga pangungusap? Natukoy ba ang tauhan at tagpuan nito? Tama ba ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari? Ano-ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang ulat ng pangyayari? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 40 Ipasulat muli sa pangkat ang naunang talatang naisulat. Isasaalang-alang ngayon ang mga nakitang pagkakamali habang tinatalakay ang naunang modelo ng talata ng pag-uulat. 65

Patnubay ng Guro sa Filipino 35. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsulat ng isang pag-uulat?6. Karagdagang Pagsasanay Pasulatin ang mga bata ng isang talatang may tatlo hanggang limang pangungusap tungkol sa isang pangyayaring personal na naobserbahan.Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaLayuninNakabubuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kwentoNaisasadula ang nabuong kuwento sa malikhaing pamamaraanGagampanan ng bawat mag-aaralAng bawat mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggangkuwento na binasa ng guro.KalagayanAng mga mag-aaral ay susulat ng isang kuwento na kahawig ng napakinggang kuwento at pagsasadula nito sa isang malikhaing pamamaraan.Bunga Pagbuo ng kuwentong kahawig ng napakinggang kuwento. DRAFTAng Malaking Kahon Maagang nagising ang batang si Maricar. Isang malaking kahon ang nakitaniya sa may pintuan ng kanilang bahay. “Ano kaya ang laman nito?” ang tanong niya sa kaniyang sarili. Pilit niyang sinisilip ang laman nito, pero talagang balot na balot ito.Sinubukan niyang amuyin, pero wala naman itong amoy. Binuhat din niya, hindinaman niya makaya.April 10,2014“Ano kaya talaga ito? Para kanino ito?” “Para sa iyo ang kahon na iyan,” ang sabi ng tinig sa kaniyang likuran. Dali-dali niya itong binuksan. Tuwang-tuwa siya nang makita ang isangnapakalaki at napakagandang bahay-bahayan. “Salamat ,Tatay. Salamat sa paggawa mo ng isang bahay-bahayan para saakin.”Pamantayan sa PagsasagawaPUNTOS PAMANTAYAN12 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari sa bawat isa. Nagamit ang wika nang wasto at angkop sa bawat sitwasyon.9 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari maliban sa isa. May isang salitang ginamit na hindi angkop sa sitwasyon. 66

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 6 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. May pagkakaugnay-ugnay ang mga pangyayari ngunit may 2- 3 na walang kaugnayan sa mga nauna. 3 Nakabuo ng isang orihinal at katumbas ng napakinggang kuwento. Walang pagkakaugnay ang mga pangyayari sa bawat isa. DRAFTApril 10,2014 67

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Talaan ng Espesipikasyon sa Filipino 3 Unang Markahan Antas ng Pagtatasa Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ KinalalagyanKAALAMAN ng ng Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Araw AytemPag-unawa sa NapakingganNasasagot ang mga 22 2tanong tungkol sanapakinggang tula 1-2GramatikaNagagamit ang 1 1 1 3pangngalan sa 1 1 1 4pagsasalaysay tungkol samga tao, lugar at bagayNagagamit ang mgasalitang pamalit sa ngalanng taoPag-unawa sa BinasaNasasagot ang mga 1 1 1 5DRAFTNapapantig nang 1 1 6tanong tungkol sabinasang tekstoKAMALAYANG PONOLOHIYA 1pabigkas ang mga salitaPROSESOPag-unawa sa NapakingganNailalarawan ang mga 2 1 1011 ,201784bahagi ng kuwento 1 1Napagsusunod-sunod angmga pangyayari saAprilnapakinggang kuwento satulong ng mga larawanGramatikaNagagamit ang 1 1 1 9pangngalan sa 1 1 1 10pagsasalaysay tungkol satao, bagay sa paligidNagagamit ang salitangpamalit sa ngalan ng taosa usapan at sitwasyonKamalayang PonolohiyaNatutukoy ang mga 1 1 1 11salitang magkakatugma 1 1 1 12Napapalitan atnadaragdagan ang mgapantig upang makabuo ngmga bagong salitaPag-unawa sa BinasaNasasagot ang mga 22 2 13-14tanong tungkol satekstong binasa 68

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Antas ng Pagtatasa Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ KinalalagyanEstratehiya sa Pag-aaral ng ng Pagganap ng Bilang Kakayahan unawa Araw AytemNagagamit ang 1 1 1 15diksiyunaryo 2 1 1 16Nagagamit ang iba’tibang bahagi ng aklat sapagkalap ngimpormasyonPAG-UNAWAPag-unawa sa NapakingganNasasagot ang mga 11 1 17tanong tungkol sa 11 1 18napakinggangkuwento/parabolaNakasusunod sa mgapanutong may 2-3hakbangGramatikaNagagamit ang 1 1 1 19pangngalan sa 1 1 1 20pagsasalaysay tungkol satao, lugar at bagayDRAFTNagagamit ang mgasalitang pamalit sa ngalanng tao, lugar at bagayPag-unlad sa TalasalitaanAprilNabibigyang-kahulugan 1 11 0,201 1421 ang mga salitang kilala at di-kilala sa pamamagitan ng pagbibigay ng kasingkahulugan atkasalungat na salitaKaalaman sa LimbagNahuhulaan ang 1 1 1 22nilalaman/paksa ng aklatsa pamamagitan ngpamagatPag-unawa sa BinasaNasasagot ang mga 1 1 1 23tanong tungkol satekstong binasaPagsulat at PagbabaybayNababaybay nang wasto 1 1 1 24ang mga salitang 1 1 1 25natutuhan sa aralinNagagamit ang malaki atmaliit na letra at mgabantas sa pagsulat ngmga salita, parirala atpangungusap 69

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Antas ng Pagtatasa Mga Layunin Bilang Bilang Kaalaman Proseso/ Pang- Produkto/ Kinalalagyan ng ng Pagganap ng BilangKomposisyon Kakayahan unawaNasisipi nang wasto at Araw Aytem 26maayos ang mga salita, 1parirala at pangungusap 1 1 27Nakasusulat ng 1pangungusap nang may 1 1wastong gamit ng malakiat maliit na letra at mgabantasEstratehiya sa Pag-aaralNagagamit ang 1 1 1 28diksiyunaryo 29-40Produkto/PagganapPag-unawa sa NapakingganNaisasakilos ang 11 1napakinggang tugma otulaWikang Binibigkas DRAFT1 1 1Nakabubuo ng isang 22 2kuwentong katumbas ngnapakinggang kuwentoNagagamit angmagagalang na pananalitasa angkop na sitwasyonNaisasagawa ang maayos 1 1 1na pagpapakilala ng sariliNaiuulat nang pasalita 1 1 10,2011 14ang mga naobserbahang 1 1pangyayariGramatikaAprilNagagamit angpangngalan sapagsasalaysay tungkol samga tao, lugar, at bagayna makikita sa paligidNagagamit ang mga 11 1salitang pamalit sa ngalanng tao, bagay, hayop atlugarPag-unawa sa BinasaNaiuugnay ang binasa sa 2 2 2sariling karanasanNakapagbibigay ng 11 1sariling wakas sabinasang kuwentoNagbabago ang dating 1 1 1kaalaman base sanatuklasang kaalamanmula sa binasang tekstoKABUUAN 42 40 6 10 12 12 70

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 UNANG MARKAHANG PAGSUSULITBasahin ang talata at sagutin ang mga katanungan. Bilugan ang letra ng tamang sagot. Ang Halayang Ube ni Maya ni Dolorosa S. de Castro Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria na abalang-abala sa pagluluto ng halayang ube. “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo, Inay,” wika ni Maya habanglumalakad palapit sa Ina. “Pihadong matutuwa na naman ang mga suki ko kapag natikman nila iyan,” maypagmamalaking wika ni Maya. Napangiti si Aling Maria sa sinabi ni Maya. “Salamat anak, natutuwa ako at nagugustuhan mo lahat ng niluluto ko,” wika ngDRAFTina. Matapos maihanda ni Aling Maria ang ilalakong halaya ni Maya, binilinan niyaitong mag-ingat. Kapag naubos nang maaga ang kaniyang paninda, umuuwi siya kaagadupang makapagpahinga.1. Ano ang uri ng kakanin na tinukoy sa kuwento?April 10,20142. Sino ang matutuwa kapag natikman ito?A. bilo-bilo C. sinukmaniB. halayang ube D. sumang yakapA. Maya C. mga kalaro ni MayaB. suki D. mga kapitbahay ni Maya3. Sino ang nagsabi? “Uhmm! Napakabango naman ng niluluto ninyo Inay?”A. Aling Maria C. MayaB. Hana D. Sonia4. Maagang gumising si Maya upang tumulong sa inang si Aling Maria.Anong salita ang maaaring gamiting pamalit sa salitang Maya?A. ako C. kamiB. ibon D. siya5. Bakit maagang gumising si Maya?A. maglaro C. tumulongB. magtinda D. umalis6. Ilang pantig mayroon ang salitang halaya?A. apat C. isaB. dalawa D. tatlo 71

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ang Tula ni Emma ni Dolorosa S. de Castro“Yehey!” ang malakas na hiyaw ni Emma.Nanalo kasi ang kaniyang entry sa paligsahan sa paggawa ng tula. Pinamagatanniya itong Isko Palito. Kaliwa’t kanan ang sa kaniya ay bumabati. “Ang galing mo Emma,”, ang bati sa kaniya ng mga kaibigan.“Salamat, inspirado lang talaga ako habang gumagawa ng aking tula,” sagot niEmma sa kaibigan.Bago igawad ang medalya, tinanong si Emma ng isa sa mga hurado, “Sino si IskoPalito sa iyong buhay?”“Siya ang superman ng aming buhay, ang aking ama. Hindi niya inaalintana anghirap ng buhay, maitaguyod lamang ang pangangailangan naming lahat,” ang matalinongsagot ni Emma.Labis na natuwa ang hurado sa kaniyang isinagot. Buong giliw niyang isinabitang medalya sa leeg ni Emma.7. Saan naganap ang kuwento? A. bahayDRAFTB. paaralan C. parke D. simbahanApril 10,20148. Piliin ang pagkakasunod-sunod ayon sa pangyayari sa kuwento, a bc dA. abcd C. bcadB. bacd D. bcda9. Anong kategorya ng pangngalan ang inspirasyon ni Emma?A. tao C. hayopB. lugar D. pangyayari10. Sa linyang,“Buong giliw niyang iniabot ang medalya,” anong salita ang maaaringipalit sa salitang medalya?A. ito C. iyonB. iyan D. diyan 72

Patnubay ng Guro sa Filipino 311. Kung ang salitang katugma ng Lito ay palito, ano naman ang hurado?A. barado C. largadoB. kandado D. pihado12. Anong salita ang mabubuo kapag pinalitan ang hulihang pantig ng salitangmalakas?A. lumakas C. malasaB. mabikas D. natakas13. Ano ang unang ginawa ni Emma?A. Gumawa ng tula.B. Isinumite ang tulang ginawa.C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalak.D. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.14. Ano ang pangalawa sa huling ginawa ni Emma?A. Inabot ang medalya.B. Magpasalamat sa mga hurado.C. Inalam kung kailan isasagawa ang patimpalakD. Naghintay na tawagin ang nanalo sa patimpalak.15. Alin sa sumusunod ang HINDI gamit ng diksiyunaryo? A. Paghanap ng mapa o larawan. B. Paghanap ng mga kahulugan ng salita. C. Paghanap ng tamang baybay ng salita.DRAFTD. Paghanap ng kasalungat na kahulugan ng salita16. Nais ni Emma na malaman kung saan siya makakakuha ng iba pang sanggunian.Bukod sa aklat na kaniyang ginagamit, saang bahagi niya ito makikita? A. indeksApril 10,2014B. pabalat C. bibliograpiya D. talaan ng nilalaman Si Tok ni Dolorosa S. de Castro“Tiktilaok! Tiktilaok! Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ngtandang na si Tok sa inaheng manok, baboy at baka. Iyan si Tok, masayahin, makulitat palakaibigan. Isang kaugalian na lubos na kinagigiliwan ng kaniyang mgakaibigan. Ang araw niya ay hindi makukumpleto kung hindi nakababati sa mga hayopna nasa kamalig.Isang araw, nagtaka ang lahat nang hindi nila narinig ang pagtilaok gayundin angmasayang pagbati ni Tok. Nag-usap-usap ang mga hayop at hinanap si Tok. Nakitanila si Tok sa dulong bahagi ng kamalig. Giniginaw at inaapoy ng lagnat.Kani-kaniyang kilos sina inaheng manok, baboy at baka. Inalagaan nila si Tokhanggang sa gumaling. Walang pagsidlan ang kaligayahan si Tok matapos makita atmaramdaman kung gaano siya pinahalagahan ng kaniyang mga kaibigan. Lubos napasasalamat ni Tok sa ginawa ng kaniyang mga kaibigan.Nang gumaling si Tok hinigitan pa niya ang pakikisama at pagmamahal sa kanila. 73

Patnubay ng Guro sa Filipino 317. Ano ang nagtulak sa magkakaibigang baboy, baka at inaheng manok upanghanapin si Tok?A. Paghanga sa kaibigan. C. Pag-aalala sa kalagayan ng kaibigan.B. Pagmamahal nila sa kaibigan. D. Pagtataka kung bakit wala si Tok.18. Iguhit sa loob ng kahon ang pangunahing tauhan ng kuwento.Isulat ang hinihinging kaisipan sa bawat patlang. 19-20. Ang ___________________ ang tagpuan sa kuwento ni Tok. __________ ang nagsilbing tahanan nilang magkakaibigan. 21. Si Tok ay kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. Kung ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay nagugustuhan, ano naman ang kasalungat nito? 22. Ano ang nilalaman ng kuwentong “Si Tok?” 23. Kung ikaw si Tok, ano ang mararamdam mo sa pag-aalalang ipinakita ng iyong mga kaibigan? 24. Isulat ng papantig ang salitang magkaibigan. 25. Isulat muli ang pangungusap. nagpasalamat si tok sa mga kaibigan baboy baka at inaheng manok 26. Sipiin ang pangungusap. DRAFT“magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok. 27. Isulat ang buod ng kuwentong “Si Tok.” 28. Nagbabasa ka at may mga salitang hindi mo maunawaan ang kahulugan. Ano ang gagawin mo?April 10,2014GawainsaPagganapLayunin Makabuo ng isang kuwento na katumbas ng napakinggan o nabasang kuwento Maipakitang kilos o maisadula ang nabuong kuwentoGagampanan ng bawat pangkat na mag-aaral Babasahin ng bawat lider ng pangkat ang kuwento na pinamagatang “Aba!Nasaan si Lola.” Sa loob ng limang minuto, iisip ng katumbas na kuwento ang bawatpangkat. May karagdagang limang minuto upang ihanda ang kinakailangang gamit parasa pagsasadula.Kalagayan Ang mga mag-aaral sa bawat pangkat ay makikinig ng isang kuwento, gagawa ngisang katumbas na kuwento, magsasadula ng nagawang kuwento.Bunga Pagsasadula na katumbas ng napakinggang kuwento* Gamitin ang rubrics na nasa pahina 66. 74

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Aba!Nasaan si Lola? ni Dolorosa S. de Castro Isang umaga, binasag ang katahimikan nang malakas na tawag ni Ador sa Ina. “Inay! Inay!” ang malakas na sigaw ni Ador habang patakbong lumalapit sa Ina. “Inay, nawawala si Lola Agring,” nag-aalalang wika niya. “Tiningnan mo na ba sa kuwarto? Sa salas? Sa kusina?” tanong ni Aling Lucia sa kaniyang anak. “Wala siya roon,” umiiling na wika ni Ador. “Ganoon ba! Halika samahan mo ako. Hanapin natin si Lola Agring,” pagyaya ni Aling Lucia sa anak. Hinanap nila sa buong kabahayan subalit wala si Lola Agring. Nagpasya ang mag-ina na maglakad-lakad hanggang sa makarating sila sa parke. Napangiti sila nang makita ang maraming bata na naglalaro sa parke subalit gumuhit muli ang kalungkutan nang maalala ang kanilang hinahanap. Walang ano-ano, may narinig silang kumakanta. “Arimunding-munding halina at magsayaw, arimunding-munding at pakunday- kunday sa pag-indak-indak at sarap ng pag-imbay….” DRAFT“Inay,parang boses ni Lola iyon,” wika ni Ador. “Oo nga, halika puntahan natin,” usal ni Aling Lucia. Nang malapit na sila, laking tuwa ng mag-ina nang makita si Lola Agring naApril 10,2014masayang nakikipagkantahan at nakikipagsayawan sa mga bata. 75

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Susi sa Pagwawasto 1. B 2. B 3. C 4. D 5. C 6. D 7. B 8. D 9. A 10. A 11. A 12. C 13. C 14. A 15. A 16. C 17. B18. DRAFT 19. kamalig 20. ItoApril 10,201421.kinaiiyamutan okinaiinisan 22. kagbibigay halaga sa mga kaibigan 23. Kung ako si Tok lubos akong matutuwa sa aking mga kaibigan. 24. Mag-ka-i-bi-gan 25. Nagpasamat si Tok sa mga kaibigang baboy, baka, at inaheng manok. 26. “Magandang umaga sa inyong lahat,” ang masayang bati ng tandang na si Tok. 27. Si Tok ay likas na palakaibigan kaya lubos siyang kinagigiliwan ng kaniyang mga kaibigan. 28. Titingnan ko ito sa diksiyunaryo 76

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Aralin 11Magbakasyon TayoLingguhang LayuninPag-unawa sa Napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tekstong napakinggan sa pamamagitan ng story pyramid Nakapagsusunod-sunod ng mga pangyayari ayon sa kuwentong napakinggan Nakapagbibigay ng wakas sa isang kuwentong napakinggan Naisasadulang muli ang kuwentong napakingganPalabigkasan at Pagkilala sa Salita Nagagamit sa pangungusap ang mga salitang natutuhan sa aralinPaglinang ng Talasalitaan Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salitaPag-unawa sa Binasa Naiuugnay ang binasa sa sariling karanasanGramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar, pangyayari at bagay sa paligidPagsulatDRAFTNakasusulat ng isang talata tungkol sa mga katulong ng pamayanan Paunang Pagtataya Ipalarawan sa mga bata ang isang katulong sa pamayanan na kilala.   Pahulaan sa ibang bata kung sino ang inilalarawan.April 10,2014UnangAraw Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa kuwentong napakinggan Nagagamit ang naunang kaalaman o karanasan sa pag-unawa ng napakinggang teksto Nagagamit ang mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng kasingkahulugan at kasalungat na mga salita Paksang-Aralin Pagsagot ng mga Tanong Tungkol sa Napakinggang Kuwento Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Kukunin ng mga bata ng papel, pangkulay, at lapis. Iguguhit nila ang lugar na nais tirahan. Matapos ang ilang minuto, tumawag ng ilang bata upang ipakita at ipaliwanag ang iginuhit. Pag-usapan ang mga ipinakita at napakinggan mula sa mga tinawag na bata. 77     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan Linangin ang salitang baryo at lungsod . Ano ang naaalala ninyo sa salitang baryo? Lungsod? Iguguhit ng mga bata ang kanilang sagot. Pag-usapan ang mga iginuhit ng mga bata. Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap. Ibigay ang pamagat ng kuwento. Itanong : Tungkol saan kaya ang kuwento? Isulat sa pisara ang sagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas ang kuwento. Magkaibang Mundo Tahimik at simple ang pamumuhay ni Nerry sa nakagisnan niyang baryo. Kung gusto niya ng sariwang gatas, pupunta lamang si Tatay sa bukid upang gatasan ang kanilang mga baka. Kung gusto niya ng pinakbet, pipitas lamang si Nanay ng mga gulay sa kanilang bakuran upang lutuin. Marami rin siyang kaibigan. Masaya at lagi silang sama-sama sa pagpasok sa paaralan, sa paghahabulan sa malawak na bukirin at sa paglalaro ng bahay-bahayan. Si Trining naman ay batang nakatira sa lungsod. Sa isang mataas na gusali nakatira si Trining at ang kaniyang pamilya. Kapag gusto niya ng gatas, pupunta lamang si Nanay niya sa groseri. Kapag gusto niyang maglaro, sasamahan siya ni Tatay sa isang mall. Marami rin siyang kaibigan pero hindiDRAFTsila naglalaro. Sabay-sabay lamang sila sa pagpasok sa paaralan sakay ng isang dilaw na school service. Isang bakasyon, bumisita si Nerry sa kaniyang tiyahin na nasa lungsod. Si Trining naman ay nagpunta sa baryo upang dalawin ang kaniyang lola. Ano kaya ang nangyari sa kanilang bakasyon? Itanong.April 10,2014Sino ang dalawang bata sa kuwento? Ilarawan ang bawat isa. Gamitin ang Character Map sa bawat tauhan. katangian katangian katangian Pangalan ng tauhan katangian 78     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Talakayin ang kuwentong napakinggan sa tulong ng Story Pyramid. ____________ Pangalan ng tauhan ________________ _________________ Dalawang salita tungkol sa katangian ng tauhan ___________________ ______________________ ________________ Tatlong salita tungkol sa lugar at petsa ng pinangyarihan ng kuwento _____________ ______________ ____________ ____________ Apat na salita tungkol sa ikinilos ng tauhan sa kuwento Saan sila nakatira? Paghambingin ang dalawang lugar na ito sa pamamagitan ng Venn Diagram. Ipasulat sa unang bilog ang mga katangian ng baryo at sa ikalawa naman ay sa lungsod. Sa nagtatagpong bahagi ng bilog, ipasulat ang mga katangian ng baryo na makikita rin sa lungsod, at ang katangian ng lungsod na nasa baryo rin. Ano ang masasabi mo sa baryo at lungsod?DRAFTSaan mo ngayon nais manirahan? Ipaliwanag ang sagot. Alin-alin sa salitang inilista ang magkasingkahulugan? Magkasalungat?April 10,2014Paano mo nasabi na ang pares ng mga salita ay magkasingkahulugan? Magkasalungat? Ano kaya ang nangyari sa pagbabakasyon ni Nerry? Ni Trining? Hayaang ibahagi ng mga bata ang kanilang ideya. 4. Pagpapayamang Gawain Basahin nang malakas ang isang maikling kuwento sa mga bata. Siguraduhing hindi pa nila ito nababasa o napapakinggan. (Gumamit ng isang story book sa silid-aklatan o sariling pag-aari.) Pasagutan sa mga bata ang isang Story Pyramid. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Hayaang humanap ng kapareha ang bawat bata. Magkukuwento ang bawat isa ng sariling karanasan. Maghahanda rin sila ng tatlong tanong na itatanong nila sa kanilang kapareha. 79     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalawang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong batay sa tekstong nabasa Naiuugnay ang sariling karanasan sa binasang tekstoPaksang-Aralin Pag-uugnay ng Sariling Karanasan sa Binasang TekstoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Sino-sino ang katulong ninyo sa pamayanan? Ipakilos sa mga bata ang kanilang sagot at pahulaan sa ibang kaklase. Balikan ang kuwentong “Magkaibang Mundo.” Sino-sinong katulong sa pamayanan ang nasa kuwento? 2. Paglalahad Ano ang nararamdaman mo kung baguhan ka o dayo sa isang lugar? Katulad din kaya ng bida sa ating kuwento? Ipabasa ang “Maling Akala” sa Alamin Natin, p. 42. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ano ang damdamin na ipinakita sa unang bahagi ng kuwento? Sa huling bahagi? Ganito rin ba ang mararamdaman mo kung ikaw ang isa sa mga tauhan sa ating kuwento? Bakit nagbago ang damdaming ito? Sino-sinong katulong sa pamayanan ang binanggit? DRAFTAno ang ginagawa ng bawat isa? Mahalaga ba ang bawat isa sa kanila? Ano ang mangyayari kung wala ang isa sa kanila? Paano mo sila pahahalagahan? Sino ang gusto mong tularan sa kanila? Bakit? Sino-sino sa kanila ang nasa pamayanang kinabibilangan mo? Sa pamilya mo?April 10,20144. PagpapayamangGawain Paano mo pasasalamatan ang mga taong nakatutulong sa ating pamayanan? Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 43. Magpagawa ng card ng pasasalamat para sa isang taong nakatulong nang malaki sa kanilang pamayanan. 5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin ? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 43. Ipaguhit sa mga bata ang kanilang sarili sampung taon mula ngayon bilang isa na ring katulong sa pamayanan. 80     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikatlong ArawLayuninNagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa tao, bagay, lugar,at pangyayariPaksang-AralinAng Pangngalan sa PagsasalaysayPanlinang na Gawain1. Tukoy – AlamBigyan ang bawat bata ng card na may nakasulat na ngalan ng tao, bagay,hayop at lugar. (Siguraduhin na ang pangngalan ay may pantangi at maypambalana)Sabihin sa kanila na sa pagsenyas mo, kailangan nilang hanapin ang kanilangkapangkat.Ipataas ang card ng mga bata bago umpisahan ang gawain.Ibigay ang senyas sa paghahanap ng kapangkat.Sabihing TIGIL. Tingnan kung nasa tamang pangkat ang bawat bata.Gabayan ang bata na makikitang wala sa tamang pangkat upang makita niyakung saang pangkat siya dapat.Sabihin sa mga bata na sa pagsenyas mo hanapin muli ang kapangkat. Sa pagkakataong ito susubukin ng mga bata ang kaalaman nila saDRAFTpagpapangkat ayon sa uri ng pangngalang pantangi at pangngalang pambalana. Gawin muli ang unang hakbang.2. PaglalahadIpakita ang larawan ng iba’t ibang lugar sa isang pamayanan.Tutukuyin mga bata ang mga katulong sa pamayanan na makikita rito. Ipabasa nang malakas sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Sino-sino ang binanggit na katulong ng pamayanan dito?April 10,2014Ipasulat sa mga bata ang sagot nila sa unang kolum. Ipabasa ang mga salita. Ano ang tawag natin sa mga salitang ito?Tukoy ba ang tiyak nilang ngalan?Paano ito isinulat?Ano ang tawag natin dito kung hindi tiyak o tukoy ang ngalan?Ano ang pangalan ng bawat katulong sa pamayanan sa kuwento? Ipasulat samga bata ang kanilang sagot sa ikalawang kolum. Katulong sa Pamayanan Tiyak na Ngalan Ipabasa ang mga ngalan na inilista.   Kilala mo na ba kung sino ang tinutukoy sa bawat ngalan? 81   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ano ang tawag sa mga salitang ito? Paano ito isinulat? Hayaang pumili ang mga bata ng pares ng pangngalan sa talaan. Ipagamit ito sa sariling pangungusap. 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan ang Linangin Natin, p. 43. Tapusin ang talaan. Sa pangalawang kolum, ipasulat ang tiyak na ngalan ng pangngalang pambalana na nasa unang kolumn. Sa ikatlong kolum, ipasulat ang dalawang pangungusap gamit ang mga ngalan na nasa una at ikalawang kolum. 5. Paglalahat Ano ang pangngalang pambalana? Pantangi? Ang pangngalang pantangi ay tumutukoy sa tiyak na ngalan ng tao, bagay at lugar samantalang ang pangngalang pambalana ay tumutukoy sa pangkalahatang pantawag sa tao, bagay at lugar. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44. Sabihin sa mga bata na makipanayam sa isang katulong sa paaralan. Pasulatin ang mga bata ng tatlong pangungusap tungkol sa mga araw-araw na gawain ng kinapanayam. (Bigyan ng puna ang mga isinulat ng mga bata. Ibalik ito sa mga bata upang maisulat muli nang wasto ayon sa mga punang ibinigay.)DRAFTIkaapat ma ArawLayunin Nakagagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita sa pamamagitan ng paggamit ng mga palatandaang nagbibigay ng kahulugan tulad ng pagbibigay ng magkakasalungat na salitaPaksang-AralinApril 10,2014MagkakasalungatnamgaSalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipagawa ang kabaligtaran ng sumusunod. Gawin ang mga kilos na may kasabay na musika at pabilis nang pabilis. - Umupo - Ipikit ang mga mata. - Tumawa. - Itunghay ang ulo. - Humarap sa kanan. Itanong : Nakasunod ka ba? Bakit? Bakit hindi? 2. Paglalahad Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 42 Pagpangkat-pangkatin ang klase. Papiliin ang bawat pangkat ng isang katulong sa pamayanan mula sa binasa. Igagawa nila ng character map ang napili. 82     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Character Map 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Batay sa binasang kuwento, ano ang katangian ng bawat katulong sa pamayanan na binanggit? Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang gawain. DRAFTDapat ba silang tularan? Bakit? Paano mo naman ilalarawan ang bawat isang katulong sa pamayanan na hindi dapat tularan? Ipagawa muli ang character map. Sa pagkakataong ito, isusulat ang kabaligtaran ng mga katangiang isinulat sa unang mapa. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang natapos na gawain. Ipaskil ang mga mapa na ginawa ng bawat pangkat. Tutukuyin ng mga bata ang pares ng mga salita na magkasalungat ang kahulugan. Gagamitin nila sa sariling pangungusap ang mga salita upang maipakita nilaApril 10,2014na talagang nauunawaan ng mga bata ang kahulugan ng mga tinukoy na salita. Paano ka magiging mabuting katulong sa pamayanan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 44 Tutukuyin nila ang magkasalungat na mga salita sa pangungusap. 5. Paglalahat Kailan nagiging magkasalungat ang mga salita? Ang pares ng mga salita ay magkasalungat kung ito ay magkaiba o magkakontra ng kahulugan. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 44 Ipaguhit ang magkaiba nilang mundo. 83     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalimang ArawPanlingguhang PagtatayaBasahin ang mga panuto. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.1. Pumili ng isang pares ng magkasalungat na mga salita.mabilis mabagal matabamakislap payat malabomatigas matamis maalatmalambot wasto mali2. Gamitin ang napiling pares ng salita sa isang pangungusap na maglalarawansa isang katulong sa pamayanan mula sa talaan.guro magsasaka modistanars pulis Aralin 12Mamasyal TayoLingguhang LayuninPag-unawa sa Binasa Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento Naisasadula ang mga mahahalagang pangyayari sa kuwento Napagsusunod-sunod ang mga pangyayari ayon sa kuwentoWikang Binibigkas Nagagamit ang magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon atDRAFTpagpapaliwanagKamalayang Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkakatugmaKaalaman sa Aklat at Limbag Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawanApril 10,2014PagsulatatPagbabaybay Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusapPaunang Pagtataya Ilagay ang sumusunod na sitwasyon sa ilalim ng upuan ng mga mag-aaral. Nais mong dumaan sa gitna ng dalawang taong nag-uusap. Isang umaga ay nakita mo ang Nanay o Tatay ng kaibigan mo. Tinulungan ka ng kaklase mong maglinis ng silid-aralan. Nakita mong nahulog ang cellphone ng kaeskwela mo. Niloloko ng mga bata ang matandang babaeng may kapansanan. Sabihin sa mga bata na may nakasulat na sitwasyon sa ilalim ng kanilang upuan. Ipabasa ang makukuha ng bawat bata at tutukuyin nito kung ano ang kanilang gagawin. 84     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang Araw Layunin Nahuhulaan ang nilalalaman/paksa ng aklat sa pamamagitan ng pagtingin sa mga larawan Nailalarawan ang mga bahagi ng kuwento Paksang-Aralin Pagsasabi ng Paksa ng Kuwento Batay sa Larawan Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga magagandang tanawin sa bansa. Tutukuyin ng mga bata ang ngalan ng bawat isa. Alin sa mga lugar sa larawan ang nais mong marating? 2. Paglalahad Ipakita at pag-usapan ang larawan ng isang batang lalaki na excited. Bakit kaya siya nasasabik? (Isulat ang sagot ng mga bata) 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas. Excited Kasi Ilang tulog na lang at Linggo na. Sabik na sabik na si Fernando na DRAFTdumating ang kaniyang araw na pinakahihintay. Mamamasyal kasi sila ng kaniyang pamilya. Maagang nagising si Fernando. Naligo at naghanda para sa kanilang pag- alis. Paglabas niya ng bahay, napansin niyang napaaga siya ng gising.Tahimik pa ang paligid.Kaya’t kinuha niya ang kaniyang album sa klase at tiningnan ang mga larawan ng magagandang lugar na puwedeng pasyalan. “Saan nga kaya sila pupunta ngayon?” Lalong nanabik si Fernando sa pamamasyal nila. Hindi niya tuloy namalayan ang paglabas ni Ate sa kaniyang silid.April 10,2014“O, ang aga mo naman. Saan ba ang punta natin?” “Maiwan ka muna dito ha, pupunta kami ng ate mo sa palengke. Mamimili kami ng babaunin natin para sa ating pamamasyal bukas,” ang bati naman ng kaniyang nanay. Napakamot na lang ng ulo si Fernando. “Sabado pala ngayon. Bukas pala ang araw ng pamamasyal” bulong ni Fernando sa sarili. Itanong: Sino-sino ang tauhan sa kuwento? Bakit excited si Fernando? Ano ang ginawa niya pagkagising? Saan pupunta ang kaniyang ate at nanay? Ano ang ibig sabihin nito? Bakit napakamot ng ulo si Fernando? 85     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 4. Pagpapayamang Gawain Basahing muli ang kuwento. Bigyan ng gawain ang bawat pangkat. Pangkat 1 Ibigay ang hinihingi ng larawan. Mga Pangyayari   Tagpuan       Tauhan  Tinapay ng Kuwento Pangkat 2 Paguhitin ang mga bata ng magagandang lugar na maaaring pasyalan nina Fernando. Pangkat 3 DRAFTIsadula ng mga bata ang mahahalagang bahagi ng kuwento. Pangkat 3 Sabihin sa mga bata na ayusin ang mga pangyayari ayon sa wasto nitong pagkakasunod-sunod sa kuwentong napakinggan. Isulat ang sumusunod sa istrip ng papel o metacard. Lumabas si Ate sa kaniyang silid. Naligo at naghanda na siya sa pag-alis.April 10,2014NapakamotngulosiFernando. Sabik na sabik si Fernando na dumating ang araw na pinakahihintay niya. Maagang nagising si Fernando.5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin?6. Karagdagang Pagsasanay Magbasa muli ng kuwento sa mga bata. Siguraduhin na hindi pa nila ito naririnig o nababasa. Pasagutan ang graphic organizer na Bulaklak ng Kuwento. 86     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Mga PangyayariTauhan PamagatBulaklak ng Kuwento Ikalawang Araw   Layunin Natutukoy ang mga salitang magkakatugma Paksang-Aralin Salitang Magkakatugma Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam DRAFTIpahanda sa mga bata ang kagamitan nila sa Art. Sabihin sa kanila na bakatin ang kanilang dalawang paa sa isang malinis na papel. Sumulat ng isang pares ng magkatugmang salita. Ipakita ang natapos na gawain sa mga kaklase. Tutukuyin ng mga bata kung tama ang pares na ginawa ng tinawag na bata.April 10,20142. Paglalahad Maghanda ng isang puzzle. Isulat ang bawat letra na bumubuo sa salitang Laguna sa malinis na papel. Pagpangkat-pangkatin ang klase at ibigay ang puzzle. Hayaang iayos ng pangkat ang mga pinaghalong letra. Pasulatin ang mga bata sa bawat pangkat ng mga salitang maiuugnay nila sa nabuong salita. Hayaang ipakita ng bawat pangkat ang kanilang nabuong salita at ang word web na nagawa. Pag-usapan ang nabuong salita. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa ang “Biglaang Lakad” na nasa Alamin Natin, p. 45. Itanong: Saan naganap ang kuwento? Ano-ano ang nakita ng mag-anak sa mga lugar na pinuntahan nila? Ipaturo sa mga bata ang lalawigan ng Laguna sa mapa. 87     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ano-ano pa ang lugar na puwedeng pasyalan dito? Bakit “Biglaang Lakad” ang pamagat ng kuwento? Nahikayat ka bang pumunta sa Laguna? Ipaliwanag ang sagot. Ano-ano ang mga salitang magkatugma ang ginamit sa kuwento? Linangin ang bawat isa. Ipagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 46.5. Paglalahat Kailan nagiging magkatugma ang mga salita? Magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga salita.6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 46.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang magalang na pananalita sa pagpapaliwanagPaksang-Aralin Paggamit ng Magagalang na PananalitaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam DRAFTItanong: Saan-saang lugar ka na nakapasyal? Hayaang magbahagi ang mga bata ng sariling karanasan. 2. Paglalahad Pangkatin ang klase. Ipabasang muli ang kuwento sa Alamin Natin, p. 45.April 10,20143.PagtalakayatPagpapahalaga Ipakita ang mga larawan na may kinalaman sa Laguna. Pag-usapan ang bawat isa. Itanong: Bakit dapat mamasyal sa Laguna? Isulat ang sagot ng mga bata. Ipabasa ang mga ito. Paano isinulat ang bawat pangungusap? Ano ang ipinahihiwatig ng bawat isa? Paano naipakita ang paggalang sa pagpapaliwanag na isinagawa? Paano mo mahihikayat ang iba na mamasyal sa Laguna? 4. Pagpapayamang Gawain Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng larawan ng isang magandang lugar sa Pilipinas. Pag-usapan sa pangkat. - Saan ito matatagpuan? - Bakit magandang magpunta dito? Ipagawa ang Linangin Natin, p. 46. 88     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Papaghandain ang bawat pangkat ng isang patalatastas na nagpapaliwanag   kung bakit kailangang piliing pasyalan ang lugar na napatoka sa pangkat. 5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan kung nagbibigay ng paliwanag? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47. Ikaapat na Araw Layunin Nasisipi nang wasto at maayos ang mga parirala at pangungusap Paksang-Aralin Pagsipi ng Parirala at Pangungusap Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang larawan ng mga makasaysayang lugar sa Pilipinas. Idikit ang mga ito sa pisara at hayaang sumulat ang mga bata ng nalalaman nila tungkol sa bawat isa. Ipabasa ang mga naisulat ng mga bata. 2. Paglalahad Ipabasang muli ang “Biglaang Lakad.” DRAFT3.Pagtalakay at Pagpapahalaga Isulat sa papel na inistrip ang bawat tanong, bilutin ang papel. Ilagay sa isang kahon. Kalugin ito at saka pabunutin ang tatawaging bata. Saan nagpunta ang mag-anak? Kailan itinayo ang mga gusali sa bayan ng Pila? Bukod sa mga lumang gusali, ano pa ang nakita ng mag-anak sa bayan ng Pila? Ano ang natuklasan nila tungkol sa Bundok Makiling? Isulat sa pisara ang sagot sa mga tanong.April 10,2014Ipabasaangmgaito. Alin sa mga nakasulat sa pisara ang kumpleto ang diwa? Ano ang tawag dito? Paano ito isinulat? Alin sa mga nakasulat sa pisara ang hindi kumpleto ang diwa? Ano ang tawag dito? Paano ito isinulat? Ipabasang muli ang mga isinulat ng mga bata sa unang gawain sa pagsisimula ng klase. Alin dito ang parirala? Ipasipi sa mga bata. Tama ba ang pagkakasipi mo? Ipasipi ang isang pangungusap. Tama ba ang pagkakasipi mo? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 47. Ipabasang muli ang kuwentong “Limang Tulog na Lamang” sa p. 28. 89     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  5. Paglalahat Ano ang dapat tandaan sa pagsipi ng salita? Parirala? Pangungusap? 6. Karagdagang Pagsasanay Ipakita ang talaan ng mga magagandang tanawin at makasaysayang lugar na ginamit sa buong linggo. Ipabasa ang mga ito sa mga bata. Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 47.Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Ipaguhit ang isang lugar na nais pasyalan. Kulayan ito. Magpasulat ng isa hanggang dalawang pangungusap kung bakit maganda itong pasyalan.              Aralin 13 Alagaan NatinLingguhang LayuninWikang Binibigkas Nakapakikinig at nakalalahok sa talakayan ng klase tungkol sa napakinggang tula Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakingganKamalayang Ponolohiya Natutukoy ang mga salitang magkakatugmaDRAFTPalabigkasan at Pagkilala sa Salita Nababasa ang mga salitang may klasterPagsulat at Pagbabaybay Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan sa aralinGramatika Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay tungkol sa mga tao, lugar at bagayApril 10,2014sapaligidPag-unlad ng Talasalitaan Nakikilala at napagyayaman ang talasalitaan sa pamamagitan ng paggamit ng mga salitang magkasingkahulugan at magkasalungatPag-unawa sa Binasa Nakasusunod sa nakasulat na panutoPaunang Pagtataya   Pangkatin ang klase. Bigyan ng tigdadalawang dilaw na meta cards at tigdadalawang berdeng meta card . Ipakita sa mga bata ang larawan ng maruming pamayanan. Ipasulat sa dilaw na card ang mga dahilan kung bakit marumi ang pamayanan na nasa larawan. Isulat sa berdeng card ang maaaring ibunga ng larawang ipinakita. Ipapaskil ang mga sinulat sa paligid ng larawan. Ipabasa ang mga ito. 90   

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Unang Araw   Layunin Nakikinig at nakalalahok sa talakayan ng pangkat o klase sa pagbibigay ng pangunahing ideya ng tulang napakinggan Nakapagbabahagi ng sariling karanasan kaugnay ng tulang napakinggan Paksang-Aralin Pakikinig sa Tula Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Papikitin ang mga bata. Ipaisip sa kanila ang paborito nilang lugar. Ipaisip ang mga ginagawa nila. Ipaisip ang hitsura ng paboritong lugar kung magiging marumi ito. Pamulatin na ang mata ng mga bata. Itanong: Ano ang naramdaman mo? Bakit? Tumawag ng ilang bata upang magbahagi. Talakayin ng klase ang mga damdamin na ipinakita ng mga bata. 2. Paglalahad Pagpapalawak ng Talasalitaan Linangin ang salitang pamayanan at kayamanan. DRAFTIsulat ang salitang pamayanan at kayamanan sa dalawang magkabukod na malaking papel. Sabihan ang mga bata na pumunta sa dalawang papel at iguhit nila ang nalalaman nila tungkol sa dalawang salita. Talakayin ang sagot ng mga bata. Ano ang ibig sabihin ng pamayanan? Kayamanan? Ipagamit ang mga ito sa sariling pangungusap. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Basahin nang malakas sa klase ang tula na “Ang Pamayanan ay Kayamanan,”April 10,2014AlaminNatin,p.48. (Huwag pabubuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral) Itanong: Tungkol saan ang tula? Ano-ano ang hilig gawin ng bata sa tula? Ano ang nasaksihan niya? Ano ang naging reaksiyon niya sa pangyayaring ito? Ano ang mangyayari kung magpapatuloy ang kaniyang nasaksihan? 4. Pagpapayamang Gawain Ipabasa ang tula sa mga bata. Pabuksan ang Kagamitan ng Mag-aaral , p. 48 para sa kopya. Sa pagkakataong ito, unang babasahin ng guro ang linya na susundan ng mga bata. Matapos ito, pabayaan ang mga bata na sabay-sabay basahin ang naturang tula. Gabayan ang mga bata upang maiwasan ang pag-uuna-unahan sa pagbasa. Maaari ring tumawag ng ilang bata upang basahin ang tula nang nag-iisa. 91     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Itanong : Bakit dapat alagaan at ingatan ang pamayanan? Paano ka makatutulong sa pangangalaga sa ating kapaligiran? Hayaang magbahagi ang mga bata ng kanilang karanasan sa pagtulong sa pangangalaga sa kapaligiran. Ipabasa muli ang tula. 5. Paglalahat Ano ang mensahe ng tula? 6. Karagdagang Pagsasanay Pagawain ang mga bata ng isang poster tungkol sa “Ako at ang Pangangalaga ng Aking Kapaligiran.”Ikalawang ArawLayunin Nakasusunod sa nakasulat na panutoPaksang-Aralin Pagsunod sa Nakasulat na PanutoPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Maghanda ng larawan ng mga babala o nakasulat na panuto na karaniwang makikita sa kapaligiran. Maaaring gamitin ang mga simbolong pantrapiko. Ipakita ang bawat larawan. Itanong sa mga bata kung ano ang gagawin nila kapag nakita ang mga DRAFTlarawang ipapaskil mo sa pisara. 2. Paglalahad Kung ang pamayanan ay kayamanan, ano ang gagawin mo upang hindi ito mawala? Ipabasa nang tahimik “Ang Pamayanan ay Kayamanan,” Alamin Natin, p. 48. 3. Pagtalakay at PagpapahalagaApril 10,2014Tungkolsaanangtula? Ano ang mensahe nito? Maghanda ng isang mapa ng pamayanan. Isulat dito ang ilang panuto na may kinalaman sa pangngalaga sa kapaligiran tulad ng sumusunod : Bawal Magkalat. Itapon ang basura sa tamang lagayan. Bawal pumitas ng bulaklak. Oras ng Pagtatapon ng Basura: 6:00 ng umaga Dagdagan pa ang mga ito. Magsulat din ng mga panuto na nagpapakita ng hindi pangngalaga sa kapaligiran. Sabihin sa mga bata na magsasagawa ng “Maglakbay Tayo.” Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay bibigyan ng mapa ng pamayanan. Pag-usapan sa pangkat kung paano nila mapapamalaging malinis ang pamayanan. 92     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Ipabasa ang mga panuto na makikita sa pamayanan. Pag-usapan ang gagawin   ng bawat isa sa mga nabasang panuto. Pag-uulat ng bawat pangkat. Pag-usapan ang sagot ng bawat pangkat. Itanong Ano-ano ang isinagawa ninyo sa mga lugar na napuntahan ninyo? Ano ang dapat gawin kapag may nakita tayong nakasulat na panuto sa ating kapaligiran? Ano ang mangyayari kung hindi natin ito susundin lalo’t ito ay paalaala? 4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang gawain sa Linangin Natin, p. 49. 5. Paglalahat Paano ka makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto? Makasusunod nang maayos sa mga nakasulat na panuto kapag binasa at inunawa ang mga ito. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 49. Ikatlong Araw Layunin Nagagamit ang pangngalan sa pagsasalaysay Paksang-Aralin Paggamit ng PangngalanDRAFTPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Iparinig sa mga bata ang isang awitin tungkol sa kapaligiran. (Gamitin ang anumang mayroon ka. Mas mainam kung may video ang gagamiting awit. ) Kung may video ang ginamit: Ano-ano ang nakita sa video?April 10,2014Bakit kaya nagkaganito ang kapaligiran? Kung wala namang video: Ano ang naisip mo habang pinakikinggan ang awit? Ano-ano ang nakikita mo sa iyong kapaligiran? Isulat ang sagot sa pisara. Pag-usapan ang mga posibleng dahilan ng sitwasyon na nakita ng mga bata sa kanilang kapaligiran. 2. Paglalahad Pag-usapan ang larawan na nasa Alamin Natin, p. 50. Isulat sa pisara ang mga pangungusap na isasagot ng mga bata. 3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Ipabasa sa mga bata ang pangungusap na kanilang ibinigay. Ano ang isinasaad ng bawat pangungusap? Paano ito isinulat? Ano ang mga ngalan ng tao na ginamit sa mga pangungusap? Hayop? Bagay? Pangyayari? Lugar? Paano isinulat ang ngalan ng tao? Hayop? Bagay? Pangyayari? Lugar? 93     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Bakit malaking letra ang ginamit? Bakit maliit na letra ang ginamit sa ilang ngalan? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Balikan muli ang mga isinulat na pangungusap na ibinigay ng mga bata sa pag- uumpisa ng klase. Ipabasa ang mga ito. Tukuyin ang mga pangngalan na ginamit dito. Ipagamit ang mga salitang ito sa sariling pangungusap.4. Pagpapayamang Gawain Ipagawa ang Linangin Natin, p. 50.5. Paglalahat Ano ang pangngalan? Ang pangngalan ay ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o lugar at pangyayari.6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 50. Pasulatin ang mga bata ng isang talata na may dalawa hanggang tatlong pangungusap tungkol sa isang larawan na mapipili. Tumawag ng ilang bata upang basahin nang malakas ang kanilang isinulat. Matapos ang inilaang oras, kung kaya pa ng oras, hayaang magpalitan ng papel ang magkatabing bata. Hayaang bigyang-puna ng bawat bata ang pagkakasulat ng talata sa tulong ng mga tanong na: Tama ba ang simula ng pangungusap? Wasto at angkop ba ang bantas na ginamit?DRAFTTama ba ang pagkakabaybay ng mga salita? Bigyan din ng puna ang pagkakasulat ng mga bata ng kanilang talata. Ibalik ito sa mga bata upang muling maisulat ito ayon sa mga puna na ibinigay.Ikaapat na ArawLayuninApril 10,2014Nabibigkas nang malinaw ang salitang may klaster Nababaybay nang wasto ang mga salitang natutuhan naPaksang-AralinMga Salitang may KlasterPanlinang na Gawain1. Tukoy-AlamMaghanda ng mga card na may nakasulat na mga salitang natutuhan sa aralinat mga salitang may klaster.Idikit ang mga ito sa ilalim ng upuan at mesa ng mga bata sa loob ng silid-aralan.Ipahanap ang mga salitang nakadikit sa loob ng silid-aralan. Bigyan sila ngsenyas upang isagawa ito.Ipapaskil sa mga bata ang card na nakuha sa tamang kolum.Walang Klaster May Klaster Ipabasa ang mga salita. 94     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3   Tama ba ang pagkakapangkat ng mga salita? Ano ang klaster sa bawat salita na nasa ikalawang kolum? 2. Paglalahad Ipabasa sa mga bata ang kuwento sa Alamin Natin, p. 50- 51. 3. Pagtuturo at Pagpapahalaga Itanong: Saan naganap ang kuwento? Bakit nagpulong ang mga tao dito? Ano-ano ang gagawin ng bawat isa? Ano ang maaaring mangyari matapos ang pagpupulong na naganap? Ipabasang muli ang maikling kuwento. Ano-ano ang salitang may klaster sa binasa? Ipasulat sa mga bata ang kanilang sagot sa pisara. Ipabasa ang mga ito. Linangin ang bawat isa. Ano ang napapansin sa mga salita? Ano ang tawag sa dalawang katinig na magkasunod? Gawing halimbawa ang salitang plastik. Ano ang klaster sa salitang ito? Ano ang mga katinig na bumubuo dito? (Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi DRAFTng tunog ng mga ito, KUNG KAYA ng oras. Kung hindi naman, tumawag ng ilang bata) Ano ang tunog ng bawat letra? Ano ang tunog ng pinagsamang katinig? (Isa-isahin ang mga bata sa pagsasabi ng tunog nito, KUNG KAYA ng oras. Kung hindi naman, tumawag ng ilang bata.) Gawin ang ganitong hakbang sa iba pang salitang may klaster na ginamit sa kuwento. 4. Pagpapayamang Gawain Pasagutan sa mga bata ang crossword puzzle sa pamamagitan ng pagsulat ngApril 10,2014mga ngalan ng mga larawan sa tamang kahon nito. Tingnan ito sa Linangin Natin, p. 51. 5. Paglalahat Ano ang salitang may klaster? Klaster ang tawag sa mga pinagsamang tunog ng dalawang katinig na maaaring sa unahan, gitna o hulihan ng isang salita. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 52. Ipahanap sa mga bata ang mga salitang may klaster sa loob ng kahon. Isulat nang wasto ang mga salitang makikita. Ipabasa sa mga bata ang mga salitang inilista. Ipagamit ito sa sariling pangungusap. 95     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Ikalimang ArawPanlingguhang Pagtataya Pasulatin ang mga bata ng tatlong pangungusap na may klaster. Bilugan ang mga salitang may klaster. Pasalungguhitan ang mga pangngalan na ginamit. Paksa : Paano mo pangangalagaan ang mga bagay sa iyong kapaligiran? Aralin 14 Magkaibigan Tayo!Lingguhang LayuninPag-unawa sa Pinakinggan Naisasakilos ang napakinggang tulaKamalayang Ponolohiya Natutukoy ang salitang magkakatugmaPagpapaunlad ng Talasalitaan Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salitaPag-unawa sa Binasa Nasasagot ang mga tanong tungkol sa tulang binasaPagsulat at Pagbabaybay Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng mgaDRAFTparirala at pangungusapEstratehiya sa Pag-aaral Nagagamit ang iba’t ibang bahagi ng aklat sa pagkalap ng impormasyonPaunang Pagtataya Ipaawit sa mga bata ang isang awit na alam nila.April 10,2014(Ito ay kailangang Filipino o kaya ay awitin na nasa Mother Tongue ng mga bata.) Ano-ano ang mga ginamit na salitang magkakatugma? Ipasulat ang mga ito sa show me board ng mga bata o sa isang malinis na papel. Ipabasa ang mga salitang inilista. Tutukuyin naman ng iba pang bata kung tama ang itinalang mga salitang magkakatugma.Unang ArawLayunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa napakinggang tula Naisasakilos ang tulang napakingganPaksang-Aralin Pagsasakilos ng Tula 96     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Panlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Ipakita ang logo. Pag-usapan ang kahulugan ng logo.   Saan ito nakikita? Patingnan ang gamit ng mga bata kung nasa gamit nila ito? Ano ang ibig sabihin nito? 2. Paglalahad Itanong: Totoo bang may pera sa basura? DRAFTBasahin nang malakas ang tula. Susundan ito nang tahimik na pagbasa ng mga bata sa tula na nakasulat sa isang malinis na papel. (Siguraduhin na sapat ang laki nito upang mabasa ng lahat sa klase.) Pera at BasuraApril 10,2014Ako’ymuntingbata Ng aming bayan Ngunit maaasahan naman Sa kasinupan at kalinisan. Tamang pagtatapon Ng mga basura Lagi kong isinasagawa At tunay kong pinahahalagahan. Nabubulok at di nabubulok Aking pinaghihiwalay Bote, plastik at papel Puwede pang pakinabangan. Baka pagdating ng araw Ako ay yumaman Nang dahil sa basura Na aking pinagtiyagaan. 97     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Itanong: Ano ang pamagat ng tula? Ilarawan ang bata sa tula. Paano pinaghihiwalay ang mga basura? Ano-ano ang ginagawa ng bata sa tula? Tama ba ang kaniyang ginagawa? Bakit? Paano siya yayaman nang dahil sa basura? Ipabasa sa mga bata ang tulang binasa kanina. Dapat mo ba siyang tularan? Bakit? Ano-ano ang puwedeng gawin sa mga bote? Plastik? Papel? Bakit kailangang i-segregate o pagbukod-bukurin ang mga basura? Ano ang mga puwede nating gawin sa mga bote? Plastik? Papel? Ano ang mangyayari kung mag re-recycle tayo ng mga basura? Ano ang nais iparating sa iyo ng tula? 4. Pagpapayamang Gawain Basahin muli nang malakas ang tula. Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bigyan ang bawat pangkat ng isang taludtod. Bigyan rin ang pangkat ng kopya nito. Bigyan ng oras ang pangkat upang makagawa ng kilos para sa nakatokang taludtod. Pagtatanghal ng bawat pangkat. Bigyang-halaga ang ginawa ng bawat pangkat.DRAFT5. Paglalahat Ano ang natutuhan mo sa aralin? 6. Karagdagang Pagsasanay Palapatan ng tunog upang maging awit o rap ang tula na binasa sa mga bata.Ikalawang ArawApril 10,2014Layunin Nasasagot ang mga tanong tungkol sa binasang tula Nakakagamit ng mga pahiwatig upang malaman ang kahulugan ng mga salita tulad ng paggamit ng katuturan o kahulugan ng salita Natutukoy ang mga salitang magkakatugmaPaksang-Aralin Mga Salitang MagkakatugmaPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Iparinig muli sa mga bata ang “May Pera sa Basura.” Ipatala sa mga bata ang mga salitang magkakatugma. Ipabasa sa mga bata ang ginawang listahan. Tutukuyin nila kung tama o mali ang pares ng mga salitang magkakatugma. 2. Paglalahad Linangin ang salitang bilin. 98     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3 Itanong:Ano ang pagkakaunawa mo sa salitang bilin?Ano ang tunay nitong kahulugan gamit ang diksiyunaryo? (Ipakuha angdiksyunaryo ng mga bata.)Ano-ano ang halimbawa ng bilin sa iyo ng magulang? Ng mga nakatatanda saiyo?Ano-ano ang ilang halimbawa ng mga bagay na hindi bilin ng magulang? Ngmga nakatatanda sa iyo?Itala sa pisara ang sagot ng mga bata gamit ang Frayer Model.Kahulugan Batay sa Tunay na Kahulugansariling pang-unawa bilinMga Halimbawa Hindi Tamang Halimbawa Basahin nang malakas ang tula sa Alamin Natin, p. 53. Pasundan ito ng tahimik na pagbasa ng mga bata.3. Pagtalakay at Pagpapahalaga Batay sa tula, ano ang ibig sabihin ng mag-aangkin? Modelo? Tuparin DRAFTIpagamit ang mga salita sa sariling pangungusap.Ipagawa nang pangkatan.Bigyan ng kahon na gagawin ang bawat pangkat. Isang kahon para sa isangApril 10,2014pangkat.Pasagutanito. Pamagat ng TulaBilin ni Bilin ni Bilin ngLola at Tatay at guro Lola Nanay Aral ng Tula 99     

Patnubay ng Guro sa Filipino 3  Itanong: Ano ang pamagat ng tula? (Tawagin ang pangkat na may hawak ng tanong. Matapos silang mag-ulat, idikit ang kahon na may sagot sa tama nitong lagayan sa organizer.) Ano-ano ang bilin ni lola at lolo? Tatay at Nanay? Guro? (Gawin uli ang isinagawa sa unang tanong) Ipabasang muli nang malakas ang tula. Ano ang aral ng tula? Ilarawan ang bata sa tula. Dapat ba siyang tularan? Pangatwiranan ang sagot. Ano ang posibleng mangyari kung susundin ng lahat ng bata ang mga bilin na sinabi sa tula? Ipabasang muli nang malakas ang tula. Tutukuyin sa mga bata ang mga salitang magkakatugma sa tula. Bakit sinabing magkakatugma ang mga salitang tinukoy? 4. Pagpapayamang Gawain Ipalaro: Unahan Tayo! Pagpangkat-pangkatin ang klase. Bawat pangkat ay mag-uunahan sa paghanap ng mga salitang magkakatugma na nasa loob ng kahon. Tingnan ang mga salita sa Linangin Natin, p. 54. Ipagamit ang pares ng mga salitang magkakatugma sa isang pangungusap o sa dalawang magkakaugnay na mga pangungusap. 5. Paglalahat DRAFTKailan nagiging magkatugma ang mga salita? Nagiging magkatugma ang mga salita kung magkapareho ang huling tunog ng mga salita. 6. Karagdagang Pagsasanay Ipagawa ang Pagyamanin Natin, p. 54. Basahin muli sa mga bata ang “ May Pera sa Basura.” Pasulatin ang mga bata ng tatlong pares ng magkakatugmang salita.April 10,2014Ipabasa ang listahan na ginawa. Sasabihin ng ibang bata kung tama ang tinukoy na mga pares ng naunang kaklase.Ikatlong ArawLayunin Nagagamit ang malaki at maliit na letra at mga bantas sa pagsulat ng parirala at pangungusapPaksang-Aralin Pagsulat ng Parirala at PangungusapPanlinang na Gawain 1. Tukoy-Alam Magdikta ng ilang parirala at mga pangungusap sa mga bata. Sabihin muna ang buong parirala o pangungusap na ipasusulat sa mga bata. Ulitin ito nang dahan-dahan upang maisulat nang tama ng mga bata. 100     


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook