Panahon: KasalukuyanTagpo: Apartment sa isang lungsod sa Rizal, sa isang komunidad na masasabing middle class.Maraming bagong bahay rito, nakatayo sa mga loteng nabili noong 1950 at ngayo’y nagkakahalagana ng malaki sa pamilihan ng lupa. Tahimik dito, malayo sa daanan ng pampasaherong sasakyan,mapuno at mahalamang hindi katulad ng ibang subdibisyon. Aspaltado ang malinis na kalsada atmay ilaw na mercury ang mga poste. Karaniwan nang ang naninirahan dito ay mga empleyado nggobyerno. Sa sala at sa komedor ng apartment na ari ni Mrs. Calderon mangyayari ang dula. Isasa apat na pinto, malaki-laki rin ang apartment na ito, puti ang pinta, yari sa mahuhusay namateryales, at sa unang malas pa lamang ay mahihinuha na ang inilalaan sa mga makapagbabayad ngmataas. May pinto sa may sala, kanan, kaharap ng gate, at sa kaliwa, sa may kusina. Luma na ngunitmaayos pa ang mga kasangkapan, parang inilipat mula sa isang lumang bahay. Sa sala ay may isangset ng upuan na nakatuntong sa isang alpombrang bumabagay sa pulang sahig, sa likod nito, kabinetng mga libro na kinapapatungan ng isang flower vase, isang nakakuwadrong retrato ng isangnakangiting dalaga na napaliligiran ng maliit at animo’y naglalarong mga piguring duwende at isanglampshade. Sa dingding na binarnisang plywood, nakasabit ang isang pares ng nairolyongpinturang Hapones: mga lumilipad na tagak sa ibabaw ng maiitim at payat na tangkay at mga dahonng kawayan. Sa gitna, likuran, may hagdang paakyat sa mga silid-tulugan; puti ang mga barandilyanito at sa itaas ng palapag, sa dingding, ay nakasabit ang isang pandekorasyong seramiko nakinatitikan, na mga letrang Gotiko, ng mga salitang GOD BLESS OUR HOME. Sa silid-tulugan, kaliwa, ay may isang mesang paayon ang ayos napapaligiran ng animna silyang may matataas na sandalan. May kabinet sa likod ng mesa- lalagyan ng mga plato,kubyertos, mga itinatanging kasangkapan na ang paggamit ay karaniwan nang inilalaan ng mgamaybahay sa mga espesyal na okasyon. Nandito rin ang ilang de-latang pagkain at mga bote nggamot. Nakapatong sa kabinet ang isang bentilador. Di kalayuan sa mesa, malapit sa lababo, ay mayisang repriheradora. Sa kabuuan, maayos at masinop ang apartment. May mga alas-otso na ng gabi. Bukas ang ilaw sa sala. Nakaupo si Ben sa sopa, taasang pinagsaklit na paa at tila yogang nagbabasa ng isang magasin. Nakakorto siya at iskiper na puti.Mahahaba ang kanyang biyas at sa kabataa’y may pagkabalingkinitan pa. Mahaba ang kanyangbuhok, tulad ng uso sa mga tinedyer ngayon, at may kakisigan siya. Bukas din ang daylight sa silid-tulugan. Nakaupo si Regina sa kabisera ng mesa atumiinom ng kape. Sa kabilang dulo, nagpupunas ng kutsara ang kapatid niyang si Ana. Magkahawigsila, bagama’t mas maraming salit na puting buhok si Regina. Nakaputi siyang damit-pambahay, tilaisang roba na itinatali sa harap, hanggang siko ang maluwang na manggas at hanggang sakong anglaylayan. Nakapusod siya, laylay ang ilalim ng mga mata, larawan ng isang babaing pinatigas ng mgahirap na pinagdaanan. Nakabulaklaking pambahay si Ana, may pagkamasayahin ang mukha, ngunitngayo’y tila nag-aalala. 7
Ana: ( Habang nagpupunas.) Kamusta ang hinihingi mong bakasyon Regina?Regina: (Ibig magmalaki, ngunit walang sigla.) Binigyan ako, puwede ba nila akong hindi bigyan?Ana: Dapat naman. Sa buong pagtuturo mo’y ngayon ka pa lang makapagbabakasyon, ano?Regina: Ikalawa na ito. Noong namatay ang ama nina Aida, saka ngayon. Pupuwede akong hindipumasok kahit ilang buwan pa siguro. Kahit isang taon. Maraming akong naipong bakasyon.Ana: Biro mo namang mahigit na dalawampung taon ka yatang nagtuturo, noong dalaga ka pa, hindiba? Puwede ka nang magretiro.Regina: ( Sasandal.) Sayang naman kung di ko matatapos ang aking serbisyo. Pero hindi akopapasok hanggat hindi gumagaling si Aida.Ana: Kung sabagay, kaya ko naman siyang alagaan. ( Aayusin ang salansan ng kutsara.) Ano ngapala ang sabi-sabihanan sa eskwela? Siguro’y alam nila ang nangyari.Regina: (Pauyam.) . Pero ano ba ang maaasahan mo sa mga walang prinsipyong tao?Ana: Sinabi mong tuloy rin ang demanda?Regina: (Tatayo, lalakad sa repriheradora upang kumuha ng inumin.) Oo, Bakit hindi itutuloy?Kahit ano pa nga ang kanilang sabihin. Dapat nga raw akong magdemanda, sobra raw namang talagaang ginawa kay Aida, pero…Ana: Nakapag-aral si Aida roon. Kilala siguro nila.Regina: (Habang pabalik sa kabisera, dala ang baso ng inumin.) Ang dipirensya nga lang daw,mayor itong kalaban ko. Ano sa akin kung mayor? Ngayon ba’t siya’y libre na ang kanyang anak?Wala raw mangyayari. Iba raw ang malakas, ang nasa poder. Baka raw lalo pa tayong perwisyuhin.(Iiling.) Kababata pa’y wala nang mga prinsipyo! Mga bagong tapos pa ng kolehiyo. Mabuti paiyong assistant principal namin, matapang. Ang sabi’y “Ituloy mo, Mrs. Calderon, you should reallyteach those people a lesson.”Ana: (Galit.) Ituloy mo nga, Regina, nang madala. Sobra nang talaga ang anak ng mayor na iyan!Ang kailangan talaga riyan ay bitay. (Tatayo, ililigpit sa isang lalagyan ang mga kutsara, pahablot nadadampot ng isang basahan.) Tutal, bitay rin siguro ang ibibigay sa lalaking iyan.(Tatayo si Regina, tila nag-iisip na maglalakad-lakad sa sala. Mapapansin niya si Ben na ngayo’ynakadapa at nagkukuyakoy ang paa sa hanging nagbabasa.)Regina: Napakain mo na’ng aso, Ben ?Ben: (Pagak ang boses, di iaalis ang tingin sa binabasa) Opo.Regina: (Susulyap sa itaas ng hagdan, pagkuwa’y babalik sa komedor.) Bakit ba naghahanap ngkordon si Tony, ha Ana?Ana: (Nagpupunas-punas sa may lababo.) Maikli ang kordon ng ilaw niyang inilipat sa kuwartonaming ni Aida. Nasisilaw raw si Aida sa daylight.Regina: (Mauupo , mahina.) Mahal talaga ni Tony ang kapatid, ano?Ana: Oo. Nasabi lang ni Aidang nasisilaw siya’y inilipat na niya ang kanyang study lamp.Regina: Pabibilhin ko na lang siya ng isa pa bukas. Kailangan niya iyon sa pag-aaral, Malabo angkanyang mata.Ana: Ibang-iba iyang si Tony kesa do’n sa isa. (Ngunguso sa sala.) Tingnan mo, prenteng-prentengnagbabasa. Hindi man lang tulungan iyong kapatid.Regina: Bata pa lang kasi si Ben.Ana: Spoiled. Si Tony, noong ganyang eded, kumikita na, nagtitinda na ng diyaryo.Regina: Hindi si Ben spoiled, Ana. Baka ‘ka mo si Aida. (Magbababa ng tingin na parang maliang nasabi.) 8
Ana: Kung sabagay. (Ipapatong ang kanang kamay na may hawak na basahan sa sandalan ngisang silya.) Si Tony, pati nanliligaw kay Aida, kinikilatis na mabuti. Hindi na nagbalik iyongpreskong kaklase yata ni Aida, ano? Iyong de-kotse? “Ano ba sa akin kung de-kotse siya, “ ang sabisa akin ni Tony. Sino nga ba iyon?Regina: (Parang hindi siya pinapansin.) Mababait silang lahat.Ana: Si Tony, minumutyang talaga si Aida.Regina: Mapagbigay pa ‘ka mo sa mga kapatid. Hindi na baling siya ang wala, mayroon lang siAida at Ben. Ang maipipintas mo nga lang kay Tony ay walang kibo.Ana: Sersoyo. Palaisip. Kaparehung-kapareho ng ama.Regina: May pagkaseryoso rin itong si Ben, pero hindi kamukha ng kuya niya. Si Aida – si Aidaang (parang mawawala sa sinasabi, mababasag ang boses) – pinakamasaya.Ana: (Mapapansin ang pagbabago ng mukha ni Regina, ngunit itutuloy pa rin.) Masasabi mong isipbata si Aida. Inosente. Pero maganda. Maganda. Akalain ko bang gaganda ng ganyan ang anak mo,Regina. Natatandaan mo pa, noong sumakay siya sa karosa sa lantern parade sa UP, noongnakaraang Pasko? Noong dalhin tayo ni Tony? Hindi ako makapaniwalang anak mo iyon atpamangkin ko iyon. Bakit nga’y di-jeans-jeans lang at di pony-tail-pony-tail lang dito. Ang sarap‘ka mo, namatay ang generator ng karosa! Di pinasinagan siya ng flashlight. Nakatingin kay Aidaang lahat, at siya’y ngumingiti, at nagyayabang at nang-iinggit naman ang kanyang mga kaklase. Satingin ko ba noo’y para siyang nakaangat sa karosa – (Makikitang ibig maiyak si Regina.) Sino ngaba naman ang makapag-aakalang…Regina: (tutuwid ng upo, sa dingding nakatingin.) Nangyari na iyon, Ana.Ana: (Pagkaraan ng ilang saglit, malungkot.) Disi-otso na siya.Regina: Limang taon na tayo rito. Natatandaan mo? Dito na nag-birthday si Aida nang lumipattayo.Ana: At napapanaginip ko pa noon ang kanyang debut. At naisip ko na ang gagawin kong tahi sadamit niya.Regina: (Iiling.) Ang buhay nga naman.Ana: (Nagpapahid ng matang isasauli ang basahan sa may lababo.) Mabuti pa sigurong hindi tayonakaalis sa Gagalangin, Regina. Siguro, kung hindi tayo lumipat dito…Regina: Sino ang makaaalam na dito siya magkakaganyan?Ana: Bakante ngayon ang itaas ng bahay roon.Regina: (Nagpapaliwanag.) Hindi ba dahil sa mga bata kung kaya tayo umalis sa Gagalangin?Gusto mo rin namang tayo’y umalis nang lumalaki na ang mga bata, di ba? At nang malapit pati sila’ka mo ng eskuwela. Naisip kong umutang nga tayo at ipatayo natin ang apartment na ito – unang-una’y dahil diyan, ang malayo nga sila roon. Pinaupahan na lang natin ang bahay roon. Hindi ba’tmas nagustuhan naman dito ng mga bata? Mas tahimik dito, hindi siksikan, mas…Ana: Oo nga, Regina, pero…Regina: Dahil sa pagtanda nati’y wala naman tayong makakasama-patay na rin lang ang ating mgamagulang-naisip kong maaari na tayo rito. May apat na pinto tayo rito, tamang-tama, ‘ka ko.Magkaasawa man ang mga bata, magkaanak man sila, hindi rin tayo magkakalayu-layo. Tig-iisa ‘kako sila ng pinto – isa kay Tony, isa kay Aida, isa kay Ben, isa sa ating dalawa. Hindi tayomagkakawalay-walay. Ganyan ang naisip ko noon, Ana.Ana: Aywan ko, Regina pero kung minsan nga’y naisip kong kahit yata saan tayo pumunta,sinusundan tayo ng trahedya.Regina: Hindi naman sa tayo’y sinusundan, Ana. (Kukunot ang noo.) Mabuti pang sabihin mongdahil sa mga pagkakataon, o dahil sa mga kondisyon ngayon. Ibang-iba ba talaga ngayon. Aywan korin, Ana. Aywan ko. 9
Ana: (Pagkaraan ng ilang saglit, malumanay na.) Naubos na nga pala ang gamot ni Aida, Regina,iyong tranquilizer.Regina: Magpabili tayo. Sino ba’ng ating pabibilihin? Si Tony?Ana: Pabilhin mo na’t gabi na. Malapit na sigurong mag-alas-nuwebe.Regina: Gabi na pala!Ana: Akala ko ba’y napapagod ka?Regina: (Tatawag.) Tony!Tony: (Sa itaas.) Sandali po! Ikinakabit ko lang itong daylight.Ana: (nakaupo sa kabilang dulo ng mesa, may binibilut-bilot na sinulid ng basahan ang daliri.)Ano ba ang napapansin mo kay Aida?Regina: Anong napapansin?Ana: May pagbabago ka bang nakikita? Hindi ba parang lumalala?Regina: (Bubuntung-hininga.) Ang sabi naman ng doctor ay may shock pa siya hanggang ngayon.Totoo raw nasindak si Aida.Ana: Kung sabagay, medyo nawawala na ang mga marka ng dagok sa kanyang mga pigi. Talagasigurong hindi ka makakabangon kapag dinagukan ka roon. Iyon namang sugat at galos-galosmagaling na. Ang ikinatatakot ko’y ang kanyang nerbiyos. Lalo siyang nagiging nerbiyusin yata.Lagi kaya niyang naaalaala ang nangyari sa kanya? Ganoon ba iyon? Hindi ba – may naloloka saganyan?Regina: Hindi naman siguro, Ana. Mahusay ang gamot na ibinigay sa kanya ng doctor. At ang sabisa hospital, magaling daw ang psychiatrist na tumitingin sa kanya. Talaga raw isa sa pinakamahusayrito sa Pilipinas, sabi rin ni Tony.Ana: Naaalaala ko kasi iyong kapitbahay natin sa Gagalangin. Iyon bang anak ng kapitan nadinadala sa V. Luna na ipina-e-electrictshock. Namumuti raw talaga at umiikot ang tau-tauhan ngmata. Bumubula ang bibig. Pero iba naman siguro iyon.Regina: Tiyaga, tiyaga ang kailangan natin, Ana. Kaya hahabaan ko ang aking bakasyon.Ana: (maliwa-liwanag ang mukha.) Mahusay siguro iyong likidong tranquilizer na inihahalo ko sapagkain niya. Biro mo, iyong tira niyang pagkain, sinubok kong ipakain kay Sultan noong isangaraw. Nakatulog ang pobreng aso.Regina: Iyon naman daw ang kailangan, sabi ng doctor – ang humupa ang kanyang nerbiyos.Ana: Ibinigay ni Tony kay Aida ang maliit niyang ponograpo.Regina: Sa Linggo ang punta rito uli ng doctor. Malalaman natin sa kanya kung kailangan pangipasok sa ospital si Aida o hindi. (Maaalaala.) Si Tony nga pala, iyong gamot? (Tatawag.) Tony!Di ba ibinigay ang kanyang turntable?(Mananaog si Tony, payat, di nasusuklay ang buhok, lampas sa karaniwan ang taas, habaan angmukha, nakasalamin at mukhang matanda kaysa sa tunay niyang gulang. Lumang pantalon atmaluwang ang manggas na polosert ang suot. May dalang plais at tape sa kordon.)Regina: Bumili ka ng gamot. Nasa tokador iyong pera.Tony: Opo.(Ililigpit sa may ilalim ng hagdan ang plais at pandikit, pupunta sa repriheradora at kukuha nginumin. Tiyak at tila pinag-iisipang lagi ang kanyang kilos.)Nauuhaw si Aida.Ana: (Pagkapanhik ni Tony, naghihinala.) Ilang beses ko nang napapansing lumalabas ng gabi angToning iyan. Di mo ba napapansin? 10
Regina: Hindi.Ana: Iyong lagay na iyon siguro’y palakad na.Regina : Ugali lang talaga niyan ang maglakad. Di nga ba sabi mo kanina’y palaisip?Ana: Oo nga. Pero gabing-gabi na kung umuwi kung minsan. Susi ang ginagamit.Regina : Baka naman napupunta lang sa kaklase niya riyan sa kabilang kanto?Ana: (kukumpas.) Aywan ko. Si Ben ang tanungin mo. Silang magkakuwarto. Kaya lang, nag-aalala ako. Alam mo na ngayon, baka makatuwaan iyan.(Isang sasakyan ang hihinto sa tapat ng apartment. Maririnig ang pakalapak na pagsasara ng pintonito, ang pagkahol ng aso.)Regina : (Kay Ana.) Sa atin ba iyon?(May babatinting sa pintuang bakal.)Ana: Tingnan mo nga, Benjamin.(Lalabas si Ben. Sa may gate, maririnig ang boses matandang tanong na “Nariyan ba si Mrs.Calderon?” at ang mababa at pagak na “Opo, sino po sila?” ni Ben. Nakatayo sina Regina at Anasa tabi ng mesa, nakatingin sa labas.)Ana: (Makikilala ang dumating.) Si Mayor, Regina! May kasama.Regina : (Magugulat.) Ano kaya’ng kailangan?Ana: (Kinakabahan.) Baka- aayusin ka.Ben: (Papasok.) Gusto raw kayong makausap, Inay.Ana: Bakit daw?Ben: Aywan ko po.Regina : (Pagkaraan ng pagbabantulot.) Papasukin mo.(Lalabas si Ben.)Regina: (kay Ana.) Anong ayos-ayos?(Papasok ang alkalde, maitim, katamtaman ang taas, may katabaan, hagod sa batok ang tinitina atwalang partidang buhok, may mahigit na 50 taon, nakapolosert na guhitang pula, bukas ang butonessa itaas. Kasama niyang papasok ang isang nakapolo-barong na lalaki, may kaputian, maliit,mataas ang gupit, nakasalamin, parang nakaismid, at ang mata’y nag-uusisa agad sa pinasok naapartment.)Alkalde: (Itataas ang kaliwang kamay, bahagyang yuyukod.) Good evening.Regina: Magandang gabi ho naman.Alkalde: Napasyal kami, Misis.Regina: (Bantulot na ituturo ang upuan.) Maupo kayo.Alkalde: (Bago maupo.) Misis ang kasama ko nga ho pala’y si Konsehal Collas, Atty. Collas.(Bahagyang tatango ang Konsehal. Mauupo sila. Mananatiling nakatayo si Regina. Nasa silid-kainan si Ana, nakahilig sa barandilyo ng hagdan si Ben.)Alkalde: (Nakatingin kay Ben.) Anak ho ninyo?Regina: Oho.Alkalde: (Humahangang nakatingin kay Ben.) Guwapo. At listong bata. Hindi bastanagpapapasok.(Mahihiyang pupunta si Ben sa silid-kainan at doon mauupo, kasama si Ana. Mapapansin ng Alkaldena nakatayo si Regina.) Maupo naman kayo, Misis. Kami ho naman ni Konsehal ay ngayon lamangnapadalaw rito sa inyo.Konsehal: Siyanga naman, Misis.(Mauupo si Regina.) 11
Alkalde: (Lilinga-linga.) Magandang apartment ito, a. Tingnan mo ang Japanese painting nila,Konsehal. Di ba ganyan ang nakuha mo sa Tokyo?Konsehal: Masinop ang apartment nila, Mayor.Alkalde: Ito ang sasabihin ng comadre mo na cozy. (Kay Regina.) Malaki siguro ang upa ninyo,Misis, sa apartment na ito.Regina: Sa amin ho ito, inuukupa lang namin ang unang pinto.Alkalde: (Tatawa.) Dispensa. An honest mistake. Tingnan mo nga naman, Konsehal, sa kanila palaito.Konsehal: Must have gotten a loan from the GSIS.(Mananog si Tony, magugulat pagkakita sa alkalde, pagkaraa’y parang walang nakitang tutungo sakomedor upang kunin ang sapatos, mananatili siya sa komedor. Samantalang nakatingin sina Ana atBen sa mga nag-uusap, ipapatong niya ang mga kamay sa mesa, nakakunot-noong kakatuk-katukinng daliri ang salamin niyon. Manaka-naka lamang siyang lilingon sa sala.)Alkalde: (Nakatingin kay Tony.) Anak din ninyo, Misis?Regina: Siya ho ang panganay.Alkalde: Marunong na tipo. Scholarly type, wika nga. Law siguro ang kinukuha, Misis?Regina: (Kangina pa nagtitimpi.) A.B. ho, sa UP.Alkalde: (Magugulat) UP! Taga-UP din pala Konsehal. Pareho kayo. Ako ho, Misis – bakit ho banasasabi ito’y hindi naman naitatanong? – ay sa Francisco Law College lamang gradwado.(Tatapikin sa balikat ang Konsehal.) Walang kuwentang eskuwelahan. Kung sabagay, doonnagtapos si Carlos P. Garcia, ha, Konsehal?(Magtatawanan sila.)Buweno, buweno, ang ibig kong sabihi’y isa sa mga hindi natupad na ambisyon ko iyang makapg-aral sa UP. Marurunong ang anak ni Misis Konsehal.Konsehal: Maestra kayo, Misis, a – Calderon?Regina: Oho.Alkalde: Saan naman kayo nagtuturo?Regina: Sa Torres High School, sa Maynila.Alkalde: (Magugulat.) Paano ho naman ang nangyari’t dito kayo-Regina: Narito ang aming apartment. May bahay kami sa Gagalangin pero pinaupahan naming.Grocery ang silong.Konsehal.: Mukhang familiar sa akin ang Calderon. Saan kayong probinsya, Misis?Regina: Lehitimo ho akong taga-Maynila. Ang mister ko’y taga-Nueva Ecija.Konsehal: You are now a… widow?(Tatango si Regina.)Alkalde: Buweno, kami ho’y medyo ginabi, Misis, dahil sa nanggaling pa kami sa squatters areadiyan sa may highway. (Nakatawang iiling.) Wise rin naman ang mga lider niyon, ngayon’t alam naeleksiyon sa Nobyembre ay saka nagreperesentasyon sa akin, huwag ko raw silang ipatapon. Maynakikiusap na riyan, may umiiyak na riyan, at ako naman, (kukumpas) mahabagin nga siguro ako, aywala nang nagawa. Paano ka pa makatatanggi niyon?Regina: Marami ring botante roon, Mayor.Alkalde: Ha-ha-ha! Hindi naman, Misis, hindi naman! Ang lagay, naparaan nga kami roon, kayaginabi kami sa pagsasadya sa inyo.Regina: (Titingnan siya nang tuwid.) Para ipaurong sa akin ang demanda, Mayor?Alkalde: (Magkikibit-balikat.) Para… para tayo’y magkausap. 12
Konsehal: (Magsisindi ng sigarilyo.) Ang totoo niyan, Misis, si Judge Joaquin ang nagmungkahingmagkausap kayo, na kung ako ang tatanungin, ay siyang pinakamabuti ninyong gawin. Iyan namanang sinabi ng inyong compadre, di ba, Mayor?Regina: Mahusay pala kayong magpalaman sa mga salita, Konsehal.Alkalde: (Maagap.) Misis, kami’y naparito, unang-una’y para magdiskargo. Alam kong mabigatitong aming inilalapit sa inyo, kaya naman ako’y makumbabang naparito sa inyo upang – upang wikanga’y ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak.Regina: (Susukatin siya ng tingin.) Akala ba ninyo’y makukuha sa paghingi-hingi ng tawad angginawa ng inyong anak?Alkalde: (Iiling, nakangiti.) Alam ko, alam ko, Misis.Regina: Ganoon pala’y bakit hindi natin ipaubaya sa husgado?Alkalde: Si Misis…Konsehal: (Sasang-ayon.) Kawawa rin ang iyong anak. Ang ibig kong sabihi’y …Regina: (Sa Konsehal.) Para patunayan kung siya’y ginahasa o hindi?Konsehal: (Iduduldol sa ash tray ang sigarilyo.) Para patunayan kung siya’y ginahasa o hindi?Regina: Kayo ba’y may anak na babae, Mayor?Alkalde: (Nakangiti pa rin.) Alam ko na ang itatanong ninyo. Mayroon. Tatlo. Paano kung sa isasa kanila ginawa iyon?(Nakangiting mailing ang Konsehal.)Regina: Paano kung ang pinakamamahal ninyo sa tatlong anak na iyan ay ginahasa ng aking anak?Alkalde: Natural namang maramdaman ko ang katulad ng nararamdaman ninyo ngayon, Misis.Regina: Hindi ko itinatanong kung ano ang mararamdaman ninyo.(Malakas.) Ano ang gagawin ninyo?(kukumpas sa kawalang-maisagot ang alkalde. Sa itaas, tatawag si Aida, “Inay, Inay!”Tatahimik ba kayo? Magdedemanda ba kayo? Ano ang gagawin ninyo? Kung sabagay, sino nga banaman ang matapang na mangangahas na – Mayor kayo. Pero halimbawang kayo ang nasa katayuanko?Konsehal: (Sasaluhin ang alkalde.) Sa ganitong anggulo natin tingnan, Misis, umabot na rin lang saganito. Malinaw kong nakikita ang inyong punto. Ngayo’y kauumpisa pa lamang ng kaso. Di baninyo inaalala ang inyong anak? Kung itutuloy ninyong talaga ang demanda, ang kauna-unahanggagawin para mapatunayang ginahasa siya, ay ang ipaeksamin siya. Hindi mo maiaalis sa abugadong kabila na hingin iyan, ipaeksamin siya.Alkalde: Exactly.Regina: (Tatayo.) Kung hindi kayo kumbinsidong ginahasa nga ang aking anak ay bakit naritokayo?Alkalde: Para-para huwag na ngang umabot diyan, Misis.Regina: Legalismo ninyong mga abugado!Konsehal: (Bahagyang nakatawa.) Wala tayong magagawa, Misis. Ganyan talaga.Regina: Sa tusuhan, patalinuhan, sa kasinungalingan sa pagpapabagal, sa mga teknikalidad, diyan,diyan kayo magagaling!Konsehal: Sa ilalim ng batas, walang kasalanan ang isang tao hangga’t hindi siya napapatunayangnagkasala.Regina: Magandang sangkalan ninyong mga abugado! ( Sa komedor, nagtitimping iiling-iling siTony.) 13
Konsehal: Hindi ba kayo naawa sa kanya? Hindi ba ninyo inaalala ang kanyang kinabukasan? Sakasalukuya’y hindi pa masyadong bulgar ang nangyari, pero-Regina: Mababando rin na ang anak ng mayor – ng pinuno ng bayan – ang gumahasa sa kanya atito’y matatandaan ng tao.Alkalde: Malayo pa ang eleksyon, Misis.Konsehal: Mula ngayon at sa susunod na eleksyon, makakalimot ang tao, o, kung ipagpipilitanninyong makatatanda, ano na lang ang ipina-mayor ni Mayor sa loob ng labingtatlong taon para hindimaremedyuhan iyan? Hindi kayo praktikal, Misis. Be practical.Regina: Hustisya.Konsehal: Hustisya. (Iiling) Isipin ninyo ang inyong anak, Misis.Regina: (Nagpupuyos.) Halos labingwalong taon mong pinalaki, inalagaan, kung maaari’yipakatagu-tago mo, pinakaingat-ingatan mo, at pagkatapos, pagkatapos, nag-aabang lamang ng bus napauwi galing eskuwela ay bigla na lamang aagawin ng anak ninyo, dadalhin sa motel, sasaktan doon,paglalaruan, pagpapasasaan!Alkalde: Nariyan na tayo, Misis. Naririyan na tayo.Konsehal: Let’s not be too sentimental about this, Mrs. Calderon.Regina: Isasakay sa taksi, pauuwiin, halos di makagulapay. At pagkaraan niyan, pagkaraan niyan,paparito kayo sa aki’t sasabihin ninyong ako’y maging praktikal. Makaaaalis na kayo. Hindi koiuurong ang demanda. Kung sa inyo ang sinasabi ninyong huwes, sasabihin ko sa aming abugado nahilinging malipat sa iba, may kinikilingan din lang itong si Judge Joaquin.Konsehal: (Bahagyang nakatawa) Grabeng akusasyon iyan, Misis. Paano ninyo mapapatunayan?Halimbawa nang totoo, saan at kanino ililipat? Dito rin. Ngayon, sino sa mga huwes dito ang hindikaalyado ni Mayor?Regina: (Napapaiyak) Kayo nga ang hari dito.Konsehal: Hindi siya gaanong napakahina para hindi maalis ang sinumang kakontra niyang huwes.Ayaw ko sanang sabihin ito pero alam naman ninyong pulitiko rin ang nakapaglalalgay sa mgahuwes. Sino ngayon ang nakapaghuhuwes nang hindi nagsisipsip sa pulitiko, sabihin nga ninyo?Ngayon, nasaan naman ang mga naging huwes dito na kumontra kay Mayor? Iyong isa, nasaPalawan, iyong isa, nasa Mindoro. Dudulog ‘ka n’yo kayo sa itaas? Sino ang nakaupo sa itaas? Anghari ng mga pulitiko – na kaya naging hari ay dahil lamang sa mga pulitikong katulad ni Mayor?Bigayan lang ang larong iyan, Misis.Regina: Kayong masasamang pulitiko!Konsehal: Masasamang pulitiko! Pero ganyan ang buhay ngayon, Misis. May nakita na ba kayonganak ng kongresista na kanilang nagalaw? Anak ng senador? Anak ng gobernador? Anak ngmayor?Regina: Pumatay man kayo’y talagang hindi kayo nagagalaw?Konsehal: Ay, Misis. Be practical.Alkalde: Alam kong malaking perhuwisyo ang nagawa ng aking anak sa inyo kaya- ibig kong(dudukot sa bulsa ng polosert at may ilalabas na katuping sobre) – tanggapin ninyo, sana ang kahitkaunting tulong na ito –Konsehal: That check is for ten thousand. Pay to cash. Huwag kayong maging sentimental. Bepractical.Regina: (Sasampalin ang Alkalde) Akala ba ninyo’y mabibili ninyo ako? Layas! Layas!(Nababaghang tatayo ang Alkalde at Konsehal. Dadamputin ng Konsehal ang sobre. Lalapit sinaTony.) 14
Alkalde: (Hindi makapaniwala ngunit ngani-nganing sampalin si Regina) Misis, dinadaan ko kayosa pakiusapan pero gusto ninyong magkademonyuhan. Pasensiyahan tayo. Ituloy ninyo!Regina: Itutuloy ko!(Lalabas ang dalawa, ang Alkalde’y nagmumura. Sa labas, maririnig ang pagsibad ng kanilangsasakyan. Mapapaupo si Regina. Nakatayo sa harap niya si Tony, nakaupo at nakamasid kay Ben.)Regina: Akala ng mga taong iya’y sila ang batas.Tony: (Galit ngunit matimpi) Sa kasalukuya’y sila nga, Inay.Regina: (Nanginginig) Lalabas din ang katotohanan at mananaig ang katarungan!Tony: Katarungan! Kay gandang sabihin! Hustisya o hustisya poetika? Hustisyang talaga ohustisyang Diyos-ko-bahala-Ka-na?Regina: Kailangang maputol ang ganito?Tony: Paano?Regina: (Parang giniginaw) Nanginginig ako. Nanginginig ako.( Sa itaas, maririnig ang mga pagtawag ni Aida at mga pang-aalo ni Ana. Papanhik si Ben.)Regina: Hindi ako titigil hangga’t hindi siya nabibilanggo!Tony: (Kinukuyom ang palad) Tatlo lamang ngayon ang nagkakaroon ng hustisya dito sa atin.Iyong malalakas, iyong makapangyarihan, iyong mayayaman. Kung simple kang tao, mahina ka.Kung wala kang lakas, lolokohin ka, tatakutin ka pa. Kung mahirap ka, pasensiya ka, magtiis ka.Kadalasan, nagkakasama-sama pa iyan- lakas, kapangyarihan, yaman.Regina: (Tutop ang mukha) Walang kwenta sa akin magkaubos-ubos man ang ating kabuhayan!Tony: Sasayangin ninyo ang minana ninyo’t pinagkahirap-hirapang ipundar. Sa paningin ng atingbatas, hindi magkakapantay ang lahat! Ang demanda ninyo, sapagkat ang idenedemanda ninyo’ymalakas, mananatiling demanda lamang.Regina: (Parang biglang nakaisip ng paraan) Susulat ako sa mga magasin – susulat ako sa lahat ngperyodiko – isusulat ko ang lahat, natitiyak kong tutulungan nila ako, pakikinggan nila ako!Tony: Ang demanda ninyo’y kamukha lamang ng kung kayo’y nasusukol sa bingit ng bangin atmalaki pa ang agwat ng kabilang pampang na kailangan ninyong talunin. Alam ninyong sa pagtalonay hindi ninyo maaabot ang kabilang pampang pero pipiliti’t pipilitin din ninyong tumalon. Tatalonkayo kahit alam na alam ninyong kayo’y mahuhulog. Bakit pa kayo magdedemanda?Regina: Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako, Tony. Kapag nalaman nila anglahat – Tony, ito na ang pagkakataon natin sa hustisya!Tony: Hustisya!Regina: (Nabubuhayan ng loob) Tingnan mo, Tony, palagay ko – palagay ko nga’y ako at si Aidaang sadyang pinili ng Diyos para dito. Makinig ka: kung sa anak ng mahirap niya ginawa iyon –kung sa anak ng iskwater lamang niya ginawa iyon – marahil, tatahimik lamang sila – hindi nilaiibiging masira ang kanilang reputasyon. Nagkamali sila, Tony, nagkamali sila. Lalaban ako,Lalaban ako!Tony: Ang ipanlalaban ninyo sa napakalaking bato’y ang inyong mga kuko!Regina: (Nakamaang sa anak) Kay laki na ng ipinagbago mo, Tony. Paano ang ibig mongmangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda? 15
Tony: Mula nang patayin si Itay- sinasabi nating nabaril, para siguro mabawas-bawasan ang lagim,pero ang totoo’y pinatay siya – sinimulan ko ngang isipin kung ano ang batas na nararapat anghakbang na nararapat nating gawin. At sa lahat ng libro’y sa Bibliya ko pa nakita ang sagot.Naglalakad ako, minsan – pagkaraan ng nangyari kay Aida – nang maalaala ko ang sinabi ng ama niItay, noong araw na iyon ng libing, “Kapag buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran,”na para bang may singil para sa kanya – o para sa atin – ng inutang na buhay ni Itay. Naisip ko, ito’yisang pamahiin o isang kasabihan lamang: ito’y isang simpleng batas, isang kautusan o kahatulanginihabilin ng Diyos kay Moses, doon sa itaas ng bundok, sa gitna ng kulog, ng kidlat, ng usok at ngingay ng pakakak, sapagkat hindi ba sinabi sa Exodus na “buhay sa buhay?” Ito bang nangyari kayAida, kulang pa sa pagkamatay? Ngayon, ito, ito ang sa palagay ko’y mga kahatulang nararapatsundin ngayon: “Mata sa mata, ngipin sa ngipin… apoy sa apoy, sugat sa sugat, latay sa latay!” Itoang aking gagawin: gaganti ako! Ako ang gaganti sa kanya!Regina: Gaganting paano?Tony: Papatayin ko siya.Regina: (Manghihilakbot) Tony!Tony: May isa pa kayong hindi nalalaman, Inay. Diyan sa abangan ng sasakyan, minsan nang ako’ypapuntang eskuwela, isinakay ako sa jeep ng dalawang bataan ni Mayor. Jeep iyon ng pulis, at alamkong ang nakasibilyang nagsakay sa akin ay parehong pulis. Inikot-ikot nila ako, nasa gitna nila ako.Sabi nila’y itigil daw ninyo ang kaso, o –Regina: Mga banta! At ikaw ba nama’y natatakot sa banta!Tony: Isa iyan sa pinakakaraniwan nilang ginagawa – sapagkat hindi lamang sila ang gumagawaniyan. Ang kinatatakutan ko’y ang kalalabasan ng inyong demanda – ng inyong paniniwala sahustisya.Regina: Kung hindi maniniwala’y ano pa ang aking mahihintay?Tony: May kwento kay San Agustin tungkol sa paniniwala. Ito nama’y kwento lamang na nanarinig kong isinermon ng isang Heswita noong minsang mapapasok ako sa chapel. Naglalakad dawsi San Agustin sa tabing-dagat at tinutuklas ang misteryo ng Divino Trinidad na nagbibigay sa kanyang malaking alinlangan. Habang nag-iisip at naglalakad, mayroon daw narinig si San Agustin naparang hanging nagbulong sa kanya: “Agustin, Agustin, ang ginagawa mong pagtuklas samisteryong iyan ay kasinghirap ng pagsalok mo ng tubig sa buong dagat sa pinagsalikop mong palad.Paniniwala, pananalig, iyan ang kailangan mo.” Ang hustisya ba rito sa ati’y isang misteryo? Alamnating lahat na ito’y hindi hustisya, at alam natin kung bakit ito’y hindi ganito. Wala naman tayongmisteryong dapat tuklasi’y kung bakit naniniwala at nananalig pa tayo!Regina: (Mahinay) Lawakan mo ang iyong pagtingin, Tony. Ang ikinagagalit mo’y dahil sapersonal na karaingan lamang.Tony: Lawakan! Ang nangyari kay Itay ay isa lamang sa matagal at laganap nang kawalang-katarungan!Regina: Darating din ang hustisya, Tony,Tony: Kailan? Paano? Gaano pa katagal? Ang paghihintay nati’y makakatulad lamang ng ginawanating paghihintay sa kaso ni Itay. Ano ang nangyari sa kanya?(Mapapayuko si Regina)Disisais anyos ako, third year high school, nasa Gagalangin pa tayo nang patayin – o ipapatay – siItay sa harap mismo ng ating bahay. Sa limang daang pisong inilalagay sa bawat isa sa dalawampungtrak ng tabako, mayroon sana tayong diyes mil isang araw – sobra-sobra para ikayaman natin – peroano ang kanyang pinili? Hindi makalalabas ng planta ang mga trak – at nang gabi ngang iyon,naghahapunan tayo, tatlong naka-jeep na lalaki tumapat sa atin at tinawag siya. Ano ang kanyangnapala sa kanyang katapatan? Ang patayin – nang nakikita ng kanyang asawa’t mga anak? 16
Regina: Nakaraan na iyan, Tony.Tony: Nasaan ang nagsipatay sa kanya? Malaya, hawak ng malalakas!Regina: Nakaraan na iyan.Tony: Hindi pa kayo nadadala? Hanggang ngayon ba’y naniniwala pa kayo?Regina: Ano ang silbi ng aking itinuturo kung di ako naniniwala? Kaya kong magretiro anumangaraw ngayon pero nagtuturo pa rin ako – siguro’y sa nais kong makatulong sa paglikha ngmabubuting mamamayan. Ituturo mo sa kanila ang katarungan ngunit ikaw na mismo ay hindinaniniwala rito. Bubuo ka ng mahuhusay na mamamayan ngunit ikaw mismo ay hindi modelongmamamayan.Tony: Ang katarungan ninyong itinuturo’y malayo sa katotohanan, mayroon ang wala at di wala anginaakalang mayroon. Paglabas ng inyong tinuturuan, umuulan pala, hindi umaaraw.Regina: Maghihintay ako, Tony.Tony: Habang wala nga’y umaasa kayong magkakaroon.(Mula sa itaas, bababa si Ana. Nasa mukha niya ang kawalang-malamang gawin.)Ana: (Sa hagdan pa lamang) Ninerbiyos si Aida, Regina.Nanlalamig mula pa kanina. Parang takot na takot. Nakabili na ba ng gamot?Regina: (Maalala) Ang gamot pala! Sino ang bibili?Ana: Akala ko ba’y si Tony? (Papanhik si Tony.)Regina: Gabi na. Hindi ba pwedeng ipagpabukas na ang pagbili?Ana: Kailangan ni Aida, Regina. Mayroon namang botika riyanghindi nagsasara. Hindi siya mapapahinga kapag hindi nabigyan niyon. Maaaring makasama pa sakanya. Sa Linggo ‘ka mo’y pupunta rito ang doctor.Regina: (Nagbabantulot) Pero gabi na, Ana.Ana: (Nagpaubaya) Nasa iyo yan, Regina. Pero si Aida –(Mananaog si Tony.)Tony: (Patungo sa pinto) Lalakad na ako.Ana: Alam mo na ba ang pupuntahan mong botika?Regina: Magtaksi ka na.Ana: Umuwi ka agad. Kailangan iyan ni Aida.(Lalabas si Tony.)Regina: (Parang gaping-gapi) Kinakabahan ako, Ana.Ana: Sa pagkakapunta rito ni Mayor? Iintindihin mo iyon. Mabuti ngang sinampal mo.Regina: Kay Tony ako nag-aalala, Ana. Ibang-iba na siya ngayon. Ang pinagsasabi niya!(Mapapakumpas lamang si Ana. Mananaog si Ben.)Ben: Umalis na’ng Kuya?Regina: Bakit?Ben: (Parang takot) May dala siyang – baril.Regina: Baril?Ben: Huwag ko raw sasabihin sa inyo. Sa lumang kahon sa ilalim ng kama niya kinuha.Regina: (Hindi makapaniwala.) Saan kukuha ng baril iyon?Ben: Ang – ang kay Itay.Regina: Ano?Ben: Akala ninyo’y nawala ito pero tinago ni Kuya – mula nang mabaril si Itay. Lagi niyangdinadala-dala noon, huwag ko raw sasabihin sa inyo. 17
Regina: (Sasapuhin ang mukha) Diyos ko, ano kaya ang kanyang gagawin? (Tatayo ngunit tutopang ulong mapapaupo.) Sundan mo kaya, Ben. Sundan mo kaya, Ana!(Lalabas si Ben.)Ana: Kaya siguro naglalabas ng gabi iyan.Regina: Anong ginagawa?(Papasok si Ben.)Ben: Nakaalis na.Ana: Bakit naglalabas ng gabi ang kuya mo, Benjamin?Ben: Hinahanap ang anak ng Mayor.Regina: Ang aking anak! Ang aking anak!Ben: Kung isasama nga niya ako’y sasama ako.Regina: Ben!(Sandaling mananatili si Ben sa harap ng umiiyak na ina, naaawang nakatingin dito, tila nagsisisi samga sinabi. Pagkaraa’y malungkot siyang papanhik. Lalabas naman si Ana sa komedor upangpatayin ang ilaw.)Ana: (papalapit kay Regina) Hindi mo rin sila masisisi, Regina lalo pa nga’t pagkaraang marinignila ang pinagsasabi ng alkalde at ng konsehal. Ang hustisya’y hustisya lamang kung madali itongnaibibigay, at naibibigay nang pantay-pantay. Papanhik na ako.(Sa hagdan) Pumanhik ka na rin. Iwan mo na lang bukas iyang ilaw. (Aakyat ng ilang baytang)Halina, Regina. Matulog ka na. Ikaw nga ang pagod.(Tutuloy nang umakyat si Ana. Maiiwang nakaupo sa sala si Regina, nababaghan, hindimakapaniwala. Pagkuwa’y kikilos siya, tatayo, ilang sandaling maglalakad-lakad, nakayuko atmagkadaop ang palad. Mauupo siyang muli, tututupin ang noo.)Regina: Tony, Tony. TABING(Sa muling pagbubukas ng tabing, makikitang nakaupo si Regina, nakapikit, naiidlip, ang isangkamay ay nasa katangan ng upuan at nakasapo sa noo, ang isa’y nasa kanyang kandungan. Sa labas,maririnig ang manaka-nakang pagdaraan ng taksi; makikitang ang ilaw ng mga ito ay tumatama sabintanang salamin, tumatagos, at pakalat na sumasabay sa dingding. Maririnig sa labas ang pahagokna ingay ng trak ng basura at ang pagkalakalantog ng mga inihagis na lalagyan ng sukal.)(Mula sa itaas, bababa si Aida, nakaputing damit-pantulog, nakalugay ang buhok at nakatapak. Saglitsiyang matitigil pagkakita sa naiiidlip na ina, ngunit hindi ito gigisingin. Tutuloy siya sa komedor,tila nangangapang aapuhin ang “switch” at bubuksan ang ilaw. Tutungo siya sa cabinet at mayhahanapin. Matatabig niya ang isang bote ng gamot at ito’y mababasag. Magigising si Regina.)Regina: (Parang naaalimpungatan) Sino iyan?Aida: Ang gamot ko, Inay?Regina: Si Tony? Wala pa?Aida: Bakit po?Regina: Bumili ng gamot. Anong oras na ba? (Makikita ang oras sa wall clock, kakabahan) Umagana. Saan kaya nagsuot ang Antoniong iyon? (Mauupo) Sinabi naming dalian at kailangan –Aida: Nakabasag ako, Inay. 18
(Makikita ni Regina ang nabasag na bote. Walang kibong kukunin ang walis na tambo at dustpan atdadakutin ang bubog.)Aida: Hindi ako makatulog, Inay.Regina: Gusto mo ba ng gatas?Aida: (Tatango, nanlalambot na nakatingin sa lumapit na ina) May dugo kayo, Inay.Regina: (Magugulat) Dugo?Aida: Hayan.Regina: (Titingnan ang damit, ang mga kamay) Saan?Aida: (Nakaturo) O, hayan.Regina: Ikakaskas ang kanang palad sa damit) Wala.Aida: Parang nakita kong mayroon.Regina: Wala.Aida: Parang nakita ko.Regina: (Naguguluhan) Wala. Ano ba iyong gagawin ko? A, gatas, gatas nga pala.(Papunta sa may cabinet, kukuha ng termos, sa refrigerator, kukuha ng gatas.)Aida: (Nakadukdok pa rin sa mesa) Lagi kong naiisip ang luma nating bahay.Regina: (Dala ang gatas) Ano ‘ka mo?Aida: Ang ating lumang bahay, lagi kong naiisip, Inay.Regina: Bakit?Aida: (Nakasandal ngayon) Aywan. Basta – lagi ko lang naiisip. Parang – natatakot ako dito.Regina: (Nakatingin sa palad) Bakit ka naman matatakot dito?Aida: Sabi niya’y huwag raw tayong magsusumbong. Huwag raw kayong nagsusumbong. Ako,hindi ako natatakot kung ako. Pero baka – kayo – o si Ben – o si Kuya – kayo. Buti pa ako. Kunganu-ano ang naiisip ko Inay! At kasasama ng aking mga napapanaginip! Naparito raw siya – at – at– ang kanyang mga kasama. Marami silang dalang baril. Nasa eskuwela kayo – may pinuntahan siTiya Ana – at pumasok si Ben. Kami lang dalawa ni Kuya ang naiwan. Pumasok sila. Pinaupo nilasa isang silya si Kuya - nakapaligid sila at siya, siya – siya’y may inaabot na bote ng lason kay Kuya.Inumin mo! Sabi niya kay Kuya. Inumin mo! Inumin mo! Itinutok niya ang baril sa – sa – ulo niKuya. Sinabi ko na sa inyong huwag kayong magsusumbong, nagsumbong pa rin kayo. Kayainumin mo ito – inumin mo! Ayaw inumin ni Kuya. Nagmakaawa ako sa kanya. Pasensiya –pasensiya na kayo. Pasensiya na kayo. Anong pase-pasensiya? Nagsumbong kayo. Inumin mo!Pasensiya na kayo, pasensiya na kayo! Sabi ko.Regina: (Aalihin ang anak) Iyang gatas mo, Aida. Huwag mong isipin iyan.Aida: (Hahawakan ang baso nguni’t ibababa rin iyon.) Inay, ininom ni Kuya ang lason!Regina: Hindi nila aanuhin ang kuya mo.Aida: Huwag naman sana nilang sasaktan, Inay!Regina: Oo, hindi nila sasaktan.Aida: (Nagpapahid ng labi) Ang bait-bait pa naman ng Kuya.Regina: Mahal na mahal ka nga niya.Aida: Mahal ninyo siya?Regina: Oo, mahal ko siya.Aida: (Maluma-lumanay na) Noon, noon, naiisip ko, kung – kung pipili ako ng mapapangasawa –lahat ay nag-aasawa, naiisip ko, Inay – kung pipili ako ng mapapangasawa, ang pipiliin ko’ykamukha niya. Mabait siya – at mapag-alala. Aywan ko, pagkamatay ni Itay, siya na ang para kongnaging ama. Hindi ba’t parang siya namang talaga, ha, Inay?Regina: (Balisa) Oo, (Mapapatingin sa may pinto) Saan kaya nagsuot ang Toniong ito?Aida: Ano’ng sinasabi ni Kuya tungkol sa nangyari? 19
Regina: (Parang mabibigla) Wala, wala namang sinasabi.Aida: (Mangingiti) Kung pumapasok siya sa kuwarto at kinakausap ako, nahuhuli kong tinitingnanniya akong mabuti, nahuhuli ko. Nahuhulog pa ang salamin sa kanyang ilong. Ang lalim niyangtumingin! Sabi lang ni Tiya Ana’y pangit ang nakakunot ang noo, pero tingin ko, bagay na bagay panga kay Kuya.(Uubusin ang laman ng baso)Regina: Siya, siya panhik ka na.Aida: (Kikilos) Kayo?Regina: Hihintayin ko siya. Ano na kayang oras? (Titingin sa wall clock.)Aida: Umaga na!(Papanhik si Aida. Maiiwan sa komedor si Regina, may nakalaylay ngayong mga hibla ng buhok sanoo. Nakatayo siya, wala na ang antok, parang namamalikmatang nakatingin sa pinto. Isang taksiang pasagadsad na hihinto sa kanilang tapat. Mapapasugod si Regina sa pinto. Kakalampag angpinto ng taksi. Iingit ang pintong bakal. Lalabas si Regina.)Regina: (Sa labas) Tony! Ano’ng nangyari sa iyo? Tony!(Papasok sila, halos yakap ni Regina si Tony na sapo ang duguang tagiliran. Mapapaupo si Tony sasala, hawak ni Regina.)Aida: (Makararamdam sa itaas) Kuya!Regina: Napa’no ka?(Sesenyasan siya ni Tony na huwag mag-ingay.)Tony: Aalis tayo rito, Inay. Dali! Gisingin ninyo sina Ben.Aida: (Sa itaas pakalbog na manggigising) Tiya Ana! Tiya Ana!Ben: Ben!Regina: Ano’ng nangyari, Tony?Tony: Binaril ko siya.Regina; Tony!(Magsisibaba ang mga nasa itaas na pawing manghihilakbot pagkakita kay Tony.)Regina: Bakit mo ginawa iyon?Tony: Inisa-isa ko ang kanyang pinupuntahan. Nakita ko silang nag-iinuman. May mga kasamasiya.Regina: (Walang malamang gawin) Doktor, tumawag ka ng doktor, Ben!Tony: Taksi ang tawagin mo Ben. Aalis tayo, Inay. Aalis tayo. Dali, Ben! Darating sila!(Hindi malaman ni Ben ang gagawin, akmang tutungo sa pinto nguni’t mamapatda sa kinatatayuan.Hawak-hawak ni Ana ang nanginginig at nininerbiyos na si Aida.)Regina; (Umiiyak) Tony, Tony, bakit mo ginawa iyon?Tony: Iyon lamang ang paraan, Inay. Ano ka Ben? Tiya Ana! Kilos na!Ana: Saan tayo puputa?Tony: Sa Gagalangin – tayo na, tayo na!Ana: At akala mo ba’y hindi tayo masusundan doon?Tony: Masusundan. Pero naroon na kayo’t ako nama’y makaaalis na!Aida: Tayo na! Tayo na sa Gagalangin!Ana: At saan ka pupunta?Tony: Sa Nueva Ecija, sa mga kamag-anak na magsasaka ni Itay. Sa Tarlac, sa Pampanga, sabundok! Sa bundok! Ako’y mamumundok!Regina: (Matatag) Hindi, Tony. Hindi tayo aalis. Susuko ka.Tony: Inay!Aida: Tayo na! 20
Regina: (Kakapkapin kay Tony ang baril) Ibigay mo sa akin ang baril.Tony: (Pipigilin ang kamay ng ina) Kailangan ko ito, Inay. Tiyak, tiyak nila akong papatayin.Madali silang makagagawa ng dahilan.Regina: (Aagawin ang baril at ipapaloob sa damit-pambahay)Susuko ka, Tony!Tony: Inay, Inay –Regina: Ibang krimen ito kaysa nangyari kay Aida.Tony: At ako’y kriminal?Regina: Pinatay mo siya.Tony: “Huwag ninyong sasaktan ang sinumang balo o ulila ng mga bata,” habilin ng Diyos kayMoses. “Kapag sila’y inyong sinaktan sa anumang paraan at silang lahat ay tumawag sa akin, angpanawagan nila’y tiyak kong diringgin. At ang poot ko’y maglalatang, at kayo’y papatayin ko satabak.” Naglalatang ang poot ng Diyos sa masasamang kamay na umagaw at humahamak ngayon ngkanyang tabak! Sasabihin ninyong ako’y kriminal? Saan, paano, kanino ako hihingi, hahanap atmakapagtatamo ng katarungan? Inay, ang kidlat ng Diyos ay ihahagis ng kamay ng nagapi at angtabak ng hustisya ay itataga sa lipunan ng mga pinagkakaitan ng katarungan!(Maliban sa panginginig at abut-abot na paghingal ni Aida ay matatahimik silang lahat. Sa labas,maririnig na ang mga sirena.)Tony: Nariyan na sila!Regina: (Nakasunod sa anak.) Susuko ka, Tony!(May sisigaw sa labas na “Calderon, napapaligiran ka namin. Sumuko ka!”)Aida: Tayo na! Tayo na sa Gagalangin!Regina: (Kay Ben) Buksan mo ang pinto.(Bubuksan ni Ben ang pinto.)Maayos siyang susuko. Halikayo, narito siya.)(Bunot ang mga baril, papasok ang mga pulis, karamiha’y nakauniporme, ang ila’y nakasibilyan atmay taling panyo sa ulo.)Hayan siya. (Ituturo si Tony na nakatayo sa may komedor.) Maayos siyang susuko.(Papasok ang alkalde, bunot ang baril at nakatutok kay Tony.)Aida: Kuya!Ana: Diyos ko!Regina: (Nasa pagitan ng alkalde at ni Tony) Maayos siyang susuko, Mayor. Hayan nariyan angaking anak, arestuhin ninyo. Maayos siyang susuko.(Pagtutulung-tulungan ng mga pulis si Tony. May babaliti rito, may sisipa, may kakadyot.)Aida: Kuya!Regina: Maayos siyang susuko!Alkalde: Ilabas, ilabas iyan!Regina: Diyos ko, ano’ng gagawin ninyo?(Dalawang pulis ang magtatayo sa nagpupumiglas na si Tony. Pakaladkad itong hihilahinpatungong pinto.)Tony: Inay!Pulis I: Labas! Labas! (Tutuhurin si Tony.)Pulis II: Takbo na!Pulis III: Takbo, takbo na!Tony: (Nakapaluhod) Inay!Pulis I: Takbo na!Pulis II at III: Takbo, Takbo! (Pawawalan si Tony) 21
(Makalawang nakapagpapaputok si Regina bago maagaw ng isang pulis ang kanyang baril.Babagsak si Tony.)Alkalde: Bakit mo binaril?Regina: Papatayin ninyo siya!Alkalde: Anong papatayin?Pulis I: Inaaresto naming siya!Pulis II: Dadalhin namin siya sa presinto!Regina: Makalabas na makalabas lamang ay papatayin na ninyo!Pulis III: Kalokohan!Regina: Ganyan ba, ganyan ba ang inyong katarungan?Pulis I: Paano’y nanlalaban!Regina: Nanlalaban? Anong nanlalaban?Pulis II: Resisting arrest!Pulis III: Nagtatangkang tumakas!Regina: Nagtatangkang tumakas! O?Alkalde: Pinatay niya ang aking anak!Regina: Kayo ang batas kapag inyong anak!Pulis I: Dadalhin naming siya sa husgado!Regina: Husgado! Anong Husgado?Pulis III: Sa hustisya! Doon naming siya dadalhin!Regina: Hustisya! Hustisya! Alam ba ninyo ang kahulugan ng hustisya?(Babaling sa Alkalde) Kayo, Mayor, alam ba ninyo ang kahulugan niyan?(Ubus-lakas siyang sasampalin ng Alkalde at siya’y babagsak. Mapapayakap sa kanya si Ben.)Ben: Putang-ina ninyong lahat! Putang-ina ninyong lahat!Pulis I: (Kay Ben) Tigil! Tigil!Alkalde: Posasan ang babaing iyan!Pulis II: Posasan!Pulis III: Masyadong makatwiran!Regina: (Umiling nakatingala sa Alkalde) Hindi ninyo nalalaman. Malakas kayo, kayong lahat,lahat kayo! Hindi ninyo nalalaman ang kahulugan niyan!Pulis I: Pinatay mo ang sarili mong anak!Pulis II: Parricide!Alkalde: Pananagutan mo ito.Pulis III: (Hihiklatin si Regina kay Ben) Halika, halika, sa presinto!Pulis II: Doon ka makipagdebate!Alkalde: Dalhin ninyo!Regina: (Napoposasang ilalabas) O, dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado,kahit saan! Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. (Palakas) Pinatay ko ang aking anak.Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak. Pinatay ko ang aking anak! Pinatay ko angaking anak!(Lalabas sila. Maiiwan sina Ana, Ben, at Aida. Kapwa nakatingin sa bukas na pinto sina Ben at Ana,sinusundan ng tingin ang mga nagsilabas. Nakalupasay sa isang tabi si Aida at umiiyak. Nasakanyang kinabagsakan si Tony. Sa labas, maririnig ang sirena. Ang mapula at paikut-ikot na ilaw ngsasakyan ng mga pulis ay tumatama at parang nagkukulapol ng dugo sa bintanang salamin. Naunawaan mo ba ang iyong binasa? Nakilala mo ba ang mga tauhan? Nasiyahan ka ba sanaging wakas? 22
3. Linangin Mo… a. Pagsusuring PanglinggwistikaSa ibaba, may mga nakatalang matatalinghagang pahayag mula sa akda. Lagyan mo ito ng (star) kung tama ang kahulugang ibinigay batay sa pagkakagamit sa akda at (tatsulok) kung mali ang kahulugan. Pahayag Kahulugan Simboloa. Umiwas siya sa nag-uusi- Iniwasan niya ang nang-uusig na mga mata. sang mga mata ng anak. Naglaho na ang markab. Unti-unti nang nawawala ng hirap at kaapihang Sinapit niya. Ang mga marka ng dagok Nasa Diyos ang sa kanyang pigi. Kaparusahang laan sac. Alisin ang paghihiganti sa nagkasala. iyong isipan, ang ginawa Niya ay nasa kanya ng Wala siyang timbangan. kinatatakutan sa ginawad. \"Dalhin ninyo ako kahit Niyang pagpatay sa saan. Pananagutan ko ang anak. pagkamatay ng aking anak. Sasabihin ko sa lahat na Hindi niya pinaniwalaan ako ang pumatay sa sarili dahil alam niyang kong anak!\" wala namange. Sasabihin ninyong ako'y katarungang makakamit kriminal! Saan? Paano? kahit makipaglaban. Kanino ako hihingi, haharap at makapagtatamo ng katarungan? Sino ang magbibigay? 23
• Matapos mong mabigyang kahulugan ang mga matatalinghagang salita, mahalagang masurimo ang mahahalagang pangyayari sa dula mula sa tagpuan patungo sa banghay. Gamitin mo angtsart sa ibaba o ang “Story Grammar”. Mapapadali nito ang iyong gawain dahil may balangkaskang susundin. Basahin mong mabuti ang mga tanong sa bawat bahagi bago mo ito masimulan.Kayang-kaya mo ito! b. Pagsusuring Pangnilalaman T A G Tauhan P U Pinangyarihan A N Panahon Panimulang Pangyayari (Anong pangyayari ang nagpasimula ng aksyon?) REAKSYON B (Ano ang naging reaksyon / ginawa ng tauhan batay sa nangyari? A SULIRANIN ( Ano ang naging suliranin / layunin ng tauhan? N Pagtatangka (Anong hakbang / mga hakbang ang ginawa ng tauhan upang G malutas ang suliranin?) BUNGA H ( Ano ang kinalabasan ng ginawang aksyon ng tauhan? A Damdamin Y ( Ano ang naging damdamin ng tauhan sa kinalabasan ng ginawa niyang aksyon? ) RESOLUSYON ( Paano nagwakas ang kuwento? ) Naibigan mo ba ang iyong ginawang pagsusuri sa nilalaman ng dula? Ngayon naman, pipiliinmo ang mga pahiwatig sa pahayag at bibigyan mo ito ng kahulugan. 24
Alam mo ba na ang pahiwatig ay mga ideya o anumang ibig ipabatid sa kapwa ngunit hindi sinasabinang tuwiran o walang tiyak o maliwanag na pahayag? Ngayong batid mo na kung ano ang pahiwatig , isagawa mo ang sumusunod na gawain saibaba. Isulat mo ang T kung tama ang kahulugan ng sumusunod na mga pahiwatigat M kung sa tingin mo ay mali. Mga Pahayag Kahulugan 1. Ang kidlat ng Diyos ay ihahagis ng Ang paghihiganti ay nasa kamay ng Diyos. kamay ng nagapi at ang kamay ng Walang kalaban-laban hustisya ay itataga sa lipunan ng mgaApi 2. Ang ipanlalaban ninyo sanapakalaking bato’y ang inyong mga kuko.3. “Akala ba ninyo’y mabibili May matatag na paninindigan sa ninyo ako? Layas! Layas! ipinaglalaban.4. Alam ninyong sa pagtalon ay hindi Uubusin ang lakas sa pakikipaglaban. ninyo maaabot ang kabilang pampang Pero pipilitin ninyo5. “Alisin ang paghihiganti sa Nasa Diyos ang paghihiganti dahil iyong isipan, ang ginawa Panginoon ng katarungan ang Diyos niya sa iyo ay nasa kanya ng timbangan.Naging madali ba sa iyo ang pagpapakahulugan sa mga pahiwatig? Hindi ka ba nadala ng iyongemosyon? Ang sumusunod na gawain ay lalong makapagbibigay sa iyo ng kasiyahan. 25
c. Pagsusuring Pampanitikan Basahin at pag-aralan mo ang nasa loob ng kahon bago mo isagawa ang gawain sa bahaging ito. Makatutulong ito nang malaki sa iyong pang-unawa ukol sa iba’t ibang kumbensyon ng dula. Alam mo ba kung ano ang dula? Ang dula ay akdang tuluyan na naglalahad ng isang kuwento ng dalawa o mahigit pang tao at ito’y itinatanghal sa mga dulaan o tanghalan. Isa sa mga uri ng dula ay trahedya. Ito ay may nakalulunos o malungkot ang wakas. Ikinapapalooban ito ng mga mahihigpit na tunggalian. Ang mga tauhan ay pawang mapupusok at may maaapoy na damdamin na maaaring magtapos sa kamatayan o kalungkutan ng pangunahing tauhan. Sa pagpapahalaga naman sa isang dula bilang isang akda, mahalagang mapagtuunan mo ng pansin ang paraang ginagamit ng manunulat sa pagpapahayag o paglalahad sa pagbubuo ng mga dayalog. Ang manunulat ng dula ay gumagamit ng iba’t ibang paraan tulad ng soliloquy, aside at monolog. Kumbensyon ang tawag natin sa mga ito. Ngayon mo lang ba narinig ang mga katawagang ito? Alam mo mayroon tayong iba’t ibang kumbensyon. Ang kumbensyon soliloquy ay paraan ng paglalahad o pagpapahayag ng dayalog na kung saan ang nagsasalitang tauhan ay mag-isa lamang sa tanghalan at walang iba pang tauhan ang nasa tanghalan, nakikinig man o hindi. Naglalaro na ba sa’yong isipan kung saan ito isinasagawa? Ang kumbensyong monolog naman ay tumutukoy sa paraan ng paglalahad o pagdadayalog ng isang tauhan habang matamang nakikinig ang iba pa. Marahil nakapanood ka na nito. Ang kumbensyong aside ay tumutukoy naman sa paraan ng paglalahad o apgdadayalog ng isang tauhan na nakaharap na tila ba ayaw marinig ng iba pang tauhan sa tanghalan ang kanyang mga sinasabi. Nakatutuwa kung mapapanood mong itanghal ang tatlong kumbensyong ito. • Ngayong nabatid mo ang tungkol sa kumbensyon ng dula, isagawa mo naman ang sumusunodna gawain. Tiyak kong maaaliw ka rito. Piliin mo ang iyong magiging tugon sa mga pahayag saloob ng kahon. Titik lamang ang iyong isulat. 26
1. Isulat mo sa loob ng “bubble speech” o kahon ang tagpo at bahagi ng dula na ang isang tauhan ay nagpapahayag ng isang mahalagang kaisipan o ideya samantalang ang ibang tauhan ay matamang nakikinig sa kanya. 2. Isulat mo naman ang pahayag at ang tauhan na tila bumubulong sa mga manonood ng kanyang sinasabi sa kabuuan ng dula. 3. Isulat mo ang dayalogo mula sa dula kung saan ang nagsasalitang tauhan ay mag-isa lamang sa tanghalan at walang iba pang tauhan ang nasa tanghalan, nakikinig man o hindi. “Sasabihin ko sa kanilang lahat. Pakikinggan nila ako kapag nalaman nila ang lahat. Anak ito na ang pagkakataon ng hustisya.! Ano anga. ibig mong mangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda?” “Dalhin ninyo ako kahit saan. Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Sasabihin ko sa lahat na pinatay ko ang sarili kong anak!b. 27
“Akala ba ninyo’y mabibili ninyoc. ako? Layas! Layas!4. Piliin mo ang titik ng angkop na pahayag na naglalarawan ng pagiging makapangyarihan ng tauhan sa binasa mong dula. Itapat mo ito sa pangalan na nasa tsartRegina Tauhan Alkalde Tonya. “Kapag buhay ang inutang, buhay din ang magiging kabayaran! Ngayon, ito ang mga kahatulang nararapat nating sundin! “Mata sa mata, ngipin sa ngipin… apoy sa apoy… sugat sa sugat… latay sa latay… Ito ang aking gagawin! Gaganti ako! Ako ang gaganti sa kanya!b. “Lawakan! Ang kay Itay ay isa lamang sa matagal at laganap nang kawalang katarungan!”c. “Kapag sinaktan ng ibang bata ang ating anak, at tayo’y walang magawa sa nanakit sa kanya, di ba ibubuhos natin ang parusa sa ating anak? Ang sabi ninyo’y aarestuhin ninyo ang aking anak, ano ang inyong ginagawa? 28
d. “Dalhin ninyo ako kahit saan. Sa presinto, sa korte, sa husgado, kahit saan! Dalhin ninyo ako kahit saan. Pananagutan ko ang pagkamatay ng aking anak. Ako ang pumatay sa aking anak! e. “Misis, kami’y naparito, unang-una’y para magdiskargo. Alam kong mabigat ang aking inilalapit sa inyo, kaya naman ako’y magpapakumbabang naparito sa inyo upang wika ngay’y ihingi ng tawad ang ginawa ng aking anak. • Naging magaan ba sa iyo ang mga naihanda kong gawain? Maayos mo ba itong naisagawa?May bahagi bang nagpahirap sa iyo? Kung wala, hayaan mong maragdagan pa ang iyong kaalamansa tulong ng mga gawaing magpapalawak at magpapalalim ng iyong kaisipan. Kung handa ka na,isagawa mo na. d. Halagang Pangkatauhan Sa gawaing ito, ang pagpapahalaga sa pagkakaroon ng katatagan sa pagharap sa mgapagsubok sa buhay ay iyong malalaman. Madali lang ito. Lagyan mo ng tsek (√ ) sa tapat ng bilangang nagpapakita ng katatagan sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. ________ 1. Diyos ang ginawang patnubay sa paglutas ng suliranin. ________ 2. Humingi ng payo sa mga kaibigan. ________ 3. Pinag-isipan ang tamang hakbang sa paglutas ng suliranin. ________ 4. Pinagkibit ng balikat at tinawanan ang mga suliranin. ________ 5. Sumangguni sa abogado. ________ 6. Inisa-isa ang mga kailangan sa pagharap sa mga pagsubok. ________ 7. Idinulog sa Panginoon ang kalutasan sa pamamagitan ng pagdarasal at pagsisimba. Hingin mo ang susi ng sagot sa iyong guro at iwasto mo ang naging sagot mo sa mga gawain.Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Palalimin mo… Dugtungan mo ang sumusunod na mga pahayag. Matapos kong mabasa ang dulang Moses, Moses at makilala si Regina Nalaman ko na ang isang ina ay __________ 29
a. gagawin ang lahat para sa anak b. makikipagpatayan alang-alang sa anak c. laang mabilanggo para sa anak Naramdaman ko na ang isang ina ay __________ a. karugtong ng buhay ang anak b. may pusong laang gawin ang lahat para sa anak c. kapuso sa pagtutuwid ng kamalian ng anak Masasabi ko na ang isang ina ay _____________ a. mapagmahal ngunit matapang b. maunawain ngunit may hangganan c. mapusok sa harap ng mga pagsubok sa buhay Hingin mo ang susi ng sagot sa iyong guro at iwasto mo ang naging sagot mo sa mga gawain.Maging matapat ka sa pagwawasto.6. Gamitin Mo... Lagyan mo ng tsek (√) ang mga pahayag na sa tingin ay positibo at ekis (X) kungnegatibo._____1. Ang karapatan ng tao sa sarili, sa tahanan, sa pamayanan o sa bayan ay kailangang gamitin sa malinis na paraan._____2. Kapag may katuwiran ipaglaban nang walang kinatatakutan._____3. Walang mang-aapi kung walang nagpapaapi._____4. Anuman ang kalagayan ng tao sa buhay-mahirap man o mayaman, kapag nagkasala sa batas ay nararapat parusahan._____5. Ang hustisya o katarungan ay dapat manaig lamang sa mahihirap._____6. Kung positibo ang ating pananaw sa buhay malalampasan ang lahat ng balakid sa buhay._____7. Kung sakaling di natin makayanang dalhin ang problema tawanan na lamang ito. 30
• Tingnan ko kung mataas ang nakuha mong iskor sa gawaing ito. Muli mong hingin sa iyongguro ang susi sa pagwawasto. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Nabatid mo ang iba’t ibang kumbensyon ng dula. Isa sa mga kumbensyon ng monologo.Kaugnay nito, isagawa mo ang sumusunod na gawain.7. Sulatin mo..Punan mo ng nawawalang salita ang bawat patlang upang makabuo ka ng isangmonologo. Piliin mo ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Itinuturing kong isang bangungot ang karumal-dumal na pangyayaringsinapit ng aking anak na babae. Isang pangyayaring 1 sa aking anak na lalaki na 2 . Bakit ganoon?Bakit kailangang 3 ang kawalang katarungan. Dahil ba sa sila’y 4 atmaimpluwensya sa 5 ? Nasaan ang sinasabing 6 ? Kailangan pa bang 7 parapakinggan? Hindi ako 8 ! Lalaban ako saan man 9 ! Nakahanda akong 10 angaking buhay 11 sa 12 ng aming pamilya. Saan mo gustong 13 ? Sahukuman o sa 14 . a. magkita f. ibuwis k. malalakas b. impyerno g. alang-alang l. lipunan c. nagtulak h. reputasyon m. pumatay d. hustisya i. magmakaawa n. makakapayag e. makarating j. naghahari • Sa pagkakataong ito, matapat mong iwasto ang iyong gawain. Hingin mo ang susi sapagwawasto sa iyong guro. Marami ka bang natutunan sa mga inihanda kong gawain? Natitiyak kong oo ang sagot mo.Tingnan ko kung talagang naunawaan mo ang araling ito. Isagawa mo ang sumusunod na gawain. 8. Lagumin mo… Bumuo ka ng mga konseptong iyong natutunan sa araling iyong pinag-aralan. Mula sa mga susing salita sa loob ng mga kahon. 31
Paalipin, wala kung, Diyos, lahat, mata, tao,walang mayaman, walang, sa,magpapaalipin magkakapantay, walang, mahirap, ang, ng, ay Batas ng Katarungan ang Diyos Sana maayos mong nabuo ang konsepto. Tingnan mo kung tama. Gamitin mo ang susi nanasa iyong guro. Gaano ka na kahusay? Subukin natin kung hanggang saan sa kabuuan ang iyong natutunan. Sagutin mo angpangwakas na pagsusulit.Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa bawat patlang.1. Mababando rin na ang anak ng mayor ang gumahasa sa dalaga? Alin ang kasalungat na kahulugan ng may salungguhit?a. mabubulgar b. maililihimc. mawawala d. maitatago2. Pagak ang boses nang sumagot ang anak sa kanyang ina. Ang nasasalungguhitan aynangangahulugana. buo b. paosc. basag d. malat3. “Akala ba ninyo’y mabibili ninyo ako? Layas! Layas! Mahihinuha na ang nagsasalita aya. May matatag na paninindigan sa kanyang ipinaglalabanb. May matigas na pusoc. Walang takot sa malalakasd. May paniniwalang makakamtan ang katarungan 32
4. “Ang demanda ninyo’y mananatiling demanda lamang sapagkat ang idinedemanda ninyo’y malalakas.” Ipinahihiwatig ng pahayag naa. Walang mangyayari sa demanda ng mahina laban sa malakasb. Walang karapatang magdemanda ang mahirap laban sa mayaman.c. Walang pinapanigan ang batas.d. Mananaig ang katarungan para sa mga naaapi.5. “Sasabihin ko sa kanila ang lahat. Pakikinggan nila ako, kapag nalaman nila ang lahat. Anak ito na ang pagkakataon natin sa hustisya! Ano ang ibig mong mangyari? Huwag nang lumaban, iurong na ang demanda? Ang pahayag ay matatawag naa. monologo b. soliloquyc. aside d. diyalogo6. Ang binasang akda ay naglalarawan ng mga pangyayari na nagaganap saa. panaginip b. pelikulac. guniguni d. tunay na buhay7. – 8. Sa paglutas ng problema, mahalaga rin ang pagkakaroon nga. pagtitiwala sa sarili b. pagkaawa sa sarilic. bukas na pag-iisip d. bukas na palad9. Magkakaroon ng kapanatagan, kaligtasan, katiwasayan at kaunalran sa bayan kung ang mga gumagawa ng kasamaan aya. huhulihin b. ikukulongc. parurusahan d. pagmumultahin10. Dapat ding pahalagahan ng pamahalaan ang _____ ng mga mahihirapa. karapatang pantaob. kalagayang panlipunanc. karapatang pangkalusugand. karapatang pansarili Mataas ba ang puntos na iyong nakuha? Kung ang nakuha mong puntos ay 7-10, maaari kanang magpatuloy sa susunod na modyul. Kung 6 naman pababa, isagawa mo pa ang susunod nagawain. 33
VI. Paunlarin mo… Isagawa mo ang mga sumusunod sa ilalim ng gawaing ito. 1. Magbigay ka ng dalawang mahahalagang kaisipan na iyong natutunan sa araling ito. 2. Bumuo ka ng slogan na binubuo ng dalawang (2) linya ukol sa pagiging matatag sa pagharap ng mga pagsubok. Ang bawat linya ay binubuo ng 14-18 na pantig. Kung malapit ang sagot mo sa susi, bigyan mo ito ng kaukulang puntos. Kung hindi, subukinmo pang ayusin o palitan. 34
Modyul Bilang 2 Susi sa pagwawasto Ano ang matututunan mo? 1. b 6. b 2. b 7. c 3. d 8. a 4. a 9. a 5. a 10. bMga Gawain sa PagkatutoAlamin Mo… Pagsusuring Pampanitikan 1. d 1. b 2. a 2. c 3. b 3. a 4. e 4. Regina - c, d 5. c Tony - a, bHalagang Pangkatauhan Alkalde - e 1. √ Palalimin Mo… 2. - 1. a 3. √ 2. a 4. - 3. a 5. √ 6. √ 35 7. √Linangin Mo… a. b. c. d.
Pagsusuring Pangnilalaman Gamitin Mo…1. T 1. √ 6. √2. T 2. √ 7. √3. T 3. √4. T 4. √5. T 5. X Pagsusuring PangnilalamanTA Tauhan - Tony, Regina, Alkalde, Ana, Aida, BenGP Pinangyarihan - Sa ApartmentUA Panahon - kasalukuyang pangyayariN Panimulang Pangyayari – ang pagsasamantala kay Aida (Anong pangyayari ang nagpasimula ng aksyon?) REAKSYONB (Ano ang naging reaksyon / ginawa ng tauhan batay sa nangyari?) nagsampa ng demanda si ReginaA SULIRANIN ( Ano ang naging suliranin / layunin ng tauhan?) Paano niya makakamit ang hustisya kung ang mga kalaban ay makapangyarihanN Pagtatangka (Anong hakbang / mga hakbang ang ginawa ng tauhan upangG malutas ang suliranin?) ang magdemanda, patayin ang nagkasala BUNGAH ( Ano ang kinalabasan ng ginawang aksyon ng tauhan?) Patayin niya ang Sariling anak kaysa iba pa ang makapatayA DamdaminY ( Ano ang naging damdamin ng tauhan sa kinalabasan ng ginawa niyang aksyon? )makukulong si Regina dahil sa ginawang pagpatay sa anak. RESOLUSYON ( Paano nagwakas ang kuwento? ) 36
Sulatin mo…1. c 8. n2. m 9. e3. j 10. f4. k 11. g5. l 12. h6. d 13. a7. I 14. bLagumin mo…• Walang paalipin, kung walang magpapaalipn• Sa mata ng Diyos, ang lahat ng tao’y magkakapantay-pantay, walang mahirap, walangmayaman• Diyos ang Batas ng Katarungan Gaano ka na kahusay? 1. d 6. d 2. b 7. a 3. a 8. c 4. a 9. c 5. a 10. aPaunlarin mo…1. Huwag mong ilagay ang batas sa iyong mga kamay Sa harap ng mga pagsubok sa buhay, kailangang maging matatag2. Sa harap ng mga pagsubok na dumarating sa ating buhay, Diyos ang pumapatnubay at sa atin ay dumaramay. 37
Unang MarkahanModyul Pagsasalita Mga Kasanayan Pagsulat Pamagat GenreBilang Pagbasa Pampanitikan 2 Naibibigay Nabibigay- Nasusuri ang Nakasusulat Moses, dula ang Kahulugan dula batay ng isang Moses mahalagang ang mga sa iba't ibang monologo pangyayari piling salita kumbensyon na sa akda at pahayag naglalahad na ng solusyon Napatutunayan ginagamit sa ang sa akda problemang kahalagahan panlipunan ng katatagan Nahihinuha at at kahinahunan ang mga pampulitikang sa pagharap Pahiwatig kinakaharap sa mga na pahayag ng bansa pagsubok sa akda at sa buhay Nabibigayang Kahulugan 38
39
Modyul 3 Pagsusuri sa Akda Batay sa mga Teoryang Humanismo at Markismo Tungkol saan ang modyul na ito? Kumusta? Marami ka nang natutuhang aralin sa modyul na sadyang inihanda para sa iyo.Alam kong pinagsisikapan mong mabuti upang masagot ang mga maiklingkuwentong babasahin mo ngayon. Mayroon ka bang di malilimutang karanasan tungkol sa iyong mga naging guro? Marahil,mayroon nga. Tunay na sila ang pangalawang ina sa paaralan. Hindi lamang sila nagbibigay ngkaalaman at lumilinang ng ating kaisipan kundi humuhubog pa ng buong katauhan ngunit tao rin sila.Dumarating din ang pagkakataong nagkakaroon sila ng suliranin. Ngunit dahil kailangan ninyongmatuto, patuloy pa rin sila sa pagtuturo. Ito ang paksa ng kuwentong inyong babasahin, ang“Kuwento ni Mabuti” na sinulat ni Genoveva E. Matute. Maiibigan mo ito sapagkat malapit angpaksa sa iyong puso. Isa pang kuwentong kasama sa modyul na ito ay “ Walang Panginoon” na kinatha niDeogracias A. Rosario. Naniniwala ka bang lubhang napakahalaga sa isang magsasaka ang lupangkanyang sinasaka? Sang-ayon din ako sa iyo. Ito ang kanyang buhay. Ngunit may mga pangyayari paring nagaganap na ang nagmamay-ari ng lupa at ang nagsasaka ay di nagkakaunawaan. Tiyak namaiibigan mo ang bahaging ito ng kuwento. Ano kaya ang kaugnayan ng kalabaw? Iyan ang iyongtutuklasin. Ang iyong kaalaman sa pagsusuring panlinggwistika, pangnilalaman at pampanitikan ay lalopang mahahasa sa araling ito. Maiuugnay mo rin ang mga dati mo nang kaalamang natutuhan.Kasama na rin dito ang mga karanasang pansarili at pang-iba na maaari mong paghanguan ng iyongmga kasagutan. Tutulungan kang muli ng aking mga inihandang gawain. Alam kong makakaya mong sagutinang mga ito. Kaibigan, kaya mo ito. Handa ka na ba? Simulan mo na. 1
Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang mga batayang kaalaman at kasanayan sa mapanuring pagbasa sa iba’t ibanggenre ng panitikan Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Malaki ang maitutulong sa iyo ng modyul na ito. Higit na magiging maayos at kapaki-pakinabang ang iyong pag-aaral, kung susundin mo ang mga panuto o tuntunin sa paggamit nito.Ito’y sadyang inihanda para sa madali mong pagkatuto. 1. Sagutin mo nang maayos ang Panimulang Pagsusulit sa bahaging “ Ano ba ang Alam Mo?” Susukatin nito ang iyong kaalaman tungkol sa aralin. 2. Iwasto mo ang mga sagot. Hingin mo ito sa iyong guro. Kung marami kang mali, huwag kang mag-alala. 3. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang mga akda. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawain Mababasa mo kung paano ito gagawin. 4. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit sa bawat aralin at ganoon din ang pagsubok sa kabuuan sa “Gaano ka na kahusay”. Kunin mo ng muli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka sa pagwawasto. 5. Tulad ng nasabi ko, kaibigan mo ang modyul na ito. Huwag mong sulatan at ingatang huwag masira. Ano ba ang alam mo? 2
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad sa bawat pangungusap. Piliin atisulat ang titik ng tamang sagot.1. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang a. kahiwagaan b. kagandahan c. kaguluhan d. karupukan2. “Mabuti’t may tao pala rito,” wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa narinig. Ang pahayag ay nagpapahiwatig ng a. pag-aalinlangan b. pag-aalala c. pagkabigla d. pagkabahala3. Walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay sa pagkasuwag ng kalabaw. Ito’y nangangahulugang a. Pumutok ang bulkan nang mamatay si Don Teong. b. Lubhang kasindak-sindak ang pagkamatay ni Don Teong. c. Mabilis na kumalat ang balita tungkol sa pagkamatay ni Don Teong. d. Sumabog ang galit ng kalabaw nang makita si Don Teong.4. Ang kawili-wiling bahagi ng kuwento ay a. suliranin b. tunggalian c. kakalasan d. kasukdulan5. “Tapos na ba? Tapos…” ang sunud-sunod niyang tanong na animo’y dinadaya ang sarili kung wala na siyang nauulinigang anumang taginting ng kampana. Anong damdamin ang nangingibabaw kay Marcos? a. Naiinip siya sa tagal ng tunog ng kampana. b. Iniiwasan niyang maalaala ang kalupitan ni Don Teong. c. Ayaw niyang marinig ang tunog ng kampanang magpapagunita ng mapapait na karanasan. d. Nakagagambala ito sa katahimikan ng gabi.6. Kinagat ni Marcos ang labi hanggang sa dumugo. Anong damdamin ang namayani sa tauhan? a. Unti-unting nadama ni Marcos ang galit. 3
b. Kinukuyom ni Marcos ang kanyang damdamin. c. Labis na nasaktan si Marcos. d. Kinaawaan ni Marcos ang sarili. 7. Bawat aralin namin sa Panitikan ay naging pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan at ako’y humanga. Ito ay nagpapakita ng a. pagbibigay-puri sa tauhan b. pagiging realistiko ng karakter c. pagiging kombensyunal ng tauhan d. pagiging emosyonal ng tauhan 8. Ang dalaga ay sinaktang mabuti ni Don Teong at tanging mata lamang ang walang latay. Ito’y nagpapahiwatig na a. Lubhang malupit si Don Teong pati anak ay di pinalagpas sa parusa. b. Di sinaktan ni Don Teong ang mga mata ng anak. c. May mabuti pa ring natitira sa puso ni Don Teong. d. Di natamaan ang mga mata ng anak ni Don Teong. 9. Magiging madali ang pagharap sa mga pagsubok sa buhay kung a. magiging magaan ang pagtanggap ditto. b. magiging palatanong sa mga kinauukulan. c. magiging laging palangiti. d. magiging maingat sa pagdedesisyon. 10. Ipaghalimbawang naging biktima ka ng karanasang gawa ng anak ng mayaman. Ano ang iyong gagawin? a. Hihingi ng tulong sa Department of Justice na nagbibigay ng libreng serbisyo ng mga manananggol. b. Hihingi ng tulong sa mga NPA. c. Hihingi ng tulong sa Media. d. Kakausapin ang mga kamag-anak upang makapaghiganti.I. Aralin 1 : Kuwento ni Mabuti A. Anu-ano ang mga tiyak na matutunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Nabibigyang-kahulugan ang mga pahayag na may ibig ipahiwatig 4
2. Natutukoy ang ilang mahahalagang sangkap ng maikling kuwento 3. Napipili at nabibigkas nang may damdamin ang mga pahayag patungkol sa pagpaparangal sa isang tao 4. Naiisa-isa ang mga positibong paraan ng pagharap sa mga suliranin sa buhay 5. Nakabubuo ng isang maikling paglalarawan tungkol sa taong hinahangaanMga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo… Panuto: Piliin mo sa ibaba ang mga salitang tumutukoy sa larawang nasa kahon. Isulat mo ito sa mga patlang sa ibaba ng larawan.________________ ________________________________ ________________________________ ________________ ________________ ________________ ________________ 5
liwanag sakripisyo pagmamahalpagkalinga gabay pagpapakasakitpag-ibig patnubay paghihiraparaw matanda karamdaman Nasagutan mo bang lahat ang gawain? Kayang-kaya mo hindi ba? Kunin mo sa iyong guroang Susi sa Pagwawasto. Iwasto mo.2. Basahin Mo… Mahilig ka bang magbasa ng mga kuwento? Isa itong magandang libangan, di ba? Bukod sanakatutulong ito upang lumawak ang iyong kaalaman, marami ka pang matututuhan tungkol sabuhay. Napatawa ka na ba o kaya’y napaiyak ng isang kuwentong binasa? Ngayo’y babasa ka ng isang maikling kuwentong sa palagay ko ay maiibigan mo. Unawainmo itong mabuti. Maligayang pagbabasa! KUWENTO NI MABUTI Genoveva Edroza-Matute(Gumaganda ang buhay ayon sa inyong pananaw) Hindi ko na siya nakikita ngayon. Ngunit sinasabi nilang naroon pa siya sa datingpinagtuturuan, sa luma at walang pintang paaralang una kong kinakitaan sa kanya. Sa isa sa mgalumang silid sa ikalawang palapag, sa itaas ng lumang hagdang umiingit sa bawat hakbang, doon sakung manunungawa’y matatanaw ang maitim na tubig ng isang estero, naroroon pa siya’t nagtuturong mga kaalamang pang-aklat – at bumubuhay ng isang uri ng karunungang sa kanya ko lamangnatutuhan. Lagi ko siyang inuugnay sa kariktan ng buhay. Saan mang may kagandahan; sa isang tanawin,sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako’y lumiligaya. Ngunit walang ano mangmaganda sa kanyang anyo at sa kanyang buhay. Siya ay isa sa pinakakaraniwang guro roon. Walang sino mang nag-ukol sa kanya ng pansin.Mula sa kanyang pananamit hanggang sa paraan ng pagdadala niya ng mga pananagutan sa paaralan,walang masasabing ano mang di-pangkaraniwan sa kanya. 6
Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti kung siya’y nakatalikod.Ang salitang iyon ang bukambibig niya. Iyon ang pumapalit sa mga salitang hindi niya maalala kungminsan, at nagiging pamuno sa mga sandali ng pag-aalanganin. Ang isang paraang hindi malirip, iyonay nagiging salaminan ng uri ng paniniwala niya sa buhay. “Mabuti,” ang sabi niya, “…ngayo’y magsisimula tayo sa araling ito. Mabuti nama’t umabottayo sa bahaging ito… Mabuti… mabuti!” Hindi ako kailanman magtatapat sa kanya ng ano man kundi lamang nahuli niya ako minsanglumuha:nang hapong iyo’y iniluluha ng bata kong puso ang isang pambata ring suliranin. Noo’y magtatakipsilim na at maliban sa pabugsu-bugsong hiyawan ng mga nagsisipanood sapagsasanay ng mga manlalaro ng paaralan, ang buong paligid ay tahimik na. Sa isang tagong sulokng silid-aklatan, pinilit kong sulatin ang aking suliranin sa pagluha. Doon niya ako natagpuan.“Mabuti’t may tao rito,” ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig. “Tila maysuliranin ka… mabuti sana kung makakatulong ako”. Ibig kong tumakas sa kanya at huwag nang bumalik pa kailanman. Sa bata kong kahihiyan atkaabaan ang pagkikita pa naming muli sa hinaharap, pagkikitang magbabalik sa gunita ng hapongiyon. Ngunit hindi ako nakakilos sa sinabi niya pagkatapos. Napatda ako at napaupong bigla sakatapat na luklukan. “Hindi ko alam na may tao rin dito… naparito ako upang umiyak din.” Hindi ako nakapangusap sa katapatang naulinigan ko sa kanyang tinig. Nakababa angkanyang paningin sa aking kandungan. Mayamaya pa’y nakita ko na ang bahagyang ngiti sa kanyanglabi. Tinanganan niya ang aking kamay at narinig ko na lamang ang tinig ko sa pagtatapat ngsuliraning sa palagay ko noo’y siya nang pinakamabigat. Nakinig siya sa akin, at ngayon, sapaglingon sa pangyayaring ito’y nagtataka ako kung paanong napigil niya ang paghalakhak saganong kamusmos na bagay. Ngunit siya’y nakinig nang buong pagkaunawa, at alam kong angpagmamalasakit niya’y tunay na matapat. Lumabas kaming magkasabay sa paaralan. Ang panulukang naghihiwalay sa amin aynatatanaw na nang bigla akong makaalala. “Siyanga pala, Ma’am, kayo? Kayo nga pala? Ano ho iyong ipinunta ninyo sa sulok na iyonna….. iniiyakan ko?” Tumawa siya ng marahan at inulit ang mga salitang iyon: “ang sulok na iyonna………iniyakan natin…nating dalawa.” Nawala ang marahang halakhak sa kanyang tinig “Sana’ymasasabi ko sa iyo, ngunit… ang suliranin ko’y hindi pa ra sa mga bata pang gaya mo. Mabuti sana’yhindi maging iyo ang ganoong uri ng suliranin… kailanman. Ang ibig kong sabihi’y maging higit namabuti sana sa iyo ang…. buhay.” Si Mabuti’y naging isang bagong nilikha sa akin mula ng araw na iyon. Sa pagsasalita niyamula sa hapag, nagtatanong, sumasagot, sa pangiti niya ng mabagal at mahihiyain niyang mga ngiti 7
sa amin, sa paglalim ng kunot sa noo niya sa kanyang pagkayamot, narinig kong muli ang mga yabagna papalapit sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Ang sulok na iyon na…… “iniiyakan natin,” ang sabiniya ng hapong iyon. At habang tumataginting sa silid namin ang kanyang tinig sa pagtuturo’yhinuhulaan ko ang dahilan ng pagtungo niya sa sulok na iyon ng silid-aklatan. Hinuhulaan ko kungnagtutungo pa siya roon, sa sulok na iyon… naming dalawa. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyo tungkol sa kanya, nagsimula akongmagmasid, maghintay ng mga bakas ng kapaitan sa kanyang sinasabi. Ngunit sa tuwina, kasayahan,pananalig, pag-asa, ang taglay niya sa aming silid-aralan. Pinuno niya ng maririkit na guniguni angaming isipan at ng mga kaaya-ayang tunog ang aming pandinig at natutuhan naming unti-unti angkagandahan ng buhay. Bawat aralin namin sa panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawannaming sa kagandahan. At ako’y humanga. Wala iyon doon kangina, ang masasabi ko sa sarili pagkatapos na maipadama niya sa aminang kagandahan ng buhay sa aming aralin. At hindi naging akin ang pagtuklas na ito sa kariktankundi pagkatapos na lamang ng pangyayaring iyon sa silid-aklatan. Ang pananalig niya sa kalooban ng Maykapal, sa sangkatauhan, sa lahat na, ay isa sapinakamatibay sa aking nakilala. Nakasasaling ng damdamin. Marahil ang pananalig niyang iyon angnagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga bagay na karaniwan lamang sa amin. Iyon marahil angnagpataginting sa kanyang tinig sa pagbibigay-kahulugan sa mga bagay na para sa ami’y walangkabuluhan. Hindi siya bumanggit ng ano man tungkol sa kanyang sarili sa buong panahon ng pag-aaralnamin sa kanya. Ngunit bumanggit siya tungkol sa kanyang anak na babae, sa tangi niyang anak…nang paulit-ulit. Hindi rin siya bumanggit sa amin kailan man tungkol sa ama ng batang iyon. Ngunitdalawa sa mga kamag-aral namin ang nakababatid na siya’y hindi balo. Walang pag-aalinlangan ang lahat ng maririkit niyang pangarap ay nakapaligid sa batangiyon. Isinalaysay niya sa amin ang katabilan niyon, ang palaki nang palaking mga pangarap niyon,ang nabubuong layunin niyon sa buhay. Minsan, tila hindi namamalayang nakapagpahayag angaming guro ng isang pangamba: ang pagkatakot niyang baka siya hindi umabot sa matatayog napangarap ng kanyang anak. Maliban sa kanyang anak ay isa lamang sa mga bagay na “pinagtitiisang’pakinggan sapagkat walang paraang maiwasan iyon. Sa akin, ang bawat pagbanggit na iyo’ynagkaroon ng bagong kahulugan sapagkat noon pa ma’y nabubuo na sa aking isipan ang isang hinala. Sa kanyang mga pagsasalaysay ay nalaman namin ang tungkol sa kaarawan ng kanyang anak,ang bagong kasuotan niyong may malaking lasong pula sa baywang, ang mga kaibigan niyong mgabata rin, ang kanilang mga handog. Ang anak niya’y anim na taong gulang na. Sa susunod na tao’ymagsisimula na iyong mag-aral. At ibig ng guro naming maging manggagamot ang kanyang anak-atisang mabuting manggagamot. Nasa bahaging iyon ang pagsasalita ang aming guro nang ang isa sa mga batang lalaki saaking likuran ay bumubulong: “Gaya ng kanyang ama!” Narinig ng aming guro ang sinabing iyon ng batang lalaki: At siya’y nagsalita. 8
“Oo gaya nga ng kanyang ama,” ang wika niya. Ngunit tumakas ang dugo sa kanyang mukhahabang sumisilay ang isang pilit na ngiti sa kanyang labi. Iyon ang una at huling pagbanggit sa aming klase tungkol sa ama ng batang may kaarawan. Natiyak ko noong may isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. Nalisya nang ganoon nalamang. At habang nakaupo ako sa aking luklukan, may dalawang dipa lamang ang layo sa kanyaupang tanganan ang kanyang mga kamay gaya ng ginawa niya nang hapong iyon sa sulok ng silid-aklatan, at hilinging magbukas ng dibdib, sa akin. Marahil makagagaan sa kaniyang damdamin kungmay mapagtatapatan siyang tao lamang. Ngunit ang sumupil sa pagnanasa kong yaon: ang mgakamag-aral kong nakikinig nang walang ano mang malasakit sa kanyang sinabi, “Oo, gaya nga ngkanyang ama,” habang tumatakas ang dugo sa kanyang mukha. Pagkatapos may sinabi siyang hindi ko malilimutan kailan man. Tiningnan niya akong buongtapang na pinipigil ang panginginig ng mga labi at sinabi ang ganito: “Mabuti….mabuti!” Gaya ngsasabihin nitong si Fe – iyon lamang nakararanas ng lihim na kalungkutan ang maaring makakilala ngmga lihim na kaligayahan. Mabuti at ngayon, magsisimula tayo sa ating aralin……” Natiyak ko noon, gaya ng pagkakatiyak ko ngayon, na hindi akin ang pangungusap na iyon, nisa aking mga pagsasalita, ni sa aking pagsusulat. Ngunit samantalang nakatitig siya sa akin ngumagang iyon, habang sinasabi niya ang pangungusap na iyon, nadama kong siya at ako ay iisa. Atkami ay bahagi ng mga nilalang na sapagkat nakakaranas ng lihim na kalungkutan ay nakakikilala ngmga lihim na kaligayahan…. At minsan pa, ng umagang iyon, habang unti-unting bumabalik ang dating kulay sa kanyangmukha, muli niyang ipinamalas sa amin ang mga natatagong kagandahan sa aralin namin saPanitikan: ang kariktan ng katapangan, ang kariktan ng pagpapatuloy ano man ang kulay ng buhay. At ngayon, ilang araw lamang ang nakaraan buhat ng mabalitaan ko ang tungkol sa pagpanawng manggagamot na iyon. Ang ama ng batang iyong marahil ay magiging isang manggagamot dinbalang araw, ay namatay may ilang araw lamang ngayon ang nakakalipas. Namatay at naburol ngdalawang araw at dalawang gabi sa isang bahay na hindi siyang tinitirhan ni Mabuti at ng kanyanganak. At naunawaan ko ang lahat. Sa hubad na katotohanang niyon at sa buong kalupitan niyo’ynaunawaan ko ang lahat…. Nasiyahan ka ba sa kuwentong binasa mo? Naramdaman mo rin ba ang mga emosyongnaghari sa mga tauhan ng akda? Kung binasa at inunawa mong mabuti ang kuwento, masasagutan mo ang inihanda ko para saiyo. Huwag kang mag-alala, madali lamang ang mga ito. Makakatulong kung susuriin mong mabutiang mga panuto. Ang unang gawain ay tungkol sa mga pahiwatig na pahayag na kung minsan ay di natinmaunawaan. Narinig mo na ba ang tungkol sa pahiwatig? Isa ito sa mga nakakatulong upang magingmasining ang akda. Mauunawaan mo ang ibig ipakahulugan nito sa isang akda sa tulong ng mga 9
“clues”. Ito ay mga palatandaang makikita mo sa akda na makatutulong sa iyo upang matukoy angkahulugan ng nais bigyang-kahulugan. Naliwanagan ka na ba? Makatutulong ang iyong nabasa sa pagsagot mo sa unang gawain.Good Luck! 3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Panuto: Basahin at unawain mong mabuti ang nais ipahiwatig ng mga salitang may salungguhit. Pagkatapos, ayusin ang mga titik upang matukoy ang kahulugan. Isulat sa patlang. i l a n g w a 1. May isang bagay ngang nalisya sa buhay niya. ____________________________________ m u t n a l a 2. Tumakas ang dugo sa kanyang mukha. ____________________________________ aga- anpi l nl anga 3. Waring ikinukubli niya ang pag-aagam-agam na narinig. ___________________________________ w a p i m a 4. Bawat aralin sa Panitikan ay pagtighaw sa kauhawan namin sa kagandahan. ____________________________________ 10
d a l n h a m u g 5. Ito ay sumupil sa pagnanasa kong iyon. Ano ba ang pagkakaunawa mo tungkol sa maikling kuwento? Iba ito sa nobela dahil ito ayisang uri ng pagsasalaysay na maikli ang kaanyuan. May mga bahagi rin ang maikling kuwento. Kailan mo nagugustuhang basahin ang isangakda? Hindi ba’t kung maganda ang panimula? Dapat na maging kapansin-pansin, kakaiba atkatangi-tangi ito. Saglit na kasiglahan naman ang bahaging naglalarawan ng panimula patungo sapaglalahad ng unang suliraning inihahanap ng lunas. Matutukoy mo kaya ito sa iyong binasa?Tunggalian naman iyong paglalaban ng tauhan. Hindi lamang ito pisikal o tao sa tao. Maari ring taosa sarili o kaya’y tao sa kalikasan. Ang pinakarurok naman ng kawilihan ay tinatawag na kasukdulan.Ito iyong bahaging malalaman mo kung magtatagumpay o mabibigo ang bida. Kaagad naman itongsinusundan ng kakalasan. O, hayan marami ka nang natutuhan tungkol sa maikling kuwento. Tiyak na mawiwili kangmagbasa nito dahil hahanapin mo na iyong mga bahaging ipinaliwanag ko. Handa ka na bang gawinang susunod na gawain? Pagbutihin mo!b. Pagsusuring PangnilalamanPanuto: Piliin mo sa Hanay B ang mga kasagutang tumutugon sa Hanay A. Titik lamang ang isulat.Hanay A Hanay B1. Pangunahing Tauhan: _______ a. Nagkita ang guro at ang estudyante. sa silid-aklatan na parehong umiiyak.2. Suliranin: __________ b. Namatay at naiburol ang ama ng bata hindi sa bahay ni Mabuti.3. Tunggalian: __________ c. Mabuti4. Kasukdulan: __________ d. Ang lihim tungkol sa ama ng bata.5. Kakalasan: __________ e. May nakaalam na estudyante tungkol sa ama ng bata. f. estudyante 11
Kanina’y natutuhan mo ang ilang mga impormasyon tungkol sa maikling kuwento. Alamkong makatutulong ito sa iyo upang masagot mo ang gawain sa pagsusuring pangnilalaman. Ngayon , madaragdagan pa ang iyong kaalaman. Higit mong mapapahalagahan atmauunawaang mabuti ang isang akda kung alam mo ang ilang mga prinsipyo, mga paniniwala,ideyang makatutulong sa pagpapaliwanag ng isang akda kundi magamit mo ang karunungangnatutuhan sa pag-unawa sa buhay sa higit na malalim na pananaw. Ang teoryang pampanitikang binigyang-diin sa kuwento ni Mabuti ay teoryang humanismo.Narinig mo na ba ito?Humanismo – human, isang salitang ingles na mahahango mo rito.Samakatwid tumutukoy ito sa tao. Madali lamang makilala ang teoryang humanismo. Ito ay nagbibigay-puri sa tauhan. Makikilala mo ang mga tauhan batay sa kani-kanilang tiyak na saloobin o damdamin. Handa ka na bang sagutin ang susunod na gawain? Isaalang-alang mo ang iyong natutuhan.Masasagot mo iyan. Subukin mo. c. Pagsusuring Pampanitikan Panuto: Isulat mo ang NT kung ang pahayag ay nagbibigay-puri sa tauhan at H kung hindi. _____ 1. “Mabuti nama’t umabot tayo sa bahaging ito… Mabuti… mabuti!” _____ 2. “Madalas kong dalawin ang bahay na nagsilbing tagapagpaalala ng ating nakaraan.” _____ 3. “Tila may suliranin… mabuti sana kung makakatulong ako.” _____ 4. “Hindi ko alam na may tao rito… naparito ako upang umiyak din.” _____ 5. “Ano ba naman kayo! Agwador na kayo, gusto n’yo pati ako maging agwador.” d. Halagang Pangkatauhan Kung ikaw ay magkakaroon ng isang malaking problema sa buhay, piliin mo sa ibaba ang mga bagay-bagay na bibigyan mo ng prayoridad. (LAP) Lagyan mo ng tsek ( 4) _____ 1. dignidad _____ 2. pamilya _____ 3. propesyon _____ 4. kaibigan _____ 5. magulang 12
Tingnan mo nga kung tamang lahat ang iyong mga sagot. Hingiin mo sa iyong guro ang Susisa Pagwawasto. Itsek mo ang iyong mga sagot. Huwag kang mag-alala kung may mali ka. Angmahahalaga ay natuto ka. 4. Palalimin Mo… Anu-ano sa palagay mo ang nabago sa iyo matapos mabasa ang iyong aralin? Panuto: Lagyan mo ng tsek ( 4) kung ito ay tumutugon sa mga pagbabagong naganap sa iyo. _____ 1. Naging maganda ang pananaw ko sa buhay. _____ 2. Nagkaroon ako ng interes na magbasa ng kuwento. _____ 3. Napag-isip-isip kong dapat akong maging matatag sa pagharap sa mga pagsubok sa buhay. _____ 4. Nagkaroon ako ng ideya kung paano pahahalagahan ang maikling kuwento.Tiyak na marami nang nabago sa iyo.Tama bang lahat ang iyong sagot? Iwasto mo. 5.Gamitin Mo… Panuto: Piliin sa ibaba at isulat ang tamang sagot na hinihingi sa dayagram. Kuwento ni Mabuti Positibong Pagpapahalaga 13 2Mga Pagpapahalaga:1. pagiging martir2. pagkakaroon ng magandang pagtingin sa buhay3. pagpapahalaga sa gawain4. pagiging mapaglihim5. pagiging matatag sa paglutas ng mga problema 13
Kung naunawaan mo ang aralin, tiyak na tamang lahat ang iyong mga sagot. Hingiin mongmuli sa iyong guro ang Susi sa Pagwawasto. Nahirapan ka ba sa mga nauna mong mga gawain? Alam kong ginagawa mong lahat angiyong makakaya para masagutan ang mga ito. Ngayon naman ay susulat ka. Madali lamang ito. Tiyak na magugustuhan mo ang paksa.Handa ka na? 6. Sulatin Mo… Panuto: Ayusin mo ang pagkakasunud-sunod ng bilang ng mga pangungusap. Pagkatapos gawin mo itong talata. Ang Huwaran kong Guro 1. Napakahusay niyang magturo ng Journalism. 2. Kaya naman madalas kaming manalo sa mga paligsahan. 3. Tunay na malaki ang naitulong niya upang hubugin ang aking katauhan. 4. Hinding-hindi ko malilimutan ang isa sa mga hinahangaan kong guro. 5. Siya ay walang iba kundi si Gng. Bella Abangan. May pagkakatulad ba si Mabuti at iyong gurong sinulat mo? Tingnan mo kung tamang lahatang sagot mo. Itsek mo muli ang iyong mga kasagutan. 7. Lagumin Mo… Panuto: Lagyan mo ng tsek ( 4 ) sa tabi ng bawat bilang na tumutugon sa mga natutuhan mo sa aralin. _____ 1. kahulugan ng maikling kuwento _____ 2. kaalaman tungkol sa awtor _____ 3. positibong pagtingin sa buhay _____ 4. kaalaman sa teoryang Humanismo _____ 5. kaalaman sa istilo ng may-akada _____ 6. halimbawa ng pananaw Humanismo _____ 7. pagpapakahulugan sa mga pahayag na may pahiwatig _____ 8. mga bahagi ng maikling kuwento _____ 9. pagiging mabuting mag-aaral _____ 10. pagkilala sa mga simbolo _____ 11. kaalaman sa Kuwento ni Mabuti _____ 12. pagiging malihim Nadalian ka ba sa natapos mong gawain? Alam kong nakaya mong sagutin ang mga ito.Hiramin mo muli sa iyong guro ang mga kasagutan. Ang susunod na gawain ay susukat muli sa iyong natutuhan sa araling tinalakay. Unawain moitong mabuti. Kaya mo ito. Simulan mo na. 14
8. Subukin Mo… Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot. 1. Siya’y tinatawag naming lahat na si Mabuti. a. Laging pasimula ito ng lahat ng sasabihin ng guro. b. Mabuti ang tunay niyang pangalan. c. Mabuti talaga siyang tao. d. Palayaw niya ang Mabuti. 2. Isang bata sa aking likuran ang bumulong, “Gaya ng kanyang ama!” a. Sinisiraan ng bata si Mabuti. b. Alam na sa paaralan ang tungkol kay Mabuti. c. Nagbibiro ang bata sa kanyang kaklase. d. May alam ang bata tungkol kay Mabuti. 3. Namatay at naiburol ang ama ng bata hindi sa tirahan ni Mabuti at ng anak. a. Galit si Mabuti sa ama ng bata. b. Hindi pumayag si Mabuti na maiburol ito sa kanyang bahay. c. Sa punerarya ito ibinurol. d. May iba itong asawa kaya doon ito ibinurol. 4. Sinimulan ang kuwento sa pamamagitan ng anong pamamaraan a. usapan b. nareysyon c. pagbabalik-gunita d. paglalarawan 5. Ang pinakarurok ng kawilihan sa akda ay nang a. may sumagot na isang bata na may alam tungkol sa asawa ni Mabuti. b. magkita si Mabuti at kanyang mag-aaral sa silid-aklatan. c. mamatay ang asawa ni Mabuti. d. payuhan si Mabuti ng kanyang estudyante. 6. Sa dakong hulihan ng kuwento, inilarawan si Mabuti ng ganito – Muli niyang ipinamalas sa amin ang nakatagong kagandahan sa aralin namin sa Panitikan. Mapatutunayang a. Master ni Mabuti ang pagtuturo ng Panitikan. 15
b. Maganda pa rin ang pagtingin sa buhay ni Mabuti kahit na nalisya minsan ito. c. Iniiwasan ni Mabuting mapahiya ang bata. d. Ikinatuwa niya ang pagkamatay ng ama ng kanyang anak. 7. Lagi ko siyang iniuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man sa kagandahan, sa tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya at ako’y lumiligaya. Ito’y isang halimbawa ng teoryang a. Romantisismo b. Humanismo c. Eksistensyalismo d. Klasisismo 8. Batay sa halimbawa sa bilang 7, binigyang-diin sa tauhan ang a. pagiging perpekto ng tao b. kaibahan ng tao c. karakter ng isang indibidwal d. kaugnayan ng tao sa Diyos 9. Sa pagharap natin sa mga pagsubok, mahalagang lagi tayong makipag- ugnayan sa a. Diyos b. nakatatanda c. pari d. konsensya 10. Sadyang dumarating minsan ang krisis sa ating buhay, ang mahalaga ay a. Patuloy pa ring mabuhay. b. Huwag itong dibdibin. c. Daanin sa tawa. d. Harapin nang buong tapang. Ano ang nakuha mong iskor? Kung 7 pataas ang iyong sagot, pumunta ka na sa susunod naaralin. Kung 6 pababa, may ipagagawa ako sa iyong isang gawain. Kayang-kaya mo ito sapagkatkaugnay naman ito ng ating aralin. Maaari mo na itong simulan. 9. Paunlarin Mo… Panuto: Bumuo ng islogan tungkol sa aralin. Hanguin at ayusin mo ang mga ginulong salita na nasa loob ng kahon. 1. magulang guro sa paaralan ay ang utang kanya karunungan natin sa yaring 16
2. kailangan katatagan ay ating problemang sa dumarating sa mga buhayVI. Aralin 2: Walang Panginoon A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong basahin ang akda, inaasahang matatamo ang mga sumusunod na kasanayan: 1. Natutukoy ang denotasyon at konotasyon ng pamagat 2. Nakikilala ang mga tauhan batay sa kanilang iniisip, ikinikilos at sinasalita 3. Napipili ang ilang mga bahagi sa akda na may markismong pananaw 4. Napatutunayang ang isang mabuting layunin ay hindi nagbibigay-katwiran sa masamang paraan 5. Nakabubuo ng mga konseptong kaugnay sa akdang binasaMga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo… Panuto: Piliin sa ibaba ang mga salitang maaaring maiugnay sa larawan. 1. 2. 3.4. 5. 6. 7. 8. 17
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 483
- 484
- 485
- 486
- 487
- 488
- 489
- 490
- 491
- 492
- 493
- 494
- 495
- 496
- 497
- 498
- 499
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 499
Pages: