Important Announcement
PubHTML5 Scheduled Server Maintenance on (GMT) Sunday, June 26th, 2:00 am - 8:00 am.
PubHTML5 site will be inoperative during the times indicated!

Home Explore Math Grade 1

Math Grade 1

Published by Palawan BlogOn, 2015-11-19 20:55:49

Description: Math Grade 1

Search

Read the Text Version

Three-Dimensional ObjectsPampasiglang Gawainrectangular Ang parihabang kahon box ay may 6 na parihabang gilid. Ang parisukat na kahonSquare box o cube ay may 6 na parisukat na gilid.cylindrical Ang pabilog na lata ay can may 2 pabilog na gilid at isang surface.cone Ang apa ay may isang pabilog na gilid at isang surface.ball Ang bola ay may isang surface. 290

Pagsasanay 1Alamin kung paano pinangkat ang mga bagay.Sinagutan na ang unang bilang para sa iyo. 1. Hugis ng mga gilid Bilang ng mga gilid 2. Kulay Materyal 3. Haba Hugis 4. Kulay Sukat 291

Pagsasanay 2Saang pangkat kasama ang bagay?Ituro ang pangkat sa pamamagitan ng arrow.Sinagutan na ang bilang isa para sa iyo.1.2.3. 292

Pagsasanay 3Bakatin ang larawan sa pangalawang hanay, iguhitsa pangatlo at isulat ang ngalan nito sa pang-apat.(Magbibigay ang guro ng sipi ng pagsasanay).Gawaing-bahayTingnan ang mga bagay sa inyong tahanan na mayhugis ang parihabang kahon, pabilog na lata, apa,at bola. Iguhit ang mga ito. 293

Pagbuo ng mga Salitang HugisPampasiglang Gawain Kung itutupi o ititiklop ang mga net at lalagyanng tape ang mga gilid, mabubuo ang sumusunod nabagay. 294

Pagsasanay 1Gupitin ang net at bumuo ng isang parihabangkahon. 295

Gupitin ang net at ng isang pabilog na kahon. 296

Gupitin ang net at bumuo ng isang cube. 297

Gupitin ang net at bumuo ng isang hugis-apa. 298

Pagsasanay 2Anong bahagi ng net ang wala? Iguhit angnawawalang bahagi upang mabuo ang hugis. 299

Gawaing-bahay1. Ipinakikita sa ibaba ang isang net ng isang cube. Ang dalawang net ba na ipinakikita sa ibaba ang siya ring net ng isang cube?2. Humanap ng isang parihabang kahon, isang cube, isang pabilog na kahon, o isang sumobrang papel. Kopyahin ang net nito. Gupitin ang net na ito at buuin ang bagay. Ihambing ito sa orihinal. 300

Bilang at Katangian ng mga PatternsPampasiglang GawainNakadalo ka na ba sa pagtitipon sa isang birthdayparty?Ano-ano ang nakita mo sa party? Tingnan ang mga payasong ito.1. Ano-anong kulay ang nakita mo?2. Ano-anong hugis ang nakita mo?3. Ano-anong hugis ang paulit-ulit?4. Ano-anong kulay ang inulit-inulit? 301

Tingnan ang mga litratong ito.Ano-anong bagay ang nakikita mo? 1. Ano-anong kulay ang nakikita mo? 2. Nakakikita ka ba ng mga paulit-ulit na pattern sa mga bagay?Pagsaliksik sa Payak na Patterns Masdan ang sumusunod na pattern mula sa kaliwa papunta sa kanan. Ano ang nagbabago?Ano ang nanatiling pareho? 1. Ano ang kasunod? 302

2. Ano ang kasunod? 3. Ano ang kasunod? 4. 2 4 6 8 10 12 Ano ang kasunod? 5. Ano ang kasunod?Tandaan Ang pattern ay isang bagay na paulit-ulit ayon sa karaniwang paraan. Maaaring ang hugis, kulay, direksiyon, o bilang ang pag-uulit. 303

Pagsasanay 1Aling anyo sa kanan ang kapareho ng nasa kaliwa?Bilugan mo ang sagot. 1. 2. 3. 4. 5. 6. 304

Pagsasanay 2Kulayan ang bagay upang mabuo ang pattern. Halimbawa: 305

Pagsasanay 3Iguhit at kulayan ang dapat na kasunod sa pattern.Bilugan kung ano ang nabago sa pattern. Halimbawa: Pagbabago sa hugis kulay laki1. Pagbabago sa hugis kulay laki2. Pagbabago sa hugis kulay laki3. Pagbabago sa hugis kulay laki4. Pagbabago sa hugis kulay laki5. laki Pagbabago sa hugis kulay6. laki Pagbabago sa hugis kulay306

Pagsasanay 4Isulat ang kasunod na bilang ayon sa pattern.Halimbawa: 1 1 2 2 3 3 4 41. 1 3 5 7 9 11 132. 5 10 15 20 25 30 353. 5 6 5 6 5 6 54. 1 1 1 2 2 2 35. 3 6 9 12 15 18 216. 1 5 9 13 17 21 257. 2 5 8 11 14 17 208. 10 20 30 40 50 60 709. 2 6 10 14 18 22 2610. 1 6 11 16 21 26 31 307

Gawaing-bahay 1. Gumawa ng mga pattern gamit ang mga kapareho na hugis na ito. Halimbawa: 2. Maghanda ng pattern na magagamit sa gilid ng bulletin board sa silid-aralan. 308

Mathematics Kagamitan ng Mag-aaral Tagalog Yunit 4 Ang kagamitan sa pagtuturong ito ay magkatuwang nainihanda at sinuri ng mga edukador mula sa mga publiko atpribadong paaralan, kolehiyo, at / o unibersidad. Hinihikayat naminang mga guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-emailng kanilang puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon [email protected]. Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi. Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas i

Math – Unang BaitangKagamitan ng Mag-aaral sa TagalogUnang Edisyon, 2012ISBN: 978-971-9981-52-7 Paunawa hinggil sa karapatang-sipi. Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas Pambansa Bilang8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa angisang akda upang magamit sa pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ngnasabing ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon. Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produktoo brand names, tatak o trademarks, atbp.) na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsikapang mahanap at mahingi ang pahintulot ng mga may karapatang-ari upangmagamit ang mga akdang ito. Hindi inaangkin ni kinakatawan ng mga tagapaglathala (publisher) atmay-akda ang karapatang-aring iyon.Inilathala ng Kagawaran ng EdukasyonKalihim: Br. Armin A. Luistro FSCPangalawang Kalihim: Dr. Yolanda S. QuijanoKawaksing Kalihim: Dr. Elena R. Ruiz Mga Bumuo ng Kagamitan ng Mag-aaral Convenor: Ian June Garces, Ph.D. Consultant at Koordinator: Soledad A. Ulep, Ph.D. Mga Manunulat: Soledad A. Ulep, Ph.D., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, Allan M. Canonigo, Dana M. Ong, Guillermo P. Bautista, Jr., Erlina R. Ronda, Teresita R. Mañalac, Gladys Nivera, at Shirley Remoto Mga Kontribyutor: Avelina Salvador, Remylinda Soriano, Maricar D. Agao, Maricar Alamon, Emerenciana T. Angeles, Felipa Bassig, Nely Baylon, Ofelia Chingcuanco, Irene R. Chua, John Antonio Daganta, Mary Jean dela Cruz, Robecil O. Endozo, Rosalinda Formeloza, Lourdes Hulipas, Juvylennie Nardo, Michelle S. Silva, at Ma. Corazon Silvestre Mga Tagasuri ng Nilalaman: Soledad A. Ulep, Ph.D., Lydia M. Landrito, Edna G. Callanta, Rogelio O. Doñes, Ph.D., at Robesa R. Hilario Mga Tagasuri ng Wika: Minda Blanca Limbo at Lourdes Z. Hinampas Mga Tagasalin: Agnes G. Rolle, Nida C. Santos, Flora R. Matic, Minerva C. David, Elvira E. Seguerra, Ma. Rita T. Belen, at Grace U. Salvatus Mga Gumuhit ng Larawan: Erich D. Garcia, Eric C. de Guia, Fermin M. Fabella, Deo R. Moreno, Amphy B. Ampong, Jayson R. Gaduena, Lemuel P. Valle, Jr., Bienvenido E. Saldua, at Jayson O. Villena Mga Naglayout: Aro R. Rara, John Rey T. Roco, at Ma.Theresa M. Castro Encoder: Earl John V. LeeInilimbag sa Pilipinas ng _____________________________________Department of Education-Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)Office Address: 2nd Floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue Pasig City, Philippines 1600Telefax: (02) 634-1054 or 634-1072E-mail Address: [email protected] ii

Mga NilalamanYUNIT 4Paggamit ng Kalendaryo-Mga Araw sa Isang 309 Linggo 314 319Paggamit ng Kalendaryo-Mga Buwan sa Isang 323 Taon 336Paggamit ng Kalendaryo-Petsa ng BuwanPaggamit ng Araw-Pagsasabi at Pagsusulat ng 343 Oras 348Paghahambingin ng Bagay ang Salitang Maikli, 353 Mas Maikli, Pinakamaikli at 359Mahaba, Mas Mahaba, Pinaka Mahaba 367Paghahambingin ng Taas Gamit ang 371Salitang Matangkad, Mas Matangkad, 376Pinakamatangkad at Mataas, 381Mas Mataas, PinakamataasPaghahambing ng mga Bagay Gamit ang Magaan, Mas Magaan,Pinakamagaan at Mabigat, MasMabigat, PinakamabigatPagsukat na Haba Gamitang mga Walang Batayang YunitPagtantiya at Pagsukat ngLaki/Timbang/Bigat Gamit ang Walang Batayang YunitPagtantiya ng Kapasidad/Laman Gamit Ang Walang Batayang YunitPagkilala ng Datos Gamit ang PictographUgnayang Sanhi at BungaAlamin at Itala ang kinalabasan ng Pagsubok at Pakikipagsapalarang Laro iii

Yunit 4 Paggamit ng Kalendaryo-Mga Araw sa Isang LinggoPampaganang gawainNais ni Nico na lumahok sa camping bukas.Inimpake niya kahapon ang bag at gagamitin sacamping.Kung ngayon ay Biyernes, a. anong araw niya inimpake ang kaniyang bag at mga gagamitin sa camping? b. anong araw ang camping nila? 309

Paglutas 1 – Sa pamamagitan ng PagtatalaSa pamamagitan ng pangtatala ng mga araw:Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes,Sabado. Makikita natin na ang Huwebes ay nauunasa araw ng Biyernes, at Sabado ang sunod na araw.Kaya, nag-impake si Nico noong Huwebes at angcamping nila ay sa Sabado.Paglutas 2 – Paggamit ng kalendaryoSa paggamit ng kalendaryo, makikita natin nanauna ang Huwebes sa Biyernes. Kaya, araw ngHuwebes nang nag-impake ng gamit si Nico at angcamping nila ay araw ng Sabado.Tandaan:  May pitong araw sa loob ng isang linggo.  Ito ang pagkakasunod-sunod ng mga araw: Linggo, Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado.  Linggo ang unang araw sa isang linggo at Sabado ang ikapitong araw. 310

Pagsasanay 1Hanapin ang kaukulang bilang ng bawat araw.Idugtong sa pamamagitan ng linya. Isulat angngalan ng araw sa patlang. Gawin ito sa inyongkuwaderno.Huwebes 1st LinggoMartes 2ndLunes 3rdMiyerkules 4thBiyernes 5thLinggo 6thSabado 7th 311

Pagsasanay 2Bilugan ang tamang sagot. Isulat ang sagot sainyong kuwaderno.1. Ano ang araw na Miyerkules Huwebes Biyernes sumunod sa Martes? Martes Miyerkules Huwebes2. Ano ang araw Linggo Lunes Martes bago ang Miyerkules? Lunes Miyerkules Biyernes3. Ano ang araw sa Martes Huwebes Biyernes pagitan ng Lunes Lunes Martes Miyerkules at Miyerkules? Miyerkules Huwebes Biyernes4. Ano ang araw sa pagitan ng Martes Miyerkules Huwebes Huwebes at Sabado? Huwebes Biyernes Sabado5. Anong araw bago Lunes Martes Miyerkules ang Sabado?6. Ano ang ikalawang araw sa isang linggo?7. Ano ang araw bago ang Biyernes?8. Ano ang ikaapat na araw sa isang linggo?9. Kung Miyerkules ngayon, ano ang araw pagkalipas ng dalawang araw?10. Kung ngayon ay Huwebes, anong araw bago ang kahapon? 312

Gawaing-bahayDadalaw si Anna ng dalawang araw sa kaniyanglola. Nag-impake siya ng kaniyang gamit kahapon.Aalis siya sa makalawa. Isulat ang sagot sa inyongkuwaderno.Kung ngayon ay Martes, 1. Anong araw nag-impake ng gamit si Anna? 2. Anong araw siya dadalaw sa kaniyang lola? 3. Anong mga araw siya mananatili sa kaniyang lola? 4. Anong araw siya uuwi? 313

Paggamit ng Kalendaryo- Mga Buwan sa Isang TaonPampasiglang GawainHindi natuloy ang camping nina Nico dahil sabagyo.Ang bagong iskedyul ng camping ay sa susunod nabuwan.Kung ngayon ay Agosto, anong buwan angcamping ni Nico? 314

Paglutas 1Natutuhan ko na ang Setyembre ang susunod saAgosto, kaya sa Setyembre siya sasama sa camping.Paglutas 2Itinala ko ang lahat ng ngalan ng buwan: Enero,Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto,Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre.Setyembre ang susunod na buwan sa Agosto, kayaang camping ni Nico ay sa Setyembre.Tandaan:  May labindalawang buwan sa isang taon.  Enero, Pebrero, Marso, Abril, Mayo, Hunyo, Hulyo, Agosto, Setyembre, Oktubre, Nobyembre, Disyembre ang mga buwan .  Enero ang unang buwan at Disyembre ang panlabindalawa (12th).  Hindi magkakapareho ang bilang ng araw sa bawat buwan. May mga buwang may 28, 30, at 31 araw. 315

Pagsasanay 1Hanapin ang kaukulang bilang ng bawat buwan.Idugtong ito sa pamamagitan ng linya. Isulat angngalan ng buwan sa isang papel.Agosto 1st EneroEnero 2ndSetyembre 3rdHunyo 4thNobyembre 5thAbril 6thPebrero 7thMarso 8thHunyo 9thOktubre 10thDisyembre 11thMayo 12th 316

Pagsasanay 2Isulat ang tamang ngalan ng buwan sa inyongkuwaderno.1. Enero, , Marso2. , Hunyo, Agosto3. Marso, Abril,4. Agosto, , Oktubre5. , Nobyembre, Disyembre6. , Marso,7. Abril, Mayo,8. , Agosto, Setyembre9. , , Hunyo10. Hunyo, Hulyo, 317

Gawaing-bahaySa unang linggo ng Nobyembre ay kaarawan niKaren. Binabalak niyang magdiwang ng kaniyangkaarawan nang mas maaga ng isang buwan.Kailan siya magdiriwang ng kaniyang kaarawan?1. Sa iyong palagay bakit gagawin niya nang mas maaga ang pagdiriwang ng kaniyang kaarawan?2. Sino ang batang nasa kuwento?3. Ano ang binabalak niyang gawin?4. Ano ang buwan ng kaniyang kaarawan?5. Anong buwan binabalak niyang magdiwang? 318

Paggamit ng Kalendaryo-Petsa ng BuwanPampasiglang GawainSetyembre 14 ang kaarawan ni Abby.Binabalak ng kaniyang magulang naidaos ito sa isang restoran sa mismongaraw ng kaniyang kaarawan.Kung ang Setyembre 10 ay araw ngLunes, anong araw ipagdiriwang niAbby ang kaniyang kaarawan?Paglutas 1 – Sa pamamagitan ng pagtatalaAng mga araw at petsa ay maaaring itala tulad ngsumusunod.Setyembre10 LunesSetyembre 11 MartesSetyembre 12 MiyerkulesSetyembre 13 HuwebesSetyembre 14 BiyernesKaya, Biyernes ang Setyembre 14.Nangangahulugan ito na ipagdiriwang ni Abby angkaniyang kaarawan sa Biyernes. 319

Paglutas 2 – Sa pamamagitan ng pagbabawasLunes ang Setyembre 10 at ang pagdiriwang sakaniyang kaarawan ang Setyembre 14.Babawasin ko ang 10 mula sa 14 at 4 ang magigingsagot. Kaya, ang Setyembre 14 ay may 4 na arawpagkatapos ng Lunes. Magtatala tayo ng apat naaraw na Martes, Miyerkules, Huwebes, at Biyernesang Setyembre 14. Kaya araw ng Biyernesipagdiriwang ni Abby ang kaniyang kaarawan.Paglutas 3 – Paggamit ng KalendaryoGamit ang kalendaryo, tiningnan ko ang buwan ngSetyembre at ang petsa na 14. Pagkatapos nakitako na ito ay nasa iisang hanay sa araw ng Biyernes.Sa makatuwid, Biyernes ang Setyembre 14. Kaya,araw ng Biyernes ipagdiriwang ni Abby angkaniyang kaarawan.Tandaan:  Para malaman ang araw ng petsang ibinigay, o Hanapin ang ibinigay na buwan. o Hanapin ang ibinigay na petsa. o Hanapin kung saang hanay ng araw makikita ang petsang ibinigay.  Para malaman ang petsa ng araw sa buwang ibinigay, o Hanapin ang ibinigay na buwan. o Hanapin ang ibinigay na araw. o Hanapin ang pestsa kung saang hanap ng araw ito makikita. 320

Pagsasanay 1Gamitin ang kalendaryo upang masagutan angtalahanayan sa ibaba. MarsoLinggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado 1 2 3 4 5 67 815 9 10 11 12 13 142229 16 17 18 19 20 21 23 24 25 26 27 28 30 Mga tala:Bilugan ang petsa na angkop sa ibinigay na araw.Martes Marso 3 Marso 12 Marso 27 Marso 23 Marso 14Lunes Marso 4 Marso 16 Marso 20 Marso 11 Marso 30Biyernes Marso11 Marso 14 Marso 28 Marso 19 Marso 24Miyerkules Marso 2Linggo Marso 8Huwebes Marso 1 321

Pagsasanay 2Gamitin ang kalendaryo upang maibigay angngalan ng araw sa bawat petsa. Sinagutan na anguna para sa iyo. EneroLinggo Lunes Martes Miyerkules Huwebes Biyernes Sabado 123 4567 8 9 10 11 1213 1420 21 15 16 17 18 1927 28 22 23 24 25 26 29 30 31 Mga tala: Enero 11 Biyernes Enero 31 Enero 7 Enero 21 Enero 15 Enero 28 322

Gawaing-bahayTanungin ang lima mong kamag-aral tungkol sakanilang kaarawan. Alamin ang araw ng kanilangkaarawan ngayong taong ito.Pangalan Petsa ng Araw sa isang kaarawan linggoAbby Setyembre 14 Biyernes 323

Paggamit ng Araw-Pagsasabi at Pagsusulat ng OrasPampasiglang GawainPagsasabi ng OrasSuliranin:Papasok si Pamela sa paaralan isangoras mula ngayon.Kung ngayon ay ika-6 ng umaga,Anong araw siya papasok sa paaralan?Paglulutas 1Ang oras ngayon ay ika-6:00 ng umaga. Papasok siPamela sa paaralan 1 oras mula ngayon. Kaya,dadagdagan ng 1 ang 6. Kaya, ika-7:00 ng umagapapasok si Pamela sa paaralan.Paglulutas 2Ayon sa orasan, ika-7:00 ang sunod sa ika-6:00. Kayapapasok si Pamela ng ika-7:00 ng umaga.Malulutas din ito ayon sa pag-ikot ng kamay ngorasan. Ilagay ang kamay ng orasasn sa ika-6:00.Paikutin ang minutong kamay ng orasan hanggangsa makabalik sa 12. Nangangahulugan ito na isangoras na ang nakaraan mula ika-6. Kaya, sa ika-7:00ng umaga papasok si Pamela sa paaralan. 324

Tandaan:  Karamihan sa mga orasan ay may tatlong kamay: oras, minuto, at segundo. Ang maikling kamay ay ang oras, at ang mahabang kamay ay ang minuto at ang segundo.  May bilang sa loob ng orasan na 1 hanggang 12.  Pakanan ang pag-ikot ng kamay ng orasan. Kung nagsimulang umikot ang minutong kamay mula 12 at balik uli sa 12, isang oras na ang nakalipas  Sa pagsasabi ng oras, basahin ang bilang kung saan nakaturo ang kamay ng orasan. Siguraduhin na ang minuto ay nakaturo sa 12. Halimbawa, ang oras na ipinakikita sa larawan sa ibaba ay ika-9:00.  Ang oras ay maaaring isulat sa salita (halimbawa, Ikaanim)o paggamit ng bilang (halimbawa, ika-6:00) 325

Pagsasabi ng oras ng kuwarter/kalahating oras.Suliranin:Kung ang oras ay ika-8:15? Saan dapat nakaturoang mga kamay ng orasan?Sagot: Kung ang oras ay ika-8:15, ang kamay para sa oras ay nasa pagitan ng 8 at 9, at ang kamay para sa minuto ay nakaturo sa 3. aTandaan:Sa Pagsasabi ng oras na kuwarter/kalahating oras  Kung ang oras ay nasa kuwarter, ang kamay para sa oras ay nakaturo sa pagitan ng Dalawang bilang at ang kamay para sa minuto ay maaaring nakaturo sa 3 o 9.  Kung kalahating oras, ang kamay para sa oras ay nasa pagitan ng dalawang bilang at ang kamay para sa minuto ay nakaturo sa 6.  Sa pagsasabi ng oras na kuwarter, maliban sa 12:15, 12:30 at 12:45, basahin ang bilang na maliit bilang oras. At pagkatapos basahin ang minuto nang labindalawa o kuwarter 326

kung ang kamay para sa minuto ay nakaturo sa 3, bilang tatlumpu kung nakaturo ang kamay para sa minuto sa 6, o bilang apatnapu’t lima kung nakaturo ito sa 9. Halimbawa nito ay ang oras na ipinakikita sa ibaba ay ika-2:00 at labinlima minuto. Sa pagsasabi ng oras na 12:15, 12:30 at 12:45, basahin ang 12. Pagkatapos, basahin ang minuto bilang labinlima o kuwarter kung nakaturo ang minuto sa 3, bilang tatlumpu kung nakaturo ang minuto sa 6 o bilang apat napu at lima kung nakaturo ang minuto sa 9. Ang oras na kuwarter ay maaaring isulat gamit ang salita (Halimbawa, ika-pitong oras at labinlimang minuto) o mga bilang (halimbawa ika-7:15). 327

Pagsasanay 1Iugnay sa pamamagitan ng linya ang oras naipinakikita ng mga orasan sa unang hanay, sa mgaoras na nasa ikalawang hanay. Isulat sa papel anginyong sagot. 1. 12:00 2. 11:00 3. 8:00 4. 3:00 5. 5:00 328

Pagsasanay 2Isulat ang oras na ipinakikita ng bawat orasan. Isulatsa papel ang inyong sagot.1. 2. 3.4. 5. 6.7. 8. 9. 329

Pagsasanay 3Iguhit ang kamay ng orasan upang ipakita ang orasna ibinigay. Isulat sa papel ang inyong sagot.1:00 3:006:00 8:0011:00 12:00 330

Pagsasanay 4Gumuhit ng linya upang iugnay ang oras naipinakikita ng orasan sa unang hanay patungo saoras na nasa ikalawang hanay. Isulat ang letra ngtamang sagot sa inyong kuwaderno. 1. 3:45 a. 2. 2:30 b. 3. 8:30 c. 4. 9:30 d. 5. e. 1:15 331

Pagsasanay 5Isulat ang oras ng ipinakikita sa bawat orasan. Isulatang inyong sagot sa inyong kuwaderno.1. 2. 3.4. 5. 6.7. 8. 9. 332

Pagsasanay 6Iguhit ang oras at minutong kamay ng orasan upangipakita ang ibinigay na oras. (Magbibigay ang gurong sipi ng pagsasanay).2:15 1:306:45 7:1511:30 12:15 333

Gawaing-bahayA. Ang nasa ibaba ay pang araw-araw na iskedyul ni Pamela kapag araw na walang pasok. Iguhit ang mga kamay ng orasan upang ipakita ang oras at isulat ito sa inyong kuwaderno. Pang-araw-araw na Oras na Oras iskedyul ng gawain ipinakikita ng orasan1. Kumakain ng meryenda si 10:00 o Pamela tuwing 10 o’clock ikasampu ng umaga.2. Kumakain siya ng tanghalian tuwing ikalabindalawa ng tanghali.3. Kumakain siya ng kaniyang meryenda tuwing ikatlo at kalahati ng hapon.4. Umuuwi siya sa bahay tuwing ikalima.5. Kumakain siya ng hapunan labinlimang minuto makalipas ang ikapito. 334

B. Sagutin ang bawat suliranin. 1. Ginagawa ni Pamela ang kaniyang takdang aralin isang oras araw-araw. Kung nagsisimula siyang mag-aral sa ika-8:00, anong oras siya matatapos? 2. Nagsisimula ang klase ni Pamela sa mathematics tuwing ika-9:30 ng umaga. Kung isang oras ang klase, anong oras matatapos ang klase sa mathematics? 335

Paghahambingin ng Bagay ang Salitang Maikli, Mas Maikli, Pinakamaikli at Mahaba, Mas Mahaba, Pinaka MahabaPampasiglang GawainNagpagupit ng buhok sina Charm, Althea, at Crystal.Kung pagsusunod-sunurin sila ayon sa haba ngkanilang buhok, sino ang dapat na nasa una,panglawa, at pangatlo? 336


Like this book? You can publish your book online for free in a few minutes!
Create your own flipbook