2. Iwasto mo ang iyong mga sagot sa tulong ng Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. Kung magkaroon ka man ng maraming mali, okay lang iyon. Tutulungan ka ng mga gawaing inihanda ko.3. Pag-aralan mo ang mga aralin. Isagawa mo ang mga kaugnay na gawaing inihanda. Mababasa mo kung paano mo gagawin ang mga ito.4. Tingnan mo kung naragdagan ang iyong kaalaman. Sagutin mo ang pangwakas na pagsusulit. Pagkatapos, iwasto mo ang iyong sagot, gamit ang Susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin mo nang wasto ang modyul. Kaibigan mo ito. Mag-isip ka nang mataman bago mo sagutin ang mga tanong. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng sagutang papel o notebuk.Dapat mong pahalagahan ang isang kaibigang nagmamalasakit tulad ng modyul na ito.Ano na ba ang alam mo?A. Panuto: Piliin ang letra ng salitang dapat gamitin sa pangungusap.1. Nagkaroon ng _____ na lupain dito sa Pilipinas ang mga Paring Kastila dahil sapangangamkam.a. maluluwang c. malalawakb. malalapad d. matataas2. Ang kutis ng mga Kastilang babae ay _____ dahil hindi nagtatrabaho ang mga ito:a. maputi c. malinisb. mapusyaw d. makinis3. Ang buhay ng mga Pilipino ay ______ nang hindi pa dumarating ang mga mapang-abusong dayuhan.a. mapayapa c. maswerteb. matahimik d. lahat ng nabanggitB. Panuto:Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang letra ng salitang tinutukoy sa bawat pahayag. __________4. Sila ang mga itinuturing na higit na makapangyarihan kaysa sa pamahalaan noong pananakop ng mga Kastila sa bansa. __________5. Ito ang nagpapalawak nga kapangyarihan ng Espanya sa daigdig. __________6. Siya ang pangunahing tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Rizal Ibarra eksplorasyon pagnenegosyo Simoun frayle Kapitan Heneral 2
C. Panuto: Piliin sa Hanay B ang letra ng salitang tinutukoy sa Hanay A.Hanay A Hanay B7. Uri ng lipunang umiiral a. kahirapan sa panahon ng pananakop b. magulo ng mga Kastila c. kamangmangan d. kawalang-hustisya8. Isa ito sa malaking sakit ng lipunan na idinulot ng labis na kasakiman ng mga frayle.D. Panuto: Lagyan ng (tsek) ang patlang kung ang pahayag ay nagbibigay ng wastong kaisipan at (ekis) kung hindi.________ 9. Ang anumang bagay na di iyo ay di mo dapat angkinin.________ 10. Lahat ng bagay na galing sa masama ay di magbubunga ng mabuti.II. Aralin 1. Pangyayari sa Kasaysayan na Naging Daan Upang Maisulat ang Nobelang, “Noli Me Tangere” ni Dr. Jose Rizal, “Abuso ng Mga Frayle” A. Anu-Ano ang Mga Tiyak Mong Matututunan? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nasasabi ang bisa ng ginawang pamimili ng salita sa pagbubuo ng akda 2. Nasusuri ang akda batay sa isang tiyak na bahagi ng kasaysayan ng bansa 3. Naihahanay ang akda sa mga tiyak na isyung panlipunan batay sa ispesific na panahon. 4. Nailalapat ang mga tiyak na kaalaman tungkol sa kasaysayan ng panitikan sa pagsusuri ng akda sa lokal na kasaysayan 5. Natutukoy at naipaliliwanag ang kasamaang naidudulot ng panglalamang/pang-aabuso sa kapwa 6. Naisusulat ang isang talata tungkol sa mga paraan upang maiwasan ang pang-aabuso ng kapwa 3
Mga Gawain sa Pagkatuto1. Alamin Mo… Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang pangalan ng lider na namuno sa mga pag-aalsang nabanggit. 1. Pag-aalsa laban sa ilegal na pangungulekta ng buwis o tributo ng mga Kastila na naganap noong 1596 sa Cagayan. 2. Pag-aalsa noong 1660 sa Pampanga dahil sa puwersahang pagbabayad ng buwis ng inaaning bigas at pagputol ng mga puno upang gamitin sa paggawa ng mga galleon. 3. Pag-aalsa laban sa anomalya ng pagbabayad ng buwis sa lupa na naganap noong 1762 sa Vigan, Ilocos Sur. 4. Dahil sa ilegal na pangungulekta ng buwis, nag-alsa ang mga Pilipino laban kay Juaquin Gamboa Alcalde ng Binalalongan, Pangasinan. 5. Nangyari ang pag-aalsang ito, dahil nagalit ang mga tao sa di makatarungang paniningil ng buwis. Naganap ito noong 1574 sa Maynila.Lakandula Diego Silang Juan Palaris Mga lider ng pag-aalsa laban sa ilegal na pagbubuwis sa lupaMagalat Francisco Maniago TamblotIwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.Ang pagsasanay na sinagot mo ay may malaking kaugnayan sa tekstongbabasahin mo. 4
2. Basahin Mo… Ang sumusunod na teksto ay naglalaman ng mahahalagang impormasyon tungkol sa pang-aabuso ng mga frayle sa mga Pilipino Handa ka na ba? Sige, simulan mo na. Hindi maikakaila nang lahat na malaking bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas noong Panahon ng Kastila ay hinubog ng mga Paring Kastila. Lutang na lutang sa malaking panahong iyon ang mga pang-aabuso. Isa na sa mga ito ay ang malawakang pangangamkam ng lupa mula sa mga katutubo. Tinatayang isa rin ito sa mga makabuluhang karanasang nagtulak kay Dr. Jose P. Rizal upang mabuo ang nobelang Noli Me Tangere. Ang ganitong uri ng kalakaran noong kapanahunan ni Rizal ay maaaring isa sa nagbunsod sa kanya na isulat ang nobelang, “Noli Me Tangere”. Kung pakasusuriin, bagama’t hindi hayagang inilarawan, lutang na lutang sa maraming kabanata ang kasamaan ng mga frayle, ang pagtatamo nila ng walang kahulilip na kaligayahan. ABUSO NG MGA FRAYLE1. U p Bakit nga ba nagkaroon ng malalawak na lupain ang mga a paring Kastila dito sa Pilipinas gayong sila ay hindi naman tubo rito n sa atin? Paano sila nagkaroon ng mga asyenda at ekta-ektaryang g lupa?m Sa nangyaring pagpapalawak ng lupa ng mga paring Kastila.a Isa-isahin natin ang konseptong nakapaloob dito.ak 1. Bago dumating ang mga Kastila sa Pilipinas,i walang malalapit na pamayanan ang mga katutubo.t Ang karamihan ay nakatira sa malalawak na lupaina ng mga kagubatan. Walang tunay nan nagmamay-ari ng lupa. Walang papel nag pinanghahawakan ang lahat.m 2. Dala ng mga pasakit na dulot ng mga mananakop, umiral ang pailan-ilang rebelyon. Upang maiwasan ito, kailangang mabigyan ng aral ang mga katutubo. Kailangang malapit sa paningin ng mga pari ang mga tao. Hindi naman sila makapunta sa mga ito sapagkat nata5takot sila sa mga rebelde.
ga taong bayan na mapalapit sa kanila, nagtayo sila ng mga simbahan. Inaralan ang mga tao na dapat ay magtungo sila rito. Ipinakita rin ng mga prayle sa mga tao ang kagandahan ng pagtira sa kabayanan. Sanhi nito, naakit ang mga katutubo.2. Naakit ang mga katutubo. Nagtayo sila ng bahay sa kabayanan. Subalit kailangan nilang mabuhay. Bumabalik sila sa kanilang mga lupa upang magtanim. Bumabalik din sila sa kanilang mga bahay sa bayan pagkatapos.3. Nakita ng mga pari ang lawak ng mga lupain ng mga katutubo. Nasilaw sila sa mga4. ito. Gumawa sila ng paraan upang magkaroon ng isang batas na nagbabawal sa sino mang nasa loob ng bayan na lumabas. Ang sino mang sumuway rito ay ituturing na taong labas at uusigin.5. Tanging mga frayle lamang ang pinahihintulutang makalabas ng bayan. Kasama rin dito ang kanilang mga tauhan. Sanhi ng nabanggit na batas, napabayaan ang mga malalawak na lupain.6. Muling gumawa ng batas. Inilalagay sa kamay ng mga frayle ang pamamahala sa napabayaang malawak na lupain. Ito ang siyang naging sandigan ng pagkakaroon ng mga lupain ng mga orden ng pari sa Pilipinas. Hango sa : “Ang Noli Me Tangere” (ni Dr. Jose P. Rizal) ni Dr. Arturo s. Cabuhat Leo-Ross Publication, 20013. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Pamimili ng Salita Mahalaga para sa isang awtor na matutong mamili ng salitang gagamitinsa kanyang isusulat na akda. May mga salitang magkakapareho ang kahulugansubalit hindi lahat ay angkop gamitin sa isang sitwasyon. Magiging epektibo ang isang pangungusap kung gagamitan ng angkop sasalita. Nagagawang ipadama ng awtor sa mga mambabasa ang damdamin at 6
kaisipang napapaloob sa kanyang akda kapag angkop ang napili niyang salita na gamitin sa kanyang akda. Halimbawa, ang mga salitang mataas, matangkad at matayog ay pare- parehong nangangahulugan ng taas. Subalit may kani-kaniyang wastong gamit ang mga ito. Ginagamit ang salitang matangkad upang ilarawan ang tao, matayog upang ilarawan ang pangarap o ambisyon, at mataas naman upang ilarawan ang gusali, puno atbp.Panuto: Lagyan ng (tsek) ang patlang sa bawat pahayag kung angkop ang salitang may salungguhit sa loob ng pangungusap._____ 1. Walang kahulilip ang kasiyahan ng mga Pilipino sa gitna ng tinatamasa nilang biyaya ng lupang kanilang sinasaka._____ 2. Si Dr. Jose Rizal ay namumuhay nang maligaya sa tahanang punung-puno ng pagmamahal._____ 3. Ang matatabang lupain ay tila ginto na umaakit sa mga frayle upang kamkamin._____ 4. Ang mga pandak na punongkahoy ay pinapapatay ng mga frayle. Wala raw pakinabang ang mga ito._____ 5. Nakakasilaw ang kislap ng araw. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasaiyong guro.b. Pagsusuring PangnilalamanPanuto: Piliin sa loob ng dayagram ang sakit ng lipunan na malinaw na makikita sa mga sumusunod na pahayag batay sa binasang teksto. 1. Dahilan sa di mabuting pamamahala ng mga frayle sa nasasakupan nilang bayan, nagkaroon ng malawakang pag-aalsa ang mga Pilipino. 2. Lahat ng mga iniuutos ng frayle ay bulag na sinusunod ng mga relihiyosong Pilipino. 3. Pilit na pinaaalis ng mga frayle sa lupang kanilang sinasaka ang mga Pilipino kapag nakita ng mga ito na maunlad na ang lupa. 4. Ang mga inaaning pananim ng mga Pilipino sa kanilang lupain ay sapilitang kinukuha ng mga frayle, kung bayaran man ay sa napakababang halaga. 5. Kapag hindi ibinigay ng mga magsasaka ang kanilang lupain, kakasuhan sila ng mga frayle ng kasalanang di nila ginagawa. 7
MGA SAKIT NG LIPUNANkamangmangan kaguluhan pangangamkamPang-aabuso sa karapatan Kawalang katarungan Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro.c. Pagsusuring Pampanitikan Ang isang akda ay isinisilang sa isang tiyak na lipunan sa isang tiyak na panahon. Maliwanag na masasalamin dito ang kasaysayan ng lipunang pinagmulan ng akda.Panuto: Bilugan ang bilang ng pahayag na nagpapatunay na ang akdang binasa, “Mga Pangyayari sa Kasaysayan na Naging Daan Upang Maisulat ang Nobelang Noli Me Tangere, ni Dr. Jose Rizal” ay naganap noong pananakop ng mga Kastila._______ 1. Pagsilang ng Katolisismo sa bansa_______ 2. Pagbibigay ng edukasyon sa mga mamamayan_______ 3. Paghahari ng mga pamahiin at mga paniniwala tungkol sa relihiyon_______ 4. Paglaganap ng mga pamahiin at mga paniniwala tungkol sa relihiyon_______ 5. Pagkakaroon ng katarungang panlipunanIwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. 8
d. Halagang Pangkatauhan Kung ang mga nakalarawang bagay ay nais mong makamit subalit kulang ka naman sa kakayahan na makuha ito, ano ang gagawin mo?pera edukasyon kagamitan bahay at lupaPanuto: Isulat ang T sa patlang kung ang pahayag ay nagmumungkahi ng positibong paraan at M kung ang pahayag ay nagmumungkahi ng negatibong paraan.1. Magkakatrabaho ako 6. Huhulugan ko ito2. Mag-iipon ako 7. Kukunin ko ito nang sapilitan3. Mangungutang ako 8. Magmamakaawa ako4. Manghihingi ako 9. Magdarasal ako5. Magtitipid ako 10. Hihiramin ko ito4. Palalimin mo… Panuto: Bumuo ng tiyakang pag-uugnay sa mga pangyayari sa lipunang Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Kastila batay sa mga sumusunod na kaisipan. Piliin sa dakong ibaba ang letra ng pahayag na dapat ipuno sa dayagram upang mabuo ang ugnayan. (Ugnayang sanhi at bunga) 1 21 2…dayuhan ay “Bayan ko, nahalina binihag ka, nasadlak sa dusa…”3 53 5 41 24 “Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak…” 3 5 4 9
a. Sagana sa likas na yaman ang bansab. Pinapatay ang mga tumututol sa patakaran ng mga pinunong Kastilac. Sinakop ang bansad. Ginamit ang relihiyon upang magawa ang lahat ng naisin ng mga fraylee. Naggagandahang Pilipinaf. Nilapastangan ang mga Pilipinag. Nagnais ng reporma ang mga Pilipinoh. May mabuting klima ang bansai. Ninakaw ang kabang yaman ng bansaj. Inalipin ang mga Pilipinok. Matataba ang lupang sakahan ng bansal. Nabuksan ang isipan ng mga Pilipino sa pagsasamantala ng mga Kastilam. Masisipag ang mga Pilipinon. Naantig ang damdaming makabayan ng mga Pilipinoo. Naghimagsik ang mga Pilipino5. Gamitin Mo…Panuto: Pagtapat-tapat Piliin sa Hanay B ang mga bagay na maaari mong gawin sakaling inabuso ang iyong mga karapatan tulad ng mga nasa Hanay A. Hanay A Hanay B1. Akusahan ka sa isang a. Magsusuplong ako sa mga kasalanang di mo naman ginawa. Ang layunin nito pulis. Magtitiwala ako sa ay upang gumanti lamang sa iyo. batas.2. Ninakaw sa iyo ang isang bagay na mahalaga at b. Hihingi ako ng tulong sa pinaghirapan mo3. Pinagtatrabaho ka ng di Kagawaran ng Paggawa. sapat ang kabayaran at mahigit sa 8 oras c. Magdarasal ako upang4. Binabayaran ka upang pasamain ang kapwa mo. bigyan ng kaliwanagan ang5. Ginagamit ang mga salita ng Diyos upang takutin isip ko. ka d. Patutunayan ko na ako ay walang kasalanan. Maglalabas ako ng mga patunay o ebidensya. e. Di ko tatanggapin ang anumang kabayaran. Magsasabi ako ng totoo. f. Tatahimik ako. Baka madamay pa ako.Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 10
6. Sulatin Mo… Panuto: Ayusin mo ang mga salita upang mabuo ang mga pahayag na may kaugnayan sa kaisipan ng araling tinalakay Isulat mo ito sa isang buong papel. 1. “mang-aalipin paaalipin walang walang sa bayang…” 2. “na puno kalusin kung salop ang na…” 3. “natutulog hindi gabi ninuno lahat ay sa ng mga ating…” 4. “panahon hindi lahat tao ng sa maloloko ang lahat…” Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.7. Lagumin Mo… Panuto: Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng (tsek) sa mga angkop na kaisipan. 1. Matapos kong pag-aralan ang aralin, nakadama ako ng ___________. _____ a. paghihimagsik laban sa mga mapang-aping dayuhan. _____ b. pagkaawa para sa mga biktima ng kawalang-hustisya. _____ c. pagpapasalamat dahil hindi ako nadamay sa nakalulunos na karanasan ng mga kapwa ko Pilipino noong panahon ng pananakop. _____ d. pagkainis dahil sa kamangmangan ng mga Pilipino noon. _____ e. pagmamalaki dahil ako ay Pilipino 2. Matapos kong mapag-aralan ang aralin, nalaman ko na _____________. _____ a. Kaya pala halos pag-aari na ng mga Kastila ang malalawak na lupain ng bansa dahil nakamit nila ito dahil sa pangangamkam. _____ b. Magiging matuwid pala ang buhay kapag pikit-matang sinunod natin ang ipinag-uutos ng relihiyong kinabibilangan natin. _____ c. Kapag nakaranas tayo ng kalupitan, dapat na ilagay natin sa ating kamay ang batas _____ d. Kapag magkakaisa lamang sa mithiin, tiyak na makakamtan ito. _____ e. Tunay na mapagmahal sa kalayaan ang ating mga ninuno. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro. 11
8. Subukin Mo… Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang letra ng tamang sagot sa bawat bilang. 1. Mahalaga ito upang mapatunayan mo ang iyong pag-aari ng isang bagay. 2. Ito ang nangangalaga sa iyong mga karapatan. 3. Isa ito sa malawakang dahilan ng kaguluhan sa isang lugar. 4. Katumbas ito ng buhay. 5. Karaniwang ginagawa ito upang makamtan ang isang bagay na ninanais ng mga mamamayan.a. paghihimagsik / rebelyon d. batasb. dokumento e. pangangamkam ng lupac. kalayaan f. kayamanan9. Paunlarin Mo… Sinasabing ang mga pari ay tagapagpalaganap ng mga salita ng Diyos. Batay sa pahayag, anu-ano ang dapat na maging katangian ng mga pari? 12
Panuto: Piliin mo sa loob ng kahon. a _______ Larawan ng Pari b _______ c _______ d _______ e _______a. modelo sa kalinisan ng pagkataob. namumuhay nang simplec. hindi nakikihalubilo sa taod. may malinis na pusoe. dapat na ituring na Diyos dito sa lupaf. kasimbanal ng DiyosIII. Aralin 2. Pagsibol ng Simulain ng Paglaya,Pagkakapantay-pantay atPagkakapatiranA. Anu-Ano ang Mga Tiyak Mong Matututunan? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan. 1. Nabibigyang-reaksyon ang pagkakagamit ng mga salitang may likas na pinagmulan. (etimoloji) 2. Nasusuri ang akda batay sa mga umiiral na pilisopiyang pandaigdig. 3. Naiisa-isa/naipaliliwanag ang mga kamalayang panlipunang inilahad sa teksto sa pandaigdig na kasaysayan. 13
4. Natutukoy ang kahalagahan ng kalayaan, pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran. 5. Naisusulat ang talatang nagpapaliwanag ng kaisipang napapaloob sa ilang piling pahayag. Ang pagsasanay na iyong sasagutin ay may kaugnayan sa tekstong babasahin mo. Mga Gawain sa Pagkatuto 1. Alamin Mo… Napakahalaga ng kalayaan sa pag-unlad ng isang tao o ng isang bansa. Sa napakaraming kasaysayan ng bansa, natamo nila ang kalayaan sa madugong paraan. Bihirang-bihira ang bansa na nakamit ang kalayaan sa mapayapang paraan. At ito ang maipagmamalaki nating mga Pilipino, tayo lamang bansa sa daigdig ang nagkamit ng kalayaan sa mapayapang paraan. 14
Panuto: Piliin sa Hanay B ang larawang kaugnay ng salitang nasa Hanay A. Hanay A Hanay B1. kalayaan2. pagkakaisa3. pagkakapantay-pantay4. pagkakapatiran5. kapayapaan 15
Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa guro mo. Matapos mong sagutin ang Pagsasanay, handa ka na upang basahin ang teksto. Ang sinagot mong pagsasanay ay may malaking kaugnayan sa babasahin mong teksto.2. Basahin Mo… Naging mapalad si Dr. Jose Rizal sapagkat siya ay pinagpalang makarating sa Europa sa panahong ang pagpunta roon ay isang panaginip lamang sa mga mamamayan ng Pilipinas. Sanhi ng ganitong kapalaran, si Dr. Rizal ay pinagpala ring magkaroon ng mga kaalamang tumutukoy sa prinsipyo ng kalayaan. Naging saksi siya sa mga pangyayaring naging batayan sa pagtatamo ng mga makabagong kaisipan. Mga kaisipang kailangan ng mga mamamayan ng Pilipinas upang makaahon sa pagkaalipin. Mapanuri si Dr. Rizal. Nagsama-sama ang mga alipin sa Francia at dalang kanilang pagkakaisa ay lumaya sa pagkaalipin. Ang mga makabagongpilosopiyang lumulutang sa Europa ay mga pilosopiyang sandigan din nghinihinging paglaya ng kanyang bansa. Ang mga pilosopiyang hindi na isangpanaginip kundi isang katotohanang maaari nang matamo. Subalit tulog pa rinang kanyang mga kababayan. Nagbabago na ang kanilang paligid ngunit walapa rin silang pakialam. Ito marahil ang nag-udyok sa kanya upang ilagay napaksa sa kanyang nobela ang pilosopiya ng libertaryanismo.Ang sumusunod ay ilang kaalamang may kaugnayan ditoA. Himagsikan sa FranciaIsang monarkiya ang Francia. Ang pamahalaan ay pinamumunuanng mga hari at reyna. Lutang na lutang ang kaginhawahang tinatamasa ngmga dugong bughaw na tila baga sila lamang ang may karapatangmaging isang marangal na mamamayan. Subali’t lutang na lutang din angpaghihirap na dinaranas ng higit na nakararaming mga mamamayan. Iyongmga taong siyang naghihirap para lalong yumaman ang mga mamamayan.Sila iyong mga walang lupa ngunit alipin ng lupa. Sila iyong walang sapatna maibayad na buwis subali’t patuloy na binubuwisan. Sila ang mga taongpinagpapasasaan ng pamahalaan at simbahan. Ito ang dalawang sektor nanagsilbing karit ng kamatayan ng mga taong nasa mababang uri. 16
Nagutom ang taong-bayan. Naghirap sapagka’t wala ng maibayad ng buwis. Nagkaisa. Lumaban. Naglunsad ng malawakang rebelyon. Hindi nagsipagbayad ng buwis. Itinigil ang paglilingkod sa mga mapang- aping panginoon ng lupa. Ang mga kababaihan ay nagmartsa sa Versailles upang himingi ng pagkain. Kinumpiska ang mga malalawak na lupain ng simbahan. Lumaya sa pagkakaalipin ang mga magsasaka. At sa sama- samang lakas ng mga mamamayan ay nabuwag ang kapangyarihan ng hari. Si Haring Louise XVI at ang kanyang asawang si Marie Antoinette ay ginarote sa harap ng mga nagbubunying mamamayan – simbolo ng pagwawagi ng mga maralita laban sa mapang-aping pwersa ng mga mamamayan.B. Pagsibol ng Kaisipang Libertad, Equalidad at Fraternidad Iisa ang naging sigaw ng mga mamamayan sa Francia noong panahong iyon. Ito ay ang “lahat ng tao sa Francia ay pantay-pantay”, Dito sumilang ang prinsipyo ng equalidad. Ang simulang ito ang higit na nagtulak sa mga maralita na mag-aklas. Sila na nagbubungkal ng lupa at gumagawa ng yaman ay patuloy na naghihirap samantalang ang mga mamamayang walang pawis na pinatutulo ay labis na yumayaman. At sanhi ng kanilang mithiin ay umiral ang prinsipyo ng fraternidad o pagkakapatiran. Nasa matibay na pagtutulungan ang sandigan ng kanilang pagtatagumpay. Pagtatagumpay na ang tanging mithiin ay ang lumaya. Ang simulain ng libertad ang nagtulak sa kanila upang magbangon.C. Pagbubukas ng Suez Canal Kalat na kalat na ang mga bagong kaisipan sa Europa. Noong una, totoong mahirap itong makarating sa Pilipinas dahil na rin sa aspektong heograpiya. Malayo ang Pilipinas sa Europa. Isang taon ang paglalakbay. Subali’t ito ay noong hindi pa binubuksan ang Suez Canal. Sanhi ng pagbubukas ng nabanggit na Canal, posible ng makarating nang mabilis sa bansa ang pagbabagong nagaganap sa Europa. Hango sa: “Noli Me Tangere, Isang Pampanitikan Pagtingin;” ni A. Cabuhat Leo – Ross Publication 17
3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Pinagmulan ng Salita (Etimoloji) Mahalaga para sa isang mambabasa na malaman ang likas na pinagmulan ng isang salita na ginamit sa akda o teksto na kanyang babasahin. Makatutulong ito upang lubusan niyang maunawaan ang kaisipan o mensaheng nais iparating ng akda. Ang mga salitang libertad, equalidad, fraternidad, rebelyon at prinsipyo ay pawangnagmula sa salitang Kastila. Panuto: Piliin at isulat mo ang letra ng salitang salin sa Filipino ng mga salitang sinalungguhitan na ginamit sa mga sumusunod sa pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Nais ng mga mamamayan sa Francia na magkaroon ng pagbabago sa pamahalaan. Dito sumilang ang mga prinsipyo ng libertaryanismo. 2-3. Ang prinsipyo ng libertad ay nagtulak sa mga mamamayan na isulong ang isang rebelyon upang matamo nila ang minimithing kalayaan. 4. Nais ng mga mamamayan sa Francia na mamuhay nang pantay-pantay ang lahat kaya’t sumilang ang prinsipyo ng equalidad. 5. Maraming mamamayan ang naghihirap noon sa Francia habang ang iba ay patuloy sa pagyaman. Dito sumilang ang prinsipyo ng fraternidad.a. pagkakapatiran c. kalayaan e. simulainb. pagkakapantay-pantay d. paghihimagsik f. pagtutulungan b. Pagsusuring Pangnilalaman Batay sa binasa mong teksto, “Pagsibol ng Simulain ng Paglaya, Pagkakapantay-pantay at Pagkakapatiran”, anu-anong kaisipan ang maiuugnay mo sa pamagat? Panuto: Piliin sa loob ng kahon sa dakong ibaba ang mga salitang kaugnay ng pamagat ng teksto sa loob ng bilog. Gumamit ka ng sagutang papel. 18
A. 1 8 2 Pagsibol ng mga simulain ng7 paglaya, 3 pagkapantay- pantay at pagkakapatiran 64 5kalayaan pagkakapantay-pantay pagkakapatirankarangyaan teknolohiya pagsulongpagbabago demokrasya korupsyonhustisya modernisasyon pagkakaisakaunlaranPanuto: Isulat ang Tama sa patlang kung tama ang kaisipan ng pahayag batay sa paksa at Mali kung mali ang kaisipan batay sa pahayag._______ 1. Sa isang pamahalaang monarkiya tulad ng Francia, ang mga namumuno ay pangulo ng bansa._______ 2. Ang pagkagarote ni Marie Antoinette ay tanda ng tagumpay ng mga mamamayan ng Francia._______ 3. Bago pa naganap ang himagsikan sa Francia, nagnanais na ng pagbabago ang mga mamamayan sa Francia._______ 4. Ang tanging layunin ng himagsikan sa Francia ay paglaya ng mga mamamayan sa mapang-aping pamamahala ni Haring Louise XVII. 19
_______ 5. Ang pamahalaan at simbahan ay dalawang sektor ng lipunan na nagpahirap sa mga mamamayan sa Francia. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. c. Pagsusuring Pampanitikan Kamalayang Panlipunan sa Teksto Naniniwala ang mga may sosyolohikal na pananaw na mahigit ang ugnayan ng panitikan at ng panahong nagluwal dito. Binibigyang-diin dito ng ganitong pananaw na ang pagtalakay sa kaligirang panlipunan na pinagmulan ng akda ay nagpapalalim at nagpapalinaw sa mga paksang tinalakay. Hindi raw nagmula sa kung saan ang akda. Ito raw ay iniluwal ng isang tiyak na lugar at sa isang partikular na panahon o kabihasnan. Ang panahong ito ay nagtataglay ng mga kilos at saloobin na siyang pinagkukunan ng mga kilos at saloobin na makikita sa akda. Sa ganitong paraan, magtutuon din ang sosyolohikal na pagbasa sa mga pagtugon o reaksyong iniuukol ng manunulat sa panahong lumikha sa kanyang sining.Magsanay Ka…Suriin mo ang teksto sa paglalarawan nito sa isang tiyak na lipunan. Panuto: Lagyan ng (tsek) ang pahayag na naglalarawan ng lipunang tinalakay sa teksto. Sagutin mo ito sa ikaapat na bahagi ng papel. _______ 1. Mapayapa ang buhay ng mga mamamayan. _______ 2. Ang bawat isa ay naghahangad ng reporma o pagbabago sa pamahalaan. _______ 3. Namamayani ang katarungang panlipunan sa bansa. _______ 4. Ang mahirap ay lalong naghihirap. Ang mayaman ay lalong yumayaman. _______ 5. Laganap ang di makatarungang pagbabayad ng buwis. d. Halagang Pangkatauhan Sa panahon ng masamang pamamahala ng isang lider ng bansa, sumisibol sa puso ng bawat mamamayan ang paghahangad ng pagbabago. 20
Kung ikaw ay isang mamamayang naghahangad ng pagbabago para sa iyong bansa,paano mo ito gagawin? Panuto: Bilugan mo ang bilang ng mga pahayag na naglalahad ng mga dapat mong gawin kung nais mo ng pagbabago sa lipunang iyong kinabibilangan. Sagutin mo ito sa ikaapat na bahagi ng papel. 1. Sa akin muna dapat magsimula ang pagbabago. Iwawaksi ko ang masasamang gawa. 2. Bata pa ako para maghangad ng pagbabago sa lipunang kinabibilangan ko. 3. Mag-aaral akong mabuti nang makatulong ako sa pagsugpo ng kamangmangan sa lipunan. 4. Iiwasan ko ang masamang bisyo na sumisira sa lipunan. 5. Hahayaan ko na lamang sa mga lider ang pagkilos upang mabago ang lipunan. Baka mapahamak pa ako. Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin Mo… Panuto: Ibigay ang hinihingi ng pahayag sa loob ng dayagram. Piliin mo ang mga letra ng pahayag na naglalahad ng mga pagkakatulad at pagkakaiba ng mga pangyayaring ito. Sagutin mo ito sa ikaapat na bahagi ng papel. Pagtutulad Paghahambing ng Pagkakaiba1. naganap kina Haring 1. 2.2. Louise XVI at Marie 3. 4.3. Antoinette ng Francia at Pangulong Marcos at Pangulong Estrada ng Pilipinas nang mag- alsa ang mga mamamayan. Pagtutulada. Dumanak ang dugo bago sila naalis sa kapangyarihan.b. Kapwa napaalis sa kapangyarihan sa pamamagitan ng pag-aalsa ng mga mamamayan.c. Napatay sila kapwa ng mga nagagalit na mamamayan.d. Umabuso silang lahat sa kapangyarihane. Nawalan ng pagtitiwala ang mga mamamayan sa kanilang pamamahala. 21
Pagkakaiba a. Mapayapang rebolusyon ang naganap sa Pilipinas. b. Naging madugo ang pag-aalsa ng mga mamamayan sa Francia. c. Dahil sa pagkakaisa ng mga mamamayan kaya nagtagumpay ang pag- aalsa sa kanila sa kapangyarihan. d. Dumaan sa paglilitis sina Pang. Marcos at Pang. Estrada. e. Agad hinatulan ng kamatayan ng mga mamamayan sina Haring Louise at Marie Antoniette. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.5. Gamitin Mo… Bilang isang mag-aaral, mahalaga na alam mo ang mga isyu na dapatpagtuunan ng pansin ng isang lider ng bansa upang maiwasan ang kaguluhan.Panuto: Isulat mo sa patlang sa tabi ng bilog ang PP kung ang isyung nakapaloob dito ay isyung pampulitikal at PL kung ang isyung nakapaloob dito ay isyung panlipunan. Pagkakaloob Pagpapalit ng 1 ng lupa sa porma ng gobyerno3 mga magsasaka Pagbabawal ng Mga Pagpapalaganap mga napapanahong ng ‘family planning”5 kandidatong isyu may kaso na 4 makilahok sa Pagbibigay ng eleksyon amnestiya sa mga rebelde 22 2
Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo… Buuin mo ang kaisipang may kaugnayan sa paksa ng teksto sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga salitang nasa loob ng kahon. Gumamit ka ng kalahating bahagi ng papel sa pagsulat ng sagot. 1. mahalaga pagkakaunawaan at nasasakupan mga sa ang namumuno mga ng kaunlaran bansa ng 2. Napagtatagumpayan ng pasakit nagkaisa nagtulungan hirap lahat at buhay ng kapag at ay7. Lagumin Mo… Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng letra ng pahayag na angkop ang kaisipan. (Piliin ito sa loob ng kahon.) 1. Matapos kong mapag-aralan ang aralin, nakadama ako ng mga positibong damdamin tulad ng… a. galit sa mga lider ng bansa na umabuso sa kapangyarihan. b. Pagkatuwa dahil napatay ang isang masamang lider ng bansa. c. Pagkalungkot dahil sa mga nagaganap na kaguluhan sa maraming bansa. d. Pagmamalaki dahil ako ay Pilipino na kilala sa mundo sa pagkakaroon ng mapayapang rebolusyon. e. Pagkatakot dahil ayaw kong madamay sa mga pag-aalsa laban sa pamahalaan. 2. Matapos kong mapag-aralan ang aralin, natutunan ko na… a. Dapat ipaglaban ang bayan upang maging mapayapa ang buhay. b. Hindi malilinlang sa habang panahon ang mga mamamayan. c. Dapat na gumamit ng dahas upang makamit ang ninanais. d. Mahalaga ang pagkakaisa upang mapagtagumpayan ang mga malalakas na nang-aapi ng kapwa. e. Hindi dapat makisangkot sa mga isyung pambayan dahil bata pa ako.8. Subukin Mo… Panuto: Piliin sa dakong ibaba ang letra ng tinutukoy sa bawat pahayag. 23
1. Ito ang salin ng salitang reporma sa Pilipino.2. Ang kamatayan ni Marie Antoniette ay sagisag ng tagumpay ng mga mamamayan. Saan nagmula ang sinalungguhitang salita?3. Ang simbahan ay mahalagang sektor ng lipunan. Anong salita sa pangungusap ang nagmula sa wikang Ingles?4. Ito ang pangunahing dahilan ng mga nagaganap na pag-aalsa sa buong daigdig.5. Ito ang prinsipyong nagpapahalaga sa pagtutulungan ng mga mamamayan.6. Kapag nadama ito ng mga mamamayan, magsisimula na silang mag-alsa.7. Sa pananaw na ito, ang pinagtutuunan ng pansin ay ang mga pangyayari sa lipunan.8. Isa ito sa mga sakit ng lipunan na madalas paksain sa mga akdang panlipunan.9. Ito ang bagay na madalas ginagawang halimbawa kapag pinahahalagahan ang pagkakaisa at pagtutulungan.10. Di ito dapat tularan ng tao na ayaw makiisa at makisangkot.a. isla d. sosyolohikal g. kalayaanb. sektor e. walis h. fraternidadc. pangangamkam f. wikang Filipino i. gutom j. pagbabago ng lupa Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyongguro.9. Paunlarin Mo… Gagawin mo lamang ito kapag ang iskor na nakuha mo sa pagsubok ay 5 pababa. Kung ang iskor mo naman ay 6 pataas, huwag na. Panuto: Magbigay ng mga patunay na ang mga simulain ng paglaya, pagkakapantay- pantay at pagkakapatiran ay naganap na rin sa ating bayan sa panahon ng rebolusyon sa EDSA. 24
Piliin at isulat ang letra ng mga patunay na ito na nasa loob ng kahon.Sagutin mo ito sa sangkapat na bahagi na papel.Prinsipyo o 1. _______________________simulain ng 2. _______________________paglaya, 3. _______________________pagkakapantay-pantay atpagkakapatiran saPilipinasa. Pag-aalsa laban sa Batas-Militarb. Pag-aalsa ng mga sundalo sa Oakwood Hotelc. Pag-iistrayk ng mga empleyadod. Pagpapatalsik kay Pangulong Estradae. Pangingidnap ng mga Abu SayafIV. Aralin 3. Impluwensiya ng Kabataang Karanasan A. Anu-ano ang Mga Tiyak Mong Matututunan? Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga sumusunod na kasanayan; 1. Nakikilala ang bisa ng pag-uulit-ulit ng mga salita, pantig o letra sa kabuuan at kasiningan ng akda 2. Nasusuri ang akda batay sa kaugnayan nito sa karanasan ng sumulat 3. Natutukoy ang mga bagong kaalamang natututunan sa pagbasa ng akda (bisang pangkaisipan) 4. Naisasabuhay ang magaganda at mabubuting ugali tulad ng: a. pagkamakabayan c. pagtitiwala sa sarili b. mapagbigay 25
5. Naisusulat ang mga paraan kung paano maipapakita sa gawa ang magaganda at mabubuting ugali tulad ng pagkamakabayan, pagtitiwala sa sarili at pagiging matulungin sa kapwa. Mga gawain sa pagkatuto 1. Alamin Mo… Sa pagsulat ng isang akda, ang karanasan ng manunulat ay maaaring maging batayan ng paksang lilinangin niya sa kanyang isusulat. Maaaring malapit sa kanya ang mga karanasang iyon sapagkat naranasan niya nang kusa. Maari namang ang mga karanasang iyon ay abot lamang ng kanyang paningin sapagkat karanasan ng kanyang kapwa na personal niyang nasaksihan. Ang sumusunod ay mga karanasan ng isang tao na nakaimpluwensiya nang malaki sa uri ng pamumuhay niya sa kasalukuyan. Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang maaaring maging bunga ng mga karanasang binanggit sa bawat bilang. Gumamit ka ng sangkapat na bahagi ng papel. 1. Naging masunurin siyang anak. 2. Pinalaki siya nang may disiplina ng kanyang mga magulang. 3. Naging masikap siya sa kanyang pag-aaral. 4. Nagsisimba silang mag-anak. 5. Tinuruan siya ng kanyang ina ng mga gawaing bahay a. Hindi siya kumuha ng katulong sa bahay dahil alam niyang lahat ang mga gawaing bahay. b. Nakatapos siya ng isang kurso na pinagkakakitaan niya sa kasalukuyan. c. Isa siyang mabuting ama/ina sa kanyang mga anak. d. Tinuruan niya ng disiplina ang kanyang anak. e. Itinuro niya sa kanyang mga anak ang mga salita ng Diyos. f. Pinagsilbihan niya ang kanyang mga anak. Iwasto mo ang iyong mga sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro. 26
Ang tekstong babasahin mo ay may kaugnayan sa Pagsasanay na sinagot mo. Sa pagbabasa nito, unawain mong mabuti ang mga kaalamang napapaloob dito. Naglalaman ito ng mahahalagang impormasyong kinakailangan mo upang maunawaan ang aralin. Handa ka na ba? Sige, simulan mo na2. Basahin Mo… Bagama’t walang malaking batayan o pagpapatotoo na ang mga karanasang inihanay ni Rizal sa kanyang nobelang Noli Me Tangere ay hango sa kanyang mga pansariling karanasan, masisilip pa rin natin ang ilang mga tiyak na kaisipang nakapaloob sa nasabing akda na may kaugnayan sa ilang mga tala na nagsasaad ng malapit na karanasan ni Rizal higit ay noong kanyang kabataan. Ilan sa mga ito ay nakapaloob na rin sa kanyang mga akda. Isa-isahin natin ito. IMPLUWENSYA NG KABATAANG KARANASAN A. SA AKING MGA KABATA Ito ay isang maikling tula na nagpapahayag ng matimyas na kalooban ni Rizal kung paano maitataas ng kanyang mga kababayan ang karangalan ng kanilang pagkalahi. Ito ay ang pagkakaroon ng pagmamahal sa isang tiyak at sariling wika. Sa nabanggit na akda ay hinikayat ni Rizal ang kanyang mga kababata na huwag talikuran ang kagandahan ng kanyang salita na tulad din ng ibang salita sa daigdig ay nagtataglay ng kagandahan at kaningningan. Sa tulang SA AKING KABATA ay malinaw na masasalamin ang ibayong pagmamahal sa bayan ng batang si Rizal. Hinahangad niya ang pagkakaroon ng pagkakaisa. Pagkakaisang matatamo lamang kung ang bawat isang Pilipino ay matututong magmahal sa kanyang sariling wika. 27
B. ANG ALAMAT TUNGKOL SA TSINELAS Ito ay isang maikling kwento tungkol sa pagtatamo ni Dr. Rizal ng isang kaisipang higit na malayo kaysa kanyang gulang. Habang namamangka ay nahulog ang isa niyang tsinelas. Sa halip na umiyak, kinuha ang isa pa at saka itinapon. Nagwika pa rin ito na “Kung may makakakuha ng isa lamang, hindi niya iyon magagamit. Kung dalawa ang makukuha, magiging kapaki-pakinabang sa makakukuha”. Sa sanaysay tungkol sa nawalang isang tsinelas ay masasalamin natin angmatimyas na pagmamahal ng batang Rizal sa kanyang mga kababayan. Sa kabilang pagmamahal sa isang bagay, kung kailangang ipagkaloob ito sa iyong kapwa,huwag mo itong ipagkait. Hindi pakikinabangan ng makakapulot ang isangpirasong tsinelas. Hindi rin niya pakikinabangan ang naiwan sa kanya. Kayaminarapat niyang itapon na rin ang naiwan sa kanya. C. ANG SANAYSAY TUNGKOL SA BATANG GAMUGAMO Ito ay isang sanaysay na nasa anyong pabula. Bago pa lamang lumilipadang batang gamugamo. Naakit ito sa liwanag na dala ng apoy. Nalaman iyon ngina. Pinagsabihan nito ang batang gamugamo na huwag lalapit sa apoy. Ngunitang pang-akit ay nanatili sa isip ng batang gamugamo. Nanaig ang kanyangkagustuhan at sinunod niya ito. Lumapit siya sa ilaw hanggang sa unti-untingmatupok ang kanyang pakpak at malagutan ng hininga. Ang ikatlong akda ay nagpapakilala kay Rizal na nagkaroon ng hindiangkop na pagkilala. Ang lumutang ay ang kawalan ng magandang-asal ngbatang gamugamo na kaya napahamak ay hindi sumunod sa kanyang ina. Hindilumutang sa kaisipan ng mga mambabasa ang magandang katangian ng isangkabataang Pilipino. Huwag matakot suungin ang ano mang kapahamakan. Ang batanggamugamo ay isang larawan ng kabataang Pilipino na nagtataglay ng laman ngpansariling kaisipan. Magpasya nang ayon sa kayang sariling kagustuhan. 28
Kung susuriin natin ang nobelang Noli Me Tangere, makikita natin sa mga kabanata nito ang mga kaisipang lumutang sa kabataan ni Dr. Jose Rizal. Hango sa: “Noli Me Tangere, Isang Pampanitikanang Pagtingin;” ni A. Cabuhat Leo – Ross Publication3. Linangin Mo… a. Pagsusuring Panlinggwistika Pag-uulit-ulit ng mga salita, pantig o letra Ang pag-uulit-ulit ng mga salita, pantig o letra ay isang istilo sa pagsulat ng isang akdang pampanitikan. Layunin nito ay upang maipakita o maipadama ang kasidhian o kaigtingan ng damdaming namamayani sa akda. Hal. Mahal na mahal, patakbu-takbo, nag-iibigan Panuto: Isulat ang S sa patlang kung ang inulit na may salungguhit ay salita. PN kung pantig at L kung letra. 1. Mahal na mahal ni Rizal ang kanyang kapwa Pilipino. Pati buhay ay inialay niya para sa kapakanan ng bayan. 2. Sa kanyang tulang, “ Sa Aking Mga Kabata”, damang-dama ang pagpapahalaga niya sa wikang Filipino. 3-4. Nang mahulog ang isang tsinelas ni Rizal, inihulog din niya ang isa pa. Katwiran niya hindi na mapakikinabangan ng makakakuha kung ito ay nag-iisa. 5. Sa sanaysay ni Rizal tungkol sa batang gamugamo, naakit ang gamugamo sa liwanag ng ilaw. Palipad-lipad itong umikot sa lampara, nasunog siya at namatay. Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyongguro. b. Pagsusuring Pangnilalaman 29
Panuto: Isulat ang T kung sa palagay mo ang mga pahayag ay nagpapakita ng impluwensya ng mga naging karanasan ni Rizal sa kanyang mga akda, at H kung hindi. 1. Nagkaroon ng diperensya sa paningin ang ina ni Rizal kaya nag-aral ito ng panggagamot. Ito ang dahilan kung bakit nilikha niya ang katauhan ni Basilio na nag-aaral ng pagka-manggagamot. 2. Marubdob ang pagmamahal ni Rizal sa wikang Filipino kaya itinuring niyang mabaho at malansang isda ang lalapastangan dito. Malinaw itong naipakita sa kanyang tula. 3. Dahil sa siya ay isang Pilipino, isinulat ni Rizal ang isang kabanata sa El Filibusterismo na tumatalakay sa pagtatayo ng akademya ng wikang Kastila. 4. Ang pagiging maawain ni Rizal tulad ng ipinakita niyang pagnanais na makatulong sa kapwa sa Alamat ng Tsinelas ay maliwanag na nakita sa kanyang nobela nang ilimos ni Maria Clara sa pulubing ketongin ang kanyang agnos. 5. May masayang kabataan si Rizal, kaya marahil ay nilikha niya ang katauhan ni Elias na lumaki sa isang kapaligirang puno ng pighati. Iwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyong guro.c. Pagsusuring Pampanitikan Ayon kay Plato, dapat na maging tungkulin ng panitikan ay magbigay ng kaliwanagan at karagdagang kaalaman. Ayon pa rin sa kanya, dapat na magturo at magpaliwanag ang panitikan. Ang binasa mong teksto ay nagbigay sa iyo ng maraming impormasyon. Makikitamo ang mga impormasyong ito kapag sinagot mo ang pagsasanay.Panuto: Piliin mo ang letra ng impormasyon o kaalamang binabanggit sa pahayag. Piliin mo ito sa loob ng kahon. 1. Ito ang pinahahalagahan sa tula ni Dr. Jose Rizal, “Sa Aking Mga Kabata”. 2. Sino ang tinutukoy na “kabata” ni Rizal sa kanyang tula? 3. Ginawa ni Rizal sa isang tsinelas na hindi nahulog sa ilog. 4. Nangyari sa batang gamugamo nang hindi nito sinunod ang utos ng ina na huwag lumapit sa apoy. 30
5. Dahilan kung bakit isang pabula ang sanaysay tungkol sa batang gamugamo. a. hayup ang tauhan at c. nasunog at namatay nagbibigay ng aral b. wikang Filipino d. inihulog e. kabataang Pilipino f. kababata niya sa CalambaIwasto mo ang iyong sagot. Gamitin mo ang Susi ng Pagwawasto na nasa iyongguro.d. Halagang PangkatauhanPanuto: Isulat ang P kung positibo ang sumusunod na mga pahayag at M kung negatibo. 1. Ang pagiging makabayan ay maipakikita kapag hindi mo pinag-aralan ang wikang Ingles. 2. Mapatutunayan mong may tiwala ka sa sarili kapag nagawa no ang lahat ng bagay, mabuti man o masama. 3. Ang pagiging tunay na matulungin ay maipakikita kung tuturuan mong maghanapbuhay ang iyong kapwa. 4. Ang tunay na pagtitiwala sa sariling kakayahan ay sa pamamagitan ng pag-iwas sa masamang gawa. 5. Maituturing na pagtulong sa mga pulubi ang pagbibigay ng limos sa kanila.4. Palalimin Mo…Panuto: Piliin sa loob ng bilog ang letra sa pahayag na naglalaman ng kaisipan na napapaloob sa mga sumusunod na akda ni Dr. Jose Rizal.a. b. Ang Alamat Sa Aking ng Tsinelas Mga Kabata 1 21 2 1 c. 2 Ang Batang 4 Gamugamo 31
a. Marangal ang lahing kayumanggib. Di dapat matukso sa ganda ng isang bagayc. Bawat isa ay makatutulong sa kanyang kapwa sa kanyang maliit na kaparaanand. Isipin nang mabuti ang lahat ng gagawine. Ang damdamin ng pagkamakabayan ay maaaring sumibol sa ano mang gulang ng taof. Ang pagtulong sa kapwa ay walang pinipiling panahong. Ang ikararangal ng isang lahi ay nasa kanyang mga mamamayanh. Ang pagsunod sa magulang ay tanda ng anak na magalang5. Gamitin Mo… Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na tulungan ang iyong kapwa, paano mo ito gagawin? Panuto: Buuin ang sumusunod na pahayag sa pamamagitan ng pagpili ng salita sa loob ng kahon na bubuo sa kaisipan nito. 1. Bibigyan ko ng _____________ ang taong tutulungan ko. Habang buhay niya itong mapapakinabangan at hindi ito mananakaw. 2. Tuturuan ko siyang _____________ upang matustusan niya ang lahat ng pangangailangan niya. 3. Bibigyan ko siya ng _____________ upang mabili niya ang lahat ng pangangailangan niya. 4. Ibibigay ko s kanya ang mahalagang ____________ ko upang may mapaghingahan siya ng problema. 5. Bibigyan ko siya ng isang mabuting ____________ upang may umakay sa kanya sa tamang landas ng buhay. kaibigan oras hanapbuhay edukasyon pera pagkainIwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.6. Sulatin Mo… 32
Panuto: Ayusin ang mga sumusunod na salita upang mabuo ang kaisipang kaugnay ng aralin: 1. Tungkulin, Kristiyano, bawat tumulong kapwa sa ng ang 2. nawawasto landas sumusunod magsilang payo ang ng anak na sa 3. kaloob langit ng Filipino wikang ang Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.7. Lagumin Mo… Buuin ang pahayag sa pamamagitan ng paglalagay ng tsek sa angkop na kaisipan. 1. Matapos kong mapag-aralan ang aralin, nalaman ko na _____________ a. marami pala akong dapat tulungan. b. dapat pala akong makinig sa pangaral ng magulang ko. c. marami palang paraan ang pagpapakita ng pamamahal sa bayan. d. di pala dapat mag-aral ng ibang wika maliban sa wikang Filipino. 2. Matapos kong mapag-aralan ang aralin, nakadama ako ng _____________ a. mapalad ako kaysa sa iba b. pagmamalaki dahil ako ay Pilipino c. pagsisisi dahil madalas ay sinusuway ko ang aking mga magulang d. pag-ayaw na manirahan sa Pilipinas dahil mahirap na bansa ito Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.8. Subukin Mo… Panuto: Piliin ang letra ng wastong sagot sa loob ng kahon. 1. Sa tulang, “Sa Aking Mga Kabata,” hinangad ni Dr. Jose Rizal ang _____. 2. Ayon pa rin sa tula, makakamit lang ang hinahangad ni Rizal kung matututong _________ sa kanyang wika. 3. Sa sanaysay tungkol sa nawalang tsinelas, masasalamin ang __________ni Rizal sa kanyang kababayan. 4. Ang magandang katangiang napapaloob sa sanaysay na Batang Gamugamo ay huwag matakot na gawin ang kanyang ___________. 5. Itinapon ni Rizal ang naiwang kapiraso ng ___________ upang mapakinabangan ito ng makakakuha. 33
a. magustuhan c. magpapahalaga e. pagkakaisab. tsinelas d. pagmamahal f. pagtatagumpayIwasto mo ang iyong sagot gamit ang Susi sa Pagwawasto na nasa iyong guro.Paunawa: Kapag ang iskor mong nakuha sa Gawaing Pagsubok ay 6 pataas, huwag mo nang sagutin pa ang bahaging ito. Ibig sabihin ay napag-aralan mo nang maayos ang aralin. Kung 5 pababa naman ang iskor mo, gawin mo ang bahaging ito. Ibig sabihin ay kailangan mo pa ang dagdag na gawain sa pagkatuto.9. Paunlarin Mo…Panuto: Isulat sa ilalim ng pamagat ang mga katangian ni Rizal na maliwanag na ipinakita sa kanyang mga akda. Piliin ang mga ito sa loob ng kahon. Isulat ang sagot mo sa sangkapat na bahagi ng papel.1. 2. Alamat ng 3. Sa aking Mga Tsinelas Alamat ng Kabata Gamugamoa. ______________ a._______________ a.________________b. ______________ b. ______________ b.________________makabansa maka-Pilipino mapagsubokmapusok mapagkawanggawa makatuwiran Gaano Ka na Kahusay?Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang letra ng wastong sagot. Isulat mo ang sagot mo sa kalahating bahagi ng papel.1. Isang ________ mithiin ni Rizal na magkaisa ang mga Pilipino. Alin sa mga sumusunod na salita ang pinakawastong gamitin upang ilarawan ang salitang mithiin?a. banal c. mabutib. dakila d. wasto 34
2. Ang mga kababaihang kapanahon ni Maria Clara ay tinatakpan ang bibig ng panyolito kapag tumatawa. Ang panyolito ay mula sa wikang _________. a. Kastila b. Filipino c. Intsik d. Ingles3. Ang pagmamalupit ng mga frayle sa Pilipino ay damang-dama nila. Piliin mo sa loob ng pangungusap ang salitang inuulit.4. Sa anong bahagi ng kasaysayan ng bansa naganap ang malawakang pangangamkam ng lupa?a. Panahon ng pananakop ng mga Amerikanob. Panahon ng pananakop ng mga Kastilac. Panahon ng pananakop ng mga Hapond. Panahon ng pananakop ng mga Intsik5. Ang pilosopiya ng paglaya, pagkakapatiran at pagkakapantay-pantay ay nakarating sa Pilipinas nang:a. magkagulo sa Francia c. masakop ng dayuhan ang bansab. mabuksan ang Suez Canal d. mamatay si Ninoy Aquino6. Si Rizal ay tunay na nagpapahalaga sa edukasyon kaya’t nagtapos siya bilang manggagamot. Ang pagpapahalaga niya sa edukasyon ay naipakita niya nang likhain niya ang katauhan ni ____________ na nag-aral sa Europa.a. Pilosopo Tasyo c. Maria Clarab. Pari Damaso d. Ibarra7-10. Panuto: Isulat ang P kung ang pahayag ay positibo at N kung negatibo.7. Kung gustung-gusto mo ang isang bagay, hingin mo ito sa maayos na paraan.8. Upang madaling makamit ang isang mithiin, dapat mo itong daanin sa dahas. 9-10 Lagyan ng (tsek) ang pahayag kung ang diwa ay angkop sa mgatinalakay na aralin, at (ekis) kung hindi9. Ang karalitaan at kamangmangan ay mga sakit ng lipunan na umiral ng panahon ng pananakop. 35
10. Isyung pulitikal ang pag-aagawan sa kapangyarihan nang mga frayle at gobernador heneral nang panahong iyon. 36
Modyul 7 Pagsusuri ng Tula Batay sa Teoryang Imahismo Tungkol saan ang modyul na ito? Dalawa na namang kawili-wiling aralin ang iyong matututunan sa araw na ito at natitiyakkong magiging interesado kang maisagawa ang mga pagsasanay at gawaing inihanda ko para sa iyo. Naranasan mo bang magpalipad ng saranggola o dili kaya’y guryon? Naging madali ba angpagpapalipad mo? Ito ba’y iyong pinaghandaang mabuti? Tinulungan ka ba ng iyong ama para ito’ylumipad nang mataas. Sa mga tanong na ito, marahil ang isasagot mo ay oo. Alam mo bang angpagpapalipad ng guryon ay tulad din ng pagbalanse sa ating buhay. Ang buhay ayon sa maramingpalaisip ay patuloy na pakikipagsapalaran sa daigdig na ito. Sa pagsilang pa lamang natin ay maraming pagsubok ang nakaabang sa atin kaya kailangan na natin itong paghandaan. Kailangang magingmatatag tayo at maging matapang sa pagharap dito. Ganyan ang buhay subalit huwag mongkalilimutan na ang lahat ng kaganapan ay kaloob ng Poong Maykapal. Ito ang pinakadiwa ng tulang babasahin mo, “Ang Guryon” na isinulat ng isang batikangmanunulat sa larangan ng Panulaang Tagalog. Sa tulang ito inilarawan din ng may-akda ang magandang relasyon ng ama sa anak. Angmabuting pakikitungo at maayos na pagpapalaki ng magulang sa anak ay magbubunga nang maunladna pamumuhay. Dapat mong tandaan, na walang hinangad na masama ang magulang sa kanyanganak. Ang pangangaral sa anak ay tanda lamang ng pagmamahal ng isang magulang. Maraming kabataan na tulad mo ang sa ngayo’y naliligaw ng landas. Nababarkada!Nalululong sa ipinagbabawal na gamot! Nakapag-aasawa nang maaga! Sino ang sinisisi? Angmagulang! Alam mo, hindi dapat bagsakan ng sisi ang mga magulang manapa’y ang mga kabataangpatuloy na tinutuklas ang hiwaga ng buhay. Alam kong hindi ka kabilang sa mga ganitong uri ngkabataan. Hindi ba ? 1
Sa pagkakataong ito, nais ko namang itanong sa iyo kung ikaw ay nakapamasyal nasa tabi ng dagat? Ano ang iyong nadama? Huwag kang magagalit ha --- nais ko ring itanong sa iyokung may kasama ka habang namamasyal. Napakaromantiko ng kapaligiran lalo’t may kasamangminamahal habang namamasyal, di ba? Kung wala man, alam kong nakadama ka ng kaligayahanhabang pinagmamasdan mo ang paglubog ng araw at kung sa umaga nama’y nanunuot sa iyongkalamnan ang malamig na simoy ng hangin habang ikaw ay nagtatampisaw sa tubig. Dapat mongtandaan na ang tubig ay buhay. Ang patuloy na pagdaloy nito sa anumang uri ng daluyan aymakapagpapaginhawa ng ating pakiramdam. Ganito sana ang maging larawan ng ating mga karagatan. Malinis. Hindi nilalapastangan ngmga taong walang pakundangang magtapon ng kanilang mga basura sa dagat. Naramdaman mo bana kapag nasa tabi ka ng dagat ay parang kaylapit mo sa Inang Kalikasan? Pahalagahan natin angInang Kalikasan dahil marami na rin tayong nasaksihan nang siya’y magalit! Sa malinis nakaragatan, kayraming mga dayuhan ang magaganyak na bisitahin ang ating bayan. Nagdadala ito ngdolyar at nakatutulong ito sa pag-angat ng ating turismo. Sa ikalawang tulang babasahin mo, madarama mo ang kapayapaan sa iyong sarili. Para bangkaysarap mabuhay sa piling ng kalikasan. Sige, sa iyong pagbabasa, damahin mo ang kapangyarihannito at bumuo ka ng mga imahe matapos mong basahin ang “Sa Tabi ng Dagat” na isinulat niIdelfonso Santos. Ang mga nabanggit ko ay may malaking kaugnayan sa dalawang araling inihanda ko para saiyo. Sinisiguro kong maiibigan mo Handa ka na ba? 2
Ano ang matututunan mo? Nailalapat ang iba’t ibang pananaw alinsunod sa tiyak na teoryang pampanitikan Paano mo gagamitin ang modyul naito? Ang modyul na ito ay magsisilbing pansariling gabay mo tungo sa iyong pagkatuto.Gagamitin mo ito bilang patnubay sa tulong ng mga tuntunin na nakalahad dito upang magingmaayos at makabuluhan ang iyong paggamit. Kailangang unawain mong mabuti at maging malinawsa iyo ang mga gawain. Narito ang mga bagay na dapat mong isaalang-alang sa paggamit ng modyul na ito. 1. Sagutin mo ang Panimulang Pagsusulit o ang bahaging Ano Na Ba ang Alam Mo? 2. Iwasto mo ang iyong mga sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 3. Isagawa mo ang panimulang gawain o ang bahaging Alamin Mo…May malaki itong kaugnayan sa babasahin mong akda. 4. Basahin at pag-aralan mong mabuti ang nilalaman ng dalawang tula. 5. Isagawa mo ang kaugnay na mga gawain sa bahaging Mga Gawain sa Pagkatuto. Nakalahad dito kung paano mo ito isasagawa. Iniangkop ito sa mga kasanayang dapat mong matutunan. 6. Ang mga bahaging Palalimin mo… Gamitin mo… at Lagumin mo… ay magpapatunay kung naragdagan ang iyong kaalaman. Isagawa mo ito nang maayos. 7. Sagutin mo ang bahaging Subukin mo… at Gaano Ka Na Kahusay? Kunin mo ang susi sa pagwawasto sa iyong guro. Maging matapat ka sana sa pagwawasto. 3
8. Tulad ng nasabi ko sa iba pang modyul, ang modyul na ito ay kaibigan mo kung kaya’t ingatan mo ito at gamitin nang wasto. Sagutin mong mabuti. Huwag mo itong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na papel o notbuk sa iyong pagsagot. Ano na ba ang alam mo? Ang pagsusulit na ito ay naglalayon lamang na masukat ang dati mo nang kaalamantungkol sa paksang tatalakayin. Huwag kang matakot o mag-alala sa nakuha mong marka. Handa ka na ba? Simulan mo na. Piliin mo ang titik ng pinakatamang sagot. 1. Ibigay mo ang panibagong kaisipang maaari mong mahango sa sumusunod na taludtod. Ang buhay ay guryon: marupok, malikot Dagiti’t dumagit, saanman sumuot… a. Ang buhay ay parang gulong, kung minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim. b. Tao ang gumagawa ng kanyang kapalaran. c. Mahiwaga ang buhay ng tao. d. May kani-kaniyang kapalaran ang tao. Basahin at unawain mong mabuti ang nilalaman ng sumusunod na saknong. Pagkatapos, sagutin ang mga tanong sa ibaba. Manunulay Kata Habang maaga pa, sa isang pilapil Na nalalatagan Ng damong may luha ng mga bituin; Patiyad na tayo Maghahabulang simbilis ng hangin, Ngunit walang ingay, Hanggang sa sumapit sa tiping buhangin. 4
2. Ang mga taludtod bilang 1, 3, 5, 7 ay binubuo ng _____ na pantig a. 4 b. 6 c. 8 d. 12 3. Samantalang ang mga taludtod bilang 2, 4, 6, 8 ay binubuo naman ng _____ pantig a. 4 b. 6 c. 8 d. 12 4. Mahiwaga ang buhay ng tao Ang bukas ay di natin piho Ang kaisipang nangingibabaw sa mga taludtod ay : a. Ang buhay ng tao ay balot ng kahiwagaan b. Sa guhit ng palad makikita ang ating kinabukasan c. Ang lahat ng kaganapan sa ating buhay ay kaloob ng Diyos d. May kani-kaniyang panahon ang buhay Balikan mo ang saknong sa bilang 2 at 3. Muli mo itong basahin. Pagkatapos, sagutin moang mga tanong sa ibaba. 5. Ano ang larawang-diwang nabuo mo sa taludtod 3 at 4? a. umuulan nang nagdaang gabi b. may hamog ang mga damo c. magbubukang-liwayway na e. basa ang damuhan 6. Sa kabuuan ng saknong, ano naman ang larawang-diwang iyong mabubuo? a. Magkasintahang dinarama ang lamig ng umaga. b. Magsing-irog na masayang naghahabulan. c. Magkasintahang namamasyal sa tabi ng dagat. d. Magkasintahang punung-puno ng kaligayahan. 7. Basahin at unawain mo ang sumusunod na saknong pagkatapos tukuyin mo ang imaheng nabuo sa iyong isipan. Tanggapin mo anak, itong munting guryon Na yari sa patpat at papel de Hapon Magandang laruang pula, puti, asul Na may pangalan mo sa gi5tna naroon.
a. Buhay na marupokb. Dangal ng buhayc. Buhay na panung-puno ng kulayd. Magulang na nangangaral8. Muli mong basahin ang saknong sa bilang 2 at 3. Piliin mo ang mga salitang ginagamit ng may-akda para maipakita ang bisa ng kasiningan ng akda sa pagkakagamit ng kalikasan at kapaligiran.a. isang pilapilb. damong may luhac. tiping buhangind. lahat ng nasa itaas9. Ang pagsunod sa payo ng magulang ay tanda ng anak na _____.a. marunong b. magalangc. matapang d. mapagmahal 10. Maipakikita natin ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng _____. a. pakikipagtulungan sa pamahalaan b. wastong pangangalaga c. pagsumbong sa kinauukulan ng mga taong pumuputol ng mga puno d. lahat ng nasa itaas• Nahirapan ka sa pagsagot? Kunin mo sa iyong guro ang susi sa pagwawasto at iwasto mo angiyong papel. Kung mababa man ang iyong iskor, huwag kang mag-alala. Panimula pa lamang ito.Marami akong inihandang gawain kaugnay ng araling ito para sa iyong lubusang pagkatuto. V. Aralin 1 – Ang Guryon A. Anu-ano ang mga tiyak na matututunan mo? Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang iyong matatamo ang sumusunodna mga kasanayan 1. Nagagamit ang matatalinghagang salita/pahayag sa paglalahad ng panibagong kaisipan. 6
2. Nahahango at naipaliliwanag ang pangunahin at mga pantulong na kaisipang nakapaloob sa akdang binasa.3. Nasusuri ang tula batay sa teoryang imahismo4. Natutukoy ang bisang pandadamin at pangkaisipan ng tula5. Nakasusulat ng kapaksa ring tulaMga Gawain sa Pagkatuto• Iba’t ibang gawain ang inihanda ko para sa iyong lubusang pagkatuto. Bilang panimula, isagawa mo muna ang sumusunod na gawain.1. Alamin mo…• Ibigay mo ang kaugnayan ng mga bagay na nasa larawan sa buhay ng tao. Piliinang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. BatoKrus Kawa -yan GuryonKandilaa. paninindigan d. kamatayanb. kahihiyan e. pagsunod sa takbo ng buhayc. pagbalanse sa mga bagay f. pagsilang 7
• Maraming kasabihan/salawikain ang maaaring iugnay sa salitang buhay tulad nghabi sa ibaba. Piliin mo ang titik ng maaaring maging kahulugan sa loob ng kahon saibaba. 1 Ang buhay ay parang gulong Minsan sa ibabaw, minsan sa ilalim. 2 Buhay 3Mahiwaga ang buhay ng tao Kung ano ang taas ng paglipadAng bukas ay di natin piho. Siyang lagapak kung bumagsak. 4Ang buhay ay parang tanghalanLahat tayo ay may papel naginagampanan. a. Isaisip ang pagpapakumbaba nang hindi masawi sa bandang huli. b. Bawat tao ay may kaakibat na tungkuling dapat isakatuparan. c. Hindi natin alam ang ating kapalaran, Diyos lamang ang nakakaalam. d. May kani-kaiyang guhit ng palad ang tao e. Lahat ng tao’y sa alabok din uuwi.• Iwasto mo ang iyong sagot gamit ang susi sa pagwawasto na nasa iyong guro. 8
• Nabuksan ba ang iyong isipan ukol sa kahalagahan ng buhay ng tao sa katatapos na gawain? Anglahat ng ito’y may kaugnayan sa akdang iyong pag-aaralan. • Naibigan mo ba ang panimulang gawain? Simula pa lang iyan. Marami pa akong inihandapara sa iyo.2. Basahin mo… Upang lubusan mong maunawaan ang araling iyong pag-aaralan, mahalagang mabasa mo atmaunawaan ang nilalaman ng akda.Nakahanda ka na ba?Simulan mo na! Ang Guryon Tanggapin mo anak, itong munting guryon, Na yari sa patpat at papel de Hapon Magandang laruang pula, puti, asul Na may pangalan mong sa gitna naroroon. Ang hiling ko lamang bago paliparin, Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; Ang solo’t paulo’y sukating magaling Nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling. Saka, pag humihip ang hangin, malakas At sa papawiri’y bayaang lumipad; Datapwat ang pisi’y tibayan mo, anak At baka lagutin ng hanging malakas. Ibigin ma’t hindi, balang-araw; ikaw Ay mapapbuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan Na ang nagwawawi’y ang pusong marangal. At kung ang guryon mo’y sakaling madaig, Matangay ng iba o kaya’y mapatid; Kung saka-sakaling din na mapabalik Maawaing kamay nawa ang magkamit. Ang buhay ng guryon, marupok, malikot, 9
Dagiti’t dumagit saan man sumuot… O, paliparin mo’t ihalik sa Diyos, Bago pa tuluyang sa lupa’y sumubsob! • Matapos mong mabasa ang nilalaman ng tula, gawin mo ang sumsusunod na mga gawain. Higititong makatutulong sa iyo sa pagpapaunlad ang iba’t ibang mga kasanayan. Unawain mo sanangmabuti ang panuto at maging maingat sa pagsasagawa ng mga gawain. 3. Linangin mo… • Sa bahaging ito ng iyong pag-aaral, magkakaroon ka nang lubusang pag-unawa sa tulang iyong binasa. a. Pagsusuring Panglinggwistika Ibigay mo ang panibagong kaisipan na maaaring mahango mo sa sumsusunod na matatalinghagang salita o pahayag. Piliin mo ang titik ng tamang sagot. 1. Tanggapin mo anak, itong guryon Na may pangalan mo sa gitna naroon. a. Huwag mong dungisan ang pangalan ng iyong pamilya. b. Ingatan mo ang iyong dangal at pagkatao. c. Maging maingat ka sa pagpili ng kaibigan at kasama sa buhay. d. Huwag suungin ang panganib sa buhay. 2. Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo anak At baka lagutin ng hanging malakas. 10
a. Magkaroon ka ng tibay ng loob at paninindigan. b. Ang katatagan ay kailangan sa pakikibaka sa buhay. c. Harapin ang problema at huwag talikuran. d. Maging maingat sa pagbibigay ng desisyon. 3. O paliparin mo’t ihalik sa Diyos Bago tuluyang sa lupa’y sumubsob. a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa. b. Huwag kalimutang tumawag sa Diyos lalo’t nasa panganib. c. Sa kamay ng Diyos mababatid ang ating tagumpay at kinabukasan. d. Ang lahat ng nangyayari sa lupa’y kaloob ng Diyos. b. Pagsusuring Pangnilalaman • May mga nakatalang kaisipan sa ibaba subalit alamin mo muna ang nasaloob ng kahon. Alam mo bang ang kaisipan ay mga konsepto o mga ideyang lumutang sa isang akda o kaya’y sa mga karaniwang pahayag lamang. Sa mga nakatalang kaisipan, piliin mo ang pangunahing kaisipan.Pagkatapos, isulat mo ang mga pantulong na kaisipan. Isulat mo lamang ang tamangbilang sa loob ng dayagram. Narito ang mga kaisipan. 1. Ang buhay ay tulad ng guryon, marupok at malikot. 2. Sa paglakad ng panahon, may mga nakambang panganib sa buhay. 3. Maging matatag tayo sa anumang mga pagsubok na darating sa ating buhay. 4. Timbangin ang anumang pagkilos o aksyong ating gagawin. 11
5. Isaisip at isapuso na ang lahat ng mangyayari ay kaloob ng Diyos.6. Ingatan ang pinakatatanging puri at dangal.7. Paghahanda sa balakid sa buhay.Pantulong na Pangunahing Kaisipan Pantulong na kaisipan Kaisipan Pantulong na kaiaipanPantulong na Pantulong na Pantulong na kaisipan kaisipan kaisipan c. Pagsusuring Pampanitikan Mahalaga munang malaman mo ang nakapaloob sa kahong ito bago moisagawa ang gawaing kaugnay nito. Basahin at unawain mong mabuti Mayaman sa imahe ang tulang iyong binasa. Kung pag-aaralan mong mabuti, ang imahe ay mga tanging salita/lipon ng salita na kumakatawan sa mga bagay na nabubuo sa isipan ng mambabasa. Sa pagbasa mo ng isang akda sa pananaw imahismo, mahalagang makita sa loob ng akda ang pagkakataong makabuo ng matulaing imahe batay sa mga naging bisa ng pandamdamin at pangkaisipan sa mambabasa. Ang imahe rin kung iyong pakakasuriin ay nakabatay sa pinakasentral na damdaming nararamdaman matapos mabasa ang akda at sa tanging kaalamang natutuhan pagkatapos magbasa. 12
Ibigay mo ang mga imaheng mabubuo sa isip mo sa tulong ng sumsusunod na mga salita o parirala. Tao ang inilalarawan dito Anong uri kaya ito ng tao? Piliin ang titik ng pinakatamang sagot sa loob ng kahon na naglalarawan sa tao 1. pisi’y tibayan 2. mabubuyong makipagdagitan 3. matanga’y ng iba at mapatid 4. dumagit 5. hayaang lumipad 6. pangalan sa gitna 7. yari sa patpat at papel de hapon a. marangal na tao b. taong malayang gumawa c. taong mapagsamantala d. taong nakikipaglaban e. isang taong marupok f. taong talunan sa laban g. taong sinupil ang kapangyarihan h. isang taong matatag • Maliban sa inilarawang uri ng tao, bumuo ka rin ng iba pang imahe na maykaugnayan sa mga salita sa itaas. Piliin mo rin ang sagot sa loob ng kahon sa ibaba. Titiklamang ang isulat. • Pumili ka rin ng mga salita/pariralang ginamit sa akda na nagpapainog ngimahinasyon. Banggitin mo ang bilang ng saknong at taludtod. 13
d. Halagang Pangkatauhan Piliin mo sa sumusunod ang maaari mong gamiting pananggalang sapagharap sa mga pagsubok sa buhay. Titik lamang ang isulat mo sa iyongsagutang papel.a. b. pagdarasal Lakas ng loob at tibay ng dibdibid. d.c. pakikinig Kababaang-loob sa payo f. pakikipaglabane. katapangang. Matamang Pag-iiisp 14
Ngayong napili mo na ang iyong mga kailangan sa pagharap sa mga pagsubok sabuhay. Palalimin pa natin ang iyong kaalaman sa pamamagitan ng pagsasagawa ng sumusunod namga gawain. Ngunit bago mo isagawa ito, iwasto mo muna ang iyong mga kasagutan gamit ang susisa pagwawasto na nasa iyong guro.4. Palalimin mo.. . kung ang sumusunod na Isulat ang hugis na parisukat kung di-katanggap-tanggap. pahayag ay katanggap-tanggap at bilog1. Gawing dahilan ang paglayas kung napapagalitan ng magulang.2. Sumunod sa payo ng magulang lalo na sa oras ng kagipitan. 3. Pag-ukulan ng panahon ang pag-aaral at pagbasa ng mga kapaki-pakinabangna babasahin. 4. Pumili ng kaibigan na maituturing na mabuting impluwensya.5. Makilahok sa mga gawaing pampaaralan.6. Lumiban sa klase kung ayaw ang guro at asignatura.7. Protektahan ang dangal at puri ng pangalang dinadala.8. Humingi lamang ng sapat na pangangailangang gagamitin sa eskuwela.9. Isaisip sa tuwina na ang paggawa ng kamalian ay may nakalaang kaparusahan.10. Sikaping maging isang mabuting anak ng iyong mga magulang, mabuting mamamayan ng bansa at tunay na Alagad ng Diyos saan man makarating • Matapos mong mapalalim ang iyong kaalaman kaugnay ng binasa mong akda, ilapat monaman ang iyong mga natutunan. Ngunit bago mo isagawa, kunin mo sa iyong guro ang susi sapagwawasto at iwasto mo ang iyong gawain.5. Gamitin mo… Sa tulong ng mga sitwasyon sa ibaba, tingnan ko kung mailalapat mo 15
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442
- 443
- 444
- 445
- 446
- 447
- 448
- 449
- 450
- 451
- 452
- 453
- 454
- 455
- 456
- 457
- 458
- 459
- 460
- 461
- 462
- 463
- 464
- 465
- 466
- 467
- 468
- 469
- 470
- 471
- 472
- 473
- 474
- 475
- 476
- 477
- 478
- 479
- 480
- 481
- 482
- 483
- 484
- 485
- 486
- 487
- 488
- 489
- 490
- 491
- 492
- 493
- 494
- 495
- 496
- 497
- 498
- 499
- 1 - 50
- 51 - 100
- 101 - 150
- 151 - 200
- 201 - 250
- 251 - 300
- 301 - 350
- 351 - 400
- 401 - 450
- 451 - 499
Pages: