mga lumot sa paligid mga gintong nakaukit. Paano na nga inilarawan ang paligid ng balon? Malinis, di ba? Walang kalat, kahit maramingtanim na halaman sa paligid. At ang bunganga ng balon – ano ang ginamit dito? Marmol. Na maypalamuti pang gintong nakaukit, ano? Mahiwaga, di ba? Kung ikaw ang nakatuklas ng gayong uri ng balon, di ka rin kaya maakit natuklasin kung ano ang nasa kailaliman niyon? Siguro ay lulusong ka rin sa balong ito, di ba? Kung ikaw ang nasa lugar ni Don Juan, matapos sumuko ang iba, kayanin mo pa kayanglumusong sa kailalimang hindi mo alam kung saan ka dadalhin? Pero likas na may determinasyon si Don Juan. Kaya nang di makayanan ng dalawangnakatatandang kapatid ang dilim at lalim ng balon, siya ang lumusong hanggang sa napakalayongkailaliman. Alalahanin mong may lubid na sa ibabaw ng balon, kaya talagang dito nagdaraan angmga nanggagaling doon sa kailaliman patungo sa kalupaan sa ibabaw. Ano ang nakita ni Don Juan sa kalaliman? Ang nakita ni Don Juan ay isang napakagandang dalaga. Ganito ang paglalarawan sa kanya: 514 Sumisikat na bituin sa bughaw na panginorin, nakangiti at magiliw sa pagsasabog ng ningning! Pagkakita sa dalaga’y lumitaw ang isa pang katangian ng ating bidang si Don Juan. Mahulaanmo kaya kung ano ito? Narito ang usapan ng dalawa: 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” Nahulaan mo ba ang isa pang katangian ni Don Juan, na ngayon lamang lumitaw? Tama.Bolero ang ating bida. Matamis ang dila. Mahusay humabi ng mga salitang nakaaakit sa makakarinig. Kung ikaw ang dalagang inaalayan ng gayon katamis na pananalita, di rin kaya lumambot angpuso mo sa isang estranghero? At kung ikaw naman ang nasa katayuan ni Don Juan, gayon din bang mga salita ang agadmamumutawi sa mga labi mo? 15
Gayon ang suyuan noong araw, noong panahon ng ating mga lolo’t lola, noong hindi pa usoang cellphone at texting. 516 “Sa matamis na bati mo’y nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-mangha ako sa iyong pagkaparito!” Sino na ang nagsasalita rito? Tama. Ang dalagang nasa ilalim ng balon. Takang-taka siyakung paanong nakarating sa ilalim ng balon ang dayuhang binata. Ano ang sagot ni Don Juan? 517 “Ako’y isang pusong aba na kayakap ng dalita, inihatid ditong kusa ng pagsinta kong dakila. 518 “Inimbulog sa itaas ng malabay niyang pakpak, saka dito inilapag, maglingkod sa iyong dilag. Nagsasabi ba ng totoo si Don Juan sa bahaging ito? Nambobola siya, di ba? Anong pagsintaitong sinasabi niyang naghatid sa kanya sa mahiwagang balon? Di ba pagkamausisa ang dahilan kungbakit naakit siyang lumusong sa napakalalim na balon? Gusto lamang niyang tuklasin kung ano angnasa kailaliman ng mahiwagang balon. Hindi naman niya alam na may dilag na naninirahan doon. Pero tila mabisa ang gayong pananalita. Para malaman kung mabisa nga ang mga salita niDon Juan, basahin ang reaksyon ng dalaga: 520 Sa pagsamong anong lungkot ni Don Juang nakaluhod, ang prinsesang maalindog ay tinablan ng pag-irog. Ngunit hindi agad nagpahalata ang prinsesa. Gayon ang kaugaliang Pilipino noon. Hindi agadtinatanggap ang pagsuyo ng binata. Gayon man, sa lalo pang matatamis na pananalita ng binata,napilitang umoo ang dalaga. 529 At ang wikang buong suyo: “Tanggapin mo yaring puso, pusong iyan pag naglaho’y nagtaksil ka sa pangako.” 16
Ang sagot ni Don Juan? Siyempre, nangako siya ng habang buhay na pagmamahal na dikailan man magtataksil. 530 “Magtaksil? Pagtaksilan ang buhay ng aking buhay? Prinsesa kong minamahal Panahon ang magsasaysay.” Sa puntong ito sinabi ni Juana ang takot sa higanteng nagbabantay sa palasyo. Narito angsagot ng matapang na prinsipe: 534 “Prinsesa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalara’t sa Diyos na kalooban.” Dito na biglang dumating ang higante. Narito ang usapan nina Don Juan at ng higante. 539 “Di na pala kailangang mamundok pa o mamarang dito man sa aking bahay ay lumapit na ang pindang. 540 “Salamat nga’t narito na sa tiyan kong parang kweba ang kaytagal ko nang pita ang tatlo man ay kulang pa.” Nahulaan mo ba kung sino ang bumigkas ng mga pananalita sa S539-540? Tama, anghigante, na agad humamon sa binatang prinsipe nang bantaan itong kakainin niya. Palagay mo ba aynasindak si Don Juan? Syempre, hindi. Heto ang sagot niya sa higante. 541 Sa mga kutyang narinig si Don Juan ay nagngalit: “Higante, ‘tikom ang bibig, ako’y di mo matitiris. 542 “Kung ikaw man ay kilabot sa pook mong nasasakop sayang iring pamumundok pag di kita nailugmok.” 17
Matapang na sagot, di ba? Mapanindigan kaya ni Don Juan ang tapang ng kanyang mgapananalita? Ano sa palagay mo? 543 “At matapang? May lakas pang tumawad sa aking kaya? A, pangahas! Ha, ha, ha, ha Ngayon mo makikilala. 544 “Nang sa inyo ba’y umalis nangako ka pang babalik? Nasayang ang panaginip, dito kita ililigpit.” Patuloy ang panggagalit ng higante, di ba? Ano naman ang sagot ni Don Juan? 545 “Ayoko ng angay-angay lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring buhay hangad kong ikaw’y mapatay.” At naglaban na ang higante at ang tao. Sino kaya ang mananalo? 546 Nagpamook ang dalawa nagpaspasang parang sigwa, sa pingkian ng sandata ang apoy ay bumubuga! 547 Sa mabuting kapalara’t sa Diyos na kalooban, ang Higante ay napatay ng prinsipeng si Don Juan. Tama ba ang hula mo? Siyempre, ang ating bida, si Don Juan, ang nagwagi. Pero hindi niyasolo ang tagumpay. Paano niya natalo ang higante? Sinagot ito sa S547. Mabuting kapalaran angsumakanya dahil ito’y kalooban ng Diyos. Naaalala mo pa ba ang isang katangian ni Don Juan? Iyon ay ang pananampalataya sa Diyosat laging pagdalangin sa Birhen. Ang katangiang ito ang nagbigay sa kanya ng tagumpay. Ipinakita sa mga talakay na ito ang tatlong elemento ng narativ: ang tauhan, tagpuan atusapan. 18
Ano na nga ba ang tinutukoy ng tauhan? Ito ang gumaganap sa kwento. Sa tauhan umiikotang kwento. Maaaring ito ay pangunahing tauhan, tulad ni Don Juan. O tauhang suporta sapangunahin, tulad nina Don Pedro at Don Diego. Ano naman ang tinutukoy ng tagpuan? Ito ang lugar at oras nang maganap ang kwento. At ang usapan? Tinatawag ding dayalog, ito ang mga sinasabi ng mga tauhan. Mas buhay nabuhay at lutang na lutang ang karakter ng tauhan kapag ipinakita ang tuwirang pagsasalita nito. Pansinin na ang tuwirang sipi ng sinabi ng tauhan ay ikinukulong sa mga panipi. Basahin mo uli ang saknong na ito: 429 Bago mitak ang umaga si Don Jua’y umalis na wika’y “Ito ang maganda natatago ang maysala.” Ano ang ipinapakita sa saknong na ito? Alin sa tauhan, tagpuan o usapan ang isinasaaddito? Di ba ang magandang katangiang mapagpatawad ng pangunahing tauhan na si Don Juan? Kusasiyang lumisan ng Berbanya upang pagtakpan ang mga kapatid na siyang nagpakawala sa IbongAdarna. Samakatwid, tauhan ang binibigyang pansin sa saknong na ito. Napansin mo ba ang pahayag ni Don Juan? Ano ang eksaktong sinabi niya? Di ba, “Ito angmaganda/natatago ang maysala.” Nakakulong sa panipi (“…”) ang winika niya. Ito ang tinatawag natuwirang sipi ng sinabi ng tauhan. Kung hindi tuwiran ang pagsipi, ganito naman ang pagpapahayag: Sinabi ni (o Ayon kay/ Winika ni ) Don Juan na maganda ang gayon upang maitago ang maysala. Wala nang panipi, di ba? Kapag tapos na ang saknong, pero patuloy pa ang pagsasalita ng tauhan, walang panipi sakatapusan ng saknong. Samantala, may panipi sa pagsisimula ng bagong saknong. Tingnan ang mgahalimbawa: 525 “Sukatin mo yaring hirap ng sa iyo ay paghanap balong lihim ay di tatap nilusong kong walang gulat. 19
526 “Hinamak ang kadiliman at panganib na daratnan, ngayong kita’y masilaya’y sawi pa rin yaring buhay!” Binigyang pansin mo ba – walang panipi sa huling taludtod ng S525. Ibig sabihin, angnagsasalita sa S525 ay magpapatuloy ng pagsasalita sa S526. Maliwanag ba? Sa tuwirang pagsipi ng sinabi ng tauhan, maaaring gumamit ng pariralang nagsasaad kungsino ang nagsasalita. Halimbawa: Wika ni Don Juan, “Ito ang maganda/natatago ang maysala.” Kung minsan, hindi na kailangang sabihin pa kung sino ang nagsasalita. Sa palitan ng dayalogng dalawang nag-uusap, mahuhulaan mo na kung sino ang nagsasalita batay sa sinasabi. Narito ang mga halimbawa: 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” 516 “Sa matamis na bati mo’y nagagalak ang puso ko, ngunit manghang-mangha ako, sa iyong pagkaparito!” Sa dalawang magkasunod na saknong, hindi binanggit kung sino ang nagsasalita. Mahulaanmo kaya kung sino ang nagsasalita sa S515? Tama ka kung si Don Juan ang isinagot mo. Paano mo natiyak na siya nga ang nagsasalita sa saknong na ito? Ang T1 ay nagsasaad kungsino ang kausap niya, ang magandang prinsesa. Kaya alam mong si Don Juan ang nagsasalita. Alammo ring natapos na ang pagsasalita niya dahil may panipi sa hulihan ng saknong. Sa S516 naman? Di ba ang prinsesa na ang nagsasalita rito? Paano mo natiyak? Dahil sanilalaman ng kanyang pahayag, di ba? Ito ang sagot niya sa pagbati ng prinsipe. At pagsasabi na rinng pagkabigla niya sa bagong dating na si Don Juan. Gaya ng nabanggit na, ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ opagsasalaysay. Bakit may mga elemento ng narativ sa ating pinag-aaralang korido? Uulitin ko, ang korido ay isang mahabang tulang pasalaysay. May sukat at tugma dahil ngaito’y patula, at may kwento sa tulang ito kaya nga tinawag na pasalaysay. 20
Gamitin Ngayon, matutukoy mo na ba ang mga saknong na nagpapakita ng kasiya-siyang tauhan, tagpuan,at usapan? Basahin mo ang mga saknong at isulat sa iyong sagutang papel kung anong katangian ng tauhanang ipinapahayag sa mga ito: 534 “Prinsesa kong minamahal, ang matakot ay di bagay, manghawak sa kapalara’t sa Diyos na kalooban.” a. nananalig sa Diyos b. natatakot sa higante c. nagmamahal sa prinsesa 582 “Hindi kita kailangan ni makita sa harapan, umalis ka’t manghinayang sa makikitil mong buhay.” a. may malasakit sa kausap b. mapanghamak c. magagalitin Anong mga taludtod ang nagpapahayag ng katangiang pinili mo? Ano namang uri ng lugar ang inilalarawan sa saknong na ito? 571 Ang palasyo kung munti man ay malaking kayamanan, walang hindi gintong lantay ang doon ay tititigan. a. palasyong maliit at wala ni ginto b. palasyong maliit at walang halaga c. palasyong maliit ngunit malaking kayamanan Ano ang isinasaad sa usapan sa ibaba: 545 “Ayoko ng angay-angay lumaban ka kung lalaban! Kung hangad mo yaring buhay hangad kong ikaw’y mapatay.” 21
a. pagsuko b. paghahamon c. pag-iwasTingnan mo nga kung tama ang mga sagot mo. Narito ang mga tamang sagot: S534: a S582: a. T3-4 S571: c S545: bLagumin Malinaw na ba sa iyo kung paano mapipili ang mga tiyak na bahagi ng korido na nagpapakita ngkasiya-siyang tauhan, tagpuan, at usapan Upang maging mas malinaw pa, narito ang pangunahing puntos ng sub-araling ito: 1. Ang tauhan, tagpuan at usapan ay mga elemento ng narativ na makikita sa isang korido. Itoay dahil ang korido ay mahabang tulang nagsasalaysay o nagkukwento kaya taglay nito ang mgaelemento ng narativ. 2. Ang pangunahing tauhan ay si Don Juan. May mga bagong tauhan ang koridong IbongAdarna sa pangalawang bahaging ito: sina Juana at Leonora at ang mga tanod nila, ang higante atang serpyenteng may pitong ulo. 3. Ang tagpuan ay ang lugar at panahon nang maganap ang kwento. Sa koridong IbongAdarna, ang panahon ay noong unang panahon ng mga hari at reyna. Sa pangalawang bahaging ito ngkorido, ang lugar ay ang kabundukan ng Armenya. 4. Ang usapan o dayalog ay nagbibigay-buhay sa mga karakter. Kapag tuwirang sinipi angsinabi ng tauhan, ikinukulong ito sa mga panipi. Ngayong malinaw na ang mga puntos ng sub-araling ito, handa ka na ba sa isang pagsubok?SubukinI. Piliin ang tamang sagot. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel 1) Sino ang pangunahing tauhan sa koridong Ibong Adarna? 22
a. Don Pedro b. Don Diego c. Don Juan2) Sa ikalawang bahagi ng Ibong Adarna, saan ang tagpuan?a. Albanya b. Berbanya c. Armenya3) Sino ang nagpakawala sa Ibong Adarna?a. Si Don Diego at si Don Pedrob. Si Don Pedro at si Don Juanc. Si Don Pedro, si Don Diego at si Don Juan4) Saan nakarating si Don Juan nang lisanin niya ang kanilang kaharian?a. Albanya b. Berbanya c. Armenya5) Anong klaseng balon ang nakita ng magkakapatid?a. may tubig b. walang tubig6) Sino ang unang inihugos ng lubid patungo sa kailaliman ng balon?a. Si Don Diego b. Si Don Pedro c. Si Don Juan7) Bakit hindi nakarating sa kailaliman si Don Pedro at si Don Diego?a. Natakot sa dilim at lalim ng balonb. Nasilaw sa liwanag ng balonc. Maikli ang lubid na ipinanghugos sa balon8) Sino ang nakarating sa kailaliman ng balon?a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don Juan9) Sino ang dalagang may bantay na higante”a. Si Juana b. Si Leonora10) Sino ang nakapatay sa higante?a. Si Don Pedro b. Si Don Diego c. Si Don JuanII. Anong uri ng tauhan ang inilalarawan batay sa kanyang sinasabi: 23
1) 543 “At matapang? May lakas pang tumawad sa aking kaya? A, pangahas! Ha, ha, ha, ha Ngayon mo makikilala. a. mapangutya b. matapang c. pangahas2) 515 “O marilag na Prinsesa, ang sa araw na ligaya’t kabanguhan ng sampaga sa yapak mo’y sumasamba.” a. matamis ang dila b. matapat magsalita c. masambahin sa kausap3) 541 Sa mga kutyang narinig si Don Juan ay nagngalit: “Higante, ‘tikom ang bibig, ako’y di mo matitiris. a. mapangutya b. mapanghamon c. matakutinTama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:I. 1) c 6) b 2) c 7) a 3) a 8) c 4) c 9) a 5) b 10) cII. 1) a 2) a 3) a Kung tama ang sagot mo sa lahat ng tanong, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod nabahagi, ang Paunlarin.Paunlarin 1. Sino ang nagsasalita sa mga saknong sa ibaba? Paano mo natukoy kung sino angnagsasalita? 24
a. 519 “Ako’y iyong kahabagan O, Prinsesang minamahal, at kung ito’y kasalanan sa parusa’y nakalaan.” b. 523 Sa laki ng kapanglawan ang prinsipe’y nanambitan: “Kung wala kang pagmamahal kitlin mo na yaring buhay. c. 524 “Ano pa yaring halaga kung sawi rin sa pagsinta, mahanga, O Donya Juana, hininga ko’y malagot na.” d. 565 “Anong tamis ng mamatay kung lugod ng minamahal! Anong saklap ng mabuhay kung duwag na tuturingan! e. 566 “Huwag kang maghihilahil may awa ang Inang Birhen, sa magandang nasa natin ay di niya hahabagin.” Tama kaya ang mga sagot mo? Kung ganito ang sagot mo, tama ka: Si Don Juan ang nagsalita sa lahat ng saknong sa itaas. May iba’t ibang paraan paramakilalang si Don Juan ang nagsasalita. Iisa-isahin ang mga ito sa ibaba:a. Sa S519 T2, tinukoy ang prinsesa na siyang kausap. Kaya siguradong si Don Juan angnagsasalita.b. Sa S523 T2, sinabing ang prinsipe ang nagsasalita: “ang prinsipe’y nanambitan.”c. Sa S523 T3, binanggit ang ngalan ni Donya Juana na siyang kausap kaya siguradong si DonJuan ang nagsasalita.d. Ang S565 ay tunog-macho, di ba? Tunog-pananalita ng isang binata na gustong magpapogi saisang dalaga. Lalo na ang T3-4. Hindi ito masasabi ng isang dalaga, lalo pa noong mga unangpanahon. Ang pananalitang ito ang binitiwan ni Don Juan bago siya nagpunta sa palasyo ni Leonoraupang ito naman ang iligtas sa serpyenteng may pitong ulo.e. Sino ba ang tauhang laging nananawagan sa Inang Birhen? Di ba si Don Juan? Kaya tiyak nasiya ang nagsabi nito. Isa pang clue: Ang saknong na ito ay karugtong ng S565. Napansin mo bang 25
walang paniping nagkukulong sa S565 T4? Ito’y dahil ang susunod na pananalita ay kay Don Juan parin. Kung ang sagot mo ay si Don Juan ang nagsasalita sa lahat ng saknong sa itaas, tama angmga sagot mo. Kung ang katwiran mo naman ay kahawig ng paliwanag sa itaas, tama ka rin.Sub-Aralin 2: Idea, Opinyon, PaniniwalaLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang natutukoy mo ang mgatiyak na bahagi sa akda na nagpapakita ng: • magkatulad na idea • magkasalungat na idea • magkatulad na opinyon • magkasalungat na opinyon • magkatulad na paniniwala • magkasalungat na paniniwalaAlamin Matapang talaga si Don Juan, ano? Akalain mong mapatay niya ang higante? Ang nakaraangsub-aralin ay dito nagtapos, sa pagkapatay ni Don Juan sa higante. May naaalala ka bang kwento saBibliya tungkol sa ganito ring paghahamok ng higante at tao? Tama. Ang taong si David at anghiganteng si Goliath. Sino ang nanalo? Di ba si David? Tagumpay ng maliit laban sa malaki. Sa bahaging ito ng korido, maliit man si Don Juan, laban sa malaking higante, nanalo pa rinsiya, dahil sa tulong ng Diyos na lagi niyang tinatawagan. Ngayon, ang ililigtas naman niya ay ang kapatid ni Juana na si Leonora. Ang bantay ngdalaga, hindi higante kundi serpyenteng may pitong ulo. Magwagi kaya uli ang ating bida? Pinuntahan na ni Don Juan ang palasyo ni Leonora at nakita niya itong nakadungaw sabintana. Ito ang kanyang reaksyon nang makita ang dalaga. 574 Natikom ang kanyang bibig dila ay parang napagkit, mga matang nakatitig alitaptap na namitig! 26
Maganda ba ang dalagang nakita niya? Hindi lamang maganda kundi pagkaganda-ganda! Anoang ibig sabihin ng T3-4: “mga matang nakatitig/alitaptap na namitig!” Ano pa kundi, hindi nakumurap ang prinsipe sa pagkakatitig sa dalaga. 575 Kaya lamang nakahuma nang simulan ni Leonora: “O, pangahas, sino ka ba at ano ang iyong pita?” 576 “Aba, palaba ng Buwan, Tala sa madaling-araw hingi ko’y kapatawaran sa aking kapangahasan. 577 “Sa mahal mong mga yapak alipin mo akong tapat, humahalik at ang hangad, maglingkod sa iyong dilag.” Matamis talaga ang dila ni Don Juan, ano? Basta’t nakakita ng kagandahan ay agadnakahahabi ng mabulaklak at matamis na pananalita. Alam mo ba kung ano ang palaba? Ito ang haloo ang bilog na liwanag na nakapaligid sa buwan. Matamis din ba ang dila ng mga binata sa ngayon? Ikaw, ganyan ka ba? Sa maikling panahon ng kanilang pagkikilala, agad napaibig ni Don Juan si Leonora. Sasimula’y nagkunwaring nagagalit ang dalaga sa pangahas na binata pero ito’y pagsubok lamang.Paano na si Donya Juana? Mahulaan mo kaya? Naglaban si Don Juan at ang serpyenteng may pitong ulo. Sino kaya ang nanalo? Parangwalang kamatayan ang serpyente dahil ang ulong natagpas ay bumabalik sa katawan. Pero binigyanni Leonora si Don Juan ng balsamo na kapag ibinuhos sa ulo ay di na ito makahuhugpong pa uli sakatawan. Kaya napatay ni Don Juan ang ahas. Isinama niya sa ibabaw ng balon ang magkapatid na Juana at Leonora at pauwi na sana silanang maalala ni Leonora ang singsing na naiwan niya sa palasyo. Bumalik si Don Juan sa ilalim ngbalon upang kunin ang singsing. Ngunit panibagong pagtataksil ang naisipan ni Don Pedro. Pinatidniya ang lubid na kinakapitan ng kapatid kaya ito ay bumulusok sa balon at nagkabali-bali ang mgabuto. 27
Linangin May mga idea, opinyon, at paniniwala sa bahaging ito ng korido na tatalakayin sa sub-aralingito. Linawin muna natin sa bahaging ito ang pagkakaiba ng tatlong salita. Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan tungkol sa alin mang bagay.Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay sinusuportahan na ngmatinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at hindi sa matibay na patunay. Angpaniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay totoong-totoo at dimababali. Basahin ang mga saknong sa ibaba. Ang nagsasalita ay si Leonora. Ito ang tugon niya sainihahaing pag-ibig ni Don Juan. 610 “Sinusubok ko nga lamang kung ang puso mo’y marangal, ugali ng alinlanga’t alaalang pagtaksilan. 611 “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. 612 “Pipitasin ang bulaklak sa tangkay na nag-iingat, mahal habang di pa kupas, pag nalanta ay sa layak!” Anong mga idea ang ipinapahayag sa mga saknong sa itaas? Ano na nga ang idea? Ito aymaaaring kuru-kuro, palagay, kaalaman o kaisipan. Di ba may kinalaman sa pag-ibig ang ideangpinalulutang sa mga saknong sa itaas? Pagsubok kay Don Juan at pag-aalalang baka taksil ang binata. Naaalala mo pa si Juana? Di ba niligawa’t napaibig din ni Don Juan? Ngayo’y ang kapatidnaman nito ang tinutuhog ng binata. Dagdag pa ni Leonora sa S611, maraming lalaki ang di tumutupad sa pangako. Ito ang ibigsabihin ng talusira. Biro lamang ang pag-ibig sa mga lalaki at natutuwa silang magpaibig upangmagpaluha lamang pagkaraan. Ganito nga ba ang mga lalaki? 28
Inihambing ang dalaga sa isang bulaklak na pinipitas ng binata, na habang sariwa ay iniingat-ingatan pero kapag nalanta na ay itinatapon na lamang sa basurahan. Nag-aalala si Leonora na kapagnagsawa na ang binata ay iwan na lamang siya at sukat. Sa kasalukuyang panahon ba ay may ganito rin bang mga pangyayari? Posible, di ba? Hinditama, pero nangyayari. Malinaw na ba sa iyo ang ideang nakapaloob sa mga S610-612? Ito ay ang kataksilan ng mgalalaki sa pag-ibig. At ano naman ang kasalungat na idea ng kataksilan? Di ba katapatan? Ang pagiging tapat sapag-ibig. Ang katapatan ay maaaring hindi lamang sa pag-ibig kundi sa pamilya, sa bayan, sapaniniwala. Anong paniniwala ang pinalulutang sa bahaging ito ng koridong pinag-aaralan? Ano nga baang ibig sabihin ng paniniwala? Kapag iniisip mo o nadarama mong totoong-totoo ang isang bagay oisang idea, ito ay paniniwala. Malinaw na isinusulong sa korido ang mataos na paniniwala sa Diyos at sa Inang Birhen.Kung maaalala mo, ang korido ay karaniwang nagsisimula sa isang panawagan sa isang pintakasi. SaIbong Adarna, ang Birheng matangkakal ang pinanawagan upang gumabay sa kanya sapagsasalaysay. Ang Birhen din ang laging pinananawagan ni Don Juan upang gumabay sa kanya sa tuwi-tuwina. Ikaw, kanino ka nagdarasal upang gabayan ka lagi sa iyong pag-aaral, sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay, at lalo pa pag nahaharap ka sa problema? Basahin ang sumusunod na mga saknong na nagpapahayag ng paniniwala: 607 “Pagkat lihim itong balon sinong taong sakdal-dunong ang dito’y makatutunton kundi Diyos ang may ampon?” Anong paniniwala ang isinasaad dito? Di ba, ang paniniwala sa Diyos? Ano pa? Angpaniniwala sa kapalaran o sa tadhanadi ba? Ang ibig sabihin, itinadhana si Don Juan na makaratingsa mahiwagang balon. Ang pangyayaring ito’y gawa ng isang nasa itaas, ng Diyos, na nagturo sakanya sa balon. Hindi siya makararating doon kung sa kanyang sarili lamang dahil nakatago angbalon at di mararating ng tao kung walang gabay na magtuturo sa kanya. Sang-ayon ka ba na may gumagabay sa ating mga kilos at siyang nagtuturo ng ating tamanglandas? 29
Ano naman ang kasalungat ng paniniwalang ito? May ilang naniniwala na ang tao ay isangmalayang nilalang. Nasa kanyang mga kamay ang pagbuti niya o pagsama at walang mahiwagangpwersang gumagabay sa kanya kundi ang sarili niyang konsyensya at pasya. Alin sa dalawang magkasalungat na paniniwala ang sinusuportahan mo? Narito pa ang ilang piling saknong na nagpapahayag ng paniniwala sa Diyos: 567 Lumakad nang patuluyan, puso’y walang agam-agam. Diyos ang tinatawagang sa daratning kapalaran. Sa puntong ito ay patungo na si Don Juan sa palasyo ni Leonora na tinatanuran ngserpyenteng may pitong ulo. Wala siyang kaba dahil sa malaking paniniwalang di siya pababayaan ngDiyos. Kapag nakaharap ka sa malaking pagsubok, kanino ka humihingi ng tulong? Nagdarasal karin ba sa Diyos? Ang kasalungat na paniniwala nito ay ang pananalig sa sariling kakayahan. Na kungpinaghandaan mo ang alin mang pagsubok, nasa sarili mong mga kamay ang iyong tagumpay, hindisa tulong ng iba. Alin sa dalawang paniniwala ang sinusuportahan mo? Sa sumusunod namang mga saknong, naglalaban na ang serpyente at si Don Juan. Parangpinanghihinaan na ng loob si Don Juan dahil ang serpyente ay “may buhay na sapin-sapi’t/di yatamakikitil.” (S631 T3-4.) Kaya, ano ang ginawa ni Don Juan? 632 Dito na siya tumawag sa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas huwag nawang mapahamak. 633 Di man niya maigupo huwag siyang masiphayo, ni matigisan ng dugo’t pagkatao’y maitayo. 30
Ano ang resulta ng gayong pagtawag sa Diyos? 634 Mataimtim palibhasa ang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala’t katapangan ay lumubha. 635 Noon din ay naramdamang nawala ang kanyang pagal, para bagang bago lamang sa ahas ay lumalaban. 636 Lalo niyang nakilalang ang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi’y mamahinga muna. Ano ang bisa ng dasal ni Don Juan? Dalawa, di ba? Una, sa panig niya, nawala ang takot niya.Lalo siyang tumapang at nawala ang pagod. Pangalawa, sa panig ng ahas, ito naman ang napagodkaya hiningi nitong mamahinga muna sila sa paglalaban. Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos. Ito ang isinasaad sa S636. Sang-ayon ka ba? Ano naman ang kasalungat nitong paniniwala? Na mismong kay Don Juan nagmula angtiwalang magagapi niya ang kalaban. Sa mismong kalooban niya nanggaling ang lakas, hindi sapwersang nasa labas ng kanyang pagkatao. Alin sa dalawa ang pinaniniwalaan mo? Alin naman ang bahaging naglalahad ng opinyon? Ano na nga ba ang opinyon? Ito’y kungano ang iniisip ng isang tao tungkol sa isang bagay o pangyayari batay lamang sa kanyangpakiramdam o nadarama, hindi sa solidong mga patunay. Basahin ang mga saknong na ito. Bigyang pansin ang mga bahaging may salungguhit. 623 Dinaluhong ng prinsipe ng espada ang Serpyente, kasabay ang pagsasabing: “Ang buhay mo’y mapuputi!” 624 Sagot ng Serpyente’y ito: “Iyan ang hinahanap ko, magsisi ka at totoong makikitil ang buhay mo.” 31
Magkasalungat na opinyon ang inilahad sa dalawang saknong sa itaas, di ba? Sa opinyon niDon Juan, mapuputi o mapapatay niya ang buhay ng serpyente. Sa kabilang dako, ang serpyentenaman ay may opinyon na ang prinsipe ang mamamatay sa kanyang pangil. Hindi batay sa patunayang opinyon ng isa’t isa kundi salig lamang sa pakiramdam nila. Noon lamang sila nagkaharap at dipa nila alam ang kakayahan ng isa’t isa Kaninong opinyon ang nagkatotoo? Tama ka, ang kay Don Juan, dahil siya ang nagwagi salabanan at napatay niya ang ahas.Gamitin Handa ka na bang gamitin ang iyong mga napag-alaman? Basahin ang mga saknong sa ibaba at sabihin kung ang inilalahad sa mga pariralang maysalungguhit ay (a) idea, (b) opinyon o (c) paniniwala. 608 “Sa Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying Prinsesa lunasan mo yaring dusa.” 649 “Di ko kayo huhumpayan hanggang hindi mangamatay, ang ulo ko, iisa man ako ang magtatagumpay. 661 Panibugho at ang imbot sa puso ay sumusunog, dibdib ay ibig pumutok sa sama ng kanyang loob. 678 “Ako nama’y nariritong umiibig din sa iyo, maging siya’t maging ako iisa sa pagkatao. 679 “Kapwa kami mayro’ng dangal Prinsipe ng aming bayan, pagkat ako ang panganay sa akin ang kaharian.” 32
694 Nanunton ang kalooban sa matandang kasabihang: Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan. Ganito rin ba ang mga sagot mo: S608: Paniniwala. Paniniwalang talaga ng Diyos ang pagkikita nila. S649: Opinyon. Hindi nagkatotoo ang opinyong ito ng ahas dahil siya ang napatay ngkalaban. S661: Idea. Tungkol sa pag-ibig at imbot. S678: Idea. Iisa ang mga magulang nina Don Pedro at Don Juan kaya sinabi niya kay Leonorana “iisa sa pagkatao” kaya pwedeng ipalit ang una (Don Pedro) sa pangalawa (Don Juan) sa puso niLeonora. S679: Idea. S694: Paniniwala.Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, inilahad sa ibabaang mga pangunahing puntos ng sub-aralin. 1. Ano ang idea? Ang idea ay alin mang palagay, kuru-kuro, kaalaman o kaisipan tungkol sa alin mang bagay. 2. Maaaring maging opinyon ang isang idea kung ang kaisipang taglay nito ay sinusuportahan na ng matinding damdamin o pagkiling batay sa palagay lamang at hindi sa matibay na patunay. 3. Ang paniniwala ay matibay na pagsuporta sa isang idea, at tiwala na ang ideang ito ay totoong-totoo at di mababali. Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok? 33
Subukin Sagutin ang mga tanong. 4. Ano ang kinatatakutan ni Leonora kaugnay ng pag-ibig na iniaalay ni Don Juan? Aling saknong ang nagpapahayag ng pag-aalalang ito? 5. Sino o ano ang nakalaban ni Don Juan sa bahaging ito ng koridong Ibong Adarna? 6. Dalawang bagay ang nakatulong kay Don Juan upang magapi ang serpyente? Ano ang mga ito? 7. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong. 632 Dito na siya tumawag sa Diyos, Haring mataas, sa kabaka niyang ahas huwag nawang mapahamak. a. Sino ang siya na tinutukoy sa saknong na ito? b. Kanino siya tumawag? c. Ano ang hiniling niya? Aling taludtod ang nagpapahayag nito? 633 Di man niya maigupo huwag siyang masiphayo, ni matigisan ng dugo’t pagkatao’y maitayo. a. Hiniling bang mapatay ang ahas? b. Ayaw bang mapahiya ni Don Juan kaya niya hiniling na “pagkatao’y maitayo”?(T4) Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: 1. Pagtataksil ni Don Juan. S610-612. 2. Ang serpyenteng may pitong ulo. 3. Pagtawag sa Diyos at balsamo ni Leonora. 4. S632: a. Don Juan; b. Diyos, Haring mataas; c. “huwag nawang mapahamak,” T4. S632: a. Kahit hindi niya maigupo o mapatay; b. ayaw niyang mapahiya dahil sa simula pa lamang ay siniguro na niyang siya ang magwawagi. 34
O, tama ba ang mga sagot mo? Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutinang kasunod nitong bahagi, ang Paunlarin.Paunlarin Sagutin ang mga tanong. 1. Anong mga idea ang nabasa mo sa bahaging ito ng korido? Ano ang kasalungat nito? 2. Anong mga opinyon ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito? 3. Anong mga paniniwala ang nabasa mo sa bahaging ito? Ano ang kasalungat nito? Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito:1. Taksil sa pag-ibig ang mga lalaki kaya kailangan pang subukin muna ang katapatan; ang kasalungat nito ay katapatan. Ang isa pa ay ang inggit at pag- iimbot ni Don Pedro at ang kasalungat naman nito ay ang pagmamahal ni Don Juan sa kapatid.2. Na kayang patayin ng isang tao (ni Don Juan) ang napakalaking serpyente na may pitong ulo. Magkasalungat ang mga opinyon ni Don Juan at ng serpyente. Sa opinyon ni Don Juan, mapapatay niya ang serpyente; sa opinyon naman ng serpyente, mapapatay niya si Don Juan.3. Paniniwala sa Diyos at sa laging paggabay ng Diyos sa sino mang laging tumatawag sa Kanya. Kasalungat nito ang paniniwalang nasa mga kamay ng tao ang kanyang kapalaran, wala sa pwersang nasa labas ng kanyang pagkatao.Sub-Aralin 3: Mga Pananaw at TradisyonLayunin: Pagkatapos mo ng sub-araling ito, inaasahang nasusuri mo angakda sa pamamagitan ng pagtukoy sa mga bahaging nagpapatunay ng: • panlipunang pananaw • pangkulturang pananaw 35
• panrelihiyong pananaw • mga tradisyonAlamin Lalong nagiging kapana-panabik ang mga pangyayari, di ba? Ano na kaya ang mangyayarikay Don Juan ngayong naiwan siyang bali-bali ang mga buto samantalang naglakbay nang pauwi saBerbanya ang dalawa niyang kapatid at ang dalawang dilag na iniligtas niya? Basahin ang mga saknong na nagsasalaysay ng sumunod pang mga pangyayari. Bigyangpansin mo ang mga pananaw at tradisyong isinasaad sa teksto. Kausap ni Don Pedro ang kanyang ama: 714 “Amang makapangyarihan, puno nitong kaharian, ang iyo pong kalooban siya naming igagalang. 715 “Kung ako po’y tatanungin si Leonora na ang akin; si Don Diego’y ikasal din kay Donya Juanang butihin.” Ani Leonora naman: 717 “Ako po’y di sumusuway sa atas mo, Haring mahal ngunit isang kahilingang iliban muna ang kasal. 718 “Sa aki’y ipahintulot ng mahal mong pagkukupkop, na bayaan kong matapos yaring panata ko sa Diyos. 719 “Mulang ako’y maulila sa akin pong ama’t ina, pitong taon kong panatang mamumuhay nang mag-isa.” 36
Pumayag ang hari at sinabihan ang anak niyang si Don Pedro: 727 “Pairugan si Leonorang Magpatuloy sa panata; Pedro’y pasasaan bagang Di matupad iyang pita. 728 “Tibayan ang kalooba’t dagdagan ang kabaitan, taong nagpapakabanal huwag pagmamalaswaan.” Idinaos ang kasal nina Don Diego at Donya Juana. 730 Siyam na araw na singkad buong reyno ay nagalak, maginoo’t mga hamak sa kasala’y nagkayakap.Samantala, si Don Juan ay inalagaan ng Lobo ni Leonora. Kumuha ito ng tubig sa Ilog Herdan at: 739 Buong suyong pinahiran bawat pasa ng katawan, gayon din ang mga pilay na malubha at hindi man. 740 Prinsipe’y agad lumakas nabahaw ang mga sugat, nakatindig at ang gilas ngayon ay lalong tumingkad. Pagkaraa’y lumisan na ang Lobo at naiwang nag-iisa si Don Juan. Ano ang kanyang ginawa? 749 Dili ang hindi nabakla ang prinsipe nang mag-isa, kaya’t agad lumuhod na’t sa Diyos napakalara. 750 “O Diyos, Haring mataas Panginoon naming lahat, sa alipin Mo’y mahabag na ituro yaong landas.” 37
Dito na dumating ang Ibong Adarna at pinayuhan si Don Juan na hanapin na lamang angkanyang kapalaran: 767 “Ngunit anhin pa ba natin ang nagdaa’y sariwain, ang marapat ngayong gawin, ligaya mo ay hanapin. 768 “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora dito ay may lalalo pa sa karangalan at ganda.” 778 Sa payo nitong Adarna ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y na kay Maria Blanca.Linangin May mga pananaw at tradisyong nakapaloob sa mga saknong sa itaas. Ano ba ang pananaw? Ito ang paraan ng pagtingin o ang iyong saloobin sa mga bagay-bagayat maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon. Ang totoo’y magkakaugnay ang tatlongito. Di ba lipunan ang lumilikha ng kultura? Ang paniniwala naman tungkol sa isang Maylikha aymay malaking impluwensya sa uri ng kulturang nabubuo ng isang lipunan. Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ng pagsasagawang mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb. Kaugnay pa rin ito ng lipunan, kulturaat relihiyon. Ito ang mga bagay na ginagawa ng isang pangkat ng mga tao kaugnay ng kanilang mgapinaniniwalaan. Halimbawa, tradisyon na ang marangyang kasalan dahil sa paniniwalang kailangangipagsaya ng buong komunidad ang bagong pagsasama ng dalawang nagmamahalan. Ang S714-715 ay nagpapahayag ng nakaugalian nang paggalang sa mga magulang atpagsunod sa kanilang pasya, maging sa pag-aasawa. Ang totoo, noong unang panahon ay mgamagulang ang nasusunod sa pag-aasawa ng anak. Ipinagkakasundo ang mga anak kahit mga bata pa.Kung sino ang gusto ng magulang na mapangasawa ng anak, ay iyon ang pakakasalan ng anak. Ngayon, nasusunod pa ba ang tradisyong ito? Kung ikaw ang tatanungin, ganito rin ba angibig mong mangyari? Siyempre, hindi na ganyan ngayon. Malaya na ang bawat isa na pumili ngkanyang gusto. 38
Iginagalang din ni Leonora ang tradisyong ito kaya hindi siya nagpahayag ng pagtutol. Anghiniling lamang niya ay palugit upang matupad ang panatang pamumuhay nang mag-isa sa loob ngpitong (7) taon. Ito naman ay nagpapakita ng panrelihiyong pananaw, na iginalang ng hari. Nang mga panahong iyon, ang babae ay walang boses maging sa mga bagay na maykaugnayan sa buhay niya at kaligayahan. Sa lipunan, relihiyon at kultura ng maraming lugar, angkababaihan ay sunud-sunuran lamang sa mga lalaki – sa ama hanggang magkaasawa, at sa asawakapag siya’y ikinasal na. Ngayon ba’y ganito pa rin ang nangyayari? Alin ang mas gusto mo, ang pananaw ngayon sakababaihan, o ang dati?Gamitin Ngayon, ikaw naman ang maglapat ng mga natutuhan mo. Anong pananaw ang mababakas sa S727-728? Pagpapahalaga sa kababaihan, di ba? Sinunodniya ang kahilingan niLeonora. Bukod dito’y pinagbilinan pa niya si Don Pedro na “huwagpagmamalaswaan” si Leonora. Ano namang tradisyon ang inilahad sa S730? Di ba ang marangyang kasalang nakaugalian nasa maraming bansa. Karaniwan, lalo’t mahal na tao, o mga prinsipe at prinsesa ang ikinasal, angpagsasaya ay tumatagal nang ilang araw. Ganito rin ba sa inyong bayan? Samantala, ano namang pananaw ang isinasaad sa S739-740? Tama ka kung panrelihiyong pananaw ang sagot mo. Hanggang ngayon, marami pangnaniniwala sa mga mahimalang lunas sa sakit. Di ba maraming humihimas o nagpapahid ng panyo saSanto Nino at iba pang mga imahe sa paniniwalang malulunasan ang kanilang karamdaman saganitong paraan? Ano ang nangyari nang mapahiran ang buong katawan ni Don Juan ng tubig mula sa IlogHerdan? Di ba mahimalang gumaling ang lahat ng butong nalinsad at naging mas matikas pa siyakaysa rati? Sa kanyang pag-iisa, muli, tumawag sa Diyos si Don Juan upang gabayan siya sa tamanglandas. Ito ang ipinapahayag sa S749-750. Anong uri ng pananaw ito? Di ba panrelihiyon? 39
Lagumin Malinaw na ba sa iyo ang sub-araling ito? Upang maging mas malinaw pa, narito ang mgapangunahing puntos: 1. Ang pananaw ay ang paraan ng pagtingin sa mga bagay-bagay o ang iyong saloobin dito.Maaaring ito’y kaugnay ng lipunan, kultura at relihiyon. 2. Ang tradisyon naman ay ang mga pinagkaugalian nang paniniwala o paraan ngpagsasagawa ng mga bagay-bagay. Maaaring ito’y ritwal, pagdiriwang, atb. 3. Ang bahaging ito ng korido ay nagbibigay ng mga halimbawa ng pananaw na panreliyon,panlipunan at pangkultura. Ngayon, handa ka na ba sa isang pagsubok?Subukin Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong mga sagot sa sagutang papel. 1. Ano ang hiniling ni Don Pedro sa kanyang ama pagdating nila sa Berbanya? 2. Pumayag bang pakasal sa kanya si Leonora? Ano ang idinahilan ng dalaga upang maipagpaliban ang kanilang kasal? 3. Sino ang hinihintay ni Leonora? 4. Pumayag ba ang hari sa kahilingan ni Leonora? Ano ang ipinagbilin ng hari kay Don Pedro? Tukuyin ang taludtod na nagsasaad nito. 5. Sino ang dumating upang gamutin ang mga pasa at baling buto ni Don Juan? 6. Ano ang ipinayo ng Ibong Adarna kay Don Juan? 7. Alin sa a, b, at c ang pananaw na isinasaad sa sumusunod na mga taludtod: 767 “Ngunit anhin pa ba natin ang nagdaa’y sariwain, ang marapat ngayong gawin, ligaya mo ay hanapin. a. Kalimutan na ang nakaraan at harapin ang kinabukasan 40
b. Sariwain ang nagdaan 768 “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora dito ay may lalalo pa sa karangalan at ganda.” a. Limutin na ang dating giliw at maghanap ng iba b. Laging alalahanin ang dating kasintahan Tama kaya ang mga sagot mo? Tama ka kung ganito: 1. Ipakasal siya kay Leonora at si Don Diego naman kay Juana. 2. Hiniling niyang ipagpaliban ang kasal dahil sa kanyang panata. 3. Si Don Juan. 4. Pumayag ang hari. Sinabi niya kay Don Pedro na igalang ang pagkababae ni Leonora. S728T4. 5. Ang Lobo ni Leonora. 6. Hanapin ang Reyno de los Cristal at ang magandang prinsesang si Maria Blanca. 7. S767: a; S768: a. Kung tamang lahat ang sagot mo, hindi mo na kailangang sagutan ang susunod na bahagi, angPaunlarin.PaunlarinPunan ang mga patlang:1. Ginamot ng Lobo ang mga pasa ni Don Juan sa tulong ng ______ mula sa Ilog Herdan. a. langis b. putik c. tubig2. Ayon sa Ibong Adarna, huwag nang sariwain pa ni Don Juan ang nagdaan. Ang tinutukoy niya rito’y ang ____________. 41
a. pitong ulo ng serpyenteb. pagkamatay ng higantec. pagtataksil ni Don Pedro3. Maghanap na raw siya ng bagong ligaya, at ito ay si _________.a. Leonora b. Maria Blanca c. Juana4. Ang lupaing pupuntahan niya ay _________.a. Reyno de los Cristal b. Berbanya c. Armenya5. Sa paghahanap niya sa malayong kaharian, tinulungan siya ng ________.a. magandang prinsesa b. matandang ermitanyo c. batang paslitTama kaya ang mga sagot mo? Narito ang mga tamang sagot: 1. c 2. c 3. b 4. a 5. b Mahal kong estudyante, maligayang bati. Ngayong natapos mo na ang Modyul 12,magpatuloy ka na sa Modyul 13.Mga SanggunianRodillo, Gregorio M. et al. 1998. Ibong Adarna: Isang Interpretasyon. Binagong Edisyon. Maynila: Rex Book Store.Santillan-Castrence, Pura. 1940. Publikasyon Blg. 26 ng Surian ng Wikang Pambansa. Maynila: Surian ng Wikang Pambansa. 42
Gaano ka na kahusay?A. Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung tama ang pangungusapat M naman kung mali. 1. Si Don Pedro, ang panganay sa tatlong prinsipe, ang bida sa koridong Ibong Adarna. 2. Si Don Diego, ang pangalawang anak, ay sunud-sunuran lamang sa mga pakana ng panganay na kapatid. 3. Si Don Juan, ang bunso, ang paborito ng amang hari. 4. Si Don Juan ang nagpakanang pawalan ang Ibong Adarna upang iba ang mapagbintangan. 5. Nang makawala ang ibon, kusang nilisan ni Don Juan ang palasyo upang pagtakpan ang tunay na nagkasala. 6. Hindi ipinahanap ng hari ang bunsong si Don Juan. 7. Masaya ang tatlong magkakapatid nang muling magkita-kita. 8. Tatlo ang nagtangkang lumusong sa mahiwagang balon pero isa lamang ang nakarating sa kailaliman. 9. Dalawang magandang dalaga ang nakatira sa palasyo sa ilalim ng balon. 10. Binabantayan sila ng isang higante at isang serpyenteng may tatlong ulo. 11. Napatay ni Don Pedro ang higante at ang serpyente. 12. Masayang umuwi sa Berbanya ang tatlong magkakapatid na prinsipe kasama ang dalawang dilag. 13. Ikinasal si Don Diego kay Juana. 14. Tumangging pakasal si Leonora kay Don Pedro. 15. Samantala, naiwan sa ilalim ng balon si Don Juan.B. Piliin sa mga salita sa loob ng panaklong ang angkop sa patlang para mabuo ang pangungusap. 1. Ginagamit ang _______ upang ikulong ang tuwirang sinabi ng isang tauhan. (panipi, panaklong, bracket) 2. Ang _______ay tungkol sa lugar at panahon nang maganap ang isang kwento. (tauhan, tagpuan, usapan) 3. Dayalog ang isa pang tawag sa _______ (tauhan, tagpuan, usapan). 4. Ang tagpuan ng koridong Ibong Adarna ay noong ___________ (unang panahon, kasalukuyang panahon, hinaharap na panahon). 5. Ang korido ay mahabang tulang ___________ (nagsasalaysay, naglalahad, nangangatwiran).C. Anong katangian ng tauhan ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Piliin ang sagot saibaba. Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 466 Kung siya’y may kahinaang sukat maging kapintasan, ang pag-ibig na dalisay 43
sa kapatid kailanman. a) laging mapagmahal sa kapatid b) palapintas sa kapatid c) mapaghanap sa kapatid 2. 508 Nasimulan nang gawain ang marapat ay tapusin, sa gawang pabinbin-binbin wala tayong mararating. a) determinasyong tapusin ang nasimulan b) gustong ibinbin ang gawain c) walang gustong marating 3. 522 Gayon pa man ay tinimpi ang pagsintang ngumingiti saka siya nagkunwaring sa prinsipe’y namumuhi. a) marunong matimpi b) mahusay magkunwari c) madaling mamuhiD. Basahin ang mga saknong. Anong katangian ng tagpuan ang isinasaad sa bawat saknong sa ibaba?Isulat lamang ang letra ng iyong sagot sa sagutang papel. 1. 444 Tumutubong punungkahoy mga bungang mapupupol, matataba’t mayamungmong, pagkain ng nagugutom. a) maraming bungangkahoy b) maraming matataba c) maraming nagugutom 2. 449 Simoy namang malalanghap may pabangong pagkasarap, langhapin mo’t may pagliyag ng sampaga at milegwas. a) may bango ng bulaklak ang hangin b) may paglingap ang hangin c) may langhap-sarap ang hangin 44
3. 482 Ang lalo pang pinagtakha’y ang nakitang kalinisan, walang damo’t mga sukal gayong ligid ng halaman. a) malinis ang paligid ng balon b) masukal ang paligid ng balon c) madamo ang paligid ng balonE. Anong idea ang ipinapahayag sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyongsagot sa sagutang papel. 1. 607 “Pagkat lihim itong balon sinong taong sakdal-dunong ang dito’y makatutunton, kundi Diyos ang may ampon?” Natuklasan ni Don Juan ang balon dahil sa a) tulong ng Diyos b) dunong ng Diyos c) lihim ng dalaga 2. 608 “Sa Diyos na ngang talaga ang sa iyo’y pagkakita, kaya, mabunying prinsesa lunasan mo yaring dusa.” Nagkita si Don Juan at si Leonora dahil ang pagkikita nila’y a) talaga ng Diyos b) lunas sa dusa ng prinsipe c) hiling ni Don Juan 3. 611 “Pagkat marami sa puso talusira sa pangako, sa pagsinta’y mapagbiro’t matuwaing sumiphayo. a) maraming lalaking mapaglaro sa pag-ibig b) maraming lalaking di marunong tumupad sa pangako c) maraming lalaking natutuwang magpaluha ng babae d) lahat ng a, b, at c 45
F. Anong paniniwala ang isinasaad sa sumusunod na mga saknong? Isulat lamang ang letra ng iyongsagot sa sagutang papel. 1. 634 Mataimtim palibhasa ang pagtawag kay Bathala, sindak niya ay nawala’t katapangan ay lumubha. a) mabisa ang dasal kung taimtim b) nawawala ang sindak dahil sa dasal c) tumatapang kapag nagdarasal 2. 636 Lalo niyang nakilalang ang Diyos ay nasa kanya nang hapuin ang kabaka hingi’y mamahinga muna. a) Lalong nakilala ni Don Juan ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal b) Lalong naniwala si Don Juan na nasa panig niya ang Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal c) Lalong naniwala si Don Juan sa Diyos nang mapagod ang ahas matapos siyang magdasal 3. 694 Nanunton ang kalooban sa matandang kasabihang Madalas na magbulaan ang sa taong panagimpan. a) Madalas na kabaligtaran ang panaginip. b) Madalas managinip ang tao. c) Madalas na magbulaan ang taong nananaginip. 4. 854 “Paalam na, O, Don Juan, si Leonora ay paalam, kung talagang ikaw’y patay magkita sa ibang buhay.” a) may ibang buhay pa pagkaraang mamatay ang tao b) ang mga patay ay nagkikita-kita sa ibang buhay c) nagpapaalam ang mga namamatay 46
G. Basahin ang mga saknong at sagutin ang mga tanong: 1. 730 Siyam na araw na singkad buong reyno ay nagalak, maginoo’t mga hamak sa kasala’y nagkayakap. a) Ilang araw ang pagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Anong salita ang singkahulugan ng reyno? c) Anong okasyon ang ipinagdiriwang? Aling taludtod ang nagsasaad ng okasyon? 2. 778 Sa payo nitong Adarna ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y na kay Maria Blanca. a) Sino ang nagpayo kay Don Juan? b) Sino ang nalimutan na ni Don Juan? c) Na kanino na ngayon ang puso ni Don Juan? 3. 848 “Tatlong taon nang mahigit yaring aking pagtitiis maatim kaya ng dibdib na makasal sa di ibig?” a) Ilang taon nang naghihintay si :Leonora kay Don Juan? Aling taludtod ang nagsasaad nito? b) Ano ang di maatim ni Leonora? Aling taludtod ang nagsasaad nito? 47
Susi sa Pagwawasto Modyul 12 Mga Bagong PakikipagsapalaranAno na ang Alam Mo? (Panimulang Pagsusulit)A. 6. M 11. T 1. M 7. T 12. M 2. T 8. T 13. T 3. T 9. T 14. T 4. M 10. M 15. T 5. TB. 1. panipi 2. tagpuan 3. usapan 4. unang panahon 5. nagsasalaysayC. 1. a) D. 1. a) E. 1. a) 2. a) 2. a) 2. a) 3. a) 3. a) 3. d)F. 1. a) 2. b) 3. a 4. a)G. 1. a. Siyam (9) na araw. T1. b. kaharian c. Kasalan. T4 2. a. Ibong Adarna b. Leonora c. Maria Blanca 3. a. 3 taon. T1. b. Makasal sa di ibig. T4. 1
Modyul 13 Pagpapahayag ng Pakay/Motibo at Palagay Pagbuod ng mga Impormasyon, Pagbabagong Morpoponemiko Tungkol saan ang modyul na ito? Madalas kang nakakalahaok sa mga usapan ng magkakaibigan, di ba? Paminsan-minsan, maymga isyu kayong pinagtatalunan. Sa mga pagkakataong ito nagpapahayag ka ng mga palagay oopinion, o di kaya ay sinusuri mo ang pakay o motibo ng mga tao sa kanilang ipinahahayag bago kamagbigay ng iyong palagay. Mainam na masanay ka sa mga ganitong transaksyonal na pakikipagpalitang-kuro.Nakapagpapatalas ito ng kaisipan at lumalawak ang kaalaman mo sa maraming bagay. Ito ang pakay ng modyul na ito: ang sanayin ka sa pagtukoy sa motibo o pakay ng nagsasalitao ng mga manunulat ng iyong binabasang teksto. Gayundin, hahasain ka ng modyul sa pagbuo ngmga palagay o opinyon, kasiya-siya man o hindi. Aba, pati paglalagom ng mga ideya ay saklaw dinnito. Itataas din ang iyong kamalayan sa mga pagbabagong nagaganap sa mga salitang Filipinodahilan sa paglalapi. Pagbabagong morpoponemiko ang tawag dito. Ang modyul ay binubuo ng tatlong sub-aralin: Ang Sub-Aralin 1 ay nauukol sa pagsasalita. Sa araling ito ay matututuhan mo ang (1)pagtukoy sa mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo, at (2) pagkilala at pagbuo ngmga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Ang Sub-Aralin 2 ay nauukol sa pagbasa at dito’y matututuhan mo ang (1) pagkilala ng salitaayon sa sitwasyong pinaggagamitan at (2) pagpili at paglagom ng mga impormasyong nakapaloobsa binasa ayon sa sariling pagpapakahulugan. Sa Sub-Aralin 3 naman ay makikilala mo ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko nanagaganap sa mga salita. Handa ka na ba, kaibigan? Sige, simulan mo na. 1
Ano ang matututunan mo? Nakasisiyang mabatid na interesado kang pag-aralan ang mga araling nauukol sa mga paksangbinanggit sa itaas. Ngunit, hindi sapat na masabi mong interesado kang matutuhan ang mga ito.Higit na mahalagang malinang mo ang mga kasanayang nakapaloob dito. Sa modyul na ito, inaasahan kong magagawa mo ang mga sumusunod: 1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo 2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay 3. napipili at nalalagom ang mga impormasyong nakapaloob sa binasa 4. nakikilala ang iba’t ibang pagbabagong morpoponemiko na naganap sa isang salita Paano mo gagamitin ang modyul na ito? Gaya ng nasabi ko na, marami kang matututunan sa modyul na ito. Bukod dito, magigingmadali para sa iyo ang lahat ng mga aralin at gawain kung susundin mo ang mga tuntunin sa ibaba namagsisilbing gabay mo sa iyong pag-aaral. 1. Una sa lahat, ingatan mo ang modyul na ito. Huwag mong susulatan. Gumamit ka ng hiwalay na sagutang papel sa pagsagot mo sa mga pagsusulit. 2. Sagutin mo muna ang Panimulang Pagsusulit. Ito ay ang panimulang hakbang upang masukat at matiyak ang dati mong kaalaman sa paksang ating tatalakayin. 3. Iwasto mo ang iyong sagot. Kunin mo sa guro ang Susi sa Pagwawasto. Maging matapat ka lamang sa pagwawasto. Huwag kang mag-alala kung mababa ang markang nakuha mo. May mga inihanda akong mga gawain at iba pang pagsasanay na tiyak kong makatutulong sa iyo. 4. Basahin at unawain mong mabuti ang mga teksto bago mo sagutin ang mga gawaing kaugnay nito. Unawain mo ring mabuti ang mga panuto dahil malaki ang maitutulong nito sa iyo upang maging mabuti ang pagsagot sa mga gawain. 2
5. Sagutin mo agad ang Pangwakas na Pagsusulit upang matiyak mo kung natutuhan mo ang aralin. Kunin mong muli sa guro ang Susi sa Pagwawaasto. Muli, maging matapat ka sa pagwawasto. 6. Bigyang-halaga mo sana ang modyul na ito, kaibigan. Sikapin mong sagutin ang mga gawaing inihanda ko katulad ng pagsisikap ko na ikaw ay matulungang matuto. Ano na ba ang alam mo? Alamin muna natin kung kailangan mo pa ang modyul na ito. Kumuha ka ng sagutang papelat sundan mo ang pagsagot sa panimulang pagsusulit.A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata.1. Maagang nagising si Ryan. Ibig niyang sorpresahin ang kanyang ina. Matapos mailigpit ang mga gamit sa pagtulog ay inunahan na niya ang kanyang ina sa pagluluto ng almusal. Diniligan niya ang mga halaman, pinakain ang alagang aso at nilinis ang buong sala. Kailangang mapasaya ang kanyang ina sa kanyang mga ginawa. Kailangan ding makaalis siya nang maaga dahil may outing silang magkakabarkada. Wala siyang pera. Ang pakay o motibo ni Ryan ay ______________________________. A. humingi ng pera sa kanyang ina. B. ipagluto ng pagkain ang mga kabarkada. C. hiramin ang kotse ng kanyang ama. D. isama ang kanyang ina.2. Pagkababang-pagkababa ng pasahero sa taksi ay agad na sinabi ni Ace sa driver ang lugar na kanyang pupuntahan. Pagkaupo ni Ace ay napansin niya ang isang maliit na bag sa bandang ibaba ng sasakyan. Isang pakete ang laman ng bag. Sa ibabaw nito ay may nakasulat na pangalan at address. Malapit sa pupuntahan niya ang address na kanyang nabasa. Naisip ni Ace na __________________________________________. A. ibigay sa driver ang pakete. B. bumaba at habulin ang lalaking sakay ng taksi. C. ipahinto ang taksi sa malapit na police station. D. ihatid ang pakete sa taong nagmamay-ari ng pakete 3
3. Working student si Lance. Nasa iskul siya mula 7:00 ng umaga hanggang 3:00 ng hapon. Mula 4:00 ng hapon hanggang 9:00 ng gabi ay nagtatrabaho siya bilang crew ng isang sikat na fastfood center. Madalas na nahuhuli ng kanyang profesor si Lance na natutulog sa klase kayat madalas din siyang pagsabihan nito. Ang pakay o motibo ng profesor ay upang ______________________. A. hiyain si Lance. B. gawing modelo si Lance. C. mag-drop si Lance. D. ipauna kay Lance na mahirap pagsabayin ang pag-aaral sa pagtatrabaho.4. Ibig mag-aral ni Prince Kelly sa kolehiyo ngunit noon pang isang buwan ay sinabihan na siya ng kanyang ama na wala siyang ipantutustos sa pag-aaral nito. Ayaw matulad ni Prince Kelly sa kanyang mga kapatid na hindi nakatapos ng pag-aaral. Sa isang dyaryo ay nabasa ni Prince Kelly ang tungkol sa Programang Study Now Pay Later Plan. Naunawaan niya ang mahahalagang impormasyon na nakasaad dito kaya kakausapin niya ang kanyang ama. Ang pakay o motibo ni Prince Kelly sa pakikipag-usap sa ama ay upang hikayatin itong ____________________. A. mangutang ng pera. B. tumira sa boarding house. C. lumuwas ng Maynila. D. basahin ang nilalaman ng programa.5. Dalawang taon pa lamang si John-John nang magtrabaho sa Saudi Arabia ang kanyang ama bilang isang OFW. Ngayong siya’y labimpitong taong gulang na ay nakatanggap ng balita ang kanyang ina na babalik na sa Pilipinas ang kanyang ama. Sa halip na matuwa ay parang walang anumang narinig si John-John. Hindi siya nakapagsalita. Ang pakay o motibo ni John-John ay upang ipakita sa kanyang ina na _____________________. A. maysakit siya. B. may pangarap din siyang makapagtrabaho sa ibang bansa. C. sasamahan niya ang ama sa pamamasyal. D. hindi siya nasasabik makita ang ama.B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang titik na nagpapahayag ng kasiya-siyang palagay.1. Gutom na gutom na si Francel. Sitenta pesos na lamang ang laman ng kanyang bulsa. Ibig niyang makabili ng pagkaing bukod sa mura na ay mabubusog pa siya. Sa unang tindahan na kanyang pinuntahan ay singkwenta pesos ang halaga ng isang kanin, dalawang ulam. Sa isang tindahan naman ay sisenta pesos ang dalawang kanin, isang ulam at softdrinks. Pinili ni Francel ang huling tindahan. Laking tuwa ni Francel. Hindi siya nagsisi sa napiling pagkain. 4
A. Hindi na ako mauulit pang kumain dito. B. Lutong-bahay. Siguro kababayan ni Inay ang nagluto nito. C. Parang kulang sa asim ang sinigang. D. Parang minadali ang pagkakasaing.2. Walang pasok si Algerou, araw kasi ng Ramadan. Sumama siya kay Michael na mamasyal sa Quiapo para bumili ng pirated CD. Tamang-tama, nagpapabili rin ang kanyang kapatid ng bagong CD ni Regine Velasquez. Nagtaka siya sa murang halaga ng mga CD ngunit kabilin- bilinan ng kanyang kapatid na huwag na huwag bibili ng pirated CD. Kinagabihan, nag-text si Michael kay Algerou. Nasira ang kanyang component sa bahay. Ano ang sasabihin ni Algerou? A. Mabuti nga sa iyo. Mahilig kang bumili ng pirated CD, eh. B. Baka talagang sira ang component ninyo. C. Isoli mo. Gusto mo, samahan kita? D. Sa susunod, sa iba na lang tayo bumili.3. Nahuli sa akto ni Mr. Francisco na ninanakaw ng isang bata ang cellphone ng babaing katabi niya sa bus. Dahil may alam siya sa self-defense, inaresto niya ang bata. Iniwasan niyang daanin sa dahas ang pag-aresto. Ipinaalam niya sa bata ang kadahilan ng kanyang pag-aresto. Ano ang sasabihin ng bata? A. Bakit mo ako hinuli. Pulis ka ba? B. Wala akong kinukuha. Sa akin ang cellphone na ito. C. Bakit, me karapatan ka bang mang-aresto? D. Mabuti’t hindi ninyo ako sinaktan. Patawarin n’yo na ‘ko.4. Lalabas na si Genaldo sa rehabilitation center. Tatlong taon din siyang namalagi rito. Ayaw na niyang umuwi sa kanilang bahay. Nangangamba siya na baka hindi na maging maganda ang pakikitungo sa kanya ng mga kasama niya sa bahay. Ang akala niya’y siya lamang mag-isa ang uuwi. Laking gulat niya ng malaman niyang sinusundo na siya ng kanyang magulang at mga kapatid. Ano ang sasabihin ni Genaldo? A. Sinorpresa ninyo ako. Salamat po. Hindi ko malilimutan ang araw na ito. B. Bakit ngayon lang kayo dumating? C. Susunduin ninyo ako pagkatapos ibabalik n’yo uli ako rito? D. Dito na lang ako. Ayoko nang umuwi.5. Pinalad na maging beneficiary ang familya Mangao sa mga proyekto ng Rural Improvement Center (RIC) ng Kagawaran ng Pagsasaka pagkatapos silang dumalo sa seminar ng wastong pagbababuyan. Malaking tulong ang ipinagkaloob ng RIC. Ano ang masasabi ng familya Mangao sa benepisyong kanilang natanggap? A. Magbababoy na tayo noon, magbababoy pa rin tayo ngayon. B. Wala nang asenso ang buhay natin. C. Kung iyong iba natutulungan ng gobyerno, tayo pa kaya? D. Lalo natin pagsumikapang lumago ang ating negosyo. 5
C. Basahin ang talata sa bawat bilang. Isulat ang lagom nito sa sagutang papel. 1. Mahirap magutom ang tao. Kadalasan, kapag gutom ang isang tao ay natututo siyang kumain ng mga pagkaing hindi pa niya nakakain para lamang magkaroon ng laman ang kanyang sikmura. Sa Ongpin, China Town sa Binondo ay mabibili ang iba’t ibang hayop na maaaring lutuin para iulam sa hapag-kainan. Nariyan ang ahas, cobra, pawikan, at iba pa. Kaya hindi kataka-taka kung may mabili tayong kare-kareng kriket, tortang anay, sinangag na langgam, kilawing uwang, ginataang salagubang, adobong balang, atb. Huwag naman sanang dumating ang panahon na dahil sa kagutuman ay kainin ng tao maging ang mga damo, halaman at bulaklak.2. Si Henaral Francisco Soliman Makabulos ang itinuturing na pangunahing bayani ng Tarlac. Noong panahon ng Kastila ay siya lamang ang tanging nakapagpalaya sa lalawigan sa kamay ng mga mananakop. Isinilang si Makabulos sa La Paz, Tarlac. Bagamat elementarya lamang ang natapos ay kinilala ang kanyang katalinuhan at katapangan sa pamamagitan ng pagtatatag ng sangay ng Katipunan sa Tarlac. Bilang manunulat ay nakapaglathala si Makabulos ng mga tula sa El Heraldo de la Revolucion, ang opisyal na pahayagan ng rebolusyonaryong Pilipino. Isinama siya ni Heneral Emilio Aguinaldo nang lagdaan ang Kasunduan sa Biak na Bato. Namatay si Makabulos noong Abril 30, 1922 sa Tarlac, Tarlac. Pagkaraan ng ilang taon, ang kanyang mga labi ay inilipat sa kanyang monumento na nasa harap ng kapitolyo ng Tarlac.D. Pag-aralan ang pagbabagong morpoponemikong naganap sa salita sa bawat bilang. Piliin sa kahon ang sagot. Isulat sa sagutang papel ang tamang sagot. Ang pantig ng salita ay nasa pantig na may salungguhit.1. madamot maramot2. pangbahay pambahay3. buo buung-buo4. buhay kabuhayan5. taniman tamnan 6
asimilasyong di-ganap metatesispagpapalit ng ponema pagkaltas ng ponemapaglilipat-diin Kung tapos ka na, kunin mo sa guro ang SUSI SA PAGWAWASTO. Kumusta? Kung nasagutan mong lahat ang tanong, pwede ka nang pumunta sa susunod namodyul. Kung marami kang mali, pagbutihin mo ang pag-aaral sa modyul na ito. Magsimula ka na.Mga Gawain sa PagkatutoSub-Aralin 1 Ano ang Pakay o Motibo? Kasiya-siya ba o Di - Kasiya-siya ang Palagay?Layunin Ang layunin ng araling ito ay ang mga sumusunod: 1. natutukoy ang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo 2. nakikilala at nakabubuo ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya- siyang palagay at di-kasiya-siyang palagayAlamin Bago mo matutuhan ang paraan ng pagsulat ng talaarawan ay kailangang magkaroon ka munang kaalaman ukol sa mga pangungusap na naglalahad ng pakay o motibo. Itinatanong mo kung anoang kaugnayan nito sa pagsulat mo ng talaarawan? 7
May malaking kaugnayan, kaibigan. Katulad ngayon, inuna kong mabigyan ka ngmahahalagang impomasyon ukol sa mga pangungusap. May pakay o motibo ako para gawin iyon.Ibig kong masanay ka sa pagbuo ng iba’t ibang pangungusap na magagamit mo sa pagsulat ng iyongtalaarawan. Sa kabilang dako, alam ko ring may pakay o motibo ang pagtatanong mo. Tama ba ako? Bukod sa aking nabanggit, makakabasa ka rin ng mga pangungusap at pahayag nanagpapakilala ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyang palagay. Mahalaga rin ang mga ito sapagbuo mo ng mga ideya habang isinusulat mo ang iyong talaarawan. Magugulat ka kapag nakabasa ka ng mga salitang nabago ang pagkakabaybay na naging sanhiupang mabago rin ang pagbigkas sa mga ito. Pagbabagong morpoponemik ang tawag dito. Narinigmo na ba ang salitang ito? Narito ang tatlong larawan. Pag-isipan mo kung ano ang pakay o motibo ng taongnakalarawan. Dugtungan mo ang pangungusap sa bawat bilang. Isulat mo ang iyong sagot sasagutang papel. 1. Ang pakay o motibo ng babae ay __________________ _______________________. 2. Ang pakay o motibo ng salamangkero ay ________________________. 3. Ang pakay o motibo ng dalawang mag- aaral na nagtapos ay _____________. 8
Narito ang posibleng motibo ng mga tauhan sa bawat bilang: 1. alagaan ang aso 2. magpasaya sa pamamagitan ng majik 3. makahanap ng trabahoLinangin Mula sa mga sagot mo, mahihinuha mong ang araling pag-aaralan mo ngayon ay tungkol samga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo. Nagamit mo na ba ang ganitong mgapangungusap? Saang sitwasyon mo nagamit ang mga ito? Napuna mo ba na kung minsan ay may mga ibig tayong gawin na hindi natin magawa dahilkailangan pang humingi tayo ng pahintulot sa kinauukulan? Halimbawa, kapag may hinahanptayong lugar, itinatanong pa natin sa taong mapagtatanungan natin ang ganito, “Maaari po bangmagtanong?” o sinisimulan natin sa pagsasabi ng “Mawalang-galang na nga po . . .” Ito’ypagpapatunay lamang na tayo’y likas na magagalang bagama’t alam na ng ating kausap na tayo’ymay pakay o motibo. At ito ay ang makapagtanong. May mga pagkakataon ding hindi natin masabi-sabi sa ating kausap kung ano ang pakay omotibo natin kaya nais natin silang kausapin. Madalas na inililihis natin ang ating sadya sapamamagitan ng paggamit ng maliligoy na mga pangungusap gaya ng “Kasi ano… Ganito ‘yon…Alam mo, nahihiya man akong sabihin pero….” Narito ang ilang sitwasyon na magpapatunay na hindi natin agad nasasabi sa ating kausap angating pakay o motibo. Sitwasyon 1 Ang Mangungutang Nagpunta si Mary Grace sa bahay ni Nina. “Aba, biglang-bigla ang pagdalaw mo. Hindi ka man lang nagpasabi na darating ka. Ano’ng balita?” tanong ni Nina. “A, eh . . . Galing ako diyan sa isa kong kaibigan. Malapit lang ang bahay mo kaya’t naisipan kong dumaan,” sagot ni Mary Grace. “O, kumusta si Jeff? Kumusta ang mga bata?” tanong ni Nina. 9
“Mabuti naman kaya lang laging mainit ang ulo ni Jeff. Lagi kasi naming pinagtatalunan iyong kakaunti niyang sahod. Mahal pa naman ang mga bilihin ngayon. Pati nga mga bata ay madalas na hindi makapasok dahil wala akong maibigay na baon. Naglalakad na nga lang sila papunta sa eskuwelahan,” sagot ni Mary Grace. “Kung may mahihiraman nga lamang sana ako ng pera . . .” Narinig mo na ba ang ganyang mga pangungusap? Ano ang iyong nadama noong marinig moiyon? Nainis ka o natawa? Naawa ka ba sa paraang kanyang ginamit?Ganoon din ba ang istilo mo sa panghihiram ng pera? Maligoy, ano? Sitwasyon 2 Ang Manliligaw Junior: Beth, bulaklak, o. Para sa iyo. Beth: Salamat. Saan galing? Junior: Binili ko sa kanto. Beth: Binili mo para sa akin? Bakit? Junior: Wala lang. Kasi nagagandahan lang ako sa iyo. Saka mabait ka. Sana kapaga natagpuan ko na iyong babaing magpapatibok sa puso ko, ang pipiliin ko’y iyong katulad mo. Beth: Nanliligaw ka ba? Junior: Hindi, ah. Wala pa sa isip ko ang bagay na iyan. Torpe. Tama ang sinabi mo. Torpe si Jun dahil hindi pa niya masabi ang kanyang pakay omotibo. Kung ikaw si Jun, sisimulan mo rin ba sa pagpapadala ng bulaklak? Hindi ka ba agadaamin na panliligaw ang pakay mo? Kung ikaw naman si Beth, tama bang itanong mo agad kay Junkung nanliligaw ka? Ipararamdam mo ba agad ang kanyang pakay o motibo ? Sitwasyon 3 Ang Bagong Politiko Tuwing may bagyo o baha sa kanilang lugar ay laging nagpapadala ng isang dalawang kilong bigas at tatlong lata ng sardinas si Mr. Mendoza sa Barangay Center. Ganito ang lagi niyang sinasabi habang inaabot ang kanyang tulong. “Labis akong nalulungkot sa sinapit ninyong kapalaran. Kayat’t bago dumating ang tulong ng gobyernong lokal ay bayaan ninyong ako muna ang manguna sa pagtulong. Tanggapin ninyo ang kaunti kong nakayanan. Higit pa riyan ang pagtulong na aking gagawin sa mga susunod na taon. Asahan ninyo ang tulong ko. Umaasa rin ako na ako’y inyong tutulungan kapag ako naman ang nangailangan ng tulong. Makaaasa ba ako?” 10
Maganda ba ang pakay o motibo ni Mr, Mendoza? Narinig mo na ba ang ganitong mga pahiwatig?Ano ang nadarama mo kapag nakaririnig ka ng ganito? Naiinis ka ba? Nagagalit? Natutuwa? Ano ang pakay o motibo mo at ganito ang iyong nadarama? Ipaliwanag mo nga. Samantala, hindi lamang mga pangungusap na nagpapakilala ng pakay o motibo ang dapat namatutuhan mo. Alam mo ba na may mga pangungusap din na nagpapahayag ng kasiya-siyangpalagay at di-kasiya-siyang palagay? Itinatanong mo kung ano ang ibig sabihin ng palagay? Ang palagay ay kasingkahulugan ng opinyon, kuru-kuro o pananaw sa isang isyung pinag-uusapan. Hindi ba’t kung minsan ay may nagtatanong sa iyo ng ganito? Ano sa palagay mo angmangyayari kung . . .? Anong palagay mo sa . . . ? Para higit mong matutuhan kung ano angpalagay ay pag-aralan mo ang ang mga parirala at pangungusap sa tsart na ito: Paksa PalagayAng kaguluhang naganap sa Haciena Sumama sa demonstrasyon ang mga di-Luisita nagtatrabaho sa Hacienda.Pagtaas ng halaga ng krudo Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang pagtaas ng halaga ng krudo. Sa Palagay 1, Sumama sa demonstrasyon ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda kung kaya’tnaganap ang kaguluhan sa Lusita Hacienda. Katanggap-tanggap ba sa iyo ang palagay na ito?Kung OO ang sagot mo, sang-ayon kang ang mga di-nagtatrabaho sa Hacienda Luisita ang dahilanng kaguluhang naganap sa nasabing lugar. Kung HINDI ang sagot mo, iba ang dahilang naiisip mosa kaguluhang naganap sa Hacienda Luisita. Sa Palagay 2, Nakabatay sa pandaigdigang pamilihan ang pagtaas ng halaga ng krudo,tinatanggap mo ba ang palagay na ito? Kung OO, sang-ayon kang hindi dapat isisi sa pamahalaan osa mga kumpanya ng gasolinahan ang pagtaas ng halaga ng krudo. Kung HINDI ang sagot mo, ibaang dahilang naiisip mo kung bakit patuloy ang pagtaas ng halaga ng krudo. Maaaring ang dalawang palagay ay kasiya-siya sa iyo dahil tinatanggap mo. Paano kungnegatibo sa iyo ang mga palagay na ito? Hindi mo matanggap dahil hindi naging kasiya-siya sa iyo,di ba? Upang higit mong malinawan ang pagkakaiba ng kasiya-siyang palagay at di-kasiya-siyangpalagay ay pag-aralan mo at paghambingin ang mga pangungusap sa tsart na ito: 11
Paksa Kasiya-siyang Palagay Di-Kasiya-siyang PalagayPagdalo ni Pangulong Gloria Nahimok ni Pangulong Maraming problemang pang-Macapagal Arroyo sa 12th Arroyo ang mga imbestor ekonomiya ang dapat munangAsia Pacific Economic na mamuhunan sa tinutukan at nilutas niCooperation Summit sa Pilipinas. Pangulong Arroyo kaya’tSantiago, Chile noong hindi siya dapat dumalo saNobyembre 21-22. summit.Balak ng Department of Kikita ang mga botika. Paglabag ito sa R.A. 9257 naHealth na suspindihin ang nakatutulong sa mgasenior citizens’ discount sa matatandang may-sakit atgamot. walang hanap-buhay na makabili ng gamot sa murang halaga.Walang batas ang Pilipinas Hindi pagtatangkaan ng Nakakatakot na bakaukol sa terorismo. mga terorista na guluhin pagkatapos ng Amerika ay ang katahimikan ng Pilipinas naman ang isunod Pilipinas. pasabugin ng mga terorista.. Mula sa mga halimbawang ito, napaghambing mo ba ang kasiya-siyang palagay sa di-kasiya-siyang palagay? Alin sa mga palagay na ito ang nakaapekto sa iyo? Bakit? Upang lalo mo pang matutuhan ang aralin ay pag-aralan mo kung kailan maituturing nakasiya-siya at di-kasiya-siya ang palagay: Kasiya-siya ang palagay kung . . . 1. sang-ayon ka sa proposisyon. 2. may mabuting magagawa sa iyo at sa bayan. 3. walang masasaktan o maaagrabyadong tao. 4. makatutulong sa pambansang kapayapaan at pagkakaisa. 5. makatutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa bansa. 12
Di-kasiya-siya ang palagay kung . . . 1. hindi ka sang-ayon sa proposisyon. 2. walang mabuting magagawa sa iyo at sa bayan. 3. makakasakit o makakaagrabyado ka ng tao. 4. makapagsisimula ng kaguluhan at pagkakawatak-watak 5. walang maitutulong sa mga pagbabagong nagaganap sa bansa. Malinaw na ba sa iyo kung paano mo gagamitin ang mga pangungusap na nagpapakilala ngkasiya-siya at di-kasiya-siyang palagay?GamitinSubukin mong iaplay ang natutuhan mo.A. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang titik ng pariralang bubuo sa pangungusap pagkatapos ng bawat talata. 1. Mabagal ang pag-unlad ng mga isyung napagkasunduan ng mga lider ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) na ginanap sa Santiago, Chile lalo na para sa kapakanan ng mga bansang mahihirap na kasapi nito. Ito’y dahil _____________________. A. hindi naman mararamdaman ang ekonomiya. B. walang pakinabang ang naganap na summit. C. kasama ang Amerika sa summit. D. hindi ginanap sa Pilipinas ng summit. 2. Hindi na pupunta sa Taiwan si Lester para magtrabaho dahil sa placement’s fee na NT$120,000. Ang buwanang sasahurin kasi niya’y NT$15,840 lamang. Ang pakay o motibo ni Lester ay para ipamukha sa kanyang mga kababayan ang nangyayaring ________________________. A. mabagal na pag-aasikaso ng placement’s fee. B. magbabawas ngayon ng mga OFW ang Taiwan. C. hindi maiwi-withdraw ni Lester sa bangko ang malaking bahagi ng kanyang sahod. D. ang lalaki-laki ng placement’s fee, ang liit-liit naman ng kanyang sahod. 13
3. Sa panahon ng eleksyon ay ibinoboto ng mga mamamayan ang mga kandidatong nais nilang manungkulan sa pamahalaan. Gumawa ng pamanahong papel si G. Batong Jr. Lumabas sa kanyang pag-aaral na pagkatapos ng eleksyon, nangunguna sa bilangan ang mga sikat o kilalang tao sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon. Ang pakay o motibo ni G. Batong Jr. ay upang ipaalala sa mga tao na _______________________. A. hindi marunong bumoto ang nakararaming mamamayan. B. hindi marunong pumili ng mga kandidato ang nakararaming mamamayan. C. kailangang maging artista sa radyo, telebisyon at pelikula ang mga kandidato para manalo sa eleksyon. D. sa pagboto, mahalaga sa pagpili ng mga kandidato ang kanilang kwalipikasyon na magampanan ang mga tungkuling pang-administratibo at hindi ang maging popular sa larangan ng pelikula, radyo at telebisyon. 4. Bilang isang magaling na cook sa kanilang pamilya, at dala na rin ng kanyang pamamalagi sa ibang bansa sag awing ito bilang OFW, nagsilbi si Mrs. Mendoza bilang quality controller ng kanilang negosyo. Pinaninindigan niya ang pagsasabing hindi niya kayang ibenta ang pagkaing hindi niya gustong kainin. Ang pakay o motibo ni Mrs. Mendoza ay para ipaalam na _____________. A. maselan siya sa pagkain. B. matapat sa tungkulin si Mrs. Mendoza. C. mahalaga sa kanyang ang kalusugan. D. ayaw niyang magkasakit. 5. Naglalakad si Mac Mac sa iskinita. Katanghaliang tapat noon. Wala siyang kamalay- malay na may bigla na lamang humablot ng kanyang cellphone. Sa isang saglit lamang ay isa na siyang biktima ng snatcher. Ang pakay o motibo ni MacMac ay upang paalalahanan ang lahat na _____________ A. iwasan ang pagdadala ng cellphone. B. iwasan ang paglalakad sa iskinita. C. madaling mawalan ng cellphone. D. hindi ligtas ang tao sa snatching maging katanghaliang tapat.B. Basahin ang sitwasyon sa bawat bilang. Piliin ang pangungusap na nagapapahayag ng kasiya- siyang palagay. Titik lamang ang isulat sa dahong sagutan. 1. Napatunayan sa isinagawang pananaliksik na sa 27 publikong paaralan sa Pasig City ay 8,341 mga mag-aaral ang may mabababang timbang dahil sa malnutrisyon. Dahil dito ay itinatag sa Pasig City ang programang “Tsibug Pampalusog”. 14
A. Palulusugin nga ang mga bata, wala naman silang baon. B. Pera na lang sana ang ibinigay sa mga mag-aaral. C. Ayaw ng nakararaming mag-aaral na bumigat ang kanilang timbang. D. Sa wakas, mababawasan o kung di man ay mawawala na ang malnutrsiyon sa mga paaralan.2. Ang pagkaing gawa sa buko, gaya ng nata de coco ay inimbento ng Pilipino subalit ang patent nito ay naibenta sa Japan at ang bansang ito ang nagparehistro sa pandaigdigang distribusyon. A. Baka muling sakupin ng Japan ang Pilipinas. B. Gusto lang magpasikat ang mga Hapon. C. Dapat mahiya ang gobyerno sa ginagawa ng mga Hapon sa ating bansa. D. Kilala na ang Pinoy sa mga imbensyon.3. Humigit-kumulang ay isang daang liham ang natatanggap ni Mariz bilang D.J. ng Radio Romance. Isang araw, isang liham ang tinanggap ni Mariz. Pararangalan siya ng Kapisanan ng mga Broadkaster sa Pilipinas (KBP). A. Sa wakas, nagkabunga rin ang pagsisikap ni Mariz. B. Bakit siya ang pararangalan? Bakit hindi ako? C. Gusto lang sorpresahin ng KBP di Mariz. D. Napakabata bata naman niya para parangalan.4. Bagoong na isda ang isa sa mga paboritong sangkap ng mga Pilipino sa kanilang ulam. Isinasama ito ni Aling Docia sa pinakbet at dinengdeng, kilalang pagkain ng mga Ilokano. A. Marunong nga siyang magluto, puro lutong Ilokano naman. B. Wala kasing ibang ginagawa iyan kundi magluto. C. Walang ibang alam lutuin iyan kundi pinakbet at dinengdeng. D. Pampalasa sa mga lutuin ang bagoong na isda.5. Ang proyektong Kabisig Laban sa Kahirapan ng Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ng Department of Social Welfare and Development ay kinapapalooban ng programa sa patubig, pagpapaelektrisidad at serbisyong pangkalusugan. A. Palabas lamang iyan ng gobyerno para masabing maka-mahirap ang mga lider ng bansa. B. Iyan lang naman ang kayang gawin ng DSWD. C. Panahon pa ni Magsaysay mayroon na iyan, eh. Wala na bang iba? D. Malaking tulong iyan sa lahat ng mga mamamayan. 15
Narito ang tamang mga sagot:A. 1. A B. 1. D 2. D 2. C 3. D 3. A 4. B 4. D 5. D 5. D Kumusta ang nakuha mo? Kung kailangan ay balik-balikan mo ang mgasa sub-aralin at nang mamaster mo ang kasanayan.Lagumin Mula sa mga araling napag-aralan mo ay natukoy mo ang mga pangungusap nanagpapakilala ng pakay o motibo, batay sa mga sitwasyong inilahad. Sa mga pangungusap nanabanggit ay nakadama ka ng iba’t ibang damdamin – pagkalungkot, pagkatuwa, at panghihinayang.Nakilala, naipaghambing at nakabuo ka ng mga pangungusap na nagpapahayag ng kasiya-siyangpalagay at di-kasiya-siyang palagay.SubukinA. Basahin ang mga pangungusap. Piliin ang titik na nagpapahayag ng pakay o motibo ng nagsasalaysay. Isulat ang sagot sa dahong sagutan. 1. Marami akong lupa sa Bulacan. Sampung hektarya na ang naipagbili ko. Iyong limang hektarya ng lupa ko sa Cavite ay sa susunod na linggo ko ibebenta. Nais ng nagsasalaysay na siya ay ______________. A. makapagyabang. B. makipagkaibigan. C. makitang naghihirap ang kanyang kausap. D. makilala sa lipunan. 2. Lahat ng mga clippings ukol sa kalusugan at negosyo ay tinitipon ko at maayos kong itinatago sa isang malaking envelope. Minamarkahan ko ang mga iyon para madaling mahanap kung kakailanganin ko. Ang pakay o motibo ng nagsasalaysay ay para malaman ng kanyang kausap na siya’y ___________________. A. malinis. B. maasikaso. C. maraming trabaho. D. organisado. 16
Search
Read the Text Version
- 1
- 2
- 3
- 4
- 5
- 6
- 7
- 8
- 9
- 10
- 11
- 12
- 13
- 14
- 15
- 16
- 17
- 18
- 19
- 20
- 21
- 22
- 23
- 24
- 25
- 26
- 27
- 28
- 29
- 30
- 31
- 32
- 33
- 34
- 35
- 36
- 37
- 38
- 39
- 40
- 41
- 42
- 43
- 44
- 45
- 46
- 47
- 48
- 49
- 50
- 51
- 52
- 53
- 54
- 55
- 56
- 57
- 58
- 59
- 60
- 61
- 62
- 63
- 64
- 65
- 66
- 67
- 68
- 69
- 70
- 71
- 72
- 73
- 74
- 75
- 76
- 77
- 78
- 79
- 80
- 81
- 82
- 83
- 84
- 85
- 86
- 87
- 88
- 89
- 90
- 91
- 92
- 93
- 94
- 95
- 96
- 97
- 98
- 99
- 100
- 101
- 102
- 103
- 104
- 105
- 106
- 107
- 108
- 109
- 110
- 111
- 112
- 113
- 114
- 115
- 116
- 117
- 118
- 119
- 120
- 121
- 122
- 123
- 124
- 125
- 126
- 127
- 128
- 129
- 130
- 131
- 132
- 133
- 134
- 135
- 136
- 137
- 138
- 139
- 140
- 141
- 142
- 143
- 144
- 145
- 146
- 147
- 148
- 149
- 150
- 151
- 152
- 153
- 154
- 155
- 156
- 157
- 158
- 159
- 160
- 161
- 162
- 163
- 164
- 165
- 166
- 167
- 168
- 169
- 170
- 171
- 172
- 173
- 174
- 175
- 176
- 177
- 178
- 179
- 180
- 181
- 182
- 183
- 184
- 185
- 186
- 187
- 188
- 189
- 190
- 191
- 192
- 193
- 194
- 195
- 196
- 197
- 198
- 199
- 200
- 201
- 202
- 203
- 204
- 205
- 206
- 207
- 208
- 209
- 210
- 211
- 212
- 213
- 214
- 215
- 216
- 217
- 218
- 219
- 220
- 221
- 222
- 223
- 224
- 225
- 226
- 227
- 228
- 229
- 230
- 231
- 232
- 233
- 234
- 235
- 236
- 237
- 238
- 239
- 240
- 241
- 242
- 243
- 244
- 245
- 246
- 247
- 248
- 249
- 250
- 251
- 252
- 253
- 254
- 255
- 256
- 257
- 258
- 259
- 260
- 261
- 262
- 263
- 264
- 265
- 266
- 267
- 268
- 269
- 270
- 271
- 272
- 273
- 274
- 275
- 276
- 277
- 278
- 279
- 280
- 281
- 282
- 283
- 284
- 285
- 286
- 287
- 288
- 289
- 290
- 291
- 292
- 293
- 294
- 295
- 296
- 297
- 298
- 299
- 300
- 301
- 302
- 303
- 304
- 305
- 306
- 307
- 308
- 309
- 310
- 311
- 312
- 313
- 314
- 315
- 316
- 317
- 318
- 319
- 320
- 321
- 322
- 323
- 324
- 325
- 326
- 327
- 328
- 329
- 330
- 331
- 332
- 333
- 334
- 335
- 336
- 337
- 338
- 339
- 340
- 341
- 342
- 343
- 344
- 345
- 346
- 347
- 348
- 349
- 350
- 351
- 352
- 353
- 354
- 355
- 356
- 357
- 358
- 359
- 360
- 361
- 362
- 363
- 364
- 365
- 366
- 367
- 368
- 369
- 370
- 371
- 372
- 373
- 374
- 375
- 376
- 377
- 378
- 379
- 380
- 381
- 382
- 383
- 384
- 385
- 386
- 387
- 388
- 389
- 390
- 391
- 392
- 393
- 394
- 395
- 396
- 397
- 398
- 399
- 400
- 401
- 402
- 403
- 404
- 405
- 406
- 407
- 408
- 409
- 410
- 411
- 412
- 413
- 414
- 415
- 416
- 417
- 418
- 419
- 420
- 421
- 422
- 423
- 424
- 425
- 426
- 427
- 428
- 429
- 430
- 431
- 432
- 433
- 434
- 435
- 436
- 437
- 438
- 439
- 440
- 441
- 442