Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Math Grade 1

Math Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 20:55:49

Description: Math Grade 1

Search

Read the Text Version

Pagsasanay 3Sagutan ang bawat suliranin. a) May 19 na goma si Tony. 14 naman ang goma ni Roy. Ilan lahat ang goma nila? b) Si Connie ay may 18 manikang papel. May 16 namang manikang papel si Cynthia. Ilan lahat ang manikang papel nila? c) May 24 na popsicle stick si Ludy. May 28 namang popsicle stick si Trina. Ilang lahat ang popsicle stick? d) Si Tracy ay may 38 na card. Si Kara ay may 14 na card. Ilang lahat ang card nila? 193

Gawaing-bahayA. May _____ na kahel sa supot. Dinagdagan ito ni Tony ng ______ kahel. Ilan na ang kahel ni Tony ngayon? Sagutan gamit ang iba’t ibang pamaraan.B. Si Mira ay may 34 na patpat. Kumuha pa siya ng 19 na patpat. Inilagay niya ang mga ito sa kahon. Ilang lahat ang patpat niya? Sagutan gamit ang iba’t ibang pamaraan. 194

Pagsasama-Sama ng Tatlo na Isahang Bilang na may Kabuuan Hanggang 18, sa Pamamagitan ng Isip LamangPampasiglang Gawain Sina Malou, Mira,at Mary ay nagpunta sa bookstore. Bumili si Malou ng 3 asul na kahon. Bumili si Mira ng 7 pulang kahon. Bumili si Mary ng 5 dilaw na kahon. Ilan lahat ang binili nilang kahon?Paglutas 1:(3 + 7) + 5 = 10 + 5 or 3 + (7 + 5) = 3 + 12 or = 15 = 15(3 + 5) + 7 = 8 + 7 = 15Kaya,15 kahon ang binili ng tatlong babae 195

Paglutas 2: 33 3 8+ 7 10 + 7 3 +555 5 12 77 15 15 15kaya, 15 kahon ang binili ng tatlong babaeSa pagkuha ng kabuuan ng 3, 7, at 5 sapamamagitan ng isip lamang, kuhanin muna angsagot sa 3 at 7 pagkatapos ay idagdag sa kabuuannito ang 5. Kaya may, 3 + 7 = 10 10 + 5 = 15 Sa pagsasama-sama ng 3 na isahang bilangsa pamamagitan ng isip lamang, tingnan ang 2addends na ang kabuuan ay 10 at pagkataposay idagdag ito sa natitirang addend. Kungwalang addends na may 10 ang kabuuan,kuhanin ang kabuuan ng kahit alin sa 2 addends.Pagkatapos, idagdag ang kabuuang ito sanatitirang addend. 196

Pagsasanay 1Isulat ang pagdaragdag na pangungusap at isipinang kabuuan. Ipaliwanag kung paano mo nakuhaang sagot.a. + +_____ + _____ + _____ = _ __b. + +_____ + _____ + _____ = _____c. + +_______ + ______ + _______ = ___d. + +_______ + ______ + _______ = ____e. + +_______ + ______ + _______ = 197

Pagsasanay 2Isipin ang sagot. Ipaliwanag kung paano mo nakuhaang kabuuang sagot. 97 8 64 4 +2 +3 +5 58 7 63 5 +3 +5 +3 68 9 66 3 +4 +4 +4 198

Pagsasanay 3 Isipin at sagutan. Ipaliwanag kung paano monakuha ang sagot.1. 2. 3.5+4+6= 8+4+3= 6+4+8=4. 5. 6. 4+4+3= 5+3+2= 9+2+5=7. 8. 9. 9 7 7 4 5 3 +2 +4 +810. 11. 12. 7 8 7 5 3 6 +6 +5 +4 199

Gawaing-bahay Pag-isipan ang sagot sa bawat suliranin. Ipakitakung paano nakuha ang sagot.a. Si Tin-tin ay may 9 na krayola. Si Tracy ay nagdagdag ng 5 pa. Si Tom ay nagbigay ng 3 pa. Ilan lahat ang krayola ni Tin-Tin? Kabuuang bilang ng krayola: ___________b. Pumitas ng 8 dilaw na Santan si Corina. Pumitas ng 6 na rosas na Santan si Trina. Pumitas naman ng 5 pulang Santan si Toni. Inilagay nila sa basket ang mga bulaklak. Ilan lahat ang bulaklak sa basket? Kabuuang bilang ng bulaklak: ____________c. May 8 holen si Billy. Nagbigay ng 5 pang holen si Tim kay Billy. Nagdagdag pa ng 3 si Jose. Ilan lahat ang holen ni Billy? Kabuuang bilang ng holen: ___________d. Nakapulot ng 2 kabibi si Luis. Nakapulot ng 9 na kabibi si Ben. Nakapulot ng 5 kabibi si Rico. Ilan lahat ang kabibi na napulot ng tatlo? Kabuuang bilang ng Kabibi: _____________e. Bumili si Cathy ng 8 pandesal. Bumili si Luz ng 7 pandesal. Bumili si Rey ng 3 pandesal. Ilan lahat ang pandesal na binili ng tatlong bata? Kabuuang bilang ng pandesal: ___________ 200

Pagsasama-Sama ng 2 at Isahang Bilang ng may Pagpapangkat sa Pamamagitan ng Isip LamangPampasiglang GawainMagkaibigan sina Tom at Totoy.Nag-iipon sila ng stickers.Si Tom ay may 18 stickers.Binigyan siya ni Totoy ng 9 pang stickers.Ilan lahat ang stickers ni Tom?Paglutas: 1 18 +9 27 201

kaya, may 27 stickers si Tom.Sa pagsasama ng 18+9 sa pamamagitan ng isiplamang, ginagamit natin ang sumusunod nakaisipan: Sa pagsasama-sama ng dalawa at isahang bilang na may pagpapangkat sa pamamagitan ng isip lamang, isulat muna ang expanded form o mahabang pamamaraan ng pagdaragdag ng dalawang bilang. Pagkatapos ay pagsamahin ang 3 bilang sa pamamagitan ng isip lamang.Kaya, 18 + 9 = (10 + 8) + 9 (10 + 8) + 9 = 10 + 17 = 27 202

Pagsasanay 1Bilugan ang tamang sagot.a. b. 27 38 +5 +432 33 34 35 42 43 44 45c. d. 29 18 +5 +5 32 33 34 35 22 23 24 25e. f. 19 45 +8 +6 27 26 25 24 39 51 54 55 203

Pagsasanay 2 c. 35Isipin ang kabuuang sagot. +6 a. b. f. 25 15 +9 +8 28 +6d. e. i. 23 24 +8 +7 28 +8g. h. l. 45 35 42 +8 +7 +9j. k. 38 35 +5 +6 204

Gawaing-bahayLutasin ang bawat suliranin.1. 2.May 17 kalapati at 9 na May 25 batang lalakiloro. Ilan lahat ang mga at 8 batang babae.ibon? Ilan lahat ang mga bata?3. 4.May 26 na inahing May 19 na pula at 5manok at 9 na tandang. asul na lobo. IlanIlan lahat ang manok? lahat ang lobo?5. 6. May 19 na puting Rosas Sa Paaralang si Ana at may 6 na Elementarya ng Rizal pulang Rosas si Maria. ay may 28 lalaking Ilan lahat ang mga guro at 9 na babaeng Rosas? guro sa Baitang 1. Ilan lahat ang guro sa Baitang 1? 7. 8.Bumili ng kendi si Jane May 15 bayabas at 8para sa pagdiriwang ng mangga. Ilan lahatkaniyang kaarawan. ang mga prutas?May 36 na tsokolatengkendi at 9 na mint nakendi. Ilan lahat angkendi ni Jane? 205

Paglutas sa Isang-Hakbang na Pasalitang Suliranin Gamit ang Pagdaragdag ng Buong Bilang at PeraPampasiglang Gawain Inimbita ni Cathy ang kaniyang mga kaibigan para sa kaniyang ika-7 kaarawan. Naghanda si nanay ng sandwiches, spaghetti, at pritong manok. May 18 lalaki at 15 babae na dumalo sa pagdiriwang. Ilan lahat ang bilang ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang?Sa paglutas ng suliranin hanapin ang sumusunod: 1. Ano ang ibinibigay na impormasyon? Ang mga impormasyon: 18 lalaki at 15 babae ang dumalo sa pagdiriwang. 2. Ano ang itinatanong? Itinatanong sa suliranin ang kabuuang bilang ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang. 206

3. Paano natin ipakikita ang pamilang na pangungusap ng suliranin? Ipinakikilala natin ang pamilang na pangungusap ng suliranin: Kabuuang Bilang ng Bata = 18 + 15 At sagutan ang pamilang na pangungusap. 18 + 15 33 Kaya ang kabuuang bilang ng mga bata na dumalo sa pagdiriwang ay 33. Tandaan: Sa paglutas ng suliranin, sundin angsumusunod na paraan: Hakbang 1: Basahin at unawaing mabuti ang suliranin.  Alamin ang ibinibigay na impormasyon at kung ano ang tinatanong. Hakbang 2: Planuhin ang pamaraan sa paglutas ng suliranin.  Ipakita ang suliranin sa pamamagitan ng drawing kung kailangan,pagkatapos ay pamilang na pangungusap. Hakbang 3: Isagawa ang plano. Sagutan ang pamilang na pangungusap. Hakbang 4: Alamin at tiyakin kung tama ang sagot. 207

Pagsasanay 1Buuin ang tsart. Nasagutan na ang unang bilangpara sa iyo. Ano ang Pagdarag tinata- Kuwentong nong: Impor- -dag na Suliranin masyon: Pangungu sapMay 4 na pusa si KabuuanPat. Kabuuan g bilangMay 6 na tuta si g bilangPilar. ng pusa 4 pusa ngIlan lahat ang at tuta 6 tuta alagangalagang hayop hayop = 4 +6nina Pat at Pilar?Kumain si Sid ng 12jelly biskuwit.Kumain din si Pit ng9.Ilan lahat ang jellybiskuwit nakanilang kinain?Lumukso si Samnang 10 beses.Lumukso naman siTina nang 8 beses.Ilang beses lahatang ginawa nilangpaglukso? 208

Kuwentong Ano ang Pagdarag Suliranin tinata- Impor- -dag na nong: masyon: PangunguMay 26 na piso siCora. sapBinigyan siya ngnanay ng 5 pisopa. Magkanolahat ang pera niCora?Si Pedro ay may 22piraso ng dahon.Si Tin-Tin ay may 3piraso.Ilan lahat angdahon kapagpinagsama?Nagbayad siCindy ng 11 pisopara sa art napapel. Nagbayadrin siya ng 5 pisopara sa felt napapel. Magkanolahat angibinayad ni Cindy? 209

Pagsasanay 2Basahin ang bawat suliranin at sagutan ang mgatanong. Nagpunta sa parke sina Thomas at Peter. Nakakita sila ng 10 babae at 9 na lalaki. Ilan lahat ang batang nakita nila? 1. Anong impormasyon ang ibinigay na? 2. Ano ang itinatanong sa suliranin? 3. Ano ang pamilang na pangungusap? 4. Anong pamaraan ang gagamitin? 5. Ano ang sagot? 210

Nagbayad ng 12 piso si Terry para sa kahel. Nagbayad naman si Cindy ng 15 piso para sa bayabas. Magkano lahat ang ibinayad nila? 1. Ano ang impormasyong ibinigay na? 2. Ano ang tinatanong sa suliranin? 3. Ano ang pamilang na pangungusap? 4. Paano mo lulutasin ang suliranin? 5. Ano ang sagot?Pagsasanay 3Lutasin ang bawat suliranin. 1. Gumamit ang nanay ng 12 itlog sa pagluluto ng cupcake. Gumamit rin siya ng 24 na itlog sa pagluluto ng leche flan. Ilang itlog lahat ang ginamit ng nanay? 2. May 11 kandila si Mina. May 24 na kandila si Bert. Ilan lahat ang kandila nila? 211

3. Kumita si Toti ng 25 piso sa pagtitinda ng pandesal noong Lunes . Kumita ulit siya ng 20 piso noong Martes. Magkano lahat ang kinita niya noong Lunes at Martes? 4. Si Betty ay may 45 piso. Binigyan siya ng tatay niya ng 40 piso. Magkano lahat ang pera ni Betty?Gawaing -bahay:Lutasin ang suliranin sa iba’t ibang pamaraan.Bumili si Nicky ng ____na gayat ng para sa kaniyangmga kaibigan.Bumili si nanay ng ____ na gayat ng .Inilagay nilang lahat ang gayat ng sa isangbag na papel.Ilan lahat ang gayat ng cake? 212

Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 3 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat naminang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-emailng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Math – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral sa TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-52-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa angisang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ngnasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upangmagamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) atmay-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Convenor: Ian June Garces, Ph.D. Consultant at Koordinator: Soledad A. Ulep, Ph.D. Mga Manunulat: Soledad A. Ulep, Ph.D., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, Allan M. Canonigo, Dana M. Ong, Guillermo P. Bautista, Jr., Erlina R. Ronda, Teresita R. Mañalac, Gladys Nivera, at Shirley Remoto Mga Kontribyutor: Avelina Salvador, Remylinda Soriano, Maricar D. Agao, Maricar Alamon, Emerenciana T. Angeles, Felipa Bassig, Nely Baylon, Ofelia Chingcuanco, Irene R. Chua, John Antonio Daganta, Mary Jean dela Cruz, Robecil O. Endozo, Rosalinda Formeloza, Lourdes Hulipas, Juvylennie Nardo, Michelle S. Silva, at Ma. Corazon Silvestre Mga Tagasuri ng Nilalaman: Soledad A. Ulep, Ph.D., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, Rogelio O. Doñes, Ph.D., at Robesa R. Hilario Mga Tagasuri ng Wika: Minda Blanca Limbo at Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, at Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Erich D. Garcia, Eric C. de Guia, Fermin M. Fabella, Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong, Jayson R. Gaduena, Lemuel P. Valle, Jr., Bienvenido E. Saldua, at Jayson O. Villena Mga Naglayout: Aro R. Rara, John Rey T. Roco, at Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _____________________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

Mga NilalamanYUNIT 3Pagbabawas ng Isahang 213Bilang na May Minuend Hanggang 18Pagbabawas ng 1-2 Bilang Hanggang 99 218 nang Walang Pagpapangkat 225Pagbabawas ng Bilang na May Pangkatan 230 sa Pinahabang Pamamaraan o Expanded Form 238Pagbabawas ng Isahan-Dalawahang 243Bilang Hanggang 99 na May PagpapangkatPagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng 248Isahang Bilang mula sa Minuends naHanggang 18 252Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng 257Isahang Bilang mula sa Minuend 262Hanggang 99 271Paglutas ng Suliranin na Ginagamitan ng 283Pagbabawas 286Paglutas ng Suliranin na Ginagamitan ng 290Pagbabawas 294Sangkapat ng Isang Buo 301Sangkapat ng Isang BuoSangkapat 1 ng isang Set 4Hugis ng mga BagayPagguhit ng HugisThree-Dimensional ObjectsPagbuo ng mga Salitang HugisBilang at Katangian ng mga Patterns iii

YUNIT 3 Pagbabawas ng Isahang Bilang na May Minuend Hanggang 18Pampasiglang Gawain Si Ben ay may 9 na holen. Ibinigay niya ang 4 sa kaniyang kaibigan. Ilang holen ang natira sa kaya?9 na holen bawasan ng 4.9 – 4 = 5. Kaya, 5 holen ang natira kay Ben.9 – 4 ay maaaring basahin ng 9 bawasan ng 4ay 59 – 4= 5 Natira o DifferenceMinuend Subtrahend Pansinin na ang 5 + 4 = 9 sapagkat angpagdaragdag ay kabaligtaran ng pagbabawas.213

Kung magbabawas ng isahang bilang na may minuend hanggang 18,  ipakita ang detalye ng pagbabawas sa pamamagitan ng pagdrowing ng parehong dami ng bagay.  alisin ang mga bagay na itinuturing na subtrahend sa pamamagitan ng paglalagay ng ekis.  bilangin ang mga bagay na walang ekis. Natira o Difference ang tawag dito.Pagsasanay 1Pag-aralan ang set ng mga larawan.Piliin ang wastong pamilang na pangungusap.Isulat ang inyong sagot sa inyong kuwaderno.1. a. 7 + 2 = 9 b. 7 - 5 = 2 c. 5 + 2 = 72. a. 9 – 6 = 3 b. 9– 3 = 6 c. 6 + 3 = 93.a. 12 – 8 = 4 b. 12 - 4 = 8 c. 8 + 4 = 12 214

4. a. 16 – 5 = 11 b. 16 – 11 = 5 c. 10 + 6 = 165. a. 12 + 6 = 18 b. 18 – 12 = 6 c. 18 – 6 = 12 18Pagsasanay 2Isulat ang pamilang na pangungusap para sasumusunod na set ng bagay. Isulat ang inyong sagotsa inyong kuwaderno.Halimbawa: 11 - 5 = 61.2. 215

3. 4. 5.Pagsasanay 3Gumuhit ng anumang set ng bagay upang ipakitaang bawat pangungusap na pamilang napagbabawas. Isulat ang inyong sagot sa inyongkuwaderno.1. 9 - 7 = 2. 14 - 3 = 3. 16 - 5 =  216

4. 17 - 8 = 5. 18 – 9 = Gawaing-bahayMagdrowing ng anumang set ng bagay nanagpapakita ng pagbabawas. Isulat ang angkop napagbabawas na pamilang na pangungusap. Gawinito sa inyong kuwaderno. 217

Pagbabawas ng 1-2 Bilang Hanggang 99 nang Walang PagpapangkatPampasiglang Gawain May 25 lobo ang tindera. Nakabenta siya ng 12 lobo. Ilang lobo ang natira? 218

Ang suliranin ay maaaring lutasin sa iba’t ibangparaan.Paglutas 1: Paggamit ng Hundred Chart 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 100 1. Hanapin ang minuend sa Hundred Chart. 2. Simula sa minuend, bumilang pabalik na ang katumbas ng dami ng subtrahend. 3. Kulayan ang simbolo o numero na iyong binilang. Kaya, 13 lobo ang natira sa tindera. 219

Paglutas 2: Gamit ang Sampuan (Longs) at Isahan(Unit) Ginagamit natin ang 2 sampuan at 5 isahan upang ipakita ang 25. Nilalagyan natin ng ekis ang 1 sampuan at 2 isahan upang ipakita ang 12, ang bilang na ibinawas sa 25. Ang 1 sampuan at 3 isahan na walang ekis (Х) ang nagpapakita ng sagot na 13. Kaya, 25 -12 = 13.Maaari nating mapaikli ang mga pamaraan ngpagbabawas ng dalawahang bilang mula sadalawahang bilang nang walang pagpapangkatgaya ng: 25 - 12 13 Isulat ang subtrahend sa ibaba ng minuend. Tiyaking magkakatapat ang mga bilang. Bawasin ang isahang bilang na subtrahend mula sa isahang bilang na minuend. Ihanay rin ito sa tapat ng isahang bilang. Bawasin ang sampuang bilang ng subtrahend mula sa sampuang bilang ng minuend. Isulat ang sagot sa ibaba ng linya. Ihanay rin ito sa tapat ng sampuang bilang. 220

Pagsasanay 1Gamitin ang Hundred Chart upang makita ang sagotsa sumusunod na pamilang na pangungusap napagbabawas. Isulat ang inyong sagot sa inyongkuwaderno. Maaaring gamitin ang sariling HundredChart. 1 2 3 4 5 6 7 8 9 10 11 12 13 14 15 16 17 18 19 20 21 22 23 24 25 26 27 28 29 30 31 32 33 34 35 36 37 38 39 40 41 42 43 44 45 46 47 48 49 50 51 52 53 54 55 56 57 58 59 60 61 62 63 64 65 66 67 68 69 70 71 72 73 74 75 76 77 78 79 80 81 82 83 84 85 86 87 88 89 90 91 92 93 94 95 96 97 98 99 1001. 26 - 23 = __________ 6. 77 - 12 = ________2. 59 – 35 = __________ 7. 79 - 55 = ________3. 68 - 44 = __________ 8. 98 - 83 = ________4. 75 - 42 = __________ 9. 96 - 54 = ________5. 78 - 46 = __________ 10. 99 - 47 = ________ 221

Pagsasanay 2Gamitin ang sampuan (longs)at isahan (unit) upangipakita ang sumusunod na pamilang napangungusap na pagbabawas. Isulat ang inyongsagot sa inyong kuwaderno. 1. 26 - 13 = _______ 2. 38 - 27 = _______ 3. 35 - 22 = _______ 4. 48 - 35 = _______ 5. 58 - 47 = _______ 222

Pagsasanay 3Hanapin ang sagot o difference nang hindigumagamit ng sampuan (longs) at isahan( unit) oHundred Chart. Isulat ang inyong sagot sa inyongkuwaderno.1. 25 – 4 = _____ 11. 85 – 63 = _____2. 28 – 5 = _____ 12. 86 – 55 = _____3. 39 – 8 = _____ 13. 87 – 32 = _____4. 48 – 7 = _____ 14. 89 – 63 = _____5. 48 – 16 = _____ 15. 96 – 54 = _____6. 56 – 11 = _____ 16. 97 – 45 = _____7. 66 – 23 = _____ 17. 96 – 67 = _____8. 75 – 32 = _____ 18. 98 – 73 = _____9. 73 – 41 = _____ 19. 99 – 57 = _____10. 76 – 44 = _____ 20. 99 – 82 = _____Gawaing-bahayBasahing mabuti ang sumusunod na suliranin.Isulat ang pamilang na pangungusap at sagot sapapel.1. Bumasa si Mel ng 68 pahina ng isang aklat. Bumasa rin si Joel ng 36 na pahina ng kaparehong aklat. Ilang pahina ang kalamangan ng binasa ni Mel kay kay Joel? Pamilang na Pangungusap: _____________ Paglutas: 223

2. Si Bb. Cruz ay may 68 papel na may kulay. Ibinigay niya sa kaniyang mag-aaral ang 45 para sa kanilang gawain sa sining. Ilang papel na may kulay ang natira sa kaniya? Pamilang na Pangungusap: _____________ Paglutas:3. May 58 holen si Ricky. Ibinigay niya ang 25 holen sa kaniyang mga kaibigan. Ilang holen ang natira sa kaniya? Pamilang na pangungusap: _____________ Paglutas:4. May 57 kendi si Hanesa. Si Loraine naman ay may 43. Ilang kendi ang lamang ni Hanesa kay Loraine? Pamilang na Pangungusap: _____________ Paglutas:5. Nangangailangan ng 32 dosenang rosas si Aling Alice para sa pagdiriwang ng kanilang pista. Binigyan siya ng kaniyang anak na lalake ng 21dosenang rosas. Ilan pang dosenang rosas ang kailangan niya? Pamilang na Pangungusap: _____________ Paglutas: 224

Pagbabawas ng Bilang na May Pangkatan sa Pinahabang Pamamaraan o Expanded FormPampasiglang Gawain May 28 babae sa Baitang 1- Camia. May 54 na mag-aaral sa klase? Ilan ang lalaki?Paglutas 1: Gamit ang Sampuan( Longs)at Isahan(Units)Sa bilang na 54 gamit ang sampuan(longs)atisahan(unit) hindi maaaring ibawas ang 8 isahan sa 4na isahan kaya magpapangkat tayo, papalitannatin ang 1 sampuan ng 10 isahan, mayroon natayong 4 na sampuan at 14 na isahan. 225

regroupAng sampuan at isahan na walang ekis ang bilangng lalaki. Ito ay 2 sampuan at 6 na isahan na ibigsabihin ay 26. Kaya, may 26 na lalaki sa klase.Ang pamamaraan ay nagpapakita sa atinna 54 – 28 = 26.Subalit, ang paggamit ng pamamaraaan nasampuan at isahan ay sadyang matagal atnakapapagod, kaya gagamitin natin angpinahabang pamamaraan.Paglutas 2: Gamit ang Pinahabang Pamamaraan oExpanded Form 40 14 50 + 4  20 + 8 20 + 6Pansinin na 20 + 6 = 26. Kaya, may 26 na lalaki saklase.Sa pagbabawas ng dalawahang bilang na maypagpapangkat sa pinahabang pamamaraan oexpanded form : 1. Ipahayag ang minuend at subtrahend. 2. Kunin ang 1 sampuan mula sa minuend. 226

3. Pangkatin sa pamamagitan ng pagpapalit ng 1 sampuan sa 10 isahan. 4. Bawasin ang bilang na nasa isahan pagkatapos, ang bilang naman sa sampuan. 5. Pagsamahin ang kinalabasang bilang upang makuha ang sagot.Pagsasanay 1Gamitin ang sampuan at isahan upang makita angbawat sagot. Isulat ang inyong sagot sa inyongkuwaderno. 1. 25 – 18 = _______ 2. 32 – 26 = _______ 3. 44- 35 = _______ 4. 51 - 37 = _______ 5. 67 - 29 = _______ 227

Pagsasanay 2Gamitin ang pinahabang pamamaraan ng bilangupang masagot ang sumusunod. Isulat ang inyongsagot sa inyong kuwaderno. 2. 61 - 47 =  2. 72 - 59 =  3. 53 - 24 =  4. 84 - 66 =  5. 91 - 35 =  228

Gawaing-bahayLutasin ang sumusunod na suliranin sa iba’t ibangparaan. Gawin ito sa inyong kuwaderno.1. May 34 na kahon ng tsokolate si Ken. Ibinigay niya ang 16 na kahon sa kaniyang nanay. Ilang kahon ng tsokolate ang natira kay Ken?2. Si Minda ay may 46 na popsicle sticks at 29 naman ang kay Maricar. Ilan ang lamang ng popsicle sticks ni Minda kay Maricar?3. Namitas ng 42 mangga si Lito samantalang 28 naman ang napitas ni Marlyn. Ilan ang lamang ng manggang pinitas ni Lito sa pinitas ni Marlyn?4. May 85 pahinang aklat si Ruth. Nabasa na niya ang 48 pahina. Ilang pahina pa ang kailangang basahin ni Ruth?5. Umorder si Dita ng 90 kilo ng harina sa isang tindahan. Kaninang umaga, 68 kilo ang nadala na sa kaniya. Ilang kilo pa ang kailangang ihatid sa kaniya? 229

Pagbabawas ng Isahan-Dalawahang Bilang Hanggang 99 na May PagpapangkatPampasiglang Gawain May 65 pirasong balut ang magtitinda. Naibenta niya ang 38. Ilang piraso pa ng balut ang kailangan niyang ibenta? 230

Paglutas 1: Paggamit ng Pakitang-larawanMagdrowing ng 65 balut. Lagyan ng ekis ang 38balut. Ang bilang ng balut na walang ekis ay 27. Itoang bilang ng balut na kailangang ibenta ngmagtitinda.Paglutas 2: Paggamit ng Sampuan at IsahanIpakita ang 65 sa pamamagitan ng 6 na sampuan at5 isahan. Sa ipinakita na 65 gamit ang sampuan atisahan, hindi maaaring ibawas ang 8 sampuan sa 5isahan. Kaya, ang 1 sampuan ay ipapalit sa 10isahan na ang kabuuan ay 15 isahan. Kaya nman,maaari nang ibawas ang 3 sampuan at 8 isahan o38. 231

Ang sampuan at isahan na walang ekis ang bilangng balut na kinakailangan pang ibenta ngmagtitinda. Ito ang dalawang sampuan at 7 isahan.Kaya, may 27 balut na kailangan pang ibenta ngmagtitinda.Paglutas 3: Paggamit ng Pinahabang Pamamaraano Expanded FormIpinakikita natin ang 65 at 38 sa pinahabangpamamaraan o expanded form. Magiging ganito: 50 15 60 + 5 - 30 + 8 20 + 7Pansinin na 20 + 7 = 27. Kaya may 27 balut pa angdapat ibenta ng magtitinda. 232

Paglutas 4: Paggamit ng AlgorithmPansinin na ang 3 paraan ng paglutas ay maaaringipakita sa kaparehong pamilang na pangungusap.Ito ay,65 – 38 = 27 5 6 15  38 27Kabuuan:Sa pagbabawas na may pagpapangkat ng mgabilang na may minuends na hanggang 99 sinusunodnatin ang mga hakbang na ito:Halimbawa: Hanapin 83 - 29.Isulat ang pagbabawas na pamilang na pariralanang pahay. 83 - 29Pangkatin ang minuend. 7 813 - 29Magbawas mula sa isahan. 7 13 8 29 54Kaya, 83 – 29 = 54. 233

Pagsasanay 1Magdrowing ng set ng bagay na nagpapakita ngpagbabawas sa ibaba. Isulat ang tamang sagot sapapel.1. 22 – 16 = ________2. 24 – 17 = ________3. 31 – 18 = ________4. 33 – 24 = ________5. 40 – 29 = ________ 234

Pagsasanay 2Hanapin ang sagot gamit ang pinahabangpamamaraan o expanded form. Isulat ang tamangsagot sa papel.1. 22 6. 53  16  252. 35 7. 61  27  493. 45 8. 77  18  584. 42 9. 83  24  695. 52 10. 94  35  56 235

Pagsasanay 3Hanapin ang sagot gamit ang algorithm. Isulat angsagot sa isang papel.1. 25 - 19 =  6. 64 - 35 = 2. 35 - 27 =  7. 76 - 39 = 3. 43 - 24 =  8. 82 - 65 = 4. 51 - 23 =  9. 96 - 47 = 5. 54 - 38 =  10. 98 - 89 =  236

Gawaing-bahayLutasin ang sumusunod na suliranin.Ipakita kung paano mo nakuha ang sagot. Isulatang inyong sagot sa inyong kuwaderno.1. May 46 na selyo si Rose sa kaniyang album. Ibinigay niya ang 29 sa kaibigan niyang si Anne. Ilang selyo ang natira kay Rose?2. Naghain si Lola ng 72 biskuwit sa mga panauhin. May natirang 38 biskuwit. Ilang biskuwit ang nakain?3. May 84 na bata sa Baitang I - Rosal. Ang lalaki ay 45. Ilan ang babae?4. May 65 balot ng kendi si Jennifer. Samantalang 81 balot naman ang kay Florence. Ilang balot ng kendi ang lamang ni Florence kay Jennifer?5. Kailangan ni Sam na bumili ng 92 hamburgers para sa pagdiriwang ng kaniyang kaarawan. Nangako na magbibigay ng 59 na hamburgers ang kaniyang kaibigan na si Jenia. Ilang hamburger pa ang kailangang bilhin ni Sam para sa kaniyang kaarawan? 237

Pagkukuwenta sa Isip ng Pagbabawas ng Isahang Bilang mula sa Minuends na Hanggang 18Pampasiglang Gawain Si Ian ay may 18 prutas sa basket. Kinuha niya ang 6 na prutas mula sa basket at ibinigay ito sa kaniyang nanay. Ilan ang natirang prutas sa basket?Paglutas 1: Paggamit ng algorithm 8–6=218 Pagkatapos ilagay ang 1 sa unahan- 6 ng 2 at basahin ito12 bilang 12.Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket. 238

Paglutas 2: Pagbabawas ng bahagi 18 8 – 6 = 2 - 6 10 + 2 = 12 Gamit ang isip, bawasin ang isahang bilang ng subtrahend mula sa isahang bilang ng minuend. Pagkatapos, idagdag ang difference sa sampu.Kaya, 18 – 6 = 12.Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket.Paglutas 3: Pag-uugnay sa Sampu 18 10 – 6 = 4 - 6 8 + 4 = 12 Gamit ang isip, tanggalin ang isahang bilang ng minuend upang maging 10. Sunod, bawasin ang subtrahend mula sa 10. Pagkatapos idagdag ang isahang bilang ng minuend sa natira o difference.Kaya, 18 – 6 = 12.Samakatuwid, 12 prutas ang natira sa basket. 239


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook