Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore FILIPINO 3 part 1

FILIPINO 3 part 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-10-21 23:50:27

Description: FIL3part1

Search

Read the Text Version

sa iyong sarili ang mga konseptong iyong natutunan sa araling ito. Ibigay mo ang maaaring ibunga ng sumusunod na sitwasyon. Piliin mo ang bilang na sa tingin mo’y tamang . Sitwasyon A Sa di inaasahang pagkakataon, isang mabigat na suliranin ang dumating sa iyong buhay subalit ito’y pilit mong inihanap ng solusyon. 1. _____ Magaang na kalooban 2. _____ Matagumpay na pamumuhay 3. _____ Malusog na pangangatawan 4. _____ Natupad na pangarap 5. _____ Mapayapang puso’t isipan Sitwasyon B Isa kang mabuting Kristiyano. Palagi kang nagdarasal at di nakalilimot magpasalamat sa mga biyayang tinatanggap mo sa Panginoon. Subalit isang araw, pinagbintangan ka ng isang. kasalanang di mo ginagawa. Hinarap mo ito hanggang sa kayo’y makarating sa hukuman. 1. _____ Makakamtan ang katarungan. 2. _____ Malilinis ang iniingatang pangalan. 3. _____ Maipagtatanggol ang karapatan. 4. _____ Masusubok ang katapangan. 5. _____ Maitatago ang puri’t dangal. Sitwasyon C Nang minsang pinagsabihan ka ng iyong mga magulang sa maaaring idulot ng iyong pagkikipagbarkada sa iyong pag- aaral, hindi mo sila pinakinggan at ikaw ay naglayas. Ano ang maaari mong kahinatnan? 1. Mapaririwara ang iyong buhay. 2. Malululong ka sa masamang bisyo. 3. Mahihinto ka sa iyong pag-aaral. 4. lahat ng nasa itaas 16

Sitwasyon D Alam mong hindi tama ang ginagawa ng iyong kamag-aral ___ hindi siya pumapasok sa inyong klase at sa halip ay nagbibilyar lamang. Kapitbahay ninyo ang kanyang mga magulang. Ayaw mo siyang isumbong dahil bukod sa kamag-aral __ siya’y isang matalik mong kaibigan. Ano ang maaari nitong ibunga? 1. Mapapagalitan ka ng kanyang magulang. 2. Mapagsasabihan ka niyang pakialamero. 3. Matuturuan mo siyang magluko sa pag-aaral. 4. Mahihinto siya sa pag-aaral.• Muli, iwasto mo ang iyong gawain gamit ang susi ng pagwawasto na nasa iyong guro. Isanamang nakalilibang na gawain ang iyong isasagawa, ito’y ang pagsulat ng tula. Madali lamangkung uunawain mong mabuti ang panuto. 6. Sulatin mo… Punan mo ng nawawalang salita ang sumusunod na saknong ng tula upang maging ganap ang diwa. Hanapin mo ito sa loob ng kahon. Titik lamang ang iyong isulat. Ang buhay ng tao Tulad din ng __ 1____ Matibay ______2___ Anumang _____3___ Ganyan magkatulad Ang __4___ at guryon Paglipad _____5____ Sa tulang ng ___6___ Huwag mong _ _7__ ___8__ ng Panginoon ___9___ sa pagsulong San man ___10______a. paaralan d. mataas g. pumaroon j. panahon h. matatag k. gabayb. guryon e. Poon i. limutinc. buhay f. Aval 17

• Nalibang ka ba sa iyong ginawang pagsulat? Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sapagwawasto na nasa iyong guro. Ngayon naman ibigay mo ang kabuuan ng iyong natutunan. 7. Lagumin mo… Dugtungan mo ang sumusunod na mga pahayag upang maging buo at ganap ang diwa nito. Matapos kong mabasa ang tula… 1. nadama ko ang __________ 2. natutunan ko ang ________ 3. napag-aralan ko na _______• Kung ang iyong tugon ay katulad ng nasa susi sa pagwawasto ang iyong sagot ay magigingkatanggap-tanggap.• Tingnan ko ngayon kung talagang naunawaan mong mabuti ang araling ito. Gaano ang naging lawak ng iyong pang-unawa ? Ang tanong na ito’y masasagot lamang kung masasagutan mo ang mga tanong na inihanda ko. Handa ka na ba? 8. Subukin mo… • Basahin at unawain mong mabuti ang sumusunod na mga tanong. Piliin mo ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Sa mga taludtod na : Datapwat ang pisi’y tibayan mo anak, At baka lagutin ng hanging malakas. 18

Ang panibagong kaisipang maaaring hanguin ay: a. Sa harap ng mga pagsubok, tayo’y dapat magpakatatag. b. Ang problema,y kaakibat ng ating buhay. c. Ang katatagan ng loob ay kailangan sa pakikibaka sa buhay. d. Ang buhay ay marupok.2. Ang kaisipang nais bigyang diin sa sumusunod na taludtod: Makipaglaban ka subalit tandaan Na ang nagwawagi’y ang pusong marangal. a. Kung may katawan, ipaglaban. b. Nasa katawan ang bagay o prinsipyong ipinaglalaban. c. Huwag kalilimutang pairalin ang kababaang loob sa anumang labanan. d. Ang buhay ay isang pakikipagtunggali subalit sa maayos at mabuting paraan. 3. Ang hiling ko lamang bago paliparin Ang guryon mong ito ay pakatimbangin. Ang kaisipang nangingibabaw sa mga taludtod ay: a. Pag-isipang mabuti ang anumang bagay na dapat gawin. b. Maging maingat sa pagdedesisyon sa buhay. c. Ang matamang pag-iisip sa anumang balakin ay nagdudulot nang 19

ibayong tagumpay at kaligayahan sa buhay. d. Lahat ng nasa itaas4. Ang buhay ay guryon; marupok, malikot Dagiti’t dumagit, saanman sumuot… a. Ang buhay ay parang gulong, kung minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim. b. Ang buhay ay lubhang masalimuot. c. Walang makapagsasabi sa magiging takbo ng ating buhay. d. Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran.5. Ang buhay ay parang tanghalan, lahat Tayo ay may papel na ginagampanan. a. Bawat isa sa atin ay may tungkuling dapat gampanan. b. Punung-puno ng kulay ang buhay. c. Sa bawat gampaning isinasakatuparan natin, may buhay na nagpapaglaw. d. Lahat ng tao’y mga artistang gumaganap di sa ibabaw ng tanghalan kungdi sa lipunang kanyang ginagalawan.6. Mahiwaga ang buhay ng tao Ang bukas ay di natin piho. 20

a. Walang nakapagsasabi kung ano ang susunod na pangyayari sa ating buhay. b. Nababalot ng kahiwagaan ang buhay ng tao. c. Tanggapin ang anumang bagay na kaloob ng Diyos. d. Ang guhit ng palad ay nagdidikta sa ating kinabukasan. Ibigay ang imaheng mabubuo mo sa iyong isipan sa tulong ng mgasumusunod na salita o parirala.7. Mapabuyong, makipagdagitan. a. naglalabang lawin sa himpapawid b. isang Hercules sa lakas c. Si Bernardo Carpio sa nag-uumpugang bato d. Si Troy na nakasakay sa kabayong kahoy8. Lagutin ng hanging malakas a. mga nakabuwal na puno b. isang malakas na bagyo c. umaalagwang saranggola d. napatid na mga kawad ng kuryente 21

9. Sa anumang suliraning dumarating sa ating buhay, ang tao ay kailangang maging _______.a. mabait b. madasalinc. matatag d. mapagkumbaba10. Sa oras ng kagipitan, isang mabisang sandata ang _____.a. pangungutang b. pagdarasalc. panonood ng sine d. pagtakas sa katotohanan • Muli mong hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Maging matapat ka sa iyongpagwawasto. Kung ang iskor na nakuha mo ay 6 pataas tumungo ka na sa susunod na aralin. Kung 5pababa, isagawa mo pa ang inilaan kong gawain para sa lubusan mong pagkatuto.9. Paunlarin mo… 1. Paghambingin mo ang buhay at guryon. Gamitin mo ang venn diagram sa ibaba. buhay guryon 2. Magtala ka ng tatlong bagay na mahalaga sa iyong buhay bilang kabataan. • Kung ang maging tugon sa mga gawain ay malapit sa nasa susi ng pagwawasto, bigyan moito karapatang puntos.VI. Aralin 2 – Sa Tabi ng Dagat A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? 22

Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunodna mga kasanayan 1. Natutukoy ang istruktura ng sukat at tugma ng tula 2.a. Napipili ang mga tiyak na bahagi ng akda na nagpapakita ng kalakasang aystetik nito b. Naiisa-isa ang mga larawang diwang binanggit sa tula 3.a. Naiisa-isa ang mga damdaming nakapaloob sa akda b. Naipaliwanag ang bisa ng pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran sa pagiging masining ng akda 4. Natutukoy ang iba’t ibang paraan sa pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran 5. Nagagamit ang kaalaman tungkol sa iba’t ibang elemento sa paglikha ng tulaMga Gawain sa Pagkatuto 4. Alamin mo… Nakapamasyal ka na ba sa tabi ng dagat? Anu-ano ang iyong mga nakita? Naging romantiko ba ang paligid? Lagyan mo ng bituin ( ) ang lahat ng mga nakita mong naganap sa iyong pamamasyal sa tabi ng dagat. Tandaan, iyon lamang nakita mo. _________ a. paglubog ng araw _________ b. paghampas ng alon sa pampang _________ c. pamiminguit at pangingisda _________ d. paglangoy ng mga maliliit na isda na maaaninag sa malinaw na tubig _________ e. pangunguha ng iba’t ibang “shells” _________ f. pamamangka _________ g. pagkukuwentuhan habang magkakahawak kamay ang magsing-irog _________ h. pag-upo sa mga tipak ng bato para magpahangin• Nakikita mo ba ang mga ito sa iyong pamamasyal. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Iwasto mo lamang kung ano talaga ang iyong nakita. 2. Basahin mo… • Lalo kang magaganyak na mamasyal sa tabi ng dagat kung mababasa mo ang nilalaman ngtulang pag-aaralan mo. Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman nito. Simulan mo na.! Sa Tabi ng Dagat Ni: Ildefonso Santos Marahang – marahang Manaog ka, Irog at kata’y lalakad Maglulunoy katang 23

Payapang – payapa sa tabi ng dagat; Di na kailangang Sapinan pa ang pang binalat – sibuyas, Ang daliring garing Sa sakong na wari’y kinuyom na rosas! Manunulay kata Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituin; Patiyad na tayo Ay maghahabulang simbilis na hangin, Ngunit walang ingay, Hanggang sumapit sa tiping buhangin. Pagdating sa tubig, Mapapaurong kang parang nann\gingimi, Gaganyakin kata Sa nangaroong mga lmang – kati; Doon ay may tahong Talaba’t halaang kabigha-bighani, Hindi kaya natin Mapuno ang buslo bago tumanghali? Pagdarapit – hapon Kata’y magbabalik sa pinanggalingan, Sugatan ang paa At sunog ang balat sa sikat ng araw… Talagang ganoon; Sa dagat man, Irog, ng kaligayahan, Lahat, pati puso, Ay naaagnas ding marahang – marahan. • Naunawaan mo ba ang iyong binasa. • Naligayahan ka ba sa ginamit na pananalita ng may-akda? Nadama mo ba ang kahalagahanng kalikasan sa buhay ng tao? Kaugnay ng mga tanong na ito, isagawa mo ang sumusunod na mgagawain. Sikapin mong lagi kang nasa ayos at tama. 3. Linangin mo… • Simulan natin ang paglinang ng iyong kaalaman sa : a. Pagsusuring Panglinggwistika Suriin mo ang sumsusunod na saknong ng tula batay sa pagkakabuo ng taludtod. Maraha2n4g-marahan Manaog ka Irog at kata’y lalakad Maglulunoy katang Payapang-payapa sa tabi ng dagat Di na kailangang

1. Ilang taludtod mayroon ang bawat saknong ng tula? Magkasalit sa saknong ang sukat ng tula. Bilang balik-aral, alam mo na ang sukat ay isa sa mga elemento ng tula. Ito ay ang bilang ng pantig sa bawat taludtod 2. Ilan ang sukat ng mga taludtod bilang 1, 3, 5 at 7? 3. Ilan naman ang sukat ng mga taludtod bilang 2, 4, 6 at 8?5. Saang bahagi ng saknong ng tula makikita ang tugma? Alam ko na alam mo na kung ano ang tugma. Bilang paggunita, ang tugma ay ang pagkakatulad o pakakapareho ng tunog sa hulihan o ng mga huling pantig sa bawat taludtod. b. Pagsusuring Pangnilalaman Piliin mo ang larawang-diwa na maaaring mabuo sa iyong isipan sa sumusunod na mga taludtod. Tiitk lamang ang iyong isulat. Alamin mo muna ang sumusunod bago mo isagawa ng gawain. Dapat mong malaman kung ano ang larawang-diwa para masagot mo ang gawain kaugnay nito. Ang larawang-diwa ay isa sa mga sangkap ng tula na tumutulong o nagpapaganda sa tula. Ito ay mga kongkretong larawan na maaari mong mabuo sa iyong isipan o guniguni habang binabasa ang tula. Halimbawa. Patuloy ang pag-ungol ng dagat. Ang larawang-diwang maaari mong mabuo ay walang tigil sa paghampas ang malalaking alon sa pampang o malalaking al2o5n.

1 Di na kailangang Sapinan pa ang pang binalat-sibuyas, Ang daliring garing Sa sakong na wari’y kinuyom na rosas 1. ang babae ay tin-edyer pa 2. makinis at maputing babae 3. babaeng may kutis porselana at busilak sa kaputian 4. babaeng may makinis na balat at kulay “ivory” 2 Manunulay kata, Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituina. Isang bukid sa maaliwalas na umagab. Isang bukid na puno ng hamog ang damuhanc. Bukid na punung-puno ng pananimd. Bukid na puno ng hamog ang damuhan sa maaliwalas na umaga 3 Patiyad na tayo Ay magahahbulang simbilis ng hangin Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangina. Magsing-irog na tumatakbo sa pinatigas na tubig.b. Magsing-irog na marahang tumatakbo sa kumati o bumabang tubig.c. Magsing-irog na nagahahabulan sa pinatigas na tubig. 26

d. Magsing-irog na mabilis na naghahabulan sa kumati o bumabang tubig.4. May apat na saknong ang tulang iyong binasa, alin sa tingin mo sa apat na saknong ang kalakasang aystetik? Bakit?Ang tula ay karaniwang nagtataglay ng kariktan lalo na sa pagkakahabi ng mgasalita ng may-akda. Ito ang nakapagbibigay ng kalakasang aystetiko sa tula.Ang paggamit ng tayutay, talinghaga at idyoma ay nakatutulong sa kalakasangito.5. Sa sumusunod na iskalang 1-10 paano mo mamarkahan ang kalakasang aystetik ng tula. Bakit?12 3 4 56 7 8 9 10 c. Pagsusuring Pampanitikan • Sa binasa mong tula, mailalapat ang teoryang romantisismo. May kaalaman ka na ba tungkol dito? Basahin at unawain mong mabuti ang nasa loob ng kahon. Sa teorya•ng romantisimo ang sining ay dapat na malapit na malapit sa •kalikasan. Dapat mong malaman na kapag ang kalikasan ay wala ng kakayahangmagbigay ng kasiyahan, ang imahinasyon ang siyang lilikha ng kalikasangmagbibigay ng kasiyahan. Ito ay ayon sa mga romantesista. Sila rin ay nananaligsa Diyos, sa katwiran, sa agham at nagpapahalaga sa kalikasan. Sa kanila, angDiyos ay lumalagi sa lahat ng kalikasan, ang totoo nga raw ang Diyos at kalikasanay iisa. Higit din nilang pinahahalagahan ang damdamin kaysa sa ideyangsiyentipiko. 27

• Ngayon, isagawa mo ang mga gawaing may kaugnayan dito.1. Piliin mo ang kahon na naglalaman ng mga salitang ginamit ng may-akda sa tula na nagpapakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran. Titik lamang ang isulat. A BPilapil na nalalatagan Doon ay may tahong,ng damong may luha Talaba’t halaangng mga bituin; Kabigha-bighaniCDMaglulunoy katang Ngunit walang ingay,Payapang-payapa Hanggang sa sumapitsa ta2b.i ng dagat; sa tiping buhangin. 3. 2. Tukuyin mo kung anong damdamin ang naghahari sa bawat saknong ngtula. Titik lamang ang isulat.Ang damdaming naghahari sa unang saknong ay:a. kaligayahan at kapayapaanb. kalungkutan at katahimikanc. kawalang pag-asad. walang hanggang kaligayahan.3. Sa ikalawang saknong, ang damdaming nangingibabaw ay:a. kagalakan sa sarilib. nag-uumapaw na kasiyahanc. walang hanggang kaligayahand. kawalan ng kapaguran4. Samantalang sa ikatlong saknong, lumulutang ang damdaming:a. kapanatagan ng loobb. pag-aalinlanganc. pag-aalalad. panatag na kalooban 28

5. At ang huling saknong, makadarama ka ng : a. kalungkutan b. kasiyahan c. kahulugan ng sarili d. kasawiand. Halagang Pangkatauhan Ilagay mo sa loob ng bawat puso ang mga salitang nagpapahalaga sakagandahan ng kalikasan at kapaligiran na matatagpuan sa loob ng kahon saibaba. Titik lamang ang isulat mo.1. 2. 3. 4. 5. a. pagtatanim ng mga puno b. paglilinis ng kapaligiran c. pangangalaga sa kalikasan d. pakikipagtulungan sa DENR e. pakikiisa sa proyekto ng pamahalaan f. pagpaparusa sa mga taong lumalapastangan sa kalikasan g. pagtatapon ng basura sa tamang lugar • Hingin mo ang susi sa pagwawasto at iwasto mo ang iyong gawain sa ilalim ng linangin mo…Ang katapatan sa pagwawasto ang pairalin mo 4. Palalimin Mo. . . Ang susunod na gawain na pagkakaabalahan mo ay ang paglalagay ng Star ( ) sa mga bilang na maaaring gamitin bilang pansariling Batas ng Kalikasan na magagamit ng mga kabataang tulad mo sa pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran. _____ 1. Magtanim ng mga puno sa mga bakanteng lote. _____ 2. Iwasan ang pagtatapon ng basura sa kung saan-saan. _____ 3. Isumbong sa kinauukulan ang mga taong lumalapastangan sa Kalikasan o naninira sa kapaligiran. _____ 4. Ibalik sa kinauukulan ang mga hayop na nahuhuli lalo na ang mga “endangered species”. _____ 5. Huwag mamimitas ng mga bulaklak lalo na sa parke o pampublikong paaralan. _____ 6. Itanim sa isipan na ang kalikasan ay biyayang kaloob ng Diyos. _____ 7. Bigyan ng lugar sa puso’t isipan ang kahalagahan ng kalikasan sa 29

buhay ng tao. _____ 8. Huwag ipagwalang-bahala ang mga taong alam mong gumagamit ng dinamita sa pangingisda. _____ 9. Maglagay ng mga babala sa bawat pamayanan tungkol sa pagpapahalaga sa kalikasan. _____ 10. Itanim sa isipan na ang Diyos at kalikasan ay iisa.• Muli mong hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong gawain. 5. Gamitin mo… • Tingnan ko kung paano mo mailalapat sa iyong sarili ang mga mahahalagang bagay na natutunan mo sa araling ito. May mga sitwasyon sa ibaba na maaaring nangyari o mangyayari sa iyo. Sa mga sitwasyong ito, alin ang gagamitin mo, puso o isipan. Lagyan mo ng hugis puso ( ) ang bilang kung puso ang gagamitin mo at tatsulok ( ) kung isipan. _____ 1. Gustung-gusto mo ang iyong kamag-aral na maging kasintahan mo subalit ayaw naman ng mga magulang mo. _____ 2. Tunay na may pag-ibig ka sa taong pinag-uukulan mo ng pagmamahal subalit natuklasan mong may lahi sila ng may sakit sa pag-iisip. _____ 3. Nalagay ang iyong pamilya sa kagipitan. Maisasanla ang inyong bahay at lupa sa mga magulang ng taong nag-uukol sa iyo ng pagmamahal subalit ayaw mo rito. _____ 4. Panay ang padala sa iyo ng mga regalo ng magulang ng taong minamahal mo pero labag ito sa kalooban ng mga magulang mo. _____ 5. Nakita mong may kasabay na iba ang taong minamahal mo.• Nasalamin mo ba ang iyong sarili sa mga sitwasyong ito? Tingnan natin! Kunin mo ang susing pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong gawain. 6. Sulatin mo… Hindi ka man makata, makararanas kang bumuo ng ilang saknong ng tula. Subalit durugtungan mo lamang ng nawawalang salita ang patlang sa bawat taludtod. Piliin mo ang titik ng angkop na salita sa loob ng kahon sa ibaba.Sa pag-ibig, walang mahirap o mayamanPuso ang gamitin ng di 1,Kung 2 nama’y pakatandaanNang di 3 sa iyong buhay.Ganyan talga kung 4 30

Lahat 5 rosas ang iyong paligid,Nararamdaman ang 6 ng dibdibPati 7 ng mata’y kaakit-akit.a. umiibig b. kislap c. masawib. kulay e. tibok h. mabaliwc. masaktan f. isipan Napili mo ba ang angkop na mga salita? Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 7. Lagumin mo… Dugtungan mo ang sumsusunod na mga pahayag upang maging buo at ganap ang diwa nito. Matapos kong mabasa ang tula… Nabatid kong __________ Napatunayan kong ________ Nadama kong ____________ • Kung ang iyong tugon ay katulad ng nasa susi sa pagwawasto na nasa iyong guro, ito aymagiging katanggap-tanggap. Iwasto mo na ang iyong gawain. 8. Subukin mo… • Marahil ay punung-puno ka ng mga kaalaman hinggil sa araling iyong pinag-aralan. Tingnan ko kung masasagot mo ang mga inihanda kong katanungan. Piliin mo ang titik ng pinakatamang sagot. 1 Ang tula ay binubuo ng _____ na saknong. a. 4 b. 8 c. 6 d. 102. Magkasalit na ginamit sa tula ang mga sukat na 2 at 3.a. 6 b. 8c. 12 d. 143. Ang tula ay mauuri bilang tulang _____a. liriko/ pandamdamin b. odac. soneto d. elehiya4. Sa bawat sknong ng tula, mabubuo ang larawan ng ________. a. magkasintahan b. dalawang pusong nagmamahalan c. magkaibigan d. magkalaro5. Ang mga pananalitang ginamit ng may-akda sa paglalarawan sa babae na nagpapatungkol sa kagandahan ng tula ay _____. 31

a. paang binalat-sibuyas b. daliring garing c. sakong na wari’y kinuyom na rosas d. lahat ng nasa itaas6. Ang damdaming nangingibabaw sa tula ay ______. a. walang hanggang kaligayahan b. nalulunod sa bisa ng pag-ibig c. wagas at tunay na pagmamahal d. kapangyarihan ng pag-ibig7. Tukuyin mo ang kahulugan ng mga sumusunod na pahayag na nagpapakita ng pagiging masining na tula Na nalalatagan ng damong May luha ng mga butuin. a. umuulan nang malakas b. bukangliwayway c. mga hamog sa damuhan d. natatanglawan ng butuin ang damuhan 8. Doon ay may tahong, talaba’t halaang kabigha- bighani. a. iba’t ibang lamang kati b. yamang-dagat c. matataba at nakatutuwang yamang-dagat d. lahat ng nasa itaas9.-10 Pumili ng dalawang paraan kung paano mo mapapangalagaan ang kalikasan at kapaligiran. a. Pakikiisa sa mga programa ng DENR. b. Pagtatapon ng mga basura sa tamang lalagyan. c. Paglalagay ng mga babala sa maaaring kahihinatnan sa pagsira sa kalikasan. d. Pagpapalaganap ng tamang impormasyon sa tamang pagtatapon ng basura. 32

e. Paglilinis ng mga sukal at sa kanal ng mga mamamayan. f. Pagtatanim ng mga puno sa mga bakanteng lote. g. Paglalagay ng mga basurahang may takip sa bawat barangay. • Kung ang iskor na nakuha mo ay 6 pataas, maaari ka nang magpatuloy sa susunod na modyul atkung 5 pababa naman ang iyong iskor, isagawa mo muna ang sumusunod na gawain. 9. Paunlarin mo… • Nakakita ka na ba ng isang aquarium? Anu-ano ang laman nito? Sa ibaba ay may isangaquarium. Nais kong ilagay mo sa loob ng aquarium na ito ang lahat ng sa tingin mo ay nakatutulongsa pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran. Piliin mo ito sa loob ng kahon sa ibaba.mga isda halamang dagat bulaklak maliit na batomalinis na tubig mga puno korallumot kabibeDugtungan mo ng nawawalang salita ang sumusunod na mga talinghaga sa palasintahin.Piliin mo ang angkop na salita sa loob ng kahon sa ibaba. Titik lamang ang iyong isulat.Tulak ng bibigKabig ng __1__.Ang sinasabi ng iyong __2___Malayo sa nasa iyong dibdib.Hihinto ang pagsulat ng aking __3___Ngunit hindi ang aking __4___. 33 Sumunod nap o ang mga __5___ Huwag lamang ang mga ___6__.

Kung naabot na po ng __7___ Bakit kailangan pang dumukwang. O, muli mong iwasto ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. Pinaaalala ko ang pagiging matapat sa pagwawasto.VIII. Gaano Ka Na Kahusay? Pagod ka na ba? Alam kong hindi pa! Sa dami ba naman ng mga konseptong iyongnatutunan, tiyak kong masasagutan mo ang pangwakas na pagsusulit na ito. Ito angnagpapatunaykung gaano ka na kahusay. Simulan mo na! Piliin mo lamang ang titik ng pinakatamang sagot. Basahin mo ang sumusunod na saknong. Pagkatapos kung anong panibagong kaisipan angmaaari mong mahango rito. 1. Tangapin mo anak, itong munting guryon, Na yari sa patpat at papel de Hapon Magandang laruang pula, puti, asul Na may pangalan mong sa gitna naroroon. a. Pangalagaan mo ang iyong pangalan. b. Pag-iingat sa dignidad at reputasyon. c. Huwag mong dudungisan ang iyong pangalan. d. Pagsasalin ng ama ng responsibilidad sa anak. 2. Sa kabuuan ng tulang Ang Guryon, mahahango ang kaisipang _____. a. Ang buhay ay tulad ng sa guryon, maayos at malikot b. Sa gitna ng mga pagsubok, ang tao’y dapat magpakatatag. c. Ang tibay ng loob ay kailangan sa harap ng mga suliranin. d. lahat ng nasa itaas 3. Ang tulang Sa Tabi ng Dagat ay may magkasalitang sukat na _____. 34

a. 4 - 8 b. 7 - 14c. 6 - 12 d. 8 - 164. Ang tugma naman ng tulang ito ay matatagpuan sa ika- _____ ng bawat taludtod.a. 2 b. 4c. 6 d. 85. Mabubuo natin ang imahe ng isang _____ sa tulang Ang Guryon.a. malakas na tao b. maunlad na bayanc. matatag na buhay d. taong may paninindigan6. Samantalang sa tulang Sa Tabi ng Dagat, ang larawang-diwa maaaring mabuo ay ______.a. dalawang pusong nagmamahalanb. magkasintahang punung-puno ng pag-ibigc. magkaibang ayaw magkahiwalayd. taong may pagpapahalaga sa kalikasan7. Sa tulang Ang Guryon, sinikap ng ama na maimulat ang anak sa ____.a. karahasn ng buhayb. kagandahan ng buhayc. kabalintunaan ng buhayd. katatagan sa buhay8. Ginamit ng may-akda sa tulang Sa Tabi ng Dagat ang _____ upang maipakita ang bisa ng pagiging masining ng tula.a. karagatan b. kasanayanc. kalikasan d. kabundukan9. Alin sa mga sumusunod ang nagpakita ng katatagan sa sarili?a. pagharap sa pagsubokb. paghanap ng solusyon sa problemac. pagpaplano sa tamang hakbang at paraand. lahat ng nasa itaas10. Alin naman sa mga sumusunod ang nagpakita ng pagpapahalaga sa kalikasan at kapaligiran?a. Pakikipagtulungan para sa kaayusan at kalinisan ng pamayanan. 35

b. Pagbabalik sa mga naliligaw na mga hayop lalo na ang mga “endanger species”. c. Paglalagay ng tamang basurahan sa bawat baranggay. d. Lahat ng nasa itaas Ikalawang Markahan Modyul 1 Susi sa PagwawastoAno Ba Ang alam Mo? Pagsusuring Pampanitikan1. a 6. d 1. h - g 5. b - b2. b 7. b 2. d - d 6. a - h3. d 8. d 3. f - f 7. l - c4. a 9. c 4. c - a5. b 10. d Halagang PangkatauhanAralin 1 a, b, d, l, f, gAlamin mo… Palalimin mo 1. 6.Krus - dKawayan - l 2. 7.Bato - a 3. 8.Kandila - b 4. 9.Guryon - c 361. d2. c3. a4. b

Linangin mo… 5. 10. Gamitin mo…Pagsusuring Panlinggwistika A - 1, 5 B. - 1, 2, 3, 4, 51. a C-42. a D-43. bPagsusuring PangnilalamanPangunahing kaisipan - 1Pantulong na mga kaisipan --- 2, 3, 4, 5, 6, 7Sulatin mo… 6. l Pagsusuring Pangnilalaman 7. I 1. c1. b 8. f 2. d2. h 9. k 3. d3. j 10. g 4. Lahat – punung-puno ng mga imahe at4. c5. d larawang diwa 5. Sa pagitan ng 9-10.Subukin mo… - Maayos ang sukat at tugma1. a 6. a - May taglay na kariktan at talinghaga2. d 7. a3. d 8. c Pagsusuring Pampanitikan4. a 9. c 1. a, b, c, d5. d 10. b 2. d 3. aPaunlarin mo… 4. b 5. a1. marupok malapit sa tukso 37 madaling masuong sa gulo2. rosaryo, Bibliya, kandila Aklat, cellfone, larawan ng pamilya

VI. Aralin 2 e. Halagang Pangkatauhan 6.Alamin mo… f. ___ 1. 7.a. g. 2. 8.b. h. 3. 9.c. ___ 4. 10.d. ___ 5.Linangin mo… Gamitin mo… A-Pagsusuring Panlinggwistika B. - C-1. 82. 6 D-3. 124. ika-2 taludtodSulatin mo… 6. e1. c 7. d2. f3. g4. a5. bLagumin mo…• Nabatid kong kailangang maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay.• Napatunayan kong ang pagsunod sa mga payo ng magulang ay magbubunga ng tamang direksyon sa buhay.• Nadama kong ang kahalagahan ng magulang sa ating buhay at ang bisa ng kapangyarihan ng nasa itaas sa pagpapatakbo n gating buhay. 38

Subukin mo… 6. a Gaano Ka Na Kahusay?1. a 7. c 1. c 6. a2. a 8. d 2. d 7. d3. c 9. a 3. b 8. c4. b 10. c 4. a 9. d5. d 5. d 10. dPaunlarin mo… 5. a• a, b, d, f , h, i 6. b 7. h1.d2. c3. e4. f Talahanayan ng IspesipikasyonModyul Pasalita Pagbasa Kasanayan Pagsulat Pamagat GenreBilang Pampanitikan 1 Natutukoy ang Nagagamit ang Nasusuri ang tula Nakasusulat Ang Tula bisang ng kapaksa ring Guryon tula pandamdamin matatalinghagang batay sa teoryang at pangkaisipan salita/pahayag sa imahismo ng tula paglalahad ng panibagong kaisipan Nahahango at naipaliliwanag ang pangunahin at mga pantulong na kaisipang nakapaloob sa akdang binasa Naiisa-isa ang mga Natutukoy Naipaliliwanag ang Nagagamit ang Sa Tabi Tula ang istruktura ng bisa ng ng Dagat larawang diwang sukat pagkakagamit kaalaman tungkol binanggit sa tula ng kalikasan at sa iba't ibang at tugma ng tula kapaligiran sa elemento sa Naiisa-isa Napipili ang mga pagiging masining paglikha ng tula ang damdaming tiyak ng akda nakapaloob na bahagi ng akda sa akda na nagpapakita ng kalakasang 39

aystetik nitoNatutukoy ang iba'tibang paraan sapagpapahalagasa kalikasanat kapaligiran 40

Modyul 8 Pagsusuri ng Akda Batay sa Teoryang Klasisismo Tungkol saan ang modyul na ito? Marami-rami na rin ang mga araling natalakay natin nang mga nagdaang araw at samga oras na ito ay may panibago kang matututunan na sadyang inihanda ko para sa iyo. Alam kongmaiibigan mo ito sapagkat may kaugnayan ito sa kalayaang natatamasa mo ngayon bilang isangmamamayang Pilipino. May narinig o nabasa ka na bang mga impormasyon tungkol sa mga pangyayaringnaganap sa ating bayan noong panahon ng himagsikan? Marahil oo, sapagkat marami tayong mgababasahin, artikulo at mga librong pangkasaysayan na kinapapalooban ng mga detalye tungkol samga kadakilaang ginawa ng ating mga bayani para sa ating bayan noong panahon ng himagsikan.Tungkol dito ang pinapaksa ng dulang iyong babasahin na pinamagatang Kahapon, Ngayon at Bukasna isinulat ni Aurelio Tolentino. Katulad ng nabanggit ko kanina, tiyak na maiibigan mo ito. Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’tibang genre ng panitikan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Makatutulong sa iyo ang modyul na ito sapagkat gagabayan ka nito tungo sa iyongpagkatuto. Nakalahad dito ang mga tuntunin upang maging maayos at makabuluhan ang iyongpaggamit.

1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging “Ano Ba Ang Alam Mo?” Gabay ito upang masukat ang lawak ng iyong kaalaman sa paksa.2. Sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro, iwasto mo ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung magkaroon ka man ng maraming mali sapagkat matutulungan ka naman ng mga gawaing inihanda ko para sa iyo.3. Basahin at unawain mong mabuti ang paksang-aralin at isagawa mo ang kaugnay na mga gawain. May mga panuto kang mababasa kung paano ito maisasagawa.4. Suriin mo kung naragdagan ba ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit o ang bahaging “Gaano Ka Na Kahusay?”. Pagkatapos ay iwasto ang iyong mga kasagutan sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging tapat ka sa pagwawasto.5. Kaibigan mo ang modyul na ito kung kaya’t gamitin mo nang wasto. Sagutan mo itong mabuti at sikaping huwag masulatan. Gumamit ka ng hiwalay na notbuk o papel sa pagsagot.Ano na ba ang alam mo?Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap sa bawat bilang. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot.1. Lumawig pa sana ang kanyang buhay. Ang kahulugan ng salitang may salungguhit ay:a. tumanda c. tumatagb. tumagal d. tumibay2. “Sa dibdib ko masisilip ang dalisay kong pag-ibig.” Anong uri ito ng pag-ibig?a. totoo c. punob. sapat d. wagas3. Nagpapasalamat siya sa kanyang mga katoto. Pinasasalamatan niya ang kanyang mga:a. kaaway c. kakampib. kaibigan d. kababayan4. May mga Pilipinong patuloy sa nagtataksil sa bayan. Ang pahayag ay nagkaroon ngepekto sa iyong:a. anyo c. libanganb. isipan d. katayuan sa buhay 2

5. Dapat lamang na alalahanin at suklian ang mga sakripisyong pinagdaanan ng atingmga bayani alang-alang sa katayuan ng bayan. Ang pahayag ay may bisang: a. pangkaisipan c. pangkaasalan b. pandamdamin d. pangmoralidad6. Bilang mga Pilipino, nararapat lamang na patuloy na bantayan ang kalagayan ng atingInang Bayan sa pamamagitan ng pagmamalasakit sa kanya. Ang pangungusap ay maybisang: a. pangkaisipan c. pangkaasalan b. pandamdamin d. pangmoralidad7. Kasalukuyang nag-iinuman at masayang nagsasayawan ang mga taksil na mamamayanbilang pagdiriwang sa kanilang masamang binabalak. Ang pangyayaring ito sa akda aymaaaring matagpuan sa: a. simula c. tunggalian b. gitna d. wakes8. Naparusahan ang mga mamamayang nagtaksil sa bayan at nagbunyi ang matatapat nataong bayan. Ang bahaging ito ng akda ay maaaring nasa: a. simula c. tunggalian b. gitna d. wakas9. Bilang isang kabataang Pilipino, mapangangalagaan mo ang kalayaan ng bayan sapamamagitan ng: a. pagbabasa c. pagmamasid b. pakikinig d. pagmamahal10. Nahirapan ang ating mga bayani sa pagkamit ng kalayaan kaya’t dapat natin itong: a. pag-ingatan c. pagtulungan b. pagsikapan d. pagmalasakitan Iwasto mo ang iyong mga sagot. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Kumusta ang nakuha mong iskor? Naging mahirap ba o madali para sa iyo angpaunang pagsusulit? Huwag kang mag-alala sa naging resulta nito o sa iskor na iyong nakuha.Sinusukat lamang ng pagsusulit na ito ang dati mo nang taglay na kaalaman tungkol sa paksa. 3

Aralin: Kahapon, Ngayon at Bukas Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Inaasahang iyong matatamo ang sumusunod na kasanayan matapos mapag-aralan ang modyul na ito. 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga salita at pahayag na ginamit sa akda 2. Natutukoy ang bisa ng akda sa sarili 3. Nabibigyang-halaga ang kaayusan ng banghay mula sa simula, pagpapalawak at pagwawakas 4. Napahahalagahan ang pagmamahal sa bayan at pagpapahalaga sa mga bayani 5. Nakasusulat ng isang paglalahad ukol sa isang mahalagang isyung pambansa Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin mo… Panuto: Hanapin sa loob ng kahon ang limang makasaysayang pangyayaring naganap sa ating bansa. GWD D AWG R C J T S A J Y O L HSXE F P I HB SQDVRUKP EDSAREVOLUT I ONS T S B A T T L E O F MA C T ANV I J I E S HMZ S N E R S XNV T T D I S AMP QXV J QO L B Z J AC C B O A KWO O DMU T I N Y E V T N C R Y O F B A L I N T AWA K URXCAOPGQCTBZA J VS 4

O A S H F Y N K Z X C GWU T G U Nahirapan ka ba sa paghahanap? Tingnan mo kung nakita mong lahat ang mga makasaysayang pangyayaring naganap sa ating bansa na nakapaloob sa kahon. Kunin mo sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto at pagkatapos ay ihanda mo ang iyong sarili sa kasunod na gawain. 2. Basahin mo… Katulad ng nabanggit ko sa iyo kanina, may kaugnayan sa kasaysayan ng ating bansa ang akdang iyong babasahin sa araw na ito. Umupo ka nang maayos at basahin mo nang may pag-unawa ang mga pangyayaring nakapaloob sa dulang iyong babasahin. Maaari mo nang simulan… KAHAPON, NGAYON AT BUKAS ni Aurelio Tolentino (Dula ng Himagsikan)MGA TAUHAN INANGBAYAN (PILIPINAS) DILAT NA BULAG (ESPANYA) BAGONG SIBOL (AMERIKA) MASUNURIN (BABAING PILIPINA) TAGAILOG (ANG KATAGALUGAN) MATANG LAWIN (GOBYERNO NG KASTILA) MALAY NATIN (GOBYERNONG AMERIKANO) ASALHAYOP (MAPAGLILONG TAGALOG) DAHUMPALAY (MAPAGLILONG TAGALOG) HARINGBATA (HARING INTSIK) HALIMAW (PRAYLE) WALANG TUTOL (LALAKING PILIPINO) Mga taong bayan, mga hukbong Tagalog, mga hukbong Intsik, Kapisanan ng Cruz Rojang babae,mga kawal na rebolusyonaryo, mga batang babai’t lalake, bandang musika ng Hukbong Tagalog,mga kaluluwa ng nangamatay sa labanan, ang haring kamatayan, Rehimiyento ng Artiller, Infanteraat Ingeniena. BAHAGI I (Isang bakurang may sagingan at iba pang halaman sa tabi. Sa gitna ay isang balag.) 5

LABAS I (Asalhayop at mga taong bayan. Nangakahanay ang mga babae sa kanan at mga lalake namansa kaliwa. Nanga-taas ang mga kanang kamay nilang lahat, na tumatangan sa kopang ginto.Masasaya ang anyo nila.) (Asalhayop, Masunurin, Walangtutol, mga taong bayan.)Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan.Masunurin : Si Asalhayop ay ipagdiwang.Koro : Ipagdiwang!1.o : Magpalad ang kanyang buhay.1.a : At lumawig habang araw.2.o : Habang araw.Walangtutol : Dangal niya’y huwag dadalawin ng siphayo’t ng hilahil.2.a : Huwag dadalawin.3.a : Dangal niya’y magluningning sa ligayang sasapitin.Koro : Magluningning!Masunurin : Madlang puri, Madlang biyaya sa kanya’y sumagana.Koro : Sumagana.3.a : Madlang yaman, madlang tuwa sa kanya’y lumawig nawa.Koro : Lumawig nawa.Asalhayop : Katoto’t giliw, mga kaibigan, sa inyo’y salamat ng habambuhay. Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin. Kayo ang dangal ko, at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay. (Lalapitang isa-isa ni Asal ang koro at ipipingki sa kani- kanilang kopa ang kanyang hawak.) Mag-inuman, magsayawan, mag-awitan, limutin ang kalumbayan. 6

Koro : Mag-inuman. (Anyong iinumin ng lahat ang laman ng kani-kanilang kopa. Biglang lalabas si Ina, at si Tag, magugulat ang mga dadatnan. Tititigan sila ng kagulatgulat ni Ina.)Inangbayan : LABAS 2Inangbayan : (Sila rin, InangBayan at Tagailog.)Asalhayop : Mga walang loob,Koro : mga walang damdamin, bago’y nagluluksaInangbayan : ang kawawang bayan. Mga walang puso, mga walang dangal, nahan ang pangakong kayo ay dadamay sa mga pumanaw? (Tatawa nang malakas si Asal at ituturo si Ina.) Asalhayop! Masdan ninyo si Inangbayan, Ang buwisit at ang mangangaway. (Magtatawanan ang koro.) Humayo ka, Inangbayan, Huwag sabihin ang patay. (magtatawanan ang koro) Mag-inuman. (anyong iinumin ang laman ng mga kopa.) Huwag! Huwag ninyong lagukin, huwag ninyong mainom ang hinahawakang alak na may lason. (Magtatawanan ang koro) Ang inyong kaluluwa ay malilinggatong, kayo’y isusumpa ng mga panahon. (Magtatawanan ang koro) Mainit pang tunay sa mga burulan ang bangkay ng inyong nuno at magulang. (Magtatawanan ang koro) Hayo at mag-isip ng tinitunguhan, hayo at bakahin ang mga kaaway. (Mahabang tawanan ni Asal at ng koro) 7

Koro : Magsayawan! (Iinumin ni Asal at ng Koro ang laman ng mga kopa. Tititigan sila ngInangbayan : kagulat-gulat ni Ina.)Asalhayop : Mga walang kaluluwa! Ang inyong kasiyahan ngayon ay pagdustang tunay sa libingan ng ating marangal na lipi. Ano? Hindi baga ninyo nararamdaman saInangbayan : ibutod ng inyong mga puso ang lamig na kamatayan ng bayan? Hindi baga kayo nangahihiya sa sarili, ngayon kayo nangagsasayahan sa ilalim ngAsalhayop : talampakan ni Haringbata, ang magiging anak ni Hangiskang?Koro : Mahusay manalumpati ang ating Ina, ang mangangaway.Asalhayop : Asalhayop!Asalhayop : Bigyan ako ng kaunting alak.Walangtutol : Kami man.Koro : Kita ninyo? Kita ninyo’y huminging kusa, pagkakitang hindi natin siya alintanahin?Inangbayan : Magaling na talaga si Aling Inangbayan.Asalhayop : (Kay ina) Heto ang alak na alay ko sa iyo (Bibigyan siya ng isang kopa) Mag- inuman!!!Koro : (Itataas ni Asal ang kanilang kopa)Asalhayop : Mabuhay si Asalhayop!!Walangtutol :Inangbayan : Mabuhay!!! Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi sa paglapastangan sa araw na ito! Ito ngang tunay na araw ng kamatayan ng mga tagapagtanggol ng bayan. Ito ang araw ng pagkalugso ng ating kahambal-hambal sa Balintawak. Sumpain nawa ni Bathala ang hindi magsisi! Taos sa puso ko yaring sumpa , at sa katunayan ay….. ayan!!! (Ipupukol sa lupa ang kopang hawak) Inangbayan! (Biglang lalapitan ni asal at sasampalin. Si Ina ay mabubuwal kasabay ng pagtawa ng Koro) Mangangaway!!!! (Kasabay ng sampal at tawanan. Kasabay ng pagsakal sa kanya at pagtindig ni Ina) Huwag! Bitiwan mo. Asalhayop (Bibitiwan) Asalhayop, paglapastangan mo sa akin ay nahulog sa Apo, sa kamay ni 8

Mandagaran, ang taksil mong kaluluwa. At kayong mga nakianib sa kanya, kayong mga anak kong pinakamamahal, ay nangahawa na mandin sa kanyang sawing palad. Dinudusta ninyo sa libingan ang dangal ng inyong mga nuno. Ah! Hindi ko inakala kailan pa man na kayo’y hindi ko maihahalubilo sa mga angkang nagkalat dito sa Dulong-Silangan. Mga anak ko, mga bunsong pinakaiibig, kayoy nangaliligaw. Panumbalikin ninyo ang inyong mga loob, pagsisihan ninyo ang paglapastangan sa akin at sa dakilang araw ng pagkalugso ng bayan. Kapag nilimot ninyo ang araw na ito ay lilimutin din ninyo ang libingang luksa ng inyong magulang. Kayo’y nangabulag na lubos. Buksan ninyo ang inyong mga mata (Biglang itataas ang tabing. Lilitaw ang mga libingang may mga pangalang sulat sa panahong una at may mga sabit na luksa at sari saring putong) Ayan at tanawin niyo sila! (Mangagluluhuran si Tag at Koro at mangangahulog sa kanilang kamay ang mga kopang hawak, tanging hindi lamang si Asal tatalikdan ang mga nasabing libingan) Sa mga libingang iyan ay nalalagak ang mga buto nila Gat-Salian, bituin at laksa-laksang iba pang mga bayaning kawan ng bayan. Oh! Yayamang nilapastangan ninyo ang araw na ito at ang mga libingang iyan; yayamang dinudusta ninyo ang dakilang pangalan ng inyong mga nuno; yayamang inilublob ninyo sa pusali ng kapahamakan ang banal na kasulatan ng ating maharlikang lipi, ay ipagpatuloy na ninyo ang inyong baliw na kasayahan, ipagpatuloy na ninyo, mga bunsong ginigiliw, ngunit pakiusap ko lamang, na doon ninyo sambilatin at yurakan iyang mga laksang sabit, huwag ninyong tulutang libakin ang inyong sariling dangal . (Tatangis at marahang lalakad na tungo sa mga libingan) Mga bunsong pinakamamahal! Paalam sa inyo! Paalam ako sa inyo! (Mahuhulog na muli ang dating tabing)Tagailog : LABAS 3Koro : (Sila rin, wala lamang si Inangbayan)Tagailog : Mga kapatid ko! Oh! Ano’t kayo’y nangalulumbay? Dahil baga sa pag- aalala ninyo sa nalugsong buhay ay dalawampung taon nang singkad, dalawampung taong pagkakaalipin. Ngunit huwag. Ngayo’y nahahanda nang lahat kapag kayo’y umayon sa aking mga panukala… Magsabi ka! Ibig baga ninyong bawiin sa kamay ng kaaway itong bayang sinamsam nila sa kamay ng ating mga magulang? 9

Koro : Ngayon din!Tagailog :Koro : Tayo na’t magsandatang lahat! Tayo na! (Aalis lahat, matitira si Asal.)Asalhayop : LABAS 4 (Asalhayop) (Tatanawin ang mga nagsialis) Mga mangmang! Ang mga taong ito ay mga walang pinag-aralan. Mabuti pa ang aso, mabuti pa ang kalabaw, mabuti pa ang hayop kaysa sa kanila, sapagkat ang mga hayop ay nabubuhay at marurunong magsipamuhay, ngunit ang mga tao ay hindi. Nangangatahimik ang aming mga magulang. At ano? Kung ipaghiganti ko baga sila ay mangabubuhay pa kayang muli? Babawiin daw ang kalayaan ng bayan. At bakit pa? Mabuti ang may salaping alipin kaysa mahirap na laya. Mga hangal!!! (Magkukuro) Mabuti nga! Hahanapin ko ang mga Intsik, hahanapin ko si Haringbata at aking sasabihin sa kanya ang lahat ng nangyari. Salapi na naman to!! (Anyong aalis. Lalabas si Haringbata)Haringbata : LABAS 5Asalhayop :Haringbata : (Asalhayop, Haringbata, mamaya’y Inangbayan)Asalhayop : Asalhayop! Ako po’y sumasayapak mo dakila’t marangal na HaringbataHaringbata :Asalhayop : Salamat. (Lalabas si ina at manunubok sa tabi ng tabing. Hindi siya makikita ng dalawa) Ako po sana ay talagang paparoon sa inyong bahay at may nasang sabihing malaking bagay. Ano yaon? Si Tagailog at lahat niyang kasama, na pawang kapatid niya’t kapatid ko rin ay kaaalis din po dito ngayon. Mangagsasakbat ng sandata at kayo po ay babakahin. 10

Inangbayan : (Mapanglilo)Haringbata :Asalhayop : Tunay?Haringbata :Asalhayop : Tunay po!Haringbata :Asalhayop : At bakit daw?Inangbayan :Haringbata : Ibig daw po nilang mabawi ang kanilang kalayaan.Asalhayop : Mga magiting! At saan nangaroon?Haringbata : Ewan po, hahanapin ko sila at pakikialaman ko ang kanilang lihim, upangAsalhayop : maipagbigay alam ko sa inyo at mangahulog sa inyong kamay.Inangbayan : (Buhong!) Salamat. Talasan mo ang iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong bayad. (Bibigyan ng salapi) At kung mangahulog na sila sa aking kapangyarihan ay daragdagan ko pa iyan, at bibigyan kita ng katungkulang mataas. Salamat po. Hihintayin kita ngayong gabi sa aking bahay, at ipagbigay alam mo sa akin ang lahat nilang panukala. Heto ang tandang ilalahad mo sa taliba upang ikaw ay papasukin. (Bibigyan siya ng isang tsapang tanso at aalis) Asahan po ninyo. (Titingnan ang salapi.) Heto ang salapi ko, heto ang tunay na ina kong bayan, ang tunay na bathala. At madaragdagan pa; at tataas pa ang aking katungkulan. Sawing palad! Walang puri! 11

Asalhayop : LABAS 6Tagailog : (Sila rin, Tagailog)Asalhayop : Tagailog, hinahanap kita.Tagailog : Ako ay gayon din, kita’y aking hinahanap.Asalhayop : Sasalakayin baga natin si Haringbata?Tagailog : Oo, bukas. Humanda ka’t ika’y kasama.Asalhayop : Papaano ang paraang gagawin natin?Tagailog : Ako’y magdadala kunwari ng buwis. Mahusay, at saan tayo dadaan? Sa tabing-dagat ang kalahati at ang kalahati ay sa diliman. Heto na’t nagdaratingan na ang ating mga bayaning kawal, kasama ang mga babaeng tagapagsiyasat ng sugatan.Walangtutol : LABAS 7Tagailog :Asalhayop : (Sila rin, Walangtutol, Masunurin, Korong babae at lalake.Tagailog : Ang mga lalake ay pawang sandatahan.)Asalhayop : Tagailog, narito na kami.Koro : Hintayin natin ang ibang mga kasama.Inangbayan : Ako’y kasama ninyo ngunit ako’y uuwi pa muna sandali.Asalhayop : Hihintayin ka namin dito at dito tayo magbubuhat sa pagsalakay kayInangbayan : Haringbata. Asahan ninyong ako’y darating. Asahan ninyong kung saan kayo namatay ay doon din ako magpapakamatay. Paalam. (Anyong aalis) Mabuhay si Asalhayop. (Kay Asal.) Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop. Ako? Ikaw. 12

Lahat : At bakit? Ako’y may itatanong sa kanya dito sa harapan.Inangbayan : Ano kaya? Ano kaya?Masunurin : Asalhayop, wala ka bagang taglay na salapi ngayon? Wala.Koro : Dinggin ninyo? Wala raw. At wala ka bagang taglay na kahit anong tanso sa iyong katawan?Inangbayan : Salupikang mangkukulam! Ano’t itinatanong mo? Wala ka bang taglay na kahit anong tanso sa iyong katawan? Sumagot ka.Asalhayop : Sumagot ka! Wala. Aanhin ko ang tanso?Inangbayan : Dinggin ninyo! Wala raw siyang taglay na salapi, at wala rin namang taglay na kahit anong tanso.Asalhayop : (Tatawa ng malakas si Ina.) Ngitngit ni Bathala! Ano’t nagtatawa ka?Inangbayan : Dakpin ninyo at ipinagbili tayong lahat kay Haringbata. Oh!Lahat : Ako? Ikaw.Asalhayop : Sinungaling si Inangbayan. Sinasabi kong sinungaling si Inangbayan. Mga bunso, siyasatin ninyo ang katawan ni Asalhayop at may taglay naInangbayan : salapi at may taglay na tanso. (Sa koro.) Siyasatin ninyo.Asalhayop : Hindi ako pasisiyasat.Inangbayan :Lahat :Asalhayop :Inangbayan :Asalhayop :Inangbayan :Tagailog :Asalhayop : 13

Tagailog : Dakpin ninyo. (Tatanganan si Asal ng mga sandatahang mga babae sa kanyang katawan.Masunurin : Makukunan sa bulsa ng salapi at isang tsapang tanso.)Lahat : Tunay nga!Tagailog : Tunay nga!Asalhayop : Ano’t ipinagkaila mo ang iyong taglay?Inangbayan : Ako’y…Sapagkat…datapwat… (Tatawa ng malakas si Ina.)Asalhayop : Yayamang hindi niya matutunang turan ay aakuin ko na siya at ako naTagailog : ang magsasabi.Lahat : Inangbayan! Mahabag ka!Asalhayop : Sabihin mo Inangbayan.Inangbayan : Sabihin mo!Lahat : Inangbayan!Inangbayan : Ang salaping iyan ay siyang pinagbilhan ng nilako niyang buhay ng bayan kay Haringbata.Asalhayop :Inangbayan : Oh!Masunurin : At ang tansong iyan ay ilalahad sa mga taliba ng kaaway, upang siya’y papasukin at maisiwalat ang lahat ng ating lihim.Koro : Sumpa ng Apo! Ngitngit ni Mandagaran!Walangtutol : Pagmasdan ninyo ang tanso at may tatak marahil ni Haringbata.Tagailog : (Pagmamasdan ng lahat ang tanso)Asalhayop : Tunay nga.Inangbayan : Tunay nga. Kay Haringbatang tatak. Asalhayop! Patawad! Ngayon at inyo nang nakilala kung sino nga si Asalhayop, ay 14

Lahat paalam na ako sa inyo. (Tuloy aalis. Anyong hahabulin ng lahat.) : Inangbayan!Tagailog : LABAS 8Koro : (Sila rin, wala lamang si Inangbayan.) (Kay Asal.) Oh! Walang pusong kapatid! Walang dangal! Sa mga ugat mo ay tumatakbo ang maruming dugo ni Laksalian, yaong taksil na nagpagapos ng leeg ng ating kawawang Inangbayan, kay Hangiskang na ama ng suwail na Haringbata. Pagmasdan ninyo’t kumikislap sa kanyang mga mata ang alipato ng kanyang paglililo. Bayang Tagalog, tandaan ninyo yaring hatol. Dapat mahalin ang ating mga kapatid, ang ating mga magulang, ang ating sariling buhay, ngunit dapat pa nating mahalin ang dangal ng ating kahambal- hambal na Inangbayan. (Sandaling palipas) kaya nga, ang sino pamang maglilo sa kanya, kapatid man natin o magulang kaya, ay huwag pagpitaganan; takpan ang mata ng awa at idalhag siya sa bangin ng lalong dustang kamatayan, at idagan sa kanyang ulo ang matinding sumpa ng ating pagkakaalipin. (Sandaling palipas) Bayang tagalog, kung sakaling mawalan man tayo ng hiya sa mukha nating bantad, at pabayaan nating makatkat sa ating noo ang limbag ng puri, manang katutubo ng ating kaluluwa, ay magkaroon man lamang tayo ng kaunting tapang sa pagkitil ng sariling buhay. Ibuhos natin ang ating dugo, lamurayin natin ang ating laman, iwalat natin ang ating buto, huwag na lamang kumalat-kalat sa lansangan ang mabusilak na dangal ng liping Tagalog, huwag na lamang tayo ang maglubog sa putik ng lagim, ng kagalang-galang na mukhang tumatangis ng ating kahabag-habag na Inangbayan. (Sandaling palipas) Bayang Tagalog, si Asalhayop ay nagtaksil. Sunugin siya nang buhay. Patawad!Tagailog : Bayang Tagalog, kung malaki ang pagmamahal mo kay Asalhayop, ako man ay lalo pa, ngunit lalo pang malaki ang pagmamahal ko sa ating Inangbayan. Inilako ni Asalhayop si Inangbayan kay Haringbata, kaya dapat 15

Koro : siyang mamatay, sapagkat dapat lipulin ang lahat ng halamang lasong tumuboTagailog : at umusbong sa lupang tagalog. (Sandaling palipas)Tagailog : Sunugin siya ng buhay. Patawad! Bayang Tagalog, bayang marangal na liping Tagalog, huwag mong ihingi ng patawad ang nagtaksil sa dakilang dangal ng ating kasulatan. (Bubunutin ang kanyang sundang) At yayamang ayaw ako ilugso ng mga nagtatanggol sa kanya. Ako ang maglulugso sa mga sasago’t sasanla sa aking matatag na hatol. Iwawalat ko ang dibdib ng balang kumibo, hahalukayin ko ang puso ng balang magsigaw ng wikang “patawad”. (Itataas ang kanyang sundang. Mapapaurong lahat) Hukbong Tagalog, lahi ng katapangan, mga anak sa digma, tulinan ninyo. Napaparam ang ulap ng sakim, sumisilay ang araw ng kalayaan. (Tuloy pasok)Masunurin : LABAS 9 (Masunurin, Korong Babae)1.a : Laban kayo,mga kawal, bawiin itong bayan Sandali pa’y ating tunay na tagumpayKoro : Ang tagumpay Nagkaabot ang hukbo at nagkahalubilo.Masunurin : Laban kayo, laban kayo ang kalaba’y… Tumatakbo!2.a : Hayo’t abuluyan ang mga sugatan. Abuluyan!Koro :Masunurin :Koro : LABAS 10 (Maglalabasan ang mga kawal na Intsik, karamiha’y sugatan at nagabubuwal) 16

Masunurin : Huwag babayaan, ito’y aking katungkulan.Haringbata : LABAS 11Koro : (Sila rin, Haringbata, Inangbayan, mayamaya’t si Tagailog. Kaladkad ni Haringbata si Inangbayan.)Tagailog : Papatayin kita!Haringbata : Si Inangbayan.Koro : (Lalabas si Tagailog) Haringbata! (Sabay saksak, mabubuwal si Haringbata.) Mamamatay ako! Patay si Haringbata!Tagailog : LABAS 12 (Sila rin, kawal na Tagalog)Inangbayan : Ating - atin ang tagumpay. Atin ang katuwiran Mabuhay si Tagailog!Koro : Mabuhay! Mabuhay si Inangbayan!Tagailog : Mabuhay! Mabuhay ang ating mga kawal!Koro : Mabuhay! Mabuhay ang ating lipi sa ilalim ng kalayaan!Inangbayan : Mabuhay! (Tatanaw sa kanan.) Sino ang mga dumarating?Koro : Sino kaya? Sino kaya?Tagailog :Koro :Inangbayan :Tagailog :Koro : 17

(Tutugtugin ang Marcha Red Española at lalabas si Dilat-na-Bulag at Matanglawin.)Inangbayan : LABAS 13Dilat-na-bulag : (Sila rin, Dilat na Bulag, Matanglawin.)Matanglawin : Sino kayo?Tagailog : Ako’y si Dilat-na-bulag.Dilat-na-bulag : Ako’y si Matanglawin.Inangbayan : Kalaban ba kayo?Matanglawin : Kami ay kaibigan.Tagailog : Ano ang inyong nais?Dilat-na-bulag : Ang kayo’y iligtas sa pagkapanganyaya.Matanglawin : May sakuna baga? Mayroon?Inangbayan : Tanawin ninyo sa dakong kanan ang tila wari nagdidilim na langgam na paparito, at yao’y mga kawal na babaka sa inyong bayan.Dilat-na-bulag : At sino nga sila? Mga kapatid din ninyoTagailog : (sumpa ng langit!) Sumpa ng langit!Koro : Tanawin naman ninyo sa dakong kaliwa ang lalo pang makapal. Bababakahin kayo.Matanglawin : At sino naman ang mga iyon? Inyo ring mga kapatidInangbayan : Sumpa ni Bathala!Dilat-na-bulag : Sumpa ni Bathala!Tagailog :Koro : 18

Matanglawin : Tanawin ninyo sa dakong yaon ang maraming kawal na mapuputi. Yaon ang aming hukbo.Tanawin ninyo sa dagat ang mga sasakyang pambaka.Inangbayan : Ang lahat na iyan ay amin. At kung kayo ay kakapatid sa amin, ang aming ari, ang aming hukbo, ang aming mga sasakyan at ang aming mga puso atDilat-na-bulag : kaluluwa, ay inyo ring lahat. Ipagtatanggol namin kayo sa lahat ng ligalig at pagkakaalipin.Tagailog : Tapat baga ang inyong pakikipagkapatid sa amin?Matanglawin : TapatInangbayan : Hindi ninyo bibigyang ligalig ang kalayaan ng aming mga anak?Dilat-na-Bulag: HindiInangbayan : Matatalaan ninyo ang gayon?Koro : Oo.Matanglawin : Bayang Tagalog, narinig ninyong lahat. Sumagot kayoTagailog : Kami ay pumapayag!Matanglawin : (kay tagalog) Talaan mo ito.Inangbayan : (Bibigyan ng pergamino, tatala si Tagalog)Dilat-na-bulag : Ayan. At ikaw?Lahat : Tatalaan ko ito (Tatala rin sa isang pergamino) AyanDilat-na-bulag : Ngayon ang sumpaan.Inangbayan : Ang sumpaan.Tagailog : Ang sumpaan! (Isasaksak ni Tagailog at Matanglawin ang kani-kanilang sundang sa bisig sa kaliwa, sasahurin sa isang sarong ginto ni Ina ang dugo ni Tagailog at si Dilat-na-bulag naman ang kay Matanglawin) (Kay Tagailog) Inumin mo ito. (Kay Matanglawin) Inumin mo ito. (Tatanggapin nila Tagailog at Matanglawin ang mga sarong ginto) Sa sarong gintong iyong tangan, ay nalalamang totoo, ang dalisay na dugo ko, dugong tunay ng bayan ko. 19

Matanglawin : Sa sarong gintong iyong tangan, ay tunay na nalalaman, yaring dugo kong dalisay, na dugo ng aking bayan.Lahat : Inumin ninyo!Dilat-na-bulag : (Hahawakan ang kamay ni Ina) Ang kamay kong iyong tangan, Ay kamay ng aking bayan, Kung di mo pagsisiluhan, Ang dito’y pinagsumpaan, Kamay na ito’y mag-aalay, Sa iyo ng biyayang tunay, Ngunit kung lalapastangan, Kamay na ito ay tatangan Ng sundang na kamandagan, Ang puso mo’y tatarakan.Inangbayan : Sa dibdib ko’y masisilip, Ang dalisay kong pag-ibig, Ang kaluluwa kong malinis, Ang mga banal kong nais, Na sa atin ay bibigkis, Ang puso ta’y nang magkatalik, Ngunit kung magbabalawis, Sa ating pagkakapatid, Pag- ibig ko’y magngingitngit, At sa iyo’y siyang tutugis.Koro : Kami naman ay gayon din!Tagailog : Ang magtapat ay mabuhay!Koro : Mabuhay!Matanglawin : Ang magtaksil ay mamatay!Koro : Mamatay!Inangbayan : Ang dugong iya’y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwat kung magsusukab sa buhay niya’y maging lason at kamandag.Lahat : Inumin! (Iinumin ni Tagailog at Matanglawin ang dugo. Mahuhulog na bigla ang tabing.) 20

Nagustuhan mo ba ang iyong binasa? Naramdaman mo rin ba ang damdamingnangibabaw sa mga tauhan sa akda? Matitiyak ko kung lubusan mong naunawaan ang akda kapag nasagutan mo nangbuong husay ang mga gawaing inihanda ko para sa iyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang angmga ito, makatutulong sa iyo ang pagsunod mo sa mga panutong ibibigay ko 3. Linangin mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Hanapin mo sa loob ng pangungusap ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit at isulat ang sagot sa sagutang papel. 1. Punung-puno ng linggatong ang buhay niya kung kaya’t labis na pangamba ang bumabalot sa kanya. 2. Huwag nating payagang muli tayong masakop ng mga dayuhan sapagkat hindi ito tutulutan ng mga bayaning nagbuwis ng buhay alang-alang sa ating kalayaan. 3. Nalugso ang dangal ni Inang Bayan nang bumagsak tayo sa kamay ng mga dayuhan. 4. Matinding kasawian ang nadama ni Inang Bayan na nagdulot sa kanya ng siphayo at pangamba. 5. Malaking problema ang tatahakin ng mga Pilipino sa mga mapagsamantalang dayuhan na kanilang haharapin sa mga darating na panahon. 21

May mga pagkakataong naaapektuhan tayo ng ating mga nababasa o napapanood sa telebisyon. Kapag nangyari ito, nangangahulugan lamang na naging mabisa ang paraan ng paglalahad ng mga pangyayari. Alam mo ba kung anu-ano ang mga naaapektuhan sa ating pagkatao kapag tayo’y nagbabasa ng isang akda? • Bisang Pandamdamin: Tumutukoy ito sa naging epekto o pagbabagong naganap sa iyong damdamin matapos mabasa ang akda. • Bisang Pangkaisipan: Tungkol naman ito sa pagbabago sa iyong isipan dahilan sa natutuhan sa mga pangyayaring naganap sa binasa. • Bisang Pangkaasalan May kaugnayan naman ito sa pagkakaroon ng pagbabago sa iyong pananaw sa mga kaisipang nakapaloob sa akda matapos itong mabasa. Tiyakin natin ngayon kung nagkaroon ba ng bisa sa iyong damdamin, kaisipan at asalang mga pangyayaring inilahad sa akdang iyong nabasa. b. Pagsusuring Pangnilalaman Panuto: Isulat ang B1 kung ang ipinahahayag sa bawat pangungusap ay Bisang Pandamdamin, B2 kung Bisang Pangkaisipan at B3 kung Bisang Pangkaasalan. 1. Nakadama ako ng labis na kalungkutan nang mabasa ko sa akda na may mga Pilipino rin palang nagtaksil sa bayan. 2. Ibig iparating ng akda na dapat nating pangalagaan ang kalayaang ipinaglaban ng ating mga bayani. 3. Hindi dapat kalimutan ang mga sakripisyo at pagmamalasakit na ginawa ng ating mga bayani makamit lamang ang kalayaan. 4. Ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng mga mamamayan ay malakas na sandata sa pagtatamo ng kalayaan ng isang bayan. 5. Sisikapin ko magmula ngayon na maging isang tunay na kabataang Pilipino sa isip, sa salita at sa gawa. 22

Alam mo ba kung ano ang tinatawag na Dula? Ito ay isang akdang pampanitikan nanaglalayong maglarawan sa isang tanghalan ng mga pangyayaring nagpapahayag ng kapana-panabik na bahagi ng buhay ng tao. Masining din ang paglalarawan ng mga tauhan sa Dula tulad sa Maikling Kwento.Mabisang nailalarawan ng Dula ang pagkatao ng mga nagsisiganap sa pamamagitan ngkanilang usapan o salitaan at kilos o galaw. Binigyang-diin sa akdang iyong binasa ang Teoryang Klasisismo kungsaan, angbinibigyang-halaga ay ang kaayusan ng banghay; pagsisimula, pagpapalawak at pagwawakas.Paano ba nagkakaiba ang tatlong ito? Sa simula ay sinusuri ang paraan ng pagsisimula, kung paano ang paraan ngpaglalahad at pag-uugnay sa mga susunod na pangyayari. Sa simula pa lamang ay kailangannang matawag ang pansin upang makuha kaagad ang interes ng mga mambabasa. Sa pagpapalawak tinatalakay ang banghay ng pangyayari. Ang pagdaragdag ng mgatauhang mag-uugnay ng mga pangyayari na binanggit sa unahan hanggang sa katapusan ngkwento. Dito rin nakapaloob ang mga maiigting na tagpo at pahayag upang maging kawili-wili ang kabuuan ng kwento; pag-uugnay sa kasalukuyang panahon upang maunawaan ngsinumang babasa kung di man nila naranasan ang pangyayaring tinatalakay sa kwento. Ang pagwawakas ay bahagi ng kwentong nag-uugnay sa simula ng kwento atbahaging mag-iiwan ng kakintalan sa mga mambabasa. Ang paliwanag na iyong nabasa ay may kaugnayan sa susunod na gawaing inihandako para sa iyo. Isaalang-alang mo ang iyong mga natutuhan. Maari ka nang magsimula. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Isulat ang S kung ang pangyayaring nakapaloob sa mga pahayag ng mga tauhan ng dula ay matatagpuan sa simula, B kung sa banghay at W kung ang pahayag ay matatagpuan sa wakas. 1. Walangtutol : Mag-inuman, magsayawan. 2. Inangbayan : Hintay! Tagailog, huwag mong paalisin si Asalhayop. Ako’y may itatanong sa kanya dito sa harapan. 3. Inangbayan : Ang dugong iya’y maging lunas sa puso ng kung sinumang magtatapat. Datapwa’t kung magsusukab sa buhay niya’y maging lason at kamandag. 23

4. Asalhayop : Katoto’t giliw, mga kaibigan, sa inyo’y salamat nang habambuhay. Ang inyong nais na tungkol sa akin ay aking biyaya sa sasapitin. Kayo ang dangal ko at kayong tunay ang tanging suhay sa aking buhay.5. Haringbata : Salamat. Talasan mo ang iyong mga tainga’t mata. Heto ang salapi mong bayad. At kung mangahulog na sila sa ilalim ng aking kapangyarihan ay dadagdagan ko pa iyan at bibigyan kita ng katungkulang mataas.d. Halagang PangkatauhanPanuto: Ilagay ang mukhang masaya kung ang pahayag ay nagsasaad ng pagmamahal sa bayan at mga bayani at mukhang malungkot kung di nagsasaad ng pagmamahal.1. Pagtangkilik sa produktong sariling atin.2. Patuloy na pangingibang- bansa ng ilang Pilipino upang doon magtrabaho at ibuhos ang kanilang talento kapalit ng marangyang pamumuhay.3. Pakikiisa at pakikipagtulungan sa mga programa ng pamahalaan.4. Pagpayag o pagbibigay ng pahintulot sa pagpapatayo ng mga dayuhan ng mga pribadong gusali sa ating bansa.5. Pagbibigay-respeto at paggalang tuwing inaawit ang Lupang Hinirang at binibigkas ang Panatang Makabayan. Marami-rami na rin ang iyong nasagutan. Nasiyahan ka ba o nahirapan sa mgagawain? Maaari mo nang iwasto ang iyong mga kasagutan. Kunin mo ang Susi saPagwawasto sa iyong guro.4. Palalimin mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag at piliin ang letra ng pinakaangkop na kasagutan.1. Ang pinapaksa ng dulang Kahapon, Ngayon at Bukas ay pagmamahal sa:a. sarili c. kapwab. bayan d. dayuhan2. Pilit na ginawa ni Inang Bayan ang lahat ng kanyang makakaya mahintolamang ang masamang balak ni Asalhayop. Ito’y nangangahulugan ng:a. pagsisikap c. paghihimagsikb. pagtangkilik d. pagmamalasakit 24

3. Kung ikaw ang nasa kalagayan ni Inang Bayan, ang gagawin mo sa mapaglilongtaong bayan ay:a. aawayin c. sasawayinb. kakausapin d. paliliwanagan4. Ang mga pangyayaring naganap sa akda ay maaari pa ring maulit sa kasalukuyankung ang mga mamamayan at pinuno ng bayan ay paiiralin ang:a. katamaran c. kapabayaanb. kalungkutan d. kasiphayuan5. Upang hindi na muling maagaw ang kalayaang ating tinatamasa sa kasalukuyan,dapat lamang na tayo’y maging:a. matatag c. mapagmahalb. masikap d. mapagmalasakit Kunin mong muli ang Susi sa Pagwawasto sa iyong guro. Iwasto mo ang iyong mgakasagutan. 5. Gamitin mo… Panuto: Piliin ang letra ng simbolong tumutugon sa isinasaad ng bawat pahayag. 1. Masarap mamuhay at manirahan sa isang malayang bayan. 2. Huwag iwaglit sa isipan ang kadakilaang ginawa ng ating magigiting na bayani. 3. Sikapin nating ituwid ang paniniwala ng mga mapaglilong mamamayan. 4. Bantayan at huwag hayaang maghari ang mga mapagsamantalang dayuhan. 5. Kailangang pairalin ang pagmamahalan ng bawat mamamayan sa lahat ng oras at pagkakatao.AC BD . E. 25


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook