May mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagbuo nito. Alam mo ba kung anu-anoito? • Kung aklat ang sinangguni, ang mga impormasyong dapat ipaloob sa bibliograpi ay: may-akda o pangalan ng sumulat ng aklat pamagat ng aklat lungsod/pook kung saan nilimbag ang aklat pangalan ng limbagan taon ng pagkakalimbag • Kung pahayagan naman ang pinagkunan ng mga impormasyon o sinangguni, ang mga impormasyong dapat ipaloob ay: pamagat ng artikulo pangalan ng pahayagan petsa at pahina • Kung magazin naman ang sinangguni, napapaloob naman dito ang: may-akda pamagat ng artikulo pamagat ng magasin bilang ng bolyum tsa at pahina • Kung ensayklopidya naman: pamagat ng ensayklopidya taon ng edisyon bilang ng edisyon bolyum at pahina Upang higit mong maunawaan, narito ang mga halimbawa ayon sa pagkakasunud-sunod ng impormasyon batay sa bawat uri ng sanggunian. • Aklat 10
Apelyido ng awtor, Pangalan ng awtor, Gitnang pangalan. (inisyal) Pamagat ng aklat.Lugar ng limbagan:Limbagan, Taon ng pagkakalimbag. • Pahayagan “Pamagat ng Artikulo”, (kung walang pangalan ng sumulat) Pamagat ng pahayagan.Pahina, Petsa • Magasin Apelyido ng may-akda, Pangalan ng may-akda.(kung walang pangalan ngsumulat ng artikulo, simulan sa pamagat ng artikulo) “Pamagat ng Artikulo”, Pangalanng magasin, Bilang ng Bolyum, Pahina, Petsa. • Ensayklopidya “Pamagat ng Artikulo”, Pangalan ng Ensayklopedya, Bolyum, Pahina, Petsa. Naging malinaw ba sa iyo ang paliwanag na aking ginawa? Kung mayroon kang hindinaiintindihan, muli mong basahin at pag-aralan ang isinasaad ng bawa’t paliwanag upangmaunawaan mong mabuti. Ngayon ay alam kong handa ka na sa pagsagot sa susunod na gawain. Kunin mo na ang iyong bolpen at papel.Panuto: Basahing mabuti ang halimbawang bibliyograpi. Pagkatapos, sagutin ang mga katanungan sa ibaba nito. Reyes, Soledad S. Isang Libo At Isang Salawikain at Kasabihan. Malabon, Rizal: Palimbagan ng Dalubhasaang Epifanio delos Santos, 1975.A.1. Ano ang buong pamagat ng aklat?2. Kailan nilimbag ang aklat?3. Ano ang pangalan ng limbagan?4. Saan matatagpuan ang palimbagan? 11
5. Sino ang sumulat ng aklat? Lalunio, Lydia P. “Makabagong Istratehiya at Teknik sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat”, Hasik, Bolyum 1 Blg. 1, Mayo 1996. B. 1. Ano ang buong pangalan ng may-akda? 2. Ano ang pamagat ng artikulo? 3. Kailan nalimbag ang babasahin? 4. Ano ang pamagat ng babasahin? 5. Pang-ilang babasahin na ang magasing ito? Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.2. Lagumin mo… Subukin mo kung gaano ang iyong natutunan sa mga gawaing isinagawa sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod na pagsasanay. Panuto: Punan ng wastong salitang makikita sa kasunod na pahina ang bawa’t patlang sa pangungusap. 1. Ang mga impormasyong isasama sa bibliyograpi ay dapat na _____________. 2. Ang isinusulat pagkatapos ng pamagat ng akda ay _____________________. 3. Kung walang pangalan ng sumulat ng artikulo, nauunang isulat ang _________________. 4. Ang pamagat ay dapat na nasusulat sa __________________ letra. 5. Isinusulat sa maliit na letra ang mga ___________________. 6. Ang bantas na ginagamit sa pagitan ng apelyido at pangalan ay ___________. 7. Ginagamit ang bantas na __________ pagkatapos ng pamagat. 8. Sa pagitan ng lunsod at limbagan, bantas na ____________ ang ginagamit. 9. Matatagpuan sa hulihan ng bibliyograpi ang ___________ ng pagkalimbag. 10. Ang impormasyong nasusulat pagkatapos ng bayan ay _____________. 12
tutuldok tuldok magkakasunod magkakadikit kuwit petsa pamagat ng artikulo pook malaking kataga gitling maliit lunsod tuldok salita pook / bayan Naging madali ba para sa iyo ang gawain? Tingnan mo kung tama ang iyong mgasagot. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro at iwasto mo ang iyong gawain.3. Subukin mo… Punan ng angkop na salitang makikita sa loob ng kahon sa ibaba ang bawa’t patlang satalata upang mabuo ang diwang ipinahahayag nito.Sa pagsulat ng bibliyograpi, kailangang isama ang lahat ng mahahalagang 1upang maging malinaw ito at 2 . Pati angkop na 3 aydapat isaalang-alang upang madaling makilala ang pagkakaiba-iba ng mga detalye. Angunang linya ay dapat na 4 samantalang ang pangalawa at susunodpang linya ay dapat na 5 . Ang simula ng bawat salita ay ginagamitanng 6 letra maliban lamang sa mga 7 . Kungpangalan ng 8 ang unang isinusulat, sa hulihan naman mababasaang 9 ng 10 .malaking maliit napetsa nakapasoknakalabas pagkakalimbagmaayos impormasyonbantas katagamay-akda limbagan Naging madali ba para sa iyo ang pagsusulit? Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto upang malaman kung ilan ang nakuha mong iskor.4. Paunlarin mo… 13
Kung ang iskor na iyong nakuha sa pagsubok ay walo (8), maaari ka nang magsimula sa aralin 2, subalit kung mababa rito ang iyong iskor, kailangan mo munang sagutin ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na aralin. Handa ka na ba? Magsimula ka na! Panuto: Isulat kung ano ang tinutukoy ng mga sumusunod na pahayag. 1. Ang impormasyong mababasa pakatapos ng pangalan ng may akda. 2. Bantas na ginagamit sa pamagat ng artikulo. 3. Kung walang pangalan ng sumulat, ito kaagad ang unang isinusulat. 4. Bantas na ginagamit upang ihiwalay ang lunsod sa limbagan. 5. Bantas na makikita sa hulihan ng bibliyograpi.ARALIN 2: Paghahanay-hanay ng Mahahalaga at Magkakaugnay na Impormasyon Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nakapaghahanay-hanay ng mahahalaga at magkakaugnay na impormasyon 2. Nagagamit ang kaalaman tungkol sa wastong format 3. Natutukoy ang pagkakaiba ng format ng bawat sanggunian ayon sa uri nito 4. Nakapagbibigay-reaksyon sa mga piling halimbawa ng bibliyograpi Anu-ano na ba ang tiyak na alam mo? Iba’t iba ang sangguniang matatagpuan sa aklatan. Hindi lamang sa aklat makakukuha ng mga kinakailangang impormasyon subalit sa iba pang babasahin gaya ng mga mapa, atlas, yearbook, clippings at marami pang iba. Alam mo ba kung paano ginagamit ang mga ito? 14
Sagutin mo ang pagsubok na inihanda ko upang malaman kung gaano na kalawak angiyong kaalaman sa paksang ito.Panuto: Isulat kung anong impormasyon ang isinasaad ng bawat bilang.1. Austerio, Cecilia S.2. Filipino sa Iba’t ibang Disiplina3. Dalandanan, Valenzuela City4. Mega Jesta Prints, Inc.5. 20006. “Mag-aral Tayo”,7. pp. 350 – 3808. XV9. Sunday Times10. Encyclopedia Britanica Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… Bilang mananaliksik, mahalagang matutunan ang pagkilala at paghahanay-hanay ngmga impormasyon upang higit na maging magaan ang paraan ng pananaliksik. Kailangangmakilala kung ano ang pamagat ng aklat at kung ano ang titulo ng isang Artikulo, ito ba’ypetsa ng pagkakalimbag o bilang lamang ng pahina, edisyon o kaya’y bolyum. Alam mo ba kung anu-anong sanggunian ang maaaring magamit ng isangmananaliksik? Isulat kung anong sanggunian ang tinutukoy ng bawa’t pahayag. 1. Naglalaman ng mga bagong kaganapan sa araw-araw , sa loob at labas ng ating bansa. 2. Dito makukuha ang iba’t ibang impormasyon tungkol sa iba’t ibang larangan gaya ng ekonomiya / kabuhayan, mga kompanya, negosyo, hanapbuhay at mga kaganapang naganap sa buong taon. 3. Nagbibigay ng impormasyon tungkol sa iba’t ibang paksa o larangan ng karunungan. 4. Dito matatagpuan ang iba’t ibang mapa sa daigdig. Nakasulat ang tungkol sa topograpiya at demograpiya ng bawa’t bansa. 5. Ito ang sinasangguni kung nais malaman ang kahulugan, salitang-ugat, pinagmulan at tamang bigkas ng salita. Paalpabeto ang pagkakaayos ng mga salita. Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Alam kong handang-handa ka na ngayon sa mga gawaing inihanda ko. 15
Gawain 1: Paghahanay-hanay ng Mahahalaga at Magkakaugnay na Impormasyon.Panuto: Buuin ang tsart ng impormasyong nakatala sa ibaba nito.Awtor Pamagat ng Pook/Lugar Limbagan Taon1 Aklat 34 5 2 Retorika Dalandanan, Valenzuela City Mega-Jesta Prints, Inc. 1999 Austerio, Cecilia S.Awtor Pamagat ng Pamagat ng Bilang ng Pahina Petsa1 Artikulo Magasin Bolyum 5 2 34“A Step Forward in Writing” Vol. 15 April 1991 Vol. XX19 p.20-25Pereira, Silvia L. de English Teaching ForumGawain 2: Paggamit ng kaalaman Tungkol sa Wastong Format. Bago mo sagutan ang Gawain 2, basahin at unawain mo munang mabuti ang ilangmahahalagang bagay tungkol sa format ng bibliyograpi. May sariling format ang bibliyograpi. Ito ang dapat sundin upang maging maayos angpaggawa nito. Iba’t ibang sanggunian, iba-iba rin ang paraan ng pagsasaayos ng mgaimpormasyonKaraniwan nang binubuo ng dalawa hanggang tatlong linya ang bibliyograpi. Ang 16
unang linya ay dapat na nakalabas, sa ikaanim na letra ng pangalan o espasyo sa itaas dapatisulat ang unang salita sa ikalawang linya. Halimbawa: ____________________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ Cruz, Isagani. Filipino 4. Manila: De La Salle University Press, 1996. Mayroon ding palugit at espasyong sinusunod ang bibliyograpi. Hindi maaaring isulat mo hanggang dulo ng papel ang mga impormasyon. Hindi ito magandang tingnan. Ang espasyo naman ay 1 lang. Nagiging doble lamang sa pagitan ng bawa’t bibliyograpi. Halimbawa: ____________________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ ____________________________________________________ ______________________________________________ ______________________________________________ Kapag ang sangguniang ginamit ay pahayagan at ensayklopidya, karaniwan nang wala itong pangalan ng sumulat kaya’t unang isinusulat ang pamagat ng Artikulo. Kahit pamagat lamang, isinusunod din ito sa ayos na paalpabeto. Halimbawa: Tiongson, Nicanor. Kasaysayan ng Komedya sa Pilipinas: 1766 – 1982. Maynila: Integrated Research Center De La Salle University, 1982. “Wika ng mga Katutubo”, Liwayway, p. 60, 1985. Kapag iisa lang ang may-akda sa dalawang magkaibang sangguniang ginamit, sa ikalawang sanggunian ay di na kailangan pang isulat ang pangalan ng may-akda, sa halip, kakatawanin ito ng linyang mahaba. Halimbawa: Gabriel, Lamberto Ma. Sining-Agham sa Pagtula. Metro Manila, Philippines: National Book Store, Inc. 1986. 17
__________________. Sining ng Pakikipagtalastasan, Metro Manila, Kapag ang sanggunian ay may dalawa o higit pang pangalan ng may-akda, kuninang unang pangalan at sundan ito ng salitang et. al. Nangangahulugang may kasama paang sumulat ng aklat. Halimbawa: Sebastian, Federico B. et. al. Katutubong Kulay. Manila: M.E. Anatalio and Co., 1973 Naragdagan ba ang iyong kaalaman? May bahagi ka bang hindi naintindihan? Mulimo itong balikan at pag-aralan upang maunawaan ang mensaheng nais nitong ipahayag.Sagutin mo ngayon ang gawaing inihanda ko.Panuto: Isulat ang letra ng salitang angkop sa bawat patlang.1. Kapag sa dalawang sangguniang magkasunod ay iisa lamang ang may-akda, angikalawang entri, sa halip na pangalan ng may-akda ang isulat,kakatawanin na lamang itong ______________.a. pamagat ng artikulo c. pamagat ng aklatb. apelyido ng may-akda d. linyang mahaba2. Ang unang salita sa unang linya ay kailanganga. nasa gitna c. nakalabasb. nakagilid d. nakapasok3. Kapag walang pangalan ng sumulat ang unang ilalagay aya. pamagat ng aklat c. pamagat ng artikulob. limbagan d. taon ng pagkakalimbag4. Ang espasyo ng bawat linya ay _________a. isa c. tatlob. dalawa d. apat5. Isusulat ang unang salita sa ikalawang linya sa ____________ na letra ng unang salita oespasyo sa unang linya.a. pang-anim c. pang-apatb. panlima d. pangatloGawain 3: Pagtukoy sa Pagkakaiba ng Format ng Bawat Sanggunian Ayon sa Uri Nito.Panuto: Isulat sa wastong kaayusan, format at uri ang mga sumusunod na impormasyon. 18
1. Si Consolacion P. Sauco ang sumulat ng aklat2. Ang pamagat ay Sulyap sa Dulang Tagalog3. Nilimbag ito sa Kalakhang Maynila, Pilipinas4. National Book Store ang naglimbag ng aklat5. Ginanap ang paglilimbag noong 19876. Ang ikalawang sanggunian ay isang magasin na ang pangalan ay Sunday Times7. “Panitikan sa Iba’t ibang Panahon” ang pamagat ng artikulo8. Nilimbag ito noong 20029. Matatagpuan ang artikulo sa pahina 1510. Ang bolyum nito ay XXGawain 4: Pagbibigay – reaksyon sa mga piling halimbawa ng bibliyograpi.Panuto: Basahin munang mabuti ang halimbawang bibliyograpi. Pagkatapos, piliin at isulat ang mga salitang tumutugon sa ipinahahayag ng bawat bilang.1. “Pag-unlad ng Wikang Filipino”, Taliba, p. 4, Mayo 15, 2002.2. Reyes, Soledad S. Nobelang Tagalog 1905-1975 Tradisyon at Modernismo, Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 19823. __________________, Sariling Panitikan, Manila Philippines: Union Book Store, 1985.1. Ang bantas na ginamit sa ikalawa at ikatlong sanggunian subalit di-matatagpuan sa unang sanggunian.2. Ang bantas na mayroon ang una subalit wala ang ikalawa at ikatlong sanggunian.3. Ang dalawang impormasyong mayroon ang ikalawa’t ikatlo subalit wala ang unang sanggunian.4. Ang impormasyong matatagpuan sa una, ikalawa at ikatlong sanggunian.5. Maliban sa bilang pahina, ang isa pang impormasyong mayroon ang una subalit wala ang ikalawa at ikatlong sanggunian.Mga pagpipilian pamagat ng artikulo tuldok tutuldok limbagan at pook 19
pamagat ng aklat at petsa panipipetsa ng pagkakalimbag2. Lagumin mo… Susubukin ng pagsubok na inihanda ko para sa iyo ang lawak ng kaalamang iyong natutunan sa Aralin 2. Huwag kang matakot. Tutulungan ka nitong malaman kung alin sa mga aralin ang naging madali o mahirap para sa iyo. Isa rin itong paraan upang malunasan ang iyong pangamba tungkol sa paksang dapat mo pang pag-ukulan ng panahon sa pag- aaral. Handa ka na ba? Panuto: Basahin muna ang mga sumusunod na sanggunian. Pagkatapos, sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Gonzales, Lydia . Ang Sining ng Pakikipagtalastasan . Cubao, Quezon City: Miramar Publishing House, 1985. ______________ . Ako, Sa Nagbabagong Daigdig ng Komunikasyon at Lipunan. Taguig, Metro Manila: JEA Publishing House, Inc., 1987. “Makabagong Pananaw sa Wika at Panitik”, Panorama, Bolyum 5, p. 7, 1999.1. Ang pamagat ng unang sanggunian ay _________________.2. Ang may-akda ng ikalawang sanggunian ay _________________.3. “Makabagong Pananaw sa Wika at Panitik”, isa itong pamagat ng ________.4. Ang salungguhit na ginamit sa ikalawang sanggunian ay kumakatawan as _____________.5. Ang espasyo ng mga impormasyon sa bawat linya ng sanggunian ay _____________.6. Ang espasyo ng bawa’t sanggunian ay _____________.7. Ang ginamit na sanggunian sa ikatlo ay isang ____________.8. Ang uri ng sangguniang ginamit sa ikalawa ay isang ____________. 20
9. Ang bantas na ginamit sa pamagat ng artikulo ay ____________.10. Isinusulat ang unang salita sa ikalawang linya sa ikaanim na espasyo ng salitang nasa ____________. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Hingin ang susi sa pagwawasto sa iyong guro.3. Subukin mo… Isaayos mo ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang maayos nahalimbawa ng sangguniang aklat. 1. Limbagang Pilipino 2. Navotas, Metro Manila 3. 1980 4. Ako’y Isang Tinig 5. Dr. Genoveva Matute 1. Silangan Publishing House 2. Pioneer St., Mandaluyong City 3. Mga Babasahin sa Filipino 4. 1996 5. _________________ Naging madali ba para sa iyo ang pagsasaayos ng mga impormasyon? Tingnan mokung ilan ang iyong nakuha. Hingin mo ang susi sa pagwawasto sa guro upang malaman angiskor na iyong nakuha.4. Paunlarin mo… Kung ang iskor na iyong nakuha ay walo (8), maaari ka nang magsimula sa Aralin 3,subalit kung mababa rito ang iyong iskor, kailangan mo munang sagutin ang gawainginihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na aralin. Handa ka na ba? Magsimula ka na!Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isang maayos na sanggunian.1. Gintong Butil2. Bolyum XI3. p. 30 21
4. Marso 27, 20035. “Pandalubhasaang Pag-aaral ng Linggwistika”,ARALIN 3: Pagbuo ng Maayos at Malinis na Bibliyograpi Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mapag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunodna kasanayan. 1. Nakasusunod sa mga tiyak na modelo 2. Naisasaayos ayon sa wastong kaayusan ang mga sanggunian 3. Naiisa-isa ang mga panuntunang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng bibliyograpi 4. Nakabubuo ng bibliyograpi batay sa kaayusan, kalinawan at kaisahan Anu-ano na ang mga tiyak na alam mo? Alam mo bang sumulat nang dikit-dikit? Kung palimbag ang paraan ng iyongpagsulat, mahalagang marunong ka ring sumulat nang dikit-dikit sapagkat ito ang unangpanuntunan sa pagsulat ng komposisyon. Alam mo ba kung bakit? Dito makikita ang mga wastong baybay ng salitang ginamitat ang pagtatapos o pagsisimula ng pangungusap.Panuto: Isulat nang dikit-dikit ang mga sumusunod na impormasyon. 1. GUZMAN, GLORIA VILIARAZA 2. HANDOG NG KALAYAAN 3. IMUS, CAVITE 4. PAROLA PUBLISHING HOUSE, INC. 5. OKTUBRE, 2004 Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin mo… 22
Alam mo ba kung paano isusulat nang wasto ang mga impormasyong kinakailangan sa pagbuo ng bibliyograpi? Sagutin mo ang gawaing inihanda ko upang malaman kung gaano ka na kahanda sa araling pag-aaralan mo. Panuto: Isulat sa loob ng kahon ang impormasyong hinihingi nito. 1. May-akda 2. Pamagat ng 1 Artikulo6. Petsa 3. Pamagat ng aklat Sanggunian 5. Limbagan 4. PookMga Pagpipilian Sta. Cruz, Manila Manila, Sta. Cruz Epifanio G. Matute Matute, Epifanio G.“Sanaysaying” Institute of National LanguageFlorante at Laura Time MagazineSa mga Kuko ng LiwanagAng Pag-aaral at Pagsulat ng Maikling Katha Hulyo, 2004 2004 Hulyo 23
Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.Gawain 1: Pagsunod sa mga Tiyak na Modelo.Panuto: Pag-aralan ang mga halimbawang bibliyograpi. Suriin kung paano ito binuo at pagkatapos, gawin itong modelo batay sa mga impormasyong ibinigay.1. Medina, Jr., Buenaventura S. Tatlong Panahon ng Panitikan . Cubao, Quezon City: Parola Publishing Co., 2000 Ang Panulaang Tagalog ManilaEspaña Kalayaan Paublishing House, 2001 Inc. Iñigo Ed. REgalado2. ______________________ . Tinging Pahapyaw sa Kasaysayan ng Panitikang Tagalog. Maynila: Institute of National Language 2000.Quezon City : 1998 Mga Silanganin ng PanitikanAteneo de Manila3. “Handog ng Kalayaan”, Ang Tinig. P. 4, 2004.Kabayan 2004 “Diwang Pilipino” p. 34. Calip, Resurreccion J. “Awitin, Himno at Paghihimagsik”, Philippine Quarterly Magazine. Maynila: Dalubhasaang Normal ng Pilipinas pp. 70-72 2004.“Tungkos ng Alaala” Banyuhay MagazineBahaghari Printing Press 2004 Pedro Gatmaitan pp. 5 – 7 Maynila 24
Gawain 2: Pagsasaayos ng mga Sanggunian Ayon sa Wastong Kaayusan. Masasabing maayos ang isang bibliyograpi kung ang bawat sanggunian ay nasa tamangpuwesto. Kailangang ito’y naaayos sa paalpabetong pamamaraan. Alam kong sa rami ng gawaing iyong naisagawa ay madali nang gawin para sa iyo angpagsasanay na ito. Handa ka na ba?Panuto: Isaayos at isulat ang mga sumusunod na sangguniang aklat. Mabanglo, Ruth Elynia S. Panunuring Pampanitikan. Makabagong Pilipino Para sa Kolehiyo 3. Manila: Alemar – Phoenix Publishing House, Inc. 1979 Del Mundo, Clodualdo. Mula sa Parolang Ginto, Mga Panunuring Pampanitikan. Maynila: Liwayway Publishing, Inc., 1969 Brion, Rofel G. Tuklas, Mga Piling Akda ng Panitikang Filipino, Quezon City, Metro Manila: Ateneo de Manila University Press Kagawaran ng Filipino, 1987. Baes, Emelita P. Huwag Mo Akong Limutin – Mga Tula at Panuntunan sa Pagsulat mg Tula. Quezon City: Rex Printing Compay, Inc. 1979.Gawain 3: Pag-iisa-isa sa mga Panuntunang Dapat Isaalang-alang sa Pagsulat ng Bibliyograpi. May mga panuntunang nararapat isaalang-alang sa pagsulat ng bibliyograpi upang matiyak nawasto at maayos ang magiging bunga nito. Alam mo na ba ang mga ito? Sagutin mo ang gawaing aking inihanda upang malaman kung handa ka na nga bang sumulat.Panuto: Iguhit ang larawang bulaklak ( ) kung ang ipinahahayag ng bawat pangungusap ay karapat-dapat na maging panuntunan sa pagsulat ng bibliyograpi at larawang dahon ( ) kung di-karapat-dapat. 1. Sa bawa’t sanggunian, maglagay ng anim na letrang espasyong indensyon. 2. Isaalang-alang ang mga kinakailangang bantas sa bawat impormasyon ng sanggunian. 3. Isulat nang palimbag ang mga impormasyon upang madaling mabasa. 25
4. Lumaktaw ng isang espasyo sa bawat linya at dalawang espasyo pagkatapos ng bawat sanggunian. 5. Sumulat nang malinaw at malinis. 6. Simulan sa malaking letra ang mga pangngalang pantangi. 7. Gumamit ng sariling istilo sa pagsasaayos ng mga impormasyon upang maging kakaiba ang isinagawang bibliyograpi.Gawain 4: Pagbuo ng Bibliyograpi Batay sa Kaayusan, Kalinawan at Kaisahan.Panuto: Isaayos ayon sa wastong pagkakasunud-sunod ang iba’t ibang sanggunian. Sauco, Consolacion P. et.al. Sulyap sa Dulaang Tagalog. Metro Manila, Philippines: National Book Store, Inc., 1987. “Music and Musicians”, Encyclopedia From A to Z, pp. 198-199, 2002. Langit, Rey. Pag-abuso sa Karapatan ng Bata, Diwa Magazine, pp. 9-10, 2003. Abangan, Bella A. “Paano Hinubog si Rizal” Tempo, p. 4, Pebrero 10, 2003. Nadalian ka ba sa pagsagot sa mga gawain? Binabati kita. Nangangahulugan lamang nanaging makabuluhan ang iyong pag-aaral. Kung di ka man nakakuha ng mataas na iskor, huwagmag-alala. Maaari mong balikan ang bawa’t gawain upang mapag-aralan mong mabuti ang mgabahagi kung saan ka nagkamali. Ang mahalaga, naragdagan ang iyong kaalaman. May pagkakataonpa upang makabawi. 2. Lagumin mo… Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na sanggunian at punan ng wastong salitang makikita sa kasunod na pahina ang bawat patlang upang maging maayos ang pagbuo ng bibliyograpi. Eugenio, Damiana L. Awit and Corredo Philippine Metrical Romances. _________ Philippines : University of the Philippies Press, 1987 Reyes, Soledad S. ______________. 1905-1975 Tradisyon at Modernismo. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1982. “Sining”, Compton Enclyclopedia, _____________, pp. 50-55, 1989. 26
Panganiban, Jose Villa. __________. Panitikan ng Pilipinas Binagong Edisyon. Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc. 1982.“Pagdiriwang ng mga Katutubong Manobo” _____________, pp. 49-51, Marso 17, 2005Mga Pagpipilianet. al. Quezon CityDaily Bulletin Nobelang Tagalog Volume XVIwasto ang iyong sagot. Hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.2. Subukin mo… Isaayos ang mga impormasyon sa sanggunian pagkatapos, pagsunud-sunurin ito at lagyan ng mga kinakailangang bantas upang makabuo ng maayos na bibliyograpi.Sining at Pamamaraan ng PagsasalinAlejandro, Rufino 1980 NationalBook Store ManilaBelvez, Paz M. Manila National Book Sanaysay,Store 1986 et. al.Talumpati at Debate“Ang Linggwistikang Filipino at ang Guro ng Wika”Vol. 3 PhilippineNormal College No. 2 1980 27
“Agham – Wika sa Filipino” Blg. 1Supling 1970 Lathalain ng PambansangSamahan sa Linggwistikang FilipinoDaily Bulletin “Effective Conversation” p. 49 May 20, 2004Iwasto mo ang iyong sagot. Hingin sa iyong guro ang susi sa pagwawasto.3. Paunlarin mo… Tama ba lahat ang iyong naging kasagutan? Nangangahulugan lamang niyan na bihasa ka na sa pagsulat ng bibliyograpi. Magiging madali na sa iyo ang pangangalap ng impormasyon sa pananaliksik. Kung nagkaroon ka man ng kamalian, sagutin mo muna ang gawaing inihanda ko bago mo pag-aralan ang susunod na liksyon. Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon ng isang sanggunian at lagyan ng kaukulang bantas.Sining ng Pagsasalin Rex Book Store Alfonso O. SantiagoManila 1990 Gaano ka na kahusay? Panuto: Isaayos ang mga sumusunod na impormasyon upang makabuo ng isangmaayos na bibliyograpi / talasanggunian mula sa iba’t ibang uri ng sanggunian. Sangguniang Aklat Panitikan Para sa Mag-aaral na Pilipino 1980 28
Landicho, Domingo G.Manila: Makati Trade Times Publishing Co., Inc. • Sangguniang JornalBolyum 1, No. 1Enero, 1984“Literatura ng Pilipinas”Jornal Para sa mga Literatura ng Pilipinas • Sangguniang MagazinLiwaywayMayo 2000Ang Implikasyon ng Panitikan sa Kulturang PilipinoBautista, Alberto P. 29
Susi sa PagwawastoAnu-ano na ba ang alam mo? Badayos, Paquito B. Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika – Mga Teorya, Simulain at Istratehiya. 705 J.P. Rizal St., Makati City: Grandwater Publications Research Corporation, 1999Lalunio, Lydia P. Makabagong Istratehiya at Teknik sa Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat. Hasik, Bolyum 1, Blg. 1, Mayo 1996.Otanes, Fe T. “Mga Batayang Teorya sa Wika”, Manwal sa Pagsasanay sa Filipino I. Wika at Panitikan, Ikaapat na taon ng Mataas na Paaralan, 1991.Aralin 1: Pagsusuri ng mga Tiyak na Halimbawa ng BibliyograpiAnu-ano na ang tiyak na alam mo? 1. Pasasalamat 2. Pahina ng pamagat 3. Talaan ng mga nilalaman 4. Paunang salita 5. Talababa 6. Bibliyograpi1. Alamin Mo Gawain 3 1. Arrogante, Jose A. 1. Rofel 2. Balmaceda, Julian C. 2. akda 3. Bautista, Lualhat 3. Pankitikan 4. Bayani ng lahi, Balita 4. City 5. Katutubong Panitikan, Liwayway 5. Manila 6. Manuel, Arsenio E. 6. Press 7. Panganiban, Jose Villa 8. Pineda, Ponciano B.P. 1. Mundo 9. Reyes, Edgardo 2. Pampanitikan 10.Sebastian, Federico B. 3. Liwayway 4. PublishingGawain I 5. Inc. 1. Hindi 2. Hindi Gawain 4 30
3. Oo A4. Hindi 1. Isang Libo at Isang Salawikain at5. Hindi6. Oo Kasabihan7. Hindi 2. 19758. Hindi 3. Palimbagan ng Dalubhasaang Epifanio delos Santos 4. Malabon, RizalGawain 2 6. : 1. , 6. - 5. Reyes, Soledad S. 1. , 7. . 2. . 7. , B. 2. . 8. . 3. , 8. . 1. Lalunio, Lydia P. 3. “ ” 9. , 4. , 9. , 2. Makabagong Stratehiya at Teknik sa 4. 10. . 5. : 10. . 5. , Paglinang ng Kasanayan sa Pagsulat 3. 1996 4. Hasik 5. ILagumin Mo 6. kuwit 8. bolyum 1. magkakasunod 7. tuldok 9. pamagat ng babasahin/pahayagan 2. pook / bayan 8. tutuldok 10. Encyclopedya 3. pamagat ng artikulo 9. petsa 4. malaking 10. lunsod Alamin Mo 5. kataga 1. pahayagan 2. Year BookSubukin Mo 6. malaking 3. ensayklopeya 1. impormasyon 7. kataga 4. Atlas 2. maayos 8. may-akda 5. Tesaurus Dictionary/ 3. bantas 9. petsa Talasanggunian 4. nakalabas 10. pagkakalimbag 5. nakapasok Gawain 1 1. Austerio, Cecilia S.Paunlarin Mo 2. Retorika 1. Pamagat ng aklat/babasahin 3. Dalandanan, Valenzuela 2. Panipi 4. Mega-Jesta Prints, Inc. 3. Pamagat ng Artikulo 5. 1999 4. kuwit (,) 1. Pereira, Silvia L. de 5. tuldok (.) 2. A Step Forward in Writing 3. English Teaching ForumAralin 2 4. 15Anu-ano na ang tiyak na alam mo? 5. p. 20-25 6. April, 1991 1. may-akda 2. pamagat ng aklat 3. pook ng limbagan 4. limbagan 5. petsa ng pagkakalimbag 6. pamagat ng artikulo 7. pahina 31
Gawain 2 4. a 1. d 5. a 2. c 3. cGawain 3 Sauco, Consolacion P. Sulyap sa Dulaang Tagalog. Maynila, Pilipinas: National Bookstore. 1987“Panitikan sa Iba’t ibang Panahon”, Sunday Times, Bolyum 20, p. 15, 2002.Gawain 4 1. tutuldok (:) 2. panipi (“ ”) 3. limbagan at pook 4. petsa ng pagkakalimbag 5. pahinaLagumin Mo 9. panipi 1. Ang sining ng pakikipagtalastasan 10. unang linya/unahan 2. Gonzales, Lydia 3. artikulo 4. pangalan ng may-akda 5. isa (1) 6. dalawa (2) 7. magasin 8. aklatSubukin MoDr. Matute, Genoveva. Ako’y Isang Tinig. Navotas, Metro Manila: Limbagang Pilipino, 1980_____________________ . Mga Babasahin sa Filipino. Pioneer St., Mandaluyong City: Silangan Publishing House, 1996Paunlarin Mo“Pandalubhasaang Pag-aaral ng Lingguistika”, Gintong Butil, Bolyum XI, p. 30, Marso 27, 2003.Aralin 3Anu-ano na ang tiyak na alam mo? 1. Guzman, Gloria Villaraza 32
2. Handog ng Kalayaan3. Imus, Cavite4. Parola Publishing House, Inc.5. Oktubre, 2004Alamin Mo 1. Matute, Epifanio G. 2. “Sanaysaging” 3. Ang Pag-aaral at Pagsulat ng Maikling Katha 4. Sta. Cruz, Manila 5. Institute of National Language 6. Hulyo, 2004Gawain 1Regalado, Iñigo Ed. Ang Panulaang Tagalog. España, Manila: Kalayaan Publishing House, 2001.__________________. Mga Silanganin ng Panitikan. Quezon City: Ateneo de Manila, 1998.“Diwang Pilipino”, Kabayan. P. 3, 2004.Gatmaitan, Pedro . “Tungkos ng Alaala”, Manila: Banyuhay Magazine, Bahaghari Printing Press, pp. 5-7, 2004.Gawain 2Baes, Emerlita P. Huwag Mo Akong Limutin – Mga Tula at Panuntunan sa Pagsulat ng Tula. Quezon City: Rex Printing Company, Inc. 1979.Brion, Rofel G. Tuklas, Mga Piling Akda ng Panitikang Filipino. Quezon City, Metro Manila: Ateneo de Manila University Press Kagawaran ng Filipino, 1987.Del Mundo, Clodualdo . Mula sa Parolang Ginto; Mga Panunuring Pampanitikan. Maynila. Liwayway Publishing, Inc.; 1969Mabanglo, Ruth Elydia S. Panunuring Pampanitikan. Makabagong Filipino Para sa Kolehiyo 3. Manila: Alemar Phoenix Publishing House, Inc. 1979.Gawain 3 4. 7. 1. 33
2. 5. 3. 6.Gawain 4 Abangan, Bella A. “Paano Hinubog si Rizal”, Tempo. P. 4, Pebrero 10, 2003. Langit, Rey. Pag-abuso sa Karapatan ng Bata. Diwa Magazine, pp. 9-10, 2003. “Music and Musicians”, Encyclopedia From A to Z, pp. 198 – 199, 2002. Sauco, Consolacion P. et. al. Sulyap sa Dulang Tagalog. Metro Manila, Philippines: National Book Store, Inc., 1987.Lagumin Mo Eugenia, Damiana L. Awit and Corredo Philippine Metrical Romances. Quezon City: “Pagdiriwang ng mga Katutubong Manobo”, Daily Bulletin. Pp. 49-51, Marso 17, 2005. Panganiban, Jose Villa. et. Al. Panitikan ng Pilipinas Binagong Edisyon. Quezon City: Bede’s Publishing House, Inc. 1982 Reyes, Soledad S. Nobelang Tagalog 1905 – 1975 Tradisyon at Modernismo. Quezon City: Ateneo de Manila University Press, 1982. “Sining”, Compton Encyclopedia, Volume XV, pp. 50-55, 1989.Subukin Mo “Agham - Wika sa Filipino”, Supling. Lathalain ng Pambansang Samahan sa Linggwistikang Filipino, Blg. 1, 1970. Alejandro, Rufino. Sining at Pamamaraan ng Pagsasalin. Manila: National Book Store, 1980. “Ang Linggwistikang Filipino at Ang Guro ng Wika”, Philippines: Normal College, Vol. 3, No. 2, 1980. Belvez, Paz M. et.al. Sanaysay, Talumpati at Debate. Manila: National Book Store, 1986. 34
“ Effective Conversation”, Daily Bulletin. P. 4, May 20, 2001.Paunlarin Mo Santiago, Alfonso O. Sining ng Pagsasalin. Manila: Rex Book Store, 1990Gaano ka na kahusay Bautista, Alberto P. “Ang Implikasyon ng Panitikan sa Kulturang Pilipino”. Liwayway, p 20. Mayo, 2004. Landicho, Domingo G. Panitikan Para sa Mag-aaral sa Pilipino. Manila: Makati Trade Times Publishing Co., Inc. 1980. Literatura ng Pilipinas. Jornal Para sa mga Literatura ng Pilipinas. Bolyum 1, No. 1. Enero, 1984. 35
Modyul Blg. 12 Pagkilala sa mga Pangunahing Tauhan ng Nobelang Noli Me Tangere Tungkol saan ang modyul na ito?Mahal kong Mag-aaral, Magandang araw sa iyo. Kumusta ka? Muli na naman tayong magkakasama. Sana’ynatulungan ka ng unang modyul na ginawa ko para sa iyo. Muli ay naghanda ako ng modyul na tutulong sa iyo upang mapaunlad at mapayaman angiyong mga kasanayan sa pagsasalita, pagbasa at pagsulat. Sa mga araling inihanda ko,makikilala mo ang mga pangunahing tauhan sa nobelangnabanggit. Malalaman mo rin ang mga napipinto nilang suliranin. Dito ay masusuri mo rin angpagiging makatotohanan ng mga tauhang ito. Ano ang matututunan mo? Ang layuning panlahat ng modyul na ito ay: Nalilinang ang kahusayang maging mapanuri sa akdang binasa. Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Patnubay mo sa iyong sariling pagkatuto ang modyul na ito. Kagamitan mo ito bilang gabaysa tulong ng mga tuntunin. Upang maging makabuluhan at wasto ang paggamit nito, kailangangmaging malinaw sa iyo ang mga tuntuning dapat mong sundin. Huwag kang mabahala, simple lamang ang mga ito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsubok o ang bahaging Ano Na Ba Ang Alam Mo? Layunin nitong masukat ang lawak ng kaalaman mo sa paksa. 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 1
Kung magkaroon ka man ng maraming mali, okay lang iyon. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Pag-aralan mo ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda ko. Mababasa mo kung paano ang dapat mong gawain.4. Matapos mong gawin ang mga Pagsasanay tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang Pangwakas na Pagsusulit. O ang bahaging Gaano Ka Na Kahusay? Pagkatapos, iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Maging matapat ka sa pagwawasto.5. Gamitin mo nang wasto ang modyul na ito. Kaibigan mo ito.6. Pag-isipan mong mabuti ang mga tanong bago mo sagutan ang mga ito.7. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng sagutang papel o notebuk. Pahalagahan ang modyul na ito. Ito’y iyong kaibigang nagmamalasakit sa iyo. Ano na ba ang alam mo?A. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod.1. Lagyan ng tsek ( / ) ang pinakamabisang pangungusap.a. Nobelang panlipunan ang Noli Me Tangere.b. Ang nobelang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan.c. Alam ng lahat na ang isinulat na nobelang Noli Me Tangere ay isang nobelangpanlipunan.d. Nobelang panlipunan ang Noli MeTangere na isinulat ni Dr. Jose Rizal.2. Isulat ang letra ng pahiwatig o konotasyon ng pariralang may salungguhit sa pangungusap.Unti-unti nang lumalabas ang mga kaaway ni Ibarra tanda ng pagdating ng unos sabuhay niya.a. sigalot b. kaguluhan c. problema d. lahat ng nabanggit3. Piliin ang letra ng mga salitang nag-aagawan ang kahulugan sa loob ng pangungusap.Tahimik ang paligid na tila nagbabadya ng pagdating ng kaguluhan sa buhay ngmag-anak.a. paligid, buhay b. mag-anak, tila c. tahimik, kaguluhan d.buhay, pagdatingB. Panuto: Isulat ang wasto kung wasto ang kaisipan ng pahayag at mali kung mali ang kaisipan nito. 4. Nagsimula na ang pagdating ng napipintong suliranin ni Ibarra nang malaman niya ang nangyari sa bangkay ng kanyang ama. 5. Piliin ang letra ng tamang pakahulugan o interpretasyon sa sumusunod na sitwasyon. Malakas ang hampas ng murang katawan ni Crispin sa bawat baitang ng hagdan habang hinihila ito pababa ng Sakristan Mayor. a. Wala itong epekto kay Crispin. b. Maaari itong ikamatay ni Crispin. c. Mababaliw si Crispin. d. Mawawala si Crispin. 2
6. Bilugan ang letra ng pahayag na naglalahad ng katotohanan. a. Kung gustong matupad ang mga balak nang walang hadlang, sundin ang kagustuhan ng mga kalaban. b. Pag-iwas sa problema ang tamang solusyon dito. c. Ang tunay na kaibigan ay makikita sa panahon ng kasaganaan.C. Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga sumusunod. 7. Salungguhitan ang letra ng pahayag na nagpapakita ng pagkamakatotohanan ng tauhan. a. Pawang luha ang iginaganti ni Sisa sa pananakit ng asawa. b. Hindi naniniwala sa purgatoryo si Pilosopo Tasyo. c. Tulad ng karaniwang mga bata, panay trabaho ang nais gawin ng magkapatid. 8. Isulat ang Tama kung tama ang kaisipang inilahad ng pahayag at Mali kung mali ang kaisipang inilahad. Ang pagkakakita ni Sisa ng pirasong damit ni Basilio na may bahid ng dugo ang siyang pinakamaigting na bahagi ng kabanata. 9. Ang pagdaluhong ni Ibarra ng kutsilyo kay Padre Damaso upang patayin ito ay siyang pinakasukdulang bahagi ng kabanata. 10. Isulat ang P kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng positibong pananaw at N kung nagpapahayag ng negatibong pananaw. Ang pag-iwas sa sandaling gulo ay habambuhay na kapayapaan.II. Aralin 1. Sa Sariling Bayan (Kabanata I – X)A. Anu-Ano Ang Mga Tiyak Na Matututunan Mo? Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo mo ang mgasumusunod na kasanayan.1. Nabibigay ang sariling puna hinggil sa pagkakabuo ng mga pangungusap batay sa ikli ohaba at pag-uulit.2. Nabibigyang-puna ang kabanata bilang siyang simula ng banghay,- pagpapakilala sa mga pangunahing tauhan- paghahanda sa mga mambabasa tungkol sa napipintong suliranin3. Nabibigyang-puna ang pagkamakatotohanan ng tauhan batay sa;- kilos - pilosopiya- paniniwala - gawi- saloobin - paninindigan4. Natutukoy at naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagiging matimpi at mahinahon. 3
5. Naisusulat ang mga makahulugang pahayag na may kaugnayan sa kaisipan ng binasang akda. Mga gawain sa pagkatuto 1. Alamin Mo… Ang isang taong nawalay sa sinilangang bayan, kapag nagbalik ay kakikitaan ng maraming pagbabago sa panlabas na anyo at pagbabagong pangkaasalan.A. Panuto: Isulat sa patlang ang PA kung ang pahayag sa loob ng kahon ay nagpapakita ng pagbabago sa panlabas na anyo at PK kung ang pagbabago ay pangkaasalan. Isulat ang sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1_________ Pananamit ayon sa pinanggalingang bayan 2 ________ Mga pagbabagong 3 ________ nagaganap sa isangPagyukod ng ulo taong matagal na Pagtaba okapag nakasasalubong nawalay sa pangangayayat ngng isang nakatatanda sinilangang bayan pangangatawano isangmaykapangyarihan4 _______ Paghalik sa Pananabik sa mga bagay _______ 5 kamay ng mga na sa sariling bayan kadalagahan lamang makikitaB. Panuto: Isulat ang P sa patlang kung ang pagbabagong naganap sa taong tinutukoy sa Pagsasanay A ay positibo at isulat ang N sa patlang kung negatibo ang pagbabagong binabanggit sa bawat bilang.______6. Kinalimutan na ang sariling kultura 4
______7. Di na alam salitain ang katutubong wika______8. Nanatili ang pagmamahal sa mga kababayan______9. Ipinagmamalaki pa rin ang pagkalahi saan mang bayan magpunta______10. Ikinahiya ang pinagmulang angkan Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Ang mga Pagsasanay A at B na sinagot mo ay may kaugnayan sa akdang babasahin mo.Ang pangunahing tauhan, na si Ibarra ay isang taong nawalay nang matagal sa sariling bayan atmuling nagbalik na taglay ang maraming pagbabago sa katauhan. Handa ka na ba? Basahin mo na! 2. Basahin Mo… Sa Sariling Bayan (Buod ng Kabanata I – X) Nagbigay ng isang salu-salo si Kap. Tiyago bilang pasasalamat sa maluwalhating pagdating ni Crisostomo Ibarra. Maraming panauhin ang nagsidalo. Sa gitna ng karamihan ng mga panauhin ay lutang na lutang ang tinig ng paring Pransiskano na si Padre Damaso. Patuloy nitong nilalait ang mga Indiyo Hindi nagustuhan ng Tenyente ang ginawang ito ng Frayle. Salamat na lamang at namagitan ang paring Dominikong si Padre Sybila. Itinuon niya ang usapan sa naging kapalaran ng isang bangkay ng lalaki na ipinahukay at ipinalibing ng kura sa kung saan. Ang pinakamahalagang panauhin sa pagtitipong yaon ay ang bagong dating sa bansa na si Crisostomo Ibarra. Siya ay isang binatang galing sa marangal na pamilya. Matagal na panahon siyang namalagi sa Europa upang makapag-aral. At sa kadahilanang matagal na panahong nawala sa kanyang sariling bayan, kiming-kimi siya. Hindi rin niya nakaligtaang gamitin ang ilang kulturang Europeong natutunan sa pakikitungo sa mga tao. Ito ay ang ipakilala ang kanyang sarili kung sa kanya ay walang naglakas ng loob na magpakilala. Bukod sa mga dalaga, binati ni Crisostomo si Padre Damaso. “Ang kura ng aming bayan at matalik na kaibigan ng aking ama.” Sa pagbating iyon, tinamo ni Crisostomo ang unang kabiguan at kahihiyan. Hindi tinanggap ng Frayle ang sinabi ng binata na siya ay naging kaibigan ng kaniyang ama. Isang masaganang hapag ang inihanda ng may-ari ng bahay sa pagtitipong iyon. Bago maghapunan ay maraming iringan ang naganap. Iringan na naglagos pa rin sa harap ng hapag nang matapat kay Padre Damaso ang isang tasa ng tinola na punong-puno ng upo at may ilang pirasong leeg ng manok. Sa harap ng pagkainis ay laging sinasangga ng pari ang mga 5
sinasabi ni Crisostomo. Hindi naman nagpahalata ng pagkainis ang binata sa halip aynagpaalam na lamang. Sa kanyang paglalakad ay sinundan siya ng Tenyente. Nagpakilala ito sa kanya bilangkasama ng kanyang ama na si Don Rafael Ibarra sa mga huling araw niya sa mundo.Nabanggit ng Tenyente kay Crisostomo na ang kanyang ama ay namatay sa bilangguan.Labis na ikinagulat ito ng binata. Noon lamang niya nabatid ang tunay na kinahantungan ngama. Isinalaysay ng Tenyente sa binata ang mga pangyayari kaugnay sa pagkamatay ni DonRafael sa loob ng bilangguan. Sa pagtatanggol sa mga bata mula sa kalupitan mula sa isangtaga-singil ng buwis ay hindi sinasadyang naitulak ito na naging sanhi ng kanyangpagkamatay. Sa pagkakatulak sa tagasingil tumama ang ulo nito sa bato. Nakulong si DonRafael. Nag-iisa si Crisostomo sa kaniyang tinutuluyan. Naroon ang kalungkutang dala ngkaalamang mula sa Tenyente na may kaugnay sa naging kapalaran ng kaniyang ama. Hindimakatkat sa kaniyang kaisipan ang naging kalagayan nito sa loob ng bilangguan. Sa kabilangdako, nakita rin niya ang anino ng isang lalaki na nasa loob ng selda na nakikiusap,nagmamakaawa, ang lalaking nakabilanggo ay ang kanyang ama. Si Kap. Tiyago ay isa sa maituturing na mapalad na Indiyo. Siya ay may angking yamanna nagiging susi upang siya ay mapabilang sa lipunang kanyang ginagalawan. Humahawakdin siya ng mga katungkulan na bihirang-bihirang maganap sa isang Indiyo. Upang huwagmalagay sa alanganin, hindi niya sinasaktan ang loob ng mga pari at hindi rin siya sumusuwaysa kautusan ng pamahalaan. Upang maaliw, naglibot si Crisostomo sa kahabaan ng Maynila. Sa mga sandaling iyonay natambad sa kaniyang paningin ang mga pangit at magagandang katangian ng lunsod.Hndi rin maiaalis sa kanyang gunita ang kagandahang taglay ng Europa at ng mga bansangkaniyang narating. Dumating si Padre Damaso sa bahay ni Kap. Tiyago. Nakasalubong niya sa may pintuansina Maria Clara at Tiya Isabel na noon ay patungo sa Beateryo upang kunin na ang mgagamit ng dalaga. Nag-usap sina Kap. Tiyago at Padre Damaso. Isa sa kanilang tinalakay ayang tungkol kay Crisostomo Ibarra. Ayon na rin kay Kap. Tiyago. “Inuutusan ako ni PadreDamaso na tutulan ang pag-iibigan nina Crisostomo at Maria Clara.” Naririto ang munting bayang pupuntahan ni Crisostomo. Isang munting bayang balot ngalamat tungkol sa isang matandang Kastila na biglang dumating doon isang gabi. Binili sataga-roon ang lupang nasasakop ng gubat na may malaking puno ng balite. Ang lupa aypinagyaman at binungkal. Bagama’t nakakatakot ang mukha dala ng matalin na mga titigdagli namang nakapamuhay ang matanda sa mga taga-baryo. Subali’t nagulat ang lahat nangmagisnang bangkay ang matanda sa tabi ng punong balite. Nang mangyari iyon, labis nakinakatakutan ang lugar, Isang araw, may dumating na isang lalaki na nagpakilalang anak ngnamatay na Kastila. Tumira doon. Pinaunlad ang kabuhayan dangan nga lamang at anak na 6
lalaki ng Kastila. Nagkaasawa ito at nagkaanak ng lalaki sa katauhan ni Don Rafael Ibarra nanaging ama naman ni Crisostomo Ibarra. Nang mamatay ang Kastila, namana ni Don Rafaelang kayamanan nito. Naiba ang takbo ng lugar na iyon dahil na rin sa kabaitan ni DonRafael. Umunlad ang kabuhayan. Ang munting baryo ay naging bayan. Nang mamatay angunang Kura Paroko ay pinalitan ito ni Padre Damaso. Ang San Diego ay pinaghaharian ng dalawang pangkat. Dalawang pangkat na hindinagkakasundo kung sino talaga ang nagtataglay ng kapangyarihan at nararapat na sundin ngmga mamamayan. Sa isang panig, naroroon ang simbahan na pinaghaharian ng Kura Paroko.Sa isang panig naman ay naroroon ang pamahalaan na pinaghaharian ng Alperes ng gwardiyaSibil at kinatawan ng Heneral na siyang kinatawan naman ng Hari ng Espanya sa Pilipinas.Ang dalawang ito ang siyang nagpaparayawan. Sa bawat kilos ay naghahari angpaghihiganti sa isa’t isa.3. Linangin Mo…a. Pagsusuring Panlinggwistika Pagkakabuo ng Pangungusap batay sa Ikli o Haba Ang paggamit ng awtor ng mga pangungusap na maiikli o mahahaba ay isang istilo o paraan upang maibigay niya nang lubusan ang mensahe o pahiwatig na nais niyang maiparating sa kanyang mga mambabasa. A. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pahayag na nagbibigay-hinuha sa maaaring dahilan ng awtor sa pagbuo ng mahaba o maikling pangungusap. Gumamit ng isang ikaapat na bahagi ng papel bilang sagutan. 1. Itinuon ni Padre Sybila ang usapan tungkol sa naging kapalaran ng isang bangkay ng lalaking ipinahukay at ipinalibing ng kura sa kung saan. 2. Ang iringan ay naglagos pa rin sa harap ng kainan nang matapat kay Padre Damaso ang isang tasa ng tinola na punong-puno ng upo at may ilang piraso ng leeg ng matigas na manok. 3. Isang munting bayan na balot ng alamat tungkol sa isang matandang Kastila na bigla na lamang dumating doon isang gabi. 4. Nagmamakaawa at nakikiusap ang lalaking nakakulong. 5. Maputik at nakadidiri ang libingan ng San Diego. 7
a. Mailarawan ang tunay na kalagayan ng bayan.b. Pagbibigay-diin sa isang kalapastanganan.c. Mapaigting ang paglalarawan ng isang kalagayan.d. Maipakita ang pagpapatuloy ng isang pangyayari.e. Maipaliwanag kung paano naganap ang isang pangyayari.B. Isulat ang KL sa patlang kung ang mga sumusunod na pahayag ay nagpapakita ng kalakasan ng mahaba at maiksing pangungusap at KH kung nagpapakita ng kahinaan ng nabanggit na mga pangungusap.1. Mahabang a. Maligoy ang pagpapahayag __________ Pangungusap b. Malinaw ang mensaheng ipinahahayag __________ c. Naipadadama ang kaigtingan ng namamayaning damdamin __________2. Maiksing a. Kaagad makukuha ng bumabasa ang Pangungusap mensahe_______ b. Di lubusang maipaliwanag ang mensahe______ c. Mahirap unawain ang nais iparating sa mga mambabasa _____________ Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyongguro.b. Pagsusuring Pangnilalaman Tauhan sa Nobela Ang mga pangyayaring inilalahad sa akda ay binibigyang buhay ng mgatauhang nilikha ng manunulat sa kanyang akda. Dapat na magingmakatotohanan at makabuluhan ang mga katangiang nabanggit, kailangangkumilos sila hindi ayon sa kagustuhan ng manunulat, kundi ayon sa kagustuhanng kanyang katauhang binabanggit sa akda. 8
b. 1. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang katangian ng mga pangunahing tauhan sa nobela, batay sa mga pahayag sa bawat bilang. Gumamit ka ng kalahating bahagi ng papel sa pagsagot sa mga pagsasanay b – 1, 2, 3, 41. 2. May malaking Nag-aral nang paggalang sa matagal sa kapwa Europa3. Ibarra 4.Pinahahalagahan 5. Pinagmamalaki ang alaala ng Isang babae lamang ang pagka- yumaong ama ang pinag-ukulan ng Pilipino pagmamahal a. matapat d. maginoo b. makabayan e. nagpapahalaga sa c. mabuting anak pag-aaralb. 2. Panuto: Lagyan ng ( / ) kung ang paglalarawan sa tauhang binabanggit ay totoo batay sa binasa at X kung hindi. 9
Di taglay ang Lubhang Magalang samga katangian nagpapahalaga pakikitungo sang isang tunay na alagad ng sa mga kanyang materyal na kapwa Diyos bagay Padre DamasoNaging dahilan Mababang -ng kasawian ng loob kapwab. 3. Basahin ang sumusunod na pahayag. Si Kapitan Tiyago ay may angking kayamanan na siyang nagiging sanhi upang mapabilang sa lipunang kanyang kinabibilangan. Upang hindi siya malagay sa alanganin, hindi niya sinasaktan ang loob ng mga pari at hindi rin siya sumusuway sa kautusan ng pamahalaan. Si Kapitan Tiyago ay labis na mapaniwalain sa mga himala. Ang bawat kilos at pagpapasya ay iniaalay muna sa mga santong itinuturing na naghihimala. Mga aral ng Katolisismo lamang ang kanyang sinusunod at pinaniniwalaan.Panuto: Punan ang patlang ng angkop na salita upang mabuo ang pariralang maglalarawan sa tauhan sa akda. Piliin ang mga salitang ito mula sa loob ng kahon. 10
Kapitan Tiyago 1. bulag na 2. _________ 3. __________ 4. __________________________ Katoliko paninindigan mamamayana. mabuting b. walang c. sarado d. tao e.tagasunod Iwasto ang iyong mga sagot. Gamitin ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.b. 4. Ang pangunahing tauhan at ang kanilang napipintong mga suliranin ay madalas napakikilala sa simula pa lamang ng nobela.Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pahayag ng mahihinuhang napipintong suliranin sa sitwasyon sa bawat bilang. 1. Ipinakilala sa lahat ni Ibarra si Padre Damaso bilang matalik na kaibigan ng kanyang yumaong ama. Subalit tahasang itinanggi ito ni Padre Damaso at sinabi na kailanman ay di niya naging kaibigan si Don Rafael. 2. Pinagbintangan ni Padre Damaso si Don Rafael sa salang hindi pangungumpisal. 3. Upang higit na huwag malagay sa alanganin, hindi sinasaktan ng loob ni Kapitan Tiyago si Padre Damaso. Sinusunod niya ang bawat naisin nito. 4. Ang bayan ng San Diego ay pinaghaharian ng dalawang pangkat, ang simbahan at ang pamahalaan. 5. Inutusan ni Padre Damaso na tutulan ni Kapitan Tiyago ang pag-iibigan ni Ibarra at Maria Clara. a. May malaking hadlang sa katuparan ng pag-ibig nina Ibarra at Maria Clara. b. Nagsimula na ang paghahamok nina Ibarra at Padre Damaso. c. Hindi kailanman aayos ang pamamahala sa San Diego. d. Mabibilanggo si Don Rafael. e. Magiging sunud-sunuran na lamang si Kapitan Tiyago. 11
c. Pagsusuring Pampanitikan Masusuri ang pagiging makatotohanan ng tauhan sa isang akdang pampanitikan sa pamamagitan ng kanyang kilos, gawi, paniniwala, saloobin, pilosopiya, paniniwala at paninindigan. Upang maging makatotohanan ang paglalarawan ng tauhan, nilalapatan ito ng may akda ng saloobing positibo at negatibo.c. 1 Suriin natin ang pagiging makatotohanan ng katauhan ni Ibarra sa pamamagitan ng kanyang kilos at pananalita. Panuto: Lagyan ng tsek ( / ) ang patlang kung ang ikinilos at winika ng tauhan ay nagpapakita ng pagiging maginoo nito at ekis ( X ) kung hindi. _______ 1. Ipinakita ni Ibarra ang pagkakaroon niya ng mataas na pinag-aralan nang kausapin niya ang mga kababayan niyang mangmang. Gumamit siya ng mga salitang may mataas na uri sa pakikipag-usap sa mga ito. _______ 2. Buong paggalang na yumuyukod siya kapag nakasasalubong siya ng mga matatanda, maykapangyarihan at mga kababaihan. _______ 3. Nagpakita siya ng pagkainis nang walang magpakilala sa kanya sa mga panauhing nasa pagtitipon. _______ 4. Nararamdaman niyang gusto siyang kausapin ng mga kababayan subalit nakikimi ang mga ito. Siya na ang kusang lumapit at nakipag-usap. _______ 5. Dahilan sa walang nagpapakilala sa kanya sa mga panauhing nasa pagtitipon, siya na ang nagsabi ng kanyang pangalan, “Mga Ginoo ang buo ko pong pangalan ay Juan Crisostomo Ibarra at Magsalin.” c. 2. Suriin ang pagiging makatotohanan ng katauhan ni Padre Damaso sa pamamagitan ng kanyang mga saloobin. Panuto: Isulat ang P sa patlang kung ang saloobing ipinahahayag sa bawat bilang ay positibo at N kung ang mga ito ay negatibo. _______1 . Nakadama nang pagkagalit si Padre Damaso nang matapat sa kanya ang tasa ng tinolang manok na puro upo at leeg ng manok. _______2. Galit na galit na itinanggi niya na naging matalik niyang kaibigan si Don Rafael Ibarra. _______3. Madalas niyang pahiyain si Ibarra sa loob ng bulwagan at sa harap ng mga panauhin. 12
_______4. Pagkapoot kay Ibarra ang naramdaman ni Padre Damaso nang mabatid niyang kasintahan ito ni Maria Clara._______5. Ipinadama ni Padre Damaso ang pagmamahal niya kay Maria Clara. Panay na kabutihan ang hinahangad niya para dito.c. 3. Isulat ang K sa patlang kung katanggap-tanggap ang paniniwala, paninidigan at pilosopiya sa buhay ni Kapitan Tiyago at DK kung di katanggap-tanggap ang mga ito. Naniniwala si Kapitan Tiyago na upang mabuhay siya nang maayos at walang pangamba, dapat na;_______1. Maging payapa. Huwag makipagtalo o tumutol sa pamahalaan at sa simbahan._______2. Magkaroon ng pagkukusa. Bukal sa loob at kusang sumunod sa lahat nang walang isip-isip o pagkukuru-kuro._______3. Maging masunurin. Sumunod sa mga batas na pinaiiral upang maging mapayapa ang ang paligid._______4. Maging bukas-palad. Magbigay ng handog at suhol sa mga kapangyarihan._______5. Maging ama. Alagaan at subaybayan ang mga anak nang lumaki sila nang wasto.d. Halagang PangkatauhanPanuto: Bilugan ang bilang na nagpapakita ng kagandahang asal.______1. Hiyain mo rin ang sino mang manghiya sa iyo lalo na sa harap ng marami.______2. Matuto kang magpasensiya lalo na kung ang nagkasala ay nakatatanda sa iyo.______3. Huwag mong pakainin ang sino mang nagpunta sa iyong pagtitipon nang hindi mo inaanyayahan.______4. Ang lahat ng tao, buhay man o patay ay may karapatang dapat igalang.______5. Ang lahat ng pagkain, masarap o hindi ay dapat ipagpasalamat pagkat biyaya ng Diyos.Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo… Si Simoun sa Nobelang El Filibusterismo ay pagpapatuloy ng katauhan ni Ibarra sa nobelang Noli Me Tangere.Suriin kung taglay pa rin ni Simoun ang pagiging marangal at makatarungan ni Ibarrasa pamamagitan ng kanyang mga pahayag. 13
Panuto: Isulat ang K kung ang pahayag ay katanggap-tanggap at DK kung di katanggap-tanggap. Gumamit ng ikaapat na bahagi ng papel sa pagsagot._______1. “Pareho tayong uhaw sa katarungan. Sa halip na magpatayan ay nararapat na tayo’y magtulungan.”_______2. “Ibulid sa bangin ang kabiguan kahit ito ay mangahulugan ng dugo at kamatayan.”_______3. “Inuudyukan ko ang pangangamkam at lalong nasiyahan akong gisingin ang paghihimagsik at mga pag-aaklas.______4. “Sa anyaya ng kasamaan ng mga namamahala ay muli akong nagbalik upang ito’y supilin.”_______5. “Paghihiganti lamang ang tangi kong hangad!”Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin Mo…Panuto: Piliin sa loob ng kahon at isulat ang letra ng salita o pangungusap na dapat ipuno sa patlang upang mabuo ang kaisipan sa pahayag sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel._______1. Kapag ipinahiya ka sa harap ng maraming tao, ang dapat mong gawin ay_______2. _______upang maiwasan ang gulo._______3. Ang taong mahinahon ay ____________. Mag-aral ka sa ibang bansa upang gamitin ang karunungang natamo sa_______4. pagpapaunlad ng sariling bayan. Ang katangian ng pagiging ________ ay_______5. katangiang pinakikita sa pahayag. Ang mabuting anak ay nagiging mabuti ring magulang. Ang pahayag ay nagsasaad ng ____________. Ang kahinahunan ay nagbubunga ng ___________ ng buhay. a. nag-iisip d. kapayapaan b. makabayan e. katotohanan c. umalis f. kapahamakan Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo… Panuto: Ayusin mo ang mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang kaisipang angkop sa binasang akda. Isulat mo ang iyong sagot sa kalahating papel kroswise._______ 1. kalusin puno na kung ang salop na. 14
_______ 2. nang bago muna mag-isip mabuti ka magpasya _______ 3. huminga kapag langit galit tumingin ka na sa nang at malalim. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.7. Lagumin Mo… Ayon kay Horatio, ang panitikan ay dapat na magturo at magbigay ng aliw. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng pahayag na angkop sa mga pangungusap na nasa dayagram. Matapos kong mabasa ang mga kabanata . . .Nalaman ko na . . . Nakadama ako ng . . . 1. __________________ 1. __________________ 2. __________________ 2. __________________ 3. __________________ 3. __________________a. makapaghihintay ang pag-ibig a. pagmamahal sa aking mga magulang. na tunay at wagas. b. pagsasawang manirahan sa Pilipinasb. di labag sa kagandahang–asal dahil walang kaunlaran ito. ang magpakilala ng sarili sa iba. 15
c. Di dapat mamalagi sa bansa c. galit sa mapagsamantalang dayuhan. dahil di uunlad ang bansa. d. kalungkutan para sa mga pinagkaitand. ang kaunlaran ay nasa sipag at tiyaga. ng hustisya.Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.8. Subukin Mo…Panuto: Piliin sa Hanay B ang letra ng tinutukoy ng pahayag sa hanay A. Isulat mo sa ikaapat na bahagi ng papel ang iyong sagot. Hanay A Hanay B1. Dalawang itinuturing na makapangyarihan a. Beateryo2. sa bayan ng San Diego. b. Kapitan Tiyago3. Indiyo na napabilang sa mataas na lipunan c. kura d. Tenyente Guevarra dahil sa kanyang pera. e. Alperes4. Tinutuluyan ni Maria Clara. f. Padre Damaso5. Nagsabi kay Ibarra ng kinasapitan ni Don Rafael. Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro.9. Paunlarin Mo… Paunawa: Kung ang iskor mo sa blg. 8, Subukin Mo… ay 4 - 5, huwag mo nang gawin ang bahaging ito. Panuto: Isulat sa patlang ang K kung ang pahayag ay katotohanan, P kung pamahiin at AK kung apurahang kongklusyon ang sumusunod na pahayag. _______1. Ang simbahan at ang pamahalaan ay dalawang magkaibang institusyon. Di sila dapat makialam sa pamamalakad ng isa’t isa sa kanilang nasasakupan. _______2. Tanda ng pagiging masunurin ang pikit-matang pagsunod sa utos ng mga nakatataas. _______3. Ang pag-unlad ng bayan ay nakasalalay sa pagtutulungan ng mga mamamayan at pamahalaan. _______4. Dapat munang humalik sa santo bago umalis ng bahay. Magbibigay ito ng biyaya sa buhay. 16
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 483
- 484
- 485
- 486
- 487
- 488
- 489
- 490
- 491
- 492
- 493
- 494
- 495
- 496
- 497
- 498
- 499
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 499
Pages: