Mga Salitang Pagpipilian:malupit masipag lupamagsasaka pananim bulaklaksalot tag-araw putikani kaibigan tag-ulanpatubig pampaw bukid2. Basahin Mo… Panibagong kuwento na naman ang iyong babasahin. Kakaiba ito sa binasa mosa Aralin 1. Sa akdang ito, may mahalagang papel na gagampanan ang kalabaw. Paanomangyayari iyon? Iyan ang tuklasin mo sa kuwentong babasahin mo. Kung paano mo naibigan iyong unang binasa mo, tiyak na maiibigan mo rinito. Walang Panginoon ni Deogracias A. Rosario Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang orasan na ang mahabang hintuturo ay malapitnang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako na sa ika-8 ang maikling daliri, di niya malaman kungsaan siya magtutungo. Isinisiksik niya ang kanyang ulo kahit saan, saka ang dalawa niyang hintuturoay ipapasak sa mga butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang malungkot na palo ngbakal sa malaking kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan sa kanilang bayan. Gayunman,kahit na saan siya magsiksik, kahit na saan siya magtungo, kahit na anong gawin niyang pagpapasaksa kanyang tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw. “Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kungwala siyang nauulinigang anu mang taginting ng kampana. “Tapos na. Tapos…” ang sunud-sunod namang tinuran ng kanyang ina na paniwalang-paniwala na di nga niya naririnig ang malungkot na animas. “Ngunit, Marcos…” ang baling uli ng matandang babae sa anak. “ Bakit ayaw mong marinigang oras na ukol sa kaluluwa.” Iya’y nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol ng dalangin sa 18
ikaluluwalhati ng mga kaluluwang nasa kabilang buhay. Lalo ka na, Marcos, marami kang dapatipagdasal. Una-una’y ang iyong ama, ikalawa’y ang kapatid mong panganay, ikatlo’y ang kapatidmong bunso, saka… saka si Anita.” Ang huling pangalan ay binigkas ng marahan ng matandangbabae. Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang pinangangaralan siya ng kanyang ina ang mga mataniyang galing sa pagkakapikit kaya’t nanlalabo pa’t walang ilaw ay dahan-dahang sinisiputan ngningas, saka manlilisik at mag-aapoy. Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya nagsasalita. Subalit sa kanyang sarili, sa kanyangdibdib, sa kanyang kaluluwa ay may nangungusap, may nagsasalita. “Dahil din sa kanila lalung-lalona kay Anita ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng batingaw ang sinasabi ni Marcos sasarili. Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa dumugo upang ipahalata sa ina ang pagkukuyomng kanyang damdamin. Akala ng ina’y nahulaan niya kung ano ang nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda aynabasa niya sa mga mata ng anak ang lihim ng puso nito. Naisip niyang kaya nalulungkot si Marcosay sapagkat hindi pa natatagalang namatay si Anita, ang magandang anak ni Don Teong, mayamangmay-ari ng lupa nilang binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na lahat ng pagsisikap nito sabukid, lahat ng pagpupunyaging matuto sa pamamagitan ng pagbabasa, lahat ng pag-iimpok naginawa upang maging isang ulirang anak-pawis ay ukol kay Anita at saka namatay! Nararamdamandin ng ina ni Marcos kung gaano kakirot para sa kanyang anak ang gayong dagok ng kasawian.Dapat ngang maging malungkutin ang kanyang anak. Ito ang kayang ibig libangin. Ito ang naisniyang aliwin kung maari sana ay mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib ang kanyang anak. “Lumakad ka na, Marcos, sa kubo nina Bastian. Tila may belasyon sila, o. Baka kailanganinang mabuting mang-aawit at manunugtog ng gitara,” ang sabi ng ina. “Walang pagsalangmasasayahan ka doon.” “Si Inang naman,” ang naibulalas ni Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasabi ng malakas. Sakanyang sarili naidugtong niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano ang pait para sa kanyang pagkamatay ni Anita, palibhasa’y lingid sa kaalaman ng matanda ang tunay na nangyayari dahil sapagkamatay nito. “Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat,” ang nasabi niya uli sa kanyang sarilisamantalang minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa may tapat ng libangan ng kanilang bayanna ipinalalagay iyang kaluluwa ni Anita, “Disi’y di ako itataboy sa kasiyahan.” Pinag-usapan pa lamang ng mag-ina ang malaki nilang kapalaran sapagkat mabuti ang lagayng tanim nilang palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan ang dumating na taglay ang utos nghukumang sila”y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan at sinasamsam ni Don Teong na ama niAnita ang lahat ng lupa nilang sinasaka. “Inang, matalim ba ang itak ko?” ang unang naitanong ng anak sa ina. Matapos matunghayanang utos ng hukuman. 19
“Anak ko!” ang palahaw na panangis ng matandang babae. Sabay kapit sa leeg ng anak.“Bakit ka mag-iisip ng gayon, sa tayo na lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?” Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag sa kalooban ng binata. Gayunman sa harap ngbagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang binubuwisan ay isa-isang nagbabalik sa alala niya angmalungkot na kasaysayan ng kanilang lupang sinasaka. Ang sabi talaga sa kanunununuan ng kanyang ama ang naturang lupa walang sino mangsumisingil sa kanila ng buwis at walang sino mang nakikialam sa ano mang maging bunga ngkanilang tanim, maging mais man o tubo, o kaya’y maging ano man sa mga gulay na tanim nila sabakuran subalit ng bata pa ang kanyang ama ay may nagpasukat ng lupa at sinasabing kanila.Palibhasa’y wala silang maibabayad sa manananggol ang pamahalaan ay nagkulang ng malasakit sakanilang karalitaan upang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan. Sa wakas ay napilit silangmamuwisan ng di nila makuhang umalis doon. Noong bata pa si Marcos ang bayad nila ay isang salapi lamang isang taon sa bawat ektaryang lupang kanilang sinasaka. Subalit habang nagtatagal ay unti-unti na silang nababaon sapagkakautang sa may-lupa dahil sa mga kasunduang ipinapasok sa pana-panahon, gaya ng takipan attalindawa. Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil din sa malaking sama ng loob kay Don Teong.Ang kapatid niya’y namatay dahil sa paglilingkod sa bahay nito, at higit sa lahat nalaman niyangkaya namatay si Anita sapagkat natutop ng amang nakipagtagpong minsan sa kanya sa loob nghalamanan, isang gabing maliwanag ang buwan. Saka ngayo’y paalisin naman sila sa kanilang bahayat lupang binubuwisan? Si Anita’y lihim na naging kasintahan ni Marcos mahigit nang isang taon noon. Sapul ngdumating si Anita sa kanilang bayan buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga madre sa Maynila.Si Marcos ay nagsimpan na ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos ang kanyang kalagayanna halos lumaki sa ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang lamo sa ilog. Si Marcos ay natapos lamang sa katesismo sa eskwelahan sa silong ng kumbento sa kanilangbayan at natutong sumulat sa pisara ng malaking numero. Ngunit gayunman, nagsikap siyang idilatang kanyang mga mata sa liwanag ng kabihasnan at pagkakaunlad. Katutubo kay Marcos ang hilig sapagkatuto sa pag-anib sa mga samahang pambayan ay natuklasan niyang walang mabuting paaralankundi ang pahayagan. Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan sa sariling wika na di binabasani Marcos. kahit manghiram na lamang kung wala na siyang ibili. Nagbabasa din siya ng mga nobelaat ibang akdang katutuhan niya sa wikang tagalog o kaya’y salin sa wikang ito. Lalo na ng magsimpan siya ng pag-ibig kay Anita, Wala siyang inaalagata sa kanyang buhaykundi ang balang-araw ay maging karapat-dapat sa kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ng lupanilang sinasaka. Isa pa’y bukod sa naniniwala siya na sadyang magkakapantay ay tinatanggap dinniya ang palasak na kawikaang “ang katapat ng langit ay pusalian” dahil diyan kaya kahit bahagya aydi siya nag-aatubili ng pagsisimpan ng pag-ibig kay Anita. At naibig naman siya ng anak ni DonTeong. Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita’y namangka sa kanilang ilog, gumiwang angbangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay nasa damo at lihim niyang sinusundan ang bakas satubig ni Anita. Nang makita niya ang malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog at sa pamamagitanng langoy na hampas tikin ay inabot niya si Anita na kumakamot na sa ilalim ng ilog. Matapos 20
niyang kalawitin nang kaliwa niyang bisig sa may baba ang dalaga ay bigla niyang isinikdaw angdalawa niyang paa sa ilalim kaya’t pumaibabaw sila, at sa tulong ng pagkampay ng kanyang kamayat pagtikad ng dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa pampang. “Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig,” ang tapat ni Anita sa binata, makaraan angilang buwan buhat ng siya’y mailigtas. Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ngkanilang mga ninuno ay binubuwisan na nila at sinasamsam pa ngayon at saka silang mag-ina ayitataboy. Sino ang hindi magdadalang-poot sa gayong kabuktutan? Dahil sa kanyang ina natutong magtiim si Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya angkanyang mga labi upang huwag mabulalas ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang mgakamay hanggang matimo sa palad niya ang kanyang mga kuko. Isang takipsilim ng marinig niya sa kampanaryo ng kanilang simbahan ang malulngkot naagunyas. Una muna ang malaking kampana saka sumunod ang maliit. Bang! Teng! Bang! Teng!Babae ang nalagutan ng hininga. Maliit naman ang kanilang bayan upang malihim pa kung sino angbinawian ng buhay wala siyang nalalamang may-sakit kundi si Anita dahil sa pagkakatutop sa kanilanoong isang gabi. Ang dalaga sy sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay matalamang ang walang latay. Buhat noon ay nagkasakit si Anita. Araw-araw ay tumatanggap si Marcosng balita at nang tangkain niyang dumalaw na minsan ay hinarang siya ni Don Teong na may hawakna rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit nagdalawang-loob siya. Maaring maging dahilaniyon ng bigla pang pagkamatay ng kanyang iniibig bukod sa magiging subyang sa kanyang ina kungsiya ay mawawala. Ang muling dagok sa kanya ni Don Teong ay isinama lamang niya sa talaan ng pagmamalupitsa kanya ng mayamang may-ari ng lupa nilang binubuwisan. Pang-aagaw ng lupa sa kanila.Pagpapautang ng patung-patong. Pagkamatay ng kanyang ama. Pagkamatay ng kanyang kapatid. Atsaka noo’y pagtatangka sa kanyang buhay. Pinakahuli nga ang pagkamatay ng tuluyan ni Anita, naayon sa balita niya’y nalagutan ng hininga na siya ang tinatawag at saka nitong huli ay pagpapaalis sakanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa tulo ng pawis nilang mag-anak. Ngunit si Marcos ay isang manggagawang hubog sa palihan ng bagong panahon, ay lumakiang puso sa pagtitiis. Naging maluwag na ang kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si Anita, akala niya’y maaari pa siyang makalunok ng bagongpag-upasala ng itinuturing niyang panginoon datapwat ng tanggapin niya ang utos ng hukuman napinaalis siya doon talagang nagdilim ang kanyang isip. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas angkanyang kamay, yamang hindi naniya matatamo ang katarungan sa hukuman ng mga tao. “Huminahon ka anak ko” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang bathala sa mgamaliliit. Magtiis tayo.” Hindi na niya itinuloy ang paghahanap sa kanyang itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan,nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa bukid. Gaya rin ng dati sinakyan niya ang kanyang 21
kalabaw na lalong mahal niya sa lahat sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at nilampasanniya ng tanaw ang karagatan ng namumulang ginto. Pagdaramdam at panghihinayang angngumangatngat sa kanyang puso. Gaanong pawis ang nawala sa kanya upang masaka ang naturangbukid? Gaanong pagod ang kanyang pinagmulan upang ang palay nila’y magbungang mabuti? Sakangayo’y pakikinabangan at matutungo lamang sa ibang kamay? Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang kalabaw. Ibig man niyang pagdimlan ng isipkung nagugunita ang utos ng hukuman, subalit ang alala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahag-haring sumusugpo sa nagbabalang unos. Dadalawa na lamang sila sa daigdig upang huwag niyangpabayaan ang kanyang ina; ipinangako niyang hahandugan ng kaligayahan ang nalalabing buhay,bago nalagutan ng hininga ang kanyang ama. Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang kabutihan kung sila’y nagsasarili. “Tutungotayo sa hilaga at kukuha ng homestead. Kakasundo tayo ng mga bagong magsasaka; pares ni DonTeong, di kailangang magkaroon din ako ng gayak na paris niya”. Kabalintunaan man ang sinasabi ng anak ay di nag-usisa ang ina. Wala siyang nalalamankundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang mga tao sa nayon, ang buong kagayakan ay sinusuotng kanyang anak saka lumalabas sa bukid. May dalawang linggong gayon nang gayon ang ginagawani Marcos, hanggang isang araw ay tawagan siya ng pansin ng matanda. “Marcos”, sabi ng matanda. “Dalawang linggo na lamang ang natitira sa ating taning ay di moginagawa ang pakikipagtuos kay Don Teong. Kung may magiging sukli man lamang tayo sa aningayon?” “Huwag po kayong mabahala, Inang”, sabi ng mabait na anak, “Nalalaglag po ang dahon sakanyang kapanahunan”. Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Gayunman ay may nagunita siyang isang bagayna ibig niyang malaman sa anak. “Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa bakuran mo?” tinutukoy ang kalabaw na mahal namahal sa lahat ni Marcos. Maaaring magpakahinahon si Marcos, subalit ang huling kapasyahan niDon Teong ang numakaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalithinihingi ng pagkakataon. Nagunita niya ang sinabi ni Rizal na “walang mang-aalipin kung walang paaalipin”.Napahilig siya sa harap ng gayong masaklap na katotohanan. Patung-patong na ang ginagawangpamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Nagunita rin ni Marcos angmarami pang ibang kasama katulad din niya, nasa kamay ng mayamang si Don Teong ay walanginiwan sa mga leeg ng manok na unti-unting sinasakal hanggang makitil ang hininga sa hangad namahamig na lahat ang kanilang kayamanang gayong minana sa kanilang ninuno ay iba na ngayon angmay-ari at nagpapabuwis pa. “Kailangang maputol ang kalupitang ito!” na tila pagsumpa sa harap ng katalagahan naginawa ni Marcos.” 22
“Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter at latigo, anak ko?” ang tanong ng matanda kayMarcos, isang araw na dumating siyang pagod na pagod sa naturang dala-dalahan. “Inihahanda ko iyan sa pagiging panginoon natin, paris ni Don Teong,” ang nakatawangsagot ng anak. Kung tayo po’y makaalis na rito, di tayo’y magiging malaya”, ang tila wala sa loob natugon ng anak. Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay nakapugal sa hangganan ng lupang sarili niDon Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni Marcos ang pulinas, ang gora, at suwiter, sakadala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. Pagdating niya sa pook na kinapupugulan ay sakaaasbaran ng palo ang kalabaw hanggang sa ito’y umungol na ang alingawangaw ay abot hanggang sakalagitnaan ng bayan. Kung di niya nakitang halos apoy ang lumalabas sa dalawang mata ng hayopay di pa niya ito titigilan. Sa gayon ay matulin siyang nagtatago upang umuwi na siya sa bayan. Kungdumarating siya’y daratnan niya ang kanyang inang matuwid ang pagkakaluhod sa harap ng isangmaitim na Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng isang malaking kandila. “Salamat, anak ko, at dumating ka”, ang sasabihin na lamang ng matanda. “Akala ko’ynapahamak ka na.” Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Angipinanganib ng ina ni Marcos ay baka magkasalubong si Marcos at ang kanilang panginoon ay hindimakapagpigil ang sinuman. Nalalaman din ng matandang babae na laging may dalang rebolber sabaywang ang mayamang asendero buhat ng magkaroon ng alitan dahil sa lupa, kaya lagi niyanginaalala ang pag-alis-alis ni Marcos. Subalit isang hapon samantalang payapang inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis,walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sapagkakasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw kay DonTeong ay tila may sinisimpang galit sapagkat bigla lamang sinibad ang mayamang matanda atnasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan ngasendero ay tumilapon pa sa itaas at paglagpak at sinalo naman sa kabilang sungay. Ang katawan niDon Teong ay halos lasug-lasog nang iuwi sa bayan at wasak ang suwiter sa katawan at saka pulinas.Kumilos agad ang maykapangyarihan upang gumawa ng kailangang pagsisiyasat subalit ang lahat ngmatuwid ay nawalan ng halaga sa hindi kumikilos na ayos ng kalabaw na animo’y wala sa loob angginawa niyang pagkakasala. Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, bawat isa’y nagkatinginan hindi nila malamankung papaanong ang poot ni Marcos kay Don Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop. Si Marcos ay nakatingin din sa orasan ng gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang kulangsa ika-8 ng gabi. Hindi siya nababahala. Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dati ayaw niyang marinig. Sa halip na idalangin angkaluluwa ng mga namatay, ang naisip niya’y ang matapang niyang kalabaw. “Mapalad na hayop na walang panginoon”, ang kanyang naibulong. 23
Nagkamali ba ako ng sabihin kong maiibigan mo ito? Nagalit ka ba sa kalabaw? Ano angnaramdaman mo sa paraang naisip ni Marcos? Nahabag ka ba kay Don Teong? Inunawa mo bang mabuti ang kuwento? Kakailanganin mo ito sa mga susunod na gawain. May dalawang salitang dapat mong malaman sapagkat makakaharap mo ito sa susunod na gawain. Ito ay mga salitang denotasyon at konotasyon. Ang denotasyon ay tumutukoy sa kahulugang karaniwang dala ng salita. Upang malinawan ka, narito ang isang tiyak na halimbawa – Butas ang bulsa niya. Kung ibibigay ang denotasyong kahulugan nito, ngangahulugang may sira ang bulsa. Ang konotasyong kahulugan naman ay walang pera. Samakatwid ang konotasyon ay ang malalim na pagpapakahulugan o talinghagang dala ng salita. 3. Linangin Mo… A. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Piliin at isulat sa tamang deskripsyon – denotasyon o konotasyon ang mga salitang nakatala sa ibaba. Sundin ang bilang sa kahon. Walang Panginoon Denotasyon Konotasyon 5. 2. 4. 6. 1. 3. walang pananampalatayaMga Salita:walang mang-aalipindi naniniwala sa Panginoonwalang relihiyonwalang amowalang kinikilalang Diyosmalaya 24
Nahirapan ka ba? Huwag kang mag-alala. Kung may panahon ka pa, balikan mo muliang gawaing ito upang rebyuhin ang iyong mga kasagutan. Alam mo bang hindi lamang sa panlabas na kaanyuan makikilala ang isang tauhan?Hindi lamang sapat na sabihing itim ang mata at kulot ang buhok o kaya’y magkatulad sapagsasalita ang mga tauhan. Upang maging kawili-wili ang akda, kailangang ilantad ng awtorsa mambabasa ang kalikasan ng tauhan sa pamamagitan ng sinasabi, ikinikilos at iniisip.Ngunit lalong magiging maganda kung ang tauhan na ang magpapakilala ng kanyangkarakter. Isang mahalagang tauhan ang kikilalanin mo sa kuwentong “Walang Panginoon”. Bigyang-pansin ang mga bahaging maglalantad ng kanyang katauhan. Hanapin moang bahaging maglalarawan ng kanyang iniisip, ikinikilos at sinasalita. Tandaan mo ang mgaito . Kailangan ito sa susunod na gawain. b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Isulat mo ang bilang sa tamang hanay ng mga paglalarawan kay Marcos na nakasulat sa ibaba.Iniisip Ikinikilos SinasalitaMga Paglalarawan kay Marcos: 1. Kahit na anong gawin niyang pagpasak sa kanyang tainga, lalong nanunuot sa kanyang pandinig ang malungkot na tinig ng batingaw. 2. Noon pa’y naisip na niyang gawing batas ang kanyang kamay; yamang hindi na niya matatamo ang katarungan sa hukuman ng tao. 3. “Kailangang maputol ang kalupitang ito!” 4. Kung takipsilim ay sinusuot na ni Marcos ang pulinas, gora, suwiter at saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni Don Teong. 5. “Inang, matalim ba ang itak ko?” 25
6. Walang aklat, walang pahayagan, walang lingguhan sa sariling wika na hindi binasa ni Marcos. 7. Sa kanyang sarili’y hindi masusukat ng kanyang ina kung gaano kapait para sa kanya ang pagkamatay ni Anita. Naisagawa mo ba ang gawain? Tiyak sapagkat kilalang-kilala mo na si Marcos, hindi ba? Sa unang aralin, nalaman mo kung paano makilala ang teoryang humanismo. Hindi ba’tnakatulong ito sa iyo upang lubusan mong mapahalagahan ang iyong akdang binasa? Alamin mo naman ang tungkol sa teoryang markismo. Kumplikado ba? Simple lamangang aking gagawing pagpapaliwanag upang madali mong maunawaan. Naiiba ang Teoryang Markismo. Ipinakikita nito ang pakikipagtunggali ng mahina samalakas, ng mahirap sa mayaman. Ito ang dahilan kung bakit itinuturing ito bilang isang kumpleto atganap na paraan sa pag-iimbestiga sa karanasan ng tao. Napansin mo bang nakasandig din ito samakatotohanang pananaw? Handa ka na ba sa susunod na gawain? Maaari ka nang magsimula? c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Hanapin sa kuwento at isulat ang mga bahaging nagpapakita ng pakikipagtunggali ng mahirap sa mayaman. Mga bahagi ng kuwentong nagpapakita ng pakikipagtunggali ng mahirap sa mayaman. 1. 2. 3. 4. 5. 26
d. Halagang Pangkatauhan Anu-ano ang maaring mangyari kung ilalagay mo ang batas sa iyong mga kamay? (Think About Consequences) Lagyan mo ng tsek ( 4 ). _____ 1. Makapaghihiganti ka. _____ 2. Mabibilanggo ka. _____ 3. Maaari kang mamatay. _____ 4. Mapaglulubag ang iyong kalooban. _____ 5. Magkakasala ka sa Diyos. Kung ang sagot mo’y di nalalayo sa diwa ng mga kasagutan sa Susi sa Pagwawasto ito aybibigyang-konsiderasyon. Ang mahalaga ay naunawaan mo ang akda at naisagawa mo ang mgagawain. 4. Palalimin Mo… Panuto: Lagyan ng tsek ( 4 ) kung ang pahayag ay naghatid ng bisang pangkaisipan star, ( ) kung bisang pangkaasalan, at puso ( ) kung pandamdamin. _____ 1. Pagdinig sa karaingan ng mga aping magsasaka. _____ 2. Pagkakaroon ng kabatiran sa pagpapahalaga sa akda. _____ 3. Pantay-pantay na pagtingin sa pagitan ng mayaman at mahirap. _____ 4. Pagpapahalaga sa mga tauhan sa isang akda. _____ 5. Pagsasaalang-alang sa damdamin ng mga biktima ng kaapihan. Iwasto mo ang iyong mga kasagutan. Hindi na baleng may mali ka. Ang mahalaga ay matutoka, hindi ba? 5. Gamitin Mo… Panuto: Isulat ang M kung makatwiran at DM kung di makatwiran ang pahayag. _____ 1. Hindi dapat ilagay sa kamay ang batas makapaghiganti lamang. _____ 2. Ang sama ay di dapat gantihan ng kapwa sama. _____ 3. Makaliligtas tayo sa mata ng tao ngunit hindi sa mata ng Diyos. 27
_____ 4. Ang mabuting layunin ay nagbibigay-katwiran sa masamang paraan. _____ 5. Ang paggamit ng kapangyarihan ay nararapat lamang kung ang sarili mong pag-aari ay mawawala. Kayang-kaya ba ang natapos na gawain? Mahalaga talagang inuunawa mo ang aralin upangmasagutan ang mga gawain. Tingnan mo kung ilan ang nakuha mong tamang sagot. Iwasto mo muliang mga ito. Masusubukan naman ngayon ang kakayahan mo sa pagsulat. Kaya mo ito. Subukin mo. 6. Sulatin Mo… Panuto: Buuin ang pangungusap sa pamamagitan ng pagpili ng angkop na salita na nasa loob ng mga konsepto. 1. Anumang ganda ng iyong balakin balewala kung masama ang (hilig) (gawa) (hangarin). 2. Tao ay pantay-pantay nang isilang kaya di dapat abusuhin yaring (nilikha) (karapatan) (karunungan). 3. Ang gawang masama sa mata ng Diyos ay isang (sala) (luha) (panata). 4. Ang kasamaang gawain sa kapwa babalik din kung saan (nagmula) (itinakda) (nilikha). 5. Paghamak sa kapwa’y may kaparusahan hindi makaliligtas sa (batas) (Poong Maykapal) (mamamayan). 28
Nasiyahan ka ba sa ating gawain? Maaaring magsanay ka pa sa pagbuo ng mga konsepto.Ngayon, iwasto mo muli ang iyong mga kasagutan. 7. Lagumin Mo… Panuto: Isulat sa patlang ang sagot batay sa hinihinging impormasyon. _____ 1. Isang malalim na pagpapakahulugan ng salita. _____ 2. Kahulugang karaniwang dala ng salita. _____ 3. Mga _____ 4. paraan sa _____ 5. paglalarawang-tauhan _____ 6. Paggamit ng salapi upang mapagtagumpayan ang isang kaso, anong teoryang pampanitikan ito? Hingiin mo muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Iwasto mo ang iyong mga sagot. 8. Subukin Mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. 1. Ang mga mata ni Marcos ay nanlilisik at nag-aapoy. a. galit na galit b. sinasapian c. nilalagnat d. tumaas ang presyon ng dugo 2. Talagang nagdilim ang isip ni Marcos nang iutos ng hukuman na paaalisin sila. a. Nabaliw b. lumabo ang paningin c. nawala sa katinuan d. nawalan ng malay 3. Subalit ang alaala ng kanyang ina’y walang iniwan sa bahagharing sumusugpo sa nagbababalang unos. a. magkakaroon ng unos b. may mangyayaring paghihiganti c. mapanghikayat ang tinig ng ina d. di naging maganda ang palad nila 29
4. Patung-patong na ang ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don Teong na takalang dapat nang kalusin. Iniisip ni Marcos na a. isumbong sa batas si Don Teong b. sugurin si Don Teong c. pagsabihan si Don Teong d. paghigantihan si Don Teong 5. “Inay, matalim ba ang itak ko?” ang damdaming namamayani ay a. pag-aalala b. pagkagalit c. pagkamangha d. pagkabigla 6. Hinarang siya ni Don Teong na may hawak ng rebolber. Sa ikinilos na ito ni Don Teong masasabing a. labis siyang malupit sa kapwa b. pabigla-bigla siya c. ayaw niya si Marcos d. madaling mag-init ang ulo 7-8. Pumili ng dalawang sitwasyong may markismong pananaw a. Ang dalaga ay sinaktang mabuti na ayon sa sabi ng nagbalita kay Marcos ay mata lamang ang walang latay. b. Pang-aagaw ng lupa sa kanila. Pagpapautang ng patung-patong. c. “Marcos, matagal na rin naman kitang iniibig,” ang tapat ni Anita. d. “Huminahon ka, anak ko,” ang sabi ng kanyang ina. “Hindi natutulog ang Diyos.” 9-10. Dalawang dahilang magpapaliwanag sa kasabihang, “Ang mabuting layunin ay hindi nagbibigay-katwiran sa masamang paraan.” a. Kailangan ito ng matagal na pagpaplano. b. Ito’y kasalanang malaki sa mata ng Diyos. c. Madalas na di ito nagtatagumpay. d. Maaari kang mapahamak – bilangguan o libingan. Itsek mong muli ang iyong mga sagot. Ano ang nakuha mong iskor? Kung itoay 7 pataas gawin mo ang gawain sa “Gaano Ka na Kahusay?” Kung 6 pababa angnakuhang tamang sagot, gawin mo ang gawain sa “Paunlarin Mo”. 30
9. Paunlarin Mo… Panuto: Piliin mo sa ibaba ang karugtong ng pangungusap upang makabuo ng mga kaisipang hinango sa akda. Isulat mo sa papel. 1. Walang mang-alipin ____________________. 2. Ang gawang masama ____________________. 3. Kapangyarihang sa iyo ay ibinigay ____________________. 4. Ang panlalamang sa kapwa ____________________. Pagpipilian: 1. huwag gamitin sa kasamaan 2. kailan may di magtatagumpay 3. kung walang paalipin 4. hindi magandang gawa 5. sa lupaing maningning 6. di dapat gawing adhikaVII. Gaano ka kahusay? Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin at isulat mo ang titik ng tamang sagot. 1. Dalawa sa mga kamag-aral namin ang nakababatid na siya’y hindi balo. Nangangahulugan itong a. diborsyada b. malayo sa asawa c. hiwalay sa asawa d. patay na ang asawa 2. Ang ungol ng kalabaw ay alingawngaw na umaabot hanggang kalagitnaan ng bayan. a. Labis na nasaktan sa palo kayat umungol nang pagkalakas-lakas. b. Lubhang nagalit sa ginawa sa kanya c. Labis na nalungkot ang kalabaw sa nangyari kay Marcos d. Nagalit ang kalabaw ng makita si Don Teong 31
3. Ayaw niyang marinig ang animas ang malungkot na palo ng bakal sa malaking kampanang tanso ng simbahan. a. ika-8 ng gabi b. orasyon c. tunog ng batingaw d. oras na ukol sa kaluluwa4. Ang pagpapakilala sa tauhan ng isang kuwento ay matatagpuan sa a. simula ng kuwento b. kakalasan ng kuwento c. kalagitnaan ng kuwento d. dayalogo ng mga tauhan5. Naiburol ang ama ng bata hindi sa tirahan ni Mabuti at naunawaan ko ang lahat. Ang suliraning bumabagabag ay nabigyang-kalutasan. Ito ay matatagpuan sa a. kasukdulan b. suliranin c. wakas d. tunggalian6. Nangyari kay Don Teong sa hulihan ng kuwento a. namatay b. isinugod sa ospital c. dinala ng kalabaw d. naghingalo7. “Mabuti… gaya ng sasabihin ko. Iyon lamang nakararanas ng mga lihim ng kalungkutan ang maaaring makakilala ng mga lihim na kaligayahan.” Nagpapakita ito ng a. kahusayan ng guro b. pagiging matalinhaga ng guro c. pagiging mapagmalaki ng guro d. paniniwala/kaisipan ng guro8. Isang sitwasyong nagpapakita ng pakikipagtunggali ng mahina sa malakas, ng mayaman sa mahirap a. Taun-taon ay may ipinapasok na kasunduan gaya ng takipan at talindawan. b. Sinibad ng kalabaw ang mayamang matanda at nasapol sa kalamnan. c. Pinalo ni Marcos ang kalabaw hanggang ito’y umungol ng umungol. d. Wala silang maibayad sa manananggol kaya’t di dininig ng pamahalaan ang kanilang katwiran at karapatan 32
9. Kung nagkamali man tayo sa ating buhay, mahalagang matuto tayo nito at samahan pa ng a. pag-iingat sa sarili b. pag-iwas sa mga tao c. pagiging matapang d. pagdarasal at pananalig10. Kahit na gaano kaganda o kahusay ang ating layunin ay mababalewala kung a. masama ang paraang gagamitin b. di magiging maganda ang bunga c. di makabubuti sa sarili d. di muna sinubok 33
Susi sa Pagwawasto (Kuwento ni Mabuti)IV. ANO BA ANG ALAM MO? 4. 31. b 5. Gamitin Mo…2. b 1. pagkakaroon ng magandang pagtingin3. c sa buhay4. d 2. pagpapahalaga sa gawain5. c 3. pagiging matatag sa paglutas ng mga6. b problema7. a 6. Sulatin Mo…8. a Ang Huwaran kong Guro9. a Hinding-hindi ko malilimutang isa sa mga10. a hinahangaan kong guro. Siya ay walang iba kundi si Gng. Bella Abangan. NapakahusayB. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO niyang magturo ng Journalism. Kaya naman1. Alamin Mo … madalas kaming manalo sa mga paligsahan. Ilaw-liwanag,gabay,patnubay Tunay na malaki ang naitulong niya upang Rosaryo-sakripisyo,pagpapakasakit, hubugin ang aking katauhan.paghihirap 7. Lagumin Mo… Puso-pagibig,pagmamahal,pagkalinga 31.3. Linangin Mo… 2. a. Pagsusuring Panlinggwistika 33. 1. naligaw 34. 2. namutla 3. pag-aalinlangan 5. 4. pamawi 36. 5. humadlang 37. 38. b. Pagsusuring Pangnilalaman 39. 1. c 2. d 10. 3. a 311. 4. e 8. Subukin Mo… 5. b 1. a 2. d c. Pagsusuring Pampanitikan 3. d 1. NT 4. c 2. H 5. a 3. NT 6. b 4. NT 7. b 5. H 8. c 9. a d. Lahat ng kasagutan ng mga mag-aaral 10. day maaring tanggapin batay sa kanyang 9. Paunlarin Mo…binibigyang priyoridad. 1. Ang guro ay magulang sa paaralan utang4. Palalimin Mo… natin sa kanya yaring karunungan. 2. Katatagan ay ating kailangan sa mga 1. 3 problemang dumarating sa buhay. 2. 3 3. 3 34
Susi sa Pagwawasto(Walang Panginoon)B. MGA GAWAIN SA PAGKATUTO 4. Palalimin Mo… 1. Alamin Mo… 1. 1. magsasaka 2. 4 2. ani 3. 3. tag-ulan 4. 4 4. pananim 5. 5. tag-araw 6. kaibigan 5. Gamitin Mo… 7. lupa 1. M 8. bukid 2. M 3. M 3. Linangin Mo… 4. DM A. Pagsusuring Panlinggwistika 5. DM 1. di naniniwala sa Panginoon 2. walang relihiyon 6. Sulatin Mo… 3. walang kinikilalang Diyos 1. hangarin 4. walang mang-aalipin 2. karapatan 5. walang amo 3. sala 6. malaya 4. nagmula 5. Poong Maykapal B. Pagsusuring Pangnilalaman Iniisip –2, 7 7. Lagumin Mo… Ikinikilos - 1, 4, 6 1. konotasyon Sinasalita – 3, 5 2. denotasyon 3. Iniisip C. Pagsusuring Pampanitikan 4. Ikinikilos 1. Pang-aagaw ng lupa 5. Sinasalita 2. Pagpapautang ng patung- patong 8. Subukin Mo… 3. Pagkamatay ng ama 1. a 4. Pagkamatay ng kapatid 2. c 5. Pagkamatay ni Anita 3. b (maaring di sunud-sunod) 4. d 5. b D. Halagang Pangkatauhan 6. c 1. 7. a, b 2. 4 8. 3. 4 9. b, d 4. 10. 5. 4 35
9. Paunlarin Mo… 3. d 1. kung walang paalipin 4. a 2. di dapat gawing adhika 5. c 3. huwag gamitin sa kasamaan 6. a 4. hindi magandang gawa 7. d 8. aVII. GAANO KA NA KAHUSAY? 9. d 1. c 10. a 2. a 36
Modyul 4 Pagsusuri ng Akda Batay sa Pananaw Saykolohikal Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta ka na? Isa na namang modyul ang iyong pag-aaralan. Dito, dalawang akda ang iyong mababasana tiyak kong iyong maiibigan. Mga akda na punung-puno ng damdamin na aantig sa iyongpuso at isipan. Ang una ay isang nobela na sinulat ng Ama ng mga Manggagawa na si AmadoV.Hernandez na pinamagatang Luha ng Buwaya. At ang ikalawa’y isang iskrip ng dulangpampelikula na pinagbidahan ni Philip Salvador ang Jaguar. Bukod pa sa rito’y iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyo. Mga gawain nahahamon sa iyong kakayahan at pag-iisip at magdaragdag ng maraming kaalaman. Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikan aylalo pang mahahasa sa araling ito. Kaya humanda ka na. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa sa akda. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Tutulungan ka ng modyul na ito. Magiging maayos at epektibo ang iyong pag-aaral kungsusundin mo ang mga sumusunod na tagubilin:1. Sagutin mo ang panimulang pagsusulit o iyong bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo?
Ito’y gabay upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2. Sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong sagot. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, huwag kang mag-alala. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Basahin at unawain mong mabuti ang mga aralin.4. Gawin at sundin mo ang mga panuto.5. Isulat mo ang iyong sagot sa hiwalay na papel o notebuk.6. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Pagkatapos, iwasto ang iyong sagot sa tulong ng susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.7. Ingatan mo ang modyul na ito. Panatilihin mong malinis at walang punit ang bawat pahina.8. Maging matapat ka sa pagsagot at pagwawasto ng iyong mga gawa.Ano na ba ang alam mo? Ang mga sumusunod ay ang panimulang pagsusulit na susukat sa lawak ng iyongkaalaman sa pag-aaralang akda.Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.1. Ang binata ay madalas magpalipad-hangin sa dalaga. Ang magpalipad-hangin ay nangangahuluganga. magparinig c. mamaypayb. magparamdam d. magpasaring2. Hugos ang mga tao sa bahay na bato. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay _a. nagsuguran c. naggawaanb. nagtaguan d. naglabasan3. Maraming nagmimiron habang patuloy na nagaganap ang rambol. Ang kasingkahulugan ng nasasalungguhitang salita ay _a. nakikinig c. nag-uusyosob. nagtatakbuhan d. nagsisigawan 2
4. Ang may-ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong ay si _a. Mang Pablo c. Mayorb. Donya Leona d. Kabesang Reso5. Nag-alsa ang mga iskwater sa pamumuno ni Andres sapagkata. kinamkam ni Donya Leona ang Bagong Nayonb. pinagbintangan sila ni Donya Leona na nanunog ng kamaligc. inalis si Bandong bilang prinsipald. di sila sinwelduhan ni Donya Leona6. Ang Jaguar na tinutukoy sa akda ay isang _a. hayop na kauri ng pusa c. alalayb. gwardya d. bodyguard7. Ang pag-iimbita ni Poldo sa kanyang “boss” na si Sonny ay inakala ng marami na siya’y_a. tumatanaw ng utang na loobb. natural na mapagkaibiganc. nagpapalapad ng papeld. nagbabakasakaling mataas ng tungkulin8. Nakisama sina Direk at Sonny sa gulo. Sa ginawa ng dalawa makikilalang sila’ya. matapang c. matulunginb. basagulero d. mayabang9. Nagsanib ang mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga iskwater. Nilabanan nila si Donya Leona at sila’y nagtagumpay. Dito napatunayang _a. walang mang-aapi kung walang paaapib. nasa pagkakaisa ang lakas at tagumpayc. kapag may tiyaga may nilagad. ang kasamaan kailanma’y di magtatagumpay10. Sinusundan-sundan ni Poldo si Sonny habang ito’y nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan. At sa kasusunod niya’y nasusuntok siya ng kalaban nito. Pero di niya ito alintana. Seryoso si Poldo. Makikilalang si Poldo ay _a. matapangb. marunong mangalaga sa kanyang bisitac. tapat sa pagtupad sa kanyang tungkulin/trabahod. marunong makisama 3
- Nahirapan ka ba sa pagsagot? Iwasto mo ang iyong mga sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Huwag kang mag-alala kung mababa man ang iyong nakuhang iskor. Tutulungan ka ng modyul na ito. Aralin 1: Luha ng Buwaya Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mgasumusunod na mga kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag at mga salita na ginamit sa akda 2. Natutukoy ang mahahalagang detalye at kaisipan sa akda 3. Nasusuri ang akda batay sa saykolohikal na pananaw sa pamamagitan ng pagtutuon sa kilos, gawi at paniniwala ng tauhan 4. Napatutunayang mahalaga ang pakikiisa at pagkakaisa sa ikapagtatagumpay ng layunin 5. Nakasusulat ng mga islogan na nauukol sa mga kaisipang napapaloob sa akda Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Sa nakaraang modyul ay natutunan mo ang 2 paraan ng pagpapakahulugan sa salita,ang denotasyon at konotasyong pagpapakahulugan. Ibigay mo nga ang denotasyon atkonotasyong kahulugan ng BUWAYA. Hanapin mo ito sa mga nakatala sa ibaba at isulat sa hanay. Titik lamang ang isulat 4
Denotasyon KonotasyonBUWAYA a. ganid b. sakim c. hayop na tumitira sa tubig d. kahawig ng bayawak ngunit malaki kaysa rito e. mapangamkam f. matakaw - Tingnan mo sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro kung nailagay mo sa tamang hanay ang bawat kahulugan. Alin kaya sa mga kahulugang iyan ang tinutukoy sa babasahin mong nobela? Alamin mo yan. O handa ka na ba? Simulan mo na ang pagbasa. 2. Basahin mo… BUOD NG LUHA NG BUWAYA (Amado V. Hernandez) KAGAGALING NI BANDONG, guro sa Sampilong, sa opisina ng Superintendentesa kabisera ng lalawigan sapagkat pinagbilinan siyang manumpang pansamantalang prinsipalsa kanilang nayon samantalang nagbabakasyon ang talagang prinsipal, si Maestro Putin.Dinalaw ni Bandong si Pina, ang pinakamagandang dalaga sa nayon at anak ni Mang Pablo napangulo ng PTA at sinusuyo ni Bandong upang makipagbalitaan at magpalipad-hangin ukolsa kanyang pag-ibig. Nalaman ni Bandong na may pabatares sa pagapas kinabukasan si MangPablo. Sa gapasan, naging masaya ang mga manggagapas kahit na lumabas si Donya LeonaGrande, ang may-ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong. Napakahigpit sakasama si Donya Leona. Nang ipaghanda sa bahay-asyenda ang dalawang anak ni Donya Leona, si Jun,nagtapos ng medisina at si Ninet na nagtapos naman ng parmasya, ang mga kasamang babaeat lalaki ay hugos din sa bahay na bato sa pagtulong sa mga gawain at pagsisilbi sa mgapanauhin. Naganap sa kasayahang ito ang kaguluhang kinasangkutan ni Andres, isang 5
iskwater na nakita sa pook na tinaguriang tambakan. Nagawi sa Sampilong si Andres mula saMaynila noong panahon ng Hapones sapagkat natandaang sinabi ng yumaong ina na maykamag-anakan sila sa Sampilong. Nang matapos ang digmaan si Andres at ang kanyang mag-ina ay hindi na nagbalik pa sa Maynila. Nakilala nang lubusan ni Bandong si Andres nang ipinasok nito sa grade one ang anakna sampung taon. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilangpook ng mga iskwater ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pookpumayag si Andres at ang mga iskwater sa mungkahi ni Bandong. Bumuo ng isang samahan ang mga magsasaka at si Bandong ang tagapayo nito.Isinumbong ni Dislaw, ang engkargado at badigard ni Don Severo Grande, ang unyon ng mgamagsasaka. Ikinagalit iyon ni Donya Leona lalo na nang tanggapin nito ang manipesto ng mgakahilingan ng mga magsasaka. Tumanggi si Donya Leona sa mga kahilingan ng mgamagsasaka at ang mga ito naman ay tumangging gumawa sa kanilang mga saka. Samatala’y nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga iskwater at tinawag nilangBagong Nayon. Sa tulong ni Bandong, lumapit sila ni Andres sa Social WelfareAdministration. Nakapangilak sila ng pondo mula sa mga kanayon at sinimulan nilang itayoang kooperatiba ukol sa industriyang pantahanan. Ngunit ang Bagong Nayon ay sinimulang kamkamin ni Donya Leona. Pagkataposkausapin ang huwes ng bayan, isinampa ng mga Grande ang habla at ang ginamit na tangingebidensiya ay isang lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat ni Donya Leona angalkalde na pinsan ni Don Severo, ang hepe ng pulisya na inaanak naman sa kasal ng asawangGrande. Lumaban ang mga iskwater sa pamumuno ni Andres. Ang samahan ng mgamagsasaka at ang kooperatiba ng mga iskwater ay nagsanib. Sa tulong ni Bandong sila aynakakuha sa Maynila ng isang abogadong naging kaibigan ni Bandong noong nag-aaral pa saMaynila. Sa isang pagkakataon, nakatagpo ni Andres si Ba Intern, na pinakamatandang tao sanayon. Sa pagtatanong ni Andres sa matanda, natiyak ni Ba Intern na si Andres ay apo satuhod ng yumaong mabait na Kabesang Resong ng Sampilong. Mayaman sa Sampilong angnuno ni Andres ngunit nang mamatay ito ay napasalin sa mga magulang ni Donya Leona angmga aring lupa nito bago namatay. Sa pagtatanong ni Andres sa kanilang abogado, nalamanniyang maaari pa niyang habulin ang lupa at pagbabayarin ng pinsala ang mga Grande. Sa utos ni Donya Leona, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Si Dislaw nakaribal ni Bandong kay Pina at si Hepe Hugo ng pulisya ang nakalagda sa sumbong. Nangdumating ang pasukan isang bagong prinsipal, Si Mr. Danyos, ang dumating sa Sampilong. Noong sinagot ni Pina si Bandong, pinagtangkaang halayin ni Dislaw si Pina, mabutina lamang at dumating si Bandong na kung hindi naawat ng mga dumalo ay baka napatay siDislaw. Sa nangyari, pinaluwas ni Donya Leona sa Maynila si Dislaw. Sa gabi, lihim na ipinahakot ni Donya Leona sa mga trak ang mga palay niya sakamalig at ipinaluwas sa Maynila upang ipagbili sa Intsik. Isang umaga nagisnan na lamangng Sampilong na nasusunog ang kamalig ng mga Grande. Ibinintang ang pagkasunog ngkamalig sa mga pinuno ng unyon ng mga magsasaka at sa mga pinuno ng kooperatiba ng mgaiskwater. Salamat na lamang at ang mayordoma sa bahay ng mga Grande, si Iska, ay nagalitkay Kosme na mangingibig niya at siyang inutusan ni Donya Leona na sumunog sa kamalig,dahil sa hindi siya isinama ni Kosme sa Maynila kundi si Cely na kapatid ni Dislaw.Ipinagtapat ni Iska kay Sedes na asawa ni Andres ang lihim at ipinagtapat naman ni Sedes kayBandong. 6
Nahuli si Kosme at umamin sa kasalanan. Isinunod pa ni Andres ang paghabol sahukuman sa lupa niyang kinamkam ng mga Grande. Dahilan sa kahihiyang tinamo, hinakotng mga Grande sa Maynila ang mga kasangkapan at doon nagpirmi. Sa Maynila, si DonyaLeona ay nagkasakit ng alta presyon at naging paralisado nang maatake. Si Don Severonaman ay nagkasakit ng matinding insomnya. Samantala, napawalang-saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong attiniyak ng Superintendente na siya ang ilalagay na prinsipal sa Sampilomg sapagkat aalisindoon si Danyos dahil sa hindi makasundo ng mga guro at ng mga magulang ng mga bata. Namanhikan sina Bandong kina Pina at may hiwatig na siya ay ikakandidato pangalkalde ng kanyang kanayon sa susunod na halalan. - Binasa mo bang mabuti ang akda?. Naunawaan mo ba ito? Nakilala mo ba ang mgatauhan? Natandaan mo ba ang mahahalagang pangyayari at detalye sa akda? Kung gayon, handa ka na para sagutin ang mga pagsasanay na inihanda ko. Sige simulan mo na.3. Linangin mo…a. Pagsusuring PanlinggwistikaPanuto: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag at pahiwatig.Pagbatayan ang hanay ng mga kahulugan sa ibaba. Isulat ang titik lamang.1. Si Donya Leona ay nakatira sa bahay na bato.2. Kinasapakat ni Donya Leona ang alkalde upang kamkamin ang Bagong Nayon.3. Napawalang-saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong.4. Si Donya Leona ay nagkasakit ng alta presyon at naging paralisado nang maatake.5. Nabawi ni Andres ang lupa nilang kinamkam ng mga Grande.a. Ang katotohanan ay mananaigb. Mayaman si Donya Leonac. Nakarma si Donya Leonad. Maimpluwensiya si Donya Leonae. Anumang di pinaghirapan ay mawawala rinPanuto: Ang mga may salungguhit sa Hanay A ay mga mahihirap na salita na ginamitsa akda. Hanapin mo ang katumbas na kahulugan nito sa Hanay B. Titik lamang angisulat. Hanay A Hanay B1. may pabatares sa pagapas a. hinikayat2. madalas magpalipad-hangin b. nagkaisa 7
3. kinasapakat ang alkalde c. nagtanim4. inamuki si Andres d. magparamdam5. nagsanib ang mga iskwater at magsasaka e. kinasabwat f. bayanihamb. Pagsusuring PangnilalamanPanuto: Suriin mong mabuti ang tamang sagot sa bawat katanungan. Isulat ang titikng tamang sagot.1. Sino ang itinalagang pansamantalang prinsipal sa nayon ng Sampilong?a. Bandong c. Maestro Putinb. Andres d. Mr. Danyos2. Sino ang mahigpit na may-ari ng pinakamalawak na lupang sakahin sa Sampilong?a. Mang Pablo c. Donya Leonab. Andres d. Alkalde3. Sino ang nagawi sa Sampilong mula sa Maynila at doon na nanirahan sapagkat may kamag-anakan siya roon?a. Bandong c. Mang Pablob. Andres d. Donya Leona4. Ano ang iminungkahi ni Bandong kina Andres at sa mga iskwater upang umangat ang buhay ng mga ito?a. lumuwas ng Maynila at doon naghanapbuhayb. magtayo ng unyonc. magtayo ng cottage industriesd. linisin at ayusin ang kanilang lugar5. Bakit nagalit si Donya Leona sa mga magsasaka?a. dahil sa ayaw magsaka ng mga itob. dahil sa ginawang pagsunog sa kamaligc. dahil sa pagtatatag ng unyon ng mga magsasakad. dahil sa pagbawi ni Andres sa lupa ng kanyang nuno6. Ano ang ginawa ni Donya Leona upang makamkam ang Bagong Nayon? 8
a. kinausap ang huwes ng bayan at nagsampa ng hablab. nagpakita ng lumang dokumento ng pagmamay-aric. kinasapakat ang alkalde at hepe ng pulisyad. lahat ng nabanggit7. Paano hinarap ng mga iskwater at magsasaka ang ginawang ito ni Donya Leona?a. nagsanib at nagkaisa ang samahan ng mga magsasaka at ang kooperatiba ng mga iskwater na labanan si Donya Leona.b. humingi sila ng tulong sa Social Welfare Administrationc. binayaran nila ang lupa kay Donya Leonad. wala sa nabanggit8. Bakit sa Maynila na nanirahan ang mga Grande?a. dahil sa matinding kahihiyang tinamob. dahil sa pinag-uusig sila sa Sampilongc. dahil sa nagkasakit silang mag-asawa at kailangang magpagamot sa Maynilad. lahat ng nabanggit9. Inamuki ni Bandong si Andres na magtayo ng cottage industries sa kanilang pook ngunit pagkatapos lamang na ayusin at linisin nila ang kanilang pook pumayag si Andres sa mungkahi ni Bandong. Sa ginawing iyon ni Andres makikilalang siya’y_a. tamadb. di makakilos nang mag-isac. sigurista ,sinisiguro niyang matutuloy ang proyektod. di mapaniwalain10. Alin sa mga sumusunod ang di totoong nangyari sa nobela?1. Ibinigay ni Donya Leona ang kahilingan ng mga magsasaka2. Sa utos ni Donya Leona ay naigawa ng kasong administratibo si Bandong3. Nasunog ang kamalig ng mga Grande4. Tinulungan ni Bandong ang mga iskwater at magsasakaa. 1 c. 3b. 2 d. 4c. Pagsusuring Pampanitikan Bago mo gawin ang susunod na gawain, alamin mo muna ang isinasaad ng nasaloob ng kahon. 9
Sa pagbasa sa isang akda batay sa saykolohikal na pananaw, ang tinitingnan ay angkalagayan ng tauhan. Sa ganitong pagtingin, sinusuri ang tauhan batay sa kanilang pananalita,pagkilos at mga gawi. Sinusuri din ang umiiral na paniniwala at paninindigan ng tauhan. - Naunawaan mo ba ito? Kung gayon, suriin mo ang akdang “Luha ng Buwaya” batay sa mga katangian ng isang pagsusuring saykolohikal. 1. Pumili ka ng isang tauhan. Bigyang pansin ang pagkilos at gawi nito. “Naipakilala ba ng kanyang kilos at gawi ang kanyang pagkatao?” 2. Pumili ka ng isa pang tauhan. Ilahad ang paniniwala at paninindigan nito. “Naipakilala ba ng mga paniniwala/paninindigang ito ang kanyang pagkatao?” d. Halagang Pangkatauhan 1. Kung ikaw ay nakatira sa iskwater, ano ang magagawa mo para maayos at malinis ang inyong lugar? 2. Naging ganid sa kapangyarihan at kayamanan si Donya Leona, at nawala sa kanya ang lahat ng iyan. Kung ikaw si Donya Leona, ano na ang iyong gagawin? - Naisagawa mo ba ang lahat ng mga gawain? Iwasto ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Naging magaan ba ito? May mga bahagi bang nahirapan ka? Kung wala, daragdagan ko pa ang iyong kaalaman sa tulong ng mga gawaing magpapalawak at magpapalalim sa iyong kaisipan. 4. Palalimin mo… Dugtungan mo ang mga sumusunod na mga pahayag. Matapos kong mabasa ang nobelang “ Luha ng Buwaya” Nalaman ko na ___________________________ Naramdaman ko na _________________________ Masasabi ko na ____________________________ - Iwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong sagot ay malapit sa tamang sagot, ito ay katanggap-tanggap. 10
5. Gamitin mo…- Lagyan mo ng star (*) ang mga pahayag na sa tingin mo ay positibo at bilog (o) kungnegatibo.______1. Nilinis ng mga iskwater ang kanilang pook______2. Kung ano ang ginawa sa iyo, gawin mo rin sa kapwa mo.______3. Ang katarungan ay para sa lahat______4. Gantihan ng dahas ang pagmamalupit ng mga mapagsamantala.______5. Tulungan ang mga mangmang sa halip na pagsamantalahan.______6. Sa mapayapang pamamaraan makakamit ang pagbabagong-lipunan.______7. Ang pagkakaroon ng disiplina’t pagkakaisa ay nagbubunga ng kabutihan.______8. Pakikipagkapwa-tao at pag-uugnayan, kailangan sa kaunlarang pambansa.______9. Nasa pagkakaisa ang pagbabago, ang kalayaan at ang kaunlaran._____10. Umasa at maghintay na darating ang panahon na giginhawa ang buhay.- Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Mataas ba ang nakuha mong iskor? Magaling!Gawin mo na ang susunod na pagsasanay.6. Sulatin mo… Panuto: Punan ng nawawalang salita ang bawat patlang upang mabuo ang tamangsagot sa loob ng kahon sa ibaba.Anumang ___________ galing sa masama,Di magtatagal, mawawalang parang __________.Ang pagbabago ay ating _______________,Sa maingat at _____________ pamamaraan.Kasinungalingan di ________________,______________ mananaig lagi.maling kayamanang pinaghirapan 11
bula makakamtan maghaharikatotohanan kagalingan tamang- Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.Nakakuha ka ba ng 5 pataas? Mahusay kung gayon.7. Lagumin mo… Naibigan mo ba ang nobela? Anu-anong aral ang napulot mo sa akda? Hanapin mo itosa mga nakasulat sa ibaba at lagyan ng tsek (√)._____1. Kailanma’y di magtatagumpay ang kasamaan_____2. Anumang suliranin ay malulutas, isangguni mo lamang ito sa Maykapal_____3. Ang kahirapan ay di hadlang sa pagtatagumpay_____4. Ang katotohanan ay mananaig at mangingibabaw_____5. Nasa pagkakaisa ang lakas upang layunin ay mapagtagumpayan_____6. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa_____7. Walang mang-aapi, kung walang paaapi - Tingnan mo kung tama ang iyong mga sagot. Iwasto mo ito sa susi sa pagwawasto nanasa iyong guro.8. Subukin mo… Lubos na ba ang kaalamang natutunan mo sa nobelang binasa? Tingnan natin. Sagutinmo ang pangwakas na pagsusulit. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot1. Ang pamilya Grande’y maihahalintulad sa mga buwaya sa katihan. Ang buwaya sa pangungusap ay nangangahulugan ng a. mga taong walang pakikipagkapwa b. mga taong ganid c. mga mababangis na hayop d. mga makapangyarihan2. Hugos sa bahay na bato ang mga kalalakihan at kababaihan ng Sampilong. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan ng 12
a. nagsuguran c. nag-alisanb. nagtakbuhan d. nag-uwian3. May pabatares sa pagapas nina Mang Pablo. Ang ibig sabihin ng pabatares aya. bayanihan c. pagpupulongb. hapag-kainan d. patrabaho4. Ang pinuno ng unyon ng mga magsasaka ay si_______a. Andres c. Dislawb. Bandong d. Mang Pablo5. Ang naging susi sa pagtatagumpay ng mga iskwater upang mabawi ang kanilang lupain ay ang ______a. pagbabayad ng buwisb. pagkakaisa ng lahatc. paghingi ng tulong sa korted. paggawa sa sakahan6. Ang sinapit ng pamilya Grande ay______a. napahiya sa Sampilong at nanirahan sa Maynilab. naging paralisado si Donya Leonac. nagka-insomnya si Don Severod. lahat ng nabanggit7. Ang “Luha ng Buwaya” ay isang _______a. nobelab. dulac. maikling kwentod. sanaysay8. Ang pamagat na “Luha ng Buwaya” ay sumisimbolo saa. paglayo ng mga ganidb. pagkamatay ng mga ganidc. pagbagsak ng mga ganidd. pagkalungkot ng mga ganid9. Alin sa mga sumusunod ang nararapat mong gawin kung ika’y matatalo sa isang usapin? 13
a. bayaran ang hukom na humahawak ng kaso upang baliktarin ang hatol b. kausapin ang maipluwensyang tao upang matulungan sa usapin c. lihim na maghiganti sa kalaban d. tanggapin ang pagkatalo at magsimulang muli10. Pinatunayan sa nobela na _____ a. ang katotohanan ay mangingibabaw b. ang pagkakaisa ay kailangan upang magtagumpay c. ang pagbabago ay matatamo sa mapayapang paraan d. lahat ng nabanggit - Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong iskor ay 7-10, pumunta ka na sa susunod na aralin at kung ang iskor mo ay 6 pababa, gawin mo ang susunod na pagsasanay.9. Paunlarin mo… Isulat mo sa ibaba ang mga pangunahing kaisipan at pantulong na kaisipan nanapapaloob sa akdang binasa. Pangunahing KaisipanPantulong Pantulong Pantulong - Tingnan mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ito’ymalapit sa tamang sagot ay katanggap-tanggap na ito. Batid kong handa ka na sa susunod na aralin, kaya tumungo ka na rito. 14
Aralin 2: JaguarAnu-ano ang mga tiyak na matutunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo ang sumusunodna mga kasanayan:1. Nasasabi ang bisa ng ginawang pamimili ng salita sa pagbubuo ng akda2. Nasusuri ang akda batay sa mga elemento o sangkap nito3. Nasusuri ang akda batay sa saykolohikal na pananaw sa pamamagitan ng pagtutuon sa kilos, gawi at paniniwala ng tauhan.4. Natutukoy ang tamang paraan ng pakikitungo sa kapwa5. Naisusulat ang mga positibo at negatibong punto ng pagiging gwardya Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Pansinin mo ang dalawang salita na nasa bilog. Gwardya Bodyguard Ano ang Gwardya? Ano ang Bodyguard? Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba nito? 15
May kakilala ka bang gwardya? Baligtarin mo nga ang salitang gwardya. Dyagwar, tama! Iyan ang pamagat ng babasahin mong akda “Jaguar.” 2. Basahin mo… Ito ay isang bahagi ng iskrip pampelikula na pinagbidahan ni Philip Salvador at dinirehe ni Lino Brocka na itinuturing na isa sa pinakamagaling na director sa kanyang kapanahunan. Sige, basahin mo na. Jaguar (Iskrip ng Dulang ampelikula/Bahagi)INT. Gaston Publishing Lobby. Hapon. Oras ng labasan. Nagba-bundy clock ang mga papalabas na manggagawa. Nasa tabing desk ng security guard ang bundy clock. Nakauniporme si Poldo, nakaupo sa gilid ng desk. May kasama siyang gwardyangbabae. Iniiksamin nilang dalawa ang mga bag ng mga trabahador. Ang mga lalaki’ykinakapkapan ni Poldo. Dadaan si Sonny, may bitbit na attaché case. Sasalubungin siya ni Poldo. Itataas niPoldo ang palad sa harap ng mga nakapilang manggagawa, parang pulis na nagpapatigil ngtrapik. Ang ekspresyon sa mukha ni Poldo ay parang nagsasabing: Relaks lang muna kayoriyan; boss ito at dapat unahin. Uunahan ni Poldo si Sonny. Ipagbubukas ito ng salaming pinto.EXT. Gaston Publishing. Hapon. Susunod si Poldo hanggang sa kotse ni Sonny. Bubuksan ni Sonny ang pinto ngkanyang kotse. Hahawakan ni Poldo ang pinto habang pumapasok si Sonny, saka isasara angpinto matapos makaayos ng upo si Sonny.POLDO: Sir, sa Linggo, ha? Baka nyo makalimutan.SONNY: Anong sa Linggo?POLDO: Yong piyesta sa ‘min.SONNY: Piyesta… a, oo. Hindi ko makakalimutan ‘yan. Sasaludo uli si Poldo. Tatakbo papunta sa labasan ng driveway. Pasenyas-senyas atpasilba-silbato, papahintuin niya ang trapik sa kalsada para makalabas ang kotse ni Sonny.EXT. Slum Area I. Tanghali. Piyesta sa komunidad. May kaunting banderitas na nakasabit. Sa harapan at loob ngmga bahay-bahay, maraming nagkakainan, nag-iinuman, at nagkakaingayan.EXT. Bahay nina Poldo. Tanghali. 16
Nakatayo si Poldo sa harap ng bahay, may inaabangan at mukhang inip na inip. Bihisna bihis siya. May hawak na bote ng beer na kakaunti na ang laman. Sa background, may matandang mag-asawa at dalawang apong nakaupo sa dalawangmahabang bangko, kumakain, kinakausap ng tiyuhin ni Poldo ang matandang lalaki. Angtiyahin ni Poldo at si Marissa ay may dalang mga bandehado ng ulam at nag-aalok sa mgabisita na kumuha pa. Tinutuksu-tukso ni Totoy ang dalawang apo ---- kinakalabit ang batok,pinipitik ang tenga. Nasa isang tabi ang mesitang ginagamit ng tiyuhin sa trabaho. Malinis ito ngayon,walang nakapatong na kagamitan ng sapaterya. Sa tabi nito, may mahabang dram nanatatakpan ng sako. Uubusin ni Poldo ang laman ng hawak niyang bote. Lalapitan ang mababang dram.Ititindig ang basyo sa tabi ng dram. Hahawiin ang sako. Ang laman ng dram ay mga bote ng serbesa at malalaking tipak ng yelo. Kukuha siPoldo ng isang malamig na bote. Bubuksan niya ang bote sa pamamagitan ng ngipin. Iluluwaang tansan. Tutungga siya. Habang ginagawa ito ni Poldo, sa background ay makikitang lumalabas sa pinto ngbahay ang kapatid niyang si Aida, kasama ang isang pulutong ng mga kaklase. Maingay atmasaya, nagpapaalam kay Aida ang mga kaklase. Papasok sa bahay si Poldo, kasunod si Marissa.INT. Bahay nina Poldo. Tanghali. Sa mesa ng komedor-kusina, nakalatag ang marami pang ibang bandehado ng pagkain,puro may takip na wax paper. Nasa banggerahan si Aling Elena, naghuhugas ng pinggan. Lalapit si Poldo sa mesa at pipili ng mapupulutan. Ilalapag ni Marissa sa mesa angdala niyang bandehado. Lalapit ito sa ina at tutulong sa paghuhugas ng pinggan.ALING NENA: Wala pa bang mga bisita mo, Poldo?POLDO: (Ngumunguya) Wala pa nga ho, e.MARISSA: Hindi ka siguro sisiputin no’n, kuya. Class yata ‘yong boss mo, e. Hindi ‘yon angtipong tumutuntong sa barungbarong.POLDO: Oy, huwag kang sumali sa usapan ng matatanda, ha?MARISSA: Sayang ang ‘pinambili mo ng beer. Sana kwatro kantos na lang ang binili mo,tayu-tayo lang pala ang iinom.POLDO: Ako ba talagang niloloko mo?ALING ELENA: Poldo, kumain ka na. Pasado ala-una na, baka malipasan ka. Tapos nakaming lahat.POLDO: Kumakain na nga ho. Ano pa ba ‘tong ginagawa ko?ALING ELENA: Ba’t hindi ka kumuha ng pinggan at umupo nang maayos? Maimpatso kaniyan sa ginagawa mo. Tamo ni hindi ka nagkakanin. Ang dami namang kanin diyan. Nagsasalita pa si Aling Elena ay maririnig na ang boses ng tiyuhin mula sa labas.TIYUHIN: (Voice over) Poldo! Mga bisita mo! Eto na! (Sa mas mahinang boses) Tuloy na hokayo, nasa loob ho si Poldo. Aida, samahan mo ang mga bisita ng kuya mo. Mabilis na isusubo ni Poldo ang kapirasong ulam na hawak niya. Ipapahid ang dalirisa gilid ng mantel. Lakad-takbong pupuntahan ang pinto. Hustong pumapasok naman si Aida,kasunod sina Sonny, Direk, Cristy, Edmon, Jing at Bosyo. Si Sonny ay may hawak na bote ngstateside whisky. 17
POLDO: Tuloy kayo. Akala ko, hihiyain n’yo ‘ko e.SONNY: (Inaabot ang bote ng whisky kay Poldo) Pwede ba ‘yon? Eto nga’t me pasalubongpa ‘ko.POLDO: ‘Nay mga…kaibigan ko… Boss ko ho, si…a…si Sonny.ALING ELENA: Magandang tanghali po.SONNY: Magandang tanghali po naman.ALING ELENA: O, Poldo, bigyan mo ng mga pinggan ang mga bisita mo. Aida, Marissa,tumulong muna kayo rito. ‘Yong mga napkin, ilabas n’yo. Habang kumukuha ng pagkain sina Sonny, abalang-abala si Poldo sa pag-iistima sakanila. Excited siya, tuwang-tuwa. Si Cristy ay walang ekspresyon sa mukha, parang napilitanlang sa pagkapunta rito. Si Sonny naman ay parang politikong nasa kanyang balwarte.POLDO: Itong morkon, Sonny, Direk---‘to ang espesyalidad ni Inay. Cristy, kuha lang, ha?Jing, Edmon, abot lang. Bosyo.SONNY: O, Cristy, tikman mo raw ‘tong morkon. Ikaw naman, Poldo, huwag kang mahiya,ha? Feel at home.EXT. Bahay nina Poldo. Hapon. Malakas ang tawanan, parang karugtong ang tawanan sa nagdaang sequence (Eksena).Nagtatawanan ang mga lalaking bisita ni Poldo. Lasing na ang lahat. Nakaupo sila samagkaharap na bangko. Nasa gitna nila ang mesita ng sapatero. Nasa ibabaw nito ang bote ngbeer, isang mangkok na may lamang halos tunaw nang yelo; isang bandehado ng pulutan.Nakatayo si Poldo sa may likuran ni Sonny, parang angel de la gwardya. Sa background, makikitang nakabukod si Cristy, kinukwentuhan at iniistima nanghusto ng ina at mga kapatid ni Poldo. Nakikinig lang si Cristy.DIREK: (Iaabot kay Poldo ang mangkok) Wala tayong yelo, Jaguar. Sa mababang dram, magtitipak ng yelo. Ibinubuhos ni Direk ang natitirang laman ngwhisky sa baso niya. Umiihi si Bosyo sa isang sulok. Kumakanta si Sonny ---- wala siyangtono.SONNY: Si Bosyo kung umiihi, sumasagitsit pa nang konti… Hagakhakan na naman ng tawa. Bigla, makakarinig sila ng mga hiyawan atpagkaingay sa di kalayuan. Mapapatingin ang lahat sa pinagmumulan ng ingay. POV (Point of View) nina Poldo. Dalawang maton nagmumurahan, naggigirian, pormang magkakatirahan. Nakapaligidang iba pang tambay at maton, nagmimiron, nanunulsol, puro lasing ang mga ito. Balik kinaPoldo. Nakatingin pa rin ang lahat. Nakatayo na si Sonny.SONNY: Ano ‘yon?POLDO: Wala ‘yan. Talagang ganito dito kung piyesta---- hindi nawawalan ng gulo. 18
Balik sa mga maton. Biglang susugod ang isang maton. Magkakasuntukan na angdalawa. Titilapon si Tambay 1 sa hanay ng mga kabarkada ng kalaban niya. Magsusuguran narin ang mga barkada ni Tambay 1.Balik kina Poldo. Nakatayo na rin si Direk sa tabi ni Sonny.SONNY: Labu-labo na brod.DIREK: Oo nga, brod. Magkakatinginan ang dalawa. Magtatawanan. Takang mapapatingin si Poldo sakanila. Itataas nina Sonny at Direk ang kanilang mga baso, pagpipingkiin ang mga ito sa isangtoast, at uubusin ang laman sa isang tungga. Pagkatapos, parang indiyan na hihiyaw angdalawa ---- “Yahoo!”---- at mabilis na tatakbo papunta sa gulo. Saglit na mapapanganga siPoldo. Sa pagmamadaling iiling-iling pa na para bang sinasabi sa sarili: Eto na naman pokami. Patuloy lang sa pag-inom si Edmon at Jing, parang walang napapansing kakaiba. Takotat ninenerbiyos si Cristy.CRISTY: Sira---ulo talaga ang mga ‘yon.JING: Magpapapawis lang ‘yon. Mag-aalis ng lasing.EDMON: ‘Yan ang katuwaan ng frat nila ---- rumble…CRISTY: Walang frat-frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran. Sa labulabo, nakatawa pa sina Sonny at Direk habang nakikipagsuntukan atnakikipagbalibagan. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ngtrabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Sa kasusunod ni Poldo, masusuntok siya ngkalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny sa nangyari. Bibirahin ni Poldo ang nakasuntok sakanya. Titilapon ito. Magpa-flying kick si Direk. Makakailag ang tinatarget niya. Sa halip, siPoldo ang tatamaan. Iilandang ito, babalandra sa isang tabi. Grogi at nakasalampak saputikan, may biglang maaalala si Poldo. Ilalabas niya ang silbato sa bulsa. Sisilbato siya nangmalakas at sunod-sunod. May mga sisigaw ng “Parak! Parak!” Magpupulasan ang mganaglalabulabo. Maiiwan sina Sonny, Direk, at Bosyo. Pagtatawanan nila si Poldo sakinalalagyan niya. Mapapangiti na rin si Poldo.INT. Bahay nina Poldo. Gabi. Nasa harap ng salamin si POLDO, naglalagay ng merthiolate sa mga pasa-pasa samukha. Titestingin niya kung matatag pa rin ang panga niya. Sa banggerahan, naghuhugas ng pinggan sina Aida at Marissa. Nakahiga sa sahig siTotoy, tulog.MARISSA: Kuya, tulungan mo naman kami dito.POLDO: Kayo ang babae, kayo ang maghugas.AIDA: Bisita mo ang gumamit nito, a! Habang nagaganap ang pag-uusap na ito, papasok si Aling Elena. Bubuhatin niya siTotoy at panonoorin si Poldo.ALING ELENA: Bakit naman gano’n yung mga bisita mo, Poldo? Naturingan pa namang mepinag-aralan e, nakikihalo sa gulo ng me gulo.POLDO: Nakainom lang ho ‘yon.ALING ELENA: At bakit pati naman ikaw e nakisali? Mga tagarito pa sa ‘tin ang inaway mo. 19
POLDO: Amo ko ho ‘yong napalaban, Inay. Kelangan e damayan ko, trabaho ko ho ‘yon.Tatalikod sa salamin si Poldo at haharapin ang ina.POLDO: Inay, hindi ko ho ipinagpapalit itong trabaho ko ngayon. Palagay ko ho, narito angasenso ko. Ngayon pa lang swerte na ‘ko.ALING ELENA: Swerte?POLDO: (Tuloy-tuloy lang, parang walang narinig) Biro n’yo me amo akong ang turing saakin e kaibigan. Me kaya ‘yan, me tinapos. Ako, hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga.Pero ang tingin niya sa ‘kin, pantay lang… parang kapatid.MARISSA: Kapatid ba ‘yong lagay na ‘yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka, e. Saglit na matitigilan si Poldo. Pagkatapos ay babaling sa kapatid nanlilisik ang mgamata.POLDO: (Nagpipigil ng galit) Ilang beses ko bang sasabihin sa ‘yong huwag makikihalo sausapan ng matatanda? - Naunawaan mo ba ang iyong binasang iskrip? Nasiyahan ka ba sa pagbabasa?Aktwal bang nangyayari sa tunay na buhay ang mga pangyayari sa akda? Sa ibaba ay may nakatalang pahayag mula sa akda. Bigyang-pansin mo ang pagigingtotoo nito sa tunay na buhay, hindi pagiging totoo nito sa tunay na buhay at pagiging malapitnito sa mga karanasan sa tunay na buhay.3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika a. Panuto: Bigyang-pansin ang mga pahayag na nakahanay sa ibaba. Pagkatapos ay tugunin ang katanungan sa ibaba nito. 1. Talagang ganito dito kung piyesta – hindi nawawalan ng gulo. 2. Walang frat-frat dito. Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran. 3. Kayo ang babae, kayo ang maghugas. 4. Naturingan pa namang me pinag-aralan e nakikihalo sa gulo ng me gulo. 5. Nakainom lang ho iyon. 6. Me kaya ‘yan, me tinapos. Ako, hanggang hayskul lang, mahirap pa sa daga. 7. Ba’t hindi ka kumuha ng pinggan at umupo nang maayos? - Naging mabisa ba ang pagkakagamit ng mga pahayag na nasa itaas sa ikagaganda ng akda? Patunayan mo nga. b. Pagsusuring Pangnilalaman 20
{Sinu-sino ang mga tauhan?} Tauhan------------- Panimula {Paano nagsimula ang akda?}{Sa palagay mo kailan ito naganap?} Panahon-------- Suliranin {Ano ang nagging sulirani?}{Saan naganap ang mga pangyayari?} Pook---------------- Reaksyon {Ano ang naging reaksyon ng pangunahing tauhan?} Layunin {Ano ang kanyang layunin?} Ginawa {Ano ang kanyang ginawa?} Resulta {Ano ang naging resulta nito?} Wakas {Paano nagwakas ang akda?}c. Pagsusuring Pampanitikan Sa nakaraang aralin ay natutunan mo na ang magsuri batay sa mga katangian ng isangpagsusuring saykolohikal. Tingnan ko nga kung natatandaan mo pa.Gawin mo ito.a. Pumili ka ng isang tauhan mula sa akdang binasa. Bigyang-pansin ang paraan ng pananalita nito. “Naipakilala ba nito ang pagkatao ng nabanggit na tauhan?”\b. Pumili ng isa pang tauhan. Bigyang-pansin ang pagkilos at gawi nito. “Naipakilala ba ng kanyang mga kilos at gawi ang kanyang pagkatao?”c. Pumili ng isa uling tauhan. Ilahad ang mga paniniwala nito. “Naipakilala ba ng mga paniniwalang ito ang kanyang pagkatao?d. Bumuo ng isang character sketch ni Poldo batay sa akdang binasa. Sundin ang tsart sa ibaba.Paraan ng Pagsasalita Mga Kilos at Gawi Mga Paniniwala/Paninindigand. Halagang Pangkatauhan 1. Dapat bang anyayahan mo ang iyong boss sa iyong handaan? Bakit? 2. Kung ikaw naman ang boss, pauunlakan mo ba ang imbitasyon ng iyong tauhan sa kanyang handaan? Bakit? 3. Paano ang tamang pakikitungo sa isa’t isa ng boss at ng tauhan? 21
4. Kung ikaw si Poldo, itataya mo ba ang iyong buhay sa among tulad ni Sonny? Bakit? - Nagawa mo ba ang lahat ng pagsasanay? Nasagot mo ba ang mga tanong? Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong mga tugon ay malapit sa tamang sagot, ito’y katanggap-tanggap. 4. Palalimin mo… 1. Nang makita ni Poldo si Sonny na nakikipagsuntukan at nakikipagbalibagan ay agad-agad itong sumaklolo sa kanyang amo. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Seryoso si Poldo. Bahagi ito ng trabaho niyang ipagtanggol ang kanyang amo. Ano ang maaaring ibunga ng ginawang iyon ni Poldo? (TAC) 2. Itala ang lahat ng dapat na isaalang-alang ni Poldo sa anumang aksyon o desisyon na kanyang gagawin. (LAF) - Tingnan mo ang iyong tugon sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ito’y malapit sa iyong sagot, katanggap-tanggap ito.5. Gamitin mo… Lagyan mo ng tsek (√) ang mga pag-uugaling sa palagay mo ay katanggap-tanggap at ekis (x) ang di-katanggap-tanggap sa mga handaan. _____1. Anyayahan ang lahat ng kaibigan. _____2. Maghanda ng maraming pagkain at inumin upang tiyak na di kukulangin. _____3. Isama ang iba pang kaibigan kahit di ito kilala ng nag-anyaya para lalong masaya. _____4. Huwag magpakalasing. _____5. Maging magalang sa mga taong makakasama o makakahalubilo . _____6. Huwag sumama sa gulo o sa anumang alitan. _____7. Magsuot ng tamang kasuotan sa okasyon. -Iwasto mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin mo… 22
Isulat mo sa ilalim ng pamagat ang mga positibo at negatibong punto ng pagiginggwardya. JAGUARPOSITIBO NEGATIBO - Tingnan mo ang sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung malapit itosa tamang sagot ay tatanggapin na ito.7. Lagumin mo… Anong pangunahing kaisipan ang napapaloob sa akda? Anong detalye ang sumusuporta rito. Sagutin mo sa tulong ng dayagram. Kaisipan Mga Detalye -Tingnan mo ang iyong sagot sa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Kung ang iyong sagot ay malapit dito ay maaari na ito.8. Subukin mo… 23
Subukin natin kung hanggang saan sa kabuuan ang iyong natutunan. Sagutin mo angpangwakas na pagsusulit.Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.1. Ayon sa akda ang “Jaguar” ay nangangahuluganga. kaibigan c. bodyguardb. kapatid d. gwardya2. Ang pahayag na “Baka sila malagyan ng gripo sa tagiliran “ ay nangangahuluganga. masaksak c. makasandalb. masaktan d. wala sa nabanggit3. “Kapatid ba yong lagay na ‘yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka, e” Ang may salungguhit ay nangangahuluganga. inuuto-uto c. inaalipinb. inuutus-utusan d. pinaglalaruan4. Alin sa mga sumusunod ang di gawain ng isang gwardya?a. kinakapkapan ang bawat tao na pumapasok sa gusalib. iniiksamin ang mga bagc. nag-aayos ng trapikod. wala sa nabanggit5. Anong paglalarawan sa buhay ang ipinakikita sa akda?a. Ang buhay sa iskwater ay puro kaguluhanb. Hindi maaaring magsama ang mahirap at mayamanc. Likas sa tao na handang ibigay ang lahat alang-alang sa pakikisamad. Lahat ng nabanggit6. Nakipagrambol sina Sonny at Direk sa mga maton, kahit wala silang kinalaman sa away. Mahihinuhang ang dalawa ay__a. matapang c. mayabangb. mahilig sa gulo d. wala sa nabanggit7. Nakipagsuntukan na rin si Poldo dahil sinabi niyang tungkulin niyang damayan ang kanyang boss. Mahihinuhang si Poldo ay __a. tapat sa sinumpaan niyang tungkulin bilang gwardyab. isang mabuting kaibigan at trabahador 24
c. matapang na gwardya d. gwardya na handang itaya ang buhay para sa kanyang amo8. Inimbitahan ni Poldo sa kanilang piyesta ang kanyang Boss na si Sonny. Pinaunlakan naman ni Sonny ang imbitasyon. Mahihinuhang… a. maganda ang palagayan nila bilang mag-amo b. matalik na silang magkaibigan c. mapagbigay na amo si Sonny d. magkapatid ang turingan nila 9. Anong aral ang nangibabaw sa akdang Jaguar? a. Huwag makisama sa di kauri b. Di dapat makisali sa usapan ng matatanda c. Kapag may katwiran ipaglaban mo d. Ang pakikisama ay may limitasyon 10. Kung ikaw si Poldo, ano ang gagawin mo sa ganoong sitwasyon na sumali sa gulo ang iyong amo? a. pababayaan ko siya para madala na di na ulitin ang pagsali sa gulo b. hihingi ako ng tulong sa mga kapitbahay upang awatin ang mga nag-aaway nang di lumaki ang gulo c. sasaklolohan ko at ipagtatanggol ang amo d. tatawag ako ng pulis Iwasto mo ngayon ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Kung angiyong iskor ay 7-10 ay sagutan mo na ang panghuling pagsubok. Kung 6 naman pababa,isagawa mo pa ang susunod sa gawain.9. Paunlarin mo…Bumuo ka ng mga konsepto batay sa mga salitang nasa loob ng kahon.di masama naang dahil sa ang buhay ang masama umasenso upangay itaya pakikisama ang makisama ang buhay Iwasto mo ang nabuo mong konsepto sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro.Tama ba? Magaling! 25
Gaano ka na kahusay? Matapos ang maraming gawain at pagsasanay na ibinigay ko sa iyo, sagutan mo namanang panghuling pagsubok upang malaman ko kung gaano na ang natutunan mo sa modyul naito.O, handa ka na ba?Simulan mo na.Panuto: Piliin at isulat ang titik ng wastong sagot.1. Napawalang-saysay ang kasong administratibo ni Bandong. Ang kasingkahulugan ng salitang may salungguhit ay ___a. napawalang-sala c. nakatakasb. napawalang halaga d. pinakawalan2. Grogi at napasalampak sa putikan si Poldo. Ang kahulugan ng grogi ay ___a. lasing c. gutomb. hilo d. durog3. Nakatira sa bahay na bato ang mga Grande. Ang ibig ipakahulugan ng pahayag ay ___a. makapangyarihan ang mga Grandeb. mayaman ang mga Grandec. ganid ang mga Granded. nakakulong ang mga Grande4. Nagtatag ng unyon ang mga magsasaka upang ___a. may mangangalaga sa kanilang karapatanb. may kinatawan sila sa mga pagpupulongc. may magpapahatid ng kanilang kahilingand. lahat ng nabanggit5. Alin sa mga sumusunod ang di dapat gawin kapag bumibisita sa ibang lugar?a. magdala ng kasamab. sumali sa gulo/awayc. makitulogd. makikain 26
6. Bakit tumitindi ang galit ni Andres kay Donya Leona? a. dahil sa kinakamkam ni Donya Leona ang Bagong Nayon b. dahil pinagbintangan silang sumunog ng kamalig c. dahil nalaman niyang kinamkam ng mga magulang ni Donya Leona ang aring lupa ng kanyang nuno. d. Dahil sa pinababayaran sa kanya ni Donya Leona ang lupa ng kanyang nuno.7. Nanalo sa usapin ang mga iskwater at magsasaka. Nakuha ni Andres ang lupa ng kanyang mga nuno. Napawalang-saysay ang hablang administratibo laban kay Bandong. Sa lahat ng ito’y mapatutunayang ___ a. may hustisya sa Sampilong b. pantay-pantay lahat ang tao c. may ngipin ang batas d. pag may katwiran, ipaglaban mo8. Sinundan-sundan ni Poldo si Sonny. Sa kasusunod ni Poldo masusuntok siya ng kalaban ni Sonny. Matatawa si Sonny. Sa ikinilos ni Sonny, masasabing siya’y___ a. walang malasakit sa kapwa b. di siya marunong tumanaw ng utang na loob c. makasarili d. lahat ng nabanggit9. Nalinis at naayos nina Andres ang pook ng mga iskwater at tinawag na Bagong Nayon. Nang makita ni Donya Leona na maganda na ito ay kinamkam naman niya agad. Sa ginawang ito ni Donya Leona makikilalang siya ay ___ a. sakim b. ganid c. walang awa d. lahat ng ito10. “Kapatid ba ‘yong lagay na ‘yan? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka, e.”, ang sabi ni Marissa. Si Marissa ay ____ a. nagmamalasakit kay Poldo b. tinutuya si Poldo c. sinasabihan si Poldo para matauhan ito d. nakikihalo sa usapanIwasto mo ang iyong sagot sa susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. 27
Modyul 4 Susi sa Pagwawasto Aralin 1 Luha ng buwayaANO NA BA ANG ALAM MO? 6. b 7. c1. b 8. b2. a 9. c3. c 10. c4. b5. a 1. Alamin mo…. Konotasyon a Denotasyon b c e d f 3. Linangin mo… 1. fa. Pagsusuri Panlinggwistiko 2. d 3. e 1. b 4. a 2. d 3. a 4. c 28
5. e 5. b6. Pagsusuring Pangnilalaman 6. d 7. a 1. a 8. a 2. c 9. c 3. b 10. a 4. c 5. cC. Pagsusuring Pampanitikan 1. Donya Leona- Ganid, Sakim Nang makita niyang maunlad na ang Bagong Nayon ay kinamkam niya ito. Nagpakita siya ng lumang dokumento ng pagmamay-ari. Kinasapakat niya ang mayor at hepe ng pulis. Sa utos niya, naigawa ng kasong administratibo si Bandong. Ipinahakot muna niya ang mga palay sa kamalig.Nasunog ang kamalig at ibinintang sa mga pinuno ng kooperatiba at unyon. 2. Bandong – Matulungin, Maginoo Sa mungkahi niya ay nagtayo ng cottage industries ang mga iskwater. Nilinis at inayos ng mga ito ang pook ng iskwater.D. Halagang Pangkatauhan 1. Hihikayatin ko ang mga kapwa ko kabataan na maglinis sa aming lugar, Ayusin ang kani- kaniyang harap at likod ng bahay, Yong mga di mapapakinabangan ay itapon na. Yong mga magagamit pa ay ayusin at itabi sa isang lugar. At kapag ito’y nakita ng iba ay susunod na rin sila. 2. Kung ako si Donya Leona ay hihingi ako ng patawad sa Diyos at sa mga taong nagawan ko ng kasamaan. At magbabago na ako at sisikaping di na gawing muli ang kasamaang nagawa. 4. PALALIMIN MO… Nalaman ko na may hustisya na nangangalaga sa mga tao. Na ang katotohanan ay mangingibabaw. Na walang mang-aapi kung walang paapi. Naramdaman ko na masakit pala ang mapahiya. Na napakasarap pala na makitang nagkakaisa ang mga tao. Na napakasarap ng pakiramdam na nagtatagumpay. Masasabi ko na kailanma’y di magtatagumpay ang kasamaan. 5. GAMITIN MO… 29
1. * 6. * 2. O 7. * 3. * 8. * 4. O 9. * 5. * 10. O6. SULATIN MO … 4. tamang 5. maghahari 1. kayamanan 6. katotohanan 2. bula 3. makakamtan 5. √ 6.7. LAGUMIN MO… 7. √ 1. √ 6. d 2 7. a 3. 8. c 4. √ 9. d 10. d8. SUBUKIN MO… 1. b 2. a 3. a 4. a 5. b9. PAUNLARIN MO…Pangunahing kaisipan: Walang mang-aapi kung walang paaapi.Pantulong na kaisipan: Ang katotohanan ay mangingibabaw. Ang di sa iyo kailanman ay di mapapasaiyo. Nasa pagkakaisa ang tagumpay. Ang lahat ay pantay-pantay sa harap ng batas. Anumang pagbabagong-lipunan ay makukuha sa mapayapang paraan. . ARALIN 2: JAGUAR1. ALAMIN MO… 30
Ang gwardya ay taong nagbabantay sa isang gusali o establisimyento. Ang bodyguard ay taong umaalalay sa isang tao3. LINANGIN MO… A. Pagsusuring Panlinggwistika Oo naging mabisa ang pagkakagamit ng mga pahayag sa ikagaganda ng akda sapagkat ang mga ito’y totoong nangyayari sa tunay na buhay at malapit ito sa mga karanasan sa tunay na buhay. Na hindi nawawalan ng gulo o away sa mga piyestahan, na karaniwan sa mga gulo ay may nasasaksak, na ang paghuhugas ng pinggan ay trabaho ng babae, na kaya napapaaway ay dahil sa nakainom, na ang mayaman nakakatapos ng pag- aaral at ang mahirap dahil di nakapag-aral kaya lalong naghihirap. B. Pagsusuring pangnilalamanTauhan-- Poldo, Sonny, Aling Elena, Marissa, Cristy, Direk, Tiyuhin, BasyoPanahon -- PiyestaPook -- Sa lugar ng iskwaterPanimula -- Guwardya si Poldo sa Gaston Publishing. Inalalayan niya sa paglabas ang kanyang among si Sonny .Pinaalala ang imbitasyon nito sa pista sa kanilang lugar, naSuliranin – pinaunlakan naman ni Sonny.Reaksyon -- Nagkaroon ng gulo at sumama sa gulo/away sina Sonny at DirekLayunin -- Nabigla si Poldo sa ginawa ng dalawa Mabilis na sumunod si Poldo kay Sonny. Kailangang ipagtanggol niya ang kanyangGinawa -- amo sapagkat bahagi ito ng kanyang trabaho. Sinundan-sundan niya si Sonny. Nakipagsuntukan na rin siya at bigla niyang naalalaResulta -- na sumilbato.Wakas -- Nagpulasan ang mga naglalabulabo. May mga pasa sa mukha si Poldo. Pinagsabihan siya ng kanyang ina sa kanyang ginawa. C. Pagsusuring Pampanitikan 1. Marissa: Hindi ka siguro sisiputin no’n. Class yata ‘yung boss mo. Hindi ‘yon ang tipong tumutuntong sa barungbarong. “Sayang ang pinambili mo ng beer. Sana kwatro kantos na lang ang binili mo, tayu-tayo lang pala ang iinom.” “Kapatid ba ‘yong lagay na yon? Ang tingin ko inaatsoy-atsoy ka, e.” -Marunong ng kumilala ng tao kahit bata pa. -Matalino 2. Sonny: Sumali sa gulo/away kahit di sila sangkot. Pinagtatawanan pa si Poldo kapag ito’y nasusuntok at nang ito’y sumilbato. Walang malasakit sa kapwa. Mahilig sa gulo. 3. Poldo Na kailangang ipagtanggol niya si Sonny sapagkat bahagi ito ng kanyang trabaho. 31
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 483
- 484
- 485
- 486
- 487
- 488
- 489
- 490
- 491
- 492
- 493
- 494
- 495
- 496
- 497
- 498
- 499
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 499
Pages: